By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[21]
Naramdaman
ni Eric ang pamilyar na sensasyon ng nahuhulog. Ipinikit na lang niya ang
kaniyang mga mata at inintay ang alam niyang paparating na sakit ng katawan o
kaya naman ang sensasyon ng nabaling buto dahil sa kaniyang pagkakahulog nang
makaramdam siya ng malalaking braso na yumakap sa kaniya at humila patayo ng
maayos, palayo sa delikadong riles ng tren.
“What
the hell were you thinking?! And why the hell are you going to Jacobson's?
Aren't we paying you enough?!” singhal ni Alvin habang mahigpit paring
nakayakap kay Eric, ayaw itong pakawalan dahil sa takot na may mangyari
nanamang masama dito at isinandal ni Alvin si Eric sa isang pader para hindi na
ito makalayo pa sa kaniya.
“No---”
simula ni Eric pero pinutol iyon ni Alvin at saglit siyang binitawan mula sa
pagkakayakap.
“Then
why? Is it someone in the office? Is somebody harassing you or--- Is it because
of me?” pabulong na sinabi ni Alvin ang huling apat na salita, hindi niya
maipaliwanag kung bakit pero para bang may nagtulak sa kaniya na itanong iyon.
Natigilan
si Eric, pinipilit na huwag hayaan ang mga luhang nagsimula nang mangilid sa
kaniyang mga mata na tumulo, napansin ito ni Alvin at inilapit niya ang
kaniyang mukha sa mukha ni Eric dahil sa pagaalala.
“Hey,
what's wrong?” tanong ni Alvin sabay pahid ng luhang kapapatak lang mula sa
kaliwang mata ni Eric.
“It's---
I-It's not you. It's me, I'm the one with the proble---.” balik ni Eric na
ikinagulat ni Alvin. Nagtama ang kanilang mga tingin, nakita ni Alvin ang
pagaalinlangan sa mga mata ni Eric.
Biglang
pumasok ang isang alaala sa isip ni Alvin. Isang alaala kung saan nakadagan
siya sa nakahigang Eric matapos ang pangigiliti niya dito at inilalapit niya
ang kaniyang mukha sa mukha nito. Nakita niya ang pagaalinlangan sa mga mata nito
na katulad ng nakikita niyang pagaalinlangan na kasalukuyang bumabalot sa mata
ni Eric habang nakasandal ito sa pader ng istasyon ng MRT, naalala niya na
rumehistro ang pagaalinlangan na iyon sa mata ni Eric nung gabi ng party nang
ididikit na niya ang kaniyang mga labi sa labi ni Eric. Nawala lang ang
pagaalinlangan na iyon nang pumikit si Eric na siya namang ginawa din ni Alvin.
Alam ni Alvin na hindi iyon panaginip alam niya at pinagsisigawan ng kaniyang
puso at isip na nangyari at totoo ang mga alaalang iyon nung gabi ng party.
Unti-unting
luminaw ang lahat kay Alvin, tila isang makina ang kaniyang utak at tumakbo
dito ang ilang alaala kung saan sila lamang ni Eric ang tampok. Tumakbo sa
kaniyang isip ang mga bagay na nagpapatibay lang sa kaniyang realisasyon na
iyon. Ang mga tingin ni Eric kung saan tila ba nagpapahiwatig ng nararamdaman
nito sa kaniya, ngiti, tawa, haplos ng kamay ni Eric na tila ba para sa kaniya
lamang, pati narin ang paraan ng pagsisinungaling nito tungkol sa pagiging
totoo ng mystery guy.
“So
uhmmm are we still on for lunch?” Biglang pumasok ang alaalang ito sa isip ni
Alvin nang maalala niya kung pano mamula si Eric matapos niyang itanong ito,
kung pano muna sila magtitigan at kung pano nagiwas ng tingin si Eric na tila ba
nahiya bigla sa tinanong ni Alvin.
“S-sure.”
kung pano mabulol si Eric nang sa wakas ay sumagot na ito.
Ang
reaksyon ni Eric nang ilagay ni Alvin sa plato nito ang piraso ng manok na
minamata nito nang minsang kumain sila ng tanghalian sa labas.
“Why
did you do that?”
“Do
what? Oh you mean the chicken? Well, I saw you eyeing it so I sliced some and
put it in your plate, I didn't mean to be rude or something---”
Kung
paano magpahaging si Eric sa totoo nitong gusto.
“I
would've like it better if you put it in my mouth and not on my plate.”
Ang
pagliwanag ng mukha lalo na ng mga mata ni Eric sa tuwing sasalubungin niya ito
sa elevator ng opisina tuwing umaga. Kahit pa gaano ka simple o kaya naman
kaikli ng mga pagbati niya.
Ang
unang pagkakataon sa kung saan loob ng isang taon ay napatawa siya nito.
“You
know, the kind of shit old couples do, arguing like shit heads but deep inside
you know they love each other and have great make up sex later.”
Pumasok
sa isip ni Alvin ang birong ito at naalala niya rin kung gano kalakas ang
kaniyang tawa na ikinataka ng buong opisina.
“What?”
“Nothing,
it's just funny the way you describe them.”
Pumasok
din sa isip ni Alvin ang una nilang agahan sa isang parke malapit sa kanilang
opisina, kung pano ulit nagpahaging si Eric ng totoo nitong nararamdaman sa
kaniya.
“This
is your idea?”
“Why?!
What's wrong with it? You don't like it?”
“Oh,
NO! I love it! It's just---”
“Too
mushy? I know, two guys eating breakfast in a park is too gay for you, right?”
“It's
not that! I would love to eat like this with you, it's just that--- I –I think
it's sweet--- ummm--- romantic, I only see this on a romantic flick and uhmmmm
well--- people might think were in a relationship and I don't want to cause you
t-trouble.”
Naalala
rin ni Alvin ang reaksyon ni Eric nang sabihin nito ang tungkol sa mystery guy
na ayon sa ama ni Eric ay ang taong nagpapasaya dito my ilang linggo na ang
nakakaraan. Kung paano ito namutla at manginig na miya mo nahihiya ito dahil
nabuko siya ni Alvin at naalala rin ni Alvin kung paano ito mabulol at mamula
habang nagpapalusot na tila ba iyon ang unang pagsisinungaling nito.
“What's
wrong with you? It's like your face is stuck to smiling mode. It's kinda creepy
so please stop it.”
“Shut
up! I'm smiling because your dad told me something about me being this mystery
guy who suddenly made you mad happy and permanently stamped a smile on your
face.”
“I
m-made the mystery guy issue up.”
“What?”
“T-there's
no mystery guy. Dad noticed na naging masayahin ako nitong mga nakaraang
linggo, he said that maybe I found a guy and that finally I'm happy, hindi ko
na siya kinontra because the last thing I want to happen is for him to worry
about me when he has his own life to worry about.”
“I-
I w-was happy these past few weeks because I finally had dad back, I gained new
friends and life is starting to look up for me not because there's a mystery
guy who makes me happy. That's why I don't want you to go up the house earlier
kasi baka mapagkamalan ka na ikaw ang mystery guy na sinasabi ni dad at ilagay
ka niya sa spot light just like what he did tonight.”
Naalala
din ni Alvin ang kakaibang kinilos ni Eric nung umaga pagkatapos ng party, kung
saan ay wala siyang naalala nang nakaraang gabi. Naaalala niya nang lapitan
niya si Eric para humingi ng tawad dahil iniisip niya na baka may nagawa siyang
mali dito, kung naalala niya lang sana nung umagang iyon ang tungkol sa halikan
nila ay hindi sana sila nauwi sa ganito ngayon.
“Where
have you been this morning?”
“Uhmmm
just went out for a drive.”
Kung
pano mapatigil sa kinatatayuan si Eric at kung pano ito mamutla nang buksan
niya ang usapan tungkol sa nakaraang gabi, pero iniisip lang ni Alvin na nainis
lang si Eric sa panghaharot niya dito dahil nung umagang iyon ay wala siyang
maalala sa naganap na halikan sa pagitan nilang dalawa.
“Look,
Eric, I would just like to apologize for what happened last night---”
“I
was drunk, alam kong hindi reason yun para harutin kita ng ganun. Kung nasaktan
ka kagabi I swear I didn't mean it, kung medyo napalakas ang pagkiliti ko sayo
or something---”
Alam
na ngayon ni Alvin kung panong tila ba nakahinga ng maluwag si Eric pero
kasabay nun ay nakita niya rin kung pano biglang naging blanko ang mukha nito
na tila ba itinatago ang totoong nararamdaman, itinatagong nasasaktan siya.
Natatandaan niya kung pano ito sumagot pagkatapos at kung pano napansin ni
Alvin na peke ang ngiting iginawad nito sa kaniya.
“Hey,
no harm done.”
“Are
you sure? I swear I didn't mean to hurt you, Eric.”
Kung
paano ito umiwas nang ipagpilitan ni Alvin ang tungkol sa nakaraang gabi ng
party.
“Yup.
Hey I'm almost done here, can you take care of the rest while I go and clean
the balcony?”
Naalala
ni Alvin ang lulugo-lugong paglakad ni Eric palayo sa kaniya na miya mo
nanghihinayang, dismayado at nasasaktan sa naging palitan nilang iyon. Naalala
ni Alvin kung pano siya mabahala kahit pa ipinagpilitan ni Eric na ayos lang
ang lahat. May isa pang alaala na pumasok sa isipan ni Alvin, hindi ito sumagi
sa isip niya noon dahil ikinibit balikat niya na lang ang kakaibang kinilos ni
Eric.
“Hey
I hardly see you anymore.”
“Hey,
Alvin. I'm sorry I didn't see you there--- I'm sorry if I don't hang out with you
guys anymore, I have so much clients to work on plus I'm still moving some of
our stuff from Ted's apartment to Ardi's condo.”
“Oh,
I heard about that---”
Naalala
ni Alvin kung pano sabihin ni Eric ang pangalan niya kasunod ang pangalan ni
Mike na miya mo nagsasabi na magnobyo ang dalawa.
“You
and Mike can come to the party if you want. Ardi wants to welcome Ted and I
with a bang.” .
“Sure.”
“See
you lat---”
Naalala
ni Alvin ang pagbagsak ng mukha ni Eric sa tuwing nakikita nito si Mike na
papalapit sa kaniya, indikasyon na nagseselos siya dito at nasasaktan sa
nakikita. Ngumiti man ito ay naalala na ngayon ni Alvin na peke ito, hindi
maialis ang pagkadismaya sa mga mata nito at ang kakaibang lungkot na ngayo'y
kumukurot na sa puso ni Alvin lalo pa't unti unti nang lumilinaw ang lahat.
“Alvin!
It's about time you showed up, I'm starved, I can't wait to go to Rosalie's!”
“Do
you want to come with us?”
“Oh,
hey Eric! Didn't see you there!”
Naalala
rin ni Alvin ang katotohanang hindi niya maintindihan kung bakit ikinbit
balikat niya lang. Ang pangingilid ng luha sa magagandang mata ni Eric na pilit
nitong itinatago mula sa kaniya at kay Mike nang magpaalam ito at tumalikod na
sa kanila.
“Hey,
Mike! Oh I already had my breakfast, thanks for asking though. See you guys
later!”
Sa
kabila ng lahat ng nare-realize ay may ilan pang alaala na pumapasok sa isip ni
Alvin, ilang alaala na hindi niya alam kung bakit inabot pa ng ganoong katagal
bago niya ma-realize. Ang mga panahon na nauutal siya at hindi mapakali sa
tuwing aayain si Eric lumabas para kumain, ang takot na i-reject siya Eric sa
kaniyang alok.
“I'm
guessing you didn't have breakfast also---Uhmmm you want to go downstairs for a
while and grab something to eat?”
Ang
noo'y hindi niya maipaliwanag na galit kay Kevin pati narin sa malaking aso
nito na nakahati niya sa atensyon ni Eric na ngayo'y malinaw na sa kaniya
bilang selos.
“I
was enjoying that sandwich.”
“I
know but you didn't have to be that rude.”
“I
was not being rude, it's just that I was really, really enjoying that sandwich
and that you made it---”
“I'll
make you more tomorrow, just chill, OK?”
“And
not only that, that Kevin dude? He's stripping you with that eyes---!”
“No,
he's not!”
“Believe
me, I know! I've been in a relationship with Ardi and became his best friend
after, I know someone like Ardi if I see one!”
“You're
stereotyping now?”
“Kung
hindi pa dumating yung boyfriend hindi ka pa titigilan--- and what's up with
you flirting back? Is he your type? Kung ako sayo palitan mo na yang type mo sa
lalaki, di ka pa nadala kay Ardi.”
“I
was not flirting with him!”
Napagtanto
rin ni Alvin na may kakaiba silang koneksyon ni Eric na alam niyang higit pa sa
pagiging matalik na magkaibigan.
“I
would just like to thank you. I had fun today, I've never been this relaxed for
days.”
“Anytime,
Eric.”
“You
know, you are welcome to stay at the house if being with Ardi and Ted stresses
you out.”
“I
don't want to impose, Alvin.”
“Hey!
You're not imposing! You're my best friend.”
Nang
tumigil na ang utak ni Alvin sa malalim na pagiisip na iyon ay tila ba may
isang bell na kumuliling dito kasabay ng realisasyon na matagal ng ikinikibit
balikat ng kaniyang pagkatao.
“I'm
in-love with Eric.” bulong ni Alvin sa sarili. Nang isaisip niya ang ideyang
iyon ay tila ba may mabigat na batong tinanggal sa kaniyang dibdib, nawala ang
sakit ng kaniyang ulo at may katagalan ng pagaalinlangan at pagtataka.
Nakita
ni Eric ang pag-iba ng reaksyon sa mukha ni Alvin. Alam niyang nakuwa na nito
ang kaniyang ibig ipahiwatig. Alam niyang alam na nito ang totoo niyang
nararamdaman at ang rason kung bakit gusto niyang lumayo dito. Agad siyang
binalot ng takot, takot dahil iniisip niyang si Mike ang gusto ni Alvin at
hindi siya, takot dahil ayaw niyang ma-reject katulad nang pag-reject sa kaniya
ni Pat noon dahil alam niyang hindi na niya kakayanin ito.
Dahil
sa takot ay kumawala siya sa pagkakahawak ni Alvin. Nakita ni Alvin ang takot
sa mga mata ni Eric, agad siyang nakaramdam ng tila ba may kumukurot sa
kaniyang puso. Ayaw niyang natatakot sa kaniya si Eric, hindi man niya
maintindihan kung bakit ito natatakot sa kaniya ay ayaw niya parin itong
nakikita sa mukha ni Eric.
“I-I'm
s-sorry. B-but I h-have to go now.” nauutal na sabi ni Eric sabay mabilis na
naglakad palayo kay Alvin.
“Eric,
wait!” habol ni Alvin.
“I'm
sorry--- I'm sorry.” paulit ulit na sabi ni Eric habang lumalayo kay Alvin.
“Eric!”
sigaw ni Alvin sabay marahang isinandal ulit si Eric sa isang pader sa istasyon
na iyon ng MRT para hindi na ito makawala pa ulit. Wala na siyang pakielam pa
sa bugso ng taong nakatingin sa kanila. Nagtama ang kanilang mga tingin, sa
mata ni Eric ay nababasa ang takot at sakit na nararamdaman nito habang sa mata
naman ni Alvin ay ang pagtataka at ang bagong realisasyon na kaniya na ngayong
pinanghahawakan. Ang realisasyong mahal niya si Eric at gagawin niya ang lahat
upang hindi na ito mawala pa sa kaniya.
Itutuloy...
[22]
Ano
nga ba ang gagawin mo kung alam mong mahal mo ang isang tao pero natatakot ka
na hindi nito maibabalik ang pagmamahal mo? Natatakot ka na masaktan muli sa
tuwing makikita mo itong nakikipagmabutihan sa isa mo pang kaibigan at
natatakot ka na sabihin dito ang totoo mong nararamdaman dahil sa takot din na
ma-reject.
Katulad
ni Eric na natatakot marinig ang mga katagang... “I'm sorry Eric but I love
Mike---” sa bibig ni Alvin. Sa naisip na ito ay lalong lumakas ang mga pagtulo
ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. At ang tanging naisip gawin ni Eric pra
hindi masaktan ay tumakbo palayo, palayo sa taong mahal niya, palayo kay Alvin.
At
ang takot na iyon na rumerehistro sa mukha ni Eric ay lalong
nakakapagpa-confuse kay Alvin. Alam na niya ngayong mahal niya si Eric at base
sa kaniyang mga na-realize ay maaaring mahal din siya nito.
“He
loves me. I love him. Pero bakit gustong-gusto parin niyang lumayo sakin?” tila
may kumurot sa puso ni Alvin, hindi niya maintindihan kung bakit natatakot sa
kaniya si Eric. Hindi siya makapagsalita, masyadong maraming tumatakbo sa
kaniyang isip, muli niyang naramdaman ang marahang pagtulak sa kaniya ni Eric
at lalo iyong nakadagdag sa sakit na nararamdaman ni Alvin. Hindi niya alam
kung bakit ganun na lang siya nito ipagtulakan.
Ang
hindi alam ni Alvin ay hindi alam ni Eric na pareho nilang mahal ang isa't isa,
na ang kailangan lang ay ang magkalinawan sila.
Gustong-gusto
na ni Eric na lumayo kay Alvin dahil alam niyang konti na lang at bibigay na
siya at sasama na siya dito pabalik ng opisina at iyon ang huling gustong
mangyri ni Eric. Hindi na niya kaya pang makita na nahuhulog ang loob ni Alvin
at Mike sa isa't-isa. Ayaw na niyang masaktan.
“Please
let go of me. I said I'm sorry, OK?!” singhal ni Eric habang itinutulak si
Alvin palayo sa kaniya, hindi parin alintana ang magtatakang tingin ng iba pang
pasahero sa loob ng istasyon ng tren.
“No.
Not until you tell me why you freaking want to get away from me this bad.”
mariin pero pasinghal nang balik ni Alvin. Nung puntong iyon ay napansin na
sila na iilang gwardya sa istasyon na iyon.
“Sir
may problema ba? Ginugulo po ba kayo ng lalaking ito?” tanong ng gwardya na
noon lang napansin ng dalawa na nakalapit na pala sa kanila, tila walang
narinig si Eric dahil nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.
“I-I
can't do this anymore. I-I c-can't h-hurt you guys, I've hurt so many people
the last time.” sagot ni Eric sabay tingin sa sahig.
“What
the hell are you talking about? Who the hell are you going to hurt and why?”
naguguluhang tanong ni Alvin. Natigilan si Eric, hindi siya makapaniwala na
kahit alam na ni Alvin ang kaniyang nararamdaman ay pinipilit parin siya nitong
aminin ng harapan ang bagay na nagbibigay sa kaniya ngayon ng ibayong sakit.
“Sir,
siguro po mas mabuti kung pakawalan niyo muna si Sir sa pagkakahawak niyo at
pag-usapan niyo ito ng malumanay, kung hindi po ay mapipilitan akong tumawag ng
makakatulong sa pag-hila sa inyo palayo mula kay Sir.” marring sabi ng gwardya.
“Boss,
saglit lang 'to. Kailangan lang naming magkalinawan ng kasa---” balik ni Alvin
pero agad ding naputol ang kaniyang sasabihin nang magsalita si Eric.
“I'm
in lo-- I love you Alvin.” pabulong na pag-amin ni Eric na ikinatigil ni Alvin
sa pakiki-usap sa gwardya. Lalo niyang hinigpitan ang hawak kay Eric dahil sa
sinabing ito ni Eric ay lalong nagpatibay sa iniisip niya patungkol sa
nararamdaman ni Alvin. Hindi nakaligtas ang paghigpit ng hawak ni Alvin kay
Eric sa guwardya at tumawag na ito ng makakatulong na hindi napansin ni Eric at
Alvin.
Bago
pa man matanong ni Alvin kung ano ang problema gayong mahal nila ang isa't isa
ay may dumating pang dalawang gwardya at inanyayahan siya palayo kay Eric. Wala
nang nagawa si Eric dahil para sa kaniya ay tama lang iyon para hindi na sila
magkasakitan pa. Eh ano ngayon kung alam na ni Alvin ang nararamdaman niya.
Pagkatapos naman ng araw na iyon ay sisiguruduhin ni Eric na hindi na muli pa
silang magkikita dahil pipirma na siya ng exclusive contract sa Jacobsons at
permanente nang duon magtrabaho. Malayo kay Alvin.
“I'm
sorry.” pabulong na sabi ni Eric. Ang mga katagang iyon ang mga huling narinig
ni Alvin bago pa siya ilayo ng dalawang gwardya at makita si Eric na sumakay ng
tren. Saglit pang ipinanatili ni Eric at Alvin ang pagititigan, si Eric asa
loob ng tren at si Alvin naman ay habang nasa tabi ng dalawang gwardya.
Kahit
pa lumalayo na ang tren ni Eric palayo ay sinundan parin ito ng tingin ni
Alvin.
“Maaari
na po ba namin kayong iwan dito, Sir? Hindi na ho ba ulit kayo manggugulo?”
tanong ng gwardya, tumango na lang si Alvin kahit pa hindi nito narinig masyado
ang tanong ng gwardya dahil abala parin siya sa pagtingin sa nakalayo nang tren
na sinasakyan ni Eric.
Sa
puntong iyon ay si Alvin naman ang napasandal sa pader na kanina ay
sinasandalan ni Eric at napadausdos pababa at napaupo sa sahig, sapo sapo ang
kaniyang ulo. Naguguluhan at hindi maintindihan kung bakit natatakot at
gustong-gusto ni Eric na lumayo na agad sa kaniya.
“What
the hell am I doing?!” di makapaniwalang tanong ni Alvin sa sarili sabay tayo
at pumunta sa pinakamalapit na bilihan ng ticket.
0000ooo0000
Sa
bintana parin ng tren nakatanaw si Eric habang nakatayo sa gitna ng tren at
nakahawak sa isa sa maraming railings na nakalaan para sa mga pasahero doon,
basa parin ng luha ang kaniyang mga pisngi at wala paring tigil ang kaniyang
pag-iyak at hindi ito maipaliwanag ni Eric kung bakit sa sarili, akala niya
kasi sa oras na makalayo na siya kay Alvin ay magiging magaang na ang
pakiramdan niya pero habang palayo siya ng palayo sa istasyon kung saan andun
si Alvin ay pabigat din ng pabigat ang loob niya. Kasabay ng sakit ay ang
pag-tulo ng kaniyang mga luha. Nasa ganito siyang pag-iisip nang may mag-abot
sa kaniya ng panyo.
Saglit
na tinignan ni Eric ang panyo saka itinuloy ang tingin nito sa mukha ng
nag-abot. Di alam ni Eric kung ano ang kaniyang sasabihin o mararamdaman sa
puntong iyon. Hindi siya makapagsalita, tila nawalan ng lakas ang kaniyang mga
paa at alam niyang namumutla na siya dahil sa naramdaman niyang panlalamig ng
kaniyang mukha.
“Eric,
are you OK? I saw you standing here and crying---” simula ni Jake nang mag-tama
ang kanilang mga mata ni Eric. Hindi na nadinig pa ni Eric ang susunod pang
sinabi ni Jake dahil tila ba nabingi na siya at sumiksik sa kaniyang isip ang
pananakit niya noon sa taong kaharap niya ngayon.
“Eric?”
nagaalala nang tawag ni Jake.
“Why?”
pabulong na balik ni Eric na ikinatka ni Jake dahil hindi niya ito
naintindihan.
“Huh?”
tanong ni Jake.
“Why
don't you hate me? Sinaktan kita, sinira ko kayo ni Pat---”
“Eric
tapos na 'yon---” simulang pag-aalo ni Jake pero nakita niyang hindi nakuwa
nito ang atensyon ni Eric. “---Look Eric, hindi ito tamang lugar para
pag-usapan ito. Busy ka ba, why don;t we talk about this at lunch?” masuyong
tanong ni Jake, tinignan ni Eric ang kaniyang orasan at nakita niyang may
kalahating oras pa siyang gugugulin bago ang pirmahan ng kontrata sa
pupuntahang kumpanya. Tumango na lang si Eric bilang sagot.
0000ooo0000
Halos
hindi nagalaw ni Eric ang kaniyang kinakain at napansin ito ni Jake. Alam
niyang imposibleng ang nangyari parin sa kanila nila Pat may pitong buwan na
ang nakakaraan ang ikinagaganito ng kaharap pero may ideya siyang nakakaapekto
parin iyon kay Eric. Masuyong inabot ni Jake ang kamay ng nagiisip na si Eric.
“Eric,
what's wrong? I haven't seen you like this before, it's obvious that you're
hurting now. You know I can help you if you let me.” nagaalalang pahayag ni
Jake, nung una ay hindi makapaniwala si Eric pero nang wala siyang makita kundi
sinseridad sa mga mata ni Jake ay agad na itong naniwala.
“I'm
sorry.” bulong ni Eric na ikinagulat ulit ni Jake dahil hindi iyon ang
hinahanap na sagot ni Jake.
“I'm
sorry too. It's all our fault, Eric. It's not just you.”
“But
Pat---”
“Pat
loved us both and that was his mistake. You loved Pat and could never let him
go. I loved Pat, I loved him more than I love myself and that was my mistake. I
thought you would've stopped beating yourself over this sooner---”
“I
did---” putol ni Eric.
“Then
why are you crying your eyes out?” taas kilay na tanong ni Jake. Saglit na tinignan
ni Eric si Jake atsaka naisipang sabihin dito ang mga nangyari sa pagitan nila
ni Alvin.
0000ooo0000
“I
thought you said that you're over with what happened between you, Pat and me?”
tanong ni Jake matapos magkuwento ni Eric.
“I
am over it.” balik ni Eric sabay nangunot ang noo.
“No
you're not. If you're over it edi sana hindi ka nag-assume. Sana nilinaw mo
muna ang lahat before you made drastic decisions. Sabi mo hindi sinabi ng Alvin
na ito sayo na may namamagitan sa kanila ni Mike---”
“He
doesn't have to tell me that there's something between them, Im not blind,
Jake.”
“Yes,
you're not blind but that doesn't mean you see everything that goes under your
nose, Eric. You also said that he didn't react violently after you told him you
love him---”
“Because
he didn't have the chance to react---”
“And
still you're telling me you're over with that happened between me, you and Pat.
If you're over with what happened, you wouldn't over analyze every thing, Eric,
you wouldn't make wild guesses and assumptions, wala ka dapat sagot sa bawat
tanong ko. Alam mo kung bakit ka nag-aasume masyado? Kasi natatakot kang
masaktan, natatakot ka na mangyari ulit yung nangyari satin dati. So tell me,
is that what you call being over with what happened?”
Natahamik
si Eric nang sa wakas ay nakuwa na niya ang punto ni Jake. Naisip niyang tama
ito. Masyado siyang natakot kaya't hindi niya hinayaan na magkalinawan sila ni
Alvin. Nang ibalik ni Eric ang kaniyang tingin kay Jake ay masuyo na itong
nakangiti.
“I'll
pay for lunch. Just promise me you'll fix everything with Alvin. If it doesn't
work with him, call me and we will find you someone who you deserves.”
nakangiting sabi ni Jake saka tumayo, tumayo nadin si Eric at wala sa sariling
niyakap si Jake.
“Thank
you.” bulong ni Eric at saka nagbigay ng isang matipid na ngiti.
“e-Ehem!”
istorbo ng isang lalaki sa likuran nila. May dala itong isang malaking teddy
bear, pamilyar ito kay Eric at agad niyang inisip kung saan niya ito nakita.
“I
thought you already dumped BF number two?” taas kilay na tanong ng lalaki kay
Jake sakay humalik ng marahan sa labi nito. Sa puntong iyon ay naalala na ni
Eric kung sino ito. Ito ang kahalikan ni Jake nung huli niya itong nakita saka
si Pat sa loob ng isang mall.
“Oh
this is my new BF number two.” nakangising sagot ni Jake sabay akbay kay Eric.
Nagtaas ng kilay si Edison.
“Eric,
this is Edison my boyfriend a.k.a. Boyfriend number one. Hehe. Edison this is
Eric.”
“Ohhh!
The famous Eric.” naniningkit matang bati ni Edison sabay ngisi.
“Ooookkkaaaayyyy!
Eric is leaving now. He's going to sign a contract at Jacobsons, though I hope
he think about first.” makahulugang pagtataboy ni Jake na ikinatingin naman ni
Eric sa kaniyang relos meron pa siyang limang minuto, itinaas niya ang kaniyang
tingin at nagtama ang mga mata nila ni Jake. Muli niyang niyakap si Jake para
magpasalamat.
“Seriously.
Think about all of these, OK? You could be making a big mistake.” bulong ni
Jake, tumango na lang bilang sagot si Eric, nag maghiwalay sila ay masuyong
nakatingin sa kaniya si Edison, walang halong pagseselos o pagkairita, ang
totoo ay magiliw pa itong nakangiti sa kaniya habang yakap-yakap ang gahiganteng
stuffed toy.
“Nice
meeting you, Edison.”
“Likewise.”
Pinanood
ni Jake at Edison si Eric na tila ba abala parin sa pagiisip ng malalim.
“You'll
do everything just to get a cheap feel, do you?” nangiinis na tanong ni Edison
sabay pabirong sinuntok ang braso ng kaniyang boyfriend na nagbigay lang sa
kaniya ng isang nakakalokong ngiti.
“Eric's
hot. Sorry.” nagbibirong balik ni Jake sabay kibit balikat. Muli siyang
sinuntok ni Edison sa braso at humagikgik.
“You
flirt!”
“Well,
you don't satisfy me enough! You're always with your stuffed animals!”
humahagikgik naring sabi ni Jake.
0000ooo0000
Nakatitig
si Eric sa kontrata na ilang linggo na niyang iniisip. Akala niya nung una ay
ito na ang kaniyang paraan para hindi na masktan at makalayo na kay Alvin pero
matapos ang paguusap nila ni Jake nung tanghalian ay nagsimula na siyang mag
dalawang isip.
“Eric,
is there a problem?” tanong ng kausap ni Eric sa kumpanyang Jacobsons na balak
niyang lipatan. Umiling na lang si Eric at muling ibinalik ang kaniyang tingin
sa linya kung saan siya nakatalagang pumirma pero hindi niya magawang idampi
ang dulo ng ballpen sa papel. Saglit siyang pumikit para sana lakasan ang
kaniyang loob pero isang mukha ang kaniyang nakita at lalong nanghina ang
kaniyang loob.
“Alvin.”
bulong ni Eric nang pumikit ulit siya at nakita ang mukha ni Alvin.
“I'm
sorry, you were saying something?” tanong ulit ng lalaki na magiliw paring
naghihintay na pumirma siya.
“I
can't do this.” bulong ni Eric.
“I'm
sorry?”
“I'm
sorry but I can't do this.” sabi ulit ni Eric saka tumayo, humingi ng tawad at
naglakad palabas ng opisina na iyon.
0000ooo0000
Nauubusan
na ng pasensya si Alvin. Nasiraan ang tren na kaniyang sinasakyan pasunod kay
Eric at nang umandar ulit ito ay may trenta minutos na ang nasayang.
Nagmamadali siyang nagpunta sa opisina ng Jacobsons pero pagdating niya doon ay
sarado pa ito para sa tanghalian, mulis siyang bumaba at saglit na kumain.
Halos hindi niya rin naubos ang kaniyang biniling pagkain dahil pilit na
umiikot sa kaniyang isip ang pinagusapan nilang dalawa ni Eric. Hindi niya
parin ito maintindihan.
Hindi
namalayan ni Alvin ang oras at nagtagal pa siya sa kainan na iyon ng higit pa
sa kaniyang inilaan na oras para tumigil doon. Napatalon siya nang makita ang
oras at nagmamadaling bumalik sa opisina nang Jacobsons. Sa sobrang pagmamadali
ay hindi niya napansin si Eric na nagmamadali ring naglalakad sa kabilang
bangketa.
0000ooo0000
“Please
be here. Please be here.” tahimik na dasal ni Alvin habang iniintay ang sagot
ng receptionist. Imbis kasi na hanapin ni Alvin si Eric sa matayog na building
na iyon ay naisipan niyang mas tipid sa oras na tanungin na lang ang
receptionist.
“Nag
log-out na po siya.” sagot ng receptionist na ikinabagsak ng balikat ni Alvin.
“Mga
anong oras?” tanong ulit ni Alvin.
“Five
minutes ago, sir.”
0000ooo0000
Bagsak
balikat na bumalik si Alvin sa kaniyang opisina. Madilim na at alam niyang wala
nang sekretarya na mangungulit sa kaniya at magtatanong kung saan siya
naggaling buong mag-hapon. Pinagisipan niya ang nangyari nung tanghalian na
iyon buong maghapon sa isang park nang mapansin niyng may isang oras na
pagkatapos ng takip-silim at mapagpayahan na niyang bumalik na ng opisina at
umuwi na.
Nadaanan
niya ang lamesa ni Eric habang papasok siya ng kaniyang opisina. Wala ng tao sa
buong floor kaya't saglit siyang tumitig sa lamesa na iyon.
“He's
gone and I don't have a fucking clue why. This is so fucking frustrating!”
naiinis na sabi ni Alvin sa sarili. Ngunit hindi lang iyon ang sumagi sa isip
ni Alvin habang nakatitig sa lamesa ni Eric, sumentro na ngayon ang kaniyang
pansin sa isang pakiramdam na namamayani sa kaniyang puso.
“It
hurts like hell and I can't do a fucking thing about it!” sabi ulit ni Alvin sa
kaniyang sarili at nangyari ang isang bagay na matagal na niyang hindi
nagagawa. Ang umiyak.
Itutuloy...
[23
& Epilogue]
Hindi
alam ni Eric kung bakit siya nakaupo sa kaniyang kinauupuan ngayon. Nagsisimula
ng lumamig ang paligid at ang taong kaniyang iniintay ay hindi parin
dumadating. Natuyo na ang kaniyang mga luha, dahil narin siguro sa maghapon na
siyang nagiiiyak kaya't tumigil na ito sa pag-agos. Nasa ganitong tagpo si Eric
nang maaninag niya ang isang paparating na sasakyan, palapit ito sa gate na
malapit sa kaniyang kinauupuan.
Pinanood
ni Eric na bumukas ang pinto ng sasakyan at sumulpot sa kaniyang harapan niya
si Alvin. Nakakunoot ang noo nito, halatang nagaalala at hindi mapakali at sa
pamumula ng mga mata nito ay tila umiiyak ito bago umuwi.
“Alvin,
we need to talk.”
Hindi
alam ni Eric kung ano ang magiging reaksyon ni Alvin sa kaniyang biglaang
pag-sipot sa gate ng bahay nito, inaasahan na niyang magagalit ito sa kaniya,
mangingilag o kaya naman ay maiinis kaya naman ng yakapin siya nito ng mahigpit
ay talaga namang ikinagulat niya. Agad siyang bumawi sa pagkakagulat at sinulit
na lang ang pag-yakap na iyon ni Alvin sa kaniya dahil alam niya malaki ang
posibilidad na hindi na iyon maulit.
“Where
have you been?” marahang tanong ni Alvin. Hindi mapigilan ni Alvin ang matuwa
nang makit niya si Eric na nakaupo malapit sa gate ng bahay niya, ngayon,
naisip niya na may pag-asa pa na maayos nila ang lahat sa pagitan nila. Ang
mahinahon at halatang tono ng pagkatuwa ang siyang nagpa-badya ulit sa mga luha
ni Eric na tumulo. Agad ng kumawala si Eric sa yakapan na iyon at seryosong
tinignan si Alvin.
“A-Alvin,
please w-we need to talk.” nauutal na sabi ni Eric habang pinipigilan ang
sarili na mapa-iyak. Napansin ni Alvin ang seryosong mukha ni Eric.
“OK,
let's go inside.” sabi ni Alvin sabay tingin sa mga ulap na nagbabadya ng ulan,
hindi naman ito inalintana ni Eric dahil nagsisimula nanaman siyang kabahan.
“No,
please. Let's talk now, I may not have the nerve to talk to you about this if
we do this later.” nagmamakaawang hiling ni Eric, tumango na lang si Alvin.
“Eric,
you're scaring me again.” pabulong na pagaalala ni Alvin sabay hakbang
papalapit ulit kay Eric na wala sa sarili namang umatras. Nagulat si Alvin sa
ginawang ito ni Eric, hindi niya parin maintindihan kung bakit tila nandidiri o
takot na takot ito sa kaniya.
“Why
are you doing this, Eric?” pabulong na sabi ni Alvin, rinig na rinig ni Eric
ang tono ng sakit sa tanong na iyon.
“I
Love You, but I know I can't keep doing so, because if I continue loving you
everyone will end up getting hurt.” makahulugang sabi ni Eric. Muling narinig
ni Alvin pagde-deklara ng pagmamahal ni Eric, gusto sana niyang magtatalon at
yakapin ito pero alam niyang may kailangan pa muna silang resolbahin at iyon
nga ay ang tungkol sa mga huling sinabi ni Eric, hindi niya parin ito
naiintindihan pero gagawin iya ang lahat ma-resolba lang nilang dalawa iyon.
“Who's
everyone, Eric?”
Nagulat
si Eric sa tanong na iyon ni Alvin. Alam niyang alam nito ang sinasabi niya, na
ang tinutukoy niya ay si Mike, siya at ang sarili, pero bakit gusto parin
nitong ipaulit kay Eric, maliban na lang kung wala talagang namamagitan kay
Mike at Alvin, naisip niya o kaya naman ay nagaanga-angahan lang ito.
Magtata-takbo na sana ulit palayo si Eric dahil sa huling naisip nang maalala
niya ang sinabi sa kaniya ni Jake nung nakaraang tanghalian.
“...stop
assuming... stop over analyzing things...”
At
dahil sa naalalang iyon ay napili na lang ni Eric na sagutin ang tanong ni
Alvin nang magkalinawan na sila. Pero bago siya sumagot ay marahan siyang
pumikit at nagbuntong hininga.
“I
don't want to hurt you and Mike. I don't want to get in between you guys and
ruin everything just like how I ruined everything between Jake and Pat.” sagot
ni Eric na ikinagulat ni Alvin. Alam niyang may ideya si Eric na nag-date sila
ng kaibigang si Mike pero ni hindi niya naisip na akala nito'y may namamagitan
sa kanila ni Mike. Nang matagal na hindi sumagot si Alvin ay dahan-dahang
iminulat ni Eric ang kaniyang mga mata. Nakita niya ang pagaalinlangan,
pagkainis at posibleng galit na rumerehistro sa mukha ni Alvin. Agad siyang
napa-atras at natakot. Ito na nga ang kinatatakutan niya.
“P-please
don't hate me, Alvin. I swear, di ko hahayaan na mamagitan ako sainyo ni Mike,
I'll leave you guys alone, hell I can leave the country---” kinakabahang sabi
ni Eric habang umaatras palayo kay Alvin, nagsisimula na ulit mamuo ang luha sa
kaniyang mga mata, nakita ito ni Alvin at agad na lumapit sa kaniya para
yakapin siya.
“I'm
not angry at you, Eric. I'm angry with myself. Di na sana 'to humantong sa
ganito kung hindi ako naging manhid. I liked you way before you and Ardi
started dating, that's why I was happy when your dad said I'm your mystery guy
who makes you happy but then you said that you made it all up. Naisip ko na
hindi mo ako gusto tulad ng pagka-gusto ko sayo kaya't tinesting kong
makipag-date kay Mike but it didn't work out. Mike and I are friends, we're not
in an intimate relationship together. I'm sorry kung hindi ko agad nilinaw
sayo. Please don't be afraid of me, I-It hurts to see you backing away from me
like that, like I'm going to hurt you. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry.”
mahabang paglilinaw ni Alvin habang nangingilid narin ang luha sa kaniyang mga
mata.
Hindi
siya makapaniwala na hinayaan niyang maulit kahit pa sa isip lang ni Eric ang
nangyari noon sa nauna nitong karelasyon. Hindi niya lubos maisip kung ganong
kasakit nito para kay Eric habang inaakala na mamamagitan ito sa kanila ni
Mike. Hindi siya makapaniwala na ang isang bagay na ipinangako niyang hindi na
ulit mangyayari kahit pa sa isip lamang ni Eric ay nangyari ulit. At sapat na
rason na iyon para magalit si Alvin sa sarili. Kung nilinaw niya lang sana
lahat, kung sinabi lang sana niya ang kaniyang nararamdaman kay Eric noon pa,
kung hindi lang sana siya lasing nung gabing pinagsaluhan nila ang unang halik
at kung naalala niya lang sana ito at kung hindi lang sana siya naging manhid
edi sana wala ni isa sa kanila ni Eric ang nasaktan.
Tumigil
na sa kakaiyak si Eric, hinahayaang ma-absorb ng kaniyang utak ang mga sinabi
ni Alvin kahit pa ang totoo ay ang mga salitang kaniya lamang narinig at
naintindihan ay ang mga “...not angry with you...” “angry with myself---” “---i
like you---” at “---Mike and I are just friends---” halos nawalan ng lakas ang
kaniyang mga tuhod at nag-relax na ang kanina pa tense na tense na katawan
nito.
“Tama
si Jake. Kailangan lang naming mag-usap.” naiiyak na sabi ni Eric sa sarili,
naiiyak hindi dahil nasasaktan parin siya, naiiyak siya kundi dahil sa galak.
“---I'm
sorry. I'm sorry. I'm sorry--- for not figuring this out immediately. You
should've talked to me first--- I'm sorry for not remembering about the kiss.”
patuloy na pag-hingi ng tawad ni Alvin sa pagitan ng pag-hikbi. Hindi na
napigilan pa ni Eric ang sarili at iniyakap narin ang sarili sa katawan ni
Alvin.
“Shhh.
It was all a misunderstanding. I'm sorry too, I over analyzed things, I assumed
instead of clearing it all up with you, I'm sorry.” alo ni Eric habang
nararamdaman na tumatango-tango si Alvin, saglit na inihiwalay ni Eric ang
sarili upang matignan ng maayos si Alvin.
“We
have to promise that we will talk about everything from now on. NO secrets. If
we are going to make this work.” pahayag ni Eric habang pinapahiran nila ang
mga luha ng isa't isa. Tumango ulit si Alvin at nagpakawala ng isang matipid na
ngiti. Hindi niya mapigilang makaramdam ng galak dahil ang isang tao na ngayon
ay halos mas mahal niya pa sa sarili at ang tanging tao kung saan siya unang
naging kumportable pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Ardi ay sumusumpa ngayon
sa harapan niya na gagawin lahat maiayos lang ang kanilang komunikasyon bilang
daan sa isang matibay na relasyon sa hinaharap.
“Drama
queen.” pabirong pasaring ni Alvin na ikinangiti ni Eric.
“Maybe.
But I know you love this drama queen---” saglit na natigilan si Eric dahil muli
ay nag-assume nanaman siya. Walang nabanggit si Alvin na pareho sila ng
nararamdaman, na mahal din siya nito. Pero natuto na siya, naisipan niyang
linawin na iyon bago pa sila magkasakitan ulit.
“Y-you
also feel the same, do you? You love me too, right?” may pagka insecure na
paglilinaw ni Eric. Saglit siyang tinignan ni Alvin na siya namang ngumisi.
“Let
me think about it.” panloloko ni Alvin na agad niyang pinagsisihan nang makita
niyang muling namutla si Eric, agad ulit niya itong niyakap, ipinagdikit ang
kanilang noo at nagtitigan.
“I
Love you. Don't you ever doubt that.” bulong ni Alvin na muling ikinaluha ni
Eric. Dahan dahang inilapit ni Alvin ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Eric.
Ngayon, hindi na maaninag ni Alvin ang pagaalinlangan sa mga mata ni Eric tulad
nung gabi ng party kaya't masuyo na niyang idinampi ang kaniyang mga labi sa
labi ni Eric.
Di
katulad ng una nilang halik na pinagsaluhan ay sumumpa si Alvin na habang buhay
niyang tatandaan ang halikan nilang iyon ni Eric.
Nun
ding puntong iyon ay nagsimula nang bumagsak ang malakas na ulan na hindi na
inalintana ng dalawa sapagkat abala na sila sa pagpapakita ng kanilang tunay na
nararamdaman sa isa't isa. Para sa mga taong dumadaan din sa street na iyon ay
tila sila nakakakita ng isang tagpo sa isang pelikula, tanging liwanag ng
headlights ang nagsisilbing ilaw ng dalawa at ang dagundong ng malakas na ulan
ang siya lamang naririnig ng dalawa.
1
Month Later...
Nabulunan
si Alvin habang ikinukuwento ni Eric ang tagpong iyon sa harapan ng bahay niya.
Nasa bagong apartment na sila ngayon ni Eric kung saan sila kumakain ng
espesyal na tanghalian na inihain nito.
“The
way you tell that story is soooo mushy!” sabi ni Alvin nang makabawi.
“That's
because it was soooo mushy! And you were extra super cheesy that day.”
nangaalaskang sabi ni Eric, naningkit naman ang mga mata ni Alvin.
“Well,
you're the one who likes being chased, thinking that I'm in-love with Mike and
it's the end of the world.” balik ni Alvin, natigilan si Eric sabay namula.
Nagpakawala ng isang nangiinis na ngiti si Alvin, alam niyang nakuwa na niya
ang atensyon ni Eric at miya-miya ay mapipikon na ito.
“That's
because you're the numbest person I know! Di naman sana mangyayari yun kung
hindi ka manhid noh!” singhal ni Eric, lihim na napangiti si Alvin. Tumayo siya
at lumapit kay Eric, pinatayo ito sa upuan at niyakap ng mahigpit.
“No
matter how mushy or cheesy that scene was, I would never trade it for the
world.” bulong ni Alvin sa kaliwang tenga ni Eric. Agad namang nanlambot sa
sinabing iyon ni Alvin si Eric inihulma niya ang kaniyang katawan sa katawan ni
Alvin.
“I
love you, Eric.”
“I
love you too, Alvin.”
“Even
after that Pat guy showed up this morning?” parang batang tanong ni Alvin pero
sa kabila ng pagiging cute ng pagkakatanong na iyon ni Alvin ay hindi rin
maikakaila ang pagaalala sa boses nito.
“Even
after Pat showed up.” paninigurado ni Eric na ikinangiti naman ni Alvin,
kampante sa pagsagot na iyon ni Eric, saglit silang naglayo, sapat lang na layo
para matignan nila ang isa't isa at maghalikan. Pero bago pa man maglapat ang
kanilang mga labi ay biglang bumukas ang pinto.
“ERIC!”
sigaw ni Ted na ikinatalon ni Eric at Alvin.
“Ted!
What the hell---?!” simula ni Alvin, nagsisimula nang mairita.
“Shut
up!” singhal ni Ted.
“What
is it, Ted?” nagaalalang tanong ni Eric.
“It's
mom! She's in labor!” nagpapanic na sagot ni Ted, nagkatinginan naman si Alvin
at Eric saka sabay na tumakbo papunta sa ospital kasunod si Ted.
0000ooo0000
“What
happened? Is it the baby? How's tita?!” hindi mapakaling tanong ni Ardi na
kararating lang ng ospital. Nagkatinginan ulit si Alvin at Eric na nagkakape at
tila ba nabasa ang iniisip ng isa't isa nang nagkangitian.
“They're
a match made in heaven.” umiiling na sabi ni Alvin na ikinahagikgik naman ni
Eric.
“Hey!
Nagtatanong ako dito oh! Bulungan kyo ng bulungan diyan! Hmpft! Dyan na nga
kayo!” singhal ni Ardi sabay lakad palayo. Iginawi ni Alvin at Eric ang
kanilang tingin kay Ted na nasa hindi kalayuan, katulad ni Ardi ay hindi rin
ito mapakali.
Nang
makalapit si Ardi kay Ted na katulad niya ay hindi mapakali sa pagaalala ay
wala sa sarili niyang inabot ito at niyakap ng mahigpit. Nagulat si Ted pero
hindi nagtagal ay hinayaan niyang humulma ang katawan niya sa katawan ni Ardi.
Nang makabawi ang dalawa at nang mapansin kung ano ang kanilang ginagawa ay
agad na naghiwalay ang mga ito na tila ba nakuryente o napaso.
Sa
di kalayuan ay hindi mapigilan ni Eric at Alvin na mapangiti.
“What
happened?” medyo kalmado nang tanong ni Ardi kay Ted nang makabawi pero hindi
parin nito maisalubong ang tingin sa huli.
“Wow.
That was awkward.” nasabi ni Ardi sa sarili matapos mag-tanong, nung nakalipas
na buwan simula nang mag-sarili na si Eric at naiwan silang dalawa sa condo ni
Ardi ay napapadalas ang awkward moments nila.
“Uh-ummm
they say that Mom is OK and that we should expect the baby in two hours.”
nakayukong sagot ni Ted, nahihiya at hindi lalo mapakali matapos ang nagyaring
pagyayakapan.
“Good.”
tumatango-tangong sabi ni Ardi.
Saglit
na natahimik ang dalawa, parehong hindi makatingin sa isa't isa, nahihiya sa
nangyaring pagyayakapan. Sa di kalayuan ay masuyo parin nakangiti si Alvin at
Eric habang pinapanood ang dalawa. Tila ba sa katahimikan na bumalot kay Ardi
at Ted ay nagpaalala kay Alvin ng isang importanteng tao. Si Eric. Wala sa
sariling inabot ni Alvin ang kamay ni Eric at binalot iyon ng sarili niyang
kamay, nagulat si Eric sa simpleng paghawak na iyon ni Alvin, tinignan niya ito
at nginitian.
“Aw!
For gadsakes! Can't you guys keep it to yourselves?! Demit! You guys just have
to rub my singlehood in my face, do you?!” nangkukunwaring galit na bati ni
Mike kay Eric at Alvin.
Simula
nang maliwanagan ang lahat isang buwan na ang nakakaraan ay nagkakayos ulit si
Mike, Ardi at Eric, naging masaya ang kanilang grupo sa panibagong
pagkakaibigan na nabubuo sa pagitan nilang lima.
“Pangit
mo kasi kaya walang pumatol sayo!” balik ni Eric, kunwari ay nasaktan naman si
Mike saka tumabi kay Alvin at hinaplos ang malaki nitong braso.
“Your
boyfriend is such a bitch! Why don't you dump him and marry me?” balik naman ni
Mike, nagiisip ng panginis pabalik si Eric habang si Alvin naman ay tuwang tuwa
sa dramang ipinapakita ng dalawa.
“Get
your filthy hands off my boyfriend!” natatawa ng balik ni Eric.
“Hmpft!
Unfair! I'm the only one in the group who is single.” parang batang pagmamaktol
ni Mike na ikinahagikgik ni Alvin.
“Can't
you share Alvin with me, Eric? Pretty please. You can have him at M-W-F and
he's mine for T-T-S and Sun.”
“Sorry,
bitch, he's all mine. Tell you what...” umpisa ni Eric na ikinairap naman ni
Alvin, iniisip kung ano nanamang kayang kalokohan ang iniisip ni Eric.
“What?”
excited na sabi ni Mike n miya mo asong pinangakuan ng buto ng amo.
“I
saw that cute nurse guy two feet away from us checking you out--- I'll help you
flirt with him, if you're interested.” pagkasabi nito ni Eric ay agad na
lumingon si Mike, sa sobrang bilis ng paglingon na iyon ni Mike ay literal na
natakot si Alvin na matanggal ang ulo nito.
“I
don't know—-” nagaalangang sabi ni Mike pero ang totoo ay palapit na ito sa
nurse na itinuro ni Eric at wala pang ilang minuto ay naglalandian na ang
dalawa. Umiiling na pinanood ni Alvin at Eric ang nagpapa-demure na si Mike.
“Hey!
What do you mean by helping him flirt with the nurse?” naniningkit matang
baling ni Alvin kay Eric.
“I
was just joking--- he's cute, though.” humahagikgik na sagot ni Eric na
ikinailing naman ni Alvin.
“Hmpft!”
tampu-tampuhang balik ni Alvin. Muli nilang ibinalik ang tingin kay Mike saka
sa nurse matapos nilang marinig ang tawa ng mga ito. Nagulat ang dalawa nang
makitang hinahaplos-haplos na ni Mike ang malaking braso ng nurse.
“I
like him more when he was inside the closet playing with his narnian friends
than see him now flirt.” umiiling na sabi ni Eric na ikinahagikgik ulit ni
Alvin.
“IT'S
A BEAUTIFUL BOY!” sigaw ni Henry sa may pinto sabay yakap kay Ted at bulong
dito na OK lang si Shelly.
“I
thought the ultrasound said it was a girl?”
“I
thought so too.” sagot ni Eric kay Alvin sabay kibit balikat. Sunod na niyakap
ni Henry si Eric. Sa tabi nila ay narinig ni Eric na nagtanong si Ardi kay Ted.
“Want
to grab something to eat?” tanong ni Ardi marahil ay tumango lang bilang sagot
si Ted dahil hindi na narinig ni Eric ang sagot nito.
0000ooo0000
Ilang
oras na nagkuwento ng nagkuwento si Henry at ilang oras pa ang ginugol ng mga
ito sa pakikinig sa mga plano nito para sa bunsong anak. Natigil lang iyon nang
marinig ni Eric na kumalam ang sikmura ng ama.
“Want
us to get you something from the caf?” tanong ni Eric, napangiti na lang si
Henry at tumango.
“OK,
wait for us here, we'll be back in 10 minutes.” sabi ni Eric sabay halik sa noo
ng ama at bumulong.
“Congrats.”
lalong lumaki ang ngiti ni Henry sa sinabing ito ni Eric.
Nang
makalabas ang dalawa ay sabay silang natigilan. Nakarinig sila ng hagikgikan sa
likod ng isang pinto kung saan may nakalagay na “Authorized personnel only.”
pero base sa tunog ng hagikgik at pabulong na boses na naririnig ni Alvin at
Eric ay hindi isang authorized personnel ang nasa likod non. Nagkatinginan ang
dalawa at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Bumulaga
sa kanila ang kanilang kaibigan na nakikipaghalikan, hindi, nakikipaglaplapan
sa nurse na kanina lang ay kalandian nito.
“What
the hell?! Hey! Find your own broom closet!” singhal ni Mike sakanila sabay
bagsak ng pinto sa mga mukha nila Eric at Alvin. Habang nasa elevator pababa
ang dalawa ay hindi mapigilan ni Eric at Alvin na humagikgik.
Pagkabukas
na pagkabukas ng pinto ng elevator ay muli silang nagulat dahil narinig nila
ang boses ng dalawa pa nilang kaibigan na nagsisigawan sa lobby.
“---Sinaktan
mo ako noon! You literally ruined my life and now you want me to have you
back?! Are you freakin serious?!” singhal ni Ted na ikinatigil at ikinakuwa ng atensyon
ng ilang mga tao sa mataong lobby.
“I
already apologized for that!” balik ni Ardi na hawak-hawak parin ang braso ni
Ted, sa pakiwari ng dalawa ay may nangyari sa cafeteria habang kumakain ang mga
ito dahil ilang hakbang palang ang layo nila dito.
“Yeah?!
Well, sorry is not enough!” singhal ni Ted, umaapoy sa galit ang mga mata nito,
nakita ni Eric ang sakit sa mga mata ni Ardi sa sinabing iyon ni Ted pero hindi
rin nakaligtas ang paglambot ng reaksyon ni Ted matapos niyang sabihin iyon na
miya mo nagsisisi sa sinabi at nagdadalawang isip kung hihingi ba siya ng tawad
kay Ardi o hindi sa mga nasabi niya.
“Will
the words 'I love you' be enough? Because I love you, Ted.” halos pabulong nang
balik ni Ardi pero kahit pabulong iyon ay rinig na rinig iyon sa buong lobby
dahil wala ni isa sa mga nadun ang gumagalaw, masuyong nanonood ang mga ito sa
palitan ni Ted at Ardi at walang ingay na ginagawa.
Nang
hindi sumagot si Ted ay miya mo pinupunit ang puso ni Ardi na tumalikod mula
dito. Alam niyang marami siyang nagawang mali at nasaktan niya noon si Ted pero
hindi rin nun mababago na nahulog na muli ang loob niya dito sa ilang buwang
pagtira nila ng magkasama. Bagsak balikat siyang naglakad palayo, masuyo paring
nanonood ang mga tao sa paligid, kasama na dun si Eric at Alvin na mahigpit na
magkahawak ang mga kamay.
“Don't
go, please, I-I feel t-the same way, I love you too.” pabulong din na sagot ni
Ted pero narinig iyon ni Ardi kahit pa nakatalikod na siya dito. Mabilis na
niliitan ni Ted ang espasyo sa pagitan nila ni Ardi at pinaharap ito at
hinalikan ng mariin sa labi.
Nagpalakpakan
lahat ng tao na miya mo aliw na aliw sa napanood. Hindi pa napigilan pa ni Eric
at Alvin ang sarili at sila rin ay naghalikan na.
“PING!”
kasabay ng tunog na iyon ay ang pagbukas ng elevator at bumulaga si Mike at ang
nurse.
“Wow!
What did I miss?” tanong ni Mike na namumula pa ang labi.
---wakas---
No comments:
Post a Comment