By:
Jubal Leon Saltshaker
Source:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[16]
Songs We Used to Sing - Promise me
Sixteen
Akda ni Jubal Leon Saltshaker
“When i go away
i’ll miss you. And i will be thinking of you every night and day.”-Beverly
Craven
NANLAKI
ang aking mga mata sa kanyang sinabi at agad na lamang akong tumayo upang
makalapit dito.
“Oo
naman.”
Nangingiti
kong tugon sa kanya.
Nakatayo
lamang kami sa harapan ng isat-isa at hindi ko alam ang aking dapat gawin.
Kasalukuyang tumutunog ang radyo sa aming paligid na trumpeta at pyano ang
pinakakawalang musika. Naramdaman ko na lamang na kinuha nya ang aking mga
kamay at pinapatong nya ito sa kanyang mga balikat.
“Okay
ka lang?…pagdikitin mo yung mga kamay mo…”
Mahina
nyang sinambit sa akin.
“Oo.”
Sinunod
ko ang kanyang sinabi at sa pagsunod dito ay naramdaman ko ang kanyang mainit
na batok. Sinimulan nya namang ilagay ang kanyang mga kamay sa aking baywang at
dahan-dahang ipinatong ang kanyang ulo sa aking kanang balikat.
“Angelo…”
Narinig
kong ibinulong nito sa akin bago kami magsimulang maglakad-lakad sa kanyang
kwarto sa ganito paring posisyon.
“Hmm…Ano
yun?”
Nang
hindi ito sumagot ay nagpatuloy lamang ako sa pagsasalita at hinayaan syang
patuloy akong isayaw.
“Salamat
ha’…hindi ko malilimutan ang gabing ‘to. Lubos mo akong pina-sasaya.”
Madilim
pa rin ang buong paligid kahit na malaki na ang liwanag na ibinibigay ng maliit
na gasera ni Viktor. Tila ba isa itong araw na itinago upang hindi tuluyang
maka-pagsaboy ng kanyang liwanag upang tuluyan namin syang hanap-hanapin sa
madilim na paligid.
Ganoon
pa man, kasama ng tunog na pinakawawalan ng radyo at ng kadiliman ay lalo
naming pansin ang isa’t-isa, at sa bawat-isa lamang nakatuon ang aming mga
sarili. Napansin ko na lamang na unti-unting nababasa ang aking kanang balikat
at dito’y napansin kong umiiyak si Viktor. Nagsimula itong magpakawala ng
mahihinang panaghoy. Gaya ng ginawa nya sa akin noong gabing muli kaming
magkita ay hinimas-himas ko rin ang kanyang likod at saka ito tinanong.
“Huy’…ayoko
na ng may iiyak sa atin. tTama na yan ha’?…may problema ba?...”
Naramdaman
kong umiling lamang ito hanggang sa wala ng magsalita sa amin. Nakaramdam akong
muli ng kalungkutan dito bagamat kapiling at yakap-yakap namin ang isa’t-isa. Siguro
dahil sa harapan kong nasasaksihang umiiyak si Viktor na ngayon ko lamang
nakita.
Ilang
sandali pa ang nakalipas at patuloy lamang kaming magka-yakap. Tuloy-tuloy pa
rin sa aming dahang-dahang pag-galaw na tila ba inaanod ng tubig sa malawak na
karagatan an gaming mga katawan ng mapansin kong ako na lamang pala ang
nag-dadala sa amin.
Narinig
ko na namang muli ang tilaok ng mga manok ng kapit-bahay na syang tuluyang
gumising sa akin. Nang mapansin kong nakayakap pa ako kay Viktor ay hindi ko
muna tinangkang alisin ang aking mga kamay sa kanyang balikat at pinagmasdan
muna ng mabuti ang kanyang mukha. Humihinga ito ng malalim at pikit na pikit
ang mga mata. Hinimas-himas ko ang noo nito dahil napansin kong naka-kunot ito
na para bang gising at mayroong malalim na iniisip. Nang bumalik na ito sa dati
ay hinawakan ko naman ang kanyang mga kilay. Paalis na ako mamaya at hindi ko
alam kung kailan ko pa ito muling magagawa. Dahan-dahan akong kumilos upang
hindi ko ito magising dahil gusto kong sa oras na magising na sya ay nakahanda
na ang kanyang agahan. Gusto ko syang pagsilbihan bago man lang sana ako
umalis.
Tumayo
ako sa harap ng kanyang papag at muli itong pinagmasdan.
Binalak
ko ng tuluyang bumaba ngunit lumingon akong muli upang masigurong natutulog nga
ito at hindi pa nagigising. Nang masiguro kong muli na hindi ko sya naistorbo
sa mahimbing nyang pagtulog ay agad na akong bumaba. Nakita ko pa itong umunat
at bumalik na rin sa dati nyang posisyon bago ako tuluyang makaalis sa silid.
Alas-nuebe
na ng umaga ng matapos kaming makakain ng agahan ng kanyang mga kapatid. Pero
hindi pa rin sya bumababa kaya’t sinabi ko na lamang kay Valeria na iaakyat ko
na lang ang agahan ni Viktor. Tulog pa rin si Viktor ng ako ay maka-akyat, dala
ko ang isang baso ng pineapple juice, karne norte at itlog kasama ang niluto
kong sinangag mula sa kaning hindi naubos kagabi.
Kinuha
ko ang kanyang maliit na mesa at dito ipinatong ang dala kong mga pagkain.
Inilagay
ko ang mga ito sa harapan ng kanyang papag upang kakain na lamang ito sa oras
na sya ay magising. Ilang sandali pa ay iminulat na nito ang kanyang mga mata
na tila ba mayroon itong hinahanap. Agad naman akong umupo at nag indian sit sa
tapat ng lamesita upang mapansin nya ang agahang aking inihanda para sa kanya.
“Angelo…”
Tawag
nito sa aking pangalan habang nagsisimulang bumangon mula sa kanyang
pagkakahiga at sinisimulang iupo ang kanyang sarili.
“Magandang
Umaga, Viktor.”
Ngumiti
ito sa akin na para bang nahihiya pa na makita sya ng bagong gising.
“Magandang
umaga din Anghel…”
Pakiwari
ko sa kanyang sinabi. Kinusot-kusot nito ang kanyang mukha at saka nito
napansin ang pagkaing kanyang nasa harapan.
“’Nu
yan?...”
“Agahan
mo…pinagluto kita.”
“Salamat
ha’.”
“Walang
anuman…ikaw’ ha…tinulugan mo ako kagabi. Hehe.”
“E’
pasensya na.”
“O’
sya kumain ka na. Bon Appetit…Hehe. Marunong ka nga palang mag-french ano?
Naalala ko lang last time.”
“Merci’.
Hindi naman masyado hehe…kaunti lang. First love ko kasi ang language na yun
e’.”
“Mahilig
ka ba sa…teka Spanish bread pala yun! Haha!”
“Si
Mama kasi pangarap nya na maibili ako noon ng isang buong set ng Encyclopedia
para daw may mabasa ako…kaya lang di nya nagawa…tapos noong minsang makakita
sya ng isang lumang libro sa bayan…akala nya e’ isang volume…yun pala french
language and culture ang libro…tapos buong bakasyon ng highschool aside sa
kailangan kong aralin e’ yun lang ang binabasa ko…”
“Ah’…napansin
ko sa mga books mo, karamihan e’ fiction books…”
“Op-oo…Hehe.
About feminism ang mga gusto ko’ng basahin…women empowerment…domestic violence
coping.”
“Bakit
ganun?...Haha. Bubugbugin ba kita?”
“Wala
lang naman, syempre ganito ako kaya wala akong masyadong alam sa kanila…”
“Ganito
na?”
“Alam
mo na naman yun...”
“Ganyan-ganyan
ka mamaya malaman ko bigla kang magka-girlfriend…”
“Hindi
naman…”
“Talaga?...”
“Oo…ikaw
nga nagka-girlfriend na…mamaya makipag-balikan ka sa kanila…”
“Gusto
mo ba?”
“Tsk.
Syempre ayaw ko.”
“O’,
galawin mo na yang pagkain mo…lamig na o’…”
“Ikaw
e’. Dinaldal mo ko.”
Nang
magsimula na syang kumain ay napansin ko naman ng bigla ang kanyang kanang
binti. Hinawakan ko ang tuhod nito at saka nagsalita.
“Musta
na palang binti mo?...eto’ yung nabagsakan diba?...”
“Huwag…nakikiliti
ako.”
Sambit
nya at dito ay bahagyang iniwas ang binti.
“Yan
nga…Magaling na yan, matagal na kaya…Hehe.”
Dagdag
ni Viktor.
Matapos
nyang makakain ay naligo na ako upang magayos na paalis.
Mag-aalas
dose na din kasi ng tanghali at alam kong bibilis na ang oras pagsapit ng tanghalian.
Naghahain ng muli si Valeria ng ako ay makalabas sa kanilang banyo at sinabi
nitong mauna na daw kaming kumain.
Hindi
ko namalayan na labakara lamang pala ang aking nadala kaya gamit kong muli ang
pinahiram ni Viktor na tuwalya sa akin. Nakatapis ako ng pumasok sa kanyang
kwarto at nakita ko itong nakadungaw sa kanyang bintana. Kinuha ko sa maliit
niyang mesa ang ipinatong kong salamin sa mata. Nang maisuot ko itong muli ay
napansin kong nagbabasa din pala siya. Nagbihis na ako ng aking pantalon at ang
plinantyang puting sando ni Valeria. Matapos kong makapag-suot ng aking medyas
ay nilapitan ko na si Viktor. Alam kong alam nya na ako ay kanyang nasa likuran
ngunit hindi ito nagsasalita at kumikibo.
“Aalis
na ako maya-maya…”
Sambit
ko sa kanyang likuran ngunit hindi pa rin ito umiimik.
Ipinatong
ko ang aking kamay sa kanyang mga balikat at maya-maya pa ay humarap na sya sa
akin. Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo kaya naman umatras ako ng bahagya
dito. Bigla nya akong niyakap at agad ko din naman syang sinalubong ng
mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa kanyang isip ng mga sandaling
iyon ngunit wala ni isa man sa amin ang nagsalita. Tila ba nagkasundo
lamang
ang aming mga isipan at agad na kaming nagtungo sa kanyang higaan upang makapiling
muli namin ang bawat isa. Hindi na kami nakababa pa noong tanghali upang
makakain.
Nakatulog
kaming muli ng magkayap at namalayan ko na lang na alas-tres na pala ng hapon.
Bumangon na ako habang nakatitig pa rin sa natutulog na si Viktor. Kinuha ko
ang aking Polo sa likod ng pintuan ng kwarto kung saan ko ito isinabit at agad
na itong isinuot. Naupo akong muli sa tabi ni Viktor at dito ko lamang
namalayan na kanina pa ito gising at nakamasid lamang sa akin.
“Paalis
na ako…”
“Oo
nga…”
“Pangako…babalik
ako a-…”
Naputol
ang aking gustong sabihin ng sumenyas si Viktor upang ako ay awatin.
Umiling
lamang ito na tila ba hindi sumasangayon sa aking gagawin.
“Kahit
bukas, makakabalik ka kung nais mo.”
Nakangiti
nyang binanggit sa akin.
At
dahil hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya ay nanahimik na lamang ako.
“O’
nga pala…hindi na kita ihahatid ha’…”
Nakatingin
sya sa akin habang sinasambit ito ngunit para bang iniiwasan nitong magtama ang
aming mga tingin.
“Huh?...”
“Oo’,
sasama lamang akong maghatid sa’yo…kung kasama kitang pabalik ng Maynila.”
“Viktor…bakit
ganyan?...pinahihirapan natin ang ating mga sarili?”
Nakayuko
kong paliwanag sa kanya.
“Hindi
ko kasi kayang aalis ka…tapos maiiwan naman ako…hindi ako kasama…kung ikaw din
naman ang matitira, sasama ka ba sa akin?”
Bahagya
kong naintindihan ang kanyang mga sinabi kaya tumango na lamang ako dito.
“Maintindihan
mo sana ako Angelo…”
“Oo
naman.”
“Paglabas
mo ng pintuan ko, hindi na ako bababa…”
“Ano?...”
“Sige
alis ka na…”
“Yan
ba ang gusto mo? …”
“Oo…kasi.”
“Kasi
ano?...”
“Sige
na…”
Pagpupursigi
nito sa akin. Tinapik-tapik pa nito ang aking mga braso sa kilos na pinaaalis
nya na ako.
“Uy’…huwag
ka namang ganyan sa akin…”
“Gusto
mo ba akong makitang umiiyak?...”
“Hindi
syempre…bakit ka nga pala umiyak kagabi?...”
“Sige
na, sige na…”
“Viktor.”
Tumayo
ito mula sa kanyang papag at nagtungo sa aking mga bagahe. Kinuha nya ang mga
ito at ng muli ng makalapit ay agad na itong iniabot sa akin.
Kinuha
ko naman ito sa kanya at nagpalipas lamang ng ilang sandali bago ko naisipang
sambitin ang laman ng aking isipan.
“Paalam
na Viktor…hanggang sa muli nating pagkikita.”
Ngumiti
lamang ito sa akin at pumunta na ito sa kanyang pintuan upang kanyang buksan.
Lumabas na ako at hindi na lumingon pa. Agad na akong nagpatuloy sa pagbaba at
pilit kong tinitiis na muli syang masilayan.. Narinig ko na lamang ang pagsara
ng kanyang pintuan na naghudyat sa akin na bilisan na ang paglakad. Ilang
hakbang na lamang bago ko marating ang unang palapag ng kanilang bahay ng
marinig kong muling bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto.
Bahagya
akong natigil sa pagbaba dahil dito.
“Huwag
kang lilingon…”
Narinig
kong sinambit nya mula sa pinaka-taas ng hagdanan.
Sumunod
nga ako sa kanyang sinabi at narinig ko namang mabilis itong bumababa patungo
sa akin.
“Huwag
ka din’g magsasalita at huwag kang gagalaw…“
Malapitan
ko itong naririnig kaya alam kong isang hakbang lamang ang layo nya mula sa
akin. Naramdaman ko ng bigla nya akong yakapin at ang ginawa nyang pagpapatong
ng kanyang ulo sa aking kaliwang balikat at matapos nito ay niyakap ako ni
Viktor ng mahigpit. Idiniin nya ng husto ang kanyang mga pisngi sa akin na tila
ba hindi na kami magkikitang muli kaya nya ginagawa ang mga ito. Gusto ko ring
gawin ang mga ito sa kanya ngunit ayoko namang suwayin ang kanyang mga gustong
mangyari.
Muli
nya akong niyakap ng mahigpit mula sa aking likuran at matapos nito ay bigla ng
tinanggal ang kanyang pagkakakapit at mabilis ng umakyat muli sa taas.
At
dahil sa hindi ko mapigilan ang aking sarili ay agad ko syang nilingon ngunit
hindi ko na sya nakita. At tanging ang tunog na lamang ng isinarang pinto ang
aking narinig at nasaksihan.
[17]
Songs We Used to Sing - Baby Now That I've Found You
Seventeen
Akda ni Jubal Leon Saltshaker
“Spent my life
looking for that somebody to make me feel like new. Now you tell me that you
want to leave me. But darling, I just can't let you.” -Alison Krauss
PINUNASAN
ko ng muna ang aking mga luha bago ako tuluyang bumaba sa kanilang hagdanan
dahil ayoko namang makita ako ng mga kapatid ni Viktor na umiiyak. Tila ba
planado na ang lahat ng mangyayari dahil ng makita ako ni Valeria ay agad na
ako nitong tinanong kung anong oras ko gustong umalis ngunit kumain na daw muna
ng lumipas na tanghalian bago pa magsimula ng byahe. Hindi na ako nagtagal pa
dahil ayoko din namang masaktan na hindi ko rin naman alam ang dahilan. Wala
kaming anu mang pinag-awayan ni Viktor pero napaka-bigat ng aking pakiramdam.
Pakiramdam ko lamang ay bigla nya akong pinaalis sa kanyang buhay at hindi na
kami pwedeng magkita pang muli. Pero sa tuwing maaalala ko ang mga huli nyang
sinabi ng ako ay kanyang yakapin, naniniwala akong walang imposible para sa
amin dahil alam kong ganoon din naman ang mga bagay na gusto kong sabihin.
“Mahal
na mahal kita. ‘Yan ang palagi mong pakatandaan.”
Nang
lumabas na kami ng bahay ni Valeria ay tinanaw ko ang bintana ni Viktor ngunit
naka-sara na itong muli. Bago kasi ako lumabas ng kanyang kwarto ay nakita ko
pa itong nakabukas. Hindi ako sigurado ngunit pakiramdam ko na kumakanta habang
naggigitara si Viktor sa likod nito.
Sa
bayan na kami naghiwalay ni Valeria at hindi ko na ito pinasama pa sa akin
papuntang terminal. Inabutan ko sya ng tatlong daan at sikwenta pesos at sinabi
ditong iabot ang dalawang daan sa kanyang Kuya. Alam kong mahihirapan si
Valeria sa pagbibigay nito sa kapatid lalo pa na malalaman nitong galing sa
akin kaya naman sinabi ko dito na ipilit ito hanggang sa kanya ng kunin.
Nagpasalamat ng muli si Valeria sa akin ng sobra-sobra katulad ng madalas gawin
ng kanyang Kuya hanggang sa tuluyan na kaming naghiwalay. Ipinaalala ko dito
ang kanyang agarang pagsulat sa oras na magkaroon sila ng problema. Kasama ng
maluwag na pagtanggap ni Valeria sa aming relasyon at sa tiwalang ibinibigay
namin sa isa’t-isa ang ilan lamang sa mga bagay na nagpapatatag ng paniniwala
kong wala na kaming magiging problema pa ni Viktor.
Alas-nuebe
y media na ng gabi ng makarating na akong muli sa Maynila. Pakiramdam ko’y
ilang buwan din akong nagbakasyon kkila Viktor kahit na dalawang araw lamang
akong nawala. Ibinigay ko ng agad ang mga nabili kong pasalubong kay Mama at
Ele. Matapos ng mabilis na pakikipagkwentuhan ay umakyat na akong muli sa aking
kwarto at agad na nahiga. Niyakap ko pa ang aking paboritong unan kasama ang
pagiisip sa isang taong alam kong mahalaga sa akin.
Inaatake
na naman ako ng pakiramdam ng pagsisisi. Aaminin kong nahihiya ako sa tingin ng
mga kapatid ni Viktor sa amin noong nasa bahay nila ako pero eto ako ngayon at
nagsisising muli dahil pakiramdam kong kahit na buong oras kong nakasama si
Viktor ay hindi ko ito nasulit. Kung magkakaroon lang ng pagkakataon na maulit
ang mga pangyayaring ito, kahit na sa kanilang harapan ay magagawa kong yakapin
ang kanilang kapatid. Napakaraming tanong ang pumapasok sa aking isipan, at isa
rito ang alam kong pagsisinungaling ni Valeria. Ramdam ko na walang trabaho si
Viktor at kung totoo mang isa syang volunteer ay tiyak kong hindi ito sapat
upang sustentuhan ang kanilang mga pangangailangan. Naisip ko rin na ginawa ito
ni Valeria upang hindi na ako magalala pa sa kanilang kalagayan. Ngunit
ikinababahala ko pa rin ang minsan nyang pag-iyak na alam kong ang dahilang
sinabi sa akin ni Viktor ay walang katotohanan.
Pinilit
ko ng maagang matulog ngunit hindi ako dinalaw ng antok. Pakiramdam ko pa rin
kasi ay nasa kwarto ako ni Viktor at inaasahang sa bawat paglingong aking
gagawin ay mukha nya ang aking makikita. Dito ay naisipan kong sulatan na sya
upang ikwento ng agad ang mga nangyari sa akin matapos kong makaalis sa kanila.
Sa
taong nagpapangiti sa akin,
Maayos
naman akong nakabalik at ngayon ay nasa akin ng kwarto upang makapagpahinga.
Kadarating ko lang ng maisipan kitang sulatan upang sa gayon ay maaga mo itong
matanggap at mabasa. Na miss na kitang agad at sana ay gayon din ako sa iyo.
Nagsisimula na akong magsisi kung bakit ko sinunod ang mga sinabi mong huwag
kang harapin kanina ng ako ay iyong yakapin. Pero alam ko naman na magkikita
tayong muli, dahil buo na ang aking isipan na dalasan ang pagdalaw ko sayo kung
hindi ka agad makababalik dito. Sana ay katabi kita at ikaw ang huling makita
ng aking mga mata bago ako makatulog ngayong gabi.
Anghel
mo,
Angelo
Kinabukasan,
matapos ang aking trabaho ay agad na akong umalis at nagtungo sa Quiapo church
upang magdasal. Ipinagdasal ko ang kaligtasan ng lahat ng taong nakapalibot sa
akin lalo na ang mga mahal ko sa buhay. Nagpasalamat din ako sa mga biyayang
aking patuloy na natatanggap kaya naman ipinangako ko sa diyos na patuloy ko
itong ibabahagi sa aking kapwa. Nang makalabas na ako ng simbahan ay sinalubong
ako ng mga batang nagtitinda ng sampaguita at bumili ako ng isa. Isang batang
lalaki rin ang humabol sa akin upang humingi ng limos. Inabutan ko ito ng singkwenta
sentimos at masayang nanakbo papalayo sa akin. Wala na akong mahihiling pa.
Naihulog ko na din naman ang sulat ko para kay Viktor at mabuting inabutan pang
bukas ang post-office. Special na ang delivery ko sa sulat upang mabilis nya
itong matanggap at agad na ding makasulat sa akin.
Masyado
pang maaga upang ako ay umuwi kaya naman dumaan din ako sa Sta.Cruz upang
mamili. Doon ay nakita ko ang isang kulay asul na top-sider na nakadisplay sa
labas ng tindahan ng sapatos at agad ko itong nilapitan. Tingin kong babagay
kay Viktor ang sapatos, kaya naman pumasok na ako sa loob upang mas makita ko
pa ito ng malapitan.
Matapos
kong bilhin ang sapatos ay tumingin din ako ng t-shirt para sa kanya. Maganda
ang kanyang katawan kaya naman alam kong mabilis akong makakahanap ng damit na
babagay sa kanya. Namili na rin ako at nagregalo ng damit sa aking mga naging
kasintahan pero ito ang pinaka masaya sa lahat. Sana ay kasama ko sya ngayon
habang ako ay namimili. Nakita ko ang isang kulay dark blue na t-shirt at agad
itong isinukat. Mas malaman sa akin si Viktor ngunit tingin kong pareho lamang
kami ng size ng damit. Maganda ang bagsak ng damit sa akin at maganda rin ang
mensaheng nakasulat sa harapan nito.
“The
moment we indulged our affections, the earth is metamorphosed; there is no
winter and no night; all tragedies, all ennuis, vanish, -all duties even.”
-Ralph
Waldo Emerson
Hindi
ako matalinhagang tao ngunit naniniwala akong lahat ng tao ay nagiging ganito
sa tuwing tayo ay masaya, lalo na kung umiibig. Ang isang manunulat ay
nakasusulat ng magandang kwento at inspirasyon nya ang pagibig. Ang isang tao
na puno ng pagasa at positibo sa buhay ay nakakasulat ng magandang tula.
Nagagawa mong maintindihan ang Shakespeare’s Sonnet’s ng hindi mo na kailangan
pang pilitin ang iyong sarili sa ibig sabihin nito o maghanap ng isang
partikular na pangyayari sa iyong buhay upang ihalintulad dito para lamang masabi
mong ito ay iyong naintindihan. Blowing Bubbles ang tatak ng damit na aking
nakuha na hindi ko na masabi kung panlalaki ba ito. Lumabas ako ng gusali na
pakiramdam ko ay umuulan ng bula sa paligid. At ang imahe sa loob ng mga ito ay
ang mukha ng taong laman ng aking isipan.
Alas-otso
y medya na ng gabi ng ako ay maka-uwi sa amin. Patay ang ilaw sa buong
kabahayan na sa ganitong mga oras ay dapat na maliwanag. Agad akong nagtungo sa
aming kusina dahil dito ko inaasahan na kung hindi nagluluto si Mama ay
kumakain na sila ni Ele. Ngunit naalala kong sinabi nya kaninang umaga sa amin
na mahuhuli sya ng dating. Kaya naman umakyat na akong agad upang hanapin na
lamang si Ele na sigurado akong kanina pa narito sa aming bahay. Gaya ng
inaasahan ay nakita ko itong natutulog sa bahagya niyang bukas na pintuan.
Pumasok na ako sa kanyang kwarto at agad na itong nilapitan. Tinapik-tapik ko
ito ng madahan upang gisingin, sigurado kasi akong hindi pa ito kumakain.
“Ele.
Ele. Gising ka muna...kain ta-“
Naramdaman
kong sobrang init ng kanyang katawan at nanginginig ito sa taas ng kanyang
lagnat. Mabilis ko na syang binuhat upang agad na madala sa ospital. At nawala
ng agad sa aking isipan na nasa loob ng kanyang kwarto ang librong iniiwasan
kong kanyang makita.
[18]
Songs We Used to Sing - Ironic
Eighteen
Akda ni Jubal Leon Saltshaker
“Well life has a
funny way of sneaking up on you when you think everything's okay and
everything's going right. And life has a funny way of helping you out when you
think everything's gone wrong and everything blows up In your face.” -Alanis
Morisette
Nagkaroon
ng Dengue si Ele.
Kaya
naman agad ko syang isinugod sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. Nang gabi
din’g iyon ay inadmit ang aking kapatid upang maobserbahan sya ng mabuti. Binalak
kong mag-off bukas ngunit agad na nagprisinta si Mama upang alagaan ang aking
kapatid. Doon na sya natulog at dinalhan ko na lamang ito ng ilan sa kanyang
mga gamit. Kaya naman ako lang ang natira sa bahay namin ng gabing iyon na sana
ay kasama ko dito si Viktor.
Papauwi
na ako ng bigla ko namang makasalubong si Arthur. Papauwi na rin sya ngunit
naka suot pa rin ito ng uniporme namin. Pareho kaming naghihintay ng
masasakyang jeep pauwi.
“Uy
Art, sa’n ka galing? Bakit nga pala naka-uniform ka pa? Alas-onse y medya na
ah’.”
Hindi
nya ako sinagot. Namumula ang kanyang mukha at ang kanyang mga mata. Marahil ay
nakainom ito.
“Sige
na. Pauwi na rin ako.”
Sagot
nya sa akin.
Dalawang
metro ang layo namin sa isa’t-isa ngunit amoy na amoy ko ang alak sa kanya.
Lumapit ako ng bahagya dito upang sya ay tulungan, susuray suray na rin kasi
ito sa kalasingan.
“Hatid
kita sa inyo.”
Lumapit
ako dito at akma ko itong aakbayan ng bigla nya naman akong itinulak palayo.
“Huwag
na! Umuwi ka na. Kayah k-ko hang akin sarili...si-sige na.”
“Art...”
“Si-sige
na...”
Nang
mayroong ng dumaang jeep, nagulat naman ako ng bigla itong agad na pinara ni
Arthur.
“Sige
na. Sumakay ka na. Dyan ka ‘di ba?”
Naghihintay
ang sasakyan kaya naman napilitan na rin akong sumakay. Nilingon ko si Arthur
habang papalayo ang aking sinasakyan at nakita kong nagpatuloy lamang ito sa
kanyang paglalakad.
Agad
akong naligo matapos na makarating sa aming bahay. Bukod sa okupado ang aking
isipan sa nangyari kay Ele, ay iniisip ko rin ang inaasal ni Arthur sa akin.
Tinanong ko ang aking sarili kung mayroon ba akong nagawang mali sa kanya. At
ang pagamin nya sa akin ang nakikita kong isa sa mga dahilan nito. Hindi ako
sigurado ngunit kung nagkakagusto man sya sa akin –na mismo nya din namang
inamin - ay hindi ko talaga alam kung papaano ito haharapin. Hinihiling ko na
lang na sana ay mabuti sa kanya ang pagkakataon at makahanap sya ng taong
magmamahal sa kanya ng lubusan.
Nakatingala
ako sa aking kisame at iniisip ko ang gagawin. Malamang na hindi ako matuloy sa
gagawin kong pagbisita kay Viktor sa darating na biyernes. Kaya naman agad kong
naisipang sumulat sa kanya muli upang magpaliwanag. Alam kong maiintindihan nya
naman ako. Kailangan ko itong gawin kahit na hindi ako nagbitaw ng pangako.
Pero pinigilan nya akong gawin ito, nabanggit nyang ayaw nyang nangangako ang
tao.
Para
sa taong palaging laman ng aking isipan,
Viktor,
sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sana ay makaluwas ka na ng maynila sa
lalong madaling panahon. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita kang muli.
Palagi kitang iniisip kung alam mo lang...kailangan ko itong sabihin sa’yo para
malaman mo. Ganyan ka kahalaga sa akin. Ikinalulungkot ko lamang na ibalita
sa’yo na hindi ako makauuwi dyan sa inyo. Nagkasakit kasi ang aking kapatid at
kailangan syang bantayan. Ako na din kasi ang nagprisinta upang makuhanan ng
dugo na isasalin sa kanya...hindi naman siguro masama iyon kahit na itanong pa
sa akin kung may karelasyon akong lalaki. Wala naman tayong ginawa ‘di ba? He
he. Alam ko na maiintindihan mo ako.
Ingat
ka palagi ha? Alagaan mo ang iyong sarili kahit wala muna ako sa iyong tabi.
Ikamusta mo ako sa mga kapatid mo. Kasama sila sa aking mga dasal gabi-gabi.
Syempre kasama ka na dun, kaw pa e’ ang lakas mo sa akin. Huwag ka sanang
magsasawa sa akin. At huwag ka ding mahiyang magsabi kung medyo makulit na ako
ha. He he. Basta, dito lang ako palagi sa’yong tabi, asahan mo yan kahit na
kailan.
Anghel
mo,
Angelo.
PS.
Kiss.
Matapos
magsulat ay nahiga na ako sa aking kama. Bukas ay agad ko na itong ihuhulog
upang mabilis nya na ring matanggap kasabay ng nauna kong sulat. Marahil ay
dahil na rin sa pagod ay mabilis akong nakatulog. Isang antok na biglang
dumating at hindi ko namalayan.
Araw
ng miyerkules ng kuhanan ako ng dugo. Kaya naman napaaga ang aking paguwi sa
bahay. Nanghihina ako matapos ang ginawa sa akin kaya naman kumain akong muli.
Inayos ko ng muli ang mga kailangan ni Mama at Ele bago ako umuwi.
Kaagad
na akong nakatulog nang sapitin ko ang aking kwarto.
Kinaumagahan
ng huwebes ay nakatanggap akong agad ng sulat mula kay Viktor. Naisip kong
special delivery din ito dahil kung hindi ay sa isang linggo ko pa ito tiyak na
matatanggap. Mabilis ko na itong binasa habang nagaalmusal at naghahanda na
papasok sa trabaho. Dadalhan ko pa rin kasi sila Ele at Mama ng kanilang
pagkain.
Angelo,
Mabuti
naman at ligtas kang nakarating dyan sa inyo. Namiss din kita kaagad kaya naman
ng papaalis ka ay sumilip ako agad ng bahagya sa bintana. Pero nakita kong
malayo na ang nalalakad nyo ng aking kapatid kaya naman hindi na kita tinawag.
Naisip ko kasi na sana man lang ay nagpaalam ako sa’yo ng mabuti. Palagi mo’ng
alagaan ang iyong sarili.
Simula
ng umalis ka dito sa amin ay nasaktan talaga ako at oras-oras kitang iniisip
lalo na sa aking pagtulog. Sana ay hindi ka magalala para sa akin. Normal lang
naman na malungkot ako at umiyak dahil sa hindi kita palaging kasama. Tandaan
mo na mahal na mahal kita kahit na ano pa ang mangyari. Hindi kita iiwan.
Viktor
Andres.
Matapos
ko itong basahin ay inilagay ko na ito sa ilalim ng aking damitan, kasama ng
iba pang mga sulat ni Viktor sa akin. Kasama rin ng stuffed toy na binigay nya
sa akin.
[19]
Songs We Used to Sing - Wooden Heart
Nineteen
Akda ni Jubal Leon Saltshaker
“And if you say
goodbye, then I know that I would cry. Maybe I would die, ‘cause I don’t have a
wooden heart.” -Lizard’s Convention
Sumapit
ang araw ng linggo at bumuti-buti na rin naman ang kalagayan ni Ele. Kapag
nagpatuloy pa ang ganito, malamang ay mabilis na syang makakauwi sa aming
bahay. At dahil sa wala naman akong pasok, matapos kong magpunta sa ospital ay
dumiretso na ako sa Quiapo upang makasimba.
Inabutan
ko ang kartero ng hapong ako ay makauwi. Dito ay nakatanggap na naman ako ng
sulat ngunit hindi ko naman inaasahan na manggagaling ito sa kapatid ni Viktor.
Mula kay Valeria. Dito ay inilahad nya ang mga nangyari simula ng ako ay
makaalis. Ang mga nangyari na pilit nilang itinago sa akin.
Agad
akong nagtungo sa aking kwarto at napagdiskitahan ko ang aking mga libro.
Inihagis ko ang mga ito sa buong paligid at patuloy akong nagwala. Kahit na ano
ang aking mahawakan ay hindi ako nagdalawang isip upang ito ay sirain. Ang
librong aking iniingatan ay hindi magagawang palitan ang kung ano mang
nangyayari sa kanya. Wala na akong pakialam sa mga ito basta’t masiguro ko
lamang na nasa mabuti syang kalagayan. Sinisisi ko ang aking sarili kung bakit
hindi ko ito agad napansin, kung bakit pakiramdam ko ay nagbulagbulagan ako
kahit na alam kong mayroong nangyayaring hindi maganda. Hindi ko rin masisisi
si Viktor sa kanyang mga ginawa, ang paglilihim nya sa kanyang kalagayan.
Pinilit itago ni Viktor ang lahat sa akin, tinangka daw itong sabihin sa akin
ni Valeria ngunit kinagalitan sya ng kanyang kuya dahilan ng kanyang pag-iyak
dahil sa alam nyang ang pagmamatigas ng kapatid ay walang maidudulot na maganda
sa kalagayan nito. Hanggang sa tuluyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga
mata. Mabuti na lamang at ako lamang ang nasa aming tahanan dahil sa tingin
kong higit na magaalala si Mama sa oras na marinig nyang patuloy kong
sinusuntok ang pintuan ng aking kwarto. Nagkasugat-sugat na ang aking mga
daliri ngunit wala ito sa sakit na kanyang pilit na tiniis at nararamdaman.
Gusto ko syang puntahan at yakapin pero alam kong wala akong magagawa.
Nanginginig ako at hindi mapigilan ang sarili sa pagluha.
Maya-maya
pa ay namalayan ko na lamang ang aking sarili na dinadalaw na ng antok habang
nakahiga ako sa mga kalat na aking ginawa. Alas-nuebe na ng gabi ng ako ay
magising at napansin kong namamaga pa rin ang aking mata ng mapatingin ako sa
salamin sa aking tabi. Walang ibang bagay ang pumasok sa aking isipan. Kahit
alam kong hindi ito ang sagot sa aking problema ay binalak ko itong gawin.
Nagayos
ako ng sarili upang umalis, dito ay hindi ko na rin naligpit pa ang mga kalat
na aking ginawa na akin ding lubos na naaapakan. Bigla ko na lamang napansin
ang isang maliit na kartong hugis parisukat na nakakalat sa sahig kasama ng
isang papel. Tinanggal ko ang librong nakapatong dito upang mas mabuti ko itong
makita.
Nang
akin itong kunin ay nalaman kong litrato ito ni Viktor kasama ang adres ng
kanilang tirahan. Nakasandal sya sa likod ng isang puno at nakangiti sa
larawan. Naka-sando ito at nakapantalon gaya ng madalas nyang isuot ng magpunta
ako sa kanila. Maliwanag ang buong paligid at maaliwalas ang kanyang mukha.
Hinawakan ko ng mahigpit ang litrato at muli ko na naman syang naalala. Sa
sulat sa akin ni Valeria ay may sakit daw ang kanyang Kuya. Nang banggitin nya
ang pangalan ng sakit ay dito ko na napansin ang mga ikinilos ni Viktor. Ang
mamula-mula nyang mukha, ang kanyang pagkilos at ang ramdam kong mabilis nyang
pagkapagod. Kung hindi ko pa ito malalaman ay iisipin kong normal lamang ang
kanyang mga ikinilos. Matapos nito ay agad ko ng kinuha ang sulat na nasa tabi
ng litrato. Sulat ito sa akin ni Viktor, na sinabi nya sa aking huwag ko ng
hanapin pa dahil sa nagbibiro lamang sya tungkol dito. Nakasaad sa sulat ang
kumpletong adres ng kanilang bahay sa probinsya at ang kanyang mensahe para sa
akin na dapat ay noon ko pa nabasa.
Salamat
sa mga ginawa mo para sa akin, alam ko na balang-araw ay mababasa mo rin ang
sulat kong ito. Umalis ako sa aking trabaho dahil sa mayroon akong Lupus at
hindi na ito kaya ng aking katawan. Nanghihina na ako. Mahal kita at ayokong
makasakit kaya sana ay maintindihan mo ako sa oras na malaman mo ang totoo. Sa
mga araw na inilagi ko sa ospital ay palagi mo akong pinapasaya, kahit na hindi
mo ito alam. Alam ko din na sobra mo akong inalagaan noong oras na
kinakailangan ko ito, sobra pa sa ibang pasyente mo. Salamat din sa mga
masasarap na pagkaing isinasabay mo sa pagkaing dinadala sa akin. Bagamat hindi
ito sinabi ng naghahatid sa akin ay sigurado akong ikaw ang nagpapaabot nito.
Alam ko rin na madalas kang dumaan sa aking pintuan upang pakinggan akong
kumanta. Para sayo din naman ang mga kantang iyon. Kahit na ano ang mangyari sa
akin ay okay na din ako dahil pinayagan mo akong iparamdam ko sa’yo ang aking
nararamdaman. Ang aking mga yakap at ang paghawak ko sa iyong mga kamay. At
higit sa lahat, masaya ako dahil sa tingin kong pinahalagahan mo din ako.
Maraming salamat at hinding-hindi kita malilimutan.
John
Viktor Andres
Matapos
ko itong mabasa ay inilagay ko ito sa bulsa ng pantalong suot ko at umalis na
ako ng aking kwarto palabas.
Nakatatlong
bote na ako ngunit pakiramdam ko ay hindi pa rin ako nalalasing. Ito ang unang
pagkakataon na nakainom ako ng ganito karami. Patuloy kong pinupunasan ang
aking mga mata dahil sa hindi ko pa rin mapigil ang aking pagluha. Hindi ko
alam ang gagawin at gusto ko syang puntahan. Ikinasasakit pa ng aking kalooban
ang mga bagay na hindi ko sa kanya nasabi. Mahal na mahal ko si Viktor at alam
kong kahit na ipinapakita ko ito sa kanya ay hindi ko ito nagawang sabihin.
Tumagal
ako ng walong bote at pansamantala kong nalimutan ang aking mga dinadala.
Bagamat hilong-hilo ako ay patuloy lamang akong naglakad. Hindi ko na alam kung
nasaan na ako at ang mga taong aking nasasalubong ay tila ba nadedeporma ang
pisikal na anyo. Umiikot ng mabilis ang paligid. Ngayon ko lamang ito
naramdaman dahil sa ngayon lamang talaga ako uminom at nalasing.
Mayroong
mga taong kumausap sa akin. Hindi ko alam ang kanilang mga sinabi kaya naman
sinagot ko ang mga ito na hindi ko rin alam kung ano ang aking sinambit.
Biglang sumakit ang aking tyan. Ang aking mukha at ang aking buong katawan.
Napahiga ako sa sahig at tila ba nanunuod na lamang sa mga nangyayari, wala rin
akong magawa. Para akong damit na patuloy na pinupukpok upang mawalan ng
mantya. Wala akong magawa at hindi ako makalaban. Patuloy ding lumalabo ang
aking paningin, tuluyan itong nagdilim hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Ngunit
sigurado akong bago ito mangyari ay pangalan nya ang aking sinasabi.
“Viktor.
Viktor. Viktor ko...”
[20]
Songs We Used to Sing - Bizzare Love Triangle
Twenty
Akda ni Jubal Leon Saltshaker
“I feel fine and i
feel good. I feel like i never should. Whenever i get this way i just don’t
know what to say. Why can’t we be ourselves like we we’re yesterday.” -Frente
NATAGPUAN
ko na lamang ang aking sarili na naka-admit sa ospital kung saan ako
nagtatrabaho. Hindi ko maidilat ang aking kaliwang mata at masakit pa rin ang
buo kong katawan. Sa kanang kamay naman nakakabit ang swero na agad kong
napansin ng bahagya kong igalaw ang aking kamay. Sa aking pagkakaalam, simula
bata pa lamang ako ay ito ang unang beses na ma-admit ako sa ospital at
malagyan ng dextrose na hindi ko naman inaasahang mabigat sa pakiramdam. Para
bang isang pakiramdam na kahit masaya ka ay alam mong mayroong masamang
mangyayari. Iginala ko ang aking paningin at nakita kong umiiyak sa aking tabi
si Mama. Magkadikit ang kanyang dalawang palad na animo’y nagdarasal sa aking
harapan.
“”Nak...mabuti
naman at nagising ka na. Salamat sa d’yos. Alalang-alala ako sa’yo. Ano bang
problema? Hindi ka naman umiinom ah...bakit mo yun ginawa?”
Sambit
ni Mama na alam kong wala talagang ideya kung ano ang dahilan ng aking
paglalasing na nagdulot sa akin ng kapahamakan. Pinunasan nito ang mga luha na
patuloy na bumubuhos mula sa kanyang mga mata. Umiyak na rin ako. Dahil ayokong
nasasaktan si Mama at ang nagiisa kong kapatid. At higit sa lahat, kalahati sa
mga luha ko ay para kay Viktor.
“Huwag
ka ng umiyak anak. Makasasama sa kondisyon ng mata mo. Si Ele, pauwi na bukas.”
Dito
ay pinunasan ni Mama ang kaliwa kong mata na bagamat sarado ay lumuluha pa rin.
“Halos
mag-iisang araw ka na ring natutulog.”
Kwento
sa akin ni Mama. Mayroon daw nakakita sa akin na nakahandusay sa lupa at duguan
sa lugar malapit sa kung saan ako uminom. Ang mga ito na rin ang nagsugod sa
akin sa ospital na ng malaman kung saan ako nagtatrabaho ay naisipang mas
mabuti kung dito na rin ako dadalhin. Hindi ko alam kung papaano ako binugbog
ngunit malinaw pa sa aking alaala ng simula nila akong pagsusuntukin. Maswerte
pa rin ako at hindi nila ako tinuluyan at nagawa pa nilang iwan ang aking
pitaka kaya naman ang bali sa aking kanang paa ay wala sa akin. Kung nasa harap
ko lamang si Viktor, tiyak kong mabilis akong makakabawi.
“Dumalaw
na rito ang head nurse mo at iba mo pang kasamahan sa trabaho...gusto mo na
bang kumain anak?”
Agad
ng inayos ni Mama ang aking kakainan upang agad na akong makakain.
“Hi-hindi
pa po ako nagugutom Ma’. Si Ele po, sino ang nagbabantay?”
Sagot
ko sa kanya. Dito ay napansin ko ang napakaraming pagkain sa mesa sa aking
tabi, marahil ay dala ng aking mga kasamahan.
“Ang
Tita Ange mo. Mamaya pupunta rin ako doon ng sandali. Sigurado ka hindi ka pa
nagugutom? Teka, pupuntahan ko nga pala ang iyong doktor upang sabihang
nagkamalay ka na...may kailangan ka ba ‘nak bago ako umalis?”
“W-wala
po.”
“Ah...Anak,
dumalaw nga pala si Katherine kanina...sya ang nagdala nyang mga prutas.”
Si
Katherine. Ang huli kong kasintahan. Kung nagkita lamang kaming muli ay hindi
ko alam ang sasabihin dito. Kung ganoon pa rin ba ang nararamdaman ko para sa
kanya ay hindi ko na alam. Mabuti na ring hindi kami nagkita. Hindi ako takot
na mabago nitong muli ang pagtingin ko kay Viktor ngunit pakiramdam kong
masasaktan ko lamang si Katherine ng hindi nya nalalaman kahit na wala na syang
pakialam sa akin. Pero pinuntahan nya pa rin ako.
“Ganun
po ba...”
“Sige.
Mabilis lang ako.”
Matapos
na maisara ni Mama ang pinto ay muli kong naramdaman ang aking pagiisa. Ang mga
nararamdaman ko ngayon ay natitiyak kong walang-wala sa pinagdaraanan ni
Viktor. Bagamat ayokong isiping totoo ito at kahit pa mayroong basehan ang
kanyang mga sinabi, ay hindi pa rin ako makapaniwala. Isang sakit na sa pagkakaalam
ko ay karaniwan sa mga babae, na sa limang daan nito ay isa lamang ang
nagkakaroon. Bakit si Viktor pa? Wala ring tiyak na diagnostic test para dito
kaya naman malaki ang aking paniniwala na wala syang lupus. Ngunit hindi ko
maaaring ikaila na ramdam ko ang mabilis nyang pagkapod at ang pamumula ng
kanyang mukha na kapansin-pansin na mayroong binubuong porma. Ayokong hamakin
ang kaalaman ni Viktor ngunit hindi ko ito maiwasan sa kanyang mga sinabi. Sana
ay hindi nakasama sa kanyang kalagayan ang paglabas namin noon sa gitna ng
mataas na sikat ng araw na kung mayroon nga syang ganitong sakit ay tiyak kong
higit na makadaragdag sa paglala ng kondisyon ng kanyang balat. Lupus, isang
chronic inflammatory disease na mayroong natatanging senyales na tinatawag na
“butterfly rash” na syang matatagpuan sa mukha na halintulad sa hugis ng isang
paru-paro. Hinihiling ko na sana ay higit akong nagkakamali sa aking mga
napansin sa kanya. Sana.
Inakala
kong nakabalik ng agad si Mama dahil ilang sandali pa lamang ang nakakalipas ng
bumukas ng muli ang pintuan ng kwarto. Sumilip dito si Arthur at bahagyang
yumuko ng ako ay makita. Tila ba sumenyas ito sa labas na para bang mayroong
pinapapasok at matapos ay saka na ito tumuloy sa loob. Inilagay nito sa mesa sa
aking tabi ang dala nyang mga prutas at dito ay pumasok na rin ang kanyang
kasama. Marahil ay day-off nya ngayon dahil sa naka civilian si Arthur sa
kanyang pagbisita. Nakita kong ngumiti sa akin ang kasama nito at umupo sa
monoblock sa aking harapan. Itinayo ko ang aking sarili upang maayos kong
matugunan ang kanilang pagdalaw at ng mabuti silang mapasalamatan at
makakwentuhan. Tinulungan ako ni Arthur sa aking pagtayo.
“Kamusta
na?”
Tanong
nito sa akin.
“Okay
na naman ako. Maraming salamat sa pagbisita ah.”
Tugon
ko sa kanya.
“Ang
dami talagang masasamang loob ngayon ‘no?
Si
Arthur na biglang natigilan na para bang mayroong maling nasambit.
“Ah,
si Paul nga pala.”
Bigla
nitong pagpapakilala sa kanyang kasama na agad namang tumayo at sumaludo sa
akin.
“’Tol,
Paul.”
Sambit
nito, matapos nito ay kanya din akong kinamayan sa aking kaliwang kamay. Hindi
ako sigurado sa relasyon nilang dalawa ngunit bahagya akong nakaramdam ng
inggit. Inggit hindi para kay Arthur ngunit mula sa pagsasama nilang dalawa.
Kinaiinggitan ko ang mga ito dahil sa inaasam kong makasama ng magisa si
Viktor. Kapiling ng wala kaming pinoproblema at tanging mga sarili lamang namin
ang aming aalalahanin at iintindihin.
Makalipas
ang ilang sandali ay nagpaalam na sila at nakumpirma ang aking iniisip ng
mapansin kong maghawak sila ng kamay bago pa man lumabas ng kwarto at magpaalam
sa akin. Hinihiling ko rin ang lubos na kaligayahan para sa kaibigan kong si
Arthur. Naway magtuloy-tuloy ang magagandang bagay na nangyayari sa kanya.
Matapos nilang makaalis ay dumating na si Mama kasama ang aking doktor.
Mga
ilang araw pa akong nanatili sa loob ng ospital bago pa ako tuluyang makauwi sa
aming bahay. Dito ay masugid akong inalagaan ni Mama at ni Ele na sa tuwing
kami lamang ang matitira sa aking kwarto ay bigla na lamang iiyak at hihingi ng
paumanhin. Kahit pa hindi ko na itanong kung ano ang dahilan sa paghingi nya ng
tawad, alam kong maiilang sya kung amin itong paguusapan kaya naman sinasabi ko
na lamang dito na huwag nya na itong isipin pa at ayos na din naman ang lahat.
Dito ay tila ba alam na ni Ele kung ano ang tunay kong nararamdaman kaya naman
alam kong maaari ko na itong pagkatiwalaang muli tulad ng dati.
Sumulat
ako kay Viktor at sinabi ko sa kanya ang aking kalagayan sa mga salitang hindi
na sya mag-aalala pa. Susuportahan ko ang kanyang kalagayan at pati na rin ang
kanyang mga nakababatang kapatid sa lubos ng aking makakaya at sana ay hindi
nya ako tanggihan dito kahit na alam kong ito ang mangyayari. Ipinangako ko sa
kanya na kung hindi sya agad na makararating dito sa Maynila ay ako na mismo
ang pupunta sa kanya sa oras na tuluyan na akong gumaling.
Ilang
araw ng pagpapahinga sa bahay at paghihintay sa sulat na ipadadala ni Viktor ng
bigla naman akong makatanggap ng tawag. Isa lamang ang aking inaasahan dahil sa
minsan lang naman tumunog ang aming telepono at madalas na para ito kay Ele.
Hindi rin naman kami nasanay ng aking mga kasintahan sa paggamit nito dahil na
rin sa palagi ko silang kasama noon. Nasa ikatlong ring na ang telepono ng ito ay
aking masagot.
“Hello.”
“Hello?
Sino sila?”
“Angelo.”
“Hmm?”
“Bakklllllaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!”
Matapos
nitong magsalita ay agad ng ibinaba ang kabilang linya. Boses ito ng isang
babae. Bigla na lamang akong nakaramdam ng hiya para sa aking sarili. Para bang
sinasabi nito kung sigurado na ako sa aking desisyon at ito na ang pinaka
magaang pwedeng mangyari sa akin. Ang mabibigat ay paparating pa lamang at
kailangan kong paghandaan. Ilang saglit pa ang nakalilipas na hindi pa ako
natatapos sa pagiisip kung sino ba ang tumawag ng muli na namang mag-ring ang
aming telepono. Agad ko itong sinagot.
“Hello!”
“Ay.
A-angelo? Bern’ ‘to. Okay ka lang?”
“Ah
Bern. Okay lang ako. Anu yun? Napatawag ka...”
“Si
Arthur kasi...”
“Ano
si Arthur?”
“Patay
na sya.”
Hindi
na ako nakapagsalita pa dito habang tila ba bulong sa paligid ang boses ni
Bernadette sa kabilang linya na paulit-ulit na tinatawag ang aking pangalan.
No comments:
Post a Comment