By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[01]
Lakad
takbo ko nang tinatahak ang parking lot ng SM Manila. Late nanaman kasi ako sa
aking review para sa board exams, napuyat ako hindi sa kakabasa kundi dahil
gumimik kami ng mga kaibigan ko kagabi. Sabi kasi sa aming review center...
“Di
porke't magbo-board exams na kayo di ibig sabihin nun ay katapusan na ng night
life niyo. Pumapatak ang gimik sa Liesure time. Hindi dapat puro aral at basa
dapat mag enjoy din.” sabi ng isa naming facilitator sa review.
Pero
hindi namin ito sinunod dahil halos gabi gabi kaming nalabas ng mga kaibigan
ko.
“Late
ka nanaman.” bulong sakin ni JP habang nagsasagot ng questionaire.
“Ikaw?
Bakit wala ka atang hang over? Tanong ko dito habang naglalabas ng pencil,
tumunghay si JP at nagulat ako sa itsura nito. Mukha itong zombie. Pulang pula
ang mata, namumutla at ang laki ng eyebags.
“Natulog
ka ba?” tanong ko dito, di na ito sumagot at nagkasya na lang sa paguntog ng
ulo niya sa plastic na upuan, napatingin ang mga katabi namin sa ginagawa niya.
0000ooo0000
“Ayan
oh.” alok ko kay JP ng kape at tinapay mula sa mcdo. Nginitian ako nito.
“Alam
mo, kung hindi lang kami ngayon ni Donna malamang nainlove ulit ako sayo.”
nangaalaskang sabi nito sakin, hinablot ko ang ulo nito at inutog sa lamesa
niya. Napatingin ulit ang mga tao sa paligid, humahagikgik lang si kumag.
0000ooo0000
“Argghhh!”
sigaw ko habang abala sa paghahanap ng parking ticket sa secret compartment ng
aking kotse.
Wala
pa naman akong budget para bayaran ang fine pag nakawala ng ticket,
pansamantala kong iniyuko ang aking ulo habang alalay lang ang apak ko sa gas.
“Ayun!”
sigaw ko pero agad napaltan ng kaba ang pagpupunyagi kong yun nang marinig ko
ang kiskisan ng bakal sa bakal.
“Pakshet!”
sigaw ko.
Agad
akong bumaba ng aking sasakyan at tinignan ang laki ng gasgas, susugurin ko na
sana ang kabababa lang na driver ng kabilang sasakyan ng magsalita ito.
“Gago
ka ba?! Kita mong no entry dito eh!” sigaw nito habang abala narin siya sa
pagtingin sa gasgas at habang nakaturo sa sign ng no entry. Napakunot ang noo
ko ng makita ko ng maayos ang mukha ng driver ng sasakyan na aking
nakabanggaan. Napatawa ako. Kunot noo itong tumingin sa akin at nanlaki ang mga
mata ng makilala ako nito.
“Migs!”
sigaw nito sabay takbo sakin at niyakap ng mahigpit.
Nanlaki
ang mga mata ko sa sobrang gulat.
0000ooo0000
Ironic,
ang starbucks kung saan kami nagkakilala ni Alex noon ang siya ring starbucks
na pinagka-kapehan namin ngayon ni Marco na siya namang nakilala ko dahil sa
kahayupang ginawa sakin noon ni Alex.
Tinapunan
ko ng kinakabahang tingin si Marco. Magiliw itong nakangiti sakin habang
hinihigop ang kaniyang kape. Ibinalik ko dito ang ngiti. Bigla itong napaigtad
at may natapong konting kape sa kaniyang polo.
“Ang
init!” sigaw nito sabay paypay sa bibig niya na kala mo batang nakakain ng
isang maanghang na pagkain. Natatawa akong kumuwa ng tissue at sinubukang
punasan ang natapon na kape sa kaniyang polo. Natigilan na lang ako ng hawakan
niya ang aking kamay.
Nang
itunghay ko ang aking ulo at tignan siya ay seryoso na ang mukha nito, may mga
tanong sa kaniyang mga mata.
“Bakit
di mo ako tinext? Binigay ko sayo yung number ko diba?” tanong nito sakin.
Napaisip ako saglit, nagtataka sa kakaibang kinikilos nito.
“Na
hold up ako.” sagot ko dito.
“Ah
ganun ba?” sabi nito sabay nalungkot at bugha ng isang malalim na hininga.
“Pwede
pa naman kitang itext ngayon diba?” makahulugan kong tanong dito, tila naman
na-gets niya ang aking sinabi kaya't biglang lumiwanag ang mukha nito saka
magiliw na ngumiti.
0000ooo0000
“Sino
o Ano nanaman yan?” tanong sakin ni kuya Ron habang nakaharap ako sa libro na
punong puno ng board exam questions.
“Ha?”
tanong ko dito.
“Ano
nanaman ang ibig sabihin niyang ngiti mong yan na para kang 12 years old na
babae kung kiligin? Ano o Sino?” tanong nito habang iwinawagayway sa harapan ko
ang chop stick na may nakasabit pang noodle.
Habang
inaalis ko sa aking mukha ang tumalsik na sahog galing sa kinakaing pancit ng
pinsan ko ay di ko mapigilang mapaisip, mapaisip kung sino at ano ang iniisip
ko nang mahuli ako ni Kuya Ron na nakangiti at kinikiligkilig pa.
“Si
Marco. Siya ang iniisip ko.” sabi ko sa sarili ko at napangiti ulit.
“Ay!
Nakanampotek! Pakshet na pinakbet! Alam ko yang kilig kilig at ngiti ngiti na
ganyan eh!” sabi ni kuya Ron.
“Di
ko alam ang pinagsasasabi mo.” sabi ko at iniangat ang libro na aking binabasa
kanina at itinapat sa mukha ko para di niya mapansing napapangiti ako.
“Bakla
nga ako pero di ako tanga.” sabi sakin ng pinsan ko at nahihinuna kong
iwinawagayway nanaman nito ang chopsticks na hawak niya dahil may naramdaman
akong piraso ng carrot na lumanding sa buhok ko. hinawi nito ang libro na aking
binabasa.
“At
wag kang magkunwaring nagbabasa ka! Kailan ka pa natutong magbasa na
nakabaliktad ang libro?” sabi nito sabay turo sa libro na aking binabasa.
“At...”
habol pa ni kuya Ron dahil sinisimulan ko ng ligpitin ang review materials ko
para sa kwarto na ipagpatuloy ang aking pagpapantasya este pagbabasa. Napatigil
naman ako sa pahabol niyang yun.
“At
di ka naman nagre-review talaga. Diba dapat gigimik ka ngayon?!” tanong nito
sakin, napaharap na ako sa kaniya.
“Timbog!”
sabi ko sa sarili ko, di ko naman naisip na ngayon lang nga ako marahil nakita
ni kuya Ron na nagaral para sa boards.
“Sabihin
mo na sakin ang totoo.” sabi ni kuya Ron sabay dive ulit sa chinese food na
nakakahon.
0000ooo0000
“So
may crush ka sa kaniya? Ano nga ulit ang pangalan?” tanong ulit sakin ni kuya
Ron, inilapag na nito ang kaniyang kinakaing chinese food na nakakarton sa
coffee table at nakaharap na sakin at nakikinig na kung pano kami nagkakilala
ni Marco.
“Importante
pa ba yung pangalan?” tanong ko dito. Ayaw ko talagang sabihin kay kuya Ron ang
pangalan dahil sa kadahilanang sa tuwing magkwekwento ako dito tungkol sa mga
lalaking nakilala ko o maski mga babae ay lagi siyang may patutsada dito. Halos
lahat ng nakikilala ko KILALA NIYA!
“Kuya
may nakilala ako sa LAX. Jeff Dampon, cute pero...”
“Cute,
pero maliit.” pagtatapos ni kuya Ron.
“Kilala
ko yun.”
“Kuya
siya si...” pinutol ni kuya Ron ang pagpapakilala ko.
“Mitch,
a baritsa from Figaro.” sabi ni kuya Ron sabay yakap sa baristang nakilala ko.
“Kuya,
gigimik lang kami kasama si Borge...”
“Borge
na taga sixth floor? Forget it. Di kita papayagan. Addict yun.” sabi nito sabay
kandado ng pinto.
Kaya
ang siste minsan pag may nakikilala ako o kaya nagiging kaibigan na lalaki o
babae o maski nakakasama lang sa mga gimmiks or pag nakain sa labas di ko na
sinasabi sa kaniya, minsan kasi napupurnada pa ang lakad o kaya nauuwi lang sa
awayan naming dalawa.
“ANO-
ANG- PANGALAN?” tanong ulit nito sakin sabay pandidilat pa ng mata.
“Marc.”
nanginginig ko ng sagot dito dahil natatakot talaga ako pag si kuya Ron na ang
nagpakawala ng nanlalaking mga mata. Pero pinili kong ibahin ng konti ang
pangalan ni Marco.
“Ahh,
di ko kilala, dalin mo siya dito minsan.” para naman akong nabunutan ng tinik.
“Basta
tandaan mo, madala ka na sa nangyari sainyo ni Alex.” pagpapaalala nito, alam
ko namang concerned lang siya pero...
“DO
YOU REALLY HAVE TO RUB IT IN?!” naiirita kong tanong dito.
“Besides,
di ako inlove kay Marc, I'm just glad na nakakilala ako ng katulad niya, it's
not like I'm going to get married with him.” sabi ko kay kuya Ron, siyempre
ayaw ko namang isipin ng pinsan kong easy to get ako.
“Ikaw
ang bahala.” sabi nito sabay tungga sa bote ng 1.5 L na coke.
Ang
totoo niyan wala naman talagang namamagitan saming dalawa ni Marco eh. He's
just being friendly. Isang taong nakita akong umiiyak at parang sinaniban ng
good samaritan at tinulungan ako. Yun lang naman talaga. Ako lang kasi ang
nagbibigay ng malisya.
“Eh
ano ngayon kung sinabi niyang text text kami? Madaming akong straight friend na
nagsasabi niyon sakin.” sabi ko sa sarili ko.
“Eh
ano naman ngayon kung masaya siyang nakita niya ulit ako? Ganun din naman kami
ng iba kong kaibigan na matagal ko ng hindi nakita ah?” pangungumbinse ko pa sa
sarili ko.
“Eh
ano ngayon kung nakilala niya ako agad nung nagkita kami ulit sa Batangas nung
i-patapon ako dun ni Kuya Ron? Ganun din naman ang gagawin ng ibang tao na
ikina-pamilyaran mo diba?”
“Huy!
Tulaley ka dyan?!” papitikpitik na sabi sakin ni kuya Ron.
“Promise
kuya, wala lang to. Friends lang.” paniniguro ko dito nagkibit balikat lang si
kuya Ron. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at ng makita ang screen na si
Marco ang tumatawag ay para akong tangang tumakbo papuntang kwarto.
Habang
kausap ko si Marco ay di ko mapigilang matuwa. Bakit eh nangungumusta lang ang
tao? Para akong lobo na pinaputok. Bigla akong nanghina sa na-realize.
“Bakit
nga ba ako ganito kumilos ngayong kausap ko lang naman si Marco at wala naman
kaming pagkakaintindihan pa? Siguro nga gusto ko siya di ko lang maamin sa
sarili ko.” sabi ko sa sarili ko.
Nun
ko narealize na dapat kong pigilan muna ang aking nararamdaman at alamin muna
ang totoong score. Baka kasi sa huli mapahiya ako at eventually masaktan.
Ganito rin ang nangyari kay Alex, di ko muna inalam ang totong pakay nito,
nagpadala ako sa patweetums nito at sa huli ako rin ang napahiya at ako rin ang
nasaktan.
Pero
habang kausap ko si Marco ay di ko mapigilan ang nararamdaman ko.
“Oi,
bakit parang ako lang ang nagsasalita? Busy ka ba?” tanong nito sakin.
“Ah
eh hindi naman. Wala lang talaga akong masabi.” sagot ko dito, napahagikgik
naman ito.
“Masyado
ka bang nabibighani sa bedroom voice ko?” nangaalaska nitong tanong sakin.
“Sus!
Kapal. Boses palaka kamo. Bedroom bedroom voice ka pang nalalaman.” nangaalaska
kong sabi dito. Napahagikgik naman ito sa kabilang linya.
“Ah
ganun?! Sige bayaran mo yung ginasgas mo sa kotse ko.” sabi nito sakin,
napatiim bagang naman ako.
“Hay
nako wag mong ibunton sakin ang kabobohan mo sa pagdadrive.” nangaalaska ko
ulit na turan dito.
“Ganun?!
Di mo nga alam na no entry yung pinasok mo eh!” sigaw nito sa kabilang linya
sabay tawa. Nagkatawanan na lang kami.
Ganuon
halos gabigabi. Kwentuhang brownout. Kwentuhang walang kwenta pero kwentuhang
nakapagpapasaya sakin.
“Bahala
na kung ano man ang kahahantungan nito. Besides what else could happen? I
managed thru heaven and hell with Alex, Ano pa bang di ko kakayanin?” sabi ko
sa sarili ko habang nakikinig sa kwentong bobo ni Marco.
Itutuloy...
[02]
Tambay
mode lang kami ni Marco sa may starbucks, isang buwan na lang board exams ko na
kaya naman sobra na talaga ang pagpapanic ko na halos ikalunod na ng utak ko sa
kakabasa ng mga makakapal na libro at pilit binabalikan ang mga notes na tadtad
na ng mga highlights. Medyo ibinaba ko ang libro na hawak ko katapat ng aking
mukha at nagulat na nakatingin sakin si Marco. Natatawa ito.
Inabot
niya ang aking buhok at inayos ito, at dahil medyo napagod ang mata ko sa
kakasuot ng contacts ay naisipan kong magsalamin muna, di ko napansing
nakatabingi na pala ito. Inayos niya rin ito saka magiliw na ngumiti.
“Pinapabayaan
mo na ang sarili mo.” bulong nito. Natigilan ako, lahat ng ni-review ko nung
araw na iyon ay biglang nag evaporate. Napangiti narin ako.
“Anong
gusto mong lunch?” tanong nito sakin.
“Ha?
Ah eh kahit ano.” sabi ko na lang dito, agad itong tumayo at nagpaalam na
kukuwa ng makakain.
“Naku
Marco, wag mo akong sanayin sa ganiyan. Baka di ko mapigilan ang sarili ko.”
sabi ko sa sarili ko saka nagbuntong hininga.
0000ooo0000
Medyo
napatagal ang pagbalik ni Marco, di naman ito unusual lalo na kung sa SM Manila
ka nagtutumambay, puno ng tao dun at hindi na bago ang mahabang pila sa bawat
kainan na nandun, pero di ko parin mapigilang mapaisip kung nasan na si Marco.
Iginawi ko ang tingin sa pinto ng starbucks at nagbuntong hininga nang wala
akong makitang Marco doon.
Agad
kong sinampal ang sarili ko.
“Di
ka makatagal ng di siya nakikita? Seryoso ka ba, Migs?” tanong ko sa sarili ko,
inalis ko na ang tingin sa pinto ng starbucks at ibinalik ang tingin sa
notebook sa aking harapan na may highlight na iba't ibang kulay ang nakasulat.
Di
ko pa man natatapos basahin ang unang paragraph ng pahinang iyon ay muli ko
nanamang tinignan ang aking relo pagkatapos ay muli kong ibinalik ang tingin sa
pinto ng starbucks.
“Ano
ba tong ginagawa ko?! Para akong isang fourteen yearsold na batang babae na
nakikipagdate sa kaniyang all time crush. Pathetic.” awat ko ulit sa sarili ko
at muli kong itinuon ang aking pansin sa aking ni-rereview.
Pero
di paman ako nakakatagal sa iisang pahina ay tumingin ulit ako sa aking relo at
pagkatapos ay sa pinto ng starbucks. Agad kong sinampal ang aking sarili.
“Argggghhhh!
Di na healthy to! Pagkakaibigan lang ang pakay sayo ni Marco, mabait lang
talaga siya pero kaibigan lang ang tingin niya sayo!” sigaw ko ulit sa sarili
ko at muling isinubsob ang sarili kong mukha sa makapal na notebook. Pero di
parin nagtatagal ay muli akong tumingin sa aking relos at sa pinto ng
starbucks.
Biglang
bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nasa pinto ng starbucks ang lalaking aking
iniisip sa loob ng ilang minuto na hindi ko ito nakikita. Para sakin ay isa
siya sa pinakaperpektong tao na nasilayan ko.
Ngumiti
ito.
Ngayon
ang puso ko na kanina ay kala mo panaypanay na tinatambol ay bumabagal na ang
tibok.
“Shit!
Inlove na ata ako sayo.” sabi ko, sakto namang kalalapit lang ni Marco sa
lamesa.
“Please
Lord. Sana di niya narinig. Sannnaaaa!!” sabi ko sa sarili ko.
“Kain
na tayo.” aya nito sakin at nakahinga na ako ng maluwag, mukhang di niya
narinig ang aking naibulalas habang pinapanood ko siyang naglalakad palapit
saking puwesto.
Madalas
na naming gawin ito sa starbucks, kahit na bawal ito sa kanilang store ay
napilit namin ang mga barista at gurads dito na hayaan kaming kumain doon.
Tutal nakakailang kape naman kami ni Marco tuwing andun kami eh.
Tuloy
tuloy ako sa pagkain ng paotsin na binili ni Marco ng mapansin kong nakatingin
ito sakin. Naconscious ako bigla at tumigil sa pagkain.
“Bakit?
May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko dito sabay pahid ng paligid ng aking bibig
gamit ang tissue. Biglang napangiti si Marco.
“Ah,
wala naman, natutuwa lang akong panoorin ka kumain, parang ganadong ganado ka
kasi, saka an lakas mo palang kumain.” sabi nito na may himig pangaasar.
“Natutuwa?
Panoorin? Ano ako attraction sa perya?! Kumain ka na kaya!” sabi ko dito,
ngumiti lang ito saka dinampot ang kaniyang biniling pagkain at nagsimula ng
kumain.
0000ooo0000
“Sodium
and potassium sparing.” bulong ko sa sarili ko habang minememorize ang isang
aksyon ng isang partikular na gamot.
Ilang
oras na lang ay magsasara na ang mall, kaya't naisipan kong magligpit ligpit
na. Nang tignan ko si Marco ay mahimbing itong natutulog sa kaniyang upuan. Di
ko alam sa sarili ko pero namamangha ako sa mga taong nakakatulog maski nakaupo.
Napangiti ako.
Sinimulan
kong titigan ang mukha ni Marco, parang napakapayapa nito tignan. Napakaamo ng
mukha. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone nito, pareho kaming nagulat.
“Oh?
Nagliligpit ka na? Sorry ah, nakatulog ako.” sabi nito habang binabasa ang
bagong text.
“Sus
wala yun, ako nga itong nahihiya kasi, imbis na sinasamahn kitang naggagala
tinotoxic pa kita sa pagsama sayo dito.” sabi ko dito.
“Kaya
lang naman ako nagtiyaga dito dahil sabi mo maglalaro tayo ng dota at
pakikitaan mo ako ng technique's mo!” sabi nito, napamaang naman ako.
“Oo
nga pala.” nasabi ko na lang sa sarili ko.
“Bakit?
Ano bang iniisip mong dahilan kung bakit kita pinagtyatyagaang samahan?” tanong
nito, halatang natatawa pero pinipigilan niya lang ito.
“W-wala
naman. Tara na!” aya ko dito at bara bara kong inayos ang aking mga gamit.
Tumayo si Marco na nahagikgik.
0000ooo0000
Nang
makarating kami sa condo ni Kuya Ron aya agad kong inilabas ang laptop ko at
itinabi sa PC ni kuya Ron. Di ko na inalok si Marco ng maiinom o kaya ng
makakain, sinimulan ko na agad ang pagpapakita sa kaniya ng aking technique
dahil ayaw ko siyang maabutan dun ni Kuya Ron, dahil alam kong may masasabi
nanaman ito at alam kong sesermunan nanaman ako nito tungkol sa nangyari noon
kay Alex.
“Nagmamadali
ka ba?” tanong naman ni Marco.
“Ah
eh, hindi naman.” sagot ko habang inaayos ang set up ng dalawang computer.
“Eh
kung i-tour mo kaya muna ako dito sa napakaganda niyong condo?” panunudyo nito
sakin.
“Wag
na! Laro na agad tayo!” sigaw ko dito, pero agad itong naglakad lakad sa loob
ng unit namin. Napairap na lang ako.
“Maglo-load
pa naman yan eh.” sagot naman ni Marco. Wala na akong nagawa. Lumapit ako dito
at pinaikot siya.
“Ayan
ang pinto para sa banyo, katabi niyan kwarto ko, pagkatapos nun kwarto ni kuya
Ron, yun naman ang kusina at dining room at ang gitnang to ang sala. Ayan
nai-ikot na kita, welcome to our home.” sabi ko dito, napatawa ito.
“Cute!
Gusto mo na ba agad akong umuwi? O sadyang natatae ka lang?” tanong nito sabay
lakad papunta sa pinto ng aking kwarto.
“Hoy!
Anong gagawin mo dyan?!” tawag ko dito pero huli na ako nakapasok na ito ng
kwarto ko.
0000ooo0000
“Wow
parang di kwarto ng lalaki ah.” sabi nito ng masundan ko na siya, di ko alam
kung may pinupunto siya sa sinabi niyang yun pero di ko na lang inintindi.
“Astig!
Eto ba yung robin na pag nilublob mo sa malamig na tubig magkakaroon ng
maskara?” tanong nito sakin habang hawak hawak si Robin ang pinakapaborito kong
action figure simula pagkabata. Tumango lang ako at ngumiti.
“I've
always wanted this!” sabi nito sabay pinaikot ikot sa kamay niya ang action
figure.
“Teka
kukuwa ako ng malamig na tubig.” sabi ko dito, tinignan ko si Marco at busy na
ito sa paglalaro ng aking action figure.
“Batang
isip.” bulong ko sa sarili ko.
0000ooo0000
Pagbalik
ko sa kwarto ay nakaupo na si Marco sa aking kama at nakuwa narin nito ang iba
pang action figure na binili ko pamamagitan ng aking allowance, ang iba dito ay
nakakahon pa habang nilalaro ni Marco.
“Tagesheng!”
“Arghhhhh!”
“Attack!”
Sunod
sunod na sabi ni Marco habang pinagsasalubong ang mga action figures. Napamaang
ako.
“May
sound effects talaga?” tanong ko dito at napangiti lang ito. Nang makita nito
ang baso ng malamig na tubig na hawak ko ay agad itong lumapit sakin.
“Tignan
natin kung nagana pa yung maskara.” excited na sabi nito saka inabot mula sakin
ang isang baso ng malamig na tubig.
Namangha
ito ng gumapang sa mata ng action figure ang isang maskarang kulay itim, sa
sobrang pagkamangha ay nawala sa isip niya na may hawak siyang isang baso na
may laman na tubig ang resulta... natapon sa kaniyang t-shirt at pantalon ang
tubig.
“Very
good.” pangaalaska ko dito. Nahiya naman ito, marahil ay naisip na nagagalit
ako sa kaniya, dahil pati ang kobrekama ko ay natapunan ng tubig.
“Hala
wala akong pamalit.” sabi nito. Tinignan ko ang katawan nito.
“Teka,
mukhang magkasing katawn kayo ni kuya Ron. Kuwa ako ng damit sa aparador niya.”
0000ooo0000
Pagbalik
ko sa kwarto ay nakahubad na si Marco at ang tanging tumatakip lang sa
kaselanan nito ay ang isang boxer na sa palagay ko ay basa rin. Kamot ulo itong
nakatingin sakin na miya mo hiyang hiya.
“M-Migs,
pati ata underwear kailangan ko.” nahihiyang sabi nito, napailing na lang ako,
agad akong bumalik sa kwarto ni kuya Ron at naghanap ng isang boxer short na
hindi pa gamit.
0000ooo0000
“Duon
ang banyo, ayan ang mga tuyong damit. Magbihis ka na.” sabi ko dito, may
pagaalala sa mukha nito.
“Ok
lang yan, di yan hahanapin ni kuya Ron, madaming damit yun.” paniniguro ko
dito.
“Hindi
yun. Ang likot ko kasi eh. Nahihiya ako nagkalat pa ako.” sabi nito. Napatawa
naman ako.
“Sa
susunod kasi wag masyadong maexcite.” sabi ko dito. Napangiti ito. Agad akong
kumuwa ng basahan para tuyuin ang sahig.
“Dito
na lang ako magpapalit. Baka may mabasag pa ako sa banyo niyo.” nangaalaskang
sabi ni Marco. Di ko na ito pinansin, kinabahan kasi ako na di mawari.
“Wow,
mamahalin pa ito ipapaheram mo.” sabi nito samantalang ako ay busy sa
kakalampaso ng sahig.
“Pati
pantalon! Hala sigurado ka bang di magagalit ang pinsan mo?” sigaw ni Marco.
“Ayan
nanaman excited ka nanaman.” sabi ko dito habang di parin makaharap dito.
“Hehe.
Sorry naman.” naibulalas nito. Tumayo na ako ng daretso ng maitupi ng maayos
ang nabasang kobrekama at pupunta na sana sa labas para isampay at para narin
maiwang magisa si Marco para makapagbihis na ito ng maapakan ko ang action
figure na pinaglalaruan kanina ni Marco.
Nang
idilat ko na ulit ang aking mga mata ay nakahandusay na ako sa sahig,
napapalibutan ng basang kobrekama at si Marco ay natakbo palapit sakin, di
naman ak nawalan ng malay pero masakit ang ulo ko ng mabagok ito sa sahig.
“Hala!
ok ka lang ba?” tanong sakin ni Marco. Tumango lang ako pero di ako makatayo
agad.
“M-marco,
magbihis ka na...” pero di ko na natapos ang sasabihin ko.
“Migs!
Ano to?!” sigaw ni kuya Ron sa may pinto ko.
Itutuloy...
[03]
Naniningkit
ang mata ni kuya Ron habang tinititign si Marco, si Marco naman ay nakayuko
lang at tila nahihiya dahil siguro sa dalawang dahilan, una dahil suot niya ang
mga damit ni kuya Ron at pangalawa dahil nahuli siya nito na boxers lang ang
suot habang ako ay nakahiga sa sahig at siya ay nakadungaw sakin na kala mo may
malaswang ginagawa.
“Paki
explain nga ulit sakin.” sabi ni kuya Ron
“Natapon
yung malamig na tubig...”
“Di
ko po sinasadyang...”
“...siyempre
di ko naman pwedeng...”
“...magkalat
saka maglikot...”
“...eh
kung pulmunyahin yan...?”
“...
pero natapon po yung tubig...”
“...tapos
natumba ako, tinitignan niya lang kung ok ako...”
“...promise
po di na mauulit...”
“...wag
ka ngang green minded!”
“...sorry
po talaga.”
“HEP!
HEP! HEP! ISAISA LANG ANG PAGSASALITA!” sigaw ni kuya Ron, natameme naman
kaming dalawa ni Marco.
“Migs!”
sigaw ulit ni kuya Ron.
“Yun
nga, natapunan si Marco ng tubig, kaya pumunta ako sa kwarto mo at hiniram
ko...”
“Hiniram
o ninakaw?” singit ni kuya Ron napatingin naman sakin si Marco. Tinignan ko ng
masama si kuya Ron na halatang pinipigilang mapatawa.
“...HINIRAM
ko yung mga damit mo, di agad mai-suot ni Marco kasi nahihiya sa mahal ng mga
damit mo tapos natumba ako at nilapitan ako ni Marco para malaman kung ok lang
ako, tapos biglang dumating ang isang napaka green minded na tao, tapos.” sabi
ko kay kuya Ron naniningkit naman itong tumingin sakin.
“Promise.
Yun lang.” sabi ko. mukha namang sa sinabi kong iyon ay nakumbinsi na sa wakas
si kuya Ron.
“O,
Marco ako nga pala si Ron, pinsan niyang boyfriend...”
“Naku
hindi ko po siya....”
“KUYA!”
“ISAISA
lang ang pagsasalita. Di kaya ng CPU ko ang sabayang pagbigkas.” sabi ni kuya
Ron. Napatingin ako kay Marco, tinignan kung nawiwirduhan na ito pero nagkamali
ako kasi nangingiti ito. Malamang pinipigilang tumawa.
“Hindi
kami mag boyfriend! Magkaibigan lang kami.” sabi ko tinignan ako ng masama ni
kuya Ron.
“Ako
si Ron, pinsan nitong kumag nato.” sabi ni kuya Ron sabay abot ng kamay ni
Marco. Inabot naman ito ni Marco para i-shake.
“Marco
po.” pakilala nito sa sarili.
“Oh,
ano? Magtititigan na lang ba tayo dito?” sabat ko ng medyo napatagal ng kaunti
ang pagkakamayan nila. Agad namang naghiwalay ang dalawa at pumasok na si kuya
Ron sa kwarto.
0000ooo0000
Nakahinga
ako ng maluwag ng makaalis na si Marco, may dalawang oras pa ito sa condo dahil
sa paglalaro namin ng dota, si kuya Ron naman ay di na lumabas ng kwarto niya.
Nagpunta na ako sa lugar kung san kami naglaro ni Marco at niligpit ang mga
basura doon. Napahikab ako.
“Hala
magaalauna na pala ng madaling araw.” sabi ko sa sarili ko saka humikab ulit,
tinignan ko ang paligid at nakitang marami pang ligpitin. Sigurado akong
magagalit si kuya Ron pag di ko niligpit iyon at kapag naabutan niya pa
kinaumagahan. Kaya naman wala kong ganang nagligpit, habang iniisip ang mga
nangyari nung gabing yun. Di ko mapigilang mapangiti.
0000ooo0000
Dahandahan
kong idinilat ang aking mga mata ng maramdaman kong may dumudutdot ng noo ko,
nang magadjust ang aking mata sa liwanag ng paligid ay nakita ko si kuya Ron na
dinudutdot ang noo ko.
“Ano
ba?! Natutulog ang tao eh!” bulyaw ko dito.
“Bakit
di dito natulog si Marco?” tanong nito. Naningkit bigla ang mata ko ng mapansin
kong palingalinga ito na miya mo iniintay na sumulpot si Marco sa likod niya.
“Bakit?
Type mo no?!” bulyaw ko pabalik dito.
“Di
ah! Slight lang!” parang tangang kinikilig na sinabi ng aking pinsan pero agad
itong sumeryoso at tinitigan ako sa mata.
“Pero
kung magboyfriend na kayo ay di na ako hahadlang pa.” parang tanga ulit na sabi
nito, agad kong iniwas ang tingin dito.
“H-Hindi
naman kami eh.” sagot ko dito at bumangon na.
“Hindi
pa o hindi talaga?” tanong ulit nito, pilit na itinatago sa boses ang interes
na obvious na obvious. Interes para kay Marco.
“Kaibigan
ko lang yun. S-saka straight si Marco.” sabi ko, bigla namang lumiwanag ang
mukha ni kuya Ron.
“Wala
nang straight ngayon.” sabi nito.
“Teka,
naalala ko, siya ba yung Marc na sinabi mo sakin noon? Iisa lang ba sila?”
tanong ulit nito.
“H-hindi
magkaiba s-sila.” sabi ko na lang, di ko alam kung san patutungo ang usapan na
iyon.
“Good!
Ayaw ko namang inaagawan ka no!” sabi ni kuya Ron sabay halakhak, di ko alam
pero bigla akong kinabahan.
“Marco,
brace yourself! You'll be mine soon!” sigaw nito sabay talikod sakin.
0000ooo0000
“Nakakatawa
pala pinsan mo ano?” sabi ni Marco habang nakaharap ito saking laptop at
naglalaro ng SIMS.
“Ah,
Oo.” sabi ko na lang habang kunwari ay nagaaral pero ang totoo ay iniisip ko
ang sinabi kanina ni kuya Ron.
Totoo,
di problema kay kuya Ron kung straight man yan o bi. Mapalalaki o babae ay
hindi problema kay kuya Ron, asa kaniya lahat. Gwapo, maganda ang katawan,
mabait, matalino at confident, hindi malabong makuwa niya ang kung sino mang
gusto niya.
Pero
hindi lang yun ang bumabagabag sakin, kasi mukhang interesado din sa kaniya si
Marco.
“Andyan
ba siya?” tanong ni Marco sakin sabay luminga linga na kala mo iniintay si kuya
Ron na bumulaga sa likod o sa magkabila niyang tabi.
“W-wala
eh. Asa school.” sabi ko dito. Tumango lang ito. Nagbuntong hininga ito,
kumunot bigla ang noo ko. Di ko na napigilan ang sarili ko.
“May
itatanong ako sayo Marco ah. Sana wag ka magalit.” sabi ko dito.
“Sige
sige.” sabi nito habang nakapako parin sa screen ang kaniyang mga mata.
“Promise?
Di ka magagalit?” paniniguro ko.
“Oo
nga, kulit.” sumeryoso na ito saka humarap sakin.
“Gusto
mo ba si kuya Ron?” tanong ko dito, kumunot naman ang noo nito.
“Oo,
mukha naman siyang mabait.” sagot nito.
“Hindi
yun ang ibig kong sabihin.” lalong kumunot ang noo nito.
“May
gusto ka ba sa kaniya?” biglang lumatay ang kaba sa mukha nito.
“Hindi
ah!” sagot nito pero di ako masyadong kumbinsido. Humarap ulit ito sa laptop.
“M-may
iba akong gusto.” napawi ng huli niyang sinabi na iyon ang pagaalanagn ko sa
nauna niyang sagot. Bigla akong napangiti. Biglang sumayad sa isip ko na baka
ako yung gusto niya.
“Assuming.”
sabi ko sa sarili ko saka ibinalik sa aking libro ang aking atensyon.
0000ooo0000
Ilang
araw pa ang lumipas, madalas ko paring kasama si Marco, ganun parin, kwentuhang
brownout, tambay, sweet-sweetan at kung minsan kapag tinopak ay nagpapakabatang
isip kami pareho. Madalas parin kaming tumambay, minsan sa dorm niya, minsan
naman sa condo ko.
Wala
naman din akong nakikitang kakaiba kay kuya Ron at Marco, normal naman kay kuya
Ron na magpapansin sa lahat ng kakilala ko, kahit na medyo sumusobra ang
papisil pisil at pagakbayakbay nito ay sanay naman na ako don. Parang wala
naman iyon kay Marco sa totoo lang. Kaya parang nakampante naman ako na walang
mamumuong relasyon sa dalawa.
0000ooo0000
Sa
aking review center na napili ay may mga tinatawag na assessment test, sa huli
ng napili mong program ay may mga ganito kung saan pagkatapos halos ng lahat ng
review ay malalaman mo kung saan ka mahina para bago dumating ang exam ay alam
mo kung san ka dapat mag focus. Maganda sana ito pero ang kinapangitan lang
nito ay wala ka ng halos oras sa sarili mo at sa social life mo. Tatlong linggo
na lang at board exam na at madalas na kaming di nagkikita ni Marco.
Nalulungkot ako kapag di ko siya nakikita.
Nang
umuwi ako pagkatapos ng assessment test ay laking tuwa ko ng malamang wala
naman akong dapat pagtuunan pa masyado ng pansin, lahat naman ng subjects ay
naipasa ko halos nakuwa ko ang qouta na 5 mistakes per test. At lalo akong
natuwa ng mabungaran si Marco sa aming sala.
Pero
di siya nagiisa. Andun din si kuya Ron, nanunood sila ng re-run ng UAAP games.
Agila kasi si Marco samantalang si kuya Ron naman ay berdeng robinhood. (Siguro
naman nagets niyo?) nakangiti ako nitong sinalubong pero kahit anong gawin ko
ay di ko maibalik ang mga ngiting yun.
“Parang
may mali.” sabi ko sa sarili ko.
Inaamin
ko, wala naman talaga akong nakikitang kakaiba, nagkakatuwaan silang dalawa
dahil magkaribal na school sila nanggagaling at iyon ang magkalaban ngayon sa
pinapanood nilang baketball game sa TV, pero di ko parin mapigilang magselos.
Parang may kung anong kirot.
“Huy!
Tulala ka diyan?” tanong ulit sakin ni Marco. Di ko parin nagawang ngumiti.
“P-pagod
lang siguro.” sabi ko.
“Baka
bumagsak sa assessment test.” sabat ni kuya Ron, agad kong nilapag ang papel na
naglalaman ng scores ko sa assessment exam sa lamesa malapit sa pinto.
“M-magpapahinga
na muna ako. Sensya na Marco di tayo makakatambay ngayon.” sabi ko dito,
tumango lang ito sabay dampot ng inilapag kong papel.
Bago
ako makapasok ng kwarto ay naipakita na pala ni Marco ang resulta ng aking exam
kay kuya Ron. At agad itong humarap sakin at nagsalita bago ko pa man maisara
ang pinto.
“Ang
taas ng nakuwa mo, Migs! Congrats! Sure ka na niyan sa boardexam!” sigaw ni
kuya Ron, panandalian akong natigilan.
“S-salamat.”
wala sa sarili kong naibulalas sabay sara ng pinto.
0000ooo0000
“Migs,
may problema ba? Uuwi na si Marco, gusto raw niyang magpaalam sayo, kaso
nahihiya na gisingin ka.” gising sakin ni kuya Ron, may apat na oras narin pala
akong nagmumukmok.
“S-sige,
ihahatid ko na lang siya sa baba.” malamig kong sabi kay kuya Ron.
“Migs,
saglit lang. May problema ba?” tanong ulit ni kuya Ron, umiling lang ako at
tuluyan ng bumangon.
0000ooo0000
“Congrats
nga pala.” sabi ni Marco sakin habang nasa loob kami ng elevator pababa sa
lobby. Binigyan ko lang ito ng matipid na ngiti.
“Tahimik
ka ata ngayon, may problema ba? May sakit ka ba?” tanong nito sabay lagay ng
likod ng palad niya sa aking leeg, wala sa sarili kong hinawi iyon. Di ito
nakaligtas sa kaniya, nangunot ang noo nito. Di na ito kumibo hanggang
mapatapat kami sa sasakyan niya.
“Migs,
may problema ba? Sabihin mo naman sakin.” sabi ni Marco sakin, nangungusap ang
mata nito. Di ko napigilan ang sarili ko.
“Ano
ba talaga tayo?” tanong ko, natigilan ito at nangunot ang noo.
“I
mean, ako kasi g-gusto kita, m-mahal na nga ata kita eh. A-ako ba ano sayo?”
tanong ko ulit dito, bahagya siyang nagulat sa sinabi ko at miyamiya ay tumawa.
Nainsulto
ako.
Itutuloy...
[04]
Nainsulto
ako bigla sa pagtawang iyon ni Marco. So tama pala, nagassume nanaman ako.
Tanga ko, pero bakit ganon na lang siya makadikit sakin? Bakit ganun siya
magsalita kapag magkausap kami? Bakit siya sweet? Bakit gusto niya lagi akong
kasama? Napayuko ako sa harap ni Marco. Tumigil na ito sa pagtawa pero may
nakakainsulto parin sa mga ngiti niya.
“Ako
lang pala ang nagiisip nun. Laro lang pala to sayo.” bulong ko at tumalikod na.
“Migs!”
tawag nito pero di na ako tumigil sa paglalakad at dina ito nilingon pa.
Nakasandal
ako sa dingding ng elevator, hinahayaang magusap ang mga grupo ng mga
estudyante na kasabay ko doon. Wala akong maramdaman. Manhid na ata ako.
0000ooo0000
“Bakit?”
tanong sakin ni kuya Ron nang magpaalam ako dito na kila JP na muna magtitigil.
“Mas
malapit ang dorm nila sa SM. Di na ako pwedeng ma-late. Final coaching na.”
pangangatwiran ko.
“Kaya
ba, di mo narin nilalabas si Marco pag napunta siya dito?” singit nito, di man
nito alam ang nangyari nung gabing hinatid ko si Marco sa labas ay tila ba may
natutunugan ito.
“Kailangan
kong magreview, kuya. Di ako pwedeng bumagsak. Nagpapetikspetiks na nga ako ng
ilang buwan nung di ako kumuwa nung June eh.” pangangatwiran ko dito.
“Yan
talaga ang dahilan at hindi dahil pinagtataguan mo si Marco?” tanong ulit nito.
Tinignan ko ito ng daretso sa mata. Nagulat ito sa aking biglang pagseseryoso.
“Kuya,
drop it, ok? Wala akong dahilan para pagtaguan si Marco, di lang talaga pwedeng
mawala ang focus ko ngayon kaya wala akong panahon labasin siya.” sabi ko ulit
dito, itinaas naman ni kuya Ron ang kamay niya na parang nasuko.
“Ok,
ingat ka do..” pero di ko na narinig ang huling sinabi nito, tuluyan na akong
lumabas ng pinto.
0000ooo0000
“Migs!”
sigaw ni JP ng pagbuksan ako nito ng pinto. Niyakap ako nito na kala mo di ko
siya nakikita arawaraw sa review center.
“Let
go.” sabi ko dito, agad naman itong humiwalay sakin at kumamot sa ulo at
humagikgik.
“Akala
ko kasi kailangan mo ng yakap eh.” sabi ni JP sakin, wala pa itong alam tungkol
sa nangyari samin ni Marco. Tumalikod na ito sakin. Di ko napigilan ang sarili
ko at niyakap ito habang nakatalikod siya.
“Whoah!
Bakit? May problema ba?” tanong nito at lalo kong hinigpitan ang yakap dito.
0000ooo0000
“Asan
yung tarantadong yun?!” sigaw ni JP sabay suntok sa kaniyang palad nang ikwento
ko sa kaniya ang tungkol kay Marco.
“Di
ko alam, kaya nga ako nandito para makalayo na don eh.” sagot ko dito, tumango
naman si JP.
“Tama
yung ginawa mo. Sige ituro mo siya sakin one time ng makatikim ng one, two,
three punch ko, di tama yang paaasahin ka tapos biglang ganun?! Foul yun!” sab
nito sabay suntok ng tatlong beses sa hangin.
“Wag
na. Madudumihan lang ang kamay mo.” sabi ko sabay buntong hininga.
“May
magagawa pa ba akong iba?” tanong nito sakin, may pagaalala sa mga mata nito.
Tumango lang ako.
“Ano?”
tanong niya. Di na ako sumagot at niyakap na lang siya ng mahigpit.
“Hoy
di ako rebound ah!” sigaw nito, pareho naman kaming napahagikgik. Dahandahan
itong kumalas sa aming yakapan at tinignan ako ng daretso sa aking mga mata.
“Pero
I don't mind being one.” seryosong sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.
“Ha?”
tanong ko ulit.
“Ok
lang sakin na maging rebound para sayo.” sagot nito, di na ako nakasagot, dahan
dahan na nitong inilapit ang mukha niya sa aking mukha at naglapat na ang aming
mga labi. Agad akong humiwalay dito at sinupalpal ang bibig niya. Napatawa ito.
“Hayup
ka! Isusumbong kita kay Donna!” sigaw ko dito at kunwaring pinahiran ang aking
mga labi at kunwaring nandidiri sa nangyaring halikan.
“Sumbungero!”
bulyaw ni JP sabay hagikgik.
“Paggamit
ng CR ah? Magtu-toothbrush lang ako.” sabi ko dito, humagikgik ulit si JP.
Pero
bago pa man ako makapasok ng banyo ay narinig ko itong nagbuntong hininga.
“Seryoso
ako, Migs.” bulong nito, nagkunwari na lang ako na hindi ito narinig at pumasok
na ng banyo.
0000ooo0000
“San
ako matutulog?” tanong ko dito ng makitang di pwedeng higaan ang kama sa itaas
ng kaniyang double deck dahil may mga nakalagay na gamit doon ng kaniyang
dating ka dormmate.
“Ah
eh, kung gusto mo dun na lang ako sa sofa.” alok nito. Napatawa ako.
“Wag
na, di ka kasya dun, tangkad mong yan saka sunog pa yung dulo nun.” sabi ko.
Pareho kaming natawa. Naaalala ang nangyari noon kung bakit nasunog ang sofa na
iyon.
“Eh
pano? Tabi tayo?” tanong nito habang pinipigilang ngumiti.
Malapit
na akong makatulog at pinipilit ng wag isipin si Marco ng maramdaman ko ang
pagyakap sakin ni JP, di na ako kumibo, hinayaan ko na lang ito.
0000ooo0000
Kinabukasan
na ang boardexams at ang aking 21st birthday at pareho kaming kinakabahan ni
JP, halos di na ako nakatulog nung gabing yun at alam kong ganun din si JP pero
nang maramdaman ko ang nakagawian na nitong pagyakap sakin simula nung dun ako
sa dorm niya nagstay ay parang nakaramdam ako ng security parang kahit anong
problema basta andyan si JP at nakayakap sakin ok lang ako. Pareho na kaming
nakatulog ni JP ilang minuto pagkatapos niyang yumakap sakin.
“Kumag!
Tama na ang pananantsing, kailangan ko pang umuwi at kailangan kong bumalik sa
condo gawa wala kong gagamiting uniform para bukas. Dapat puti diba?” sabi ko
dito pero lalong humigpit ang yakap nito sakin.
“Five
minutes.” tawad nito.
“Tado!”
sabi ko. Humagikgik lang si mokong pero di nabawasan ang higpit ng yakap niya.
Sinimulan ko ng kumalas dito.
“Tsk!
Sabi ng mamya na.” sabi nito saka ibinaon ang kaniyang mukha sa aking likod.
“JP,
ayos ka nga, usap tayo.” sabi ko dito, pinakawalan naman ako nito mula sa
mahigpit na yakap. Humarap ako dito.
“Alam
mong mali ito diba?” tanong ko dito. Tumango lang siya at marahang ipinikit ang
mga mata. Niyakap ko ito, nagyakapan kami habang pareho paring nakahiga.
“Di
natin kayang saktan si Donna diba?” tanong ko ulit dito. Tumango ulit siya.
Ipinikit ko narin ang aking mga mata at sandaling inilapat ang aking labi sa
kaniyang labi.
“Kaya
bangon na tayo at tama na ang embrace.” sabi ko dito, humagikgik naman si
mokong. Babangon na sana ako ng pigilan ulit ako ni JP.
“Last
five minutes.”
0000ooo0000
Alam
kong wala si kuya Ron sa condo dahil pumasok ito pero pagpasok ko doon ay
nagulat ako ng maabutan kong bukas ang TV at ang mga electricfan, iginala ko
ang tingin ko. Sinilip ang kusina at ang banyo at sinunod ko ang kwarto niya.
Pero naka lock ito.
“Kuya
Ron.” tawag ko sabay katok. Nagulat ako ng buksan ni Marco ang pinto, pu-pungay
pungay pa ito at nagulat ng mabungaran ako. Pinakalma ko ang sarili ko.
“K-Kuya
Ron, kukuwa lang ako ng puting uniform ko ah.” tawag ko kay kuya Ron na alam
kong nasa loob ng kwarto.
Kung
pano ko nagawang maging ganon ka kalmado, di ko alam. Nang tignan ko ulit si
Marco ay napansin kong nakayuko na ito. Tandang tanda ko nung daretsahan ko
siyang tinanong kung may gusto siya kay kuya Ron at daretsahan niya rin itong
sinagot. Naglakad na ako papunta sa aking kwarto as isinara iyon, inayos ko ang
aking mga gagamitin para sa exam.
Nanlulumo
kong ginawa iyon.
Paglabas
ko ng kwarto ay naabutan kong naguusap si Marco at kuya Ron sa dining table,
may mga pagkain sa lamesa pero di sila nakain. Nang mapansin nilang lumabas ako
ay bigla silang tumigil sa paguusap, yung tipong alam mong ikaw ang
pinaguusapan at nung mapansin nilang andyan ka sa malapit ay bigla silang
titigil, ganung ganun ang senaryo nun sa condo.
“Migs,
kumain ka na ba?” tanong sakin ni kuya Ron, nakayuko lang si Marco.
“Ok
lang ako, kuya.” sabi ko dito at pinilit ang sarili na ngumiti, ewan ko kung
nakumbinsi siya doon dahil sigurado akong di maganda ang pagkakangiti kong
iyon.
“Sige,
iwan ko na muna kayo, kuya, Marco.” tawag ko sa dalawa.
“Goodluck!
Saka Advance happy birthday!” sigaw ni kuya Ron sakin.
“S-salamat.”
bulong ko saka tuluyan ng lumabas ng condo. Nanlulumo parin ako.
0000ooo0000
“S-sure
ka bang magandang ideya to Migs? Pag ako bumagsak...” sabi sakin ni JP habang
nagtitimpla ako ng Rhum coke.
“Di
yan. Pag bumagsak ka papakasalan kita.” sabi ko dito sabay tawa.
“Sige,
ok pa naman akong mag boards sa June 2009 eh.” sabi ni JP sabay tawa din.
“Bakit
ka ba nagaya uminom?” tanong ulit nito sakin sabay lapit. Yumakap lang ako
dito, naramdaman ko nanaman itong nagbuntong hininga.
0000ooo0000
Lulugo
lugo kami ni JP na sumakay ng LRT papunta sa aming mga testing centers, dahil
Salvador ang aking apelyido ay sa Tondo Manila ako nakadestino samantalang si
JP ay malapit sa may blumentritt lang banda kaya't pareho kami ni JP ng
bababaan.
“JP,
ok ka lang?” tanong ko dito, putlang putla si JP.
“Tumango
lang ako at ramdam ko ang kaba nito. Pareho kami ng nararamdaman.”
0000ooo0000
Natapos
na ang unang araw ng nakakastress na pagbabasa at pagsasagot sa exam at papunta
na ako sa blumentritt station ng LRT kung san namin napagusapan magkita ni JP.
Nang makita ko ito ay parang nakita ko ang sarili ko sa mukha nito. Matamlay
itong ngumiti sakin. Habang nakaputi at nakikipagsiksikan kami ni JP sa LRT ay
pareho kaming walang imik at parehong nakatulala.
Naisipan
naming magsimba pareho ni JP sa Adamson, wala pang masyadong tao sa loob ng
simbahan. Tahimik at nakatulala lang kaming nagiintay ni JP ng bigla itong
humarap sakin, napaharap narin ako dito. Nanlulumo ito alam kong ganun din ang
nakalatay sa mukha ko.
“Happy
Birthday.” matamlay na bati nito sakin at inilabas sa kaniyang baunan ang isang
cupcake na may kulay blue na icing. Nangilid ang luha ko at napayakap dito.
“Salamat.”
at napaiyak na ako sa balikat nito, alam kong naeeskandalo na ang mga madreng
andun pero wala kong pakielam. Gusto kong yakapin si JP.
Nang
makarating kami ni JP sa kaniyang dorm ay tahimik parin kami, di sigurado na
makakapasa kami sa exam at di sigurado sa aming kinabukasan at sa oras ng
tulugan ay magkayakap kaming natulog. Walang pakielam kung may ibang taong
masasaktan sa aming ginagawang pagyayakapan na iyon.
Ang
mahalaga, napapagaan namin ang pakiramdam ng isa't isa.
“I
have a feeling that this birthday will be unforgettable para sayo.” sabi ni JP
habang iniyuyukyok ang sariling mukha sa aking leeg tumango lang ako.
“Ayaw
mo bang kumain?” tanong ulit nito sakin.
“Ganito
lang tayo, please.” sabi ko, sa unang pagkakataon nung araw na iyon ay narinig
ko ulit na humagikgik si JP.
Di
ko alam pero pakiramdam ko magiging ok lang ang lahat, hangga't nandito ako
kayakap si JP.
Itutuloy...
[Finale]
Masaya
akong lumabas ng classroom sa pangalawa at huling araw ng aking exam. Masaya
hindi dahil sigurado na akong makakapasa na ako sa boardexam. Masaya dahil sa
wakas wala na akong exam na iintindihin. Ang ilan sa aking mga kasabay kumuwa
ng exam ay nagiinuman na pagkalabas pa lang ng gate ng eskwelahan, mga alak ay
dala ng kanilang mga support sytem.
Nakangiti
akong sumakay ng jeep, gustong gusto ko ng humiga at matulog buong araw.
“Anong
matulog? Daan kaya tayo sa St. Jude.” sabi sakin ni JP ng magkita kami nito,
tumango na lang ako dahil magandang ideya iyon.
Masaya
kaming umalis ng St. Jude pareho ni JP, nagpaalam ako dito na bibisitahin ko
muna si kuya Ron sa condo, dahil para sakin ay di maganda ang pakikipagusap ko
dito nung huli kaming magusap. Agad namang pumayag si JP.
“Ok
lang sakin, at least masosolo ko ang kama ko ngayong gabi. Lalao na ngayong
gabi.” sabi nito pareho kaming natawa.
0000ooo0000
Binilhan
ko ng isang meal sa mcdo si kuya Ron, masabi lang na blinow-out ko siya sa
birthday ko. Para sakin ay wala akong pakielam kung andun man si Marco o wala.
Para nga akong tanga at naisipan ko pang maghihinakit kay kuya Ron, kung
tutuusin tinanong naman niya ako tungkol sa amin ni Marco at sinabi ko naman sa
kaniyang wala, kaya natural lang na sunggaban niya si Marco dahil alam niyang
wala siyang masasagasaan.
Ibang
usapan naman pagdating kay Marco, tinanong ko siya tungkol kay kuya Ron at
tumanggi siya dito at alam niya ang mararamdaman ko dahil di rin naman lingid
sa kaniya na may gusto ako sa kaniya pero alam ko rin na wala naman akong
karapatan sa kaniya.
“Ako
lang naman kasi itong tangang nag assume.” sabi ko sa sarili ko habang
kinapakapa ko na ang mga bulsa ko para sa susi ng unit.
Pero
di na pala kailangan ng susi. Pabalang na bumukas ang pinto at bumulaga sakin
si Marco, madilim ang mukha nito at halatang di maganda ang araw, di ko na ito
nagawa pang batiin, agad akong nagbigay ng daan para dito. Walang paalam itong
lumisan ng condo.
“Anong
nangyari dun?” tanong ko kay kuya Ron na nakita kong nanonood ng TV, nakatiklop
ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib at nakanguso at magkadikit ang kilay.
Tila di rin maganda ang araw na ito para sa kaniya.
Lumapit
ako dito, tumabi at nagsimula ng manood ng kaniyang pinapanood. Unti unti kong
inilalabas ng plastic ang mga binili kong meal sa mcdo. At inabot ito kay kuya
Ron, kinuwa naman niya ito at kinain pero wala paring nagbabago sa hilatsa ng
mukha nito. Wala sa isip kong isinandal ang sarili ko sa kaniyang balikat.
0000ooo0000
“Migs...
Migs... Huy! Nangangalay nako saka gusto kong umihi.” gising sakin ni kuya Ron,
nakatulog pala ako habang nakasandal dito.
“So-sorry
kuya.” sabi ko at agad akong umayos ng upo at itinuon ulit ang aking pansin sa
pinapanood, agad na tumayo si kuya Ron at nagpuntang CR, di na nito sinara ang
pinto.
“Di
ka pa ba magpapalit?” pertina nito sa puti kong uniporme.
“Di
pa kuya, napagusapan kasi namin kanina na magiinuman kami mamya pampatanggal
stress saka celebration nadin dahil tapos na yung boards.” sabi ko dito.
“Ah
ganun ba. Parang gusto kong sumama.” sabi nito nagtaka naman ako.
“Naku
kuya baka ma-culture shock ka, di kasi tulad ng mga friends mo ang friends ko.
mga commoners lang kami.” sabi ko dito, lumanding naman ang palad nito sa batok
ko at pareho na kami napatawa.
Mayamaya
pa ay dinampot na ulit nito ang karton ng fries at tumabi sakin.
“Pwede
bang ako naman ang sumandal sa balikat mo ngayon?” napatingin naman ako sa
sinabi niyang yun, alam kong may dinadamdam siya. Hinila ko na ang ulo nito
pasandal saking balikat.
0000ooo0000
“KAMPAIII!”
sigaw ni kuya Ron sa aking mga kabarkada, agad namang nagsisunuran ang aking
mga kabarkada.
“Anong
problema niyan?” turo ni JP kay kuya Ron, pati ito ay napansin na may kakaiba
kay kuya Ron.
“Di
ko rin alam eh, paguwi ko ganyan na siya.” sabi ko, tumango lang si JP,
mayamaya ay napansin kong may katext si kuya Ron at muling nagdidikit ang kilay
nito, tanda na umiinit nanaman ang ulo nito.
Nagkakatawanan
kami sa iba't ibang bloopers about sa boardexam ng biglang tumayo si kuya Ron,
wala sa sarili akong napatayo din. Nagaalala, di na kasi ito umimik pagkatapos
magtext kanina.
“Bakit,
kuya Ron?” tanong ko dito.
“Wala,
gusto ko ng umuwi.” sabi nito saka nagbigay ng matamlay na ngiti.
“Sama
na ako.” sabi ko sabay kuwa ng aking wallet para bigyan ng pangambag sa bill
ang mga kaibigan ko.
“Ano
ka ba, magenjoy ka lang. You belong here, ako nga itong OP dito eh.” sabi niya
sabay lingon sa paligid, nun ko lang din napansin na puno ng nakaputing tao ang
bar na iyon, mga taong kagaya ko ay katatapos lang sa nakakangarag na
boardexam.
“Ihahatid
kita.” sabi ko dito pero di na niya ito narinig, tuloy tuloy na itong lumabas
at nagpunta sa parking lot, mayamaya pa ay bumulaga na samin si Marco, agad
akong napaatras, mukhang di naman ako nito napansin.
“Sabi
ko tigilan mo na ako diba?!” sabi ni kuya Ron dito, nakita kong nalungkot si
Marco.
“Bakit
mo ba nasasabi yan?”
“Unang
una, anlaki ng agwat ng edad natin. Panagalawa si Migs naman talaga ang para
sayo eh, pareho nating alam yan, Marco!” sabi ni kuya Ron sabay sakay ng kotse
at paandar nito. Naiwang nakatulala si Marco.
“Migs!
Una na kami ni Loiusa ha?” tanong ng isa kong kaibigan sa aking likod, agad
namang napatingin sakin si Marco. Tumango lang ako sa aking mga kaibigan na
nagpaalam.
Babalik
na sana ako sa loob ng bar ng bigla akong tawagin ni Marco.
“Migs,
wait.” napatigil naman ako sa paglalakad.
“Please.”
at sa sinabi niyang yun ay napaharap na ulit ako dito at lumapit sa kaniya.
0000ooo0000
“Whew!
'We'll call you nanaman.” sabi ko sa sarili ko nang makalabas na ako sa isang
matayog na building sa Makati, pangilang araw ko ng naghahanap ng trabaho at
bigo parin ako. Sadyang mahirap na ang opportunity para saming mga nursing
graduates.
Nasa
ganito akong pagmumunimuni habang naglalakad sa kahabaan ng Ayala avenue ng
maramdaman kong magvibrate ang telepono ko. Si Marco, natawag.
“San
ka?” tanong nito sa kabilang linya.
“Sa
Makati.” sabi ko at sa unang pagkakataon sa buong araw na iyon ay napangiti
ako.
“Wag
kang aalis dyan, susunduin kita.” sabi nito at simula nun di na nabura ang
ngiti sa aking mukha.
0000ooo0000
“Anong
naisipan mo an nanundo ka bigla?” tanong ko dito habang nakain sa loob ng
sasakyan niya.
“Wala
naman, gusto lang kitang makita.” sabi nito sakin, natigilan ako.
“Namimiss
na kasi kita.” habol pa nito, humarap na ito sakin at pinunasan ang dulo ng
aking bibig.
0000ooo0000
Ilang
linggo pa ang lumipas simula nung nagkatapusan si kuya Ron at Marco. Lalo
namang lumapit ang loob namin ni Marco sa isa't isa. Oo, alam ko ang ibig
sabihin ng rebound, di rin ako tanga at paminsanminsan itong sumasagi sa isip
ko, pero ewan ko ba...
“Mas
gugustuhin ko ng maging tanga.” wala sa sarili kong nasabi.
0000ooo0000
Lumipas
pa ang ilang buwan away at bati ang nangyari sa relasyon namin ni Marco. Halata
mo rin na may kulang pero pilit akong nagbubulagbulagan at pilit na itinatak sa
isip ko na perpekto ang aming relasyon na mahal namin ang isa't isa.
Dumating
ang araw na kailangan ko ng umuwi sa Cavite, hindi dahil gusto ko, kundi dahil
ito ang gusto ng aking mga magulang, limang taon din akong di nauwi doon. Di
naman ito malaking issue kay Marco, minsan naman daw ay pupuntahan niya ako sa
Cavite.
0000ooo0000
“Di
naman kita inoobliga magbigay ng share dito sa condo eh. Tawagan mo si tito at
sabihin mo na ok lang sakin, walang problema ang pagstay mo dito.” sabi sakin
ng aking pinsang si Ron nang magpaalam ako sa kaniya.
“Wala
kuya eh. Pinapauwi na talaga ako.” sabay yakap ko sa aking pinsan.
“Salamat
kuya ah?” bulong ko habang pinipigilang ang sariling wag mapaiyak.
“Pano
na kayo ni Marco?” nagulat ako kasi ito ang unang pagkakataon na nagtanong si
kuya Ron tungkol sa relasyon namin ni Marco.
“We'll
make it work, kuya.” matipid ko na lang na sagot.
0000ooo0000
Sinusuot
ko na ang amerikana na aking dapat suutin sa kasal ni Edward, ilang linggo na
ang nakalipas pero wala ni isang text o tawag na nanggaling kay Marco,
nagsimula na akong mangamba, inaamin ko, ang unang isang buwan matapos ang
pagbabalik ko sa Cavite ay di naging maganda ang communication namin, pero
pinilit ko siyang i-text, pinilit ko siyang tawagan kung makakaya ko kahit na
distracted ako sa nangyayari sa bahay at sa aking paligid.
“Sabi
mo pupuntahan mo ako dito sa Cavite?” text ko kay Marco habang inaayos ang
aking sarili sa tapat ng salamin. Nagulat ako ng sa puntong iyon na nagtext ako
ay nagreply ito.
“I'm
sorry, medyo busy. Promise sa oath taking mo andun ako. Sige, I have to get
back to work.”
Di
ko na ito nireplyan. Ngayon ko siya kailangan at ng basahin ko ulit ang text
niya ay wala manlang akong nakitang “I Miss You” o kaya “I Love You” unti unti
ko ulit nararamdaman ang kakulangan ang pagkakaroon ng limit sa aming relasyon
naramdaman ko ulit na may mali.
Napagpasyahan
kong wag munang isipin iyon at tumulak na papunta sa kasal.
0000ooo0000
Natapos
na ang program, nakapag oath taking na kami, nagsisimula ng magpicture, picture
ang mga bagong proklamang RN's ng bansa pero wala pa akong nakikitang Marco
Tan. Muli ko pang iginala ang aking tingin. Nakita ko si Marco Antonio Sto.
Tomas isa sa mga Board of Nursing, gusto kong magpapicture dito dahil gusto
kong ipamukha sa kaniya na napaiyak niya ako pagkatapos ng board exam.
Nang
matapos na akong magpapicture kay BON Sto Tomas ay parang bumagal ang oras,
nakita ko si Marco, nakatayo sa dulo ng hall na iyon. Gwapong gwapo sa suot na
coat and tie.
“Di
ka ba magpapapicture sakin?” tanong nito, agad ko namang inihanda ang camera
para kuwanan kaming dalawa.
0000ooo0000
“Akala
ko di ka na pupunta. Nakakatampo ka nga eh, tagal mong di nagparamdam.” sabi ko
dito habang naglalakad kami papunta sa aking kotse. Di ito sumagot, sa totoo
lang di ko natandaan na nagsalita pa ito pagkatapos niya akong ayain
magpapicture.
Dun
ko ulit narealize na ginagapang nanaman ako ng kakulangan, tinutudyo nanaman
ang utak ko na may mali sa mga nangyayari. May nagsasabi nanaman sakin na
idilat ko ang mga mata ko at wag na akong magpakatanga.
Isinandal
lang ako nito sa aking kotse pagkatapos ay masuyo akong hinalikan.
“Text
ka ah, babalik ulit ako ng Manila after ilang weeks, hahanap ako ng Ospital.”
sabi ko dito habang nasakay sa aking kotse, di ulit ito sumagot, binigyan lang
ako nito ng isang malungkot na ngiti.
“May
mali, idilat mo ang mga mata mo.” sabi sakin ng sarili kong konsensya.
Pero
nagmatigas ako. Pilit parin akong nagbulagbulagan.
Apat
na buwan kaming di nagkita ni Marco, di nagusap sa phone at di narin siya
nagtext. Parang nawala o binura siya sa mundo, walang linaw kung may relasyon
pa ba kami o wala na.
Naiwan
akong nakalutang. Naguguluhan. Nasasaktan.
0000ooo0000
Akala
ko patay na si Marco, wala na akong naririnig maski sa mga kaibigan namin
tungkol sa kaniya. Hanggang sa nakakita ako sa isang beach sa Batangas na
dalawang lalaking masuyong naghahalikan sa may dalampasigan. Biglang uminit ang
aking mukha, biglang kumulo ang aking dugo.
Wala
sa sarili akong sumugod papunta sa kinatatayuan ng dalawang lalaki.
“Migs
tama na!” awat ni JP at ng iba ko pang kabarkada sakin. Tumayo ang lalaking
pinaulanan ko ng sapak sa tulong ng kasama nitong lalaki na kanina lang ay
kahalikan niya.
“Ikaw!
Kung sino ka man umalis ka na dito!” sigaw ni JP. Agad namang naglakad palayo
ang lalaki, puno ng buhangin ang damit nito.
“Ok
ka na ba? Bakit bigla bigla ka na lang nananapak?! Sino ba iyon?!” tanong ni JP
sakin. Wala sa isip akong napahawak sa aking kwintas na may dalawang singsing
na nagsisilbing pendant nito.
“Si
Marco... Marco Tan.” matipid kong sagot, at bago ko pa mapigilan si JP ay
hinabol na nito si Marco. Wala na ni isa sa mga kaibigan ko ang napigilan pa si
JP.
Naabutan
ko itong pinagsusuntok si Marco at ng mapahiga na ito sa buhanginan ay
tinadyakan niya ito.
“Putangina
ka! Ginago mo si Migs!” sigaw nito habang payakap ko itong pinipigilan.
“Maniwala
ka Migs, di ko sinasadya.” pahayag ni Marco ng makabawi ito sa malalakas na
suntok ni JP.
“Tanginamo!
Bigla kang nawala! Di ka nagparamdam sa kaniya! Iniwan mo siya sa ere!” sigaw
ulit ni JP. Pero hindi siya pinansin ni Marco, naluha na akong nakayakap sa
likod ni JP, pinipigilan parin ito dahil sa takot na baka mapatay nito si
Marco.
“N-nawala
ang cellphone ko, ninakaw. Di ko alam kung pano ka ko-kontakin...” nagpantig
ang tenga ko sa kasinungalingan na sinasabi ni Marco.
“Yun
ang reason mo Marco? Na nawala ang cellphone mo?! Putangina! Isang taon mo ba
bago ka makabili ulit ng cellphone?! Madadamot ba ang tao sa paligid mo at di
ka pwedeng makitext?! Nakalimutan mo na ba ang papunta sa P. Campa para makita
ulit ako at sabihing di mo ako matext dahil nawala cellphone?! Geez! Give me a
break, di ako bata na pwede mong daanin dyan sa mga lame excuses mo.” sagot ko
dito, saktong namang nagdatingan ang iba pa naming mga kabarkada, pilit kaming
tinatanong ni JP kung anong nangyayari.
“Donna,
dalin niyo na si JP sa cottage, ako ng bahala dito.” sabi ko sa girlfriend ni
JP.
Tinignan
ko ng masama si Marco at ang kasama nito.
“Migs,
please.” bulong ni Marco pagkatalikod ng mga kabarkada ko.
“Tama
na.” sabi ko dito sabay tingin sa kasama niya na halatang naguguluhan at gulat
na gulat. Patalikod na sana ako sa kinauupuan ni Marco ng mapahwak ako sa aking
kwintas at makapa ang dalawang singsing na ginawa kong pendant. Humarap ulit
ako kay Marco at hinila ang kwintas, nalagot ito. Kinuwa ko ang isang singsing
at inabot ito kay Marco.
“Here,
I was planning to give you this.” sabi ko dito, halata namang gustong isaoli
sakin ni Marco ang singsing.
“No,
keep it. Wala na akong pagbibigyan niyan, and I'll keep mine.” sabi ko dito at
sinuot ko ang kaparehang singsing na ibinigay ko kay Marco sa aking
palasingsingan.
“...And
this one, this ring will forever remind me of all the pain, all the sacrifices,
all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its
best has to offer.” sabi ko dito habang ipinapakita ko sa kaniya ang aking
singsing. Tumalikod na ako at nagsisimula ng maglakad palayo ng magsalita ulit
ito.
“I'm
sorry.” napatigil ako saglit sa sinabi niyang yun at ng marinig kong humukibi
ito ay agad na akong naglakad palayo.
After
2 years
“Hello,
di ako makakapagduty ngayon, walang magbabantay kay Rick.” paalam ko sa aking
kasamahan na nasa kabilang linya, may dalawang taon narin ako sa aking trabaho
bilag ER nurse at sa tingin ko ay may karapatan na akong mambraso ng schedule.
“Ok,
ok thanks!” nakahinga ako ng maluwag ng pumayag ang aking karelyebo.
Bigla
akong napatingin sa front door ng tumunog ang doorbell namin, ako na lang ang
nasa bahay ngayon dahil sa may mga pasok ang mga tao dun, ang mga magulang ko
naman ay nag out of town kaya't no choice ako kundi sagutin ang pinto.
Tumambad
sa aking ang gwapong gwapong si Pat, naka amerikana ito at talaga namang tindig
artista ang itsura, agad itong ngumiti sakin at nagpaalam sa kaniyang kausap sa
telepono na kakausapin lang daw ako nito saglit. Agad ako nitong niyakap,
nakakahiya man dahil naka sando at boxers lang ako at amoy gatas pa.
“I'm
glad you're here, wala si kumare mo, umuwi ng Q.C. And I really have to go to
the office. Can you take care of little Mike for me.” sabi nito, napanganga na
lang ako sa gulat. Inalis ni Pat sa pagkakasukbit sa kaniyang likod ang
pinaglalagyan ng anak nito na si Mike.
“Di
ko na nga alam kung pano aalagaan tong inaanak mo eh!” pertina ko sa aking
karga kargang si Rick.
“Please,
please, please.” pagmamakaawa nito, at wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
Agad naman ako nitong hinalikan sa pisngi.
“The
best ka talaga, Migs! Tama ang desisyon kong ipangalan sayo ang baby ko!” sigaw
ni Pat sakin pagkatapos ay hinalikan ang karga karga kong si Rick at ang
kaniyang anak na si Mike.
“Nambola
pa nga ang kumag! Bilisan mo! Umalis ka na at baka magbago pa ang isip ko.”
agad ulit itong humarap sakin at inilapat ang kaniyang labi sa aking labi.
Natigilan ako.
“The
best ka talaga, Migs!” sabi nito sabay labas ng bahay.
“Nachansingan
pa nga ako.” sabi ko sa sarili ko sabay iling.
0000ooo0000
“Oh
kain na ang mga bebe!” sabi ko sa dalwang magkatabing bata, hawak hawak ko ang
dalawang bote ng gatas. Nakatingin lang ang dalawa sakin, tila ba napapangitan
sa aking itsura.
“Oo,
alam ko, wasted much, diba? Haist! Kung nakita niyo lang ako noon.” sabi ko sa
mga ito sabay buntong hininga, parang naintindihan naman ako ng anak ni Pat at
ngumiti ito habang may nakasalampak na dodo sa kaniyang bibig.
“Nako!
Mana sa ama, palangiti! Ikaw naman!” baling ko kay Rick.
“Mana
ka sakin? Su-supladosuplado?! Nako problema yan.” sabi ko at napatawa naman ako
sa mga pinagsasasabi ko.
“Epekto
ng walang tulog.” sabi ko sa sarili ko sabay buntong hininga.
Mayamaya
pa narinig ko na lang na may nagdo-doorbell ulit. Napairap na lang ako.
“Sino
naman kaya to?” tanong ko sa sarili ko.
“Kayo!
Wag kayong malikot or something! Pirmi lang kayo dyan. Wag niyong maisip
isipang gumulong ah! Tatamaan kayo sakin!” banta ko sa dalawang bata na
masaganang nadodo sa kanilang mga chupon.
“Migs!”
sigaw ni Edward ng buksan ko ang pinto sabay yakap sakin.
“Bakit?
Basta basta ka nalang napunta ng walang pasabi?” tanong ko dito habang pilit
inaayos ang sarili. Tulad ni Pat ay bihis na bihis din ito at tulad ni Pat ay
may daladala itong anak. Dalawa. Kambal.
“Kailangan
kong umalis, wala si kumander eh.”
“Fullhouse
na ako.” walang gana kong sabi sabay turo kay Rick at Mike na masuyo paring
nadodo. Bigla namang humaba ang nguso ni Edward.
“Pag
sa anak ni Patrick ambilis bilis mo, bakit inaanak mo rin naman itong dalawang
ito ah.” sabi nito sabay tulak papasok ng dalawang straller na naglalaman ng
kambal. Napairap ako.
“Di
ko na nga maalagaan ang inaanak mong si Rick eh, dadagdagan mo pa ng tatlo.”
walang gana ko ulit na sabi dito.
“Sige
sa mga halimaw na biyenan ko na lang ulit ipapaalaga ang mga inaanak mo.” sabi
nito. Natawa naman ako sa sinabi nito.
“Sige,
igulong mo na yang kambal papasok.” sabi ko dito, agad naman nagliwanag ang
mukha nito. Binigyan ko ng padodo ang kambal at humarap na kay Edward.
“Malaman
ko lang na gagala ka lang pala, wala ka ng kambal na babalikan.” banta ko dito,
binigyan lang ako nito ng kinakabahang ngiti.
“Oh,
kayong dalawang kumag, wag kayong pasaway sa Ninong niyo ah. Baka ihagis kayo
niyan palabas ng village.” parang tangang sabi ni Edward sa mga anak niya.
Hinalikan
nito ang kambal sa noo pati narin si Ric at naglakad na palabas, hinatid ko
ito.
“Salamat.”
sabi sakin ni Edward at nagpaalam na, naglakad na ito papunta sa kaniyang
sasakyan.
“Oi
kayong apat kayo magsitulog na kayo ah.” sabi ko sa mga bata, dahil ang kambal
ang pinakamatanda sa kanilang lahat kaya't medyo di ko na pinuproblema na
gumulong ang mga ito palabas ng straller nila, si Ric naman ay nakatulog na
samantalang si Mike ay naglalaro lang ng kaniyang pacifier.
“Ok
lang naman na matulog ako saglit diba?” tanong ko sa mga ito. Syempre walang
sumagot.
“Sana
pagtanda niyong apat mas maging matitino kayo saming tatlo ni Pat at Edward.
Problema na kami noon sa village na ito kaya wag na kayong lalaking pasaway
baka sabihin ng mga kapitbahay may pinagmanahan kayo. Saka utang na loob, wag
kayong magsusulutan ng syota o kaya naman wag kayong mainlab sa isa't isa, ha?”
parang tanga kong litanya nangingiti naman si Mike habang kinakagat ang
kaniyang pacifier at ang kambal ay nakatingin lang sa kanilang bimpo bahagyang
naghihilahan. Napadako ang tingin ko kay Rick, nakakunot ang noo nito habang
mahimbing na natutulog.
“Pipikit
lang ako saglit. Saglit lang promise.”
Miyamiya
pa ay nakarinig ako ng malakas na pagiyak nang imulat ko ang aking mga mata ay
sabaysabay na nagiiyakan ang apat na bata, napairap naman ako, kaya't kahit
nahihilo pa ay tumayo ako para kargahin ang pinakamaliit, si Rick.
“Shhh
tahan na.” sabi ko saka ito sinampay sa aking balikat at hinagod ang likod.
“Kasi
naman matutulog ng busog ayan, kabag ang inabot.” sabi ko dito, nakakabingi
parin ang iyakan lalo na't matining ang boses ng kambal. Agad kong tinungo ang
aking telepono at tinawagan ang isang taong alam kong makakatulong sakin.
0000ooo0000
“Oh
kailan ka pa nagtayo ng nursery?” tanong sakin ni JP ng pagbuksan ko ito ng
pinto, humahagikgik ito ng papasukin ko.
“Oi
JP! Wala akong panahong makipagbiruan, eto kargahin mo tong inaanak mo.” sabi
ko dito sabay abot sa kaniya si Rick.
“Awww!
Ang pinaka-cute kong inaanak, manang mana sakin na ninong na ubod din ng cute.”
pagbe-baby talk na pakikipagusap ni JP kay Rick, agad namang tumigil sa pagiyak
si Rick, nagulat ako. Napakagaan talaga ng loob ng mga bata kay JP. Tama ang
desisyon nitong mag medicine at gawing specialty ang pediatrics.
“Buti
pinayagan ka ng girlfriend mo.” sabi ko dito habang pinapaltan ng diaper si
Mike. Tumigil narin ito sa pagiyak.
“Sus.
Di ko na girlfriend yung gorilla na yun! Pinalayas ko na!” sabi nito habang
idinidikit ang ilong niya sa ilong ni Rick.
“Ha?
May 3 years narin kayo ni Donna ah?”
“Four
years. Eh di na namin mahal ang isa't isa eh.” sabi nito, bakas na itinatago
lang nito ang tunay niyang nararamdaman. Di na ako nagsalita.
“Yan
ba yung anak ng dalawa mong bestfriend?” tanong nito, halatang gustong maiba
ang pinaguusapan. Tumango lang ako, ibinaba ko na si Mike sa may duyan at
sinimulang patulugin ito.
0000ooo0000
“JP...”
tawag ko kay JP ng sa wakas ay napatulog ko narin ang kambal, pero nagulat ako
ng maabutang tulog narin si JP at sa dibdib nito ay ang nakadapang si Rick.
Napangiti ako.
“Galing
din siguro si JP sa trabaho at wala pang tulog tulad ko.” sabi ko sa sarili ko,
dahan dahan kong inangat si Rick sa dibdib nito at ililipat na sana sa crib ng
nagising si JP, nginitian ko lang ito.
“Akala
ko nahuhulog na yung bata.” sabi nito, ngumiti lang ulit ako. Nang maihiga ko
na si Rick sa crib ay naabutan ko si JP na natutulog ulit sa sofa, agad ko
itong nilapitan at tumabi sa kaniyang pagkakaupo at ginawang unan ang kaniyang
balikat.
“Oi
yung mga alaga mo.” saway sakin ni JP.
“Wala
pa akong tulog.” sabi ko dito.
“Sige
five minutes lang.” bulong nito sabay akbay sakin at pilit akong isiniksik sa
katawan niya.
“Pwede
ka ng magasawa.” sabi ko dito.
“huh?
Bakit mo naman nasabi?” tanong nito sabay hagikgik.
“Ok
ka kasi sa mga bata eh.” sabi ko dito, naramdaman ko nanaman itong humagikgik.
“Di
naman kasi pwede yung gusto kong pakasalan eh.” sabi nito, napatahimik naman
ako at napaisip sa sinabi niya.
“Bakit
naman?” tanong ko dito.
“Full
time nurse kasi yun tas full time Daddy/ Mommy rin.” sabi niya.
“Ahhh,
may ipinalit ka na pala agad kay Donna eh.” sabi ko dito, humagikgik ulit ang
loko.
“Bago
ko pa makilala si Donna andyan na siya.” sabi nito agad ko namang hinampas ang
dibdib nito.
“Gago
ka! Niloloko mo pala si Donna!”
“Hindi
ah, minahal ko yung gorilla na yun.”
“Eh
sino naman yung sinasabi mong isa mo pang mahal?” tanong ko ulit dito.
“Hina
mo talaga sa mga ganito no? Ikaw ang sinasabi ko, Tanga!” sabi nito, napanganga
lang ako sa sinabi nito.
Agad
ko itong nginitian, ganun din naman si JP sakin. Muli kong inunan ang aking ulo
sa kaniyang matipunong dibdib at pilit pang isiniksik ang sarili at pilit na
tinutupad ang pangakong saglit na pag idlip.
Wala
pang trenta minutos at nagsiiyakan na ulit ang mga bata.
0000ooo0000
Ito
ang buhay ko, masalimuot, masaya at puno ng aral, hindi man si Edward ang para
sakin ay marami naman akong natutunan sa maraming pagkakamali na sumampal sakin
noon, sinampal man ako ng mga pagkakamali ko noon ay pinakapal naman nito ang
mukha ko sa mga susunod na sampal pa na mararanasan ko sa buhay, di man si
Alex, ay tinuruan naman ako nito na magpakatotoo at piliin ang mga totoong
pagkakatiwalaan, di man si Marco pero tinuruan ako nitong di dahil mahal at
gusto mo ang isang tao ay ganun din ang nararamdaman nito para sayo.
Maraming
paraan at pagkakataon para umibig at ibigin at hindi lahat ng relasyon puro
pagibig ang isasalubong sayo, minsan may pasakit pero hindi lang doon dapat sa
pagibig at pasakit nakatuon ang pansin mo kundi pati sa mga aral na kaakibat
nito.
Ako
si Miguel Salvador at ang tatlong libro na masugid ninyong sinubaybayan ay ang
tatlo lamang sa ilang kabanata sa buhay ko.
P.S.
Para po sa mga nagtataka sa mga huling sinabi ko kay Marco nang ibigay ko dito
ang singsing, Opo, orihinal ko pong linya ang nabasa niyong sinabi ni Ramon
Saavedra sa Love at its Best Book1 Chapter 8. Ngayon alam niyo na kung bakit ko
pinapahaba ang exposure ni Ram. ^_^
-wakas-
No comments:
Post a Comment