By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
[06]
Naging maayos naman ang samahan namin
ni Pat. Paminsan minsan mang may nalalabag itong rules sa loob ng kwarto ay
agad din naman itong nabawi. Andyan ang makakalimutang magligpit ng
pinagkainan, o kaya naman ay makakalimutang di siya toka na matulog sa kama o
kaya naman ay ginagamit parin ang toothbrush ko kahit na ang kaniya ay katabi
lang.
“Ano ba naman yan?!” sigaw ko dito
habang pinapaltan ang toothbrush ko ng bago.
“Di ko napansin, madlilim kanina nung
nagtoothbrush ako.” pagdedepensa niya.
“Duh! Thus the light?!” sabay turo ko
sa switch at sa bumbilya. Kumamot lang ito sa ulo saka humagikgik.
O kaya naman ay pilit parin niyang
kinakain ang mga pagkaing binibili ko para sa sarili.
“Ah eh. Nakain ko ata.” sabi niya
habang pinapahiran ang mumo ng waffle na katatanongtanong ko palang sa kaniya
kung nakita niya.
“Ata?! Ata!!!” sigaw ko, agad naman
itong tumakbo palabas ng dorm.
O kaya naman ay basta na lang tatabi
sa akin sa kalagitnaan ng gabi.
“Hoy di mo toka ngayon mahiga dito sa
kama ko.” sabi ko nang mapansing tinutulak ako nito sa kabilang gilid ng kama
para humiga.
“Ngayon lang kasi eh... nangangawit na
kaya ako dun sa sofa.” pagmamakawa nito. Wala narin akong magagawa kundi ang
umisod.
“Bakit kasi di pa bumibili yang
tiyahin mo ng kutyon?!” sabi ko na lang dito. Humagikgik lang ito sabay hila ng
aking unan na dinadantayan.
O kaya naman ay sadyang nakalimutan
lang nito na wala siyang t-shirt na may tatak na “I Love Pink!”
“Kailan mo pa naging t-shirt yan?”
tanong ko dito. Agad naman itong yumuko upang tignan ang suot. Ngumiti na lang
ito sabay hubad ng t-shirt at ibinato sakin.
“Bakit to basa?” tanong ko ng
lumanding sa mukha ko ang t-shirt.
“Ginamit ko kasi yan pambasketball sa
baba. Napawisan ko ata.” sabi nito habang patakbong pumunta sa banyo ng akmang
ibabato ko na sa kaniya ang t-shirt.
“Ambaboy mo!” sigaw ko dito.
“Thank you.” sabi nito.
Makulit at nakakainis man minsan si
Pat ay di ko rin maisip pano ako kung wala doon si mokong, paminsan minsan pag
sinisipag ito kahit di ko na ito samahan sa paglalaba ay ok lang dito, paminsan
minsan kapag tinatamad akong maghugas ng pinggan ay huhugasan niya narin ang
pinagkainan ko at minsan din kapag tinatamad akong maglinis ay siya na ang
naglilinis.
Kaya't masasabi ko na ok lang din na
andyan ang mokong.
0000ooo0000
Isang araw dumating ako sa dorm namin
na punong puno ang aming sala. Andun ang mga kaibigan nitong mga hudlum ata,
sila rin yung kasama nito nung araw na nabugbog ako, sila yung kinatakutan nung
apat na nambugbog sakin.
““Horayyyyy!!!”” sabay sabay na sigaw
ng mga ito ng makagoal ang football team na kanilang itinaya sa pustahan.
Pasimple akong pumunta sa kusina,
nagtama ang tingin namin ni Pat. Kumaway lang ito sakin saka uminom ng beer.
“Kaway kaway ka pa ah! Mamya todas ka
sakin.” sabi ko sa sarili ko habang naglalakad parin papuntang kusina, di ko
naman agad nakita ang isang mama na kagagaling lang ng kusina ang ending...
nagkauntugan kami.
“Naku sorry.” sabi nito sakin,
napakapa naman ako sa aking noo.
“Naku ako dapat ang magsorry, ako yung
di nakatingin sa dinadaanan ko eh. Saka ok lang naman ako.” sabi ko. Pero ang
totoo ang sakit ng ulo ko, nauntog kasi ako sa baba nito.
“Ok lang pero kung makahimas ka sa noo
mo at makangiwi ka diyan parang may nakirot sayo.” sabi nito sakin sabay tingin
sa aking noo. Naglapit ang aming mga mukha.
“Hmmm, pwede.” sabi ko sa sarili ko.
Nakahalata ata ang mama kaya napangiti ito at bahagyang lumayo.
“Ako nga pala si Andy, ikaw siguro si
Eric.” pakilala nito sakin sabay hawak sa aking kamay para i-shake iyon.
“Ah, Oo, pano mo nalaman?” tanong ko
dito.
“Madalas ka kasing i-kwento ni Pat.”
sabi nito sabay inom sa bote ng kaniyang beer.
“Ahhh.” sabi ko na lang sabay ngiti.
“Ehem.” istorbo naman ni Pat. Agad
namang umalis si Andy pagdating ni Pat. Umirap na lang ako.
0000ooo0000
““Horrrraaayyyy!”” sigaw nanaman ng
mga maton. Di ko magets kung bakit wiling wili ang mga kumag sa pinapanood, di
ko naman sila maipagtabuyan at baka bugbugin ako kaya't pasimple na lang akong lumabas.
Tinungo ko ag fire exit sa dulo ng
hallway. Gawa ito sa makakapal na bakal na paminsan minsan naming ginagamit
para sampayan ng mga basang damit, ito rin ang ginagawa kong “smokers area” pag
kailangang mag alis ng stress.
“Pwedeng makisinde?” tanong ng isang
lalaki. Pumuputok ang biceps nito sa kaniyang fitted na balck shirt at
nagco-compliment ang guy nextdoor look nito sa kaniyang porma.
“Ha? Ah eh, sure.” sabi ko dito saka
inilabas ang aking lighter. Tumabi na ito sakin. Medyo may kaliitan ang hagdan
doon kaya't siksik naman kaming dalawa.
“Bakit ka lumabas? Masyado bang magulo
ang tropa?” tanong ni Andy.
“Ah hindi naman. Gusto ko lang ng
sariwang hangin.” sabi ko dito.
Tahimik.
““So...”” sabay naming sabi at
nagkatawanan kami.
“Ikaw muna.” sabi ko nalang.
“Matagal na kayong magkakilala ni
Pat?” tanong niya.
“Di naman, magiilang buwan pa lang.”
sabi ko dito,, tumango siya.
“Pinopormahan ka ba niya? Gusto mo ba
siya?” sunod sunod na tanong nito. Napakunot naman ang noo ko.
“Ah eh, hehe, hindi niya ako
pinopormahan saka gusto ko siya bilang kaibigan.” sabi ko na lang.
“Ahhh. Di ko alam pero parang... ah
ehe, nakakahiya.” sabi nito, tinignan ko lang siya. Kumamot naman ito sa ulo.
Sumeryoso bigla ang mukha nito at nagtama ang aming mga tingin. Dahan dahan
nitong inilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha, di ko alam pero di ko
napigilan ang sarili ko at napapikit narin.
Ang machong si Andy, ang gwapong si
Andy ang mabait na si Andy. Hinahalikan ako ngayon, gusto kong ibuka ang
kaniyang mga labi gamit ang aking dila pero naunahan na niya ako. Nagsisimula
na kaming magkainitan sa halikan ni Andy nang...
“Ehem!” at biglang humiwalay si Andy
sa aming halikan, naiwan naman akong nakatunganga doon sa pagkakahuli saming
yun ni Pat.
“Uuwi na kayo, pare.” sabi nito kay
Andy. Agad ng tumalikod si Andy ng hindi man lang ako tinitignan.
“Sorry pare.” sabi ni Andy kay Pat.
“Ok lang pare basta wag ng mauulit.”
sabi ni Pat dito, kumunot naman ang noo ko sa paguusap nilang yun. Agad na bumaling
sakin si Pat nang makaalis na si Andy.
“Ikaw! Halika nga magusap tayo!” sabi
nito sakin sabay hatak pabalik sa dorm namin.
“Aray ko! Ano ba?!” sigaw ko dito.
“Bakit nakikipaglaplapan ka dun kay
Andy, huh?!” pasigaw nitong tanong sakin, di ako nakasagot.
“Dapat may rule tungkol diyan eh!
Tungkol sa pakikipaglaswaan dito sa dorm! Anlakas ng loob mong sabihing bawal
akong maguwi dito tapos ikaw makikipaglaplapan ka lang sa may fire exit?!” di
ko nagugustuhan ang pananalita ni Pat kaya't di ko na napigilan ang sarili ko
at sinagot narin ito.
“Ipapaalala ko lang sayo! Di ako ang
naguwi dito kay Andy! Saka lakas ng loob mong sumbatan ako tungkol sa mga rules
na yan eh ikaw nga tong unang lumabag! Sino bang maysabi sayo na dalhin mo dito
yang mga kaibigan mo ha?!” sabi ko dito sabay talikod. Matagal kaming natahimik
pareho.
“Gusto mo ba siya?” tanong ni Pat
sakin. May nakakainis sa tono ng tanong na iyon ni Pat sakin.
“Di ko alam, siguro! Oo, gusto ko
siya!” sigaw ko na lang dito at humarap sa kaniya, nakita ko kung pano
nalungkot ang mukha nito sa sinabi kong iyon. Sinuntok nito ang pader sabay
labas ng dorm.
0000ooo0000
Miya't miya ako nabangon at miya't
miya rin ang tingin ko sa relo. Magaalauna na ng madaling araw pero di parin
nauwi si Pat. Nagsisimula na akong magalala. Pinulot ko ang aking cellphone at
sinisimulan ng magdial ng numero nito pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Feeling ko naman.” sabi ko sa sarili
ko. Pero ganun ulit hihiga ako sa kama tapos tatayo tapos maglalakadlakad,
titingin sa orasan tapos dadamputin ulit ang cellphone at akmang tatawagan ito
o kaya ay i-tetext saka magdadalawang isip.
“Asan ka na ba, Patrick?!” naiinis ko
ng sabi.
Naglakad ako sa may bintana at
dumungaw dito, nagbabakasakaling andun sa baba si Pat nagiintay na tawagin ko
pero huli na ng matandaan kong ilog nga pala ang baba ng bintana na iyon at
kung may kung ano man na naandon at nakatingala sa aking bintana malamang
buwaya o kaya isda iyon at hindi si Pat.
Di parin ako mapakali at nagsisimula
ng mastress ng maisipan kong magyosi muna. Binuksan ko ang bintana at nagsindi
ng yosi. Di ko paman nauubos ang isa ay agad ko na itong isasalampak sa ashtray
at saka magbubukas ng bago.
Asa ikalimang stick na ako ng yosi at
halos mapuno na ang ashtray ng may marinig akong susi na sinusuksok sa pintuan.
Agad kong pinatay ang yosi at pinatay ang ilaw sabay lundag sa higaan.
Pumasok si Pat na iika-ika. Binuksan
nito ang ilaw na sakto naman sa pagpikit ko, naramdaman ko itong lumapit sa
higaan ko at nagbuntong hininga.
“Wednesday nga pala ngayon. Sa sofa
ako matutulog ulit. Haist.” pabulong na sabi nito. At naamoy ko ang alak mula
sa hininga nito. Untiunti kong ibinuka ang mata ko, nakita kong namamaga ang
mukha nito at parang kagagaling lang sa bugbugan. Agad akong umupo.
“Pat, ok ka lang?” di ko na
pinagpatuloy ang pagkukunwari ko. Agad akong tumayo at tinignan ang mukha niya.
Mukha itong nakipagrambulan. May hiwa ito sa labi at namumula ang kaliwang
mata. Tumango lang ito sa tanong ko. Agad akong pumunta sa banyo at kumuwa ng
panlinis ng sugat saka yelo.
“Ano bang nangyari?” tanong ko dito.
“Nakita ulit ako nung nambugbog sayo
dati, pinagtripan ako.” matipid nitong sagot habang nangiwi sa tuwing dadampian
ko ng bimpong panlinis ang sugat niya. Natameme na lang ako.
“Sensya ka na, kung hindi kita inaway
di ka sana mabubugbog.” sabi ko dito, ngumisi ito.
“Kunwaring concern ka pa. Di naman ako
ang gusto mo diba? Si Andy diba?” di ko na pinatulan ang tanong niyang yun.
Bumalik na ako sa kama at humiga.
“Eric.” tawag nito sakin.
“Hmmm?”
“Pwede bang sa tabi mo muna ako
matulog kahit di ko toka sa kama matulog ngayon?” tanong nito sakin, parang may
kung ano namang kurot akong naramdaman sa aking puso.
“Sige na, ngayon lang. Masakit lang
talaga ang katawan ko.” habol pa nito, tumango na lang ako habang nakatalikod
parin ako sa kaniya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama sa aking tabi.
Naramdaman kong lumapit ito sa akin at iniyakap sakin ang kaniyang malatrosong
braso.
“Eric, sorry kanina ah. Kung si Andy
talaga ang gusto mo, sige, ilalakad kita.” sabi nito, humarap naman ako sa
kaniya. Kumunot ang noo nito sa pagharap kong iyon. Inalis niya ang nakayakap
na braso sakin pero kinuwa ko ulit iyon at iniyakap ulit sakin.
“Wag ka ng magpapaumaga ng di
nagsasabi sakin ah? Nagaalala kasi ako.” pabulong kong sabi dito. Kumunot
saglit ang noo nito saka ngumiti.
“Nagaalala ka sakin?” tanong nito.
Tumango lang ako. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin at
nagsalubong ang mga labi namin.
Itutuloy...
[07]
Madami nang nangyari samin ni Pat,
marami ng napagdaanan ang relasyon namin at masasabi kong lahat ng iyon at
nilabanan namin, dahil mahal na mahal namin ang isa't isa. Pero sabi nga nila,
nothing lasts at hindi mo alam kung hanggang kailan yon at kung mauulit pa ba
iyon. May isang pagsubok kaming di namin alam kung pano malalagpasan. Pagsubok
na sakin nagsimula.
“Bakit?” tanong nito sakin habang
nakayakap ako sa kaniya at wala paring tigil ang pagpatak ng luha ko sa
kaniyang balikat.
“Kailangan na nating itigil to.”
pabulong kong sabi sa kaniya, marahan niya akong inilayo sa kaniya para makita
ang aking mukha, siguro para malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagbibiro
lang.
“Bakit? May nagawa ba akong mali? Di
ka na ba masaya? May iba na ba?” sunod sunod na tanong nito sakin.
Nanginginig ang kamay kong hinawakan
ang napakagwapong mukha ni Pat. Umiling lang ako sa mga tanong niya habang wala
paring tigil ang pagluha ko.
“Bakit?” nangingilid luha ng sabi nito
sakin. Tumayo ito at tinungo ang bintana.
“Kinukuwa na ako ni Mama, punta na
akong states.” sabi ko dito.
“Hanggang kailan?” tanong nito.
“Di ko alam.” at sa sagot kong iyon ay
agad siyang lumapit sakin at yumakap ng mahigpit.
Right after graduation di na
nagatubili pang magpapetiks petiks ang nanay ko sa pagpapadala ng ticket para
makapunta na agad ako sa states, di naman ito nakaligtas kay Pat. Napapansin
kong lagi itong malungkot at laging mainit ang ulo, di ko narin ito madalas
makausap ng maayos dahil lagi lang ako nitong binubulyawan.
“Usap naman tayo ng maayos, please.”
pagmamakaawa ko dito pero gaya ng mga nakaraang pagmamakaawa ko dito ay lagi
itong nagpapalusot na kesyo may gagawin daw at papasok na siya sa opisina at
kung ano ano pa.
0000oooo0000
“Malapit na akong umalis.” mahina kong
sabi dito habang magkaharap kami sa hapagkainan, tumango lang ito. Inabot ko
ang kamay niya at hinawakan ito at pinisilpisil. Nagsimula na siyang humikbi,
parang may kung anong tumarak sa puso ko.
“Babalik pa naman ako.” sabi ko dito.
“Ikaw narin ang maysabi na di sigurado
yan, diba?” sabi nito sa pagitan ng mga hikbi, tumayo ako at umikot sa lamesa,
itinayo ko siya at niyakap ng mahigpit.
“Uuwi ako.”
0000oooo0000
Palingalinga ako sa harapan ng pinto
ng airport, pilit kong iniintay si Pat. May pasok kasi ito at tutal dahil gabi
naman ang flight ko kaya't napagisipan kong hayaan muna itong pumasok sa
opisina. Tinatawag na ako ng gwardya at tinatanong ang aking ticket at passport
pero abala parin ako sa paglingalinga, umaasa na dadating si Pat.
Papasok na ako ng may tumawag sa
pangalan ko. Agad akong lumapit dito.
“Akala ko di ka na pupunta.” pabulong
kong sabi dito, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nagsisimula ng mamasa ang
mga mata nito.
“Babalik ka diba?” parang batang
tanong nito, tumango lang ako, nagsisimula ng pumatak ang mga luha sa aking mga
mata, hinalikan ko ito sa labi at marahan ding kumalas. Tinitigan ko ang mga
mata nito, ang pinakapaborito kong mga mata sa buong mundo.
After Two Years
Nilasap ko ang mapolusyong hangin ng
Maynila pagkalabas na pagkalabas ko ng airport, di ako makapaniwala sa sangsang
nito, sa sobrang sangsang ay napaubo pa ako. Pero agad akong ngumiti dahil sa
wakas makikita ko na ulit si Pat.
0000ooo0000
“Sir may naghahanap po sa inyo.” sabi
ng receptionist kay Pat ng lumabas ito sa isang malaking double door.
“Sino daw?” tanong nito, inginuso
naman ng receptionist ang aking kinauupuan. Nagulat ito nang makita ako at
muling nagliwanag ang mukha.
0000ooo0000
Pinagmamasdan ko ito, ganun parin ito,
maganda parin ang katawan, gwapo parin at ngayon lalong naemphasize ang
pagkabanyaga nito, lalong gumanda ang mga mata nito katabi ng lalong pumuting
balat niya sa mukha.
“Huy nakatitig ka diyan?” tanong nito
sakin habang nilalantakan ang inorder naming soup.
“Musta ka na?” tanong ko dito, pero
ngumiti lang ito at akma na sanang sasagot ng bigla itong tumayo at inabot ang
kamay sa isang lalaki, hinawakan niya ang kamay nito at isang lalaki ang
masuyong nakangiti sakin katabi ni Pat.
“This is Eric, Bestfriend ko since
college. Eric this is Jake, my boyfriend.” pakilala nito saming dalawa, bahagya
akong nagulat at nalungkot sa narinig.
“Nice to meet you Jake.” sabi ko sabay
lahad ng kamay para i-shake ito.
“Excuse me, punta lang akong CR.”
nasabi ko na lang ng di ko makayanan ang sakit sa mga nangyari.
Sumunod pala sakin si Pat, humarap ito
sa salamin gaya ng aking ginagawa, namamasa na ang mga mata nito at nahihinuna
kong paiyak na din.
“Di ko sinasadya, di ko inaasahang
mai-inlove ako sa kaniya.” sabi nito, inilapit na niya ang mukha niya sakin.
Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa pares ng mga mata. Ang mga matang aking
lubos na gusto.
Tinignan ako ng lalaking kumatok sa
pinto ng aming nirerentahang kwarto dito sa Boracay, biglang gumuhit ang galit
sa mukha nito at unti unting nangilid ang mga luha, napayuko narin si Pat na
siya namang pinakamalapit sa lalaking kumatok sa pinto, hindi na nagsalita ang
lalaki at tuloy tuloy ng naglakad palayo.
Nagaalala akong tumingin kay Pat at
napatayo bigla ng makita ko itong paluhod na bumagsak at inilagay ang mga kamay
sa mukha, alam kong naiyak na ito, nang malapitan ko ito ay nagsimula na itong
humikbi. Pinatayo ko ito at niyakap ng mahigpit, tinignan ako nito. Naalala ko
ang pagtangis niya noon nung aalis ako dati for the states at ang unang beses
na ipinakilala niya sakin si Jake parehong pareho ng nakikita kong pagtangis
niya ngayon.
Ilang beses na nga ba kaming nahuhuli
ni Jake na katatapos lang magsex? Dalawang beses kung hindi ako nagkakamali,
pero yun ay dahil sa sobrang sama ng loob ni Pat dito. Si Jake kasi ang tipo ng
tao na work first, life later. Minsan naiisip narin ni Pat na hindi siya
mahalaga dito at ang tanging mahal nito ay ang kaniyang tarbaho.
“Maaayos din yan, remember nung dati,
napagusapan niyo naman diba?” pagaalo ko kay Pat na nahikbi parin at nanlilisik
na ang mata sa galit. Galit sa sarili. Galit sakin.
“Panagalawang beses na ito, Eric.
Tingin mo mapapalagpas pa niya ito?!” tanong niya sakin, may halong galit, di
na lang ako kumibo. Ayaw ko kasing paasahin si Pat. Ang taong mahal ko.
Paminsan minsan naiisip ko kung ano pa
nga ba ang pinaglalaban ng dalawang ito, alam ko namang mahal parin ako ni Pat
at walang ginagawa sa kaniya si Jake kundi ang saktan ito pero mas pinipili
parin nila ang magsama kahit na nasasaktan na sila pareho. Minsan naman di ko
napipigilan ang sarili ko na makisali sa kanila. Pano ba naman sa tuwing
nakikita ko si Pat na nasasaktan ay nasasaktan narin ako.
“Huy birthday na birthday mo kung
makasimangot ka diyan.” puna ko kay Pat habang nainom ng beer na inahin niya
para saming dalawa.
Di ito sumagot, tinignan ko ang
paligid. Tahimik sa buong apartment nila ni Jake, sa sobrang tahimik parang
hindi birthday ng isa sa mga nakatira dito. Tinignan ko si Pat, nakasimangot
parin ito habang nadakot ng popcorn sa isang malaking bowl at ginagawang panulak
ang beer. Umiling na lang ako ng ibalig ko ang tingin sa TV, nanonood ng One
More Chance si kumag. Agad akong lumabas at kinuwa ang sopresa ko para dito na
itinago ko muna sa aking kotse. Ito kasi ang naisip ko para mapasaya si Pat.
“Nagover time pa nga. Alam naman
niyang birthday ko tas mago-overtime siya.” sabi nito pagkapasok na pagkapasok
ko.
“Merong dahilan si Jake.” sabi ko na
lang dito.
“Nakakasawa na! Lagi na lang ganiyan!”
sigaw niya sabay tungga sa beer.
“Shhh. Wag mong sabihin yan.” sabi ko
dito habang binabalanse ang malaking kahon ng cake sa likod ko. agad akong
tumabi dito.
“May ibibigay ako sayo.” sabi ko dito.
“Ano?” tanong nito sabay tingin sakin
ng masama.
“Tumigil ka muna sa kakahagulgol?”
sabi ko dito. Agad naman niyang pinahiran ang mga luha niya na parang bata.
“Dyarraaannnn!” sigaw ko, nagulat siya
sa laki ng cake na inahin ko sa unahan niya at sa naka sulat na icing sa ibabaw
nito.
“Happy Beerday Best!” sigaw ko sabay
halik sa pisngi niya. Pareho kaming natigilan dahil sa ginawa kong halik na yun
pero agad ko ding binawi ang sarili ko at ngumiti. Binigyan lang ako ng
nagtatanong na ngiti ni Pat. Nilibang ko nalang ang sarili ko at sinindihan ang
kandila na asa cake.
“Make a wish.” sabi ko dito, hinipan
naman nito ang kandila saka pumikit. Inilapag ko na ang cake.
“Anong winish mo?” tanong ko dito
habang tinatago ang lighter sa aking bulsa.
“Sana andito si Jake.” nagulat naman
ako sa sagot niyang yun, dun ko lang din napatunayan na mahal nga talaga ni Pat
si Jake. Nainggit ako, nagselos at nagalit kay Jake. Hinila ko palapit sakin si
Pat at niyakap ito ng mahigpit, agad agad naman itong humikbi.
“Shhh. Andito lang ako, sige ilabas mo
lang yang sama ng loob mo.” pabulong kong sabi kay Pat. Marahan itong kumalas
sa pagkakayakap ko.
“Salamat ah.” bulong nito, napako
nanaman ako sa mga tingin niya at nabibighani nanaman ako sa ganda ng mata
niya. Pinahid ko ang natulong luha mula sa kaniyang pisngi at wala sa sariling
inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nagsalubong ang aming mga labi. Marahas,
puno ng emosyon, puno ng pagyangis.
Nang kumalas kami sa halikang iyon ay
ine-expect ko na na makakatanggap ako ng sigaw, bulyaw o sapak mula sa kaniya
pero ngumiti ito at bahagyang hinawi ang aking buhok na nakaharang sa aking noo.
Bigla nitong inabot ang icing ng cake na binigay ko sa kaniya at ipinahid ito
sa aking ilong.
“Bleh!” parang batang sabi nito sabay
tayo at nagtatakbo sa buong apartment.
“Hoy Anak araw, humanda ka sakin!” at
dumakot na ako ng icing. Agad ko naman itong ibinato kay Pat pero sumala ako at
napunta yun lahat sa mga upuan at lamesa ng dining room.
“Hala lagot ka kay Jake!” pananakot ko
dito. Dinilaan lang ulit ako nito at hinabol at ng mahuli ako nito ay niyakap
ako ng mahigpit.
“Unang una hindi ako Anak araw. I'm
half Brit and I'm bloody proud of it.” sigaw nito sakin with that bloody hot
British accent sabay pinaharap ako sa kaniya at niyakap ng mahigpit at
sinibasib ng halik.
Wala kaming pakielam kung san man
mailapag ang aming mga damit, tanging alam ko ay gusto namin ang ginagawa
namin, mainit na halikan, mapusok na yakapan at haplusan. Natapos ang tagpong
iyon na pareho kaming nakatulog na magkayakap.
Bigla kong iminulat ang aking mata ng
makarinig ng malalakas na hikbi, ibinaling ko ang aking tingin sa pinto ng
kwarto at nakita doon si Jake na nakaupo sa sahig at nahikbi na, malamang dahil
sa sakit na nararamdaman niya sa nakita niyang itsura namin ni Pat.
Agad akong umupo at binawi ang
pagkakayakap kay Pat, iminulat narin ni Pat ang kaniyang mga mata at ng
makitang di ako mapakali ay ibinaling na nito ang kaniyang mata sa pintuan.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Jake.
May kakaiba akong awa at guilt na
naramdaman. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Agad
kong nilikom ang aking mga gamit at agad ng lumabas ng kwarto. Narinig ko pang
naguusap ang dalawa at nagmamakawa na si Pat kay Jake na intindihin siya nito
habang nalabas ako ng front door.
Yan ang madalas mangyari sa tuwing
nakikisimpatya ako sa aking mahal na bestfriend. At ngayon ngang nakikisimpatya
nanaman ako sa kaniya dahil sa sama ng loob niya sa hindi pagsama ni Jake sa
aming bakasyon na ito, eto nanaman ang nangyari, nagbuhos nanaman ng sama ng
loob si Pat at nauwi na naman sa pagtatalik.
“Di lang talaga namin inasahan na
susunod si Jake dito.” pampalubag loob ko sa sarili at dun ko narealize na
hindi iyon dahilan para makisiping ako sa boyfriend ng iba.
“Ano nga bang dahilan ko?” tanong ko
ulit sa sarili ko habang inaalalayan si Pat pabalik sa kama.
Itutuloy...
[Finale]
Di nakuwa ng aking pangaalo ang sama
ng loob na nararamdaman ngayon ni Pat, halos laklakin na nito lahat ng makitang
alak sa harapan niya. Nagsisimula nang hindi maging masaya ang bakasyon para
samin, inaya ko na itong umuwi pero mas gusto niya dito, hindi parin daw niya
alam kasi kung pano haharapin si Jake.
Di ko rin maiwasang isipin kung asan
na si Jake ngayon, marahil matapos nito kaming mahuli ni Pat, nagisip na agad
itong umuwi at sumakay na sa pinaka unang ferry na makikita niya. Samantalang
si Pat ay parang isang alcoholic na hindi malaman kung panong inom pa ang
gagawin sa loob ng isa't kalahati pang araw na pananatili namin dito sa
Boracay.
“Bakit mo ba ako dinala dito?” tanong
sakin ni Pat nang hatakin ko siya papunta sa isang bar.
“Aba, sulitin naman natin ang
pagbabakasyon natin, di yung magmumukmok ka lang sa isang sulok ng kwarto
natin.” sabi ko dito sabay tawag sa barista para bigyan kami ng maiinom.
Pinagmasdan ko maigi si Pat, nakayuko
lang ito at ni hindi pinapansin ang mga taong nagpapapansin sa kaniya. Masama
talaga ang loob.
“Alam mo, alam kong maaayos niyo pa
yan.” sabi ko dito.
“Sana na nga.” matipid nitong sagot
sabay tungga sa isang baso ng purong vodka.
“Whoah! Easy! Andami daming guys and
girls oh, pano mo sila mapapansin kung lasheng ka na?” pangaalaska ko dito
sabay tapik sa likod niya. Tinignan lang ako nito ng masama.
“Ok. That maybe a wrong suggestion.”
sabi ko sa sarili.
“Salamat ah.” sabi nito, nagtaka naman
ako.
“Para saan?” tanong ko dito, matipid
itong ngumiti.
“All these years kasi di ka bumitaw.”
nahihiya nitong sabi. Tinapik ko ito sa balikat.
“Sabi ko naman kasi sayo diba, andito
lang ako. Saka ngayon pa ba kita iiwan eh may kasalanan din ako kung bakit ka
miserable, kaya ngayon makapaghugas kamay lang, inaaya kitang magsaya. I owe it
all to you.” sabi ko dito, ngumiti lang ito sabay yakap sakin.
“Ikaw lang ang nakakaintindi sakin...”
Nagsisimula na ang aming inuman
session sa harapan ng isang barista. Di parin maipinta ang mukha ni Pat. Sa
sobrang di ako makapaniwala na magiging ganito ka disasterous ang bakasyon na
ito ay napagpasyahan ko na lang na igala ang aking mga mata at naisipang baka
may makakuwa ng attensyon ko.
Abala ako sa paghahanap ng mga cute ng
biglang ibagsak ni Pat ang bote ng beer sa counter.
“I mean, di lang naman ako ang dapat
sisihin diba? May mali rin naman siya diba?” tanong sakin nito. Tumango na lang
ako bilang sagot sabay hagod sa kaniyang likod. Abala ako sa pakikipagsimpatya
ulit ng maghiyawan ang mga tao. Aware naman ako na may nagaganap na parlor
games sa bar na iyon at alam kong body shots ang tampok ngayon, pero ang
ikinagulat ko ay ang dahilan ng paghiyaw ng mga tao sa buong bar.
“Jake?” tanong ko sa sarili ko. bigla
akong kinabahan, nagsisimula nang maglatag ng icing ang kapareha nito sa
kaniyang katawan na siya namang dinidilaan ni Jake.
“Ahh Pat. Napapagod na ako, uwi na
tay...” aya ko kay Pat pero di ko na natapos yun ng biglang maghiyawan ulit ang
mga tao sa bar, nagsisimula narin itong mapuno ng mga tao na gustong pumasok
para makiusyoso.
“Bakit ang gulo?” tanong ni Pat,
pinigilan ko itong humarap sa entablado pero huli na.
Muli kong nakita ang sakit sa mukha ng
bestfriend ko. Di ko rin maikaila sa sarili ko na nasasaktan akong nakikita
siyang nasasaktan. Inabot ko ang balikat nito para pakalmahin pero hinawi niya
lang ito. Hinila ko ito sa pagaakalang susugod ito sa entablado.
“Pat, tara na.” aya ko dito habang
hilahila parin ito.
“Okay, tapos na po...” simula ng
emcee.
“Actually, hindi pa tapos eh sige last
one!” bawi ng emcee sa naunang pahayag nito.
Nagtaka naman ako ng biglang itigil ni
Pat ang pagpalag nito sa aking paghatak sa kaniya. Iginawi ko ang tingin sa
entablado at nalaman kung bakit biglang nagiba ang desisyon ni Pat na pumunta
sa Stage. Nagulat ako ng makitang naghahalikan na sila Jake at ang kapareha
nito. Humarap na palabas ng bar si Pat at ng dumaan ito sa tapat ko ay binangga
lang nito ang aking balikat.
Di na ako nagatubili at sinundan na
ito.
Naabutan ko itong nakaharap sa dagat.
Masamang masama na ang mukha nito at tila ba papatay na ng tao. Nagsimula na
itong sumigaw, marami sa nagdadaan ang nagsisigaw. Niyakap ko ito at inalalayan
at inaya ng bumalik ng kwarto namin.
000ooo000
Galit at inis ang nararamdaman ko kay
Jake, alam kong nasaktan siya pero kailangan bang gumanti? Alam naman niyang
nahihirapan na si Pat, alam niyang masama na ang loob nito ngayon pero ano? Mas
pinili niyang makipaglaplapan sa isang lalaking di naman namin parehong kilala
ni Pat. Pero napaisip din agad ako.
“Alam ba ni Jake na andun kami ni Pat.
Sigurado akong nakita ko sila pero di ko sigurado kung alam niyang andun kami
ni Pat. Ibig sabihin ba nito, kung hindi niya alam na andun kami ni Pat ibig
sabihin ba non di niya ginawa yun para magselos lang si Pat? Wala nga bang
rason para magalit ako kay Jake dahil sa nangyayari ngayon kay Pat?” tanong ko
sa sarili ko habang pinapanood si Pat na nakayukyok sa kama.
“Pat, tama na yan. We will talk to him
first thing in the morning. Ok?” pagaaalo ko dito pero hindi ito sumagot.
“Pat, please. Tama na.” biglang itong
umupo at binigyan ako ng isang masamang tingin sabay punta sa CR at ibinagsak
ang pinto noon.
Nangilid ang luha ko sa nangyaring
yun. Tumatak sa isip ko ang binigay niyang masamang tingin at kada naaalala ito
ay bumibigat ang aking pakiramdam.
“Marahil sinisisi niya ako ngayon sa
nangyayari sa kanila ni Jake.” sabi ko sa sarili ko at di na napigilang tumulo
ang aking mga luha.
“Kasalanan ko nga siguro, pero
kasalanan ba talagang magmahal?” tanong ko sa sarili ko, di ko na namalayan na
naglalakad na ako palabas ng kwarto.
Nakita ko na lang ang sarili ko na
nakaupo sa dalampasigan, hinahayaan ang dulo ng alon na dumampi sa aking mga
daliri sa paa habang nakatingin ako sa malawak na langit na puno ng bituin at
malawak na dagat na siya namang parang nagsusumamo papunta sakin.
0000ooo0000
“San ka natulog kagabi?” bungad sakin
ni Pat ng pumasok ako ng aming kwarto nung umagang yun. Napansin kong nagiimpake
na ito.
“Dyan lang.” sabi ko a inabot nito
sakin ang aking duffle bag.
“Magimpake ka na. Uuwi na tayo.” sabi
nito sakin na parang hindi narinig ang aking sagot sa tanong niya, o narinig
niya pero di na lang niya ito binigyan ng importansya.
“Kumain ka na ba?” tanong ko dito pero
di siya sumagot. Tinitignan ko lang siya habang nagaayos ng kaniyang mga gamit.
“At least mag lunch muna tayo. Mahaba
ang biyahe.” mungkahi ko dito. Natigilan ito at nagbuntong hininga. Marahil ay
napaisip din sa aking sinabi.
Wala kami parehong imik. Para kaming
di magkakilala, isang hakbang ang layo namin sa isa't isa habang naglalakad
papunta sa isang restaurant.
“Bakit ba naging ganito? Hindi naman
kami ganito dati ah.” tanong ko sa sarili ko. Nagsisimula na akong makaramdam
ng sakit sa aking dibdib.
Nakarating na kami sa restaurant na
aming napiling pagdausan ng aming huling lunch sa Bora ng biglang tumigil si
Pat sa pagpasok sa loob nito, agad akong tumabi dito at tinignan ang kaniyang
tinititigan. Andun si Jake at ang lalaki na kapareha nito sa body shots kagabi,
nakaupo at marahil ay naghihintay ng inorder na makakain. Pero hindi lang yun.
Naghahalikan ang dalawa. Masuyong naghahalikan.
Hinawakan ko si Pat sa may braso,
pinipigilan na susgurin ang lamesa nila Jake. Napatingin samin si Jake at ang
kahalikan nito, akala ko titigil na ang mga ito pero kinabig ng kahalikan ni
Jake ang mukha niya at siniil ulit ito ng halik. Dinoble ko ang puwersa ng
pagpipigil kay Pat. Biglang tumigil sa pagwawala si Pat. Tumalikod na ito bigla
at naglakad palabas ng restaurant.
“Pat, wait.” sabi ko dito pero tuloy
tuloy lang ito sa paglalakad.
“I don't believe this.” sabi nito ng
maabutan ko siya.
“What do you mean?” tanong ko.
“I finally met the guy of my dreams
and I go around fool with someone else and mess it all up.” sabi nito, halatang
galit na galit sa mga nangyayari.
“Baka hindi talaga kayo para sa isa't
isa.” sabi ko dito, bigla itong tumingin sakin.
Tahimik. Nagtititgan lang kaming
dalawa. Kita ko parin ang galit sa kaniyang mga mata.
“Sino nararapat sakin? Ikaw?!” bigla
akong natigilan sa sinabi niyang yun. Nagsisimula ng magtinginan ang mga taong
nakakarinig sa aming paguusap.
“B-bakit di natin subukang ibalik yung
dati? A-alam ko namang mahal parin natin ang isa't isa.” sabi ko pero parang sa
sinabi kong yun lalong naginit ang ulo ni Pat.
“Hindi na ikaw ang mahal ko. We spend
time together, yes, we even fucked, twice or thrice, Oo, pero hanggang dun na
lang yun. Di ko man gustong saktan ang feelings mo pero yung dating tayo wala
na yun. Yes, we were inlove before pero iba na ngayon. Matagal ng tapos yun.
What were having right now is just for convenience, just to keep me company
whenever my partner is not around. Nothing more, nothing less.”
Para akong binuhusan ng malamig na
tubig sa mga sinabi niyang yun. Agad tumulo ang mga luha mula sa aking mga
mata, iginala ko ang aking tingin sa paligid at hindi ako nagkamali,
nagbubulungan na ang mga tao sa paligid at nakatingin sakin. Naglakad ako
pabalik sa aming kwartong inuupahan. Di na ako sinundan ni Pat. Alam kong
masama parin ang loob nito at hindi ko na ito aabalahin pa.
Agad kong inempake ang aking mga gamit
at nagpasya ng umuwi ng Manila.
0000ooo0000
Ilang araw ng di nagtetext sakin si
Pat, di ko naman ito matawagan o kaya ay mapuntahan sa bahay, halatang ako ang
sinisisi nito sa hiwalayan nila ni Jake at kung ganon nga ay naisip ko munang
magpalamig dito at pahupain ang tensyon.
0000ooo0000
“Eric, bakit di ka napasok?” tanong ng
katrabaho kong si Mike, napagpasyahan ko kasing magpalamig na lang din tulad ng
pagpapalamig ni Pat, kung sakaling magkita ulit kami, atleast hindi na ganon
kainit ang galit na nararamdaman niya sakin at makakapagusap na kami ng maayos.
“Mike, gusto ko lang muna mag unwind.
Bakit namimiss mo na ako?!” may pangaasar kong sabi dito.
“Parang ganun na nga. :)” sabi nito sa
kaniyang text, medyo nagulat ako, kilala ko si Mike, lahat ng babae
pinopormahan nito kaya imposibleng...
“Gagu! Sumakay ka naman!” reply ko
dito.
“Seryoso! Gusto mo bang lumabas
ngayon? Free ako 'til dinner.” aya nito sakin, di na ako nagreply. Maya maya pa
ay nagring na ang telepono ko, si Mike, natawag.
0000ooo0000
Naglalakad kami ni Mike sa loob ng
isang mall, napapayag din ako nito na lumabas, pero nagaalangan parin ako sa
intensyon nito.
“Baka naman gusto lang ng kasama.”
sabi ko sa sarili ko. nagkibit balikat lang ako at pilit itinanim iyon sa sa
aking utak. Pagkakaibigan lang ito.
“Tahimik ka pala sa labas ng opisina.”
sabi nito sakin, seryoso ang mukha nito.
“Wala kasi akong maisip na mapagusapan
eh.” sabi ko dito, tumango lang ito.
“Nga pala may gusto akong sabihin sayo
eh.” panimula nito, agad akong humarap sa kaniya, para itong nagaalangan kung
magsasalita ba siya o ano.
“Ah, eh teka lang punta muna ako sa
CR.” paalam nito, nagtaka naman ako. Naiwan akong nakatayo sa labas ng isang
botique, iniisip kung bakit bigla na lang nagpanic si Mike.
“Eric?” tawag ng isang lalaki sa aking
likod. Si Pat, agad akong humarap dito. Di alam kung pano ito kakausapin.
“Look, I'm sorry, di ko dapat sinabi
ang mga yun...” pero di ko na ito pinatapos pa, niyakap ko na ito, niyakap ng
mahigpit. Nang maghiwalay kami ay agad ko itong tinignan ng daretso sa mata.
“Kamusta?” wala sa sarili kong sabi
dito. Ngumiti ito.
“Nagkabalikan kami ni Jake.” sabi ni
Pat na ikinagulat ko. agad kong binawi ang aking reaksyon at agad na ngumiti,
sinuntok ko ito sa braso.
“Yan ang bestfriend ko!” sabi ko dito
saka nagpakawala ng pekeng tawa. Tawa, kasalungat ng gusto kong gawin nung mga
oras na iyon. Tumingin lang sakin si Pat, tila kinikilatis kung totoo nga ba
ang aking sinabi at pagngiti.
“Hey, nga pala, gusto kong makausap
ulit si Jake, gusto ko sanang humingi ng sorry. Ok lang ba na sainyo ako
magdinner sa susunod na araw?” tanong ko dito, napatingin sakin agad si Pat at
nagaalangang tumango.
0000ooo0000
Magkakaharap kami ngayon sa
hapagkainan sa apartment nila Jake at Pat, halata na may namumunong tensyon,
pero hands down naman ako sa pagpipigil na ginagawa ni Jake, ramdam kong galit
na galit parin ito sa mga nangyari, di ko siya masisisi, pero isa lang ang
pakay ko, pakay kong makiusap kay Jake na wag niyang bawalan si Pat na magkita
kami. Baka kasi di ko kayanin.
Naisip kong mag-joke, para naman kahit
papano gumaan yung mood sa apartment, pero hindi, pakiramdam ko lalong bumigat
ang mood, lalo kong naramdaman ang galit ni Jake, nangiti ito sa bawat joke ko
pero sa tuwing titingin ito kay Pat habang natawa ang huli ay di maikakailang kumikislap
sa galit ang mga mata ni Jake. Magaling talaga itong magtago ng emosyon.
“Salad?” alok sakin ni Jake,
napatingin ako kay Jake sa inaalok nito at pagkatapos ay napatingin kay Pat.
Nakita kong nagtaka si Jake.
“Allergic kasi si Eric sa hipon, Hon.”
sabi ni Pat, natigilan si Jake at miya mo sinikmuraan sa narinig. Ibinalik nito
ang composure at inilapag ang bowl sa kaniyang tabi.
“Ah ganun ba? Sorry to hear that.”
sabi nito sabay inom sa kaniyang icedtea
“Allergic din yan sa chicken at gravy.
Ewan ko ba dyan bakit ganyan na lang yan sa mga masasarap na pagkain.”
pagpapatuloy pa ni Pat, agad naman akong napatingin kay Jake, nakatingin lang
ito kay Pat na tila di makapaniwala sa sinasabi nito.
“Ah eh pero, I'm sure masarap yan.”
sinubukan kong pagaanganin ang loob ni Jake pero huli na ako.
Yup masarap, pity di ka pwedeng
tumikim, we wouldn't want you to have an anaphylactic shock in front of your
bestfriend, wouldn't we?” sabi ni Jake sabay ngiti na parang pasarkastiko.
Nabulunan naman si Pat.
Nang matapos na kaming kumain ay
sinenyasan ko si Pat na kakausapin ko lang si Jake sa may kusina, tumango lang
sakin si Pat. Kinakabahan kong nilapitan si Jake, ilang araw ko naring
pinagpraktisan ang aking sasabihin sa kaniya pero iba na talaga pag nasa harap
mo na ang taong pinaglaanan mo ng pinagpraktisang dialogo. Daladala ang mga
baso para iligpit habang pinagiisipan ko ang una kong sasabihin ay di mawari
ang aking kaba.
“Look, Jake, I'm sorry, pero masyado
ka ng nagseselos. Sa sobrang pagseselos, parehas na naming nakikita ni Pat na
hindi na siya healthy for you.” wala sa sarili kong naibulalas, di ko alam kung
bakit iyon ang aking mga nasabi ang alam ko lang ay lalong nagalit si Jake.
Mukha na ito ngayong isang bulkan na maaaring sumabog ano mang oras.
“Thanks for the concern, pero kahit
sino namang matinong boyfriend kung dalawang beses na nilang nahuhuli ang
boyfriend nilang nakikipagsex sa bestfriend nito ay eventually magiging
paranoid din diba?” sabi ni Jake sakin, napatigil ako, I know I deserved that.
“Please, Jake, hear me out. Ayaw ko
lang na pagbabawalan mo si Pat na nakikipagkita sakin, were friends since
college at hindi namin kaya na malayo kami sa isa't isa.” wala ulit sa sarili
kong sabi, ngayon things are getting bad to worst.
“Hindi ko kayo pinagbabawalan, Eric.”
sabi nito, natahimik ako, iniintay ay patutsada niya na alam kong sisira ng
gabing iyon.
“Kaya sana sa susunod na maisipan niyo
ni Pat na maglaro ng baga habang wala ako, utang na loob. Maglock naman kayo ng
pinto o kaya naman ay magbihis muna kayo bago niyo sagutin ang pinto pag may
kumatok. Isang beses kayong mahuli, naiintindihan ko pa pero yung dalawang
beses na? Katangahan na ang tawag dun.” sabi nito sakin, para na akong sinampal
sa sinabi niyang iyon. Nagsisimula ng manginig si Jake sa galit.
“Anyway, Tungkol dun sa sinasabi mong
magbestfriend kayo since college? You would want to restate that instead na
ganun ang sabihin mo why won't you say na we've been INLOVE since college, baka
maintindihan ko pa.” nandidilat ng sabi ni Jake, di ko na kinaya, tumalikod na
ako at agadagad na nagpaalam kay Pat. Nagtaka ito pero di ko na inintay pa ang
sasabihin nito.
0000ooo0000
“Dahandahan lang Eric.” awat sakin ni
Mike habang malapit ko ng maubos ang pangalawang bote ko ng beer.
“Sus, kaya ko to.” sabi ko kay Mike,
umiling lang ito.
“Nagaway nanaman ba kayo ng bestfriend
slash boyfriend mo?” tanong nito sakin, nagulat naman ako.
“Ha? Boyfriend ka diyan?!” sabi ko
dito sabay pakawala ng isang kinakabahang ngiti at nagtaka din kung bakit alam
niya ang tungkol kay Pat.
“Wag mo na akong gaguhin, alam kong
kabre-break niyo lang ni Tim.” sabi nito na lalo kong ikinagulat, pano niyang
nalaman ang tungkol kay Tim.
“Di ako bobo. Saka isa pa, dati pa
kita minamanmanan.” sabi nito sabay tawa. Napakunot noo na lang ako. Inabot
nito ang aking kamay at pinisil iyon. Binawi ko ang aking kamay, biglang
nalungkot si Mike.
“Ayaw mo ba talaga sakin?” tanong
sakin ni Mike.
“Di naman sa ayaw Mike, pero may iba
akong mahal eh. Baka matulad ka lang kay Tim, baka masaktan lang kita.” sabi ko
dito lalong lumungkot ang mukha nito. Nagsimula na akong makaramdam ng
pamimigat ng pantog at nagpaalam akong mag-c-CR muna. Bago pa man ako makalayo
dito ay muli itong nagsalita.
“I'll do anything to make you fall in
love with me.” sabi nito, bahagya akong natigilan.
0000ooo0000
“Nood tayo sine?” tanong sakin ni Mike
pagkagising na pagkagising ko kinabukasan, sa flat pala ako nito nakatulog. Dahil
sa gusto kong libangin ang sarili ko ay pumayag na ako sa gusto nito.
Di naman nakakaboryong kasama si Mike,
sa totoo niyan parang masaya pa nga ako sa tuwing kasama ko ito, parang may
kasama akong isang nakababatang kapatid.
“Kapatid lang, hanggang dun na lang
yun.” sabi ko sa sarili ko pero ng tignan ko si Mike at nang makitang nakangiti
ito sakin ay di ko napigilang mapangiti din at gumaan bigla ang aking loob.
Nasa labas kami ng mga sinehan ng may
naaninag ako na parang sila Pat at Jake, wala sa sarili kong tinawag ang mga
ito, nagulat si Pat nang makita ko, tila ba hindi alam kung magtatago ito o
ano, napansin ko namang di ako pinansin ni Jake, dinukot lang nito ang kaniyang
cellphone at nagtext doon. Halatang ayaw akong makausap.
“Oh. E-eric. Ano ginagawa mo dito?”
tanong ni Pat.
“Ah yung officemate ko kasi inaya
akong manood ng sine. Kayo? Manonood din ba kayo? Anong papanoodin niyo?” sabi
ko. nakita kong muli ang galit sa mukha ni Jake, ngayon di na siya nagabalang
itago ang pagkainis niya.
“Wala pa nga eh.” sagot ni Pat.
“Gusto niyo sumama na kayo samin?”
wala sa sarili kong inalok ang mga ito, nagsimula ng mamula sa inis si Jake.
“Eric?” tawag ni Mike sakin sabay tabi
sakin at akbay.
“Nga pala si Mike.” pakilala ko,
inabot ni Mike ang kamay ni Pat para makipagshake hands pero di niya ito
pinansin, nakita ko ang pagtataka sa mga mata ni Jake. Natahimik kaming apat.
“Ano nangyari kay Tim?” tanong ni Pat
na may halong pagkainis, matalim ang tingin nito kay Mike.
“Pat, una na ako.” paalam ni Jake na
ikinagulat naming lahat.
“Ha?! San ka pupunta?!” tanong ni Pat
kay Jake, nang lumingon si Jake ay nakita naming nagsisimula na itong umiyak.
“Hanggang kailan mo ipapamukha to
sakin? Hanggang kailan ako magtatanga tangahan?” tanong ni Jake napayuko si
Pat.
“Si Eric ang mahal mo, ramdam ko, alam
ko ring nagseselos ka ngayon kay Mike. Wag mo na akong gawing tanga, ilang
beses mo na ding pinamukha sakin yon. Ayoko na.” pahabol na sabi ni Jake,
tumalikod na ito at maglalakad na sana palayo ng pigilan siya ni Pat, para
naman akong napako sa aking kinatatayuan.
“Tama na, please.” bulong ni Jake,
pinakawalan naman siya ni Pat sabay yuko. Nilapitan ko si Pat ng makalayo na si
Jake, hinawakan ko ang balikat nito at sinubukang pakalmahin pero hinawi niya lang
ang aking kamay.
“Pat.” tawag ko dito.
“Tama na Eric, sabi ko naman sayo
matagal na tayong tapos diba?! Tigilan mo na ako, di na ikaw ang mahal ko! Si
Jake ang mahal ko!” sigaw nito sakin at tumakbo na papunta sa nilakaran ni
Jake. Sinundan ko ito.
“Eric!” tawag sakin ni Mike pero
binalewala ko lang ito.
Naabutan ko si Pat na nasa paanan ng
isang escalator, nakatingala, sa itaas ay nakita kong naghahalikan si Jake at
ang lalaking kasama nito sa Boracay noon. Nanlulumong humarap sakin si Pat.
Sinundan ko ito paupo sa isang bench.
“Eric, mahal ko siya eh, mahal na
mahal.” pabulong na sabi ni Pat, nagsisimula na siyang umiyak, gusto ko itong
yakapin at masuyong halikan, gusto ko sabihin ang paninigurdo na magiging ok
lahat pero hindi ko nagawa. Kasama kasi ng luha at lungkot sa mga mata ni Pat
ay ang emosyon ng galit, nakasarado ang kamao nito na tila mananapak.
“You've ruined everything.” bulong
ulit nito, nakatingin na siya sakin. Nasasaktan akong nakikita ito na galit na
galit sakin pero wala rin akong magawa, tama siya kasalanan ko lahat ng ito.
“Minahal lang kita. Yun lang ang
kasalanan ko.” bulong ko dito, nagsisimula narin akong mapaiyak. Umiling ito.
“Hindi lang iyon, matagal na tayong
tapos, sana pinakawalan mo na ako noon pero hindi, itinali mo parin ako sayo.”
bulong nito, ngayon ako naman ang napailing.
“Ayoko.” sabi ko dito.
“Pakawalan mo na ako, Eric. Please.”
bulong nito, para akong binuhusan ng malamig na tubig parang isang libong
punyal na tumarak sa aking puso. Napapikit ako at wala sa sariling tumulo ang
aking mga luha.
Pagdilat ko, wala na si Pat sa aking
tabi. Naitakip ko na ang aking mga palad sa aking mukha at nagsimula ng
humagulgol.
-wakas-
No comments:
Post a Comment