By:
Dalisay
Blog:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail:
angelpaulhilary28@yahoo.com
[16]
"Wala
tayong dapat na aksayahing panahon Perse. Mahirap ng malaman nilang nawala ang
ambush team na nakatoka sa gubat." si Rovi sa kanilang team leader sa
misyon na pasukin ang kuta ni Park Gyul Ho.
"Tama
ka pare. Pero anong plano ang sinasabi mo kanina? Sa report mo ay mukhang iisa
lang ang naiisip mong paraan para pasukin ang factory, tama ba?" seryosong
sabi ni Perse sa kanya sabay bugha ng hinithit na sigarilyo.
"Oo.
Magpapanggap tayo bilang ang mismong ambush team." tumatangong sabi niya.
"Paano
gagawin iyon? Imposibleng hindi kilala ang mga nakasagupa mo ng mga tauhan
doon."
"Base
sa observation ko, mukhang per team ang mga taong nagbabantay. Sa layo ng mga
gate sa isa't-isa, hindi imposibleng sabihin na hindi sila halos magkakakilala.
At ang ambush team na nakasagupa ko ay may takip sa mga mukha. Pwede nating
gayahin ang mismong hitsura nila at pumasok sa kuta na iyon ng hindi
napapansin."
"Sige,
gagawin natin yan, pero paano natin gagawan ng paraan ang ikalawang gate? Pati
na rin ang mismong factory na may automatic lock?" si Perse na
diskumpiyado pa rin sa kaniyang plano.
"Wala
bang sinabi sa'yo si Rick? Sa mga oras na ito, malamang ay naisagawa na niya
ang plano." napapailing niyang wika ng maalala ang balak na gawin ng
kaibigan.
"Anong
plano?" kunot-noong tanong ni Perse.
"Lilipad
siya."
"Lilipad?"
"Tatalon
siya sa isang eroplano pare. Yung jump suit na dinesenyo ni Jerick ng katulad
ng sa isang squirrel ang gagamitin niya pagkakalas niya sa parachute. Timing
ang kailangan natin. Isang sabay na atake mula sa taas at sa ibaba."
"Walang-hiya!
Siguradong masaya ito!" natatawang sabi Perse sabay high five sa kanya.
"Sinabi
mo pa. I-radyo mo na si Rick. Nasa ere na yun malamang."
Tumalima
ito at inayos ang static ng communication line. Ilang saglit pa ay nakakuha
sila ng malinaw na sigla mula kay Rick. Medyo maingay gawa ng hangin sa
paligid.
"Pare!
Langya ka! Nag-a-ala Batman ka diyan ha." si Perse.
Tumawa
ito. "'Tol, pumasok na kayo. Siguradong hahanapin na ang mga nakasagupa ni
Rovi kanina. Walang tao dito sa lalandingan ko. Okay na ang pwesto." medyo
garalgal ang tinig nito gawa ng nasa ere ito.
"Sige
'tol. Nakaisip na rin kami ng paraan. Kapag nakapasok na kami, sila Anipse na
at Takeshi ang susunod sa atin. Kailangang magawan mo ng paraan na mapasukan ng
bug ang kanilang surveillance system para ma-hack ito ng mas madali ni Jerick.
Kanina pa naloloko ang mokong sa pag-crack ng security code ng buong hideout.
Mukhang matinik ang anti-hacking security system ng buong lugar." mahabang
paliwanag ni Perse.
"Sige
'tol. Raradyohan ko na lang kayo kapag nasa rooftop na ako." paalam ng
tinyente.
"Sige."
"Okay.
Men. Move!" sigaw ni Perse.
"Yes
sir!
Binalikan
nila Rovi ang lugar kung saan nakasagupa niya ang ambush team ng talipandas na
Koreano. Naroroon din ang grupo ni Jerick na busy sa laptop nito at nasa loob
ng isa pang van na gamit nila papunta doon.
Nakahanda
na rin ang disguise nilang gagamitin na mula rin sa mga nakalaban niya.
Kailangan lang nila ng suot nitong mga jacket at takip sa mukha. Pare-parehas
naman silang mga naka-itim kaya tama na ang mga iyon para sa kanila.
Tinapik
niya ang busy-busyhan na si Jerick. "'Tol! Anong balita?"
"Sa
radyo at tv?"
"Ungas!"
"Same
to you." saka ito natawa sa sariling kalokohan.
"Hindi
nga. Nasa itaas na si Rick. Papasok na rin kami any moment."
"Okay
yan. Pero dalhin ninyo yung mga mini-time bomb ko." sinenyasan nito ang
isa sa mga kasama nila at may inabot na mga malilit na tila lighter.
"Ayos
to ah." aniyang napapangiti.
"Ako
pa." sabay turo nito sa sarili.
"Oo
na." naiiling na sang-ayon niya.
"Siyanga
pala, Perse! Nakalapag na si Rick." imporma ni Jerick.
"Talaga?
Sige. Men. Get your ass ready. We're moving in five minutes." seryosong
pahayag ni Perse.
Mabilis
silang kumilos. Isinuot ang disguise at isinukbit ang mga armas na gagamitin. Kinuha
rin nila ang mga M-16 rifle na gamit ng nakasagupa niya kanina at ang ilang
flash bomb, tear-gas, mini-bombs at ilang kunai, combat knife at butterfly
knives.
Parang
may iisang isip na nagtanguan sila at kumilos palabas ng gubat para pumasok sa
gate na pakay nila nang tawagin sila ni Jerick.
"Mga
hunghang. Iyong bug at mic nakalimutan niyo. Paano kayo malalaman ang
instructions ko kapag na-hack ko na?"
Napakamot
sa ulo ang ilan sa kanila saka mabilis na kinuha ang mga bugging device at mic.
Nang all set na talaga sila ay lumarga na sila para lumapit sa bukana. Ang
siste ay raradyo sila kung pwedeng magpalit ng poste at kailangan nilang
magre-group.
Nagpanggap
siya bilang yung sniper na naka-poste kanina saka sila kumilos ng kumpirmahin
na ng kausap nila sa radyo na may papalit na sa "kanila".
"Okay
men. Alerto lang. Move." si Perse.
Mabagal
ang kilos nila pero sigurado. Kailangan na din na tutok sila sa mga posibleng
mangyari katulad ng pagkabuko sa cover nila. Natanaw nila ang gate at
sinalubong sila ng limang tao doon. Katulad ng hinala ni Rovi, nakipagtanguan
lang sila dito at saka sila pinatuloy. Disimulado at pasikretong inilaglag niya
ang isa sa mga mini-bomb na mukhang lighter.
"Santos!
Lighter mo." tawag sa kanya ng isang tauhan ni Gyul Ho.
"Ah
salamat. Pero wala ng laman yan 'tol."
"Ganoon
ba?" Nagkibit balikat ito at saka itinapon ang inakalang bomba sa malapit
na basurahan sa mismong gate.
Napansin
din niya ang simpleng pag-iitsa ni Perse at ng tatlo pang kasamahan sa mga dala
rin ng mga itong mini-bombs. Para sumabog iyon ay kailangan lang nilang
kausapin si Jerick na nakikinig lang sa kanila mula sa bug na nakakabit sa
kanila.
Ang
misyon, makarating sa ikalawang gate at malapit na sila doon. Pagkatapos,
magbabagsak pa sila ulit ng ilang mini-bombs saka gagawan ng paraan na
madisarmahan ang mga naroroon. Malapit na sila ng mapansin nila ang bulungan ng
ilang nakaposte sa ikalawang gate. Duda siya sa ekspresyon ng mga ito kaya
nagsalita siya ng mahina sa mic para kay Perse. Good thing na nakatakip sila ng
mukha.
"Pasabugin
na natin. Mukhang bistado na tayo. Trap ito pare."
"Mukha
nga. Okay. Jerick, men, on three. One. Two. Three." sabi ni Perse sabay
kalabit ng gatilyo ng M-16 na dala-dala. Kasabay rin nun ang pagsabog ng
sabay-sabay ng mga bombang naitapon na nilang lahat.
Naghiwa-hiwalay
silang lima na nakapasok sa loob. Sa kabiglaanan ng mga tauhan ng Koreano ay
nawalan ang mga ito ng pagkakattaon na gumanti ng putok. Bawat lumabas na
kalaban ay pinapuputukan nila. Napansin niya ang bukas na bintana ng isang
gusali na kinaroroonan niya. May nauulinigan siyang mga tao sa loob. Kinuha
niya an gisang flash bomb at inihagis iyon doon saka nagpaputok.
Sa
sala-salabat na balang pinakakawalan nila ay imposible na para sa kalaban ang
makaganti agad. Kahit ang nasa unahang gate na tinatanaw niya sa kalayuan ay
itinumba na rin ng mga kasamahan nila.
"Perse,
nasaan ka pare?" sigaw niya sa habang nagpapaputok. Ang mga lumalapit or
malapit lang sa kanya ay nakakatikim ng suntok o dika sipa saka niya
pinapaputukan.
"Tang-ina
pare! Na-miss mo agad ako?" nakakalokong sabi nito na halatang nag-eenjoy
din sa sagupaan nila.
"Ulol!"
tumatawa rin niyang sabi.
Magsasalita
pa sana siya ng maagaw ang atensiyon niya ng malakas na pagsabog mula sa itaas
ng mismong building na pinasok ni Rick. Mukhang ito ang may pakana nun. Mahilig
din ang mokong sa grand entrance.
"Agaw-eksena
ang lolo mo!" sigaw niya kay Perse na ang tinutukoy ay si Rick.
"Oo
nga. Ang tinyenteng eksenadora!" banat pa nito.
Natawa
silang pareho at muntikan ng hindi maka-iwas sa mga bala ng marinig nila ang
biglang pagsasalita ni Rick sa linya nila.
"Mga
ungas! Naririnig ko kayo."
Paiwas
siyang tumalon sa isang kalaban na dadaluhungin siya. Wala na kasi siyang bala
kaya kailangan niyang gamitin ang kwarenta y singko niya.
"Kamusta
Tinyente?" nangiinis niyang sabi in between shooting every one on his way.
Maingay
na maingay ang paligid sa bawat pagsabog. Unti-unting pumapasok na sa loob ng
building ang mga kalaban at ang steel gate ay nagsasara na. Napapalatak siya ng
wala sa oras.
"Rick.
Pasara na ang gate. Ano bang ginagawa mo diyan?" sabi niya habang
pinapatamaan ng bala ang mga kumag na nag-aatrasan.
"Naglalaba!
Baliw ka ba? May sarili rin akong laban dito. At saka ikinakabit ko ang
pang-hack ni Jerick." naasar na sabi nito. Narinig pa niyang nagmura ito
at nagpaputok ng sunod-sunod.
"Bilisan
mo diyan. Kailangan na makapasok kami."
"Sigurado
yun. Sige na."
Natuon
na rin ang atensiyon niya sa kung paano sosolusyunan na makapasok kahit
nakasara na ang mga gate.
Pinagbabaril
niya ang nasa bukana ng building. Ganoon din si Perse na mula sa kung saan ay
nagmamadaling lumapit sa kanya.
"Pare,
mukhang hirap si Rick sa taas." aniya rito.
"Ang
hirap buksan niyan tol. Kung magagawan ng paraan ni Jerick na ma-hack ang
system niyan ay pwede niya iyang buksan. Pero siguro may iba pang pwedeng
pasukan diyan." sagot ni Perse.
Nilinga
nila ang paligid. Tama ito. Imposibleng iyong mga gate lang ang tanging pwedeng
pasukan doon. Ang pagingit ng sementong tinamaan ng bakal ay hudyat na nakasara
na ito ng lubusan. Walang paraan para daanan ang mga bintana dahil maging ang
mga ito ay nakasarado na rin. Automatic ang lock na iyon at ang command ay mula
sa computer.
Nagpasya
silang maghiwalay ni Perse para maghanap ng ibang mapapasukan. Dumating na rin
ang tatlong kasama nila pati na rin sila Anipse at Takeshi na nagsilbing
back-up nila. Nagkanya-kanya silang hanap ng pwedeng pasukan ng sumigaw si
Perse na halos ikabingi niya.
"Tang-ina
pare! Ang lakas ng boses mo." reklamo niya.
"Huwag
ka ng magreklamo. May nakita akong pwedeng pasukan. Dito kayo sa likod ng
building. Bilis!" excited na sabi nito.
"Talaga?"
"Oo
nga."
Tinanguan
niya ang mga kasama at pinuntahan na si Perse.
"Pare,
kailangan ko talagang makita ka. Hinahanap ka ng mga tauhan ni Kring. Mabuti na
lang at naitago ko na nag pamilya ko. Nasaan ka ba?"
Nagmamakaawa
ang boses na iyon ni Monday. Naitakas niya ang cellphone ng tulog na bantay
nilang pulis. Nag-aalala siya ng sabihin sa kanya ng kamakailan ni Sarhento
Jerick na nawawala ang pamilya ni Monday na binalak iligtas ng mga ito.
Nagi-guilty
siya ng husto. Pero hindi tumutugma ang sinabi ni Jerick na ang pamilya ni
Monday ay kinuha ng mga armadong tao.
"Akala
ko ba pare eh nakuha ng mga tauhan ni Kring ang pamilya mo?"
"Muntikan
na silang matangay pare. Nakaagaw lang kami ng atensiyon kaya nakatakas
kami."
"Ganoon
ba? Buti naman. Saan ba kayo nagtatago?"
"Sa
isang kaibigan pâre." maagap na sagot ni Monday.
"Narito
ako sa isang safehouse sa Batangas pare. Duda ko sa Calatagan ito. Pero di ko
alam ang eksaktong lugar." pag-iimporma niya.
"Pwede
ba ako diyan pare at ang pamilya ko? Mas maganda kung ang pulis may hawak sa
amin. Walang-hiya ang Kring na iyon 'tol. Gusto ka na palang idispatsa
nun."
"Itatanong
ko tol. Kokontakin ulit kita kapag nagkaroon ng pagkakataon. Try ko
bukas." pagpapaalam niya na rito.
"Sandali
lang 'tol. Wala ka ba talagang kinuha kay Kring?" tanong ni Monday.
"Wala
'tol. Yung nasa aking epektos, nasa mga pulis na."
"Ganoon
ba? Buti at walang nangyaring masama sa Tiya mo."
"Oo
nga eh."
"Oh
sige 'tol. Okay na." paalam nito.
"Anong
okay na?" nagtataka niyang tanong.
"Ang
ibig kong sabihin, okay na kami rito nila Misis. Sige, tawag ka na lang
ulit." nagmamadaling paalam nito. Pero bago nito binaba ang linya ay
narinig niya ang pag-bell ng isang bagay. Nagkibit balikat na lang siya dahil
di rin niya kayang tukuyin kung ano iyon.
Nagmamadali
siyang bumalik sa loob ng bahay at pasikretong isinauli ang cellphone
pagkatapos mabura ang call register ni Monday.
Nananakit
ang ulong lumabas ulit siya at pinag-isipan ng husto ang nangyayaring kaguluhan
sa buhay niya ng dahil lang sa pagnanais na yumaman.
Wala
siyang magawa kung hindi ang mapabugha ng malalim na hininga.
Itutuloy...
[17]
"Those
Son of bitches!!!"
Natatarantang
iniwasan ni Kring ang ibinatong baso ni Park Gyul Ho. Galit na galit itong
tumayo at halos magbugha ng apoy ang mga mata sa galit dahil sa ibinalita nilang
kaganapan ngayon sa pabrika nito sa Batangas.
"Akala
ko ba ay inayos mo na ito Kring? Paano nalaman ng mga pulis na iyon ang hideout
at operations natin sa Batangas?"
Hindi
na siya nagulat sa pagsasalita nito ng tagalog. Purong koreano ito pero dahil
ang mga aktibidades nito ay sa Pilipinas mostly ginagawa ay natuto na ito sa
tagal ng panahong pananatili sa bansa. Idagdag pang ang magaling na assistant
nito ay isang Pilipina. Si Alexa.
"Ah...
nahulihan tayo ng tao sa nakaraang shipment. Mukhang iyon ang nagkanta sa atin.
Alam ni Ms. Alexa ang tungkol doon." kinakabahan niyang sagot.
Tinapunan
ng nagtatanong na tingin ni Gyul Ho si Alexa kaya naman nakahinga na siya kahit
kaunti. Ngayon niya lang napansing kanina pa siya nagpipigil ng paghinga sa takot.
"Totoo
ba iyon, Alexa?"
Patamad
na tumayo si Alexa at tinungo ang mini-bar sa loob ng opisinang iyon. Pasosyal
na nagsalin ng brandy sa baso bago sumagot sa boss niya.
"Yes.
Ako ang head ng shipment na yun diba? At iyon ang mismong shipment para malaman
ang pwesto ng mga kalaban natin. Huwag kang mag-alala. Kung may tao tayo sa
kanila ay may tao rin tayong nakuha."
"Anong
ibig mong sabihin?" mapanganib na tanong ng koreano.
"I
have their sniper friend for a hostage. Ipapaalam ko na sa kanila iyon mamaya.
Pasensiya na Gyul Ho, I have to hide this from you. Ayoko ng abalahin ka sa mga
ganitong pangyayari. Besides, maliit lang naman ang epektos na nasayang ng
dahil doon. Nabawasan man tayo ng ilang tao at epektos, ay nagawa naman nating
makakuha ng isa sa kanila. Its high time our enemies know that we mean
business." mahaba at maarteng sabi nito.
Napataas
ang kilay ni Kring sa narinig. Alam na niyang matalino ang babaeng assistant ng
kanyang boss pero hindi niya akalaing kaya nitong kumilos ng ganoong kagaling.
Mabuti na lang at na-trace na nila si Bobby. Nagbunga na ang pagtitiyaga niya
na kontakin ang sim card nito. Kanina lang ay nagawan nila ng paraan sa tulong
ni Monday ang malaman kung saan ang safehouse na pinagdalhan kina Bobby.
Nataranta
na naman siya ng makitang sa kanya nakatingin ang amo. Kahit matagal na siya sa
operasyon nito ay kinakabahan pa rin siya kapag kaharap ito. Alam niya kasing
hindi siya sasantuhin nito magkamali lang siya ng kilos.
"Yung
pinapahanap ko sa'yo Kring? Yung janitor?" tanong ng amo.
Napangiti
siya ng alanganin at kinakabahang sumagot. "Na-nalaman na po namin kung
nasaan sila. Nasa Batangas lang dina ng safehouse nila Sir. Nasa may Calatagan.
Kaya po ako nandito ay para humingi ng dagdag na tauhan para doon."
"Magaling.
Alexa, asikasuhin mo ang kailangan niya. Siguraduhin mo ring walang makikitang
mga epektos doon sa pabrika ang mga hinayupak na pulis na iyan." inis pa
ring sabi nito.
"Don't
worry Boss. Everything's being taken cared of. Ang pagpunta nila sa pabrika
natin ay isang pagpapatiwakal. Nakapasok man sila ay hindi nila mapapasok ang
mismong pabrika. And if they did, katapusan na nilang lahat. I altered the
security system of our hideout." animong demonyo sa pagkakangiti si Alexa sa
Boss niya. Na-curious tuloy lalo ang baklang mataba.
"Anong
klaseng alterations?"
"I
heard they have this hacker or some computer and gadget specialist. If ever na
magawa niyang ma-crack ang password and open the steel gates from afar, our
mainframe will automatically shutdown in five minutes. Kasabay nun ang
self-destruct mode na mangangailangan ng mabilis na kilos."
"Bakit
anong mangyayari kung magbabagal-bagal sila?" curious na tanong ni Kring.
Naaaliw
naman na tiningnan siya ni Alexa mula ulo hanggang paa. Nagtaas ng kilay ang
baklang naka-yellow summer-dress at ganoon din ang assistant ng boss niya.
Parang may contest ng pataasan ng kilay. Natural versus tattoo.
"Tama
na yan." mapanganib na saway ni Park Gyul Ho sa mga tauhan.
"As
I was saying, kailangan nilang kumilos ng mabilis dahil... makalabas man sila
ng building, ang sakop ng pagsabog ay nasa dalawang kilometro. Damay ang lahat
ng nasa paligid. Kahit pa ang hacker nila."
Napalunok
ang matabang bakla sa narinig. Ganoon pala ito trumabaho. Talagang walang
paki-alam sa mga tauhan nilang maaaring madamay. Napailing siya.
"Hindi
ka bilib sa sinabi ko?" maaskad na tanong sa kanya ng babaeng maitim ang
budhi.
Umangat
na naman ang dati ng mataas na kilay. "May narinig ka bang sinabi ko? T.H.
ka na naman." naiiritang sagot niya.
"Ako
ba ang T.H. o ang baklang nagpipilit maging maganda sa yellow na
summer-dress?"
"Inaasar
mo ba ako?"
"Oo."
"Maldita
ka. Pasalamat ka at nandito si Boss kung hindi ay kinalbo na kitang hitad
ka."
"Oh,
I'm scared."
"Talaga!
Matakot ka!"
"Enough!"
sigaw na nagpatigil sa kanilang dalawa.
"Kumilos
ka na Kring at ikaw Alexa, arrange a meeting for me and this sniper. I would
like to see that SOB's face and give him a lesson he'll never forget."
nakakatakot na sabi ni Park Gyul Ho with matching devil grin pa.
"Sure
thing Boss." si Alexa.
"Opo
Boss." si Kring.
"Pare,
iyang air-duct na yan ang sinasabi mong papasukan natin?" nanlalaki ang
matang tanong ni Rovi kay Perse.
"Wala
ng iba." nakakalokong sagot ng kaibigan.
"Susme.
Akala ko kung anong kahenyuhan iyan. Kumag ka talaga."
"May
iba kang suggestion?"
"Hintayin
natin si Rick. Baka nalagay na niya ang bug sa security system ng pabrikang
ito."
"Makakapag-regroup
ang mga hinayupak na nasa loob kapag ginawa natin yun. Saka si Rick lang ang
nasa loob, baka mapano yun doon."
"Pare,
we're talking about Rick. Hardcore iyon. Kapag natumba yan sa ganitong klase
lang ng laban, hindi na siya si Rick na kilala natin."
"Sabagay
tama ka."
"Mabuti
naman at alam mong tama ako."
"So
ano pang hinihintay mo? Akyatin mo na yang air-duct."
"Ano?"
"You
heard me Rovi. Ikaw nga."
"Akala
ko ba hihintayin na lang natin na mabuksan ito ni Jerick?"
"Oo
nga. Pero aakyatin mo pa rin ito."
"Bakit?"
"Team-leader's
order. May reklamo?"
"Wala!"
"Good!
Akyat na."
Naiinis
na binalingan niya ang pader. May kataasan ang air-duct na iyon. Mukhang
sinadya na doon iyon nakapwesto sa gitna ng malaking pader. Mga sampung metro
ang taas nito mula sa lupa. Walang gutter na pwedeng tapakan o pagkapitan.
Naaasar na tiningnan niya si Perse na naaaliw sa nakikitang pagkairita niya.
"What
now?"
Naningkit
ang mata niya pagkarinig sa hayagang hamon na iyon. "Just watch baby. And
learn." Sabi na lang niya.
Naalala
niya ang bag niya. Good thing he brought his mechanical bow and arrow. Aluminum
Metal Mesh Alloy ang pana niyon at kayang bumaon sa pader. Customized iyon
galing pang Moscow.
"Aanhin
mo iyan?" tanong ni Perse.
"Maglalaba.
Maglalaba ako."
"Ah,
akala ko magdadance-revo ka."
Pinag-aralan
niya ang mga lugar na pwedeng patamaan. Labing-lima lahat ang pana niya. Pwede
siyang gumawa ng hagdanan or ng kakapitan. Pinakawalan niya ang mga bala ng
pana. Napapalakpak pa ang hudyong si Perse pagkakita ng ginawa niya.
"Salamat
at naaliw kita."
"You're
welcome 'tol."
Sinubukan
niya ang tibay ng gagamiting improvised na hagdanan at ng masigurong kaya ng
equipment ang bigat niya ay sinimulan na niya ang pag-akyat. Ang elisi ng
air-duct ay mabilis. Tinanggal niya ang screen saka nag-ipit ng dalawang
clay-bomb sa paligid nito saka mabilis na bumaba. Saktong nasa baba na siya ng
sumabog ang bombang itinanim niya. Patalon niyang iniwasan ang mga debris na
nalaglag.
Lumikha
ang pagsabog ng may kalakihang butas na kasya ang tao. Umakyat ulit siya at
mabilis na sinilip ang nasa likod nun. Namangha siya sa nakita.
"Rick!"
Itutuloy...
[18]
"Anong
ginagawa mo diyan pare?"
"Nagbubura
ng kalawang!"
Muntik
na siyang matawa ng makitang nakatiwarik ito sa kisame. Kung di lang sa takip
nito sa mukha malamang ay puro alikabok na ito. Marahil ay nakuha nito iyon sa
pagsabog. Naiiling na tinulungan niya itong makababa.
Nagmumurang
nagtanggal ito ng takip sa mukha. "Namputsa naman pare o. Muntikan na ko
doon ah?" iritadong sabi nito.
"Pasensiya
na. Malay ko bang nandito ka? Saka bakit ang tagal mong i-penetrate ang control
room nila?"
"Gwardiyado
pare. Saka papasukin ko na ng makita kong sumara ang steel gate nito. Kaya
naghanap ako ng air-duct. Tiyempo nakita ito at paakyat na ng magpasabog
ka."
"Tsk!
Nahirapan din ako sa pag-akyat dito. Idea ni tiyaga ito eh."
"Knowing
Perse, hindi magpapatumpik-tumpik ang isang iyon."
"Tell
me something I don't know 'tol."
Nagtawanan
pa sila na animo walang pinoproblemang malaki. Nagulat pa sila ng baol, anong
update?hagya ng magsalita ang object of amusement nilang dalawa.
"Mga
kumag, nandito lang ako sa baba. Make sure na walang makakarinig sa inyo kung
magtsi-tsismisan kayo."
"Nakupo,
narinig tayo." balewalang sabi ni Rick.
"Ex,
Anong update?" tanong nito kay Jerick.
"Ex
ka diyan! Wala pa. Kanina pa ako naghihintay dito. Ano bang ginagawa niyo
diyan? Prayer vigil?" sagot ng hacker.
"Hindi
Ex, iniisip kita." sabay kindat sa kanya.
"Timang."
sagot ni Jerick sabay hang sa kanila.
"Wow
pare. Sabi na nga ba eh. May something talaga kayo ni Salmorin."
"Ano
ngayon sa'yo?" taas-kilay na sagot ng malihim na tinyente.
"Wala."
"Mga
ungas kilos na." si Perse.
"Hoy
ako ang team-leader dito ah." singhal ni Rick.
"Sinabi
ko bang ako?" angil din ni Major Veance.
"Hindi
naman."
"Good."
"Pare,
we have company." putol niya sa asaran ng dalawa.
"Oo
nga." sagot ni Rick sabay bunot ng baril.
Nagsisidatingan
na ang mga alagad ni Gyul Ho at dinig na dinig nila ang yabag ng mga ito.
Kinuha niya ang isang flashbomb at tear-gas. Agad na nagsuto ng protective mask
silang dalawa ni Rick at nag-abang ng tiyempo para sa paghahagis ng mga ito.
Saktong pagliko ng mga tinamaan ng magaling ay inihagis na niya ang flashbomb
at tear-gas. Epektibong combination. Atake at depensa na magkasabay.
Agad
nilang sinugod ang kulumpon ng mga nabiglang haragan. Suntok dito, sipa doon.
Bali dito, bali doon. Lahat ng madaanan ay sinisigurado nilang makakatulog o
hindi na makakalaban. Kung kanina ay patay kung patay ang labanan, sa ganitong
pagkakataon ay kung kayang gawing immobilized ang kalaban ay gawin mo. Killing
was unnecessary if the attacker cannot fight you back.
Nang
matapos sila sa pambubugbog ng may labin-lima ring katao ay kinuha nila ang mga
armas ng mga ito. Lugi kasi sila sa dami ng nasa loob. Nakita nila ang mga
security camera sa hallway. Sinira ni Rick iyon.
"Bakit
'tol?" tanong ni Rovi.
"Kailangan
nating mapasok ang control room at all cost. Kung hindi pwede sa mismong pinto,
gagawa tayo ng sarili nating pinto."
"Ah...
gets ko na."
Iyon
lang at nagkasundo silang sirain ang lahat ng security camera na makikita
habang busy sa pagpapatulog sa bawat sumusulpot na kalaban. Ang ilan ay
pinatatamaan na lang nila sa binti sabay suntok sa mga ito para makatulog.
Nang
marating nila ang mismong control room ay saglit silang tumigil. Ang mismong
control room ay nasa gitna ng pasilyo. Nasa gitna rin na pakwadradong silid ang
bakal na pinto. Matatagalan sila doon. Nilibot ito ni Rick.
"Para,
side-stepping. Kaya pa ba ng claybombs mo?"
"Oo
naman. Hindi ko alam na magagamit natin ng husto ang imbensiyon ni
Salmorin." maagap na sagot ni Rovi. Ibinigay niya ang kalahati ng mga
claybombs na meron siya.
"Pare,
mabilisan ang lagay ha. Auto-detonate ang features nito kapag nadikit ito sa
semento. Fifteen seconds ang time limit. Kaya kung kaya mong maglagay ng mas
marami sa oras na iyon ay gawin mo.
"Iyon
lang ba? Yakang-yaka to."
"Sige.
Doon ako sa kabila."
"Move."
Mabilisan
nilang tinungo ang magkabilang pader. Naka-isip na siya ng plano para sa
gagawing assault. Sa tantiya niya ay mga sampung claybombs ang kailangan para
masira ang pader. Kaya ng dala niya yun. Naglagay siya agad ng lima na may
tag-iisang talampakan ang layo saka siya mabilig na lumayo.
Halos
sabay lang sa pagsabog na nilikha niya ang naging ingay sa kabilang panig.
Napangiti siya ng makitang gumana ang bomba. Mabilis siyang naglagay ulit ng
another set at lumayo. Halos sabay na naman sila ni Rick ng ginawa. Sa
panghuling beses na ginawa nila ay may liwanag ng tumatagos sa pader, tanda ng
nagawa nila ang pakay. Mabilis siyang naghagis ng flashbombs sa loob at
tear-gas. Padapa siyang pumasok sa loob at dahil naka-protective mask ay
kitang-kita niyang iniihit ng ubo ang bawat tao sa loob. Mabilis niyang pinatulog
ang bawat madaanan. Ganoon din si Rick na ngayon ay nakatayo na sa isang sulok
at hawak ang isang tauhan ni Gyul Ho sa leeg.
Hindi
nila alam kung nasaan ang tamang pipindutin doon kaya naman hinayaan na lang
niya si Rick na ilagay ang bug sa system ng mainframe computer. Nakita rin nila
sa surveillance videos ang pag-akyat ng ilang tauhan ng koreano. Napakarami pa
rin.
"Pare,
wala ka bang napapansin? Mukhang wala dito ang hinayupak na Koreano. At isa
pang ipinagtataka ko ay parang puro tauhan lang nila ang nandito at alam nilang
lahat na balak nating pasukin ito ngayon."
Nagtanggal
ito ng maskara. "Kanina ko pa iyan pinagtatakhan. I've been searching for
that bastard since I came here but he's nowhere in sight. Ang isa ring
pinagtatakhan ko ay ang obvious na sobrang-dali ng pagkakapasok natin. Kung
sinabi nilang tight talaga ang security dito ay hindi ko masyadong naramdaman.
Kakaiba ang feeling ko sa ginagawa nating ito."
"Tama
ka. How about that guy's statement? Iyong nahuli nila Perse na nagsasabing may
espiya sa atin. At si Alexa ang tinutukoy nung kumag. Nasaan nga pala ang
babaeng iyon pagkatapos kong ihatid sa'yo sa presinto?"
"I
sent her back to Gyul Ho. Wala akong sinabing susugurin natin ang lugar na ito.
Pero kung tama ang kutob ko, she's a double-spy. She might be working with us
and Gyul Ho at the same time. Malulungkot ako kung ganoon nga. So I guess, wala
akong choice kung hindi ang patumbahin na rin siya."
"Relax
lang 'tol. Babae pa rin iyon." pagpapakalma niya.
"'Tol
sa trabaho natin, walang gender discrimination. Skilled din si Alexa dahil ako
ang nag-train sa kanila ni Apple. Although dati pa man ay sa akin na ang
loyalty ni Apple kaysa sa kambal niya. May pagkasuwail ang isang iyon."
"Tsk!"
ang nasabi na lang niya.
"Security
Breached." ang sabi ng computer.
"Counter-attack
measures in 5 minutes."
"Shit!
Jerick! May auto-detect ang system nila. Huwag ka ng tumuloy."
"Too
late, Rick. Kayo ang umalis na diyan. Nang makapasok ako kanina ay nakita ko
ang self-destruct ng buong factory. Kapag natapos ang limang-minuto na iyan ay
siguradong imposible na ang pagtakas. Pero may isang paraan. I found a way to
stop it. Kailangan ko lang ng password."
"What
the..." tanging nasabi ni Rovi.
"I
think si Alexa ang may gawa nito. Ilang letters ang password?"
"I
don't know. Walang clue."
"Four
minutes 'tol. Kaya pa nating lumabas dito. I found a basement na pwedeng
pagtaguan. We have at least 20% of survival kung doon tayo magtatago nila
Perse."
"Men,
move. Mas madali kung sa gubat. We still have our van. Kayong dalawa na ang
magtago doon. Its better than all of us get trapped inside that basement."
si Perse na matamang nakikinig sa usapan nila.
"Try
Martina, Jerick." si Rick na binalewala sila.
"Negative."
"Two
minutes Rick." paalala niya.
"Try
Apex."
"Negative
Rick. Last try."
"What?"
singhal ni Rick.
"I'm
sorry. Nakalimutan kong hanggang 3 attempts lang."
"Fuck!"
"40
seconds Rick. Let's move." sigaw na ni Rovi.
"ahhh...
Try Felicitas!"
"Here
goes nothing!" si Jerick.
Napapikit
na lang si Rovi ng makitang 30 seconds na lang. Parehas sila ni Rick ng ginawa.
Nakikiramdam sa maingay na countdown. Piping nananalangin para sa kaluluwa
niya. At least they would die fighting.
"Oh
my God! It worked. Pasensiya na, nag-verify pa. I'll shut everything down saka
ko bubuksan ulit after five minutes. Diyan muna kayo." boses iyon ni
Jerick na nagpabalik ng hininga niyang pinipigil niya.
Pagdilat
niya ay naabutan pa niyang 8 seconds na lang at sasabog na ang buong lugar.
Dumilim ang paligid pero dinig nila ang mga yabag. Isinuot nila ang protective
mask at inilagay sa night vision mode. Walang nagsasalita sa kanila ni Rick
pero dama niyang nagpapasalamat din ito na nagawa nilang pigilan ang pagsabog.
Mamaya na siya magtatanong. Sa ngayon, bakbakan muna ulit.
Sa
safehouse sa Nagcarlan ay may may magaganap ding aksiyon. Mabilis na umibis ang
mga tauhan ni Kring sa sasakyan at pinaulanan ng bala ang buong bahay. Nang mga
sandaling iyon ay nasa labas si Apple. Sampung-katao ang lahat ng iyon. At ang
taong nasa loob ay walang iba kung di ang isa sa mga pulis na bantay nila. Nasa
beach ang mag-tiya. Kasama si Go, yung isa pang bantay.
Maingay
ang paligid sa walang-hanggang putukan. Mabilis siyang nagsumiksik sa mga halaman
at hinila ang nag-iisang malapit doon. Hindi napansin ang ginawa niya. Mabilis
niyang binali ang leeg ng nakuhang lalaki at binitbit ang baril nito. Nang
matapos ang mga ito sa ginawang pagpapaputok ay saka siya lumitaw sa bandang
likuran ng mga ito at pinaulanan ng bala ang siyam na lalaki.
Wala
ng lumalabas na bala sa M-16 na hawak niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa
ginagawa. Nanginginig siya sa galit at takot na kung nagkataong nasa loob sila
ay malamang na patay na silang lahat. Natigil lang ang ginagawa niya ng may
humawak sa braso niya at saka siya sinampal.
"Mandarin!
Tumigil ka!"
Natauhan
siya sa ginagawa. Nanlalaki ang matang napatitig kay Bobby. Mabilis niyang
nabitawan ang baril na hawak at yumakap dito. Napaiyak siya.
"Bobby!"
"Ssshh...
Tama na. Tapos na at... ang galing mo. Hindi ko alam na kaya mong humawak ng
baril."
pagbibiro
pa niya para mapatahan lang ito.
"A-ayoko
nga nun eh. Pero ako lang ang nasa malapit. At may training ako kay Rick. Kami
ng kapatid ko. Yun nga lang, ayoko talaga nun." umiiyak na sabi pa nito.
"Okay
na Mandarin."
"Apple."
"Huh?"
"Apple
ang pangalan ko."
"Paanong..."
"Diyos
ko! Anak anong nangyari dito?" si Tiya Edna.
"May
sumugod sa bahay." pagpapakalma ni Bobby sa tiyahin.
"Si
Marcus." anang pulis ng mahimasmasan.
"Mukhang
natunton na tayo." si Mandarin na Apple daw.
"Oo
nga Bobby. Kailangan na nating makaalis dito. Kokontakin ko si Rick. May
espesyal na gadget na ibinigay siya sa akin para makontak ko siya. We need to
get out of here fast. Hindi ako sigurado pero malamang na may mga kasama pa ang
mga iyan."
Napatango
na lang si Bobby sa babae. Paglabas ng pulis na si Go ay tumawag lang ito sa
istasyon at ipinaubaya na sila kay Apple. Kinuha lang niya ang gamit nila ng
tiyahin at mabilis na lumayo doon. Habang nagda-drive ay may ini-abot sa kanya
si Apple.
"I-dial
mo yung number sa likod. Ring lang ang maririnig mo pero mare-receive niya
yan."
"Sino?"
takang tanong niya dito.
"Si
Rick."
"Magpaliwanag
ka Apple o Mandarin o kung sino ka man. Anong nangyari kanina?" sabi niya
sa kontroladong boses habang ginagawa ang sinabi nito.
"Ako
si Apple. Nagpanggap lang akong Mandarin dahil isa akong asset ni Rick sa
club."
"Ano?"
"Totoo
yun. Alam ni Rovi ito."
"At
hindi niya sinabi sa akin?"
"Anong
sinasabi mo Mandarin?" si Tiya Edna na nasa likuran ng kotse.
"Isa
po akong espiya ni Rick sa club na pinagta-trabahuhan ng pamangkin niyo.
Hinihinala po kasi namin na mayroong drug smuggling operations doon."
pagpapaliwanang nito sa tiyahin niya.
"Walang
sumasagot."
"Patayin
mo na. Tatawag iyon sa akin." saka nito hinugot ang cellphone at inilapag
sa dashboard.
"Sino?"
tanong ni Tiya Edna.
"Si
Rick po."
Nag-ring
nga ang telepono at dahil sa nagda-drive si Apple ay siya na ang sumagot.
Huminga muna ng malalim si Bobby bago pinindot ang pangsagot sa aparato.
"Hello.
Tinyente?"
"B-bobby?"
"Rovi?"
At
nahigit niya ang paghinga.
Itutuloy...
[19]
"Bakit
ikaw ang may hawak ng cellphone ni Mandarin? Ikaw rin ba ang nag-dial sa
emergency number ni Rick?"
Natigil
ang pagkatigagal ni Bobby saa mga tanong na iyon ni Rovi. Bigla ang pagbilis ng
tibok ng puso niya. Nangangamba nga siya na baka marinig iyon ni Apple sa
sobrang lakas. Pinakalma niya ang sarili at huminga ng malalim.
Ano
bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Boses lang iyon. Boses!
"Hello?
Bobby?" ani Rovi sa kabilang linya.
"Uhm...
Ako nga ang pinag-dial ni Mandarin. Pasensiya na. Pero sinugod kasi kami sa
safehouse. Nagda-drive si Mandarin kaya ako na ang kumontak sa inyo. Nagpaiwan
si Go doon para salubungin ang mga pulis. Nadale si Marcus eh."
pagpapaliwanag niya.
Para
siyang sinisilihan na hindi niya maintindihan. Paanong naging ganoon ang epekto
sa kanya ng boses ni Rovi? Ano bang nangyayari sa kanya?
"Ano?"
sigaw nito sa kabilang linya. Nailayo niya tuloy bigla ang aparato sa tainga.
"Pare,
natunton ang safe house. Paano nangyari yun?" tanong nito kay Rick.
"Hindi
ko alam. Baka may kumontak sa kanila sa labas."
Nanlamig
ang pakiramdam ni Bobby ng marinig ang sagot ni Rick. Mukhang siya ang may
kasalanan kung bakit sila natunton. Pero imposibleng ikanta siya ni Monday?
Kaibigan niya ito? Ibinenta ba siya nito kina Mr. Gyul Ho? Pero bakit?
"Meron
bang kumontak sa inyo sa labas? May tinawagan ba si Mandarin? Hindi ba at
sinabihan siya ni Rick na magpalit ng number?" balik sa kanya ni Rovi.
"Mukhang
ako ang dahilan ng pagkakatunton nila sa safehouse." pikit-matang amin
niya.
"Ano?"
bulyaw na naman nito sa kanya. Panay ang mura sa kabilang linya.
"Patakas
ko kasing tinawagan si Monday para makibalita. Sabi niya muntik na daw madamay
ang pamilya niya dahil sa pagtatago ko. Pero hindi raw siya naniniwala sa
sinabi nila Kring. Ewan ko lang kung paano nila kami na-trace."
"Engot
ka ba? Nagtatanong ka pa. Malamang na-trace nila ang location niyo."
Nagtimpi
siya sa panglalait nito. Nakakarami na talaga 'tong alanganin na ito.
"Hindi
ko sinasadya iyon Rovi. Wala akong alam sa mga ganyang bagay kaya sana
maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo."
"Ewan.
Paka-usap nga kay Mandarin."
"Bakit
hindi mo siya tawaging Apple kung iyon naman ang tunay niyang pangalan?"
"Huh?!
Ah-- sige, pakibigay kay Apple."
"I-speaker
phone mo na lang Bobby." anang babaeng nagda-drive.
Pumailanlang
ang boses ni Rovi pagkatapos niyang i-on ang speaker phone.
"Ilan
ang sumugod sa inyo?"
"Mga
sampu. Bakit ikaw ang may hawak ng cellphone ni Rick? Ikaw ba ang sekretarya
niya?" paasik na sagot ng babae.
Natawa
si Bobby sa tensyon na agad bumalot sa paligid. Mukhang di pa rin natitigil ang
iringan ng dalawa.
"Oo.
May reklamo ka?"
"Wala.
Nasaan siya?"
"Busy.
Pwede mong sabihin ang gusto mo at naka-speaker din ako."
"Okay.
Rick, mabuti na lang at nasa labas kami. Well, ah, nadamay ang isang tao mo
pero at least buhay kaming lahat. Hindi sinasadya ni Bobby ang pagkakatunton sa
amin. Una pa lang, matinik na talaga si Gyul Ho. Ano na bang balita kay
Alexa?" tuloy-tuloy na birada ni Apple.
"Mukhang
tuluyan ng bumitiw ang kakambal mo sa atin." sagot ng tinyente.
"Oh
my God. Sira-ulo talaga yang babaeng yan. Pero paano ka nakakasiguro?"
"Nilagyan
lang naman niya ng self-destruct system ang pabrikang ito."
"Ganun?
Paano niyo natigil."
"Felicitas."
Natigilan
si Apple ng narinig ang sagot ni Rick. Na-curious din siyang malaman kung anong
meron sa Felicitas na iyon. Narinig niya ang disimuladong pagtikhim ng babae.
Waring nahihirapang sumagot.
"P-paano
mong nalaman a-ang tungkol doon Rick?"
"Ako
ang gumawa sa inyo kung ano man kayo ngayon. Don't ever think for one second
that I don't know everything about you and your sister." casual lang na
sabi ng Tinyente dito.
Napa-preno
ang babae na ikinagulat nilang mag-tiya. Napahawak sa dibdib ang matandang
babae.
"Bakit?"
anang tiya niya.
"H?
Ah wala po Tiya Edna."
Muling
nag-drive ang babae saka kalmadong nagsalita.
"Hanggang
kailan kami makakawala dito Rick?"
"Ikaw?
Hanggang kailan mo gusto?"
"Brute."
ngitngit na namang sabi nito.
"Thank
you." at tumawa pa ang tinyente sa kabilang linya.
"Papunta
kami sa Tanauan. Subukan niyong humabol doon. Ibababa ko lang ang mga ito at
magtutuos kami ni Alexa. Baka sakaling parehas pa kaming makaalis ng buhay sa
pesteng sitwasyon na ito."
"Your
call. Pero gawan mo ng paraan na maialis si Alexa doon ng buhay. Maniwala kayo
o hindi, I care for you both."
"Tell
that to the fucking marines Rick! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nasadlak sa
ganito. I can't blame Alexa for turning her back on you. Pero kilala kita, kaya
hindi kita kakalabanin. Ililigtas ko ang kapatid ko sa paraang alam ko."
"Do
that Apple. Pero kung lalayo kayong magkapatid, make sure na hindi ko kayo
makikita pang muli. After-all kayo ang pinakamagaling kong assets."
"Why,
you're so business-minded Tolentino."
"And
you're just the debutant Apple."
"I
can't wait to see you in your coffin."
"Matagal
pa iyon. Masamang-damo ako."
"Oo
nga naman. O siya. Magpadala ka ng clean-up doon. Duda ko na susugod doon ang
mga tao ni Gyul Ho. I have to check on Alexa. Kahit naman gusto kitang mamatay
ay hindi ko isasangkalan ang buhay ng kapatid ko."
"Sige
na, humahaba na rina ng usapang ito."
Iyon
lang at pinutol na ni Rick ang tawag. Litong-lito si Bobby sa mga narinig.
Gusto niyang magtanong kay Apple pero parang wala siyang lakas ng loob na gawin
iyon s anakikita niyang madilim na mukha nito na parang anumang oras ay sasabog
na parang bulkan.
"A-ayos
ka lang Apple?"
Lumingon
ito sa kanya at marahang tumango.
"Kung
gusto mong pag-usapan ay pwede mo akong lapitan."
"Thank
you Bobby. Pero malalim ang pinaghugutan nito. Ang tanging goal ko na lang ay
makaalis tayo ng maayos sa sitwasyong ito."
Napatango
na lang si Bobby at wala ng masabi. Tinapunan niya ng tingin ang tiyahin niyang
litong-lito rin ang hitsura.
"Anong
meron sa usapang iyon pare?"
Nagmamadaling-tanong
ni Rovi kay Rick. Nakatanggap sila ng report na paparating na ang mga pulis
kaya kailangan na nilang iligpit ang mga nakuha nilang kontrabando at
i-clean-up ang mga katawan ng mga tauhan ng koreano.
"Wala
pare. Huwag ka ng magtanong."
"Hindi
pwede Rick. Lahat kami ay walang alam sa mga pangyayaring iyon. Bakit hindi mo
sabihin sa amin? Bakit wala kaming alam kina Apple at Alexa?" pangungulit
niya.
"Hindi
lahat pwede kong sabihin pare. What I have with the twins is my business, not
yours." malamig na tugon nito.
"May
ganoong factor ka Pare? Para saan ang pagiging magkaibigan natin?"
"Meron.
At tungkol sa pagiging magkaibigan natin, may limitasyon ang lahat."
"I
thought we will always share?"
Huminto
ito sa ginagawa. Tinitigan siya. A kind of stare that will make anyone cold and
shaky.
"Don't
give that look Rick. Kahit alam kong matatalo ako sa'yo ay kaya kitang labanan.
Kaya para hindi na tayo umabot sa ganoon ay sabihin mo na sa akin."
Lalapit
sana si Rick sa kanya sa napupuyos na anyo ng may humarang dito at binigyan ito
ng shoulder throw. Napagibik na bumagsak sa lupa ang galit na galit na
tinyente.
"Tang-ina
Jerick! Bakit nakiki-alam ka?" sigaw nito.
"Tang-ina
mo rin. Bakit hindi mo i-share sa kanila ang lahat ng nararamdaman mo Rick?
Pilit ka ng pilit na itago iyang lahat sa sarili mo to the point na
nakakalimuitan mo na ang mga tao sa paligid mo!" mas malakas na sigaw ni
Jerick.
"Damn
you! Wala kang paki-alam!
"Oo.
Wala akong paki-alam! Pero kaibigan mo si Rovi. Hindi syota! Hindi Ex! Kaya
huwag kang umatungal diyan na para bang kaya mo ang lahat! Nasasaktan din ang
mga tao sa paligid mo kapag nasasaktan ka."
Tumayo
si Rick. May nang-uuyam na ngiti sa labi.
"Isa
ka ba sa nasasaktan Jerick? Do you still love me after all this time?"
Napipilan
ang sarhentong naki-alam sa pagsugod ni Rick. Hindi niya akalaing kaya nitong
ihagis ang tinyente. Nakita na niyang nalingunan ito ni Rick pero hinayaan lang
nito na ihagis siya ni Jerick. Confirmed na nga na mag-ex ang dalawang ito.
Puta! Ang dami niyang hindi alam.
"Huwag
kang hambog Rick." iyon lang at umalis na ito pagkatapos mabigla.
Tinapunan
niya ng tingin si Rick na pinapagpag ang damit at hinihimas ang balikat na
nasaktan. Isang tatawa-tawang Perse namana ng nagsalita at lumapit.
"Mga
parekoy! Tapusin na niyo yang LQ niyong tatlo. Tapos na ang clean-up. Malapit
na rin ang mga pulis. Naikarga na sa mga truck na narito ang katawan ng mga
hinayupak. Halina kayo."
"Sige
tol." walang-ganang sabi lang ni Rick.
As
for Rovi, hindi na siya nagsalita at nagtanong pa. Mukhang malalim ang ugat ng
lahat ng iyon. Kahit bestfriends sila ni Rick, hindi naman tamang ubingin niya
ito sa mga bagay na ayaw nitong malaman nila. Mabilis siyang sumunod sa mga ito
at sumakay sa sasakyan.
SAMANTALA,
sa isang safehouse sa Laguna.
"Ano
pa ang mga plano ninyo nila Rick?" sabay utos na diinan ang ulo nito sa
loob ng drum na puno ng yelo at tubig.
Pagkaahon
ay lalong nag-init ang ulo niya ng makitang nakangisi pa ito pag-angat.
Humihingal itong nagsalita.
"Wala
kayong makukuha sa akin."
"Ah
ganun?" sabay sipa niya sa mukha nito.
Tumalsik
ang lalaking hubo't-hubad na duguan ang buong katawan. Walang iba kung hindi si
Cody.
"Alam
ba ni Rick na traidor ka Alexa?" tanong nito kapagkuwan.
"Marahil
alam na niya ngayon." nakangising sagot niya.
"Wala
kang malalaman sa akin. Kaya kung ako sa'yo, patayin mo na ako kasi kapag
nakawala ako dito, tapos kayong lahat sa akin." tumatawang banta ng lalaki
sa kanya.
Naningkit
ang mata niya. "Ah... ganun ba?" kibit-balikat na sabi niya sabay
hataw ng latigo dito.
Napasigaw
ito sa sakit. "Ano masakit ba?"
Sa
gulat niya ay nagtatawa pa ito at nang-aasar na dinilaan siya. Hinataw niya
ulit ito ng latigo pero tawa lang ulit ang isinukli nito kapag natatapos
humiyaw sa sakit.
"Bakit
ka nagtatawa?" inis na sabi niya.
"Kinikiliti
mo ako eh?" nang-iinis na sabi nito.
"Ah
kiliti pala ha." sabi ni Alexa. Kinuha niya ang baril sa isang kasama.
Pinaputukan niya ang hita nito. Napasadlak lalo ito sa lupa.
"Tingnan
natin kung makatawa ka pa." sabay lapit dito at muling sinipa ito sa sikmura.
Nanahimik ito at mukhang nawalan ng malay.
"Linisin
niyo yan. Gamutin niyo ang sugat." utos niya sa talong naroroon.
"Bakit
Ms. Alexa?"
"Kailangan
natin ng buhay ang ugok na iyan. Matinik si Rick. Kailangan ko siya as
hostage."
Tumalima
na ang mga ito at binuhat ang walang malay na si Cody. Paglabas niya ay parang
nahahapong sumandal siya sa pintuan. Tumuloy siya sa labas at tinungo ang
sasakyan. Pagpasok niya ay napaluha na lang siya. Nagiging kumplikado ang
lahat. Naisip niya si Apple. She knew her sister well, inaakala na nito na
nagiging traydor siya. Kailangan niyang paniwalain ang lahat na traydor siya.
Para maitumba ang Koreanong ito.
May
bargain sila ni Rick, last na ito. Kapag natapos nila ng maayos, libre na sila
ni Apple. Nahahapong ini-start niya ang kotse at pinaandar iyon palayo sa
safehouse. Hiling niya lang ay makayanan ni Cody ang lahat ng iyon. Naaawa siya
rito, pero kailangan niyang malinlang ang lahat para sa ikare-resolba ng kasong
ito.
Next
stop niya, ang mismong hideout ni Park Gyul Ho. Kailang niyang makuha ang loob
nito at mukhang nagagawa na niya sa pamamagitan ng pag-traydor niya kay Rick
kunwari.
"Konting
tiis na lang Apple." bulong niya sa hangin.
Itutuloy...
[20]
Tahimik
na nakaupo si Bobby sa labas ng panibagong safe house na pinagdalhan sa kanila
ni Apple. Pagkahatid na pagkahatid nito sa kanila ay pinaharurot na agad ng
babae ang kotse palayo para daw makipagtuos sa kakambal nitong nagiging traydor
na yata.
Silang
dalawa lang doon ng tiyahin. Napakaliblib ng lugar at napakatahimik. Naalala
niya ang buhay sa probinsiya dati. Hindi kasing-gulo ng nangyayari ngayon.
Noon, may kahirapan at kapayakan man ang pamumuhay nila ay wala namang
humahabol na mga tauhan ng drug lord sa kanya. Marahil, kung hindi siya nangailangan
para sa pagpapagamot ng kanyang tiya ay malamang na wala silang ganitong
problema ngayon.
Naiinis
na napabugha siya ng hangin. Kung may maipagpapasalamat siya siguro ng malaki
ay iyong buhay pa sila ngayon ni Tiya Edna niya. At kung meron mang bagay na sa
tingin niya ay malala pa sa problemang hatid ng paghabol sa kanila ng koreanong
amo ay ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya para kay Rovi.
Ewan
niya pero gustong-gusto na niya itong makita. Pero kapag naaalala niya ang
naging reaksiyon nito pagkatapos ng nangyari sa kanila ay nangngingitngit siya
sa inis. First time lang niyang magparaya ng katawan sa kapwa lalaki ganun pa
naging resulta. Sa pagkakaalala pa naman niya ay nagustuhan naman ni Rovi ang
ginawa nila. Kasi siya, gustong-gusto niya.
Nag-init
na naman ang katawan niya ng maalala ang gabing iyon. Akala niya, simula na
iyon ng pagpapaamo niya dito. Totoo naman ang sinabi nito na gusto niya itong
gantihan nung una. Pero mukhang ang balak niyang pagganti ay nauwi sa
pagkahaling niya sa bagay na hindi normal na gustuhin ng isang tunay na lalaki.
Hinahanap-hanap niya ang darap na naranasan niya ng gabing iyon.
Tumayo
siya at nag-inat. Nag-push up at tumakbo-takbo sa paligid ng bahay. Nakapwesto
iyon sa isang burol. Natatakpan ng malalagong puno ng mangga at acacia.
Matatanaw mo kaagad kung mayroong paparating na sasakyan dahil nasa paligid
iyon ng malawak na palayan.
Nang
mapagod ay humilata siya sa papag sa labas ng bakuran. Kung wala lang sanang
malaking problema ang nakaamba sa kanila ay hindi siya nalilito ngayon. Ilang
ulit na niyang naitanong sa sarili kung bakit kailangang magkaganoon ang
tahimik niyang buhay. Nila ng tiya niya. Ninais lang naman niya ang kumita.
Napapailing na tumayo ulit siya para maghanda ng makakain nilang mag-tiya.
"Gawan
niyo ng paraan ang mga katawan na iyan. Hanapan na rin ninyo ng identity ang
bawat isa. Napakalaking clean-up ng gagawin natin. Mahirap ng masilip tayo.
Magtataka ang mga iyon sa pagkawala ng napakaraming katawan na iyan."
Tumango
lang si Jerick sa utos na iyon ni Rick. Hindi na ito nagsalita pa at sumabay na
sa paglakad ni Perse patungo sa napakalaking truck na naglalaman ng mga walang
buhay na katawan ng mga tauhan ni Par Gyul Ho.
"Kami
ng bahala Pare, tumuloy na kayo sa pupuntahan niyo." pahabol ni Perse sa
kanila.
Iyon
lang at tahimik na silang naghiwa-hiwalay. Patungo na silang dalawa ni Rick sa
safehouse na pinagdalhan ni Apple kina Bobby. Nakaramdam siya ng kakaibang
damdamin sa napipintong paghaharap nilang dalawa ng lalaki. Parang di siya
mapakaling pusa na ewan.
Nasa
kalagitnaan na sila ng biyahe ng basagin niya ang katahimikan sa pagitan nila
ni Rick. "Pare, sino si Felicitas?"
Wala
siyang narinig na sagot.
"Pare,
I think I deserve to know." pangungulit niya.
"Bakit?"
"Wala
ka bang tiwala sa akin?"
"Meron."
"So
what's keeping you?"
"Wala
namang significance sa'yo yun."
"Wala
talaga akong lusot sa'yo no?"
"Oo
Rovi. Kaya huwag ka ng mangulit."
"O
siya. Kung ayaw mong malaman ko kahit paano kung sino ang Felicitas na naging
dahilan ng pagkaka-save natin sa pagsabog ng factory ay hindi na kita
pipilitin."
Malakas
lang na buntong-hininga ang sagot nito at hindi na nagsalita.
Malapit
na sila sa isang gas station ng magsalita ulit si Rick.
"Ibaba
mo ako dito pare."
"Huh?
Okay."
Nang
huminto siya ay mabilis itong umibis ng sasakyan pero nanatiling nakatayo sa
may pintuan. Maya-maya ay yumuko ito para kausapin siya.
"Ang
Felicitas na iyon ay ang anak ni Alexa na hindi naisilang dahil sa isang
aksidente. Hanggang doon lang ang pwede kong sabihin."
Napangiti
siya. "Okay."
Tinapik
nito ang bubong ng sasakyan senyales na maaari na siyang umalis. Nang nasa daan
na ay binalot siya ng matinding kaba. Hindi niya mawari kung dahil sa magkakaharap
na sila ni Bobby ulit o dahil sa katatapos lang na maaksiyong pagsugod nila sa
factory.
"Tumatanda
ka na talaga Yuno!"
Kumukulo
na ang sinigang na baboy sa bayabas ng marinig ni Bobby ang ugong ng papalapit
na sasakyan. Dagli niyang pinatay ang stove at sinilip ang paparating na
sasakyan. Makikita niya ang paparating na "bisita" pero siya ay hindi
nito mapupuna. Salamat sa mayayabong na halaman sa paligid.
Isa
iyong van. Mukhang marami ang mga ito. Mabilis siyang pumasok ulit sa loob at
inalerto ang tiyahin.
"Tiyang,
magtago kayo dito." nagmamadaling hila niya rito.
"Saan
ba? At bakit ako magtatago?" natataranta rin nitong sabi.
"Basta.
Sabi ni Apple, kapag may parating diba ay magtago kayo dito? Mas maigi na
magtago kayo dahil hindi na ninyo kayang tumakbo. At least ako lang ang
hahabulin nila." mabilis na pagpapaliwanag niya.
Nang
makasigurong nakatago na ito sa sikretong lugar sa ilalim ng bahay ay saka siya
kumuha ng kutsilyo. Maigi ng may magamit siya kung sakaling may makahabol sa
kanya. Nang huminto ang sasakyan ay nagtago siya sa kusina at nakiramdam.
Sinilip niya ang pagbaba ng mga ito pero hindi niya makita. Tahimik ang kilos
ng kung sino mang bumaba sa sasakyan.
Umingit
ang pintuan sa harapan tanda ng nakapasok na ito. Narinig din niya ang paglapag
nito ng gamit sa sahig. Dahan-dahan ang kilos nito patungo sa kinaroroonan
niya. Halos pigilan niya ang paghinga para lang huwag marinig nito. Nang
malapit na ito sa pwesto niya ay ubod lakas niyang inundayan ng saksak ang
pangahas na pumasok.
"Holy
shit!" sabi nito.
Dahil
hindi nakatingin sa mukha ng inatake ay hindi niya ito nakilala. Ang akala
niyang matagumpay na pag-atake ay hindi pala dahil naisakatuparan dahil
naramdaman niya ang pag-angat ng katawan sa sahig kasunod ang pagkapilipit ng
kanyang kamay.
"Aray!"
"Bobby!"
Natigilan
siya. Nag-angat ng tingin at sa pagkamangha ay nakatitig sa kanya ng buong
pagtataka ang taong kanina lang ay gumugulo sa isip niya. Parang biglang may
nagkarerang daga sa dibdib niya at may nagliparang paru-paro pagkakita sa mukha
ni Rovi. Mabilis siyang kumawala at tumayo.
"R-rovi?"
Napapantastikuhan
naman na tumingin sa kanya. Hawak na nito ang kanina'y ipinagmamalaki niyang
armas. Nakataas ang kilay na inangat nito ang kutsilyo at may nagtatanong na
ekspresyon sa mata.
"Ah-
eh, ikaw p-pala ang dumating." halos pagalitan ni Bobby ang sarili sa
pagkakabulol-bulol.
"Sino
pa bang inaasahan mo na darating dito?"
"A-akala
ko kasi, k-kalaban ka."
"Susme,
kung kalaban ako, tingin mo didiretso ako ng pasok dito? Engot ka ba?"
Para
siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Oo nga naman. Kung kalaban
ito, baka pinaulanan na sila ng bala kanina pa. Pero teka? Engot na naman siya?
Aba! Nakakarami na ito ha.
"Magdahan-dahan
ka naman sa mga salita mo." naiinis na sabi niya.
"Pasensiya
na. Balat-sibuyas ka pala." ngising-aso na sagot nito.
Hanep!
Ang lakas mang-asar! Hiyaw ni Bobby sa isip niya. Kalma ka lang Bobby.
Asar-talo!
"Hindi
ako engot. Nagkataon lang na hindi kita nakilala. Huwag ka namang manglait
agad."
Ginaya
lang nito ang sinabi niya pero sa walang-tinig na paraan. Napatanga naman siya
sa ginawa nito. Bigla siyang napatawa pagkatapos.
"Anong
nakakatawa?" naiiritang sabi ni Rovi.
"Wala."
aniya sa pinipigil na tawa. Mabilis siyang lumayo rito at baka makatikim na
naman siya ng sakit ng katawan.
"Baliw!
Tumatawa ng walang dahilan."
Tinitigan
niya ito. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Ewan niya
pero napakalakas ng epekto ni Rovi sa kanya ngayon. Kung ano man ang dahilan ng
lahat ng iyon ay saka na niya hahanapan ng sagot.
"O,
anong nangyari sa'yo diyan?"
"Ah
eh, wala." aniya ng makabawi.
Parang
timang lang si Bobby sa kinatatayuan. Gusto niyang lapitan si Rovi pero alam
niyang magtataka ito. Kung alam lang nitong gustong-gusto niya itong hilahin at
halikan hanggang sa mapugto ang hininga nilang pareho. Oo. Gusto na niyang
maulit ang nangyari sa kanila. Kanina pa siya tigas na tigas pala sa ibabang
bahagi ng katawan niya. Ewan niya kung napapasin nito iyon kasi naka-maong
siya. Malay niya, baka kapag nakita nito iyon ay maakit itong muli at
maramdaman ang gusto niyang mangyari.
Naaaliw
na nakatitig si Rovi kay Bobby na ngayon ay parang itinulos sa kinatatayuan
nito. Nagulat siya talaga ng atakihin siya nito. Mabuti na lang at ang mga
sneak attack na katulad ng ginawa nito ay hindi na bago sa kanya. Dala na rin
siguro ng bahagya pa lang na humuhupang adrenaline rush sa kanya sa katatapos
lang na misyon.
Sinalubong
niya ang mata nito. Ganoon na lang ang pagkamangha niya ng may mabasang kung
ano doon. Something akin to desire. Yes. Bobby's eyes were emitting rays of
passion that affected him so much.
Ngayong
kaharap niya na ito ay saka niya naunawaan na na-miss niya ito ng sobra.
Ibinaba niya ang paningin sa katawan nito at nagulat na naman siya ng makita
ang obvious na bagay sa pagitan ng mga hita nito. Bigla siyang kinilig.
Na-a-arouse ba si Bobby sa kanya just by staring at him? Aba bago yun? Hindi
iyon kayang i-process ng pangunawa niya pero gusto niya ang nangyayari.
"Anong
meron diyan?" inginuso niya ang namumuong sama ng panahon sa crotch area
nito.
Napangiti
ng alanganin si Bobby at pasimpleng sinulyapan ang harapan. Kibit-balikat itong
nagsalita. "Ewan ko. Ano bang meron?" napangiwi pa ito pagkatapos.
Halatang nagsisinungaling.
Kinilg
na naman siya. Tinitigasan ang mokong. Mukhang naalala ang nangyari sa kanila.
Kasalanan ba niyang magaling ang performance niya ng gabing iyon. Kung alam
lang nitong parehas sila ng itinatakbo ng isip, malamang magyaya agad ito. Dama
niya ang tensiyon sa paligid nila. Isang uri ng tensiyon na masarap sa
pakiramdam kapag naisakatuparan.
Tumalikod
ito at nagsalita.
"K-kumain
ka na ba?"
"Hindi
pa. May makakain ba?"
"Oo.
Sige diyan ka lang. Maghahain ako."
Dumulog
si Rovi sa hapag at hinintay itong maghain. Natuwa siya sa eksena kanina. Ewan
niya kung anong nangyayari kay Bobby pero mukhang may kakaiba dito.
Narinig
niya ang pingkian ng mga plato at kubyertos na inilalabas. Naamoy niya rin ang
ulam na mabangong-mabango ang pagkakaluto. Ito ba ang nagluto? Sinigang kasi
ang naamoy niya.
Maya-maya
ay bumalik ito at ganun na lang ang pagkataranta niya ng makitang
nakahubad-baro ito habang dala-dala ang mga ihahain. Napalunok siyang bigla.
Yummy! sigaw ng pilyong bahagi ng isip niya.
Akala
ko ba ayaw mo sa kanya? Di ba nung nakaraan lang ay tinarayan mo pa siya
pagkatapos niyong mag-do? singit ng isa pang bahagi.
Ipinilig
niya ang ulo para maiwaksi ang kalaswaan na unti-unting pumapasok sa utak niya.
Lalo siyang nataranta ng maglabas ito ng vase na may lamang fresh na mga
bulaklak mula sa hardin sa labas. Inilapag nito iyon sa gitna ng lamesa.
Nakataas
ang kilay na nagtanong siya para pagtakpan ang kilig. "Anong drama iyan
Bobby?"
"Ah
wala naman. Baka lang kasi gusto mong may bulaklak sa paligid."
Hindi
na siya kumibo. Nagkamot ito ng batok kaya medyo nag-flex ang mga muscles nito.
Lord! Unfair ito! Baka siya ang ulamin ko!
"Ayaw
mo ba?" nahihiyang tanong nito.
"May
sinabi ba ako?" Pigil ang kilig na wika niya.
Para
itong nakahinga ng maluwag sa sinagot niya. Napangiti pa ito at mabilis na
bumalik sa kusina. Akala niya tapos na ang lahat ng emote nito sa paghahanda ng
kakainin nila ng maglabas ito ng alak.
"Pampagana."
sabi nito.
"Hmm..."
"Kain
na tayo." yaya nito.
"Ang
tiya mo?"
Natigilan
ito. Biglang namutla.
"Oo
nga pala. Pinagtago ko si tiya ng dumating ka. Sandali. Diyan ka lang."
Mabilis
itong nawala sa paningin niya. Napabulalas siya ng mahihinang mura. Kanina pa
niya pinipigilan ang sarili na hilahin si Bobby sa obvious na pagpapakita nito
ng interes. Wala siyang plano na magside-trip habang umaagos pa ang kaso ni
Gyul Ho. Isa talagang malaking distraction ang lalaking ito sa kanya.
Nag-side
trip ka na kaya dati!
Napatingin
siya sa alak. Brandy iyon. Kinuha niya ang baso at nagsalin. Kailangan niya ng
pampakalma. Baka kasi sumabog na siya sa tensiyon na kanina pa namumuo sa
kaloob-looban niya t sa pagitan ng mga hita niya!
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment