Tuesday, January 8, 2013

Fresh Start (6-Finale)

By: K.G. Fadriquella
Facebook: gabifad@yahoo.com
Blog: gabrielfads.blogspot.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[06]
Alam na alam ko kung kaninong kotse yun, alam ko talaga fucking XRH 136, alam ko na sa kanya yun, after 4 months? After 4 months ngayon ko lang ulit sya makikita, and bakit andito sya, ano pakay nya sa Subic? Ang layo ng pinaggalingan nya ah, o baka naman nandito sya para mamili lang ng something, tapos punta sya samin (asa!) basta! Nagulat ako nandun nalang sya. I was waiting na lumabas yung tao na nasa loob ng kotse at laking gulat ko ng nakita ko ang lumabas sa kotse nay un. What? Alam ko kotse ni Arvin yun ah, bakit iba yung lumabas, pagkalayo ng lalaki na papunta sa Lighthouse hotel, agad akong nagpaalam kay Ivan na titignan ko lang yun kotse, and paglapit ko, tumpak! Kay Arvin nga, pero bakit iba yung may gamit? Eh only child si Arvin, parents nya nasa ibang bansa? Hala, sino yung lalaking yun, hindi ko sya nakita ng malapitan kasi medyo malayo and naka shades (imagine gabi naka shades diba? Pero pamilyar, yun lang) hala, pero hindi si Arvin, yun, kahit magiba ng buhok si Arvin, mag salamin, mag makapal na prostetics, kilala ko yung ex-lover ko na yun, kahit kuko o dulo lang ng buhok ipakita mo, kilala ko si Arvin. Basta, basta alam ko na kotse ni Arvin yun



“Ivan, sorry ah, pero can we get out of here?” pakiusap ko sakanya


“Bakit?” tanong nya


“Basta, I’ll tell you later” sabi ko


Nag drive kami palayo ni Ivan sa Baywatch at hindi parin mawala sa isip ko kung bakit nandun yung kotse ni Arvin at hindi naman sya ang nakasakay, eh sino yung lumabas sa kotse nya? Ahhhm some theories were built on my mind that time, siguro bagong BF ni Arvin tapos may binili lang, tapos bumalik din na kotse nya gamit tapos naka check in sila sa lighthouse? O pwede ding barkada lang, o pwedeng pinalit nya sakin na nakigamit ng kotse nya kahit nasa Q.C. sya! Ano? Ano? Puta! I was looking puzzled sa loob ng kotse at alam ko kung ano ang itsura ko habang palingon lingon si Ivan sakin


“Ex mo?” tanong sakin ni Ivan


Huwat!? Ex ko? Bakit? Ano to? Alam mo bi ako? Ganun?


“Huh?” nagtataka kong tanong


“Kung ex mo yung lumabas sa kotse kanina?” tanong nya


“Huh? Bakit mo naman nasabi?” sagot ko “Hindi noh” sagot ko


“Ahhhh, sorry, kala ko lang, sorry talaga” sabi nya


“Hindi okay lang yun” sabi ko “Sa…. Ex ko yung kotse pero yung taong lumabas kanina hindi” sabi ko


“Ahhh, so baka bagong BF ng ex mo” sabi nya


“Shet! Sana hindi” sabi ko


“Bakit naman, ayaw mo maging masaya sya?” tanong ni Ivan


“Hindi naman sa hindi pero, yung totoo, umaasa parin ako, na sabihin nya na ako nalang, ako nalang ulet” pabiro kong hirit


“Adik! One more chance ka pa! pero seriously, umaasa ka pa ba?” tanong nya


“Oo, mahal ko yun eh” sabi ko


“Gago talaga yung pagibig no?” sabi niya


We just decided to go home para dun nalang mag tuloy ng 3 pang natitirang bote, naisip ko na may yelo kami sa bahay, yuck na kasi yung lasa, hindi malamig, kaya pagdating naming sa bahay, sakto din na pagdating ng Mom at Dad ko. Lumabas ako ng kotse at sinalubong sila


“Ma!” tawag k okay Mama ko


“Oh Anak, andito ka na pala! Kagagaling mo lang ng Manila?” tanong ni Mama ko


“Hindi po Ma, galing po SBMA, kasama ko po si Ivan, tropa” sagot ko


“Ahhh, oh sige anak, una na kami sa loob ni Daddy mo, pagod na kasi, matulog na kami ikaw nalang mag lock ng pinto okay?” paalala ni Mama


Andun lang kami sa bahay, nag iinuman, still can’t forget yung nangyari kanina sa may Baywatch, talagang shit ano ba yun. Putangina naman! Habang nagiinuman kami ay lumabas si kuya ko at umupo samay tabi ko at nagpaalam na makipag kwentuhan samin.


“Ano course mo?” tanong ng kuya ko kay Ivan


“Speech pathology po” sagot nito


“Ahhh! San ka nagaaral?” tanong ni kuya PJ


“Sa UP manila po” sagot ni Ivan


“Wow! Sabi ni kuya, iskolar ng bayan din” sabi ni kuya… Oo na sige na si kuya na matalino, UP grad din! Sige na kayo na magkasundo hahaha


“Tahimik ka Gab!” tanong ni kuya sakin


“Wala!” sagot ko


“Si Arvin nanaman?” tanong nya. Napalaki yung dilat ng mata ko sakanya, SHET! Ano? Adik ba sya? Ano iisipin ni Ivan pag narinig nya yun? Ahhhh! Fuck naman!


“Sinong Arvin?” tanong ni Ivan “Ex mo?”


Shet! Puta! Di ako makasagot sakanya, magsisinungaleng ako? Shet!


“Hindi, barkada lang, medyo nagka away lang” sagot ko sakanya


“Ahhh, kala ko pareho pa pangalan ng ex natin” sabi nya


HUUUWAAAT!!!!? Isip ko lang, may Arvin bang pangalan na babae? So ano? Bi ka? Ganun? Shet! Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o mag make-face! Ahhhh! Shet! Hindi nya inisip nab aka straight si kuya ko, na baka anu isipin, basta! Ano bay un


“Ahhh Arvin din ex mo?” tanong ni kuya ko sakanya


“Oo eh, pero John tawag sakanya, John Arvin kasi full name nya, ako lang tumatawag sakanya ng Arvin, para maiba” sabi pa nya


“Buti, kumportable ka sabihin yung mga ganyan” sabi ni kuya ko


“Ahhh, oo naman! Kailangan ko pa ba magtago? Eh masaya naman ako na ganito ako” sagot nya kay kuya


“Parepareho lang pala tayo dito eh” sabi ni kuya ko


“Po? Kayo din po? Pati si Gab?” tanong niya


“Oo! Bakit! Masaya din ako sa ganito eh, ayan si Gab di alam nila Mama, si Arvin! Oo ex nya yun, ayan nag eemo yung tropa mo! Di makalimutan” sabi ni kuya ko


“Sorry Ivan ah” bigla kong angat ng ulo ko at nanghingi ng paumanhin sakanya


“Bakit naman?” sabi ni Ivan


“Kasi hindi ko agad sinabi” sabi ko pa


“Okay lang yun, actually akala ko kahapon nung nakatabi kita sa bus, bi ka nga, pero nung nakasama kita tonight, sabi ko Malabo, pero I’m glad to know pareho pala tayo” sabi nya “At least ngayon, makukwento mo na sakin yung kay Arvin” sabi pa nya


“Wag mo na isipin yun, wag mo din alamin, baka pati ikaw mag emo na!” sagot ko sakanya


“Basta, sabi mo nga diba, madaming nagmamahal sa’yo! Oh! Ayan nadagdagan pa ng isa” sabi nya


PUTA! Hahaha, nawala bigla sa isip ko yung nangyari kanina sa Subic, yung kotse ni Arvin, bigla ako na tulala sa ngiti nya sakin, and sa sinabi nya na nadagdagan yung nagmamahal sakin, oh ayan nanaman ako! Oi! Gab.. umayos ka nga! Wag ka ganyan! Baka halikan mo yan! TAMA NA! pigil! Pigil


“ayyiiiiii!”sabi ni kuya PJ… si kuya ko nang ulol pa! lintek, hindi ko tuloy napigilan ngumiti “ayyyiiii napangiti mo kapatid ko Ivan! Boto na ko sa’yo, wag mo sasaktan yan ah” pabirong sabi ni kuya


“Haha! Hindi po! Barkada ko si Gab, and as a friend, responsibility ko na pangitiin yan, at lagi dapat masaya! Para di ka naiistress” sabi ni Ivan


Pagkatapos ng ilang mga kwentuhan at inuman, nagpaalam na si Ivan at sabing uuwi na sya para makapagpahinga nadin. Awww mamimiss ko sya!, fuck! Habang palabas sya ng gate namin, I can’t help but smile and to say goodbye ng ilang beses, basta! This night was awesome kahit mga side things na nangyari katulad nung kotse ni Arvin, basta at least, alam nya na na bi ako, alam ko na pareho kaming ganun, basta mas comfortable, at specially, alam ko na may pagasa ako! (haha ganun? May balak? May balak) hahahaha


“Ivan!” tawag ko sakanya bago pa sya makasakay sa kotse nya


“Oh?” sabay lingon sa likuran para tignan ako


“Ingat!” isang mala biogesic na paalam ko sakanya “At tsaka thank you sa trip ah, it really made me forget about my problem, sssss” sabay diin ko sa “S” paano, hindi lang isang problema ko yung naisantabi ko kahit papano, madami! Promise, and ibang saya yung ibinigay sakin ni Ivan this night


“No prob. Bye Gab” paalam nya…. Siyet!


Nakatulog na din ako dahil medyo tipsy nadin (mejo lang) at pagod din syempre, galing byahe, tapos gumala pa, tapos naginom pa!


I woke up 11 in the morning, huh? Aga naman, I have 9 messages that day when I woke up, quotes galing sa mga tropa, Gudmorning (ehem special mension si Ivan) at aba! Ang aga rin nagising nito, naunahan pa ako. Pero ang ipinagtataka ko ay ang isang unknown na number ang nagtext and ang mas weird dun is yung laman ng message nya


“Please, let’s meet up exactly 2:00 in the afternoon sa Meat Plus sa Subic, We just need to talk” ang sabi sa message, Shit! Parang alam ko kung sino nagtext nito! Hala! Si Arvin yata! Si Arvin nga ba? Basta, kinakabahan ako pumunta, feeling ko mag breakdown lang ako pag nagkita kami. Naisip ko na magpasama kay Ivan, I just think kailangan ko ng kasama, kung pwede lang si kuya, sasama ko to eh, pero hindi may trabaho pa ang loko. Kaya I texted Ivan kung pwede nya ako samahan ng 2 pm sa meatplus, pero this time ako na magdadala ng ride, hiramin ko nalang yung kay ate ko, para hindi naman nakakahiya kay Ivan. Wala namang tanong tanong na pumayag si Ivan, siguro akala nya mag lunch lang kami, pero hindi ko nalang sinabi sakanya na magkikita kami ni Arvin dun.


PAKSHET! Kinakabahan talaga ako na magkita kami, haha, tapos sobrang kaba ko nato hindi naman pala si Arvin yung nagtext, pero malakas kutob ko na sya talaga yun, yung clues kasi nandyan na lahat, katulad nung kotse nya sa may Subic kagabi, tapos alam ko nagpalait sya ng number after naming mag break kasi hindi ko na macontact yung dati nyang number and basta! Alam ko na sya yung nagtext.


Habang kumakain kami ng luch kasabay ang buong pamilya except kay Kuyaat ate na pumasok sa trabaho, at 2 anak ni ate ko na nasa school. Si CJ, ako, si Mama, si Dade, yung bunsong anak ni ate ay sabay sabay kumakain sa table. Casual lang, kinakamusta ako ni Dade, yung pagaaral, mga normal na tanong.


After eating lunch, iba parin yung kabang nararamdaman ko, iniisip ko kung ano sasbihin ko pag nagkita kami ni Arvin, ano yung gagawin ko, ngingitian ko sya, o seryoso, o ano? Ewan! Fuck! Ala una na and I texted Ivan kung ready na sya, after 5 minutes or so nagreply sya na okay na nga sya.


Sinundo ko sya samay plaza at ewan ko andun parin yung kilig everytime na makikita ko sya kahit kakikita lang namin kaninang madaling araw. His nice smile, ewan! Basta total package. Even just in his plain white fitted shirt, naka fitted na jeans, fitted chucks, haha lahat fitted, parang ako fit na fit sa puso nya. Ahahaha, ilusyon! Wag ganyan, wag ka mag day dream Gab. Naalala mo yung sabi ni Ivan kanina


“Hindi! Gab’s my Friend! And responsibility ko na pangitiin sya!” si kuya ko na nag pupumilit, bandang huli friend lang pala gusto nya! Oh edi friends lang! hindi naman ako naghahangad. O hindi ba? Hahaha


“Gab” bati nya sakin


“Musta?” tanong ko


“Parang hindi nagkita kanina ah” pabiro nyang sabi


“Naglunch ka na ba?” tanong ko


“Hindi pa! mag lunch tayo sa Meat Plus right?” tanong nya


“Eh, actually, nakikipagkita sakin yung ex ko eh” sabi ko


“Si Arvin?” tanong nya


“Oo, ayun feeling ko lang, di ko kaya pag ako mag-isa… sesya ka na naabala ko araw mo ah” paumnhin ko sakanya


“Ahhh edi nice, sige lang, ikaw pa, eh lakas mo sakin!” sabi nya with matching killer smile. Shet! Mag endorse ka nan g toothpaste please! Ang gwapo mo ina mo! Hahaha Shet!


We drove over to Subic and habang nasa byahe, kaba… kaba… kaba…. Walang ibang laman ang dibdib ko kung hindi kaba! Sobrang kaba. Ayan na! malapit na kami…. Malapit na…. ahhhh…. Ahhhh….. hahaha.. parang lalabasan lang! haha… pero as we get closer sa Meat Plus parang gusto ko na ibangga yung kotse para may eksena, joke! Hahaha hindi basta sa sobrang kaba.


Park… ayan… park muna ng kotse at pagkatapos, I was hesitating to go out of the car, ewan basta!


“Uy Gab, tara na!” aya ni Ivan


“Parang ayoko sya Makita” sabi ko sakanya


“Ai! Parang ewan to! Tara na! I got you’re back” sabi pa nya. Awww sweet naman


“Eh basta, kinakabahan lang ako eh” sabi ko sakanya


“O sige, hindi ako sasama sa table nyo babantayan lang kita” sabi niya


“Hindi! I want you to be there, ayoko sya kausapin ng mag-isa, hindi ko kaya” sabi ko sakanya


Lumabas kaming dalawa, dahan dahan akong lumakad papunta sa entrance ng restaurant, habang papalapit ay tinitignan ko na ang mga tao sa loob, and parang hindi ko Makita si Arvin sa loob, o baka kaya hindi ko sya Makita, wala pa! ewan! O dahil kinakabahan ako, nabubulag ako sa mga tunay na dapat nakikita ko. Ay ano ba? Sige bahala na papasok na kami.


As we approach the entrance, napansin ko ang isang lalaking nakatalikod di kalayuan sa entrance ng meat plus, sobrang pamilyar. I know this guy sa isip isip ko. Pero hindi sya si Arvin. O nagkataon na etong lalaking pamilyar sakin ay nandito rin, pero dadating din si Arvin, o basta ewan. Dahan dahan akong lumapit sa lalaking nakatalikod para I check narin kung siya nga yun. Habang papalapit ako ay agad namang lumingon ang lalaki at laking gulat ko kung sino ang nakita ko.


“Ui! Anong ginagawa mo dito?” exited kong bati sakanya


Dadating pa ba si Arvin? O sya lang talaga yung nagtext sakin. Para maklaro. Sige! Let the game begin!



[07]
Shit talaga! I was not expecting to see him here, it’s been almost 2 years? 2 years simula nung iniwan nya ako, hahaha! Basta bigla akong nag hype nung nakita ko sya. Umalis si Andy nung 2nd year college kami, 1st semester, para sumunod sa Mama nya sa U.A.E. and I thought he would be gone forever, but shit! He’s back
“Ikaw ba yung nagtext sakin Andy?” tanong ko sakanya
“Oo, ako yun!” sabi nya
“Ai! Andy! Si Ivan, tropa, Ivan! Si Andy ex ko” pakilala ko sakanilang dalawa
“Ex mo?” tanong ni Ivan
“Ex Bestfriend ko” sabi ko sakanya
“Adik! Iniwan lang kita ex bestfriend mo na ako! Ganun na? nakalimutan mo na lahat?” sabi ni Andy
Ewan sobrang saya ko na makita ko ulet si long lost bestfriend ko, kasi simula nung nagpunta sya ng U.A.E. halos mawalan na kami ng connection, and ito, surprise. Andito na sya bigla. Basta, sobrang saya ko naman! Nabunutan tuloy ako ng tinik sa dibdib, akala ko nga nabunot na until nagpaliwanag si Andy kung bakit nandito sya
“Nga pala, si ex mo” sabi nya
“Ha? Sino?” tanong ko
“Si Arvin! Ayun nagpapatulong nanaman sakin” sabi ni Andy
“Baket?” tanong ko
“Eh nagkita kami sa Trinoma the other day, and ayun nga nabalitaan ko na wala na kayo, tagal na rin ano, eh etong si Mokong naman gusto ka kausapin, kaso nahihiya, kasi daw alam nya masakit yung ginawa nya” sabi ni Andy “He asked me kung pwede ka nya makausap” sabi nya
“Nasaan sya?” tanong ko
“Nandun samay Lighthouse, sa hotel, nag check in muna kami dun kagabi kasi ginabi na nga kami tsaka, hindi pa daw sya ready. Ayun dun muna kami natulog” sabi nya
“Shet! Ikaw din yung nakita ko kagabi na lumabas sa kotse ni Arvin! Kaya pala sabi ko sobrang pamilyar nung likuran mo! Naka shades pa kasi, gabing gabi na” sabi ko
“Adik! Alam mo ba kung saan ako galing nun?” sabi nya “Galing ako sa bahay nyo, I wanted to talk to you, Eh, wala namang sumasagot sa bahay nyo nung tumawag ako, kaya bumalik nalang ako ng Subic” paliwanag nya
“Sorry, andito din kami kagabi, dyan lang samay labas din ng lighthouse, tambay lang” sabi ko
“Ahhhh, sayang, sana nakausap na kita kagabe palang” sabi nya
“Ehh, hindi naman kita nakilala, sana kung nakilala kita, inambahan kita agad ng yakap sa likod”
Nakita ko yung muka ni Ivan pagkasabi ko na inambahan ko sana si Andy ng yakap sa likod. Siguro akala ni loko, may something between us… ayiii, nagseselos sya! Ako naman nangingiti sa reaksyon nya! Aminin mo na kasi Ivan! (haha ayan nanaman ako! Paulet ulet! Unlimited!) Magreregister na nga ako sa SUPERUNLI ASSUMING to 8888 hahahaha
“Haha! Namiss kita Gab” sabi ni Andy sakin. Nakita ko ulet yungreaction sa muka nya na parang nagseselos talaga, whooo! Ayiiii… sige pa Andy punuin mo ng mag walk out. (sama ko) hahaha! Ang cute nya padin magselos, parang mukang okay pero yung muka nya iba talaga. Basta, paano ko alam? Ganyan din ako magselos eh! Hahahaha
“Lalo naman ikaw!” sabi ko kay Andy
Nagkakwentuhan kami ni Andy and okay naman nagkausap din naman sila ni Ivan, hahaha, ngayon Ivan pagsisisihan mo yung alok ni kuya ko kagabi na tinanggihan mo! Hahahaha joke! Sama ko
“Oh! Hindi ba pupunta dito si Arvin?” tanong ko kay Andy
“Ikaw? Kaya mo na ba sya kausapin?” tanong ni Andy sakin
“Wow! Mukang magkakaayos na kayo ni Arvin” sabi ni Ivan
“Sana nga” sabi ko
“We’re not sure, walang sinasabi si Arvin sakin, all he said is, he wants to talk to you” sabi ni Andy
“Papuntahin mo sya dito! I’m ready” sabi ko. Naalala ko tuloy dati, all he was asking for is maging ready ako para maging kami, tapos ngayon ganito na kami, pero para malaman ko narin kung ano talaga gusto nya mangyari, game! Kaya ko to!
“Okay! I’ll just text him” sabi ni Andy
Nag order muna kami ni Ivan habang hinihintay si Arvin, pati din si Andy napakain dahil samin. Promise kung steak ang hanap mo, Meat Plus! Ahhh, the best! Nawala tuloy yung kaba ko naka focus ako sa steak na kinkain ko. Kwentuhan muna kaming tatlo habang kumakain. Hanggang sa sobrang focus ko sa pag-uusap namin na hindi ko napansin na may nagsalita nalang sa likod ko
“Hey!” Fuck! Napashit ako sa utak ko. Ahhhh, nagnhina talaga ako sa boses nya, na hindi ko narinig for 4 months, namimiss ko yung boses nya, sobrang nanghina ako kasi alam ko nasa likod ko lang sya, at dun ko napatunayan na humihinto pala talaga ang mundo kahit mga 5 seconds lang (kontrahin ko yung sinabi ko nung previous chapters) shet! Huminto lahat ng tao, basta nag black and white lahat ng paligid, sobrang pati si Andy at Ivan hindi gumagalaw (schitzo lang pala ako, hahaha OA na tama na), basta sobrang kaba, I wanted to look behind me pero baka hindi ko mapigilan hahalikan ko to! Hahaha, shet! Nakatalikod palang yung puso ko kumakabog na. Ano pa apg nasa harap ko na sya. Ayan na! Fuck!
“Oh Arvin! Eto na si Gab oh” sabi ni Andy
“Ui, namiss kita ah” sabi ko kay Arvin, sobrang sakit na makita ko sya na parang walang nagbago, parang sobrang saya padin. Sobrang gwapo parin, iba, and his half smile habang nakaupo sya sa harap ko, walang pinagbago, Arvin na Arvin ko padin. Fisrt time ko sya nakita sa gate 2 ng FEU, ganung ganun padin. Last time na nakita ko sya is sa Paddis point sa SMB bay by the city sa MOA, wala! Etong gwapo parin na ito yung dahilan kung bakit hindi ako maka move on sa buhay ko. Kung bakit sa Grieving process hindi ko maabot yung acceptance, I’m still stuck on depression.
“You don’t know how much I missed you” sabi nya sakin. SHET! Lalo ako nanghina sa sinabi nya, my tears wanted to fall from my eyes (iyakin) pero pinipigilan ko lang. I’m just glad that he misses me
“Oh? Namiss mo ko? Parang hindi naman” sabi ko sakanya
“Sorry Gab ah, I’m so sorry” sabi nya sakin
Sa sinabi nya pala na yun. Wala nako magawa lalo kung hindi pigilan nalang yung mga luha ko, sniff to death, singhot lang ng singhot, hinga ng malalim, para hindi lumabas, I was looking down, si Ivan at si Andy nakatingin lang saakin. Basta until I got the courage to pull my head up and I looked straight to him para sabihin kung ano yung nararamdaman ko para sakanya. Exact words, alalang alala ko
“Gago! Gago ka!” sabi ko sakanya
“I’m sorry” sabi nya
“Pero mas Gago ako” sabi ko “Kasi hanggang ngayon di padin kita makalimutan” sabi ko sakanya
“Gab!” makaawang sabi nya
“Arvin! Mahal padin kita! Ako naman mag so-sorry ngayon” sabi ko
“I’m so sorry…”
Napuno ako. I don’t want to make a scandal sa meat plus, bago pa ako mag wala, mahinahaon nalang ako lumabas sa Meat plus, walang ingay, walang luha. Papunta ako sa kotse ng marinig ko na may tumatakbo sa likuran ko. Si Ivan na yun sa isip isip ko, uuwi na ako, hindi ko na kaya, wala pang 10 mins. Kami naguusap di ko na kaya.
“Gab! Please” sabi ni Arvin. Akala ko si Ivan yung nasa likuran ko, si Arvin pala yung humabol sakin. Ivan! Nasan kana! Tara na! nakita ko na si Ivan nasa loob parin hindi lumalabas, siguro hinahayaan lang kami para makapagusap kami.
“Ano pa ba? Sorry nanaman? Okay na! para matapos na to! Okay na!” sabi ko sakanya, habang hindi ko na napigilan na umiyak sa harapan nya, ang daming tao sa paligid namin so I opened up the car and pumasok ako pero mabilis syang nakapasok sa front passenger’s seat, I want go out pero he was holding me, and kahit hindi mahigpit yung hawak nya, hindi ko alam, I just can’t resist, nawawalan ako ng lakas.
“Gab! Look at me” sabi nya sakin. Tumingin ako sakanya and he continued talking “Gab naman! Ayoko na ng ganito, ayoko na galit ka sakin, alam mo naman na lahat ng realtionship will come to an end di ba?” sabi nya sakin “pero! PERO!!! Alam mo naman na kahit ano mangyayari andito parin ako para sa’yo” dagdag pa nya. “Kasi paano ko ba makakalimutan yung lalaking una kong naka sex!?? Paano ko ba makakalimutan yung unang lalaking humalik sakin?? at yung lalaking nagpa realize sakin na I’m worth loving… Gab! You’re the best boyfriend in the world, siguro nga you made me realize na I’m woth loving, pero ako? Kung ako yung para sa’yo?, I’m not worth enough, kasi you’re giving too much…. more than I can handle” sabi nya
Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan yunng sarili ko. I pulled his head closer to mine, I kissed him, sobrang namiss ko yung lips nya, for 4 months, eto lang yung inaasam ko, while sniffing, habang yung mga luha ko na lumalabas sa magkabilang mata ko, ramdam na ramdam ko yung mga labi nya, sobrang sarap humalik ni Arvin. Walang pinagbago. WALA! Habang umiiyak, may biglang isang malakas na katok sa bintana ang narinig ko, napahinto ako sa paghalik kay Arvin at gulat na nakita ko si Dade ko na nasa labas ng kotse. Galit na galit ang itsura. SHIT! Puta talaga. No! katatapos lang ng isang problema, eto meron nanaman.
Shit! Si Dade ko, galit na galit, nakita kaming naghahalikan ni Arvin, puta! Ano gagawin ko.
Natapos ang isang problema ko. Eto nanaman! Shit! Pero I’m glad natapos na yung samin ni Arvin. And kahit sa huling beses, I got to kiss him kahit ang ibig sabihin pa ng kiss na yun is Goodbye, wala na akong pakialam, basta ang alam ko ay ayos na kami
Ang susunod kong problemahin dapat ay yung pag uwi ko sa bahay namin. Buti umalis na si Dade sa may kotse, basta ang alam ko galit syang nag drive paalis sa parking lot dun. Shit
Nagpaalam na muna ako kay Andy at Arvin para narin makauwi ako at ayusin kung ano man yung problema ko pa.
“So, ano gagawin mo paguwi mo?” tanong sakin ni Ivan
“Hindi ko din alam, ewan! Bahala na” sagot ko
We drove home para narin makauwi na ako. Shit kinakabahan ako umuwi samin. And I’m sure alam na ni mama yun, sinumbong na ako ni Dade ko. HInatid ko muna si Ivan sa bahay nila at ako eto. Harapin kung ano man ang kailangan harapin. Pagdating ko sa bahay, nandun na yung kotse ni Dade, Shet! Andyan na sya. Act normal, pero kinakabahan. Pagkababa ko ng kotse, mukang tahimik naman sa bahay. So tahimik naman akong pumasok at pagpasok ko, nandun si Mama at si Dade, nasa dining table, naguusap. Tumingin sakin si Mama, wala akong nakitang galit sa muka nya, pero kabaliktaran yung nakita ko sa muka ni Dade, punong puno ng galit, sobrang galit, hindi napigilan ni Dade na tumayo at lumapit sa akin, Hinablot yung T-shirt ko at inambahan ako ng suntok
“Ano ha? Nahawa ka na dyan kay Kuya mo? Ha!!!????” sigaw ni Dade sakin
Walang nagawa si Mama, kung hindi umupo lang at tumingin sa salamin ng lamesa.
“Hindi po, Dade, eto po yung gusto ko Dade, Masaya po ako dito!” sagot ko
“Bakla na yung kapatid mo! Ikaw din! BAKLA KA? Mga putangina nyo, mga binabae kayo” sagot ni Dade
Hindi ko napigilan ang emosyon ko, tinulak ko si Dade para bitawan nya ako
“Eh ano naman! Ha!!??? Bakla ako?? Eh ano! Sinusunod ko lahat ng gusto nyo! Etong lintek na Nursing na ‘to, gusto ko ba yan? Ha ‘De? Gusto ko ba yan pero ginagawa ko yan para sundin ko kayo!” sagot ko sakanya
“Wala kang utang na loob” sabi nya sakin
“Kung wala! Sana matagal na ako nagloko sa school! Matagal na ko nawala sa Manila, pero ‘De 4th year na ako, isang sem sem nalang, graduate na ako. Iyun ba yung suwail? Walang utang na loob?” sagot ko
“Tarantado ka! wag mo ko sasagot sagutin ng ganyan ah” sabi ni Dade ko
Hindi ko tuloy napigilan magmura at nakapagmura ako sa harap nila “Shit! Tangina! Ayoko na ‘De! Ayoko na! Sana naman kahit ganito ako maintindihan nyo ako! Ginagawa ko lahat ng gusto nyo! Eto! Eto nalang yung ginagawa ko para sumaya ako! Ganito pa!?” sagot ko
“Putangina mo! Wag mo kami mumura murahin” sabi nya
“Wala akong minura ‘De! Wala!!!”
Wala akong nagawa, walk out (dyan naman ako magaling eh) Di ko mapigilan yung emosyon ko. Sumakay ako ng kotse ni Ate ko. At nag drive ako kung saan man ako dalhin ng manibelang hawak ko.
Ang naiisip ko lang, kailangan ko muna lumayo, kailangan yung hindi nila ako makikita. Kung saan pwede ako mag-isip. Kung saan pwede ko ilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko…

Itutuloy...


[08]
Chapter 8 (A New World)


Buti nalang hindi ko pa nalabas yung mga gamit ko galing Manila, buti nahablot ko pa bago ako lumabas ng bahay namin. Basta nagiisip ako kung san ba ako pwedeng pumunta. Syempre una kong maiisip si Ivan, kasi malapit sya. Pero sabi ko, madali nila ako makikita dun. Saan? Saan ako pupunta? Ahhhhhh!

Nasa Olongapo na ako ng bigla kong naisip si Tita Anita sa Bataan. Shiyet! Oo nga pala, pag pumunta ako dun hindi nila sasabihin na nandun ako. Kasi kung sa bahay namin sa Bataan ako pupunta sigurado susumbong ako nung madaldal na caretaker ng bahay naming dun. At least meron na ako mapupuntahan.

After an hour nakarating din ako sa Bataan at kinakabahan ako sa gagawin ko. Pero mabait naman si Tita Anita ko, kaya sigurado she won’t let me down katulad ng Rexona!. Wow pagdating ko sa harap ng bahay nila, wala paring kakupas kupas, Donya talaga sa Bataan, hehehe. Ang laki ng bahay nila, pero dadalawa yung kwarto, para sakanya at sa pinsan kong nasa Qatar na si Anna.

Sinalubong naman ako ni Tita ko at bumati sakin ng masigla

“Gabi! Napadalaw ka yata?” sabi ni Tita

“Oo nga po Tita, kasi ano eh….. hehe, medyo ano po…. Kasi…” sagot ko

“Oo! Alam ko, nasabi na sakin ni Mama mo, and sabi nya nga kung ditto ka daw tutuloy, eh wag na kita paalisin, wag ka daw mag alala, hindi nya daw sasabihin kay Daddy mo” Sabin i Tita

Wow! Gulat ako nun na alam na pala ni Tita yung nangyari, ang bilis talaga ni Mama ko. Pero ibig lang sabihin nito naiintindihan ako ni Mama, siguro din hindi nya na ako pinigilan kanina, alam nya naman na wala akong katarantaduhang gagawin, mabait naman ako ah, pero it’s nice to know na suportado naman pala ako ni Mama kahit papaano.

Gulat ako na may isang napakagandang babae na lumabas sa pintuan nila TIta, and parang pamilyar sakin. Holy Shit! Hahaha si Anna, ang pinakamaganda kong pinsan sa lahat. Shet at umuwi pala ang pinsan ko na ito dahil nag hiwalay sila ng asawa nya sa sa Qatar, at ang mas malupet, ayaw ibigay sakanya yung anak nila. Kawawa naman si Pinsan ko. Ang ganda ni Anna, ngayon napatunayan ko tuloy na bi lang talaga ako. Hahahaha ganda sarap tirahin. Joke! Hahahaha, pinsan ko yan para tuloy akong tanga nun.

“Insan, Balita? Gwapo mo ngayon ah” sabi ni Anna sakin

“Hala ka insan, mag salamin ka nga lumalabo yata mata mo” sagot ko. Awww. Gwapo daw ako. Ganyan naman talaga pag kapamilya, angatan lang ng iba pang kapamilya. Hahaha

“no Joke Insan, paano nung huli kita nakita totoy na totoy ka pa!” sabi nya

“Eh paano, papakasal ka dun pa sa Qatar! Edi hindi tuloy kami nakapunta!” sagot ko saanya

“Nako Insan wag mo na nga ipaalala yun at baka iyaan kita ng bongga dito” sabi nya… “Oo nga pala? Bakit nga pala nag away kayo ni Tito Art?” tanong nya

“Ahhhh… yan naman yung wag mo tanungin. Ako naman yung iiyak sayo!” pabiro kong sagot sakanya

Nagkamustahan lang kaming dalawa ng pinsan ko ng biglang dumating si Tita ko galing kusina para bigyan ako ng juice.

“Oh Eto Gabi oh uminom ka muna” sabi ni Tita

“Ahhh, salamat tita” sagot ko

“Oo nga pala, okay lang ba sa’yo na dun ka muna sa dorm tumira, kasi umuwi to ngayon si Anna, ay nakakahiya naman kung makikisama ka kay Anna dyan” sabi ni Tita

Ito talagang si Tita, meron kasi siyang dalawang dormitory, sobrang ganda dun, halos parang bahay lang din, pero parang luxury, hahaha, masarap tumira, nakakahiya naman ako na nga lang nakikitira dun pa sa dorm nila ako titira

“Ahhh. Okay lang po yun Tita, wala pong problema” sagot ko

Pwede nadin pero ayoko ng masyado maraming kasama sa kwarto, tsaka ayoko ng masungit! Hahaha, lintek choosy pa ako! Hahaha, pero kung san naman ako ilagay ni Tita wala naming problema, syempre, makikitira na nga lang ako.

After 30 minutes, naligo lang si Tita at nagbihis at agad naman kami tumungo sa dormitoryong titirahan ko. Malapit lang din naman sa bahay nila. Kaya’t wala namang problema. Wow pagdating naming dun. Nagbago lang ang kulay, pero ganun padin, sobrang ganda padin, at pagpasok naming ay talagang binati pa sya ng lahat ng mga nagbabantay dun. Doyang donya. At pumunta kami sa kwarto kung saan nya ako papatirahin. Pagpasok naming ay Wow, ang laki ng kwarto so inexpect ko na madami ang nakatira dun.

“Ayan Gab, pasensya ka na ah, dito lang kasi yung hindi marami yung boarders, sa ibang kwarto ang dami ng tao” sabi ni Tita

“Okay lang naman po Tita kahit saan” sagot ko

“Ayan! Mabait naman yung kasama mo dyan, tsaka malinis sa kwarto, bali isa lang siya dito, ayan ikaw yung makakasama nya” sabi ni Tita

“Ahhh, Thank you po talaga Tita” malaking pasasalamat ko

“Oh paano Gab. Mauna na kami sa’yo” paalam ni Tita ko saakin

“Ahhh, sige po Tita” paalam ko din kay Tita ko

“Ai! Oo nga pala ito oh, ipinapabigay ni Mama mo yan sa’yo” inabutan ako ni Tita ko ng 4000 pesos na binigay daw sakin ni Mama ko, wow! Pera! Akala ko hindi ako kakain ngayon gabi, hahaha joke, pwedeng pwede naman ako makikain kina Tita ko anytime “At pag may kailangan ka, tawagan mo lang lang ako, o kaya pumunta ka sa bahay” sabi pa ni Tita “Tsaka may pagkain naman sila na hinahatid sa kwarto dito, pag di mo gusto, punta ka lang sa bahay okay?” huling paalala ni Tita ko sakin

“Ahhh, Salamat talaga tita! Sobrang sobrang salamat” laking pasasalamat k okay Tita

Umalis na sila Tita at ako naman, unpack na ng gamit ko, at pagkatapos humiga sa kamang tutulugan ko. Iniisip ang nagnyari sa buong araw na ito, si Arvin, si Daddy, ang pagbalik ni Andy, at si Ivan. Ewan! Bakit ganito yung mga nangyayari sakin. Nagpapakatotoo nalang naman ako sa tatay ko, ayoko naman ideny sakanya kasi kitang kita nya na hinahalikan ko si Arvin. Hayyyyy, namimiss ko si Kuya ko.

Biglang may nagtext at pagkatingin ko ay si Chase. Pagbukas ko ay lintek! Hayup! GM lang pala,

“Just got home… Haha! I miss Bataan” sabi sa text

Naisip ko tuloy na pumunta sa bahay nila.. Oh bakit hindi! Taga bataan sya, tsaka ayos naman kami kaya nagreply ako.

“Chase! Dinner?” tanong ko sakanya

“Ha? Wala ako sa Manila, di mo narecieve message ko?” tanong nya

“Narecieve! Andito ako sa Bataan” sagot ko sa text

Gulat naman ang reply nya pero agad naman akong nagbihis para narin makapunta sakanila, sabi ko ay mamaya ko nalang ipapaliwanag ang mga nangyari. Kaya’t eto drive nalang muna ako, buti madaming gas yung kotse ni Ate, no problem sa mga drive drive. Medyo malapit din naman yung kala Chase, mga 30 mins. Drive lang.

Habang nasa byahe, anu ba yan text ng text ang mga mahal ko sa buhay. Hahaha

Si Kuya nagtext “Musta kana Gab?”

Si Ivan nagtext “Gab! Can we meet, dinner lang tayo, alam ko marami nangyari ngayong araw”

At ang lintek na Arvin na yan nagtext haha nalintek pa tuloy “Sorry Gab ah, kamusta? What happened?”

Wala naman ako magawa, mamaya nalang sila replyan at baka mabunggo ako sa dinadrive ko. Okay, maya maya ay dumating nadin ako sa bahay nila Chase at sinalubong naman ako ng isang pilyong ngiti ni Chase

“Oh! Kamusta? Bakit andito ka? Hahaha” patawang bati ni Chase

“Mahabang istorya eh Bespren” sagot ko

“Mahaba haba ba? San Mig Light na ba to?” tanong nya sakin

“Hindi! Wag! Ayoko malasing” sagot ko sakanya

Nagkakwentuhan din naman kami ni Chase at nagulat sya sa lahat ng nangyari ngayong araw na to, and syempre, kahit ako nagulat din sa mga nangyari, pero nagulat ako sa nalaman ko ng gabing iyun. Gulat na! nakaktuwa din naman

“Edi panu ba yan? May kayosi na ako sa Bataan?” tanong ni Chase

“Oo! Basta pag kakauwi mo Manila, diretso ka na sa Balanga, para lagi tayo mag aadik” pabiro kong sabi

“Ha? Di na kailangan” sabi ni Chase

“Bakit?” gulat na tanong ko

“Eh kasi sa balanga na ako magaaral eh” sagot nya

HUUWAT????? “Hala? Bakit?” tanong ko sakanya

“Bagsakers” sagot nya

Shit! Bumagsak sya? Anu ba yun! ? yan kasing si Chase, tamad eh, matalino naman! Acctually, sobrang talino nyan kung mag aaral lang at magsisipag. Adik kasi! Hahaha, hayst! At least may kasama na ako sa Bataan ngayon.

“I miss you Chase” sabi ko sakanya

“Kaw din na miss kita!” sabay isang matamis na ngiti ang ibinigay nya sakin

Awwww sobrang cute nya naman ngumiti! Basta! Ano ba yan eto nanaman ako!

“So kalian ka mag eenrol? Pasukan na next week ah?” tanong ko sakanya

“Sasamahan mo ba ako?” tanong nya sakin

“Oo naman! Ikaw pa!” sagot ko sakanya

“Oh samahan mo ako bukas! Mag eenroll ako” sabi nya sakin

Okay! May lakad na ako bukas, ano ba yan? Sya mag eenroll! Ako hindi! Hayyyy! Buti pa sya tuloy parin ang pag aaral nya. Naisip ko tuloy, ano na kaya mangyayari sakin, isang sem nalang magiging ganap na graduate na ako. Hay! Hirap si Daddy kasi naghahawak ng pera sa bahay namin, kaya sakanya nanggaling ang tuition at allowance ko. Eh ngayon kaya? Hayyy!

We had dinner at their house, hehe favorite ko naming adobo yung ulam! Wow! Hehehehe. After eating I wanted to ask Chase kung pwede ba ako makitulog sakanila pero bigla nya yata ako naunahan

“Gusto sana kita patulugin dito kaso kasama ko si Tito ko sa kwarto ko, kaya, nakakhiya naman sa’yo” sabi nya

“Okay lang yun, sa dorm nalang ako” sagot ko sakanya

“Bukas ah” sabi nya “kahit mga 2 na ng hapon” dagdag pa nya

“Oo! Anytime para sa’yo” sabi ko sakanya

Nakangiti akong nagpaalam kay Chase, uwi na ako sa dorm para narin makapagpahinga si Chase, at mag eenroll pa sya bukas. Namiss ko yang si Chase, at least ngayon kahit araw araw makakasama ko sya. Paano na sila ni Kaye? Ewan ko lang ah. Hahahaha eto nanaman ako nangdedemonyo nanaman ako.

Pagdating ko sa dorm ay agad naman ako naligo. (shet! Buong araw ako hindi nakaligo) kaya sarap maligo, pagkatapos maligo ay (Zzzzzz) nakatulog agad ako.

Pagkagising ko. Check ng phone. Alas 9 palang ng umaga. At andami nading nagtext. Andyan padin si Ivan, si Kuya, Si Ate ko, Si Mama, at isang unknown na number

“Dito ako Jolibee, punt aka dito bilis” sabi ng unknown na number.

Naisip ko nab aka nakitext si Chase, iba yung number eh, pero ang bilis naman nya nakapunta dito sa Balanga, eh an gaga aga pa, 2 ang usapan namin, baka naman may sasabihin, ewan, basta parang importante, kaya’t agad akong nagibihis lang at nag drive papunta sa Jolibee

Pagdating ko at pagpasok ng Jolibee agad ko naman syang hinanap

“Gab!” may biglang tumawag samay likuran ko

Wow! What is he doing here? Bakit nandito to! Hehehe, pero it was nice to see him, ano kayang purpose nya kung bakit ang aga aga nya na nasa Bataan, eh ang layo pa ng pinaggalingan nito.

(to be continued...)


[09]
Chapter 9 (Dwelling on the Past)

“Oh! Bakit nadito ka?” tanong k okay Arvin

“I just think I need to be here” sabi nya sakin “Ano? Okay ka lang ba? Ha? Do you need help?... Ahhhh… ano? Gab?” sabi pa nya

“I’m okay” sabi ko sa kanya.

“Hindi!! sa nangyari sayo kahapon, I know you’re not okay! Kung hindi pa sinabi sakin ni Kuya mo nangyari, hindi ko pa malalaman” sabi nya sakin

“Eh ano ba magagawa ko? Tapos na yun! Kelangan ko lang mag isip kaya lumayo ako” sagot ko sakanya

“Eh you always have my back diba? Sabi ko sa’yo if you need help, andito lang ako!” malasakit nyang sabi sakin.

“Thank you ha? Thank you….” Sagot ko sakanya

“And I’m sorry, dahil sa ginawa natin kahapon, nagalit si Dad mo” sabi nya

“Hindi mo naman kasalanan, ako yung humatak sa’yo” sagot ko

“Pero I gave in, kaya I’m also part of the blame” sabi nya sakin

“Pero I’m not blaming you” sabi ko sakanya

“I’m blaming myself” sabi nya

Shit! Nanghihina ako sa mga pinagsasabi sakin nito! Tignan mo nga, sa sobrang sweet nito, hindi nya ako binibigyan ng chance para maka move on. Sobrang sweet nya kahit alam nya na wala na naman kami. Basta, parang walang nag bago nung kami pa, so ano? Ganito nalang kami habang buhay? Sweet sya kahit na sa ginagawa nyang yun, binibigyan nya lang ako ng rason para lalong ma ulol sakanya. Gago ka talaga Arvin! Gago! Pero mahal na mahal kita.

Eto pa rin. Putangina! Stuck! Walang magawa kundi ma stuck sa putanginang relasyon na wala nang patutunguhan kung hindi kaibigan lang.

I evern tried texting, textmates (korni), and I did have some people na gave me inspiration pero wala pa rin, iba parin talaga si Arvin. Alam nyo yun! Hahahaha

“May kailangan ka ba Gab?” tanong ni Arvin

“Ikaw” sagot ko sakanya

“Haha! Adik ka talaga!” sagot nya sakin

“Okay…” masungit na sagot ko

“Hey! We talked about this right? Gab! Mahal kita alam mo yan” sabi nya sakin

Bigla nalang ako natahimik at nag paalam na gagamit lang ng CR.

Pagkapasok ko sa CR, pasok sa cubicle, upo sa bowl, ewan ko kung bakit sobrang iyakin ko. Naiiyak padin ako kahit ang tagal tagal na nung mga nangyari. Ewan ko at napatigil nalang ako ng biglang may pumasok sa CR, singhot lang ang nagawa ko ng biglang narinig ko na may tumawag sakin

“Gab” tawag ng boses ni Arvin “Okay ka lang ba?” tanong nya. Binuksan nya ang cubicle at lumuhod at yumakap saakin. Shet! Namiss ko na dumikit yung katawan at mga kamay nya saakin. “Hey! Wag ka umiyak please!” makaawa nya sakin”

“Sorry! Sorry ah! Mahal talaga kita eh Arvin…. Sorry” sumisinghot na sabi ko sakanya

“Gab! Mahal kita, Mahal na mahal kita! At alam mo yan! Tara na! get up there” then he pulled me up and he wiped my tears off “Next time wag mo na ako iiyakan! I’m not worth for your tears” sabi nya

“Kapal mo! Hindi kita iniiyakan no!” sabi ko sakanya

“Ahhh ganun ba? Sorry! Akala ko ako” sabi ni Arvin

“Ayiiiii” sabay balik ko sa normal na ako “Sige na, Sige na! Ikaw nay un, pero wag lalaki ulo ah” pabiro kong hirit

“Opo! Opo!” sabi nya sakin at sabay nakita ko ang ngiti sa muka nya, huling nakita ko yun 4 months nadin yung nakakaraan.

Hayst! Sobrang saya ng ngiti nya na yun.

“Sabi mo you need me? Sige I’ll be with you the whole day! Hanggang bukas! Okay ba yun?” tanong nya sakin

“Oo naman! Sobrang okay yun” sagot ko sakanya “Dun ka nalang tumuloy sa dorm, pag papaalam kita” alok ko naman sakanya. Alam ko naman na papaya si Tita ko kasi alam nya na wala pa naman akong kasama sa kwarto

“Hindi, okay lang! mag check in nalang ako sa kahit san dito” sagot nya

“Baket? Ayaw mo ako katabi matulog?” tanong ko sakanya

“Gusto! Kung mag check in man ako, syempre sasama kita dun syempre!” sagot nya

Okay nalang ako! Okay lang naman sakanya yun, para narin hindi nakakahiya kay Tita, sama nalang ako sakanya. Hayyyy! Tangina! Isa lang naisip ko nun! Sisiguraduhin ko na mamayang gabi, isususko niya sakin lahat! Hahahaha joke! Gusto ko lang naman ulet sya makatabi! Yun lang! (Yun nga lang ba?) hahaha, basta! Exited ako na makasama ko sya buong araw

“So? Gala tayo?” tanong ni Arvin sakin

“Ahhhh! Nagpapasama si Chase mag enroll ngayon eh” sagot ko sakanya

Habang naghihintay naman kami ng oras, Inuwi ko muna yung kotse sa dorm kasi kay Arvin nalang ako sasakay, he insisted eh.

Sakto naman ng bandang 11 ng umaga ay naka receive ako ng text mula kay Chase

“Hindi na ko tuloy mag enroll, bukas nalang Gabi” Shet! Sumasakto naman itong si Chase, galing ng timing, hahaha! Ayan! Sige buong araw naka reserve lang kay Arvin yung oras ko.

He asked me kung gusto ko pumutna ng Mt. Samat. Okay lang naman kaya sige pupunta kami dun maya maya after naming mag lunch. We just had lunch sa the best Coffee Shop sa Bataan (matatawag bang lunch ang coffee at pasta) pero okay lang, lunch ko na naman yung Makita ko si Arvin! Whoooo! Tingin lang ako sa chest nya nabubusog na ako (Shet! Ang hot talaga nya!) hahahaha. Adik ko talaga!

Ewan sobrang saya ko ngayon, syempre ngayon ko lang ulet sya nakasama ng ganito! After 4 long months na hindi ko maaccept na ganito nalang kami……. Hanggang ngayon puta! Hindi ko padin ma-accept. Everytime na tumitingin ako sakanya, naalala ko pa rin yung taong nagbago sakin ng sobra, yung taong minahal ko ng sobra! Yung tao kung saan nagpakatanga ako! Haaaay! Arvin! Arvin! Tae ka! Bakit ganito kita kamahal! Hay! Arvin I LOVE YOU!!!!!! I LOVE YOU….. hahaha hanggang sigaw lang ng utak ang kaya kong gawin.

“So… tara? Para kahit papano naman mawala mga problems mo” sabi ni Arvin

“Tara…. Thanks Arvin ah! Thank you talaga…” sabi ko sakanya

We drove pataas sa Mt. Samat, isa sa mga tourist spots sa Bataan na pagdating mo sa tuktok sobrang ganda, kita mo halos buong Bataan, and hindi naman sya mahirap akyatin, kasi meron naman way talaga, ang road para sa mga sasakyan na dadaan. Yun yung bundok tapos may malaking krus sa tuktok. INakyat namin yun. Acctually, we drove up. Hahahaha. Pagkadating naming sa taas, walang pinagbago ang Mt. Samat, sobrang lamig parin ng hangin, at sobrang sarap parin mag unwind, hayyyyy, nasa isang mataas na bundok ka kasama yung taong pinakamamahal mo! Hahaha! Na hindi ka na mahal katulad ng dati, pero ikaw nagpapakatanga ka pa rin, na gusto mo na isigaw sa kawalan na…. Sana kahit papano may pag asa parin tayo, tangna! Ang Emo ko nanaman.

“Gab!” sigaw niya

“Bakit” tanong ko

“Picture! Bilis!” makulit nyang aya.

Every shot na nag reregister sa cam, tinitignan ko lang, I just want to see him this happy, ang sarap nya tignan na laging nakangiti. Hayyyy Arvin! Arvin Arvin! Bigyan mo naman ako ng chance maka move on.

The day ended good, bumaba na kami ng bundok at naghanap ng hotel na pwede nyang matulugan, ang alam ko lang naman is yung Crown Royale na hotel sa Bataan, yun lang alam ko na maayos ayos, eh maselan si kupal! Mayaman kasi…. Hahahaha. Kaya dun ko sya inudyok pumunta.

Dumaan muna kami sa dorm para makakuha ako ng damit. And then after pumunta na kami sa Crown Royale para maka pag check in na rin sya. Haha, okay! After nya maka check-in…. wow! Ganda ng kwarto hehehe, wala lang, ang ganda eh, ang lambot ng kama! Wow! And isa lang ang kama! Wahahaha Alam na! Hehe katabi ko sya matulog ngayong gabi. Hindi ko to papalampasin. Yayakapin ko sya hanggang hindi sya makahinga. Hahahaha

“Maliligo ka ba?” tanong niya

“Oo! Hindi pa ako nakakaligo buong araw dahil dun sa text mo kaninang umaga” sagot ko sakanya

“Baho! Hahaha” pabiro nyang sabi sakin

“Ahhhh mabaho pala ah….”

Tumakbo ako papunta sakanya at hinatak ko sya at hiniga sa kama!

“Ano? Sino mabaho?” tanong ko

“Wala po Boss! Wala” sagot nya

“halikan kita dyan eh” seryoso kong sabi sakanya

“Sige nga” sagot nya “Gusto ko yung masarap” pabiro nyang dagdag.


Itutuloy…


[Finale]
“Hmmmm, sige! Kaso pagkatapos ko maligo ha?” sagot ko sakanya

“Joke lang. Hahahaha, okay lang naman kahit wala eh” sabi nya

“Ahhhh, sige kala ko seryoso” malungkot kong sagot sakanya
Tumayo na ako sa kama at pumunta nalang patungo sa Bathroom para makapaligo na rin, at sabay lock ng pinto. Tanggal ng Shirt, at tanggal na din ng shorts, hindi kasi ako sanay na maligo ng walang suot na brief, kaya’t habang naliligo ako ay hindi ko tinggal yung brief ko, lalo na sa mga hotels at sa iba pang lugar na hindi ko alam kung may CCTV, hahaha, joke, basta hindi ako sanay maligo ng walang brief. Wow! May bathtub, hahaha parang bata naman kung mag bathtub pa ako. Kaya’t bukas nalang ng shower, kuha ng shampoo, pero bago pa man ako makapag shampoo ay kumatok si Arvin sa pinto.

“Gab!” tawag nya sakin

“Bakit?” tanong ko sakanya

“Open the door” sabi nya sakin

“Bakit? Naliligo ako!” sagot ko sakanya

“Please!” pakiusap nya

Nagtapis nalang ako ng towel at binuksan na ang pinto

“Ano!!?” tanong ko sakanya

“Wala! Gusto lang kita Makita na walang suot” sagot nya sakin

“Ay nako! Parang tanga ka kamo” sabi ko

“Oh sige na maligo ka na” sabi nya sakin

Parang tanga naman ‘to! Edi sana pinaghubad nya nalang ako sa harapan nya, kala ko naman kung anong emergency, yun lang pala gusto nya

“Oh?? Ano?? Wala na??” pagalit kong tanong sakanya

“Tsaka eto pa oh!” sabay hinawaan nya ang kamay ko at hinatak nya ang mukha ko papalapit sa mga muka nya, shit! He’s going to kiss me! “Ano!!?? Gusto mo!?” tanong nya

“Hindi! Asa ka naman” sagot ko sakanya

And then he pulled away… Shit! Bakit ko ba sinabi na hindi ko gusto! GUSTO KO ARVIN! Gusto ko Putangina! Sige na bumalik ka dito, do anything you want! Shit! Kung pwede ko lang sabihin na ganun! Shet! Saying talaga, Sayang! SAYANG!!!! Eto balik nalang sa loob ng bathroom, tuloy nalang ang paliligo, mamatay nalang ako sa panghihinayang. Shit talaga.

After taking a shower, nakahiga lang si Arvin sa kama, I really wanted to jump over him and kiss him and bring him to a place where we’ve never been yet! Kung nakapunta man kami dati, namimiss ko na yung lugar na yun.

“You’ve been working out Gabi?” tanong ni Arvin

“Ha? Hindi” masungit kong sagot

“Sungit naman! Sungit naman talaga! Hmmmm, ganda kasi ng katawan mo ngayon” sabi nya

“Ai nako Arvin! Maligo ka muna, gusto ko yung bagong ligo” pabiro kong sabi sakanya

“Sige! After maligo ah!” sabay kindat nya sakin.


Hala!!! Seryoso ba yun? Kung seryoso yun susunggaban ko talaga yun paglabas palang nya ng CR, hahaha, nuod muna ako ng TV habang hinihintay ko sya. After 30 minutes (Ang tagal maligo parang babae) hahaha, Wooooow! 4 months kong hindi nakita na nakahubad sya. Shet nanlalambot ako. Ang gwapo ng honey ko…. Ay! Ni Arvin pala! Putaena!!! Ang hot hot mo! Shet ka! Hahaha

“Gabi! Dinner tayo?” tanong niya sakin

“Ha? Ahhh san tayo kain?” tanong ko sakanya, pwede ba ikaw nalang dinner ko? Hahahaha hala!

“Kahit saan! Anywhere na pwede”

Bidang bida kami…. As in bidang bida! Paano sa Jolibee kami kumain, wala kasi kaming makitang masarap kainan, kaya iyan, balik bata, balik sa Jolibee, order ng favorite na Jolibee Champ! Hahaha, tapos double go Large… tapos tititigan ko sya habang kumakain ako…. Hay! This is life….!!!

After kumain, he was asking kung gusto ko daw mag-shot! AYOKO MALASING! Hahaha kaya ayoko talaga, pero pinipilit ako, sige na daw. Eh ayoko talaga, Eh tapos kinukulet padin ako, nagpaawa yung mga muka nya, ayun, patay, bigay na! Sige na nga mag shot na tayo lintek!

We had some drink at the nearby place and maayos naman ang ambience, may acoustic band, may dim lights, tapos may gwapo akong kasama… haha

After mga 3 bottles or so, he asked me

“Namimiss mo ko?”

“ahhhmm, hindi naman po” I answered “Magkasama naman tayo lagi diba?” I added

“Hindi…. Do you miss your hon?” tanong nya

I was shocked sa tanong nya sakin… anong isasagot ko? Oo ? Hindi? Baka? Eeehhhh… basta

“Ahhhm! Hindi na! Enough na sakin yung time na na-spend namen together” kahit alam ko sa sarili ko na hindi iyun ang laman ng puso ko, iyun yung sinabi ko… Fuck! Fuck! Pero I have to say that, para sabihin nya na hindi ako hahabol sakanya, hindi ako desperado! Hindi ko sya kailangan… Shit! Mali! Mahal ko parin sya, kailangan ko sya, kahit ano gagawin ko para bumalik sya… pero ano magagawa ko, overpowered ako ng PRIDE nung mga panahong yun.

“Ahhh! I asked kasi kung kaya na nya na wala si Hon nya! Mag mu-move on narin yung hon nya to someone who is currently making him happy right now”

…………….

…………..

…………..


Shit! Yung lang ang nasasabi ko sa sarili ko…. Move on? Dapat pala sinabi ko sakanya na hindi ko kaya, pero bakit hindi ko sinabi, so someone’s making him happy ulet? Fuck, gusting gusto ko na isigaw na WAG!!!! WAG!!!! HINDI PA AKO NAKAKA MOVE ON MAHAL PARIN KITA ARVIN! MAHAL NA MAHAL KITA…. Pero hindi ko kayang sabihin kasi sa loob loob ko, kung may mahal na syang iba, sino ba naman ako para pigilan ko sya? Eh ex nya nga lang naman pala ako…. EX isang malaking Ekis na sa buhay nya….

That night was the PERIOD for the much awaited return……. Turned out wala na talaga eh, I thought that night would be the most wonderful night of my life…. Would be the worst pala….

The greatest realization that I encountered was…. The old saying na “Kung mahal mo sya, set him free…. Kasi you should be happy kung saan sya masaya…”

And I’m sure Arvin won’t be the last, he’s just the start, I loved, I gave the whole me, I got hurt, I grieved, I acted like a total fool… but what can I do? This is what God’s plan for me eh

This relationship gave me a good experience to deal with other relationships that I will have in the future… Ito ang magiging stepping stone ko to have the almost-perfect relationship sa mga daratin pa

I never regreted our relationship… kasi he taught me so so much…. Sya yung nagturo sakin to be faithfull, to be patient…. To strive hard to get what you want….

And to love anyone that you wish to… kasi ang Love, walang limits, walang pinipiling kahit sino, walang pinipiling kasarin, bi ka man, gay or straight, you have the utmost right to love, to be loved and to Love again when you get hurt…. Kasi wala ngang limit ang love….. After you have reached the finish line sa rekationship… Expect a new teacher to come, yung teacher na magtuturo ulet sa’yo kung paano buksan ang puso and make it love to its extent….

Thank you sa lahat ng Bumasa ng FRESH START…

Thank you Thank you thank you sa lahat ng bumasa…

END

No comments:

Post a Comment