By: Unbroken
Blog: strangersandunbrokenangels.blogspot.com
Facebook: Iheytmahex632@gmail.com
[06]
“Raaafffff!!!!”
Napabalikwas ako sa kama. Agad kong inangat ang aking ulo at accidentally na tumama ang aking ulo sa bakal ng double deck. Ang sakit lang. Nagising ako sa paghampas ng ulo ko sa lintik na bakal na yan. Muli kong ibinagsak ang aking katawan sa malambot na foam ng double deck at naramdaman ng ulo ko ang malambot at mabango kong unan.
Nanaginip na naman ako. Ano na naman ang ibig sabihin non?
Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ang lamig din ng butil-butil na pawis sa aking noo. Napanaginipan ko na naman ang sementeryo at kung anu-ano pa. Nakita ko rin ang upuang lagi naming pinepwestuhan sa t'wing magagawi kami sa parke na yon. Hinahalukay na naman ako ng nakaraan. Bumabalik na naman si Raf sa aking mga panaginip. Pero nasaan ba talaga sya?
Buntong-hininga. Isang malalim na buntong-hininga.
Mahigit limang taon na ang nakakalipas ng huli ko syang makita. Iniisip ko pa rin talaga sya. Di ko lang alam kung if he's still the same. Iniisip nya pa din ba ako? Ganoon pa din ba ang itsura nya? Moreno pa din ba sya at toned pa rin ang katawan? Does he still wear the same old perfume? Does he still wear the same old smile? Ayoko ng ganito. Ang dami kong iniisip na mga bagay na nagpapalungkot sa akin. Sa t'wing hindi ko naman sya iniisip ay kung anu-ano ang nangyayari.
“Jared anak. Magaalmusal na tayo.” pagtawag sa akin ni Mama mula sa labas ng aking kwarto.
Hindi ako sumagot. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kitang-kita ko ang aking reflection. Ako pa rin to,nagbago lang ng kaunti. Naiisip ko na naman si Raf. Dati,t'wing nasa bahay kami ay lagi kaming sabay na tumitingin sa salamin. Tapos pag nasa tapat kami ng salamin ay bigla nya kong yayakapin mula sa likod at hahalikan nya ang aking leeg.
Isang malalim na buntong-hininga.
“Anak. Paparating na si Kath. Sasama ata sa office mo para madiscuss na din ang ibang mga bagay para sa kasal nyo.”
Patuloy na pagsabi pa ni Mama mula sa labas ng kwarto.
Napakamot ako ng ulo. Ikakasal na pala kami ni Kath ilang buwan mula ngayon. Handa na ba talaga ako? Mali,ang tanong eh,gusto ko ba talagang magpakasal kay Kath? Di ko alam. Kath has been with me kahit noong mga panahon na nasa kadiliman pa ako. Mahal ko sya pero di ko alam kung bakit ako nagdadalawang isip sa pagpapakasal. Wedding jitters lang ba to o talagang naguguluhan na ako?
“Oo mama. Lalabas na ako.”
“Sige sige. Nakahanda na ang pagkain sa mesa.”
“Okay.”
Mabilis akong kumilos. Naligo agad ako at nagbihis. After ng breakfast ay dederecho agad ako sa opisina. Inayos ko ang aking sarili,nagformal attire at nagwax ng buhok. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ako lumabas ng kwarto.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang pupungas-pungas na Victor. Nagtama ang aming mga mata,agad akong umiwas.
“Good Morning Jared anak.” sabi nito.
Tumingin lang ako sa kanya at nagtaas ng kilay.
Mabilis akong tumungo ng mesa kung saan nakaupo na si mama.
“Anak ang gwapo mo ngayon.”
Ngiti lang ang isinagot ko.
“Anak bakit di mo ata pinansin ang Tito Victor mo?”
“Ha? Hindi Ma. Ngumiti ako sa kanya.”
Ilang segundo pa ay nakaupo na sa harap ko si Victor. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naiinis ako na di mawari. I just really can't stand it. Ayokong nakikita sa hapag-kainan ang mga taong ayaw ko. Pinipilit kong di mairita dahil makakahalata si Mama at isa pa ay masamang magaway sa harap ng pagkain.
“Anak kailan ang kasal nyo ni Kath?”
Napaisip ako.
“Wala pang date. Tentative pa. Pero target namin eh months from now.”
“Anak parang ilang beses na naurong ng naurong ang kasal nyo. Gusto mo bang maging hands on na kami ng Tito Victor mo para mas di kayo mahirapan? Ilang taon ng napupurnada yan eh.”
Napatingin ako sa nanay ko. Ramdam ko ang concern sa kanyang mga salita. Alam kong gusto nyang mapadali ang kasal at atat na rin kasi talaga syang magkaapo. Pero di ko alam sa sarili ko. Kahit si Kath ay nagaapura na din,ako lang talaga ang may mga problema sa sarili ko.
“Baka naman di pa ready si Jared magpakasal Ma?” sabat ni Victor.
I threw him an odd stare.
“I mean,after lahat ng mga pinagdaanan nya, I think he needs more time.”
“Dad,ang tagal ng nagaantay ni Kath para sa kasalan na yan. Don't you think it's just time for them to settle? Isa pa ang tagal na nila diba?”
“It's not like that Mom. If they're going to commit sa marriage na to na halfhearted ang isa, I don't think na magwowork ang kasalan.”
Nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila. Di ko alam pero pakiramdam ko ay unti-unting binubuksan ni Victor ang utak ni mama para maramdaman nitong di pa nga din ako handang magpakasal. Siguro nga ay hindi pa din talaga ako handang magpakasal. Nagpatuloy ang diskusyon nila about sa kasalan. I feel obliged. Ang punto ni Mama matagal na kami ni Kath at wala na akong makikitang ganoong babae. Ang punto naman ni Victor ay pakiramdam nya ay di pa ako handa kaya hindi rin magwowork. Tama sila pareho. Di ko alam sa sarili ko kung ano ba talagang plano ko.
Natapos ang breakfast,hindi nagpakita si Kath. Nakakapagtaka.
I instantly called her. Ang tagal sumagot.
“Hon? Bakit di ka nakapunta? I thought breakfast tayo?”
“Hon,sorry. Ang sakit talaga ng puson ko. Babawi ako next time. Love you.”
“Okay lang. Take your medicine. Punta ko dyan pag di busy, Love you too.”
Disconnected.
* * *
Maaliwalas kong narating ang opisina. Magiliw ang mga tao just like last time.
“Sir Jared. Pag may kailangan po kayo tawagan nyo lang po ako sa phone.”
“Sure Lily.”
“Sige Sir. Back to work na po ako.”
Akmang tatalikod na ito nang may naalala ako.
“Lily?”
“Ahh Yes Sir?”
“Ikaw ba ang naglagay ng kape sa mesa ko kahapon?”
“Sir?” may pagtataka sa tono nito.
“Kape. Nilagyan mo ng kape ang mesa ko kahapon?”
“Sir hindi po. Bakit?”
“May kape kasi sa mesa ko.”
“Sir. Di po ako. Alam kong ayaw nyo ng kape.”
“Oo nga Lily. Hayaan na natin.”
“Ang weird nun Sir.”
“Oo nga. O sya cge. Later ha?”
At bumalik na ako sa loob ng aking opisina. Hanggang ngayon iniisip ko kung sino pa rin talaga ang naglagay ng kape sa aking lamesa. Nakaramdam ako ng kakaiba. Raf. Nasaan ka ba?
* * *
6pm. Same overtime work. Nagpaalam na si Lily para umuwi kasama ang iba pang mga tao sa office. Naiwan na ako sa loob pero nasa labas ang aming maintenance personnel na si Ron. Patuloy ako sa pagtapos ng mga natambak na reports ng biglang nagflicker ang ilaw. Hinayaan ko lang. Patuloy ako sa pagtapos ng mga reports ko ng nagflicker muli ito. Kasabay ng pagkurap ng ilaw ay ang malamig na dampi ng hangin sa aking balat.
Bakit ang lamig? Hindi naman nakatodo ang aircon.
Binalewala ko ang mga nangyayari. Marahil nagloloko lang ang ilaw maging ang aircon. Ilang segundo pa,huminto ang ilaw sa pagflicker. Bumalik rin ang normal na temperature ng kwarto. Inaayos ko na ang mga kontrata para sa mga bagong papasok na empleyado sa kumpanya. Makalipas ang wala pang labinlimang minuto,nagsimula na naman ang pagkurap ng ilaw.
“Punyeta!” bulalas ko
Parang Christmas light ang pagkurap ng ilaw. Naiirita na ako. Di ko matatapos ang mga ginagawa ko ng ganyan. Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo. Pumikit ako at nagpractice ng rhythmic breathing. Magiinhale ka ng malalim for 4 seconds then ihohold mo sya ng another 4 seconds at irerelease mo sya ng ganun din. Pinaulit-ulit ko ito hanggang sa naramdaman ko ang pagkalma ng aking sistema.
Naramdaman ko na ang pagkalma ng aking mga nerves. Binuksan ko ang aking mga mata. Patuloy pa rin ang pagflicker ng ilaw. Nakaamoy na naman ako ng kakaiba- amoy na naman ng kape. Nagsisimula na naman akong kabahan dahil naamoy ko na naman ang kape na iyon. Susubukan kong di pansinin.
Tumitig ako sa ilaw ng ilang segundo. Patuloy ito sa pagflicker. Naiirita na ako.
“Ron!”
“Ron!”
Mabilis na dumating ang isa sa mga kasama namin sa opisina.
“Bakit Sir?”
“Ron. Bakit nagpapatay-sindi ang ilaw?” Sabay turo sa aking taas.
Napatulala ako sa taas nang mapansin kong walang kagalaw-galaw ang ilaw. Maliwanag ito at stable. Nakita ko rin ang pagkamot ni Ron ng kanyang ulo dala na rin ng pagkayamot. Napabuntong hininga din ito.
“Sir. Okay naman po ang ilaw ah?”
“Nagfiflicker yan kanina!”
“Sir ayan nga po walang kagalaw galaw oh!” sabi nito sabay turo sa ilaw.
Tumingala ako at nakita kong okay ang ilaw. Hindi pundido. Pero nakita ko ang nakita ko. Iginiit ko talaga ang nakita ko. Mukhang tinatamad lang kumilos si Ron.
“Nakita ko ang nakita ko Ron. Ano bang problema?”
“Sir hindi nga po pundido!” Pasigaw nitong sabi.
“Sinisigawan mo ako?” there's authority sa aking boses.
“Haaa.? Hi-hin-di po.” nagbago ang tono sa boses nito.
“Baka gusto mong ipaalala ko sayo kung sino ang kausap mo Ron at kung ano ka lang sa kumpanyang ito? Kung tinatamad kang magtrabaho,magresign ka! Hindi yung pinapakitaan mo ng incompetence ang isa sa mga amo mo!” pagsigaw ko sa kanya
Natahimik sya at nanatiling nakaupo. Sa sobrang irita ko ay agad kong naayos ang aking mga gamit at agad akong lumabas ng kwarto. Bago ako lumisan,tinignan ko sya at nagwika.
“You don't have to file your resignation Ron.”
“Sir?” nangangatal nitong sabi.
“You're fired!”
I slammed the door then hurriedly left the office.
* * *
Masaya akong sinalubong ni Mikey pagbaba ko ng office. Nagyakap kami at nagngitian. Ang laki ng pinagbago ng aking nakababatang kapatid. Kitang-kita ngayon lalo ang kanyang kakisigan. Dati ay tototoy-totoy sya pero ngayon ay napakatikas na ng kanyang pangangatawan. Mahirap na ngang sabihin na magkapatid kami dahil pakiramdam ko ay ang layo na ng mukha namin eh. Aminado akong mas gwapo si Mikey sa akin.
Sabay kaming nagyosi sa may ibaba ng building. Ako na nagpapaalis tension,sya na nagaalis ng boredom. Napagusapan namin ang kung anu-ano pang mga bagay ukol sa kanyang mga pinagkakaabalahan. Napagalaman kong aside from working out,nagenroll din sya sa isang Pole Dancing Class para mailabas nya ang kanyang lakas pati na rin sa pagdevelop ng kanyang muscles.
Sa loob ng ilang minuto naming pagyoyosi at pagkekwentuhan,naramdaman kong somehow,nabawi ang ilang taong di kami magkasama.
Inakbayan ako ni Jared habang naglalakad kami papunta sa kanyang sasakyan. Ang sarap lang ng feeling ng mayroong kapatid na magiging kakampi mo sa lahat. Sana di to matapos. Patuloy kami sa paglakad nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ng aking kapatid.
“Oh? Anong problema?”
“Wala naman Kuya, Iniisip ko lang kung paano kung di pinakasalan ni Mommy si Victor. Siguro masaya tayong tatlo.”
“Mikey,siguro nga. Pero kahit papaano,yung ginawang pagpapakasal ni Mommy ay nakagawa ng paraan para mas mapabuti tayo in our own little ways. Tignan mo lang sayo,naging independent ka at mas okay ang finances mo ngayon. Tingin mo ba kung di nangyari ang mga nangyari magiging ganyan ka katatag?”
“May punto ka dyan Kuya. Siguro kung di nangyari ang mga iyon, I wouldn't be in this state now. Siguro mas simple ako at nakadepende pa rin kay Mommy. Siguro mas masaya tayo. At siguro,kung di nangyari ang mga nangyari, malamang walang galit sa puso ko ngayon.”
“Naiintindihan ko lahat Mikey. Alam ko ang pinagdadaanan mo.”
“Salamat Kuya.”
Sumakay kami sa kotse. He drove to the nearest coffee shop,Mikey is such a good driver. Napakasmooth nya lalo na kapag sya ay magtetake over. He assures the safety of his passengers.
We got in to the coffee shop after he parked his car.
“Kuya,kape?”
“I don't drink coffee Mikey. Kahit Green Tea nalang.”
“At bakit di ka na nagkakape? Dati naman nagkakape ka?”
“Blast from the past. I just don't want to be reminded.”
“Sino to?”
“Basta.”
“Mind me asking. Siguro ka na ba talaga sa kasalan?”
Napahinto ako sa tanong.
“Actually,hindi.”
“Then stop the wedding.”
“I know. Kaya nga inuudlot ng inuudlot. Kanina nga,pinagtanggol ako ni Victor. Ang sabi ay baka di pa ako handa sa kasal kaya wag daw ako pilitin. Ewan ko ba don kung bakit.”
“Baka naman type ka kuya?”
Napatitig ako kay Mikey. Nakaramdam ako ng guilt. Sasabihin ko ba sa kapatid ko na maging ako ay naabuso ni Victor? O itatago ko nalang? Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ang daming mga bagay ang nagsasabay sabay sa utak ko ngayon. Pakiramdam ko any moment ay sasabog ito.
“Kuya? Anything wrong?”
“Ha..? Wa-wala.”
“Okay.”
“Sorry Mikey. Preoccupied.”
“Ayos lang.”
Tahimik.
“Kuya,gaganti ako.”
“Ha? Paanong gaganti at kanino?”
“Kay Victor.”
“Paano? Anong gagawin mo?”
“Basta.”
Nakaramdam ako ng kakaiba sa mga sinabi ni Mikey. Alam kong mabait syang bata pero di ko alam kung anong pwede nyang gawin dahil sa galit nya kay Victor. Lagi naman tayong nakakagawa ng mga bagay na hindi dapat kapag galit tayo or kapag pinangungunahan tayo ng emosyon. Sana lang ay gabayan ng Diyos si Mikey sa mga bagay na pwede nyang gawin. Sana tulungan sya ng Diyos na magpatawad. Alam kong mahirap pero alam kong kinakailangan.
Bumalik na kami sa sasakyan. Tahimik si Mikey,halatang may iniisip. Hindi ko alam kung ano yun, hinayaan ko nalang sya. Nagmaneho sya at wala pang 30 minutes ay naihatid na nya ako sa subdivision. Tahimik pa rin ang aking kapatid,nakakapagtaka.
“Bakit Mikey?”
“Iniisip kita Kuya.”
“Bakit?”
“Wag ka ng magpakasal kay Kath. Please?”
Napatingin ako sa aking bunsong kapatid. Kita ang sinseridad sa mga mata nito. Alam kong iniisip nya na di ako sasaya kay Kath at alam kong concerned sya sa akin. Pero dapat ko pa rin talagang pagisipan ang magiging desisyon ko. Mahirap din masaktan at makasakit. Ngumiti ako kay Jared.
“Pagiisipan ko bunso.”
Ngumiti sya sa akin. Kinuha ang aking kamay at pinisil ito. Ginawaran ko sya ng isang halik sa noo at bumaba ako ng kotse. It really feels good to have a younger brother. Mabilis akong lumakad pabalik ng bahay at nakita ng aking peripheral vision ang pagatras ng kotse ni Mikey. Ilang segundo pa ay nawala na sya.
Malamig pa rin ang dampi ng hangin sa aking balat.
“Jared!”
Isang tawag na nakakuha ng aking atensyon.
Napalingon ako sa aking likod. Walang tao. Dumerecho ako sa paglakad.
“Jared sandali lang!”
Muli akong lumingon sa aking likod. Walang tao. Kinabahan ako. Nagmadali akong tumakbo sa gate. Nang bubuksan ko na ang pinto,nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran. Mainit ang kanyang katawan.
“Jared. Bakit di mo ko pinapansin?”
Natameme ako. Pamilyar ang boses na yon. Maging ang init ng kanyang katawan. Pati na rin ang kanyang hininga. Maging ang kanyang pabango. Sya nga. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha,mas naramdaman ko ang higpit ng kanyang mga yakap.
“Raf. Nagbalik ka.”
“Oo Jared. Nagbalik ako.”
“Raf.”
“Namiss kita Jared.”
At tumulo ang aking luha.
I T U T U L O Y . . .
[07]
Di pa rin ako makapaniwala. Ilang taon. Ilang mahahabang taon ko syang inantay. Ngayong nandito na sya ay di ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko. Yayakapin ko ba sya ng mahigpit? Hahalikan ko ba sya? Ano bang gagawin ko? Iiyak ba ako? Sisigaw ba ako sa tuwa? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay kayakap ko sya at nararamdaman ko ang kanyang katawan. Kapiling ko na anglalaking inantay ko ng napakatagal. Kasama kong muli ang aking lalaking minamahal.
“Jared.”
“Raf. Nagbalik ka.”
Hinarap ako ni Raf sa kanya at muli,mahigpit nya akong niyapos. Nakita ko muli ang kanyang mukha. Ang ekspresyon ng kanyang mapanglaw na mga mata, ang galaw ng kanyang noo sa t'wing sya ay kumukunot, ang kanyang mga ngiti, ang kanyang matangos na ilong, ang kanyang mapangakit na mga labi, namiss ko ang lahat ng ito. Namiss ko ang simplicity ng kanyang kaanyuan. Namiss ko ang kanyang pagkatao.
“Oo Jared. Di na ako aalis ulit. Di na ako aalis.”
Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Naramdaman ko din ang pagapaw ng kaligayahan mula sa aking sarili. Ramdam ko ang saya na di maipaliwanag mula sa kaibuturan ng aking puso. Alam kong magiging ayos na lahat dahil muli,nandito na sya. At tulad ng sinabi nya,alam kong hindi na nya ako iiwanan.
Patuloy na nagdikit ang aming mga katawan. Dama ko ang init nito. Buhay si Raf. Buhay ang aming pagmamahalan. Tinititigan nya ako at ginawaran ng isang maiksi ngunit napakatamis na halik. The kiss washed all my worries away. Alam kong nasa tamang direksyon na ako. Si Raf ang gusto ko at di ko na hahayaang mawala pa.
“Bakit ka nawala? Ang tagal. Ilang taon din yon? Bakit?”
“Mahabang istorya Jared. Pero wag na nating pagusapan.”
“Ha? Naguguluhan na ako. Bakit? Bakit nga?”
“Dahil kinailangan kong mawala, buti nalang may naabutan pa ako nung pagbalik ko.”
Pinisil nya ang aking kamay. Nakaramdam ako ng kilig.
Kahit na nilalamon ako ng aking mga tanong, hinayaan ko nalang. Ang kanyang mga titig at mga hawak ay sapat na para madisregard lahat ng nangyari dati. Ayos na rin to.
Hinawakan nya ang aking kamay. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Regardless sa tao,regardless sa kung sino ang makakakita.
Patay ang ilaw sa loob ng bahay. Masyado pang maaga para matulog si Mama at si Victor. Bakit kaya? Wala kaming inaksayang panahon, agad kaming umakyat sa kwarto. The moment the door slammed, he hugged me like there's no tomorrow. I felt sincerity. I felt security. I felt loved.
“Alam mo bang namiss kita ng sobra?”
“Na-miss din kita ng sobra Raf. Wala namang araw na hindi ko dinasal sa Diyos na bumalik ka.”
“Pasensya na Jared. Hindi ko alam, pero nararamdaman kong di pa ngayon yung tamang panahon para sabihin ko sa'yo lahat. Okay lang ba?”
“Oo. Ayos lang. Whenever you're ready.”
Ginawaran nya ang ng halik. Naramdaman kong lumalaban ang aking mga labi sa pagalugad ng kanyang dila. Naging mas maaksyon ang mga sumunod na nangyari. Mabilis na lumipad ang aming mga kasuotan paalis sa aming mga katawan. Mabilis na tumapon ang aming mga katawan sa kama. Para kaming mga bwitreng sabik na kumakain sa patay na hayop. Hayok kami sa isa't-isa. The next thing I knew, hingal-kabayo kami matapos naming maabot ang glorya.
It was indeed, satisfying.
The sex was just great. Para kaming dinuduyan hanggang sa marating ang kapayapaan.
Awtomatikong sumasabay ang aming katawan sa indayog ng musikang aming inaawit. Again, the sex was just great.
Hingal na hingal kaming humiga sa kama. Magkahawak-kamay. Masaya. Kontento. At nilamon na ako ng kadiliman.
Nagising ako ng umaga. Nakapikit kong kinapa si Raf sa aking tabi but to my surpise, when I opened my eyes, wala sya. Nakaramdam ako ng kakaiba. Still naked, agad akong tumayo kahit pupungas-pungas pa. I was heading out of the room when a sudden smell pinched in. Kape. Amoy-kape na naman.
Nawala ang antok ko at napalitan ito ng pagkaalarma. Nakaamoy na naman ako ng kape.
“Raf?”
“Raf?”
Ngunit wala akong narinig na sagot.
Disappointed, agad akong bumalik at umupo sa edge ng kama.
“Putangina! Saan nanggagaling ang amoy ng kape!”
Agad akong napalingon sa maliit na tukador na kinalalagyan ng aking antigong lampshade. Nakita ko ang isang tasa. Agad ko itong nilapitan at nagulat ako na kape ang laman nito. Ako ay napaisip. Sino? Inangat ko ang tasa ng kape at may nakita akong note sa gilid.
“Enjoy your coffee. I'll see you later. -Raf-”
Ako ay napatulala.
Oo nga pala. Si Raf nga pala ang laging nagtitimpla ng kape ko.
From a moment,confusion turned into something sweet. Naramdaman ko nalang na kinikilig ako.
I took a sip. Ngayon nalang ako ulit uminom ng kape. At mukhang mapapadalas uli ito lalo pa't nandito na sya ulit. I felt an inner glow. I really am, happy.
I heard my phone crying at agad kong sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Jared.”
“Sino to? Di nakaregister number mo.”
“Raf.”
“Uyyyy. Nasaan ka na? Bakit wala ka na paggising ko?”
“Sorry di na kita ginising. Kasi ang sarap ng tulog mo. You really looked like an angel while sleeping.”
“Ikaw talaga.”
“By the way,nasa place na ako ng Tyahin ko ngayon.”
“Saan yan?”
“Basta. Isave mo na tong number ko. Nainom mo na yung kape?”
“Oo. Salamat ha?”
“Magkita tayo mamaya.”
“Sige ba.”
“Saan naman?” tanong ko.
“Daanan kita sa office. O kaya sa bahay nyo nalang.”
“Sige. Text ka nalang.”
“Jared,may tatanong ako.”
“Ano yun?”
“Fiancee mo ba yung babaeng kasama mo sa picture?”
Nagitla ako sa narinig. Agad akong napatingin sa larawan namin ni Kath na nasa pader. Bigla syang pumasok sa isip ko. Nakaramdam ako ng guilt.
“Jared?”
“Ha?”
“Fiancee mo nga?”
“O-Oo. Ba-Bakit?” tanong ko.
“Wala. Naitanong lang.”
Tahimik. Ilang segundo rin ng mahinto ang aming paguusap.
“Do you still love me Jared?”
“Ha? Oo naman Raf.”
“Seryoso?”
“Oo naman. Bakit?”
“Paano yung babae? I mean ikakasal na kayo. Paano na ako?”
Narinig ko ang pagcacrack ng kanyang boses. Naramdaman ko ang panghihina. Nanghina ako dahil sa pagiyak ni Raf. Mas nanghihina ako sa guilt na nararamdaman ko para kay Kath. Sa tono ni Raf ay parang kailangan kong pumili. Hindi ko alam.
“Hindi ko alam Raf.”
“Jared! Putangina! Paano ako? Hindi mo ba alam kung paanong hirap ko para lang makabalik sayo? Tapos ngayon malalaman ko na ikakasal ka na sa iba? Alam mo ba kung gaano kasakit yon?”
Naiyak ako sa narinig. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot. Sino ba ang dapat kong piliin? Si Kath na sinamahan ako all through out at tinanggap ako despite everything? O si Raf na minahal ko ng husto, nawala na parang bula at nagbalik nalang bigla? Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Raf. Magiisip ako.”
“Magpasya ka hanggang mamayang gabi.”
“Raf! Wag naman ganun!”
At biglang naputol ang usapan.
Napatulala ako sa hangin. Gulong-gulo ang aking isip. Patang-pata ang aking puso.
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
Maaga akong gumising para ayusin ang ilang sa mga bagay about sa kasal namin ni Jared. Ang tagal ko ng hindi nakikita ang husband-to-be ko. Naiinis nga ako dahil hindi ako nakapunta kahapon sa kanila dahil sa dysmenorrhea ko.
Ang ganda ng araw ko. Nagising ako ng masaya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil na rin siguro sa kasal? Iba yung feeling. The thought of me being Mrs.Jared Garcia excites me. Alam kong marami na kaming pinagdaan ni Jared at alam kong marami pa kaming pagdadaanan, alam kong magkasama naming haharapin yun at magkasama naming itutumba lahat ng problema.
Pagtapos kong maligo ay agad akong nagblower para masaya. Mabilis akong nagbihis at sasamahan ako ni Mama para kausapin ang ilan sa mga pwedeng magcater para sa reception. Mahilig si Jared sa kahit ano naman kaya hindi na siguro magiging problema ang pagkain. Pero kahit papaano ay isipin rin naman ang mga bisita. Excited na talaga ako.
“Mama! Ready na ako. Handa na ba yung driver?”
“Oo Nak. Ano tara na?”
“Yes Mama. Tara na.”
“Anak mind me asking,bakit parang hindi masyadong hands-on si Jared sa kasal?”
“Ha? Hindi ah. In fact sasamahan nya sana ako kahapon bago sya pumasok ng work kaso ako naman ang di pwede dahil sa puson ko.”
“Ahh ganun ba?”
“Opo Mama.”
“Anak, sigurado ka na bang gusto mo ng magpatali?”
“Oo naman po. Bakit nyo naman naitanong? Sobrang excited na nga ako eh.”
“Wala lang. Naku ang anak ko, malaki ka na talaga.”
Nangiti nalang ako.
“Ma,si Jared na talaga. Wag kang magalala. Napakabuting tao nun. At alam kong mahal na mahal ako non.”
“Oo anak. Alam ko.”
Paalis na ako nang nagvibrate ang phone ko. Tumatawag si Jared.
Masaya kong kinuha ang aking cellphone at agad na sinagot ito.
“Hi Babe!”
“Kath.we really have to talk.”
“Ayy oo babe. Dapat nga kasi yung food for the reception diba? Tapos yung mga flowers din? Kailangan din nating umattend ng mga seminars. Di ka ba pwede magleave sa work kahit one week lang? Maayos natin to in a week's time.”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya mula sa kabilang linya.
“May problema ba Babe?”
“Kath makinig ka sakin.” sabi ni Jared.
Nakaramdam ako ng kaba. This was exactly the same Jared nung nagdadrugs pa sya.
“Okay,Babe. Ano yun?”
“Please.”
“Ha?”
“Please lang. Tigilan na natin to. Ayoko ng magpakasal sayo. Ayoko na. Ayoko na.”
Hindi ako nakapagsalita agad. Naramdaman ko nalang ang excited kong mga luhang tumatalon mula sa aking mata.
“Ba-bakit?”
“Ayoko na.”
Bago pa man ako makapagsalita, agad ng nawala ang connection sa kabilang linya.
Bumaha ang luha. Naghinagpis ang puso. Kailangan ko ng kasagutan.
I T U T U L O Y . . .
[08]
Para akong nabuhusan ng sinampal sa narinig. Ayaw na magpakasal ni Jared sa akin? At bakit? Ano bang ginawa ko? Ano bang mali o offensive na nagawa ko para maging ganyan sya sa akin? Bakit naging ganito? Nung nakaraan okay na okay kami, tapos all of a sudden aayaw sya? Saan ba ako nagkulang?
Wala ng tigil ang pagtulo ng aking mga luha.
Napuna ito ng aking ina at agad itong lumapit sa akin.
“Anak? Bakit ka umiiyak? What's wrong?”
Nagtama ang aming mga mata, dama ko ang laking pagtataka at concerned sa kanyang mga galaw. Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba, sa oras na malaman ni Mama ang dahilan ay tiyak magiging malaking eskandalo to. Ayoko namang madamay pa sila Tita Stella at Tito Victor.
Ako ay nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Humarap ako sa aking ina at pinilit na ngumiti.
“Anak, bakit ka umiiyak? Sabihin mo sakin. Sino ba yung tumawag? Si Jared yun diba? Bakit ano bang problema? May problema ba?” Parang rifle na sabi nito
Kahit ang sakit-sakit, pinilit kong ngumiti sa aking ina. Dapat hindi nya malaman ang mga bagay na ito.
Tumingin ako sa kanya at pinahid ang aking mga luha.
“Ma. Wa-wala pong problema.” pagsisinungaling ko
“Ha? Anong wala? Iiyak ka ba ng ganyan kung walang problema Kath?”she said in disbelief
“Ma,ang saya-saya ko lang po.”
Napaisip ako kung ano ang idadahilan ko. Alam kong mahirap magsinungaling pero gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko ng mag-isa. Di dapat malaman ng kung sino man hangga't di ko nakakausap si Jared sa mga bagay-bagay.
“Masaya po ako ka-kasi, sinabihan ako ni Jared na mahal nya ako.”
Kasinungalingan.
Napataas ang kilay ng aking ina.
“Anak? Ganoon kababaw? Impossible yan.”
“Ma. Kung alam mo lang. Mula ng malabas si Jared sa rehab naging madalang na syang magsabi ng 'Mahal kita' sa akin. Kaya ang saya-saya ko lang.” pagtatakip ko pa.
“Okay Kath. Siguraduhin mo.”
Bakas ang pagbabanta sa boses ng aking ina.
“Opo Mama.”
“Ano tara na? Alis na tayo. Kanina pa nagaantay ang driver.”
Halos makalimutan ko na may lakad pala talaga kami ngayon. Pero hindi ko naman matitiis na hindi makausap si Jared tungkol sa bagay na ito.
“Mama. Kayo nalang muna ang makipagusap don sa restaurant. Basta Oriental ang gusto namin.”
“Ha? Eh akala ko ba kasama ka sa food tasting?”
“Ma,urgent eh. Kailangan kong pumunta kay Jared. Nagtatampo kasi di ako nakasabay sa breakfast nila kahapon. Naglalambing Ma eh.”
Nakita ko ang pagbuntong-hiniga ng aking ina.
“Oh Sya. Sige. Kukunin ko nalang yung isang kotse at sumakay ka na dyan. See you later.”
Agad akong humalik sa aking ina at mabilis akong lumabas ng bahay para sumakay sa nakapark na kotse sa garahe.
“Manong derecho tayo kala Jared.”
Tumango ang driver.
Inantay kong makalabas ang kotse ng bahay. Muli na namang bumuhos ang mga luho ng sakit na kanina ko pa tinatago. Alam kong di tama ang magsinungaling pero ginawa ko ito for the better.
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
Ang bigat ng pakiramdam ko. Alam mo yun? Parang ang sakit-sakit lang in a sense na kinakana ka ng guilt dahil sa mga bagay na di mo inaasahang mangyari? Malungkot ako noon, pakiramdam ko lagi ay may kulang. Nagdrugs ako dahil sa mga bagay na hindi ko pa maaaring sabihin sa ngayon. Sa loob ng ilang taon, even during my darkest hours, never akong iniwan ni Kath. Naging mabuting nobya sya at naramdaman ko ang unconditional love na kanyang binigay sa akin. Pero hindi ko alam kung anong dahilan at madali akong natakot na mawala si Raf sa akin. Alam kong mali ang ginawa ko at alam kong masasaktan ko sya, pero hindi ko alam kung bakit ko pa rin ginawa. Ibig sabihin lang ba nito ay kaya kong baliwalain lahat para kay Raf? Ganoon ba ako kagago? Ganoon ba ako kabakla?
Buntong-hininga. Isang malalim na buntong-hininga.
Bigla kong binagsak ang aking katawan sa kama. Ang lambot nito ay pansamantalang nagdala sa akin sa langit. Naramdaman ko ang pagtakbo ng aking mga luha. Waves of confusion have been hitting my mind, my complicated mind. The next thing I know is, kinain na ako ng kadiliman.
Naramdaman ko ang bigat sa aking mga braso. Parang pinipisil na dinadaganan. Ramdam ko na may nakapatong sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko mabuksan ang aking mga mata. Mabigat ito. Mainit. Parang uling na nagdidingas, nakakapaso, nakakalapnos.
Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang pagtama ng aming mga labi. Hindi ko maaaring magkamali. Labi ni Raf ang mga ito. Naging mas mapusok ang kanyang mga halik. Iba ito sa una naming pagniniig kagabi makalipas ang ilang taon. Ramdam ko ang paggalugad ng kanyang dila sa aking bibig. Iba ang sensasyong dala nito.
Mas naramdaman ko ang pagdiin ni Raf sa aking braso. This time ay ramdam ko ang dahan-dahang pagbaon ng kanyang kuko sa aking balat. Naramdaman ko ang marahan nyang pag-ulos. Pinagtatama nya ang aming mga kaselanan na nasa loob pa rin ng aming mga shorts. Dry sex. Iba ang sensasyong dala noon. Masakit yung pisil ng kuko nya sa aking braso pero tunay namang nakakalibog ang pagtama ng aming mga maselang parte.
Muli kong naramdaman ang kanyang mga labi,ngayon naman at dumampi ito sa aking leeg. Ramdam ko ang marahang pagsipsip nito. Ako ay nakaramdam ng ibayong kiliti.
“Ohhh.”
He gave me little kisses on my neck that extremely made me feel heaven. Para syang bampirang sumisipsip ng dugo, ang kaibahan nga lang ay hindi ako nasasaktan, sa bawat dampi ng kanyang labi at sa bawat sayad ng kanyang dila, nararating ko ang isang lugar na hindi ko pa napuntahan.
“Ohhh.”
Patuloy ako sa pag-ungol. Ramdam ko pa rin ang bigat ng aking mata.
Hindi ko magawang ibukas ang mga ito.
“Ohhhhhhh.”
Naging mas mapangahas ang kanyang mga galaw. Naging mas mabilis ang kanyang mga kilos. Naging mas mabilis ang galaw ng kanyang dila sa t'wing tumatama ito sa aking leeg.
Hindi pa sya nakuntento, maging ang tenga ko ay hindi nya pinalampas.
Pinatulis nya ang kanyang dila at pinasok ito sa aking kanang tenga. Kahit anong kilos ko ara kumawala sa kanyang yapos ay hindi ko magawa. Masyado syang malakas. Nagmistulan akong isang patay na hayop na pinagpapasasaan ng isang walang-bwitre. Iba ang kiliting dala nun. Ramdam ko ang lalong pagtigas ng aking alaga. Ramdam ko din ang pamamasa ng ulo nito.
“Ooohhhhhhhhh.”
Naging mas malikot ang kamay ni Raf. Habang patuloy sya sa ginagawa ang aking tainga, parang pirata namang nyang pinagala ang kanyang mga kamay. Ang bawat pagdampi nito sa aking balat ay nagduduloy ng kuryente na nakakapagpanginig sa akin.
“Ohhhhh.”
Mabilis ang mga sumunod na nangyari.
Mabilis naibaba ni Raf ang aking shorts. Halu-halo na ang aking nararamdaman. Nalilibugan, naeexcite, nasasarap, nag-iinit. Hindi ko pa rin magawang buksan ang aking mga mata. Mabigat pa rin ito. Ipapaubaya ko nalang ang lahat kay Raf.
“Oooohhhhhhh..”
Biglang sinunggaban ni Raf ang aking kaliwang utong. Kanan, kaliwa, pasalit-salit, nakakaulol.
“Oooohhhhhhhhhhh.”
“Ahhhh.”
“Oohhh.”
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Ang alam ko lang ay naramdaman kong nagtataas-baba na ang mainit na bibig ni Raf sa aking maselang bahagi. Ibang-iba yun sa lahat ng natikman ko. Hindi ko alam kung meron pang hihigit sa ginagawa nya.
“Ohhh.”
“Aahhhhh!”
“Raaaaff!”
“Ayaannn..”
“Raafff!”
“Ayyyaaaannn nnaaa aakooooo...”
At muli ko na namang narating ang ikapitong glorya.
Hingal-kabayo ako pagkatapos. Ramdam ko din ang pagpatak ng butil-butil kong pawis. Unti-unti, naramdaman ko ang paghupa ng aking sistema.
Ramdam ko pa din ang maliliit na haplos ni Raf sa aking katawan.
Nanatili kaming tahimik. Gumaan ang aura ng kwarto. Maliwanag.
Ginawaran ako ng halik ni Raf. Dahan-dahan nyang niluwagan ang pagkakahawak sa aking braso. Unti-unti syang umangat at tumabi sya sa akin. Nawala ang pagbigat ng aking mga mata. Gumaan ang aking pakiramdam. Ako ay napangiti.
Minulat ko ang aking mata. Nakita ko ang liwanag ng kwarto. Iginala ang aking paningin. Wala ni anino ni Raf. Napatayo ako sa sobrang pagkabigla. Nakita ko ang aking sariling repleksyon sa harap ng salamin, kita ko ang mga pulang marka ng kalmot. Nakakapagtaka kung paano ito nangyari? Akala ko nandito si Raf sa loob. Kung wala sya? Bakit ako may mga kalmot? As in kalmot? Bakit? Paano?
Kung wala si Raf bakit may mga kissmark ako sa leeg? Bakit mamasa-masa ang aking alaga? Bakit? Sino? Paano?
Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang oo sa hindi. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung anong nangyari.
Nakakapagtaka. Nakakapanghina. Nakakapangilabot.
Agad kong nilapitan ang pinto ng aking kwarto. To my surprise, it was locked. Hindi ako makapaniwala. Alam kong si Raf yong kanina. Alam kong si Raf yun at di ako pwede magkamali! At bakit ako may mga kalmot? Ano to? Putangina!
“Raaaffffff!”
“Raaaffff??? Nasaan ka? Wag ka na magtago! Lumabas ka!”
“Raaaaaaaaaafffffff!!!!!!”
Nagiging hysterical na ako. Nasaan si Raf?
“Nasaaaan kaaaa??”
“RAAFFF!!”
Halos maubos na ang boses ko kakasigaw. Walang Raf na lumabas. Umupo ako sa sahig ng kwarto. Pilit na sinasagot ang mga tanong na parang wala namang kasagutan.
“Tok-Tok-Tok”
Nagulat ako ng marinig ko ang pagkatok sa pinto ng aking kwarto.
“Sino yan?”
Walang sumasagot.
TOK! TOK! TOK!
“Sinoooo yannn!”
“Putang-ina! Sinoooo yan??” pasigaw kong sabi.
“Wag mo akong sasaktan! Sino ka?”
“RAAAFFFFF!!!!”
“Raffff!”
“Nasaan ka na Raf?”
“Raaaaaaaafffffffffffff??!!!!!”
I T U T U L O Y . . .
[09]
Rinig ko na naman ang parang tigreng pagwawala ni Jared sa loob ng kanyang kwarto. Nagiiyak na naman si Jared sa kwarto. Patuloy ang pagsigaw nya at hinahanap si Raf. Sino ba si Raf?
“Jared!”
“Jared!”
Patuloy ako sa pagkatok sa pintuan. Biglang namayani ang katahimikan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Jared sa loob. Hindi ko alam. At hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Binabalot ako ng matinding kaba at ramdam ko ang panglalambot ng aking tuhod.
“Hubby! Buksan mo to! Buksan mo to! Ako to! Si Kath!”
“Kath?” sabi nito mula sa loob
“Oo. Ako to, buksan mo ang pinto.”
Nanatili akong nakatayo sa harap ng pintuan. Lumipas ang ilang segundo, nanahimik ang kwarto.
“Buksan mo naman oh, mag-usap na tayo. Ayusin natin to.” nagpapakahinahon kong sagot
“Ayoko na Kath. Please? Hayaan mo nalang ako!”
“Jared. Wag naman ganyan. Pagusapan natin. Bakit ayaw mo na? Ano bang ginawa ko?”
Pinipigil kong wag maging emosyonal sa pagkakataong ito pero hindi ko kinaya. The moment I heard him say “Hayaan mo nalang ako” made me cry. Bakit ganoon? Sa dinami-dami ba ng mga ala-alang pinagsamahan namin ganoon kadali nya nalang akong bibitawan? Bakit?
At nagsimula ng magcrack ang aking boses.
“Jared please!”
“Kath sorry. Leave me alone!”
“Paano naman ako Jared? After all? Leave me alone lang ang maririnig ko?”
“Jared paano naman ako?”
Tahimik lang si Jared. Hindi ko alam kung bakit nagagawa nya akong tiisin.
“Jared ano ba? Bakit nagagawa mo na akong tiisin ngayon? Ano ba? Bakit ayaw mo na sa akin?”
Hindi pa rin nya nakuhang sumagot. I don't know what to do next. Hindi ko na alam kung aalis na ba ako or aantayin ko pang buksan nya ako ng pinto. Parang gusto kong isipin na wala na talaga to, pero may nagsasabi sa akin hindi ako dapat bumitiw. Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal si Jared at gaano ko pinagtyagaan lahat ng mga kalokohan nya, mula sa pagaadik nya hanggang sa tumino syang ulit. Alam ng Diyos kung gaano ko sya kailangan sa buhay ko.
“Jared paano naman ako? Paano ako? Akala ko ba magpapakasal na tayo?”
“Jared! Ibukas mo ang pinto! Kausapin mo ako!”
“Kath. Ayoko na. Intindihin mo nalang ako please. Ayoko na magpakasal.”
“Ganoon nalang yun Jared? Ganoon nalang yon? Wala man lang paliwanag?”
Patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. Walang katapusan. Parang ulang hindi na titigil.
Narinig ko ang tunog ng pagpihit ng doorknob mula sa kwarto ni Jared. Ilang segundo pa, tumambad sakin ang isang patang-pata na Jared. Tumingin ito sa akin at kita ko ang lungkot sa mga nito. Nakahubad si Jared, tanging ang kanyang boxers shorts lang ang tumatakip sa kanyang kabuuan.
“Jared. Anong nangyari?”
“Wa-wala.”
Sinuri ko ang kanyang katawan. Hindi ko mawari kung tila bakit parang tuyot ito. Kita ko rin ang mga marka sa kanyang katawan. Tila ba kalmot ang mga ito. May mga hickey din sya sa braso.
“A-ano y-yan Jared?” sabi ko sabay turo sa mga kalmot sa kanyamg katawan.
Tumingin lang si Jared sa akin. His eyes looked lifeless. I didn't know why pero alam kong parang patay ang kanyang mga mata. Kita ko din ang mga butil ng pawis na nakadikit sa kanyang katawan. Hindi ito tama.
“Wala yan.” he said, at last.
“Sinong kumalmot sayo?”
“Wala nga.”
Nakita ko ang pagiba ng ekspresyon ng mukha ni Jared.
Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang kanyang pagluha.
“Alam mo Kath, ayokong gawin to pero kailangan.”
“Ha? Ano Jared? Di kita maintindihan.”
“Basta.”
“Anong ibig mong sabihin? Bakit hindi na tuloy ang kasal natin?”
“Ayoko na.”
“Jared? Anong ayaw mo na? Bakit?”
“Kasi basta. Di ko pwedeng sabihin eh.”
“Ano nga?”
Completely, my world shattered. Patuloy sa pagbagsak ang aking mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Todo-asa ako sa kasalan. Pero wala rin naman pala. Tumahimik si Jared at tumitig lang ito sa akin gamit ang kanyang lifeless eyes. Hindi ko alam ang gagawin. Awkward. Sa tagal naming magkarelasyon ay ngayon lang nagkaroon ng ganitong ilangan sa amin. Patuloy ako sa pagiyak habang si Jared naman ay nanatiling nakatitig sa kawalan. Kahit ilang pulgada lang ang pagitan namin, ramdam na ramdam ko ang distance ng kanyang puso sa akin. Hindi ko alam.
Tumalikod akong humihikbi. Akmang lalabas. Honestly, hinihintay ko ang pagpigil sa akin ni Jared like he used to. Sinadya kong binagalan ang paglakad, dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, pero hindi nya ako tinawag.
Narating ko ng matiwasay ang pinto ng bahay. Uuwi nalang ako.
Pinihit ko ang doorknob. Palabas na ako ng narinig ko ang malakas na galabog sa taas ng kanilang bahay. Agad-agad akong pumasok sa loob. Mabilis na tumakbo pabalik kay Jared. Andun nga sya, nakahandusay sa sahig at walang malay.
“Tulong!”
“Tulong!”
“Tulungan nyo ako!”
“Tulungan nyo kami!”
I T U T U L O Y . . . .
[10]
Bakit madilim? Bakit madilim dito? Nasaan ako?
Masakit ang ulo ko. Sobra. Ano bang nangyari sa akin?
Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng lugar na aking kinalalagyan. Wala akong maaninag. Wala. Wala akong maramdaman. Tila ba manhid, tila ba walang buhay. Pinakiramdaman ko ang paligid. Malamig.
Nabaling ko ang aking paningin sa labas. Kita ko ang pagsayaw ng puting kurtina habang ito ay mariing nasisinagan ng ilaw na nagmumula sa buwan. Tila sumusunod ang kurtina sa ihip ng malamig na hangin. Naramdaman ko ang kapanatagan. Muli, isinara ko ang aking mga mata at dinama ang gabi.
Nakapikit ang aking mata habang gising na gising ang aking diwa. Naalala ko ang mga nangyari kaninang umaga. Ang mga kalmot at mga hickey. Ang mamasa-masa kong alaga. Ang mga ungol at sarap na aking nadama. Ang misteryo. Ang pagpunta ni Kath sa aking bahay. Ang aming paguusap. Ang mga paulit-ulit na katanungan. Nakakalito.
All of a sudden, naramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. Tila ba minamartilyo ito sa sakit. Agad akong napaupo sa sakit. Sinapo ng aking mga kamay ang aking ulo. Patuloy ang pagkurot nito sa aking sistema. Napabaluktot ako dahil sa sakit na nararamdaman.
“Ahhhhh!” napasigaw ako.
“Relax Jared.”
“Raf?”
Nagulat ko ng marinig ang boses ni Raf. Sa buong oras na ito ay akala ko mag-isa lang ako sa kwarto. Hindi ko alam na nandito pala si Raf.
“Raf? Nasaan ka?”
Pagkasabi ko noon ay naramdaman ko nalang muli ang init ng kanyang katawan sa akin. Ramdam ko ang pagyakap ni Raf sa akin mula sa aking likod. Pinatong ni Raf ang kanyang baba sa aking mga balikat, amoy ko ang kanyang hininga, tila ba naghalong amoy ng mabangong hininga at ng yosi. It really turns me on.
“Saan ka galing? Bakit di kita nararamdaman kanina?” tanong ko.
Hindi sya sumagot. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kanyang labi sa aking kaliwang balikaw.
“Raf, Wala na kami. I cancelled the wedding.”
“Alam ko.”
“Huh? Paano?”
“Narinig ko syang nagsisisigaw, humihingi ng tulong. Hindi ko pinansin. Nung wala namang nagrerespond sa mga sigaw nya, nagmadali na syang tumakbo papalayo ng bahay. Sumakay sya sa kotse.”
“Si Kath? Hinayaan nya lang ako? Hindi nya ako inasikaso?”
“Hindi.”
Nakaramdam ako ng kakaiba. Unang pagkakataon ito na marinig ko na di ako inasikaso ni Kath. Parang may mali, parang may kakaiba.
“Paglabas nya narecognize ko na sya nga yung nasa larawan dito sa dingding. Tapos pumasok ako sa loob, nakita kitang nakahandusay. Tumama ata yung ulo mo sa sahig. Pinasok kita sa kwarto at inasakiso.”
Isang mahabang katahimikan.
Tila ba walang gustong magsalita. Ang mga hininga lang ang nagmimistulang musika sa kwarto.
“Nagu-guilty ako Raf.”
“Bakit? Hindi ka ba masaya na ako ang pinili mo?”
“Ma-masaya.”
“Yun naman pala eh.”
“Na-natatakot lang ako sa mga pwede nilang sabihin. Kung bakit ako kumalas. Sobtrang okay ng pagsasama namin ni Kath kaya wala akong pwedeng maging dahilan kung bakit kami maghihiwalay.”
“Hindi yun yon Jared eh. Hindi ka masaya sa kanya. Ako ang makakapagpasaya sayo.'
Tila ba magnet ang mga sinasabi ni Raf. Hindi ko maiwasang hindi tumango. Sa mga sinasabi nya ay para bang assured na assured ang aking kinabukasan.
“Raf, natatakot ako.”
“Bakit?”
“Da-dahil masyado ng magulo lahat. Masyado ng kumplikado. Baka di ko kayanin.”
“Nakikita kita Jared. Alam ko lahat ng sakit na dinaranas mo. Wag kang matakot sa bukas,kahit anong mangyari,andito ako. Ako ang kaisaisang taong hindi tatalikod sa’yo. Ganoon kita kamahal.”
“Salamat Raf.”
“Wag kang magalala. Mahal na mahal kita.”
“Mahal din kita Raf.”
Ginawaran ako ng halik sa aking labi.
Nagtagal kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon. Dinama ang init ng isa't-isa. Ang mga maiinit na hininga, ang mga banayad na dampi ng labi aking balat, ang mga marahang haplos. For some strange reasons, nakaramdam ako ng contentment.
Napaliyad ako sa sakit na dala ng aking ulo.
Umalis si Raf sa kama. Tumayo sya at tumayo sa aking harap. Kita ko ang kanyang silhoutte. Napakasexy. Nakita ko na pumamewang si Raf.
“Nakakamiss yung ginagawa natin dati Jared.”
“Ang alin?”
“Yung ginagawa natin dati. Alam mo na yun.”
“Ano nga? Marami tayong ginagawa noon.”
“Di mo na ba talaga matandaan?”
Ako ay tumango.
May dinukot si Raf sa kanyang bulsa. Isang sachet ng di ko malamang bagay.
“Eto? Tanda mo pa?”
Inaninag ko ang hawak nyang sachet. Muling bumalik ang mga ala-ala ng nakaraan. Naramdaman ko ang pagkauhaw at gusto kong sunggaban agad ang pakete pero may boses na nagsasabi sa akin na wag kong ituloy.
Ako ay napalunok.
“Eto Jared oh? Do you remember this?”
“Raf. I stopped it years ago. Ayoko na.”
“Di mo ba namimiss Jared? Miss na miss ka na nito.” sabi ni Raf na parang nanunukso
“Ayoko na. Please Raf. Itigil mo na yan.”
“Dali na Jaaaareeed.”
Umupo si Jared sa sahig, Nilabas nya ang iba pang mga paraphernalia at inihanda ang sarili para sa isang “jamming”. Pinapanuod ko sya sa lahat ng mga ginagawa nya. Bakas sa kanyang mukha ang matinding excited. Makikita mo ang kanyang pagkagat labi na nagpapahiwatig ng kanyang matinding antisipasyon sa mga susunod pa na mangyayari.
“Jared. Ayaw mo ba talaga?”
Di ako nakasagot. Half-hearted ako. Gusto kong magpakatama pero gusto ko namang gawin ulit.
Nakita ko ang pagdila ng apoy ng lighter sa foil na kinalalagyan ng depektos. Nakita ko ang paghithit ni Raf dito. Kita ang walang hanggang kasiyahan sa kanyang mga mata.
“Dali na Jared. Ang sarap oh. Heaven to.”
“Ayoko Raf.”
Mas naging mabilis ang paghithit ni Raf sa depektos. Kita ko ang pangdedemonyo sa kanyang mga mata. Alam kong gusto nyang gawin ko din ang ginagawa nya, ang ginagawa namin noon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Eto na naman ako sa aking mga kalokohan.
Unti-unting nabalot ng usok ang aking kwarto. Nalanghap kong muli ang usok na nagdala sa akin sa ibang dimensyon noon.
Sa hindi mapaliwanag na dahilan, nilamon ako ng demonyo.
Ako ay tumayo, lumapit sa kung nasaan si Raf, nagpaubaya.
Kita ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Welcome back Jared. Welcome back.”
Inabot nya sa akin ang aking parte.
Muli, nalasap ko ang aking matagal ng hinahanap.
Muli, narating ko ang artipisyal na langit.
Muli, naramdaman ko ang kapangyarihan.
Muli, natikman ko ang kapayapaan.
Malakas ako. Sobrang lakas. Walang makakatalo sa akin. Ako ang pinakamalakas na lalaki sa buong mundo. Mahal ako ni Raf. Mahal ko si Raf. Sapat na yun.
Muli, ako ay nalamon ng dilim.
I T U T U L O Y . . . .
No comments:
Post a Comment