Friday, January 11, 2013

The Things that Dreams are Made Of (16-20)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[16]
Ilang araw matapos ang pagbubukas ng klase ay masasabi ni Igi na nasa daan na siya papunta sa paglimot ng kaniyang nararamdaman para kay Josh. Oo, hindi ito madali pero nakakaya niya ito sa tulong ng kaniyang dalawang bagong kaibigan na si Lance at Roan. Unti-unti na niyang tinatanggap sa kaniyang sarili na wala talagang mamamagitan sa kanilang dalawa ni Josh at ngayong iniisip niya na nagkabalikan na ang dalawa ay naisip niya na wala naring silbi pa ang ipagsisikan ang sarili sa taong hindi naman maibabalik ang pagmamahal sa kaniya.



“Breakfast?” masayang tanong ni Ram sa anak habang inilalatag ang kaluluto lang na mga hotdogs.

“Done!” masayang balik ni Igi habang nagtetext at humalik sa pisngi ng amang si Martin na abala sa pagtitpa sa kaniyang laptop para sa bagong article at sunod namang hinalikan din si Ram na hinahango na ang natitirang hotdogs sa lamesa.


“Are you sure?” tanong ni Ram habang pinapanood ang masayang anak palabas ng unit nila habang nagtetext.


“Yep! See you later!” paalam muli ni Igi sabay sara sa pinto.


Hindi napigilan ni Ram ang mapabuntong hininga, hindi naman ito nakaligtas kay Martin na agad na nagtaas ng tingin at tinignan kung ano ang marahil na bumabagabag sa kaniyang nobyo.


“Are you OK?” tanong ni Martin.


“Yep. Everything is good.” nakangiting saad ni Ram. Tumayo si Martin mula sa kaniyang pagkakaupo at niyakap mula sa likod si Ram.


“I told you, you're son is just experiencing the 'teenager syndrome' kaya emo-emohan yan. Ikaw lang naman kasi 'tong sobra kung magaalala.” nakangising sabi ni Martin kay Ram na umirap lang at nagpatuloy sa paghango ng hotdog.


0000ooo0000


Nakangiti na wala sa sariling lumabas si Igi sa kanilang unit habang nagtetext kaya't hindi niya napansin si Josh na tahimik na naglakad papunta sa kaniyang kinatatayuan sa harapan ng elevator. Saglit munang tinignan ni Josh ang walang ideya na si Igi, tinitigan ni Josh ang maamong mukha ni Igi na tila ba gusto itong saulohin, hindi niya maiwasang malungkot sa tuwing naiiisip na sa mga ganitong pagkakataon niya na lang natititigan ang mukha ni Igi. Ilang araw na siya nitong iniiwasan at sa loob ng ilang araw na iyon ay laging si Lance at paminsan-minsan ay si Roan ang kasama nito.


“Good morning.” hindi mapigilang bulalas ni Josh na halos ikinatalon sa gulat ni Igi. Nami-miss narin kasi ni Josh ang magandang boses ng huli kaya naman kahit sana sa maikling panahon na iyon, kahit sana sa pagsagot lang pabalik ng 'good morning' sa kaniya ni Igi ay marinig niya ang boses nito.


“G-good morning.” tila walang gana na saad ni Igi na ikinalungkot naman at ikinainis ni Josh lalo pa't nakita niyang ibinalik ng huli ang pansin nito sa pagtetext. Wala sa sariling inagaw ni Josh ang cell phone ni Igi na ikinagulat ng huli.


“Sino ba 'tong katext mo at di mabura yang ngiting yan sa mukha---mo.” malakas na simula ni Josh ngunit nang makita niya kung sino ang ka-text ni Igi ay agad nanghina ang kaniyang boses bago pa man niya matapos ang sasabihin.


“Give me that!” singhal ni Igi, hindi makapaniwala na sa unang pagkakataon ay nainis siya sa pagiging asal bata ni Josh na noon ay gustong-gusto niya at kagat na kagat.


“Wow. Is this what moving on feels like?” masayang bulong ni Igi sa sarili.


“What?! Is he your boyfriend now?!” singhal naman ni Josh, palalabasin niya lang sana na biro ito pero hindi niya napigilan ang tono ng pangiinsulto sa sinabi niyang iyon na hindi nakaligtas kay Igi. Natigilan si Igi sa pagtetext at dahan dahang ibinalik ang tingin kay Josh.


“Fuck you, Josh.” singhal ni Igi sabay talikod kay Josh, tinungo ang fire exit sabay sipa sa pinto nito upang doon na lang bumaba, wag lang makasama mag-isa si Josh sa elevator.


Habang bumababa ay hindi maiwasan ni Igi na maisip na tama nga ang kaniyang naisip dati. Na lahat ng nangyari ay laro lamang para kay Josh at ang halikan na iyon ay isa lamang mapanginsultong biro mula kay Josh.


“Roan is right. Josh is an asshole!” singhal ni Igi sa sarili.


0000ooo0000


“Wow. That was stupid.” umiiling na sabi ni Des matapos ikuwento ni Josh ang nangyari noong umagang iyon sa pagitan nila ni Igi.


Hindi makapaniwala si Des na OK na sa kaniya lahat ito ngayon. Nang sabihin kasi at aminin ni Josh ang kaniyang nararamdman kay Igi ay halos himatayin si Des. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking kaniyang pinipilit na mahalin ay may mahal din palang iba at ang malala pa ay lalaki rin ang mahal nito, pero natutunan din itong tanggapin ni Des, lalo pa't nakikita nito na kailangan ni Josh ng kaibigan, hindi ng dagdag na manghuhusga sa kaniya, kaya simula noong araw na iyon sa library ay si Des na ang humalili sa puwesto ni Igi bilang best friend ni Josh.


“WHAT?!” pa-sigaw ng sabi ni Josh.


“SHHH!” saway ni Des saby lingon lingon, tinitignan kung sino ang nakasaksi ng katangahan na ipinakitang iyon ni Josh.


“All I'm saying is, you've let jealousy get the best of you---”


“I'm NOT jealous of that a-hole!” singhal ni Josh na ikinailing na lang sa pagkairita ni Des.


“Will you fucking listen to me first?!” singhal ni Des pabalik na siyang nagdulot kay Josh para lumingon-lingon, nahihiya sa kung sino mang nakarinig sa pag singhal na iyon ni Des sa kaniya.


“As I was saying before I was rudely interrupted--- I'm pretty sure that when you asked him if Lance is his boyfriend it sounded like you are accusing him of being a flirt.” paglilinaw ni Des sa kaniyang naunang sinabi.


“B-but I-I never---”


“You never meant it to sound that way, I know, but Josh, Igi doesn't know that. Kung ako sayo kausapin mo siya ng maayos. Apologize then tell him how you really feel.” advise ni Des sabay hawak sa kamay nito na ikinaisip ng malalim ni Josh.


0000ooo0000


“I can't believe he would say that! Roan was right! Josh is an asshole!” singhal ni Igi pagkadating na pagkadating niya sa kanilang classroom na ikinagulat ni Lance.


“Wha--” simula ni Lance sabay tingin ng mariin kay Igi na tila ba tinatanong ang sarili kung baliw nga ba si Igi.


“He asked if you're my boyfriend and it fucking sounded like he's accusing me of being a slut or something! I hate that sonovabitch!” singhal ni Igi, saglit na natigilan si Lance, tinignan ng mariin si Igi atsaka humagalpak sa tawa.


“What the hell?!” singhal ni Igi sabay suntok sa braso ni Lance, pinipigilan ang sarili na mapatawa din.


“I think you're not calling him an asshole because he sounded like accusing you of being a slut. I think you're mad because you wished that he's not pushing you to other guys.” pangaasar na sabi ni Lance sabay taas baba ng kilay.


“Nu-uh! He's accusing me of being a slut!” pagpupumilit ni Igi.


“OK if you say so.” kibit balikat na saad ni Lance na nagiwan kay Igi na magisip ulit ng malalim.


0000ooo0000


“Thank you, Igi for finally joining us.” pasitang saad ni Mrs. Roxas sa kadadating lang na si Igi.


“I'm sorry, Ma'am. Mrs. Senido made me do some work after class.” paghingi ng tawad ni Igi sa kaniyang pagiging late sa meeting na iyon ng student body officers.


“Very well, you can sit beside Jos---” pagpapaupo sana ni Mrs.Roxas kay Igi sa tabi ni Josh ngunit agad na umupo si Igi sa pagitan ni Lance at Roan. “---or sit where ever you like, it's fine by me.” naniningkit matang pasarkastikong saad ni Mrs. Roxas.


Hindi mapigilang isipin ni Josh na nagalit talaga sa kaniya si Igi dahil sa mga sinabi niya kanina pero hindi rin niya mapigilan ang sariling utak na isipin na pinaglaruan lang siya ni Igi lalo pa't nakikita nito na panay ang bulong ng huli kay Lance.


“I know I said I'll fight for him, but dammit! How can I fight for him when he's not letting me?!” singhal ni Josh sa sarili habang galit na galit na pasulyap-sulyap kay Igi at Lance.


0000ooo0000


Hindi magkamayaw si Neph sa pagmamadali. Nakaligtaan niya kasing meron nga pala silang meeting na mga bagong officers ng student body. Sa sobrang pagmamadali ay hindi niya napansin ang biglaang pagsulpot ni Des sa may dulo ng hallway na kaniyang tinatakbo.


“I'm sorry!” nagmamadaling paghingi ng paumanhin ni Neph pero agad din siyang natigilan at natameme nang mapansing si Des ang kaniyang nabangga. Tinulungan niya ito patayo at humingi ulit ng paumanhin saka muling naglakad palayo.


“You've been avoiding me.” pabulong na sabi ni Des. Pabulong ito pero tila megaphone na rinig na rinig ni Neph ang sakit sa mga sinabing iyon ni Des na muling nagpatigil kay Neph sa paglalakad.


“You're back with J-Josh. I-I s-should stay away from you---” simula ni Neph, naputol ang sinasabi na iyon ni Neph nang marinig niyang tumawa si Des. Dahan-dahan na nagtaas ng tingin si Neph at noon lang siya nakaramdam ng inis para kay Des.


“I-I'm sorry--- It's just, Josh and I are far from getting back together. T-trust me.” paniniguro ni Des kay Neph sa pagitan ng pagtawa.


“But I saw you two together at the library---” simula ni Neph ngunit agad muli siyang pinutol sa pagsasalita ni Des.


“We were just talking, Neph.” sagot agad ni Des sabay hakbang papalapit kay Neph.


“B-but---” simula muli Neph habang nakayuko, hindi makapaniwala sa kaniyang katangahan kaya't hindi niya napansin na papalapit si Des.


“Shhh---” putol muli ni Des sabay inilapat ng kaniyang hintuturo sa mga labi ni Neph upang mapigil ito sa pagsasalita.


“P-please s-stop avoiding me? You don't know how it hurts.” pabulong na saad ni Des sabay iniyakap ang sarili kay Neph na wala naman sa sariling niyakap ng mahigpit ang huli.


0000ooo0000


“Excuse me!” halos pasigaw na saad ni Josh matapos banggain si Lance patabi mula sa kaniyang dinadaanan pagkatapos ng meeting. Sa gulat ay hindi na lang nakapagsalita si Lance ngunit hindi rin ito nakaligtas kay Igi kaya naman hindi na siya nag atubiling sitahin ito.


“What the hell is your problem?! Nasa tabi naman si Lance ah, bakit kailangan mo pa siyang dunggulin?!” singhal ni Igi na gumulat kay Josh, Lance at pati na kay Roan.


“My problem?! Wala na nga kayong ginawa sa buong meeting kundi maglandian at parang kating-kati na makauwi tapos ngayon haharang harang kayo sa daan!” singhal na balik ni Josh na nakapagpakunot sa mga noo nila Igi, Lance at Roan.


“Landian---?” pabulong na paglilinaw ni Igi, pilit na itinatago ang kaniyang narramdamang galit na tila naman sumampal kay Josh. Alam niya kasing sa ikalawang pagkakataon na-offend nanaman niya si Igi.


“Di ko alam kung ano ang gusto mong palabasin pero kung ang gusto mo ay maging kontrabida at asshole sa mga mata namin, Josh. Congrats! Successful ka.” pabulong pero puno ng galit na saad ulit ni Igi na tila ba sumampal muli kay Josh.


000ooo000


“Fuck them!” singhal ni Josh sabay suntok sa kaniyang locker. Hindi ito nakaligtas kay Des at Neph na nakatayo sa di kalayuan.


“I better go.” makahulugang sabi ni Neph kay Des na tumango na lang.


“What happened?” tanong ni Des kay Josh.


“If he doesn't want to be with me then it's fine! He and Lance can fuck all the time! I wouldn't care!” galit na galit paring sabi ni Josh na ikinailing lang ni Des.


“Have you talked to him yet---” simula ni Des ngunit pinutol siya ni Josh sa pamamagitan ng agarang pagsagot nito, pero hindi hinayaan ni Des na hindi makuwa ni Josh ang kaniyang pinupunto.


“Ye---”


“---Talked to him properly?” pagtatapos ni Des na naunang naputol na sasabihin. Umiling na lang si Josh bilang sagot.


“Talk to him. Misunderstanding lang lahat ng 'to.” mahinahon ng sabi ni Des na nagtulak kay Josh na tumango pero kahit man tumango siya sa gustong mangyari ni Des ay alam niyang wala ng saysay pa ang kausapin si Igi.


Iniisip niya kasi na si Lance ang gusto nito at hindi na niya ipagsisiksikan pa ang sarili sa tanong ayaw naman sa kaniya.


0000ooo0000


“Are you OK?” mahinahong tanong ni Roan kay Igi. Bumabawi dahil alam niyang siya ang puno't dulo ng lahat ng pagkakalayo muli ng loob nila Igi at Josh. Matapos siyang aluhin sa harapan ng school library may ilang araw na ang nakakaraan ni Lance at matapos niyang makita ang tila ba lugmok na lugmok na si Igi ay saka niya na-realize ang matagal ng gustong ipaintindi sa kaniya ni Lance. Sa ginagawa niya ay hindi lang si Neph at Des ang kaniyang nasasaktan kundi pati narin si Josh at Igi at ang balik noon sa kaniya ay tig dodobleng sakit kasama pa ang konsensya kaya kahit mahirap man ay pilit niyang kinalimutan ang kaniyang plano. Pilit isiniksik sa kaniyang utak na hindi talaga sila ni Neph ang para sa isa't isa.


“Y-yes. Di lang kasi ako makapaniwala na Josh would actually think na nakikipaglandian ako. OK lang siguro kung sa iba nanggaling pero si Josh 'to eh. Akala ko kahit matagal man kaming hindi nag-usap ay kilala parin namin ang isa't isa. Akala ko lang pala yun kasi kung kilala parin niya ako hanggang ngayon ay hindi niya masasabi ang ganung kasakit na salita.” umiiling na saad ni Igi, hindi maitatago ang sama ng loob.


“Bakit hindi kayo mag-usap? Just to clear things up.” mungkahi ni Roan na malayong malayo sa una niyang sinabi kay Igi noong nilalason niya pa ang utak nito na layuan si Josh.


“What for? Ganun niya na lang kadali na husgahan ako ngayon. I think no amount of talk can change that.”


“Trust me in this---” simula ni Roan pero agad din siyang naputol sa pagsasalita nang biglang sumulpot si Lance.


“Hey! Want to grab something to eat? I'm starved!” aya ni Lance sa dalawa sabay upo sa pagitan ng mga ito. Hindi muna nagsalita ang dalawa. Si Roan, umiling muna saka inisip na ginagawa ito ni Lance upang mapagaang ang loob nilang dalawa ni Igi. Simula kasi ng hapon na iyon sa tapat ng library ay hindi na tinigilan ni Lance sa pagpapagaang sa kaniyang loob na lubos niyang ipinagpapasalamat.


“Sure. Let's.” umiiling muling sagot ni Roan.


“I'll pass. I think I'll just go home and rest for a while.” bagsak balikat na tanggi ni Igi. Nagkatinginan si Roan at Lance, tumango si Roan nang makuwa nito ang gustong mangyari ni Lance.


“I'll see you tomorrow, OK?” paalam ni Roan kay Igi sabay yakap dito ng mahigpit na ibinalik ni Igi saka tumango bilang sagot sa tanong ng huli. Nang maghiwalay ay agad na naglakad palayo si Roan kung saan andun ang terminal ng dyip at dun narin inintay si Lance na sadyang nagpahuli.


“Everything is going to be OK. What he said was just words. I'm betting everything I have now that he just said that to get your attention and those are not meant to hurt you.” makahuligang sabi ni Lance sabay ngiti kay Igi sabay yakap dito.


“I'll see you tomorrow, OK?” tanong ni Lance, tumango na lang ulit si Igi kahit pa hindi niya naintindihan ang sinabi ng huli dahil abala siya sa huling pahayag ni Lance.


Sa di kalayuan ay sakto namang lumabas si Josh mula sa isang building ng kanilang school. Kitang kita nilang dalawa ni Des ang pagyayakapan ni Igi at Lance. Iba't ibang emosyon ang tumakbo sa pagkatao ni Josh at ang nagpakalma dito ay ang marahang paghawak ni Des sa kaniyang braso bilang panga-alo sa kaniya.


Nagtaas ng tingin si Igi. Nakita niya sa hindi kalayuan sila Josh at Des. Kitang kita niya ang pagkapit ni Des sa matipunong braso ni Josh at tila ba may ilang punyal na tumarak sa kaniyang dibdib.


Nagtama ang tingin ng dalawa kahit pa may ilang metro ang layo nila sa isa't isa. Si Josh habang hawak hawak parin ni Des ang kaniyang braso at si Igi naman na nakayakap parin kay Lance.


Hindi maikakaila na pareho ang mga emosyon na makikita sa kanilang mga mata.



Itutuloy...


[17]
Hindi alam ni Igi kung bakit siya ginising ng kaniyang ama na si Martin, mag a-alas dos na ng madaling araw at dapat sana ay humihilik pa siya ngayon sa kaniyang kama, ngunit, naguguluhan man ay hindi na nagtanong pa si Igi kung bakit. Bagsak balikat, pupungay-pungay pa, tayo-tayo ang buhok at tanging boxers man ang suot ay bumangon at lumabas parin ng kaniyang kwarto si Igi.

“I'm sorry, alam naming mag a-alas dos na ng madaling araw pero wala lang kasi kaming alam na malalapitan.” nahihiyang umpisa ni Ed habang naka akbay kay Migs na tila hindi mapakali at patuloy lang sa pag lingon-lingon na miya mo may hinahanap. Inaantok man ay hindi rin nakaligtas kay Igi ang pagaalala sa mga mata ng kapitbahay kaya't unti-unti niyang pinilit na gisingin ang kaniyang utak. Ipinapanalangin na mali ang kaniyang iniisip.


“Buti't alam niyo. Istorbo.” bulong ni Ram na sinadya niyang marinig ng dalawang bisita. Hindi na nagaksaya pa ng panahon na sikuhin ni Martin ang kaniyang kinakasama nang marinig nito ang hindi maganda nitong sinabi.


“I-I'm s-sorry, Ram. P-pero a-alam k-ko na kung kay Igi nangyari 'to malamang kahit b-buong mundo pa iistorbuhin mo mahanap mo lang siya.” naiiyak na simula ni Migs na nakapagpatameme kay Ram. Tinignan ng masama ni Martin ang nobyo na nagsisimula ng pagsisihan ang kaniyang sinabi.


“A-ano pong nangyari, tito?” nagaalala at gising na gisning ng tanong ni Igi sa mga ama ni Josh.


0000ooo0000


“Alam niyo kasi, dapat meron kayong directory ng mga close friends ng anak niyo para kung sakali mang---” mahanging simula ni Ram na ikinairap ni Martin, ikinaismid ni Ed at ikinainit ng ulo ni Migs.


“Are you actually trying to teach me how to raise MY own son?!” pasinghal na tanong ni Migs na ikinamula at ikinairita ni Ram, ikinairap muli ni Martin at ikinailing naman ni Ed.


“I'm just saying that you---” simula ulit ni Ram.


Ang lahat ng kumusyon na ito ay balewala lang kay Igi na tila natulala na lang sa isang tabi. Nawawala si Josh at hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang dapat gawin. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sala at tinungo ulit ang kaniyang kwarto, hindi ito napansin ng apat na matanda na patuloy parin sa pagtatalo. Pagtungtong na pagtuntong niya sa kaniyang kwarto ay wala sa sarili siyang nagpabalik balik mula sa isang panig ng kwarto papunta sa isa pa, nag-isip ng malalim.


Nang tila mapagod na sa pagpapabalik-balik na iyon ay wala naman siya sa sariling nag-suot ng t-shirt at nagpalit ng shorts atsaka lumabas ng kwarto. Naabutan niya na patuloy parin sa pagtatalo ang mga matanda, hindi na niya kinuwa pa ang pansin ng mga ito, tuloy na agad siya sa lalagyan ng kanilang mga susi at tuloy-tuloy ng lumabas ng kanilang unit.


0000ooo0000


Habang asa loob ng sasakyan ni Ram ay pilit na inaalala ni Igi ang itinuro sa kaniya ng kaniyang driving instructor, wala pa man siyang lisensya at kulang sa practice ay hindi na niya iyon pa pinagtuunan ng pansin, ang tanging asa isip niya ngayon ay makita si Josh. Dahan dahan na inapakan ni Igi ang gas at pinakawalan ang clutch. Ngunit imbis na umabante ang sasakyan ay umatras ito, mabuti na lang at agad niyang naapakan ang preno.


Huminga muna ulit siya ng malalim bago inayos ang kambyo, inapakan ang gas at dahan-dahan na pinkawalan ang clutch. Hindi alam ni Igi kung saan maghahanap, ngunit handa siyang maghanap hanggang sa sumikat pa ang araw o kahit abutin pa siya ng buong araw.


“Where are you, Josh?” pabulong na tanong ni Igi na sa unang pagkakataon matapos niyang malaman na hindi pa umuuwi si Josh ay unit-unti ng nagalala.


0000ooo0000


“Boss magsasara na po kami.” saad ng isa sa mga waiter sa bar na kinaroroonan ni Josh. Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang nahihilong tingin. Nangunot saglit ang kaniyang noo, pilit na pinapalinaw ang kaniyang mga mata, dahan-dahan siyang tumayo, ngunit tila hindi pantay ang kaniyang kinatatayuan dahil matumba-tumba na siya, mabuti na lamang at nasalo siya ng waiter bago pa man ito tuluyang mapahiga sa sahig.


“Sir, sa susunod po kasi, wag na lang po kayong maginom kung hindi niyo rin po kaya.” saad ng waiter na hindi na inintindi ni Josh.


Umiiling na pinanood ng waiter ang pagewang-gewang na si Josh matapos niya itong alalayan palabas ng bar. Hinihiling na walang mangyari sa batang tila ba mabigat ang dinadala.


“Mga bata talaga ngayon.” umiiling parin na sabi ng waiter bago pumasok muli ng bar.


Saktong pagpasok ng waiter na iyon ay hindi nakita ni Josh ang ugat ng puno na nakalinya sa kahabaan ng street na iyon, katulad ng inaasahan sa isang lasing ay napatid siya dito at, idinaretso ang kaniyang mga kamay upang suportahan ang kaniyang katawan sa pagbagsak, ngunit huli na ng mapagtanto niyang mali ang ginawa niyang iyon dahil ngayon ay mahapdi ito dahil sa gasgas na dulot ng magaspang na simento sa kaniyang magkabilang kamay.


“Shit!”


0000ooo0000


Magiisang oras na na paikot-ikot si Igi sa mga lugar na naisip niyang maaaring puntahan ni Josh, itinext narin niya ang iba pa nilang kakilala ngunit dahil siguro sa mahimbing pang natutulog ang mga ito ay hindi nababasang mga ito ang kaniyang mga text.


Bawat suegundo at minuto na lumilipas ay hindi mapigilan ni Igi ang sarili na lalong magaalala. Iniisip ang iba't ibang posibleng masamang bagay na nangyari sa kaniyang kaibigan.


“What if he got mugged?” nagaalalang tanong ni Igi sa sarili. Habang patuloy sa mabagal na pagmamaneho at paglingon-linon, umaasa na mahagip ng kaniyang napapagod ng mga mata si Josh o maski ang anino lang nito.


“W-what if napag-trip-an na yun?” tanong muli ni Igi habang pinipigilan ang sarili na mapaluha.


“Damn it, Josh! Asan ka na?!” nagaalala at frustrated na frustrated ng sigaw ni Igi sabay sampal sa kaniyang manibela.


0000ooo0000


Matapos ang isa pang oras ay tuluyan ng kinamkam ng pagod si Igi, gustuhin man niyang mahanap si Josh ay hindi na siya hinahayaan ng sariling katawan na gawin ito. Naluluha sapagkat wala na siyang magawa pang iba upang matulungan ang kaibigan, mabigat ang loob na ipinihit ni Igi ang sasakyan ng kaniyang ama upang bumalik na sa kanilang unit.


“I'm sorry, Josh. I'm so sorry.” bulong ni Igi sa sarili habang tinatahak ang daan pabalik sa kanilang unit. Dito na napansin ni Igi ang isang lalaki na nakaupo sa may bangketa, nakadikit ang tuhod nito sa kaniyang dibdib at nakayuko na tila umiiyak.


“Josh?!” sigaw ni Igi saka biglaang itinigil ang sasakyan sa tabi ng daan, walang pakielam kung meron bang sasakyan sa kaniyang likuran na maaari niyang makabangga sa biglaan niyang pagtigil na iyon.


Hindi na nagabala pa na magsara ng pinto ng sasakyan si Igi. Alam niya kasi na kailangan na siya ngayon ni Josh at wala na siyang pakielam pa kung manakaw ang sasakyan ng ama. Humihingal at nagaalala na lumuhod si Igi sa harapan ng nakayuko paring si Josh.


“Josh? Are you OK?” tanong ni Igi kay Josh na dahan-dahang nagtaas ng tingin. Saglit na kumunot ang noo ni Josh habang tinitignan maigi si Igi.


“Haha! You look sooo much like my best friend. Weird!” nauutal at lasing na saad ni Josh habang mataman paring tinitignan si Igi, hindi mapigilan ni Igi na mapahagikgik.


“C'mon I'll take you home.” sabi ni Igi habang inaalalayan ang kaibigan patayo.


“You sounded sooo like him too. Weird indeed!” lasing na sabi ni Josh na lalong ikinahagikgik ni Igi. Ang kaninang pagaalala ay napalitan ng tuwa, tuwa hindi dahil sa pagka engot ni Josh habang lasing kundi tuwa dahil sa wakas ay alam niyang walang nangyaring masama sa kaniyang kaibigan.


“Your laugh sounded like his laugh too. Are you sure you're not Igi's long lost brother?” lasing na tanong ulit ni Josh habang inaalalayan siya ni Igi pasakay ng sasakyan ni Ram, umiling na lang si Igi habang pinipigilan ang sarili na tumawa ng malakas.


Nang masiguro na niya na ligtas ng nakaupo si Josh sa passenger seat at nakabalot na ng seat belt ang katawan nito ay dahan-dahan na sinaran ni Igi ang pinto ng sasakyan at mabilis na pumunta sa driver's seat. I-i-istart na sana ni Igi ang kotse nang mapansin niya ang madumi at may kaunting dugo at gasgas sa magkabilag palad ni Josh. Wala sa sariling hinila ni Igi ang mga ito at tinignan maigi.


“What happened?” nagaalalang tanong ni Igi habang sapo-sapo ang magkabilang kamay ni Josh.


“I got drunk. Hihi.” lasing na sagot ni Josh na ikinailing lang muli ni Igi.


“Sa susunod kasi wag ka ng uminom kung hindi mo rin lang din kaya.” umiiling parin na balik ni Igi habang nililinis gamit ang sariling panyo ang mga sugat ni Josh.


“Well---” lasing na simula ni Josh. “I just had enough. My ex girlfriend only loved me like a brother because she's in love with one my best friends. My best friend, well, I only recently found out he's gay and then I saw him with a guy---” walang preno na sabi ni Josh na tila naman bumingi kay Igi ng panandalian, bahagya niyang nabitawan ang mga kamay ni Josh at tinignan maigi ang mukha nito, nagiintay ng maaaring makitang emosyon na magiging senyales kung ano man ang tingin ni Josh sa kaniyang sexual orientation.


Tila binuhusan si Igi ng malamig na tubig nang wala siyang ibang nakita kundi ang pagkadismaya sa gwapong mukha ni Josh. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ay minarapat na lang ni Igi na huwag tignan ang maamong mukha ni Josh. Ilang emosyon pa ang dumaloy sa kaniyang pagkatao habang nakadaretso parinang kaniyang tingin sa madilim na street na iyon. Nang hindi na makatiis pa si Igi ay minarapat na lang niyang tanungin si Josh.


“S-so you don't want to be f-friends with him anymore just because he's gay?” tanong ni Igi kay Josh.


Matagal bago sumagot si Josh kaya naman hindi man gustong harapin ni Igi si Josh ay tinignan niya parin ito at hindi na siya nagulat nang makita itong mahimbing na natutulog dahil sa sobrang pagkalasing.


“I'm sorry. I-I couldn't help being t-the way t-that I am and I-I'm s-sorry that you couldn't accept it.” bulong ni Igi na tila ba unti-unting sinasaksak ng matalim na kutsilo ang kaniyang dibdib sa sobrang bigat ng nararamdaman, sinabi niya rin ang mga katagang ito sa pagitan ng mga hikbi habang sinimulan ng paandarin ang sasakyan pauwi ng kanilang condo.


0000ooo0000


“DAMNIT!” sigaw ni Josh sabay sapo sa kaniyang ulo nang bigla siyang magising matapos paguntugin ni Migs ang kaldero at takip nito.


“Swear one more time and I'll extend your punishment!” singhal ni Migs sabay ipinaguntog ulit ang kaldero at ang takip nito.


“Punishment?” tanong ni Josh habang sapo-sapo parin ang tila ba pinukpok ng palo-palo na ulo.


“Yes. You're two weeks grounded---” simula ni Migs ngunit ang mga sumunod na sinabi nito ay hindi na inintindi ni Josh dahil abala parin siya sa pagiisip ng kung ano ang nangyari ng nakaraang gabi at kung bakit ganung kasakit ang kaniyang ulo.


“---We didn't know where you are, no text and no call---” pagpapatuloy ni Migs na siya namang pinutol ng hindi nakikinig na si Josh.


“Who brought me home?” tanong ni Josh habang sapo-sapo parin ang ulo.


“Igi. Thank God that kid has some guts to---” pagpapatuloy ulit ni Migs na muling hindi inintindi ni Josh dahil sa sobrang saya na kaniyang nararamdaman.


“Igi still cares about me even if he's with Lance, he still cares.” nangingiti-ngiting saad ni Josh habang patuloy lang si Migs sa panenermon na siya namang hindi pinakikinggan ni Josh. Kahit pa medyo na lulula at sumasakit ang bunbunan ay dahan-dahang tumayo si Josh mula sa pagkakahiga at yumakap sa ama na agad namang natahimik at kumalma.


“I'm sorry. I love you. I'll explain later. I have to go shower or else I'll be late. Again, I love you.” sunod-sunod na sabi ni Josh na agad namang tumunaw sa pagkainis na nararamdaman ni Migs.


“You're not off the hook yet, mister.” striktong balik ni Migs pero hindi kaila na medyo lumambot na ang tono nito kumpara kanina habang nanenermon ito.


“I LOVE YOU DAD!” sigaw ulit ni Josh sabay tungo sa banyo, umaasa na ang paulit-ulit na pagsasabi niya ng mga katagang iyon ay tuluyang makapagpapalimot sa mga ama ng kaniyang katarantaduhan noong nakaraang linggo.


“You're still one week grounded!” pagbabawas ni Migs sa parusa sa kaniyang anak sabay napahagikgik.


0000ooo0000


“Hey! You look down. What happened?” nagaalalang tanong ni Lance sabay upo sa tabi ni Igi na nakaupo sa isa sa mga bench na nakakalat sa oval ng kanilang school.


“Well, first, I didn't get enough sleep, no actually I didn't sleep. Second is---”


“Wait. Wait. Wait. You didn't sleep? Why?!” gulat na gulat na tanong ni Lance kay Igi.


“I was up looking for Josh.” simpleng sagot ni Igi na ikinagulo ng isip ni Lance.


“Huh? I thought you hate him?” tanong ulit ni Igi.


“Well, I can't stop thinking about him while he was gone missing.” namumulang pisngi na sagot ni Igi, hindi makapaniwala na naamin niya ito ng malakas sa ibang tao.


“Where did he go?” tanong ulit ni Lance na naiiling lang.


“To some bar where he got his ass drunk.”


“I see---” simula ni Igi sabay tango-tango. “What's the other reason why you look so down?” tanong ulit ni Lance.


“Well, uhmmm I think Josh doesn't like the idea that he has a gay best friend.” pabulong na pag-amin ni Igi kay Lance na agad namang nakaramdam ng awa sa kaniya na ngayong nagiging malapit na kaibigan.


“Sinabi niya talaga yan sayo?” tanong ni Lance na ikinatango na lang ni Igi bilang sagot.


“That asshole!” singhal ni Lance sabay akbay kay Igi.


“He even thinks we're together, you know.” naniningkit na tingin ni Igi sa naka-akbay na kamay ni Lance na ikinamula ng pisngi nito.


“Are you shitting me?! Do I look gay or something?” humahagikgik na sabi ni Lance bilang pambawi sa pamumula ng kaniyang pisngi.


“He thinks you're my boyfriend.” nangiinis na simula ni Igi na hindi narin napigilan ang mapahagikgik.


“Well, tell him that you're not my type and that he can fuck you whenever he wants and I wouldn't care---” nangiinis ding balik ni Lance na agad na pinutol ni Igi.


“LANCE!”


0000ooo0000


“He still cares! Igi still cares!” paulit-ulit na sinasabi Josh habang hinahanap si Igi sa buong school. Gusto niya itong kausapin hindi dahil sa nais niya lamang magpasalamat dito kundi dahil gusto niyang magkalinawan na silang dalawa.


“Nakita niyo si Igi?” tanong ni Josh kay Des at Neph. Hindi alintana na may tampo parin siya kay Neph dahil sa sobrang saya.


“Uhmmm I t-think I saw him near the quad.” nagaalangang sagot ni Neph na sumusulyap-sulyap pa kay Des na tila naman nagtataka sa ikinikilos ni Josh.


“Thanks!” masayang balik ni Josh sabay halos patakbo na tinungo ang quad. Nagkatinginan na lang sila Des at Neph.


Ngunit ang masayang pakiramdam na iyon ay agad na naputol nang maabutan ni Josh sila Igi at Lance na masayang nagkukuwentuhan. Nakaramdam ng matinding inis si Josh. Nang makita niyang tumayo at nagpaalam si Lance kay Igi at maglakad patungo sa kaniyang kinatatayuan ay hindi gumalaw si Josh, inintay niya itong mapatapat sa kaniya, napansin niyang saglit pang natigilan si Lance nang makita siya, tumango at nagpatuloy sa paglalakad.


“Lance, usap nga tayo.” may pagkabastos na saad ni Josh. Agad namang humarap si Lance na nakakunot pa ang noo dahil sa pagtataka, nang makita ni Josh na muli na siyang hinarap ni Lance ay agad na siyang nagtanong.


“Ano ba talaga kayo ni Igi? Magboyfriend na ba kayo?” nagtaka si Lance sa pamamaraan ng pagtatanong ni Josh, hindi kasi galit o pagkahiya sa pagkakaroon ng baklang best friend ang nababasa ni Lance sa mukha ni Josh, hindi galit o hiya kundi selos. Agad na may sumagi sa isipan ni Lance.


“Eh ano ngayon kung kami nga? Lalo mo ba siyang Ikahihiya?” tanong ni Lance, hindi nagabala na itago ang lason sa kaniyang boses. Saglit na natameme si Josh.


“Anong pinagsasasabe mo?! Kahit ano pang piliin na mahalin ni Igi hinding-hindi ko siya ikahihiya. M-mahal ko siya, hindi lang bilang isang kaibigan o kapatid kundi mas higit pa kaya sana layuan mo na siya---” simula ni Josh.


“Make me. And besides, he thinks you hate him for being gay, he thinks you're back with Des specially when he always see you with her making him feel like a useless piece of shit--- kaya hindi ko masisisi si Igi kung kalimutan ka na niya at maghanap ng atensyon sa iba.”


“I don't hate him for being gay. Because hating him for being gay is like hating myself. I'm not back with Des. I never made him feel like shit. And I will fucking do anything just to make you stay away from him.” nanggagalaiting saad ni Josh kay Lance, kada puntong nais iparating ay isang duro sa dibdib ni Lance na hindi mapigilang maaliw dahil umaayon sa kaniyang kaiisip lamang na plano ang lahat.


“Tell that to Igi. Pero ngayon palang sinasabi ko na sayo na kahit anong gawin mong pagpapaliwanag sa kaniya, wala ng saysay.” pambubuyo ulit ni Lance kay Josh na lalong namula sa galit at dahil ayaw narin ni Josh ng gulo ay nagkasya na lamang siya sa pagtingin ng masama kay Lance at naglakad na palayo upang magpalamig.


Napailing na lang si Lance at napangiti. Hindi makapaniwala na isasakripisyo niya ang sarili na mabugbog maging masaya lang ang kaniyang bagong kaibigan na si Igi at para maayos narin ang lahat ng ginawang mali ni Roan.


“What the hell was that?” nagaalalang tanong ni Roan matapos tumakbo nang makita niya ang tila magaaway na sila Josh at Lance.


“Just fixing the things you messed up.” kibit balikat na sagot ni Lance na ikinatahimik saglit ni Roan.


“What do you mean?” tanong ni Roan.


“I'm fixing things between Josh and Igi. They deserve to be happy, you know. They are both awesome.” nakangiting balik ni Lance sabay kindat kay Roan na natameme ulit, nagsimula ng maglakad palayo si Lance nang may maalala siya at muling humarap kay Roan.


“Oh, and if I were you, sasabihin ko na lahat ng ginawa kong kalokohan, yung mga plot mo for revenge at mga naging outcome nito kay Igi bago pa niya malaman yun sa iba.” pahabol mungkahi ni Lance na lalong ikinaisip ng malalim ni Roan.


Itutuloy...


[18]
Kunot noo a pinapanood ni Roan si Lance at Igi na nagtatawanan at paminsan-minsan ay naghaharutan. Agad na inayos ni Roan ang kaniyang mukha ng makita niyang papalapit si Lance at Igi sa kaniyang pwesto, pero kahit anong pilit niya sa pagngiti ay nabubura parin ito lalo pa't nakikita niya si Lance at Igi na nagbubulungan tapos ay biglang tatawa.


“Hi, Roan!” masayang bati ni Igi.

“Hey.” walang kalatuy-latoy na sagot ni Roan na hindi nakaligtas kay Lance.


“Oh shit! I forgot! I-me-meet nga pala ako ni coach, I gotta go! See you later, Roan and Lance!” paalam ni Igi na hindi napansin ang pagiging malamig sa kaniya ni Roan.


“Yeah. See you later.” wala paring gana na sagot ni Roan na hindi naman napansin ni Igi dahil sa pagmamadali at hindi nakaligtas kay Lance na hindi mapigilang mapangiti at mapa-iling.


Hindi napansin ni Roan na hinahabol pala niya ng masamang tingin si Igi at hindi niya pa ito malalaman kung hindi niya pa narinig na humagikgik si Lance. Agad niyang ibinalik kay Lance ang kaniyang pansin.


“What's funny?!” singhal ni Roan kay Lance na lalo nitong ikinahagikgik at ikinailing.


“Nothing.” kumakalmang sagot ni Lance mula sa sobrang paghagikgik na tila naman lalong nagpainit sa ulo ni Igi.


“Acting a little cozy with Igi?” nanghuhuling tanong ni Roan kay Lance na lalong nagpatatag ng hinala niya sa maaaring ikinakainit ng ulo ni Roan.


“Cozy?” nakangising pagkukumpirma ni Lance sa kaniyang malakas na hinala.


“Yep. You guys looks like--- gay couple.” sagot naman ni Roan, pilit na inaalis ang pagkadismaya at inis sa kaniyang boses na siya namang tuluyan ng kumumpirma sa hinala ni Roan.


“Jealous?” balik tanong ni Lance na ikinatameme at ikinagulat ni Roan.


“Huh?! Why would I be jealous?!” halos pagska-skandalo ng tanong ni Roan nang makabawi ito sa gulat at pagkatameme.


“Well, maybe because you have a little crush on me?” nakangising tanong ni Lance na ikinatameme ulit saglit ni Roan.


“What?! Haha! Nakakatawa ka naman. Why would I love someone like you?” nakangisi naring balik ni Roan.


“Well, for starters, I'm gorgeous--” nakangisi at mahanging sagot ni Lance na gumulat kay Roan. “Second, I'm not like Neph who wouldn't appreciate you when you give your heart to me and last but not the least, is because I like you and you wouldn't regret liking me back.” pagtatapos ni Lance na siyang lalong nakapagpatameme at siyang nakapagpamula sa mga pisngi ni Roan. Nang hindi na sumagot si Roan ay nagsimula ng maglakad palayo si Lance.


“Oh and the reason why I'm 'acting a little too cozy' with Igi is because I'm still fixing the mess you've made---” pahabol pa ni Lance sabay sulyap kay Josh na nakatingin ng masama sa kaniya, isinunod ni Roan ang kaniyang tingin sa gawi ng nanggagalaiting si Josh at nakuwa niya ang pinaplano ni Lance. “--and while I'm still at it, you should start thinking of ways on how to tell Igi about the mess you've made and the troubles it caused him and Josh. Because after I'm done, everything will be at it's place and the mess you've made will all be coming back to you. So you better come clean this early.” makahulugan at puno ng pagaalalang mungkahi ni Lance sabay itninuloy ang paglalakad palayo.


0000ooo0000


“But coach, matagal na po akong hindi nagpra-practice, baka po magkaproblema ako sa tubig kapag ako ang inilaban niyo.” saad ni igi nang i-anunsyo na ng coach sa swim team at basketball team na siya ang ilalaban sa swimming sa kabilang skwelahan.


“We'll practice everyday for the next two weeks ma-i-kundisyon lang natin yung katawan mo.” pagpupumilit ng coach na tila naman desperado na na makahanap ng maipapanlaban niya sa liga matapos ma expel ang kaniyang pinakamagaling na manlalangoy. Dahil sa pagpupumilit na iyon ng coach ay wala na lang nagawa si Igi kundi ang manahimik, ngunit hindi ito palalagpasin ni Josh na hindi makapaniwalang nakikinig sa bandang likod.


“Don't do it, Igi.” panalangin ni Josh sapagkat alam niya ang mangyayari sa mga manlalangoy na matagal ng walang ensayo o kaya naman hindi pa ganong nakukundisyon ang katawan sa matagalang paglangoy.


“Ikaw na lang ang pag-asa ng buong schol, Igi.” pangungumbinsi pa ng coach na siyang nagtulak kay Igi na pag-isipan pang maigi ang gustong mangyari ng coach bago siya sumagot.


“Isn't it dangerous to swim lalong lalo na kung hindi nakundisyon ng maigi ang katawan mo?” tanong ni Josh na siyang gumulat sa lahat lalong lalo na kay Igi.


“Yes---” simula ng coach, hindi na napigilan ni Josh na putulin ito sa pagsasalita lalo pa't nagaalala siya na tanggapin ni Igi ang alok ng coach.


“So you're telling Igi to risk his life on that pool just to keep our School's name at the score boards? Wala ba man lang kayong kapiranggot na concern kay Igi habang iniisip niyo ang pansariling pagpapabango?” matigas na sabi ni Josh na ikinagulat muli ng lahat lalong lalo na ang coach at ikinamula ng pisngi ni Igi.


“He cares for me?” tanong ni Igi sa sarili, sabay tingin kay Josh na agad namang sinalubong ang kaniyang tingin. Hindi mapigilan ni Igi na matuwa sa kaniyang narinig na iyon habang nagtititigan parin sila ni Josh kaya't hindi niya rin mapigilan ang mapangiti ng konti na hindi naman nakaligtas kay Josh na agad ding namula ang mga pisngi nang maisip na nalaman ni Igi na concern siya dito.


Ngunit ang ngiti at tuwa na nararamdaman ng dalawa ay agad na nabura nang gisingin ni Igi ang sarili mula sa para sa kaniya ay malapanaginip na ideya na ito. Sumagi sa isip niya na taktika lamang ito ni Josh upang alukin din ito ng coach na lumaban. Pumapapel katulad noong mga panahon na hindi pa sila nagkikibuan ulit matapos ang mahabang hindi pagkakaintindihan, katulad noong malimit pa itong makipagpataasan sa kaniya ng ihi.


“Who am I kidding. This is Josh the asshole. Josh the asshole never cared for me. I'm even sure that he doesn't even know what caring is.” pangungumbinsi ni Igi sa sarili habang binubura ang pamumula ng kaniyang mukha at ang matamis na ngiti na kanina lamang ay nasa kaniyang mukha nang akalaing concern sa kaniya si Josh.


Ang unti-unting pagkawala ng matamis na ngiti at pamumula ng pisngi ni Igi ay hindi nanaman nakaligtas kay Josh na katulad ni Igi ay unti-unti ng nawawala ang ngiti sa mukha, nagulat na lang si Josh nang biglang naging malamig ang kanina lang ay magalak na pakikipagtitigan sa kaniya ni Igi at hindi nagtagal ay nagsimula na siyang malungkot nang biglang i-iwas ni Igi ang kaniyang tingin mula kay Josh.


“I'll do it.” mahina pero rinig na rinig na sagot ni Igi na siyang nagtatak ng isang napakalaking ngiti sa mukha ng coach at isang malungkot na tingin mula kay Josh.


Tinignan maigi ni Josh si Igi na tila naman nakahalatang nakatingin parin sa kaniya ang huli dahil agad nitong ibinalik ang tingin ni Josh. Hindi na nila napansin na unti-unti ng nauubos ang tao sa kanilang paligid dahil sa tapos na ang meeting na ipinatawag ng coach. Nang silang dalawa na lang ni Josh ang asa loob ng locker room ay wala sa sarili itong nilapitan ni Igi at sininghalan.



“Stop acting like you care.” singhal ni Igi na ikinagulat ni Josh, hindi na inintay pa ni Igi si Josh na sumagot dahil agad na itong tumalikod at nagsimula ng maglakad palabas ng locker room.


“B-but I do care!” habol sigaw ni Josh kay Igi na malapit na sa pinto ng locker room.


“Bullshit---!” pabulong pero puno ng galit na sabi ni Igi.


“---simula noong nagsimula tayong mag high school lahat na lang ng ginagawa ko kinumpetensya mo!” umiiling na pagtatapos ni Igi, hindi makapaniwala na nagbubulaan si Josh.


“I-I- c-care for you, Igi.” nakayuko ng bulong ni Josh. Hindi mapigilang masaktan sa paraan ng pakikipag-usap sa kaniya ni Igi, hindi makapaniwala na tagos hanggang buto ang galit nito sa kaniya gayong wala naman siyang natatandaan na masamang ginawa dito.


“I'm not going to let you steal the lime light from me again. The coach asked me to swim and not you, so deal with it. You don't have to pretend like you care so you can take the spot from me, because I'm not going to give it to you.” mainit na saad ni Igi na tila naman sumaksak sa puso ni Josh. Ramdam na ramdam niya kasi ang galit sa mga sinabi nito. Galit na hindi niya parin maintindihan kung san nanggagaling. Gusto sana niya itong itanong kay Igi ngunit mabilis na itong nakalayo sa kaniya.


0000ooo0000


“Ano bang ginawa kong masama?” tanong ni Josh kay Des. “And why the fuck is it so hard with him, samantalang sayo di naman ako nahihirapan ng ganito.” umiiling at tila ba dismayadong pagtatapos ni Josh.


“Because you love him.” sagot ni Des sabay kibit balikat na tila ba ang tanong na iyon ni Josh ay madalas na niyang naririnig mula dito.


“I also loved you, Des. But what we had was nothing like this. It's like I'm running through an obstacle course.” sagot muli ni Josh sabay higop sa straw ng kaniyang iniinom na softdrink.


“Because what you have for him is true love that's why.” sagot ulit ni Des sabay kagat sa kaniyang sandwich.


“I thought true love is supposed to be like magic and fireworks, like playing a guitar in tune and as natural as breathing. What I feel for Igi is no magic and certainly not fireworks, like playing a guitar for the first time, definitely out of tune and like being suffocated.” umiiling at frustrated na frustrated na sabi ni Josh na ikinailing narin ni Des.


“Kasi naman nagpapaka eng-eng pa kayong dalawa! Tanong kayo ng tanong sa ibang tao eh kung sa isa't isa niyo na itinatanong yan edi matagal na kayong nagkaintindihan!” singhal nanaman ni Des na ikinagulat ni Josh.


“I tried, Des. I swear, I tried talking to him but he just wont let me explain!” balik naman ni Josh.


“Try harder!” singhal ulit ni Des.


“B-but I don't know how to!” balik naman ni Josh, hindi maikakaila ang tono ng tila ba nawawalang bata sa boses nito na siyang tumunaw sa pagkairita ni Des.


“I wish I can help you with this, Josh, but only you can fix this. In time, I'm sure you will know what to do.” mahinahon ng balik ni Des kay Josh, nagiisip ng magandang isasagot pabalik si Josh ngunit naputol ang pagiisip na iyon ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Des.


“Come in.” tila excited na saad ni Des na hindi naman nakaligtas kay Josh.


Dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto ni Des, tila ba lalong pina-suspense ang tagpo at nang tuluyan nang makita kung sino ang kumatok na iyon ay agad na naintindihan ni Josh kung bakit biglang na-excite si Des.


Napa-isip tuloy si Josh dahil sa naobserbahan na ito. Nung sila pang dalawa ni Des ang nasa relasyon ay ni hindi maalala ni Josh na nakita niya na na-excite si Des sa tuwing pumapasok siya ng kwarto, ang naobserbahan din na ito ni Josh ay siyang nagdulot sa kaniya ng kaunting pakiramdam ng panliliit at inis dahil muli niyang naalala ang panggagago sa kaniya ni Neph at Des pero ang talagang sumira sa kaniyang hapon na iyon ay nang maisip niya na hindi niya rin alam kung katulad ng pagliwanag ng mukha ni Des ang mukha ni Igi sa tuwing nakikita siya nito o nakareserba na iyon kay Lance.

“Bwisit na Lance.” bulong ni Josh.


“Huh?” tanong ni Des nang makarinig siya na tila ba nagsalita si Josh nung bala siya sa pakikipagtitigan kay Neph na tila naman kinakabahan na awayin nanaman siya ni Josh.


“Wha--?” simula ni Josh, hindi makapaniwala na nasabi niya pala ng malakas ang kaniyang iniisip. “--oh, I s-said I'd b-better go. May pupuntahan pa ata kayo eh.” palusot ni Josh na lalong ikinakaba ni Neph.


“OK.” kibit balikat na saad ni Des, napatingin dito si Neph. Natunugan niya na may pinaplano ito.


“I-ingat.” saad ulit ni Josh.


0000ooo0000


Nakita ng nanay ni Des ang nagmamadaling si Josh palabas ng kanilang bahay. Agad niyang itinaas ang tingin at nagtama ang tingin nilang mag-ina, kitang-kita ang sinenyas ng kaniyang anak Hindi na nagaatubili pa si Mila na tawagin si Josh.


“Joshie, anak. Pwede bang patulong muna sa mga pinamili ko?” tawag ni Mila kay Josh na noon ay asa tabi na ng kanilang front door habang si Des ay nangingiti-ngiti at si Neph naman ay malungkot na nakatingin kay Josh.


Dahan-dahan at mabigat ang loob na lumapit si Josh kay Mila at tinulungan ito sa mga pinamili nito. Umiiling na sinulyapan ni Mila si Josh at tila ba unti-unti nang nakukuwa ang gustong mangyari ng anak. Naikuwento narin kasi ni Des ang hindi pagkikibuan ng dalawa at si Des bilang isang mabuting kaibigan din ng dalawa ay gusto ding magkabati na ang mga ito.


“Ma, labas lang kami ni Neph.” paalam ni Des na lalong ikinailing ni Mila.


“Napagusapan na natin ito diba? We're going to prepare a special dinner for your dad, remember?” singit ni Mila, nakita niya kung pano pigilan ng anak ang pagngiti nito na agad na umarte na tila ba may nakalimutan nang humarap dito si Neph.


“Oh no. But Neph already bought two tickets para sa movie na gusto naming panoorin. Sayang naman, Ma.” kunwaring malungkot na sabi ni Des habang nakatingin dito si Neph na tila nagtataka at si Josh naman ay pilit na nagbibingi-bingihan sa paguusap ng tatlo habang inaayos ang mga pinamili ni Mila sa ref.


“Well, I can't do this special dinner alone.” balik ni Mila.


“It's OK. We can cancel it---” simula ni Neph na agad ding pinutol ni Des.


“Why don't you take Josh with you! Alam ko, gusto narin niyang panuorin ang movie na iyan eh---!” excited na saad ni Des na tila ba ang naisip niyang iyon ay isa sa pinakamagaling na idea na naisip niya sa tanang buhay niya.


Naibagsak ni Josh ang kaniyang hawak-hawak na melon habang si Neph naman ay nakatitig lang sa kawalan na tila ba ang sinabing iyon ni Des ay isang napakahirap na math problem para sa kaniya.


0000ooo0000


Nagtataka, naguguluhan at nagaalangan. Yan ang mga pakiramdam na tumatakbo sa pagkatao nila Neph at Josh habang nasa sasakyan sila ni Neph. Nagtataka kung paano sila nakumbinsi ni Des na magkasamang pumunta sa sinehan, naguguluhan kung paanong hindi sila pareho tumanggi sa iminungkahi na iyon ni Des at nagaalangan kasi hindi parin nila alam hanggang ngayon kung pano makitungo sa isa't isa matapos nilang magsuntukan sa food court.


Sabay na bumaba sa sasakyan ang dalawa nang makarating na ang mga ito sa mall, wala paring imikan, patuloy parin sa pagaalangan hanggang sa makapasok sa loob ng mall. Di man magkatabing naglalakad papunta sa sinehan ay hindi parin mapigilan ng dalawa ang makaramdam ng pagaalangan.


Nauunang maglakad si Neph, hindi na niya inaasahan na susundan pa siya ni Josh kaya naman laking gulat niya nang makita na nagbigay din ang huli ng ticket sa taga kolekta ng mga ito bago sila pumasok sa mismong sinehan. Wala pa halos tao sa loob ng sinehan, naguguluhan parin si Josh, alam niyang ayaw niyang makausap o makasama manlang pero hindi niya rin ito magawang iwan dahil siguro ayaw niyang magalit sa kaniya si Des at may ilang parte din ng utak niya na nagsasabi sa kaniya na namimiss na niya ang pagkakaibigan nila ni Neph.


Lahat ng pagaalangan, galit, pagkagulo, pagtataka ay tila magic na nawala nang magsimula na ang pelikula na kanilang pinapanood. Nawala na sa isip ng dalawa na kaaway ang turing nila sa isa't-isa dahil sa komedya na pinapalabas sa malaking screen. Hindi na napigilan ng dalawa ang humagalpak lalo pa't pareho nilang naalala si Igi noong unang beses nilang sinubukang uminom ng alak katulad ng mga bida na pinapalabas sa malaking screen.


Natigilan ang dalawa sa kanilang ginagawa lalo pa't hindi nila sinasadyang magpalitan ng tingin. Saglit silang nanahimik kahit pa ang buong sinehan ay nababalot ng pagtawa.


“I-I'm sorry, I didn't mean to hurt you. I didn't mean to mess up your relationship with—-” “I'm sorry for kicking your ass” sabay na sabi ng dalawang magkaibigan saka nagpalitan ng ngiti.


““Nah, it's OK.”” sabay ulit na sabi ng dalawa na muling nakapagpahagalpak sa kanila.


“So we're good then?” tanong ulit ni Neph.


“Yup.” sagot naman ni Josh saka nagkamayan ang dalawa at ipinagpatuloy ang panunood ng sine at pagtawa ng wagas.


0000ooo0000


Matapos manood ng sine ng dalawa ay naisipan ng mga ito na kumain muna sa isang fast food na madalas nilang kainan noon. Punong-puno man ang mga bibig ay hindi parin mapigilan ng dalawa ang magkwentuhan, tila bumabawi sa ilang linggo nilang hindi pagkikibuan.


“Soo, who's the lucky girl?” tanong ni Neph, hindi kasi siya makapaniwala na OK na agad ng ganun-ganun lang kay Josh ang kaniyang ginawang pangaagaw kay Des. Malayong-malayo sa kaniyang pagkakakilala dito na ipaglalaban ng patayan si Des. Saglit na natahimik si Josh at sumeryoso na agad ikinabahal ni Neph, iniisip na masyado pang maaga para magtanong ng mga ganung bagay kay Josh. Pero nakahinga din ng maluwag si Neph nang makita niyang mamula ang mga pisngi ni Josh at dahan dahang ngumiti.


“I'm in love with somebody else. Des made me realize it. Akala ko noon si Des na yung para sakin, as it turned out, I only love her as a sister.” nangingiti-ngiting sagot ni Josh lalo pa nang biglang sumingit sa kaniyang isip si Igi. Hindi narin napigilan ni Neph ang mapangiti.


“So--- who is the lucky girl?” tanong ulit ni Neph. Saglit na natigilan si Josh at tumingin sa mga mata ni Neph nag seryoso, tinitimbang kung ano ang magiging reaksyon ni Neph kapag sinabi niyang si Igi ang kaniyang mahal.


“I-I'm in love NOT with a girl but with a boy.” pahaging na simula ni Josh na ikinahagalpak ni Neph, iniisip na nagbibiro lamang ang kaibigan ngunit agad ding natigilan nang makita niya ang pamumula ng pisngi nito at tila ba hindi mapakali.


“I-I'm i-in l-love with Igi.”


Itutuloy...


[19]
Napapikit si Josh, nagsisimula ng magsisi kung bakit pa niya binanggit ang kaniyang totoong nararamdaman kay Igi sa kaniyang kaibigang si Neph gayong alam niyang straight ito at iniisip na hindi nito maiintindihan ang kaniyang nararamdaman para sa kanilang kaibigan na nagkataon namang lalaki rin. Inihanda na ni Josh ang sarili na makaring ng naghuhurumintadong sigaw mula kay Neph o kaya naman ay ang pamamanhid ng kaniyang panga dahil ine-expect niyang susuntukin siya ni Neph dito.

Kaya naman laking gulat niya nang marinig niyang tumawa ng malakas si Neph. Agad-agad na binuksan ni Josh ang kaniyang mga mata upang masiguro nga na si Neph ang tumatawang iyon at hindi ibang tao na nakapaligid sa kanila.


Nahagip ng kaniyang mga mata si Neph na maluha-luha na sa kakatawa habang sapo-sapo ang tiyan at halos mabuwal buwal na mula sa kinauupuan nito. Ngayon na lang nakita ni Josh ang kaibigan na ganitong kasaya kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na mahawa dito at mapahagikgik na din.


“What the hell is so funny? I'm effin serious here!” saad ni Josh sa pagitan ng mga hagikgik.


“I-I'm sorry. It's just--- WHY THE HELL DID IT TOOK YOU THIS LONG TO REALIZE HOW YOU REALLY FEEL FOR IGI?!” hindi makapaniwalang sabi ni Neph kay Josh sa pagitan ng mga tawa.


“Anong ibig mong sabihin?” humahagikgik paring tanong ni Josh, hindi makapaniwala na iba sa kaniyang inaasahang reaksyon ang reaksyon ngayon ni Neph.


“You were always so touchy feely with him even when we were still young. You always make those googly eyes whenever you see Igi enter a room and you always make those weird kinikilig sounds whenever he tells a joke or when he calls your name.” eksaheradong may pakampay-kampay kamay pang saad ni Neph maipahatid lang ang kaniyang punto kay Josh.


“I guess---” simula ulit ni Josh.


“YOU GUESS?!” pasigaw ulit na saad ni Neph na ikinatigil at ikinalingon ni Josh saglit dahil napansin niyang nageeskandalo na silang dalawa sa loob ng fast food chain na iyon.


“WAG KANG MAINGAY!” singhal na balik ni Josh kay Neph.


“All I'm saying is that, I've known since--- well--- I think, since we're five and now you're going to tell me that you ONLY guess?” humahagikgik ulit na saad ni Neph, hindi makapaniwala sa sinasabi ni Josh sa kaniya.


“Yeah, well, he doesn't like me that way that I like him so---” simula ni Josh sabay pabitin sa sinasabai habang nagkikibit balikat. Ang sinabing ito ni Josh ay nag-iwan kay Neph upang magtaka.


“What do you mean 'he doesn't like you the way you like him' ? Eh pareho nga kayong nagbabatuhan lang ng malalagkit na tingin. Saka kailan pa nangyari na hindi ka gusto ni Igi eh maski nga nung hindi kayo magkasundo noon sa loob ng ilang taon nagpapapansin parin sayo yan para lang magkausap kayo.” kunot noo na tanong ni Neph, hindi makapaniwala na si Igi pa ang hindi magkaroon ng nararamdaman kay Josh gayong mas halata ito.


“Well, Lance happened---” simula ni Josh na lalong nagpakunot ng noo ni Neph. Hindi ito nakaligtas kay Josh kaya wala niya sa sariling ikinuwento kay Neph ang tungkol naman sa pagseselos niya kay Lance.

000ooo000


“Hey! San ka galing kahapon after school? Hinahanap ka namin ni Roan ah.” bati ni Lance na nakasibanghot na si Igi nang makita niya itong pumasok sa CR upang mag-ayos ng sarili.


“Had a bad afternoon yesterday so I just decided to go home early and sleep.” nakasibanghot paring sagot ni Igi na ikinibit balikat na lang ni Lance. Alam niya kasi na ikukuwento ni Igi sa kaniya ang lahat ng detalye kapag hindi na ito nakatiis.


“What's with the super big bag?” tanong ni Neph sabay sipat sa dala dala ni Igi na malaking bag.


“I have swim practice later.” aburido paring sagot ni Igi.


“Huh? Kailan ka pa inilaban sa mga swim meet?” tanong ulit ni Lance na ikinasimula ng ikairita ni Igi.


“Since our star swimmer got expelled for having sex inside the school premises.” bad trip parin na sagot ni Igi.


“And are you moody today because of being picked to swim against our rival schools and the pressure is so high or is it because of something else?” makahulugang tanong ni Lance na ikinatameme ni Igi saglit ngunit ikinainis lalo ng sobra.


“Wanna know why I'm fucking moody today? I'll fucking tell you why! First I thought I finally got my best friend back, then I thought that we will become more than friends only to find out that he just apologized and became friends with me again so he can subtly take the lime light from me and be named the best person in this damn school, there, now, you know why I’m in a bad mood! Are you friggin happy now?!” singhal ni Igi kay Lance na ni hindi naman natinag at agad na niyakap si Igi sa loob ng walang taong CR upang pakalmahin.


“Sinabi niya ba mismo yan sayo o in-assume mo lang yan? Kasi iba yung sinabi mismo sayo ni Josh yan ng harap harapan kumpara sa yung ikaw lang mag isa ang nagiisip ng ganiyan.” makahulugang bulong ni Lance kay Igi habang yakap yakap ito upang makapante ito at para kahit papano naman ay mabawasan ang sama ng loob nito.


“It’s just that he’s been like that nung hindi kami naguusap so I can’t help but think that kinabati niya lang ako para maisahan ako sa mga awards.” paiyak na at masamang masama ang loob na sabi ni Igi habang ibinabalik ang yakap kay Lance.


“Parang hindi naman ganung kababaw si Josh.” balik naman ni Lance, sinusubukang ipaintindi kay Igi na mali ang akala nito.


“H-hindi ko na rin kasi alam ang iisipin. Lately bumalik siya sa pagiging asshole---” simula ulit ni Igi na agad naming muling pinutol ni Lance.


“Alam mo kung ano ang maganda mong gawin para di ka na mag-assume ng mag-assume? Mag-usap kayo ng maayos.” mungkahi ni Lance, umaasa na sana ay pakinggan na siya ni Igi at pumayag na na makipag usap kay Josh ng masinsinan upang maitama na lahat ng ginawa ni Roan.


Tumango bilang pagsang-ayon si Igi. Iniisip na tama si Lance, kailangan na niyang kausapin si Josh ng maayos upang matigil narin siya sa pagiisip ng kung ano ano. Pinahiran ni Lance ang nagiisang luha na tumulo mula sa kaliwang mata ni Igi.


“Don't go to practice today--- kailangan mo lang i-nuod ng sine yan tulad nung ginawa mo nung first time nating manood ng sine---” simula ni Lance na sa wakas ay nakapagpagaang ng loob ni Igi, marahang sinuntok ni Igi ang malaking braso ni Lance at niyakap ulit ito ng mahigpit.


“Thanks for being so good to me.” bulong ni Igi, sasagot pa sana si Lance ng 'walang anuman' nang biglang bumukas yung pinto at bumulaga sa magkayakap na si Lance at Igi sila Josh at Neph na galing lamang sa malakas na pagtatawanan.


Ang malalakas na tawanan ng dalawang bagong dating ay agad natigil. Kitang kita ng kahihiwalay-hiwalay lang na sila Igi at Lance ang malaking ngiti sa mukha ni Josh na unti-unting nabura at napalitan ng pamumula at galit, tulad ng pagkabura ng malaking ngiti ni Josh sa kaniyang mukha, dahan- dahan ding nabura ang ngiti sa mukha ni Neph at napalitan ng takot, takot na baka masaktan ni Josh si Lance o kaya si Igi dahil sa nakikita niyang galit sa mukha nito habang si Igi at Lance naman ay nagulat sa biglaang pagpasok ni Josh at Neph sa CR kung saan sila naguusap.


Hindi alam ni Lance kung pano niya pa nakuwang ngumisi sa sitwasyon na yun. Ang pagngisi na ito ni Lance ang tila lalong umudyok kay Josh na gawin ang susunod niyang gagawin. Walang sabi sabing biglang sumugod si Josh palapit sa kinaroroonan ni Igi at Lance. Inabot ng ilang suntok ang mukha ni Lance.


Tila napako si Neph at Igi sa kanilang kinatatayuan, nagulat sa biglaang pag sugod ni Josh kay Lance. Hindi naman nagpatalo si Lance lalo pa't hindi pwedeng balewalain ang mga suntok na ibinabato ni Josh sa kaniya dahil malalakas din ito at siguradong mag-iiwan ng marka, ilang suntok din ang lumanding sa mukha ni Josh na lalo nitong ikinagalit.


Ilang suntok pa ang binato ng dalawa sa isa't isa bago pa tuluyang nagising sila Neph at Igi sa pagkakapako sa kanilang kinatatayuan at pumagitna na sa dalawa. Inaambaan pa ng suntok ni Josh si Lance nang pigilan ito ni Neph at susugurin pa sana ni Lance si Josh nang harangan ito ni Igi.


“Tama na.” bulong ni Igi kay Lance na hindi parin nagpapaawat.


“Siya ang nauna!” singhal naman ni Lance at muli pang sinubukan na makalampas kay Igi.


“Nag-usap na tayo---” sigaw ni Josh kay Lance habang binabato ito ng masamang tingin na agad namang pinutol ni Lance.


“Sabi ko sayo na kausapin mo siya---” simula ni Lance ngunit si Josh naman ang pumutol sa pagsasalita nito.


“Eh pano ko siya kakausapin eh hindi ka umaalis sa tabi niya!”


“Sino ba at ano ang pinaguusapan niyo?!” singhal ni Igi nang hindi na niya napigilan ang sarili na magtanong patungkol sa tila matalinghagang paguusap ng dalawa.


“Mabagal ka lang talaga.” pasaring ni Lance na sa kabila ng pagkakaroon ng hiwa sa ibabang labi ay nakuwa pang ngumisi, ang ginawang ito ni Lance ay lalong nakapagpakulo sa dugo ni Josh na hindi napigilan ni Neph at tuloy-tuloy nang sumugod muli kay Lance, dahil sa nabasa na ni Igi ang iniisip ni Josh ay muli itong pumagitna sa dalawa.


Isang nakakabinging suntok ang lumapat sa kaliwang pisngi ni Igi na nakapagpadilim ng kaniyang paningin kaya't agad niyang ibinalik ang suntok na ito kay Josh. Lahat ng sama ng loob na naipon sa loob ng ilang linggo ay ibinuhos niya sa suntok na iyon. Saglit na natigilan si Josh matapos lumapat ang kamao ni Igi sa kaniyang kanang pisngi. Nagulat, nalungkot ngunit ang gulat at ang lungkot na iyon ay agad na napalitan ng galit.


Galit dahil sa pagaakalang ipinagtatanggol ni Igi si Lance dahil may pagtingin ito dito. Pagtingin na dapat at hinihiling niya ay sa kaniya nakatuon. Galit kasi nakuwa siyang saktan ni Igi para lang sa isang taong kakikilala pa lang nito laban sa kaniya na kakilala na nito simula pa nung mga bata sila.


Lahat ng selos na kaniyang kinimkim at inipon laban sa akala niyang relasyon nila Igi at Lance ay lumabas sa suntok na kaniya na ngayong ibabato kay Lance, ngunit maagap si Igi, humarang ito muli sa harapan ni Lance.


Sa ikalawang pagkakataon, muling nakaramdam ng nakabibinging sakit sa kaliwang pisngi si Igi, hindi niya mapigilang mapasigaw bago mawalan ng malay.


000ooo000


“Are you OK?” tanong ng nagaalalang si Neph nang makita niyang unti-unti ng binuksan ni Igi ang kaniyang mga mata.


Hinintay pa saglit ni Igi na luminaw ang kaniyang paningin saka tinignan si Neph na nagaalalang nakadungaw sa kaniyang mukha. Lumingon-lingon si Igi, nakilala niya ang lugar na iyon, asa school clinic sila, mataman siyang tinignan ng school nurse nang marinig nito ang sinabi ni Neph.


“How long was I out?” tanong ni Igi sabay sapo sa kaniyang kaliwang pisngi, nang dumampi ang kaniyang palad sa kaniyang sariling pisngi ay hindi niya napaigilan ang sarili na mapangiwi dahil sa sakit.


“Ten minutes---” simulang pagsagot ni Neph kay Igi na agad namang pinutol ng may katarayang school nurse.


“The principal wants you to report at his office once you're awake.” sabi ng nurse na ikinairap ni Neph.


“Can't he just stay here for a while? Sampung segundo pa lang ata siyang nagigising eh.” may pagakapilosopong sagot ni Neph. Binigyan lang sila ng isang nakakatakot na tingin ng nurse kaya't wala na lang siyang nagawa kundi ang alalayan si Igi na makatayo.


Tahimik ang dalawa habang lumalabas ng clinic at habang binabaybay ang mahabang corridor papunta sa opisina ng principal. Si Neph, nagiisip ng magandang paraan upang matulungan ang kaniyang dalawang best friend habang si Igi naman ay nagiisip ng ilang magagandang mura at sumpa na ibabato kay Josh dahil sa patuloy niya paring nararamdamang pananakit ng kaliwang bahagi ng kaniyang mukha isama na pati ang panga.


“He's worried about you, you know.” simula ni Neph na gumising kay Igi sa pagiisip kung pano siya makagaganti kay Josh.


“Huh?” tanong ni Igi.


“When you fell after he hit you. He was so worried, I thought he's going to cry.” sagot ni Neph, upang mapagaang ng konti ang ginawang pagsuntok ni Josh kay Igi.


“Tsss!” di makapaniwalang balik ni Igi sabay iling na agad niyang pinagsisishan dahil sa sakit ng kaniyang kaliwang pisngi.


“Swear! Di niya sinasadya, promise.” pangungumbinsi ni Neph kay Igi.


“Bakit ba niya kasi biglang sinugod si Lance, eh nananahimik naman yung tao. Saka ano ba yung pinaguusapan nila kaninang dalawa, bakit siya galit na galit? Sinusumpong nanaman ba siya ng pagkabaliw!?” sunod sunod na tanong ni Igi. Agad na nakaramdam ng kaba si Neph. Iniisip kung sa kaniya ba talaga dapat manggaling ang impormasyon na iyon o iintayin na lang niyang kausapin ni Igi si Josh.


“Ah--- uhmmm---” simula ni Neph na ikinataka ni Igi. “---we're here!” palusot bigla ni Igi nang mapatapat na sila sa pinto ng opisina ng principal.


“NO! You're going to tell me why Josh suddenly attacked Lance!” singhal ni Igi na agad ikinatameme ni Neph.


“I—I wish I could tell you, Igi--- but I-I promised J-Josh that I'm going to keep my mouth shut because he wants to say it to you personally.” sagot ni Neph na lalong nakapagpalakas ng pagkaintrigero ni Igi.


“I---” simula muli ni Igi.


“Talk to him. Everything is going to be OK. J-just talk to him.” makahulugan ulit na sabi ni Neph sabay katok sa pinto ng principal, binuksan ito at itinulak si Igi papasok doon upang hindi na siya nito matanong pa.


000ooo000


“The three of you are suspended for three days.” striktong saad ng principal matapos nitong malaman ang buong pangyayari kila Igi, Josh at Lance.


Hindi inintindi ni Josh ang parusang sinabi ng principal dahil abala siya sa pagbato ng nagaalalang tingin kay Igi na miya mo hinampas ng bulldozer sa mukha.


“But it was Josh who attacked Lance. It was self defense!” tutol ni Igi sa gustong mangyari principal.


Nagising si Josh mula sa pagbabato ng nagaalalang tingin kay Igi nang marinig niya ang pagtutol na iyon ng huli. Pakiramdam nanaman niya ay iniisang tabi nanaman siya ni Igi at inuuna si Lance kaya't muli nanaman sumiklab ang galit niya.


“He---” simula ni Josh pero nang mapasulyap siya kay Lance ay nakita niyang tila ba nagpipigil ito ng tawa pagkatapos ay ngumisi na tila ba ang mga nangyayaring iyon ay ayon lahat sa kaniyang plano. Hindi siya makapaniwala na nahulog ang loob ni Igi sa isang taong katulad ni Lance gayong alam niyang mas mabuti pang sa kaniya na lang itinuon ni Igi ang pagtingin nito at ngayon ipinagtatanggol pa nito si Lance imbis na siya na mas mahaba pa nitong naging kaibigan. At dahil sa naisip na ito ni Josh ay nabaling kay Igi ang kaniyang galit.


“Fuck you. Igi.” pabulong ito pero hindi kaila sa tono niyon ang galit. Ikinagulat ito ni Igi, Lance at ng principal.


“No, Josh. Fuck You.” pabulong din itong sinabi ni Igi pero hindi lang galit ang maririnig sa tono ng kaniyang mga sinabing ito kundi pati lungkot.


“That's it. You two just added two more days to your three day suspension. Lance, you may go, your three day suspension starts tomorrow.” striktong saad ng principal sabay tingin ng masama kila Igi at Josh bago inangat ang intercom at tinawagan ang sekretarya. “Please call Mr. Igi Saavedra and Mr. Josh Sandoval's parents. Thank you.” saad ng principal sa kaniyang sekretarya sa kabilang linya matapos lumabas ni Lance ng opisina.


“This is so UNFAIR!” sigaw ni Josh sabay tayo.


“Where do you think you're going?” strikto paring tanong ng principal kay Josh.


“You can't just let Lance go! He started all of this!” halos nagwawala ng sabi ni Josh.


“Suspended din si Lance---” simula ng principal, sinusubukang ipaintindi kay Josh ang mga nangyayari.


“Eh bakit parents lang namin ni Igi ang ipapatawag niyo?! Kung ipapatawag niyo ang parents namin edi ipatawag niyo rin ang parents ni Lance!” pagpupumilit ni Josh.


“Parents are not called by my office just because their child threw a punch or two but when a student swear in front of a teacher let alone the school principal, then the parents has the right to know that their child needs to be briefed with proper conduct, at yung briefing na iyon ay dapat magsimula sa bahay niyo at parents niyo ang dapat na magpasinaya non!” balik singhal na ng principal matapos kwestyunin ng isang labing anim na taong gulang na bata ang kaniyang pamamamalakad sa sariling skwelahan.


“So you're telling me that throwing a 'punch or two' is more of a 'proper conduct' than swearing? Kasi kung ganon edi sana sinuntok ko na lang pala si Igi sa harapan mo kesa sa minura ko siya.” pilosopong balik ni Josh na nakapagpatameme sa principal at nakapagpanganga kay Igi dahil sa gulat at dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Ang pagkatameme at hindi pagkapaniwalang ito ni Igi at ng principal ay nabasag nang marinig nila ang tila ba kontrabidang tawa ni Josh.


“I didn't know that this school's principal is a joke! I didn't know that everything in this school is a joke!” singhal ni Josh, hindi mapigilan ang sariling galit na lumabas.


“Josh---” mahinahong simula ng principal. Alam niyang hindi sinasadya ni Josh ang kaniyang mga sinabi at nadala lamang ito ng galit at handa siyang patawarin at magbingi-bingihan sa mga masasakit na sinabi nito pero agad din siyang pinutol ni Josh sa pagsasalita.


“Forget it! I'm out of here!” singhal ulit ni Josh, sumulyap saglit kay Igi na gulat na gulat parin sabay labas ng opisina at pabalang na isinara ang pinto.


000ooo000


Hindi makapaniwala si Josh sa kaniyang inasal habang naglalakad pauwi. Ngayon, alam niyang hindi lang simpleng suspension ang kaniyang kahaharaping parusa kundi malaki ang posibilidad na ma-expel pa siya, ngunit wala na siyang magagawa, gusto niyang magmatigas dahil alam niyang siya ang nasa tama ngunit alam niyang mali naman ang kaniyang inasal imbis kasi na makiusap siya at ipagtanggol ang sarili sa magandang paraan ay idinaan niya ito lahat sa sigaw. Napabuntong hininga na lang si Josh at umiling.


“Igi hates me and now I'm an out of school youth. San na lang ako pupulutin nito?” tanong ni Josh sa sarili sabay buntong hininga ulit. Kasabay nito ay ang pagharurot at biglaang pag preno ng isang kotse malapit sa kaniya.


“Joshua Sandoval! Get inside the car this instant.” sigaw ng isang babae sa di kalayuan.


“Aunt Cha?” kunot noong tawag ni Josh sa babae na nakasakay sa loob ng isang kotse malapit sa kaniyang kinatatayuan.



Itutuloy...


[20]
Hindi alam ni Josh kung bakit siya biglang kinabahan nang makita niya ang galit na galit na mukha ng kaniyang tiyahin. Dahan- dahan siyang lumapit sa sasakyan pero hindi muna siya pumasok dito. Ang kaniyang tiyahin na iyon ang kabaligtaran ng kaniyang amang si Ed, kung ang kaniyang ama na si Ed ay seryoso at laging about the business ang tipo si Cha naman ang out going at ang laging nakatawa kaya naman ang makita niya ang tiyahin na nakabusangot ang mukha ay talaga namang nakapagpakaba sa kaniya.


“H-hi auntie.” nauutal na bati ni Josh kay Cha nang makalapit na ito sa sasakyan.

“Get in.” singhal ni Cha.


“Oh uhmmm I-I h-have somewhere else t-to b-be. O-OK lang ako, Auntie. Maglalakad na lang ako.” kinakabahan at namumutla ng sagot ni Josh. Ang kaba na iyon at pamumutla ay agad na napalitan ng takot nang makita niya ang nandidilat na mga mata ni Cha.


“I. SAID. GET. INSIDE. THE. CAR.” singhal muli ni Cha.


“O-OK.” wala ng nagawa pa si Josh kundi ang sumunod sa tiyahin, binuksan niya ang pinto ng passenger seat ngunit agad din siyang pinigilan ni Cha.


“Not there. My Gucci is sitting there.” pasinghal ulit na saad ni Cha, muling isinara ni Josh ang pinto at binuksan ang pinto sa may backseat at laking gulat niya nang makita niyang nakasakay din dun si Igi. Nagtama saglit ang kanilang mga tingin. Si Igi ang unang nagiwas ng tingin kaya't kitang kita ni Josh ang nagsisimula ng mamaga na kaliwang pisngi ni Igi. Halos ihampas na ni Josh ang sarili sa bubungan ng sasakyan ni Cha dahil sa sobrang pagsisisi sa kaniyang pananakit kay Igi.


“ANGTAGAL AH!” singhal uli ni Cha na siyang gumising sa pagtitig ni Josh kay Igi.


000ooo000


“DAMIT!” singhal ulit ni Cha nang maabutan sila ng trapik may isang kilometro pa ang layo sa condo nila Migs at Ed.


“Being called because their kids are pasaway, forcing me to leave my date! A date that could've make my lonely life, beaming with joy! And now I'm friggin stuck in traffic with a boy who has a swelling left cheek and a boy with a temper and a busted lip!” sunod sunod na pagpapalabas ng sama ng loob ni Cha.


“I-I'm sorry, Auntie.” pabulong na sabi ni Josh mula sa likod ng sasakyan.


“Sorry?! What if I say that sorry doesn't cut it?! I'm 32. Wala na ako sa kalendaryo, Josh. Baka yung date na yun na ang mapapangasawa ko tapos tatawagan pa ako ng mga magulang niyo kasi nagsuntukan kayo sa loob ng CR?! Geesh! Ni hindi manlang kayo pumili ng mas malinislinis na lugar kung saan mag-aaway! Tapos uupo kayo sa leather seat ng kotse ko--- Tapos yung mga magulang niyo naman hindi manlang lumiban sa duty, o kaya sa trabaho nung tinawagan ng principal tapos ako at ang date ko ang iistorbuhin! Buti nga't may nabulag pa sa red lipstick ko at pumayag makipag date sakin!” sumisigaw na saad ni Cha na nakapagpangiwi sa dalawang bata sa likod.


Pilit na pinakalma ni Cha ang sarili, inabot ang Gucci na bag, kinuwa ang isang cup cake mula sa loob non, kumagat, ngumuya atsaka nagbuntong hininga. Nang malunok na ang cupcake ay inabot naman nito ang tumbler na may naglalamang kape at uminom, tumingin sa salamin pagka inom, kinuwa ang lipstick at muling pinapula ang mga labi.


“Bakit ba kasi kayo nag-away?” kalmado ng tanong ni Cha sa dalawa na agad namang nagalangan kung sasagot o hindi.


“He attacked my friend, Tita.” depensa ni Igi na sa unang pagkakataon ay nagsalita.


“I did not!” singhal pabalik ni Josh.


“Oh, then what do you call launching yourself at someone while throwing punches at his face?” halos pasigaw na balik ni Igi kay Josh.


“He was smirking like a boss! Who wouldn't be ticked off with that!” singhal naman ni Josh pabalik.


Habang nagsasagutan ang dalawa ay hindi nila napansin ang nagtatakang tingin ni Cha gamit ang rear view mirror. Pilit na inaalala kung saan niya nakita ang ganong tagpo. Hindi mapigilan ni Cha ang mapangiti nang maalala niya kung saan niya nakita ang tagpong iyon.


“Nobody told you to catch the punch intended for that retard!” singhal pabalik ni Josh.


“You're the retard!” balik naman ni Igi.


“ENOUGH!” sigaw ni Cha na ikinatahimik ng dalawa.


000ooo000


“How come you're so sure that it was my son's fault?!” naabutang singhal ni Ram kay Migs nila Cha, Igi at Josh nang dumating ang mga ito sa condo nila Migs.


“Well, I know my son. He's not a war freak and a scandalous jerk like you used to be when we were younger. Who knows Igi got it from you.” balik ni Migs kay Ram sabay itiniklop ang mga kamay sa kaniyang dibdib habang si Ed at Martin ay umiiling lang na nakaupo sa kanilang sofa habang pinapanood ang dalawa sa kanilang hindi matapos tapos na debate.


“Son of a---” simula ni Ram na pagmumura bilang sagot sa insultong ibinato sa kaniya ni Migs ng sumingit agad si Cha.


“ENOUGH!” singhal ni Cha sabay tingin ng masama sa apat.


“No wonder these boys takes fighting as a hobby! They look up to their parents!” pahabol na singhal ni Cha na ikinagulat at ikinatameme ng lahat.


“JOSHUA! LUIGI! Get your bags and put some clothes in it! You're staying with me until your parents sort their issues!” utos ni Cha sa dalawang bata.


““B-but---”” sabay na simula ni Igi at Josh.


“NOW!” sigaw ni Cha sa dalawang bata na agad namang naglakad patungo sa kani-kanilang kwarto.


“Now you butt heads listen to me good because I'm just going to say this once---” simula muli ni Cha, puno ng lason ang kaniyang boses na lalong ikinatameme ng apat na lalaki sa sala. “---When we come back. I want you all friendly and nice to each other, because if you don't then I'm going to take the kids away from you---”


“You can't---” simula ni Migs ngunit agad siyang pinutol ni Cha.


“Bitch, believe me, I can.” singhal ni Cha na nakapagpatameme ulit kay Migs, alam niyang seryoso si Cha sa mga banta nito.


“I'm going to tell the world how unfit parents you four butt heads are! Close minded people will back me up! Being a gay couple with a teenager son is not that accepted in our community yet. This thing between you guys have gone too far already, it's time for someone to end it especially now that your kids are starting to behave like you butt heads behave.” pagtatapos ni Cha. Sakto namang lumabas si Josh sa kaniyang kwarto bitbit bitbit ang isang bag na puno ng kaniyang gamit.


Hinatak ni Cha ang kamay nito palabas muli ng unit. Hindi pa man sumasara ang front door ng unit nila Josh ay muli nang sumigaw si Cha.


“IGI! Get your butt over here!”


Wala ng nagawa pa ang apat kundi ang magpalitan ng tingin.


000ooo000


“This is all your fault.” singhal ni Migs kay Ram na ikinairap lang ni Ed at Martin.


“How was this my fault?!” pasinghal na tanong ni Ram.


“If you haven't been bitter and jealous all this time then wala tayong magiging problema.” mahanging sagot ni Migs.


“Bitter and Jealous?! Martin is way cuter than you, I have a wonderful kid and a stable career. Why would I be jealous?! Baka ikaw tong bitter at nagseselos!” singhal pabalik ni Ram.


“Ako---?!” simula ni Migs, nagkatinginan si Martin at Ed at sabay na umiling. Tila naman nabasa ng isa't isa ang iniisip ng bawat isa kaya't sabay itong tumayo.


“Call me when you guys are tired and finished with this shit. I'll just buy coffee down stairs.” singit ni Ed.


“Ram, I'll be with Ed. Call us.” naboboryong saad ni Martin.


Nagbatuhan ng tingin na tila nagsasabing 'look what you've done' sila Migs at Ram at natigil lang iyon nang marinig nila ang pinto na pabalang na bumagsak.


000ooo000


“My unit is small so you guys needs to share a room. There's only one bed in the guest room so one of you have to sleep at the pull out.” sabi ni Cha sa dalawang bata na hindi mapakali sa pagtingin sa kaniyang mga gamit na nakolekta niya mula sa iba't ibang bansa na kaniyang pinasyalan.


“Tita, what's this?” tanong Igi sabay itinaas ang isa sa mga weird na vase na naka linya malapit sa pintuan ng kwarto ni Cha.


“Those are love vases from Malaysia, they said that if you whisper the name of your love on its opening you'll end up growing old with him or her---” nakangiting sagot ni Cha sa manghang mangha na si Igi na agad namang ibinulong ang pangalan ni Josh sa opening nito. “---or it could be the jars from Indonesia where they put their dead parents' bone inside--- I'm not sure anymore.” pagtatapos ni Cha na iniisip kung yun nga ba ang tamang vase kaya't muntik ng mabitawan ni Igi ang vase na iyon nung bigla niya itong inilayo sa kaniyang mukha.


Hindi napigilan ni Josh ang mapatawa na agad namang binato ni Igi ng masamang tingin na siyang ikinatigil ng huli sa pagtawa. Nang tumalikod at umiwas na si Josh mula sa nakamamatay na tingin Igi ay hindi naman mapigilan ni Igi ang mapangiti habang inaamin sa sarili na namiss niya ang tila ba musika na pagtawa na iyon ni Josh.


Ang pagngiti na ito ni Igi ay hindi naman nakaligtas kay Cha na mataman silang inoobserbahang dalawa.


000ooo000


“What happened to your lip?” nag aalalang tanong ni Roan kay Lance nang magkita ito matapos ang kanilang mga klase.


“I was in a fight.” malamig na sagot ni Lance.


“What happened to the other guy?” tanong ulit ni Roan sabay wala sa sariling hinaplos ang namumula at malapit ng mamagang labi ni Lance, hindi batid na masyado silang malapit kesa sa karaniwang dalawa.


“I busted his lip also.” seryosong sagot ni Lance kay Roan habang tinitignan niya ang magagandang mata ng huli. Sa pagsagot na ito ni Lance saka napansin ni Roan ang kakaibang lapit ng kanilang mga katawan ni Lance at ang pagtitig nito sa kaniyang mga mata.


Hindi na napigilan pa ni Lance ang kaniyang sarili at isinalubong na niya ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Roan. Saglit na nagulat ang huli at sinubukan pang ihiwalay ang kaniyang mga labi mula sa mga labi ni Lance ngunit hindi rin nagtagal at bumigay narin siya at ginantihan narin niya ng halik si Lance.


000ooo000


Tulad noong asa team building palang sila. Naabutan ni Igi si Josh na nakatingin lang sa nagiisang kama sa maliit na guest room na iyon ni Cha. Napa-irap na lang si Igi at nilagpasan ang nakatitig paring si Josh, hinila ang pull out matress sa ilalim ng kama at mayabang na tinignan si Josh upang ipamukha dito ang katangahan nito at lalong lalo na na ipaalam na wala siyang interes na makatabi ito sa kama.


Ang mayabang na tingin na ibinato ni Igi kay Josh ay hindi nagtagal nang makita niyang umirap si Josh sabay tinalikuran siya at iniwan siyang mag-isa sa kwarto.


“What the hell?!” singhal ni Igi.


“What?!” singhal na balik ni Josh.


“STOP IT! Geesh! I leave you two alone for two seconds and you're already at each others necks!” saway ni Cha sa dalawa nang maabutan niyang magsisimula nanamang magsigawan ang dalawa. Natameme muli ang dalawa, naghanap ng magagawa makaiwas lang sa nakamamatay na tingin ni Cha. Si Igi, inayos ang kaniyang hihigan habang si Josh naman ay minamata ang suot ng tiyahin.


“Where are you going?” di na mapigilang tanong ni Josh.


“I'm going out for a date, Dad.” sarkastikong balik ni Cha na tila nagsasabing 'obvious ba?'


“You mean you're going to leave us alone? Do you want us to kill each other?!” di makapaniwalang tanong ni Josh na ikinairita ni Igi, iniisip na ayaw lang nito na makasama siya kaya ganun na lang ang tanong nito kay Cha.


“Of course I will leave you guys alone so you can kill each other. That's how much I love you both. Just don't let the blood stain the couch, OK? It's Salvador Dali's” kibit balikat na sagot ni Cha sabay bato ng isang bag ng chichirya kay Josh at dalawang bote ng tig 1.5 na tubig sa kama.


“What the fuck?” sigaw ni Igi na ikinalingon naman ni Josh na siya namang kinuwang pagkakataon ni Cha upang isara ang pinto at ikandado ito.


“Tignan ko lang kung hindi kayo magkaayos na dalawa.” sabi ni Cha sabay tawa na parang sa kontrabida.


Habang naglalakad palayo ay naririnig ni Cha ang pagtawag sa kaniya ni Josh at Igi at ang pagkalampag ng mga kamay ng mga ito sa pinto ng kwarto.


“Don't wait for me. I'll be out long!” sigaw ni Cha sabay hagikgik.


“AUNT CHA!” sigaw ni Josh na siyang huling narinig ni Cha bago niya isara ang front door at ikandado din ito.


000ooo000


“I'm not bitter you know.” napapagod na bulong ni Ram kay Migs na tila napagod din sa pakikipagsigawan sa huli dahil nakasalampak na ito sa kaniyang sofa.


“I only said that to tick you off. I'm sorry.” umiiling at nanlalatang sagot ni Migs.


“Wow.” saad naman ni Ram sabay iniupo ang sarili sa sofa na nakaharap sa sofa na inuupuan ni Migs.


“What?” dikit kilay na tanong ni Migs kay Ram.


“That was the first time I hear you apologized since that night.” pabulong na sagot ni Ram na nagtulak kay Migs na magisip ng malalim.


“I really am sorry, you know, f-for hurting you.” sinserong saad ni Migs na saglit na nakapagpatahimik kay Ram.


“I know. And I'm sorry too.” balik naman ni Ram.


Saglit silang binalot ng katahimikan.


“Do you think tayo talaga ang dahilan kaya nagaaway ang mga bata?” nangangambang tanong ni Ram kay Migs na saglit namang napaisip.


“Nah. I think they're just in that age where everything ticks them off.” kibit balikat na sagot ni Migs, ginaya ang sinabi ni Ed noong nagaalala siya kay Josh, hindi alam kung sino ang kinukumbinsi, si Ram o ang sarili.


“I guess you're right.” wala sa sariling saad ni Ram.


Muli nanamang binalot ng katahimikan ang dalawa.


“Do you want something to eat or drink?” tanong ni Migs, mabasag lamang ang nakapangingilabot na katahimikan sa pagitan nila.


“Sure. I'll help you prepare the food.” nakangiting sagot ni Ram sabay lakad papunta sa kusina nila Migs na hindi naman mapigilan ang mapangiti dahil sa wakas ay pakiramdam niya na unti-unti ng nawawala ang gusot sa pagitan nilang dalawa.


000ooo000


“There's no use breaking the door, Josh. Pasasakitin mo lang ang katawan mo.” walang ganang saad ni Igi habang pinapanood si Josh na bunggo-bungguin ang pinto ng kwarto maibukas lamang ito.


“Well at least I'm doing something!” singhal ni Josh.


“OK, I get it! You don't want to be in the same room with someone like me but I don't want to see you hurt yourself just to get away from me. Let's just pretend that we don't see each other! You can ignore me all you want, I wouldn't care just stop bangin' the door!” singhal ni Igi, hindi maikakaila ang galit at sakit sa mga sinabi nito na nakapagpatameme kay Josh.


“I know that you hate me for being gay but you don't need to hurt yourself from getting away from me because I'm not going to do anything to you. I'm not going to rape you if that is what you're thinking.” malungkot na pahabol ni Igi na siya namang tumunaw ng galit ni Josh.


Nagulat si Igi nang ilang hakbang lang ay nasa harapan niya na siya Josh. Tinititigan siya ng mariin sa mga mata at ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi sa kaniyang sariling mga labi.


“I don't hate you for being gay, because hating you would be like hating myself.” pabulong na sabi ni Josh saka isinalubong ang kaniyang mga labi sa mga malalambot na labi ni Igi.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment