By:
Dalisay
Blog:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail:
angelpaulhilary28@yahoo.com
[06]
Part
6: Aki; Bagong kaibigan, bagong team at bagong pag-ibig
Matapos
makakain ay nagpasyang magpahinga sandali sila sa may Study Hall malapit sa
canteen. Presko at maaliwalas ang lugar na iyon dahil napaliligiran ng puno.
Umupo sila banding dulo ng hall, magkaharap sa isat isa. Habang naka upo ay
napansin ni Aki na kanina pa nakatingin si Austin sa kanyan. “Uy Austin,
matunaw naman ako sa katititig mo sa akin.” Si Aki na nakangiti. “Eh kasi naman
di nakakasawa tignan ang mukha mo eh.” Si Austin. “Asus. Kanina ka pa humihirit
sa canteen ah, may gusto ka ba sa akin?” tuksong tanong ni Aki. “Ha? Ah.. eh..
Di ah. Di naman ako anu eh..” pautal utal na sabi ni Austin. “Biro lang. ito
naman. Namutla ka naman agad. Hahahahah!” tawang sabi ni Aki. Mabilis
nakagaangan ng loob ni Aki si Austin. Marahil ay dahil okay naman ito makipag
usap at maayos naman ang trato sa kanya. Kagaya nga ng sabi nya. Hindi sya
namimili ng taong magiging kaibigan, lahat binibigyan nya ng chance maging
kaibigan nya. “Ako? Namulta? Di naman ata” sabay kapa sa mukha nya. Natawa
naman si Aki sa ginawa ni Austin. “Ahahahah! Nakaka tuwa kang tao. Ang sarap
mong kulitin. At saka di naman big deal sa akin kung bisexual, gay or tomboy
ang isang tao. Di naman basis un para maging kaibigan mo ang tao. Minsan nga
mas okay pa silang makisama kesa sa mga straight people.” Tuloy tuloy na sabi
ni Aki. Lihim na napangiti si Austin sa sinabi ni Aki. “At saka ako ba? Di ba
ako halata? Austin, I’m gay, to be honest with you and it’s up to you kung
tatanggapin mo ako or not.” Si Aki habang nakatitig sa kanya. “Wala rin namang
kaso sa akin yun. As long as you know how to respect other people and hindi ka
kasing landi ng iba nating classmate na gay. I mean I have nothing against
them. Its just that, medyo nakaka turn off lang sila.” Sunod sunod na sabi ni
Austin.
“Well,
good then. Now we can say that we can be good friends or best friends or…”
pabitin na sabi ni Aki. “Or what…?” si Austin. Halatang excited na marinig ang
susunod na pwedeng mangyari sa kanila ni Aki. “Ahahahahah!! Gotcha! Sabi ko na
nga ba eh. You really into me” panuksong sabi ni Aki. “Huh! Assuming ka ah!” si
Austin sabay irap dito. Natawa naman si Aki sa ginawa ni Austin. Ngayon nya
napag tanto ulet na gwapo talaga ang taong ito. Ilang minuto pang kulitan at
napagpasyahan nila na bumalik na sa kanilang classroom. Naglalakad sila ng
mapansin ni Austin na huminto si Aki. “Anu yang tinitignan mo?” si Austin. “Uy,
pep squad try out. Sasali ka?” si Austin ulet. “Hmmmm.. depende. Pero parang
gusto ko. Kasi nakaka miss na kasing mag sayaw” si Aki. “Just go for it. Kung
gusto mo at alam mong mage enjoy ka sa gagawin mo, go ka lang” si Austin.
Ngumiti lang si Aki sa kanya. Tama nga naman si Austin. Alam nya na mage enjoy
sa pep squad. Eto rin halos ang naging buhay nya nung High School.
Narating
nila ang classroom at naabutan na nagkukulitan ang iba nilang classmates. Ang
iba naman ay parang nagulat dahil magkasabay silang pumasok sa claasroom. Din a
lang nila pinansin. Wala naman kasi silang ginagawang masama. Dumating ang
kanilang professor ilang minuto pagkatapos nilang maka upo sa kanilang upuan.
Nagsimula ang klase. Isang quiz din ang ginawa nila. Natapos ang klase.
Dalawang klase na lang at tapos na ang araw para sa kanila. Mabils na tumakbo
ang oras. Di nila namalayan na uwian na pala. Katulad nung lunch break, tropa
tropa ulit ang magkaka sabay sa uwian. Nilapitan sya ni Austin. “Siguro naman
eh pwede na akong sumabay sa’yo pauwi?” si Aki. “Wala naman akong sasakyan para
makisabay ka eh. Nag ji jeep lang ako papunta at pauwi dito” naka ngiti nyang
tugon. “Kahit mag lakad pa tayo. Basta kasabay kita. Okay lang sa akin un.” Si
Austin. “Asus. Ayan ka na naman. Mga hirit mo Hernandez.” Patawang sabi ni Aki.
“Oo, tawagin ba ako sa last name ko? Multuhin ka sana ng lolo at daddy ko” si
Austin sabay tawa. Natawa din si Aki sa sinabi nito. Sabay silang umuwi mula sa
school. Habang nasa jeep ay panay pa rin ang kulitan nilang dalawa. Buti na
lang at konti lang ang sakay ng jeep. Parang ang tagal na nilang magka kilala.
Ang gaan ng loob nila sa isat isa. Nasa kalagitnaan sila ng kulitan ng biglang
nag preno ang jeep na sinakyan nila. Mula sa bandang dulo ay napunta sila
malapit sa unahan ng jeep. Bahagyang nadaganan ni Austin si Aki. Nagkalapit ang
mga mukha nila. Ilang pulgada na lang at maglalapit na ang mga labi nila.
“Ahmmm.. Austin….” Si Aki. “ Aki…” mahina halos pabulong na sagot ni Ausitn.
“Ung braso ko.. naiipit mo na. Masakit eh” si Aki. Doon lang natauhan si
Austin. Umayos ito ng pagkaka upo. “Sorry. Masakit ba? Pasensya ka na ah” si
Austin habang namumula ang mukha sa sobrang hiya. “Anu ka ba, ayos lang un.” Si
Aki. Doon din napansin ni Austin na nakatingin sa kanila ang 3 pang pasaherong
kasakay nila sa jeep. Umayos sila ng upo. Walang imikan. Nakarating sila sa
lugar kung saan sila nakatira. Magkatapat pala ang subdivision kung saan sila
nakatira. Si Aki sa St. Vincent at si Austin ay sa St. Ignatius. Bago
maghiwalay ay nag paalaman sila sa isa’t isa.
“Ingat
ka ha. See you tomorrow” si Aki. Akmang tatalikod na si Aki ng pigilan sya ni
Austin. “Aki, wait… ahm.. can I get your number? Please” si Austin na todong
ngiti. Natawa si Aki. Kitang kita nya kasi pati gums ni Austin. At infairness,
maganda ang ngipin nya. Nagpalitan sila ng number bago tuluyang maghiwalay. Di
pa man din nakakalayo sa isat isa ay tumunog ang cellphone ni Aki.
“Hello.”
Si Aki.
“Ingat
pag uwi ah. Salamat sa bonding kanina sa school. Nag enjoy ako. Sana ikaw din.
See you tomorrow.. I… ahmm.. I… oh sya sige na” si Austin. Natawa si Aki sa
ginawa ni Austin. Hindi man lang sya nakahirit. Ilang minuto pa ay nakasakay na
si Aki ng tricycle papasok ng subdivision. Pagkadating sa bahay ay diretso sa
kanyang kwarto. Nag shower at nagbihis ng pambahay na damit. Hinarap nya ang
mga assignments sa lahat ng subjects bukas at nag basa ng konti. Patapos na sya
sa assignment sa Sociology nang mag ring ang phone nya. Tumawag ang mommy nya.
Binilinan sya na bukas na sila makaka uwi ng kanyang daddy dahil na stranded
sila pauwi sa kanila. Wala naming problema sa kanya dahil wala naman syang
aalalahanin. Nasa kanya na ang allowance nya for 1 whole month. May pagkain
naman sa refrigerator nila at kaya naman nyang mag luto. Matapos makipag usap
ay muling ibinalik ang atensyon nya sa aralin. Nang matapos nya ito ay bumababa
sya para humanap ng makakain for dinner. Matapos makapag luto ay tinakpan nya
ito sa lamesa at mamaya nya ito kakainin.
Bumalik
sya sa kanyang kwarto at nag ayos ng gamit nya para bukas. Try out bukas ng pep
squad. Sasali sya dito. Alam nya na kaya nyang pag sabayin ang academics at ang
squad. Matapos makapa ayos ng gamit sa isang gym bag na katamtaman ang laki at
nag stretching sya ng kaunti. It’s been several months nung huli syang sumayaw.
Baka mabigla sya bukas. Left and right heel stretch, bow and arrow at scorpion
stretch ag ginawa nya. “Ayos, kaya ko pa pala” sabi nya sa sarili. Matapos maka
pag stretching ay nag pasya syang kumain na. Matapos maka kain at makapag hugas
ng mga ginamit sa dinner at pag luluto ay bumalik sya sa kanyang kwarto. Nang
tignan nya ang kanyang cellphone ay may nag text sa kanya. Si Austin.
Gud
pm. Hope nkapag dinner kn. Hve a great evening. Mwah!
“Ayos
ah. May kiss pa sa dulo. Kulit talaga nito” sabi nya sa sarili. Nag reply sya.
Nkapag
dinner na aq. Ikw din maen kana. At bkit may kiss ha?
Di
na nag reply si Austin sa text message nya. Hinayaan na nya ito at nag simula
syang gawin ang evening vanity routine nya. Nang matapos ay humiga na sya. Nag
set ng alarm clock at pumikit na. Ilang minuti pa ay nakatulog na sya. Bukas ay
isang panibagong araw para sa kanya. Isang araw na di nya makakalimutan.
Maagang
nagising si Aki. Wala pang isang oras ay nakapag handa na sya para pumasok.
Palabas na sya ng I check nya ang cellphone nya. Nag text pala si Austin.
See
you later. Goodluck sa try out mo.
Napangit
sya sa text ni Austin. Lakas maka pagpa kilig ni gago. Kinikilig sya aaminin
nya. Pero hanggang doon lang yun. Hindi nya kasi nakikita ang sarili na ma I
inlove kay Austin. Okay na sya na magkaibigan silang dalawa. At may isang taong
nagpapa tibok ng puso nya. Sana makita nya ulti ang taong un. Ang hindi nya
alam ay muling mag ku krus ang landas nila.
Maagang
nakarating si Aki sa school. Dumiretso sya sa gym. Alas 8 ang umpisa ng try
out. Tamang tama lang dahil alas 10 pa naman ang klase nila. Pagdating nya sa
2nd floor ng gym ay may ilan ng nag aantay sa try out. Umupo sya malapit sa
pntuan na tila opisina ng mga cheerleaders. May lumabas na babae mula sa loob,
isa isa silang binigyan ng number. Number 7 sya. Niligay nya ito sa kanang
dibdib nya. 15 silang lahat. Sinimulan syang kabahan, pero sinabi nya sa sarili
na di dapat syang magpa apekto. Alam nya na kaya nya ito. 3 taon nyang ginawa
ito nung High School sya. Kinalma nya ang sarili. Habang nag aantay tawagin ang
number nya ay kinuha nya ang cellphone nya. Nag text pala si Austin.
Dito
na ako sa room. Antay kita. Goodluck sa’yo. Mwuah! Mwuah!
Napangiti
sya sa message ni Austin. Medyo naging okay na pakiramdam nya. Nawala ang kaba
sa dibdib nya. Mag re reply pa sana sya pero biglang tinawag ang number nya.
Tumayo sya at bitbit ang bag na pumasok sa loob. Pag pasok ay ninilapag nya ang
bag sa isang sulok at tahimik na nag lakad paharap sa mga nagpapa try out
habang naka tungo. Pag angat ng kanyang mukha ay laking gulat nya sa nakita.
Bumilis lalo ang kabog ng kanyang dibdib. Tila pinako sya sa kanyang
kintatayuan, kaya ba kanina pa sya kinakabahan? Dahil sa lalaking nasa harapan
nya ngayon? Totoong natuwa sya na makita ang lalaking nasa harap pero hindi nya
inaasahan na sa ganitong pagkakataon.
“Ah..
are you going to introduce yourself or you’re just gonna stand there and stare
at Rafael the whole day?” mataray na sabi ng isa sa mga veterans. Napangiti
naman si Raf sa tinuran ng kasama.
Nagulat
si Aki. Ganun na ba sya katagal na naka nga-nga sa harap ng lalaking ito.
Pinamulahan sya ng mukha. “Sh*t! first impression and I blew it” pagalit nya sa
sarili.
Aki
cleared his throat and start intoducing himself. “So, you have experience in
cheerleading and you came from one of the best High School cheerleading team in
NCR. Pretty impressive. “Thanks.” Maiksi nyang sagot.
“So,
Aki. Show us what you’ve got” si Raf. Nag simulang tumugtog ang isang tance
music. Sinimulan nya ang short dance routine nya ng isang aerial flip. Ayos!
Perfect ang flip nya. Sinundan ng 32 counts na cheerdance steps. Floor works
after ng dance routine. Another 16 counts of dance steps and he ended it with a
full twisted lay out. Habol hiningang humarap si Aki after ng ginawa nya,
tahimik na nag aantay ng comments from the panel of veteran team members.
“Good
job” sabi ng isa. “You blew me away! Sa katawan mong yan, I never thought na
ganun ka kagaling” sabi ng nagtaray na veteran sa kanya. “Salamat po.” Sagot
nya habang hinihingal pa din. “What can you say, Raf?” sabi ng isa ulet. “Well,
I think we found the next Team Captain, don’t we?” sabay palakpak na sabi ni
Raf. Tumango naman ang 2 nyang kasama. “Well, Aki. Congratulations. You’re in.
Welcome to the squad.” Sabi ni Raf. Naka hinga ng maluwang si Aki. Di pa rin
sya makapaniwala na nagawa nyang maka pasok sa squad. At din rin sya
makapaniwala na makaka sama nya sa team ang taong muling nagpa tibok ng puso
nya. Lumabas si Aki na may ngiti sa labi. Masayang masaya sya. He can’t wait to
tell Austin na nakapasa sya.
Matapos
makapag palit ng uniform ay tumuloy na sya patungo sa kanilang classroom.
Palabas na sya ng gym na may tumawag sa kanyang atensyon. “Hey, wait up!”
“Good
thing di naka apekto sa’yo ang pagkaka bunggo ko sa’yo last time.” Si Raf na
nasa harapan nya. Gaya ng unang pagkikita nila, na magnet na naman sya sa ka
gwapuhan nito. Tila may kung anung bumara sa lalamuna nya, walang boses na lumalabas
sa bigbig nya. Ang init ng mga pisngi nya habang nanlalamig naman ang mga kamay
nya. “Hey, ganyan ka ba talaga? Laging tulala?” tawang sabi ni Raf sa kanya.
“Ah..
hindi naman.. anu kasi.. ahm.. basta.” Pautal nyang sinabi. Natawa lang si
Rafael sa naisagot nya. “So pano? See you this Saturday for you’re first
practice with us. 8am. No late comers ha. And by the way, it’s a whole day
practice” sunod sunod na sabi ni Rafael. “Sige. Salamat.” Si Aki. “Good. We’ll
see you around. I still have class to catch.” Si Rafael. Di na sya naka sagot.
Tinanaw na lamang nya si Rafael habang lakad takbo itong palayo sa kanya.
Nang
makarating sya classroom ay nakita nya si Austin na nag susulat. “Hernandez!”
medyo napalakas na tawag ni Aki kay Austin. “Ang ingay mo naman. May mga na re
review oh.” Si Austin. “Sorry naman. Na excite lang kasi ako.” Si Aki. “Treat
kita mamayang lunch ah. Naka pasa kasi ako sa try out.” Si Aki. “Talaga!
Congrats! Sabi ko sa’yo, kaya mo yan eh.” Si Austin. “Wala ka namang sinabi. Asus.
Ang sabi mo lang pag gusto ko, gawin ko. Ayun. Ginawa ko” si Aki. “Oo na. Ikaw
na walang memory gap” si Austin sabay ikap. Natawa naman sya. Ang sarap asarin
nitong si Austin nasabi nya sa sarili. Naupo si Aki sa kanyang upuan. Maya maya
pa ay dumating na ang kanilang professor. Lumipas ang dalawang klase nila.
Habang nag aantay ng pangatlo nilang klase, nag sulat si Aki sa kanyang
journal. Tungkol sa pangyayari sa kanya mula ng try out at iba pang mga quotes
na nabasa nya rin sa mga libor at blogs. It serves as his motivation. Pag
nakaka basa sya ng mga words of encouragment ay natutuwa sya.
LOVE
COMES UNEXPECTEDLY. Yan ang naisulat nya sa journal nya. Bigla nyang naalala si
Rafael. Lihim syang napangiti, hindi pa rin sya makapaniwala na makaka sama nya
ito sa isang team. Halos araw araw din silang magkakasama. Iniisip pa lang nya
ay kinikilig na sya. Nasa gitna sya ng pag di day dream nang bigla syang
gulatin ni Austin. Halos maihapas nya ang kanyang journal dito. Di talaga sya
sanay na ginugulat sya o binibigla. Di naman halos makahinga si Austin kaka
tawa. Kitang kita nya si Aki kung paano ito mapatalon sa pang gugulat nya.
“Naka
bawi na ako sa’yo.” Si Austin. “Ewan ko sa’yo. Wag mo ng uulitin un ah.” Si Aki
sabay irap. Kulitan pa rin silang dalawa. Hanggang mapadaan ang isa nilang
bading na classmate sa harapan nila. “Wow! Ang sweet nyo naman. Bagay kayo.
Kaya lang sayang kasi ang gwapo nyo pareho. Pero uso naman yan. Ang gwapo, para
na rin sa gwapo” kilig na sabi ng classmate nila. “Ahahahaha! Tumigil ka nga
dyan. Mag kaibigan kami nito ni Austin. Bagay bagay ka dyan.” Si Akin. “Naku,
Aki my dear. Wag kang mag salita ng tapos. Mamaya isang araw mag tapat ng pag
ibig sa’yo yang si Austin bigla kang mapa tumbling.” Ang classmate nya ulet.
Tahimik lang na nakikinig si Austin sa kanilang usapan. Anu nga kaya ang
magiging reaksyon ni Aki pag sinabi nya na mahal nya ito. Sasagot pa sana si
Aki ng biglang mag bell. Lunch break na pala.
Masaya
silang kumain ni Austin. Tulad ng promise nya, nilibre nya ito ng lunch sa
isang fastfood. Katulad kahapon at kanina sa classroom, kulitin at tawanan pa
rin sila. Nag kwento rin si Aki tungkol sa try out habang si Austin naman ay
kuntento na lang pagtitig sa mukha ni Aki. Matapos nilang kumain ay nagpasya
silang mag mall. Hindi na nila papasukan ang huli nilang klase. Nung una ay
hindi payag si Aki pero sa huli ay pumayag na rin sya. Pangako naman ni Austin
na minsan lang naman nila ito gagawin. Nakarating sila sa mall malapit sa
school nila. Nag ikot ikot sila. Window shopping, laro sa arcade. Tumingin ng
gadgets. Habang nag lalakad sila ay napadaan sila sa isang toy shop. Hinila ni
Austin si Aki papasok. Tuwang tuwa si Austin ng makita nya ang mga action
figures ng X-Men. Tinignan nya ang isa dito. Si Arcangel. Sandali pang tinignan
ni Austin at tuluyang binili ito. Nang makapag bayad ay pinuntahan nya si Aki
sa may stuff toys area. Nakita nyang hawak nito ang isang Carebears stuff toy.
“Gusto
mo?” si Austin mula sa likod ni Aki. “Hindi. Tinignan ko lang. Favorite color ko
kasi ang color yellow.” Si Aki. “Ah ganun ba.” Si Austin. “Tara na. Baka
gabihin tayo.” Si Aki. Lumabas sila ng mall. Nag abang sila ng jeep na
masasakyan pero halos lahat ay puno. Maging ang mag FX taxi ay ganun din.
“Walang masakyan ah.” Si Austin. “OO nga. Sahod kasi eh. Kaya madaming tao sa
labas.” Sagot ni Aki. Ilang minuto pa sila nag antay per wala pa rin. Naiinip
si Austin at bigla na lang itong pumara ng taxi. “Tara, sakay na. Sagot ko na
‘to.” Si Austin. Sumakay silang dalawa. Habang nasa byahe ay walang imikan ang
dalawa.
Halos
isang oras bago nila narating ang kanilang destinasyon. Nag bayad si Austin at
sabay silang bumaba ng taxi. Nag paalam sila sa isat isa bago tuluyang
naghiwalay.
Isang
masayang araw ito para kay Austin. Habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang
loob nya kay Aki. Ilang linggo pa at sasabihin na nya ang nararamdaman dito.
Katula ng sinabi nya dati.. BAHALA na si BATMAN. Basta ang alam nya na mahal
nya ang taong ito.
Nang
makarating sa bahay nila ay tinawagan nya si Aki. Nagpasalamat sya sa bonding
nila. Binilinan nya ito na kumain bago matulog at agahan ang pasok nito bukas.
Matapos maka pag shower at magkapg bihis ay inihiga ni Austin ang katawan sa
kama. Pumikit at tuluyang nakatulog ng may ngiti sa labi nya.
ITUTULOY...
[07]
CHAPTER
7: PRACTICE
“Ang
bilis naman ng araw. Nakaka tatlong linggo na agad tayo” si Austin habang
punong puno ang bibig ng fish balls. “Anu ka ba. Don’t talk when your mouth is
full.” Saway ni Aki. “At saka ayaw mo nun? Madali tayong makaka tapos.” Si Aki
ulet. “Eh di ikaw na excited maka graduate.” Si Austin na tumutusok ulit ng
fish balls. Nasa labas sila ng campus. Walang klase ang buong College of
Education dahil sa College week nila. Pumasok lang sila para ayusin ang booth
na ginawa ng year nila. “Ayoko na. Busog na ako.” Si Austin. “Buti naman. Naka
50 pesos ka ata eh. Takaw takaw mo di ka naman nataba.” Si Aki. “Oy! 30 pesos
lang ah. At saka di talaga ako tabain kasi I exercise regularly.” Sabay flex ng
mucles sa mga braso nya. “At kung mag salita ka, akala mo naman ang taba mo.”
Pang aasar ni Austin. “Wala kasing mataba sa lahi naming.” Si Aki.
“Maiba
ako, kalian ang practice mo with the squad?” si Austin sabay tungga ng juice.
“Bukas. Sabado. Whole day from 8am onwards” si Aki. “Grabe naman un. 8am
onwards.” Si Austin. “Ganun talaga. May competition na sasalihan ang squad.
Natural lang na mag practice ng matagal.” Si Aki. Tumango lang si Austin. “Oo
nga pala. Ung report natin ah. Wag mong kalimutan. Ako na sa visual aids, ikaw
sa written report.” Si Aki. “Bakit ako sa written report? Ang daya mo naman.”
Si Austin na nanlalaki ang mata. “Oh sige palit na lang tayo. Pero gusto power
point presentataion ah.” Si Aki ulet. “Ang choosy mo naman. Manila paper at
cartolina na lang. Isulat ko na lang doon.” Protestang sagot ni Austin. “AYOKO!
Napaka old school nun. Hi-tech na tayo ngayon.” Angal ni Aki. “Oo na! Sige na!
ang arte naman nito.” Si Austin.
Inaya
ni Austin si Aki na mag punta sa bahay nila. Pumayag naman si Aki. Nang
makarating sila ay diretso sila sa kwarto ni Austin. Iniwan siya ni Austin para
magpahanda ng meryenda nila. Nung mag isa na lang sya ay doon nya napansin na
magulo ang kwarto ni Austin. Nag kalat ang mga gamit nito. “Anu ba naman itong
si Hernandez. Ang dugyot sa kwarto” sabi nya sa sarili. Isa isa nyang inayos
ang mga libro at magazine sa study table malapit sa kama. Inayos nya rin ang
bedsheet at itinupi ang kumot nito at inilagay ang mga laruan sa isang build-in
shelf malapit sa study table. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si
Austin.
“Wow,
ang linis ng room ko ah. Dapat pala araw-araw kang pumunta dito” birong sabi ni
Austin. “Mangarap ka. Di ako katulong noh! Ayoko lang ng nagulo ang paligid
ko.” Si Aki. “Sabi mo eh. Anyways, salamat! Swerte ng magiging boyfriend mo.
Kasi marunong ka sa bahay. Ako? Naku. I’d rather sleep than to clean my
stuffs.” Si Austin. “Swerte talaga si Raf pag naging jowa nya ako. Kasi
aalagaan ko sya ng husto.” Si Aki habang naka tingin sa labas ng bintana ng
kwarto. “Si… sino? Sino si Raf?” tanong ni Austin. Kinuwento ni Aki ang tungkol
kay Raf at kung bakit nagustuhan nya ito. Di naman alintana ni Aki na
nasasaktan na nya ang kaibigan sa lahat ng sinasabi nya. “Ahhmm.. kaya ba
sumali ka sa pep squad dahil sa kanya.” Malungkot na tanong ni Austin. “Hindi
naman. Di ko nga alam na member din pala sya ng squad at sya pa ang team
captain.” Si Aki. Alam ni Austin na mula ng unang pagkikita pa lang ni Aki at
Raf ay meron ng ibang nararamdaman si Aki para kay Raf. Kitang kita nya kung
paano titigan ni Aki si Raf. Unti unting naramdaman ni Austin na may kung anung
masakit sa dibdib nya. Paano na sya? Ngayon pa na lagi ng magkakasama ang
dalawa sahil sa pep squad. Di nya pinahalata kay Aki na nasasaktan sya. Pilit
syang ngumiti para itago ang nararamdaman. Ipinagpa tuloy nila kwentuhan at
tawanan. Buti na lang at di na nabanggit si Aki si Raf sa usapan nila, kahit
papaano ay nawala sandali ang sakit na nararamdaman ng puso nya.
Past
7pm na ng umuwi si Aki. Hinatid sya ni Austin hanggang sakayan ng tricycle
papasok ng subdivision nila. Nang maka alis si Aki ay umuwi na rin si Austin.
Pero di gaya ng dati. Ang saya ay unti unting napalitan ng kirot at takot sa
dibdib nya. Paano kung mawala sa kanya si Aki? Paano kung mahulog din ang loob
ni Raf dito? Hindi sya papayag. Kailangan nyang bakuran si Aki.
KKKKKKKKKKKKKRRRRRRRRRIIINNNNNNNNNNNNNGGGGGG!!
Pinatay
nya ang alarm clock, nag inat inat bago tuluyang bumangon. Dumiretso sa banyo
at naligo. Makalipas ang ilang minuto ay nakapag ayos na sya. Bitbit ang bag na
bumaba mula sa kanyang silid. Diretso sa kusina at kinuha ang nakabalot na
sandwich sa ibabaw ng lamesa. Pagka labas ng main door ay nagulat sya kung sino
ang nag aantay sa kanya.
“Good
morning! Alam ko na maaga kang pupunta sa school for practice kaya inagahan ko
na din para ihatid ka.” Si Darwin.
“You
don’t have to do this. Kaya kong mag byahe. Pero, thanks sa effort.” Si Rafael.
Wala pang 10 minutes ay nasa school na sila. Nag park ng kotse si Darwin at
sabay silang bumaba mula dito. Matapos magpasalamat ay dumiretso si Raf sa gym
samantalang si Darwin ay nag tungo sa library for his thesis.
6:30am
nasa school na si Aki. Ayaw nyang ma late sa unang practice nya. Naka upo sya
sa may bench sa study hall. Napansin nya ang kotseng padating. Di nya na inalam
kung sino ang sakay nito. Kinuha nya ang I-pod mula sa bag. Habang nakikinig ay
isang pamilyar na mukha ang nakita nya na bumababa mula sa kotse. Naka pulang
tshirt at white short pants. May dalang gym bag. Di sya pedeng magka mali. Si
Rafael yun. Pero sino ung kasama nya. Matangkad na lalaki. Maputi at matangos
ang ilong. Naka dental braces ito na nakita nya nang ngumiti ito. Mukhang close
sila ni Raf. Kitang kita sa mga gestures nila sa isat-isa. Tila may tumusok ng
kung ano sa dibdib nya.
“Nagseselos
ba ako? Bakit?” tanong nya sa sarili. Pilit nyang inilayo ang tingin mula sa
mga ito. Di nya napansin na naghiwalay na pala ang dalawa. Huminga sya ng
malalim bago tumayo at naglakad papuntang gym. Sana mali sya sa hinala nya.
Sana hindi ganun ang iniisip nya. Pag dating nya sa gym ay may ilang mukhang
member ng pep squad dahil sa mga jacket at bag na gamit nila. Lumakad syang
papasok ng gym. Pinatitinginan sya ng ibang members na nag wa warm up. Napa
yuko sya dahil hindi sya sanay na titinignan ng ibang tao.
Naupo
sya sa isang sulok ng gym at nag text. Wala pa namang 8am at saka naka pang
practice na rin sya. Matapos makapag text ay nag simula na rin syang mag warm
up. Habang nag he heel stretch sya ay di nya napansin na nakalapit na pala sa
kanya si Raf.
“Bakit
di ka dun mag warm up kasama ng team? Nag iisa ka dito sa sulok.” Si Raf.
Nagulat sya ng mag salita si Raf. Napatitig sya dito pero nung bumalik sa
ala-ala nya ang nakita kanina sa parking lot ay biglang binawi nya ang tingin
dito.
“Akala
ko eh matutulala ka na naman eh.” Sabay tawang sabi ni Raf. “Tara dun sa team
para makilala mo na rin sila.” Si Raf ulet. Kinuha nya ang bag nya at sabay
silang nag lakad papunta sa lugar kung saan andun ang team. Halos kumpleto na
ang lahat maliban sa ilang drummers. Isa isang pinakilala ni Raf ang members ng
team.
“This
is Aki from the colloge of education. He will be our new member. Be nice to
him, okay.?” Si Raf. Isa isa syang binati ng mga bago nyang team mates. Ang iba
naman ay nag tataas ng kilay sa kanya. Marahil ay na under estimate sya ng mga
ito dahil sa built ng katawan nya. Nag simula ang team warm up. Matapos ay isa
isa ng itinuro sa kanya at sa isa pang baguhan ang mga steps at mga stunts na
gagawin. Medyo nangapa sya sa mga stunts pero ang mga dance steps at formation
ay madali nyang nakuha. Pagkatapos ng ilang pasada ng routine ay na memorize na
nya ang lahat. Pati na rin ang mga stunts. Masaya naman sya dahil madali nyang
nakuha ang routine.
“Okay
guys, ready!!” sigaw ni Rafael. Isa isa silang pumuwesto. “Ahm.. Aki, please
stay here. You will be doing double aerial and a full twist after the 16
counts. Kaya ba?” si Raf ulet. “Sige po!” si Aki sabay pwesto sa itinurong
pwesto ni Raf. Muli ang iba ay nag taas ng kilay. Ang iba naman ay halatang nag
aabang kung anu ang kaya nyang gawin. Nag simula ang tugtog. “8..7..6...5…4…3…2
…and 1! Go Aki!” sigaw ni Raf. Ginawa ni Aki ang pinagagawa ni Raf. Perfect ang
ginawa nya. Lihim syang napangiti. “Siguro naman eh nakapag pakilala na ako sa
inyo” sabi nya sa sarili. After the routine ang 15 minutes break. Naupo sya
malapit sa ibang team members. “Hi Aki. Ang galing mo naman kanina. Napa
nga-nga mo kami dun ah.” Bati sa kanya ng isang members. “Nakakahiya naman. May
background lang kasi ako sa cheerleading nung High School kaya ko nagagawa yung
mga yun.” Sagot ni Aki. “San ka bang galing high school? For sure sa school na
merong gymnastic team yan. Hindi naman lahat kayang gawin ang ginawa mo noh.”
Pataray na tanong ng isang babae. “Akala mo naman kung sino ‘to. Eh kung di ka
pa isa sa mga flyers for sure di ka member dito” asar na sabi nya bulong nya.
“Graduate ako sa Jimenez National High School.” Si Aki. “OMG!!! Jimenez?!! Eh
di ba sila ung champion for 3 years sa Cheerdance Grand Prix?!” eksahiradang react
ng isang member. “Yup. yun nga un. I was part of the team when they won the 2nd
and 3rd championship.” Si Aki ulet. Napatayo ung girl na nagtaray sa kanya
kanina at nag punta sa ibang members. Natawa lang sya sa ginawa nito. Kahit
mabait kasi si Aki sa lahat eh may naitatago din syang kamalditahan sa katawan.
“Wag mong pansinin yang si Ada. Feeling nya kasi sya na pinakamagaling dito sa
squad. At nag aambisyon na maging team captain next year.” Sabi ng isang member
na bading sabay irap sa tinutukoy na babae. Natawa si Aki. Well, hindi sya
sumali sa squad para magpa impress. Andito sya para mag sayaw at makasama si
Raf. “Did I hear team captain? Have met your future team captain?” si Raf na
nasa likod na pala nila. Bakit ba kasi kung saan saan sumusulpot itong lalaking
ito. “May kapalit kana agad Kuya?! And bilis naman.” Sabi ng isa sa mga kasama
nya. “Oo naman. Ayan oh. Kaharap nyo na.” sabay turong sabi ni Raf kay Aki.
“Hala ka! Raf, wag mo nga silang biruin ng ganyan. Meron pang mas senior sa
akin dito” si Aki. Ngumiti lang si Raf at tumalikod na. Ngitian naman nya ang
mga kasama sa squad.
Inaral
ulet nila ang mga stunts. Pagkatapos ay ilang pasada pa ng buong routine. Past
12nn na ng mag lunch break sila. Bago kumain ay nag hugas muna ng kamay at
braso si Aki, nag palit ng tshirt at lumabas ng gym para kumain. Dala ang
wallet at mga gadgets nya sa isang maliit na bag. Naglalakad sya kasama ang
ibang mga ka team mates ng may natanaw syang pamilyar na tao malapit sa parking
lot. Di nga sya nagka mali. Si Austin. Naka blue na tshirt at naka jeans at
flip flops. Nailing at nangiti na lang sya.
Ipinakilala
ni Aki si Austin sa mga team mates nya. Sinabihan ni Aki na mauna na sila sa
canteen at susunod na lang sila. “Anung ginagawa mo dito? At anu yang mga dala
mo?” sunod sunod na tanong ni Aki. “Ang dami mong tanong ah. Ikaw na nga itong
dinalhan ng food, ikaw pa itong matanong.” Tampong sagot ni Austin. “Adik ka
naman. Masyado kang matampuhin. Pero, salamat. Sana di ka na nag abala.” Si
Aki. “Tara na. kain na tayo. Di pa ako nag bi breakfast eh. Nagising kasi ako
past 11am na.” nakangiting sabi ni Austin. Sabay silang nag lakad papuntang
canteen. Pag dating sa canteen ay agad na naghanap ng mauupuan si Austin para
sa kanila ni Aki. Pagka upo nila ay isa isang inilabas ni Austin ang mga food
na dala nya. May carbonara, grilled chicken at salad. Pagkahain nya ay tumayo
ito para bumili ng inumin. Pag balik ni Austin ay nag simula na silang kumain.
Kulitan at tawanan pa rin ang dalawa habang kumakain. Naubos nila ang dalang
pagkain ni Austin. Nagpahinga sila bago nagpasya na bumalik sa gym. Nakasabay
ulit nila ang ibang team mates ni Aki.
“Ang
sweet naman ng boy friend mo, Aki. Dinalhan ka pa ng food.” Sabi ng isang
member habang naglalakad sila. “Ahahahaah! Hindi ko boyfriend itong mokong na
ito.” Tawang sabi ni Aki. “Oo nga, hindi nya ako boyfriend. Hindi pa.” si
Austin nag pinagdiinan ang salitang HINDI PA. “Naku, Aki kung di mo pa sya
sasagutin. Akin na lang sya. Good catch kaya itong si Papa Austin.” Ang member
nilang bading. Nagtawanan sila hanggang marating nila ang gym. Nag stay si
Austin sa bleacher habang si Aki ay dumiretso kung saan sila nag pa practice.
Nag
enjoy si Austin na pinapanuod si Aki na nagsasayaw. Ang galing palang mag sayaw
ni Aki. Pero napansin nya na kada break ay panay ang lapit ni Raf kay Aki.
Kitang kita naman nya na tila kinikilig si Aki. Biglang nag bago ang mood ni
Austin. The more na nakikita nya na parang masaya si Aki pag nasa tabi o
malapit sa kanya si Raf ay lalong sumasakit ang dibdib nya. “Anu bang meron
itong lalaking ito na wala ako?” asar nyang tanong sa sarili. “Pareho naman
kaming meron nun. Baka nga malaki pa ang sa akin eh.” Bulong nya sa sarili.
Kagaya ng sinabi nya kagabi sa sarili. Di sya papayag na mapunta si Aki kay
Raf. Gagawain nya ang lahat to win Aki’s heart. Di sya magpapatalo basta basta
sa lalaking un… Mula doon ay may nabuong balak si Austin… ngayon nya lang
gagawin ito… at sigurado syang mapapa sagot nya si Aki….
ITUTULOY….
[08]
Part
8: Practice: Apat na Sikat
5pm
ng matapos ang practice nila Aki. Pagkatapos mag shower at mag bihis ay lumabas
na mula sa gym si Aki. Dun nya nakita si Austin na nag aantay. Nakasandal sa
isang blue Honda CRV. “Hoy, wag kang sumandal dyan. Baka mamaya pagalitan ka ng
may ari nyan.” Saway ni Aki dito. “Paanong may magagalit sa akin eh akin ito”.
Sagot ni Austin. “Yabang mo. Baka nga di ka pa marunong mag drive eh.” Sagot ni
Aki. “Eh di bakit di mo subukan ng malaman mo.” Si Austin. Inirapan ni Aki si
Austin. “Tara na. Sakay na. Ma traffic ngayon. Baka ma late tayo pauwi.” Si
Austin. “Seryoso ka sa’yo yan?!” gulat na tanong ni Aki. “Oo nga. Kakulit na
bata eh.” Si Austin. “Iba ka na Hernandez. Sosyal ka na… Ay teka. Saan mo naman
nakuha yan ha? Baka mamaya sumabit pa ako dyan.” Tanong ulet ni Aki. “Anung
akala mo sa akin, carnapper?! Sa gwapo kong ito?. Matagal ko ng kotse ito. High
school pa lang nasa akin na ito. Di ko lang ginagamit kasi hassle mag park.”
Sunod sunod na sabi ni Austin. “Oo na ikaw na anak ng diyos. Tara na nga.” Si
Aki. Pasakay n asana sila ng may tumawag kay Aki. Biglang nag bago ng mukha si
Austin. “Eto na naman ang kumag na ito. Panira ng moment.” Asar na sabi ni
Austin sa sarili.
“Raf,
bakit?” si Aki. Kitang kita sa mga mata nya na saya na maka usap si Raf. Kahit
simpleng pag tawag sa pangalan nya niot ay talagang nag papakilig sa kanya. Di
iyon naka lusot sa mga mata ni Austin. Naiinis sya kung bakit hindi nya makita
ang saya sa mga mata ni Aki pag sila ang magka usap or magkasama. “Yeah. I
forgot to gave you this.” Si Rafael sabay abot ng isang gym bag. May naka sulat
nag DSU Pep Squad sa magkabilang gilid ng bag. “Andyan din ung jacket, 2 pairs
of uniforms and ung shoes.” Dagdag ni Rafael. “Ah ganun ba. Salamat.” Si Aki.
Napansin ni Rafael si Austin na naka tingin sa kanila. Nilingon naman ni Aki
ang tinitignan ni Raf. “Ay.. sorry. Rafael si Austin, classmate ko. Austin si
Rafael captain naming sa squad. Nagkamayan ang dalawa kahit mabigat sa loob ni
Austin. “I know you. Di ba ikaw ung Mr. Engineering last year?” tanong ni Raf.
“Yeah. Ako nga un.” Kaswal na sagot ni Austin. “Nice to meet you, pare.” Si
Rafael ulit. Nasa kalagitnaan sila ng pagpapakilala ng dumating ang lalaking
kasama ni Rafael kanina sa kotse. Napansin ni Aki ang presensya nito. Napa tingin
naman si Rafael at Austin. “Oh, guys. I like to meet Darwin Gorospe. Darwin
this is Aki and Austin.” Si Rafael. Kinamayan ni Darwin ang dalawa. “Nice to
meet you both.” Si Darwin. Kung kanina ay si Austin ang maasim ang mukha ngayon
naman si Aki. Iba talaga ang gestures ni Raf kay Darwin. Tinitigan nya si
Darwin. Wala syang panama dito sa lalaking ito. Katawan pa lang, wala na sya.
Binalot ng lungkot ang katawan nya. “ Ay, Raf. Darwin. Mauna na kami ah. Baka
kasi ma traffic ka kami eh.” Pag putol ni Austin. “Sabay na kayo sa amin. Dala
ko ung sasakyan ko.” Pag aalok ni Darwin. “Thanks, bro. I brought mine.” May
konting angas na sagot ni Austin. “Ah okay, sige. Ingat kayo. See you around
the campus.” Si Darwin. Tumango lang si Austin. “Paano, Aki. Ingat. Meeting
tayo sa Monday. 6pm.” Si Rafael. “Ah sige. Ingat din kayo. Nice to meet you..
Darwin.” Si Aki. “Same here.” Si Darwin.
Naglakad
palayo sila Darwin at Rafael habang silang dalawa ay sumakay na sa sasakyan ni
Austin. Kitang kita ni Aki sa side mirror ng kotse na umakbay si Darwin kay
Rafael. Halos magkayakap na sila. Parang unti unting napupunit ang puso nya.
Tama nga ata sya. May relasyon ata sila. Tuluyang nilamon ng lungkot si Aki.
Bigla syang nakaramdam ng pagod. Habang nasa byahe ay di nag iimikan ang
dalawa. Tumama si Austin sa prediksyon nya. Sobrang traffic pauwi. Halos 10
minutes bago umusad ang mga sasakyan. Wala pa rin silang imikan. Pareho sila ng
nararamdaman. Pareho silang nasasaktan. Mag iisang oras na pero malayo pa rin
sila sa kani kanilang bahay. Nilingon ni Austin si Aki. Nakatulog nap ala ito.
Marahil sa sobrang pagod. Pinag masdang mabuti ni Austin ang mukha ni Aki. Gaya
ng dati, di pa rin sya nagsasawa sa pag tingin sa mukha nito. Hinaplos nya ang
kaliwang pisngi ni Aki.
“Akin
ka na lang. Please Mr. Uy… Di mo lang alam kung gaano kita ka mahal. Kahit sa
sandaling panahon pa lang tayong magkasama, alam ko sa sarili ko at sigurado
ako na mahal kita.” Pabulong na sabi ni Austin habang naka tingin sa tulog na
tulog na si Aki. Maya maya pa ay nasumpungan na lang ni Austin na palapit na
ang kanyang mukha sa mukha ni Aki. Ilang pulgada na lang ang agwat ng mga labi
nila sa isat-isa. Buti na lang at traffic, kung hindi ay malamang naaksidente
na sila. Tuluyang lumapat ang labi ni Austin sa labi ni Aki. Nagbigay iyon ng
ibang sensasyon sa katawan ni Austin bumilis ang kabog ng dibdib nya. Pumikit
sya at nilasap ang sarap ng labi ni Aki. Ilang saglit pa ay kumalas sya ditto
at muling ibinalik ang atensyon sa kalsada. Di pa rin umuusad ang daloy ng
trapiko. Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga. Makalipas ang
ilang minutong usad pagong ay sa wakas at unti unting naging normal ang takbo
ng mga sasakyan. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bahay ni Austin. Di
alam ni Austin ang bahay ni Aki. Pagka hinto ng sasakyan nya ay saka ginising
ni Austin si Aki.
“Aki..
andito na tayo. Gisng ka na.” malabing na sabi ni Austin. Iminulat ni Aki ang
mata. Nang mapansin nya na di nila bahay ang kanilang pinuntahan ay nagtatakang
tinignan ni Aki si Austin. “Di ko kasi alam ang daan or street pa punta sa
inyo. Kaya dumiretso na lang ako dito sa bahay.” Sagot ni Austin. “Okay lang.
mag commute na lang ako pauwi sa amin.” Sagot ni Aki. Aktong pababa na si Aki
ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tinignan ni Aki ang bag nya pero wala
syang nakitang payong. Napasandal na lang sya sa upuan ng sasakyan. Tinignan
nya si Austin. Ngumiti ito sa kanya. “Tara na. magpalipas ka muna ng ulan then
hatid na kita sa inyo.” Si Austin. Pumayag naman sya. Bumusina sya para
pabuksan ang gate patungo sa garahe. Isang matandang lalaki ang nag bukas.
Ipinasok ni Austin ang sasakyan. Bumababa sila at pumasok sa bahay mula sa back
door ng bahay.
Dumiretso
sila sa kwarto ni Austin. Kumpara sa unang punta nya, malinis na ito. Naka ayos
lahat ng gamit. Maaliwalas tignan ang buong kwarto. Inilapag ni Aki ang bag nya
sabay humiga sa kama ni Austin. Ipinikit nya ang mga mata, naramdaman nya na
may tumabi sa kanya. Alam nya si Austin ito, nanatili syang nakapikit. Maya maya
lang ay naramdaman nya na may yumakap ito sa kanya. Ramdam nya ang init nag
katawan ni Austin, maging ang mainit at mabangong hininga nito ay parang kumot
na nagbibigay ng init sa kanyang katawan. Di sya makagalaw. Di nya magawang
kumalas mula sa pagkakayakap ni Austin. Alam nyang mali ito, dahil kaibigan nya
si Austin. Pero kung hanggang yakap lang ito ay maari na nya itong palagpasin.
Ipinikit nya ulet ang mag mata, nag aantay sya ng susunod na gagawin ni Austin,
pero tila nakatulog na ito habang yakap ang katawan nya. Mas okay na sa kanya
ang ganito. Dahil hindi nya alam kung paano nya i-ha handle ang mas malala pa
sa yakap na maaring mangyayari.
Di
nya namalayan na naka tulog na ulet sya. Nanatiling nakayakap si Austin sa
kanya. Madaling araw na nang magising siya. Wala sa tabi nya si Austin. May
narinig syang agos ng tubig mula sa banyo na nasa loob ng kwarto. Mukhang
naliligo si Austin. Tinignan nya ang kanyang cellphone. Nag text ang kanyang
daddy, informing him that hindi sila makaka uwi. Ni replayan nya ito. Pagka
tapos ay umupo sa gilid ng kama. Bumukas ang pinto at lumabas si Austin na naka
tapis lamang ng tuwalya. Napansin ni Aki na magandan nga ang katawan ni Austin,
hindi lang pala ito nag yayabang. Meron talaga syang may ipag mamalaki.
“Hey,
okay ka lang ba? Gusto mong mag shower? Papahiramin kita ng damit.” Sunod sunod
na tanong ni Austin sa kanya. Napatingin sya sa may bintana. Lalo atang lumakas
ang ulan. Napa buntong hininga sya. Mukhang bukas pa na sya makaka uwi. Nag
shower sya. Pagkatapos ay sabay silang bumaba para kumain. Nag luto sya ng
noodles para sa kanila ni Austin. Nang maluto ay sabay silang kumain gamit
isang malaking bowl habang nanunuod ng tv. Alas 3 ng madaling araw ng nag aya
na syang matulog ulet.
Nahiga
sila sa kama. Naglagay ng unan sa gitna nila si Austin. Nagtaka man sya ay di
na nya ito inusisa pa. Tumalikod sya kay Austin para na rin makatulog na sya.
Ito kasi ang pwesto kung saan mahimbing syang nakaka tulog. Papikit na sya ng
mag salita si Austin.
“Gising
ka pa ba?” tanong nito. Di sya umimik. Hindi sa ayaw nya itong kausapin,
pakiramdam nya eh wala syang lakas para makipag kwentuhan at makipag kulitan.
Pumikit sya para makatulog na sya ng may bigla syang narinig. Hindi sya pwedeng
magka mali. Ang tunog na naririnig nya… ay tunog ng isang hikbi. Hikbi mula sa
taong umiiyak. Haharap sana sya ng biglang mag salita si Austin.
“Kuya..
I really wish you’re here. Wala akong mapag sabihan ng mga nararamdaman ko.
Kuya, may gusto akong isang tao. Pero mukhang may iba syang gusto. Masakit,
pero ako rin naman ang may mali.. di ko kasi masabi sa kanya ang nararamdaman
ko eh.. natatakot sa pwede nyang maging reaksyon. Sana lang pag may sapat na
akong lakas ng loob, masabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.. kung gaano
ko kamahal si Aki.” Pahikbi hikbing sabi ni Austin.
ITUTULOY….
[09]
Part
9: UNANG HALIK: Aki at Austin
Nanlaki
ang mga singkit nyang mata. Di nya alam kung paano sya mag re react, di sya
maka kilos. Tama ba ang narinig nya? Mahal sya ni Austin? Pero bakit? Ang ibig
sabihin Bisexual si Austin? Kaya ba ganun ito kabait sa kanya? Kaya ba kapag
nagku kwento sya about his feelings kay Raf eh nakikita nya ang lungkot sa mga
mata nito? Ito ang mga tanong na pilit nyang hinahanapan ng sagot. Ilang minuto
pa ng pag iisip at kumilos sya paharap kay Austin. Tulog na ito. Napansin nya
ang mga munting luha sa mga mata nito. Bigla syang nalungkot. Alam nyang kahit
sino ay talaga namang mamahalin itong si Austin. Mabait, matalino, thoughful at
sweet. Idagdag mo na rin ang pigiging makulit at nakaka tawa nito. Pero
hanggang kaibigan lang talaga ang turing nya dito. Isang matalik na kaibigan.
Nasa ganun syang pag iisip nang maradaman nya ang pag bigat ng mga mata nya.
Pumikit sya at tuluyan ng nakatulog muli.
Maliwanag
na ng magising sya. Wala ng ulan at maari na syang maka uwi. Napansin nya na
wala si Austin sa tabi nya. Nagpasya syang maligo muna at mag bihis bago nya
hanapin si Austin. Makalipas ang 30 minutes ay natapos na syang maligo. Nakapag
bihis at nakapag ayos na rin ng gamit nya. Lalabas na sana sya para hanapin si
Austin ng pumasok ito sa kwarto.
“Gising
ka na pala. Tara, kain tayo ng breakfast. Nagluto ako”. Si Austin. “Ikaw nag
luto? Masarap ba yan?” biro ni Aki. Hindi nya dapat ipahalata kay Austin na
alam na nya ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Hindi dapat mag bago
ang pakiki tungo nya kay Austin. “Oo naman. Masarap yun.” Si Austin. Bumababa
sila patungo sa dining table at doon nya nakita ang pagkain na pinag mamalaki
na niluto ni Austin. “Asus, Hernandez. Akala ko naman kung anu niluto mo.
Hotdog at ham lang pala.” Biro ni Aki kay Austin. “Okay na yan. Prito lang ang
alam ko eh.” Sabay tawang sabi ni Austin. Kumain sila. Katulad ng dati, kulitan
at tawanan sila.
Pagkatapos
ng ilan pang minuto ay tuluyan ng umuwi si Aki. Nag alok si Austin na ihatid
sya pero tumanggi ito. Nang makarating sa bahay nila ay diretso sya sa kwasrto.
Wala pa rin ang parents nya. Tumuloy sya sa kwarto nya. nag shower ulet at nag
bihis. Sinimulan nyang gawin ang mga assignments at nag advance reading na rin
sya. Nakaramdam sya ng gutom kaya bumababa sya at nagluto ng pagkain. Nang
makatapos syang mag luto ay biglang tumunog ang cellphone nya.
“Hello”
sagot nya.
“Hey,
na miss kita kaya kita tinawagan.” Si Austin.
“Adik
ka. Kakahiwalay lang natin na miss mo na agad ako.” Si Aki.
“Punta
ako dyan sa bahay nyo. Wala aksing tao ditto sa bahay. Please.’ Si Austin.
“Bahala
ka. Di mo naman alam papunta dito eh.” Tawang sagot ni Aki. “At saka anung
gagawain mo dito?” tanung nya kay Austin. “Tambay lang. nakakasawa na kasi sa
mall eh” sagot ni Austin. Ilang saglit pa ng pangungulit ni Austin ay pumayag
na rin sya. Binigay nito ang address nila at tuluyang pinutol ang usapan.
“Talaga
itong si Hernandez, anu na naman kaya ang trip sa buhay?” tanung nya sa sarili.
Bigla nyang naalala ang narinig nya kagabi. Ang di inaasahang pag amin ni
Austin sa about his feelings sa kanya. Napa buntong hininga na lang sya, kasi
until now hindi nya pa rin alam kung paano nya sasabihin na ang mahal nya ay si
Raf. Ayaw nyang masaktan ang kaibigan, pero ayaw nya ring paasahin ito. Nasa
ganun syang pag iisip ng tumunog ang doorbell nila. Tinungo nya ang pintuan at
binuksan ito. Nasa gate na si Austin, halos wala pang 5 minutes eh nakarating
na agad ito.
“Ang
bilis mo naman. Di pa ang ako nakaka kain ng lunch eh.” Si Aki habang
binubuksan ang gate. “Eh di good. Kasi I brought you something.” sabay abot ng
isang plastic container sa kanya. “Anu naman ito? Pritong ham at hotdog ulet?”
tawang tanong ni Aki. “Hindi naman. Spicy chicken wings yan. Nakaka hiya naman
na maki kain ako dito tapos wala akong dala.” Si Austin. Pag pasok nila sa
bahay ay inihanda na ni Aki ang pagkain at inaya na si Austin na sabay na
silang kumain. Masaya silang kumain at halos maubos nilang lahat ang dala ni
Austin. Tinulungan ni Austin na mag ligpit si Aki. Pagka tapos ay umakyat sila
sa kwarto para doon tumaybay.
“Ang
ganda naman ng room mo, Aki. Well organized ang mga gamit mo.” Manghang sabi ni
Austin. “Oo naman, di tulad ng sa’yo. At saka di ko pina lilinis ang kwarto ko
sa iba. Gusto ko ako ang nag aayos para alam ko kung saan ko kukunin ang mga
gamit pag kailangan ko” mabang tugon ni Aki. Tumango lang si Austin sa sinabi
ng kaibigan. “So, anung gagawin natin? Mag tititigan lang?” si Aki. “Ikaw,
kahit anu okay lang sa akin.” Sabay bigay ng isang pilyong ngiti ni Austin. “
Ugok! Asa ka dyan. Para lang kay Rafael ang katawan ko noh!” walang gatol na
sabi ni Aki. Biglang nag bago ang mood ni Austin. Narinig na naman niya ang
pangalan ng lalaking yun. Napansin naman ni Aki ang reaksyon ni Austin. Biglan
nyang naalala ang narinig kagabi. Binago ni Aki agad ang topic at inayang mag
laro ng PS2 si Austin. Pareho silang mahilig sa Tekken at di pa sya nakaka bawi
sa huling talo nya dito nung maglaro sila sa mall. Para namang walang narinig
si Austin at nanatili lamang itong naka upo sa kama at naka yuko. Biglang na
guilty si Aki. Nilapitan nya si Austin. “Austin… is there something wrong?..”
si Aki. Nag angat ng ulo si Austin at doon nya nakita ang mga luha na nag
uunahang dumaloy mula sa mga mata nito. “Uy, bakit ka umiiyak?” tanong ni Aki.
Hindi ito sumagot at tuluyang tumayo at lumabas sa kwarto. Tila napako si Aki
sa nakita. Unang beses nyang nakita na ganun ka lungkot si Austin, nataihan sya
ng marinig ang pag sara ng pinto ng kanyang kwarto. Hinabol nya si Austin at
inabutan nya ito sa main door nila.
“Austin,
wait! Anu bang problema?” si Aki. Hinawakan nya ito at iniharap sa kanya.
Tinitigan sya nito. Kitang kita pa rin sa mga mata ni Austin ang lungkot.
Hinawakan nya ang mukha ni Aki, tila sinasaulo ang bawat detalye ng mukha nito.
Di malaman ni Aki ang nararamdaman..nanlalamig ang mga kamay nya pero ramdam
nya ang pag init ng mukha nya. Di inasahan ni Aki ang sumunod na pangyayari. Inilapat
ni Austin ang labi nito sa labi nya. Ang kaninang malamig na pakiramdam ay unti
unting napalitan ng init na unti unting bumabalot sa kanyang buomg katawan at
ang kaninang simpleng halik ay unti unting nagiging mapusok. Napapikit sya.
Alam ni Aki kung saan ito patungo, kailangan nyang kumalas pero hindi nya
magawa. Tila inalipin na sya ng kung anung pakiramdam ang bumabalot sa kanilang
dalawa ni Austin. Nagpaubaya sya sa kung anuman ang pwedeng patunguhan ng halik
na yun nang biglang bumitaw si Austin. Idinilat nya ang kanyang mga mata.
Nanatiling naka titig sa kanya si Austin. Wala ni isang salita ang lumalabas sa
mga bibig nito pero nararamdaman nya ang kung anumang damdamin na nararamdaman
ni Austin.
“Austin…”
si Aki. Di sya sinagot ni Austin at tuluyan nag lumabas ng kanilang bahay. Di
na nya nakuhang sundan pa ito. Napako na sya sa kinatatayuan nya, hindi alam
kung ano ang susunod nyang gagawin.
Maliwanag
na. Alas 6 na ng umaga. Hindi sya naka tulog kagabi. Hindi sya pinatulog ng
sakit na nararamdaman nya. Manhid ba si Aki o baka hanggang kaibigan lang
turing nito sa kanya. Nanatili syang nakahiga. Wala syang ganang pumasok sa
school. Hindi nya alam kung paano nya haharapin si Aki pagka tapos ng nangyari
sa kanila kahapon. Hindi man nya pinag sisihan ang ginawa nya pero hindi pa rin
nya alam kung paano ito makaka apekto sa pakikitungo nila sa isa’t isa.
Tumagilid sya at niyakap ang isang unan. Namalayan na lamang nya na muling nag
uunahan ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Matagal na panahon na rin ng
huli syang umiyak. Muli ay bumalik ang masasayang alaala nila ng kanyang Kuya.
Ang nag iisang tao na lagi nyang sandalan pag malungkot sya. Bumangon sya at
naligo. Nag bihis sya pero hindi uniporme ang kanyang sinuot. Pagka bihis ay
tuluyang lumabas sa kanilang bahay. Gamit ang kanyang sasakyan, binagtas ang
isang pamilyar na lugar. Taon taon syang dumadaan dito, minsan sya mag isa o
kaya kasama ang mommy nya. Makalipas ng isang oras ay narating na nya ang
lugar. Bumaba sya ng sasakyan bitbit ang bulaklak na nakaayos sa isang basket.
Dumiretso sya sa isang musileyo, inilapag ang dalang bulaklak at saka naupo
malapit sa mga nitso.
“Kuya,
andito na naman ako. Alam mo naman kung bakit ako nag pupunta sa’yo.” Si
Austin. “Na mi miss na kita ng sobra. Kahit 10 years na ang nakakaraan pero
feeling ko kahapon ka lang nawala sa amin.” Siya ulet. Sandali syang tumahimik
at tuluyang hinayaang dumaloy ang mga luha na kanina gustong kumawala sa
kanyang mga mata. “Kuya ang hirap naman ng ganito, alam ko sa sarili ko na
mahal na mahal ko sya pero nararamdaman ko na hindi nya ako kayang mahalin.”
Hikbing sabi ni Austin Naramdaman ni Austin ang mahinang hangin na dumapi sa
kanyang katawan, senyales na naiintindihan sya ng Kuya nya. Tuluyan syang
napahagugol. Tuluyan na nyan inilabas ang sakit na nararamdaman. Umiyak sya ng
umiyak hanggang sa halos pakiramdam nya na wala na syang nailuluha pa. Ilang
oras pa sya nanatili sa lugar na yun. Bago mananghalian ay nagpasya na syang
umuwi. Matapos makapag paalam sa Kuya at Daddy nya ay tuluyan na syang umalis.
Nang makarating na sya sa kanilang bahay diretso sya sa kanyang kwarto. Nag
bihis at nahiga sa kanyang kama hanggang sa tuluyan syang nakatulog muli.
“The
number you have dialled is either unattended or out of the coverage area,
please try your call later.” Yan ang paulit ulit na sinasagot sa kabilang
linya. Ilang beses nyang tinatawagan si Austin pero wala talaga. Hindi ito
pumasok buong araw, di nya rin alam kung anu na ang nangyari sa kaibigan. Nasa
gitna sya ng pag aalala ng may tumabi sa kanya sa inuupuang bench.
“Mukhang
stress ka ata ah. May problema ba?” si Darwin. Nagulat sya ng tignan kung sino
ang tumabi at bumati sa kanya. “Ah. Hindi naman. Di kasi pumasok si Austin eh
tapos di ko pa sya ma kontak.” Sagot nya kay Darwin. “Ganun ba. Baka naman may
inaasikaso lang.” si Darwin. “Di ko alam.” Malungkot na tugon ni Aki. “Don’t
worry too much. Okay lang siguro si Austin.” Si Darwin.
Napa
bunting hininga na lang si Aki na hindi naman naka lagpas sa kay Darwin. “You can
tell me anything if you want. I’ll listen and maybe I can help.” Si Darwin.
Tinignan sya si Aki at saka nag salita. “Austin kissed me last night. But prior
to that I accidentally heard na may gusto sya sa akin.” Tuloy tuloy na sabi ni
Aki. Napangiti si Darwin sa sinabi ni Aki. “Un naman pala eh. Anung problema
doon?” si Darwin. “May gusto kasi akong iba. Pero ung taong un mukhang may
gusto ring iba.” Si Aki. “Do you mind if I ask kung sino ung taong gusto mo?”
si Darwin. Sandaling nag isip si Aki. Alam nya na kaibigan ni Darwin si Raf at
ayaw nyang malaman ni Raf mula dito ang feelings nya for him. “Wag na lang. Di
mo naman sya kilala. At saka mukhang mukhang malabo na magustuhan nya ako.” Si
Aki. “Makinig ka sa akin, Aki. Be thankful na may nagmamahal sa’yo and treat
you as special someone. Kasi you’ll regret pag nawala sya sa’yo”. Si Darwin.
Ngumiti lamang si Aki.
“Darwin,
may itatanong ako sa’yo. Sana okay lang sa’yo.” Si Aki. “Sure. Go ahead.” Si
Darwin. “Ahm.. anong meron sa inyo ni Raf?” si Aki. “Sabi ko na nga ba eh. Si
Raf yun eh.” Si Darwin. “Si Ra fang alin?” pa inosenteng tanong ni Aki. “Si Raf
ung taong gusto mo at kaya di mo masabi kasi kilala ko.” Si Darwin. Pinamulahan
ng mukha si Aki. “Alam mo, Aki. Mag best friend kami ni Raf since High School
and until now ganun ang turingan naming. Wag kang mag alala, ilalakad kita sa
kanya.” Si Darwin. “Naku, wag mong sabihin sa kanya, nakaka hiya. Baka sabihin
nya kaya ako sumali sa pep squad kasi sinusundan ko sya.” Tuloy tuloy na sabi
ni Aki. “Ahahahahah! Akong bahala sa’yo. I set kita ng date sa kanya if you
want.” Si Darwin ulet. “Wag na! hindi un papayag for sure.” Si Aki. “Wanna
bet?” si Darwin. “Tumigil ka, Darwin. Anu na lang sasabihin ng ibang member ng
squad?” si Aki. “Ikaw ang bahala. Basta pag nagbago ang isip mo, sabihin mo
lang sa akin.” Si Darwin. Ngumiti lamang si Aki.
Nag
paalam si Darwin kay Aki para pumasok sa isa nyang klase. Naiwan sya para
antayin ang meeting ng pep squad. Past 5pm pa lang per nagpasya na syang
pumunta sa gym at doon na lang magpa lipas ng oras.
ITUTULOY……
[10]
Part
10: Close encounter with Rafael
Nang
makarating si Aki sa gym ay napansin nya na bukas ang ilaw sa loob ng
headquarters nila. Ibig sabihin may tao na. Umakyat sya upang tignan kung sino
ang tao doon. Pag bukas nya ng pinto ay nakita nya si Rafael na nag aayos ng
mga gamit ng pep squad. Pawisan ito, bakat sa basa nyang tshirt ang hubog ng
katawan nya. Nahiya syang pumasok, hindi nya alam kung ano gagawin nya. Lalabas
na sana sya ng matabig nya ang isa sa mga drums na nakahanay malapit sa
kinatatayuan nya. Napalingon si Rafael sa pinang galingan ng ingay. Napangiti
na lamang si Aki sabay ayos sa mga drums. “Sorry, di ko sinasadya.” Si Aki.
“Ikaw pala yan, akala ko naman kung sino na” si Rafael. Ngumiti ulet si Aki
sabay pasok sa loob ng headquarters. “Need help? Mukhang madami kang inaayos ah.”
Si Aki. “Hindi. Okay na lahat, kaya ko na ito.” Si Rafael habang inaayos ang
mga matts na ginagamit nila tuwing practice. Naupo si Aki di kalayuan kay
Rafael. Titig na titig sya dito, hindi nya mai alis ang mga mata sa lalaking
nasa harapan.
“Baka
matunaw naman ako sa titig mo. Nakaka conscious naman.” Birong sabi ni Raf. “Ay
sorry, tinignan ko lang kung paano inaayos yung mga gamit dito. Yun lang.”
sabay yukong sabi ni Aki. Pakiramdam nya ay pulang pula ang mukha nya. Huling
huli sya ni Raf. “Nakaka inis. Malandi ka kasi eh.” Pagalit nya sa sarili. “You
know what, you’re cute. Lalo na pag namumula ka.” Si Raf. “Sh*t. namumula na
nga ako. Nakaka inis.” Bulong nya sa sarili. “Salamat. Di naman ako cute. Kung
cute ako di sana marami ng nagka gusto sa akin.” Si Aki. “Maniwala ako sa’yo na
walang nagkaka gusto sa’yo.” Si Raf. “Totoo yun. Di sana hindi ako single
ngayon.” Si Aki na may himig na pagpaparinig kay Raf. Ngayon lang siya naging
ganito. Ang maging flirt. Pero di naman to the highest level. Pa sweet na flirt
lang. (kung meron mang ganung term) “Hmmm.. ganun ba. Single ka pala. Akala ko
boyfriend mo si Austin eh.” Si Raf. “Hala! Hindi ah. Kaibigan ko lang yun. Di
magkaka gusto sa akin yun.” Pagtanggi ni Aki. Natawa lang si Raf sa sinabi nya.
Halatang defensive sya. Ilang minuto pa ay natapos ng mag ayos si Raf. Naupo
ito malapit sa isang study table at sabay nag hubad ng tshirt. Di malaman ni
Aki ang gagawin. Parang syang sinisilaban sa init. Di nya mapigilang tignan ang
magandang katawan ni Rafael. “Ayan, inatake ka na naman ng sakit mong pag ka
tulala” si Raf habang nag pupunas ng katawan. “Ha? Anu yun, Raf?” si Aki.
“AHAHAH! Nabingi ka pa ata. Anu ba kasing iniisip mo?” si Raf. “Loko tong
lalaking ito, pinagtatawanan pa ako. Kung alam nya lang na sya ang dahilan kung
bakit ako tulala.” Bulong nya sa sarili.
“Ang
sabi ko bakit ang aga mo dito? Wala ka na bang klase?” si Raf ulet. “ Ah.. wala
na. kanina pang 3pm.” Si Aki. Tumango lang si Raf sa sagot nya. Matagal pa bago
mag simula ang meeting dahil wala ring masyadong usapan sa pagitan nila ni Raf
at wala din syang topic na mai open ay nag pasya sya na tumingin tingin sa
paligid ng headquarters. Doon nya nakita ang mga trophies at medals na
napanalunan ng pep squad mula nung 1998 hanggang last year. “Sumali din pala
kayo ng Cheerdance Gran Prix” si Aki. “Yup, pero di pa ako member nyan nung
sumali sila. At ang pagkaka alam ko eh dyan nag simula ang pagiging popular ng
DSU Pep after nilang mapasama sa Top 3.” Si Raf. “I see. Na miss ko tuloy ung
Pep Squad namin nung High School. Dahil din sa Grand Prix kaya naging sikat ang
pep squad namin” si Aki. “Well, ganun talaga.” Maikling sagot ni Raf. “And by
the way, sa Saturday ulet ah. Practice natin then Wednesday next week Pep Rally
na at dress rehersal natin.” Si Raf ulet. Tumango lang si Aki. 2 weeks na lang
pala at Elimination na. Excited at nerbyos na sya.
“Kinakabahan
na nga ako eh. After 5 years saka na lang ulet ako makaka pagsayaw at mag che
cheer” si Aki. Tumayo si Raf at inakbayan sya. “Don’t worry. Isipin mo na lang
na nagpa practice lang tayo pag andun na sa competition.” Si Raf. Para syang
nauupos na kandila sa kilig at kaba habang magkadikit ang katawan nila ni Raf.
Ang bango nya kahit kanina lang ay basang basa ito ng pawis. Tila sya estatwa sa
kinatatayuan nya. Pigil hininga sya at di nya alam ang kanyang gagawin. Di
naman ito alintana ni Raf. Ang alam nya lang ay kailangan nyang i comfort si
Aki bilang bagong member ng squad.
“Ahm..
Raf, busy ka ba after ng practice sa Saturday?” si Aki. “Hmmm.. hindi naman.
Bakit?” si Raf. “Invite sana kita kahit simpleng coffee lang.” si Aki. “Sige
ba. Makapag relax man lang kahit konti. Nakaka stress din kasi pag graduating
na eh.” Si Raf. Nais na ni Aki na magtatalon sa kilig dahil magkakaroon sya ng
pagkakataon na makilala si Raf. Di na sya makapag antay sa araw na yun. “Sure
nay an ah. Walang bawiaan.” Si Aki. “Oo ba.” Si Raf. Quarter to 6 ng dumating
ang karamihan sa mga member ng squad. Saktong 6pm ng makumpleto sila at
nagsimula sila ng meeting. Pagkatapos ay sumabay na si Aki sa ibang member
pauwi samantalang ang iba naman ay pumasok pa sa kani kanilang mga klase.
Nang
dumating si Aki sa kanilang bahay ay naabutan nya ang kanyang parents. Natuwa
sya dahil ilang linggo din silang di magkasama kahit man lang sa pagkain ng
breakfast. Nagpasya silang mag dinner sa labas sa isang seafood restaurant.
Kwentuhan sila habang kumakain. Sinabi nya sa mga ito na member na sya ng pep
squad sa school at tuwang tuwa naman sila para sa anak. Nasa kalagitnaan sila
ng kwentuhan ng may mapansin si Aki sa di kalayuan. Si Rafael na naka upo sa
isang table. Bumilis muli ang kabog ng kanyang dibdib. Na excite sya ng makita
nya si Raf sa di iniaasahang lugar. Nagpa alam sya sa kanyang parents para
lapitan si Raf. Pumayag naman ang mga ito. Habang papalapit sya ay lalong
lumalaks ang kabog sa kanyang dibdib. Isang buntong hininga muna bago sya
tuluyang lumapit dito. “Raf. Sinong inaantay mo dito?’ bungad nya kay Raf. “Uy,
ikaw pala Aki. Upo ka. Wala akong inaantay, kakain ako ng dinner dito. Favorite
ko kasi ung chili crab nila.” Si Raf. “Ikaw, anung ginagawa mo dito?” tanung ni
Raf. “I’m with my parents. One week din kasi kaming di magkaka sama eh” si Aki.
“Ah ganun ba. Nakaka hiya naman, baka di ka pa tapos kumain eh lumapit ka na
dito.” Si Raf. “Hindi naman. Okay lang kasi nagpaalam naman ako sa kanila.” Si
Aki. Sandali pa silang nag kwentuhan at nagpa alam na si Aki na babalik na sa
table nila. Sakto namang dumating ang order ni Raf. Pagkabalik ni Aki ay
tinanong ng mommy nya kung sino ang kinausap nya. Kinuwento nya ang tungkol kay
Raf at dahil nga open na sya sa parents nya ay naiintindihan naman nila ito
sabay pangaral sa kanya na tapusin nya muna ang kanyang pag aaral. Sinabihan
sya ng kanyang parents na imbitahan si Raf sa kanilang table. Lihim na natuwa
si Aki dahil mismong daddy nya pa ang nag sabi nito sa kanya. Nilapitan nya si
Raf at sinabi nya na gusto syang makilala ng parents nya. Nung una ay nahiya pa
si Raf pero dahil na rin nakatingin sa di kalayuan ang mga magulang ni Aki ay
tumayo na rin sya at lumapit sya kasabay ni Aki sa mga ito
“Mom,
Dad this Raf. Team captain ng pep squad naming.” Si Aki. “Good evening po.” Si
Raf. “Good evening, hijo. Please join us.” And daddy ni Aki. “Nakakahiya naman
po. Wag na lang po.” Si Raf. “Naku, Raf wag ka ng mahiya. Bihira kami maka
kilala ng mga kaibigan ni Aki kaya halika na at samahan mo kami dito. Tamang
tama at kaka simula pa lang naming kumain.” Ang mommy ni Aki. Sumang ayon naman
si Aki sa sinabi ng mga magulang nya. Walang nagawa si Raf kundi maupo na rin
sa tabi ni Aki. Pinalipat rin ni Aki ang pagkain mula sa table ni Raf sa table
nila. Sabay sabay silang kumain, nag kwento rin si Raf tungkol sa kanya at kung
paano sila nagka kilala ni Aki bago pa ito maka pasok sa pep squad. Masaya
silang nag kwentuhan pa matapos kumain. Past 10pm na ng mapagpsyahan nila na
umuwi na. Ang parents ni Aki ang nagbayad ng bill nila, hiyang hiya naman si
Raf pero wala na syang nagawa pa.
Nasa
parking lot sila ng magpaalam si Raf sa parents ni Aki. “It was nice meeting
you, Raf.” Ang mommy ni Aki. “Same here din po, maam. Sir.” Si Raf. “Just call
us Tito and tita.” Ang daddy ni Aki. “Sige po. Tito, tita, Aki, Ingat kayo sa
byahe. Salamat pos a dinner.” Si Raf ulet. Inantay muna ni Raf na maka alis
sila bago tuluyang lumakad pauwi. Habang nag aabang ng masasakyan ay naalala ni
Raf ang itsura ni Aki habang kumakain sila. Masaya ito. Panay ang ngiti. Iba
ang kislap ng mata. Ayaw nya sanang mag assume pero ganun kasi sya pag kasama
nya si Darwin. Walang pag lagyan ng kasayahan nya pag kasama nya ang tanging
tao na hanggang ngayon ay minamahal nya pa rin. Muli ay bumalik sa isip nya si
Aki. Mabait naman ito at di mapagkaka ilang gwapo din ito. Magaan na din ang
loob nya dito dahil siguro nakikita ang sarili dito nung nag sisimula pa lang
sya sa cheering squad. Sandali nyang itunuon ang atnsyon nya sa mga sasakyang
dumadaan. Pasado alas onse na at di pa rin sya nakaka uwi. Bukas ay maaga pa
sya sa school. Nag taxi na lang sya pauwi. Pag karating sa kanilang bahay ay
nag shower at nagpalit ng damit pang tulog. Ilang minuto pa ay nakatulog na
sya.
Maaga
pa lang ay nasa school na si Aki. Nag babaka sakali na pumasok na si Austin.
Pero hanggang sa dumating ang oras ng klase ay wala ni anino ni Austin. Sinubukan
nyang tawagan ito pero mukhang naka off pa rin ang cellphone nya. Natapos ang
araw nya sa school. Pakiramdam nya ay may kulang sa kanya. Na mi miss nya si
Austin, ang kakulitan nito at kabaitan. Nasa study hall sya at nakikinig ng I
pod nya nang may tumabi sa kanya. Laking gulat nya ng makita si Raf sa tabi
nya. Inalis nya ang kanyang earphone at hinarap si Raf. “Mukhang malungkot ka
ata.” Si Raf sabay ngiti sa kanya. “Di naman. Pagod lang siguro.” Si Aki “Okay
lang yan, masasanay ka din.” Si Raf. Ngumiti lamang si Aki sa sinabi ni Raf.
Kahit papano kasi ay nabawasan ang lungkot nya sa pagkaka miss nya kay Austin.
Marami pa silang napag kwentuhan tungkol sa buhay buhay. Napakaraming natutnan
ni Aki sa mga experience ni Raf sa buhay. Ilang minuto pa ay inaya sya ni Raf
sa headquarters ng pep squad, may mga bagong dating daw kasi na drums kaya
kailangan nya itong tignan. Sumama si Aki at sabay silang pumunta sa
headquarters. Pag dating doon ay andoon na ang mga drums, dahil walang alam si
Aki kung paano ito kinikilatis ay naupo na lang sya sa isang sulok habang abala
si Raf sa pag iinspeksyon ng mga ito Pagka tapos ay naupo din si Raf malapit sa
kinauupuan ni Aki. Walang imikan. Parehom silang nakikiramdam Parang sasabog
ang dibdib ni Aki sa halong kaba at excitement. Wala syang iniisip na mahalay
sa pagkakataon nay un, ang nagpapa kabog ng dibdib nya ay ang reyalidad na
kasama nya ang taong mahal nya sa isang lugar na sila lang dalawa.
“Aki..
Raf” sabay nilang tawag sa isat isa. Nagakatitigan sila. Tanging mag mata lang
nila ang nag uusap. “Rafael…”si Aki. “Yes…?” si Raf Hindi sumagot si Aki bagkos
ay inilapit nya ang mga labi sa labi ni Raf. Ilang sandali pa at naglapat ang
kanilang mga labi, ramdam ni Aki ang init na unti unting bumabalot sa kanyang
katawan. Di sya makapaniwala sa nangyayari. Ang mga labi ng lalaking pangarap
nya ay ngayo’y nakalapat sa mga labi nya. Kung panaginip ito ay ayaw na nyang
magising pa. Bigla syang bumalik sa kanyang sarili at kumalas mula sa pagkaka
lapat ng mga labi nila ni Raf. Dali dali syang tumayo at nag lakad palabas ng
pintuan.
“Aki,
wait. Saan ka pupunta?” si Raf. Hindi nya magawang lingunin ito. Di nya alam
kung may mukha pa syang ihaharap kay Raf. “I’m sorry… hindi ko sinasadya.
Nadala lang ako. Pasensya ka na.” si Aki habang nakayuko ang ulo paharap sa
pintuan palabas.
Magsasalita
pa sana si Raf pero wala na si Aki. Tuluyan na itong nakalabas ng silid. Walang
nagawa si Raf kung di itakip ang mga palad nya sa kanyang mukha. Hindi sya
dapat pumayag. Hindi nya dapat hinalikan si Aki.
Ngayon
pati sya hindi na rin alam kung paano nya haharapin si Aki sa Sabado during
their practice. At paano kung malaman din ni Darwin ang nangyari? Un ang hindi
nya kayang mangyari, ang mawala si Darwin sa kanya. Tuluyan syang napa upo sa isang
sulok at iniyuko ang ulo… Ngayon lang sya nalito at naguluhan ng ganito..
ITUTULOY…
No comments:
Post a Comment