By: emray
Source:
bulonghangin.blogspot.com
annexb.wordpress.com
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com
[01]
“I
love you Martin!” wika ni Perry saka hinalikan sa labi ang kasintahan.
“I
love you more!” ganting wika ni Martin matapos ang isang maalab na halik.
“Gawa
na tayo ng baby?” tanong ni Perry kay Martin.
“Loko
mo!” tutol ni Martin. “Gumawa ka ng baby mag-isa.” wika pa ng binata saka
tinalikuran si Perry.
“Sige
na!” pamimilit ni Perry saka niyakap si Martin.
“Tumigil
ka nga Percival!” kontra pa din ni Martin. “Wala pa tayong bente-kwatro oras
gumaganyan ka na.” habol pa nito.
“Sige
na please!” pakiusap ni Perry saka hinalikan sa batok si Martin.
“Eeee!
Ano ba?” nakikiliting tugon ni Martin. “Tigilan mo nga yan.” utos pa nito saka
nagpumiglas sa yakap ni Perry.
“If
I know, gusto mo din.” tudyo ni Perry saka binitawan si Martin.
“Ayoko
nga sabi eh.” sagot ni Martin.
“Bakit
ayaw mo?” tanong ni Perry.
“There
are reasons that only the heart can explain.” sagot ni Martin.
“Huwag
mo akong utuin Emartinio! Nag-iinarte ka lang talaga.” sabi ni Perry.
“Hindi
kaya!” biglang namulang sambit ni Martin. “Tulog na nga tayo.” aya pa nito sa
katipan.
“Sige
na! Higa ka na!” utos ni Perry na agad namang sinunod ni Martin.
Naging
mapakahimbing ng tulog ng dalawa higit pa at nakayakap si Perry kay Martin at
ganuon din si Martin na mahigpit ang pagkakayakap kay Perry.
Isang
Linggo na ang nakakalipas –
“San
ppnta ang MAHAL q naun?” text ni Perry kay Martin.
“Eh
di hahnp ng trbaho.” reply ni Martin.
“Gs2
mo smhan kita?” tanong ni Perry kay Martin.
“Hwag
na lng! Jan k nlng, bka mcsnte kpa dhl skn.” concern na reply ni Martin.
“Ganun!
Sige na nga! Iingat k lagi.” wika ni Perry.
“Cgeh
po. Luv u!” reply ni Martin.
“Love
you too! Emartinio Robles Masungkal” reply ni Perry.
“Pare!
Bakit ba ayaw mong sabihin kay Martin ang totoo?” tanong ni Jules kay Fierro.
“Hindi
pa ngayon ang oras dude!” sagot ni Fierro sabay tapik kay Jules.
“Pare,
ayoko ng magsuot ulit ng uniform ng guard.” sabi pa ni Jules.
“Don’t
worry! Hindi ka na magsusuot ulit nun.” paninigurado ni Fierro.
“Good!”
wika ni Jules. “Back to work na tayo! Masyado na tayong delayed sa deadline.”
suhestiyon pa ng binata.
“Kasi
si Martin! Ayaw akong tigilan eh!” sisi na sagot ni Fierro.
“Ano
naman ang ginawa ng Martin mo sa iyo?” tanong ni Jules sa kaibigan.
“Siya
lang kasi ang naglalaro sa isip ko at laging laman ng diwa ko.” nakangiting
wika ni Fierro.
“Eh
di kayo na!” sabi ni Jules. “Ikaw na may long lost lovelife.” kasunod nito ang
isang matipid na tawa.
“Talagang
ganun pare!” sagot ni Fierro.
“Sir
Fierro!” tawag kay Fierro kasunod ang mahihinang mga katok at pagbukas ng
pinto.
“Bakit
Jayson?” tanong ni Fierro sa binatang pumasok.
“Si
Sir Martin po nasa loob ng mall.” pagbabalita ni Jayson kay Fierro.
“Naku
naman!” sagot ni Fierro. “Walang pasabi!” reklamo pa nito.
“Hayaan
mo na pare! Baka gusto ka lang i-surpresa.” sabi naman ni Jules.
“Ikukuha
ko nap o ba kayo ng uniform Sir?” tanong ni Jayson dito.
“Please
and thank you.” pasasalamat at pakiusap ni Fierro kay Jayson. “Paki-remind ang
lahat na bawal muna akong tawaging Sir Fierro.”
“Opo
Sir!” wika ng gwapong si Jayson saka sumunod s autos ni Fierro.
Sa
kabilang banda –
“Si
Fierro po?” tanong ni Martin sa taong nasa baggage counter.
“Fierro?”
tila nag-iisip na sagot ng lalaki sa counter.
“Si
Percival Gutierrez.” sagot naman ni Martin.
“Ahh!”
reaksyon nang lalaking kausap ni Martin. “Si Si…”
“Nasa
storage room!” biglang singit ng isa pang lalaki sa dalawa. “Kalilipat lang kay
Fierro sa storage.” sabi pa nito.
“Ganun
ba?” tila nalungkot na sabi ni Martin. “Pasabi na lang dumaan ako.” malungkot
pa nitong pahayag.
“Hindi!”
pigil ng lalaki. “Jayson nga pala!” sabi pa nito saka abot sa kamay.
“Martin.”
pakilala ni Martin saka abot din ng kamay.
“Pagpasensyahan
mo na si Mark, bago pa kasi kaya hindi kilala si Fierro. Palabas na din naman
iyon.” sabi ulit ni Jayson.
“Martin!”
bati ng pamilyar na tinig kay Martin.
“Kuya
Perry!” sumayang sabi ni Martin.
Nakita
ang gulat sa mukha ni Mark na agad naman hinatak ni Jayson palayo sa dalawa.
“Napadaan
ka?” tanong ni Fierro kay Martin.
“Gusto
ko lang na makita ang mahal ko bago ako umalis.” sabi ni Martin.
“Bakit
naman wala kang pasabi?” tanong ulit ni Fierro.
“Kailangan
pa ba iyon? Eh, dadaan din naman ako dito kaya dinaanan na kita.” nakangiting
sabi ni Martin.
“Namiss
mo lang ako.” tukso ni Fierro kay Martin.
“Kapal
ng mukha mo! Baka ako ang namiss mo.” ganti ni Martin.
“Hindi
nga kita na-miss eh.” tutol ni Fierro. “Miss na miss lang!” sagot nito saka
bigay ng isang matamis na ngiti kay Martin.
Namula
ang pisngi ni Martin sa sinabing iyon ni Fierro. Nakaramdam ng kilig ang binata
sa mga katagang binitiwan ng katipan.
“Sige
na nga! Alis na ako.” sabi ni Martin.
“Bilis
naman!” reklamo ni Fierro.
“Basta,
alis na ako.” sabi ni Martin.
“Ingat
ka mahal ko.” sabi ni Fierro.
“Ikaw
din! Pag-igihan mo.” paalala ni Martin saka umalis.
“Sir
Fierro, muntik na kayo dun!” sabi ni Jayson pagkaalis ni Martin.
“Salamat
tol! Buti at dumating ka kaagad.” pasasalamat ni Fierro.
“Sorry
po Sir! Hindi ko po alam!” paumanhin naman ni Mark.
“Ayos
lang yun! Basta sa susunod.” paalala ni Fierro.
Samantala,
dalawang interview ang pupuntahan ni Martin ng araw na iyon. Isang beverage
company sa umaga at electric company sa hapon.
“Sorry
to say but you’re not meant for this position. Over-qualified ka and you
deserve better position.” sabi ng interviewer kay Martin.
“Ma’am!
Matatanggap ko pa po na under-qualified ako than over-qualified.” pagrarason ni
Martin. “I’m sure this is the best position to start my way up.” pakiusap pa ng
binata.
“Sorry
but I will not let you degrade yourself and your talents be wasted.” giit ng
interviewer kay Martin. “Anyways, I’ll refer you to this company and I am sure,
mas masusulit ang talent at skill mo dito.” sabi pa ng babae na isa sa may
mataas na posisyon sa kumpanya.
“Thank
you Ma’am!” pasasalamat ni Martin na bagamat bigo ay may pag-asa pa din dahil
sa binigay na recommendation sa kanya.
Pinuntahan
nga ni Martin ang sinabing kumpanya sa kanya at agad namang ibinigay ang
recommendation letter para siya ay bigyan ng priority. Isang bangko iyon na
kilalang-kilala at madaming branches.
“I
think you’re the one we’re looking for.” nakangiting sabi ng gwapong
interviewer kay Martin.
“Thank
you sir!” sagot ni Martin. “Kuya Perry! Ang yummy nito! Hahahaha!” sabi pa ni
Martin sa sarili na titig na titig sa mukha ng nag-iinterview sa kanya.
“May
dumi ba ako sa mukha?” tanong ng lalaki kay Martin.
“Sorry
Sir!” biglang bawi ng tingin ni Martin ng mapagtanto niyang natutunaw na ang
kaharap niya.
“Natutunaw
na kasi ako sa titig mo.” pabirong sabi ng lalaki kay Martin.
“Nice
one Sir!” may ngiti na sagot ni Martin.
“Honestly
Martin! Nakakatunaw naman talaga kasi lalo na kung ganyan kaganda ang mata ng
tumitingin sa’yo.” banat ulit nito.
“Mata
lang Sir?” ganting biro ni Martin. “Hay Kuya Perry! Iingitin kita mamaya!” sabi
ulit ni Martin sa sarili.
Ngiti
lang ang sinagot ng lalaki kay Martin. “Back to business!” sabi ulit ng lalaki.
“Since you’re a fresh graduate, can I have your transcript next week?” tanong
pa nito kay Martin.
“Sadly,
it’s a year long process in my school.” sagot ni Martin. “But I can provide you
Certification and Temporary Transcript of Record.” pambawi ni Martin saka
inilabas ang temporary TOR niya at Certification.
“Great!
Cum laude grade ka pala!” sabi ng lalaki kay Martin.
“Yeah!
But I have 5 subjects with a grade of 3 and 2 subjects of 2.75, that makes me not
qualified for the title.” pagbabalita pa ni Martin sa kausap.
“I’m
kinda loving you!” biglang nasabi ng lalaki kay Martin.
“What
is it Sir?” tanong ni Martin sa lalaki. “Hahaha! Gusto ko ditong magtrabaho!
C’mon! Gusto kitang malandi! Hahahaha! Sorry Kuya Perry! Hahaha!” sabi ulit ni
Martin sa sarili na sanhi para mapangiti ito.
“We’re
strict with our policies and we prioritize those applicants with transcript.”
sabi ng lalaki kay Martin. “I really love working with you but our policy shall
prevail.” malungkot na sabi nito kay Martin.
Malungkot
man si Martin ay pinilit na lang niyang iayos ang sarili at ngumiti.
“That’s
okay Sir!” sabi ni Martin saka tumayo.
“Be
back!” sabi ng lalaki saka inilahad ang kamay kay Martin.
“Thank
you Sir!” sabi ni Martin saka inabot ang kamay ng lalaki.
Kinahapunan
naman ay pinuntahan ni Martin ang electric company.
“If
I were to ask, you deserve to be hired but I must first ask my senior if I will
let you pass.” sabi ng babae kay Martin.
Pagkasabi
nito ay denial ang phone at animo’y kausap na niya ang senior HR nila sa
kabilang linya.
Matapos
kausapin –
“Sorry
Martin but we are looking for Psychology Graduates and at least 2years of
experience.” sabi ng babae.
“I
understand Ma’am.” sagot ni Martin saka tumayo at umalis.
Pagkagaling
sa hling interview niya ay dumaan na muna siya sa dati niyang eskwelahan,
ginabi na din siya ng uwi.
“Kamusta
ka na?” tanong ni Cris kay Martin.
“Ikaw
pala yan.” gulat na sabi ni Martin.
“Saan
ka galing?” tanong ni Cris kay Martin.
“Naghahanap
ng trabaho.” sagot ni Martin. “Hirap palang humanap.” nakangiting sabi ni
Martin.
“Konting
tiis lang at makakakita ka na din.” pagpapagaan ng loob ni Cris kay Martin.
“Sana
nga!” sagot ni Martin. “Hindi pala totoo iyong napapanuod ko sa TV!” sabi ni
Martin.
“Anung
napapanuod sa TV?” nagtatakang tanong ni Cris.
“Di
ba sa mga drama, isang interview lang, tapos iyong may-ari ng kumpanya na ang
mag-iinterview sa’yo tapos tanggap ka kaagad.” reklamo ni Martin. “Ang
dami-dami pa kayang dinadaanan bago matanggap.” sabi pa ng binata.
Napatawa
na lanlg si Cris sa sinabing iyon ni Martin saka ginulo ang buhok ng binata.
“Dami
mong nalalaman ikaw na bata ka.” komento naman ni Cris.
Tulad
ng nakagawian ay libre ng pamasahe si Martin at dahil siksikan ay tumayo siya
dahil nga sa libre naman ang pamasahe niya. Bago bumaba ng bus si Martin ay may
inabot si Cris sa kanya.
“Ano
to?” tanong ni Martin kay Cris.
“Puntahan
mo na lang iyan bukas.” nakangiting sabi ni Cris.
“Sabi
mo.” tugon ni Martin saka nginitian si Cris.
“Kamusta
na ang Martin ko?” bati ni Fierro kay Martin na hinintay sa sakayan.
“Kuya
Perry!” biglang sumiglang sabi ni Martin. “Unemployed pa din at jobless!”
biglang lumungkot na saad ni Martin.
“Ayos
lang yan! Mahal naman kita!” sabi ni Fierro sa katipan.
“Utuin
daw ba ako.” kontra ni Martin.
“Ang
uto hindi totoo, pero iyong sinabi ko totoong-totoo.” sagot ni Fierro. “Patulog
sa inyo ah.” sabi pa ng binata pagkasakay nila ng jeep.
“May
damit kang dala?” tanong ni Martin dito.
“Secret!
Bakit kailangan ko pang magdamit eh ikaw lang naman ang kasama ko.” biro ni
Fierro dito.
“Loko!”
sabi ni Martin saka binatukan si Fierro. “Para bukas mo.”
“Ah,
meron siyempre.” sagot ni Fierro. “Binilin ka kasi sa akin ni nanay! Sabi niya
pupunta siya ng Baguio para sa seminar nila eh wala daw magbabantay sa’yo.”
“Oportunista
ka din naman pala!” pagbibiro ni Martin sa kasintahan.
“Siyempre
naman! May time na ulit para yakapin kita buong gabi.” sabi pa ni Fierro.
“Ang
sweet!” sabi ni Martin saka idinantay ang katawan kay Fierro.
Natigil
lang sa usapan ang dalawa ng dumami na ang tao sa loob ng jeep at umupo na ang
driver sa upuan nito na katabi nila Martin.
Kinabukasan
ay pinuntahan nga ni Martin ang sinabi sa kanya ni Cris para applyan at si
Fierro naman ay kasabay na umalis ni Martin ng bahay.
“You’re
hired!” wala pa mang sinasabi si Martin ay ito na agad ang bungad sa kanya ng
nakatalikod na boss.
“Sir?!”
nagtatakang ulit ni Martin na sa wari niya ay pamilyar ang tinig na iyon.
“Pwede
ka ng magsimula ngayon.” sabi pa nito saka inikot ang swivel chair paharap kay
Martin.
“Cris.”
gulat na gulat na nasabi ni Martin.
“Yes
Martin!” sabi nito.
“Sorry
pero hindi kaya ng pride ko na tanggapin ang trabahong ‘to.” tutol ni Martin.
“Ang
pride, minsan kailangang isantabi muna.” sagot ni Cris.
“I
want to be hired because I’m qualified and not because I’m a boss’ friend.”
sabi ni Martin.
“Without
doubt, you’re qualified for the position.” sagot ni Cris.
“Ni
hindi mo pa nga ako na-iinterview professionally tapos qualified na ako?”
sarkastikong tugon ni Martin. “Sorry Cris, pero hindi ko alam kung papaano ako
maniniwalang qualified ako kung nagdududa na ako sa’yo.” sabi pa ni Martin.
“There
are things in you na hindi kayang makita sa isang professional interviews. You
have characteristics, attitudes and guts na sa isang ordinaryong chitchat
makikita. I strongly believe na kahit inexperienced ka pa, o walang transcript
o kahit hindi kilala ang course mo, I wont let my company not to accept a great
potential like you.” paliwanag ni Cris.
Nanatiling
tahimik si Martin sa sinasabing iyon ni Cris.
“Martin!
I know you will not fail me.” sabi ulit ni Cris.
“Kaya
pala kakaiba ka sa lahat ng kundoktor kasi hindi ka naman pala talaga
kundoktor.” sabi ni Martin. “Nagago mo ako Cris!” malungkot na sabi ni Martin.
“Kaya
ko lang ginawa iyon kasi gusto kong maging kaibigan ka at ayokong maging
kaibigan ka na kilala mo akong isang professional, isang bossing o kaya naman
isang mayaman.” paliwanag ni Cris. “Honestly, sinadya ko lahat ng pagkikita
natin sa bus. Planado ko lahat iyon at inalam ko ang lahat tungkol sa’yo.”
“Pero
bakit?” tanong ni Martin.
“Basta,
kakaiba ka kasi!” sagot ni Cris. “Ikaw lang ang nag-iisa sa buhay ko Martin!
Mula pa nuong una hanggang ngayon.” Bulong ng isip ni Cris.
“Hindi
ko alam kung papaano kita papakiharapan ngayon, pero hindi ko tinatanggap itong
trabaho na’to.” sabi ni Martin.
“Forget
about your pride! Face the reality that you really need this job!” wika ni
Cris. “Patunayan mo sa akin na hindi ako nagkamaling kuhanin ka bilang HR
Manager ng buong AGC Ice Cream and Dairy Factory and in the future ng Aguirre
Group of Companies.” dugtong pa ng binata.
Walang
imik mula kay Martin na tila lutang sa kawalan. Tumayo naman si Cris sa
kinauupuan at nilapitan si Martin, hinawakan ang isang kamay at inilagay sa
balikat ng binata ang isa niyang kamay.
“Accept
the position Martin! I know you can do it.” pilit ni Cris na may simpatikong
ngiti saka iniangat niya ang ulo ni Martin.
Tango
lang ang naging tugon ni Martn na naguguluhan pa din sa sitwasyon.
“By
the way, I’m still single.” habol ng binata.
“Thank
you Sir Cris.” wika ni Martin saka humakbang palayo.
Kinagabihan
–
“Kamusta
na ang mahal ko?” tanong ni Fierro kay Martin.
“May
trabaho na.” tila lutang pa rin si Martin.
“Mainam!”
saad ni Fierro. “Eh bakit malungkot ka?” tanong ni Fierro.
“Wala
lang.” sagot naman ni Martin.
“Saan
company?” tanong ni Fierro.
“AGC
Ice Cream and Dairy Factory.” sagot ni Martin.
Biglang
umasim ang mukha ni Fierro ng marinig niya ang sinabing iyon ni Martin.
“Bakit
ka nagkaganyan?” tanong ni Martin kay Fierro.
“Sino
ang nagpasok sa iyo dun?” imbes na sagutin ay tanong agad ni Fierro kay Martin.
“Remember
Cris?” simula ni Martin. “Iyong kundoktor na pumunta nung grad celeb ko? Boss
pala siya dun.” pagbabalita ni Martin.
“Ganu
ba?” matamlay na wika ni fierro. “Tara kain na tayo.” suhestiyon pa ng binata.
“Cris, ano ba ang binabalak mo ngayon? Hindi pa ba sapat sa iyo ang lahat?”
tanong ni Fierro sa sarili.
Pansin
ni Martin ang pagbabago ni Fierro ngunit hindi na niya inusisa pa ito. Sa
pakiwari niya ay hindi na niya makakaya pa ang kung anuman ang sasabihin ni
Fierro pag nagtanong pa siya.
[02]
“Sir
Martin, pinapatawag ka ni Sir Cris sa office.” sabi ng Junior HR Assistant kay
Martin.
“Sige,
susunod na ako.” tugon ni Martin.
“Bilisan
mo, urgent ata.” paalala pa ng dalaga.
Ngiti
lang ang naging tugon dito ni Martin.
“What’s
with him at pinasabi pa kay Glaiza.” tanong ni Martin sa sarili.
“Sir
Cris!” simulang bati ni Martin kay Cris.
“Cris
na lang Martin.” giit pa ng binata.
“Office
hours tayo Sir!” tanggi ni Martin dito.
“Sabi
mo eh.” kibit-balikat na wika ni Cris.
“Bakit
po ninyo ako pinatawag?” sobrang galang na saad ni Martin.
Unang
araw niya sa trabaho at tatlong araw na ang nakakalipas mula ng makuha niya ang
posisyong binigay sa kanya ni Cris.
“Kakamustahin
ko lang sana ang first day mo.” nakangiting sabi ni Cris.
“Ayos
lang naman Sir! Medyo naninibago pa, kasi malaki iyong company, madaming
employees at nakakalito pa iyong staffing.” pagkukwento ni Martin.
“Cheer
up Martin!” bati ni Cris kay Martin na pansin ang tamlay at lamig ng
pakikitungo nito sa kanya. “Basta, sana walang magbabago sa pagitan natin.”
pakiusap pa ng binata dito.
“Pipilitin
ko po Sir!” sagot ni Martin dito.
“Martin!
Please naman! Unawain mo na lang sana iyong rason ko kung bakit ko nagawa sa
iyo iyon.” sabi ni Cris.
“Mahirap
Sir Cris!” matipid na sagot ni Martin.
“Please
Martin!” buong pagsusumamo ni Cris saka hinawakan sa dalawang kamay si Martin.
Matipid
na ngiti lang ang itinugon ni Martin sa sinabing ito ni Cris.
“Mamaya
ipapakilala na kita sa lahat as HR Manager. Makikilala mo na iyong nasa ibang
department pati na iyong ibang empleyado. This evening I will introduce you to
the rest of the board members with an early dinner.” sabi ulit ni Cris.
“Got
it Sir Cris.” tugon ni Martin.
Kinahapunan
nga ay ipinakilala ni Cris si Martin sa mga tauhan ng kumpanya at malugod naman
siyang tinanggap ng mga ito. Nagkaroon na din siya ng mga kaibigan at kakilala.
“Mahal!
Wat tym ka uwi?” text ni Fierro sa kasintahan.
“Gagbhn
ata aq mahal. Ipppklala pdw kxe q s board members eh.” reply ni Martin.
“Pagbthn
mo mahl!” reply ni Fierro.
“Opo
Mahal! Pra sau gglngan q tlga.” reply ni Martin.
“Luv
u!” si Fierro.
“Luv
u mor! Wg n reply.” sagot ni Martin.
“Opo,
sb mo eh. hahaha” reply ni Fierro.
“Qlt
ng mahal ko.” sabi ni Martin.
“Pra
mamiss aq ng mahal ko. J” reply ni Fierro.
“Totoong
buhay, mamya k nlng reply.” sabi ni Martin.
“Ay!
Ayaw n aqng katxt ng mahal q. L” text ni Fierro.
“Tampururot
nmn ang mhl q. Bka macsnte ka kxe.” reply ni Martin.
“Bsta
ilabyu!” sabi ni Fierro.
“Basta
iyabyumor!” reply ni Martin.
“Muahhhhhhhhhhhhhhhhh!”
sabi ulit ni Fierro sa text.
“Muaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhugzz.
Ayn may hug na.” reply pa ni Martin.
“Cgeh
na, bka masbhan kpang tmad jan.” sabi ni Fierro.
“Yabyu
uyet!” saad ni Martin at pagkatapos nun ay hindi na siya nireplayan pa ni
Fierro.
Kinagabihan
nga ay ipinakilala ni Cris si Martin sa iba pang board of members ng AGC Ice
Cream and Dairy Factory. Malapit ng mag-ala-nwebe ng gabi ng makauwi siya sa
kanila.
“Goedenavond!”
nakangiting bati ni Fierro na nakaupo sa labs ng bahay nila.
“Goedenavond
zu Percival.” gulat na bati ni Martin sa kasintahan. “I thought you’re home?”
sabi pa ng binata.
“Yeah!
Di ba bahay ko na din to?” sabi pa ni Fierro.
“Aysus!
May ganun.” nakangiting sabi ni Martin. “Bakit ka nasa labas? Si nanay?” tanong
pa ni Martin.
“Hinihintay
ka!” sagot ni Fierro. “Pinatulog ko na din si nanay, sabi ko ako na ang bahala
sa mahal kong asawa.”
“Ows!
Talaga sinabi mo iyon?” tanong ni Martin.
“Oo
naman! Sabi pa nga niya, pakainin daw kita pag-uwi mo tapos alagaan na daw kita
habang-buhay eh.” tugon ni Fierro.
“Loko
mo!” sagot ni Martin.
“Kiss
nga ako.” biglang saad ni Fierro.
“Kiss
ka d’yan. Sa loob na!” sabi ni Martin.
“Ay!
Namiss ko gwapo kong asawa eh!” reklamo ni Fierro saka hinawakan sa pisngi si
Martin at inangkin ang mga labi nito.
“I
love you!” sabi ni Fierro matapos ang isang mapagmahal na halik na iyon.
“I
love you more!” nakangiting tugon ni Martin na kita ang ngiti sa mukha sa
tulong ng sinag ng buwan na tumatama sa kanilang dalawa.
Sa
bahay na nga nila Martin natulog si Fierro at maaga din itong pumasok
kinabukasan. Maaga din itong nakauwi nang araw na iyon at balak niyang daanan
ni Fierro sa Robinson para kausapin at piliting sa kanila ulit ito matulog.
“Martin!”
masayang bati ni Danielle sa kaibigan na sa wakas ay nakita niya ulit.
“Danielle!”
sabi ni Martin. “Anung ginagawa mo dito?” tanong pa nito sa kaibigan.
“Pinipilit
ko kasi si Papa F na sumali sa Lakan ng Lahi.” sabi pa ni Danielle.
“O,
napapayag mo na ba?” tanong ni Martin sa kaibigan.
“Hindi
pa nga eh! Ayaw nga niya.” malungkot na balita ni Danielle kay Martin.
“Akong
bahala Danielle!” paninigurado ni Martin kay Danielle.
Napapayag
nga ni Martin si Fierro na sa kanila matulog. Wala ng pakiusapan o pilitan pa,
dahil nga sa nag-iisa lang si Fierro sa bahay nila ay madaling matulog na
kasama niya si Martin. Ang balak nga talaga ni Fierro sa ibahay na si Martin sa
bahay niya subalit iniisip din nito ang nanay ng kasintahan na maiiwan mag-isa
pag-ibinahay na niya ang mahal na asawa.
“Mahal.”
sabi ni Martin kay Fierro na nakaunan sa bisig ng kasintahan.
“Ano
iyon mahal?” tanong ni Fierro habang nakayakap kay Martin na nakahiga sa bisig
niya.
“Sabi
sa akin ni Danielle na pinipilit ka daw niyang sumali sa Lakan ng Lahi.” simula
ni Martin.
“O,
tapos?” tanong ni Fierro.
“Gusto
mo bang sumali?” tanong ni Martin. “Kasi ako gusto kitang sumali dun eh.”
“Huh?”
nagtatakang sagot ni Fierro. “Bakit naman?” tanong pa nito.
“Wala
lang. Basta alam mo iyon, tipong pag nanalo ka, sobrang saya ko na. Tapos pwede
kong inggitin iyong iba na asawa kita.” dahilan ni Martin.
“Asus!”
turan ni Fierro saka kiniliti si Martin sa tagiliran. “Hindi ka ba natatakot na
baka pagpantasyahan ako dun?” tanong ni Fierro.
“Hindi!
Hanggang pantasya lang naman sila eh.” sagot ni Martin. “Saka confident ako na
sa akin ka lang.” sabi pa ni Martin.
“Asus!
Ang asawa ko.” wika ni Fierro.
“Ano
go ka na?” tanong ni Martin.
“Ikaw,
bahala ka, basta ikaw lang ang manager at handler ko.” pangungundisyon ni
Fierro.
“Sure!”
masayang tugon ni Martin.
Nagsimula
na ang mga activities tulad ng pictorials, trainings and workshops ng Lakan ng
Lahi at todo suporta ang binigay ni Martin para sa kanyang katipan na si
Fierro.
Sa
studio kung saan magaganap ang orientation –
“Mr.
Emartinio Masungkal!” bati ng isang pamilyar na mukha at tinig kay Martin.
“You
looks so familiar.” tanging sagot ni Martin sa kusap habang si Fierro naman ay
todo pagtataka sa nagaganap.
“I
interviewed you at Banco de Oriental.” sabi ng lalaki.
“I
remembered!” sabi ni Martin. “Mr. Zach Arceo.” napangiting turan ni Martin.
“Who
is he?” tanong ni Fierro sabay akbay kay Martin. Napansin agad ng binata ang
kakaibang titig na ipinupukol ng lalaki kay Martin kaya naman agad siyang
sumingit sa usapan ng dalawa.
“Si
Sir Zach, siya iyong Junior HR Assistant sa BDO.” sagot ni Martin.
“Nice
meeting you pare!” sabi ni Fierro sabay abot sa kamay niya. “Fierro nga pala.”
pakilala pa nito.
“Zach!”
pakilala naman ni Zach.
“Anung
ginagawa mo dito?” tanong ni Martin kay Zach.
“Pinilit
kasi ako na sumali sa Lakan ng Lahi para i-represent ang Marilao.” sagot ni
Zach. “Ikaw? Don’t tell me kasali ka?” tanong pa nito.
“Hindi
ako, pero si Kuya Perry.” sagot ni Martin sabay tingin kay Fierro.
“Perry?
Fierro?” nagtatakang tanong ni Zach.
“Just
call me Fierro. Only Martin can call me Perry.” sagot ni Fierro saka bitaw ng
mapanghamong titig kay Zach.
“Well,
may the best man win!” sabi ni Zach. “Please excuse me for a while.” pasintabi
pa nito.
“Kung
makatingin akala mo kakainin ka.” bulong ni Fierro kay Martin.
“Selos!”
tukso ni Martin kay Fierro.
“Hindi
din! Di hamak namang mas gwapo ako dun.” turan pa ng binata.
“Sabi
mo eh!” may pigil na tawang tugon ni Martin.
Lumakad
na nga ang araw at tuloy pa din ang suporta ni Martin kay Fierro. May mga
activities kapag sabado at lingo at laging nanduon si Martin para kay Fierro.
Isang
sabado, nahuli nang dating si Martin sa location nila Fierro ay hindi niya
inaasahan ang makikita.
“Ang
gwapo mo talaga.” sabi ng isang baklang kausap ni Fierro.
“Salamat
sagot naman nito saka inakbayan dahil nagpapakuha din ito ng picture kasama
siya.
“May
girlfriend ka na ba?” tanong naman ng isang babae na nakakapit kay Fierro at
humihingi din ng picture.
“Pawis
na pawis ka na.” sabi pa ng isa sabay punas sa pawis ni Fierro.
Hindi
maintindihan kung bakit may kurot sa kanya ang nakikita. Gusto na niyang
takbuhin ang mahal na si Fierro at itago palayo sa mga nakapalibot dito o kaya
naman ay pagbabarilin ang mga nakapalibot sa mahal niyang asawa.
“Martiiiinnn”
sigaw ng tumatakbong si Danielle papunta sa kanya.
“Eskandalosa!”
komento naman ni Martin kay Danielle na isa sa mga organizers ng Lakan ng Lahi.
“Anung
drama at may salamin ka pa?” tanong pa ni Danielle.
“Mahirap
mag-review ng files. At mahirap mag-O.T. na doble sa regular work hours mo.”
sabi ni Martin. “Kakauwi ko lang kaninang madaling araw dahil nireview ko pa
lahat ng records ng HR.”
“May
good news ako sa’yo. Isa si Papa F sa early favorites.” wika ng dalawa.
“Talaga?”
matabang na wika ni Martin. “Maganda.” sabi pa nito.
“Late
ka na!” panimulang bati ni Fierro saka lapit at akbay kay Martin.
“So
what?” sarksatiko at mahinang tugon ni Martin.
“L.Q.”
natatawang tanong ni Danielle sa dalawa.
“May
topak ka na naman!” bati ni Fierro saka pisil sa dalawang pisngi ni Martin.
“Sige
Mart! Ayusin ko lang iyong nasa likod.” paalam naman ng dalaga.
“Sige
Danielle.” sagot ni Martin.
“Ano
ba ang problema nang mahal kong asawa?” tanong ni Fierro kay Martin.
“Tatanong
pa!” sarkastiko pa ding tugon ni Martin.
“Nagseselos
siya!” tila nahulaan ni Fierro ang punu’t-dulo ng sumpong ni Martin.
“Hindi
kaya.” tanggi pa din ni Martin.
“Ikaw
ang nagsali sa akin dito kaya hindi ka dapat magalit kung gwapo ang asawa mo.”
nakangiting wika ni Fierro.
“Pero
unreasonable pa din iyong makipag-lampungan ka sa iba.” sabi ni Martin.
“Eh
di lumabas na din iyong dahilan ng sumpong mo.” sabi ni Fierro na may
simpatikong ngiti. “Nakikisama lang ako kasi gusto kong manalo para sa’yo.”
paliwanag pa ng binata sa mahal niyang si Martin.
“Pero
dapat alam mo kung hanggang saan ang limitasyon.” sagot ni Martin.
“I
love you! Hayaan mo na iyon, mahal naman kita.” sabi ni Fierro.
“Ay
hindi! Tandaan mo ang araw na’to.” sabi ni Martin.
Walang
anu-ano ay ninakawan ni Fierro ng halik si Martin ngunit sinigurado na muna
niyang walang nakatingin sa kanila at walang nakakakita.
Natahimik
si Martin sa dapat pa niyang sasabihin.
“Eh
di tumahimik ka.” nakangising wika ni Fierro saka inakbayan si Martin at
pumunta na sila sa umpukan.
Sa
wakas ay dumating na din ang sandaling hinihintay ng lahat. Coronation Night na
ng Lakan ng Lahi. Unang lumabas ang mga kalahok suot ang kanilang National
Costume, nagsuot ni Fierro ng Chinese collared Barong-Tagalog na yari sa pinya
na may customize design na si Martin mismo ang gumawa at tinernuhan ng kulay
gatas na pantalon. Sumunod naman lumabas ang mga kalahok suot ang kanilang
Fantasy Costume at ginaya ni Fierro ang suot ng favorite superhero niyang si
Batman. Sunod ay rumampa ang mga kalahok suot ang kanilang trunks. Tilian ang
mga tao habang rumarampa ang mga kalahok pero mas dumagundong nang lumabas na
sina Zach at Fierro. Kita ang pagka-angat sa ganda ng katawan ng dalawa at iwan
na iwan ang iba pang kalahok. Pagkatapos ng swimwear ay nag-announce na ng Top
five at kasama sila Zach at Fierro. Kasunod nito ay ang sports wear at panghuli
ay Casual wear at saka nagkaroon ng question and answer.
“What
makes a man a man?” tanong ng host kay Fierro.
“What
makes a man as a man is his courage to continue even if there are no more
reasons, his strength to stand over trials and fall, his wisdom to do critical
and wise decision, his temperance to be on control to his self and most of all,
his courage, strength, temperance and wisdom to be against the world to protect
what is right and to protect his love for safety. It is his willingness to be
the change.” sagot ni Fierro.
“Very
well said Fierro.” sabi ng host. “Now you have your top 5 and after a short
while, we will announce this years’ Lakan ng Lahi.” pahabol pa ng host.
“Congrats
bro!” maagang bati ni Zach kay Fierro.
“Walang
pang announcement bakit bumabati ka na?” tanong ni Fierro dito.
“Sure
ko nang ikaw ang mananalo.” sagot ni Zach.
“Hindi
din! Magaling ka ding contender para sa title.” nakangitng sagot ni Fierro.
“Yeah!
Pero pang-runner up lang ako.” sambit naman ni Zach.
“Hindi
din.” tanggi ni Fierro.
“But
I want to make things clear, kayo na ba ni Martin?” tanong ni Zach sa binta.
“Paano
mo naman nasabi iyon?” tila nabibilaukang tugon ni Fierro.
“I
can sense it!” sagot ni Zach. “Alam mo naman di ba pag gusto mo iyong isang tao
masesense mo kung may umaaligid sa kanya or kung taken na siya? I am sure
na-experience mo na iyong sinasabi ko.” sabi pa ulit nito.
“What
do you mean? May gusto ka nga kay Martin?” tila naiba ang timpla na sagot ni
Fierro.
“Likely!
Iba kasi ang personality ni Martin.” diretsong sabi ni Zach.
Nagdadalawang
isip si Fierro kung aaminin ba niya kay Zach ang tunay na ugnayan nila ni
Martin. Kung siya ang tatanungin ay gusting-gusto na niyang ipagsigawan sa
buong mundo na sila na ni Martin subalit may takot pa din siyang nadarama at
isinasaalang-alang din niya ang desisyon ng katipan.
“Answer
me! Kasi kung hindi pa, bilisan mo ako kikilos na ako para kay Martin.” paalala
pa ni Zach.
“Eh
kung sabihin kong oo?” tanong ni Fierro.
“Madali
naman akong kausap, ayokong sumira ng relasyon ng iba kaya hahayaan ko na lang
si Martin sa’yo.” nakangiti nitong tugon.
“Kung
sana lahat ng tao kagaya mo Zach!” mahinang usal ni Fierro.
“Congrats
ulit pare!” sabi pa ni Zach saka iniwan si Fierro.
“Galing
mo Zach!” bati ni Martin kay Zach nang makasalubong niya ito.
“Thanks
Martin!” tugon ni Zach.
“Martin,
buti at pinapasok ka.” sabi ni Fierro kay Martin.
“Ano
pang silbi ng pagiging bibo kid ko kung hindi ko magagamit?” balik na tanong ni
Martin kay Fierro.
“Ikaw
talaga!” sabay yakap kay Martin at gulo sa buhok nito.
“O.A.
ka na!” reklamo ni Martin sa ginagawa sa kanya ni Fierro.
“Fierro
tama na yan! Pinapatawag na kayo ulit sa stage.” bati ni Danielle kay Fierro.
“Salamat
Dan!” wika ni Fierro saka bitiw ng matamis na ngiti sa dalaga.
“Ang
gwapo nya talaga!” wika ni Danielle saka hinampas si Fierro sa balikat.
“Tinamaan
ng magalnng!” reklamo ni Martin sa kaibigan. “Kung makahampas ka! Close ba
tayo?” biro pa nito sa kaibigan.
“Nginitian
niya ako Martin!” sabi pa ni Danielle saka maligayang sinabunutan si Martin.
“Masakit!”
reklamo ulit ni Martin. “Bakit ba kayong mga babae pag kinikilig sobrang
rahas?” tanong pa ni Martin.
“Malay
ko sa’yo friend!” tugon ni Danielle saka parang lutang na bumalik sa trabaho
niya.
Maya-maya
pa at –
“And
the winner is, candidate number…” at kasunod nito ay isang mahabang drumroll.
“Number
21, Percival Gutierrez.” sabi pa ng isang host.
Labis
ang kasiyahan ni Martin nang marinig niyang tinawag ang pangalan ni Fierro
bilang Lakan ng Lahi. Madami ang bumati kay Fierro, nagpapicture at kumausap,
ngunit kahit sino man ang kaharap niya ay lagi niyang kasama si Martin at hindi
naalis ang pagkakaakbay niya dito.
“Galing
naman ng mahal ko.” bati ni Martin kay Fierro habang pauwi.
“Siyempre,
tumupad ako sa pangako ko sa mahal ko.” sagot naman ni Fierro.
“Loko
mo!” sagot ni Martin sabay pisil sa pisngi ng katipan.
Kinabukasan,
araw ng lingo –
“It’s
payback time!” nakangising simula ni Fierro kay Martin habang kumakain sila sa
fastfood na nasa loob ng mall.
“Huh?”
pagtatanong ni Martin kay Fierro.
“Danielle
told me that they are organizing another male pageant and they are looking for
contestants.” sagot ni Fierro.
“Kinakabahan
ako sa sinasabi mo Fierro.” sabi ni Martin. “Di ba katatapos lang ng Lakan ng
Lahi?” sabi pa ni Martin.
“It’s
different from Lakan ng Lahi.” sagot naman ni Fierro. “It’s payback time Martin
kasi ipinasama ko na ang pangalan mo sa tentative list.” pagbabalita pa ni
Fierro.
“Sabi
ko na nga ba!” tila asar sa tugon ni Martin.
“Oh!
Bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Fierro.
“Kasi
naman hindi mo man lang ako kinunsulta!” asar pa nitong paliwanag.
“Naisip
ko lang naman di ba mas maganda kung ako title holder tapos ikaw magiging title
holder din.” pangungumbinsi pa din ni Fierro.
“Pero
hindi tama na ipalista mo ako dun nang hindi ko alam.” sagot naman ni Martin.
“Akala
ko kasi ayos lang sa’yo.” nalungkot na sabi ni Fierro.
“Next
time hindi na sana ganito. You’re deciding for me kahit wala akong
kaalam-alam.” sabi pa din ni Martin.
“Sige,
ipapa-alis ko na lang iyong name mo din, huwag ka lang magalit sa akin.” sabi
pa ni Fierro.
“Sige!
May point ka naman din kasi, sumali ka sa Lakan ng Lahi dahil sa akin, sasali
na din ako d’yan para sa’yo. Pero make sure hindi mo ako papabayaan.”
pangungundisyon pa ni Martin.
“Sure!
Akong bahala sa’yo.” nakangiting sagot ni Fierro.
“Anung
klase ba yang male pageant na ‘yan?” tanong ni Martin.
“You’ll
know it later.” nakangising sagot ni Fierro.
“Kinakabahan
ako Kuya Perry.” tugon ni Martin.
“Trust
me!” sabi ulit ni Fierro.
[03]
“Good
Morning nay!” masayang bati ni Fierro sa nanay ni Martin isang umaga ng sabado.
“Good
morning Fierro.” ganting bati ng ginang sa binata. “Si Martn? Tulog pa ba?”
tanong pa nito.
“Opo
eh.” sagot nito. “Sino poi yang bata nay an?” tanong pa ng binata sa matanda ng
makita ang batang nakaupo sa sofa.
“Anak
ko.” nakangitng sagot ng matanda.
“Anak?
Kapatid ni Martin?” paninigurado ni Fierro na napakamot pa sa ulo.
“Hindi
pa ba nasabi sa’yo ni Martin na may kapatid na siya?” tanong ng ginang. “Alam
ko naman kasing hindi ninyo ako mabibigyan ng apo ni Martin kaya inampon ko na
lang itong anak ng pinsan ko.” nakangiti pa nitong paliwanag.
“Sorry
po nanay!” nalungkot na pahayag ni Fierro sa ina ng kasintahan.
“Para
saan ang sorry mo anak?” tanong naman nito.
“Kasi
ako po ang dahilan kung bakit hindi kayo magkakaapo.” sagot ng binata.
“Hay,
ikaw na bata ka. Hindi mo kailangang humingi ng sorry, tandaan mo na mula nang
tanggapin ko ang tungkol sa inyo ni Martin ay tinaggap ko ang lahat ng
posibleng mangyari. Mas mahalaga sa akin kung papaano magiging masaya ang
kaisa-isa kong anak.” paliwanag pa ng matanda.
“Nanay!”
malambing na wika ni Fierro saka niyakap ang matanda.
“Kita
mo ngayon, dalawa na kayong anak ko.” sabi pa nito. “Basta mahalin mo ang anak
ko Fierro. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo si Martin.” paalala pa ng matanda.
“May
ano at yakap mo si nanay?” bati ng pupungas-pungas pang si Martin.
“Wala
hijo!” sagot ng matanda.
“Asus!
Si nanay, nakikiyakap lang kay Kuya Perry.” nakangising sabi pa nito.
“Kuya
Martin!” sabi ng bata habang hinahatak ang short ni Martin. “Sabi kasi ni nanay
kay manong ipinagkakatiwala ko na sa iyo si Martin kaya niyakap ni manong si
nanay.” kwento pa ng bata.
“Ikaw
Gelo ka! Kay bata mo pa chumichismis ka na.” namumulang sabi ni Martin sabay
gulo sa buhok ng bata.
“Gelo
hijo! Siya si Kuya Fierro mo, ang isa mo pang kuya.” sabi naman ng matanda kay
Gelo.
“Siya
po pala si Kuya Fierro.” sabi ng bata saka tumingin kay Fierro. “Mas gwapo nga
siya kay Kuya Martin.” tumatawang sabi pa nito na halatang inaasar ang bagong
bangon na si Martin.
“Kay
aga-aga namumuwiset ka.” tugon ni Martin.
“Totoo
naman eh!” sagot ni Fierro saka buhat sa batang si Gelo.
“Naku!
Magkampi na kayo.” tugon ni Martin.
“Bilisan
mo ang kilos Emartinio at baka malate tayo sa orientation ninyo.” paalala ni
Fierro sa kasintahan.
“Hala!
Nalimutan ko na ngayon nga pala iyon.” napakamot sa ulong wika ni Martin.
“Ngayon
iyong briefing kaya dapat nandun ka.” sabi pa ni Fierro.
“Saan
ba ang lakad ninyo?” tanong naman ng matanda.
“Gaganti
lang po kay Martin.” nakangiting turan ng binata.
Sa
orientation –
“Martin,
ready ka na ba? Find your seat kasi ipinagreserve ko na kayo.” simulang bati ni
Danielle kila Martin at Fierro.
“Thanks
Dan.” pasasalamat ni Fierro sa dalaga.
“Okay
guys!” simula ng head organizer. “It took us long period of time para
i-conceptualize itong male pageant na’to, nahirapan din kaming makahanap ng mga
candidates na sa tingin namin ay deserving maging unang title holder. Yeah,
masalimuot ang pinagdaanan pero ito na, ang katuparan ay malapit na para sa
kauna-unahang...” masayang paglalahad pa nito.
“What?!”
malakas na reaksyon ni Martin hindi pa man natatapos sabihin ang pangalan ng
patimpalak.
“Is
there any problem Sir?” tanong ng organizer kay Martin.
“Can
you please clarify things sir? Honestly, I’m clueless!” tugon ni Martin.
“Okay
kiddo I’ll explain.” sabi pa ng organizer.
“What?
Do I really need to do that? Goodness! Anung kalokohan naman ba itong pinasok
ko?”patuloy na pag-iisip ni Martin na hindi kayang isipin ang kung anuman ang
napasukan. “This can’t be! Malabo, quit na ako.” saad pa ng isip niya.
Napansin
naman ni Fierro ang naging reaksyon ng kasintahan kaya naman agad niya itong
tinapik at binulungan.
“Ayos
ka lang ba?” tanong ng nag-aalalang si Fierro.
Isang
matalim na titig ang ipinukol ni Martin dito bago magsalita –
“You
have to explain!” madiin pa nitong sabi na nagpatahimik kay Fierro.
“Any
questions?” paglilinaw ng organizer.
“Can
I quit Sir?” tanong ni Martin.
“Martin!”
nausal ni Danielle sa naging desisyon ni Martin. “He’s kidding Sir!” sabi naman
ni Danielle sa head organizer.
“I’m
serious Sir!” pamimilit ni Martin.
“Why?”
tanong ng organizer. “Not to bother anyone but I can see you kid holding the
title.” komento pa nito.
“For
some personal reasons sir.” sagot naman ni Martin saka tumingin kay Danielle at
Fierro.
“Okay,
but If ever you changed your mind we are willing to accept you.” nakangiting
sabi pa nito.
“Thank
you for understanding.” balik na sagot ni Martin saka humakbang palabas.
“Martin!”
habol ni Fierro sa katipan.
“Bakit
mo naman hindi sinabi sa akin na ganito pala ang gagawin ko dito?” tanong ni
Martin kay Fierro. “Do you think that nanay will be happy if she will see me
under that spotlight?” tanong pa ni Martin dito.
“Sorry
Martin.” sinserong paumanhin ni Fierro. “I just thought that you’re ready for
this. Gusto ko lang ipakita sa lahat ang other side ng sweet, charming and
loving Martin.” paliwanag pa ni Fierro saka hinawakan sa kamay si Martin.
“You’re
forgiven! Pero sana mahal, huwag mo na akong pilitin na sumali dun.” pakiusap
ni Martin kay Fierro na wari bang lumambot ang puso niya sa pakiusap ni Fierro.
“Swear!”
nakangiting tugon ni Fierro saka niyakap si Martin.
Kinagabihan
ay kila Martin ulit natulog si Fierro –
“Alam
mo mahal, gusto ko ng magka-anak.” simula ni Fierro kay Martin.
“Loko!”
sagot ni Martin saka binatukan si Fierro.
“Totoo!
Gusto kong magka-baby.” pilit ulit ni Fierro. “Iyong papalakihin at aalagaan.”
May
tila kurot kay Martin sa sinabing iyon ni Fierro. May isang bagay na wari niya
ay sumampal sa kanya. “Eh di mag-ampon tayo.” tanging nasabi ni Martin.
“Gusto
ko iyong ako talaga ang gagawa. Iyong sarili kong anak.” giit pa ni Fierro.
“Mag-asawa
ka ng babae.” matamlay na sabi ni Martin na sa totoo lang ay may isang
damdaming nais kumawala sa kanya.
“Ayoko
rin! Maghihiwalay tayo pag-ginawa ko yun eh.” sabi pa ni Fierro saka niyakap si
Martin.
“Naman!
Ayokong may isang bata na naman na lumaking hindi buo ang pamilya.” sabi pa ni
Martin.
“Magkano
kaya ang bayad sa baby maker?” tanong na agad ni Fierro.
“Mangungunsinti
ka pa ng masamang gawain.” sagot ni Martin na may pigil nang luha sa kanyang
mga mata sa isiping may isang bagay na hindi niya kayang ibigay kay Fierro,
isang anak.
“Forget
about it Martin mahal!” sabi pa ni Fierro. “Tulog na tayo.” aya pa niya sa
kasintahan. “Namiss kong yakapin ang asawa ko, kaya matulog na tayo.” saka
hinigpitan ang pagkakayakap kay Martin at hinalikan sa noo.
Kinabukasan
–
“Dude!
This is it!” sabi ni Fierro kay Jules pagkadating sa opisina.
“Ready
ka na ba?” tanong ni Jules kay Fierro.
“Matagal
ko nang dapat ginawa to. This is it!” nakangiting sabi pa ng binata sa
kaibigan.
“Goodluck
bro!” saad ni Jules saka tapik sa balikat ni Fierro.
“Thanks!”
sagot ni Fierro.
Samantalang
si Martin –
“Miss
nandiyan ba si Fierro?” tanong ni Martin sa isang saleslady na nasa loob.
“Si
Sir Fierro po ba?” tanong ng dalaga kay Martin.
“Yeah,
si Fierro nga.” nagtatakang sagot ni Martin.
“Nasa
opisina po, dun sa taas.” sabi pa ng dalaga saka turo sa isang pintuang sa
tingin niya ay may hagdan.
“Thanks!”
sagot ni Martin saka tinungo ang lugar na sinabi sa kanya ng babae.
“Good
Morning Sir Martin!” bati ni Jayson kay Martin saka sinabayan sa paglalakad ang
binata.
“Magandang
umaga Sir Martin!” bati ni Mark sabay sinabit ang smapaguitang hawak niya.
“Good
Morning Sir Martin!” bati din ng guard kay Martin saka sinaluduhan ang binata.
Bumati
din ang ibang empleyado ng mall kay Martin at bawat isa ay nagbibigay ng
tig-iisang bulaklak, may rosas, orchids at tulips. Wala p;ang tao sa loob ng
mall nang mga oras na iyon at sa tingin niya ay hindi pa ito nagbubukas.
Nakapila
na ngayon lahat ng empleyado ng mall papunta sa pintuang tinuro sa kanya ng
dalagang napagtanungan. Tila ba mga sundalo itong nagbibigay pugay sa kanyang
pagdaan. Biglang may tumugtog, isang pamilyar na awitin.
“Only
you can make this world seem right
Only
you can make the darkness bright
Only
you and you alone
Can
thrill me like you do
And
fill my heart with love for only you
Only
you, only you can make this change in me
For
it's true you are my destiny
When
you hold my hand I understand
The
magic that you do
You're
my dream come true
My
one and only you
Only
you, only you can make this change in me
For
it's true, oh baby you are my destiny
When
you hold my hand I understand
The
magic that you do
You're
my dream come true
My
one and only you”
Mula
sa itaas ay may bumagsak na confetti na hugis puso at duon nakasulat ang mga
titik na P.L.E. Naguguluhan at hindi alam ni Martin kung papaano magbibigay
reaksyon. Pagkadatnig niya sa taas.
“Good
Morning Mahal kong Martin.” bati ni Fierro saka inikot paharap ang swivel chair.
“Kuya
Perry?” maikling tugon ni Martin na hindi alam kung papaano magbibigay
reaksyon.
“I
love you!” sabi ni Fierro na mabilis na nakalapit sa kinatatayuan ni Martin at
saka ito ginawaran ng mainit na halik. “I love you!” ulit nito pagkabitaw sa
maalab na halik na iyon saka niyakap ng mahigpit si Martin.
“Anung
mayroon?” tila walang kaalam-alam na tanong ni Martin.
Isa-isang
pumasok ang mga empleyado sa opisinang iyon ni Fierro. Tila isang koro na
nagsalita – “Isang mensahe nang pagmamahal mula kay Percival Gutierrez para kay
Emartinio Masungkal.” saka umawit ang mga ito.
“Ikaw
ang pag-ibig ko
Ikaw
ang buhay ko
Wala
ng hihigit pa,
Sa
makapiling ka
At
makasama pa.
Ikaw
ang pag-ibig ko,
Tanging
ikaw ang buhay ko,
Wala
ng mahihiling pa
Kung
di panghabay buhay din
Ang
pag-ibig mo.”
“Salamat
dahil minamahal mo ako kahit na ano pa man ang naging katayuan ko sa buhay.”
sabi ni Fierro. “Here, I’m sorry kung itinago ko sa’yo kung ano ang totoo. Alam
kong hindi magtatagal at malalaman mo din ang lahat kaya bago mangyari iyon,
uunahan ko na at aamin na ako sa’yo.” dagdag pa ng binata saka hawak sa pisngi
ni Martin.
“What
do you mean?” hindi magawang magalit ni Martin kay Fierro dahil mas lamang sa
kanya ang saya dahil sa ginawa nito sa kanya.
“I
love you and I will always love you!” sabi pa ni Fierro saka muling niyakap si
Martin sa harap ng mga empleyado ng mall.
“Sir
Martin! Wala bang sagot?” kantyaw ng mga empleyado.
Nakangiting
napatingin si Martin sa mga ito at namumulang sumagot – “I love you too!”
Palakpakan
ang lahat at saka matapos ang ilang minuto ay napag-isa sina Martin at Fierro.
“Sorry
Martin! Sinadya ko ang lahat, mula nung unang araw na makita mo ako dito
hanggang sa mga araw na hindi kita sinisipot, ang pagpapanggap ko.” simula ng
paliwanag ni Fierro.
“Hindi
ko alam kung magagalit ba ako sa’yo mahal ko, pero mas lamang na masaya ako.”
tugon ni Martin. “Tell me everything.”
“Hindi
ako mahirap na umuwi ng Pilipinas tulad ng sabi ko sa’yo dati. Sa totoo lang ay
pagmamay-ari ko na ang kalahati ng stocks ng mall na’to, may dalawang travel
agency sa Manila at isang high class restaurant sa Tomas Morato. So far,
biggest achievement ko ay nakuha ko na din ang construction company kung saan
punung-puno ng alaala natin, ng ating kamus-musan dahil sa lugar na iyon
bumabalik ang alaala ng batang pagmamahal ko sa iyo. Higit sa lahat, I want you
to love me as Percival with nothing kaysa sa Percival with everything.”
“I
don’t care kahit na ano pa man ang katayuan mo sa buhay, kung ano ang
pagmamaya-ari mo. Mas mahalaga sa akin ang puso mo.” sabi ni Martin.
“I
want to see if mabubuhay ko sa’yo ang dati mong pagmamahal sa akin kaya ilang
beses kitang hindi sinipot.” paliwanag ulit ni Fierro na punung-puno ng
sinseridad ang mga mata. “Pero higit pa, gusto kong masigurado kung pagmamahal
ba tong nadarama ko bago ako tuluyang malulong sa damdamin ko. Kaya naman nang
masigurado ko, hindi ko na pinalampas, kinausap ko na si nanay at humingi ng
basbas.” kwento pa ni Fierro.
Napapangiti
lang si Martin sa mga sinasabing iyon ni Fierro.
“Sa
simula pa lang ay inalam ko na ang kilos mo, I hired an investigator to follow
your daily activities, pinahanap kita at humingi ako ng tulong sa isang
Philippine based background checker para subaybayan ka.” sabi ulit ni Fierro.
“Patawarin mo ako Martin.” pagwawakas ni Fierro saka iniluhod ang isang tuhod
sa harap ni Martin.
“I
told you!” sagot ni Martin saka itinatayo si Fierro. “Mas lamang na masaya ako
kaysa sa galit.”
“Talaga?”
tanong ni Fierro.
“Opo!”
sagot ni Martin. “Alam mo bang si Cris, iyong boss ko, nagpanggap din iyon na
kunduktor para daw maging kaibigan ako.” sabi pa ni Martin. “Ewan ko, basta
Percival, mahal na mahal kita.”
Ngiti
lang ang reaksyon ni Fierro. “Si Cris? Ano ba talaga ang balak niya sa amin ni
Martin? Bakit pa niya kailangan magpanggap at makipaglapit kay Martin! Hindi pa
ba siya kuntento?” bulong sa isip ni Fierro.
[04]
Ikaapat
na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ - /na/ - /ba-ha-gee/ Uno – Dos – Tres – Kwatro “Please
Martin! Pumayag ka na.” pamimilit ni Danielle kay Martn mula sa kabilang linya.
“Friend! Hindi ko kaya yun.” sagot ni Martin. “Laki ng panghihinayang ni Boss
sa’yo.” sabi pa ni Danielle. “Friend, ganito, pag pumayag si nanay, go ako.”
sagot ni Martin matapos lang ang usapan nilang magkaibigan. “Sabi mo ‘yan
friend ah.” tila naging maligaya ang tinig ni Danielle sa sagot nia iyon ni
Martin. “Martin Mahal, sino iyong tumawag?” tanong ni Fierro kay Martin. “Si
Danielle, pinipilit akong sumali dun sa contest nay un.” tugon ni Martin. “I
told you, sumali ka na kasi.” pamimilit ulit ni Fierro. “And I told you na
huwag mo na akong piliting sumali dun!” biglang simangot na sabi ni Martin. “Asus!”
sabi ni Fierro saka niyakap mula sa likod si Martin. “Sama ka sa akin mamaya
ah.” pakiusap ni Martin kay Fierro. “Saan naman?” tanong ni Fierro na walang
maalalang lakad ni Martin. “Huwag ka nang magtanong basta samama ka sa akin
mamayang gabi, 9pm at formal attire.” pamimilit ni Martin sa binata.
Kinagabihan – “Ang tagal!” yamot na sabi ni Martin habang hinahantay si Fierro.
“Martin!” tawag ni Jayson mula sa likuran. “Jayson!” sagot ni Martin. “Saan na
si Fierro?” tanong pa ng binata. “Sandali lang daw, saka maaga pa naman daw
kasi.” sagot ni Jayson. “Ganun ba? Pwede ko bang akyatin?” tanong ni Martin kay
Jayson. “Kaya nga ako pumunta dito kasi pinapasundo ka ni Sir Fierro.”
nakangising turan ni Jayson. “Sabi niya din, huwag ka daw aakyat dun hangga’t
hindi mo naisusuot itong pinadala niyang damit.” “Loko talaga iyon.” sabi pa ni
Martin. Maya-maya pa at umakyat na nga si Martin sa tass kung nasaan ang Kuya
Perry niya – “Martin.” nausal ni Jayson na nanlalaki ang mga mata. Inikot ni
Fierro ang swivel chair niya paharap kay Martin nang marinig niyang tinawag ito
ni Jayson. “Martin.” laki nang paghangan na nasabi ni Fierro saka tumayo. “Kuya
Perry.” mas higit ang paghangang nasabi ni Martin. “Tara na!” simpatikong aya
ni Fierro kay Martin saka abot sa kamay nito. “Let’s go!” sagot naman ni Martin
saka inabot ang palad ng katipan. Nakasuot si Martin ng puting coat na may
lining na kulay itim at gray, na tinernuhan ng puting pantalon at ang panloob
naman nito ay kulay pink na Chinese collared at may kulay brown na ribbon sa
leeg. Bagong gupit at ayos na ayos ang buhok nito na bumagay sa itsura ni
Martin, lalong tumingkad ang mala-anghel nitong mukha at kagwapuhan. Si Fierro
naman ay nakasuot ng kulay itim na coat na may lining na puti at may burdang
kulay gray at tinernuhan din ng kulay itim na pantalon. Kulay pula naman ang
panloob ng binata at kulay brown din na necktie. Tulad ng pangalan niyang
Fierro ay napag-aalab din ang karakter ni Fierro sa suot niya at napag-alab din
nito ang kagwapuhan ng binata. May naging simpatico at kaaya-aya ang anyo nito
na mas naging kahali-halina. “Wow! Nice couple!” maibulong ni Jayson sa hangin.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Fierro kay Martin. “Puntahan mo na lang itong
restaurant na’to.” komento pa ni Martin. “Good evening Martin!” simulang bati
ni Cris kay Martin pagkapasok nito sa loob ng Guilbert’s Place (Local
Restaurant sa Plaridel, malapit sa Sta. Rita at Rocka). “Sinong kasama mo?”
tanong pa ng binata kay MArtin. “Martin, tara na!” sabi naman ni Fierro na
bagong pasok sa loob. “Cris!” muling nasabi ni Fierro nang makita ang kausap ni
Martin. Kita sa mukha nito ang pagkabigla ngunit pinilit niyang magpakapormal
pa din. “Fierro?” nagulat na sabi ni Cris. “Anung ginagawa mo dito?” tanong pa
niya. “Sabi mo kasi magsama ako, kaya sinama ko si Kuya Perry, hindi pwede si
nanay kasi maaga ang pasok niya bukas kaya si Kuya Perry lang ang naisama ko.”
salong paliwanag ni Martin kay Cris. “Halina kayo.” walang nagawang sabi ni
Cris na inaya ang dalawa papasok. “Ma, Pa, I want you to meet Martin.” pakilala
ni Cris kay Martin sa mga magulang niya. “Martin, my parents.” sabi pa ulit ni
Cris. “Nice meeting you ma’am!” nakangiting bati ni Martin. “Nice meeting you
Martin.” sagot naman ng ginang. “Sino iyong kasama mo?” tanong pa nito sabay
aninag sa nasa likurang si Fierro. “I am with my brother, Fierro.” pakilala
naman ni Martin. “Good evening Uncle and Tita!” pilit pinatatag ang sariling
turan ni Fierro. “Percival!” madiing anas ng ginang. “Yes Ma! Si Perry.” sabi
ulit ni Cris. “Wait, may ano?” naguguluhang singit ni Martin. “Sorry Martin
kung hindi ko nasabing half-brother ko si Cris.” pauna nang hingi nang
paumanhin ni Fierro. “So, another trick mula sa inyong dalawa?” pilit ang
ngiting tanong ni Martin kay Fierro. “Definitely not!” salo ni Cris sa tanong.
“Upo na muna kayo.” sabi pa ng matandang lalaki sa kanila. Pilit na pinahupa ni
Martin ang sariling emosyon saka may pilit na ngiting umupo. Samantalang si
Fierro naman ay hindi alam kung papaano papakiharapan ang mga taong sanhi nang
paghihirap nilang mag-ina. Hindi pa siya handa para makita ang mga ito at wala
pa sa plano niyang makaharap ang mga ito. Matapos ang ilang sandal – “Excuse me
for a while.” pasintabi ni Martin sa mga ito. Sinundan naman siya agad ni
Fierro – “Martin, sorry, sasabihin ko din naman lahat sa’yo.” paliwanag ni
Fierro kay Martin. “Sorry Perry, pero teka lang, magmove-on muna ako sa
kalokohan ninyo ni Cris.” sagot ni Martin. “Please Martin pakinggan mo muna
ako.” pamimilit ni Fierro kay Martin. “Ano ba ba ang sasabihin mo? Ano pa ba
ang hindi ko alam? Ano pa ba ang dapat kong malaman? Ano pa banag ang mga
itinatago mo? Ano pa ang mga kasinungalingan ninyo?” tanong ni Martin na kita
ang pagpipigil ng luha. “Listen to me!” saad ni Fierro saka tinitigan sa mga
mata si Martin. “All I need is your trust! Sasabihin ko din sa’yo lahat.”
sinserong saad pa ng binata. “Bakit hindi pa ngayon?” tanong ni Martin. “Dahil
hindi pa panahon.” sagot ni Fierro. “Malalaman ko din naman yan, sasabihin mo
din naman yan, bakit hindi pa ngayon?” tanong pa ulit ni Martin. “Ano to? Sa
susunod mukha ulit akong tanga, tulad ngayon?” giit pa ulit ni Martin. “Trust
me Martin!” pakiusap ni Fierro. “How can I trust you? Wala na akong reason para
paniwalaan ka.” sabi ni Martin. “You love me, right?” tanong ni Fierro. Tango
lang ang sagot ni Martin. “That is enough para pagtiwalaan mo ako.” nakangitng
sabi ni Fierro. “Ewan ko Perry! Oo, mahal kita, pero nahihirapan akong kumuha
ng dahilan para pagtiwalaan ka. Illogical and fallacious iyong sinsabi mo.”
sabi pa ulit ni Martin saka iniwan s\mag-isa si Fierro. “Martin!” tawag ni
Fierro. “Fierro.” tawag naman ni Cris kay Fierro pagka-alis ni Martin. “Ano ba
ang balak mo Cris?” singhal ni Fierro kay Cris. “Sirain ang buhay mo!” sagot ni
Cris dito. “Gago ka! Hindi pa ba sapat na winalanghiya ninyo ang buhay namin ni
Mama?” tanong ni Fierro dito. “Hindi pa tol! Kung alam mo lang kung anung hirap
ang nangyari kay mama nung ipagpalit kami ni Papa sa inyo!” paninisi pa ni
Cris. “Nasa inyo na si Papa di ba? Dapat masaya ka na.” sabi naman ni Fierro.
“Oo, ibinigay nga ninyo sa amin si Papa pero lantang gulay na siya nuon,
hanggang ngayon langtang gulay pa din.” sumbat pa ulit ni Cris. “Kaya ba
ipinagpalit na ng mama mo si papa kay Tito Bobi?” balik panunumbat naman ni
Fierro. “Malandi din iyang mama mo! Komo ba wala nang mapapakinabangan kay
papa, lalandiin naman niya iyong kapatid ni papa?” “Wala kang karapatang
lapastanganin si mama!” sabi ni Cris sabay bitaw ng suntok kay Fierro. “Puta!
Ikaw! Kayo ang nagsimula nito!” ganting suntok ni Fierro na nagpabuwal kay
Cris. “Ibinalik na namin sa inyo si Papa, kahit ipagpilitan naming kami na ang
mag-aalaga ayaw ninyong pumayag! Ipinasara ninyo iyong eskwelahang minana ni
mama sa lola niya at higit pa, ibinaon ninyo kami sa utang na kayo naman ang
may gawa! Namulubi kami sa U.S., dahil sa inyo!” ganting sumbat pa ni Fierro.
“Mang-aagaw kasi ang mama mo!” sabi ni Cris. “Maninira siya ng pamilya!” sabi
pa nito saka kinuwelyuhan si Fierro. “Tandaan mo Cris! Mas matanda ako sa’yo at
di hamak na mas nauna si mama kaysa sa mama mo! Nagkataon lang na malandi iyang
nanay mo!” sagot ni Fierro saka tulak kay Cris palayo. “Gago!” sigaw ni Cris
saka muling sinalubong ng suntok si Fierro. Nakailag si Fierro sa suntok na
iyon kaya naman dumausdos si Cris pababa at tumama ang tagiliran sa dingding.
“Matakot ka na Cris! Mararanasan mo kung ano ang ginawa ng pamilya mo sa amin
ni mama! Kukunin ko ulit si papa sa inyo. Humanda ka! Malapit nang magsimula
ang lahat!” pagbabanta pa ni Fierro. “Hindi mo magagawa iyan! Kukunin ko muna
sa iyo si Martin!” ganting banta ni Cris sa kapatid. Sa sinabing iyon ni Fierro
ay nakaramdam siya ng takot para sa katipan. Oo, naalala niya, anung balak ni
Cris kay Martin at dinidiskartihan ito ng kapatid. “Tigilan mo na din kami ni
Martin!” madiing pag-uutos ni Fierro. “Simulan mo nang bumilang ng araw at baka
paggising mo wala ng Martin sa tabi mo.” wika pa ni Cris saka isang
nakakagagong tawa. Agad na lumabas si Fierro saka tinungo si Martin. Hinablot
niya ang katipan at wari ba na walang nakakakita. “Martin! Halika na!” madiin n
autos ni Fierro dito. “Ano ba Perry!” tutol ni Martin. Anumang pagpupumiglas
ang gawin niya ay baliwala ito sa lakas ni Fierro kaya naman madali siyang
naisakay nito sa kotse. “Ano ba ang problema Perry?” galit na tanong ni Martin
dito. “Mag-resign ka na kila Cris! Sa akin ka na magtrabaho. Asikasuhin mo na
lang iyong Construction Company natin.” utos pa ni Fierro. “Bakit ko gagawin
iyon?” sarkastikong tanong ni Martin. “Basta! Huwag ka na lang magtanong!”
galit na sigaw ni Fierro kay Martin. Kahit umaandar ang kotse ay pilit itong
binubuksan si Martin. “What the hell are you doing?” tanong ni Fierro kay
Martin. “Just choose, you’ll stop the car and let me out or I’ll jump!” buo ang
loob na tanong ni Martin. “Sorry Martin!” paumanhin ni Fierro saka inihinto ang
kotse. “Pag-usapan na lang natin muna to.” pagsusumamo pa ng binata. “Mamaya na
lang tayo mag-usap sa bahay. Hahanap muna ako ng dahilan para pagtiwalaan ka.”
malungkot na sinabi ni Martin saka bumaba. “Martin.” tanging nasabi ni Fierro
na nangingilid na sa mga mata ang luha. Alas-dose, ala-una, alas-dos,
alas-tres, alas-kwatro, alas-singko, hanggang sa makatulog na ang kawawang is
Martin ay wala pa ding Fierro na umuuwi sa kanila. Naka-ilang text na din siya
sa katipan na nagsasabing umuwi na ito at nakakailang tawag na din siya dito
subalit hindi sumasagot o nagrereply. Lungkot! Tanging damdaming may puwang kay
Martin, isang pinaghalu-halong emosyon na sa pagsusuma ay lungkot ang sagot.
Ala-una na ng hapon nang magising si Martin subalit walang Fierro na nasa tabi
niya, wala ding Fierro na nagtetext o nagpaparamdam sa kanya. Walang anu-ano ay
tila may sariling buhay na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. May kung anung
damdaming nagtulak sa mga luhang iyon para kumawala sa kanya. “Tinanghali ka na
ng gising.” bati ng ina ni Martin sa kanya at sa kanyang pagkagulat ay may mga
bisita sila. “Hinintay ko pa kasi si Kuya Perry eh.” paliwanag naman ni Martin
na tila walang pakialam sa mga bisita nila. “Kuya Martin!” sabi naman ni Gelo
na hinahatak ang shorts ng binata. “Isasali ka daw nila sa contest.” sabi pa ng
bata. Biglang lingon si Martin sa mga bisita nila at ngayon niya napagtanto na
may isang pamilyar na mukha duon at ito ay ang head organizer ng contest na
tinatanggihan niya. “Danielle told me na kung papayag ang nanay mo, papayag ka
na ding sumali.” sabi pa ng head organizer. “Gladly, kasasabi lang niya ng oo
bago kau gumising.” nakangiti pa niton sabi. “Huh!” biglang lingon si Martin sa
ina at tumango lamang ang matanda. “It’s final and official, you’re our 24th
candidate.” sabi pa nito. “Si Danielle?” agad na hinanap ni Martin ang
kaibigan. “Sabi niya may inaayos lang daw siya.” sagot ng head organizer.
Matapos sabihin lahat ng detalye at impormasyon tungkol sa contest ay umalis na
din ang organizers ng Ginoong Lakambini sa bahay nila Martin. Binuksan ni
Martin ang binigay sa kanyang papel ng mga ito at binasa. “A change of format
in male pageantry, Ginoong Lakambini will showcase that Adam as a creation is
not limited into the stereotyped casts. This will change the landscape of male
pageantry that real men wore dresses and other female suites yet re-discovering
the beauty not only in the physical but more off, the inner sanctity.” sabi sa
Mission ng Ginoong Lakambini. “Homosexuals, especially the cross-dressers are
not allowed to join the contest.” ito ang nasa unang requirement kung papaano
makakasali sa contest. “Candidates must be willing to wear long gowns, dress,
wig and other accessories that will make him look like a female.” ito ang nasa
ikalawang requirement. Itutuloy pa sana ni Martin ang pagbabasa ng dumating si
Fierro sa kanila. Agad siyang niyakap ng kasintahan at siniil ng halik sa mga
labi. “I love you Martin!” sabi ni Fierro na naluluha. “I love you more!” sagot
naman ni Martin na walang pagsidlan ang kaligayahan at tuwa. Muli niyang
naramdaman ang kapanatagan sa nakitang ligtas at kasama na niya muli si Fierro.
[Finale]
Ikalimang
Bahagi: /ee-ka-lee-ma-ang/ - /ba-ha-gee/ Isa – Dalawa – Tatlo – Apat “Martin
Mahal, mag-resign ka na ngayon sa AGC.” malambing na pakiusap ni Fierro kay
Martin. “Bakit mahal? Nakakahiya naman kay Cris.” tanggi ni Martin. “Please
mahal!” pamimilit ni Fierro. “Basta, trust me!” sabi pa ni Fierro saka
tinitigan ng sinsero niyang mata ang naguguluhang mata ni Martin. “Hay! Paano
ko ba tatanggihan ang gusto ng mahal ko.” napabuntong-hiningang sabi ni Martin.
“Sige po, mag-resign na ako bukas.” paninigurado ni Martin. “Salamat mahal!”
nakangiting pasasalamat ni Fierro. “Nga pala, official candidate na ako sa
Ginoong Lakambini.” pagbabalita ni Martin. “Talaga?” umaliwalas ang mukhang
sabi ni Fierro. “Opo, si nanay na kasi ang kausap kaya wala na akong tanggi.”
sabi pa ni Martin. “Magaling!” pumapalakpak ang tengang tugon ni Fierro.
“Promise! You’ll win and ako ang bahala!” paninigurado pa nito. “Pakapalan na
lang ng mukha to!” sabi pa ni Martin. “Eto, month activities ng G.L.” sabi ni
Martin saka abot kay Fierro ng isang papel. “Saturday, may pictorial kayo and
kailangan ninyo ng male outfits. Casual, formal at barong-tagalog.” simula ni
Fierro. “Ako na ang bahala dito, ipagpapagawa kita ng katulad ng ginamit ko sa
Lakan ng Lahi.” “Hala! Baka sabihin nila hiram lang.” tanggi ni Martin. “Hindi
iyon, siyempre iibahin natin ng konti iyong kulay pero dapat pareho tayo. Para
sweet.” sabi ni Fierro saka tumawa ng nakakauto. “Ikaw talaga!” sabi ni Martin
saka yakap kay Fierro. “Sunday, aatend kayo ng mass at pictorial ulit para sa
promotion.” sabi ulit ni Fierro. “Kailangan na ninyo dito ng female outfits.
Dalawang casual, dalawang smart-casual at isang dress.” “Makakakita ka na ng
taong gorilla.” sabi ni Martin saka tumawa ng malakas. “Loko mo!” sabi ni
Fierro. “Iisipin ko pa nga kung gorilla o tao eh. Siguro binabaeng gorilla.”
ganting panloloko ni Fierro. “Sira ka!” sabi ni Martin saka sampa sa likod ni
Fierro. Naging mabilis naman si Fierro kaya madali niyang naibuwal si MArtin
papunta sa hita niya at duon niyakap at kiniliti. “Honestly, mas maganda ka kay
Danielle pag naging babae ka.” bulong ni Fierro kay Martin. “Utuin mo lelang
mo!” sagot ni Martin saka napasalampak sa sahig. “Di wag kang maniwal!” sabi ni
Fierro. “Inuuto lang naman kita eh.” habol pa ng binata. “Loko!” sabi ni Martin
saka muling niyakap ang kasintahan. “Ako na ang bahala sa’yo dito. Pasasamahan
kita sa secretary ko at siya na ang bahala sa’yo.” sabi pa ni Fierro saka pisil
sa pisngi ni Martin. “Thank you!” pasasalamat ni Martin saka hinalikan si
Fierro. Kinabukasan – “Sorry Sir Cris pero simula po ngayon hindi na ako
papasok.” sabi ni Martin. “Effective one month poi tong resignation ko, pero
gagamitin ko na din po iyong leave of absence ko ngayon.” sabi pa ulit ni
Martin. “But why?” na-alarmang tanong ni Cris saka tayo sa upuan nito. “Sorry
Sir! Personal po kasi.” paliwanag ni Martin. “Please! Kung dahil kay Kuya
Fierro to, forget about this resignation.” pakiusap ni Cris saka hinaplos ang
pisngi ni Martin. “Sir, hindi po ito tungkol kay Kuya Perry.” sabi ni Martin.
“Then?” tanong pa ulit ni Cris. “Sorry talaga Sir Cris pero…” hindi pa man
natatapos ni Martin ang sasabihin ay bigla siyang hinalikan ni Cris. “Sorry
Martin!” biglang paumanhin ni Cris kay Martin. “Is that enough reason for you
to stay?” tanong ni Cris. “No Sir!” tugon ni Martin. “The other way Sir! It’s
enough reason for me to leave your company.” sabi ni Martin saka tumalikod at
lumabas sa opisina ni Cris. “Stupid Cris!” sisi ni Cris sa sarili pagkalabas ni
Martin saka umupo sa upuan. “I really missed you Martin!” bulong pa ng binata
sa sarili. Sa bahay pagkauwi ni Martin ay ikunuwento niya lahat kay Fierro ang
nangyari. “Gagong Cris yan!” nanggigigil na wika ni Fierro. “Samahan mo ako at
papatayin ko iyong lokong iyon.” sabi pa nito. “Kaya ayokong sabihin sa;yo!
Nagiging marahas ka eh.” sabi pa ni Martin. “Pabayaan mo na lang, mas maganda
na at nakapag-resign na ako ng mas maaga.” sabi pa ni Martin. “Martin!” sabi ni
Fierro saka hinalikan si Martin. “Ayan, nahugasan na ng labi ko ang halik ni
Cris!” simpatikong biro ni Fierro kay Martin. “Huwag mo nang isipin iyong
papansin na lokong iyon.” nakangiti pa nitong sabi. Pinaghandaan talaga ni
Fierro ang gagawing pagsabak ni MArtin sa Ginoong Lakan kaya naman ipinawax
niya lahat ng body hair ng binata, ibinili ng wig at iba pang accessories na
pambabae at saka kung anu-ano pang magagamit ng kasintahan. Linggo, sa
pictorial ng Ginoong Lakambini – “Sir Fierro, naayusan ko na po si Sir Martin.”
sabi ng sekretarya ni Fierro na siyang in-charge kay Martin. “Pwede ko nab a
siyang makita?” tanong ni Fierro. “Kuya Perry!” malambing na wika ng isang
tinig mula sa likuran. Natulala si Fierro sa nakita niyang anyo ni Martin.
Pinagsuot ito ng puting off-shoulder na fitted dress na above knee, may raffles
sa lining, accented nang bulaklak sa gawing waist. Pinagsuot din ng si Martin
ng three inches na heels na halatang hindi pa sanay dahil napapatid-patid pa
ang binata. Wavy ang mahabang buhok nito at saka may specialized na dangling na
hikaw na de-clip. Bakat na kitang may korte ang katawan nito na talagang
bumobote ng softdrink. “Sino ka?” natutulalang tanong ni Fierro sa taong
kaharap. “Si Sir Martin po iyan!” sabi ng sekretarya ni fierro. “Mammmmartin.”
utal na sabi ni Fierro na hindi makapaniwala sa nakikita. “I do expect na
maganda ka, pero I never thought this gorgeous and beautiful.” sabi pa ng
binata. Naging sentro ng atensiyon si Martin ng mga oras na iyon. Oo, maraming
naging magaganda sa mga lalaking kalahok, pero kakaiba ang naging dating ni
Martin. Konting pino lang sa kilos nito at practice sa lakad at pagdadala ng
damit ay pwede nang isabak sa beauty contest na pambabae. Lahat ng mata,
mapalalake, babae, bakla o tomboy ay nakuha niya ang atensiyon. “Shit Martin!
Dapat talaga hindi ka na sumali!” bulong ni Martin sa sarili na kitang namumutla
at nahihiya. “Tara na!” sabi ni Fierro na tila ipinagmamalaki si Martin saka
inabot ang kamay nito. “Good work Suzane!” bati pa niya sa secretary niya.
Napako ang titig ni Fierro kay Martin na hindi makapaniwala sa pagbabaogng anyo
ng kasintahan. “Kung naging babae lang talaga yan malamang niligawan ko nay
an.” sabi ng isang lalaking malapit kay Fierro. “Sorry kayo! Pero pagmamay-aro
ko iyang pinagnanasaan ninyo.” bulong ni Fierro sa sarili na naging dahilan
para mapangiti iton ng todo. Sa bahay, pagkatapos ng activity ng G.L. – “Ganda
mo talaga kanina!” bati ni Fierro kay Martin. “Utuin daw ba ako.” sagot ni
Martin. “Naku nanay! Kung nakita ninyo si MArtin kanina, hindi ninyo aakalaing
lalaki.” sabi pa ni Fierro sa nanay ni Martin. “Hay, kaya ko nga pinayagang
isali yan duon kasi madami na ding nagsasabing ganuon nga daw ang itsura ni
Martin.” pagkampi ng nanay ni Martin kay Fierro. “Nanay naman!” pa-cute na sabi
ni Martin. Mabilis na lumakad ang araw at sa wakas, kinabukasan ay ang
pinakahihintay ng lahat, ang coronation ng Ginoong Lakambini. “Kaya ko kaya to
bukas?” tanong ni Martin kay Fierro. “Kaya mo yan! Kita mo daming na-impress
sa’yo.” pagpapalakas nang loob ni Fierro. “Kinakabahan kasi ako, actual na
bukas. Malay mo mga poker face lang iyong kalaban natin, tapos bukas sila
magboboom.” wika pa ni Martin. “Hindi iyan! Basta naniniwala ako magagawa mo
yan! Remember, title holder ang asawa mo, kaya lamang ka na sa kanila!”
pagyayabang pa ni Fierro. “Title holder sa kayabangan.” Pang-aalaska ni Martin.
“Kaya nga lalo akong napepressure eh.” “Sige, di ba ang bukang-bibig nila,
malakas ang laban ni Martin, pasok na pasok iyong 24, angat iyong last
candidate.” paliwanag ni Fierro sa kasintahan. “Tapos tingnan mo pasok ka pa sa
top five sa talent at magpeperform ka pa bukas. Di ba additional exposure yun?”
sabi pa ulit ni Fierro saka kumanta ng “Cause baby you're a firework, come on,
show 'em what you're worth, make 'em go, oh, as you shoot across the sky.”
“Tahimik ka nga!” sabi ni Martin na nahihiya sa sarili. “Una’t huli ko nang
mag-Kathy Perry!” sabi pa ni Martin. “Bagay na bagay nga sa’yo kanina eh.”
papuri pa ni Fierro. “Kita mo, ikaw lang ang hindi nag-damit babae sa talent
kanina tapos ikaw pa iyong pinakamataas na score sa talent.” “Kinakabahan ako
bukas, kasi dib a kailangan lalaki kaming top five sa talent bukas. Kailangan
ko na namang mang-surprise.” sabi pa ni Martin. “Kaya mo yan! Basta isipin mo
mahal na mahal kita!” sambit pa ni Fierro. “Anung konek ng mahal mo ako sa
laban ko bukas?” nag-iisip na sabi ni Martin. “Kasi dahil mahal kita alam mong
anuman ang mangyari, nandirito lang ako para sa’yo.” simpatikong ngiti ni
Fierro. “Hay! Salamat Kuya Perry!” pasasalamat ni Martin. “Nandun din naman si
Danielle kung sakaling kailanganin ko nang assistance.” lahad pa ni Martin.
Natahimik ang pagitan ng dalawa – “Speaking of Danielle, bakit kaya ilag sa iyo
ngayon iyong babae na iyon?” tanong ni Martin kay Fierro. Biglang natigiilan si
Fierro sa tanong na iyon ni Martin. “ewan ko?” tanging nasabi ni Fierro.
Kinabukasan, sa gabi nga ng coronation ng Ginoong Lakambini ay buong suporta
ang ipinakita ng nanay ni Martin sa anak, nandun din ang ampon nilang si Gelo,
Fierro, Zach, Jayson, Jules, Mark, mga kaibigan ni Martin at sa di kalayuan ay
si Cris. Si Suzane na secretary ni Fierro ang siyang kasama ni Martin sa back
stage para maging personal na assistant at manager nito sa loob. Ilang sandali
pa at lumabas na ang mga kalahok suot ang kanilang barong-tagalog. Lutang na
lutang ang kagwapuhan ng lahat ng kalahok at dito nagpakilala sila isa-isa.
Naging madagundong ang buong stadium nang lumabas na si Martin. Hindi man siya
ang pinaka-gwapo ay dala niya ang image na nabuo sa loob ng isang buwan.
Pagkatapos nito ay lumabas naman ang mga kalahok suot ang kanilang national
costume at sa bihis babae na. Ang ingay ay lalong naging malakas sa oras na ito
at tilian ay lalong nagpayanig nang lumabas na ang huling kalahok. Kahit na nga
ba ilang beses na nakita ni Fierro si Martin na naka-bihis babae ay hindi pa
din niya maikailang na-starstruck siya lagi higit na ngayong pinalutang talaga
ni Suzane si Martin. Maging ang ibang supporters ni Martin ay hindi
makapaniwala sa transformation na naganap sa kaibigan nila. Matapos ang
national costume ay pinarampa naman ang mga kalahok suot ang kanilang sports
wear at sinundan ng casual wear. Pagkatapos ng casual wear ay tinawag isa-isa
ang top five sa talent para muling magpakita ng husay. Kumanta si Martin ng
isang Mariah Carey song na nagpahupa sa ingay ng buong paligid. “Treated me
kind Sweet destiny Carried me through desperation To the one that was waiting
for me It took so long Still I believed Somehow the one that I needed Would
find me eventually I had a vision of love And it was all that you've given to
me Prayed through the nights Felt so alone Suffered from alienation Carried the
weight on my own Had to be strong So I believed And now I know I've succeded In
finding the place I conceived I had a vision of love And it was all that you've
given to me I had a vision of love And it was all that you've given me I've
realized a dream And I visualized The love that came to be Feel so alive I'm so
thankful that I've received The answer that heaven Has sent down to me You
treated me kind Sweet destiny And I'll be eternally grateful Holding you so
close to me Prayed through the nights So faithfully Knowing the one that I
needed Would find me eventually I had a vision of love And it was all that
you've given to me I had a vision of love And it was all that you Turned out to
be” Kasama ni Martin ang koro ng bayan nila sa ginawang pagkanta at animo’y
isang production number sa finals ng American Idol o kaya ng X-Factor ang
ginawa ni Martin. Isang mini-concert ang tema ng talent ni Martin. Pagkatapos
ng talent ay tinanghal nga si Martin na Best in Talent at saka muling pinarampa
ang mga kalahok suot ang kanilang evening gowns. Pagkarampa ay pumili na ng top
five para maglaban sa korona at nakasama duon si Martin. Isang question and
answer portion na lang ang at malalaman na kung sino ang mananalo. “What is the
biggest mistake you did in your life?” tanong ng host kay Martin. “Like what
Ms. Venus Raj said, I don’t have major major mistake in my life.” simula ni
Martin na naging sanhi ng tawanan ng mga tao. “Seriously, the greatest mistake
I can do is to shut my mouth up even if the world is asking for the truth. Stay
on the safe side, comfortable and seated while many are dying of hunger and
thirsts. The greatest mistake I can do is to act as if I can not be the change
this world is asking and needed; to close my eyes just to escape the reality,
the cover my ears to prevent the yearnings pass through my hearing and to kill
myself and my dignity as a man of many colors.” seryosong sagot ni Martin.
“Thank you!” pahabol pa nito na nagsasabing tapos na siyang magsalita. At
yumanig na muli sa palakpakan ang buong stadium. “Whoa! What a powerful
answer!” tanging nasabi ng host na tila may hang-over pa sa sagot ni Martin.
“Now you have your top five, I am sure that everyone here had their bets and
just a while we will know our first Ginoong Lakambini.” sabi pa ng isang host.
Samantala – “Fierro may sasabihin ako sa’yo.” harang ni Danielle kay Fierro na
papasok sana sa loob pagkatapos ng question and answer. “Bakit Danielle?” may
pagka-ilang na tugon ni Fierro. “Dun tayo sa walang tao.” suhestiyon ng dalaga
saka lumakad papunta sa isang kwarto sa backstage na animo’y tambakan ng props.
“What is it Danielle?” tanong ni Fierro na kinakabahan sa kaseryosohan ni
Danielle. “Buntis ako at ikaw ang ama.” sabi ni Danielle. Napipi si Fierro sa
narinig. Pakiramdam niya ay sinampal siya ng balitang iyon. Hindi niya kung
papaano haharapin ang sinabing iyon ng dalaga. Ayaw niyang maniwala at ayaw
niyang isipin na maniniwala siya. “Narinig mo ba ako?’ nanginginig sa sabi ng
dalaga. “Buntis ako! May nabuo sa ginawa natin nung nakaraan, nung nag-iisa ka
at kailangan mo ng kausap.” At tumulo na ang mga luha sa mata ng dalaga. “Paano
na ‘ti Fierro?” tanong pa ng dalaga saka hinampas ang dibdib nito. “It’s a
joke?” sa wakas ay nakapagsalita na si Fierro. “Sana nga joke lang to pero
totoo!” madiing wika ni Danielle. Napailing na lang si Fierro sa balitang ito
at muling nagsiksik sa utak niya si Martin at ang kinabukasan niya kasama ang
minamahal na binata. Unti-unti na ding tumulo ang luha sa kanyang mga mata,
dala ng kalungkutan at kasawiang hindi pa nagaganap subalit posibleng maganap.
Ilang minuto din sila sa ganuong posisyon nang may mangalampag at sumisigaw –
“Nasaan na si Martin?” tanong ng stage manager ng G.L. “Si Martin daw!” sigaw
ng isa. “Hanapin nyo si Martin, 30 seconds na lang at papasok na ulit sila.”
sabi pa nito. Naalarma at nag-alala agad si Fierro sa pagkawala ni Martin kaya
naman kinalas niya ang yakap ni Danielle at dali-daling lumabas para hanapin
ang katipan. “Miss Suzane, nasaan na ang alaga mo?” tanong ng stage director
kay Suzane. “Sabi niya C.R. lang daw siya tapos pagkabalik niya gumawa siya ng
sulat tapos pinapabigay kay Sir Fierro tapos iyon alam ko pumila na siya
d’yan.” kwento ni Suzane. Muling tiningnan ni Fierro ang silid na pinag-usapan
nila ni Danielle at nakita niyang katabi ito ng C.R. Puno ng kaba niyang kinuha
ang sulat kay Suzane at tulad ng inaasahan at ayaw niyang mangyari – “Tulad ng
sinabi ko dati, ayokong manira ng pamilya at ayokong may isang bata ang lalaki
na hindi magkasama ang nanay at tatay. Martin” pagkabasa ni Fierro sa sulat ay
mabilis siyang tumakbong palabas ng backstage at tulirong hinanap si Martin. Si
Martin – Dali-daling nagpalit ng damit at mabilis na tumakbo palayo sa lugar.
Pagod man siya ay mas pagod at nanghihina ang puso niya sa kung anumang lihim
na nalaman. Gustuhin man niyang ngumiti ay hindi niya magawa dahil wasak na
wasak na ang buo niyang pagkatao at durog na ang kanyang puso. Wala sa loob na
tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at blanko ang isip na palakad-lakad.
Nadaan siya sa isang eskinitang may malaking pader at dito ay may namataan din
siyang sako ng uling. Kumuha ng uling at nagsimulang sumulat sa pader – “Tama
ako sa simula pa lang! Walang kinabukasan para sa lalaki at lalaki, dahil si
Eba ang ginawa para kay Adan at hindi ang isa pang Adan!” nakasaad sa sulat ni
Martin sa pader. Lalong naging emosyonal si Martin, tumakbo na tila wala ng
bukas at nagpakalango sa lason ng gabi. “Mali ka Martin! Nagkamali ka lang nang
Adan na pinili at magkamali lang din ang Adan na napili mo.” sabi ng isang
tinig na kanina pa nakasubaybay kay Martin pagkabasa sa sinulat ni Martin sa
pader. Umupo si Martin sa harap ng Barasoain Church at duon inilabas ang lahat
ng hinagpis at lungkot. Iniyak niya ang lahat lahat at pinilit inisip kung
papaano sisismulang muli ang lumigaya. “Wala nang Kuya Perry! Wala ng tatawag
na mahal! Wala ng mangungulit sa gabi, wala nang yayakap sa akin at magsasabi
ng I love you, wala ng papawi sa pagod ko, wala nang magpapalakas sa loob ko,
wala na ang planadong hinaharap at higit sa lahat, wala nang Percival na
mamahalin ko ng ganito.” himutok ni Martin habang inaalala at sinasariwa ang
nakaraan sa pagitan nila ni Fierro. Sa kompetisyon – Labis na nag-alala ang
nanay ni Martin sa hindi nito paglabas kasama ang top five. Agad itong pumunta
sa backstage para tingnan ang anak. Nawalaan ng mala yang matanda nang malaman
niyang wala duon si Martin. Dahil sa pagkawala ni Martin ay hindi ang binata ang
tinanghal na Ginoong Lakambini.
No comments:
Post a Comment