By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
[01]
Kasalukyan kong
tinatahak ang daan papunta sa pag-gi-gimikan namin ng aking mga kaibigan, sa
totoo lang ay matagal ko ng namimiss ang gumimik pero masyado ng iba ang mga
kabataang nagimik ngayon. Di pa naman ako katandaan 21 years old pa lang ako
pero di ko na gusto ang paraan ng mga kabataang may tatlong taon lang ang
itinanda ko sa paggimik.
“Hey Eric! Loosen up
a little!” sigaw ni Ena sa likuran ko.
“I told you I don't
do gimiks anymore.” nababagot kong sagot dito sabay tingin sa rear view mirror.
Halatang hindi niya alam na tinitignan ko siya doon kaya't nahuli ko itong nag
me-make face.
“Sus! Nung first year
nga tayo, ikaw pa itong nangunguna sa gimikan. Porke ba graduating na tayo kaya
ka serious mode?” tanong naman sakin ni Jackie sa tabi ko.
“Hindi naman sa ganoon,
its just that di na ako makakarelate sa mga tao dun, iba na ang kultura ng mga
nagimik ngayon, di na natin sila ka generation baka ma O.P. Lang tayo dun.”
mahabang sagot ko, nagkatinginan ang dalawang babaeng kasama ko sa loob ng
sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako ng mapansin ko iyon.
Sa totoo lang hindi
ko maintindihan kung bakit naging kaibigan ko ang dalawang babaeng ito dahil
para sakin ang mga pagkatao nito ay shallow, immature, insensitive at brats.
Pero amin ko din sa sarili ko na sa kabila ng pagiging shallow, immature,
insensitive at pagiging brats ng mga ito ay mayroon akong nagustuhan sa mga
ito, ang lagay lang di ito pangita ngayon.
Inapakan ko nalang
ang gas para makarating na agad sa club na pupuntahan namin at para makausap ko
na ang iba pa naming kaibigan na kikitain namin dun.
0000ooo0000
Di naman ako
nagkamali sa aking agamagam ng makapasok na kami sa club, halos lahat ng andun
ay parang mga katatapos lang ng highschool o kaya naman ay kapapasok lang ng
college. Pero ang lugar naman ay ganun parin, malalakas parin ang sound,
masikip, matao, mausok at masaya. Kagaya ng naaalala ko.
Nasa ganoon akong
pagmumunimuni ng biglang may dumaan sa aking harapan na isang magandang babae,
magandang batang babae, di ko mapigilang mapatitig dito. Mukhang kagagradutae
pa lang nito ng highschool pero may hawak ng yosi at isang bote ng beer sa
kabilang kamay, sagana din sa kolorete ang mukha nito at mini skirt kung mini
skirt ang suot. Di naman ito mahalay sa aking palagay pero...
“Too young.” sabi ko
sa sarili ko.
“Don't go lesbian on
that chick, Eric. She's to young for you.” sabi ng isang babae nang mapansing
nakatitig ako sa batang babae. Nanlaki ang aking mata ng makilala kung sino
ito.
“Bitch!” sigaw ko,
tumawa naman ito saka ako niyakap, ibinalik ko ang yakap nito dahil di ko man
aminin sa sarili ko ay namiss ko ang isang to. Isa kasi ito sa mga natanggal sa
batch namin nang magkaroon ng qouta sa aming department, isa siya sa ilang daan
na minalas.
“Andito lahat ng
barkada, sila Sam, Paul, PV, Tait, Sandra at Beth.” pero natigilan ito sa
pagsasalita nang maabutang walang tao sa kanilang pwesto, tanging ang mga bags
at bote ng beer ang natira.
“Well they're here
somewhere.” sabi ni Lily sakin sabay ngiti. Pagkatapos ay dumaan ang isang
grupo ng lalaki, magaganda ang porma ng mga ito pero tulad ng magandang babae
na nakasalubong ko kanina ang mga ito ay mga mukhang kaga-graduate lang din ng
highschool o kaya naman ay mga asa 18 or 19 pa lang ang edad.
“Teka lang andun ata
si Paul.” paalam sakin ni Lily sabay alis at pinuntahan ang isa kong kaibigan,
nang aktong uupo na ako ay nakabangga ko naman ang isang lalaki, bata parin
ito, mukhang foreigner at anak mayaman ang porma.
“I'm sorry.” bulalas
ko, tumango lang ito at ngumiti, muntik na akong matunaw sa harapan niya dahil
sa ngiting iyon.
“Hi, I'm Pat. Sorry,
di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh.” pakilala nito, magpapakilala narin
sana ako ng biglang may tumawag dito.
“Pat, dun muna tayo.”
sabi nung isa sa mga lalaking dumaan sa harap namin ni Lily kanina sabay hila
papunta malapit sa entrance ng bar, nagkibit balikat na lang ako.
0000ooo0000
“Now Eric, someone
told me that you're aiming for that uhmmm... ano nga yun?” nangaalaskang tanong
ni Paul ng sa wakas ay makabalik na ang mga ito sa aming pwepwestuhan malapit
sa bukana ng dance floor.
“Cum Laude.” sabat ni
Sam sa aking tabi. Naghiyawan naman ang iba na ikinamula ng mukha ko.
Naputol na lang ang
hiyawan at pagtapiktapik sa aking likod ng biglang umentra sa usapan si Ena na
nahikbi at parang pinipilit ang sarili na mapaiyak.
“Eric, you're totally
right! Iba na nga ang mga tao dito!” sigaw ni Ena na siya namang hinahaguran sa
likod ng kasama na si Jackie. Di na lang ako kumibo.
“Ano nangyari?”
tanong nila PV at iba pang mga kabarkada naming lalaki.
“Gusto mo banatan na
namin eh.” mungkahi naman ni Sam.
“Napaka bayolente mo
talaga Sam.” sabat naman ni Sandra.
“Ano nga ba
nangyari?” tanong ulit ni Lily sa nahikbi ng si Ena. Tumalikod si Ena at
itinuro ang grupo ng mga lalaki na malapit sa entrance ng club. Ang grupo nila
Pat.
“Binastos ka ba
nila?” tanong ulit ni Sam sabay sapak sa kaniyang palad na animo siga sa kanto.
Umiling lang si Ena.
“Eh anong ginawa
nila?” naiirita ng tanong ni Paul.
“Di kasi nila ako
pinansin nung dumaan ako eh.” sagot ni Ena.
Nagkatinginan kaming
buong barkada, tila ba ina-absorb ang mga sinabi ni Ena nang makabawi na ang
lahat sa pagka-shock ay sabay sabay na kami sa paghagalpak sa tawa. Di na namin
inisip kung nakakaistorbo kami dahil malakas din naman makipagusap ang ibang
mga nandon dahil sa lakas na din ng sounds ng club.
“Anong nakaktawa?”
tanong ni Ena samin.
“Sinabi ko na din kay
Ena yan, its just that, iba na nga kasi ang mga nagimik ngayon saka Ena, let's
face it, matanda ka na and they're like on diapers and feeding bottles pa oh.”
sabi ni Jackie na todo hagod parin sa likod ni Ena.
“Ayheychu bes! Dati
dati pag nadaan ako with skirts this short every boys in the hall would look at
my legs and hit on me. Bakit ngayon they wont even glimpse at me.” si Ena.
Tinapunan ko ng
tingin ang grupo ng mga kabataang lalaki na siyang sinasabi ni Ena. Grupo ito
ng limang kabataang lalaki, ang totoo di naman sila ganun kabata mga nasa edad
disinuebe hanggang bente na siguro ang mga ito, mga tipikal din na mga anak
mayaman kung pumorma at kumilos tulad ng nauna kong napuna at siya ring napuna
ko nung nakabangga ko si Pat, pero isa rin ang nasisiguro ko at hindi na ako
nagabalang ilihim ang napansin kong yun kay Ena.
“Wag ka ng malungkot
Ena, mali ka lang talaga ng mga napiling pag-flash-an ng booty mo.” sabi ko in
a matter of factly tone.
“What? Ano nanaman
yan Mr. Smart pants?!” tanong ni Ena.
“Those guys you just
flashed your booty with are gays or maybe bisexuals or better yet, labeling
aside, guys who like guys.” sabi ko sabay tungga sa hawak hawak niyang inumin.
Nagtawanan ang mga kasama naming mga lalaki at napa irit naman ng “Ayyy!” ang
mga kasama naming babae sabay hagalpakan ulit. Mukha namang akong may nasabing
nakaka offend kung maka react si Ena. Nginitian ko lang ito.
“Of course not! I
know a gay guy when I saw one!” pasigaw na sabi ni Ena pero parang may
pagaalinlangan narin niyang ibinalik ang tingin niya sa grupo ng kabataang
lalaki.
“50 bucks says
they're straight.” sabi ni Jackie sa likod ng nahikbi pa niyang bestfriend.
“Make that a
hundred!” sabi naman ni Ena nang makuwa niya ang confidence ng kaniyang
bestfriend.
“500 bucks and I can
make one of them make out with me on the dance floor later. A thousand to get
one of them to sleep with me.” Mapresko kong sabi sa aking mga kaibigan,
naghiyawan naman ang mga ito na para bang lalong iniinis si Ena.
““Deal!”” magkasabay
na sabi ni Ena at Jackie. Biglang tumayo si PV sa kaniyang kinauupuan at
biglang sumigaw.
“Oh, you're SO gonna
lose, bitch!” sigaw nito sabay turo kay Ena. Naghagalpakan naman ang mga ito
pagkatapos. Nagpapapadyak naman si Ena sa sobrang inis.
Nasa ganito kaming
paguusap ng biglang nagpatugtog ang DJ ng isang magandang kanta kung saan kahit
sino ay mapapindak, nagsimula ng mapuno ang dance floor, nagsisisayawan narin
ang aking mga kabarkada kahit sa puwesto lang nila. Napangiti nalang ako.
“Nakalimutan ko na na
ganito kasayang kasama ang mga ugok na ito.” bulong ko sa sarili ko nang makita
ang aking mga kaibigan na masayang nagsasayawan.
Saktong dumaan ang
grupo ng magkakaibigang lalaki sa aming puwesto. Parang mga modelo itong
rumampa papunta sa kanilang pwesto at lahat sila nag-gawi ng tingin sakin,
nginitian ko lamang ang mga ito. Ang pinakanakakuwa ng atensyon ko ay si Pat.
Nang dumaan na ito sakin harapan ay ngumiti din ito.
“Mukhang sang ayon
sakin ang gabing ito.” bulong ko sa sarili ko.
0000ooo0000
“I think it's about
time to take out my bag of tricks.” bulong ko kay Lily sabay ngiti at tungga sa
bote ng beer.
Iniwan ko na ang mga
nagkakasayahan kong barkada sa kanilang inuupuan, nagsimula na akong maglakad
papunta sa may dance floor, pero bago iyon ay dumaan muna ako sa grupo nila Pat
at sinulyapan ang mga ito sabay lagpas at punta sa mga grupo ng babae na
kasunod ng puwesto nila Pat.
Di ako nagkamali sa
hinala sa pagkatao ng limang kabataan. Nang lagpasan ko kasi ang mga ito ay
kitang kita ang pagkadismaya sa mga mukha nito. Marahil ay ine-expect na sila
ang aking lalapitan. Sa totoo lang wala naman talaga akong pakielam sa mga
grupo ng babaeng iyon, nais ko lang talagang makita ang reaksyon ng grupo nila
Pat at nakuwa ko ang hinahanap kong sagot.
Inilahad ko ang aking
kamay at inaya ang pinakamaganda sa grupo ng mga babae, nagpaunlak naman ito,
sinulyapan ko ulit ang grupo nila Pat na naging paksa ng pagpupustahan namin ni
Ena at bakas na bakas sa mukha ng mga ito ang pagkadismaya.
Tumingin ako sa aking
mga kabarkada at napansing naglululundag ang mga kaibigan kong lalaki at todo
ismid naman ang mga kababaihan.
0000ooo0000
Game si Carla sa mga
ginagawa ko sa kaniya sa dance floor, mapa masyadong magkadikit ang aming mga
katawan o masyadong malaswa ang aming mga galaw ok lang sa kaniya. Nang
pinaikot ko si Carla ay saka ko lang napansin si Pat na nakikipagsayaw ngayon
sa isa sa kabarkada ni Carla.
Nakipagtitigan ito
sakin, napangisi na lang ako, di makapaniwala kung pano umaayon sa plano ko ang
lahat. Swabe din ang galaw nito. Tila ba walang ka effort effort na makuwa ang
kaniyang mga gusto lalong lalo na sa departamento ng pagibig. Di napatid ang
aming titigan at paminsan minsang ngitian habang nakikipagsayaw sa aming mga
kapareha. Sa ganitong paraan parang kami naring dalawa ang magkasayaw.
0000ooo0000
Kaniya kaniyang
pa-cute ang iba pang kasamang kaibigan ni Carla sakin, marahil ay umaasang
isayaw ko rin sila, pero tapos na ang trabaho nila para sakin. Bago paman ako
tuluyang tumalikod kila Carla ay hinalikan ko ito sa pisngi at tuluyan ng
tumalikod pero hinatak ako nito paharap muli sa kaniya at hinalikan ako sa
labi.
Pagkahiwalay na
pagkahiwalay ng aming mga labi ay agad itong kumuwa ng ballpen sa kaniyang
purse at sinulatan ang aking palad. Numero niya ito sa cellphone at sa baba ng
numero ay may mga salitang nakasulat. Nang makalapit na lang ako sa aking mga
kaibigan saka ko ito binasa. “Call me.” sabi dito. Agad akong sinalubong ng
hiyawan at palakpakan ng aking mga kabarkadang lalaki.
Agad akong lumapit
kay Ena at binulungan ito.
“500. money down.”
lahad palad na sabi ko kay Ena, itiniklop ni Ena ang kaniyang kamay sa dibdib.
“All I saw was eye
contact. Wala namang french kissing na naganap. Babae kaya yung ka french kiss
mo!” malditang sabi ni Ena.
“Watch me.” sabi ko.
Agad naghiyawan ulit ang mga kabarkada kong lalaki at sumisigaw ng encouraging
words sa akin.
“I will prepare that
500 bucks if I were you.” bulong ko ulit kay Ena.
Nakangiti akong
lumapit sa puwesto nila Pat, habang papalapit ako ng papalapit sa grupo ay
ipinako ko lang ang tingin ko kay Pat. Biglang nagpatugtog ang DJ mula sa album
ni Rihanna ang kanta ay pinamagatang S&M.
Na na na na na
Come on
Na na na na
Come on, come on,
come on
Na na na na
Feels so good being
bad (Oh oh oh oh oh)
There's no way I'm
turning back (Oh oh oh oh oh)
Now the pain is my
pleasure cause nothing could measure (Oh oh oh oh oh)
Habang papalapit ako
ng papalapit sa table nila Pat ay tila ba na-e-excite at kinakabahan na di
mawari ang mga kasama ni Pat samantalang siya ay tila ba siguradong sigurado na
na siya ang lalapitan ko.
“Care to dance?”
tanong ko sa lalaking katabi ni Pat. Bumakas ang gulat sa mukha ni Pat sabay
napailing. Agad namang nagpaunlak ang kaniyang kaibigan na niyaya kong
magsayaw. Di maipinta ang mukha nito sa sobrang saya dahil siya ang pinili kong
kasayaw.
Cause I may be bad
But I’m perfectly
good at it
Sex in the air
I don’t care
I love the smell of
it
Sticks
and stones
May break my bones
But chains and whips
Excite me
Agad ko itong
tinignan ng daretso sa mata, naglalaro ang mga ilaw sa aming ulunan na
nagbibigay ng ilusyon na para bang maliksing gumagalaw ang buong paligid na
siya namang lalong nagbibigay ng gana sa aming mga nagsasayaw sa dancefloor na
pagbutihin ang pagsasayaw. Dahan dahan kong inilapit ang aking mga labi sa
kaniyang bibig. Nagpaunlak naman ito, maya maya lang ay maalab na kaming
naghahalikan. Narinig kong naghiyawan ang mga kabarkada kong lalaki sa aming
puwesto.
Itutuloy...
[02]
Marahan akong kumalas
sa paghahalikan namin ng lalaking kabarkada ni Pat. Di ko parin alam ang
pangalan nito. Sumulyap ako sa kinalalagyan ng aking mga kaibigan at di sila
makapaniwala sa aking ginawa. Ngumiti ako.
“Di pa ako tapos.”
bulong ko sa sarili ko.
“I'm Eric.” pakilala
ko sa aking kasayaw.
“Im Randolph.”
pakilala nito. Agad itong ngumiti sakin pero di ko na ito sinuklian pa ng
ngiti, ipinatong ko ang aking magkabilang kamay sa kaniyang balikat at itinulak
ang kaniyang ulo palapit sakin at bumulong dito.
“Usually, I introduce
myself first, then make out with a guy and then leave.” bulong ko dito, ramdam
kong nakikiliti ito sa aking ginagawa.
“But now, I made out
with you first, then introduced myself and then I'm going to leave. Be
flattered. Iba ka sa mga nakahalikan ko sa dance floor.” nagulat siya sa
binulong kong iyon.
Agad akong umalis sa
dancefloor at iniwan ang lalaking nagngangalang Randolph. Agad akong bumalik sa
aking mga kaibigan pero bago yun ay dumaan muna ako sa tatlo pang kaibigang
lalaki ni Randolph at Pat. Nakipagngitian muna ako kay Pat saka tumuloy sa
pwesto naming magkakabarkada.
“I told you.” sabi ko
kay Ena, mabigat ang loob nitong kinuwa ang kaniyang purse at naglabas ng
limang daan.
“But that doesn't
mean they're all gay, right?” tanong ni Jackie.
“I'm not finished
yet.” makahulugan kong sabi dito. Halata ang gulat sa mukha ng aking mga
kaibigan.
Muli akong tumalikod
sa aking mga kabarkada at tumungo sa bar kung saan andon na ngayon si Pat at
isa pa niyang kaibigan. Patay malisya akong umorder ng maiinom.
“Make that two Vodka
on the rocks.” sabat ni Pat ng sabihin ko sa barista ang aking order. Humarap
ako dito at nginitian ito.
“Thanks for the
drinks.” sabi ko dito sabay talikod, nang sulyapan ko ito ay kitang kita ang
gulat sa kaniyang mukha. Napailing ito sa ginawa kong pang ti-tease sa kaniya.
Palakpakan ang mga
kabarkada ko pero sumimangot naman si Ena at Jackie nang makabalik ako sa aming
puwesto.
0000ooo0000
Inaayos ko na ang
aking sarili para umuwi, nagyayakapan na kami ng aking mga kabarkada at
nagpapangakuan na magkikitakita ulit kami. Niyayakap ko na si Lily ng biglang
bumukas ang pinto ng club at iniluwa nun ang grupo nila Pat.
Tinignan ko si Ena at
siya naman ang niyakap ko.
“Prepare that
thousand bucks and look for a cab home, bitch.” sabi ko dito, nagulat naman ito
at naningkit ang mga mata at nagpapapadyak.
“Excuse me.” kalabit
sakin ni Pat, nahiyawan naman ang aking mga kabarkadang andun pa.
0000ooo0000
Iminulat ko na ang
aking mga mata, hindi makapaniwala na napanaginipan ko ang gabing nagkakilala
kami ni Pat, ibinaling ko ang aking tingin sa aking tabi, andun si Pat, walang
saplot. Katatapos lang naming pagsaluhan ang pagpapakawala ng init ng aming mga
katawan nang pareho kaming makatulog pagkatapos ang umaatikabong aksyon.
Narinig ko itong humilik. Napangiti ako.
Biglang may kumatok
sa pintuan ng aming cottage. Baka kako locals lang na nangso-solicit. Ibinaling
ko ang tingin sa pinto ng cottage, gumising na din si Pat sa aking tabi. tumayo
na si Pat upang tignan kung sino ang kumatok, natatawa ako dahil nakatapis lang
si loko at kung sino man ang kumatok at sadyang magtataka ito sa itsura ni
mokong at malamang magugulat dahil pag nilagpasan ng taong ito ang tingin kay
Pat ay makikita naman niya ako na nakahubad na nakahiga sa kama, tanging kumot
na puti ang siyang bumabalot sa kaselanan ko, napailing na lang ako, inabot ang
kaha ng yosi sa bedside table at nagsindi ng isang stick.
“Eh ano naman ngayon
kung makakita sila ng dalawang lalaki na katatapos lang mag sex? Uso naman yun
ngayon.” sabi ko sa sarili ko habang hinithit ang yosi.
“Sino yan, Pat?”
tanong ko dito. Iginawi ko ulit sa pinto ang aking tingin at parang inalis
lahat ng dugo mula sa aking mukha sa sobrang pagkahiya, napayuko ako.
Nakashades ako kahit
alas diyes pa lang ng umaga, umaatikabo ang sakit ng aking ulo. Sana ay di ko
na dadalhin ang aking sasakyan pero hassle din mag commute ng may hangover.
Nilaklak ko na ang isang bote ng tylenol pero wala paring epekto. Feeling ko
puputok ang aking ulo.
“Eric! Buti naman
dumating ka na! Asan ang ebidensya?!” bati sakin ni Ena, inabot ko dito ang
aking telepono at pumunta sa photo gallery nito.
“Bakit ngayon ka
lang? First day ng school absent ka sa 1st and 2nd subjects natin?” tanong
naman sakin ni Jackie, di na ako nagsalita, hinubad ko na lang ang shades ko at
pinakita sa kanila ang pagkahaggard ng mata ko.
“AHHH! OMG! Siya pa
naman ang pinakagwapo sa kanilang lima tapos siya pa tinuhog mo?!” sigaw sakin
ni Ena. Tinignan lang namin ito ng masama ni Jackie.
“Scandalosa much?”
sabi ni Jackie.
“Watch your words,
para kang walang breeding eh!” sigaw ko.
“Was he good?” tanong
nito sakin at binalewala ang aking pangiinsulto sa kaniya.
“You're sick you know
that?!” singhal ko dito sabay bawi ng telepono ko at binura ang ebidensya saka
tumungo na sa registrar para kumuha ng mga classcards.
Nang makarating ako
sa registrar's office ay parang bigla akong nanibago, karaniwan kasi mahaba ang
pila dito at per department ang kuwanan ng classcards para sa first day ng
school pero iba ngayon, isang tao na lang ang asa pagitan ko saka sa bulletin
board na nagsasabi kung anong window kukuwanin ng mga estudyante ang kanilang
mga classcards syempre depende iyon sa kursong kanilang kinukuwa. Tinignan ko
ang aking relo.
“Oo nga pala, tatlong
subject na nga pala ang inabsentan ko ngayon, malamang yung dapat mahabang pila
ay kanina pa sigurong alas syete ng umaga.” bulong ko sa sarili ko, inintay ko
ang lalaking nakatayo sa gitna namin ng bulettin board.
“Ang tagal naman ni
manong.” bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa aking relo.
“Excuse me, pwede
bang mauna na ako? Antagal mo kasi eh. Tatlong subject na kasi akong absent
ngayong araw na ito at wala akong balak gawing apat iyon.” sabi ko sa lalaking
asa harap ko, nagbigay naman ito ng daan.
Abala na ako sa
paghahanap ng aking course code at window number para sa pagkukuwanan ko ng
classcard ng bigla ulit nagsalita ang katatabi lang na lalaki.
“Ganyan ba talaga
kasama ang ugali mo?” tanong nito sakin.
“Excuse me?!” humarap
ako dito. Nanlaki ang mata ko at naramdaman ko na lang na kumabog ang aking
dibdib.
“C'mon. Nakalimutan
mo na agad ako?” nakasimangot na sabi nito sakin. Di na ako nakakibo, para na
akong binuhusan ng malamig na tubig.
“First you seduce me,
then you bring me to a motel, then iniwan mo ako dun bago ako magising tapos
ngayon papaalisin mo ako when you obviously know na nahihirapan akong
i-decipher ang codes na naka post dyan sa lintik na bulletin board?!” bigla
akong napalunok.
Tinignan ko ang mukha
nito. Halatang puyat at hindi maganda ang simula ng araw nito pero andun parin
ang kagwapuhan at bakas na bakas parin ang lahing banyaga na nagustuhan ko sa
kaniya kagabi nung nagpustahan kami nila Ena. Ang totoo niyan may picture pa
siya sa aking phone bilang patunay kay Ena na nakasiping ko ito at ipaalala na
nanalo ako sa pustahan namin at may utang siya sakin na isang libo. Pero
hanggang dun na lang sana yun eh, di na kami dapat magkikita pa.
“Geesh! Ngayon lang
talaga ako nakakilala ng isang katulad mo. Heartless!” sabi nito. Di na ako
nakakibo pa. Nagdikit ang kilay nito at namumula narin sa sobrang galit.
“Look I'm sorry about
last night, but it was supposed to be a one night thing.” sabi ko sabay buntong
hininga, di na ako nito tinapunan ng tingin.
“The least you can do
is help me with this damn codes.” sabi nito sakin na kala mo nagmamakaawa na. Nagalangan
ako saglit.
“Wait, kuwanin ko
lang ang classcards ko, then balik ako para tulungan ka.” sabi ko dito. Tumango
lang ito at itinuon na ulit ang mata sa bulletin board.
Agad agad akong
pumunta sa window kung saan kinukuwa ng mga archi students ang aming mga
classcards, habang tinitignan ng registrar ang aking enrolment slip ay palinga
linga naman akong naghahanap ng pwede pang ibang daanan. Makalayo lang kay
kumag.
“Ano nga bang
problema ko? Nagpapatulong lang naman si mokong.” sabi ko sa sarili ko. habang
nagbibilang ng classcards ang registrar sa loob ng window.
“Magpapatulong tapos
makikipagmabutihan tapos magiging kayo tapos magkakasakitan. Waaaahhhh! Pak!
pak! Pak!” sabi ko ulit sa sarili ko.
Tinignan ko ulit ang
tagiliran ng building kung saan ako naroon, may isang pwedeng labasan.
Napangisi ako, nang makuha ko na lahat ng aking classcards mula sa registrar ay
dahan dahan na akong naglakad papunta sa tagilirang exit. Mukha namang di ako
napansin ni kumag kaya't halos makalabas na ako ng tapunan ko ito ng tingin.
Nakakunot parin ang noo nito at halatang di mapakali sa harapan ng bulletin
board. Naawa naman ako pero tuluyan parin akong lumabas ng building na iyon.
0000ooo0000
“Haist! Akala ko di
ka na babalik.” sabi ni mokong na halatang may pagaaalala sa mukha.
“Only to prove na di
ako sobrang samang tao tulad ng sabi mo. Ano na nga ang course at panagalan
mo?” tanong ko dito.
Matagal ito bago
sumagot. Tinapunan ko na ito ng tingin, nakakunot ang noo nito habang
nakatingin sakin.
“Patrick Romero.”
matipid na sagot nito pero hindi parin nito inaalis ang kaniyang tingin sakin.
Dun ko ulit natitigan
ang kaniyang maamong mukha, kulay brown na mata, mapupulang labi, makinis at
maputing balat at makapal na buhok na kala mo nilagyan ng pomada sa sobrang
ayos. Halatang halata ang kaniyang pagkakaroon ng dugong banyaga.
“Damn you're
gorgeous.” bulong ko. Lalong kumunot ang noo nito sa sinabi kong iyon,
naramdaman ko namang namula ang buo kong mukha at ibinalik na lang ang tingin
ko sa bulletin board. Narinig ko itong humagikgik.
“Ano ulit yun?”
tanong niya, tinapunan ko ulit ito ng tingin.
“Kalimutan mo na ang
sinabi kong iyon.” sabi ko dito.
“Ok.” sarkastikong
sabi nito, tinapunan ko ulit ito ng tingin, nakangiti na ito. Napahawak ako sa
bulletin board dahil akala ko mahihimatay ako sa ngiting yun.
“Anong name mo ulit
saka course.” tanong ko dito sabay harap ulit sa bulletin board.
“Patrick Romero.
Architecture. Senior year.” sabi nito, natigilan ako. Bigla akong humarap dito.
“Akala ko asa 18 or
19 ka lang? Senior ka na?” sunod sunod kong tanong dito. Itinaas nito ang kamay
niya na kala mo sumusuko sa isang giyera.
“Di ka naman
nagtanong eh. All you said last night was...”Where do you want to go?” and
“Aren't you gonna take those off” sabay turo sa mga damit ko.” may pagka
arroganteng sabi ito sabay hagikgik.
“Dun ang window mo.”
sabi ko sabay turo ng window kung saan ko kinuwa ang classcards ko.
“Dun ka rin kumuwa ng
classcrads... haha! Don't tell me magkaklase tayo.” sabi nito na kala mo tumama
sa lotto.
“Bright. Ang bright
bright mo.” pasarkastiko kong sabi dito.
“Inatayin mo ako,
kunin ko lang ang classcards ko tas sabay na tayong pumasok sa susunod nating
subject.” sabi nito saka lakad takbong pumunta sa window na pinuntahan ko
kanina. Sinampal ko nalang ang noo ko at naglakad na palayo.
0000ooo0000
“O san ka galing?”
tanong sakin ni Ena. Di na ako sumagot, sabay sabay na kaming pumasok sa
classroom.
Lumingon lingon ako.
“May iniintay ka ba?”
tanong naman sakin ni Jackie, umiling lang ako.
Nakaupo na lahat ng
amining kaklase, andun ako sa aking karaniwang pwesto, walang katabi. Pumasok
na ang aming propesor at magsisimula na sana ng biglang bumukas ang pinto,
iniluwa nun si Pat na humahangos pa, sandali nitong iginala ang tingin at ng
makita ako ay ngumiti ito.
“What are you waiting
for, take a seat.” sabi ni aming propesor, lumingon naman si Jackie at Ena sa
aking pwesto, halatang namumutla ako at napahagikgik ang dalawa.
Dahan dahang lumapit
si Pat sa aking pwesto. Nakangiting aso ito.
Itutuloy...
[03]
Nanlaki ang mata ko
sa sinabing iyon ng aming propesor, lumalangoy ang isip ko sa pagiisip na
maaaring namamalik tenga lang ako, kung meron mang ganun. Nang iniisip ko na na
mali nga ang aking pagkakarinig at magsisimula na sana akong maging masaya ulit
ay inexplain ulit ng aming propesor ang kaniyang iniisip na activity.
“Senior Year na at
pang elementary pa ang pinapagawa ni pulpol!” sabi ko na hindi naman nakaligtas
sa pandinig ni Pat.
“Take it easy.
Besides this should be fun!” sabi nito sakin saka ngumiti ng magiliw.
0000ooo0000
“Five minutes.” tawag
ng propesor namin sa unahan ng klase.
“Di mo ba ako
tatanungin?” bulalas ni Pat sa aking tabi.
“Napucha naman! Di ba
talaga naaalis ang ngiting yan sa mukha niya?” tanong ko sa sarili ko.
Nanlalambot.
“Ang korny kasi.”
nasabi ko nalang. Napahagikgik naman ito.
“Anong sasabihin mo
mamya?” tanong ulit nito sakin, nagsisimula na akong mainis dito.
Ito kasi ang activity
na pinauso ng propesor ko. Since senior year naman na daw namin, gusto niyang
malaman kung ano ang nalalaman namin sa isa't isa. Kung baga sa first day of
school magpapakilala ka sa buong klase, pero dahil senior year na nga at gasgas
na ang “Introduce yourself” na activity ang pinapagawa samin ngayon ay
“Introduce your seat mate” at ito na ang pinaka corny kong narinig na activity.
“Bahala na.” sabi ko
kay Pat. Tumingin lang ito sakin.
0000ooo0000
“Well, Jackie's been
my bestfriend since our freshmen year and I'm sure kilalang kilala niyo narin
siya. But.. I still have the good stuff. Marami akong alam na hindi niyo alam
kay Jackie.” simula ni Ena nang tawagin ng aming propesor ang kanilang tandem
ni Jackie. Tinignan lang ito ni Jackie ng masama na nasa tabi lang naman niya.
“For starters, maton
kumain to, mahina ang apat na rice.” nagsimula ng maghagalpakan ang buong
klase.
Laughtrip. Yang ang
naging simula ng klase na yun, may mga dull moments din lalo na kapag yung mga
nerdy nerd na yung nakasalang.
“Tayo na ata ang
susunod.” sabi naman ni Pat sakin. Di ko alam pero parang kinabog ako sa sinabi
niyang yun. At tinawag na nga ang pangalan namin.
Habang naglalakad
kami papunta sa unahan ng klase ay pinagtitinginan kami ng aming mga kaklase,
marahil para makita ng maayos ang ubod ng gwapo na lalaki na katabi ko, na noon
lang nila nakita. Napayuko na lang ako at sinimulan ng kabugin.
“Ano nga bang
sasabihin ko? Di ko pa naman kilala ang mamang to.” tanong ko sa sarili ko.
nasa ganon akong pagiisip ng biglang umakbay sakin si Pat.
““Ayyyyy!”” sigaw
nila Jackie at Ena. Tinignan ko na lang sila ng masama.
0000ooo0000
“San nga ba ako
maguumpisa?” sabi ko sa harapan ng buong klase.
“Mr. Romero,
transferee ka diba?” tanong ng propesor namin, tumango lang si Pat saka
ngumiti.
“Sige, I'm sure
tinanong ka naman nito ni Eric eh.” sabi ulit ng propesor namin.
“Actually Sir yun
lang ang alam ko, na transferee siya.” sabi ko, nagtawanan naman ang aking mga
kaklase.
“C'mon Eric, you can
do better than that.” naboboryong sabi ng aming propesor.
“Ahmmm sige, siguro
ito na lang. Medyo mahina siya sa codes, kahit na may legend ng nakalagay sa
bulletin board para sa instructions for classcard claims ay inabot parin siya
ng tatlong subject at kung hindi ko pa siya tutulungan malamang buong araw pa
siya doon.” sabi ko, akala ko may matatawa pero parang nakarinig pa ako ng
kuliglig sa sobrang kawalan ng reaksyon ng aking mga kaklase.
“Sa akin ding palagay
ay mahiyain siya dahil di siya nagtanong at hinayaan niya pang di makapasok ng
ilang subjects bago magtanong.” sabi ko, ngayon nakikita ko na ang ilan sa
aking mga kaklase na nahikab na.
“Ok, its Mr. Romero's
turn.” sabi ng aming propesor. Naboryo narin siguro.
“uhmmm where to
start?” nakangiting sabi nito sakin.
“Well sa dalawang
araw na nakilala ko ito si Eric...” bigla ko itong tinignan, nakangiti lang ito
sakin, nagsimula ng magbulungan ang aming mga kaklase. Wala kasi silang alam na
bago pa ngayong araw na ito ay magkakilala na kami ni Pat. Tinignan ko si Jackie
at Ena, nahagikgik lang ang mga ito.
“Eric is a moody brat
pero smart.” simula ulit ni Pat. Nagtanguan naman ang aking mga kaklase ko na
kala mo nakikiayon.
“Intelligent as he
may be and books might be his only world hindi rin nun mababago ang katotohanang
daig niya pa ang tambay sa kanto kung lumaklak at umorder ng bagong shot sa
kawawang barista.” napanganga nalang ako sa pambubukong ginagawa ni Pat.
“He may look
comfortable with a pen but that doesn't apply to everything. Let's say sa
kambyo ng sasakyan, di ko alam kung san natuto magdrive to.” sabi pa ni Pat
sabay akbay sakin, nagsisimula ng tumawa ang aking mga kaklase.
“Lousy driver but a
gentleman.” nangingiting sabi nito sakin. Nakikita kong kumukunot na ang noo ng
aking mga kaklase.
“He's also the good
samaritan that helped me to get through the stupid codes in the bulletin. A
good Samaritan inside but a rough and a bad cowboy outside.”
“And last but not the
least...” bago niya pa man ito ituloy ay humarap ito sakin saka ngumiti ng nakakaloko.
Di ko mawari pero kinabahan ako. Kinabahan ng sobra.
“He's the perfect
example of a CHICKBOY.” nagkatinginan at nagbulungan ang aking mga kaklase.
Namutla ako.
“I mean, he can
practically have both worlds, he can swing with a male partner or a female
partner. Pwede sa chicas and pwede rin sa boy. Thus the term CHICKBOY.” gusto
ko ng magpakain sa lupa nang sabihin niya iyon, wala na ngayong tumatawa sa
klase, lahat sila may gulat na makikita sa mukha. Bigla namang nabura ang ngiti
sa mukha ni Pat nang mapansin ang reaksyon ng bawat tao sa classroom na iyon.
At natigilan siya ng makita ang nangingilid ko ng luha.
Nag ring ang bell
bilang hudyat ng pagtatapos ng klase. Naglabasan na lahat ng aking mga kaklase,
nagtititigan parin kami ni Pat, tumigil sa harap ko si Jackie at Ena at inaaya
na akong umalis, di ko na sila nasagot. Nakatitig parin ako kay Pat. Naluluha
na sa sobrang inis, hiya at galit. Hinayaan na lang ako nila Jackie at tuloy
tuloy ng lumabas.
“Sorry, di ko alam, I
thought everybody knew.” pabulong na sabi nito. Di na ako nakasagot, nagbabadya
ng tumulo ang aking mga luha.
“Sorry talaga.”
nakayuko ng sabi ni Pat, di ko na napigilan ang sarili ko't binigyan na siya ng
isang malakas na suntok. Di pa man nakakabawi si Pat sa aking suntok na iyon ay
agad na akong nakalabas ng classroom.
0000ooo0000
“Huy, dahan dahan
lang may pasok pa tayo mamya.” awat sakin ni Jackie. Binalewala ko lang ito, sa
liit ng department namin, marahil halos lahat na ng nakakakilala sakin ay alam
na ang pag-a-out na ginawa sakin ni Pat.
“Di ako papasok.”
matigas kong sabi kay Jackie.
“Hay naku Eric...”
pero di na ito naituloy ang sasabihin.
“Hayaan mo nga siya!”
saway naman ni Ena.
“Ayaw mo nun girl, di
mo na poproblemahin ang pagamin?” intrimitidang sabi ni Ena. Inirapan ko lang
ito. Sakto namang nagdaanan ang isang grupo ng mga lalaki na lower year namin.
“Hi Papa Eric! Can I
have your number?” nangaalaskang sabi ng isa sakin.
Biglang bumagal ang
buong paligid. Parang may pumindot ng slow motion button.
Ito ang dahilan ko
kung bakit pilit akong nagkulong sa closet. Hindi pa tanggap ng karamihan ang
katulad kong mga bisexual, bading, jokla o kung ano man ang tawag nila. Ito rin
ang mga tipo ng tao na ayaw na ayaw kong makakaharap kung sakali mang malaman
ng lahat ang tunay kong pagkatao.
“Homophobic
assholes!” sabi ko sa sarili ko, yan kasi ang tawag ko sa kanila.
At eto na nga isang
tao ang hindi inaasahang mag-a-out sakin at ngayon, pakiramdam kong guguho na
ang aking mundo, magiging sentro na ako ng katatawanan ng mga walang magawa sa
buhay na walang iniisip kundi na silang mga straight ang nagmamay ari ng mundo,
ng mga hindi nakakaunawa na hindi lang female at male ang uri ng mga tao na
namumuhay sa mundo.
At may isang bagay
rin akong ipinangako sa sarili ko kung sakali ngang dumating ang panahon na out
na ako at may isang asshole na aalipusta sakin.
“Hindi ako pinanganak
para pagtawanan. Ang kung sino mang gawing katatawanan ang aking pagkatao ay
hindi makakatalikod sakin ng walang pasa sa mukha.”
Muling bumalik sa
normal na bilis ang mga bagay bagay sa paligid. Agad naman akong tumayo at
sinuntok ang tarantadong nangalaska sakin. Naka dalawang suntok na ako ng
rumesbak ang tatlo pa nitong kabarkada.
Nakita ko na lang ang
sarili ko na dinadaganan ng dalawang lalaki at sisipain na ng dalawa pa.
Naririnig ko na ang mga babae na asa paligid na sumisigaw para awatin kami.
Pero wala ni isa ang nangahas.
“Tama na!” sigaw ni
Jackie at sinusubukan narin ng mga ito na hilahin ang mga lalaki para mapigilan
ang pambubugbog ng apat sakin.
Naramdaman ko na ang
isang kamao na lumanding sa aking mukha, isang sipa na lumanding naman sa aking
tagiliran at syempre, naramdman ko narin ang sakit. Sakit ng bawat suntok at
sipa na binibigay nila sakin.
“Tigilan niyo siya!”
sigaw ng isang lalaki. Napatingin ako sa pinto ng kainan at nakita doon si Pat.
“Ano namang magagawa
mo kung hindi namin siya tigilan?” tanong ng lalaking pinaulanan ko ng suntok
kanina.
“Mali ang tanong mo,
dude. Dapat ang tanong mo ay kung ano ang magagawa NAMIN kung hindi niyo
titigilan si Eric.” sabi nito at kasabay nun ay ang pagpasok ng may bente atang
lalaki na malalaki ang katawan at matatangkad. Agad namang tumigil ang apat na
nangbugbog sakin at lumabas na lang.
“Ok ka lang ba?”
tanong sakin ni Pat. Di na ako sumagot, naramdaman kong may tumutulong dugo
mula sa aking labi. Tinulungan akong tumayo ni Pat, agad namang lumapit si Ena
at Jackie.
“Kasalanan kong lahat
to eh.” bulong ni Pat. Halata ang pagaalala sa mukha niya.
Itutuloy...
[04]
Napapapikit ako sa
tuwing lalapatan ni Jackie ng yelo ang aking mukha kung saan naglanding ang
kamao ng asshole na nakaaway ko kanina di lang pasa ang meron sa mukha ko, meron
ding maliit na hiwa sa aking labi, maliit lang ito pero lintik na kung
makadugo.
“Don't be such a
wuss! Ikaw tong naunang magpaulan ng suntok eh, tiisin mo ngayon yang yelo para
sa pasa mo sa mukha.” sabi ni Ena habang inaayos ang gamit para sa susunod
naming klase.
Biglang sumulpot si
Pat sa dulo ng aming lamesa. May dala itong isang bandehado ng sisig at
nagmamakaawa ang mukha. Tinignan ito ni Jackie at Ena ng masama.
“Gusto ko lang
kausapin si Eric.” paalam nito sa dalawa. Tinignan naman ako ni Jackie. Tumango
lang ako dito bilang pagsang ayon sa gustong mangyari ni Pat.
“Papasok na kami.
Ikaw Eric, di ka pa ba papasok?” tanong ni Ena, umiling lang ako.
“I need more time.
Masyado pang bago ang feeling ng pagkaka-out.” sabi ko, tumango lang si Jackie
at Ena bilang sabi na naiintindihan nila.
“Kumain ka na ba?”
tanong sakin ni Pat, halatang nahihiya pa ito. Inilapit sakin ang plato ng
sisig.
“Wala bang kanin?”
tanong ko dito, bigla nitong ibinaling ang kaniyang tingin sakin saka ngumiti.
0000ooo0000
“Di ko kasi talaga
alam. Pasensya na talaga.” sabi nito sakin habang nakain narin sa aking tabi.
Binigyan ko lang ito ng matamlay na ngiti.
“Bumawi ka naman eh.
Siguro nasa ospital na ako ngayon kung di ka pa dumating.” sabi ko dito.
Ngumiti ito saka umupo ng daretso at inayos ang kwelyo.
“Ahem. Ako pa. You
owe me your life.” may pagkamayabang na sabi nito habang puno parin ng kanin at
pirapiraso ng sisig ang bibig.
Di ko mapigilang
macute-an dito. Napansin siguro nito ang pagtitig ko sa kaniya kaya medyo na
conscious ito at nagbaba ng tingin.
“Di ka ba papasok?”
tanong ko kay Pat. Umiling ito sabay subo ng isa pag kutsarang puno ng kanin.
“Sasamahan muna kita.
Baka kasi balikan ka pa ng mga iyon.” sabi nito sakin, umiling lang ako.
“Di na yun. Ok lang
ako.” sabi ko dito.
“Gusto rin kasi
kitang makasama.” sabi nito sabay yuko ulit.
0000ooo0000
“Manang, isang bucket
pa nga po.” sabi nito sabay senyas sa matandang serbidora.
Nagkayakagan kasi
kaming maginuman.
“Tama na, baka di ako
makauwi ng dorm niyan.” awat ko dito, pero tuloy lang ito sa pagsalin ng beer
sa aking baso.
“Ha-hatid kita. San
ka ba naka-dorm?” tanong nito sakin sabay subo ng isang kutsarang puno ng
sisig.
“Dyan lang.” sabi ko
dito.
“Yun naman pala eh,
ako nga sa Cavite pa eh.” muntik ko ng maibuga ang beer na ininom ko, tinignan
ko ang aking orasan at nakitang mag aalas diyes na ng gabi.
“May masasakyan ka pa
ba niyan?” tanong ko sa kaniya, bahagyang kumunot ang noo nito at tumingin din
sa kaniyang orasan, nanlaki ang mata nito saka nagbuntong hininga.
“Uumagahin na ako
nito.” sabi niya.
“Ikaw kasi ayaw mong
paawat eh.” sabi ko na lang, binigyan lang ako nito ng malungkot na ngiti.
0000ooo0000
“Sige una na ako.”
paalam sakin ni Pat nang ihatid na ako nito sa gate ng aking tinutuluyang dorm.
Payuko itong naglakad palayo sakin.
“G-gusto mo...”
simula ko pero bigla akong nagalangan. Humarap na ulit ito sakin.
“Gusto mo makitulog
ka muna sa dorm ko?” kumunot ang noo nito sa tanong kong iyon.
“K-kung gusto mo lang
naman.” ngumiti lang ito at lumapit ulit sakin.
“San ba dito yung
dorm mo?” tanong nito habang nakangiting aso na si kumag. Bigla nalang akong
kinabahan.
“Mali atang inaya ko
pa ito.” sabi ko sa sarili ko.
0000ooo0000
“Dyan ka sa sofa.”
sabi ko dito. Kumunot ang noo nito.
“Di ako kasya diyan.”
sabi na lang niya sabay turo sa sofa.
“Di tayo kasya dun.”
sabi ko na lang sabay turo sa kama habang pinagpapawisan ng malagkit.
“Sus. Queen size yan
oh.” sabi niya at nagsimula na itong maglakad papuntang kama at umupo na doon.
“Wala kang dorm
mate?” tanong nito, kumunot naman ang noo ko sabay tingin sa kaniya ng masama.
“Whoah! Wala akong
binabalak na masama no! Gusto ko lang malaman kung solo mo itong kawarto o
naghahanap ka pa ng kasamang magbabayad.” sabi nito sabay iling. Marahil
iniisip na wala akong kasing malisyoso magisip. Tumalikod ako dito sa sobrang
hiya, inayos ko na lang ang kalat sa sala.
“Wala pang pumupunta
para magtanong dun sa landlady eh. Last year may kasama ako kaso grumadweyt na,
mabait pa naman yun saka laging sagana ang lugar na ito ng pagkain, may pagka
healthy kasi yun.” sabi ko dito habang pinupulot ang mga nagkalat na libro sa
sahig.
“Ikaw ba? Wala kang
balak mag-dorm? Malayo ang Cavite ah. Tagtag na nga utak mo sa school works tas
tatag pa katawan mo sa biyahe. Stress yun... Pat?” tawag ko dito nang mapansin
kong di na ito nasagot.
Nang lingunin ko ito
ay nakapitkit na ito at nakanganga na, dahan dahan akong lumapit dito, nakataas
ang kanang kamay nito at nakapatong sa kaniyang noo. Nagtaka ako sa ayos nito,
tinusok ko ang pisngi nito ng aking hintuturo at nagulat na lang ako ng bigla
itong humilik.
“Ako dapat ang hihiga
dyan, Pat! Dun ka sa sofa!” panggigising ko dito, pero di ito natinag. Sumuko
na ako at pumunta na sa banyo para magpalit ng damit at mag toothbrush.
Napatapat ako sa
salamin. Tiningnan ko ang sarili ko.
“Puchik! Namasa ang
suntok ng gorilla.” sabi ko habang malapitang inexamen ang pasa sa salamin.
Napangiti din ako. Naalala ko ang ginawang pagtatanggol sakin ni Pat.
“Actually dapat lang
na ipagtanggol niya ako kasi siya ang may kasalanan kung bakit ako pinagtripan
ng gorilla and friends na iyon eh.” sabi ko ulit sa sarili ko. Nagbuntong
hininga ako.
“Pano na lang bukas sa
school? Malamang kalat na ang aking totoong kulay.” may pagaalala na ngayong
gumuguhit sa mukha ko pero ikinibit balikat ko na lang ito at nagtoothbrush na.
0000ooo0000
“Ibang klase naman
talaga!” sabi ko sa sarili ko ng datnan si Pat na nakahubad baro na at tanging
boxers shorts na lang ang suot. Nahilik parin ito at mukhang sarap na sarap na
sa pagtulog pero nagiba na ito ng puwesto, nakadantay na ito sa isang unan at
dalawang unan naman ang nasa ulunan nito. Sa makatuwid, wala na akong unan.
Napailing na lang ako. Pilit kong hinila ang dinadantayan nito pero masyadong
mahigpit ang yakap niya dito.
“Konti na-lang!” sabi
ko sa sarili ko habang hinihila parin ang unan pero sa kasamaang palad dumulas
lang ang kamay ko dito at lumanding ako sa sahig ng may malakas na kalabog.
Hinampas ko ang braso ni Pat pero ni pagtigil sa paghilik di nito ginawa.
“Buwisit!” sigaw ko
ulit, walang pakielam na may natutulog sa aking tabi basta maiparating ko lang
na naiiirita ako. Iika ika akong naglakad papuntang sofa.
Muli kong inisip ang
mga nangyari nung umagang ng araw na iyon. Nagbigay ulit ako ng isa pang
buntong hininga at hinayaan ko ng kainin ako ng antok.
0000ooo0000
Panandalian kong
iminulat ang aking mata, madilim pa ang paligid at nararamdaman kong nagalaw
din ang paligid. Inisip ko na lang na masyado akong nakainom kaya't pakiramdam
ko ay nalindol. Naramdaman ko ring parang umiinit ang sofa na aking hinihigaan
at patuloy ito sa pag-alog. Ikinibit balikat ko na lang ito at ibinaling ang
aking tingin sa aking kanan, nakita ko dun ang leeg ng isang hubad na lalaki at
ng dumungaw ang mukha ng lalaking yun para tignan ako ay napangiti na lang ako.
“Gwapo.” sabi ko, at
nakarinig ako ng parang may humahagikgik sa paligid, pero masyado pa akong
inaantok para atupagin iyon.
0000ooo0000
Unti unti kong
iminulat ang aking kamay ng marinig ang aking alarm clock, kahit na masakit pa
ang aking katawan mula sa pambubugbog na natamo kahapon ay ini-stretch ko ito
at inabot ang alarm clock sabay pukpok dito para tumigil ito sa kakangawa.
“Five minutes pa.”
sabi ko sa sarili ko, normal na ito sakin. Dadagdag ng limang minuto o kaya
sampung minuto hanggang sa ma-late. Gaya ng mga iba pang normal na araw ay
itinalukbong ko ulit sakin ang kumot at idinantay ang sarili sa unan sabay
yakap ng mahigpit.
Bigla akong napaupo
at bigla ring nanlaki ang aking mata.
“Panong nadantayan ko
ang aking unan, eh natulog akong walang unan? Panong naabot ko ang alarm clock
sa bedside table eh malayo ang sofa sa bedside table? Panong nagawa ko lahat ng
ito eh pagkakaalam ko sa SOFA ako natulog?! PAANO?!” agad agad kong pinilit ang
aking mata na masanay sa liwanag ng paligid.
Nang di agad ito
nasanay ay kinusot ko pa ang aking mga mata. Dahan dahan kong iginawi ang aking
tingin sa aking kaliwa at nakita dun si Pat, nakahubad baro, medyo nakanganga
pa at medyo nahilik ng mahina. Agad kong ibinaba ang aking tingin sa aking
suot.
Lalong nanlaki ang
aking mata. Pagkakaalam ko kasi naka jogging pants ako natulog eh, pero ngayong
tinititigan ko ang sarili ko ay nakaboxers na lang ako. Agad kong sinapo ang
aking noo at bayolenteng inalog ang aking ulo. Pilit hinahalukay ang aking utak
kung may nangyari ba sa pagitan namin ni Pat kagabi.
“Goodmorning!” bati
sakin ni Pat sabay yakap. Lalong nanlaki ang aking mata.
“Bakit kailangang
yumakap?!” sigaw ko dito sabay tulak sa kaniya na ikinahulog naman niya sa
kama.
0000ooo0000
Inabutan ko ng icebag
si kumag para ilagay niya sa kaniyang namumukol na batok, ngingiwi ngiwi ito sa
sakit. Tinitignan ko parin ito ng masama.
“Pano ako nakarating
sa kama?” tanong ko dito. Pinipigilan nanaman nitong tumawa, marahil natatakot
na itulak ko siya ulit.
“Umihi kasi ako tapos
nung mapadaan ako sa sofa nakta kita na nakabaluktot at pilit pinagkakasya
sarili mo sa sofa ng walang unan at kumot, kaya binuhat kita papuntang kama.”
mahabang sabi nito sabay punta sa ref at hanap ng makakain.
“Eh pano namang
paggising ko eh naka boxers na lang ako pero nung natulog ako eh naka panjama
pa ako?” naniningkit ko ulit na tanong dito habang iniinit ang pandesal.
“Ahh, yun ang hindi
ko alam. Malay ko bang hinubad mo na yun.” sabi nito sakin sabay hagikgik. Di
ko na napigilan ang sarili ko at naibato ko na ang pandesal sa kaniya. Sapul sa
ulo. Di na nito napigilan ang pagtawa.
“Nga pala may...”
simula nito pero natigilan kami pareho ng may kumatok sa aking pinto. Naglakad
ako palapit dito at binuksan ito. Biglang may tumalsik na dalawang duffle bag
sa sahig malapit sa aking magkabilang tagiliran at may sumampa sa aking isang
babae.
“You must be Eric?!”
sigaw nito habang nililingkis maigi ang kamay niya sa aking leeg. Kumunot na
lang ang noo ko.
Itutuloy...
[05]
Naguguluhan parin ako
sa mga nangyayari, pilit kong inaalala kung san ko nakilala ang babae na
nakalingkis parin sa akin ngayon, may kaliitan ito kaya naman maski pumasan ito
sakin ay kayang kaya ko ito buhatin kaso may pagkamahalay ang puwesto't itsura
namin. Nakapulupot ang kaniyang paa sa akin balakang at ang leeg ko ang
sinasabitan naman ng kaniyang mga kamay.
Sinubukan kong
tanggalin sa pagkakayakap sakin ang babae pero mahigpit talaga ang kapit nito.
Tinignan ko si Pat at hihingi sana ng tulong pero nagdalawang isip ako dahil
nakita ko na si kumag na nakaupo sa sahig at papadyakpadyak na sa kakatawa.
“Ah eh, mawalang
galang na po. Sino po ba kayo?” sabi ko sa babae.
“Nga pala. Eric si
Tita Grace, tita si Eric.” pakilala ni Pat samin ng babae, kumunot naman ang
noo ko lalo sa pagtataka.
Humiwalay na sa akin
ang babae at inabot nito ang kaniyang kamay sa kaniyang pamangkin at sabay
silang umupo sa sofa. Nakayakap pa ang babaeng nagngangalang Grace kay Pat ng
harapin ko ang mga ito.
“Ah eh, ano pong
sadya niyo?” tanong ko sa babae.
“Ah, dinala ko lang
yung mga gamit ni Pat. Sabi niya kasi nakahanap na siya ng dorm.” sabi ni
Grace.
“Ahhh.” sabi ko na
lang sabay tingin sa dalawang duffel bag na dala dala ni Grace, uminom ako ng
kape para narin mabawasan ang sakit sa ulo na binibigay sakin ng magtiyahin.
Tumayo si Grace at
miya mo kinikilatis ang aking kwarto. Tumango tango ito.
“Maganda ang lugar
ah, magaling ka talagang pumili, Pamangkin.” sabi nito, naibuga ko na lang ang
kape na aking iniinom. Tinignan ko si Pat at ngingiti ngiti lang ito.
“Mawalang galang na
po ano. Pero magpapatulong lang po muna ako kay Pat sa kusina.” paalam ko kay
Grace sabay tingin ng masama kay Pat at sinenyasan itong sumunod sakin sa
kusina.
0000ooo0000
“Sa pagkakaalala ko,
masarap na ang tulog mo nung kinukwento ko ang tungkol sa paghahanap ko ng
ka-dorm?” nanlilisik mata kong sabi kay Pat. Ngumiti lang ito na miya mo
kinakabahan.
“Pwedeng tulog ako
pero malakas parin ang pandinig ko?” sabi nito sabay hagikgik ulit. Dinampot ko
ang kaserola sa may lababo at mutik na itong maipukpok kay Pat.
“Eto naman, at least
di ka na mamomoblema na maghanap ng matinong ka-dorm.” sabi nito, infairness
may point siya.
0000ooo0000
“Ah eh sensya na,
Eric, pero di pa ako nakakabili ng matress para sa higaan nitong pamangkin ko.
kaya hihiling sana ako sayo na baka pwedeng tabi muna kayo sa kama.” sabi ni
Grace, binigyan ko ulit ng nanlilisik na tingin si Pat.
0000ooo0000
“Sabihin mo nga sakin
ang totoo?! Anong alam ng tiyahin mo sakin?! May sinabi ka sa kaniya tungkol sa
nangyari satin noon ano? Ano?” sabi ko kay Pat habang hinahalungkat nito ang
kaniyang mga duffel bag.
“Ah ehe. Konti lang.”
sabi nito sabay dive sa duffel bag at parang may hinahanap na kung ano.
“Nakakainis ka
talaga!” sabi ko dito sabay bato ng unan, di naman niya ito pinansin bagkus
naglakad lang ito palapit sa bintana at isinabit doon ang isang dream catcher.
Kumunot lang ang noo ko.
“Mainis ka all you
want, pero magiging ka dormmate mo na ako simula ngayon!” sabi nito sabay dila.
Kumuwa ito ng mga damit sa kaniyang duffel bag saka twalya sabay pasok sa
banyo.
Napanganga na lang
ako sa realisasyon na tama siya sa kaniyang sinabi.
0000ooo0000
“Di ka pa ba tapos?!”
sigaw ko dito habang barubal na kinakatok ang pinto ng banyo kung saan siya
nandoon.
I'll be loving
you-ooh ooh forver.
Deep inside my
heart...
Narinig ko nang
ilapat ko ang tenga ko sa aking pinto, muli kong tinampal ang aking noo gamit
ang aking palad.
“Nakuwa pa ngang
kumanta kanta ni kumag.” bulong ko sa sarili ko.
0000ooo0000
“Ang tagal mo namang
maligo!” bulyaw ko dito nang sa wakas ay lumabas na ito ng banyo. Pero agad
ding natigil ang pangbubulyaw kong iyon ng lumabas itong nakatapis lang.
“Ano nga yung
sinasabi mo?” mapangakit nitong tanong sakin.
“W-wala. Sige mauna
ka na sa school wag mo na akong intayin.” sabi ko na lang dito at agad na
isinara ang pinto at nagsimula ng maligo.
Nasa kasarapan na ako
ng pagsha-shampoo ng biglang tumigil ang tubig na nanggagaling sa shower.
“Potabels! Naabutan
pa nga ng qouta!” sabi ko sa sarili ko.
“Pat!!!!!! pakuwa
naman ako ng tubig dun sa drum sa may kusina!!” sigaw ko pero walang Pat na
dumating. Naalala ko na lang na pinauna ko nga pala itong pumasok.
0000oooo0000
“O bakit ganiyan ang
itsura mo? Di ka pa ata nakapag conditioner. Mukha kang basang sisiw girl! Di
kaayaaya.” bungad sakin ni Ena. Itinaas ko na lang ang aking kaliwang kamay at
isinupalpal sa mukha niya.
“Ay talk to the hand
nga sabi Ena eh. Ang kulit mo.” sabi niya sa kaniyang sarili. Nang mapadaan
kami sa tapat ni Pat at Jackie ay nakita naming hahagikhagikgik si Pat.
Nagpalitan naman ng tingin si Jackie at Ena.
0000ooo0000
Ewan ko kung panong
nangyari na naging kabarkada na namin bigla si Pat. Mukhang patok na patok siya
sa dalawang bruha na kasama ko.
“Sige, kayo na
friends.” sabi ko sa sarili ko nang makitang nagtatawanan ang tatlo.
“Pero infairness,
kinilig ako nung pinagtanggol mo si Eric nung binubugbog ever na siya. Bagay na
bagay kayong dalawa.” sabi ni Ena, inirapan ko lang ito. Ewan ko ba kung bakit
biglang napunta doon ang usapan.
Tumayo si Pat saka
ifinlex ang mga muscles na kala mo kasali sa isang body building contest.
Umirit naman ang dalawang bruha at pinisil pisil pa ang biceps ni Pat.
0000ooo0000
Pabalikbalik lang ako
mula sala hanggang kama, animo'y balak kong pakinisin ang sahig sa ginagawa
kong pabalikbalik. Nakaupo lang si Pat sa sofa at kumakain ng chaofan ng
chowking habang pinapanood ako sa aking ginagawa.
“Ano ba yang iniisip
mo?” tanong nito sakin.
“Nagiisip ako ng
paraan para mapadali ang buhay natin habang magkasama tayo dito.” sabi ko
tumango lang ito.
“Una. 10 minutes lang
ang pagligo ng bawat isa satin para walang naaabutan ng qouta sa tubig.” sabi
ko, wala namang tutol dito si kumag.
“Pangalawa. M-W-F-
SUN. ako matutulog sa kama. T-TH-Sat. Ay ikaw naman sa kama.” sabi ko, nanlaki
naman ang mata ni Pat dito.
“Lugi ako ng isang
araw!” sabi nito at isang kutsara ata ng kanin ang tumalsik mula sa bibig nito.
“Akin ang kama diba?”
tanong ko dito, tumango lang ito. Wala naring nagawa. Lumapit ako dito at
inagaw ang chaofan na kinakain niya.
“Pangatlo. Walang
pakielamanan ng pagkain sa ref.” nakanganga itong tumingin sakin ng masama.
“Pangapat. M-W-F ako
maglilinis ng buong dorm. T-TH-Sat naman ang toka mo at pag dating ng linggo
tayong dalawa ang parehong maglilinis.” sabi ko dito, ikinibit balikat lang
nito ang sinabi kong yun.
“Hindi ba pwede na
kapag Sunday salo rin tayo sa kama?” tanong nito, binigyan ko lang ito ng
masamang tingin, di na ito kumibo pa.
“Panlima...”
“Andami naman niyan!”
sabi niya, pinandilatan ko lang ito ng mata at agad din siyang tumiklop.
“Panglima, ayaw ko ng
burara.”
“Panganim, sabay
tayong maglalaba kada linggo.”
“Pangpito, kain mo
hugas mo. Ganun din kapag ako.”
“Pangwalo, hati tayo
sa pambili ng mga sabong panglaba at panghugas ng plato.”
“Pangsiyam, deodorant
ko akin lang, toothbrush ko akin lang.”
“Kadiri naman to.”
sabi niya.
“Pangsampu, bawal
maguwi ng kung sino sino dito. Kaibigan man o kung ano.” agad itong humarap
sakin at kala mo makikipagtalo pa, siguro ay naisip nalang din nitong itigil
dahil alam niyang talo rin siya.
0000ooo0000
“Patrickkkkkk!!!!”
sigaw ko ng mapadako ang tingin ko sa kusina kinabukasan.
“Bakit?” tanong nito
habang humahangos pa, basa pa ang buhok nito at halatang kalalabas lang ng
shower.
“Ano to?”
nanggagalaiti kong sabi dito.
“Ahmmm plato?” sagot
niya.
“Platong ano?!”
“Ah eh, platong
pinagkainan ko?” pahina ng pahinang sabi nito. Nakuwa naman niya ang ibig
sabihin ko at agad na nagpunta sa tapat ng lababo.
“You can really be a
nagger sometimes, you know that?” naiirita ng sabi nito. Napangiti na lang ako.
“You don't like the
rules? Lumipat ka na.” pangaalaska ko dito.
“As if you want me
out.” sabi nito sabay ngisi.
“Gago!” sabi ko
nalang dito at pareho na kaming napahagikgik.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment