Friday, January 11, 2013

Strata: Kulay ng Amihan (Complete Story)

By: emray
Source: bulonghangin.blogspot.com


[01]
“Sa tingin mo aabot kaya tayo ng habang-buhay?” text ni JC kay Marco.
“As long as we think that we will last forever.” reply naman ni Marco kay JC.
“*sigh*” tanging textback ni JC sa katipang si Marco.


Tulad ng mga nakakaraang araw, hindi na umaasa pa si JC na rereplyan ni Marco ang huling text niya sa binata. Lagi na namang ganuon ang nangyayari sa kanila isang taon na din ang nakakalipas. Hindi na bago sa kanya ang hindi nito pagrereply, hindi na katulad ng dati si Marco na sa bawat minuto o bawat reaksyon niyang nagpapahayag ng damdamin ay may tanong itong “bakit?” o kaya naman ay “may problema ba ang mahal ko?”
“As long as we think that we will last forever.” muling pinaglaro ni JC sa isipan ang sagot ni Marco kasunod nito ay isang malalim na buntong-hininga. “Marco! Diskumpyansado na akong tatagal tayo ng habang-buhay.” malungkot pang saad sa isipan ni JC na may mga pigil na luhang kasabay sa malungkot niyang damdamin.
“Tutulog na po ako.” muling text ni JC kay Marco at saka humiga sa kanyang kama. Hindi na din niya hinintay pa ang reply nito dahil madalas ay inuumaga siya sa kahihintay subalit wala namang reply na mula kay Marco.
“Marco! Paano ko ba papapaniwalain ang sarili kong tatagal talaga tayo habang-buhay? Nasasaktan akong isiping magkakahiwalay din tayo pero nahihirapan naman akong papaniwalain ang sarili kong totoo ang ilusyon kong magsasama tayo habang-buhay.” panibugho ni JC. “Marco! Marco! Marco! Mahal na mahal kita pero ikaw na ang gumagawa ng dahilan para isipin kong ilusyon na lang ang lahat.” saka dahan-dahang nanulay ang mga luha sa nakapikit na mata ni JC. “Marco! Bakit ka ba kasi nagbago?” sisi pa nito sa katipan.

Puno nang pag-aalinlangan ang puso ni JC at saka tuluyan itong nakatulog at baon niya sa kanyang panaginip ang masayang alaala ng nakaraan, ang alaala kung papaano nagsimula ang pagmamahalan nila ni Marco.
“Tara JC, sama ka na sa amin!” pilit na aya ni Marco kay JC.
“Sige, kayo na lang! Madami pa akong gagawin.” sagot ni JC dito.
“Masyado kang nalulunod sa council, gala muna tayo.” pamimilit pa ni Marco dito.
“Saka na lang, after nitong event namin.” katwiran pa ni JC.
“Hindi mo na na-enjoy ang high school life mo!” saad ulit ni Marco sabay akbay kay JC. “First year hanggang ngayong fourth year lagi kang nasa council office at nagpapaka-busy sa mga projects ninyo pero wala ka ng oras gumimik.” may pagtatampo pa sa tinig ni Marco.
“Nakakagimik din naman ako sa council ah!” nakangiting tutol ni JC dito.
“Nakakagimik daw! Gimik ba ‘yung lagi kayong nasa ampunan o kaya sa squats area?” giit na katwiran ni Marco.
“Hindi lang gimik! Makabuluhang gimik pa kamo!” masayang sagot ni JC.
“Ewan ko sa’yo!” may tampong sabi ni Marco saka bumitiw sa pagkaka-akbay kay JC. “Isang buwan na lang at gagraduate na tayo ni hindi pa kita, I mean namin pala, nakakasamang gumala sa kung saan-saan.”
“Swear! After ng event namin ngayong week!” pangako ni JC sa kaibigan.
“Swear ka na naman!” may tampong sagot ni Marco. “Lagi na lang swear, at laging swear next time at may swear next time ulit!” saka iniwan ni Marco sa council office si JC.
“Tutupad na ako this time!” nakangising sigaw ni JC kay Marco.
“Asa pa!” balik na sigaw ni Marco.
Natapos na nga ang proyekto ng council at kagaya ng ipinangako ni JC kay Marco ay sumama ito sa gimik nilang magkakaklase. Overnight swimming sa private pool na pagmamay-ari nila Marco ang venue at lahat silang magkakaklase ang magkakasama. Hindi mawawala ang inuman ng barkada ni Marco na puro maton ng klase nila at ang videoke na all-time favorite ng buong klase.
“Galing naman ni Mr. President!” bati ni Fe kay JC. “Daming projects ah! Humataw ang council sa batch natin!” sabi pa nito.
“Humahataw din kasi kayong nasa CAT pati na ang BSP at GSP kaya pressured ang council.” sagot ni JC kay Fe.
“Siyempre nasa section natin ang head ng BSP at GSP at salamat kay Marco na Corp Commander.” sagot ni Fe. “Basta bow kaming lahat sa’yo Mr. President!” masayang papuri pa nit okay JC. “Buti na lang at nakasama ka sa amin ngayon.”
“Sa council na nga yata natutulog si JC!” kantyaw naman ni Marco. “Tamo! Hindi na nagka-girlfriend dahil sa council.” natatawang asar pa nito kay JC saka niya inakbayan.
“Ayos nang walang girlfriend kaysa naman sa’yo, may Chua ka na, may Van pa at may Clang-clang pa ngayon!” ganting asar ni JC kay Marco.
“Siyempre gwapo eh!” pagmamayabang na sagot ni Marco.
“Gwapuhin mo face mo!” sagot ni JC dito.
“Itagay mo na lang ‘yan!” sabi ni Marco saka abot kay JC ng unang tagay.
“Loko! Hindi ako umiinom ng alcohol.” tanggi ni JC dito.
“Kay arte!” sabi ni Marco. “Kabayaran ‘to sa mga promise mong hindi natupad last last last year pa.” pamimilit pa ng binata.
“Hindi nga pwede!” madiing tutol ni JC kay Marco.
“Kay hina ko naman pala sa’yo!” may tampong turan ni Marco. “Ano guys? Papayag ba kayong hindi tatagay si Mr. President?” tanong ni Marco sa kabarkada niya.
“Hindi!” sabay-sabay nitong sagot. “Iinom na yan! Iinom na yan!” kantiyaw pa ng mga ito.
Walang nagawa si JC kung hindi ang uminom na lang din para pakikisama sa mga kaklase niyang sunog-baga na nga ata. Ang isa ay nasundan pa nang madaming beses at laging nadadaanan ng tagay.
“Laro tayo!” aya ni Marco sa mga kasamahan matapos silang makaubos ng isang bote ng brandy. “Truth or dare.” suhestiyon pa nito.
“Go! Masaya ‘yan!” sang-ayon ng isa na inayunan ng lahat.
“Lahat kasali ah!” paalala ni Marco saka pina-ikot ang bote at siya na din ang nagbigay ng unang truth or dare sa grupo. Tuloy pa din sa pag-ikot ang tagay nila at tuloy pa din sa pag-ikot at pag-inom si JC.
“Kay Marco tumapat!” sabi nang huling nagpa-ikot sa bote. “Truth or dare?” tanong nito kay Marco.
“Dare!” malakas ang loob na sagot ni Marco na nababakasan mo na ng tama dahil sa iniinom.
“Sample naman ng macho dancer moves mo!” dare ng napa-ikot ng bote kay Marco.
Walang pag-aalinlangang nagsayaw nga si Marco sa harapan nila at hinubad pa nito ang suot na sando at tumabad sa harap ni JC ang matipuno nitong katawan na madalas na nakatago sa uniporme nilang polo. Hindi maunawaan ni JC ang sarili dahil sa tingin niya ay nagugustuhan niya ang ganuong tanawin at gusto niyang panuorin si Marco sa ginagawa nito subalit ayaw naman niyang sa harap ng madaming tao ito gumiling-giling.
“Yuhooo!” kantyaw ng buong barkada kay Marco.
“It’s my turn!” maangas na sabi ni Marco pagka-upo saka pina-ikot ang bote.
“Yeah! It’s JC!” naibulalas ni Marco. “Truth or dare?” tanong ni Marco kay JC.
“Dare na lang!” walang pag-aalinlangang tugon ni JC na may tama na din ng alak subalit buo pa ang katinuan.
“Nagdare si JC guys!” nangingiting pagbabalita ni Marco sa mga kasamahan.
“Truth na lang!” biglang bawi ni JC sa sinabi. Bigla kasi itong kinabahan nab aka kakapalan ng mukha ang ipagawa sa kanya at iyon ang hindi nya kayang magawa.
“Walang bawian!” tutol ng lahat kay JC.
“Dare na!” sabi ni Marco saka tumitig sa maamong mata ni JC at biglang sumeryoso. “Kiss me JC!” buo at seryosong utos ni Marco kay JC.
“Kiss!” sigawan ng lahat.
“Yuck Marco!” natatawang sabi pa ng isa nilang kaklase na hindi naman kasama sa inuman pero kasali sa laro.
“Eeeeeewwwww!” natatawang sigaw pa ng iba.
“Kiss!” sigawan pa nila. “Kiss daw JC!” mas malakas na sigawan.
Hindi maipaliwanag ni JC ang nararamdaman niya ngayon. Oo, gusto niyang halikan ngayon si Marco subalit alam niyang mali iyon at hindi tama ang ganuon. Isa pa ay kakaibang kaba ang hatid sa kanya ng mga titig na iyon ng binata. Pakiramdam niya ay nag-aalab ang mga mata nitong pagkapungay-pungay at wari niya ay nakikiusap na bigyang katuparan ang utos sa kanya, ngunit sa isang banda ay nagdadalawang-isip siya kung seryoso ba ito dahil siguradp siyang lalaking-lalaki si Marco at hindi tio makakaisip ng ganuon. Isa pa ay madaming taong nakapaligid sa kanila ay may pangalan siyang iniingatan sa buong eskwelahan nila.
“Joke lang ‘yun!” biglang putol ni Marco sa kantyawan nang mapansing walang imik si JC. “Pass na tayo kay Mr. President!” singit ni Marco saka binigay kay JC ang bote.
Higit na hindi maipaliwanag ni JC ang nararamdaman dahil sa napansin niyang pagkadismaya kay Marco ng hindi nito gawin ang pinapagawa sa kanya. Higit pa ay batid niyang may tampo ito sa kanya dahil sa unang pagkakataon ay hindi JC ang tinawag sa kanya nito kung hindi Mr. President. Sa pakiwari niya natatakot siyang baka nagalit sa kanya si Marco o kaya naman ay iwasan siya ng binata.
“Unfair!” sigaw ng mga magkakaklase.
Naka-apat na bote din sila ng brandy at isang case ng beer bago mga nagsipag-ayawan at naisipang magsitulog.
“Lakas mo palang uminom eh.” bati ni Marco kay JC pagkapasok ni JC sa kwartong tutulugan nila.
“Gising ka pa?” nagtatakang tanong ni JC kay Marco at nakitang bulagta na ang ibang kasama pa nila. “Lakas ng loob ninyong mag-aya ng inuman eh tumba pala kayo sa akin!” may yabang na wika pa nito.
“Oo, kita mo namang hinihintay kita.” sagot pa ni Marco.
“Naghintay pa oh!” sagot ni JC kay Marco na nakaramdam ng kiliti sa katawan. “Mahal na mahal mo talaga ako.” walang bwelong tugon pa ni JC na bagamat normal na sa kanila ang ganuong biro ay wari bang nakaramdam ng hiya sa katawan ang binata dahil sa sinabi niya. “Tumulong lang akong linisin iyong pinagkalatan natin sa labas.” sagot pa ni JC na biglang iba sa usapan.
“Mahal na mahal talaga kita!” nakangising sagot ni Marco. “Tara na!” aya pa nito kay JC. “Tabi na tayo.” suhestiyon pa nito saka humiga sa nakalatag na sleeping bag sa sahig.
“Ayoko nga!” tanggi ni JC. “Baka rape-in mo pa ako.” birong tugon ni JC.
“Rarape-in talaga kita pag hindi ka tumabi sa akin.” sagot ni Marco na may kasamang pilyong ngiti.
“Ito naman hindi na mabiro.” sagot pa ni JC saka lumapit sa kinalalagyan ni Marco at humiga sa tabi nito.
Hindi pa man naihihigang mabuti ni JC ang katawan ay walang pasabing yumakap sa kanya si Marco. Idinantay ni Marco ang mga hita kay JC at ang braso nito sa dibdib ng binata. “Payakap ah!” saka nagpaalam si Marco kay JC.
“Nakayakap ka na kaya!” tanging nasambit ni JC na tumatalon na ang puso sa kakaibang ligayang hatid ng yakap ni Marco.
“Harap ka nga sa ‘kin!” masuyong pakiusap ni Marco kay JC.
Hindi alam ni JC kung bakit tila may sariling buhay ang kanyang katawang biglang humarap nga kay Marco.
Walang pasabing inangkin ni Marco ang mga labi ni JC, ginawaran niya ito ng isang mainit at nag-aalab na halik. Isang halik na sa simula ay marahang kumikilos subalit naging magaslaw. Si JC naman ay hindi alam kung ano ang unang mararamdaman, nabigyang katuparan ang lihim niyang hiling kanina subalit may agam-agam sa puso niya kung tama ba ang nangyayaring ito sa ngayon. Hindi alam ni JC kung papaanong gagantihan ang halik na iyon ni Marco o kung tama bang gantihan pa niya ang maalab at lumalagablab nitong halik ngunit may sariling diwa ang kanyang mga labing unti-unting natutunan ang kilos at galaw ng mga halik ng binata.
Nagtagal din ang maalab na halik na iyon na unang binitawan ng humihingal-hingal pang si JC. “Tulog na tayo!” aya pa nit okay Marco.
“Sige!” madilim man ay babakasan pa din ang mukha ni Marco nang kakaibang ligaya dala ng isang mainit na halik mula kay JC. “Good night John Charlson!” bati pa nito kay JC.
“Good night na din Mel Marco!” ganting bati ni JC dito.
Sa katotohanan lang ay hindi sigurado si JC kung totoo bang nangyari ang mainit na halikang iyon o dala lamang ng mapaglaro niyang imahinasyon bilang kasagutan sa kanyang ilusyon. Ngunit kung panaginip man iyon ay ayaw nang magising pa ni JC at habang-buhay na lamang damhin ang yakap ay ang init ng labi ni Marco.


[02]
Naunang nagising si JC dahil tumawag sa cellphone ng nanay niya sa kanya. Nahihimbing pa ang karamihan ng umalis si JC sa private pool na iyon nila Marco na kasalukuyang naghihilik pa din ang tumbong nito. Linggo ng araw na iyon at kailangan ay sama-samang magsisimba silang mag-anak tulad ng nakagawian.
Kinabukasan ay ay hindi nakapasok si JC sa unang dalawang klase nila dahil may inaayos sa council office na bago at huling proyekto nila.
“JC!” tawag ni Marco kasunod ang mahihinang katok.
“Aaahhh Maarrco!” nabibilaukang tugon ni JC. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla at bigla siyang nakaramdam ng ilang sa presensiya ni Marco. Hindi niya mawari kung bakit ba hindi siya kumportableng nasa harapan niya ngayon ang binata.
“JC may sasabihin sana ako.” sabi pa ulit ni Marco.
“Ssigge uumupo ka.” aya naman ni JC kay Marco. “Ano ba ‘yun?” tanong pa ulit ni JC na pilit pinapormal at pinakumportable ang sarili.
“Sorry nga pala!” simula ni Marco.
“Sorry?” nagtatakang tanong ni JC kay Marco.
“Sorry for what I did last night.” paumanhin ni Marco na hindi makatingin ng diretso kay JC.
“You did? Last night?” nagtatakang tanong ng paglilinaw ni JC.
“I’m sorry for the kiss!” saad ulit ni Marco na kita na nahihiya it okay JC.
“Kiss?” pilit umarte si JC na hindi niya naaalala ang sinasabi ni Marco. “Wake up JC! Wake up! Ibig sabihin totoong hinalikan ako ni Marco!” pangungumpirma ni JC sa sarili.

“Lasing lang ako nun tol.” paliwanag pa ni Marco.
“Wait lang!” pigil ni JC sa paliwanag ni Marco. “I thought it was a dream.” pag-iinarte ulit ni JC. “Meaning totoo lahat iyon?” paninigurado pa ni JC kay Marco na sa totoo lang ay umaarte lang siyang wala na hindi niya naaalala ang nangyari.
“Totoo lahat iyon JC and I did the first move kaya nangyari ang lahat.” pagpapaliwanag pa din ni Marco. “Please JC, forgive me! Lasing lang talaga ako nun kaya hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko.” pagdepensa pa ni Marco sa sarili.
“Nothing to worry!” pagpapakalma ni JC kay Marco. “Akala ko nga panaginip lang, saka halik lang naman, wala namang nawala sa akin!” dugtong pa ni JC. “Walang nawala sa akin pero Marco iyon ang unang halik ko!” giit ng isipan ni JC.
“Hindi ka galit sa akin kaya hindi ka pumasok kanina sa English at Trigo?” nag-aalalang tanong ni Marco kay JC.
“Hindi!” sagot ni JC. “Inaayos ko lang itong para sa last project namin this year, wala ng oras para magprepare kasi sa Wednesday na ‘to, kaya no choice ako kung hindi aregluhin na lahat ngayon.” paliwanag pa nito.
“Hindi ka talaga galit sa akin?” paninigurado ni Marco.
“Hindi nga!” sagot ni JC.
“Hindi mo ako iniiwasan?” napapangiting tanong ulit ni Marco.
“Hindi din!” nakangiting sagot naman ni JC kay Marco.
“Promise?” pangungulit ulit ni Marco kay JC.
“Opo!” sagot ni JC dito.
“Akala ko iniiwasan mo ako dahil sa nangyari eh!” tila nabunutan ng tinik na turan ni Marco kay JC.
“Ayos lang nga!” sagot ni JC na nagniningning ang mga mata dahil sa nalamang totoo talaga at hindi panaginip ang lahat.
“Wala sanang iwasan ah!” sabi pa ni Marco.
“Ako hindi kita iiwasan, ewan ko lang sa’yo!” nang-aasar nang wika ni JC.
“Siyempre mahal na mahal kita, bakit naman kita iiwasan?” sagot ni Marco saka nag-iwan ng simpatikong ngiti kay JC.
“Akala ko talaga panaginip lang iyon!” ulit ni JC sa akala niiyang nangyai. “Anyways, let us consider it na panaginip lang talaga. Pati dapat ikaw isipin mo panaginip lang!” pamimilit ni JC kay Marco.
“Walang problema John Charlson!” nakangiting tugon ni Marco.
“Alis na, tapos na ang recess!” saad ni JC. “Pasabi na lang kay Ma’am Physics na excuse ako ngayon!” paalala pa ni JC kay Marco.
“Hindi ka ba papasok ngayong araw?” usisa ni Marco sa kaibigan.
“Papasok ako ngayong hapon. Iyong mga pang-umagang subjects lang ang hindi ko papasukan, kailangan na kasi itong mga letters na ‘to.” sabi pa ni JC.
“Sige JC alis na ako!” paalam ni Marco.
“Goodluck! Goodluck sa pagsukat n’yo ng speed of light!” natatawang wika ni JC sa papaalis nang si Marco.
Nagkaroon man ng settlement sa pagitan ng dalawa subalit hindi talaga maitatangi na nabago ng pangyayaring iyon ang buhay nila. Kung dati ay halos dikit sila JC at Marco, ngayon ay tila ba nagkakailangan na sila at nagkakahiyaan. Natutunan na ding iwasan ni JC si Marco subalit hindi naman niya maipaliwanag ang dahilan kung bakit. Ang alam lang niya ay maging detach siya kay Marco at iyon ang tama niyang gawin. Ganito na ang naging sitwasyon nilang dalawa hanggang sa umabot ang graduation day nila.
“Congratulations our dear graduates! Another journey has ended and this day marks a life to plan!” pagwawakas ng isang administrador sa graduation rites nila JC at Marco.
Si JC ay nakuha ang leadership award at kasama sa honorable mention ng buong batch. Si Marco naman ay nakakuha din ang leadership award. Dahil nga sa first section sila JC ay huli sila sa recessional. Habang nagrerecessional ang ibang section ay nagkaroon sila ng oras na magkakaklase para magbatian.
“I will miss you!” sabay yakap ng naluluhang si Fe kay JC.
“Miss you too friend!” sagot ni JC dito.
“Ingat ka JC!” sabi naman ni She kay JC. “Alam ko namang mahal na mahal mo kami eh kaya mahal na mahal ka din naming Mr. President!” sabi pa nito saka nagsimulang maluha at yumakap din kay JC.
“May ganun?” tila may kurot sa puso ni JC sa sinabing iyon ni She.
“JC!” nakangiting bati ni Marco kay JC.
“Ui!” nakangiting sagot ni JC dito na nakaramdam ng kakaibang kaba at pagka-ilang.
“Congrats ah!” saad pa ni Marco.
“Congtas din sa’yo! Galingan mo pa!” sagot naman ni JC.
“May sasabihin sana ako!” sabi pa ni Marco.
“Mamaya na! Recessional muna tayo!” tugon naman ni JC dito na sa totoo lang ay gusto na niyang iwasan talaga si Marco.
Walang nagawa si Marco kung hindi ang ngitian na lang si JC na sa totoo lang ay ramdam ang pagkadisgusto ng binata na makausap siya.
“Nay daan lang po ako sa council office!” paalam ni JC sa ina na sa totoo lang ay nais niyang paalisin si Marco bago muling balikan ang mga magulang.
“JC! JC! JC! Get rid of Marco!” paalala ni JC sa sarili bago tuluyang buksan ang pinto ng council office. Nagtaka itong hindi naka-lock ang pinto na sa pagkakaalam naman niya ay ini-lock niya ito kanina.
“Buti na lang pala bumalik ako dito kung hindi baka nawalan na naman ng gamit ang council!” sabi pa ni JC saka binuksan ang ilaw.
Nagulat si JC pagkabukas ng ilaw. Hindi niya inaasahan ang tatambad sa kanya. Si Marco na nakangiti ng pagkatamis-tamis ang ngayon ay nakaupo sa swivel chair niya habang. Napansin din niya na napapalamutian na ng mga bulaklak ang halos buong office at humahalimuyak ang pamilyar na pabangong kilalang-kilala ng ilong niya.
“Anong ginagawa mo dito?” kinakabahan at nagtatakang tanong ni JC kay Marco.
“Di’ba sabi ko may sasabihin ako sa’yo.” sagot ni Marco saka tumayo at lumapit kay JC.
Napaatras naman si JC sa ginawang paglapit na iyon ni Marco. Balak niyang tumakbo palayo pero mas pinili niyang magpakapormal na lang sa harap ng kaibigan para naman hindi nito isiping binabastos niya ito o kaya naman ay iniiwasan niya. “Ano nga pala iyon?” bawing tugon ni JC saka umupo sa upuang nasa harap ng table ng council president.
Imbes na sumagot ay lumapit si Marco sa pinto at isinara niya iyon saka humarap kay JC.
Narinig ni JC ang tunog ng lock at lalong naging mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maiwasang makaisip nang kung anu-ano dahil sa kinilos na iyon ni Marco.
“Alam ko at pansin kong iniiwasan mo ako. Hindi naman ako tanga JC para hindi mapansing lumalayo ka sa akin, hindi akop tanga para hindi mapansing naiilang ka sa akin.” simula ni Marco. “Akala ko ba walang magbabago sa mpagitan natin? Akala ko ba walang ilangan? Walang iwasan?” tanong pa ni Marco.
“Ah kasi…” tugon ni JC na hindi alam kung papaanong sasagutin si Marco o kung papaano papasinungalingan ang katotohanang napansin ng binata. “Di ba nga busy ako sa council.” dahilan na lang ni JC.
“Hindi ko naman inaasahang sasabihin mo ang totoo.” nakangiting saad pa ni Marco saka tumalikod.
“Wait Marco!” pigil ni JC sa kaibigan. “Sorry!” pahingi na lang ng paumanhin ni JC dito.
“Mahal kita JC!” biglang sinabi ni Marco na buong lakas ng loob niyang ipinagtapat. “Mahal na mahal!” paglilinaw pa ulit nito.
“Ano un joke?!” alangang pagbibiro pa sana ni JC.
“For real!” saad pa ulit ni Marco saka hinarap si JC. “Akala ko nga kung anong love lang pero nung mga araw na iniiwasan mo ako, dun ko na-realize na ikaw pala talaga ang hinahanap ng puso ko.” paliwanag pa nito.
“Pero Marco…” putol na wika ni JC.
“I’m not expecting you to say you love me too! Ang sa akin lang naman ay masabi ko sa’yong mahal kita para tumahimik na ang puso ko. Alam mo ‘yun, kung hindi ko tatapangan ang sarili kong sabihin mahal kita I feel, forever akong incomplete. Iyong regrets na may pagkakataon na para masabi ko sa’yo pero hindi ko ginawa. Forever akong babangungutin kasi tinago ko sa’yo ang katotohanan na you deserve.” sabi pa ni Marco.
“Marco!” saad ni JC na hindi niya namamalayang dumaloy na pala ang mga luha sa mata niya.
“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Marco kay JC. “Hindi ko naman inaasahang mahal mo din ako!” sabi pa ng binata saka niyakap si JC.
“Mahal na din kita Marco kaya lang…” putol na sambit ni JC.
“Kaya lnag?” tila nakakuha ng pag-asa si Marco sa sinabing iyon ni JC. “Kaya lang ano JC?” tanong pa ni Marco saka hinawakan sa baba si JC.
“Kaya lang natatakot ako.” pagbigkas ni JC. “Natatakot ako at alam kong mali itong nararamdaman ko para sa’yo!” lahad ng takot ni JC.
“Huwag kang matakot!” pang-aalo ni Marco. “Narito naman ako para sa’yo!” saad pa ng binata.
“Natatakot ako na baka hindi mag-work kung magiging tayo! Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao, natatakot ako sa sasabihin ng mga parents natin.” sabi pa ni JC.
“Kung ang simbahan nga tanggap ang mga bakla, sila pa kaya!” saad naman ni Marco para pagaanin ang loob ni JC.
“Tanggap?” tila pagtutol ni JC. “Tanggap ba nila iyong sasabihing pag nagmahal ang lalaki ng kapwa niya lalaki, iyon ang kasalanan na dapat maitama. Sige nga, paano mo ba nasabing bakla ka? Kasi di ba nagmahal ka ng kapawa mo lalaki? Na-aattract ka sa kapwa mo lalaki!” pagpapahayag ni JC ng saloobin.
“Iyon lang ba ang kinakatakot mo?” saad pa ni Marco saka hinawakan sa kamay si JC. “I will be here forever! Mawala man ang lahat sa’yo, pero kung pipiliin mo ang pagmamahal mo sa akin, I promise not to leave you for the rest of my life!” panunuyo ni Marco saka hinalikan ang kamay ni JC. “Promise!” sabi pa nito saka tumingin sa mga mata ni JC.
“Marco!” nakaramdam naman ng kakaibang saya si JC sa ginawang iyon ni Marco, pakiwari niya ay kakaibang panatag at tatag ang naibigay sa kanya ng binata.
“So, ano? Tayo na?” may pagpapa-cute na tanong ni Marco kay JC.
Hindi umimik si JC sa tanong na iyon ni Marco.
“Tinatanong kita!” wika ulit ni Marco saka lumuhod sa harap ni JC at saka inilabas ang nakatagong singsing sa bulsa niya. “Tinatanggap mo ba ang pagmamahal ko sa’yo?” tanong ulit ni Marco.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan muna ni JC saka ngumiti nang pagkatamis-tamis. “Oo Marco!” sagot ni JC dito.
“I love you JC!” buong kagalakang wika ni Marco saka niyakap si JC at hinalikan sa noo.
“I love you too!” tanging sagot ni JC.
“Ayan, itong singsing na’to ang magpapaalala sa’yong pagmamay-ari na kita at dapat ipangalandakan mo iyan sa ibang tao para off-limits na sila sa’yo pag hindi tayo magkasama!” nakangiting sabi ni Marco habang isinusuot sa daliri ni JC ang singsing.
“Loko mo!” masayang-masaya at abot-taingang ngiti na tugon ni JC. “Bakit ako lang? Nasaan na iyong sa’yo?” tanong pa ni JC.
“Nakasuot na bago ka pa dumating!” nakangiting tugon ni Marco saka pinakita kay JC ang daliri nito.
“Daya naman!” angil ni JC kay Marco na ngayon ay katipan na niya.
“Advance lang pero hindi madaya!” tutol ni Marco.
“Loko mo!” kontra ni JC na walang mapagsidlan ang kaligayahang nasa puso niya.
Bakasyon, nahaba man ang bakasyon ngunit sa tingin ng dalawa ay maikli ito at masyadong mabilis para sa kanila. Lagi man silang magkasama ay hindi nila nararamdamang nagsasawa sila sa isa’t-isa. Kahit na nga ba katahimikan ang madalas na mamagitan sa kanila ay kakaibang ligya pa din ang hatid nito para sa puso nila. Para kay Marco, ang presensiya ng isang tahimik na JC ay higit pa ang kaligayahan na naibibigay kaysa maingay at makukulit niyang kabarkada. Ang pangiti-ngiti lang na Marco ay kakaibang saya na ang napupunan sa puso ni JC. Pasukan na at unang araw nila sa kolehiyo. Nakapasok si JC sa UP at palibahasa ay pasok sa Top50 UPCAT passers ay nagawa nitong makakuha ng scholarship at benefits mula sa unibersidad. Si Marco naman ay piniling sa kapit-bahay na unibersidad mag-aral para mabantayan lang si JC, ang plano ni Marco ay sa DLSU pumasok ng kolehiyo subalit ng malaman niyang UP nga si JC ay nag-ADMU siya para maging malapit lang sa kasintahan.
“Tagal mo naman?” simulang bati ni Marco kay JC na nalate dumating sa UP Chapel.
“Sorry ha, nag-extend kasi ung prof ko.” nakangiting paumanhin ni JC dito.
“Kung ganyan ba naman ka-cute ang magsosorry sinong hindi magpapatawad?” birong sagot ni Marco kay JC.
“Tara na uwi na tayo.” aya naman ni Marco kay JC.
“Kain muna tayo nagugutom na kasi ako eh.” sagot ni JC na may pakikiusap sa pinalambing na tinig nito.
“Saan mo gusto? Treat ko.” Saad ni Marco.
“Ano nga iyong tawag nila sa kainan d’yan?” tanong ni JC kay Marco. “Basta kung anuman tawag dun, dun tayo!” nakangiti at masayang aya at suhestiyon ni JC.
“Hindi ko din alam eh! Malalaman natin mamaya pagdating dun! Taxi na lang tayo para madali!” sabi pa ni Marco.
“Lakad na lang!” suhestiyon pa ni JC.
“Loko mo! Ano yun? Mag-aalay lakad tayo?” wika ni Marco saka binatukan si JC. “Sorry, wala kasi akong lisensiya kaya bawal maglabas ng kotse.” paumanhin pa ni Marco.
“Kahit lakarin natin pauwi, basta ikaw ang kasama ko ayos na sa akin iyon!” sagot ni JC habang hawak ang ulong hinampas ni Marco.
“Ang sweet sweet naman ng sugar ko!” turan ni Marco saka inakbayan si JC.
“Eeeew! Sugar!” reaksyon ni JC. “Wag mo nga akong itulad sa mga ex mo! Yuck ah! Sugar!”
“Sweet cake na lang kung ayaw mo ng sugar!” nakangiti at simpatikong turan ni Marco.
“Tigil ka nga! Ang baduy baduy!” angal pa ni JC.
“Bakit yung mga ex ko kinikilig pag tinatawag ko silang ganun!” reklamo at pagtataka ni Marco.
“Sila ‘yun, hindi ako!” tirada naman ni JC.
“Halikan kita d’yan eh!” sabi pa ni Marco.
“Hanggang salita ka lang naman eh!” kontra at pang-aasar ni JC.
“Ganun!” sabi ni Marco at walang pasintabing inangkin niya ang mga labi ni JC.
Nakakadala ang nagaganap. Hindi inaasahan ni JC na gagawin nga iyon ni Marco. Isa pa ay nasa pampublikong lugar sila para magkalakas ng loob si Marco na gawin ang ganuong bagay. Imbes na magalit ay tila nagugustuhan ni JC ang kung anuman ang nagaganap ngayon, sa pakiramdam niya ay labis siyang pinaligaya ni Marco dahil sa ginawa nito.
“Sorry!” putol ni Marco sa halik na iyon. “Sorry JC!” masuyo pa nitong sinabi saka hinawakan sa pisngi si JC.
“It’s alright!” sagot ni JC. “Tara na!” aya naman niya kay Marco.
Ngiti lang ang sinagot ni Marco at nauna na itong tumayo.
“I love you JC!” bulong ni Marco kay JC habang naglalakad sila.
“I love you too!” sagot naman ni JC.
Nagkatinginan pa ang dalawa saka napatawa sa pagtatama ng kanilang mga paningin.


[03]
“Hoy Marco!” anas ni JC. “Sinong tinititigan mo d’yan?” sarkastikong tanong pa nito saka tingin sa gawing tinitingnan ni Marco.
“Mahal tingan mo ‘yun oh, ang ganda!” sagot naman ni Marco saka nguso sa isang babaing nasa tapat nilang table.
“Maganda!” may inis sa tinig ni JC. “Maganda pala!” sarkastiko ulit nitong inulit saka tinapakan sa paa si Marco.
“Aray naman!” pigil na sigaw dapat ni Marco.
“Bakit ka ba nang-aapak ng paa?” tanong ni Marco kay JC.
“Di ba may maganda?” asar na tanong ni JC kay Marco.
“Nagseselos ang mahal ko!” tudyo naman ni Marco kay JC saka kiliti sa tagiliran nito, parte ng katawan ni JC na pinakamalakas ang kiliti ng binata.
“Hindi ah!” tanggi ni JC. “Bakit naman ako magseselos?” tanong pa nito.
“Kasi mahal mo ako! Gusto mo ikaw lang ang tinitingnan at pinupuri ko!” may simpatikong ngiti na sagot ni Marco kay JC.
“Hindi kaya!” kaila pa ni JC na namumula na dahil sa pagkakasukol sa kanya ni Marco.
“Umamin na kasi!” pamimilit pa ni Marco.
“Kasi naman ikaw! Nakabantay na ako dito kung sinu-sino pa din ang nahahagip ng makasalanan mong mata.” may himig ng pagtatampo kay JC.
“Alam mo mahal ko!” simula ni Marco ng pagpapaliwanag. “Kahit ilang magagandang babae pa ang iharap at paghubarin sa harap ko, ikaw lang ang mamumukod tanging hahanapin ng mga mata ko!” nakangiting wika pa nito. “Alam mo ba kung bakit?” tanong pa niya sa kasintahan.
Iling lang ang sagot ni JC sa tanong na iyon ni Marco.
“Kasi mula ng makilala kita, ang hinahanap na lang ng mata ko ay ang taong magpapaligaya at magpapasaya sa puso ko! Mula ng araw na iparamdam mo sa akin ang tunay na pagmamahal, iisa na lang ang taong hinahanap ng mata ko, iyon ay ang taong bubuo at kukumpleto sa akin at ikaw lang iyon John Charlson!” pagkatamis-tamis na ngiting sambit ni Marco saka pinisil sa pisngi si JC.
“Mangbola daw ba!” kinikilig na kontra ni JC. “Magaling ka lang sa retorika kaya mo nasasabi ‘yan!” angal pa nito.
“At sa retorika din kita habang-buhay na aangkinin!” pilyong sagot ni Marco dito.
“Loko mo lelang mo!” angil pa ni JC.
“Basta mahal na mahal kita!” singit ni Marco.
“Yeah! I know!” matipid subalit malambing na wika ni JC na may hindi mapantayang ngiti sa mga labi.
Isang buwan ang muling lumipas sa relasyon ng dalawa. Isang buwan na ang lumilipas ngunit higit pa nilang minamahal ang isa’t-isa at lalo silang nalululong sa kakaibang ligaya na nadarama ng puso nila sa piling ng bawat isa.
“Nakakainis!” asar na saad ni JC habang paikot-ikot sa Palma Hall at nag-aabang sa isang Marco sa susundo sa kanya.
“Huli ka!” biglang takip ni Marco sa mga mata ni JC mula sa likuran. “Sino ako?” tanong pa nito.
“Lintek na!” lalong naasar na sabi ni JC. “Lubayan mo ako Marco!” madiing saad pa ng binata.
“Galing naman ng mahal ko!” sagot naman ni Marco.
“Tatlong oras! Tatlong oras ang nasayang kakahintay sa’yo!” simula ni JC.
“Sorry na mahal ko!” malambing na paumanhin ni Marco sa kasintahan. “Please!” saka nito pa-cute kay JC.
“Huwag ka nga gumanyan!” pilit iniiwas ni JC ang tingin kay Marco. “Naiirita ako!” habol pa nito.
“Please na! Sorry na!” nakangiting pakiusap pa ni Marco saka pilit na hinarap sa kanya si JC.
“Eee!” angil ni JC. “Stop it Marco!” pilit na pilit ang galit ni JC.
“Ui! Tatawa na ‘yan!” tudyo pa ni Marco kay JC saka ito kiniliti sa tagiliran.
“Oo na nga!” napapangiting turan ni JC. “Nakakainis! Alam mong nawawala lahat ng inis ko pag-nginingitian mo ako kaya ka nawiwili eh!”
“Siyempre! Gifted ata ang mahal mo!” nagmamalaking sagot ni Marco kay JC.
“Uto mo!” tutol ni JC saka ginulo ang buhok ni Marco.
“Tsk!” anas ni Marco saka ayos sa buhok niya. “Alam mo namang ayaw kong ginugulo ang buhok ko eh!” wika pa nito.
“Kahit naman gulo-gulo na ang buhok mo gwapo ka pa rin!” bawi naman ni JC.
“Kahit na! Nababawasan ang kagwapuhan ng mahal mo!” pagyayabang pa ulit nito.
“Kapal talaga ng face mo!” kontra ni JC. “Super hangin! Grabe wala kang ka-level sa kayabangan!” nakangiti at nang-iinis na sabi ni JC.
“May masama ba kung nagsasabi ako ng totoo?” tugon ni Marco saka lalong hinigpitan ang pagkakaakbay kay JC.
“Ewan ko sa’yo!” putol ni JC sa usapan.
“Hey Marco!” tawag ng isang babae kay saka binaba ang salamin ng kotse nito na huminto sa gilid nila Marco at JC.
“Oh Steph!” simpatikong tugon ni Marco dito saka inalis ang pagkaka-akbay kay JC.
“What are you doing here and why you didn’t told me you’re going here?” malanding turan pa ng babae kay Marco.
“I am here for my best bud JC!” nakangiting sagot ni Marco sa dalaga saka ipinakilala si JC kay Steph.
“Oh well!” kibit balikat ni Steph na hindi naglaan ng oras para tingnan man lang si JC. “Where are you going?” tanong pa nito kay Marco.
“Planning to eat somewhere and hang around.” sagot naman ni Marco.
“C’mon! I know the best place to eat and hang out!” imbita ni Steph kay Marco.
“Sure!” walang pag-aalinlangang tugon ni Marco na hindi man lang kininsulta si JC saka nito binuksan ang pinto sa back seat ng kotse.
“Pasok na JC.” utos ni Marco kay JC.
Pagkapasok ni JC sa loob at agad itong umusog sa kabilang dulo dahil inaasahan niyang tatabihan siya ni Marco sa likod. Kabaliktaran ang nangyari dahil agad na sinarado ni Marco ang pintuan ng back seat at saka pumunta sa kabilang side at binuksan ang pinto sa harapan katabi ni Steph. Papaandarin na ni Steph ang kotse ng –
“I forgot! I have something to finish!” tila pag-awat ni JC sa pagpapatakbo ni Steph ng kotse. “So sorry! I really want to go with you guys but chances are always there hanging up.” paumanhin pa ni JC sa dalawa.
Nabigla naman si Marco sa sinabing iyon ni JC. Ngayon lang niya na-realize na may pagkakamali siyang nagawa at hindi naman siya manhid para hindi mapansing may nagawa siyang hindi tama.
“Hatid na kita!” pagboboluntaryo naman ni Marco kay JC.
“Go na kayo!” pormal at kalmadong sagot ni JC pagkababa ng kotse. Sa totoo lang ay nais nang sumabog ang halo-halong nararamdaman ng binata subalit dahil sa kailangang maging sibilisado ay hindi niya magagawang nag-inarte sa harap ni Steph dahil sa napakaraming dahilan.
“We’ll take you to your place!” suhestiyon naman ni Steph na bagamat nakitaan ni JC nang pag-aliwalas ang mukha ng dalaga at nagpupumilit na magpakita ng panghihinayang.
“I can handle myself! It’s just few blocks from here!” pagsisinungaling pa ni JC na sa totoo lang ay malayo pa ang dormitoryo niya sa lugar na binabaan.
“Hahatid na kita!” wika ni Marco sabay sa pagbubukas ng pinto ng kotse.
“Huwag na!” masaya ang tinig subalit malamlam at malungkot ang mga matang tugon ni JC saka hinarang ang papabukas ng pinto ng kotse.
“Lets go Marco!” aya pa ulit ni Steph saka pinatakbo ang kotse nito.
Pagkalayo nila Steph at Marco ay saka naglabas ng sentimyento si JC habang binabagtas ang daan papunta sa dormitoryo niyang higit pa sa isang kilometro. Sa kamalas-malasan ay hindi dinadaanan ng jeep ang kalsadang iyon at wala pa ding nagdadaang taxi o kaya naman ay pedicab para masakyan niya. Iti-nurn-off din niya ang cellphone dahil alam niyang tatawagan siya ni Marco at ayaw pa niyang makausap ito o kaya naman ay mabasa ang text at pambobola na naman sa kanya.
“Malas! Malas!” asar na asar na wika ni JC habang naglalakad pauwi. “Akala mo kung sinong maganda! Itsura lang niya! Para siyang higanteng talampakang isinawasaw sa harina at ipinirito! Pa-english pa kunwari akala mo naman bagay sa kanya!” buong kabitterang saad ng binata na sa katotohanan lang ay kabaliktaran nitong lahat si Steph na disente, socialite, maganda at simpleng-simple na dalaga.
“Ito namang lokong si Marco napakamanhid!” simula ulit ni JC. “Tama bang pasakayin ako sa likurang mag-isa! Malandi din ang loko! Tatamaan sa akin iyang Marco na ‘yan! Huling araw na namin ngayon! Wala ng bukas!” pagbabanta pa ni JC.
“Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!” pag-aalburuto pa ni JC. “Tama ba iyong ginawa niya? Tama ba namang iwanan ako sa likod at tabihan iyong malanding impaktang iyon sa harap. Duh! Hindi nga lang obvious na malandi at impakta kasi nagpapanggap na mabait!” walang pagsidlan ang inis at asar ni JC dahil sa nangyari. Sa tingin niya ay hindi niya mapapatawad si Marco sa kasalanan nito at kita ng dalawang mata niya kung papaano siya ipinagpalit ng kasintahan sa isang babae.
“Tama ba iyon!” biglang sigaw ni JC.
“Hindi tama!” sabi ng isang tinig kay JC mula sa likuran saka biglang tutok sa tagiliran nito. “Tama lang kung ibibigay mo sa akin lahat ng pera mo at cellphone kung ayaw mong masaktan!” pagbabanta pa nito.
“Peste!” asar na wika ni JC sabay hawak sa kamay ng holdaper na nakatutok sa tagiliran niya. “Sasabay ka pa eh!” imbes na matakot at higit pang naasar na wika ng binata saka biglang umikot si JC na naging sanhi para maikot din ang kamay ng holdaper.
“Lalaban ka pa!” nagalit na wika ng isa pang holdaper sabay wasiwas ng patalim na hawak.
“Patay na!” wika ni JC saka kumaripas ng takbo. “Inay ko po!” ngayon lang bumalik sa katinuan ang isip ni JC na hinoholdap pala siya at nasaktan pa niya ang isang holdaper at galit na galit ang mga ito sa kanya ngayon. “Pera lang naman at cellphone ang hinihingi bakit ba hindi mo pa binigay JC!” kung kanina ay kay Marco at Steph siya naiinis ay mas higit ang asar at inis niya para sa katangahang ginawa.
Humihingal na napahinto si JC at alam niyang malapit lang din duon ang isang baranggay outpost at sigurado siyang may rumoronda din duong mga tanod. “Hindi ko na kayang tumakbo! In fairness effort kung effort!” mahinang usal pa ni JC pagkahinto.
Hindi namalayan si JC na malapit lang pala ang agwat niya sa dalawang holdaper na hindi talaga siya nilubayan sa paghabol. Nang muli niyang tingnan ang mga ito ay papasugod na sa kanya at inaatake na siya ng kutsilyo.
Naging maliksi si JC kaya naman agad siyang nakailag at nadepensahan ang sarili saka sumigaw ng “Rape!” malakas na malakas pa niyang inulit “Rape! Rape! Rape!”
“Tumahimik ka!” muling sugod ng isang holdaper kay JC na naipit sa braso nito ang leeg ng binata.
“Holdap lang ‘to hindi rape pero ngayon murder na!” sabi pa ng isa saka pasugod na titirahin ng saksak si JC.
“Mas maikli kayang sabihin ang rape.” tila pakikipagbiruan pa ni JC sa mga holdaper bago buong lakas na tumalon at sinipa ang papasugod sa kanya. “Malas mo boy! Mario d’boro ang sapatos ko ngayon kaya masakit!” pagyayabang pa ni JC.
Kamalasan, sa pinakamaselang bahagi pa ng katawan tumama ang paa ni JC kaya naman saktong-sakto at score na score ang naganap.
“JC two! Holdaper boys zero!” pang-aasar pa ni JC sa dalawa.
“Gago ka!” wika ng isa na higit pang hinigpitan ang pagkakasakal kay JC.
“Time-out!” pag-awat ni JC dito saka inilagay sa damit ng holdaper ang isang kamay at ang isa naman ay sa braso nitong sumasakal sa kanya at buong lakas na yumuko at ihihagis paharap ang holdaper paharap na muling tinamaan ang maselang bahagi ng isa pang holdaper.
“JC three! Holdaper boys zero! Game over!” wika pa ni JC na nakahinga ng ng maluwag dahil may dumating na mga tanod.
“Akala ko rape?” tanong ng isang tanond kay JC na rumesponde.
“Effort kasi kuya kung holdap!” paliwanag ni JC. “Two syllables kasi ang hold-up ang raper isa lang kaya madlaing isigaw.” pagiging komikero sana ni JC subalit walang bumili ng joke niya.
“Salamat at matagal na naming minamanman ang dalawang ugok na’to!” sabi pa ng isa. “Sama ka na sa amin para sa statement at ng magamoit iyang sugat mo sa braso at binti.” aya pa ng isa kay JC.
Nuon lang narealize ni JC na nadaplisan pala siya sa braso at sa binti at higit pa ay gwapo ang dalawang nanghold-up sa kanya.
“Sayang!” wika ni JC sa sarili saka napatingin sa dalawang holdaper at bigla siyang napatawa ng malakas. “Akala mo Marco! You missed half of your life!” pagmamataas pa ni JC.
Umaga na ng ihatid ng patrol si JC sa dormitoryo nito at nasampahan na ng kaso ang dalawang nangholdap sa kanya. Sa labas ng dormitoryo niya ay hindi niya sugurado kung ano ang unang mararamdaman. Nanduduon si Marco sa labas, nakatalungko at pahampas-hampas pa sa katawan at nagpapalis ng lamok. Hindi alam ni JC kung tutuloy ba siya sa loob ng dormitoryo o kung handa na siyang pakisamahan ito. Nakaramdam ng sakit si JC, kung kanina ay naikukubli ng puso niya ang sakit na iyon dahil sa inis at asar niya para sa binata, ngayon tumagos sa kanya ang talagang nararamdaman ng puso. Hindi napigilan ni JC na tumulo na mula sa kanyang mga mata ang mumunting luha na mistulang perlas at kristal na nahulog mula sa kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inihakbang ang mga paa palapit sa binata na animo’y may sariling buhay na kumikilos mag-isa.
“JC!” napangiting bati ni Marco nang makita si JC na papalapit. Agad na tumayo ang binata at tumatakbong pumunta ito sa kasintahan at saka niyakap. “Sorry JC!” paumanhin pa ni Marco.
Walang sagot mula kay JC, naguguluhan siya sa nararamdaman. Kung kanina ay naiinis siya sa binata, ngayon naman ay nararamdaman niyang napanatag nito ang kalooban niya. Kung kanina ay may sakit at pait siyang nararamdaman, ngtayon ay tila napawi ng yakap nito ang lahat ng sakit at tinangay palayo ang pait. Napaghilom agad nito ang maliit na sugat sa puso niya sa kapanatagang hindi siya iniwanan at ipinagpalit ni Marco. Ang mga yakap na iyon ay pumawi sa lahat dahil ang yakap na iyon ay naging simbolikang na pagpapahayag na hindi siya iiniwan ni Marco. Ang halo-halong nadarama ni JC ay patuloy lamang bumakas sa pamamagitan ng mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.
“Sorry JC!” pagsusumamo ni Marco saka hinalikan sa noo si JC.
“Okay napo iyon.” napangiti at masayang tugon ni JC.
“Talaga?” biglang aliwalas ang mukha ni Marco sa sagot na iyon ni JC.
Tumango lang si JC bilang tanda ng pagsang-ayon.
“Bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sa’yo?” tanong ni Marco kay JC nang mapansin ang bikas ng kasintahan.
“Ah eto?” simula ni JC sa kwento saka pinahid ang luha sa mga mata.
“Sorry! Napahamak pala ang mahal ko dahil sa akin!” yumakap si Marco at biglang napaluha makatapos magkwento ni JC. Pakiramdam ni Marco ay sinasaksak siya sa puso habang nagkukwento si JC at higit na pag-aalala ang naramdaman niya para sa kasintahan. Hindi pa din siya mapanatag para kay JC kahit na nga ba kasama na niya ito at lalong ikinasama ng loob niya ang nakikitang anyo ngayon ng binata. Matindi din ang naging inis niya sa sarili dahil sa nagawang kamalian ay kapahamakan ang naidulot niyon sa taong pinakamamahal niya.
Iyon ang unang beses na nakita ni JC si Marco na mapaluha. Iyon ang unang pagkakatoang nakita niya ang kasintahan na umiyak at hindi maipaliwanag ni JC ngunit imbes na sa sarili niya maawa ay mas naaawa siya kay Marco dahil naramdaman niyang bukal sa kalooban nito ang lahat ng sinasabi at may malalim na pinaghuhugutan ang mga luha nito.
“I’m safe and alive!” pagpalubag loob ni JC kay Marco na batid kung paano sinisisi ni Marco ang sarili sa nangyari sa kanya. “See! May use din ang malabanaw na martial arts ko nung high school.” biro pa ni JC kay Marco.
“Huwag mo akong iiwan ah!” pakiusap ni Marco kay JC saka ito tumingin sa mga mata niya.
“Naman oh!” saad ni JC. “Bakit ko naman iiwanan ang buhay ko?” tanong pa nito.
“I love you JC!” wika ulit ni Marco saka hinalikan sa noo si JC. “Hindi ko na alam kung paanong mabuhay kapag nawala ka sa akin. Ikaw lang ang nag-iisang tao para sa akin JC!” pakiusap ni Marco kay JC.
“I love you too Marco!” sagot ni JC.
Pumailanlang sa pagitan ng dalawa ang katahimikan na wari bang ang mga puso nila ngayon ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Naliliwananagan sila ng buwan at ang mga bituin sa langit ang naging mga saksi nila nang gabing iyon.
“Nga pala I have something for you.” wika ni Marco kay JC.
“Ano naman iyan?” nagtatakang tanong ni JC dito.
“Dyaran!” wika ni Marco saka nilabas mula sa likuran ang dalang teddy bear. “Ayan! May anak na tayo kaya wala ka ng dapat pang ipagselos sa iba dahil iyong-iyo na talaga ako!” may nakakalokong ngiting sabi ni Marco.
“Loko mo! Anak ka d’yan!” kinikilig na sagot ni JC.
“Basta JC ko! Mahal na mahal kita!” ulit uli ni Marco.
“Mahal na mahal din po kita!” sagot pa ni JC.
Sa loob na ng dormitoryo pinatulog ni JC si Marco. Solo naman kasi niya ang silid at iyon ay isang pribilehiyong nakuha niya mula sa pagiging isa sa top UPCAT passers. Natulog ang dalawa ng makayakap at ramdam ang mas higit pang pinag-alab na pagmamahal para sa isa’t-isa.


[04]
THREE YEARS – tatlong taon na ang nakakalipas nang mangyari ang tagpong iyon sa pagitan nila JC at Marco at patuloy pa ding dumadaan ang mga araw na kasama nila ang isa’t-isa. May nagbago! Katulad ng pagdaan ng araw at paglipas ng oras at panahon ay kasabay nitong may nagbago sa dalawa.
“Lagi namang ganyan Marco eh!” asar at galit na paninita ni JC sa kasintahan.
“Ako na naman!” angil ni Marco. “Ako na naman ang nakikita mo!” habol pa ng binata.
“Lagi naman kasing gayan ang ginagawa mo! Sino ba namang matutuwa kung lagi at lagi ka na lang ganyan!” tugon ni JC.
“Matagal na akong ganito! Nag-iinarte ka na naman kasi!” asar na bulyaw ni Marco kay JC.
“Sige ako na ang mali! Ako na ang may diperensiya! Sorry ah!” sarkastiko at satirikal na tonong pahayag ni JC.
“Kita mo na!” sigaw pa ulit ni Marco.
“Ewan ko!” pagkasabi ay lumabas si JC sa boarding house ni Marco at saka mabilis na naglakad papuntang sakayan pabalik sa dormitoryo niya.
“JC ko! SORRY na po!” hindi pa man nagtatagal ay text kaagad ni Marco kay JC.
“Okay!” tanging reply ni JC dito.
“Ingat ka po! Labyu! Mishu!” text ulit ni Marco.
“Okay!” matipid ulit na reply ni JC.
“Sige ganyanan na!” reply naman ni Marco.
“Pasalamat ka nga nirereplayan pa kita!” asar na saad ni JC sa sarili.
“J” reply ni JC kay Marco.

“SORRY na kasi!” pang-aamo ni Marco kay JC.
“Ikaw kasi!” sisi ni JC dito.
“Promise hnd na tlga aq uulit!” pangako pa ni Marco.
“Minsan kxe nakkaswa ng umasa sa pangko mo!” reply ni JC sa katipan.
“Swear JC! 22pd na aq.” sagot pa ni Marco.
“Pnapygan nmn ktang magala pro sana nmn wag kng makalmt mgtxt! Alm mo nmng ng-aalala aq sau eh!” reply ulit ni JC.
“Pls JC! Ptwarn mo na ako.” panunuyo pa ni Marco kay JC.
“Gue na bsta sa susunod ah!” reply ni JC.
“Sige na, sa susunod kalimutan mo naman iyang pangako mo!” ito ang tunay na laman nang manhid nang si JC sa mga pangako ni Marco.
“Yey! Hnd n glt ang mahal qng si JC.” reply ni Marco na kita ang kaisyahan sa text nito.
“I LOVE YOU! I MISS YOU!” habol pa ulit ni Marco.
“labyu more!” reply ni JC.
“Hay! I love you? Wala nang espesyal sa salitang I love you. Immune na ako sa salitang I love you na iyan. Immune na ako lalo na kung hindi ko na nararamdamang bukal sa loob na sinasabi ang salitang I love you. Immune na ako kasi hindi ko na nararamdamang mahal mo nga ako Marco.” naluluhang wika ni JC sa sarili bago tuluyang bumaba ng taxi na sinakyan niya pauwi.
“Mahal na mahal kita Marco, sa sobrang pagmamahal ko sa’yo nagagawa kong alalahanin ka buong buhay ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, nawalan na nang halaga ang salitang I love you, namanhid na ang puso ko sa kung ano pa mang matatamis na salitang galing sa’yo. Sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, kahit na kapirasong oras mo pilit kong isinisiksik at nililimos pa sa’yo. Sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, iba na ang ikot at galaw ng mundo ko. Marco! Hindi mo ba nakikita ang mga tagong luha at hinanakit ko? Hindi mo ba pansin ang nakakubling lungkot at alalahanin ko? Hindi mo ba batid o ayaw mo lang talagang pansinin?” matatalinhagang pagpapahayag ni JC na saloobin sa sarili.
Ano nga ba ang nangyari sa loob ng tatlong taon? Oo, sa unang taon ay ramdam na ramdam pa ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa. Madaling makita at maiparamdam, madaling ipakita at iparamdam ngunit tila ba ang lahat nang ito ay may hangganan dahil sa paglipas ng araw, sa bawat pag-ikot ng mundo, ang tamis ay unti-unti nang tumatabang. Si JC ay wari bang nagnanais sa isang perpektong Marco na kayang ibigay ang simpleng bagay na nais niya, ang paglaanan siya ng oras ng binata na dati nitong ginagawa sa kanya. Si Marco naman ay dumating sa puntong naiba ng direksyon, mas nadikit sa barkada at kung dating maraming oras ang binata kay JC ay ngayon ay unti-unting nababawasan. Gayunpaman ay mahal na mahal ni Marco si JC, hindi man ito katulad ng dati niyang pagmamahal dahil sa bawat araw ay higit niyang minamahal ang kasintahan. Gaano man niya kamahal si JC ay tila mapait ang tadhanang hindi niya magawang iparamdam ito ng buong-buo at hindi niya maibigay ang simpleng bagay na hinihiling nito sa kanya.
“Marco! Tanggap ko na! Matagal ko nang tinanggap ang katotohan sa kabila ng mga ilusyong ginawa ko. Matagal ko nang tinanggap ang katotohang ipinaramdam mo sa akin. Matagal ko nang natanggap ang katotohan sa tulong mo na din. Alam kong magtatapos din ang ilusyong nasa likod ng matatamis nating pangako, ang pangakong magsasama tayo habang-buhay, alam ko na darating din ang hangganan nang pagmamahalan natin.” tuluyan nang kumawala ang mga luha ni JC pagka-upo ng binata sa higaan niya.
Tuluyang humiga si JC at lagpas kisame niyang tinitigan ang itaas na warfi bang nasa isang malalim na pag-iisip.
“Kahit alam kong ilusyon lang ang lahat at kahit tanggap ko sa sarili kong walang pag-asa ang relasyon nating ito, hindi ko magawang iwanan ka. Wala pa akong lakas ng loob para mawala ka sa piling ko Marco. Hindi ko pa kayang isipin paano na ang mawala ka sa akin.” mas pinag-alab ang kalungkutan sa kaibuturan ni JC nang mga sandaling iyon.
“Mahal na mahal kita Marco at hindi ko kayang isipin ang mawala ka. Masisis mo ba ako kung mag-isip ako ng ganito? Hindi ko lang alam kung papaano pa ako hahawak sa paniniwalang aabot tayo ng habang-buhay kung unti-unti mo na naman akong nabibitawan. Masakit na masakit para sa akin! Masakit na masakit Marco!” at pinikit ni JC ang mga mata.
Sa loob ng tatlong taon, naging tapat ang dalawa sa pangako nila. Madalas na may tampuhan at awayan na normal na sa isang relasyon at naayos din naman kaagad. Sa kabila ng lahat ay may isang bagay pa din ang pinakamalaking hadlang para isigaw nila sa mundo ang sarili nilang disposisyon sa buhay. Hindi nila maipagsigawang mahal nila ang isa’t-isa dahil sa takot na ang nasa paligid nila ang maglayo sa kanila at maging sanhi nang kanilang paghihiwalay, isang takot na hanggang ngayon ay hindi pa nila kayang harapin at talunin.
“Mahal na mahal kita Marco at habang-buhay kitang mamahalin! Pero dapat kong tapusin na ang ilusyong pinaranas mo sa akin.” wika ni JC at saka tuluyang nakatulog na may mumunting luha pa ding nakasungaw sa mga mata.
Kahit gaano man nila kamahal ang isa’t-isa, hindi maikakailang naging biktima din sila nang panahon at pagkakataon. Gaano man nila kamahal ang isa’t-isa sa oras na mapabayaan nila ang tanging bagay na pinanghahawakan ay tila isang sunog na aabuhin ang lahat nang pinaghirapang ipundar. Gaano man nila kagustong magsama ng habang-buhay ay tila may sariling panulat ang panahon para baguhin ang naitadhana ng kapalaran at pagyelohin ang dati’y nag-aalab na pagtitinginan.
Mahal nila ang isa’t-isa at higit man nilang mahalin ang isa’t-isa ay anong halaga at saysay pa nito kung hindi naman kayang ipakita sa gawa. Walang taong nabubuhay sa puro isip at salita lamang, dahil ang tao ay may kakayahang kumilos at gumalaw. Walang silbi at mananatiling walang kahulugan ang salitang MAHAL KITA kung hindi naman ito kayang bigkasin nang mga kilos at gawa.
Mahal nila ang isa’t-isa ngunit hanggang saan lang nila kayang ipakita? Mahal man nila ang isa’t-isa subalit walang kumikilos para punan ang mga pagkukulang. Nakakalungkot, dahil sa totoong buhay, madami ding JC at Marco na nabubuhay sa mundo, iba man ang katauhan at pangalan subalit parehong pasanin at dinadala.
Totoo, hindi lahat ng bagay ay tumatagal ng habang-buhay dahil karamihan sa mga ito, pag hindi naalagaan at napabayaan, siguradong sa isang iglap lang ay tuluyan nang liliparin na tila siang dahong tinangay ng hangin papunta sa wlang kasiguraduhang landasin.
Walang anu-ano ay nagising na si JC. Nagising si JC na may mga luhang pilit na kumawala mula sa kanyang kaibuturan. Naisiin man niyang umiyak ay wala na siyang magagawa kung hindi ang harapin ang katotohanan.
“You’re the man JC! Kaya mo ‘yan!” pagpapalakas ng loob ni JC.
“JC!” tawag kay JC nang nanay niya sabay katok sa kanyang kwarto. “Bilisan mo nga at luluwas na tayo! Dadaanan pa natin ang tita mo bago tayo pumunta sa graduation mo.” paalala pa ng ina.
“Opo nay!” sagot ni JC saka pinahid ang mga luha sa mata niya.
Bago tuluyang bumangon ay tulad ng nakagawian ay kinuha niya ang cellphone at nagtext kay Marco.
“Guten morgen!” text niya sa katipan. Tulad ng nagdaang araw, hindi na siya umaasa pa sa reply nito at mamumuti lang ang mata niya kung aasahan niyang magtetext din ito sa kanya.


[Finale]
“Sa tingin mo nagrow pa ang relationship natin?” tila may sariling buhay ang mga kamay ni JC na tinext niya sa Marco ng ganitong bagay.
Matagal na naghintay si JC ng reply mula kay Marco subalit umabot din ng ilang oras ay walang paramdam ang binatang katipan sa kanya. Ilang oras na lang din naman ay mararating na nila ang venue ng graduation. Kagaya sa mga nakaraang mahahalagang petsa sa buhay ni JC ay walang anino ni Marco ang makakarating dahil busy sa ibang bagay. Sanay na din naman si JC sa ganito at hindi na din niya magawa pang magtampo dito dahil namanhid ang puso niya kakaasa.
“Gudpm JC. Sori talaga JC ko, nawglt sa icp qng grad mo neun. Phinga k po maigi paghdatng jan ah, wag mgpapabaya. Opo nmn po, nggogrow namn un relationship ntn. Bkt mo po ntanong? Hmmm.” reply ni Marco sa napakaraming text ni JC sa kanya.
“Wala lang po! Hmm. Hehe! Basta! Gue!” reply ni JC kay Marco pagkabasa sa text ni Marco at tulad dati ay hindi na inaasahan pa ni JC ang reply ni Marco sa kanya.
“Madaling sabihin Marco! Madaling sabihing naggogrow pa ang relasyon natin pero hindi ko maramdaman. Masyado lang ba akong nagiging demanding o sadyang may pagkukulang ka talaga? Nag-iinarte lang ba talaga ako o talagang wala ng growth ang nangyayari sa atin? Nahihirapan na ako Marco, sobra na akong nahihirapan dahil pakiramdam ko wala na akong halaga sa’yo! Pakiramdam ko wala na ang sinasabi mong pagpapahalaga para sa akin.” pigil sa pag-iyak na wika ni JC sa sarili.
“JC! Tara na!” aya kay JC ng nanay niya. “Malapit ng magsimula!” sabi pa nito.
“Opo nanay!” biglang naputol ang sentimyento ni JC at pinilit pasiyahin ang aura dahil espesyal ang araw na ito para sa kanya.
Natapos ang seremonya at walang dumating na Marco para man lang batiin si JC. Palinga-linga si JC at pilit tinatanaw kung may anino ang kasintahan subalit talagang hindi ito nagparamdam sa kanya.
“JC ko! Punta ka sa private resort naming ngayon!” text ni Marco kay JC bago tuluyang makauwi sa kanila.

Agad na nagpababa si JC sa kanto kung saan tinutumbok nito ang daan papunta sa private resort nila Marco na malayo sa mga kabahayan at talagang tago at nasisiguradong tahimik at walang tao sa paligid. Mag-isa lang niyang nilakad ang daan, walang takot at walang pag-aalinlangan at pilit na binubuo ang plano sa sarili.
Nagulat si JC sa bumungad sa kanya sa gate pa lang ng resort na nalalatagan na ng red carpet hanggang sa unang swimming pool na tila isang batis na may maliit na falls. Sa tabi ng falls ay may isang life-sized tarpaulin kung saan nakaimprenta duon ang buong hugis at anyo ni JC. Nakakasilaw din ang nagsasayaw ilaw na galing sa ilalim ng swimming pool at lalo nitong napatingkad ang ganda ng mga bulaklak na nakalutang dito. Higit pang nakakabighani ang magandang musika na pumapailanlang sa buong lugar. Sariwa ang hangin na banayad na dumadampi sa kanyang balat. Habang namamangha sa nakikita ng dalawang mata ay agad na lumapit sa kanya si Marco mula sa kaliwa.
“Marco!” nakangiti at naluluhang bati ni JC kay Marco.
“Para sa taong nagbigay kulay sa mundo ko!” saad naman ni Marco.
“Salamat Marco!” pasasalamat ni JC.
“Apat na taon na JC at sariwa pa sa alaala ko kung papaano mo nabago ang mundo ko sa lugar na ito.” saad ulit ni Marco saka inakbayan si JC.
Sigurado si JC, hindi na siya basta sa carpet lang tumutuntong dahil sa sobrang lambot ng nilalakaran niya at tama siya, habang lumalakad siya sa gitna ng mga ilaw at bulaklak ay nakatuntong din siya sa makapal na mga talutot ng rosas na nakakalat sa sahig. Hindi pa man nagtatagal at naabot na nila ang ikalawang swimming pool na hindi naman malayo sa una. May nakalutang dito na mga pulumpon ng bulaklak na may kandila sa gitna at sa bawat kandila ay may mga larawan nilang dalawa na magkasama. Larawan mula sa iba’t-ibang lugar at sa iba’t-ibang okasyon.
“Salamat JC sa apat na taong sinamahan mo ako!” nakangiti pa ding turan ni Marco. “Salamat JC dahil sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, napatino mo ako!” saad pa ng binata. “Salamat JC dahil sa apat na taon, nag-behave ako at nag puso ko!” nakatingin sa mga mata ni JC si Marco at buong puso at kaluluwang saad ng binata.
“Asus! Nang-uto pa!” sagot naman ni JC na sa totoo lang ay nawala ang lahat ng pag-aalinlangan niya sa pagmamahal ni Marco para sa kanya. Binago nito ang pananaw niya tungkol sa isang ilusyong pagmamahalan, at binago nito ang pananaw niya sa isang ilusyong sa tingin niya ay isang katotohanan.
“Nagsasabi lang ako ng totoo JC!” turan pa ni Marco.
Muling lumakad sila JC at Marco hanggang sa narating na nila ang loob ng function room ng private resort na iyon. Kung nagandahan si JC sa labas ay mas naging kaiga-igaya sa kanya ang loob ng function room. Madilim ang buong kwarto na tanging ilaw lamang ng kandila ang nagbibigay liwanag sa lugar. Humalimuyak ang pamilyar na amoy na kilalang-kilala niya kung kaninong pabango. Napatingin siya kay Marco at tanging ngiti lang ang naging sagot ni Marco sa kanya. Hindi pa niya naihahakbang ang mga paa ay may isang awiting pumailanlang sa buong lugar –
“Araw gabi, nasa isip ka
Napapanaginip ka, kahit s’an magpunta
Araw gabi, nalalasing sa tuwa
Kapag kasama ka
Araw gabi tayong dalawa ang magkasama.”
“Galing naman! Saan mo nahukay iyang version ko ng Araw Gabi?” tanong ni JC kay Marco.
“Remember our last Valentine Program nung high school? I recorded your intermission number and convert it to mp3.” sagot naman ni Marco.
“Galing galing naman ng Marco ko!” bati pa ni JC.
Napawi ng gabing iyon ang pangungulila ni JC kay Marco at sa pakiwari ng binata ay siya na ang pinakamaligayang tao sa buong mundo dahil kasama niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Nakalimutan niya ang lahat ng agam-agam kung talagang may katuparan ang panghabang-buhay sa pagitan nila.
Niyakap ni Marco si JC – mahigpit na mahigpit na tila ba ay hindi na niya pakakawalan pa ang binata at sumabay sa saliw ng musikang pumapailanlang sa buong kwarto.
“Marco!” masuyong saad ni JC saka huminto sa pagsasayaw habang kayakap si Marco.
“Bakit JC ko?” tanong ni Marco sa katipan.
“I have something to tell you.” sagot naman ni JC.
“Ano po iyon?” kinakabahan man ay pilit itong itinago ni Marco.
Humugot ng isang malalim na hininga si JC at pumikit muna na tila ba ay nag-iisip kung ano ang unang sasabihin. “I’m sorry Marco!” simula ni JC saka tumalikod kay Marco at sabay nito ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
“Sorry for?” naguguluhan at nagtatakang naitanong ni Marco na labis pa ang naging kaba niyang nararamdaman sa kung ano ba ang nais ipahiwatig ni JC.
“I’m really sorry Marco.” pahikbi pang tugon ni JC saka nasa akto ng pagtakbo.
“Please clarify things to me.” pakiusap ni Marco kay JC na nahawakan niya sa braso bago tuluyang makatakbo.
“I’m really sorry Marco pero this will be our last day.” nakatalikod at pahikbing saad ni JC.
“Hindi mo na ba ako mahal JC?” nagsisimula na ding mapaluhang tanong ni Marco kay JC na hindi pa din makapaniwala sa narinig kay JC.
“Mahal kita Marco! Mahal na mahal at alam mo na sa simula pa lang kung gaano at paano kita kamahal.” matatag subalit patulot sa pagluhang tugon ni JC.
“Then, there’s no reason para hiwalayan mo ako.” pagbibigay konklusyon ni Marco.
“You didn’t get it!” sabi pa ni JC. “Basta Marco, sa sobrang pagmamahal ko sa’yo kaya ko gagawin to.” paliwanag naman ni JC.
“Tell me why!” madiin at puno ng kalungkutang tanong ni Marco kay JC saka pwersahang hinarap sa kanya si ang binata.
“Ayoko nang masaktan at umasa Marco! Nagsasawa na ang puso ko sa paulit-ulit na paghihintay sa isang tulad mo, I mean sa pagbabalik ng dating ikaw. Napapagod na akong humingi ng limos sa oras mo, sa atensyon mo, para sa isang ikaw.” katwiran ni JC. “Ayoko ng maramdaman na nag-iisa ako kahit alam ko namang kasama kita.” buong kalungkutan pang habol ni JC.
“Sorry JC ko.” masuyong paumanhin ni Marco saka hinaplos sa mukha si JC. “Promise, hindi ko na ulit ipaparamdam sa’yo na nag-iisa ka.” pangako pa ng binata sa kasintahan.
“Sorry talaga Marco.” muling tumalikod si JC sa binata. “Magulo, magulong-magulo. How ironic nga di’ba, mahal kita pero iiwan kita ngayon. Siguro tama na din ang maghiwalay tayo para naman hindi maging madumi ang tingin sa atin ng mga tao. Alam mo, ito na ang pinakatamang desisyon na gagawin natin.” pigil sa muling pagluhang saad ni JC saka tumakbo palayo.
“JC!” sigaw ni Marco ngunit tila nawalan ng buhay ang mga paa niya at ayaw nitong sumunod sa sinasabi ng puso niyang habulin si JC. Napaupo na lang ito at hinang-hinang napasalampak sa sahig. “JC! Mahal na mahal kita at ayoko nang mabuhay kung mawawala ka lang din naman.” sentimyento ni Marco.
Si JC naman, mabilis na tumakbo palayo kay Marco subalit biglang napahinto nang makalabas sa pinto. Inalala niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Marco, ang lahat ng masasayang oras nilang magkasama. Marahang lumakad habang minamasdan ang buong paligid na inayos at hinanda ni Marco para sa kanya. Lalo lang nasaktan si JC, hindi niya alam kung magiging masaya ba siya sa desisyong iyon o iiyak na lang siya dahil labag ito sa sigaw ng puso niya. Hindi niya alam kung ito ba ang tama, hindi niya alam kung ano na ang tama at mali. Isa lang ang sigurado siya! Alam niyang iyon ang mabuti para sa kanya at kay Marco pero hindi siya masaya at pilit na tinitiis ang lahat ng sakit. Nakakaramdam siya na gusto niyang balikan si Marco kaya naman muli siyang tumakbo palabas ng gate dahil ayaw na niyang madugtungan pa ng isang araw ang relasyon nila.
Si Marco naman, makalipas ang ilang minutong pagkakasalampak sa sahig at nagkalakas para tumayo. Inalis niya ang cd sa player dahil labis nitong ipinapaalala sa kanya si JC. Hindi niya alam dahil sa pagkakaalis niya ng cd ay nalipat ito sa isang FM station at –
“Love is something that is very delicate; it can vanish by single mistake. The best thing to do is to treasure every single moment and cherish everything. You should never let your partner feels that he or she is alone because when heart becomes numb, he or she can learn to live without you. When the damage is done, it is never too late! Solve the problem as soon as possible; there is no harm in trying, there is no better remedy than fixing what is broken.” sabi ng DJ sa radio.
“Never too late! Wala na, it’s hopeless!” sagot ni Marco sa DJ.
“Yes! It will never be too late unless you’ll accept the fact that it’s hopeless! Second chance is worthy if you will let your partner feel your love, not by words but by actions.” sagot sa radio na tila naririnig ng DJ si Marco.
Napangisi na lang si Marco sa narinig na iyon. “What a co-incidence?!” nakangiti at bumalik ang pag-asang tugon pa ni Marco.
“This is destiny dude! Kaya kung iniwan ka na! Habulin mo na ang happiness mo!” komento pa ulit ng DJ sa radio.
“Thanks dude!” sabi ni Marco saka tumakbo palabas para habulin si JC.
“JC!” malakas na malakas na sigaw ni Marco.
Napahinto naman si JC sa sigaw na iyon ni Marco. Wari bang may sariling buhay ang mga paa ni JC na tumigil sa pagtakbo sa narinig na pagtawag sa pangalan niya.
“Akala ko hindi na kita aabutan!” sabi pa ni Marco saka niyakap ang nakatalikod na si JC. “Mahal na mahal kita!” sabi pa ni Marco. “Mahal na mahal kita at patutunayan kong mali lahat ang inaalala mo at gumugulo sa’yo!” may kasiguraduhang wika ni Marco.
“Marco?!” sumigla ang pusong saad ni JC.
“Huwag kang mag-alala JC! Patutunayan ko sa’yong tayong dalawa ang itinadhana para magsama habang-buhay.” lalong higpit sa pagkakayakap pa ang ginawa ni Marco kay JC.
Kasabay ng mga pangakong ito ang pagsikat ng araw mula sa silangan na naghuhudyat sa paparating na bagong araw.
– END of NO END –

No comments:

Post a Comment