Tuesday, January 8, 2013

Task Force Enigma: Cody Unabia (06-10)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[06]
"HELLO !!! Bakit ko naman susundan ang lalaking iyon ? Eh hindi naman kami talaga close !" pangangatwiran ni Kearse sa sarili habang tinatanaw ang bus na sinakyan ni Cody.


Nang makatawag ito sa kaibigan nitong ‘Perse’ daw ang pangalan ay nanghiram na lang ito sa kanya ng pamasahe. Kailangan na raw nitong makaalis at may importante itong gagawin. Nainis siya sa sarili niya dahil ayaw niya pa itong umalis. Pero hangga’t nandoon naman ito sa bahay nila ay malamang na pagpantasyahan lang niya ng pagpantasyahan ito ng harapan. Worse, make himself drool over him.

Napabugha siya ng hangin. Curious lang siguro siya talaga dito. Kasi naman, hindi araw-araw na may makikita siyang duguang lalaki sa daan, dadalhin niya sa bahay, pagpapalain, at pagpapantasyahan ? Err… este hindi iyon kasama sa agenda. Bonus na lang siguro na ang gwapo nito at ang sarap pa ng katawan.

Pinaandar niya ang sasakyan at wala sa loob na nag-drive. Hinatid niya lang sa terminal si Cody kaya siya naroroon. Nagulat pa siya ng makitang sinusundan na pala niya ang bus na sinasakyan nito.

Okay ! Siguro ay gusto niya lang talagang ma-satisfy ang curiosity niya sa binata.

Binata ? Teh, baka may asawa na yun. Singit ng malditang bahagi ng isip niya.

‘Wala akong nakitang wedding ring !’ parang timang na pakikipag-usap niya sa sarili.

Fine ! Echozerang tugon pa nito.

Wala. Malala na siya. Kinakausap na niya ng literal ang sarili niya. Alam niyang inaagiw ang utak niya minsan pero not to the point of having discussion with himself.

Mabilis ang takbo ng bus kaya naman may ekstrang bilis rin siyang effort sa pagda-drive. Nakadama siya ng kakaibang excitement habang nagmamaneho. Never pa niyang nagawa ito kaya naman kakatwa ang excitement niya.

Nasa Maynila na sila ay nakabuntot pa rin ang sasakyan niya sa bus. Nang huminto ang sasakyan sa Buendia ay nakita niyang bumaba si Cody. Huminto ito sa tapat ng isang establisyemento na waring may hinihintay.

Inihinto niya ang sasakyan sa may hindi kalayuan dito pero hindi pinatay ang makina. Nag-signal lang siya ng hazzard para hindi siya turetehin ng mga nagkalat na traffic enforcers doon.

Habang pinagmamasdan si Cody ay hindi niya maiwasang hangaan ito ng lubusan. Simpleng puting t-shirt lang ang suot nito na pagmamay-ari pa ng kapatid niya at isang kupasing maong.

Malaking lalaki rin ang kapatid niya pero parang nagmukhang fit dito ang suot nitong hiram na damit. Why, Cody is a big man. Lampas siguro sa anim na talampakan ang taas nito kumpara sa kanya na hindi pa umabot ng lima at sampung pulgada.

May point of comparison ? Para saan ? Iyon na naman ang epal na bahagi ng isip niya.

‘Wala ! Shuta ka !’ gigil na sagot niya.

Nasa ganoong eksena siya ng may lumapit na motorsiklo kay Cody. Isang lalaki ang sakay nun. Nanghubarin nito ang helmet ay napanganga siya.

Oh my gulay ! Ang gwapo naman nun. Iyon ba ang kaibigan nito ? Well di na nakapagtataka kasi birds of the same feather, flocks together. Hindi niya maatim na ang papangit ng kaibigan ni Cody.

Me ganun ? Close kayo ? singit na naman ng bahagi ng isip niya na bida yata sa Malparida.

Hep ! Plugging yan ! Magbayad ka ! singit ng author ng kwentong ito sa kanya.

‘Sorry naman Miss Author. Ang epal kasi niya eh.’ Sagot niya sa author. Oo. Sa author. Hindi sayo na nagbabasa nitong kwentong ito. Okay ?

‘Gets niya yan. Kasi matatalino ang readers ni Miss Dalisay.’ Pagtatanggol niya pa sayo. Oo, Ikaw. Ikaw na nakaharap sa monitor at binabasa ang 2nd installment ng Task Force Enigma Series ni Dalisay Diaz.

Bago ka pa tuluyang mabaliw sa pakikipag-usap ng author sa bida at ng bida sa author ay ibabalik ko na ang kwento sa mga tunay na kaganapan.

Hayun na nga at nakikipag-usap ng seryoso si Cody sa lalaking nakamotor. Parang hindi ito ang lalaking kwela na nakakausap niya pa nitong mga nakaraang araw. As a writer, ugali na niyang mag-observe. At ayon sa kanyang henyong obserbasyon ay nakita niyang may bahid ng panganib ang ibinabadya ng gwapong mukha nito.

The other man’s face reflected nothing. Pero hindi maitatangging gwapo rin ito. Napaka-serious nga lang ang mukha.

Nasa mataman siyang pag-oobserba ng may kumatok sa bintana ng salamin niya. Nagulat pa siya ng makitang isa iyong traffic enforcer. Nagtatakang ibinaba niya ang salamin ng sasakyan.

‘Good Afternoon po Sir. May problema po ba ?’ magalang na tanong nito sa kanya.

‘Ha, eh wala naman po. N-naghahanap lang ako ng cd na patutugtugin.’ With that being said agad niyang binuksan ang glove compartment para kunwari maghanap ng cd sa mga cd na naroroon.

‘Eh kasi sir… nasa no parking area po kayo.’

‘Huh ?’ gulilat na sabi niya. Agad ang pagbaling niya sa side ng kalsada na mayroong nakalagay na karatula. NO PARKING.

Nilingon niya uli ang traffic enforcer at alanganing napangiti. ‘Ah S-sir… Manong Bossing… Pasensiya na po . Hindi ko napansin.’ Umaasa siyang palalagpasin na siya nito.

‘A-aalis na lang po ako. Nakita ko naman na po ang CD na hinahanap ko. Ayoko lang kasing maaksidente habang naghahanap ng mapapatugtog. Tama naman di ba Sir, Manong Bossing ?’ pang-uuto pa niya rito saka itinaas ang kung ano mang CD ang nakuha niya.

‘Ang galing naman Sir. Kahit pala mayaman Idol si April Boy.’ Nakangiting sabi nito sa kanya habang nakatingin sa iwinawasiwas niyang CD.

April Boy ? Yuck ! Batikos sa kanya ng maldita niyang isip.

Nagugulumihanan siyang napatingin sa cd na hawak. At ngek ! Kay April Boy nga iyon. Kaninong CD ito ? Litong tanong niya sa isip.

Anyway. Kung si April Boy ang makakapagligtas sa kanya sa pagkakahuli ng dahil sa illegal parking then so be it. Salamat ng marami April Boy.

‘Ah o-Oo nga manong. Magaling kasi siya.’ Nakangiwing ngiti niya pa dito.

‘Oo naman Boss.’ Excited na sabi pa ng traffic enforcer. ‘Peyborit ko ang kanta niyang ‘Di ko kayang tanggapin ! Na mawawala ka na sa akin !’ Biglang birit ni Kuyang traffic enforcer.

Napangiwi na siya ng husto. Nag-aalala siyang baka may makakuha ng atensiyon sa mga tao sa paligid habang nagko-konsiyerto si Manong. At iyon na nga ang sinasabi niya, napansin na sila nila Cody.

Nakakunot ang noo nitong inaninag siya sa loob ng hindi tinted na sasakyan niya. Pilit naman siyang yumuyuko habang wapakels si Manong sa labas ng sasakyan niya at nag-a-ala Idol.

Hindi siya pwedeng makita ni Cody at ng kasama nito. Nakakahiya !

Haller ! Yun lang sundan mo yung bus na sinasakyan niya hanggang Maynila eh nakakahiya na. Nakakapagtakang nakakadama ka ngayon ng hiya. Kilala mo naman na siguro kung sino nagsabi niyan ? Okay. Let’s proceed.

Shutang author na ito. Are you ignoring me ? imbernang sagot ng bahagi ng isip niya kay Miss D.

I’m not ignoring you. You’re just insignificant. Mas mataray na sabi ni Miss Dalisay.

Bumaligtad na yata ang kwento. Siya na si Kearse Allen Concepcion na siyang bida sa kwentong ito ang naging narrator at naging bahagi na ng kwento si Miss D at ang bahagi ng isip niya.

Matagal na akong bahagi nito noh ? Echozera ! patutsada nito sa kanya.

Oo nga eh, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng kwento ko buhay ka at nagmamaldita. Sagot ni Miss D.

So malamang naloloka ka na habang nagbabasa nito kaya ibabalik ko na ang kwento sa totoong mga bida. Sorry for the inconvenience.

Nataranta na siya ng husto ng lumapit si Cody sa kotse niya at kinatok ang kabilang bahagi ng bintana.

Napilitan siyang harapin ito at ibaba ang salamin sa bahaging iyon. Nagtatakang binati siya nito.

‘Kearse ?’

‘Ah—Hi Cody ! Fancy meeting you here.’ Aniya saka ngumiti. Patay !


Aliw na aliw si Cody habang kausap niya si Kearse sa loob ng kanyang bahay sa parteng iyon ng Taft. Isa iyong apartment na minana niya pa sa mga magulang. Nagulat siya ng makita ang sasakyan nito sa kalye habang may nagko-concert na traffic enforcer sa tabi nito.

Nahuli raw ito sa salang illegal parking pero buti na lang at mabait ang sumita rito kaya hindi na ito tuluyang hinuli. Alam niyang sinundan siya nito base sa pagkakataon ng pagkikita nila sa Maynila.

Nag-convoy na lang sila ni Perse na siya sanang susundo sa kanya pagkababa niya ng bus. Hindi niya maiwasang ma-cute-an sa paraan ng pagku-kwento ni Kearse sa mga pangyayari.

‘Hay nako, buti na lang at nandoon kayo kung hindi, magdamag akong kinantahan ni Manong traffic enforcer doon.’ Naka-emote pa nitong sabi kay Perse na poker faced lang sa harap nito.

Nang makitang walang natanggap na anumang reaksiyon sa kaibigan at kasamahan niya sa TFE ay nahihiyang tumahimik ito.

Natatawang nilapitan niya ang kaibigan saka sinagot si Kearse. ‘Pasensiya ka na dito sa kaibigan kong Major, Kearse. Hindi kasi marunong maki-ride on ito sa mga biruan. Ito ang taong-tuod. Next to Lt. Col. Rick Tolentino.’ Nakatanggap siya ng malakas na suntok sa braso na hindi niya agad naiwasan.

‘Arekup, Pare naman. Kagagaling ko lang sa bugbog sa mga tauhan ni Alexa. Hindi pa ako lubusang nakaka-rekober.’ Reklamo niya.

‘Ako pa ang ginawa mong tuod. Si Rick lang iyon. Hindi ako.’ Walang-emosyon na sabi nito.

Lumayo na siya rito bago pa siya bigyan ng jab. Umupo siya sa tapat ni Kearse. Nasa mukha nito ang pagtataka at galit ? Bakit galit ito ?

‘Hey ! Bakit galit ka ?’ sabi niya rito.

‘Eh paano akong hindi magagalit ? Pinaghirapan kang pagalingin ng mga kapatid ko. Tapos susuntukin ka lang ng walang emosyong lalaking ito ? Hindi ka pa lubusang magaling !’ galit na galit na sabi nito at balewala lang na dinuduro ang kaibigan niya.

‘Ah… Kearse ang walang emosyong lalaking iyan ay walang iba kung hindi si Major Perse Verance. Ang aming assistant team leader sa TFE.’ Paliwanag at pagpapakilala niya rito.

‘At ako si Queen Elizabeth !’ asar na sabi ni Kearse. Obviously, walang paki-alam sa ginawa niyang pagpapakilala sa kaibigan.

‘Pulis ka ba ?’ tanong nitong bigla sa kaibigan niya. Parang nahulasan at nag-sink in na ang lahat ng sinabi niya rito. Nakahinga siya ng maluwag.

‘Oo.’ Matabang na tugon ni Perse.

‘Eh… peace tayo Officer ha ?’ naka-peace sign pa na sabi ni Kearse.

Natawa siyang bigla. Matalim naman ang tingin na ibinaling sa kanya ng huli. Dagli siyang umayos, kunwari.

‘Kasi naman, bakit mo sinasaktan ang kaibigan mo. Saka mo na bugbugin iyan kapag nakapagpagaling na ng husto.’ Ani pa ni Kearse na tila biglang naging maamong tupa.
Tao nga naman. Kapag nalamang pulis ang kaharap eh lumalambot ang buto-buto.

‘Pulis siya. Kaya nga Major eh. At ang totoo niyan, ako rin. Pero sa Marines ako. At dati pa iyon. Doctor na ako ngayon.’ Singit niya sa usapan ng dalawa kahit wala naman talagang matinong pag-uusap sa paligid nito.

‘Doktor ka ?’ baling sa kanya ni Kearse. Ang cute na mukha nito ay puno ng pagkagulat.

‘Yup !’

‘Eh bakit di mo sinabi ?’

‘Eh di ka naman nagtanong eh.’

‘Kahit na.’ Inis na sabi nito.

‘Okay. Sorry.’ Sabi na lang niya para tumigil na ito. ‘Sorry kung di ko nasabi. Hindi ko naman kasi alam na dapat ko palang ipagsabi iyon. Saka magagaling naman na nurse ang mga kapatid mo.’ Pagpapaliwanag pa niya and that seemed to pacify him.

Nakatitig lang ito sa kanya. Para siyang inaalisa. For the first time in Cody’s life, parang gusto niyang mailang sa titig ng isang tao. Nakipagtitigan na siya sa mga taong may pinakamasamang intensiyon na manggulo sa mundo pero hindi sa klasa ng titig na ibinibigay sa kanya ni Kearse.

Feeling niya, isa siyang specimen sa laboratoryo. Eh di ba siya ang nag-eeksamin ng mga tissue samples ? Lang’ya. So ganun pala feeling ng mga samples na iyon kapag tinitingnan niya.

‘Okay.’ Anito kapagkuwan.

‘Okay ?’ tanong niya.

‘I believe you.’ Saad nito saka ngumiti.

Ewan lang ni Cody pero talagang iba ang dating ng cute na cute na ngiti na iyon ni Kearse.

Hindi ito ang typical na lalaking magugustuhan niya. Actually, ayaw niya sa mga tipo nito. Maiingay. Madadaldal. At masyadong out.

Ang mga past boyfriends niya, lahat iyon, katulad niya. Straight kumilos. Masculine. Pero iba si Kearse. Ang cute ng pagka-chubby nito. Sapat lang sa height nito ang sukat ng katawan. Pasable na para sa iba.

But what differs Kearse from others is the way he talk. Parang lahat ng bagay ang gaan-gaan at may solusyon agad.

Siya man ay masayahin din but it was just a facade. Something to cover up his dark past. Bilang isang doctor ng mga patay ay doon siya nararapat. Dahil matagal ng patay ang anumang kakayahan niyang magbigay ng halaga sa ibang tao. Maliban siyempre sa mga kaibigan niya sa TFE na itinuring na rin niyang kapatid.

‘So, you’re a doctor na dating member ng Marines. At itong kaibigan mo na si Perse ay isang Major naman.’ Anito sa tonong mas nagsasabi ng nalaman kaysa nagtatanong.

‘Ano naman itong TFE ?’

Napa-angat ang kilay ni Perse sa tanong na iyon. Nakatingin ito sa kanya. Hinahamon siya kung sasagutin niya ang tanong ng buong katotohanan.

‘Remember what you promised me Cody ?’ Kearse asked hastily, as if he felt that he is hesitant to answer.

‘Ah yeah.’ Aniyang nag-alis ng bara sa lalamunan.

‘That once you’re healed. Sasabihin mo sa akin ang circumstances ng pagkakatagpo ko sayo sa kalsada ng gabing iyon.’

Naalala niya iyon. Marahan siyang tumango.

‘I want to know the truth now.’

Nasa tinig ni Kearse ang paki-usap. Pwede siyang magtahi-tahi ng istorya pero parang hindi niya maatim na maglihim dito.

‘I’m waiting Cody.’

‘Tell him Pare.’ Sabat ni Perse.

Iyon lang ang hinihintay niya para sabihin ang lahat kay Kearse. As he went on the process of telling him the truth about him and the group ay palaki ng palaki ang mata ni Kearse, as if discovering worlds’ wonders bit by bit.

Nang matapos siya magkwento ay nanghingi ito ng tubig. Mas ito pa ang hiningal sa mga ikinuwento niya imbes na siya dahil siya ang nagkwento.

Pagkainom nito ng tubig ay inabot niya ang isang daang piso rito na hiniram niya. Tinanggap naman nito iyon ng walang tanong-tanong.

‘Salamat.’ Aniya rito.
Tumango lang ito at saka tumayo.

Parang robot nitong tinungo ang pinto.

‘Kearse ? Saan ka pupunta ?’ tanong niya rito kahit pa may hinala na siyang iiwas na ito sa kanila.

Not everyone can easily accept and understand that they were a part of a demolition team once.

Parang kahoy na estatwa itong bumaling sa kanila.

‘Ahmm… I need a breather.’ Iyon lang ang nasabi nito saka lumabas.

Maya-maya pa ay nagkatinginan na lang sila ni Perse ng marinig ang tunog na makina ng sasakyan ni Kearse.

Cody smiled bitterly.

‘Goodbye Kearse…’


Itutuloy…


[07]
"Papaanong nakatakas ka kamo sa mga tauhan ni Alexa? At Bakit ka naman niya dudukutin? Paanong nalaman nila ang plano natin noon na hulihin ang drug-trafficking operation nila?’

Iyon ang sunod-sunod na tanong sa kanya ni Perse pagkatapos ng pagbubulgar nila ng kanilang katauhan sa harap ni Kearse. Hindi nila basta-basta sinasabi kung sino talaga sila sa kung kani-kanino pero kagaya nga ng nasabi na niya, iba si Kearse.

Yun nga lang, hindi na siya umaasa na magpapakita pa ito sa kanila pagkatapos ng nalaman. Hindi rin naman birong tanggapin at lunukin na lang lahat ang mga sinabi nila rito.

"Sisiw lang iyon Pare. Hindi lang ako maka-galaw ng maayos doon agad kasi marami sila. Pero siyempre, nung makahanap na ako ng tiyempo, hindi ko na pinakawalan pa. Kawawang nilalang nga lang yung nakalapit sa akin. You know naman na ayokong pumapatay hangga’t maaari.’ Paliwanag niya.

Ganun lang yun kasimple. Hindi na kailangan ng maraming salita dahil parehas nilang alam ang kakayahan ng bawat isa. Kumbaga, kaunting kwento lang ay kaya na nilang basahin ang lahat ng pangyayari or hulaan ang mga maaaring nangyari sa pamamagitan lang niyon.

Sa isang banda, totoo rin ang sinabi niya. He may be a certified and a dangerous marksman, a one-of-a-kind assassin enough for the terrorist groups to shiver when they heard the name Agent Cody, the Doctor-Sniper, but the biggest contradiction to that? Surprise! Surprise! He is a pacifist.

Hangga’t maaari. Hangga’t maiiwasan. Hindi siya kikitil ng buhay ng mga kalaban niya. He’s famous for leaving his enemies immobile by shooting them straight to their knees –even from the most impossible location—or if by fate, and he was left with no choice. Shoot them straight to their head. Between their eyes. That was his trademark. And he was not comfortable with it. Maybe, never will.

Tiningnan niya si Perse na matamang nakatitig lang din sa kanya. Ito ang second-in-command sa kanilang covert operations group na matagal ng nalansag. Ang Task Force Enigma. Kinabibilangan ng mga top caliber police, marines and army officers na nakapasa sa pinakaimposible at patayang training na maaaring maranasan ng gugustuhing sumali sa grupong iyon.

Back then, ng magsimula ang sikretong organisasyong iyon na binuo para labanan ang mga pinaghihinalaang tiwaling opisyal ng pamahalaan na maaaring magpasimuno ng gulo sa bansa at sa mga hinihinalang terrorist groups na nagkalat sa bansa ay isa siyang doktor sa Marines.

Sa batang edad na bente-sais ay doon siya agad sumabak dahil sa tingin niya ay magkakaroon siya ng silbi kung ang malalapatan niya ng kanyang kaalamang medikal ay ang mga nagpoprotekta sa bayan.

Little did he knew that the Marines was in turmoil, as well as the Philippine Army and Air Force at nakaamba ang isang malawakang military coup’ de tat. Napigil lamang iyon ng magladlad si General Luther Mariano at hinikayat ang mga bading sa sandatahang lakas na magladlad at sumama sa kanyang bubuuing organisasyon.

The admission seemed to brought the supposed coup into waste. Pinagpiyestahan iyon ng media. He was hesitant at first. But since naroroon na rin lang naman ang kanyang pagdududa sa pinagsisilbihang grupo ay umalis siya at pinuntahan ang sikretong meeting place na idinaan ng heneral sa isang bugtong.

Only those who are able to decipher the riddle were able to come to the said meeting place. Marami-rami rin sila. Pero sinala silang lahat at mula sa singkwenta mahigit na dumalo ay sampu ang natira sa kanila. Kabilang na sila Perse, Rick, Jerick at Rovi and the rest was history.

Ngayon, kapag may mga opisyal na nangangailangan ng kanilang tulong ay ginagawa nila iyon. Pero siyempre, may karampatang bayad na. Mahirap ang ginagawa nila at sinisigurado nilang 99% ang linis ng trabahong iyon.

Napansin niyang malungkot ang mata ni Perse. At kahit na tutok ito sa kanya ay tagusan din ang tingin nito. Parang wala siya doon. Wala sa loob na binato niya ito ng ash tray sa center table pero sinalo nito iyon at tiningnan siya ng masama.

²Chill pare !’ aniyang nagtaas pa ng kamay.

Tatawa-tawa siyang tumayo palayo rito. Baka kasi batuhin din siya nito. "Anong problema dude? Come on, spill it.’ Pangungumbinsi niya rito ng makapwesto siya malapit sa bintana.

"Wala ito. Huwag mo akong intindihin.’ Paiwas na sagot ng kaibigan niyang Major. Sa kanilang mga taga-TFE ay ito, si Rovi at si Rick lang ang nanatiling nasa serbisyo. Siya kasi ay nagtrabaho na lang sa ospital bilang resident Pathologist. Pero ang ospital na iyon ay may koneksiyon pa rin sa kanilang sikretong organisasyon. Si Jerick ay naging resource person nila pagdating sa mga impormasyon.

"Sure ka? ‘Tol, kung ano man iyang problema mo ay may solusyon diyan. Pwede mong i-share kung gusto mo.’ Sabi pa niya.

"Eh kung ito ang i-share ko sa’yo?’ umang nito sa kanya ng kamao.

"Relax.’ Natatawang sambit niya.

"You’re so worked-up pare. Nakakapag-good time ka pa ba?’ dugtong niya.

"Wala akong panahon sa ganyan.’ Malamig nitong sabi.

"Ow come on Ayhian!’

Tiningnan siya nito ng masama. Nag-peace sign siya. Nadulas kasi siya at nasabi niya ang tunay nitong pangalan. Ngumiti pa siya ng matamis.

"Sorry ‘tol. Alam mo naman na kapag di ako naniniwala sa’yo eh iyon ang nababanggit ko. Pasensiya na.’ Kulang sa sincerity niyang sabi.

²Buti at wala ang iba kung hindi ay bumagsak ka na diyan.’

Napalunok siya. Sa totoo lang, kaya niya itong labanan pero duda siya kung makakatagal siya dito lalo pa at galing din siya sa matinding pahirap ng katawan. He would probably last about ten minutes or so, pero sa diperensiya niya ay malamang wala pa siyang three minutes ay bagsak na siya ng husto kung lalabanan niya ito. Lalo na sa taijutsu. Doon ito magaling.

"Cool ka lang pare. Putsa, nasabi ko  na yata lahat ng salitang synanimous sa kalma eh busangot pa rin yang mukha mo. Bahala ka, magiging pangit ka niyan.’ Pagpapakwela na lang niya.

"Umayos ka kasi ‘tol. Kita mo ngang wala ako sa mood eh.’

"Okay.’ At hindi na nga siya umimik. Baka kasi kung ano pang kalungkutan ang maisip nito at karnehan siya bigla nito. It’s not that Perse is a very violent man. Ayaw niya lang na mapag-initan nito kapag nagkataon. Ibang klase rin naman kasi ang topak ng isang ito. Well, lahat naman sila ay topakin. Lalo na si Rick. Mas malakas ang toyo nun.

"Kamusta na nga pala ang tropa?’ pag-iiba na lang niya ng usapan.

"They’re okay. Alam na rin nilang naka-uwi ka na. Nag-send na ako ng SMS sa kanilang lahat. Expect them to be here any moment now.’ Sagot ni Perse.

As if on cue ay naulinigan nila ang mga sasakyang pumaparada sa tapat ng apartment niya. Hindi na niya inabalang tingnan kung sino ang mga iyon dahil sinabi na rin naman ni Perse na ang mga ito ang parating.

Kaya naman, hindi na siya nagulat ng bumulaga sa pintuan niya ang ever-geeky na si Jerick –hawak ang pinakamamahal nitong laptop at si Rick na kaparehas ni Perse ng hilatsa ang mukha –seryoso-, at si Rovi na siyang nagpalaki ng mga mata niya. Paano ba naman ay kasama nito ang isang lalaing kahawig ni Rico Yan at naka-akbay sa kaibigan niya ang gwapong lalaki.

"Hey! Doctor Kwak Kwak! Saang lupalop ka ba naglalagi? Aba’y hindi ka namin mahanap ah?’ sugod sa kanya ni Jerick para sa isang pabirong head lock.

Kinutusan naman siya ni Rick kaya naman napakamot siya sa ulo ng wala sa oras. Unpredictable talaga ang kumag na Lieutenant Colonel na ito at walang kupas ang pagka-sadista. Kapag nakakita ng pagkakataon na saktan sila sa malalambing na ‘biro’ daw nito ay hindi nito iyon pinalalampas.

"Aray ko naman Rick.’ Reklamo niya.

"Bakit? May reklamo?’ maaskad na tanong nito sabay salampak sa isa sa mga sofa. Binitiwan naman siya ni Jerick bago ito tumabi sa kanya at isiniksik ang katawan sa pang-isahang sofa na kinauupuan niya.

"Wala. Nakita mo naman. Walang namutawing reklamo sa henyo kong labi.’ Nakasimangot na sabi na lang niya kay Rick.

"Very good. Because it wouldn’t be good for your health kung sumagot ka pa.’ Anitong tila-balewala lang kung naalog man ang utak niya sa kutos nito.

"Wuuu! Salamat sa concern!’ sarcastic niyang balik dito.

Ibinaling niya ang tingin sa naglalambingang si Rovi at Rico Yan look-a-like. Bigla siyang nanrimarim sa nakikita niya. Iniligid niya saglit ang tingin sa mga kasama na ganun din ang hitsura pero naroroon sa mga mata ang acceptance sa kaligayahang naka-reflect sa mukha ni Rovi.

"Hoy Sarhento Yuno! Anong kablbalan iyan?’ singit niya sa paglalambutsingan ng mga ito.

"Hu u?’ dedma sa bangang sagot nito.

"Aba! Aba! May dedma effect na ang nagmumurang kamatis na si Sarhento Pulpol. Saan mo nabingwit iyang si Rico Yan look-a-like?’nang-iinis na tugon ni Cody sa balewalang sagot ng kaibigan.

Doon ito  lumingon ng maayos sa kanya. Na para bang may malaki siyang kasalanan na ginawa. Nginitian niya lang ito ng matamis. Ng sobrang pagkatamis-tamis. Yun bang ang tooth decay niya ay magkakaroon ng sariling decaying agent. Ganun katamis.

"Umayos ka Doktor Kwek Kwek. Huwag kang istorbo sa lovelife ko.’ Iyon lang ang sinabi ni Rovi pagkatapos siyang sibatin nito ng tingin.

"Kayo na may lovelife. Paano kang nagkaroon ng pandama eh isa kang reptilya. Wala kang pakiramdam!’ Sigaw niya.

"Oo nga! Huwag kayong mang-inggit dito!’ gagad ni Jerick na nasa tabi niya at kinukutingting na ang laptop nito.

²Kung naiinggit ka, why not make lambing to your not-so-bitter ex na itago natin sa pangalang Rick Tolentino.’ Hindi lumilingong sagot ni Rovi.

Cody felt Jerick stiffened. It was then he realized that Rovi hit home. Pero dedma lang sa sinabing iyon ni Rovi si Jerick. Sa halip na sumagot ay mas sumubsob ito sa laptop. Natatawang inginudngod niya ang mukha nito doon.

"Aray ano ba!’ reklamo nito.

"Sagutin mo ang hanging question Jerick.’ Sabi niya.

"The only hanging question hanging here is the one Jerick asked you awhile ago.’ Si Rick na patamad na ipinatong ang binti sa center table. Naalala niyang bigla ang ibinungad na tanong sa kanya ng katabi.

"Oo nga no? Hindi ko pa pala nasasagot.’

"Korek.’ Si Perse na bigla na lang nagsalit out of nowhere. Nagulat tuloy siya.

"Pare, mag-buzz ka naman.’ Singhal niya kunwari dito.

"We’re waiting Cody.’ Sabi ni Rick.

Bigla siyang natigilan. Parehas na question iyon na ibinato sa kanya sa loob lamang ng ilang oras na pagbabalik Maynila niya. Naalala niya ang cute na chubby na unang nagtanong ng tanong na iyon.

"I was abducted.’ Panimula niya.

"Really?’ si Rovi na inaya ng umupo ang kasama.

"Yes.’ Sagot ni Cody rito. "Hi I’m Cody. Doc Cody na lang for short.’ Pakilala niya sa lalaking kasama nito.

"Bobby.’ Medyo nahihiyang sagot ng gwapong lalaki.

"Aba. At kamukha mo pa si Rico Yan habang kapangalan mo ang kapatid niya. How nice.’ Sambit niya.

"Salamat.’ Nahihiya pa ring sabi ni Bobby.

"Then what happened?² Rick asked. Halata ang pagkainip sa boses.

"Sandali lang naman. Pressure?’ naiinis niyang tugon. Inaantala kasi nito ang obvious na pag-iiba niya ng usapan.

Huminga muna siya ng malalim bago ikinuwento kung paano siya nakuha ng mga tauhan ni Alexa at kung saan siya dinala ng mga ito para pahirapan.

"I don’t think na mapapagkatiwalaan mo pa ang babaeng iyon Rick. What if may nangyaring hindi maganda sa akin?’ pagsusumbong niya rito.

"Eh di ililibing kita.’ Balewalang sabi nito.

"Ang sama mo. Salamat ha.’ Inis niyang sabi.

"Eh kasi naman ‘tol. Ang hirap mong paki-usapan na huwag tanggalin ang tracking chip na nasa balikat mo. Ayan tuloy.’ Si Jerick na nagtitipa na naman ng kung anu-ano.

"Well, siguro nga. I’m partly to blame. Pero ang di ko maintindihan ay ang motibo niya para kidnapin ako.’ Nagtataka talaga niyang sabi.

"To extract her revenge ‘tol.’ Si Rick.

Nanahimik ang lahat maliban kay Rick na mararahas ang paghinga.

What do you mean ?’

"She’s my agent. Silang dalawa ng kakambal niyang si Apple. But they’ve help us to bring Gyul Ho down. Alam ko ang motibo ni Alexa sa pangingidnap sa’yo. Ang makaganti sa akin dahil sa pagkawala ng anak niyang pinangalanan niyang Felicitas. Buntis pala kasi siya nun ng bigyan ko siya ng delikadong assignment. Nakunan siya at pinangalanan niya ang batang iyon ng Felicitas. Since then , she’s been secretly hating me na hindi naman talaga secret dahil nalaman ko ang lahat ng iyon mula kay Apple na mas loyal sa akin.’ Mahabang paliwanag ni Rick sa kanila.

Muli ang pananahimik nila. Napagtahi-tahi na niya ang mga istorya. Mukhang kung pumalpak ang operation kay Gyul Ho ay siya ang gagawing pananggalang ni Alexa kay Rick para makaalis mula sa mga kuko nito. Napapalatak siya ng malakas.

"Putsa! Muntik na ako dun ah. Pero teka, paano nila nalaman ang operation natin na iyon?’ nagtataka pa rin niyang tanong.

"Well, siya ang nag-tip nun sa atin. Ipinadaan niya sa mga informers natin para hindi siya mahalata. Kaya nga laking gulat ko ng makita ko siya sa parking lot na iyon.’ Sagot ni Rovi.

Medyo kumalma na ang inis niya. At least, kapag nagkita sila ni Alexa ay may isasampal na siya sa pagmumukha nito. Trained din naman ito kaya okay lang. Hindi naman pwedeng ‘thank you’ na lang ang pagpapahirap nito sa kanya.

"Asan nga pala itong si Alexa?’ sabi niya kay Rick.

"Paano mo nga palang nalaman na sa akin siya nagta-trabaho ?’ tanong nito.

"She told me. Hinamon pa nga niya ako na tanungin ka.’ Sagot ni Cody sa nakakatakot na lider nila. Gwapo ito. Pero nakakatakot. Mukhang kakarnehin ka ng buhay.

"Yes. She is working for me. Pero dahil siguro sa ginawa niya kaya siya tumakas kasama si Apple pagkahuli nila kay Gyul Ho. Mukhang natakasan ka na niya parekoy.’ Rick said with an obvious mocking smile. As if he was glad about the whole thing.

Naiiling na nagsalita siya.

"Bwisit na babae yun. May pagka-palos. Duda ko ring sinadya niyang bawasan ang tao sa pinagtaguan niya sa akin para masiguro na makakatakas ako.’

"Well, since okay ka na. Can you take another assignment?’ tanong ni Rick imbes na magbigay kumento sa sinabi niya.

"Huh? Kakagaling ko lang ‘tol.’ Reklamo niya.

"This one's very easy.’ May iniabot na folder sa kanya si Perse.

"Thanks man.’ He scanned the document para lang mapataas ang kilay sa nakitang larawan doon. Kamukha iyon ng nasa Mac Notebook ni Kearse.

"Kilala mo?’ tanong ni Rick.

"Not really. Pero nakita ko na ang mukha niya. Siya yung nasa San Marino Corned Tuna.’ Sa halip ay naging sagot niya.

"Right. He’s the famous travelling painter Jhay-L Lagman. Sangkot siya ngayon sa drug trafficking. You wouldn’t mind tailing him, would you?’ said Rick.

"Okay.’ Bahagya pang nagulat ang mga ito sa naging sagot niya.

"Talaga ‘tol?’ diskumpiyado siyang nilingon ni Jerick.

"Oo naman. As long as you guys wouldn’t mind me going back to Laguna.’ Nakakalokong sabi niya.

²Nakow! Mukhang may agenda ka na namang hindi maganda.’ Saad ni Rovi. Hind itinago ang pagdududa sa mukha.

"Trust me on this guys. I know a person na pwedeng makalapit sa subject nating ito ng hindi ako nahahalata.’ Aniya.

"And who is this person?’ Rick asked. His complete attention were glaring at him.

"I think I know who that is.’ Si Perse.

"Tama ka pare.’ Sabi na lang niya. He then again put on his mischievous smile. Tingnan mo nga naman ang kapalaran. Mukhang may malaking maitutulong sa kanya ang taong naiisip niya ng makita ang picture ni Jhay-L Lagman.


SAMANTALA…


Patuloy lang si Kearse sa pagmamaneho ng tila wala sa sarili. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking tinulungan nila ni Earl ay hindi pala ordinaryong kaso ng sumablay na pagsa-salvage. Mas kumplikado pa pala sa inaasahan niya ang bagay na iyon na kinasangkutan ni Cody.

Ang akala niya talaga ay nabiktima lang ito ng hold-up at nabugbog lang at hinubaran para hindi makapanlaban. Malay ba niyang kinidnap pala ito ng isang kalaban sa pagiging alagad ng batas. Na nakatakas lang ito sa kamay ng mga kumidnap dito na nagrehistro sa pagkakatagpo nila ng kaibigan dito.

Nangingilabot pa rin siya. Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya naranasan na mapagbuhatan ng kamay kaya naman nanglamig siya ng ikwento sa kanya ni Cody kung paano nito nakuha ang mga sugat ng gabing iyon.

May mga tao palang kayang gawin sa kanilang kapwa ang ganoong klase ng pagpapahirap. Ng pagpapasakit. He can’t believe how cruel men can get. It was actually his first time to see so many wounds in only one person. Dati, kapag nagkakasugat siya tuwing nadadapa sa kalsada noong bata pa ay naloloka na siya. Kaya naman hindi niya ma-imagine kung paanong hindi niya inintindi ang sariling takot sa dugo at sugat ng makita niya ang nakahadusay na katawan ni Cody ng gabing iyon.

Hindi niya namamalayang naka-park na pala siya sa harap ng Coffee Haven. Thank God dahil kahit halos wala siya sa sarili habang nagmamaneho kanina ay nagawa niyang makapag-park sa harap ng paborito niyang coffee shop. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan para maikalma ng kape ang nararamdaman niya. Para kasi sa kanya, matatanggal ng kape ang anumang problemang kinakaharap niya.

Diretso siya sa paborito niyang spot ng maka-order. Mabuti na lang at bakante iyon kaya dedma lang siya sa paligid at sumalampak agad doon. Nasa malalim siyang pag-iisip ng makaramdam ng ibang presensiya. Pag-angat niya ng paningin ay nakita niyang nakatitig sa kanya ang lalaking umaway sa kanya noong nakaraan. Si Jhay-L.

"You’re sitting on my spot.’ The man said coldly.

"Ah… I’m sorry. I didn’t see any names written here.’ He retaliated.

"That’s not very original, man.’ Iiling-iling na sabi nito bago umupo.

"And so are you.’ Inis niyang sabi.

Sino ba ito sa akala nito. Hindi porke’t gwapo ito eh may karapatan na itong mang-asar no? Hindi excuse yun. Hindi makatarungan iyon. Choz!

Tinaasan niya ito ng kilay ng makitang prenteng-prente na itong naka-upo. Mukhang nang-aasar talaga ang kumag at may balak ng matulog na naman. Pinagmasdan niya ito ng husto. Gwapo nga ang kumag. In a very rugged way. May mga stubbles pa rin ito at ang may kahabaang buhok ay nakatali ng kung paano na lang.

Pero kahit ganoon ang hitsura nito ay inaasulto naman ang senses niya ng panlalaking pabango nito. Very manly. His musky scent sent his sense of smell in haywire. Ngayon niya lang napag-aksayahan ng panahon ang mga bagay na iyon dahil ng unang magtagpo sila ay nagka-asaran lang sila.

Ayun! Porke’t natitigan mo lang siya ng malapitan sa computer mo eh nagbago na ang tingin mo sa kanya. Hindi ba at ipapangalan mo dapat siya sa lider ng mga terrorista? Singit na naman ng ma-epal na bahagi ng isip niya.

Gaga! Lider ng sindikato. Pabulyaw na sagot niya sa isip. Wala na namang magawa siguro ang bahaging ito ng pagkatao niya kaya umeepal na naman. Natatakot kasi siya baka sumagot rin ang author maya-maya.

Busy ako.

Ayun, sabi na nga ba.

Naaaliw na naman siya sa sagutang iyon ng isip niya at ng author ng series na ito kaya bahagya na niyang nakalimutan ang mga bagay-bagay. Naulinigan na lang niya ang eksaheradong pagtikhim ng nasa harap niya.

"You’re smiling.’ Anito.

"Huh?’ gulilat na tanong niya kay Jhay-L.

"I said you’re smiling.’

Napataas ang kilay niya.

"Excuse me? Close ba tayo?’ mataray na sabi niya.

"No. But I don’t want these people to think that I’m with the company of a deranged faggot.’ He said with equal mockery.

Napasinghap siya sa tinanggap na insulto. The nerve of this man insult him. Napabayo siya sa lamesa.

"How dare you! How dare you insult me!’ magbubunganga na sana siya ng makita niyang nakatingin na ang mga tao sa kanila. Nang makita iyon ay naka-isip siya ng paraan ng pagganti.

"Insult you? I think it should be called truth?’ sarcastic pa rin ang loko.

Naningkit na naman ang magagandang mata niya (ahem!). Kinalma niya ang sarili para maisagawa ang kanyang binabalak. Huminga siya ng malalim bago nag-internalize ala Ate Vi.

"Ganoon na lang ba iyon, ha?’ malakas-lakas niyang sabi. Nakuha niyon ang atensiyon ng iba.

"What are you talking about fag?’ kunot-noong wika ni Jhay-L.

Just wait and see, asshole!

"So ganoon na lang iyon? Pagkatapos mong makuha ang lahat sa akin at pakinabangan ang mga gusto mong pakinabangan eh faggot na lang ako sa iyo ngayon? Ganoon ka ba kasama Jhay-L’ nagsisimula ng mamasa ang mata niya.

Huh! Kung inaakala ng lalaking ito na makakalusot ang mga pang-iinsulto nito, he had another think coming. Wala sa bokabularyo niya ang ‘thank you’ na lang sa insulto. Never.

"What?’ naguguluhan ng tanong nito.

"Ganoon ba talaga kayong mga lalaki? Pagkatapos ninyon lustayin ang pera naming mga bakla eh aasta kayong para na lang kaming balewala sa inyo porke’t wala na kaming maibigay? How dare you insult me this way Jhay-L. Wala akong ginawang masama sa’yo. In fact ibinigay ko pa ang lahat-lahat. Pera, sasakyan, condo, at kung anu-ano pang hilingin mo including my sexy and voluptouos body.’

Nakarinig siya ng pagsinghap sa mga nasa paligid. Mga Pilipino talaga usisero at usisera. Pero teka lang? Paano ka naging sexy? –tanong iyan ng author sa’yo Kearse. Pero saka mo na sagutin.

"Oo nga naman. Ang kapal ng mukha mo para iwan siya porke’t wala ng maibigay.’ Narinig niyang sabi ng isang customer.

"Tama. Ang kapal ng fez mo kuya.’ Sabi pa ng isa.

"Hey. Stop it. Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo.’ Ani Jhay-L na napatayo na. Hindi makapaniwala ang hitsura. Naguguluhan at nagugulumihanan. "And you.’ Turo nito sa nagsalitang customer. ²Huwag mo akong tatawaging Kuya. Hindi kita kapatid.’ Nagtitimping sabi nito saka nagmamadaling kinuha ang gamit at tinungo ang pinto.

Pero bago pa nito magawa iyon ay sumigaw ulit siya. "Minahal kita Jhay-L. Ang dami kong isinakripisyo para sa’yo pero ito lang ang igaganti mo? Kung ayaw mo na sa akin, ibalik mo ang lahat ng ibinigay ko. Hindi iyong ganitong iiwanan mo ako kasi wala na akong silbi sa’yo.’ Aniyang lumuluha talaga ng todo. Humagulgol pa siya at nanlulumo kunwaring napaupo to complete the effect. Nagtakip pa siya ng mukha pero nakasilip din sa lalaki.

Nakita niyang pulang-pula ang mukha nito sa pagkapahiya. Nandun na naman kasi ang mga epal na miron sa paligid.

"Wuuu, ang kapal ng mukha mo. Ibalik mo na ang lahat ng binigay niya.’

"Oo nga. Ibalik mo.’

"Walang utang na loob.’

"Binihisan ka na, ikaw pa may ganang mang-iwan. Kapal ng apog mo pare. You’re not good for him. You don’t deserve all of the things that he has given you.’

"Woy pare english yun ah. Sino naman ang deserving?’

"Wala. Trip ko lang mag-english.’

Sigaw iyon ng ilang customer sa loob ng Coffe Haven

 "Shut up!’ malakas na sigaw ni Jhay-L sa mga makukulit at concerned citizen na customer ng Coffee Haven. Nanahimik naman ang lahat ng ito at bumalik kunwari sa mga ginagawa.

Tinapunan siya ng matalim na sulyap ni Jhay-L at bago ito tuluyang lumabas ng cpffee shop ay nag-iwan ito ng isang banta.

"You’re gonna pay for this. I swear.’ Saka ito nawala sa paningin niya.

Siya naman ay itinigil na ang pagiyak kunwari at nagpahid ng nabasang pisngi. Napahalakhak siya sa isip niya. Malkas na malakas. For revenge is sweet.

Akala siguro ng kumag na iyon ay naisahan na siya nito. Pwes! Nagkakamali siya. Hindi pa isinilang ang magpapatumba sa kahenyuhan ni Kearse Allen Concepcion.


Itutuloy...


[08]
"Sigurado ka bang kapag umali-aligid ka rito sa Kearse na ito ay makakakuha ka ng lead tungkol sa illegal na activities ni Jhay-L Lagman?"

Seryosong tanong iyon kay Cody ni Rick. Actually, paulit-ulit na lang ang tanong na iyon. Nakakabobo na. Naiirita na rin siya. Kung hindi lang sa takot niyang katayin siyang bigla nito ay nunca na pagtitiisan niya ang pang-i-scrutinize nito sa kanya.

Alam niya kasi ang itinutumbok ng isipan nitong mas kumplikado pa sa sala-salabat at pulupot ng mga octopus wiring na makikita sa mga kalsada. Ganoon ka-gulo ang takbo ng utak nito. Hindi kayang i-solve ng isang henyong katulad niya.

"Unabia, ayoko ng ngiti mong iyan."

Natigilan siya sa narinig. Napatingin siya sa kaharap niyang salamain. Napapalatak na lang siya ng lihim. Nahuli pala siya ni Rick na nilalait ito sa isip niya. Ang tindi talaga.

Hinarap niya ang team leader nila sa Task Force Enigma. Treinta y cinco na ito. Matikas ring katulad nila. Pero ang pinakapamatay nito ay ang disposisyon nito sa buhay. Ang pagiging ultimate, super-megaduper, to the highest-level, at kung meron pang itataas ang mga iyon ay iyon na ang estado ng pagiging suplado ni Rick.

Nakakamangha dahil kahit tapunan na nito ng deadly stares ang mga babae, bakla, silahis, straight-acting daw kuno pero kung makahabol ng kapwa lalaki wagas, matrona at kung sinu-sino pang magpapa-cute dito, ay talaga namang naririto pa rin ang atensiyon.

Bakit kaya? tanong niya sa isip.

"Ayoko rin sa paulit-ulit mong tanong Ricardo." pang-aasar niya.

Tiningnan siya nito ng masama. Kung may ayaw na ayaw man ito at si Perse, iyon ay banggitin mo ang tunay nitong mga pangalan. Kay Perse siguro ay mauunawaan pa niya, pero siya lang ang nakaka-alam nun, sa pagkaka-alam niya. Malay ba niya kay Rick. May sarili kasi itong intel at talaga namang nasosorpresa sila ng husto kapag may tinawagan ito o ipinadalang tao.

"Ano bang masama duon? Gusto ko lang makasiguro na hindi mo makakalimutan. May ugali ka pa namang mag-side trip."

Napasimangot si Cody sa hayagan nitong pambubuking. Wala man lang talagang preno ang bibig ng talipandas. Kung hindi lang ito masyadong matinik sa labanan eh. Hindi naman din kasi siya talaga lalaban dito ng totoong laban. Kahit naman sobrang asar na sila sa isa't-isa ay magkakapatid pa rina ng turingan nila. Laban ng isa, laban ng lahat.

"Wala! Walang masama. Parang pang-sampung beses ko lang naman na narinig ang mga tanong mo sa loob lang ng trenta minutos, so okay lang. Walang problema, success. Pwede ko na ngang i-dictate sayo lahat ng tanong mo eh."

"Very good." sagot lang ni Rick sa obvious na sarcastic outburst niya.

Kailan ba siya seseryosohin ng mga ito? Kapag dedbol na siya? Hay buhay!


"Salamat ha?" naiinis pa rin niyang sabi.

"Baka naman lalandiin--"

"Ko lang ang Kearse na ito at hindi aayusin ang trabaho ko?" putol niya sa sinasabi ni Rick. Naiinis na talaga siya.

Napatingin siya kay Jerick na dedma lang sa isang tabi, but he knew better.  Ito ang numero unong sugapa sa impormasyon. Si Perse naman ay nasa kusina at nagluluto pero duda siya kung hindi ito nakikinig. At si Rovi? Kahit mukhang grabe ang pagkahumaling nito sa bagong boyfriend na si Bobby, hindi siya naniniwalang dedma lang ito sa mga pinag-uusapan nila ni Rick.

"Come on man. You have to give me some credit here. Para namang hindi mo ako kilala. Para que pa at nakapasa ako sa TFE kung basta-basta lang ako?" nagagalit na talaga siya.

Para kasing lumalabas eh siya ang pinakamahina sa kanilang lahat na trumabaho. Nakakalalaki na itong si Rick. Wala namang kwestiyunan noon sa mga trabaho nila ah, bakit ngayon ay naku-kuwestiyon na siya.

"Maaari nga Cody. Pero hindi ba at sa kapabayaan mo rin kaya ka napahamak sa kamay ni Alexa? Kaya hindi mo ako masisisi kung buligligin man kita ng mga tanong. Kahit ilang-libong beses ko pang ulitin ang mga tanong ko sa iyo, wala kang karapatang mag-reklamo. Parusa iyan ng pagiging  pabaya mo."

Hindi siya agat nakasagot. Tinamaan siya bigla ng hiya. Pero dahil likas na komikero at matalas ang isip ay naka-isip siya ng pangganti rito. Babawian niya talaga ito isang araw, pero sa ngayon, tama na munang ma-outwit niya ito sa diskusyong iyon.

"Fine! Kasalanan ko na. Tama ka. O sige, gawin mo na. Isang-libong beses mong ulitin lahat ng sinasabi mo. Tutal naman ay bukas pa ako lalakad. Dali ng makarami." sabi niya.

Nakita niyang naningkit ang mata ni Rick tanda ng hindi nito inaasahan na ganoon ang gagawin niya. Hindi na siya nagulat ng marinig na tumawa ng malakas si Jerick.

Napalingon dito si Rick na masama ang tingin. Nag-peace sign lang ito at saka natatawang nagsalita.

"Sorry. Nakakatawa kasi yung eksena." sabi nito.

Nilinga ni Rick ang laptop. Nakita nila ang heavy na eksena ni Ate Vi at John Lloyd Cruz sa In My Life. Iyon yung eksena sa labas ng funeral home.

Naiiling lang na nagsalita si Rick.

"Basta, gawin mo yung trabaho mo ng maayos this time Cody. Hindi pa nakakagawa ng panibagong chip si Jerick dahil nasira ng daga yung itinapon mo dati. Sana naman this time, matuto ka ng huwag sumuway."

Sa kabila ng sermon na iyon, naramdaman ni Cody ang concern ni Rick sa kanya. Hindi man ito magsalita ay alam niyang nag-aalala ito sa kanya. Masyado lang itong proud para ipakita iyon. Sabagay, lahat naman sila, ganoon sa isa't-isa. Sila ang mga tagilid na barako ng Task Force Enigma.

"Oo naman Rick. Natuto na ako 'tol. Kaya itigil mo na ang pang-gu-goodtime sa akin. Una pa lang, halata ko na ang intensiyon mo. You were trying to piss me off buddy. But no can do. Ako ang henyong komikero ng grupo. Huwag niyo sa akin gamitin ang panlaban ko."

Nagtaas lang ng kilay si Rick. Pero ang silok ng labi ay may naka-ambang ngiti. Alam na niya ang ibig sabihin nun. Natumbok niya ang ginagawa nito. Nakarinig naman siya ng ingay sa kusina. parang confirmation na tama ang hinala niya sa totoong ginagawa ni Kearse doon. At si Jerick, ayun, natawa ulit "daw" sa mga eksena sa In My Life. Sino lang ba nakakatawa doon? Si Vice Ganda? Kaloka.

Nakarinig naman siya ng mas malinaw na ingay sa labas kung saan naroroon ang magnobyong Bobby at Rovi. He really can't help but smile. Deep inside their solid and brusque appearance, mahal nilang lima ang isa't-isa. Parang Band of Brothers ang drama. Only theirs is a weird one.

"Mga tarantado kayo. Pinagkaka-isahan niyo ako." anas niya sabay bato ng kung anong nahawakan niya sa gilid niya. Stapler pala yun at kay Rick niya naibato. Nasalo naman nito iyon. Hindi ito tumatawa tulad ni Jerick pero kitang-kita ang amusement sa mata. Tila tuwang-tuwa na napahirapan nito ang kalooban niya kahit saglit lang.

Ibinaba nito ang nasalong stapler. "Make sure na magagawa mo ito Cody. remember, pambawi mo ito sa amin."

Iyon lang at nauna na itong lumabas ng apartment niya. Maya-maya pa, narinig niya rin ang yabag nila Rovi papasok. Saglit lang itong nagpaalam at umuwi na rin kasama si Bobby.

Si Jerick ay ganoon din ang drama. Bigla na lang natapos ang pinapanood nitong nakakatawang In My Life at nagpaalam na rin ang kumag.

Ang tanging naiwan ay si Perse na sa pagkaka-alala niya ay nagluluto ng ulam. Pumasok siya sa kusina at doon niya nakita ang kaibigan na nasa harap ng stove. Nakaka-asiwang tingnan ang laki ng katawan nito tapos naka-apron pa at nagluluto. But he knew that despite that strong appearance of his friend, lies a kind-hearted man and a soft-guy. Soft in the manner that he can be sweet, lalo pa at inaatake ito ng ka-wirduhan nito.

"Ayhian..."

Nailing lang ito. Tanda ng kawalan ng magagawa sa pangungulit niya sa tunay na pangalan nito. Aksidente lang niyang narinig iyon ng may maka-usap itong babae habang nasa isang operasyon sila. Hindi nito naalalang nasa itaas lang siya ng guho na pinagdalhan nito sa babaeng maaaring parte ng nakalipas nito. Naalala niya ang buong pangalan nito.

"Ayhian Nelson Flores..." mahinang sambit niya. Tama lang na marinig nito.

Isang mabilis na ilag ang ginawa niya ng sa biglaang pagharap nito sa kanya ay ang pagdako sa direksiyon niya ng sandok na hawak nito. Lumikha iyon ng ingay.

Tatawa-tawang lumabas siya ng kusina para makaiwas sa pagiging bayolente ni Perse. Mabuti na lang at sanay na siya sa pagiging magaan ng kamay nito. Siyempre pa, given na rin na alam niyang ganoon talaga ang gagawin nitong reaksiyon. Ilang beses na kayang nangyari iyon.

Nanghumupa ang tawa niya ay tiningnan niya ulit ang folder ng lalaking mamanmanan niya. Madali lang iyon. Ang problema lang, kung paanong hindi makakahalata si Kearse na gagamitin niya ang presensiya nito para maisakatuparan ang plano. Nasa ganoong estado siya ng tawagin siya ni Perse para kumain.

Iniwan niya muna ang folder sa lamesa at sumunod sa kaibigan sa kusina para kumain.


"Hindi nga friend? Sigurado ka ba sa sinasabi mo na alagad pala ng batas ang pobreng mama na napulot natin sa daan?"

Napabuntong-hininga siya.

"Ano nga?" nangungulit na sabi ni Earl sa kanya.

Napapiksi si Kearse. Animo isang nagdadalagang nene kung maka-emote. Katursi? epal na naman ng bahagi ng isip niya.

"Ay, OA na ha. May emote ng ganyan. Nakakaloka." napaparoll-eyes na sabi ni Earl.

Medyo nasisilaw siya sa kulay ng damit nito. Sobrang puti na nga naka-yellow pang damit. Iyong matingkad talaga. kaya naman nasisilaw siya. Idagdag mo pa ang accessories nitong gold bracelets, necklace and rings. Parang kapag may naglaro ng touch the color at nabangit ang yellow at gold ay hinding-hindi ito pwedeng hindi mapansin. Stand-out ang loka sa kulay.

"Hindi naman sa ganoon friend." desperadong tugon niya rito.

Ewan ba niya kung bakit siya feeling desperate ngayong araw na ito. Wala naman siyang dapat na ipagkadesperada dahil unang-una, siya ang nagpasyang umiwas kay Cody ng malaman niya ang totoong pagkatao nito.

Para kasi siyang lobo na hinipan at biglang pinutok. Iyon ang pakiramdam niya.

Peste! Kung kailan naman mukhang nakahanap na siya ng sa tingin niya ay matinong lalaki ay malalaman niyang isa itong alagad ng batas. At hindi lang basta pulis, miyembro ng isang elite group ng anti-terrorist. Papaano na lang ang tahimik nilang buhay na mag-anak kung gantihan ito ng mga nakakalaban si Cody kung sakaling i-involve niya ang sarili rito?

Feeling ka teh. Tiyak niya, naka-ismid pa yung kontrabidang bahagi ng isip niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Naiinis na binalingan niya ang kaibigang si Earl na nagtataka na sa ikinikilos niya. Malamang mas maloka pa ito kapag nalamang nakikipag-usap siya sa bahagi ng isip niya.

"Friend okay ka lang?" hinawakan siya nito sa balikat.

Sinuri-suri pa ang mukha niya at leeg. Akala mo doktor tuloy ang kaharap niya. Isang makinang na doktor.

Marahan niyang inalis ang kamay nito sa leeg niya at ngumiti rito. "Friend, okay lang ako. Medyo nawiwindang lang ako sa mga nalaman ko pero carry lang. Hindi naman dapat ito big deal sa akin..."

"Pero naging big deal kasi tinamaan ka sa cute na estrangherong itago natin sa pangalang Cody." agaw nito sa sana ay sasabihin niya.

Bumugha ulit siya ng hangin. "Well, yata." Hindi niya siguradong tugon.

"Pwede ba iyon? Yata? Ang gulo mo neng. Para kang ano."

"Pasensiya na friend. Iyon lang ang kayang tanggapin ng henya kong utak. Hindi ako tulad mo 2gig ang memory ng utak. Pa-save nga ng ibang di kayang i-process ng sa akin."

Lumabi pa ang hitad pagkatapos niyang maging sarcastic dito. Akala yata ng baklitang ito eh maganda rito ang naka-pout. Katrina Halili?


"Wala ka namang dapat problemahin friend eh, kasi unang-una, malamang hindi na kayo magkita nung si Cody. Sa layo ba naman nitong sa inyo sa sibilisasyon ay malamang na tamarin ang kaluluwa ng pobrecito sa paglalakbay. Eh, mukha ngang ni kotse walang pundar iyon."

"Grabe ka naman. Ano bang tingin mo sa requirement ko sa lalaki? Milyonaryo?"

Tinampal siya nito sa noo.

"Loka, at least naman, kung hahanap ka ng lalaki, yung may stable na trabaho. Walang masama sa pagiging pulis niya, pero alam mo naman ang trabahong iyon, delikado. Pangalawa, magkano lang ba ang sweldo ng mga pulis. Eh mamaya niyan, kulang pa sa kanya ang sweldo niya. pangatlo.."

"Shaddap!!!" awat niya sa litanya nito.

"Hindi naman iyan ang punto ko eh. Hindi ako naghahanap ng boyfriend sa katauhan ni Cody. Oo, attracted ako sa kanya but it's not that strong para pangarapin ko siyang jowain. Sa kinikita ko pa lang sa publication at sa amilyar na binabayaran ko pa, buti na lang patapos na, eh kulang pa ang sweldo ko. Tapos hahanap pa ako ng taong gagastusan. Mukha ba akong tanga or engot sa paningin mo Earl?"

"Exactly my sentiments. Iyang dahilan na iyan ang pangatlo ko sanang sasabihin." Itinuro lang siya nito na tila balewala lang ang outburst niyang iyon. Napapa-iling na umupo siya.

"Isa pa." patuloy niya.

"Mabuti sana kung papatulan ako nun. Mukhang nanunukso lang ang mokong na iyon eh. At di bale sana kung gumagastos siya sa mga magaganda. Eh Voluptuous lang ako."

Tiningnan lang siya nito na para bang may malaki siyang ipinagsisinungaling. "Gutom lang yan ne."

"Sabi ko nga."

"Naghalo na ang mga bitamina, asido at kung anu-ano pa sa utak mo ng dahil sa pagiging writer mo. Sabi na nga ba, masamang propesyon iyan." tila wala sa sariling sabi nito.

Tinuktukan niya ang nahihibang na baklita.

"Timang, kung di ako nagsusulat, wala ka ngayon sa harap ko. Mas baliw ka kasi pinatulan mo ang mga kwentong isinusulat ko."

Tila natauhan ito.

"Oo naman friend. Alam mo, dapat talaga, sineseryoso ang pagsusulat. Aba! Iyana ng pamana sa'yo ng pambansang bayani nating si Jose Rizal. Wala silang laban sa mga katulad mong sandata ang ballpen at papel."

"Ah, Earl, computer po ang gamit ko."

"Yun nga, computer mo ang sandata mo."

"And I don't know you." naloloka ng sabi niya sa kalokohan nito.

"Hu u? Hindi ikaw ang kaibigan ko. Kilala ko ang kaibigan ko. Hindi niya makakalimutan ang napakaganda kong mukha at napaka-seksing hubog ng katawan." umarte pa itong beauty queen.

Todo na ang roll-eyes niya. Baka nga wala ng itim ang mata niya at natatakot siyang mahipan ng hangin.

"Ang ingay mo bakla." tinig iyon sa isang bahagi ng bahay.

Napalingon siya. Parehas silang natutuwa ang reaksiyon ng mukha. Sa kanya, muntik na niyang isigaw. "Kalayaan!" habang si Earl ay nagdo-drool na halos sa may-ari ng tinig. Kumikinang na rin ang mata at naghugis puso. Parang anime lang di ba?

"My bebeh!" sigaw nito.

Napangiwi siya. Ganoon din si Jaime. Ang kapatid niyang minalas na napagtuunan ng pagnanasa, este, ng affection ni Earl. Para itong naging ibang tao bigla at kinalimutan siya ng makita ang pobre niyang kapatid. Nagmamadaling pumasok ng bahay si Jaime para umiwas dito pero parang zombie lang si Earl na tuloy-tuloy sa pagsunod dito.

Natatawang bumaling siya patalikod sa gate nila. Nagmukmok. Nakayukyok lang ang ulo. Wala pa rin siyang maisip na paraan para masolusyunan o kahit mapangalanan man lang ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya kay Cody.

"Hay!!! Ano bang gagawin ko sa'yo Cody?"

"Pwede mo akong halikan." anang tinig na nagpabalikwas sa kanya.

Pero dahil hindi yata napaghandaan ng istorbong tinig ang ginawa niya ay tinamaan ito ng bumbunan niya sa baba. Nauntog tuloy siya.

"Aray!" naiiritnag hinimas niya ang ulong nasaktan.

"Maka-aray ka parang ikaw lang ansaktan." reklamo ni Cody.

"Ano bang ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya sa kabla ng naramdamang sakit.

"Ano pa? Eh di binibisita ka." anitong hinihimas ang nasaktang baba.

Lumapit ito sa kanya. Napatigagal naman sya. Itinulos na lang parang kawayan sa kinatatayuan. Deja Vu ? Parang hindi naman.

"Don't..." marahang anas ni Kearse. His voice almost dry.

"Don't, what?" masuyong tanong ni Cody sa kanya. Hinawakan nitoa ng nasaktang bumbunan niya at marahang hinilot iyon.

Napapikit siya sa sensasyon na dulot nun. Kaloka. Hawak pa alng yun ganoon na ang reaksiyon niya. Paano pa kaya kung...?

"Don't... Cody..." oh he was purring like a shameless kitten.

"Don't?" nasa himig nito ang pagka-amuse.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at napatanga dito.

"Ah... don't... worry. Be happy?" ewan niya sa sagot niya. Basta, masabi-sabi.

Sukat sa sinabi niya ay binitiwan siya nito at humagalpak ito ng tawa.

Great Kearse. Just great!


Itutuloy...


[09]
Napasimangot si Kearse sa ginawang pagtawa ni Cody. Naiinis siya dito pero higit ang inis na inilalaan niya ngayon sa sarili. Bakit? Ano ba kasing pinagsasasabi niya sa harapan nito kanina? Mukha lang siyang tanga. Iyon pa naman ang ayaw na ayaw niya. At hindi ba writer siya? Bakit wala siyang masabing matino samantalang kapag gumagawa siya ng prosa magdamagan eh umaabot siya ng labindalawang libong salita, tapos dito, "Don't worry, Be happy" lang siya? Susme!


Maluha-luha na ang mga mata nito ng tumigil sa pagtawa. Ewan niya kung exaggerated lang siya, pero, ang gwapo pala ni Cody kapag tumatawa. Parang nabawasan ang edad nito. Teka? Ilang taon na nga ba ito?

"Ilang taon ka na Cody?" hindi niya napigilang itanong ang nasa isipan.

"Hmm?" Anito habang ikinakalma pa ang sarili.

"OA na Cody." naka-ismid na wika niya.

Humagikgik pa ulit ito ng parang batang tuwang-tuwa sa bagong kalaro. Hindi na naman niya maiwasang mapatanga rito. Everytime na lang na napapatitig siya sa lalaking ito, nawawala ang konsentrasiyon niya.

"Bakit ba ang cute-cute mo Kearse?" saad ni Cody. Nakabadya pa rin ang pinipigilang tawa sa labi nito. Kaya tuloy, ang pobre niyang mata, napako ng tuluyan sa mapupulang labi na iyon. Walang kakurap-kurap. Na-imagine niya agad ang naging halusinasyon niya rito noong isang araw.

Sa sobrang pagkahaling ng kanyang paningin sa labi nito ay hindi na naman niya napansin ang mabilis na paglapit nito sa kanya.

When Kearse finally get to realize that Cody was out of his line of sight, Cody's face was only an inch away. Giving him access to his gorgeous eyes. Thick lashes. Smart, sharp and feisty. And he was caught in a trance.

Lalo pa siyang nawala sa sarili ng maramdaman ang dampi ng mainit nitong hininga sa kanyang mukha. Parang hinihigop nito ang life-force niya at hindi siya makahinga ng maayos. Pero sa lahat ng hindi makahinga ng ayos ay siya ang may pinakamasarap na pakiramdam. Para siyang dinadala nito sa alapaap. As if he was high on drugs.

At iyon nga, ang feeling niya ng pagka-high ay lalo pang nadagdagan ng hawakan siya ni Cody sa pisngi. Nanginig ang tuhod niya sa antisipasyon. Will he kiss me?


Iyon kaagad ang tanong na umalingawngaw sa isip niya. Lalo pa at nakatingin din si Cody sa kanyang labi. Oh yeah!


Nagbubunyi na kaagad ang kanyang kalooban.

Napagpasiyahan niyang pumikit upang hintayin ang pagdampi ng labi nito sa kanya. Gahibla na lamang siguro ang layo nito? Mabilis niyang pag-analisa sa pangyayari.

Naghintay pa ulit siya sa pagsasakatuparan ng kanyang mga pangarap, este ng kanyang pinapangarap na kissing scene with the hunky and delicious Cody.

Subalit mukhang kontrabida ang author sa lovelife niya kaya kahit ang kissing scene ay hindi na ibibigay sa kanya. Hanggang pangarap na lamang siguro iyon dahil ang sumunod niyang naramdaman ay ang malamig na dampi ng hangin sa kanya.

Naiwan siyang nakapikit pa at nakanguso sa hangin.

My kiss? What happened to my kiss?


Nagmulat siya ng tingin at agad na hinanap si Cody.

My kiss? Where's my kiss?


At iyon ang kanyang supposedly ay kahalikan. Kausap ang kanyang kapatid na si Migs. Parang seryoso ang mga ito.

My kiss? Calling, calling my kiss?


Nakanguso pa siyang lumapit sa mga ito ng dahan-dahan.

Is my kiss here?


"Sigurado ka bang nakita mo na ang lalaking ito?" tanong nito sa kapatid niya.

May hawak na litrato ang kanyang kapatid habang kunot-noong nakatitig doon. Samantala, si Cody ay nakapamulsa at talagang seryoso rin. Bigla siyang natilihan. Parang ibang Cody ang nakikita niya ngayon. Someone unfamiliar to him.

Nagmukhang brusko ang masiyahing mukha nito. Misteryoso at mapanganib. Pero sa kabila ng pagbabagong iyon, iisa ang nanatiling nakatatak sa isip ni Kearse, gusto niya sa Cody. Mukha man itong bagyo or ewan.

Lumapit na siya ng tuluyan sa mga ito para lang magulat sa nakitang larawan na hawak ng kapatid. Hinablot niya pa iyon at dramatic pa ang pagkaka-kusot ng kanyang mata para makasiguro sa nakikita.

"OA ka kuya. Kusutin mo pa kaya ng husto yang mata mo?" sarcastic na sabi ni Migs sa kanya.

"Heh! Tumahimik ka. Ang ingay mo." ganti niyang sabi rito.

"Hala? Ako pa maingay? Hmp!"

"Ang OA mo Michael. Out ka na ba?" pang-aasar niya pa lalo rito.

Namula itong bigla at alanganing napatingin kay Cody na nakatingin rin pala sa kapatid niya. Bigla ang pagkagat ng selos sa dibdib niya ginawang pagkakatingin nito kay Migs.

"Hep! Hep! Pumasok ka na sa loob Migs. Huwag kang pakalat-kalat dito. Bilis! Larga!" mabilis niyang pagtataboy sa kapatid.

Nakakunot lang ang noo ni Cody habang hinahabol lang ng tingin si Migs. Sa inis niya, pilit niyang ibinaling sa kanya ang paningin nito. Which he successfully did.

"Huwag kang titingin sa isang iyon, babaho ang kamay mo." paninirang-puri niya kay Migs.

"Huh? Paanong mangyayari iyon?" takang-tanong naman ni Cody.

Hay slow! Joke kaya iyon?


"Ah basta. Henyo ako at kapatid ko iyon. Alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya." pangungumbinsi pa niya.

Napatango lang ito at muli siyang tinitigan.

Finally, my kiss!


Napapasigaw na siya sa isip niya. Feeling nga niya ay bumukas ang langit at nagbabaan na ang mga anghel. May naririnig kasi siyang boses ng mga anghel. Pero parang off season kasi ang kinakanta ng mga anghel ay pamasko.

"...Hark the herald angel's sing...


Glory to the new, the new born king..."


Nagtatakang tumingala siya para tingnan kung nasa tamang huwisyo ba ang mga anghel niya ng makita niyang may ini-angat na bagay si Cody at pinindot.

"Unabia."

Cellphone? Ringing tone? Hark the herald angel's sing?


"Sure ba yan 'tol? Sige, kukumbinsihin ko siya na tulungan tayo." sabi pa ni Cody habang nakatanga pa rin siya rito. Pinatay rin nito agad ang aparato.

March na ah?


Napansin yata nito ang pagtataka sa mukha niya. "Huy, okay ka lang?"

"Huh?" disoriented pa siya sa narinig na pamasko.

"Sabi ko, kung okay ka lang?" hinawakan pa siya nito sa balikat.

Napatingin siya sa malaking kamay nito. Para siyang nakuryente. At ewan niya kung anramdaman nito iyon. Wapakels siya. As in, walang paki-alam.

"Bakit ganun ang ringtone mo? Pampasko?"

Kung akala niya ay nagustuhan na niya ang lahat ng kakaibang katauhan na ipinapakita sa kanya ni Cody ay nagkakamali pala siya.

Dahil sa tanong niyang iyon ay bigla itong namula at parang batang nag-iwas ng paningin ng mahuli ng crush na nakatingin.

Oh boy! Okay ka pa diyan puso ko? Baka hindi mo na kayanin kapag nagpakita na naman ang lalaking ito ng kakaibang eksena sa iyo.


Kearse was rendered speechless. Ilang anyo ba ng buhay meron ang kumag na ito at lagi na lang siyang nasosorpresa. At kahit pa anong hitsura nito ay gustong-gusto niya. It was his turn to me amused.

"Okay ka lang?" ang tanong niya rito.

"O-okay lang. Huwag mo ng pansinin ang ringtone ko. Kanya-kanyang trip lang iyan." sagot nito.

Oh how he loved this man.


Love? Eeeekkk!!! How come?!

Pero mukhang hindi patitinag ang damdamin niya. Ganun nga siguro kabilis ang lahat. Mukhang in-love na siya kay Cody.

Napakurap-kurap na lang siya sa sariling realization. Masarap naman sa pakiramdam eh. At gusto niya ang feeling na in-love siya rito. First time niya yun. Kaya naman gusto niyang itodo na ang laban. Wala naman siyang magagawa dahil kahit anong gawin niya, kahit anong tanggi at pag-analisa ang gawin niya, iisa lang ang kalalabasan at kauuwian ng lahat. Mahal na niya ang pabago-bago ng mood na lalaking ito.

Hahayaan na lang niya ang oras na magpasya kung saan siya dadalhin ng damdamin niya para dito. Sa ngayon, yayakapin muna niya ito. And he did.

Nagulat pa si Cody sa ginawa niya. Naramdaman niya iyon.

Sige lang, para tayo sa isa't-isa. Damang-dama ko yun. Mataginting niyang sabi sa isip.

"Ah... Kearse. Bakit mo ako niyayakap?" sabi nito. Pero walang bakas ng pagrereklamo sa tinig.

Lalo tuloy siyang nagdiwang! Heypibertdey!


Sininghot niya ang napakabangong amoy nito. Lalaking-lalaki.

"Kasi po, it's good for my health po." aniyang mas lalong isiniksik ang mukha sa katawan nito.

Nakaramdam siya ng ligaya at itutuloy-tuloy na sana ang pangmomolestiya sa matipunong katawan nito kundi lang may sumingit na boses sa likuran nito.

"Uy may labing-labing!" anang isang tinig.

Dagli siyang nagmulat ng mata at tumambad sa kanya ang isa pang gwapong nilalang. Nakasalamin ito pero hindi napingasan ng bagay na iyon ang kakisigan at kagwapuhan na taglay nito.

Syet! Nasa heaven na ba ako? Nasaan si San Pedro?


"Jerick." si Cody.

Tumingala siya sa kayakap na ngayon ay hirap na hirap na nililingon ang bagong dating. Ibinalik-balik niya ang tingin sa mga ito. Para lang piyesta at namamakyaw ng gwapo ang mata niya. Oh la la.


Mas preferred niya a rin ang kapogian ni Papa Cody. Pero dedma na kung mangliligaw sa kanya ang isang ito. Hindi naman siya choosy. Pwede na rin itong gawing kabit.

Malandi! sigaw ng isip niya.

"Tol, okay rina ng pangungumbinsi mo ah. Pumayag na ba?" tanong ng bagong dating na gwapo.

Nagtaka siya sa usapan ng mga ito.

Di ko gets!


"Sinong papayag, Pogi?" tanong niya sa bisita nila ni Cody. Obviously, magkakilala talaga ang mga ito.

"Ikaw." amuse na sagot nito.

"Saan?" pa-demure niyang sagot.

"Si Cody na ang bahalang magpaliwanag." anitong natatawa pa rin.

"Ah okay." balewala niyang sabi.

Tiningala niya ulit si Cody. This time, may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito.

"Ahm Kearse... pwede mo..."

"Yes! Yes! I will marry you!" sigaw kaagad niya.

"Huh?" nagtatakang sabi nito.

"Ay, ano bang tanong mo?" pagpapakalma niya sa sarili.

"Ah... pwede mo ba akong bitiwan muna sandali? Kasi may pag-uusapan tayong importante."

Ay ganun? Pero sabi importante daw, baka aalukin na ako ng kasal?


"O-okay." hesitant niyang sabi bago ito pinakawalan.

"Good. Now, about this." nakangiting sabi ni Cody sa kanya bago mabilis na kinuha ang picture na nasa kanya.

"Ay, nasa akin pa pala yan."

"Oo. At nalukot mo na nga eh." reklamo nito kunwari.

"Bakit may picture ka ni Jhay-L?" tanong niya agad.

Nagkatinginan ito at ang bagong dating.

"Ah, Kearse, iyon nga sana ang sasabihin ko sayo na importante. Baka pwede tayong maupo muna para mas maipaliwanag ko sa'yo ng maayos?" ani Cody.

Bantulot siyang tumango rito.

"O-okay. Sige, dun tayo." turo niya sa kinauupuan nila ni Earl kanina.

Nang maka-upo ay agad na niyang isinatinig ang pagtataka.

"Sino nga pala itong poging ito? At bakit kayo naririto at may dalang picture ni Jhay-L? At ano itong kutob ko na may hindi maganda kayong sasabihin sa akin?" ratrat niya agad ng tanong.

"Kearse, si Sgt. Jerick Salmorin. Kasamahan namin sa Task Force Enigma ni Perse. At kaya kami nandito ay tungkol talaga ito kay Jhay-L. Remember the last time na nakita kong nasa Notebook mo yung picture niya?" pagpapakilala sa kanya ni Cody ng kasamahan na tinanguan lang niya.

Mas tumatak kasi sa pag-aalala niya ang sinabi nitong concern.

Miyembro ang mga ito ng isang elite searcha nd destroy group. Kung hindi siya nagkakamali, isang imbestigasyon iyon. At dahil nakita siyang may picture ni Jhay-L sa Mac niya ay isa na siyang suspek? Agad ang pag-iling na ginawa niya. Sunod-sunod.

"No! No!" sigaw niya sa mga ito.

"Kearse, calm down!" ani Cody na nakalapit agad sa kanya.

"No! Wala akong kasalanan! Wala!" malapit na sa pagiging histerical na sabi niya.

"Pare, kalmahin mo siya." sabi ni Jerick kay Cody.

Hinawakan siya ni Cody sa magkabilang braso. Pilit naman siyang kumakawala sa pagkakahawak nito. Kailangan niyang makatakas! Kailangan niyang makalayo! Wala siyang sala!

"No! I did not kill anybody!" maluha-luha na niyang sabi.

"Kearse! Snap out of it!" naiinis ng sabi ni Cody.

"No! Wala akong kasalanan! Tulungan niyo ako Jaime! Migs!" Sigaw niya ng pagsaklolo sa mga kapatid.

"Namputsa pare!" si Jerick.

Nagkakawag siya pero sadyang malakas si Cody. Inapakan niya ito sa paa.

"Ouch! Damn!" daing nito. Nabitiwan siya pero iglap lang din at nahawakan siya ulit.

Pagkahila nito sa kanya ay walang sabi-sabing ikinulong siya nito sa mga bisig nito at ang lahat ng pagtatangka niyang pagsigaw ay nakulong na sa kanyang lalamunan ng takpan ni Cody ang labi niya ng sariling labi nito.

At nawalan na siya ng malay.


Itutuloy...


[10]
Pupungas-pungas pang nagmulat ng mata si Kearse pagkagising. Disoriented siya. Nagtataka kung paano siyang napunta sa loob ng kanyang silid samantalang nag-uusap lang sila ni Cody sa labas kanina.

Napasinghap siya.

Si Cody!

Oo nga pala. Hinalikan siya nito. At biglang naging blangko ang ala-ala niya. Nawalan ba siya ng malay? Pero bakit? Naguguluhan siyang bumangon ng maramdamang may mabigat na bagay sa kanyang tiyan. Nagulat pa siya ng makitang braso iyon ni Cody na mukhang natutulog habang nakasalampak sa sahig ng silid niya.

Ang sweet naman.

Ang nangingiti niyang sabi sa sarili nang matigilan siya. Oo nga pala. May sinabi ito tungkol kay Jhay-L. ang lalaking kinuhanan niya ng picture at in-upload sa kanyang Notebook. Hindi siya mapanghusgang tao. Mapanglait lang siya ng hitsura. Pero di niya inasahan na magmama-match pala ang una niyang assessment sa taong iyon ng hindi sinasadya. Naiiling na tinanggal niya ang braso ng binata mula sa pagkakadagan sa kanya. Nagising naman kaagad ito.

"Oh, hi! Mabuti naman at gising ka na." naniningkit pa ang mata mula sa pagtulog na bati sa kanya ni Cody.

Nahigit niya ang kanyang hininga.

Syet! Ang gwapo talaga ng mokong na ito. Malas ko naman at ito pa ang natipuhan ko.

"Okay ka na ba?" bigla ang pag-aalala sa mukha nito.

Hindi pa rin siya sumagot. Nanatili lang siyang nakamasid dito.

Sinalat naman nito ang pulso niya at animo doktor na ineksamin ang kanyang vital signs. Ay oo nga pala, doktor nga pala ito.

Iba ang naging dating sa kanya ng ginagawa nito. Nakaramdam siya ng init sa walang malisyang paghawak nito sa kanya. Bigla ang pagbangon ng kakaibang damdamin sa dibdib niya at ang pagtibok ng puso niya ay hindi na naman normal. Nag-init ang mukha niya. Kahit hindi niya nakikita ang sarili ay nararamdaman niyang ang pula-pula niya. Nahihiyang tumingin siya rito.

"C-cody..." sambit niya.

"Are you okay Kearse? Bakit ang pula mo? Naiinitan ka ba? Mukha namang normal ka..." sunod-sunod na sabi nito ng biglang matigilan sa huling pangungusap. Parang may na-realize na kung ano at napatingin sa braso niyang hawak-hawak.

"I... I... i'm fine. Init lang siguro ito ng p-panahon." aniyang napipilitang ngumiti. Pasimple niyang hinila ang kamay pero naramdaman niyang hindi siya nito gustong bitiwan.

"O-okay na ako Cody. A-ang k-kamy ko?"

Tinitigan lang siya nito ng magsalita siya.

Hayun na naman ang pakiramdam niyang tila siya nahihipnotismo rito. Kung totoo man ang mga bampira, malamang si Cody ay isa sa mga iyon. Parang gusto niyang sumunod lang ng sumunod sa lahat ng gusto nito kapag ganitong nakatitig ito ng matiim sa kanya.

"Kearse..."

"Cody..."

Napatingin lang siya sa labi nito na tila nang-aanyaya ng isang-libo at 'sanlaksang ligaya. Aminin man niya o hindi sa sarili, ganitong-ganito ang mga ginagawa niyang eksena sa mga nobela niya. Yung pakiramdam na ayaw mo ng humiwalay ng tingin sa taong mahal mo.

Mahal?

Hala ka, ang alam lang niya attracted siya rito at gustong-gusto niya itong nakikita. Pero ang mahalin agad ito? Parang imposible naman yata. Ang gulo. Subalit mukhang hindi papatalo ang reyalisasyon niyang iyon. He's already in love with Cody. At kailangan niyang harapin iyon.

"Kearse? Bakit ka hinimatay kanina?"

"Huh?" bigla siyang nalito sa tanong nito. Naman. Nagmo-moment pa siya sa natuklasan niya sa sarili eh. Bakit interrogation agad. He mentally shook his head to remove the cobwebs on his mind.

"Ah... kasi... hinalikan mo ako?"

"Wala kasi akong choice kundi gawin iyon. Hysterical ka eh. Akala ko OA ka lang."

Naalala niya ang sinabi nito kanina lang tungkol kay Jhay-L. "Pinaghihinalaan niyo ba akong kasabwat niya sa mga illegal activities na meron siya?"

"Wala akong sinabing ganyan. Kung nakinig ka lang sana muna at hindi inuna ang pag-arte mo, malamang nagkakaunawaan na tayo ngayon."

Uy! Unawaan? Tama ba ang intindi niya? Mukhang mali yata.

"Sino ba naman kasi mag-aakala na ako ang mapipili niyong lapitan para sa kulugong iyon. Hindi naman everyday may magsasabi sa akin na ang taong nakakasalamuha ko pala ay miyembro ng isang sindikato or speacial search and destroy unit ng gobyerno, haller!" daldal na naman niya.

Cody chukled and his heart skipped a beat or two because of that. Aware kaya ang lalaking ito sa epekto nito sa kanya?

"So bakit mo ako hinalikan?" may pag-asam ang tanong niya.

"Alangan namang sampalin kita?" mabilis na sagot nito.

Ang sweet na naman! Two-zero na!

"Tama lang ang ginawa mo. Feeling ko nga iyon ang pinaka-dapat na ginagawa sa mga hysterical na katulad ko."

Natawa na naman ito. Noon lang niya napansing nakatalungko na ito sa sahig. Parang bigla siyang nahirapan sa pwesto nito.

"Akyat ka nga rito. Tabihan mo ako Cody."

Nagtaka ang hitsura nito pero agad ding tumalima. Heaven agad ang pakiramdam niya sa init na dulot ng katawan nito. Bigla ang pag-angat ng kamay niya at lumingkis iyon sa katawan nito. He felt him stiffened. Nagbunyi na naman siya dahil mukhang may epekto ang ginagawa niya rito.

"Ah... Kearse? Bakit ka na naman nakayakap sa akin?"

Katulad ng una niya itong niyakap ay sinamyo na naman ng pasaway niyang ilong ang bango nito bago sumagot.

"Kasi it's good for me po."

Naramdaman niya ang paghagikgik nito at ang bahagyang pagrelax ng katawan. It was so nice having Cody in his arms. Parang tama lang ito para sa mga bisig niya. Like he belonged there and so was he. Para bang match talaga sila.

Tumikhim ito.

"So, Kearse... pwede ka bang tumulong sa amin na tiktikan si Jhay-L?" anang tinig ni Cody sa may bumbunan niya.

Nakaramdam siya ng kilig ng maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang ulo. It sent shivers up and down his spine that he almost quiver had it not been for his conscious mind telling him to stop what he's doing.

"Ano bang gagawin ko?" he said almost purring.

"Kakaibiganin mo lang siya. Kukulitin. Kagaya ng ginagawa mo sa akin." anitong nakadaiti na ang baba sa kanyang ulo.

Ikiniskis pa niya ang pisngi sa matigas nitong dibdib. Halos naririnig niya ang heartbeat ni Cody. Para bang... parehas ng sa kanya.

"Hindi kaya kita kinukulit. Inaakit kita." malandi niyang sabi.

"Ganoon ba?" said Cody. His voice a little throatily. Para bang ilang dekadang hindi ginamit ang vocal chords.

"Oo." Kearse replied on a much huskier voice.

Naramdaman niya ang pagtaas-baba ng adams apple nito. Napangiti siya habang nakapikit.

"Then you're doing a great job." Cody said hoarsely.

Naramdaman niya ang paglapat ng kamay nito sa kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha. Sinalubong siya ng mga mata nitong nag-aalab ng kakaibang damdamin. Something he could never fathom. Samu't-sari ang nakikita niya at nangilabot ang buong sistema niya ng magbaba ito ng tingin sa kanyang labi. Kearse intentionally puckered his lips a bit of a fraction to serve as an invitation for a kiss. And he was not disappointed.

His soft lips brushed at first. Waring nananatiya. Iniangat niya ang libreng kamay para sana hawakan ito sa pisngi ngunit hinuli nito iyon. Akala siguro ay sasampalin niya ito and for that he was punished by a demanding kiss. Agad nagliyab ang apoy na kanina pa hindi nagmamaliw sa sistema niya. At nararamdaman niyang ganoon din ito. He felt the steering of his loins. Gusto ni Kearse na malaman kung ganoong arousal rin ang nararamdaman ni Cody ng mga oras na iyon.

Idinikit niya sa dibdib nito ang kamay niyang hawak-hawak nito habang ang kabila naman ay gumagawa ng malalambing na pagdama sa mamasel na likuran nito. Hindi pa siya nakuntento ay ipinaloob niya sa t-hirt nito ang kamay niya at dinama ng husto ang init ng likod ni Cody. Narinig niya ang pag-ungol nito.

Lalong lumalim ang halik na iginagawad ni Cody sa kanya. Wala naman siyang paglagyan ng tuwa. Naramdaman niyang pumaling ito para idagan ang kalahati ng katawan sa kanya. Mas malaya tuloy na naglandas ang palad niya sa likod nito. Hindi niya alam kung alin ang uunahin. Ang halik ba nitong nakapagpapawala ng katinuan niya? O ang init ng katawan nitong gusto niyang damahin. Oh he was like having a high fever. Humihingal na pinakawalan nito ang labi niya.

"We better stop Kearse. Nasa labas lang ang mga kapatid mo at anumang oras ay maari silang pumasok."

Pakiramdam niya ay nangangapal pa ang labi niya kaya hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Habol niya rin ang sariling paghinga. Taas-baba ang dibdib niya sa ilalim nito.

"I don't care Cody."

"But..."

"No buts... Sinimulan mo ito. Tapusin mo."

Nakita niya ang pagkislap ng mapang-akit na ngiti sa mga mata nito. Mukhang parehas silang nabitin sa halikang iyon. Kaya naman, hindi siya makakapayag na basta na lang may papasok at mag-iistorbo sa kanila nito.

"Kearse, listen. We have a plenty of time for this pagkatapos ng ipapagawa namin sa'yo. I give you my word. Kahit pa tatlong araw pa tayong walang labasan ng kwartong ito. Mag-stock ka lang ng red bull at sigurado ako mapapalaban ka ng husto."

Napaisip siya sa sinabi nito. May point ito. Kaysa nga naman maistorbo silang bigla di ba? At least, may motivation siya sa gagawin niyang secret agent mission kuno. Nagbitiw siya ng malisyosang ngiti.

"Ay, game ako riyan! Walang labasan ha?"

"Oo. Ibang labasan lang ang mangyayari." tinapatan nito ng pilyong ngiti ang sinabi niya. Pinisil pa nito ang ilong niya.

"Aray!" tampal niya sa kamay nito.

"Sorry. Ang cute mo kasi eh. Hindi talaga ako makapag-pigil na hindi ka halikan. Buti na lang marunong kang um-style hija." nakakalokong sabi ni Cody.

Nangunot ang noo niya. "Style ka diyan?"

"Umamin ka na. Sinadya mong yakapin ako. Inamin mo na nga di ba na inaakit mo ako?"

Napatango siya. Hindi pa rin ma-gets ang sinasabi nito.

"At nakita mo naman ang resulta ng pang-aakit mo. I can't seem to get enough of your kiss."

Ninais niyang matuwa sa sinabi nito pero meron talaga siyang di ma-gets.

Akmang hahalikan siya nito uli ng pigilan niya ito. Kahit nanginginig ang katawan niya sa antisipasyon at atraksiyon sa lalaking ito ay may gusto siyang malaman.

"Bakit?" Cody asked.

"Ah... bakit ka naman di makontento sa halik ko?"

"Ewan." kibit-balikat na tanong nito. "Hindi ko nga rin maintindihan. I just love the softness of your lips. And its sweetness. I haven't tasted a lips so sweet I hardly can't forget it."

Oh he was flattered. Mukhang sinuwerte siya sa isang ito. Well, hindi lahat nakakakuha ng lalaking pwede ng mag-setle for a kiss. Lalo pa sa mga katulad niyang out and proud. Bihira ang nagkakagustong lalaki. Swerte-swerte lang iyan.

"You don't have to forget it Cody. These lips are all yours for the taking. Kahit panghabang-buhay pa. Basta ikaw, nanginginig pa."

Inabot nitong muli ang labi niya na tinugon naman niya ng buong suyo. Sa sobrang saya niya ay hindi niya napigilang sambitin ang nilalaman ng puso.

"I love you Cody."

Natigilan ito at umangat ng kaunti para tingnan siya. Napapamaang na nakatingin sa kanya. Waring ang sinabi niya ay isang incantation at nasa ilalim na ito ng spell niya.

"I said I love you." nakangiti niyang ulit sa sinabi.

Wala pa rin itong kibo. Ganoon pa rin ang ekspresyon.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan na akala niya ay eternity na yata ay ngumiti ito. Isang ngiti na hindi umabot sa magagandang mata nito.

"Salamat." wika nito.

Ano daw? Salamat? Hindi ba dapat "I love you too?"

Then it hit him.

Oo nga pala. Lalaki ito. Hindi siya dapat nag-e-expect na sasagot ito ng kaparehong kataga sa kanya. With that in mind ay niyakap niya itong mahigpit at inilapat ang pisngi sa dibdib nito. Hindi na tuloy niya nakita ang nalilitong mukha ni Cody. Ang tanging narinig na lang niya ay ang marahas na pagbuntong-hininga nito na ipinagkamali niyang dahil sa pagod.

Ninamnam na lang niya ang saya na dulot ng pagkakayakap dito.


COFFEE HAVEN


Kanina pa inaabangan ni Kearse si Jhay-L sa loob ng paborito niyang coffee shop. Doon niya ito inaabangan sa upuang madalas nilang pag-agawan at gawan ng eksena. Dala niyang props ang laptop niya para kunwari ay nagsusulat siya pero ang totoo ay pasimple siyang nakatutok sa salaming pintuan ng shop para malaman kung papasok ang herodes na target niya.

"Ang tagal naman niya." sabi niya sa maliit na mic na nakakabit sa kanya.

Ibinigay iyon ni Jerick na barkada ni Cody. Makulit ang isang iyon at gwapo rin pero hindi niya ito type. Mas gusto niya si Cody. Ito lang ang itinitibok ng dalisay na puso niya. Ito lang ang para sa kanya.

"Sino bang hinihintay mo?" may sumagot sa kabilang linya.

Napasimangot siya. "Si Santa Clause." gigil na bulong niya.

"Ah... akala ko si Pareng Cody." bigla siyang natilihan ng marinig ang pangalan na yun.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa nangyari sa kanila ni Cody. Sila na ba? Para kasing walang confirmation mula rito bagama't sinabi nitong tatlong araw silang walang labasan ng kwarto pagkatapos ng ipinapagawa nito. Pero parang alanganin siyang di mawari. Para kasing may mali. Siguro ganoon lang talaga ang lalaking iyon. Wala namang mawawala dito kung sakali. Natapos na nito ang misyon, may masarap pang eksena ito sa kanya. What more could he ask for? Wala na di ba?

"Natulala ang ale." putol ni Jerick sa pag-aanalyze niya sa mga bagay-bagay.

"Heh." pasimpleng singhal niya. Mahirap na at baka mapagkamalan siyang baliw ng mga kapwa niya customer.

"Heh ka diyan. Kayo na ba ni Cody?" diretsang tanong nito.

Namula siya sa tanong. Kahit wala ito sa harap niya ay conscious na hinagod niya ang buhok paipit sa likod ng tainga. As if ang haba ng hair niya. Ambisyosa lang.

"Huwag ka ngang ganyan." pa-demure niyang sabi.

Kung makikita lang siya ni Maria Clara ngayon, malamang mapa-roll eyes na lang ito sa reaksiyon niyang parang bulateng inasinan sa sobrang kilig.

"Uy nagba-blush." tukso pa ni Jerick.

Natigilan siya. Biglang naglibot ng tingin. Hinahanap ito.

"Looking for me?" pang-aasar pa nito.

"Nasaan ka?"

"It's best that you don't know. Baka kasi mabulilyaso tayo."

Nakakaunawang tumango siya na para bang nasa harap lang niya ito.

"Good girl."

Ngumiti lang siya.

"So kayo na nga?" pangungulit pa nito.

"Next question please." mahinang sabi niya.

Natawa lang si Jerick. "Ingatan mo ang kaibigan kong iyon. It's been so long since his last relatonship." pang-iimporma nito.

Naging curious siyang bigla.

"Naka-ilang girlfriends na si Cody?"

Parang inubo ito sa tanong niya. "Are you okay Jerick?"

Nag-ayos ito ng bara sa lalamunan. "Yeah. Yeah. Naka-dalawa na rin siya. Dalawa ring boyfriend."

"Ah..." natutuwang sabi niya ng matigilan.

Huh? Boyfriend? Tama ba sinabi ni Jerick?

"Boyfriend?" nagulat na sambit niya.

"Oo. Nakadalawang-boyfriends na rin si Cody. Parehong di nagtatagal kasi iniiwan siya. Kaya sana huwag mo siyang sasaktan ha. Mabait na boyfriend yan, hindi lang halata."

Hindi siya makapagsalita. Si Cody nakadalawang-boyfriends na? Eh siya nga NBSB ang drama, tapos ito nakadalawa na? OMG! Natanso siya. Feeling niya bubula ang labi niya. Nalason ako! Sigaw niya sa isip niya.

"Heads up." sabi ni Jerick.

"Huh?" Nalilitong sabi niya. Di siya makapag-isip ng matino sa natuklasan.

"Target sighted. 12 o'clock." sabi nito.

Hindi niya maproseso ang sinasabi nito ng maayos. Masyado siyang pre-occupied ng nalaman niya tungkol kay Cody kaya hindi na niya naramdaman ang paglapit ng dalawang tao sa kanya. Wala sa loob na nag-angat siya ng paningin.

"Hello there. We meet again."

Na-shock siya. Si Jhay-L nasa harapan na niya at kasama ang babaeng kahalikan nito noon sa mismong shop na iyon.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment