Friday, January 11, 2013

The Things that Dreams are Made Of (06-10)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Hindi magawang gisingin ni Josh si Igi mula sa mahimbing nitong pagkakatulog habang nakasandal sa bintana ng bus. Napaka peaceful kasi nito, malayong malayo sa Igi na nakakaharap niya na kung hindi nakasinghal ay nakasibanghot naman ang mukha dahil sa inis sa kaniya. Habang nakatitig si Josh sa natutulog na si Igi ay hindi niya rin magawang pigilan na ma-miss ang dating kaibigan, ang kanilang mga pinagsamahan pero nang ma-realize ni Josh kung ano ang kaniyang iniisip at kung kanino ito patungkol ay agad niyang inalog ang kaniyang ulo at binawi ang kaniyang iniisip.


“Hindi na siya si Igi na dati kong kalaro at laging kasama.” pagpapaalala ni Josh sa sarili at marahas na inalog si Igi upang magising. Agad itong nagmulat ng mga mata at halos mapatalon sa kinauupuan dahil sa pagkakagising.


“Geesh, Josh, are you trying to give me a heart attack?!” hawak dibdib na sabi ni Igi kay Josh.


“Sino ba kasing may sabi sayo na matulog ka?” balik naman ni Josh sabay talikod at nagsimula ng maglakad palabas ng sasakyan.


“Inantok ako kasi wala namang kumakausap sakin habang asa biyahe.” sarkastikong balik ni Igi, hindi na lang ito pinansin ni Josh at tuloy tuloy ng bumaba ng sasakyan na ikinabuntong hininga na lang ni Igi. Alam niyang hindi magiging madali ang susuungin niya sa team building na iyon lalo pa't kasama niya si Josh na mukhang hanggang asa kabilang dulo pa ng mundo ang galit sa kaniya.


000ooo0000


Masayang naguusap ang lahat nang sa wakas ay nakapasok na si Igi sa mess hall. Iginala niya ang kaniyang mata at wala sa sariling lumapit papunta sa kinauupuan ni Neph. Nagbigay ulit siya ng isang malalim na hininga saka ibinagsak ang sarili sa upuan katabi ng kaibigan.


“I think this is a bad idea.” wala sa sariling sabi ni Igi kay Neph na nagdikit ang kilay sa pagtataka.


“Anong ibig mong sabihin? Saka bakit ka dito naka-upo, shouldn't you be sitting next to Josh?” tanong ni Neph sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ni Josh na abala sa pagtetext.


“Siya nga ang sinasabi kong bad idea eh.”


“Well, suck it up. You've been partnered with him for a week.” balik naman ni Neph na ikinairap naman ni Igi.


“Hi, Igi!” bati ni Roan sa likod nila Neph at Igi.


“Hi.” walang gana na bati ni Igi dito, sasanayin na sana ni Igi ang sarili sa inuupuan at gagawing kumportable ang sarili sa silya na iyon nang maramdaman niya ang pagsiko ni Neph sa kaniyang tagiliran.


“What?!” singhal ni Igi sa kaibigan.


“That is Roan's seat.” pabulong na singhal ni Neph kay Igi. Nilingon ni Igi si Roan at nang makitang nakangiti ito pero tila ba hindi makapagintay na mabawi ang kaniyang upuan ay wala na lang siyang nagawa kundi tumayo ulit at bigyan na lang si Neph ng masamang tingin.


000ooo000


Hindi gusto ni Josh ang makatabi si Igi pero nang makita niya itong lumapit at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Neph ay hindi niya mapigilang malungkot at mainis. Malungkot dahil alam niyang hindi rin gusto ni Igi na magkapareha sila sa loob ng isang linggo para sa team building na iyon at mainis dahil sa hanggang sa ngayon ay pakiramdam niya ay hindi parin siya karapatdapat na maging kibigan ni Igi at para sa kaniya ay isa sa mga ebidensya ay ang pag-upo nito sa tabi ni Neph kahit pa alam nitong sila ang dapat na magkatabi, na hindi parin siya sapat kaya't nilalagpasan-lagpasan na lang siya nito.


Nang makita niya na tumayo si Igi mula sa pagkakaupo at papunta sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi na siya na lang bakanteng upuan sa loob ng kuwartong iyon ay ipinangako niya na pipilitin niya ang sarili na magiging maayos na ang pakikitungo niya kay Igi pero taliwas iyon sa kaniyang sinabi nang makalapit na sa kaniya si Igi dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay namutawi ang nararamdaman niyang inis dito.


“Bakit lumapit ka pa dito? Sana doon ka na lang!” hindi napigilang bulalas ni Josh.


“Maniwala ka, hindi ko ginusto na lumapit dito.” pasinghal na balik ni Igi na tila naman sumampal kay Josh.


“Edi sana hindi ka na lang lumapit---” mainit na balik ni Josh pero agad din siyang pinutol ni Igi.


“Kung hindi mo gustong andito ka at kung hindi mo gusto na makasama ako lagi edi sana hindi ka na lang sumama. Kung gusto mong sirain ang araw mo wag mong idamay ang araw ko.” singhal pabalik ni Igi. Sasagot pa sana ulit si Josh nang muling umalingawngaw ang boses ni Mrs. Roxas.


“Nakuwa ko na ang mga susi ng kwarto---”


Parehong natahimik si Igi at Josh nang malaman na pati sa pagtulog ay hindi sila makakakuwa ng katahimikan.


000ooo000


Nang makapasok si Igi sa loob ng kwarto na siyang itinalaga sa kanila ay hindi niya magawang hindi pansinin ang pagdadabog ni Josh lalo pa't kasing lakas ng pagdadabog na iyon ang pagpapasabog ng isang maliit na kanyon.


“Josh.” tawag pansin ni Igi.


“JOSH!” ulit ni Igi nang hindi siya marinig ni Josh sa unang beses.


“What?!” singhal ni Joshua sabay harap kay Igi, nakita niya kung pano nagbago ang emosyon sa mukha ni Igi mula sa pagiging galit hanggang sa pagiging malungkot. Tila naman sinampal si Josh nang makita niya ang pagpapalit ng emosyon sa mukhang iyon ni Igi. Alam niyang siya ang nasa mali pero hindi niya parin talaga magawang makiayon kay Igi.


“Look, You don't want to be near me, I get it. But please, can we enjoy this team building? We don't have to talk to each other, we don't need to be friends again but we don't have to be at each other's throat all the time too. Let's just, for once--- c-can we enjoy something even when we are near each other?” mahabang pagmamakaawa ni Igi na ikinatameme ni Josh.


“Please?” tanong ulit ni Igi nang hindi agad sumagot si Josh, marahan at tahimik na tumango si Josh bilang sagot. Iniisip na inis na inis na sa kaniya si Igi at pinigilan na lang nito ang sapakin siya sa galit.


“Thank you.” bulong ni Igi sabay buntong hininga saka inayos ang sariling gamit katulad ng ginagawa ni Josh pero tila ba minadali ni Igi ang pagaayos ng kaniyang sariling gamit dahil ilang saglit lang ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at muling pagsara nito at nang igala niya ang buong kwarto ay wala na doon si Igi.


Nang masigurong lumabas nga ulit si Igi ng kanilang kwarto ay hindi mapigilan ni Josh na igala muli ang tingin sa buong kwarto, doon, napansin niya nga na bara-bara na lang ang pagkakasalansan ng mga gamit at damit ni Igi sa isa sa mga kabinet na andun sa kwartong kanilang pagsasaluhan. Si Josh, bilang si Josh ay hindi nakatiis sa hindi maayos na kwarto kaya't lumapit siya sa mga gamit ni Igi at pinagpupupulot ang ilan sa mga gamit na nagkalat sa sahig malapit sa cabinet. Iniisip na lang ni Josh na inipigilan na lang ni Igi ang sarili sa pagwawala kaya naman bara bara na lang nitong tinanggal sa pagkaka empake ang mga gamit at lumabas na ng kuwarto.


“Shit.” bulalas ni Josh sa sarili atsaka agad na yumuko upang damputin ang wallet ni Josh mula sa kumpol ng mga damit nito. Pero hindi pa man dumadampi ang mga daliri ni Josh sa makinis na balat ng wallet ni Igi ay agad na itong natigilan.


Tila tumititig kay Josh ang limang taong gulang na bersyon ng sarili mula sa lalagyan ng picture sa wallet ni Igi. Tampok din sa litratong iyon si Igi na masayang nakaakbay kay Josh na miya mo mga batang walang problema sa buhay.


Habang tinititigan ni Josh ang litrato na iyon ay ilang emosyon ang sabay sabay na tumakbo sa kaniyang buong pagkatao.


000ooo000


“I hate you!” sigaw ni Igi sabay suntok sa katawan ng isang puno. Napangiwi siya sa sakit na kaniyang naramdaman sa kaniyang kamao nang magsalubong ang katawan ng puno at ang kaniyang kamay. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapa-upo at haplusin ang kaniyang kanang kamay habang umiiyak.


Katulad ng dati ay galit na galit siya kay Josh ngunit hindi niya naman ito maiparating sa huli. Lagi na lang siyang manghihina sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata at tila ba isang magic ay mabubura na ang lahat ng galit na kaniyang nararamdaman. Nang hindi siya nito pansinin noong kinukuwa nito ang pansin dahil sa pagdadabog ay halos sapakin na niya ito makuwa lang niya ang atensyon nito ngunit nang humarap naman ito sa kaniya ay nalusaw lahat ng nararamdaman niyang galit dito.


“Igi?”


Napa-angat ng tingin si Igi at nagsalubong ang tingin nila ni Roan na siyang tumawag ng kaniyang pansin. Hindi niya alam kung pano nangyari pero matapos niyang kumindat ay nasa tabi niya agad ito at tinitignan ang kaniyang kanang kamay, hinahaplos ito at pinupunasan ang mga sugat doon.


“Anong nangyari, Igi?” marahang tanong ni Roan pero hindi makuwang sumagot ni Igi.


Ano nga bang sasabihin niya? Na naiinis siya sa sarili dahil hindi niya magawang magalit kay Josh kaya't sinuntok niya ang puno na mas matigas pa kesa kaniyang mga buto? Na ang matagal na niyang itinatago at pilit na binuburang nararamdaman para sa kaibigan ay muling bumabalik na tila ba isang sumpa na ayaw siyang tantanan kahit pa anong pilit niyang pagkalimot dito? O kaya naman ang katotohanan na kahit pa anong sabihing masasakit na salita at kahit pa ipagtabuyan siya ni Josh ay pilit parin siyang bumabalik dito na tila ba ito ang kadikit ng kaniyang tadyang na matagal ng hinahanap ng kaniyang katawan.


“Hi Igi! Hi Neph!” pasigaw na bati ni Josh sabay kaway sa kanila ni Neph habang nakatambay ang dalawa sa tabi ng swimming pool sa loob ng kanilang condo. Hindi nagpahalata si Igi pero nang marinig at makita niya ang kaniyang kaibigan na si Josh ay tila ba nagliwanag ang buong paligid at parang kumpleto na ang kaniyang araw.


Alam ni Igi sa edad niyang iyon na dose na iba siya sa mga kasing edaran niyang lalaki. Habang si Neph at iba pa nilang kaibigan ay abala sa pagtingin ng kung sino ang “cute” na babae sa kanilang klase, si Igi ay sa isang tao lamang nakatuon ang pansin. Sa isang “Lalaki”. Si Josh.


“Hi Joshie!” masayang balik ng dalawa. Habang nagkukuwento si Josh patungkol sa sinabing magandang balita ng ama nitong si Ed, si Igi naman ay abala sa pagtitig sa maamong mukha ni Josh. Oo, may kabigatan ang timbang ni Josh pero hindi maikakaila ang ka-cute-an nito at para kay Igi ay ang busilak nitong kalooban ang mas importante sa kaniya. Totoong tao si Josh at iyon ang gustong-gusto ni Igi dito.


“Guess what?!” excited na bungad ni Josh nang makalapit siya sa mga ito. Ang saya sa boses na ito ni Josh ay nagdulot ng ibayong saya rin kay Igi.


“What, Joshie?” nakangiting tanong ni Neph.


“I'll be going to the same high school as you guys next school year!” excited paring sagot ni Josh na may pakumpas-kumpas pa ng kamay. Lalo namang lumaki ang ngiti sa mukha nila Igi at Neph nang marinig ang balita na ito.


Masayang nag-usap ang magkakaibigan matapos ang magandang balita na iyon ni Josh.


Ngunit pagka-uwing pagkauwi ni Igi sa kanilang unit ay agad siyang napa-isip. Magsisimula na ang high school, alam niyang magiging tampulan siya ng tukso kung sakaling may makaalam patungkol sa kaniyang nararamdaman para kay Josh, kaya naman ipinangako niya sa sarili na ipagkakatago-tago niya ito sa pinakatagong bahagi ng kaniyang pagkatao.


000ooo000


“Excited ka na ba sa pasukan?! Sa parehong school na tayo papasok! Isn't that great?! Sabay tayo mag-lunch ah?!” nakangiting sabi ni Josh nang maabutan nito si Igi na namamasyal sa mall kasama ang kaniyang mga kaibigan. Muli, naalala ni Igi ang tungkol sa kaniyang pangako patungkol sa kaniyang nararamdaman sa taong kaniyang kaharap ngayon. Naisip ni Igi na itago ang kaniyang nararamdaman na iyon kay Josh nang hindi nagbabago ang pakikitungo niya dito, ngunit hindi siya nagtagumpay. Sa halip na dahan dahan at sa magandang paraan niya itago ang kaniyang nararamdaman na iyon ay naging malamig ang dating niya para sa kaibigan na nung naglaon ay ikasasakit ng damdamin ng huli.


“Geez, Josh! The new school year wouldn't start until two months away! And about lunch uhmm I don't know, Josh, I mean I'm going to eat with my friends from my elementary school, maybe you can ask Neph?” nagaalangang tanong ni Igi sa nakakunot noo na ngayong si Josh.


“Oh. Yeah--- uhmm--- OK.”


Abala si Igi sa pagiisip kung tama ba ang kaniyang ginawa habang humahabol sa kaniyang mga kaibigan at lumalayo kay Josh kaya't hindi niya napansin ang pagtawag ng huli sa kaniya at ang pagsunod nito sa kaniya. Sa sobrang abala sa pag-iisip ay lahat na lang ng itanong sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan ay sinasagot niya ng hindi nag-iisip. Hindi niya alam na ang isa sa kaniyang mga sagot ay tuluyang sisira sa pagkakaibigan nila ni Josh. Isang sagot na tuluyang makakasakit sa damdamin ni Josh.


Ilang taon matapos ang hapon na iyon sa mall ay tuluyan ng nalamatan ang kanilang pagkakaibigan ni Josh. Pilit na binura ni Igi ang kaniyang nararamdaman kay Josh lalo pa't malaki na ang pinagbago nito pero hidni niya ito mabura bura sa kaniyang puso at isip. Dumating ang panahon at tila isa na lang silang simpleng magka-batch ni Josh, magkaklase na sa tuwi-tuwina na lang nakikipagpataasan ng ihi sa isa't isa. Dahil aminin man ni Igi o hindi ay ang pagsisinghalan lamang nilang iyon ni Josh ang siyang pagkakataon nila na magusap.


Ang dating mahiyain na si Josh ay naging isang mahanging Josh na laging katabi ang girlfriend na si Des na kahit pa itanggi ni Igi sa sarili ay nakakaramdam ng galit at selos dito kahit pa pilit itong itinatanggi ng kaniyang sistema at ikinukunsiderang isang hindi maipaliwanag na galit ang nararamdaman sa huli.


“Igi?” tanong ulit ni Roan na siyang gumising sa pagiisip ng malalim ni Igi. Agad na binawi ni Igi ang kaniyang kanang kamay mula sa pagkakahawak ni Roan.


“W-wala 'to.” kinakabahang bulalas ni Igi dahil sa takot na wala sa sarili niyang naibulalas kay Roan ang kaniyang iniisip.


“S-sigurado ka? Mukha kasing aburidong-aburido ka eh.” nagaalala ulit na tanong ni Roan. Alam ni Igi na hindi matatapos ang usapan na iyon kung hindi niya ito tatapusin sa pamamagitan ng isang kasinungalingan.


“Oo, sure ako.” nakangiting sagot ni Igi kay Roan na siya namang nakapag-panatag ng loob ng huli.


“Tingin ko dapat bumalik na tayo.” nahihiyang balik ni Roan.


“Sige, una ka na, dito muna ako.” nakangiti paring balik ni Igi.


“OK.” nagaalangan paring sagot ni Roan habang nagsisimula nang maglakad palayo.


Nang nakasiguro na si Igi na nakalayo na mula sa kaniyang kinaroroonan si Roan ay wala sa sarili siyang napaupo sa lupa at tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang sariling mga kamay.


“Bakit kailangang si Josh pa? Bakit hindi na lang katulad ni Roan? Bakit kailangang kaibigan ko pa? Bakit kailangang sa lalaki pa? Bakit kailangang si Josh pa?!” halos pasigaw nang sunod sunod na tanong ni Igi.


000ooo000


“Bakit meron siyang picture namin sa wallet niya kung ayaw niya akong maging kaibigan noon pa?” tanong ni Josh sa sarili habang pabalik-balik sa loob ng kailang kwarto.


Hindi niya maunawaan kung bakit pinagkakatago-tago parin ni Igi ang litrato na iyon gayong pinagtulakan siya nito noon. Iniisip niya na matagal ng sinunog ni Igi iyon lalo pa't hindi ito nagdalawang isip na itanggi siya noon sa harap ng iba nitong kaibigan.


Muling ibinalik ni Josh ang tingin sa litrato sa loob ng wallet ni Igi. Hindi niya maiwasang malungkot at mapaisip. Malungkot dahil alam niyang katulad niya ay marahil namimiss din ni Igi ang kanilang dating pagkakaibigan at mapa-isip kung dapat ba niyang bigyan ng pagkakataon ang kanilang pagkakaibigan.


Nasa ganito siyang pagiisip nang biglang bumukas ang pinto. Muntik ng maihagis ni Josh ang pitaka ni Igi dahil sa gulat. Agad siyang humarap sa may pinto at nang makita niyang sapo sapo ni Igi ang kanang kamay nito na mukhang katitigil lang ng pagdurugo ng kamao ay agad niya itong nilapitan. Aabutin na sana niya ang kamay ng huli nang matigilan siya dahil narin sa nakitang galit at pagkataranta sa mga mata ni Igi.


“What happened?” marahang tanong ni Josh at ipinagpatuloy na ang pag-abot sa kamao ni Igi, pilit na binabalewala ang galit sa mga mata ng kaharap. Isang pulgada na lang ang layo ng kamay ni Josh sa sapo sapong kanang kamay ni Igi nang bigla itong sumigaw na nakapagpaatras sa huli.


“WHAT ARE YOU DOING WITH MY WALLET?!” sigaw ni Igi sabay abot sa kaniyang pitaka.


“Pahaya-haya eh---!” mainit na balik ni Josh, tuluyan nang nabura ang pagaalala sa duguang kamao ni Igi habang si Igi naman ay may magkahalong takot at galit parin sa mukha.


“Sana hinayaan mo na lang!” sigaw naman ni Igi na ikinataka naman ni Josh. Naisip na lang ni Josh ay marahil nahihiya si Igi sa litrato na pinagkatago-tago nito lalo pa't dapat ay wala na siyang dapat pakielam pa kay Josh katulad ng sinabi nito noon sa mga kaibigan.


“At ano? Para madapa ako? Kung hindi ka kasi burara---?!” simula ni Josh pero agad siyang pinutol ni Igi.


“Sabihin mo pakielamero ka lang talaga.” bintang ni Igi kay Josh.


“WHAT?! At ano namang bagay ang dapat makakuwa ng interes ko patungkol sayo?” sarkastikong balik ni Josh na nagsasabing wala siyang pakielam sa huli.


Tuluyan nang nawala ang kaninay sumagi sa isip ni Josh na kung dapat ba niyang bigyan ng pagkakataon ang pagkakaibigan nila ni Igi. Naisip niya na wala ng pag-asa pang maibalik ang dati nilang pagkakaibigan kung oras oras ay nagaaway sila.


“Malay ko. baka klepto ka or something.” nanghahamon na balik ni Igi na ikinakulo ng dugo ni Josh.


“KLEPTO?! Eh mas mayaman pa ako sayo?!” singhal ni Josh.


“Sure ka diyan? Dad ko VP ng isang kumpanya yung isa naman kilalang writer. Eh yung mga dad mo? Yung isa may shop sa mall yung isa naman nurse---”


“Haciendero ang tatay ko!” sigaw ni Josh.


000ooo000


“FUCK YOU, IGI!”


Napatigil si Neph nang marinig ang pagmumurang iyon ni Josh sabay ang mukhang mainit ding balik ni Igi. Nagkatinginan sila ni Roan na nagkibit balikat lang sabay hila sa kaniyang braso papasok sa kanilang kwarto na itinalaga ni Mrs. Roxas.


Habang naghahalikan silang dalawa ni Roan matapos masaran ang pinto ay di mapigilan ni Neph ang maisip na hindi alam ng kaniyang dalawang kaibigan ang kasiyahan na namimiss ng mga ito dahil sa walang puknat na pagaawayan.


“Gawd, I love team buildings! Sucks to be you, Josh and Igi!” nangingiting bulong ni Neph sa sarili habang hinuhubad ang kaniyang pantalon habang malagkit na nakatingin sa naghuhubad na ding si Roan.


[07]
Hindi mapigilan nila Josh at Igi na matuwa sa inaasta ng nagpapasinaya ng kanilang team building. Isa itong pari mula sa kalapit na seminaryo ng St. Anthony, may edad na at tila ba walang pangit, nakakalungkot at nakakapang init ng ulo para sa matandang ito, kahit ata i-harap mo ito sa pinakapangit na hayop ay pipisilin parin ng matandang ito ang hayop na iyon at sasabihan ng “cute” ang sabihing masayahin ang pari na iyon ay isang understatement, dahil halos sumayaw na ito sa galak. Kahit tuloy hindi parin humuhupa ang galit sa dibdib nila Igi at Josh mula sa huling pagtatalo ng mga ito ay hindi parin mapigilan ng mga ito ang mapangiti at minsang mapatawa sa sinasabi at kinikilos ng pari.

“It was actually my idea to pair you all up. Mas madaling magkakilanlan ang dalawang tao at pagkatapos noon ay ipapakilala ang kanilang mga kapareha sa buong grupo. Alam ko pang kinder itong activity na ito pero---” ang sinabing ito ng pari ay nakapagpahagalpak sa mga bagong halal na officers. “---pero para sa akin ay effective ito, para maging successful ang inyong pagtratrabaho kasama ang isa't isa sa oras na bumukas na ang bagong school year, ang kaibahan lang sa activity na ito sa usual na ipinapagawa sa inyo ng inyong mga teacher, ang activity na ito ay tatagal ng isang linggo at sa huling araw ay saka ipapahayag ng bawat isa ang kanilang nalaman sa kanilang mga kapareha.” pagtatapos ni Fr. Rico. Napuno nang bulungbulungan ang buong kwarto habang sila Josh at Igi naman ay pinagpawisan ng butil-butil.


“Our first activity would be different for each of you. On your way out, bibigyan ko kayo ng isang papel kung saan may nakasulat na ilang bagay. Ang bawat papel ay may iba't ibang tanong na siyang sasagutan niyo naaayon sa pagkakakilala niyo sa inyong kapareha---” patuloy na pagpapaliwanag ni Fr. Rico na ikina excite ng iba at ikinatahimik naman lalo nila Josh at Igi, nagisisi kung bakit sila pang dalawa ang nagkapareha dahil alam nilang mauuwi lamang sa awayan iyon.


000ooo000


Sila Josh at Igi ang siyang huling lumabas sa silid aralan. Walang puknat parin ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Fr. Rico habang ipinapamahagi ang mga papel para sa unang activity ng bawat magkakapareha na lumalabas ng silid na iyon. Nang mai-abot na ni Fr. Rico ang papel na nakalaan para kay Igi ay saglit niya itong tinignan at binasa saka mabilis itong lumabas ng pinto na ikinagulat at ikinataka naman ni Josh. Tinignan ni Josh ang nakangiting pari at si Mrs Roxas na tila naman nagulat din sa inasal ni Igi.


“Huwag mo siyang hayaang makalayo, Josh.” makahulugang sabi ni Fr. Rico na gumulat at ikinataka ni Josh.


“Po?” paglilinaw ni Josh.


“Magpartner kayo diba? Hindi maaaring magkalayo ang magpartner buong linggo.” pagapaalala ni Fr. Rico na ikinatango na lamang ni Josh at inabot ang inaabot na papel ng pari. Kahit pa nalinawan na siya sa sinabi ng pari ay hindi parin maialis ni Josh sa isip ang makahulugang unang pahayag nito.

Naabutan ni Josh si Igi na nakaupo at kagat dilang nagsusulat habang nakasandal sa malapad na katawan ng puno. Nilapitan niya ito, saglit itong nagtaas ng tingin atsaka muling bumalik sa pagsusulat na miya mo hindi lumapit si Josh sa kaniya. Ikinibit balikat na lamang ito ni Josh, iniisip na tinotoyo lamang si Igi. Umupo siya at sumandal din sa isang bahagi pa ng malapad na katawan ng puno. May ilang dangkal lamang ang layo sa kinauupuan ni Igi atsaka itinuon ang pansin sa papel na kaniyang hawak.


Hindi alam ni Josh kung ano ang nakalagay sa papel na masuyong sinusulatan ngayon ni Igi sa kaniyang tabi dahil ayon kay Fr. Rico ay iba't-iba ang nakasulat sa bawat papel na ibibgay sa kanila. Sinusubukan niya itong silipin ngunit halos nakadikit na ang ilong ni Igi sa papel at isama pa ang mala kinalahig ng manok na penmanship nito kaya't wala siyang maintindihan.


Tinignan muli ni Josh ang mga tanong na nakasulat sa kaniyang papel upang sagutan sana ang ilan sa mga katanungan doon pero ang pinakasimpleng tanong tulad ng “What is your partner's favorite color?” ay hindi niya masagot dahil alam niyang marami ng nagbago sa kaniyang dating kaibigan.


“Joshie, akin na lang yang panyo mo! Ganda kasi ng kulay eh.” bulalas ni Igi sabay turo sa kulay berdeng panyo ni Josh. Agad namang namula ang pisngi ni Josh.


“Eh amoy pawis na'to eh. Saka may nakaburdang pangalan 'to.” nakayukong sabi ni Josh.


“Ah basta!” sigaw ni Igi sabay agaw ng panyo ni Josh.


Pero matapos ang pagbabalik tanaw na ito ni Josh ay agad niya ring naisip na marami ng nagbago kay Igi at malamang ang isa sa mga ito ay ang paboritong kulay nito. Napabuntong hininga si Josh na hindi napansin ni Igi dahil sumabay sa buntong hininga na iyon ni Josh ay ang malakas na kalembang ng bell bilang hudyat na tapos na ang unang parte ng activity at kailangan na nilang pumunta sa dining hall para mag hapunan.


“Finally.” bulong ni Josh na hindi naman nakaligtas kay Igi na minasama ito.


“Ano namang ibig sabihin niyan, Josh?!” singhal ni Igi na ikinatigil ni Josh sa paglalakad papunta sa dining hall at dahan dahang humarap kay Igi dahil ayaw niyang palampasin ang lason sa sinabing iyon ng huli. Matapos mag-away ng dalawa ay tila ba gumaan ang kanilang loob at muling bumalik sa hindi pagpapansinan na miya mo hindi nangyari ang awayan at sigawan, ngunit ngayon ay tila mauulit ang nakakapanghina at nakaksawang awayan na iyon.


“It means I'm hungry.” pigil galit na sagot ni Josh.


“Ha! C'mon, Josh. I'm not stupid--- I know you don't want to be near me---”


“Tigilan mo nga ako, Igi. Hindi lahat ng bagay ay tungkol sayo at sa mundo mo, OK?! Gutom ako. Narining ko yung bell for dinner. Natuwa ako kasi kakain na. Tapos. Hindi tungkol sayo. Hindi tungkol sakin. Hindi tungkol satin. So just drop it.” naiinis na sagot ni Josh.


Sasagot na sana si Igi nang biglang umihip ang malakas na hangin at nilipad ang kaniyang hawak hawak na papel. Sinubukan niya itong habulin ngunit naunahan siya ni Josh. Halos maubos lahat ng kaniyang dugo sa mukha nang makitang babasahin ito ni Josh.


Hindi alam ni Igi kung ano ang maaaring tumatakbo sa isip ni Josh habang binabasa nito ang kaniyang mga isinagot sa mga nakasulat na tanong sa papel kaya naman laking pasasalamat at dismaya niya ng walang sabing inabot ito ni Josh pabalik sa kaniya. Masaya dahil tila tama lahat ng kaniyang pinagsususulat doon at pagkadismaya dahil pawang walang reaksyon si Josh sa kaniyang mga isinulat.


“I never liked Lord of the Rings.” pabulong na sabi ni Josh habang inaabot ang papel kay Igi.


“What?” naguguluhang tanong ni Igi.


“I said, I never liked Lord of the Rings. Sinagot mo sa tanong na kung ano ang favorite book ko ang Lord of the Rings. Mali ka.” sagot ni Josh sabay harap muli sa direksyon ng dining hall, palayo kay Igi, hindi alintana ang nakalimutang papel sa paanan ng puno na dapat sana ay kaniyang sinasagutan. Pinulot ito ni Igi iniisip na kung hindi niya ito gagawin ay maaaring liparin ito.


Mabilis na hinabol ni Igi si Josh ngunit agad ding natigilan nang mapansin na wala ni isang tanong na sinagutan si Josh.


“Bakit walang sagot 'tong paper mo?” pabulong na tanong ni Igi na ikinatigil sa paglalakd ni Josh. Tila isang sigaw sa tenga ni Josh ang tanong na iyon ni Igi. Hindi kasi karaniwang blangko ang tono sa boses na iyon ni Igi. Rinig na rinig niya ang sakit at lungkot sa simpleng tanong na iyon ni Igi na miya mo ang hindi niya pagsagot sa mga tanong na iyon ay unti-unti niyang binabalatan ng buhay si Igi. Muli niya itong hinarap at kinuwa sa kamay nito ang kaniyang papel.


“Hindi na kita kilala, Igi. Hindi ko nga alam kung tama ang pagkakakilala ko sayo noon eh.” makahulugang sagot ni Josh na tila sumuntok kay Igi kahit pa hindi nito alam kung ano ang ibig sabihin ni Josh. Muling tinalikuran ni Josh si Igi at nagpatuloy sa paglalakad.


“Why do you hate me so much, Josh? What did I ever do to you to hate me this much?” malungkot na tanong ni Igi kay Josh. Sa ika tatlong pagkakataon ay muling humarap si Josh kay Igi, puno ng galit at sakit ang emosyon upang sa wakas ay maipaalala na niya kay Igi ang dahilan ng panlalamig dito pero nang makita niya ang hinagpis sa mukha ni Igi ay agad nalusaw lahat ng kaniyang nararamdamang galit dito. Kitang kita ni Josh kung paano nangilid ang luha ni Igi at ang tila ba merong kumukurot sa balat nito dahil sa sakit na nakarehistro sa mukha nito.


Lalapitan na sana niya ito upang humingi ng tawad at aalukin na sa unang pagkakataon ay magusap muli sila ng maayos, walang sigawan at walang lamangan. Ngunit bago pa man mai bukha ni Josh ang kaniyang bibig ay muling tumunog ang bell na siyang tumatawag sa kanila mula sa hapag kainan.


Ang pagtunog ng bell na iyon ay siyang gumising kay Igi sa tila ba panaginip. Panaginip na puno ng sakit, lungkot at napakadaming realisasyon. Inabot niya ang halos blangkong papel ni Josh at mabilis na tinungo ang hapag kainan. Naiinis sa sariling mga luha dahil sa walang kontrol na pagpatak ng mga ito.


000ooo000


Dumating si Josh sa hapagkainan, andun na lahat ng kaniyang kapwa officers mapwera na lang kay Igi. Nilibot ng kaniyang mga mata ang buong kwarto pero hindi niya talaga ito mahagilap. Muli na sana siyang lalabas upang hanapin si Igi nang tawagin siya ni Mrs. Roxas.


“Josh, you can sit beside Neph. Nagpaalam sakin si Igi kanina na masama ang kaniyang pakiramdam kaya't pinayagan ko na itong magpahinga muna sa kwarto niyo.” nakangiting saad ni Mrs. Roxas na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ikinalungkot ni Josh. Inihanda na niya ang sarili sa napipinto nanaman nilang awayan ni Igi kaya naman nang hindi niya ito naabutan sa hapagkainan at tila nadismaya siya.


Lumapit si Josh sa kaniyang kaibigan na si Neph na kasalukuyang nakikipaglandian kay Roan na walang sawang sinusuklay ang magandang buhok habang kausap si Neph, ibinagsak ang sarili sa bakanteng upuan sa kanan ng kaibigan at walang ganang nilantakan ang pagkain na nakaahin sa harapan na sa pagitan ng bawat pagsubo ay may buntong hingang kasunod. Hindi ito nakaligtas kay Neph na agad na itinigil ang pakikipaglandian kay Roan at nagaalalang humarap kay Josh. Katatapos lamang sumubo ni Josh at nagbuntong hininga ng malalim nang hindi na matiis pa ni Neph ang kaibigan.


“OK. What did you do now?” naniningkit matang tanong ni Neph kay Josh.


“N-nothing.” sagot ni Josh na hindi naman kinagat ni Neph.


“Do you want me to squeeze it out of you or are you just going to tell me?”


“It's Igi---” sagot ni Josh na ikinairap ni Neph.


“Bakit ba nagtanong pa ako? Malamang si Igi ang problema mo.” sarkastikong sabi ni Neph sabay itinuloy ang pagkain.


“Gusto mo bang sabihin ko o magpapaka smart ass ka na lang dyan?” balik ni Josh na nakapagpataas ng kamay ni Neph bilang sabi na suko na siya at hindi na lalaban.


“Ano nanaman ba kasing nangyari?” tanong na lang ni Neph, tuluyan nang ibinaling kay Josh ang kaniyang pansin na ikinainis naman ni Roan na mukhang wala namang epekto kay Neph.


“Nakita ko yung picture namin nung 5 years old pa kami sa wallet niya---” simula ni Josh na naging sanhi ng pagkasamid ni Neph. “---I swear it was an accident. I'm not going through his things intentionally if that's what you're thinking.” biglang depensa ni Josh sa sarili nang manlaki ang mga mata ni Neph, sa pagkakakilala kasi nila ni Neph kay Igi ay ayaw na ayaw nitong pinapakielamanan ang kaniyang mga gamit kaya namag ganun na lang ang pagbawi ay depensa ni Josh sa sarili.


“Matagal ko ng nakita iyon.” Saad naman ni Neph nang makabawi ito sa pagkakasamid na ikinagulat ni Josh.


“Ha? Bakit di mo sinabi sakin---?” simulang tanong ni Josh na ikinairap ni Neph.


“Josh, ni ayaw mo nga siyang nakikita, mapagusapan pa kaya?” sarkastikong balik ni Neph na nag dulot kay Josh na magisip ng malalim.


“Tapos nung gumagawa kami nung una nating activity tinanong niya ako kung bakit wala akong sinagutan dun sa binigay na questions ni Fr. Rico, sabi ko, eh hindi ko naman siya kilala saka hindi ko naman alam kung tama ba ang pagkakakilala ko sa kaniya dati, tapos ayun nagalit na siya which is hindi naman big deal dahil lagi naman kaming nagaaway pero bakit---” tila paiyak na na saad ni Josh na ikinatango na lang ni Neph na tila ba naiintindihan na nito ang lahat ng nangyari.


“Ano ba kasing nangyari noon? Bigla na lang kayong hindi nag-usap. Akala ko nga noon pareho niyo lang akong ayaw makita kaya hindi na tayo nagkakasama-sama eh.” pahayag naman ni Neph sabay subo ng kinakaing ulam.


“Siya ang nagsabi sa mga kabarkada niya noon sa elementary na isa lang akong bata na kakilala niya na nakatira sa condo tapos tinanong nung isa niyang kaibigan kung ako ba daw yung “naga-idolize” kay Igi tapos nagtawanan sila. Hindi ko naman alam na hindi na pala maganda yung dating ng pakikipagkaibigan ko nun sa kaniya, kung nawiwirduhan na pala siya sakin edi sana pala sinabi niya, hindi yung sinabi niya pa sa mga kaibigan niya para maging tampulan ako ng biro.” malungkot na kwento ni Josh. Unang pagkakataon niya pa lang na ikuwento ang nangyari noon sa pagitan nila ni Igi sa ibang tao dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang sarili na muling maramdaman yung sakit ng rejection kahit pa ilang taon na ang lumipas.


“Sigurado ka ba diyan? Sa bibig ba mismo ni Igi galing yan? Kasing kung hindi eh hindi talaga ako maniniwala na sinabi niya yan, unless na narinig mong sa bibig niya mismo galing, kasi, Josh, sa pagkakatanda ko isang buong buwan na naging malungkot si Igi dahil biglaan mo nga siyang hindi pinansin, wala siyang ibang bukhang bibig kundi ikaw saka yung mga paborito mong ganito, na kesyo ganito ka kapag kayong dalawa ang magkasama, na kesyo dapat basahin niya rin yung libro na paborito mo--- Tapos, halos umiyak yan nung unang beses na kinumpetensya mo siya, tapos nung tinanong ko siya kung bakit ka naman niya pinapatulan sabi niya lang... “Sa ganung paraan na lang kami nagkakausap, Neph.”---” sabi ni Neph na ginaya pa ang malalim na boses ni Igi. “---Kahit pa ang totoo nalulungkot siya at nasasaktan kasi ikaw yung number one fan niya noon tapos bigla kang naging number one hater niya---” saad ni Neph na agad namang pinutol ni Josh.


“Hindi ko maintindihan.” kunot noong saad ni Josh matapos maintindihan ang gustong sabihin ni Neph, ikinataka ni Neph ang biglaang pagputol na iyon ni Josh sa kaniya.


“Anong hindi mo maintindihan?”


“Asa likod ako mismo ni Igi nung sinabi niya 'yon, Neph. Sinabi niya yung sa mga kabarkada niya noon tapos tumawa pa nga sila ng malakas---” naluluhang sabi ni Josh.


“Alam mo, Josh, siguro mas maganda na pagusapan niyo na yan ni Igi. Masyado niyo ng pinatagal yan.” sabi ni Neph na muling nagpalalim ng pagiisi ni Josh.


Saglit na tinignan ni Neph si Josh na may pagaalala saka pumaling kay Roan na agad naman niyang sinuyo katulad ng panunuyo ng isang lalaki sa nagugustuhan nitong babae nang makita niyang nakanguso ito at nagtatampo sa ginawa niyang pagi-i-snob dito.


000ooo000


Hindi alam ni Josh kung ano ang kaniyang dadatnan sa oras na pumasok siya sa kwarto nila ni Igi. Ilang minuto pa siyang tumayo sa labas ng kanilang pinto at pinagisipang maigi ang pagbubukas ng kanilang paguusap na dalawa. Nang hindi na matiis ni Josh ang kaba sa napipinto nilang paguusap ni Igi ay wala na siyang nagawa kundi ang magbuntong hininga at ipihit ng dahan dahan ang door knob.


Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya sa lamig at dilim ng buong kwarto. Halos madapa-dapa si Josh makapunta lang sa tabi ng kaniyang kama upang buksan ang ilaw doon. Nang kainin na ng liwanag ang buong kwarto ay agad na nadismaya si Josh nang makita niyang nakatalukbong si Igi mula ulo hanggang paa.


“Igi.” pabulong na tawag ni Josh kay Igi.


“Igi.” medyo malakas na sabi ni Josh sabay yugyog dito pero hindi parin ito gumising.


“Igi, we need to talk.” sabi muli ni Josh pero wala paring sinabi si Igi. Inisip na lang ni Josh na baka masama nga ang pakiramdam ng huli at nais na lang talagang magpahinga. Bagsak balikat na bumalik si Josh sa labas ng kwarto, umupo sa may dalampasigan at pinakinggan ang nakaka-relax na tunog ng dagat na umuumpog sa mga buhangin at bato sa dalampasigan habang nagiisip ng malalim.


000ooo000


Nagising si Josh nang may maramdaman siyang may dumidila sa kaniyang mukha. Nung una ay nakikiliti siya pero nang maramdaman niyang lumalagkit na ang kaniyang mukha dahil sa laway ay agad siyang napaupo at nandiri. Pagkabukas ng kaniyang mga mata ay nakita niya na doon pala siya nakatulog sa may dalampasigan at ang dumidila sa kaniyang mukha ay ang askal ng mga semenrista doon.


Inabot niya ang aso na masuyong nakaupo sa kaniyang tabi at kinamot ang sa may bandang tainga nito na ikinatuwa naman ng aso. Saglit munang pinagmasdan ni Josh ang kalmadong dagat, ang ganda nito at ang naka-relax na tunog pero agad ding nanlaki muli ang kaniyang mga mata at napatayo na siyang ikinagulat ng aso at naging dahilan ng patakbo nito palayo nang maalala ni Igi na kakausapin niya nga pala si Igi.


Patakbong tinungo ni Josh ang kanilang kwarto.


000ooo000


“Shit!” singhal ni Josh sa sarili nang muli siyang kabahan nung aktong ipipihit na niya ang pinto ng kanilang kwarto.


“Anong sasabihin ko?” tanong ulit ni Josh sa sarili saka pabalik balik na naglakad.


“Paano kung sigawan na niya ako? Dapat siguro pakalmahin ko muna ang sarili.” sabi ulit ni Josh sa sarili habang patuloy sa pagbabalik-balik. Nang mapakalma na niya ang sarili ay dahan dahan na niyang pinihit ang door knob.


Nadismaya si Josh nang makita niyang wala si Igi sa loob ng kwarto. Muli siyang nagbuntong hininga, iniisip na marahil ay nasa banyo si Igi. Pero nagsimula ng mangamba at mag-panic si Josh nang makita niyang wala si Igi sa banyo na kalakip ng kanilang kwarto at nang mapansing wala ng mga gamit si Igi doon.


Marahas na binuksan ni Josh ang pinto ng cabinet at sinilip ito, lalong bumagsak ang loob ni Josh nang wala siyang makitang gamit ni Igi doon. Mabilis nyang tinawid ang buong kwarto at mabilis na tumakbo palabas. Hinahanap ang kaibigan na kaniyang nais makausap.


Halos suyurin na ni Josh ang buong beach house at hindi niya parin nakita si Igi. Malapit ng sumuko si Josh nang makita niya ang isang pamilyar na back pack sa may gate. Alam niyang kay Igi iyon at halos mapatalon at mapaiyak sa saya ng makita niyang andun pa si Igi at maaaring hindi pa huli ang lahat.


Hindi maintindihan ni Josh kung bakit ayaw niyang paalisin si Igi, siguro dahil ito ang kaniyang kapareha buong team building o dahil may hindi pa sila tapos na paguusapan ni Igi.


“Igi!” sigaw ni Josh nang makita niya si Igi na tila ba umiiyak sa tabi ni Fr. Rico na may nakaplaster paring masuyong ngiti sa mukha, hindi siya narinig ni Igi kaya't inulit niya ang pag tawag dito.


“IGI!” sigaw ulit ni Josh.


Tila parang dinurog ang puso ni Josh nang makita niya ang pulang pula na mga mata ni Igi na miya mo galing sa iyak at ang mukha nito na miya mo binalot sa matinding pananakit.


Itutuloy...


[08]
Nanlambot si Josh, tila natunaw ang puso niya nang makita ang mapupulang mata ni Igi, panandaliang kinalimutan ang kagustuhan na kausapin ito at linawin lahat ng nanyari noon bago sila mag simula ng high school dahil sa kagustuhan niyang yakapin ito at aluhin. Halos patakbo siyang pumunta sa kinaroroonan nila Fr. Rico at Igi, saglit na kinausap ni Fr. Rico si Igi saka ngumiti at binati si Josh.


“Good morning, Joshua.” bati ni Fr. Rico habang si Igi naman ay nag-iwas ng tingin at kinalikot ang telepono na tila ba may ite-text.

“Good morning, father errr---uhmmm can you excuse Igi and I for a moment---?” bati ni Josh sabay pagpapaalis sa pari na kahit medyo bastos na pagpapaalis sa kaniya na iyon ni Josh ay tila wala lang dito dahil hindi manlang nabawasan ang ngiti nito sa mukha.


“Sure.” nakangiting balik ni Fr. Rico sabay talikod na hinabol naman ng tingin ni Josh.


“Geesh! Fr. Rico's smiling face is really starting to creep me out---” bulong ni Josh habang sinusundan ng tingin ang pari kaya't hindi niya naman napansin ang paglalakad ni Igi palayo habang kinakausap si Martin sa telepono. “---what are you guys talking about, anyway---? Hey!” tanong ni Josh kay Igi pero nang makita niyang naglalakad na palayo si Igi ay agad niyang hinabol ito.


“Igi, wait we have to talk!” habol ni Josh kay Igi na kausap si Martin sa kabilang linya ng kaniyang telepono.


“---dad, I told you, I'm not feeling well that's why I want to go home.” pagsisinungaling ulit ni Igi na hindi naman kinagat ng ama na kilalang kilala siya.


“IGI!” galit ulit na sigaw ni Josh nang sa ikalimang beses atang tawag nito ay hindi parin sya pinansin ng huli.


“WHAT?! I'm talking to my dad, Jo—JOSH!” naisigaw na bulalas ni Igi nang biglaang inagaw ni Josh ang kaniyang telepono bago pa man niya matapos ang sasabihin. Sinugod niya si Josh na agad namang umiwas sa pangaagaw ni Igi sa sariling telepono.


“Hello, Tito Martin. Yes, tito. I'm fine, Ikaw tito, how are you? Good. Oh, Igi? Nope he's not sick. Hindi niya lang kasi type yung mga activities---”


“JOSH!” sigaw naman ni Igi habang sinusubukan paring agawin ang kaniyang telepono kay Josh.


“---Yes, tito, you don't have to fetch him. OK tito, ako ng bahala. Bye.” pagtutuloy ni Josh sabay pindot ng end call button.


“What the fuck did you do that for?!” singhal ni Igi sabay agaw sa kaniyang telepono at tinulak si Josh.


“You were ignoring me! I was calling after you!” sigaw na pabalik din ni Josh nang makita niya ang galit na galit na itsura ni Igi.


“You are one hell of an asshole---!” simula ni Igi sa pagitan ng malalalim na paghinga. “---You know what?! I don't need dad! I can go home by myself!” singhal nanaman ni Igi sabay lakad palayo kay Josh.


“What?! Igi! Ano ba nanaman kasi yang inaarte mo?! ---Igi!---- IGI!” sigaw nanaman ni Josh nang hindi nanaman siya pansinin ng huli. Hindi na natiis ni Josh at mabilis niyang sinundan si Igi, inagaw ang mga bag nito.


“Gademit! I'm talking to you!” sigaw ni Josh nang makuwa niya ang bag ni Igi, hindi na niya napansin ang nakasarang kamay ni Igi na mabilis na lumapat sa kaniyang panga. Pareho silang natahimik at hindi makagalaw. Si Josh dahil sa gulat at sakit na nararamdaman sa panga at si Igi dahil sa hindi makapaniwala na nagawa niyang saktan si Josh.


“I-I just want us to talk, Igi.” pabulong at malungkot na sabi ni Josh na tila naman bumingi kay Igi.


“I-I'm sorry.” pabulong na balik din ni Igi. Nagtama muli ang mga tingin ng dalawa. Iba't ibang emosyon ang nababasa ng isa't isa sa mga iyon.


“I-I j-just---” simula ni Josh na tila ba paiyak na “I don't understand, Igi.” pagtatapos ni Josh habang bagsak balikat at nakayukong naglakad pabalik sa beach house. Iniwan ang gulat na gulat at naiiyak na ding si Igi sa kinatatayuan nito.


000ooo000


Matapos marinig ni Josh ang masasakit na salita mula sa bibig ni Igi at ng mga kaibigan nito noong araw na iyon sa mall ay ilang oras din siyang umiyak sa loob ng kaniyang kuwarto habang umiisip ng magandang paraan upang makabawi sa kaniyang dating kaibigan, upang mapatunayan na nagkamali si Igi sa panlalaglag sa kaniya nito, kasabay ng pagiisip na iyon ay ang pangakong hindi na niya muli ito iiyakan.


Ngunit ngayon, matapos siyang suntukin ni Igi ay muli siyang napaluha. Kahit kailan kasi ay hindi niya inakalang pagbubuhatan siya ng kamay ng dating kaibigan. Oo, madalas silang magkapikunan ngunit sa hinuna ni Josh ay hindi niya nakita ang sarili na nasasaktan sa ilalim ng kamay ni Igi.


Hindi na niya napansin ang masayang tawag sa kaniya ng iba pa nilang mga kasama dahil abala siya sa pagiisip ng malalim, sa pagiyak at paghimas sa kaniyang panga. Wala sa sariling pumasok si Josh sa kuwarto na sana ay pinagsasaluhan nila ni Igi, inihiga ang sarili sa kamang nakalaan para sa kaniya, ipinikit ang mga mata kahit pa may mga makukulit na luha na pilit na lumalabas at ipinahinga ang utak na tila ba napagod sa pagiisip patungkol kay Igi sa nakaraang dalawa araw.


000ooo000


Nakaupo lang si Igi sa may bangketa. Tinakpan ng mga kamay ang kaniyang maamong mukha, hindi parin makapaniwala sa ginawang panununtok kay Josh. Oo, likas na makulit at pala away si Josh lalo pa nung nagsimula ang high school pero kailan man ay hindi niya naisip na pagbuhatan ito ng kamay kahit pa nagkakainitan sila.


“I'm sorry.” bulong ni Igi sa sarili saka naramdaman ang agad na pangingilid ng mga sariling luha sa tuwing pumapasok sa isip niya ang reaksyon sa mukha ni Josh matapos lumapat ng kaniyang kamao sa panga nito. Hindi lamang gulat at hindi makapaniwala ang nakita ni Igi sa mukha nito kundi pagkadismaya at sakit.


“Igi?” tawag ng isang babae na nakakuwa sa pansin ni Igi. Mabilis na pinahiran ni Igi ang kaniyang mga luha bago magtaas ng tingin.


“OK ka lang?” tanong ulit ni Roan lalo pa nang makita nito ang mapupulang mata ni Igi.


“Uhmm---” simulang pagpapalusot ni Igi ngunit hindi na niya ito naituloy dahil agad na nagsalita ulit si Roan.


“This is the second time na naabutan kitang ganyan. Siguro mahal na mahal mo siya no?” tanong ni Roan na ikinagulat naman ni Igi.


“W-what?” kinakabahang tanong ni Igi, natatakot na baka nasabi niya ng malakas ang pangalan ni Josh.


“Alam mo kung mahal ka niya hindi ka dapat niya pinapaiyak ng ganyan.” makahulugang saad ni Roan na ikinakunot ng noo ni Igi. Tumayo na si Igi mula sa pagkakaupo, hindi na pinansin pa ang pangengeelam ni Roan ngunit hindi niya parin napigilan ang sarili na magbigay ng isang makahulugang sagot.


“Hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kaniya.” pabulong na sabi ni Igi sabay lakad pabalik sa beach house upang pakiusapan ang kanilang guro na ihatid siya sa sakayan pauwi ng Maynila.


“Edi sabihin mo sa kaniya ang nararamdaman mo. Ikaw pala itong Ong-ong eh! Hindi mo sinasabi sa kaniya tapos ngayon iiyak-iyak ka.” makahulugan ulit na sabi ni Roan. Hindi alam ni Igi kung bakit niya pa pinakikinggan si Roan pero alam niyang tama ito, siguro isinusuka lang ng kaniyang utak na siya rin naman ang may kasalanan kung bakit hindi sila ngayon magkasundo ni Josh.


“Hindi mo naiintindihan, Roan, masyadong kumplikado---” simula ni Igi pero pinutol siya ni Roan na siyang ikinainis ng huli.


“Ito lang tatandaan mo, Igi. Hindi totoo ang phrase na “Its complicated.” Bakit kamo? Because we are the ones who make our own complications. Life is so simple but we make it complicated because we want drama, we want to spice up our lives. Panatiliin mong simple ang lahat, alisin lahat ng nakakapagpakumplikado sa buhay mo, tignan mo, magugulat ka na lang na mas stress free ang buhay mo.” makahulugang sabi ni Roan sabay yakap kay Igi mula sa likod at halik sa pisngi nito sabay lakad ding palayo, iniwan si Igi na nakatayo sa gitna ng daan pabalik sa beach house na nagiisip ng malalim.

000ooo000


“I'm sorry, Igi but we can't let you travel alone. Kung may masamang mangyari sayo kami parin ang sasagot, kung susunduin ka ng parents mo edi sige, you can go pero kung hindi katulad ng sinabi mo then, I'm sorry but you have to stay.” mahabang paliwanag ni Mrs. Roxas sa nagmamakaawang si Igi. Alam niya kasing hindi niya magagawang harapin ulit si Josh lalo ngayon matapos ng kaniyang ginawa dito, alam niyang hindi niya makakayanang makita lagi-lagi ang sakit sa mga mata nito.


“Can I get a solo room, then? Kung hindi niyo ako papayagan umuwi baka po pwede niyo akong bigyan ng solo room?” tanong ni Igi sa kaniyang adviser na tinignan lang siya.


“I'm sorry but I can't do that, ginagamit ng ibang nagre-retreat ang iba pang kwarto. Teka nga, maiba ako, ano bang mali kay Josh? Bakit hindi mo siya pwedeng makasama sa room?” taas kilay na tanong ni Mrs. Roxas na ikinakaba naman ni Igi.


“Meron lang pong konting misunderstanding. Hayaan niyo po aayusin namin 'to.” nakayukong sabi ni Igi, hindi niya alam kung paano nila aayusin ito ni Josh ang tangi niya lang gustong mangyari ngayon ay pigilan pa na magtanong pang muli ang guro.


000ooo000


Habanag tinititigan ni Igi ang pinto ng kuwarto nila ni Josh ay hindi niya mapigilang isipin kung paano siya sasalubungin ni Josh Lihim niyang ipinapanalangin na sana ay galit na lang din siya nitong salubungin, pagsusuntukin o kaya naman ay sigawan kesa makita niya itong umiiyak o kaya nasasaktan.


Nang ipihit niya ang door knob at buksan ang pinto ay hindi mapigilan ni Igi na pigilan ang kaniyang hininga, iniintay ang pagsisigaw ni Josh o kaya naman ang kamao nito ngunit nang tuluyan na niyang mabuksan ang pinto ay laking gulat niya nang mabungarang tahimik ang buong kwarto, iginala niya ang kaniyang tingin at nakita ang natutulog na si Josh sa sarili nitong kama. Muling napabuntong hininga si Igi.


Habang inilalapag ang mga gamit niya ay panay ang sulyap ni Igi kay Josh. Natatakot na bigla itong magising at magsisisigaw. Matapos niyang maibalik ang kaniyang mga gamit sa aparador ay muli na sana siyang lalabas, asa may pinto na si Igi at pipihitin na lang ang door knob pabukas nang mapansin niya ang mapulang panga ni Josh at ang tila ba nagsisimulang pamamaga nito.


Muli siyang nakaramdam ng lungkot lalo pa't alam niya na siya ang may gawa nito. Natalo ng kaniyang nararamdamang lungkot ang kagustuhan niyang lisanin ang kuwarto na iyon, sa halip na tuluyang lumabas ay wala sa sariling nilapitan ni Igi si Josh at hinaplos ang namumula nitong panga.


“I'm sorry.” bulong ni Igi.


Dahan-dahang nagbukas ng mga mata si Josh. Nagtama ang tingin ng dalawa at ilang iba't ibang emosyon ang bumalot sa kanilang pagkatao.


000ooo000


Nagulat si Josh nang makita niya ang nagaalalang maamong mukha ni Igi na nakadungaw sa kaniya habang natutulog, nais na sana niyang tumayo mula sa pagkakahiga ngunit nawala siya sa mga titig ni Igi na tila ba nagmamakaawa na huwag na silang mag-away.


“I'm sorry.” bulong ulit ni Igi sabay abot sa pisngi ni Josh na wala sa sariling ipinikit ang mga mata at ninamnam ang hawak na iyon ni Igi. Nang imulat niya muli ang kaniyang mga mata ay nakita niya ang nangingilid na mga luha ng huli na siyang nagtulak sa kaniya na sabihin ang mga sumusunod na salita.


“Igi, we need to talk.”


000ooo000


Ilang minuto pa ang lumipas matapos may huling nagsalita sa kanilang dalawa ay tahimik parin ang dalawa, wala ni isa ang nangahas an simulan ang kinakailangang paguusap. Tumayo at bumalik si Igi sa kaniyang sariling kama at umupo doon paharap kay Josh na nakayuko at tila ba sinasaulo ang sariling mga daliri. Si Josh bilang isang taong mainipin, mataas ang pride at maikli ang pasenysa ay naiinis na, inisip na si Igi dapat ang mag-umpisa sa pakikipagusap at pagpapaliwanag dahil para sa kaniya ay kasalanan naman iyon lahat ng huli pero nang hindi parin nagsalita si Igi ay muli nanaman siyang binalot ng inis at pasasaringan na sana niya si Igi nang magsalita ito. Ang mga sinabi nito ay bumasag sa kaniyang mataas na pride at muling nagpahaba sa kaniyang nauubos na pasensya.


“I'm sorry, Josh. Kung ano man ang nagawa ko sayo, I'm sorry. I still don't know what I did to you for you to hate me this much but I want you to know that I'm so sorry and that I miss you--- I-I miss my best friend, I-I miss talking to you.” nakayukong simula ni Igi.


Muling binalot ng katahimikan ang dalawa, ilang minuto lang ang itinagal ng katahimikan na iyon ngunti para kay Josh at Igi ay tila ba tumagal iyon ng ilang araw pero matapos ang ilang saglit ay binasag na ni Josh ang katahimikan na ikinagulat ni Igi, sinimulan nang kabahan at mapaluha si Igi nang wala siyang ibang marinig na emosyon sa boses ni Josh kundi sakit.


“Why did you call me fatso and just some kid when you were with your friends that afternoon at the mall if you really wanted to be my best friend, Igi? Why did you laugh with them? Why did you laugh at me?” tanong ni Josh na siyang nakapagpaisip ng malalim kay Igi, pilit na hinalukay ang sariling utak upang maalala ang mga nangyari na sinasabi na iyon ni Josh.


“You don't remember a thing do you?” nakangiti pero malungkot at puno parin ng sakit na saad ni Josh nang makita niya ang nagtataka at naguguluhang mukha ni Igi nang i-angat niya ang tingin dito.


“Your friend Ryan asked you who I am and you called me “Some kid” who happens to live at the same floor where you live. He called me fatso but somehow you happen to just ignore that---” umiiling na sabi ni Josh habang nagsisimula ng tumulo ang mga luha nito kahit pa may nakaplaster na pekeng ngiti sa mukha nito. “---You laughed with them when he asked if I was the one who has been idolizing you.” pagpapatuloy ni Josh sabay naiiinis na pinahiran ang hindi makontrol na mga luha na dumadaloy sa kaniyang pisngi mula sa kaniyang mga mata na ikinatameme lang ni Igi.


“Alam mo ba kung anong ginawa sakin nung mga nangyaring yon? Alam mo ba kung pano ko binuo ang halos durog na durog kong confidence at pagkatao? Kung paano ko pinaghirapan na maging karapat-dapat sa paningin mo at mga kaibigan mo? Kung paano sa bawat palaro at academics ay halos patayin ko ang sarili ko mapatunayan lang na kawalan mo ang pagtalikod sa pakikipag kaibigan ko?” umiiling ulit na pagtatapos ni Josh. Wala na siyang preno, ngayon pa at nasimulan na niya ang paglalabas ng sama ng loob.


“I started competing at everything with you para lang maipamukha sayo na hindi ka naiiba samin. Na wala kang karapatan na pagtawanan ang mga taong humahanga sayo porke't hindi nila kaya ang maging kasing gwapo mo at galing mo.” nanginginig na kamay na tapos ni Josh na siyang nagmulat sa mga mata ni Igi. Hindi na rin niya mapigilang mapaiyak. Rinig na rinig niya sa boses ni Josh ang sakit at galit na ang masaklap pa ay para saka kaniya.


“I'm sorry---” pabulong na simula ni Igi ngunit agad din siyang pinutol ni Josh.


“Yup me too, because ngayon ko lang na-realize na dapat pala ay ginagawa ko lahat ng iyon para sa akin at hindi para sayo, that all the effort was not worth it para sa isang tao na akala ko ay kakilala ko simula nung bata pa ako.” malungkot na pagtatapos ni Josh sabay tayo at bagsak balikat na lumabas ng kwarto. Nahihiya sa hindi mapigilang pagpapakita ng kaniyang tunay na nararamdaman na akala niya'y noon niya pa ibinaon sa kasaluksulukan at kalalimlaliman na bahagi ng kaniyang tao. Iniwan ni Josh si Igi na mabigat ang loob at tuloy lang sa pag-iyak habang iniisip ang nangyari noong hapon na iyon na sinasabi ni Josh.


Itinuloy ni Josh ang pag-iyak sa ilalim ng isang malaking puno na nakaharap sa dalampasigan. Hindi makapaniwala na matapos ang ilang taon ay iiyakan parin niya ang isang bagay na nagdulot sa kaniya ng sakit noon.


000ooo000


Ngayong alam na ni Igi ang dahilan ng pagiging malamig ni Josh sa kaniya sa loob ng tatlong taon ay hindi niya maiwasang balik-balikan ang nangyari noong hapon na iyon sa mall na sinasabi ni Josh. Ang tangi niya lamang na naaalala ay ang mga hindi niya iniintinding tanong ni Ryan at ang kaniyang mga wala sa sariling sagot at ang pagsabay sa tawa ng kaniyang mga kasama dahil abala siya noon sa pagiisip.


“Pagiisip tungkol kay Josh.” bulalas ni Igi sa sarili nang matandaan kung bakit wala siya sa sarili noong hapon na iyon.


Naalala narin niya ang plano niyang unti-unting pag-limot sa kaniyang nararamdaman sa kaibigan kaya't nauwi sa ganoon ang mga nangyari. Hindi mapigilan ni Igi ang mapailing nang maisip na napaka Ironic ng nagyari. Ginusto niyang iwasan ang nararamdaman niya para kay Josh noon at nauwi iyon sa pagkalayo ng loob nilang dalawa at noong tuluyan nang lumayo ang loob sa kaniya ni Josh ay wala naman siyang ginawa kundi ang hilingin na malapit parin sila sa isa't isa.


At higit sa lahat ay hindi mapigilan ni Igi ang malungkot at lalong lalo na magalit sa sarili. Dahil ngayon alam na niya na siya ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Josh.


000ooo000


“C-can I join you?” nauutal dahil sa kaba na tanong ni Igi kay Josh nang sa wakas, matapos ang matagal-tagal na paghahanap ay nakita niya itong tila ba malalim ang iniisip na nakatanaw sa dagat na nasa kanilang uanahan. Saglit na nagtaas ng tingin si Josh, nagsalubong muli ang tingin nilang dalawa ang kaibahan lang ngayon ay wala na ang galit at sakit sa mga iyon.


“S-sure.” balik ni Josh saka umusod upang magbigay daan kay Igi. Walang sabi sabi na umupo si Igi sa tabi ni Josh saka nagbuntong hininga na miya mo sasabak sa isang napaka hirap na quiz.


“I-I want to say sorry fo-for everything, Josh. Kasalanan ko lahat ng 'to. I don't have an excuse why I said and acted that way. I was being an idiot for making fun of you and risking my friendship with you for shit heads like Ryan. I-I'm so sorry, Josh.” pabulong na saad ni Igi ng kaniyang pinaghandaang speech. Hindi sumagot si Josh kaya't agad na binalot ng katahimikan ang dalawa. Pinanghihinaan na ng loob si Igi, iniisip na hindi na sila muli pang magkakaayos ni Josh sapagkat hindi parin ito nagsasalita.


“I'm sorry too. I was such an asshole for the past three years. Always competing and saying bad things about you.” pabulong na sabi ni Josh na hindi naman nakaligtas kay Igi.


Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa. Magtutuloy tuloy pa sana ang katahimikan na iyon kung hindi pa marahang sinuntok ni Igi ang braso ni Josh.


Nang isalubong ni Josh ang kaniyang tingin kay Igi ay hindi niya rin mapigilan ang mapangiti. Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon ay nakita niyang muli ang paborito niyang ngiti na si Igi lamang ang nakagagawa. Tila ibinalik siya sa panahon kung saan hindi pa sila nagaaway.


Ang ngiti rin na iyon ni Igi ang naging sinyales ni Josh na muli nang magiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang mag kaibigan.



Itutuloy...


[09]
Ilang libong emosyon ang makikita sa mga mata nila Josh at Igi habang nagtititigan, ilang pulgada ang layo ng mga mukha habang sabay ang mabibilis na tibok ng mga puso. Ini-angat na ni Josh ang kaniyang kanang kamay at pinasadahan ang makinis na balat sa mukha ni Igi na siyang lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso ng huli. Iginiya na ni Josh si Igi pahiga sa kama nito at marahang pumatong dito, hindi parin pinuputol ang mga titig sa isa't isa, may ilang pulgada parin ang layo ng mga mukha sa isa't isa at mag kasing bilis parin ang mga tibok ng kanilang puso na miya mo umaawit sa iisang tunog.


“I love you.” bulong ni Josh na tila tumunaw sa pagkatao ni Igi.


Ilang saglit pa bago nakasagot si Igi dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman.


“I love you too.”


At nang sa wakas ay naibulalas na ni Igi ang mga katagang iyon ay unti-unti nang inilapat ni Josh ang kaniyang mga labi sa malalambot na labi ni Igi---


“IGI!” sigaw ni Josh na pumutol sa magandang pananaginip ng huli. Malaki ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Josh na nakadungaw sa kamumulat mata lamang na si Igi.


“What?!” sigaw ng namumulang si Igi kay Josh na hindi parin binubura ang nakakalokong ngiti nito sa mukha.


“Having a sweet dream?” nakakalokong tanong ni Josh nang sa wakas ay babangon na si Igi sa kama. Agad namang namutla si Igi, iniisip na baka naibulalas niya ang pangalan ni Josh habang natutulog, dahan-dahan siyang humarap muli kay Josh.


“W-what?” tanong ulit ni Igi na nagsisimula ng manlambot. Iniisip na nahuli na ni Josh ang kaniyang pinakasisekretong lihim na pagmamahal sa huli.


“You were telling someone, I love you and you were moaning like--- shi-it! Haha!” pangaalaskang balik ni Josh na tila ba nakapag paluwag sa daluyan ng hangin sa baga ni Igi. Nakuha na ng huli na ginagago lamang siya ni Josh kaya naman hindi niya mapigilang sugurin ito at pagkikilitiin na kagaya nung mga bata pa sila.
Nabalot ng tawanan ang buong kwarto nila Josh at Igi.


000ooo000

Medyo nagkakapaan man paminsan-minsan ang dalawa sa kanilang panibagong simula bilang magkaibigan ay hindi naman niyon napigilan ang dalawa na mag-enjoy kasama ang isa't isa. Nagkamustahan at nagkuwentuhan patungkol sa nangyayari sa buhay ng bawat isa, paminsan-minsang binabalikan ang mga panahon kung saan pareho pa silang bata at sabay na magbubuntong hininga saka sabay na matipid na ngingiti o kaya naman paminsan minsan ding babalikan ang mga mabababaw nilang awayan saka sabay na tatawa.


“Kamusta naman kayo ni Des?” wala sa sariling tanong ni Igi na ikina-tense naman ni Josh, hindi ito nakaligtas sa huli. Agad na nagaalala si Igi na baka masyado pang maaga para tanungin ng ganung ka personal ang kaibigan kaya naman ng sumagot si Josh na parang balewala dito ang pagtatanong niya ng ganun ay agad siyang nakahinga ng maluwag.


“I think we're about to call it quits.” umiiling at malungkot na sabi ni Josh na ikinagulat ni Igi.


“Huh? It thought you guys were tight? I mean you've been dating for three years, right?” tanong ni Igi na nakapagpatango lang kay Josh, hindi nakaligtas kay Igi ang biglaan paglungkot ni Josh, nais niya itong yakapin ng mahigpit at siguruhing hindi niya ito iiwan ngunit hindi niya ito magawa sa takot na pagsimulan nanaman iyon ng panibagong away.


“I thought we were tight too---” malungkot na pahayag ni Josh atsaka ikinuwento kay Igi ang nangyari sa pagitan nila ni Des, ang paghihigpit nila Migs at Ed sa pagkikita ng dalawa at ang pagsang ayon dito ni Des.


“You really love her do you?” tahimik at pilit na itinatago ni Igi ang lungkot sa tanong niyang iyon. Lungkot dahil alam niyang wala silang pag-asa ni Josh dahil ayon sa kuwento ni Josh ay mahal na mahal nito ang girlfriend.


“Yes.” mahinang sagot ni Josh na siyang bumingi kay Igi.


000ooo000


Buong maghapon na hindi nakita ni Neph ang dalawang kaibigan kahapon at hindi pa niya nakikita ang mga ito simula nung umagang iyon sa agahan hanggang sa magtanghalian na, nagsisimula na siyang kabahan na baka nagawa ng magpatayan ng kaniyang mga kaibigan. Nagsimula na siyang magtanong tanong sa mga kasamahan niyang andun ngunit walang makapag sabi kung asan ang mga ito kaya naman napagpasyahan niyang hanapin na lang ang dalawa.


Nung una ay hindi siya makapaniwala nang makita niya sila Josh at Igi na tahimik na nag-uusap at paminsan-minsang nagtatawanan at nagngi-ngitian sa may dalampasigan na miya mo may tinatanaw sa malawig na dagat sa kanilang harapan, nakangiti niyang pinanood saglit ang mga ito at saka tahimik na lumapit. Hindi man makapaniwala na sa wakas ay naguusap na ng maayos ang dalawa niyang kaibigan ay hindi rin naman mapigilan ni Neph ang matuwa dahil sa wakas ay magka-ayos na ang mga ito. Ilang hakbang na lang ang layo ni Neph sa dalawa nang marinig niya nag pinaguusapan ng mga ito na nagpatigil sa kaniyang paglalakad.


Napatigil si Neph nang marinig ng pangalan ni Des. Isang pangalan na sa hindi maintindihang rason ay nakapagpapabilis ng kaniyang tibok ng puso at nakapagpapatigil sa kaniyang dapat gawin habang pansamantala siyang dinadala ng kaniyang kamalayan sa kahapon.


“Neph! Sabi ng Des na lang ang itawag mo sakin eh!” nakasibanghot na saad ni Des nang marinig ang kaniyang best friend na tinawag siya sa buong pangalan.


“Ganda ganda ng pangalang Desiree eh, bakit pa kasi kailangang paikliin.” matamis na nakangiting saad ni Neph na tuluyan naring nakapag pangiti kay Des.


Hindi maitatanggi na may nararamdaman si Neph kay Des, akala niya noong asa huling taon ng elementarya pa lang sila ay nagkakaintindihan na sila at may namumuo ng magandang relasyon sa pagitan nila, mag best friend na nagkamabutihan at hindi kayang malayo sa isa't isa, nagkakaunawaan kahit pa hindi mag-usap at nagkakasundo sa lahat ng bagay.


Ngunit isang araw ay hindi na lang siya bigla pinansin ni Des, sinubukan niya itong kausapin pero ilag na ilag na ito sa kaniya, hanggang sa nagsimula na ang high school at ibang Des na ang kaniyang nakakasalubong sa hallway. Mas lalo itong gumanda, sumexy at naging palaban at madaldal, kasabay ng pagbabago ng isa pa niyang malapit na kaibigang si Josh ay ang pagkawala ng kaniyang best friend na si Des.


Hindi nagtagal ay naging magnobyo na si Josh at Des, dala ng kasikatan at udyok ng mga sikat nitong kaibigan. Isa ito sa pinakamasakit na nangyari kay Neph, ang kaniyang napupusuang babae ay nobya na ngayon ng isa sa kaniyang matalik na kaibigan, ngunit hindi niya pinahalatang nasasaktan siya. Akala ng lahat ay masaya at walang iniindang sakit si Neph, lahat maliban sa isa, si Roan.


Isa si Roan sa madalas kasama noon ni Des noong asa elementarya palang sila. Hindi rin maikakaila na may pagtingin si Roan kay Neph dahil narin sa halatang halatang panlalandi nito sa huli. Nang malaman ni Neph ang tungkol sa relasyong Josh at Des ay agad na tumabi si Roan sa kaniyang tabi at inalo ito at doon na nagsimula ang set up nilang mas kilala sa tawag na “Friends with Benefits.” Hindi sang ayon si Neph sa set up na ito, ipinaliwanag niya kay Roan na hindi niya maibabalik ang pagtingin nito sa kaniya na siya namang inintindi ni Roan dahil para dito ay maski sa ilang saglit lang na iyon habang sila'y magkasiping ni Neph ay nararamdaman niya ang pagmamahal ng huli kaya't wala na lang nagawa si Neph kundi ang pumawayag din sa huli.


“You really love her do you?” narinig ni Neph na tanong ni Igi kay Josh na siyang gumising sa nagbabalik tanaw nitong utak at pinagpawisan sa maaaring isagot ni Josh.


Alam niya na kapag kinumpirma ni Josh ang tanong na iyon ni Igi ay wala na siyang pag-asa pa na mapalapit ulit kay Des, ilang taon man ang lumipas ay alam niyang walang makakahigit ng pagtingin niya dito.


“Yes.” pabulong na sagot ni Josh na bumingi pareho kila Igi at Neph.


000ooo000


“What's wrong?” malambing na tanong ni Roan kay Neph sabay himas sa likod nito.


“W-wala ito. Pagod lang siguro.” blangkong sagot ni Neph na ikinataka naman ni Roan.


Alam na ni Roan kung ano ang maaaring tumatakbo sa isip ni Neph. Sa tuwing natatahimik kasi ito at tila ba ayaw pag-usapan ang bumabagabag dito ay alam niyang si Des ang tumatakbo sa isipan nito. Ilang beses nang pinag-awayan nila Neph at Roan ito, si Roan dahil sa pagseselos at si Neph naman dahil sa inis sa pag-asta ni Roan na tila ba mag-nobyo sila.


“Is this about De---” simula ni Roan na siyang sumagad sa pasensya ni Neph.


“Don't start with this shit again, Roan. I'm tired. That's it! Geesh! You're starting to sound like a first class bitch again” sigaw ni Neph sabay labas ng kanilang silid.


Hindi na alam ni Roan ang kaniyang gagawin. Asa elementarya pa lang sila ay gusto na niya si Neph lalo pa nang makilala niya ito sa pamamagitan ng noo'y isa niyang matalik na kaibigan na si Des. Ngunit noong maglaon ay napapansin niyang hindi siya binibigyan ng atensyon ni Neph sa tuwing asa paligid si Des, kaya't gumawa siya ng paraan para maalis sa eksena si Des.


Mitikuloso niyang plinano ang lahat. Kabisado na ni Roan ang oras ng pagpunta ni Des sa bahay nila Neph at itinaon niya ang kaniyang pagamin sa kaniyang tunay na nararamdaman sa huli. Walang sabi niyang inilapat ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Neph na sakto namang nakita ni Des.


Simula noon ay hindi na muli pang lumapit si Des kay Neph na siyang ikinatuwa ni Roan, ngunit tila sinampal naman siya ng karma dahil kahit anong gawin niya ay hindi naman magawang ibalik ni Neph ang pagtingin niya dito at lalong hindi nito nakalimutan si Des na tila ba sumailalim ng isang make over nang magsimula na ang high school.


Hindi nagtagal ay nalamig at tila nagsawa narin sa kaniya si Neph kahit pa ibinigay na niya ang lahat dito. Madalas na silang nagaaway at isang beses ay nadulas si Neph na dahil mahal niya si Des kaya't hindi niya magawang mahalin si Roan na siyang naging simula ng isang matinding away sa pagitan nila.


Nanlulumong tinitigan ni Roan ang pinto na tila ba sa ginagawa niyang iyon ay muling babalik si Neph at hihingi ng tawad sa kaniya at sasabihing mahal siya nito at hindi si Des. Ngunit alam ni Roan na kahit mag-hapon pa siya tumitig sa pintong iyon ay hinding hindi mangyayari iyon na siyang muling nagdulot ng pagtulo ng ilang luha mula sa mga mata ni Roan.


000ooo000


Matapos ang maikli at tapat na sagot na iyon ni Josh sa tanong ni Igi ay muling binalot ng katahimikan ang dalawa. Si Josh dahil sa hanggang sa ngayon ay hindi niya parin maintindihan ang sinasabi ng kaniyang amang si Ed patungkol sa pagiging In Love o yung simpleng Love lang pero sa kabila nito ay “Oo” parin ang isinagot niya sa tanong ni Igi kahit pa tila nagsisimula na niyang tanungin ang sarili patungkol sa pagmamahal niya kay Des habang si Igi naman ay pinili na lang manahimik kesa may masabi pa siyang bagay na habang buhay niyang pagsisisihan.


“Oi. Natahimik ka?” tanong ni Josh sabay akbay kay Igi. Saglit na tinignan ni Igi ang kamay ni Josh na naka-akbay sa kaniya, hindi mapigilang mapangiti dahil tila ibinalik siya sa panahon kung saan hindi pa sila nag-aaway na dalawa.


“OK na ako sa ganito. OK na ako sa pagiging mag magkaibigan ulit namin kesa naman sabihin ko pa sa kaniya ang totoo tapos habang buhay nanaman kaming magsisinghalan.” bulong ni Igi sa sarili bago sagutin ang tanong ni Josh.


“Wala lang, napaisip lang saglit.” makahulugang sagot ni Igi na ikinakunot naman ng noo ni Josh pero di naglaon ay nagbigay din ng isang matipid na ngiti.


“You think too much. Paminsan minsan mag-chill ka lang.” nakangiting saad ni Josh sabay gulo sa buhok ni Igi na hindi mapigilang mamula ang mga pisngi.


000ooo000


Masakit na ang paa ni Igi, tila kasi nawala sa isip ni Josh na magkatali ang kanilang mga paa. Asa panagalawa na silang aktibidad para sa team building na iyon. Itinali ang kanilang mga paa habang paunahang naghahanap ng mga bagay-bagay na itinago ni Fr. Rico sa buong beach house.


“Bilisan mo Igi!” excited na sabi ni Josh.


“Josh, wait.” bulong ni Igi na tila naman hindi narinig ni Josh.


“Josh, nasasaktan ako.” ulit ni Igi na nagpatigil kay Josh. Nagaalalang tinignan ni Josh ang tali ng kanilang mga paa, doon nakita niya na humigpit na nga ang tali sa paa ni Igi at mukhang bumabaon na ito sa balat ng huli. Wala sa sarili siyang lumuhod at nagaalalang inayos ang mahihigpit na tali.


“Oh shit! I'm sorry, Igi.” nagaalalang bulalas ni Josh.


Hindi malaman ni Igi kung ano dapat ang kaniyang maramdaman, ayun si Josh, ang dati niyang kakumpetensya sa lahat ng bagay, hinihimas ang kaniyang namumulang paa at tila ba paiyak na dahil sa nakikitang pamumula ng paa ng huli.


“Angkas ka sakin.” bulalas ni Josh nang makita nitong malalayo na ang kanilang mga kalaban.


“Josh, hindi naman natin kailangang manalo eh. Laro lang 'to.” medyo nainis na sabi ni Igi, hindi makapaniwala na ang laro parin pala ang iniisip nito sa kabila ng nagaalala nitong paghimas sa kaniyang namumulang paa.


“I'm going to carry you papunta sa tent para makapagpahinga ka at hindi para manalo, dumb-dumb!” umiiling pero natatawang sabi ni Josh. Tila naman muling natunaw ang puso ni Igi. Totoo pala kasing nagaalala sa kaniya si Josh at balewala na lang pala dito ang laro na tila ba gustong gusto nitong mapanalunan.


000ooo000



“Ha! We won! Wohoo!” sigaw ni Josh nang manalo silang dalawa ni Igi sa palarong iyon kung saan namula ang kaniyang paa dahil sa pagkakatali ng kanilang paa ni Josh.


Nang umangkas kasi si Igi sa malapad na likod ni Josh ay agad itong tumakbo, hindi pabalik sa tent para patignan kay Fr. Rico at Mrs. Roxas ang paa ni Igi gaya ng ipinangako nito kundi papunta sa finish line. Nang masigurong nanalo na sila ay tuloy-tuloy lang si Josh sa pagtakbo at tumuloy na sa tent kung saan andun si Mrs. Roxas at ipinatingin na ang paa ni Igi. Napailing na lang si Igi pero kahit papano ay hindi parin niya mapigilan ang mapangiti dahil sa saya.


Oo, hindi na nga maiaalis kay Josh ang pagiging competitive nito pero hindi parin nito maiaalis ang pagaalala sa kaibigan. Pinanood ni Igi si Josh sa paghingal nito, hindi mapigilan ang sariling puso na lumambot muli para sa kaibigan, nang mapansin ni Josh na sa kaniya nakatingin si Igi ay nginitian niya lang ito sabay kindat at thumbs up na nakapag pahagalpak ng tawa kay Igi na ikinataka naman ni Mrs. Roxas at lalong ikinangiti ng malaki ni Fr. Rico.


000ooo000


“What's with those two?” tanong ni Neph sa kaniyang mga kasamahan matapos makita ang tagpo kung saan inangkas ni Josh si Igi. Hindi naman nag-atubiling sumagot si Roan, hindi parin kasi siya kinikibo ni Neph kaya naman gagawin niya ang lahat makuha lang ang pansin nito.


“I know right?! They're sooo gay.” wala sa sariling bulalas ni Roan, tinignan siya ng masama ni Neph na hindi naman napansin ng iba pa nilang kasamahan dahil abala ang mga ito sa pagtawa sa sinabi ni Roan.


Naglakad na palayo si Neph, iniisip na baka hindi niya mapigilan ang sarili at kung ano pa ang masabi o di kaya naman ay magawa kay Roan sa harap ng kanilang mga kaklase. Napa kunot noo si Roan nang makita niya ang galit na si Neph na naglalakad palayo, nagbigay muna siya ng isang malutong na tawa sa harapan ng mga kaklase at pasimpleng sumunod kay Neph na ayon sa kaniyang nakikita sa body language nito ay galit na galit.


“Neph, what's wrong?” tanong ni Roan sabay hawak sa balikat ni Neph nang maabutan ito. Agad namang hinawi ni Neph ang kamay ni Roan.


“WHAT'S WRONG?! Those are my best friends you are making fun out there!” singhal ni Neph na ikinataka muli ni Roan, medyo mababaw ang dahilan ngayon na ito ni Neph upang awayin siya kaya naman agad na sumagi sa isip niya na maaaring gumagawa lang ng mapagaawayan si Neph dahil masama parin ang loob nito sa kaniya.


“C'mon Neph, I was only joking.” pagaalo ni Roan kay Neph.


“No, Roan, you we're not joking. You we're making fun of my friends to get my attention---!” simula ni Neph ngunit agad siyang pinutol ni Roan.


“You are only making this up so you can have a reason to shout at me and push me away! Neph, I was only joking. Josh and Igi are also my friends I would never do anything to hurt them. OK, fine! Yes, I was trying to get your attention, but I didn't expect for you to blow up like this just because of some stupid joke! Parang masyado naman atang nagiging mababaw ang pinagsisismulan ng mga pagaaway natin, Neph?” naiiyak na saad ni Roan na lumusaw sa resolba ni Neph.


“You're right, lahat na lang ng bagay ginagawa kong rason para mag-away tayo, para layuan mo ako and I'm so sorry, Roan---” simula ni Neph, agad namang nabuhayan ng loob si Roan. “--- you're right, everything is getting out of control. We're not in a commitment yet we're ripping each others throats, I--I think we should stop this ---t-this set up, whatever this is, Roan, b-before we end up killing each other.” pagtatapos ni Neph na siyang bumura sa natitirang pag-asa na meron pa si Roan.


“Neph please.” naiiyak na pagmamakaawa ni Roan.


“I already called Mang Rannie earlier and nakapagpaalam nadin ako kay Mrs. Roxas and Fr. Rico. Pumayag na sila na umuwi ako at di na tapusin ang team building. I-I think it would be better kung malayo muna tayo sa isa't isa---” paliwanag muli ni Neph.


“No!”


“I'm sorry, Roan but we have to do this.” sagot ni Neph sabay lakad palayo.


“Neph, please no.” halos pabulong ng pagmamakaawa ni Roan ngunit tila nabingi na si Neph.


Mabigat man sa loob ni Neph na saktan si Roan ay hindi naman niya maitulak ang sarili na mahalin ang huli dahil iisa lang ang laman ng puso niya. Kung pipilitin niya ang sarili na mahalin si Roan ay saglit lang ito liligaya sa piling niya habang siya naman ay buong panahon sa kanilang relasyon magiging miserable kaya't naisip niya rin na tama ang kaniyang ginawa. Nang hindi na mahagip ng tingin ni Roan si Neph ay sakto namang lumabas ang nagkakasiyahang si Josh at Igi sa tent.


Hindi makuwa ni Roan kung paanong may mga taong nakukuwa pang makipagkasiyahan gayong may mga taong katulad niya na miserable. Habang pinagmamasdan ni Roan ang dalawang magkaibigan ay may isang bagay siyang napansin. Alam niyang walang basehan ang kaniyang iniisip na ito kundi ang isang simpleng obserbasyon ngunit naisip niya na kung ang simpleng obserbasyon na iyon ay magdudulot ng sakit sa isang taong dati niyang kaibigan at ngayon ay itinuturing niyang kaagaw sa atensyon ni Neph, na kung ang simpleng obserbasyon na iyon ay maghahatid ng sakit kay Des katulad ng sakit na nararamdaman niya ngayon ay handa siyang gawin ang lahat maging patas lang ang lahat.


Kahit pa ang kapalit nito ay ilang puso na masasaktan. Kahit pa gawin niyang kumplikado ang lahat sa buhay niya, taliwas sa payo na ibinigay niya kay Igi noong nakaraang araw.


Itutuloy...


[10]
Walang imik. Yan ang isa sa mga salita na maaari mong ihambing kay Neph. Ayaw niyang saktan si Roan ngunit kailangan niya iyong gawin upang hindi na lalo pang lumalim ang hukay na siya mismo ang gumawa, kung noon sana ay tumanggi na siya sa gustong mangyari nito ay sana hindi na sila pareho pang nagkasakitan. Alam na ni Neph noon pa na hindi niya makakalimutan si Des ngunit nakuwa niya paring pumayag sa gustong mangyari ni Roan dahil akala niya ay maaaring turuan ang puso mangmahal.


“D-Desiree oh.” bulalas ni Neph habang namumula ang pisngi sabay bigay ng isang bulaklak na pinitas niya sa isa sa mga halaman sa parke ng kanilang club house.


“Thank---.” simulang pasasalamat ni Des ngunit hindi na iyon natapos nang makarinig na ang dalawang bata ng isang napakalakas na sigaw.


“HOY BATA! DI KA BA MARUNONG MAGBASA?! AYAN NAKALAGAY, 'NO PICKING OF FLOWERS' PERO PUMITAS KA PARIN!” sabi ng isang matanda na nakilala nila Des at Neph na taga linis sa parke na iyon.


“Eh wala po akong pera pambili ng bulaklak eh para sa kaibigan ko eh---!” matapang na pangangatwiran ni Neph na halos tumunaw sa resolba ng matanda at tumunaw naman sa puso ni Des na namula ang pisngi. “---Saka mabubulok lang naman yung bulaklak tapos wawalisin niyo saka itatapon! Eh kung hinahayaan niyo na lang kaming pumitas diyan edi wala na kayong wawalisin kada umaga!” pagtatapos ni Neph na nagpainit sa ulo ng matanda na nagsimula ng habulin si Neph na hilahila ng tumatawang si Des.


Hindi mapigilan ni Neph ang sandaling mapangiti sa naalala na iyon.


“Neph!” sigaw ni Amy na ina ni Neph. “Anak, bili ka muna ng coke---” hindi pa man natatapos ni Amy ang kaniyang inuutos sa anak ay agad na itong sumagot.


“Opo, saglit lang po.” magalang na sabi ni Neph habang bumabangon sa kaniyang kama upang sundin ang utos ng ina kahit pa malakas ang ulan sa labas ng kaniyang kwarto at lumalalim na ang gabi.


000ooo000


Abala parin si Neph sa pag-gunita ng kanilang mga magagandang alaala ni Des upang maiwasang isipin ang kaniyang pananakit na ginawa kay Roan nang sa gilid ng kaniyang mata ay nakita niya ang ge-gewang-gewang na si Des na kalalabas lamang ng isang club. Wala sa sariling kinabig ni Neph ang manibela ng kaniyang minamanehong sasakyan at itinigil ito sa harapan ng club kung saan lumabas si Des may ilang segundo lang ang nakakaraan.


“Des!” sigaw ni Neph, walang pakielam kung naiwan mang hindi naka-lock ang pinto ng kaniyang sasakyan at kung nababasa siya ng malakas na ulan.


“Wow. Naparami na talaga ang nainom ko naririnig ko na si Neph eh kanikanina lang iniisip ko lang siya.” sabi ni Des sa sarili habang hinahawi ang mga patak ng ulan sa kaniyang mukha.


“Des, what are you doing?” tanong ulit ni Neph na siyang naglinaw sa isip ni Des, agad agad na humarap si Des nang marinig niyang muli ang boses ni Neph. Hindi alam ni Neph kung ano ang kaniyang dapat maramdaman nang humarap si Des sa kaniya, kung galit ba, awa o sakit. Galit para sa taong nagpaiyak sa kaniyang mahal, awa dahil hindi kailanman niya pinangarap na makitang luhaan ang mga magagandang mata ni Des at sakit dahil, hindi man niya maipaliwanag, makita lang na nasasaktan si Des ay tila nasasaktan narin siya.


“Neph.” bulong ni Des na hindi makapaniwala na andon ang tanging tao na nais niyang makasama sa mga oras na lugmok na lugmok siya katulad ngayon.


Hindi na mapigilan pa ni Neph ang sarili at niyakap na ng mahigpit si Des na agad namang umiyak sa balikat ng huli.


“Shhh. Everything is going to be OK. Andito na ako.” bulong ni Neph. Ang mga sinabi na ito ni Neph ay unti-unting nakapagpakalma kay Des.


000ooo000


“Awww! It's raining!” parang batang nakasibanghot na sabi ni Josh habang nakapalumbaba na nakatanaw sa bintana.


“Ha! OK nga yan eh para wala ng activities bukas hanggang sa umuwi tayo---” simula ni Igi sabay sandal at itinaas ang kaniyang magkabilang kamay na parang si Tom sawyer. “--finally some sweet time to chill!” pagtatapos ni Igi na hindi na nagkasya sa pagsandal na tila si Tom Sawyer dahil bumalik na ito sa pagkakahiga sa kama.


“You're so boring sometimes.” nangaalaskang balik ni Josh sabay tingin ulit sa labas ng bintana kaya't hindi niya napansin ang unan na ihahampas sa kaniya ni Igi.


“Take that back or I'm going to put you under “The Pillow Torture!”” sigaw ni Igi sabay amba ulit kay Josh na agad namang umilag at hinawakan ng mahigpit si Igi sa braso na hindi naman mapigilan ang paghagikgik.


“You're not only boring but also immature!” nakangising balik ni Josh.


“You are now really going to regret saying that.” seryoso pero hindi mapigilang mapangiti na sabi ni Igi sabay hatak sa sariling braso na ikinatumba nilang dalawa sa sahig, si Josh sa ilalim at si Igi ang nasa ibabaw.


Nagtama ang tingin ng dalawang magkaibigan. Samu't saring emosyon ang tumakbo sa sa buong sistema ni Igi. Nang mapagtantong masyado ng matagal ang kaniyang pagkakatitig sa mga mata ni Josh ay agad na nagiwas ng tingin si Igi at sinubukan na tumayo agad- ngunit pinigilan siya ni Josh. Muling bumalik ang pagkakakunekta ng tingin ni Igi sa mga mata ni Josh na miya mo kinakabisa ito. Lalong lumakas ang pagtibok ng kaniyang dibdib.


“JOSH! IGI! Pinapatawag kayo ni Mrs. Roxas!” sigaw ng isa pa nilang kasamahan kasabay ang malakas na pagkatok sa kanilang pinto. Mabilis na Tumayo si Igi na halos ikinatumba nito samantalang si Josh naman ay inaalam pa at iniisip kung ano ang nangyari may ilang saglit lang ang nakakalipas.


“M-maghihilamos lang m-muna ako.” tila wala sa sariling saad ni Igi na ikinagising ni Josh sa pagiisip at nang ibalik niya ang tingin sa kaibigang kanina lang ay katitigan niya ay nakatalikod at papasok na ito sa kanilang banyo.


000ooo000


“Umuwi na si Nephilim. May idea ba kayong dalawa kung bakit bigla na lang umuwi ang isang iyon? May nagsabi kasi sakin na nagaaway daw sila ni Roan bago ito umalis kaya iniisip ko na baka iyon ang dahilan at hindi dahil may kailangan siyang asikasuhin sa kanilang bahay tulad ng kaniyang sinabi. Kasi ire-reprimand ko siya as your adviser kung dahil lang sa hindi nila pagkakaunawaan ni Roan ang dahilan ng kaniyang pag-uwi.” mahaba at may pagka striktang saad ni Mrs. Roxas kila Josh at Igi nang humarap ang dalawa dito.


Nagulat naman si Josh at Igi sa inihayag na ito ni Mrs. Roxas. Alam nilang close si Neph at Roan, pareho nga nilang iniisip na isa si Roan sa pinakamalapit na kaibigan ni Neph kaya ang isipin na nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawa na nagdulot sa pagguwi at hindi na pagsali ng isa sa pinakiintay na team building na iyon ay nakapagpataka sa dalawa, ngunit sa kabila ng pagtataka ng dalawa ay nakuwa parin ng mga ito na magkunchabahan at saluhin ang kanilang kaibigan na si Neph sa kabila ng hindi paguusap.


“Baka po kasi umuwi ulit ang parent's ni Neph sa Laguna, Mam, may business po kasi sila don na parang hindi po maganda ang takbo ngayon kaya po siguro pinauwi muna nila si Neph sa bahay para magbantay doon at para may nakakasama narin po yung kapatid niya.” swabeng pagsisinungaling ni Igi na agad namang sinangayunan din ni Josh na wala ring sabit sa pagsisinungaling mapagtakpan lang ang kanilang kaibigan.


“Sigurado kayo na hindi lang ito dahil sa sinasabi nilang pagaaway nila ni Roan?” nanghuhuling tanong muli ni Mrs. Roxas.


“Sure na sure ma'am.” “Hindi po ganun kababaw si Neph.” Sabay na sagot ng dalawa na hindi mapigilang kagatin ni Mrs. Roxas.


“Very well. Hindi ko na kayo kukulitin pa. Ayaw ko lang kasi na may umuuwi sa kalagitnaan ng program dahil lang sa misunderstanding nila ng kaniyang partner sa kabila ng matagal na nating pagpaplano ng event na'to.” saad muli ni Mrs. Roxas na muling sinangayunan ng magkaibigan bago lumabas ng opisina ng guro sa resort na iyon.



000ooo000


Nang husto ng nakalayo sa opisina ang dalawa ay hindi naman napigilan ni Josh ang mapatawa habang si Igi naman ay agad na inilabas ang cellphone at tinawagan si Neph. Tinignan muna ng masama ni Igi si Josh na miya mo nababaliw na si Josh dahil imbis kasi na magalala ito katulad niya ay nakuwa pa nitong tumawa, ngunit hindi nagtagal ay napatawa na rin siya.


“Why the hell are you laughing?!” tanong ni Igi sa pagitan ng pagtawa.


“Naaalala mo nung six years old pa lang tayo nung una nating nakita si Neph? Ang loko gumagawa ng bangkang papel gamit yung mga lumang dyaryo sa unit nila?” tanong ni Josh sa pagitan ng pagtawa habang katabing naglalakad palabas ng building si Igi na hindi mapigilang mapahagalpak dahil sa naalala.


“Oo! Tinanong natin siya kung ano ginagawa niya, ang sagot lang ni loko kasi wala siyang magawa. Tayo naman itong may sa gago din eh nakisali sa paggawa ng bangka---” pagbabalik tanaw na rin ni Igi na siyang lalong dumagdag sa kanilang hagalpakan.


“Tapos nung nahuli tayo nung tagalinis nung pool ang sabi lang ni loko---”


““ayaw mo nun kuya, may tratrabahuhin ka ngayon?”” sabay na sambit ni Josh at Igi na lalong ikinahagalpak ng dalawa.


“Eh yung nagsayaw tayo na ala Michael Jackson?” tanong ulit ni Josh nang makabawi na silang dalawa sa kakatawa. Muling tumawa si Igi at umakbay kay Josh atsaka iginiya ang kaniyang balakang at paa sa kaniyang pagkanta na agad namang sinabayan ni Josh na umakbay din kay Igi.


““THRILLER! THRILLER NIGHT!”” sabay na kanta ng dalawa sabay sayaw nang maalala yung araw noong may seven years old palang silang tatlo nila Neph at nang makita ng mga ito ang tinatagong mga lumang VHS ni Ram ng mga MTV noong kabataan pa nito.


“What's this?” tanong ni Neph kay Igi nang mahagip nito ang VHS tape ng mga MTV na ini-record noon ni Ram.


“Dad told me not to mess with other people's stuff.” kinakabahan pero curious ding saad ni Josh na miya't miya ang tingin sa pinto, natatakot sa muling pagbabalik ni Ram.


“Maybe it's porn.” saad ni Neph na ikinasinghap ni Josh at ikinangisi naman ni Igi.


“You do know that both my dad's are gay, right?” nakangisi paring tanong ni Igi na ikinabura ng ngiti ni Neph at ikinangisi narin ni Josh nang makuwa ang gustong sabihin ni Igi.


“Haha! I still want to see what's on it.” humahagikgik na sabi ni Neph na ikinabura muli ng ngiti ni Josh.


“Wag na nating galawin, di naman natin alam kung ano laman niyan eh. Baka mamya magalit pa si tito Ram satin.” kinakabahan muling saad ni Josh pero hindi niya parin mapigilan ang maging curious.


“Alam kong curious ka rin, Josh.” nakangising baling ni Neph kay Josh na lalong kinabahan pero lalo ring na-curious.


“Since lahat naman tayo dito na-cu-curious sa laman nito edi panoorin na natin.” nakangising saad ni Igi sabay hatak sa VHS at isinalpak ito sa lumang player ng ama.


Hindi nagtagal ay nagplay na ito at pare-pareho na nilang nakita si Michael Jackson kasama ang mga kapwa nito nakabihis zombie na nagsasayaw. Hindi mapigilan ng tatlo ang mapahagikgik at magbiruan kung sino sa mga zombies na iyon ang kamukha nila at hindi rin nagtagal ay sumabay na ang tatlo sa pagsasayaw habang walang puknat ang tawanan.


““THRILLER!” pagtatapos sa pagkanta ng dalawa sabay hagalpak muli ng tawa sa pagitan ng mga hingal, hindi alintana na magkaakbay pa sila. Dahil sa pagod mula sa kanilang malikot na pagsasayaw at wala sa tonong pagkanta ay wala sa sariling umupo si Josh at Igi sa may damuhan sa ilalim ng isang malaking puno.


Hindi sinasadyang nagkapatong ang kanilang mga kamay. Noong una ay hindi nila ito napansin, si Igi ang unang nakapansin nito sapagkat ang kamay ni Josh ang siyang pumapaibabaw sa kanilang mga kamay. Dahan-dahan itong tinignan ni Igi na tila ba kapag tinignan niya ito agad agad ay mawawala ang magandang pakiramdam na kaniyang nadarama habang magkadikit ang kanilang mga kamay na iyon.


Abala si Josh sa kaniyang pagbabalik tanaw kaya't hindi niya napansin ang pagdidikit ng kamay nila ni Igi at ang minsang pagsulyap-sulyap ni Igi dito. Hindi maipaliwanag ni Josh kung bakit pero tila ba may nagpapagaang ng kaniyang loob sa mga sandaling iyon, hindi niya alam na sulyapan niya lamang ang namumulang mga pisngi ni Igi ay malalaman na niya ang sagot.


000ooo000


Masakit man ang ulo ay dahan-dahang idinilat ni Des ang kaniyang mga mata. Halos mapatalon siya nang mapansing wala siya sa sariling bahay bagkus asa isang pamilyar na lugar. Nang mapagtanto niya kung kanino ang bahay na kaniyang tinulugan matapos ang marami-raming nainom ay agad siyang kinabahan. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga ngunit nang iaapak na niya ang kaniyang mga paa sa sahig ay imbis na sahig ang kaniyang naapakan ay likod ng isang tao ang kaniyang naapakan.


“ARGGGGGHHHHHHH!” sigaw ni Des.


“Huh?!” bulalas ni Neph sabay tayo na siyang ikinauntog ng kaniyang tuhod sa kanto ng coffee table.


“OUCH!” singhal ni Neph sabay himas sa kaniyang tuhod na sa kaniyang pakiramdam ay nabiyak.


Tila naman sinampal ng kaniyang sariling utak si Des nang maalala ang ilan sa mga nangyari noong nakalipas na gabi. Ang paginom niya ng marami sa isang club, ang pagpapaulan niya, ang pagtawag sa kaniya ng isang lalaki na kaboses na kaboses ni Neph at ang pagyakap niya dito at ang pag-iyak at paghinahon nang aluhin siya nito.


“Geesh Des. Give me a heart attack, will you.” pupungay-pungay na sabi ni Neph sabay hilot sa kaniyang tuhod at umupo sa sofa na kanina lamang ay tinutulugan ni Des.


“I-I need to go.” bulalas ni Des na ikinaalarma ni Neph. Ayaw niya pa kasi itong umalis.


“At least eat something first. Nagluto si Mommy---” simula ni Neph ngunit agad din siyang natameme at napayuko nang mapansing nagmamadali si Des na ayusin ang sarili at tila ba kating kati na siyang layuan. Napalunok na lang siya ng sariling laway at binalewala ang lahat ng pride na meron siya.


“---Please?” ang pagmamakaawang iyon ni Neph ang siyang nakapagpalambot sa puso ni Des. Wala sa sarili siyang humarap dito at marahang tumango.


Hindi mapigilan ni Neph na mapangiti sa sagot na iyon ni Des at nang makita nito ang ngiting iyon ni Neph ay tila nabawasan ang kaniyang mga problemang pasan-pasan.


000ooo000


Hindi parin matigilan ni Igi ang paminsan-minsang paghimas niya sa sariling kamay, pilit na binabalik-balikan ang pakiramdam ng kamay ni Josh na kanina lamang ay nakabalot doon.


“You're doing that creepy smile again. What's up?” tanong ni Josh habang puno ng pagkain ang bibig at mataman na pinapanood si Igi at ang paghimas-himas nito sa sariling kamay.


“What? I don't have a creepy smile!” singhal ni Igi habang pinipigilan ang sarili na mapangiti.


“I'm not saying that your smile is always creepy. Ito lang sandaling 'to yung creepy na parang may pinagpapantasyahan kang babae tapos paminsan-minsan mo pang hinihimas yang kamay mo.” saad ulit ni Josh, hindi alintana ang ilang butil ng kanin na tumatalsik-talsik mula sa kaniyang bibig habang nagsasalita.


Hindi agad nakasagot si Igi dahil agad na namula ang kaniyang mga pisngi pagkarinig na pagkarinig niya pa lang sa salitang “pinagpapantasyahan” mula sa bibig ni Josh. Sapul na sapul kasi siya sa sinabing iyon ni Josh. Ngunit ang pamumula ng pisngi na iyon ni Igi ay saglit lamang tumagal sapagkat muling tinatanong ng kaniyang sariling utak kung bakit nga ba niya pinagapantasyahan ang kaibigan gayong alam niyang straight ito at mahal na mahal nito ang girlfriend na si Des.


Hindi nakaligtas ang pagbagsak ng mukha na iyon ni Igi kay Josh na agad nagalala at agad inisip na baka may nasabi siyang mali.


“I'm sorry. Did I say something wrong?” nagaalalang tanong ni Josh na gumising kay Igi mula sa pagiisip ng malalim. Pinilit ni Igi na ngumiti na tila naman pekeng ngiti ang naging dating kay Josh.


“Wala lang may naisip lang---” simula ni Igi ngunit natigilan din siya at piniling maigi ang kaniyang dapat sabihin. “---saka wala namang masama sa pagpapantasiya lalo pa't hanggang dun lang naman ako diba?” makahulugang sabi ni Igi sa kabila ng kaniyang pagngiti. Hindi ito nakaligtas kay Josh na agad na nakaramdam ng kung ano sa kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag kung ano ito ngunit kinunsidera na lang niya itong “awa at inis” para sa kaibigan at para sa sarili.


000ooo000


“Sooo---” simula ni Neph nang hindi na niya matiis ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila ni Des habang kumakain ng agahan. Halos mapatalon si Des sa panimulang iyon ni Neph.


“So what?” kunot noong tanong ni Des, hindi pinapahalata kay Neph na natatakot siya sa kung ano mang tatanungin nito.


“---what do you like to do after breakfast?” nagaalangang tanong ni Neph. Tila naman bumagal ang utak ni Des sa pagtakbo at tinanong pa ang sarili kung tama ba ang kaniyang narinig, iniisip niya kasi at ine-expect na uusisain ni Neph ang nangyari sa kaniya, kung bakit siya nasa labas ng bahay ng dis oras ng gabi, kung bakit siya lasing at sabog na sabog, ngunit hindi. Katulad ng kaniyang pagkakakilala kay Neph noong sila'y mga bata pa lang ay mas nagpo-focus ang huli sa kaniyang ikasisiya kesa sa usisain at bigyan siya ng mga walang kuwentang advise tulad ng kaniyang ibang kaibigan.


Matapos makabawi ni Des mula sa hindi pagkakapaniwala ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti lalo pa't ang layo ng itinanong sa kaniya ni Neph mula sa kaniyang inaasahang itatanong nito. Hindi na nga nagkasya si Des sa simpleng pagngiti dahil miya miya pa ay tumawa na ito ng malakas matapos mapagtantong miya siya tanga may ilang minuto lang ang nakakalipas dahil sa nararamdamang takot na kulitin siya at tanungin ng tanungin ni Neph at husgahan siya nito gayong alam naman niyang hindi iyon ugali ni Neph.


Saglit na kumunot ang noo ni Neph nang makita niya ang humahalakhak na si Des, hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagtawa nito, ang totoo niyan ay iniisip niya at ine-expect na mairita ito dahil sa kaniyang walang ka-kwenta- kwentang tanong, ngunit nang marinig niya ang pinakapaborito niyang halakhak na iyon ay hindi niya narin mapigilan ang mapangiti...


...at hiniling sa sarili na sana ay hindi na matapos pa ang mga sandaling iyon.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment