By:
K.G. Fadriquella
Facebook:
gabifad@yahoo.com
Blog:
gabrielfads.blogspot.com
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[Prologue]
Isang
malaking itim na bola ang lumabas sa mga kamay niya, wala akong nagawa kung
hindi titigan lang ang malaking bilog na itim na hawag ni Dark G. at alam ko na
kahit anong oras ay bibitawan na nya at ibabato patungo saakin. Agad kong
tinawag ang kaibigan kong si Galdium
“Mula
sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita
saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Galdium” sigaw ako, sumipol ang malakas
na hangin, nabalot ako ng kulay berdeng hangin, lumabas ang berdeng liwanag na nagmula
sa kalangitan, ang mga hangin na bumabalot saakin ay tumungo pataas, sabay ang
paglabas ni Galdium, ang pinakatusong agilang kaibigan ko.“Galdium” sigaw ko
sakanya, agad syang lumapit patungo saakin at agad akong sumakay sakanya nung
nakalapit na sya, umangat ako sa himpapawid para narin mapantayan ko kung gaano
kataas si Dark G., “Galdium, ilayo mo ang bolang itim, gamitin mo ang kaibigan
mong hangin” sigaw koAgad na ibinuka ni Galdium ang mga pakpak nya at
ipinagaspas ito, sobrang lakas ng hangin ang naibigay ni Galdium patungo kay
Dark G. ngunit parang hindi ito sapat para mailayo ang bolang itim at tanggalin
sa mga kamay ni dark G.Binitawan ni Dark G. ang itim na bola at patungo ito
saakin, agad kong inutusan si Galdium na lakasan pa ang pagaspas para matangay
ang malaking bola papalayo, ngunit parang wala itong magawa, wala akong maisip
na ibang paraan para maitaboy ito, ang nagawa ko lamang ay patigilin si Galdium
at lumpipad kami papalayo para maiwasan ang pagtama ng bola sa akin. Mabilis na
lumipad ang bola papalapit saamin kaya’t inutusan ko nalang si Galdium na
lumipad papatas“Galdium, tumaas tayo, iwasan mo ang itim na bola” utos ko
sakanyaMabilis na lumipad si Galdium papataas para maiwasan naming ang
paparating na panganib, sobrang bilis nya pataas, mahigpit akong humawak
sakanya, mabilis din naming lumapit saamin ang bolang itim, sabay ng pagtaas ni
Galdium ay paglapit din sa amin nito.Sige taas pa, kaunti nalang, sige pa
Galdium, iyun lang ang naiisip ko, hanggang halos makadikit na saamin ang
malaking bola, napatigil si Galdium sa paglipad, natamaan sya sa may ilalim na
bahagi nya, ang lakas ng pagkakatama sakanya kaya’t pati ako ay napabitaw sa
pagkakahawak ko ng mahigpit sa kanya, nahuhulog ako mula sa ere, mabilis na
mabilis, hindi ko alam kung paano ko isasalba ang sarili ko, sa sobrang lakas
ng hangin na kinakalaban ko ay natanggal ang natatanging pangtago ko sa
iniingatan kong pagkatao, sa iniingatan kong pangalan, natanggal sa pagkakasuot
ng aking maskara. Pero hindi ko na naisip iyun, tinawag ko si Galdium para
tulungan ako sa pagkakahulog ko mula sa kaitaasan.“Galdium!!!!” sigaw ko.
Papalapit na ako sa lupa, ng biglang may sumalo sa akin at tinangay ako sa
kanyang likuran, si Galdium sugatan, at kahit sa huling pagkakataon, ay isinagip
nya pa rin ang buhay ko, sumadsad kami sa lupa at kitang kita ko na hirap na
hirap na si GaldiumTumawa ng malakas si Dark G. na halos rinig sa buong syudad,
mabilis syang lumipad patungo sa kung saan nakahandusay ako at si Galdium at
parang may itim nanaman na bola syang binubo samay mga kamay nya, papalapit
saamin habang humahalakhak ng malakas, hindi ko alam kung anon a ang gagawin
ko, tumayo ako at nagisip ng maari kong gawin pagkalapit nya, nagulat nalang
ako na ng malapit na sya ay bigla syang napahinto at parang nakakita ng multo
nung Makita nya kami ni Galdium ng malapit, unti unting lumiit ang binuo nyang
itim na bola sa kamay nya at parang bigla syang nanghina, inisip ko kung ano
ang ginawa ni Galdium, o kapangyarihan ko din ba yun? Hindi ko alam, basta
nagulat ako na parang nanghina sya at bigla syang tumalikod at mabilis na
lumipad papalayo.“Hindi pwedeng takasan nya lang tayo ng ganito” sambit ko,
tinignan ko kung kaya pa ni Galdium lumipad para masundan ko si Dark
G.“Galdium, kaibigan kaya pa ba?” tanong ko“Opo, Master, para sainyo po” sagot
ng tusong kaibigan kong agila, agad akong sumakay sa likod nya at parang sing
bilis ng ilaw lumpiad si Galdium patungo sa tinahak na daan ni Dark G. na
parang wala syang sugat. Mabilis, nakita ko na malapit na sa amin si Dark G.
kaya’t inutusan kong ipagaspas ang mga pakpak ni Galdium para matangay ng
hangin pababa si Dark G. Sobarng lakas ng hangin na nanggaing sa mga pagaspas
ng pakpak ni Galdium, tumama ang malakas na hangin sa kalaban kaya’t patuloy ito
sa pagkawala sa balanse nya at hindi nalabanan ng hangin, hanggang tuluyan na
siyang bumagsak sa lupa“Galdium, sundan mo ang binagsakan niya” utos kong muli
kay GaldiumPagkadating ko ay nakahandusay sa damuhan si Dark G. walang pakialam
habang papalapit ako sakanya kasama si Galdium.“Eto, eto ang tanggapin mo,
hayop ka!” sa sobrang galit ko, may mga apoy na lumabas sa mga kamay ko at
ihahagis ko na ito patungo sakanya ng bigla syang nagsalita“Sandali lang… Wag”
sabi nya saakinHindi ko alam kung bakit natigilan din ako sa gagawin ko sana,
bigla nalang na sinunod ko ang sinabi ng kalaban, napahinto ako sandali at
napatitig lang sa nakahiga sa damuhang si Dark G.“Wag, Joseph, wag!”Nagulat
lalo ako na alam nya pala ang pangalan ko. Bakit? Sino ka? At paano mo nalaman
ang pangalan ko. Kung sino ka man, magpakita ka, iyun lang ang naiisip ko nung
mga panahon na iyun…Ako si Joseph, ang itinakdang magtanggol sa lahi ng mga
Kaspyan, ako ang huling tagapagligtas, ang nagmamayari ng sagradong bato ng
Luna, ang nakatakda kong gawin, protektahan ang mga kapwa ko Kaspyan at ang mga
normal na tao laban sa mga nagtatangkang sumakop sa mundo na mga Grospe.
Itutuloy...
[01]
“Helios,
wag mo iwanan si Lucas dyan, HELIOS” sigaw ni Sophia nung iniwan ni Helios ang
sanggol na si Lucas sa harap ng isang malaking bahay na nadaanan nila sa
pagtakbo ni Sophia
“Mas
ligtas sya dyan Sophia, papaano pag nahabol tayo ng mga Grospe?” sagot ni
Helios
“Wala
syang kalaban laban Helios” sagot ni Sophia
“Iniwan
ko sakanya ang sagradong bato ng Luna, hindi sya malalapitan ng mga Grospe”
sagot ni Helios
-------------------------------------------------------------------------------------
“Aba!
Bakit may bata dito, Honey! May bata dito sa labas ng bahay natin” sabi ni
Elison, ang asawa ni Asya na may ari ng bahay
“Baka
eto na yung hiniling natin sa diyos Elison” sagot ni Asya
Limang
taon na magasawa sina Elison at Asya ngunit kahit isang anak ay hindi sila
makagawa. Naisip nila na marahil eto na ang sagot ng Diyos sa lahat ng mga
hiling nila…. Ang Kaspyan na magiging huling tagapagligtas ng mga tao at
Kaspyan laban sa mga Grospe
“Salamat
panginoon” sigaw ni Elison sa kalangitan habang hawak hawak ang iniwang batang
si Lucas “Simula sa araw na ito ikaw na si Joseph, si Joseph, ang matagal na
naming hinihintay na anak” sabi ni Elison habang nakatitig sa sanggol na hawak
nito
At
dito nagbago ang buhay ni Lucas, o ngayon ay mas kilalala nang si Joseph
Alalang
alala ko ng unang beses kong nalaman na iba ako sakanila…. Hindi ako katulad ng
mga kalaro ko sa eskwelahan. Hindi ako tulad nilang mabilis masaktan… hindi ako
tulad nilang…
NORMAL
“Anak
naman! Gumising kana!” sigaw ng aking ina saakin “Malelate ka na sa school oh!
First day mo!” dagdag pa ni Mama
“Opo
gigising na po” masunuring sagot ko
Unang
araw ng pagiging ganap kong estudyante sa Elementarya, galing ako sa ibang
eskwelahan, hindi ko kilala lahat ng mga mukang nakikita ko. Hindi ko alam kung
bakit pag pasok ko ng silid aralan ay pinag tatawanan nila ako, hindi ko alam
kung bakit walang ni isang pumansin sakin kundi ang isang bata rin na
pinagtatawan nila, si Eros, walang mali sa itsura ko, wala din naman akong
nakikitang mali sa itsura ni Eros, bakit nila kami pinagtatawan
Nagsimula
na ang unang klase namin ng habang masipag akong nagsusulat ng lahat ng mga
ipanasulat ng aming guro, ay hindi parin ako tinitigilan ng mga bagong kaklase
ko, binabato ng mga papel na binilog, pero pinalaki ako ng maayos nila Mama at
Papa, at sinabi nila sakin na huwag ako papatol sa mga salbahe, kasi magiging
salbahe din ako kapag pumatol ako.
Pinipigilan
ko lang ang sarili ko sa kung ano ang maaring magawa ko sakanila, ayoko manakit
ng iba at hindi din naman ako sumbungero, basta tinitiis ko lang lahat ng
ginagawa nila, inisip ko nalang na mapapagod din ang mga iyan. Ngunit
pagkatapos nila ako inisin ay isinusunod nila si Eros, mahina ang pampigil ko
kapag may nakikita akong ibang taong inaagrabyado kahit wala naming ginagawa
ang taong iyun. Bago pa ako sumabog ay tumigil na sila sa pangiinis kay Eros,
Buti naman, sabi ko nuon, kung hindi ay hindi ko napigilan ang sarili ko.
Sabi
ko nalang sa sarili ko, Makita ko ulit na nananakit sila ng iba MAKIKITA NILA
YUNG HINAHANAP NILA!
Natapos
ang klase at papalabas na ako ng iskwelanhang unang araw palang ay isinumpa ko
na. Nakita kong pinagkakatuwaan nila ang isang bata na nung papalapit ako ay si
Eros, naalala kong muli ang sabi ng mga magulang ko, tumulong ako sa mga taong
naagwabyado, kasi walang taong pinanganak para pagkatuwaan at gawing laruan
lang, kundi ipinangak sila na may sari sariling misyon sa mundong ito.
“Tigilan
nyo nga siya!” sigaw ko sa aking mga salbaheng kaklase
“Sino
ka ba ha? Eh kakalipat mo palang dito ang yabang mo na!” sagot ng isang kaklase
ko
“Hindi
tama yang ginagawa nyo” sagot ko sakanila
Mabilis
na tumakbo papalapit sakin ang lalaking nakasagutan ko at mukang inaambahan
ako, wala akong ginawa kundi isangga ang mga kamay ko, at laking gulat ko na
kusa kong inihagip sakanya ito at hindi normal ang kinalagyan nya pagkatapos,
siguro kung susukatin mo ay mga tatlong dipa sya tumalsik sa pagkakahagip ko
sakanya. At naisip ko sa sarili ko
WALANG
BATANG PITONG TAONG GULANG ANG MAKAKAGAWA NA PATALSIKIN ANG ISA PA NA MAS MALAKI
PA SAKANYA NG ISANG GANUN LANG.
Wala
akong magawa ngunit simula nung araw na iyun ay isipin kung bakit ganuon na
lamang ang nangyari. Agad nagtakbuhan ang mga kasama ng lalaki at naiwang
nakahandusay sa lapag si Eros at nakaupo, hindi matulungan ang sarili
Agad
ko syang hinatak at nagpasalamat sakin at siniguro ko sakanya na walang ibang
mananakit sakanya
“Simula
ngayon, kaibigan na tayo, at kung sinong mangaaway sayo, lagot sila sakin!”
sabi ko sakanya habang nakaakbay ang isang kamay ko sa mga balikat nya.
“Salamat
Joseph ah! Tinulungan mo ako sa kanila, Thank you! Tsaka, simula ngayon, ikaw
na bestfriend ko” sagot ni Eros saakin
Simula
nung araw na iyun naging bestfriend ko si Eros, kapag pumapasok kami sa loob ng
silid aralan, walang kumikibo, lahat nakatahimik, hindi ko nga alam, nawala ng
parang bula ang nahagip kong umaaway kay Eros, hindi na siyang muli nagpakita
sa eskwelahan namin.
Hindi
padin ako makapaniwala nung mga oras na iyun kung anong lakas ang lumabas sakin
nung tumilapon ang salbahe kong kaklase sa isang hagipan ko laman, na kung
iisipin mo rin ay hindi hamak na mas malaki saakin, kahit na pareho lang kaming
pitong taong gulang, mas malaki sya at mas mabigat, kaya’t nung araw nay un,
alam ko na hindi normal ang nangyari.
Saan
ako dadalin ng mga bagong natuklasan ko sa sarili ko. Simula nung araw na iyun,
tumatak na sa isipan ko na hindi nga ako isang normal na tao!
Itutuloy...
[02]
Paano
ko din ba makakalimutan ang mga oras na nadiskubre ko na hindi lang basta
kakaibang lakas ang taglay ko, kung hindi mayroon pa, ang apat na
pinakamahahalagang elemento sa mundo, hindi ko alam kung bakit at papaano iyun
nangyari, Limang taon makalipas ang pagkadiskubre ko sa kakaibang lakas ko. Ika
anim na baiting ako sa elementarya nuong mag karoon kami ng camping trip sa
school naming, ika-12 kaarawan ko nuon at Isa isang naglabasan ang iba’t ibang
kakayahan ko
Ang
elemento ng apoy, tubig, hangin at lupa
“Anak,
Nagready ka na ba para sa camping nyo?” tanong ni Mama sakin habang tahimik
lang akong nakaupo sa kama ko
“Opo”
sagot ko sakanya
“Mag-iigat
ka duon anak ha? Wag ka lalayo kay teacher mo ah anak?” paalala ni Mama sakin
“Opo,
di ko po kayo hahayaang magalala Mama!” pa-sweet kong sagot sa Mama ko
“Happy
Birthday Anak, mahal na mahal ka ni Mama” sabi sakin ni Mama habang may mga
luha na lumalabas sa mga mata nya
Bahagaya
din ako naluha at niyakap ko nalang sya, at ibinulong ko sakanya “Thank you po
Mama, I Love you too po”
Umalis
ako sa bahay, sumakay sa bus kasama ang mga kaklase ko na simula Grade 1 ay
hindi ko padin makalimutan ang ginawa katabi ko sa bus si Eros, at pagdating
naming sa campsite ay agad nagkaroon ng contest kung sino ang unang
makakapagpaapoy ng mga kahoy ng hindi ginagamitan ng posporo o kahit anong pang
paapoy
Sumali
ako dahil atrebido akong tao, gusto ko I-try lahat ng bagay at gusto kong may
mapatunayan. Hindi ko alam na habang pagd na pagod ako magkiskis ng dalawang kahoy
para makabuo ng init at mapaapoy ang mga kahoy, ay biglang naginit ang buong
katawan ko, nagulat ako na unti unting lumabas ang mga malilit na apoy sa mga
palad ko at biglang nagliyab ang mga kahoy sa harapan ko, alam kong hindi nila
nakita ang mga apoy na syang naglabasan sa kamay ko. At laking gulat ko na
pagkatapos ako purihin ng aking mga guro sa pagkapanalo ko ay agad akong
naghanap ng tubig para mainom ay biglang may isang parang lobo na umaapoy ang
nakita ko at lalo akong nagulat ng bigla syang nagsalita
“Master!
Ilahad nyo po ang inyong mga kamay” sabi ng umaapoy na lobo sa harapan ko. Agad
kung inilahad ang mga kamay ko at umagat ng bigla ang lobo at pumasok ito sa
mga palad ko. Isang pulang marka ang naiwan sa mga palad ko at naiwan ang gulo
sa pagiisip ko, hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari nuon.
Hindi
parin ako makapaniwala sa umaapoy na lobo, ng tila bigla nanamang may
nagpakitang isang nilalang na isang kathang isip lamang para sa isang normal na
tao, kalahating tao, at kalahating isda ang tumambad sa mga mata ko
“Nauuhaw
po ba kayo Master?” tanong ng serena
“ahhh..
o..o… me…dyo.. nga!” iyun lang ang nasabi ko sa mga panahon na iyun dahil na
rin sa pagtataka ko sa mga nagaganap
Agad
naging isang parang alon ang serena at bigla nalang rumagasa patungo saakin,
nagtakip ako ng aking mga kamay at gulat na naramdaman ko na may tubig na
pumasok sa katawan ko ngunit pag tanggal ko sa mga nakasangga kong kamay ay
wala ni isang bakat ng tubig ang nakita ko sa katawan ko, hindi ako nabasa,
ngunit napawi lamang ang uhaw ko, agad ko ding napansin na may asul na marka na
dumagdag sa palad ko. Kakatapos lang ng pagpasok ng upaapoy na lobo sa katawan
ko, ngayon naman ay isang serena ang gumulat sa akin nuon
Pinili
ko na magisa muna dahil sa mga naranasan ko at nagiisip ako sa isang sulok ng
campsite ng bigla akong nilapitan ni Eros
“Joseph
okay ka lang ba?” tanong ni Eros
“Hindi
eh” sagot ko
“Eh
bakit?” tanong niya pa
“Basta
mahirap sabihin Eros” sagot ko sakanya
“Wag
ka na malungkot” kulit sakin ni Eros
“Hindi
ko kaya eh, basta may gumugulo sakin” sabi ko sakanya
“Kahit
regalo mo nalang yung ngiti mo ngayon para sa birthday ko okay na eh!” sabi ni
Eros
Nagulat
ako nuon sa sinabi nya at kung tama ba ang pagkakarinig ko, birthday nya rin
ngayon?
“Birthday
mo rin ngayon Eros?” tanong ko sakanya
“Oo,
ngayon nga birthday ko, bakit? Birthday mo rin Joseph?” tanong niyang pabalik
saakin
“Oo,
magkabirthday pala tayo, yehey!” biglang nawala sa isip ko nung mga panahon nay
un ang mga kakaibang nagnyari ang naisip ko lang, ka birthday ko pala yung
bestfriend ko, nuong oras ko lang na iyun nalaman, sa 5 taon na naming mag
kaibigan
Nag
iba ang gabi ko at buong gabi lang kaming naguusap, nagtatawanan, mga bata pa
kami nuon, hindi alam kung ano nga ba ang dapat seryosohin at hindi, kung ano
ang pagkakaiba ng DSL at broadband, kung paano mabuhay ng magisa, di alam kung
paano kikita ng pera, ang alam lang ay ang maging masaya at mairaos ang araw ng
maayos at masaya. Kami ay mga batang wala kaalam alam sa pag-ibig, at kung ano
ang nagiging parte nito sa bawat buhay ng isang tao, kung paano ito
nakakapagbago ng tao at kung paano nito buoin at sirain ang buhay na isang tao.
Pero iba na ngayon, kung dati simpleng tawa at saya lang ang naibibigay nya.
Ngayon, ngiti, saya, tuwa, pagpapahalaga sa tuwing nakikita ko sya. At sa
tuwing aalalahanin ko na hindi pwede mahulog ang loob ko sakanya kasi pareho
kaming lalaki, nasasaktan ako, kasi mahal ko na si Eros, mahal ko siya.
Sinasabi
ko na eh, sa simula palang hindi na ako NORMAL
Espesyal
ang camping na iyon para sa aming dalawa, parehas naming birthday nung araw na
iyon, nakakgulat lang na bakit ni hindi ko man lang alam na birthday din nya
ngayon, basta ang alam ko nun masaya ako kasi sabay ang birthday naming ni
Eros. Ng matapos ang gabi ay nagpahinga na kami ni Eros, tabi na kami sa higaan
naming at as usual, mga batang nagkukulitan sa ilalim ng kumot, kung ano anong
iniisip, magtatakutan at magtatawanan
Nakatulog
na kami at pag ka gising naming nung susunod na araw ay oras na para umuwi,
napansin ni Eros ang kakaibang marka sa palad ko at tinanong nya ako
“Joseph
ano yan? Tattoo?” tanong nya sakin
“Ahhh,
oo, kasi gusto ko mag ka tattoo dati pa kaya eto, naglagay ako” sagot ko
sakanya at kinakabahan kung tatanungin nya ako ulet dahil hindi kapanipaniwala
ang palusot ko, pero what the heck, bata kami, walang tanong tanong, Oo nalang.
Pauwi
na ang bus na sinasakyan namin, kaming dalawa ni Eros ay magkatabing naguusap
at nagtatawan sa may likuran ng bus ng biglang nataranta ang driver ng bus,
itinanong ng mga teacher naming kung ano ang nangyayari, nawalan daw ng preno
ang sasakyan namin. Wala akong nagawa kung hindi umupo sa likod katabi ang
bestfriend ko at mangamba sa kung ano ang pwedfeng mangyari, nakapikit lang ako
at nakahawak sa kamay ni Eros, mabilis parin ang takbo ng bus at hanggang hindi
na ito nakontrol ng driver at dumeretso kami patungo sa isang bangin, sobrang
lakas ng sigawan ng mga kasama naming sa bus, mga nagiiyakan, habang mabilis na
bumabagsak ang bus na sinasakyan naming sa matarik na bangin.
Biglang
naghintuan ang mga sigaw at iyakan ng biglang huminto ang sinasakyan naming bus,
na para bang pumatag na sa lupa, himalang, may binagsakan kaming lupa na tila
hindi alam kung saan nagmula, at para bang may gumawa ng paraan para hindi
malakas ang pagbagsak naming. Imbis na magtaka, nagyakapan ang mga guro at
tuwang tuwa ang makikita sa mga muka ng mga iba pang estudyante, maya maya ay
may nakita akong nakasilip sa may bintana kung saan ako nakaupo. Isang berdeng
ibon at isang nilalang na may mga pakpak at parang may hawak na baston na may
nakaukit na simbolo
“Master,
ayan ligtas na po kayo” sabi ng agila habang naging isa syang nakakasilaw na
liwanag at biglang pumasok sa akin, pati na rin ang nilalang na may pakpak, na
mukang sa itsura ay diwata ng lupa, ito rin ay mabilis na pumasok sa katawan
ko, at pagkatapos ay tinignan ko si Eros, parang walang nangyari saakin, ni
hindi nya napansin ang pagpasok ng mga kakaibang nilalang sa katawan ko. IN
short, wala syang nakita, ako lang ang nakakita ng pangyayari. Ang berde at
brown na marka lamang ang naiwan ng dalawang nilalang sakin.
Pagkauwe
ko ay hindi ko na lamang binaggit sa mga magulang ko ang nangyari sa akin, at
pati na rin ang pagkaka aksidente ng bus na sinsakyan namin, alam ko naman kasi
na mag aalala lang sila, kaya’t nanahimik nalang ako.
Paano
ko rin ba makakalimutan ang araw kung saan, wala man lang akong magawa habang
nakikita ko silang unti unting nilalamon ng kadiliman.
2nd
year highschool ako nuon, sa parehong eskwelahan parin kami pumasok ni Eros,
medyo sa puntong iyon, iba na ang nararanmdaman ko, kasi, binate na to no!
marunong na makaramdam ng kilig at marunong na makaintindi ng sobra na sa
pagkakaibigan. Hindi ako nag a-assume pero alam ko na kahit papaano, may konti
din akong space sa puso ni Eros, alam ko yun, tao ako, hindi ako manhid,
everytime na sinasabi nya sakin na “salamat bestfriend ah” alam ko na more than
that pa ang ibig sabihin nya. Ewan! Diba? Hindi nga ako normal sa lahat ng
paraan, iba ang pakiramdam ko pag magkasama kami. Isang beses inaya ako ni Eros
sa bahay nila para duon kami mag gawa ng homework.
“Joseph,
sa bahay nalang tayo gumawa ng homework! Okay lang ba sayo?” aya nya sakin
“Ahhhhhh,
hindi pwede eh………” nagiba ang muka nya nung sinabi kong hindi pwede, paraan ko
lang yun para makita ang reaksyon nya pero sa totoo, gustong gusto ko syempre
“Joke lang Eros, sige tara, pakainin mo ko ah!” pabiro ko pang sabi
“Oo
naman! Ano ba gusto mo pagkain, kakain tayo hanggang di na tayo makatayo” sagot
nya sabay tawa ng malakas
Pagdating
ko sa bahay nila ay agad akong binati ng nanay nya at bilang galang ay nagmano
ako dito at nagulat ako ng biglang nagiba ang tingin sakin ng Mama niya, parang
may gumulo sa isip nung nagmano ako sakanya sabay tanong nya saakin
“Iho
ano yang nasa kamay mo, yung apat na bilog na yan?” tanong ng nanay niya
“ahhhhmmm…
tattoo po to tita” sagot ko sakanya
Narinig
ko ang binubulong nya “Paano napunta sa normal na batang yan ang apat na
elemento ng Kaspyan” hindi ko alam nung mga oras na iyun kung ano ang ibig
sabihin nya pero may kutob ako nuon palang na may alam sya sa apat na
magkakaibang kulay na bilog sa kanang palad ko.
“Ano
po yun?” tanong ko sakanya
“Ayyy..
wala yun iho! Let me meet you’re parents sometime okay? You seem like a good
kid” sagot nya sakin
“Sige
po Tita, sure po, pag may oras!” sagot ko sakanya
Inihatid
ako ng Mama ni Eros pauwi, ewan ko gusto daw niya makilala ang mga magulang ko,
edi payag nalang ako, pag dating ko sa bahay ay agad ko syang ipinakilala kay
Mama at Daddy ko, pinaakyat muna ako ni Mama para magbihis pero hindi mapanatag
ang loob ko, nagtago ako sa likod ng kusina para Makita at marinig ko ang
pinaguusapan nila
Normal
ang usapan nila ng pagkatapos ng mga ilang minute ay bigla kong narinig na
tumaas ang boses ng nanay niya.
“Nasaan
ang Bato ng Luna?” pasigaw nyang tanong, hindi ko alam kung anong bato iyun
dati, pero iyun pala ang magiging dahilan ng pagkawala ng 2 sa pinakamahalagang
tao sa buhay ko
“Wala
po kaming alam dun” sagot ng Mama ko.
Hindi
ko mapigilan ang sarili ko na umiyak nung nakikita ko na biglang may lumabas na
madilim na usok na maya maya ay naging korteng haliwamaw, ngayon? Nasaan itong
apat na nilalang na pumasok sa akin, bakit hindi nila ako tulungan, iyak ako ng
iyak habang nilalamon ng kadiliman ang Mama at Daddy ko, hindi ko magawang
lumabas, kasi wala akong maitulong, gusto ko lumabas ang apat na nilalang sa
kamay ko bago ako lumabas para matulungan ko sila pero wala, ang nagawa ko lang
utmakbo sa kwato ko at maghanap ng lugar para makalabas ako, kasi alam ko ako
na ang susunod. Hindi na rin ako nangahas na humingi ng tulong, kasi ano ang
magagawa nila? Paano nila matatalo ang halimaw? Baril? Malayo! Wala akong
nagawa kung hindi tumakbo lang ng tumakbo ng tumakbo
Wala
na si Mama, wala na si Daddy, umiiyak ako sa isang gilid ng kalsada,hindi na
ako nakakapasok sa eskwelahan, hindi ko na nakikita si Eros, namimiss ko na
siya kahit sa ginawa ng Nanay nya sa mga magulang ko. Naging palaboy ako sa
kalye, hanggang sa nakalahad nalang ang mga palad ko at nanghihingi ng limos
pantawid sa gutom ko. Tatlong taon ako naging palaboy sa kalye, nakikipag
agawan sa mga pagkain na naiwan sa basurahan, walang maayos natirahan, walang
kaibigan, walang karamay, hanggang sa araw kung saan itinakda na mangyari ang
dapat mangyari, sa ika-labinlimang kaarawan ko.
Habang
abala ako sa panglilimos ay may nakasalubong akong babae na tila pamilyar
saakin. Pagkabigay nya ng sampung piso ay bigla syang napatitig sa mga palad ko
kung saan nya nilagay ang pera at kung saan nanduon ang apat na bilog na marka.
“Bata,
paano ka nagkaganito?” tanong ng babae saakin
Hindi
ko alam kung bakit hindi ko masabing tattoo ang nasa mga palad ko, iba ang
sinabi ng utak ko na sabihin ko “Mahabang istorya ho! Basta kakaiba” sagot ko
sakanya
“Lucas.
Anak ikaw ba yan?” tanong ng babae
“Hindi
po, ako po si Joseph, hindi po Lucas pangalan ko” sagot ko sakanya
“Birthday
mo ba ngayon bata?” tanong pa ulet ng babae
“Ang
galing nyo po! Paano nyo po nalaman?” tanong ko sakanya
“Basta,
mahirap ipaliwanang, meron ka bang palawit sa kwintas na parang hugis ng buwan?
Tapos kulay ginto?” tanong ng babae
“Opo,
meron po, pero hindi ko po binebenta yun ah, sabi kasi ng Mama ko, mahalaga daw
yun, magagamit ko daw yun pag dating na panahon”
Iyun
pala ang ibig sabihin nila Mama Asya at Daddy Elison, na magagamit ko balang araw
ang palawit na korteng buwan na iyon, iyon pala ang magdadala sakin sa mga
tunay kong magulang
Iyon
pala ang magpapakilala sakin bilang ako
Iyon
pala ang magsasabi saakin ng tungkulin ko
Iyon
pala ang sagradong bato ng Luna, na dahilan din ng pagkamatay ng mga magulang
kong umampon saakin
Ang
magiging dahilan din ng pagbabago ng buhay ko...
Itutuloy...
[03]
Unti
unti kong nalaman ang sikreto sa pagkatao ko, ako? Ang huling tagapagligtas ng
lahing Kaspyan? Wow! Ano ba itong mga to, suddenly, nagiba ang mundo ko, hindi
ko alam kung paano mag aadjust, hindi ko alam kung paano tatanggapin. Hindi ko
alam ang gagawin ko sa sobrang pag ka miss ko kay Eros. Wala kaming
komunikasyon, araw ng kaarawan naming dalawa hindi ko sya nabati, at hindi nya
rin naman alam kung paano ako makikita.
“Anak,
Lucas?” tawag sakin ng nanay Sophia ko
“Bakit
po?” tanong ko
“Ahhhm
anak, pag sapit mo na ika labing walong taong kaarawan mo, kailangan mo pumunta
sa Kaspilla, kasi pagtungtong mo ng labing walong taong gulang, tsaka ka
magiging handa para makontrol ang apat na elemento, kaya’t ngayon pa lamang ay
maghanda ka na.
Inihanda
ko na ang sarili ko sa kung ano man ang pwede mangyari sa darating na ikalabing
walong kaarawan ko.
Habang
naglalakad ako sa isang mall sa Maynila, may biglang nagtakip ng mga mata ko
“Guess
who?” sabi ng lalaking boses na alam na alam ko kung sino, pagtalikod ko ay
gulat kong nakita si Eros, ibang iba na ang itsura nya nung huli kaming
magkita, 3 taon na ang nakakaraan,
“Eros!
Sobrang namiss kita! Sobra!” sabi ko sakanya
“Ikaw
din Seph, namiss kita, kamusta? Bakit hindi ka na pumasok sa school? Ahh bakit
nga pala hindi ka na nagparamdam?” tanong nya saakin
“Mahabang
kwento eh, pero gusto mo tara lunch tayo kwentuhan nadin” aya ko sakanya
“Sorry
sorry sorry talaga, nagmamadali hinihintay kasi ako ni Mama sa bahay, pasensya
ka na ah” malungkot man na hindi kami nagkasama nung araw na iyun ay ayos naman
kasi at least nagkita na kaming ulet, nagpaitan kami ng cellphone numbers para
narin ma contact ang isa’t isa, bigla nalang pumasok sa isip ko ang kahayupang
ginawa ng nanay nya, o nanay nya nga ba talaga? Sa mga magulang ko, ewan ko,
hindi ko masabi, kasi parang wala naman syang alam, kaya’t minabuti ko nalang
na itago ito sakanya.
Lagi
kami nagkakausap ni Eros sa pamamagitan ng text pero ni isang beses hindi ko
sya nakita simnula nung huli naming pagkikita sa mall kung saan ibinigay nya
sakin ang number nya. Halos tatlong taong ganun, dumaan ang dalawang birthday
naming na hindi ko sya nakikita, paano espesyal ang araw na iyun, birthday
naming dalawa, pero hindi ko sya nakita.
Sumapit
ang ikalabing walong kaarawan ko, at agad agad na ipinaalala sakin ni Mama
Sophia ang tungkol sa pagsasanay ko sa Kaspillo
“Anak,
happy birthday, ngayon handa kana bang pumunta sa Kaspillo?” tanong niya
“Opo
Ma, pero pwede bang bago ako pumunta dun, magpaalam muna ako sa bestfriend ko?”
tanong ko sakanya
“Oo
naman Anak, birthday mo ngayon, gawin mo kahit anong gusto mo, Happy birthday
ulet anak” masayang sabi ni Mama sakin
Nagtext
ako kay Eros nuon at tinanung ko kung nasaan sya at kung pwede ba kami magkita,
kasi sinabihan ako ng mga Kaspyan na ilalayo muna ako sa Mundo para dalin sa
Kaspillo, ang lugar kung saan ako tuturuan ng lahat ng kailangan ko malaman,
gusto ko sya Makita para bago man lang ako umalis, at mabati ko sya sa kaarawan
naming dalawa at para narin masabi ko sakanya ang nararamdaman ko.
Nagkita
kami sa isang fastfood chain sa isang mall at sinabi ko sya na sobrang miss ko
na sya pero hindi ko masabi sakanya ang nagnyari saakin kung bakit ako nawala
sa eskwela, at kung ano nangyari kay Mam at Daddy, kung ano ginawa ng nanay sya
sa magulang ko, basta ang nanaig yung pagibig ko sakanya, hindi ko maisip lahat
yun, basta ang alam ko, kaialngan ko na sabihin sakanya yung nararamdaman ko
“Happy
birthday Eros” bati ko sakanya
“Salamat!
Happy birthday din Joseph” nakangiting sabi ni Eros
“Eros,
may sasabihin sana ako sa’yo!” sabi k okay Eros
“Ano
yun?” sagot nya
“Ahhhhmmm…
kasi… basta” sagot ko
“Ano
nga yun?” tanong nya
“Ahhhh…
ano kasi… ano yun eh…. Ganito kasi wag ka magagalit ahhh… ehh…” nagulat ako ng
biglang tinapos ni Eros ang dapat ay sasabihin ko
“Mahal
mo ko?... ganun? O edi sasagot ako, mahal din kita Joseph! Oh okay ka na ba
torpe?” panginis nya pang sabi sakin.
Napangiti
nalang ako bigla at parang nahiya nadin sa nangyari. Basta sobrang saya ko ng
Makita ko yung ngiti nya nung sinabi nya yun
“Gusto
ko ako tatapos…. Eros mahal kita… “ sabi ko sakanya…. Niyakap nya ako at wala
syang pakialam kung may makakita saamin, tumitig sya sa mga mata ko at unti
unti nyang inilapit ang mga labi nya sa labi ko, he kissed me na para bang ang
tagal tagal nya na gustong gawin yun, hindi nya lang magawa
“Eros?”
sabi ko
“Oh?”
sagot nya
“I
love you, Happy Birthday ulet” sabi ko sakanya
“Thank
you? Ako ang dapat magpasalamat. You are the best gift that I had in my 18
years of being” sabi nya saakin
Hindi
ko mapigilan yung sarili ko kiligin sa sobrang sweet ng mga lumabas sa mga labi
ni Eros, na para bang ayaw ko na umalis papuntang Kaspilla, pero hindi pwede,
kailangan talaga eh, medyo naiiyak ako habang nagpapaalam ako sakanya at
pinangako ko sa sarili ko na mag sasanay ako sa Kaspillo ng mabuti kasi
pagdating ng araw, isa si Eros sa mga taong maipagtatanggol ko sa mga Kaspyan
The
day ended, magkasama kami, I also told him that I am leaving for some time,
para mag asikaso ng mga bagay bagay.
“Basta,
promise mo sakin babalik ka ah” sabi nya pa. napaiyak ako ng kaunti nung sinabi
nya yun saakin, parang ayaw ko na sya iwan pero hindi pwede eh, naghihintay
sakin ang tungkulin ni Lucas, kahit hindi ko gustong maging ako si Lucas,
kailangan, kahit anong itawag nila sakin, ako parin to, Lucas man o Joseph,
walang nabago saakin.
At
sa huling pagkakataon nagpaalam ako sakanya at iniwan ko lang sakanya ang mga
matatamis na ngiti na ipapatago ko sakanya habang wala ako sa tabi nya “ I LOVE
YOU EROS” huling sambit ko bago kami maghiwalay..
(to
be continued...)
[04]
At
ang lahat ng iyun ang mga ala alang hinding hindi ko makakalimutan.
Eto
ako ngayon, papunta na ng Kaspilla para malaman ang mga kailangan kong malaman,
mabigat man sa kalooban ko pumunta duon, wala akong magawa, eto ang itinakda
para saakin. Pag dating ko duon ay namangha ako sa itsura ng lugar, ibang iba
sa mundong kinalakihan ko, ibang iba sa itsura na inaakala ko, isang magandang
paraiso kung saan marami ang nagsasanay para lumakas, isang paraiso kung saan
lahat ay abala para balang araw ay maipagtanggol ang mga Kaspyan.
“Maligayang
pagdatin sa Kaspillo Lucas, aking anak” laking gulat ko na tawagin akong anak
ng lalaking sumalubong sakin. Siya pala ang tunay kong ama na si Helios
“Joseph
nalang po itawag nyo sakin, hindi po kasi ako sanay ng Lucas” sagot ko sakanya
“Aba’y
dapat masanay ka na, kasi dapat kang kilalanin dito anak” sabi nya sakin sabay
pabulong na sinabi “Siguro naman nasabi na ng Nanay Sophia mo na ikaw ang
huling tagapagligtas” sabay kindat saakin
“Okay
na po talaga yung Joseph para sakin” mahinhin kong sagot sa aking ama
“Kung
iyun ang nais mo, pero Lucas padin ang itatawag ko saiyo” sagot nya saakin
Nagsimula
ang ensayo ko kasama ang aking itay, itinuro nya saakin ang mga pinakasimpleng
bagay na kailangan ko malaman, tulad ng martial arts, at iba ibang uri ng self
defense. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Eros habang tumutulo ang mga pawis
ko sa katawan. Naalala ko nung huli naming kita, yung sinabi nya sakin na mahal
nya din ako, kaya nga’t ginagawa ko lahat dito sa Kaspillo para makabalik ako
agad sa mundo. Halos dalawang linggo din ako nagsasanay kasama si Tatay Helios
at sa tingin ko naman ay nakukuha ko naman lahat ng tinuturo nya
“Anak!
Bukas papakilala ko naman sa’yo si Trence, sya yung magtuturo sa’yo ng mga
Mahika at Salamangka.” Sabi ni Tatay Helios
“Wow!
Parang magic? Ganun bay un ‘tay?” tanong ko sakanya
“Oo
nga ganun nga anak! Wag ka masyado exited. Hindi madali matuto ng mahika” sabi
niya
Nang
matapos ang araw ay iniisip ko si Eros, ang nagawa ko na lang, ibulong ang
pangalan nya at magdasal sa kaitaasan para sa kanyang kaligtasan.
“Lord,
ingatan nyo po lagi si Eros, mahal na mahal ko po siya” dalangin ko sa may
kapal habang naiisip ko kung ano na nga kaya ang nagyayari kay Eros ngayon
Then
silence prevailed….
Nagising
ako kinabukasan sa gising sakin ng isang alagad ni Tatay Helios
“Sir,
pinapagising na po kayo ni Sir Helios” sabi ng lalaki
“Sige
po pakisabi susunod na ako” sagot ko sa lalaki, habang papaplayo ang lalaki iba
ang tingin nya sa mga palad ko ng nakita nya ang apat na marka dito, agad ko
sya tinanong kung bakit
“Bakit
po kuya? May problema pa po ba?” tanong ko sakanya
“Wala
na po Sir, di lang po ako makapaniwala na pagkatapos ng 15 taon, nandito na po
ang huling tagapagligtas, at ang tanging itinakda para makontrol ang apat na
elemento ng Kaspyan” sagot nya sabay ngiti at paalam saakin.
Nagbihis
na ako para makapagsimula na din ng ensayo ko sa araw na iyon, pagkatapos ko
magbihis ay agad akong bumaba at habang papalapit ako kay Tatay Helios, may
nakatalikod syang kausap, hindi ko alam kung sino
“Oh
ayan na pala yung anak ko, Lucas anak tara dito” sigaw niya habang papalapit
ako sakanya
Tumingin
bigla sa likod nya ang lalaki para tignan ako, shet! Pagtingin nya sa likod,
sobrang gwapo nya, at halos may hawig kay Eros, kaya’t naisip ko tuloy si Eros
nuong tumingin sya saakin.
“Anak!
Eto si Trence, sya ang magtuturo sa’yo ng mga magic at spells” sabi ni Itay,
pareho lang kaming tahimik ni Trence, hindi ko alam kung bakit nakatitig lang
din sya saakin. Hindi ko maalis ang mga mata ko sakanya, ng bigla syang
lumingon papalayo
“Nako!
Sir Helios, mukang mahina itong anak nyo, Titig palang ang ginagawa ko,
nagpapadala na sya” sabi nung lintek na Trence nayun.
Sinasabi
ko na nga ba, hindi titig may gusto yung ginawa nya sakin, ngunit isa din pala
iyun sa mga kapangyarihan nya.
Nagsimula
na ang training ko sakanya at sinigurado ko na hindi ako magpapadala sa gwapo
nyang muka at yummy nyang katawan (ano ba yung nasabi ko) basta focus! Focus!
“Patingin
ako ng mga palad mo Lucas” sabi ni Trence sakin. Pagkatapos ko ipakita ang mga
palad ko ay agad syang namangha sa apat na bilog na marka na nakita nya “WOW!”
iyun lamang ang nasabi nya
“Bakit
Trence?” tanong ko sakanya
“Wala,
nagulat lang ako na totoo pala na may isang nakatakdang Kaspyan na kaya
kontrolin ang apat na elemento ng mga Kaspyan.
“Hindi
ko nga alam kung papaano” sabi ko sakanya
“Kaya
nga andito ako diba? Tuturuan kita. Ang ibig ko sabihin kanina ay walang may
ibang kakayahan na patirahin ang mga espirito sa katawan nila at gamitin, ikaw
lang Lucas” at bigla nanaman nadaan ang mga mata ko sa mga mata nya, at sobrang
sarap tumingin sa mga mata nya, pero nilabanan ko, alam ko na pagsubok nya lang
iyun para sakin. Inilihis ko ang titig ko at bigla syang ngumiti saakin at
sinabing “Magaling Lucas”
“Alam
mo ba kating kati ako palabasin itong apat na to nung pinapatay ng isang Grospe
ang mga umampon sakin. Pinatay nila ang Mama Asya at Daddy Elison ko” sabi ko
kay Trence
“Ganun
ba? Hindi kasi sila basta basta lalabas, mayroon silang sari-sariling paraan
kung papaano sila tatawagin” sabi nya saakin.. “Eto tignan mo ilahad mo ang
kamay mo at sabihin mo …” sabay tumingin sya ng malalim sa mga mata ko at
sinabi ang mga kakaibang katagan na kung normal kang tao ay sasabihin mo ay
jologs ang mga ito, pang pokemon o mga anime freaks kung baga. “Kailangan mo
sauluhin ito kasi hindi ka pwede magkamali kahit ni isang salita lang, eto at eto
lang ang makakapag palabas sa kanila sa katawan mo. Ilalahad mo ang mga kamay
mo at isisigaw mo..
“Mula
sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita
saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka…. at tawagin mo ang isa sa mga apat na
nilalang na magsisilbi sa’yo”
Si
Altas, ang apoy na lobo, siya ang pinakamalakas na lobo sa mundo nila,
napakatapang nya, kapag tinawag mo sya wala syang kahit anong laban na
uurungan.
Pwede
mo ding tawagin si Krisha, ang reyna ng mga sirena, sa kapangyarihan ng tubig
at hiyelo mo maasahan si Krisha, matalino si Krisha at hindi basta basta
sumusuko
Pangatlo
ay si Galdium, ang pinaka tusong agila sa lahat ng mga kasama nya. Matalino din
si Galdium, alam nya ang dapat gawin, at kaya ka rin nya dalin sa iba’t ibang
lugar, maari kang sumakay sakanya. Parang si Krishia, kahit anong parte ng
tubig dadalin ka nya kung kailangan.
At
ang huli, si Ertia, ang pinakamalakas na diwatang lupa, hawak nya lahat ng
kapangyarihan ng isang diwata, madami syang kayang gawin kaya tawagin mo sya
pag kailangan mo sya.
“Ngayon
subukan mo silang tawagin” sabi ni Trence habang nakatitig parin saakin
Kinabahan
ako kasi ngayon ko lang ito gagawin, naalala ko na huli ko silang nakita nung
labingdalawang taong gulang pa lamang ako, sa camping namin, nung unang beses
na pumasok sila sa loob ng katawan ko.
“Sige
na wag ka matakot, sundin mo lang yung mga sinabi ko ,sige ilahad mo ang mga
kamay mo” sabi pa nya habang kinakabahan parin ako sa gagawin ko
Inilahad
ko na ang mga kamay ko at sinunod lahat ng itinuro nya saakin. Sumigaw ako ng
sobrang lakas na halos madinig ito sa buong Kaspillo
“Mula
sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita
saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Altas” sabay na lumiyab ang mga kamay ko
at unti unti unting bumalot ang apoy sa aking katawan. Habang nagliliyab ang
buong katawan ko ay unti unting may mga apoy na pumoporma na palang lobo at
papalayo sa katawan ko, di katagalan ay nabuo mula sa apoy sa katawan ko si
Altas ang apoy na lobo
“ano
po ang maipaglilingkod ko sa inyo Master?” tanong ni Altas na kitang kita na
nakalabas ang mga pangil at handa nang lumaban
“Puksain
mo si Trence… hahaha” pabiro kong sabi kay Altas, susunggab na si Altas na tila
hindi nakakaintindi ng biro “Altas, nagibibro lang ako” kitang kita na
nakasalag na si Trence at nakatingin ng masama sa akin
“Hangal
ka ba Lucas? Papatayin talaga ako nyan kapag inutusan mo sya, hindi nakakaintindi
yan ng biro” pagalit na sigaw ni Trence
“Relax,
sorry, pasensya na talaga” sabi ko sakanya sabay paawa na gamit ang mga mata ko
“Ngayon
bahala ka kung papaano mo maibabalik yan sa katawan mo” sabay sabi sakin ni
Trence
“Uy!
Trence joke lang, sige na tulungan mo na ko ibalik to
“Ayoko”
pagmamatigas na sagot nito
“Sige
na please! Please naman o” pangungulit kong sabi
“Sige,
pero may kapalit ‘to ah Lucas” sabi ni Trencel
“Oo…
sige sige, kahit ano!.. sige na sorry na” paumanhin ko ulet kay Trence
“Sige
tutulungan kita pero, sakin ka matutulog mamayang gabi” pilyong sagot ni Trence
“Ano?
Trence bading ka ba?” sabi k okay Trence
“Hindi
ako bading, bisexual ako, malaki kaibahan nun, tsaka bakit may problem aka bas
a mga bakla?” pagalit na sabi ni Trence
“Wala”
maikling sagot ko sakanya
“Kasi
ang mga bakla, kahit ganun sila, wala naman silang ginagawang masama, pinili
lang nila kung saan sila masaya, hindi sila dapat ginaganun kasi wala naman
silang naagrabyadong tao, wala silang pinapatay, wala silang inaapakang ibang
tao” paliwanag ni Trence
“Alam
ko Trence, wala akong problema sa kanila, bi ako Trence, hindi kita tinanong
kanina kung bading ka dahil may problema ako sa mga bading, ang bilis mo kasi!
Yung lang yun” sagot ko sakanya nakita ko ang gulat sa mga mata ni Trence kasi
alam ko na nagbibiro lang siya kanina tungkol sa pagtulog naming na magkasama,
pero ganito ang reaction ko.
“Edi
maganda, hindi ako mahihirapan sa’yo” sagot pa nya sakin. Lumapit sya sakin at
dahan dahan niyang nilapit ang mga labi nya saakin. Ipipikit ko na sana ang mga
mata ko ngunit naisip ko si Eros
Hahalikan
ko na ba to o magiging tapat ako sa taong pinakamamahal ko,hala...... :(
(to
be continued...)
[05]
“Edi
maganda, hindi ako mahihirapan sa’yo” sagot pa nya sakin. Lumapit sya sakin at
dahan dahan niyang nilapit ang mga labi nya saakin. Ipipikit ko na sana ang mga
mata ko ngunit naisip ko si Eros, bigla kong pinigilan ang mangyayari at
nagdahilan nalang ako
“Trence!!
Si Altas, turuan mo na ako” sabi ko sakanya
“Ai..ahh..
oo nga… sorry, ahhhm.. ano..” sabi nya
“Ano!!!!?
Pano?” pasigaw kong tanong ko sakanya. Biglang naging seryoso si Trence at
ipinatuloy ang pagturo sakin na mga kailangan kong malaman
“Madali
lang naman, sasabihin mo lang, bumalik ka na Altas, ganun lang” turo nya sakin
“Oh! Sige na ibalik mo na si Altas” dagdag pa nya
Sinubukan
ko ang itinuro nya saakin “Bumalik ka na Altas” sabay naging isang malaking
apoy si Altas at lumipad ito patungo sa katawan ko, napansin ko na kanina ay
nawala ang pulang marka sa kamay ko at pagkabalik nya ay bumalik ang marking
ito.
Ngayon,
sunod kong ituturo sa’yo ay ang pagtatago mo ng iyong kaanyuan bilang isang
normal na tao, kailangan mo ng pangtago sa iyong anyong normal, dahil hindi
pwedeng Makita nila ang tunay mong hitsura. Eto ang pinakamadaling parte ng
ituturo ko sayo, ang sasabihin mo lang
“Bato
ng Luna, balutin mo ako ng iyong kapangyarihan, pero bago mo sabihin yun, ay
kailangan ay hawak mo ang bato ng Luna sa mga palad mo” sabi nya sakin “Ngayon
subukan mo” sabi ni Trence
Inilabas
ko ang sagradong bato ng Luna mula sa bulsa ko at matapang kong isinigaw
“Bato
ng Luna, balutin mo ako ng iyong kapangyarihan” biglang umihip ang malakas na
hangin, nabalot ako ng liwanag, hindi ko makontrol ang katawan ko, lumutang ako
ng bahagya at pag dikat ko ng mga mata ko, nakasuot na ako ng isang magarang
pulang kasuotan at dilaw na kapa, at isang makinang na maskara.
“Wow!
Ngayon ko lang nakita yan” sabi ni Trence
“Panget?
Di bagay sakin?” tanong ko sakanya
“Bagay
na bagay nga eh, gwapo! :)” sabay tawa at ngiti nya saakin
“Ang
Sagwa ng itsura, bakit bakat yung…. Yung… ano! Yung ano ko!” tanong ko
“Ganyan
po talaga Super Luna, hindi ako gumawa ng costume nyo! Sisihin mo sila, wag
ako” sabi nya
“Super
Luna? Bakit iyun tawag mo sakin?” tanong k okay Trence. Super Luna? Isa pang
Jologs!
“Kasi
iyun ang dapat itawag sa’yo, ang dapat itawag sa itinakda” sagot ni Trence
“Oh
sige na sige na, wala naman ako magagawa eh” mahinahon kong sabi sakanya
“Ahhhh,
so… bali… iyun na ang mga kailangan mo malaman…, okay… na” sabi ni Trence na
parang nag puputol putol ang sinasabi
“Thank
you Trence ahhh…” pasasalamat ko sakanya sabay isang matamis ang iniwan ko
sakanya
“Ahhhm…
Lucas…”
“Joseph
nalang, yun nalang itawag mo sakin” sabi ko sakanya sabay ngiti ulet
“Ahhh…
Joseph?”
“Oh?
Bakit?”
“Yung
kanina, joke lang yun ah, hindi mo naman kailangan matulog kasama ko, Joke lang
talaga yun” sabi nya saakin sabay paumanhin nadin. Ngayon ko lang napansin, ang
gwapo pala ni Trence, ang cute nya lalo na pag ngumiti sya, ang sarap nya
ngumiti, pampahulas ng pagod, hahahaha
“Ahhh…
oo alam ko, alangan naman seryoso yun. Uy nga pala, sensya hindi natuloy ah”
sabi ko pa sakanya
“Alin?”
tanong nya
“Yung
kiss! Yaan mo pag kaya ko na, tutuloy ko yun, hahaha!” piyong sagot ko sakanya
sabay tawa
Ilang
linggo narin ako sa Kaspillo kaya’t namimiss ko na si Eros, hindi ko alam kung
kamusta na sya, kung ano na ginagawa nya, baka mamaya, kung sino na ni dun, eh
akin yun! Akin yun eh! Agad ko naming pinuntahan si Tatay Helios para itanong
kung kalian ba matatapos ang pageensayo ko sa Kaspillo
“Tay!
Kailan po ba tayo babalik sa mundo?” seryosong tanong k okay tatay helios
“Malapit
na anak, nalaman mo na ang lahat ng mga kailangan mo malaman” sagot ng tatay ko
saakin
Biglang
dumating si Trence habang naguusap kaming mag ama.
“Kamahalan
aalis na po ba kayo ng Kaspillo?” tanong ni Trence
“Maaring
bukas din Trence” sabi ni Tatay Helios
“Ganun
po ba? Maari po ba ako sumama sa inyo” paalam ni Trence
“Bakit
anong gagawin mo sa Earth?”
“Gusto
ko lang po mabantayan si Joseph, baka pumalpak po yan eh”
“bakit
hindi ba maayos na natutunan ni Lucas ang mga kailangan nyang malaman?”
“Natutunan
naman po, pero po gusto ko lang mabantayan baka kailanganin nya pa ako sa mga
iba pang pwede nya pang malaman” sagot ni Trence
“Edi
sige, mag ayos ka ng mga gamit mo, at bukas ay aalis tayo” sagot ng tatay ko
“Salamat
po kamahalan, salamat po” matuwang sabi ni Trence. Paalis na si Trence at
hinabol ko sya para makausap
“Bakit
ka sasama samin? Crush mo ko no?” pabirong sabi k okay Trence
“Oo!
Bakit? Gusto kitang bantayan eh” sagot nya sakin. Agad naman akong napangiti sa
sinabi nyang iyon pero, sa bawat beses na nangingiti ako kay Trence ay lagi
kong naiisip si Eros, na sa wakas ay makakamusta ko na siya, pagkauwi naming sa
mundo bukas. Iniisip ko rin kung sasabihin ko ba kay Trence na may mahal akong
iba? Na si Eros ay napangankuan ko na babalikan ko sya? OO sobrang gwapo ni
Trence. Sobrang bait, sobrang maalalahanin, pero mahal ko si Eros eh.
Natulog
na ako para narin makaipon ng lakas dahil narin sa pagod sa pag eensayo buong
araw, hindi ko alam kung naiisip ko yung nagnyari kanina, yung muntik na
magdikit yung mga labi naming ni Trence, ewan! Bakit nga ba iniisip ko yun?
Shet! Hindi ko alam, basta alam ko, sobrang bait sakin ni Trence, hindi ko kaya
ipagpalit yung nararamdaman ko para kay Eros, kasi siya yung nagiging
inspirasyon ko para pagbutihan yung kung ano man yung ginagawa ko ngayon, siya
yung lagi kong iniisip, at iniisip ko, isang araw, tutulungan ko din ulet sya,
katulad nung pagtulong ko sakanya nung mga bata pa kami, hindi ko alam kung
alam nya ang tungkol sa nanay nya, na Grospe ang nanay nya, pero kahit ako sa
sarili ko hindi ko alam kung Grospe nga ba sya, pero sa mga sinabi sakin ni
Mama Sohpia, lahat ng mga katangian ng isang grospe ay nasa nanay nya, pero
bakit nasa puder nya si Eros, walang kapangyarihan si Eros, walang mga
katangian ng isang grospe, hindi sya maaring maging isang grospe. Habang
tahimik akong nagiisip ay bigla naming pumasok si Trence sa kwartong
tinutuluyan ko
“Ahhh,
Joseph,.. ahm.. nakapag ayos kana ba? …ng mga gamit mo? Handa ka na ba bukas?”
natatarantang tanong ni Trence sakin
“Sandali
lang, bakit ba pag kinakausap mo ko nanginginig yang boses mo ha?” nagtatakang
tanong ko sakanya
“Wala!
Nahihiya lang kasi ako, ano ba naman ako, isang tagapagturo lang ng mahika, ano
ka ba? Ikaw lang naman yung huling tagapagligtas ng mga Kaspyan!” sabi nya
sakin
“Eh
ano naman? Eh ikaw lang naman ang tumitingala sakin ng ganyan. Ako sa sarili
ko, isa lang akong normal na kaspyan” sagot ko sakanya
“Eh
kahit na!” sagot nya sakin
“Shhhhh!
Walang kahit na! ako si Joseph, kahit na Lucas, kahit ano, kaibigan mo ko
Trence, hindi mo dapat ako tinitingala ng ganyan, oo ako nga ang tagapagligtas,
pero hindi ko pinagmamalaki sainyo yun, kasi sa sarili ko isa lang ako sa inyo,
tagapagligtas nyo, kaya nga andito ako diba? Tsaka thank you nga pala Trence
ah?” pasalamat ko sakanya
“Bakit
ka nagte-Thank you?” tanong nya sakin
“Dahil
paano ko kayo maililigtas kung hindi mo tinuro sakin na makontol ko sila Altas
at yung iba pa diba?”
“Nyek!
Hindi mo kailangan magpasalamat, trabaho ko yun! Ikaw! Thank you kasi hindi mo
tinalikuran lahat ng mga Kaspyan”
“Haha,
di mo nadin kailangan magpasalamat, iyun naman ang tungkulin ko” sagot ko
sakanya
Nakangiti
lang sya at nagpaalam na sakin para makatulog na sya at makapagpahinga.
“Trence?”
tawag ko sakanya
“Baket?”
tanong nya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama ko at lumapit ako sakanya at
hinawakan ko sya sa mga balikat nya “Bakit?” tanong nyang muli. Hindi ko alam
basta ang ginawa ko lang ay hinatak ko sya papalapit saakin at idinikit ko ang
mga labi ko sa sakanya, at dahan dahan ko ipinikit ang mga mata ko, at hindi
naman ako nabigo, he kissed me back, sobrang sarap humalik ni Trence, nawala
ako sa mundo ng mga ilang Segundo hanggang sinarado nya ang pinto at nung
nagbalak na syang itaas ang suot kong damit ay pinigilan ko sya
“Oh
Trence, sobra na yan! Yan lang muna kaya kong ibigay bilang pasasalamat” sabi
ko sakanya
Agad
naman syang tumigil sa pagtaas ng damit ko at agad din syang nagpaumanhin sa
ginawa nya “Sorry ulet, pero salamat pinagbigyan mo ko this time” sabi nya
habang nakatitig sa mga mata ko at nakangiti saakin. “Oo nga pala, I was not
testing you kanina nung tinititigan kita, tinitigan kita kasi sobrang gwapo mo,
kasi gusto ko Makita kung ano yung gustong sabihin ng mga mata mo sakin” sabi
pa nya, hindi ko alam kung tama pa ban a hinalikan ko sya, ngayong nasa tamang
pagiisip ako, bumalik sa isipan ko si Eros, at halos pagsisihan ko na nagpakita
pa ako ng kahit kaunting motibo kay Trence “Joseph, I like you” sabi nya habang
nakatitig padin saaking mga mata. Hindi ko pa din alam kung ano ang isasagot ko
sakanya, ang ginawa ko nalang ay ibahin ang usapan para nadin makapagpahinga na
ako at pukpukin yung ulo ko sa katangahang ginawa ko sakanya
“Ahhhm,
Trence, maaga pa tayo aalis bukas, tulog na!” sabi ko sakanya
“Ahhh,
oo nga pala, sige Joseph goodnight, thank you ulet” sabi nya sakin habang
patalikod sya at naglakad sya papalayo sa akin, sa huling beses ng gabing iyun,
tumingin sya papalikod at binigyan ako ng isa pang matamis na ngiti na tila
nagpapaalam saakin.
Paghiga
ko sa kama ko ay halos mabaliw ako kakaisip kung ano bang katangahan yung
ginawa ko kanina nung hinalikan ko si Trence, feeling ko, I’m being unfair to
Eros, he’s waiting for me to come back, tapos ako, dito, nagpapakatanga at
parang nahuhulog na sa isang taong ilang oras ko palang nakikilala, pero parang
ang tagal ko na kilala si Trence, basta, mahirap ipaliwanag.
Nakatulog
na ako kakaisip sa mga gumugulo saakin at naghangad na lang ng isang magandang
umaga pag ka gising ko
Pag
silip ng araw ay agad akong tumayo sa hinihigaan ko at kinuskos ang mga
mapupungay kong mata at naghanda na para sa pagbalik naming ni Tatay Heios at
ni Trence sa Earth. Maya maya ay tinawag na ako ng itay para tanungin kong
handa na ba ako
“Lucas
anak? Handa ka na ba?” Tanong ng tatay ko saakin
“Opo,
nakahanda na po lahat” sagot ko sakanya
“Sige,
mayamaya ay aalis na tayo” sabi niya
Maya
maya lamang ay umalis na kaming tatlo nila itay sakay ang kakaibang sasakyan
pangkalawakan na ginamit din naming papunta dito sa Kaspillo, habang nasa
biyahe kami ay nakatingin saakin si Trence saakin
“Bakit
ka nanaman nakatingin Trence?” pabulong kong sabi sakanya para hindi kami
marinig ni tatay Helios
“Wala
lang!” sagot nya
“Hmmm
papapansin ka nanaman” pabiro kong hirit
“Hindi
ah! Hehehe, ang cute cute mo kasi” sabay pisil nya samay kaliwang pisngi ko
“Mukha
mo!” makulit kong sagot sakanya
Ilang
oras na rin ang nakalipas at nasisilayan ko na ang mundong kinalakihan ko, ang
Earth, nasilayan ko palang ito ay agad ko ng naisip si Eros, kamusta na kaya
sya. Paglapag na sinasakyan naming sa komunidad ng mga Kaspyan ay agad na
nakaabang ang aking ina sa labas
“Lucas,
anak” sabay niyakap ako ni Mama at kitang kita ang tuwa nya na nakabalik na ako
sa mundo kung saan ako lumaki at nasanay
“Helios”
sabi nito ng Makita ang aking ama na apat na taon na nawalay sakanya, niyakapa
nya si tatay helios at tuwang tuwa ako ng Makita ko ang pagmamahalan ng mga
tunay kong magulang, bigla ko tuloy naalala si Mama Asya at si Daddy Elison,
lalo ding lumakas ang loob ko na ipagtanggol ang iba pang taong guguluhin ng
mga Grospe.
Agad
kong kinuha ang cellphone at pinadalhan ko ng mensahe si Eros
“Kamusta
na kaya si Eros? Hmmm 1 buwan ko sya hindi nakita, kamusta na kaya yung mahal
ko” sabi ko sa isang text sakanya
Buong
araw ako naghihintay sa sagot ni Eros, ngunit wala! Kahit isang blank message
wala akong narecieve mula sakanya, bakit ganun! Bago ba yung number nya? Parang
hindi naman kasi tinatawgan ko nag riring ang number nya, pero hindi nya
sinasagot, inisip ko na siguro ay busy sya, baka bukas ay magrereply na sya
saakin
“Anak…
ANAAKK!!” sigaw ng Mama Sophia saakin
“Bakit
po?” taranta kong sagot
“May
mga Grospe na nanggugulo sa siyudad” sabi ni Mama
“Akon
a bahal dyan!” matapang kong sagot
Agad
akong nadhanda at tumakbo papalabas ng bahay namin, kinuha ko ang bato ng Luna
na laging nasa isa sa mga bulsa ko at sumigaw
“Bato
ng Luna! Balutin mo ako ng iyong kapangyarihan” sigaw ko sa hangin, bigla
nanamang umilaw ang buong katawan ko at ang kasunod nito ay pagsilay ko sa
weirdong costume ko! At least kumikinang yung maskara, hahaha, ako si Super
Luna, Jologs man ang pangalan, gwapo naman pag tinignan, oye! May bago akong
tagline! Agad ko din namang tinawagan si Galdium, ang kaibigan kong agila, sa
lahat naman kasi ng kapangyarihan, ang paglipad pa ang ipinagkait saakin,
kaya’t si Galdium ang magiging tagapaghatid ko sa mga laban ko
“Mula
sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita
saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Galdium” sigaw ko, sumipol ang malakas
na hangin, nabalot ako ng kulay berdeng hangin, lumabas ang berdeng liwanag na
nagmula sa kalangitan, ang mga hangin na bumabalot saakin ay tumungo pataas,
sabay ang paglabas ni Galdium, ang pinakatusong agilang kaibigan ko.
“Kaibigan
dalin mo ako sa siyudad, hanapin mo ang nanggulong Grospe” utos k okay Galdium
“Opo
Master” sagot ni Galdium
Lumipad
kami sa himpapawid patungo sa siyudad kung saan nandoon ang Grospe. Pagkadating
namin ay agad kong nakita ang isang umaapoy na nilalang na nakalutang sa
hangin, halos sunugin na nito ang buong Maynila
“Hoy!
Sinong nagpahintulot sa’yong mag babato ng apoy dito ha?” sigaw ko sa Grospe
“Sino
ka ba ha?” sagot nya sakin “Ang pangit ng suot mo” dagdag pa nya
Alam
ko na panget ang costume na suot ko pero pati ba naman sya sasabihin pa iyun.
Agad kong naisip si Krishia, ang aking kaibigang sirena! At pati na rin si
Ertia, malaking tulong din ang buhangin naisip ko para sa pagtupok ng apoy!
“Mula
sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita
saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Krishia, lumabas ka rin Ertia”
Pagdating
ni Krishia at Ertia ay agad ko naman silang inutusan para magpaulan ng tubig at
lupa para malabanan ang sunog na bumabalot sa buong siyudad.
Umulan
ng malakas at gaya ng inaasahan ko, hindi nakatagal ang lokong apoy na Grospe
na iyun, napangiti ako dahil nanalo ako sa pinakauna kong pagtatanggol sa mga
tao
“Sabi
ko naman sa’yo adik! Don’t play with fire” sabi ko
Natapos
ang araw ko ng maayos, pinarangalan ako ng mga Kaspyan dahil sa pagkakawagi ko
laban sa apoy na grospe. Ngunit hindi masaya ang araw ko lalo na’t wala man
lang akong balita kay Eros, sobrang miss ko na sya, anon a kayang ginagawa nya.
Yun lang ang natirang tanong sa aking sarili.
Habang
nagdidiwang ang iba ay nakita ko si Trence sa isang tabi ng lugar, nakatunganga
at mukhang malungkot
“Trence?
Okay ka lang ba?” tanong ko
“Oo
naman! Masaya ako para sa’yo! Good job on your first fight Joseph” sabi nya
“Salamat
Trence, hehe, hindi ko naman mapapalabas yang sila Altas, Galdium, Krishia
tsaka si Ertia kung di din sayo eh” pasasalamat kong sabi
“Nyek!
Sabi ko naman sayo trabaho ko yun” sabi nya pabalik saakin
“Kahit
na, salamat parin” sabi ko habang nakangiti ang mga labi at mata ko
“Joseph,
I might be too fast, pero, wala iyun talaga eh, Mahal na kita Joseph” sabi nya
saakin. Natulala lang ako sa sinabi nya, syempre gulat, ay hindi pala,
unexpected na ganun kabilis madevelop ang lahat, hindi ako makasagot sa sinabi
nya kaya’t natahimik ako bigla. “Assuming na kung assuming Joseph, alam ko na
kahit papaano, pwede pa ko sumiksik dyan oh” sabay hawak nya sa kailwang dibdib
ko at tinuro ang puso ko
Hindi
ko parin alam kung papaano ko sasabihin sakanya na hindi! Hindi pwede, kasi may
mahal akong iba, kasi naman ako tong si tanga, hinalikan ko pa, nginingiti
ngitian ko pa, ayan nag assume si Magic teacher ko, patay tayo dyan, yun lang
naisip ko. Huminga nalang ako ng malalim at kumuha ng lakas sa kung saan man
ako makakakuha sabay tunmingin ako diretso sa mga mata nya at tinangal ko ang
kamay nya sa dibdib ko at hinawakan koi to ng mahigpit para masabi ko ang
kailangan ko’ng sabihin
“Trence
listen, and sana maintindihan mo” sabi ko sakanya
“Diba!
May space pa naman dyan? Para sakin? Para satin?” maluha luhang sabi ni Trence
“Trence….
…I’m
sorry, as much as I want to tell you that we’re on the same track! I couldn’t,,
because I would be lying, and someone like you don’t deserve lies, dahil
sobrang bait mo, pero I’m sorry… I’m really sorry Trence”
“Tawagin
mo nga si Altas” sabi ni Trence
“Ha?
Baket?” seryoso kong tanong
“Papasunog
na ako, para hindi ko na maramdaman yung sakit” sabi pa nya.
EEEEEEEEEEEMMMOOO!! Sa isip isip ko lang, bakit di nalang sya maglaslas, sabay
itinaas nya ang ulo nya at ngumiti “haha, joke lang, naiintindihan kita” sabi
nya “Tsaka, kung saan ka man masaya, masaya narin ako para sa’yo” dagdag nya
pa.. awwwww! Na touch naman ako sa sinabi nyang yun.
At
simula nung araw na iyun, naging normal nalang kaming magkaibigan ni Trence,
may mga dumaan din naman akong mga laban na lahat naman ay natalo ko hanggang
dumating ang isang laban na hindi ko inaasan ang kinalabasan, isang malakas na
Grospe ang nakaharap ko, si Kalion. Tinawagan ko na si Krishia, Altas at
Galdium, ngunit ni isa sa kanila ay hindi gumalaw, bakit? Tanong ko sa sarili
ko.
Maging
si Kalion ay may sariling elemento sa mga palad nya, 4 na elemento rin katulad
ng saakin, ang kaibahan nga lang, ang sakanya ay hiyelo, kuryente, apoy at
hangin, 2 ang ipinagkaiba nya sa mga elemntong hawak ko
“Galdium,
Altas, Krishia, gumalaw kayo” sigaw ko sa tatlo kong ka alyado, pero wala parin
hindi parin sila gumagalaw, wala akong nagawa kung hindi tawagin si Ertia, ang
huling elementong natitira saakin.
“Mula
sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita
saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Ertia”
Pagkalabas
ni Ertia ay agad ko syang inutusan na gawin ang kanyang makakaya para talunin
si Kalion
“Hindi
po maari Master” sabi nya
“Bakit?”
tanong ko
“Siya
po si Master Kalion, ang tagapagligtas ng mga kaspyan” ha? HA? Tama ba yung
narinig ko nay un? Tagapagligtas ng Kaspyan? Nahihibang na ba ako sa mga
naririnig ko? Akala ko ako ang tagapagligtas, ang itinakda? Sino si Kalion
“Pero alam ko po kung anong gagawin sakanya Master” sagot ni Ertia
May
mga maliliit na “waves na lumabas mula kay Ertia at agad naman itong tumama kay
Kalion, nagtakip ito ng tainga na para bang nabibingi sa ginagawa ni Ertia,
nakatigil lang ako sa taas ni Gladium at nagtataka parin sa sinabi ni Ertia
kanina, maya maya pa ay nagulat ako ng biglang may itim na parang kaluluwa na lumabas
mula kay Kalion at mabilis syang bumulusok pababa sa lupa mula sa pagkakalutang
nya sa hangin.
“Master,
kuhanin nyo po ang katawan nya, dalin po natin sya sa mga Kaspyan” sabi ni
Ertia, ako? Eto ako na nagtataka parin kung sino ba itong si Kalion na ito, na
halos patayin na ako kanina, ay dadalin pa rin namin sa mga Kaspyan
Pagdating
namin sa Kampo ng Kaspyan at gulat na tumingin saakin ang mga Kaspyan at parang
nakakita ng multo ng Makita akong pasan pasan si Kalion
“Anaaak”
sigaw ni Mama ko
“Po?”
sagot ko
Nagulat
ako ng tumakbo si Mama at hindi saakin tumungo at sa nakapasang kalaban sa
likod ko. Lalong lumaki ang duda ko na isa nga syang katulad namin, at ang mas
malupet, ano kaya ako? Pekeng tagapagligtas? Ako daw ang nakatakda, pero sino
itong si Kalion. Ewan! EWAAAAAN
Lahat
ay naging klasro saakin pagkatapos ipaliwanag saakin ang katotohonan… Si
Kalion, ay aking kapatid, na matagal nawala, huli syang nakita na naghahanap ng
kasagutan sa tanong na
“Ano
ang makakatapos ng sumpa ng mga Grospe?”, muli ulit akong naguluhan sa
ipinaliwanag saakin ng mga Kaspyan, maging sila ay hindi nila alam ang sagot sa
mga huling salita ng kapatid ko bago ito lumisan para maglakbay at alamin ang
katotohanan. Ipinakita saakin ng aking ina ang sulat na iniwan ni Kalion bago
sya lumisan at agad ko naman binuksan ang sulat dahil nagaabang ako kung ano
ang laman nito
Ma,
Pa,
Pasensya
na po kung aalis ako ng pansamantala, may kaliangan po ako alamin, kailangan ko
malaman kung papaano ko maisasagip ang mga Grospe sa sumpang natatamasan nila,
ayon sa isang matandang nakausap ko pagkatapos ng laban ko sa isang Grospe ay
kinausap ako at sinabi nyang hindi ko dapat patayin ang mga tinatawag nating
Grospe, hindi sila masasama, mga normal silang tao na biniktima ng itim na mahika,
walang Grospe Ma at Pa Wala!
At
iyun ang mga huling sinabi ng kapatid ko, hindi pa man din malinaw saakin ang
lahat, gusto ko man siyang kausapin tungkol dito, ay hindi maari kasi hanggang
ngayon sy hindi parin sya nagkakaroon ng malay. Mga Normal na tao ang mga
Grospe? Na nasa ilalim ng isang sumpa? Anong sumpa? At bakit? Ngunit nung
paglisan nya ay ipinatuloy parin ng mga Kaspyan ang buhay nila, na puno ng
takot, dahil ang itinakda ay hindi na muling nagpakita, hanggang sa ang hindi
inaasahan ay dumating, nabuntis nanaman ang aking ina na dapat ay hindi na
nangyari, kasi isang beses lang mabuntis ang isang Kaspyan, at isa lamang ang
ipapangak nila, at sa estado ng aking Ina, ang tagapagbantay, magmumula ang
itinakda na maglitas sa lahi ng mga Kaspyan, na si Kalion, ang aking kapatid,
ngunit ng nawala sya ay misteryo nga na nabuntis ulit ang aking ina, na hinala
ng mga Kaspyan ay regalo ng Hari ng mga Kaspyan lalo na’t nawala na ang unang
tagapagligtas.
Ang
aking kapatid ang nagmamayari ng unang apat na element ng mga Kaspyan, at
masasabi kong mas malakas parin ang mga elementong nasasaakin, ang pangalawang
grupo ng mga elemento, akala ko ba apat lang ang element ng Kaspyan?
Dyan
ako nagkamali, kasi nung nawala ang apat na elemento ng mga Kaspyan ay agad
binigyan ng Hari ang komunidad ng bagong elemento at bagong mga Kaspyan na alam
ang lahat tungkol sa mga elemento na ito, at iyun nga, iniluwal ako, ang
nakatakda, daw? Ewan basta ngayon ay gulong gulo ako.
Bakit
ng Makita ako ng bantay sa Kaspillo ay sinabi nya na “Totoo pala na may
makakapag control sa apat na elemento ng Kaspyan” kung una na itong nakontrol
ng kapatid ko
At
si Trence, bakit hindi din sya makapaniwala na totoo ang apat na elemento, kung
meron ng nauna pang apat
Ang
sagot? Kasi sila ang mga bagong ipinadala ng Hari na alam lahat tungkol sa mga
elementong sila Altas, Krishia, Ertia at Galdium. Wala silang alam kina Frio,
Electrica, Heat at Wendy, o sa apat na unang elemento ng mga Kaspyan.
Wala
akong magawa ngunit habang nakikipaglaban sa mga Grospe ay isipin ko nga na
hindi sila masamang tao, na may sumpa lang, pero hindi padin mawala sa isip ko
ang ginawa nila sa mga magulang ko na umampon saakin. Hindi ko sila mapapatawad
sa ginawa nila.
Dumating
ang isang araw na bumago sa buong pagkatao ko.
Bumago
kay Lucas, kay Joseph, sa mga iniisip ko at sumagot sa lahat ng mga tanong ko
Agad
ibinalita saakin na ang pinakamalakas na sandata ng mga Grospe ay ipinadala
para patayin ang mga tao at isunod ang mga katulad naming kaya’t agad akong
tumungo sa para mapigilan ko ang kahangalan ng Grospeng iyun at pagdating ko ay
ibang aura ang naramdaman ko mula sa isang itim na Grospe na naka maskara at
nagbabato ng itim na lumiliyab na bola patungo sa siyudad
“Hoy!
Sino ka para sirain ang magandang siyudad na ito” sigaw ko sa Grospe
“Haha!
Ikaw pala Super Luna, ako nga pala si Dark G. at dyan ka nalang manood ka
habang unti unting lalamunin ng dilim ang buong mundo” sabi nya
“Hindi
ako papayag”
Agad
na humarap sya saakin at hindi ipinagpatuloy ang pagsira sa siyudad, agad nyang
itinaas ang kaliwang kamay nya at parang biglang humigop ng lakas sa kung saan.
Isang
malaking itim na bola ang lumabas sa mga kamay niya, wala akong nagawa kung
hindi titigan lang ang malaking bilog na itim na hawag ni Dark G. at alam ko na
kahit anong oras ay bibitawan na nya at ibabato patungo saakin. Agad kong
tinawag ang kaibigan kong si Galdium
“Mula
sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita
saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Galdium” sigaw ako, sumipol ang malakas
na hangin, nabalot ako ng kulay berdeng hangin, lumabas ang berdeng liwanag na
nagmula sa kalangitan, ang mga hangin na bumabalot saakin ay tumungo pataas,
sabay ang paglabas ni Galdium, ang pinakatusong agilang kaibigan ko.
“Galdium”
sigaw ko sakanya, agad syang lumapit patungo saakin at agad akong sumakay
sakanya nung nakalapit na sya, umangat ako sa himpapawid para narin mapantayan
ko kung gaano kataas si Dark G., “Galdium, ilayo mo ang bolang itim, gamitin mo
ang kaibigan mong hangin” sigaw ko
Agad
na ibinuka ni Galdium ang mga pakpak nya at ipinagaspas ito, sobrang lakas ng
hangin ang naibigay ni Galdium patungo kay Dark G. ngunit parang hindi ito
sapat para mailayo ang bolang itim at tanggalin sa mga kamay ni dark G.
Binitawan
ni Dark G. ang itim na bola at patungo ito saakin, agad kong inutusan si
Galdium na lakasan pa ang pagaspas para matangay ang malaking bola papalayo,
ngunit parang wala itong magawa, wala akong maisip na ibang paraan para
maitaboy ito, ang nagawa ko lamang ay patigilin si Galdium at lumpipad kami
papalayo para maiwasan ang pagtama ng bola sa akin. Mabilis na lumipad ang bola
papalapit saamin kaya’t inutusan ko nalang si Galdium na lumipad papatas
“Galdium,
tumaas tayo, iwasan mo ang itim na bola” utos ko sakanya
Mabilis
na lumipad si Galdium papataas para maiwasan naming ang paparating na panganib,
sobrang bilis nya pataas, mahigpit akong humawak sakanya, mabilis din naming
lumapit saamin ang bolang itim, sabay ng pagtaas ni Galdium ay paglapit din sa
amin nito.
Sige
taas pa, kaunti nalang, sige pa Galdium, iyun lang ang naiisip ko, hanggang
halos makadikit na saamin ang malaking bola, napatigil si Galdium sa paglipad,
natamaan sya sa may ilalim na bahagi nya, ang lakas ng pagkakatama sakanya
kaya’t pati ako ay napabitaw sa pagkakahawak ko ng mahigpit sa kanya, nahuhulog
ako mula sa ere, mabilis na mabilis, hindi ko alam kung paano ko isasalba ang
sarili ko, sa sobrang lakas ng hangin na kinakalaban ko ay natanggal ang
natatanging pangtago ko sa iniingatan kong pagkatao, sa iniingatan kong
pangalan, natanggal sa pagkakasuot ng aking maskara. Pero hindi ko na naisip
iyun, tinawag ko si Galdium para tulungan ako sa pagkakahulog ko mula sa
kaitaasan.
“Galdium!!!!”
sigaw ko. Papalapit na ako sa lupa, ng biglang may sumalo sa akin at tinangay
ako sa kanyang likuran, si Galdium sugatan, at kahit sa huling pagkakataon, ay
isinagip nya pa rin ang buhay ko, sumadsad kami sa lupa at kitang kita ko na
hirap na hirap na si Galdium
Tumawa
ng malakas si Dark G. na halos rinig sa buong syudad, mabilis syang lumipad
patungo sa kung saan nakahandusay ako at si Galdium at parang may itim nanaman
na bola syang binubo samay mga kamay nya, papalapit saamin habang humahalakhak
ng malakas, hindi ko alam kung anon a ang gagawin ko, tumayo ako at nagisip ng
maari kong gawin pagkalapit nya, nagulat nalang ako na ng malapit na sya ay
bigla syang napahinto at parang nakakita ng multo nung Makita nya kami ni
Galdium ng malapit, unti unting lumiit ang binuo nyang itim na bola sa kamay
nya at parang bigla syang nanghina, inisip ko kung ano ang ginawa ni Galdium, o
kapangyarihan ko din ba yun? Hindi ko alam, basta nagulat ako na parang
nanghina sya at bigla syang tumalikod at mabilis na lumipad papalayo.
“Hindi
pwedeng takasan nya lang tayo ng ganito” sambit ko, tinignan ko kung kaya pa ni
Galdium lumipad para masundan ko si Dark G.
“Galdium,
kaibigan kaya pa ba?” tanong ko
“Opo,
Master, para sainyo po” sagot ng tusong kaibigan kong agila, agad akong sumakay
sa likod nya at parang sing bilis ng ilaw lumpiad si Galdium patungo sa tinahak
na daan ni Dark G. na parang wala syang sugat. Mabilis, nakita ko na malapit na
sa amin si Dark G. kaya’t inutusan kong ipagaspas ang mga pakpak ni Galdium
para matangay ng hangin pababa si Dark G. Sobarng lakas ng hangin na nanggaing
sa mga pagaspas ng pakpak ni Galdium, tumama ang malakas na hangin sa kalaban
kaya’t patuloy ito sa pagkawala sa balanse nya at hindi nalabanan ng hangin,
hanggang tuluyan na siyang bumagsak sa lupa
“Galdium,
sundan mo ang binagsakan niya” utos kong muli kay Galdium
Pagkadating
ko ay nakahandusay sa damuhan si Dark G. walang pakialam habang papalapit ako
sakanya kasama si Galdium.
“Eto,
eto ang tanggapin mo, hayop ka!” sa sobrang galit ko, may mga apoy na lumabas
sa mga kamay ko at ihahagis ko na ito patungo sakanya ng bigla syang nagsalita
“Sandali
lang… Wag” sabi nya saakin
Hindi
ko alam kung bakit natigilan din ako sa gagawin ko sana, bigla nalang na
sinunod ko ang sinabi ng kalaban, napahinto ako sandali at napatitig lang sa nakahiga
sa damuhang si Dark G.
“Wag,
Joseph, wag!”
Nagulat
lalo ako na alam nya pala ang pangalan ko. Bakit?
“Sino
ka? At paano mo nalaman ang pangalan ko” sigaw ko sa nagmamakaawa nang si Dark
G.
Agad
naman akong tumungo sa nakahilatang katawan nya at hinawakan ko ang dawalang
kamay nya at tumingin ako sa mga mata nya.
SHIT!.
Hindi ako nakapaniwala sa mga nakita ko. Alam na alam ko ang nagmamay ari ng
mga matang iyon
Hindi
pwede.
Hindi
nya kayang gawin to
Hindi
sya ito
Hindi
sya mananakit ng ibang tao
Hindi
ganito ang pagkakakilala ko sakanya
Hindi
ganito si Eros
Tumulo
bigla ang luha ko habang unti unti kong tinatanggal ang maskara na nakaharang
sa muka nya, at ng Makita ko sya, hindi ko alam kung bakit kahit halos mamatay
na ako kanina ay nagawa ko parin syang yakapin
“Eros!”
sambit ko. Hindi sya nagsasalita hanggang sa inilapit ko ang mga labi ko
sakanya at hinalikan ko sya.
“I
miss you Joseph, I miss you” sabi nya saakin.
Unti
unting natanggal ang mga itim nakabalot sa katawan ni Eros, may mga parang itim
na kaluluwa na lumipad sa langit, at nagmula sa iba’t ibang bahagi ng siyudad.
Iyo na nga ba ang pagtatapos ng sumpa? Paano? Hindi ko alam kung papaano ko
nagawa. Basta sana nga tapos na
At
sana mabuhay na kami ni Eros ng tahimik…
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment