By:
emray
E-mail:
iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[06]
Ang
Kambal na si Andrew
“Saan
ka na naman ba nanggaling ikaw na bata ka?” pambungad na tanong ni Governor Don
Joaquin.
“Kila
Steph lang po. Dumaan lang po ako sandali.” mahinahong sagot ni Andrew kahit na
sa totoo ay medyo asar ito sa ama dahil nais pa niyang makasam si Steph.
“Halika
na at aalis na tayo.” Pagkasabi nito ni Governor Don Joaquin ay pahangos na
dumating si Aing Martha.
“Ano
po ang kailangan n’yo Aling Martha?” tanong ni Andrew
“Anong
oras po ba ang balik n’yo? Di po ba at ika-pitong taon ngayon ng kamamatayan ni
Doña Rita?” saad ni Aling Martha.
“Oo
nga pala, nakalimutan ko. Aling Martha ikaw na lang po ang bahala para sa kamamatayan
ni Doña Rita mo.” sambit ni Don Joaquin “baka kasi gabihin kami.”
Habang
umaandar ang kotse ay may namumuong galit sa ama dahil maging ang kamatayan ng
ina ay nakalimutan nito. “wala ka na ngang silbing ama, wala ka pa ding silbing
asawa.” Paghihimagsik ng isipan ng binata.
Kasabay
nito ay naibubulong din ng isipan ni Andrew ang nangyari nung nakaraang pitong
taon. “Pitong taon na din pala nang patayin si Mama. Ang mga magnanakaw na yun,
pati si Mama dinala nila. Hindi na nakuntento sa mga nanakaw, pumatay pa.
Kaawa-awa si Mama, wala akong nagawa para iligtras siya sa mga hayop na un.”
Habang naiisip ni Andrew ang ganitong mga bagay ay pinipigilan niyang umiyak.
Si
Em-Ehm Andrew Mark del Rosario o Andrew ay ang kakambal ni Andrei. Lumaki
silang kambal ng magkamukang magkamuka. Hindi mo nasasabi kung sino ang sino sa
dalawa. Tanging sa pag-uugali lang nagkakaiba. Kung si Andrei ay tahimik, iyon
naman ang ikinagulo ni Andrew. Mabilis kumilos, maliksi at gagawin agad isang
bagay na ibig nito. Laging sinasabi kung ano ang laman ng kanyang isip, subalit
tikom na pag ang kanyang papa ang kausap. Tulad ni Andrei, mabait at maasahan
din si Andrew. Mahilig magkimkim ng sama ng loob ngunit inilalabas din sa mga
kaibigan at lalong higit kay Aling Martha. Tulad ni Andrei, madami din ang
nahuhumaling sa anyo at bikas ng binata. Lalo’t higit sa ugaling palakaibigan
nito. Di tulad ni Andrei na madalas mapagkamalang suplado, iba ang aura ni
Andrew mula sa kakambal.
Si
Andrew din ang sanhi ng kabiguan ni Andrei sa pag-ibig kay Stephanie. Lingid sa
kaalaman ni Andrei ay alam na ni Andrew ang pagbabalak na ligawan nito si
Steph. Pinili na lamang ni Andrew ang manahimik dahil natatakot siyang masira
ang samahan nilang kambal. Sa paniniwala ni Andrew, hindi na baling makaaway
niya ang lahat wag lang ang kakambal. Mahal niya ang kakambal at ito lang ang
lagi niyang kasama sa lungkot. Laging dumadamay ito sa kanya sa lahat ng
problema.
“Andrew”
basag ni Governor Don Joaquin sa katahimikan “kanina ka pa walang imik diyan ah.”
“Wala
po papa, may iniisip lang po ako.”
“Ang
Mama mo na naman ang iniisip mo, tama ba ako?”
Natahimik
si Andrew.
“Iho,
wag mo na lang isipin un, nakalipas na yun. Mas mahalaga tanggapin na lang na
wala na talaga si Mama mo at maging masaya.”
Sa
isip-isip ni Andrew “hindi ako katulad nyo mabilis lumimot at kalimutan ang
mahal ko. Hindi ako manhid kagaya nyo na walang pakiramdam at hindi marunong
masaktan.” Mula ng mamatay ang kanilang ina ay hindi man lang nila nakitang
umiyak ang Papa nila.
Ilang
sandali pa at inabot na nila ang kapitolyo kung saan ang kanyang ama ang
pangunahing tagapagsalita para pagbubukas ng proyekto ng lalawigan para sa mga
batang lansangan. Nais na sanang umuwi ni Andrew para makabisita sa puntod ng
ina, subalit may kung ano sa puso n’ya na nagpipigil para umalis. Kahit
pinapauna na siya ng ama ay pinili pa rin niyang manatili sa lugar na iyon.
Sa
kabilang banda naman, dahil sa paghanga ng Gobernador sa batang si Nicco ay
inanyayahan din itong magsalita sa naturang programa. Sa unang sulyap pa lang
ni Andrew sa binatang si Nicco, tulad ni Andrei ay agad itong nahumaling na
titigan ang maamong mukha ni Nicco. Tila ba isang anghel ang nasa entablado
ngayon ang naiisip ni Andrew. May kung anong tinig na pilit siyang sinasaway at
pinipigilang titigan ang binata. Subalit, pinilit sumuway ni Andrew. Naisip
niyang kung lalagyan ng mahabang buhok ang binatang iyon ay magiging marikit na
dilag at hindi mo aakalaing lalaki din pala. Naisip niyang bigla kung sino ang
mas maganda si Nicco o si Steph. Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi na niya
napansin ang nangyayari sa paligid. Maging ang pangalan ng kanyang iniisip ay
hindi na niya nagawang mapakinggan at maintidihian. Natauhan na lamang siya ng
sinabi nito na –
“this
is the best possible world. Kaya naman, marapat at tungkulin nating mahalin ang
mga bagay na nakaligid sa atin. Matuto tayong pahalagahan at bigyang
importansya ang kahit gaano kaliit na bagay ang mayroon tayo. Hindi dapat tayo
mawalan ng pag-asa, sapagkat sa bawat kabiguan ay laging mayroong naghihintay
na kabutihan ang maidudulot nito. Wag isipin na ang kalagayan natin sa ngayon
ay isang sumpa o parusa. Wag natin hayaang tayo ay maliitin, anu man ang
estado, ang tao ay tao pa din. Kumilos tayo para mabago ang buhay natin,
kumilos tayo para makamit ang buhay na para sa atin ay isang pangarap na
lamang.”
“Gwapo
sana” mahinang usal ni Andrew “kaso mali ang sinabi nya. Best possible world ka
jan. Di mo ba alam para lang yan sa mga taong walang pakialam sa mundo, sa mga
taong manhid.” Tulad ni Andrei negatibo din ang pananaw niya sa mundo, bunga na
din ito ng nangyari sa kanilang mama at sa inaasal ng kanilang ama, isabay pa
dito ang pressure na dala ng pagiging del Rosario.
Gabi
na ng umuwi ang mag-ama. Habang nasa loob ng sasakyan ay namayani ang
katahimikan. “ang ganda nung sinabi ni Nicco di ba?” pagbasag ni Don Joaquin sa
katahimikan.
“Sino
pong Nicco? Un po ba yung nagsalita kanina?” tanong ni Andrew.
“Oo
Andrew, siya nga. Nakilala ko yun sa SINHS at talagang napahanga ako, maging si
Kuya Andrei mo ay humanga.”
Tahimik
na lang si Andrew at hindi na kumontra dahil hindi naman siya mananalo sa ama,
sa huli siya pa ang lalabas na mali. Pero sabi ng isip niya, “pareho kasi
kayong manhid ni Nicco na yun kaya nagandahan ka, saka pinasasakay ka lang ni
Kuya Andrei.” Sa pag-iisip nito ay tila ba nangingiti si Andrew.
[07]
Muling
Pagtatagpo ni Nicco at Andrei
Isang
lingo na din mula ng magkakilala sila Nicco at Andrei. Hindi nadin malinaw para
kay Nicco ang anyo ng binatang si Andrei. Kahit anong pilit ang gawin ni Nicco
ay hindi nya mabuo ang larawan nito sa isipan. Tanging natatandaan na lamang
niya ang ang kabog ng kanyang dibdib at panginignig ng kanyang kamay at binti
nung mga panahong iyon. Maging ang ginawang paghalik nito sa kanya na unang
beses niyang nalasap.
“Nicco,
gumising ka na at tanghali na” pang-iistorbo ng isang pamilyar na tinig sa
nahihimbing na si Nicco “bilisan mong kumilos at may pupuntahan tayo.”
“Kung
makagising ka parang wala ng bukas” sagot ni Nicco at pagkagulat ng makita ang
taong gumising sa kanya “Chad, ano ang ginagawa mo dito?”
“At
kung matulog ka parang wala ng bukas” nakangiting sagot ni Chad “may pupuntahan
nga tayo, pinagising ka na sa akin ni Mang Juancho para makalakad na tayo agad.”
Sa
paglalakad ng dalawa papuntang bayan ay nagtanong ulit si Nicco “Saan ba talaga
tayo pupunta? Ano naman ang gagawin natin dito sa kapitolyo? Niloloko mo lang
ata ako eh.”
“Hindi
kita niloloko. Panahon na para ipakita mo yung talentong matagal mo nang
tinatago.” sagot ni Chad.
“Ano
namang talent un?” tila nagtatakang tanong ni Nicco.
“Ang
pag-awit. Lagi kitang naririnig na kumakanta sa inyo. Sayang naman ang talent
kung hindi ipapakita sa marami. Baka mapanis yan.” nakangiting saad ni Chad.
“Di
bali nang mapanis wag lang mapahiya.” pagkasabi nito ay biglang huminto ng may
mapansin “sira ka ba, mamaya na pala ung contest eh.”
“Eh
ano naman ngayon, kantahin mo ung lagi mong kinakanta sa kwarto mo” sagot ni
Chad “ung No Boundaries. Ganda nga ng version mo eh.”
Matapos
sabihin ito ay lumapit na si Chad sa nagsusulat ng mga kasali at ipinalista na
si Nicco. “Miss, open pa po di ba kayo sa listing na sasali di ba? Pakilagay po
Niccollo Emmanuelle Ray de Dios galing ng San Isidro.”
Huli
na ng mapansin ni Nicco ang ginawa ng kaibigan kaya’t wala siyang nagawa kundi
ang umayon na lang. “Naku Chad, pag ako napahiya mamaya hindi kita mapapatawad.
Dahil sa ginawa mo, ikaw dapat ang maghanda ng lahat at ako’y walang alam sa
ganyang mga bagay.”
“Ayaw
mo nun, ikaw ang magdadala ng pangalan ng San Isidro, wag ka mag-alala, ung
nanalo dati ay galing ng San Isidro at judge un ngayon. Sabi nga nya humanap
ako ng representative natin eh. Sigurado ipapanalo ka nun.” pagkasabi ay tumawa
nalang ito.
“Ayaw
kong manalo sa pandaraya. Hindi pa naman ako siguro ganuong kasama na tao,
sigurado akong hindi ako magiging maligaya kung alam kong inalis ko sa iba ang
karapatang dapat ay sila ang may hawak pero nakuha ko dahil sa daya. Mas gusto
ko na lang mapahiya kaysa naman makaapak ng ibang tao at magbigay ng
inhustisya. Nakakahiya ang ganuon.” sambit ni Nicco na may kalungkutan.
“Ano
ka ba, siyempre di mangyayari un na mananalo ka dahil sa daya. May tiwala ako
na kaya mo talagang manalo. Alam mo, madami ang nagsasabing magaling ka talaga.
Kung patuloy mong itatago yang talent na yan, dineprieve mo lang ang sarili mo
para makuha ung tamang pagkilala sa husay mo sa isang bagay.” pagtutuwid ni
Chad “ayos nga un diba, tatawagin ka nilang The Singing Priest of San Isidro.” dagdag
pa nito na nakangiti.
Dumating
na nga ang oras ng kompetisyon. Kitang – kita ni Nicco ang pagdagsa ng mga
taga-San Isidro para suportahan siya. Pangpito siya sa mga kalahok, labis naman
ang kaba niya ng marinig ang mga kasaling nag-eensayo sa backstage at ung mga
nakatapos na. Nang sumilip siya para tingnan ang nasa labas laking gulat niya
ng makita ang isang pamilyar na anyo na kasama ng mga hurado. Lalo siyang
kinabahan at nangatog ang kanyang mga tuhod ng masiguradong ito ang pangahas na
umangkin sa labi n’ya sa unang pagkakataon.
Matagal
siya sa ganuong ayos ng lapitan siya nila Fr. Rex at ni Chad. “Malapit ka na
iho, galingan mo.” sabi ni Fr. Rex.
“Mamumutla
ka na oh, wala ka pa sa stage nyan. Isipin mo sa kwarto ka lang kumakanta, ang
ang hawak mo suklay at nakatayo ka sa papag. Ganuon lang. Wag mo isiping
madaming nanunuod sa’yo.” sabi naman ni Chad na may ngiti.
“Wag
kang mag-alala, tutulungan ka ng Diyos para magawa mo ang lahat ng kaya mong
ibigay tulad ng ibang kalahok.” sabi ni Fr. Rex.
“Salamat
po” pagkawika nito ay naisip niya na –“oo nga pala, laging tumutulong ang Diyos
sa lahat ng bagay. Nagbibigay ng suporta para sa lahat. Basta ibigay ko lang
ang sarili ko at lahat ng kakayahan ko siya na ang bahala. Fair naman siya sa
lahat, un nga lang nasa tao na kung paano gagamitin ang mga binigay sa kanila.”
Sa
pag-iisip ng ganito ay bahagyang napanatag ang kalooban ni Nicco.
“Niks,
ikaw na, bilisan mo” sabi ni Chad.
Sa
kabilang banda naman, habang nakaupo si Andrei kasama ang ibang hurado ay
nakaramdam siya ng kaba nang mabasa ang isang pamilyar na pangalan sa listahan
ng mga kalahok. Iniisip niya kung ito ba ay si Nicco na nakilala niya o isang
kapangalan. Kahit alam niyang ito ay ang kakilala niya, nagbibigay pa din siya
ng duda sa knayang hinala. Kahit hindi pa nagsisimula ay nais na niyang makita
ang pampitong kalahok at bawat kumakanta ay tila ba gusto niyang sabihing
“next” para umabot sa pampitong kalahok. Gusto na rin niyang tumayo sa upuan at
pumunta kung saan anduon ang mga kalahok. Lingid sa knayang kaalaman ay may mga
matang nakatitig sa kanya na ganuon din ang nararamdaman. Hindi
makapagconcentrate si Andrei dahil sa pagnanais na makita ang pampitong kalahok
at lalo lumakas ang dagundong sa loob niya at bumilis ang tibok ng puso ng
tinawag na ang kanina pa niya hinhintay.
Kahit
may kaba at pagkabalisa kay Nicco dahil sa dami ng tao, lalo’t higit dahil sa
mukhang dati’y pilit niyang inaalala ay nagawa pa din niya ang makakanta sa
harap ng mga tao. Sa una’y kinakabahan ngunit ayaw niyang ipahalata. Inisip
niyang nanaginip lamang siya nang sa ganuon ay mawala ang tensyong bumabalot sa
kanya. Pinalagay niyang ang lahat ay imahinasyon na lalong nagbigay sa kanya ng
lakas para lalong galingan. Iniisip niyang kumakanta siya para kay Andrei na
nuon din ay nasa harapan niya.
Hindi
alam ni Andrei ang nararamdaman. Napakalaking paghanga ang binigay sa umaawit
sa harap niya. Tila ba nais niyang angkining ito ay kumakanta para lang sa
kanya. Tila nais niyang paalisin ang lahat para siya lamang ang makadinig sa
tinig ni Nicco. Pakiramdam niya ay silang dalawa na lang ang tao sa lugar na
iyon. Unti-unti bumalik siya sa dating katauhan ng marinig ang palakpakan ng
mga tao. Pagkarinig nito ay tumayo siya kasama ang ibang hurado na kita ang
paghanga sa galing ng kalahok.
Nais
ni Andrei na matapos na ang patimpalak ng sa ganuon ay malapitan na niya si
Nicco. Habang si Nicco ay hindi alam kung uuwi nab a para maiwasan ang binata o
hihintaying matapos ng makapag-usap sila. Pero mas nanaig ang pagnanasang sila
ay muling magkausap.
Sa
may di kalayuan ay nanduon din si Andrew para maghanap ng lead vocal sa bandang
tinatatag niya. Hindi niya maintidihan ang sarili dahil sa pakiramdam niya na
nais na niyang angkinin at tawaging sa kanya ang pamilyar na mukhang iyon. Tila
ba nais niyang pagsisihan ang binulong dati ng isipan niyang ito ay manhid.
Nais pa sana niyang manatili subalit inaya na sila ng mga kabarkada niyang
umuwi dahil sa tingin nila ay nakita na nila ang bagong magiging miyembro ng
banda niula at minabuting bukas na lamang ito kausapin. Ayaw man ng kalooban ni
Andrew ay nilisan na nila ang lugar at ang pakiramdam niya ay tila ba iniwanan
niya ang taong mahalaga sa kanya.
Di
naglaon ay natapos na ang patimpalak at nagbunyi ang buong San Isidro dahil sa
tagumpay ng kanilang manok. Sa kanilang pagsasaya sa backstage “Sabi ko na nga
ba magaling ka talaga” payakap na pagbati ni Aling Neneng. Kasunod nito ay ang
pagbati na din sa kanya ng mga kababaryo, kakilala, kanyang mga nakalaban, mga
hurado, maging ang mga hindi nila kakilala na humanga sa likas na talento ni
Nicco.
“Iyan
si Nicco, hindi lang pang-akademiko, pang kantahan pa” pagbati ni Manong Rene.
Nahihiya
man at namumula walang ibang nasabi si Nicco kundi “Salamat po.”
“Sa
una’y gwapo sa tingin, matalino kung iyong susubukin, mabait kung kikilalanin,
at nagayon bumibirit na din.” Pagkawika nito ni Rome ay tumawa ang lahat.
Sa
di kalayuan ay nanduon at naghihintay ng tamang oras si Andrei para malapitan
si Nicco. Sa kabilang banda ay hinhintay din ni Nicco na lapitan siya ni Andrei
at pilit niyang hinahagilap ng mata kung nasaan ang binata. Kaya’t nang mag-aya
ang mga kakabayan niya para umuwi na ay tumanggi ito at sinabing maya-maya na
siya uuwi. Ganuon pa man ay sinamahan siya ni Chad hanggang sa makatapos na
silang magligpit at kausapin ng iba’t ibang taong nagpapabatid ng paghanga.
Nang
mapansin ni Andrei na wala ng nakapaligid kay Nicco kundi si Chad ay nilapitan
na niya ito para batiin. “Congratulations! Perfect score ka sa lahat ng
judges.”
“Salamat
naman po” tanging nasambit ni Nicco na nihihiya.
“Sabi
ko sa’yo pare, magaling to eh” pagmamalaki ni Chad.
“Tama
ka pare, kita mo syanding ovation at nanalo na walang bad comments” pagsang-ayon
ni Andrei “ano pauwi nab a kayo?” dugtong pa ng binata.
“Oo
pare, magcocommute na nga lang kami wala kasi akong dalang sasakyan eh” sabi ni
Chad.
“Pauwi
na din ako, halika na sabay na kayo sa akin.” pag-anyaya ni Andrei.
“Sige
ba pare!” si Chad.
Habang
nasa sasakyan ay patuloy na nag-uusap ang magkaibigang Chad at Andrei. Sa likod
na piniling sumakay ni Nicco dahil nahihiya it okay Andrei samantalang si Chad
ang nasa harapan at si Andrei ang nagdidrive. Tawanan, kwentuhan, alaskahan ang
pinag-uusapan ng dalawa. Sa isip-isip ni Nicco, ayos lang na hindi niya
makausap si Andrei mahalaga nakita nya ulit ito. Habang patuloy sa pag-uusap
ang dalawa tila nasaktan ang damdamin ni Nicco nang margining ang kwentuhan ng
dalawa patungkol kat Steph at lalo siyang nalungkot nang malamang ito pala ay
minamahal ni Andrei. Nais tumulo ng luha ng batang si Nicco pero pinigilan niya
ang sarili.
Kahit
masakit, pinipilit pa din niyang ngumiti pag nililingon siya ng kahit sino sa
dalawa. Napagtanto niya na kahit ano ang gawin niya, hindi maaaring magsama ang
parehong lalaki dahil ang lalaki ay para sa babae. Sinaway niya ang sarili sa
pag-iyak dahil inisip niyang wala siyang karapatang masaktan dahil sa simula pa
lang ay dapat alam na niya ang bawal.
Di
nagtagal at nakarating na sila sa bayan. Ilang sandali pa ay binaba na ni
Andrei si Nicco sa harap ng bahay nila samantalang si Chad ay sa kabilang kanto
pa. Labis ang lungkot ni Nicco na dinaan na lang niya sa tulog. Wala sa bahay
nila ang tatay niya, maging ang mga kapatid ay hindi naisipang dumalaw o kaya
ay puntahan siya. Isa lang ang nasa isip niya, ang magpahinga at wag nang
alalahanin pa ang lahat nang nangyari.
[08]
Si
Andrew at Nicco
Kahit
lumipas na ang magdamag, hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ni
Andrew ang binatang narinig niya sa kapitolyo. Ang bawat ngiti nito, pikit ng
mga mata, buka ng bibig, maging ang tinig nito na paulit-ulit niyang naririnig.
Habang nagmamaneho ay masusing minamasdan ng binata ang daan ng San Isidro na
para bang may hinahanap. Pagkalabas ng San Isidro ay tila bagang pipi ito na
hindi man lang nagsasalita at bakas ang lalim ng iniisip.
“Andrew,
what’s wrong?” tanong ni Steph na napansin na malalim ang iniisip ng
manliligaw.
“Wala
lang ito, iniisip ko lang kasi iiwan mo na ako ngayon” sagot ni Andrew na may
halong paglalambing “ayan, nandito na tayo sa airport.”
“Sakto,
may 15minutes pa pala tayo para magsama” nakangiting sambit ni Steph. Tanging
ngiti lang ang ginawad ni Andrew sa mga katagang iyon.
Di
nga nagtagal at nakaalis na ang eroplanong kinalululanan ni Steph at
nagdesisyon na ding umuwi si Andrew. Sapagkat may dala ding sariling kotse ang
mga magulang ni Steph sa paghahatid sa anak kung kaya’t mag-isang nagbyahe ang
binata sa pag-uwi. Sa pagpasok nya ulit sa San Isidro ay patuloy pa din niyang
hinahanap ang binatang biglang binalingan ng kanyang interest.
Kinaumagahan,
araw ng Linggo, napagpasyahan ni Andrew na magsimba sa bayan ng mag-isa. Hindi
tulad ng nakagawian na sa bisita sa barrio sila nagsisimba ng kakambal kasama
si Aling Martha. Saktong sa pagdating niya ay naghahanda na ang mga sacristan
para sa pagsisimula ng misa. Duon ay naulinigan niya ang mga pagbati sa isang
tao at ang isang pamilyar na tinig na nagpapasalamat sa mga bumabati. Nais
sanang makita ni Andrew ang pinanggagalingan ng tinig na iyon subalit kasabay
sa paglapit niya ay ang pagsisimula na ng prusisyon mula sa pinto ng simbahan
patungong altar. Napagpasyahan ni Andrew na sa harapan umupo at ipagpamamaya na
lang ang gagawing paghahanap sa binatang nagpapagulo sa isipan niya.
Mula
sa ibaba ay kitang kita ni Andrew ang mga mukhang nasa itaas ng altar. Sa
pag-ikot ng kanyang paningin ay napakong bigla ang kanyang mga mata sa binatang
kanina pa niya hinhanap. Biglang bumilis ang tibok ng knayang puso at tila
napakaingay sa loob ng kanyang dibdib. Hinidi niya maialis ang mga mata sa anyo
na kahapon pa niya hinahanap. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso ng
makitang tumingin din ito sa gawein niya at siguradong siya ang nginitian nito.
Mula
sa itaas ay kitang-kita ni Nicco ang mga tao, maging ang lalaking kanina pa sa
kanya nakatingin. Sa pag-aakalang ito ay si Andrei, binigyan niya ito ng isang
ngiti. Sa pag-aakalang nasa loob ang lalaking nagpapakabog sa kalooban niya ay nagsimulang
makaramdam ng pagkabalisa ang batang sacristan. Subalit hindi tulad ng dati,
pakiramdam niya na tila ba ibang tao iyon at hindi si Andrei na nakilala niya.
Nang
matapos ang misa ay nakita ni Andrew ang mga kabarkada niya kung kaya’t nawalan
na siya ng oras na puntahan ang sacristan dahil naipit na siya sa kwentuhan.
Naisip na lang niya na mayroon pa naman ibang araw lalo na at alam niya kung
saan hahanapin ang hinahanap. Masaya na siya at nakita niya ang binata at kahit
kailan niya nais ay maaari niya itong puntahan.
Samantala,
madami ang pumupunta sa sakristiya hindi lamang para magmano kay Fr. Rex kundi
para batiin din ang kampeon ng San Isidro.
“Nicco,
alam ko namang pagod ka, bakit ka pa nagserve ngayong araw.” sabi ni Fr. Rex
kay Nicco.
“Naku
Father para isang oras lang po sa isang linggo ay pinagbabawalan nyo pa akong
maglingkod sa Diyos.” pakling sagot ni Nicco.
“Naku
iho, hindi naman kita pinagbabawalang magsimba, sana naman ay nagpahinga ka
muna at kahit mamaya ka na nagsimba.”
“Father,
kung magsisimba po ako, mas maganda na ung magseserve na din ako.” ani ni Nicco
“iba po kasi sa pakiramdam ang alam mong nakakapaglingkod ka kahit sa munting
paraan. Madami po tayong dapat ipagpasalamat at madaming dahilan para
paniwalaan nating siya ay nag-iisang maylikha at manunubos.”
“Sige
na nga, ikaw na ang panalo sa ngayon.”
Patakbong
umalis si Nicco dahil mahuhuli siya sa usapan nila ni Rome. Nalimutan na rin
niya ang binatang inakala niyang si Andrei. Tila ba pilit na pinagtatagpo ng
tadhana si Andrew at Nicco. Hindi sinasadyang sa pagmamadali niya ay nabangga
niya ang isang lalaki at ito ay natapunan ng iniinom na softdrinks.
“Shit”
sabi ng binatang natabig ni Nicco “hindi kasi marunong mag-ingat” sabay lingon
ni Andrew.
Tila
ba napipi si Nicco dahil hindi niya inaasahang si Andrei pala iyon. Muli ay
nanginig ang kanyang katawan at lumakas ang kabog sa dibdib niya. Hindi din
malaman ni Andrew ang gagawin o sasabihin ng malamang ito pala ay ang binatang
nais niyang makilala at makita.
“Sorry
And—“ hindi pa man niya naitutuloy ay agad ng sumabat ang mga kaibigan ni
Andrew.
“Stupido,
hindi ka kasi nag-iingat” sabi ng isa “bulag ka ba o tanga?” dugtong na nito.
“Gusto
mo pare bangasan na natin to” sibad pa ng isa.
Likas
ang pagiging mayabang sa barkada ni Andrew, nakapagtatakang kahit mayabang ang
mga ito ay tila hindi apektado at naiimpluwensiyahan si Andrew.
“Ah,
mga pare, pabayaan nyo na, talagang may mga tanga lang sa mundo.” Hindi
maunawaan ni Andrew kung bakit iyon ang nasabi niya, iba ang nasa loob ng
kanyang puso. Tila ba gusto niyang hawakan ang mga kamay nito at sabihing ayos
lang ang nangyari. Maging ang mga kabarkadang iyon ni Andrew ay nagtaka sa
sinabi nito. “tara na umalis na tayo.”
Labis
na nasaktan si Nicco dahil hindi niya inakalang ganuon ang sasabihin ng inakala
niyang kaibigan. Inalo niya ang sarili na at sinabi – “ Nicco, Nicco, Nicco,
madami lang talaga ang mapagpanggap sa mundo. Malas mo lang at nakakilala ka ng
isa. Mainam na at habang mas maaga nalaman mo na ang ugali ng Andrei na yun,
darating din ang katapat nun na pagpapatino sa kanya.” Isang malalim na
buntong-hininga ang inilabas pinakawalan ni Nicco.
Nang
gabi ding iyon ay iniisip pa rin ni Nicco ang nangyari, ngunit tulad kanina ay
inalo niya ang sarili -- “Nicco, Nicco, Nicco, ang mahalaga totoo ka sa sarili
mo at hindi ka nagpapanggap okay.!” Nahihirapan mang makatulog dahil sa
pag-iisip sa nangyari ay pinilit pa rin niya, ngunit hindi pa rin talaga niya
kaya kaya’t saglit niyang kinausap ang Diyos mula sa kawalan –
“Buti
na lang po andiyan ka lagi para kausapin ko, paglabasan ko ng sama ng loob.
Hindi man po kita nakikita, sa puso ko alam ko na hindi ka nang-iiwan. Sa
tuwing nababalisa ako, napapagaan mo ang loob ko. Paano na lang kung wala ang
tulad mo.”
Inilabas
ni Nicco ang lahat ng nararamdaman sa pamamagitan ng dasal, at tila ba
epektibong gamut, unti-unting nawala ang pag-iisip niya at napakalma agad siya.
Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Kagaya
ni Nicco ay hindi din makatulog si Andrew, tila pinagsisisihan ang ginawa niya
kanina, lalo na ang ginawang pag-iwan niya dito kanina.
“Hay,
ano na kaya ang iniisip nun tungkol sa akin.” mahinang sambit ni Andrew “sana
naman pag nagkita kami ulit hindi na siya galit, magsosorry na lang ako”
Minabuti
ni Andrew na magpatugtog na lang gamit ang ipod nang sa gayon ay malimutan niya
ang ginawa kanina na labis niyang pinagsisisihan.
Samantala,
walang kaalam-alam si Andrei na nagagalit pala sa kanya si Nicco dahil sa
pagkakamaling hindi siya ang may gawa kundi dahil sa maling akala ni Nicco.
Gayun pa man, hanggang sa panaginip ay naaalala niya si Nicco at ang tinig nito
na para bang isang anghel ang umaawit na binagsak ng lupa para sa kanya.
[09]
Kabiguan
ni Nicco
“Good
morning idol Niks” bati ni Chad sa bagong gising na kaibigan “pinapasabi ni
tatay mo aalis lang daw sya sandali. Babalik din naman daw.”
“Sana’y
na ko lagi naman kasing ganuon yun. Bakit ba kay aga andito ka” sabi ni Nicco
“ahh, dadalin mo ulit ako sa kapahamakan ano.”
“Hindi
ah, mangangamusta lang sana.” sagot ni Chad na ngingiti-ngiti “saka may dadalaw
sa iyo ngayon.”
“Sino?
Mga kapatid kong di nakakaalala?” sabay tawa ng mahina pagkasabi.
Alam
ni Richard Raymond Cruz o Chad ang tungkol sa kwento ng pamilya ni Nicco at sa
lihim na sama ng loob sa mga ito. Si Chad na ang maituturing na best friend ni
Nicco. Kaso lubhang malihim si Nicco kaya ¼ lang ang alam ni Chad sa mga
kwentong ito.
“Dalawang
linggo na mula ng graduation natin ni wala isa sa kanila ang nagpakita” sabi ni
Nicco na tila ba may halong pagsusumbong.
“Baka
naman busy? Intindihin mo na lang”
“Busy?
Hindi din siguro. Lagi ko nga silang iniintindi. Pinipilit ko silang
intindihin. Pero hanggang kailan? Pinipilit ko silang intindihin, pero ako?
Kailan ba nila ako sinubukang intindihin. Ayaw nga nila ako pakinggan,
intindihin pa kaya?” pasasaad ni Nicco na tila labis ang pagdaramdam.
“Nicco”
tanging nasambit ni Chad, alam niyang mas kailangan ng kaibigan ang tagapakinig
kaysa sa isang kausap.
“Minsan
nga kahit hindi ko alam kung ano ang dapat kong intindihin, iniintidi ko pa
din. Sasabihin pa nilang ako ang hindi nakakaunawa. Paano ko sila mauunawaan
kung ayaw nilang sabihin o magsalita ng tapat at tunay nilang nararamdaman.
Hindi ako manghuhula para malaman ang tunay nilang nararamdaman. Wala akong
kakayahang basahin ang puso at isipan nila. Tao lang ako, hindi ako Diyos para
magawa ko iyon. Saka ako? Kailan ba nila tinanong ang nararamdaman ko? Lagi
bang sila na lang ng sila? Bawal ba akong magsalita, bawal ba akong alalahanin?
Hindi sila nakikinig pag ako na ang nagsasalita.” kita na ang kalungkutan kay
Nicco habang inuusal anbg mga katagang iyon.
Nabalot
ng katahimikan ang buong bahay hanggang sa unti-unting pumatak ang mga luha ni
Nicco dala ng kimkim na sama ng loob sa kanyang pamilya. Muli siyang nagsalita.
“Pinipilit ko naman eh, kaso kahit ako, hindi ako perpekto, hindi ko maiwasang
magdamdam sa kanila, hindi ko maiwasang sisihin sila dahil sa mga bagay na
ginawa nila. Hilig nilang suungin ang mga bagay bagay at magdesisyon ng
madalian. Hindi na nila iniisip ang maaring kalabasan. Hindi na sila
kumokonsulta sa ibang tao. Akala ba nila sila lang ang nasasaktan sa sinasapit
nila? Pati ako, nasasaktan din ako para sa kanila” panandalian ay namayani ulit
ang katahimikan “Lagi na lang ako ang mali, pinipilit kong makisama kahit alam
kong hindi nila kaya ang makisama. Hanggang kailan na ako lang ng ako? Dapat
makaramdam din sila ng hiya para matutunan nila ang pakikisama.”
“Nicco,
pakatatag ka. Alam ko, kaya mo yan.” pag-alo ni Chad.
“Alam
mo tol, madaming bagay sa mundo ang hindi natin kayang maintindihan. Pinipilit
kong magpakabuti pero ang mga taong nakapaligid na din sa atin ang nag-aaya sa
atin sa masama. Kahit hindi nila alam pero ganuon ang nagaganap. Tipong kahit
pamilya mo nalilimutan mo ng pamilya mo dahil sa sobrang pagsasakripisyong
ginagawa mo.” At isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Nicco.
“hindi naman bawal magsakripisyo, basta ba alam mo deserving ka sa hirap na
iyon at deserving ang taong iyon sa pagsasakripisyo na ginagawa mo.”
“Nicco,
di ba at ikaw na din ang nagsabi na paghugutan natin ng lakas ating nakaraan
lalo na ung mga hindi magandang nangyayari?”
“Oo
tol, un na nga ung ginagawa ko. Kita mo, hanggang ngayon hindi ako sumusuko.
Pero iba pa din ung may mapagsasabihan ka ng lahat ng nararamdaman mo. Iba na
yung mayroong ibang nakakaalam sa kabiguan mo.”
“Salamat
tol sa tiwala, paano na yan pag nasa seminaryo ka na? Sino ang pagsasabihan mo
niyan?” tila nagpapatawang tanong ni Chad kay Nicco.
“Ah
yun ba? Sino ba may sabing iyon nga ang pangarap ko? Siguro, dahil sa mula
pagkabata iyon na ang pinapangarap sa akin natutunan ko ng gawing parte ng
buhay ko na iyon ang pangarapin. Sa totoo lang kahit hindi mo pangarap, madali
mo ng matututunang gawin nadin iyon na pangarap mo. Kaso ikaw na mismo ang
babago sa pagkatao mo. Iba ng pagkatao ang dadalin mo. Masyadong kumplikado at
mahirap para sa isang taong maging katuparan sa pangarap ng iba” sambit ni
Nicco.
“Kita
mo, dahil sa pangarap nilang magpari ako pati puso ko inilalayo ko sa
kaligayahan. Iniiwasan ko ang taong talagang mahal ko.” Panandaliang natahimik
ang kapaligiran “si Sandra, pinilit kong baliwalain kahit sinasabi ng puso ko
tas ngayon si Andr—“ biglang napahinto si Nicco sa sasabihing iyon.
“Sino
tol? Si Andrei ba ang tinutukoy mo?” tanong ni Chad.
“Ah
wala un tol, nahihibang lang ako” pagbawi ni Nicco.
Kahit
nararamdaman ni Chad ang katotohanan ay pinilit na lang niyang binalewala.
“Pare, nasaan na ang Niccong matibay na kakilala ko? Ang Niccong magaling
magpayo? Ang Niccong pantas? Wag kang bibigay Niks.” Pag-iiba ni Chad sa
usapan.
“Salamat
tol at pinapakinggan mo na naman ako.” ramdam ni chad ang pasasalamat ni Nicco
“buti at nandito ka” namayani ulit ang katahimikan “sa totoo lang hindi ako
bumibitiw sa prinsipyo ko sa buhay. Alam ko sa bandang huli, may magandang
magaganap. Ako pa optimistic ata si ako. Puno ng magagandang pangarap.”
nakangiting saad ni Nicco.
“Wala
naman diba masama sa pangangarap. Sa katunayan, isa yan sa magpapatibay sa atin
bilang tao. Mapapanatili nyan na matibay tayo at patuloy na lumalaban. Pero
bawal mangarap ang nawalan na ng pag-asa. Kaakibat lagi ng pangangarap ang
pag-asang makakamit ito. Wala ng silbi ang pangangarap kung sa simula ay
sinusuko na natin ang sarili natin sa pagkatalo. Sinasayang lang natin ang oras
natin sa pangangarap na wala namang pag-asa sa ating mga puso.” tila ba nabubuhayan
ulit ng pag-asang sinambit ni Nicco.
“Tama
ka tol, yan ang Niccong kilala ko, lumalaban.” nakangiting wika ni Chad.
“Kahit
puro kabiguan ang danasin ko, alam ko dito sa puso ko, nararamdaman ko, may
bahagi pa ding nagpapasaya sa akin. Kahit gaano kapait ang kapalaran ko alam ko
may puwang pa rin sa matamis na tagumpay.” Kailangan ko lang hanapin sa puso ko
kung saan ang mumunting puwang na iyon para sa kaligayahan. Dahil lang sa
maling pagkilos ng tao ang kalungkutan ng bawat isa kaya naman tao din mismo
ang makakapagbigay ng kaligayahan sa sarili nila.” kahit ramdam ang kalungkutan
ay pinipilit ngumiti ni Nicco para ipakitang matatag siya. “sadyang madami
bagay lang sa mundo ang hindi natin makukuha kailanman.”
“Tama
ka tol” sambit ni Chad “tama lang talagang tawagin kitang idol Niks.”
Lingid
sa kaalaman ng dalawa ay mayroong isang tao na labis din nasasaktan habang
nakikinig sa pagkukwento ni Nicco. Kanina pa nakakubli sa gilid ng pinto si
Andrei at hindi na tinagkang pumasok ng marinig ang tinig ni Nicco na para bang
nahihirapan. Pinipigilan niya ang sarili para lumapit dahil alam niyang titigil
sa pagkukwento ang binatang kanyang kinahuhumalingan. Interesado siyang malaman
kung ano ba ang pinagdadaanan nito kaya’t nanatili siya sa may gilid at nakikinig.
Nakaramdam siya ng higit na lungkot na marinig ang pangalang Sandra na
minamahal na labis ni Nicco, subalit labis at kakaibang tuwa ang naramdaman
niyang sabihin ni Nicco ang pangalan niya, bagamat hindi natuloy ay sigurado
siyang pangalan niya iyon. Di nagtagal, hindi na makatiis pa si Andrei kayat
nagpakita na ito sa dalawa.
“Magandang
araw sa inyo” pagbati ni Andrei sa dalawa na labis na ikinagulat ni Nicco
“mukang seryoso ata ang pinag-uusapan ninyo.”
“Kanina
ka pa ba diyan?” tanong ni Chad
“Anong
ginagawa mo dito?” mariing tinig ni Nicco “Magsosorry ka ba sa ginawa mo sa
akin kahapon?.”
Naguguluhang
lumapit si Andrei kay Nicco “Ano yun Nicco? Anung ginawa ko sa’yo?”
“Matapos
mo akong ipahiya kahapon nagpapanggap ka na namang mabait ka sa akin?” saad ni
Nicco.
“Wala
akong alam sa sinasabi mo? Pwede wag mo akong pagbinatangan sa hindi ko naman
gingawa sa iyo.” pakiusap ni Andrei sa mahinahong tinig.
“Teka
sandali, ano ba ang nangyayari dito?” pag-awat ni Chad sa dalawa “Nicco ano
yang sinasabi mo?”
“Kahapon
pagkatapos ng misa, hindi ko naman sinasadya na nabunggo kita pinagsungitan nyo
na ako ng barkada mo” paliwanag ni Nicco “tinawag nyo pa nga akong stupido,
bulag at sinabihan mo akong tanga.” dugtong pa niya.
“Hindi
ako iyon at hinding hindi ko gagawin iyon. Muka man akong suplado pero hindi ko
ugaling mamahiya ng tao lalo na sa isang kaibigan na gaya mo.” sagot ni Andrei
“baka iyon ung kakambal kong si Andrew.”
“Wala
na, nagawa mo na, aminin mo na lang kasi.” pagpipilit ni Nicco “may Andrew ka
pang nalalaman diyan.”
“Sandali
lang” hinawakan ni Chad si Andrei palabas “pare ako na muna ang bahala dito.
Kagagaling lang sa pagemote ni Nicco. Pangako, pagbalik mo ayos na ang lahat.”
“Sige
pare, salamat. Sana maayos mo.” Sabi ni Andrei “I trust you pare.”
Pagkaalis
ni Andrei ay natahimik na muli ang bahay “Alam mo Niks, sana pinagpaliwanag mo
muna si Andrei” isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chad “may
kakambal naman talaga siya”
“Wag
ka ng magpaliwanag, alam ko mali iyong ginawa ko. Pinangunahan ako ng emosyon
ko, pero mahalaga narealize ko na mali ako. Pwede ko pang itama ang pagkakamali
ko. Hayaan mo sa susunod na magkita kami kakausapin ko siya. Sana nga lang
hindi siya galit sa akin.” nakangiting wika ni Nicco.
[10]
Si
Sandra ang Unang Pag-ibig ni Nicco
“Sandra,
halika lumapit ka dito.” tawag ng lalaki kay Sandra na nuon ay walong taon pa
lamang.
Unti-unting
lumapit si Sandra sa lalaki. “Daddy ikaw ba yan?”
“Oo
anak ako nga” sagot ng lalaki.
Pamaya-maya
pa ay sumigaw ang batang si Sandra “Daddy wag po” umiiyak ang kawawang bata.
“Hayop
ka, ano ang ginagawa mo sa anak ko” sabi ng isang tinig sabay hampas sa likod
ni Roberto ng isang silyang gawa na narra.
Nagising
si Sandra sa yugyog ng kanyang ina. “Nananaginip ka ata iha?” tanong ni Aling
Florencia “naalala mo na naman ba ang tito Robert mo?”
“Ah,
opo” matipid na sagot ni Sandra.
“Anak,
huwag mo na lang isipin iyon. Matagal ng lumipas iyon. Wala kang dapat
ipag-alala. Matagal ng namatay ang tito Robert mo. Hindi ka na nya magagawan pa
ng masama.”
“Opo
inay, alam ko po iyon, kaya lang patuloy pa din akong dinadalaw ng bangungot na
iyon” saad ni Sandra “pero alam nyo inay lalong akong napatibay nang
pangyayaring iyon.” Dagdag pa ng dalaga.
“Aba,
mainam kung magkagayon” pagsang-ayon ni Aling Florencia “hala, sige mag-ayos ka
na at lumabas ka na para kumain ng agahan.”
“Sige
po inay” magalang na sagot ni Sandra.
Si
Sandra Bea Marie Navarro ay anak ng nasirang si Josefino Navarro at ni
Senyorita Florencia Navarro – Peralta na napangasawa naman ni Roberto Peralta
matapos mamatay ang asawa nitong si Josefino. Ang kanyang ina na si Florencia
ay isang haciendera sa San Isidro, subalit itinakwil ng pamilya gawa ng
pag-ibig nito sa kanyang ama na si Josefino na isang magsasaka. Sa tulong na
din ng butihing mga kamag-anak nila Florencia ay nagawang makaahon sa buhay
subalit si Josefino ay namatay matapos mabaril ng hindi sinasadya. Makalipas
ang isang taon ay nakapag-asawa na muli si Florencia at ito ay si Roberto
Peralta. Pinagtangkaan si Sandra na pagsamantalahan ng kanyang ama-amahan
subalit hindi ito natuloy dahil nadin sa kanyang ina. Sa isang malakas na
hampas sa likod na iginawad dito ay nawalan ito ng malay kung kayat madaling nadakip
ng mga pulis. Namatay ang kanyang ama-amahan sa bilangguan sa sakit sa atay na
hindi na nagawang malunasan pa.
Lumaking
mahinhin at mabait na bata si Sandra. Mayumi, marikit at nakaka-akit. Mahaba
ang alon-alon na buhok, makinis ang kutis na may pagkamorena, maamo ang mga
mata, maganda ang hugis ng mga labi at matangos ang ilong. Nakakadagdag sa
kagandahan nito ang nakapang-aakit na mga ngiti na lalong nagpapatingkad sa
kanyang kagandahan.
Matapos
kumain ng agahan ay nagpaalam na si Sandra “Inay, aalis na po ako. Pupunta na
kami ni Luisa sa kapitolyo. Mahirap nang mahuli ako sa oras. Siguradong madami
na ang nakapila para mag-apply ng scholarship.”
“Mag-iingat
ka iha” nag-aalalang habilin ng ina.
“Opo
inay” magalang na sagot ni Sandra.
Sa
may sakayan papuntang kapitolyo kung saan ang tagpuan nila ni Luisa ay kanina
pa naghihintay ang kaibigan. “At sa wakas dumating din ang senyorita” paunang
pagbati ni Luisa kay Sandra.
“Pasensya
ka na at natagalan ako, 5minutes pa lang naman akong late ah.” Paliwanag ni
Sandra na hihingal hingal.
“Ang
late, late pa din. Kahit gaano katagal yan basta late ka, late ka na nun.” giit
ni Luisa na nakataas pa ang mga kilay.
“Aba
at Niccong Nicco na ang dating natin ah.” tila may pang-uuyam sa tinig nito na
sinabayan ng mahinang tawa.
“Tara
na at sumakay na tayo. Baka lalo tayong madulo sa pila” pagkawika nito ay
sumakay na sila sa jip at agad na nagbayad.
“Biruin
mo, college na pala tayo. Hindi ko akalaing ang bilis ng araw diba” may halong pagkamanghang
wika ni Luisa.
“Naku
sabi nga ni Niccong aalog-alog, kapag nasisiyahan ka sa ginagawa mo kahit gaano
pa man yan katagal aakalain mong mabilis at kapag naman wala kang interest at
hindi ka nasisiyahan kahit gaano kadali o kabilis iisipin mo nang sobra sa
tagal ang isang minuto.” tila may pag-papaalalang nabigkas ni Sandra.
“Speaking
of Nicco, sasayangin nya lahi nya. Aba, magpapari ba naman. Mawawalan ng isang
gwapong pinapantasya ang San Isidro” pagkasabi nito ay mahinang tumawa si
Luisa.
“Aba
at pinapantasya mo pala ang lalaking iyon.” wika ni Sandra na may himig ng
selos.
“Bakit
hindi? He is the man of every women’s dream. Umamin ka nga sa akin, crush mo si
Nicco no?” saad ni Luisa “wag ng magdeny, halata ng lahat.”
Biglang
namula si Sandra sa sinabi ng kaibigan, “Oo, kaso wala naman sa akin ang
interest n’ya.” sagot ni Sandra “saka mas mainam na iyong maging pari sya diba
madami siyang maiimpluwensiyahan at matutulungan.”
“Sabagay
may punto ka” pagsang-ayon ni Luisa.
Pamaya-maya
pa ay nakarating na sila sa kapitolyo. “Ayan kasi sabi ko na nga ba at, mahaba
ang pila” tila may himig ng paninisi si Luisa.
“Sorry
na kasi” pagpapaumanhin ni Sandra sa kaibigan “tara halika dun at may
nakapaskil ata sa may bulletin board” aya ni Sandra nang mapansin ang bulletin
board ng opisina para sa scholarship.
“Oh
ano ba ang nakasulat dyan?” tanong ni Luisa.
“Ang
nakalagay dito Selected Provincial Scholars. Tara hanapin natin pangalan natin
dito” masayang ipinahayag ni Sandra “Navarro…. Ayun, Luisa nakita ko pangalan
ko dito”
“Talaga
sige nga hanapin ko din ung sa akin” sabi ni Luisa “Makalinaw…” ilang sandali
pa at “Sandra wala talaga pangalan ko dito eh. Pero si Nicco andito.”
“Asa
ka namang mawala iyon diyan” sabay tawa “halika na at pumila na tayo para
sa’yo” anyaya ni Sandra.
“Mabuti
pa nga” nakasimangot na sagot ni Luisa.
Inabot
na ng gabi sa pag-uwi ang dalawa na kapwa pagod na pagod, kaya’t pagkakain ng
hapunan ni Sandra ay agad ding nakatulog ang dalaga matapos ikwento ang magandang
nangyari sa lakad niya.
No comments:
Post a Comment