By:
emray
E-mail:
iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[16]
And
Desisyon ni Nicco
Matapos
ang pag-uusao na iyon sa pagitan ni Dok Matthew at Nicco ay tila ba punung-puno
ang puso niya ng pag-asa at unti-unting nabubuo ang loob niya para sa kanyang
desisyon. Lumipas ang mga araw ay wala pa ding Andrei at Andrew na nagpapakita
sa kanya sa seminaryo. Walang sulat o tawag na mula sa mga ito. Malapit ng
magwakas ang 10buwan para masabing nakapagsikap siya ng isang taon sa loob ng
seminaryo.
Dumating
ang araw, saktong dalawang linggo bago sila pauwiin sa kani-kanilang mga bahay,
may hindi inaasahang bisita si Nicco. Ang kanyang mga kuya-kuyahan ay bumalik,
matapos ang madaming linggo ay muli nila itong pinuntahan. Magkahalong
pananabik at tuwa ang naramdaman niya.
“Niks,
pasensya ka na ngayon lang kami nadalaw ulit.” Sabi ni Andrew na nakangiti
“madami lang kasing ginagawa.” dugtong pa nito.
“Ayos
lang iyon” sagot nito “mas mahalaga at nakadalaw pa kayo”
Tila
walang kibo si Andrei ng mga sandaling iyon. Tila baa yaw siyang makausap o
kung ano pa man. Hindi makatiis si Nicco sa ganuong siwasyon kaya siya na mismo
ang gumawa ng hakbang para mabali ang katahimikan nito “Kuya Andrei, may
magandang balita azko sa iyo, pero hindi ko muna sasabihin” pagkasabi nito ay
ngumiti si Nicco.
Napaisip
ang dalawa lalo na si Andrei – “ito nab a ang hinihintay kong pagkakataon para makasama
ka Nicco” tanong ng isip ni Andrei sabay ngiti.
“Malamang
tama ang iniisip mo ngayon” nakakalokong saad ni Nicco “basta ba susunduin niyo
ako dito pagpinauwi na kami eh” dugtong pa nito.
Nawala
ang kalungkutan sa puso ni Andrei, nawala din pagtatampo dahil sa
paniniguradong sinabi ni Nicco. Mas nanaig ngayon ang pananabik na makasama ang
taong nagpababago sa kanya.
Pagkaalis
ng dalawa ay agad na tinungo ni Nicco and opisina ng Rector para sabihin ang
binabalak nito. Sa una ay hindi matanggap ng rector ang pamamaalam ni Nicco
subalit lubhang mapilit at mapanindigan ang bata kaya pinayagan na din niya.
“Salamat
po Father at inunawa mo po ako. Maraming salamat po at pinagbigyan ninyo ako sa
gusto kong hanapin pa ang ibang mundo ko. Maraming salamat po at hinayaan ninyo
akong ibuka pa ang mga pakpak ko at lumipad ng mas Malaya at mas mataas. Salamt
po dahil hindi ninyo ipinagkait sa akin ang posibleng kaligayahan ko. Maraming
salamat po talaga sa pagpayag.” Pasasalamat ng batang si Nicco.
“Walang
anuman iyon iho. May tiwala ako sa kakayahan mo. Alam ko nais mo lang sundin
ang dikta ng puso pmo. Kung sakali mang mapagtanto mong nagkamali ka ng
piniling daan, bukas kami lagi para sa isang katulad mo at handa ka naming
tanggapin sa oras na dalin ka ulit dito ng puso.” masayang pagwawakas ng pari
sa usapan.
Dumating
nga ang araw para ang lahat ng seminarista ay makauwi. Alam ni Nicco na iyon na
ang huling tapak niya sa lugar na iyon. Hindi na niya iyon babalikan pa sa
susunod na buwan at maging sa kasunod pa. Dumating na din ang pinakahihintay
niyang susundo sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay si Andrei lang ang sumundo sa
kanya walang kasamang iba.
“Oh,
bakit ikaw lang? Nassan si Kuya Andrew?” tanong nito.
“Di
kasi ako mapanatag kung ano ba iyong magandang balita mo sa akin” sagot ni
Andrei “kaya pinilit kong ako na lang ang susundo sa iyo at ginawan ko ng
paraan para magkaroon siya ng lakad sa araw na ito.” Nakangiting dugtong pa
nito.
“Ikaw
talaga” tanging nasambit ni Nicco “halika na umalis na tayo, nakapagpaalam na
ako sa kanilang lahat bago ka pa man dumating”
Nanaig
ang katahimikan sa kanila ng magsalita si Andrei “Ano ba kasi iyong sasabihin
mong magandang balita?” tanong nito.
“Hindi
na ako babalik sa seminaryo.” Sabi ni Nicco.
Biglang
hininto ni Andrei ang sasakyan “Talaga?”
“Opo,
buti nga at –“ hindi na natapos ni Nicco ang sasabihin dahil ginawaran siya ng
halik ni Andrei sa mga labi.
“Buti
naman kung ganuon” sabi pa nito “sa wakas magkakasama na tayo.”
“Napakabilis
mo, bigla ka na lang naghahalik” nakangiting sabi ni Nicco. “Sige na paandarin
mo na ang makina para makauwi na tayo, kakausapin ko din si Fr. Rex sa bagay na
ito.”
“Ano
ngayon ang balak mo?” tanong ni Andrei “gusto mo mag-aral ka sa Maynila para
magkasama na talaga taya?” dagdag pa nito.
“Mag-aaral
ako, kaso wala ako pang-Maynila” sagot ni Nicco “siguro kukuha na lang ako ng
scholarship para makapagtapos ako ng pag-aaral o kaya working student.” Dugtong
pa niya.
“Hindi
mo na kailangan pang gawin iyan.” kontra ni Andrei “kakausapin ko si Papa para
siya na ang magpaaral sa iyo.”
“Ayoko,
nakakhiya sa Papa mo.” Sagot ni Nicco.
“Hindi
iyan, gustung-gusto ka nga niya. Malamang matutuwa iyon na tulungan ka.” Sagot
ni Andrei.
“Basta
nakakahiya pa din” sagot ni Nicco.
“Saan
ka unang pupunta?” tanong ni Andrei.
“Kay
Fr. Rex muna.” Sabi ni Nicco “kakausapin ko muna siya para makahingi ng tawad”
“Hihingi
ka ng tawad dahil pinagpalit mo ang pagpapari para sa akin?” nakangiting saad
ni Andrei.
Gumanti
na lang ng ngiti si Nicco. Sa isip niya –“oo, pinagpalit ko silang lahat para
sa iyo at walang pagsisisi kong ginawa ito”
Namasyal
muna sila bago umuwi. Sa sobrang saya nilang dalawa ay hindi nila namalayan ang
oras, basta pakiramdam nila ay hindi na magwawakas ang kasiyahan nila. Tapos na
ang huling misa para sa araw na iyon ng dumating sila ng San Isidro. Pagkababa
ni Nicco sa sasakyan ni Andrei ay pinakiusapan nito ang binata na umuwi na at
hayaan na siyang kausapin si Fr. Rex. Labag man sa kalooban ni Andrei ay iniwan
niya ang pinakamamahal na si Nicco.
“Fr.
Rex, patawarin mo po ako” panimula ni Nicco.
“Wala
kang dapat ihingi ng tawad” nakangiting sinabi ni Fr. Rex “naiintidihan ko kung
bakit mo ginawa ang bagay na iyon.” Dugtong pa nito.
“Sinabi
na sa akin ng Rector ang lahat” agad sabi ng pari nang mapansin ang pagtataka
sa muka ng binatang si Nibbo.
“Alam
mo iho, mahirap talagang intindihin kung ano nga ba ang gusto mong gawin sa
buhay. Minsan ang akala mong iyon na ay hindi pa pala. Minsan andiyan na sa
tabi ang para sa iyo, hindi mo pa napapansin, minsan darating sila kung kailan
huli na, minsan darating sila pag kumplikado ang lahat.” saad ng pari.
“Hindi
mo pwedeng diktahan ang puso” sabi ulit ng pari “laging naitatama ang
pagkakamali, kaya naman, kung sa tiningin mo ay may mali sa ginawa mo, mag-isip
ka na lang ng paraan para maitama iyon.”
Nabalot
ng katahimikan ang buong kwarto. “Ano na ang balak mo ngayon?” tanong ng pari.
“Balak
ko po sanang kumuha ng trabaho o kaya ay scholarship para makapag-aral.” sagot
ni Nicco.
“Sige,
tutal naman bukod tangi ka sa lahat at minahal na kita parang tunay kong anak,
ako na ang magpapaaral sa iyo, sa Maynila ko sana gurong pag-aralin ka.” Sabi
ng maradang pari.
“Nakakahiya
naman po sa inyo” sagot ni Nicco.
“Hindi
ka dapat mahiya, tutulong ako ng bukas sa puso ko, may malinis na hangarin”
sagot ng pari “Ano naman ang kukunin mong kurso?”
“Nais
ko po sanang ituloy ang Pilosopiya, magandang pag-aralan ang Pilosopiya dahil
kaya niyang ibigay ang mga bagay at karunungang wala sa iba.” Sagot ni Nicco.
“Maganda
iyan iho, basta ako ang bahala para sa mga gastusin mo.” Sabi ng pari “Siya,
umuwi ka na, masyado ng gabi papadelikado sa daan.
“Salamt
po ng marami Father.” Pasasalamat ni Nicco.
Tulad
ng dati wala ni isang anino na nasa bahay nila. Nalungkot man si Nicco dahil
walang pinagbago ang ayos ng kanilang tahanan ay natuwa pa din ito sa isiping
makakasama niya si Kuya Andrei niya na mag-aral sa Maynila. Nakatulog si Nicco
na masaya sa ganitong mga isipin.
[17]
Lihim
na Pagsasama sa Kaligayahan
Nalaman
na ng buong San Isidro ang desisyon na iyon ni Nicco, at sa bawat isang
nagtatanong, isa lang ang lagi niyang sagot “Mahirap po kasing gawin ang mga
bagay na hinid naman ikinaliligaya ng puso.” Madami ang nanghinayang,
gayunpaman, madami ang suportado ang desisyon niya. Isa na sa mga sumuporta
dito ay ang kanyang pamilya.
Isang
linggo na din ng makauwi siya ng San Isidro, pagkagaling sa labasan ay inabutan
niya ang mga kapatid sa kanilang bahay. Hindi siya sanay sa ganuong pangitain,
lalo na at hindi niya inaasahan ang pagpunta ng mga ito sa bahay nila.
“Magandang
hapon mga kapatid ko.” panimula niya, bagamat may pangambang baka ang mga ito
ay galit sa kanya ay pinilit niyang itagao ang nararamdaman. “Kumain na ba
kayo?” kasunod na tanong nito.
“Nicco”
sabi ng Ate Lourdes niya “bakit mo biglang naisipan na huwag ng ituloy ang
pagpapari?” tanong nito.
Kahit
pinaghandaan ni Nicco ang ganitong posibilidad ay hindi niya alam kung bakit
tila nablanko ang isip niya at bigla siyang napipi. Nanatili na lamang siyang
nakatahimik.
“Bakit
hindi mo man lang sa amin ipinaalam?” dugtong pa nito.
Gusto
sana niyang sabihin na “Paano ko sasabihin sa inyo, ni hindi nyo nga ako
nabisita sa seminaryo, ni hindi ko kayo makausap” – subalit pinili na lang
niyang itikom ang bibig. Pakiramdam niya ay nais tumulo ng luha sa kanyang mga
mata sa isiping ang realidad ay may pamilya siyang walang pakialam sa kanya.
“Ano
pa ang silbi nang pagiging kapatid namin sa iyo, kung hindi mo kami magawang
pagsabihan ng mga balak mo?” sabi naman ng Ate Nica niya “kahit naman ganito
kami, inaalala ka pa din namin” saad din nito.
Hindi
na talaga mapigilan ni Nicco at umagos na paunti-unti ang mga luha sa mga mata
niya. Yumuko na lamang siya ng sa ganuon ay hindi nila ito mapansin. Binigyan
lakas niya ang sarili at nagsalita “Mahirap tumupad sa isang bagay lalo na kung
paunti-unti ay lumalayo ang puso mo dito. Pakiramdam ko hindi ako masaya sa
ginagawa ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin. Pakiramdam ko mas magagawa kong
makalipad ng malaya sa labas ng seminaryo. Higit sa lahat, hindi ko kaya na
mabuhay sa isang mundong ipinilit lang sa akin para tahakin.”
Tumahimik
ang kapaligiran. “Naiintindihan ka namin” wika ng Ate Antonette niya “basta ba
siguraduhin mo na magiging masaya ka sa desisyon mo. Hindi ka namin pipigilan”
dugtong pa nito.
Naantig
ang damdamin ni Nicco, sa unang pagkakataon, naramdaman niyang bahagi siya ng
pamilya ay mayroon siyang pamilya. Natuwa siya dahil sa unang pagkakataon ay
nagpakita ng interes sa kanya ang mga kapatid niya. Nasabi na lang niya sa
sarili – “Tunay nga, kahit hindi mo maramdaman sa una, sa bandang huli, ang
kabutihan na ang mismong magpapakita sa iyo, sa mga oras na hindi mo
inaasahan.”
Kinabukasan,
nagkita ulit sina Nicco at Andrei sa may lumang bahay ng mga del Rosario,
malayo ang bahay na iyon at natitiyak nilang sila lang ang tao sa lugar at paligid.
Kasalukuyan silang nasa hardin ay masayang ibinalita ni Nicco kay Andrei ang
naging usapan nila ng kanyang mga kapatid. “Edi maganda kung ganuon, kaya pala
masaya ang mood ng Nicco ko kagabi” nakangiting sabi nito “bakit hindi mo
ikunuwento sa akin ung nung magkausap tayo sa phone?”
“Gusto
ko kasi personal kong sabihin sa iyo. Mas maganda kung personal mong
malalaman.” Nakangiting sagot ni Nicco.
“Ayos
pala. Tayo? Kailan kaya nila matatanggap ang tungkol sa atin? Matatanggap kaya
nila tayo?” tanong ni Andrei.
“Kuya
Andrei ko, wag ka mag-alala, matatanggap din nila tayo” pagkasabi ni Nicco nito
ay natahimik ang pagitan ng dalawa.
“Dahil
sa ang buhay ng tao ay karaniwang nakasandig sa relihiyon, nagiging pangunahing
angkatan nila ng prinsipyo ang relihiyon. Mayroon lang talagang ibang
pinaninindigan ang prinsipyong nakukuha nila mula sa labas ng relihiyon pag
nakita nilang may mabuting idudulot ito o kaya naman ay malaking pakinabang
para sa kanila at nakararami” pagbasag ni Nicco sa katahimikan “parang tayo, we
break free, we move out of the shell, because we know that we can grow more in
this world that we are now creating.” tila may pang-aalong sinabi ni Nicco
“napa-english ako dun ah” birong dugtong ng binata.
“Tama
ka Nicco ko. Kung matatanggap tayo ng simbahan, matatanggap din tayo ng mga
tao. Ang simbahan ang pangunahing pinagkukunan ng ideolohiya at kaisipan ng mga
tao. Relihiyon ang malaking bahagi ng buhay ng tao. Dito na sila kumukuha ng
basihan ng tama at mali, higit sa lahat iyong mga ordinaryong taong
nagpapatangay na lang sa agos. Dahil dito, nagagawa ng relihiyon na
makapagdikta ng social norms. Bakit madami ang kontra sa paggamit ng condoms?
Kasi sabi ng relihiyon bawal iyon, labag daw un sa moralidad. Ibahin natin
halimbawa ang sitwasyon, kung natanggap ng relihiyon ang condoms, sana
natanggap na din ito ng marami.” paghabol pa ni Andrei.
“Tigil
na nga natin itong usapan na ito.” Pag-iba ni Nicco sa usapan “kailan natin
sasabihin kay Andrew?” tanong ni Nicco kay Andrei.
“Bahala
na, basta darating ang panahon sasabihin ko din.” sagot ni Andrei.
Matagal
ding natahimik ang dalawa, dahil sapat na sa kanila ang magkasama sila para
lumigaya. “Sumama ka daw sa amin sa Maynila bukas sabi ni Papa” saad ni Andrei
na tila may pag-uutos kay Nicco.
“Bakit
naman daw?” tila nagtatakang tanong ni Nicco.
“Aayusin
na natin ang mga papel mo para duon ka na din makapg-aral” sagot ni Andrei “si
Papa na ang bahala sa pag-aaral mo” dugtong pa nito.
“Nakakahiya
naman, pinangakuan na ako ni Fr. Rex na tutulungan daw niya ako sa pag-aaral
ko.” Sabi ni Nicco.
“Nagkausap
na sila ni Papa nung nakaraang araw, at pumayag ni Fr. Rex na ipaubaya na kay
Papa ang pag-aaral mo. Sinabi na din ni Fr. Rex na gusto mong ituloy ang
ABPhilosophy.” Sabi ni Andrei.
“Ganuon
ba, para yatang ipinagbili ako ng hindi ko alam.” wika ni Nicco.
“Kung
ipinagbibili ka, sana matagal na kitang binili para simula pa lang alam kong
akin ka na.” may himig ng paglalambing kay Andrei.
“Kahit
naman hindi mo ako bilin, sa iyo pa din naman ang bagsak ko, kasi ako ang
hahanap ng may-ari sa akin.” sagot ni Nicco na may mahinang tawa “loko ka,
nambobola ka na naman eh.”
“Kung
pambobola ang pagsasabi ng katotohanan, sige nambobola ako” may mahinang tawa
din si Andrei.
“Sige
magkita tayo bukas para masikaso na natin ang pag-aaral mo sa Maynila.
Tamang-tama may ABPhilosophy sa Philippine University”
Hindi
na nagpahatid pauwi si Nicco. Naglakad na lang siya mula sa simbahan pauwi at
maagang natulog. Masaya niyang inisip ang magandang bukas kasama si Andrei
niya.
[18]
Pag-amin
kay Andrew ng Katotohanan
“Sa
wakas at naayos na din ni Nicco lahat ng papel niya” masayang pagbabalita ni
Andrew “talagang dito na siya mag-aral kasama natin”
“Oo
nga eh, salamat sa tulong ninyo ah” pagsang-ayon ni Nicco.
“Wala
ka dapat ipagpasalamat, ayos lang yun” sagot naman ni Andrew.
“Salamat
talaga” giit ni Nicco “buti na lang may mga kuya akong gaya ninyo.” masayang
dagdag ni Nicco.
“Siya
nga pala, paano na yan, magkakahiwa-hiwalay tayo bukas” sambit ni Andrei.
“Oo
nga pala, hiwa-hiwalay tayo bukas” sang-ayon ni Andrew “si Nicco sa College of
Liberal Arts, si Kuya Andrei sa College of Engineering at ako sa College of
Accountancy”
“Bakit
ganuon?” tanong ni Nicco “di ba nakapag-enroll na tayo online? Ano pa ba ang
kailangan nating gawin?”
“Kukunin
pa natin ung katibayan na nakaenroll na tayo. Papakita natin sa College Offices
ung resibo galing sa bangko saka ung pinirint natin galing sa site.”
Pagpapaliwanag ni Andrei.
“Ganun
ba iyon, di ko alam kasi eh” sabay ang nakakalokong ngiti.
Kinabukasan,
maagang nakatapos si Nicco kaya mas nauna siyang makauwi sa tinutuluyan nilang
bahay na malapit sa unibersidad na kanilang pinapasukan. Hindi niya namamalayan
na nakatulog na pala siya. Samantala, kasunod niyang naka-uwi si Andrew at
nakita nitong mahimbing ang tulog ni Nicco. Nilapitan siya ni Andrew at kita
dito na nakakaramdam ito ng matinding kaba. Dahan-dahan niyang nilapit ang
kanyang mukha sa mukha ng nahihimbing na si Nicco. Napalunok muna siya ng laway
bago tuluyang inangkin ang mga labi nito. Sandali lamang at agad din niyang
inilayo ang mga labi. Wari niya ay sobra sa kaligayahan ang kanyang
nararamdaman sapagkat matagal na niyang inaabangan ang ganuong pagkakataon. Ang
pagkakataong masolo si Nicco. Lagi kasing kasama ni Nicco ang kuya Andrei niya.
Nasa gitna siya ng pag-iisip at pagnamnam sa mga labi ni Nicco ng dumating ang
kuya Andrei niya.
“Andrew”
bati nito “bakit ka nakalupasay sa sahig?” tanong nito.
Nagulat
si Andrew at nanghinayang dahil anduon na ang Kuya Andrei niya “Wala naman,
masyado lang kasi ako napagod kaya dito na muna ako napaupo” agad niyang sagot.
“May
gusto sana akong sabihin sa’yo kapatid ko” tila kinakabahang sinabi ni Andrei.
“Ano
naman iyon?” magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ni Andrew sa mga
sandaling iyon “para atang napakahalaga ng sasabihin mo at seryoso ang dating
mo ngayon”
“Seryoso
talaga to, tungkol kay Nicco” sabi ni Andrei “pero ipangako mo, walang ibang
makakaalam nito. Sa iyo ko lang sasabihin” pahabol ni Andrei.
Biglang
nakaramdam ng kaba si Andrew ng mga sandaling iyon, inipon niya ang lakas para
makapagsalitang muli “sige, pangako ililihim ko, ano ba iyon?”
Nagdadalawang
isip pa din si Andrei kung dapat ba niyang sabihin sa kakambal pero hindi niya
napigilan ang sarili para magsalita “Mahal ko si Nicco” panimula niya “at mahal
din niya ako” dugtong pa niya.
Tila
nawasak ang mundo ni Andrew sa narinig, nanatiling tahimik ang buong paligid
“Bro, sana maintidihan mo kung ano ang nararamdaman ko. Simula pa ng una kong
makita si Nicco iba na ang pakiramdam ko. Lagi pakiramdam ko ibang Andrei ako.”
Sabi ni Andrei.
“Kuya..”
sabi ni Andrew “naiintidihan kita, wag kang mag-alala” nakangiti niyang saad,
subalit umiiyak na ang puso niya at ang nasa loob niya ay iba –“naiintidihan
kita kasi pati ako ay iniibig at minamahal na din si Nicco. O Nicco, bakit ba
labis akong nasasaktan dahil sa iyo, kung kailan handa na akong aminin ang
nararamdaman ko, saka ko nalamang hindi din pala pwde dahil masasaktan ang
mahal kong Kuya.” biglang bumakas ang lungkot sa mukha ni Andrew.
Napansin
iyon ni Andrei kaya naman “ayos ka lang ba bro?”
“Oo
ayos lang ako” sagot ni Andrei. Pero sa loob loob at kung tunay na nararamdaman
“hindi ako ayos kuya, ang sakit.”
Nanatiling
tahimik ng magsimulang magsalita ulit si Andrei “Ipinagkakatiwala ko sa iyo ang
sik—“ hindi na nagawa pang ituloy ni Andrei ang sasabihin dahil biglang
nagsalita si Andrew.
“May
nangyari na sa inyo?” tanong ni Andrew “paano at kelan nagsimula?” sunod na
tanong nito.
“Wala
pang nagyayari sa amin, dalawang halik at yakap pa lang” sagot ni Andrei “hindi
na hihigit pa dun ang gagawin namin hangga’t hindi pa kami tinatanggap ng mga
kapatid niya at ni Papa” dagdag pa niya. Mula duon ay kinuwento ni Andrei ang
lahat.
Malungkot
man si Andrew ay pinilit niyang huwag ipahalata iyon sa kapatid. “Wag ka
mag-alala, ligtas sa akin ang sikreto ninyo.”
Pansin
man ni Andrei ang lungkot sa kapatid ay hindi na lang niya pinansin pa.
“Salamat bro, salamat. Matutuwa si Nicco dahil alam mo na ang tungkol sa aming
dalawa.”
Kinagabihan
ay kinausap ni Nicco si Andrew.
“Kuya
Andrew” nakangiting bati nito.
Tila
nawala ang lungkot sa puso ni Andrew dahil sa tawag na iyon ni Nicco. “Bakit
Niccollo Emmanuelle Ray?” nakangiting turan nito.
“Magpapasalamat
lang po ako sa iyo kasi natanggap mo kami ni Kuya Andrei” sabi ni Nicco.
“Ah
iyon ba, wala iyon” biglang nalungkot si Andrew ng maalalang pagmamay-ari na ng
kakambal niya ang pinakamamahal na si Nicco.
Tahimik
ang pagitan ng dalawa ng magsalita ulit si Nicco “Hindi tayo dapat magbigay ng
limitasyon sa pagmamahal dahil hindi natin hawak ang puso ng bawat isa. Hindi
tayo dapat magbigay ng limitasyon dahil hindi natin at hindi kailanman mababasa
ang nasa puso at isipan ng iba. Maging ang sarili nga natin minsan ay maaaring
hindi natin naiintidihan.” Sabay ang isang ngiting sapat na para mapagaan ang
loob ni Andrew.
Sa
isang dako ng puso ni Andrew ay tila may nagsasalita “Tama ka walang
limitasyon, kaso bakit hindi ako ang napili mo? Nicco, labis akong nasasaktan”
“Halina
kayo dito sa loob, kumain na tayo” sigaw ni Andrei sa dalawa at agad din naman
silang sumunod sa pinakamatanda sa kanilang tatlo.
Sa
katotohanan, mahirap ang buhay na pinagdaanan ng kambal. Lalo’t higit ng
mamatay ang kanilang mama. Apat silang magkakapatid at puro mga lalaki. Tila
ang pagpasok sa pulitika ng kanilang ama ay isang malaking sumpa. Hindi nila
nadanasan ang kumain ng sama-sama o kaya ay mamasyal. Tanging ang kanilang mama
lang ang kanilang nakakausap dahil ang papa nila ay laging wala sa bahay.
Mayroon din silang limang kapatid sa labas. Iyon ay bunga ng pagtataksil ng
papa nila. Higit pa doon, namatay ang mama nila.
Pinatay
ang mama nila sa harapan nila. Ang hardinerong labis nilang pinagkatiwalaan at
tinuring nilang ama ay siya ang mismong kumitil sa buhay ng ina. Ginahasa muna
ito sa harap nila bago pinatay. Wala ang papa nila nuon, maging si Aling Martha
at mga kapatid ay wala din. Kalagitnaan ng gabi, mahimbing ang tulog ng lahat,
kumukulog at kumidilat, malakas ang ulan kung kayat lalong walang makakarinig
sa malakas na iyak ng dalawang bata. May awa naman kahit paano ang hardinerong
magnanakaw at tinira silang buhay, sinabit sila sa may malaking bintana na may
busal sa bibig samantalang ang kanilang ina ay hinati sa tatlo.
Mula
ng araw na iyon ay lalong lumayo ang loob ng kanilang ama sa kanila. Ang mga
kapatid nila ay tila nasira ang buhay. Maagang nagsipag-asawa at hindi lang sa
iisang babae nagkaanak, hindi sa dalawa kundi sa tatlo o apat. Sila na kambal
ay laging naikukumpara sa mga pinsan nila, kesyo mas magagaling sa kanila, mas
maabilidad, mas matalino at kung anu-ano pa. Nang minsang maikwento nga ito kay
Nicco isa lang ang nasabi niya “we need not to compare ourselves to others
because we are different and uniquely designed for something that best suits
us.”
Simula
ng mamatay ang mama nila ay wala na ni isa sa mga kamag-anak nito ang nagpakita
pa sa kanila. Maging ang kanilang lolo at lola ay tila nawala ang amor sa
kanila. Hindi din nila malilimutan na isinisi sa kanila ang pagkamatay ng
kanilang ina. Tanging sila lang ang naging magkaagapay at nagtutulungan sa
buhay. Pag may problema ang isa andyan ang isa at nakaalalay. Pero hindi lahat
ng problema ay pwede mong masabi, hindi lahat ng sakit ay pwedeng ihingi ng
karamay, dahil sa bagay na pwedeng ikaw ang makasakit sa taong mahal mo pag
sinabi mo pa iyon. Ganuong ang naging sitwasyon sa pagitan ng kambal ng dumating
sa buhay nila si Stephanie at Nicco.
Pagkatapos
ng hapunan ay naghanda na sila ng mga gamit para umuwi ng San Isidro. Pinipilit
ni Andrew na ipakitang masaya siya sa harap ng dalawa. Gayunpaman, ramdam ni
Andrei ang sakit na naidulot nito kay Andrew kaya naman pinipilit niya itong
pasayahin at paminsan-minsan ay gumagawa ito ng pag-alo na hindi mababatid ng
kakambal na pansin niya ang kalungkutan nito.
[19]
Pagbabalik
ni Stephanie
Dalawang
taon na ang nakalilipas buhat ng lisanin ni Nicco ang seminaryo. Isang
magandang bagay din at sa pagpasok niya sa unibersidad ay hindi na siya nagdaan
sa first year. Hindi nasayang ang isang taon niyang pamamalagi sa seminaryo.
Ngayon nga ay bakasyon at pagpasok nila ay forth year college na sila. Siya ay
umaasang makakatapos sa oras. Napagtanto niyang napakahirap pala ang kumuha ng
ABPhilosophy sa labas ng seminaryo. Isang kursong tunay na pumapanday sa
karunungan ng isang tao. Si Andrei ay 5year course, kung kayat may dalawang
taon pa itong bubunuin sa pag-aaral. Samantala, si Andrew naman ay hindi kumuha
ng mga advance subjects kung kayat ang dapat na 4years ay magiging 5years.
Matagal
na ding tumatakbo ang relasyon nila Nicco at Andrei. Hindi maiiwasan ang
tampuhan, sa tuwing darating ang mga oras na ganito ay si Andrew ang lagi
nilang takbuhan. Natanggap na ni Andrew unti-unti ang kapalarang hindi na
magiging kanya si Nicco. Kung kayat naging malaking tulong siya upang lalong
tumibay ang samahan ng dalawa.
“Hey,
Andrew and Andrei” sabi ng tinig habang kumakain sila sa isang karideryang
malapit sa simbahan “Did you miss me?” tanong ng babae.
“Stephanie,
is that you?” tanong ni Andrei na may pagkamangha sa itsura ng dalaga “lalo ka
atang gumaganda” dugtong pa ng binata.
Hindi
alam ni Andrei, dahil sa ginawa niya ay nakaramdam ng inis ang batang si Nicco.
Alam ni Nicco ang tungkol kay Stephanie kung kaya’t lalo itong nagpasiklab sa
kanyang damdamin upang magselos.
“Yes,
it’s me.” sagot ni Stephanie at napatingin kay Nicco “Nicco, ikaw ba yan?
Biruin mo nga naman, walang pinagbago.”
“Tama!
Same old Nicco. Nothing changes but quality wise, I’m improving, that is what
men need to achieve” kasunod ang mahinang tawa.
“Salamat
sa mga words of wisdom mo. It helps me so much.” pasasalamat nito. Ginatihan
naman ng ngiti ni Nicco ang sinabi ng dalaga.
“Andrew,
hindi ka na nagsalita dyan” biro ni Andrei sa kakambal.
“Tara
na kuya Andrei, iwan na muna natin sila para makapag-usap” pagkasabi nito ay
hinila ni Nicco palayo si Andrei.
Nang
makalayo na sila Andrei ay sinita ni Nicco ang kuya niya “Ikaw ah, kung
makatingin ka kay Steph parang hinuhubaran mo na.”
“Nagseselos
ang Nicco ko, wag ka ng magselos, nabigla lang ako sa itsura n’ya. Pero ikaw
lang ang mahal ko at mamahalin ko. Ikaw na ang last at hindi na babalik sila
past.” Nakangiting wika nito.
“Sige
na nga, tutal naman mahal din kita kaya pinapatawd na kita. Wag ka na lang
uulit. Maliwanag ba?” sagot ni Nicco.
“Opo
mahal kong Nicco.” nakangiting sagot ni Andrei.
Sa
kabilang banda ay nag-usap din si Steph at Andrew.
“Kamusta
ka na?” panimulang tanong ni Andrew kay Steph.
“Mabuti
naman ako. Ikaw ba?” balik na tanong ni Steph “Hindi na nga pala ako babalik ng
Australia.” dugtong pa ng dalaga.
Bumakas
ang saya sa mukha ni Andrew “Talaga? Magandang balita.” sabi nito “Iyong
tinatanog ko sa iyo dati pa? Handa ka na bang sagutin?”
“Tulad
ng sinabi ko dati, makakapaghintay ang ganyang mga bagay. Kung magagawa mo pang
maghintay kahit ilang linggo na lang malalaman mo ang kasagutan ko.” Sabi ng
dalaga.
Tila
nahulaan niya ang ibig sabihin nito kayat ang naisagot niya ay “Oo naman, kung
tatlong taon nga ay nahintay kita, ilang linggo pa kaya.” Nakangiting sagot
nito sa dalaga.
Mahabang
oras din na nag-usap ang dalawa hanggang sa mapagpasyahan nilang umuwi na sa
kani-kanilang mga bahay. Hinatid ni Andrew si Steph sa bahay nito at nagpaalam
na din.
Umaasa
ang puso ng binata sa magandang kasagutan ni Steph sa kanya.
[20]
Si
Andrew at Stephanie
Nang
gabi ding iyon muling naalala ni Andrew ang mga pinagdaanan nila ni Stephanie.
Sa pakiramdam niya ay lalong nahulog ang loob niya kay Steph ngayong nakita
niyang mas naging kaakit-akit ito. “Oh, Steph, akin ka lang” nasabi niya sa
sarili.
Magkaklase
sina Andrew, Andrei at Steph sa Colegio de San Isidro. Magkatabi ng upuan si
Andrei at Steph samantalang si Andrew mula’t sapul ay nagkagusto na sa dalaga
kung kayat hindi niya ito malapitan. Si Andrei ang naging daan para magkakilala
ang dalawa, hanggang sa lumalim ang pagtitinginan.
Simula
nang makita ni Andrew si Steph ay hindi na niya makalimutan ang dalaga. Lagi
itong naglalaro sa kanyang isipan. Binabalak ligawan subalit nahihiya siya
dahil ayaw niyang masira ang namamagitan sa kanilang pagkakaibigan kung
sakaling pumalya ang panliligaw niya. Ayaw niyang malayo si Steph sa kanya.
Samantala,
nang minsang gabihin ng uwi si Steph ay may mga lasing na humarang sa kanya.
Sakto namang dumating si Andrew na siyang naging daan para makatakas sila.
Hinatak siya ni Andrew at sabay karipas ng takbo. Nang mapansin siya ni Andrew
na pagod na ay kinarga siya nito at lalong binilisan ang pagtakbo para hindi
mahabol. Mas lalo niyang hinangaan ang binata nang imbes na magtago ay
dumiretso sila sa police station para magsumbong. Dahil dito unti-unting
nahulog ang kanyang loob sa binata.
Napagpasyahang
ligawan ni Andrei si Steph ng may magsabi sa kanyang may gusto din ang dalaga
sa kanya. Wari bang ito ang maituturing niyang senyales para ligawan ang
dalagang iniirog. Sa una ay nahihiya, subalit dahil sa angking kabaitan ni
Steph ay pumanatag ang kanyang kalooban.
Hindi
maikakailang may gusto si Steph kay Andrew. Lagi itong nahuhuli ng mga
kabarkada ni Andrew na nakatingin sa binata. Nang magsimulang ligawan siya ni
Andrew ay tila isang panaginip na nagkatotoo. Hindi niya pansin na may gusto
din pala sa kanya ang binata kung kayat laking gulat niya ng mag-alok ito ng
panliligaw.
Mula
second year high school ay nililigawan na ni Andrew si Steph, ngayon nga na
nasa kalahati na ang taon ng pagiging third nila ay binalak niyang sagutin ito.
Nagkaroon ng pagbabago sa desiyon niya ng makilala niya si Nicco.
Unang
nagkausap sila Nicco at Steph ng mapansin ni Nicco na may malalim itong
iniisip. Naging magaan naman ang pakiramdam niya kaya sinabi niya dito ang
problema.
“Alam
mo kasi Nicco, gusto ko na siyang sagutin, kaso iniisip ko, hindi pa ako handa
sa buhay na may boyfriend.” Sabi ni Steph.
“Mahirap
ang pumasok sa isang buhay na hindi ka pa handa. Pag nagkaboyfriend ka, ibig
sabihin may mababago sa takbo ng araw-araw mo. Pag pumasok ka sa isang bagay
dapat siguraduhin mong makakaya mong panindigan, para sa huli, wala kang
pagsisisi na ganuon ang dinaranas mo.” sabi ni Nicco “baka sa huli manghinayang
ka sa mga mawawala sa iyo o sa bagay na pinakaiingatan mo.” Dagdag pa nito.
Iyon
na marahil ang pinakanagmarka sa isip ni Stephanie, kung kayat hanggang ngayon
ay hindi niya sinsagot si Andrew.
Gayunpaman,
hindi bumitiw si Andrew, pero ang tukso ay malapit lang. Kung mahina ang isang
tao, malamang na bumigay ito. Gayon na nga ang nagyari kay Andrew, kaya naman
agad itong nahulog kay Nicco. Pero tulad nga ng minsang binanggit ni Nicco
–“ilang ulit ka mang madapa ay lagi kang pwedeng bumangon, ilang ulit ka mang
magkamali ay pwede mong itama, ilang ulit ka mang matukso, alam ng puso at isip
mo kung saan ka aakayin pabalik, basta ba nakahanda ka lagi para samahan ito.
Natural lang ang matukso at maging marupok, lalo na at malayo ang minamahal mo
pero kung iisipin pwede mo namang iwasan kaso pinili mo pa rin ang matukso.
Wala kang ibang pagpipilian kundi ang bumalik sa taong mahal mo at dumanas ng
karampatang paghihirap dahil sa nagawa mo.”
Sa
pagbabalik na ito ni Stephanie ay lalo niyang napatunayang tama si Nicco, dahil
ngayon ay pinagsisihan niya at nagkagusto siya kay Nicco – lalo’t higit na kung
tinuloy niya ang balak na panliligaw dito.
Sa
ngayon ay alam at sigurado na ni Steph na handa na siya para tanggapin ng buong
buo si Andrew. Naramdaman niyang kulang ang pagkatao niya ng mamalagi siya sa
Australia at walang Andrew na nakabantay at sumusuporta sa kanya. Alam na
niyang hindi masasayang ang mga bagay at wala siyang pagsisisihan sa bandang
huli.
Sa
kabilang banda, si Andrei, tulad ng naramdaman ni Andrew ay nagkagusto na din
kay Steph, subalit hindi niya ito kayang ipagtapat sa dalaga. Naging mabait sa
kanya si Steph. Mapagbigay, maalalahanin at higit sa lahat pinupuri ang kahit
pinakamaliit na nagawa niya. Kakaiba si Steph sa lahat. Mula nuon ay hindi na
niya pinapansin ang kahit na sinong babae lalo na iyong nagpapaalam na may
pagtinign sila sa kanya.
Alam
niyang hanggang kaibigan lang ang turing sa kanya nito. At sa tuwing
magkukwento ito ng tungkol kay Andrew at ang pagkagusto niya sa kakambal ay
tila ba nadudurog ang puso niya. Nang malaman niyang may gusto din si Andrew
kay Steph ay dagli niyang sinabi na may gusto din si Steph sa kanya. Hindi niya
alam na nililigawan na pala ni Andrew si Steph. Nalaman na lang niya ito nang
mapagdesisyunan niyang ligawan ang dalaga.
Sa
ngayon, isa lang ang alam ni Andrei, kahit gaano pa gumanda si Steph, hindi
niya ipagpapalit ang nag-iisang Niccollo Emmanuelle de Dios na nagpakilala sa
kanya sa bagong katauhan at bumuhay sa isang pakiramdam na naiiba sa lahat at
ngayon lang niya naramdam,an.
No comments:
Post a Comment