By:
K.G. Fadriquella
Facebook:
gabifad@yahoo.com
Blog:
gabrielfads.blogspot.com
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
Nagising
si Kalion matapos ang pagkawala ng mga sumpa ng mga Grospe
“Anak,
nawala na ang mga sumpa sa mga Grospe, nasagot na ang katanungan mo” sabi ni
Mama
“Sino
sya?” tanong ni Kalion
“Siya
si Joseph, kapatid mo!” sabi ni Mama
“Matagal
ko nang nasagot ang katanungan na iyon Ina! Matagal na, sino ang nakatanggal ng
sumpa ina? Sino?” tarantang tanong ni Kalion
“Si
Joseph anak” sagot ng ina ko
Biglang
napatingin si Kalion sa akin at parang nagiba ang tingin
“Lumayo
ka samin! Lumayo ka!” sigaw saakin ni Kalion
“Anak,
bakit mo siya ginaganyan, kapatid mo sya” sigaw ni mama sakanya
“Basta
Ina, palayuin mo yan dito” sigaw ni Kalion
Nang
hindi ako gumagalaw ay agad akong hinatak ni Kalion at kinaladkad palabas ng
komunidad ng mga Kaspyan at kasunod naming ang mga Kaspyan na nagtataka sa mga
nangyayari
“Anak,
Kalion, tama na! Anak!” sigaw ni Mama habang nagmamakaawa sa kapatid kong
bitawan ako
“Hindi
mo naiintindihan Ina!” sagot ni Kalion “ganyang ganyang ang nangyari dati,
ganyang ganyan, nasagot ko lahat ng mga katanungan ko, kung papaano ililigtas
ang mga Grospe sa sumpa, kasi si Kat, si Kat ina! Ginawa nilang Grospe, kaya
nalaman ko na mga normal silang tao na minalas na madapuan ng sumpa, kaya’t
gumawa ako ng paraan para maisalba sila”
“Ano
ba tong sinasabi mo ha? Hindi ko maintindihan” sabi ng ina habang nakatulala
lang ako sakanilang dalawa at magisa sa gitna ng daan habang pinapakinggan ang
sinasabi ng kapatid ko
“Si
Grospidio! Ang tanging Grospe lang talaga, o ang nagbuo sa mga Grospe, ang
nagbigay ng sumpa sa mga tao, ay naglagay lamang ng isang paraan para mawala
ang sumpa, iyon ay ang tunay na pagibig sa isang Grospe at isang Kaspyan, at
alam nya na hindi mangyayari yun kasi magkagalit ang parehong panig sa isa’t
isa kaya hindi nya naisip na mangyayari ang bagay na iyon. At iyun ang ginawa
ko, patuloy ko lang minahal si Kat kahit naging Grospe sya, sinamahan ko sya
hanggang sa mawala ang sumpa sakanya” sabi ni Kalion
“Oh!
Eh ano, bakit mo ginaganito ang kapatid mo” sigaw ng ina
“Kasi
kaakibat ng pagkawala ng sumpa sa lahat ng mga Grospe ay ang sumpa sa Kaspyan
na nagtanggal ng sumpa sa lahat ng kaalyado nya. Ina! Kahit anong oras
mababalot ng sumpa si Joseph! Kahit anong oras kukunin na siya ni Grospidio,
iyun ang kapalit ng pagsalba sa mga tao!” maiyak iyak na sabi ni Kalion
Kumulog
ng malakas at nabalot ng itim na ulap ang kalangitan
At
tanggap ko na ang mangyayaring kasunod. Basta ang mahalaga, ligtas na si Eros
sa ngayon
Ang
panalangin ko nalang bago mangyari ang dapat mangyari, ay sana maging mapayapa
din ang lahat sa huli
Nakaisip
ako ng paraan kahit sa mga huling sandali
“Kalion”
sigaw ko sa aking kapatid “Ilabas mo ang kahit sinong elemento na nasasaiyo”
sabi ko
“bakit”
tanong ni Kalion
“basta!”
sigaw ko habang lalo pang lumalakas ang hangin at nakikita ko na ang pababang
dilim mula sa kaitaasan
“Sige”
sagot nya… tinawag ni Kalion si Heat, ang apoy na phoenix
“patayin
mo ko” sigaw ko kay Kalion
“Hindi”
sabi ni Kalion
“Patayin
mo ako! Iyun lang ang paraan” sagot ko
“Anak…
wag” sigaw ni Ina saakin “Wag”
“Sige
na Kalion, para ito sa ikabubuti ng lahat” mas malakas kong sigaw sa kanya
“Sige na bilisan mo andyan na sya” dagdag ko pa
“Kahit
ayoko, para sa lahat to!” sagot ni Kalion “Heat! Blaze of Eternity! Paliyabin
mo ang buong katawan nya”
Agad
na bumulusok saakin ang apoy na nanggaling kay Heat at habang nasusunog ako ay
nakangiti parin ako. Tinignan ko ang kapatid ko at si Mama at Papa ko sa huling
pagkakataon, at hiniling ko nalang ang kaligtasan para kay Eros, na gustong
gusto ko Makita pero hindi na pwede. Nasunog nga ang buong katawan ko ngunit
hindi kalian man masusunog ang puso ko. Ang puso ko na handing magtanggol….
Hanggang sa huli…. kahit kapalit pa nito ay ang sariling buhay ko…
“Joseph”
namulat ang mga mata ko sa narinig ko, pagtingin ko sa paligid ay hindi ko alam
kung nasaan na ako “Nasaan ako” tanong ko sa lalaking nakatalikod na hindi kalayuan
saakin
“Maligayang
pagdating Joseph, ako si Grospidio, at ikaw ang tutupad sa mga adhikain ko”
(END)
No comments:
Post a Comment