Tuesday, January 8, 2013

Kung kaya mo ng Sabihing Mahal mo Ako (Prologue-05)

By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[Prologue]
This story is not pure lust and love story. It's based on a true story by someone close to me. Exaggeration is a key for making this possible.


PROLOGUE
“Hindi ko kayang tumawid Kuya!!!!.” Maarteng sigaw ng kapatid niyang si Ara. “Hindi ko talaga kaya, please Kuya, huwag na tayong tumawid sa hanging bridge na ‘yan.” Dagdag pa nito sa kanyang pag-kairita. “Paano mong kakayanin ang lahat ng bagay kung sa tuwina’y gusto mong lagging may naka-alalay sa’yo. Paano ka matututo?”. Sigaw niya rito na sinagot lang nito ng matinis na tili.


Ganoon palagi ang eksena sa pagitan nilang magkapatid sa loob ng mahabang panahon. Lagi siyang ang taga-alalay rito kapag sinusumpong ng kaartehan. Palibhasa at bunso ito at malaki ang agwat ng kanilang edad.
Noong bata pa sila, ang kinatatakutan naman nito ay multo. Kaya lagi na lang may dala-dala itong bendita at rosaryo sa pagtulog. Ilang ulit na nilang ipinaliwanag rito ng kanilang Tatay Ben na walang multo at hindi totoo ang mga iyon. Ngunit kahit anong pagpipilit nila ay hindi nila napahinayon ito sa kaisipang iyon. Pero, lahat ng iyon ay sa nakaraan na lang niya aalahanin…

“Hanapin mo siya Ito. Gusto kong hanapin mo ang gumawa nito sa kapatid mo.” Vindictive ang mga salitang iyon ng kaniyang Tatay Ben. Hindi kailanman ito nagging ganoon sa tanang panahon na kasa-kasama nila ito. Tuwina’y lagi itong mahinahon at may nakahandang ngiti sa mga labi.

Dati itong pari, ngunit ito’y nagbitiw sa serbisyo ng makilala ang kanyang ina. Sampung taong gulang na siya noon. Nauunawaan niya ang tsismis na maaring ikabit sa kanilang pamilya ng dahil sa pagkaka-igihang iyon ng kanyang ina at Tatay Ben.

Ngunit nagplanong magpakasal ang dalawa. Isang taon ng preparasyon ang hinintay ng mga ito na hindi nagkaroon ng katuparan sa biglaang pagka-aksidente ng kanyang ina ng minsang lumuwas ito ng Maynila.
Bigla ay nagging ulilang lubos siya. Dinamdam niya ng husto ang pagkamatay ng ina. Hindi niya kilala ang kanyang ama. Iniwan lang nito ang kanyang ina at hindi niya alam kung nalaman nito na nabuntis nito ang kanyang ina.

Kinupkop siya ni Tatay Ben at hindi na ito muli pang nagkaroon relasyon sa iba. Hindi rin naman ito makababalik pa sa pagkapari. Tatlong-taon ang lumipas ng iwanan sa harapan ng kanilang tahanan ang isang sanggol na babae at pinangalanan nilang Ara.

Anak ito ng isang belays na naki-usap sa kanyang Tatay Ben na alagaan ang bata pagkapanganak nito dito. May nakalakip na sulat at pagkakakilanlan ang sanggol ng iwan ito sa kanila na nagkumpirma sa balaking iyon ng ina nito.

Inalagaan nila ang sanggol. Binantayang maigi at pinrotektahan sa abot ng kanilang makakaya bilang dalawang lalaki sa pamilya.

Spoiled it okay Tatay Ben at tanging siya lang ang sumasawata rito paminsan-minsan. Natuwa sila na lumaki itong magandang dalaga bagama’t natakot rin ng tumuntong ito sa edad na labing-lima ay nagging lapitin ng manliligaw. Ngunit mukhang hindi naging ang lahat ng pag-iingat na ginawa nila para rito.

Sinulyapan niya ang magarang kabaong na kinalalagayan ng kapatid. Hindi pa rin siya makapaniwalang ang laman niyon ay ang pinakamamahal nilang bunso. Nasa estado pa rin siyang gusting tanggihan ang ideya na kapag sinulyapan niya iyon ay ang hapis na loob ng kanyang kapatid ang makikita at makikita niya roon. Hindi niya nailarawang-diwa na maaring mangyari ang ganoon ditto. God!! She was only sixteen!

Tatlong araw na ang nakalipas ng makatanggap sila ng tawag sa kaibigan ni Ara na nasa isang klinika ito sa kabilang bayan. Hindi niya maisip kung bakit ito naroroon bagam’t may naka-ambang kaba sa kanyang dibdib tungkol sa kalagayan nito.

Hindi niya halos mapaniwalaang ang kapatid na nagsabing magpupunta lang sa kaibigan sa Maynila ay iyon at walang malay na nakahimlay sa isang higaan sa loob ng klinikang iyon at naliligo sa masaganang dugo. Ito ay isang abortion clinic sa kanyang pagkabigla.

Itinawag niya sa pulis ang pangyayari habang kinukwestiyon ang kaibigan nitong nakilala niya sa pangalang Samantha. Itinali rin niya ang aborsyonista para hindi makawala. Sa pagdating ng mga pulis, inatake ang aborsyonista habang dinarakip na naging sanhi para ikamatay nito.

DOA ang kanyang kapatid sa ospital. Masyadong maraming dugo na ang nawala rito. Panay naman ang paliwanag ng umiiyak na kaibigan nito sa kanya. “ I tried to stop her Kuya, pero she won’t listen. Mas mahalaga sa kanya ang desisyon ng lalaking iyon kaysa sa sarili niyang buhay. I’m telling her to stop this nonsense at umuwi na kami but Elric was here too. He told me to shut up. Tapos he threw us money. Napakawalang-hiya niya Kuya!!!”

Ang talipandas na lalaking iyon. Hindi na nga nakuhang panagutan ang kapatid niya ay nagawa pang ipapatay ang sariling anak. Anong klaseng tao ito? Hindi siya makapaniwalang ganun-ganun lang nito tinrato ang kanyang kapatid. Bente-mil tapos wala na? Paalam na? Nag-iwan pa ito ng salita sa kapatid niya na “This is all you’re getting from me Ara. Pagkatapos nito ayoko ng makita pa ang mukha mo kahit kalian. Get rid of that child. I don’t want complications dahil ikakasal na ako.” Sabay hagis daw nito ng salapi sa kapatid niya.

Ikakasal na pala ang hayup na lalaking iyon ay pinakai-alaman pa si Ara. Ipinagtanong niya ang tunay na pangalan nito sa iba pang kaibigan ng kapatid ngunit sa kasamaang palad ay sa pangalang Elric lang ito nakikilala. Mukhang napaghandaan ito ng tinamaan ng magaling.

Mali rin ang address na ibinigay nito sa kapatid sa Quezon City ng puntahan niya ito doon. Naipagtanong-tanong na rin niya kung may litrato itong naiwan kasama ang kapatid niya ngunit mukhang naitapon na ito ng kapatid niya ng minsang mag-away ang mga ito. Ngunit ngayon lang iyon. Sisiguraduhin niyang hindi magtatagal ang pagtatago nito.

Muli niyang sinulyapan ang ataul ng kanyang kapatid. Hindi niya matagalan ang pagtitig doon. Hinawakan niya sa balikat si Tatay Ben. Lumingon ito at nagsabing, “Ipangako mo Ito. Ipangako mo.” Puno ng lambong ang mga mata nito at sumulyap ulit sa kabaong na nasa harapan nila.

“Ipinapangako ko. Magbabayad ang gumawa nito sa iyo Ara. Magbabayad ang hangal na tumapos sa mga pangarap naming para sa iyo at umagaw ng kabataan mo. Ipinapangako ko.” Tiim-bagang na wika niya sa kawalan….


[01]
For Sweet… J

CHAPTER 1

“G-L-A-M-O-R-O-U-S. We flyin’ first-class, up in the sky. Poppin’ champagne, livin’ my life…” Gboi took a deep sigh and turn the iPod’s volume even louder. He couldn’t stand flying at iyon mismo ang idinahilan niya sa ama. Hangga’t maaari ay ayaw niyang bumalik ng Pilipinas ngunit isang insidente ang nagpabago sa kanyang desisyon.

Bumisita siya noong nakaraang buwan lang sa kanyang ama para kamustahin ito. Sa durasyon ng pananatili niya sa mansion ay hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng kanyang ama at madrasta.

“You know very well that Elric would like to be the President of the company. Why can’t you give him that? It’s not as if you didn’t know how much he loved and worked hard for the company.” Litanya ng kanyang stepmother.

“And you know very well that I am giving it to my son Gboi.” Sagot ng kanyang ama na si Don Armando Arpon sa esposa.

Sumimangot na sumagot ang maybahay nito at hindi man lang ikinaila ang disgusto sa kanya sa sumunod na sinabi. “Your son doesn’t seem to be interested in joining the company, Armando. Why, he would love to travel here there and everywhere just so he could get away with your persistence. Unlike my Elric, He didn’t give you any headache from day one up until these last fifteen years. Why couldn’t you just give him the presidency” mahabang litanya ng bruhildang stepmother niya sa ama.

Bumuntong-hininga ang matandang don. “Your right about that Mildred. I could’t seem to know my son anymore. Lagi na lang kaming nagtatalo nitong mga nakaraang taon. Ngayong umuwi na siya, inaasahan ko na ang pagkukusa niya sanang tumulong ngunit parating hindi ko siya mahagilap. Last I heard, He’s in Amanpulo.” Nahahapong sambit ng ama.

Nakita niya ang kislap ng kasakiman sa mata ng madrasta na bahagy na lang naitago ng nag-angat g paningin ang ama. Yumapos ito sa esposo at nagsabing, “Give Elric a chance sweetheart. It won’t hurt because we’re family. Don’t you worry a thing about the business once his there.” Ngiting aso ito mula sa tanaw niya habang nakayakap sa ama.

That incident cemented his decision to come back home for good. Hindi maaring mapunta kay Elric ang lahat ng pinaghirapan ng ama. Inayos niya ang lahat ng dapat ayusin sa America at muling nagbalik ng bansa upang markahan ang teritoryo na dapat ay sa kanya.

Hindi niya habol ang mana. Sa edad niyang bente-kwatro, he earned his first millions. In dollars. Pagkatapos niya ng kolehiyo sa America ay nag-apply siya bilang isang graphic designer sa isang prestihiyosong kumpanya sa bansang iyon.

Dahil sa husay at galling nakuha niya agad ang mga pinakamataas na posisyon sa nakalipas na tatlong-taon. Sa dami ng nagtiwala sa kanya, naisipan niyang magtayo ng sariling kumpanya kung saan ang mga kliyente nila ay ang mga dati na niyang kilala at loyal sa kanya. Nakakalula kung iisipin na ang mga kumpanyang katulad ng Dreamworks Animation, Nugget Market at Qualcomm ay hindi binitiwan ang serbisyo niya.

Kaya maaaring hindi maintindihan ng sinoman kung sakaling habulin niya ang pwesto sa kanilang kumpanya. Why, his company’s even bigger than that of Arpon Developers at ang Arpon Telecoms’ assets. He have all the money in the world so what more could he ask for. Pwede niya na iyong ipaubaya sa kanyang mga stepbrothers. Kina Elric at Jorge. Ngunit hindi maari.

Aminado siyang matagumpay na siya sa larangan ng karera niya ngunit hindi sa aspetong pampamilya. Itinago niya ang lahat ng success sa kanyang kumpanya mula sa ama at maging sa mga kakilala niya. Para sa mga ito, isa lamang siyang spoiled rich kid at bummer sa isang tabi.

Hindi naman kasi niya ipinagkalat sa lahat ang pag-asenso. Sa ibang bansa ay maaring kilala siya. Ngunit mangilan-ngilan lamang ang mga nakakakilala sa kanya. Mga business conglomorates lamang at ang kanyang immediate team ang nakakakita sa kanya. Kahit kasi ngayon siya pa rin ang gumagawa ng mga designs at nakikipag-coordinate na lang siya sa team niya na binubuo ng mga copywriters, photographers, website designers at marketing specialists.

Ang dahilan niya ay simple lang, at thirty, he needs to have his fathers trust and respect. Nakakatawang isipin na sa edad niyang iyon ay umaamot pa rin siya ng atensiyon sa ama niya na umabot na halos ang tagal katumbas ng kalahati ng kanyang existence.

Pinatay niya ang iPod ng makita niya ang sensyas ng ilaw sa eroplano. Nasa tarmac na sila t anytime ay lalanding na ito. Nang makalapag ang eroplano ay hinintay niyang maaubos ang mga lumalabas. Ayaw niyang makipagsiksikan sa mga ito bagama’t kahit first-class ang kanyang sinakyan ay marami-rami sila na sakay niyon.

Habang daan sa eksklusibong pasilyo ng VIP Lounge ng airport ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Ipinasya niya na pumunta muna sa restroom upang makapagbawas. Malinis na malinis ang comfort rooms sa parting iyon ng airport. Dapat lang. Naisip niya. Mahal ang bayad sa ganitong mga lugar.

Siya lamang ang tao doon kaya pinili niya ang pinakadulong urinal. Maya-maya pa ay sumasabay na ulit siya sa saliw ng tugtugin sa iPod na binuksan niya pagkababa ng eroplano. Nakapikit siya habang napapangiti pa ng makarinig siya ng isang pagtikhim.

Nakita niya ang isang Caucasian na nakatingin sa kanya at waring naa-amuse. Binawi niya ang tingin ngunit pinakiramdaman ito. Pagkatapos niyang umihi ay naghugas siya ng kamay ngunit ang atensiyon ay nasa banyaga. Muli itong tumingin sa kanya namay kasamang ngiti.

Ngiting alam na niya ang ibig sabihin. Isa pang lihim na itinatago niya ay angpagiging bisexual niya. Ipinagpapaka-discreet niya iyon ng husto sa maraming kadahilanang hindi niyama-justify. He always dated and bedded women para maitago ang malaking sikreto. Ngunit minsan ay pinagbibigyanniya ang sarili na makaniig ang kapwa lalaki sa kundisyon hindi ito dapat Pilipino. Mahirap na at medyo kilala siya sa social circle ng Pilipinas bilang babaero.

Binati niya ang lalaki. “Yo! Is this your first time here in the Philippines?” umaasa siyang hindi ito naestupiduhan sa tanong niyang yon.

Ngumiti ito bilang tugon. “No. But would you like to show me around?” nang-eenganyo ang ngiti ng damuho. Infairness at type niya ang tipo nito. Medyo bulky na katawan ngunit hindi masyadong malaki. Toned ika nga. Muscles in right places.

“Sure.” Sagot niya. That was the cue. He pulled the strangers hand, opened the nearest cubicle and slammed him inside. He tried kissing him full in the mouth but resisted, saying “ I don’t kiss.” He ignored it and replied mockingly “Yeah.” And then kissed him.

It was a very hot and wet kiss. He pressed his hardness in his equally hard shaft. Mas matangkad siya rito ng kaunti. He took the strangers hands and placed it in his buldge, He seemed to like it very much that he toyed with it while it’s still inside his pants. He unbuckled his belt and twisted the foreigners’ body facing the wall. He pulled his pants down including the briefs ang pulled down his. He put on his rubber and lifted the man’s hands with his right hand. One swift thrust and he was inside him. Moments later, moans of equal passion and haggard breathing can be heard to that part of the airport.

Nagmamadaling tinungo niya ang luggage area para kuhanin ang mga gamit niya na sa kabutihang palad ay nakita at nakuha rin niya agad. Man,that was one hell of a quickie! Napapa-iling na sambit niya sa isip. Hindi niya inasahan na ang unang-una niyang gagawin pagkababa ng eroplano ay ang makipag-dyug.

Noon tumawag ang kanyang ama sa kanya. Sinagot niya iyon. “Dad. Kanina pa ako rito, sino bang susundo sa akin?” nayayamot na sabi niya.

Tumawa ang don sa kabilang linya. “Hindi kita masusundo hijo, pero ipinadala ko dyan si Pancho. Siya ang mekaniko ng kapatid mong si Elric. Mabait yan. Mag-ingat kayo anak.” Yun lang atnawala na ito sa linya bago nya pa ito nasagot.

“Thanks, Daddy.” Sagot niya sa kawalan kasabay ngbuntong hininga.

Medyo marami ang dala niya sapagkat iniwan niya na ang bahay niya sa Amerika. Ang PC na gamit niya ay ang pinaka-iingatan niyang posesyon dahil hindi siya ganoon kasanay humawak ng mga mas bago pang gadget. Bagama’t may mga naka-install na program doon para sa trabaho niya, nananatiling sanay siya sa pag-gamit niyon.

Hinanap niya ang Pancho na sinasabi ng ama. Kaunti na lang ang mga naghihintay namga kamag-anak doon ng mga pasahero kaya madali niyang nakita ang pangalan niya.

Nawindang siya sa nakita niya. He expected Pancho to be an old man probably with salt and pepper hair but not like this!

Standing in the crowd was heavens’ biggest mistake of a creature. Paano ba naman, mukhang kamag-anak pa ata ni Petra ang isang ito. He expected the driver to be someone not good-looking but not this mess.

Hawak nito ang isang karton na sinulatan ng pangalan niya habang hindi niya alam kung saan nito napulot iyon. It goes with the hobbits face. Ang sundo niya ay isang bakla. Naloka siya sa nakita niya. Nakasuot ito ng tight fitting jeans matched with spaghetti strap na kulay neon green at may scarf pa sa leeg. Who the hell is she? Freakin’ Britney Spears?

Nakapang-Luz Clarita pa ang buhok nito at ang kutis! …..grrr. Nanggigigil na nilapitan niya ito. Tinampal niya ang balikat nito kahit pa ang gusto niya ay agawin ang karatula na dala nito na may pangalan niya at ihampas iyon sa pagmumukha nito.

“Hey faggot! Are you Pancho?!” sa kanyang kalmadong lohika ay umaasam siyang hindi sana ito ang Pancho na driver na ipinadala ng ama. He’d better not be the driver or else… sinaway niya ang sarili.

Mukhang nakabawi ito sa pagkabigla at sumagot. “Ay nu ser, ser nu. Aym Bretney. Wit her, Aym kuleng Ser Panchu.” Bibang-bibang sagot ng hitad sa kanya sabay nagmamadaling umalis at tinawag ang Pancho na hinahanap niya.

Hindi niya alam kung makakahinga siya ng maluwag sa nalaman ngunit parang mas nahihiya siya sa kaalamang naging malupit siya sa pobreng baklita. Feeling mo stragight ka! Nang-iinsultong tugon ng isip niya.

Hinimas niya ang sentido at hinilot iyon. Sana lang ay dumating na ang driver at ng maka-uwi na siya. Sigurado kasing knock-out siya mamaya dahil sa jet-lag.

Hindi niya alam kung ilang sandal na siyang nakatayo roon ng paglingon niya ay nakita niya ang hitad na si Britney kasunod ang isang lalaki. Oh my God! Is that Pancho? The drviver? Hiyaw ng isip niya.

Paano’y ang kasunod ni Britney ay isang lalaking matangkad sa karaniwan. Ginintuan ang kulay at may…….. Mantsa sa t-shirt? Ngunit ganoon pa man, hindi nakabawas iyon sa gandang lalaki nito na mukhang ang suot na mga damit ay dalawang beses na mas maliit sa katawan nito. Alam niyang malaki ang t-shirt nito ngunit parang hapit na hapit iyon sa dito. At ang pantalon nito. It hugged his thighs like second skin. Like a woman’s legs wrapped in his. Ngunit higit sa lahat ang malaking buldge sa gitna ng mga hita nito nakatuon ang kanyang pansin. Buti na lang at nakayuko siya at hindi nito nahalata na pinagnasaan, este! Pinagmasdan niya ng husto ang katawan nito.

So much for staring at the man’s crotch. Baka mamaya ay kagaya ito ni Britney magsalita na speaking of the devil ay iyon na at binubuhat ang kanyang mga gamit. May kabigatan angmga iyon kaya kinuha niya ang briefcase na mahalaga sa kanya.

“Okay ka lang ba dyan Britney? Baka hindi mo kaya yung iba balikan na lang natin. Paki-hintay na lang po kami rito Sir.” Sabi ng baritonong tinig nito. Muntik na siyang mapanganga sa narinig niya. So the voice matched the face. Hmmm, hindi na masama.

Ngunit walang indikasyon na bisexual ito. Hindi rin niya natiis na tingnan ang pang-upo nito na sa kasamaang palad ay naging sentro ng atensyon niya ng tumalikod ito habang buhat ang mga gamit niya. Nakaka-gigil ang mga muscles nito. Hindi niya maintindihan ang reaksiyon ng sariling katawan dito.

He’s already hard just by staring from the man’s behind. Probably the most gorgeous butt he ever laid his eyes on. Ipinuwesto niya ang briefcase sa harapan niya para itago ang namumuong “sama ng panahon” doon. Nakakahiya at naka-slacks siya.

Nakakapagtaka talaga ang atraksiyon niya dito. Ganoong ba ang lahat ng mekaniko? Ganoon ka-gwapo? Parang hindi rin makatarungan na Pancho ang pangalan nito. The man could be named Apollo. Minus nga lang ang mantas sa t-shirt nito. Hindi ba nito napansin iyon at dumiretso na rito para sunduin siya?

Panalik na ang mga ito ng hindi niya matiis na isatinig ang nasa isip niya. “Ahm, Pancho. Nagmadali ba kayo sa pagpunta ninyo rito? Mukhang di ka na nakapag-palit ng damit.” Sabay turo sa mantas nito sa bandang laylayan ng t-shirt.

Tiningnan lang nito iyon. Nagkibit-balikat at sumagot na, “Napakisuyuan lang po kami rito Sir, nagmamadali ho kami kanina papunta rito. Hindi lang ho namin natanggihan si Sir Elric dahil kapamilya raw ang darating. Pasensiya na po kung nakakahiya ang itsura namin.” Paliwanag nito sa kanya.

Hindi niya nagutuhan ang na-detect niyang sarkasmo sa tinig nito. Hindi na lang siya sumagot. Baka isipin pa nito ang lalong mas masama sa kanya. At isa pa, naninigas pa rin ang ibabang bahagi ng katawan niya.

Grabe! Ang hilig mo talga Gboi! Sigaw ng isip niya. Pati driver ba naman ay pinagpapantasyahan mo? Inayos niya ang sarili at pinilit na ilagay sa ibang bagay ang atensyon niya. Noon tumunog ang cellphone niya at napangiti sa nakitang nakarehistrong pangalan.

“Katrina! Sweetie, how are you?!” nakangiting sagot nya sa aparato.

Itutuloy…..


[02]
CAN YOU HANDLE WHAT I’M ABOUT TO DO? I’M HERE FOR YOUR ENTERTAINMENT….

-Adam Lambert

CHAPTER 2

Hindi inasahan ni Pancho na isang makisig na lalaki ang kanyang susunduin. Hindi niya kasi ito nakita kahit sa larawan man lang. Pinagmasdan niya ito ng husto habang may kausap ito sa cellphone nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang panaka-nakang pagsulyap nito sa kanya partikular sa pagitan ng kanyang mga hita. Alam na niya ang ibig sabihin nun at hindi siya tanga para hindi mahinuhang isa itong bading.

Walang kabakas-bakas sa mukha nito na maaari itong magkagusto sa kapwa lalaki. Paano’y napakaraming babae ang na-link na dito. Patunay lamang nun ang kausap nito ngayon na sa balita niya ay siyang pakakasalan nito.

Ah, marahil ito ay isang silahis. Marami na siyang na-engkwentro na katulad nito. Mayroong hayagan ang pang-iimbita sa kanya at ang iba ay talagang hanggang tingin lamang ang paanyaya. Hindi sa pagmamayabang ay may hitsura naman kasi talaga siya. Siya raw ang epitome ng tall, dark and handsome.

Hindi niya alam kung paano iyon pakikitunguhan sa simula ngunit nabatid niyang sa adbentahe niya na rin ang pagkakaroon ng isang magandang mukha. He had tan skin na sa pagkabilad niya madalas sa araw ay hindi nasusunog ng husto. Mapalad siguro siya. Ang katawan niya ay alaga sa gym at sa pagbabanat ng katawan simula pagkabata.

Ngunit ang pinaka asset niyang matatawag ay ang kanyang kulay tsokolateng mata. Marami ang nagsasabing ang mga mata pa lang niya can speak volume of expressions just by staring to anyone in particular. Pwede na niyang iparating agad ang ibig niyang makuha sa titig pa lamang.

Subalit ang pinakasentro ng pansin niya ngayon ay kung paano maisasagawa ang kanyang plano laban sa kapatid ng katabi. Siya si Ito. Panchito ang kanyang tunay na pangalan. Ngunit sa paghahanap niya kay Elric na siyang sumira sa buhay ng kanyang kapatid na naging sanhi ng maagang kamatayan nito ay nagpalit siya ng pangalan.

Madali lang sa kanya ang gawin iyon. Isa sa mga ugali ni Elric ang maging mapagtiwala sa mga aong kinabibiliban nito. Ginusto na niyang saktan ito pagkakita pa lamang niya rito. Ngunit sa kasamaang palad. Naisip niya na mas magandang pagdusahin ito ng matindi para sa kapatid. An eye for an eye ika nga.

Nang makatapos siya ng kolehiyo ay may ipinagtapat sa kanya ng kanyang Tatay Ben ang tunay na pangalan ng kanyang ama. Buhay pa pala ito at nasa Japan lang kasama ng bagong pamilya. Sinulatan niya ito at hindi inaasahang sasagot kaagad. Nagpadala ito ng emisaryo at inayos ang papeles niya upang mapasunod siya ng mabilis sa Japan.

Naka-alis siya ng bansa at nag-aral habang nasa piling ng ama. Ang kanyang madrasta ay isang purong haponesa na napakabait at talaga namang inacknowledge siya ng husto. Hindi niya inaasahan iyon bagamat walang anak ang mga ito sa panahon ng pagsasama.

Nakapagtapos siya sa Japan at pinagtrabaho ng ama sa car dealership business nito. Mayroon iyong limang sangay sa buong metro ng bansang iyon at limang sangay rin sa Pilipinas. Tatlo sa Luzon at dalawa sa Cebu.

Nang mamatay ang ama ay ipinamana sa kanyang lahat ang mga iyon at hindi kinontesa ng madrasta. Nararapat daw iyon sa kanya dahil matagal siyang napabayaan ng ama. From time to time ay binibisita na lang niya ang kanyang madrasta kapag kinakailangan niyang asikasuhin ang mga negosyo sa Japan.

Hindi siya umalis bilang Chief Mechanic ni Elric. Hindi porke’t naging maalwan na ang buhay nila ng Tatay Ben ay kakalimutan na lang nila ang bagay na ginawa nito. Hinding-hindi. Lalo na siya. Nasobrahan yata siya sa pag-iisp at hindi napansin na napabilis na sila ng takbo. Muntik na niyang hindi mapansin ang nag-overtake na truck kaya nag-swerve ang kanilang sasakyan pakanan. Mabilis niyang naapakan ang preno tiyempong wala silang kasunod.

“What the… Anong klaseng pagmamaneho ba ang alam mo? Hindi mo ba alam na maari tayong mapahamak sa kapabayaan mo?” nanggagalaiting sigaw sa kanya ni Gboi. Namumula ang mukha nito sa galit at bahagyang takot na nakita niyang gumuhit sa mga mata nito.

“Ipagpaumanhin mo Sir. Medyo wala pa kasi akong tulog at hindi ko napansin na bumubilis na pala tayo. Huwag kang mag-alala at hindi na mauulit.” Maamong sagot niya rito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. Ipinasya niyang huwag patulan ang paninigaw nito sapagkat maaring hindi makapag-pigil ang isa sakanila at magkasakitan sila. Ayaw niyang ibuko ang sarili ng ganito kaaga. Tutal, alam naman niyang isa itong “pa-mhin”, agamitin na lang niya iyon sa kanyang bentahe.

Napansin niyang napalunok ito. At napatingin sa mga labi niya. “Ayos!!” napapangiting sabi niya sa isip. Hindi ligtas sa appeal niya ang isang ito. Mukhang may naisip na siyang magandang gawin para gantihan si Elric.

“Ayos ka lang ba Sir?” sabay hawak sa balikat nito at ininspeksiyon ang katawan nito. “May masakit ba sayo?” may papisil-pisil pa siyang nalalaman. Naaliw na tiningnan niya ito sabay sabing, “Okay ka naman pala. Huwag kang mag-alala Sir, kapag ako ang kasama mo hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa’yo.” Sabay kindat dito. Napamaang na lamang ang amo.

“What the heck is that?” sigaw ng isip ni Gboi. Hindi niya mapaniwalaan na ganoon na lamang ang mangyayari pagkatapos niyang sigawan ito kanina. Nakahanda na siyang sapakin sana ito ngunit napigil iyon ng ngumiti at humingi ng pasensiya. Buti na lang at tapos na siyang makipag-usap kay Katrina sa cellphone niya kaya hindi na nito narinig pa ang pagmumura niya.

Nakakalito rin ang mga sinabi ng Panchong ito sa kanya. “Huwag kang mag-alala Sir, kapag ako ang kasama mo hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa’yo.” Was it a come on? How come it did not sounded gay? Did he see through him? Alam kaya nito na silahis siya?

Ahhh!! Napapasigaw na siya sa frustration sa isip niya. Ang dami niyang tanong. Ngunit hindi maaring hindi niya malaman kung bakit ganoon ang aktwasyon nito sa kanya. Kailangan niyang malaman kung lumalandi ito sa kanya, one way or another.

Ipinasya na lang niya na gawin ang naiisip. “Bakit mo naman nasabi yan? Ano ka super-hero ko?” nakakalokong tiningnan niya ito.

Naglapat ng isang linya ang mga labi nito habang tutok na tutok sa daan ang mga mata. “Dahil ayokong makitang may nasasaktan na katulad mo.” Walang lingong tugon nito sa kanya.

An “O” formed his lips. Bahagya pa siyang napatulala rito. Hindi siya makapaniwalang itutugon nito ang eksaktong inaasahan niyang sagot.

Bago pa siya makapag-salita ulit ay inunahan na siya nito. “Alam ko kung ANO ka. Pero huwag kang mag-alala at safe ang sikreto mo sa akin.” Nakangiti na ito ngunit hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.

A mutter of expletives should be going out of his mouth right now kung hindi lang siya nag-alala na lingunin ang kasama nilang si Britney na sa kabutihang-palad ay nakatulog nap ala sa likuran.

Tiningnan niya ng masama si Pancho sabay sabing. “Anong pinagsasasabi mo dyan? Anong alam mo tungkol sa akin?” Mapanganib ang tono niyang ginamit ditto. Mahina lang iyon bagama’t tiniyak niyang maipararating niya rito ang lahat ng ibig niyang sabihin sa katanungan niyang iyon.

Tumaas lang ang kilay nito at walang anu-ano’y inihinto ang sasakyan sa isang tabi. Pinindot nito ang signal para sa Hazzard at binalingan siya. “Gusto mo bang ipaliwanag ko pa sa’yo Sir kung ano ang ibig kong sabihin? Alam natin pareho na ang umbok sa pagitan ng mga hita ko ang tintingnan mo kanina sa airport. Alam ko ang uri mo Sir, bagama’t hindi isang masamang bagay iyon ay ikinabigla kong malaman.” Sagot nito sa kanya sa napakalapit na posisyon ngmukha nito sa mukha niya na hindi niya kailanman inaasahan.

Napatingin agad siya kay Britney at mukhang tulog pa rin. Ibinaling niya agad ang mata pabalik rito at hindi inatrasan ang nanghahamong tingin nito at nang-uuyan na ngiti. “Alamin mo kung saan ka nakalugar Pancho. Bagama’t wala akong alam na ginawa para malaman kung paano mo nalaman ang pagkatao ko ay isina-suggest kong manahimik ka na lang tungkol rito.” Walang paki-usap sa tinig na sabi niya.

Wala ring silbi kung itatanggi niya dahil kung ng itinago niya ay nalaman pa rin nito. Ano pa kaya kung inihantad niya. “Maari ba, Pancho?” dugtong niya ng hindi ito tuminag. Nagbago ang ekspresyon nito at ngumiti ulit at nagwika ng “Nasa sa iyo yan Sir. Kung hindi ka magiging pasaway sa akin, baka hindi ako magsalita.” Nakakalokong sagot nito.

Napailing siya sa sagot nito. “Hindi iyan ang inaasahan kong isasagot mo Pancho.” Nagsimula na itong paandarin ang sasakyan ulit. Tiningnan siya nito ng hindi inaalis ang ngisi sa labi. Ngali-ngaling sapakin na talaga niya ito. “Sige.” “Hindi ko ipagsasabi, nangangako ako. Pero..” nakabitin ang hininga niya sa isinagot nito.

Akala niya okay na, may pahabol pa pala. Kaasar. “Pero ano?” sagot niya.

“Pero, di ko ipapangakong hindi na kita lalapitan at kukulitin. Kasalanan mo kasi, ang cute-cute mo!” sinserong pahayag nito habang nakatingin ng diretso sa daan.

Again, an “O” formed his lips. He ought to say something. But. That rendered him speechless!!!

Itutuloy…..


[03]
This chapter is for my friend/anak/sister/confidante at namesake ng hero sa story, Gboi Arpon. Hindi po siya kasing-yaman ng nasa istoryang ito ngunit mayaman naman sa kaibigan. Stay as sweet as you are friend. Gandahan natin angmga story na i-po-post natin dito.

To Zach, salamat sa iyo.

To my readers.. alam nyo na kung sino kayo.. Salamat sa mga puna at pagpuri. Lahat po ng iyan nasa puso ko at isipan.

To my love… This one is for you.

Just a reminder… This is fiction.
____________________________________________________________________

Chapter 3

Isang nakaka-binging katahimikian ang namagitan sa kanilang dalawa ni Gboi. Alam na niyang nakuha niya ang atensyon nito ng husto. Hindi niya akalaing ganoon kadaling makakapag-establish siya ng panibagong plano para sirain ang kapatid nito. Kailangang magbayad si Elric sa kahit na anong paraan.
“Ay!! Aym su-re Ser por ay hab islep her. Ay dedn’t min tu bi isleyping her.” Tinig iyon ni Britney mula sa likuran. Muntik ng makapag-preno ng wala sa oras si Pancho kung hindi niya naalala na kasama nila ang talipandas na iyon sa likuran.
“Ano ka ba naman Britney! Nakakagulat ka! Sa susunod, mag-inat ka naman muna.” Naiiling na sambit ni Pancho. Tiningnan ni Gboi ang bading sa likuran. Mukhang pinagprituhan na ng itlog ang mukha nito. Bahagya tuloy siyang napangiwi sapagkat sa kanya ito nakatingin.
“Haw ar yu ser?” nakangiting sabi nito sa kanya. Napansin niya ang bahagyang pagsulyap ng katabi niya sa kanya kaya hindi niya maangilan ang nagsalitang monster.
“I’m okay, Britney.” At bahagya itong nginitian bago umayos ng upo.
“Ser, wud yo like to eat? Ayl by Mcdu.” Biba pa nitong pakikipag-usap muli sa kanya.
“No, I’m okay.” At bahagya lang itong nilingon. “Sigi na Ser. Ayl buy Mcdu por yo.” Muli nitong paanyaya.
Sasagot sana siya kung hindi lang siya inunahan ng nagmamaneho. “Hindi kumakain si Sir ng Mcdo, Britney.” Nang-iinis na wika nito. Hindi niya pinatulan ang pang-iinis sa kanya nito at sinagot si Britney. “No, I’m still full Britney. And besides, He’s right. I don’t eat fastfood. But, maybe next time.” Sabay ngiti rito.
Nakita pa niya ang bahagyang pagsinghap nito sa pagngiti niyang iyon. Noon niya naunawaan na nagpapa-cute ito at mayroong crush sa kanya.
Tiningnan niya si Pancho na katabi niya. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito na parang sa isang nang-uuyam na ngiti. Hindi niya napigilang punahin iyon. “What is your problem?” nakakunot-noong tanong niya rito. Nilingon siya nito ng nakangiti pa rin. “Wala po akong problema Sir. Bakit kaya parang mainit ang dugo mo sa akin Sir?” tanong nito sa kanya kapag-kuwan.
Hindi siya naka-imik sa naging tugon nito sa kanya. OO nga naman? Bakit nga ba siya masyadong apektado sa mga kilos nito. Pinili niya ang manahimik na lang.
Maya-maya lang ay nasa bahay na nila sila sa Quezon City. Iyon ang lumang mansion nila sa New Manila. Ilan sa mga naunang residente doon ang pamilya nila. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Wala pa ring nagbago sa lugar na iyon. Maliban sa ibang renovation na ginawa, walang naging malaking pagbabago ang lugar na kinalakihan niya.
“Magandang araw po Senyorito Gboi.” Bati sa kanya ng mayordoma. “Magandang araw din Manang. Kamusta nap o kayo rito?” nakangiti niyang sabi then looked at the old woman fondly. Isa ito sa mga naunang katiwala doon. “Ay, okay lang ako at ang mga kasama ko rito Senyorito Gboi. Maayos naman ang lahat. Umakyat na muna kayo sa library at nandoon ang inyong Papa. Nagbilin siya na doon kayo dumiretso pagkarating ninyo.” Sabay talikod nito sa kanya.
Pagpasok niya ay nagging nostalgic na naman ang kanyang pakiramdam. Iginala niya ang kanyang paningin at hinanap ang paboritong lugar sa mansion. Nakita niya ang portrait ng kanyang Mama. Hindi niya maiwasang ang pagpapakawala ng isang mahabang buntong-hininga.
“So the prodigal son is back!” Isang tinig na punong-puno ng sarkasmo ang kanyang narinig. Mula iyon kay Mildred. Ang kanyang madrasta. Nakangiti ito ngunit batid niyang peke ang ngiting iyon na maaring ihalintulad sa isang bulok na mansanas. Pula sa labas. Brown sa loob. Tiningnan niya ito hanggang sa makababa sa grand staircase nila.
Donyang-donya na ang hitsura nito samantalang 15 years ago ay napaka-submissive ng dating nito at hindi makabasag-pinggan kasama ang dalawang anak nito sa unang asawa. Isa itong dating manggagawa sa kanilang kumpanya. Bagamat ikinagulat ng lahat ang pagpapakasal nitong muli matapos mabiyuda sa kanyang ina ay walang ni isa man ang tumutol sa naganap.
“I’m glad you’re here to welcome my return Tita Mildred. Had I known that you’ll be taking the time to come down here and talk to me, I should’ve chosen to stay in a hotel than to suffer the intolerable minutes talking to you.” Mahaba ngunit banayad niyang pagkakasabi bagaman nakaplaster ang kanyang ngiti sa mga salitang iyon.
Naningkit ang mga mata nito sa sinabi niyang iyon. “Kahit kalian talaga, bastos ka Gboi. You always talk like you’re some drag queen who is always trying to make ends meet. Nakakatawang isipin na ganoon ka umakto sa harap ng pamilya. Nakakahiya ka!” magkadikit ang labing wika nito. Halos ayaw iparinig ang nais iparating. Hindi maiwasang maamuse siya sa sinabi nito.
“Oh! Now I’m a drag queen. You see tita, you can brand me everything you want, But, Frankly my dear. I don’t give a damn. Mas gugutuhin ko pang kausapin ang mga katulong sa mansiyon na ito kaysa ang makipag-plastikan sa inyo. Baka kasi makalimutan kong “asawa” kayo ng Papa ko.” Mas maanghang na wika niya rito sabay talikod paakyat ng hagdanan. Through the years ay nadevelop na niya kung paano tatapatan ang kawalang-hiyaan ng mga ito sa kanya kapag siya lang ang kaharap.
Nang-uuyam na muling nagsalita ito. “So, you’ve suddenly developed an instant affection to the hired help here. Hindi ko alam na mahilig ka palang makipag-usap at kinaaliwan mo ang mga hampas-lupa.” Nakataas-kilay na salita nito.
Nilingon niya ito ng akmang hahakbang na sana siya paakyat sa library. Tiningnan n’ya ito mula ulo at paa at binalikan ang mukha nito sabay sabi kalakip ang mas nang-uuyam na ngiti. “Sa totoo lang, Ikaw lang ang hampas-lupang hindi ko kailanman kaaaliwan.” Sabay talikod sa madrasta.
Narinig pa niya ang mahinang pag-singhap nito sa likuran niya bago ipinagpatuloy ang pag-akyat. Mukhang magiging napakahirap ng pagbabalik niyang iyon.

“Dad, I’m here.” Kasunod ng isang mahinang katok niya sa pintuang iyon ng kanilang library. “Come in.” boses iyon ng kanyang ama.
“Welcome back Gboi” pagbati sa kanya ng kanyang ama kasabay ng isang mahigpit na yakap sa kanya.
Tinapatan niya iyon ng mas mahigpit na yakap. “Kamusta kayo Papa?” tanong niya sa ama.
“I’m good. I’m perfectly fine, hijo.” Nakangiti siya nitong iginiya sa isang mesa doon. “Bakit dito ninyo ako pinapunta agad Papa? May sasabihin ka bang importante?” bungad niya rito ng maka-upo. Napatingin ito sa kanya. Napa-iling. “Ha, ha.. Talagang kilala mo ako Gboi. Alam mo kung kailan kita kakausapin ng seryosohan. Pasensiya na kung hindi kita mapapag-pahinga muna. The Menandrez are asking kung kailan nga ba ang kasal ninyo ni Katrina. You see, you’ve been engaged for more than eight years now. When do you plan to tie the knot?” tuloy-tuloy na sabi nito.
Bagaman at alam niyang iyon ang maririnig niya sa ama ay hindi pa rin siya makasagot dito ng kongkretong kasagutan. Hindi sa wala siyang planong pakasalan si Katrina. In fact, ito lang ang nakikita niyang babaing pwedeng pakasalan niya. They’re even good in bed. Dahil nasubukan na nilang minsan ang magniig. Ang tanging pumipigil sa kanya ay ang dahilan sa pagpapakasal nilang iyon.
“Some mergers happen in Church, son. Hindi kayo ang unang gagawa noon. Besides, She’s a perfect catch for you.” May kasama pang panunudyo ang pangungumbinsing iyon ng kanyang ama. Napabuntong-hininga siya sa narinig. Parang nabasa pa nito ata ang naisip niya.
Damn! Sabi ng isip niya. “Okay Papa. Gagawin ko. I think it’s time na rin para tuldukan na ang katanungan ng lahat at ang kanilang paghihintay. May be we can marry in December. Tatanungin ko si Katrina mamaya.” Sabi niya sa ama. Mas maganda ng ganito. At least. Teka? Bakit parang ang sarili niya ang kinukumbinsi niya?
Napahugot na naman siya ng hininga.
“Magaling. Sabagay, naghahanda na sa ibaba ang lahat para sa Welcome party mo. Magpahinga ka muna hijo. May sorpresa pa ako sa iyo mamaya. Pupunta rin dito sina Katrina mamaya. Get yourself a rest. And, Welcome back ulit hijo!” Bakas ang katuwaan sa mukha nito. Iyon ang matagal na niyang inaasam. Ang matuwa ang ama sa kaniya. Nagpaalam na siya rito pagkabitiw nito sa kanya.
Habang nasa silid ay hindi mapigilan ni Gboi ang mapag-isip. Sumasaglit sa isipan niya ang ibang mukha. Imbes na ang kay Katrina ang kanyang makita ay ang mukha ni Pancho ang nakikita niya.
“Shit!” sambit niya. Kailangan alisin ang talipandas na iyon sa kanyang isipan. Nasaan na nga pala iyon? Pagkababa niya ng sasakyan kanina ay hindi na niya ito tiningnan pa. Dumiretso na siya pagpasok at iyon nga ay nagka-iringan sila ng madrasta.
Pinili na lang niyang mahiga at magpahinga. Ipinikit niya ang mata at salamat sa malamig na klima ng kwarto ay nakatulog na siya pagkalapat ng kanyang likod sa higaan…
Itutuloy….


[04]
Again, this is FICTION. J

Hello sa mga nakaka-chat ko sa BOL Chatbox. This Chapter is for you guys.
__________________________________________________________________

Chapter 4

Isang mahinang katok ang gumambala sa pananahimik niya sa kanyang silid. ¨Senyorito, bumaba na raw po kayo sabi ng Papa ninyo.¨anang isang kasambahay nila mula sa pinto.

¨Pakisabi na susunod na.¨at agad niyang tinapos ang iniinom na isang shot ng Jack Daniels mula sa bar counter ng kanyang kwarto.

Bumungad ang malamyos na tugtugin ng banda na inarkila para sa gabing iyon. Isang jazz band ang kasalukuyang nagpe-perform. Paborito niya ang awitin.

Hinayon niya ng kanyang tingin ang mga naging bisita nila para sa gabing iyon. Nakita niya mula sa pintuan ng kanilang mansiyon ang kanyang ama na malapit sa entablado katabi ang kanyang madrasta.

Pamilyar na mga mukha ang nakikita niya ngayon. But somehow , It bore him to know that these familiar faces are actually the plastics of their so-called ¨Elite Society¨ .

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at tuluyang lumabas ng mansiyon. Napuno ng mga bisita na magwe-welcome sa kanya ang kanilang bakuran. Sa laki niyon, hindi pa rin nakuhang magsiksikan ng mga tao sa kanilang hardin. Why, kahit na may fountain sa gitna ng garden nila ay di pa rin ito mukhang crowded. Maganda ang pagkaka-ayos ng setting.

¨There you are, Sweetheart.¨si Katrina iyon. Ang kanyang nobya ng pitong taon. Nakangiti niya itong sinalubong. He didn’t expected what she would do next. She kissed her full on the lips. Isang malalim na halik na kanya namang agad na tinugon.

¨I missed you, Sweetheart. How was your flight ?¨nakangiti nitong sambit pagkatapos ng kanilang halikan. ¨I missed you more sweetie, and my flight is always like that. Tiring.¨pabiro niyang tugon dito. Niyuko niya ulit ito at kinintalan ng halik sa mga labi. Not that he wanted everyone to know na miss na miss niya ito. It was all for a show actually. All for Elric’s eyes.

Nginitian niya ang nobya. Alam niyang pinopormahan ito ng stepbrother niya. For the same lame purpose. For the merger and so he can be President of their company, once married to her. Katrina is very beautiful tonight. She wore a body-hugging mint-green gown of Vera Wang that showed her slender body a very provocative view for Adam species. It was a serpentina style creation that was accentuated by sequins from her chest downwards. It has not-so-tolerable slit that allowed men to think various of not-so-wholesome thoughts about this girl.

But, tonight. She is going to be his fiancee. He encircled his hands to Katrina’s waist. He guided her to the dance floor. ¨My, my ! You’re so full of energy tonight sweetheart. We never dance before.¨ naiiling na wika nito bagaman at nababakas ang kasiyahan sa mukha.

¨Then, let me dance with you forever Katrina.¨bulong niya rito. Gboi lifted Katrina’s hands up and turn her around. ¨You look so lovely tonight.¨he added. She giggled. ¨And so are you, Handsome.¨malanding wika nito.

Gboi thought it was an endless dance already. Tiningnan niya ang paligid. Pahapyaw ay nakita niya ang mukha ni Elric. Still for the show, he maneuvered Katrina to his body and kiss her fully on the mouth.

On the other hand, Katrina seemed to be enjoying it. In one quick move, he slipped a ring on her hand to her amazement and excitement. Gboi sighed inwardly. This is it. Tiningnan niya ang mata ng kasintahan.

¨Would you let me dance with you forever sweetie ?¨madamdamin niyang pahayag. Sa kabila ng konsentrasyon niya ay may nahagip siyang pigura mula sa di kalayuan. Isang pigurang madilim ang mukha ngunit nagbabadya ng panganib. Nag-angat siyang bahagya ng paningin, ngunit nawala na ito. Maaring guni-guni lamang iyon.

Ibinalik niya ang mata sa nobya. Namamasa ang mata nito. Tanda ng kaligayahan. Oh Great ! Sigaw ng isip niya. ¨This is really beautiful darling. I did not expected you to do this tonight. But yes ! ¨naluluhang sambit nito.

¨Will you marry me Katrina Menandrez ?¨nakangiti niyang tanong dito. ¨Of course, sweetheart. Why wouldn’t I ?¨sabay yakap nito sa kanya. They kissed again. As if on cue. His father and stepmother approached them, alongside his new fiancee’s parents.

¨I guess this calls for a celebration.¨nakangiting bati ng ginang ng mga Menandrez. Pumunta silang lahat sa entablado at pinatigil sandali ang kumakantang jazzer after exchanging pleasantries to each parties.

Kinuha ni Don Armando ang mikropono. ¨Ladies and gentlemen, may I have your attention please.¨nakangiting wika nito habang di maalis ang abrisiyete ng magaling na esposa sa tabi.

¨Tonight dear guest is a very special night for I have three important announcements. One is to welcome my dear son Gboi Arpon as he stays here for good.¨the crowd applauded. Some greeted Gboi who is at the stage this time.

¨Second, is a very wonderful news. For my son, Gboi Dela-cruz Arpon is finally engaged, with his long-time girlfriend Katrina Menandrez. The only heir Menandrez Shipping Lines.¨pagpapatuloy na anunsiyo ng Don sa kagalakan ng lahat. Well wishers almost went wild for their shouts are intolerable. Parang di mayayaman.

Don Armando scanned the crowed and showed a big grin from his face as he make the final announcement. ¨Lastly Ladies and Gentlemen. My son Gboi Arpon. Is now the new President of Arpon Developers and Arpon Telecoms !¨mataginting na pahayag ng matandang Don.

Lalong umugong ang palakpakan ng iabot sa kanya ng Don ang mikropono. Gboi swallowed a lump in his throat as if he would be reciting in front of his high school homeroom subject. He scanned the familiar faces in front of him. Kanina pa naka-plaster ang ngiti sa kanyang labi. Napapagod na siya ngunit hindi niya pa maaring itigil ang palabas.

¨I would like to thank everyone whose gathered here tonight. Salamat sa pagpunta at sa mga pagbati. The announcement of my wedding details would be on the papers tommorow. But as the new President, It is really a big surprise. You caught me there Old man.¨he said grinning to his father.

He looked for his stepbrothers face after receiving a slur from Mildred, his stepmother kahit na bahagya lang nitong naitago ang pag-ilap ng mata. He matched Elric’s fake smile. Then, he continued. ¨To Elric, Bro, I really would need the help of a trustworthy Vice-President like you.¨nakangiti rin niyang sambit dito.

Elric nodded and mouthed ¨Anything , Bro !¨he knew better that it was a sarcastic remark. Wala lang itong magawa sa ngayon. ¨Thank you again guys and Enjoy.¨he ended. Kinamayan siya ng mga partidos ni Katrina at ng ama pati na ng Madrasta. Sinubukan niya itong asarin. ¨Really Papa, I can’t believe I’m President now. Isn’t it sweet Tita Mildred ?¨nakangiting baling niya rito.

Bahagyang tumalim ang mga mata nito. Ngunit nakangiti pa ring sumagot sa kanya. ¨You deserve it darling. I knew you’d take care of the business just like my sweet Elric.¨plastik talaga ang hitad at nakuha pang isingit ang anak.

Nag-excuse siya sa mga ito at sa nobya na gagamit siya ng banyo. Pumasok siya sa mansiyon at dumiretso sa kusina. Hindi na siya umakyat sapagkat sa backdoor ng mansion ay may CR din.

Napapa-iling na hinagod niya ang mukha ng dalawang palad. Hindi siya makapaniwalang nalusutan na niya ang gabing iyon. Ah… Hindi pa pala. May problema pa siya.

Nagsindi siya ng yosi mula sa bulsa ng coat niya. Pagbugha niya ng hangin ay ginulantang siya ng isang baritonong tinig.

¨Anong ginagawa mo rito ? May party para sa iyo sa loob at nagtatago ka rito ?¨si Pancho na naka-upo sa isa sa mga upuang kahoy na nanduon.

Nabosesan niya lang ito. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito bagamat ang suot nito ay naaaninag niyang kaunti. Naka-moccasin shoes ito. Pantalong maong at simpleng polo-shirt na white. Nakasandal ito sa upuan with legs stretched like logs in the forest.

Napatagal na naman ang titig niya rito na pinutol lang ng magsalita ito. ¨Pasado ba ?¨Tanong nito. Napahiya siyang bahagya at kahit alam niyang madilim sa kinatatayuan niya ay alam niyang namumula siya. What the… ? What’s with the blushing ? sigaw ng isip niya.

Nilapitan niya ito. ¨Hindi ka talaga marunong lumugar sa pwesto mo no, Pancho ?¨nakataas-kilay na bawi niya rito. Tumayo ito. Napaatras siyang bahagya. ¨Talaga bang pakakasalan mo siya ?¨tanong nito sa kanya.

¨What kind of stupid question is that ? Of course I will !¨kulang sa kumbiksyon na sagot niya. Hay naku ! Taksil na puso ! Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya ngayon. Parang bullet train sa bilis ng pagpintig. Was he palpitating ? Sure there are men na ka-excite sa kanya before. But not like this. Para siyang school girl na nilalapitan ng crush niya. Damn !! Erase !! Erase !! Erase !!

¨Oo nga naman pala. I-nannounce mo nga pala kanina. May paluhod-luhod ka pang nalalaman. Parang tunay Gboi.¨saad nito habang patuloy na lumalapit sa kanya at patuloy naman siya sa pag-atras. Oh my !! How come his name sounded so sweet in his lips.

Speaking of lips. Parang doon na yata napagkit ang mata niya. Naramdaman niya ang lamig sa likod. Pader ?! Hala ! Mukhang wala na siyang kawala. Nasa harap na niya ito in an instant.

Panco looked in his eyes firmly. Parang ayaw siyang paibahin ng tingin. Parang nanghi-hipnotismo. Inaakit siya ng kumag. At ang talipandas na tuhod niya ay parang gustong matunaw. Letse ! Parang may mga paru-paro siya sa tiyan. Kaloka !

He decided to close his eyes. But to his dismay, ang amoy naman nito ang napagdiskitahan ng senses niya. Why in the world his senses worked double time everytime this man is near.

He opened his eyes. Errr !! Wrong move. He was now an inch closer. His breath fanning to his face. He looked down his lips. Man ! Wrong move again. He looked up. Then looked down his lips again. Darn ! He felt his member hardened. What ? Just a mere sight of him gave him a hard-on ? This is insane.

¨Magpapakasal ka sa kanya pero ito ang gusto mo ?¨then his lips descended on his. And his damned !….

Itutuloy


[05]
Para sa aking dakilang taga-subaybay na kinukulit ako sa susunod na parte ng istoryang ito. Ang chapter na ito ay para lamang sa iyo Paul Sandoval. Maaga ang posting ko ng kabanatang ito dahil sa iyo. Pinaki-alaman mo ang usb ko! Hahaha!!

Again para sa lahat ito.

Enjoy reading guys. :))

__________________________________________________________________

Pancho's lips is slowly descending on his. Napaatras siya ng husto, pinagana niya ang ng husto ang utak niya. Hindi maaring basta na lamang siyang halikan nito. Mabilis na umangat ang kamay niya. His fingers curled and splayed automatically, he wanted to hit his face hard with the heel of his hand. That would have hurt another man had his hand hit its target.

But he wasn't just another man. Ni hindi man lang nakuha ng kamao nya na makalapat sa mukha nito. He realized that a moment too late. Instead, strong fist grabbed his wrist and he was pulled and was rammed into chest that was massive as the rock of Gibraltar.

At bago pa makagawa ng kahit na anong ingay si Gboi, Pancho's mouth was on his, stealing the breath from his lungs. He stiffened. But, he's stillness is only temporary. Soon, Heat burned through him. Naramdaman niya ang mainit na likidong tila tumatagos sa kanyang mga buto. Mas matangkad lang ilang pulgada sa kanya si Pancho, ngunit sa pagkakataong iyon, tila tinakasan na ng lakas ang kanyang katawan at napaliyad na lamang siya sa sensasyon na kanyang nadarama.

He clung to him as soon as the kiss deepened. Namalayan na lamang niyang naka-kapit na ang kanyang kamay sa batok nito. His lips were soft yet firm. Bagay sa nagmamay-ari ng mga pares na iyon. He felt the muscles of his stomach contract as his slick and wet tounge slid erotically over his.

He is no amateur when it came to kissing. In fact, he kissed a lot that he lost count already. But the kisses that they're sharing right now is really a mind-boggling one. His hard body pressed against his. Nangamba siyang bigla na baka maramdaman nito ang kanyang arousal sa likod ng kanyang slacks.

To his horror and delight, one sinewy leg wedged between his as he rubbed his thigh against his sex. Biglaang pagkalito ang kanyang naramdaman. Marahil ay nadama rin ni Pancho iyon kaya biglang nag-iba ang paraan nito ng paghalik. He was now kissing him sweetly. A kiss he has never done before. His tongue delved deeply in his mouth. Searching. Begging. Seducing. As if asking him to abandon reality and be with him amidst the wilderness of fantasies.

A soft moan came out of Pancho's mouth. Was he aching too? As much as he ached for this man. He leveled with his kissing. Ignited by the fire that Pancho started, he returned his kisses with equal fire. His hands roamed the muscled back of the man that was kissing him. He didn't want him to stop. Not when desire already melted all his inhibitions and discarded the thought that someone might actually pop out of nowhere and see them kissing.

He's hot all over with desire he never felt before that numbed his mind. Tinutugon niya ang mga halik nito ng mas mapusok. Mas mainit. He's mad. Wild. Never had a man's or a woman's kiss affected him so much. And their kisses were unshamedly carnal.

He wanted him. Higit pa sa kung anupaman. Binago nitong muli ang paghalik sa kanya. As if making love to him right there and then. His tongue were mimicking the act. Withdrawing his tongue back and forth his mouth. Oh man! This is really crazy! His mouth was unapologetically hungry. Napasinghap siya sa natuklasan. He's also aroused like him! Isang nagbubunying kalooban sana ang kanyang mararamdaman ng biglang katulad sa mga pantasya at fairytale books. The fantasy had to end.

He abruptly ended the kiss. Leaving him hanging. Nakapikit pa siya at ang tanging nararamdaman ay ang hanging mabining humahaplos sa kanyang mukha. Napadilat siya. Bakas ang pagtataka sa mukha.

"Magpapakasal ka sa kanya pero sa akin ka nakakadama ng ganito. Does she kiss you like this?" nanunuyang tanong nito sa kanya. That hit him hard! Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang pakiramdam. Nahimasmasan siyang bigla. So lahat ng iyon ay para lang pamukhaan siya?

Nag-igtingan ang mga ugat niya sa leeg. Alam niyang namumula siya sa labis na pagkakapahiya. "Kaya ka ba niyang pag-initin ng katulad ng ginawa ko sa iyo kanina lang?" pagpapatuloy nito. His warmth still affected him. Ngunit hindi niya hahayaan ang damuhong ito na magtagumpay sa pagpapahiya sa kanya. Hindi nito makukuha ang reaksyon na gusto nitong makuha.

His face went blank. Inayos ni Gboi ang sarili. Kinalma ang isipan. He wanted to hurl at him. Pero sa kadahilanang hindi niya alam ay hindi niya magawa. Tinapatan niya ang tingin nito. His face devoid of any emotions. "Have I failed you, Pancho? You also returned my kisses with equal passion. And from the looks of it, mukhang di ka pa rin nakaka-recover." At sinulyapan niya ang kayo ng maong na suot nito. Naroroon pa ang ebidensya ng pagpapa-init niya rito.

The bulge on Pancho's crotch is really amazing. He can only imagine what else it could offer. Tiningnan din ni Pancho ang sinusulyapan niya. Isang nang-iinsultong tingin at ngiti ang ibinalik nito sa kanya. "Ano? Gusto mo bang makita ito? Gusto mong hawakan?" Pancho referring to his member.

Gboi smirked. "I also have a thing like that." he retaliated. "Besides, you won't dare show it here. At mukhang maliit lang yan." pang-iinsulto pa niya.

Tumawa ng malakas ito. His laughter echoed in that portion of their backyard. Naaliw siyang bigla na pagmasdan itong tumawa. Parang bumata ng ilan taon ang edad nito. How old is he anyway? Thirty? Thirty-two? Nah!! Sinaway niya ang sarili. Muli niyang ibinalik sa pagiging blangko ang mukha ng magbalik ang tingin nito sa kanya.

Pancho's brows arched and lop-sided smile that's as deadly as viper formed in his lips. Ang talipandas. Hindi nauubusan ng pang-gayuma sa kanya. Ibinalik niya ang composure. Simula ng makilala niya ang lalaking ito, nasisira na ang kanyang resolve. Hindi siya ganoon kahina sa pakaka-alam niya.

Ngumiti ito. As saccharine as the sunrise at nagwikang "Hypocracy becomes you Gboi. Considering how you sucked my tongue a while ago. Or maybe you're doing some sort of reverse-psychology. Well, if you think that I would give you a fucking chance to see my dick. You had another think coming." diretsong pahayag nito sa kanya bago tumalikod at bumalik sa loob ng mansiyon sa gulat niya! That was a revelation. Napasinghap siya sa dalawang reyalisasyon niya ngayong gabi. At hindi iyon nakakatuwang pakinggan!

Itutuloy....

No comments:

Post a Comment