Tuesday, January 8, 2013

Love at its Best: Book 3 (06-Finale & Bonus Chapter)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
“I can't believe this! Pinagdrive mo ako hanggang dito, para lang kumain ng MAMI sa bangketa!” sigaw ko kay Drei sa sobrang inis.



“I don't see you complaining earlier when you're driving my bike.” pagyayabang ni mokong sabay senyas sa nagseserve ng dalawang bowl ng mami.



“geesh Drei, I never thought you can be very impulsive.” suko kong sabi sa kaniya.



“thank you. Besides you should try the mami here, promise, makakalimutan mo ang pangalan mo pag natikman mo na ito.” tinignan ko lang siya ng masama, ngumiti lang siya at sumipol sipol pa.



“whatever.” mahina kong sagot.


“so tell me, what's with the one night stand thing?” malakas na sabi ni mokong, sa sobrang lakas, pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid. Tinignan ko ng masama si gago.



“kailangan isigaw?!” sabi ko sa kaniya.



“sorry naman, nabibingi parin ako dun sa bilis ng pagpapatakbo mo kanina eh.” sabi ni mokong sabay smile.



“nagyon mabilis akong magpatakbo? Kanina lang sabi mo mabagal.”



“nabingi ako sa huni ng mga kuliglig habang mabagal kang nagpapatakbo.” sabay smile na nangiinsulto si mokong. Sinipa ko sa paa si mokong sa ilalim ng lamesa. Napangibit naman ito sa sakit ng pagsipa ko, nagulat naman ang nagseserve ng mami dahil biglang gumalaw ang lamesa namin ni Drei, at ng mapansing dahil yun sa pagsipa ko kay Drei ay naglakad itong palayo na masama ang tingin saming dalawa.




“wow! Nagjojoke ka?” balik insulto ko sa kaniya, sabay tikim sa pinagmamalaking mami ni mokong.



“sarap no?” tanong niya sakin, masarap nga pero hindi ko pinahalata sa kaniya.



“ok na.” matipid kong sagot.



“Oh c'mon Ram!” pasigaw niyang sabi.



Natawa naman ako sa pangungulit niya sakin kung nasarapan ako sa mami na kinain namin, hindi talaga natahimik si mokong kahit na naka tatlong tasa na ako ng mami. Naglalakad na kami pabalik malapit sa may motor ng bigla niya ulit akong akbayan.



“di mo parin sinasagot ang tanong ko.” nanlamig naman ako sa sinabi niyang yun, as much as possible, ayokong pagusapan ang nangyari samin ni Migs. Masyadong masakit.



“di mo rin naman kasi maiintindihan, Drei.” mahina at nahihiya kong sabi.



“try me.” at hinila niya ako papasok ng Manila Ocean Park.



“what are you doing?!” takang tanong ko sa kaniya nang magbayad siya ng entrance sa Manila Ocean Park.



“di pa kasi ako nakakapasok dito.” parang batang sabi sakin ni kumag. Nang makapasok kami, hindi ko inakalang magagandahan at mageenjoy din ako sa loob, parang naging bata ulit ako.



“kwento mo na. You can trust me.” sabi ni Drei habang kinakatok ang salamin ng malaking aquarium.



Natahimik ako saglit, masakit para sakin na ulit ulitin pa ang mga nangyari samin ni Migs, and I was never comfortable sharing it to others. Napatingin ako kay Drei at napatawa sa ginagawa niyang panggagaya sa malaking isda na nakatigil sa harapan niya, binubuka niya ang bibig niya na parang isda. Parang tanga in short. Di ko akalain na ganitong kakengkoy si mokong.



You were never good in judging other people, especially the ones you can trust.” ume-echo na sabi sakin ni kuya, paulit ulit na nagpleplay sa utak ko ang mga sinabi niyang yun, nang sabihin ko sa kaniya ang nangyari samin ng girlfriend ko at at nangyari samin ni Migs after.



“bigyan mo ako ng isang magandang rason kung bakit dapat kitang pagkatiwalaan.” naninigurado kong hamon kay Drei, napatigil ito sa panggagaya sa isdang kanina pa nakikipagtitigan sa kaniya at tumingin sakin, agad naman lumangoy palayo ang isda.



“just one?” mapreskong tanong sakin ni Drei.



“yup. Just one.” paninigurado ko sa kaniya.



“well...ahmmm, heres a good one! We had sex and I never told a single soul about it! Oha! Oha! That's a good one!” napalakas niyang sabi at napatingin lahat ng tao samin. May pamilyang malapit sa amin na parang naeskandalo ang reaksyon at talagang tinakpan pa ng mga magulang ang tenga ng kanilang mga anak. Sa sobramg gulat ay sinapo ko ang ulo ni kumag at inuntog ito sa salamin ng malaking aquarium sabay lakad palayo.



“Ram wait! Di ko sinasadyang isigaw.” natatawang sabi ni Drei. Di ko siya pinansin at naglakad na palabas ng park.



“that ain't gonna count now, wouldn't it? Masyado lang kasi akong na excite na meron akong dahilan para pagkatiwalaan mo.” nakayukong sabi ni Drei na parang batang nakagawa ng kasalanan. Isinuot ko ang helmet at lihim na napangiti. “Ang cute ni mokong.” bulong ko sa sarili ko. Nagdrive na ako pabalik ng opisina. Ipinarada ko ang ducati niya sa parking lot at walang imik na naglakad pabalik sa loob ng opisina namin. Bumukas sa harapan namin ang elevator, walang laman ito, kami lang dalawa.



“I'm sorry.” bulong nito sa tabi ko, pwede pang sumiksik ang tatlong tao sa pagitan namin, ganun kami kalayo sa isa't isa.


“I'm really getting tired of that word.” mahina kong sabi, sawang sawa na talaga akong marinig ang salitang yun, though di naman talaga ako galit sa kaniya. Nakita ko ang repleksyon ng mukha ni Drei, para itong batang magsisimula ng umiyak.



“I'm still waiting for a good reason, why I would wanna trust you.” pabulong kong sabi habang iniintay na bumukas ang pinto ng elevator.



0000ooooo00000
Di ko matapos ang bagong submitted proposals na ngayon ay nakatambak na sa lamesa ko, “I was only gone for like two hours at ganito na agad kadami ang natambak na trabaho ko?!” sigaw ng isip ko. nang matapos na ang unang folder na puno ng proposal ay iniangat ko ang intercom at sinubukang tawagan si Janine. Nang walang sumagot ay napilitan akong sumilip sa labas ng opisina ko at nang makitang wala na doon si Janine ay napamura na lang ako sa sarili ko.



“coffee break. ^_^v” nakalagay sa ibabaw ng lamesa ng sekretarya ko.



“bwisit! May sekretarya ka nga, wala namang silbi!” bulong ko ulit sa sarili ko, nagpunta ulit ako sa lamesa ko at kinuwa ang files na dapat ay ipapa-photocopy ko sa aking sekretarya. It took me 10 minutes to find the xerox machine.



“mapapatay talaga kita Janine!” sigaw ng utak ko. Habang busy ako sa pagaaral kung pano patakbuhin ang lintik na machine ay naramdaman kong may nakatingin sakin. Bigla akong napatingin sa kaliwa at nahuli si Drei na nakatitig sakin, agad naman itong nagbawi ng tingin. Iniisip ko ang maaaring dahilan kung bakit ako tinititigan ni mokong ng biglang may pangit na tunog na nanggaling sa xerox machine.




“O shit!” naibulalas ko at nagsimula na akong magpanic, parang gina-grind na bakal ang tunog nito, nagpipindot ako ng kahit anong pwedeng mapindot. Tas bigla itong tumigil, napabuntong hininga ako at napatingin sa kaliwa, andun na si Drei at hawak hawak nito ang plug ng xerox machine. Nakangiti itong nakakaloko.


“Coffee?” aya nito sakin. Nginitian ko lang siya at tumalikod na. Narinig ko namang nagbuntong hininga ito.


0000ooooo00000


“San Mig.” tawag ko sa barista at agad naman akong inabutan nito ng isang bote.



“hey.” bati sakin ni Drei na biglang sumulpot sa tabi ko.



“anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya. Habang palinga linga na naghanap pa ng maaring kasama ni Drei na kilala ko doon sa bar na yun.



“still thinking of a good reason why you should trust me.” nakangiting sabi nito sakin. Di ko naman sinasadyang masamid bigla sa sinabi niyang yun.



“sineryoso mo pala ang sinabi ko?”



“Oo naman. Gusto ko kasing malaman ang dahilan sa pakikipag one night stand mo at gabi gabing paginom.” nahihiyang sabi sakin ni Drei, gusto kong ibahin ang usapan kaya ibinili ko na lang siya ng maiinom.



“my treat.” sabi ko sa kaniya sabay abot ng bote ng beer.



“iniiba mo naman ang usapan eh.” sabi nito sakin.



“ano ba kasing gusto mong malaman?!” nakukulitan ko ng tanong sa kaniya.



“katatanong ko lang diba?!” naiinis naring sagot nito.



“komplikado kasi. Saka naka...nakakahiya, mahabang kwento pati.”



“sus naman to. Aga pa naman eh, kahit gano pa kahaba yan makikinig ako.” sabi ni Drei sabay ngiti. Napatitig ulit ako sa kaniya, para talagang bata si mokong, kada inom niya sa beer ay babayuutin nito ang kanyang mukha na parang masamang masama ang lasa ng beer sa kaniya, tapos ngingiti at mawawala nanaman ang naniningkit niyang mata.



“may dumi ba ako sa mukha?” tanong niya ulit sakin sabay ngiti.



“wala naman.” at nangiti narin ako. Ilang beses pa akong kinulit ni kumag at nang makapitong bote na siya ay talaga namang lalong kumulit ito.



“Lasing ka na.” sabi ko sa kaniya.



“kaya ko pa, saka hindi mo parin naman kasi kinukwento kung bakit ka nagkakaganyan eh.”



“Kulit mo Drei, halika na ihahatid na kita.” aya ko sa kaniya.



“kaya ko pa.” pamimilit niya pero pulang pula na ito sa kalasingan.



“akin na yung susi ng Ducati, wag ka ng makulit.” inalalayan ko siya papuntang parking lot at sinuotan ng helmet.



“ikaw ang dapat nakahelmet, Ram.” mangitingiting sabi nito sakin.



“ikaw ang dapat nakahelmet, in case na makabitaw ka sa sobrang kalasingan.” pangungulit ko sa kaniya.



“di pa naman ako lasing. Saka di mo naman alam ang bahay ko ah.” pangungulit nanaman ni Drei. Nakalimutan na ni mokong na sa tapat ng condo niya ako minsang nagpalipas ng gabi, sa motel, kasama ang isang lalaking nakalimutan ko na ang pangalan.



0000ooooo00000

Dahan dahan ang aking pagpapatakbo at iningatan ang bawat pagliko, kahit pa hinahampas ng hangin ang aking mata at nanunuyo na ito sa lamig ng madaling araw na hangin ay hindi ko sinubukang ipikit ito, naramdaman kong lumuluwag ang pagkakakapit ni mokong saking bewang kayat ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kaniyang kamay at isang kamay na minaneho ang malaking motor.



Ipinark ko ang motor sa parking area ng condo ni drei, iniwan ko na lang ang lisensya ko sa guard at nagpaalam na ihahatid ko lamang ang lasing kong kaibigan. Nang aktong maglalakad na kami papunta sa elevator ay gegewang gewang na si kumag at hindi na makatayo ng sarili niya.



“Drei, hindi ko alam kung anong floor ka. Hoy! Gising ka muna!” saby tapik sa pisngi ni kumag.



“12B-H.” sagot nito sabay tulog ulit. Wala na akong magawa kundi buhatin si kumag. Piniggy back ko si kumag, saktong sasakay na kami ng elevator ng may humabol na dalawang babae, nakatingin ang mga ito samin, marahil nagtataka kung anong nangyari at pasan pasan ko si Drei. Walang imikan, pero ramdam ko ang minsang sulyap na binibigay ng dalawang chismosa. Tumigil na ang elevator sa 12th floor at aktong lalabas na ako ng narinig kong bumulong yung isang babae.



“sweet naman nila.” sabay hagikgik ng dalawa. Tatalikod sana ako at ipagtatanggol ang sarili sa mapanghusgang mga panget na yun ng biglang sumuka si Drei, at salong salo ko lahat ng suka niya.



“anak ng tipaklong naman Drei!” sigaw ko sa kaniya, agad kong hinanap ang 12B-H bago pa man mapuno ng suka ang buong 12th floor. Nang makita ko ito ay agad kong ibinaba si Drei sa sahig at kinapa ang susi. Nakita ko naman sa salamin sa may hallway ang itsura ko, mukha na akong basang sisiw at may suka sa kaliwang balikat ko pababa. Nang makita ko na ang susi ay agad kong binuksan ang pinto at hinila si Drei papasok. Ihiniga ko siya sa may kama at agad hinanap ang CR, hinubad ko ang aking mga damit at nashower muna.



“Hay salamat.” naibulong ko sa sarili ko nang malinis ko na ang sarili ko, agad kong binuksan ang ilaw at ang bumulaga sakin ay ang sandamakmak na kalat, parang isang buwan nang walang naglilinis sa bahay ni kumag. Dinala ko ang aking damit sa may washing area at pinaandar ang washing machine. Bumalik ako sa tabi ni mokong at pinunasan siya, pinaltan narin siya ng damit at dinala sa kama. Bumalik ako sa may washing area at sinalang narin ang maduming damit ni Drei doon, inintay kong matapos magspin ang washing machine at isinalang naman ang damit sa drier at ng matapos ito ay isinampay ko ito ng maayos sa silya sa may dining room. Bumalik ako sa kwarto ni kumag at pinanood siyang matulog, umupo ako sa dulo ng kama, dun ko napansin na nakatapis lang pala ako at si Drei naman ay naka under wear lang, ikinibit balikat ko na lang ang itsura naming dalawa. Napahiga narin ako sa kama at doon na nakatulog dahil marahil sa sobrang pagod.




Itutuloy...



[07]
Iminulat ko ang mata ko at sinanay ito sa liwanag na nanggagaling sa bintana, pilit kong inalala ang napaniginipan ko, panandalian kong ipinikit ulit ang aking mga mata. Naaalala ko ang mga impit na halinghing, ang kiskisan ng mga balat at ang mga masusuyong halik, mga halik na nanggagaling kay..., bigla kong iminulat ulit ang aking mata, tinignan kung nasa sarili kong kwarto ako, napabalikwas ako nang marealize na hindi ito ang kwarto ko at hindi ito ang kama ko, agad akong napatingin sa kaliwang bahagi ng kama, anduon tulog na tulog si Drei.



Lumabas ako ng kwarto at kinuwa ang sinampay kong damit, ilang santo na ang tinawag ko at ilang dasal na ang dinasal ko para lang di magising si Drei, at bago niya marealize kung ano ang nangyari, alam kong may nangyari ulit samin kagabi at yun na nga ang kinakatakot ko ang maulit ang kung ano mang nangyari samin dati at mauwi iyon sa isang relasyon o pagkakaintindihan.



“I hate commitments!” sabi ko sa sarili ko.



Iginala ko ang aking mata para sa isang pares ng medyas na maaring nahulog nung maglalaba pa lang ako o kaya naman ay nahulog pagkatapos kong maglaba. Muli kong iginala ang aking mata sa buong condo, nang makita ko ang medyas sa malapit sa may pinto ng CR ay agad ko itong kinuha at umupo sa sofa para isuot ito.


Habang nagsusuot ng medyas ay napansin ko ang shelf na nakalagay sa magkabilang gilid ng TV, simula ito sa sahig hanggang kisame, andaming libro, CD at mga lumang plaka, my mga picture frames din. Lumapit ako at inayos ang isang picture frame na nakataob. Rumehistro sa akin ang galit, pagkabigla at sakit ng pinagtrayduran. Parang nawalan ng lakas ang aking kamay at nabitawan ang picture frame. Malutong itong lumagapak sa sahig. Nabasag ang salamin na pumuprutekta sa picture.



0000oooo0000


Agad agad akong lumabas, naghihintay na ako ng taxi ng makita ko si Drei, nagsusuot pa ito ng damit pang taas habang tumatakbo papunta sakin, isinara ko na ang pinto ng taxi ng maabutan niya ako, kinakatok niya ito.



“Sir, kasama niyo ho ba siya?” turo ng driver, habang patuloy parin si Drei sa pagkatok sa bintana at pinabababa ako ng sasakyan.




“Hindi po manong. Sige po Ortigas po tayo.” pagkasabi ko nito ay tumingin ang driver sa bintana at tinitigan si Drei at ng mapansin nitong nakatingin na ako sa kaniya ng masama ay nagpaharurot na ito ng sasakyan papuntang Ortigas.


0000oooo0000


“anong ibig mong sabihin na kailangan kong magpresent ng ID bago makuwa ang kotse ko?! Isn't the car keys that I'm actually holding right now enough?! Besides nagiwan ako ng ID sa gwardya na nakaduty kagabi ah?! Bakit di mo tignan yun at ikumpara ang mukha sa picture nung ID saka sa mukha ko?!” nanggagalaiti kong sabi sa gwardya. Umiling lang ito at humingi ng pasensya.



“Sir, ang iniwan nyo po kagabi dito ay calling card at hindi ID, ngayon kailangan ko po ng ID para malaman na kayo nga po ang Ramon Saavedra na sinasabi nitong calling card na hawak ko.” paliwanag ng gwardya, marahil dahil sa may tama na ako kagabi ay calling card ang naibigay ko sa gwardya kagabi. I can't believe I left my wallet at Drei's place, wala na nga akong maipangbayad sa driver ng taxi at ngayon di ko pa makuwa ang sasakyan sa bar na pinaginuman namin ni Drei kagabi. Nakita kong may kinakausap yung driver ng taxi na sinakyan ko kanina, galit na humarurot palayo ang taxi, nainip siguro. Pagkaalis na pagkaalis ng taxi ay may nakita akong lalaking nakatayo malapit sa pinagparadahan ng taxi kanina. Lumapit ito, magsasalita sana siya ng pigilan ko siya.



“We'll talk later.” matigas kong sabi, kinuwa ko ang wallet ko sa kaniya at kinuwa ang driver's license ko at pinakita ito sa gwardya.



“ok na?!” galit kong sabi dito at naglakad papuntang parking ng club, binuksan ko ang kotse at sabay kaming sumakay ni Drei dito, tahimik parin siya at parang balisang balisa.



“talk.” malamig kong sabi sa kaniya habang inilalabas ang kotse ko sa compound ng club.



“I should've told you about me and Dal. Alam ko, after what happened last night, alam kong dapat sinabi ko na sayo ang tungkol kay Dal. I mean I like you Ram...” natigilan siya saglit. “Her name is Dalisay Diaz-Chua, we got married three years ago. And she...” natigilan saglit si Drei “she's dead... patay na siya p..” dugtong niya na may halong kabiteran, nagulat ako sa sinabi niyang yun, napatingin ako sa kaniya at di ko napigilan ang sarili ko na abutin ang kamay niya at hawakan ito. Di na naituloy ni Drei ang sasabihin niya. Nasasaktan siguro siya masyado.



“coffee?” alok ko dito, binigyan niya lang ako ng matipid na ngiti.


Di kami halos naguusap ni Drei sa loob ng coffee shop, kita ko parin sa mga mata niya ang lungkot. Di ko naman din kasi inaasahan na makita ang picture na iyon, malay ko bang ang nakataob na picture frame na iyon ay ang picture ni Drei at ng kanyang asawa nung kasal nila. Pero pinigilan ko narin ang sarili ko na magtanong pa tungkol dito, sa halip nagisip ako ng paraan para makabawi dito.


“want to know kung bakit ako galit sa commitments and just prefer one night stands?” panimula ko at napaangat naman ng ulo si Drei.


“I left my girlfriend of four years to someone who is not worth it, he made me believe that he loves me and then on our first valentines date, he dumped me. That's why I hate commitments, commitments make us sacrifice something that is worth it for something that is not. I prefer One night stand kasi it makes me feel loved and cared even for a while and it makes me feel commited even for just that one night, without sacrifing anything.” napatahimik kami pareho, alam kong malalim ang iniisip ni Drei, inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito, nginitian ko lang siya.



“I'm sorry about Migs.”



“yeah, me too.” at nagbigay ako ng matamlay na ngiti.



“Remember the first time we met?” tanong sakin ni Drei, kahit di ko naman talaga naaalala ay tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya.



“haha! I'm sure you don't. Let me remind you then...” nangingiting sabi ni mokong.



“Naaalala ko pa nung nagsimula kang pumasok sa LAX, no invites, no VIP card and you're not even on the guest list pero you got admitted ng ganun ganun na lang na parang ikaw ang may ari ng lugar.” nangingiti si Drei habang nakatingin sa mga mata ko at nakahawak parin sa kamay ko.



“of course you looked down, parang stressed out ka sa work or something pero marami parin ang nagbibigay ng pansin sayo, panong hindi eh black leather jacket, fitted v-neck white shirt, black semi fitted jeans and white kicks from nike ba naman ang...” nangiti si mokong, siguro dahil nakita niya yung reaksyon ng mukha ko, sinong di magugulat kung mi ultimo damit ko nung gabing magkakilala kami eh tandang tanda niya pa.



“you were drinking those tequilla shots like there's no tomorrow. And when I actually got the guts to talk to you, you just stared at me for a while then you asked me to dance with you.” natatawa niyang sabi habang nakahawak parin sa kamay ko.


“Habang nakikipagsayaw sayo, I can't help but think kung pano mauuwi yung gabing yun. And there, as it turned out, one night stands lang pala ang gusto mo. At nung nakipagkaibigan pa nga ako sayo, nagalit ka pa at naglakad palayo. Pero mapanukso talaga ang tadhana. Nakatarbaho pa kita, sabi ko sa sarili ko na kukuwanin ko ang loob mo, pero di umayon lahat sa plano ko. nagrambulan pa nga tayo sa office...” natatawang sabi ni Drei.


“pero lalo kitang nagustuhan, kahit na nakulong ako dahil sayo.” at sa sinabi niyang yun ako naman ang napatawa. Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tumayo.


“Where are you going?!” gulat na tanong ni Drei.


“going home so I can prepare for later.”


“what about later?”


“our first date.” nginitian ko siya, alam kong nagulat din si mokong sa bigla kong pagaya sa kaniya, alam ko rin naman kasing gusto ko siya, di ko lang siguro maamin sa sarili ko.


0000oooo0000


“What the hell Drei!? Asan ka na!” isang oras na akong nagiintay sa isang restaurant na pinagusapan namin ni Drei. “I swear Drei, babalatan kita ng buhay!” sabi ko ulit sa sarili ko habang kinakabahan akong nakatingin sa mga waiter. Napatingin naman ako sa pinto ng restaurant at nakitang pumasok na si Drei at naglalakad na papunta sa table namin.



“where have you been?!” naiirita kong tanong kay kumag, pero di ko parin mapigilang humanga kay mokong, red fitted shirt, faded blue jeans and sneakers, simple pero humahakot ng pansin.



“di ko alam na may phobia ka pala sa restaurants.” nangiinis na sabi nito sakin.


“phobia?”


“yup, your eyes keep shooting from left to right, your palms...” sabay hawak ni kumag sa kamay ko. “...palms are sweaty at may butil butil ng pawis sa may ilong mo....” sabay pahid ng pawis ko sa ilong. Tapos sunod niyang hinawakan ang dibdib ko. “... and of course palpitations, classic signs of a person facing their phobia.”



“I've been here for an hour without someone to talk to, I look stupid staring at the chair opposite me while everybody is dodging glances at me thinking how stupid I am for waiting for a date who seems to have bailed on me.” naiinis kong sabi kay Drei.



“chill. Andito na ako.” sabay ngiti ni mokong na nakakaloko. Di na ako kumibo. Umupo na siya silya sa tapat ko. Tinawag niya ang waiter at umorder na.



“how about you Sir?” baling sakin ng waiter.



“I'll have the same.” matipid kong sagot. Maaring napansin ni Drei na nawala ako sa mood. Tinaas niya ang baso niya at nagpropropose ng toast.



“to us.” sabi niya. At nang ibabangga ko na ang baso ko sa baso niya ay bigla niya itong hinila at ibinaba ulit sa lamesa sabay tingin sa mata ko at halik sa labi ko, nagulat ako. Ngayon ang mga tao sigurong nagiisip na para akong tanga kanina ay sigurado kong naiiskandalo na ngayon sa nakikita nilang dalawang lalaki na naghahalikan. Pero hindi ko na sila pinagbalingan ng pansin at ipinikit narin ang aking mata.


0000oooo0000



“medyo nabitin ako dun sa dinner natin.” sabi ni mokong pagkalabas na pagkalabas namin ng restaurant.



“bitin ka padin dun?! Ano bang bulati meron ka?” nangingiti kong tanong sa kaniya.



“tara dun tayo!” sabay hila sakin ni Drei papunta malapit sa parking lot.




“balot?!” nasabi ko nang makita ko kung saan ako balak dalin ni kumag.



“not just balut, but the best balut in town!” nangingiting sabi ni Drei. Hinila niya ulit ako papunta sa isang makeshift na lamesa na inilagay doon para talaga sa mga kakain ng balut at iba pang street foods na binebenta doon. Umupo na kami, napansin kong may tinitignan si mokong sa likod ko, parang may sinesenyas.


“type mo si manong?” pangaasar kong tanong sa kaniya.


“bakit naman ako titingin kay manong eh nandiyan ka naman sa harapan ko.” pagkasabi niya nito ay napatawa ako ng malakas.


“oh anong nakakatawa?”


“ang keso mo kasi.” nangingiti kong sabi. Napatawa naman siya at nagulat ako ng pumalakpak ito, may naglitawan na mga manong sa paligid namin, naglagay ng kandila at flower vase sa lamesa namin. Di ko mapigilang mapatawa, pumalakpak ulit si mokong at naghatid nang sago gulaman ang isa sa mga manong sa isang plastic cup. Tumaas ang kilay ni mokong at tinignan ang table setting, parang may hinahanap na dapat nandun sa lamesa namin, pumalakpak ulit ito at naglagay ng bulaklak ang mga manong sa vase, napansin kong ito yung mga binebenta na plastic roses sa kalsada at mukhang puro alikabok pa, nagulat ako nang biglang may lumapit samin na manong at naglagay ng isang bowl ng balut sa pagitan namin ni Drei.



“that's more like it.” sabi niya at napatitig ako sa kaniya ng matagal.


“walang typhoid yan! Choosy nito!” sigaw niya sakin sabay simangot. Nakita kong parang may nagbago sa aura ni mokong kaya't sinipa ko siya.


“what's that for?!” sigaw ulit niya.


“thank you.” sabay ngiti ko sa kaniya nginitian lang din ako ni mokong.



0000oooo0000


“Himala, di ka ata lumabas at naginom kagabi?” bungad sakin ni kuya.


“good morning too kuya.” sarkastiko kong sagot sa kaniya.


“dito ka magbre-breakfast?” takang tanong ulit nito sakin.


“yup, bakit masama?” pangaalaska kong tanong kay kuya.


“well that's a first.” sabi ni kuya habang nakatitig parin sakin, titig na animo'y iniintay na magiiyak ako sa harapan niya at pangatawanan ang kanyang hinala na nababaliw na ako.


Marami na ang nakapansin ng pagbabago sakin, mas naging palabiro ako, palabati sa mga staff at malaki din ang pinagbago ng aking itsura, bumalik ang dati kong sigla, wala silang alam na si Drei ang nasa likod nito, pero alam kong may mga hakahaka na ang mga ito. Madalas din kasi kaming nakikitang nalabas at madalas kaming nakikitang magkasabay umuuwi at pumapasok.


“kulang na lang words of endearment eh.” narinig kong tsinitsismis ni Janine sa sekretarya ni Drei, wala namang kaso sakin yun, pagdudahan nila ang seskwalidad ko, wala akong pakielam, makalbo sila sa kakaisip kung ano talaga ako wala akong pakielam, sila naman tong namomoblema eh.



“words of endearment?” nabulong ko sa sarili ko, wala pa kami sa ganong stage ni Drei, gusto ko siya ang unang magtanong about sa topic na iyon, kung tanungin niya ako about sa status namin, ibabalik ko lang sa kaniya ang tanong.



“Sir, 5pm meeting is about to start.” pagbasag ni Janine sa aking pagmumunimuni. Pumasok ako ng conference room at umupo sa tabi ni kuya. Binuksan ko ang laptop ko at nag log in sa facebook, tumingin ako sa usual na inuupuan ni Drei, pero wala pa ito.



“looking for someone?” takang tanong ni kuya, siguro'y napansin niya na kanina pa ako palingalinga. Di ko na lang siya pinansin. Nang pumasok si Drei, pawis na pawis ito akala mo tumakbo sa 5km run to save the ilog Pasig marathon. Nang mapansin kong naka OL narin siya sa FB ay nag message agad ako sakanya.


Me: bakit ka late?

-Drei-: mamya ko na kwento sayo.
-Drei-: is off line (5:02pm)


“ayos ah!” bulong ko sa sarili ko at hindi ko na nilogout ang account ko at isinara ko na ang laptop ko with a snap. Nang matapos ang meeting, iginala ko ang mata ko at ng di makita si Drei ay tuloy tuloy na akong lumabas ng conference room at pumunta sa opisina ko. nakita kong nakangiti si Janine na nakakaloko sa tabi ng pinto bago pa man ako pumasok ng opisina ko, di ko na ito pinansin.



“what the...” gulat kong bulalas ng makita ang isang malaking poster na nakapatong sa tripod.


follow the petals” basa ko sa mga salitang nakaprint sa poster na iyon. Napatingin ako sa sahig at nakita kong may mga petals na nagkalat sa sahig, sa sobrang galit ko siguro kay Drei ay di ko na napansin ang mga ito pagpasok ko. “kaya pala ang lawak ng ngiti ni Janine.” sabi ko sa sarili ko. sinundan ko ito palabas ng opisina ko papunta sa elevator kung saan nakita ko si Janine na pinipindot ang hold button, at ng makasakay ako dito ay lumabas ulit ito, hanggang sa may lobby ay may nagkalat na petals. “ano nanamang gimik to Drei?!” naiiinis kong bulong sa sarili ko. napasinghap ako ng makita ko ang dulo ng mga petals na iyon malapit sa nakabukas na pinto ng isang limousine, sumakay ako dito at agad humarurot ang limousine papunta sa isang lugar na hindi ko alam.


“table 23.” sabi ng driver ng limousine pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.



“thank you.” bulalas ko, agad akong pumasok ng restaurant at nagtanong sa receptionist ukol sa table 23, magiliw naman ako nitong sinamahan papunta doon, nakita ko si Drei na nakatayo at ngiting ngiti ang kumag.



“surprise!” sigaw nito.


“what's the occasion?” tanong ko, umupo ako at gayon din siya.


“we've been dating for the past 3 months already, Isn't it time to take the notch a little bit higher?” sabay nito ang paghawak niya sa kamay ko at tinitigan ako pero biglang nagbago ito ng reaksyon ang kanina lang ay nanlalambing na titig ngayon ay puno na ng gulat, bumitaw ito sakin at biglang tumayo.


“hi Drei. Kamusta?” galing sa isang babae na nasa likod ko, napatalikod naman ako at nakita ang isang pamilyar na babae.


“I'm Dalisay Diaz – Chua, and you are?” sabay abot ng kamay ng babaeng nagpapakilalang asawa ni Drei.




[Finale]
So we back in the club
Get that bodies rockin from side to side (side to side)
Thank God the week is done
I feel like a zombie gone back to life (back to life)
Hands up, and suddenly we all got our hands up
No control of my body
Ain't I seen you before?
I think I remember those eyes, eyes, eyes, eyes


Dating gawi, napapalibutan nanaman ako ng mga taong hindi ko kilala, nakikipagsayaw nanaman sa gitna ng dance floor at nakikipagkiskisan ng bewang sa taong nuon ko lang nakita. Usok ng sigarilyo, malakas na music at nagtatapangan na alak ang sentro ng buhay ko ngayon. Walang tarbaho na iisipin bukas, walang kapatid na mambubulyaw paguwi ko mamyang madaling araw at higit sa lahat wala ng Drei na mananakit sakin kahit wala siyang ginagawa o sinasabi, makita ko lang siya nadudurog na ang puso ko.


Cause baby tonight, the DJ got us falling in love again
Yeah, baby tonight, the DJ got us falling in love again
So dance, dance, like it's the last, last night of your life, life
Gonna get you right
Cause baby tonight, the DJ got us falling in love again
Keep downing drinks like this
Not tomorrow that just right now, now, now, now, now, now
Gonna set the roof on fire
Gonna burn this mother f**ker down, down, down, down, down, down


Panandalian akong dinala ng malakas na sounds at ng tapang ng alak sa nangyari noon. Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang ginawang panloloko ni Drei. Masakit parin, pero dahil sa pinangako kong di ko na idadaan sa pagiyak ang kahit ano mang sakit na nararamdaman ko ay parang lalo pang bumibigat ang aking dibdib. Napapikit ako ng bahagya at nakita ulit ang gulat na gulat na mukha ni Drei.


Dalisay Diaz- Chu..Chua?” mautal utal kong tanong.


yes, and you are?” nangingiting tanong sakin ng sinasabing asawa ni Drei. Napayuko ako saglit, at napahawak sa kwintas na nakasabit sa aking leeg.

Ram I can explain.” mahinang sabi ni Drei, napaupo na ulit ito at iniintay marahil ang magiging reaksyon ko. Tinignan ko siya ng masama at tumingin kay Dalisay, nagpakawala ako ng pekeng ngiti.


Please join us Mrs. Chua.” di naman ako binigo nito at umupo. Agad akong tumawag ng waiter at nagpadagdag pa ng isang plato, napasulyap ako kay Drei at nakita kong nakayuko lang ito.


I'm Ramon Saavedra, Assistant Branch Manager of the Saavedra group of Companies, Makati branch.” sabay abot ulit sa kamay ni Dalisay, napasulyap ako ulit kay Drei, nakayuko parin ito. Mararamdaman mo ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Wala pang may tapang na linawin ang lahat, natapos na ang aming main course at nag proceed na kami sa desert ng biglang magsalita si Dalisay.

I'm a doctor, did some graduate studies at the US, somehow against dito si Drei he doesn't like the idea na magkakalayo kami.” inabot ni Dalisay ang kamay ni Drei pero agad itong binawi ni Drei, nagulat si Dalisay sa ginawang yun ng kanyang asawa pero nagpatuloy lang ito, habang ako ay pinagpipilitang ubusin ang kapiranggot na cake na asa harapan ko, tinititigan ko lang ito.


Nung una pumayag ako sa gusto niya, I stayed, pero di ko rin napagilan dahil masyadong maganda yung oppurtunity for me to pass it out, so without telling him, I left for the states to pursue my dreams. I became a successful neuro surgeon.” napatawa siya saglit.


As I become the successful neuro surgeon of my dreams...” napatigil saglit si Dalisay, at halatang pinipigilan ang sarili na huwag umiyak.mabilis na nagbago ang expression sa kaniyang mukha.


...I lost Drei.” mahinang sabi niya at tumulo na ang luha na pilit niyang pinipigil. Napatingin ako kay Dalisay at naramdaman kong nakatingin na sakin si Drei, dahan dahan kong binaling kay Drei ang tingin ko. Nangungusap ang mga mata nito. Ngayon ako naman ang nagpipigil ng luha.


and now you want your husband back?” mahina kong tanong kay Dalisay, panandaliang rumehistro sa mukha ni Drei ang gulat.


yes.” matipid na sagot nito. As if something in me shifted, tumayo ako at saglit na tumigil sa tapat ni Dalisay.


nice meeting you Dalisay.” matipid kong sabi at walang paalam na naglakad palayo.


“hey handsome! What about that drink?” papitikpitik na sabi ng isang foreigner na babae sa harapan ko. kung di ako nagkakamali nag offer ako ng inumin sa kaniya. Agad akong tumalikod sa babae at naglakad palabas ng bar.



Nanginig akong lumabas ng club, “bakit ganito parin ang epekto nito sakin? Mag iisang buwan na ah?!” galit kong turan sa sarili. Agad akong naglakad pabalik sa kotse ko, bago ko ito buksan ay nanginginig kong dinukot ang susi at isang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko, sinubukan kong magsindi ng isang stick pero palyado na pala ang lighter ko, naibato ko sa sobrang galit ang lighter at napasandal sa kotse ko at napadausdos at napaupo sa semento ng parking lot, tinakpan ko ng magkabila kong kamay ang aking mukha.



I told you to know his intentions first.” sabi ng aking kuya, nakatakip ang aking mukha ng magkabila kong kamay.



spare me the I TOLD YOU speech, kuya. I'm tired of it.”dahan dahan kong inalis ang aking kamay sa aking mukha at tumayo at kinuwa lahat ng gamit ko sa opisina na iyon.



where are you going?”



I'm quitting.” singhal ko pabalik kay kuya, di na niya ako pinigilan, dala dala ang isang kahon ng office supplies at mga personal kong gamit sa opisina. Nagdrive ako palayo pinipigilan ko parin ang sarili ko sa pagiyak, naaalala ko na pinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak lalo na sa walang kakwenta kwentang rason kagaya ng pagiyak ko kay Migs. Nagdrive ako pabalik sa bahay ni kuya at kinuwa lahat ng damit at gamit ko doon, nang aktong palabas na ako ng bahay dala dala lahat ng gamit ko ay hinarang ako ni manang.


Sir, may naghahanap po sainyo sa labas.”


ano daw pangalan?” takang tanong ko sa matanda.


Drei daw po.” para akong tinanggalan ng hangin sa baga. Tuloy tuloy akong lumabas ng bahay at binuksan ang kotse saka inilagay lahat ng aking gamit sa back seat.



Ram wait.” mahinang sabi ni Drei. Di ko siya pinansin, habang inilalagay ko lahat ng aking gamit sa back seat ay siya namang pigil ni Drei at hawak sa kamay ko para mapigilan ako sa pagalis.


where are you going?” malungkot na tanong ni Drei.



away from you.” natigilan si Drei sa sinabi kong yun at tuluyan ng tumulo ang luha niya.



wag na tayong maglokohan please? Walang patutunguhan to.” singhal ko kay Drei.


but I...I love.. you. Maniwala ka, Mahal kita Ram.” parehas kaming natigilan sa sinabi niyang yun.


sasabihin ko sana sayo nung oras na nakita mo yung picture. Sasabihin ko dapat sayo na para sa akin patay na si Dalisay, pero nung hindi ko naituloy ang sasabihin ko at nung nakita ko na nagiba ang hilatsa ng mukha mo nung sabihin kong patay na si Dalisay, ay di ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko.”

tatlong buwan Drei, tatlong buwan. Bawat araw sa loob ng tatlong buwan na yun sana sinabi mo na sakin yung totoo. Tapos ngayon, kung kailan... kung kailan mahal na kita at handa na akong makipag commit ulit saka ko makakaharap ang asawa mo at malalaman na di pa pala talaga siya patay.”


I tried telling you, believe me...”


I don't know what to believe anymore.” pagkasabi ko noon ay isinara ko na agad ang pinto ng aking kotse at nagpaharurot na palayo sa bahay ni kuya.



Agad kong itinigil sa gitna ng kalye ang aking kotse, mabuti na lang at wala masyadong sasakyan sa kalye, pinindot ko ang hazzard button at tumungo at ipinahinga ang ulo ko sa manibela, napapagod na ako. Kinuwa ko ulit ang isang kaha ng sigarilyo at magsisindi sana ulit ng yosi ng matandaan kong itinapon ko na nga pala ang lighter ko kanina. Binuksan ko ang pinto ng kotse at inilabas ang aking mga paa at itinungkod ang magkabila kong siko dito at itinakip ulit ang aking mga kamay sa aking mukha, inipit ko ang isang stick ng yosi sa pagitan ng aking mga daliri. Naririnig ko ang pagdaan ng mga sasakyan sa aking paligid.


“need a light?” sabi ng isang babae, nakaputi ito, naka uniporme ng pang nurse, medyo pamilyar ito.


“Cha?” pagkukumpirma ko.


“sabi na pamilyar yung kotse mo eh! Bakit naman sa gitna ka nakatigil, bakla?” usisa nito. Luminga linga ako, nasa gitna pa nga ako ng kalye.



“nasiraan ka ba?” tanong ni Cha. Umiling lang ako.


“nakainom ka?”


“konti lang.”


“heartbroken ka?” nangaasar na tanong nito. Matagal bago ako nakasagot.


“hindi ah.”

“asus. Ako pa ang niloko mo. I know a broken hearted fag when I see one, remember I'm the ultimate fag hag.” nangingiting sabi nito sakin. Napatawa naman ako.


“tara nga dun tayo sa may by the bay, iinom natin yan.” aya niya sakin, napa tango na lang ako.


0000oooo0000


“ngayon mo sabihing di ka brokenhearted.” ulok sakin ni Cha nang mapansin niyang naka tatlong baso na agad ako ng vodka sa loob ng limang minuto pa lang naming kararating sa may by the bay. Nginitian ko lang siya.


“Migs is just another guy.” bungad sakin ni Cha.


“this is not about Migs.” matipid kong sagot.


“this is all about Migs.” pagpupumilit ni bruha.


“di kita maintindihan.” tinatamad kong sagot, iniharap ako ni Cha sa kaniya saka ako binigyan ng malutong na sampal.


“AW! What's that for?!” sigaw ko habang hinihimashimas ang pisngi ko at lumingon lingon at nahihiyang ngumiti sa mga tao na nasa paligid namin.


“gumising ka nga! This is all about Migs! Sa kanya nagsimula lahat, tanggapin mo kasi maski yung fact lang na yun! Kaya ka nagiging miserable eh!” nagulat ako sa sinabing ito ni Cha.


“pano ba ang gagawin ko?” nahihiyang tanong ko kay Cha nang maamin ko sa sarili ko na tama ang bruha.


“simple lang. Move on. At kapag nakapagmove on ka na, everything will follow.” sabi ni Cha sabay inom ng inorder niyang Colt 45.


“ha?”


“Are you deaf or just playing stupid?” singhal sakin ni Cha. Sabay buntong hininga.


“ganito lang yan, lahat ng problema ay parang mga hamper ng maruruming damit. Kung hindi ka maglalaba, maiipunan ka, bandang huli, ikaw lang din ang mahihirapan kasi tambak ka na ng labahin. Mababaliw ka sa dami ng hamper. Ganun din sa problema, kung mas pinili mo na i-isang tabi ang unang problema at hindi ito inayos agad, parang labahin lang din na hindi mo nilabhan, maiipunan ka. Think of the first hamper as Migs and the second as Drei. Once you deal with Migs' hamper and got over it, your second hamper will just be a piece of cake for you to handle. O diba? Hindi ka na naipunan ng labahin, natuto ka pa kung pano mapapadali ang paglalaba mo sa pangalawang hamper.” nangingiting sabi ni Cha, di ko naman maiwasang mapahawak sa kwintas sa aking leeg at sa pendant nito.


“Migs is my first hamper, I should deal with it first.” bulong ko sa sarili ko.


“nice pendant.” makahulugan at nangingiting sabi ni Cha. Tumayo ako at yumakap kay Cha.


“thanks.” naibulong ko habang yakap parin ang bruha, ngayon alam ko na kung ano ang gagawin ko.


“kaloka tong baklang to. Ayaw pa ng simpleng “move on”gusto pa yung mas pinahabang explanation!” nangiinsultong sabi ni Cha. Tumayo ako at nagsimula ng maglakad palayo kay Cha.


“oh san ka pupunta?” takang tanong ni Cha.


“maglalaba.” nangingiti kong sagot. Napangiti naman si Cha at pinabayaan na lang akong maglakad palayo.


0000oooo0000


Im standing somewhere near a cliff overlooking the Taal lake, hinahawakan ko ang singsing na nagsisilbing pendant ng aking kwintas, kasabay ng kabog ng dibdib ko ay ang pagbalik ng iba't ibang alaala.


And this one will forever remind me of all the pain, all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its best has to offer.”


Napapikit ako saglit at patuloy na kinakapa ang singsing na hawak hawak ko. At ng maramdaman kong handa na ako ay ibinato ko ito sa bangin, walang nakakita kung saan ito nahulog. “I'm going to deal with these 'hampers' one at a time.” bulong ko sa sarili ko at lihim na napangiti. Alam ko na kung ano ang dapat kong gawin.


0000oooo0000

“Kuya!” sigaw ko sa aking kapatid. May anim na buwan narin simula nung huli kaming magkita, di ko naman mahindian ang imbitasyon sakin ni Dad na pumunta sa dati kong pinagtatarbahuhan. Marami ng nagbago sakin simula nung gabing nakausap ko si Cha, di na ako gabi gabing lumalabas, itinigil ko na din ang pakikipag one night stand at inayos ko na rin ang buhay ko.


“Meron pa akong isang hamper na dapat labhan, kailangan ko na atang maglaba ulit.” bulong ko sa sarili ko nang ayain na akong pumasok ni kuya sa building. Napatawa naman ako sa naisip kong yun. College Dorm Party ang theme ng pagtitipon na iyon, wala ni isa kang makikitang naka corporate attire, akala mo talaga nasa ollege pa ang mga tao dito, and dating sobrang stiff na mga empleyado ngayon ay nakikipag bunong braso, ang iba naman paunahang makaubos ng beer na nakalagay sa isang plastic cup, bawat sulok ay may iba't ibang flag ng iba't ibang universities dito sa Pilipinas, ang mga chichirya ay nakalagay sa mga plastic bowl na nakalagay sa bawat sulok ng opisina malakas ang sounds na ang pinatutugtog ay ang mga in na dance songs ngayon. Nakikipag usap ako kay Janine na dati kong sekretarya ng makita kong dumaan si Drei sa likod nito, napatigil siya saglit ng mapansing nanduon ako. Nginitian ko lang siya.


0000oooo0000


Masyado na akong nahilo sa kapal ng tao at sa beer na sineserve sa drinking station, pumunta muna ako sa may rooftop ng building at nagpahangin, minata ko ang nagtataasang kalapit na building. Rinig parin ang malakas na music galing sa loob ng building.

“musta?” Nagulat ako at napatingin sa aking tagiliran, nakaupo si Drei sa ibabaw ng isang malaking generator.

“'ok lang, ikaw kamusta?”

“still can't get over you.” matipid na sagot nito.

“how's Dalisay?” tanong ko sa kaniya, napatahimik ito saglit.

“You know, you should give your wife a chance, malay mo this time magwork. I can feel that she loves you and sa nakita ko nung nagkita ulit kayo ganun ka rin sa kaniya.” natahimik ulit siya. Humarap ulit ako sa mga naglalakihang building sa paligid nang yakapin ako ni Drei mula sa likod. Humarap ako sa kaniya at ginantihan ang mahigpit niyang yakap, di ko lang siguro maamin sa sarili ko pero namiss ko ang kumag.

“Naaalala mo yung unang date natin? Yung na-late ako ng isang oras at takot na takot kang magisa sa loob ng resto?” tanong sakin ni Drei habang nakayakap parin sa kaniya.

“Our first and last date.” natatawa kong sabi sabay tango.

“dumating ako ng sakto sa oras ng pinagusapan natin, andun lang ako sa labas, nakatitig sayo na parang tanga, naisip ko kung ganong ka swerte ko na finally nahuhulog na ang loob mo sakin. Naisip ko na sobrang swerte ko na may isang gwapo na katulad mo ang matyagang nagiintay sakin. Isang oras kitang tinitigan nun, andun lang ako sa labas, para kang isda na nasa loob ng aquarium, ang sarap mong panuorin. Kahit mukha akong tanga dun at ilang beses ng sinaway ng gwardya di ko parin maiwasang titigan ka at maisip na napaka swerte ko.” nangingiting sabi sakin ni Drei.

“Sana, tulad ng pagiintay mo sakin nuon sa restaurant, maintay mo parin ako ngayon.” pahabol ni Drei, nagulat naman ako sa sinabi niyang yun. “I will just give me and Dalisay a chance.” habol niya.

“can I kiss you?” tanong niya sakin, tumango lang ako bilang sagot. Naglapat ang labi namin matagal, masuyo at puno ng emosyon, di ko napigilan ang sarili ko at tumulo ang luha ko. humiwalay na ako kay Drei at pinahid ang mga luha ko.

“pano kung... pano kung sa pagiintay sayo may nakita akong iba?” tanong ko.

“tatanggapin ko.” malungkot at mahinang sagot ni Drei.

Inabot ko kay Drei ang kamay ko sabay sabing... “friends?” napatitig ulit sakin si Drei at ngumiti.

“Friends.” pagsangayon ni Drei sa alok ko. Pero imbis na tanggapin niya ang kamay ko at makipagkamay ay sinuntok niya ang aking braso, at ngumiti siya ng nakakaloko.


-wakas- 


[Bonus Chapter]
I can't believe that I'm staring at our annulment papers.



“What Drei?! What do you want me to do?! Pinagpalit ko ang karera ko bilang doktor so we can work things out between us! And now you're going to walk away from me?!” nanggagalaiting sigaw sakin ng asawa ko.


It was Ram's idea to give our marriage a chance. A chance to work things out, pero wala na kay Dalisay ang puso ko. matagal na itong hindi tumitibok para sa kaniya. After Dalisay lefft me for the states, everything just felt numb, bumalik lang lahat ng emosyon sakin nung nakilala ko si Ram. Nung magkakilala kami pareho pa kaming may dinadala. Siya, fresh from break up ako naman iniwan ng asawa.


Wala pang isang taon noon nung iwan ako ni Dalisay. Mas pinili niya ang kaniyang kagustuhang maging sikat na Neuro Surgeon sa U.S. Nagpasya akong lumipat ng mapagtatarbahuhan at nagpalipat sa Makati branch ng isang sikat na kumpaniya para narin kahit papano makalimot narin ako sa mga ginawa ni Dalisay sakin.


I was waiting to be admitted at a club nung dumating si Ram. Semi kalbo, maamong mukha, magandang katawan at pamatay na sex appeal. Lahat ng tao napatingin sa kaniya, yung iba madapa dapa pa sa kakatitig sa kaniya. Pati ata mga bouncers ng club hanga sa tindig ng taong ito. At ganun ganun na lamang ay agad siyang nakapasok sa club. Madami ang nagngitngit lalo na yung mga matatagal nang nagiintay.


Nakapasok na kami ng aking mga kasama sa loob ng club at palinga linga akong naglakad lakad sa loob ng club, parang may hinahanap na kung sino, hindi ko naman malaman kung sino. At ng tumama ang mata ko sa lalaking naka white v neck na shirt, black leather jeans at fine kicks from nike, saka ko na realize na ito palang lalaking ito ang kanina ko pa hinahanap.


Ang tagal kong tinignan si Ram sa harapan ko, di ko alam kung napapansin niya ako, basta't masaya siya sa iniinom niyang tequilla, ramdam ko ang lungkot sa bawat lagok at bawat bntong hininga na pinapakawala niya. Tas bigla siyang humarap sakin. Namula ako at parang estatwang nakatayo sa may harapan niya, tinitigan niya ako at nagpakawala ng isang matamlay na ngiti.




Parang bumagal ang buong mundo, bumagal ang galaw ng bawat tao sa dance floor, pati na rin ang likot ng iba't ibang ilaw sa dance floor. Ilang segundo, ilang minuto o ilang oras kaming nagtitigan, di ko na namalayan.


Inabot ko ang aking kamay sa kaniya para magpakilala pero imbis na iabot niya sakin ang kaniyang kamay ay hinila niya ako sa aking braso at dinala sa dance floor. Nagsimula siyang sumayaw at ganun din ako, inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tenga at binulong ang aking pangalan pero bigla siyang humarap sakin at nagtagpo ang aming mga bibig. Wala ni isa sa mga sumasayaw sa dance floor ang naka pansin na may dalawang lalaki na naghahalikan sa kanilang tabi.



that was nice.” bulong sakin ni Ram. Parang may pinindot na button sa aking sistema at biglang nagwala ang kanina pang naghihimutok kong puso. Isang papuri pa lang iyon pero iba na ang dating sakin.



kuwa lang ako ng drinks.” paalam ni Ram sakin. Pero hinawakan ko ang kaniyang braso parang may nagsasabi sakin na dapat ko siyang pigilan. Nagulat ito sa ginawa ko, agad naman akong nagbaba ng tingin dahil sa pagkapahiya sa ginawa ko. Iniangat ni Ram ang aking mukha gamit ang kaniyang kanang kamay. Para kaming kalahok sa larong stop dance, magkaharap lang kami, hawak niya ang aking mukha at nagtititigan lang kami, habang ang mga tao sa paligid namin ay abalang abala sa pagsasayaw at pakikipaghuntahan.


Napa buntong hininga na lang ako ng matapos ko ng basahin ang nilalaman ng divorce papers na dapat ayon sa aking lawer ay basahin ko raw maigi. Kumuwa ako ng isang malamig na beer sa loob ng ref humarap ako sa may verranda ng condo unit ko at ninamnam ang magandang view.



ganda dito ah.” sabi ko kay Ram, habang inihinto niya ang kotse pa harap sa isang bangin na kitang kita ang buong ciudad. Malalim na ang gabi kaya naman kitang kita ang nagkikinangang ilaw ng lungsod.



Lumabas si Ram at umupo sa hood ng kotse, naglabas ako ng beer na binili namin bago pa kami umalis ng bayan. Halatang malalim ang iniisip nito. Nagpasiya akong tabihan siya, pero parang di niya napansin na tumabi ako sa kaniya, tahimik lang kami pareho at parehong nakatingin sa mga nagkikislapang ilaw ng ciudad.




Tinapos niya ang isang bote ng beer at ibinato ito sa pinakamalapit na puno, nararamdaman kong dito niya lang pinoproject ang galit niya, inabot niya ang kaniyang kuwitas at nilaro ito sa kaniyang palad. Tumayo siya bigla sa hood ng kotse. Hinatak niya ang kuwintas at umakmang ibabato ito sa may bangin, nakita kong may mga luha ng tumutulo mula sa kaniyang mga mata. Nagalangan siya at itinago na ang kuwintas sa kaniyang bulsa.


Humarap siya bigla sakin, nagpahid ng luha na parang bata, umupo sa tabi ko at sumandal sa aking balikat. Hindi na siya umimik pa. Mahinang tumutugtog ang radyo sa loob ng sasakyan, patuloy parin ang pagpatak ng luha niya, idinaretso ko na lang ang tingin ko at pinagmasdan ang makikinang na ilaw.


Itinago ko ang aking mukha sa likod ng aking mga kamay matapos buksan ang iPod na nakapatong sa dock nito.



Binuksan ni Ram ang pinto ng kaniyang kwarto, inintay niya akong makapasok saka isinara ito sa aking likod, marahan niya akong isinandal dito at inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Saktong nadampian ng sinag ng ilaw sa labas ang mukha ni Ram, kitang kita ko ang kaniyang naniningkit na mata, matangos na ilong kayumanggi at pantay na kutis sa mukha at manipis na bigote at balbas.



he's perfect.” sabi ng aking isip.


Kasabay nito ay napansin kong may lungkot sa kaniyang mga mata. Parang lagi siyang maiiyak. Tahimik lang kami pareho, pareho lang din kaming nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Hanggang nagsimula ng lumapit ang kaniyang labi sa aking mga labi, hindi mapakali ang aking puso sa loob ng aking dibdib, parang paulit ulit itong kinukueyente at sa bawat dampi ng kuyente dito ay mas bumibilis ang tibok nito.


Sinimulan na niyang tanggalin ang aking t-shirt, saglit na tumigil ang aming paghahalikan, kala mo kami parehong tumakbo sa 50km run for a cause, dahil sa bilis ng aming paghinga, napansin kong lalong namula ang kaniyang mga labi. Napansin niya marahil na naka titig lamang ako sa kaniyang mga labi kaya't nagpamalas siya ng isang pamatay na ngiti. Marami na akong nakitang ganoong ngiti, “Crooked smile” ang tawag ng mga babae dito. Pero iba ang kay Ram, walang halong pilit ang kaniya, hindi niya iyon ginagawa para magpa cute lamang. Natural na ito sa kaniya. Lalo namang kumabog ang dibdib ko sa ginawa niyang yon.



Sinimulan niya ulit akong halikan, maalab, mapusok puno ng emosyon. Parang gusto ko ng matunaw noong panahon na iyon. Wala pang humalik saakin ng ganoon. Maski ang asawa ko.



Asawa ko!” sigaw ng isang bahagi ng aking isipan, bahagya kong naitulak si Ram.



What's the matter sweetie?” mahinang bulong sakin ni Ram saka sabay na dinilaan ang lambi ng aking tenga.



Hinubad na ni Ram ang kaniyang pang itaas at bahagya akong napahiya sa ganda ng kaniyang katawan. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniyang katawan ay itinaas niya ang aking mukha at pinaharap ako sa kaniya. Muli ko nanamang nasilayan ang kaniyang “crooked smile”. Ako naman ngayon ang hindi nakapagpigil at sinibasib na siya ng halik.


Agad niyang ibinaba ang kaniyang halik papunta sa aking leeg sunod naman sa aking dibdib, inakay ko siya pabalik at muling nagtama ang aming mga labi.



Tumapat ako sa ilalim ng maligamgam na tubig mula sa shower head, di parin ako makapaniwala na hahantong ang lahat ng ito sa ganito.



“Annulment.” bulong ko sa sarili ko.



Tumutugtog parin ang iPod sa dock nito ng matapos akong maligo, nagsuot ako ng isang damit na normal ko ng sinusuot tuwing papasok ako. Kinuwa ko ang susi ng bahay pati ng aking kotse, katabi nito ang susi ng Ducati na pinahiram sakin ng aking kapatid. Imbis na susi ng aking sasakyan ang kuwanin ay ito ang aking dinampot. Nagpalit ako ng damit, isang long sleeve na kulay pink ang aking pinalit. Palabas ng condo ko ay dinampot ko ang helmet at nagtungo na sa parking area.



Mahilig din pala sa mabibilis si mokong! Ayos makukuwa ko na ang loob niya.” bulong ko sa sarili ko habang nakaangkas kay Ram patungo sa napili kong lugar kung saan kami maglulunch. Di ko mapigilang yapusin si Ram habang nagmamaneho ito. Hinayaan niya lang ako.





Para kaming nakaupo sa isang hapagkainan, ang pinagkaiba lang ay hindi pagkain ang nakahain sa harapan namin ni Dalisay kundi tambak ng papeles tungkol sa aming paghihiwalay. Binabasa ng abogado lahat mga kundisyon at kung ano ano pang bagay na hindi ko naman maintindihan, habang sa tapat ko ay ang aking asawa na si Dalisay. Di ko ito matignan, alam ko by now mamasa masa na ngayon ang kaniyang mga mata. Para makatakas mula sa nalalapit na emotional breakdown ni Dalisay ay inikot ko ang aking upuan paharap sa bintana ng conference room na iyon sa loob ng lawfirm na pinuntahan ko para ayusin ang paghihiwalay namin.



Minulat ko ang aking mata. “Isang napakagandang gabi.” bulong ko sa sarili ko kasabay nito ang pagadjust ng mga mata ko sa liwanag noong umagang iyon. Saglit akong napayuko at lihim na napangiti. “may nangyari ulit samin.” bulong ko nanaman sa sarili ko. Bigla akong napatayo sa aking higaan ng makarinig ng isang ingay. Parang isang salamin na nabasag.



Agad kong dinampot ang isang T-shirt at lumabas sa may salas ng aking unit, nakita ko doon ang wedding picture namin ni Dalisay, nasa sahig ito at nabasag. Saktong nakita ko si Ram na palabas ng pinto.



Sinubukan ko siyang pigilan, isinara na niya ang pinto ng taxi, parang nagdadalawang isip pa ang driver kung papaandarin na niya ang kanyang sasakyan. Muli akong napatingin kay Ram. Mamasamasa ang paligid ng kaniyang mata. Kitang kita ko ang itsura ng isang taong trinaydor.



Kahit kailan di ko makakalimutan ang itsurang iyon.




Nabasag ang aking pagmumunimuni ng isang hikbi, hikbi na galing kay Dalisay. Nakatalikod parin ako sa kaniya at nakaharap parin sa bintana, tinanaw ang naglalakihang gusali sa tabi ng gusali na kinabibilangan namin.



“Please, Drei.” mahinang sabi ni Dalisay. Panandaliang tumigil ang abogado sa kaniyang pagbabasa at paglilitanya. Pero di ako umimik, tanging mga hikbi lang ni Dalisay ang maririnig sa buong kwarto. Nagsimula ulit magsalita ang abogado.



“Drei!” sigaw ni Dalisay. Natigilan ang abogado sa ginawang pagtawag na yun ni Dalisay sa aking atensyon.



“I'll leave you guys alone for a minute to settle all of this first.” naeskandalong pahayag ng abugado at lumabas saglit ng kwarto. Sa Bintana parin ako nakaharap nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Dalisay at lumuhod malapit sa aking kanang paa.



I tried telling you, believe me...” maang sabi ko kay Ram para mapigilan siya sa paglayo sakin



I don't know what to believe anymore.” matipid niyang sagot. Pinaharurot na niya ang sasakyan, sinubukan ko itong habulin pero masyado itong mabilis magpatakbo. Napaluhod na lamang ako sa gitna ng kalye itinakip ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha at wala nang nagawa kundi umiyak at paulit ulit na sabihn ang pangalan ni Ram.



Inakay ko patayo si Dalisay at iniangat ang mukha nito paharap sakin, pinahid ko ng aking kamay ang kaniyang mga luha. Nagpakawala ako ng isang matamlay na ngiti dito.



“give us another chance. Please, Drei.” bulong sakin ni Dalisay sabay nito ang pagyakap niya sakin.



“I already gave us a chance, Dalisay. Wala na saiyo ang pagmamahal ko, alam kong nararamdaman mo iyan. Di na tayo tulad ng dati. Sinubukan kong ipilit pero hanggang dito na lang talaga eh. Magiging unfair lang ako sayo kung ipipilit pa natin ang hindi na dapat.” mahinahon kong sabi kay Dalisay sabay hinalikan ang noo niya.



“I'm so...” paghingi ko sana ng paumanhin pero bigla kong naalala si Ram.



I'm really getting tired of that word.”



Mahigpit na yumakap sakin si Dalisay.



Mabilis kong pinaharurot ang sinasakyan kong motor papunta sa bahay ng kua ni Ram. May isang taon narin ang nakalipas simula nung huli kaming nagkita. Ngayon ipaglalaban ko na si Ram, pwede na akming magsama.



“Drei!” gulat na bati sakin ng kuya ni Ram.



“gusto ko sanang malaman kung san na ngayon si Ram.” panimula ko, halatang nagulat siya sa gusto kong mangyari. Nagtaas ito ng isang kilay saka medyo nagalangan.




“saglit lang kukuwa lang ako ng papel.” matipid na sagot nito.



Masaya akong naghihintay sa labas ng isang gusali sa Ortigas. Nakasandal ako sa malaking motor ng aking kapatid at mayabang na dinisplay ito. Nagsimula ng maglabasan ang mga tao sa kani kanilang opisina. Tumingala ako at tinignan kung gaano katayog ang gusali na asa harapan ko.



Mula sa aking kinauupuan ay kitang kita ang kabuuan ng buwan. Parang ilang milya lang ang lapit nito sakin, maliwanag na maliwanag ito, pero nasasapawan ito ng nagkikinangang ilaw ng mga nakapalibot na gusali. Mula rin sa aking kinauupuan ay maririnig ang lakas ng sounds mula sa party ng aming opisina sa baba. Dorm party ang theme kaya naman ang ilan sa mga nagtatandaang parte ng opisina ay masaya na muli nilang nararanasan ang pagiging kolehiyala at pagiging konyo.



Kung anong saya nila ay siya namang lungkot ko. Nakita ko kanina si Ram. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nung umalis siya matapos malaman ang tungkol samin ni Dalisay at sa pagsisinungaling ko tungkol sa pagkamatay nito. Gusto ko man siyang kausapin ay talagang di ko magawa sa sobrang hiya. Sinong di mahihiya? Trinaydor ko siya. Nagsinungaling ako sa kaniya. Sinaktan ko siya.


Biglang bumukas ang pinto patungo sa rooftop na kinalalagyan ko, nagbuntong hininga si Ram. Nakita ko muli ang kaniyang maamong mukha.



Biglang bumagal ang oras nang makita ko ang aking iniintay na lumabas sa pinto ng gusaling kanina ko pa minamanmanan. Nagtama ang aming mga mata. Nagpakawala nanaman siya ng isang ngiti. Ang ngiting gustong gusto ko sa kaniya. Lumapit siya sakin at sinalubong ko naman siya. Ilang minuto lang kaming nagtititigan pero parang isang buong taon na yun.



“Ram?” tanong ng isang lalaki sa likod niya.



“Martin, this is Drei an old friend. Drei, this is Martin my boyfriend.” nagulat ako sa sinabi niyang yun, inabot ni Martin ang aking kamay at nakipag shake hands ito sakin.



“Nice meeting you.” naibulalas ko sa kabila ng sobrang sakit na aking nararamdaman. Pansamantalang lumayo si Martin, marahil ay para kumuwa ng masasakyan nila ni Ram.



“musta?” panimula nito sakin.


“ok lang. Annuled na” matipid kong sagot.


“Mart's a good guy.”


“I can see that.” nagpakawala ako ng isang malungkot na ngiti.


“Ram.” aya ni Marti kay ram nang maka tyempo ito ng isang taxi, panadaliang sumenyas si Ram na magintay at humarap ulit ito sakin.


“Do you love him?” mahina kong tanong.


“Yes.” matipid na sagot ni Ram. Tumalikod na ako at isinuot ang Helmet.


“Drei.” tawag ni Ram pero di na ako kumibo pa.


“see you around Ram.” matamlay kong sabi at pinaharurot na ang Ducati, tinignan ko ang side mirror at nakita ang malungkot na habol tingin sakin ni Ram.


Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.



-WAKAS-

No comments:

Post a Comment