By: Dalisay
Blog:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail:
angelpaulhilary28@yahoo.com
[11]
"This is all
your fault!"
"Ako pa ngayon
ang sinisi mo? Ang kapal ng mukha mo."
"Ikaw ang
sumuntok kay Monty."
"Na isang
aksidente. Kung hindi ka sumugod sa akin hindi ihaharang ni Monty ang sarili
niya. Ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko."
"Self-defense my
ass! Umalis ka na rito at baka kung anong magawa ko sa'yo."
"I'm not going
anywhere. Besides, hindi ba at hindi mo naman talaga mahal si Monty?"
"Anong alam mo
sa nararamdaman ko?"
"Alam ko ang
utos ng frat sa'yo."
"Akala ko ba
hindi ka makiki-alam sa mga activities ng frat?"
"Hindi ko
kasalanan kung madaldal ang frat-master niyo at iginagalang niya ang posisyon
ng tatay ko."
"Huh, always the
daddy's boy. Grow up Ronnie."
"Tell that to
yourself Orlando. Hanggang kailan ka makikipagpaligsahan sa akin? Kailan mo
tatapusin ang kahibangan mong ito? Pati si Monty idinadamay mo."
"Hindi ko siya
idinadamay. Kung magsalita ka parang ako lang ang nakikipagkumpitensiya dito.
Hindi ba at ikaw ang nang-agaw ng girlfriend ko dati?"
"Matagal ko ng
ipinaliwanag sa'yo ang tungkol diyan. Paulit-ulit ka na lang. Let Monty go.
Hindi siya dapat makulong sa pag-ibig na hindi mo kayang ibalik."
"At ikaw ang
makakapagbigay nun? Huwag mo akong patawanin. Akin si Monty. Ikaw ang humanap
ng para sa'yo."
"Si Monty ang
para sa akin. Ayaw mo lang pakawalan. Don't let him out of your sight. Kasi
kapag nakalingat ka, aagawin ko siya sa'yo!"
"So inaamin mo
ng mang-aagaw ka mahal kong pinsan?"
"Again, hindi
sa'yo si Monty. Pakawalan mo na siya."
"Never."
Nananakit ang ulong
dumilat si Monty. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puting kisame, puting
dingding, at amoy antiseptic ang buong paligid. Mukhang nasa clinic siya.
Babangon sana siya ng sumigid ang kirot sa kanyang kaliwang pisngi.
"A-aray!"
Naalala niyang
nasuntok nga pala siya ni Ronnie. Sa sobrang kaba niya na magpang-abot ito at
si Orly ay hindi na niya naisip na pwede siyang masaktan sa gagawin. Nasapo
niya ang makirot na pisngi. Siguradong nangingitim na iyon ngayon. Tiningnan
niya ang relos. Alas-singko na pala. Hindi na siya nakapunta sa mga klase niya.
Hinanap niya ang
gamit at nakitang nasa isang upuan iyon. Pinilit niyang tumayo at humakbang
patungo sa mga gamit. Hustong pagkakipkip niya ng mga libro ay siyang pagbukas
ng pintuan ng clinic at pumasok ang nurse kasunod si Orly at si Jordan.
"Gising ka na
pala. Pwede ka ring lumabas dahil wala ka namang malaking pinsala. Basta next
time, huwag haharang sa away ha." nakangiting paalala ng nurse sa kanya.
"Opo."
Tumingin siya sa
dalawa, especially kay Orly. Nang bago siya magising ay nanaginip siya ng mga
pag-uusap. Naririnig niya ang pangalan ni Ronnie, ng nobyo at sa kanya.
Nagtatalo ang mga ito habang tulog siya. Ang hindi niya maintindihan ay parang
totoo ang lahat ng narinig niya. Kahit anong tanggi ng puso niya ay ayaw itong
sang-ayunan ng kanyang isip.
"Okay ka lang
ba?" tanong ni Jordan ng makalapit sa kanya. Marahang sinipat ang kanyang
nasaktang pisngi.
Tumango siya. Nanakit
na naman ang sulok ng mata niya. Mukhang ang resulta ng pagkakasapak sa kanya
ay mauuwi sa maganda. Okay na sila ni Jordan. Na-miss na niya ang kaibigan
niya.
"I'm okay
friend."
"Good. Kung
bakit kasi humaharang-harang ka pa sa away nila, tingnan mo tuloy ang nangyari
sa'yo."
Natawa siya sa ginawi
ng kaibigan. Napakataray talaga nito at kahit siya ay hindi pinaliligtas. But
that's what he love about his friend. Walang hang-ups. Walang pagpapanggap.
What you see is what you get.
"Hay naku
friend. Wala ka talagang kupas."
Napatigil naman ito
sa pagtalak. Nangingiting tumingin sa kanya saka siya niyakap.
"Na-miss kita
friend. I'm sorry for not understanding you." nahihiyang sabi nito.
"Sorry rin
friend. Nasampal kita." apologetic din niyang sabi.
"Keri lang teh.
Huwag na nating pag-usapan yun. Nakapag-usap na rin naman kami nito ni
Dyamante." sabay turo kay Orly.
Parang nanikip ang
dibdib niya sa pagkakatinging iyon ng kasintahan sa kanya. Kasintahan. Isang
napakasarap sa pakiramdam na salita. Pero parang may piping bulong ang hangin
sa kanya upang salungatin ang anumang masasayang bagay na nararamdaman niya.
Pinili niyang gawing blangko ang mukha ng anumang emosyon.
"H-hi... Kamusta
ka na Pet?" nag-aalangang bati ni Orly sa kanya.
"Hindi
okay." tapat niyang sabi.
"Masakit pa ba
ang pisngi mo?" Bumilis ang pintig ng puso niya pagkarinig ng mapanganib
nitong tono at ang kalakip na pag-aalala doon. Hindi niya akalaing ganoon pa
rin ang epekto nito sa kanya. But they have to talk.
"I'll live Orly.
Pasa lang ito. But I think we have to talk."
Biglang nalito ang
ekspresyon na nakaguhit sa mukha nito. Siya naman, sa isang banda, ay
inihahanda na ang sarili sa maaaring kahinatnan ng gagawin.
Hindi mapakali si
Orly ng mga sandaling iyon. May mali sa pakikitungo sa kanya ni Monty sa kanya.
Napakalamig ng tingin nito. Walang emosyon. At kinakabahan siya.
Kanina, ng makita
niyang tinamaan ito ni Ronnie ay talaga namang nagwala siya. Napigilan lang
siya ng mga tao at ng sigaw ni Jordan na nawalan ng malay si Monty. Agad nila
itong itinakbo sa clinic. Nagtalo pa sila roon ni Ronnie. Natigil lang sila ng
ipatawag na sila sa discipline room. Pinagkasundo lang sila at hindi masyadong
pinagalitan. Kapwa kasi nagdo-donate sa SBU ang mga magulang nila ng pinsan.
Anong kaba niya ng
makitang nakahandusay si Monty. Kahit pala anong gawin niyang kasamaan dito
para lang layuan siya ay hindi niya kayang makita na nasasaktan ito. Halos
liparin niya ang clinic habang buhat-buhat ito kanina. Binibulyawan niya rin
ang mga nakahrang na estudyante sa daan.
Tama naman si Ronnie.
Ito ang totoong may gusto kay Monty. Tagilid ang tawag niya sa sexual
preference nito. Anong galit niya dito ng agawin nito ang first girlfriend
niya. Hindi siya naniniwalang wala itong ginawa para agawin si Samantha sa
kanya, pero ang mas ikinagalit niya ng makitang may kahalikan itong lalaki sa
isang sinehan.
Isinumbong niya ang
pinsan sa parents nito pero siya ang mas nagulat dahil alam pala ng mga ito ang
ginagawa ng anak. Hayaan na lang daw niya si Ronnie dahil ang mahalaga ay
masaya ito sa pagiging bisexual.
Kaya naman ng makita
niya ang pasimple nitong pagtingin-tingin mula sa malayo kay Monty eh naisip
niya ang plano na pwedeng gamitin laban dito.
Sumakto naman, ang
naging utos sa kanya sa frat ay isang malaking excuse para maisagawa niya ang
planong paghihiganti kay Ronnie. Dati rin itong miyembro ng frat pero dahil nga
sa pagiging bisexual nito ay hindi ito masyadong naging aktibo gawa ng palagi
lang itong napapaaway na sinasalo naman ng tatay nito.
Minalas lang na
nadamay si Monty sa lahat ng ito. Kaya naman, sa durasyon ng pagsasama nila ay
sinigurado niyang magiging paborable para rito ang bawat araw na lilipas. He
was even willing to have sex with him para lang makabawi sa pagkakadawit nito
sa awayang iyon.
Besides, hirap man
siyang aminin. He found out that Monty's kisses are quite enjoyable. Bahagya pa
siyang naiilang noong una pero ang ikinagulat niya ay ng mga sumunod na
pagkakataon ay parang normal na lang para sa kanya ang halikan ito.
Hindi man nagtatanong
ang mga ka-team niya sa football ay wala naman din siyang naririnig na
pangangantiyaw sa mga ito tungkol sa pagpatol niya kay Monty. In fact,
tuwang-tuwa pa nga ang mga ito sa nangyayari.
Ang hindi lang niya
inasahan ay ang pagkakahulog ng loob ni Monty sa kanya. Hindi niya inasahan na
ng malaman nito ang tungkol sa frat ay mas ninais pa nitong makasama siya.
Na-guilty na siya doon kaya naman itinigil na niya ang paggamit dito pero ito
ang mapilit. Sinusubukan niyang itanim sa isipan nitong hindi sila pwede. At
least kahit doon man lang ay makabawi siya. Ang akala niya kasi noong una ay
ang totoong dahilan na ng pakikipaglapit niya rito ang nalaman nito.
Nakarating na sila sa
bench kung saan palagi silang nag-uusap. Katulad kanina, blangko pa rin ang
mukha nito. Wala siyang maaninag na emosyon. Nakatitig lang ito sa kanya.
"Orly..."
"Monty..."
Katahimikan.
Papadilim na. Parang nakikisabay pa ang hangin dahil napakalamig ng simoy nito.
Mukhang nagdo-double time ang senses niya sa katahimikang iyon.
"Orly. Totoo ba
ang narinig ko kaninang pag-uusap ninyo ni Ronnie?"
"Pet..."
"Stop calling me
Pet. Saguti mo ang tanong ko." matigas pero salat sa emosyon nitong sabi.
Napabugha siya ng
hangin. "Alin doon?"
"All of it. Are
you cousins? Bakit di mo sinabi sa akin yan? At ano ang tungkol sa pagganti at
kumpitensiya sa inyong dalawa?" mahina pero klarong sambit ni Monty sa
bawat salita.
"Yes. Pinsan ko
siya. At iyong pagganti, totoo rin. But..."
"Spare me the
explanation Orly. Baka paniwalaan lang ulit kita. Alam mo kung gaano ako
nagmahal sayo diba?"
"Pet..."
"Orly stop. Stop
calling me Pet when all along, ako lang nagmamahal sa'yo. Wala akong ginawang
masama sa'yo. Minahal kita Orly." pumiyok ang boses na sambit ni Monty.
Natataranta na naman
siya pagkakita ng mga luha nito.
"Pet don't
cry."
"A-akala ko.
Wala akong hindi kayang gawin p-para sa'yo. P-pero, nagkamali yata ako. Kasi,
kahit anong gawin ko pala. H-hindi mo ako mamahalin. At hindi mo ako kayang
mahalin." tuluyan ng humagulgol na sabi ni Monty.
"Pet.."
sabi niya at akmang lalapit dito ng pigilan siya nito.
"Tama na Orly.
Huwag ka ng lumapit. Baka bigyan ko lang kasi ang sarili ko ng mas marami pang
dahilan para hindi ka bitiwan. Maawa ka naman sa akin."
"Monty..."
"Isang tanong na
lang Orly. H-hindi mo ba talaga ako nagawang mahalin kahit kailan?"
Napayuko siya. Hindi
siya nakasagot. Wala siyang maisagot. Hindi naman kasi patas na magsinungaling
siya rito para lang mapagaan ang kalooban nito. At matalino si Monty, hindi rin
siya paniniwalaan nito.
"I'll take that
as a yes."
Marahas na napaangat
siya ng tingin dito. "Monty naman... Hayaan mo naman akong
magpaliwanag." apela niya.
"No Orly. Tama
na. Naiintindihan ko na. Ang tanga ko. Simula't sapol, ako lang pala talaga ang
nagmamahal sa ating dalawa. Sabagay, may pagdududa na ako nun, hindi ko lang
pinakinggan kasi mahal kita. At ang laki kong tanga para paniwalaan ka. But you
know what?" pinutol muna nito ang pagsasalita at nagpahid ng luhang walang
patid sa pagtulo.
"Monty..."
"You know what
Orly? That punch was an eyeopener. Imagine, kung hindi pa umabot sa pisikalan
ang away ninyo ay hindi ko malalaman ang totoo. That only proves na hindi mo
ako kayang mahalin kasi kaya mong makita na nasasaktan ako."
Suminga ito sa
panyong dala.
"Maybe I should
thank Ronnie instead. Pero hindi. Magsama kayong magpinsan. Parehas kayong
manloloko."
"Pet..."
"Drop the
endearment. Hindi mo na ako Pet simula ngayon. Kasi suko na ako Orly. Hindi ko
na kaya, kaya suko na ako. Isinusuko na kita." sambit ni Monty kasabay ng
malayang pag-agos ng luha sa mata nito na kanina ay halos wala na.
Itinulos siya sa
kinatatayuan niya. Parang may mabigat na bagay na biglang dumagan sa kanya
pagkarinig ng mga salitang iyon. Parang may isang malaking kamay na dumakot at
pumisil sa puso niya. Hindi siya makahinga. At ang paulit-ulit na salitang
umaalingawngaw sa kanyang isipan ay ang huling salita ni Monty.
"Suko na ako
Orly. Isinusuko na kita..."
Itutuloy...
[12]
Walang ganang
nag-inat si Monty ng umagang iyon. Another boring and restless day for him.
Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa eskwela. Noong araw na sumuko na siya
sa pagmamahal kay Orly ay umiiyak siyang umuwi ng bahay. Malas at naroon ang
kanyang Mommy kaya tuloy nalaman nito ang kanyang problema na balak sana niyang
itago sa mga magulang.
"Pumpkin... Are
you awake?" ang tinig ng kanyang ina sa labas kasabay ng mabining katok.
Patamad na tumayo
siya. Akmang aalis na siya ng kama ng bumukas iyon at iluwa ang kanyang inang
si Jean. Patipid siyang ngumiti dito.
"Good Morning
Mom."
Ginulo nito ang buhok
niya. "Good Morning pumpkin."
Sumandig siya dibdib
nito habang hinahaplos ang kanyang buhok. "How about we do shopping
today?" sabi nito sa kanya.
"Mom? Aren't you
going to ask me to go to school instead?" amused niyang tanong.
"I've already
talked to your Dean and Professors. Alam nilang may pinagdadaanan ka ngayon.
Why, your break-up with Orly is quite a news. May nakaalam mula sa school
publication about it at naisama nila sa blind item section. But we have done
something about it already." nakangiting sabi nito.
"You did
what?" he said vehemently. Bigla siyang napalayo dito.
"Oh some damage
control lang pumpkin." his mother only smiled to his sudden outburst.
Nahahapong sumandal
siya sa headboard ng kama. Now he's an instant star na naman sa buong SBU. Damn
those whoe belong to the publication. Siguradong kapag pumasok siya ay magiging
tampulan na naman siya ng usapan.
"Why did you do
that Mommy? Hindi naman na po kailangan iyon."
"Pumpkin, I'm a
mother. It's my job to protect you at all cost. Don't you ever doubt
that." sabi nito sabay tapik sa pisngi niya.
Napabugha siya ng
hangin at eksaheradong nag-rolyo ng mata. "Whatever Mom."
"Tumayo ka na
diyan. Your father's waiting for you. Nakahanda na ang breakfast."
"Susunod na ako
Mommy."
"Bilisan mo
pumpkin. We'll go shopping afterwards."
Nang maiwan siya ay
binuksan niya ang stereo. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng marinig ang
awitin na biglang pumalit sa naunang tugtog.
The first time ever I
saw your face
I thought the sun
rose in your eyes
And the moon and
stars were the gifts you gave
To the dark and the
empty skies, my love,
To the dark and the
empty skies.
He shivered. Katulad
ng sa kanta, he thought that the sun sets and shines in Orly's eyes. And that
he was the empty sky slowly being showered by his light.
The first time ever I
kissed your mouth
And felt your heart
beat close to mine
Like the trembling
heart of a captive bird
That was there at my
command, my love
That was there at my
command.
Their first kiss felt
like heaven. He thought he already died and was sent to a blissful eternity. He
felt his tears stung his eyes. Ang realization na talagang wala na sila ni Orly
ay unti-unti ng pumapasok. Siya ang nagdesisyon nun pero bakit feeling niya
hindi siya masaya?
Gaga! Sabi ni Rubi.
Ang bahagi ng isip niya na kontra sa pagmamahalan nila ni Orly.
Tama. Gaga siya. For
the first time, sumang-ayon siya sa talipandas na isip niya. Tama lang ang
ginawa niya kasi mas masasaktan lang siya kung nagpatuloy pa siya sa
pakikiharap dito. Ilang araw ng walang charge ang cellphone niya dahil hindi
iyon tinantanan ng tawag ni Orly. Maging si Ronnie nakikigulo pa. Kung ang
ibang bakla ay matutuwa na pinag-aagawan siya ng dalawang gwapong lalaki ay
hindi siya. In fact, he's willing to bargain everything just so he could turn
back time.
And the first time
ever I lay with you
I felt your heart so
close to mine
And I knew our joy
would fill the earth
And last till the end
of time my love
It would last till
the end of time my love
He thought wrong.
Walang happy-ending sa kanila ni Orly. Dahil hindi totoo ang sinasabi ng tibok
ng puso nito sa kanya. Katulad ng mga sinasabi nito dati. Kaya nga ngayon ay
naroroon siya sa estadong iyon.
Pumasok siya ng banyo
at dumiretso na ng ligo. Sa daloy ng tubig sa kanyang mukha pababa sa kanyang
katawan ay parang tubig din na rumagasa sa ala-ala niya ang narinig na
kumprontasyon na noong una ay inakala niya lang na isang panaginip.
Maybe he was lucid
dreaming by that time. Epekto siguro ng suntok na sadya namang napakalakas. At
ang lahat ng naririnig niya isang totoong kaganapan and somehow his dreams
collaborated with reality to probably end his fantasy with Orly. Ang hayop
naman na si Orly ay umamin agad.
Sinubukan niya lang
kung totoo. Sinunod niya lang ang gut feeling niya. And he's glad that he did.
Kahit masakit, dapat niyang tanggapin na naging kasangkapan lang siya para sa
isang maling paghihiganti.
Nang makapagbihis ay
bumaba siya at sumabay sa mga magulang na kanina pa naghihintay. Masuyo siyang
binati ng ama na sa anumang kadahilanan ay mas nagalit pa kaysa sa Mommy niya
ng malaman ang nangyari. Binalak pa nitong sugurin si Orly sa bahay. Napigilan
lang ito ng ina. Hindi niya maiwasang mangiti sa naalala.
Feeling floor-length
naman ang buhok ng bruha! Si Rubi na naman. Ipinilig na lang niya ang ulo para
mawala ito.
"Mukhang masaya
ang gising ng baby ko?" ang kanyang ama.
"Daddy. Let's
just say I woke up at the right side of the bed." pakwela niya.
"I'm glad you're
quite okay na baby. Kasi kung hindi pa ay susugurin ko talaga ang bahay ng mga
Diamond." nakangiti ito pero ang mata ay nagbabanta ng katotohanan sa
sinabi.
Napailing na lang
siya. "Dad, I agreed to go shopping with Mommy kaya huwag mo ng ituloy
yang plano mo. Beside's he's not so worth it."
"Of course baby.
Of course. So where are you planning to go shopping?"
"Anywhere Dad.
As long as it can help me to stop thinking too much."
"How about we go
to Manila? Matagal na rin tayong di nakakalayo dito sa San Bartolome."
anang Mommy niya.
"Good idea
sweetie." ang kanyang ama sabay kindat sa ina.
Lihim naman nainggit
sa nakita. Naalala niya na naman ang ka-sweetan ni Orly. "Mom, Dad? Stop
it please?"
Kaswal namang
pumormal ang mga magulang. Naiiling naman siyang nagpatuloy sa pagkain.
Naglalakad siya sa
park ng subdivision nila ng hapong iyon ng biglang may humagip sa kanyang
baywang at isakay siya sa motorsiklo. Hindi agad siya makakilos dahil
nagalalang baka mahulog siya kahit pa kilala na niya ang dumagit sa kanya.
Huminto naman sila sa
isang ssecluded na area ng parke. Saka lang siya maayos na binitiwan nito.
"What's your
problem Ronnie?" galit na galit na sabi niya.
"I'm sorry. I
just want us to talk."
Napipilan naman siya
ng makita ang may pasa nitong mukha. Naninilaw na ang bahaging iyon tanda ng
papagaling na. Buti sa kanya ay hindi naging ganoon ang hitsura.
"What happened
to your face?"
"I
slipped."
"Habit mo na
bang magsinungaling?" inis na tanong niya.
"Are you okay?
Kamusta na ang pisngi mo?" masuyo nitong hinaplos ang pisngi niyang
aksidenteng nasuntok nito.
Bigla siyang nailang
sa ginawa nito. Ang sweetness ni Ronnie ay hindi nagmaliw. Kahit pa noong una,
anuman ang gawin niya rito ay hindi ito naging masama sa kanya. Pero kapag
naaalala niya na inilihim nito ang katotohanang magpinsan ito at si Orly ay
nagagalit siya talaga.
Tinabig niya ang kamay
nito at bahagyang na-guilty ng makita ang sakit na dumaan sa mga mata nito.
Pero kailangan niyang magpakatatag. Kung hindi niya gagawin iyon, malamang ay
lokohin na naman siya ng mga nasa paligid niya.
"Don't play
sweet with me Ronnie. Anong kailangan mo sa akin?" mataray niyang sabi.
"I know I've
already said I love you Monty, pero gusto kong ulitin iyon. I love you at sana,
ako na lang ang mahalin mo. Promise I won't make you cry."
Monty was stunned
with Ronnie's declaration. Akala niya noong una ay niloloko lang siya nito.
Pinaglalaruan. But with those pleading eyes at sa karakas nito, nunca na
uulit-ulitin nito ang mga salitang iyon sa kanya kung hindi totoo iyon.
"Mahal na mahal
kita Monty. Hindi ko alam kung bakit? I mean, maraming iba diyan. Mas okay
kaysa sa'yo. Mas nakahihigit sa'yo. Pero sa'yo lang ako nagkakaganito."
desperado na nitong sabi.
"Ha? So anong
ibig mong sabihin? Dapat pa akong magpasalamat na nagkagusto ka sa akin? Kung
ganon naman pala na marami diyan na mas higit sa akin at mas okay bakit hindi
ka sa kanila mangulit? Nang sa ganun din hindi ako nadadamay sa away niyong
magpinsan!" humihingal pa siya pagkatapos ng dire-diretso niyang talak.
"That's just the
point. Hindi sila ikaw!" sigaw rin nito na ikinatigil niya.
"Don't you get
it? Kung sa tingin mo ay pwede kong ibaling sa iba ang pagtingin ko ay bakit ko
pahihirapan ang sarili ko sa kakahabol sa'yo. At isa pa. Sorry kung nadamay ka
sa galit sa akin ni Orlando. Kasalanan ko lahat ng iyon. Alam niya kasing may
gusto ako sa'yo."
Lalo siyang
natigilan. Alam ni Orly na may gusto sa kanya si Ronnie kaya nito ginawa iyon?
Kaya siya idinamay. Ano ba si Ronnie? Bading rin? Naguguluhan ang bangs niya sa
pangyayari.
"A-are you
gay?"
"I don't
know." sagot nito sa kanya.
"What do you
mean you don't know Ronnie?"
"I don't know
means I don't know. Maybe I'm gay kasi nagkakagusto ako sa kapwa lalaki kahit
pa marami na rin akong nakarelasyon na babae. Some call me bisexual but I'm not
really into labels Monty. Ang mahalaga, kung mahal ko, mahal ko. That
simple."
Nalulula pa rin siya
sa mga natutuklasan. May ganoon pala talaga. Mga AC-DC ang tawag nila ni Jordan
doon. Never niyang na-imagine si Ronnie as bisexual kasi napaka-manly nito.
Nalilitong tumingin siya dito.
"I don't know
what to say Ronnie. The fact still remain that you deceived me. I trusted you
like a friend. Even if I didn't know you at all." confused niyang sabi.
"Ang mga taong
nagkakaroon ng ugnayan ay nagsisimula sa pagiging estranghero. But since you
asked, I'm Ronnie Alfonso, and for starter, I am attracted to you. Can you be
mine?" sabay lahad nito ng kamay.
Napamaang na naman
siya dito. "Are you for real? Kakabreak ko lang sa pinsan mo!"
"Eh ano naman
ngayon? Mas matagal naman na kitang minamahal at totoo kitang mahal Monty.
Please say yes!"
"Ewan ko!
Nililito mo ako! Tell me this is all just a joke! A big joke!" halos
hysterical niyang sabi.
"I wish I was
joking too. Para hindi na ako nahihirapan ng ganito. Ayoko ng nakikiusap Monty
pero tinuruan mo ako nun. Hindi mo lang alam. Ang dami mong naituro sa akin ng
wala kang kaalam-alam." madamdaming pahayag na naman nito.
"Bakit ba kasi
pa ako ang minahal mo?" naloloka na niyang tanong.
Okray ka na teh.
Maarte? Si Rubi.
"Shut up!"
Hindi niya sinasadyang nasabi.
Nangunot ang noo ni
Ronnie pero di nagtanong. "O bakit ka nakatahimik diyan?" puna niya.
"You told me to
shut up."
"No, not
you."
"Ah okay. I
already told you Monty. Hindi ko kailangan ng rason para mahalin ang isang
tao."
Naalala niyang iyon ng
ang sagot nito sa kanya noon sa floating restaurant. Magsasalita pa sana siya
ng biglang may lumabas na lalaki mula sa likuran ng motor. Naka-bike ito. At
dahil nakatalikod si Ronnie ay hindi nito napansin agad iyon. May kinuhang kung
ano ang lalaki at nalaman niyang camera iyon.
"Oh shit!"
anang nabiglang si Ronnie.
"Diyan ka lang
Monty. Babalikan kita. Kukunin ko lang iyong camera ng hayup na yun."
mabilis nitong sabi saka pinaandar agad ang motor.
"Hey Ronnie
wait!" usok at ugong na lang ang naiwan sa kanya.
Nayayamot na nagkamot
siya ng ulo at naupo sa isang bench. Mabuti at malilim doon. Napatingala siya
at pumikit ng bahagyang masilaw. Nasa ganoong posisyon siya ng maramdamang may
sumakop sa kanyang labi.
Hindi niya kailangang
magmulat ng mata para malaman kung sino iyon. Kilala na iyon ng puso niya.
Kilalang-kilala.
Itutuloy...
[Finale]
It was a soft yet
very warm kiss. At ang init na nagmumula sa labi nito ay tumutupok at gumagawa
ng landas sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Monty found himself kissing the
stranger back. The man groaned and ended the kiss abruptly. Hindi agad siya
nagdilat ng mata. Ninamnam niya ang sarap na dulot ng mga labing iyon. Kahit
man lang sa huling pagkakataon.
"Pet..."
Napangiti siya sa
endearment na iyon. Sinasabi na nga ba niya. It was Orly. The man who dared
kiss him even if it was in broad daylight. He could also smell him. Tinatalo ng
amoy nito ang sariwang samyo ng hangin. Banayad ang dampi ng natural nitong
halimuyak. He really smelled like the woods and of mists.
"Pet... are you
okay?"
Monty hummed his
answer. Still with his eyes closed he reached for the face above him. He could
feel Orly's heat. He breathed to his palm. Gumapang ang init sa kanyang katawan
at nagtapos iyon sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Natakot na naman siyang
magdialt ng mata.
Ayaw niyang magbukas
ng mga mata sa takot na traydorin siya ng puso. Sa takot na hindi mapaglabanan ang
sariling damdamin. Aminado naman siya, pagdating sa lalaking ito, He would defy
heaven and earth. Not even gravity can withstand his will. Ganoon niya ito
kamahal.
"Pet..."
marahang yugyog nito sa kanya.
"I'm okay
Orly." he whispered softly.
He could feel his
ragged breathing. The intensity of their nearness was almost intolerable.
Ngali-ngaling tawirin niya ang pagitan ng kanilang mga mukha para pagbigyan
ulit ang sarili sa isa pang halik. One last kiss and he would face his demons.
Para makawala na rin sila ng tuluyan sa larong pinasok nila. Yes, it was all
but games. The games that they played really well.
"Kiss me Orly,
and then we will talk." he commanded to man above him. Hindi naman siya
nagdalawang-salita dahil sumunod agad ito. Kung may makakakita sa kanila
ngayon, siguradong ma-i-eskandalo. Pero wala siyang pakialam. It was what he
wanted at the moment and he was definitely getting it.
Orly's kisses somehow
felt different than before. He could feel passion. Pain. Need. Para bang
nanghihingi ng mas marubdob pang pagtugon. Gustong magwala ng kalooban niya at
haklitin ito sa batok pero mas dumiin ang paghalik nito pero hindi niya ginawa.
Hindi dahil sa ayaw niya. Kundi, baka hindi na siya bumitaw at ganoon na lang
ang gawin nila maghapon. Subalit, ang hindi niya nakayang gawin ay siyang
ginawa ni Orly. Itinigil nito ang paghalik sa kanya na nagpadilat sa mga mata
niya.
"W-why?"
nalilitong tanong niya. Tila nananakit ang batok nitong lumigid para magkaharap
sila.
Now that Orly was in
front of him. He could see clearly why he loved him so much. His heart only
belonged to him. And not even a thousand of Ronnies can make him have a change
of heart. Ganoon yata talaga ang pag-ibig. Pagdating sa taong mahal mo, hindi ka
marunong kumilala ng rason. Kahit pa nagdesisyon na siya na lumayo dito, isang
halik lang nito, wala na naman ang sama ng kanyang loob.
"Hep! Hep!
Umaarte ka na naman ng di tama!" Ayan na naman si Rubi, ang kontrabidang
parte ng isip niya.
Unti-unti, nagiging
entity na ito. Natatakot siyang bigla na lang itong sumulpot isang araw at
i-claim ang buong pagkatao niya.
Enough of Rubi. Let's
go back to Orly. Please? (Aba, sumasagot sa author? Shutah ka ah!)
"Kung hindi ko
pipigilan ang sarili ko ay baka kung ano ang magawa ko." His eyes were so
dark with desire.
Napalunok siya.
Desire? He couldn't possibly desire him. After-all he told him that.
"C-cut the
bullshit Orly. You can't mean those words. Remember what you told me the day I
begged to you? Na babae ang talagang gusto mo. Paanong kailangan mong magpigil
ng sarili kung hindi naman ako babae." bitter niyang sabi.
Napabugha ito ng
hangin. "Yeah. I remember saying that. But times have changed Pet. People
change. Thing change. Wala ba akong karapatang magbago ng isip?"
frustrated na sabi nito.
Nanlaki ang mata niya
sa sinabi nito? Was he professing something? Anong ini-insinuate nito?
"Lalaki ka Orly.
Straight for that matter. Babae lang ang may karapatang gamitin ang salitang
pabago-bago ng isip. Ako, bakla ako. Entitled din ako doon kasi... kasi...
well, bakla ako." muntikan na siyang pumiyok sa mga salita niya.
Kinailangan niyang tumingala para pigilan pansamantala ang luha sa pagbagsak.
"Ssshh... Don't
cry Pet." masuyong sabi ni Orly na akmang lalapit sa kanya.
"Huwag kang
lalapit!" Aniyang tinitingnan ito pailalim.
And he stopped. His
eyes showed pain. "Anong pwede kong gawin para maniwala kang gusto na rin
kita?"
"What?"
napatingin siya dito.
"Hindi naman
siguro nakakabingi iyon Pet di ba? Gusto kita." he admitted with that
maddeningly sexy grin.
Napapikit siya ng
mariin saka muling dumilat. It was real. Orly was telling him he liked him.
Monty almost melted and controlled his urge to cross their meter of a distance
and put his arms around Orly's neck and kiss him until he ran out of breath. He
wanted to kick his own ass at the thought.
"Do you think I
can forgive you just like that by saying you like me? Ganoon ba ka-gullible ang
tingin mo sa akin Orly? How dare you!" mas pinanaig niya ang galit sa
sarili. Mas okay iyon. Para di naman siya magmukhang sobrang nakaka-awa.
Orly sighed then
smiled again. Napaparalisa na ang katawan niya kakapukol nito ng mga ngiting
kinabaliwan niya noon. At ogag siya kung di pa siya madadala doon.
"You have
forgiven me already Pet. Sigurado ako dun."
"Huh! You're so
full of yourself Mr. Diamond. Paano ka naman nakasiguro aber?" Monty's
eyes wide and his arms akimbo. He can't believe Orly's cockiness. Parang
siguradong-sigurado na napatawad na niya ito.
"Hindi pa nga
ba?" epal ni Rubi.
"I kissed you a
while ago." Orly said grinning mischievously.
"So?"
"You kissed me
back. Really kissed me back."
Natameme siya. Oo nga
pala. Iyon nga pala ang eksena nila kanina. At sa pagkaalalang iyon ay biglang
nag-init ang pakiramdam niya.
"Inalala mo
no?" tudyo pa nito as if nababasa ang nasa isip niya.
"Eh ano
ngayon?" pilit na pagtataray niya.
"It was just a
kiss Orly. A simple meeting of our lips and tongues. Nothing more. Nothing
less. Besides hindi na kita gusto."
"Sure ka? Kasi
ako, matigas pa rin ako mula sa kiss na iyon." sabi nito sabay tingin sa
ibabang bahagi ng katawan. Napadako rin ang tingin niya doon at laking-gulat
niya ng makitang may malaking bukol nga sa crotch area nito. Napalunok na naman
siya.
"You want to
have a glimpse of it Pet?" malanding sabi ni Orly na nagpabalik sa
katinuan niya.
Umingos siya.
"Nah. I'd rather have Ronnie's."
Nagulat siya ng
inisang hakbang nito ang pagitan nila at mariin siyang hawakan sa braso na
nagpatayo sa kanya. The brown of his eyes were a shade darker because of the
sudden fury.
"N-nasasaktan
ako Orly."
Tila natauhan naman
ito saka siya binitiwan. "I'm sorry." saka ito tumalikod.
"Sorry?"
nahimas niya ang medyo nasaktang braso. "What are you saying sorry for
Orly? Ang tangka mong pananakit sa akin ngayon lang? Ang panloloko niyo sa
aking magpinsan? Ang paggamit mo sa akin laban sa kanya? O ang pagpapaniwala mo
sa aking mahal mo ako kahit hindi totoo? Ano... doon?" tuluyan ng naiyak
na sabi niya.
"Pet..."
"What can your
sorry do Orly?" mapait na sabi niya.
Ang lahat ng sakit na
nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw ay tila dam na nabuksan at walang
patid sa pag-agos. All at once. Lahat ng mga bagay na gusto niyang sabihin na
hindi niya nasabi ng makipaghiwalay siya rito ay tila newsfeed na tuloy-tuloy
at walang humpay na pumapasok sa isip niya.
"I loved you
Orly. To destruction. Ano pa bang pakay mo at bumabalik ka pa?"
Nilingon siya nito.
Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Parang may nagpapahirap din
sa kalooban nito na hindi niya mapaniwalaan. Paano nito nakkuhang umarte na
nasasaktan gayong siya ang ayaw patahimikin nito?
"I only want to
be with you Pet. Iyon lang." malungkot na sabi nito.
"Tell that to
the marines. You asshole!"
"I guess I'll
let that slip."
"What? Ikaw pa
may ganang magalit na minumura ka?"
"If only you
would listen, malalaman mo kung bakit ayaw kitang patahimikin ngayon. Please
Pet. Just let me explain. Kung pagkatapos nun at hindi mo matanggap ang
sasabihin ko, only then I will leave you i peace."
Nabagabag naman siya
sa pagsusumamo nito. Ang sinseridad ay damang-dama niya sa pakiusap na iyon.
He-sighed.
"Okay, explain."
"Thanks."
Lumapit ito at umupo sa bench. Biglang naging nostalgic siya at naalala ang mga
pagkakataon na magkasama sila at nakaupo rin sa bench na naging saksi ng
masasayang araw nila. AY hindi pala ng mga inakala niyang masasayang araw nila
ni Orly.
Pinagpag nito ang
katabing espasyo. "Sit down Pet. Promise, I won't touch you." nagtaas
pa ng kamay ito. "But not if I can't help it." he jokingly added.
Inirapan niya ito.
"Ronnie and I
are cousins. Sa mother side na kaya magkaiba kami ng apelyido. Our Lolo used to
spoil us kaya naman ng lumaki kami, nagkaroon kami ni Ronnie ng silent war. At
iyon ay ang makuha ang undivided attention ni Lolo." panimula ni Orly.
"How
childish!" hindi mapigilang komento ni Monty sa narinig.
Orly chuckled from
his sarcasm. "You bet."
"So what
happened?"
"Nung high
school kami. I had a girlfriend. Dahil payat pa ako nun at si Ronnie ay medyo
on the bulky side, na-attract sa kanya ang girlfriend ko. Nahuli kong
hinahalikan siya nito na nauwi sa suntukan naming magpinsan. Nagpaliwanag siya,
yung girlfriend ko raw ang humahalik at hindi siya tumutugon. He was only too
gentleman para itulak ito palayo. Though he admitted that he enjoyed the
thought of having my girlfriend in his arms. Since then, ginawa ko na ang lahat
ng makakaya ko para sirain siya. But I always fail. Until you came in the
picture."
"But Ronnie said
he's Bisexual. Totoo ba yun?" curious niyang tanong.
"Yes. I caught
him with a man too. Don't you think its too ironic that I always end up
catching him instead of getting even with him? Ilang beses ko ng hinamon yang
si Ronnie, pero hindi pumapatol. Sabagay. I could only give him a decent fight
considering he's a black-belt."
Natawa siyang kaunti.
"Paano akong napasok sa eksena Orly?"
"I caught him
again. Watching you from afar. His eyes were shining habang tinititigan ka sa
play ninyo. Iyong "The Taming of the Shrew."
"From there you
assumed that Ronnie's got the hots for me? Parang ganoon ba?" napangiwi
siya sa sariling kayabangan.
"Conceited
aren't we?"
"Kumpara sa
kayabangan mo Orlando. Magkwento ka na nga lang." he said blushing.
"Well, nalaman
ko na may gusto siya sa'yo ng marinig ko siyang ipinagtatanong kung ano ang
pangalan mo at kung anong kurso mo. You know, the stuff that you do kapag
interesado ka sa isang tao."
"Then?"
"That's when I
decided na kukunin ko ang atensiyon mo. Swerte pa na crush mo ako kaya naging
madali ang lahat."
Naalala niyang bigla
ang sirkumstansiya ng pagkakalapit nila. It really was too good to be true.
"But what about
the frat master's order? Nakapa-conincidental naman nun sa pakay mo."
"Tama ka. I used
that as a tool, para kung sakaling ibi-break na kita ay iyon ang dahilan na
magagamit ko."
Para siyang sinapak
uli sa tuwirang pag-amin nito.
"You're cruel
Mr. Diamond." tanging nasabi niya.
"Yeah."
"What now? Do
you think by admitting all of that ay mapapacify mo ang kalooban ko? And by
saying na gusto mo rin ako? Ganun ba ako ka-estupido sa paningin mo?"
nagiinit na naman ang matang sabi niya.
"No."
"Then why?"
"I was hoping
you'll reconsider Pet. Kahit ako naman ang pahirapan mo."
Natigilan siya.
Ang ganda mo teh.
Ikaw na nga.
"I don't know
what to believe anymore Orly. Aaminin ko. A part of me wants to take your
offer. Pero para saan? Para ma-redeem ko ang sarili ko? No effin' way
Orly."
"I knew you'd
say that." malungkot na sabi nito saka tumayo.
"But for the
record. Ayokong-ayoko na makitang umiiyak ka Monty. Lalo pa at ako ang dahilan
ng pag-iyak mo. I guess ito na ang karma ko sa pangloloko at pangbabalewala ng
pagmamahal mo."
Lumakad na si Orly
palayo sa kanya. Para namang ang bigat-bigat ng kalooban niya sa ginawa nito.
O ngayon may ganyan
kang emote. Kaloka!
Napangiti siya sa
reyalisasyon. Bakit nga ba pinahihirapan pa niya si Orly eh sinabi na nga
nitong gusto na rin siya nito?
With Orly walking
away from him, he felt a strong stab on his chest. Pero wala na siyang
maramdamang sakit. Kasi hawak pa nito ang puso niya. Orly is walking away with
his heart.
"Orlando
Diamond."
He stopped on his
tracks. Naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
"Kung gusto mo
rin ako, bakit ka lumalayo?"
Slowly, Orly turned
to him with anticipation in his brown eyes. Hesitant ang hitsura pero mukhang
punong-puno ng pag-asa. He decided to played with it a little. Aba! Hindi
birong luha ang iniyak niya sa tinamaan ng magaling na ito.
"Does it mean,
gusto mo pa rin ako Pet?"
Monty smiled from the
endearment. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya. Teka? Paano niya
naramdaman iyon kung na kay Orly pa ang puso niya? Weird.
"I don't like
you Orly. I loved you. Pero noon iyon."
Parang pinagsakluban
ng langit at lupa ang hitsura nito sa narinig. Napabugha ito ng malakas.
"Oo nga mahal mo ako noon."
"At hindi ba
tinanong mo ako kanina kung ano ang gusto kong gawin mo para maniwala ako na
gusto mo rin ako?"
Tumango ito.
"What are you
willing to do Orly?"
"Anything. Just
ask me to."
"Then why are
you walking away?"
"Pet..."
Orly sighed helplessly. "I'm walking away kasi hindi ko kayang makita na
parang ayaw mo ng hawakan kita. I'm walking away kasi ayokong marinig na hindi
mo na ako gusto. Na hindi mo na ako mahal. Aaminin ko, nagkamali ako. Pero ng
lumayo ka sa akin, ilang araw pa lang parang mabaliw-baliw na ako. It was only
then na na-realize ko na gusto na pala kita. Itinatanggi ko lang sa sarili ko
kasi, imposible naman na magustuhan din kita kasi parehas tayong lalaki."
Naantig ang puso niya
sa sinabi nito. Pero konti pa. Papakilig muna siya ng husto. Babawi siya.
"Nakalimutan ko bang
sabihin sa'yo? Na kapag ako ang nagustuhan mo, mahirap akong kalimutan."
Napangiti ito ng
mapakla. "Maybe you're right. Kasi the moment na nakipaghiwalay ka, it was
like you took my heart with you."
Napapikit siya sa
narinig. So, nasa kanya ang puso nito. Habang ang kanya ay naririto. Funny how
fate weave its magical thread para paglapitin ulit silang dalawa.
"So Monty, what
do you want me to do?"
"Stay. And never
leave my side again Orly."
"What?"
"You heard
it."
Nagmamadali itong
lumapit sa kanya then took him to his arms and kissed him. A wild and wet kiss.
It was like coming home. He was home, finally.
"Don't ever hurt
me again Orly. Baka hindi ko na kayanin ang kasunod." saka siya humilig sa
dibdib nito.
"I won't. I'll
try my best not to hurt you again. Hindi ko kasi kayang makitang umiiyak ka.
Huwag mo na ring sasabihin na ayaw mo na sa akin, kasi gagawin ko ang lahat ng
kaya kong gawin para ibalik ang damdamin mo sa akin."
Napangiti siya sa
sobrang saya. Yumakap na siya dito ng tuluyan para lang biglang bumitiw ng may
maalala.
"Huwag ka ng
magtangkang lumayo ulit Orlando. Malilintikan ka sa akin."
Orly chuckled.
"Takot ko lang na iwan mo ako. Ako nga ang natatakot kasi hindi ba madali
kayong magsawa?" medyo insecure na sabi nito.
A shadow of smile
crossed his eyes. "Never." "Kung iiwan mo ako ulit Orly ay aalis
na ako ng tuluyan dito sa San Bartolome."
Inilayo siya nito ng
bahagya at tinitigan. "Bakit?"
"Because if I
can't have you I can't be reminded of you all the time dahil mababaliw ako
kakaisip sa'yo. Kailangan kong lumayo para masigurong intact pa ang katinuan
ko."
Bumakas ang
kaligayahan sa mukha nito. Para namang inilipad siya sa alapaap ng makita iyon.
He finally have Orly's heart. Only his for the taking. And for his
heart-warming confession, Monty was rewarded by an equally heart-warming kiss.
isang tikhim ang
nagpatigil sa kanilang halikan at ka-echosan. Nabungaran nila ang nakangiting
si Jordan at ang madilim ang mukhang si Ronnie at isang mukhang anime na
lalaking may hawak na camera at hawak ni Ronnie sa kwelyo.
"Guys!"
masayang sabi niya sa mga ito.
"This is not a
lovers lane!" his friend reflected his own happiness.
"Ngayon lang
naman." natatawang sabi niya.
"I'm happy for
you friend."
"Thanks."
Tumalikod si Ronnie.
Hila-hila pa rina ng lalaking mukhang anime na hawak nito.
"Hey! Stop it
already. Nagkaayos na sila o!" reklamo ng pobre kay Ronnie.
"Magdusa ka!
Kinuhanan mo sila ng litrato ng walang paalam pati ako tapos nilagay mo sa
school paper. That's invasion of privacy." kalmado ang boses ng pinsan ni
Orly.
"Hey! That's my
job. Saka ano bang ginagawa sa camera? Hindi ba at ginagamit para makakuha ng
picture?" pamimilosopo nito.
"Yeah
right." "Hey Orly." tawag nito sa pinsan kahit nakatalikod at huminto
pansamantala sa paglalakad.
"Bakit?"
sagot ng nobyo niya.
"Ingatan mo si
Monty."
"Hindi mo na
kailangang sabihin iyan."
"Ipinapaalala ko
lang." Saka ito nagpatuloy sa paglalakad.
"Ronnie..."
tawag niya rito.
"Yep?"
"Thanks. For
whatever it's worth."
"Yeah."
"And can you
take your hands off me now?" epal ng atribidang lalaking dahilan ng
publicity ng break-up nila ni Orly.
"Hindi pa."
saka ito kinaladkad ulit ni Ronnie.
"Who's that
guy?" tanong niya kay Jordan.
"Si Jay. School
photographer natin. Friend siya ni Friea."
"Ah..." ang
tanging nasabi niya.
"At ngayong ayos
na kayong dalawa, pwede ko bang hiramin muna itong friend ko at may scenes pa
kaming tatapusin para sa Dyosabog?"
"Ay oo nga pala.
Sorry friend. Pati ikaw naabala ng pagkabaliw-baliw ko."
"Okay lang.
Kahit naman ako maaaning kung may dalawang hombreng hunkylicious at papalicious
ang mag-aagawan sa akin. Lumevel-up na ang ganda mo friend."
Natawa silang dalawa
ni Orly sa sinabi nito. Indeed it was a roller-coaster ride. Nakakahilo ang
naging adventure nila. But it's worth it. Lahat ng sakit. Lahat ng pait. Lahat
ng iyon wala na. At ngayon, totoo na silang dalawa ni Orly sa isa't-isa.
"Pwede bang
bukas na lang Jordan?" tanong ni Orly sa kaibigan?
"At bakit
Dyamante?"
"Babawian ko
muna itong isang ito. Siyempre, isang linggo rin kaming hindi nagkita.
Marami-rami itong naipon ko." makahulugan nitong sabi.
"Tse!
Kinu-corrupt mo ang kadalisayan ng isip at pagkatao ko. Humayo na kayo at
magpakahalay!"
"Mismo!"
natatawang sagot ni Orly.
"Siyang tunay
friend." dagdag pa niya.
"Mga
imoral!"
Napuno ng tawanan ang
bahaging iyon ng parke. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Orly at tinahak ang
daan papunta sa bahay ng mga ito. Marami pa silang dadaanang pagsubok pero
kapit-kamay nila iyong susuungin. Sa ngayon, gusto na rin siya ni Orly, okay na
siya doon. gagawan na lang niya ng paraan ang fairytale niya na maging totoong
happy-ending.
A girl can dream so
can he. Walang imposible sa mundong ito kung totoo ka sa sarili mo. Lahat naman
nabuhay sa pangarap. He was only lucky that his dreams came true. At sana yung
piping hiling din ng ilan ay magkatotoo.
He sighed dreamily.
He was the martyr, the stupid and the flirt after all. :)
FIN
No comments:
Post a Comment