Glenmore Bacarro
By: gmore
Source:
bulonghangin.blogspot.com
[01]
Years
Earlier
Nakainom
na ang lahat, nagkakasayahan, nagkakantahan.
“Hhaaapppiii
Beerrttt-deeyyyy toooo youuuu!!!” halos sabay sabay na kanta ng lahat habang
itinataas ang kanikanilang hawak na bote ng beer. Nakakatuwaan na nilang
kantahin ito kapag magkakasama silang nagiinuman kahit walang may kaarawan sa
kanila.
Nakapalibot
sila sa ginawang bonfire, si Ed ang may hawak ng gitara, sa tabi nito ay
nakaupo ang kanyang pinsang si Carol na lihim na binabakuran ng isa nilang
kabarkadang si Raffy. Sa kabila ay ang kabarkada nilang si Aki at ang dalawa
nitong kaibigan na sumabit sa kanilang magbabakarda.
Nakaupo
siya sa tapat nila Ed, ang bonfire sa gitna nila, kasama niya si Nel na tulad
niya ay umiiwas ding uminom. Nakasandal sa kanya si Abby na katsismisan ni Judy
at ang sabit ding kaibigan nitong si Marissa.
Malaki
ang barkada nila at lalong lumalaki ito ngayong iba iba na sila ng Unibersidad
na pinapasukan dahil na rin sa may mga bago silang nakikilala at isinasama sa
lakaran.
Malalim
na ang gabi at halos lango na ang lahat. Dahil hindi pa siya gaanong lasing ay
inaya niya si Nel na maglakad lakad muna sa dalampasigan, maliwanag naman ang
buwan kung kayat hindi siya nag aalala.
Nakakalayo
na sila ng bahagya ng makaramdam siya ng lamig, mag aalas dos na ata ng
madaling araw kung kayat malamig na ang simoy ng hangin.
“Karl,
hintayin moko dito, kuha lang ako ng beer…malamigeh, para pampainit na din.” si
Nel, habang humakbang pabalik sa grupo.
Naiwan
siya at nakatitig lamang sa malawak na karagatan, ang tila pagsayaw at
pagkislap kislap nito, repleksyong nagmumula sa liwanag ng buwan at mga tala sa
kalangitan.
Ilang
minuto din niyang pinagmamasdan ang karagatan habang yakap yakap ang sarili.
“Nag-iisa
ka, pwede ba kitang smahan?” malamig at baritonong tinig ng isang lalaki sa
kanyang likuran. Napalingon siya rito at nakaharap niya ang isa sa mga
kaibigang sabit ni Aki.
“M-may
hinihintay ako eh, k-kasama ko” nauutal niyang sagot.
“Ahaha…”
mahinang tawa nito “siya ba ang tinutukoy mo?” nguso nito.
Tinanaw
niya si Nel sa di kalayuan na abala sa pakikipagkwentuhan sa lalaking kasama ng
lalaking kaharap. Napatiim bagang siya sa panlalaglag ni Nel at akmang aalis
siya upang kumprontahin ang kaibigan.
“Don’t
get mad at him…” agap ng lalaki, “ako talaga ang namilit sa kanya para ako na
maghatid nito say o” iniaabot nito ang isa sa dalawang bote ng beer na hawak.
“A-at
bakit mo naman ginawa ‘yon?” pasuplado niyang tanong.
“Let’s
just say na… na gusto kitang masolo,” ngumiti ito, “kanina pakita
pinagmamasdan… at kanina pa kitang gusting kausapin.”
Napatitig
siya sa lalaki at sa liwanag ng buwan ay napagmasdan niya ang kabuuan nito.
Tulad
niya ay matipuno din ang pangangatawan nito, naka cargo shorts lamang ito at
walang saplot pangitaas. Napalunok siya ng makita ang magandang hubog ng
katawan nito. How can he possibly endure the cold? Tila nililok ang prominente
nitong mga dibdib na inenhance ga maputi at makinis nitong kutis.
Aaminin
niya sa sarili na humanga siya sa lalaking kaharap, hindi niya napapansin ito
kanina dahil sa abala siya ngunit ngayon ay nagsisisi siya dahil hindi niya
nasilayan ang kagwapuhan nito sa liwanag. May kung anong damdamin ang ginising
ng lalaking ito sa kanyang kaibuturan.
Naaaliw
na pinagmamasdan ni Eli ang lalaking kaharap. Lihim niyang iniliyad ang dibdib
ng mapansing titig na titig ito sa hubad niyang katawan.
Sa
liwanag ng buwan na tumatama sa mukha nito ay nakita niya kung gano tila nabato
balani ang kaharap, at ang makailang ulit na paglunok at pagbasa nito sa
manipis at malambot niyang mga labi.
Sumasayaw
ang may kaiklian niyang buhok na bumagay sa bilugan nitong mukha, singkiting
mga mata na kanina pa niya pinagmamasdan habang nasa bonfire pa sila kanina, tinabingan ito ng bahagyang
kapal ng mga kilay at ang saktong tangos ng ilong na siyang nagpalambot sa
snobbish nitong aura.
“Ehem…shall
we?” nangingiting putol ni eli sa nakatulala at nakatangang si Karl.
Tila
binuhusan ng malamig na tubig si Karl ng marinig ang lalaki, nanlaki ang
kanyang mga mata at salamat na lamang sa dilim at hindi nito nakita ang kanyang
pamumula.
“A…e…I
changed my mind, b-balik na lang ako s-sa grupo.”
“Ayaw
mo akong makasama?” tila batang nagtatampong turan ni Eli.
Natigilan
lamang siya at napatingin sa kanina pa nitong iniaabot na inumin. Inabot niya
iyon at tumalikod, nagpatiunang naglakad, hindi pabalik sa grupo kundi
papalayo.
“Matagal
na ba kayong magkakabarkada nila Aki?...your group is just…amazing,
nakakainggit ang barkadahan niyo.” Tanong ni Eli sa kanina pang tahimik na si
Karl habang naglalakd sila sa tabing dagat.
“Since
high school…” matipid na sagot niya. Kanina pa siya naguguluhan sa kanyang
nararamdaman. Tila ba napakagaan ng loonb niya ditto, at nagiging mas masaya
siya sa bawat minutong nagdaraan na kasama niya ito. Mayroon kung anong
ligayang hatid sa kanyang puso ang simpleng presensya ng lalaki sa kanyang tabi
habang naglalakad.
Nakakalayo
na sila sa grupo at tanging ang liwanag na lamang galling sa bonfire ang
nakikita nila mula sa kanilang kinatatayuan.
“Maupo
muna tayo dun” si Eli.
Sumunod
siya ditto, nakahanap sila ng isang driftwood na pwedeng sandalan, naupo siya
sa buhangin at kumabog ang dibdib niya ng tabihan siya ng lalaki sa pag upo.
Nilingon
niya ito at ngiti lamang ang iginanti niya rito, itinungga niya ang nalalabing
laman ng kanyang beer na hawak upang hindi nito mapansin na kinakabahan siya.
“Akala
ko driftwood patay na puno pala to” pansin ng lalaki sa sinasandalan nilang
kahoy. Napansin nga ni Karl na may mga ugat ang punong iyon na nakatanim pa sa
buhanginan.
“Pero
mabuti na rin yu para matanaw natin ang langit at walang sagabal na tumatabing
na dahon” pagpapatuloy ng lalaki.
Lihim
lang na napangiti si Karl sa kaisipang magkasama sila ng lalaking ito sa ilalim
ng bilog na buwan. Di man niya maamin ay kinikilig siya sa tila ba napapakanta
ang kanyang puso sa saya.
Under
the lovers moon…
“Did
I properly introduce my self?” baling ni Eli sa tahimik na si Karl, “I’m Eli…
Eli Marc Nolo” lahad nito ng kamay.
Inabot
niya ang kamay nito, savoring the awkward moment between them.
“Ahmm..pero
‘Balong’ tawag sakin ng mga kaibigan ko…but I hate that alias. I just hope you
won’t call me by that name” pagbiro nito.
“Balong…”
mahinang anas niyang nangingiti, “Eli Marc ‘Balong” Nolo” ulit niya sa buong
pangalan nito.
“Naks!
Memorized agad…kaso sana ‘di mo na
dinagdag yung ‘Balong’” himig pagtatampo nito, “Ikaw, you’re Karl, ayt?”
Lihim
siyang natuwa ng malamang kilala siya nito.
“Aki
told me who you are…and I guess more than what he as allowed to say,” ngumiti
ito ng may kahulugan, “he told me, you’re single…and ready to mingle?” dagdag
nito at ngumit ng napakatamis.
Napahiya
man, he made a mental note to scold Aki pag may pagkakataon.
“Hmmm..
Karl what?”
“Dapat
mu pa bang alamain pati surname ko?” sagot patanong niyang nahihiya.
“I
just want to know…b-because I might change it with mine” prangka at may himig
pagbibirong sagot ni Eli.
Napamaang
si Karl sa narinig “because I might change it with mine” tila ba ume-echo ito
sa pandinig niya.
Kumabog
ang dibdib niya at dumaloy ang kakaibang saya sa kanyang puso. Napalingon siya
sa nakangiting si Eli at pilit niyang pinipigilan ang sarili na yakapin at
siilin ito ng halik. Hindi siya makapaniwalang sa ilang minuto nilang pagsasama
ay matutunan na niya itong mahalin.
“Oy,
ano na?”
“Miing…Karl
Miing” sagot niya.
“Ming?”
amused na pagkaklaro nito.
Tumango
siya, “sound as Ming, but it was spelled with a double ‘i’.”
“ahh…
Mi-ing, Ming” patango tangong naaaliw na bulong nito. “I guess I’m right in
saying that I will change it with mine.” natatawa ito, “How does it sounds with
my surname, hah Mingming?” matunog na halakhak nito.
Nanlaki
ang mga matang napatingin siya ditto, “Ming? Mingming?” tinawag siya nitong
tila sa nagtatawag ng pusa?
Ngunit
sa halip na mainis ay nawala ang lahan ng alalahanin ng marinig ang matututnog
na halakhak nito.
“Oy
akala mo naman ang ke ganda ganda ng apelyido mo! Hmmppp…balong.” Bawing biro
niya.
Tila
walang narinig si Eli at patuloy ito sa pagtawa. Nahiga ito sa buhanginan na
hindi parin napapawi ang nakakalokong ngiti nito.
“Balong…Ming,”
pagkuway wika nito, “kinda sweet ayt?”
Napangiti
si Karl at ginaya niya ito sa pagkakahiga at huimarap sa kalangitan na tadtad
ng mga nagniningningang mga bituin.
Lumipas
ang mga sandali at tuluyan na silang nagkalagayan ng loob. Marami silang
nalaman sa bawat isa, magkatabing nakahiga, na ang init ng kanilang
pagkakadikit ang tanging panlaban nila sa lamig.
Eli
humm a melody, naramdaman niya ang paggalaw ng mga daliri nito to the rhythm of
his beating…then after a moment he sings a song that is new to his ears.
I
am hanging on every word you say
And
even if you don’t want to speak tonight
That’s
alright, alright with me
‘Cause
I want nothing more than to sit…
…
and listen to you breathing
Is
where I want to be.
Malamyos
ang mga tinig ni Eli, at dama ang emosyon sa kanyang pagkanta. He made a mental
note to search for the song and to sing it one time…for him.
Lihim
niyang pinagalitan ang sarili, God! Am I inlove with this guy? nunit napangiti
siya at kinilig.
“A
shooting star!” pabalikwas na bumangon si Eli. “come on Ming, lets make a wish”
lingon nito kay Karl. Pinagtiklop niya ang mga palad, yumuko at pumikit at
pagkuway umusal ng kanyang hiling.
Naaaliw
siyang pinagmamasdan si Eli, para itong isang bata na taimtim na nagdarasal.
Masarap sa pandinig ang pagbigkas nito ng bago niyang palayaw, hindi pa man ay
may kung ano ng saya ang hatid nito sa kanyang puso.
“Nag
wish kana ba?” maya’t maya ay baling sa kanya nito, “You don’t believe in
wishing stars, are you?” seryosong turan nito.
“I
do, I mean…nag-wish na ako.” tipid niyang sagot na titig na titig ditto.
“What’s
your wish?” seryosong tanong nito na sinalubong ang kanyang mga titig.
“I…I
w-wished…” hindi alam ni Karl kung ano ang nagtulak sa kanya upang ilapit nito
ang mukha at gawaran si Eli ng isang mahinhing halik sa gilid ng labi nito,
“…to kiss you” pagtatapos niya at agad na inilayo ang mukha.
Napatitig
lamang si Eli sa kanya at pagkuway ngumiti ito ng napakatamis. Binawi kaagad ni
Karl ang pagkakatitig at yumuko ng bahagya dahil sa pagkapahiya.
“I
can’t see it but I know you’re blushing…” tudyo ni Eli, “and you know what? Ang
lakas ko talaga kay Pareng Lord… ang bilis! My wish had been granted, agad
agad.” Tumawa ito ng mahina at sinapo ng kanyang kanang kamay ang baba ni Karl
at itinaas upang salubungin ng kanyang nanghahalinang mga titig.
“Y-You
m-mean…?” pautal at kinakabahang turan niya, “I thought pulos pagbibiro lang
ang mga pahaging mo kanina.”
Pagak
na tumawa si Eli at mabilis na ninakawan siya ng halik sa ilong, “I wished for
that kiss you know, and no, I’m serious, napansin na kita pagdating palang
naming nila Aki, and I must say…you stole my heart the moment I laid my eyes on
you.”
Speechless…tanging
lunok lamang ang naging kasagutan niya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig.
Tila mga musikang nanghehele sa kanya sa sobrang kaligayahan.
Maingat
na binawi ni Eli ang kamay at tumingalang muli, “I wish there’s more… because I
want to wish the same wish again and again.” Ibinalik niya ang tingin kay Karl
at muli ay ngumiti ito ng may pagmamahal.
Natawa
si Karl sa narinig at buong puso niyang ginawaran muli ng halik si Eli.
Saksi
ang buwan at mga bituin, ang mga alon ng dagat at himig ng mga panggabing ibon
ang kanilang tanging musika, kaalinsabay ng pintig ng kanilang mga puso. Mga
labing nasumpungan ang bawat isa, mga yakap na nagbubuklod sa mga katawang
nilukob ng pag-ibig. Pag-ibig na tanging mga pusong nagmamahal lamang ang
nakakaintindi, pag-ibig na hindi pa man lubusang tanggap ng lipunan ay kanyang
handing ipaglaban, hahamakin man ang lahat. Pag-ibig na karapatan ng sinumang
kayang magmahal.
[02]
Naging
masaya ang mga araw at buwan na nagdaan, lagi nang kasakasama si Eli sa lakaran
ng barkada. Lumipas din ang halos tatlong lingo bago nila naipagtapat ang
kanilang relasyon, na tinanggap naman ng lahat, lalo na ng kanyang pinsan na si
Carol.
At
sa pagdating ni Eli sa buhay ni Karl ay tila bang nabuhay siyang muli, bagong
siya na puno ng pag-asa at pagmamahal. Bagong Karl… si Ming.
“Ming,
need to see you there… I’ll b der b4 4pm, love you always –Balong”
Text
message ni Eli ng araw na iyon. Nangingiting naglalakad siya sa dalampasigan
patungo sa kanilang tagpuan. Nakagawian na nilang maglakad lakad sa
dalampasigan kapag papalubog ang araw at tumambay sa lugar kung saan sila unang
nagtagpo at kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan.
Alas
kwatro na at nakaupo siya sa pugad nila, sinipat niya ang telepono at may
nakitang isang mensahe, napangiti siya ng makitang si Eli iyon.
“If
you get there before I do,
Don’t
give up on me.
I’ll
meet you when my chores are through
I
don’t know how long I’ll be.
But
I’m not gonna let you down
Darling
wait and see
‘coz
between now and end
‘till
I see you again
I’ll
be loving you. Love, Me :>))”
Bahagya
siyang natawa sa istilo ng mensahe nito, Kanta ba to? Tanong niya sa sarili.
Naalala
niya ang minsang pagkanta nito ng gabing iyon, kinikilig na ibinulsa niya ang
telepono at tumayo siya at tinungo ang dalampasigan.
“I
love you too, Balong…between now and end, forever…always” bulong niya sa hangin
habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Pumulot
siya ng isang patpat na naianod sa kanyang paanan na dinala ng alon, gamit ito
ay nagsulat siya sa buhangin.
Karl
Ming
Eli
Marc ‘Balong’ Nolo
Nakangiti
siya habang pinagmamasdan ang sinulat, dinagdagan niya ito ng ‘forever’ at
napalatak siya, “Cheezy!!!” pambabatok niya sa sarili.
Bumagsak
ang isang malaking alon at dumausdos ang tubig alat sa kanyang mga paa hanggang
sa mga pangalang sinulat niya.
Nabura
ang pangalan ni Eli, napalis ang ngiti sa kanyang mga labi ng may kung anong
kaba siyang naramdaman.
Naghintay
siya ngunit walang Eli na dumating.
[03]
“Bakit
hindi ka dumating?” bungad kaagad ni Karl ng pagbuksan siya ni Eli ng pinto.
“Why
are you here?” sa halip ay balik tanong ni Eli.
Natigilan
siya sa narinig, “Balong, m-may problema ba tayo?” tanong niya ng mapagmasdang
tila wala sa sarili ang katipan at lango ito sa alak. Mapula at mugto rin ang
mga mata nito.
“I
think you’d better go” pagpapalayas ni Eli.
“No!
not unless you’re going to tell me what’s wrong?”
“W-walang
problema Karl, I just need to be alone.”
“S-since
when you started calling me with my real name?” nanggigilalas na tanong ni
Karl, may kung anong kirot sa kanyang puso ng marinig niya ito.
“I
think we better stop this Karl, we cant go on anymore." hirap na hirap na
sagot ni Eli, sa kanyang mga mata ay ang pagbalong ng mga luha.
“I-I
don’t believe you,” tila pinipiga ang pusong pagtatatwa niya sa mga anrinig,
nahulog na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
“Tell
me you didn’t mean it, you’re lying ayt, Balong?”
“No
Karl, hindi na dapat natin ipagpatuloy ‘to" hilam sa luhang bulong nito.
“H-hindi…’
isang hakbang at niyapos niya si Eli at siniil ng halik, madiin, marahas.
Hinugot
ni Eli ang buong lakas bago pa man gapiin ng sariling damdamin, itinulak niya
si Karl at napapikit na umatras.
Nagitla
si Karl sa lakas ng pagkakatulak ni Eli.
“B-balong…?”
puno iyon ng hinanakit. Nanlulumong tumalikod siya at tinungo ang pinto
papalabas, nilisan niya ang humahagulgol na si Eli.
[04]
“Don’t
worry Ming, he’ll be here” ang kanyang pinsan, “Aki told me na pupunta siya.”
Hindi
siya umimik, nanatili siyang nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa papalubog ng
araw. Ilang minuto din siyang sinamahan ni Carol, walang imikan at
nagpapakiramdaman lamang.
Mag
iisang buwan na mula ng maghiwalay sila ni Eli. Isang buwan na hindi niya ito
nakikita o nakakausap man lang, naputol ang komunikasyon nila mula ng gabing
iyon.
“Carol!
Tawag ka ni Raffy” si Nel habang papalapit sa kanila.
Tumayo
ang pinsan at marahan siyang tinapik sa balikat, naupo si Nel sa tabi niya at
iniabot dito ang isang bote ng beer.
“Ang
ganda ng sunset ano?” turan nito pagkalipas ng ilang sandali, “It always
promised a better tomorrow…” pagpapatuloy nito. “That’s why I love sunsets
better than sunrises, hindi lang dahil mas maganda siya, but because it always
makes me feel the hope it projects. It promised, in a most beautiful way that
when its gone, after the dark, it’ll come back.” Tila may kung anong inaalala
si Nel habang binibigkas iyon.
Napalingon
siya sa kaibigan, hindi niya naisip ang mga bagay na iyon. Lagi lang niyang
ninanamnam ang kagandahan ng papalubog na araw and he looks forward for it to
be engulfed by the sea, coz when it did, stars will shine.
Stars…
Napatigil
siya sa pag iisip, “Balong…” bulong niya.
Napatingin
lang sa kanya ang hindi na niya pinapansing kaibigan, naramdaman na lamang niya
ang mahinang pagtapik at pagpisil nito sa balikat niya.
“Magiging
okay din ang lahat” anito at tumayo.
Ilang
saglit lang pagkaalis ni Nel ay naramdaman niyang may nakatayo sa tabi niya.
“You’re
playing our song,” Si Eli, pansin nito sa pinapatugtog niyang kanta sa kanyang
cellphone.
Napatingala
siya dito, dagli siyang nagulat ng mapagmasdan ang lalaking minamahal. Humpak
ang mga pisngi nito at malaki ang inilaglag ng kanyang katawan.
“Ming,
care to walk with me?”
Tila
nawala lahat ng galit niya ditto, tumayo siya at inabot ang nakalahad nitong
mga kamay. Magkahawak kamay na naglakad sila sa dalampasigan patungo sa
paborito nilang lugar.
His
fingers filled the spaces between his, the warmth radiating from his palm is
enough comfort for his wounded heart.
“I’m
sorry about what happened…”
“I’ts
okay, alam ko naman na hindi mo sinasadya ‘yon” nagulat siya sa sarili dahil sa
bilis nitong magpatawad, marahil ay dahil alam niya sa kanyang puso na mahal
siya nito.
Tahimik
silang muli hanggang marating nila ang kanilang pugad, naupo silang magkatabi
at ginagap muli ni Eli ang kanyang mga kamay at hinagkan ang likod ng palad
nito.
“Ang
ganda ng sunset ano?” si Eli.
Napangiti
siya sa narinig dahil pangalawang beses na niyang narinig ang tanong na iyon.
“The
most beautiful goodbye… but it promises a better tomorrow” ulit niya sa mga
salita ni Nel bilang kasagutan ditto.
Natahimik
si Eli at pinagmasdan lamang ang malapit ng lamunin ng dagat na araw.
“Are
you afraid of goodbyes, Ming?” seryosong tanong nito, hindi niya parin inaalis
ang tingin sa papalubog na araw.
Napatingin
siya ditto, His beauty was outlined by the glow of the sun. Napalunok siya at
nakaramdam ng kaba, tuluyan na bang makikipaghiwalay sa kanya si Eli?
“B-because…I,
I a-am…” pagpapatuloy ni Eli sa garalgal na boses.
Lumingon
siya kay Karl at nakita ng huli ang paghihirap ng kalooban nito.
Teary
eyed, he held his gaze and with the softest yet cracked voice he said, “Ming I
have AIDS.”
[05]
Diretcho
ang pagkakasabi niya rito, tila isang bomba sa pandinig ni Karl, namutla siya
at ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang mga narinig. Sa huling liwanag na
nagmumula sa araw na tumuyan ng nagtago sa kabilang dako ng karagatan, ay
nakita niya kung papaanong naghihirap ang kalooban ni Eli.
“B-Balong…’wag
kang magbibiro,” pautal n’yang wika, umaasa siyang dinadaya lamang siya ng
pandinig.
Napapikit
si Eli, “Sana nga biro lang ang lahat,” pinunasan nito ang mga luhang pilit
niyang pinipigilan sa pagpatak.
Sapat
na ang mga narinig at nakita niya upang tuluyanng bumigay ang damdamin ni Karl.
Niyakap niya si Eli, buong higpit na tila ba sa yakap na iyon ay magigising
sila sa isang napakasamang panaginip.
Yumugyog
ang mga balikat at impit ang naging pagtangis ni Eli, dama ni Karl ang takot
para sa kanya…para sa kanila.
Matagal
silang magkayakap at tanging mga hikbi lamang ang naririnig. Madilim na ang
paligid at sa kalangitan ay saksi ang buwan at mga bituin sa isang nagugupong
pangarap na minsan din ay binuo sa ilalim ng mga ito.
Nang
mahimasmasan ay nahiga ang dalawa sa buhanginan. Parang kalian lang, at the
same spot they were very happy gazing up to heaven, weaving their dreams…their
future together. Eli lying on his arms whiles his’ wrapped around his body,
dama nang bawat isa ang pintig ng kanilang mga puso.
Napapikit
si Karl sa alaalang iyon, ginawaran niya ng halik ang ulo ni Eli na nakaunan sa
kanyang braso.
“That
was when you decided to break up with me, ayt?” tanong ni Karl, nakagaan sa
kanilang mga pakiramdam ang ilang minutong pagbuhos ng emosyon.
Naramdaman
niya ang pagtango ni Eli bilang kasagutan.
“Why
did you do that? Akala ko ba walang lihiman, and alam mo na kahit anong
mangyari hindi kita iiwan” tila wala sa sariling litanya niya.
“I
want you to have a check up as soon as possible” sa halip ay sagot ni Eli.
“Yeah…I
know and I’m ready sa kahit anong resulta” hindi alam ni Karl kung saan
nanggagaling ang lakas ng kanyang loob na sa kabila ng kaisipang maaaring
nahawa siya ay handa siyang suuingin ang hinaharap, hanggat kasama niya si
Eli…ang kanyang si Balong.
“I
know you didn’t have it, I can feel it… and hindi pa man, I thank God” seryoso
si Eli sa pagkakasabi nito.
Hindi
siya sumagot sa halip ay pinisil niya ang balikat nito at hinagkan ang buhok.
“A
shooting star!” sigaw ni Eli, at tulad ng dati, tila nawala ang lahat ng
dinadamdam nito at naupo upang humiling.
Bumangon
din siya at inusal ang kanyang hiling, nilingon niya si Eli na taimtim parin sa
pag-usal sa kanyang hiling. Napangiti siya, tulad parin ng dati ang kanyang
lalaking pinakamamahal, tila isang bata na habang inuusal ang kanyang hiling.
“Shooting
stars always make you happy, Balong,” a statement not a question, lumingon ito
sa kanya at tila ba nanumbalik ang kislap sa mga mata nito.
Lumunok
siya upang tanggalin ang namumuong bikig sa kanyang lalamunan, na kung hindi
niya gagawin iyon ay alam niyang hahagulgol siyanmg muli. Kailangan niyang
maging malakas para kay Eli, para sa kanila.
Si
Eli na siyang lakas niya, si Eli na mapagbiro at makulit, si Eli na animo’y
bata, si Eli na mahal niya higit kaninuman, si Eli…si Balong na mawawal-
Napatigil
siya, hindi niya lubos maisip na mawawala sa kanya si Eli. Why it have to be you,
Balong? Tanong niya sa sarili.
“What’s
your wish?” the question is nostalgic.
Tinitigan
niya si Eli at buong pagmamahal na hinagkan sa labi. Alam niyang hindi
nakakahawa ang halik, ngunit kung magkaganoon ma’y wala siyang pakialam,
sinusunod lamang niya ang dikta ng puso at isipan.
“I
wish you’ll get well. Sana gumaling ka para magsasama pa tayo ng matagal…”
bulong niya ng putulin niya ang halik, “And I wish panaginip lang ang lahat ng
ito, na bukas paggising natin… w-wala ka ng sakit.” Garalgal na ang kanyang
boses sa huling mga salitang tinuran.
Eli
smiled bitterly, “Oh…that’s not counted! It should be for yourself, h-hindi
para sa ‘kin. That’s the idea of wishing, ayt Ming?” pilit pinapagaan nito ang
nararamdaman ni Karl.
Tumikhim
siya upang tanggalin ang bikig sa kanyang lalamunan at ngumiti kay Eli, a smile
that did not reach his eyes, “Balong, I’ve got mine granted already. I kissed
you.”
“Ahaha…Okay.
Hmmm you’ll better watch out for more shooting stars, because starting tonight
I won’t give my kisses for free anymore” pagbibiro nito ngunit may himig
katotohanan.
“Ikaw
ano hiniling mo?”
Napalis
ang ngiti sa mga labi ni Eli at sumeryoso ito.
“Huwag
mo nang alamin…it won’t come true anyway” nababanaag ang lungkot sa boses nito.
“Matutupad
‘yon, diba malakas ka kay Pareng Lord?” mga salitang parang kalian lang ay
siyang binibigkas nila.
“I
doubt…” ngumiti ito, and his hand filled his’.
[06]
Hindi
naging madali ang mga nagdaang araw at buwan sa buhay nina Karl at Eli. A
roller coaster of emotions, napag-alaman nilang negative si Karl at mula noon
ay mas naging maingat si Eli. Maging ang halik ay ipinagkakait na nito kay
Karl.
"I
can’t afford to share this curse with you, Ming” paliwanag nito. Hirap man sa
kalooban ay naiiintindihan ni Karl iyon, at alam niyang hindi lamang sa halik
naipapakita o naipaparamdam ang tunay na pagmamahal.
“Can
you promise me one thing Ming” isang araw ay turan ni Eli, habang nakaratay sa
hospital. Humina na ang katawan nito at madali ng kapitan sakit at impeksiyon.
“Do
I have a choice?” nangingiting sagot niya, habang hinahaplos nito ang likod ng
palad niya habang hawak hawak.
Humugot
ito ng malalim na paghinga, “When I die, I want you to find someone new.”
Napatigil
si Karl sa ginagawa, “I don’t want to lock you up on our memories… I don’t want
you to live alone.”
Tahimik
lamang si Karl dahil alam niyang kahit isang salita niya lang ay bibigay na
siya.
“Ming,”
mahinang wika ni Eli, “You’ll find someone, ayt?” ngumiti ito, malalim at wala
na ang dating kislap ng mga mata nito.
“H-how
can you say that? Sino b-ba ang nagsasabi sayo na iiwan mo ako?” an obvious
lie, dahil alam niyang maging siya ay hindi niya pinaniniwalaan ang mga sinabi.
“Ahaha…gaya
nga ng sabi mo, Ming, you don’t have a choice.” Pagak na pagtawa nito “Just
promise me…and youll know when you’ve
got my blessings” matalinghagang pagpapatuloy nito.
“Will
you stop it, Balong?!” nanlalaki ang mga matang napatitig siya kay Eli, “Ayoko
nang makinig sa mga sasabihin mo.”
Sumilay
lamang ang ngiti sa mga labi ni Eli, and he started humming their song, at
times he heard him singing some lines.
‘Cause
I am hanging on every word you say
And
even if you don’t want to speak tonight
That’s
alright, alright with me…
Pinagmamasdan
ni Karl si Eli, nangingilid ang mga luhang dinala niya ang kamay nito sa
kanyang pisngi at dinama ang init nito, ginawaran niya ng mahinhing halik.
‘Cause
I want nothing more than to sit
Outside
your door and listen to you breathing…
He
humm. Is where I want to be…
After
a while he whispered again, “There’s more,” he paused, “Ming, promise me that
you won’t be here with me when I breathe my last. I don’t want you to see me
die, I-I am afraid of goodbyes.”
“How
could you say such things?!” gitlang sagot ni Karl, hindi siya makapaniwala sa
kahilingan nito.
“And
remember the first time we met?” ngumiti ito ng malamlam at animoy bumalik sa
nakaraan, “I want you to remember me that way. Sitting beside you…inlove,
happy…healthy. I want you to remember our kiss, the first time I reached
through your soul. R-remember me that way, Ming. Remember the moment we were
living in a dream…in a wishful night…in love.”
“S-Stop
it, Balong!” nanginginig ang mga boses na pagtutol ni Karl.
“Just
promise me…” mahinang pagsasawalang bahala
nito sag galit niya. Pumikit siyang muli and again he humm their song
hanggang sa gapiin na siya ng antok.
[07]
Hindi
naging madali para kay Karl ang lahat, sa bawat araw na lumilipas ay para bang
unti unti ding namamatay ang kanyang puso. Napabayaan na niya maraming bagay,
maging ang sarili ay hindi na niya naaasikaso.
Tanging
ang mga kaibigan at pamilya niya at ni Eli ang siyang nagbibigay ng lakas ng
loob sa kanya upang hindi siya bumitiw.
Ilang
linggo din siyang walang pahinga, pinauwi siya nila Carol at Raffy upang
makabawi ng tulog at lakas. Umayaw man ay si Eli na mismo ang humiling na
magpahinga naman siya.
Pangatlong
araw na niyang hindi dumadalaw sa hospital, sinadya din nila Carol na hindi
siya tinetext sa mga nangyayari, ngunit alam naman niyang ipapaalam sa kanya
kung mayroon mang mangyayari na dapat niyang malaman.
Dalawang
gabi ngunit tila napakatagal na ng wala si Eli sa tabi niya, dalawang gabing
hindi rin nagagapi ng pagtulog ang mga sakit at agam agam niya sa kalagayan ng
lalaking pinakamamahal.
Nakaupo
siya sa veranda ng kanilang bahay at nakatanglaw sa mga bituin, ilang bote na
rin ng beer ang nauubos niya ngunit sadyang hindi siya dinadalaw ng antok.
Hindi rin niya mapigilan ang pagbalong ng mga luha sa tuwing inaaalala ang mga
nakaraan nila ni Eli, the stars are the living witnesses of their love, the
love that is on the edge of falling… tila sasabog ang puso sa damdaming kanina
pa gustong lumabas.
“W-Why?”
mahina at puno ng pait ang boses niya, “Ang d-dadaya niyo!” pagkuway pasigaw
niyang turan habang nakatinagla sa langit at hilam ng luha ang mga mata.
“Di-diba…d-dapat
tinutupad niyo ang mga kahilingan? B-bakit ganon, Why?..bakit niyo pa siya
binigay sa akin kung kukunin niyo lang din naman!? Madaya k-kayo…” napahagulgol
siyang sinapo ang mukha habang nakaluhod.
“H-Hihi-..ling
a-ako…at p-pangako, huling kahilingan na lamang. I-ibalato niyo na siya sa
akin, parang awa niyo na, k-kunin niyo na ang lahat…lahat lahat…w-wag lang
siya, ‘wag lang si B-Balong.”
Basa
sa pawis at luha habang nakikiusap siya sa mga tala.
The
stars just reflected their glow on his tears, na tila ba nakikidalamhati ang
mga ito sa kanyang paghihirap.
Ipinikit
niya ang mga mata, inusal ang dasal at ang hiling na kahit sa konting pag-asa
na maaring ipagkaloob sa kanya ng mga bituin ay kanyang panghahawalan.
[08]
Ayaw
tumigil sa pag ring ang kanyang telepono, masakit pa ang ulong iminulat niya
ang mga mata, alas tres palang ng madaling araw. Si Carol, ang tumatawag.
“H-Hello
Carol,” wala sa sarili ngunit kinakabahang sagot niya.
Sapat
na ang mga narinig upang mapabalkikwas siya ng bangon, at ilang sandali lamang
ay tinatakbo na niya ang pasilyo ng hospital.
Sinalubong
siya ni Carol.
“Karl,
I think you shouldn’t go inside his room, hindi mo magugustuhan ang makikita
mo… he’s dying, Karl…and I think he can’t make it anymore. Pangatlong beses na
niyang nag-arrest since yesterday, we didn’t call you because he didn’t want
to” mahabang pagpapaliwanag nito, sa likod niya ay sina Aki at Raffy na inaalo
ang umiiyak na sina Judy at ina ni Eli.
“What
happened?” si Nel humahangos paparating.
Tila
wala na siyang narinig ng bumukas ang pintuan ng ICU at iniluwa nito ang
duktor.
“Mrs.
Nolo, he’s stable for now…” narinig
niyang wika nito, “Misis pwede ko ho ba kayo makausap ng sarilinan?”
Tila
pinipiga ang puso ni Karl habang hindi siya natitinag sa kinatatayuan, sapat na
ang mga nakitang paghagulgol ng ina ni Eli at ang narinig mula sa duktor upang
maintindihana niyang panahon na para pakawalan si Eli.
“DNR”
tatlong letrang tila pumipigil sa pagtibok ng kanyang puso.
Gusto
niyang sumigaw at sisihin ang Diyos sa nangyayari ngunit walang boses na
lumalabas sa may bikig niyang lalamunan. Hindi parin kayang tanggapin ng
kanyang puso ang katotohanan.
Inihakbang
niya ang mga paa papalayo, sari saring emosyon ang nagaalinsabay na kanyang
nadarama. Walang luha sa kanyang mga mata, tanging mapait na ngiti lamang ng
‘di pagtanggap ang namumutawi sa kanyang mga labi.
Ilang
oras din ang nakalipas bago siya naglakas ng loob na bumalik sa loob ng hospital.
Mabibigat ang mga hakbang na nilalakbay niya ang pasilyo na wari ba sa bawat
hakbang niya papalapit sa ICU sy unti unti ring nawawala ang kanyang lakas.
Sa
labas ng ICU ay ang mga kamag-anak ni Eli at kanyang mga kaibigan na inaalo ang
isa’t isa.
Sinalubong
siya ni Carol, “Nel’s inside…a-after him, it’s your turn” lihim siyang nainggit
dito kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob.
Gustong
dayain ni Karl ang mga narinig, hindi niya sukat akalain na sa ganitong uri ng
pamamaalam ang kanyang kahaharapin.
Tila
robot na pinihit niya ang doorknob, hungkang ang kanyang pakiramdam, hindi pa
man ay ramdam na niya ang puwang sa kanyang puso.
Nilingon
siya ni Nel, pinahid nito ang mga luha at ngumiti sa nakatayong tila tuod na si
Karl.
Tumango
siya bilang sagot sa malungkot na ngiti nito, nilapitan siya nito at dagling
niyakap.
“Ming,
it’s time to let go…alam kong, i-ikaw na lang ang hinihintay niya.”
Lumunok
siya sa kawalan ng masasabi at umiikot niyang mundo ay narinig niyang muli ang
mga salita ni Eli, “Ming, promise me that you won’t be here when I breath my
last…I am afraid of goodbyes.”
Naputol
ang kanyang pagbabalik tanaw ng marinig niya ang sunud sunod na pagtunog ng
respirator. Ramdam ng bawat tibok ng kanilang mga puso ang bawat isa, na tila
ba iyon na ang huli. Rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Nel at tinakbo
pabalik ang kama ni Eli.
Namumutlang
nanigas ang mga pang napako si Karl sa kinatatyuan, sa utak niya ang pabalik
balik na salita ni Eli at ng duktor, “DNR”
Nagkakagulo
sa loob ng kwarto, pumasok ang kanyang mga kaibigan at pamilya ni Eli. Tila
isang panaginip na malabo ang pagkakarehistro ng lahat sa kanyang utak,
nakatayo siya sa dilim at tanging ang mga tibok ng puso lamang ang kanyang
naririnig na papalayo ng papalyo sa kanya.
“Ming!
Ming…!” yugyog ni Nel sa kanya. Natauhang bumalik sa realidad si Karl, inilinga
niya ang tingin sa kama kung nasaan si Eli, wala na ng tunog at dagling
nakabawi ito, dahil muli naging regular ang paghinga.
“Ming!
The hell with what he said!” sigaw ni Nel, maliban kay Carol ay ito ang
nakakaalam sa kahilingan ni Eli na dapat ay wala siya sa araw ng kamatayan
nito. “..the hell with what he said! H-He needs you, he’s waiting for you!”
hilam ng luhang bulyaw nito sa tila nananaginip na si karl. “you know what he
really want? What he wished that night? Damn, karl! He wished that you’ll never
leave him until his dying day!” desperadang pagtatapat nito.
Tila
nailipad ang kanyang isipan sa gabing iyon.
“What’s
your wish?”
“I
wish you’ll get well…para matagal pa tayong magsasama”
“Ikaw
ano hiniling mo?”
“Wag
mo nang alamin… it won’t come true anyway”
Tila
isang sampal sa kanya ang lahat.
“Ming
promise me that you won’t be here when…” a lie, he lied.
[09]
Tahimik
at payapa ang paghinga ni Eli, hawak niya ang kamay nito. Ilang minuto siyang
nakatitig rito at pilit tinitikis ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.
His
fingers filled the spaces between his’, the warmth radiating from him gives
life to his marble cold hands, so stiff, lifeless.
Lumunok
siya ng ilang ulit at sa garalgal na boses ay sinambit niya ang mga salitang
minsang sinabi nito sa kanya.
“B-balong…If
you get there before I do,
Don’t
give up on me…
I’ll
meet you there when my chores are through,
I-I
just don’t know how long I’ll be.
A
tear fell, I won’t gonna let you down,
Balong
wait and see,
Coz
between now and end
U-untill
I-I see you again
I’ll
be loving you…
“It’s
time to go, Balong…m-magpahinga ka na.”
He
shut his eyes tight, the pain is just so real.
I
want nothing more than to sit
Outside
Heaven’s door and listen to you breathing
Is
where I want to be
“Until
I see you again…” bulong niya at yumuko siya upang gawaran ito ng halik na
ipinagkait na niya rito ng matagal na panahon.
A
sweet passionate kiss, “I Love You…” he whispered. His tears fell on his cheeks
as he painlessly breathed his last.
[Finale]
Present
Day
July
23, 2011
“Ming
na’andyan kaba?” si Carol papalapit sa nakahigang si Karl. Dali dali niyang
pinahid ang mga luhang bumasa sa kanyang pisngi. Tumikhim siya upang sagutin si
Carol at upang tanggalin ang namuong bikig sa kanyang lalamunan.
He
smiled bitterly, kakatwang isipin na ang nakaraan ng halos walong taon ay
kayang pagkasyahin sa ilang minuto lamang ng pagbabalik tanaw.
Walong
taon na kayang ibalik ng simpleng haplos ng hangin sa dalampasigang itinakwil
na niya. Eight years yet the pain is as fresh as it has been. Eight years and
his heart still beats the love it once have, and it grew stronger with every
day that passed. Eight years since that final kiss, eight years since he ceased
on believing in wishing stars. Eight years…he never looked up in the sky at
night, not until tonight.
“Ming
halika na…” si Carol, nag aalinlangan ang kanyang boses, “a-are you okay?
S-sabi ko naman kasi sayo sa ibang beach nalang tayo.”
“I’m
okay cuz,” sambit niya pagkatapos niyang bumuntunghininga. Wherever I am, even
on
different beach, I’m still down in the same sky...where the stars are, turan
niya sa sarili.
Tumayo
siya at pinagpag ang mga buhangin sa katawan.
“Nel’s
here, humabol siya and he’s with two friends” Tahimik lamang siyang sinasabayan
si Carol sa paglalakad pabalik.
I
am hanging on every word you say
And
even if you don’t want to speak tonight…
Habang
papalapit sila sa bonfire, he thought he is hearing their song. Natanaw niya si
Nel at ang dalawang lalaking kasama nito, isa sa mga lalaking iyon ang pumukaw
sa kanyang pansin.
Let
me feel one more time
What
it feels like to feel
And
break these calluses off me
A
familiar voice, tumigil ang lalaki sa pagkanta habang sinasabayan ng gitara ni
Ed, ng Makita nitong papalapit sila Karl. Ngumiti ito, tumayo at pinagpag ang
buhangin sa kanyang cargo shorts at lumapit sa paparating na si Karl.
Pamilyar
ang mga ngiti, may kung anong ibang pakiramdam siyang nadarama habang papalapit
ang lalaki.
“Hi,
I heard so much about you…” baritonong tinig nito na nagpalukso sa kanyang
puso, boses na nakatatak na sa kanyang puso’t isipan.
“I’m
Mr. Baleno Callion Go…” lahad nito ng kanyang kamay, at muli ang mga ngiting
iyon.
“Dapat
talaga kumpleto?” tukso ni Nel, ang tinutukoy nito ay ang pagpapakilala nito ng
pangalan.
May
mga narinig siyang hiyawan at panunukso sa paligid sabay ng nakabibinging pag
strum ni Ed ng gitara.
Nakatitig
lamang siya sa lalaki, alanganing ngumiti siya at inabot ang nakalahad na kamay
nito. Sa halip na makipagkamay ang lalaki ay dinala nito ang kamay niya at
ginawaran ng isang masuyong halik ang likod ng palad nito.
The
warmth radiated from the kiss crawls inside him in an instant. The familiarity
of it made his heart skip a beat. The southern breeze touches his cheeks and a
familiar scent reached his nostrils. He felt the spaces between his fingers
filled with the warmth it used to feel, and a silent utter from the waves that
said “I am here”
He
looked up again at the guy, “Ang lakas ko talaga kay pareng Lord, my wish had
been granted…I saw you smiled.” turan nito, ngunit sa kanyang pandinig ay tila
ba bumalik ang mga salitang kinalimutan na niya.
“…just
promise me, and you’ll know when you’ve got my blessing.”
Binawi
niya ang kamay at ipinikit niya ang mga mata, he shut it tight, the breeze blew
again but this time on it’s final kiss and he heard him saying his goodbye.
He
opened his eyes and a shooting star fell overhead.
-end-
No comments:
Post a Comment