By:
emray
E-mail:
iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[21]
Pagkabigo
ni Andrew kay Nicco at Tagumpay kay Stephanie
Isang
maliit na salu-salo ang inihanda ng pamilya del Carmen para idagdiwang ang
kaarawan ni Stephanie. Kasama sa inanyayahan ng pamilya ang kambal na del
Rosario maging si Nicco. Isang magandang umaga iyon na maaliwalas ang paligid,
masarap ang simoy ng hangin at higit sa lahat maganda ang panahon.
Napagpasyahan ni Andrew na bisitahin ang kanilang lumang bahay sa may dulo ng
bayan. Nais niyang balikan ang mga alaalang nasa lugar na iyon. Mga alaalang
masasaya at hindi magaganda, higit sa lahat ang mga alaala ng kanyang mama.
Matapos kasing maganap ang trahedyang iyon sa pamilya nila ay lumipat sila ng
bahay para unti-unting malimutan ang naganap.
Pagdating
niya sa lugar na iyon ay nakita niya ang sasakyan ng kanyang kakambal na si
Andrei. Nakaramdam siya ng kaba at mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Pagpasok niya sa loob ay nakita niya ang kakambal na nakaupo sa hagdan,
tatawagin na sana niya ito ng mapansing may isa pang tao na naruon. Pagtingin
niya sa kayakap ng kakambal ay si Nicco. Masaya silang nag-uusap at tila ba
sarap na sarap sila sa bisig ng bawat isa. Sa pagkakakita ng ganuon ayos ay
tila nadurog na muli ang puso ni Andrew, subalit pinilit niyang maging kalmado
at inihakbang palayo ang mga paa.
“Nicco,
Nicco, Nicco, bakit patuloy akong nasasaktan kahit tanggap ko ng hindi ka sa
akin.” mahinang usal niya “Stephanie, patawarin mo ako, hindi ko naman
sinasadya na ganito ang maramdaman ko.” dugtong pa niya.
Dumiretso
na si Andrew sa tahanan nila Stephanie dahil tanghalian ang salu-salong inhanda
ng pamilya. Isang oras na din siyang anduon ng dumating ang kakambal kasama si
Nicco. “Magandang tanghali po” bati ng mga ito sa mga magulang ni Stephanie.
“Oh,
Andrew, kamusta kanina ka pa ba nadito?” tanong ni Nicco.
Pilit
man ang ngiti ay sumagot si Andrew “Oo, mga isang oras na din.”
“Talagang
mahal na mahal mo si Stephanie ano, masigasig ka sa panliligaw at nagawa mong
makapaghintay.” sabi ni Nicco “ganyan nasusubok kung talagang mahal mo ang
isang tao. Hindi ka bibitaw kahit na gaano ka maghintay. Dahil ang puso ng
tunay na nagmamahal ay hindi nagsasawa lalo na at kung alam niyang mayroon
talaga siyang hinihintay.”
Tila
napipi si Andrew sa sinabing iyon ni Nicco dahil sa totoo lang, nahintay man
niya ito ay nagawa pa din niyang maguluhan ng dumating sa buhay niya si Nicco.
“Pero
kahit alam mong may hinihintay ka, may pagkakataon talaga na masusubok ang
tatag ng tao. Maraming darating, magiging mabait sa iyo, lagi kang aalalahanin,
darating sa puntong matutukso kang mahulog sa taong iyon. Pero alam ng puso
kung saan siya dapat na tumungo at sino ang makakapagbigay ng tunay na ligaya
sa kanya bilang tao.” saad ni Nicco.
“Ano
naman ang dapat gawin pag ganuon nga ang nagyari?” tanong ni Andrew na tila
humihingi ng tulog.
“Bakit
ganuon ba nangyari sa iyo?” sabay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Nicco.
“Hindi
naman, naitanong ko lang.” may himig ng pagtatanggol sa sarili si Andrew.
“Kailangan
lang ng panahon. Isipin mo kung sino ba hindi mo kayang mawala sa iyo. O kaya
ay iyong hindi mo kayang makitang masaktan.” Sagot ni Nicco. “Kaya ng pusong
malaman yan sa pagdating ng tamang panahon.” Dugtong pa nito.
Dahil
sa sinabing iyon ni Nicco ay tila natauhan siya. Naisip niya na hinangaan din
niya si Nicco dahil sa ibang pananaw nito sa buhay. Nahulog din siya sa tinig
nito, sa mga ngiti na tila laging nagsasabing ingat ka kasi mahal kita. Mas
lalo niyang naramdaman ang pagkagusto dito dahil sa naging maalalahanin ito sa
kanya. Hindi ito nakalimot magtanong kung kumain na ba siya, o kung ayos lang
ba siya. Hindi madamot sa pagpapakita ng kabaitan sa kanya. Kailanman ay hindi
nagtampo o nakita niyang nagalit sa kanya.
Ngayon
ay nasigurado niyang hindi niya kayang saktan si Stephanie, alam niyang mahina
ang kalooban nito at madudurog din ang puso niya makitang umiiyak ang dalaga.
Alam niyang si Stephanie ang may kakayahang makapagbigay sa kanya ng
kaligayahan. Alam niyang kahit ilang beses siyang matukso ay babalik at babalik
siya sa dalaga dahil iyon ang gusto ng puso niya at iyon ang kukumpleto sa
kanya.
Bumaba
na nga mula sa itaas ang dalagang may kaarawan. Sa gitna ng kasiyahan at usapan
ng maraming bisita ay tumayo si Stephanie sa gitna.
“Para
sa lahat ng nandirito ngayon, nais kong ipahayag sa inyo ang isang magandang
balita. Lalo na sa isang taong nagawa akong hintayin.” Panimula nito.
Tila
nabalot ng kaba ang buong pagkatao ni Andrew at nahuhulaan na niya ang nais
sabihin ng dalaga na magandang balita.
“Sa
isang taong initindi ako, sa isang taong hinintay ako ng matagal, sa isang
taong iniwan kong umaasa. Masasabi kong nagbunga na ang paghihintay mo. Dahil
handa na ako ngayon para harapin ang isang bukas na kasama ka.” sabi pa ng
dalaga.
Tumingin
si Nicco at Andrei kay Andrew dahil batid din ng dalawa ang magandang balita na
iyon ni Steph. Nakaramdam ng hindi mapantayang kaligayahan si Andrew nang
masigurado niyang iyon na nga ang balitang matagal na din niyang hinihintay,
ang sagot sa tanong niya para sa dalaga.
“Em-Ehm
Andrew Mark del Rosario, tinatanggap ko na ang alok mo sa akin bilang maging
girlfriend mo.” sabi ng dalaga.
Tumayo
si Andrew at sinagot ang dalaga “Ayokong maging girldfriend ka” natahimik ang
lahat “dahil gusto kong ikaw ang maging asawa at katuwang ko sa buhay.” Dugtong
pa nito.
Napayakap
si Steph kay Andrew at nagsipalakpakan ang lahat ng anduon. Tila isang
napakalaking tagumpay nito para kay Andrew. Alam niyang hindi siya nabigo
talaga kay Nicco dahil si Nicco ang gumising sa kanya para lalong mahalin at
pahalagahan si Steph.
“Bro,
binabati kita” sabi ni Andrei.
“Salamat
kuya, sa wakas sa akin na si Steph” nakangiting sabi nito.
“Sabi
ko sa iyo Kuya Andrew at magiging maganda ang bunga niyan.” Sabi ni Nicco.
“Salamat
Nicco, hulog ka ng langit sa akin, salamat sa iyo.” pasasalamat ni Andrew.
“Wala
akong alam na dapat ipagpasalamt mo.” sabi ni Nicco.
“Akala
mo lang na wala pero mayroon. Basta salamat talaga.” giit ni Andrew.
“Sabi
mo eh.” Nakangiting sagot ni Nicco.
Hapon
na ng mapagpasyahan umuwi nila Andrei at Nicco. Nagpaabot naman ng gabi si
Andrew sa bahay nila Steph para makasama pa ito ng mas matagal. Kinagabihan ay
tila nasa tuktok pa din ng mga ulap si Andrew dahil sa nangyari. Masiglang
masigla ang binata, at lalong naging makulay ang buhay nito. Nakatulog ng
mahimbing si Andrew habang nilalasap ang tagumpay nito.
[22]
Pagmamahalang
Wagas ni Nicco at Andrei
Natapos
na ang bakasyon, ngayon ay haharapin na ulit ang bagong taon para makapag-aral.
Si Stephanie ay kumuha ng advance subjects sa Australia kung kayat ang apat na
taon sanang pag-aaral ng Public Administration ay naging tatlo. Sa ngayon ang
dalaga ay nakapasok sa munisipyo bilang Head ng Public Relations Office.
Lumakad
ang mga araw at gaya ng dati ay madals magkaroon ng tampuhan ang dalawa.
Madalas magselos si Nicco, higit pa ngayon na naging Mr. Engineering si Andrei.
Madaming nakadikit na mga babae at pinapantasya din ng mga bading. Minsan nga
ay inaalala nito ang kasintahan na baka may mag-offer ng indecent proposal
kapalit ay grades. Mas lalong naging protective si Nicco kay Andrei, mas
hinigitan niya ang paglalambing dito. Lagi din niyang inaalala ang academic
standings nito kayat ang laging sitwasyon sa apartment nila ganito.
“Andrei
ko, pagkakain mo gumawa ka na ng mga assignments mo.” paglalambing ni Nicco.
“Opo
mahal kong Nicco pagbubutihin ko para sa iyo” sagot ni naman ni Andrei.
“Dapat
lagi kang nag-aaral at nagrereview ng mga pinag-aralan ninyo.” Pagkasabi ni
Nicco nito ay lalapit sa likuran ni Andrei para yakapin.
“Ang
sweet naman, kaya madaming langgam dito sa bahay dahil sa inyo, naiinggit tuloy
ako, sana andito din si Steph.” sabay tawa pagkasabi ni Andrew ng ganitong mga
kataga.
“At
ikaw naman Kuya Andrew ko, hindi ko mo’t pagmamay-ari ka na ni Steph eh hindi
na kita pakikialaman” nakangiting wika ni Nicco.
“Kaya
sa iyo ako, kasi hindi ka nakakalimot” isasagot naman ni Andrew kay Nicco.
“Tigil
na iyan, baka magselos pa ako.” Idudugtong pa ni Andrei at sabay na
magkakatawanan ang tatlo.
Karaniwan
na ang ganitong mga sitwasyon sa tatlo tuwing magkakasama.
Si
Nicco naman ay dalawang taon ng napagwawagian ang Tinig Unibersidad, isang
singing contest na para sa buong unibersidad nila. Nakilala din ng madami at
hindi maikakailang madami ding humahabol dito ng tingin. Lalo na’t malapit ito
sa mga tao, kahit hindi niya kakolehiyo ay madami siyang kakilala. Naging daan
ito para makapasok siya sa Student Council. Lagi naman siyang sinusuportahan ni
Andrei sa lahat ng proyekto nila. Maging si Andrew ay naging active din dahil
sa dalawa.
Si
Andrew naman ay sumikat dahil tulad ni Andrei ay naging Mr. Accountancy ito.
Bantay sarado din it okay Nicco dahil iyon ang pangako niya kay Steph. Dumami
man ang umaaligid sa kanya, di niya pinapansin, lagi niyang iniisip, “maglaway
kayo sa akin, basta si Stephanie na ang may-ari sa akin.”
Mas
lalong naging madalas ang tampuhan ng dalawa pero sa bandang huli ay
nagkakaayos din. Habang dumadami ang tampuhan, mas lalo naman silang
nagmamahalan. Minsan nang naisipang dumalaw ni Andrei kay Nicco sa kwarto nito
ay nakita niya ang minamahal. May nakahigang babae sa balikat nito. Bukod dito,
may nakita din siyang nakatitig sa mahal niyang si Nicco na tila ba hinuhubaran
na ang mahal niya. Pagkaalis ng ulo ng babae ay saka naman ang lapit ng lalaki,
kitang-kita niya kung paano nito dinikit ang ari niya sa likod ng mahal na si
Nicco. Pagkatapos nun ay walang pakundangang niyakap nito ang mahal niyang si
Nicco. Nakita niyang nagwawala ang mahal niyan si Nicco, ngunit tumatawa. Hindi
na sana niya papansinin pa kahit selos na selos na siya para hindi na sila
mag-away pa, pero hindi talaga niya kayang magpigil ng damdamin.
“Nicco”
tawag niya mula sa likuran.
Agad
namang binitiwan ng lalaki si Nicco “Kuya Andrei, ikaw pala” nakangiti nitong wika.
Nang
makalayo na ang dalawa ay sinabi ni Nicco “Ang sweet sweet talaga ng Kuya
Andrei ko, dinadalaw pa ako.”
“Minsan
na nga lang kitang dalawin eh nahuhuli pa kitang nagtataksil” malungkot na wika
nito.
“Asus,
ang Andrei ko, nagseselos.” Nakangiitng sabi ni Nicco.
“Hindi
kaya ako nagseselos” sagot ni Andrei.
“Anong
hindi, kita naman sa iyo” nakangiti pa rin si Nicco sabay tingin sa mga mata ni
Andrei. Tila alam ni Nicco kung paano paamuhin ang kanyang Kuya Andrei dahil sa
ginawa niya ay tila lumambot ang puso ni Andrei at nawala ang pagseselos nito.
“Aminin
mo na nagseselos ka. Natutuwa nga po ako kasi nagseselos ka.” saad ni Nicco.
“Oo
nagseselos ako, nagseselos ako dahil mahal kita. Nagseselos ako dahil ayaw kong
mawala ka sa akin. Ang selos ay isang magandang ekspresyon ng pagiging
makasarili dahil ayaw kong may kahati sa iyo na taong minamahal ko.” sagot ni
Andrei.
“Nakaktuwa
talaga Kuya ko. Healthy iyon sa isang relationship, kaso dapat mag-ingat, dahil
baka hindi mo namamalayan nabibitawan mo na pala ako, hindi ko pa naman kayang
humawak ng ako lang mag-isa.” sagot ni Nicco “pero huwag kang mag-alala,
mananatili akong nakakapit hanggang sa maibalik mo ang pagkakahawak mo sa akin
dahil mahal kita.” Dagdag pa niya.
Tila
nasiyahan ang dalawa sa sagot ng bawat isa, kung kayat lalo nilang napatunayan
ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa ay mananatiling matatag anumang unos ang
dumating.
Unang
nakakauwi sa bahay lagi si Nicco, pero sa pagkakataong iyon ay nais niyang
makabawi sa Kuya Andrei niya kaya pinuntahan niya ito sa kwarto nila para sabay
na silang umuwi. Hindi niya maasahan ang kanyang nakita duon. May kaakbay itong
babae na mahahalatang maganda at mayaman, mga tipong kalolokohan ng madaming
kalalakihan. Hindi niya kaya na makita pa ang Andrei niya sa ganuong sitwasyon.
Tila habang tumatagal na makita niya ito sa ganuong sitwasyon ay nadudurog ang
puso niya. Ipinagpasya niyang umuwi na lang at huwag ng tanungin si Andrei
tungkol sa bagay na iyon.
Pahakbang
na siya palayo ng may tumawag sa kanya “Nicco” sabi ng isang tinig. Hindi niya
ito nilingon sa pag-aakalang ibang Nicco ang tinatawag.
“Niccollo
Emmanuelle Ray” sigaw ulit nito, pamilyar sa knaya ang tinig kayat lalo niyang
nasiguradong siya ang tinatawag nito.
“Carl,
ikaw pala iyan.” sagot niya. Si Carl ang kasamahan niya sa Student Council,
nalimutan niya na Enginering nga pala ang kinukuha nito.
“Saan
ka papunta, ano ang ginagawa mo dito sa floor namin?” tanong ng gwapong si
Carl.
“Wala
lang napadaan lang” sagot niya.
Bigla
namang napatayo si Andrei nang marinig ang pangalang Nicco at bigla siyang
napatakbo ng marinig ang buong pangalan ng kanyang mahal. Tumalon sa tuwa ang
puso niya ng malamang dinalaw din siya ng mahal niya. Hinitay na muna niyang makaalis
si Carl bago niya lapitan ang kasitahan.
“Nicco,
napadalaw ka ata?” tanong ni Andrei na bakas ang katuwaan.
“Sabay
sana tayong umuwi kaso nagbago na ang isip ko kaya hindi na din kita tinawag.”
Sagot ni Nicco sa mahinang tinig.
Naramdaman
ni Andrei na nagseselos si Nicco kayat hinila niya si ito sa malayo “Nicco ko,
kung ano man ung nakita mo kanina wala lang iyon.” Panimula nito “biruan lang
namin iyon at normal na sa amin iyon.” Dugtong pa nito.
“Wala
naman sa akin iyo. Huwag kang mag-alala nagtitiwala ako sa iyo, binibigay ko sa
iyo ang lahat ng tiwala ko” sagot ni Nicco “sige na uwi na ako, bibili na lang
ako ng pagkain para hindi na tayo magluto ah” paalam na Nicco.
Pipigilin
pa san niya si Nicco, subalit dumating na ang Prof. nila kayat hinayaan nalang
niya na makauwi ang mahal at sa bahay na lang aamuin. “Sige mag-iingat ka”
nag-aalalang wika nito.
Hindi
nagawa ni Andrei na magconcentrate dahil isa lang ang nasa isip niya. Nasaktan
niya si Nicco, si Nicco na pinakamamahal niya. Hindi siya makakatagal na may
galit sa kanya si Nicco. Tila ang isang oras at kalahati ay napakatagal na para
sa kanya. Nang matapos ang klase ay agad umuwi si Andrei. Pagpasok pa lang ng
bahay ay nanibago na siya sa nakita. Hindi tulad dati na si Nicco ang unang
sumasalubong sa kanya ay wala ito ngayon. Si Andrew lang ang nakita niya na
nanunuod ng TV.
“Kamusta
na ang araw mo?” tanong ni Andrew.
“Eto
maayos naman” sagot niya “si Nicco?” sunod na tanong niya.
“Nasa
kwarto masama ang pakiramdam” sagot naman ni Andrew “tingin ko nga may lagnat,
kasi pagdating dito kumain sandali tas nakatulog na.” dugtong pa nito.
“Ganuon
ba” pagkawika nito ay pinasok niya ang kwarto nito at nakita nga niyang
nahihimbing na ito. Nilapitan niya at saka binigyan ng isang halik sa noo.
May
tatlong kwarto ang apartment na iyon, may sala, kusina at kainan. May kalakihan
din at masasabing sakto na para sa kanilang tatlo.
Naninibago
man ay pinilit niyang ngumiti para hindi makahalata ang kakambal. Pagkatapos
kumain ay dumiretso ito sa kwarto ng minamahal niya si Nicco. Tinabihan niya
ito saka niyakap, hinaplos ang mukha at binigyan ng mumunting mga halik. Tila
inaamo-amo niya nang sa ganuon ay mapatawad na siya.
“May
tiwala ako sa iyo, tiwala ang bagay na dapat taglay natin para lalong tumibay
ang pagmamahalan natin. Kaso huwag sanang abusuhi o samantalahin ang tiwala
sapagkat mahirap na itong ibalik sa dati.” wika ni Nicco sa mahinang tinig.
“Sorry
na mahal kong Nicco, narealize ko, mali ang ginawa ko. Kahit na sabihing
kaibigan ko lang iyon, hindi pa rin tama, dahil alam kong masasaktan ka
pagnakita o nalaman mo na ganuong ang pinapakita ko sa kanila.” sagot ni
Andrei.
“May
pagkakamali din naman ako sa iyo, iyong nakita mo kanina, hindi ko din dapat
hinahayaan iyon, dahil alam kong may isang tao na akong masasaktan pag nalaman
niya na ginagawa ko iyon.” sagot ni Nicco na may pagsisisi.
“Bati
na tayo?” tanong ni Andrei.
“Opo
naman, mahalaga nalaman natin kung saan tayo nagkamali para maitama nadin natin
ito hanggang maaga.” Sabay harap kay Andrei at bingyan ng isang halik sa labi.
“Mahal
na mahal kita Nicco, ikaw lang ang buhay ko, wag mo akong iiwan” pagsusumamo ni
Andrei.
Mahal
na mahal din po kita Andrei ko, hindi kita magagawang iwan, sana ganuon ka din
sa akin” sagot ni Nicco sa mahal niyang si Andrei.
Higit
isang oras ding nag-usap ang dalawa ng magkayakap. Lumabas na si Andrei sa
kwarto ng mahal niyang si Nicco para makagawa ng mga dapat niyang gawin.
“Ano
Kuya? Napaamo mo na ba ang mahal mo?” tanong ni Andrew.
“Oo
bro, magaling na ang Nicco ko” sabay ang mahinang tawa.
Mula
ng gabing iyon ay lalong naramdaman ng dalawa na mas lalo nilang iniibig at
minamahal ang isa’t-isa. Pinatutunayan lang nila na walang limitasyon ang
pagmamahalan at hindi dapat husgahan ang ganuong uri ng pagsasama.
Love
is not bounded by any chances. It is the two truly in loved people that
matters. No matter what, love knows NO BOUNDARIES.
[23]
Masayang
Katapusan sa Buong Akala
Isang
buwan na lang ang nalalabi at matatapos na ang taunang pampaaralan. Sa
kabutihang palad, si Nicco ay makakatapos ng kolehiyo. Naipasa niya ang lahat
ng subjects maging ang thesis niya ay tinanggap. Kita ang kagalakan kila Andrei
at Andrew ng malaman nila ang tungkol sa magandang balita na ito. Subalit ang
kagalakang ito ay panandalian lamang pala at hindi din matatagalan ay mababalot
ng lungkot ang tatlo.
“O
aking Nicco, san ka pupunta? Sabado ngayon ah.” Nag-aalalang tanong ni Andrewi.
“Andrei
ko, may lalakarin lang ako, kukuha ako ng kopya ng birth certificate ko para
kung sakaling kailanganin ko di ba?” sagot ni Nicco.
“Samahan
kita, hitayin mo lang ako.” sabi ni Andrei.
“Huwag
na mahal ko, tapusin mo na lang yang ginagawa mong miniature model” pagpipilit
nito.
“Gusto
talaga kita samahan” kita ang kalungkutan sa mukha ng binata “pero sabi mo wag
na lang, sige pagbubutihan ko na lang itong ginagawa ko” sabay ang ngiti ni
Andrei.
“Tama,
dapat lang pagbutihin mo, para next year, ikaw naman ang makakgraduate.” saad
ni Nicco “O siya , alis na ako” paalam nito.
Habang
naglalakad ay nakaramdam ng pagkahilo si Nicco. Naninibago siya sa nararamdaman
sapagkat hindi naman siya nagkakaganito. Inisip na lalng niyang dala lang iyon
ng matinding init kaya ganuon ang nararamdaman niya. Habang nasa jeep ay tila
mas lalo niyang nararamdaman ang pagkahilo. Sa pakiramdam niya ay hinang-hina
siya. Hindi naman siya ganito dati, kahti na nga ba sabihing lagi siyang puyat
at pagod ay hinid isya nakakaramdam ng panghihina o pagkahilo. Naisip niya na
baka namimiss lang niya si Andrei kaya ganuon ang nararamdaman niya.
Ipinasya
niyang bumaba muna sa isang fastfood chain, sa loob ay umorder siya ng softdrinks
at fries. Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa kaya itinuloy niya ang pagbyahe.
Magtatanghali na ng makarating siya sa NSO, sakto namang nagcut-off kaya
maghihintay pa siya ng matagal bago muling magbukas ang mga opisina. Nakaramdam
ng ginhawa si Nicco sa loob at higit pa ng tawagan siya ni Andrei.
“Hello,
kamusta na ang mahal ko?” tanong ni Andrei sa kabilang linya.
“Eto,
ayos naman ang mahal mo, saying nga naabutan ako ng cut-off.” May
panghihinayang sa tinig nito.
“Ganuon
ba, siguro namimiss mo na ako ano? Kasi namimiss na kita” simpatikong tanong
nito na may halong paglalambing.
“Ang
asawa ko talaga, siyempre naman namimiss ko ang asawa ko.” Sagot ni Nicco na
may paglalambing din sa tinig.
Bagamat
bag okay Andrei na tawagin siyang asawa ni Nicco ay labis siyang natuwa. “Ang
asawa ko nglelevel up na” sabay ang tawa sa kabilang linya “puntahan kita
diyan”
“Magagalit
ako pagpinuntahan mo ako dito. Mas gusto ko matapos mo iyan, at higit pa makita
ko dapat iyan pag-uwi ko.” Giit ni Nicco.
“Ayoko
sa lahat na magaliang asawa ko kaya susunod na lang ako kahit ayaw ko.” Tila
nalungkot niyang sabi.
“Ang
asawa ko nag-drama pa” sabi nito “di bali, may sopresa ako sa iyo pag-uwi ko”
sagot nito “sige na, gawin mo na iyan?
“Sige
po, I love you Nicco ko” sabi ni Andrei buhat sa kabilang linya.
“I
love you more Andrei ko” sagot ni Nicco at pinindot na niya ang end call.
Saktong
ala-una ng magbukas ulit ang mga opisina. Hindi nagtagal at nakuha na niya ang
hinihintay niyang birth certificate. Pagkalabas ng gusali ay tinext na niya si
Andrei na pauwi na siya. Labis namang kinasabikan ni Andrei na muling makita
ang minamahal niyang si Nicco. Habang naglalakad siya patungong sakayan ay may
huminto sa harap niyang isang kotse. Pagkababa ng bintana ay bumati sa kanya
ang naksakay duon.
“Kamusta
ka na Nicco” sabi nito.
“Kayo
pala Dok Matthew. Kamusta na po kayo? Mabuti naman po ako.” Sagot nito.
“Saan
ba ang punta mo ngayon?” pagkasabi nito ay unti-unting bumuhos ang ulan
“sumakay ka na baka maulanan ka pa.”
“Sige
po, salamat po Dok.” Sagot nito “Pauwi na po kasi ako, galing po ako sa NSO
kumuha ng Birth Certificate.”
“Ihatid
na kita” sabi ng Doktor.
“Huwag
na po, may dadaanan pa po kasi ako sa may mall” sabi nito.
Nakapagkwnetuhan
ang dalawa habang inihatid ng doktor sa mall si Nicco. Sa loob ng mall ay
patuloy pa din ang patak ng malakas na ulan. Pagkahatid ng doktor kay Matthew
ay nagpaalam na ito sapagkat bibiyahe pa ito patungo sa seminaryong pareho
nilang naging tahanan.
Tila
lalong lumalakas ang ulan, pagkatapos mabili ang sorpresa niya kay Andrei ay
nagpasya na itong umuwi. Kahit malakas ang ulan ay sumugod pa rin siya dito.
“Buti na lang pinadoble ko ang plastic niotng caka pare hindi mabasa ung loob.”
Madilim na ang paligid, lalong sumama ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay
babagsak na siya ng may makapitan siyang poste.
Kita
ang pag-aalala kila Andrei at Andrew ng mga sandaling iyon. Nakahanda na ang
sasakyan ni Andrei para hanapin ang mahal niyang si Nicco. Nasa aktop na siya
ng paglabas ng may kumatok sa pinto. Si Nicco, basang basa ng ulan.
“Magandang
gabi mahal ko” sabay ang paggawad nito ng halik sa mga labi ni Andrei
“Magandang gabi Kuya Andrew” kasunod ang ngiti.
“Saan
ka ba nanggaling? Pinag-alala mo ako, hindi kita matawagan?” simula ni Andrei
samantalang si Andrew ay kumuha ng tuwalya para ibalot sa katawan ni Nicco
“kapag may nangyari sa iyong masama hindi ko mapapatawad ang sarili ko” dugtong
pa niya.
“Sorry
po kung pinag-alala ko kayo. Hindi ko naman inaasahang uulan ng malakas, nabasa
phone ko nung sumugod ako sa ulan kaya nasira siguro” sagot ni Nicco.
“Ang
mahalaga bumalik ka dito” sabi ni Andrei sabay yakap kay Nicco. Nakiyakap na
din si Andrew dahil maging ito ay labis na nag-alala sa kanyang kaibigan.
Inalalayan
ng kambal si Nicco para makaupo ng makahigop ng mainit ng tubig. Pinaghanda
naman nila noodles si Nicco ng sa ganuon ay mawala ang panlalamig nito.
Pinagpunas ng katawan at pinagpalit ng damit.
“Pasensya
na kayo, yung cake na binili ko nadeform na ata” sabay turo sa kahong kanina pa
niya dala.
“Sabi
ngang mas mahalaga ang andito ka na ngayon” sagot ni Andrei na maluha-luha na.
“Tama
iyon, kaya let’s celebrate” sabay kuha ng kutsilyo at binuksan ang kahon at
hinati ang cake.
Makalipas
ang ilang oras ay nagpahinga na ang tatlo. Napagpasyahan nilang tabi-tabi
silang matutulog sa kwarto ni Nicco. Alam kasi nilang hindi maganda ang
pakiramdam, nito. Nuong una ay tumanggi si Nicco, subalit lubhang mapilit ang
kmabal lalo na ang Andrei niya kayat napapayag na din siya.
Pagkahigang-pagkahiga ay nakatulog agad si Nicco. Si Andrei ay may dalang
maligamgam na tubig para iapahid kay Nicco samantalang si Andrew ay dala ang
kanil;ang mga unan at kumot. Niyakap ni Andrei si Nicco, hindi lang basta para
bigyan ito ng init kundi para iparamdam dito na mahal na mahal niya si Nicco.
Sa ganitong sitwasyon, naisin man ni Andrew na manatili sa kwarto at tabihan
ang kanyang dalawang kapatid, pinasya niyang mas mabuti kung magsosolo ang
dalawa kaya nagpaalam na siya kay Andrei at lumabas.
“Kuya
Andrei, sige iwan ko na kayo ni Niks, basta wag gagawa ng hindi maganda”
nakangiting sabi nito.
“Salamat
Andrew, oo, wlaa kaming gagawin, may pangako kami di ba?” sagot ni Andrei.
Pagkaalis
ni Andrew ay pinilit ni Andrei na makatulog, subalit hindi niya magawa. Kahit
nahihimbing si Nicco ay kinausap niya ito.
“Alam
mo Nicco, mas lalo kong napatunayang mahal kita. Hindi ako napanatag mula ng
hindi ka magparamdam sa akin. Kanina, naisip kong may masamang nangyari na sa
iyo, hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko nadudurog ang puso ko.,
pakiramdam ko mamamatay na ako. Mahal na mahal kita Nicco. Ayaw kong mawala ka
sa akin, huwag mo akong iiwan dahil hindi ko kakayanin. Ikaw ang bumuo sa akin,
ikaw ang bumubuo sa pagkatao ko, ikaw ang buhay ko Nicco. Mahal na mahal kita.”
Sabay ang pagtulo sa luha ni Andrei.
Lingid
sa kaalaman ni Andrei ay nagising si Nicco kanina pa at narining nito ang mga
sinabi niya. Sa isip ni Nicco ay sinagaot niya si Andrei. Hindi kaya ni Nicco
ang pag-alalahain ang kanyang Kuya Andrei kaya naman kahit nahihirapan ay
pinilit nitong makauwi. “Mahal na mahal din kita kuya Andrei, Ikaw na ang buhay
ko ngayon. Ikaw na ang mundo ko ngayon. Ikaw na ang lahat para sa akin.” Sabi
ng isip ni Nicco. Sabay umagos ang mga luha sa mga mat niya at nakatulog siya
sa ganuong ayos.
Kinaumagahan
ay pinilit ni Nicco na tumayo. Pinilit niyang kumilos para hindi na mag-alala
ang kanyang mga kuya lalo na si Andrei. Nararamdaman niya ang kirot sa likod
niya.Tila ba nagkadikit-dikit ang mga buto niya at sa pakiramdam niya ay para
bang ito ay tinutusok ng karayom.
“Natitiis
ko pa naman, mawawala din ito pamaya-maya” – sabi ng isip ni Nicco.
“Sakto
pala ako ang unang nagising, maipagluto nga muna sila para bago kami magsimba
ay makakain na muna” sabi ni Nicco – hindi na sila umuuwi ng San Isidro
sapagkat tambak ang mga gawain nila. Sayang lang sa oras ang apat na oras ng
byahe ng pag-uwi sa kanila.
Nang
mga sumunod na araw ay nakakaramdam ni Nicco ng pananakit sa likod, batok at
leg niya. Pinipilit niyang itago para hindi na mag-alala pa ang mga kuya niya.
Dumadalas din ang pagkahilo niya. Binalewala na lang niya ito at hinayaan.
Hinid niya alam na maari pala itong maging seryoso. Mas mahalaga sa kanya
ngayon ay kapiling niya ang pinakamamahal niyang si Andrei. At magkasama nilang
pinapatunayan na Love Knows NO BOUNDARIES. It is the realization of love
between two different people. Love speaks no limit, travels no end and feels
passionately and selflessly. True love is not judgmental, it is the matter of
understanding.
[24]
Paglantad
ng Katotohanang Itatago sa Lahat
Isang
linggo na lang at malapit nang matapos ang klase. Kita ang pananabik sa tatlo
na muling makabalik sa San Isidro, higit sa kanila ay si Andrew na sabik ng
masilayan muli si Stephanie. Sa isang linggong yaon ay talong linggo na ding
iniinda ni Nicco ang pananakit ng kanyang likod, batok at leeg. Paminsan-minsan
nga ay nararamdaman din niya na namamanhid ang mga ito. Inisip na lang niyang
dahil iyon marahil sa puyat at pagod. Madami na din ang nakakapansin na madalas
niyang ibinibiling ang kanyang ulo. Una sa mga nakapansin nito an gang Andrei
niya.
“Nicco
ko” panimula ni Andrei “sumasakit pa rin ba ang likod mo?” may pag-aalala sa
himig nito.
“Ah,
wag mo na lang akong alalahanin” sabi ni Nicco “mawawala din ito pamaya-maya”
dugtong niya sabay ang isang ngiti.
“Ganuon
ba, sige hahagurin ko na lang ulit mamaya” saad ni Andrei “sabihin mo sa akin
pag hindi pa din umaayos.”
“Sige
ba Mahal ko.” sagot nito.
“Kay
aga nagpapalanggam kayo dito” nakangiting sambit ni Andrew “patingnan mo na
kaya sa doktor yan?” dugtong pa nito.
“Huwag
na, pahinga lang ang kailangan nito.” Sagot naman ni Nicco.
“Kasi
naman masyado kang nagpapakapuyat, ayaw mo namang magpatulong sa amin.” Wika ni
Andrei.
“Alam
ko namang busy kayo, saka pagkatapos nito, tapos na ang stress. Mahabang
pahinga naman ang kasunod kaya ayos lang din.” Sagot ni Nicco na may himig ng
kasiguraduhan.
“Naku,
basta dapat maayos na iyan, dapat gumaling ka nab ago dumating ang graduation
mo.” Sabi ni Andrew.
“Huwag
kayong nag-alala ayos lang talaga ako.” pagdepensa nito sa sariling kalagayan
“maligo na kayo para makapasok na tayo.
Maagang
pumapasok ang mga ito. Pagdating sa silid-aralan ay nagsimula na namang
maramdaman ni Nicco ang pamamanhid ng kanyang batok at likod. Sumabay pa dito
ang sakit ng knayang ulo. Dumukdok na lang si Nicco sa lamesa niya. Hindi niya
namalayang nakaidlip pala siya, napansin na lang niya iyon ng tabigin siya ng
katabi niyang si Tiffany at sinabing nasa harap na ang prof nila. Nakaramdam ng
kaunting ginhawa si Nicco matapos ang isang matinding kirot mula sa kanyang
likod. Natapos ang klase na wala sa konsentrasyon si Nicco. Patuloy niyang
iniinda ang panankit ng kanyang likuran.
Katulad
ng dati, siya ang unang nakauwi sa bahay. Nagluto saka hinintay ang pagdating
ng kambal, gaya ng mga nauunang araw, darating si Andrew pagkatapos ay si
Andrei. Laging sabay-sabay sila kung kumain. Kaya naman pagkadating ni Andrei
ay agad itong pinagpalit ng damit ni Nicco habang hinahanda nila ni Andrew ang
pagkain. Saktong labas ni Andrei sa kwarto ay nakahanda na ang mga pagkain sa
mesa.
“Sarap
talagang magluto ng asawa ko.” papuri ni Andrei.
“Nagjojoke
ka na naman Kuya Andrei’ kontra ni Andrew.
Sa
ganoong paraan ay nagsisimula na ang kulitan nilang tatlo.
“Masakit
pa ba ang likod mo?” tanong ni Andrei kay Nicco.
“Hindi
naman masyado” matipid na sagot ni Nicco.
“Sige
hahagurin ko iyan bago ka matulog” may paglalambing na wika ni Andrei.
“Ako
Kuya Andrei? Pahagod din ng likuran ko.” singit ni Andrew.
“Ano
ka sinuswerte? Si Nicco ko lang ang pagsisilbihan ko” sabay ang tawa ng tatlo.
Nang
gabi ngang iyon ay hinagod ni Andrei ang likuran ni Nicco. Kahit naman kaunti
ay nawala ang pananakit nito. Naging mahimbing ang tulog ni Nicco. Tinabihan na
din siya ni Andrei at nakatulog sila ng magkayakap. Kinaumagahan, naunang
nagising si Nicco at naghanda ng pagkain. Pareho ang naging takbo ng araw nila.
Nang
sumunod na araw ay nakaramdam ng sakit ng buong katawan si Nicco. Tatlong araw
na lang ang nalalabi sa araw bago magbakasyon. Pinilit niyang bumangon ng araw
na iyon. Nakapasok pa din naman siya subalit ng maghahapon na ay hindi na talga
niya kinaya kung kayat hindi na niya tinapos pa ang klase.
Pagkauwi
ni Andrew ay agad niyang napansin na nakahiga sa sahig si Nicco. Hindi pa
nakkapagpalit ng uniporme, hindi tulad ng dati. Binuhat niya ito patuyngo sa
higaan nito. Hinintay niya si Andrei na makauwi, tinext din niya ang kapatid
para bumili na lang ng pagkain sa labas.
Pagkauwi
ni Andrei ay una niyang hinanap si Nicco.
“Nasa
kwarto, mataas ang lagnat” sagot ni Andrew.
Agad
namang pinuntahan ni Andrei si Nicco. Hinalikan sa noo at sinabihan ng “I love
you.”
Nawala
ang lagnat ni Nicco kinaumagahan ngunit bumalik din ng hapon. Kahit hindi niya
gaanong kaya ay pinilit niyang umarte na para bang wala siyang dinadaing na
karamdaman. Kahit pansin ng kambal ang ginagawang iyon ni Nicco ay hindi na
lang nila pinapansin, ayaw din naman kasi nilang bigyan pa ng alalahanin siu
Nicco. Kinabukasan ay ganuon din ang nangyari. Sa pagkakataong ito ay may
tumulong dugo mula sa bibig ni Nicco. Napansin ito ng mga kaklase niya.
Pinipilit siyang pumunta ng clinic subalit tinanggihan niya iyon.
Hindi
na niya tinapos pa ang klase, ayos lang naman iyon sapagkat wala na silang
ginagawa pa at alam ng mga prof niya ang nangyari sa kanya. Kinuha niya ang
calling card ni Dok Matthew na binigay sa kanya ng huli silang magkita. Araw ng
biyernes iyon at huling araw ng klase. Tamang araw din iyon dahil nasa ospital
sa maynila ang doktor na pakay niya. Tinawagan niya ang mga kuya-kuyahan niya
at nagpanggap na may pupuntahan lang dahil may tinatapos silang final
presentation mula sa batch nila. Pinayagan naman siya ng mga ito sa kundisyong
uuwi bago mag-alas-diyes ng gabi.
Sa
kabutihang palad ay anduon ang duktor na hanap niya.
“Nicco,
napasugod ka atang bigla” tanong ng duktor kay Nicco. “buti na lang at wala na
akong mga pasyente ngayon.”
“Kasi
po Dok” may pagaalinlangan pa din sa kanya kung tama ba ang gagawin niya.
“Ituloy
mo lang Nicco” pagpipilit ni Dok Matthew.
Kinuwento
na nga niya ang lahat sa kaibigang doktor. Kahit tapos na ang shift ng doktor
ay sumailalim si Nicco sa mga pagsusuring medical. X-ray, blood test, blood
count, urine test, at madami pang iba. Batid kasi ng duktor kung anong maaring
karamdaman ni Nicco. Ninais makasigurado ng doktor na tama ang magiging
pagsusuri niya sa batang si Nicco.
“Nicco,
bumalik ka na lang bukas ng umaga” sabi Doktor “bago ako pumunta ng seminaryo
ay dapat makasigurado muna ako sa kalagayan mo.” dagdag pa nito.
“Sige
po Dok, salamat po ng madami” sagot ni Nicco.
Pagkauwi
ay tila nanghihina padin si Nicco. Kimanusta sioya ng kambal at bakas sa mukha
nila, lalo na si Andrei na labis ang pag-aalala para sa kanya. Matapos makakain
ay uminom si Nicco ng gamot na binigay sa knaya ng doktor. Naibisan ang sakit
na nararamdaman niya. Matapos nito ay balik ang sigla niyang nakipagbiruan sa
mga kuya-kuyahan niya. Nakapagkulitan at nakipag-asaran tulad ng dati.
Nagtataka man ang dalawa ay masaya pa rin sila dahil bumalik ang dating sigla
ni Nicco.
“Mga
Kuya ko” panimula niya “hindi muna ako makakasama sa inyo pabalik ng San
Isidro” malungkot nitong sinabi.
“Bakit
naman?” halos sabay na tanong ng kambal.
“Hindi
pa kasi kami nakakatapos gawin ung final presentation namin” pagdadahilan niya
“baka siguro pagkatapos na lang ng graduation ako makauwi.” dugtong pa nito. Sa
isip ni nicco –“Mainam din ang magsinungaling minsan para maprotektahan mo sila
sa pag-aalala.”
“Sige
si Andrew na lang ang uuwi bukas.” sabi ni Andrei.
“Hindi
kuya Andrei ko, sumama ka na pag-uwi” pamimilit nito.
Naging
mahaba ang diskusyon ng dalawa sa bagay na ito, sa huli ay nagwagi si Nicco at
napapayag niyang umuwi si Andrei. Dinaan niya sa lambing ang mahal niyang
kasintahan kayat sa bandang huli ay bumigay ito sa nais niya. Ayaw man ni
Andrei na iwan ang mahal na katipan ay ginawa pa din niya kalakip ang pangakong
mag-iingat ito. Kaya naman kinabukasan ng magpaalam ang dalawa ay dali-daling
naghanda si Nicco para pumunta ng ospital.
“Dok,
magandang umaga po.” bati ni Nicco.
“Magandang
umaga din. Umepekto ba ang gamot?” tanong ng duktor.
“Opo,
guminhawa po ang pakiramdam ko kagabi.” Masayang bati nito “Ano na po ang
resulta ng mga test na ginawa natin kahapon?” tanong ni Nicco bagamat
kinakabahn ay pinilit niyang kalmahin ang sarili.
Nagusap
ng masinsinan si Nicco at si Dok Matthew. Sinabing lahat ni Dok Matthew ang
tungkol sa kalagayan niya. Unti-unti ay umagos ang mga luha sa maga mata ni
Nicco ng malaman ang katotohan. Ipinagpatuloy lang ni Nicco ang pagluha. Ilang
minuto din siyang tahimik na umiiyak ng magsalita itong muli “Dok, wala po sana
kayong pagsasabihan nito kahit na sino.” pakiusap ni Nicco.
“Sige
iho, pero tandaan mo, kahit gaano pa man natin itago ang katotohanan, ang
katotohanan mismo ang maglalantad sa sarili nila. Ang mas masakit nito ang
taong inaalala nating huwag masaktan ay doble ang sakit na mararamdaman dahil
sa desisyon nating itago sa kanila ang katotohanan. Maaring sisihin nila ang
sarili nila dahil sa mahabang panahong pinagkait natin sa kanila ang totoo ay
hindi sila nakagawa ng paraan para makatulong o makakilos.” tila paalala ni Dok
Matthew.
Sumagot
si Nicco kahit nahihirapan “Mas mainam na itago na muna natin ang katotohanan lalo
na at hindi pa handa ang mga tao. Sa ganiotng mga pagkakataon, mas maganda na
kung unti-unti silang sanayin patungio sa paghahanda sa kanila ukol sa
tinatagong katotohanan. Pag alam nating handa na ang lahat at hinog na ang
bunga base sa nakikita natin, saka natin ihayag ang mga bag yna dapat nilang
malaman.” mahinahong sagot ni Nicco.
“Sige
iho, iyan ang kagustuhan mo. Sa ngayon ay reresetahan kita ng gamot para
maibsan ang mga pananakit na nararamdaman mo.” sagot nito.
“Salamat
pod ok” tanging nasabi ni Nicco.
“Higit
sa lahat kung kailangan mo ng kaibigan para makausap, andito lang ako.” Pahabol
ng doktor.
Walang
nagawa si Nicco kundi ang ngitian ang doktor. Pagkatapos nga ng usapang iyon ay
pinatatag niya ang kalooban dahil alam niyang siyang mag-isa lang ang haharap
sa problemang ito. Alam niyang masasaktan ang Kuya Andrei niya pagnalaman ito.
Gabi na ng makauwi si Nicco. Lumibot pa siya sa baywalk para makapag-isip ng
maayos. Pagkauwi ay muli niyang inisip ang mga bagay na gagawin. Hindi niya mapigilang
umiyak sa isiping iiwan na niya ang mahal niyang Andrei, magkakalayo na sila ng
mahal niyang Andrei.
Nang
gabi ding iyon ay kinausap ni Nicco ang Diyos, alam niyang ang Diyos lang
kanyang pwedeng kapitan sa mga oras na iyon. Alam niyang isang malaking tulong
ang kayang ibigay ng dakilang manlilikhang ito. Alam niyang sa bawat
pagdadaanan pa niya ay kaya nitong tulungan siya para malusutan ang bawat
pagsubok.
Sa
isip-isip niya, ito na ba ang sinasabing love is bounded by chances? Pero
nanatili siya na naniniwala na love knows NO BOUNDARIES, as long as the feeling
stays inside your heart, it will travel the endless roads, it will continue to
conquer great journeys and will give selfless emotions. Keep the love burning
inside your heart so that you can proudly say, I love unbounded. I am proud
that I break the barriers and love NO BOUNDARIES.
[25]
Tampuhang
Nicco at Andrei
Nakalipas
ang isang linggo at dumating na ang araw ng pagtatapos ni Nicco. Maaga ng
ipinaalam ng ama ni Nicco na hindi siya makakasama nitong umakyat sa entablado.
Dahil dito si Governor Don Joaquin ang kasama niyang aakyat at tatayong ama
niya. Tanghali ng dumating ang mga ito sa Maynila. Kasama ng mag-aamang del
Rosario sina Aling Martha, Fr. Rex, Chad, Rome at Stephanie.
Malungkot
man si Nicco ay hindi nadin niya ito pinansin. Nalalabi na lang ang araw niya
sa mundo bakit pa niya sasayangin sa kalungkutan. Higit sa lahat, may isang
desiyon siyang gagwin kung saan ibibigay niya ang lahat ng emosyon niya at
kalungkutan para dito. Si Nicco, hindi man nakapagtapos ng Cum Laude ay
nakatanggap naman ng natatanging pagkilala mula sa unibersidad. Hatinggabi na
ng makatapos ang programa, pinagpasyahan nilang kinabukasan nalang umuwi. Kaya
naman si Nicco at Andrei ang magkasama sa kwarto. Si Don Joaquin, Rome, Chad at
Andrew sa isang kwarto at si Aling Martha at Stephanie sa isa pa.
Nang
gabing iyon ay natulog na magkayakap si Nicco at Andrei, nakahiga si Nicco sa
mga bisig nito habang yapos naman niya ang buong katawan ng binatang iniirog at
minamahal niya. Nais niyang kahit man lang sa huling pagkakataon ay maramdaman
niya ang katawan nito, ang init na mula sa kanyang mahal at higit sa lahat ang
pakiramdam na protektado siya nito, alaga sa anumang oras at ang pakiramdam na
mahal na mahal din siya nito. Tumulo na lang ang mga luha niya ng maalalang
maaring ito na ang huling pagkakataon na magagawa niyang yakapin ang mahal
niyang si Andrei. Maaring bukas o sa susunod na araw ay hindi na niya
magagawang maamoy ang halimuyak nito, marinig ang tibok ng puso nito na tila
isang musika para sa kanya, maramdaman ang yakap ng binata o makita ang mukha.
Nakatulog siya sa ganitong isipin.
Kinaumagahan
ay maagang umalis ang lahat para bumalik ng San Isidro. Patuloy pa ding
pinag-iisipan ni Nicco kung itutuloy ba niya ang balak, subalit naiisip niyang
ito ang pinakamainam sa lahat. Kaya naman, kinagabihan matapos ang salu-salong
inihanda para sa kanya ay inaya niya ang Kuya Andrei niya sa isang lugar na
tahimik at malayo sa lath. Isang lugar na walang makakaisp na puntahan ninoman.
Kinakabahan si Andrei, ngunit higit ang kabang nararamdaman ni Nicco.
“Kuya
Andrei” panimula niya “alam mo namang mahal na mahal kita.” Sabi niya.
“Oo
naman, alam at nararamdaman ko.” Sagot ni Andrei, bagamat naguguluhan ay
pinilit pa din niyang intindihin at pakiramdaman ang nais sabihin ng minamahal
niyang si Nicco.
“Kahit
anung mangyari tandaan mo mahal na mahal kita” matapos nun ay tumakbo palayo si
Nicco. Pakiramdam niya ay hindi pa niya kayang pakawalan si Andrei. Ayaw pa
niyang mawala yito sa piling niya. Pero iyon lang ang paraan para ihanda ito sa
katotohanan. Ito lang ang paraan para hindi ito masaktan pag huli na ang lahat.
Hahabulin
sana niya si Nicco subalit may kung anong pumigil sa kanya para huwag itong
sundan. Higit pa ay kinabahan ito sa sinabi ng katipan na tila nagpapahiwatig
na mawawala ito sa kanya.
Hindi
nakatulog ng maayos si Nicco ng gabing iyon, subalit pinilit niyang magising ng
maaga, may dapt siyang ikunsulta kay Fr. Rex at sa Gobernador na nagsilbing ama
niya.
“Good
Morning po Father” sabay mano sa pari.
“Ano
ba ang sadya mo iho at napakaaga mo dito?” tanong ng pari.
“Nais
ko po sanang bumalik ng seminaryo” panimula niya “duon ko po nais gugulin ang
nalalabi kong mga oras”dagdag pa niya.
“Maganda
iyan iho, tunay ngang tinatawag ka ng Diyos para maging tagapaghatid niya ng
balita.” Saad ng pari “tutulungan kitang makabalik.”
“Salamat
po Father” tila nabunutan siya ng tinik nang aprubahan ng pari ang desisyon
niya.
Sunod
niyang pinuntahan ay si Governor Don Joaquin. Sinamantala niyang tulog pa ang
kambal ng masiguradong ang gobernador lang ang makakaalam ng balak niya. Tulad
din ng pari ay natuwa ang gobernador sa pasya niya at nangako ng suporta. Hindi
niya alam ay hindi din nakatulog si Andrei dahil pinag-iisipan nito ang sinabi
ni Nicco. Buhat sa likuran ay nagsalita ito.
“Iyon
pala ang nais mong sabihin sa akin kagabi” malungkot na sabi nito.
“Kuya
Andrei” tila nabibilaukan niyang nasabi.
“Ang
aga mo atang nagising? Sige mag-usap na muna kayo ni Nicco at maghahanda na ako
para makaalis.” Pagkasabi nito ay tumayo na ang gobernador at nagpaalam na
aakyat na muna ito.
Katahimikan
ang namagitan sa dalawa, nang hindi makaya ni Andrei ang sarili ay lumabas ito.
Sinundan naman siya ni Nicco. Higit pang binilisan ni Andrei ang paglakad “Kuya
Andrei!” sigaw ni Nicco. Tila may sariling buhay ang kanyang mga paa, nilingon
niya si Nicco at kita niya ang mga luha sa mata nito. Nadurog ang puso niya sa
nakitang umiiyak ang kanyang mahal.
“Pag-usapan
na muna natin ito” pakiusap ni Nicco.
“Sumunod
ka sa akin” aya ni Andrei.
Malungkot
man si Nicco ay nabuhay ang pag-asang mauunawaan siya ng Kuya Andrei niya.
Pagdating sa may parting iyon ng hardin ng mga del Rosario ay agad na angsalita
si Andrei.
“Ano
ba Nicco, pinaglalaruan mo ba ako?” galit na tanong nito.
“Kuya
Andr—“ hindi na niya natapos ang sasabihin.
“Ang
sakit Nicco, minahal kita, minamahal kita, mahal na mahal kita at hada akong
mahalin ka habang-buhay bakit mo nagawa sa akin to.” Puno ng kalungkutang
sinabi ng Andrei.
“Mahal
na mahal kita ng higt sa buhay ko, pero ito lang ang alam kong paraan para sa
bandang huli hindi ka masaktan.” Paliwanag ni Nicco.
“Kung
mahal mo ako, hindsi mo gagawin ito sa akin.” Napaluhang sabi ni Andrei “kung
ayaw mo akong masaktan, bakit ngayon ginagawa mo sa akin to?”
“Gusto
ko mging normal ang takbo ng buhay mo. Gusto ko matanggap ng lipunan ang
pagkatao mo.gusto ko mabuhay ka ng wlaang nilalabag sa pamntayan ng mga tao.
Yun lang ang gusto ko, makuha mo ang mga bagay na hindi mo makukuha pag kasama
mo ako.” mahinahong paliwanag ni Nicco.
“Makasarili
ka, bakit iyong gusto mo ang iniisip mo? Hindi iyon ang gusto ko. Ikaw ang
gusto ko. Wala akong pakialam sa mga bagay na makukuha ko pag hindi ka kasama,
mas gusto ko ng mga bagay na makukuha ko kapag kasama kita. Mahal na mahal kita
Nicco” giit ni Andrei.
“Pero
Kuya Andrei, intindihin mo sana ako.” Sambit ni Nicco na may pakiusap.
“Lagi
kitang iniintidi, sana ak oang intindihin mo ngayon.” Pagkasabi nuon ay umalis
na si Andrei at naiwan si Nicco. Napaupo si Nicco at walang ibang alam gawin sa
mag oras na iyon kundi umiyak.
Hindi
batid ng dalawa na may mga matang nakatingin sa kanila buhat sa itaas.
Nakikitang lahat ni Andrew ang naganap sa pagitan nila., Ganuon na lang ang awa
niya sa kakambal at ganuon din kay Nicco. Hindi niya alam kung sino ang
papanigan pero alam niya, maayos ang gusot sa pagitan ng dalawa.
Love
knows NO BOUNDARIES, hanggat kaya mong magtiis para sa taong mahal mo. Hanggang
alam mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para makita siyang masaya sa
hinaharap. Ang pagsasakripisyo para sa mahal mo ay isang patunay na love knows
NO BOUNDARIES. As long as love is selfless, it can soar high, as long as it is
pure, it can go a far distance.
No comments:
Post a Comment