Friday, January 11, 2013

Different Similarities: Book 2 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[Prologue]
Accuracy Fail Alert: Sa breakeven Book 4 po ay sinabi ko na ang ama ni Pat ay isang British National at kung hindi po ako nagkakamali ay sinabi po doon na ang apelyido ni Pat ay Romero. Well, Romero is not a British name so I apologize for this accuracy fail.


--------------------------------------------------------------------------------

Naranasan niyo na bang magising isang araw at ma-realize na wala ka ng pinanghahawakan? Na nawala lahat ng importanteng tao sa buhay mo? O yung simpleng magising isang araw at wala sa sarili mong biglang naitanong kung paanong napunta ang buhay mo mula sa pagiging masaya hanggang sa pagiging miserable. Ito ang nangyari kay Pat isang araw matapos niyang magalit at sisihin at ipagtabuyan si Eric sa loob ng walong buwan dahil sa pagkawala sa kaniya ni Jake. Matapos niyang ma-realize na wala naman palang ibang dapat sisihin at pagbuntunan ng galit kundi ang kaniyang sarili.




Malalim ang iniisip ay wala sa sariling bumangon mula sa kama si Pat at tinungo ang banyo kalapit ng kaniyang kwarto. Yun ang umagang kakausapin niya si Eric, yung ang umagang hiniling niya sa Diyos na muling pumayag si Eric na mapatawad siya, na kung pupuwede ay maging magkaibigan ulit sila at kung maaari at kung bibigyan siya ng pagkakataon nito ay hihilingin niya na sa hinaharap ay maging mas higit pa sila sa magkaibigan.


Ang hindi lang alam ni Pat ay bago pa man matapos ang umagang iyon ay tanging pagkakaibigan na lang ang maibibigay sa kaniya ni Eric. Hindi alam ni Pat na mas matinding sakit pa kesa sa sakit na naramdaman niya sa loob ng walong buwan ang mararamdaman niyang sakit bago matapos ang umagang iyon.


00000oooo00000


Nasa loob na ng sariling sasakyan si Pat. Katatapos lang nilang mag-usap ni Eric, hindi niya inaasahan ang kinalabasan ng pag-uusap na iyon. Akala niya ay makukuwa niya ulit ang loob ng dating kaibigan, na magkakabalikan sila pero nang buksan ni Eric ang front door nung umagang iyon at nang makita ni Pat ang maamong mukha nito ay alam niyang huli na siya, na masaya na ito ngayon sa kaniyang buhay, buhay na malayo kay Pat. Masaya na si Eric sa piling ng iba.



Muling nilingon ni Pat si Eric na noon ay nakatayo parin sa harapan ng apartment na inuupahan nito. Nakangiti ito habang nakatingin sa kotse ni Pat. Sa palagay ni Pat ay marami nang nagbago kay Eric, wala na ang mga bag sa ilalim ng mata nito, wala ng ang sakit sa mga mata nito sa tuwing titingin sa kaniya at muli nang bumalik ang mga ngiti nito na unang nagpa-ibig sa kaniya noon nung una silang nagkita sa isang club.



“That beautiful smile should've been mine if I hadn't been so selfish.” sabi ni Pat sa sarili.



Kasabay noon ay sumagi rin sa isip ni Pat na sa loob ng ilang taon matapos bumalik ni Eric mula sa US ay hindi niya rin nakita ang magandang ngiting iyon. Naisip ni Pat na ganung katagal naging miserable si Eric sa kakaintay sa kaniya at binalewala niya iyon, wala siyang ginawa para maibsan ang sakit na nararamdaman nito sa halip ay tila isang sugat pa niya itong binudburan ng asin at ipinakita na wala siyang pakielam basta't nasa tabi niya ito pati narin si Jake.



“Di manlang ako nag-sorry.” umiiling na sabi ni Pat sa sarili, bababa na sana ulit siya ng sasakyan para humingi ng tawad kay Eric nang makita niya sa rear view mirror ang isang sasakyang parating. Sinulyapan niya ulit si Eric at nakita ni Pat na napansin din ni Eric ang parating na sasakyan. Nakita ni Pat kung pano lumiwanag ang mukha ni Eric.


Alam ni Pat na ito na ang iniintay ni Eric. Ang pinaghandaan niya ng espesyal na tanghalian. Ang lalaking mahal nito. Ang lalaking nakapagpapangiti ngayon dito. Napabuntong hininga siya. Ibinalik niya ang tingin kay Eric, nagulat siya nang makita niyang sa gawi niya ulit nakatingin si Eric.


“I'm sorry.” bulong ni Pat. Nagulat siya nang mapansing tumango si Eric at masuyo ulit na ngumiti sa gawi niya. Tila ba narinig nito ang pabulong na paghingi ng tawad na iyon ni Pat. Tumngo na lang din si Pat at sinimulan nang paandarin ang kaniyang kotse.


Habang pumipihit si Pat palayo sa apartment ni Eric ay napansin niya na masuyong kumakaway sa kaniya si Eric. Di na niya napigilan ang pagbuhos ng luha mula sa kaniyang mga mata at nagsimula na ulit ang pamimigat ng kaniyang dibdib dahil alam niyang yun na marahil ang huling pagkakataon na makikita niya si Eric.


0000ooo0000


Hindi alam ni Pat kung saan siya papunta. Paikot-ikot lang siyang nagmamaneho at wala sa sariling nagiiiyak sa loob ng kaniyang sasakyan. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kaniya na pumunta sa lugar na iyon, itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang magandang bahay, bumaba mula dito at naglakad papunta sa malaking gate at kumatok doon.


“Pat?” tawag ng isang lalaki ilang saglit matapos kumatok ni Pat.


Hindi na napigilan pa ni Pat ang sarili at iniyakap na niya ang sarili kay Jake.


“I'm sorry. I'm sorry. P-Please I'll do anything just to have you back. Please.” sabi ni Pat sa pagitan ng paghagulgol.


“Jake, who is it?” tanong ni Edison sa may front door ng bahay habang nakatanaw sa gate kung saan andun si Pat at Jake na masuyong magkayakap.


“Pat, what's wrong?” nagaalalang tanong ni Jake pero hindi na siya sinagot ni Pat. Tila naging malaking bato ang katawan ni Pat, hindi ito makagalaw at tila ba bumigat ito ng sobra. Naramdaman ni Jake na lumuwag na ang kapit sa kaniya ni Pat at humakbang na palayo sa kaniya.


Ang nakita ni Jake na emosyon sa mukha ni Pat ay talaga namang nakapagpabiyak sa kaniyang puso. Kitang-kita ni Jake ang sakit sa mukha ni nito, gusto man niya itong tulungan ay hindi naman niya alam kung pano. Nakita niyang walang tigil ang mga luha ni Pat habang nakatingin sa gawi ni Edison. Nakita niya itong umiling na tila ba pinipilit ang sarili na huwag maniwala sa kaniyang nakikita.


“Pat.” nagaalala ulit na tawag ni Jake sa dating nobyo habang pinapanood ito sa patuloy na paghakbang palayo sa kaniya.


“I'm sorry.” bulong ni Pat at tumakbo papunta sa kaniyang sasakyan at mabilis na ini-start ito at pinatakbo palayo. Huling nakita ni Pat si Jake na tumatakbo pahabol sa kaniyang sasakyan sa kaniyang rear view mirror bakas ang pagaalala sa kaniyang mukha.


Hindi iyon nakatulong sa pagtigil ng mga luha ni Pat sa pagpatak.


00000oooo00000


Sa pangalawang pagkakataon ay hindi alam ni Pat kung san siya pupunta ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nakita niya na lang ang sarili na itinigil ang sasakyan, dahil sa napansing nakaharang na mama sa gitna ng daan. Naka-buka ang mga kamay nito na tila inihaharang sang sarili sa sasakyan ni Pat. Nagmamadaling tumakbo ang lalaki papunta sa passenger door at binuksan ito.


0000ooo0000


“Patrick?” tawag ni Louie sa anak pagkapasok na pagkapasok niya ng sasakyan. Nakita niya ang napakapulang mga mata ng kaniyang anak, ang mga natuyong luha sa pisngi nito at ang mga sariwang luha na dumadaloy sa mata nito.



Tila naman nun lang na-realize ni Pat na ang ama niya pala ang humarang sa kaniyang sasakyan at pumasok sa loob nito at tumabi sa kaniya nang marinig niya itong nagsalita. Tinignan niya ito at isinandal ang sarili sa matipunong dibdib nito at parang limang taong gulang na batang umiyak doon.



“It hurts, dad. It hurts so much.” bulong ni Pat habang nakayukyok sa dibdib ng ama ats a pagitan ng mga hikbi.



Tila naman pinupunit ang bawat kalamnan sa katawan ni Louie habang hinahayaan ang anak na umiyak, habang pinapakinggan itong umiyak at habang pinapanood itong nasasaktan at wala siyang magawa.



“It hurts. It fucking hurts.”



0000ooo0000



Hindi alam ni Pat kung gaano siya katagal na umiyak shabang nakayakap sa kaniyang ama. Nang kumalma siya ay iginala niya ang kaniyang mga mata sa paligid. Nun niya lang napagtantong asa dati niya siyang village. Ang village kung saan siya nanirahan bago lumipat sa kaniyang tiyahin sa Cavite.



“Want to tell me what happened?” tanong ni Louie sa kaniyang anak, umiling lang si Pat, hindi mapigilan ni Louie ang mapangiti, hanggang ngayon kasi ay matigas parin ang ulo ni Pat, isang hindi magandang ugali na isiniksik mismo ng ina nito.


“Well, it's getting late and we've been sitting here inside your car for five hours already. Want to get inside the house?” marahang tanong ni Louie. agad na napa-isip si Pat at umiling.


“C'mon Pat, it'll be just like before---” simula ulit ni Louie.


“Dad.”


“We can get your stuff tomorrow if you want.” sabi ulit ni Louie.


“Dad--- wait what?!”


“If you think I'm going to let you live by yourself like that then you must be out of your mind. It's time for you to move on, time for a fresh start or else you will be bloody miserable for the rest of your life.”


“Dad, I- I know, but I can't stay here with you guys. I'll look for a new job and then a place---”


“Why don't you want to stay with us, Pat?” malungkot na tanong ni Louie, ayaw ni Pat na nakikita niyang nasasaktan ang kaniyang ama, napansin ni Louie ang lalong paglungkot ng mga mata ng anak, may ideya na siya kung bakit ayaw nitong tumira kahit pa pansamantala lang pero kailangan niya parin itong itanong. Pinapanood ni Louie ang pangigilid ng luha ng kaniyang anak. Napayuko si Pat habang inalala kung bakit nga ba siya hindi umuuwi sa bahay na iyon kasama ang kaniyang mga magulang.


“You need to be cured!” sigaw ni Lita sa galit na galit naring si Pat nang aminin nito ang tungkol sa kaniyang sekswalidad.


“CURED? You think being gay is a disease?! This is what I am, I am friggin' born this way and no shrink can change that no matter how hard they try!” balik ni Pat, itinaas ni Lita ang kamay para sampalin ang anak pero pinigilan ni Louie ang kamay nito.


“Just leave the boy alone! He said that he cannot bloody change the way he feels!” singhal ni Louie. Isang bagay ang sigawan ni Lita ang anak, pero ang pagbuhatan ito ng kamay ay hinding hindi kailanman gustong makita ni Louie na gawin ng kaniyang asawa sa nagiisang anak.


“But it's abnormal!” balik ni Lita habang binabawi ang kamay na mahigpit paring


“Lita, shut your trap! Do you know that it is so bloody irritating when you start yapping like that! We will not accomplish anything when you're screaming every time! Why don't we sit this over and talk like we're part of a civilization.” balik ni Louie habang si Pat ay patuloy prin sa paghikbi sa tabi, pinapanood ang balikan ng mga magulang.


“I will not stop yapping! Do you know what this abnormality will do to our reputation?!” singhal pabalik ni Lita.


“The one you're calling an abnormality is our son! Gawd! You're so bloody anal! I get it when you arrange every bloody closet in this bloody house according to color of the clothes or if it's for summer or for rainy season, but this?! This is our son for gawd sakes! Who give's a bloody damn about what other people thinks?! So, he's gay, so what?!” singhal ni Louie na ikinagulat ni Lita, nun lang sila nag-away mag-asawa ng ganun.


“No! I will not let his abnormality ruin our reputation! If I have to squeeze or beat this abnormality or homosexuality out of him, I will!” sa sinabing ito ni Lita ay hindi maiwasang matakot ni Louie at ni Pat.


“Do you hear yourself? You will seriously deck you OWN son in the guts for your own good? Who are you? You're not the girl that I've fell in love with.” pabulong pero matigas na sabi ni Louie, natigilan si Lita pero hindi niya parin maintindihan kung bakit ganun na lang ipagtanggol ng asawa niya ang anak nila.


“C'mon, Pat. We're outta here.” aya ni Louie kay Pat at halos hilahin ito palabas.


“Where the hell are you taking him?!” sigaw nanaman ni Lita.


“It's none of your bloody business! We will stay clear of this place until you made amends with Pat and until you do something with your bloody yapping and when you stop being a gadamn bigot!”


“You can't be serious!” pasigaw parin pero nagaalala nang sabi ni Lita.


“I'm friggin' serious! And you know what else I'm bloody serious about? I'm seriously thinking of divorcing you!” singhal ulit ni Louie sabay labas ng front door.


“Dad I- I s-swear I didn't want t-to be l-like this. I-I tried t-to c-change I-I swear.” humihikbing sabi ni Pat pagkalabas nila ng pinto at habang naglalakad papunta sa sasakyan, natigilan si Louie, tila ba sinipa siya o dinaganan ang kaniyng dibdib sa sinabing iyon ng kaniyang anak, hindi makapaniwala na isisumpa ng kaniyang anak ang sarili dahil lamang sa isang bagay na hindi nito kayang pigilan. Niyakap nalang ng mahigpit ni Louie ang anak at tahimik na inalo ito.


“I wouldn't want you to change anything about yourself, Pat. You're my son and I love you.” dahan-dahang kumalma si Pat at binuhay na ni Louie ang makina ng sasakyan at gumawi na papuntang Cavite, sa bahay ng kaniyang hipag na si Grace.


“Dad, don't you think you went a little bit too far with Mom? I mean, divorce is really a big thing.” kinakabahang tanong ni Pat sa kaniyang ama, nasira na ang relasyon nilang mag-ina at ayaw niyang masira pati ang relasyon ng kaniyang mga magulang.


“You reckon?” nagaalala naring pagkumpirma ni Louie, mahal niya ang asawa pero may gusto siyang iparating dito at para sa anak ni Pat ay gagawin niya ang lahat maiparating lang sa asawa na siya ngayon ang mali.


“I don't know if that's a good idea, dad.” tanggi ni Pat. Napabuntong hininga si Louie.


“Why the bloody hell not, Pat?” tanong ulit ni Louie, kalmado ang boses nito pero pansin din ni Pat ang pagkairita sa mga sinabi ng ama.


“Because of mom---”


“Forget about her! If after all this years she still think that gay people are nothing but abomination to the human race then that's her problem! You're hurting now, Pat and you need someone by your side. You need me. I need you to need me.” halos pagmamakaawang pagtatapos ni Louie, muling nangilid ang luha ni Pat at tumango bilang sagot sa paaniyaya ng kaniyang ama. Napangiti si Louie at niyakap ng mahigpit ang anak saka giniya ito papasok sa kanilang bahay.



0000ooo0000



“Patrick!” sigaw ni Lita nang makita nitong akbay akbay itong iginigiya papasok ng kaniyang asawa sa kanilang lumang bahay. Naramdaman ni Louie ang pag-tense ng katawan ni Pat at agarang pagtigil nito nang marinig ang boses ng ina. Hindi alam ni Pat kung bakit wala sa sarili niyang dinipensahan ang sarili mula sa ina. Siguro dahil kasi sa mga masasakit na salitang sinabi nito nung huli silang magkita.


“Don't worry mother, I'll look for a new job then find a new apartment and before you know it I won't be here anymore and your precious reputation will still be intact.” pangunguna ni Pat dito dahil alam niyang di masaya ang matandang babae na dun ito sa kanila pansamantalang titira at muli niyang dudungisan ang kanilang respetadong pangalan.



Napamaang si Lita sa itinawag sa kaniya ng anak. Walang emosyon ang pagtawag sa kaniya nito, tila ba ang pagtawag sa kaniya ni Pat ng 'mother' ay kasing kaswal lang ng pagtawag ng isang empleyado sa kaniyang boss ng 'sir' o kaya ay 'mam' may respeto pero walang malalim na kahulugan. Walang bahid ng pagmamahal.



“Nonsense, Son! You're always welcome here.” sabat ni Louie nang hindi makasagot agad si Lita.


“Tell that to your wife.” sagot ni Pat sa kaniyang ama.


“Patrick! I don't mind you being here, hijo.” napasinghot naman si Pat sa sagot ng kaniyang ina na tila ba nagsasabing 'yeah right and I'm the president of the united states.'


“Yeah right. That's far from what you said when I told you guys I'm gay, Mother.” pasarkastikong balik ni Pat. Isa pa ito sa maraming tinik na bumabalot sa puso ni Pat, kasama ng tinik na dulot ng kaniyang ina ay ang mga tinik na kaagapay ni Jake at Eric.


“What happened to your old apartment, hijo?” tanong ni Lita, pilit iniiba ang pinaguusapan. Alam niyang masama parin ang loob ng kaniyang anak sa kaniya.


“Well, Jake and I broke up---”


“I told you that guy is a no good slut! If only ---” simula ni Lita pero pinutol na agad iyon ni Pat.


“If only what, Mother? If only I date girls instead of boys? I will never date girls again, Mother, because I'm gay! Deal with it. And besides it's not Jake's fault why we broke up, it's me, I cheated on him. So I guess that makes me the slut in our relationship.” sagot ni Pat, sumuko na si Lita, alam niyang hindi pa panahon upang makipag-usap sa anak kaya't bumalik ito sa kusina habang si Louie naman ay pinisil lang ang balikat niya bilang pakikisimpatya.


“I promise dad, once I get a new job and a place, I'm outta here.”


“Don't you think that you're a little bit hard on your mother? Give her a chance to talk to you properly, maybe she wants to talk and apologize to you.” sagot ni Louie umiling naman si Pat.


“I doubt it.” balik ni Pat.


“Just please give her a chance? And if she still thinks your abnormal then you can start ignoring her again while you're here.” balik ni Louie, tumango na lang si Pat at napagpasyahang bigyan ng pagkakataong kausapin siya ng maayos ng ina.


“oh, ang you can stay as long as you want. I'll help you find a new job and place tomorrow.” nakangiti nang sabi ni Louie.


“Sounds like a plan.” nakangiting sabi ni Pat.


“Tomorrow, then.” sagot ng matanda sabay ngiti, di na napigilan ni Pat ang sarili at niyakap na niya ng mahigpit ang kaniyang ama.


“Thanks, Dad. I love you.”


“I love you too, son.” balik ni Louie. Saglit silang natahimik at nagtitigan.


Well, you know where your room is.” basag ni Louie, ngumiti na lang si Pat at tumango saka tinungo ang dating kwarto.



Nang makarating siya sa kaniyang dating kwarto ay nagulat siya nang mapansing ganun parin ang itsura nito, tila ba hindi ito nagalaw o hindi manlang nabuksan ang kaniyang pinto simula ng iwan niya ito may ilang taon na ang nakakalipas. Wala sa sarili niyang iginala ang kaniyang tingin. Nasipat niya ang bintana sa may hindi kalayuan. Nung bata siya sa tuwing nagkukulong siya sa kaniyang kwarto ay dun siya nakatanaw o kaya sa tuwing gusto niyang tumakas ay yun din ang ginagawa niyang 'escape route'.



Nagulat si Pat nang mapansin niyang may bagong bahay na na nakatayo sa dating bakanteng lote sa tabi ng bahay nila. Agad niyang hinanap ang malaking puno ng sampalok sa may dulo ng loteng iyon at napabuntong hininga siya nang makitang nandun parin ito, kumpleto kasama ang tree house na si Pat mismo ang nag-design.



Iniwas na ni Pat ang kaniyang tingin lalo pa't napansin niyang puno ng tao ang bakuran, tila ba may party doon at ang huli niyang gusto ay may makakita sa kaniya at mapagbintangan pa siyang tsismoso. Tinungo na niya ang kaniyang kama at humiga doon. Pilit na ipinahinga ang mga mata.



0000ooo0000




“Patrick, honey, can I talk to you for a second?” tawag ni Lita sa labas ng pinto ni Pat. Nakahiga lang si Pat sa kaniyang dating kama at nagiisip, agad siyang napabangon at tinanong ang sarili kung handa na ba siyang kausapin ang ina. Napagtanto niyang hindi pa siya handa kaya't agad siyang lumapit sa bintana at tumakas palabas. Nasa bakuran na si Pat at naglalakad na palabas ng gate ng marinig niya ang pag-tawag sa kaniya ng ina sa loob ng kaniyang kwarto.



Napaupo si Pat sa may bangketa sa labas ng kanilang gate. Ipinagpatuloy ang kaniyang iniisip kanina bago siya istorbohin ng ina. Iniisip niya kung pano siya babangon sa sakit at kung pano siya magiging masaya katulad ni Jake at Eric. Hindi ulit mapigilan ni Pat ang mapaluha dahil kahit anong piga ang gawin niya sa kaniyang puso ay hindi maiaalis dun agad agad ang sakit at kung ano ring piga sa kaniyang utak ay hindi rin maisip ni Pat ang kaniyang gagawin upang maging masaya.



Hindi lang alam ni Pat na ang sagot sa karamihan ng kaniyang mga tanong ay may ilang dipa lang ang layo sa kaniya, kagaya ni Pat ay nakaupo rin ito sa bangketa at umiiyak.


[01]
Muling napa-buntong hininga si Pat, gusto na niyang gumaya kay Jake at Eric, gusto na niyang maibsan ang sakit na kaniyang nararamdaman, gusto na niyang mahalin ulit ang sarili at hayaan ang karapat-dapat na mahalin siya.



“Pero pano?” tanong ulit niya sa sarili niya, simula nang umupo siya doon sa bangketang iyon ay may limang beses na niya ata itong naitanong sa sarili niya.



Nawawala siya, hindi alam ang gagawin. Hindi alam kung pano ulit magsisimula. Muling sumagi sa kaniya ang alaala ng nakangiting si Eric. Naisip niya na sa kaniya dapat ang mga ngiting iyon, kung hindi lang sana siya naging makasarili.


“I guess I'm too late then?”


Tumango si Eric bilang sagot.


“I see.”



Muling tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Agad niya iyon pinahiran at isiniksik sa utak na huwag na ulit iiyak pa dahil wala ng magagawa pa ang pag-iyak niya dahil kailanman ay hindi na sila muli pang magkakabalikan ni Eric. Abala parin sa pangangaral sa sarili si Pat ng makarinig ulit siya ng paghikbi.



“Dammit, Pat! Stop crying!” sigaw niya sa sarili, ngunit napatigil siya nang mapagtantong hindi sa kaniya nanggagaling ang paghikbi na iyon kundi sa isang bata na katulad niya ay naka-upo rin sa bangketa ng village na iyon, may ilang dipa lang ang layo sa kaniya.



Pinahiran ni Pat ang kaniyang mga luha at hindi mapigilan ang mapangiti. Ganung ganun din kasi ang ginagawa niya noon sa tuwing papagalitan siya ng ina, tatakas mula sa bintana ng kaniyang kwarto at magyu-yukyok sa bangketa o kaya naman ay sa tree house na idinisenyo niya at ginawa ng mga ama sa village na iyon para sa mga batang lalaki at babae.



Nilapitan ni Pat ang bata at tumabi dito. Sa tantya ni Pat ay nasa 3 or 4 years old pa lang ang bata. Nagulat si Pat ng maningkit ang mga mata nito at nang itiklop nito ang kamay sa may dibdib.


“Papa, told me not to talk to strangers.” sabi ng bata sabay labas ng ibabang labi.


“Oh.” ang tanging nasabi ni Pat, tumango siya at tatayo na sana upang umalis ng magsalita ulit ang bata.


“My name is Liam and I am 4 years old.” sabi ng bata sa tono ng tila ba sumasali sa Little Mr. Bulaga habang ipinapakita ang apat na daliri.


“So we are not strangers to each other now, right?” biro ni Pat. Kumunot ang noo ng bata na tila ba nagiisip ng malalim at saka umiling.


“Nuh-uh! You didn't introduce yourself!” sabi ng bata. Napahagikgik si Pat sabay tampal sa kaniyang noo.


“Right! I'm Patrick.” pakilala ni Pat.


“Patwick?!” sigaw ng bata sabay nanlaki ang kulay hazel na mga mata, na excite sa isang bagay na hindi alam ni Pat kung ano.


“Patwick, like Patwick the star? Spongebob' Squawepants' best fwiend?” tanong ulit ng bata, natigilan saglit si Pat atsaka humagikgik ng maintindihan ang tinutumbok ng bata.


“Yes my name is Patrick but I am not Spongebob's best friend.”


“Does that mean you don't have a best fwiend? Can I be your best fwiend? Pretty please? I can show you my tree house and all my toys!” sunod sunod na sabi ni Liam, nagkunwaring nagisip si Pat kaya't nagsalita uli si Liam.


“Pretty please?” sabi ng bata sabay beautiful eyes, inilabas lahat ni Pat ang lakas niya na huwag tumawa nung puntong iyon.


“No, sorry---” seryosong sabi ni Pat pero alam niyang di magtatagal ay mapapangiti na siya, nakita niyang muling umusli ang ibabang labi ng bata at tila ba iiyak ito.


“---not until you tell me why you're crying.” tapos ni Pat sabay ngiti. Saglit na tumingin sa kaniya si Liam atsaka sumagot.


“Papa, don't love Liam no more.” sagot ni Liam, saglit na natigilan si Pat. Tila hinatak siya ng oras at ibinalik nung panahong siya ang bata, noong panahong may limang taong gulang pa lang siya.


“Daddy, don't you love, Pat no more?” taong ni Pat, noong panahong iyon ay ayaw niyang maiwan na kasama ay si Lita lang dahil sa sobrang higpit nito kay Pat.



Napatingin si Pat sa bata, kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya't hindi mapigilan ni Pat na aluhin ito, isang bagay kung saan alam niyang hindi siya magaling. Buong buhay niya, siya ang ina-alo, maski nung sila pa ni Eric o kaya maski ni Jake. Kaya't kinabahan siya pero sinubukan niya parin pagaangin ang loob ng bata kahit pa hindi niya malaman kung bakit.



“I'm sure that's not true, maybe he's just taking the time off with his friends so that he will miss you after the party.” marahang sabi ni Pat sa bata pagkatapos ay bumulong sa sarili.


“Geesh, I'm so lame with this kind of stuff.”


“Pwomise?” tanong ni Liam.


“Yes, I promise.” nakangiting sagot ni Pat. Tinignan siyang maigi ng bata gamit ang bilugang mata nito, tila ba nangingilatis. Ilang saglit pa ay pinunasan na nito ang kaniyang luha at uhog gamit ang likod ng kaniyang palad.


“OK.” mabilis na pagpayag sa pangakong iyon ni Pat. Hindi maiwasan ni Pat na lalong mapangiti, iniisip na buti pa ang mga bata, mabilis i-isang tabi ang problema at sakit na nararamdaman. Wala sa sarili niyang hiniling na kaya niya ring gawin iyon.


“Wanna play?” tanong dito ni Pat, agad na bumakas sa mukha ni Liam ang isang malaking ngiti, ang nangigilid luhang mga mata ay biglang lumiwanag at ang pisngi ay muling namula. Pero kasing bilis ng pagsulpot ng ngiting iyon ay ang mabilis ding paglisan ng mga ngiting iyon sa mukha ng bata. Nangunot ang noo ng bata na ikinabahala ni Pat, iniisip kung ano ang maaaring masamang nasabi niya dito.


“But you're tooooo old to play.” saad ng bata sabay nawala ang kunot sa noo at ipinaling ang ulo sa kaliwa na tila ba naiinip na sa isasagot ni Pat.


“na-uh! I'm still young like you.” parang batang balik ni Pat.


“You're old---”


“nuh-uh.”


“You're too---”



0000ooo0000



Parang bata na taas baba si Pat sa kaniyang kinauupuan nang may dumaan ulit na kulay asul na kotse, ngumuso naman si Liam nang makapuntos ulit ang batang isip sa kanilang laro. Itniklop ng bata ang kaniyang maliliit at mabibintog na kamay sa kaniyang dibdib at napagpasyahan na brasuhin ang matandang kalaro, iniisip na hindi ito makakahindi sa kaniyang puppy dog eyes.



“No fair! It's green, not blue!” sigaw ni Liam at tumingin kay Pat, umaasang pagbigyan siya sa pagkakataon na iyon.


“OK, I'll let you win this time.” sumusukong sabi ni Pat sabay iling.


“I always win!” sigaw ni Liam sabay chest out. Napatawa naman si Pat.


“Is that bloody right, big guy?” tanong ni Pat, muling pumaling sa kaliwa ang ulo ni Liam, tanda na nagtataka ito.


“You speak funny. Hehe.” turo ng bata kay Pat, pinagtatawanan ang accent niya.


“It's what you call accent, big guy.” sagot ni Pat sabay kibit balikat.


“What's an accent?” inosenteng tanong ni Liam.


“Liam?” tawag ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Napansin ni Pat ang magara nitong damit na tila ba galing sa party.


“Daddy!” sigaw ni Liam sabay talon mula sa kinauupuan nila ni Pat at tumalon pakarga sa lalaking kaniyang tinawag na daddy.



Nun nagkaroon ng pagkakataong kilatisin ni Pat ang itsura ng ama ni Liam. Matangkad ito, at sa pakiwari ni Pat ay kasing tanda niya lang, maputi, may mapupungay na mata na katulad kay Liam, matangos na ilong, muli katulad ng kay Liam at mapupulang labi na, Oo, katulad din kay Liam, Ngayon alam na ni Pat kung ano marahil ang itsura ng bata paglaki, kung susumahin ang itsura ng mag-ama ay masasabi mong pwedeng magartista ang mga ito dahil sa angking kagwapuhan. Agad na nanliit si Pat.



“What are you doing little buddy?” tanong ng lalaki sa kaniyang anak habang si Liam naman ay lalong hinigpitan ang maliliit na kamay sa pagpulupot sa leeg ng ama.


“Me and Patwick are playing red and blue!” masiglang sagot ni Liam, nun lang iginawi ng lalaki ang tingin kay Pat na tila ba hindi niya ito napansin na nakatayo doon kanina. Nagtama ang kanilang mga mata at saglit na nagtitigan. Ang lalaki ang siyang unang nagiwas ng tingin at ibinaling iyon sa kaniyang anak.


“Liam, anong sabi ko sayo about strangers?” tanong nito kay Liam, seryoso ang mukha nito na tila ba nagsasabi na matigas ang ulo ng kaniyang anak.


“But he's no stranger, Daddy! He's Patwick!” sigaw ng bata sabay turo sa matandang kalaro, di mapigilan ni Pat ang mapangiti. Tinignan ulit ng lalaki si Pat. Kinilatis.


“If you say so, little buddy.” sabi nito pero hindi parin nito itinitigil ang pagkilatis niya kay Pat.


“I'm Patrick, I live next door.” pakilala ni Pat habang itinuturo ang kanilang bahay. Napataas ng kilay ang ama ni Liam, tila ba iniisip kung totoo ang accent na hindi sinasadyang dumulas mula sa bibig ni Pat. Namula si Pat at ibinaba ang tingin sa sahig.


“Liam, the party is going to be over soon, Aunt Nina's friends will be going home any minute now, why don't you go upstairs and ask manang to give you a bath so you will be squeeky clean before we eat dinner?” alok nito sa anak habang marahang nakangiti.


“Yay! Bye Patwick!” masiglang sabi ni Liam, nakalimutan na ang lungkot na kanikanina lang ay iniiyakan nito.


“Bye, Liam, nice meeting you!” habol ni Pat sa bata habang pinapanood ito pumasok sa katabing bahay nila Pat. Ang bahay kung saan nandun ang malaking puno at ang tree house na idinisenyo ni Pat nung bata pa siya.


“Nice meeting you too, Patwick.” sabi ni Liam bago mawala sa likod ng gate.


“Di ko alam na may anak pala si Lita.” sabi ng ama ni Liam na ikinagulat ni Pat.


“Oh, uhmmm-- Well, she's not very proud of me.” sagot ni Pat sabay ngiti, tinitigan ulit siya nito. Muling kinilatis. Halatang naintriga sa pahayag na iyon ni Pat.


“Hey uhmmm I better go.” basag ni Pat sa katahimikan sa pagitan nila. Naglalakad na pabalik si Pat sa kanilang bahay nang magsalita ulit ang ama ni Liam.


“My name is Kyle, by the way.” napaharap ulit si Pat kay Kyle.


“Nice meeting you, Kyle.” balik ni Pat at sabay ng naglakad ang dalawa pabalik sa kanikanilang bahay.


“Oo nga pala---” simula ni Pat nang mapatapat sila sa kani-kanilang gate. “---nag promise ako kay Liam na kaya di mo siya napansin ngayong hapon at nakipagparty sa mga kaibigan mo kasi para sa huli ma-mimiss mo siya. So please before you eat dinner hug your son and tell him you love him and that you miss him para hindi naman ako magmukhang sinungaling. And just a piece of advise, try spending more time with your son, who knows, you might like it.” sabi ni Pat. Saglit na kumunot ang noo ni Kyle at pumaling ang ulo nito sa kaliwa na nagpaalala kay Pat ng maliit at bago niyang kaibigan na si Liam. Di nagtagal ay ngumiti narin si Kyle at tumango saka pumasok ng gate.


Nakangiting pumasok si Pat sa kanilang bahay. Iniisip na baka ang pagiging masiyahin kagaya ni Liam ang sagot sa kaniyang problema. Bago pumasok ng kanilang sariling gate ay napag-isipan na ni Pat na kausapin ang ina. Alam niyang hindi maisasakatuparan ang kaniyang pinaplanong pagbabago kung hindi siya masaya sa sariling bahay na tinutuluyan.



0000ooo0000


Naabutan ni Pat si Lita na nagluluto ng hapunan kasama ang mga kasambahay na magiliw na tumutulong dito sa paghahanda ng hapunan. Nakikinig ang mga ito sa ikinukuwento ni Lita, nang makatapat na si Pat sa pinto ng kusina ay narinig niya ang ikinukuwento ng ina.



“He wants his spaghetti Italian style. Naaalala ko nung minsan idinaan ko yan sa isang fast food chain at umorder kami ng spaghetti sa mga value meals doon, hindi niya alam na matatamis ang luto ng spaghetti dito eh, kaya nung natikman na niya agad yang umiyak at nagtanong ng 'Mom, why is the spaghetti sweet? And what are these?' sabay turo sa mga hot dog na nakasahog sa spaghetti.” umiiling pero natatawang kwento ni Lita. Naaalala ni Pat ang kuwentong iyon kaya't di niya mapigilang mapangiti.


“Di na ulit siya kumain sa isang fast food pagkatapos nun?” tanong ng isa sa mga kasambahay.


“Ay nako Gina ni hindi na niya nagawa pang tumingin sa gawi ng isang fast food.” humahagikgik na sagot ni Lita na ikinahagalpak naman ng mga kasambahay. Hindi na napigilan ni Pat ang sarili at nagpasiya na itong kausapin ang ina.


“Mom?” tawag ni Pat.


Napatingin ang tatlong kasambahay sa gawi ni Pat atsaka nagpalitan ng tingin, nang tumango si Gina ay nagpaalam ang mga ito na aasikasuhin na muna ang hapagkainan. Hindi na nagawa pang sumagot ni Lita dahil tila nabingi na ito nang tawagin siyang 'mom' ni Pat, ang akala niya ay hindi na niya ito maririnig pa hanggang sa mamatay siya. Ang akala niya ay habang buhay niyang maririnig ang malamig na pagtawag sa kaniya nito ng 'mother' kung saan wala siyang maaninag maski katiting na emsoyon.


Hindi na mapigilan pa ni Lita ang kaniyang mga luha sa pagtulo at ang kaniyang mga paa at lumapit na siya sa kaniyang anak na kinakabahang nakatingin sa kaniya. Iniyakap niya ang kaniyang mapapayat na bisig sa kaniyang kaisa-isahang anak.



“I'm sorry.” bulong ni Lita. Tumango na lang si Pat at sinuklian ang yakap ng ina.



0000ooo0000



“After your father returned home without you the night you cam out to us this house was never the same again. It's as if the whole house was shrouded with depression---” umiiling na kuwento ni Lita. “--- nung una hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ang dad mo, I mean, sa pagkakaintindi ko, kasalanan mo lahat, sinisisi ko ang sexual orientation mo kung bakit nasira ang pamilya natin. Your dad refuses to talk to me for two months, he told me that as long as I'm acting like a narrow minded bigoted bitch he wouldn't talk to me.” nangingilid luhang pagpapatuloy ni Lita.


“I'm sorry, Mom.” singit ni Pat, umiling si Lita at ngumiti.


“I'm the one who should apologize, Pat.” nakangiti paring balik ni Lita.


“After being ignored for two months by your father, I started asking myself and my beliefs. I googled and read articles about homosexuality. Half way through the first article, I realized how wrong I was, your father and I had a talk after that and he made me understand more about homosexuality and those awful things I said and did---” sa puntong ito ay malaya nang dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ni Lita.


“Mom, it's OK. It's fine now.” alo dito ni Pat pero umiling si Lita.


“I-I w-was so close to hitting you that night, Pat and that will never be OK. That will never going to be OK. I thought about hitting you because I am more concerned about what others will think.” humihikbing sabi ni Lita. Muling niyakap ni Pat ang ina, matagal silang natahimik.


“Please forgive me.” bulong ni Lita, nangilid narin ang luha ni Pat at tumango bilang sagot, di pa man natatapos ang pagtangong iyon ni Pat ay agad nang gumaan ang kaniyang pakiramdam.



Sa unang pagkakataon ay naramdaman na niyang asa daan na siya papunta sa kaniyang sariling kaligayahan.



Itutuloy...


[02]
Naka-ngiting iminulat ni Pat ang kaniyang mga mata. Muli silang nagkita ni Eric noong nakaraang araw pero sa kabila ng wala sila masyadong napagusapan ay naging malinaw naman kung ano ang kailangang gawin ni Pat, iyon ay ang bagay na ginawa ni Jake at Eric, ang pakawalan na lahat ng sama ng loob at sakit at magsimula ulit. Noon ding nakaraang araw ay sa wakas ay nagkaayos na sila ng kaniyang ina.


Sa pakiwari ni Pat ay muli siyang binigyan ng panibagong pagkakataon at sinumpa niya sa sarili na sisiguraduhin niyang magiging maayos na ang lahat at ang pangalawang pagkakataon na iyon na ang kaniyang ticket para maging masaya.





Nakangiti parin siyang bumangon mula sa kaniyang kama si Pat, noon niya lang napagtanto na sa loob ng walong buwan ay nung gabi lang na iyon siya nakatulog ng maayos. Pumunta siya sa bintana na nakaharap sa dati'y bakanteng lupa na ngayo'y kinatatayuan ng bahay nila Kyle at Liam. Napamaang siya ng makita ang isang hubo barong si Kyle na nagyo-yoga sa sarili nitong bakuran.


Pinagmasdan ni Pat ang magandang katawan ng kapitbahay, hindi niya napansin ang apat na taong gulang na kapitbahay na nakatingin sa kaniyang gawi.



“PATWICK!” sigaw ng bata atsaka kumaway ng magiliw. Hindi alam ni Pat kung bakit pero agad siyang yumuko at nagtago maski pa alam niyang huli na ang ginawa niyang iyon dahil alam niyang nakita na siya ni Kyle. Marahang tinuktukan ni Pat ang sarili niya at namumulang sumilip ulit sa bintana.



Nabungaran niya ang mag-ama na parehong nakatingin sa kaniyang bintana habang pareho ring nakapaling sa kaliwa ang mga ulo nito dahil sa pagtataka. Wala ng nagawa pa si Pat kundi ang kumaway, agad na nagliwanag ang mukha ni Liam at magiliw naring kumaway kay Pat, ibinaling niya ang tingin kay Kyle at lalo siyang namula. Nagtataka parin ito sa ipinakitang kakaibang kilos ni Pat.


“You fancy him, do you?” tanong ni Louie kay Pat na ikinagulat ng huli.


“Geesh dad! You almost gave me a bloody heart attack!” balik ni Pat sabay isinara ang kurtina para hindi makita ng kaniyang ama ang kaniyang tinititigan.


“It's been a long time since I saw you blush like that.” magiliw na nakangiting biro ni Louie sa anak. Lalong namula si Pat na ikinahagikgik ni Louie habang ipinagpipilitan paring binubuksan ang bintana para lalong asarin ang anak sa kanilang kapitbahay.


“Dad, is there a reason why you're here this morning?” pilit na pagbabago ni Pat ng usapan.


“Awww! Are you embarrassed that daddy caught you looking at your wittle crush?” pangaasar pa ulit ni Louie sabay tawa.


“Dad!” nangingiti-ngiti naring balik ni Pat pero patuloy parin siyang namumula dahil sa hiya.


“Anyway, do you wanna run? You're getting out of shape and if you want to snog that hunk next door you should put some more muscles in that body and get rid of the flabs---”


“Sure. I'll just wash my face and change.” hindi na pinatapos ni Pat ang kaniyang ama dahil alam niyang sa pangaalaska nanaman mauuwi ang pangungusap na iyon.


“Wow! Look at those sick abs!” sabi ni Louie habang naglalakad si Pat palayo, wala na lang nagawa si Pat kundi ang umiling. Kung meron man siyang ayaw na ugali ng ama iyon ay ang pagiging alaskador nito.


0000ooo0000


“So, I talked to this firm and said that they are glad to welcome you to their team---” simula ni Louie, katatapos lang nilang mag-jogging ni Pat at ngayon ay nagpapalamig na lang sa pamamagitan ng paglalakad paikot sa buong village at pabalik sa kanilang bahay.


“But?”


“How the bloody hell did you know that there is going to be a 'but'?” di makapaniwalang tanong ni Louie sa nakangiting asong anak.


“C'mon, Dad. I'm your son. I know you inside- out. So what is the 'but' all about?” biro ni Pat pero seryosong tumango-tango si Louie at ipinagpatuloy ang nais sabihin.


“---But they are currently not hiring now, though they are willing to give your skills a shot by doing some extra clients for them when their team is loaded with work.” nakangiti nang pagtatapos ni Louie.


“You mean like a part time architect for their firm? How much am I going to be paid?” interesadong tanong ni Pat sa ama.


“Interested, are we? Well like a contractual employee but that is not a permanent thing. You are going to be hired as a regular employee of the firm once someone resigns, dies or fired and as for how much you're going to get paid, you will be paid like any other architects of that firm for every drawing just to be fair to those who are regularly employed there and hear this, you can choose where you want to work. If you feel like working in the house, they can deal with that or if you want to work at their office it's OK with them too.” masuyong nakikinig si Pat sa sinasabi ng ama at hindi niya napigilan ang mapangiti nang marinig niya ang huling sinabi ng ama.


“I'll take it!” nakangising sagot ni Pat sa alok ng ama na ikinangiti naman ng huli. Masaya na nakikita niya na pursigido na ulit ang kaniyang anak na i-ayos ang sariling buhay. Nang makapasok sa loob ng bahay si Pat at Louie ay sabay silang nagulat nang makarinig sila ng isang malakas na sigaw. Nakita nila ang isang bata na may inosenteng ngiti sa mukha at magiliw na tumatakbo pasugod kay Pat, kasunod nito si Lita na masuyo ding nakangiti. Sa palagay ng mag-ama ay bumata ito ng limang taon dahil sa pag-aliwalas ng mukha nito.


“Patwick!” sigaw ni Liam sabay talon at ibinalot ang kaniyang maliliit pang binti sa bewang ni Pat at ang kamay naman nito ay pumulupot sa leeg nito. Hindi alam ni Pat kung bakit biglang lumatay sa mukha niya ang isang malaking ngiti, hindi ito nakaligtas kay Louie na agad na napangiti.


“Ooof! Whoah! Buddy take it easy.” bati ni Pat sa bata habang isinisiksik ni Liam ang mukha niya sa leeg ng kaibigan.



Hindi mapigilan ni Lita ang mapangiti. Hindi niya maiwasang mapalapit ang loob kay Liam, pinapaalala ng batang iyon si Pat nung maliit pa ito. Lihim na ipinagdasal ni Lita na sana lahat ng bata ay hindi kailanman nawala ang taglay nitong kainosentihan dahil sa kaniyang palagay ay kailangan ng mundo ang mga taong imbis na galit ang nasa puso ay kundi pagmamahal ang namamayani sa mga ito.



“You said we're going to play again today.” naka-pout na paalala ng bata.


“Oh yeah! Do you want to play red and blue again?” tanong ni Pat habang karga-karga parin ang bata. Hindi napansin ng dalawang magkaibigan ang dalawang matanda na nagngiti-an at pasimpleang nag-hawak ng kamay at nagtinginan, tila naguusap gamit ang kanilang mga mata, pagkatapos ng maikling palitan na iyon ay agad ibinalik ng mga ito ang kanilang tingin sa dalawang bata.


“Nu-uh, that game is old already---” sagot ni Liam na ikinahagikgik naman ni Pat, naalala niya kasi kung pano din siya kadaling mag-sawa sa kaniyang mga laro nung bata pa siya.


“Liam, honey, you should finish your breakfast first.” masuyong paalala ni Lita.


“But I ate all the hotdogs already.” nakapaling ang ulo sa kaliwa na sabi ng bata kay Liam.


“I cooked some more, you can join Patrick, Tito Louie and I if your still feel like it.” nakangiting alok ni Lita sa bata.


“Yay! More hotdogs!” muntik na muling maubos ang hangin sa baga ni Pat nang tumalon ulit ang bata palayo sa kaniya at tumakbo kasunod ang kaniyang mga magulang, susunod narin sana si Pat papuntang dining room nang biglang tumumog ang kanilang doorbell.


“I'll get it!” sigaw ni Pat sa kaniyang mga magulang at kasambahay.



Biglang namula ang pisngi ni Pat at agad nanlambot ang kaniyang mga tuhod nang bumulaga si Kyle sa kanilang front door. Nakasando na itong puti pero ang suot nitong pajama nung pinapanood niya itong nagyo-yoga may ilang oras lang ang nakakaraan ay siya parin nitong suot.



“Uh-uhmmm, hi.” bati ni Pat sabay iwas ng tingin kay Kyle. Kahit kasi nakasando na ito ay kita parin ang ganda ng katawan nito kaya naman bago pa mapansin ni Kyle ang pagnanasa sa kaniyang mga mata ay pinili na niyang i-iwas ang kaniyang tingin. Napa-paling ang ulo ni Kyle sa kaliwa, nagtataka kung bakit ayaw salubungin ni Pat ang kaniyang tingin. Agad niyang inisip na baka may ebidensya pa na kagigising niya lang kaya't agad niyang kinapa ang sulok ng kaniyang mga mata at inalis ang mga nakakahiyang bagay na maaaring nandon.


“Hi. Uhmmm is my son here? I was supposed to cook breakfast this morning, he's been bugging me for some hotdogs while I'm doing my yoga, I guess na wili ako kaya di ko napansin na nainip na pala yung bata, anyway, di ko siya makita sa buong bahay, nagbabakasakali akong nandito siya bago ako tumawag ng pulis. Hehe.” biro ni Kyle pero ngumiti na lang si Pat, hindi maitulak ang sarili na tumawa dahil ang totoo ay hindi niya nakuwa ang biro dahil hindi niya naintindihan ang kabuuan ng sinabi ni Kyle dahil abala na siya sa pagtitig sa maganda nitong mga labi.


“Pat?” tawag ni Kyle sa panisn ni Pat sabay paling ulit ng kaniyang ulo sa kaliwa.


“Oh? uh-- yeah, he's here. Come in, come in. I'm sorry. I'm not a morning person so--- y-yeah. Hihi.” kinakabahang palusot ni Pat, maski siya ay hindi niya naintindihan ang kaniyang sinabi.


“You're weird.” nakangiting sabi ni Kyle saka pumasok sa loob ng bahay at inintay si Pat na i-turo siya sa gawi ng dining room.


“How did I get this so fucking lame?” tanong ni Pat sa sarili habang nakikiramdam kay Kyle na sumusunod sa kaniya papunta sa dining room.


“Daddy! Look they cooked so many hotdogs for me!” sigaw ni Liam sabay takbo at yakap sa ama.


“Sabi ko sayo intayin mo ako sa kitchen while I'm finishing my exercise saka tayo magluluto ng hotdogs mo diba?” naniningkit matang sabi ni Kyle sa anak. Nagbaba naman ng tingin si Kyle at pinaglaruan ang sariling mga daliri.


“But I was so hungry already.” naka-pout na sabi ng bata sabay isinubsob ang mukha sa matipunong dibdib ng ama.


“It's OK. Basta wag mo na ulit gagawin yon ah, I was worried, I thought some bad guy took you from me.” nakangiting alo ni Kyle sa anak na ikinangiti naman ng tatlo pang tao na nakakapanood ng palitan na iyon.


“Ehem. Kyle, why don't you join us?” masuyong tanong ni Lita. Saglit na nagalangan si Kyle pero nang makita niya ang pagliwanag ng mukha ng sariling anak at ni Pat sa hindi kalayuan ay hindi niya rin maintindihan kung bakit agad din niyang pinaunlakan ang alok na iyon.


Tumango na lang si Kyle na ikinatuwa ni Liam at lihim na ikinagalak din ni Pat. Hindi nakaligtas kay Louie at Lita ang pagliwanag ng mukha ni Pat pero wala na lang silang sinabi patungkol doon. Habang kumakain ay paminsan-minsang binabato ng sulyap ni Pat si Kyle.



0000ooo0000



Masayang nagkuwentuhan ang mag-anak kasama si Kyle at Liam habang nagaagahan, isang bagay na akala ni Louie at Pat ay hindi na mangyayari sa bahay na iyon. Pasensosyong sinagot ni Kyle ang mga tanong ni Lita, doon napagalaman ni Pat na namatay nga ang ina ni Liam habang nanganganak dito, na si Nina ay kakambal ng namayapang asawa at tumutulong kay Kyle sa pagaalaga sa bata, tinanong din ni Lita kung may namumuo bang relasyon sa pagitan nila ni Nina, agad na nasamid si Pat sa iniinom na kape habang si Louie naman ay nasamid sa sariling laway.


“MOM!” singhal ni Pat na tila ba sinsasabing 'ano ba nakakahiya!'


“What?! I'm just asking!” nangingiting sabi ni Lita na lalong ikinamula ni Kyle.



Nang matapos na silang lahat kumain at nang masagot na ni Kyle halos lahat ng tanong ni Lita ay magalang na nagpaalam si Kyle sa tatlo. Bago pa man masarhan ni Kyle ang pinto ay lumingon si Liam at sumigaw kay Pat.



“Patwick, when will we play again?” tanong ng bata na ikinagulat ni Kyle, Lita at Louie.


“Later, buddy.”


“Dad! Can I show him my tree house?” tanong ni Liam, nakangiting tumango naman si Kyle.


“What tree house? The one on the sampaloc tree? I didn't know it's still there.” tanong ni Louie.


“Yeah, I had it painted and restored when we moved here last year, Liam and I fell in love with it, I just had it painted and had it's hinges strengthened it so it's safe for Liam.” nakangiting sagot ni Kyle habang si Liam naman ay tila proud na pinaguusapan ang kaniyang tree house.


“That was Pat's first time to draw a house. That tree house was his design.” nakangiting sabi ni Lita, hindi para magyabang kundi para ipaalam lang ang kaalalamang iyon na ikinagulat ni Pat dahil kahit pa sinabi iyon ng kaniyang ina pra hindi magmayabang ay rinig niya parin ang pagiging proud nito sa ginawang design ng anak, napatango-tango naman si Louie, ginagatungan ang pagiging proud mother ng kaibyak.


“Really?” gulat na tanong ni Kyle na gumising sa tatlo, habang si Liam ay patuloy lang sa paglantak ng hotdog.


“He was seven years old then, some of Pat's friends asked their parents to help me build it.” nakangiti ring sabi ni Louie, tila ipinagmamalaki naman ang kaniyang kakayahang gumawa ng isang tree house.


“Wow, it's really impressive. That tree house was the reason I bought that lot.” sabi ulit ni Kyle habang masuyong nakatingin kay Pat, ngayon si Pat naman ang na-conscious. Naramdaman ni Kyle ang marahang paghila ng kaniyang anak sa kaniyang pajama.


“Spongebob.” bulong ni Liam sa ama na ikinahagikgik naman ng matatanda. Tumango si Kyle at nagpasalamat ulit kila Lita at Louie para sa breakfast at nagpaalam na na uuwi muna.


“Dad, we can't leave Patwick, we are going to play in my tree house remember?” paalala ni Liam sa ama habang nakapaling sa kaliwa ang ulo na ikinangiti ng mag-anak ni Louie.


“But I thought you're going to watch spongebob? You know you can't watch TV and play at the same time.”


“Then you can talk to Patwick while I watch TV.” balik naman ni Liam. Napailing na lang si Kyle pero nakangiti parin.


“Wala talaga akong panalo sayong bata ka.” bulong ni Kyle na ikinahagalpak ni Louie, Lita at Pat. Dahil alam ni Liam na pumayag na ang kaniyang ama ay agad niyang hinila ang kamay ni Pat at tumungo na sa gawi ng bahay nila Kyle.



0000ooo0000



Naiilang parin si Pat kay Kyle dahil hindi niya parin mapigilan ang sarili na magkagusto dito pero wala siyang magawa kundi ang samahan ito sa may den ng bahay nito habang iniintay si Liam matapos sa panonood ng spongebob. Ilang minuto na silang andun at malapit ng maubos ang kaniya-kaniyang iniinom na juice pero wala paring napaguusapan ng matino ang dalawa.



“Sooo you're an architect?” tanong ni Kyle, nagsimula nang maawa si Pat kay Kyle, alam niyang sinusubukan nitong maging kumportable sila sa isa't isa pero hindi malaman ni Pat kung bakit pa siya ngayon tinatamaan ng hiya.


“Yup. I'm a full bred architect. Uhmmm err y-you?” kinakabahang tanong ni Pat, pinipigilan ang sarili na mapailing dahil sa sariling katangahan.


“full bred architect? WTH is that?! I'm such a fucking dork!” sabi nanaman ni Pat sa sarili, nang tignan niya si Kyle para malaman ang kaniyang reaksyon ay nakita niya itong nagpipigil sa pagngiti o pag-tawa.


“You're weird.” humahagikgik nang sabi ni Kyle, hindi narin mapigilan ni Pat ang sarili na mapahagikgik, hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit nahihiya siya at naiilang kay Kyle gayong mukhang cool naman ito.


“good weird or bad weird?” humahagikgik paring tanong ni Pat na ikinahagalpak naman sa tawa ni Kyle.


“Good weird. You remind me so much of Liam. I think he's your long lost son. That kid can be a real dork one minute then be a super cool smart 4 year old kid the next.” nakangiting paliwanag ni Kyle na ikinamula ng pisngi ni Pat.


“So uhmmm w-what do you do?” tanong ni Pat para makaiwas muli sa pagkakaroon ng tahimik at awkward na paligid katulad noong bago pa sila magusap.


“I'm a doctor.” matipid na sagot ni Kyle. Tinignan ni Pat si Kyle saglit saka nagtanong ulit.


“Aren't doctors supposed to be busy every time?” tanong ni Pat, napatingin si Kyle sa kausap saglit saka ibinalik ang tingin sa nanonood ng spongebob na si Liam.


“Yes, and until yesterday I used to be busy all the time.” makahulugang sagot ni Kyle sabay tingin kay Pat, nung una ay naguluhan si Pat sa sagot na iyon ni Kyle pero nang ma-realize niya ang ibig sabihin nito ay agad siyang namula at nag-panic.


“Oh shit. This is all about what I said yesterday isn't it? The 'you should spend more time with your son' shit? Sorry sa pangenge-elam---” namumula at nagpapanic paring sabi ni Pat, ang huli niyang gustong mangyari ay ang maging malabo ang pagkakaroon niya ng pagka-kaibigan kay Kyle.


“Dude, chill. To tell you the truth I'm glad you gave me that advise, I can see how Liam needs a father now.” masuyong balik ni Kyle sabay masuyong tinignan ang anak na tumatawa dahil sa pinapanood na palabas sa TV.


“Whew! For a second there I thought my big mouth got you in trouble.” sabi ni Pat sabay buntong hininga na ikinahagikgik ni Kyle, tinignan ito ni Pat at saka nagsisimula nang mapangiti.


“What?!” tanong ni Pat na nuon ay humahagikgik narin.


“You should've seen your panic stricken face earlier! It was classic, dude!” tumatawa nang sabi ni Kyle. Pabirong sinuntok ni Pat si Kyle sa braso.


“Asshole!” balik ni Pat sabay hagikgik.


“AUNT NINA, NO! IT HURTS!” iyak ni Liam sa hindi kalayuan na ikinakuha ng atensyon ni Pat at Kyle.



Itutuloy...


[03]
Napa-maang lang si Pat sa kaniyang nakita. Ang tinatawag na Nina ay pinapagalitan ang batang nagsisimula nang umiyak, nakita ni Pat na agad pumunta si Kyle sa tabi ng mag tiyahin at tinanong kung anong nangyari, ayaw na sanang mangielam ni Pat pero nang makita niyang pingutin at abutin ng babae ang puwitan ng bata para paluin ay agad naginit ang kaniyang ulo at lumapit narin sa mga ito para mangi-elam.


Nang makalapit siya sa tatlo ay tila hindi napansin ng mga ito ang kaniyang pag-dating. Si Liam ay abala sa pag-iyak, si Nina naman ay abala sa pag-abot sa bata para pingutin pa ito habang si Kyle naman ay abalang pumapagitna sa dalawa, maprotektahan lang ang bata. Matiyagang nakinig si Pat sa palitan ng dalawang nakatatanda, tinignan niya si Liam at sinenyasan itong lumapit sa kaniya, sa puntong iyon ay abala na sa pagtatalo ang mag-hipag kaya't hindi na nila napansin si Liam na magiliw na yumakap sa binti ni Pat.

“IT WAS NOT JUST A BAG, KYLE! IT'S AN Hermès BAG! AND YOUR SON JUST DECIDED TO DRAW A DOG ON IT!” sigaw ni Nina sa namumutlang si Kyle.


“I'll buy you a new one, just don't shout and hurt Liam, please.” balik ni Kyle.


“You still don't see the point, do you? That herm_s bag was a gift to me and you buying me one in exchange of the first one that your gadam son destroyed defeats the purpose!” sigaw pabalik ni Nina sabay bato ng bag na puno ng kung ano-ano sa harapan ni Kyle, nakita ni Pat ang sinasabing drawing at pinigilan niya ang sarili na mapatawa.


“Nina! Stop it! He's just a kid!” sigaw ni Kyle saglit na napatameme si Nina, tinignan kung asan ang kaniyang pamangkin, nang makita nitong nagtatago ito sa likod ng mga binti ni Pat, humihikbi at natatakot na nakasilip sa kaniya ay wala na siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga.


“Whatever.” balik ni Nina sabay labas ng bahay. Nakarinig si Pat ng umiirit na gulong sa driveway ni Kyle kaya't inisip niya na nakaalis na si Nina. Nun lang narinig ni Pat ang mga hikbi ni Liam kaya't lumuhod ito sa harapan ng bata.


“Hey buddy.”


“Hey.” nakayukong balik ni Liam, itinaas ni Pat ang nakayukong ulo nito at pinahiran ang mga luha nito.


“You like to draw, huh?” nakangiting tanong ni Pat, marahang tumango ang bata.


“Guess what?” habol ni Pat, nakita niya ang kapiranggot na pagliwanag sa mga mata ng bata bago ito sumagot.


“What?” pabulong paring tanong ng bata.


“I think dad kept my old black board in the house, want to come with me and check it out? You can draw anything on it.” masuyo paring nakangiting tanong ni Pat, nagyon ay muli nang bumalik ang pagiging inosente sa mga mata ng bata pati narin ang liwanag nito.


“Anything?” tanong ni Liam, nakangiting tumango si Pat, lumapit si Liam sa ama at nagpaalam dito.


“Dad can I go?” tanong ng bata, masuyong tumango si Kyle habang masuyo ring sumusulyap-sulyap kay Pat.

0000ooo0000


“Thanks.” bulong ni Kyle kay Pat habang abala si Liam at Louie sa pag-guhit sa malaking blackboard matapos itong maibaba mula sa bodega.


“Don't mention it.” sagot ni Pat.


“Didn't know what could've happened if you're not there, Pat, siguro maghapon na lang iiyak si Liam kung nagkataon.” umiiling na sabi ni Kyle.


“Hey, I told you it's no big deal. You think he's going to be OK, though?”


“I sure hope so, I never saw Nina like that, she's so angry.” umiiling na sagot ni Kyle habang nakayuko.


“Eh ikaw, OK ka lang ba?” tanong ni Pat na ikinatunghay ni Kyle, nagtama ang kanilang mga tingin.


“Yes, I think I'm going to be OK as long as Liam is fine.” sagot ni Kyle.


“Are you going to have lunch here?” tanong ni Lita sa gawi ng pinto.


“Well uhmmm---” nahihiyang simula ni Kyle na ikinangiti ni Pat, Louie at Lita.


“I take that as a yes.” sabi ni Lita saka bumalik sa kusina.


“Nakakahiya.” bulong ni Kyle, sa sobrang hina ay halos hindi na iyon narinig ni Pat pero hindi na lang siya nagkumento tungkol sa sinabing iyon ni Kyle.


0000ooo0000


“Para yun lang pinagsisigawan niya yung bata?!” halos pasigaw ng sabi ni Jelly na nakakuwa sa pansin nila Louie at Pat.


“That bag is really important to her.” depensa ni Kyle.


“I'm sure she can buy another one.” balik ni Jelly. Umiling naman si Kyle.


“Nina is a sentimental freak and her pay is not that big to buy another bag.”


“Ano bang trabaho niya?” tanong ni Jelly habang isinusubo ang isang biskuwit.


“Nurse.” sagot ni Kyle. Muling binalot ng katahimikan ang buong lamesa, pare-pareho ang iniisip nila Lita, Louie at Pat.


“Still, that is not enough reason to shout at a four year old kid.” basag ni Louie, tumango na lang si Lita at Pat.


“Can I play now?” tanong ni Liam na ikinahagikgik ni Pat at Kyle.


“But you haven't finished eating your hotdogs yet.” paalala ni Lita.


“Oh, yeah.” sabi ni Liam sabay abot sa dalawa pang natitirang hotdog at nilantakan iyon.


“Cnfahf pojsd?” tanong ulit ni Liam habang puno pa ng hindi gaanong nanguyang hotdog ang bibig.


“Liam, what did I tell you about talking when your mouth is full?” paalala ni Kyle, nakita ni Pat na agarang nilunok ng bata ang kaniyang nginunguya at uminom ng tubig saka humarap ulit sa kaniyang ama.


“Can I play now?” tanong ulit ni Liam, napangiti na lang si Kyle at tumango. Pagkatapos panoorin ng apat ang naglalakad na palayong anyo ni Liam ay ipinagpatuloy na lang nila ang pagkukuwentuhan.


0000ooo0000


Nang sa wakas ay matapos ng kumain ang mga matatanda ay saglit pa munang nagkuwentuhan ang mga ito saka nagpaalam si Louie na may tatapusin munang trabaho na agad namang sinita ni Lita. Si Pat bilang anak ng matandang mag-asawa ay alam na na magkakaroon muna ng konting mababaw na argumento ang mga ito saka ipagpapatuloy ang mga naka-handang gawain ay hinila na si Kyle papunta sa kinaroroonan ni Liam.


Naabutan nila ang bata na naka indian sit sa tapat ng blackboard at nakapalumbaba. Nagkatinginan si Kyle at Pat.


“Liam, what's wrong buddy?” tanong ni Kyle sa anak.


“I don't like to draw anymore.” naka-pout na sabi ng bata na tila ba nagsasabi na kailangan pa bang itanong ang obvious. Nagkatinginan ulit si Pat at Kyle.


“What do you want to do now, buddy?” tanong naman ni Pat, agad na nagliwanag ang mga mata ni Liam at tinignan ng masuyo si Pat, hindi mawari ni Pat kung bakit siya biglang kinabahan.


0000ooo0000


“But Patwick said he will play with me in the tree house.” pangungulit ni Liam sa ama habang si Pat naman ay hindi mapigilang mawili sa ipinapakitang kakulitan ng bata at ang pagiging malambot ng loob ni Kyle patungkol sa anak.


“He said he's going to play with you later, Liam.” pagpupumilit naman ni Kyle, nahihiya na siya kay Pat, masyado na itong naiistorbo at sigurado rin si Kyle na mas gusto ni Pat na magpahinga saglit kesa ang makipaglaro sa isang bata.


“But that later is Now.” sabi ng bata saby pout. Napahagikgik naman si Pat.


“It's OK, Kyle, actually I'm excited to see the tree house again.” sabi ni Pat, napatingin naman si Kyle dito at di nagtagal ay tumango narin.


“Fine.” bigay ni Kyle.


“Yay!” sigaw ni Liam sabay takbo palabas ng bahay nila Pat.


“Liam, wait for us!” sigaw ni Kyle saka humarap kay Pat nang makita niyang malapit na sa kanilang bahay si Liam.


“Look, Pat, I'm sorry. I'm sure you have lots of things to do than baby sit a four year old kid, you don't have to do this---” simula ni Kyle, napansin ni Pat na maaari ngang nahihiya na talaga si Kyle sa kaniya sa pagaakalang naiistorbo siya ng anak nito.


“It's OK, Kyle, I don't have anything to do. Why don't you go after Liam, magsasabi lang ako kila Mom kung saan ako pupunta.” nakangiting paniniguro ni Pat sabay lakad patungo sa kusina kung saan andun si Lita, nakangiti na lang na nagkibit-balikat si Kyle saka sumunod sa anak pabalik sa sariling bahay.


Ito ang unang pagkakataon na may nakilala si Kyle na kasing edarin niya sa village na iyon simula nang lumipat sila may isang taon na ang nakakalipas. Muli niyang naisip si Pat at nasabi sa sarili na magiging malapit silang magkaibigan nito.


0000ooo0000


“Patwick's here! Patwick's here!” sigaw ni Liam sa ama, agad namang lumabas mula sa kaniyang kwarto si Kyle at sinalubong ang bagong kaibigan.


“Yes, he's here! And it's about time too! Liam, go and prepare the pirate suit!” parang batang sigaw ni Kyle sabay akbay kay Pat na ikinagulat ng huli.


“Wow! hmmm hugo boss, this guy smells bloody good!” sabi ni Pat sa sarili nang maamoy ang pabango ni Kyle pero agad niya ring inalog ang kaniyang ulo at inisip na hindi na niya dapat pinagiisipan pa ng ganun si Kyle.


“He's straight! He has a son for Pete's sake!” sabi ulit ni Pat sa sarili habang sinusundan si Kyle paakyat ng tree house. Nanlambot sa mga naisip na iyon si Pat kaya't medyo nahirapan siya paakyat ng tree house.


“Patwick, Hurry up!” sigaw ni Liam nang makatungtong na si Pat sa huling baitang ng hagdan. Nanlaki ang mata ni Pat ng hilahin siya ng bata, agad niyang naisip na malakas ang batang ito para sa isang apat na taong gulang, sa pagiisip na iyon ay nadulas ang paa ni Pat, buti na lang at nahawakan siya ni Kyle at hinila paakyat.


Sa sobrang lakas ng pagkakahila ni Kyle ay napadagan si Pat sa ibabaw nito, pareho silang humihingal, natakot at napagod sa muntik ng pagkakahulog ni Pat sa hagdan. Agad na umayos ng tayo si Pat na ikinauntog naman niya sa bubungan ng tree house.


“Gaddemi---ugh!” simulang pagmumura ni Pat sabay sapo sa ulo, hindi na niya naituloy ang mura na iyon dahil sinapo naman ni Kyle ang kaniyang bibig. Binigyan ni Pat ng nagtatakang tingin si Kyle at napansin niyang kay Liam ito nakatingin.


Tila nabura lahat ng pagkairita ni Pat dahil sa pagkakauntog pati narin ang pagkabahala niya nang makita ang malaki at nagtatanong na bilugang mga mata ni Liam, ngayon, alam na ni Pat kung bakit siya binusalan ni Kyle, ayaw niyang marinig ni Liam ang pagmumura niya para hindi makuwa ng bata ang masamang gawain na iyon.


“Dad, are you going to make Patwick eat soap to clean his mouth?” tanong ni Liam sabay paling ng ulo sa kaliwa habang iniintay ang sagot ng ama. Inalis na ni Kyle ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ni Pat at tumingin ng daretso dito. Nakita ni Pat ang nagsisimulang ngiti ni Kyle.


“Yes, buddy. I'm going to make him eat soap. Lot's of it.” sagot naman ni Kyle, nanlaki ang mga mata ni Pat, hindi niya akalaing sasakyan nito ang iniisip ng anak, pero naisip niya rin na hindi nga malayong sakyan nito ang anak dahil bilang ama nito ay maaaring si Kyle din ang nagbigay dito ng ideya na lahat ng nagmumura ay dapat sabunin ang bibig.


“OK.” matipid na sagot ng bata sabay talikod at pumunta sa isang kahon kung saan nakaimbak ang mga laruan nito. Habang abala ang bata ay hindi napigilan ni Pat na abutin ang batok ni Kyle at haklitin ito.


“Seriously? Soap in the mouth? That's your way of saying that profanity is bad to your kid?!” pabulong na singhal ni Pat habang umiiling.


“Oh and it works too. Remind me to drag your butt later in the kitchen so I can clean your mouth. Kung hindi ko gagawin yun, hindi ako titigilan ni Liam at iisipin niyan na OK lang magmura.” humahagikgik na bulong ni Kyle, tinignan lang siya ng masama ni Pat pero hindi nagtagal ay napangiti narin, hindi niya kayang magalit lalo pa at naririnig niya ang magandang tawa nito.


“The last thing I need now is to make my life more complicated.” bulong ni Pat sa sarili habang pinipigilan din ang sarili na lalo pang magka-gusto sa kaniyang gwapong kapitbahay.


“Why are you even here? It should be me and Liam's play time. If you haven't been here then I wouldn't have slip and you shouldn't have been saving my as--- butt---” isang mura nanaman sana ang muntik ng ikadulas ni Pat kaya't agad itong bumawi at tumingin sa gawi ni Liam na abala parin sa mga laruang gusto nitong ilabas mula sa kahon “ ---I mean butt and di sana ako lalanding sa ibabaw mo at mauuntog sa bubong ng tree house tapos---” dahil wala ng maipambalik si Pat at dahil kinakabahan pati ito kaya't patuloy ito sa pagsasalita at dahil napansin ito ni Kyle ay lalo pang lumaki ang ngiti nito.


“It was your idea to spend more time with my son, right? And why are you rambling anyway?” nangingiting pangiinis ni Kyle. Napairap na lang si Pat at sasagot na sana ulit ng humarap si Liam at nagbigay ng naghihinalang tingin.


“Why are you guys whispering? Are you talking about me?” tanong ng naghihinalang si Liam.


“Nope.” nakangiting sagot ni Kyle.


“OK.” balik ni Liam sabay harap ulit sa mga laruan niya. Nang humarap ulit ito ay may suot na itong cow boy hat at isang malambot na latigo.


“I wanna play, horsey horsey!” excited na sabi ng bata na ikinabahala naman ng dalawang matanda, wala ng nagawa kundi ang magkatinginan at pagbigyan ang bata sa gusto nitong laruin.


0000ooo0000


“This is not funny, Kyle.” singhal ni Pat sa humahagikgik na si Kyle. Sinulyapan ni Pat si Liam na nakatayo sa hindi kalayuan, nakatupi ang kamay sa dibdib at itinatapik ang paa sa sahig na tila ba hindi makapagintay na sabunin ng kaniyang ama ang maduming bibig ni Pat, suot parin ng bata ang cow boy hat at nasa palasinturunan parin nito ang latigo habang si Pat naman habang hinihila ni Kyle sa kusina ay hindi lang kinakabahan dahil sa parusa sa kaniyang pagmumura, nangangawit din ang likod nito dahil sa kanilang paglalaro kanina ng horsey horsey, nakaligtas si Kyle sa pagiging kabayo ni Liam pero minalas naman si Pat at siya ang sinakyan nito habang si Kyle naman ang palatawang kalaban ni Liam the cowboy, hindi mapigilan nito ang pagtawa dahil sa hindi maipintang mukha ni Pat.


“I told you he won't forget about your punishment.” tama ang sinabing ito ni Kyle, kanina habang abala sila sa paglalaro ay handa ng kalimutan ni Pat ang sakit ng likod dahil sa kanilang paglalaro basta't hindi na lang maalala ni Liam ang tungkol sa pagsasabon ng kaniyang bibig dahil sa binitawang mura pero matalas talaga ang isip ng bata dahil nang manawa ito sa paglalaro ay bigla itong nagsabing...


“Dad, you should clean Patwick's mouth now.”


“Is this fu---” simula ni Pat, nakalimutan na dahil sa pagmumura kaya siya ngayon nasa ganitong sitwasyon.


“Tsk. Tsk. Tsk. You should be careful, I might clean your mouth twice.” natatawang sabi ni Kyle habang si Pat naman ay kinakabahang nakatingin kay Liam, umaasa na hindi nito narinig ang naputol na mura.

0000ooo0000


Wala paring tigil sa paghagikgik si Kyle habang si Pat ay walang tigil ang pagmumog at pagbanlaw sa lasa ng sabon na ipinanglinis sa kaniyang bibig.


“See Liam, I told you I will wash your mouth with soap if you swear. So no swearing, OK?” sabi ni Kyle habang pinipigilan nito ang mapahagikgik. si Liam naman ay tila kumbinsido sa pananakot ng ama na kapag nagsabi siya ng masasamang salita ay sasabunin nga nito ang kaniyang bibig ngunit hindi maintindihan ni Liam kung bakit ayaw tumigil ng kaniyang ama sa kakahagikgik.


“You made me your guinea pig to teach a lesson to your kid?” singhal ni Pat pero sapat lang ang lakas nun para si Kyle lang ang makarinig nito. Hindi na mapigilan ni Kyle ang mapatawa hindi napansin ng dalawa si Liam at hinila nito ang manggas ng t-shirt ni Pat.


“Why is dad laughing?” tanong ng bata habang nakapaling ang ulo sa kaliwa lalong tumawa ng malakas si Kyle, naningkit ang mata ni Pat at nakaisip ng pambawi dito. Muli siyang yumuko sa may lababo at umaktong magmumumog ulit ang hindi nakita ni Kyle ay ang pagipon ni Pat ng tubig sa palad nito at isinaboy iyon kay Kyle. Napanganga na lang at tumigil na sa kakatawa dahil sa gulat si Kyle habang si Liam naman at Pat ang tumawa. Sa pagka-abala ng dalawa sa pagtawa ay hindi nila napansin na si Kyle naman ang nagipon ng tubig sa kaniyang palad at isinaboy ito kay Liam at Pat.


Di nagtagal ay napuno ng tawanan at irit ni Liam ang buong kusina.


“What is going on here?!” sigaw ng galit na galit na si Nina sa may pinto ng kusina.



Itutuloy...


[04]
Inilibot ni Nina ang kaniyang tingin sa buong kusina, putikan na ngayon ang dati'y malinis at maputing sahig ng kusina, ang mga furnitures ay puro talsik din ng tubig at ang kaniyang pamangkin at bayaw, kasama ang isa pang lalaking hindi niya kilala ay basang basa kasama pa ng ibang gamit sa loob ng kusina.


“Hey, Nina---”

“Don't hey Nina me! What the hell happened here?!” singhal ng babae na sa palagay ni Pat ay kung hindi lang may sa dragon ang ugali ay maaring para sa kaniya ay maganda sana.


“Uh-oh aunt Nina swore. Are you going to wash her mouth with soap too?” tanong ni Liam, pinigilan ni Pat ang sarili na mapangiti, si Kyle ay nginitian ang bata samantalang si Nina naman ay tinignan ng masama ang bata.


“Wow. This bitch has some serious attitude!” sabi ni Pat sa sarili.


“Well, aren't you going to answer me? Or do you want to continue playing marco polo here in the kitchen?” sarkastikong tanong ni Nina, napairap naman si Pat gusto na niyang ipakita ang kaya niyang gawin sa babaeng nasa harapan nila ngayon.


“Dad, what is marco polo? Can we play that next time with Patwick?” tanong ni Liam, hindi mapigilan ni Pat ang mapangiti, imbis kasi si Nina ang ayain nito ay siya pang ilang araw lang niyang kakilala ang isinama ng bata.


“Liam! Shut up! How many times do I have to tell you not to butt in when grown ups are talking?!” singhal ni Nina na talaga namang ikinapintig ng tenga ni Pat at ikinatakot naman ni Liam dahil nagtago ito sa likod ni Pat.


“Don't talk to him like that, Nina, he's just a kid!” balik ni Kyle.


“I'll talk to him like an adult would talk to any kid---”


“The way you're talking? Really? You call that being an adult? If you would ask me and make me define how you are acting I would call it being an insecure little brat, waaaayyy too far from being an adult, if you ask me.” singit ni Pat, ngayon sa kaniya na nakatuon ang pamatay na tingin ni Nina.


“Who are you and who gave you the right to speak to me that way inside of my house?” tanong ni Nina, napataas ang kilay ni Pat at sasagot na sana si Kyle ng pigilan ito ni Pat.


“Your house?! Funny, because I thought this is Kyle's house. Tell me Nina, how can a hardworking nurse like you who haven't been out of the country can afford to buy a house like this?” agad na namutla si Nina sa sinabing ito ni Pat. Nakasimangot itong tumalikod pero sobrang nainis si Pat sa inasal nito kay Liam at sa pananakit nito sa bata nung umagang iyon kaya't hindi niya ito pinayagan na umalis na lang ng ganun ganun.


“Oh and I'm Pat by the way, I will be your worst enemy if you don't start changing that bratty tone of yours specially when you're around Liam!” hindi parin naalis ang sama ng mukha ni Nina tumingin ito kay Kyle at nang makitang hindi siya ipagtatanggol nito ay binigyan niya ng isa pang nakamamatay na tingin si Pat.


“Kyle, can I talk to you---” simula ni Nina pero natigilan niya nang makita niya ang malamig na tingin ni Pat at ang nakataas na kilay nito, agad niyang nilambutan ang kaniyang boses at ipinagpatuloy ang sasabihin. “---alone, please?” tumango na lang bilang sagot si Kyle.


“Pat, can you please take Liam to your parent's house? Nina and I will just talk.” nagtama ang tingin ni Pat at Kyle may pinaghalong hiya at pagmamakaawa. Tumango si Pat at lumuhod kapantay ng taas ng batang takot na takot sa kaniyang likod. Narinig niyang pumunta sa kabilang kwarto si Kyle at Nina at doon ipinagpatuloy ang pagtatalo.


“Hey buddy, want to eat some more hot dogs? Mom got tons and tons of 'em.” nakangiting tanong ni Pat. Nakita ni Pat ang malaking ngiti sa mukha ni Liam, tanda na OK na ito. Hinawakan ni Pat ang kamay ng bata at sabay na silang tumulak pauwi, pero nang mapatapat sila sa isang kwarto ay narinig ni Pat at Liam ang sigawan ni Kyle at Nina.


“Who the hell is that asshole?! Who gave him the fucking right to speak to me like that?!”


Bawat mura ni Nina ay napapasinghap si Liam at lalo itong ikinainis ni Pat.


“Calm down, Nina!”


“I will not fucking calm down!”

Muling napasinghap si Liam kaya't hindi na nakatiis si Pat at sinipa na niya pabukas ang pinto na ikinagulat at ikinatakot ni Nina.


“Kyle, we will wait for you at the dining table. Better hurry up our little monkey here is hungry for hotdogs already.” sabi ni Pat kay Kyle pero binibigyan niya ng masamang tingin si Nina.


“OK. Pat, I'll be there in a minute.” sagot ni Kyle sabay bigay ng nagaalangan at nahihiyang ngiti. Tumalikod na si Pat pero hindi niya parin matiis na pasaringan pa ng isang beses si Nina.


“Oh and the brat can come to dinner too after she's done with her tantrum.” sabi ni Pat sabay ngisi. Pabalang na isinara ni Pat ang pinto at habang naglalakad palabas ng front door si Pat at Liam ay muli nilang narinig na sumigaw si Nina.


“You are not going to have dinner with them!”


“You heard him, I'm invited. You can come too if you want.”


Nakangiting binuksan ni Pat ang front door at naglakad papunta sa katabing bahay kasama ang batang tila ba malalim ang iniisip.


“Whatcha thinking, buddy?” tanong ni Pat sa bata. Saglit na lumungkot ang mukha ng bata.


“Aunt Nina hates me.” pabulong na sabi ng bata. Agad na hinatak ng kahapon si Pat, naalala niya ang paninisi niya sa sarili sa tuwing naririnig niya ang pagaaway ng kaniyang mga magulang o kaya naman ay patagong pagtatalo na hindi nakakaligtas sa kaniya, ayaw niyang madaanan din ni Liam ang nangyari noon sa kaniya kaya naman kahit gustong gusto na niyang patayin si Nina ay minabuti niyang pagtakpan ito alang alang sa bata.


“Awww! Liam, nobody can hate a cute kid like you. Listen to me---” simula ni Pat, tumigil sa paglalakad at muling lumuhod para magkatapat ulit ang mukha nila ni Liam. “---your aunt Nina doesn't hate you, nobody hates you, your Dad and your aunt are arguing not because of you, it's not your fault, OK?”


“OK.” matipid na sagot ni Liam sabay hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Pat. Napangiti si Pat, iniisip niya kung gaano kadaling kausap ng mga bata. Alam niyang sapat na ang sinabi niyang iyon, muli niyang ibinalik ang sarili sa kahapon at inisip na kung may nagsabi lang sa kaniya noon na hindi siya ang may kasalanan kung bakit nagbabangayan ang kaniyang mga magulang ay baka mas naging masaya pa ang kaniyang pag-kabata.


Sumagi din sa isip ni Pat na iyon ang maaaring naging problema niya, habang lumalaki ay parehong lumayo ang loob ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Ang ama niya ay abala sa trabaho at ang ina naman niya ay hindi niya binigyan ng pagkakataon para maging ina sa kaniya dahil sa lumalaking hindi pagkakaintindihan nila. Lumaki siyang kulang sa atensyon at pagmamahal kaya't naisip niya na kaya siguro ganun na lang siya ka-selfish noon sa pagitan nila ni Jake at Eric. Gusto niyang asa kaniya lang ang atensyon ni Eric at ni Jake kahit pa alam niyang pare-pareho silang nasasaktan.


Nang dumating sila sa bahay nila Pat ay agad nanamang nagliwanag ang mukha ng kaniyang mga magulang, lalong lalo na si Lita na agad na nagpaluto ng hotdogs sa mga kasambahay.


“Our hotdogs must be really special for you to be eating here all the time.” sabi ni Lita sabay pisil sa pisngi ni Liam.


“Yay, hotdogs!” sigaw ni Liam sabay takbo papunta sa gawi ng kusina kasunod si Lita. Masaya mang pumasok ang bata sa bahay ay hindi naman nakaligtas kay Louie ang kakaibang emosyon sa mukha ni Pat. Agad na hinila ni Louie si Pat sa isang tabi.


“What's with the face?” tanong ni Louie sa anak.


“I just called Nina a brat. I could've called her a bitch or something but I don't want Liam to tell his dad to clean my mouth with soap again because I said a bad word.” sagot ni Pat at umiling. Nakita ni Pat na pinigilan muna ng kaniyang ama na ngumiti bago magtanong.


“So, why did you call her that?” tanong ni Louie at hindi na napigilan ni Pat ang ikuwento ang mga nangyari, hindi nagtagal ay sumulpot narin si Lita at nakinig sa kuwento ng anak habang si Liam ay bumalik sa paggu-guhit ng kung ano-ano sa pisara.


“You shouldn't have told her that.” umiiling na sabi ni Jelly habang natapos na si Pat sa pagkukuwento ng kaniyang mga sinabi at nangyari.


“Mom, it's really making the boy upset.” balik ni Pat.


“I'm just saying that you didn't have to waste all those saliva with that ingrate. You should've had bitch slapped her instead. Saves all your energy.” kibit balikat na sabi ni Lita sabay sinalubong ang kapapasok lang na si Kyle na mukhang galing sa mainit-init pang diskuyunan kay Nina dahil namumula pa ito sa galit.


“Hi.” nahihiyang bati ni Kyle.


“Why, you just made it on time. Dinner is ready.” nakangiting bati dito ni Lita. Naiwan si Kyle at Pat na nakatayo sa gitna ng dining room. Si Kyle ay nahihiya paring nakatingin kay Pat na tila ba may gustong sabihin, nahalata ni Pat ang pagkabalisa ni Kyle kaya't nginitian niya na lang ito at tinapik sa balikat. Gusto sana ni Pat na yakapin ito ng mahigpit sat sabihing magiging OK ang lahat pero pinigilan niya ang sarili. Pilit itinatak sa isip na mas mabuting hanggang pagkakaibigan na lang ang tingin niya dito at umiwas na sa kumplikadong buhay.


0000ooo0000


“You stay put and relax with the boys, Kyle!” balik ni Lita nang magpumilit ito na tumulong sa pagliligpit. Naisip kasi ni Kyle na iyon lang ang kaniyang magagawa matapos silang pakainin ng mga ito buong araw kasama pa ang miryenda.


Nakangiting tinignan ni Pat si Kyle at kinawayan papunta sa den kung saan masuyo ulit na gumuguhit sa pisara ang bata. Inabutan ng beer ni Louie si Kyle, pagkatapos niyon ay nagpaalam ito na may gagawin lang sa may opisina, iniwan si Pat, Kyle at Liam sa den. Binalot ng katahimikan ang buong den ang tanging ingay ay ang pagkaskas ng chalk sa blackboard kung saan nagdra-drawing ng aso si Liam.


“Thank you.” basag ni Kyle sa katahimikan, napatingin dito si Pat at nagtama ang kanilang tingin, tumagal iyon ng ilang segundo pero para kay Pat ay tila ba isang buong araw silang nagtitigan.


“Nah, it's nothing. My mom told me that I should've just bitch slapped her instead of calling her a brat.” pabulong na sagot ni Pat, natatakot na baka marinig ni Liam ang kaniyang pagba-bad mouth sa tiyahin. Saglit na nanlaki ang mata ni Kyle at sumulyap din sa bata saka humagikgik.


0000ooo0000


“So did you guys snogged each other yet?” tanong ni Louie habang humihingal nang matapos na ang pag-jo-jogging nila ng anak kinaumagahan.


“Dad!” sigaw ni Pat na kung hindi lang pagod sa pagtakbo ay maaaring napalakas pa.


“What?!” humahagikgik na tanong ni Louie.


“I told you he's not like that! And besides, the last thing that I want is some straight guy to make my life more complicated, I mean that's why I'm in this mess in the first place.” sagot ni Pat. Tumigil sa paglalakad si Louie at tumingin ng seryoso sa anak, nung una ay ayaw pa nitong tumingin sa ama pero pilit itong pinaharap ni Louie.


“You can't keep beating yourself over nothing, Pat. You should try to move on and stop blaming yourself---”


“Don't tell me that it's not my fault, dad, I messed up. And if it's not my fault then why is it that Eric and Jake are happy now and I'm still miserable?” singit ni Pat.


“Because they've let themselves to be happy. They decided not to be miserable anymore and starts living their life which you should also start doing, it doesn't have anything to do with who is at fault, they just simply moved on and decided to be happy. Everything happened for a reason, Pat.” balik ni Louie sabay ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi, nang mapansin nitong wala sa tabi ang anak ay lumingon ito.


“Are we going home or are we going to bloody stand here all day?” nakangiting tanong ni Louie sa anak na mukhang malalim ang iniisip.


“I'll just stay in the park for a while and think, dad.” nakangiti naring sagot ni Pat, tumango na lang si Louie at kinawayan ang anak.


Umupo si Pat sa isang bench at pinagisipan maigi ang sinabi ng ama. Hindi nagtagal ay naisip niyang tama ito, siguro nga ay panahon na para mabuhay naman siya na malaya mula kila Jake at Eric, na panahon na para muli niyang mahalin at hanapin ang sarili.


Ang hindi niya lang alam ay kung paano at saan magsisimula.


“Patwick!” sigaw ni Liam sa may likod ni Pat na ikinagulat ng huli. Nakasakay ito sa isang maliit na bike na may training wheels kasunod ang ama na hapong-hapo na sa kakahabol dito.


“Oh hey!” balik dito ni Pat hindi maiwasang mapangiti at kumaway din sa mag-ama.


0000ooo0000


“Patwick, are you listening to me?” tanong ni Liam habang nakapamaewang, magkadikit ang kilay at nakausli ang ibabang labi. Hindi alam ni Pat kung pano siya nauwi sa loob ng tree house kasama si Liam, ang natatandaan niya lang ay nagiisip siya ng magandang paraan upang makapagsimula ulit pagkatapos ng kaniyang jogging at ang sunod nun ay binibihisan na siya ng bata ng costume ng isang pirata. Napangiti na lang si Pat sa bata pero nabasa nito ang tunay na nararamdaman niya.


“Why are you sad, Patwick?” tanong ng bata sabay upo sa tabi ni Pat. Nagulat si Pat kung panong natumbok ng apat na taong gulang na bata ang kaniyang nararamdaman. Nalulungkot siya dahil kahit ano pang pilit niyang pagiisip ng paraan para mabawi ang pagmamahal sa sarili ay pilit parin sumisiksik ang kaniyang pagmamahal kay Eric at Jake at ang kaniyang pagkasawi sa mga ito.


“What made you think that I'm sad, buddy?” nakangiting tanong ni Pat.


“Your eyes doesn't smile with your lips like it used to be.” kaswal na balik ni Liam sabay kibit balikat.


“It's just...” simula ni Pat sabay buntong hininga, hindi makapaniwala na seryoso siyang ibahagi ang kaniyang problema sa isang apat na taong gulang na bata pero nang tignan niya ito at makita ang malalaki nitong mata na tila ba naghahamon na sabihin sa kaniya ang pinuproblema niya ay agad nalusaw ang kaniyang pagaalangan.


“You see I have these two friends, I love them both but loving them both just hurts us all and that pain made me decide to choose one, but I couldn't, eventually the pain drove the three of us apart and left me all alone and miserable.” wala sa sariling bulalas ni Pat, nawala sa kaniya na apat na taong gulang lang ang kaniyang kausap at malamang ay hindi nito naintindihan ang kaniyang mga sinabi kaya't hindi na siya nagulat nang makita niyang nakayuko ang bata, magkadikit ang kilay at malalim ang iniisip. Napangiti siya at napailing, hindi makapaniwala sa sariling katangahan.


“Hey buddy, don't stress about it. You shouldn't be thinking about this anyway, it's uhmmm it's too complicated for you.” alo ni Pat at napahagikgik sa sarili.


“It's like with Joey, Aunt Nina and I.” pabulong na sabi ni Liam na ikinataka naman ni Pat.


“Who's Joey?” tanong ni Pat hindi alam kung naintindihan nga ba siya ng bata o may iba itong iniisip.


“He's my dog. I love him so much, he's as old as me, we grew up together---” sabi ni Liam na ikinangiti naman ni Pat, iniisip na marahil nga ay hindi siya naintindihan ng bata pero sa kabila nun ay mataman niya paring pinapanood at pinakikinggan ang bata dahil sa kakaibang pagka-inosente nito sa mga bagay bagay na gustong gusto ni Pat. “---but aunt Nina got sick, she got alerdies and Joey have to go.” pagtatapos ni Liam sabay nangilid ang luha na ikinatigil naman ni Pat. Naisip niyang maaari ngang naintindihan ng bata ang kaniyang problema dahil sa sinabi nitong pagkakahalintulad ng kanilang mga naging sitwasyon.


“I think you meant, allergies, buddy.” nangingiting pagtatama ni Pat sa bata sa kawalan ng masabi.


“Yeah. That's what I said.” nagtatakang tingin nito kay Pat, tila ba nagsasabi na bakit siya itinatama gayung pareho naman sila ng sinabi. Napahagikgik na lang si Pat.


“I love Joey but I love Aunt Nina too.” kaswal ulit na sabi ni Liam na ikinatahimik ulit ni Pat.


“Daddy and Aunt Nina found someone who will love Joey like I love him, I hate it when he's not here but I don't want aunt Nina to leave also and I see that Dad wouldn't like it if aunt Nina leave---”


Di makapaniwala si Pat sa kaniyang mga naririnig. Sa murang edad ay naramdaman na ni Liam ang mga naramdaman din ni Pat may ilang buwan na ang nakalipas, maaaring mas mababaw ang naranasan ng bata pero pareho lang ang elemento ng kanilang mga kuwento.


“---I have to let Joey go. But I still see him every now and then and I can say that we are still friends up to now, and the best part is dad and I still have Aunt Nina--- I don't want to let Joey go but doing that makes everyone happy and if everyone is happy then there's no reason for me not to be happy.” pagtatapos ni Liam. Napatango na lang si Pat.


Tila ba sinampal kay Pat ang sagot sa tanong niya kanina.


“...there's no reason for me not to be happy.” paulit ulit ang huling sinabing iyon ng bata sa isip ni Pat. Muli niyang tinignan si Liam at nakitang ipinagpatuloy nito ang paglalaro na tila ba hindi sila nagusap ni Pat.


“C'mon Patwick, we have to set up the cannon if we are going to fight the Babarians!” sigaw ni Liam, muling bumalik ang tuwa sa mga mata nito at ang di mapapantayang ngiti sa mukha nito.


“I'm going to start living again. I'm going to start and be happy again. I'm going to let everything in the past go. Jake is happy. Pat is happy. There's no reason for me not to be happy.” sabi ni Pat sa sarili, ipinaskil sa mukha ang tuwa na sa ilang buwan ay hindi niya naramdaman saka sumunod kay Liam na noon ay abala sa paglalagay ng plastic na bala ng kanyon sa isang ginupit na tubo at pinatalsik iyon gamit ang isang automatic na de-fold na payong.


“I think you meant Barbarians, buddy.” pagtatama ni Pat sa bata na hindi naman pinansin ng bata dahil abala ito sa paghabol tingin sa tumalsik na bola na ipinangbala sa laruang kanyon.


“Har! Har! Har!” sigaw ni Liam gagayahin na sana ito ni Pat pero nakarinig sila ng isang malakas na sigaw sa hindi kalayuan.


“ARRRAAAYYYY!”

Nagkatinginan si Liam at Pat.


“Liam! Bumaba ka dito! Ilang beses ko bang sinabi sayo na huwag kang magbabato ng kung ano ano dahil baka makasakit ka ng ibang tao! Liam! Bumaba ka dito!” sigaw ni Nina.


“Uh oh.” sabi ni Liam kay Pat habang nanlalaki ang mata sa kaba.


Magkasunod na bumaba si Liam at Pat. Lalong nanlaki ang mata ni Nina dahil sa galit habang sapo sapo ang ulo kung saan tumama ang plastic na bala ng kanyon.


“YOU!” sigaw ni Nina.


“Hi.” bati dito ni Pat sabay ngiti na parang nakakaloko.


Itutuloy...


[05]
Napa- buntong hininga na lang si Kyle nang marinig niya ang nagsusumigaw na hipag. Kung hindi lang ito kaatid ng kaniyang namayapang asawa at kung hindi lang ito mahal na mahal ng kaniyang anak na si Liam kahit pa madalas niya itong sigawan at ay baka matagal na niya itong pinalayas. Nagmadali siyang bumaba papunta sa pinanggagalingan ng mga sigawan.


Naabutan niyang sapo-sapo ni Nina ang kaniyang ulo habang si Liam ay nagtatago sa ginawa nilang isang kanyon na gawa sa tubo at si Pat ay walang tigil ang pagpapaliwanag kay Nina at pag-hingi ng tawad dito. Tumagal ang kaniyang tingin kay Pat, kahapon lang ay buong araw silang magksama nito at ngayon nandun nanaman ito sa kaniyang bakuran at nakikipaglaro sa kaniyang anak, madalas kung ibang tao ito ay malamang nagaamok na sa galit si Kyle, pero iba si Pat, hindi niya maintindihan kung bakit pero hindi niya magawang magalit o mairita man lang dito.



“Sinadya mo 'yon ano?!” bintang ulit ni Nina.


“I swear, it was an accident--- Look, Nina, I'm sorry OK, we were just playing around and we didn't know---”


“You son of a bitch! Anong hindi alam?! Sinadya mo 'to alam ko!” bintang ulit ni Nina sabay sapo sa noo'y namumukol na niyang noo.


“Nina! He said he was sorry and that it was an accident. Drop it OK? And how many times do I have to tell you not to swear in front of Liam?!” naiinis na balik ni Kyle. Naiinis dahil, una, kagigising niya palang, pangalawa, hindi pa siya nakakapag-yoga sa umagang iyon at pangatlo ay hindi pa siya nakakapag-kape, kaya't ang marinig ang matining na boses ni Nina dahil sa pagsigaw nito ay talaga naman nakasira sa umaga ni Kyle.


“I will not just drop it Kyle! I told you not to let this asshole inside the house and still here he his, making this place a disaster area---” napapikit na sa sobrang inis si Kyle pero tuloy parin si Nina sa pagdakdak, napansin ni Pat na nag-iba na ang aura ni Kyle kaya naman binulungan niya si Liam na pumasok muna saglit ng bahay.


“Stop it.” sabi ni Kyle pero hindi ito pinansin ni Nina.


“--- I told you that he is a no good---”


“STOP IT!” sigaw ni Kyle na ikinagulat ni Pat at Nina.


“I am so fucking tired of you trying to run my life! I am so fucking tired of you always bitching around and acting like you fucking own this place and I'm so fucking tired of you trying to be your sister when clearly you are soooo far from being her! I'm tired of this shit!” sabi ni Kyle at literal na hiningal ito matapos nitong magpalabas ng sama ng loob. Naiwang nakanganga si Pat at Nina. Nagulat si Pat dahil sa ilang araw na nakilala niya si Kyle ay ni hindi niya na-imagine na nakapagmumura pala ito ng ganung kalutong.


Kinakabahang tinignan ni Pat si Nina, tila pinupunit ang kaniyang puso sa nakita sa mukha nito. Walang iba kundi ibayong sakit ang naka-plaster sa mukha nito. Hindi rin ito nakaligtas kay Kyle dahil nang tignan niya si Nina ay tila ba gusto niyang bawiin ang kaniyang mga sinabi. Sinubukan ni Kyle na humingi ng tawad kay Nina pero agad siyang natigilan nang makita niya ang ilang matatabang luha mula sa mga mata nito.


“Nina, wait.” simula ni Kyle nang maglakad na ito palabas ng bahay, pero hindi ito nagpapigil at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Agad itong sinundan ni Kyle at Pat, hindi pa man naaabot ni Nina ang front door ay tila ba parehong sinapak si Kyle at Pat sa susunod na narinig.


“Aunt Nina, where are you going?” tanong ng bata, sa tono ng boses nito ay alam ni Pat na may ideya na ito sa mga nangyayari. Parehong nag-angat ng tingin si Pat at Kyle at nakita nilang nangingilid na ang luha nito, mabilis na bumaba ang bata sa hagdan at iniyakap ang sarili sa mga binti ni Nina.


“Please stay. Daddy didn't mean all those bad stuff he said.” sabi ng bata habang nakangudngod ang mukha sa binti ni Nina. Pinahiran ni Nina ang kaniyang mga luha at lumuhod para magkatapat na ang kanilang mga mukha ni Liam.


“I want you to behave while I'm gone OK? I'll visit you---”


“NO!” sigaw ng bata at iniyakap pa lalo ang sarili sa leeg ni Nina. Ayaw ipakita ni Nina na umiiyak siya sa bata kaya't agad niyang tinanggal ang pagkakayakap nito at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Nagsimula nang umiyak ng malakas si Liam at tumakbo pabalik sa kaniyang kwarto. Hindi alam ni Kyle kung sino ang kaniyang uunahing aluhin pero naisip niya rin agad na kailangan niyang humingi ng tawad kay Nina pilitin itong huwag umalis.


“Nina, wait!” pigil ulit ni Kyle, wala ng magawa si Pat kundi ang makonsensya pakiwari niya ba ay kasalanan niya ang lahat pero naisip niyang huwag na lang mangeelam at manood na lang sa mga susunod na mangyayari at ipinangako sa sarili na aakto siya sa oras na may hindi magandang mangyari.


Naabutan ni Kyle na sumasakay ng sariling kotse si Nina at pinigilan niya ang pinto nito sa pagsara.


“What?! You want me out of your lives, right?! That's what I'm going to do right now!” singhal ni Nina sabay sara ng pinto na ikina-ipit ng mga daliri ni Kyle sa parehong kamay. Halos marinig sa buong village ang sigaw ni Kyle. Halatang hindi ito sinasadyang mangyari ni Nina dahil agad nitong tinignan ang mga daliri ni Kyle, may pagaalala sa mukha nito, akala pa nga ni Pat ay hihingi ito ng tawad sa bayaw pero muli itong sumakay sa kotse at nagmaneho palayo.


Nakita ni Pat na pinanood pa ni Kyle ang kotse ni Nina palayo saka ito napa-upo sa drive way, alam ni Pat na may mali sa ikinikilos ni Kyle kaya't agad niya itong nilapitan. Nanlumo at halos mahimatay si Pat sa kaniyang nakita. Bali ang ilang buto sa mga daliri ni Kyle at alam niyang nasasaktan ito kahit pa wala itong sabihin.


“Kyle, hang in there buddy, I'll take you to the hospital.” sabi ni Pat pero marahan lang na umiling si Kyle.


“We can't leave Liam alone, we can't take him with us either because he's afraid of hospitals---”


“I'll call mom and dad. They can watch over Liam while we're gone.” alok ni Pat, saglit na nag-isip si Kyle na ikinabahala lalo ni Pat.


“OK---” pag payag ni Kyle saka tumayo sa pamamagitan ng pagalalay ni Pat.


“I'm sorry kung lagi ka na lang naiipit sa awayan namin ni Nina. I swear I didn't know what's happening between us. Hindi kami ganito dati.” umiiling na sabi ni Kyle habang inaalalayan siya ni Pat papasok sa sariling kotse.


“Tawagin ko lang si Liam at ihahatid sa bahay, sumigaw ka lang kung kailangan mo ako.” paalam ni Pat saka nagmamadaling tinawag si Liam na nagmumukmok sa kwarto nito.


“Liam?” tawag ni Pat sa atensyon ng bata. Nakita niyang nakausli ang ibabang bahagi ng labi nito at nakatupi ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib.


“Why did Aunt Nina go? I-I promise to be a good boy, j-just p-please ask her to come back.” humihikbi na ulit na sabi ni Liam. Tila naman kinurot ang puso ni Pat sa sinabi ng bata. Lumuhod si Pat sa tapat ng bata saka ito niyakap ng mahigpit.


“I promise to talk to your Aunt Nina later, but now I have to take your dad to the hospital, do you think you can stay at my place for a while, while we're gone?” tanong ni Pat agad na nagtaas ng tingin si Liam at nagtama ang kanilang mga mata.


“Is daddy going to be OK?” lalong naluhang tanong ng bata.


“I still don't know, buddy, but I think he's hurt and he needs to be checked by a doctor.” marahang sagot ni Pat, tumango ang bata at magka-akay silang naglakad ni Pat palabas ng bahay. Saglit na tumigil ang bata sa tapat ng kotse ni Kyle.


“I'll see you later, OK, buddy?” tanong ni Kyle naluluha ulit na tumango si Liam at naglakad na silang dalawa ni Pat patungo sa bahay ng mga magulang ng huli.


0000ooo0000


“I wonder when will you turn up for breakfast!” magiliw na bati ni Lita kay Liam, walang ideya sa mga naganap sa kabilang bahay pero nang mapansin nito ang malungkot na mukha ng bata at ang seryosong reaksyon sa mukha ng anak ay agad sana itong magtatanong pero naunahan siya ni Pat sa pagsasalita.


“Kyle's hurt, I need to take him to the hospital. Will you look after Liam for a while?” tanong ni Pat, agad na nakuwa ni Lita na mamya na sa kaniya sasabihin ni Pat lahat ng dapat niyang malaman at ang importante ay ang hinihiling nito sa kaniya ngayon. Tumango na lang si Lita at inabot ang kamay kay Liam.


“Buddy?” tawag ni Pat, saglit na lumingon ang bata, masuyong ngumiti si Pat at ipinagpatuloy ang sasabihin.


“Don't worry, daddy's going to be OK.” pagtatapos ni Pat, muling kumawala si Liam sa kamay ni Lita at mahigpit na niyakap si Pat.


“Guess what, Liam?” simula ni Lita agad nitong nakuwa ang atensyon ng bata.


“What?” mahina pero hindi maitatagong nae-excite naring tanong ni Liam na ikinangiti pareho ni Lita at Pat. Nagsimula nang maglakad pabalik si Pat sa kotse ni Kyle at ang huli niyang narinig ay ang mga sumusunod.


“I bought two bags of hotdogs, I'll let you help me cook it if you sing a song for me---”


0000ooo0000



Naabutan ni Pat si Kyle na nakataas ang dalawang kamay at namumutla, halatang nasasaktan sa nangyari sa kaniyang mga daliri pero hindi rin nakaligtas kay Pat ang tila ba malalim na pag-iisip nito.


“Mercy West.” bulong ni Kyle na ikinataka ni Pat.


“Huh?”


“Mercy West Hospital. That's where I work, you can bring me there, I think my fingers are broken.” namumutlang sabi ni Kyle, napatingin naman si Pat sa mga kamay nito at napa-iling.


Nang makarating sila sa ospital ay agad na binati ng duktor si Kyle at ineksamen ang mga daliri nito, kahit pa mukhang kalmado si Kyle ay alam ni Pat na kung hindi ito kinakabahan ay baka nagagalit ito sa nangyari sa kaniya.


“Doc, I have good news and some bad news---” simula ng duktor na kapwa duktor ni Kyle sa ospital na iyon, saglit na minata ng kasamahang duktor ni Kyle ang magiging reaksyon ng dalawa, nang makitang hindi magsasalita ang dalawa ay tinuloy niya ang kaniyang sasabihin.“---the good news is not all your fingers are broken, you have two in your right hand and two in your left, with proper management your fingers will be good as new. The bad news is our management consists of placing splints in all your fingers in both hands, hindi kasi pwedeng yung tig dalawa lang na bali ang pwedeng lagyan, because the goal of our splints are to immobilize and let the bones mend itself properly, diba? Ang mangyayari kapag yung mga bali lang ang lalagyan natin ng splints malaki ang possibility na gumalaw parin ang mga may bali thus prolonging the bones healing process or it may even hinder in the healing of the bones, pag nangyari yun it's either your hands will be disfigured for life or we need to do surgery to correct it. Kahit may surgery pwede ka paring mag-splint after so ganun din yung process. So I like to take the necessary precautions kesa naman magsisi tayo pare-pareho in the end, so all fingers will have to be on a splint because remember what they say about 'where one finger goes the other follows' well except for our thumb---?” nakangiting tanong ng duktor pero nang makita niyang seryoso parin ang dalawa at mukhang wala ulit balak sumagot sa kaniyang tanong ay muli na lang siyang nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “--- isa pa yun sa hindi magandang balita, because of the splints you will have difficulty in basic functioning with your hands or what we call fine motor reflexes such as holding your fork and spoon for eating, texting, washing yourself etc. pero kung matitiis mo naman, within 2 months OK na yung fingers mo.”



Kung posible pang mamutla si Kyle ay namutla pa ito. Hindi mapigilan ni Pat na maawa sa bagong kaibigan.

0000ooo0000


“Daddy are you OK?” tanong ni Liam nang makabalik na sa bahay nila Pat ang dalawa. Nakita niyang ngumiti si Kyle, kahit na hindi iyon ang pangkaraniwang ngiti na madalas na pinapakawalan nito ay alam ni Pat na totoo ang ngiting iyon para sa kaniyang anak.


Itinaas ni Kyle ang kaniyang kamay para sana guluhin ang buhok ng anak pero nang makita niya ang kaniyang kamay na miya mo itinali sa isang ping-pong paddle ay agad siyang nalungkot. Mahigpit ang pagkakasplint sa kaniyang mga daliri para hindi gumalaw ang mga ito at tuluyan na siyang nawalan ng kakayahang makahawak, alam niyang hindi ito permanente pero hindi niya parin mapigilan nag malungkot.


“I'm OK, little buddy.” sabi ni Kyle sabay luhod sa harapan ng anak na masuyo namang yumakap sa kaniya.


“How are you, son?” tanong ni Louie na biglang sumulpot sa may front door ng bahay nila.


“I'm OK, sir, though I will deal with these---” simula ni Kyle sabay muestra sa kaniyang mga daliring nakasplint “---for two months.”


“Ouch! Well, if you need anything I'm sure Pat will be happy to help you.” suhestyon ni Louie na halos ika-himatay naman ni Pat. Nagtama saglit ang mga mata ng mag-ama, sa mata ni Louie ay walang mabasa si Pat kundi ang pangaalaska habang si Louie naman ay walang ibang mabasa sa mga mata ng kaniyang anak kundi ang pagkairita.


“Thanks, we should get going. Thanks Pat.”


“Come have dinner with us.” aya ni Lita na katulad ng kaniyang asawa ay bigla ring sumulpot.


“I don't think I can eat with these. I would appreciate it if you let Liam eat with you guys, though, I think manang didn't cook lunch.” malungkot na pahayag ni Kyle, aalukin sana ni Pat na susubuan na lang niya si Kyle pero agad niyang pinigilan ang sarili, pinaalala na hindi sila pareho ng orientation ni Kyle. Napansin naman ni Louie ang muntikan ng pagsalita ni Pat, alam niyang muntik na nitong alukin ng dalawang buwang pagaalaga sa kanilang kapitbahay pero pinigilan lang nito ang sarili. Napangisi na lang si Louie na hindi nakaligtas kay Pat kaya naman binigyan niya ang ama ng masamang tingin.


“Are you sure?” nagaalalang tanong ulit ni Lita.


“I think I'm going to rest for a while, I'll pick up Liam later.”


“OK, if you're sure---”


“I'm sure.” matipid na sagot ni Kyle sabay kaway sa kaniyang anak saka sa mag-anak ni Louie.



Naguusap na pumasok ng bahay ang mga magulang ni Pat, hindi niya alam kung bakit pero mas pinili niyang panoorin si Kyle maglakad pauwi ng bahay nito kesa ang kumain, nang makita niyang nakapasok na ito ng gate ay nagsimula naring tumalikod si Pat at nakita niya si Liam na katulad niya ay mataman ding pinapanood ang kaniyang ama. Nakakunot ang noo ng bata at sa pakiwari ni Pat ay paiyak na ito.


“Liam, buddy, are you OK?” tanong ni Pat, nag-angat ng tingin si Liam at marahang umiling.


“Dad is sad. Why is dad sad?” tanong ng bata sabay paling ng ulo sa kaliwa habang iniintay ang sagot ni Pat.


“Marami lang iniisip ang dad mo---” simula ni Pat at sa punto ring iyon ay naka-isip ng paraan si Pat kung paano mapapagaang ang lahat kay Kyle sa araw na iyon. “---You know what, why don't we cook lunch for him and then go over your house and surprise him?” tanong ni Pat sa bata na agad namang lumiwanag ang mukha.


“Let's!” sigaw ng bata sabay takbo papasok sa bahay nila Pat na ikinahagikgik naman ng huli.


0000ooo0000


“Hey daddy.” tahimik na bati ni Liam sa nakaupong ama. Naabutan ni Pat at Liam si Kyle na tahimik na naka-upo sa den, halatang malalim ang iniisip. Nagulat si Kyle at agad na nilingon ang bata.


“Hey buddy. I thought you're going to eat lunch with---” simula ni Kyle pero agad din siyang napatigil dahil nakita na niya ang isang plato na puno ng pagkain na dala ng kaniyang anak at ni Pat na nakatayo sa likod ng bata.


“You didn't have to bring me food, Pat. Di ko rin naman makakain yan eh.” nahihiyang sabi ni Kyle. Agad na lumapit si Liam sa kaniyang ama at niyakap ito.


“Susubuan kita, daddy.” masuyong mungkahi ni Liam na ikinangiti naman ng ama. Hindi na nakapagsalita si Kyle at niyakap na lang niya ang kaniyang anak.


0000ooo0000


Masuyong pinapanood ni Pat ang mag-ama, napapangiti siya sa tuwing susubuan ng bata si Kyle pero hindi pa man nakakakalahati ng plato ang napapakain ng bata sa ama ay pumaling na sa kaliwa ang ulo nito at tila ba hindi na mapakali sa kaniyang kinauupuan.


“Liam, are you OK?” tanong ni Kyle, miya't miya ang tingin ng bata sa TV.


“What is it, buddy?” tanong naman ni Pat.


“Spongebob.” senyas ni Liam kay Pat sabay nguso sa TV. Napahagikgik naman si Kyle at Pat.


“OK buddy. I'll feed daddy while you watch T.V.” humahagikgik paring sabi ni Pat na ikinamula naman ni Kyle dahil sa hiya na ang kapitbahay niya pa ang magpapakain sa kaniya. Si Liam naman ay excited na humarap sa TV at binuksan ito.


“You don't have to do this, Pat, I can ask manang to---”


“It's OK. You're not going shy on me now, are you? After you clean my mouth with soap feeding you is not that big of a deal---” natatawang biro ni Pat, tinignan siya ni Kyle at pati siya ay napangiti narin. “---and besides, I think manang is flirting with Mrs. Garcia's driver, you wouldn't want to interrupt a 40 year old virgin from flirting, do you?” biro ulit ni Pat na ikinahagalpak naman ni Kyle sa tawa.


“Shhhh!” saway ni Liam sa may harap ng T.V. muling humagikgik ang dalawa, habang humahagikgik si Pat ay naghahanda na ito ng pagkain na isusubo kay Kyle, sa punto rin na iyon ay pinapanood ng huli ang bawat kilos ni Pat. Hindi maiwasang magpasalamat sa kaniyang sarili para sa ginagawa ng kaniyang kaibigan na pagpapagaang ng kaniyang loob at pag-aalis ng kaniyang hiya.


Nang i-angat ni Pat ang kaniyang tingin ay nakita niyang masuyo siyang pinapanood ni Kyle. Sa pagkakahuli niyang iyon sa huli na masuyong nakatingin sa kaniya ay tila ba may kumiliti sa kaniyang tagiliran. Nginitian lang siya ni Kyle na lalong nagpalala ng kaniyang nararamdaman.


Wala ng nagawa pa si Pat kundi ang suklian ito ng isang kinakabahang ngiti habang inaalam sa sarili kung ano ang ibig sabihin ng pakiramdam na iyon.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment