By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
“Cha, I really really have to pee! Stop the car naman for a while kasi!” sabi ko sa bestfriend ko na si Ms. Charity Sandoval... my fag hag (though lagi niyang pinapaalala na hindi ko siya faghag) she always say that she's too smart to be my fag hag... sa totoo naman matalino si Cha, mabait, may pagkalukaret nga lang minsan saka model material yan... may sapak nga lang ang ugali kung minsan... at higit sa lahat mayaman... maraming lupa sa probinsya... may mga business sa Manila... filthy rich kung baga.. At ako? Ako si Miguel, Migs ang tawag nila sakin... isa akong bisexual, discreet... average looking, nasa middle class mabait kung sa mabait at mabait parin sa mga di gaanong mabait... nagkakilala kami niyan ni Cha nung college...
We were having our freshmen orientation then, ang alam ko lang... ako ay nabibilang sa BSN 1-b, nakapila kami ni Jon (bestfriend ko) nang magsalita yung isang facilitator sa may stage “I would like for you guys to listen carefully because I'm only going to say this once” at nagbigay na nga ng instructions ang dahumong facilitator at dahil magkaiba kami ni Jon ng course sa ibang building siya pupunta...
“eka lang Jon, di ko alam kung saan ako pupunta” paiyak ko ng sabi kay Jon... “hala di ka ba nakinig kanina? Ano bang sabi anong building ka raw saka room?” sabi sakin ni Jon ng may pagaalala “di ko nga naintindihan eh, basta sabi lahat ng BSN 1-b sa ganitong building pupunta tas room 103 daw” sagot ko na kinakabahan parin.
“BSN 1-b ka ba kamo?” singit ng isang magandang babae sa likod ko “swerte mo gurl! Magkaklase tayo at nakinig ako sa panget na nag announce ng room natin, halika sama ka na sakin” at hinila na niya ako papuntang classroom namin at napatingin na lang ako kay Jon at nginitian niya lang ako sabay talikod, “Cha nga pala gurl!” pagkatulak niya sakin sa upuan at tumabi sa tabi ko “Migs nga pala” sagot ko sabay hatak niya sa kamay ko at nakipagshake hands “nga pala you're gay right?!” sabi niya na nakapagpalaki naman sa mata ko... umiling lang ako
“its ok noh! Naaamoy kita... malansa ka rin... OMG! I remember this one time may nanligaw sakin and the stench was so strong alam mo yun obvious na obvious na pero dineny niya parin, so GO! Sagutin ko siya... and after one year nag out ang bakla! Ayun heartbroken ang drama ng lola mo simula nun talagang naniwala na aketch sa aking gut feeling” patuloy niyang paglalahad... di ko alam kung maiilang ako o ano, kasi parang limang segundo lang ata yung lumipas na nagpakilala kami sa isa't isa at ito na yung pinaguusapan namin...
“but don't worry gurl akong bahala sayo, di ko ipagsasabi” sabi niya sakin ng pabulong sabay kindat... di ko na nagawang mag deny... We graduated na konti lang ang nakaalam ng tunay na ako... salamat sa paminsan minsang pagkalimot ni Cha na discreet ako... balik tayo sa kwento ko... :-)
“Cha, I really really have to pee! Stop the car naman for a while kasi!” sabi ko na medyo pasigaw kay Cha “tangna mo naman kasi gurl sino ba naman kasi ang may sabi sayong laklakin mo yung panindang buko juice ni gwapong manong buko juice vendor!” sabi sakin ni Cha na pinagtatawanan pa ako “Tse! Bilis na itigil mo muna ang sasakyan...” sa tabi nalang ako ng daan napilitang umihi... tutal kahit saan mo naman ibaling ang paningin mo wala kang makikita kundi damuhan at mga baka na nagkukumpol kumpol... dahil di ko na mapigilan doon ako sa may tapat ng mga baka nagpasyang umihi... malayo naman sila...
nang maramdaman ko ang pag gaang ng aking pantog biglang may sumulpot na lalaki sa likod ng mga baka... nakatingin sakin na siya namang ikinahiya ko... di ko inaasahang may makakakita pala sakin duon ang malala pa kitang kita niya ang aking Junior... napatawa naman ang lalaki, dahil dali dali kong tinapos ang aking pag ihi at sinaran ang aking zipper... tumakbo ako pabalik ng kotse at nadatnan kong nakikipagusap si Cha sa mama niya....
“yes Ma, malapit na kami... Migs just peed malapit na kami ok?” kanina pa sinabi sakin ni Cha na malapit na kami nung lumiko kami galing highway... actually sabi niya na andito na kami pero five minutes naring nagdradrive si Cha...
“akala ko ba andito na tayo sainyo, e kanina ka pa nagdradrive puro damuhan saka baka parin ang nakikita ko eh sigurado ka bang di tayo naliligaw?” tanong ko kay Cha... “gaga! Andito na nga tayo no! Kanina pa simula nung lumiko tayo galing highway pumasok na tayo sa residences ng mga Sandoval” nagulat naman ako sa sinabing yun ni Cha... di ko naman akalain na sa kanila na pala tong lupain na ito, Hacienda ang dating...
ilang minuto pa at nakarating na kami sa bahay nila... malaki ito... tila isang lumang bahay sa gitna ng malawak na lupain... pero maganda pa ang bahay... halatang minemaintain ng maayos... “welcome to our Ancestral House! The Sandoval mansion bwahahahahahaha” tanging siya lang ang natawa... kung titignan mo kasi hindi siya ordinaryong bahay malaki talaga!
“ano ka ba gurl! Joke yun!” sabi sakin ni Cha at pumitik pitik pa siya sa harapan ko nang mapansin niyang nakanganga pa ako at tulala sa pagkamangha “gurl nacomatose ka na ba?!” pasigaw niyang sabi... di ko parin alam kung bakit ako nandito... basta ang sabi ni Cha ikakasal daw ang kuya niya at kailangan niya ng partner sa kasal at ipakikilala niya raw na boyfriend niya ako... akala ko joke pero nung lumabas na ng bahay ang kanyang “Mama” di ko naman napigilang kabahan...
donyang donya ang dating halatang mamahalin ang bestida na suot ng kanyang mama matingkad ang kulay nito at may kapareha pang pamaypay... donya talaga ang dating... naalimpungatan na lang ako ng bigla niya akong yakapin... “Miguel Hijo!” pagkatapos yakapin ay bineso beso pa ako “I'm so glad you could come!” at marami pa siyang sinabi pero di ko na naabsorb lahat ng iyon dahal namangha nanaman ako sa alahas na suot suot niya... nakapambahay lang pero todo ang alahas sa katawan... donya talaga!
Inimbitahan niya kaming magmiryenda sa lanai sa bandang tagiliran ng bahay... may mga kulungan ng love birds na masayang nagchuchurp sa kanilang paglalaro... may magagarang mwebles na kung ililipat mo sa bahay namin ay sadya paring magara kahit na sa sala mo pa ilagay...
naghanda ng miryenda ang maraming kasambahay nila Cha... isang cake ang inihanda at masarap na kape...
marami kaming napaguspan ng Mama ni Cha tungkol sa college, sa work namin at sa bagong business na pinaghatian namin ni Cha na sa kasalukuyang nagboboom naman... “I've been telling Cha to invest in a business, ikaw lang pala ang makakakumbinsi sa kanya hijo” at napa ngiti naman kami ni Cha ng sabay sa kanyang Mama... at napaisip ako... talagang mahihirapan ako sa pag papanggap namin na iyon ni Cha gusto kong sumigaw “I'm sorry Ma'am di po kami ng anak niyo! Bakla po ako BAKLA!” pero pinigilan ko ang sarili ko... binigyan ko ng kinakabahang ngiti si Cha
Mabait naman ang kanyang mama, down to earth pa nga... hindi matapobre tulad ng ibang mayayaman... kung makipag usap ang mama ni Cha at si Cha sa kanilang mga kasambahay ay kala mo kapamilya narin... hindi kinakabahan ang kanilang mga kasamabahay sa kanilang mga amo di, tulad ng mga napapanood natin sa TV na sinisigawan sila at pinagbubuatan pa minsan ng kamay. Nasa ganito akong pagmumuni muni ng biglang may dumating na lalaki at sumigaw si Cha ng “Kuya!” at ang kanyang Mama ay napalingon sa bagong dating habang ako ay namutla...
gwapo ang kapatid ni Cha... siya na siguro ang magandang example ng tall, dark and handsome... kayumanggi pero halatang may mestizo features... lalaking lalaki ang dating... magandang ngumiti... ang ngiti na hindi ko makakalimutan dahil sa isang kahihiyan na nangyari kanikanina lamang.... agad ko siyang namukhaan at gayon din naman siya sakin....
“Hijo I suggest na magshower ka muna, before I introduce you to our guest nakakahiya naman kay Miguel” sabi ng Mama ni Cha... “Nonsense Ma! Ang bango bango nga ni kuya oh” sabay amoy amoy sa kuya niya... “amoy bukid at baka!” nagulat naman ako ng mapatingin ako sa kaniya ay nakatingin din pala siya sakin at nakakaloko ang ngiti niya... mapangasar...
“kuya I would like you to meet my boyfriend, Miguel and Migs this is my brother Eduardo Sandoval III” at napa singhap siya sa pagpapakilala na yun ni Cha wariy di naniniwala na boyfriend nga ako ni Cha at tinignan ako simula ulo hanggang paa, pero di yun napansin ni Cha... “finally! Nakilala ko rin ang BOYFRIEND ni Cha you can call me Ed tol” talagang inemphasize ang salitang boyfriend... at umupo siya sa tabi namin at nakihati sa miryenda... “oh great talaga namang gaganahan ako nito sa pagpapanggap” pasarkastiko kong sabi sa sarili
naguusap naman sila at ako tila natameme... “now mama, I heard you had my room renovated, I would really love to see it” sabi ni Cha “of course hija, but your bags are still in the trunk...” sabi ng Mama ni Cha... “no worries ma Miguel and kuya can take care of it” at napatingin ako sa sinabing yun ni Cha at napatingin din sa kuya niya na sa ikinagulat ko ay nakangiting aso sakin... nakakaloko talaga ang kumag...
at kinuwa na nga namin ng kuya ni Cha ang bagahe sa kotse... “hindi ba bawal sa Maynila ang umihi kung saan saan?” at dahil sa tanong na yon ay naibagsak ko ang maleta ni Cha na punong puno ng damit sa paa ni Ed “ouch!” sigaw nito di ko naman alam kung panong paumanhin ang gagawin sa kanya “sorry po talaga... naku di ko po talaga sinasadya”.
At nagulat ako sa reaksyon niya... di na siya naka ngiting aso at itsurang galit na galit siya sa akin... nakakunot ang noo at nakasimangot... “i never thought that my sister likes pussies like you!” at nagulat naman ako sa insultong yun... medyo below the belt na pero, pinalagpas ko na lang... nasa teritoryo nila ako at alam kong magagalit sakin si Cha pag nakipag buno ako sa kapatid niya...
“bakit namumutla ka? Are you ok Migs?” tanong ni cha pag dating namin sa kwarto niya... malaki ito... may mga lumang muwebles... pang mayaman talaga “baka kulang sa...” at sinenyas ni Ed ang bastos na hand gesture “hay nako kuya you're so bastos talaga!” at sabay silang nagtawanan at ng mapatingin ako s direksyon ni Ed ngiting aso nanaman ito... “ano bang ginawa ko sa taong ito at ganun na lang ang pangaasar niya sakin?” tanong ko naman sa sarili ko...
nagpahinga lang kami saglit ni Cha, magkahiwalay na kwarto kasi di pa naman daw kami kasal sabi ng Mama niya...as if naman may mangyayari, nang maiayos ko na ang gamit ko agad namang nag ring ang telepono ko si Cha “Gurl! Ano musta naman ang stay mo sa Hacienda Sandoval?” pangaasar ni Cha sa kabilang line! “tangna ka gurl ano ba tong pinasok natin! I can't lie to your family, di ko kayang magpanggap” napatawa siya at marami pa kaming napaguspan pero kailangan narin naming bumaba pa para maghapunan... naging maayos naman ang lahat kasi lumabas pala si Ed kasama ang mga kaibigan niya kaya't kaming tatlo lang nila Cha at Mama niya sa hapag kainan...
“So Ma who's taking care of the wedding?” tanong ni Cha na siya namang ikinataka ko “well you can't count on your Kuya... he's too easy go lucky... si Brenda na ang bahala at sa gastos naman tayo na...” napalunok naman ako ng mabilis sa narinig, ikakasal na pala si Ed... “sayang” malokong comment ng utak ko.
masarap naman ang aking pagkakatulog nung gabing yun dahil sa medyo malamig dahil umulan din nung gabing yun... at syempre di narin kami nakapagusap ni Cha about sa narinig kong pagpapakasal ni Ed, at di rin ako naglakas loob na magtanong dahil sa baka isipin ni Cha na pinagnanasaan ko ang kapatid niya... nang magumaga na nagsuot ako ng pang jogging at sinuot ko sa kaliwang kama ko ang Ipod... nagsimula akong tumakbo simula sa bahay nila Cha papunta sa may highway... ugali ko na kasi yung tuwing umaga magjojogging ako... parang di kumpleto yung araw ko pag di ko nagawa yun...
nang malapit na ako sa may kanto palabas sa highway biglang may lumikong kotse at bigla akong napatabi sa takot na masagasaan pero dahil bigla din akong sumulpot bigla ring kinabig ng nagmamaneho ang manibela at napunta ang gulong nito sa putikan, at dahil malapit ako sa putikan na yun tumalsik sakin ang ilang putik... nagbaba ng bintana ang nagmamaneho at nainis din ako sa nakita, si Ed... “ano ba yang itsura mo bakit punong puno ka ng putik?” pangaasar niyang tanong sakin “sa backdoor ka dumaan mamya ah... baka maputikan yung carpet” pangaasar pa niyang dagdag.
Di ko talaga maisip kung bakit ganon nalang akong asarin ng kapatid ni Cha... dahil kaya sinabi ni Cha na ako ang boyfriend niya at di ako tanggap ni Ed? Bakit kasi pumayag pa ako sa pagpapanggap na ito eh! Bwisit talaga! At syempre pinagatuloy ko ang pag jojogging ko kahit na may putik putik ako sa katawan... at dahil sa sinabi kanina ni Ed sa likod na nga ako dumaan sa may kusina...
“naku! Ano ba yan Migs magkakalat ka rin pala dito sa kusina... o heto shorts magpalit ka na diyan ng damit” at nagulat ako sa sinabing yun ni Ed... “dito???” taong ko naman “oo, malamang wag ka ng mahiya” lumapit siya sakin at binulungan ako sa tenga “nakita ko naman na yan” sabay turo sa harapan ko at talikod niya at sabay tawa ng malakas... “Oo nga pala pagkatapos ng breakfast tulungan mo ako linisin natin yung kotse... naputikan din ng sobra dahil sa katangahan mo eh”
pagkapalit ko ng shorts kinuwa ng mga kasambahay ang mga naputikan kong damit... nang paakyat ako ng hagdan nakasalubong ko si Cha “oh boyfie what happened to you?” sabay ngiting nakakaloko “wag mong sabihing nag roll roll ka sa field namin just like our carabaos??” sabay tawa ng malakas... “hindi! Sinabuyan ako ng putik ng kuya mo!” sagot ko namang may pagkainis... at nagshower na ako di ko na siya inintindi pa...
“Migs, Mama and I are going to town ha? Dito ka muna, tulungan mong maglinis si kuya nung BM... kaw naman pala ang may kasalanan kung bakit ka naputikan pati yung BM” sinabi sakin ni Cha after having our breakfast... nang umalis sila Cha at kanyang Mama naghanap ako ng magagawa... paikot ikot lang ako sa loob ng bahay... nakikipagkwentuhan sa mga kasambahay... nang makarating ako sa labas sa may garden nakipag usap din ako sa mga boy... “Cha humanda ka sakin pagbalik mo ano ba naman tong pinapagawa mo sakin...”
na sa ganoong ayos ako ng biglang nagsalita si Ed sa likod ko “diba sinabi ko sayo na tulungan mo akong maglinis ng sasakyan ko?” pagalit at parang pa demand niyang sabi... sumunod naman ako sa kaniya at nakita nga ang kotse... maraming putik pero magara parin... BMW na top down kulay dark blue... lalaking lalaki... nang mapansin niya sigurong natulala ako bigla niya akong kinausap “alam ba ni Cha na nakikipaglandian ka sa mga boy namin” at lumapit siya sakin... sa sobrang lapit napasandal ako sa kotse niya... “shit! Wrong move! Nacorner ako!” siniguro niyang di ako makakawala dahil nilapat niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko...
napatingin ako sa mukha niya at unti unti itong lumalapit sa mukha ko... nilapat niya ang labi niya sa labi ko... una parang smack lang tapos mayamaya pinapasok ng ng dila niya ang mga labi ko at naramdaman ko nalang na tuluyan ng dumikit ang katawan niya sa katawan ko... at di ko narin napigilang lumaban... kumawala siya sa pagkakahalik at dinilaan ang earlobes ko sabay bumulong “at alam din kaya ni Cha na may pagnanasa ka sakin?” at naitulak ko siya at tumakbo ako palayo sa kanya... tawa ng tawa si Ed habang palayo ako sa kanya...
“shit! Shit! Shit! Why did I ever fell for that! Sabi ko na nga ba he's just teasing me!” sabi ko sa sarili ko nang makarating ako sa kwarto ko... ano nalang gagawin ko pag sinabi ni Ed kay Cha ang nanyari! War of the worlds to pagnagkataon.
Dumating na sila Cha naisipan ko na ako na mismo ang magsasabi kay Cha kung ano nangyari... unahan ko na si Ed... “Cha I have to talk to you... may nagawa akong kasalanan sayo...” di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Ed nakangiting aso nanaman “Cha may sasabihin ako sayo” sabi naman ni Ed “alam mo ba tong si Migs, ginasgasan yung kotse gamit ang hose... may pagkaclumsy pala tong boyfie mo eh” at natawa sila ng sabay di ko alam kung tatawa ako o malulusaw... nang matapos ang usapan tungkol sa paggasgas ko ng kotse... “Migs ano na nga yung sasabihin mo sakin?” at nanlaki ang mata ni Ed sa likod ni Cha nakuwa ko naman ang ibig niyang sabihin...
“ahhh wala yun nga kasalanan ko nagasgasan ko yung kotse niyo” sabay ngiti ng pilit “ahh yun lang pala ok lang yun... sige boyfie palit muna ako ng damit ah” at umalis na nga si Cha at natira lang kami ni Ed sa labas ng kwarto ko... tinulak niya ako papasok ng kwarto at nilock ang pinto... “at balak mo pa akong ibuko kay Cha ah!” pagalit niyang sabi “bakit di mo ba nagustuhan yung kiss ko kanina?” nanunukso nanaman niyang tanong palapit nanaman siya ng papalapit sakin...
at nakorner nanaman ako this time ng pader at ni Ed... “wag ka na kasing pumalag... gusto ko rin naman eh” at nagulat ako sa sinabi niyang yun... “sorry Ed I can't” sabi ko nalang... “wag kang magalala kay Cha, alam ko namang di talaga kayo eh... na ginagawa niyo lang to para may partner siya sa kasal...”
“yun na nga eh... para may partner siya sa Kasal mo” at nagulat siya sa sinabi kong yun... at tumawa ng malakas... “bakit ka natawa?” sabi ko ng medyo nagtataka “kasi naman di mo muna tinanong kay Cha kung sino talaga yung ikakasal... Si Mau yung ikakasal yung sumunod sakin” at natawa ulit siya... “is that the reason kung bakit iwas na iwas ka sakin?” tanong niya na may pagkaseryoso na... tinititigan niya ang mukha ko “saka dahil narin kay Cha” sagot ko... “sus alam ko mapapatawad ka nun” ngiting aso nanaman ang kumag “at...” panimula ko... pero di na niya ako pinatapos at sinabing... “shhhh no more excuses! Tama na alam ko namang gusto mo rin diba?!” at hinalikan na niya ako...
simula nun halos araw araw na lang siyang nasa bahay... sabi nga ng Mama ni Cha himala daw na hindi siya umaalis sa bahay nila... natatawa na lang si Cha dahil parang may nahahalata na siya sa pagitan namin ng kapatid niya...
“gurl, sabihin mo nga sakin yung totoo? May namamagitan ba sainyo ni Kuya Ed?” pataas kilay niyang tanong sakin, marahil may nakita siya sa mukha ko dahil napangisi siya “ha? Pano mo naman nasabi yan??? wala no!” pagdedeny ko “talaga gurl?! Ok lang naman eh! Magiging magkapatid na talaga tayo! Diba bongga yun?! Saka wag mo nang i-deny, amoy na amoy oh” at inamoy ko sarili ko humawa pala yung pabango ni Ed sakin “eh bakit masama bang maging mabango??” balik tanong ko “uhmm gaga! Alam ko ang amoy na yan si kuya lang ang meron niyan... dinaman sa pagmamayabang gurl limited edition ang pagkakabili ko dyan at alam kong walang kaparehas si Kuya niyan dito”
at wala na nga akong nagawa kundi umamin... “pero gurl wala namang namamagitan talaga samin ni Ed.. siguro nag kiss kami one or two times pero yun lang yun... promise!” pagdedepensa ko naman sa sarili ko “ay nako gurl ikaw ang bahala! Buhay mo naman yan eh pero sinasabi ko sayo bongga magmahal ang mga Sandoval! Iwan mo na yung mga loser sa tabi tabi no! Kuya is a great catch a bonggang bonggang catch! Believe my red lipstick!” at humalaklak nanaman ang bruha...
sa araw ng kasal nalaman ko naman ang hidden agenda ni Cha kung bakit niya ako dinala dito sa kanila “kasi gurl, yung ex ko ipapamukha ko lang sa kaniya yung kung anong nawala sa kaniya... actually, he never said the reason kung bakit kami naghiwalay right after highschool” sabi niya “baka kadugo ko kasi siya gurl” habang nagaayos ako ng barong ko... at bineltukan ako ni Cha “gaga! Si kuya Ed lang naman ang bukod tanging di ko naamoy sa mga kadugo niyo no!” at tumawa kami ng sabay...
Natapos ang kasal at nagtagumpay si Cha sa balak niya... nang magkainan na lahat nilapitan siya nung Ex niya at niyaya siya makipagsayaw... sa totoo lang gwapo yung ex niya sobrang gwapo as in gwapo... kaya't hinayaan ko nalang sila... yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako andun eh... lumabas ako sa parking lot at nagsindi ng yosi... “oh andun yung girlfriend mo ah... nakikipagsayaw kay Vince” sabi sakin ni Ed at nakangiting aso nanaman... nginitian ko lang siya at inabot niya ang kamay ko “halika may ipapakita ako sayo...” at hinila niya ang kamay ko
nakarating kami sa isang man made lake sa bakuran ng venue ng reception... ang ganda ng lugar... tumigil kami sa ilalim ng malaking puno ilaw lang ng buwan yung nagsisilbing ilaw namin... at inagaw niya ang yosi na hawak ko at itinapon iyon... hinawakan niya ang magkabila kong kamay... “i never felt this before... not with someone like you” at nagulat ako sa sinabi niyang yun... hinila niya ang magkabila kong kamay at napayakap ako sa kaniya... maririnig parin ang tugtog sa pinagdadausan ng reception at isinayaw niya ako sa ilalim ng punong iyon...
“I would like to ask you... na... na... kung gusto mong maging partner ako?” at natigilan ako habang nakayakap sa kaniya... lumakas ang dagungdong ng dibdib ko... di ko maexplain... “so..sorry” ang tanging nasabi ko at kumalag ako sa pagkakayakap sa kaniya... tumakbo papuntang reception area at kinausap si Cha... “I'm sorry Cha I have to go” at umalis na ako at bmalik sa bahay ng mga Sandoval...
kinabukasan napilitan na akong umuwi kasama si Cha... nagtataka naman ang Mama niya tanging sagot lamang ni Cha ay “Mama, may problem po kasi sa Business namin ni Migs, we have to be there to personally fix the problem... well give you a call when we get there ok? I love you Ma” at hinalikan niya ito at bineso beso din ako ng Mama ni Cha... di ko na nakita si Ed nung umagang yun... yan naman ang gusto ko kay Cha kahit lukaret yan kahit sa pamilya niya pagtatakpan ako niyan... naikwento ko narin ang nangyari... naiintindihan naman ni Cha...
“Gurl wag ka nang magalala kay Kuya... makakarecover ng bonggang bongga yun, pero infairness... iba ka... pinakawalan mo ang kuya kong fafable!” at napatawa naman ako sa sinabing yun ni Cha habang naatras ang sinasakyan namin... di ko naman maiwasang mapatingin sa bahay nila at mapatingala... nakita ko si Ed nakasando lang at nakatingin sa may bintana ng kwarto niya... malungkot ang mukha....
sinubukan kong maging normal ang buhay ko pagbalik ko samin... sinubukan kong kalimutan na nakilala ko si Ed... maraming nangyari sa loob ng ilang araw... at yun ang nakakapagtaka...
nasa ganung pagmumunimuni ako ng biglang may kumatok sa pinto ng apartment na tinitirhan ko... nagulat ako nang binuksan ko ang pinto... si Cha kasama si Ed nakangiti nanaman ito sakin... parang matutunaw ako... kumalampag nanaman ang puso ko sa loob ng dibdib ko...
“Hon sino yan?” kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Ed at lumapit ang may ari ng boses na yun sa likod ko “Hon, I would like you to meet Ed... kuya ni Cha” pagpapakilala ko kay Jon na aking boyfriend at kay Ed...
Itutuloy...
[02]
“Hon sino yan?” kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Ed “Hon, I would like you to meet Ed... kuya ni Cha” pagpapakilala ko kay Jon na aking boyfriend at kay Ed...
di ko alam kung galit, pagkabigla o disappointment ang nakita kong rumehistro sa mukha ni Ed... marahil lahat... di rin naman ito nakaligtas sa mata ni Cha... pero nag-iba bigla ang mukha ni Ed nang abutin ni Jon ang kamay nito para makipag shake hands... tapos... TAHIMIK...
“pasok kayo, pasok...” mabait na sabi ni Jon... marahil naramdaman niya na nagkakailangan lahat at nang tignan ko siya nginitian lamang ako nito...
si Jon ang aking bestfriend, kapatid at higit sa lahat lover... nagsimula kami nang highschool bilang magkaibigan lahat shineshare namin sa isa't isa... mabait si Jon pero tulad ng ibang mga relasyon dumaan din ang pagsasama namin sa pagsubok...
“Cha?” patanong kong lapit kay Cha... halatang may kinikimkim na sama ng loob sakin... kilala ko na siya... alam ko kung nagtatampo siya o hindi... “are you mad at me?” tanong ko habang nagliligpit kami ng pinagkainan... si Jon naman at si Ed ay nanonood ng TV sa sala... nararamdaman ko ang galit niya... nagraradiate kung baga at naaawa na ako sa mga plato namin kung ibagsak niya sa sink....
“gurl naman!” panimula ni Cha “kailan pa bumalik ang Jon na yan dito?!” pagalit na turan niya sa likod ni Jon... “naaalala mo ba yung gabi na umiyak ka sakin at ilang beses na sinabing magpapakamatay ka dahil sa sakit na binigay niya sayo?!” pagpapatuloy niya sa panimulang sermon... “gurl naman, he said sorry” sagot ko at naramdaman ko ang kamay niyang may sabon pa sa batok ko “bobo! Ganun na lang yun? Simpleng sorry?? ewan ko sayo! Antanga tanga mo talaga gurl!” paulit ulit niyang sinasabi sakin...
“naguwi ng slut yang lalaking yan dito sa bahay mo mismo, remember?!” at muli, naramdaman ko nanaman yung sakit na naramdaman ko isang buwan na ang nakakalipas...
umuwi kami ni Cha from work sa hospital pagod na pagod ako... pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil medyo makalat sa buong apartment... nang umakyat ako nakita ko ang nagkalat na damit sa sahig... kinabahan ako... nagple-play ang ipod ko sa dock nito... medyo malakas... at nang maabutan kong nakaawang ang pinto ng kwarto namin... nakita ko ang isa sa pinakamasakit na tagpo sa buong buhay ko... ang bestfriend ko ang kapatid ko... ang lover ko... nakikipag niig sa isang lalaking di ko kilala...
mahinahon akong bumaba at kumuwa ng beer sa ref... tinungo ang counter at umupo sa high stool... nang matapos na ang milagrong ginawa ng mga traydor, sabay silang bumaba... nakabihis na ang lalaking di ko kilala habang si Jon ay naka boxers lang... nagulat siya ng mapadako ang mata niya sa kinauupoan ko... “so how was it?” mahinahon kong tanong... at nagulat ang lalaking kasama nito at napatingin narin sakin... halata ang guilt at pagkahiya niya sa kaniyang mukha... actually maski ako nagulat sa pagkamahinahon kong pagsasalita... mahinahon ang nalabas sa bibig ko.. pero nagpupuyos talaga ako sa galit at sa sakit ng pagtratraydor nila...
“that was classic Jon... having sex with someone I don't know in MY house and in MY bed... and while MY ipod is playing... classic...” at ngumiti ako... ewan ko kung saan ko kinuwa ang lakas para makangiti... naglakad ako papuntang pinto, hinabol ako ni Jon at hinawakan ang kamay ko bago ako lumabas... pero tinaggal ko ito galing saking braso at bago tuluyang lumabas... “gusto ko wala ka na dito pagbalik ko Jon” mahinahon ko paring sabi kay Jon...
naramdaman ko na lang na nakatingin na pala ako kay Jon sa may sala... “mahal ko siya Cha eh” alam ko di naiintindihan ni Cha... marahil sa pagkakaintindi niya nagpapakamartyr nanaman ako... nagpapakatanga nanaman ako... “how about kuya?” at napatingin ako bigla kay Cha “he likes you, alam mo ba yun? Mama told me he's never the same right after the wedding, that he just wont stop talking about you...” at napatingin ako kay Ed... marahil naramdaman nitong nakatingin ako sa kaniya at napatingin din siya sa kinatatayuan ko... kumalampag nanaman ang puso ko sa loob ng dibdib ko “Lord bakit ba ganito ang epekto ng mamang to sakin...” sabi ko sasarili ko
“anyways!” pagputol ng bruha sa pakikipagtitigan ko kay Ed... “he will be staying here in Manila, he will be managing the company that Kuya Mao left here” medyo naguluhan ako sa sinabi niyang yun... “dito? For good? Si Ed?” sunod sunod na tanong ko dahil sa sobrang di ako makapaniwala “hindi! He will be staying in MARS for good at hindi si kuya Ed ang pinaguusapan natin si Mickey mouse!” pasarkastikong sagot ni Cha sakin “nasan na ba ang brain cells mo gurl?? taena para naman akong nakikipagusap sa baliw nito eh... Oo dito na siya sa Manila for good...”
di ko alam... alam kong kinabahan ako... alam kong magiging kumplikado nanaman ang lahat... pano pa ako makakalimot sa nangyari nun sa probinsya kung sa ngayon maaaring araw araw ko na siyang makikita... napa buntong hininga nalang ako...
“We will be going na...” sabi sakin ni Cha, at napatingin naman ako kay Ed... pero di na niya ako tinitignan...
Dumating na ang iniintay kong sundo... si Cha... I'm wearing this white uniform for duty and since di ako nakatulog kagabi dahil sa sobrng kaiisip kay Jon, Ed at sa mga sinabi ni Cha eto isang malaking shades ang nakapasak sa mukha ko... “gurl ano nanamang drama yan?!” sabi sakin ni Cha habang bubuksan ko sana ang pinto sa may passenger seat... kadalasan kasi si Cha ang nagdradrive at ibig sabihin ngayon may ibang nagdradrive kasi siya ang nasa passenger seat... kinabahan ako bigla pagpasok ko sa may backseat napatingin ako sa may salamin... si Ed nakatingin sakin....
“Ano nanamang drama yan gurl!? Bakit ka nakashades???” pagtatanong nanaman ng intrimitidang bakla “shut up! Fag hag! Di lang ako nakatulog ng maayos kagabi” tugon ko naman sa kaniya “dahil?” tanong naman niya... habang si Ed ay iniintay ang aking sagot at nakatingin parin sa may salamin... nakangiting aso nanaman... di na ako nakasagot, umandar na papuntang Ospital ang sasakyan... napansin kong paminsan minsan ay tumitingin si Ed sa may salamin... minsan tumititig pa...
“Oh kuya! Stop for a while! May bibilin lang ako sa may mercury...” biglang sigaw ni Cha na ipinagpasalamat ko... dahil nakalusot ako sa titig ni Ed “what could you possibly need right now!? Malelate na kayo” sigaw naman ni Ed “tampons!” at sabay kaming napa eeewww ni Ed sa sagot na yun ni Cha.
di ko alam kung bakit natatagalan si Cha, pero ang di ko rin maintindihan ay kung bakit di ko magawang kausapin si Ed... di narin siguro ako nakatiis kaya't “musta?!” sabi ko sabay sabi naman niya ng “so...” nagkahiyaan kami saglit at hindi alam kung sino nga ba ang mauunang magsalita, tas pinauna ko na siyang magsalita “so you and Jon huh?” tanong niya medyo natagalan akong sumagot...
“I'm sorry kung di ko nabanggit ang tungkol kay Jon... I think, I just...” sabi ko nang di na niya ako pinatapos “you just... can't get enough of me? And you're afraid na baka pag sinabi mo na committed ka na iwasan na kita?” sabi niya na may halong panloloko... at nakangiting aso nanaman siya sabay nun ang kabog ng dibdib ko “no I was going to say na di ko masabi na committed na ako kasi baka masyado kang maweirduhan sakin lalo na at sa lalaki pa ako committed” may pagkaasar kong sabi...
“ahhh... very touching, but I'm not convinced” at nakangiting aso nanaman siya this time di na siya nagkasya na tignan ako sa salamin... hinubad na niya ang seat belt at humarap sakin... “I wonder what you see in him?...” patanong niyang sabi na hindi parin lubayan ng ngiting aso... “what do you mean?” tanong ko na may halong galit sa tono ko “I mean... di siya gwapo compared to me... bansot... boses palaka... korny manamit...” tuloy tuoy niyang sabi at nang aapela na ako bigla namang pumasok si Cha sa kotse...
“super haba ng line grabe” nagulat siya ng maabutan niyang naka harap ang kuya niya sakin at napatingin din siya sakin at ngumiting aso na parang sa kuya niya “nice timing fag hag” yun na lang ang nasabi ko para kahit papano ay makaganti ako kay Cha at napatawa naman si Ed sa sinabi kong yun...
nang maihatid kami ni Ed sa ospital may sinabi siyang paalala kay Cha “Cha don't forget about this afternoon ah?” sabay ngiti niya kay Cha “bye Migs see you later” sabay ngiting aso sakin “whatever!” sagot ko sa sinabing yun ni Ed at naramdaman ko ang siko ng babaitang bakla sa tagiliran ko... “shit Cha ang sakit nun ah... FAG HAG!” at napatawa na lang ang bruha na mala cruela devil...
Since magkaiba kami ng area ni Cha sa hospital di namin alam kung toxic ang isa't isa nagulat ako ng bigla akong tinawag ng kasamahan ko na sinasabing nasa kabilang linya ng intercom si Cha... “hello?” “GURL!” sigaw ni Cha sa kabilang linya “gurl merong problem! Di makakarating yung ka endorse ko!” sigaw niya ng may pagkabahala... “so? Edi mag-straight duty ka” sabi ko naman ng may pangiiinis “ano pa nga ba! Kaso pano Si kuya... nagpapasama siya dun sa business namin just around Makati, eh hindi niya alam yung way papunta dun... pwede bang samahan mo siya bago ka lumabas tutal wala namang masyadong in-eendorse dyan sa ER?” tanong sakin ng bruhilda... “I can't... I have something...” di na niya ako pinatapos “THANK YOU! Ambait bait mo talaga gurl!” at binaba na niya ang intercom nagtry akong tawagan siya sa area niya kaso nasa pasyente na daw so wala na akong nagawa kungdi tawagan si Jon and cancel our date...
May dalawang oras na ata akong nagiintay sa may lobby ng ospital di parin dumdating si Ed... nang makakatatlong oras na akong naghihintay dumating din ang kumag at naka ngiting aso pa... “I'm sorry...” at di ko na siya inintindi nakasibanghot na ang mukha ko “hey wait!” sigaw niya ng papunta na ako sa kotseng akala ko ay kay Cha...
“di yan ang dala kong sasakyan... eto oh” turo ni Ed sa fortuner sa tabi ng altis na akala ko ay kay Cha... “putangina napahiya nanaman ako” sabi ko sa isip ko.
“ano bang problema mo?” tanong sakin ni Ed habang tinitignan niya akong makpiaglaban sa seat belt ng tag of war “anong problema ko?!” sabi ko sabay bitaw sa seat belt na hindi ko magawang iyakap sa katawan ko... “anong problema ko?! Dalawang oras at kalahati mo akong pinagintay sa lobby ng ospital! To think na sana may pupuntahan pa ako at pinakiusapan lang ako ni Cha para samahan ka!” at hinubad niya ang seat belt na nakasuot sa kaniya at inabot niya ang seat belt ko para isuot ito sakin “di kasi ganyan, ganito oh,” at itinuro niya sakin ang tamang paghila at pagsuot ng seatbelt nang magkalapit ang katawan namin di ko alam kung bakit ganon na lang ang kaba ko... ibang klase talaga yung kaba... at humarap siya sakin... nagtama ang mga mata namin... pumikit siya at inilapit ang mukha sa mukha ko....
“I wanna be a billionaire so freakin bad!” tugtog ng radyo... at napadilat ako... nabitin sa hinihintay na halik na hindi naman dumating at nang mapatingin ako kay Ed, nakangiting aso nanaman ang loko “you actually think I'm going to kiss you, didn't you?” sabay ngiti at suot ng seat belt sakin... naramdaman ko nalang na namumula na ako sa pagkahiya... di ko inaasahan na papahiyain niya ako ng ganun kaya bababa na sana ako ng sasakyan pero saktong ni lock niya yung pinto ng kotse...
“pikon ka pala talaga” at nginitian na naman niya ako nung ngiting aso na sa tingin ko ay master na master na niya... sinalpak ko ulit yung earphones sa tenga ko at di na ako nakipagusap sa kaniya...
“Migs gising!” pagyuyugyog sakin ni Ed... nakatulog na pala ako... nang tignan ko kung asan na kami laking gulat ko ng mapansin kong palabas na kami ng Roxas Blvd at papasok na ng Costal Road “what the... bakit tayo nandito?! Sa Makati tayo pupunta hindi sa Cavite, Ed!” pasigaw kong sabi pero wala na saktong go na ang traffic light at napilitan ng umabante si Ed papasok g coastal road...
“how could you be so stupid!” napasigaw ko sa sobrang pagkabigla “sino ba kasing may sabing tulugan mo ako!” sigaw niyang balik sakin... wala na yung ngiting aso... “alam mo namang di pa ako sanay dito!” sigaw niya ulit... nagising naman ako sa katutuhanan na kasalanan ko nga... masyado kasi talaga akong antukin eh... nakarating na kami malapit sa may Bacoor ng naghello samin ang napakahabang traffic...
“bakit kasi di mo ako ginising eh... pagbalik natin nito gabi na... malamang sarado na yung pupuntahan natin sa Makati” sabi ko na medyo mahinahon... ayoko kasing mauwi nanaman sa sigawan yung usapan namin... “sarap kasi ng tulog mo...” halatang gusto narin akong kausapin kanina pa “nakakahiya kang gisingin” pahabol niya “kaya nagmarunong ka?” at napatawa siya sa sinabi ko... “kasi naman naka nganga ka pa eh tas tumutulo tulo pa yung laway mo...” di ko naman maiwasang mapangiti... at nang mapatingin ako kay Ed nakatitig na pala siya sakin... “cute mo talaga pag nakangiti” sabay ng kabog ng dibdib ko ang kilig na akala mo may mga butterfly sa tyan ko (korny no?)
nahiya naman ako at napatingin na lang sa labas ng bintana ko... nagulat ako nang biglang may naramdaman ako sa kaliwa kong kamay... kamay ni Ed... pinilit kong alisin ang kamay niya pero malakas siya at nang mapatingin ako sa kanya nakangiting aso nanaman ito.
Umayos naman ang daloy ng traffic at paikot na kami sa may ilalim ng fly over ng pumutok ang gulong ng sasakyan dahil sa sobrang lubak, naitabi naman namin ang sasakyan... tinutulungan kong magpalit ng gulong si Ed ng mahulog ang inaabot kong tool sa kaniya pinulot ko ito sabay pulot niya rin naman at nagkauntugan pa kami “ouch!” “shit!” sabay naming sabi at npasandal ako sa sasakyan at napatuon naman siya sakin...at napadagan sakin... naipit ako sa pagitan ng sasakyan at ng katawan ni Ed...
tumitig naman siya sa mukha ko nang biglang bumuhos ang malakas na ulan... tinapos na namin ang pagpalit ng gulong at agad agad kaming umalis... nang makapasok kami sa sasakyan tawa kami ng tawa pareho... at nagkatitigan ulit... lumapit naman siya sakin at parang napako ako sa kinauupuan ko at di ko na nagawang umiwas sa kanya at napapikit na naman ako and this time naglapat na ang mga labi namin... pag dilat ko nakadilat din siya habang magkadikit pa ang labi namin... di maalab, pero punong puno ng emosyon... di mapusok pero masarap sa pakiramdam... at nang humiwalay siya sakin... ngumiti nanaman ang kumag na parang aso.
“you really just can't get enough of me do you?!” at lumayo na ako sa kaniya at inirapan siya... “magdrive ka na baka sipunin ako dahil sa basa pa ang damit ko” pagtataray ko sa kaniya... di ko kasi siya magets... parte ba to ng plano niya... na hayaan akong ma fall sa kaniya then I pahiya everytime na makakuha siya ng ebidensya na gusto ko rin siya?
“Nakakainis talaga tong kumag na to!” sabi ng isip ko napansin niya sigurong nakasimangot ako kaya't tinanong niya ako “bakit ka nanaman naka simangot?... kani kanina lang tuwang tuwa ka saka kinikilig kilig ka pa” di ko na siya sinagot pa...
nakarating kami sa Apartement ko nang walang kibuan... siguro napansin niya rin na wala ako sa mood kaya't tinanong niya ulit ako... “may problema ba Migs?” at umiling lang ako at pumasok na sa loob ng apartment... inimbitahan ko siya pumasok pero pagod narin daw siya kaya't umuwi na siya...
nung gabing yun di nanaman ako makatulog dahil sa nangyari di ko kasi maintindihan bakit ganun na lang sakin si Ed... may galit parin ba siya sakin dahil di ko sinabi ang tungkol kay Jon... kaya't everytime I let my defenses down ipapahiya niya ako... all for his ego ba ang drama nito? At napansin siguro ni Jon ang pagkabalisa ko kaya niyakap niya ako at bumulong ng “I love you”.
Di ko lubos maisip na by simply entertaining these thoughts ay trinatraydor ko si Jon, na sinasaktan ko si Jon ng patalikod.
Weeks passed at ganun pa rin ang setting... nagkikita kami ni Ed at ganun parin wala parin siyang pinalagpas na oras na hindi niya ako mabwibwiset at dahil kasama namin madalas ang kanyang dragonang kapatid di ko naman magawang gumanti ng pangaasar...
“its my birthday you bitch!” sigaw ni Cha sa telepono isang umaga pagkatapos kong maalimpungatan sa tawag niya... “kasi naman Cha ala una palang ng madaling araw!” pagtatanggol ko sa sarili ko “at bakit? In case you don't know 12am napapalit ng araw dapat kanina mo pa ako binati” sabi naman ni Cha “shhh! Ansakit sa ulo ng boses mo” at binaba ko ang telepono ko nag text naman si Cha “magpakita kang bakla ka sakin ah! Humanda ka sakin pagbabayaran mo ang pagdeadma mo sa birthday ko!” at hindi na ako nagreply... nakatulog ulit ako...
paglabas ko naman ng apartment nung umagang yun, nagulat ako sa nakahambalang na sasakyan sa may harapan ng apartment namin, sasakyan ni Ed at nung lalampasan ko na sana ito bigla siyang sumulpot sa harapan ko “kidnapin daw kita sabi ni Cha!” sabi niya sakin at napatawa dahil sa pagkagulat ko, dahil dun sinuntok ko siya sa braso “Aw! What's that for?” tanong niya sakin pero dinedma ko lang siya... “please sumama ka na sakin?” sabi naman niya ng may halo pang nangungusap na mata... alam ko di ko matitiis ang isang to...
“sige sige pero isasama ko si Jon, at inatayin mong matapos ang pag jog ko” halatang nadisappoint siya sa pagsama ko kay Jon... nang matapos akong magjog nagulat ako ng wala na si Ed sa labas ng apartment... yun pala pag pasok ko sa loob nakikipagkwentuhan kay Jon... di ko naman maiwasang marinig ang pinaguusapan nila “so how long have you been together” tanong ni Ed kay Jon “almost six years na” sagot naman ni Jon habang sinasalinan ng kape ang mug na binigay niya kay Ed... “alam mo ba na ang 6th year ang pinaka crucial sa lahat ng taon?” sabi naman ni Ed na halatang ginagago lang si Jon...
“alam ko” sagot naman ni Jon, “kaya nga nagiingat na ako, nasaktan ko na kasi dati si Migs, and sobrang pinagsisihan ko yun... kaya ngayon ginagawa ko lahat just to win back that trust na nawala...” dugtong pa ni Jon na medyo malungkot... “di ko talaga magets minsan... andami kong kilalang ganyan, no offensement pare, pero bakit kailangan pang lokohin ang isang tao na pihado naman mahal na mahal ka? If I were you di ko na papakawalan si Migs...” nagulat ako sa sinabng yun ni Ed “alam ko, marami narin dyan ang nagpapakita ng interes kay Migs... pero hindi ko siya papakawalan... unless sinabi niya na ayaw na talaga niya sakin”...
di ko alam kung anong magiging reaksyon ko nun, pero nung tumahimik na sila pumasok na ako ng apartment... at tumuloy na sa taas para maligo at mag prepare para sa party ni Cha... nang nagbibihis ako... lumapit sakin si Jon at niyakap ako mula sa likod... nasa harapan kami ng salamin at nakikita ko na may lungkot siya sa mukha...
“hon what's wrong?” tanong ko sa kaniya, at umiling lang siya... di ko maintindihan yung feeling, pero ayokong may nasasaktan ako... I know, I have to stop this charade with Ed... di maganda to sa relationship namin ni Jon...
habang nasa biyahe kami... di ko maiwasang mapatingin sa likod, kay Jon at kay Ed na nagdradrive... tahimik... walang gustong magsalita... nakikita ko si Jon na malalim ang iniisip... ganon din naman si Ed... binuksan ko ang radyo at talaga namang panginis si tadhana...
“sana dalawa ang puso ko, di na sana...” at nilipat ko na ang stasyon, sunod naman ang “unfaithful” ni Rihanna “cos I know that he knows I'm unfaithful and it kills him inside...” at napakunot naman ang nuo ni Ed at naisipan ko na lang na patayin ang radyo...
“Wow! Buti naman at di kayo nagpatayan sa loob ng kotse” sigaw ni Cha samin pagkababa namin ng sasakyan... pinandilatan ko lang siya ng mata at hinila sa may gilid... naiwan namang nagtataka sila Jon at Ed hanggang naisipan na lang ni Ed na pumasok na sa loob ng bahay ni Cha...
“Boyfie dahan dahan lang ah ayokong magkapasa sa araw ng aking kapanganakan! Bongga naman kasi ang paghatak mo sakin!” sabi sakin ni Cha na halatang di pa alam na naiinis ako “gusto mong patayin narin kita para ito na rin ang araw ng pagkamatay mo?! Bongga din yun! tipid sa letra at numero na nakalagay sa lapida mo!” pasigaw kong sabi sa kaniya...
nahalata siguro ng bruha na naiinis ako “what's bothering you Miguel?” seryoso na ito, alam ko kapag tinawag ako ni Cha ng Miguel... “naguguluhan ako... I think... I think I'm in love with your brother na, but I don't want to let go of Jon... ayoko siyang masaktan” sabi ko na medyo nahihiya... alam ko at this stage nagiging selfish ako at alam ko yun din ang iniisip sakin ni Cha... “shhhh... bongga yan! Haba ng hair mo teh! Alam ko namang gusto ka rin ni kuya at baka nga mahal ka na rin nun... pero ikaw? ano bang binubulong nito?” sabay turo niya sa puso ko “saka ano bang pinagdidiinan nito?” sabay turo niya sa ulo ko “yun ang tamang tao para sayo”... natahimik ako...
“Migs?” tawag sakin ni Jon “di pa ba tayo papasok?” pahabol na tanong niya, sabay ngiti ng nakakainlove na ngiti, ngiti na nagpa inlove sakin sa kanya noon... at napatingin ako kay Cha kinindatan niya ako “isn't it to early to say Cha?” at hug lang ang sinukli niya sakin...
habang nasa loob ng bahay ni Cha di ko inaasahang marami ng tao... mga kababata... mga katrabaho at iba pang kakilala ni Cha... masasabi mo talagang bongga ang party nato... gusto ko sana ng fresh air kaya lumabas muna ako sa may garden... nakita ko dun ang isang babae... iyak siya ng iyak... maganda siya pang model ang dating wearing red dress and killer stilletos with red lipstick (Rubi?)
“excuse me Miss, ok ka lang ba?” tanong ko na medyo may pagaalala, at niyakap nia ako ng mahipit if I were straight I would say na naka jackpot ako... “di na niya ako mahal!” sigaw nito sakin... “relax ka lang Miss” at niyakap ko rin siya... may sinasabi siya about sa lovelife niya... may Boyfriend daw siya tas may dumating at nakilala siyang mas bago... mas interesting... at nang mapagdesisyunan niyang iwan ang boyfriend niya, siya namang nagloko tong si bago niya at sabing di naman siya mahal nito etc etc... napatahimik ako... medyo natakot dahil kahit papano alam ko na pwedeng mangyari ito sakin... pwedeng iwan ko si Jon para kay Ed at baka pag ginawa ko yun magsisi ako in the end kasi baka sa huli malaman ko na di naman ako mahal ni Ed... o kaya di niya ako kayang mahalin.
“andito ba yang ex boyfriend mo? bakit di mo kausapin? tas sabihin mong nagkamali ka... sabihin mong di mo sinasadya” I was really not good with this advise advise shit... parang nagising naman siya sa katotohanan at ibinalik ang kanyang composure... nag make up ulitt nag thank you sakin “you know... you're right... I'm going to fight my love for him” at iniwan na niya ako dun...
naglakad lakad naman ako sa may garden ng maramdaman kong may sumusunod sakin... pag lingon ko si Jon... “want to tell me something?” at ngumiti ulit siya, di ko naman ma gets kung anong gusto niyang sabihin... marahil napansin niya rin ang pagtataka ko “these past few days, you've been acting so strange... akala ko nung una ako yung may ginawang mali ulit... knowing that I was the one who betrayed your trust before... pero nitong araw lang na to ko napansin... na you acted this way after you got home from the province with Cha and after Ed showed up... am I missing something here Migs?”
at ang tagal kong napatahimik... alam kong kailanagn ko ng aminin kay Jon lahat... nang sabihin ko kay Jon tumayo siya at tumalikod sakin... “I'm really sorry Jon... pero ikaw naman talaga ang mahal ko...” at napaharap ulit siya sakin “shhh... ok lang... I know I've been a lousy partner and I'm very thankful na ikaw ang naging partner ko kasi napaka understanding mo... pero when the time comes na ayaw mo na talaga... na alam mo at nararamdaman mong di na ako ang tamang tao para sayo sabihin mo lang Migs... tatanggapin ko” at tumigil siya saglit... “so I'm going to ask you Miguel... nararamdaman mo ba? Sinasabi ba ng puso at utak mo na ako ang gusto mo at hindi si Ed? na ako ang gusto mong makasama at hindi si Ed?”
at napatitig lang ako sa maamo niyang mukha... napatingin ako sa nangingilid niyang mga luha... “di ko pa masasabi ngayon Jon” at yun lang ang nasabi ko... “I'm going to give you some time to think... pero, dahil naguguluhan ka pa, the mere fact na pinagisipan mo pa kung sino talaga... just that mere fact Miguel... that fact... hurts” at tumalikod siya... alam kong tama siya... sa loob ng magaanim na taon na pinagsamahan namin... nagawa ko pang magisip at maguluhan kung sino ba talaga sa kanila ni Ed... at yun ang ikinasasama ng loob ni Jon...
pumasok ako sa loob ng bahay... alam kong wala nang saysay na habulin pa si Jon... alam kong nakaalis na yun... at malamang pag balik ko sa apartment wala na siya... hinahanap ko naman ang bestfriend ko dahil alam ko siya lang ang makakaintindi sakin... pero alam ko busy siya... kaya't naglakad lakad na muna ako sa loob ng bahay... nakita ko ang kanina lamang ay iyak ng iyak na babae... at masaya na siya ngayong nakikipagusap sa isang lalaki... sa isang lalaki na nagpagulo ng buhay ko si Ed...
“there you are!” sabi sakin ni Rubi este nung babaeng kausap ko sa garden kanina “sorry kung di ako nakapagpakilala kanina ako nga pala si Lei and this is my boyfriend Ed... siya yung sinasbi ko sayo kanina” sinabi niya yung huli ng pabulong at kinindatan ako “Ex boyfriend, Migs di na kami ngayon” pahabol ni Ed “kilala mo siya?” tanong ni Lei kay Ed at napangiti lang ako... ngiti na hindi ko alam kung san ko hinugot... kinakabahan ulit ako... iba sa kaba na binibigay ni Ed sakin dati... may halong kilig... ito may halong pinupunit na muscles... masakit... parang gusto kong mapaupo... gusto kong kainin ng lupa... gusto kong magpa oxygen kasi naninikip ang dibdib ko... pero I kept my composure... “hey excuse me ha, I have to talk to my Bestfriend pa eh... I'm going to give her my gift” at pag talikod ko alam ko gusto akong sundan ni Ed pero di niya nagawa... pinigilan siguro ni Ruby... “how Ironic, yung taong pinayuhan ko, yun din pala ang taong magpapamukha sa katangahan ko.”
napaupo nalang ako sa isang bench sa may club house ng village nila Cha... di ko alam pero naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko... si Cha, nakagown pa ito... “gurl? Ok ka lang ba? Bakit ka biglang umalis?” napatingin naman ako sa kaniya, alam ko na may mga luha pa sa mata ko at hindi iyon nakalampas kay Cha “I'm so sorry, alam ko that it was a mistake pushing you to my brother...” pahabol sabi ni Cha, makadikit na nga ang sikmura namin... wla pa man akong sabihin alam na ni Cha kung anong nangyayari sakin...
“Jon asked me... he made me choose at wala akong naisagot...” pahikbi hikbi ko pang panimula sa kaniya “at nung wala akong maisagot, he would give time daw... but it was too late alam ko na nasaktan siya dahil pinagisipan ko pa kung sino sa kanila... para akong tanga Cha pakiramdam ko si Ed parin ang pinili ko nung mga oras na tinatanong ako ni Jon... and to make matters worse hindi naman pala ako talaga gusto ni Ed... tanga tanga ko... may papili pili pa akong nalalaman... pinagisipan ko pa... sana si Jon nalang, kung alam ko lang na may gusto pa palang iba si Ed”
“ha?... what do you mean?” tanong naman ni Cha “I know about Ed and Lei” bulong ko sa kaniya... at napabuntong hininga lang si Cha at niyakap ako... niyakap ako ng mahigpit “I'm really really sorry Miguel” sabi niya at di ko na napigilan ang luha ko.
LETS FACE IT... DON'T LEAVE THE ONE YOU LOVE FOR THE ONE YOU LIKE...
THE ONE YOU LIKE WILL ALWAYS LEAVE YOU FOR THE ONE THEY LOVE
Itutuloy...
[03]
Nasa isang maliit na kwarto ako, yung mga tipong bodega sa ilalim ng hagdanan, mga lalagyan ng walis para sa mga Janitor... di nanaman ako makahinga, di ako mapakali... nanlalamig nanaman ang buong katawan ko, butil butil ang pawis... kinakalampag ko ang pinto, nagmamakaawang may magbukas nito pero wala... napaupo na ako sa sahig... katabi ang mga map, mga walis na ginagamit para mapanatiling malinis ang mga kwarto sa skwelahan namin... napapapikit na ako nang magbukas ang pinto... nakita ko si Jon... KRRRRRRRRIIIIIIIIINGGG!
Napadilat ako bigla... nananaginip pala ako... pero butil butil parin ang pawis ko...
“stupid phobia!” naibulalas ko...
Claustrophobic kasi ako, nung bata ako kinulong ako ng kuya ko sa isang bodega sa ilalim ng hagdan sa bahay ng mga lolo ko, naglalaro kami noon, siguro nakalimutan niyang andun ako nang tinawag siya ng nanay ko para maligo... ako naman... sa loob ng sampung minuto na pagkalampag ko sa pinto ng bodega walang nakarinig sakin... walang ilaw sa loob nun, walang bintana, kasi nga nasa ilalim ng hagdan... hanggang naranasan kong di na ako makahinga, di mapakali at wala na akong nagawa kundi ang umiyak...
“Damn it!”
At hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko, kinuwa ko ang cellphone ko at tinext si Jon...
“I'll wait for you at...”
Limang araw ko nang sunod sunod na tinetext si Jon... alam ko malaki ang kasalanan ko sa kaniya... tinatawagan ko rin siya pero mukhang diverted ang call dahil laging nalabas sa screen “call not possible” Nakikiusap ako na makipagkita siya sakin para makapagusap na kami ng maayos pero sa apat na araw na lumipas, ni anino niya di ko nakita.
“Stupid phobia!” nasabi ko ulit sa sarili ko
Nakita kong nanginginig parin ang kamay ko... nagtimpla ako ng kape at ininom ito, di ko maintindihan kung bakit nung umalis si Jon sa apartment, walang gabi na hindi ko napanaginipan ang unang araw na nagkakilala kami... pareho ang nararamdaman ko ngayon saka ang nararamdaman ko nung araw na nagkakilala kami...
“Wag Tony, di ako pwedeng makulong sa isang closed space!” pagmamakaawa ko sa kaklase ko nung grade 5.
Binubully nila ako dahil sa aking itsura, payat, walang ibabatbat kung baga, pero dahil marami ang cronies ni Tony nagtagumpay sila sa pagkulong sakin sa isang bodega kung saan tinatago ang mga gamit pang linis ng mga Janitor sa School... pinagkakalampag ko ang pinto ng bodega... nagdadasal na sana may magbukas nito... pero ito na nagsisimula na... nararamdaman kong unti unti nang nawawala ang dugo saking mukha... pinagpapawisan na ako ng malamig, butil butil narin ito, nanginginig na ako... naluluha at kumakabog ang dibdib nang biglang may magbukas ng pinto napayakap ako sa kaniya... di ko siya kilala, transferee siguro, kasisimula pa lang ng second grading...
“Gusto mong magpunta sa clinic?” sabi niya.
Isang ngiti ang ibinigay niya ng pinakawalan ko na siya sa aking pagkakayakap... umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.
“sigurado ka? namumutla ka pa oh...” at hinawakan niya ang pisngi ko, napatulala naman ako sa kaniya... at ngumiti ulit siya.
“ako nga pala si Jon, anong pangalan mo?” di ko maabsorb ang sinasabi niya... para siyang anghel sa mga mata ko (sus ka korny ko talaga) napatawa siya sa inaasal ko, nagmumukha na siguro akong tanga.
“wag mo akong titigan ng ganyan, halika dalin na kita sa clinic”
Umiling ako... nakakahiya kasi sasabihin nanaman nila lalampa lampa ako kaya nasa clinic nanaman ako.
“ah, sige alam ko na, dati kasi tuwing nanlalambot ako o kaya parang walang energy binibigyan ako ng school nurse namin ng chocolate, baka yun lang kailangan mo” tas binigyan niya ako ng flat tops...
Tama nga siya, nakagaan ng damdamin ko ang flat tops na binigay niya... simula nung araw na yun lagi na siyang asa tabi ko, kahit di kami magkaklase iniintay ako niyan tuwing magbre-break time na, pinagtatanggol sa mga bullies kahit siya mismo ay mukhang lalampa lampa... feeling ko dun ako sa puntong yun nainlove kay Jon, kasi kahit alam niyang wala siyang panalo kila Tony laban parin siya... di ko maintindihan noon, pero ang alam ko lang mahal ko siya...
Nang mag highschool kami nagpaalam siya sakin na magtratransfer ulit siya ng school, parang hobby ata ng pamilya niya yung magpalipat lipat ng bahay... alam ko wala akong laban sa desisyon ng pamilya niya, sus sino ba naman ako, best friend lang ako... nanay at tatay niya yung nagdedesisyon... inisip ko rin nun na hindi na ulit kami magkikita... nalungkot ako... para akong tanga, bata pa kasi tas di pa alam kung pano salubungin ang first heartache from the first breakup... chos!
Ilang linggo din akong malungkot nun, pero syempre dahil bata pa naman madali rin akong nakalimot, nang mag fourth year ako, nagulat ako, paglabas ko ng gate may tumatawag sakin... pero dahil nagevolve na ako nung fourth year, nagaral na kasi akong magayos nang sarili, natutunan ko narin mangsnob, iniisip ko kasi...
“you all made my life hell before, and now that I'm gorgeous, all of you are not worth my time anymore”
kasi naman pati yung mga baklang kung makapanglait dati habol din ng habol ngayon kasama yung mga babae nilang katropa na gustong gusto nilang ayusan... tapos yung mga lalaking dati eh kung tumawa na kala mo walang kapintasan ay hangang hanga sa porma ko... di naman sa pagbubuhat ng bangko pero laki talaga ng pinagbago ko nun...
“Migs!” sigaw ulit ng lalaki na kanina pa ako tinatawag
“suplado na pala ang bestfriend ko ngayon ah...” at napatigil ako sa sinabi niyang yun... napatlikod ako... si Jon na pala...
Di ko alam mararamdaman ko, maiinis ba dahil sa pagiwan niya sakin noon, o matutuwa dahil sa wakas bumalik siya...
“Ikaw pala Jon, musta?” at nginitian niya ako sa sinabi kong yun.
walang nagbago sa kaniya... di naman siya ganung ka gwapo pero chinito siya at maputi... my total weakness! Nagkwentuhan kami tas sabi ko...
“Jon sige, pasensya na kailangan ko narin kasi umuwi” at nalungkot naman siya ng konti.
“ah, ganon ba? Hatid na kita” alok niya.
Araw araw yun, walang mintis susunduin niya ako sa school tas ihahatid sa bahay... lalo naman akong naguluhan... isang gabi biniro ko siya
“oi ikaw ah! Baka mamya niyan magalit ang girlfriend mo!”
Wala naman siyang nabanggit about sa girlfriend pero syempre di ko naman mapigilang magassume...
“wala naman akong girlfriend” sagot niya sabay ngiti sakin...
“a ganun ba, maski na, mamya niyan masanay ako na lagi mo akong sinusundo tapos aalis ka nanaman” nasabi ko nalang mailayo lang yung topic about sa girlfriend...
“di na kita iiwan promise...” maikli niyang sagot na nagpakilig sakin.
Ilang buwan pa nakalipas, malapit na ang graduation... pareho kami ng college na inapplyan... swerte naman kasi gusto ko noon nursing tas ang gusto niya maging physical therapist sakto dun sa college na pinagapplyan namin parehong may kursong ganon.... sanay na ako na lagi siyang nandyan... natatakot ako na baka mamya pag nawala siya katulad dati o mas malala pa ang pagiging malungkot ko...
Nagulat ako isang araw habang pauwi kami sa bahay namin bigla siyang tumahimik, tapos galing sa kambyo ng sasakyan niya hinawakan niya ang kamay ko...
“pwede bang umakyat ng ligaw sayo Migs?”
nagulat ako pero napatawa din ako ng malakas sabay bawi ng kamay ko...
“aaning aning ka nanaman Jon ha!” nasabi ko nalang pero anlakas ng kabog ng dibdib ko noon
“seryoso ako Migs” tinignan ako g seryoso
Nang mag college kami di ko inaasahang magiging makulit talaga siya about sa panliligaw sakin.
“ayan gurl yung pinapahawak mong boquet” sabi ni Cha
Sa kanya kasi inabot ni Jon yun flowers para di halata, kunwari siya yung nililigwan ni Jon... pero bago umuwi iaabot niya rin yun sakin. Isang araw habang nasa library ako tumunog ang paging system nagulat naman ako nang magsalita ang isang pamilyar na boses... si Jon
“may gusto lang po sana akong sabihin sa taong minamahal ko... pasensya na po sa mga klaseng naabala... sa taong mahal ko, sana naman sagutin mo na ako, matagal tagal narin akong nanliligaw sayo... sana ikaw na ang taong lubos na magpapasaya sakin... sana ikaw na ang taong pwede kong makasama habang buhay... alam ko naman na ito rin ang gusto mong mangyari... alam ko namang mahal mo rin ako... sana kapag nagkita ulit tayo, mamya o bukas o sa susunod na bukas... sabihin mo na mahal mo ako at kapag narinig ko na yun mula sa mga bibig mo ako na siguro ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo...”
At naputol na ang paging system... nahuli na siguro siya ng mga in charge dun... habang nagtitilian naman ang mga tao sa paligid... take note asa library ako... todo saway naman ang librarian, di ko rin mapigilang kiligin... pero di ko syempre pwedeng ipahalata hanggang pamumula na lang ang nagawa ko.
Dalawang araw na suspended si Jon non, pero sabi niya worth it naman daw kasi alam niyang napasaya niya ako, at sa sinabi niyang yun di ko napigilan ang sarili ko na sabihing
“Jon, I love You”
at napatigil siya
“ano yun Migs?”
pero sumimangot ako at tumalikod
“wala.”
sagot ko na medyo nagtatampo...
“sabi mo Jon, I love You”
panggagaya niya sa boses ko at napatawa ako...
“narinig mo naman pala eh” sabi ko sa kaniya
“suspension lang pala ang kailangan para mapasagot ka eh sana dati pa ako nagpasuspend!”
At hinalikan niya ako sa labi... simula nung araw na yun opisyal na... kami na nga ni Jon...
Alas singko na ng hapon... palubog na ang araw... dito ako nakaupo sa may bench sa my by the bay... dito ko unang sinabi kay Jon na mahal ko siya nung college pa lang kami... pero syempre di pa developed ito noon... konti pa lang ang mga upuan dito noon... wala pang mga bar... anliliit pa ng mga puno nyog ang ngayoy nagsisitayugan na puno... muli kong tinignan ang oras... “5:01pm” sabi ng digital na wrist watch ko... peste sasalubungin ko nanaman ata ang paglubog ng araw na magisa...
10pm sabi nanaman ng wrist watch ko nang tignan ko ito... unti unti nang nagaalisan ang mga tao sa paligid ko...
“haist Jon di ka na nanaman pupunta?”
At nangingilid nanaman ang luha ko, alam ko ako ang may kasalanan... nasaktan ko siya... at ngayon... parang pareho na kaming nasasaktan...
11pm wala paring Jon na dumarating... tinignan ko ang telepono ko pero wala ni isang text o tawag mula kay Jon... ang tanging text na natatanggap ko ay mula kay Cha
“gurl! Wag mo nang pagurin ang sarili mo kakaintay kay Jon dyan sa by the bay! Umuwi ka na ok?... kung gusto niya talagang makipagayos sayo, nung unang text mo palang nagpakita na siya...”
Tama si Cha... unti unti na akong tumayo... naglakad papunta sa may sakayan... pero wala ng nadaan na dyip papunta sa apartment kaya naisipan kong maglakad papuntang kanto ng EDSA malapit sa Heritage... pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng may tumigil na van sa tapat ko... kulay itim at heavily tinted... hinila ako ng lalaki galing sa loob ng van... sa tagal ko ng nabubuhay dito sa Pilipinas alam kong di maganda ang hangarin ng mga taong to...
“naku icha-chopchop ako nitong mga to at ipagbebenta ang mga laman loob ko sa mga ospital na bumibili ng mg internal organs!” sabi ko sa sarili ko.
Pero ang mas ikinatakot ko ang van na saradong sarado... heavily tinted na nagmumukhang walang bintana...Pagsara ng pinto ng van di pa agad ito umandar at nagulat ako ng parang nagkakagulo sa labas, nauga ang van... di nanaman ako makahinga...
“stupid phobia!” sabi ko nanaman sa aking sarili
Nanlalamig nanaman ako... nanginginig, nanghihina... at nagumpisa nanaman akong magpanic binubuksan ko ang pinto nang pag hila ko sa handle ay nasira ko ito.
“very good!” naibulalas ko sa sarili ko,
kinakalampag ko nanaman ang pinto... nagsisimula nanaman akong manghina... ayoko na... papabayaan ko na lang na machopchop ako... nang biglang bumukas ang pinto ng van...may mga pulis na sa paligid ng van... pinoposasan ang mga lalaking kanina ay gustong gusto na akong ilayo sa lugar na ito... pero mas ikinagulat ko ang lalaking nagbukas ng pinto ng van...
Itutuloy...
[04]
Di ko napigilang magulat... inabot niya ang kamay ko, inaaya akong lumabas na ng van... di ko rin napigilang magtanong... “Jon?” at niyakap niya ako...
“kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo.” mahinahon niyang sabi. “buti na lang sinusundan kita simula nung nag text ka” pahabol niya pa, siguro nung makita niya ang nagtataka kong mukha.
“bakit di ka lumapit sakin dati pa?” tanong ko na medyo nanginginig pa sa takot at sa panghihina... inabutan naman niya ako ng chocolate galing sa bag niya.
“alam ko kasi di pa panahon... naguguluhan ka parin alam ko...” at pareho kaming natahimik.
At kinuwanan na nga ako ng pahayag ng mga pulis... at inexplain ang pagsasampa ng kaso sa kung sino mang mga ponsyo pilato yun. Nang mahimasmasan na ako tinignan niya ako... nagtatanong ang kanyang mukha.
“wag mo nang pahirapan ang sarili mo Migs, alam kong mas gusto mo si Ed” at nakita ko siyang ngumiti... pero alam ko may natatagong sakit sa ngiting yun... pumara siya ng taxi
“ako ng bahala sa prisinto, magpahinga ka na” umiling naman ako sa gusto niyang mangyari.
“usap muna tayo Jon...” pagaalo ko.
“di na Migs, ok na ako... dapat maging ok ka na rin” pero nangingilid ang mga luha niya, kung baga di ako kumbinsido.
Pinaalis ko ang taxi pero pumara ulit siya ng isa pa.
“wag nang matigas ang ulo Migs, di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari nanaman sayo ng di maganda dahil sakin...”
At tumalikod na siya papunta sa mobile ng pulis, hinabol ko siya at niyakap mula sa likod...
“I'm sorry” tanging nasabi ko at patuloy ng bumuhos ang luha ko... tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya at pumunta sa may taxi.
“manong paki ingatan po tong tao na to” at nagpakawala nanaman siya ng ngiti sakin.
At pinasakay na niya ako sa kotse... tumungo siya at nilapit ang mukha sa mukha ko, nilapat ang labi niya sa labi ko, medyo nagtagal yun napapikit na nga ako at naramdaman ko na lang na pareho ng tumutulo ang mga luha namin... ansakit sa dibdib... di ko gusto ang mga ganitong drama... nuong maghiwalay kami ni Jon dahil nahuli ko siyang may ka sex sa apartment noon, mas pinili kong takasan ang tagpong katulad nito... di ko siya kinausap... pero pareho lang din pala... masakit din sa dibdib... katulad lang din pala sa pagtakas at sa pagharap ng mga ganitong drama moments... feeling ko sinusumpong na naman ako ng lintik na phobia na yan.
“bakit kailangan mong magmukmok diba gurl? Lalaki lang yan!” sabi ni Cha sakin.
Sumangayon lang ako sa sinabi niyang yun, di ako nagpahalata na apektado parin ako, hindi kasi basta lalaki lang si Jon... pinaglaban niya ako, minahal namin isa't isa... minahal niya ako ng sobra... tapos ganun lang, tinapon ko lang yun dahil may bagong dumating... di naman ako binigo ni Karma... dahil wala ring pinatunguhan ang akala ko'y worth it na ipagpalit kay Jon... nasan na nga ba si Ed? Di ayun... nakikipagmabutihan ulit sa “ex” niya, salamat kay karma na talaga namang pinamukha niya sakin ang aking katangahan.
Sa loob ng isang buwan, di naman ako binigo ni Cha, lagi siyang andyan... kahit na minsan tinotoyo ako, pero di ko pinapahalata at sinasabi sa kaniya na kaya ako nagkakaganun ay dahil sa katangahan ko sa kapatid niya... Isang buwan... akala ko ok na ako, akala ko wala na sakin ang lahat ng nangyari... akala ko... akala ko lang pala yun. Di nagtagal rumesbak nanaman si Karma at si Tadhana combo pa.
Nang isang beses na nagmumuni muni ako sa may by the bay, may hawak na mainit na kape mula sa starbucks, biglang bumuhos ang ulan... tumakbo ako dun sa may waiting area ng mga gustong sumakay sa tram... busy ako sa paghahanap sa panyo ko ng matandaan kong nasa bag ko nga pala yun na iniwan ko naman sa sasakyan ko... biglang may nagabot sakin ng panyo...
“naguulyanin ka na?” sabi sakin ni Ed... nakangiting aso nanaman
“bwisit!” nasabi ko sa sarili ko... binawi ko ang tingin ko sa kaniya at napatingin sa magandang babae sa tabi niya... ito talagang si karma, di pwedeng di ipaalala sakin ang katangahan ko at pananakit ko kay Jon.
“Hi Migs! Musta na?” sabi sakin ni Rubi ay ni Lei pala.
Pero bago ko pa man masagot ang tanong niya may mga grupo ng lalaki ang nagtatakbuhan at naghahanap ng masisilungan, nang makita ang aming pinagsisilungan pinilit nilang magkasya dito at siniksik kami, at napadikit naman ako kay Ed magkalapit ang mga mukha namin, agad akong umiwas at napansin ko namang napayakap si Lei kay Ed dahil sa pagtutulakan ng mga walang breeding na lalaki.
“very good ka talaga karma” nasabi ko sa sarili ko... ayan nanaman all along akala ko ok na ako... pero eto nasasaktan parin ako bumibigat parin ang dibdib ko.
“bakit nga pala bigla kang nawala nuon sa bahay ni Cha?” tanong sakin ni Lei
“ahhh nagmamadali kasing umuwi yung kasama ko eh... si...” di ko masabi ang pangalan ni Jon... para akong nasamid na parang may nakaharang sa lalamunan ko... nararamdaman ko ang tingin sakin ni Ed... pero di ko rin magawang tignan siya.
“anyways... una na ako ah... I have to go, malelate na ako sa duty ko...” pagiwas ko sa kanila...
“nonesense!” sabi ni Lei.
“anlakas lakas ng ulan” dugtong pa ni Ed.
Pero di ako sa sinabi niyang yun natigilan... napatingin kasi ako sa kaniya... parang may mabigat na pinapasan ito... kanina lang parang tuwang tuwa siya na nilalait nya ang pagiging ulyanin ko, pero ngayon iba na yung nasa mukha niya... ibang emosyon na.
“kailangan na talaga eh” at nagpaalam na ako sa kanila.
Di naman kalayuan ang daanan para makapunta sa sasakyan ko pero malakas talaga ang ulan, kaya nang makapasok ako sa kotse basang basa ako. Di ko maiwasang masaktan nanaman sa nakita ko... di ko maintindihan ang sarili ko... nung una pa lang naman kasi dapat talaga di ko na sineryoso si Ed... nang umuwi ako galing sa birthday ni Cha nasabi ko sa sarili ko na wala lang lahat iyon kay Ed... na it was just a game for him... na challenge lang ako para sa kaniya, pero ngayon nang makita ko ang mukha niya nang mahalata niya siguro ang pag iwas ko, I can't help but think... may nararamdaman din kaya siya?
“ayan ka nanaman! Asuming, asumming ASSUMING!” at inuntog ko ang ulo ko sa manibela at tumunog ng malakas ang busina ko... nagulat lahat ng tao sa labas lalong lalo na ang nakaupo na nakain dun sa mga restaurants malapit sa starbucks... dahil sa kahihiyan nagdrive na ako palayo.Nang makauwi ako sa bahay tinignan ko ang telepono ko...15 new messages... “OA!” sabi ko sa sarili ko, pagbukas ko ng Inbox puro si Ed.
“Migs, pwede ba akong pumunta dyan?” sabi ng unang text.
“bakit di ka nagrereply?”
And all the other 13 messages pretty much says the same, siguro nang mapikon sa pag deadma ko sa text messages niya, tumawag na lang... ayaw kong sagutin yung telepono ko kaya't nilagay ko nalang ito sa silent mode, kumuwa ako ng twalya at naligo muna... pagakatapos maligo nakita ko ang telepono ko na nagvavibrate parin at umiilaw...
“tang ka kulit!” sabi ko, pero dineadma ko parin ang tawag nito... nagpunta ako sa sala at nanood ng TV... Rubi na pala... sakto... maya maya habang nakanta si Juris sa background ng Rubi, biglang may kumatok sa pinto... di ko alam ang gagawin ko pero, binuksan ko parin ang pinto... di ako nagkamali si Ed nga.
“bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko? Lampas sampu na yun ah! Saka akala ko ba magdu-duty ka?!” medyo mataas na boses niyang sabi sakin.
Di ko naman maiwasang mainis sa inasta niya kaya't tinaasan ko narin ang boses ko.
“ano ba kita? Boyfriend ba kita ha?!” sabay talikod sa kaniya.
Umupo ulit sa harapan ng TV at pinanood ulit si Rubi. lumapit siya sakin at humarang sa harapan ng TV, nang tignan ko siya ngumiti nanaman ng nakakaloko si gago...
“pwede ba, nananahimik ako dito at masayang nanonood ng Rubi! Kung gusto mong manggulo umalis ka na lang!” naiinis ko paring sabi sa kaniya.
Umupo siya sa tabi ko at umakbay, lumapit sa tenga ko ang labi niya at bumulong...
“ang cute mo paring mainis, di ako aalis dito hanggat di ka nakikipagusap sakin.” sinabi niya sakin with that effin bedroom voice.
Akala ko makakapag concentrate pa ako sa panood ng Rubi... pero siksik ng siksik si Ed sa tabi ko... parang batang nanlalambing... maya maya nang matapos na ang pinapanood ko pinatay ko ng ang TV napansin ko namang di na nangungulit si mokong kaya't tinignan ko siya... nakatulog pala ang kumag, at sa kakapalan ng mukha nakuha pang sumandal sakin... ginawa ko tumayo ako at hinayaan ko siyang bumagsak sa couch.
“kailangan ba talagang gawin yun?!” tanong niya sakin ng pagalit ulit.
“matutulog na ako, maaga pa ang pasok ko bukas... bukas na lang tayo magusap” sabi ko.
Nang binuksan ko ang front door para palabasin siya, nagulat ako kasi tumayo nga siya pero di para lumabas ng apartment, kundi para umakyat papunta sa kwarto ko.
“hephephep! San ka pupunta?” sabi ko habang humaharang sa hagdan.
“matutulog” matipid niyang sagot. halatang naiiinis parin sa ginawa kong kalokohan sa kaniya kanina.
“sabi ko matutulog na AKO, hindi ka kasama, bukas na tayo magusuap” pagpapaintindi ko sa kaniya...
“Oo nga, edi para makapagusap agad tayo bukas first thing in the morning...” sabay hubad ng t-shirt niya... “dito ako matutulog” pahabol niyang sabi at nagpakawala nanaman ng ngiting aso ang kumag.
“kakausapin kita bukas, basta umuwi ka na muna” pangungulit ko sa kaniya. naiinis na ako
“argggghhh!” sabay pisil niya sa pisngi ko “cute mo talaga mainis para kang bata”
“Ed, please, napapagod na ako, gusto ko ng matulog, maaga pa ako bukas” pagsusumamo ko sa kaniya “ayoko ng makipagkulitan sayo” pahabol ko pa
“edi wag ka ng makipagkulitan sakin... tara tulog na tayo” at hinatak niya ako papuntang kwarto.
Magkatabi kami, di ako makatulog... “parang tanga naman kasi tong si Ed eh!” isip isp ko... malamang puyat ako nito, aaning aning nanaman ako sa ospital nito...humarap siya sakin.
“Migs, usap tayo please?” bulong niya.
Gusto kong magtulog tulugan pero nang silipin niya ang mukha ko.
“alam kong di ka pa tulog, nakita na kita matulog... di nakaikom ang bibig mo pag natulog...” sabay tawa niya.
Pinaharap niya ako sa kaniya, ibinukas ang mga mata ko... para akong puppet... lahat ng ipagawa niya ginagawa ko.
“bakit ka biglang nawala noon sa birthday ni Cha?” tanong niya ulit with that damn bedroom voice.
“inaya na kasi akong umuwi ni...” at naalala ko nanaman si Jon... mali ito... napapikit ako...
Nahalata ni Ed na may iniinda akong sakit...
“kaya ka ba nagkakaganyan? Dahil kay Jon? Ano bang nangyari? Bakit di na siya dito umuuwi?” at di na ako nakasagot.
Napapikit na lang ako... naramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa labi ko, maya maya unti unti nang nilalaro ni Ed ang dila ko... tumigil ako, humiwalay ako sa paghalik sa kaniya... “mali ito” sabi ko sa sarili ko...
“Ed?” bulong ko.
“hmmm?”
“pwede bang mag toothbrush ka muna, lasang sushi kasi ang bibig mo eh” at napatawa naman siya sa sinabi kong yun.
“dun sa banyo may stock ako ng toothbrush dun, magbukas ka nalang ng isa”
At tumayo siya at tumatawa papunta sa banyo... nang marinig kong sumara ang pinto ng banyo tumayo ako at inilock ang pinto ng kwarto ko... “mabuti narin to, para makatulog ako” isip isip ko... mga ilang minuto pa ay kumatok na si Ed sa pinto.
“that's very mature of you Mr. Miguel Salvador!” at narinig ko ang mga yabag ng paa niya papunta sa baba... sa wakas nakatulog din ako...
Pag gising ko kinaumagahan, laking gulat ko ng maabutan ko si Ed sa may kusina.
“a-anong ginagawa mo dito?! Akala ko umuwi ka na kagabi!”pasigaw kong sabi sa kaniya.
“Good Morning Miguel!, sige na kain ka na pinaghanda kita ng hotdog and scrambled egg tas may fried rice narin dun sa lamesa...” mahinahon niyang sabi
“akala ko umuwi ka na?! Umuwi ka na kasi!” sabay subo ng hotdog...
Infairness masarap siyang magluto ah, ang scrumbled egg at ang fried rice may ibang lasa.
“I was going to, kaso naalala ko na yung jeans at shirt ko nasa kwarto mo pa pala... e NILOCK mo nga yung pinto diba?! Alangan namang umuwi ako ng naka boxer shorts lang diba?” di na ako nakasagot... medyo sumasakit ata ang tiyan ko... napatakbo na ako sa CR...
Di ko na nga nailock ang pinto dahil sa sobrang pagmamadali pumunta sa CR.
“Woooh! Baho naman niyan Migs! Ilang buwan mo ba yan inimbak?! I would call work if I were you... mukhang matatagalan ka diyan eh” at inabot niya sakin ang telepono ko at ngumiting aso nanaman si kumag. Tapos nakita ko sa bulsa ng boxers niya ang gamot ko kapag sinusumpong ako ng constipation.
“anak ng...” nalang ang nasabi ko... at narinig ko ang tawa niyang nakakaloko...
Buti na lang at napakiusapan ko ang kasamahan ko sa ospital na mag relieve sakin... paglabas ko ng banyo, nakangiting gago nanaman si mokong.
“akala ko di ka tatablan...” pangaasar pa ng kumag.
“ayan, kumain ka ng maraming saging” inabot niya sakin ang isang piling
“I was thinking of sedating you, pero masyadong delikado” tawa na naman si mokong ng nakakaloko.
“now can we talk???” tanong niya sakin...
ITUTULOY!
[05]
“Putaragis na buhay to oh! Now I'm stuck with Ed!” sabi ko sa sarili ko.
“katakaw mo kasi, di mo manlang napansin na may kakaiba dun sa lasa ng pagkain mo...” si Ed pinapamukha sakin ang katangahan ko...
“gago ka talaga! Pano kung na overdose ako dun sa ginawa mo?! Pano kung may harmful effects yun?! Maliban sa pagtatae!” sabi ko nang may pagkainis sa kaniya.
“it pays to check the label!” saby ngiti sakin ng nakakagago nanaman at habang pinapakita ang lalagyan ng gamot.
“sige na kainin mo na yang saging” at ngumiti nanaman si loko.
“ayoko! Malay ko bang kung ano meron diyan!” at tumawa siya ng malakas.
Nagulat ako sa susunod na ginawa niya, nagbukas siya ng isang saging kumain at kumuwa ng isa pang saging at isinubo sakin.
“mahilig ka pala talaga sa mahahaba at mabibilog na...” di ko na siya pintatapos sa sasabihin niya at binatukan ko na siya.
Habang nilalantakan ko ang isang piling na saging, naaasiwa naman ako sa pagtitig ni Ed , nang mapatingin ako sa kaniya, parang binabasa niya ang nasa utak ko... parang hinuhulaan niya ang dahilan ng pagiging aloof ko sa kanila... parang kinakabisa niya ang bawat pag nguya ko... seryoso ang mukha... malapit ng magdikit ang kilay niya... ako naman nalulusaw at di mapakali.
“So, Cha told me to check up on you” sabi ni Ed.
“I'm not sick, I don't need someone to check up on me, and besides bakit pa kailangang sabihin ni Cha yun sayo, e madalas naman kaming magkausap sa phone...” sabi ko ng medyo naiirita parin at nagtataka.
Parang isang bata naman siya na nahuli sa pagsisinungaling, di alam na nagusap kami ni Cha nito lang, saka di naman ako pinakakamusta ni Cha, siya mismo ang nangungumusta ng personal... inayos ni Ed ang sarili at ibinalik ang composure na nawala ng mapahiya sa kasinungalingang ginawa niya.
“ok fine! Andito ako cos I miss you!” sabi niya at napayuko. “after that incident nung birthday ni Cha, di ka na nakikipagusap sakin, di na kita nakikita madalas, nahihiya naman akong itext ka, baka kasi di mo lang ako pansinin... san ka punta Migs?” naputol siya sa kaniyang paglilitanya nung tumayo ako sa aking pagkakaupo at naglakad palayo, pumasok ako ng kwarto.
“damn! I hate drama!” isip isip ko.
Di ko inexpect na kay Ed pa manggagaling yun... malaking mama... lalaking lalaki... tas magdradrama ng ganon?!Nagulat ako ng biglang magbukas yung pinto ng kwarto ko.
“If you don't want to talk to me its fine...” at umupo siya sa tabi ko tapos hinawakan niya ang kanang balikat ko.
“bakit ba parang wala ka nang energy makipausap sakin?” paglalambing niyang tanong.
“araykupo!” napasigaw niyang sabi pagkatapos ko siyang haklitin sa batok.
“Tarantado ka pala eh! Pano ako magkakaenergy kung itinae ko na lahat!” at isang batok nanaman ang iginawad ko sa kanya... di naman siya tumigil sa kaka tawa nung mapatakbo nanaman ako ng CR...
“ano ba naman tong mga DVD mo dito Migs! Puro romantic movies! Wala ka bang bomba films dito?!” at ngumiti nanaman ng nakakagago si kumag... “aha eto maganda!” at sinalang nya yung DVD ng One more Chance... at tumabi sakin si kumag... di ko naman maiwasang mainis lalo
“puta naman talaga! One more Chance pa sa dinami dami ng pelikula Ed! One More Chance pa!!!” pasigaw kong sabi sa kaniya.
“di ko pa napapanood yan eh!” sigaw naman niyang ganti...
Habang nagkakaiyakan na, di ko rin mapigilang mapasinghap at mapaluha para akong tanga, alam ko pero anong magagawa ko eh naluluha ako eh... tas naramdaman ko na lang na umakbay sakin si Ed... lalayo sana ako.
“dyan ka lang” sabi niya ng mahinahon pero di parin ako nagpatinag tumayo ako pero hinila niya ang kamay ko at napaupo ulit.
“sabing dyan ka lang!” pagalit na niyang sinabi... wala na akong nagawa...
“luwag luwag naman kasi ng sofa Ed, bakit kailangan mo pang umakbay at sumiksik sakin!” pagtataray ko.
“wag ka nang mataray! Gusto ko may sandalan... inaantok ulit ako” di ko naman mapigilang mapangiti.
Pero syempre di ko pinahalata yun... non stop na yung luha ko nung dumating na sa part na umiiyak na si Maja Salvador... nung sinabi niyang pumikit si John Loyd para di niya makita na nasasaktan si Maja. At nang matapos na nga yung pelikula, napatingin ako sa katabi ko... akala ko natutulog nanaman ang kumag yun pala pinapanood ako... nakangiting gago nanaman... bigla naman akong nagpunas ng luha at uhog.
“para kang bata umiyak... naaalala ko si Cha nung inagawan ko ng candy... talaga namang kumukulot pa yung labi mo pababa tapos namumula pa yung ilong mo” at tumawa siya ng malakas at nakakaloko.
“Eh ano naman sayo kung para akong bata umiyak?!”
“bakit ba ang sungit sungit mo sakin ha?!” sabat na naman niya
“ikaw na lagyan ng pampatae pagkain mo makukuwa mo pa bang matuwa?!” sabi ko na pinapantayan ang pasigaw niyang boses.
“eh bakit ikaw?! Tama bang pagsarhan ako ng pinto ng kwarto nang alam na alam mo naman na wala akong matutulugan dito sa labas at nasa loob pa ang mga damit ko huh?!” pareho na kaming nakatayo at magkaharap, habang nagtititigan kami bigla niyang kinuwa ang baba ko tas inalog ang mukha ko kaliwa't kanan.
“ang cute cute mo talaga!” sabi ng may panggigigil.
Pero bumalik nanaman sakin yung itsura nila ni Lei at ang pagpapaalam sakin ni Jon... nalungkot nanaman ako.
“baliw ka na ba? Bakit kanina nagtataray ka, tas mukha kang kinikilig tapos ngayon naiiyak ka nanaman...” pagtatanong ni Ed.
At inirapan ko siya... tumalikod sa kaniya... bigla naman niya akong niyakap mula sa likod... pareho nanaman kaming napaupo sa sofa.
“ano ba kasing problema? Bakit ayaw mong sabihin? Di mo ba ako pinagkakatiwalaan?” sinabi niya with that effin bedroom voice! Gusto kong matunaw
“dahil ba kay Jon kaya ka nagkakaganyan?” tanong niya ulit.
Dahil nga ayoko ng drama sukang suka ako tuwing kokomprontahin ako, ay nagdahilan na lang ako.
“hindi, wala lang talaga akong energy dahil sa kagaguhan mo!” at humarap ako sa kaniya at ngumiti ng pilit... tumayo ako at nararamdaman kong sakin parin nakatingin si Ed...
Nagkwekwentuhan kami ni Ed habang nakain ng lunch.
“teka di ka a ba hinahanap ni Lei?” tanong ko habang kunwari ay busyng busy ako sa pagkain.
matagal siyang sumagot at ng tumingin ako sa kaniya, nagulat ako dahil ansama ng tingin niya...
“oh, bakit may nasabi ba akong di maganda?” tanong ko.
“wala naman, sabihin mo nga sakin Migs, nagseselos ka ba kay Lei?” at nasamid naman ako sa sinabing yun ni Ed.
“sus, ito naman masama bang mangamusta? Saka b..bakit naman ako magseselos” at tumawa ako pero mukhang napa OA ata kaya mukhang di kumbinsido si mokong.
“bakit mo ginagawang katatawanan to Migs? Ano ba ako para sayo?” at napatahimik ako sa tanong na yun ni mokong.
“aahhhmmm kuya ni Cha?” at nginitian ko siya nagdikit nanaman ang kilay ni mokong at hihiritan sana ako ng isa pang panabla pero nagring ang cell phone niya.
“Lei?”
Yun lang at tumayo siya palayo sa lamesa... sus may tumusok nanaman sa puso ko... pero di ko nagpahalata... tanginang pride to... pero alam ko kasi pag sinabi ko sa kaniyang nasasaktan ako at nagseselos kay Lei wala rin akong mapapala... natatakot akong masaktan... ma reject... di ako mahal ni Ed ang mahal niya si Lei... baka nga tawanan pa ako ni mokong! tinapos ko na ang pagkain ko... di ko na siya inintay... kinuwa ko ang twalya sa likod ng pinto ko sa kwarto at sumenyas sa kaniya na maliligo lang ako...
Humarap ako sa salamin... dati rati kasama kong tumitingin dito si Jon pag sabay kaming naliligo... dati rati sabay kaming nagto-toothbrush sa harap ng salamin na to ni Jon... dati rati yun... ngayon ako na lang mag isa dahil sa pagtraydor ko sa kaniya... pota ka bobo ko kasi... umasa ako na baka mahal ako ni Ed kaya hinanda ko ang sarili ko na pakawalan si Jon... kabobohon ko nga naman... ngayon eto... si Ed may girlfriend... ako, akala ko handa nang mawala at pakawalan si Jon, at si Jon... nasaktan ko ng todo...
Tumulo nanaman ang luha ko... “ano ba?! Di ka pa ba nagsasawang umiyak?!” sabi ng utak ko... naligo muna ako... nagrelax... at nagmuni muni... iniisip ko kung ano ang pinaguusapan nila Ed at Lei. “bakit ba papaapekto ka sa kanila?!” sabi nanaman ng utak ko... “madami namang iba dyan...” sabi ulit ng utak ko at pinatay ko na ang shower at tinuyo ang sarili...
Paglabas ko ng banyo... akala ko may makulit na Ed na susuyo at mangungulit sakin... pero wala pala. “tangna umasa ka nanaman ulit...” sa sobrang inis... tinawagan ko lahat ng bi friends ko at nagayang magclub.
“gurl ano ba lunes na lunes???” sabi ng isa kong kaibigan.
“cut the crap Migs! May pasok ako bukas” sabi naman ng isa... tinext ko si Cha, walang reply...
“VERY GOOD!” bulalas ko nanaman sa sarili ko... “me and my EPIC fail!” sabi nanaman ng utak ko... maski ako lang magisa pumanta akong MOA, madami namang bar sa likod nun pwede akong maginom kahit ako lang.
isa, dalawa, tatlo, pitong bote... groggy na ako... pero higit sa lahat natatae nanaman ako “putanginang gamot yan oh!” pinangako ko sa sarili ko na kapag sumabog ang tae ko dito hinding hindi ko mapapatawad si Ed...
Nagbayad na ako, may poise parin naman ako kahit groggy na ako... sumakay ako ng elevator papuntang parking.
“bobo! Bakit pa naman kasi ako sa level parking nag park” sabi ko nanaman sa sarili ko malamang mahihilo nanaman ako pababa pa lang ng level parking dedo na ako sa hilo. hinanap ko ang sasakyan ko... “peste! San nga pala ako nag park!?” At nakita ko na ang kotse ko, may mamang nakatayo...
“Migs ano ba yang ginagawa mo?! Bakit ka ba nagpapakalasing!?” tsk! Si Ed pala
“ahhh wala haha! Tangina kasi... dami kong problema ngayon pro wala to Ed” sabay ngiti...
“tignan mo nga sarili mo Migs...” at pinaharap niya ako sa bintana ng kotse ko. Tangina napaka wasted ko... para akong tanga... di naman ako ganito dati.
“halika na doon ang kotse ko...” sabi niya.
“wag na, kaya ko pa!” pagtanggi ko naman.
“wag ka ngang tanga!” at hinaklit niya ang batok ko.
“pano mo ba ako nasundan dito?!” tanong ko.
“nagtext sakin si Cha... sinabi niya rin na lagi ka sa south parking nagpapark... lakas pa ng loob mo na mag level parking ah?!” at tumawa siya pero di na ako tumawa... nahihilo na ako...
Habang nasa sasakyan andami daming tanong ni Ed, pero na sense ko na sa kadramahan nanaman matatapos lahat.
“sorry kanina, bigla akong umalis” sabi niya.
“sanay na ako” sagot ko naman.
“Migs ano bang ikinagaganyan mo? Sabihin mo naman sakin please oh!” pagmamakaawa niya at may galit sa boses.
“tulog muna ako Ed, please? Nahihilo pa ako eh...” pag iwas ko sa tanong niya, pero infairness nakakatulog na talaga ako.
“oi wag mo naman akong tulugan! Timo tong taong to matapos magpakalasing tutulugn ako!” at napangiti naman ako sa sinabi niyang yun...
“Migs! Migs!” inaalog nanaman ako ni kumag.
“Napaka antukin mo talaga! Andito na tayo sa bahay mo!” ngiting sabi niya sakin... malapit nanaman ang mukha ko sa mukha niya.
Napakagwapo talaga nitong mokong nato... di ko mapigilang humanga... pero mali kasi may Lei na naka harang sakin papunta kay Ed... binuksan ko ang pinto at naglakad palayo.
“Migs bakit ka ba nagkakaganyan?” habang tumatagal naiinis ako sa tanong na yun.
“dahil... dahil nasasaktan ako Ed” at nagulat siya sa sagot ko... bumaba narin siya ng sasakyan...
“Migs?” tanong niya.
“di mo ba nakikita Ed? Iniwan ako ni Jon! Iniwan niya ako dahil wala akong maisagot sa kaniya nung pinapili niya ako between you two!” dahil narin siguro sa alak kaya naging matapang ako ngumiti ako saglit.
“pathetic no?” at pagkasabi ko nun tumulo na ang luha ko.
“di ako agad sumagot na siya ang gusto ko kasi akala... akala... AKALA KO! Merong namamagitan satin... na pwedeng maging tayo... na..na... na mahal mo rin ako” at pinakita nanaman ng mga labi ko ang pekeng ngiti.
Nagulat ako kasi kahit papano akala ko papakalmahin ako ni Ed, kahit papano umasa nanaman ako! UMASA na sasabihin ni Ed na mahal niya rin ako akala ko yayakapin niya ako pero mali! Katangahan nanaman ang umiral sakin sa pagasang may nararamdaman siya nagulat ako kasi tumalikod siya at humarap sa sasakyan para umalis at lalo akong nawalan ng pagasa na sasabihin niyang mahal niya rin ako tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.
“gusto kong sabihin mo Ed” wala nanamang puknat ang pag daloy ng mga luha ko.
“gusto ko sayo mismo mag galing” nababasa na yung tshirt niya sa likod dahil sa mga luha ko.
“sabihin mo na mahal mo ako... na... na hindi si Lei ang mahal mo... sabihin mo na mahal mo ako!! na ako lang ang nasa puso mo!!” at naramdaman kong bumibilis ang paghinga niya, inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at humarap sakin.
“Sorry Migs... but I Love Lei”...
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment