Tuesday, January 8, 2013

Task Force Enigma: Rovi Yuno (11-15)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com

[11]
"A-apple?" namamanghang tanong ni Rovi sa babae.

Namutla ang dati ng maputing mukha nito. Bumakas ang takot ngunit hindi ang rekognisyon sa magandang mukha ng babae. Ang pagkalito at pag-aalinlangan na nadama nito ay naglaho agad marahil dahil biglang bumangis ang hitsura nito at umigkas ang kamao nito patungo sa kanyang mukha.


Mabilis niyang nasalo ang kamao nito at pinilipit iyon. Umuklo ito sa sakit kaya sinamantala niya iyon para hawakan ito sa lalamunan at pindutin ang chakra point nito doon para siya ma-immobilize ito pansamantala.

Natigilan si Apple at namamanghang tumigil sa kanya na nakataas pa ang isang kamay. Animo isang mannequin. Natigagal naman na napatulala ang driver sa kanila. Hindi niya namalayan na nakahinto na pala sila.

"Ituloy mo lang ang pag-drive manong. Sa pinakamalapit na presinto tayo." aniya sa mapanganib na boses. Nagmamadaling nagmaneho ulit ito.

Tiningnan niya ang babaeng nakahinto at hirap na hirap na marahil sa paghinga. Tiningnan niya ang relos at tinantiya ang oras ng pagkakatigil nito. May apat na minuto pa.

"Ibabalik kita sa normal kung ipapangako mong sasagot ka ng maayos. Tandaan mo, kaya kitang patumbahin kahit anong oras dito." sabi niya rito.

Umungol ito at nagtaas-baba ang kilay, senyales na sumasang-ayon ito. "Good!" saka niya ito tinapik sa bandang dibdib at likuran para makakilos muli. Nauubong nagpakawala ito ng hangin. Nang maayos-ayos na ito ay saka siya nagtanong.

"Anong ginagawa mo rito Apple? Kasabwat ka ba ni Park Gyul Ho?"

Hirap na nag-angat ito ng mukha.

"Hindi ako si Apple." sabi nito.

Natigilan siya sa sinabi nito. Kapagkuwan ay pagak siyang natawa.

"Anong kalokohan ito Apple? Pati ba naman ako lolokohin mo?" sarcastic niyang sabi rito.

"Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ako si Apple. Nasaan nga pala siya?" seryosong sagot nito.

Maang na tinitigan niya ang mukha nito saka pinag-aralan iyon ng husto. Inabot siya ng ilang minuto ngunit di pa rin niya matandaan kung ano ang kulang sa mukha nito para maging hindi ito si Apple.

"May nunal sa ibabaw ng labi si Apple sa bandang kaliwa. Ako si Alexa. Kakambal ko siya." pagpapakilala nito sa sarili.

Mula sa malalim na pag-iisip ay naalala na niya ang sinabi nito. May nunal nga si Apple sa labi. May kaliitan iyon kaya alam niyang tunay. At saka, nakita na rin niya itong basa ang mukha mula sa paliligo sa dagat kaya imposibleng drawing ang nunal na iyon.

Lahat ng pagdududa sa pagkatao nito ay agad ng naglaho. Isinugal niya ang kaalamang naiwan nila si Apple sa rest house kasama ni Bobby at ng tiyahin nito.

Ayan ka na naman! Nagtitiwala ka na naman Rovi!

Iwinaksi niya ang pangangaral ng kanyang isip.

"May ID ka?" paniniguro niya.

Naglabas ito ng ID mula sa bulsa. Kinuha niya iyon at tiningnan saglit saka ibinalik sa babae.

"Okay na?" tanong ni Alexa.

"Hindi pa masyado. Anong ginagawa mo doon sa drop-point nila Gyul Ho?"

"Ako ang espiya sa sindikato nila Mr. Park." sagot nito

"Hindi ba si Apple ganoon din?" tanong niya.

"Ha? Siya ba ang tao sa club?" takang tanong nito.

"Hindi mo alam?"

"Siya pala ang sinasabi sa akin ni Rick na ilalagay niya sa club ni Gyul Ho." tiim-bagang na sabi nito na mukhang mas kausap ang sarili.

"Kilala mo rin si Rick?" naalibadbarang tanong niya.

"Oo. Kaming magkapatid ay malaki ang utang na loob kay Rick. Isa kami sa mga na-train niya para sa mga covert and infiltration missions na tulad nito." matter-of-factly na sabi nito.

"Whew! Bakit ba di ko nalalaman ang mga ganyang bagay?" frustrated na sabi niya.

"Bakit? Dapat ba lahat alam mo?" balik-tanong nito sa kanya.

Di agad siya nakasagot pero tinapunan niya ito ng masamang tingin. Hindi naman ganoon ang gusto niyang ipunto. Ang dapat niyang tanong kanina ay bakit hindi niya namamalayan na may mga ganitong tao si Rick? Ano ba ang pinaggagagawa niya?

Napabugha siya ng hangin sa iritasyon.

"Hindi ko sinasabing ganoon. Alam mo, magkapatid nga kayo ni Apple." sabi niya.

Nagtaas ito ng kilay. "Paano mo nasabi iyon?"

"Parehas matalas ang dila niyo. Manahimik ka na at haharapin natin si Rick sa presinto. Di ka pa cleared sa akin." maangas na sagot ni Rovi sa babae.

"Okay. Fine." balewalang sagot nito.

Kinuha niya ang cellphone at nag-dial. Maya-maya ay sumagot si Rick pero maingay ang background.

"Saan ka tol?" tanong niya.

"Nandito sa Macapagal Ave. Nakipaghabulan pa kami ni Perse. Si Cody hindi sumasagot. Pina-check ko na kay Jerick kung anong nangyari. Pero nahuli na namin ang mga ungas na ito. Bakit pare? Kasama mo si Alexa?"

"Pare, manghuhula ka ba?" namamanghang tanong niya.

"Ungas! Duda ko kasi na siya ang ipapadala ni Gyul Ho sa drop-point. Di nga ako nagkamali." natatawang sabi nito.

"Langhiya ka tol. Gaano ba karami tuta mo? Ilan pa itong di namin alam?" naiinis na sabi niya rito.

"Baliw! Kung malalaman niyo kung ilan sila at kung sino-sino sila, hindi na sila secret agents. Kaya nga undercover pare. Mas maganda ng di mo kilala ang tulong na pwede mong makuha." paliwanag nito.

Nakuha naman niyaa gad ang punto nito. Ilang beses na nga bang nailigtas sila sa misyon ng mga kaibigan nitong ala-casper na bigla na lang susulpot sa kung saan.

"Sabagay tol. Sige, kita tayo sa headquarters." ayon niya kay Rick.

"Hoy! Ingatan mo yang si Alexa. Babalian kita kapag nagalusan mo yan." bilin nito sa kanya.

"Oo na. Walang galos kahit ano itong tuta mo." inis na balik niya rito.

"Ulol! Ginawa mo pa akong aso. Talipandas ka!" sagot ni Alexa sa tabi niya. Tingnan niya ito at nakatanggap siya ng masamang titig mula rito.

Pinatay niya ang parato at nginisihan ang babae. Nilapit niya ang mukha sa mukha nito at pinakatitigan ang magandang tanawin na iyon.

Umatras ito ng bahagya at nag-iwas ng tingin. Nakita niyang namumula ng bahagya ang pisngi nito. Sa dami ng mga lalaki at babaeng nakasalamuha na niya. Alam niya kung kailan apektado ng presensiya niya ang isang tao. At di nalalayo doon ang ekspresyon ni Alexa. Napagpasyahan niyang inisin ito ng husto at tuksuhin na rin.

"Hmm... A beautiful lady should never swear." sabi niya sa pina-husky na boses.

"A-a-ah e-eh... I-i didn't m-mean i-it." tarantang sagot nito.

Napahalakhak siya sa isip niya. Panalo! Mukhang engot lang si ate! Matagal na siyang di nakaka-arte. Paborito niya iyon noong highschool. Madalas siyang sumali sa play.

"Buti naman. Kasi, may alam akong paraan para parusahan ang mga labing iyan kung sakaling magmumura ka ulit." tukso niya rito.

"Ha? A-ah hin-hindi na ako magmumura. Prom--ise!" namumula at nara-rattle pang lalo na sabi nito.

"Good." sabi niya sabay kindat dito saka inilayo ang sarili rito.

Naramdaman niya ang marahas na pagpapakawala nito ng hininga saka inayos ang sarili. Sinabi niya ang direksiyon sa driver patungo sa pakay na presinto saka inabala ang sarili sa tanawin sa labas ng kotse. Ganun din ang ginawa ni Alexa. Walang kibuan na nagpatuloy ang kanilang biyahe.


NANANAKIT ang ulo at katawan na bumangon si Bobby. Nasapo niya ang pumipintig na sentido. Naramdaman di niya ang pagkirot ng kanyang ilong. Dahil doon ay naalala niya ang nangyari.

Nagsukatan nga pala sila ng lakas ni Rovi. Hindi niya inaasahan na mapupuruhan siya nito at mapapatulog ng ganun-ganun lang. Kunsabagay, malakas talaga ito at nakapag-training. Hindi niya matatapatan ito kung hindi niya dadayain.

Napapatiim-bagang siyang bumangon ng dahil sa kirot. Pilit niyang tinungo ang banyo saka binuksan ang gripo sa sink. Mula sa lagaslas ng tubig ay napatitig siya doon at may isang pangyayaring pilit na sumisiksik sa kanyang ala-ala.

Ang ala-ala ng paglalapat ng kanilang labi ni Rovi. Mula sa malabo niyang alaala, at sa nahihilo niyang memorya. Naalala niyang kahit nahihilo siya ay naramdaman niya ang pag-aasikaso nito sa kanya at ang pagpahid nito ng pamunas sa kanyang katawan at mukha.

Hindi lang siya makapagbukas ng mata at makagalaw ng maayos dala ng sobrang pagkahilo mula sa head-butt nito. Kaya naman ng halikan siya nito ay wala siyang magawa kahit pa ayaw niya. Ngunit kahit ayaw niya ay parang may sariling isip ang kanyang labi at tinugon din ang halik nito at nagawa pa niyang higupin ang dila nito.

"Shit!" di makapaniwalang sambit niya sa naging tugon ng katawan niya sa pagka-alala ng halik na iyon. Pinatay niya ang gripo.

Ang kayo ng kanyang short ay halatang-halata sa pamumukol. Salamat na alng at nasa loob siya ng banyo. Bakit ganoon ang epekto ng halik sa akin ni Rovi? Bakla na rin ba ako? Hindi pwede! Kailangan ko lang siguro ng sex? Sunod-sunod na tanong sa isip niya.

Hinubad niya ang short at tumapat sa malamig na tubig na nangagaling sa dusta. Iyon ang kailangan niya sa ngayon. para malinawan ang isip niya.

Itutuloy...


[12]
TINATAMAD na bumaba si Rovi mula sa sasakyan ng makitang nakaparada na ito sa harap ng safe house. Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan talaga siya ng bahagya sa napipintong paghaharap nilang muli ni Bobby. Ipinilig niya ang ulo para mawala ang alinlangan na ilang ulit ng sinusubukang kainin ang kanyang sistema.

‘Ano ka ba ? Hindi naman niya alam yung nangyari ah ?’’ pangungumbinsi ng isang bahagi ng kanyang isip.

Huminga siya ng malalim sabay lingon sa kasamang si Rick na tila malalim rin ang iniisip ng mga oras na iyon. May kung anong bumabagabag dito. Duda niya, tungkol na naman iyon sa kasong hawak nila. Masyadong matigas ang mga nahuli nilang tauhan ni Park Gyul Ho. Kahit anong gawin nilang paraan ng pagpapa-amin ay wala silang makuhang impormasyon sa mga ito.

Isinukbit niya sa balikat ang malaking bag na dala-dala saka ito inayang pumasok na. ‘Tol, mamaya na natin pag-isipan ng husto ang tungkol sa kaso. Magpahinga muna tayo.’’ Aniya sa kaibigan.

‘Mauna ka na ‘tol. Doon muna ako sa dagat.’’ Malamig na tugon nito saka tinalunton ang daan patungo sa dalampasigan.

‘Sige.’’ Sagot niya.

Paakyat na siya para pumasok sa bahay ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Bobby. Natigilan siya sa paghakbang at pinagmasdan ang lalaking nagpapagulo sa isip niya nitong nakalipas na araw. Parang may mali rito. Kung pagbabasehan ang ‘nangyari’ sa kanilang dalawa noong nakaraang araw ay isang malaking palaisipan para sa kanya ang maluwang na pagkakangiti na isinasalubong nito ngayon sa kanya.

‘Kamusta ka na Rovi ?’’ nakangiting bungad nito.

Napakunot ang kanyang noo sa magiliw na pagbati nito. ‘What in the world is that smile for ?’’ wika niya sa isip. Tinitigan niya itong mabuti sa mukha para hanapin ang pagpapanggap ngunit wala siyang makita.

‘Wala ba talaga ?O itinatanggi lang ng mata mo ang dapat na makita mo kasi kinakabahan ka ngayon sa paghaharap ninyo ?’’ pang-aasar ulit ng isang bahagi ng isip niya.

Natigilan siya. Saka niya napaagtanto na kay bilis nga ng pintig ng puso niya ngayong kaharap na niya si Bobby. Kinakabahan tuloy siya na baka marinig na nito ang tibok ng puso niya sa sobrang lakas ng pagtibok nito.

‘Ang sabi ko, kamusta ka na Rovi ?’’ ulit nito sabay hakbang palapit sa kanya. Napaatras naman siya ng isang hakbang na isang malaking pagkakamali dahil lumarawan ang amusement sa mata ni Bobby na hindi nito itinago sa kanya.
‘A-ah, Okay lang ako. E-excuse me.’’ Nabubulol na sabi niya ng sa wakas ay matagpuan ang boses niyang tila nawala na ng masilayan niya ang kakisigan nito. Nagmamadaling humakbang siya patungo sa pintuan ng safe house na hindi nagpangyari sapagkat mabilis siyang napigil ni Bobby sa braso at naisandal sa dingding na kalapit ng pinto.

Ang reflexes niyang dating napakabilis ay tila naglaho. In one swift move, nakorner siya nito at ang kanyang mga kamay ay nasa likuran na niya ngayon. Nakapagitan din ang ibabang katawan nito sa kanyang mga hita. Ramdam niya ang tensiyon na mabilis na sumukob sa kanyang sistema. Naalarma bigla ang kanyang pandama sa pagkakadikit na iyon ng kanilang katawan.

‘’A-anong ginagawa m-mo Bobby ?’’ aniya sa pilit na pinatatatag na boses.

‘’Wala naman. May gusto lang akong alalahanin.’’ Nakangiti nitong sabi. Nang-eenganyo ang ngiting iyon. Natutuksong bumaba ang tingin niya sa labi nito. Memories of their lips locked together flooded his mind. Making it impossible for him to resist the temptation. Ilang ulit siyang napalunok. Itinaas niya ang tingin sa mata nito. Wala na ang bakas ng pagkaaliw na kanina ay naroon. Bagkus napalitan na iyon ng iba. Mas tumingkad ang kulay ng mga iyon at kung hindi siya nagkakamali ay parehas sila ng nadarama sa mga oras na iyon.

Just as he was sure that it reflected from his own eyes, hindi itinago ng mga mata ni Bobby ang pagnanasang lumukob na rin sa katawan nito. Isa pang hindi kinakaya ni Rovi ng mga oras na iyon ay ang matigas na bagay na nakadikit sa kanyang kanang hita. Halos di siya makapaniwala na parehas sila ng nararamdaman. His member was also aching from the confinement of his briefs and tight jeans. Sigurado siyang halata iyon sa ka'yo ng kanyang maong.

‘’A-nong sinasabi mo ?’’ tanong ulit niya rito. Hindi niya makuha ang gusto nitong ipahiwatig. Ibang-iba ito sa Bobby na iniwan niya noong nakaraang araw. Ganoon ba ang epekto ng head-butt na iginawad niya rito ? Bigla-bigla na lang itong naging ganito ka-agresibo ?

‘’Ito ang gusto kong alalahanin.’’ Putol nito sa pag-iisip niya. Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kanya. Nakatuon ang mga mata nito sa kanyang labi kaya naman nataranta siya ng bumaha sa kanyang isipan na ang tinutukoy nitong bagay na aalahanin ay ang halik na inumit niya mula rito.

Ang balak niyang pag-iwas sa halik ay hindi naisakatuparan ng sakupin nito ang kanyang labi bago pa man niya maiiwas ang sarili mula sa ‘pananalakay’ nito. ‘Oh god he smelled so good !.’’

Lahat ng rason. Lahat ng tamang pag-iisip ay mabilis na naitapon ni Rovi sa hangin the moment na naglapat ang mga labi nila ni Bobby. He felt so high he couldn’t describe his own feelings. Halos umikot ang buong mundo niya dahil sa halik nito. He was almost sure they were levitating.

The kiss was so gentle. Bobby was acting as if he were fragile that he needed to take extra care of him. May kung anong mainit na bagay na humaplos sa kanyang dibdib. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang biglang nadama niya. Was he falling for him already ? a question from Rovi’s mind.

‘’Rovi…’’ sambit nito sa pangalan niya. Kasinsuyo ng paghalik nito sa kanyang labi. Magsasalita sana siya ng muli siya nitong hagkan. Napakagaan ng pagkakalapat ng kanilang mga bibig. Mapagbigay ang iginagawad nitong halik na kusa niyang tinutugon.

Suddenly, Rovi was filled with different emotions he thought he would never feel again. He felt that way when Allan was still alive and would kiss him passionately. It was a mixture of a feeling of security, tenderness, affection and love. It was such a beautiful feeling that made him want to succumb over again and God how he missed it.

‘Allan…’’ wala sa huwisyong sambit niya.

Rumehistro ang larawan ni Allan sa kanyang ala-ala ng dahil doon. Maya-maya, naramdaman niya ang mabining paghampas ng hangin sa kanyang mukha. Biglang nawala ang napakagandang pakiramdam na kani-kanina lang ay nagpapaligaya sa kanya. Nagtatakang nagmulat siya ng mata.

Bumungad sa kanya ang nalilitong hitsura ni Bobby at ang malinaw na insultong nakabakas mula doon. Insulto ? Bakit ? Hindi niya namalayang itinigil na pala nito ang paghalik sa kanya. Kaya pala ang pakiramdam niya ngayon ay para siyang inagawan ng pagkatao dahil itinigil na nito ang pagpapalasap sa kanya ng napakagandang pakiramdam.

‘Bobby ang pangalan ko, Rovi.’’ Matigas na sabi nito sa kanya.

Napakunot ang kanyang noo sa tinuran nito. Nalilito siya sa mga lumalabas sa labi ni Bobby.

‘Huh ?’’ maang na tanong niya.

‘Sa susunod, kilalanin mo kung sino ang kahalikan mo. Hindi iyong kung sinu-sino ang binabanggit mo kapag nakikipaghalikan ka.’’ Naiinis na wika ni Bobby sa kanya sabay talikod para pumasok sa bahay. Naiwan siyang nakatulala at iniisip ng mabuti ang lahat ng nangyari para malaman kung saan nag-ugat ang sinasabi nito.

When suddenly the thought hit him like a rock. Shit ! Nabigkas niya yata ang pangalan ni Allan habang kahalikan niya si Bobby at hindi nito nagustuhan iyon. Pero bakit ganoon ? Bakit kakaiba ang aktwasyon nito sa kanya ngayon ? May pinaplano ba ito ? Hindi naman pwedeng nakalimutan na nito ang nangyari sa kanilang dalawa noong nakaraang araw. Pinatulog kaya niya ito.

Ang lahat ng kalituhan na naiisip niya ngayon ay naputol ng may magsalita mula sa baba ng balkonahe.

‘Kahit sino naman hindi magugustuhan na ang kahalikan mo ay ibang pangalan ang binabanggit.’’

Napalingon siya sa may-ari ng tinig. Si Mandarin. Great ! Send a bitch for interrogation. Sabi niya sa isip.

Hindi na lang niya ito pinatulan at baka magkasagutan pa sila. Tumalikod na siya at akmang papasok sa bahay ng muli itong magsalita.

‘Sino si Allan ?’’ nakatas-kilay na tanong nito sa kanya.

Napilitan siyang lingunin ulit ito para sagutin. ‘Mind your own business please.’’ Malamig niyang tugon dito.

‘Bobby is my business. Alam mong gusto ko siya. Kaya kung ikaw ang makaka-agaw ko sa kanya, dapat lamang na malaman ko kung sino ang taong binanggit mo habang kahalikan ka niya. Sino si Allan ?’’ mataray na wika nito.

Napabugha siya ng hangin sa iritasyon. Pumikit siya at sinubukang magbilang ng hanggang sampu. Pagdilat niya ay nakamasid pa rin sa kanya si Mandarin at nag-aabang ng kasagutan.

‘Wala akong balak makipag-agawan sa iyo kay Bobby.’’ Malumanay niyang sabi rito.

She smirked. Showing him that she didn’t buy his excuse. Nanunuring tiningnan siya nito mula ulo hangang paa. He did the same. His eyes roamed up and down her voluptous body. Naiiling na napangiti ito.

‘Nakita mo naman siguro kung sino ang pipiliin sa ating dalawa ni Bobby ?’’ mayabang na wika nito. Her arms akimbo as she speak while giving him a mocking grin.

He twitched his lips to a facsimile of a smile. He mimicked her actions. Grinning widely as he speak. ‘Oo, kitang-kita ko. Kagay ng kitang-kita mo kung paano niya ako hinalikan ng buong-suyo sa harapan mo. Matalino ka naman Mandarin. Kaya umaasa akong alam mo na ang tinutukoy ko.’’ Sabay bira ng alis sa babaeng naiwang nakanganga sa deklarasyon niya ng pagkatalo nito sa bangayang iyon. Mabilis siyang pumasok sa bahay para makapagpahinga na.


BLAG !!!

Naiinis na sinipa ni Bobby ang nananahimik na silya sa loob ng kanyang kwarto. Hindi siya makapaniwalang ganoon ang naging epekto sa kanya ng halik na pinagsaluhan nila ni Rovi. Balak niya sana itong pamukhaan pagkatapos ng paghalik niya rito pero iba ang naging reaksiyon ng katawan niya sa naging engkwentro nilang iyon.

Sari-saring emosyon ang naramdaman niya ng maglapat ang mga labi nila. Hindi niya alam kung aware si Rovi sa naging epekto nito sa kanya. Ang ibabang bahagi ng katawan niya ay hindi pa rin nagmamaliw ang erection. Kung bakit ? Hindi rin niya mabigyan ng kasagutan.

Ang malinaw lang sa kanya ay halos napunta siya sa ibang dimensiyon ng halikan niya ito. Ang tamis ng labi nito. Parang pulot at asukal na pinagsama. Nagmistula siyang bubuyog na ninamnam ng husto ang nektar ng isang bulaklak. Nag-aalimpuyo rin ang kanyang pagnanasa kanina. Na biglang naputol ng marinig niyang ibang pangalan ang binangit nito sa pagitan ng kanilang halikan.

Nainis siyang muli. Bumangon ang insulto sa kanyang pagkalalaki. Putang-ina ! Natampal niya ang noo sa pagkalitong nararamdaman. Bakit parang big deal sa kanya iyon ? Eh ano ngayon kung may binangit itong ibang pangalan ? Pagrarason ng isang bahagi ng isip niya.

Pero hindi pa rin niya matanggap. Iyon siya kanina at buong suyo na hinahalikan ito tapos ibang pangalan ang lalabas sa bibig nito, sino ang hindi maiinsulto ? Ah ! Nakakarami na ang Rovi na iyon. Nadagdagan ang inis niya ng maalalang imbes na pamukhaan ito pagkatapos ay siya pa ang parang napahiya pagkatapos ng halikan nila. Nagpupuyos ang kalooban na naupo siya sa kama at humilata ng patihaya.

Kailangan niyang mag-isip. Sisimulan niya sa kung paanong paraan makakaganti sa pamamahiya sa kanya ni Rovi. Pagkatapos ng lahat ng gulong kinasangkutan niya ng dahil sa pangangailangan ng pera ay aalis sila ng tiyahin at magpapakalayo-layo na. Marahil ay babalik na lang sila sa probinsiya nila.

Habang nakahiga ay pilit na sumisiksik sa kanyang isipan ang mukha ni Rovi. Napa-iling siya sa pag-alala. Alas-kwatro na ng hapon. Makakatulong siguro kung matutulog na lang muna siya. Medyo masakit pa ang katawan niya. Maya-maya ay tumayo siya at nagpalit ng damit bago muling nahiga. Paggising niya ay parang lalo siyang napagod. Naliligo siya sa sariling pawis. Nanaginip siya na nakikipagtalik daw siya kay Rovi at isa iyong bangungot. Dahil paulit-ulit na binabanggit nito ang pangalang nakapag-painis sa kanya ng labis.

Sino nga ba si Allan ? Naiiritang tanong niya sa sarili at bumangon para maligo.





‘SIGURADUHIN mong malalaman mo ang kinaroroonan ng kaibigan mo kung hindi ay mamamatay ang pamilya mo.’’

Nanginig ang buong katawan ni Monday sa sinabing iyon ni Kring. Halos isang linggo na kasi ng bigla na lamang hindi nagpakita si Bobby. Tinanong siya nito ngunit tinantanan din ng sabihin niyang hindi niya napagkikita ang kaibigan. Pero isang araw ay binalikan siya ng baklitang ito kasama ang mga haragan na tauhan saka siya pilit na pinaamin sa lokasyon ni Bobby.

Wala siyang masabi sa mga ito. Kaya naman kaysa masaktan ng husto at madamay ang pamilya ay nakipagkasundo siya na tutulong na lamang para makita si Bobby. Kung saang lupalop man ito naroon ay saka na niya poproblemahin. Ang mahalaga, maitakas niya ang pamilya saka siya kunwaring tutulong sa paghahanap sa kaibigan.

Sabi ni Kring, may tinangay daw na malaking pera si Bobby. Hindi siya naniniwala doon. Kahit gipit kasi ito ay mas madalas na dito pa siya nakakahiram kapag lubos na siya sa pab-vale sa among bakla. Kailangan niyang makita si Bobby bago ang mga ito. Mukhang nasa panganib ang kaibigan niya.

Ilang ulit na niyang sinubukang tawagan ang cellphone nito pero nakapatay iyon. Panay rin ang text niya dito, umaasang sasagot ito kahit minsan. Inalam na rin niya kung sino ang huling kasama nito sa paglabas ng club nung gabing huling makita niya ito. Ayon sa mga nakakita, si Mandarin daw ang kasama nito at sumakay ang mga ito sa isang itim na sasakyan sa harap ng club. Hinagilap niya ang numero ni Mandarin ngunit hindi siya nagtagumpay. Wala sa mga belyas nila ang nakaka-alam kung ano ang numero nito at kung nasaan ito ngayon. Mukhang tuluyan na itong naglaho kasama ni Bobby.

Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Gabi-gabi ay may pinapatambay siyang mga batang nauuto niya sa halagang bente na abisuhan siya kung sakaling makikita si Mandarin sa paligid. Sana lang ay magbunga ang ginagawa niya at hindi iyon makaabot sa kaalaman ng hayop na baklang mataba.

Naglilinis siya ng quarters nila ng mga oras na iyon ng pumasok si Kring at pinagbantaan siya. Paglabas nito ay parang nahahapong napaupo siya. Nagulantang ang diwa niya ng biglang tumunog ang cellphone niya para sa isang text message. Hindi nakarehistro ang pangalan ng texter kaya naman curious na binuksan niya ang mensahe.

‘Sino ka at ano ang kinalaman mo kay Bobby ?’’ sabi ng mensahe.

Nabuhayan siya ng loob ng dahil doon. Agad niyang ini-lock ang pinto at tinawagan ang numerong nag-text. Pagkatapos ng apat na ring ay may sumagot.

‘H-hello ?’’ utal na wika niya.

‘Anong kailangan mo ?’’ anang tinig sa kabilang linya.

‘Kaibigan ako ni Bobby. Please po, alam niyo ba kung nasaan siya ?’’ nag-aalalang tanong niya.

‘Anong kailangan mo ?’’ ulit nito.

‘Pakisabi na mag-ingat siya. Hinahanap siya ng mga tauhan ni Kring. Mukhang nasa panganib siya.’’ Nahihintakutang sabi niya.

‘Paano naman ako makakasiguro na totoo ang sinasabi mo ? At sino ka ba ?’’ maaskad na wika nito. Halatang di naniniwala sa kanya.

‘Kasaman niya ako sa trabaho. Ako si Monday. Noong nawala siya, ako ang binalingan nila Kring at pinagbantaan na may masamang mangyayari sa akin at sa pamilya ko kung hindi ko maituturo si Bobby. Please, kasama niyo po ba siya ?’’ desperadong paliwanag niya.

‘Kasama namin siya. Ibigay mo sa amin ang address mo at ng pamilya mo. Kukunin namin kayo para maprotektahan kagaya ni Bobby. Sa ngayon. Tumahimik ka muna at huwag gagawa ng kahit na ano. Darating kami sa makalawa. I-text mo na lang ang hinihingi ko.’’ Utos nito sa kanya at saka pinatay ang linya.

Kinakabahang napatingin siya sa pintuan ng may biglang kumatok. Mabilis niyang naitago ang cellphone sa ilalim ng upuan at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang tauhan ni Kring at sinabing sumunod siya sa opisina ng amo. Nakayukong sumunod siya at ipinagpasalamat ang kaligtasan ng kaibigan. Halos solved na ang problema niya. Kailangan na lang niyang maitakas ang pamilya.

Pagpasok sa opisina ni Kring ay nagimbal siya sa nakita. Halos panawan siya ng ulirat at ang gahiblang pag-asa niyang makakatakas sa sitwasyon ay nawala na ng makita niyang nakatali ang kanyang mag-ina at nakasalampak sa sahig. Umiiyak ang mga ito at may busal sa bibig. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa asawa at anak na babaeng wala pang pitong-taong gulang habang bakas na bakas sa mga mata nito ang takot at pag-aalala.

‘Hindi !’’ mabilis siyang lumapit sa mga ito. Wala namang pumigil sa kanya. Niyakap niya ang mag-iina at ibinaba ang busal sa bibig ng mga ito. Napuno ng pagtangis ang loob ng opisina.

‘Mga walang-hiya kayo ! Nangako akong tutulong hindi ba ?’’ galit na galit na sabi niya. Susugod sana siya ng bigla siyang tadyakan sa likuran ng kung sino. Napasadsad siya sa sahig habang ang kanyang mag-ina ay nagsisisigaw.

‘Busalan ninyo ang mga iyan !’’ utos ni Kring.

‘Hayop ka Kring !’’ galit na sabi ni Monday dito.

‘Salamat.’’ Nanunuyang ganti nito.

‘Bakit kailangang idamay mo ang pamilya ko ?’’ naiiyak na sabi niya.

‘Siyempre. Baka kasi tumakas ka. Mabuti ng may alas kaming hawak. Huwag kang mag-alala, kapag nahanap mo na ang kaibigan mo, pakakawalan namin ang mag-ina mo.’’ Sabay halakhak ng bruhildang bakla.

‘Papatayin kita kapag sinaktan mo ang mag-ina ko.’’ Nagtatagis ang bagang na sambit niya.

Hinawakan ni Kring ang mukha niya ng madiin at sa nanlilisik na mata ay nagsabing, ‘Gawin mo ang inuutos ko at makakawala kayong mag-anak. Pero tandaan mo ito. Kung sakaling gagawa ka ng maling hakbang, makikita mo ang bangkay ng mga iyan sa Ilog Pasig na lumulutang at pinagpipiyestahan ng mga janitor fish.’’

Dinuraan niya ang mukha nito. Sinuntok naman siya ng katabi nitong tauhan na nagpahilo sa kanya ng husto. Tinadyakan naman siya ni Kring sa kanyang ari at pinitpit iyon ng paa nito na nagpahiyaw sa kanya ng sobrang sakit.

‘Ilayo niyo sa akin iyan at baka mapatay ko ang hayop na yan !’’ galit na wika nito sabay kuha ng tissue para pahiran ang mukha.

Habang karay-karay ng mga tauhan ni Kring ay napag-isip si Monday. Pasensiyahan na lang sila ni Bobby. Kung hindi ito nagka-atraso sa baklang iyon ay malaman na wala siya sa ganoong sitwasyon. Sa sobrang sakit ng katawan at stress na inabot ay nakatulog siya habang kinakaladkad patungo sa kanilang locker room.

Itutuloy….


[13]
“HINDI ka ba talaga kakanta?”

Ang nananakot na sigaw ni Perse sa isa sa dalawang tauhan ni Park Gyul Ho na nahuli nila kanina. Nananakit na ang ulo niya sa pag-i-interrogate dito pero wala siyang makuhang impormasyon.

“Wala kang maririnig na kahit ano mula sa akin. Kahit pa sintunadong tunog wala.” Nang-aasar pa nitong wika.

Nagtaas ang kilay niya at niradyohan ang nasa kabilang kwarto. “Kamusta yan bata?” tanong niya kay Jerick na siyang humahawak ngayon sa isa.

“Eto ‘tol. Kumanta rin sa wakas. High notes pa. ” natatawang wika nito sa kabila.

Nakita niyang namutla ang kausap niyang haragan. Ginitiian ng pawis sa noo na siyang tanda na naging uneasy ito. Very good Jerick! Sigaw niya sa isip.

“Magaling. Wala na tayong pakinabang sa mga ito. Ihanda na ninyo ang drum na paglalagyan sa mga ito. Pero siguraduhin mong ang video tape ng pag-amin nung isa eh na-save mo na.” Utos niya sa kasamahan.

“Teka, teka boss! Anong gagawin niyo sa amin?” tarantang tanong nito.

“Anong gagawin namin sa inyo? Eh di ano pa?” nang-aasar na sabi niya bago sumenyas ng mahabang linya sa leeg sabay ngiwi.

“S-sandali boss. Anong ibig mong sabihin?” nahihintakutan nitong sabi. Nagpupumilit na makawala sa mahigpit na pagkakatali sa bangko pero pinigilan ito ng dalawang pulis na kasama nila.

“Tanga ka ba? Wala na kaming pangangailangan sa inyo. Umamin na yung isa. Naituro na sa amin ang hideout ng amo niyong koreano at ang lahat ng may kinalaman dito. So wala na, babay na. Magkikita na kayo ni Satanas.” Pang-aasar niya rito sabay halakhak ng malakas.

“H-hindi ako naniniwala.” Pagpupumilit nitong sabi.

Sasagot sana siya ng mag-radyo ulit si Jerick.

“Tol, handa na ang sasakyan at ang mga drum. Pati ang semento nandito na.” Pag-iimporma nito sa kanya.

“Ah ganoon ba? Sige tol, lalabas na kami. Men, dalhin na yan. Busalan niyo muna para di mag-ingay.” Utos niya rito at akmang tatalikod na nag sumigaw ulit ang talipandas.

Napangiti siya.

“S-sandali! May alam akong hindi alam ni Brando. M-magsasalita na ako! Magsasalita na ako!” natatarantang sabi ng hinayupak.

“Para saan pa? Hindi na namin kailangan. Na-video na namin ang lahat ng kailangan naming malaman mula sa kasamahan mo.” Tinatamad niyang sabi dito.

“Meron akong alam na hindi niya alam. Pa-pakiusap. Pakinggan mo ako.” Nagmamaka-awang sabi nito.

Tumingin siya kunwari sa relo. Ang hayup na ito. Kakanta rin pala pinagod pa siya. Pinilit niyang magmukhang walang-pakialam sa sasabihin nito. “O sige, limang minuto. Bilisan mo.” Patamad ulit niyang sabi dito.

“Yu-yung operation ninyo kanina. Planado iyon. May itinanim na espiya si Mr. Park sa inyo. A-alam din namin ang la-lahat ng galaw ninyo.” Mabilis at nabubulol na sabi nito.

“Ano?!” sigaw niya. Nagulat siya sa nalaman.

“Totoo iyon, sir!” Napapitlag ito ng suntukin niya ang lamesa. “Perez, Anipse, lumabas muna kayo. Tulungan ninyong maghanda ng mga drum sila Salmorin. Move!” utos niya sa dalawang kasamahan sa loob.

“Yes sir!”

“B-boss, maawa naman kayo sa akin.” Umiiyak na sabi nito.

“Umayos ka sa pagkanta mo. Para mapagisipan ko kung anong gagawin ko sa iyo mamaya.” Sabi lang niya rito. “Ngayon, sino itong espiya kamo?”

“Hindi ko kilala, Sir. Basta ang alam ko. Babae siya. Isang magandang babae.” Natutuliro na nating sabi.

“Anong pangalan ng babaeng it?” tanong ni Perse. Pilit nilalabanan ang bumabangong pagdududa.

“H-hindi ko alam Sir. Pang-lalake yung tunog eh.”

“Alexa ba ang tinutukoy mong pangalan?” pagtatanong pa rin niya.

“P-parang ganoon sir. Tama! Parang ganoon.” Paglalahad pa nito.

Damn! Mukhang naisahan sila ni Gyul Ho at trinaydor naman sila ni Alexa. Pero bakit nito gagawin iyon? Mga alaga ito ni Rick at talagang malaki ang utang na loob ng mga ito sa kaibigan. Napaisip siya ng malalim.

“B-boss. Huwag po ninyo akong i-salvage.” Putol ng ungas na ito sa pag-iisip niya. Muntik na niyang makalimutan. Hindi pa nga pala ito kumakanta tungkol sa hideout ni Park Gyul Ho. Bluff lang yung kaninang ginawa nila. Kapag nalaman ng kasamahan mo na ikinanta ka na or kumanta na ito ay mapipilitan na ang isa na umamin din. Matagal na nilang gawain. Pero effective pa rin.

“Sige. Kung hindi mo sasabihin ang lahat ng alam mo. Malamang di ka na makita pagkatapos nito. Nasa loob ka na ng sementadong drum mamaya, kaya kanta na.” Bulyaw niya rito.

Nahintakutan naman itong nagsalita ng sunod-sunod. Hindi nahalatang ang itinatanong niya ay ang kanina pa niya itinatanong dito. Ganoon talaga ang tao kapag naunahan ng takot na mawala ang buhay. Nagsasalita ng tuloy-tuloy kung iyon lang ang tanging paraan para mailigtas ang miserableng buhay.

“Kagaya nga ng sabi ni Brando, ang hideout namin ay sa Anilao. May isang malaking pabrika doon ng damit na ginagawang front para sa isang malaking drug shipment. Doon nangyayari ang lahat ng malalaking transaksiyon. Dawit doon ang mayor ng bayan at ang congressman. Malaki rin ang loteng kinaroroonan ng hideout. Maximum security ang ipinapatupad. Walang nakakapasok at nakakalabas na hindi alam ng mga bantay. Puno rin ng CCTV Camera ang paligid. Ang tanging paraan para hindi mapansin ay ang pasukin ito mula sa ilalim ng lupa o sa himpapawid. Bantay-sarado ang lahat ng tatlong gate. Kung magagawa ninyong pasukin ito. Dapat, siguradong marami kayo. Dahil ang bilang ng taong naroroon na armado ay hindi bababa sa isandaan. Kargado lahat. Kung mapasok niyo rin ay siguradong hanggang labas lang kayo. Dahil ang buong building ay may automatic na alarm at magsasara ang mga bakal na gate sa paligid nito. Acetelyn Tank lang ang kayang sumira sa mga bakal na iyon. Mautak si Mr. Park. May helipad din sa taas. Kaya siguradong makakatakas agad siya kung sakaling susugod kayo. Oo nga pala. May mga bantay din sa itaas. Pero nasa dalawa o tatlo lang. Kung makakalipad kayo ng hindi napapansin pwede kayong dumaan doon.”

Humihingal na huminto ito sa pagsasalita. “Yun lang sir. Sana gawin niyo na lang akong witness. Pakiusap po sir.” Nagmamakaawang pakiusap nito.

“Huwag kang mag-alala. Akong bahala sa’yo.” Inilagay niya ang kamay sa balikat nito at pinisil ang lugar kung saan makakatulog itong bigla. Mabilis na nawalan ito ng malay ng pisilin niya ang bahaging iyon. Agad niyang dinampot ang radyo at tinawag ang atensiyon ni Jerick.

“O tol ? Anong problema? Kumanta na ba?” natatawang sabi nito sa kabilang linya.

“Oo tol. Kaso may problema. Kontakin mo silang lahat. May kailangan kayong malaman. ASAP.” Aniya sa tonong kilalang-kilala na nito. As assistant team-leader ng TFE noon, agad din siyang sinusunod ng mga ito kapag may mga covert missions na siya ang commanding officer.

“Sige ‘tol. May balita ka na after five minutes.” Mabilis na sabi nito at saka nawala sa linya.

Napasuntok ulit siya sa lamesa at pinagtuunan ng pansin ang sinabi ng bihag nilang tauhan ni Gyul Ho. Naiinis na hinilot niya ang nananakit na sentido.



PINAGMAMASDAN ni Rovi ang dagat sa bahaging iyon ng Batangas. Latag na ang dilim pero nananatili pa rin siyang nakatunghay sa kadilimang iyon. Sa mga ganoong pagkakataon ng buhay niya siya pinakamalungkot. Ayaw na ayaw niyang nag-iisa pero ngayon ang pinaka-kombinyenteng oras para sa kanya upang makapag-isip.

Naalala niya ang naging engkwentro nila ni Bobby kanina. Hindi niya maarok ang pangunahing dahilan nito kung bakit bigla na lamang itong nanghalik kanina. Nang dahil doon, mas lalong tumindi ang damdamin na pilit niyang sinisikil para dito. Hindi siya maaaring ma-involve sa kahit na sino. Higit kanino man ay dito. Kinatatakutan niya na kapag pinagbigyan niya ang sarili na idamay ito sa kanya ay mangyari rin dito ang nangyari kay Allan.

Hindi naman iyon dahil sa baka puntiryahin ito ng mga pumatay sa kanyang ama at partner. Matagal ng nahuli ang mga ito. Limang buwan pagkatapos ng pamamaslang ay may kumantang witness at itinuro ang utak ng mga salarin. Isang mayamang pulitiko na napatalsik sa pwesto ng dahil sa expose ng kanyang ama ang may pakana ng pagsugod ng gabing iyon. Humanap lang pala ito ng tiyempo. Napagbayaran na iyon ng mga pusakal. Nadale ang kalaban ng kanyang ama ng magka-riot sa Munti.

Pero ang iniwang sugat ng malagim na gabing iyon ay ang pagkadepress ng ina. Sumunod agad ito sa ama ng maibaba ang hatol sa mga maysala. Nadatnan na lamang niya ito isang umaga na wala ng buhay sa silid nito. Labis siyang nanangis pati na ang kanyang kapatid.

Ngayon, bilang alagad ng batas. Marami-rami rin siyang kaaway. Ang takot niya ay baka sumugod din ang mga ito isang araw at idamay si Bobby sakali mang pagbigyan niya ang sarili na mapalapit dito. Asa ka pa? Straight yun no? Naiiling na tumalikod siya pabalik ng bahay ng makita niya si Rick na papunta sa kanya.

“Anong balita ‘tol?” tanong niya ng mapansing nagmamadali ito.

“Hawak mo ba ang cellphone mo?” sa halip ay sagot nito.

“Hindi. Naiwan ko sa kwarto.”

“Tsk! Kaya pala. Kanina pa kumokontak sa atin si Jerick. Kumanta na raw yung isa sa mga tauhan ni Gyul Ho. Dito lang din sa Batangas ang hideout nila.” Naiinis na sabi nito.

“Ganun ba? Eh paano ka niya nakontak?” tanong niya.

Itinaas nito ang aparatong kilalang-kilala niya. Isa iyong gadget na maaaring tawagan. Ang numero ay katulad ng sa cellphone number pero sa halip na mag-ring ay unattended ang linya kapag tinawagan mo. Pero sa may hawak ng aparato ay mag-iingay iyon ng malakas na parang sa isang silbato.

“Hindi ko yata narinig iyan.” Nagtatakang sabi niya.

“Nasa loob ng pantalon ko kaya medyo mahina lang. Si Salmorin lang naman ang mahilig gumamit nito kapag di tayo makontak eh.” Reklamo nito.

“Eh bakit parang nagrereklamo kang nakontak ka niya ? Ah siguro natutulog ka no?” pang-aasar niya rito. Sa lahat ng ayaw nito ay naiistorbo ang pagkakataon na matulog.

“Sinabi mo pa.” Sumimangot ito. “Doon tayo sa kwarto. Magko-conference tayo sa tawag ni Jerick. Malapit ng tumawag iyon.” Yaya nito sa kanya.

“Halika na.” Sagot niya.

Pagdating sa kwarto ni Rick ay saktong tumunog ang cellphone nito. Ini-loud speaker nito iyon saka nagsalita.

“Tolentino.”

“Pare, ang tagal niyo naman. Buti naman at sumagot na rin kayo.” Reklamo ni Jerick sa linya.

“Huwag ka ng dumada diyan. Anong problema ang sinasabi niyo?” bwelta ni Rick.

“Sungit! O, si Perse na ang bahala sa inyong mag-explain.”

Nawala sa linya si Jerick at pumalit ang boses ni Perse.

“Pare, nakuha na namin ang location ni Gyul Ho. Sa ngayon tine-trace na ni Jerick ang lugar at kung maaari niyang i-hack ang security system ng hideout. Matinik ang koreanong iyon. Mukhang hindi papahuli ng buhay.” Inilahad nito ang mga sinabi ng bihag nilang tauhan ni Gyul Ho.

“Hanep pare. Mukhang mahihirapan nga tayo diyan. Dalawa lang ang option natin. Sa lupa o sa langit.” Sabi ni Rick habang hinahaplos ang baba. Halatang nag-iisip ng paraan kung paano papasukin ang maximum security na ipinapatupad sa loob ng hideout ng koreanong drug lord.

“Walang problema pare. Dating gawi. Tataniman natin ang loob ng mga bomba na maaari nating pasabugin kung oras na ng assault.” Sabi ni Rovi sa mga kasamahan.
“Good idea. Naisip ko rin iyan. Pero sinong kasama mo? Sandali, bakit wala si Unabia?” tanong ni Rick.

“Walang sagot mula sa kanya. Ni hindi nga nagpakita pagkatapos nating mahuli ang dalawang ito eh. Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya.” Sabi ni Perse.

“Nasubukan niyo na yung emergency hotline natin?” tukoy nito sa aparatong naka-istorbo sa tulog nito.

“Wala. Ilang beses ko ng sinubukan. Nag-try din akong i-trace siya sa locator na nakatanim sa balikat niya pero walang signal. Di kaya nadale iyon ng kalaban natin at dinala na sa isang liblib na lugar?” nag-aalalang boses ni Jerick na sumingit sa linya.

“Huwag kang morbid diyan Jerick. Saka paanong madadale iyon eh hardcore iyon.” Basag ni Rick dito.

“Baliw. May nakapuslit na traydor sa grupo. Ayon sa description ng isang bihag natin si Alexa ang tinutukoy nito.”

“Ano?!” gulantang na sabi ni Rick.

“Pare, sigurado ka ba?” sabat ni Rovi sa usapan. Nagulat din siya. Iniwan lang nila ito kanina sa presinto ng masigurong nahuli na ang mga hinabol nilang tauhan ni Gyul Ho. Duda na nga ba siya sa pagkatao ng isang iyon.

“80% pare. Tumutugma ang description ng isang hawak natin sa description ni Alexa.” Si Perse.

“Paano yan ‘tol. Hindi kaya kasabwat din si Mandarin dito ?” tanong ni Rovi kay Rick na ngayon ay mukhang tuliro na. Ang babae lang kasi ang nakakaalam ng operation nila bukod sa kanilang lima.

“Hindi pa tayo sigurado. Pero wala munang lalabas sa ating apat tungkol dito. Mamanmanan ko si Mandarin habang lumalakad ka papuntang Anilao Rovi.” Sagot ni Rick.

Tumango siya. “Kontakin niyo ulit si Cody. I’m sure nag-hibernate na naman sa kung saan iyon. I’m sure. May tahi na naman sa balikat iyon dahil tinanggal na naman nito ang locator niya sa balikat. Sinabi ng sa likod niyo itanim para di naaabot ng ungas.” Nagagalit na sabi ni Rick.

“One thing more Pare. Nakalikot ni Jerick ang telepono ni Bobby. Gaya ng inaasahan ay may kumokontak dito. Si Monday. Yung kasamahan nito sa trabaho. Pinagbalingan yata ni tabachingching ng galit kaya may banta ngayon sa buhay at sa pamilya nito. Hindi pa sumasagot kung saan kukunin ang pamilya nito. Lalakarin na ba namin iyon?” pahabol na tanong ni Perse.

“O sige. Pero huwag dito. Sa ibang lugar ninyo itago. Pamanmanan muna ninyo ang bahay bago kunin ang pamilya ng isang iyan. Tapos. Kumbinsihin ninyo na magkunwaring tutulong sa paghahanap kay Bobby para magsilbi na ring tipster natin.” Sabi ni Rick.

“Roger to that.” Sagot ng dalawa sa linya at nawala na.

“Sure ka na kaya mong mag-isa pare?” baling sa kanya ni Rick.

“Ako pa ‘tol? Hardcore ini.” Pakwela pa niyang itinuro ang sarili.

“O siya. Bukas ka na lumakad at gabi na. Para maplano mo na rin kung paano ka makakapasok doon sa pabrika.”

“Eh ikaw. Anong plano mo para mapasok natin iyon? Huwag mong sabihin na maghhukay ka ng lupa. Matatagalan tayo doon.” Tanong ni Rovi sa Tinyente.

“Pwede rin ‘tol. Pero parang mas gusto kong lumipad.” Nagtaas baba ang kilay nito saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

“Nice one!” saludo niya rito sabay apir.

“Sige na. Magpahanda ka na ng pagkain at nagugutom na ako. Tawagin mo na rin ang mga kasama natin para mapaliwanagan natin kung paano ang gagawin nila bukas.” Pagtataboy nito sa kanya.

“Heh! Matutulog ka lang ulit eh.” Pang-aasar niya rito. Nangangalumata na kasi ito. Halatang naistorbo lang ang tulog kanina at ngayon ay inaantok ng muli.

“Gago. Kakain muna ako dahil malawakang pag-iisip ang gagawin ko para makapagplano tayo bukas. Sige na!” naiiritang turan ni Rick.

“Sure, sure! Pero kapag natulog ka, uubusan ka namin ng pagkain.” Aniya sabay maliksing lumabas ng kwarto ng akmang huhugutin ni Rick ang baril nito mula sa ilalim ng unan.

Nang makalabas ng silid ay nabunggo naman siya sa isang solidong katawan. Natumba pa sila pareho sa lakas ng impact kaya naman napaibabaw siya rito. Sa kanilang dalawa ng nabunggo niya ay ito ang malamang na nasaktan dahil tumama ang baba niya sa dibdib nito. Nagmamadaling itinukod niya ang kamay para tumayo ngunit sa kung anong kamalasan ay sa crotch area nito iyon napunta at napadiin para kumuha ng pwersa. Napasigaw ito sa sakit.

“S-sorry! Bobby?!” naestatwang wika niya.

“Namputsa naman o. Pisak na pisak ah. Baka naman di na ako magka-anak niyan.” Angil nito sa kanya.

Ang natatawang tinig ni Tiya Edna ang pumutol sa dapat na muli niyang pagsasalita.

“Hindi naman sinasadya iyon anak ni Rovi. Pagpasensiyahan mo na hane.” Malambing na sabi nito sa pamangkin.

“Ano pa nga ho ba?” wlang magawang reklamo nito. Iniabot nito ang kamay sa kanya. Humihingi ng tulong na makatayo. Naiilang na tinulungan niyang tumayo si Bobby.

“Sorry ulit. Hindi kita nakita eh.” Pangangatwiran niya.

Tumalon-talon ito. Waring sa ganoong paraan ay mawawala ang sakit ng pagkakatukod niya “doon”. Namumula ang mukhang iginala niya ang tingin sa paligid. Naroon ang dalawa pang pulis na kasama nila. Si Mandarin na nakataas ang kilay sa kanya at ang natatawang reaksiyon ni Tiya Edna. Hiyang-hiya siyang nagyuko ng ulo.

“Sorry talaga.” Hindi makatinging sabi ni Rovi kay Bobby.

Tumigil na ito sa pagtalon at ngayon ay nakapameywang na sa harap niya. Nakangiti na ito kahit pinagpapawisan ang noo. Marahil ay sa sakit na nadama kani-kanina lang.

“Wala iyon Sarhento. Halika, samahan mo ako sa labas. Magpahangin muna tayo habang nagluluto pa si Tiya.” Nakangiting pagyaya nito sa kanya.

Tumaas agad ang depensa niya sa sinabi nito. Tatanggi sana siya ng muling magsalita si Tiya Edna. “Ay naku Sarhento. Sige na po at hindi ka titigilan niyan. Makulit ang batang iyan lalo na kung may gustong hilingin. Hindi titigil hangga’t hindi nakukuha.” Natatawang pahayag nito.

“Tiyang naman.” Nahihiyang reklamo ni Bobby sa ina-inahan. Napakamot pa ng ulo na tila batang nahuling nang-uumit ng tinapay sa lalagyan.

“Ay siya namang totoo. Alam mo ba Sarhento na dati ay nahuli ko pa iyang nag-aano…”

“Tiyang tama na po. Lalabas na kami ni Rovi.” Putol nito sa sinasabi ng tiyahin saka mabilis na hinatak ang kamay niya papalabas.

“Ay pumarine kayo rito pagkatapos ng tatlumpong-minuto. Nakahain na ako nun.” Pahabol ni Tiya Edna.

“Bobby, sasama ako.” Si Mandarin na akmang hahabol sa kanila. Nagmamadaling nagsuot ng sandals.

“Huwag na. Tulungan mo na muna si Tiya. Bawal iyan mapagod ng husto.” Sabi ni Bobby dito.

“Pero…”

“Siyanga naman hija. Halika, tulungan mo ako at ng makahain na agad tayo.” Putol ni Tiya Edna sa sasabihin naman sana ni Mandarin. Naiinis na pumiksi ito at walang magawang sumunod sa matandang babae para tulungan ito.

Pagdating sa labas ay nagmamadali pa rin si Bobby.

“Sandali lang. Saan ba tayo pupunta?” naiinis na sabi niya. Sinusubukan niyang tanggalin ang kamay nito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito doon.

“Sandali na lang.” Mabilis na sabi nito sa pagitan ng pagtakbo nila.

Nang hustong nakalayo na sila sa bahay at kung saan ang kinalalagyan nila ay walang umaabot na liwanag ay huminto ito na ikinagulat niya kaya napasubsob siya sa dibdib nito.

Hustong paglapat ng katawan niya sa matigas na katawan nito ay hinawakan ni Bobby ang magkabilang pisngi niya para sa isang nagbabagang halik. Ang kaninang pinangangapusan niyang paghinga ay parang lalo niyang hinabol dahil mistulang hinihinga ni Bobby ang hangin na nagmumula mismo sa kanya.

Itutuloy…


[14]
PARANG tuyong kahoy na sinindihan ang pakiramdam ni Rovi ng maglapat ang labi nila. Bobby kissed him senseless making him hot all over. His lips teased. Forcing him to open so that he can fully invade his mouth. Iginala nito ang kamay sa kanyang likuran. Nang makarating ito sa kanyang pang-upo ay mariin nitong dinakot ito at idinikit ang sarili sa kanya ng todo. Making him aware of his arousal underneath the clothes he’s wearing.

Marahan siyang napasinghap sa ginawa nito dahilan para ang mapusok na dila ni Bobby ay tuluyang nakapasok sa kanyang bibig. His tongue invaded his. Rovi cried from the pleasurable pain he encountered. He felt like a strong wind was carrying him. Ninamnam niya ng husto ang karanasang iyon.

Bahagyang lumayo sa kanya si Bobby at hinubad ang t-shirt nito. Naguluhan siya. “Bakit ka naghuhubad?” ang kanyang litong tanong rito.

“Kanina ko pa gustong gawin ito.” Humihingal na sagot nito.

“T-teka! Hindi tama ito.” Nagugulumihanan niyang sabi. Bahagya niyang itinulak si Bobby palayo sa kanya.

Tumaas-baba ang dibdib nito. Ganun din siya.

“Mali ito Bobby.” Aniya sa pinatatag na tinig.

“Anong mali? Paano ito naging mali?”

“Hindi mo ako maloloko Bobby. Alam kong may dahilan sa likod ng mga ginagawa mong ito.” Sambit niya sa nanguuyam na tono.

“Sa tingin mo ay aabot ako sa ganito para lang gantihan ka?” kunot-noong sabi ni Bobby.

“Hindi. Alam kong may plano ka. Hindi ko kailangang maging henyo para malaman iyon.” Ismid niya rito.

“Gaano at paano ka nakakasiguro?”

“Isangdaang porsiyento.” Maaskad na sabi ni Rovi.

“Kung ganoon ay paano mo ipapaliwanag ito?” sa halip ay sabi ni Bobby saka mabilis na kinuha ang kanyang kamay at inilapat sa kayo’ ng maong nito.

Parang may sariling isip na nanatili doon ang kamay ni Rovi ng madama ang kahandaan nito. Hindi nagawan ng paraan ng makapal na tela ng pantalon nito ang init na tila tumatagos mula sa bahaging iyon patungo sa kanyang kamay. In fact, parang lalong nagkaroon isang napakatigas na bagay doon.

“Paano mo ipapaliwanag iyan?” seryosong sabi nito sa kanya.

Nalito ang buong katauhan niya sa ginawa nito. Nawalang ng ganang mag-isip ang kanyang kanina’y alertong isip. Parang inalis ang lahat ng karapatan at kakayahan para magisip ng rason.

Ilang sandaling nakatitig lang siya sa lugar kung saan nakalapat ang kanyang kamay. Kahit ng unti-unti ng buksan ni Bobby ang butones ng pantalon nito at ibaba ang zipper habang hindi inaalis ang pagkakalapat ng kanyang kamay doon ay wala siyang ginawa.

Naramdaman ni Rovi ang pangangapos ng hininga. Damang-dama niya ang init nito. Nagtaas-baba ang adam’s apple niya ng ipasok ni Bobby ang kanyang kamay sa loob ng pantalon nito.

“Hawakan mo Rovi. Saka mo ipaliwanag sa akin kung bakit ganyang ang reaksiyon niyan sa mga hawak mo?” maalab na sabi Bobby.

Wala pa rin siyang maisagot dito. Sumagi na sa isip niya ang pagbawi sa kanyang kamay pero parang nahipnotismo na siya ng madama ang kahindigan ng pag-aari nito na ngayon ay damang-dama niya kahit pa nababalutan pa iyon ng puting brief nito.

Unti-unti ng tinatakasan ng katinuang ang isip ni Rovi sa sensasyon na dulot ng ginagawa sa kanya ni Bobby o mas tamang sabihin na dulot ng ginagawa niya dito. Narinig niya ang mahinang ungol nito at ang paghahabol ng hininga. Binitiwan nito ang kamay niya at saka siya hinapit palapit dito. Ang init ng katawan ni Bobby ang tuluyang pumatid sa kanyang matinong kaisipan.

Ikinawit niya ang kamay sa batok ni Bobby para muling maghugpong ang kanilang mga labi. Habang ang kanyang isang kamay ay busy sa pagpapala sa kahandaan nito. Ipinasok niya na ng tuluyan iyon sa loob ng brief kaya ngayon ay parang kukumbulsiyunin ang kanyang pakiramdam.

“Bobby…” he murmured in his lips.

Marahas ang halik na iginawad niya rito na ginagantihan naman ni Bobby ng mas maalab, mas mapusok na halik. Nilalaro ng dila nito ang kanyang dila. Rovi tried to pull away but Bobby held him firmly in his embrace.

Nakahanap siya ng pagkakataong humiwalay sa labi nito ng umiba ito ng paraan ng paghalik. “H-hindi ko alam Bobby.” Sambit niya. Tiningnan siya nito at nakakaunawang tumango.

“Alam ko.” Sabi nito saka siya muling hinalikan. Mas masuyo. The gentleness of the kiss sent Rovi’s kness into melting. Naramdaman marahil ni Bobby ang panghihina niya kaya naman hinigpitan nito ang yakap sa kanya. Supporting his balance while thoroughly kissing his lips.
Bobby tightened his arms more securely to support Rovi, and lowered his head to leave a trail of butterfly kisses over the warm curve of Rovi’s throat.

“Paligayahin mo ako.” Anas sa kanya ng kaniig.

Wala namang magawang sumunod ang huli dahil na rin sa umaalimpuyong pagnanasa na nararamdaman.

Gently, Rovi moved lower. Licking Bobby’s skin between kisses and murmuring on how well he tasted. Of fresh morning dew.

Napahugot si Bobby ng malalim na hininga ng dumako ang halik niya sa tiyan nito. Down to his hard abdomen and to the soft curls that tickled his nose. Rovi’s tongue made circles until it reached its destination.

Bobby’s hard shaft was poking chin. He gently kissed the soft head now flowing with precum. Rovi tasted it. It was sweet. Hindi na niya namalayang naibaba ni Bobby ng tuluyan ang pantalon nito. Giving him full access to his erection.

“Rovi… please…” pagsusumamo nito.

He obliged. Mariin siyang pumikit and paid homage to Bobby’s sex. He heard him groan. As if in pain. Napadiin ang kapit nito sa balikat niya. Waring inuutusan siya to take all of him.

Bobby grabbed his hair then gently pushed. He withdrew a little then pushed again. Rovi played with the rythmn. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagkasundo sila sa iisang ritmo. Banayad ang bawat ulos na tinatanggap niya mula dito. Hindi nagmamadali.

Still grabbing Rovi’s hair, Bobby started to thrust faster. But not with full force. Rovi was amazed on how this man can control his movements swiftly. It was more like he was giving him consideration.

When his want became his need. Rovi encouraged Bobby to thrust deeper.

Bobby increased his movements and felt the answering ripple of his flesh to his mouth as he cried out in ecstacy.

He moaned as satisfaction raced through him, turning his thoughts to dreams and his muscles to jelly. Napakapit ito sa mga balikat niya. Nanginig ng husto ang katawan. Iniluwa naman ni Rovi ang lahat ng tinanggap mula kay Bobby sa buhanginan.

Hindi pa man nakakabawi ay hinila siya ni Bobby paangat at hinalikan ng marubdob. Nalasahan nito ang sariling katas ng dahil doon pero parang balewala lamang iyon dito. Humihingal na naghiwalay sila. Natatawang iniangat nito ang brief kasunod ang pantalon.
“Ang lupit non Rovi!”

Walang salitang namutawi mula sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala kasi na may nangyari nga sa kanila ilang segundo pa lang ang nakakalipas.

Dumura ulit siya. Halos nararamdaman pa rin niya si Bobby sa bibig niya. Parang biglang nangapal ang paligid ng kanyang labi. Maging ang kaloob-looban noon.

Humupa na ang init ng katawan marahil ni Bobby maliban ang sa kanya. Naninigas pa rin siya sa loob ng pantalon niya.

“Ang galing mo.” Sabi pa nito sa kanya.

“I’ll take that as a compliment.” Sabi ni Rovi ng maapuhap ang boses.

Tumayo na siya saka inayos ang sarili at lumapit sa dagat para maghilamos. Kailangan niyang tuluyang mahimasmasan. Nagtataka namang sinundan siya ng tingin ni Bobby.

“Iyon lang ang sasabihin mo? I’ll take that as a compliment?” napapantastikuhang sabi nito.

“What do you expect Bobby? Magtatalon ako sa tuwa kasi may nangyari sa atin?” blangko ang mukhang tugon niya rito.

“Hindi. Pero sana, hindi ganyan ang reaksiyon mo kahit paano. Parang balewala lang sa’yo ang nangyari.” Naiinis na sabi ni Bobby.

“Ine-expect mo ba na magpapasalamat ako sa’yo?” malamig namang balik ni Rovi dito.

“Bakit ba ganyan ka kalamig? Ano bang nangyayari sa’yo?” tuluyan ng nagalit ito.

“Wala. Bumalik ka na at baka hinahanap ka na nila. Kailangan kong mapag-isa.” Pagtataboy niya kay Bobby.

“Fuck you ka Rovi.”

“Newsflash! We just did!” nanguuyam na sambit niya.

Umakma itong may sasabihin pa sana pero isinara na lang muli ang bibig saka mabilis na tumalilis sa kadiliman. Malungkot namang tinanaw ni Rovi si Bobby habang papasok sa kabahayan.

Tinungo niya ang dagat at naghilamos ng maalat na tubig. Bahagya siyang kumalma. Tumingala siya sa langit. Saka wala sa loob na nahiga sa buhanginan. He just had sex with Bobby. He should be feeling great. Pero feeling niya ay lalo lang siyang natakam dito. Nahahapong itinakip niya ang palad sa mukha saka malakas na sumigaw.


[15]
Nakasilip si Rovi sa high-powered lens ng binocular na gamit niya. He was about 200 meters away sa napakalaking factory ng damit na ginagamit na front para sa drug smuggling operations ng Koreanong si Park Gyul Ho. Understatement ang kwento ng hinyupak na tauhan nitong kumanta sa saliw ng awiting si Major Perse Verance pa mismo ang nag-compose.

Naka-set ang gadget na iyon sa night vision kaya naman kahit sobrang dilim sa kinatatayuan niyang sanga ng puno na nasa katabing gubat ng factory na iyon ay kitang-kita niya ang operasyon ng mga ito sa loob. Apat na oras na siyang palipat-lipat ng sanga. Good thing na magkakalapit lang ang mga puno sa bahaging iyon kaya nakakatalon-talon siya kung gusto niyang lumipat para sa ibang view.

Rovi was almost sure na ang buong factory ay nasa walong-daang metro ang haba. Mataas din ang pader at may mga naka-station na unipormadong gwardiya sa halos lahat ng sulok. May malalaki ring kable ng kuryente sa taas ng mga pader. Whoever designed the whole place has death on mind. Mukha kasing hindi ka bubuhayin ng mga high-voltage wire na nakapaligid.

Hindi rin basta-basta ang security. Double-walled na halos iyon. Parang Intramuros. Sa loob kasi ng malaking pader ay isa pa ulit malawak na pader na ang pagitan sa nauna ay mga limampung metro. So, kung mapapasok mo ang isa eh tiyak na mapapagod ka sa pagpasok ulit sa isa pang gate. Imagine ang stress nun diba? Para ka lang kumuha ng isang bato para ipukpok ng husto sa ulo mo.

Pinasadahan niya ng tingin ang gate na puntirya niya. Mas kaunti ang bantay doon kumpara sa iba. At pansin niya. Hindi nagkikibuan ang mga ito. Kung tama ang hinala niya, hindi halos magkakakilala ang mga ito. Nagtatanguan lang at never na nagusap-usap. Hindi rin nagpapalitan ng station ang mga gwardiya. Lima lang ang nakapwesto sa binibistahan niyang pasukan. Sa apat na natitirang gate ay mga pito o walo. Tingin din niya employees entrance iyon dahil sa walang sasakyan ang pumapasok sa gate na iyon.

Napahawak siya isang sanga na malapit sa kanya para lang mapa-"ewe" dahil sa dagta na nakapa niya. Yumuko siya para hugutina ng panyo sa bulsa na nasa kaliwang binti niya ng maramdaman niyang parang may mabilis na bagay na humaging o dumaan sa ulo niya. May narinig din siyang tumama na kung ano sa isang kalapit na puno. Kinapa niya ang ulo at inamoy ang basang naramdaman niya. Dugo!

Kung ganoon ay may bumabaril sa kanya. Sniper marahil iyon. Maingat siyang sumandal at nag-isip sa maaaring pinanggalingan ng bala. Nakatayo siya sa west side ng factory. Ang punong kinalalagyan niya ay may taas na pitong metro. Ang layo niya ay mga dalawang-daang metro mula sa gate na pinagmamasdan niya. Ng yumuko siya ay nabaling ang direksiyon niya sa timog-kanluran ng bahagya. Sa makatuwid, maaaring naroroon ang sniper. Punyeta! Ang mga ito ang pinaka-ayaw niyang kalaban. Mahirap manghula ng lokasyon. Lalo pa t hindi siya ipinanganak na magaling sa Math.

Mabilis siyang nag-isip. Kinuha niya ang helmet na nakalapag sa isang tabi at isinabit doon ang disguise niyang salamin sa mata. He would bait the son-of-a-bitch to come out from hiding. Sigurado siyang pupuntahan siya nito or ng mga kasamahan nito kung magpapanggap siyang natamaan nito.

Salamat sa extensive training ng TFE sa kanya at kaya niyang kumilos ng mabilis at walang ingay. Idinikit niya ng husto ang sarili sa katawan ng punong kinalalagyan at saka iyon ginapang pababa. Gamit ang night-vision goggles ay humanap siya ng patpat na maaaring magamit. Nang makakita ay mabilis na kinuha iyon at muling umakyat ng puno.

Gamit ang patpat ay isinabit niya rito ang helmet. Alam niyang kikinang iyon gawa ng ganyang salamain. Malamang na naka-night vision din ang kalaban at pupuntiryahin nito ang anumang makitang kumikinang. The man would make sure he's dead kaya naman sa ulo siya nito tiyak na patatamaan. Iyon ang purpose ng ginagawa niya.

Pagkataas na pagkataas niya ng helmet ay muli iyong bumagsak at lumikha ng kaunting ingay ng dahil sa pagkakabaril ng sniper doon. Hindi nga siya nagkamali. Mula sa goggles niya ay nakita niyang ang pinanggalingan ng bala ay ang pinaghinalaan niyang direksiyon.

Mabilis siyang lumipat ng puno at pumuwesto sa isa sa mga sanga noon at nagkubli. Kung tama ang calculation niya ay nasa mga isandaang metro ang kalaban niyang sniper base na rin sa impact ng pagkakatama sa helmet niya. Naghintay siya ng ilang minuto. Alam niyang may darating na kasamahan nito kung hindi man ang mismong bumaril sa "kanya".

Pagkalipas ng sampung minuto marahil na paghihintay ni Rovi ay nagsidatingan na rin ang mga ito. Mga nasa lima ang bilang. May dalang mga flashlights at iniilawan ang lahat ng parteng madaanan. Isang mabilis na kilos ang ginawa niya at nagkubli sa isang mataas na punong tumutumbok sa direksiyon mismo ng sniper. Mas safe iyon. Alam niya kasing ang iniisip nito ay nasa kalapit siyang puno or lumayo na kung hindi man siya napuruhan.

Nagkapaikot ang mga ito sa lugar na kinabagsakan ng helmet. Mabilis na rumadyo ang mga ito sa bumaril sa kanya at nag-report na marahil ay nakatakas na siya. Nagpalit siya ng goggles bago hinugot ang flashbomb sa kanyang utility belt na suot. Hinila niya ang pin saka initsa ito sa gitna ng mga ito. Tinalon niya ang unang taong malapit sa kanya at inikot ang ulo nito.

Inilabas niya ang special na baton at mabilis na hinataw sa ulo ang natitira pang apat na natitira. Hindi na nakuha pang umimik ng mga ito dahil sa mabilis na pagkilos niya. Bagsak ang mga ito sa lupa. As much as possible ay ayaw niyang pumatay pero siya ang papatayin ng mga ito kung hindi siya kikilos.

Narinig niya ang tunog ng radyo kaya mabilis niya itong kinuha at nagkubli. Pinindot niya ang buton para sa mensahe.

"Santos. Anong kislap yung nakita ko? Nakasagupa niyo ba yung nabaril ko?" anang sa kabilang linya.

"Santos 'to p're." Ginaya niya ng bahagya ang narinig na boses kanina.

"Nakatakas ang walang-hiya. Hinahabol na ng mga kasama natin. Nasaan ka ba? Baka pwede mong tingnan mula sa taas. Tumakbo palayo rito eh." pagpapanggap niya.

"Lumipat ako ng pwesto. Sige. Saan ang direksiyon niya?"

"Sa timog ang takbo pare. Ikaw na muna ang bahala. Sugatan ako eh."

"Diyan ka lang. Humingi ka na lang ng tulong. Malapit lang ako sa inyo. Mga limampung-metro lang."

BINGO!

Tapos ka na! Nagbubunyi ang kaloobang saabi niya. Minsan ang pag-arte natural na lang sa kanya.

Mabilis na tumakbo siya sa mga puno palihis sa naunang direksiyon ng sniper. Kung umiba ito ng pwesto, siguro ay nasa mga good 20 meters ito palayo sa nauna nitong pwesto. hininaan niya ang volume ng radyo at sinignalan ang kausap kanina ng sa tingin niya ay malapit na siya rito. Hindi nga siya nagkamali. Nasa itaas ito ng puno mga pitong metro lang ang lapit sa kanya. Nakatayo ito at nakatalikod sa kanya. Tinitingnan ang radyo at pilit na kinokontak ang radyo na ngayon ay mahina na. Naririnig niya ang static ng radyo at ang pagmumura nito.

Mabilis siyang nakalapit sa puno at dahan-dahang inakyat iyon. Like a cat preying on its victim. He silently shifted his legs to the strong branch above the unknowing man's head. He immediately reached for his combat knife and with a swift move, Rovi grabbed his victims head then quickly slashed his throat to claim his life.

How he wished he wouldn't do that. But without any justification for his acts, the only comment he would say is that, its a dog eats dog world out there. It is either you kill or be killed. Wala siyang planong mamatay ng maaga. At may misyon siyang kailangang tuparin.

Mabilis niyang binitawan ito dahilan para bumagsak ito sa lupa habang siya ay nakakapit pa rin sa puno. He silently prayed para sa kaluluwa ng mga ito. Mabilis niyang tinawagan ang mga ka-team niyang nag-aabang lang sa bukana ng gubat pero nakatago rin.

Mabilis na sumagot si Perse. "O pare, anong balita?"

"Napa-engkwentro ako 'tol. Kailangan ko ng clean-up. Mabibisto tayo kapag nagtagal pa ito. Wala pa rin bang sagot si Unabia? Kailangan natin siya dito. Duda ko kong isa lang ang sniper dito. May nakalaban ako. Punyeta. Muntikan na ako sa isang ito." parang pagod na pagod na agad na sabi niya.

Tumatanda ka na Yuno! Pang-aasar ng utak niya.

Natawa si Perse sa reklamo niya. "Hey. Relax ka lang pare. Wala pang sagot sa kumag na si Cody. Pero maghintay ka lang diyan at papunta na sila Jerick diyan kasama si Takeshi. Signal ka na lang kung nasaan ka. Si Jerick na bahala maghagilap sa'yo."

Napabugha siya ng hangin. "Sige." walang-gana niyang sabi.

Bumaba siya ng puno at binalikan ang pwesto ng mga nakasagupa niya kanina habang hila-hila ang katawan ng kanina ay sniper niya. Nagsignal siya kay Jerick at iniwan sa isang puno ang gadget para matagpuan nito iyon saka siya mabilis na tumalilis sa bahaging iyon ng gubat. Pupuntahan niya pa si Perse para i-report kung paano nila kokopyahin ang mga nakasagupa niya kanina.


"Bakit kanina ka pa tahimik, ha, Bobby?"


Napalingon si Bobby sa nagsalitang si Mandarin. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Kanina pa niya ito kasama pero parang wala rito ang presensiya. Alam niya kung ano ang sagot doon, although naguguluhan siya kung bakit siya nagkakaganon.

Libog lang yan! gagad ng isip niya.

Naiiritang hinilot niya ang sentido na biglang sumakit dahil sa kanina pa siya nag-iisip. Waring tinangay lahat ni Rovi ang kakayahan niyang mag-isip. Dalawang araw na ang nakalipas mula ng umalis ito at ng may nangyari sa kanila pero kapag naaalala niya ang naganap ay di niya maiwasan ang panikipan ng pantalon.

Maging ang alindog ni Mandarin na sadyang inihahain nito sa harapan niya ay halos walang epekto sa kanya. Hindi nag-i-standing ovation sa loob ng shorts niya si junior. Nag-aalala na siya hindi para sa sekswalidad niya kung hindi dahil baka sa impotent na siya o kung anupaman.

"Ano bang problema mo?" kunot-noong tanong ni Mandarin.

"Wala." tipid niya sagot.

"Kung lahat ng walang problema nakasimangot gaya mo. Paano pa kaya yung napakarami ng pinoproblema?"

Hindi siya sumagot. Obvious kasi na gusto lang nitong pag-usapan nila ang bagay na gumugulo sa isipan niya.

Lumapit pa si Mandarin sa kanya. Naka-suot ito ng swimsuit na halos wala ring tinakpan. Kung sa ordinaryong pagkakataon, siguradong di niya iyon palalampasin pero parang tinakasan na siya ng libido niya. Parang normal lang ang suot nito para sa kanya.

Lang'ya!

"Andito naman ako eh. Ako na lang ang pagkaabalahan mo Bobby." malandi ang boses na sabi nito. Idinikit pa ng husto ni Mandarin ang katawan sa kanya. Nakaramdam siya ng kilabot. Hindi dahil sa naaakit siya sa ginawa nito. Nanginig siya kasi, wala siyang maramdaman at iyon ang nagbigay ng kilabot sa kanya.

"Sabi na nga ba at hinihintay mo lang na lumapit ako eh. Alisin mo na yang gumugulo sa isip mo. I'm yours, Bobby." sambit nito sa may tainga niya.

Patay na!

Naipagkamali nito ang panginginig niya. Akala siguro nito ang ganda-ganda nito sa paningin niya ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya at disimuladong kumalas rito.

"Pagod na ako Mandarin. Babalik na ako sa bahay."

"Ano?" gulantang na tugon nito. Di makapaniwala ang hitsura.

Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy sa paglakad pabalik sa bahay. Nakakailang hakbang pa lang siya ng magsalita ulit ito.

"Huwag mong sabihing si Rovi ang iniisip mo? Yung baklang iyon. Sinasabi ko na nga ba at mabilis kumilos ang isang iyon." nanggagalaiting sabi nito.

Huminto siya saglit at tinapunan ito ng masamang tingin.

"Wala siyang kinalaman dito. Pwede ba? Manahimik ka na lang?"

Nanlaki ang butas ng ilong nito lalo sa galit. "Wala? Eh bakit ang lamig-lamig mo sa akin? Bago tayo pumunta dito eh sabik na sabik ka sa akin na para bang mauubusan ka tapos nakilala mo lang ang Rovi na iyon nagbago na agad ang timpla ng hangin. Ano bang ipinakain niya sa'yo?" galit na galit na sabi ni Mandarin. Her eyes glaring while her arms akimbo.

Umiling-iling siya. Ako ang may ipinakain sa kanya! Ngali-ngali niyang isigaw dito.

"Maligo ka na sa dagat. Huwag mo akong pakialaman." aniya sa mapanganib na tono.

"Hindi ka seseryosohin ng baklang iyon. Kahit anong gawin mo, lalabas lang na kulang pa ang lahat ng gagawin mo kasi di marunong makuntento ang mga katulad niya. Laging naghahanap. Laging may kulang para sa kanila." sigaw nito.

Hindi na lang siya sumagot o lumingon pa. Kahit na tumimo sa isip niya na maaaring totoo ang lahat ng sinabi ni Mandarin. Kaya ba naging ganoon si Rovi sa kanya noong gabing may nangyari sa kanila? Nakuha na nito kasi ang gusto nito kaya naman wala na siyang halaga?

"Anong gusto mong mangyari? Magtatalon ako sa tuwa kasi may nangyari sa atin?" Naalala niyang sabi ni Rovi.

Putang ina.

Naiinis na ibinalibag niya ang pinto ng likod-bahay hustong pagkapasok niya. Hindi alintana ang nagtatakang tingin ng tiyahin at ng dalawang pulis na nakabantay sa kanila. Dire-diretso siyang pumasok sa silid at kumuha ng pahinga.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment