By: Dalisay
Blog:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail:
angelpaulhilary28@yahoo.com
[06]
The news came from
Mark. Kahit alam naman ni Popoy na wala na siyang aasahan kay Basty as nasaktan
pa rin siya sa balita -Basty bought a new condo that day. Nasa loob sila ng
opisina niya ng araw na iyon.
Alam ni Mark ang
pangyayari dahil ang kapatid nito ang siyang agent na kinuhanan ni Basty ng
bagong unit. Hindi dahil sa wala ng matitirahan ang huli kundi para sa bago
nitong boyfriend na si Nikkos. Sinabi pa raw ng ex niya sa kapatid ng kaibigan
na huwag sanang makarating sa kanya ang tungkol sa pagbili nito ng bagong
condo. Bagaman dalawang buwan na ang nakalilipas ng magpasya siyang kalimutan
ito at ipagbili ang dati nilang tinitirahan ay napaluha siya. Napakasakit sa
kanyang malaman iyon.
"Are you going
to be okay?" tanong ni Mark. Kapwa ito photographer ni Basty bagama't
nomadic ang estilo nito.
"Yes,"
aniya sa mahinang tinig. "A new condo, huh?"
"Yes. Kakabayad
lang niya kanina. Ipa-process lang yun ng kapatid ko and for sure, may bago ng
condo si Basty. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Bakit bumili pa ng love nest nila
ng bago niyang jowa. Hindi na nahiya at sa kapatid ko pa." Napapalatak na
sabi ni Mark.
Hindi na niya
kailangang malaman pa kung magkano ang halaga ng unit na iyon. Nahuhulaan na
niya. Nanahimik na lamang siya sa mesa niya. Pinapagana ang isip. Kung hindi pa
siya kikilos ngayon ay kailan pa? Kailangang maka-ganti siya kahit paano kay
Basty.
"Hayaan mo na
siya Mark. Ganyan talaga ang mga walang-hiyang katulad niya. Kundi ba naman ay
hindi niya ipapangalandakan sa inyo ang bago niyang boyfriend considering you
guys are our set of friends. Hindi niya dapat isali sa grupo natin at pilitin
kayong i-chummy ang Nikkos na yun." Napakagat-labi siya apgkatapos ng mga
binitiwang salita. Ayaw man niyang magtunog bitter ay nagiging ganoon siya.
"Hay nako.
Mainit na naman ang ulo mo. Don't worry. Wala kaming amor sa isang iyon.
Although in fairness, yummy siya." nagbibirong sabi ni Mark.
"I don't
care."
"Alam ko."
"O sige na.
Salamat sa impormasyon." pagtataboy niya rito. Pagkalabas nito sa office
niya ay siya namang pagtunog ng intercom.
"Sir, Mr. Louie
Lester Delos Reyes on line three." anang sekretarya niya.
"Okay Shiela.
Thank you," sagot niya sa empleyada. Pagka-angat pa lang niya ng aparato
ay bumuhos na agad ang emosyon niya.
"Damn him Half.
I swear to God, he won't be able to enjoy his new relationship. Less than two
months after the break-up and a new love nest already?"
"Geez! Good
Afternoon to you too. Hindi ko kinaya yung entrada mo sa akin pare."
natatawang sabi ni Half.
"That jerk.
Kating-kati na siya sigurong palitan ako. Hindi man lang pina-abot ng three
months. Tapos binilhan pa niya ng condo yung bago niya. Anong gusto niyang iparating?
Na mahal na mahal niya ito ang he's willing to give this stud everything?"
pikon pa ring sabi niya.
"Alright. Do you
need me to do anything for you?" sumusukong sabi nito.
"Yes. In fact, I
want you to call that man you're so eager for me to meet. What's his name
again?"
"Gabriel. But
call him Gabe Kerby."
"Is he
nice?"
"Of course. Yun
nga lang. Photographer din yun."
"Shucks. Wala na
bang ibang profession na pwedeng ma-link sa akin? Bakit kailangang photographer
din iyon?"
Natawa si Half.
"I'm sorry pare. But he's way different that dumb ex-boyfriend of yours.
Saka di ka na rin talo dun. He was actually a nurse by profession."
"Whoa! At least
parehas kaming may medical background. Is he practicing it?" natuwa siya
sa nalaman kaya nagka-interes na rin siya.
"Yes. May
medical facility ang family nila sa Zambales. A retirement home. It's a big one
actually. Alam mo iyong lugar pare."
"Saan?"
"Sa may
Candelaria."
"Oh, don't tell
me sa kanila iyong Retirement House of Dawal?"
"Yes. Anak siya
ng may-ari. Dati ka pa nun gustong ma-meet. Hindi nga lang maka-tugma sa
schedule mo at nahihiya rin siya."
"Okay. Tell him
to meet me tomorrow."
"Sure ka
pare?" Nabibiglang sabi ni Half.
"Of course. Or
better yet give me his number." natatawa naman niyang sabi.
"I lost his
number eh, pero ako na maghahanap para sa'yo. Saka para may element of surprise
na rin Popoy. Huwag kang magugulat kapag nakaharap mo ang replica ni James Yap
sa totoong buhay."
"Let's
see." and then he hanged-up.
Nakadama siya ng hindi
maipaliwanang na kahungkagan sa kaloob-looban niya. Dapat ay matuwa siya at
kahit na iniwan siya ni Basty ay may nagkakagusto pa rin sa kanya. Dapat alisin
na niya ito ng tuluyan sa buhay niya. Sa inis sa sarili ay napilitan siyang
umalis ng opisina ng maaga. Ipina-cancel niya ang lahat ng mga appointments sa
sekretarya saka tinungo ang bagong bahay na tinitirahan niya ngayon.
Pagdating niya ng
bahay ay sinalubong siya ng asong si Hades. Isa itong napaka-itim na chihuahua
na niregalo sa kaniya ni Sonia at Coney ng magpa-house warming siya. Katwiran
ng mga ito ay para hindi siya mabaliw sa pag-iisa.
Naalala niyang hindi
nga pala niya napakain ito kaninang umaga. Mabuti at naisipan niyang umuwi na
lang kaysa maburyong sa opisina at makagawa pa ng pagkakamali na siguradong
hinihintay lang ng mga kalaban niya na mangyari.
Pagkapakain sa aso ay
binitbit niya ito at dinala sa kalapit grocery. Wala na kasing laman ang
cupboard niya. Nang makapamili ay naligo siya. Lalo siyang nakadama ng
kahungkagan dahil sa mga panahong hindi sila pumapasok ni Basty ay isa iyon sa
mga ginagawa nila ng magkasama. Ang mag-shower ng sabay at kumanta ng
"Grow Old With You" ng wala sa tono.
He realized, hindi
niya magagawang kalimutan si Basty kahit saang bahay pa siya tumira. It was not
the place that will make him miss him. It's the act that they have done
together. For years, he would pamper him with love and make affection and wild
love with him all day. And they would enjoy each other's company. They were
very happy together. Until Basty got tired of it.
Mayroong init na
gumuhit sa kanyang puson. It was hard being with those sensations alone. Hindi
nagtagal ay itinodo niya ang cold shower. Maaaring sa pamamagitan ng malamig na
tubig ay matanggal ang anumang init ng kanyang katawan.
He found it hard to
feel refreshed when his body craved to be touched by only one man. He was
probably stupid to sleep ahead of him a few times before. To leave the house a
few minutes ahead of him. To be so very busy. Iyon lahat ang complaint ni
Basty. That is why his happiness faded. His love faded.
Ngayon, pagkatapos
niya itong tulugan, at kung anu-anu pang pagmamadaling meron siya katawan noon
ay hahanap-hanapin niya ito kung kailan wala na ito at malamang ay kaniig ng
kung sino mang herodes na iyon na balita niya ay sobrang yummy raw.
Ayon pa kay Mark, no
talk no shit raw ang bagong boyfriend ni Basty na si Nikkos. Hindi magsasalita
kung hindi mo kakausapin. Laging dead-air daw sila sa lalaki. At mukhang enjoy
na enjoy ni Basty ang company nito.
Hindi niya alam kung
ano ang nakita rito ni Basty pero si Basty ang tipo ng taong kailangan ng
makikinig dito, lalo na ngayong marami itong upcoming projects here and abroad.
Nauurat ito kapag walang kadaldalan. He sighed. Lumabas na siya ng banyo para
lang mabigla nang makitang nakatayo roon si Basty.
"Basty!"
"Don't bother
looking for the towel, sweetie, I've seen it all and frankly, I'm no longer
interested."
He was a mean son of
a bitch!
Itutuloy...
[07]
"Huh! You're not
interested?" wika ni Popoy ng makabawi mula sa pagkabigla. "Then you
won't mind if I go ahead and dry myself."
Nagngingitngit siya
sa kaloob-looban niya. Salbahe itong si Basty pero kaya rin niyang maging
salbahe. Tutal naman at nakita na nito ng ilang beses ang katawan niya kaya
bakit pa siya magtatago? Ito na rin ang nagsabing hindi na ito interesado. Tila
siya sinaksak ng ilang ulit sa sinabi nito. Paano nito nakalimutan ang mga
gabing magkapiling sila? Nalimutan na ba nito nang tuluyan o gusto lang nitong
pasakitan siya? O kaya naman ay ikinakaila lang nito sa sarili ang epekto niya
rito?
"Magdamit ka at
huwag kang umarte na para kang bayarang lalaki, hindi bagay sa'yo."
"Hindi ko alam
na iyon na pala ang hanap mo ngayon."
"I'm not looking
for a stud."
"Oh, I heard you
found one though," aniya. Of course, nang-iinsulto lang siya. But from
what he heard, no talk, no shit ang bago nito.
"For your
information, Nikkos is everything you are not. So don't insult him and stop
being childish."
He was childish now?
Habang tumatagal, mas masasakit na salita ang naririnig niya mula rito. Parang
gusto niya tuloy hablutin ang susi na ipinadala niya rito, ngunit ang
ipinagtataka niya ay kung bakit nito ginamit ang susi kung wala na rin naman
siyang halaga rito.
Ipinadala niya ang
kopya ng susi niya sa kanyang bagong bahay kay Basty para kunin nito ang mga
naiwanang gamit sa lumang condo nila. Inayawan kasi ng nakabili ang mga naiwan
nilang gamit kaya hindi niya naiwasang kunin ulit ang mga iyon. Ayaw niyang
tawagan si Basty para ipakuha ang mga iyon dito kaya ipinadala na lang niya
susi sa kaibigan nitong si Mark kasama ng isang sulat na nagsasabing kunin nito
ang mga naiwang gamit dahil nakakasikip na iyon sa bagong bahay niya.
Crap! You're one big
crap Popoy. Admit it! You sent him the keys with the hope that he will be back
into your life. You're that pathetic!
"Bakit hindi ka
nagsabing darating ka?" sa halip ay sabi niya. "At bakit dumiretso ka
sa kwarto ko? Hindi ka ba pwedeng maghintay sa sala? Ganoon ka na ba kabastos
para isiping okay lang sa akin na naririto ka sa kwarto ko?" It was his
turn to make a point. Masyado na itong rude.
Hindi ito umimik.
Nanatili lang itong nakatitig sa kanya at saka naupo sa kama. "Please.
Magdamit ka na."
"I thought you
were no longer interested?"
"Of course I am!
Ten years tayong nagsama Popoy, for God's sake. And you taunted me with that
body of yours but never really gave it to me completely!"
Na-shock siya.
"What?"
"You heard
me."
"Oo. At hindi
kita naiintindihan."
"Lagi ka na lang
busy. Too caught up with whatever the hell your patients situation are or that
damned hospital policies that you wanted to break just so could play hero and
you left me hanging all the time so the answer is "yes," I still
desire you but it has come too unreachable for me just thinking I can touch you
again without worrying about what the hell you were thinking while I thrust
deep within you is no longer possible"
Siya naman ang hindi
naka-imik. Hindi dahil sa hindi niya kaya kundi hindi niya alam kung ano ang
tamang sasabihin sa pagkakataong iyon. Wala siyang makapang tamang salita. Did
Basty just say all that to him? Was it that bad for him? Hindi niya na dapat
naiisp ang lahat ng ito pero hindi niya maiwasan. Gusto niyang malaman. This
was closure and it was coming to him if even if he didn't ask for it.
"Ga-ganoon ba
ako ka-occupied noon, Basty?"
Basty smirked.
"I guess that's a question for you. Hindi mo man lang ba magawan ng paraan
ang mga activities mo noon para hindi ka magkaroon ng oras para sa atin? All
I'm asking is just a little of your time Popoy pero ni hindi mo man lang iyon
maibigay. Was it too much for you?"
Napipilan siyang
muli. Sa mga ganoong pagkakataon ng komprontasyon ay lagi ng umaakyat ang dugo
niya sa ulo o di kaya ay inaabot na nito ang boiling point but that moment was
different. Nanlamig siya sa reyalisasyon. Pero ang sutil niyang pride, ayaw
magpatalo.
"There was no
reason to cut short all of my responsibilities Basty. Maybe it's time for a
little reality check, I am a doctor. I deal with lives. And it's not a simple
task to do..."
"I'm not saying
it is!" singit nito sa mga sasabihin pa niya. "Okay lang naman na
maging on-call ka pamisan-minsan but not all the time. Ni hindi ka na
nakakumpleto ng isang linggo sa pad natin dati. Kahit sa kalagitnaan ng tulog
natin o ng paglalambingan natin ay ang mga pasyente at hospital ang iniisip mo.
And I'm tired understand."
"You're pathetic
Basty. Pati mga pasyente ko pinagseselosan mo. Ginagawa ko lang ang trabaho
ko." depensa niya.
"At ako? Ano ako
sa buhay mo? Parking lot? Kung saan mo naiwan ang kotse mo eh doon mo lang
babalikan dahil alam mong naroroon lang ako naghihintay sa'yo? That's bullshit
Popoy!"
"Anong gusto
mong dapat na ginawa ko?"
"To lose
control. Na sana man lang. Kapag tayong dalawa, give your all to me. Hindi ako
ang pasyente mo o ang board members ng hospital. Partner mo ako pero feeling ko
spare tire lang ako. Kapag kailangan lang gagamitin."
"There was no
reason to lose control Basty!"
"There's always
reason to!"
"No. We could
always make love."
"But we didn't
'Poy, which makes it a good reason to lose control but Mister I Am Always Busy
never did. I guess it was never good enough for you, wasn't it?"
"Iyan ba ang
dahilan kung bakit ka nakipag-break?"
"Iyan at iba
pa."
"Like
what?"
"I really don't
want to talk about it anymore Popoy, so just get dressed."
"I won't until
you tell me why you broke up with me."
Nainis siguro ito sa
kanya kaya hinila siya nito dahilan para mawalan siya ng balanse at mapakandong
dito. He could feel Basty's raging maleness underneath the confinement of his
slacks. Nalaman niya tuloy na totoo ang sinasabi nitong attracted pa rin ito sa
kanya and the desire was evident in his chinky eyes.
"Do you realize
how much I wanted to feel you this close without worrying about so many
things?" ani Basty habang hinahaplos ang kanyang mukha.
Naramdaman niya ang
pagtugon ng sariling katawan. Nais magdiwang ng kanyang puso sa katotohanang
hindi pa rin nagbabago ang epekto niya kay Basty.
"I would like to
know what you're thinking right now Popoy. Is it me or some damned meeting of
yours?"
That deflated his ego
big time. Pero hindi na niya pinansin ang tila malaking kamay na pumiga sa puso
niya ng mga oras na iyon. Kung ganoon pala ay napakawalang-kwenta niya palang
live-in partner noon? Ni hindi man lang pala niya naipadama kay Basty na
mahalaga ito sa kanya in so many ways. In fact he was his life. Ang nais kasi
niya talaga sa buhay ay ang mag-retiro ng maaga kapag nakaipon na siya ng husto
and then take good care of Basty pati na rin ng mga magiging anak nila kung
sakaling mapagdedesisyunan nilang humanap ng mga surrogate mothers.
Marahil ay hindi ito
maniniwala sa kanya kung sasabihin niya iyon dito. Maaaring hindi rin siya
paniwalaan ng mga nasa paligid nila na nakakakilala sa kanila but to hell with
them, wala siyang balak na kumuha ng yaya para sa mga magiging anak nilang
dalawa.
Gusto lang niyang
maging maayos ang hospital na pinagtatrabahuhan at tiyaking maayos ang mga
pasyente niya para walang masabi ang mga kumukwestiyon sa kakayahan niya gawa
ng kanyang gender orientation. It was his battlefield and his sanctuary at the
same time. Too bad he neglected Basty for the sake of his profession.
Ngayon lang sumiksik
sa isip niya ang lahat ng katotohanan. Na siya ang mas nagkulang. And that
Basty was still that lost boy na na-meet niya ten years ago. He played hero
noon. Kaya niya ulit gawin iyon.
"Why didn't you
tell me you felt that way before?" aniyang isiniksik pa ng husto ang
katawan dito. Naramdaman niya ang pagpintig ng kahandaan nito sa ilalim niya.
"Would you have
cared? Nakikinig ka lang sa akin kapag may kinalaman sa medicine ang topic.
Otherwise you would cut me off."
"I always listen
to you, Basty."
"Because I
always ask you about things that involves the medical world. Iyon lang kasi ang
interesante para sa'yo. God, how frustrating was that for a photographer?"
"You know that's
not true."
Napaigtad siya ng
magsimulang maglakbay ang daliri nito sa tagiliran niya. Drawing little circles
on his skin. Maya-maya pa ay asa pagitan na ng mga hita niya ang kamay nito.
"You've got a
woody."
"A-and what are
you g-gonna do with it?"
Basty smiled.
"How about making it a little interesting 'Poy?"
Pinadapa siya nito.
Bahagya siyang
lumingon rito.
"You're not fair
Basty. You still have your clothes on." kunwari ay reklamo niya kahit pa
sa kaibuturan niya ay naroroon ang pananabik.
Nagkaroon siya ng
kaunting pag-asa na magkakaayos pa sila. Na maibabalik pa nila ang dati. Ang
dami pala nitong reklamo sa relasyon nila pero ni hindi man lang niya nakuhang
pakinggan ito. Kung hinsi pa ito nakipag-break, hindi pa niya malalaman na
nagkukulang na pala siya. Samantalang ito, laging nakikinig sa kanya. As if
he's the most worthy person to listen to.
"You want me to
undress? May oras ka ba para dito?"
"Don't mock me
Basty?"
"I'm just
asking."
"I'm giving you
all the time you needed sweetie."
"Good. Cause
this will be very slow."
Popoy could only
close his eyes in delight. Tila siya sinisilaban sa paraan ng lovemaking ni
Basty ngayon. God how he yearned for him to kissed by Basty again. He missed
him. All of him. Basty was the only man who could make him feel great. Tila ba
ginawa ito para paluguran siya. And he thought he died from the pain he
suffered because of their break-up but no, the feelings that Basty were evoking
to him now is taking his breath, literally. Ganito ang pakiramdam niya noong
nagsisimula pa lang ang relasyon nila at lubos niyang pinagsisisihan na
kinalimutan niya kung gaano kasarap ang pakiramdam na iyon. Babawi siya.
Pangako niya sa sarili.
Sisiguraduhin niya na
sa pagkakataong iyon, kung magkakaayos na sila ng tuluyan ay ipapakita niya
kung gaano ito kahalaga sa kanya. Kung gaano niya ito kamahal. Huwag sana itong
magsawang makinig sa kanya dahil marami siyang itatanong dito. Mga bagay na
walang kinalaman sa mga propesyon nila. He would take it slow too. And this
time, he planned to make Basty fall in love with him over and over again.
"I love you
Basty."
Hinagod nito ng halik
ang kanyang batok hanggang sa kanyang likod. Then Basty entered him. With his
clothes on.
Itutuloy...
[08]
No you don't love me
Popoy! You love nothing but yourself!
Tumataginting na
hiyaw ni Basty sa isipan. Wala sa plano niya ang pakikipagkita ngayon sana kay
Popoy kundi lang siya inudyukan ng matinong bahagi ng isip niya na puntahan ito
sa bagong bahay nito.
Wala na silang
koneksiyon nito, as far as he was concerned. Pero ang makatanggap ng sulat mula
rito at ng kopya ng susi ng bagong bahay nito ay nagbigay ng kaunting pag-asa
sa puso niya. Pag-asa na magkaka-ayos silang dalawa.
But something hit him
when he started reading the letter.
The fact that Popoy
did not give him the key to his house personally meant only one thing. He
doesn't want to deal with him anymore. That is why he sent him the key just so
he could get his old things from his new house. As if he couldn't wait to get
rid of those. Or simply put, get rid of him. Completely.
So typical of Popoy.
Kaya naman ng
pagpunta niya roon ay laking gulat niya ng makitang naroroon ang kotse nito.
Wala siyang pasabi kung kailan siya pupunta. Talagang hindi siya nagpasintabi
rito. Ayaw rin naman niya itong makita sa ganoong estado ng pag-iisip niya.
But heavens must be
planning something evil for he got the shock of his life when he saw Popoy
walking out of the bathroom in his birthday suit. Imagine how that got him hard
in an instant. Wala siyang ideya na ng isipin niyang naroroon sa kwarto nito
ang mga lumang gamit niya ay makikita niya itong nakahubad. All for his eyes to
see.
Agad ang pagbalot ng
init sa katawan niya sa nakita pero nagpigil siya. Idinaan niya sa insulto ang
lahat kahit pa gustong-gusto na niyang hablutin ito at gawin ang
pinakainteresanteng bahagi ng pagsasama nila noon, their love makings.
Kahit sa opisina
niya, ang paborito nilang sofa ay naroroon pa rin. Halos limang taon na ang
tanda noon pero pinapapalitan lang niya ng cover at ipinapa-reupholster lang
becaue of sentimental reasons. Halos mawasak na nila ang sofa na iyon pero
hindi niya magawang maipatapon. Kahit ngayong hindi na sila.
And now... Popoy was
telling him he loved him?
Ganoon lang ba iyon?
He knew that what they were talking about a while ago was closure. Hindi niya
na kasi mapigilang ibulalas dito ang lahat. Everyone thought of him as the evil
one. The bad one. Where in fact Popoy is the main reason they broke up.
Of course, they were
both busy. But he can handle his appointments well. Ano bang silbi ng salitang
time-management kung hindi mo gagamitin? Pero mukhang sa kaso ni Popoy ay hindi
nito alam iyon. They could always make love? Sure they can, but the question was
when is the most convenient time? And was Popoy giving his all whenever he's
thrusting so deep within him?
It was so frustrating
on his part that whenever they were making love, it was like a deed that has to
get over and done with. The intensity was there but it was lacking something.
From Popoy's part.
Naramdaman niya ang
panginginig ng katawan ni Popoy sa ilalim niya. He liked it whenever he was
doing it. He felt like a king. Popoy never fail to make him feel like that. But
then, it was like hitting an impossible target. Because Popoy was here and then
he was gone the next minute.
He moved very slowly.
Pinning the man under him so that the accommodation will be swifter. God how he
missed the man. Walang araw sa buhay niya ang hindi ito nami-miss that's why he
looked for his exact opposite. Nakilala niya si Nikkos. A very good listener.
Gusto niya ng
diversion mula sa pag-iisip kay Popoy. Kung hindi niya gagawin iyon ay
mababaliw siya. Wala siyang paki-alam kung pinagtatawanan siya ng mga kakilala nila.
As long as it can keep him from thinking about Popoy, its okay.
Nang makilala niya si
Nikkos ay nag-click kaagad sila. He felt what he first felt when he and Popoy
met. He was excited about getting to know the man more. At nakita niyang lahat
kay Nikkos ang hindi niya nakita kay Popoy.
Nikkos was submissive
and coy. Mahiyain rin ito pero may sense kausap. Hindi lang talaga ito masalita
pero nagtatanong rin naman subalit hindi nakikipagtalo sa mga suhestiyon niya.
Hindi rin nakikipagdebate -na palaging nangyayari kapag si Popoy ang kasama
niya.
Simpleng mga bagay
lang katulad ng kung ano ang kakainin. Kung saan kakain. Pinagtatalunan pa nila
ni Popoy. Kay Nikkos, wala ang mga iyon. Hindi na ito nagtatanong pa, bagkus,
game na game na sinasamahan siya nito kapag may problema siya. Kaya naman
naging sila.
Kay Nikkos, wala
siyang kalabang kakampi ang mismong nobyo niya. Kay Popoy, you had to get in
line to be with him. He was never submissive. Nikkos could set everything aside
in his life for him. Nakita niyang lahat iyon dito.
And so he broke up
with Popoy. And he dated Nikkos afterwards. They talked. They dined out. And
after one month sila na. At isang buwan pa lang... bored na siya.
Man, he was bored out of his fucking wits! Yet,
may mga times na maayos naman sialng dalawa ni Nikkos. Na-appreciate pa rin
naman niya ang paglalaan nito ng oras, ang pag-aasikaso. In fact, he even
bought him a condo just so they could cuddle each other whenever he is lonely,
something that never happened when both Popoy and him got very busy. But still,
the boredom struck every now and then. It was weird what he felt. At naiisip
niyang siguro ay inaalipin lang siya ng kanyang nakaraan. Nasanay lang siguro siya
na lahat ng bagay sa relasyon ay mayroon challenge at ngayong wala ng tila
obstacle course na nakaharang para makasama ang kanyang boyfriend, saka naman
siya nabo-bore.
Naiinis siya na
nagkaganoon ang mind-set niya sa relationships ng dahil kay Popoy. Kaya nga
siya nakipaghiwalay rito kasi ayaw niya ng ganoong scenario pero bakit ganoon
ang hinahanap niya ngayon? Para siayng addict na tumigil na sa pagdodroga pero
hinahanap pa rin iyon sa tagal ng pagkakasanay sa paggamit niyon.
Napagdesisyonan niya
na panatilihin at panghawakan pa ang relasyon kay Nikkos. Hindi tama an
gpagkakaroon ng pagdadalawang-isip. Unfair iyon sa nobyo niya ngayon. Masaya
naman silang dalawa. Huwag lang isali ang boredom niya.
He remembered his
relationship with Popoy. They were very happy then. Damn happy, in fact, he
decided to ask for his hand in marriage once they had the chance to go on a
vacation. He would like to marry him someday But that was too far-fetched now.
Everything in Popoy's life is in order. It's always been like that. It has
always been the case.
It looked like
someday will never come. Popoy changed and he needed so much more than his
spare time.
Basty had to admit
though that kissing him, touching him, felt so awesome it reminded him of the
way it used to be between him and Popoy.
Iniharap niya ang
katawan nito. Without breaking the contact. He could see Popoy's mesmerizing
eyes.
"Kiss me
Popoy."
Tumalima ito. He
liked it when he was submissive like that.
"So, where did
you meet this man-whore?"
Kahit ayaw ni Popoy
na magtunog bitter ay ganoon ang kinalabasan niya ng humupa ang init ng
kanilang mga katawan. He knew he sort of ruined the moment but he can't help
it. And there it was, that question. Naroon sila sa sala, sumunod siya rito ng
magtungo ito roon pagkatapos ng kanilang pagniniig. He was sure that they were
having a good time dahil ganoon lagi ang gawi ni Basty after their steamy love
making.
Marami siyang gustong
itanong dito. Marami siyang gustong malaman. Para siyang masokista na hindi
matatahimik hangga't hindi niya nahihimay ang bawat detalye kung paano
nagkakilala ang dalawa. Kinakain ng selos ang buong pagkatao niya. Pagkatapos
kasi ng maraming taon ay ngayon lang niya narinig kung ano ang mga reklamo nito
sa pagsasama nila. Kahit pa sabihing may nangyari sa kanila ngayon ni Basty -na
isang magandang pangyayari dahil indikasyon iyon na hindi maganda ang pagsasama
ng dalawa- ay gusto pa rin niyang malaman ang lahat.
"Please. Stop
saying that Popoy"
Napairap siya.
"Huwag mong sabihing nasasaktan ka?"
"Hindi ko lang
gustong naririnig kang nagsasalita ng ganoon."
"Nagsasabi lang
ako ng totoo Basty."
"Paanong
nangyaring ang pagiging man-whore niya ay ang totoo? Kung magtatanong ka lang
ng maayos ay sasabihin ko sa'yo ang lahat ng gusto mong malaman."
Nasaktan siya sa
narinig. Ganoon na lang ngayon kung magsalita si Basty sa kanya. Tinungo niya
ang kusina at kinuha sa ref ang natirang pizza. Ininit niya iyon sa oven.
"So, where did
you meet this stud? Sorry, that's the nicest it can get, sweetie." aniya
sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
"I met him in an
art gallery."
Natigilan siya.
"He's an artist?"
"Yes. He's a
painter," tila walang-ganang sagot nito.
"How come you
look bored?"
"Maybe because
this conversation is starting to be a bore."
Napabuga siya. He
should have see that coming. Sa gandang lalaki ni Basty, hindi malayong may
magkagusto rito. Lalo pa ngayong hiwalay na sila, hindi na nito mapipigilan ang
mga taong nagpapakita ng motibo dito. Magiliw pa naman ito sa lahat kaya hindi
imposibleng may mahumaling dito. But from what he heard, Nikkos was a very
submissive guy. His total opposite. At iyon siguro ang dahilan kaya ito
nagkagusto kay Nikkos.
"He's a retard,
isn't he?" nang-iinis niyang sabi.
"No. But you're acting
like one."
Nanggilalas siayng
bigla sa direktang pagbalik nito sa kanyang insulto.
"Tama na Popoy.
Kunin mo na at ilabas ang mga gamit ko. Para na rin maisoli ko na sa iyo ang
susi mo. In the first place, bakit mo pa ba ako pinadalhan ng kopya? Pwede mo
namang itapon na lang ang lahat ng mga iyan. Hindi ko na siguro kakailanganin
ang mga iyan sa bagong bahay namin ni Nikkos."
Hindi agad siya
nakahuma sa sinabi nito. Parang gusto nitong palabasin na kaya niya ito
pinadalhan ng kopya ng susi ng bago niyang bahay ay dahil gusto niya pa itong
makita. As if!
Bakit, hindi nga ba?
Tumayo siya ng tuwid
at itinaas ang baba. Hindi siya magpapatalo sa kung anong gustong sabihin nito
sa kanya. Anything this man would throw at him, ibabalik niya. May interes pa.
"Didn't it occur
to you that I may not want to see your face again? How confident can you get
Basty when you were nothing ten years ago? Had It not been for me, siguradong
ulilang lubos ka na ngayon. Mabuti na lang, marunong tumanaw ng utang na loob ang
kapatid mo. Hindi katulad mo..."
"Damn you!"
Hindi na niya natapos
ang sasabihin niya ng tumama ang kamao ni Basty sa pisngi niya. Napasadsad siya
sa sahig. Sapo ang kaliwang pisngi.
"Kung gusto mong
pabayaran sa akin ang professional fee mo ng inoperahan mo ang ate ay sabihin
mo! Hindi iyong isusumbat mo pa sa akin ang ginawa! Hindi ko hiniling sa'yo na
gawin mo iyon Popoy at ipinagpapasalamat ko sa Diyos na naroroon ka ng
kailanganin ko ang tulong but I never expected na isusumbat mo ang bagay na ito."
ani Basty na galit na galit.
Napayuko siya. Hindi
dahil sa sakit ng suntok nito kundi dahil sa sakit na dulot ng mga sinabi nito.
He didn't mean what he just said but his anger took over his reasons. At
nagi-guilty siya. Nagtagumpay siya na galitin ito tulad ng nauna niyang plano
pero mas siya ang nasaktan sa ginawa niya.
Mahal niya ang ate
nito. Mahal niya ang lahat ng tungkol dito. Kaya hindi rin niya alam kung paano
niya nagawa ang bagay na iyon.
"Leave..."
aniya sa mahinang boses.
"Popoy..."
ani Basty sa mahina ring tinig. Halos di makapaniwala na hindi siya tumatayo sa
kinalulugmukan para gumanti rito.
"I said leave
Basty!" galit na niyang turan. Hangga't maaari, hindi niya ipapakita rito
na nasasaktan siya.
"I-i'm
sorry..." akmang lalapit pa ito sa kanya.
"Leave! Get out!
Get out of my damn life!" hiyaw niya sabay abot ng kung anong mahahawakan
sa kusina para ibato rito. Mabilis naman itong nakaiwas sa mga inihagis niya at
umalis agad sa kanyang bahay.
Naiwan siyang
napupuyos sa galit. Hindi para dito kundi para sa sarili. Kailan pa niya
hinayaan na maging mukhang kawawa sa harap ninoman? At kailan pa siya naging
matapobre?
Since Basty left you.
Napakagat siya sa
labi at hinayaang bumagsak ang luhang kanina pa pinipigilan. Akala niya ay may
maganda na silang patutunguhan. Mali pala ang akala niya. Tumayo siya.
Kailangan niyang pag-isipan ang susunod na hakbang.
Nakakalitong isipin
na ang kanina'y umaagos niyang luha ay mabilis na nawala. Siguro ay dahil sa
pagod na siyang lumuha. Ayaw na niyang maging malungkot. Kung si Basty ay
nagsasabing masaya na kay Nikkos, bakit hindi rin siya tumulad dito.
Ting!
Napatingin siya sa
oven. Ininit niya nga pala ang pizza. Kinuha niya iyon at inihain. Habang
ngumunguya ay may naisip siya. Kung mayroon na itong Nikkos, may Gabe naman na
naghihintay sa kanya. Susubukan niya ang kapalaran niya rito. Siguro naman oras
na para mag-move on. Patunay lang ang pananakit ni Basty sa kanya bilang tanda
na wala na siyang halaga rito. He was only sorry he was the one that triggered
Basty's violent side.
Napailing na lang
siya at napangiwi ng maramdaman ang sakit ng pisngi habang ngumunguya.
BUZZ. BUZZ.
Napabalikwas si Popoy
ng bangon ng maramdaman ang malakas na vibration. Mula iyon sa kanyang cellphone
na nadaganan pala niya. Pagkatapos kasi niyang kumain ng pizza ay nagpahinga
siya habang may nakatapal na cold compress sa mukha niya. Dagli niyang hinanap
ang aparato.
"Hello."
aniyang di na tiningnan kung sino ang caller.
"Oh bakit parang
agitated ka pare?" natatawang bati ng nasa kabilang linya. It was Half.
Napangiti siya.
"Napatawag ka?"
"I have good
news." excited na sabi nito.
"Talaga lang
ha?"
"Oo. Remember
Gabe Kerby? Nakontak ko na siya."
"And?"
"He said he's willing
to meet you."
Napangiti na siya ng
husto. At least, there's someone who's still willing to know him. "Kailan
daw?"
"Kung gusto mo,
ibibigay ko na lang ang number niya sa'yo. Tapos ikaw na tumawag. Okay lang
ba?"
"Oo naman."
natatawang sabi niya sa kaibigan.
"Okay. I'll
forward it to you." saka nito tinapos ang tawag.
Ilang saglit lang ay
tumunog ulit ang cellphone niya. Isang business card number.
With a great hope
inside his heart, he took a deep breath and dialed the number.
Itutuloy...
[09]
SABADO. Nakatakda ang
pagkikita nilang dalawa ni Gabe. Hindi niya inasahan na sobrang ganda ng boses
nito sa phone. Nawala tuloy ang mga ipinagdaramdam niya ng mga panahong iyon.
Kung alam lang niya na ang makakatulong sa kanyang makalimot kahit saglit sa
mga ala-ala ni Basty ay ang boses nito, sana ay noon pa niya kinuha ang numero
nito.
Nasa kahabaan na siya
ng Edsa. Magkikita silang dalawa sa Dencio's sa Megamall. Bahagyang umuulan ng
gabing iyon kaya hindi nakapagtatakang sinasalubong niya ngayon ang traffic.
Tiningnan niya ang oras sa relo. Eksakto alas-sais empunto. Rush hour pa.
Mabuti na lang at malapit na siya sa patutunguhan.
Liliko na sana siya
sa intersection kung saan maaari siyang mag-U-turn ng may bumangga sa likuran
ng sasakyan niya na pampasaherong jeep. Agad ang ginawa niyang pag-apak sa
preno para hindi bumangga sa sinusundang sasakyan ngunit nahagip pa rin iyon ng
bahagya. Nanlaki ang mata niya ng makita ang tatak ng sasakyang nadisgrasya. It
was an Audi.
Napapalatak na lang
siya at ini-imagine sa isip ang damage ng kotse habang bumababa. Bukod sa
nakadale siya ng mamahaling kotse ay may nakadale rin sa kanya. Problema nito
kung paano iso-shoulder ng nakabangga sa kanya ang damage ng sasakyan niya.
"Holy
shit!" napapamurang anas niya.
Nagmamadali siyang
bumaba at tiningnan ang damage ng Audi. Hindi naman malaki ang dent sa rear
bumper nun pero alam niyang malaki pa rin ang babayaran niya dahil hindi sa
ordinaryong casa ito ipapagawa. Naiiling na sinulyapan lang niya ng bahagya ang
likuran ng saakyan niya.
Hindi niya malaman
kung ano ang gagawin niya. Bumukas ang pinto ng Audi at bumaba naman ang driver
ng jeep. Napapikit na lang siya sa desperasyon. Nagpasya siyang tingnan ang
nasaling sa bahagi niya. Maliit na dent lang iyon at hindi halata kung di mo
iinspeksiyunin. Nilapitan siya ng driver.
"Pasensiya na
Sir. Palyado po ang preno ko eh. Hindi po agad kumagat ng umusad ako,"
nagpapakumbabang sabi nito.
"Paano yan
Manong?" ang tanging nasabi niya.
"Eh paano nga po
ba ito Sir? Wala pa po akong kita at may sakit pa si Misis," bakas ang
pag-aalala sa mukha ng driver. "Baka po gusto ninyong hulugan ko na lang
ang magagastos ninyo?" anito sabay hugot sa wallet at iniabot sa kanya ang
sedula.
"Nariyan po ang
address ko Sir. Kung may calling card po kayo ay pahingi po ako para matawagan
ko kayo." pagpapatuloy pa nito.
Napahilot sa batok
niya si Popoy. "Sige na po, Manong. Okay na po iyan. Ako nang bahala
dito."
"Naku! Salamat
Sir. Pasensiya na po talaga at maraming salamat ulit.
Isang tipid na ngiti
lang ang isinagot niya rito. Samantala, nang paalis na ang driver ng jeep ay
narinig naman niya ang boses ng isang lalaki sa likuran niya.
"Pare, itabi
natin ang mga kotse natin," tumalima naman kaagad siya.
Mukhang suplado ang
lalaki. Matangkad ito at medyo may kaputian. Hindi niya masyadong makita ang
mukha dahil nakabaseball cap ito at nakasalamin. Pero naaninag niyang guwapo
ito base sa bone structure ng panga. Natural din na mapula ang labi nito. Bagay
rin sa katawan ng nakabanggaan niya ang boses nito. Deep. Masculine. Rugged.
Parang porma nito.
He mentally shook his
head. That was very weird of him to think that way. Nasa isang aberya na nga
siya nagawa pa niyang mag-assess ng katawan ng tao?
Nang maitabi ang kani-kanilang
sasakyan ay bumaba itong muli at mabilis na sinilip ang dent ng kotse nito.
Napapangiwing nilapitan niya ito.
"Ahm... gaano ba
kalaki ang damage, pare?" tanong niya rito.
Sinipat niya ang relo
at nakitang magsi-six thirty na. Malapit na siyang ma-late sa usapan nila ni
Gabe. Mahirap ng magkaroon ng impresiyon na late comer siya palagi.
"Hindi naman
ganoon kalaki. Pero sa tingin ko mahaba-habang usapan ito." anito sabay
tayo ng tuwid sa harap niya saka nito inalis ang suot na cap.
Halos napatulala si
Popoy sa dalawang bagay na iprinisinta sa kanya ng estranghero. First, the man
was literally towering above him. Sa height niyang five eleven ay tinitingala
niya ito. He must be six feet five or something. Second, he was a very
attractive man. He was oozing with sex appeal and a very commanding presence.
Napaka-suplado ng dating nito but he's the type of snob you would die for.
"I'm
sorry," aniya sa lalaki.
Humalukipkip lang ito
at tiningnan siya ng mataman. Nakdama siya ng panliliit sa inaakto niya. Why in
the world is he acting like a scolded child. He's the Medical City's Director
for crying out loud! With that in mind ay naibalik niya ng unti-unti ang
composure na kanina pa nawawala sa katauhan.
"Look, my car is
insured and you'll get paid. In case na hindi ma-cover ng insurance ko ang
damage ng sasakyan mo, I'm more than willing to pay the excess amount. I'm
leaving you one of my ID's. Ito rin ang calling card ko." may pagka-snob
niyang sabi sabay akmang babalik ng sasakyan ng magsalita ito pagkakuha ng ID
at tarheta niya.
"Isn't it rude
to leave your date here?"
Napatda siya sa
narinig.
"What?" di
makapaniwalang sabi niya.
"You heard it
right, Doctor Richard Mondragon, Director, Medical City," natatawang
sambit pa ng lalaki.
"No way."
gilalas pa rin niyang wika.
"Yes way, Doc
Popoy. I'm your date. I'm Gabe." anito sabay ngiti.
"I'll be
damned!" natatawang sabi ni Popoy sabay lapit dito. Hindi malaman ang
gagawin kung makikipagkamay o yayakap sa nagpakilalang ka-date daw niya.
Mukhang nabasa naman
nito ang nasa isip niya. "Kung nag-aalangan ka sa gagawin mo, a handshake
will do." tukso nito.
Agad ang pamumula ng
mukha niya sa sinabi nito. Mukhang maloko ang isang ito base a laugh lines sa gilid
ng mata nito. At hindi nga nagbibiro si Half ng sabihin nitong kahawig nito si
James Yap. Hindi iyon eksaherasyon. Magkasing-tangkad din yata ang mga ito.
Iyon nga lang, mas softer ang features ni Gabe but that doesn't made him lesser
attractive and masculine.
Mas lalo siyang
namula ng ito na ang kumuha sa kamay niya para isakatuparan ang handshake.
Napaka-firm ng hawak nito. Nakapag-imagine na tuloy siya ng ilang maseselang
eksena dahil doon.
God! Get a hold of
yourself Popoy!
Napailing siya sa epekto
ni Gabe sa kanya. Marahil ay nadadala lang siya sa obvious an admiration ng
isang ito sa kanya. Grabe kasi ang kislap ng mga mata nito tuwing tinitingnan
siya. Kagaya ngayon.
"Gabe, ah... you
know it's impolite to stare."
Natawa lang ito.
"Sorry Poy, but you have to know na ang hirap paniwalaan para sa akin na
naririto ka ngayon at kaharap ko. Sa mga business pages lang kita nakikita
eh."
Nag-blush na naman
siya sa compliment nito.
"Ah... hindi ako
sanay Gabe nang pinupuri."
Nagtaas lang ito ng
isang kilay habang may pinipigil na ngiti sa labi. Tinapatan niya lang iyon ng
reprimanding look na ibinibigay niya sa mga tauhan niya.
Pinagmasdan niya ulit
ito mula ulo hanggang paa. Naaaliw talaga siya sa taas nito. Sabagay, binagayan
naman iyon ng malaking pangangatawan nito kaya hindi alangan sa tangkad nito.
Alon-alon din ang buhok nito na may kaunting patilya. Bagay sa genius look
nito.
Gwapo talaga ang
loko.
Malago ang kilay
nitong bagay na bagay sa deep set nitong matang matiim kung makatingin. Maliit
ng bahagya ang ilong na bumagay din sa manipis nitong labi. He looked yummy and
delectable. Naka-walking shorts lang ito at tinernuhan ng maluwag na T-shirt na
nagmukhang fitted dahil sa built nito. Naka-sneakers ito na walang medyas. Very
comfy and yet quite rugged. An unconventional combination.
"I know I'm
quite good looking." pukaw nito sa observation niya.
Natawa siya bagama't
bahagyang napahiya.
"Yabang mo.
Kumain na nga lang tayo." pag-iiba niya ng usapan.
"Sure. Sino bang
mag-aakalang dito tayo unang magkikita? Akala ko nga male-late ako dahil
nabangga pa ang sasakyan ko. Buti na lang ikaw ang nakabangga."
"I'm sorry
talaga Gabe. Kung okay lang sa'yo ako na ang sasagot sa gastos."
"Okay lang 'Poy.
Kaunting gasgas lang iyan at insured din ang sasakyan ko."
"Oo nga pala.
Convoy na lang tayo ha."
"Okay," ani
Gabe.
Maya-maya lang ay
nasa pinag-usapang restaurant na sila. He was having fun with Gabe that Popoy
forgot to take notice of the time for the very first time. Hindi kagaya noong
sila pa ni Basty. Kapag may date kasi sila noon ay parang gusto na niyang
umalis agad kahit kakaupo pa lang nila.
But with Gabe, it was
different.
Tawa siya ng tawa sa
mga jokes nito kahit corny. Pero may iba rin itong jokes na talgang mapapa-isp
ka. Hindi nonsense kaya naman dedma siya sa mga nakakarinig sa halakhak niya.
Oblivious din siya sa mga questioning stares ng nasa paligid. Bakit nga naman
hindi eh dalawang magagandang lalaki ang magkasama na animo nasa isang date.
Buti na lang at hindi romantic ang ambiance sa Dencio's.
"Okay, I have a
friend. His name is Pluto and he's a cockroach," panimula nito ng
panibagong joke.
"I'm beginning
to think that you love insects," biro niya kay Gabe.
"On the
contrary, ipis ako nung past life ko," sabi nitong ikinatawa niya.
Natawa rin ito sa
ginawi niya. Natigil nga lang iyon ng hawakan nito ang kamay niyang nasa ibabaw
ng mesa.
"Gabe... m-may
na-nakatingin..."
"I don't care
'Poy," determinadong sabi nito. Wala na siyang nagawa kundi magpaubaya.
Gabe smiled.
"I'm glad na napapatawa kita. Mukha kasing ang lungkot-lungkot mo kanina.
Kaya tuloy hindi ko magawang magalit kanina kahit nabangga mo ang sasakyan ko.
And I'm only thankful na yung crush ko at yung nakabangga sa akin ay iisa.
Imagine my surprise ng lumabas ka ng kotse mo. Sabi ko, I have to make sure na
ikaw nga iyon kaya hindi ako nagsasalita hanggang sa mag-abot ka ng ID
mo."
Speechless siya sa
madamdaming declaration of love ni Gabe sa kanya.
"G-gabe..."
"I know you're
still hurting. At ang pakikipagkita mo sa akin ay way mo ng pagko-cope up but
let me help you Popoy. Willing akong maging panakip-butas para sa'yo."
Hindi pa rin siya
makaapuha ng sasabihin. Damang-dama niya ang sincerity sa boses nito. Iyon nga
lang, hindi niya alam kung kaya na ba niyang makipag-compromise dito. Unfair
naman yata kung gagawin niya iyon.
"T-that's
unfair, Gabe..."
"Wala naman
akong choice di ba? Dumating ako sa panahong naghihilom ka pa. So, let me help
you instead. Di naman ako nagmamadali eh."
Nilinga niya ang
paligid. Napailing siya ng makita ang mataktikang pag-iiba ng tingin ng ilang
customer. Napabuga siya.
"Let's talk
about this sa ibang lugar."
Nagtatakang tiningnan
lang siya ni Gabe pero tumalima rin ito. Tinawag nito ang waiter para sa bill
nila at hanggang makalabas na sila ng establisyimento ay hindi sila
nag-iimikan.
Nang makarating sa
parking lot ay binasag na niya ang katahimikan.
"Kaya mo bang
sakyan lang ang topak ko hanggang sa maging full-blown na ang pagiging sira-ulo
ko?"
Nagtatakang tiningnan
siya nito.
"What do you
mean?"
"Kung willing ka
ba kakong magkaroon ng boyfriend na baliw?" natatawang sabi ni Popoy.
"Don't say that,
hindi ka baliw."
"Yes I am. At
kung di mo kayang sabayan ang topak ko, hindi ka pwedeng maging boyfriend ni
Popoy Mondragon."
Napangiti si Gabe.
Ganoon din siya. Mukhang na-gets na nito ang ibig niyang ipahiwatig. This time
will be different. Hindi siya maglalagay ng restrictions. Wala ng inhibitions.
Come what may. Ibibigay niya ang lahat sa bagong relasyon na papasukin niya.
Doon din naman sila patungo ni Gabe, bakit pa niya patatagalin?
Nagpalitan sila ng
makahulugang tingin bago nagsi-sakay sa kani-kanilang sasakyan.
Itutuloy...
[10]
"Samahan mo ako
mamaya sa party, Gabe..." ang naglalambing na sabi ni Popoy sa kausap over
the phone. It was part of the plan, actually. He needed to attend Sonia's
birthday na alam niyang pupuntahan din ni Basty. Kahit naman kasi nagkasira
silang dalawa ay nanatiling kaibigan nila ang circle of friends nila noong sila
pa. At kailangan niya si Gabe kung sakaling darating and ex niya kasama ang
bagong boyfriend nito.
"Kaninong party
naman iyan?" Popoy sensed the reluctance over Gabe's voice.
"A friend of
mine. She's sweet, honey. So please come with me." pang-uuto niya.
Napabuga ito.
"Ayan ka na naman sa mga banat mo para di kita matanggihan, eh."
"Anong banat,
dear?"
"Ayan."
"Anong ayan,
sweetie?"
"Hay!"
frustrated na sabi ni Gabe.
"May problema
ba, hon?" pangungulit niya pa. Alam niyang mahina si Gabe pagdating sa mga
endearments na sinasabi niya para dito.
"Okay. What
time? And is Basty going to be there too?" sumusukong sabi nito bagama't
naantala ng huling sentence na iyon ang sana'y pagbubunyi niya.
"W-what did you
s-say?"
"Popoy, I have a
crush on you but I'm not stupid. Nahihinuha kong kaibigan niyo ni Basty ang
Sonia na ito. Imposibleng hindi."
Hindi siya agad
naka-imik. Matalino talaga si Gabe. Kaya kung gusto niya talagang sumama ito,
dapat ay sabihin niya ang buong katotohanan dito.
"Y-yes. You're
right. Pero hindi dahil naroroon din si Basty kaya ako magpupunta. Kaibigan ko
rin si Sonia, so tama lang na batiin ko siya ng personal sa kaarawan
niya."
He knew he sounded
defensive but what can he do? Hindi naman niya pwedeng sabihin ang ganito;
"Pwede ka bang sumama para maipakita ko sa lahat ng mga kaibigan namin na
naka-move on na ako at ikaw ang ipinalit ko kay Basty?"
Muli, napabuga lang
si Gabe sa kabilang linya. "Okay. Sunduin na kita diyan sa apartment
mo."
"S-sure! Pick me
up at seven."
"See you."
ani Gabe
Hindi na nakasagot si
Popoy dahil busy tone na ang kanyang narinig. Habang binababa ang awditibo ay
saka lang niya na-realize na pinipigilan pala niya ang paghinga. Dahan-dahan
niya iyong pinakawalan sabay lingon sa orasan.
Three o'clock in the
afternoon.
May oras pa siya para
bumili ng bagong suit na gagamitin since formal ang magiging gathering.
Ite-text na lang niya si Gabe about the attire habang namimili siya ng
isusuout. For the meantime, maglilibang muna siya sa mall.
"HAPPY BIRTHDAY,
Sonia."
Magiliw ang pagbating
isinalubong niya sa birthday celebrant. Napakaganda ng kaibigan niya sa suot
nitong revealing red gown. Tinotoo talaga nito ang formal event na concept ng
birthday nito. Napailing na lang siya. Buti at sanay siya sa mga ganoong
pagtitipon.
"Salamat
'Poy," ani Soniang sumalik pa sa kanyang pisngi. "Hey, sino itong
gwapong kasama mo?" baling nito kay Gabe.
"Oh, I would
like you to meet Gabe Kirby. Gabe, this is Sonia, the birthday celebrant."
pagpapakilala niya.
"Happy birthday,
Sonia." ani Gabe na humalik pa sa pisngi ng kaibigan.
"Thanks, Gabe.
Enjoy the party. Si Popoy na ang bahala sa iyo," sabi ng kaibigan saka
bumaling sa kanya. "Parehas pa kayong may bitbit. I'm glad okay na kayong
pareho."
Bahagyang nawala ang
ngiti ni Popoy sa sinabi ni Sonia. Of course, alam niya kung sino ang tinutukoy
nito. Alam niyang pupunta rin sa restaurant na iyon si Basty pero
nagpatay-malisya lang siya.
"I didn't
know," aniya kay Sonia ng makabawi.
"Oh, I'm sorry.
Sige na nga, enjoy na muna kayo diyan at may dumarating pang mga bisita."
disimuladong pagpapaalam ng may birthday.
Napangiwi siya ng
tingnan niya si Gabe. Seryoso ang mukha nito. Sa isang linggong pagkikita nila
ay talaga namang na-enjoy niya ang bawat minuto at oras na amgkasama silang
dalawa. But that's just it. Nag-eenjoy lang siya. Wala siyang maramdamang
sparks tuwing magdidikit sila tulad ngayon. Inakbayan siya nito at iginiya sa
isang lamesa.
"Hey, are you
okay?" tanong ni Gabe.
"Yes. Bakit mo
naman naitanong?"
Nagkibit-balikat ito.
"Wala naman. Para lang kasing nagbago ang mood mo ng malaman mong naririto
na rin si Basty kasama ang boyfriend nito."
Napayuko siya. Wala
talga siyang maitatago dito. But he'd rather die than to admit na tama ito.
Muli siyang nag-angat ng mukha.
"Walang dahilan
para maapektuhan ako. Past is past. Although hindi nga ako kumportableng makita
siya rito but what can I do?" matatag niyang sabi.
"You can at
least pretend you're enjoying my company." ani Gabe na tinitigan siya.
Napatitig siya rito
ng wala sa oras. "Of course I do!" he said indignantly.
"I know Popoy,
but sometimes, napapaisip ako. Is it really possible not to care anymore with
someone you used to love with all your life? With all your soul? Makakaya mo
bang balewalain na lang sila ng ganun-ganun na lang?"
The question rendered
him immobile. In fact, he was also speechless. Because every word from that
question hit home.
"I-i g-guess we
all have r-relapses... y-yes, that's it! We all have relapses." aniya ng
makabawi ng tinig. "All of us find it so hard to stop caring for someone
you've cared about for years. I-in m-my case, it's ten years... P-parang force
of habit... You just continue to care and care and care and care... But one day
I decided not t-to... although it doesn't meant I'd b-be able to all the t-time..."
anas niyang halos pabulong na lang.
"Oh, I'm sorry
Popoy. I didn't mean to make you cry." ani Gabe sabay yakap sa kanya.
Cry?
Was he crying?
Sinalat niya ang
pisngi at ganun na lang ang pagkagulat niya ng maramdamang basa iyon.
Natatawang kumalas siya kay Gabe.
"Alam mo, hindi
ko na alam ang itatawag ko sa sarili ko. Although, I'm sure i'm not crazy, but
I think I'm close to being one dahil sa pabago-bago ng mood ko. And you don't
have to be sorry, Gabe. Ako lang itong masyadong emotional."
Pinunasan nito ang
pisngi niya ng palad nito. Na-touch and puso niya sa gesture na iyon. Hindi
tuloy niya maiwasang titigan ang gwapo nitong mukha. Gabe's hot breath was
fanning his face. It felt good. Like a warm blanket to hold on to the night.
"You're so
fragile, Popoy it makes me want to take care of you and yet you're so hot
you're burning me literally..." Gave whispered.
May ilang sandaling
napigil ni Popoy ang paghinga. He was a lonely man and Gabe was a very
attractive guy. Hindi niya magawang iiwas ang mga mata sa pagkakatitig dito.
"P-please, Gabe,
don't say anything," usal niya.
Dinala ni Gabe sa mga
labi nito ang isang pisngi niya at dinampian iyon ng halik. He felt a little
shivery and quivery from the act. But there's nothing more to it than what he
imagined it would be.
Magsasalita sana siya
ng mapigil ng malakas na halakhakan ng isang grupong pabalik yata sa kanilang
mga lamesa ang pumukaw sa moment nilang iyon ni Gabe. And Popoy's whole being
froze when he saw a pair of eyes staring blankly at him. Guiltily, umisod
siyang palayo kay Gabe ng bahagya.
"Is that
Basty?" anang tinig ng kasama.
He felt a lump on his
throat. Hindi siya makasagot ng ayos. "O-oo..."
"Lucky
bastard."
Narinig niya ang
pagtatagis ng bagang ng kasama. Hindi niya pinansin iyon. Ang buong atensiyon
niya ay nakatutok sa lalaking inaakbayan ni Basty. He was cute. In a very
stylish way. Hindi niya inaasahang may sangkaterbang karisma pala ang Nikkos na
tinutukoy ng mga kaibigan. Hindi na siya nagtaka ng makitang mga kaibigan
nilang sila Coney, Melvin at ang mag-jowang sina Mark at Jayson. Kasama rina ng
may birthday na si Sonia.
"Puntahan natin
sila. Show that bastard na naka-move on ka na." bulong ni Gabe. Napalingon
siya rito.
"Remember? I
told you, willing akong maging panakit-butas. Just make sure na maganda ang
acting mo." nakangiting sabi pa nito sa kanya.
"Are you
sure?" tanong niya sa naninimbang na tono.
"Damn sure.
Halika na." tumaas-baba pa ang kilay na sabi nito sabay tayo pagkuwan.
Tumalima na rin siya
at iginiya ito sa lamesa ng mga kaibigan. Magkahawak-kamay pa sila to complete
the act.
"Hey guys!"
masayang bati niya.
"Uy! Popoy! Miss
ka namin bro!" si Melvin. Kapatid ito ng assistant ni Basty na si Charity.
"Oo nga, di ka
na namin napagkikita ah..." sabat naman ni Mark. Niyakap niya ang mga ito
at nginitian isa-isa.
"Maupo kayo ng
kasama mo, 'Poy." si Coney.
Umupo naman sila
kaagad. Nang mabati niya at maipakilala si Popoy sa lahat maliban kina Basty at
Nikkos na sadya niya inihuli ay muli siyang tumayo at lumigid sa tabi ni Basty
sa pagkagulat ng lahat.
"Basty, my
dear," aniyang dinukwang ito at hinagkan sa pisngi, malapit na malapit sa
labi.
Kung ang ibig sabihin
niyon sa bagong nobyo nito ay giyera, pwes, he will give them war. It was an
indirect declaration. It was a war for Nikkos, himself and Basty. Isama na rin
si Gabe. His bastard ex-boyfriend could be very mean but he can be meaner. Wala
ring karapatan ang Nikkos na ito na panghimasukan ang mga bagay na walang
kinalaman dito. Kaibigan niya ang mga kasama nito. This Nikkos guy needed to
respect authority and seniority.
Blangko ang tingin ni
Basty sa kanya pagkatapos ng halik. Patay-malisya siyang bumalik sa lamesa kahit
damang-dama na niya ang tensiyon sa paligid. Walang masabi ang mga kaibigan
niya hanggang sa makabalik siya sa sariling silya.
"Basty, my dear,
aren't you going to introduce me to your nephew here?"
Biglang natawa si
Jayson sa sinabi niya. Isang kinakabahang tawa na ang intensiyon ay pawii ang
tensiyon na nasa paligid.
"Ano ka ba,
'Poy, siya si Nikkos. Ang boyfriend ni Basty," napangiwi ito ng sikuhin
ito ng boyfriend na si Mark.
Tumikhim si Basty.
"Popoy, this is
Nikkos, my boyfriend. Nikkos, this is Popoy, a friend."
A friend? Sure,
friend na kung friend. He could handle that. Nginitian niya ng matamis ang
lalaking ipinakilala sa kanya bilang boyfriend ni Basty. Ngumiti rin ito sa
kanya bagama't halatang pilit na pilit. Mukhang hindi ito marunong magtago ng
nararamdaman. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi maiinis sa ginawa niya?
Gusto niyang mag-away
sila ng lalaking ito. Para maipamukha niya ang lahat ng hindi dapat nito
panghimasukan, but on second thought, ayaw niya ng eskandalo ngayong gabi. Kaya
mang-iinis lang siya.
Sa duration ng dinner
nila ay ang mga barkada lang nila ang bumabangka. Kapag sumasabad ni Nikkos ay
inaagaw niya kaagad ang atensiyon ng kausap nito o di kaya ay magpapaka-sweet
siya ng sobra kay Gabe para lang mapansin sila ng lahat.
In a way, effective
naman dahil ilang ulit na niyang nahuling nakabusangot at tinititigan siya ng
matalim ni Nikkos. Wala siyang paki-alam kung may makahalata man sa kanya. He
knew he was being obvious anyway.
Ipinagkibit balikat
rin niya kung ang sa tingin ng lahat ay nanggugulo na siya at nagmumukhang
pathetic, just as long as nasisira niya ang araw ng target niya. Minsan lang
naman iyon. Pikon-talo.
Nang maramdaman
niyang okay na siya sa pang-aasar ay niyaya niya uminom sa bar counter si Gabe
at nag-excuse sa mga kaibigan. Huli niyang tinapunan ng nang-uuring tingin si
Nikkos bago sumama kay Gabe.
"That was a good
show," tuwang-tuwang sabi nito sa kanya.
Umorder ito ng wine
para sa kanila.
"Yeah, that felt
really good. Thank you Gabe," mahinang usal niya.
Nahihiya siya rito.
Kahit kasi alam niyang pumayag itong magpagamit sa kanya ay napaka-selfish pa
rin ng reason niya para idamay ito.
"Nahihiya ako
sa'yo." sabi niya
"Don't be,"
ani Gabe na hinila siya para magkalapit silang dalawa.
"Bakit
naman?"
"Kasi
nakaktsansing naman ako sa'yo, eh." he said huskily to his ear.
Nakiliti siya at
natawa ng tuluyan. Tumanaw siya sa lamesa na iniwanan nila. Bumabangka na si
Nikkos habang napapansin niyang mukhang inip na inip na ang ilan sa mga
kaibigan niya.
Napangiti siya.
That was a good sign
for him.
"Punta muna ako
sa cr." paalam ni Gabe sa kanya.
Tumango siya at
humarap ulit sa bar. Nang maubos niya ang wine ay nag-order naman siya ng
mojito. Parang gusto niyang magpakalasing ngayong gabi. Tutal nandiyan naman si
Gabe.
Nasa kalagitnaan siya
ng pag-iisip ng may tumabi sa kanya. Surprise-surprise, it was the little stud
amed Nikkos.
"Hello."
"Hi!"
confident na sabi niya, considering the idea that not all of his friends are
fond of this new guy. "Tired of the attention you're getting? That
soon?"
Ngumiti ito.
"Gusto lang
kitang kamustahin. Mukha kasing hindi ka na sanay sa puyatan. Alam ko naman na
kapag tumatanda na ay hindi na masyadong nakakasabay sa pagpupuyat naming mga
bata."
The bastard waged
war.
"If you're
trying to insult me, you're doing a very lame job. I eat stupid studs like you
for breakfast, sugar. But what do you really know about men of my caliber when
your world revolves around nothing."
Marahil nga ay tama
ka. Pero ang gusto lang talagang sabihin ay kahit na anong gawin mo, hindi mo
maaagaw sa akin si Basty. Akin na siya. Kasalanan mo, hindi mo kasi inalagaan,
lolo."
Naningkit ang mata niya
sa sinabi nito. Ngali-ngaling bigwasan niya ito sa harap ng maraming tao. Pero
nagpakahinahon siya. Alam niyang siya ang makikitaan ng mali dahil mukhang
magaling na aktor ang isang ito.
Nabitin ang pagsagot
niya sa ere ng marinig ang boses ni Gabe sa likod niya.
"Bumalik ka na
sa lamesa ninyo, bata. Masama ang makipag-away sa mga nakakatanda."
Pinagtaasan ito ng
kilay ni Nikkos. Mukhang sanay ito na makihalubilo sa mayayamang tulad niya.
Nakangiti pa ito sa kabila ng pagbabanta ni Gabe.
"At sino ka para
utusan ako? Nag-uusap lang kami ni Tito Popoy at hindi nag-aaway."
Naramdaman niya ang
pag-akbay ni Gabe. Waring sinasabing, okay lang ang lahat.
"Don't push your
luck, Nikkos," kalmadong sabi ni Gabe. "Hindi ko gustong magkaroon ng
eskandalo sa party na ito ng kaibigan ni Popoy. Iyon lang ang dahilan kung
bakit nakatayo ka pa rin hanggang ngayon."
Napasinghap siya sa
napakalamig at napakadelikadong paraan ng pagsasalita ni Gabe. Namutla naman si
Nikkos na biglang tumalikod at dahan-dahang lumayo sa kanila.
Naramdaman niya ang
mahinang pagtawa ni Gabe sa gilid ng tainga niya. He shivered when he
discovered Gabe's wet lips on his earlobes.
"Have dinner
with me tomorrow, Popoy." he said huskily. Napapikit siya sa sensasyon.
"Kahit saan mo gusto."
"H-how about we
go to somewhere private after this?" anas niya in between controlling his
urge to drag his nape and give Gabe a hard kiss. He was really turned on by his
advances. Nakakalimutan niyang nasa publiko sila.
"How about
now?" said Gabe in ragged breathing. Bahagya itong lumayo sa kanya.
"N-now...?"
disoriented niyang sabi.
"Yes. Now."
Wala sa loob na
napatango siya. Namlayan na alng niyang inakay na siya nito palabas ng
restaurant. Mukhang tinamaan siya sa kaunting nainom. Hindi naman kasi siya
sanay.
Pagpasok nila ng
sasakyan ni Gabe ay lalo siayng naliyo ng kabigin siya nito at halikan sa labi
ng buong diin. Ramdam niya ang paghahangad nito. And boy, he feel the same way
too.
Gabe is a good kisser
as far as he was concerned. Naramdaman niyang tila siya inililipad at hinehele.
Mainit ang labi nito. Na tinutugon niya ng mas maiinit na tugon. Ngunit ang
sarap na dulot ng halik nito ay may epekto sa kanya. Unti-unti, dumausdos siya
pababa dito. Napakapit siya sa beywang ni Gabe.
He heard him
chuckled. "In a hurry, aren't we?"
Itinaas siya ni Gabe
para sana ay halikan ulit ngunit laking gulat nito ng makitang nakapikit na ang
kahalikan. Napapailing na inayos niya si Popoy sa pagkakaupo saka nito pinaandar
ang sasakyan.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment