Friday, January 11, 2013

Different Similarities: Book 1 (Prologue-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[Prologue]
Nagmamadali pero nakangiting tumakbo papunta sa front door si Eric, hindi niya mapigilan ang excitement, ngayon na lang ulit siya nag-effort na maghanda ng isang masarap na tanghalian at inaamin niya sa kaniyang sarili na gusto na niyang makita ang magiging reaksyon ng taong pinaghandaan niya ng spesyal na pagkain para sa tanghalian na iyon. Tumigil siya sa tapat ng pinto bago ito buksan, saglit niyang inayos ang sarili at nagplaster ng isang magiliw na ngiti.




Dahan- dahan niyang pinihit ang door knob at itinaas ang tingin sa mukha ng taong kumatok. Agad na nanlumo si Eric, saglit na tinitigan ang lalaking asa harapan niya, siniguradong totoo ito at hindi isang guniguni lang. Nang mapagtanto niyang hindi ito isang guniguni ay agad siyang tumabi at tahimik na pinapasok ang hindi inaasahang bisita.



0000ooo0000


“Uhmm, you want something to drink---?” simula ni Eric pero agad siyang tinanggihan ng bisita.



Saglit na nagsalubong ang kanilang mga tingin. Iniisip ni Eric kung ano ang maaaring kailangan ng bisita niyang iyon. Hindi siya makapaniwala na may nararamdaman parin siyang bigat sa kaniyang dibdib habang kaharap ito. Nabasag ang pagiisip niya sa maaaring kailangan nito nang magsalita ito.



“Something's smells good.” saglit na napapikit si Eric nang marinig ulit ang boses na iyon, lalo na ang gustong gusto niyang accent.


“Oh--- yeah, I baked some Ziti and made some garlic bread.” matipid na sagot ni Eric.



Muling nagtama ang kanilang mga tingin. Alam ni Eric na milya milya na ang tinatakbo ng isip ng kaniyang bisita at alam din niya na hindi inosenteng bata ang lalaking kaharap niya ngayon kaya't alam niyang nakuwa na nito ang kaniyang ibig sabihin na hindi lang basta basta para kahit kanino ang inihanda niyang pagkain na iyon. Ilang saglit pang binalot ng katahimikan ang dalawa. Muli ang bisita ni Eric ang bumasag ng katahimikan.



“I guess I'm too late then?”


Tumango si Eric bilang sagot.



“I see.”



Muling napapikit si Eric, ramdam niya ang sakit mula sa dalawang maiikling salitang iyon, tila ba mula sa dibdib ng kaniyang kausap ay narinig niya ang panaghoy ng puso nito.



“I should get going.”



Tila naman nagising si Eric sa kaniyang pagmumunimuni nang marinig ulit ang boses na iyon at lalo na ang accent na inaamin niyang nakapagpaibig sa kaniya sa lalaking iyon noon. Sinundan ni Eric ang kaniyang bisita palabas ng apartment.



“Good bye, Eric.”



Tila naman may kumurot sa puso ni Eric pero tila rin may tinik na binunot mula doon. Isang malaking tinik na ibinaon doon ng kaniyang nakalipas. Nagpakawala siya ng matipid na ngiti lalo na nang maramdamang tila ba may inalis sa kaniyang pagkakapasan.



“Bye, Pat.” matipid na paalam ni Eric habang iniaatras ng kaniyang dating nobyong si Pat ang kotse nito palabas ng apartment.



Noong oras din na iyon ay may kotseng tumigil hindi kalayuan sa apartment na inuupahan nila Eric. Lumabas doon ang isang lalaking may magarang suot. Nakita nitong kumakaway si Eric sa driver ng isang kotseng pumipihit palayo, nang makalapit ito kay Eric ay agad itong nagpakawala ng isang nagbibirong tingin.



“Don't tell me you're having an affair with that guy.”



Napahagikgik si Eric at pabirong sinuntok ang braso ng bagong dating saka sabay na pumasok sa loob ng apartment.



“Wow, something smells great!” sabi ng bagong dating sabay yakap kay Eric at halik sa labi nito.


“Yes, so get your ass in the dining room already! I'm starved!” masiglang sabi ni Eric. Pareho na silang kumakain nang mabasag ulit ng katahimikan.


“Sooo... are you going to tell who's the guy I just saw leaving?”



Napangiti si Eric.



“He's the reason why I ended up moving back here in Manila.” matipid na sagot ni Eric, agad na kumunot ang noo sa pagtataka ng lalaking kaniyang kaharap.


“Ohhh, I think I haven't heard this one before.”


“I don't talk about it that much.”


“I want to hear it, if it's OK with you.”


“I don't know where to start.” nahihiyang sabi ni Eric.


“Then start from the beginning.”



Muling napangiti si Eric saka nagpakawala ng isang buntong hininga at nagsimula nang ikuwento ang nangyari sa pagitan nila ni Pat sa kasamang kumakain ng espesyal na tanghalian na iyon.


[01]
Nang matapos ikuwento ni Eric ang mga nangyari sa kanila ni Pat, kung pano sila nagkakilala, kung bakit sila nagkalayo at kung pano sila nagkagulo nung dumating sa eksena si Jake at nang sa wakas ay talikuran na siya nito ng tuluyan may ilang buwan na ang nakakalipas ay kitang kita nito ang galit sa mukha ng kaniyang kaharap, hindi parin sila tapos kumain ng inihandang espesyal na tanghalian ni Eric at hindi hahayaan ni Eric na masira ang tanghalian na iyon.



“Don't let it ruin our lunch, babe. At least what he did paved the way for us to meet.” nakangiting sabi ni Eric desperadong bawiin ang masayang atmosphere bago pa man niya simulan ang kwento kanina.


“Yeah, you're right.”



Saglit silang nagkatinginan at nagngiti-an.



“You know what story that would be really interesting while we're finishing lunch?”


“What?” tanong ni Eric.


“The story about how we met.”



Napangiti si Eric at sinimulan ng ikuwento ang nangyari matapos siyang talikuran ni Pat may walong buwan na ang nakakaraan.



---Eight Months Earlier---

Saglit na nabingi at nagdilim ang paningin ni Eric. Nung una pa lang siyang nagtrabaho sa kumpanyang iyon ay alam na niyang homophobe ang kaniyang boss, hindi niya pinansin ang mabababang pasaring nito sa tuwing maisipan ng boss niya laitin siya, minsan ay nagbibingi-bingihan siya, pero iba ngayon, alam niyang wala siyang ginawang mali at hindi siya ang dapat maagrabyado ngayon.



Nang buksan na ni Eric ang kaniyang mga mata at nang bumalik na ang kaniyang pangrinig ay tahimik niyang ipinagdasal na sana tapos na sa mga pasaring ang kaniyang boss, pero hindi nasagot ang dasal niyang iyon.



“You should try having your gayness squeezed out of your system, maybe by then you can do your job properly!” singhal ng boss ni Eric.


“With all due respect, sir, you said that I have a month to finish the project, It was only a week in after you gave me the instructions---”


Totoo, ilang linggo pa lang nang talikuran ni Pat si Eric na parang isang gamit na pinagsawaan at kailangan i-diskarga, nasaktan siya, tila tumigil ang mundo niya pero pinilit niya ang sarili na huwag iyong makaapekto sa kaniyang trabaho at sa tingin naman niya ay nagtagumpay siya doon.


Pero may mga tao lang talaga na kapag alam nilang nasa putikan ka na ay lalo ka pa nilang ilulublob doon para lang makitang nahihirapan ka, at hindi iba ang boss ni Eric sa mga ganoong tao.



“So you're blaming all these on me?!” singhal ulit ni boss, hindi nakasagot si Eric, alam niyang hindi magandang makipagtalo dito ngayon, alam niyang lilipas din ang problemang iyon.


“Sorry, Sir. It will not happen again.” nakayukong bulong ni Eric. Nakita ni Eric ang ngiti ng isang masamang tao na nagtagumpay sa kaniyang pangaapi, agad na lang siyang tumalikod at pabalik na sana ulit sa kaniyang upuan nang magsalita ulit ang kaniyang boss.


“Tigil tigilan mo kasi yang kabaklaan mo---” hindi na narinig ni Eric ang mga sunod na sinabi ng kaniyang boss, tinignan niya ang mga reaksyon ng taong nakapaligid sa kaniya sa loob ng malaking opisina na iyon, ilan ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kanilang boss ang ilan ay humahagikgik at ang ilan naman ay nagbubulung-bulungan.




Hindi lingid sa kaalaman ng mga andun ang kaniyang sexual orientation pero sa ilang taong pagtratrabaho niya doon at ilang beses na palabasin na ang pagiging bakla ay isang kasalanan at kahihiyan ay siya namang ikinapuno na ni Eric. Tinignan ni Eric si Mike na nakatayo sa hindi kalayuan, hindi ito makatingin ng daretso sa kaniya at hindi man lang siya ipagtanggol sa mga taong nakapaligid na humahagikgik na kala mo isang atraksyon sa perya si Eric.



At duon, lalong nainis si Eric.



Hindi inaasahan ng kaniyang boss ang biglaan niyang pagharap at ang pagretract ng kaniyang nakasaradong palad para bumuwelo para sa isang malakas na suntok. Nagtama ang kamao ni Eric at panga ng kaniyang boss, lalo siyang nakuntento nang marinig ang isang malutong na tunog na nagmula sa panga ng kaniyang boss.



Napahiga ang kaniyang boss sa maduming carpet ng kanilang opisina, sapo sapo ang kaniyang panga at mangiyakngiyak na sa sakit, tatayo na sana ito ng apakan ni Eric ang dibdib nito na siyang pumako sa pagkakahiga nito. Narinig ni Eric ang malalakas na hinga ng hangin mula sa mga kaopisina niyang gulat na gulat sa kaniyang ginawa. Umupo si Eric sa tapat ng ulo ng lalaking dati ay tinawag niyang boss, marahas na inabot ni Eric ang baba ng kaniyang boss at iniharap ang mukha nito sa kaniyang mukha.



“Kulang pa yan sa mga pangiinsultong ginawa mo sakin. Ngayon, sa oras na may magtrabaho ulit na bakla under mo, bago ka magsalita at bago mo laitin at ipahiya ang pagkatao ng baklang 'yon maaalala mo ang ginawa ng baklang 'to sa panga mo!” singhal ni Eric sabay marahas na pinakawalan ang baba ng kawawang lalaki, tumayo na si Eric at kinuwa ang bag niya sa kaniyang lamesa.



Tahimik ang buong opisina habang naglalakad si Eric papunta sa elevator. Papasok na sana siya ng magbukas ang mga pinto nang biglang may pumigil sa kaniya. Si Mike. Binigyan niya ito ng isang nakamamatay na tingin.



“You could've done something. You knew what I've been through these past few weeks and still you just stood there and let the lion eat me. Now, let go of me.” singhal ni Eric, agad na natakot si Mike, nun niya lang nakita ang kaibigan na ganun, alam niyang naghihinakit si Eric at ang kutyain siya ng boss niya sa ganoong paraan ay alam niyang napuno na ito kaya't hindi niya ito masisisi, hiniling na lang niya na sana hindi doon matapos ang pagkakaibigan nila.



Habang sumasara ang pinto ng elevator ay dun din sa puntong iyon bumagsak ang ilang luha mula sa mga mata ni Eric.



000ooo000



Nakatitig si Eric sa harap ng salamin ng kaniyang banyo, hindi niya lubos maisip kung panong sa loob lamang ng isang buwan na pagtalikod sa kaniya ni Pat ay tila ilang taon na ang lumipas mula sa kaniyang edad base sa kaniyang itsura, mahaba na at wala sa ayos ang kaniyang buhok, ilang linya narin ang ibinaba ng kaniyang bigat, lumalaki na ang mga bag sa ilalim ng kaniyang mga mata at miya mo wala siyang pambili ng pang-ahit dahil sa kapal ng kaniyang bigote at balbas.



Wala sa sariling binuksan ni Eric ang medicine cabinet, tinitigan ang isang bote ng pills kung saan kapag ininom ng isang lagukan lang ay maaari niyang ikamatay. Binuksan niya ang botelya at nagbuhos ng may limampung piraso ng tebletas sa kaniyang palad, panandalian niyang isinara ang medicine cabinet at muling nakipagtitigan sa kaniyang repleksyon.



Hindi siya makapaniwalang hahayaan niya ang kaniyang nararamdaman na tapusin ang kaniyang buhay. Kasabay ng malakas na panaghoy ay ibinato niya mga tabletas sa kalapit na pader. Hinayaan muli ni Eric na balutin ng luha ang kaniyang mga pisngi.



“There's no one else to blame but me. I let Pat be my world and now that he's gone, everything went crashing down.” sabi ni Eric sa kaniyang sarili habang may hinahanap sa kaniyang phonebook.



“Dad? I- I need your help.”



000ooo000



Hindi makapaniwala si Henry sa kaniyang nakita nang pagbuksan siya ng kaniyang anak ng pinto. Hindi na niya ito hinayaan pang magsalita, binalot na lang niya ito ng kaniyang mga bisig at mahigpit na niyakap habang si Eric naman ay muling ibinuhos ang kaniyang luha, ngayon, sa balikat ng kaniyang ama.



Ilang minuto at kumalma na si Eric, iginala ni Henry ang kaniyang mga mata sa loob ng apartment ng anak, hindi niy alubos maisip kung paanong ang kaniyang masiyahin atpuno ng buhay na anak ay nagkaganoon dahil lang sa isang lalaki. Ikinuwento ni Eric lahat ng nangyari simula sa pagtalikod sa kaniya ni Pat hanggang sa kung paano ay unti unting bumabagsak ang mundo niya, halata ni Henry na nahihiyang magsabi sa kaniya ang kaniyang anak, alam niyang malakilaking tulong ang dapat na ibigay niya dito kesa sa hinihingi ng anak.



“You don't have to ask, Eric, you're my son, sure I will help you.” alo ni Henry sa anak na nagsisimula na ulit lumuha.



000ooo000



“You can stay at my house until you're back on your feet---”


“What about tita Shelly?” tanong ni Eric habang nasa sasakyan na sila papunta sa bahay ng ama kasama ang mga damit at iba pa niyang gamit mula sa apartment niya. Nun lang naalala ni Eric ang kaniyang step mother.


“What about her?” balik ni Henry.


“Is she OK with this?” tanong ulit ni Eric.


“She'll be fine with it.” matipid na sagot ni Henry. May kung anong nagsabi kay Eric na hindi siya tuluyang nakukumbinsi sa sinabi ng kaniyang ama.


“I know a firm who can hire you.” pagiiba ni Henry ng usapan na hindi naman nakaligtas kay Eric.


“OK , dad, I'll print some updated CV's tonight.” sabi ni Eric sabay tango naman ni Henry.



Nang makarating ang magama sa bahay ni Henry ay hindi mapigilan ni Eric ang mamangha, alam niyang big-shot ang kaniyang ama pero hindi niya inaakalang pwede na itong ilista bilang ksapi ng mga tinatawag na “filthy rich” ng bansa. Napangiti si Henry nang makita ang itsura ng manghang manghang anak.



“You can stay here as long as you want.” nangingiting sabi ni Henry. Ang totoo niyan, wala na siyang balak na i-alis ang anak mula sa kaniyang paningin, hindi lang dahil sa depresyon nito kundi dahil nadin gusto niyang bumawi dito lalo na't halos hindi sila nito nagkasama maski noong bata pa si Eric.


“Well staying in a house this big surely makes me think about staying... for good.” sagot ni Eric habang manghang mangha paring tinitignan ang bawat sulok ng labas ng bahay.


“Leave you things here, I'll have manang get it later. I want you to meet your tita Shelly.” masuyong sabi ni Henry, hindi nakaligtas kay Eric ang tila ba batang pagiging excited ni Henry.


Nang pumasok na sila ng bahay ay lalong namangha si Eric, mas elegante ito kesa sa bahay na kinalakihan niya noong kasal pa ang kaniyang mga magulang at noon ay akala niya na wala ng mas eelegante pang tao kesa sa kaniyang ina. Inaya ni Henry si Eric papunta sa sala, doon, nagiintay si Shelly, saglit na kinilatis ito ni Eric.



Bata pa ito, tila asa late 30's, maputi at talaga namang donyang donya na ang dating sa kabila ng batang itsura. Saglit itong nagtaas ng tingin mula sa binabasang magazine at ngumit. Isa sa pinakapekeng ngiti na nakita ni Eric sa tanang buhay niya.



“Hun, this is my son, Eric, Eric meet your tita Shelly.” agad na lumapit si Shelly sa kaniyang asawa at binigyan ito ng isang matipid na halik saka humarap kay Eric sabay abot sa kamay nito kung saan sobra ang pagkakapisil at itinuloy sa isang saglit na yakap.


“Nice to finally meet you, Eric darling.” sabi ni Shelly, muntik ng mapairap si Eric sa sinabi ng babae, buti na lang at napigilan niya ang kaniyang sarili. Sa palagay kasi ni Eric na hindi lang ngiti ng peke dito kundi ang buong pagkatao nito lalong lalo na ang pagiging mabait nito.


“Hon, there's a message for you from the office.” sabi ni Shelly nang humiwalay ito sa saglit na yakapan.


“OK, saglit lang ako, tawag lang ako saglit sa office.” paalam ni Henry.



Pagkatalikod na pagkatalikod ni Henry ay agad na nabura ang pekeng ngiti sa mukha ni Shelly nang humarap ulit ito kay Eric, itinaas baba nito ang kaniyang tingin sa anak ng kaniyang asawa. Muling pinigilan ni Eric ang sarili na dukutin ang mapanghusgang mata ng bagong asawa ng kaniyang ama.



“I don't like you.” walang prenong sabi ni Shelly, sasagutin na sana ito ni Eric pero naalala niya kung asan siya at kung sino ang may ari ng bahay na iyon. Agad siyang nahiya para sa kaniyang ama.


“Let's get something straight. I'm the wife, it's only right and fitting for me and my unborn son to have Henry's money, not you. You have no place here.” sabi ni Shelly sabay himas sa kaniyang tiyan, nun lang napansin ni Eric na medyo malaki nga ang tiyan ng babae sa kaiyang harapan. Pinigilan muli ni Eric ang kaniyang sarili, hindi pa man kasi patay ang kaniyang ama ay may pinaplano na ang babaeng kaniyang kaharap, sa totoo lang ay wala naman siyang kursunada sa pera ng ama pero hindi niya rin naman hahayaan na gamitin ng babaeng kaniyang kaharap ang ama.



Ipagtatanggol na sana ni Eric ang sarili at ang kaniyang ama nang magsalita ulit ito.



“Totoo niyan, hindi lang naman ako ang may ayaw sayo dito eh. Sinabi narin sakin yan kanina ng dad mo bago siya umalis kaninang umaga. He's doing this not because he cares but out of obligation.”



Tila naman nakalunok ng bato si Eric sa sinabing iyon ni Shelly. Hindi siya makapaniwala pero hindi rin siya magtataka kung ganon nga ang nangyari, madalas wala noon si Henry sa buhay niya kaya't hindi nga malayong obligasyon lang ang tingin nito sa kaniya. Kung kanina ay gusto pang ipagtanggol ni Eric ng kaniyang ama, ngayon, hindi na niya alam kung ano pa ang dapat isipin.



“Ma...” sabay na nagulat si Eric at Shelly. Tumayo si Shelly at ipinakilala ang bagong dating.


“This is my eldest son, Ted, Ted this is Eric, Henry's son.” malamig na sabi ni Shelly. Nagtama ang tingin ni Ted at Eric, nagulat si Ted sa nakita sa mukha ni Eric, wala itong kasing lungkot, ang mga mata nito ay namamaga at tila laging iiyak, ang balat nito ay namumutla at ang dulo ng mga labi nito ay nakaturo pababa.


“Nice to meet you, Ted. Excuse me.” halos pabulong na na sabi ni Eric. Nang makatalikod ito ay agad na pumlaster sa mukha ni Shelly ang ngiti ng tagumpay, hindi ito nakaligtas kay Ted.


“What did you do, Ma?” umiiling na sabi ni Ted.


“Inilagay ko lang siya sa dapat niyang kalagyan.” siguradong sagot ni Shelly na tila ba tuwang tuwa sa kaniyang ginawa.


“You know what, Ma? Lahat ng masasama mong ginagawa will eventually get you back.” umiiling na sabi ni Ted.


“I'm doing this for us.” di makapaniwalang pagtatanggol ni Shelly sa sariling anak.


“Maraming paraan para ipakita samin na mahal mo kami, Ma, and being an ice queen to tito Henry's son is not one of them. I don't want to do anything with what you're planning.” singhal ni Ted sa noon ay gulat na gulat na si Shelly sabay talikod.



000ooo000



Ini-start na ni Eric ang kaniyang sasakyan, nanlalabo ang kaniyang mga mata dahil sa namumuong mga luha mula dito. Sinimulan na niyang i-atras ang sasakyan at i-ayos ito palabas ng bakuran mula sa mansyon ng kaniyang ama. Hindi siya makapaniwala na sa loob lang ng isang buwan ay nawala na sa kaniya lahat.



“I'm broke, I'm jobless and now my dad only wants me because he feels obligated. Pat already turned his back on me, my friends despise me because of the office incident and now my family doesn't want anything to do with me. What did I do to deserve this?! I'm alone and miserable!” halos pahagulgol nang sabi ni Eric sa sarili niya kaya't hindi niya napansin ang tumatakbong si Ted na iniharang ang sarili sa gate pasalubong sa kotse ni Eric.


“Shit!” sigaw ni Eric sabay apak sa preno. Ilang pulgada na lang ang layo ng bumper ni Eric mula sa mga tuhod ni Ted.


“What the hell!” singhal ni Eric sabay baba ng sasakyan.


“Magpapakamatay ka ba?!” sigaw ni Eric.


“Nope.” matipid na sagot ni Ted.


“Ah, I see, going to give me a dose of your own bitchin' huh? Don't worry, your mother made it clear for me!” malamig na sabi ni Eric sabay sakay sa kaniyang sasakyan, hindi niya napansin ang patakbong si Ted, nakita na lang niya itong sumasakay sa passenger side ng kaniyang sasakyan.


“What the---”


“Hey, I'm a good guy, Eric! I love my mom but I don't always agree with her.” balik ni Ted. Saglit itong tinignan ni Eric. Habang si Ted naman ay sumulyap pabalik ng bahay para makita kung nakita siya ng kaniyang ina pero imbis na sa bahay matuon ang kaniyang pansin ay sa mga malalaking bag at isang kahon sa backseat tumuon ito.


“Are you homeless?” nagbibirong tanong ni Ted para naman kahit papano ay gumaang ang loob ni Eric pero imbis na tumawa si Eric ay muling nakita ni Ted sa mukha nito ang sobrang lungkot.


“Well I was supposed to stay here but your mother said otherwise, so yeah, I guess I'm homeless now.” malungkot na balik ni Eric, gusto sanang batukan ni Ted ang sarili sa kaniyang sinabi pero agad din siyang nakaisip ng pambawi dito.


“You can stay with me.” alok ni Ted na ikinagulat naman ni Eric.



000ooo000



Masayang bumaba ng hagdan si Henry. Napasilip siya sa bintana at nakita ang sasakyan ni Ted na palabas ng driveway, ikinibit balikat niya na lang ito dahil sanay na siyang pumaparron at parito ang kaniyang stepson, muli niyang nirepaso sa kaniyang isip ang binabalak na gagawin niya at ni Eric sa hapon na iyon ng magkasama.



“Was that Ted I saw leaving?” tanong ni Henry kay Shelly nang dumating siya sa sala.


“Yes.” matipid na sagot ni Shelly.



Napatigil saglit si Henry nang mapansing wala si Eric sa sala at tanging ang kaniyang asawa na lang ang andun at nagbabasa ng magazine.



“Where's Eric?” tanong ulit ni Henry.


“Oh, he said that he changed his mind and that he doesn't need your help anymore.” walang sabit na pagsisinungaling ni Shelly, tila naman binagsakan ng malaking bato si Henry, hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang nagiba ang isip ng kaniyang anak gayung may ilang oras lang ang nakalipas ay tila isa itong bata na humihingi ng tulong sa kaniya. Napasalampak naman sa malambot na sofa si Henry at tila ba hinigop lahat ng kaniyang lakas.



Natatakot siya sa maaaring kahantungan ng anak lalo pa ngayon na pakiramdam nito ay iniwan siya ng lahat ng tao na kaniyang inaasahan maliban sa kaniya na ama nito.


[02]
Hindi parin alam ni Eric kung paano nangyaring sinusundan niya ang sasakyan ni Ted papunta sa apartment nito, ang alam niya lang ay mas mainam na iyon kesa naman magpalipat-lipat siya ng motel at tuluyan ng maubos ang kaniyang natitirang pera, hindi rin alam ni Eric kung paanong ganun na lang din siya kabilis magtiwala sa kaniyang step brother gayung hindi malayong mangyari na kasing ugali din ito ng kaniyang ina.



“I guess that is because I have no choice but to trust him.” bulong ni Eric sa sarili.



Ilang saglit pa ay tumigil na ang sasakyan ni Ted sa isang eskenita na puno ng tambay ang magkabilang tabi ng kalsada kung saan maraming street vendor, hindi maiwasang mapansin ni Eric na malayo ito sa magarang village na tinitirhan ng kaniyang ama.



“Siguro nga hindi siya katulad ng kaniyang nanay.” sabi ni Eric sa sarili matapos kilatisin ang lugar. Bumaba na si Ted mula sa sariling sasakyan at binuksan ang isang gate, sumenyas ito na ipasok na ni Eric ang sasakyan nito at susundan siya nito pagkatapos. Tumango si Eric at ipinasok na ang kaniyang sasakyan sa maliit na garahe kung saan dalawang kotse ang masikip na magkakasya doon.



0000ooo0000



“So this is it!” magiliw na sabi ni Ted kay Eric, si Eric naman ay hindi mapigilang mapangiwi. Nakuwa naman niyang hindi magarang tao si Ted ayon sa nakita nitong ebidensya kung saan nakatayo ang napili nitong tinitirhang apartment pero ngayon, alam na talaga niyang ibang iba si Ted sa kaniyang ina.



Sa loob ng apartment ay may isang lamesa at tatlong monoblock na upuan, kakaunti lang ang gamit nito sa kusina at may isang malaking sofa at maliit na TV na nakapatong sa maraming libro ang nasa sala. Hindi lang sa kakaunti ang gamit, medyo magulo din ang loob ng apartment at makalat. Ibinalik ni Eric ang tingin niya kay Ted, nun niya lang nalaman na nakatingin pala ito sa kaniya at iniintay ang kaniyang magiging reaksyon.



“I'll give you a grand tour of the place first.” excited na sabi ni Ted kay Eric sabay hila dito papunta sa sala na ilang hakbang lang naman ang layo mula sa kanilang kinatatayuan.


“Well this is our living room, as you can see there's a very comfortable sofa and a colored TV over there, errr that's about it.” sabi ni Ted sabay namula, sa palagay ni Eric ay unti unti na itong tinamaan ng hiya.


“Next is our dining room, originally there are four monobloc chairs here but a friend of mine broke it while playing strip poker.” humahagikgik na sabi ni sabi ni Ted, napaisip naman bigla si Eric tungkol sa sinabing iyon ni Ted, naisip nitong panong nasira ang upuan kung naglalaro lang naman ang mga ito ng strip poker.


“Unless they're a violent lot, there's still time, Eric, you can still back out!” sigaw ng isang bahagi ng isip ni Eric pero agad ding nalihis ang iniisip niyang iyon nang bigla ulit siyang hilahin ni Ted.


“This is our kitchen, a stove where you need a match to light, a microwave and a fridge.” nakangiting sabi ni Ted, hindi pa man nalilibot ni Eric ang kaniyang tingin sa buong kusina ay muli siyang hinila ni Ted, asa bungad sila ng isang hindi kahabaang hallway, may tatlong pinto doon, dalawa ay halos magkaharap at ang pangatlo ay nasa pinakadulo ng hallway.


“What's your name, Sir?” tanong ni Ted na ikinagulat ni Eric, nagiba ang boses nito, naging ka boses nito ang voice prompt sa palabas na 'the price is right' pero kahit pa ganun ay nakisakay na lang si Eric sa larong iyon ni Ted.


“Err... Eric---”


“Eric! There are three doors in front of you, one of those three will be yours for as long as you want to stay and one is my room and the other is the bathroom, so Mr. Eric what will it be?” nakangiting sabi ni Eric, agad na natameme si Eric, napatitig ito sa mga ngipin ni Ted, pantay pantay at mapuputi, hindi niya inaasahan na ganung kalapit na pala ito sa kaniya.


“Well? Choose a door, Sir Eric.” sabi ni Ted at muling ngumiti sa kaniya, tila ba isang TV host na pinipilit siyang buksan ang pinto kung saan nandun ang limpak limpak na papremyo.


“Err, door number one?” hindi parin siguradong sagot ni Eric, napangiti lalo si Ted.


“ENGGGGGGG!” sigaw ni Ted, pilit na ginaya ang isang bizzer na tila ba nagkamali ang contestant sa kaniyang sinagot.


“Aww! Sorry but that's my room.” balik naman ni Ted sabay hila kay Eric.



“Just right across my room is your new room, it has been vacant for years now and I don't mind you using it, the door to your left is our bathroom.” sabi ni Ted sabay bukas ng pinto. Napanganga si Eric, hindi naman sa nakakadiri ito pero hindi rin ito malinis. Hindi nakaligtas kay
Ted ang reaksyon na iyon ni Eric.


“I know it's not much but I---” umpisa ni Ted habang nagkakamot ng ulo, nakita niya kasi ang reaksyon ng mukha ni Eric at alam niyang nadidiri ito sa apartment niya dahil sa pagiging makalat nito.


“It's more than enough, Ted. Before I forget I would like to thank you now, but---” bago sabihin ni Eric ang salitang 'but' ay may malaking ngiti na nakaplaster sa mukha ni Ted pero agad din na nawala iyon nang sabihin ni Eric ang salitang iyon. “---but I have something to tell you first---” tuloy ni Eric pero sumingit ulit si Ted at nagmamadaling sinabing...


“I know the place is messy and all but I think this is better than renting a room for hours and spend all your money--- ” kinakabahang depensa ni Ted, sinabi niya ito ng isang hingahan lang na ikinangiti naman ni Eric. Nun lang naalala ni Eric na nun lang ulit siya ngumiti ng ganun sa loob ng isang buwan. Ang totoo niyan medyo nadudumihan at naguguluhan nga si Eric sa apartment ni Ted pero hindi niya iyon sasabihin kay Ted dahil sa totoo lang, si Ted lang ang nagmalasakit sa kaniya sa loob ng isang buwan partida na at nun lang sila nagkakilala, kaya't sinabi na lang ni Eric ang sunod sa listahan ng mga alam niyang magiging problema nila. Ang kaniyang sekswalidad.


“No, I don't mind the mess, Ted. Uhmmm what I want to talk to you is something personal that I don't want to keep secret. I've kept it secret before and it blew up in my face like a thousand bee sting so before I lose my nerve please let me finish.” nakangiti paring sabi ni Eric pero unti unti ring nabura ang ngiting iyon dahil sa kaba. Nagbuntong hininga si Eric at seryosong tumingin sa mga mata ni Ted.


“I'm gay, Ted and if were going to have problems because of my sexuality might as well say it now.” pabulong at nakayukong sabi ni Eric kay Ted. Matagal bago sumagot si Ted kaya naman dahan dahang nag-angat ng tingin si Eric nakita niyang nakakunot ang noo ng kaniyang step brother, tumalikod ito na ikinakaba naman lalo ni Eric, umupo ito sa sofa na para bang hindi naman kabigatan ang kanilang pinaguusapang dalawa.


“You need a place to stay and I'm not just going to throw you out because you like guys.” sagot ni Ted sabay kibit balikat. Saglit namang naguluhan si Eric pero nang pumasok na sa kukote niya ang sinabi ni Ted ay muli siyang napangiti.


“So anong plano mo?” tanong ni Ted sabay itinaas ang kaniyang mga paa sa coffee table sa tapat ng sofa at binuksan ang T.V. Napangiti ulit si Eric, alam niya na agad na magkakasundo sila ni Ted.


“Hanap ako ng trabaho and then kapag sinuwerte at least maghahanap muna ako ng place---”


“You don't have to do that, you can stay here as long as you want, makakatipid ka na hindi mo pa kailangang ma-stress maghanap ng magandang lugar.” alok ulit ni Ted, sasagot na sana ulit si Eric nang biglang mag-alarm ang telepono ni Ted.


“Oh shit!” singhal ni Ted.


“Wha---?”


“I almost forgot! Magbihis ka, punta tayong party!” sigaw ni Ted sabay patakbong pumunta sa isa sa mga kuwarto.


“Ha? I don't think---” umpisa naman ni Eric habang sinusundan si Ted papunta sa kwarto nito, naabutan niya itong naghuhubad ng damit pangitaas, di mapigilan ni Eric na matahin ang katawan nito. Halatang banat sa gym ang kaniyang step brother.


“Hey, you're new here, you should be meeting new people, di mo alam baka ilan sa mga makikilala mo sa party eh makatulong sayo makahanap ng work.” sabi ni Ted habang inaamoy ang kilikili.


“Ewww! Straight boys are the grossest thing.” bulong ni Eric sa sarili matapos ikibit balikat ni Ted ang amoy ng kilikili niya.


“I think I'm going to pass---”


“No you wont. Go get dressed!” sigaw ulit ni Ted habang nagmamadaling nagpahid ng deodorant at nagsuot ng isang t-shirt, sa sandali ding iyon ay pareho nilang narinig ang pagkatok sa front door.


“I'll get it.” alok ni Eric para narin makaiwas siya sa pangugunlit ni Ted at sa palihim naring paninilip na ginagawa niya.



0000ooo0000



“Who the hell are you?!” singhal ng lalaking pinagbuksan ng pinto ni Eric, hindi niya akalain na ang masasamang loob sa lugar na iyon ay simpleng kumakatok lang ng pinto. Agad na nakaramdam ng takot si Eric, hindi siya natatakot manlaban sa mga may masasamang loob pero sa laki at tindig ng lalaking asa harapan niya ngayon ay talaga namang kahit si Vin Diesel ay matatakot sa porma nito.


Halos kasing laki ng troso ang braso nito, kahit may kaluwagan ang damit pangitaas ay maaaninag mo ang malabatong muscles sa dibdib at tiyan nito at ang laki nito ay siguradong ikatutupi ng mga basketbolista.


“Hey Ant! We'll be ready in a minute!” sigaw ni Ted sa likod habang isinusuot ang isang pares ng pantalon, hindi makagalaw si Eric sa kinatatayuan, daretso namang pumasok si Ant, tila ba hangin lang para sa kaniya si Eric.


“Hey, who's your new maid?” tanong ng lalaking nagngangalang Ant sabay hagikgik, agad namang nagising sa pagkakatigil si Eric, agad na namula ang mga pisngi niya at tinamaan ng hiya.


“Oh, he's Tito Henry's son. ERIC! Come here!” sigaw ni Ted, agad na sinara ni Eric ang front door at tumuloy sa kwarto ni Ted, unti unti na niyang nararamdaman na taga silbi nga siya sa bahay na iyon.


“Eric this is Anthony, but we all call him Ant, Ant this is my step brother, Eric.” nagtama ang tingin nila Eric at Ant, nun lang napansin ni Eric ang mala totoy na itsura ni Ant, hindi naman ito pangit sa katunayan nga ay nacute-an si Eric dito.


“Nice to meet you, Eric.” bati ni Ant sabay ngiti. Hindi parin makapagsalita si Eric kaya't inabot na lang niya ang kamay kay Ant para kamayan ito, nagulat na lang si Eric nang bigla siya nitong yakapin at halos pipitin sa pagitan ng matipunong dibdib nito at malatrosong kamay.


“Oh and he's a hugger. HEY! I told you to get dressed!” sabi ulit ni Ted sabay hila kay Eric mula sa mahigpit na yakap ni Ant at itinulak ito papunta sa mga bag ni Eric, bago pa man makaprotesta si Eric ay hinalungkat na ni Ted ang mga bag niya at naghanap ng damit para dito.


“Wow you got nice clothes.” sabi ni Ted habang iniisa isa ang mga nakatuping t-shirt.


“Please don't throw them all over the place, Ted. Geesh! If I had known that you're such a manipulative bastard sana tumanggi na lang ako sa alok mo.” singhal ni eric habang hindi mapakali sa pagpulot ng mga damit niyang basta na lang initsa ni Ted, natigilan siya nang mapansing pinapanood siya ni Ant agad siyang kinilabutan lalo na nang ihilig nito ang kaniyang ulo pakaliwa na kala mo kindergarten na nagtataka sabay pakawala ng isang nakakalokong ngiti.


“I think these will do.” sabi ni Ted sabay tulak ng isang t-shirt at pantalon sa dibdib ni Eric bilang sabi na 'isuot mo 'to' tinignan ni Eric ang mga iyon at naglakad papuntang kwarto para magbihis.



0000ooo0000



Nang lumabas si Eric ng banyo ay hindi na nagaksaya ng panahon si Ted at Ant at itinulak na ito papasok ng kotse. Hindi naman mapakali si Eric lalo na't hindi niya parin alam kung san sila pupunta sa sobrang pagkabahala ay hindi niya napansin ang paminsan minsang pagtingin ni Ted sa rear view mirror at ang masuyong pagngiti nito pagkatapos.


Napanganga si Eric nang tumigil sila sa isang kilala at mamahaling bar. Isang beses pa lang nakapunta doon si Eric pero hindi siya nagtagal doon dahil sa mahal ng inumin. May mahabang pila sa labas ng bar at nagtaka agad si Eric nang hindi na nagaksaya ang dalawa na pumila doon, tumabi ang bouncer na pwedeng ikumpara sa katabi niyang si Ant at pinapasok na sila sa loob ng bar ng walang sabi sabi.



Abala si Eric sa kakalingon nang bigla siyang akbayan ni Ant at marahang hinila papunta sa isang lamesa kung saan may ilang tao na andun na mukhang kilala ni Ted at Ant.



“Kaibigan mo lahat sila?” tanong ni Eric kay Ted. Humagikgik naman si Ted.



“Bakit di ba halata? Mababait yang mga yan, mukha lang mga snob pero mga totoong tao yan kapag nakilala mo.” sabi ni Ted sabay hagikgik ulit, dahil sa pagkaabala ng dalawa ay hindi na nila napansin ang pagupo ni Ant sa isang bakanteng silya at nagsimula nang magkuwento sa grupo. Sumunod si Ted at Eric, nung aktong 'yon ay naabutan ni Eric ang sinasabi ni Ant.



“So I was saying, Rica and I are together again.” sabi ni Ant, wala namang reaksyon ang mga taong kasama nilang nakaupo, tila ba hindi na ito balita sa kanila.



“So where's Rica the Slut?” tanong ng isang lalaki na nakaupo sa bandang kanan ni Eric na nagngangalang Mervin ayon kay Ted. Nang ibalik ni Eric ang tingin kay Ant para makita ang reaksyon sa mukha nito ay di na ito nagulat nang makita niyang nanlilisik ang mga mata nito, natakot si Eric nung una pero agad napalitan ang tingin na iyon sa mukha ni Ant, ngayon tila ba maiiyak na ito at nagmamakaawa.



“Please don't call her that. She's just friendly.” pagmamakaawang sabi ni Ant, nagulat si Eric, hindi nito inakalang isang ganung kalaking lalaki katulad ni Ant ay sensitive pala.



“Friendly?! C'mon Ant! You deserve better.” sabi naman ng isang babae dalawang silya ang layo sa kinauupuan ni Eric na nagngangalang Sheena. Tinignan ulit ni Eric si Ant, ngayon nangingilid na ang luha nito at naka nguso na ang mga labi.



“Ant is the group's cry baby. Lagi yang ganyan, di yan nagagalit at miya mo bata kapag sinita, iyakin. Si Mervin is the group's resident asshole, Sheena is the resident bitch, Tina is the resident idol and sweetheart, while Cameron is... well Cam. Hehe.” bulong ni Ted kay Eric na matamang pinapanood ang mga kaibigan ni Ted.



“Eh ikaw?” tanong dito ni Eric sabay inom ng inorder na inumin..



“Oh, he's the resident fag.” sabat ni Mervin, naibugha naman ni Eric ang kaniyang ininom sa sinabing iyon ni Mervin.



“He's joking.” sabi ni Ted sabay tawa nagtinginan naman ng masama si Mervin at Ted sa huli ay nagkibit balikat na lang si Mervin at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan kay Sheena at Cam.



“I'm the group's resident Mr. Congeniality.” sabi ni Ted sabay flex ng biceps, stomach in at chest out. Napahagok naman si Ant sa sinabing iyon ni Ted na ikinatawa naman ng buong grupo.



“Where the hell is Rica?” tanong ni Ant sa grupo, napahagikgik naman ang mga ito.



“She's giving some guy a lap dance over there.” turo ni Sheena sa isang lamesa sa hindi kalayuan. Tumayo si Ant at nanggagalaiti ang mga muscles sa galit.



“Sa grupo lang cry baby si Ant pero sa labas ng grupo, siga yan.” sabi ulit ni Ted.



“Yeah, remember what he did to Ross?” tanong ni Cam. Tumango naman si Mervin habang umiinom ng kaniyang beer.



“Yeah, I thought Ant's going to rip that assholes face. I guess he saw that coming after what he did to our resident Mr. Congeniality.” sabi ni Sheena sabay nguso kay Ted, nakita ni Eric na namutla si Ted at sandaling nag tense ang panga nito.



“Uhmmm Who's Ross?”



“He's Ted's ex---” umpisa ni Tina.



“ex- bestfriend.” mabilis na pagtatapos ni Ted sa sasabihin sana ni Tina. Nagtaka naman si Eric sa biglaang pagiba ng kinikilos ni Ted. Tinignan ni Eric si Tina at nagkibit balikat lang din ito, hindi na nito tinanong pa si Ted at ikinibit balikat na lang din niya iyon.



“Let's dance!” sigaw ni Tina, isa isang nagsitayuan ang mga ito, hinila naman ni Ted si Eric para magsayaw rin pero nagpaalam itong mag c-CR muna at susunod na lamang, tumango ito at ngumiti.



Pero hindi sa CR tumuloy si Eric, lumabas ito ng club para magpahangin. Malapit na sa pinto ng club si Eric ng biglang may bumunggo sa kaniyang likuran, tinignan niya ang mukha nito at biglang napatigil at nanlambot si Eric.



“Pat.”


Itutuloy...


[03]
Pinilit ni Eric makabawi mula sa pagkakapako ng kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan, sinimulan ni Eric na habulin si Pat. Kahit na sabihin ni Eric sa sarili niya na isang alaala na lang si Pat ay di parin makuwa ng puso ni Eric na wag itong pansinin. Isiniksik ni Eric ang sarili niya mula sa mga nagkakasayahang tao sa may bungad ng club at lumabas na gaya ng ginawa ng lalaking bumangga sa kaniya.



Sumisikip ang dibdib ni Eric, di siya makapaniwala sa kaniyang gagawin.




“Dapat nakalimutan na kita diba? Dapat wala na akong nararamdaman sayo.” sabi ni Eric sa sarili niya may ilang metro na lang ang layo kay sa lalaking nakakuwa ng kaniyang atensyon. Iniabot nito ang kamay niya at inilapag iyon sa balikat ni Pat.



“Pat.” tawag ni Eric dito. Agad na humarap ang lalaki, laking gulat ni Eric nang mapansing hindi pala si Pat ang kaniyang hinabol. Totoo, magkamukha sila, ang tanging naiba ay ang mga labi at ayos ng buhok at ang kulay nito pero hindi parin maikakaila na magkamukhang magkamukha sila ni Pat. Nangunot ang noo ng lalaking akala ni Eric ay si Pat.



“I'm sorry.” bulong ni Eric dito sabay talikod at patakbong lumayo sa lalaking iyon. Nang marating na ni Eric ang kotse ay pasandal itong pumadausdos sa makinis na pintura nito at napaupo sa sahig ng parking lot.



Ilang segundo lang ay nakita niyang humahangos ang lalaking kamukha ni Pat, tinignan niya ito at nagtama ang kanilang mga tingin, ngumiti ito at lumapit kay Eric nang makalapit ay umupo ito sa tabi ni Eric.



“Hi.” nahihiyang bulong nito sabay ngiti.



“Taena, pati ngiti pareho sila ni Pat.” sabi ni Eric sa sarili niya di na lang ito sinagot ni Eric at ngumiti.


“That guy must have made an impression on you huh? Yung Pat?” sabi nito sabay tingin kay Eric na miya mo nangigilatis. Tumango na lang si Eric.


“So... is he someone special or something?” tanong ulit nito, tinignan ito ni Eric at ngayon siya naman ang nangilatis.


“He's my ex.”


“Oh, that figures.” sagot ulit nito.


“I'm James Rosberto Ardinato by the way. They call me Ardi.” pakilala nito sabay abot ng kamay kay Eric.


“Eric.”


“Want to go somewhere else---?” tanong ni Ardi. Agad namang nagalangan si Eric. Mukha namang nakita ng huli ang pagaalangan na iyon sa mukha ni Eric kaya't agad itong ngasalita ulit.


“I'm not a rapist or something. We can have coffee if you like or we can grab something to eat.” aya ulit nito, tumango si Eric at nagpaalam na may tatawagan lang, ngumiti na lang ito bilang sagot sa paalam na iyon ni Eric.


“Hello.”


“Helooowww. Hihihi.” sabi ni Ted sa kabilang linya na halatang may tama na sa kakainom.


“It's me, Eric, Uhmmm Ted, kakain lang ako or something ah, babalik din ako agad, wag kang uuwi nang hindi ako bumabalik, di ka pwedeng mag drive ng gan---”


“Asan ka?! Sinong kasama mo?!” halos pasigaw na nitong tanong ni Ted, tila nalusaw ang pagkalasing nito at muling bumalik ang pagiging protektibo nito sa step brother niya.


“Ted, Don't worry. Saglit lang ako.” sagot agad dito ni Eric sabay baba ng telepono dahil alam niyang magpupumilit si Ted na sumama pero ayaw niyang paginatayin si Ardi.



Naglakad na ang dalawa papunta sa isang convenience store. Palakwento si Ardi, di alam ni Eric pero parang ang gaan agad ng loob niya dito, naging kumportable agad itong kausap ang huli at hindi rin nakaligtas kay Eric ang pambihirang pagkakatulad nito kay Pat sa madaming bagay. Hindi lang sila magkamukha ni Pat, pareho rin sila maglakad at magsalita, minus the british accent pero pareho sila ng punto. Gusto sanang tanungin ni Eric kung may kakilala o kamaganak si Ardi na Pat pero pinigilan niya ang sarili nang madako ang paguusap nila tungkol sa mga namatay na niyang magulang at ang pagtira niya sa Davao sa mga grand parents niya.



Alam ni Eric na malayo na, na maidikit pa niya ang pangalan nito kay Pat bilang nawawalang kamaganak dahil alam niyang wala pa ni isa sa angkan ni Pat ang nakakatuntong ng Davao.



“So tell me about this guy called Pat.” gising ni Ardi sa aking pagmumunimuni. Biglng namutla at nawala sa mukha nito ang ngiti na kanina lang ay nakaplaster sa mukha niya habang nagkwekwento si Ardi.


“Oh, an Ex and an asshole.” bulong nito sabay iling.


“Pano mo nalaman?” tanong ni Eric. Inabot niya ang pisngi ni Eric at idinampi doon ang makinis at malambot niyang palad.


“Nakita ko kung pano nabura ng tanong kong iyon ang ngiti sa mukha mo eh. Isa lang ang ibig sabihin nun.” nangingiting sabi ni Ardi napangiti ulit si Eric, hindi nito mintindihan kung pano nagawa ni Ardi iyon, kung panong napangiti siya nito sa kabila ng sakit na naramdaman mula sa pagkakaalala kay Pat.


“So, bago ka dito? Bakit ka naman napadpad dito?” tanong ulit ni Ardi.


“Maliban sa pagiwas kay Pat, naghahanap ako ng bagong trabaho.” sagot ni Eric tumango naman si Ardi.


“What do you do?”


“I'm an architect.” lumiwanag bigla ang mukha ni Ardi sa sagot ni Eric na iyon.


“I think I can help you with that.” sabi ni Ardi sabay abot kay Eric ng isang calling card, agad niya itong binasa.



“You're also—-”


“Yup, just like you, we're one architect short, I'm sure our boss would like it if you will join our company.” sabi nito sabay ngiti.


“You're cute when you smile like that.” sabi nito na ikinagulat at ikinamula naman ni Eric.


“Awww! You're blushing! How adorable.” sabi ulit ni Ardi sabay akbay kay Eric at gulo sa buhok nito. Biglang nakaramdam ng kung ano sa dibdib si Eric. Tila ba nag jump start ang kaniyang puso.



0000ooo0000



“San ka nakatira? Hatid na kita.” alok ni Ardi nang makabalik na sila sa harapan ng club kung saan nasa hindi kalayuan ang grupo nila Ted na masayang naguusap.


“Wag na, actually may kasama ako ngayon, ayun sila oh.” sagot ni Eric sabay turo sa grupo nila Ted kay Ardi.


“You're with them?” tanong ni Ardi sabay iling.


“Yup, I'm staying with Ted hangga't di pa ako nakakakita ng work at hangga't di ko pa kayang magbayad ng rent para sa bahay.” sagot ni Eric, nang ibalik niya ang tingin kay Ardi ay namutla ito at yumuko.


“OK ka lang, Ardi?” tanong ni Eric dito. Tumango lang ito.


“Di lang kami magkasundo ni Ted. B-boyfriend mo ba siya?” agad namang nagulat si Eric sa tanong ni Ardi saka sa sinabi niyang magkakilala sila ni Ted at ang masama pa di sila magkasundo.


“Ni Ted? Hindi ah--- straight yun! Saka kung hindi man siya straight eh hindi parin pwede kasi step brother ko siya.”


“I'm just asking, well di kita masisisi kung main-love ka kay Ted. Anyway, nice meeting you, Eric, kita tayo tomorrow sa office, I'll be expecting to see you there.” sabi ni Ardi na muling lumiwanag ang mukha matapos ang paglilinaw niya sa relasyon nila ni Ted, saglit na ngumiti si Ardi at tila ba nagalangan pa pero sa huli ay nagbigay rin ito kay Eric ng isang friendly hug.


“Nice meeting you too.” sabi ko dito sabay ngiti. Nang medyo makalayo na si Ardi ay may sumalubong ditong isang lalaki, nagtama ang tingin ni Eric at ng lalaki at agad na nakaramdam ng kakaibang pakiramdam si Eric kaya't iniwas na niya ang tingin niya sa lalaki saktong pagkatalikod ni Eric ay siya namang sulpot ni Ted sa kaniyang tabi.


“Where were you?” tanong ni Ted may bakas ng pagkairita sa boses nito.


“Ah, may nakita lang akong kakilala, kumain lang kami saglit.” sagot ni Eric dito tila naman kinagat iyon ni Ted.


“Ah ok. Uwi na tayo?” tanong ni Ted sabay ngiti, halatang may tama na. Tumango na lang si Eric bilang sagot.



0000ooo0000



Nang makarating sila sa apartment ni Ted ay wala paring sawa sa pagkwekwento si Ted tungkol sa nakakatawang nangyari kay Ant nang kumprontahin niya yung kasayaw daw kanina ni Rica sa bar, yun pala kapatid ni Rica yun, huli na daw nung marealize ni Ant na kapatid pala ni Rica yun. Kwento parin ng kwento si Ted hanggang makarating na sila sa kwarto ni Eric, humiga si Ted sa kama ni Eric nang hindi nagpapalit ng damit, si Eric naman ay nakapagpalit na kaya't hindi nagtagal ay nagpasya na itong magpahinga, wala paring tigil sa kakadaldal si Ted. Nang mahimasmasan na ito ay...



“Ahhmm, Ted?”


“Ummm?”


“Pwede mo ba akong samahan bukas mag-apply?” tanong ni Eric.


“Sure.”


Saglit na natahimik ang dalawa.


“Eric?”


“Ummm?”


“Pwede dito makitulog? Inaantok na kasi ako eh, tinatamad na akong lumipat sa kabilang kwarto.” paalam ni Ted.



“Bakit kailangan mo pang magpaalam eh bahay mo ito. Palit ka muna ng damit at baka mangamoy usok yung higaan ko.” balik ni Eric dito. Humagikgik naman si Ted at patuloy parin sa pagkwento. Habang hinuhubad ang damit na sinuot nung gabing iyon sa club.



Nang matapos sa pagbibihis ay muling nagsimula sa pagkukuwento si Ted, nakaharap ito kay Eric at gayun din si Eric sa kaniya. Nun lang ulit napagtanto ni Eric na talagang gwapo ang kaniyang step brother, ilang beses na pinigilan ni Eric ang sarili na abutin ang mukha ni Ted at halikan iyon. Iniisip niya na hindi magandang tignan na naghahalikan ang mag step brother at hindi niya rin kinalimutan na straight pa ang step brother niya na iyon. Di na namalayan ni Eric na tumigil na si Ted sa pagku-kuwento at napalitan ang pagdaldal nito ng mahinang paghilik.



Napahagikgik si Eric. Pumaling na ito patalikod kay Ted para matulog na din, malapit na siyang makatulog nang biglang may mabibigat na bagay na pumatong sa kaniyang tagiliran, isa sa kaniyang braso at isa sa kaniyang paanan, aalis na sana siya sa pagkakadantay ni Ted ng bigla siya nitong hilahin palapit sa kaniya at yakapin ng mahigpit.



“Dammit! ” sabi ni Eric sa sarili niya pero agad din siyang naging kumportable lalo na ng marinig niya ang mahinang paghilik ni Ted na miya mo nanghehele. Nakatulog siya nang hindi manlang umisod ng kaunti palayo kay Ted.



0000ooo0000


Nagising si Eric nang makaramdam siya ng matigas na bagay na tumutusok sa ksniyang likuran. Akala niya nung una nanaginip lang siya at naisip na baka si Ted lang iyon. Nang maisip niyang maigi ang nauna niyang naisip na iyon ay agad nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi panaginip iyon at alam niyang si Ted nga ang sumusundot na iyon sa kaniyang likuran. Naramdaman niyang ikiniskis pa ni Ted ang kaniyang pagkalalaki sa kaniyang likuran.



“Shi-shit!” sabi ni Eric sa sarili niya. Hinila niy ang braso ni Ted na nakayakap parin sa kaniya at sinimulang yugyugin iyon.



“Ted.” tawag ni Eric dito pero walang nagbago, ikinikiskis parin ni Ted ang pagkalalaki niya kay Eric at nararamdaman niyang lalo itong tumitigas.



“Am I being sexually harassed here?!” tanong ni Eric sa sarili niya sabay nilakasan na ang pagyugyog sa braso ni Ted.



“Ted.” wala paring nagbago.


“Ted!” sigaw ni Eric. Agad namang napaupo si Ted at saglit na kinusot-kusot ang kaniyang mga mata.


“Wha--!” sigaw nito, umupo narin si Eric at tinignan ng masama si Ted. Siguro nang magising na ang diwa nito at naisip na kung bakit siya tinitignan ng masama ni Eric ay agad nanlaki ang mga mata nito.



“Oh Shit! Sorry, Eric!” sabi nito, halatang di na ito mapakali.



“Shit! Shit! Shit!” sabi nito sabay tayo, matigas parin ang pagkalalaki nito at habang naglalakad ng pabalik balik si Ted ay para itong spring na pumapaling sa magkabilang direksyon.



“Ted.” saway ni Eric dito pero di parin siya nito pinansin, tuloy parin ito sa paglalakad.


“Ted!” sigaw na ni Eric dito, tumigil na ito at humarap sakaniya.



“Eric, I'm sorry, di ko sinasadya. Wag mo akong isumbong kay tito, please. Di ko na uulitin.” parang bata itong nagmamakaawa nito. Napangiti na lang si Eric.



“It's OK. Basta wag mo na lang uulitin ha? Sige na, matulog na ulit tayo.” sabi ni Eric dito, nagbuntong hininga ito at nagalangan kung sa tabi parin ba siya ni Eric matutulog o hindi na.



“Sure ka na OK lang sayo na makatabi ulit ako?”


“Well kung gusto mong sa kwarto mo na ikaw matulog, OK lang sakin.” sabi ni Eric dito, pero di na niya pinahalata ang pagkadismaya sa kaniyang boses. Sa totoo lang ang ilang oras na katabi niya si Eric ang tanging mga oras na solid siyang nakatulog ng hindi napapanaginipan si Pat, tinignan niya ulit si Ted, nagalangan ulit ito.



“I think, mas mabuti kung sa kwarto ko na ako matutulog.” sabi nito. Tumango naman si Eric at ngumiti ulit, humingi pa ulit si Ted ng tawad at sinabi ulit ni Eric na OK lang yun bago ito lumabas ng kwarto ni Eric.



Nakangiti mang bumalik si Eric sa pagtulog, hindi nagtagal ay nagsimula ng dumaloy sa pisngi ang mga luha nito, muling bumida si Pat sa panaginip nito at wala siyang ibang narararamdaman kundi sakit kahit pa sa panaginip lang iyon. Ilang beses pa siyang ginising ng panaginip na iyon.



Itutuloy...


[04]
Tahimik lang si Ted nang magkita sila ni Eric sa may kusina nung sumunod na umaga, halatang nahihiya parin ito sa nangyari, nakayuko lang ito at laging iniiwas ang tingin kay Eric, kung hindi lang sana si Ted ang kaharap niya ngayon ay baka nainis na si Eric sa ginagawa nitong pagiwas sakaniya. Napilitan pa si Eric harangin ito nang bigla itong tumayo para iwasan siya.



“Ted. Sabi ko naman sayo OK lang yung nangyari kanina diba?” simula ni Eric, para makuwa ni Ted na OK lang talaga kay Eric ang nangyari ay nginitian pa niya ito, alam niyang nakita ni Eric ang pagngiti niyang iyon pero agad nitong iniwas ang tingin kay Eric.



Tumabi si Ted at nilagpasan si Eric sabay maglalakad na sana palayo ng pigilan ito ni Eric.



“Look, Ted. Kung nahihiya ka kasi ayaw mong malaman ng barkada mo ang nangyari, hindi ko naman sasabihin sa kanila eh. Alam ko namang straight ka at may pinangangalagaan kang reputasyon sa mga chicks mo kaya di ko ipagsasabi, OK?” simula ni Eric sa wakas ay nagtama na ang kanilang mga tingin, saglit na nangunot ang kilay ni Ted saka nagbuntong hininga.



“Di naman sa ganun, Eric. Ang totoo niyan---” nagbuntong hininga ulit ito. “The truth is, I'm also gay, nahihiya ako sayo kasi nahihiya ako kay Tito Henry, baka sabihin niya pinatira kita dito para galawin ka.” sagot ni Ted. Nagulat naman si Eric sa mga sinabi ng step brother niya. Ilang saglit pa ay napatawa si Eric na ikinainis naman ni Ted.



“Seryoso ako, Eric!” sabi ni Ted sabay suntok sa braso ni Eric, pinipigilan narin nito ang mapatawa.



“Sorry. Kasi naman ikaw eh, kung gagalawin mo ako di ako magsusumbong kay Daddy. At bakit mo naman naisip na itago sakin ang sexual orientation mo? Tingin mo ba huhusgahan kita?” sabi ni Eric dito sabay tawa at sinuntok ulit ni Ted ang braso ni Eric at napatawa narin.



“So...”



“We're good, Ted. Please, wag ka ng iiwas sakin? Isa ka sa pinakamalapit kong kaibigan dito sa lugar na ito and I can't afford to lose you, ok?” pakiusap ni Eric dito, nagulat na lang ito nang yakapin siya ng mahigpit ng kaniyang step brother.


“The truth is your all I have right now, Ted.” bulong ni Eric sa sarili niya. Hindi niya makuwang sabihin ito kay Ted dahil ayaw iyang kaawaan siya nito.



0000ooo0000



Habang nasa biyahe sila ni Ted ay tila bumalik na ito sa dati wala parin itong tigil sa kada daldal tulad nung nakaraang gabi, sa totoo lang isa ito sa pinaka gusto ni Eric kay Ted, tama ngang 'Mr. Congeniality' ang alias nito sa grupo nila, kahit sino sigurong makaharap nito ay magiging kumportableng makausap siya.



“What the hell?!” sikmat ni Ted nang sinabi ni Eric na itigil ang sasakyan sa harapan ng building na nakalagay sa calling card ni Ardi.



“Yup this is the place. Why?... Hey!” sigaw ni Eric nang agawin ni Ted ang calling card sa kamay niya. Agad namutla si Ted nang matapos basahin ang nakalagay sa calling card. Inagaw ulit ito ni Eric.



“What's wrong?” tanong ni Eric sabay itinago na sa kaniyang bulsa ang calling card sa takot na agawin ulit ito sakaniya ni Ted.



“Don't go, that guy is trou---” di na natapos ni Ted ang sasabihin niya dahil nakita ni Eric na dumaan si Ardi sa harapan ng kotse ni Ted. Di sila napansin ni Ardi dahil abala ito sa kakatext.


“That's him! See you later, Ted! Wish me luck!” excited na sabi ni Eric sabay yakap at baba ng sasakyan, sa sobrang excited ay hindi na napagbigyan ni Eric na sumgot si Ted.



“NO! Eric wa---!” pero hindi na pinansin ni pa ni Eric si Ted dahil alam nitong wala nang oras para at malamang male-late lang siya sa paga-apply niya.



Patakbong lumapit si Eric kay Ardi na abala parin sa pagtetext. Di naman maintindihan ni Eric kung bakit siya biglang tinamaan ng hiya, napagpasyahan niyang sundan na lang ito kaso huli na dahil bigla itong tumigil at masyadong malapit si Eric dito kaya naman di nito sinasadyang bumunggo dito.



“What the he--!” sikmat nito pero ng makita ni Ardi kung sino ang bumangga sa kaniya ay agad lumatay sa mukha nito ang ngiti.



“Eric!” sigaw nito, hindi na napigilan ni Eric ang mapangiti din, para naman itong nabunutan ng tinik dahil naaalala pa siya ng huli pero ang di inaasahan ni Eric ay ang pagyakap nito sakaniya.



“It's good to see you again! Are you here for the job?” tanong ni Ardi, hindi maitatago ang tuwa sa mga boses nito, tumango na lang bilang sagot si Eric dahil tinamaan na ito ng hiya.



“Halika, samahan kita sa office ng boss ko.” sabi ni Ardi sabay excited na hila kay Eric, nakaplaster parin ang ngiti sa mukha nito.



Halos kaladkarin na ni Ardi si Eric papunta sa mga elevator, medyo maraming nagiintay sa lobby na iyon para sa mga elevator, panandaliang iginala ni Eric ang kaniyang mga mata para naman maiwasan niyang titigan si Ardi samantalang ang huli ay bumalik sa pagtetext, hindi parin mabura ang ngiti nito sa mukha habang nagtetext at ang paminsan minsan nitong pagsulyap kay Eric, kada sulyap ay lalong lumalaki ang ngiti nito. Ibabalik na sana ni Eric ang mga ngiti nito nang mapasulyap siya sa isang lalaking nakatitig sa kanilang dalawa ni Ardi.



Gwapo sana ito kung hindi lang masyadong nakakunot ang noo nito. Tila naman may rumehistro sa isip ni Eric na nakita na niya ang lalaking iyon pero hindi niya maalala kung saan.




0000ooo0000



Kinakabahan si Eric habang nagiintay na tawagin sa loob ng opisina ng boss ni Ardi, tinawag na ng sekretarya si Eric para pumasok na sa loob ng opisina, nanlaki ang mga mata ni Eric nang mabungaran ang lalaki kanina sa may lobby na nakatingin sa kanila ni Ardi sa likod ng isang lamesa, isang pangalan ang nakalagay sa lamesa nito na nagsasabing ito ang boss ni Ardi. Masuyo siya nitong pinagmasdan at pinaupo na sa isang silya nakalaaan sa harapan ng lamesa.



“Thank you, Sir.” bulong ni Eric sabay upo.


“I'm Alvin Montreal, head of the ---uhmmm-- can I see your CV?” kinakabahang sabi ni Alvin na ikinataka naman ni Eric.


“Ahmm sure.” sagot ni Eric sabay abot ng kaniyang mga dokumento. Tumango tango ang boss ni Ardi at ngumiti.


“Uhmm you have a very impressive work background.” sa unang pagkakataon ay nagtama ang kanilang mga tingin at binigyan siya ni Eric ng isang nagpapasalamat na ngiti, lalong hindi napakali si Alvin, natabig pa nito ang tasa ng kape sa kaniyang tabi na muntik ng ikatapon nito. Ikinibit balikat na lang iyon ni Eric.


“So san mo narinig ang tungkol sa company namin?” nahihiya paring tanong nito kay Eric.


“From a friend, he's one of your junior architects here---”


“Who's this friend of yours and I will thank him for referring our company to a very skilled architect like yourself.” bulalas ng boss ni Ted na ikinagulat ni Eric, nun pa lang kasi ang unang pagkakataon na nakita niya itong kumilos na para talagang isang boss. Hindi nahihiya at tila ba excited sa huling sinabi ni Eric.


“James Ardinato---” nangingiti ngiting simula ni Eric, agad na binura ni Eric ang ngiting iyon sa kaniyang mukha dahil naisip niyang marahil ay nagmukha siyang isang batang babae na kinikilig habang inaamin ang pangalan ng kaniyang crush. Nagtaas ng tingin si Eric upang tignan kung napansin iyon ni Alvin.



Biglang nagiba ang tabas ng mukha ni Alvin, tila ba may nasabing hindi maganda si Eric.



“Excuse me---?” simula ni Alvin pero agad ding naputol iyon nang may kumatok sa pinto at pumasok si Ardi. Humarap sa gawi ng pinto si Eric kaya't hindi niya napansin na biglang nagtense sa kaniyang kinauupuan si Alvin.


Saglit na bumalot ang katahimikan sa pagitan ng tatlo, unti-unting nabura ang ngiti sa mukha ni Ardi lalo na ng makita niya ang reaksyon ni Alvin. Saglit na nagtitigan ang dalawa, hindi ito napansin ni Eric dahil nakayuko ito at nahihiya sa pagdating ni Ardi. Si Alvin narin ang bumasag ng katahimikan at malamig na nagsalita ulit.



“I'll call the HR department later, they will call you for contract signing. We're done here. Excuse me I have work to do.” sabi ni Alvin, tumayo at pinagbuksan si Eric ng pinto, nagulat naman si Eric sa agarang pagpapaalis sa kaniya pero ikinibit balikat niya na lang iyon katulad ng hindi na niya pagpansin sa pagbabago ng ugali ni Alvin. Tumayo na si Eric at sinusundan siya ni Ardi palabas ng pigilan ito ni Alvin.


“Mr. Ardinato, can you please stay for a while we have to talk about your last project.”


Natigilan si Ardi si Eric naman ay tumingin sa pagitan ng dalawa, nun niya pa lang napansin na may kakaibang kinikilos ang dalawa at yun ang aalamin niya mamaya kay Ardi. Tumingin si Ardi kay Eric at bumulong.



“I'll meet you at the lobby in ten minutes. Saglit lang 'to, I promise.” sabi ni Ardi sabay ngiti, hindi naman mapigilan ni Eric ang sarili na ngumiti at wala sa sariling tumango. Naglakad na papunta sa gawi ng elevator si Eric kaya't hindi niya narinig ang malakas na pagtatalo mula sa opisinang kanina lang ay kinaroroonan niya.



0000ooo0000



Masaya si Eric habang nagiintay kay Ardi sa may lobby, sa wakas ay naiaayos na niya ulit ang kaniyang buhay, at sa unang pagkakataon ay nailihis na niya ito mula kay Pat.



“Finally, things are starting to look up.” sabi ni Eric sa kaniyang sarili. At ngumiti.



“Are you Ok? Sorry for making you wait. Pagpasensyahan mo na si Alvin, nakausap ko na siya, OK na daw, magsisimula ka na raw on thursay.” sabi ni Ardi, tinignan lang ito ni Eric na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.



“I know it's not my place to ask questions, but what's with him? At first he acts like he's this shy guy, he actually looked like a good guy but then he became this asshole in just a second. I mean, is he bipolar or something?” tanong ni Eric na ikinahagikgik naman ni Ardi.



“Pasensya na, Eric, may problema kasi ngayon si Alvin, but he's a good guy.” umiiling na sabi parin ni Ardi habang humahagikgik parin. Saglit na nagkatitigan si Eric at Ardi pagkatapos nun at lumatay muli sa mga mukha nila ang ngiti.



“uhmmm--- I'm sure you're already starving---”



“Aww! Ardi, are you asking me out?!” loko ni Eric dito, agad din siyang tinamaan ng hiya, hindi niya alam kung saan nanggaling ang sinabi niyang iyon.



“Wow! Did I just flirt with him?” tanong ni Eric sa sarili habang pinipigilan ang sarili na mamula pa lalo.



“Well, if you let me buy you lunch then it's definitely a date!” nakangiting sabi ni Ardi sabay kindat. Agad namang nakaramdam ng tila ba may nangungurot sa kaniyang tiyan si Eric. Agad siyang yumuko at namula.



“Hey! Don't go shy around me! You're the one who started this!” humahagikgik na sabi ni Ardi at iniakbay ang kamay kay Eric.



0000ooo0000




Habang naglalakad ang dalawa papunta sa isang restaurant ay walang tigil ang mga ito sa paguusap, pagpapalitan ng mga impormasyon tungkol sa kanilang buhay buhay, nang makarating na sila sa restaurant at nang makaupo na sila ay agad na tinawag ni Ardi ang waitress at umorder. Sandaling nagtama ang kanilang mga tingin, masuyo parin itong nakangiti kay Eric kaya't di narin mapigilan ng huli ang sarili na mapangiti.



“Kamukhang kamukha niya talaga si Pat.” sabi ni Eric sa sarili habang mataman siyang tinititigan. Tahimik na pinagalitan ni Eric ang sarili sa pagiisip kay Pat.



“Pat made it clear that he doesn't want you in his life so snap out of it!” sabi ni Eric sa sarili at itinuon na lang ang sarili sa kinukuwento ni Ardi. Nang dumating ang pagkain nila ay di na sila nagpatumik tumpik pa at kumain na.



“The best ang kare kare dito, lalo na yung bagoong. Try mo.” sabi nito, di na nakahindi pa si Eric nang subuan na siya nito ng isang kutsara na puno ng kanin at karekare, di naman mapigilan ni Eric mahiya at mamula dahil sa hindi niya magawang pag-hindi kay Ardi at sa pagpayag dito na subuan siya.



“Are you blushing?” tanong ni Ardi, lalong nahiya si Eric, na ikinahagikgik naman ni Ardi.



“May nagsabi na ba sayong cute ka? Lalo na kung nagbu-blush ka ng ganiyan?” halos mapalundag si Eric sa sinabing iyon ni Ardi, kung maari pa itong mamula ay lalo pa nga itong namula.



“Please stop flirting with me, the last thing I need now is to fall in love with Pats' clone!” biro ni Eric sa sarili niya habang hindi mapigiling kiligin at umiling, miyamiya pa ay nagkwento ulit si Ardi, halos wala nang maintindihan si Eric sa sinasabi ng huli dahil nawala na ito sa kakatitig sa mukha ng huli.



“Eric, nakikinig ka ba?” natatawang tanong ni Ardi. Agad na nagpanic si Eric. Nahalata marahil ni Ardi ang biglang pagpalit ng reaksyon sa mukha ni Eric, sa banda naman ni Eric ay nagpanic siya dahil sa nahuli siya ni Ardi na nanaginip sa harapan niya habang nagkwekwento.



“Sorry, may natatandaan lang kasi akong---” simula ni Eric pero agad iyong naputol nang biglang abutin ni Ardi ang kaniyang kamay bilang sabi na hindi kailangang mag paliwanag ni Eric.



“Eric?” tanong ni Ted sa kaniyang likuran na ikinagulat ng huli. Biglang napatigil si Ardi at tinignan saglit si Ted, nun lang din napansin ni Eric na asa likod ni Ted si Ant na pabalik balik ang tingin sa mga nakahwak na kamay ng dalawa at sa mga mukha ni Eric at Ardi at sa pakiwari ni Eric ay mananapak na ito dahil sa galit.



“Kamusta na kayo, Ted? Ant?” kaswal bati ni Ardi na tila ba hindi natatakot sa porma ni Ant, hindi namalayan ng dalawa na magkakapit parin sila ng kamay at hindi iyon nakaligtas kay Ted na nagsimula nang mapalitan ang reaksyon sa mukha mula sa pagkakagulat papunta sa pagiging galit na kagaya ni Ant.



Mabilis na kumilos si Ted at hinatak nito ang kamay ni Eric na kapit kapit ni Ardi.



“Ted?!” gulat na tawag ni Eric sa step brother dito, huli na nang mapansin niya ang pinaplano nitong halos pagkaladkad sa kaniya ni Ted palabas ng restaurant na iyon at literal na itinulak papasok ng sasakyan.



Itutuloy...


[05]
Nakakamatay ang ibinabato mga tingin ni Eric kay Ted, di naman ito nagpatinag at patuloy lang ito sa pagmamaneho at paminsan minsang kumukunot ang noo sa pagiisip, habang si Ant na nasa backseat ay may nagaalalang tingin. Ilang beses na tinanong ni Eric kung anong problema ni Ted pero ayaw siya nitong sagutin, tila ba wala itong naririnig na lalo namang ikinainis ni Eric, tinignan uli ni Eric si Ant, wala na ang galit sa mukha nito pero tuwing titignan niya ito ay tila ba hindi ito mapakali. Nang biglang tumigil ang sasakyan, akala ni Eric ay sasagutin na siya ni Ted sa halip ay narinig niyang bumukas ang pinto sa may backseat at lumabas si Ant.



“Salamat pare. Ingat kayo. Eric.” paalam ni Ant at pagkuwa sa atensyon ni Eric, di na ito pinansin ni Ted habang iminuwestra nito ang kaniyang hintuturo na nagsasabing 'lagot ka' di na ito kinausap ni Eric at inirapan na lang ito.



Di parin sila nagkikibuan ni Ted sa kahabaan ng natitirang biyahe pabalik sa apartment nito. Di na itinago ni Eric ang kaniyang pagkainis, nakakahiya ang inasal nito sa harapan ni Ardi na tumulong sa kaniyang magkatrabaho at nakakahiya sa mga tao sa loob ng restaurant na iyon.



0000ooo0000



“Bakit mo ginawa yun?!” mahinahon pero malamig na tanong ni Eric kay Ted nang makapasok na sila ng apartment, lalo lang siyang nainis nang irapan siya ni Ted.


“Masamang tao yun, di ka dapat nakikipagkaibigan---”


“Anong tingin mo sakin? Bata?! Tingin mo di ako magaling pumili ng taong kakaibiganin? Anong tingin mo sakin, Tanga?!” balik nito kay Ted, napapikit ito nang sabihin ni Eric ang salitang tanga.



“Di mo kilala yung tarantadong yun! Masamang tao yun! Selfish, low life---” di makapaniwala si Eric sa mga paninirang sinasabi nito kaya naman agad niyang pinutol ang pagsasalita nito.



“What?! For your information, siya ang tumulong saking makahanap ng traba---”



“Ako dapat ang tutulong sayo maghanap ng trabaho! May irerekomenda na ako sayo, pero hindi, inunahan ka ng landi! Sa sobrang kalandian mo, hindi mo na inisip na masamang tao yung nagalok sayo ng tulong.” natigilan saglit si Eric sa sinabing ito ni Ted, kitang kita ni Ted ang sakit sa mga mata ni Eric pagkatapos niyang pakawalan ang mga masasakit na salitang iyon kaya't agad siyang nagsisi.



“Malandi?” pabulong na tanong ni Eric sabay iling. Nanlulumo itong bumalik sa kaniyang kwarto. Napako na lang sa kinatatayuan si Ted, di makapaniwalang ganun ganun na lang niya nasaktan si Eric.



0000ooo0000



Cold treatment, yan ang pinapatikim ngayon ni Ted kay Eric, paminsan minsan ay para lang siyang gamit sa loob ng apartment kung tratuhin niya, parang hindi siya nito nakikita, hindi sinasagot ang kaniyang mga tanong at hindi ito tumitigil sa iisang kwarto kung saan siya nandun.



Di na ito iniintindi pa ni Eric pero hindi parin nun naalis na masaktan siya. Napalapit na sa kaniya si Ted sa ilang araw pa lang na pagtira niya doon, siya na ang pinakamalapit sa isang kapatid na kailanman ay di siya nagkaroon, siya ang kaisaisahan niyang kaibigan sa lugar na iyon, maliban kay Ardi.



Nagsimula na si Eric sa opisina nila Ardi, para kay Eric ay mabuti ang pagkakaroon niya ng trabaho para makaiwas narin sa malamig na pagtrato sa kaniya ni Ted. Mababait naman ang kaniyang mga kaopisina pero napapansin niyang tila ba malamig ang mga pakikitungo nito kay Ardi. Nung ding araw na nagsimula siya sa opisina ay agad siyang pinatawag sa opisina ni Alvin.



“I'm sorry, Eric, I was not feeling well that day---” yun lang ang narinig ni Eric mula sa sinasabi ng kaniyang boss dahil nagsimula na siyang maguluhan, di mapigilan ni Eric ang sarili niya na titigan si Alvin, hindi parin ito makatingin ng daretso sa kay Eric, katulad nung una nilang paguusap ay di ulit ito mapakali at namumula nanaman, sa galit dahil napipilitan lang siyang humingi ng tawad kay Eric o dahil sa hiya, di alam ni Eric.


“Eric?” tanong nito na siyang gumising pagmumuni muni nito.


“Sir?”


“I said, the projects that you'll be handling will be given tomorrow--- are you even listening to me?” agad na kinabahan si Eric naisip na ka ha-hire pa lang sa kaniya ay tutulogtulog na agad siya sa trabaho, ang malala pa sa harapan ng kaniyang boss. Pero hindi galit ang nakikita niya sa mukha ni Alvin, nakikita niya na nagsisimula na itong mapangiti pero pinipigilan lang nito, tila ba pinipigialan nito ang pagka-aliw niya kay Eric. Nawirduhan nanaman si Eric dito.


“May split personality nga ata ito.” bulong ni Eric sa sarili niya saka sumagot.


“Th-Thank you, Sir.” yun na lang ang tanging nasabi ni Eric, inabot niya ang kamay kay Alvin para makipagkamay sa dito pero tinignan lang nito ang kamay ni Eric, tila ba hindi nito naiintindihan ang intensyon ni Eric na makipagkamay. Napahiya si Eric. Pasimple niyang ibinaba ang kaniyang kamay at lumabas na ng opisinang iyon.



Nang buksan ni Eric ang pinto ay nakita niya si Ardi na palakad lakad sa labas ng opisina, tila hindi ito mapakali. Nang magtama ang kanilang mga tingin ay agad na lumiwanag ang mukha nito. Napangiti din si Eric, napakaamo ng mukha nito at ang ngiti nito ay nakakagaang ng loob. Lumapit na si Ardi kay Eric at inalam kung ano ang nangyari, sinabi ni Eric dito na humingi ng tawad ang kanilang boss, lalong lumaki ang ngiti nito sa mukha.



Sa sobrang tuwa ni Ardi ay wala sa sarili nitong niyakap sa gitna ng buong opisina si Eric, at ang pagyayakapan na iyon ay nakakuwa ng maraming pagtaas ng kilay at kakaibang pagtahimik ng buong floor, nung saglit din na iyon ay lumabas si Alvin ng kaniyang opisina at nakita ang pagpapalitan ng yakap na iyon ni Eric at Ardi.



Hindi nakaligtas kay Eric ang pagtense ng panga ni Alvin at ang agarang pagtalikod nito at pagpasok ulit ng opisina. Hindi napansin ni Ardi ang kanilang boss dahil nakatalikod ito sa pinto ng opisina nito. Lahat ng nangyaring iyon ay ikinibit balikat na lang ni Eric lalo na ng ayain siyang kumain sa labas ni Ardi dahil sa wakas ay uwian na nila mula sa opisina.



“So uhmm Eric---” simula ni Ardi habang naglalakad sila papaunta sa restaurant na kanilang napagusapan. Nagulat naman si Eric sa biglaang pagkahiya ni Ardi.



“uhmmm so, I'm going to pay for dinner so I –uhmmm--- so---” kinakabahang simula ni Alvin.



“Wait. Is this your way of asking me out on a date? Just like the last time before we were brutally interrupted?” natatawang tanong ni Eric. Nagtaas ng tingin si Ardi at tila ba natatawa narin sa kaniyang ipinakitang kahihiyan.


“Don't laugh at me! I don't usually ask people out, you know! Hehe! I'm usually the one being asked out.” sabi ni Ardi sabay taas at baba ng kilay. Napahagikgik si Eric pero agad ding sumagi sa isip niya si Ted.


“Ardi, I'm really sorry for what happened last time with Ted I don't know what got into him.”


“I know.” bulong ni Ardi sabay iling. Sa sobrang hina ng bulong na iyon ay hindi iyon narinig ni Eric.


“Wha--”


“I said it's OK.” paglilinaw ni Ardi para matakpan ang unang nasabi.


“So this is a date?” nahihiyang pagkukumpirma ni Eric dahil sa puntong iyon ay hindi niya parin alam kung saan ba siya lalagay pagdating kay Ardi, inaamin niyang may nararamdaman siyang kakaibang koneksyon dito pero hindi niya alam kung ganon din si Ardi sa kaniya. Muling namula si Ardi.


“Yes I want this to be a date, that is, if it's OK with you.”


“Yes, I'm OK with it.” bulong ni Eric na nakapagpangiti sa dalawa.



0000ooo0000



Nakangiting umuwi si Eric pero agad din iyong nabura nang makarating siya sa tapat ng kanilang front door, pagpasok niya ay nadatnan niya si Ant na parang batang hindi mapakali sa sofa, naglalaro ito ng Play station at napansin lang siya nito nang matalo ito sa kaniyang nilalaro. Agad itong ngumiti kay Eric at kumaway, nginitian din ito ni Eric at nagpaalam na pupunta lang saglit sa kaniyang kwarto. Pagkatalikod na pagkatalikod ni Eric ay siya namang sulpot ni Ted. Nakangiti ito nung una pero agad din iyon nabura nang makita nito ang kadadating lang na si Eric.



“hi Ted.” bati ni Eric dito pero inirapan lang siya nito at nilagpasan, umupo ito sa tabi ni Ant. Nang ibalik ni Eric ang tingin niya sa gawi nila Ant at Ted ay nakita niyang nakatingin sakaniya si Ant, binigyan niya lang ito ng isang malungkot na ngiti at sinuklian iyon ni Ant ng isang tingin na miya mo humihingi ng tawad.



“Dude! WTH?!” umalingawngaw na sigaw ni Ted bago pa makapasok ng kaniyang kwarto si Eric.



“What the heck is wrong with you? Why are being an ass to Eric? He doesn't know anything about what that asshole did last year! Geez! Give Eric a break! You're behaving like a jerk, you know that?! You're supposed to be the Mr. Congeniality of the group, you're supposed to be this sweet, handsome and alluring guy, geez, Ted go snatch Merv's title will you, be an asshole?!” sigaw ni Ant.



“OK... OK... geez! Calm down big guy! I'll apologize, OK---”



“And you should explain why you act that way when---” putol ni Ant pero pinutol din ni Ted ang sana'y sasabihin din niya.



“NO!” putol ni Ted.



“But, Eric deserves to know the truth pagkatapos mo siyang tratuhin ng ganun, dude.”



Matagal hindi sumagot si Ted.



“And besides, kung gusto ni Eric yung jerk na yun, hindi ba dapat lang talaga na sabihin mo kay Eric kung bakit niya kailangan layuan ang national jerk na yun?” hindi sigurado ni Eric kung sino ang tinutukoy ng dalawang magkaibigan pero nag-assume na lang si Eric na si Ardi ang pinaguusapan nila, kung tutuusin, nagsimula lang naman ang iringan nila ni Ted nung nakita niya silang magkasama ni Ardi.



“I guess you're right.” sagot ni Ted.



“I'm always right, dude!” sagot ni Ant sabay tawa ng malakas.



“Anong dapat kong malaman tungkol kay Ardi? Bakit naisip nila na kailangan kong layuan si Ardi?” tanong ni Eric sa sarili niya. Narinig niyang itinuloy na nila Ant at Ted ang kanilang laro kaya't isinara na niya ang kaniyang pinto at humiga na ng kama, pilit na inaalis sa kaniyang isip ang mga narinig na palitan ni Ted at Ant.



0000ooo0000




Dahandahang iminulat ni Eric ang kaniyang mga mata, nakatulog na pala siya habang nagiisip kanina kung ano ang maaaring ginawa ni Ardi kay Ted at galit na galit ito dito na umabot na sa pagbabawal ni Ted kay Eric na kaibiganin si Ardi. Inalog niya ang kaniyang ulo para magising pa ng konti at para narin maalis sa kaniyang isipan ang pinagawayan ni Ted at Ardi.



Inililigpit niya ang kaniyang pinagtulugan nang makaramdam siya ng gutom. Nagpasya siyang maghanda ng kaniyang makakain dahil sigurado niyang di siya ipaghahanda ni Ted at lalong hindi siya nito aayain para maghapunan, pero laking gulat niya ng maabutan nitong pang dalawang tao ang nakaahin sa hapagkainan. Lumingon lingon siya para malaman kung andun pa si Ant o kaya may iba pang kasama si Ted pero nalaman niyang silang dalawa lang talaga sa buong unit.



“G-Gigisingin na sana kita para kumain---” simula ni Ted pero agad din itong tumigil ng isiningkit ni Eric ang kaniyang mga mata. Nagbuntong hininga si Ted.



“Eric, bati na tayo.” parang batang sabi ni Ted sabay yuko. Pinigilan ni Eric ang sarili na mapangiti. Lumapit siya dito at mahinang sinuntok ang malaking braso nito, nagtaas ng tingin si Ted at ngumiti ito, nagulat nalang si Eric ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit.



“Uhmm, Ted--- medyo mahigpit yung yakap mo. Konti na lang di na tayo makakapagusap dahil baka mamatay na ako--- dahil di ako makahinga.” pahina na ng pahinang sabi ni Eric kay Ted nang bitawan siya ng huli ay humahagikgik itong humingi ng tawad, muling pinuno ng hangin ni Eric ang kaniyang mga baga.



“Kain na tayo!” sigaw nito at parang batang sabik na sabik sa fried chicken kung kumilos sa loob ng kusina.



Halos sabay silang umupo, magkatapat sila nito, tinignan ni Eric ang inihanda nitong pagkain. Spaghetti, fried chicken, garlic bread, salad at soda. Tinignan niya ulit si Ted nagantanda ito sabay lagay ng isang malaking piraso ng manok sa kaniyang bibig. Di na napigilan ni Eric ang mapangiti at mapailing.



Nang matapos na silang kumain ay naramdaman ni Eric ang muling pagtahimik ni Ted, marahil pareho sila ng iniisip. Ayaw na sana ni Eric pang pagusapan ang nangyaring tampuhan sa pagitan nla pero kailangan talaga lalo na at ang pakikipagkaibigan niya kay Ardi ang nakataya.



“Eric, I want to say sorry---”



“Shhh, OK na iyon, alam kong gusto mo lang akong protektahan laban kay Ardi, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit.” tumango naman si Ted sa sagot na iyon ng huli habang kunwari ay abala sa pagliligpit ng plato.



“Ayoko sanang magmukhang naninira pero hindi talaga magandang makipagkaibigan sa taong yun---” natigilan saglit si Ted at umiling sabay buntong hininga. “---Player siya, Eric, wala siyang puso, lahat ng napapalapit sa kaniya nasasaktan.” napakunot ang noo ni Eric nang marinig ang sinabing ito ni Ted.



“And you're telling me this, because...?”



“Because I can see how you look at him, Eric, I can also see that he's flirting with you. I should've said this to you calmly nung nakita ko kay sa restaurant pero naunahan ako ng galit---”



“Wait. Bakit ka nagagalit? Did he do this to someone close to you?” tanong ni Eric kay Ted. Narinig ni Eric na nagbuntong hininga si Ted.



“You know Alvin?” tanong ni Ted.



“Yes, he's my boss. Why?” naguguluhang sagot ni Eric at nagsisimula ng mairita dahil pakiramdam niya ay umiiwas si Ted sa totoong punto ng kanilang usapan.



“Alvin is his ex boyfriend.” natigilan si Eric sa sinabing ito ni Ted, naisip niya bigla kung paano kinausap ni Ardi si Alvin para payagan siyang magtrabaho at mapapayag ito na humingi sa kaniya ng tawad.



“So?” tanong ni Eric, pero unti unti naring bumababa ang kaniyang kumpiyansa kay Ardi.



“He cheated on Alvin, Alvin broke up with him sa sobrang galit pero bago yun alam ng lahat kung gano nila kamahal ang isa't isa, di ako magtataka kung up to now mahal parin nila ang isa't isa pero ayaw na lang makipag commit ni Alvin ulit sa kaniya dahil sa pride or self preservation and dignity, di ko alam.”


“Tapos?” tanong ulit ni Eric, nawala na sa isip na tanungin si Ted kung pano niya ito nalaman.



“Tinanong siya ni Alvin kung ano talaga ang nangyari nung nahuli siya nito isang gabi nung may party ang company nila, the asshole blamed it all on the poor guy he seduced. Kumalat ang chismis, napasama ang lalaki sa mga kakilala nito at ang masama pa nalaman ng lahat na bading ito, nasira ang pangalan nito lalo na sa pinagtratrabahuhang law firm dahil lang ayaw aminin ng gagong yun na siya talaga ang umakit dun sa lalaki. Siya ang nagpakalat nung chismis--- Eric, he's trouble.” kwento ni Ted, nakatalikod ito kay Eric kaya di nito makita ang mukha ng huli habang nagkwekwento pero bakas sa boses nito ang lungkot. Naisip bigla ni Eric ang tingin ng mga tao sa kaniya nung magyakap sila ni Ardi kanina.



“You have nothing to worry, Ted, out ako, remember?, so kung sakaling may gawing tsismis si Ardi tungkol sa sekswalidad ko, wala na yung magagawa sakin sa opisina. Alam na nila na bading ako, Ted and besides pano niyo nalaman na hindi yung lalaki ang umakit talaga kay Ardi?” sabat ni Eric, umiling si Ted.



“Ilang linggo pa ang lumipas, nakipagkita ulit yung lalaking sinet-up nung gagung yun, di niya alam na naka record ang paguusap nila, kinumpronta siya nung lalaki, tinawanan lang siya ng gagong yun at sinabihan ng “eh ano ngayon? At least ang ALAM nila Alvin at ng mga nakakakilala satin na ikaw ang umakit at hindi ako” umamin siya sa katarantaduhang ginawa niya nang hindi niya nalalamang naka record ang paguusap na iyon. Kumalat ang tape, nalaman ng lahat kung gano siya kasama.” kwento ulit ni Ted.



“Wow! Di ko alam na magagawa ni Ardi iyon.” sabi ni Eric pero pumasok ulit sa isip niya ang nauna niyang tanong na hindi parin nasagot sa kwento.



“Sino nga ulit sa mga kaibigan mo ang tinarantado ni Ardi kaya ka galit na galit sa kaniya?” tanong ulit ni Eric, humarap na sa kaniya si Ted, dun napansin ni Eric na umiiyak na ito.



“Ako yung tinarantado niya. Buhay ko yung sinira niya.”



Agad naninikip ang dibdib ni Eric.



“Naaalala mo yung sinasabi ni Mervin na muntik ng gulpihin ni Ant noon? Yung sinabi kong ex-bestfriend ko? Yung tinatawag nilang Ross? Ross and Ardi are one, Eric. Ross' full name is James---”



“James Rosberto Ardinato.” pagtatapos ni Eric sa pagpapakilala ni Ted sa totoong Ardi, hindi siya makapaniwala na hindi niya agad naikunekta ang mga katotohanang isinasampal na sa kaniya noon pa lang nang una silang nagkakilala ni Ardi.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment