By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
[01]
“Calling Pat” sabi sa
screen ng aking telepono bago pa ako sumakay ng elevator.
“Sorry, the number
you are calling is out of coverage area, please try your call later.” sabi ng
operator sa kabilang linya sa akin.
“Dammit!” bulalas ko,
sabay sakay sa elevator.
Sakto ang bukas ng
pinto ng elevator sa oras ng usapan naming ng aking mga taga opisina para sa
ilulunsad na emergency meeting. Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga
bago tutluyang lumabas ng elevator, hilahila ang aking bagahe.
Bumulaga sa akin ang
isang madilim na opisina, hindi ito pangkaraniwan, lalong lalo na sa opisina
namin, kung saan hindi nawawalan ng tao. Malabong hindi magsisipag overtime ang
mga tao ngayon, dahil may isa pa kaming Advertisement na hinahabol para sa
deadline.
Sinimulan kong
mangapa sa ding ding malapit sa mga cubicle at hinanap ang mga switch ng ilaw,
nang makapa ko na ay pinindot ko na ito para mailawan manlang ang dadaanan ko
papuntang boardroom. Sakto sa pagliwanag ng buong paligid ay ang pagingay din
nito.
Akala ko may mga
terorista na nagtake over ng buong floor, pero hindi pala.
““SURPRISE!”” sabay
sabay na sigaw ng halos lahat na nagtatarbaho sa floor namin.
May ilan na may hawak
hawak na torotot at binubugahan ito ng hangin, ang ilan ay nagpakawala ng mga
confetti sa kanilang hawak hawak na party poppers at ang ilan ay may hawak na na
plastic cups at masuyong umiinom na mula doon.
Iginala ko ang aking
mga mata, ang ilang din sa mga boss namin ang nandoon, ang ilang mga kasamahan
ko na malapit sa akin ay tinatapik ang aking likod, ang ilan sa mga kababaihan
ay nagbebeso beso pa sakin at ang ilan naman ay magiliw na inaalog ang kamay ko
sa isang mapang-congratulate na shake hands.
“The man behind the
success of our million dollar advertisement. Mr. Jacob Fillandres.” anunsyo ng
aming boss sa advertising department. Magiliw itong pumalakpak habang
nakatungtong sa kaniyang stool.
Muli nanamang
nagpalakpakan ang mga tao, napapapikit ako sa dagundong ng ingay sa buong
floor.
“Hindi lang yan,
dahil sa mababakanteng pusisyon na iiwan ko in three weeks time, I the
department head, along with our big boss Edison Saavedra would like to promote
Mr. Jacob Fillandres as the new head of the advertising department!” mahabang
salaysay ng aking nakakalbong boss.
Muling narinig ang
hiyawan at mga party poppers sa buong paligid, muli ko ulit naramdaman ang mga
naiinggit at humahangang mata na dumapo sa aking mukha, mga tapik sa likod ng
mga ilang malapit sakin, ang besobeso ng mga kababaihang nasa harapan ko at ang
magiliw na pakikipag shake hands sakin ng ilang mga lalaking malalapit.
Napuno ng luha ang
gilid ng aking mga mata at unti unti ng nanlabo ang mga ito.
“You have something
to say Mr. Fillandres?” tanong ng aking boss at hinihikayat akong tumuntong sa
kaniyang tinutuntungang stool.
Bumaba sa pagkakatungtong
sa tool na iyon ang aking boss at nagpasya akong pumalit sa kaniya mula doon.
Ngayong nakatungtong na ako sa isang bangko, lalo kong napansin ang mga
reaksyon mula sa mukha ng mga taong nandoon. Pinahiran ko ang aking nangingilid
na luha atsaka inalis ang bara sa aking lalamunan. Pero bago pa man ako
makapagsalita ay may isang imahe ang pilit na sumisiksik sa aking utak.
“What?!” galit na
sabi ng isang lalaki sa aking harapan, matapos kong sabihin sa aking kausap sa
telepono na pupunta ako sa emergency meeting na pinatawag ng aking boss.
“We've been planning
this trip for ages now, at isa pa regalo ko to sayo for our fourth year
anniversary!” sigaw nito sakin. Napayuko naman ako sa sinabi niyang yun.
Kinabig niya ang ulo ko at iniharap sa kaniyang mukha, muli nanaman akong
nabighani sa kulay asul nitong mga mata at makinis na balat, matangos na ilong
at mapupulang labi. Hinalikan ko siya.
“If you love me, di
ka na pupunta sa emergency meeting na iyan.” bulong niya sakin pagkatapos ng
aming halikan.
“I love you... but...
I really have to go.” sabi ko dito, nagbuntong hininga siya at pumara ng taxi
at tuloy tuloy na sumakay dito ng wala ni lingon lingon.
“Earlier in the cab,
iniisip ko kung ano ang maaaring mali na ginawa ko, I reviewed every single
detail of the ad in my head at na frustrate ako nang mapagtanto kong wala akong
makitang mali sa aking ginawa, pero di ko parin lubos na maisip kung bakit
magpapatawag ang boss ng emergency meeting. Nonetheless I cancelled all my
appointments and crossed out several pages from my organizer... with a rainbow
colored ink pen.” ang ilan sa mga nakagets sa sinabi ko ay napatawa ang ilan ay
nagtanong sa mga katabi nilang naka intindi nung joke at saka tumawa ng
maintindihan na nila.
“You see, I've been
working in this hell hole for the past five years and this hell hole has taken
a great toll in my personal life, ilang kaibigan ko na nga ba ang nagtampo
sakin, ilang lovelife ko na din ang gumuho para sa isang ad, ilang pages ng
organizer na ang pinunit ko at minarkahan ng malaking ekis...” napahikbi ako ng
maalala ko nanaman si Pat.
“At kanina lang ding
umaga ay dapat pupunta kaming Boracay ng aking partner, dahil sa inaakalang may
mali akong ginawa sa advertisement at dahil inaakala ko din na malaki ang ilulugi
ng kumpanya kung sakaling di ko pansinin ang emergency meeting na ito ay
napagpasya akong magpaiwan. There, this hell hole cost me another partner...”
iginala ko ulit ang aking tingin, tahimik lahat at nakikinig sa bawat salitang
lumalabas sa aking bibig.
“That is why,
napagpasyahan kong tanggihan ang offer ni Boss ng promotion at ibibigay ko na
din ang aking resignation letter, soon. Susundan ko lang ang taong mahal ko, at
magbabakasakaling maayos ko pa kung ano man ang meron samin dati.” matapang
kong sabi.
Iginala ko ulit ang
aking mga mata sa buong foor, nandyan ang ilang nakanganga sa pagtanggi ko sa
pinapangarap ng ilan na maging head ng Ad. Dept., ang ilan ay nakaismid na kala
mo napatunayan nila na wala akong karapatan maging head ng Ad. Dept. at may
ilan na nalungkot at nagbulongbulungan marahil nagpapalitan ng kaniya kaniyang
opinyon.
“Maraming salamat
sainyong lahat. Lalong lalo na sa nagayos ng party na ito.” nagsimula na akong
bumaba sa stool na kinatutungtungan ko at hinila na ang aking maleta papuntang
elevator.
Sa bawat taong
nadadaanan ko ay may ilang nakikipag kamay, tapik ulit sa likod at ang
ikinagulat ko sa lahat ay ang palakpakan nila, bago pa man ako makapunta sa
tapat ng elevator.
“Hold the door,
please.” sigaw ko sa taong nasa loob ng elevator, pero parang hindi naman niya
pinindot ang hold button at tuloy tuloy parin ito sa pagsara inilagay ko ang
aking maleta sa pagitan ng dalawang sliding door para pigilan itong sumara.
“Sabi ko hold the...
door...” simula ko pero di ko na ito tinuloy.
Sa aking likod ay ang
aking super Boss na si Emilio Edison Saavedra, III, isa sa mga anak ni Don
Emilio Saavedra II na siyang may ari ng Saavedra group of companies, na siya na
mang kinabibilangan ng advertising firm na sa effective ngayon ay pinag
resign-nan ko na.
Biglang tumulo ang
malagkit na pawis mula sa aking noo. Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa
nagflaflash na numero sa itaas ng pinto ng elevator.
“30th.” Sabi nito, at
sa sa bawat flash ng numerong iyun ay ang pagbalik ng isip ko sa mga sinabi
kaninang umaga ni Pat.
“We've been planning
this trip for ages now, at isa pa regalo ko to sayo for our second year
anniversary!”
“29th.” pagflash ng
numero ulit sa maliit na screen sa taas ng mga pinto.
Dumating ako sa aming
apartment at napansin ang magarang table setting sa dining table at ang
masasarap na pagkain na nakaahin dito, sa isang gilid ay isang bote ng
kabubukas lang na wine pero nakakalahati na ang laman nito.
Idinako ko ang aking
tingin sa sala at doon naabutan si Pat, mahimbing itong natutulog, sa kamay ay
isang shampaigne glass. Hinalikan ko siya sa labi, iminulat naman nito ang
kaniyang mga mata.
“Sorry.” bulong ko.
“Ok lang. How many
times have you forgotten our anniversary?” walang gana na nitong sabi.
“Sorry.” yun na lang
ulit ang nasabi ko. hinalikan lang ulit ako nito sa labi at inilapag sa coffee
table ang baso.
“Kain ka na diyan,
nag prepare ako ng mechado, i-reheat mo nalang sa microwave.” sabi nito habang
naglalakad papuntang kwarto namin.
“Ikaw, di ka ba
kakain?” tanong ko sa kaniya. Tumigil ito saglit.
“hindi na, nawalan na
ako ng gana five hours ago.” malamig na sabi nito at naglaho na siya sa likod
ng pinto ng kwarto namin.
“28th.” pinahiran ko
ang aking mga luha sa kadahilanang baka napansin na ito ng aking super boss na
asa aking likod, tutal parang salamin ang mga pinto ng elevator, malamang
makikita niya iyon.
“27th.” Ibinalik ko
ang aking tingin sa maliit na screen sa ibabaw ng mga pinto pagkatapos kong
pahiran ang luha sa aking mga mata.
“I can't pay the
bills right now, I'm here in the office.” sabi ko kay Pat na nasa kabilang
linya, habang inaayos ang mga illustration board na asa aking harapan para sa
isa nanamang project.
“Well, di lang ikaw
ang may tarbaho Jake.” naiirita ng sabi sakin ni Pat.
“I'll send you cash
thru g-cash, kung yun ang problema.” wala sa isip kong sabi habang
pinagkukumpara ang dalawang illustration board sa aking magkabilang kamay.
“Walang problema sa
pera, may kinikita rin ako. You know what?! Screw the damn bills!” matigas na
sabi nito.
Tumalikod na ako para
di na mahati ng mga illustration board na asa aking harapan ang aking atensyon
habang nakikipagusap kay Pat.
“Hun, sorry... hun?”
tawag ko dito, pero dial tone na ang nakikipag usap sakin.
“26th.” Isang malalim
na buntong hininga na lang ang aking pinakawalan.
“Kamusta naman ang
rest day mo?” tanong ko kay Pat na nagbabasa ng magazine sa sala.
“Ok naman.” matipid
na sagot nito.
“Si Eric, kamusta?”
tanong ko dito, pinipigilan ang sarili ko na ipahalata kay Pat ang tunog ng
selos sa aking mga sinasabi.
“Ok lang naman siya.”
“Masaya ba siya
kasamang mamasyal?” tanong ko at napansin kong parang natigilan si Pat.
“Ano naman kung
sinama ko siyang mamasyal, masama bang isama ang bestfriend sa galaan?” depensa
niya.
“Di naman, pero
tandaan din natin na he's also your ex-boyfriend.” lalong natahimik si Pat,
padabog na tumayo at bago isalpak ang pinto ng kwarto sa aking mukha ay tumigil
ito at nagsalita.
“Di ako maghahanap ng
ibang makakasama tulad ng bestfriend ko, which happens to be my ex, kung ang
boyfriend ko ay nasa tabi ko at willing na sumama sakin magmall.” matigas na
sabi sakin ni Pat at tuluyan ng isinalpak ang pinto.
“25th.” Sabi ulit ng
maliit na screen sa ibabaw ng dalawang pinto at muli nanamang nanlabo ang aking
mga mata dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.
Magiliw akong
nakangiti habang sinususian ang front door ng bahay na tinutuluyan namin ni
Pat. Nag overtime ako sa opisina para buong araw ko siyang makakasama sa
kaniyang spesyal na araw. Pagpasok ko sa sala ay di ko mapigilan ang sarili na
magtaka sa mga nakakalat na bote ng beer sa sala at isang bowl ng popcorn na
nakapatong sa sofa.
Idinako ko ang tingin
sa dining table at nakita doon ang isang bawas na cake na may nakalagay na..
“HAPPY BEERDAY BEST!” napansin ko din ang nagkalat na icing sa mga upuan ng
dining table. Napakunot ang noo ko.
Lalong bumilis ang
tibok ng puso ko ng makita ang nagkalat na damit sa hagdanan.
“24th.” Di na
napigilan ng mga luha ko sa pagagos nito sa mula sa aking mga mata. Napalingon
naman ako ng biglang may kumalabit sakin.
Si Sir Edison inaabot
sakin ang isang puting panyo.
Itutuloy...
[02]
Inabot ko ang panyo
na ino-offer nito sakin, blangko lang ang mukha nito, walang bahid ng lungkot,
saya o concern para lang siyang robot na nagabot sakin ng panyo. Pero noon ko
lang din ito natitigan ng malapitan ang boss kong ito.
Maputi, may
naniningkit na mata na tinatago ng mga salamin, makapal na buhok na nakaayos na
kala mo kay superman, magandang tindig na lalong pinaganda ng amerikanang
marahil ay ginawa para talaga sa kaniya pero ang naka kuwa talaga ng aking
pansin ay ang kaniyang mapupulang labi.
Kahit sa
pakikipagtitigan lang na yun ramdam ko na hindi basta basta ang taong to,
halatang halata ang taas ng pinagaralan at ang magandang pagpapalaki dito. Sa
ilang taon kong pagtatarbaho sa kumpanyang iyon ay ilang beses ko pa lang ito
nakakasama sa mga meeting at sa minsang iyon ay nahahalata ko ang pagiging
strikto nito, ni hindi ko pa nga nakikitang ngumiti ito eh, masyadong stiff
kumbaga, mas pabor ang marami sa kaniyang nakababatang kapatid, kaso ang isang
yun naman ang makulit, naalala kong nakipagsakalan iyon at nakipagrambulan sa
hallway ng opisina habang nandon ang mga foreign investors.
“Are you still going
to wipe those boogers with that or you're just going to stare at me until this
lift reaches ground floor? Kasi kung hindi mo naman yan gagamitin eh isoli mo
na lang yan sakin.” pertina nito sa kaniyang panyo.
Napahiya naman ako sa
sinabi niyang yun at binawi ko na ang aking tingin mula sa kaniyang magandang
mukha.
“Gwapo nga arogante
naman.” sabi ko. Nakita ko ang reaksyon nito sa aking sinabi sa makikintab na
pinto ng elevator, napansin kong napangiti ito pero agad din binawi.
Di ko na ito pinansin
tumingala na lang ulit ako at ibinalik ang aking tingin sa maliit na screen sa
ibabaw ng pinto ng elevator, kasalukuyan na kaming nasa 15th floor. Pasimple
kong pinahiran ang aking luha at uhog sa binigay na panyo sakin ng aking
aroganteng boss.
“14th.” Sabi ulit ng
maliit na screen, umalog ng konti ang buong elevator napatingala ako at yumuko
na din at tinignan kung ano ang nangyayari, pero tuloy ulit ang pagbaba nito at
mukhang normal naman ang lahat. Tumingala ulit ako.
“12th.” “Ako lang ba
o mabagal talaga tong elevator na ito?” tanong ko sa sarili ko at miyamya ay
umalog nanaman ito, pero mas bayolente na ang pagalog nito ngayon at mayamaya
pa ay biglang namatay ang ilaw.
“WAAAAAAAHHHHHH!”
sigaw ko.
Biglang bumukas ang
emergency lights ng elevator, napakapit ako sa malaposte kong kasama, wala sa
isip kong napapahigpit na pala ang kapit ko dito. Maya maya ay bumalik na ang
ilaw at nagfalsh ulit ang screen sa ibabaw ng elevator, naramdaman ko ding
bumababa na ulit ang elevator.
“You can let go of me
now.” sabi ng aking boss na animo robot sa sobrang blangko ng pagkakasabi nito.
Marahan akong humiwalay dito at inayos ang sarili.
“Buti na lang bumalik
na yung power, may pupuntahan kasi ako eh.” wala sa isip kong sabi sa aking
boss, tumango lang ito bilang sagot.
Tinignan ko ito at
nginitian, tumingin ito sakin at naramdaman kong para akong inuusig nitong
mamang to kahit sa simpleng tingin lamang, maya maya pa ay nagdikit na ang
kilay nito at kumunot na ang noo. Kasabay nito ay ang mas bayolenteng pagalog
ng elevator at ang pagkawala nanaman ng kuryente.
“WAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!”
sigaw ko ulit.
Kinakabahan akong
lumapit sa tapat ng pinto ng kwarto, dahan dahan kong inikot ang doorknob nito
at banayad na tinulak ang pinto, tumambad sakin ang hubad na katawan ng
boyfriend kong si Pat at ng bestfriend niyang si Eric. Halo halo ang emosyon na
naramdaman ko pagkakitang pagkakita ko sa kanilang dalawa andyan ang awa sa
sarili, andyan ang pagkamanhid ng buong katawan ko, andyan ang luha na patuloy
na namumuo sa aking mga mata sabay ang kawalan ng lakas na pigilan ito at ang
namumutawi sa lahat ay ang galit at ang pakiramdam ng trinaydor.
Imbis na sumigaw,
imbis na magwala at imbis na sugurin at pagsusuntukin si Eric ay parang nawalan
ng lakas ang bawat kalamnan sa aking katawan. Napaupo ako at di ko na
napigilang humikbi.
Biglang bumalikwas si
Eric sa kaniyang pagkakahiga at pagkakayakap kay Pat na siya namang gumising
din kay Pat. Napaupo ito at gulat na gulat sa aking presensya. Tinignan ko lang
ito at dahil wala na akong lakas na pahiran pa ang mga luha sa aking mga mata
ay pinabayaan ko na lang na makita niya ang aking paghihinagpis.
Idinilat ko ang aking
mga mata at nakitang may mukhang nakadungaw sa aking harapan.
“Ok ka lang ba?”
Agad akong napaupo at
pinahiran ang mga luha.
“Before the emergency
lights lit nakita kong patumba ka na, buti na lang nasambot kita or you
could've hurt yourself.” sabi nito sakin sa kaparehong blangkong tono tulad ng
nauna niyang tanong.
Inayos ko lang ang sarili
ko at tinignan muli ang paligid, nakasandal ako kay Sir Edison na siya namang
nakaupo sa sulok ng elevator, tinignan ko ang suot nitong amerikana at nakitang
basa ito sa may bandang dibdib kung saan nakasandal ang ulo ko kanina.
“Hala! Sorry!” sigaw
ko sabay punas sa kaniyang amerikana gamit ang kaniyang inoffer na panyo
kanina.
“Ok na ako.”
pagpipigil niya sa ginagawa kong pagpunas.
“Sorry po, saka
salamat. Hayaan niyo na po akong punasan yung laway para makabawi.” sabi ko
dito.
“In normal circumstances,
papayagan kong linisin mo ang laway mo na nasa damit ko, pero pagkatapos mong
singahan yang panyo ko kanina, sa tingin mo, sinong matinong tao ang papayag na
yan ang ipanlinis mo?” arogante nitong tanong sakin.
“Pasensya na ulit.”
sabi ko na lang at umayos ng upo. Tinignan ko ang maleta ko at napansing
nakabalandra na ito sa sahig ng elevator. Tinignan ko ang aking relos at
napansing magaalas nueve na ng gabi.
“Tae. Anong oras pa
ako makakarating nito sa Airport at sa Boracay?” tanong ko sa sarili ko.
inilabas ko ang cellphone ko at sa kamalas malasan nakita kong lowbatt na ito,
tumingin ako kay Sir Edison para tanungin kung humingi na siya ng tulong pero
nagulat na lang ako ng makitang nakayuko ito at nagapanag na parang si Sadako.
Kinilabutan ako.
Marami na kasi akong
nabasa na mga istorya na ganito, yung mga halimaw, gumagaya ng mga itsura ng
mga tao tapos mambibiktima ng mga hindi nanghihinala na mga tao. Tuloy lang
ulit si Sir Edison sa paggapang at kinakapa kapa ang sahig ng elevator.
“Sir? O-Okay ka lang
ba?” nauutal ko ng sabi, nagsimula na akong umatras palayo dito.
Hindi ito sumagot.
Nagulat ako ng bigla nitong sunggaban ang aking maleta at binato sa kabilang
gilid. Ngayon ang tanging bagay na namamagitan samin ay wala na.
“Sir, wag po,
ma-maawa na p-po kayo sakin. Pa-promise p-p-po magpapaka straight na ako.”
nauutal ko paring sabi saka pumikit.
Ilang minuto na ang
nakalipas at ng wala akong maramdamang masakit sa aking katawan ay unti unti
kong iminulat ang aking mga mata. Nakita kong maayos na ulit ang pagkakaupo ng
aking kasama sa kabilang sulok ng elevator at parang may kinukutingting na
maliit na bagay sa kaniyang harapan, dahil medyo kadiliman parin dahil
emergency lights lang naman ang nakabukas ay hindi ko mawari kung ano iyon.
“Ok ka ba talaga?
Kung ano ano kasi ang pinagsasasabi mo kanina eh, baka kako nauntog ka or
something.” mahabang sabi nito habang patuoy parin sa pagkutingting ng kung
ano.
Tinignan ko ang aking
maleta at nakita itong nagsabog ang laman sa kabilang side ng elevator,
siniguro ko munang hindi talaga aswang ang aking kasama bago ko lapitan ang
aking maleta at ayusin ang nagsabog na laman nito.
“Sorry kung medyo
napalakas ang pagisod ko niyang maleta mo sa tabi, may hinahanap kasi ako eh.
Kung may nasira babayaran ko.” sabi nito atsaka lumapit na din para tulungan
ako sa pagaayos.
“Mukhang wala naman
po, ano po pala yung hinahanap niyo? Nakita niyo po ba?” naiirita kong tanong.
“Bakit naman kasi
kailangang ihambalos ang maleta ko?” sabi ko sa sarili ko.
“Ah hinanap ko kasi
si Marti, nahulog siguro nung umalog yung elevator tas nadaganan ng maleta mo.”
sabi nito.
“Marti?” tanong ko
dito.
“Oo, si Marti.” sabi
niya, sabay labas ng isang maliit na teddy bear. Napanganga ako.
“Weird.” sabi ko sa
sarili ko.
Inilagay niya ang
teddy bear sa kaniyang bulsa sa dibdib ng kaniyng amerikana atsaka tinuloy ang
pagpulot sa nagsabog kong gamit.
“Nakuh, nabasag ata
ang nakalagay dito.” sabi sakin nito saka itinaas ang isang pouch bag na kulay
blue.
“Pabango lang po
laman niya, di naman babasagin ang lalagyan nun.” sabi ko dito habang itinatago
sa kaniya ang nagsabog ko ding under wear.
“Ahhh, pabango pala
ang tawag mo dito? Ang tawag kasi namin dito CONDOM.” napatigil naman ako sa
sinabi niyang yun at nanlaki bigla ang mga mata, agad kong inagaw sa kaniya ang
aking jerjer kit at tinignan ito ng masama.
“SIR, AKO NA LANG PO
ANG MAGAAYOS NG GAMIT KO. NAKAKAHIYA NAMAN PO SAINYO.” matigas at nanlalaki
kong mata na sabi dito, itinaas naman nito ang kaniyang mga kamay na kala mo
sumusuko sa isang labanan saka marahang umatras.
Nang maiayos ko na
lahat ng aking gamit ay tinignan ko ang aking weirdo na kasama sa loob ng
elevator. Naka indian sit ito at nilalaro ang maliit niyang teddy bear,
iminu-muestra niya ito na parang naglalakad at di lang yun, andyan yung itataas
niya ang kamay at igagalaw ang mga paa nito.
“Weird.” sabi ko na
lang ulit sa sarili ko.
0000oooo0000
Nagsisimula na akong
magpanic magtretrenta minutos na kami sa loob ng elevator na yun, wala namang
baterya yung cellphone ko kaya di ako makatawag ng tulong. Tinignan ko ang
aking boss at nakaupo lang to sa isang tabi at unti unti ng hinuhubad ang
kaniyang makapal na suot.
“Wag kang magalala,
tumawag na ako sa office at inutusan na ang assistant ko na ipatawag ang
maintenance ng elevator dito sa building, intay lang daw tayo ng isang oras.”
sabi nito ng mahalatang nakatitig ako sa kaniya.
“Ah eh ganun po ba?”
sabi ko na lang sa kawalan ng maisagot. Tumango lang ito bilang sagot.
Ang totoo niyan kaya
wala akong maisagot ay dahil busy din ako sa pagtingin sa katawan ng aking
boss, inalis narin kasi nito ang long sleeves na suot suot niya at tanging
slacks at medyas na lang ang suot nito. Gusto ko pa sanang makipagusap para
naman magkaroon ako ng excuse na tignan ang katawan nito.
Aktong tatanungin ko
ito nang sa aking pagharap ay nakita ko itong mahimbing ng natutulog.
“Maka masa din pala
ang isang to.” sabi ko sa sarili ko.
Naghanap na lang ako
ng ibang pagkakaabalahan ng madako ang tingin ko sa nakasuksok na airplane
ticket sa bulsa ng aking maleta. Napabuntong hininga ako, unti unti nanamang
tumulo ang aking mga luha.
“Kailangan ko ng
itama ang lahat sa pagitan namin ni Jake or else baka tuluyan na iyong magsawa
at iwan na ako.” sabi ko sa sarili ko.
Bahagyang gumalaw ang
dati kong boss mula sa kinauupuan nito, nagsisimula ng magbutilbutil ang pawis
nito sa noo at sa buong katawan, di ko mapigilang titigan ito lalo na ang
kaniyang magandang biceps, pecs at abs, nakapagpadagdag pa sa init ng aking
nakikita ang pulang ilaw mula sa emergency lights. Sinimulan ko ng i-stretch
ang aking kamay para abutin ang maganda nitong katawan.
Malapit ko ng
mahawakan ang magaganda nitong biceps ng bigla itong dumilat. Sa sobrang
taranta at inabot ko na lang ang teddybear na nakapatong sa tiyan nito, pero
umilag si loko ng makitang may inaabot ako at ang resulta ay pareho naming
pinagsisihan.
“May balak ka pang
reypin ako.” basag niya sa pareho naming gulat at tulalang kundisyon, habang
nakahawak parin ako sa kaselanan niya.
“Ah eh na-cutan kasi
ako sa teddybear mo! Malay ko bang iilag ka at si junior mo tuloy ang nahawakan
ko.” sabi ko habang binawi ko ang pagkakahawak dito.
“Si Marti? Kaya pala
nakakagat labi ka pa nung mahuli kita.” blangko paring sabi nito.
“Oy hindi ah!” sabi
ko dito, tinapunan lang ako nito ng mapangakit na tingin.
“Di kita
pinagnanasaan!” sigaw ko dito nang makitang di ito naniniwala.
Nasa mainit kaming
pagtitinginan ng biglang umalog na ang elevator na ikinatumba ko ulit, umilaw
ulit ang mga ilaw sa loob nito at kasabay nito ang pagbukas ng pinto nito.
“TING!”
At nagulat ang mga
taong nabungaran namin ng makita kaming magkapatong sa loob ng elevator ang isa
samin ay half naked pa.
Itutuoy...
[03]
Biglaan ang pagkalas
namin sa pagkakapatong sa isa't isa. Ang mga maintenance na siyang unang una sa
pila ng tao na nakakita samin ay may mga mapanuksong ngiti at ang mga tao
namang usisero na nasa likod ng mga ito ay nagbulongbulungan. Tinignan sila ni
Sir Edison ng masama atsaka naglakad palayo, isinuot na nito ang kaniyang
puting long sleeves at nagsimula ng maglakad palayo, pinulot ko naman ang aking
maleta.
“Sir Edison saglit
lang.” tawag ko dito pero mabilis na itong nakalabas ng building.
“Hala, nakalimutan na
niya si Marti.” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa isang maliit na
teddybear sa tabi ng aking maleta.
0000oooo0000
Masaya akong
nagiinatay sa loob ng eroplano, napagpasyahan ko kasing sundan si Jake at
supresahin ito sa Boracay. Isinuksok ko ang earphones ng aking iPod at
nagsoundtrip nalang. Napatingin ako sa katabi kong upuan, bakante parin ito.
“Baka hindi na
dadating.” sabi ko sa sarili ko at lihim na napangiti.
Ikinakampay ko na ang
aking ulo kasabay ng tugtog sa aking iPod. Medyo nanuyo ang aking labi at dahil
tinitipid ko ang aking tubig para sa kabuuan ng biyahe ay napagpasyahan kong
magcandy na lang, dumukot ako sa aking bulsa ng isang candy pero kasabay ng
paghila ko sa aking kamay ay sumabit ang teddy bear dito at nahulog sa sahig,
pansamantala kong inalis ang aking earphones at yumuko para kuwanin ang maliit
na teddy bear.
“Bakit kasi dinala ko
pa ito.” sabi ko sa sarili ko.
May tumigil na isang
pares ng mapuputing binti na may sapat na balahibo, sa paa naman ay may malinis
na kulay asul na Toms. Unti unti kong iniangat ang aking tingin at napatayong
bigla na siya namang ikinauntog ko sa sisidlan ng gamit sa ibabaw ng mga upuan.
“Ok ka lang?” tanong
sakin ni Edison.
“Bakit ba sa tuwing
nakikita ko ang mokong na ito ay may masamang nangyayari sakin?” tanong ko sa
sarili ko.
“Musta?” tanong nito
sakin at idinako ang mata sa teddybear na hawakhawak ko.
“Asayo pala si Marti
ah.” sabi nito at magiliw na ngumiti habang turo turo ang teddybear na hawak
ko.
Ngayon ko lang nakita
ang kumag na itong ngumiti. Bagay naman pala sa kaniya, mapuputi at pantay
pantay na ngipin at bahagyang nawawala ang mga mata nito.
“May dugong Koreano
ka ba?” wala sa isip kong tanong dito. Napatawa ito at isiniksik ang sarili
papunta sa bakanteng upuan sa aking tabi.
“Buti na lang sa may
bintana ako, gustong gusto ko kasing makita yung clouds eh.” parang batang sabi
nito sabay turo sa labas ng bintana. Nagtaka naman ako sa malaking pinagbago sa
pagasta nito.
“Nasan si Sir Edison
at anong ginawa mo sa kaniya?” tanong ko dito, nanlaki naman ang mata nito saka
tumawa ng malakas.
Bata pa nga siguro
ito, ngayong naka plain white t-shirt lang ito at shorts ay nagmukha talaga
itong bata kesa sa madalas niyang isinusuot na amerikana sa opisina. Napatagal
ata ang pagtitig ko sa kaniya, natigil na lang ito ng hilahin niya ang manggas
ko na parang batang nanghihingi ng limos.
“Bakit nga pala kayo
andito, Sir?” tanong ko dito.
“Punta akong
Boracay.” sabi nito, naningkit tuloy ang aking mga mata.
“Ano nanaman yang
iniisip mo? Matagal na akong nagpabook.” sabi nito.
“Ok.” sabi ko na lang
at inabot sa kaniya ang teddybear.
“Marti!” parang
batang sigaw nito, lumingon naman ang asa kabilang upuan.
“Shhh. Wag kang
maingay! Para kang nakawala sa kural eh!” saway ko dito.
“Parang ganun na
nga.” malungkot na sabi nito, nagets ko naman agad.
Mahina na ang tatay
ni Edison na si Don Emilio, pero siya parin ang namamahala sa kumpaniya nila
kahit asa bahay lang ito madalas, kaya ang siste si Edison na siyang kanang
kamay ay siya namang bahala sa iba pang bagay na hindi na kaya ng ama niya na
tugunan. Gusto ko sanang magsorry sa sinabi ko, pero parang tinahi ang aking
bibig, sa halip ay inabot ko na sa kaniya ang maliit na teddybear.
“Sayo na yan.”
magiliw na ngiti nito.
“Ha? Eh pano ikaw?”
sabi ko habang pilit na itinutulak pabalik sa kaniya ang maliit na teddybear.
“Dyaraaannn!” sabi
nito at inilabas ang isa pang teddy bear na kapareho lang ng nasa akin.
“Ah eh sigurado ka
bang ok lang sayo na sakin nalang to?” tanong ko ulit dito.
“Oo naman, madami ako
niyan sa bahay eh.” ngiti nito.
“Anak ng tupa.”
bulong ko sa sarili ko at wala ng nagawa pa kungdi ang itago ang maliit na
teddy bear sa aking bulsa.
Walang tigil sa
pagsasalita si mokong, parang first time nga in a long time nitong hindi nakawala
sa kural, malamang kailangan niya yung strict attitude para i-respeto siya ng
tao, kaya naman di ko mapigilang maawa.
“Bata pa talaga siya,
pero dahil sa tarbaho niya, pinipilit niyang maging stiff, para i-respeto
siya.” bulong ko sa sarili ko.
“HUY! Nakikinig ka
ba? Parang hindi naman eh.” sabi nito saka kala mo batang nagmamaktol.
“Ah eh ano nga ulit
yun?” pero pinagsisihan ko kung bakit tinanong ko pa iyon, dahil ngayon wala na
ito ulit tigil sa pagsasalita.
Ilang minuto pa ng
magsawa ito sa kakasalita ay para itong bata na nakadungaw sa bintana at
tinitignan ang bawat nadadaanang ulap. Mayamaya pa ay inilapat nito ang
hintuturo nito sa salamin ng bintana at nagtre-trace ng mga hugis ng ulap.
“Weird.” sabi ko ulit
sa sarili ko, kinuwa ko ang magazine na aking dala at sinalpak ulit ang
earphones sa tenga ko.
Mayamaya pa
naramdaman kong may mabigat na bagay sa aking kaliwang balikat. Nakatulog na
pala si mokong at nakanganga pa.
“Masandal tulog.”
sabi ko, pero di ko inalis ang pagkakasandal niyang iyon sakin.
Idinilat ko ang aking
mata nang mapansin kong parang lumilindol, nang luminaw ang aking paningin ay
nakita ko ang stewardess na ginigising ako at may sinasabi.
“Sir, yung belt niyo
po. We're going to land in a few minutes.” sabi nito sakin sabay ngiti.
“Thank you.” sabi ko
dito sabay ngiti din.
“Sir, paki gising at
pakisabihan narin po yung boyfriend niyo.” sabi ulit ng stewardess sabay turo
kay Edison na nakasandal parin sakin at panay panay na ang tulo ng laway sa
damit ko.
“Ah eh miss di ko
siya...” pagdedeny ko sana pero nakalayo na pala yung F.A.
“Haist! Sir... Sir!”
gising ko dito, pero tulog mantika si kumag, kaya naman iniayos ko siya ng upo
at inabot na ang belt niya at nagpasya na ako na ang magsusuot nito sa kaniya,
nasa ganon akong tagpo ng dumaan ulit ang stewardess at humagikgik ng makita
ang ginagawa ko.
“Kinilig pa nga ang
pota.” sabi ko sa sarili ko, habang inaayos padin ang belt ni kumag. Maya maya
pa ay naramdaman kong humahagikgik si mokong, iniangat ko ang tingin ko sa
kaniya.
“Crush mo ba ako?”
mahanging sabi nito sabay ngiti na kala mo nakascore sa basketball ang kumag.
“Ahhh, o di sige
pababayaan ko na lang na hindi ka nakabelt para pagland nito ay tumilapon ka na
nang mabura yang putang kayabang mong ngiti sa mukha.” naiirita kong sabi dito
sabay bitiw sa belt.
“Eto naman, joke
lang.” sabi nito at inabot niya ang aking kamay na ikinataka ko naman.
“Ayan na oh, i-tuloy
mo na.” sabi nito at inuutusan pa ako na magbelt sa kaniya.
“Ay! Baldado ka na?!”
sarkastiko kong tanong dito. Tumawa lang ito at binitwan na ang aking kamay at
siya na mismo ang nagtuloy sa pagsusuot ng belt.
Iritable parin ako sa
pinakitang kagaguhan sakin kanina ni Edison. Nakasibanghot akong lumabas sa
airport at naghanap ng masasakyan, pero bago iyon ay parang maynagsabi sakin na
lumingon ako at ng ginawa ko ito ay nakita ko si Edison na parang batang
nawawala na pa-ikotikot sa kaniyang kinatatayuan, alam kong di rin ito sanay na
magtanong sa mga tao para magpaturo ng direksyon.
“Sus. Araw araw ka ba
namang nakakotse.” sabi ko sa sarili ko.
Nang magtama ang
aming tingin ay parang bata itong nagmamakaawa ng tulungan ko siya. Di ko naman
natiis ito at nilapitan ko na.
0000oooo0000
“Salamat ah.” sabi
nito sakin habang nakasakay kami sa isang bangka.
“Ok lang.” sabi ko
dito, pero bago pa ito makasagot at dagsain nanaman ako ng kadaldalan ay
isinalpak ko na agad ang aking earphones, para wala na siyang magawa kundi ang
tumahimik.
Nagtaka naman ako at
halos lahat ng nasa bangka ay tumitingin sa aming direksyon, tinpunan ko ng
tingin si kumag at nakita ko itong nagsusuka.
“Huy ano ka ba!” sabi
ko dito, humarap naman ito sakin.
“Anong magagawa ko
kung nasusuka ako eh.” sabi nito sakin. Inabutan ko na lang ito ng plastic para
imbes na sa dagat ito daretso sumuka at madiri lahat ng tao sa bangka ay dun na
lang siya sa plastic sumuka.
“Dyahe naman oh.”
sabi ko habang hinahagod ang likod ni mokong.
0000ooo0000
“Ahhhhh.” sabi ko
habang sinasamyo ang hangin ng Boracay.
“Do you have a place
to stay?” tanong ni Sir Edison sakin habang namumutla pa.
“Yup.” sabi ko dito
saka nginitian. Inilabas ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Pat
nang walang sumagot ay ibinalik ko na lang ang tingin sa kumag na kasama ko.
“Di ka ba pupunta sa
cottage mo o sa hotel mo kung san man yun?” tanong ko kay Sir Edison.
“Haven't got one
yet.” sabi nito sakin na ikinagulat ko naman.
Isa lang ang ibig
sabihin nito, hindi talaga planado ang pagpunta dito ni kumag, kung planado ito
ay malamang nakapagbook na din siya ng isang kwarto sa mga hotel dito sa
Boracay o kaya ay may susundo na sa kaniya pagbaba palang ng ferry. Binigyan ko
ito ng isang naniningkit na tingin at nginitian lang ako nito at biglang
hinatak ang aking kanang kamay.
“Halika, samahan mo
akong maghanap!” sigaw nito habang kinakaladkad ako papunta sa hilera ng mga
hotel malapit sa dalampasigan ng Bora.
“Teka!” sigaw ko
dito.
“Para magpapasama
lang eh! Kung matipuhan ako dito at dalin sa kung saan, makakaya ba ng
konsensya mo iyon?!” sabi nito sakin na ikinatahimik ko naman.
“Sabi ko na eh, di mo
maaatim yun.” sabi nito sabay hila sakin.
“Pero kailangan ko
kasing hanapin sila Pat.” sabi ko dito.
“Sila? Akala ko
boyfriend mo lang ang kasama mo dito?” takang tanong nito sakin habang hinihila
ako papunta sa mga tiyangge.
“Kasama namin ang
bestfriend niya saka ang boyfriend nung bestfriend niya.” sabi ko dito habang
sinusubukan paring makawala sa mahigpit na hawak niya sa aking braso.
“Ahhhh.” sabi nito
habang namimili ng mga t-shirt na may tatak na Boracay na nagbigay sakin ng
ideya, na hindi naman talaga siya interesado na malaman ito.
0000ooo0000
“Ayan na ah, nakapag
check in ka na! Siguro naman safe ka na niyan?!” sarkastiko kong sabi dito, di
naman siya sumagot at humagikgik na lang ito na kala mo nakakaloko.
“Sige na! Bayieee!”
sabi ko dito habang binibigay ng asa reception area ng hotel ang susi ng kwarto
nito.
Inilabas ko ulit ang
aking telepono at sinubukang tawagan si Pat, pero di parin ito nasagot, sunod
kong tinawgan si Eric, pero wala paring sumasagot. Napagpasyahan kong pumunta
na sa bahay na tutuluyan namin, pero bago pa man ako mkalapit dito ay sinubukan
ko ulit tawagan sila Pat, pero wala parin. Malapit na ako sa bahay na
nirentahan namin ng maisipan kong ang boyfriend naman ni Eric ang tawagan.
“Hello Tim? Asan ba
kayo? Kanina pa ako tawag ng tawag kila Pat at Eric ah.” tanong ko dito
pagkasagot na pagkasagot niya ng telepono niya.
“Di ba sinabi sayo ni
Pat? Di ako nakasama kasi masama pakiramdam ko. Akala ko kasama ka? Hello,
Jake?... Jake?” sabi nito sa kabilang linya, pero di na ako nakasagot pa.
Nabitawan ko na ang telepono at isang matinding pagkabog sa dibdib ang gumapang
sakin.
Itutuloy...
[04]
Kinakabahan akong
lumapit sa tapat ng pinto ng kwarto, dahan dahan kong inikot ang doorknob nito
at banayad na tinulak ang pinto, tumambad sakin ang hubad na katawan ng
boyfriend kong si Pat at ng bestfriend niyang si Eric. Halo halo ang emosyon na
naramdaman ko pagkakitang pagkakita ko sa kanilang dalawa andyan ang awa sa
sarili, andyan ang pagkamanhid ng buong katawan ko, andyan ang luha na patuloy
na namumuo sa aking mga mata sabay ang kawalan ng lakas na pigilan ito at ang
namumutawi sa lahat ay ang galit at ang pakiramdam ng trinaydor.
Imbis na sumigaw,
imbis na magwala at imbis na sugurin at pagsusuntukin si Eric ay parang nawalan
ng lakas ang bawat kalamnan sa aking katawan. Napaupo ako at di ko na
napigilang humikbi.
Biglang bumalikwas si
Eric sa kaniyang pagkakahiga at pagkakayakap kay Jake na siya namang gumising
din kay Pat. Napaupo ito at gulat na gulat sa aking presensya. Tinignan ko lang
ito at dahil wala na akong lakas na pahiran pa ang mga luha sa aking mga mata
ay pinabayaan ko na lang na makita niya ang aking paghihinagpis.
Agad na nilikom ni
Eric ang kaniyang mga damit at agad agad na lumbas ng pinto. Lumapit naman
sakin si Pat, lumuhod sa aking harapan at niyakap ako ng mahigpit. Tuloy tuloy
lang ang paghikbi ko.
“Sorry, napainom kasi
kami kagabi.” sabi nito sakin.
“Kaya nag sex kayo?
Ano ba ang kantutan sainyo? Chaser?!” sigaw ko dito.
“Sorry.” pabulong na
sabi nito sakin.
Mabagal akong naglakad
papunta sa inupahan naming bahay, dumadagundong ang dibdib ko, nagsisimula ng
mangilid ang aking mga luha, nanginginig na ang kamay ko at pagod na din ito sa
pagbuhat sa aking maleta. Matagal kong tinitigan ang pinto ng bahay na iyon.
“So ngayon kasalanan
ko pa?” sigaw ko kay Pat.
“Oo! Remember the
time I slept with Eric? Di naman mangyayari yun kung di ako masyadong nalungkot
dahil imbis na ikaw ang kasama ko sa birthday ko ay ang bestfriend ko ang
andito at ikaw, andun ka sa opisina, nag o-overtime! Bakit di mo na lang kasi
sabihin na mas importante ang mga lintik na illustration board na yan kesa
sakin?!” sigaw nitong balik sakin saka tuloy tuloy na lumabas.
Dahan dahan akong
kumatok sa pinto. Pagbukas nito ay bumungad sakin ang nakatapis na si Pat at
nakita kong nakahubad na nagyoyosi si Eric sa kama, ibinalik ko ang aking
tingin kay Pat at yumuko lang ito. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.
“Sino yan Pat?”
tanong ni Eric at ng tumingin ito sa pinto ay di mo maikakaila ang gulat sa
mukha nito.
Di ko na sila
hinayaan pang magpaliwanag, wala nang kailangang ipaliwanag, tumalikod na ako
at nagsimulang maglakad palayo sa bahay na iyon.
“This is Eric,
Bestfriend ko since college. Eric this is Jake, my boyfriend.” pakilala samin
ni Pat, halata ang gulat sa mukha nito at hindi rin maipagkakaila ang lungkot
sa mga mata ni Eric, agad niya rin itong binawi at ngumiti.
“Nice to meet you,
Jake.” sabi ni Eric sakin sabay lahad ng palad para makipag shake hands. Agad
din itong nag-excuse at pupunta daw siyang CR, agad itong sinundan ni Pat, nung
una di ko pa alam kung bakit.
0000ooo0000
“So, Eric huh?” sabi
ko kay Pat habang nagmamaneho ito pabalik sa pad namin.
“Oh, don't give me
that look.” nangingiting sabi nito sakin.
“Gusto ko lang
malaman, Pat. Iba kasi yung reaksyon niya nung ipakilala mo ako sa kaniya as
your boyfriend.” sabi ko dito.
“Fine. Nagdate kami
before, but bestfriends nalang kami ngayon at di na hihigit yun dun.” sabi nito
sakin saka itinabi ang kotse at niyakap ako at marahang hinalikan.
“Bullshit!” sabi ko
sa sarili ko nang maalala ang sinabi ni Pat na yun.
Naisipan kong umuwi
na lang pero nagiinaty parin ako ng ferry, kaaalis lang kasi nung isa kaya
naman imbis na magbilad ako sa beach kakaintay sa ferry naisipan kong kumain
muna, habang abala ako sa pagsinnga at pagpunas sa mga luha ko nakaramdam ako
ng isang madiin na kalabit sa aking leeg. Asa likod ko ngayon ang kumag na
kanina lang ay nagsusuka sa ferry papunta dito sa Boracay, ang dati kong boss,
mula sa dati kong pinagtatarbahuhan na siyang sumira ng buhay ko. Tumayo ako at
sinimulang suntok suntukin ang dibdib nito at nagsimula na ulit bumagsak ang
aking mga luha.
“Whoah! Easy.” sabi
nito at niykap ako.
“Ano bang nangyari?”
sabi nito sakin at bahagya ako nitong inilayo sa kaniya, sapat lang para makita
nito ang aking mukha. Nagtitigan kami. Noon ko lang napansin na mas matangkad
pala ito sakin at ngayon ay literal na nakatingala ako sa kaniya.
0000ooo0000
Nakaupo kami sa ilang
mga putting upuan sa ilalim ng mga puno ng niyog sa kahabaan ng dalampasigan,
di ko parin mapigil ang sarili ko sa pagiyak at inilalabas ko narin ang aking
sama ng loob kay Edison na sayang saya naman sa kaniyang kinakain na sundae.
Tumatango ito sa bawat kailangan ng sagot sa aking kwento, pero alam kong di
ito nakikinig. Inagaw ko ang sundae sa kamay niya at sinimulan ng kainin ito.
“You must be really
depressed huh?” sarkastikong tanong nito sakin habang masama ang tingin sa akin
na ngayong kinakaing sundae.
“He's an unfaithful
bastard. So what?” sabi ulit nito sabay inagaw ulit ang sundae mula sa aking
mga kamay.
“Di naman ibig
sabihin nun end of the word na.” pahabol pa nito, napatango na lang ako. May
punto siya.
“So may tutuluyan ka
na ba ngayon?” tanong nito sakin.
“Actually, I'm just
waiting for the ferry pabalik sa Catic...”
“You mean that
ferry?” turo nito sa kaaalis lang ulit na Ferry.
“Shit!” sigaw ko na
lang ng makitang nakaalis na ang ferry na iniintay ko kanina pa.
0000ooo0000
Nakangiting aso parin
si kumag habang iiling iling sa nangyaring pagiwan sakin ng ferry, binuksan
nito ang pinto ng hotel room niya at inihagis ang sarili sa kama, binuksan ang
TV at inilipat lipat ang channel nito.
i love you
you love me
were a happy family
with a great big hug
and a kiss from me 2
you
wont you say you love
me 2
i love you
you love me
we are friends like
friends should be with a great big hug and
a kiss from me 2 you
wont you say you love
me 2
Narinig kong tugtog
sa TV habang inaayos ko ang mga gamit ko, napailing na lang ako ng makita si
mokong na parang batang naka indian sit sa may kama at nakangiting loko nanaman
habang pinapanood si Barney.
“Weird.” sabi ko sa
sarili ko.
“Isa lang ang kama?”
tanong ko dito.
“I can share.” sabi
nito sabay tapik sa bakanteng parte ng kamang inuupuan niya, napamaang ako sa
kilos nito.
“I don't bite.” sabi
nito sabay umiling at bahagyang ngumiti.
Agad kong kinuwa ang
aking libro at humiga sa kama, habang si mokong naman ay tutok na tutok parin
sa TV. Di ko na namalayan na nakatulog na ako.
0000ooo0000
Nagising ako ng
maramdaman kong may dumadaloy na luha sa aking pisngi, unti unti kong binuka
ang aking mga mata, nagulat na lang ako ng makita ko na nakasiksik ako sa
tagiliran ni Edison, bahagya kong tinignan ang mukha nito at nakita kong
natutulog din ito isiniksik ko pa lalo ang sarili ko dito dahil inaamin kong
parang nasasarapan akong nakasiksik doon, iniakbay niya ang kamay niya sa akin
at hinayaan lang akong sumiksik pa lalo sa kaniya.
0000ooo0000
Nang iminulat ko ulit
ang aking mga mata ay madilim na sa labas ng bintana, nakasiksik parin ako sa
tagiliran ni Edison, nakaakbay parin siya sakin di ko napigilan ang sarili ko
na isiksik pa ang sarili sa kaniya.
“No spongebob.”
biglang sabi nito sabay hagikgik, iniangat ko naman ng konti ang aking tingin,
nanonood pala ito ng Spongebob square pants at saulo niya ang mga linya dito
pati ang boses ni Patrick star at spongebob gaya din.
“Ah eh sorry nagising
ka ba? Masyado bang malakas?” tanong nito sakin, umayos naman ako ng upo at
kunwariy nahiya sa pwesto ko kanina.
“Sensya na, nakatulog
ako.” sabi ko na lang.
“Gutom ka na ba?”
tanong nito sakin, sabay turo ng pagkain na galing sa room service.
“Yung totoo? Room
service? Di ka ba lalabas? We're in Boracay for heaven sake.” sabi ko dito at
tumayo na para maghilamos.
“Anong gagawin mo?”
tanong nito.
“Gagawin NATEN?
Lalabas tayo at dun tayo kakain.” sabi ko dito sabay hila sa kaniya palabas ng
kuwarto.
0000ooo0000
“Wow, sarap pala
dito.” sabi niya habang nilalantakan na ang pangsampung stick na ata ng
barbeque.
“Ikaw lang naman ang
tanging tao dito sa Bora na mas gustong magkulong sa hotel room tas manood ng
barney at spongebob eh.” pangaalaska ko dito.
“Di lang kaya yun basta
spongebob, yung ang favorite kong episode ng spongebob squarepants!” sabi nito
habang ngiinunguya ang barbeque.
“Weird.” sabi ko na
lang.
0000ooo0000
Nakita ko na lang ang
sarili ko na nainom ng isang bote ng beer kasama si Edison na masayang nanonood
sa mga palaro sa stage, nakakatuwang panoorin si mokong, parang walang problema
sa buhay, laging may nakaplaster na ngiti sa mukha.
“Sana katulad mo na
lang ako.” sabi ko sa kaniya.
“Ha?” tanong nito
sakin sabay turo sa malapit na speaker, nasenyas na hindi niya ako marinig.
“Sabi ko sana katulad
mo na lang ako, parang walang problema sa buhay.” sabi ko dito, nagulat na lang
ako ng bigla nitong nilapit ang bibig niya sa aking tenga.
“Naniniwala kasi ako
na hindi lahat ng bagay dapat problemahin.” sabi nito sakin, iniharap ko ang
mukha ko sa kaniya at muntik ng maglapat ang aming mga labi.
“Sorry.” sabi ko dito
pero ngumiti lang ito.
“Sana kasi di na lang
ako sumunod dito, ngayon, wala na nga akong trabaho, wala pa akong boyfriend.”
sabi ko pero ng tapunan ko ng tingin si mokong ay inilalabas na nito ang
kaniyang teddy bear at isinasayaw ito sa lamesa kasabay ng malaks na tugtog.
“Sana, ikaw na lang
ang naging boyfriend ko.” sabi ko dito, pero mahina lang sapat lang para hindi
niya marinig, mukhang wala naman talaga itong narinig dahil patuloy parin siya
sa paglalaro sa maliit niyang teddy bear.
Iginawi ko ang tingin
ko sa may bar at nakita doon sila Pat at Eric na tulad ko ay mukhang nagiinom
din, di ko alam pero parang malungkot ang mukha ni Pat samantalang si Eric
naman ay hinahagod ang likod nito.
“Huy! Sino bang
tinitignan mo?” tanong ni Edison sakin.
“Si Pat, boyfriend
ko. ex-boyfriend ko.” tinignan ito ni Edison saka panandaliang kumunot ang noo
nagulat ako ng bigla nitong hatakin ang kamay ko papuntang entablado.
Nang makarating kami
doon ay nakatingin lang saming dalawa ang emcee at facilitator ng mga palaro.
Itutuloy...
[05]
Kunot noo kaming
tinitignan ng dalawang emcee, di ko parin maintindihan kung ano ang ginagawa
naming dalawa ni Edison sa taas ng stage, may mga ilang pares narin ng lalaki
at babae sa entablado at may dalawang pares na parehong babae.
“Yes mga kuya ano po
yon?” sarkastikong sabi ng baklang emcee.
“Sasali kami.” sabi
ni Edison at naghiyawan ang mga tao sa paligid kasama na ang mga magkakapares
na nasa entablado.
Nagkatinginan ang
dalawang emcee.
“What? 2 guys can't
do it and two girls can?” tanong ni Edison sabay turo sa dalawang pares ng mga
babae sa may bandang dulo ng stage.
“Oo nga naman.” sabi
nung isang emcee.
“Actually.” sang ayon
nung isa.
“Halika na.” sabi
sakin ni Edison at hinila ako papuntang dulo ng entablado.
“Uulitin lang namin
ang mechanics ng game ha? Ang gagawin po natin ay body shots, mas daring mas
maganda, isa sainyo ang maglalagay ng icing sa sariling katawan habang didilaan
naman ito ng isa, pagkatapos dilaan ay iinom ng vodka ang kalahok na siya ring
dumila ng icing. Ngayon ito ang twist, ang madlang pipol ang maghuhusga kung
sino ang mananalo by means of pinakamalakas na palakpak at hiyawan. Oh ready na
ba kayo? Sila ate at kuya muna na siyang pinakamalapit samin ang mauuna.”
Kinakabahan kong
tinignan si Edison na binigyan lang ako ng isang thumbs up. Inirapan ko ito at
humagikgik lang ito.
Malakas ang hiyawan
sa mga naunang kalahok pero mas lumakas ito ng magsimula na ang unang pares ng
parehong babae na ang nakasalang, karamihan sa mga humiyaw ay mga lalaki, halos
mabulabog na ang buong Boracay ng matapos ito.
“Ok, tapos na ang
ating G to G, lets now go to our M to M.” nangaalaskang sabi ng emcee, dito pa
lang ay naghiyawan na ang mga tao, mas malakas pa kesa sa dalawang naunang
pares ng babae.
“Oh, take off both
your shirts naman, madudumihan lang yan ng icing.” sabi nung isa, walang keme
kemeng hinubad ni Edison ang t-shirt niya, pinagtripan pa nga siya ng DJ ng
patugtugan ito ng isang kanta na kala mo pang romansa, game naman na gumiling
si kumag. Lalong naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga babae na nakita ang
pamatay na abs ni Edison.
“Oh, kuya ikaw din.”
sabi sakin nung isang emcee, umiling lang ako.
“Ayyy! Shy type.”
sabi naman nung isa.
“Take it off, take it
off, take it off.” sabi ng mga tao sa paligid, pero umiling lang ako, maya maya
pa ay itinayo na ako ni Edison, nagpatugtog ulit ang DJ this time, Careless
whisper na ang isinalang nito at unti unti akong hinubaran ni Edison, mas
lalong naghiyawan ang mga tao.
“Di rin naman pala
masama ang katawan ni kuya, pa-shy shy pa.” sabi ng isang emcee.
“Who's going to be
the licker?” tanong nung isang emcee.
“He is.” turo sakin
ni Edison, wala na akong nagawa, inabot na kay Edison ang bote ng icing spray,
walang tigil ang hiyawan.
Napanganga na lang
ako sa naisip na ito ni kumag, napailing pero di ako nagpatalo dito.
“Ito pala ang gusto
mo ha.” sabi ko sa sarili ko. Parang nangiinis ang tugtog na isinalang ng DJ,
Body shots ni Kaci Bataglia at ludacris, unang nilagyan ni mokong ng icing ang
kaniyang kaliwang tenga, dinilaan ko ito atsaka tumungga ng isang baso ng
vodka, ang sunod naman nitong nilagyan ay ang kaniyang leeg at nagsimula narin
itong gumiling at inikot ako patalikod, patalikod kong sinaid ang icing sa
kaniyang leeg sunod ay sa kaniyang dibdib, walang tigil ang hiyawan ng mga nasa
bar na iyon. Maya maya pa ay iniharap ulit ako nito saglit na nagtitigan at
binigyan ako nito ng nakakalokong ngiti.
“Kaloka! May pangiti
ngiti at titigan pang nalalaman sila kuya!” comment ng isang Emcee habang
umabot na sa nakakabinging lebel ang hiyawan.
Sunod na nilagyan
nito ay ang kaniyang pusod, parang wala sa sarili ko itong dinilaan lalong
naghiyawan ang mga tao ng pababa ko itong dinilaan. Naglagay naman ng icing
ulit si kumag sa kaniyang dibdib, pero di ko muna ininom ang vodka dahil
itinuloy ko ang pagdila mula sa kaniyang pusod paakyat naman sa kaniyang
dibdib, habang hindi inaalis ang aking dila sa pagkakasayad sa kaniyang balat.
Dumadagundong na ang
buong station 2 ng Boracay, nagsisimula ng dumami ang mga guest ng bar na iyon,
kahit walang maupuan ay ayos lang mapanood lang nila ang ikinababaliw ng lahat
ng taong nandon.
Sunod na nilagyan ni
Edison ay ang kaniyang kaliwang tenga pero tulad kanina ay di ko na pinutol ang
pagdila mula sa dibdib, kahit wala naman akong dadaanang icing sa kaniyang leeg
papuntang kaliwang tenga niya ay tinuloy ko parin ito, hindi ko parin inlais
ang pagkakasayad ng aking dila sa kaniyang balat. Nagwawala na ang mga tao sa
loob ng bar.
“Okay, tapos na
po...” simula ng emcee pero di nagpatinag si Edison dahil naglagay pa siya ng
icing sa kaniyang mga labi.
“Actually, hindi pa
tapos eh sige last one!” sigaw ulit ng emcee.
Umayos na ako ng
pagkakatayo at tumingala na kay Edison, malugod naman itong yumuko at inilapit
ang kaniyang mga labi na puno ng icing sa aking mga labi. Lalong dumagundong
ang buong station 2.
0000ooo0000
“Tarantado ka! Dahil
lang pala dito?!” sigaw ko kay Edison habang iwinawagayway sa mukha niya ang
isang teddy bear na napalanunan namin sa contest ng body shots kanina.
“Oi! Hindi yan basta
teddy bear!” sabi nito sabay hagikgik, inagaw niya ito sakin sabay haplos sa
ulo ng teddy bear.
“Weird.” sabi ko na
lang, pero di parin maialis sa isipan ko ang halik kanina. Gamit ang hintuturo
ay dinutdot ni kumag ang aking noo.
“Bakit ganiyan ang
itsura mo? Mukha kang nastroke habang nakikipagsex.” sabi nito sakin sabay
hagikgik, di ko naman masabi dito na iniisip ko ang halikan namin kanina at
baka mawirduhan ito sakin.
0000ooo0000
Pagpasok namin sa
hotel room niya ay para itong bata na nagtatatalon dahil sa napalanunan naming
teddy bear, napa iling na lang ako. Nagpunta ako sa may CR para maligo at
magtoothbrush at paglabas ko ay naabutan ko itong nanonood ng blues clues.
“Yung totoo?
Napagkaitan ba ng kabataan ito nung maliit pa siya?” tanong ko sa sarili ko.
“There! Foot prints I
saw it!!” sigaw nito habang nakaturo pa sa TV at tumitingin sakin. Parang
batang iniintay ang papuri ng magulang.
“Goodjob anak, now
take a bath and rinse all those icing.” sabi ko dito, tinignan ako nito ng
masama.
“Are you making fun
of me?” tanong nito at naniningkit padin ang mga mata.
“No.” sabi ko dito
habang pinipigilan ang sarili na mapatawa, tumayo na ito saka nagpunta sa
banyo. Lumabas ako sa may verranda at pilit na sinasaulo ng magandang tanawin,
umupo ako sa isang bangko na nakalaan doon at tumingala at pinagmasdan ang mga
bituin.
“That's Orion.” sabi
sakin ni Pat, habang inaadjust ang kaniyang telescope, di na ako nakipagtalo
dito sa halip ay tinignan ko na lang siya.
“You know what? gusto
ko bago ako mamatay nakikita ko ang mga stars na iyan, parang nakaka relax
kasi.” wala sa isip na sabi nito at humiga na sa banig na nilatag namin inunan
nito ang kaniyang dalawang kamay. Inunan ko naman ang kaniyang dibdib.
“Ikaw?” tanong nito
sakin, napatahimik ako bigla.
“Gusto ko, bago ako
mamatay, ikaw parin ang nasa tabi ko.” sabi ko dito, tumahimik ito at dahan
dahang umupo, ngayon ang hita na niya ang ginagawa kong unan. Mayamaya pa ay
inilapit na nito sakin ang kaniyang mukha at hinalikan na parang wala ng bukas.
Nagpapahid ako ng
luha ng biglang sumulpot sa harapan ko si Edison.
“Geez! May factory ka
ba ng luha?” tanong nito sakin pagkatapos ay ngumiting nakakaloko, umupo ito sa
katabing silya.
“Ano bang storya niyo
niyang kumag na ex mo?” nagulat ako sa tanong niyang yun.
“Nako, di ito
interesante para sayo.” sabi ko nalang habang pinapahiran ang huling luha sa
aking mga mata.
“Try me, and I'm
doing this para kahit papano gumaan yang pakiramdam mo.” sabi nito habang
nagbubukas ng isang beer in can.
“Eric is Pats'
Bestfriend, noon pa lang nagdududa na ako sa dalawang yun tapos nito lang din
ng aminin sakin ni Pat na naging Ex niya si Eric at lalong sumakit yun ng
mahuli ko silang nagsesex, bali pangalawang beses na nung nakita ko sila sa
cottage nila.” sabi ko dito. Umiling iling naman ito.
“Ikaw, anong kwento
mo?” tanong ko dito, di ito nagsalita at tumitig lang sa espasyo sa unahan
niya.
“Bakit bigla kang
napa bakasyon?” tanong ko dito.
“Well, I need a time
off.” matipid na sabi nito.
“Yun lang?” tanong ko
ulit.
“I'm also here to fix
a broken heart.” mahinang sabi nito sabay tungga. Napatitig naman ako dito, ang
kaninang parang bata na kagaslawgaslaw ay seryosong seryoso na ngayon sa
harapan ko. napaka unpredictable talaga nito.
“Kasi?” pageengganyo
ko dito.
“I've been in love
with my bestfriend for the last ten years or so, tapos biglang dumating ang big
break niyang maituturing sa kaniyang career, nung hindi pa ito dumadating, sigurado
ako na may nararamdaman din ito sakin pero habang ginagawa niya ang project
niya with my brother, I grew uncertain of it, kaya naman gumawa ako ng move to
win his heart, but I was too late, masyado ng nainlove ang bestfriend ko sa
kapatid ko.” mahabang sabi niya habang nakatitig parin sa kawalan.
“His heart? HIS?”
tanong ko sa sarili ko ng mapagtanto ko ang mumunting detalyeng yun, pero di ko
na ito inungkat pa, ramdam kong nasasaktan ito.
“So there, yun ang
pansamantala kong gustong takasan.” sabi niya sabay ngiti.
“Pwede pang magtanong
ng isa pa?” tanong ko ulit.
“Sa office kasi
sobrang stiff mo tapos dito naman kala mo ka nakawala sa kural, bakit ganun
ka?” parang bata kong tanong dito.
“18 years old palang
ako nung ipasa sakin ni Dad ang responsibilidad sa opisina, I need to be strict
so people would respect me, bihira ma-gain ng isang teenager ang respeto ng mga
30+ or something na businessmen, kung di ko gagawin yun, people wouldn't invest
in our company, tapos paminsan minsan kapag nakakawala ako sa kural, tulad
ngayon, saka ko pinapalabas ang totoong ako, ang pagiging batang isip.” sabi
nito sabay ngiti at peace sign. Napangiti nadin ako.
“Bakit mo ako
hinalikan kanina?” tanong ko dito.
“Because you're too
absorbed with your breakup sa sobrang absorbed nakalimutan mo na na kaya tayo
nandito ay para magsaya, kaya inalis ko muna ang isip mo sa lintik mong
boyfriend na yan.” sabi nito sabay labas sa kaniyang teddy bear at nilarolaro
nanaman ito.
“Pwede isa pang
tanong?”
“Andami na niyan ah?”
nahagikgik na sabi nito sakin.
“Last na to promise
tas matutulog na tayo.”
“Anong kwento nyan?”
sabay turo ko sa teddy bear niya.
“Nung bata ako,
nakapulot ako ng isang teddy bear sa playground ng school, ibibigay ko sana to
sa teacher ko ng makita kong may pinagkakaisahan ang mga bully samin, sinubukan
ko itong tulungan, pero dahil payatot din ako ay pareho lang kaming nabugbog.
Nasa clinic na kami pareho at naglalapatan ng dinurog na yelo sa mukha para sa
mga pasa namin, masyado siyang naapektuhan sa pambubully sa kaniya at kwento
siya ng kwento na sana di ko na siya tinulungan dahil ayon sa kaniya simula
noong ipinagtanggol ko siya pareho na kami nitong pagiinitan, nawala lang lahat
ng pagaalalang iyon ng makita niya ang teddy bear na hawak ko, di ko alam pero
parang nawala sa isip niya ang pagaalala nang sinimulan niya akong tanungin
tungkol dito, kaya simula noon di ko na inalis ang teddy bear sa tabi ko, dahil
pakiramdam ko di na siya nagaalala pag nakikita niyang nilalaro ko ito.”
mahabang salaysay nito habang nilalaro ang kaniyang teddy bear.
Dun ko lang din
na-realize na tama siya, tuwing nakikita ko na nilalaro niya ang stuffed toy na
iyon ay parang nawawala ang pagaalala ko, panandalian, Oo, pero nawawala ito,
parang bata na ahinan mo ng laruan ay siguradong titigil na ito sa kakangawa,
napatitig na lang ako sa kaniya.
“Tara tulog na tayo.”
aya nito sakin.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment