By:
Jubal Leon Saltshaker
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[01]
SONGS WE USED TO SING
akda ni Jubal Leon Saltshaker
One
“Oh – once in your
life you find someone.
Who will turn your
world around.
Bring you up when
you’re feeling down.”
-Bryan Adams
"May
naadmit pala tayo kaninang madaling araw...lalake'."
"Nasaan
na po mam'?"
"Nasa
RM203. Sayo ko na lang in-endorse para lahat kayo tatlo ang hawak...madami ang
na-discharge kaninang umaga..."
"Sige
po mam'...salamat. Mamaya po pupuntahan ko agad pagkabasa ko sa chart
nya..."
MALIBAN
pa sa dalawang hawak ko', pangatlo ang naadmit kanina.
Ayon
sa chart nang bago kong kliyente, Construction Worker daw ito at dalawampu’t
anim na taong gulang. Wala pa ring dumadalaw dito kwento rin nang mga kasamahan
kong Nurse. Base din sa Interview na ginawa sa kanya, ay magsolo lamang daw
itong naninirahan dito sa Manila. Isinugod sya nang mga kasamahan sa trabaho
matapos na mabagsakan nang pader ang kanang binti nito habang natutulog.
Hindi
naman nabali ang kanyang buto ngunit dahil sa pressure, namaga ito at nagtamo
nang ilang mabababaw na sugat. Nang sapitin ko ang kanyang kwarto ay
dahan-dahan ko itong binuksan na tahimik naman akong sinalubong nang
kapaligiran. Dalawa ang kama sa silid at sapat lamang sa sampung katao ang
buong lugar kaya’t may kaliitan. Agad kong namataang natutulog ang pasyente sa
kaliwang kama katabi ang bintana samantalang bakante naman ang higaang katabi
nito. Lumapit ako nang bahagya upang masiguro kung natutulog nga ito.
Pinagmasdan ko ang army-cut na style nang kanyang buhok at agad ko ding
napansin ang nunal nito sa mukha na nasa pagitan nang kanyang ilong
at
labi. Na kung hindi mo titingnang mabuti ay hindi mo talaga mapapansin.
Bago
pa man ako magtagal sa kwarto ay pinasya ko na ding agad na umalis at bumalik
na lamang mamaya upang hindi ko rin ito maistorbo. Nang akma naman akong
tumalikod ay bigla naman itong nagsalita upang kunin ang aking atensyon.
"Dok'.."
Mahina
nitong sinambit na bago pa lamang iminumulat ang mga mata.
"Magandang
umaga."
Bigla
pa akong kinabahan dahil sa hindi ko talaga sigurado kung nahuli nya akong
nakatingin sa kanya kanina. Pumasok din sa aking isipan kung bakit ko ba ginawa
iyon.
"Hindi
po ako Doktor. Nars po ako Sir’."
Tugon
ko sa kanyang nang nakangiti.
At
dito ay muli na akong lumapit.
"Pasensya
na po Dok-..."
Bigla
itong natigilan at matapos ay bahagyang natawa.
Kinamusta
kong agad ang kanyang paa. Bagay na araw-araw kong ginagawa sa aming mga
kliyente. Kliyente, dahil bilang isang Nurse ay obligasyon naming sila ay
pagsilbihan at ang pagtawag sa kanila nang salitang pasyente ay hindi magandang
pakinggan.
Iniangat
nitong bigla ang kanyang katawan at hindi ko sya dito natulungan. Matapos nito
ay patuloy na syang nagsalita. Namamaga pa daw ang kanyang paa at sa tuwing
madadampian ito nang kahit na tela, ay agad na sumasakit. Bagamat kasama sa
aking trabaho ang sya ay usisain ay hindi na ako masyadong nagtanong pa dahil
sya na mismo ang patuloy na nagsasalita na pabor din naman sa akin. Nabanggit
din nito na lumuwas daw sya nang Maynila upang maghanap nang trabaho. Magsolo
lamang daw sya at nasa probinsya ang kanyang buong pamilya. Habang patuloy sa
pagsasalita ay sya namang dating nang kanyang pananghalian mula sa dietary.
Tinulungan
kong ihain ang mga pagkaing dumating habang patuloy pa din ito sa pagkekwento.
Sa tuwing di ko sinasadyang matingnan ang kanyang mukha ay mabuti nya naman
akong tinititigan, talo din naman ako sapagkat mabilis ko ding iniiwas ang
aking mga tingin. Maaliwalas ang kanyang mukha at halata ditong masayahin
talaga syang tao.
"Nakakahiya
naman po...kumakain ako at kayo'y hindi..."
Sambit
nito habang nakangiti pa rin sa akin. Nang Makita kong muli ang kanyang mukha
ay bigla ko namang napansin ang isang butil nang kanin sa taas nang kanyang mga
labi.
"Okay
lang yun...huwag mo na pati akong po-in. Mas matanda ka pa sa akin. Twenty-five
ako..."
Ngisi
ko dito.
"Ah..ganun
po ba?"
Sagot
nya sa akin.
Bago
ko pa malimutan ay ipinainom ko na dito ang dala kong mga gamot, nakakain na
din naman sya at tamang oras na din naman upang ito ay kanyang inumin. Nang
kinuha nito mula sa akin ang unang gamot at akma ng iinom nang tubig ay bigla
ko itong pinigilan.
"Wait
lang..."
Hindi
ko naman napigilan at hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa. Kinuha ko
ang butil nang kanin sa kanyang bibig at mabilis na inilagay ito sa tray nang
kanyang kinainan.
"Ah'..."
Sambit
nya matapos ko itong gawin at…
"Salamat
po.."
Dagdag
pa nito.
Tumango
naman ako at sinabing tutuloy na ako at babalik na lamang ulit.
Nang
makatalikod na ako ay tinawag na naman ako nitong muli.
"Nars
Sir...ano nga po ulit ang pangalan nyo?..."
"Ulit?...hindi
ko pa sinasabi ah’...hehe’. Angelo..."
Sambit
ko.
"Viktor
no?..."
Pahabol
ko dito.
Tumango
lamang ito sa akin.
"O'
nga pala...huwag mo nang inumin yang softdrinks na yan ha..."
Turo
ko sa bote nang Royal sa na nasa ibaba nang kanyang kama.
"Ah'...okay
po. Kasi yung nanay ko po yan ang pinaiinom sa amin kapag may lagnat kaming
mag-kakapatid...at pinakakain din kami nang Skyflakes..."
Paliwanag
nya sa akin.
"Haha!"
Hindi
ko napigilang matawa sa kanyang mga sinabi dahil noong bata ako ay biktima din
kami nang ganyang paniniwala.
"At
isa pa, wala ka namang lagnat..."
Dagdag
ko.
"Minsan
nga po e' kung sino ang may sakit e kinaiinggitan namin. Kasi sya ang may extra
pagkain...hehe...hindi pala maganda yun..."
Pinangangambahan
kong patuloy syang magkukwento ngunit hindi na nito dinagdagan pa ang kanyang
mga sinabi. Nagpatuloy na akong dumiretso patungo sa pintuan at hindi ko na
ginawa pang lumingon dahil ayoko din namang makita nya akong naka-ngiti. Nang
maisara ko na ang pinto at masimulan ko nang mag-lakad paalis sa lugar ay
kasalubong ko naman ang apat na kalalakihan na sigurado akong patungo sa
kwartong aking nilabasan. Tila mga kasamahan nya sa trabaho dahil sa tipo nang
kanilang kasuotan.
Nang
mapatingin ako sa orasan, napansin kong mahigit thirty minutes din pala
akong
nagtagal sa loob nang hindi ko namamalayan.
Hindi
ko alam kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa akin, ngunit nasisiguro kong
isa yung pakiramdam nang isang taong kinakabahan habang sya ay natutuwa.
ITUTULOY...
[02]
SONGS WE USED TO SING : ALL I WANT
Two
“And it won't
matter now.
Whatever happens to
me.
Though the air
speaks of all we'll never be
It won't trouble
me.”
-Toad The Wet
Sprocket
AKO
nga pala si Angelo. Marion Angelo Ebenezer Alcantara.
Oo',
ganyan kahaba ang pangalan ko. Galing sa lola ko, paboritong author nang aking
ama at nakuha naman ni mama sa isang diksyonaryo nang mga pangalan.
Pero
Angelo lamang ang palaging itinatawag sa akin, sa bahay man o sa aking trabaho.
Limang taon na akong staff nurse sa isang pampublikong ospital na bagamat hindi
ganoon kalaki ang sahod ay ayos din naman sa dala nitong mga benipisyo.
Nagkaroon
nang dalawang girlfriend na taon din naman ang itinagal ngunit hindi ko lang
talaga alam ang dahilan kung bakit ngayon ay hindi ko na sila kasama. Iyong una
ay ipinagpalit ako sa kanyang first love samantalng ang isa naman ay "It's
all about me, not you" ang dahilan. Sa mga panahong kasama ko sila, nagawa
ko namang ibigay ang lahat nang aking makakaya lalo na ang oras ko sa mga ito.
Ngunit ganoon lamang talaga siguro kapag hindi talaga para sa isat-isa, wala
kang magagawa. Pero naniniwala pa rin akong ang lahat nang ito ay nangyayari
dahil sa kanilang kagustuhan at sa kanilang mga desisyon na kanilang
isinakatuparan.
Hindi
ko alam kung dapat ko bang ilahad ang lahat nang aking nararamdam,
(dahil
sa hindi naman talaga ako palakwento, maliban na lang kung ako'y tanungin)
ngunit hindi ko mapigilan na hindi tumugon.
Dalawang
araw na ang nakalipas nang ma-admit dito si Viktor. John Viktor Andres ang
kanyang buong pangalan. Aaminin kong hindi ko alam ang gagawin sa tuwing
papasok ako sa kanyang kwarto. Bagamat may mga bagay na kailangan ko talagang
isakatuparan gaya nang pagpapainom nang gamot at pagkuha nang kanyang vital
signs ay nakikita ko'ng madalas na balisa ang aking sarili sa mga araw na
nakalipas. Mabuti na lamang at makwento ito, na ang tanging gagawin ko na
lamang ay ang makinig. Nabiyayaan sya nang mahaba at kulot na pilik-mata, kaya
ang pag-iwas na sya ay tingnan ang isa sa mga bagay na hirap kong gawin sa
tuwing nasa loob ako nang kanyang kwarto. Ang mga mata nito na tila ba walang
kulay puti na lalo pang nawawala sa tuwing sya ay tumatawa (na madalas nyang
gawin) at halos nagmumukhang guhit na lamang ang mga ito sa kanyang bilugang
mukha.
Malaki
ang kanyang pangangatawan (na siguro ay dahil sa tipo nang kanyang trabaho)
ngunit may mga oras na umaasta syang parang bata na sa tuwing may makikitang kakaiba
sa kanyang paligid ay ngingiti ito at mamamangha.
Madalas
nyang ikwento sa akin ang buhay nya sa kanilang probinsya.
Panganay
daw sya sa pitong magkakapatid kaya sya lamang ang inaasahan nang kanyang mga
magulang. Kaya sobra nyang ikinalulungkot (kahit hindi halata) ang sinapit
niyang aksidente. Madalas nya rin'g itanong sa akin kung magkano na ba ang
kanyang babayaran sa kanyang pamamalagi dito sa ospital. At dahil hindi ko
naman alam ang sagot sa kanyang katanungan ay sinasabi ko na lamang sa kanyang
huwag na itong alalahanin at intindihin na lang ang kanyang paggaling. Isa pa,
sigurado naman akong tutulungan sya nang kompanyang kanyang pinapasukan sa
kanyang mga gastusin.
Ikaapat
na araw na nito nang tanungin nya ako kung pwede ko daw bang sulatan o pirmahan
ang cast sa kanyang binti. Tinanggihan ko ito dahil naisip kong magdadala
lamang ito nang suspetsya sa aking mga kasamahan at kahit hindi ko sa kanya
sinabi ay naisipan ko din'g huwag nang dalasan ang pagbisita sa kanya kung
hindi naman talaga kinakailangan. Nang sumapit na ang hapon sa araw na iyon at
nang magpainom na ako nang gamot sa kanya ay inabutan ako nang mga kasamahan
nito sa trabaho. May dala ang mga itong pasalubong para sa kanya na hindi ko
naman malaman kung bakit ko ikinatutuwa.
Tumango
ako sa mga kasamahan nito upang ipahayag na lalabas na ako at magalang din
namang ngumiti ang mga ito sa akin. Nang hawakan ko na ang door knob nang pinto
ay tinawag ako ni Viktor.
"Sir
Angelo. Kain ka po..."
“Ay
oo nga po dok'..."
Alok
din nang iba pa.
"Sige..."
Ang
tangi ko lamang naisagot at tuluyan nang lumabas.
Nang
maisara ko na nang mabuti ang pinto, narinig ko na lamang ang boses nyang
magiliw na nagkukwento.
"Baka
bukas mga pare ay maka-uwi na ako..."
At
patuloy na akong naglakad palayo.
Hindi
ko alam kung bakit ako kinabahan matapos itong marinig ngunit alam kong ang
isang dahilan nito ay dahil day-off ko bukas.
Bago
ako mag-out nung gabi ay huli ko syang binisita sa lahat bago ako umuwi.
Nakita
kong mayroon nang mga pirma ang kanyang paa na marahil ay nagmula sa kanyang
mga kasamahan.
"Yan
po sir, pwede ka nang maka-pirma...madami na sila..."
Sambit
nya sa akin nang naka-ngiti habang iginagalaw-galaw pa ang parteng ito nang
kanyang katawan. Bago ako magpaalam ay nag-pasama pa ito sa akin sa comfort
room sa loob nang kanilang kwarto. Bagamat kaya nya na daw ang tumayo, ay
inalalayan ko pa rin sya papunta dito. Inantay na lamang sa labas at sinabihang
tumawag lamang kung mayroon syang kailangan. Maliban sa tunog nang tubig mula
sa gripo na tumatama sa loob nang drum, inakala ko nung una na umiiyak ito kaya
kinatok ko syang agad. Saglit pa ay lumabas na ito at bago pa man mag-ingay ang
katahimikan sa aking hindi pag-sasalita ay nagpaalam na ako sa kanya. Tiningnan
nya lamang ako mula sa kanyang pagkakaupo sa kama. Noong una ay inakala kong
bigla syang iiyak dahil nakita ko'ng nagsisimulang kumislap ang kanyang mga
mata. Ngunit bago pa man pumatak ang inaakala kong luha ay bigla na lamang
syang ngumiti. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang mga oras na
iyon.Ngunit lumuha pala ako nang hindi ko namamalayan. Malamang ay luha iyon
mula sa sobrang saya na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Nang
mapansin nyang ako ay lumuha, bahagya syang napalapit sa akin at agad na
pinunasan ang aking mukha gamit ang kanyang kaliwang kamay.
Hinayaan
ko lamang ito at maya-maya pa ay bigla nyang kinuha ang aking mga kamay at
mahigpit itong hinawakan. Pinagmasdan nya ito nang mabuti at walang ni isa man
sa amin ang nagsalita. Hanggang sa basagin ko ang katahimikan at sinimulang
magsalita.
"Kailangan
ko nang umuwi."
Tanghali
na nang ako ay magising at mabilis akong nag-ayos matapos kong idilat ang aking
mga mata. Nagmamadali ako sa isang bagay na hindi ko sigurado kung ano. Sa
tuwing day-off ko ay sa bahay lang ako nag-papalipas nang oras o madalas ay
buong araw na natutulog upang makabawi sa pagod sa trabaho. Bihira din naman
akong mamasyal dahil ayokong gawin ito nang mag-isa.
Agad
akong pumunta sa ospital at agad na nag-tungo sa aming station.
At
dahil sa hindi ako naka-duty ay magmasid at makipag-kwentuhan na lamang sa
aking mga katrabaho ang aking magagawa. Sa mga oras na iyon ay gusto kong
tanungin o tingan ang chart ni Viktor ngunit hindi ko ito kayang gawin.
Pinipigilan
ko ang aking sarili at gusto ko din'g puntahan ang kanyang kwarto na ilang
lakad lamang ang layo mula sa aming station.
Maya-maya
pa ay lumabas ang isang nurse na aking kaibigan sa kwarto ni Viktor at nang
makita ako nito, malayo pa lamang ay batid ko na ang kanyang mga ngiti.
"Aba,
aba, aba...ano'ng ginagawa mo dito?..."
Tanong
sa akin ni Bernadette.
Na
isa sa itinuturing kong mabuting kaibigan at hindi lang kasama sa aking
trabaho.
Si
Bernadette na walang kwentong hindi naka-lagpas sa kanyang pansin. Ewan ko na
nga lang sa mga usapan pagdating sa akin.
"Eto',
pinapanuod ang mga toxic..."
Pinilit
kong tumawa, kahit na hindi talaga ako mapakali. Gusto ko ding
tingnan
ang hawak nitong chart kung bago ba ito o yung kahapon pa din.
"Sira
ka talaga ...ay teka...may pinabibigay pala sayo yung alaga mo..."
Nakukuha
ko naman ang respeto’ng inaasahan ko sa lahat nang aking katrabaho, maliban kay
Bernadette na lahat ay nasasabi sa akin nang harapan na dala na din siguro nang
aming matagal na pagkakaibigan. Wala nga lang akong ideya kung ang bagay na
pinaka-tatago ay kanya ding nalalaman. Nang marinig kong sinabi nya ito,
pakiramdam ko'y bigla akong pinana sa dibdib sa pagkaka-alam na wala na nga sya
dito at sa kung anong bagay ang kanyang iniwan. Nakita ko'ng kinuha ni
Bernadette ang isang maliit na kahon mula sa maliit naming refrigirator at agad
nya itong iniabot sa akin.
"O'
yan...galing yan sa pasyente mo...mamigay ka ha'...haha...pasalamat ka at di ko
pinag-tangkaang kainin...".
"Haha...ikaw
talaga...".
Napansin
ko ang kahon at nakita ko dito ang pangalan nang aking kliyente.
Ang
isa sa dalawang babaeng aking inalagaan na na-discharge na noon pang isang
araw.
"O'
napadaan lang ako, alis na din ako...hmm.. Gusto mo?..."
Sambit
ko dito.
At
inalok ko sa kanilang lahat ang tsokolate.
Nalungkot
ako sa pag-kakaalam na iyon na marahil ang huli naming pagkikita. Bagamat
pinilit kong maging masaya, tingin kong hindi ko naman ito lubusang naitago.
Kaya agad na din akong nag-paalam sa kanila upang maka-alis. Nang papalapit na
ako sa elevator upang makababa, narinig kong muli ang boses ni Bernadette na
tumatawag sa aking pangalan. Nang lumingon ako dito, nakita kong may hawak na
naman itong kahon at sumesenyas sa akin na upang lumapit.
Itutuloy...
[03]
SONGS WE USED TO SING : MORE THAN WORDS
Three
“Now I've tried to
talk to you and make you understand.
All you have to do
is close your eyes
and just reach out
your hands and touch me.
Hold me close dont
ever let me go.”
-Extreme
MATAPOS
ko'ng dumaan sa hospital (na inaasahang makikita ko'ng muli si Viktor o kaya
naman ay hindi pa ito lalabas) ay nagpagupit ako nang buhok. Ang mala-bao kong
buhok ay pinaiklian ko hanggang sa halos hindi ko na ito mahila ngunit hindi
naman ito nalalapit sa army-cut, ni Viktor.
Namili
din ako nang ilang libro nang mapadaan ako sa isang bookstore at bagamat tambak
na ang libro sa aking kwarto ay hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa
ang mga librong ito ay ang mga kopyang matagal ko nang hinahanap. Sa paghahanap
ko nang mga babasahin, nakita ko ang isang libro na umagaw sa aking atensyon.
Noong una ay nag-dadalawang isip ako kung bibilhin ko ba ito, ngunit di naglaon
matapos kong basahin ang buod sa likod ay
isinama
ko na din ito sa aking babayaran. Tungkol ito sa isang lalaki'ng iniwan ang
kanyang asawa upang bumalik sa kanyang unang pag-ibig.
Tinago
ko ito pauwi upang hindi makita nang kapatid kong babae na isang beses isang
linggo ay pumupunta sa aking kwarto upang humiram nang mababasa.
Hindi
ko muna binuksan ang kahon'g binigay sa akin ni Bernadette na iniwan daw ni
Viktor nang umalis ito noong tanghali. Mula pa lamang sa lalagyan at sa
nakasulat, kahon ito nang hopia'ng baboy at isinulat nya sa takip ang aking
pangalan. Sa baba nito nakalagay ang "Salamat po'Sir. Viktor."
Hindi
naman ako nasasabik sa laman nang kahon ngunit ang pinaka-inaasahan ko na
lamang ay ang ibang laman. Pinagmasdan ko nang mabuti ang kahon nang hindi ko
ito binubuksan at maya-maya pa ay tinanggal ko na ang takip nito upang silipin.
Gaya nang inaasahan ko, isang dosenang hopia'ng baboy lamang ang laman nito at
wala nang iba pa (Ano pa ba ang gusto ko'ng matanggap maliban sa nakasulat sa
kahon). Kumuha ako nang isang piraso at agad ko itong kinain. Habang nginunguya
ko ang hopia ay nakaramdam ako nang pag-kahinayang, matamis ang hopia ngunit
mapait ang aking pakiramdam.
At
sa bawat nguya'ng aking ginagawa ay napapabuntong hininga na lamang ako.
Tinangka
ko nang takpan ang kahon nang maibaligtad ko ang kartong takip nito. At dito ay
nabasa ko ang isang adress na isinulat gaya nang pagkakasulat sa aking pangalan
sa labas. Noong una ay naisip ko'ng baka ito ang adress nang kompanya'ng gumawa
nang tinapay ngunit iba ang nasa isip ko at iyon ang higit ko'ng inaasahan.
Lumabas ako nang aking kwarto upang ibahagi ang mga hopia sa aking kapatid at
ang takip naman ay naiwan sa aking higaan.
Sabado
nang umaga matapos ako'ng mag-jogging sa Cultural Center nang maisipan ko'ng
puntahan ang adress na ibinigay sa akin
ni Viktor. Hindi ko malaman kung tama ba ang aking gagawin dahil hindi din
naman ako sigurado sa naghihintay sa akin doon.
Pasado
alas-onse na nang marating ko ang lugar.
Itinuro
sa akin nang isang tindera sa isang sari-sari store na adress nang isang
construction site ang aking hinahanap.
Nang
marating ko ang sinasabing lugar, napalilibutan ang lugar nito nang yero'ng
pininturahan nang kulay puti at tanaw ko lamang mula sa itaas nang mga ito ang
higanteng kalansay nang ginagawang gusali. Binalak ko'ng ikutin ang palibot
nang pader na yero upang hanapin kung saan ang papasok sa loob nito, bagamat
naisip ko naman din'g hindi ako makakapasok sa loob nito dahil sa delikado.
Mga
ilang metro mula sa pader na kaharap ko nang lumabas ang isa sa mga trabahador
nang gusali at matapos na makita kung saan sila lumalabas ay
agad
ko itong (patakbo'ng) nilapitan.
"Ah'
magandang tanghali po...".
"Ay'
ano po yun?".
Tugon
nang lalaki habang tinatanggal nito ang helmet sa ulo.
"May
hinahanap kasi akong tao mula dyan sa site nyo...baka sana matulungan mo
ako..."
"Sige
ho'...ano ho ba'ng ngalan nya?..."
"Viktor...John
Viktor Andres.."
"W-wala
po akong matandaan na may ganyang ngalan sa mga kasama ko e'...kasi po
araw-araw ay mayroong umaalis sa amin dahil sa naaayos
o
natatapos na ang trabaho nila at hindi na kailangan...at sobrang dae po namin
dito...pasensya ka na ho..." Paglalahad nito.
Hindi
ko naitago ang pagkadismaya at halata sa akin na ayaw ko nang marinig pa ang
mga susunod nyang sasabihin.
"O-okay
lang...sige' salamat ha...".
Tugon ko kahit na kabaligtaran ang ibig ko'ng
sabihin.
"Teka'...may
problema ho' ba?..." Pagtatanong nito.
"Ah'...wala
naman, kaibigan ko kasi sya at may naka-pagsabing dito sya
nagtatrabaho..." Matapos magsalita ay nagsimula na akong maglakad paalis
at hindi na ako lumingon pa.
Binalak
ko'ng tumakbo ngunit sa pagod ay hindi ko na rin ginawa pa. Ilang metro na ang
layo ko mula sa lugar nang may tumawag sa aking pangalan.
Noong
una ay hindi ako sigurado ngunit habang papalapit ang boses ay unti-unting
lumilinaw ang pangalan ko habang ito ay binabanggit.
Sa
sigurado'ng pagkakataon ay nilingon ko ito at nakita ko'ng humihingal si Viktor
nang naka-ngiti sa aking harapan. Hindi muna ito nagsalita at lumingon nang
sandali sa mga kasamahan nitong
nakatingin
sa amin.
"Mga
kasama!, sige mauna na kayo sa karinderia...susunod ako!...si Dok Angelo
to'..."
Kumaway
naman mula sa akin ang mga kasamahan nito, ang iba ay sumaludo pa at
nag-patuloy na rin'g lumakad palayo. Doon ko din napansin na mukhang tanghalian
na nilang lahat dahil sa naglalabasan na ang ibang trabahador nang gusali.
Humarap
na sa aking muli si Viktor at...
"Ang
tagal po kitang hinintay...apat na araw?..."
Tumango
ako dito at ngumiti. Sinabihan ko kung okay lang ba na kumain kami nang sabay
nang tanghalian na kahit ako'y nagugulat sa aking mga sinasabi.
Magiliw
naman syang sumangayon at sinabi nyang ililibre nya daw ako dahil kasusweldo
lamang daw nito. Napansin ko din na bahagya'ng tabingi pa ito kung maglakad
kaya tinanung ko sya kung kamusta na ang kanyang kalagayan at kung okay lang ba
na nagtatrabaho na syang agad.
Sinabi
naman nitong mabuti na ang kanyang pakiramdam at ang paglalakad nya nang
tabingi ay dahilan lamang siguro nang hindi nya pag-gamit sa isa nyang paa nang matagal. Inikot namin
ang buong lugar upang maghanap nang karinderia'ng makakainan ngunit bawat lugar
na puntahan namin ay
puno
na nang tao. Kaya naisip ko'ng dalhin sya sa isang fast food chain na sya nya
namang ikinagulat dahil aaminin nya daw na hindi nya ako kayang ilibre
dahil
pang-karinderia lang ang kanyang pera. Sinabi ko namang huwag syang mag-alala
at ako na ang bahala, pumasok na kami habang paulit-ulit syang nangangakong
ikakain nya din ako sa mamahaling kainan.
Nang
pinapili ko sya nang pag-kain, sinabi na lamang nitong ako na daw ang bahala at
dito'y sinobrahan ko ang nakikita ko'ng normal nyang kinakain na nagbigay na
naman nang paraan upang paulit-ulit syang magpasalamat sa akin. Habang kumakain
ay patuloy ang kanyang pagkukwento tungkol sa kanyang trabaho at sa paglalagay
nya nang adress sa regalo'ng binigay nya sa akin.
"Paggising
ko po nang umaga, tinanung kita sa nars na nagpainom sa akin nang gamot nung
umaga...,"
Dito
ay nagsimula akong mamula at iniisip ko kung ano pa'ng ibang bagay ang
itinanong ni Viktor kay Bernadette.
"kung
nasaan ka...tapos sabi nya nga po na day-off mo daw...nagalala po ako
noon...kasi baka hindi na kita makita,..."
Nilahad
nya ang mga ito nang hindi tumitingin sa akin at patuloy sa pagkain.
"Natakot
ako nun'...kaya naisip ko na sulatan yung binigay ko sa'yo....ay' teka!
kumakain ka po ba nung hopia na baboy...
hindi
naman talaga baboy yun, yun lang po ang tawag..."
"Haha...oo
naman, ano ka ba."
Habang
kaharap ko sya ay kinakagat ko ang aking dila upang pigilan ang aking sarili sa
paulit-ulit na pagngiti. Ngunit minsan ay hindi ko ito napipigilan.
Hindi
ko alam kung ano ang pinasok ko ngunit hindi ko talaga mapigilan.
At
ang mga bagay na nangyayari sa akin ngayon ay talagang ngayon ko lamang
naramdaman at aaminin kong ngayon lang
ako naging ganito kasaya.
Bago
kami umalis sa food chain ay ibinigay nya sa akin ang natirang tissue na hindi
namin nagamit at sinabi nyang huwag ko daw bubuksan hanggang hindi kami
naghihiwalay. Tinanong ko sya kung bakit hindi ko pa buksan ngayong nasa harap
ko sya.
"Nahihiya
po ako sa sinulat ko e'..."
Ang
tangi nya lamang sinabi, na nagbigay sa akin nang ideya kung ano ang nakalagay
dito. Binalak ko din'g gawin ang naiisip ko'ng ginawa nya ngunit mabuti at
inunahan nya ako.
Nang
maghihiwalay na kami ay tatlong beses nyang pinisil ang aking mga braso at
habang papalayo kami sa isa't-isa ay paulit-ulit syang kumakaway at patuloy na lumilingon
hanggang sa hindi ko na sya makita.
Itutuloy
[04]
SONGS WE USED TO SING : Careless Whisper
akda ni Jubal Saltshaker
Four
“Time can never
mend,
the careless
whisper of a good friend.
To the heart and
mind, If your answers kind…
Theres no comfort
in the truth,
pain is all youll
find.”
-George Michael
NANG
ako ay makauwi, agad ko nang tinanggal mula sa bulsa nang suot ko'ng polo shirt
ang ibinigay niyang tissue paper sa akin. Inuna ko ito'ng ingatan dahil sa
mahirap na kung aksidente ko itong mabasa sa oras na ako ay maghilamos.
Nasa
isip ko pa rin ang masayahin nitong mukha na paulit-ulit na pumapasok sa aking
isipan sa tuwing makakakita ako nang mga bagay na maikukumpara sa kanya. Gaya
nang mapansin ko ang koleksyon ko nang sumbrero sa aking kwarto na nagpaalala
sa suot na construction helmet ni Viktor na tinanggihan nyang tanggalin habang
kami ay kumakain. Ito din siguro ang isa sa dahilan kung bakit maraming mga
mata ang nakatingin sa amin. Ang ibang dahilan kung bakit tila mascot kami sa
kanilang paningin ay wala na akong ideya.
Hindi
ako sigurado sa aking ginagawa at mas hindi ko rin alam kung ano ang tingin nya
sa akin. Pwede na masyado syang mabait kaya ganoon ang pakikitungo nya sa akin.
At isa pa, lahat nang kapatid nya ay babae na sa tingin ko'y ang kasa-kasamang
lalaki ay mabuti sa kanyang pakiramdam dahil maaring pareho kami nang
mapag-uusapan. Bukod sa pagpisil nya sa aking braso at paghawak sa aking mga
kamay, maliban doon ay wala na syang sinabi pa'ng iba o ginawa na nagpapahayag
nang tunay nyang nararamdaman para sa akin.
Maari
din naman'g kinakailangan nya lang nang kalinga kaya nya nagawa ang mga iyon.
Matapos
ko'ng maghilamos at sinimulang isuot nang muli ang aking salamin sa mata ay
humiga na ako sa aking kama. Sumagi rin agad sa isip ko ang ibinigay sa akin ni
Viktor kaya agad ko na din itong kinuha. Madahan ko itong binuksan upang hindi
ko din ito mapunit dahil sa pagkakaipit nito sa aking bulsa.
Lubos
kong ikinagulat ang naka-sulat dito dahil sa pag-aming kanyang ginawa.
Ngunit
may isa pa'ng bagay akong lubos na inaasahan na tila ba hindi nya nagawang
sabihin. Malamang ay sinulat nya ito nung oras na manghiram sya nang ballpen sa
waiter at nagpaalam na pupunta lamang ito sa comfort room.
Dok
Angelo.
Gusto
kita.
-Janvik
Sobra
akong natuwa at hindi ko na mabilang kung ilang beses ko itong paulit-ulit na
binasa. At bago ko pa ito mapunit ay inipit ko na ito sa isa sa paborito kong
libro. Sa mga oras na yun ay hinahanap-hanap ko sya, at kahit na makita ko
lamang ito ay ayos na sa akin. Inaasahan ko'ng ilalagay nito kung saan sya
matatagpuan o nakatira lamang. Swerte ko nang maituturing na makita ko syang
muli sa napakalaking construction site. Ngunit ang maulit ito ay hindi ko na
talaga sigurado. Paulit-ulit ko'ng tinanong ang aking sarili sa mga bagay na
alam ko namang hindi ko rin alam ang sagot.
Hanggang
sa makatulog na ako at umaasang magpapakita rin ito sa aking panaginip.
Kinabukasan,
nagtrabaho ako'ng laman sya nang aking isipan.
Inaasahang
sa bawat bubuksan ko'ng pintuan ay naghihintay sya'ng nakangiti sa akin.
Matapos ang aking duty, naglakad-lakad din ako nang sandali bago pa man tuluyan
nang umuwi. Sa aking paglalakad nagawa ko'ng kausapin ang aking sarili. Naitanong
ko kung, saan ba talaga nang gagaling ang saya nang isang tao? Ito ba ay sa mga
bagay na syang gumugulat lang sa atin, sa mga taong kumukumpleto sa atin? At
paano kung makuha mo nang lahat nang gusto mo? Mas sasaya ka ba kaysa sa
kahapon?
Hindi
ko alam kung bakit ko ba tinatanong ang mga bagay na ito sa akin.
Sa
ngayon ay inaamin ko'ng sinisimulan na nang aking pagkataong masanay na laging
makita si Viktor. At wala akong magagawa upang ito ay tanggihan.
Isa
pa, ang pinaka ayoko ay ang makasakit nang tao nang hindi mo ito sinasaktang
pisikal. Dahil alam ko ang pakiramdam nang sugat na hindi nakikita ngunit
patuloy na kumikirot sa tuwing ito ay madadali.
Sa
mga relasyong aking pinasok ay wala akong pinanghinayangan, dahil lahat nang
bagay na gusto kong gawin ay nagawa ko
na. Sa dalawang babaeng minahal ko nang lubos, ni minsan ay hindi sumagi sa
isip ko'ng iwanan sila dahil
bawat
relasyon'g aking pinapasok ay palagi ko'ng iniisip na ito na ang una at huli.
Ngunit
sa mga di inaasahang bagay ay kailangan din'g maghiwalay kahit na tutulan nyo
ito'ng pareho. Ang mga pangyayaring ito ang nagpapadama sa akin na paulit-ulit
akong maghahanap at mabibigo. At sa ginawa kong pagpapatuloy sa aking
nararamdaman at sa damdamin ni Viktor na hindi ko maiwasan,
ikinatatakot
ko lamang na sa bandang huli ay masisira din ang lahat at lubos naming
pagsisisihan.
Konektado
ang puso nang bawat tao sa kanilang mga paa kaya't hindi na nakapagtatakang
dinala ako nang sarili kong paa sa lugar kung saan nagtatrabaho si Viktor.
Madilim na nang mga oras na iyon at ang kulay kahel na ilaw nang mga poste ay
nagsisilbing di mabilang na araw sa gitna nang kadiliman na pilit na gumagabay
sa akin patungo sa kanya. Pinuntahan ko ang naaalala ko'ng lugar kung saan sila
lumalabas at nang mapalapit ako doon ay
napansin kong nakabukas ito na ang liwanag sa loob ay tila ba sumasalubong sa
akin at nagsasabing "tuloy ka".
Nakapasok
ako nang walang humaharang sa akin bagamat nakatingin ang ibang trabahador sa akin
mula nang tangkain ko'ng pumasok dito. Isang security guard ang magalang na
lumapit sa akin at madahang nagsalita.
"Boss,
ano po ang sa atin?..."
Tanong
nito matapos humigop sa umuusok nitong kape.
"Ah',
hanapin ko lang sana yung kaibigan ko dito..."
Hindi
ako siguro sa gusto ko'ng sabihin bagamat
isang
bagay lamang ang gusto kong ipahiwatig.
"Boss,
kasi po...sa dami namin dito at sa mga aksidenteng nagaganap e'napag-pasyahan
na wala na po'ng matutulog sa site maliban na lamang po sa di maiiwasang
dahilan...sa dami po namin kasama po ako bilang guwardya ay bente-uno katao
lamang po ang pinapayagang manatili dito..."
Matapos
nitong magsalita ay naupo ito sa isang monoblock chair na malapit sa entrance
nang gusali at isinenyas na umupo din ako sa isa pang upuang kanyang nasa tabi.
"Sige,
po di na rin ako magtatagal..."
"Ah'
teka ha...baka matulungan tayo nito,..."
Humigop
muli ito sa kanyang tasa at agad na tinawag ang isa sa mga grupo nang lalaking
kanina ko pang napansin na nagsisiksikan sa isang tolda ilang metro ang layo sa
amin.
"Roger!...lika
muna dito!..."
Matapos
marinig ang panawagan ay isang binata ang agad na tumayo at kumaway sa amin.
Nakita ko'ng nagmadali itong nagsuot nang tsinelas at patakbong lumapit sa
aking kinatatayuan.
"Ano
po yun?..."
Tanong
nito sa guwardya habang nirorolyo nito ang hawak na songhits.
Itinuro
naman sa akin nang matanda ang binata at dito na ako nakipagusap.
"Ah'
itatanong ko lang sana kung may nakikilala ka'ng Viktor?..."
"Hmm..."
"John?
John-john?..."
"Hmm?..."
"Ah'...Andres
ang apelyido nya..."
"Ah-e'..."
Gusto
ko na sanang palagpasin at hayaan na lamang ang mga pangyayari nang maisip ko
ang isinulat ni Viktor.
"Janvik?..."
"Ah!
opo...si eleven...haha!"
"Huh?
eleven?..."
Pagtataka
ko dito.
"Opo,
yung napilayan?"
"Oo'
sya nga?...andito ba sya?".
"Ay
sir umuwi na po sya e'..."
"Umuwi?"
"Opo,
kanina po kasi...ah'...last day nya na po kasi kanina..di na po kasi
kailangan
nang buhat, at isa pa po sabi nya sa amin e' may sakit ang nanay nya at
kailangan nya nang umuwi sa kanilang probinsya...at yung-"
"Ah'
ganun ba?...Sige, salamat nang
marami...".
Hindi
ko na nagawang maka-pagpaalam pa nang maayos dahil sa bigat nang aking
pakiramdam. Matapos kong makalabas nang gusali ay mabilis na akong tumakbo
papalayo. Bagamat hindi ako sigurado sa aking pupuntahan ay nagpatuloy pa rin
ako. At habang ako ay tumatakbo, tinanggal ko ang aking salamin upang magbigay
daan sa mga luhang kanina pa naghihintay na maisilang.
[05]
SONGS WE USED TO SING : Everybody Wants to Rule the World
akda ni Jubal Saltshaker
Five
“There's a room
where the light won't find you.
Holding hands while
the walls come tumbling down.
When they do i’ll
be right behind you.”
-Tears For Fears
NAKARATING
ako sa amin nang pasado alas-nuebe na nang gabi. Mabigat ang aking pakiramdam
at nang agad akong makarating sa aking kwarto ay pinilit ko nang agad nang
matulog. Nahiga ako ngunit kahit pagod na ay hindi pa rin ako dinalaw nang
antok. At dahil dito’y naalala ko syang muli, na alam ko namang papasok at
papasok sa aking isipan kahit pilit ko pa itong kalimutan.
Ngayon’g
alam kong malabo kaming magkita ay sumasagi sa aking isipan na mabuti na rin
siguro ang ganito. Ang iwanan at pabayaan na lamang ang mga nangyari. Kalimutan
ang lahat at tuluyan na syang burahin sa aking isipan. Pero aaminin ko’ng hindi
ko ito kayang magawa. Sabi nga na ang pagtingin na hindi nasuklian ang syang
pagmamahal na pinaka magtatagal.
Tinuruan
akong maging mapag-kumbaba nang aking Ina at Ama.
Ngunit
naitanong ko sa aking sarili kung ano ang nagustuhan ko kay Viktor. Hindi ko
nagawang manghamak nang aking kapwa sa tanan nang aking buhay ngunit kung
normal lamang ang pagibig na aking nadarama, malamang ay maraming tao ang
magtatanong sa akin kung bakit sya ang aking nagustuhan
Noong
una ko pa lamang syang makita, ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na
tumingin sa kanya. Tila ba nagsasalita ang kanyang pagkatao at nagsasabing
kailangan nya nang pagmamahal at ako ang nakapansin nito sa kadahilanang ako
din ang kailangan’g magpunan. Itinatanong ko ngayon sa aking sarili kung lalaki
nga ba ang hanap ko. Isang subject na pilit ko’ng iniiwasan simula nang matuto
akong mag-isip nang tama. Bagamat pilit ko itong tinatago sa aking sarili ay
gising naman ako sa mga isyung tumatalakay sa ganito’ng pagkatao.
At
sa mga nangyayari sa aking paligid ay lumalabo na ang depenisyon nang salitang
pag-big na hindi na kailangan pa’ng lagyan nang totoo.
Nang
kasama ko sa magkaibang panahon ang aking naging mga nobya ay
Hindi
ko naman naisip na gumawa nang hindi kanais-nais na mga bagay sa mga ito.
Naisip ko din na ang pagkawala ba nila sa aking buhay ang nagbibigay nang
dahilan upang buksan ko ang aking isipan sa kung ano ba talaga ang gusto ko.
Upang
matanggap nang buo ang aking sarili at tingnan ang mga bagay na kung saan
talaga ako magiging masaya na dati ay pinipilit ko’ng iwasan?
Sa
pag-iisip o pakikipag-usap ko sa aking sarili ay karaniwang nakakatulog ako.
Ngunit sa pag-kakataong ito ay hindi pa rin ako nagawang antukin.
Naaalala
ko pa rin si Viktor at naiisip ko kung ano ang kanyang ginagawa sa mga oras na
ito. Pero pumasok na din sa aking isipan na gaano ko man sya isipin at kahit na
ipagsigawan ko pa sa lahat nang tao ang laman nang aking isipan, ay wala itong
magagawa at hindi nito mababago ang mga
pangyayari. At dito ay alam ko’ng hindi ko na sya makikita.Tila ba ang simpleng
pananatili nya dito sa mundo ay patuloy na magdadala sa akin nang kalungkutan sa tuwing sya ay aking maaalala.
“Kuya!...Kuya?...Gising
ka pa ba?...”
Biglang
nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko’ng tumatawag ang aking
nag-iisang
kapatid sa pinto nang aking kwarto. Mabilis ko itong binuksan at agad na
tananong ang pakay nito.
“Kuya,
may bisita ka sa labas...”
“Sino
daw?..”
Tanong
ko dito habang tinatanggal ang medyas na hindi ko pa nahuhubad simula nang ako
ay umuwi. Iniisip ko’ng baka si Bernadette ang aking bisita ngunit kilala na
ito ni Ele kaya’t agad nya na itong sasabihin kung gayunman.
“Hindi
ko kilala e’…Pero lalake.”
Bigla akong kinabahan dito.
“Pinapasok
mo?…”
“Hindi Kuya…ayaw nya e’..may sasabihin lang naman
daw…asa labas sya nang gate.”
Matapos
magsalita ni Ele ay nagmadali na akong lumabas nang aming bahay.
Nakalimutan
ko’ng isuot nang muli ang aking salamin kaya’t hindi ko maaninag kung sino ang
nakatayo sa harapan nang aming gate.
Sa
aking pa’ng pagmamadali ay muntik pa akong makabasag nang isa sa mga paso ni
Mama.
Nang
buksan ko na ang gate ay tumambad naman sa harap ko ang naka-upong si Viktor.
Nagulat ako sa aking nakita dahilan upang hindi ako agad nakapagsalita. May
dala-dala itong tatlong malalaki at mabibigat na bag na marahil ay pasalubong
nito sa kanyang mga kapatid. Ngumiti ito’ng muli sa akin na nakadagdag pa sa
aking nadaramang kaba.
“Angelo…gusto
ko lang sana’ng mag-paalam sa’yo,…”
Pangunguna
nito.
“May
sakit kasi ang aking ina at kailangan ko’ng umuwi…hindi ko alam kung kailan ako
makababalik…”
Nanginginig
ang aking mga kamay at hindi ko alam ang aking sasabihin nang mga oras na
yun. Sa patuloy ko’ng pananahimik na
tila ba nagutos sa kanya upang magmadali na at umalis.
“S-sige…aalis
na ako…”
Matapos
magsalita ay tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad palayo.
“Viktor!....hintay!…”
Lumingon
ito agad kasabay nang mabilis ko’ng pag-lapit sa kanya.
Nangingilid
ang mga luha ko sa mata. Nang maka-lapit na ako sa kanya ay ipinatong ko ang
aking mga kamay sa kanyang balikat at tiningnan sya nang matuwid sa mata.
“Huwag
mo ako’ng iwan…”
At
sa hindi masabing dahilan ay bigla ko itong hinalikan sa kanya’ng noo.
“Sana
ay agad ka’ng makabalik…”
Dagdag
ko pa matapos ko syang halikan.
“Pangako…”
Tugon
nya.
“Palagi
kitang iniisip, Viktor…”
“Lalo
na ako…kung alam mo lang…”
Pinagmasdan
ko nang mabuti ang kanyang mukha hanggang sa mapansin ko na lamang na pumapasok
na kami sa loob nang madilim nami’ng bakuran na puno nang halaman sa lata at
babasaging mga paso.
Hindi
ko masabi kung sino ang tumulak at kung sino ang humila sa amin papasok ngunit
sigurado ako’ng kagustuhan namin ito’ng dalawa.
Mainit
ang kanyang hininga na napansin ko bago nya ako halikan sa aking labi.
At
hindi ko na napigilan ang aking sarili na ang tangi ko na lamang nagawa ay ang
makipag-sabayan sa ginagawa nyang paghalik sa akin. Pansin ko na nakamulat sya
sa aming ginagawa at dito ay bigla nyang pinunasan ang mga luha sa aking mga
mata upang mapigilan ang patuloy nitong pagbagsak.
Sya
ang pumutol sa aming ginagawa na nang matapos ito ay tila ba nagkahiyaan kaming
dalawa sa nangyari. Pinagmasdan ko ang aming paligid kung may nakakita ba sa
amin bagamat nasa loob na kami nang aming gate at nakasara na ito. Mula sa
labas ay ang matayog na poste nang ilaw at ang mga kulisap sa kulay kahel
nitong liwanag lamang ang nagsilbing piping saksi sa mga nangyari.
“Pasensya
ka na ha’…hindi ako nagpaalam muna bago kita halikan…”
Paliwanag
ni Viktor.
“Haha…ano
ka ba…e’ ako nga ang nauna e’…”
“Sa
noo lang naman yun…pero salamat ha…”
“Alam
mo na gusto kita…kaya hindi mo na kailangan pa’ng magpaalam sa akin…”
Paglalahad
ko dito.
“Teka…ngayon
ka uuwi sa inyo?…alas-diyes na nang gabi at sigurado akong mahihirapan ka’ng
makauwi kung meron ka man’g masakyan…”
“Hindi
pa, bukas pa ako makakapag-byahe nang madaling araw…matutulog ako sa terminal
nang bus nang sa gayon ay mauna din ako sa pila nang sigurado’ng maaga’ng
maka-uwi sa amin…isa pa, binayaran ko na ang upa sa aking tinitirhan…”
Nilapitan
ko ito at kinuha ang isang mabigat na bagahe mula sa kanyang likuran at agad na
naglakad papasok sa loob nang aming bahay.
Nang
mapansin ko’ng hindi sya kumikilos ay nagsalita akong muli.
“Dito
ka na matulog sa amin…aagahan natin ang gising at bukas ay ihahatid kita doon
sa sasakyan mo…Okay ka lang matututulog ka sa terminal? Delikado…”
“Pero…hindi
ba ako nakaka-istorbo sa’yo?...”
“Tsk,…tara
na malamok…pasok…hehe…”
Pabiro
ko dito.
Tiyak
akong tulog na sina Mama at Ele sa iisang kwarto kung saan nila ngayon
naisipang matulog. Madilim ang buong paligid at ang liwanag lamang mula sa ilaw
nang mga kapit-bahay na pumapasok sa aming bintana ang nag-sisilbing aming
gabay. Habang papaakyat kami nang hagdanan ay naramdaman ko’ng hinawakan ni
Viktor ang aking mga kamay na sya naman’g aking kinapitan nang mahigpit. Bagamat alam ko’ng mahihirapan
ito sa pagbubuhat nang kanyang mga dala lalo pa at papa-akyat kami patungo sa
aking kwarto.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment