Di parin ako makapaniwala na ang kumpanya ng magazine na aking pinagtatarbahuhan for three months already ay binibigyan ako ng isang malaking break.
“A break that could actually break my neck.” kinakabahan kong sabi sa sarili habang nakaupo magisa sa isang restaurant at iniintay ang bestfriend ko.
“Aray ko!” nasabi ko ng maramdaman ko ang isang palad na humampas sa batok ko.
“Ano naman ang nginanganganganga mo diyan?!” nangiinsulotng sabi sakin ni Edison.
“I'll be writing my debut article for next month's issue.” matamlay kong sabi. Sabay lagay ng waiter sa lagi naming kinakainan na restaurant ang lagi din naming iniinom na, green mango shake.
“Congratulations!” sigaw ni mokong. Naglingunan naman ang ilan sa mga tao dun. Lalo naman akong nagulat ng bigla itong tumayo at tinuktok ng kutsarita ang baso niya ng green mango shake na nakapukaw ng atensyon ng lahat ng tao sa restaurant.
“I would like to propose a toast. See my bestbud here, Martin dela Rosa will be writing an article on one of the best read magazines here in the Philippines...” di na naabsorb pa ng utak ko ang kahihiyan na ginagawa na yun ni Edison, parang lahat na lang ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko at lalo pang nagpalala ang mga titig ng tao sa aking paligid.
Pagkatapos na pagkatapos ng toast na iyon ay minumura ko na lahat ng nakalagay sa lamesa namin, ang walang kamuwang muwang na table cloth, ang mga bulaklak, ang mga baso, kutsara't tinidor ang mga plato. Nagulat na lang ako ng makita ko ang bestfriend ko na magiliw na nangiti sa kabilang banda ng table at kumakawaykaway pa.
“Humanda ka sakin paglabas natin sa impyernong ito.” bulong ko pero narinig din ata ni kumag dahil bigla itong humagikgik, binigyan ko na lang ito ng naniningkit na tingin.
0000oooo0000
“Bakit ba?!” sigaw sakin ni Edison, habang naglalakad kami papuntang parking lot. Marahil napansin niya ang pagiging iritable ko at ang paminsan minsang matalim na tingin kong binibigay sa kaniya.
“Eh pano kasi kailangan mo pang magpropose ng toast?! Eh hindi ko nga alam kung magagawa ko iyon eh! Tas sinabi mo pa yung pangalan ko saka yung pangalan nung magazine! Malamang! Aabangan na nila yun! What if I fail?! What if... Edison?” di pa man ako tapos sa paglilitanya ko ay nawala na ang kumag sa paligid.
Hinanap ko ang kotse niya, at ng makita ito ay naabutan ko si kumag na nagsa-soundtrip sa loob ng sasakyan niya. Napailing na lang ako. Kahit noon pang mga bata kami ganyan na si kumag, walang intindihin sa mundo, kahit ano pang ibato mong problema diyan bukas kamay niyang sasaluhin yun ng may magiliw na ngiti na nakaplaster sa mukha niya.
“He's the complete opposite of me.” sabi ko sa sarili ko, ambilis ko kasing maapektuhan ng mga bagaybagay, may ilang beses naring sinasabi sakin ni Edison na may mga bagay namang di kailangan problemahin eh. Sa tingin ko ang pagiging optimistic niya ang gustong gusto niyang itatak sa isip ko at yun ang gustong gusto niyang ma-adopt ko.
“Pssst!” tawag sakin ni kumag sabay kaway at ngiti na kala mo wala akong sinasabing problema sa kaniya kanina.
“At yun din ang dahilan kung bakit ako in love sa kaniya for the past ten years na magkakilala kami.” bulong ko sa sarili ko at nagbuntong hininga.
0000oooo0000
“Kahit kailan ka talaga!” pagmamaktol ko sabay upo sa passenger seat.
“Kasi naman eh, di mo pa nasisimulan, iniisip mo na agad papalpak ka.” sabi nito sakin sabay ngiti nanaman.
“I'm just being realistic. Thanks to you andami ng magiintay ng debut article ko at madami na ding makakabasa ng kapalpakan ko.” naniningkit kong sabi kay kumag. Napakamot lang ito sa ulo.
“Tungkol san ba kasi yang article mo?” binuksan ni kumag ang bintana ko, ugali na namin yun, ugali na naming tumambay sa kotse niya, usap usap lang konting kulitan tas pagnagkaayaan na saka palang kami uuwi.
“I need to make someone fall in love with me.” nahihiya kong sabi. Matagal na di umimik si kumag at ng humarap ako dito ay napansin ko itong nagpipigil ng tawa. Hinapit ko ang braso nito.
“Bakit nanaman?!” sigaw nito sakin at patuloy parin ito sa paghagikgik.
“Eh kasi nakakaloko nanaman ang paghagikgik mo dyan eh!” sigaw ko sa kaniya at napapangiti nadin.
“Di naman mahirap na may main-love sayo eh.” sabi niya.
Di ko alam kung kikiligin ako.
“I mean, you're intelligent, handsome, a fine gentleman, a man oozing with sex appeal... ARAY!” di ko na siya pinatapos at hinaklit ko na ang batok niya.
“Pero, I'm sure there's a catch...” pahabol ni Edison.
“Meron nga.” sabi ko at napabuntong hininga ako.
“Ano?” nakangiti nanamang sabi sakin ni Edison.
“Kailangan, boss ko ang mai-inlove sakin.” sabi ko.
0000oooo0000
Matagal kaming natahimik.
“Sabi ko naman kasi sayo di basta basta itong article na ito eh. Kailangan kong akitin ang boss ko then pretend to fall in love and then I have to write every detail of the affair in the article.” Napabuntong hininga nanaman ako. Napansin kong ang tagal bago sumagot ni kumag at ng tapunan ko ito ng tingin ay pinaglalaruan pala nito ang maliit na stuffed toy na lagi lagi niyang daladala.
“Di pala nakikinig si kumag.” bulong ko sa sarili ko.
“Uwi na tayo.” iritable kong sabi kay Edison.
“Huh? Ambilis naman? Akala ko nagkwekwento ka pa?” sabi nito sabay hagikgik.
“Tado! Di ka naman nakikinig!” sabi ko sa kaniya!
“Nakikinig ako!” sabi nito sakin.
“So ano ngayon ang problema ko?” sinusubukan kong tanong kay kumag.
“Kailangan mo ng boss na mai-inlove sayo...” sagot nito na ikinagulat ko naman.
0000oooo0000
“Ako? Di ba pwedeng ako?!” nangaakit na tanong nito sakin.
“Hindeeee!” sigaw ko at naglungkot lungkutan naman si kumag, di ko mapigilang kiligin. Di naman lingid sa kaalaman ni Edison na bi ako, straight siya, Oo, pero di naman naging hadlang yun sa pagkakaibigan namin, madalas pa nga siyang magbiro tungkol dito.
“Alam ko namang naging Bi ka dahil sakin, sino ba naman ang di magiging bi sa aking angking kagwapuhan at sex appeal!” madalas sabihin ni Edison sabay tatawa ng nakakaloko.
“Huy! Nananaginip ka nanaman diyan?!” sigaw sakin ni Edison na siya namang bumasag sa pagfla-flashback ng utak kong hyperactive na iyon.
“Eh sinong magiging boss mo? Hala! Sige, mag-apply ka as secretary tapos mangakit ka ng boss mo. Goodluck na lang sayo kung may tatanggap sayo as secretary.” litanya ni Edison sakin.
“Yun na nga ang problema ko eh, baka naman may mairerekomenda ka sakin.” sabi ko.
“ASA! Lahat ng friends ko Straight no!” sigaw nito.
“Even better, biruin mo magandang article yun. Straight guy falls in love with his fag**t secretary.” pagbibiro ko, at isang haklit lang ang ginawad sakin ni Edison.
0000oooo0000
“How about Mac from greenland enterprises?” tanong ko kay Edison habang nagdadrive ito pauwi sa village namin.
“Married.” sagot sakin ni Edison, habang ako naman ay magcro-cross out ng pangalan sa ginawa naming listahan na pwedeng maging boss ko.
“Paul from coffee inc?” tanong ko ulit.
“Single dad.” boryong sagot sakin ni Edison.
“That'll be great! Ok na ok nga si Paul eh!” pagdidiskusyon ko sa kaniya.
“And pano pag nalaman ng mga anak niya na na-inlove ang tatay nila sayo? Naisip mo ba kung ano epekto nun sa kanila?” boryo paring tanong ni Edison sa akin.
“Oo nga ano, di ko naisip yun ah.” napaisip ako bigla.
“Chace of Andrews and stocks?” simula ko ulit sa listahan.
“Too conservative.”
“Andy of Living inc.?”
“Too old.”
Hanggang naka isangdaang lalaki na ata kami sa listahan at ni isa doon ay hindi aprobado ni Edison, madalas may mga rason tulad ng sa anak at asawa pero ang iba...
“Too smug.” o di kaya naman ay...
“Too ugly.”
“Too uptight.”
“Too Chinese.”
Na talaga anmang ikinaubos ng pasensya ko, pano ba naman, I have to start na as soon as possible about this article and even with Edison di ako makapili ng boss na pwede kong maging subject sa article.
“Too Chinese?! Wth?! Racist ka na ngayon, tol?” biro kong tanong kay Edison, pero blank padin ang expression ng mukha niya, lalo kaming lumalalim sa listahan ng mga pwede kong maging subject lalong nagiging blangko at naboboryo si kumag.
Lalong sumungit ang mood ni kumag ng maka dalawang daan na kami sa aming common friends at nakukulitan na ito sakin at sinabayan pa ng traffic.
“HUY!” sigaw ko dito, pero bumalik lang ito sa paglalaro niya sa maliit na stuffed toy.
At ng makarating kami sa tapat ng bahay namin ay napagisipan muna naming tumambay sa kotse. Ganoon parin ang mood ni kumag at di na ito nasagot sa mga tanong ko. daldal lang ako ng daldal.
“How about Joey of the Leveriza lands inc? He's single, childless, not so stupid, not so conservative not so smug, not that ugly... I actually thinks he's kinda hot.” sabi ko kay Edison pero hindi ko naman ito inaabangan ng sagot, kaya naman nagulat ako ng bigla itong magsalita.
“Ako na lang nga kasi.” mahinang sabi nito, pero napatigil ako at pinaulit lang ito sa kaniya.
“Ha?” tanong ko. Hinampas niya ang dashboard ng sasakyan saka inabot ang isang lever sa inuupuan ko kaya naman napahiga ang upuan kasama ako.
“Sabi ko ako na lang, I wouldn't mind about that damn article as long as you choose me.” seryosong sabi ni Edison habang nakatitig sa aking mga mata. Di ako nakasagot at inintay na lang ang susunod na mangyayari. Huli kong naaalala ang palapit na palapit na mukha ni Edison at pagpikit nito hanggang ako mismo ay napapikit nadin.
“UUUUYYYYYY! Si kuya at si Martin naghahalikan sa loob ng kotse!” sigaw ng isang pamilyar na lalaki sa labas ng kotse. Magiliw itong nakangiti at niyayapos ang sarili sa sobrang kilig.
“Ramon?” si Ramon o Ram ang nakababatang kapatid ng bestfriend kong si Edison Saavedra. Si Ramon Saavedra na ngayon ay Assistant Manager sa Hope lands corp. Si Ramon Saavedra, na bi din, si Ramon Saavedra na kakabreak lang sa kanyang boyfriend na si Drei.
“Edison, I think I found the perfect boss.” maikli kong sabi sa bestfriend ko at nalungkot naman ang mukha nito at nagbuntong hininga ay nagsabi na lang ng...
“Ikaw bahala.” sabay tayo mula sa kinauupuan at tuloy tuloy na pumasok sa bahay nila.
Itutuloy...
[02]
Naglalaro kami noon sa harapan ng bahay nila Edison ng biglang may dumaang kotseng pagong, inabot ko ang batok ni Ram.
“Pendong peace! Pendong susi!” sigaw ko sabay muestra na parang sinususian ko ang sentido ko sabay hagis ng imaginary susi pagkatapos ay humalakhak ng malakas.
Napatigil ako sa sarili kong kasiyahan ng makarinig ako ng hikbi mula sa batang Ram na pinendungan ko. nagsimula ng tumigil sa pagdaloy ang dugo sa aking mukha.
“Ay napalakas ata.” sabi ko sa sarili ko at dahan dahang lumapit kay Ram.
“Nakuh, wag kang umiyak Ram, dali nanaman ako neto sa kuya mo.” nangingilid na rin ang luha ko dahil sa takot sa kuya ni Ram.
“Sinong dali kanino?” takang tanong ni Edison na biglang sumulpot sa likod namin habang inaalo ko si Ram na paiyak na. Lalo akong kinabahan.
“Si kuya Martin, nibatukan ako.” naiiyak nang sabi ni Ram, sabay tayo at yakap sa kuya niya.
“Anong gusto mong gawin natin, bunso?” nananakot na tanong ni Edison sa kanyang nakababatang kapatid.
“Suntukin mo, kuya!” sigaw ni Ram. Kinakabahan kong tinignan si Edison, marahil nakita niya ang takot sa mga mata ko kaya't napangiti ito.
“Sige ako bahala.” kinindatan ako nito.
Unti unting lumapit sakin si Edison at nakangiti ito na kala mo nakakaloko.
“Papahapyawan lang kita, kunwari nasaktan ka pag lumagpas na yung suntok ko ha?” pabulong na sabi nito, para di marinig ni Ram.
“Antagal naman!” sigaw ni Ram, naka tupi na ang mga kamay nito at itinatapiktapik narin nito ang kaniyang paa at talagang ipinapakita na naiinip na siya.
“One, two, three.” bilang ni Edison, akala ko nung pumayag ako sa pinaplano ni Edison ay magiging ok lahat, pero lalo atang lumala.
Isang malakas na kalabog ang narinig sa buong bahay ng mga Saavedra, isa ring masaganang pasa ang aking nasa kaliwang mata.
“Sabi ko kasi sayo pahahapyawan lang kita eh!” natatawang sabi sakin ni Edison habang nilalapatan ng yelo ang bunbunan ko at ang pasa sa aking kailwang mata.
“Malay ko bang kaliwa pala ang pahahapyawan mo!” nangigigil kong sagot kay Edison.
Pareho kaming napasulyap ni Edison sa nakababatang kapatid niya, at binelatan lang kami nito at saka patuloy na naglaro ng lego niya.
Pero iba na ang Ram na nasa harapan ko ngayon, malaki na ang pinagbago nito, katulad ng ilang nakababatang kapatid naging matigas na ang ulo nito at madalas nagiging sakit sa ulo ng bestfriend kong si Edison. Madalas magpanabong yang dalawang yan, pero pag walang toyo pareho ay nagkakasundo din naman sila.
Kung pagtatabihin ang dalawang damuho ay makikita mo ang kanilang pagkakaiba, si Edison kasi ay yung tipo ng seryoso, sa sobrang seryoso ay may pagka stiff na ito, sa kaniya kasi ibinato lahat ng kaniyang tumatandang ama ang responsibilidad sa kumpanya, sa sobrang stiff din ay swerte ka na kapag nakita mo siyang ngumiti ng dalawang beses sa isang araw. Samantalang si Ram naman ay laging may nakaplaster na ngiti sa kaniyang mukha, natawag nadin iyang “Mr. Congeniality.” nung kami'y asa highschool pa lang, pero malaki din ang pinagbago niya nung iwan niya ang girlfriend niya, matagal na ang usapusapang silahis ito at nakumpirma lang ito noong hiwalayan niya ang kaniyang girlfriend para sa isang lalaking nagngangalang Migs, at ang huli ay ang panloloko sa kaniya ni Drei.
Di ko rin naman masisisi ang mga babae at lalaking nagkakandarapa kay Ram, gwapo ito, maganda ang katawan, kahit ano pang hairstyle ang gawin mo dito ay gwapo parin ito, kahit sakong butas butas ang ipasuot mo dito ay para parin itong model. Sa kabilang banda ang kaniya naman kapatid ay mukhang yuppie kung manamit nakasalamin at kagalang galang ang dating, pero kung sa itsura ay di rin ito padadaig, after all magkapatid sila ng lalaking kahit pagsuotin mo ng sako ay magmumukha paring model.
“Bakit mo ako tinititigan? Kuya... wag po...” parang tangang sabi ni Ram na hinahawakan pa ang kaniyang damit pangitaas na kala mo hahablutin ko at sisirain saka siya pagsasamantalahan.
“Feeling mo?” sabi ko dito.
“Haha! Makatitig ka kasi eh!” sabi nito habang dinuduro pa ako.
“Kuya!” sigaw nito na kala mo nawawala.
“Oh?” walang ganang tanong ni Edison.
“Nanakawin ko yung duffle bag mo ah?!” sigaw nito habang umaakyat ng hagdan.
“Sige lang, andun lang naman yun sa kabinet ko.” wala paring ganang sabi ni Edison sa kaniyang kapatid na ngayon ay nasa taas na.
Naabutan ko si Edison na nilalaro ang kaniyang maliit na stuffed toy, yung tipong pwedeng gawing keychain at madalas na nakikita nating ginagawang palawit ng mga kabataan sa cellphone nila. Bata palang kami nung nahumaling si Edison sa mga stuffed toy.
“Alam mo si Mr. Bean lang ang kilala kong matanda na nakikipaglaro sa isang teddy bear.” bungad ko dito, blanko nanaman ang mukha nito at nilalaro ang kaniyang teddy bear.
“Di siya basta teddy bear at ilang beses mo na din yang sinabi sakin.” malamig paring sabi nito sakin.
“uhmmm Edison?” kinakabahan kong tawag sa kaniya.
“oh?” tanong nito at nagdikit ang kilay.
“Pwede bang ikaw ang magtanong at magsabi kay Ram tungkol sa article ko.” di ito sumagot at lalong humaba ang nguso, marahil ay dahil sa inutusan ko pa nga siya.
“Salamat kuya!” magiliw na pasok ni Ram sa eksena at aktong lalabas na ng pinto.
“Teka may kapalit ang duffle bag na yan.” makahulugang sabi ni Edison, napa double take naman si Ram.
“Wala akong pera, kuya.” sabi nito.
“Tanga, hindi yun!” sigaw ulit ni Edison.
“Wag po koya...” arte nanaman ni Ram. Binato na siya ni Edison ng throw pillow.
“Aray! Personal na yan ah?!” pagiinarte nanaman ni Ram.
“Eto kasing si Martin medyo short, nagaapply na maging PA mo.” sabi ni Edison na ikinagulat ko naman. Tumingin sakin si Ram.
“You're Hired!” sabi naman ni Ram, sabay kindat.
“Sige, sayo na yang duffle bag ko.” sabi ni Edison.
0000oooo0000
Nakanganga parin ako sa tabi ni Edison, naramdaman ko ng bumagsak ang front door at umalis na si Ram, pero di parin ako maka get over sa sinabi ni Edison.
“Sabi ko sabihin mo yung tungkol sa article eh.”
“Bakit ko sasabihin, ayaw mo nun, magiging natural ang dating ng article mo once na inlove sayo ng natural ang subject mo.” wala paring emosyon na sabi ni Edison.
Napatitig ako sa kaniya, buong buhay ko na kasama ang kumag nato, ngayon ko lang naramdaman na parang binubugaw niya ako sa iba, madalas to na over protective, kengkoy at pilyo kung minsan, pero di ako nito pinapahamak.
“Pinaparusahan mo ba ako?” bulong ko dito.
“Bakit kasi di pwedeng ako na lang?” bulong din niya.
Nakipagtitigan na siya sakin.
“Kung sakali mang inlove nga itong isang to sakin at ganun din ako sa kaniya at sa oras na magkasakitan kami, baka mawala lang lahat ng pinagsamahan namin.” bulong ko sa sarili ko.
“Ayoko ng ganun, ayokong mangyari yun, kahit kailan.” bulong ko ulit sa sarili ko.
“Sana wag mo akong titigan ng ganyan.” wala paring emosyong sabi ni Edison sakin.
“Basta! Hindi pwede! Ok na yung si Ram no!” Nasabi ko na lang, habang inaalis sa utak ko ang mga naisip kanina.
“Haist! Ikaw ang bahala.” sukong sabi sakin ni Edison. At tuloy tuloy na itong umakyat sa kaniyang kwarto at nag goodnight.
“Iiwan mo ako dito?” tanong ko sa kaniya.
“Kung gusto mo sumunod, edi sumunod ka, dito ka narin matulog, kung hindi naman, alam mo kung nasan yung front door.” blangko parin nitong sabi sakin.
0000oooo0000
“Gumising ka na.” sabi ng isang halimaw at sabay yugyog sakin. Binalewala ko lang ito.
“Umpisahan mo na ang article mo.” sabi ulit ng halimaw at napabalikwas ako sa aking kinahihigan.
“Yun lang pala ang kailangan mo para magising ka eh.” sabi ni Edison sakin habang kinusot kusot ko ang aking mata.
Wala kaming imikan ni Edison habang nagaalmusal, madalas akong nakikitulog dito, simula pa lang ata nung bata kami, madalas na kaming nakikitulog sa bahay ng isa't isa kaya wala ng bago dito, di narin kami nahihiya sa aming itsura kada gising, sanay na kumbaga.
“Tigilan mo nga yan.” naiirita kong sabi kay Edison nang makita kong nilalaro nanaman niya ang kaniyang stuffed toy habang nagiintay kami ng agahan na niluluto ni manang.
Di parin patinag si kumag, andyan yung kunwari ay naglalakad ang stuffed toy sa palibot ng plato na nakaahin sa hapag kainan andyan din yung kunwari ay nasasayaw ito at kung ano ano pang kunwari na ginagawa ng kaniyang laruan.
“Weird.” bulong ko, pero narinig din ito ni kumag at tinignan ako ng masama.
0000oooo0000
Kinakabahan ako habang papunta na kami sa opisina ni Ram, di ko kasi alam ang karaniwang ginagawa ng mga P.A., kinakabahan din ako sa aking gagawing article, sinulat ko na ang aking time frame at ang mga gagawin ko para mahulog si Ram sa aking patibong.
“Are you sure you want to do this? Di na talaga magbabago ang isip mo at ako na lang ang gawin mong subject?” tanong ni Edison sa aking tabi, itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng opisina ni Ram. Tumango lang ako bilang sagot.
“Ok, pero tandaan mo, don't fall in love.” sabi ni Edison sakin at ngumiti.
Meron akong naramdaman dun sa ngiti na iyon na talaga namang ikinakaba ko.
Itutuloy...
[03]
Iniintay kong lamunin ako ng lupa habang nakatayo sa labas ng building ng opisina ni Ram. Butil butil ang pawis na asa aking noo at nagsisimula na ring mamasa ang aking kilikili, tiningala ko ulit ang building na asa aking harap, lalong dumagundong ang maliit na muscle sa aking dibdib, napalunok na lang ako sa kaba.
“Di pa huli ang lahat, pwede pa akong mag back-out.” nasabi ko sa sarili ko.
Alam ko naman kasing may mga taong masasaktan sa gagawin kong ito at alam ko rin na malaki ang posibilidad na masaktan din ako, pero simula nung isulat ko ang unang sentence sa tanang buhay ko noon sa iskwelahan, alam ko na na magsusulat ako sa isang kilalang magazine na siyang babasahin ng madming tao pag tanda ko.
“Akin na kasi yan, Edison!” sigaw ko kay Edison ng kuwanin nito sakin ang pinapagawa saming seatwork noong elementary pa lang kami.
“When I grow up, I want to be a famous journalist...” basa ni Edison sa aking seatwork, habang ako naman ay patuloy parin sa pag agaw ko pabalik sa aking notebook.
“Sigurado ka na ba dyan sa gusto mo?” tanong sakin ni Edison, habang nagawa kami ng seatwork noong elementary pa lang kami.
“Di naman kasi lahat ng tao may mamanahing kumpanya tulad mo Edison!” sabi ko dito sabay talikod at itinupi ang aking mga kamay sa aking dibdib.
“Pero hindi ito dahilan para manakit ng tao.” sabi ko ulit sa sarili ko.
“Lalo na ang mga taong malapit sakin.”
Biglang pumasok sakin isipan ang mukha ni Ram, ang batang Ram, ang batang aking kalaro noon, ang batang lagi naming inaasar ni Edison, ang batang naging malapit narin sakin.
“Kuya! Laro tayo ng play doh!” sigaw nito sakin at biglang umangkas ng makitang kauuwi lang namin ng kaniyang kuya Edison.
“Gawa muna ako ng assignment, Ram.” sabi ko dito habang hirap na hirap sa pagpasan sa kaniya.
“Eigggghhhhh! Ngayon na Martin!” sabi nito sakin, wala na din akong nagawa.
“Hindi ko kayang manakit, para lang sa isang article.” sabi ko ulit sa sarili ko.
Sinimulan ko ng ihakbang ang aking kaliwang paa at nang tulyan na akong nakatalikod sa matayog na building na iyon...
“Hello!” bungad sakin ni Ram sabay kaway at ngiti.
Napatunganga naman ako kay Ram, napaka gara ng suot nito, madalas ko na siyang makitang naka corporate attire pero ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Moreno, matangos na ilong, maikli na halos semi kalbong buhok, stubbles at makinis na mukha.
“Huy!” sabi nito sakin.
“Ah eh, hi?” wala sa isip kong sabi dito.
Humagikgik lang si loko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang yun.
“May sinabi ba akong mali?” sabi ko sa sarili ko saka inisip ulit ang mga sinabi ko.
“Halika na nga!” sabi nito sakin at hinila ako papasok ng building.
Para akong isang batang hila hila ng kaniyang kalaro, ilan sa mga nandun sa lobby ang nakatingin samin, ilan pa nga ay bumulong pa sa kanilang mga kasama.
0000oooo0000
Isang magandang babae ang siyang nakatitig sakin sa loob ng opisina ni Ram. Binigyan ko ng kinakabahang tingin si Ram pero busy parin ito sa kaniyang binabasang proposal.
“Beki rin ba siya?” walang pakundangang sabi sakin ng babaeng asa harapan ko sabay turo pa, habang si Ram naman ay napatunhay sa sinabi ng babae na yun, panandaliang natigilan at humagikgik.
“Janine, this will be my new Secretary, Martin.” pakilala ni Ram sakin sa babaeng walang galang.
“NEW secretary?! Pano naman ako?!” sigaw nito kay Ram.
“Nagrereklamo ka na simula nung umalis tayo sa kumpanya ni Dad ay nadagdagan ng 75% ang trabaho mo diba? Ayan hinanapan ko ng solusyon ang pagiging tamad mo.” naiiritang sabi ni Ram sa babae at ibinalik ulit ang atensyon sa kaniyang binabasa.
“Di mo na ako mahal?” humihikbing sabi ni Janine.
“Kesa humihikbi kay diyan, bakit di ka magtimpla ng kape para sa ating lahat?” sabi ni Ram.
“Bakit hindi dun sa BAGO mo iutos yan?” bigay diin ni Janine sa salitang bago.
“Paperworks lang si Martin.” walang ganang sabi ni Ram.
“Whatever!” sabi ni Janine sabay talikod, napatingin ako kay Ram, nagulat ako ng nakatingin narin pala ito sakin sabay kindat.
“Ahhmm Ram, may sasabihn sana ako sayo eh.” kinakabahan kong sabi kay Ram, binabalak ko na sanang sabihin sa kaniya ang balak na hindi pagtuloy sa trabaho.
“Ano yun?” tanong ni Ram habang patuloy parin sa pagbabasa ngkanina niya pa hawak na proposals ng biglang pumasok si Janine na may hawak na isang tray na may tatlong tasa ng kape sa kanang kamay at isang portfolio ng proposals sa kabila.
“Andami naman niyan?!” nanlalaking matang sabi ni Ram sa kaniyang sekretaryang si Janine.
“Madamai na yan? Intayin mo to.” sabi ni Janine sabay palakpak, nagpasukan ang tatlong lalaking may dala dalang tigtatatlong tumpok ng portfolios sa bawat kamay.
Nanlalaki parin ang mata ni Ram ng makita ito at si Janine naman ay nakangisi sa aking direksyon. Tinapunan na rin ako ni Ram ng tingin.
“Well, mabuti na lang na andito si Martin para tulungan ako.” nangingiting sabi ni Ram sabay kindat. Binigyan ko na lang siya ng isang kinakabahang ngiti.
0000oooo0000
Nagpapanic akong pumasok sa CR at nanginginig na nagdial ng numero sa aking telepono, numero ni Edison.
“Hello, I want out.” nagha-hyperventilate kong bati kay Edison pagkasagot na pagkasagot nito ng telepono.
“Calm down.” mahinahong sabi nito.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, pero di ko maatim na pagsasamantalahan ko ang kabaitan ni Ram sakin at habang iniisip ito lalo akong nagpapanic.
“Ano bang nangyari?” tanong ni Edison sa kabilang linya.
“Di ko kayang saktan ang kapatid mo.” sabi ko dito, matagal ito bago sumagot.
“Then tell him you quit or you could stay and tell him the truth about the article.” mahinahong sabi sakin Edison.
Napaisip ako sa sinabi niyang yun, sinubukan ko ng sabihin kanina kay Ram, pero naunahan ako nito, masyado na siyang umaasa sakin, pero di ko rin siya kayang saktan di ko naman siya kayang biguin, ngayong tambak ang trabaho niya at kailangan niya ang tulong ko.
“Hello?” sbi ni Edison sa kabilang linya, nakalimutan kong kausap ko nga pala ito.
“Alam ko na ang gagawin ko.” confident kong sabi dito.
“Good. Kasalanan mo rin naman yan eh, pinilit mo pa kasing si Ram ang gawin mong subject eh.” napatanga nanaman ako sa sinabi niyang yun.
“Salamat sa suporta ah?!” sarkastiko kong sabi dito.
“You're most welcome.” sabi nito na may tonong pagkasarkastiko at narinig ko pang humagikgik ito.
0000oooo0000
Pagkabalik na pagkabalik ko sa opisina ni Ram ay alam ko na ang gagawin ko, tutulungan ko si Ram hanggang matapos ang tambak na trabaho nito at pagkatapos nun ay magpapaalam na ako.
“Akala ko di ka na babalik eh.” sabi ni Ram, nagulat ako ng maabutan ko itong may hawak hawak na action figure at malungkot ang mukha.
“Weird. Parang kuya niya, antanda tanda na eh lagi paring may laruang hawak.” bulong ko sa sarili ko, nakita ko itong nakatingin sa akin na kala mo nagiintay ng sagot.
“Ah eh... syempre hindi, ikaw pa, malakas ka sakin.” wala sa isip kong sabi dito.
“Yehey!” sigaw ni Ram at tumalikod na at kumuwa ng isang makapal na portfolio at sinimulan ng basahin ang mga laman nito. Natampal ko na lang ang noo ko sa sobrang katangahan.
Halos mabaliw na kami sa mga paulit ulit na proposal na sinumihite ng mga tao niya, paranag mga tipong di naman pinagisipan ang mga ito. Nakahawak na ako sa aking noo habang binabasa ang pangatlo sa mga portfolio na binuksan ni Ram, halos di ko na maintindihan ang mga ito pero may tatlong salita sa papel na aking hawak hawak na animo'y na higlightan.
“Time frame.” at “Plans.” marahas kong inalog ang aking ulo.
“Wala na akong plano na ipagpatuloy ang article na yun kung si Ram lang din ang aking subject.” sabi ko sa sarili ko.
“Ok ka lang ba?” sabi ni Ram sabay tingin sa relo niya.
“Nauumay lang siguro sa paulit ulit na proposals na binabasa ko.” nangaalaska kong sagot dito. Napatawa ito.
“Gusto mong maglunch muna?” tanong nito sakin. Tumango lang ako bilang sagot.
0000oooo0000
Dinala ako ni Ram sa isang shawarma house malapit sa opisina niya, para itong bata na umorder ng ilang klase ng shawarma, akala ko naman na para saming dalawa na iyon ng bigla niya akong tanungin.
“Anong gusto mo?” tanong nito sakin. Napanganga na lang ako sa gulat.
“Gutom ka?” tanong ko dito at magiliw lang itong ngumiti sakin, nginitian ko lang din ito at nagtama ang mga mata namin.
“I think that's your phone.” tukoy niya sa telepono kong nagriring, habang patuloy parin sa pakikipagtitigan sakin.
“Hello.” bungad ng asa kabilang linya sakin. Napatalikod na lang ako bigla.
“Narecieve ko ang text mo and my answer is no. Its either you continue with the article or clear you desk first thing in the morning.” sabi ng boss ko sa kabilang linya. Napatingin ako kay Ram na nagsisimula ng lantakan ang shawarma na kabibigay lang ng nag prepare nito.
“I- I... I'll do it, Sir.” pagkasabing pagkasabi ko nito ay agad na binaba ng boss ko ang telepono niya.
Dahan dahan akong lumapit kay Ram at binigyan ito ng isang ngiti.
Itutuloy...
[04]
Pumunta kami ni Ram sa pinkamalapit na table at duon na namin kinain ang shawarma na inorder namin, di parin ako tinitigilan ng aking isip tungkol sa gagawin kong plano kaya naman tahimik ko lang na kinakain ang shawarma.
“Himala, ngayon ka lang di nangungulit.” pangaalaska sakin ni Ram. Binigyan ko lang ito ng isang ngiti.
“Ang totoo niyan may gusto akong sabihin sayo, Ram.” sabi ko sabay yuko.
“Ano yun?” tanong ni Ram habang nilalantakan na ang kaniyang pangatlong shawarma.
Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa article o hindi, pero naalala ko ang sinabi ng aking boss sa telepono kanikanina lang, di ko kayang mawala ang aking pangarap. Tinitigan ko ulit si Ram, napakatakaw parin nito at wala parin pakielam kahit na may tumulong sauce sa kaniyang damit o kaya naman ay may mumo na dumikit sa gilid ng kaniyang bibig.
“Ang totoo niyan kaya ako nagtarbaho sayo kasi...” panimula ko, pero isang babae sa kabilang table ang pumukaw sa aking pansin at nakita ko na may hawak hawak itong isang magazine, ang magazine kung saan ako magsusulat sa susunod na mga buwan.
Wala sa sarili kong kinuwa ang isang tissue at pinahiran ang dumikit na mumo sa sulok ng mga labi ni Ram, napatigil siya sa ginawa kong iyon, kumuwa ulit ako ng isa pang tissue at pinahiran ang tumulog sauce sa kaniyang damit. Nanlaki ang mga mata ni Ram, umayos ulit ako sa pagkakaupo at hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahang pinisil ito.
“Ang totoo niyan kaya ako nagtarbaho saiyo kasi, gusto kong mas mapalapit sayo.” wala sa sarili ko nanamang nasabi.
0000oooo0000
Lumipas ang maghapon at wala kaming ginawa ni Ram kundi ang maglandian, andyan yung paminsan minsang magsasalubong ang aming mga tingin at saka kami tatawa na parang mga tanga, andyan yung paminsan minsan ko siyang nahuhuli na nakatingin sakin tapos biglang babawiin ito pag tumingin ako sa kaniya, andyan din yung kunwari ay di sinasadyang magsasalubong ang aming mga kamay pero ang totoo ay sadya ito at para narin maka chansing ng konti.
Natapos ang aming isang araw at inalok ako ni Ram na ihatid niya ako pauwi, di na ako tumanggi, tinext ko na lang si Edison at sinabing ihahatid ako ni Ram. Madalas kasing si Edison ang sumusundo sakin at naghahatid pauwi tutal ay magkalapit lang naman ang mga bahay namin.
Masaya akong lumapit sa kotse ni Edison ng makitang dumating na ito giling sa kanilang opisina, bagsak ang mga balikat nito at kala mo pinagbagsakan ng langit at lupa.
“Rough day?” pangaasar na tanong ko dito. Tumango lang ito. Sinundan ko ito papasok ng bahay niya at kinukulit ng kinukulit, pero parang kulang ito sa Enervon dahil latang lata ito.
“Nga pala, sinimulan ko na ang plano ko, tingin ko magiging ok ang takbo nito at maisusulat ko na ang article ko, infact may intro na akong naisulat eh.” pagmamayabang ko kay Edison.
Ibinagsak nito ang sarili sa sofa at inilabas sa bulsa ang maliit na teddy bear.
“Akala ko ba di mo na itutuloy?” walang ganang sabi nito.
“Eh kasi tumawag yung editor in chief eh, sabi kung di ko kaya, magbalot balot na ako.” sabi ko dito, bigla namang tumayo si Edison.
“San ka pupunta? Hoy!” sabi ko dito pero tuloy tuloy parin itong naglakad papalayo. Naabutan ko ito sa kusina at naghahalungkat sa ref at sa lalagyanan ng mga kasirola.
Wala parin itong imik at nagsimula ng magluto ng kung ano. Naisipan ko na bakit hindi ko ikwento ang nangyri sakin kanina habang nagluluto si kumag, kaya naman tuloy tuloy kong kwinento ang mga nangyari at ng makarating ang kwento dun sa parte na sinabi ko kay na gusto ko siyang maksama para lalong mapalapit dito ay biglang nahulog ang sandok na hawak hawak ni Edison.
“Ok ka lang?” tanong ko dito, pero tumago lang ito at pinulot ang sandok.
“Huy magsalita ka naman diyan!” sabi ko kay Edison pero nakatalikod parin ito sakin at ng humarap ito ay nakita ko na nakasibanghot na talaga ang mukha nito.
Ngayon ko lang itong nakita na ganito, kahit kasi anong hirap ng problema na kinakaharap nito ay di ito basta basta sisimangot, siya ang tipo kasi ng tao na nakadipa pa ang kamay na sumasalubong sa problema.
“Sa tingin mo ba kulang pa yung ginawa ko?” nagaalala kong tanong kay Edison, habang nakain ito.
“Kasi andun naman na sa isang sentence na yun ang lahat ng gusto kong mangyari eh, diba?” tuloy tuloy ko paring sabi dito habang kumuwa ng tinidor sa kusina at nakihati sa ginawang salad ni Edison at tinikman ang kaluluto lang na steak.
“Alat naman niyan.” turo ko sa steak na lalong ikinasimangot ni loko.
Hanggang sa matapos na si Edison kumain ay ni isang salita, komento o suhestyon ay wala manlang lumabas sa bibig niya, sasagot siya sa paminsan minsang tango o kaya naman ay iling. Tuloy tuloy siyang pumunta sa kaniyang kwarto na akma ko namang sinundan.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko itong nakayakap sa kaniyang life size na teddy bear na siyang laging nasa kama niya.
“Huy! May problema ba?” di ito sumagot kaya naman umupo ako sa paanan ng kaniyang kama.
“Ngayon lang kita nakitang ganyan ah? Sabihin mo kaya sakin, baka makatulong ako.” sabi ko dito at inalog alog siya.
“Sige dito lang ako hangga't di ka nagsasalita.” banta ko dito, pero hindi parin ito nagsalita, maya maya lang ay narinig ko na itong nahilik. Napangiti ako.
“Etong kumag talaga na to, masandal lang sa malambot na bagay tulog ka agad.” sabi ko sa sarili ko habang kinukumutan si loko.
“Goodnight.” marahan kong sabi, pagkatalikod na pagkatalikod ko ay narinig ko itong nagbuntong hininga, saka nagtuloy sa paghilik. Di ko na ito pinansin at dahan dahan na akong lumabas ng kwarto.
0000oooo0000
Pagkatapos na pagkatapos kong maligo at magbihis ay dali dali akong bumaba para magalmusal, nabungaran ko sa aming kusina si Ram, abala ito sa pagaayos ng lamesa at pagluluto.
“Ram?! Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko dito.
“Wala naman, gusto lang kitang makita agad.” sabi nito sabay pakawala ng isang ngiti.
“Ang sweet nampotah!” sabi ko sa sarili ko.
Ang sarap ng agahang niluto para sakin ni Ram, at habang nakain kami ay di ko maiwasang mag enjoy sa pakikipagusap dito, akala ko kasi dati puro hangin lang ang alam na kwento ni Ram, yung tipong payabanagan lang, di ko rin inaasahan na pwede palang makausap ito sa mga may sense na bagay. Nasa ganito akong pagmumuni muni ng bigla kong narinig na nagbukas ang front door.
“Martin, halika na, malelate na tayo!” sigaw ni Edison at ng maabutan kami ni Ram na magkasama sa kusina ay napahinto ito.
“Goodmorning kuya!” magiliw na sabi ni Ram.
“Mornin'” labas sa ilong na sabi ni Edison. Tumingin ito bigla sakin, di ko naman alam kung ano ang gagawin ko.
“Sasabay ka ba?” tanong nito sakin.
Di ako makasagot, dali dali akong tumayo at kinuwa ang aking mga gamit.
“Di na kuya, ako ng bahala kay Martin.” sabi naman ni Ram.
Matagal kaming binalot ng katahimikan. Di ko alam kung kanino ako sasama at kung anong mararamdaman ko.
0000oooo0000
Ang weird ni Edison nitong mga nakalipas na araw, madalas wala sa mood at kala mo laging pinagbagsakan ng langit at lupa, kaya naman naisipan ko na ayain itong mag lunch. Medyo nahuli ako ng paglabas ng opisina ni Ram kaya naman nagmamadali akong pumunta sa napagusapan naming lugar ni Edison. Pagdating na pagdating ko sa lugar ay agad akong sinalubong ng receptionist ng restaurant.
“For a while sir.” sabi nito sakin, saka hinanap ang pangalan ni Edison sa listahan ng nagpareserve.
Di ko mapigilan ang sarili na tanawin ang kinauupuan ni Edison, nakita ko itong inaayos ang sariling damit at kala mo may pinaghahandaan ng makita ako nito ay magiliw itong kumaway sakin. Napangiti lang ako, parang balik sa normal si mokong.
Pagkahatid na pagkahatid sakin ng waiter sa aming upuan ay agad akong kinamusta ni Edison na kala mo matagal kaming hindi nagkita. Nginitian ko lang ito.
0000oooo0000
“Ano bang inaarte mo nitong mga nakaraang araw?” tanong ko dito na ikinasamid lang nito, inabutan ko siya ng isang baso ng tubig.
Matagal kaming natahimik, at ng makabawi sa pagkasamid si Edison ay nagkasya naman kami sa pakikipagtitigan.
“Meron lang gumugulo sakin.” matipid na sabi nito, pero di ako naniwala.
Sa tinagal tagal naming magkakailala nitong kumag na ito ay saulado ko na lahat ng kilos nito at hindi ko pa ba nasabi? Sampung taon na akong inlove sa kumag na ito kaya malamang kahit ang nararamdaman nito na pilit tinatago sakin ay may ideya ako, at madalas tama ang ideya na iyon. At ang pagkalas niya sa mahabang titigan na iyon ang lalong nakapagpatunay ng aking hinala.
“Weh?” pangaasar ko dito.
“Edi wag kang maniwala.” nakasimangot nanamang sabi nito sakin.
“Sabihin mo nga sa akin, tungkol ba ito sa lovelife mo?” tanong ko ulit dito. Nasamid nanaman ang mokong.
Sa ilang taong pagkakaibigan namin ang tanging ikinahihiya lang na sabihin nito sakin ay ang tungkol sa buhay pagibig niya at sa tingin ko, ito ang bumabagabag sa kaniya ngayon. Nagkatitigan ulit kami, para kaming mga bida na tampok sa lumang cowboy film, kung saan nagtititigan ang dalawang matapang na cowboy saka huhugot ng baril at patatamaan ang isa't isa. Siya nanaman ang unang kumalas sa titigan na iyon. Ako nanaman ang nanalo, lalo naman itong nagpatibay sa aking hinala.
“Yes, I'm in love. Matagal na.” amin nito na ikinagulat ko naman.
Di ko alam pero parang sa duel na iyon naming dalawang cowboy na akala ko ako na ang lamang ay ako pala ang napuruhan. Iba ang pagdagundong ng aking puso sa loob ng aking dibdib.
“Eto na ba iyon? Ito na ba ang iniintay kong pagamin mula sa kaniya.” sabi ko sa sarili ko. Pero agad kong inalog ang aking ulo at iwinaksi ang ideyang iyon mula sa aking utak.
“Straight siya, nagaassume ka lang.” sabi ko ulit sa sarili ko.
“Oo, matagal na akong in love sa...” sabi ni Edison sabay yuko.
“SHIT!!!! eto na yon! Mahal din ako ni Edison!” sigaw ulit ng utak ko.
“Matagal na akong in love sa... sa...” di parin maituloy na sasabihin ni Edison.
Itutuloy...
[05]
Di parin maituloy ni Edison ang kaniyang sasabihin, nakayuko parin ito, pero malakas na ang aking hinala na aamin na siya sa tunay na nararamdaman niya sakin.
“Matagal na akong in love sa... sa...” di paman natutuloy ni Edison ang sasabihn ay napatayo na ako at sinisimulan na ang magtatalon sa tuwa nang...
“Matagal na akong inlove sa sarili ko.” tapos nito sa kaniyang gustong sabihin.
“Weeetwitwitwit.” sabi ng nakakaloko kong utak, habang ako ay napatigil sa isang di nararapat na selebrasyon. There, I was caught in between jumping and shouting “Hooray!” Tinignan ko si Edison at halatang pinipigilan nito ang kaniyang pagtawa.
“Sabi ko nga.” sabi ko habang binabawi ang composure at muli akong umupo, nadako ang aking tingin sa kabilang lamesa at nakita na matawatawa narin ang mga ito.
“Ano ba kasing iniisip mo?” humahagikgik na sabi ni Edison.
“Wala.” matipid kong sabi dito, ngayon ako naman ang napasibanghot sa inis.
Wala ako sa mood na bumalik sa opisina ni Ram. Tinitignan ko ang listahan ng aking gagawin para sa aking article, wala naman talagang nakalagay dito kung hindi ang... “LANDIIN MO SI RAM!” na siya namang ginagawa ko na. Sumakay na ako sa elevator at ng malapit na itong sumara ay humabol si Ram.
“Musta lunch with kuya?” tanong nito, pero di na ako nakasagot dahil bumida na ang kanta sa commercial sa maliit na screen ng elevator.
Napatingin ako kay Ram at nakita itong magiliw na nakangiti sakin.
Oh, kiss me beneath the milky twilight
Lead me, out on the moonlit floor
Lift your open hand,
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon's sparkling,
So kiss me.
Tudyo ng kanta sa commercial, parang nagiba ang buong paligid, wala na kami ngayon sa loob ng isang elevator, nasa isa kami ngayong park, kung saan ang tanging buwan lang ang aming ilaw, naramdaman kong ipinatong ni Ram ang kaniyang kanang kamay sa aking kaliwang balikat, matapos nito ay hinaplos niya ang aking pisngi pagkatapos ay pinisil ang aking baba na siya namang iminuestra niya papalapit sa kaniyang mukha. Iba ang pagkabog ng dibdib ko.
“Bakit ganito ang nararamdaman ko?” tanong ko sa sarili ko.
Oh so kiss me
So kiss me
So kiss me
So kiss me
Natapos na ang commercial sa maliit na screen ng elevator at bumukas na ang pinto nito.
“Ehem.” pagaalis ng bara ni Janine sa kaniyang lalamunan.
Biglang napaltan nanaman ng nakakatamad na makintab na dingding at sahig ng elevator ang paligid. Hindi na natuloy ang aming paghahalikan. Si Ram marahil sa sobrang pagkahiya dahil sa nahuli kami ng kaniyang sekretrya ay biglang dumeretso at naglakad papunta sa kaniyang opisina.
“So ano namang nakita mo diyan sa kumag na iyan?” nagiinsultong tanong ni Janine sabay turo pa kay Ram na parang nagpa-panic na sa loob ng kaniyang opisina. Hindi ito mapakali.
“Fireflies, bright moon, green grass and milky twilight.” nananaginip ko paring sagot kay Janine.
“Ay, bagay nga kayo.” nakangising sabi ni Janine saka sumunod sa boss nito at naglakad na papaasok ng opisina.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito bago pa siya makapasok ng tuluyan sa opisina, di na ito sumagot at itinuro na lang ang kaniyang hintuturo sa sentido at pinaikot iyon doon, iminumuestra na pareho kaming baliw ni Ram. Binigyan ko lang ito ng naniningkit na tingin.
Naiwan ako sa labas ng opisina, tanaw ko mula sa loob nito si Ram at Janine, i-pinokus ko ang aking tingin kay Ram.
“Sabi ko, ako ang manglalandi sayo, pero bakit parang ikaw ang lumalandi sakin?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kay Ram. Dumako sakin ang tingin nito at magiliw na ngumiti at nagmuestra na pumasok na din ako.
“Ok, pero tandaan mo, don't fall in love.”
Um-echo ang boses ni Edison at bigla kong napaisip sa sinabi niyang yun.
“Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagkabog ng dibdib ko kanina habang nakamuestra si Ram sa harapan ko na parang hahalikan ako?” tanong ko ulit sa sarili ko, inalog ko ang aking ulo para mawala ang maling iniisip na iyon.
0000oooo0000
Lumabas muna ako saglit kasama si Janine, katatapos lang kasi naming trabahuhin ni Ram ang natira pang limang portfolio ng proposals.
“Java chip, Venti.” sbi ni Janine.
“Nakuh, di yan ang gusto ni Ram.” sabi ko kay Janine, nalito naman ang barista, naniningkit ang mata ni Janine.
“Caramel Macchiato, Grande.” sabi ko sa Barista. Masama parin ang tingin sakin ni Janine habang iniintay namin ang aming order.
0000oooo0000
“Sabihin mo nga, ano ba talaga kayo ng boss ko?” taas kilay na tanong sakin ni Janine.
“Bestfriend ko ang kuya niya.” nangingiti kong sabi dito.
“Bakit ganun na lang kayo kung magdikit sa loob ng elevator, hmmmm?” parang si ina magenta sa okay ka fairy ko na sabi ni Janine.
“Ah eh, napuwing kasi ako kaya hinihipan ni Ram ang mata ko.”
“Weh?” malditang tanong sakin ni Janine.
“Ano bang haka haka mo?” tanong ko kay Janine.
“Na gusto mo si Ram.” sabi ni Janine habang tinitignan ang kutiks sa kamay.
“Pano mo naman nasabi?” tanong ko ulit dito.
“Well, unang una, alam mo ang favorite coffee niya, pagkain, damit mi ultimo channel sa TV alam mo kung ano ang favorite niya!...” usisa sakin ni Janine na may kasabay pa na pandidilat.
“Well, hindi lang basta damit, alam ko ang gusto niyang brand hindi lang sa t-shirt at pantalon kundi pati ang sa underwear, hindi lang din basta pagkain, alam ko rin ang paborito niyang inumin, dessert pati na ang tipo ng table setting na gusto niya, hindi lang basta channel, alam ko rin ang level ng volume ng pinapanood niya, which I may add ay kung hindi superman, malamang dragonball Z.” sabi ko dito at ng tignan ko si Janine ay hindi lang nanlaki ang mata nito, napanganga din to. Nagulat din ako sa mga sinabi ko.
“Anak ng pating! Umamin ka nga! Ang kuya niya ba o ang boss ko ang bestfriend mo?!” sigaw nito sakin, napahagikgik na lang ako.
Pero ang totoo naguluhan din ako, di ko alam na marami pala akong alam sa mokong na ito, dun ko lang na appreciate kung gano ako ka-close dito. Agad namang umupo si Janine sa table nito at nagmake up, pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni Ram ay naabutan ko itong nakahiga sa sofa at nakatalukbong dito ang proposals na kanina siguro niya pa binabasa.
Inalis ko ang pagkakataklob ng papel sa mukha nito, muling tumambad sa harapan ko ang napakagwapong mukha nito.
“Bakit ka ba naman gumwapo ng ganiyan.” sabi ko.
Nasa ganon akong pagiisip ng biglang dinilat ni Ram ang kaniyang mga mata at inabot ang kamay ko na may hawak na cup ng kape at marahan akong hinila papalapit sa kaniya, nagkapalit ang aming posisyon ako na ngayon ang nakahiga sa sofa at siya na ngayon ang nakadungaw sakin.
“Is this Caramel Macchiato?” tanong nito sakin habang di piniputol ang aming pagtititigan.
“Yup, favorite mo.” mahina kong sabi, ngumiti ito at unti unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naglapat ang mga labi namin, masuyo pero puno ng emosyon.
0000oooo0000
“Ok ka lang?” nagtatakang tanong sakin ni Ram, habang nagmamaneho pauwi samin.
Lutang na lutang pa kasi ang aking pakiramdam kahit ilang oras na ang nakaraan mula ng maghiwalay ang mga labi namin ni Ram.
“Oo naman, ikaw ba naman halikan ka ng isang gwapong tulad mo.” sabi ko sabay hagikgik.
“Pagod ka na ba?” tanong nito sakin.
“Di pa naman bakit?” takang tanong ko dito.
“Basta!” sabi nito sabay kabig ng manibela, napakapit naman ako at napapikit dahil sa marahas na paglikong yun.
0000oooo0000
Ipinarada ni Ram ang sasakyan sa tapat ng isang bar ang sasakyan niya, maraming tao hanggang sa labas ng bar, mahaba ang pila ng mga taong nagiinatay na makapasok, pero kami, hindi na kami pumila daredaretso lang si Ram at hila hila ako nito, ni hindi na nga kami tinignan ng bouncer.
“Bakit di na tayo pumila?” tanong ko kay Ram sabay turo sa mahabang pila, kinindatan lang ako nito.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay parang si Ram ang may ari ng lugar, dahil ilan sa mga nagtatarbaho dun ay miya't miya na ang bati sa kaniya, di rin kami nahirapang maghanap ng mauupuan ang maganda pa doon ay malapit kami entablado, kung saan andun ang live band.
“Sabihin mo nga sakin ang totoo. Sayo ba itong bar na ito?” tanong ko sa kaniya.
“Di ah!” sabi lang nito saka humagikgik na naman.
Di pa man tinatawag ni Ram ang mga waiter para kumuwa ng order namin ay naghatid na ito ng ilang pagkain at maiinom sa table namin.
“Pano nila alam? Di ka pa naman na order ah.” sabi ko kay Ram, kinindatan lang ako nito.
“Siguro, dito mo dinadala lahat ng dine-date mo no? Kaya siguro kilalang kilala ka na dito at alam na alam na nila ang mga o-orderin mo.” nagulat si Ram sa sinabi kong iyon saka humagikgik ulit, pinisil nito ang ilong ko.
“Ang kulit mo, napakadami mong iniisip.” sabi nito sakin, pumalakpak ito at lumapit ang isang waiter.
“Tol, parang may kulang.” sabi ni Ram sabay tingin sa gitna ng lamesa tapos ay ibinalik ang tingin sa waiter at kinindatan ito, tila naman nagets ng waiter ang ibig sabihn nito kaya't tumango na lang ito.
Palinga linga ako at nageenjoy sa mga nakikita sa paligid, andyan ang mga nagsasayawan ang mga magbabarkada na nagkakasiyahan nandyan din ang mga headturners na talaga namang pinipilahan para lang makausap at makasayaw. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Ram ay nagulat kong nakatitig pala ito sa akin.
“Para kang bata, kung makalingon ka parang ngayon ka lang nakapasok sa ganitong lugar.” sabi niya sabay hagikgik.
Medyo napahiya ako sa sinabi niyang yun kaya naman yumuko na lang ako. Nagulat ako ng abutin nito ang aking kamay sa ilalim ng lamesa at pinisil pisil iyon. Lalo akong napayuko ng bumalik ang waiter na may daladalang vase na puno ng bulaklak. Tinignan ko si Ram, humagikgik lang ito.
“Gago ka talaga.” kinikilig kong sabi dito.
“Yup, Gago ako. Gwapong gago.” sabi nito.
Tinignan ko lang ito ng masama pero di ito natinag at pinisil lang ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Kung ano ano na ang napagusapan namin tungkol sa mga kalaro namin dati, kay kuya, kay Janine pero ang pinaka highlight ng gabi ay ang pagkwewento niya tungkol kila Migs at Drei. Para sakin napakatapang na tao ni Ram para ikwento sakin ang tungkol sa mga dati niyang karelasyon, walang pinapakitang emosyon pero sa kabila non alam kong masakit ito para sa kaniya.
“I don't know what's wrong with me.” natatawa niyang sabi, di muna ako sumagot at inabot ang kaniyang kamay.
“Because you're too perfect for them.” sabi ko dito na ikinangiti naman ni Ram. Nagulat na lang ako nang bigla itong tumayo at naglakad papuntang backstage. Naiwan naman ako dun na parang isang batang may ginawang kasalanan.
“May nasabi ba akong mali?” sabi ko sa sarili ko habang pinapanood si Ram na mawala sa likod ng stage. Nagpakawala nanaman ako ng isang buntong hininga, inilabas ko ang aking tickler sa aking bulsa at nagsimula ng magsulat ng mga key points para sa aking article ng biglang tumigil ang live band. Nagulat ako sa nakita ko, si Ram nasa entablado at may hawak hawak na mic.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment