Friday, January 11, 2013

Unbroken: Book 1 (Complete Story)

By: Unbroken
Blog: strangersandunbrokenangels.blogspot.com
Facebook: Iheytmahex632@gmail.com
Twitter: @roviyuno


[01]
Al Fresco. Isang Spanish-themed restaurant dito sa Palawan. Masasabi kong romantiko dahil sa dampi ng malamig na hangin at sa magandang tunog na nagmumula sa pianistang nakapula. Bibihira ang makikita mong pumapasok sa resto. Iilan ang costumer. Isa na marahil sa dahilan e ang presyo ng pagkain dito. Hindi masyadong affordable,ika nga nila “Pang Sosyal”.


Maganda ang lugar,nasa gitna ang pianista at nakapaikot sa kanya ang mga mesa. Ang mga mesa ay may barnis na brownish red at makikita mong antique na ang mga ito. Malamlam naman ang liwanag na nagmumula sa mga chandelier. Nakakadagdag ng ganda in ang liwanag na nagmumula sa mga scented tea light candles na natatagpuan sa bawat mesa.

Romantiko. Isa sa mga pinakaperpektong gabi. Mahangin. Maliwanag ang langit. Puno ng mga estrella ang kalangitan. Isang magandang gabi para sa isang masakit na balak.

“Masarap kaya dito?”. Nausal ko.

“Ewan. First time ko dito eh. Masarap kaya?”. Tangan nya habang pinapaikot ang kutsara sa platong wala pa ding laman.

“Inulit mo lang ehh,order na tayo.” At ako'y nagpakawala ng ngiting mapait.

Dumating ang waiter pagkatapos kong sumenyas. Formal kung formal ang drama. Tamang Tuxedo si Kuyang Waiter. Kinabog pa ang aming outfit. Naka-beret lang ako na Von Dutch,body fit na Yellow Polo Shirt at Checkered na shorts. Si F.R naman ay nakaglasses na salong salo ng kanyang matangos na ilong. Itim na sando na nagemphasize sa kanyang maputi ang maganda nyang katawan at shorts na checkered.

Walang special sa gabing ito,nanatili lang kami sa resort ngayong Pasko,treat ko na rin ito sa kanya dahil 3 years na kami kinabukasan.
3 taong punong-puno ng ala-ala. Mga ala-alang mahirap bitawan.

“Sir,eto na po ang order nyo.isang Lengua Estofada,isang chicken pastel, isang roasted turkey at vegetable mix. Okay na po?” Tanong ng waiter na nakangiti.

“Hon,ang dami mong inorder,Doom's day na ba bukas? May bitay ba? Hahaha.” Pabirong sabi ni F.R na halatang gutom na.

“Nasa public place tayo,walang “hon-hon”. Inis kong sagot.

“Ay,Sorry.” sabay yuko.

“Okay,sige okay na.” Baling ko sa waiter.

“Pakidala nalang yung wine at yung dessert. Thanks!” dagdag ko pa.

Tumango ang waiter. Nagpaalam. Umalis. Naiwan kaming dalawa,
inumpisahan ko na kumain. Nagutom ako kakahiyaw sa panunuod ng beach volleyball na dinadaos ng resort taon taon.

“Oh? FR.kumain ka na. Ano pa inaantay mo?”. Tanong ko.

“Wala po. Sige kakain na.” matabang nyang sagot.

“FR ko, wag ka na po magalit kanina okay? Gutom lang ako kaya kita nasabihan ng ganun,okay? Smila ka na please?” paglalambing ko sa kanya.

“Hmmmm,sige na nga. Pasalamat ka mahal kita. Hahaha”. Pabiro nyang sabi.

“Bakit ganun din naman ako ahh,hindi lang talaga akon showy. Pero I really do love you. Okay FR?”.

“Hmmm. Opo Bossing Daniel. I believe you po. Tara,Kain na tayo.”
sabay pakawala ng isang ngiting nakakaloko.

Eyeglasses. Pantay pantay ang ngipin. Pula ang labi. Makinis ang mukha. Matangos ang ilong. Perpekto kong maituturing si FR. Isang peklat lang sa may noo ang makikita mo sa kanya pero okay naman. Nagkapeklat sya mula sa isang aksidente sa motorsiklo few years ago.

“Hon,masarap pala dito. Okay yung Chicken Pastel,mas masarap pa sa gawa ni mommy.” sabi nya habang punong-puno ang bibig.

Natawa nalang ako dahil para syang bata kung kumain. Ang bilis sumubo at tuloy tuloy. Nakapabilis din nya ngumuya.

“Oo,masarap nga din,FR,try mo tong vegetable mix,okay din naman. Wag mo muna ko I-”Hon”. Mamaya nalang. Baka madami pa makarinig.” sagot ko sa kanya.

“Sorry po,naglalambing lang naman eh”. Sabi nya habang ngumunguya.

“Okay lang sana eh,kaso pareho tayong lalaki. Gets mo?”

“Oo. Alam ko. Pero bakit pag babae sa babae okay lang sa mata ng tao?”

“Hayyy. Naiintindihan kita FR. Kahit ako din ehh gusto kita lambingin in public. Kaso Dapat maging maingat pa din tayo. Hindi naman lahat ng tao tanggap ang ganito. Ayoko naman na mapaaway tayo dito pag may nagcomment sa paglalambingan natin diba? Mahal kita. Okay? Bossing? Pag-alo ko sa mukha nyang malungkot.

Tumango sya,halatang nalungkot sa sinabi ko. Ganyan kasi sya eh,gusto nyang laging pinaparamdam nya na mahal nya ko. Sobrang naapreciate ko kaso minsan eh wala na sa lugar. Pero dahil mahal na mahal ko si FR,inintindi ko. Naisip ko lahat ng sakripisyo namin para maisalba ang aming relasyon na ilang ulit ng muntikang mawala.Naaalala ko pa nga nung mga panahong halos mapatay ako ng tatay ko nang malaman nya na ang kaisa isa nyang anak na lalaki ay lalaki din pala ang gusto. Woman trapped in a man's body. Hindi ako iniwan ni FR,sinamahan nya ako sa lahat. Sinalo nya lahat ng masasakit na salita na sinabi ng tatay ko sa amin.

Mahal na mahal ko sya. Hindi ko kaya na mawala sya. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Sadyang mapaglaro ang tadhana...

ITUTULOY...


[02]
Natapos ang dinner namin ni FR. Halatang buso na busog sya. Kitang kita mo sa kanyang mga mata na nageenjoy sya sa mga nangyayare. Parang batang nakakain ng chickenjoy. Namumutawi sa kanyang mata ang sobrang ligaya.

Patuloy kami sa pagrecall ng nakaraang tatlong taon ng pagsasama.
Pinagusapan ang mga dahilan ng away,narealize ko na sobrang bababaw lang ng dahilan. Minsan pagod ako sa work,minsan wala sya sa mood. Pero wala pa kaming napagaawayan na grabe ang dahilan. Mahal na mahal namin ang isa't isa.

Nasa gitna kami ng magandang usapan ng biglang..

“Aarrrgghhhh brown out!”. Tangan ng mga nasa restaurant sabay sabay.

Natawa ako. Dahil sa nawalan ng ilaw ang chandelier,naging ang mga tea light candles ang nagsilbing tanglaw ng mga tao dun. Para sa akin,mas naging romantiko ang setting. Naiilawan kami ng isang maliit na kandila.
Mas mahihirapan ako nito gawin ang aking plano.

“Hon.” Nanginginig na sabi ni FR.

“Oh bakit?” Natatawa kong sabi.

“Hon,wala akong makita. Madilim. Natatakot ako.” Sabi nya habang kinakapa ang kamay ko sa mesa.

“Hanggang ngayon ba bossing may takot ka pa sa dilim?” Pangaasar ko sa kanya.

“Sige,manginis ka pa. Alam mo naman na takot ako sa dilim ever since.”

“Kaya nga lagi akong nandito para sayo diba? Ako yung mata mo pag
madilim. Ako yung kasama mo pag wala ka na makita. Ako yung mata mo pag hindi ka nakasalamin.”

Natahimik sya. Halatang nagulat sa narinig. Halata din ang nangingilid nyang mga luha. Dahan dahan akong tumayo. Lumapit sa kinauupuan nya at lumuhod. Kaagad kong kinuha ang kanyang kaliwang kamay at hinalikan ito. Maaaninag mo sa kanya ang gulat pero ramdam mo na sobrang saya nya. Kitang kita ko ang saya ng kanyang mga mata. At dahan dahang dumaloy ang kanyang mga luha.

“Sana brown out nalang lagi.” Sabi nya.

Natawa naman ako sa sinabi nya. Alam kong nagaantay sya sa mga susunod na mangyayare.Dahil sa maliit lang naman ang liwanag na dala ng
tea light candle,naging malakas ang loob kong lambingin si FR. Pagkatapos kong halikan ang kamay,pinunasan ko naman ang kanyang mga luha.

“Bossing FR,baka pwede ka umusod ng konti para makatabi ako sa upuan mo. Masakit kasi tuhod ko kanina pa ko nakaluho dito ohh.” Pagbibiro ko.

“Ayy sorry hon.” At Dali dali syang umusod at nagtabi kami sa upuan.

Wala akong sinayang na panahon. Sinamantala ko ang brownout.
Inakbayan ko sya. Nilagay ang ulo nya sa balikat ko. Ramdam ko na naman ang contentment na lagi kong nararamdaman kapag nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Alam kong hindi dapat ito matapos.

“Hon,pano kung biglang bumalik yung kuryente?”

“Bahala na. Wala naman tayong ginagawang masama no. Isa pa
magkaakbay lang tayo. Di pa tayo nagkikiss. Diba? Haha.”

“Pilyo. Kikiss mo ba ko? Dali dali. Habang brownout.” Biro nito.

“Sus. Bakit dito pa? Pwede naman sa room natin ahh. All the way pa.” Sabi ko naman sabay pisil sa ilong nya.

“Hahaha, Bastos nito. All the way pa gusto. Eh isang round ka lang naman. Hahahaha.” Biro nito sakin.

“Hahaha, Gago. Humanda ka sakin. Isang round pala ha? Tignan natin mamaya. Mamamaga yan sakin. Hahaha.” sabi ko.

“Sus. Let's see.” sagot nito sabay nakaw ng halik sa pisngi ko.

“Kakasuhan kita.”

“Anong kaso? Hahaha.

“Ninakawan mo ko ng halik. Hahahaha.” Sabi halik ko sa kanyang noo.

Natahimik kami pareho. Isa sa mga magandang bagay samin eh yung
pakiramdam namin na masaya kami kahit wala kami ginagawa. Simpleng nakaupo lang kami eh okay na. Sobrang saya na namin.

“FR.”

“Hmmmm.?”

“3 taon na pala tayo maya maya no?”sabi ko

“Oo nga eh. Kala ko nakalimutan mo na eh.”sagot nya.

“Ha? Bakit ko naman makakalimutan yon?” sagot ko.

“Ang cold mo kasi recently eh.”

“Ako cold? Hala. Hindi ahh. Siguro stressed lang ako sa work. Wag ka magworry. Mahal na mahal kita.” At umakma ako pahalik sa kanya. Kitang kita ng tea light candle kung pano nagtama ang aming mga labi. Saglit lang ito pero makahulugan. May mga waiter na nakakita pero wala akong pakialam. Sa unang halik sa publiko na yun ko napatunayan sa sarili ko kung gaano ko sya kamahal. At kung gano kalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

“You just made my night complete Hon.” sabi ni FR habang humihikbi.

“Yes. I made your night. But you.you just made my life whole again.”
sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa bilog nyang mga mata.

Muling nagtama ang aming mga mata. Mukhang nagkakaintindihan ang aming mga puso. Gusto pa naman ng isa pang halik. Agad agad nilapit ni FR ang labi nya sa ko,dahan dahan,mga ilang sentimetro ang pagitan,
amoy ko ang mabango nyang hininga. Magtatama na ang aming labi ng biglang...

“Yun! May ilaw na! Yehey!” Bulyaw ng isa sa mga waiter.

Gulat na gulat kami nung mga oras na yun. Ilang sentimetro nalang ang layo ng labi namin sa isa't isa. Sayang. Paglingon namin sa mga tao.
Lahat sila nakatitig samin. Para kaming nasa spotlight. May mga nagulat. May mga nagtaas ng kilay,at may mga nangiti..

Itutuloy...


[03]
Gulat na gulat kami ng makita naming nakatingin samin lahat ng tao sa loob ng restaurant.
May mga nakangiti. May mga halatang nagulat. May mga ibang nagpakita ng pagkadismaya.
Hindi namin sila masisi dahil mukha talaga kaming mga lalaki. Wala kang makikitang bakas ng kabaklaan sa aming porma.

“Uh-oh. They are all looking at us now hon.” Sabi ni FR.

“Yeah. They are all staring at us.” sagot ko habang magkatapat pa din ang aming mga labi.

“So,what now? Tuloy ang kiss o hindi?” nanunubok nyang sagot.

“Ohhh. We can't do it here FR. Sorry.” sabi ko habang umaatras ang mukha ko sa mukha nya.

Whew. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na sinubukang tumingin sa mga tao dahil alam ko na nakatutok ang mga mata nila sa amin. Kitang kita ko sa mukha ni FR ang pagkadismaya. Mababakas sa kanyang mga mata na inaasam nya talaga na halikan ko sya in public.
But I just can't. Ramdam ko din na pinagusapan kami ng mga taong walang alam sa ganitong klaseng relationship.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Walang gustong magsalita. Walang gustong kumibo. Tahimik si FR dala marahil ng pagkapahiya at disappointment. Di naman ako nagsasalita dahil ramdam ko pa din ang malakas na kabo ng dibdib ko ng dahil sa nangyari.
Nabibingi na ako sa katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag nito..

“Bill out na tayo?” tanong ko sa kanya.

“Sige.” malamig nyang tugon.

“FR. Sorry na please.” pagamo ko sa kanya.

“You're saying sorry for what?” sarkastiko nyang tugon.

“For what happened a while ago. Hindi ko pa kaya. Sorry.”

“Maybe hirap ka na din sa akin. Sa pagiging demanding ko. All I want is affection”. Naiiyak nyang sabi.

“FR. I know and I get your point. Naiintindihan kita. Sorry, It's my fault. Okay? At isa pa.
Pag tayo lang naman magkasama eh I show how much I love you diba?” pagpapaliwanag ko.

“Oo.” mahina nyang tugon.

“Mas masama kung pati lambing sa private eh di ko din binibigay. Sorry na. We just have to be more careful okay? Hindi lahat naiintindihan kung bakit me mga lalaking lalaki din ang gusto.”
dagdag ko pa..

“Okay. I understand. Sorry kung mejo nagiging clingy ako or what. I just want to enjoy everything kasi magiging busy na naman tayo pagkatapos nito.”

Agad akong sumenyas sa waiter. Dali dali itong lumapit at iniabot sa amin ang bill ng aming nakain.
Dumukot ako sa wallet ko nang biglang nagabot si FR ng pera pandagdag.

“FR,it's my treat. Okay?” sabi ko.

“Hati tayo,para hindi maubos baon mong pera.” giit nya.

“Nope. Madami akong dala. No worries Bossing.” sabi ko.

At binalik ko ang perang inaabot nya sa akin. Ganyan ako sa kanya. I want to provide everything
na kaya ko. Kahit na pamasahe kahit saan kami pumunta ayaw na ayaw ko na gumagastos sya.
Hindi naman sa mapera ako pero gusto ko lang iparamdam sa kanya na I will be a good provider.
May mga panahon na lagi nyang pinipilit na sya naman ang gagastos. Pero I never allowed him.

Muling bumalik ang waiter at inabot ang sukli sa aking binayad. Nagaayos na kami palabas ng restaurant pero nasa amin pa din ang mata ng mga tao. Parang sinusuri kami mula ulo hanggang paa. Medyo naiinis na ako dahil wala naman kaming ginagawang masama. Bakit? Pumatay ba kami? May ninakaw ba kami para titigan kami ng ganito? Nakakafrustrate ang mundo. Madaming Judgmental.

Nauna akong tumayo kasunod si FR. Iniiscan pa din kami ng mga tao. Parang sasabog na ako.
Inis na inis na ako sa mga sexist na walang ginawa kundi mangmata ng mga bakla at lesbians.
Doon ko naisip ipakita kung gaano ko kamahal si FR. Dali dali kong hinawakan ang kamay nya
at sabay kaming lumabas ng restaurant. Dumaan kami sa mga taong kanina pa nakatingin
at pinakita kong magkahawak kami ng kamay ni FR. Hindi sila makapaniwala. Lalong nagsitaas ang mga kilay nila ng makita magkahawak kami ng kamay. Hanggang sa may isang nagsalita.

“Woot Cool. Pano kaya sila nagsesex?” sabay tawa ng malakas.

Biglang nagtawanan pati mga kasama nya.Kasabay nito ang titig na parang nakakaloko.
Nagpantig ang tenga ko. Parang gusto ko makipagbasag ulo. Pero nagsalita si FR.

“Wag mo na patulan. Wala tayong ginagawang masama. Mahal natin isa't isa at okay na yun.” pagalo nya sa nanginginig kong damdamin.

“Fine.” sabay buntong hininga.

Bago kami tuluyang makalabas ng Al Fresco. Tumingin ako sa grupong tumawa sa amin. Nakatitig pa din sila at nanlilibak pa din. Kaya ngumiti ako,at bigla kong tinaas ang middle finger ko sabay sabing “Fuck you!”. Lahat sila natameme pagkakita nila noon. Nagtawanan lang kami ni FR matapos ng nangyare. Sinalubong kami ng malamig na hangin at masarap na tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan.

Nagbitaw na kami ni FR pero nakaakbay akon sa kanya habang naglalakad kami para humanap ng upuan. Lalo humigpit ang akbay ko sa kanya dahil alam kong madali syang ginawin. Halata namang natutuwa sya sa nangyayare.

“Pano kaya kung napaaway ka dun kanina?” tanong nya.

“Eh di napaaway. Ano pa ba dapat?” pabiro kong sabi.

“So makikipagaway ka talaga?”tanong pa nito.

“Siguro oo. Kung sobrang offensive na yung mga sinasabi nila. Yung tipong di na tolerable ng utak ko.” sagot ko naman.

“Dahil sakin mapapaaway ka pa. Sorry ha?” lambing nito.

“Sus. As I know gusto mo naman din na mapaaway ako para sayo.” sabay kurot sa ilong nya.

“Hahaha. Exactly. Ang cute mo kaya pag napapaaway. Para kang bata pag naglalambing na masahiin kita.” sagot nito.

“Ang sama mo. Eh pano kung mapatay ako dun? Grrrr.” sabi ko.

“Eh di magsuicide ako.” sagot nito.

“Weehh? Di nga?” asar ko.

“Seriously. Di ko kaya mawala ka.” biglang bumaba boses nito.

“Wag ganun. Hindi hihinto mundo mo pag mawala ang isang tao. Life has to go on.”sabi ko.

“I know. Pero right now,I really can't imagine myself without you.” sagot nitong tagos sa buto.

Malamig. Nanlamig ako pagkatapos ang sinabi nya. Natameme ako bigla. Hindi ko inaasahan na maiging ganoon kalalim ang koneksyon na maeestablish ng aming 3 taong pagsasama sa kanya.
Kahit naman sa akin. Alam kong mahal na mahal ko si FR. Mahirap sa akin pag nagaaway kami.
Para akong hindi makahinga ng maayos. Tulala ako pag meron kaming tampuhan,lakad ako ng lakad. Hindi ako mapakali,nanginginig pag nagagalit sya. In short,sya ang buhay ko. Ako ang buhay nya, Pero may problema.

“Oh? Bakit natulala ka Hon?” sabi nya sa akin na nakapagpabalik sa akin sa wisyo.

“Ha? Wala. May naalala lang.” sagot ko.

“Ano yun? Tell me.” tangan nya.

“Never mind FR. It doesn't matter.”sagot ko. Confused.

“Sure? There's something wrong. I can sense it.” sagot nito. Halatang nalilito.

“Nope. Wala talaga. Maybe pagod lang ako.” at bigla akong tumahimik.

Patuloy kami sa paglalakad ng makakita kami ng isang bakanteng lugar. Wala masyadong tao at nasa tabi mismo ito ng pampang. Ito yung mga tipo naming setting. Yung kita yung dagat,mga bituin at dami namin yung white sand at ung mga alon. Napakagentle ng gabing ito. Sobrang romantiko. Sana kayanin ko after all these years. Mahirap pero dapat.

Naupo kami sa lugar na yon. Di masyado matao dahil bandang dulo na ito ng beach resort. Makalipas ng ilang segundo naramdaman ko nalang ang ulo nya sa aking balikat. Ramdam ko ang
buhok nyang nakawax na tumutusok sa aking mukha pero wala akong pakialam. Ang alam ko ay mahal ko ang lalaking nasa gilid ko. Hindi ko kayang mawala sya at di ko alam ang gagawin ko.
Kailangan kong lumayo. Para wala nang masaktan. Kailangan.

Patuloy ang aming paggunita sa nakaraang 3 taon. Ang mga araw na pula,ang mga gabing asul at ang mga dapit hapong lila. Sinasariwa ang mga araw ng kababawan. Mga LQ moments,mga hot and wild sex scenes,mga eksena sa sinehan,mga patagong hipuan,mga korning love letters,mga suntukan,asaran,basaan ng tubig sa banyo habang naliligo. Lahat lahat. Nang maramdaman kong tumutulo ang aking mga luha. Mabigat ang pakiramdam ko, Di ko kaya ang dapat king gawing desisyon.

Naramdaman kong lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Di ko maiwasan humikbi na nagdulot ng ingay at napansin ni FR.

“Hey,hon. Why are you crying?” tanong nito.

“Ha? Wala. I'm just so thankful sayo.” sabi ko.

“Me too.”. At muli syang sumandal sa aking balikat.

Parang musika sa aking tenga ang hampas ng hangin at alon sa pampang. Isa itong mapait na tinig
nagbabadya ng isang trahedya. Ang dampi ng hangin any isang sumpang magbibigay ng dalamhati sa aking pinakamamahal. Pero bago mawala ang isang napakagandang kabuuan. Kailangan muna ng isang bagay na magpapaalala kung gano naging kasaya ang pinagdaanan.

Nakapatong ang kanyang balikat sa aking balikat. Ramdam ko ang kanyang kapayapaan. Nakahawak naman ang kanyang kamay sa akin. Ramdam ko ang umaapaw na pagmamahal.
Samantalang ako ay naguguluhan,tuliro at di maintindihan. Di ko maintindihan kung paano ko sisimulan ang wakas ng aming pagmamahalan.

Tumayo ako at pinatalikod ko sya. Dali dali kong inilabas ang aking munting regalo.

“FR. I bought you something. Talikod ka. I want you to close your eyes. And feel everything.”

“Ha? Okay okay. I will.” Halatang nagulat sya sa lahat ng nangyayari.

Dahan-dahan kong sinuot sa kanya ang isang kwintas na may pendant na krusipiho. Habang dumadampi sa balat nya ang kwintas ay naririnig ko ang kanyang hikbi. Halatang sobrang saya sya sa akin munting regalo. Habang ako naman ay unti-unting nadudurog. Pinipira-piraso ang aking laman sa sobrang sakit tuwing maiisip ko na dapat ko na syang iwanan. Pero kailangan kong tatagan,para maging ayos ang lahat.

“Hon. Thanks for this. I love you so much.” sabi ni FR habang lumuluha.

“Tandaan mo,habang humihinga pa ako. Ikaw lang ang mamahalin ko. Walang mkakabago nun. Kahit mawala ako sa'yo,baunin mo ang lahat ng magandang mga ala-ala na nagawa natin.
Maging masaya ka. Wag mo kong kakalimutan.” sabi ko sa kanya habang lumuluha.

“What do you mean?” ang kanyang mga mata ay lumuluha na din.

Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Kita ko ang pagkalito at bakas sa kanya ang malaking takot.
At marahan,unti unti kong nilapit ang aking labi sa kanya. Isang halik na tatapos ng lahat. Marahan,mainit,punong puno ng pagmamahal at pasasalamat. Isang halik na puno ng kalungkutan. Isang halik ng pamamaalam.

Kumalas ako sa pagkakahalik at nakita ko nalang na kapwa na kami lumuluha. Tumitig ako sa kanya at humugot ng isang malalim na hininga. Sabay wikang:

“FR. I can't be with you anymore.”

“What?”

“I can't be with you anymore.” sagot ko, Pinipilit kong maging matatag.

At dahan dahang bumagsak ang luhang pinakaiingatan.

“Bakit Daniel?” tangan nya habang umiiyak.

“I just can't.” sagot ko.

Tumayo ako at tumalikod. Hikbi sya ng hikbi. Namamatay ako sa bawat pagluha nya.

“Daniel! Shit! 3 taon tayo! Itatapon mo ang 3 taon ng wala man lang dahilan? You're breaking up with me because you just can't be with me? Daniel!” pagtangis nya

Ngunit parang naging bingi ako. Nagsimula akong lumakad papalayo habang parang gripo ang aming mata. Lumakad ako papalayo. Habang siya ay patuloy na umiiyak at tumatangis..

“Dddddaaaaanniiieeeeeelllll!!!!!”...

ITUTULOY....


[04]
(TAKEN FROM FR'S POV)



“Danieeelllllllll!!!!”.


Dali dali akong tumakbo paran habulin si Daniel. Nagmistulang runner para habulin ang isang taong
bigla nalang maging mailap pagkatapos ng tatlong taong pagsasama. Tuloy tuloy akosa pagtakbo.
Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga sa katatakbo at kaiiyak. Napakasakit pero gusto ko pa rin malaman kung bakit nya ako hinawalayan.


Biglang nawala si Daniel sa kawalan. Pinipilit kong hanapin pero wala talaga. Naisipan kong bumalik sa hotel para makausap sya. Nagmadali ako baka hindi ko na sya maabutan. Pagdating ko sa lobby ay dali dali akong tumakbo patungo sa elevator. Sumakay at pinindot ang 15th floor. Bumukas ang elevator. Walang sinayang na minuto para makarating sa kwarto. Tama ang aking hinala. Nandoon sya. Nageempake.


Napansin nyang dumating ako. Nakikita ko syang lumuluha. Pinahid ang mata at naramdaman kong pinapakita nya na malakas sya. Mabilis nyang inilalagay sa maleta ang kanyang mga damit. Hindi ko mapigil ang aking sarili. Tumutulo ang aking luha habang pinapanuod sya sa ginawa. Makalipas pa ang ilang sandali,umupo ako sa kama. At bigla akong nagsalita.


“Daniel,pwede bang malaman kung saan ako nagkamali?”sambit ko habang umiiyak.


Tahimik. Patuloy sya sa pagempake. Patuloy din ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Pero parang hindi nya ako nakikita. Parang hindi nya ako naririnig.


“Daniel. Please. Gusto ko lang malaman lahat. Ano ba mali ko?” pagmamakaawa ko sa kanya.


Walang sagot. Blanko. Para akong hangin. Parang may ketong na iniiwasan. Dali dali akong tumayo para i-lock ang pintuan. Hindi sya makakaalis ng hindi ko nalalaman kung ano ba talaga ang nangyayari o nangyari o mangyayari. Muli,umupo ako sa kama at umiyak na parang bata.


“Kahit respeto man lang oh,pwede ba sabihin mo kung bakit nakikipaghiwalay ka? Please naman.
Maybe we can work this out. Please Daniel?”


Gaya ng kanina. Para akong tanga. Walang narinig. Walang nakita. Patuloy sya sa pagaayos ng gamit nya. Isinara ang maleta at nagbihis. Habang ako,nakaupo sa kama at ngumangawang parang bata. Natapos na syang magbihis at binitbit nya ang kanyang maleta. Akmang lalabas na sya ng pinto ng bigla akong nagsalita.


“Ganito nalang yun? Pagkatapos ng tatlong taon eto nalang yun?Wala na bigla? Wala man lang explanation?Ano ko? Manghuhula? Madame Auring ako ba to? Putang Ina. Daniel! Sabihin mo naman!”


Narindi ata sya sa narinig. Humarap ito at nagsalita.


“I'm sorry FR. I just can't be with you anymore.” sagot nito,


“You're throwing our 3-year relationship just because you can't be with me? Isa pa,bakit hindi na pwede?What have I done wrong? Nasabi ko habang umiiyak.


Nagbuntong-hininga sya. Nakita kong pumutak ang luha sa kanyang mga mata at mabilis nya itong pinahid. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ko kayang mawala si Daniel. Umikot ang mundo ko sa kanya sa loob ng 3 taon. Hindi ko kayang ganun nalang. Lumuho ako at nagmakaawa. I'm trying to pull him back.


“Daniel,umikot ang mundo ko sayo ng tatlong taon. Wag mo ko iwanan. Parang awa mo na.” sabi ko habang nakaluhod sa kanya at nagmamakaawa.


“FR,I can't do this anymore. Not with you. Not now.” sabi nito.


“Not with me? So you have a new one? Daniel? Nabangit ko habang ninanamnam ang durog na durog kong puso.


Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Daniel.At nagwika.


“Yes. I have someone else. I'm really sorry FR.” blankong reaction nito.


Nanghina ako sa narinig. Mula sa pagkakaluhod ay tuluyan na akong napaupo sa sahig. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Daniel's got another guy? Paano? Kailan pa? At sino naman? Sa pagkakaalam ko wala syang iba. Impossible. Work. Bahay. Date namin. Yun lang ang buhay nya.
Impossibleng makapagsingit pa sya ng panahon para humanap ng iba. He's a very busy person.


“FR. I have to go now.” Sabi nya na biglang nagbalik sa akin sa urat


“Di na ba kita mapipigilan?” sabi ko habang lumuluha.


“I'm really sorry FR. I really have to go.” sambit nya.


“Okay. Thanks. Ingat.” sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha na parang ayaw maubos


At biglang nagsara ang pintuan. Naiwan ako magisa. Naiwang nakaupo sa sahig. Nakatulala.
Umiiyak. Nasaktan. Trinaydor. Talunan. Kung sino man ang bago niya,sana maging masaya sila.
Sana mapaligaya nya si Daniel gaya ng ginawa ko. Sana magtagal sila. At sana hindi sya iwanan ni Daniel. Sana hindi sya pagsawaan. Sana hindi nya gawin sa taong ito ang ginawa nya sakin. At kung sino man sya. Putang ina nya. Inagaw nya sa akin si Daniel. Napakasakit kung sino man sya.
Sana mamatay na sya ngayon. Sana masagasaan sya ng truck na madaming load. Sana mapisa ang katawan nya ng pison. Sana mamatay na sya. Tamaan ng kidlat. Mahiwa ng panggupit ng damo ang ulo nya.


Tumayo ako mula sa pagkakalugmok sa sahig. Tinungo ko ang kama at inilatag ang hapong-hapo kong katawan. Hiniga ang patang-pata na katawan at ang pira-pirasong puso. Nagpakawala ng isang buntong hininga at pinahid ang luha sa aking mga mata. Kaya ko pa ba? Paano na ko? Where do I go from here? Fuck. Parang mamatay na ako. Pakiramdam ko langong-lango ako sa sarili kong luha.
Lutang na lutang. Hindi pa rain talaga kasi ako makapaniwala na nakipaghiwalay sya.


Ninanamnam ko ang lambot ng kama at lamig na nagmumula sa aircon ng kwarto. Kasabay ng ginhawang nararamdaman ko dulot ng kama at aircon ay ang binubutas na puso at pagkatao ko.
Wala akong maramdaman kundi sakit. Hindi makapaniwala na kung anong meron kami ay natapos ng ganun ganun lang. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit at paano nya nagawa sakin iyon. Infairness,magaling syang mang two-time. Walang kabutas butas. Wala akong nakitang mga text sa phone.Wala din unfamiliar number sa call logs nya. Wala din kakaiba. Lahat eh normal kaya hindi ko maisip kung paano nya nagawa na ipagpalit ako sa iba.


Napakabagal ng oras. Hindi pa rin ako makatulog. Inaantay ko kung may bukas pa na dadating.
Pakiwari ko wala na. Wala nang dahilan pa para maging masaya. Dahil wala na mismo yung taong dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko. He held my oxygen. I can't breathe. He knows that he's my resuscitator.And he chose to kill me. Mula sa pagkakahiga naramdaman kong hinahatak ako ng katawan ko patayo. Tumayo ako at tinungo ang veranda. Dahan dahan kong binukas ang capiz na bintana. Malamig akong sinalubong ng malamig na hangin. Sinampal ako ng hangin,pinaparamdam nito na magiging mas malamig ang gabi ko dahil wala na kong katabi sa kama. At dahan-dahan na namang tumulo ang aking mga luha. Punyeta. Ayaw na naman huminto. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Lumabas ako sa veranda at umupo sa upuan sa labas nito. Kitang kita ko ang buwan na umaaninag sa aking mukha. Iniilawan nito ang aking mukha,ang aking miserableng kabuuan.


Hindi ako makapaniwala. Ako na si FR ngayon ay isang miserableng baklang umiiyak dahil iniwan ng isang lalaki pagkatapos ng tatlong taon. Fuck. I need some drink. Tumayo ako at kumuha ng beer sa ref. Lumagok na tila wala ng bukas. Totoo nga ang mga sinasabi nila,kapag heart broken ka,beer ang magiging best friend mo. Yung nga lang,ang beer pag naubos pwede ka bumili ng bumili. Pag isang mahalagang tao ang nawala eh mahirap palitan. Hindi iyon nabibili. Hindi mo kayang pantayan kahit ilang case pa ang inumin. Mahirap magmove on.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagiisa. Tulala. Walang tino. Walang baet na naiwan sa sarili. Pilit ko pa din inaanalyze kung pano nagawa sakin yun. Napapaluha nalang ako ng kusa dahil hindi ko lubos maisip kung bakit o paano. I am totally clueless. Pinahid ko ang aking luha. Pinilit tumayo pero mukhang mahihirapan na ako kumuha ng balanse. Nake 8 beer na pala ako ng di ko namamalayan.
Malamig na hangin,umiiyak na hampas ng mga alon,sandamakmak na beer,isang puso nasugatan ng husto. That made my night.


UMAGA.Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakahandusay sa veranda katabi ang mga bote ng beer. Nagkalat ang mga mani na aking pulutan nang nakaraang gabi. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kung gaano ako kamiserable. Tinamaan ako ng awa sa sarili ko. Do I deserve this?
Tama bang maging gago ako sa isang lalaki? Sisirain ko ba ang buhay ko ng dahil sa kanya?
Teka,parang di na ako to. Madaming bagay ang pumasok sa isip ko. Pero ang bottomline eh
dapat ko tong kayanin. Narealize ko na hindi pala hihinito ang mundo sa kakangawa ko.
Magmumukha lang akong tanga kakaiyak. Bakit pa? Hindi na din naman mababalik ng luha ko ang tatlong taong nawala. Kahit mabigat sa akin,kailangan kong magmove on. He left me with no choice.


Feeling disoriented. Tumayo ako at bumalik sa kama. Humiga ako sa kama at nagpakawala ng isang mahabanbg buntong hininga. “I will be okay.” tanging tangan ko sa sarili. Nagdesisyon akong umuwi na magisa ng Maynila. Wala naman akong dahilan pa para magstay sa resort. The more I stay here,the more I'm reminded of OUR memories. Nagdesisyon akong magayos na. Naligo,nagbihis,nagayos ng buhok at nagpabango. Inempake ko na ang mga gamit at tumawag na sa front desk.


“Room 145,check out na po.” sabi ko.


“Sir pakiantay nalang po yung room boy para macheck yung room kung may mga defects.”


“Okay. Sure.” sagot ko.


Wala pang 5 minutes ay dumating na ang room boy. Pumasok sa kwarto at chineck ang mga gamit.
Malamang ay nainis iyon dahil sa sobrang dumi at kalat ng inabutan nyang linisin.


“Sir. Okay na po. Cleared na po. Pwede na po kayong magbayad sa front desk.”


“Okay. Salamat.” malamig kong sagot.


Dala dala ang aking maleta,tinungo ko ang front desk. Agad akong binati ng receptionist.


“hi Sir! Good Morning!”


“There's nothing good with this morning.”sagot kong sarkastiko.


Halatang napahiya ang receptionist. Agad akong humingi ng paumanhid.


“Ah,Hey,I'm sorry.” sabi ko.


“Sir okay lang po. Bali po sir wala na kayong babayaran.”


“Huh? Bakit wala na?”


“Binayaran na po nung kasama nyo. Yung nauna pong umuwi kagabi?”


“Ah I see. Sige. Thanks!”


Nagitla ako sa narinig. Kahit pala nakipaghiwalay si Daniel ay binayaran pa rin nya ang bill namin sa kwarto. Naalala ko na naman sya. Di ko maiwasang mapabuntong hininga. Dali dali na akong
gumawa ng paraan para makauwi ng Maynila. Sumakay ng bangka para marating ang pampang.
Mula sa pampang,nagbus para makarating sa airport. Hindi naman din naging mahirap dahil kaunti lang ang tao dahil di naman peak season.


Nakaupo ako at nagaantay sa Boarding area ng maramdaman kong may kulang. Medyo sumasakit na din ang mata ko. Tsaka ko lang napagtanto na wala akong suot na salamin. Hindi pwedeng wala akong salamin. Kumikirot ang mga mata ko. Fuck. Agad kong kinapa ang bulsa ko para hanapin ang eyeglasses ko pero wala. Whew. Paano na ko nito? Halatang uncomfortable na ako dahil wala akong eyeglasses. Galaw ako ng galaw na parang ewan. Iritado dahil wala akong glasses ng biglang...


“Hey,do you want me to lend you my glasses?” sabi ng isang lalaki.


Natahimik ako bigla. Sinubukan kong tignan ang mukha nya. Mukhang gwapo naman. One thing's for sure,he's wearing braces.


“Ah,that's kind of you. Thanks. Pero nakakahiya po.” sagot ko.


“Nope. That doesn't matter. I usually bring two graded glasses everytime I travel.

“Whew. Okay. I'm going to say “yes” now. But Ibabalik ko ha?” sabi ko sa kanya.


“Alright. Here you go.” at inabot nya sakin ang eyeglasses.


Dali dali kong isinuot ang salamin na pinahiram ng isang estranghero. Medyo bumuti ang pakiramdam ko dahil nakakakita na ko ng maayos. Nakakapagtaka dahil medyo mailap ako sa mga di ko kakilala. Pero naging napakabait ko sa kanya. Ngayon,nabigyan ako ng pagkakataon na makita ng mukha nya. Yung totoo eh,he looks sophisticated. Mukhang professional. Singkit ang kanyang mga mata,matangos ang ilong,manipis at pinkish ang mga labi at nakabraces. Mukhang mayaman.
Hindi ko napuna na grabe na pala ang pagtitig ko sa kanya ng bigla syang nagsalita.


“Hey,okay ka lang ba? Wag mo naman ako titigan, Nacoconscious ako.” sabi nya.


Nagulat ako dahil nakatitig na pala ako sa kanya ng sobra. Nangangatal akong sumagot.


“Ahh. Yep, I'm okay. Thanks sa glasses. Hey,how can I repay you for this?” sabi ko.


“No. You really don't have to pay me for that.”sabi nya.


“Nakakahiya naman. Anything you want,please?” giit ko.


“Hmmm,Alright. I don't usually ask anything in return but since mapilit ka,I just want to have your number.” diretsong sagot nito.


“My number? Ahh. Sure.” sagot ko naman bigla.


Ramdam kong biglang namula ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit. At kung sino itong lalaking to, Pero infairness,ideal sya maging bf.May face value,at kung manamit ay napakaformal. Mukha syang may-ari ng isang kumpanya sa Makati. Sya yung alam mong pwede ipangalandakan na bf mo or what.

Nasa kalagitnaan ako ng pagaanalyze sa kanya ng bigla na naman syang sumabat.


“Hey, yung number mo na?”sabi nya.sabay ngiti..


“Ahh,ahhh,wait,” natataranta kong tugon.


“Hey,chill, Okay?”pagpapakalma nya sakin. Sabay hawak sa balikat ko.


“ahh eto number ko. 0927*******.


“Alright. Guguluhin na kita. Hehehe.” pabiro nyang sabi.


“Hehehe. I shouldn't have given my number. Makikipagtextmate ka lang pala. Hehe” sagot ko.


“Hey,btw,my name is Carlos.” sabi nya.


“Yeah. Carlos. F.R here.” sabi ko.


Formal kaming nagpakilala sa isa't isa ng biglang..


“Calling all passengers of Flight MNL075863....”


“Oh.Carlos,I have to go.Nice meeting you.”sabi ko.


“Alright. I'll see you.”


ITUTULOY...


[05]
Eversince talaga takot ako sumasakay sa eroplano. Hindi ko maintindihan pero di ako mapakali.
Hindi ko alam kung anong ayos ba dapat. Dapat ba simpleng upo lang? Dapat ba sa kanan ako nakatingin? Kaso kita ko naman yung katabi ko. Dapat ba sa kaliwa? Kita ko naman yung mga ulap. Natutukso akong tumingin sa ibaba pero pag nakita ko naman eh nahihilo na ako sa takot dahil mataas. Whew.


Naupo ako sa assigned seat sa akin. Ikinalma ang sarili. Pinipilit kong ipakita sa mga kasama ko sa eroplano na hindi ako takot sumakay dito. Na kunwari ay matapang ako at lalaking lalaki. Hindi ko ipapakita sa kanila na nanginginig ang mga tuhod ko habang nagaantay ng paglipad ng eroplano.
Kunwari ay beterano na ako sa pagsakay dito. Muli,for nth time,muling pumasok sa isip ko si Daniel. Siya ang unang taong nakasama ko sa pagsakay ng eroplano. Siya ang nagturo sa akin kung paano magayos ng seat belt.Siya ang nagpapakalma sa akin when my knees start trembling. Siya ang nagiging dahilan kung bakit kalmado akong nakakatiis sa loob ng eroplano. Kahit medyo shaky ang pagtakeoff ng piloto,gagawa sya ng paraan para maiiwas ang atensyon ko sa pagtakeoff.
Nandung kwentuhan nya ko ng kung anu-ano. Nandung kakantahan nya ko para matawa ako. Nandung bigla nya akong pipitikin sa tenga para madistract. Noon yon. Pero sa ngayon,sa tingin ko kailangan kong labanan ang takot ko sa pagsakay sa eroplano. At ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.


“Ilang saglit na lamang po ay lilipad na ang eroplano. Maari lamang po na pakisuot ng maayos ang ating mga sinturong pangkaligtasan.” Mahinahon at nakangiting sabi ng stewardess.


Whew. This is it for me. Ayan na. Nangangatal na naman ang mga labi ko sa nerbiyos. Maybe I should take some pills para makatulog ako? Whew. Wala akong Sleepasil dito. Grrr. Ano gagawin ko? Teka? Bakit parang wala akong katabi? Solo ko tong dalawahang upuan dito. Nakakapagtaka naman. Mula sa nerbiyos ay napalitan ito ng pagtataka. Usually kasi pag ganitong hindi masyado classy ang plane puno ang mga tao. Patuloy pa din sa pagchecheck ang stewardess sa mga tao at kung nakakabit na ba ng maayos ang mga seat belt nito. Di nagtagal.lumapit ito sa akin at chineck ang aking kalagayan.


“Sir. Check lang po natin ang seatbelt.”


“Sure.”


“Ayan sir, Okay na po. Sir may kailangan po ba sila?”


“Ahh.wala naman. Salamat sa pagtatanong. But I'm fine here.”


“Okay Sir. Basta po pag may kailangan tawagin nyo lang po isa sa amin dito sa eroplano.”


“Okay. Sure. Ahh miss,wala ba akong katabi?” nagulat nalang ako ng naitanong ko iyon.


“Ahh,yung seat po ba na yan? Sige po Sir. I'll check it po.”


“Okay. Okay. Thanks.”


Muli akong naiwan sa dulo ng eroplano na nagiisa. Umalis ang stewardess to check kung reserved ba ang seat o hindi. Nagsimula na naman bumaliktad ang aking sikmura. Pakiramdam ko ay namumutla na ko. Parang gusto ko nang bumaba sa eroplano. Pwede bang magbarko nalang ako?
Hindi naman ako nagmamadali umuwi eh. Promise. Grrr. Sa tuwing naririnig ko ang mga reminders na nagmumula sa piloto ay nanlalamig ako. Sana nandito si Daniel. Whew. At muling tumulo at aking luha.


Nasa kalagitnaan ako ng pageemote nang biglang bumalik ang stewardess.


“Sir. Occupied po ang seat beside you. Paparating na din po yung nakaupo dyan.”


“Ahh really? Okay. Thanks ha?” sabi kong nagtataka.


“Sir. Are you okay? Para pong namumutla kayo.”nagaalalang tanong nito.


“Ahhh okay lang ako. Maybe pagod lang.” agad kong bawi.


“Sir tawagin nyo lang po ako pag may kailangan po kayo.” sinserong sabi ng stewardess.


“Okay. Salamat ha?”


Ngumiti ito at umalis. Same scenario. Naiwan akong magisa sa dulo ng plane. Magaling ang serbisyo nila sa Airlines na to. Maging ang mga stewardess ay okay din. Napakagalang ng pagtrato sa aming mga pasahero at todo assist pa pag may kailangan. Panandalian kong nakalimutan ang sakit na naramdaman. Maganda pala ang buhay. May mga taong nandyan at aalalay sayo sa tuwing madadapa ka. Tulad ng sinabi ng stewardess,tatawagin ko o lalapitan ko yung mga taong alam kong nandyan para sa akin. Lalo na sa ganitong pagkakataon. Kahit wala na siguro sya ay makakaya ko pa din. Oo naman. Kaya ko. Kung hindi ko kaya,kakayanin ko pa rin. Napuno ng pagasa ang aking puso. Totoo din pala ang sinasabi nila na kayang kaya mong paniwalain ang sarili mo. Alam kong pinapaniwala ko ang sarili ko. Alam kong magiging mahirap ang mga susunod na araw pero makakaya ko. Isa. Dalawa. Tatlo. At ako'y nagpakawala ng aking hulin buntong-hininga. Sa paglabas ng hininga sa aking mga ilong ay isang luhang nakatulong para gumaan ang aking pakiramdam. Pumikit ako at ninanamnam ang realidad na wala na. Nasa momentum ako nang biglang may pumahid sa aking mga luha na aking lubos na kinagulat.


“Hey,don't cry.”sabi ng isang familiar na boses.


Dumilat ako at nagulat sa aking nakita. Nakita ko na naman ang maamo nyang mukha. Nakita ko ulit ang braces nya at ang pinkish nyang mga labi. Nakita ko ulit ang kanyang singkit na mga mata.
Si Carlos.


“Ohh. Hi. Same flight?” natataranta kong sabi.


“Not just the same flight,we're also seatmates.” sabay ngiti.


“What? So you're the one seated next to me?” nagtataka kong tanong.


“Yes. We can put it that way.” sabay ngiti.


At bigla syang umupo sa aking tabi. Mapapansin mo na halatang sanay na sanay na sa biyahe. Kampante agad sya at mabilis nyang inayos ang kanyang seat belt. Inayos ang buhok at ang pagkakagusot ng kanyang polo. Nagpakawala sya ng isang buntong hininga at ngumiti sa akin.


“Whew. This day's really a bummer.” sabi nya at pumikit


“Bakit naman?” sagot ko.


“Busy eh. Been loaded with a lot of work. Wala na nga din akong panahon sa sarili ko.” sinsero nyang tangan.


“Ahh I see.” sagot ko.


Patlang. Nang nabanggit nyang “Been loaded with a lot of work” eh biglaang pumasok si Daniel sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit. Hanggang ngayon kasi eh di pa din ako makapaniwala na nagawang kaliwain ako ni Daniel. Weird. Kakasabi ko lang kanina na ayaw ko na. Eto na naman ako. Hindi ko maiwasang hindi makapagbuntong hininga. Nagpakawala na naman ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi naiwasang hindi ito mapansin ni Carlos.


“Oh,anong problema?” nagtataka nitong tanong.


“Wala naman Carlos. May naalala lang.” sagot ko.


“Sino?” tanong nito at biglang tumitig sa akin.


I must admit na nalulusaw ako sa mga titig ng mokong na to. Hanep ang singkit na mata. Kung nakakahiwa yun,malamang chop-chop na ko. Pira-piraso. Literally. Napatitig na naman ako sa mukha nya. Nahihirapan akong humanap ng mali sa mukha nya dahil masasabi kong perpekto talaga ang hubog nito. Wala talaga akong masasabing pangit dahil wala naman talagang kapintas pintas.


“Hey,sino naman yung naalala mo?” isang tanong na nagbalik sa akin sa kamalayan


“Ha? Wala naman. Wag nalang natin pagusapan.” sabi ko.


“Hmmm. Okay. Pero wag ka na po umiyak ha?”sagot nito sa akin.


Ngumiti ako. Nakaramdam ako ng kakaiba dun sa “Wag ka na umiyak ah?” Hindi ko alam kung
dapat ba ako kiligin o ano ba dapat ko maramdaman. Pero ang alam ko,habang sinasabi nya yun nararamdaman ko ang 101% na concern. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman pero natutuwa ako dahil nandyan sya. Kahit malabo kung ano ba talagang pakay nya sakin.


“Oh,di ka na nagsalita dyan ah?” sabi nito.


“Ha? Nahihiya kasi ako. Uy,thanks sa glasses.”sagot kong sinsero.


“Hmmm. Okay lang yun. Atleast I helped. At isa pa,sabi ko nga sayo na dalawa talaga glasses ko. Kaya walang kaso yun sa akin.” sabi nya.


“Okay. Hehe. It's just weird. On the first place,bakit mo ko pinapahiram ng glasses mo eh hindi mo naman ako kakilala?”tanong ko


“Ewan ko din. Weird nga eh. Usually aloof ako sa mga di ko kilala.” sagot nya habang nagaayos ng sarili.


“Aloof talaga ha? Eh Ikaw pa nga ang kumuha ng number ko at naglend ng glasses mo. Hahaha”
nangaasar kong sabi.


“Ang yabang nito. Fine. Inaasar mo ko ha? Akin na yang glasses ko.” bawi nya


“Uyy. Wag ganun. Alam mo naman na nahihirapan ako ng walang salamin. Hays.” sagot ko at biglang nasimangot


“See? Kaya wag mo kong asarin. You better treat me right dear! “Tawa nito sabay pitik sa tenga ko.


“Awww. Bakit mo ko pinitik sa tenga?” Naiirita kong sagot.


“Wala. Gusto ko lang kitang asarin.Hehe.” sabay ngiti ng nakakaloko


Weird. Nung pinitik nya ko sa tenga pumasok na naman si Daniel sa isip ko. Tandang tanda ko na pinipitik ni Daniel ang tenga ko kapag nangaasar sya. Hindi ko na naman maalis sa isip ko ang lalaking yun. Napatulala ako at natahimik. Laging pinipitik ni Daniel ang tenga ko. Nostalgic. Whew.


“Oh,bakit natahimik ka na naman? Nagtataka na ako sayo eh. Nakakatampo ka naman.” sabi nya.


“Ha? Ah,eh.sorry,may iniisip lang.”sagot ko.


“Bakit? Sino ba kasi yun? At teka,bakit ka nga pala umiiyak kanina?”tanong nya


“Wala yun. Don't worry magiging okay din ako.”sagot ko. Isa pang buntong hininga.


“Magiging okay ka. Hindi nga lang ngayon. Siguro in time.”sagot nyang mahinahon


“Oo. Siguro lahat naman ng sakit nagiging okay in time. Magaantay na lang akong maramdaman
ko na okay ako. Hindi din naman siguro katagal yun. Kakayanin ko.” sagot ko sabay pakawala ng isang ngiti


“Oo naman. Kaya mo yan. Just remember that there are a lot of people na willing tumulong sayo.”
sagot nya at tumitig sa akin.


“Andito naman ako.” dagdag pa nito.


“Ha?Ano?” sabi ko habang ramdam ko ang pagakyat ng dugo sa aking mukha.


“Sabi ko,nandito ako,if no one will listen,I will be here.”sagot nito.


Tameme. Basag. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng kanyang mga salita. Hanggang naramdaman ko nalang na super blush na ko. Natahimik kami pareho. Pakiramdam ko noon ay nasa cloud nine ako. Heaven pare. Ikaw ba naman sabihin ng ganoon ng ganito kagwapo,sure akong magmemelt ang heart mo. Lutang na lutang ako sa kilig. Hindi ko maipaliwanag. It's really weird dahil kanina lang eh si Daniel ang naiisip ko,ngayon naman eh naooverwhelm ako sa kindness at sa pagiging sweet ni Carlos. Fuck. Mula sa isang desperadong bata ay sumibol ang isang kumikirengkeng na bakla. Nagpakawala ako ng isang ngiting nakakaloko.


“You know what? You're weird.” sabi ni Carlos.


“Weird? In what way? Huh?” tanong kong nagtataka.


“Wala lang napansin ko lang kasing kanina,umiiyak ka,may mga times na nagbubuntong hininga ka,tapos ngayon naman,kung ngumiti ka eh parang wala ng bukas. Weird. Pero cute ka pa din. Haha.” sabi nya at biglang kinurot ako sa pisngi.


“Aray! Nakakarami ka na ha? Kanina pinitik mo ko,ngayon naman kinurot mo ko. Sadista ka. Eh ano namang masama kung ngumiti ako,eh sa masaya na ako eh.” sagot kong defensive


“Sus. As I know,kinikilig ka sakin. Hahaha. Wag ka magdeny. I can feel it.” pangungulit nya.


Namumula ulit ako. Kilig na ewan. Magaan ang loob ko sa kanta. Weird. Para makabawi sa pamumula,tinarayan ko sya.


“Hoy, Ang hangin grabe no? Yabang. Hahahaha. Kala mo kung sinong gwapo.” sabay tingin ko sa bintana.


“Ah,so ganun? So hindi ako gwapo pala?Ha?” tanong nitong nagbibiro


“Hindi. Mas gwapo ako sayo.” sabi kong nangaasar.


“Gwapo ka nga,naknakan ka naman ng attittude.” sabi nito sabay tawa


“Ang yabang talaga. Hmp. Hahaha.” sabi ko sa kanya.


Nagpatuloy kami sa asaran. Nandung paluin ko sya ay ganun din sya sa akin. May mga pagkakataon na kakagatin nya ako sa braso. Sobrang gaan ng pakiramdam ko at ang alam ko sobrang saya ko sa mga moments namin sa eroplano. Okay na sana ang lambingan at kung ano pa ng biglang nagsalita ang stewardess.


“Magandang tanghali po. Pagpaumanhin nyo po kung medyo natagalan po ang ating paglipad. Mayroon po lamang problemang teknikal na inayos ang ating mga technician. Kung maari po lamang ay pakiayos nalang natin ang mga sinturong pangkaligtasan. Kung maari rin po ay umupo tayo ng maayos habang nagtetake off ang eroplano. Aalis na po tayo sa loob ng dalawang minuto. Maraming Salamat po.”


Habang nakikinig sa mga paalala ng stewardess ay bumalik ang kanina ko pang nararamdaman. TAKOT. Naramdaman ko ang pagbabago ng mukha ko. Mula sa pula naging putla. Bigla akong
nakaramdam ng panlalamig. It's official. Namumutla na ako. Unconsciously,napalulon ako kahit wala naman ako iniinom. Akala ko ay normal pa ang inaasal ko,hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinititigan ni Carlos.


“Alam mo,maputla ka. Natatakot ka ba?” tanong nito.


“Ha? Ahhh. Hindi. Okay lang ako.” nangangatal kong sagot.


“Anong hindi? Eh namumutla ka nga eh.” sagot nito,


“Ha? Wala yan. Puyat lang yan.” sagot ko,pinipilit na tinatago na takot ako pag papalipad na ang eroplano.


“Puyat? Eh kanina pa tayo naghaharutan okay naman ang kulay mo. Teka, (sabay hawak sa kamay ko) ang lamig din ng kamay mo eh. There must be something wrong.” sabi nyang nagtataka.


“Okay lang ako. Salamat sa concern.” pagsabi ko at ako'y ngumiti ng pilit.


“Maghanda nalang po tayo. At ang eroplano ay lilipad sa loob ng isang minuto” sabi ng stewardess.


This is it. Naramdaman kong pumatak ang pawis sa aking mga noo.


“Ten,nine,eight,seven,six,five,four,three,two,one....”


At nararamdaman ko na ang pagangat ng eroplano sa lupa. Sa sobrang takot ko ay pumikit ako. Nagsama sama na ang lahat. Sobrang lakas ng nerbiyos ko habang nagtetake off ang plane.
Ramdam ko na parang naiiwan yung kaluluwa ko habang umaangat. Para akong gago na sobrang kapit sa upuan. Habang ang katabi ko ay kampante lang. Todo pikit ako,ramdam na ramdam ko ang pakiramdam na lumalaki ang ulo (sa taas) habang inaabot namin ang langit. Grabe ang pressure.
Sa sobrang nerbiyos ay di ko napigilang lumuha,nang biglang...


“I told you not to cry anymore.”si Carlos.


“Wala. Natatakot lang ako kasi lumilipad na yung eroplanong sinasakyan natin.” sabi ko sa kanya at bigla na akong umiyak na parang bata.


“Hays. Yun naman pala eh. Wag ka na umiyak dyan. Andito po ako oh? Hello? Hindi naman po kita papabayaan kaya wag ka na umiyak okay?” sabi nyang nangaalo.


Muli,sa ikailanmang pagkakataon,natagpuan kong kumalma ang aking sarili. Ang aking takot na takot kong loob ay nakahanap ng kapanatagan. Isang kapayapaan dala ng isang estrangherong wala ko pang 2 oras na kakilala. Isang estrangherong nagtatakang pumasok sa buhay ko. Isang estrangherong nagpangiti sa akin.


“Salamat. Maraming maraming salamat Carlos.” sambit ko habang pinupunasan ko ang aking mga mata.


“Wala yun,basta hanggang nandito ako,no one can harm you.” sagot nyang punong puno ng sinseridad.


Tumitig ako sa kanya,ngumiti ng galing sa aking puso. Nakatitig sya sa akin,sinasabi ng kanyang mga mata na hindi nya ako iiwan. Napanatag ang aking loob. Parang isang orchestra na nagbibigay ng banayad na tunog,naramdaman ko ang pagkalma ng aking puso. Pagkatapos,natagpuan ko nalang ang aking ulo ay nasa kanyang balikat at magkakapit na ang aming mga kamay..


[06]
Mula sa pagkakahilig ng aking ulo sa kanyang balikat,amoy na amoy ko ang bango ng kanyang damit. Halatang mamahalin ang ginagamit nyang perfume. Hindi ko alam kung anong brand pero napasubtle ng amoy. Nakakahook. Hindi ko maiwasang mapapikit dahil totoo namang nakakarelax ang amoy nito.


“Feel na feel mo pabango ko ah? Bango ba?” sabat nito.


“Yup. Gusto ko ng ganyang mga perfume. Soothing yung effect.” sagot ko naman.


“Ahh ganun ba? Actually,regalo lang yan ng isang patient ko.” sabi naman nya.


“Ahh ang galing nyang pumili ahh.”sagot ko naman.


“Yup. Actually yung pasyente ko na yun eh magaling talaga. Husay non. Gwapo pa. Sabi niya sa akin eh babagay daw sa chemistry ng katawan ko yung pabango. Magmamatch daw.” sabi nya


“Ahh. Ganun. Yup. May kakilala kasi ako eh,na magaling din pumili ng pabango. Alam nya kung magmamatch ba sa katawan mo yung amoy nun o aasim ba pag nagtagal.”


Tahimik. Alam kong si Daniel yun. Siya ang mahilig magbigay ng pabango sa akin. Siya ang pipili ng babagay sa akin. Sa tuwing naglalagay ako ng pabangong bigay nya ay imposibleng hindi nya ako amuyin ng husto. Andung nakadikit lang lagi ang ilong nya sa leeg ko. Tapos ikikiss nya.
Ako naman eh gustong gusto ko yun. Whew. Isa pang buntong-hininga.


“Ayan. For the 7th time nagbuntong hininga ka. Lagi kong napapansin yan. Bakit po kasi hindi ka magopen sakin para maintindihan ko kung bakit ka sigh ng sigh. It's just weird. Hindi ka pa rin ba comfortable sakin?” tanong nito.


“Comfortable na po. Magkahawak pa nga tayo ng kamay no? Wala to no. Okay lang ako. Tensed pa ako sa eroplano.” pagpapalusot ko.


“Sus, Tensed daw? Eh kanina ka pa nga okay. Hindi ka na maputla,normal na kulay mo. Hindi ka na tensed. Dali na kasi,sabihin mo na kung ano. Kung sa bf mo yan eh okay lang. Magaantay nalang ako na magbreak kayo tapos saka kita popormahan.” pabiro nitong sabi.


Napangiti naman ako sa narinig. Pakiramdam ko ako si Rapunzel na pwedeng iladlad ang buhok sa eroplano dahil sa sobrang haba. Take note,nakatrintas pa.


“Wala po. Seriously.” sagot ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.


“Di nga?” kumalas sya sa pagkakahawak ng aming mga kamay at tumitig sa akin.


“Oo nga. Kulit.” sabi ko habang nakikipagtitigan sa kanya.


“Ako? Makulit? Di ah. Concerned lang ako.” sabi nya gamit ang kanyang sexy voice.


“Fine. Concerned. Maraming maraming salamat. Tensed lang ako. Yun po ang totoo.”sagot ko sa kanya.


Wala pa din tanggalan ng tingin. Tila ba nakapako ang mata namin sa isa't isa. Hindi ako nagpapatalo,titig kung titig din ako. Ako pa? Talent ko ata makipagtitigan, todo titig ako nang mapansin kong papalapit na pala ang mukha nya akin. Teka? Ano ba to? Hahalikan ba ako ng mokong? Fuck. Umandar na naman ang dugo paakyat sa mukha ko. Nagbablush na naman ako.
Papalapit ng papalit ng papalapit. Didikit na any moment ang labi nya sa labi ko. Anong gagawin ko? Pipikit? Oh my Jesus!


“Ano? Tensed ka pa ba?” sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko,nangaakit.


“Ha..? Haaaa? Hiin-dii.. ako...”


“Tsup.”


Biglang naglapat ang aming mga labi. It was our first kiss. Naramdaman ko nalang na bigla akong napapikit. Hindi ko alam kung dala ba ito ng tensyon o dala ng sarap at tamis ng kanyang mga labi. Sobrang lambot. Damang dama ko ang paglalaban ng aming mga labi. Kasabay nito ang halinhinang pagsinghap ng aming mga hininga.Tumagal ng ilang segundo ang aming halikan. Ang kauna-unahan. Ang halik na mula sa isang estranghero. Matamis. Punong-puno ng passion. Nerve-rocking.


Bigla syang kumalas mula sa pagkakalapat ng aming mga labi. Tumitig sa mga mata ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Gumuhit sa kanyang mukha ang isang magandang linya buhat sa kanyang nakakabato-balaning ngiti. Nanatili akong nakatulala. Waring hindi ako makapaniwala na we just “DID” our very first kiss. Masasabi kong memorable dahil unang una takot ako sa eroplano. At nagawa nyang alisin sa akin ang takot at palitan ito ng naguumapaw na kilig. Hindi din ako makapagsalita. Tila ba naubusan ako ng salita. Pero ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Pati ata labi ko nanginginig din.


“Oh,Ayan tensed ka pa?” sagot nyang naglalambing.


“Ha? Hindi na po. Okay na ko.” sabi ko habang nangangatal.


“Oh,eh bakit nanginginig ka magsalita?”tanong nya at hinawakan muli ang aking kamay


“Nabigla lang ako. Sorry po.” mahina at malambing kong sabi.


“Sus. Sorry ha? Hinalikan kita bigla. Hindi ko na kasi mapigilan sarili ko. Hindi ko nga din alam kung bakit ako nagkakaganito eh.”sabi nyang walang bahid ng kasinungalingan


Nagitla ako ng marinig ko ang mga salitang yun. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang alam ko lang ay sobrang kilig at saya ang nararamdaman ko. Napakaexaggerated
dahil wala pa kaming isang araw na magkakilala,pero parang sobrang tagal na namin pinagtagpo.
Habang magkahawak ang aming mga kamay ay pakiramdam ko bumagal ang paglipad ng eroplano.
Yung tipong sa mga pelikula ba? Yung tipong slow motion tapos may napakagandang love song na nagpeplay? Whew. Weird pero parang di ko na nararamdaman yung pain ni dinala ni Daniel. I think kung sakaling si Carlos ay seryoso,sya nalang. Pero teka? Wait. Eh hindi pa nga nagpopropose na gusto ako eh? Assuming na naman ako. Whew.


“Alam mo FR?”


“Hmmm?”


“Wala naman. Parang na-love at first sight ata ako sayo.” mahina nyang sabi.


Ayun yun eh. Diba? Moment. Ang ganda ko. Iniisip ko palang kanina na di pa sya nagtatapat ng pagibig nya eh eto na sya. Nagsasabi na nabighani sya sa aking taglay na kagwapuhan. Kung measurable lang ang kilig na nadarama ng tao,malamang apaw na apaw na yung sa akin. Kanina pa ko namumula,siguro kulay maroon na ko ngayon sa sobrang kilig. Pero weird din eh,wala pa nga kaming isang araw magkakilala ganito na agad. Masyado bang mabilis?


“Di ka ba naniniwala sakin?”tanong ni Carlos. Malungkot ang tono ng kanyang boses.


Hindi ko alam ang isasagot ko. Sobrang saya ng feeling eh. Nakakakilig. At the same time mahirap pa din talaga magtiwala. Siguro wag nalang kami magmadali. Yun na lang siguro. Napansin ko na naging biglang malungkot si Carlos ng hindi ako sumagot sa tanong nyan. Habang magkahawak ang aming mga kamay,dahan dahan kong piniga ito ng paulit-ulit. Sa bawat pagpisil ko ay nangingiti sya. Halatang natutuwa sya at ito'y nagbabadya na naman ng isang matinding harutan sa eroplano.
Ilang segundo pa,bumalik na ang masayahing Carlos. Sa bawat pisil ko sa kamay nya ay pipilitin nyang gumanti. Nandyang kilitiin nya ko sa leeg at sa tagiliran. Ako naman ay kikilitiin sya sa may kilikili. Sa sobrang lakas ng aming boses ay di maiwasang pagtinginan kami ng mga tao.


“Hinaan natin boses natin Carlos,kasi nakatingin silang lahat sa atin oh?”sabi ko sabay beautiful eyes.


“Hayaan mo sila. Okay lang yun. Di naman nila tayo kilala eh.” sabi nya sabay kurot sa aking pisngi.


“Ngek. Okay lang sayo na tignan tayo ng mga taong naglalambingan kahit pareho tayong lalaki?”tanong ko.


“Oo naman. Hayaan mo sila. I learned that I shouldn't give a damn sa mga taong di nakakaintindi sa atin. And on the first place,wala silang pakialam. We don't do them any harm. Okay? Game. Tara harutan na tayo ulet.” pabiro nyang sabi.


Natawa naman ako sa sinabi nya. Atleast kung maging kami ay alam ko na,alam ko na na pwede akong maglambing sa kanya in public. Wala syang pakialam sa iba,ganun din naman ako. Sobrang saya. Hindi katulad ni Daniel na sobrang affected sa sasabihin ng mga tao. Atleast kay Carlos eh alam ko na mararamdaman ko ang affection nya kahit in public.


Sa mga sumunod na minuto ay walang humpay kaming nagkwentuhan. Nalaman ko na isa pala syang “ONCOLOGIST”. Isa syang doktor na gumagamot sa mga pasyenteng may cancer. Nalaman ko din na nasa States na pala ang parents nya,isa lang syang anak at independent siya. Sa mga narinig ko,hindi ko maiwasang humanga. Naging stable person sya on his own. Samantalang ako,ang daming pagkakataong nasayang. Isa na sa mga dahilan ay sa dahil inuna ko si Daniel kaysa sa mga priorities ko. Before ko sya nakilala ay sobrang sunod ako sa mga plano ko,nung minahal ko sya,nawalan ng structure ang buhay ko. Basta ang alam ko mahal ko sya at yun na yun. Masaya na ko na nakakasama ko sya. Hindi ko man lang nasipat na pwede palang mawala si Daniel,akala ko sya na kaya habangbuhay,kaya hindi ko na naayos ang sariling buhay ko. This time,kung magtuloy tuloy ang kung ano mang atraksyon sa amin ni Carlos,I'll make sure na magiging wiser ako. I'll make sure na aalagaan ko ang relasyon namin at aayusin ko din ang buhay kong nawalan bigla ng direksyon.


“FR,I want to say thank you.” sabi nya.


“Thanks saan?”tanong ko.


“Thanks sa pagtyatyaga sa akin. Kahit makulit ako.” sagot nyang parang bata.


“Hindi ka naman makulit.tolerable pa naman. Isa pa ako dapat magpasalamat for the glasses.”sagot ko.


“Wala yun. Sige,sayo nalang yang glasses na yan.”sabi nya sabay ngiti.


“What? Di nga? Di ka nagbibiro?”tanong ko sabay pacute.


“Ayan. Nagpapacute ka na naman. Hehe. Oo,bibigay ko yan sayo. Pero sa dalawang kondisyon.”sabay ngiti ng nakakaloko


“Ha? Anong kondisyon po? Wag po bata pa po ako kuya. Hahaha” pabiro kong sabi.


“Hahahaha. Wag ka magalala,di pa tayo kasal kaya wala muna sex.” sabi nito sabay ngiti.


“Ganun? Eh ano nga yung kondisyon?” sabi ko.


“Simple lang.” sabi nya at titig sakin.


“Ano nga? Kinakabahan ako sayo ahh.”sabi ko.


“Hmmm. Ganito. Magpapahatid ka sakin sa bahay nyo. At lagi tayong lalabas pag libre ako. Ayoko na kasi mawalan ng contact sayo. Gusto din kita tulungan kasi parang ang sad mo. Kung papayag ka lang sana.” seryoso nitong tono.


Bigla akong nanghina. Sobrang saya ng naramdaman ko habang naririnig ko ang kanyang mga sinasabi. Pakiramdam ko lumulutang ako. Masaya ako. Kinikilig. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako pa? Siguro planado to ng Diyos. Alam nyang nasaktan ako at baka di ko kayanin,kaya ba hinayaan nyang makilala ko si Carlos? Kung ano man ang plano nya ay dun ako. I know that God knows the best for me. Kaya nya siguro sinugo si Carlos. Makakalimutan ko si Daniel. At darating ang panahong mamahalin ko si Carlos.


“Uy. FR,di ka na naman sumagot eh. Daydream na naman? Kinikilig ka lang sakin eh.”pabiro nitong sabi.


“Ha? Kapal mo talaga. Hehehe. Fine. Sige. Payag na ko sa kondisyon mo. Akin nalang yung glasses ha?”sabi ko sabay ngiti.


“Oo naman. Kahit bigyan pa kita ng hundreds ng glasses. Basta maging happy ka lang.”sabi nito.


“Seryoso ka ba talaga? I mean, (SIGHS) natatakot kasi ako. To be honest,kakagaling ko lang sa break up. As in kagabi lang. So di ko alam kung kailan ako magiging okay. Sorry ha?”sabi ko.


“Oo seryoso ako. Hindi naman kita minamadali ah? At isa pa,okay na ko sa ganito. Masaya ako kahit ngayon palang kita nakasama. Alam mo yun? Sa sobrang busy ko wala na kong panahon sa sarili ko. Nung nakita kita,ewan ko ba,pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo. Parang kilala na kita ng sobra. I really find you refreshing. Tapos sa looks naman di ka din naman papahuli. It's just I think you're a perfect match sakin. Sorry kung napepressure kita. Basta handa ako magantay.”sinsero nitong sagot.


Tahimik. Nakaramdam ako ng guilt sa narinig ko. Pakiramdam ko nasaktan ko sya sa sinabi ko.
Pero ano bang magagawa ko? That's the greatest respect I can give him. I respected him by saying the truth that I'm not okay and I just came from a break up. Ayoko din naman syang gamitin. Pero sobrang saya ko at gusto ko syang makilala.


“Hey Carlos,alam mo super thankful ako sayo. Ramdam ko yung sincerity mo and super saya ako.
Pareho naman eh,ramdam ko na okay ka. Pero ayaw kitang gamitin. Ayoko din naman maging unfair sayo. Kasama nga kita pero yung ex ko yung iniisip ko. Ayoko po ng ganun. Naiintindihan mo
ba ko?”paliwanag ko sa kanya.


“Naiintindihan kita. And I really know what you've been going through. Kaya nga sinasabi ko eh handa ako magantay. At gusto kita tulungan makalimot. Masaya naman ako sa company mo. Let's take it there. Basta tandaan mo,hindi ako nagmamadali. We can commit at the right time. Pag wala ka ng excess baggage sa kung sino mang nanakit sayo ngayon. I promise,I can wait.” mahabang sabi nito at ngumiti.


“Whew. Kung alam mo lang kung gaano mo ko pinasaya Carlos. Maraming salamat talaga. Ikaw ba yung guardian angel ko?”sabi ko sabay lagay ng aking ulo sa kanyang balikat.


“Di ako pwede maging angel,I've messed up before. So di na ko magiging angel mo.” sabi nito sabay ngiti.


“I know. Napakapilyo mo kasi.” sabi kong pabiro.


Ngiti lang ang tinugon nya sa akin. I felt relieved. Parang naging masaya ako bigla. Atleast alam na nya na may mga inaayos pa ako sa sarili ko kaya hindi pwede magmadali. Last night was a mess. Today is such a blessing. Alam kong ang lalaking kasama ko at katabi ko dito sa eroplano ay isang mabuting tao. Isang estrangherong naging isang mabuting kaibigan. Isang kaibigang magaantay sa akin hanggang maging okay na ako. Isa syang hulog ng langit.


Nakarating na kami ng Maynila ng may ngiti sa aking labi, Bumaba kami ng eroplano ng magkaakbay at naghaharutan. Pakiramdam ko ay wala akong iniindang heart ache. Sobrang saya ng pakiramdam. I feel so light. It's very weird kasi kung anong iyak ko kagabi,sya namang tawa ko ngayon. I guess God always has a way of balancing things. And I know that this thing is really for the better.


Dali dali namin kinuha ang aming mga gamit at mula sa labas ng airport ay humanap kami agad ng taxi. Naalala ko na gusto pala nyang ihatid ako sa bahay. Nakasakay na kami ng taxi ng makaramdam ako ng gutom. Sinabihan nya ang driver na sa MOA kami dalhin. Agad naman sumunod ang driver. Dala ang aming mga bagahe,pumasok kami sa Sbarro. Umorder sya ng Lasagna, Pasta Rustica,Pizza Blanca at Baked Zitti.


Inabot kami ng gabi ng mapagpasyahan naming umuwi na. Tulad ng napagusapan,ihahatid nya ko.
Mula MOA,hinatid nya ako sa Mandaluyong. Wala naman masyadong trafic kaya madali kaming nakaabot ng bahay. Bumaba kami ng taxi at dumukot sya sa bulsa para kunin ang kanyang pitaka.
Kapareho din siya ni Daniel,ayaw nya akong pagbayarin kahit singko.


Agad kong tinungo ang gate. Tanaw mula sa labas ang aming simpleng tahanan. Meron itong itim na gate na siguro ay kasing taas ko lamang. Sa gilid ay meron mini-garden dahil mahilig sa halaman si Mama. Sa may kanan naman ay isang maliit na garahe para sa sasakyan naming pamilya. Ibubukas ko na sana ang gate para papasukin si Carlos nang bigla nyang hinawakan ang aking kamay.


“FR. Wag mo na muna siguro ko papasukin sa loob.”sabi nito.


“Ha? Bakit naman Carlos? Para nga makita ka na din nila Mama. Bakit ayaw mo?” nagtataka kong tanong.


“Hindi pa ngayon ang right time FR,Maybe pag okay ka na. Masaya na kong naihatid kita sa bahay nyo na ligtas.” sabi ni Carlos habang hawak pa rin ang aking kamay at nakatitig sakin.


“Okay. Naiintindihan kita. Masaya din ako dahil kasama kita ngayon. Sa mga bagay na ginawa mo ngayon,alam ko ng kung saan tayo pupunta in the future. Maraming salamat Carlos.” sagot kong sinsero.


Hinaplos ni Carlos ang mukha ko. Tumitig ito sa aking mga mata at unti-unting nilapit ang kanyang mukha. Dahan-dahang inabot ng kanyang malalambot na mga labi ang sa akin. Sa bawat pagdampi nito ay ramdam ko ang isang emosyong pamilyar na ako. Ramdam ko ang katapatan at malinis na intensyon ni Carlos sa akin. It felt very good.


Nasa kalagitnaan kami ng aming halikan ng biglang...


“Excuse me FR.”isang tinig na pamilyar sa akin.


Bigla kaming nagkalas ni Carlos. Nagitla kami sa aming nakita. Isang babaeng nakablack dress at skinny jeans. Hubog na hubog ang kanyang mga hita sa kanyan suot na pantalon. Ang kanyang itim na dress ay nagbibigay diin sa kanyang kutis na parang porselana. Ang kanyang chinitang mata ay bumabagay sa kanyang maiksing brown na buhok. Kilala ko ang babaeng ito. Pero ano ang ginagawa nya dito? Bakit ngayon pa sya pumunta? Kung kailan naghahalikan pa kami ni Carlos. Bad trip.


Ngumiti si Carlos at nagbadyang aalis na. Halatang nagulat din sya sa nakita. Ngunit nagpakawala pa rin sya ng isang napakatamis na ngiti. Ngumiti lang din ako sa kanya.


“FR. Honey,sino ba yang cute na guy na yan? At bakit kayo nagkikiss?” tanong pa ng babae


“Pixel,shut up. Pumasok ka na sa loob at doon tayo maguusap.”sabi kong irita.


“Honey naman,di mo ba ko iintroduce sa bago mong friend?” tanong nyang nangaasar


Bago pa man ako makapagsalita ay lumapit na sya sa akin,lumingkis sya sa mga braso ko at humalik sa aking pisngi. Nakaramdam ako ng awkwardness,nahiya ako bigla kay Carlos.
Inabot ng babae ang kanyang kamay kay Carlos at nagwikang..


“Hello Cutie! I am Pixel. GF ako ni FR. Ikaw po?” sabi nito at kumindat sakin.


WTF. Napako ako sa aking kinatatayuan.


ITUTULOY....


[07]
Napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Pati si Carlos malamang ay nagtataka kung sino si Pixel. Halatang halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata.
Pati ang kanyang mukha ay namumula rin. Bilang pakikipagkilala,inabot din na Carlos ang kanyang kamay kay Pixel and they did a handshake.


“Oh,hi! Nice meeting you Pixel. I'm Carlos,kaibigan ni FR.” magalang nitong sabi.


“Hi Carlos,ang cute mo. Magaling talaga pumili ng kaibigan tong Boyfriend ko.” sabi nito sabay ngisi ng nakakaloko.


“Pixel anong nahithit mo? Pumasok ka na nga sa loob.” Irita kong utos.


Natawa si Carlos sa narinig. Sa halip na pumasok sa loob ay lalong lumingkis sa akin si Pixel.
Halatang nangaasar. Halik pa ito ng halik sa pisngi ko habang nakatingin kay Carlos. Nawala ako sa sarili. Wala na ako sa wisyo. Hindi ko alam na ganito pa pala ang sasalubong sa akin pagdating ko ng Mandaluyong.


Dala na rin ng sitwasyon,nakaramdam ako ng awkwardness. Pati si Carlos ay nangangapa sa kung ano ang dapat nyang gawin. Samantalang si Pixel ay patuloy sa paglingkis at paghalik sa akin. Kung tignan nya si Carlos ay kakaiba,parang gusto nyang burahin ito sa mundo at ibaon ng buhay sa lupa.


“FR,honeybunch,isakay na natin sa Cab yang Friend mo. Late na oh?” sabi nyang nangaasar.


“Ahh. Yeah. That's what I'm about to do.” sagot ni Carlos na dumistansya sa amin.


Tumalikod si Carlos sa amin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya. Hindi ko alam kung galit ba sya o hindi. Kasi hindi na sya nagsasalita. Ngumingiti lang ito pag nagkakatama kami ng tingin at hanggang dun nalang. Hindi kami makakilos ng husto dahil kay Pixel. Ilang minuto pa ay
may dumaan na cab. Sumakay na dito si Carlos at kumaway sa akin. Naiwan kaming dalawa ni Pixel. Punong-puno ako ng pangamba sa nangyari. Paano kung isipin ni Carlos na ginago ko sya?
Paano kung isipin nya na nagsisinungaling ako? Paano kung isipin nya talaga na GF ko tong pesteng Pixel na to?


Biglang umakyat ang dugo ko ng maalala ko ang pangtitrip ng bestfriend kong si Pixel. Punyeta. Moment ko na yun eh? Gaganunin pa nya? Kabadtrip. Mula sa pagkakalingkis nya sa akin ay kumalas akong agad. Hinarap ko sya at tinitigan. Nakipagtitigan din ang lintik, Eye to eye,sa mga titig nya ay parang sinasabi nya na dapat akong magpaliwanag.


“Shit ka Best! Moment ko na yun eh. Gaganyanin mo pa?” asar kong sabi.


“Ang landi mo talaga. Haliparot ka. Sino naman yung umbao na yun?” sagot nyang sarkastiko.


“Carlos. Diba nakipagkamay pa nga sa'yo? Tanga ka?” gigil kong sabi.


“Ahh Fine. Ang landi mo. Naku. Ang galing ko talagang umacting friendship no? Pang FAMAS akis!”sabi nito sabay tawa.


Naiirita ko sa tawa nya. Akala nya ay lumalandi ako. Hindi nya alam ay yung taong pinagtripan nya ay yung taong makakatulong sa akin sa pagrerecover dahil sa break up namin ni Daniel. Kung hindi lang masama sumuntok ng babae,bugbog-sarado na to sakin malamang.


“Hindi ako malandi,at isa pa,wag kang papasok sa bahay namin.” sagot kong galit


“Ayy? Anong drama ito tehhh? Kailan ka pa naging iritado sa akin? Diba nga love na love mo ako friendship? At kailan pa ako naging bawal pumasok dyan sa bahay nyo? Eh halos dyan na ako tumira?” sagot nyang sunod sunod.


“Ngayon lang. Mula ngayon,hindi ko na makakapasok sa bahay na to. Ayoko na makita ang pagmumukha mo sa bahay na to.” Sabi ko sa kanya ng pasigaw.


Iyan ang unang beses kong masigawan si Pixel. Sa mahigit 5 taong pagkakaibigan namin ay ngayon ko lang nakuhang taasan sya ng boses. Hindi naman din kasi tama yung ginawa nya,mangtrip ba naman na Girlfriend ko sya sa harap ng future boyfriend ko? Ayaw ba nya kong maging masaya?
Sabagay,wala din naman syang alam sa nangyari.At wala din syang alam sa aking nararamdaman.


“Friendship? Sinagawan mo ko? Di nga?” sagot nito,halatang nabigla,naiiyak.


“Pixel,this is not a joke. You saw me with Carlos a while ago diba? Then you're going to trip na girlfriend kita? Para ano? Ayaw mo ba kong maging masaya?” sabi ko sa kanya.


Pagkasabi ko noon ay biglang tumulo na naman ang aking mga luha. Pakiramdam ko ay bumalik sa akin ang lahat ng nangyare sa amin ni Daniel. Bumalik sa gunita ko ang gabi kung kailan nya ako iniwan para sa kanyang kabit. Naalala ko bigla lahat kung gaano ako umiyak ng gabing iyon,kung paano ako naging miserable. Kung paano namatay ang isang parte ng aking pinakaiingatang sarili.


Wala na kong alam sa mga sumunod na nangyare,ang alam ko lang ay nakarating ako sa aking kwarto bitbit ang aking mga gamit. Hindi ko pinansin ang aking mga magulang at dire-direcho akong umakyat sa aking kwarto na umiiyak na parang bata. Pakiramdam ko ay pati ang bestfriend
ko ay hinahadlangan ang aking kaligayahan. Masama na ba kong maging masaya kasama ang ibang tao? Why does she have to do that? I hate her. I hate her. I hate her. Para akong batang tumalon sa aking kama. Agad na dumampot ng unan ng agad na niyakag ito. Bawat diin ng yakap ko sa unan ay kasabay na pagtulo ng aking mga maiinit na luha. Mga luhang akala kong hindi na aagos.


Nakadapa akong nakayakap sa unan ng may naramdaman akong biglang pumasok. Pamilyar sa akin ang amoy ng pabango na yon. Naramdaman kong humupa ang aking pagiyak. Nakaramdam ako ng security sa mga hakbang na aking naririnig papalapit sa akin. Ilang saglit pa,naramdaman ko ang paglubog ng kama na nagpapatunay na may tao ngang umupo dito.


“Anak.”


“Ma.”


“Anak.”


“Ma.”


“Anak. What's up?” pabiro nyang sabi.


Natawa naman ako sa “What's up?” ni mama. Ganyan ang nanay ko. She knows how to make fun kahit na sobrang depressing na ang mga nangyayari. Ang nanay ko ay nasa 50 na. Medyo namilog dahil na marahil sa kakakain,pero maraming nagsasabi na parang 30 lang sya dahil sa kanyang mukha na labis naman nyang kinatutuwa.


Dali dali akong bumangon. Hinarap ang aking pinakamamahal na ina. Tumingin sya sa akin. Ngumiti. I tried to manage a fake smile. Hindi ko mawari ang reaksyon ng nanay ko,hindi ko alam kung naniniwala ba sya na masaya ako o hindi. Lumapit sya sa akin at tumitig. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maipakita na okay lang ako. Bigla akong napabuntong hininga.


“Anak?”


“Po?”


“May pimple ka sa noo oh?”seryoso nyang sabi.


“Ha? Mama naman eh!” sabi ko sabay ngiti


“Joke lang to naman. Anak,alam kong hindi ka okay.”sabi nya


“Opo. Hindi talaga. Pero magiging okay din ako Ma,promise!”


“You have to make sure anak,sino yung naghatid sayo?”


“Ahh,yun ba Ma? Si Carlos po.”


“Bago?”


“Hindi po Ma.”


“Sus,iiwan na muna kita. Andyan sa labas ng kwarto mo si Pixel,magusap kayo. I'm sure na sya ang makakaintindi sa'yo. Tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ng Back up. Okay?”


“Opo Ma,Salamat ng marami.” sabi ko sabay ngiti at buntong hininga.


Tumayo ang nanay ko at naglakad palabas ng pinto. Pero bago sya lumabas ay nagwika ito na.


“Nak,Infairness kay Carlos ha? Shoot sya sa banga. Palong Palo.” sabay ngiti at kembot palabas ng kwarto.


At biglang sumara ang kwarto. Halos mamatay ako sa kakatawa sa aking nanay.She has always been so supportive sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Hindi sya kunsintidora,may tiwala lang talaga sya sa akin. Nung umpisa ay sobrang nanay na nanay yan sa akin,yung tipong nanay na ubod ng bait
kagaya ng sa mga soap opera. Pero mula ng mapadpad si Pixel sa bahay,ayan naging kikay na din. Naging cool mom na,pero atleast naman ay di nya napapabayaan ang pagiging nanay nya sa akin.


Umupo ako sa edge ng kama. Inayos ko ang aking sarili. Mula sa aking pagkakaupo ay di sinasadya kong nakita ang larawan namin ni Daniel. Nakapatong ito sa computer table na nasa gilid ng higaan. Maganda ang kuha namin sa larawan na iyon,nakapolo shirt ako na maroon habang si Daniel naman
ay nakawhite na t-shirt. Nakaakbay sya sa akin sa larawan. Kinunan ito 2 years ago,birthday ni Pixel. Naramdaman kong bumibigat ang aking pakiramdam. Bigla din bumabagal ang aking paghinga,sa bawat paghinga ay ramdam ko ang sakit na iniwan nya sa akin. It only hurts when I'm breathing. Akala ko okay na ako. Hindi pa din pala. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at muli kong binagsak ang aking katawan sa kama. Tanaw ko ang kisame. Blanko. Buti pa ang kisame
andyan lang. Hindi bumagsak,kahit na anayin ito ay nakadikit pa din sa taas. Hindi nya hinahayaan na madaig sya ng mga anay. Hindi sya nagpapatalo sa temptations para bumagsak sya. Sana naging ganun din si Daniel sa relasyon namin. Sana hindi sya nagpadala sa kung sino mang lumalandi sa kanya. Sana hindi nya pinaanayan yung utak nya para hanggang ngayon masaya pa din kami. Sana ngayon kami pa din. Naramdaman kong sumara ang talukap ng aking mga mata. Kasunod nito ay ang pag-agos ng butil ng aking mainit na luha. Kahit anong gawin ko ay di pa rin talaga ako okay.
Kahit anong gawin ko di pa din ako masaya. Kahit anong gawin ko,at kahit anong kilig ang dala sa akin ni Carlos ay babagsak pa din ako sa pagiisip na si Daniel pa rin talaga ang hinahanap ko.
Si Daniel pa din ang mahal ko.


Buntong-hininga. Isang malalim na hininga.


Nakaramdam ako ng bagong presensya na pumasok sa kwarto. Alam ko na kung sino,sa tunog palang ng takong na tumatama sa aking kwartong may tiles ay alam ko na kung sino ang pumapasok. May kalakihan ang aking kwarto para sa isang tao,isa na yun sa dahilan kung bakit
mabilis narating ng taong ito ang aking kinahihigaan. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga
at dali dali syang umupo sa aking kama.


“Best.”


“Umalis ka dito. Ayaw kita kausapin.” sabi ko.


“Paano kita maintindihan kung ayaw mo magsalita?”tanong nito halatang malungkot ang tono.


“I need time.”


“Leche.You don't need time. We need to talk. Ano ba kasi nangyari?”


“Read between the lines.”sagot ko.


“Okay. Read between the lines. Kinakaliwa mo si Daniel?”tanong nito.


Napangiti ako sa narinig. Ngiting ubod ng pait.


“Ganoon ba talaga tingin mo sa akin?”tanong kong may halo ng sarkasmo.


“Bes,I know you're faithful.”


“You know right?”


“Oo. Eh bakit nandito yung si Carlos? Susumbong kita kay Daniel.”


“Magsumbong ka. Pagbuhulin ko pa kayo.” sagot ko.


Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Pixel.


“Fine. I'll call him now.”


Sabay kuha ng phone nya,nagdial at tinapat ang cellphone sa kanyang tainga.


“Ayan. Nagriring na.” nangaasar nyang sabi.


“He left me.” mahina kong sabi


Nangilid ang aking mga luha.Nagitla sya sa narinig. Agad agad na pinutol ang tawag,ibinaba ito at initsa sa isang parte ng kama.Hindi agad sya nakapagsalita. Tumitig sya sa akin at sinuri kong totoo ba ang aking sinasabi,maging siya ay halatang di makapaniwala. Naramdaman kong nagpakawala sya ng buntong hininga. Umakyat ang panghihina sa akin at dumaloy na naman ang aking luha. Umupo ako at humikbi na parang bata. Agad lumapit si Pixel at yumakap. Alam nya kung anong nararamdaman ko. At alam nya sa aking mga mata kung nagsasabi ba ako ng totoo. Alam kong may tiwala sa akin ang Bestfriend kong ito.


“Anong nangyari best? Bakit nagkaganoon?”


“May iba na daw sya. After 3 years best. Masakit.”


“May iba? Eh halos nga hindi na natutulog yon sa mga trabaho nya. Ang dami nyang projects na designs sa bahay. Impossibleng makapagsingit sya ng 3rd party best.” sabi nyang may halong pagtataka at galit.


“I don't know how he did it. Pero wala na. At eto na ako. I'm left alone.”


At tumulo na naman ang isa pang round ng aking mga luha.


“Stop crying bestfriend. Di ko alam yung sasabihin ko. Even me,I'm shocked. I really don't know what to say to you now. You should have told me. Para di ko na pinagtripan yung prospect BF mo.
Sorry friendship. Sorry talaga.”


“Tapos na yun. Hindi ko na din lalo alam ang gagawin ko.”sabi ko


“Ano ka ba? The world hasn't stopped revolving.”sagot ni Pixel


“I know best.”


“Anong plano mo?


“Hindi ko alam. He left me and I feel so fucking wasted. For the past 3 years,he has been my life. Wala ng magtetext sakin ng “Good Morning Hon. I love you.”. Wala ng tatawag sa akin in the middle of the day para magremind na I should take my vitamins. Wala ng bibisita dito sa bahay tuwing midnight para magayang kumain ng balot sa may kanto. Wala na best. I don't know where to go from here.”



Blanko. Tahimik. Walang gustong magsalita. Alam ni Pixel kung gaano ako nasasaktan sa lahat ng mga nangyari. Hindi din madali magmove on. Alam nyo yan. Hindi ito overnight process. Hindi din ito parang Ponds Cream na magiging invisible ang dark spots in just 7 days. Pag naging broken hearted ka,you'll be bearing a lot of dark spots depende na din sa tolerance mo. Nanatili akong tulala at sobrang bigat ng pakiramdam,naramdaman ko na lamang ang init ng yakap na nagmula sa aking pinakamamahal na kaibigan.


“You'll be fine best.”


“I know. Thanks talaga Best.”


“Sorry sa ginawa ko kay Carlos. Hindi ko naman meant yun. Alam mo naman na fan ako ng love story nyo ni Daniel. Isa pa I'm just being protective. Sorry talaga.” sinsero nyang sabi


“Wala na yun. Pag magtext sya eh swerte,pag hindi eh siguro I have to fix myself alone. Pero alam mo,he really is a good catch. I'm sure you'll like him.”


“Mukha nga. Infairness,He's my MOMD.”


“Landi mo. Walang ahasan Best.”


“Ayy naman! Ganda kong to FR no? OMG. I'm so ganda kaya dami kong boys no?”sabi nito


“Madami ka ngang boys. Wala ka namang boyfriend.” pangaasar kong sabi


“Hindi porket madami kang nahuling isda sa dagat eh kakainin mo na lahat. Dapat best,may reserba ka para hindi ka maubusan bukas. Diba?” sabi nitong nangiinis.


Pansamantala kong nakalimutan ang mga sakit na dinadala. Ang kaninang sobrang lungkot kong aura ay biglang nabura. Nakatulong ang isang kaibigan. Napuno ng tawanan ang aking kwarto,bumalik kahit papano ang aking sigla. Masaya ako ngayon at ayoko muna magisa,dahil alam ko na pag naiwan ako magisa,tatargetin na naman ako ng kalungkutan. Isang kalabang napakahirap labanan.


Nasa kalagitnaan kami ng isang magandang usapan ng mag-ring ang aking phone. Dali dali kong kinuha ito mula sa aking bag.


“0916*******

Calling....”


“Hello?”


“Uy. Musta?” sagot ng lalaki sa kabilang linya.


“Hey? Oyyy Musta?” sagot ko in exaggeration


Si Carlos ang nasa kabilang linya.Biglang may nagflash na ngiti sa aking mga labi. Bigla kong naramdaman ay pamumula ng aking mukha. Napansin ito ni Pixel at humiyaw.


“Best! Sino yan? Nakikipag SOP ka na naman!” nanunuya nitong sabi.


“SOP? FR do you do that? Hahahaha.” sabat ni Carlos na narinig ang sinabi ni Pixel.


“Ha? Naku hindi ahh. Adik lang tong babaeng to. Wag ka maniwala dyan.” sagot kong defensive.


“Hay. Uy FR sorry kanina ha? Nahuli tayo ng GF mo na nagkikiss, nagaway ba kayo? Sorry. Sorry.”
sabi nyang ramdam na ramdam ang sincerity.


“Don't mind him Carlos. No worries at all. Hindi ko yun GF. Bestfriend ko lang yun,nangtrip na BF nya daw ako. Kaya okay na. Wala ng dapat ipagalala.” sabi ko


“Really? Wow. Buti nalang. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag nasira kayo dahil sakin. Buti nalang talaga.”tuwang tuwa nyang sabi


“Yup. No worries. Mabait tong si Pixel. You'll like her. Pakilala kita pag nagkita tayo ulit.” sabi ko


“Sure. My pleasure,isurprise nalang kita. Tutal alam ko na din naman ang bahay mo. So paano FR? See you tomorrow?” sabi nito


“Surprise ba yun? Eh sinabi mo nang bukas?” pabiro kong sabi.


“Hindi mo naman alam kung anong oras. Hahaha.” sabay tawa nitong sagot.


“Duga.”


“Sige na,I'll see you tomorrow. Good night FR.”


“Good Night Carlos.”


Then the call ended. Woohhh. Bigla na namang sumaya ang gabi ko. Nagmadali akong tumalon sa kama at humiga. Para akong dalaga sa mga telenovela. Patuloy ako sa pagdeday dream kahit gabi na.


“Best. Sabi ko sayo wag ka hihithit ng brief eh, Ayan tuloy.” sabi ni Pixel.


“Sus,inggit ka lang best.” nangaasar kong sabi.


“Hindi din no. May pekpek naman ako.” sagot nito.


“Adik ka best,may pekpek din naman ako no.”sagot ko sabay ngisi


“Oo nga best,may pekpek ka umuutot nga lang.” sabay halakhak ng malakas.


11:45P.M.


Nakaramdam na ko ng pagod. Pagod na din marahil sa byahe at sa lahat ng nangyari. My day has been a roller coaster of emotions. Masaya. Malungkot. Down. Hyper. Atbp. Ano pa ba ang mangyayari bago matapos ang araw na ito?


Nakahiga na kami ni Pixel sa kama. Tamang kwentuhan lang kami ng mga bagay bagay. Nagpapaantok kami pareho. Nandyang pagusapan namin ang mga bagong songs,mga bagong trends sa damit. Mga bagong prospect Bf at kung anu-ano pang bago. Nasa kalagitnaan kami ng paguusap about sa “Teenage Dream” ni Katy Perry nang tumunog ang aking phone.


“Best,may nagtext sayo.” sabi ni Pixel sabay abot ng phone.


“Ahh okay.” agad kong inabot ang aking cp..


1 message received:
23:47:23
Daniel


Kinabahan ako nakita.


“Inbox”


Read?


“Ahh punyetang CP. Ang daming chechebureche.”


Message:

FR. Thanks for everything. We didn't end things properly.
Sorry Sa lahat. But Thanks for the 3 years with you.
I'm going to the States to fix everything. I'll have my flight
at 3A.M. I wish you the best. Thanks Hon!


Message End:


At biglang tumulo ang aking mga maiinit na luha.


ITUTULOY....


[08]
Nagitla ako sa aking nabasa. Hindi ko alam kung anong dapat kong ikilos. Magiging masaya ba ko para sa kanya at sa bago nya? Magiging bitter ba ko dahil ako dapat ang kasama nya sa States?Ano ba ang dapat kong maramdaman? Again,Unlimited Luha na naman. Kahit ako naguguluhan na sa mga nangyayayri. Si Daniel pupunta sa States? Bakit? Anong aayusin nya? Teka. Ano ba to? Bakit pa nya ko kailangan itext at may pa “HON-HON” pa? Bakit pa ba ko naapektuhan? Bakit pa ba ko umiiyak? Bakit ba sobrang sakit pa rin? Di ko namalayan na hikbi na pala ako ng hikbi na parang batang nawalan ng laruan. Talunan na talunan. Durog na durog.


Dali-dali naman akong kinomfort ng naalimpungatang si Pixel.


“Uyy? Best? Hala? Bakit ka umiiyak hala?”natatarantang sabi nito


“Best.” At muli na naman akong bumigay.


Sumubsob ako sa kanyang dibdib na parang bata. Yinakap ako ng mahigpit ng aking matalik na kaibigan. Isang yakap na alam kong kailangan ko as of the moment. Patuloy pa din ako sa paghagulgol habang patuloy nya akong tinatanong kung anong nangyari. Marahil sya din ay nagtataka na ng husto sa mga nangyayari. Patuloy ako sa pagluha ng bigla nyang kong hinarap sa kanya. Tumitig sya sa aking mga mata at nagwika.


“Best,sino ba ang nagtext? Bakit ganyan ka nalang kung umiyak?”


Tahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang binaha na rin ng luha ang aking utak.
Ang alam ko lang ay sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang dalawang araw na nakaraan ay ang mga pinakamasasakit na araw sa buhay bakla ko. Bakit pa ba kasi ako naging bakla? Bakit ako pa?Bakit?


Natulala ako. Tila huminto ang mundo ko nang nagsink-in sa akin na ang lalaking kinabaliwan ko ay aalis na. Hindi ko alam kung babalik pa ba sya o hindi na. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo. May bago na daw sya,pero ngayon pupunta sya ng states para ayusin daw ang alin? Ano ba? Di ko maintindihan. Hirap akong huminga. Parang masyado ng gasgas yung puso ko. Ayoko na.


“Best. Nagtext si Daniel.” sagot ko kay Pixel. Mahina. Pabulong. Umiiyak.


“Ano sabi?”sagot nito na may halong pagtataka


“Pupunta na daw sya ng States. 3:OO A.M.”


“Ha? Bakit daw?”sagot nito.


“May aayusin daw na bagay.”sagot nito.


“Ano naman?”


“Ewan ko best. Naguguluhan ako.”


“Teka,ako din naguguluhan?”sagot ni Pixel


“Bakit best? Dahil ba sa pupunta na sya ng States?”


“Oo. Weird. Ang bilis nya makapagbook ng flight? Di mo ba naisip yun?”sagot ni Pixel.


Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung naiintindihan ako ni Pixel ngayon. Parang kinalawang din ang utak nya. Bakit pa namin iisipin ang flight? Hindi ba nya matumbok ang punto ko? Na nasasaktan ako sa mga nangyayari? Tanga ba sya? Gago? Inutil? WTF.


“Best,hindi mo ko magets.” sabi ko


“Ako din. Pero tignan mo mabuti best ha? Kailan kayo naghiwalay?”


“Huh? Bakit?” Sagot ko. Nagtataka.


“Basta.” sagot nya na parang isang imbestigador.


“Kahapon.” mapait kong sagot.


“WTF? Kahapon? Sobrang hirap magbook ng flight pag ganitong peak season best! Kaya impossible na makakuha sya agad ng tickets. I tried to book a ticket for my aunt sa States. Pero kahit anong klaseng plane or seat wala na.” paliwanag nito habang nakatitig sa akin.


“Anong ibig mong sabihin best?” sabi kong bigla. Nataranta. Nagtaka.


“Hindi kaya planado best?” sagot nya.


“What do you mean na planado?” sagot kong naiiyak.


“I mean ewan. Di ba sabi mo naghiwalay kayo kahapon? Tapos ngayon nagtext sya na aalis sya ng
3A.M ngayon? Nagpabook ako kanina wala na. Fully booked lahat. So hindi possible na ngayon siya kumuha? Tapos kahapon kayo naghiwalay? Umamin sya na may iba na sya.” sabi nito


“What do you mean?” napataas ang aking boses sa pagkalito.


“Kailangan may sigaw? Kaloka. Read between the lines.” sarkastiko nitong sagot.


“WTF! Best! Di na ako makapagisip. Wag mo na akong lituhin pa. Get straight to the point. Please?” pagsusumamo ko. Litong-lito.


“It means na dati ka pa nya niloloko. I mean nagcontinue pa rin yung relationship nyo kahit may iba na sya. It means na iniiuputan ka na nya sa ulo mula pa noon.” sabi ni Pixel. Halatang may bahid ng inis sa kanyang mga salita.


Tahimik. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Magagalit ba ko? Iiyak? Maaawa ba ko sa sarili ko? Ano ba? Naghalo-halo na lahat. Galit. Awa. Heartache. Self pity. In short,sobrang miserable. Disoriented. Basag.


Nanginginig ako sa realisasyong tumama sa ulo ko. Tama si Pixel,mahirap magbook pag peak season. So imposible nga na makaalis sya ng basta basta,dapat nakapagbook sya ng may allowance ng 1 o 2 months. Napansin ko din before na nagiging cold sya,pero work ang lagi nyang excuse. Inintindi ko lahat dahil may tiwala ako sa kanya. Akala ko hindi nya magagawa,pero ngayon,
nauntog na ako. Ginago ako ni Daniel,mahal nya ko? Gago ba sya? Kung mahal nya ako bakit nakuha nya kong gaguhin? Kung mahal nya ko bakit nya ko pinagpalit sa kung sinong Pilato?
Naramdaman kong tumulo ang aking mga luha. Luhang dala ng galit na dahil sa kanyang pagtataksil. Luhang dala ng sakit na iniwan nya sa aking pagkatao. Luhang dala ng awang nararamdaman ko sa aking sarili. After all,after being a good and loving man,this is all I've got.


FUCK.


Mula sa pagkakaupo sa kama ay biglang umandar muli ang aking binahang utak. Agad agad akong tumayo. Binuksan ang ilaw at tumayo para kumuha ng damit sa cabinet. Pinagmasdan ako ng aking matalik na kaibigan. Halatang lito sa mga nangyayari,hindi na nya nagawang magtanong at kumuha na rin sya ng damit para makapagpalit. Naging mabilis ang mga sumunod na nangyari. Agad kong hinubad ang kwintas na bigay sa akin ni Daniel. Hinanap ang kahon at iniligay ito. Ibabalik ko ang kwintas. Ipapalamon ko to sa kanya. Hayop. Pinatay nya ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Naging masamang bf ba ko? As far as I know hindi. Hinding Hindi. Kaya hindi ko maintindihan.
At mukhang di ko maiintindihan talaga. Mula sa pagiging basahan ay nakaramdam ako ng galit sa aking puso. At dapat marelease ko to. Dapat kong magantihan si Daniel sa sakit na nararamdaman ko. Dapat. Maghanda sya.


Tamang gayak. Itim na polo shirt at pants na maong. Sapatos and I'm ready to go. Kinuha ko ang wallet ko at akmang papalabas na ng pinto ng biglang:


“Best,san ka ba pupunta?” sagot ni Pixel na nagmamadaling kumilos.


“Wag ka na magtanong. Aalis na ako.” sabi ko.


“Uyyy! Best! Sasama ako!” sigaw ni Pixel.


“Ha? Bakit? Sige Sige! Bilisan mo!” sagot kong natataranta


“Oo. Wait wait. Magbabra lang ako best!”nagmamadali nitong turan.


“Wag ka sisilip.” dugtong pa nito.


“Ulol. Di ako titigasan sayo.” sabi ko. Iritado.


Mabilis ang mga sumunod na eksena. Nakarating kami sa labas ng bahay. Nagabang ng taxi. Mga 15 minutes kaming nagantay pero wala pa din. Umaasa ako na may taxi na dadaan sa subdivision sa gitna ng gabi. Naaligaga ako. Paano na? Buti nalang at mautak si Pixel.


“Best,lightyears tayo bago makasakay ng taxi dito. Kung lakad na tayo papunta sa gate? Marami na taxi dun? Game?”sabi nito.


“Ahh. Oo nga. Biruin mo umaandar pala utak mo paminsan minsan Pixel?” nangaasar kong sabi.


“Gago!” sabay palo sa aking braso.


Mabilis naming nilakad-takbo hanggang sa gate ng subdivision. Sa dulo pa ng subdivision ang aming bahay kaya malayo-layo ito. Wala akong pakialam sa pagod kahit wala pa kong tulog ng magdamag,ang alam ko lang ay dapat makita ko sya at kahit masuntok man lang kahit sa huling pagkakataon. After all he deserves everything. He's a two-timer and a jerk. How I wish I can shoot him down.


Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng may dumating na isang Itim na expedition. Hindi ko ito pinansin dahil wala naman itong maitutulong sa amin. Nagfocus ako sa paglakad ng biglang kinalabit ako ni Pixel. Hindi ko sya gustong pansinin ng biglang bumusina ng bumisina ang driver ng Itim na Ford Expedition. Nairita ako at biglang lumingon kung sino man ang driver ng magarang sasakyan na ito.


Mula sa itim na magarang sasakyan ay nanatili kaming nakatulala ni Pixel. Para kaming mga bata na nagaantay mabuksan ang regalo sa Pasko. Bumukas ang pinto at inabangan ang taong lalabas dito. Madilim na ang paligid kaya hirap akong makita kung sino ang bababa. Natahimik si Pixel ng makababa ang nasa sasakyan. Dahan dahan itong nagtago sa likod ko na parang batang natatakot pag papaluin na ng nanay. Hindi ko maaninag ang bumaba dahil medyo may kadiliman na,kahit suot ko ang salamin na bigay ni Carlos ay kulang pa din ito.


Dahan dahan lumapit ang bumaba sa Ford Expedition. Tila kilala ko ito, Ang pabango,ang tindig at ang hugis ng mukha. Si Carlos. Bumilis ang tibok ng aking puso. Kinabahan na kinilig na parang matatae. Unexplainable. Kakakaba.


“Anong oras na FR,san pa kayo pupunta ni Pixel?” malambing na tanong ni Carlos.


“Ha? Ahh. Ahhh. Wala.” natataranta kong sagot.


“Ha? Ano best? Kala ko ba may pupuntahan tayo? Pinagbra mo pa ako wala naman pala. Ano ba yan?” naiiritang sagot ni Pixel.


“FR? Okay ka lang? Ano ba nangyayari? Saan ba kayo pupunta? Pwede ko kayo ihatid.” offer ni Carlos.


“Haaa?? Ano ba?” natataranta kong sagot.


“Sige Carlos sasakay na kami. Pagkapasok namin ng kotse saka sasabihin ni FR kung saan tayo gogora. Go!”.


Bigla akong hinatak ni Pixel papasok sa loob ng kotse. At si Carlos naman,kahit mukhang takang-taka sa nangyari ay hindi na nagtanong. Agad-agad na sumakay sa kotse at pinaandar ang makina.
Sa tabi ng driver's seat ako samantalang sa likod naman pumwesto si Pixel. Agad na pinaharurot ni Carlos ang sasakyan. Nanatili akong tahimik. Ganoon din si Pixel. Pinindot ni Carlos ang play button sa gitna namin at tumugtog ang isang medyo klasikal na awitin. I never thought na mahilig pala sya sa klasikal na mga awitin. Relaxing. Naramdaman kong kumalma ang aking sarili. Pero alam ko mamaya naman ay puro tensyon na ang emosyong dadaloy sa mga ugat ko.


“FR. San ba tayo pupunta?” biglang sabat ni Pixel.


“Ha? I almost forgot. Sa Airport.”


“Airport? Kakagaling ko lang halos dun.”sagot ni Carlos.


“Nice. Coincidence?” sabat ni Pixel.


“Hindi. May hinatid lang na kakilala.” sagot ni Carlos.


“E di coincidence nga po Papa Carlos?” sabay tawa.


Napuno ng tawa ang sasakyan. Naging okay naman ang rapport nila Carlos at Pixel. So far naging okay naman ang pagtrato ni Pixel kay Carlos at ganun din naman si Carlos sa kanya. Gumaan kahit papano ay naging okay na sila. Akala ko magkakaroon ng tensyon dahilan sa ginawa ni Pixel na pangtitrip kay Carlos. Buti naman wala.


1:15A.M


Trapik sa may Ayala. May banggaan ng trak at isang private car. Natrapik kami. Hindi ko na alam kung anong aabutan ko sa airport. My heart starts pounding so fast. Nanghihina ako na hindi ko mapaliwanag. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.


“Kung kailan tayo may hinahabol.tsaka pa nagkakaganito. Pag nagmamadali ka napapansin mo bang lalong bumabagal ang paggalaw ng mga tao? Ano na ba to.” sabi ni Carlos.


“Tama.” sabi ni Pixel.


“Aabot pa naman siguro ako? 3A.M pa naman diba?” naluluha kong sabi.


“Oo naman.” sabi ni Carlos sabay bitaw ng isang nakakahawang ngiti.


At nilagay nya ang kanyang kamay sa aking mga binti. Bawat dikit ng balat nya sa aking katawan ay nagdudulot ng isang kakaibang pakiramdam. With his touch,I can really sense fulfillment and peace. Hope this never ends.


1:20 A.M.


Wala pa din galaw ang mga sasakyan.


1:30 A.M


Wala pa ding galaw. May dumating na Tow Truck. Ambulance at Police para sa location.



1:50A.M


Atlast,nagawaan ng paraan ng mga estupidong pulis ang problema. Naiusod ang private car sa gilid na naging daan para magkaroon ng passage ang mga sasakyang pasouthbound kahit na isang linya lang. Mahahabol ko pa to. Kung sa basketball nga 2 minutes nananalo pa ang dehado,sa higit isang oras pa kaya?


2:15 A.M


AIRPORT. Nakarating ng airport na matiwasay. 45 minutes ang kailangan ko para makapasok sa loob. I mean,para makita sya at makausap. Para masuntok. Para mabigwasan man lang mukha nya for the last time. Please.


“Best,tara na. Go go go na tayo. Lumilipad na oras.” sabi ni Pixel.


“You stay here best,I will do it on my own.” sabi ko.


“Sure ka?” sabat ni Carlos.


“Sasama na ako best,wag mo ko iwan. Baka magquickie kami ni Carlos sa car sige ka.” sabi ni Pixel


“Adik. Ano ka ba? Kaya ko to,wag kayo magalala sa akin.”sagot ko. Nagmamagaling.


“Eh paano ka makakapasok wala ka ID? Wala ka din dalang passport? Wala ka ding ticket.” sabat ni Pixel.


“FUCK. I Forgot. No way na makapasok ako at makita sya.” maiiyak iyak kong sagot.


Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang aking mga plano. Wala na ang plano kong pagsuntok sa mukha ni Daniel. Wala ding chance para makaganti ako. Wala na din pagkakataon para mailabas ko lahat ng galit ko sa kanya. I feel so hopeless. Hindi ko napigilang hindi magbuntong-hininga. Kasabay nito ang pagpatak ng isang mainit na luha.


“This is hopeless.” sabi kong mahina.


“No,it's not. We will find a way.” mahinahong sabi ni Carlos.


“Di ko na alam,ano na ba gagawin ko?” nalulungkot kong tanong.


“Hindi ako papayag best. Dapat makapasok ka sa loob. Pinagbra mo ako sa dis-oras ng gabi? Tumakbo ako sa subdivision para makakita ng taxi habang nakaheels?Pinagleggings mo ako at T-Back?Hindi ako papayag,tara na. Makikita ng mga guard.” matalim na sagot ni Pixel.


Natawa ako sa narinig. Bigla akong nabuhayan. May kasama akong drama queen. I think it's going to be fun. Agad kaming bumaba ni Pixel sa sasakyan. Agad na tinungo ang entrance at nagkunwari na mga pasahero. Bigla ngumiti si Pixel at kumindat. Alam kong malapit na magsimula ang palabas.


“Ganito,lilituhin ko yung mga guard,tapos derecho pasok ka ha? Tapos babalik na ko sa caroo? Bet?” sabi ni Pixel.


“Paano?”


“Basta. Dumerecho ka lang,pag tinanong ka na tsaka ako eeksena. Tapos gawan mo ng paraan para di ka mapunang nakapasok. Gets?” sabi nito.


Kinabahan ako. Hindi ko alam kung masasakote kami o hindi. Bahala na.


Agad agad akong lumapit sa mga guard. 2 ang nasa may main entrance. Nakadistansya sa akin si Pixel. Halatang nagaabang ng tamang timing. Agad akong nagtaas ng kamay for body frisking. Nang magtatanong na ang guard na nasa kanan kung nasaan ang ID at passport ko ay bigla nang umeksena si Pixel.


Tumakbo itong humahangos at umiiyak. Sumigaw ito agad sa guard ng:


“TULONG MANONG GUARD,may humablot ng bag ko kuya,nakamotor po dalawa kuya,tapos yung isa tinutukan pa ako ng baril kuya. Super takot ako,tapos yung isa hinipo pa yung boobs ko kuya.”sabi nitong direderecho at umiiyak. Pangfamas talaga. Napangisi ako. Mahusay talaga si Pixel.


Nabunton sa kanya ang attensyon ng dalawang lalaking guard at ng mga taong mangilan-ngilan sa may entrance. Agad lumapit ang dalawang guard sa kanya at halatang nabatobalani sa kinis at ganda nya. Nakalimutan nila ang duty nila kaya ako naman ay agad agad na nakapasok sa loob ng airport.


2:20 A.M.


Sa loob na ng Airport. Takbo FR. Takbo. May 40 minutes pa bago ang Take off.



2:30 A.M.


I'm getting hopeless. Walang dumadating sa lobby na anino ni Daniel. Paano na ako? Hindi kaya nasa loob na sila? Images are running through my mind. Paano na ako? Uuwi nalang ba ako?
Mawawala nalang lahat? Paano na? Napayukyok ako dala na rin ng pagod at depression. Hindi ko na alam. Tears are running endless now. Ayoko na. Fuck. Napaupo ako sa upuan sa lobby. Salo ng kamay ang aking lumuluhang mga mata. Patuloy lang ako sa pagluha ng makaramdam ako ng ibang
presensya. May taong lumapit sa akin.


“Panyo oh? Okay ka lang?” sabi ng isang babaeng nakaitim,maganda ito at buntis.


“Ha?Yeah, Salamat!” sabi ko. Ngumiti ng pilit.


“Sure ha?” sabi nito at biglang ngumiti ng maganda.


Pantay pantay ang kanyang mga ngipin. May pagkakahawig sya kay Carla Abellana. Malaki ang similarity. Mas matangos nga lang ang ilong ng babaeng ito. Umupo sya sa tabi ko,at dahan dahan kong nalanghap ang kanyang Ferregamo na pabango. It was very soothing.


“May inaantay ka?” tanong nya sa akin.


“May inaabangan lang.” sabi ko naman.


“Wag ka na maging sad po. Magiging okay din yan problema mo. By the way,ako si Ivy.”sabay abot ng kanyang kamay.


“Ahh nice name. I'm FR.” sabay ngiti.


Magkaharap kaming nagkamay ni Ivy. Ngumiti ito ganun din naman ako. Yumuko ito tanda ng pamamaalam nang nang makita nya ang tao sa likod ko. Dahan dahan akong humarap at nanlaki ang aking mata sa nakita. Agad na lumapit si Ivy sa lalaki. Nagbeso. Yumakap ng mahigpit. Inakbayan ng lalaki si Ivy. Halatang masayang-masaya sila. Napako ako sa kinatatayuan. Lumuha ang nanlaking mga mata. Nakita ako ng lalaki at napahinto ito sa paglakad. Di ko mawari ang expression sa kanyang mga mata. Gulat sya na ako'y kanyang nakita.


“Grabe ka,nauna pa ako sayo ah.” sabi ni Ivy sa lalaki.


Tahimik. Walang imik ang lalaki. Nagtutuos sa titigan ang aming mga mata. Ako na lumuluha,sya na hindi malaman ang reaksyon. Umakbay sya kay Ivy habang nakatitig sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanginginig ang tuhod ko. Parang nawala lahat ng plano kong gawin pag nakita ko sya. Pero dapat. Huminga ako ng malalim. Pinahid ang aking luha at lumapit sa kanila.


“Ivy,it was nice meeting you. Hopefully maging okay ang baby at ang delivery.” sabi ko kay Ivy.


Nagulat ang lalaki at tumingin kay Ivy. Marahil ay nagtataka kung paano kami nagkakilala.


“Salamat FR ha? Don't worry. Magiging okay lahat yan. Wag ka na sad ah?” sabi nitong malambing.


“Oo Ivy. Salamat.” sabi ko.


Lumapit ako sa lalaking kasama ni Ivy. Marahil si Ivy ay nagtataka. Pero ito na ang pagkakataon ko.


“Daniel,ibabalik ko lang tong kwintas na binigay mo sa akin.” sabi ko. Nangangatal.


“FR,you don't have to.”


“Nagets ko na lahat. Maraming salamat sa pangloloko. Wala kang kwenta.” sabi kong nangigigil.


“It's not what you think FR.” sabi ni Daniel. Defensive ang tono.


“Well that's the way it goes Daniel. Ginago mo ako!”sigaw ko sa kanya


“I never fooled you FR!”


“You never fooled me? Well that explains my point.” sabi ko sabay turo sa tiyan ni Ivy.


“Let me explain FR!” matigas na sabi ni Daniel.


Wala akong narinig. Bingi ako. Dali dali akong umalis sa harapan nila. Pakiramdam ko nagawa ko ang gusto ko kaya sobrang saya ako. Nasabi ko sa kanya na wala syang kwenta at isa syang gago, Pero kulang pa. Pabalikwas na ako ng bigla akong hinawakan ni Daniel ang braso ko. Matigas at mapusok.


“Let me go!” sigaw ko kay Daniel.


“I will explain.” sigaw nya sa akin.


Pagkabitaw nya ng mga salitang iyon ay biglang lumipad ang aking palad sa kanyang pisngi.


“Paaakkkkk!!!!”


Malutong at solid ang pagkakatama ng palad ko sa kanyang pisngi. Binuhos ko lahat ng galit ko sa sampal na yon. I felt relieved. Narelease ko lahat ng galit ko sa kanya. Pero alam ko kulang pa kumpara sa lahat ng ginawa nya sa akin.


“Kulang pa yan sa lahat ng sakit na dinala mo sa akin.” nangigigil kong sabi.


“Di lang ikaw ang nasasaktan FR!” bulyaw ni Daniel sabay patak ng luha sa mga mata nito.


“Fuck you Daniel! I wish you the worst!” sigaw ko.


Bigla na kong nagwalk out. I felt so strong. Nagawa ko ang dapat kong gawin. Nasaktan ko sya.
May lumabas na ngiti sa aking mga labi. Masaya ako sa ginawa ko. Pero habang nilalakad ko ang pasilyo palabas ng airport,naramdaman ko na pumatak ang aking mga luha. Pero bakit pa?
Mahal ko pa rin sya. Yun nga. Mahal ko pa din si Daniel. Kahit gaano kalakas na sampal pa ang ibigay ko sa kanya,mahal ko pa din sya. Hindi ko na maiaalis ang katotohanan na ang lalaking nanakit sa akin ng sobra ay ang lalaki pa ding nilalaman ng aking puso.


Tama si Pixel. Malinaw na lahat. Nakipaghiwalay si Daniel sa akin dahil kay Ivy, Nabuntis nya ito at lilipad na sila papunta ng States para magawa ng sarili nilang pamilya. So matagal na din pala talaga akong ginagago ni Daniel. Sobrang tagal na. Ang tagal kong naging tanga.


Ayoko na. Hindi ko na alam gagawin ko.


Nakalabas ako ng airport ng nakayuko. Parang batang natalo sa pakikipaglaro ng POGS sa ibang bata. Tuloy tuloy ang pagluha ng maramdaman ko ang yakap na pamilyar sa akin. Tumama ang aking katawan sa katawan nya. Sinalo ng mga bisig nya ang puso kong lupaypay. Muli,nakaramdam ako ng kapayapaan sa kanyang presensya.


“Ayoko na.” sabi ko,nanghihina. Umiiyak.


“Nandito na ako,di kita iiwan.” sabi ng lalaki.


“Salamat Carlos.”


ITUTULOY...


[09]
At isang yakap nga ang nagpakalma ng aking naghuhulagpos na emosyon. Luhaan,sugatan,di mapakinabangan. Those words explain everything.


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


Mabilis na lumipas ang tatlong taon. Everything seemed normal. Everything seemed fine. Madami na din nagbago. Masakit ang nakaraan pero siguro nakapagmove on na ako. Naging mahirap sa umpisa,pero kinaya ko naman din. Lahat ng sakit ay sinubukan kong kalimutan. Tinapon ko lahat ng negativity na dinala sa akin ni Daniel. Mahirap pero dapat. Mahirap pero kinaya ko. Narealize ko kung gaano pala ko katatag,tinuloy ko ang buhay ko from the point na akala ko ay wala na lahat. Kinaya ko.


Naayos ko na ang buhay ko. Bumalik na sa dati. Balik trabaho. Balik sa pagiipon at sa kung ano-anong sideline. Ginawa kong abala ang sarili ko. Ginawang araw ang gabi para sa trabaho, Sinasabi nga nila na daig ko pa daw si Curacha sa mga sideline. Sa tatlong taon na yon,nabigyan ako ng pagkakataon na magipon ng husto at makakuha ng sariling bahay. Naging preoccupied ako sa trabaho. Naging alipin ng pagtatrabaho na nagbunga naman, Tama nga yung narinig ko sa TV,kung sa pera ka magiinvest tutubo yan,kung sa lalaki? Wala, Heart ache.


Malamig na ang simoy ng hangin. Dala na rin siguro ng nalalapit na Pasko. Naisipan kong umuwi ng maaga ngayon para umuwi sa bahay nila Mama. Tinawagan nya ako dahil daw nagluto sya ng sinigang na baboy. Ano bang meron? Anniversary ba nila ni Papa? Hay. Ano ba to? Sarili kong pamilya di ko na nakikita dahil sa trabaho ko. Ganyan ako naging kaworkaholic.


6:30 P.M.


Bumaba na ako mula sa 11th floor ng Raffles Bldg. Sa may Ortigas. Salamat naman at wala akong nakasabay sa elevator. Medyo natatakot kasi ako kapag nagiging crowded na sa elevator. Hindi ko malaman kung “Claustrophobic” ba ako or talaga lang maarte. Anything goes. Mabilis kong narating ang ground floor at kaagad akong lumabas ng building. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.
Ilang steps din ang hinakbang ko bago makalapag sa kalsada. Naglalakad na ako papunta sa sakayan
ng bus sa may Galleria ng biglang may bumusinang isang pamilyar na sasakyan sa akin. Binaba ng nakasakay ang bintana at agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.


“Hoy Gwapong nakablack! Sakay ka na!” sigaw nito sa akin. Nakangiti.


“Sorry! Di ako cheap!” sigaw ko pabiro.


“Dali na,magkano ba?” sabi nito pabiro.


“Magkano ba kaya mo?” balik kong sagot.


Pinagtitingan kami ng mga tao pero para lang kaming mga ewan na nagagaguhan sa kalsada. Matatamis na mga ngiti ang aming palitan. Magaan ang pakiramdam na may isang taong nandiyan lagi para sayo. Masayang isipin na mayroong isang nagtyaga sa akin lalo na nung mga panahong tinalikuran ako ng lahat. May isang nagantay ng tamang panahon para maibalik ko ang dati kong sarili. May isang taong nagmahal sa akin sa paraang alam nya at sa paraang tanggap ko. He's loving me for me. Unconditionally. And I felt so alive.


Agad akong sumakay sa sasakyan. Tumabi agad sa driver's seat. Umupo na parang kamaganak na sobrang at home sa magarang sasakyan na ito. Agad kong sinandal ang likod sa upuan at nagbuntong-hininga.


“Whew. Kapagod. Lakas toyo ka din no? Di ka man lang nagpasabi na susunduin mo ko?” sabi ko.


“Kailan ba ko nagpasabi na susunduin kita?” Pabiro nyang tanong.


“Oo nga naman. Lagi ka palang sumusulpot nalang. Hehe.”sabi ko.


Sinara na nya agad ang bintang at pinaandar ang sasakyan. Tinted naman ito kaya okay lang. Di masyado aninag kung may gawin man kaming kalokohan. Tuwing nagdadrive sya ay palaging seryoso ang mukha nya,marahil na rin siguro sa mata nya. Lagi syang nakasalamin dahil gaya ko,medyo malabo na din ang mata nya. Papalabas na ng Rob Galleria,kakanan na kami sa may tapat ng 7eleven sa may AIC. Nagkaroon ng bahagyang pagbagal ng mga sasakyan. Umangat ako sa upuan at lumapit sa kanya,sya'y humarap sa akin.


“Uy umayos ka nga,baka mauntog ka FR.” sabi nitong punong-puno ng concern.


“Okay lang yun,bukol lang naman kung sakali to Carlos.” sabay ngiti ng pilyo.


“Ah.. Teka para san yang ngiting yan...?”sabay ngiti.


Mula sa ganung posisyon ay hinarap ko ang kanyang mukha sa akin. Dali dali kong hinalikan ang kanyang mga labi. Pagdampi nito ay naramdaman ko muli ang fulfilling sensation na tila nakakahypnotize. I can't stop wanting him. I can't. And I don't want to stop wanting this man.
Tumagal ang pagtatama ng aming mga labi ng ilang segundo. Bumalik ako sa upuan at muling inayos ang aking sarili. Lumitaw ang ngiti sa aking labi at ako'y napabuntong hininga. Tila napansin ito ni Carlos.


“Buntong hininga na naman? Something's wrong? Or nadala ka ng kiss?” pabiro nitong sabi.


“Adik. Pero seriously,namiss kita.” sabi ko. Naramdaman kong nagblush ang mukha ko after kong umamin na namiss ko sya. Ang weird. Siguro natakot na ko magexpress ng feelings. Kaya naging unusual sa akin nung sinabi ko yun sa kanya.


“Wow. Salamat!”sabi nito na namumula.


“Ang cute mo pag namumula. Para kang ewan.” sabi kong nangaasar.


“Nagulat lang ako,kasi hindi ka na masyado vocal. Kaya nagulat ako. Pero sobrang happy.” sabi nito. Halatang nagulat at natuwa ng sobra. Mula ng mangyari lahat ng nangyari ay nagiba ako. At isa sya sa mga taong naapektuhan ng pagbabago ko pagdating sa pagibig.


“Sus. Gumaganon pa? Bilisan mo nalang magdrive. Inaantay na tayo nila Mama sa bahay. Nagluto daw sya sinigang. Ano ba meron?” nagtataka kong tanong.


“Ewan. Parang mas alam ko pa ang mga events sa pamilya mo ha?” sabay ngiti.


“Eh dun ka ba naman halos umuwi eh? Paanong di mo malalaman?” sagot ko.


“Oh sya. Bilisan na natin. Gutom na din ako.” sagot nito sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.


Mabilis ang naging takbo ng sasakyan. Wala pa atang 8PM ay nakarating na kami sa bahay. Mukhang may fiesta,nangangamoy ang inihaw na liempo sa labas palang. Ipinark ni Carlos ang sasakyan. Pababa na ako ng bigla nya akong pinigilan.


“Wag ka bababa,ako ang magbubukas ng pinto.” sagot nya.


“Ha? Wag na. Nakakahiya.” sabay blush.


Dali-dali syang bumaba ng sasakyan para buksan ang pinto ng sasakyan sa aking gilid. Iba ang pakiramdam ko. He treats me so well. Parang wala na kong mahihiling pa. After facing the bitter reality that Daniel had left me,Carlos became my saving grace. Siya ang nagmistulang sandalan ko sa lahat. Kung may tao akong papasalamat bukod sa pamilya ko,walang iba kundi si Carlos yun. Si Carlos na nandyan sa akin in a major way.


Binukas na nya ang pinto at inalalayan ako pagbaba. Agad nyang sinara ang pinto ng sasakyan at akmang babaling na papasok ng bahay,pinigil ko sya at hinawakan ang kanyang kamay. Humarap sya sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis.


“Oh? Bakit FR?” sabi nitong nakangiti.


“Wala lang. I just want to hold your hand.” sabi ko,naglalambing.


“Sus. Naglalambing ang pogi.” sabi nito sabay haplos sa aking mukha.


“Thanks sa lahat. I mean,thanks sa lahat.”sabi kong naiiyak.


“I told you not to cry.”sabi nya. Halatang masaya.


“I can't help it. I just realized kung gaano kalaki na pala ang hirap mo sakin. I mean,lahat ng oras na ginugol mo sakin,lahat ng pagiinitindi sa mga mood swings ko,sa lahat lahat. I really owe you a lot.”


At bigla na namang tumulo ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. Pero this time,hindi ito dala ng sakit,dala ito ng sobrang kasayahan dahil sa isang taong walang ibang ginawa kundi intindihin at iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. This is awesome. Naging passionate ang sumunod na mga nangyari. Naramdaman kong nagdikit ang aming mga katawan at ang aking mga braso ay nakaangkla sa kanyang mga balikat. Kami ay nagyakap. Mahigpit. Tila ayaw nang bitiwan ang isa't isa. I couldn't ask for more.


“Carlos,Thanks for everything.” binulong ko sa kanya. Sinsero. Heartfelt.


“Wala yun,I just want to make you feel better.”sabi nito.


“I'm better now. And I'm happy because you're there.”sabi ko.


“Masaya na ko to know you're happy.” Ramdam ko ang contentment sa tono ng boses nya.


“I couldn't have done it.” sagot ko.


“Kaya mo. I knew it from the start.”


“I couldn't have done it without you.” dugtong ko.


Kumalas si Carlos sa aming pagkakayakap. Tumingin ito sa aking mga mata. Nangungusap ang chinitong mga mata nito. All I want to do is to run away with this guy. Kahit saan nya ko dalhin game. Basta sya ang kasama ko. Ngumiti ito at dinampi ang kanyang malambot na labi sa aking kanang pisngi. Ngumiti ako at nagpacute. Pinindot ko ang kanyang ilong.


“I have something to give you FR.”sabi nya. Nakangisi.


“Ha? Ano yun? Bakit ano ba meron?”nagtataka kong tanong.


Nagmamadali syang pumunta sa compartment at binuksan ito. Mababakas mo sa kanyang mukha ang excitement at kaba habang nilalabas nya ang isang malaking kwadradong regalong nakabalot sa isang simple ngunit mukhang eleganteng wrapper. Inabot nya ito sa akin at bigla syang napayuko.


“Sana magustuhan mo.” sabi nya,halatang nahihiya.


“Ha? Ano ba to? Nagabala ka pa? Ano ba meron? Salamat Dito Carlos.”


“Happy Birthday FR.” sabi nito habang nakatitig sya sa akin.


“Birthday? What?” Nagulat ako sa narinig.


Kasabay nito ay natawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam na birthday ko pala ngayon. I mean,sa sobrang busy ko ay nakaligtaan ko na birthday ko pala ngayong araw na to. Kaya pala naghanda din si Mama ng pagkain, Tila fiesta sa bahay. Niyakap ko si Carlos at labis na pinasalamatan. Tinulungan nya ko sa pagbuhat ng kanyang regalo dahil may kabigatan ito. At kami'y pumasok na sa bahay.


Napuno ng tawanan ang bahay habang nagsasalo salo sa mga pagkaing hinanda nila Mama. Naging at home na rin si Carlos sa aming bahay. Nakuha nya agad ang loob ng Mama ko. Naging kasundo naman nya ang aking tatay sa kanilang mga Tennis moments. In short,good shot si Carlos sa kanila.
Sarap na sarap ako sa sinigang na baboy na niluto ni Mama. Maging si Carlos ay napasubo sa kainan. At syempre hindi magpapatalo si Pixel. Nakailang balik sa kanin at sa mga ulam. Kumain ng sinigang,afritada at liempo. Wala talagang kaarte arte sa katawan. Balahura sa kainan. Walang kapoise poise. In short,PG.


“Best,in fairness ha? Shoot sa banga ang sinigang.” sabi nito habang ngumunguya.


“Halata nga best,nakailang balik ka na sa kaserola eh.” pambabara ko.


“Eto naman,nakikikain na nga lang ako nagdadamot ka pa.” sabi nito.


“Ay? Ako pa nagdadamot? Eh ikaw na nga tong pinapakain. Umalis ka nga dito.” pabiro kong sabi.


“Wag naman ganun best,binibiro na nga lang kita eh. Wag naman ganun.” sabi nito.


“See? Kairita ka. Hehehe.”sabi ko.


“Mudra,pwede ba kong magbalot? Kahit yung sinigang lang,pati yung kare-kare,tsaka yung liempo.” sabi ni Pixel kay Mama.


Natahimik ako bigla. Pinipigilan kong tumuwa dahil nasa harap kami ng hapagkainan. Nagkatinginan nalang kami ni Carlos at sabay na ngumisi.


“Gurrlll,keri lang. May dala ka bang plastic dyan?” sabi ng nanay ko.


Agad na tumayo si Pixel at tumakbo sa bag nyang nakalagay sa sofa sa may sala. Pagkabalik nito ay nanlaki ang mata ko sa kakatawa. Ready talaga sya. May dala syang 3 microwaveable na lagayan ng ulam. Nang makita ni Carlos ito ay hindi nya napigilang tumawa ng malakas. Ganun na din ang aking nanay at tatay. Napuno ng tawanan ang aming hapunan. Sa isip isip ko,swerte talaga ako sa bestfriend ko. Hindi ko maimagine na kung gaano sya kaganda,ganun din naman ang kabaklaang nasa utak nya. Akala ko dati ay sobrang pino kung kumilos,pero I was completely wrong.


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


Masaya ang aking naging kaarawan. Masarap ang simoy ng hangin. Maganda ang panahon. Masarap ang mga ulam na niluto ng Mama. Kasama ko ang aking pamilyang sobrang mapagmahal.
Andyan ang bestfriend kong nagbigay ng walang humpay na kakatawanang si Pixel. At syempre,nandyan ang aking savior na si Carlos. Salamat sa Diyos at okay na ako.


Nakahiga na ako sa kama. Nakatitig sa dingding na minsan na ring nakasaksi sa nadurog kong puso.
Sa ilang taong nakaraan nakita ko ang growth ko bilang tao,mula sa pagiging sobrang devoted sa isang tao,sa tingin ko ay naturuan ko ang sarili kong mahalin ulit ang sarili ko higit sa lahat. Naibalik ko ang respeto ko sa sarili ko,naramdaman kong nabuo ulit ang aking sariling nawala for a while. I can feel the contentment na dala ng mga tao sa paligid ko sa akin. Sobrang saya ako sa companionship na dala nya. And I know magiging okay pa lahat.


Nasa ganun akong posisyon ng kumatok si Pixel sa kwarto. Mukhang makikitulog na naman dito.
Agad agad syang umupo sa kama. Parang bahay na nya. Lumingin sa mga ulok ng kwarto ng may makitang kakaiba.


“Best? Ano yung malaking gift na yun sayo?” sabi nyang may halo ng excitement at kaba.


“Ah? Yun ba? Regalo ni Carlos yun.” sagot ko.


“Wow. Opening na natin best!” sabi ni Pixel.


“Sige. Pwede.” sagot ko na may halong excitement.


Dali dali naming kinuha at nilapag sa kama ang regalo ni Carlos. May kabigatan ito at hindi ko mawari kung ano. Nakabalat ito sa blue na wrapper at may gold na lace na nakaribbon dito. Agad agad kong sinira ang balot dahil na rin sa paniniwala na pag sinira mo ang wrapper ng regalo ay mauulit ang pagreregalo sayo ng taong iyon. Pinagtuluyan naming sirain ni Pixel ang wrapper. Unti-unti ng lumadlad ang regalo. Sobrang humanga ako sa nakita. Isa itong Portrait ko na gawa sa charcoal. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay napakaespesyal ko para kay Carlos para iguhit nya ko. Magaling din syang pintor. Hilig nya na talaga ang pagguhit mula noon. Kaya nga lang ay pinilit sya ng kanyang tatay na maging doktor.


“Best,bongga! Ang ganda ng painting!” sabi ni Pixel.


“Wow. I'm speechless best.” sabi ko na naiiyak.


“Best? Wag ka nga umiyak dyan. Binigyan ka na nga ng ganyan eh,iinarte ka pa.” sabi nito.


“Timang! Tears of joy to.” sabi ko.


“Kailangan talaga may timang? Kaloka.” sagot ni Pixel.


Ngumiti lang ako sa kanya. Sa lahat ng unos at ligayang dumating sa buhay ko ay kasama ko sya. Sila ni Carlos. Sobrang saya ng pakiramdam. I felt that I'm a renewed person. Salamat. Napabuntong hininga ako. Agad kong nilagay ang aking portrait sa wall. Sakto naman at may pako butas at pagsasabitan na ito.


Pagkatapos isabit ang larawan ay bumalik na ako sa kama. Inilatag ko ang aking katawan at humugot ng isang malalim na hininga.


“Oh? Best? Buntong hininga ulit? Paulit-ulit?” sabi ni Pixel.


“Gago.”


“Sama mo naman.” nagiinarteng sagot.


“Adik. Sobrang happy ako ngayon.” sagot ko.


“Really? Di ako alam best kung maniniwala ako o hindi.” sabi nito. Seryoso.


“Ha? Bakit naman?” sagot ko.


“Ewan ko. I feel that your emotions are animated.” sagot nito.


“Animated? Ano ibig mo sabihin?”


“Okay ka. You feel stable. You really are stable. Pero I'm sure hindi ka pa nakamove-on.” sabi nya.


“Ha? I already moved on best! Sobrang happy ko na ngayon. Kuntento na ko sa kung anong meron ako at sa mga bagay na hindi ko hawak. Masaya na ko.”depensa ko.


“Okay best. You say so. Pero kilala na kita bago pa man tayo tubuan ng pubic hair. Kaya alam ko lahat. As in lahat. In a major way.” sabay ngiti nito.


Tahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung dapat ba kong magalit sa sinabi nya o dapat ko pa bang usisain kung anong ibig nyang ipahiwatig. Paano nya nasabi na hindi pa ako okay? I have my work,my family,my friends and Carlos. He's been with me mula pa noong nadurog ako. So how can she say na I haven't moved on? Di ko maintindihan.


“Best,I really can't understand. Anong ibig mong sabihin sa Animated ang emotions ko at hindi pa ako nakakamoveon? Ipaliwanag mo.” sabi ko.


“Best,I want you to read between the lines. Matalino ka best. Alam kong naiintindihan mo ako. Nagtatangatangahan ka lang.” sabi nya.


“Best. I'm happy with Carlos. Okay na yun,I've moved on.” sabi ko. Pilit na kinukuha ang panniniwala ni Pixel.


“You're happy with him. He's there for you. At ayon ang set up nyo. Bakit? Mahal mo na ba si Carlos?” tanong nito.


“Ha??” nangangatal kong sagot.


“See? You can't even answer me straight. Ni hindi ka nga din makatingin sa mga mata ko. I knew it from the start.” sagot nito.


“But Best, Okay na yung kami ni Carlos na ganito. Kasi sabi nya masaya naman daw sya na magkasama kami,okay na yun.”sabi ko.


“Kayo ba?”putol nito.


“Hindi.” sagot ko,nakayuko.


“See? Ni hindi kayo. Sino ang may gusto ng ganyang set up? Ikaw?”


“Oo best. Okay naman daw sa kanya eh,mahalaga magkasama kami. Masaya na kami dun.”


“Di pwede maging kayo kasi alam mo dyan sa sarili mo kung sino ang mahal mo. You know that you're still inlove with that guy. The guy who once broke your heart. You can't admit it but you're still in love with Daniel. Hindi kaya possible na kaya hindi mo maisip na maging kayo ni Carlos ay dahil unconsciously nagaantay ka pa din kay Daniel? Kahit na sinasabi mong sobrang sakit ng pinaramdam nya sayo ay mahal na mahal mo pa din sya. And unconsciously,you're still waiting for him.”mahabang tugon nito.


Natahimik ako sa narinig. Hindi ko alam na maaaring ganun na nga ang nangyayari sa akin. Sa tagal ng pagkakakilala namin ni Carlos ay hindi man lang naging kami. Weird pero sobrang saya ko naman sa kanya. Nandyan sya pa lagi ko syang kailangan ko sya. He never failed me. Kung tutuusin nga sobrang laking tulong ng presence nya para maging okay ako eh. Pero hindi ko alam,okay na ba talaga ako? Ang mga binitiwang salita ni Pixel ay masyadong mabigat. Nawala ako sa wisyo. Parang totoo na ewan. Parang gusto kong maniwala. Pakiramdam ko sinasabi ng isip ko na okay na ako pero
emotionally I'm not really fine. Maybe she's right.


“Oh best? Natahimik ka dyan?” tanong ni Pixel.


“Wala best. Pagod lang to.” palusot ko.


“Nope. You're not tired. I know na iniisip mo kung tama ba ako o hindi. I'm afraid I'm right.” sabi nito habang hinahawi ang buhok na tumakip sa kanyang mata.


“Best. I really don't know.” sagot kong litong-lito.


“Okay. Best,hindi mo maintindihan nararamdaman mo.mas lalo naman ako. Inaanalyze ko lang lahat. Hindi ko alam kung ano ba. Pero I have my way on viewing things. At ganun na nga nakikita ko.”sagot nito.


“Ano ba nakikita mo?” sagot ko. Tulala. Nalilito.


“Nakikita? Manghuhula? Hay. Kasi kung mahal mo man sya? Bakit hindi kayo? I mean,diba pag mahal mo ang tao binabakuran mo na? I mean,dapat may commitment. Eh sa ngayon wala eh,take note best,3 years na kayo magkasama.”. Paliwanag nito.


Nagpakawala ako ng buntong-hininga.


“Ewan ko best. I must admit na nalilito ako.”


“See? Sa bibig nahuhuli ang isda. Sayo na din naman nanggaling na nalilito ka. You're confused because alam mo pa din na hanggang ngayon that Daniel still has a space sa puso mo. Kahit ilang taon na ang lumipas,your love for him is “Unbroken”.” sabi nito sabay yakap sa akin.


Marahil nga ay tama si Pixel. May puwang pa din talaga siguro si Daniel sa puso ko. Kasi kung wala,bakit pa ba ako malilito ngayon? Kasi kung wala,bakit pa ba ako umiiyak ngayon? Kasi kung wala,bakit ko sya biglang naisip?


“Best. Let's take a walk outside. I need some fresh air.” sabi ko.


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


Malamig ang hangin habang binabagtas namin ang subdivision. Tumatama sa amin ang malamlam na sinag ng buwan. Saksi ang mga bituin sa damdaming aking nararamdaman ngayon: CONFUSION. Bakit pa kasi naisipan ni Pixel na sabihin sa akin ang mga bagay na sinabi nya? Bakit pa ba nya pinaalala si Daniel sa akin? Bakit pa ba nya inisip na hindi ako masaya? Pero marahil tama sya. Kahit pala halos nasa akin na lahat ng higit pa sa kailangan ko,darating pa din ako sa punto na mararamdaman kong may kulang pa.


“Best,I have a question?” sabi ni Pixel.


“Ano naman yun?”


“Paano kung sakaling bumalik si Daniel? Paano na si Carlos?”


Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nga ba? Yayakapin ko ba sya pag nakita ko sya?
Iiyak ba ko? Magsosorry ba ko? Magagalit ba ko sa kanya? Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko kung sakaling makita ko sya. Marahil nga ay tama si Pixel. Mahal ko pa din siguro si Daniel.


“Ewan ko best. Siguro magdedecide ako pag nakita ko na sya ulit. Mahirap magsalita ng tapos.”


“See? Now best,confirmed ko na. You're still in love with Daniel.” sabi nito.


Ako'y napabuntong-hininga.


Nakabalik na kami sa bahay at nakapasok na sa kwarto si Pixel. Naisipan ko uling bumaba para magisip isip. Umupo ako sa may labas ng gate namin. Tumingala at nagantay ng shooting stars. Pero wala. Inalat sa paghahanap ng shooting stars. Buntong-hininga. Makalipas ang 15 minutes ng pagiisa ay nakaramdam na ako ng pangangati,dala na rin marahil ng lamok na pumapakpak sa akin.
Agad akong tumayo at tumungo na sa gate. Dahan dahan kong inaangat ang bukasan at ako'y papasok na sana ng biglang..


“Happy Birthday FR.”


Nagitla ako sa narinig. Pamilyar ang boses na iyon. Hindi ko malaman kung haharap ba ako o tuluyan na bang papasok sa loob ng bahay. Naramdaman kong bumiglang bumagal ang aking paghinga. Bumigat ang aking dibdib. Nangilid ang aking mga luha. Muling bumalik ang galit. Nahukay ang poot na nabaon na sa limot.


Dahan dahang akong lumingon. Di ko namalayang bumabaha na pala ng luha ang aking mga mata.
Humarap ako sa huling taong bumati sa akin ng “Happy Birthday” sa gabing ito. Humarap ako sa kanya. Nakatikom ang kamay mga kamay. Tikom ang aking bibig. Nakita ko muli ang kanyang mukha. Makalipas ang tatlong mahabang taon. Ang lalaking dumurog ng aking puso. Ang lalaking aking minahal ng husto. Ang lalaking patuloy ko pa ding minamahal.


“Happy Birthday FR. Hindi mo ba ko narinig?”ulit nito.


Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili akong nakatayo sa aking kinalalagyan. He left me speechless. I can't move. Nakatitig ako sa kanyang mukha,wala naman masyado nagbago sa kanya. Maliban nalang sa kalbo nyang buhok. Bumagay sa kanya ang pagkasemikal dahil na rin sa magandang features ng kanyang mukha. Nandun pa din ang matangos nyang ilong. He's still got the almond eyes na lagi kong tinititigan. Naramdaman ko muli ang pagtulo ng mainit na butil nang luha sa aking mga mata. Nagbalik na si Daniel. Hindi pa rin ako makapaniwala.


“FR,Happy Birthday. FR. FR.”sambit nitong puno ng pagsisisi.


Nanatili akong walang imik. Naninigas ako sa galit,sa excitement at sa saya. Hindi ko mapaliwanag kung bakit. Nanatili akong nakatayo. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng aming mga labi at ang isang mainit na yakap. Ganun pa rin. Mahigpit at passionate.



“Daniel.” sabi ko.


“Hush FR. Nandito na ko. Some good thinds never change.” sabi nito.


At muli nitong dinampi ang kanyang labi sa akin.


ITUTULOY...


[10]
Kakaibang intensity ang aking naramdaman nang muling magtama ang labi namin ni Daniel. Ibang-iba ito. Muli kong naramdaman ang lambot ng mga labi nya. Muli kong nalasahan ang tamis ng kanyang laway at bango ng kanyang hininga.. Muli kong nasaksihan ang kanyang mukha. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama. Hindi ko mawari kung anong dapat kong maging reaction sa nangyayari. Basta ang alam ko,sobrang kakaiba ang nararamdaman ko ng muli kong nalasap ang mga halik ni Daniel.


Patuloy ang pagtutungali ng aming mga labi. Masiglang nanunuod ang buwan at ang mga bituin. Kitang kita nila ang nagaalab naming mga emosyon kasabay na rin ang pagdampi ng malamig at mapanuksong hangin sa aming mga balat. Kumalas si Daniel mula sa pagkakahinang ng aming mga
labi at tumitig sa akin. Gustong kong matunaw sa mga titig nya. Alam ko sa sarili ko na hindi din magiging okay. Mali na ito. Makakasakit ako ng tao. Ayokong masaktan ulit. Ayoko masaktan si Carlos.


Carlos. Naalala ko si Carlos. Ang lalaking nagtiyaga sa akin mula ng binasura ako ni Daniel. Si Carlos na hindi man lang ako iniwan kahit minsan. Si Carlos na naging tapat at nagparamdam sa akin na mahalaga pa rin ako after ako iwanan ng lalaking pinahalagahan ko. Si Carlos na mabait.
Si Carlos na mahal na mahal ako. Tila malakas ang naging impact sa akin ng pagpasok ni Carlos sa isip ko. Naalala ko na kung gaano nya ako minahal ay ganun naman ako binasura ng lalaking nasa harap ko para sa babaeng binuntis nya. Mula sa tuwa,unti-unti akong binalot ng galit.


“FR. Happy Birthday.” Malambing na sabi ni Daniel.


“Salamat.” walang emosyon kung tugon.


Tumitig sya sa aking mga mata. Aminado kong maganda ang mga ito,pero dahil sa mga matang iyon
ako ay nahulog sa bitag. Naalala ko kung paano ako inabandona. Iniwang durog. Ngayon nagsink in na sa akin. Dahan dahang umakyat sa litid ko ang galit na nahukay pa sa nakaraan. Ang kaninang di mapaliwanag na FR ay wala na. Marahil ay tama nga si Pixel. Mahal ko pa si Daniel pero hindi na tama. Kailangan kong gumanti.


“FR,I missed you so much.” sagot nito na puno ng passion.


“Really? Namiss mo ba mga halik ko?” sagot ko. Sarkastiko.


“Oo. FR. I missed it so much. I missed you hon.” sagot nito.


Sinubukan nyang hawakan ang aking mga kamay pero agad akong umiwas. Pinaramdam ko sa kanya na wala na syang babalikan sa akin. Galit ako. Galit ako. Galit ako.


“You missed me? Really?” sarkastiko kong tugon.


“Oo FR. I missed you so bad.”


“Then why did you leave me?Bakit mo ko pinagpalit kay Ivy?” sagot ko.


Natahimik sya. Halatang nabigla. Naguumpisa na. Ipaparamdam ko na kung ano ang impyernong ginawa nya sa akin. Matitikman nya kung anong klaseng tao ang iniwan nya. Sisiguraduhin kong
magsisisi sya sa pangiiwan nya sa akin. Nagpakawala ako ng isang ngiti. Isang ngiting puno ng poot
at pagnanasang makaganti.


“See you can't even answer me? Bakit Daniel? Umurong na ba dila mo?” nangaasar kong tugon.


“FR. Let me explain oh. I have my reasons.” sabi nito.


“You have your reasons and I don't care. Ang mabuti pa,umalis ka na dito!” sigaw ko.


“FR. You don't understand me. Kung sasama ka sa akin ngayon I swear maayos natin to.” pagsusumamo nito.


“Ako? Sasama sa'yo? Bakit? Everything's clear. Hayop ka! After 3 years natin ipagpapalit mo ko?
Gago ka ba? Hindi mo ba alam kung ano mga sinakripisyo ko para sa'yo?” sagot ko. Malakas. Nagmamatapang. Nagmamaganda.


“Aayusin natin to. Magiging okay tayo. Please FR. Please naman oh!” sabi nito.


“No Daniel! Hindi na natin maaayos to! Hinding hindi!” sigaw ko.


Pagkahiyaw ko noon ay mabilis na tumulo ang aking mga luha na tila gripo. Nanatiling nakatayo si Daniel sa kanyang kinalalagyan nang mabanaag ko sa kanyang mukha ang labis na pagsisisi. Alam ko at ramdam ko ang kanyang kalungkutan pero hindi na. Hindi na ako kailan man magmamahal ng isang tulad nya. Bakit pa? Naiwan na akong minsan,I'm sure na kaya pa rin nya akong iwanan ulit.
Isa pa,hindi ko pinangarap na manira ng pamilya. May anak na sila ni Ivy kaya dun na sya. Hindi ko maintindihan kung bakit pa nya ko pinuntahan ngayon. Bakit pa nya ko ginugulo,bakit pa sinusubukang bawiin ako sa kung saang estado man ako.


Nakarinig ako ng pagsara ng pinto mula sa aming bahay. May paparating. Pumasok sa aking tenga ang tunog ng mga yabag. Seconds after,lumabas si Pixel sa gate,nakapantulog at halatang nagulat nang tumama ang kanyang mga mata kay Daniel. Hindi agad ito makapagsalita. Agad itong tumakbo papalapit sa akin,nakita na naman nyang sugatan ang kanyang matalik na kaibigan. Sinubukan nya akong aluin sa pagtapik tapik nya sa aking balikat. Nakaramdam ako ng sense of direction. Tumingin ito kay Daniel at ngumiti.


“Kamusta ka na Daniel?” sabi nito. Formal. Ngumiti.


“Okay naman ako Pixel.” sagot ni Daniel.


“Long time no see.” matipid nitong sagot.


“Oo nga eh. Sana makasama ko kayo minsan.” sabi nito kay Pixel.


“Hindi na mangyayari yun kahit kailan Daniel! Hinding-hindi na!”sabat ko.


“Best,chill.”sabi ni Pixel habang kinocomfort ako.


“FR,you can't deny na mahal mo pa rin ako. Alam ko at ramdam ko. Sa mga halik mo kanina. I know I still have a place in your heart. Mahal mo pa ako FR!” sabi nito.


“Ang kapal mo din? After 3 years? Iisipin mo pa din na mahal kita? Well,I've moved on! After 3 years,iisipin mo na I'm still the same FR? You're wrong! After 3 years,tingin mo magiging ganun
kadali mong maayos lahat? You're definitely wrong Daniel!” sigaw ko.


“I'm sure you still love me . And I'm going to pull you back.” sabi nito.


“I don't love you anymore Daniel! I don't love you anymore! Akala mo kung sino ka ha? Hindi na kita mahal! Nakamove on na ako! At may bf na ako! Hindi na kita mahal! Dun ka na sa asawa mo at sa anak nyo. Ayoko sirain ang pamilya mo. Umayos ka na tigilan mo na ko!”sabi kong gigil na gigil na naiiyak.

“Stop convincing yourself na hindi mo na ko mahal FR!” sagot ni Daniel


Tahimik.


Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Pixel. Alam nya kung anong pinagdadaanan ko. Alam nya kung anong hirap ang dinadala ko lalo pa ngayon na bumalik na out of the blue si Daniel. Nararamdaman ko na naiintindihan lahat ni Pixel ang galit na nararamdaman ko. Naiintindihan nya ang gigil ko sa lahat ng nangyayari. Higit sa lahat,nararamdaman nya ang ginagawa kong pagtanggi na mahal ko pa si Daniel. Alam ni Pixel lahat. Lahat ng nararamdaman ko. Lahat-lahat.


“You have a boyfriend?” naiiyak na tanong ni Daniel.


“Yes. I do. Tatlong taon na din Daniel mula ng iwanan mo ako. I think deserve to be happy.” sagot kong nagmamatigas.


Nagulat si Pixel sa narinig. Ako may boyfriend? At sino ang tinutukoy ko? Alam kong yan ang mga tanong na nabubuo sa isip ko ngayon. Tumitig ito sa akin ng may halong malaking pagtataka. Nilakihan ko sya ng mata at mula don ay nagets nya ang ibig kong sabihin:PIXEL,MAKISAKAY KA!


Parang manikang nalagyan ng baterya,agad umayos si Pixel para sa isang palabas. Tumitig ito kay Daniel at nagwika..


“Daniel,tama na. I think my bestfriend already had his fair share sa lahat ng namagitan sa inyo. Anong purpose mo para bumalik pa? Para manggulo? We'll I think honey,you're a bit late. FR's madly inlove with Carlos. Right FR?” sabay tingin sa akin.


“Oo. Tama si Pixel. I have a boyfriend. His name is Carlos. A very special guy. Gwapo at mayaman.
What can I say more?” pagmamayabang ko. Mapait.


“Carlos what?” tanong ni Daniel.


“Wait there's more. Carlos is a darling. Gustong-gusto sya ng parents ni FR.”sabat ni Pixel.


“Really?”sagot ni Daniel. Talunan.


“Oo. Kaya umalis ka na. At wala ka nang babalikan sa akin. Wala na.” sagot ko.


Nakaramdam ako ng kakaiba. Ang sarap ng pakiramdam. Nakita ko ang reaction sa mukha ni Daniel. Halatang nasaktan. Halatang talunan. Naramdaman ko ang kiliti ng tagumpay sa aking katawan. Sa wakas,kahit papaano,nakaganti ako. Kahit papaano,nasaktan ko sya. Pero kulang pa,he deserves more. Daniel deserves more.


“Siguro nga wala ng pagasa. Pero I will still try to win you back FR. Seryoso.”


“Wala na talaga.” sagot ko.


“Bukas,magkita tayo sa Coffee Bean along Emerald Avenue 7PM. Isama mo ang bf mo. I want to see him.”


Tumalikod na si Daniel. Hindi na nagpasabi ng paalam at dali dali itong sumakay sa dala nyang itim na Ford Lynx. Naiwan kami ni Pixel na nakatayo sa labas ng gate ng bahay. Walang gustong magsalita. Ang huling kataga ni Daniel na iyon ay paulit ulit na umaandar sa isip ko. Bakit kailangan pa nyang makita si Carlos? At bakit sinasabi nya na babawiin nya ko? Ano ba? Matapos kang iwanan at ipagpalit ngayon eh babalik na parang walang nangyari? Gago ba sya?


Walang gustong magsalita sa amin ni Pixel. Tumingin siya sa akin at nagbuntong-hininga. Tapos na nga ang palabas,naging magaling sa pagarte si Pixel. Masasabi natin na naging consistent sya sa character na ginampanan nya. Ako? Kamusta naman kaya ang naging acting ko? Ako'y nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.


“Best,are you happy with your performance?”tanong ni Pixel.


“Ewan ko. I don't actually know what to feel.”sagot ko. Blanko.


“That means hindi ka masaya sa ginawa mo.” sagot nito.


“Anong bang mas okay? Maging tama ako o gawin ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin?”
tanong ko.


“Hindi ko alam best. Pero ako siguro,pipiliin ko yung tama. Hindi ako magiging masaya pag alam ko na may nasasaktan ako.” sabi ni Pixel.


“Carlos has been a good bf material for you best. Isipin mo nalang,he wouldn't have given you a lot of effort if he sees you as a friend lang. It's pretty obvious na he wants more. It's obvious that he wants to take care of you.”sabi ni Pixel. Serious ang tono.


“I know best. Mahirap pero ginagawa ko naman best. Sana madali. Sana madali lang turuan tong sarili ko na si Carlos nalang. Sana madali lang ding kalimutan si Daniel. Sana madali lahat.” sagot kong umiiyak.


“Kung hindi mo ibubukas ang kakarampot mong utak sa katotohanang wala na kayo ni Daniel,hindi ka makakamove-on. Alam mo naman na pinakamahalaga ang acceptance best diba? Hindi na kayo.
Para saan pa? Bakit di mo bigyan ng chance ang sarili mo na maging masaya kay Carlos? Isa pa may pamilya na si Daniel. Ano ka best? Kabit?”


“Eh bakit pa sya pupunta punta dito tapos manggugulo at sasabihing mahal pa nya ko at he wants to pull me back?”sagot ko, Tuliro.


“Sana alam ko sagot dyan best. Kaso hindi eh. Hayaan nalang nating mangyari lahat ng dapat. Basta pagisipan mo ang mga sinabi ko. Malay mo si Carlos na talaga pala.”sabi nito.


“Best,para saan pa? Diba gusto nga din nya makita si Carlos bukas? Ano gagawin ko? Puntahan ko ba? Ano ba?” Lito kong tanong.


“Wag na. Bakit pa? Magmall nalang tayo bukas. Day off mo diba?” sagot nito.


“Problemado na nga ako mall pa din ang nasa isip mo?”sabi ko.


“Best,shopping is a therapy. Kaya magshopping tayo bukas.”


“Fine.”


Isang malalim na buntong hininga.


Eto nga yun. Ganito ang tamang pagbati sa akin ng tadhana. Regalo mula kay Carlos. Masayang dinner kasama ng aking pamilya. Mga payo ni Pixel. Ang pagbabalik ni Daniel. FUCK.
“Happy Birthday FR.”


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿


Maaga kaming gumising ni Pixel. Katulad ng napagusapan kagabi,magsashopping kami. Ang tagal ko na ding hindi nakapamili o nakapunta man lang ng mall. Maybe it's a really good time to unwind.
Kahit na alam ko na sobrang bothered ako sa nararamdaman ko kay Carlos at kay Daniel. Nagbreakfast. Naligo at nagbihis. Naging mabilis ang aming pagkilos dahil na rin sa excited na ako makapagmall kasama si Pixel. We haven't done it for a long time.


“Best,ready ka na?”


“Wait lang friendship. Nagaayos pa ko.” sagot nito.


“Gising na tayo ng 9am. 11 na ngayon,di ka pa din ayos?” sagot ko.


“Ano ka ba? Kakain na din naman tayo dito diba? Para tipid na sa mall. Mukhang shoot na naman ang luto ni mudak mo eh.” sagot nito.


“Ganon? Eh di sana pala nakatulog pa ako ng mas mahaba haba? Atat ka masyado eh. Ginising mo pa ako.”inis kong sabi.


“Ano ka ba? Keri lang. Para pagkakain natin go na agad tayo sa mall no.”


“Hay. Eat and run ka talaga. Kapal.” sagot ko.


“Eto naman. Nakikikain na nga lang yung tao.” banat nito.


“Oo na. Oo na.”


1 PM.


“Best. Magtaxi nalang kaya tayo?”


“Oo nga. Magtatataxi nga tayo. Tirik na tirik ang araw eh.”sagot ko.


“Go. Go. Basta sagot mo ang pamasahe. Go.”


“Kupal ka talaga. Buraot.”


“Gago. Go na.”


2PM. Megamall mode.


Overwhelmed ako sa tao. Sobrang dami. Infairness,warm welcome ang pinagkaloob sa akin ng megamall. Sobrang crowded ng mall,animo'y divisoria. Yun nga lang,mas okay ang aircon dito kesa sa divi. Mahigit ilang oras din kaming nagpaikot ikot ni Pixel sa mall. Nakabili naman kami ng isang libro mula sa National bookstore,isang jacket sa “Mental”,isang pares ng couple's shirt sa department store at isang bag sa isang specialty store.


“Best. Hunger strike na ako. Saan tayo kakain?” sabi ni Pixel.


“KFC?”


“Wit ko bet. Box-office best eh.” sagot nito.


“Okay. Hanap tayo ng hindi matao.”sagot ko.


“Inasal?”dugtong ko.


“Di ko pa din bet. Dami pa din tao oh.” sagot nito.


“Best. Weekend malamang no? Kaya siguro box-office lahat ng fastfood chain no? Tonta.”sagot ko.


“Ouch naman non. Pukibels ka. Hanap tayo ng fine dining best sa taas.” sambit nito.


“Fine dining? May pera ka best? Di ka ba natatakot sa sinasabi mo? OMG! Hahaha.” sagot ko.


“Wag kang ganyan. Porket di ako gumagastos at humaharbat ako sa inyo eh wala na agad ako pera? Grabe ka naman best! Napakajudgmental mo!”sabi nito sa malungkot na tono.


“Ayyy may ganung emote? Tigilan mo ako ha? Gutom na ako.” sabi ko.


“Hunger strike na ko. Magtake out nalang tayo sa Mcdo, Tapos eat natin habang naglalakad.”


“Tamang trip ka ha? Pero pwede din.”


Pumila kami ng pagkahaba haba sa Mcdo para lang magtake out ng Fries,Float,Sundae at Big Mac.
Agad na tinungo ang foodcourt sa baba at humanap ng upuan. Nakahanap ng pagkakainan ng maayos at kumain na parang wala ng bukas. Isabay mo pa ang masayang kwentuhan. Pansamantalang nakalimutan ang mga agam-agam na bumabalot sa aking kamalayan.


Tumayo na kami ni Pixel at nagayos. Tumayo na mula sa upuan ng foodcourt at lumakad na palabas ng Megamall. Pagtingin ko sa relo ko ay 6:30 na pala. Di maiwasang magflash back ang mga huling sinabi ni Daniel.


“Bukas,magkita tayo sa Coffee Bean along Emerald Avenue 7PM. Isama mo ang bf mo. I want to see him.”


Bakit pa ba nya ko gustong makita? Bakit kailangan pa nya makita si Carlos? Ano ba talagang gusto nya? Buntong hininga. Mula sa happy times,bumalik na naman na ang parang sirang plakang emosyon. CONFUSION.


“Best. If bothered ka dun sa sinabi ni Daniel kagabi,kaw ang bahala. Do you still want to see him?”tanong ni Pixel.


“Best,I really don't know. Nalilito ako talaga. Di ko alam kung ano pa ba dapat kong gawin.” sagot ko.


“Ganito nalang,follow your instinct. Ano ba sa tingin mo ang dapat mong gawin?”


“I definitely have no clue.” sagot ko.


“Okay. Umuwi nalang tayo.”sagot ni Pixel.


Lumakad na kami papunta sa labasan ng Megamall. Ang exit na tinahak namin ay malapit na sa may mga bus bay ng Building B. Medyo kumakagat na ang dilim ng lumabas kami ng Mall. Ramdam ko ang lamig na dala ng hangin sa labas. Pero di pa din maitatanggi na mas malamig ang hanging dala ng aircon sa loob. Whew. Parang gusto ko uling bumalik sa loob ng mall. Ilang hakbang ang nasa baba na ako.


Kasalukuyan kaming naglalakad ng biglang huminto si Pixel. Nanatiling syang nakatayo at tila may inaaninag sa di kalayuan. Marahil ay may nakitang kakilala o dating kaibigan. Katulad nya,napahinto na rin ako sa pagkilos. Pareho kaming nahinto sa paglakad.


“Best? May GF ba si Carlos?” tanong nito.


“Ha? Wala yung GF. Tagal na din naming magkakilala wala naman syang nababanggit eh. Bakit?” tanong ko.


“Ehhh,paano kung may GF si Carlos?” tanong nito.


“Siguro malulungkot ako. Pero ano bang karapatan ko? Hindi ko naman BF yung tao. So walang lokohan na naganap. Sinayang lang nya panahon nya sa akin. Ganun din ako sa kanya.” sagot ko.


“Okay Okay. Fine.”


“Best? Bakit mo natanong? Ano ba nangyayari? Naadik ka na naman?”tanong ko.


“Wala best. Wala naman.” sagot ni Pixel habang nakatitig pa rin sa spot na kanina pa inoobserbahan ng kanyang mga mata.


“Best,ano ba yang tinitignan mo?”sagot ko.


Dahil na rin sa hindi ako mapakali sa kung sino o ano mang tinititigan ni Pixel. Napagpasyahan kong sundan ng tingin ang pinagmamasdan nya. Hindi ko masyado maaninag dahil na nga rin sa mata ko at medyo may kadiliman na din. Basta ang alam ko ay mayroong isang lalaki at babae na bumaba sa kotse. Seconds after,binuksan ng babae ang pinto sa likod ng sasakyan at kinuha ang isang batang lalaki na siguro ay nasa tatlong taong gulang. Nasa gitna ang bata at hawak nito ang kamay ng lalaki at babae. Naglalakad na sila papasok ng Megamall.


“Best. Tara pasok tayo ulit sa mall.” sabi ni Pixel habang patuloy pa rin ang sunod ng tingin sa pamilyang bumaba sa kotse.


“Best,sila ba? Di ko maaninag masyado eh. Sino ba yun? Barkada mo? Happy Family sila best.” sagot ko. Namamangha.


“Tignan natin kung ano masasabi mo pag nakita natin sila ng husto.”sagot ni Pixel. Tensyonado.


“Ha? What do you mean?” nalilito kong tanong.


Nakita ko nang papasok ng mall ang maganak. Agad akong hinatak at nagmadali para makapasok sa mall. Muling sumambulat ang liwanag ng mall sa aking mga mata na nagpadali upang makita ko ang kanina pa pinagmamasdan ni Pixel. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Nagitla ako.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Hindi magkamayaw ang aking mga emosyon. Binabalot ako ng kakaibang pakiramdam. Ni hindi ako makapaniwala at makapagsalita.


“Nakikita mo na ba ang kanina ko pa nakita?” sagot ni Pixel. Nagtataka.


“Oo. Maliwanag na maliwanag.” sabi ko. Gumagaralgal ang boses. Naluluha.


“Oh? Bakit ka naluluha? Kala ko ba okay lang?” tanong ni Pixel.


“Hindi ko alam. Hindi ko alam best.”sagot ko.


“Nasasaktan ka?”


“Ewan.”


“Pati ba naman si Carlos nakabuntis din at may pamilya na?” takang tanong ni Pixel.


“Hindi ko alam best. Hindi ko alam naguguluhan ako.”


At pumatak ang mainit at maalat na butil ng luha sa aking kaliwang mata. Hirap ako huminga.
Pakiramdam ko masakit ang bawat paglabas masok ng gases sa aking sistema. Bumabagal at nagiging mas kumplikado bawat hinga. Hindi ko na alam.


“Oh? Bakit ka natulala dyan? Ano? Hindi ba man lang natin wawarlahin? Hindi ka man lang ba magtatanong kung “Da Who?” si Gurlash at anakchiwa ba nya si Babybells?” tanong ni Pixel.


“Wala na kong idea best. Ayoko na. Let's go home. I've had enough. Nasaktan ako. May pamilya na din si Carlos. Ayoko na.” sabi ko. Umiiyak.


“No!”sigaw nito. “Hindi tayo uuwi! Hindi tayo aalis ng Megamall hanggang di ko nakakalbo ang lalaking iyan.” sabat ni Pixel.


“Best. Hayaan na natin. Naging mabuti si Carlos sa akin. Kaya hayaan na natin.” sabi ko. Umiiyak.


“Gago ka ba? Kaya ka naiiputan sa ulo eh. Hindi ka marunong lumaban pag pagmamahal na ang usapan. Tignan mo,kay Daniel,hinayaan mong iwanan ka. Malamang kung drinamahan mo yun,nagstay sana. Hahayaan mo bang mangyari ulit? This time kay Carlos naman? Kung kailan nakakakuha ka ng bangus papakawalan mo pa? Ano gusto mo? Galunggong? Puki ka.” iritang sermon nito.


“Isipin mo nalang yung bata. Paano na yung bata ha?” tanong ko.


Natahimik si Pixel. Malamang narealize nya ang punto ko. Kahit kailan man ay di ko pinangarap na makasira ng pamilya. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng ama dahil naghiwalay noon si mama at papa. Yun nga lang ay nagkabalikan sila. Pero alam ko pa din na hindi ganun kadali na walang ama ang isang bata. Kailangan nito ng ama na gagabay sa paglaki nya. Isa pang malalim na buntong-hininga.


“Best. Naiintindihan kita. Pero paano natin malalaman kung hindi mo sya ikoconfront?”tanong nya.


“Ewan ko. Wala na ako sa wisyo. Wala na kong bait.” sagot ko.


Patuloy kami sa pagsunod sa kanila. Sa buong pagsunod namin sa kanila ay bihira o hindi ko man lang nasipat ang mukha ng babae. Pero sa tayo nito ay mukhang maganda. Maputi din ito at makinis. Yun marahil ang dahilan kung bakit sya nagustuhan ni Carlos. Kung sakaling sya nga ang GF o Asawa nya.


Napagod kami sa kakasunod. Nakita ko nalang na pumasok sila sa isang fine-dining restaurant kung saan sila kakain. Mababakas mo sa mukha nila na masaya sila at sabik silang makita ang isa't isa.
Mula sa pagkakatayo ay natanaw ko ang babae. Kita ko na ang kanyang mukha. Maamo pa rin ito. Para pa ding anghel. At hawig pa din nya si Carla Abellana. Muling bumalik sa akin ang mga gunita ng nakaraan. Naalala ko ang aming naunang engkwentro.


“May inaantay ka?”

“May inaabangan lang.”

“Wag ka na maging sad po. Magiging okay din yan problema mo. Btw,ako si Ivy.”

“Ahh nice name. I'm FR.”


Muli,inusok ang utak ko. Nakaramdam ako ng matinding galit. Nakaramdam ng matinding panginginig sa aking kalamnan. Galit ako.Galit na galit.Tama. Si Ivy nga ang nakita ko. Pero bakit?
Di ko maipaliwanag. Bakit kasama nya si Carlos? Anong koneksyon nya kay Carlos? At bakit kilala nya si Carlos? Teka. Hindi na maproseso ng utak ko lahat. Hindi ako makahinga.


“Best. May ichura yung babae.” sabi ni Pixel.


“Hayop.”


“Ako?”Sabat nito.


“Hayop sila.” sabi ko. Gigil na gigil.


“Bakit best? Ano ba? Kilala mo ba ung babae?”


“Si Ivy.” gigil kong sagot.


“Ivy who?”


“Si Ivy. Siya yung nabuntis ni Daniel dati. Sya yung babaeng umahas kay Daniel. Ngayon naman pati si Carlos.”


At muling pumatak ang aking luhang puno ng pait at galit. Di ko na din alam ang gagawin ko.
Nakita ako ni Pixel na galit na galit. Sobrang galit. Ang bilis na ng aking paghinga. Naramdaman
ko nalang na biglang lumakad ang aking mga paa papasok ng restaurant. Kaba at takot at galit ang nararamdaman ko nung mga oras na yun. Hindi ko alam. Naghalo halo na lahat ng emosyon na pwede kong maramdaman. Ang alam ko,kailangan kong malaman lahat. Lahat-lahat. Mananagot si Ivy. Hindi ko sya mapapatawad.


Nakapasok na ako ng restaurant at handa na akong sumugod sa kanila. Nasa likod ko si Pixel at halatang back up ko talaga. Mabilis akong nakalapit sa kanila. Ngayon ay nasa harap na nila ako at laking gulat ni Carlos ng makita ako sa harapan nilang umiiyak na parang basahan. Nagkatinginan kami ni Ivy at puminta sa kanyang mukha ang malaking pagtataka at pagkabigla. Hindi ako mapakali. Mabigat ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ingudngod si Ivy sa mesa ng table pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin.


Lumingon ako kay Carlos na humahangos. Lumuluhang parang batang inagawan ng ice cream. Gusto kong sabihin na iwanan na nya si Ivy. Gusto kong bawiin sya. Gusto kong ako lang ang nasa puso nya. Ako lang. Hindi si Ivy. Hindi sa kung kanino man.


“Carlos,can we talk?” sagot ko. Nanginginig.


“FR. Ahh. Sure.” Nangangatal na sagot nito.


“Ivy. Can you excuse us for a while?” sarkastiko kong tanong. Naiiyak.


“Huh? Sure Fr. Sure.” mahinang sagot nito. Nagtataka.


Patayo na sana si Carlos mula sa kanyang kinauupuan nya ng biglang..


“Uy,late na ba ko?” masiglang bati ng lalaking nagsalita.


Inangat ko ang aking ulo. Tinignan kung sino ang nagsalita. Tumama ang aking mata at lubos akong nanghilakbot sa nakita. Si Daniel. Shit! Ano to? Reunion? Si Carlos,Si Ivy,Si Daniel,Si Pixel at ako.
Isama mo pa ang anak ni Daniel at Ivy. Putang ina talaga. Sabi nga nila lightning strikes,pero di ko alam na sobrang hagupit pala ang itatama nito.


Mula sa scenariong ito. Napagtagpi tagpi ko na ang mga nangyari. Iniwan ako ni Daniel. Dumating Si Carlos. Umeksena si Ivy. Buntis at lumipad papunta ng Amerika kasama si Daniel. Bumalik sila at nakita kong magkakasama. Isa itong Malaking SET UP! Di ko maiwasan di maawa sa sarili ko.
Sa loob pala ng tatlong taon ay naging magaling na aktor si Carlos. Nandito silang lahat para guluhin ako. Para pahirapan ako. Mga hayop sila.


Tumingin ako sa kanilang lahat. Nararamdaman ko ang tensyon dahil sa pagtitig ng mga tao sa amin na tila drama sa TV. Naramdaman kong pumatak ang aking luha. Talunan. Nasetup. Ginago. Lumapit si Pixel to the rescue.


“Best,tara na uwi na tayo.” sagot nito. Pinapakalma ako.


Hindi ko sya pinansin.


“Mga hayop kayo. Ano bang ginawa ko sa inyo? Bakit nyo ko ginago? Bakit nyo ko ginago?
Daniel! I loved you! Anong ginawa kong mali! Faithful ako! Wala akong iba! Iniwan mo ko!
Pinagpalit mo ko kay Ivy. Ngayon isesetup nyo ko sa palabas nyo?Papaibigin ako ni Carlos tapos iiwan din? Hayop! Mga wala kayong puso! Hayop kayo! Mamatay kayo!” sigaw ko.


Nakatutok sa amin ang mga mata ng mga tao. Gumawa kami ng eksena. Agad akong lumabas. Tumatakbo. Luhaan. Hindi na ko nagsawa sa kakaiyak.


Isa itong malaking set-up.


FUCK.


ITUTULOY...


[11]
Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman nung mga sandaling iyon. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Tila ba hinampas ako ng malaking kahoy sa dibdib para mamanhid ito at magdugo ang aking puso.Naramdaman ko ang malaking dagok sa aking damdamin. Ginago ako ng lalaking minahal ko at ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng husto. Ano pa ba dapat mong maramdaman? Ano ba ang dapat kong maramdaman?

Dali-dali akong tumakbo papalabas ng restaurant. Naramdaman ko ang walang habas na pagtulo ng aking mga luha habang mabilis na umaandar ang aking mga paa. Naramdaman kong nakasunod sa akin ang aking matalik na kaibigan. Mistulang mga kabayo sa pagtakbo. Mistulang mga dagang umiiwas sa bawat taong nakikita. Ilang Segundo pa naramdaman ko muli ang hangin na nagmumula sa labas ng Megamall. Nasasagap na rin ng aking mga tainga ang ingay na dala ng mga bumubusinang bus at sasakyan sa Edsa.

“Best. Hiningal ako kakahabol sa iyo. In all fairness ha? May pagkakabayo ka talaga te.” Sabi nito

“Best,let’s go home.” Sagot kong umiiyak.

“I understand. Ang bigat ng araw na ito best.” Sagot nito.

Papunta na kami sa may overpass papunta sa sakayan ng bus na pasouthbound ng…

“FR! Sandali!”

Dali-dali kaming napalingon ni Pixel sa pamilyar na boses na iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. I felt anger. He betrayed me. I am wanting him already just to find out na they are just tripping on me. Ano bang mali kong ginawa sa kanila? Ano ba?

“Carlos. Enough. Please. I think I’ve seen everything. And you don’t know how you’ve hurt me.” Sagot ko umiiyak.


“No. FR. Believe me,wala kang alam sa nangyayari. Even me,I don’t know that you’re related to Ivy and Daniel. Please. Let me explain.”

“Carlos,you know what? I trust you. I trusted you. Akala ko you’re real. I thought lahat ng affection na pinakita mo sa akin eh totoo. Pero hindi pala. Carlos you’ve been a good person sa akin. I felt your sincerity. Ang galing mong umarte. Alam mo yun? You made me believe na mahal mo ko and all that. Carlos ang sakit. Sinet up nyo ko.” Mahaba kong turan. Umiiyak.

“Even me FR. Sa maniwala ka at sa hindi. Hindi ko alam na magkakilala kayo. Hindi ko alam. I don’t know kung sino si Daniel at si Ivy sa buhay mo. Pero kaibigan ko sila.” Sabi nito. Naiiyak.

“Too bad Carlos. I don’t believe you.” Sabi ko. Blanko.

“You’re unfair FR.” Sagot nito. Umiiyak.

“Ako pa naging unfair Carlos? Kailan pa naging di patas ang nadehado? Wala kayong kwentang lahat. Di ko alam lahat ng motibo nyo for putting me on a set up. How dare you!”

Napasigaw ako. Kasabay ng pagbato ng maanghang na salita na yon ay ang pagpatak ng aking mga luha. Lumipat si Pixel to the rescue. Tumitig ito kay Carlos at nagbuntong-hininga. Pinatong nito ang kanyang kamay sa aking balikat tanda ng pagpapaalalang nandyan lang sya. Nakaramdam ako ng kasiguraduhan na kahit papaano ay may matitira pa sa akin. Andyan sya. At di ako iiwan ng aking matalik na kaibigan.

“Carlos. I don’t want to be mean. But bumalik ka na sa kanila don. I think wala na din talagang pagasang makinig si FR sa mga paliwanag nyo. Kung ano man yung mga yun.”sabi ni Pixel. Hindi maipaliwanag ang kanyang tono.

Hindi nya pinansin si Pixel. Bumaling sya sa akin at nagsalita.

“FR. Kahit ba katiting minahal mo ko? Or kahit ba man lang katiting ginusto mo kong mahalin?” tanong ni Carlos. Desperado at umiiyak na parang batang inagawan ng kalaro ang tono.

Nagulat ako sa narinig. Nakaramdam ako ng awa sa side nya. Sa nagdaang tatlong taon naramdaman ko lahat ng kabutihan nya. Ramdam ko naman lahat eh. Dahil lang sa nangyari ay di ko na alam kung totoo ba lahat ng ginawa nya o arte lang. Hindi ko na maintindihan. Sino ba talaga ang mga kakampi ko? Sino ba ang gugulo sa akin? Sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan?

“Carlos,to be honest,malapit na sana.” Mahina at umiiyak kong tugon.

“Then why can’t you give me another chance? Bakit ni hindi mo man lang ako hayaang magpaliwanag?”sagot nitong nagmamakaawa.

“Sorry. I don’t give second chances. Pinaglaruan nyo lang ako. Pinaglaruan. Ginago. Sinira. Magsama sama kayo.” Sagot ko.

“How can you be sure kung pati nga ako kasama sa panloloko na sinasabi mo? Anong mapapala ko kung lolokohin din kita FR? Magkakapera ba ko? Hindi. Will I get a new house for doing so? Hindi din FR! So hindi talaga kita maintindihan. Hindi ko maintindihan kung anong connection niyo nila Daniel at Ivy. Bakit kilala mo ang magkapatid na yun?” Taka at naiiyak na sagot ni Carlos.

“Magkapatid?” sabat ni Pixel.

“What do you mean na magkapatid?”nanginginig kong tanong kay Carlos.

“Ha? Ano ba sa akala nyo?” nagtatakang tanong ni Carlos.

“Hindi ba asawa ni Daniel si Ivy?” nanginginig at naiiyak kong tanong.

“Ha? Hindi. Magkapatid sila. Teka bakit ba? Ano mo ba si Ivy? Ano mo ba si Daniel? Nalilito na ako.” Sabi ni Carlos.

“Daniel is FR’s ex boyfriend.” Nagtatakang sabat ni Pixel.

Napahinto ako.Nagulat din si Carlos. Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Carlos. Palabas lang ba to? Or totoo na ? Hindi ko alam. Nanginginig ako sa mga naririnig ko. Kapatid ni Daniel si Ivy? Teka paano?Kilala ko ang mga kapatid ni Daniel,si Max at Jared. Wala silang kapatid na babae. Pero sino ba si Ivy? Hindi ko maintindihan. Litong lito ako.

“Ex mo si Daniel FR?” tanong ni Carlos.

“Oo Carlos. Siya yung umiwan sa akin 3 years ago. Do you remember nung nagkasabay tayo sa eroplano?”sagot nito.

“3 years ago?”tanong nito.

“Oo. 3 years ago.”

“Panong naging kapatid ni Ivy si Daniel? Hindi nya kapatid si Ivy. Sinetup nyo ko.” Dagdag ko.

“Best! Makinig ka nga muna kung pwede!” Sabi ni Pixel sabay batok sa akin.

Natauhan ako sa batok ni Pixel. Bakit ba ayaw kong makinig? Hindi ko alam. Siguro nasaktan na ako ng husto kaya hindi ko na magawang makinig. Human nature na natin na wag makinig once na masaktan tayo ng husto. At tingin ko na ganoon nga ang nangyari sa akin. Naramdaman kong tumulo ang aking luha. Sa kaliwang mata ito na nagmula na nagpapakita ng sakit. Susubukan kong makinig kahit ngayon man lang.

“Kilala ko lahat ng kapatid ni Daniel. Si Max at Jared lang yun. Hindi ko alam na may kapatid si Daniel na babae. Hindi nya kapatid si Ivy. Carlos sabihin mo na ang totoo. Alam kong sinesetup nyo ko. Ayoko na.”

“Hindi mo talaga ako kilala at hindi ako nababanggit ng Kuya Daniel dahil anak ako sa labas.” Sagot na nagmula sa isang pamilyar na boses.

Agad naming tinumbok kung saan nagmula ang boses. Tumingin kami sa kanan at nasilayan si Ivy karga karga ang bata. Ganun pa din ang physical features ni Ivy. Mas gumanda lang sya at medyo tumaba ang pisngi. Ngumiti ito sa akin at ganoon din kay Pixel. Tanda na din ng paggalang at pagbati. Sa hindi maipaliwanag na dahilan,nakita kong ngumiti si Pixel.

“Anong ibig mong sabihin Ivy?” nagtataka kong tanong.

“Hindi ako asawa ni Daniel. In fact FR,nakakatandang kapatid ko si Kuya Daniel. Anak ako sa labas,nung nalaman kong buntis ako,hinanap ko ang tatay ko na nakarelasyon ng nanay ko dati. Natagpuan ko ang tatay nga namin ni Kuya Daniel. Para makaiwas sila sa issue ay pinadala ako sa Amerika. Sinama si Kuya Daniel para alalayan ako dun. Naging napakabait sa akin ng Kuya. At walang oras na hindi ka nya naikwekwento sa akin FR. Alam ko kung gaano ka nya kamahal. His love for you has added up to this. Kahit na napollute ang utak mo dahil sa mga kasalanan na nagawa nya at sa mga nangyari. He wants you still. Believe it or not,his love for you has always been “unbroken”.” Mahabang sabi ni Ivy.

Nakaramdam ako ng panghihilakbot. Hindi ako makapagsalita. Sa loob ng mahabang panahon ay naniwala ako na asawa sya ni Daniel at iniwan ako ni Daniel para sa kanya. Nakaramdam ako ng sobrang panlulumo sa sarili ko. Kaagad na bumagsak ang luhang kanina pa nangingilid. Wala na kong pakialam,kahit na nasa gitna kami ng daanan at may mga taong nakakita sa confrontation na ito. Ang mahalaga ay marinig ko dapat lahat ng dapat kong marinig.

Hindi pa rin ako makaimik. Ngayon lang nagsink in sa akin lahat. Hindi ko alam kung anong dapat kong itanong. Nangangapa ako. I remained speehcless. Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko pa kay Ivy. Tumingin ako kay Pixel na halatang nagiisip sa nangyayari. Napakamot ito sa ulo at nagsalita.

“Ivy,gurl,ask ko lang bakit kailangang kasama pa si Daniel sa States? Di mo ba keribels na gumora dun magisa?” tanong ni Pixel.

Ngumiti ito kay Pixel. Malungkot ang ngiti nito. Nakita ko muli ang magandang ngipin nito.

“Hindi ko kasi alam dun to be honest. Unang beses ko makasakay ng eroplano non. Ang sabi sa akin ni Kuya Daniel ay kailangan din daw nyang pumunta sa States para ayusin ang mga bagay bagay. “ Nagpakawala ito ng isang ngiting malungkot.

“Bakit hindi nya sinabi sa akin Ivy? Maiintindihan ko naman at sana nagantay nalang ako.Hindi yung sasabihin nya sa akin na makikipaghiwalay sya dahil may nakita na syang iba. Hindi tama yon Ivy. Ang sabi nya sa akin may iba na sya. Tapos kinabukasan nakita ko kayo sa Airport magkasama. Ano ang iisipin ko nun? Buntis ka at nagiging cold sya sa akin months before kami naghiwalay. Naguguluhan na ako.”sagot kong humihikbi

“Kung alam mo lang FR kung gaano ka kamahal ni Kuya Daniel.Lilinawin ko sayo na walang iba si Kuya Daniel. Ginawa lang nya yun para magkaroon sya ng paraan para kumalas sayo,hindi dahil sa gusto nya. Kundi dahil sobrang kailangan. Nung panahon na nakita mo kami,sasabihin na sana nya na kapatid nya lang ako. Pero hindi ka nakinig FR. Sinampal mo si Kuya at lumakad ka na papalayo. Sinubukan ka nyang habulin pero tinawag na ang flight namin kaya napwersa syang bumalik din agad.” Sagot ni Ivy. Malungkot.

Nakaramdam ako ng sampal ng pagkaguilty sa aking pagkatao. Paano kung nakinig ako? Paano kung nalaman ko na agad lahat? Na magkapatid sila at wala talaga syang iba? Ano na kaya kami ngayon? Siguro ay kami pa nga rin. Mahal na mahal pa rin namin ang isa’t isa. Muli,pumatak ang aking luha. Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng daanan papunta sa overpass. Tahimik si Carlos,ganun na din si Pixel. Si Ivy ay tila isang artistang nagaantay ng tanong sa isang Ambush interview.

“Why does he have to leave me Ivy? Sabihin mo kung bakit?” Tanong kong umiiyak.

Nanahimik si Ivy. Ayaw magsalita. Tila ba napipi sa tanong.

“Ivy,bakit 3 taon pa? Bakit after 3 years nyo pa naisipan bumalik? Ano ba ang inayos ni Daniel sa states?” biglang sabat ni Pixel.

Biglang nagkatinginan sila Carlos at Ivy. Nakita ko ang reaction sa mukha ni Carlos na parang kinakabahan sa maaring sabihin ni Ivy. Bumalik ang spotlight kay Ivy at nakita ko ang pagbuntong-hininga nito. Kasabay nito ay ang pagpahid ng luha mula sa kaliwang mata. Nakaramdam ako ng kakaiba.

“Kuya Daniel is sick.” Malungkot na sabi nito.

“What do you mean sick?” nangangatal kong tanong.

“Kuya Daniel is sick FR.” At bigla na itong humagulgol.

Nagitla ako sa narinig. Ngayon ay parang nagiging malinaw na lahat. Mukhang napagtatagpi na ng aking inamag na utak. Alam ni Carlos lahat ng nangyayari. Impossibleng wala syang alam. Impossibleng wala.

“Carlos,you’re an oncologist,right?” tanong kong lumuluha.

“Oo Fr.” Sagot nito.

“Remember what happened sa Airplane,nabanggit mo na may pasyente kang magaling pumili ng pabango?”

“Oo FR.” Nanginginig nitong sagot.

“Natatandaan mo ba nung panahong nagpahatid ako sa Airport? Yung kaming dalawa ni Pixel? Diba sabi mo kakagaling mo lang sa Airport at may hinatid ka na kaibigan?” tanong ko.

“Oo FR.”

“Ngayon Carlos,sabihin mo sa akin.”Sabi ko na nanginginig at umiiyak.

“Sabihin mo sa akin Carlos,kung yung pasyenteng mahilig magbigay sa iyo ng pabango at yung kaibigan mong hinatid sa airport ay iisa?” tanong ko.

“Oo FR.”

At tumulo ulit ang aking luha.

“Huling tanong,ang pasyente at kaibigan ba na yun na sinasabi mo ay si Daniel?” Nangangatal kong tanong.

Tahimik.

“Sumagot ka Carlos.”

Blanko.

“Carlos please. Sumagot ka.”

Nagpakawala si Carlos ng isang buntong hininga at nagwika.

“Oo FR.”

Naramdaman ko ang pagsapo ng aking kamay sa aking matang lumuluha. Napaluhod ako ng di inaasahan sa kalsada. Napahagulgol ng wala sa oras. Linapitan ako ni Pixel at ni Ivy. Inalo na parang batang napalo ng walis tingting. Itinayo ako at inalalayang lumakad. Lumakad na humahagulgol.Ilang Segundo pa ay nasa loob na kami ng kotse. Nasa driver’s seat si Carlos. Nasa harap si Ivy at ang bata. Kaming dalawa ni Pixel ang nasa likod. Nakasubsob ako sa kanlungan ng aking pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa umaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung sino ang hinihintay.

“Carlos,bakit di mo sinabi sa akin?” sabi ko habang umiiyak

“Hindi ko alam FR. Hindi ko alam na may connection kayo ni Daniel. Wala akong Idea.” Malungkot na sabi nito.

“May pagasa pa ba Carlos?” Sabat ni Pixel.

“Hindi ko alam Pixel. Kumalat na ang cancer cells sa loob ng katawan ni Daniel. Sa last exam na ginawa ko ay wala na talagang pagasa.”sagot ko.

“Kung chemotherapy? Wala na ba talaga?” sagot ni Pixel.

“Wala na din talaga Pixel. Kaya kung mapapansin mo ay nagpakalbo si Kuya Daniel. Hindi na ata kakayanin ng katawan nya kung magpapachemo sya.”umiiyak na sabi ni Ivy.

“Gaano katagal pa sya mabubuhay?” naiiyak na sagot ni Pixel.

“Hindi ko masasabi,pero matagal na ang dalawang buwan.”

Nagkatinginan kami ni Pixel. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang mga kamay. Hindi ko na kinakaya ang lahat ng naririnig ko. Para bang gusto ko nalang mawala sa kotse bigla. Wala na naman tigil ang aking mga mata sa pagluha.

“Carlos! Gawin mo trabaho mo,pagalingin mo si Daniel. Gawin mo naman ang trabaho mo oh. Parang awa mo na. Doktor ka ba talaga? Wala kang kwenta!”sigaw ko kay Carlos.

Bumaling sa akin ng tingin si Carlos. Tumitig ito na puno ng kalungkutan at nagwika.

“Sana lahat ng pasyente ko napapagaling ko. Kasi fulfillment ko yon as a doctor. Pero hindi lahat FR eh. Sana nga kaya kong makagawa ng himala para gumaling si Daniel para magkasama kayo. Kahit na mawala ako sa eksena basta makita kitang masaya okay na ako dun,ganun kita kamahal. Pero yun nga FR eh,wala akong magawa para gumaling si Daniel. Doktor lang ako,hindi ako Diyos FR. Hindi ako Diyos.”

At nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga nito. Tama,hindi sya Diyos. Hindi kalian man magiging Diyos ang isang Doktor. Ilang Segundo pa ay napuno na nga katahimikang ang loob ng kotse. May mga limang minuto na kaming nakapark pero hindi pa din kami umaalis. Patuloy pa rin ang aking pagluha. Hindi na ata mauubos ang luhang sinusupply ng mata ko.

Ilang Segundo makalipas ay bumakas ang pinto sa gilid ko. Napatingin ako sa sasakay. May bitbit itong cake at grocery. Ganoon pa din ang mukha nya. Parang walang iniindang sakit. Medyo pumayat lang pero aminado akong guwapo pa rin. Umalis sya sa may harap ko at ibinukas ang compartment ng sasakyan para doon ilagay ang mga napamili. Muli syang bumalik sa tabi ko at umupo sa tabi ko.

Tahimik kaming lahat. Halatang nagaantay ng magsasalita. Ultimong si Pixel ay malamang nabigla sa lahat ng nangyari. Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking luha. Naramdaman ko ang kanyang kamay ni Daniel sa aking hita. Ganun pa din ang init nito. Walang pinagbago,humarap ako sa kanya at naramdaman ko ang pagpahid nya sa aking luha. Pagkatapos nito ay ang muling paghinang ng aming katawan. Niyakap ako ni Daniel,sobrang higpit. Nilapit nito ang kanyang bibig sa aking tenga at nagwikang…

“I never stopped loving you FR. Mahal na mahal pa rin kita. It’s Unbroken.”

ITUTULOY…


[Finale]
Ramdam ko ang init ng katawan ni Daniel. Nalalasap ng aking balat ng init ng kanyang paghinga. Sa pagkakalapat ng aming mga katawan ay ramdam ko ang pagpintig ng kanyang puso. Hindi pa rin umaalis ang kotse. Tahimik lahat ng tao rito. Walang gustong bumitaw sa aming dalawa. Nararamdaman ko ang pagdiin ng yakap ng aking lalaking pinakamamahal. Piniga ko pa ang aming mga katawan. Lalong diniinan ang pagkakadikit nito. Ayoko ng maalis ang init ng kanyang katawan sa akin.

Dahan dahang naramdaman ko ang pagdausdos ng kanyang katawan. Bumitaw sya mula sa aming pagkakayakap at tumitig sa akin. Nangungusap ang mga mata nito. Natutunaw ako sa titig ng kanyang mapanuksong mga mata. Inilapat nya ang kanyang noo sa akin,nagtatama ang aming mga ilong. Tila ba nageespadahan ang mga ito. Mula sa ganoong posisyon ay nasilayan ko muli ang pagguhit ng pakurbang linya sa kanyang mga labi. Namalas ko ulit ang ngiti sa kanyang mga labi. Wala pa ding nagbago,ramdam ko pa din na malakas si Daniel. Wala pa ding nagbago,alam kong kaya ni Daniel to. Alam kong magtatagal pa kami,magkasabay kaming tatanda at sabay kaming mamamatay.

Mula sa ganoong posisyon ay dahan dahang dumampi ang kanyang malambot na labi sa akin. Nalasahan ko muli ang tamis nun. Di ko maipaliwanag,automatic na lumaban ang aking mga labi. Ramdam ko ang pagmamahal. Ramdam ko ang sinseridad. Ramdam ko na parang walang nangyari,na hindi sya umalis at hindi nya ko iniwan. Halik palang niya ay parang nakabawi na sa lahat ng sakit na naidulot nya sa akin. Nasa ganoon kaming tagpo ng magsalita si Pixel.

“Te? Di na ba kayo makapagantay? Kailangan ngayon na mismo yung laplapan? Kaloka. May bata te oh? Parental Guidance te. Kaloka to.” Pabirong sabi nito.

Nangiti kami ni Daniel at sumulyap sa kanyang pamangkin na kanina pa nakatitig sa aming dalawa. Ngumiti agad ito ng makitang nakangisi ang kanyang tiyuhin. Maghawig nga silang magtiyuhin. Tumingin sa akin ang bata at ngumisi. Pagkatapos ay muli itong tumitig kay Daniel at nagsalita.

“Tito,lalab po?” utal nitong sabi habang nakaturo sa akin.

Natawa kaming lahat sa sinabi ng bata. Umakbay sa akin si Daniel at saka muling bumaling sa kanyang pamangkin.

“Opo. Lalab tito.” Sabi nito at nginuso ako.

Tawanan muli sa kotse.

“Babae sya tito?”Utal nitong tanong.

Sa pagkakarinig nito ay lahat ay humagalpak sa tawa. Ang kaninang mabigat na aura sa loob ng kotse ay nawala ng paunti unti. Umandar na ang kotse at nagdrive na si Carlos. Patuloy ang pagsariwa sa mga nagdaan. Napagtanto ko na mabuting tao pala si Ivy. Career woman kung diskarte ang basehan. Palaban din ang kanyang mga prinsipyo sa buhay. Nakaramdam ako ng pagkaguilty sa pagiisip sa kanila ng masama. Napatunayan ko na malaking bagay ang pakikinig kahit saang sitwasyon,lalong lalo na sa isang relasyon.

Ilang minuto pa ay naihatid na namin sila Daniel at Ivy sa kanilang tinutuluyang condo unit. Bago bumaba ay sinabihan ako ni Daniel na susunduin nya ako kinabukasan at kami’y mamasyal. Parang batang napangakuan ng pasalubong,nakaramdam ako ng excitement at sobrang ligaya. Ganoon pa rin kaya si Daniel? Sobrang discreet pa rin kaya sya? Hindi pa rin kaya pwedeng lambingin in public? Bahala na siguro. Magaantay nalang ako ng bukas.

After Ivy and Daniel’s pad,next stuff:Pixel’s house. Napagod daw kasi ang lola nyo sa kakalakad sa mall kaya kailangan na daw nyang magpahinga. Nang Makita ang bahay ay agad na hinakot ang mga napamili nya. Ilang Segundo pa ay bumeso sa akin maging kay Carlos. Humiling pa na isama ko sya sa date naming bukas ni Daniel para daw makalibre sya ng pagkain. Natawa nalang ako sa inasal ng aking matalik na kaibigan. Bumukas ang pinto ng kotse,lumabas si Pixel at naisipan kong lumipat sa may driver’s seat,ang upuang malapit sa kinalalagyan ng lalaking nagmahal sa akin unconditionally,sa tabi ni Carlos. Sumara ang pinto,kumalabog,then there’s an awkward silence.

Umandar ang kotse. Walang imikan. Waring walang gustong magbukas ng bibig. Parang lahat ng gustong sabihin ay nailabas na sa kaninang komprontasyon. Ipinikit ko ang aking mga mata,hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala din naman atang balak magsalita si Carlos. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko ngayon,siguro nalulungkot ako na Masaya. Sobrang saya dahil alam ko sa puso ko na napatawad ko na si Daniel at naintindihan ko na lahat ng nangyari. Sobrang lungkot dahil alam kong matatapos na din lahat,hindi na kami makakapagsama ng matagal,alam kong mawawala na din si Daniel. Isang bagay pa na nagpapalungkot sa akin ng husto ay alam kong nasaktan ko ng husto si Carlos. Kahit hindi sya nagsasalita ay alam kong nasaktan ko sya ng sobra. Hindi ko alam,naging biktima kaming lahat ng panahon. Ako,si Daniel,si Carlos. Kung nagsalita si Daniel noon pa ay di na malamang umabot sa ganito lahat. Napigil ko sana ang galit sa puso ko. Kung nabigyan ako ng pagkakataong malaman na si Daniel pala ang pasyente na yun ni Carlos ay malamang mas matagal pa kaming nagkasama. Kung hindi nabalot ng takot si Daniel sa bagay na to ay kasama ko sya sa lahat ng hirap nya,hindi na din sana napasok sa eksena si Carlos,hindi ko na sana sya nasaktan ng husto. Napabuntong-hininga na naman ako kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa aking kaliwang mata.

“Ayan ka na naman FR,di ba sabi ko sayo wag ka nang nagbubuntong-hininga?”sabi nitong pinipilit na maglambing kahit bakas naman sa tono ang matinding kalungkutan.

“Carlos,I can’t help it. Naging napakabuting tao mo sa akin. You don’t deserve to be hurt. Alam kong nasasaktan ka ngayon,pero gusto kong sundin ang puso ko this time.”Humihikbi kong sabi.

Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin kay Carlos. Nakita kong pinipilit nitong ngumiti kahit na may luha na sa mga mata nito. Inangat ko ang aking kamay at pinahid ang luha sa kanyang mga mata. Hininto nya ang kotse at agad na kinuha ang aking kamay at hinalikan ito. Naramdaman ko ang lungkot. Naramdaman ko ang matinding awa sa kanya. Mahal na mahal ako ni Carlos. Ngumiti ito sa akin at pinahid ang kanyang mga luha.

“Ano ba FR? Wala sa akin yun. Masaya ako sa lahat ng naibigay mong attention at saya. Siguro hindi pa natin talaga panahon to. Wala akong pinagsisihan sa lahat. Naging Masaya ako sa mga nakalipas na taon dahil na rin sa tulong mo. Naranasan ko maging Masaya. Napatunayan ko sa sarili ko na marunong pa rin pala akong magmahal. Kaya ayos lang sa akin lahat. Wag kang magalala. Magiging okay ako.” Mahaba at umiiyak na sabi nito.

Tuluyang bumigay ang aking mga mata. Muling bumuhos ang sandamakmak na luha. Siguro kung pwede lang maging hobby ang crying,sinulat ko na yun sa slumbook. Hindi ko alam kung anong dapat ko pang maramdaman. Naguguilty ako sa nangyari dahil nakapanakit ako ng tao,pero siguro hindi naman masama magpakaselfish minsan pag ganitong kaso na ang nangyayari. Kailangan kong makasama si Daniel kahit sa mga huling saglit man lang. Laking pasasalamat ko kay Carlos.

“Carlos maraming maraming salamat.”

“Wala yun FR. Hindi na mahalaga kung anong mangyayari sa akin. Ang mahalaga maging Masaya ka,kung sino man ang piliin mo,panindigan mo,at maging Masaya ka. Alam ko na mahal mo si Daniel. Pinapalaya na kita. Kahit hindi ka naging akin,I think I have the right to say this. “I’m letting you go now FR. I will be praying for your happiness. Tandaan mo na nandito lang ako.” Sabi nito.

“Salamat Carlos. Ang mahalaga ay makasama ko si Daniel.”

“Oo FR. Crucial na ngayon,siguraduhin mong malakas ka at hindi ka magpapakita ng kahinaan kay Daniel. Kailangan nya ng suporta at pangunawa. Tandaan mo,wag na wag kang panghihinaan ng loob,I’m really sure na sa’yo kakapit at hihingi ng lakas si Daniel. Tibayan mo sarili mo FR.”

“Kakayanin ko Carlos. Alam kong hindi ako papabayaan ng Diyos. Hinding hindi.

Muli,naramdaman ko ang yakap ni Carlos. Naramdaman ko ang pagpintig ng kanyang puso. Naramdaman ko ang laki ng kanyang mga bisig. Pareho na kaming lumuluha,ako na Masaya mula sa basbas ng isang lalaking nagpalaya sa akin,at siya na lumuluha dala ng isang malungkot na kaganapan. Siguro ganoon na nga ang buhay,lahat ng bagay ay sinasadya ng Diyos na mangyari para maging mas okay tayo. May nilaan syang iba para sayo. Na mas maraming magandang bagay ang mangyayari kapag natututo tayong makinig,umunawa,magpatawad at magparaya.

Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam kay Carlos. Malungkot ako na Masaya. Nararamdaman kong malapit na tong matapos.

Tulad ng napagusapan kahapon,sinundo ako ng maaga ni Daniel. Gumala kami at nagdate na parang magsyota. Walang pakialam sa mundo pero pinipilit pa ding lumugar. Kumain kami sa isang barbecue store dito sa may Ortigas at nagtake out ng Caramel Sundae. Wala ata kaming pagod sa kakalakad. Habang lumalakad ay kumakain kami ng biniling Hong Kong noodles at ng Caramel Sundae na tinake out sa McDo. Walang humpay ang aming kwentuhan at paggunita sa lahat ng pinagdaanan.

“FR. Mahal kita.”

“Daniel mahal kita.”

“Mas mahal kita.”

“Hindi mas mahal nga kita.”

“Okay. Talo na ko,mas mahal mo na ko.” Sabi nito.

“Oo naman. I wouldn’t be here if I don’t.” pabiro kong sabi.

“I wouldn’t return if I don’t din. Magpapaagnas nalang ako sa Amerika pag namatay ako.” Pabiro nitong sabi.

Nagitla ako sa narinig at nainis. Pag tipong yung sakit na nya napapadpad ang topic hindi ko maiwasang di malungkot kaya nagagalit ako sa tuwing pinapaalala nya.

“Gago. Mabubuhay ka pa ng matagal.” Sabi ko.

“Sana nga FR. Kung kailan may dahilan na ko ulit para mabuhay.” Sabi nito.

“Bakit Daniel? Gusto mo na ba mamatay?” naiinis at naiiyak kong sabi.

“Natatakot akong mamatay FR. Yun ang totoo. Hindi ko din alam kung saan ako mapupunta. Kung sa langit ba o kung saan man. Natatakot ako FR.”

“Kaya nga wag muna na isipin diba? Isa pa mabubuhay ka. Impossibleng hindi.” Naiiyak kong sabi.

“Malala na daw yung sakit ko sabi ni Carlos at ng iba pang kasamahan nyang doctor. Kumalat na daw yung cancer cells FR. Parang sa gamot,nagaantay nalang ako ng expiration date.” Sabi nito.

Sa pagkarinig ko noon ay biglang pumatak ang aking luha. Naiinis ako sa kanya. Pinipilit kong alisin sa isip ko na mawawala na sya. Pero sya naman ay laging sinisiksik sa kukote ko na malapit na maupos ang kandila ng buhay nya. Hindi ko sya maintindihan. Anong point nya para gawin laging ganito? Di ko maiwasang lumuha ng husto. Nakita nya akong umiiyak at sya ay napabuntong-hininga.

“FR. Ayokong Makita kang umiiyak. Please?” sabi nito.

“Gago ka pala hon eh,ayaw mo kong umiiyak pero wala kang ginawa kundi ipaalala sa akin na mamatay ka na? Isinisiksik ko sa utak ko na okay ang lahat. Na wala kang sakit at magiging okay ang lahat. Pero ikaw? Anong ginagawa mo? Pinapabigat mo lang ang nararamdaman ko.” Umiiyak kong sabi.

“Hon,kaya ako ganito kasi gusto kong maging handa ka. Para in case na may mangyari ngang di maganda sa akin eh kahit papaano ay ineexpect mo na. Hindi ka na masyadong masasaktan o magugulat. Alisin mo sa isip mo na mabubuhay pa ako,kasi alam kong hindi na. Bilang nalang ang mga araw o buwan na itatagal ko.”sabi nitong malungkot.

“Eh di sana hindi ka nalang din bumalik. Mas pinahihirapan mo ko sa ginagawa mo. Ayokong isipin na mawawala ka. Sana hindi ko nalang nalaman to,sana hindi ko nalaman na bilang na mga araw mo. Sana nilihim mo nalang lahat. Kasi pag mawala ka pa ngayon sa akin,hindi ko alam kung anong mangyayari na sa akin.”sabi kong basa ang mata ng luha.

“Bakit mo iisipin na mawawala ako? Pwedeng mawala nga ang presensya ko dito. Pwedeng hindi na kita makasama physically,pero sure ako na maiiwan ko yung pagmamahal ko sayo. Alam mo ba kung bakit lagi kong sinasabi sayo yan?”

Di ako umiimik.

“Hon,tinatanong kita. Alam mo ba kung bakit lagi kitang nireremind?”sabi nito.

Dedma.

“Alam mo ba kung bakit ko laging pinapaalala ko sa’yo na malapit na kong mawala?”Tanong nito na medyo napataas ang boses.

“Bakit?”mahina at umiiyak kong tugon.

“Para matanggap mo yung situation. Paano ako huhugot ng lakas sa iyo kung nanghihina ka din? Sa lagay natin ngayon eh mas malakas pa ako sa iyo emotionally eh. I know that I am dying FR,all we have to do is to accept it. Pag natanggap na natin pareho mas magiging masaya ang nalalabing mga araw ko.”sabi nito.

Nagulat ako sa narinig. Tama si Daniel. Gumagawa ako ng ilusyong alam kong makakasakit din sa akin in the end. Ngayong alam ko nang kumplikado na lahat ng bagay hindi ko pa din matanggap lahat. Yun ang dapat kong magawa ngayon. Dapat matanggap ko na kahit anong tambling ko ay malapit na ang wakas. At wala na din akong magagawa kung hindi tanggapin.

“Mahirap Daniel. Kung alam mo lang kung gaano kahirap tanggapin. Kung alam mo lang.”

“Kung nahihirapan ka paano pa ako? Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang desire ko mabuhay,lalo pa't okay na tayo ulit. Naiintindihan kita FR. Mahirap,pero I want you to be strong. Paano ako tatagal kong nanghihina din ang lalaking pinakamamahal ko na kinukunan ko ng lakas?” sabi nito.

“Oo hon. Naiintindihan ko na. Basta mahal na mahal kita.”

“Okay. From now on,hindi na natin paguusapan ang bagay na to. Kunwari wala lang,pero gusto kong unti-unti mong tanggapin lahat. Para kung sakaling may hindi magandang mangyari,handa ka. Okay ba yun FR?”mahinahong sabi ni Daniel.

“Opo hon.” Sabi ko.

Sa madaling sabi,natapos ang usapan. Habang lumilipas ang mga araw,kahit papaano ay unti unti kong natatanggap ang mga bagay bagay. Alam kong masakit pero nangyari to dahil may dahilan. Siguro dapat pa nga akong magpasalamat ng husto dahil pinahintulot pa ng Diyos na makasama ko sya kahit sa mga huling araw man lang. Isa pa ay dapat din akong makapagpasalamat dahil hindi sya nakakulong sa mga kwarto ng ospital tulad ng ibang pasyente. Sabi ni Carlos ay hindi na din daw dapat iconfine si Daniel dahil mas mabobore ito at baka lalo lang mapaaga and deadline.

Dec 24. 2PM.

Para akong batang naeexcite dahil sa paparating na pasko. Nakabili na ako ng regalo sa aking pamilya,kay Pixel,kay Carlos,kay Ivy at syempre pati na rin kay Daniel. Katatapos lang ng anniversary namin ni Daniel which is Dec.22,pinasya naming ituloy yung naputol naming pagsasama kaya 6th anniversary ang sinelebrate naming nung nakaraang araw.

Dahil bisperas na ng pasko,nangangamoy pagkain na naman sa bahay. As usual,dumaan si Pixel sa bahay para makikain at magbalot ng niluluto ni Mama. Garapalan.

“Mudra,like ko yung Carbonara mo. Matagal pa ba yan?” Tanong nito sa aking nanay.

“Hindi naman anak. Wala itong 48 years. Wait mo nalang.” Malambing na sabi ng aking nanay.

“Best,iwan na muna kita dito ha? Puntahan ko si Daniel sa pad nya.” Sabi ko.

“Why best? Eh di ba sabi ni Daniel pupunta sila nila Ivy dito? Tumulong ka nalang muna dito. Kahit ako nalang susundo don. Bet mo?” tanong nito.

“Ay oo nga pala. Okay lang ba na ikaw ang sumundo?” tanong ko.

“Oo naman best. Basta pagbalot mo ako nung Carbonara.”sabi nito.

“Oo na. Di naman mauubos yan no.”

“Pati yung adobo best,bet ko yun.”

“Oo nga eh. Ang kulit. Lahat ibabalot pati tutong ng kanin kasama.” Sabi ko.

“Sige na fly na ako bestfriend. Mudra gtg ha? Brb mudra! Lafangga natin yan.” Sigaw nito sa aking nanay.

“Oh sige anak ingat ka. TCCIC.” Pabiro nitong sabi.

Nakalabas na ng pinto si Pixel. Nagligpit ligpit ako ng mga gamit sa may sala ng biglang bumukas ang pinto.

“Oh best? May naiwan ka ba?”

“Oo best. Bigyan mo akong pangtaxi. Kahit 300 lang best. Wit ko bet maglakad.”sabi nito.

“Nagpepresenta ka eh wala ka naming pamasahe.”

“Ano ba yan? Nagmamagandang loob na nga ako di mo pa ko bibigyan ng pamasahe? Puki ka.”

“Okay fine. Eto oh.” Sabi ko sabay abot ng pera.

Lumipas ang ilang oras,nakakapagtaka at wala pa rin sila Pixel dito sa bahay. Hindi ko maiwasang hindi magalala. I kept calling Daniel’s number pero wala namang sumasagot. Pati si Pixel ay ganoon din,uso ba ang mga phone na “unattended” pag bisperas ng pasko?

“Ma? I think I have to go there po. Ang tagal nila eh,susundan ko na.” magiliw na sabi ko sa aking nanay.

“Okay. Gora nak. Ingat ha?”

“Opo nay.”

“Anak,tatagan mo,tandaan mo,sa’yo ngayon humuhugot si Daniel ng lakas.” Sabi nito sabay ngiti.

Lumabas agad ako baon ang mga salita ng aking Ina. Tama sya,alam kong kailangan nya ako. So this time I won’t let him down. Nagabang agad ako ng taxi na dadaan. Naramdaman kong nagvavibrate ang phone ko at agad kong kinuha ito. Nakita ko ang pangalan ni Ivy sa screen,nakaramdam ako ng kaba. Dali dali kong pinindot ang answer key.

“Hello Ivy?”

“Kuya FR,nasa ospital si Kuya Daniel. Punta ka na dun. Bilisan mo kuya.” Humahangos nitong sabi.

“Ha bakit? Ano bang nangyari?” natataranta kong tanong.

“Nakita daw ni Pixel si Kuya na nakahiga nalang sa sahig. Hawak daw yung bote ng gamot Kuya FR.”

“Ha? Paano nadala ni Pixel si Carlos dun?” naiiyak kong sagot.

“Kuya,amazona ata yung bestfriend mo,nabuhat daw nya si Kuya Daniel.”naiiyak nitong sabi.

FUCK. Eto na. Agad akong nakapara ng taxi at sumugod sa ospital. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Lord please,wag muna ngayon. Magpapasko po. At tumulo ang aking luha. For the first time in history ng EDSA,wala pang 30minutes ay nakarating ako sa Medical City sa Ortigas. Parang kabayong tumakbo at humahangos na pumasok sa room 428.

Agad akong pumasok sa kwarto at naabutan kong nakaupo si Pixel sa upuan malapit kay Daniel. Dali daling nilingon ako ng una at niyakap. Nasulyapan ko si Daniel sa kanyang higaan. Medyo may kaputlaan ang kulay. Nakaratay.Nakaramdam ako ng awa at panghihina. Ako’y napaluha. Agad itong napansin ng aking kaibigan.

“Oh bakit ka umiiyak? Wag na wag mong ipapakita kay Daniel na umiiyak ka. Anong iisipin nyan?”sabi nito.

“Oo best. Kaya ko to.” Pinilit kong ngumiti.

“Oo naman. Kaw pa,big girls don’t cry diba?” sabay bungisngis nito.

“I know right?”Pabiro kong sabi.

Agad naalimpungatan si Daniel sa usapan namin ni Pixel. Ngumiti ito at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Pumunta ako sa kinaroroonan at agad ko syang ginawaran ng halik sa kanyang labi. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Matamis ito. Mukha pa rin syang masaya kahit alam nyang nanghihina na sya. Kahit naaawa ako ay hindi ko ito pinakita. Pinipilit kong iproject na wala lang at normal ang lahat. Pakiramdam ko naman ay nagiging magaling na aktor na ako sa aking mga ginagawa.

“Oh? Hon,anong nangyari? Sabi ni Ivy sa akin ay nabuhat ka daw ni Pixel.”

“Oo nga. Ewan ko kung paano. Nawalan na din ako ng malay eh.” sagot nito.

“Pukibels best. Imagine nabuhat ko yang lalaking yan? In all fairness mabigat sya ha? Nabuhat ko sya sa labas,narealize ko na pwede pala akong tumawag ng tulong diba? So megashout ako sa labas ng Help! Help! Pero witet naman nakakarinig. So mega takbo naman ako sa elevator habang buhat ko sya. Ayun,successful ko namang naitakbo yang jowa mo sa lobby. Aba ang mga potang SG...

“Anong SG?”Sabat ni Daniel.

“Te? Update mo yang utak mo ha? SG! Security guard.”

“What's with the security guard? Kuwento mo na kasi.”demand ko.

“Paano ko kwento eh pinuputol nyo ko? Ayun nga. So buhat ko sya? Aba ang mga mokong,ang sweet daw namin,honeymoon daw ba? Naloka ako sa narinig ko. So mega shout ako sa kanila ng “Manong puki mo,tumawag ka ng ambulansya.” Ay ayun,dun nila narealize na emergency pala. Ayun.” mahabang turan nito.

“Amazona ka talagang babae ka. Lakas mo pang kumain,babae ka ba talaga?” pabirong sabi ni Daniel.

“Ayy te,subukan mo kaya? Me pepe ako no? Kapal mo.” pabirong sabi nito.

Napuno ng tawanan ang kwarto. Ilang minuto pa ay dumating na din sila Ivy. Carlos checked Daniel at umalis din agad para icheck ang iba nitong pasyente. Dahil sa lakas ni Daniel kay Carlos,pumayag na din agad ito na marelease ito dahil ayaw na din ni Daniel magpasko sa ospital.

10 PM.

Doon na sa bahay umuwi sila Daniel at Pixel. Ivy's going to spend her Christmas kasama ang tatay ng kanyang anak. Mukhang nagkaayos na ata sila. Carlos said na susunod sya sa bahay after matapos ng ginagawa nya. Puro kwentuhan sa loob ng bahay. Makikita mong masayang nagkekwentuhan sila Daniel,Pixel at si mama. Masayang masaya sila sa kanilang balitaktakan. Kakaiba ang ngiting pinapakita ni Daniel. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba sya ng Physical pain o hindi. Masaya syang nakikitawa sa bawat banat ni Pixel pero alam kong may mali. Pumunta sya sa kwarto kung saan ako naroon at tinawag ako sa labas.

“Hey hon,bakit kanina ka pa nakasilip sa bintana? Pinagmamasdan mo kami?”malambing na sabi ni Daniel.

“Oo. Wala ang cute nyo lang tignan nila mama. Nakakatuwa.” sabi ko.

Lumuhod si Daniel at hinawakan ang mga kamay ko. Hinalikan ako sa labi. Tumitig sa mga mata ko at ngumiti. Sobrang sarap ng pakiramdam ko,parang sanggol na pinaghehele. Mahal na mahal ko si Daniel.

“FR,hon,gusto kong magpasalamat sa lahat lahat.” sinserong sabi nito.

Nakaramdam ako ng panghihilakbot. Hindi ko alam kung bakit. Tumingin ako sa mga mata nito at hindi ko napigilang lumuha. Nasilayan ko ang mga mata nito na lumuluha. Pareho kaming umiiyak. Ako na dahil sa takot,sya na dahil sa kasiyahan.

“Hindi mo dapat ako pasalamatan. Ako dapat dahil binago mo ako.” sabi ko.

“Salamat sa pagmamahal FR. Sa lahat ng nangyari kahit na naging magulo lahat,di mo ko iniwan. Salamat sa unconditional love na binigay mo.”

“Wag mong isipin yon. Ganoon naman ata yun eh,basta mahal mo yung tao,willing kang magbigay.” sabi ko sa kanya sabay ngiti.

“Sa maraming taon ng pagsasama natin,ni minsan hindi ako nagsawang mahalin ka. Hindi ako nakalimot na mahal kita or what. I may be strict at discreet most of the time FR,pero tandaan mo na hindi nagfade kahit kailan ang nararamdaman ko sayo. Mahal kita mula sa dulong strand ng buhok mo hanggang sa dulong kuko sa paa mo. Mahal kita sunod sa Diyos. Mahal kita. Mahal na mahal.” mahabang sabi nito. Umiiyak.

Nakaramdam ako ng kakaiba. Sobrang saya dahil sa mga sinasabi nya. Takot na takot dahil pakiramdam ko ay nagpapaalam na sya. Itinayo ko sya at ginawaran ng isang masarap na halik. Pinahid ang luha sa kanyang mata gamit ang aking mga labi. Niyakap ko sya ng mahigpit. Ilang segundo pa ay para na kaming mga baliw na sumasayaw ng waltz kahit walang tugtog. Kumalas sya sa aming pagkakayakap at tumitig sya sa aking mga mata.

“Punta tayo sa Subic? I want to see the sunrise FR.” malambing nito sabi.

“Kailan hon?”tanong ko.

“Ngayon. After ng noche buena.” nakangiti nitong sabi.

“Ha?”

“Sige na. Ako na bahala sa lahat, Naayos ko na. Trust me.”

Para akong batang tumango. Tila ba nahypnotize para pumayag. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba. Hinawakan nya ang aking kamay at sabay kami lumabas ng kwarto. Nakahanda na lahat sa mesa. Nandoon ang buong pamilya at si Pixel. Nakaupo na sa mga upuan lahat. Kaming dalawa nalang hinihintay. Agad kaming umupo at nagsimula na ang kainan. Nagenjoy sa lahat sa salo-salo lalo na si Pixel. Inilabas din ang mga nabiling regalo at nagpalitan. Masaya ang noche buena.
Natapos na ito. Ilang segundo pa ay 12mn na. Sabay sabay kaming naggreet ng Merry Christmas sa isa't isa. Ilang minuto pa ay tumayo si Daniel at hinatak na ako sa labas. Pinasakay ng kotse at lumarga patungo sa Subic.

“Hon,can you drive?”tanong kong nagaalala.

“Yup. Ako pa?”

“Okay. Pag di na maganda pakiramdam mo ako na magdadrive.”alok ko.

“Kailan ka pa natuto magdrive?”

“Recently,natapos kung yung driving course sa A1.” pagmamayabang ko.

“Astig ah. Wag na. Ako nalang kambyuhin mo. Dali.”pabiro nitong sabi.

“Adik ka. Kambyuhin kita dyan eh.” naglalambing kong sagot.

Patuloy sya sa pagdadrive ng tumawag si Pixel. Nagaalala daw si mama at saan daw ba kami pupunta. Pinaliwanagan ko sila na babalik din kami agad ni Daniel. Ilang minuto pa ay nasa Nlex na kami. Wala masyadong trapik. Nakisama ang panahon. 4:30 A.M ng dumating kami sa resort. Agad kaming nakapasok dahil na rin sa reservation na ginawa ni Daniel. Nakakuha agad ng lugar for parking at ng kwarto.

“Sakto dating natin ah. Tara na antayin na natin ang sunrise.”lambing nito.

“Maya maya hon. Inat inat muna tayo dito. Aga pa.” tanggi ko.

“Dali na po. Please?” kwentuhan tayo habang nagaabang ng araw. Please?”lambing nito.

“Okay.”

Agad nya akong hinatak sa dalampasigan. Umupo kami sa buhangin careless sa kung anong suot namin. Nakaupo kami habang pumapalo sa aming mga paa ang maliit na alon. Malamig ang kiliti ng hangin sa aming mga balat. Sabay naming pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Ngayon ay dark blue pa ito.

“Ang tagal ng araw hon.” sabi nito.

“Bakit ba parang excited na excited ka?”pabiro kong sabi.

“Ewan ko ba. Gusto kong maramdaman yung dampi ng araw sa balat ko. Namimiss ko yun hon.” magiliw at mahinang sabi nito.

“Ganoon ba? Sige. Walang tulugan ha? Baka naman tulugan mo ako hon?”sabi ko.

“Hindi ahh. Bakit naman kita tutulugan?” pagmamayabang nito.

Ngiti ang sinagot ko sa kanya sabay pisil ng kanyang ilong. Pareho kaming nakatitig ngayon sa langit. Unti unti nang lumalabas ang araw. Makikita mo ang bilog na hugis nito na nagtatago pa sa kabundukang nababalot pa rin ng fog. Tila magandang background music ang hampas ng mga alon sa mga bato. Pag tumingala ka sa langit makikita mo napakagandang blending ng kulay nito. May mixture ng blue,violet,orange,dark blue at dilaw.

“Hon. Ang ganda ng sunrise.” sabi ni Daniel.

“Oo nga. Ang sarap pagmasdan.”sagot ko.

Mula sa pagkakahilig ng kanyang ulo sa kanyang balikat ay naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang malalambot na labi sa aking pisngi. Wala syang pakialam kung may nakakita man o wala. Gumanti ako. Hinarap ko sya sa akin at dahan dahang pinagtama ang aming mga labi. Ginawad nya sa akin ang pinakamatamis na halik sa buhay ko.

“Kahit anong mangyari,mahal na mahal kita FR. Kung wala na siguro ako I will be your guide.I will be your angel. I will gently kiss your lips while you sleep. When you feel cold I will be your warmth. I will be the one to tap your shoulder when you feel alone. Syempre lastly pag naliligo ka bobosohan kita.”malambing at mahina nitong sabi.

“Ang libog mo naman angel ka.” pabiro kong sabi habang nagpipigil ng luha.

“Ang ganda ng araw. Nakikita ko na hon. Nakikita ko na.” sigaw nya na parang batang nakakita ng kaibigang matagal na di nakita.

Hindi ako makapagsalita. Tunay na maganda nga ang bukang liwayway. May dala itong bagong pagasa. Magkahawak ang aming mga kamay na nakaupo sa buhangin. Pinapakiramdam ko ang bawat galaw at kilos ni Daniel. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko mabatid kung ano bang nararamdaman ko.

“FR. Mahal na mahal kita. Ang ganda ng sunrise. Basta tatandaan mo na pag dumilim na ang mundo mo,laging may sunrise,laging may bukangliwayway na sasalubong sa'yo at magbibigay ng bagong pagasa. Hindi natatapos ang mundo sa dilim. Lagi mong hanapin ang liwanag.” ngumiti ito.

“Hindi kita maintindihan Daniel.” At biglang pumatak ang aking luha.

“Ayokong makita kang umiiyak FR. Basta mahal na mahal na mahal kita. Tandaan mo yan. Kung may isang taong malulungkot ng husto pag malungkot ka. Ako yun. Sa lahat ng nangyari sa atin napatunayan ko kung gaano kita kamahal. Mahal kita ng sobra. Kasing kulay ng bukangliwayway ang pagmamahal ko sayo,para din tong sunrise na hindi natitinag,hindi nawawasak,unbroken.” at ngumiti ito ng matamis,pumikit at humilig sa aking mga balikat.

Alas sais na ng umaga at naghari na ang araw sa kalangitan. Nanatiling nakahilig si Daniel sa akin. Ramdam ko ang kanyang mahinang paghinga. Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata. Hinihimas himas ko ang kanyang hita.

“Hon,okay ka lang ba?”tanong kong kinakabahan.

“Oo hon. Okay lang ako. Medyo inaantok lang.”

“Sige sandal ka lang. Alam kong antok ka na eh. Alam mo ba na mahal na mahal kita?”tanong ko.

“Oo naman. Alam ko at ramdam ko.”mahina at mahanging sagot nito.

“Bakit iba na boses mo? Ayos ka lang ba? Tatawag na ko ng ambulansya.” natatakot kong tanong.

“Okay lang ako. Pagod at antok lang to. Ituloy mo na yung sinasabi mo.” sagot nito habang nakapatong ang ulo sa aking balikat.

“Mahal na mahal kita. Alam mo at alam ng Diyos yan. Natutunan ko lahat ng bagay dahil sa'yo. And I can really say na malaking blessing na dumating ka sa akin.”

Nanatiling tahimik si Daniel.

“Naaalala mo pa ba dati?Sabi mo pag lumagpas tayo ng 5 years magsasama na tayo sa bahay? Eh paano yan? 6 years na tayo hon?”naiiyak kong sabi.

Tahimik.

“Naaalala mo ba nun dati hon? Hinabol tayo ng aso nung once na gumimik tayo sa Malate? Sobrang takot ko noon. Ang bilis mo nun hon,natatawa ko nung hinubad mo yung sapatos mo at binato mo dun sa aso para hindi na tayo habulin.”

Walang sagot. Nakaramdam ako ng kakaiba.

“Hon? Tulog ka na ba? Sumagot ko naman oh.” umiiyak kong sabi.

“Hon? Akala ko ba walang tulugan?”

“Naalala mo ba nung una tayong nagkita? Akala ko non straight ka.” Sabi ko sabay patak ng aking luha. “Hindi mo nga ako pinapansin non eh,nagulat nalang ako nung tumawag ka. Laking pagtataka ko kung paano mo nakuha yung number ko pero sobrang kilig ko that time.” Umiiyak kong sabi.

“Do you still remember the first time you said I love you sa akin? Full moon yung ng August 6 years ago.”ako ulit.

“Daniel,alam mo mahal na mahal kita.”

“Daniel,ano nga ulit yung iaadopt nating baby? Lalaki ba o babae?”

“Daniel?”

“Daniel bakit di ka na nagsasalita? Sabi mo naman walang tulugan ah?” sabi kong humahagulgol.

Kasabay ng aking pagluha ay ang pagbagsak ng malamig na katawan ng aking pinakamamahal. Niyakap ko ng mahigpit ang kanyang katawan. Wala na akong maramdamang pintig sa kanyang puso. Hinalikan ko ang kanyang labi. Wala na akong naramdamang hininga. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Nakapikit na ang kanyang mga mata at payapa na nyang kasama ang Ama sa langit. Iniwan na ako ng aking pinakamamahal. Susubukan kong maging matatag. Kakayanin ko. Mahal ko si Daniel Diyos ko,wag mo syang papabayaan sa kanyang bagong mundo.

“Daniel?”

“Daniel???”

“Daaaannnnniiiiieellllllllll!!!!”

WAKAS.

No comments:

Post a Comment