By: emray
Source:
bulonghangin.blogspot.com
annexb.wordpress.com
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com
Unang
Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/
Isa
– Dalawa – Tatlo – Apat
“Mart,
Congrats pare! Ilang oras na lang!” maligayang bati kay Martin ng isa niyang
bagong kaibigan.
“Oo
nga eh! Kinakabahan na ako ng sobra.” sagot naman ng binata.
“Iba
ka na talaga pare!” bati ulit nito sabay tapik sa likod ni Martin.
Isang
matipid na ngiti lang ang itinugon ni Martin sa bating iyon ng kaibigan niya.
Pagkaalis nito ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip ang binata. “Anim na
taon na din pala!” wika niya kasunod ang isang malalim na buntong-hininga.
Inilingon niya ang mga mata sa dakong walang tinutunton at muling nabalik sa
kanyang alaala ang anim na taong nakaraan.
“Martin!”
sabi ng lalaking kanina pa nakabuntot sa nag-iisang binata sabay hawak sa likod
nito.
“Cris.”
sagot ni Martin saka napayakap sa binata. “Bakit ganuon?” tanong pa niya saka
unti-unting dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.
Hinigpitan
ni Cris ang yakap sa binata at inalo ito. Hindi man niya batid ang hirap na
dala ay alam niyang kailangan ni Martin ng isang kaibigan.
“Akala
ko ayos na ang lahat, pero bakit biglang ganito ang nangyari?” tanong pa ni Martin
sa binata. “Akala ko si Kuya Perry na ang soulmate ko, pero bakit iba na ang
nangyari?” tanong pa ulit nito.
“Martin!
Ssshh” pang-aalo pa ulit ni Cris. “May mga bagay lang talaga na akala mo iyon
na pero hindi pa pala.” tila pagpapayo pa nito.
“Pero
Sir Cris! Napakasakit!” sabi pa nito. “Mahal ko si Kuya Perry at kaya ko siyang
ipaglaban, pero kung iisipin kong may isang bata ang masisira ang pamilya dahil
sa akin, nanghihina ako!” sumbong pa ni Martin.
“What
do you mean?” tila naging interesado ang binata sa sumbong ni Martin.
“Sir
Cris! Nakabuntis si Kuya Perry at bestfriend ko pa! Ang sakit, kasi akala ko
may direksyong maganda itong pesteng pagmamahalan namin pero bakit ba bigla na
lang nagkaganito.” sumbong pa ulit ni Martin.
“Sige
Martin! Iiyak mo lang yan. Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo.” Lalong
higpit pa na yakap ang ibinigay ni Cris.
Maya-maya
pa at tumahan na si Martin, pahikbi-hikbi ngunit makikita mo na kahit papaano
ay may paggaan sa pakiramdam.
“Ahh
Martin!” si Cris ulit sa pagbasag sa katahimikan.
“Bakit
Sir Cris?” tanong ni Martin.
Isang
malalim na bunting-hininga bago muling nagsalita. “Sumama ka sa akin,
gagantihan natin si Fierro.” saad ni Cris saka tumingin ng diretso sa mga mata
ni Martin.
“Wait
lang ah!” nag-aalangang tugon ni Martin. “Nahihirapang mag-process ang utak ko
eh. Pakilinaw.” sabi pa ng binata.
“Sumama
ka sa akin! Pagtulungan natin si Fierro. Ibalik mo sa kanya ang lahat ng sakit
na pinadama niya sa’yo ngayon. I mean, gumanti ka, pahirapan mo siya,
pagbayarin mo siya.” paglilinaw ni Cris.
Napangiti
naman si Martin sa suhestiyon na iyon ni Cris. “Maganda sana, kaso…” biting
sabi ni Martin.
“Kaso
ano? Hindi mo kaya kasi mahal mo si Fierro? Kasi hindi mo kayang makitang
nahihirapan si Fierro? Kasi naaawa ka sa bestfriend mo? Kasi may inosenteng
madadamay? Kasi ano Martin?” tanong Cris. “Martin! Sinaktan ka nila! Ginago ka,
winalanghiya ka, tinarantado ka.” mabibigat pa nitong paratang.
“Pero
hindi tamang gumanti ako. Oo, nagkamali sila pero ginusto ba nila iyon? Hindi
ako martir pero alam ko namang hindi ako makakamove-on kapag gumanti ako. Hindi
din naman siguradong sasaya ako kung gaganti ako. Alam mo iyon? Lalo ko lang
pahihirapan ang buhay ko kung gaganti ako at ako na mismo ang nagtanggal ng
karapatang sumaya ako kung gaganti ako at magtatago ng sama ng loob. Hindi ako
magiging Masaya kung dito sa puso ko may itinatagong paghihiganti.” paliwanag
ni Martin.
“Ano
yun Martin? Hahayaan mo na lang iyon?” tanong ni Cris.
“Oo!
Basta sana maging masaya sila, kasi ako pipilitin kong maging masaya.” sabi ni
Martin.
“Papaano
ka magiging masaya Martin! Sabihin mo nga?” tanong ni Cris.
“Magiging
masaya ako kung hahayaan ko silang maging masaya at tatanggapin kong magiging
masaya sila.” sagot ni Martin. “Gets mo ba?” tanong pa nito.
“Bahala
ka na nga.” sagot ni Cris.
“Hindi
ko ala kung ano ang kwento sa inyo ni Fierro, pero sa tingin ko ay talagang
malalim. Sana kung anuman iyang away na iyan, kalimutan mo na lang at hayaan
mong manahimik ang buhay ninyo. Walang maidudulot na matino iyan, kung puro
pagganti na lang ang naiisip mo.” tila pagpapayo ni Martin.
“Martin!
Ewan ko na lang sa’yo.” hindi makapaniwalang sabi ni Cris. “Pero sana tanggapin
mo naman ang pagmamahal ko sa’yo.” sabi pa ulit ni Cris. “Mahal na mahal kita!
Simula nung una kitang makilala hanggang ngayon. Gusto kitang mayakap ulit,
alagaan at protektahan. Kahit na ilang taon na ang lumipas Martin, ikaw lang talaga
ang may kakayahang patibukin at palambutin ako.” sabi pa ni Cris.
Nanatiling
tahimik si Martin na sa wari ba ay pinipilit unawain kung ano ang nais sabihin
ni Cris.
“I
know, naguguluhan ka.” simula ulit ni Cris. “Remember Topher?” tanong ni Cris.
“Iyong batang mahilig bumato sa’yo ng bayabas?” tanong ulit ng binata.
“So,
I suppose ikaw si Topher.” may kung ano sa tinig ni Martin na nagpipilit maging
masaya.
“You
got it right!” sabi ni Cris.
“Yeah,
alam ko, kasi itatanong mo ba kung naaalala ko iyon kung hindi ikaw iyon!”
sagot ni Martin na may pilit na pilit na ngiti.
“Pwede
naman! Ako iyong pinsan ni Topher o kaya kapatid.” may ganting ngiti na sabi ni
Cris.
Kahit
gaano kaganda ang ngiti ni Cris ay tila nananariwa pa din ang pait sa puso ni
Martin.
“Bakit,
nakilala ko ba iyong pinsan mo o kapatid?” may pagkasarkastikong sagot ni
Martin na halatang pinipilit umarte para lang mapagaan ang sitwasyon niya.
“Martin,
huwag mo nang piliting magpanggap.” sabi ulit ni Cris saka hinaplos ng kamay
niya ang mga luha ni Martin sa pisngi. “Hayaan mo akong tulungan kang
makamove-on. Hayaan mo akong tulungan kang makalimot, hayaan mo akong pumalit
kay Fierro sa puso mo.” pakiusap ni Cris.
“Sorry
Sir Cris!” sagot ni Martin. “Pero hindi pa ako handing umibig ulit. Walang makakapalit
sa puwang na iiwan ni Fierro sa puso ko.” saad ni Martin saka tiningnan sa mga
mata si Cris.
Pakiramdam
ni Cris ay sinampal siya ng isang milyong tigpipiso sa sinabing iyon ni Martin.
“Ayokong
kumuha ng panakip butas Cris! Ayokong maging panakip butas ka, kasi alam kong
may mas magandang buhay na naghihintay sa’yo. Alam kong hindi ako ang talagang
mahal mo, natali ka lang sa alaala nang nakaraan. Natali ka lang sa alaala
natin dati.” paliwanag pa ni Martin. “Dahil ang totoo, hindi mo ako kayang mahalin
dahil hindi pa nababakante ang puso mo sa galit, poot at paghihiganti. Una mo
munang palayain iyon bago mo masabing nagmamahal ka at mahal mo nga ako.” sabi
pa ng binata. “Kung sasabihin kong mahal kita at maging tayo nga, lalong
imposibleng maging maayos ang relasyon ninyo ni Fierro.”
“Bakit
ba Martin kakaiba ka?” komento ni Cris. “Alam ko kung gaano kita kamahal pero
iba ka! Iba kang mag-isip, iba kang bumanat, iba ka sa lahat!” dagdag pa ng
binata. “Pero sigurado akong mahal kita. Oo, natali ako sa alaala ng nakaraan
dahil sa tuwing maaalala ko iyon, lumulundag ang puso ko. Alam mo bang inalis
mo ang kalungkutan ko? Sa tuwing napipikon ka, pakiramdam ko mahal mo ako kaya
ka napikon. Sa tuwing kakausapin kita dati, sa tuwing tatawagin mo ang pangalan
ko, sa tuwing makakasama kita! Ang daming magagandang bagay ang pinagsamahan
natin Martin! Bakit ba hindi mo masabing mahal mo na din ako?” naluluhang saad
ni Cris.
“Naguguluhan
ka lang Cris! Naguguluhan ka lang!” sabi ni Martin. “Pero sana Cris! Pilitin mo
at pag-aralan mong magpatawad. Patawarin mo na si Fierro, palayain mo na iyang
galit sa puso mo, palayain mo na iyang bitterness na nararamdaman mo.” sabi pa
nito.
“Martin!
Hindi ko alam, pero kakaiba ka talaga.” komentong paulit-ulit ni Cris. “Imbes na
magalit ka kay Fierro at Danielle, sinisimulan mo nang magpatawad at mas
iniisip mo pa din ang kapakanan ni Fierro kaysa sa sarili mo at pilit mong
inilalapit ang loob ko sa kanya.”
“Siyempre!
Ako kasi ang bida sa kwentong ito kaya dapat magbait-baitan ako.” may pilit na
pagpapatawa kay Martin kahit na sa kalooban niya ay may sakit.
“Sige!
Pipilitin kong palayain na ang galit sa puso ko! Para mapatunayan ko sa’yong
mahal talaga kita.” sagot ni Cris saka niyakap si Martin.
Ikalawang
Bahagi: /ee-ka-la-wang/ - /ba-ha-gee/
I
– II – III – IV
“Saan
na ang punta mo n’yan?” tanong ni Cris kay Martni. “Tara, ihatid na kita
pag-uwi.” aya pa ng binata dito.
“Uuwi?
Ako? Handan a ba akong makita si Kuya Perry? Handan a ba ulit ang puso kong
higit na masaktan?” bulong ni Martin sa sarili.
“Hoy!”
sabi ni Cris saka kaunting inusog sa pagkakaupo si Martin. “Tinatanong kita.”
masuyo pa nitong sabi.
“Ah,
eh Sir Cris!” may pigil na luhang napalingon sa likuran si Martin. “Bili muna
tayong squidball.” pakiusap pa ng binata.
“Sige
ba!” may simpatikong ngiting turan ni Cris saka lumapit sa di kalayuang
nagtitinda ng squidball. “Sige na tumuhog ka na!” sabi pa ni Cris saka muling
nilingon si Martin. “Martin?” hanap niya sa binata.
Samantalang
si Martin naman –
“Ah,
eh Sir Cris” sabi ni Martin “Ayoko pang umuwi! Ayokong makita ako ni nanay na
ganito! Ayoko munang makita si Kuya Perry.” may pigil na mga luhang saad ni
Martin sa sarili saka lumingon sa likod. Nakakita siya ng nagtitinda ng
fishball kaya naman – “Bili muna tayong squidball.” pakiusap niya dito.
“Sige
ba!” malugod na sang-ayon ni Cris.
Kumaripas
ng takbo si Martin nang makalayo si Cris sa kanya. Ayaw muna ni Martin na
balikan ang mundo niya. Nais niyang humulagpos muna sa katotohanang pilit
niyang kinakalimutan.
“Martin!”
malakas na malakas na sigaw ni Cris sa paghahanap kay Martin.
Habang
si Martin naman ay nagkukubli sa mga aninong kasabay niyang gising pa sa mga
oras na iyon.
“Aray!”
angal ng lalaking nakabangga ni Martin habang tumatakbo.
“Sorry!”
paumanhin ni Martin.
“Ayos
lang Martin!” sagot ng lalaki.
“Sir
Zach?!” pangingilala ni Martin nang mabosesan ang lalaki.
“Yeah!
Ako nga.” tugon ng lalaki sa dilim sabay tayo at abot kay Martin ng isang kamay
nito.
“Salamat
po Sir!” pasasalamat ni Martin na pilit tinatago ang sakit.
“Bakit
ba biglan kang nawala sa pageant?” tanong naman ni Zach.
“Ah,
eh kasi Sir…” hindi malaman ni Martin kung papaanong sasagutin ang tanong na
iyon. “Wala naman kasi akong pag-asang manalo.” mga kataga ng katangahang
nasabi ni Martin.
“Wala
nga ba o may tinatakasan ka?” tanong ni Zach. “Ikaw ang Ginoong Lakambini, pero
dahil umalis ka, ibinigay sa iba ang title.” dugtong pa ng binata.
“Deserving
naman malamang iyong nanalo kaysa sa akin.” sagot ni Martin na pilit iniiwasan
maungkat ang kalagayan niya ngayon.
“Anyways,
alam mo bang hinahanap ka ni Fierro?” sabi ulit ni Zach. “Alalang-alala ang
mokong.” sabi pa ng binata.
Natigilang
bigla si Martin sa narinig na pangalan. Muli at unti-unti ay nararamdaman niya
ang pagsakit ng kalooban.
“Bakit
ka natigilan?” painosenteng tanong ni Zach kahit batid niya ang itinatago ni
Martin. Hindi man nakikita ni Zach nang malinaw ang anyo ni Martin ay dama niya
ang sakit na dala-dala nito. Alam ni Zach ang nangyari at inoobserbahan lang
niya kung papaano magbibigay reaksyon si Martin.
“Sir
Zach!” muling tumulo ang luha sa kanyang tuyot na tuyot na mga mata.
“Bakit?”
pang-aalo ni Zach saka niyakap si Martin.
“Sir
Zach! Bakit ba ganito na lang ang nangyayari sa akin?” tanong pa ng binata.
“Ano
bang nangyayari ang sinasabi mo?” tanong ni Zach. “Handa akong makinig sa’yo!
Sige magkwento ka lang.” sabi pa ng binata.
At
nagkwento nga si Martin, mula sa simula hanggang sa katapusan ng kwento.
“Honestly
Martin, alam ko na iyang kwento na yan. Nauna nang magsabi sa akin si Fierro at
kanina pa din kita hinahanap.” simula ni Zach matapos ang kwentong iyon ni
Martin. “Huwag ka naman sanang mag-isip na walang patutunguhan ang relasyong
Adan at Adan, sabihin na lang nating nagkamali lang si Fierro at hindi niya
sinasadya ang nagawa niya. Sa bandang huli naman, nasa iyo ang desisyon. Ikaw,
kung ano sa tingin mo ang tama at mula sa tamang mapipili mo, kahit gaano
kasakit na sabi mo nga, matuto kang lumigaya. Hindi naman pwede kasing habang
panahon kang magmumukmok d’yan. Walang mangyayari sa buhay mo kung iisipin mong
end na. Start lang ‘yan ng new chapter sa buhay mo.” tila sermon ni Zach kay
Martin.
“Pero
Sir Zach! Kahit sa papaanong paraan ko isipin, may isang bagay na hindi kayang
ibigay si Adan kay Adan. At dahil nga hindi ko maibigay iyon kay Kuya Perry,
kaya ako ngayon nandito.” sabi ni Martin.
“Alam
mo bang mahal na mahal ka ni Fierro?” sabi ulit ni Zach. “Iyon lang na bagay na
iyon ay sapat na para patunayang si Adan at si Adan ay pwedeng magsama. Kaya
lang masyadong nadala si Fierro, hindi naman natin pwedeng isisi lahat kay
Fierro iyon dahil may pangangailangan din siya ng mga oras na iyon.” sabi ulit
ni Zach.
“Oo
Sir Zach! May pangangailangan siyang hindi ko kayang ibigay.” sagot ni Martin.
“Hay
Martin!” sabi ni Zach saka niyakap si Martin. “Pakawalan mo na lang ulit ang
puso mo at hayaang lumipad. Maging malaya ka para makilala mo pa ang anyo ng
daigdig at mundo. Hindi mo kailangan na magpagapos sa tanikala ng nakaraan at
lalong hindi mo kailangang magpakahirap sa nakaraan. There are so much in life
na para sa’yo.”
“Sir
Zach!” lalong higpit na yakap ang ginawa ni Martin kay Zach.
Ilang
sandali pa at inaya na ni Zach si Martin na umuwi.
“Tara,
sa bahay ka namin muna tumuloy.” aya pa ni Zach kay Martin. “Itetext ko na si
Fierro na huwag nang mag-alala.” sabi pa ng binata.
“Please
Sir Zach! Huwag!” pigil ni Martin kay Zach.
“Pero
paano ang nanay mo?” tanong ni Zach kay Martin.
“Si
nanay na lang ang tatawagan ko. Pero ayoko munang malaman ni Kuya Perry kung
nasaan ako.” pakiusap pa ulit ni Martin.
“Okay,
ikaw ang bahala.” sang-ayon ni Zach.
Sa
bahay nila Martin naman ay puno ng mga pulis at kamag-anak –
“Sorry
nanay!” sa wakas ay nagkalakas ng loob si Fierro na kausapin ang nanay ni
Martin matapos nitong ikwento ang nangyari sa kanila ni Danielle at posibleng
nangyari at ginawa ni Martin.
Isang
sampal ang ginawad ng ginang kay Fierro saka napaluha.
Niyakap
na lamang ni Fierro ang ginang at inunawa ang nararamdaman nito. “Patawarin po
ninyo ako nanay!” paumanhin ni Fierro. “Hindi ko po sinsadya.” at napaluha na
din ang binata.
Maya-maya
pa at nag-ring ang cellphone ng ginang –
“Hello!”
sabi ng ginang.
“Nay!”
masayang bati ni Martin mula sa kabilang linya.
“Martin!”
sumayang sagot nito sa anak na tumuwag sa atensyon ni Fierro. Agad na nilapitan
ni Fierro ang ginang.
“Nasaan
ka ba anak?” tanong ng ginang sa anak.
“Basta
nanay, hindi po muna ako uuwi, pero sana maging panatag ka na d’yan! Maayos po
ako dito.” sabi pa ni Martin sa ina. “Uuwi din po ako bukas.” sabi pa nito.
“Anak!
Pupuntahan kita, nasaan ka ba?” pamimilit ng matanda kay Martin.
“Nasa
mabuting kaibigan po ako at siya na ang bahalang mag-alaga muna sa akin.” pilit
pinapasayang sabi ni Martin.
“Sige
anak! Hindi na kita pipilitin, naiintindihan naman kita.” sabi pa ng matanda.
“Salamat
nanay!” pagkasabi niyon ay pinindot na niya ang end call.
“Nay,
nasaan na daw po si Martin?” tanong agad ni Fierro.
“Sa
mabuting kaibigan daw.” may galak na sagot ng matanda subalit dama mo pa din
ang kalungkutan.
“Kilala
po ba ninyo? Pupuntahan ko po, susunduin ko na po siya.” masayang suhestiyon ni
Fierro.
“Huwag
muna ngayon Fierro.” sagot ng matanda. “Hindi ko alam kung kaya kitang
patawarin dahil sa ginawa mo kay Martin! Tanging ang panahon na lang ang
makakapagsabi kung mapapatawad kita. Pero isang bagay lang ang hihilingin ko sa
iyo, para na kitang anak at pati si Danielle ay itinuring ko ng anak. Magiging
Masaya ako kung pakakasalan mo si Danielle. Ayokong lumaki ang anak niyang
hiwalay ang nanay at tatay niya.” pakiusap pa ng ginang kay Fierro. “Pero hindi
ko maipapangako kung mapapaatawad kita.” paglilinaw pa ng matanda.
Tanging
tango na lamang ang naging tugon ni Fierro dito.
Ikatlong
Bahagi: /ee-kat-long/ - /ba-ha-gee/
I
– II – III – IV
“Martin,
nandito na tayo!” sabi ni Zach kay Martin. “Bababa ka na ba?” tanong pa ng
binata.
“Hindi
pa ako handing makita si Kuya Perry.” malungkot na saad ni Martin.
“Papaano
ka makakamove-on kung hanggang ngayon takot ka pa ring harapin si Fierro?”
tanong ni Zach kay Martin.
“Mas
madali kong malilimutan si Kuya Perry kung hindi ko muna siya makikita. Alam mo
iyon na mas ayos sa akin na may space muna para mas maging maayos ang pag-iisip
ko.” lahad pa ni Martin.
“Bahala
ka Martin! Pero tandaan mo, hindi mo habang-buhay na pwedeng iwasan si Fierro.”
sabi ni Zach saka hinaplos ang mukha ng binata.
“Salamat
Sir Zach.” pasasalamat ni Martin.
“Sige,
saan tayo pupunta ngayon?” tanong ni Zach kay Martin.
“Dito
lang!” sabi ni Martin.
Isang
malalim na buntong-hininga lang ang sinagot ni Zach na nangangahulugan ng
pagsang-ayon.
“Sige
na, pumasok ka na ngayon, bababa na ako dito.” sabi pa ni Martin.
“Hindi,
dito lang ako. Nakapagpaalam ako sa head namin na aabsent ako ngayon.” tutol ni
Zach.
“Nakakahiya
naman sa’yo.” sabi ni Martin kay Zach.
“Hindi
iyon!” sagot ni Zach. “Basta dapat cheer up ka na! Para naman masulit ang
absent ko.” nakangiting sabi pa ni Zach.
“Ikaw
talaga!” napangiting tugon ni Martin.
“Ayan!
Kita mo, nakakaganda ng mood pag ngumingiti ka!” sabi pa ni Zach.
“Nambobola
ka naman eh!” sagot ni Martin na unti-unting natututunang muling ngumiti.
“Hindi
ka naman bilog para maging bola.” pambawi ni Zach.
“Hay!
Ewan ko sa’yo.” sagot na lang ni Martin. “Siguro kung nauna kang dumating sa
buhay ko, malamang ikaw na ang minamahal ko.” bulong pa ni Martin sa sarili.
Maya-maya
pa at –
“Boss
kanina pa kayo d’yan ah!” katok ni Jayson sa kotse ni Zach. “Pinapatanong ng
may-ari ng bahay kung sino daw kailangan ninyo?” sabi pa nito.
“Zach!
Palipatin mo sa kabilang window!” sabi ni Martin kay Zach.
Dahan-dahan
namang ibinaba ni Zach ang salamin ng kotse iyong sapat lang para marinig ng
kausap niya ang sasabihin niya. “Boss! Pasensiya na, pinapasabi ng kasama ko,
lipat ka daw sa kabilang bintana.” sabi ni Zach saka muling itinaas ang
salamin.
“Jayson!”
nakangiting simulang bati ni Martin kay Jayson.
“Martin!”
nakangiting sagot ni Jayson.
“Pasok
ka muna!” sabi pa ng binata saka binuksan ang pinto ng kotse.
“Tatawagin
ko lang si Sir Fierro. Sasabihin kpo nandito ka na! Siguradong matutuwa iyon.”
sabi pa ni Jayson.
“Huwag
Jayson!” awat ni Martin.
“Bakit?”
tanong ni Jayson.
“Basta,
pumasok ka muna sa loob.” sabi pa ni Martin.
Sa
loob ng kotse –
“Kailan
ka pa nasa bahay?” simulang tanong ni Martin.
“Kagabi
pa, d’yan na nga din ako natulog eh.” sagot ni Jayson.
“Kamusta
na si nanay?” tanong ni Martin.
“Ano
pa nga ba, eh di hindi nakatulog kagabi. Laging bumabangon at hinahanap ka.”
sabi ni Jayson. “Pakita ka na kasi sa nanay mo.” pilit pa ni Jayson.
“Si
Kuya Perry?” tanong ni Martin.
“Hindi
din nakatulog kagabi. Hindi din mapakali, hinihintay na baka magtext ka o kaya
tumawag sa kanya.” sabi ni Jayson.
Nanatiling
tahimik si Martin –
“Alam
mo bang sinundan kita kagabi?” simula ulit ni Jayson. “Alam ko kung ano ang
nangyari sa’yo hanggang sa kung saan ka natulog. Hindi ko na lang sinabi kay
Sir Fierro kung nasaan ka kasi alam ko kailangan mo ng konting space.”
pagkukwento ni Jayson.
Napatingin
na lang si Martin kay Jayson na tila ba hindi makapaniwala.
“Nabasa
ko kung ano ang sinulat mo sa pader, at alam mo, hindi ako sang-ayon sa sinabi
mo. Oo, nagkamali si Sir Fierro, pero huwag mo sanang lahatin na wala talagang
pag-asa ang same sex relationship.” sabi ni Jayson.
“Alam
ko na iyan Jayson!” sagot naman ni Martin na may ngiti.
“Alam
na niya iyan kasi nasabi ko na sa kanya kagabi.” singit naman ni Zach.
“Alam
mo na naman pala eh! Harapin mo na si Sir Fierro para mas madaling gumaan ang
pakiramdam mo.” sabi pa ni Jayson.
Tumingin
si Martin kay Zach na tila ba humihingi ng tulong. Sinagot naman ng tango ni
Zach si Martin.
Isang
malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Martin saka tumango kay Jayson.
Napangiti
naman sina Zach at Jayson sa naging tugon na iyon ni Martin.
Sa
loob ng bahay –
“Martin!”
sabi ng nanay ni Martin saka tinakbo ito at niyakap.
Natulala
si Fierro, hindi niya alam kung ano ang unang gagawin. Nais niyang yakapin si
Martin ngunit nag-aalangan siyang baka galit ito sa kanya. Gusto niya ito
halikan pero natatakot siyang hindi ito gumanti sa halik niya. Takot siya na
baka galit sa kanya ang minamahal.
“Sorry
po nanay!” paumanhin ni Martin.
“Anak!”
pahagulgol na sabi ng matanda. “Ayos ka lang ba?” tanong pa nito saka hinawakan
ng kanyang kamay ang mga pisngi ng binata.
“Ayos
lang po ako.” sagot ni Martin.
Agad
na hinanap ni Martin si Fierro at kanya naman itong binigyan ng isang ngiti.
Natuwa
ang nangangambang puso ni Fierro at agad niyang tinakbo ang mahal na
kasintahan.
“Sorry
Martin! Sorry!” paghingi nang paumahin ni Fierro kay Martin.
“Nothing
to worry.” sagot ni Martin saka mahigpit na gumanti ng yakap kay Fierro.
“Hayaan
mo na akong mag-explain.” sabi ni Fierro. “Hindi ko naman gusto iyong nangyari.
That time, I need someone to talk to and Dan was there to help me out. Kaso,
there’s something strange, an urge kaya nangyari iyon. Sorry Martin! Hindi ko
naman gusto iyong nangyari.” punung-puno ng pagsisising sabi ni Fierro.
“Ayos
na yun!” sagot ni Martin.
“Please
say na napatawad mo na ako para gumaan naman kahit kaunti ang loob ko.”
pagsusumamo ni Fierro.
“Hindi
ako haharap sa’yo kung hindi pa kita napapatawad. At hindi ko kayang humarap
sa’yo kung may galit pa din ako sa’yo.” sabi ni Martin. “I understand! And
you’re forgiven!” sabi pa ni Martin.
“Martin!”
sabi ni Fierro saka niyakap ng mahigpit si Martin.
“Pero
please promise me!” sabi ni Martin.
“Ano
iyon?” tanong ni Fierro.
Pinalakas
ni Martin ang loob at diretsong tumingin sa mga mata ni Fierro. “Pakasalan mo
si Danielle.” pakiusap ni Martin kasunod ang isang lihim na luhang mula sa
kanyang puso.
Nadurog
ang puso ni Fierro sa pakiusap na iyon ni Martin. Ayaw niyang malayo kay Martin
at ayaw niyang hiwalayan ito ngunit ang kasintahan na mismo niya ang humihingi
ng pabor para maghiwalay sila.
“Martin!”
sabi ni Fierro saka kahit labag sa loob ay tumango.
Naghihiyaw
sa sakit ang kalooban ni Martin sa tango na buhat kay Fierro. Iyon ang gusto
niyang sagot subalit ang kirot, hapdi at sakit at mas higit pa sa inaasahan.
Ang tango na iyon ay nagsasabing tapos na ang yugto sa buhay nila bilang sila.
“Salamat!”
tanging nasabi ni Martin.
“Pero
please, huwag kang lalayo sa akin!” bulong ni Fierro kay Martin.
“You
will always be my Kuya Perry! The most colorful and happiest part of my life
are those days shared with you.” sagot ni Martin.
Walang
anu-ano ay hinalikan ni Fierro sa mga labi si Martin.
“You’re
number one!” sabi ni Fierro saka tinuro ang kaliwang dibdib niya.
“Salamat!
Please be a good father to your child and good husband to Danielle.” pakiusap
ulit ni Martin.
“I
will.” sagot ni Fierro. “And I will always love you.” habol pa nito.
Napangiti
na lang si Martin sa sinabing iyon ni Fierro.
Ikaapat
na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ /na/ - /ba-ha-gee/
I
– II – III – IV
Dumating
na ang araw ng kasal nila Fierro at Danielle. Isang desisyon ang ginawa ng
dalawa na sa tingin nila ay magpapayos sa kanilang buhay. Napapayag ni Fierro
ang nanay ni Martin para maging ninang sa kanilang kasal. Sa Martin, kahit na
anung pilit ay ayaw maging bestman sa kasal. Naging maayos pa din ang samahan
nila Danielle at Martin, pero dahil sa nangyari ay naiilang si Danielle pag
kaharap si Martin. May nararamdaman siyang guilt dahil sa nagawa sa bestfriend
niya.
“I
promise to be the best man in your life, best father I can be to our children
and your greatest man ever.” pagwawakas ni Fierro sa marriage vow niyang ginawa
para kay Danielle.
“Fierro!
Ngayon pa lang, palayain mo na ang puso mo sa akin dahil ako, nakahulagpos na
ako sa’yo.” sabi ni Martin habang nagkukubli sa isang sulok ng simbahan.
“Maging Masaya ka sana, dahil ako, natututunan ko nang muling ngumiti at
tumawa.” sabi pa ni Martin saka lumakad palabas at palayo ng simbahan.
Hindi
naging mailap sa mga mata ni Fierro ang pag-alis na iyon ni Martin. Alam niyang
kanina pa nakakubli ang tunay na mahal. “Martin! Kung sana hindi ako nagkamali,
ikaw sana ang kasama ko sa harap ng altar na’to.” sabi ni Fierro sa sarili.
At
ito na ang pinakahuling beses na nakita ni Fierro si Martin.
Makalipas
ang isang buwan –
“Anak,
sigurado ka na ba sa papasukin mo?” tanong ng nanay ni Martin sa kanya.
“Opo
naman nay! Hindi po ba’t ito talaga ang gusto niyong gawin ko?” nakangiting
sabi ni Martin.
“Pero
anak baka napipilitan ka lang o naguguluhan dahil sa nangyari.” sabi pa ng
ginang.
“Hindi
po nanay.” tutol ni Martin.
“Pero
di ba dapat next year ka na lang umalis?” tanong pa ng ginang.
“Pinayagan
po ako ng admin na pumasok na ako kahit two months late na ako. Maganda naman
daw po kasi iyong exam result ko saka may background na din naman daw po ako at
kaya ko daw pong makahabol.” sabi pa ni Martin.
“Ikaw
anak, bahala ka. Basta mag-iingat ka dun.” nakangiting sabi ng matanda kay
Martin.
Makalipas
ang anim na taon, heto na ang naging bunga ng usapang iyon ng mag-ina. Ito na
ang naging dulot sa pagkakamali ng nakaraan na pilit itinatama.
Tumayo
si Martin mula sa pagkakaupo at saka pumunta sa lobby.
“Congrats
bro!” bati ng bantay sa lobby. “After six years! Ito na ang pinaka-aantay mo.”
sabi pa nito.
“Salamat
pare!” sagot ni Martin.
“Anung
dahilan at napadpad ka sa lobby? Hindi ba dapat at nasa conference ka na?”
usisa pa nito.
“Makikitawag
lang sana ako. Tatawagan ko sana si nanay sa bahay.” pakiusap pa ng binata.
“Sure!”
sagot ng lalaki. “For sure excited na din si mama mo.” nakangiti pa nitong
turan.
“Malamang
iyon!” nakatawang tugon ni Martin saka nag-dial sa telepono.
“Nanay!”
masiglang bati ni Martin sa ina sa kabilang linya.
“Martin!
Paalis na kami ni Gelo!” sagot naman ng matanda.
“Bawal
ang late nanay!” paalala pa ni Martin.
“Sabi
mo eh! Basta maaga kami, swear!” sagot naman ng ginang.
“Sabi
mo yan nanay ah!” paninigurado ni Martin.
“Kumain
ka na muna ng madami.” paalala pa ng ginang.
“Opo,
mamaya po after ng conference.” sabi ni Martin.
“Siya!
Sige na, at naabala mo na kami ni Gelo.” sagot ng ina ni Martin.
“Nanay!
Si kuya Martin po ba iyan?” tanong ni Gelo sa ina.
“Oo
Gelo si Kuya Martin mo nga.” sagot ng ginang at dinig ni Martin ang usapan sa
kabilang linya.
“Pakausap
po.” sabi ni Gelo.
“Kuya
Martin! Kamusta ka na?” tanong ni Gelo sa kapatid.
“Asus!
At nangamusta ang pangit na bata.” sabi ni Martin.
“Kung
pangit ako ano tawag mo sa’yo.” ganting pang-aasar ni Gelo.
“Lokong
bata ka! Tandaan mo mas gwapo pa din ako sa’yo.” pang-aasar ni Martin.
“Lagot
ka sa kain mamaya Kuya! Guguluhin kita mamaya.” pagbabanta pa ni Gelo na tila
may nais sabihin.
“Subukan
mo, mata mo lang ang walang latay!” tugon ni Martin.
“Kung
magagawa mo!” sabi ni Gelo. “Basta kuya! Ihanda mo na lang ang sariliu mo!”
sabi ni Gelo saka tumawa.
“Loko
mo!” sagot ni Martin.
“Kayo
talagang dalawa kayo! Kung mag-asaran!” bati nang nanay nila sa kanila.
“Si
kuya Martin po kasi pikon!” pang-aalaska ni Gelo na diniinan ang salitang
pikon.
“At
ako pa ang pikon.” kontra ni Martin.
“Siya
Gelo! Magbihis ka na at nang makaalis na tayo.” sabi ng ginang.
“Sige
po nanay!” maamong tupang tugon ni Gelo.
“Sige
po nanay!” paalam ni Martin.
“Sige
anak!” sabi ng matanda saka binaba ang telepono.
Samantalang
pagkapasok ni Gelo sa kwarto –
“Hello!”
sabi ni Gelo sa kausap sa kabilang linya.
“O
Gelo, napatawag ka.” sagot ng nasa kabilang linya.,
“Kuya
Fierro, gusto mo bang balikan si Kuya Martin?” tanong ni Gelo sa kausap na si
Fierro pala.
“Bakit
mo naitanong?” tila naging mabilis ang pagtibok ng puso ni Fierro.
“Kung
gusto mo, dapat bago magtanghali nandito ka na sa address na sasabihin ko.”
sabi ni Gelo saka sinabi ang address saka pinindot ang end call.
Samatalang
–
“Hello
Gelo!” habol pa sana ni Fierro kay Gelo.
“Six
years! Gusto pa kayang ituloy ni Martin ang naudlot naming pagmamahalan?”
tanong ni Fierro sa sarili. “Paano kung hindi na? hindi! Paano ko malalaman
kung hindi ko siya pupuntahan.” buo ang loob na sabi ni Maritn.
“Two
years na naman patay si Danielle kaya wala na siyang dapat pang idahilan.”
napapangiting sabi ni Fierro saka inayos ang sarili.
“Martin!”
tawag ni Fierro sa anak. “Gusto mo bang sumama kay daddy?” tanong ni Fierro sa
anak.
“Saan
po tayo pupunta?” tanong ni Martin.
“Basta!”
sagot ni Fierro.
“Sige
po daddy!” sagot ni Martin.
Ikalimang
Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/
I
– II – III – IV
“Akala
ko talaga nanay malalate kayo.” sabi ni Martin pagkadating ng ina.
“Sabi
ko naman di ba sa’yo, maaga kami.” sabi pa ng matanda. “Akala ko talaga
pangarap na lang na makita kita sa ganitong okasyon.” sabi pa nito.
“Nanay!”
napangiting sabi ni Martin. “Ito na nagkatotoo na! Papakasal na ako.” tugon ni
Martin.
“Ikaw
na bata ka!” malambing na sabi ng ginang saka niyakap si Martin.
“Si
Gelo po?” tanong pa ng binata.
“Kasama
ng pinsan mo, ipinark lang iyong kotse.” sagot ng ina niya.
“Makukutusan
ko talaga iyong bata na yun.” sabi ni Martin.
“Kayong
dalawa, para kayong mga aso’t pusa.” sabi ng matanda.
“Ayos
na iyon nanay kaysa naman sa hindi kami nagpapansinan.” nakangiting sagot ni
Martin.
“Kuya
Martin!” sabi ni Gelo saka niyakap ang kuya niya.
“Andito
na pala si kulit!” sagot ni Martin. “Balita ko puso sakit ng ulo daw ang
ibinigay mo kay nanay ah?” tanong pa ng binata dito.
“Sinong
nagbalita sa’yo nun? Sinungaling iyon.” sabi pa ng binatang si Gelo.
“Halina
na po kayo sa loob.” aya kila Martin ng isa sa mga kasamahan niya.
“Pasok
na daw kayo nay!” sabi ni Martin.
“Oo
na!” sagot naman ng matanda.
“Humanda
ka mamaya kuya!” nakangising pagbabanta ni Gelo sa kapatid.
“At
ano naman ang balak mong loko ka?” tanong ni Martin saka ginulo ang buhok ng
kapatid niya.
“Ano
na lang ang nakakaalm nun.” sagot ni Gelo at nag-iwan ng malaking pala-isipan
kayMartin ang sinabi ng kapatid.
Dumating
na ang oras na hinhintay ni Martin at nasa kalagitnaan na ng seremonya para
siya ay ordinahan bilang isang pari –
“Nay,
labas lang po ako.” paalam ni Gelo sa ina.
“Sige
hijo! Bilisan mo at baka hindi maabutan na sinusuotan ng abito ang kuya MArtin
mo.” paalala pa ng ina.
“Sige
po nay!” sagot naman ni Gelo.
Pagkalabas
-
“Kuya
Fierro! Akala ko hindi ka pupunta!” simula ni Gelo.
“Nasaan
ang Kuya Martin mo?” tanong ni Fierro.
“Nasa
loob po! Malapint ng suutan ng abito.” sagot pa ni Gelo.
“Bakit
mo ba ginagawa to?” tanong ni Fierro imbes na pumasok sa loob.
“Gusto
ko lang na makita kayong dalawa na Masaya. Kasi alam ko, may regrets pa sa puso
ninyo buhat ng mangyari ang lahat lahat six years na ang nakalilipas.” sabi pa
ni Gelo.
“Paano
mo naman nasabi eh kay bata-bata mo pa nun?” tanong ni Fierro.
“Alam
mo, walang bata-bata, kasi kahit bata may isip na kaya naiintindihan ko kung
ano nangyari.” sabi ni Gelo.
“Pero
iba ang pagkaka-intindi mo sa pagkakaintindi ng matatanda.” kontra ni Fierro.
“Siguro
nga tama ka, pero mas gusto ko lang na malaman ni Kuya Martin kung saan ba siya
mas sasaya kaya kita tinawagan. Kita ko naman nag-effort ka para sa kanya kaya
nandito and siya na lang ang bahalang mamili kung saang buhay niya gusto.” sabi
ulit ni Gelo.
“Tuso
kang bata ka!” sabi ni Fierro saka ginulo ang buhok ni Gelo.
“Bilisan
mo na at baka mahuli ka pa!” sabi ni Gelo.
“Walang
huli-huli basta love ang usapan.” kontra naman ni Fierro.
“Iwan
ko muna si Martin sa’yo! Pupuntahan ko lang si Martin dun!” sabi ulit ni
Fierro.
“Sige
kuya Fierro.” sang-ayon ni Gelo.
Sa
kalagitnaan ng seremonya –
“Ikaw
Martin Matthew” sabi ng paring mag-oordina kay Martin habang sa katabi nito ay
may ilang seminarista naman may hawak sa abitong isusuot kay Martin “ay
tinatawagan ng Diyos upang kanyang maging tagapag-lingkod at bahagi nito ay ang
paggagawad sa’yo ng abito na magpapatunay na ikaw ay isa nang ganap na pari at
haligi ng simbahang katolika.” sabi pa ng pari saka kinuha ang abito at itinaas
para isuot kay Martin. Si Martin naman ay idinipa ang mga kamay na nagpapahayag
ng pagtanggap.
“Martin!”
isang malakas na sigaw ang narinig.
Napalingon
ang lahat sa sigaw na iyon samantalang si Martin naman ay biglang bumilis ang
tibok ng puso para sa isang hindi inaasahang pangyayari. Pamilyar sa kanya ang
tinig na iyon subalit ayaw niyang isiping si Fierro nga talaga iyon. Maingat at
dahan-dahan niyang inilinogn ang ulo at sa paglingon niya ay nakalapit na sa
kanya ang humihingal pang si Fierro.
“Kuya
Perry.” gulat na takot na wika ni Martin.
“Sumama
ka sa akin!” sabi ni Fierro na nakangiti saka hinawakan sa kamay si Martin.
“Father!
Babalik po ako!” sabi ni Martin na tila sinasabing huwag na silang sundan.
“Kung
makakabalik ka pa!” sabi ni Fierro sa sarili.
Sa
labas –
“I
love you Martin!” pangungusap ng pagmamahal ni Fierro.
“Kuya!”
hindi makapaniwalang sabi ni Martin na muli ay kaharap niya ang taong minsang
nagpatibok sa kanyang puso.
“Please
say you love me too!” sabi ni Fierro.
“I
love you too pero…” biting wika ni Martin dahil naging mabilis ang kilos ni
Fierro at hinalikan siya nito.
“That
is enough!” sabi pa ni Fierro.
Pumatak
ang luha sa mga mata ni Martin – “pero kuya…” muling putol dahil sa pagsasalita
ni Fierro.
“Please,
ibalik natin ang dati. Magsama ulit tayo, kasama si nanay, si Gelo at ang anak
nating si Martin.” sabi pa ni Fierro.
“Hindi
na pwede kuya!” sabi ni Martin. “Hindi na pwede ang dati. Ito na ang buhay ko,
ito na ang gusto kong kahantungan ko. Intindihin mo sana ako.” sabi ni Martin.
“Martin.”
sabi ni Fierro.
“Isipin
mo na lang ang anak mo kuya! Oo, wala na nga si Danielle pero ano na lang ang
sasabihin niya pag tinanong, nasaan ang mama mo? Ano ang isasagot niya? Wala na
po akong mama kasi dalawa papa ko. Pati ang anak mo madadamay sa kasalanang
relasyong mayroon tayo. Pati siya mahuhusgahan ng mga tao. Isipin mo na lang
kuya, kakayanin ba ng anak mo ang ganuon?” paglilinaw ni Martin saka tumalikod.
“Mahal
na mahal kita Martin!” sabi ni Fierro saka hinawakan sa braso si Martin.
“Sorry
kuya! Ito na ang mundo ko.” sabi ni Martin na buong pait at sakit. Muli ay
nagbabalik sa kanya ang pagmamahal kay Fierro ngunit tila sinusubok ng panahon
ang katatagan niya. Mas pinili niya ang bagong buhay kaysa sa dati dahil sa
ilang bagay na nagpapagulo sa kanyang isipan.
“Huwag
Martin!” pigil ni Fierro saka niyakap si Martin. Ang mga kipkip na luha ay
dumaloy sa kanyang mga mata at kasabay niyon ay ang pagbuhos ng ulan.
“If
you really do, you can wait me for five years.” sabi ni Martin saka bumitiw sa
yakap ni Fierro at umiiyak na tumakbo palayo.
“I
will Martin!” sabi ni Fierro.
“Sorry
Kuya Fierro! Sana sa loob ng limang taon ay makakita ka ng taong para talaga
sa’yo.” bulong ni Martin sa sarili.
Malapit
na si Martin sa pintuan nang chapel nang maramdaman niya ang panghihina ng mga
tuhod. Biglang napaluhod ang binata at saka hinawakan ang dibdib. Naramdaman
niya ang paninikip niyon at ang hirap sa paghinga. Unti-unti ay nawalan ng hangin
ang binata at iyon ay naging sanhi para sa isang masaklap na kapalaran.
Ang
ulan – isang natural na kalagayan ng panahon na nagpapakita ng kalungkutan. Ang
bawat patak nito ay wari bang musika ng pakikiramay at ang malagaslas na patak
ay may ritmong sumasabay sa damahin. Ang ulan – natural na kalagayang bumabawas
sa tingkad ng araw at nag-aalis ng nakakasilaw nitong liwanag.
Silaw
(dazzle) - /see–lau/: isang kalagayang nagpapakita nang pagkahumaling sa
liwanag; pagkalito ng mga mata sa isang tanawing nakikita na sanhi ng liwanag o
nakakabulag na liwanag. Mga huni ng damdaming sa simula ay masaya ngunit sa
pagdating ng panahon ay mababago ang lahat at puputulin ng isang malakas na
ulan.
Ang
pag-ibig ay nakakasilaw lalo na kung hindi mo titingnan ng mas malapitan o
susuriin ng mas maigi. Nakakabulag ito ng puso dahil sa nakakaigayang
pakiramdam. Ang sobrang pagkasilaw ay nangangahulugan nang mas nasasayahan ang
puso sa nararamdaman. Ngunit anumang sobra ay delikado na maaring tumupok sa
puso. Hanggang maaga ay dapat nang itama kung anuman ang kamalian at solusyunan
ang mga bagay na dapat matapos. Matutong humulagpos sa nakakasilaw na damdamin
at baka sa bandang huli ay mas madaming tao ang maapektuhan at masaktan.
SEE
– LAU: Ang tunay na pag-ibig ay nakikita hindi kung papaano ka nito binulag.
Ito ay kung papaano ka babangon mula sa pagkasilaw at isinasaalang-alang ang
kabutihan ng nakararami.
No comments:
Post a Comment