By: (ash) erwanreid
Source:
bgoldtm.blogspot.com
[01]
"I
love you Jesse" sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan.
Ito
ang dahilan kung bakit napalingon si Ivan sa di kalayuan. Napa-maang siya nang
makita kung sino ang tinutukoy ng sumigaw. Hindi ba siya nagkakamali? Lalaki
ang pinatutungkulan ng sumigaw ng tatlong mahahalagang salitang ng pag-ibig.
Maya-maya pa sa kanyang pagmamasid ay nakita niyang niyakap ng sumigaw ang
lalaking kaharap nito. Pagkatapos ay mariing hinalikan.
Hindi
niya nakayanan ang nakikita kaya binawi niya ang pagkaka-tingin sa dalawang
parehong nilalang na nagpapakita ng pag-ibig sa isa't isa. Tumingin siya sa
kanyang ina. Napansin nitong naka-ngiti ito habang ang mata ay naka-tingin sa
dalawang lalaking wala yatang pakialam kung may makakita sa kanilang masagwang
ginagawa.
"Ma?"
inagaw niya ang atensyon ng ina. "Bakit parang natutuwa pa kayo sa
dalawang iyon?" Dahil para sa kanya masagwa at nakaka-suka ang nakita
niya.
"Ivan?"
nananaway ang tono ni Divina. "Natutuwa lang ako sa kanila."
"Natutuwa?"
nagulat si Ivan sa narinig sa ina.
Ngumiti
lang ang kanyang ina.
"Dad,
mauuna na po ako sa kotse. I miss you." paalam niya sa puntod ng kanyang
ama at inilapag ang hawak na isang bulaklak.
"Ivan,
kararating pa lang natin. Aalis ka na agad." paalala ni Divina.
Hindi
kumibo si Ivan. Pinagpatuloy lang nito ang pagtalikod at tinungo kung saan
naroon ang kotse.
Hindi
na kumibo pa ang ina ni Ivan. Muli nitong itinuon ang atensyon sa lapida ng
kanyang yumaong asawa.
Na-ngiti
ito nang mag-salita. "Natatawa ako asawa ko, sa tinuran ng anak
natin." bumuntong hininga muna siya. "Na-mimiss na kita pero alam ko
masaya ka na diyan sa langit." ang ngiti kanina ay nadamayan na ng
namumuong luha. "Sige sa susunod na uling pagdalaw ha? I love you."
Pagkatapos noon ay tumalikod na ang babae para iwanan ang puntod ng
pinakamamahal na asawa.
"Ma?
Bakit bumalik agad kayo?" tanong ni Ivan nang dumating na ang ina sa
sasakyan.
"Wala
naman. Saka baka mainip kakahintay."
"Hindi
naman. Ayoko lang na makita yung dalawa." nagkunwari pa si Ivan na
nandidiri.
Tumawa
si Divina sa ginawi ni Ivan.
"Sige
na, paandarin mo na at uuwi na tayo."
"Sige
ma, sabi mo eh."
Pinaandar
na nga ni Ivan ang sasakyan. Nang tinutungo na nila ang daan pauwi ay muling
nagsalita si Ivan.
"Ma.
Pagka-hatid ko sa iyo sa bahay didiretso ako sa kaibigan ko ha?" paalam
niya.
"Sige"
sagot ni Divina habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Mmm
ma? Baka gabihin ako ha?"
"Sige."
"Hindi
ka magagalit?"
Napa-tingin
ang ina sa kanya nang nagtataka. "Bakit gawain mo na iyan ah?"
Natawa
si Ivan. "Wala lang ma."
"May
itinatago ka siguro Ivan?" naka-ngiting paghihinala ni Divina.
"Paano
mo naman nasabi ma?" hamon niya sa ina.
"Hindi
ka mangungulit ng ganyan kung bago lang yang gagawin mo? Babae ba yan
Ivan?"
Hindi
na tumingin si Ivan sa kanyang ina. Alam naman niyang hindi ito galit. Kahit sa
tono ng pananalita nito ay walang bahid ng anumang galit.
"Basta
Ma, kapag naging maganda ang resulta ng lakad ko, ipapakila-" naputol niya
ang sasabihin. "Sasabihin ko agad sa inyo."
"Ivan?"
tawag ni Divina na natatawa. "Alam ko na yan. Buking ka na. Babae nga.
Tama ako."
"Ma?"
natatawa rin nitong saway sa ina.
-----
Nagising
kinabukasn si Ivan sa malakas na katok. Alam niyang ang ina niya iyon dahil sa
boses na na nagmumula dito.
"Ivan,
tanghali na aba, gumising ka na."
"Opo"
sigaw niya.
"Nag-luto
ako ng paborito mo." sigaw pa rin ng ina sa likod ng pintuan.
"Opo."
"Hindi
ako titigil hangga't hindi ka tumatayo dyan."
"Eto
na po tatayo na."
Alam
niya na hindi talaga siya titigilan ng ina. Lagi naman na ganoon ang sistema
kapag may gusto itong ipagawa. Magluluto ng paborito niya, tapos yun pala may
favor lang ang ina.
Binuksan
niya ang pinto at nabungaran niya ang ina na kakatok pa sana.
"Ma?
Bakit?" nakasimangot niyang tanong sa ina.
"Anong
bakit?" tono ng naglalambing. Naka-ngiti. "Tanghali na. Nagluto ako
ng spaghetti ngayon kaya kailangan mo nang bumangon."
"Sige
po, baba na ako."
Alam
kasi ng ina na hindi niya mahihindian kapag spaghetti na ang naka-hain sa mesa.
"Sige
hihintayin kita sa baba. Bilisan mo."
Halata
ni Ivan ang posibleng mangyari mamaya dahil sa tono ng pagkakasabi na iyon ng
ina.
"Opo."
"Teka."
muling lumingon si Divina na tatalikod na sana.
"Bakit?"
nakakunot ang noo niya.
"Kamusta
ang lakad mo kagabi? Ha?" may pangungungulit ang pagtatanong ni Divina.
Napatingala
at napatirik ang mga matra ni Ivan ng marinig ang tanong ng ina.
"Bakit
nagtatanong lang naman?" depensa agad.
"Walang
kwenta."
Nan-laki
ang mata ni Divina. Sabay ngiti at tumalikod. Habang naglalakad palayo sa kanya
ay may hinuhuni itong na kung anong salita. Hindi niya maintindihan pero alam
niyang may halong pang-aasar.
"Si
mama talaga." nasabi na lang niya at muling tumalikod sa pinto at tinungo ang
kanyang kama. Muli siyang humiga.
"Hay,
buhay. Kapag minamalas ka nga naman." sabay buntong-hininga.
Gusto
niya pang matulog pero alam niyang babalik ang kanyang ina kapag nagtagal pa
siya doon. Ganoon iyon kakulit. Pero hindi siya naiinis sa ginagawa ng ina
dahil mas lamang ang nararandaman niyang sweetness sa ginagawa nito.
Tumayo
siya at tinungo kung nasaan ang stereo at gusto niyang makinig ng music.
Malamang na rock ang piliin niya. Ilang pindot lang ang nangyari nang makahanap
siya ng istasyong kasalukuyang nagpe-play ng rock music.
Nagkaroon
ng kasiglahan ang katinuan niya ng marinig iyon. Tinodo niya ang volume, at
halos maghead-bang siya kasunod sa saliw ng musika.
"Tama-tama
para makalimot. Wooo." sigaw niya.
Hindi
niya tinapos ang awitin dahil bumaba na siya para tunguhin ang hapag-kainan.
Kahit sa baba ay dinig niya ang tugtog na nagmumula sa kanyang kwarto dahil sa
lakas.
Nakita
niya ang kanyang ina na naghahanda sa lamesa.
"Ano
ba naman iyan." reklamo ni Divina. "Ang lakas. Baka magreklamo ang
kapit-bahay natin niyan."
"Sinong
magrereklamo eh wala naman tayong kapit-bahay sa lugar natin." paliwanag
niya.
Napansin
ni Ivan na naka-titig sa kanya ang ina. "Bakit ma?"
"Wala.
Hindi mo pa nga pala alam."
"Na
ano?"
"Mamaya
malalaman mo." ngumiti ang ina. "Kumain ka na muna."
Kasalukuyan
na silang naka-upo sa harap ng lamesa, kumakain at iba na ang naka-ereng kanta
ngunit rock pa rin.
"Kamusta
ang lakad kagabi?" tanong ni Divina. Halatang sabik malaman ang detalye.
"Wala
nga pong kwenta."
"Akala
ko pa naman may iuuwing babae na ang anak ko."
Natawa
si Ivan.
"Ano
ba nga iyong lakad mo? A-ano ba talaga ang nangyari? Bakit... walang
kwenta?"
Nag-isip
si Ivan kung sasabihin ang katotohanan.
"Nakipag-eyeball
ako sa isang ka-textmate ko."
Nanlaki
ang mata ni Divina sa narinig.
"Talaga?
Eh anong nangyari? Panget ba? Ano? Hindi mo ba nagustuhan. Aba anak wag ka
namang mapili. Bakit hindi ka sumasagot. Ivan, natutulala ka na."
sunod-sunod na tanong at pahayag ng ina.
"Ma.
Paano ako makakapag-salita eh, ayaw niyo ata ako tantanan ng tanong. Tsaka
parang masyado naman yata kayong exaggerative"
Natawa
ang ina. "Ano nga?"
"Maganda
kaso-" hindi niya naituloy.
"Kaso?"
nabitin ang ina.
One
look and then yun iba na
malagkit
dumikit ang tingin ng mata
Kasabay
ng huling tanong ni Divina ay dinig na dinig ni Ivan ang pumalit na awitin na
pumailanlang sa ere na nagmumula sa kanyang kwarto.
Napatayo
siya.
"Parang
nang-aasar pa ang awitin. Bad-trip." nasabi niya nang mahina.
"Ha?"
naguguluhan ang ina pero sa loob loob natatawa ito sa naging reaksyon ng anak.
"Sandali
po." at dali-daling umakyat si Ivan para patayin ang kaninang binuhay na
stereo.
Everyday
parating we're together
Every
week, palaging may sleepover
Ang
tawag nya sa mommy ko ay tita
Bakit
ba, di ko non nakita
Muling
naalala ni Ivan ang nangyari kagabi. Nakaka-relate ba siya sa kanta? Halos
lundagin niya paakyat ang mga baitang makarating lang kaagad sa kanyang kwarto.
Nang makapasok sa kanyang kwarto ay agad-agad niyang pinatay ang stereo.
"Hayss
sa wakas." humihingal niyang sambit.
Ngunit
parang nadidinig pa rin niya ang awitin kahit pinatay na niya ang stereo. Baka
utak na lang niya ang gumagawa noon. Pero hindi, mukhang nanggagaling sa labas
ang awiting kapareho ng ayaw niyang marinig.
Napalikod
siya sa stereong kaharap at tumingin sa labas ng kanyang bintana. Doon niya
laman na sa kaharap na bahay niya nanggagaling ang musika na masakit sa kanyang
pandinig.
"At
kelan pa nagkaroon ng tao diyan?" tanong niya sa sarili.
This
guy's in love with you pare,
This
guy's in love with you pare
This
guy's in love with you pare
Bading
na bading sayo...
Di
na ako makasagot ng telepono
Palagi
nyang kinakausap ang parents ko
Kulang
daw sa tulog at di na makakain
Bakit
ba? di pa non inamin
Saka
niya muling naalala ang nangyari kagabi.
-----
"Dito
na ko." ito ang text ni Ivan sa ka-text.
Napag-usapan
nila na magkita sila sa isang mall. Na-una na ang ka-text sa pinag-usapang mall
at ngayo'y si Ivan ang humahabol.
Nangi-ngiti
si Ivan habang tinutungo ang daan papuntang food-court.
Hahanapin
ni Ivan ang ka-textmate niya batay sa ibinigay nito kung paano siya makikilala.
Pero kahit hindi naman nito ibigay pa ang detalye kung ano ang suot nito o kung
anong kulay ng suot dahil alam na ni Ivan ang mukha nito. Tandang-tanda niya
iyon dahil sa mga pinadalang mms nito kamakailan lang. Siyempre, pinagsawaan
niyang pakattigan iyon sa kanyang cellphone at ginawa pa niya iyong backgroud
image lagi niya lang masilayan ang magandang mukha ng kanyang ka-textmate na
ngayo'y makikipag-eyeball na sa kanya.
Nang
marating na niya ang food court, agad-agad siyang lumingo-lingon para hanapin
ang babaing naka-suot ng kulay pink. Madali naman niya itong nakita ngunit
nakatalikod ito sa kanya.
Habang
papalapit, naglalaro ang kanyang isipan.
"Ang
haba ng buhok. Kahit nakatalikod alam ko nang maganda ang ka-eyeball ko.
Yes."
Nasa
likuran na siya ng ka-eyeball ng naramdaman nitong may tao sa likod niya.
Bahagyang nagulat si Ivan sa ginawang paglingon ng nasa harap. Magsasalita nga
dapat siya nang na-una itong magsalita.
Naka-ngiti
ito. "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Ivan?" sabi nito sa
baritonong boses.
Parang
nabuhusan si Ivan ng malamig na tubig nang marinig nito ang kababaan ng boses. Nangilabot
siya. Hindi karaniwan ang ganoong boses sa isang babae. Patay.
"Bakit
hindi ka na makasagot?" muli nitong tanong sa ganoon parin tono. Walang
pagbabago.
"Mukhang
yun nga ang natural nitong boses?" sa isip-isip niya. "O-o ako n-nga
si I-ivan." nagkakanda piyok-piyok si Ivan sa pagsaot hindi niya inaasahan
na ganoon ang kanyang ka-textmate.
"Sagit lang ha? Punta mo na ako sa c.r. Alam mo na."
"Samahan
na kita."
Para
kay Ivan nakakaloko ang mga ngiting nasilayan niya sa mga labi ng ka-eyeball.
"Hindi
na. Wait ka na lang dito. Ok?"
"Ayaw
mo?"
"Ok
lang ako. Sandali lang talaga."
"Sige
na nga."
Pagkatapos
noon ay nagmadali siyang nagpuntang c.r... kunyari.
"Shit."
mura niya sa sarili habang binabagtas ang daan. "Bakit ganoon? Akala ko pa
naman babae yun pala bakla." napapatiim-bagang siya.
Hindi
kasi akalain ni Ivan na nakikipag-textmate pala siya sa isang bading na ang
buong akala niya ay babae.
"Mukhang
babae naman ang pinapadala niyang mms sa akin ah? Shit." muli siyang
napamura.
Pero
parang naka-ramdam din siya ng pagka-konsensiya dahil sa pang-iiwan niya.
"Hindi.
Tama lang iyon. Niloko niya ako." paliwanag sa sarili niya. "Ang laki
ng boses. Hindi ko akalain yun. Ang ganda ng mukha kaso ang boses patunay na
bading."
Nakasakay
na siya sa dala niyang kotse. Hindi na muna niya iyon pinaandar. Nagpakawala
muna siya ng maraming malalalim na hininga masigurado lang na hindi nag-iinit
ang mukha niya sa inis, galit, disappointment, at kahihiyan na rin sa ginawang
pagtakas.
-----
Muli
siyang nagbalik sa kasalukuyan nang
matapos ang awitin may tama sa kanya. HIndi man punto por punto pero ang
tauhan sa awitin ay ang kinaayawan niya.
Noong
una, nang magpunta sila sa sementeryo nang dalawin nila ng kanyang ina ang
yumao niyang ama, ay naka-kita siya ng dalawang magkapareho ng kasarian na
nagpapahayag ng kanilang pagmamahalan at natapos niya ang pagmamasid ng
naghalikan pa ang mga ito.
Tapos,
kina-gabihan lang, bading parin. Hindi na ba matatapos ang panggigitil ng
kanyang mga ngipin sa sobrang inis?
Kanina
pa nga tapos ang awitin at napalitan na ito ng ibang awitin. Patuloy pa rin
siya sa pagkakatayo sa may bintana.
"Bwisit."
nasabi niya sa kawalan. "Sira ang kahapon ko, mukhang pati ngayon ay
sisirain pa rin? At mukhang sira na nga."
Pagkatapos
noon ay tumalikod na siya at muling bumaba.
-----
"Ano
ba ang problema mo anak?" tanong ni Divina nang muli siyang maka-upo at
magpatuloy kumain.
"Kasi
Ma, akala ko, babae yung dapat na ka-eyeball ko kagabi. Yun pala bading
Ma."
Natawa
si Divina.
"Ma?
Nakakainis na nga, tinatawanan niyo pa ako."
"Nakakatuwa
lang kaai anak. Naalala mo yung naandoon tayo sa sementeryo...?"
"Opo"
sagot kaagad ni Ivan para maputol ang gusto nitong ipaalala. "Huwag mo
nang ipaalala."
Muling
tumawa si Divina.
"Bakit
ba Ma?" naiinis niyang tanong.
"Wala
lang. Masama bang tumawa?"
Huminga
na lang siya ng malalim ayaw na niyang sumagot, gusto niyang makalimot.
"Mmm...
paano kung nagkaroon ka ng bading na kaibigan?"
"Ma?
Ayoko ng ganyan. Ayoko na nga isipin ang nangyari kagabi."
"Malay
mo lang kasi... alam mo naman ngayon. Maaring kapit-bahay mo pala eh
bading."
"Ang
kulit naman ni Mama. Wala na kaya ta-" bigla niyang naalala na may tao na
pala sa kabilang bahay.
"Malay
mo nga lang Ivan. Kunyari, dati mong kalaro, tapos muli kayong nagkita eh
bading pala?"
"Si
Mama talaga gusto pang pahabain ang tungkol sa mga yan?"
"Oo
na nga. Sige na titigil na ako. Na-mimiss ko lang kasing kulitin ng one and
only son ko." at ngumiti ang ito ng ubod ng tamis.
"Ok."
"Basta
mamaya huwag kang aalis ha?"
"Bakit
po?" alam ni Ivan na naroon na ang favor ng ina.
"Pupunta
tayo sa kabila."
"Sang
kabila?"
"Dyan
sa tapat natin. Dumating na kasi si Tita Laila mo."
"Ah,
bumalik na pala sila diyan. Kaya pala may nagpapatugtog na."
"Napansin
mo na pala. Kagabi lang sila dumating. Niyaya nga akong duon na sa kanila
maghapunan. Sabi ko naman, ngayon na lang gabi para kasama kita. Pumayag naman
sila. Kaya gusto ko huwag ka munang umalis mamaya. Ok ba yun?"
"Ok."
"Usapan
yan ha?" parang kasing edad lang niya ang anak kung makipagkasundo siya
kay Ivan.
"Opo.
Alam ko na naman na may favor kayo eh."
Tumawa
ito. "Saka nga pala, andiyan narin Mico ang dati mong kalaro."
"Talaga."
hindi naman sobrang excited si Ivan na nalaman.
"Oo.
Kaya kaibiganin mo ha. Baka kasi manibago dito si Mico."
"Sure."
Tamang-tama
yun kay Ivan. Sa lugar kasi nila sa loob ng village na iyon halos wala pang
naka-tirik na kabahayan. Meron man dalawa tatlo halos wala namang naka-tira
dahil puro nag-migrate kung saan-saan. Ang naging kaibigan niya lang doon ay
ang anak ng kapit-bahay nila na si Mico nga. Kaso umalis din ito at hindi niya
alam kung saan nagpunta. Ngayon nga ay nagbalik na. Mga ilang kalye pa bago
magkaroon ng maraming tao sa paligid at kabahayan. Nakakasalamuha niya lang ang
mga ito kapag naglalaro siya ng basketball sa clubhouse.
Pagkatapos
kumain ay bumalik na siya sa kanyang kwarto. Humiga siya sa kanyang kama pero
hindi na siya dinadalaw ng antok. Minabuti nalang i turn-on ang kanyang computer.
Noong una ay nag-eenjoy pa siya sa kung ano-anong nababasa, napapanood sa
youtube. Napa-gawi na nga rin siya palabas na maselan.
Inabala
niya ang sarili sa panonood ng mga porn clips. Bigla niyang naalalang bukas nga
pala ang pinto. Tumayo siya at sinara ang pinto ng sigurado. Madalas na niyang
gawin iyon, ang manood ng porn clips. Lalo na nang bago pa lang ang internet
connection niya pero habang tumatagal ay nakaka-sawaan na rin niya.
Habang
pinanonood ang palabas, nakakaramdam na siya ng pag-iinit ng katawan. As usual,
ang nagiging epekto ng panonood ng ganoong uri ng palabas. Talaga namang
napapasalat pa ang kanyang kamay sa kanyang puson pababa sa kanyang...
Nakarinig
siya ng agos ng tubig na nagmumula sa hose. Ang tunog na iyon ay nanggagaling sa
labas. Nakaka-curious siya kung sino ang gumagamit na iyon. Kaya itinigil niya
ang ginagawa at sumilip sa bintana para matanaw kung saan iyon talagang
nagmumula.
Nakita
niya sa kabilang bahay sa tapat na may isang maputing...
"Lalaki
ba iyon? Pero ang kutis parang babae?" tanong niya sa sarili ng makita
kung sino ang gumagamit ng hose na iyon. Nakatalikod kasi kaya hindi pa niya
mamukhaan.
Alam
niyang magpapaligo ito ng aso pero ina-adjust pa nito ang agos ng tubig. Nang
maayos na ay humarap na ang may hawak ng hose.
"Ay
lalaki nga. Pero teka, bading nanaman?"
Nahalata
ni Ivan na bading iyon nang tawagin nito ang aso.
"Ano
ba naman iyan bakit ba bading na naman ang nakikita ko?"
Nang
tinamaan na ng tubig ang aso nagpupumiglas ito at nagbisik ng katawan na
ikina-inis ng nagpapaligo. Natawa nang bahagya si Ivan sa hitsura ng lalaking
pinaghihinalaan niyang bading sa nakakatawa nitong reaksyon.
may
karugtong...
[02]
"Vani,
wag kang malikot." saway ni Mico habang nagpapaligo sa kanyang alagang aso.
Para
namang tao kung makaintindi ang aso at agad itong nag-behave.
"Good
dog." natuwa si Mico sa inasal ng kanyang aso. "Ito na, lalagyan na
kita ng shampoo. Huwag malikot."
Natapos
ni Mico ang pagpapaligo sa aso ng walang kahirap-hirap. Hinugot niya sa
pagkaka-sampay ang tuwalya na sinampay niya kanina para ipam-punas kay Vani.
Binalot niya ito at kinarga. Papasok na sana siya sa loob ng bahay nang
masalubong niya ang kanyang ina.
"Tapos
ka na pala." si Laila ang ina ni Mico.
"Yes
Ma." ngumiti siya sa ina.
Bahagyang
nagulat ang dalawa ng pumiglas si Vani para maka-wala sa pagkaka-karga. Hindi
na nag-react si Mico pagkatapos noon. Hinayaan na niyang maglaro ang bagong
paligong alaga sa kabuuan ng kanilang bahay. Muli niyang itinuon ang sarili sa
ina.
"Ma,
bakit po?"
"Gusto
lang sana kitang tanungin kung ano ang lulutuin natin mamaya."
"Ah...
ganun po ba?" saglit na tumigil si Mico. "Basta Ma, huwag mawawala
ang spaghetti ha?"
"Spaghetti?"
napa-kunot noo si Laila. "Pang-hapunan ang lulutuin natin."
Alam
ni Mico ang tinutukoy ng ina. "Basta Ma, kahit pang-isang tao lang ang
luto."
"Teka,
wala akong maalalang bata na pupunta mamaya. Sila lang naman ang inimbita
natin."
"Yup,
pero ang kakain eh baka isip bata pa rin." sabay tawa.
"Ah,
alam ko na ang tinutukoy mo." natawa si Laila habang nakatingin ng
maka-hulugan sa anak.
"Ma?"
saway ni Mico. "Gusto ko lang ma-apreciate niya ang muli naming
pagkikita."
"Oo
na. Ang lakas maging defensive."
Natawa
siya sa pambubuking ng ina. " Siyempre, may ibig sabihin ang tingin nyo
eh."
"Pero
ano pa ang lulutuin natin?"
Nagbigay
si Mico ng ilang ideya para lutuin. Nagtapos sila sa tatlong putahe at ilang
panghimagas.
"Okey
na ba iyon?" tanong ni Laila para masiguradong final na ang napag-usapan.
"Opo."
"Sige
mamimili na kami ni Saneng."
"Ingat
po Ma."
Tinawag
ni Laila ang kasambahay na nasa likod bahay. Agad naman itong lumapit at
pinagpaalaman ni Laila na maghanda at aalis sila para mamili.
Naka-alis
na sila Laila habang si Mico ay naiwang malayo na ang nararating sa pag-iisip.
"Ang
gusto ko lang maging close kami ni Ivan." napa-kagat labi siya nang
mabanggit iyon.
Alam
kasi niyang maaring hindi inaasahan ni Ivan na hindi na siya ang dating Mico na
kilala ni Ivan. Isa na siyang lalaking may pusong babae.
"Kaya
dapat siguro simple lang ako mamaya. Para hindi magulat yung tao."
napa-hagikgik siya ng tawa.
Lagi
namang updated si Mico tungkol kay Ivan dahil sa facebook. Lagi niyang
binubuksan ang proile nito nang hindi ina-add. Kaya malamang na hindi siya kilala
ni Ivan dahil pati pangalan niya ay iniba niya.
-----
"Ivan?"
tumatawag ni Divina habang kumakatok sa pintuan.
Nagising
si Ivan dahil doon. Naka-tulog pala siya pagkataos niyang panoorin ang
nagpapaligo ng aso kanina sa kabilang bahay.
"Ma?
Andyan na po." sigaw niya ng may pagalang.
"Hapon
na, maya-maya lang magdidilim na. Mag-ayos ka na." si Divina sa likod ng
pintuan niya.
Napatingin
siya sa wall-clock na naka-sabit.
"Alas-kwatro
na?" natanong niya sa sarili nang makita ang oras. "Opo Ma."
"Nagluluto
na ako kaya mag-ayos ka na ng sarili mo at pupunta na tayo sa kabila."
"Opo."
Narinig
ni Ivan ang yabag ng inang papaalis. Minabuti na niyang tumayo. Nahihilo-hilo
pa siya ng tumayo. Dumiretso siya sa banyo para umihi.
Sa
loob ng banyo, habang nagbabawas ng likidong naipon sa kanyang puson, naisip
niya ang bibisitahin mamaya, sa kabilang bahay.
"Parang
naeexcite na akong makita si Mico ah? Magkakaroon na ako ng kausap lagi dito.
Tama." Nangingiti siya habang nangingiligkig sa huling patak ng kanyang
pagbabawas.
-----
"Ma,
ano ba ang inihanda mo?"
Napalingon
si Divina na nakaharap sa kalan nang magtanong siya. Hindi kasi nito namalayang
nasa likuran na si Ivan.
"Potsero.
Tikman mo nga kung okey na."
At
iniabot ng ina ang sandok kay Ivan.
"Okey
naman po." sabi ni Ivan ng malasahan ang niluluto.
Napa-kunot
ang noo ni Divina. "Pilit?"
Wala
kasing reaksyon o kung ano mang ekspresyon ang mukha ni Ivan.
Natawa
si Ivan. "Eto naman si Mama. Siyempre bagong gising ako kaya wala pa ako
sa mood. Pero, masarap naman talaga."
"Wala
ka namang sinabing masarap kanina. Sabi mo okey lang naman."
"Nagtatampo?"
sabay tusok ng daliri sa tagiliran ng ina.
Natawa
si Divina dahil nakiliti. "Oo na. Tigilan mo nga yan."
"Asus,
gusto lang magpalambing."
-----
Bago
mag ala-sais ng gabi ay ayos na si Ivan at ang ina.
"Bitbitin
mo na yung pagkain Ivan." utos ni Divina.
Naka-upo
si Ivan ng oras na iyon sa sofa. Hinihintay niya ang go signal ng ina. At nang
nagbigay na nga ito, ay agad siyang pumunta sa lamesa para bitbitin ang
dalawang kwadradong tupper ware. Alam niya kung ano ang nakalagay sa isa ngunit
hindi niya alam ang laman ng isa.
"Ma?"
tawag niya sa ina.
"Oh?"
"Anong
laman nitong isa?"
"Ah
yan? Gumawa kasi ako ng chocolate cake kanina."
"Hindi
ko alam yun ah."
"Sa
totoo lang anak minadali ko yan." natawa ito. "Huwag kang maingay
ha?"
"Hala
ka?" kunyaring nanakot si Ivan.
"Hindi
naman. Kasi, naalala kong favorite pala ni Mico ang chocolate cake di ba? Tanda
mo pa ba?"
Naalala
niya nang magbatuhan sila ni Mico ng holen dahil inagaw ni Ivan ang cake ni
Mico. Bata pa sila noon. Ngayon hindi na niya maalala kung bakit nang-aagaw
siya ng pagkain ng may pagkain. Naalala niya kung paano umiyak ng todo si Mico
noon. Nagsisigaw ito ng "Ang favorite ko kinuha ni Ivan." Napalo noon
si Ivan ng kanyang ama.
Natawa
si Ivan sa aalalang iyon.
"Opo
Ma naaalala ko pa."
-----
Nakabukas
ang gate ng bahay nila Mico. Naunag pumasok si Divina. Hindi dumiretso si Ivan
sa may pinto na nakasarado. Hinayaan niyang katukin ang pinto ng ina niya bago
siya magpakita. Narinig ni Ivan ang pagkatok ng ina at saglit lang ay nagbukas
na ang pintuan.
"Divina."
si Laila nang mapagbukasan ang bisita.
"Eto
na kami." si Divina.
"Kasama
mo na si Ivan?"
Narinig
ni Ivan ang palitan ng usapan ng ina at ng Laila. Nakita niyang dumungaw para
makita siya nung Laila.
Namangha
si Laila nang makita niya si Ivan.
"Ikaw
na si Ivan?" tanong sa kanya ni Laila.
Lumapit
siya. "Opo ako na nga po."
"Aba
ang gandang lalaki talaga ng anak mo mareng Divina."
"Siyempre
mana sa Ama."
"Oo
nga ano. Teka, pasok muna kayo at duon tayo makapag-kwentuhan."
"Sige."
sang-ayon ni Divina. "Ivan, halika na."
Nahuling
pumasok si Ivan.
"Pasensya
ka na Divina sa bahay ko ha? Hindi pa kami nakakapag-ayos ni Mico eh."
"Wala
yun ano ka ba. Alam ko naman yun na puro pahinga muna kayo."
Nagkatawanan
ang dalawa.
Dahil
narinig ni Ivan ang pangalang Mico, naghanap ang kanyang mata sa paligid. Gusto
na niyang makita si Mico. Pero wala siyang makita.
"Halika
muna duon, may ibibigay ako sayo." anyaya ni Laila kay Divina. "Ivan,
sandali lang ha? May kukunin lang kami ng Mommy mo."
"Sige
po." sagot niya.
"Teka,
ang mga dala mo nga pala. Akin mailagay ko muna sa lamesa."
"Wag
na po Tita. Ako na lang po ang bahala."
"Sige.
Hindi ka lang gwapo, lumaki ka ring mabait."
Pagkatapos
ay tumalikod na ito.
Tinungo
niya ang dining room.
"Ang
tagal ko na rin pa lang hindi naka pasok dito." sabi niya sa sarili.
"Ako
na ang magdadala niyan." sabi ng isang lalaki sa likuran niya na may
paglalambing ang tono.
Napalingon
siya sa nagsalita. Bahagya siyang nagulat nang malamang ang nagsalita ay
kaninang nagpapaligo ng aso. Yung bading. At tama nga ang hinala niya bading
nga dahil sa tono ng pananalita nito.
"Huwag
na okey lang ako. Turo mo na lang sa akin ang kusina." tuwiran niyang sabi
nang hindi kinikilala ang kausap. Naiinis kasi si Ivan dahil isa na namang
bading ang nasa harapan niya ngayon hindi na ba siya. "Pero makinis ang
balat ng katulong ha?" napa-hanga pa siya sa kinis ng balat ng bading na
inaakala niyang katulong.
Naka-shorts
lang kasi ito na kita ang mapuputi nitong hita at t-shirt na maluwang na
halatang sadya ang tabas para sa mga katulad nitong bading.
Napa-taas
ng kilay ng kausap. "Sige. Duon" Inginuso kung saan ang papuntang
kusina.
Tumalikod
si Ivan.
Inilapag
niya ang mga dala sa lamesa. Bahagya pa niyang inurong ang ibang nakahanda sa
lamesa.
Nang
mai-ayos na niya ay tumalikod na siya para tunguhin ang sala. Nagulat siya nang
malingunan niya ang kaninang kausap.
"Bakit
ka nagulat?" tanong nito na natatawa habang naka-taas ang isang kilay.
Hindi
siya sumagot. Para siyang kinikilabutan pag nakikita niya iyon. Nagpatuloy na lang siya sa paglakad. Umupo siya sa isang
single sofa na paharap sa t.v. na nakapatay.
Napansin
ni Ivan na sa isang gilid ay nakatayo ang bading na tila ay pinagmamasdan siya.
Naasiwa siya.
Maya-maya
pa ay dumating na ang kanyang ina at ang tita Laila niya galing sa isang
kwarto.
"Oh,
Ivan nagkita na pala kayo ni Mico?"
Ang
bilis ng panlalaki ang mga mata ni Ivan
sa narinig.
"What?
Tita, you mean..." napatingin siya sa bading na tinutukoy na si Mico.
"Bakit?"
nagtaka si Laila ng bahagya. Kay Mico ito muling nagsalita. "Mico, hindi
ka pa ba nagpapakilala?"
Ngumiti
muna si Mico ng ubod ng tamis. "Opo."
"Ay
ano ba yan... Sorry Ivan. Siya si Mico ang kababata mo." pakilala ni
Laila. Pagkatapos ay muling itinuon ang pansin kay Mico. "Mico, ipakilala
mo ang iyong sarili."
Parang
hindi mapaniwalaan ni Ivan na si Mico na pala iyon.
"Pero
bakit? Paano nangyari yun? Paano na ang mga plano ko. Hindi siya pwede."
lihim niyang tanong sa sarili. Gusto niyang magsalita ng eww pero alam niyang
hindi tama iyon. Hindi niya talaga maatim na si Mico ay isang bading. Hate niya
ang mga bading lalo na dahil sa pangyayari last night.
Si
Divina naman ay tahimik lang na nnagmamasid at naka-ngiti.
"Mmm
Ivan, ako si Mico." pakilala ni Mico sa sarili. "Pasensiya na kung
hindi ako nagpakilala kanina." ngumiti siya at iniabot ang kamay.
Parang
hindi maiangat ni Ivan ang kanyang kamay para tanggapin ang pakikipagkamay
nito. Una, dahil sa hindi niya matanggap na may bading siyang kaibigan.
Pangalawa, nararamdaman niyang may inis si Mico sa kanya. Pangatlo, hanggang
ngayon hindi pa rin malubos maisip, nagulat talaga siya.
Pasimpleng tinabig ni Divina ang anak.
"G-ganoon
ba?" sa wakas ay na-iabot na rin niya ang kanyang kamay. "Ako naman
si Ivan." tipid ang ngiti niya.
"Nice
meeting you." sabi ni Mico habang nakikipag-kamay. Medyo hinigpitan niya
ang pagkakahawak sa kamay.
Naramdaman
ni Ivan iyon. Napangiwi siya. "A-ako din."
"Oh
siya, ngayong magkakakilala na kayo, doon na tayo sa hapag-kainan at duon tayo
magpatuloy magkwentuhan." anyaya ni Laila.
"Sige,
kumare." sang-ayon ni Divina. "Para malasahan mo na ang niluto ko
para sa inyo."
"Ikaw
naman kasi nag-abala ka pa."
Nagkatawanan
ang mag-kumare.
Naunang
naglakad patungong dining room ang dalawang matanda. Kasunod si Ivan na hindi
maka-piyok pagkatapos ng nalaman.
Nahuli
naman si Mico na naka-taas ang kilay. "Nakaka-inis naman 'tong Ivan na
ito. Sabi na nga ba at mabibigla siya pag nakita ako eh. Hmpt."
Sa
hapag-kainan.
"Ivan,
ito ang tikman mo." iniabot ni Laila kay Ivan ang isang bowl na naka-cover
pa.
Kahit
naka-cover pa iyon kita naman sa labas na paborito niya ang nasa loob niyon.
"Wow
thank you po. Paano po ninyo nalaman na gustong-gusto ko ito."
Sasagot
sana si Laila ng biglang nakaramdam ito ng paang tumapik sa kanyang binti. Si
Mico ang may gawa niyon. Naintindihan niya ang ibig sabihin ni Mico. Hindi na
pinansin ni Laila si Ivan, kundi muli nitong itinuon ang atensyon sa kumare.
Si
Ivan naman ay nagmadaling maalis ang cover ng bowl. Tuwang-tuwa siyang sinandok
ang spaghetti at ilagay sa kanyang plato.
Halatang-halata
ni Mico na talagang na-appreciate ni Ivan ang niluto niya hindi pa man
nalalasahan. Dahil doon, tumatalbog ang puso niya sa sobrang saya. Biglang
nawala ang inis niya. At ngayon nga ay nakikita na niyang isusubo na ni Ivan
ang spaghetti.
"Tita,
ang sarap po. Parang lutong special sa isang kilalang restaurant. Thank you po
iyo sa pag prepare."
Napa-taas
ang kilay ni Mico at mabilis din namang naibaba. "Ayan, kay mama nag thank
you." paghihinutok ni Mico sa
sarili. "Bakit kasi hindi ko ipinasabing ako ang nagluto niyan. Hayaan
na." saway sa sarili.
"Ivan,
si Mico ang nag prepare niyan para sayo." naka-ngiting paalala ni Laila.
Nararamdman kasi niyang naghihimutok ang kalooban ng anak dahil hindi siya ang
napasalamatan.
Napa-tigil
si Ivan sa pag-nguya at napa-tingin kay Mico. Naka-ngiti naman si Mico ng
tumingin sa kanya si Ivan.
"Ganoon
po ba?"
Kahit
masarap ay hindi na nagawa ni Ivan magsaya sa kinakain. "Ito, si Mico ang
nagluto?" Bigla siyang nawalan ng gana pero patuloy pa rin siyang sumusubo
dahil hindi niya maitatanggi na masarap talaga.
Napansin
naman iyon ni Mico. "Aba, nalaman lang na ako ang nagluto, hindi na
ginanahan." naiinis si Mico.
Napansin
pa ni Mico na sumasandok ng ibang putahe si Ivan na hindi naman nito pinansin
kanina ng makita ang spaghetti. Pasimpleng napapa-taas ang kilay niya. "Eh
ano naman Mico. Natural lang na kumain ng iba yan. Alangan namang spaghetti
lang kainin niyan." saway niya sa sarili.
"Eto
po Tita, sino po ang nagluto nito?" tanong ni Ivan ng malasahan ang isang
putaheng.
"Yan?
Ako. Masarap ba?" si Laila.
Nang
masiguradong ang tita Laila niya ang nag-luto ay agad niyang inappreciate ang
lasa. "Masarap Tita."
"Talaga?
Salamat. Tikman mo rin yung iba ha?"
"Sure
Tita."
Si
Mico ay nakakaramdam ng mas lalong inis. "Hmpt. Ano ang gusto niyang
palabasin?"
Parang
naka-ramdam si Divina kaya tinawag niya si Mico. "Mico, may ipapakita ako
sayo."
"Ano
po iyon tita Divina."
Bahagyang
tumayo si Divina para maabot ang tupperware na pinaglagyan niya ng na-bake na
chocolate cake. At pagkatapos ay iniabot kay Mico.
"Ano
po ba ito tita?" tanong ni Mico. Hindi pa niya alam kung ano ang laman.
"Buksan
mo. Sigurado ako na magugustuhan mo iyan."
Tinanggal
ng ani Mico ang cover at pagkatapos ay natuwa ng malanghap ang bango ng
chocolate cake.
"Wow."
tuwang-tuwang pahayag ni Mico. "Tita, thank you po. Hindi niyo parin
nakakalimutan ang favorite ko."
Sa
kabilang banda, hindi nagugustuhan ni Ivan ang reaksyon ni Mico. Para siyang
kinikilabutan sa tono ng pag-appreciate ni Mico. Naasiwa siya sa tono ng boses
nito. Pero hindi lang iyon, nakakaramdam din siya ng kaunting selos.
"Tita
ikaw lang po ba ang gumawa nito?" tanong ni Mico.
"Oo
naman." sagot ni Divina.
"Thank
you po talaga."
Napa-sandal
si Ivan sa upuan. Iniisip niya kung nag-paparinig ba si Mico sa kanya.
Muling
nagsalita si Mico. "Tita, di ba para sa akin talaga ito?"
"Oo
naman." nakangiting sagot ni Divina.
"Yes.
So walang manghihingi." sabay tawa. "Walang mang-aagaw."
Nagkatawanan
ang magkumare sa kung paano magsalita si Mico. Habang si Ivan ay hindi maitago
ang panlalaki ng butas ng ilong.
Alam
ni Mico na nagtatagisan ang bagang ni Ivan. Sinasadya niya talagang magparinig.
"Itong
batang ito talaga. Ang laki ng pinagbago." si Divina habang hindi mapigil
sa pagtawa.
"Ewan
ko nga ba diyan, kumare. Napansin ko na lang na nahihilig sa manika noong bata
pa. Eh hindi naman ganyan di ba?"
"Oo
nga eh."
"Hala,
ako na ang pinag-usapan." si Mico. "Tita magkwento ka naman po ng
tungkol kay Ivan."
"Si
Ivan?" napa-tingin si Divina sa anak. Sabay tawa. Naalala kasi nito ang
nangyari sa anak last night.
Napa-tingin
naman din si Ivan sa ina dahil ginawa nitong pagtawa. Napa-kunot ang noo niya
habang hinihintay magsalita ang ina kung bakit it natawa.
"Ayoko
kong ikuwento, baka magalit si Ivan."
Nan-laki
ang mata ni Ivan na ma-get ang ibig sabihin ng ina. Nagpawis ang kanyang noo.
"Ivan,
baka pwedeng malaman namin." si Mico.
Gustong
tumaas ng kilay ni Ivan. "Itong bading na 'to. Gusto pang maki-alam."
"Na-curious
ako bigla doon Ivan?" natatawang si Laila.
"Tita,
huwag na lang po. Nakakahiya po yun eh." sagot niya ng may paggalang.
Saka,
hindi niya dapat na ikuwento yun dahil malalaman na ayaw niya sa mga bading.
Tulad ni Mico.
"Sige
ikaw ang bahala. Oh, kain lang nang kain."
Nagkatawanan
ang lahat maliban kay Ivan na hindi maalis sa isipan ang pagkainis kay Mico.
-----
Ang
daming napag-usapan tungkol sa mga nagdaang taon. Alas diyes na ng gabi nang
magpaalam sina Divina at Ivan kina Laila at Mico. Masasabing naging masaya at
matagumpay ang pagsasalong iyon ng dalawang pamilya. Pero hindi ring
maitatangging hindi rin maganda para kay Mico at mas lalo kay Ivan ang unang
pagkikita ng dalawa.
Naka-upo
si Mico sa lamesa sa habang nilalantakan ang chocolate cake.
"Oo,
hindi nga maganda ang pagkikita namin ni Ivan. Pero dahil ako ang bida dito,
gagawa ako ng paraan para maging close kami. Sure yan." madiin niyang
tinusok ng tinidor ang cake at isinubo. "Kung ayaw niya guguluhin ko buhay
niya." sabay tawa na parang mangkukulam.
"Mico.
Ano ba yan?" tanong ni Laila na galing sa labas.
"Wala
lang po."
may
karugtong...
[03]
"Good
morning tita." bati ni Mico kay Divina.
Kina-umagahan
ay bumisita si Mico sa bahay nila Ivan. Nakita agad ni Mico si Divina na
naka-upo sa isang sofa na may hawak na news paper sa living room.
"Oh,
Mico ikaw pala." nagalak si Divina na makita si Mico.
"Yes
tita. Hindi sana ako nakaka-istorbo."
"Oo
naman. Mabuti nga iyon at may maka-kuwentuhan ako."
"Talaga
tita. E di, dito na ako magtatambay araw-araw." sabay tawa.
Natawa
rin si Divina. "Welcome na welcome ka dito. Para may maka-usap na rin si
Ivan ko. Lagi kasing nabuburo sa kwarto ngayong walang pasok."
"Kung
kakausapin ako ng anak ninyo tita, eh mukhang hindi maganda ang pagkikita
namin? Remember..."
"Oo
nga eh. Pasensiya ka na kay Ivan ha?"
"Wala
po yun, inaasahan ko naman po yun. San nga pala si Ivan, tita?"
"Sigurado
tulog pa iyon."
Hindi
na kumibo pa tungkol doon si Mico. Nag-iba na lang siya ng topic.
"Tita,
wala ba kayong lakad ngayon?"
Napa-isip
si Divina sa tanong ni Mico. "Sandali. ano bang araw ngayon?"
"Biyernes
po."
"Ay
oo nga pala mamayang hapon may pupuntahan ako. Buti napaalala mo."
"Ganoon
po ba?"
"Teka,
bakit mo naitanong?"
"Wala
lang po. Napansin ko po kasing medyo, hindi na updated yang kulay ng kuko ninyo
sa daliri."
Natawa
si Divina sa ka-prangkahan ni Mico. "Napansin mo ha? Oo nga eh, wala na
akong time magpaganda simula noong mamatay ang tito Henry mo." ang
tinutukoy ni Divina ay ang asawa.
"Ay
sorry po tita."
"Wala
iyon."
"Pero
tita, since mamayang hapon pa ang lakad mo, papagandahin kita."
Nan-laki
ang mata ni Divina. "Talaga? Marunong ka?"
"Yes
tita, magtiwala ka sa akin."
"Sige
nga. Wala ka bang gagawin?"
"Opo,
wala po akong gagawin. Tita babalik muna ako sa bahay ha? Kukunin ko lang ang
gamit ko."
"Sige
maglilinis na rin muna ako ng katawan. Teka, gusto mo gawan kita ng paborito
mo?"
"Huwag
na tita, hindi pa ubos yung chocolate cake kagabi. Alam mo na po, sinolo ko
kasi. Ako lang talaga ang kumakain." sabay tawa.
"Sige."
Bumalik
si Mico sa sarili niyang bahay para kunin ang gamit niya sa pagpapaganda.
Habang naglalakad, nangingiti si Mico.
"Yes,
simula na ng plano. Mas lalong magiging close na kami ni Tita Divina."
sabay tawa.
Plano
niya kasing mas lalong maging close kay tita Divina niya para may karapatran
siyang mamalagi sa bahay nila Ivan. Sa ganoon, lalo siyang mapapalapit kay
Ivan, sa ayaw o sa gusto ng huli.
-----
Habang
pababa ng hagdan si Ivan ay nakakarinig siya ng tawanan sa baba.
Pupungas-pungas pa siya nang masilayan kung sino ang mga iyon.
"Ang
aga-aga naandito na yang bading na yan?" nanlalaki ang butas ng ilong ni
Ivan.
"Ivan
gising ka na pala." bati ng ina.
Dahil
nakatalikod si Mico, napalingon siya para makita si Ivan. "Good morning
Ivan." pinilit ni Mico na maging matamis ang pagkakabanggit niyon.
Para
naman kay Ivan iyon ang pinaka-nakakasukang narinig niya. Tumalikod siya at
duon pasimpleng iminuwestrang nasusuka.
"Ivan."
tawag ni Divina. "Binabati ka ni Mico."
"Good
morning din." sagot agad ni Ivan at muling tumalikod. "Sinabi ko ba
kasing batiin ako. Close? Eww!"
Alam
ni Mico ang ibig sabihin ng ginagawi ni Ivan. Kaya mas lalong gumagana ang utak
niya kung paano niya guguluhin ang buhay ni Ivan. Ngayon pang simula na ng
closeness nila ng tita Divina niya.
"Sige
lang. May araw ka rin." lihim siyang natatawa.
"Pasensiya
ka na kay Ivan ha?"
"Wala
yun tita."
Ipinagpatuloy
ni Mico ang pagpe-pedicure kay tita Divina.
"Pero
alam mo mabait yan si Ivan. May nangyari lang kasi na hindi nagustuhan ni Ivan
kaya parang may trauma pa sa mga bading." sabay tawa ni Divina.
Napa-angat
ang mukha ni Mico sa narinig. "Trauma? Bakit na trauma si Ivan sa mga
bading?"
"Ewan
ko sa kanya kung trauma talaga ang tawag dun sa kanya."
"Mmm
ano kaya yun. Tita baka pwede po ninyong ikuwento sa akin?"
Muli
itong natawa. "Mamaya, pag-akyat ni Ivan. Hintayin nating maka-tapos
mag-almusal."
"Talaga
tita? Yes."
"Teka
nag-almusal ka na ba?"
"Opo,
yung cake."
"Talagang
paborito mo iyon ha?"
Tawa
ang isinagot ni Mico.
-----
"Ma,
may ipapagawa po ba kayo sa akin?" tanong ni Ivan matapos makapag-almusal.
Agad
na sumagot si Divina. "Wala anak. Sige na, gawin mo na ang gusto mong
gawin." matamis ang pagkakangiti ni Divina sa anak.
"Ang
saya yata ni Mama ngayon?" sa isip ni Ivan at tumalikod na para tunguhina
ang kwarto.
Si
Mico naman ay lihim na nangingiti dahil maririnig na niya ang tungkol kay Ivan.
"Tita
wala na si Ivan po."
"Oo,
kaya ko nga pinaalis dahil para makuwento ko na sa iyo."
Ikinuwento
nga ni Divina kay Mico ang nangyari kung bakit ganoon si Ivan sa mga bading na
tulad niya.
Napa-ngiwi
naman soon si Mico.
"Kaya
pala tita."
"Pero
huwag kang mag-alala darating din ang araw magiging okey din kayo niyan ni
Ivan."
"Sana
nga po."
"Pero
hindi lang yun, bago pa man mangyari yung gabi, nasa sementeryo kami para
dalawin ang ninong mo, nakita niyang may dalawang lalaking nagyayakapan at
naghalikan pa nga."
Nagkatawanan
silang pareho.
"Na-trauma
nga po talaga."
"Tapos
nalaman niyang-" hindi naituloy ni Divina ang sasabihin. Natawa na lang.
"Sorry
na lang siya tita, eh kapalaran niya talagang magkaroon ng friend na
bading." napamaywang pa si Mico habang nagsasalita na ikinatawa ni Divina.
-----
Ang
aga-aga ay badtrip kaagad si Ivan.
"Bakit
naman ang aga naandito ang bading na iyon? Buwisit."
Kanina
pa siya kaharap ng kanyang computer pero walang pumapasok sa kanyang utak sa
mga kung ano-anong nasa-site niyang webpage.
"Mukhang
magtatagal pa iyon dito. Sigurado hindi lang ngayon, maraming araw pang
magugulo ang buhay ko. Paano kapag dito na iyon manirahan. Patay kang bata
ka."
Nahampas
niya ang keyboard na bahagyang tumalbog na naging sanhi ng pagdulas na muntikan
ng mahulog. Buti nalang at nasalo agad niya.
"Bwisit
naman oh."
-----
"Ayan
tita, tapos na."
Tinignan
ni Divina ang kanyang mga kuko sa paa. "Oo nga magandang-maganda na."
"Sa
kamay naman po."
"Teka,
pwede bang mamaya na lang? Kasi hindi pa ako nakakapagluto."
"Oo
naman tita."
"Bibilisan
ko ang pagluluto ko tapos ituloy na natin ha?"
"Sure,
tita."
"Dito
ka na rin mag-lunch ha?"
"Sige
po pero magpapaalam muna ako sa bahay na naandito lang ako. Hindi pa po kasi
alam ni Mama na naandito ako eh. Tulog pa kanina nang umalis ako."
"Sige
basta dito ka na magla-lunch."
"Opo
tita sigurado."
Nang
sandaling iyon ay pababa naman si Ivan. Narinig ni Ivan ang huling salita ng
kanyang ina.
"Dito
pa kakain ang bading na iyon. Ayos talaga eh no."
"Oh
Ivan, andiyan ka pala?"
"Kabababa
ko lang po."
"Sige
tita balik muna ako sa bahay. Ivan, alis muna ako. Tita babalik agad ako."
"Sige."
si Divina.
At
tumalikod na si Mico.
Nang
makaalis si Mico ay nagsalita si Ivan. "Babalik pa talaga."
Narinig
iyon ni Divina. "Ivan?" saway sa anak. "Bakit ba lagi kang inis
kay Mico? Mabait na bata iyon. Hindi iyon tulad ng iniisip mo."
"Basta
ayoko ng kaibigang bading Ma."
"Ivan?"
"Si
Mama naman eh."
"Basta
paki-tunguhan mo ng mabuti si Mico. Hindi na siya iba sa atin." matigas na
ang tono ni Divina.
"Oo
na Ma." pagsunod ni Ivan.
Pero
sa loob-loob ni Ivan, "Asa ka Mico."
"Dito
si Mico kakain si Mico ng lunch, kaya walang panglalaki ng butas ng ilong
ha?" nakangiti si Divina ng paalalahanan niya si Ivan.
"Halata
ba Ma?" natatawa si Ivan sa pambubuking ng ina.
"Hinde..."
Nagkatawanan
sila.
"Ano
ba ang lulutuin mo, Ma?"
"Di
ko pa nga alam kung anong meron tayong stocks." natatawa si Divina.
-----
"Kumain
ng kumain ha, Mico?" paalala ni Divina habang nasa hapag-kainan sila.
Nagluto
si Divina ng tinola dahil na rin sa mungkahi ni Ivan. Tatlo silang kumakain sa
hapag-kainan pero walang imik si Ivan. Malayo ang agwat ang pwesto nito kay
Mico. habang magkaharap naman sina Divina at Mico.
"Mico,
tapos ka na?" tanong ni Divina ng makitang inilapag na ni Mico ang
kutsara't tinidor sa gild ng plato nito.
Ngiti
ang isinagot ni Mico.
"Bakit
hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?"
"Ang
arte..." sa isip ni Ivan.
"Hindi
naman po, tita. Masarap po, walang duda. Kaya lang ang dami kong nakaing cake
kanina. Chocolate pa man din iyon, kaya... alam mo na tita."
"nagda-diet
Ma." si Ivan ang sumagot.
"Himalang
sumasagot? Ganoon na nga po tita." naka-ngiting sagot ni Mico.
"Ah
kaya pala." si Divina at iniabot nito ang ube halaya nasa plato.
"Pero tikman mo rin ito."
"Sige
titikim po ako."
Kinuha
ni Mico ang nasa tabing platito at tinidor at humiwa ng maliit na piraso ng ube
halaya.
"Mmm
tita, ang sarap naman nito. Saan po galing?"
"Si
Ivan ang may gawa niyan." sagot ni Divina naibinibida si Ivan.
Napa-tingin
si Ivan sa ina. Kitang-kita ni Divina sa mata ni Ivan na nagtatanong kung bakit
niya iyon sinabi na wala namang talagang katotohanan. Wala kayang alam sa
lutuing bahay si Ivan. Hindi naman iyon napansin ni Mico.
"Ang
sarap talaga. Mukhang sira ang diet ko nito ah." napatawa si Mico.
"Alam
mo Mico, kahit ano pa ang figure mo okey lang sa paningin ko."
"Pero
tita ayoko talagang tumaba. Baka wala ng magkagusto sa akin niyan." pero
panay parin ang subo ni Mico ng halaya.
Natatawa
nalang si Divina. Pero si Ivan na nabilaukan nang marinig ang mga huling sinabi
ni Mico.
"Oh,
Ivan. Okey ka lang?" si Divina.
Kinuha
ni Ivan ang baso ng tubig.
"Umaasa
pang magkakaroon ng karelasyon? Yuck!" sa isip ni Ivan. "Pero malay
mo, dun nga sa sementeryo may dalawang lalaking nagsisigawan ng i love you.
Pero yuck talaga."
"Okey
ka lang Ivan?" muling tanong ni Divina.
"Yes
Ma. Nalunok ko lang ang tinik este, yung buto ng manok." sabay ng tingin
ng maka-hulugan kay Mico.
Hindi
na pinansin iyon ni Divina.
Natawa
naman si Mico. "Talaga lang ha?"
Sa
isip-isip ni Divina mukhang matatagalan pa bago maging okey ang dalawa.
Napa-ngiti na lang siya sa nakikitang isnaban ng dalawa sa tuwing
magkakasalunong ang mga mata. "Bahala na nga kayo kung paano kayo
magkagulo." nasabi nalang ng isip niya at ngumiti.
-----
"Himala
yata Ivan, t.v. ang pinag-kakaabalahan mo ngayon?"
Nagpatuloy
na sina Mico at tita Divina sa ginagawa. Habang si Ivan ay naka-upo at nanonood
ng t.v.
"Wala
lang." sagot ni Ivan.
Sinadya
niya talagang maglagi sa baba dahil naamoy niyang siya ang pinag-uusapan ng
dalawa.
"Wala
na bang connection ang computer mo?"
"Meron
po. Ma, gusto ko lang manood ng t.v."
"Okey,
nagtaka lang naman ako eh."
"May
internet connection po pala si Ivan dito?" tanong ni Mico. May naisip
siyang kapilyahan.
"Oo,
bakit Mico gusto mong maki-gamit?"
Biglang
lumaki ang tenga ni Ivan sa mga naririnig. Napa-sama pa ata ang pagtatanong ng
ina sa kanya tungkol sa internet connection. Mukhang balak makigamit ni Mico sa
loob-loob niya.
"Kung
pwede lang po."
"Oo
naman. Welcome na welcome. Di ba Ivan."
Napaharap
si Ivan sa ina. Hindi naman siya nakikita ni Mico dahil naka-talikod ito.
Pinandilatan niya ang kanyang ina. At ginantihan naman siya ng ina na
pinauunawang sumunod siya sa gusto ng ina. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik
sa pagkaka-ayos sa pagkaka-upo.
"Bwisit
talagang bading na ito. Pati kwarto ko papasukin?"
Kahit
naka-talikod si Mico nakakaramdam siya. Nagsasaya ang kalooban niya dahil
nasusunod ang gusto niyang mangyari. Salamat kay tita Divina niya dahil mabait
ito sa kanya kaya bilang ganti sisiguraduhin magiging maganda ito mamaya.
-----
Simula
sa buhok, sa mukha, sa kamay at sa paa ay nabago ni Mico si Divina.Halos
alas-kwatro na sila natapos. Handa na si Divina para sa birthday party ng amiga
niya.
"Hanga
talaga ako sayo, Mico. Hindi ko akalaing mapapaganda mo ako ng ganito."
tuwang-tuwa na pahayag ni Divina kay Mico habang nakatingin sa malaking
salamin. "O siya, okey na ako di ba? Aalis na ako."
"Sige
po tita ingat na lang po."
"Magpahinga
ka muna diyan, alam ko pagod ka na. Huwag muna akong ihatid sa labas si Ivan na
lang."
Pagod
na nga siya kaya ngiti na lang ang isinagot niya.
Si
Ivan naman ay hindi maipinta ang mukha kanina pa habang nagmamasid sa dalawa.
"Wooo... Mico, Mico ang galing mo naman. Salamat. Ang galing mo talaga.
Wala na akong narinig puro Mico ah?"
Kahit
sa paghahatid sa labas ay hindi pa rin mawala ang lukot sa mukha ni Ivan na
napansin ng kanyang ina.
"Ivan,
kanina ka pa?" paalala ni Divina sa anak.
"Bakit
nanaman Ma?"
"Ang
mukha mo, ayusin mo."
"Ma?"
Tinignan
lang ni Divina si Ivan. Pagkatapos ay sumakay na ito sa driver seat ng kotse.
Binuksan ni Ivan ang gate para makalabas ang kotse. Nang tuluyan nang makalabas
ang kotse ay tumigil ito at binuksan ang bintana at nagpaalala kay Ivan.
"Ivan?"
tawag niya. "Walang gulo ha?"
"Yes
Ma?"
At
muli na nitong pinaandar ang sasakyan.
Nang
wala na sa paningin ni Ivan ang kotse ay muli na siyang bumalik sa loob ng
bahay. Duon ay nakita niyang naka-upo si Mico sa mahabang sofa. Hindi niya
makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito. Saka lang niya nalamang naka-pikit
ito nang umupo na siya sa isang sofa.
"Wow,
akala ko nanonood. Tulog na pala." si Ivan.
Pinagpatuloy
ni Ivan ang panonood sa t.v. nang mapansin niyang umayos ng pagkaka-upo si Mico
halata niyang nahirapan ito sa ayos nito. Napapakunot lang ang noo niya. Ngunit
maya-maya pa ay tuluyan ng humiga patagilid si Mico sa sofa paharap sa kanya.
"Talaga
naman. Feeling at home?" sabi niya ng mahina. Lalong bumusangot ang mukha
niya.
Nilakasan
ni Ivan ang volume ng t.v. Bahala na kung maging bastos basta maistorbo lang
niya si Mico. Pero walang epekto sa pagkakatulog ni Mico ang ginawa ni Ivan.
Kaya, muli niyang nilakasan ang ang t.v. Saka lang gumalaw si Mico.
Imbes
na tumayo si Mico sa pagkakahiga ay tumalikod siya. Naningkit ang mata ni Ivan
dahil doon.
"Aba't
talaga namang-"
Napatigil
siya sa sasabihin nang biglang iniusli ni Mico ang kanyang puwetan na sakto sa
direksyon ni Ivan. Para bang nang-aakit.
Kitang-kita
ni Ivan ang makikiinis na hita sa likuran ni Mico. Napadilat ang mga mata niya.
Nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan kaya napatayo siya. At muling
gumalaw si Mico na mas lalong umangat ang laylayan ng shorts nito.
Mas
lalong nanlaki ang mata ni Ivan. Para ba siyang nanonood ng porn video clips na
sa una ay nanunukso sa ganoon ding paraan. Namamawis ang kanyang noo.
"Gising
Ivan, bading yan." saway niya sa sarili.
Agad
niyang pinatay ang t.v. at tumakbo paakyat sa kanyang kwarto.
"Pasaway
na bading na iyon ah. Gusto pa akong akitin ha?" sabi niya ng maka-pasok
sa kwarto. "Paano ka aakitin nun, eh tulog yun?"
-----
Nang
marinig ni Mico ang pagkaripas ng takbo ni Ivan ay agad siyang tumayo sa
pagkakahiga at tumawa.
"Papansin
na Ivan na iyon. Kitang natutulog ang tao eh, lalakasan ang t.v." may
halong pagka-irita ang tono ni Mico. "At least nalaman ko nakakaakit pala
ako." sabay tawa ng malakas. "Bukas nga uli."
Hindi
na muling nahiga pa si Mico. Sa bahay na lang niya siya magpapatuloy
magpahinga.
Habang
si Ivan na nasa taas ay hindi mapakali ang isipan. Patuloy na ginugulo ang
kanyang imahinasyon ni Mico.
may
karugtong...
[04]
"Tanong
nga sa akin ng isa kong amiga kung sino ba raw ang nag-make over sa akin."
tuwang-tuwang kwento ni Divina kay Mico kinabukasan. "Nung una hindi ako
sumagot. Tawa ako ng tawa ng pilitin niya ako. Sinabi ko rin naman. Siyempre
pinagmamalaki kita. Sabi nga rin sa akin gn birthday celebrant may maganda pa
daw ako sa kanya kagabi." sabay tawa ni Divina.
"Natutuwa
po ako para sa inyo." si Mico.
"Sayo
nga ako talagang dapat magpasalamat kasi naging maganda ang gabi ko. Mas center
of attraction ako kaysa sa celebrant eh."
Natawa
si Mico.
"Another
day na naman ni Mico." si Ivan na galing sa labas.
Napatingin
si Mico kay Ivan nang pumasok. Muli niyang naalala ang nangyari kahapon.
Napa-ngiti siya ng bahagya. Napansin iyon ni Ivan. Kitang-kita ni Mico ang
pag-ingos ng labi ni Ivan.
"Sige
lang. Alam ko naman ko paano kita guguluhin eh. Pero huwag kang mag-alala sweet
naman ako eh."
"Kaya
ang gusto dito ka uli kumain ng tanghalian ha?" si Divina uli.
"Ay
tita, hindi po ako pwede ngayon."
"Bakit?"
"Kasi
po, aalis si Mama ngayon kaya kailangan kong sumabay sa kanya sa lunch may mga
ibibilin siya sa akin daw."
"Ah
ganun ba? Pero bakit aalis ang Mommy mo?"
"Babalik
po sa Manila dahil may problema daw po. Pero babalik din siya baka sa lunes
na."
"Sige
basta hintayin mong maluto yung ulam ha? Magdala ka sa inyo."
"Sure
tita at salamat po sa palaging welcome niyo sa akin dito."
"Oo
naman." paniniguro ni Divina kay Mico sabay tawag kay Ivan.
"Bakit
po?" sagot ni Ivan na sa nayayamot na tono.
"Paki-tingin
nga yung niluluto ko?"
"Ma?
Ako pa ang titingin alam mo namang hndi ako marunong diyan?"
Natahimik
si Divina at napa-tingin kay Mico sabay ngiti. "Oo nga pala. Sandali lang
Mico ha?"
"Sige
po."
Umalis
muna si Divina para silipin ang niluluto na saka naman ang dating ni Ivan
galing sa c.r.
Kunyari
ay may naamoy si Mico na hindi kanais-nais. Napansin iyon ni Ivan kaya
napa-singhot na rin siya lalo na sa sarili niya. Wala naman siyang naaamoy na
hindi maganda hanggang sa mapansin ni Ivan na naka-tingin sa kanya si Mico na
may nakakalokong ngiti.
"Bakit?"
nagtatakang tanong ni Ivan.
"Wala."
sabay tawa.
"Bakit
ka tumatawa?"
"Paki-alam
mo?"
Nan-laki
ang mata at bumuka ng maluwag ang kanyang bibig. "Naka-tingin ka sa akin
na para bang ako ang naamoy mong mabaho tapos sasabihin mong wala lang?"
nagsisimula nang umusok ang kanyang ilong.
"Sa
wala lang nga eh."
"Adik
ka ba?"
"Galit
ka na niyan?"
Natahimik
si Ivan. "Bakit nga kasi?" tanong pagkaraan.
"Hindi
na ako kumikibo. Nanonood na ako oh?" inilapit pa ni Mico ang mukha sa
t.v.
"Badtrip
talaga 'tong bading na ito."
"Bakit?"
tanong ni Mico na kunyari walang alam.
Napa-singhap
si Ivan ng malalim sa sobrang inis. "Ang lakas nitong mang-asar ah. Nung
isang araw ka pa." sa isip niya.
Kasunod
noon ang tawag ni Divina sa kusina.
Agad-agad
ay tumayo si Mico para tunguhin ang kusina.
"May
araw ka rin sa akin, makikita mo."
nagtatagisan ang mga bagang ni Ivan sa sobrang inis.
-----
"One
point." sabay tawa ni Mico.
"Anong
one point?" si Divina habang sumasandok ng nilagang baka.
"Ah
wala tita. Don't mind."
"Oh
ito na ang dadalhin mo sa inyo. Mainit ha?"
"Salamat
po."
"Paki
sabi na lang kay Mommy mo na mag-ingat na lang siya ha?"
"Opo
tita makakarating."
-----
"Paalam
Ivan, hanggang sa muli." paalam ni Mico kay kay Ivan nang madaanan niya
ito sa living room. Nilangkapan niya ang tono ng pang-aasar.
"Sige
Mico, hanggang sa muli." sagot ni Ivan sa sweet na paraan.
Parang
gusto ni Mico na mabuwal sa narinig mula kay Ivan.
"Himala
na naman at nag-iba ang mood. Pero akala naman ng mokong na hind ko alam ang
binabalak niya. Tignan natin."
Nasa
labas na si Mico. Patawid na siya sa kalsada ng makita ang naglalakad na lalaki
na hawak-hawak ang tali ng aso patungo sa direksyon niya. Halata niyang
naggagala ito kasunod ng kanyang aso.
"Kita
mo nga naman. Ang gwapo! Parang kasunod niya ang mga anghel. Pasado sa criteria
ang manong" kinikilig niyang naisip.
Gusto
niyang tumigil at hintaying magka-salubong sila ng lalaki ngunit nabibigatan na
siya sa dala niya. Ang nipis kaya ng mga braso niya. Kaya wala siyang nagawa
kundi dumiretso sa bahay niya.
Nang
itulak niya ang gate ay biglang lumabas si Vani ang kanyang alagang aso. Buti
nalang at malaki ang pagkakabukas niya kundi natalisod siya at natapunan ng
mainit na sabaw. Sigurado lapnos ang makinis niyang balat.
Agad
niyang nilapag ang dala sa isang lamesa. Tatawagin muna niya ang alaga bago
tumuloy. Siyempre pagkakataon na rin niya iyon para makita nang malapitan ang
lalaking nagpapakilig sa kanya ngayon.
Sa
labas, nakita niya ang alaga na nakikipagtahulan sa alaga niya.
Nakikipagharutan sa totoo lang.
"Vani,
stop." utos niya sa aso niya. Siyempre with matching arte ng boses.
Mapang-akit.
"Alaga
mo pala yan." sabi ng lalaki ng naka-ngiti.
"Ang
ganda naman ng mga ngipin niya. Hot naman papable. O-o akin nga yan."
sabay ngiti.
"Australian
Terrier din yan no?" tanong ng lalaki na sa tingin niya ay nasa
mid-twenties na.
Saka
lang niya napansin ang breed ng aso ng lalaki. "Yes. At mukhang
magkapareho tayo ng breed ha?"
"Ganun
na nga. Magkaiba lang ng kulay." sagot nito.
Parang
hindi naiintindihan ni Mico ang sinasabi ng lalaki dahil sa ngipin nito siya
nakatitig.
"Ang
sarap naman humalik sa ganitong ka-gwapo na, pamatay pa ang ngiti. Hmmm."
kulang na lang ang mapa-padyak siya sa sobrang kilig. "Hihimatayin ata
ako. Haysss."
"Okey
ka lang?" tanong ng lalaki.
Bigla
siyang nagising sa katotohanan. "Sorry."
Natawa
ito. "Ako nga pala si Rico. Bago lang dito kaya naglalakad-lakad kasama ng
alaga ng autie ko."
"Ah
ganun ba?" sagot niya na malayo ang iniisip. "Mico + Rico = perfect
combination. How nice naman. Mmm."
"Okey
ka lang ba talaga?" muli nitong tanong na nawala na ang ngiti sa
pag-aalala.
"A-ako
pala si Mico." pakilala niya.
"Nice
name ha? Katunog ng pangalan ko."
"Oo
nga eh. Tulad ng iniisip ko kanina." sagot niya at nasundan ng
pag-iimagine na naman.
"Sige
nice meeting you na lang. Babalik na ako sa amin. Patanghali na kasi eh."
"Ay
ganun?" panghihinayang niya.
Natawa
si Rico. "Okey, sana magkita pa tayo." at muli itong ngumiti.
"Sana
nga." natuwa siya sa narinig. "Ay, nananaginip ba ako?" "Paalam.
Ingat ha?"
Hindi
napansin ni Mico sumusunod ang aso sa pag-alis ni Rico. Saka lang niya napansin
nang malayo-layo na ang lalaki.
"Vani?"
sigaw niya na halos mapatid ang litid niya sa leeg. Muli, para nanamang tao
kung maka-intindi ang alaga ng tumakbo pabalik sa kanya ito. "Ikaw ha, mas
nauna ka pa sa akin lumandi. Pilyo kang aso ka."
Kinarga
niya ang alaga at pumasok sa loob ng bakuran.
-----
"Ivan."
tawag ni Divina sa anak. "Ano bang sinisilip-silip mo diyan sa
pinto?"
"H-ha?
Ma, w-la... wala po."
Nangunot
ang noo ng ina.
"Tanghaling
tapat lumalandi." wala sa loob na nasabi ni Ivan.
"Ano
'ka mo?" tanong ni Divina sa anak.
"Ang
alin Ma?"
"Ewan
ko sayo bata ka, ano ba ang nangyayari sa yo?"
"Ang
magaling niyo kasing kapitbahay maharot. Pinabayaan na yung ulam na lumamig
makipag-usap lang sa feeling pogi."
"Ivan?"
tawag pansin ni Divina. Napansin kasi niyang ang lalim ng iniisip ng anak.
"M-ma?"
"Ewan."
Napa-kamot
na lang sa batok si Ivan. "Badtrip."
"Oh
bakit badtrip?"
"Nagugutom
na po kasi ako."
"Gutom
nga lang siguro. Nawawala ka na sa katinuan eh." sabay tawa.
"Ma?..."
-----
"Isasama
ko si Saneng pabalik sa Manila. Baka Monday na ako makabalik. Okey naman ang
laman ng ref kapapamili lang namin ni Saneng kahapon kaya hindi mo na iyon
poproblemahin."
Pinapaalalahanan
ni Laila si Mico dahil kailangan niyang bumalik sa Manila para asikasuhin ang
problema sa negosyo nila.
"Walang
problema po." naka-ngiti niyang sagot.
"Baka
pagbalik ko kasama ko na ang Dad mo."
Walang
reaksyon si Mico.
"O
siya, aalis na kami ni Saneng. Ikaw na muna ang bahala dito ha?"
"Yes
Ma."
-----
"Si
Tita Divina?" tanong ni Mico kay Ivan kinabukasan.
Hindi
sumagot si Ivan.
Hindi
nahalata ni Mico na hindi talaga siya pinansin ni Ivan. Ang nasa isip niya ay
hindi siya narinig nito.
"Si
Tita Divina."
Ngunit
hindi pa rin ito sumagot.
"Nice
talking." naiirita niyang sabi. "Aba talaga namang walang response.
Gusto mo na naman ng gulo ha."
Kinapalan
na niya ang mukha at umupo sa tabi nito sa mahabang sopa.
"Umalis
ka nga dito." nairita si Ivan.
"Eh
di nagsalita ka rin."
"Bakit
ba?"
"Si
tita Divina nasaan?"
"Hanapin
mo. Tutal naman feeling dito ka nakatira."
Napahiya
ng kaunti si Mico. Pero agad niya iyong inalis sa isipan, nang-aasar lang ito.
"Ano
naman? Wala naman akong ginagawang masama."
Hind
kumibo si Ivan. Pero naka-ngiti ito nakaka-insulto.
"Nasaan
nga si tita Divina?"
Gusto
ng maasar ng tuluyan ni Mico. Pero nagpipigil siya. Umupo na lang siya uli sa
tabi ni Ivan.
"Sabi
ng umalis ka dito. Ang daming upuan oh." itinuro ni Ivan ang ibang
nakahilerang upuan.
"Mas
gusto ko dito mas komportable."
"Bakit
ba ang kuli tmo? Ang lakas mo ha?"
"Ganoon
ba pasensiya na ha?"
"Pag
di ka umalis dito-"
"Ano
ang gagawin mo?"
Natigilan
si Ivan. "Talagang hinahamon mo ako ha?"
"Eh
ano nga ang gagawin mo sa akin? Kasi ako kapag hindi mo sinabi kung nasaan si
Tita, ki-kiss kita."
"Yuck...
sasapakin kita."
"Ah
ganun ha?" sabay muwestrang hahalikan nga siya.
Agad
namang naka-dampot ng throw-pillow si Ivan at binato ito sa mukha ni Mico.
Natawa
si Mico sa ginawa sa kanya ni Ivan. Hindi naman kasi siya nasaktan. "Ano?
Hindi mo pa ba sasabihin?" at muli siyang nagpahiwatig na manghahalik.
"Nakakadiri
ka talaga." nasa mukha ni Ivan ang pandidiri.
"E
di mag-tiis ka." at lalapit si Mico.
Muli
nanamang dumampot si Ivan ng unan at ibinato kay Mico.
"Bakit
ba kasi ayaw mong sabihin?"
Sumuko
na si Ivan. "Nasa palengke. Pasalamat ka malakas ka kay Mama, kung hindi
kanina ko sinapak yang mukha mo."
"Ay
kailangan ko pa palang maging thankful sa iyo." nang-aasar si Mico.
"Alam
mo na? O umalis ka na dito. Pwede?"
Dahil
sa tono ng pananalita ni Ivan nakaramdam siya ng pagkapahiya. Naisip niyang
sumusobra na yata siya. Nagulat pa siya sa muli nitong pagsasalita.
"Simula
ng dumating ka dito, hindi na kami magkainindihan ni Mama. Wala naman akong
ginagawa pero ikaw pa itong palaging pabida na akala naman lagi kang
inaapi."
Parang
nangati ng gilid ng mata ni Mico sa narinig. Hind niya naisip iyon na kapag
wala na siya sa harapan ng mag-ina ay nagtatalo ang mga ito. Napatayo siya
bigla sa pagkaka-upo at sinimulang maglakad papalabas. Napatigil siya ng muling
mag-salita si Ivan.
"Aalis
ka na?" tanong ni Ivan.
Muli
siyang lumingon at napa-tango.
"Buti
naman." sabay ngiti itong nakakaloko.
"Okey."
at nagtuloy-tuloy na siya sa paglabas.
Hindi
naman natuloy ang nagbadyang luha niya dahil agad naman siyang naka-recover.
Pero talagang tinamaan siya sa mga sinabi ni Ivan. Pero hindi ibig sabihin noon
ay sumusuko na siya. "sige pagbibigyan kita. Per wait mo lang ang
pagbabalik ko." nakataas pa ang kilay niya. "dadating din ang araw at
luluhod ka rin sa harapan ko. Ay parang ang sagwa, di ba dapat ako ang luluhod
sa harapan niya?" natawa siya sa naiisip.
Naiwan
naman si Ivan na nagi-guilty. Muli rin niyang binalikan ang mga nasabi at
napag-tantong walang katotohanan ang mga sinabi niyang hindi na sila
magkaintindihan ng kanyang ina at si Mico lagi ang nang-gugulo.
Napa-buntong-hininga na lang siya sa nagawa.
"Mas
maganda nga iyon at wala nang istorbo." mungjahi niya sa sarili.
may
karugtong...
[05]
"Bakit
kaya hindi napunta dito si Mico?" tanong ni Divina kay Ivan.
"Hindi
ko po alam?" nangingiting sagot ni Ivan.
Simula
kasi kahapon nang makapag-salita siya kay Mico ay hindi na ito bumalik hanggang
ngayon. Pero nang mapa-tingin siya sa mukha ng ina ay naramdaman na naman niya
ang guilt. Napansin niya kasing nababahiran ang mukha nito ng lungkot.
"Baka
walang tao sa bahay nila kaya siya ang nagbabantay. Ayaw lang sigurong iwanan
ng walang tao." bigay dahilan ni Ivan para hindi naman magtaka ng sobra
ang ina.
"Siguro
nga." sang-ayon ni Divina at tumanaw sa kabilang bahay. Nagbaka-sakaling
matatanaw si Mico. Pero walang Mico ang nasa paligid.
Halata
ni Ivan na namimis ng ina si Mico. Pero mas gusto niya ang nangyari. Naging
maka-sarili siya. Pinagmasdan nalang ni Ivan ang inang pumasok sa loob ng bahay
na walang kangiti-ngiti. Halatadong dismayado.
Napabuntong-hininga
na lamang siya.
-----
Madilim
sa loob ng kabahayan. Tanging ang liwanag lang na nagmumula sa labas ng pinto
ang nagpapaliwanag sa living room kung saan naroon si Mico.
"Ang
hirap naman ng ganito. Nag-iisa ako." bigla niyang naisip na pumunta sa
kabilang bahay. "Ayoko nga. Magtitiis muna ako. Pagdating na lang ni Mama.
Pagbibigyan ko lang ang Ivan na iyon. Para ma-miss naman niya ako." sabay
tawa. "Wish ko lang."
Inabala
nalang niya ang sarili sa panonood ng palabas sa t.v. Nang wala nang matipuhan,
nagsalang siya ng d.v.d. Halos maghapon siyang ganoon. Pero hindi niya
maitatangging sa bawat oras naiisip niya ang secret love niyang si Ivan.
"Sana
dumating na si Mama." inaasahan niyang darating ang ina mamayang gabi.
"Pero baka kasama ang Dad?" napabuntong hininga siya sa huling
nasabi.
-----
"Baka
gusto mong kamustahin si Mico sa kabila?"
Napa-taas
ang kilay niya nang marinig ang sinabi ng ina.
"Ikaw
naman ang bumisita kaya?"
"Ma?"
"Naka
Ma, ka nanaman diyan. Puro ka Ma."
"Ayoko.
Hindi ko gagawin yun noh."
"Magdala
ka na lang ng niluto kong ulam duon."
"Ayoko
nga."
"Isa."
"Fine."
"Gusto
mo pa ng bibilangan."
-----
"Ay
ang sweet naman nila." kinikilig si Mico sa eksenang sa pelikulang
pinapanood. "Wish ko lang na ganyan din ang lovelife ko. Haysss."
Tumayo
siya at inarte ang dialogue sa eksena.
"Mahal
na mahal kita yan ang tatandaan mo saan ka man magpunta." nakatitig siya
sa kisame pagkatapos na para bang naroon ang kausap. "Yuck, ang panget ko
naman umarte." napa-ngiwi siya sa bangdang huli.
Pero
hindi doon natapos ang kanyang pag-arte. "Alam ko na, kunyari papasok
diyan si Ivan. Tapos, hinahanap ako." tinutukoy ang naka-bukas na pinto.
"Hinahanap niya ako dahil kailangan niyang sabihing mahal na mahal niya
ako."
Natawa
at kinikilig siya ng todo sa naisip gawin. Tumalikod siya sa pinto. At duon
sinimulang umarte. Sinimulan niya na kunwari si Ivan ang nagsasalita sa kanya.
"Oh Mico, akala ko hindi na kita makikita." napa-ehem siya sa baba ng
tono ng boses niya. Ginagaya kasi niya ang boses ni Ivan na lalaking lalaki.
"Hinanap kita, at buti nalang nakita kita. Gusto ko na sanang sumuko
ngunit hindi ako tumigil masabi ko lang sayo na... mahal na mahal kita."
kinilig si Mico sa sarili niyang laro.
"Kunyari
hindi ako humaharap sa kanya." at sinimulan ang kanyang sariling linya.
"Ivan, gusto ko na sanang sumuko pero... dahil mahal na mahal pala kita,
muli akong bumalik..."haharap siya sa pinto.
"Dahil?"
"Dahil?"
napa-tanong din siya sa nagtanong. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhh..." biglang
sigaw niya sa gulat.
Namutla
si Mico. Parang gusto niyang mawala sa pagkakatayo. Gusto niyang himatayin sa
mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na naroon si Ivan sa pinto. "Kailan
pa?" tanong sa kanyang sarili. Hindi siya maka-imik, maka-galaw.
"Bakit
ka tumigil?" nakakaloko ang mga ngiti nito.
Dahil
doon, parang wala ng nakikita si Mico sa sobrang kahihiyan. Nakakaloko ang mga
ngiti ni Ivan. "Narinig ba niya lahat ng pinagsasabi ko? Pinapanood niya
ba ako. Shit."
"Hoy,
tinatanong kita?" ganun parin ang istilo ng pagsasalita ni Ivan.
"H-ha?
Bakit ka naandito? Kailan ka pa diyan? At anong narinig mo?" tanong niya
ng sunod-sunod. Bahagya ring gumagaralgal ang kanyang tinig.
"Ikaw
kaya ang tinatanong ko."
"Anong
narinig mo?" pilit ni Mico kaya Ivan. Natatakot siya sa maaring marinig
kay Ivan.
Saglit
itong nag-isip. "Wala naman."
"Hindi
nga?" paninigurado ni Mico. Hindi siya kumbinsido.
"Wala
nga." pagkatapos ay pinakita nito ang dala. "See? Naandito ako para
ibigay ito sayo. Padala ni Mama."
Napa-taas
ang kilay niya. Wala sa mga huling sinabi ni Ivan ang kanyang iniisip kundi
kung nagsasabi ito ng katotohanan na wala itong narinig.
"Ano?
Hindi mo ba kukunin?" muli itong ngumisi.
Saka
lang si Mico nakagalaw. "Akin na."
"Sino
ba ang kausap mo?" tanong ni Ivan.
"Wag
kang magtanong." halata sa boses ni Mico ang pagkairita.
"Nagtatanong
lang."
Hindi
kumibo si Mico. Inilapag niya ang dala sa center table. Nang magbalik siya ng
tingin ay nagulat siyang kasunod pala niya si Ivan.
"Bakit
ka pa sumunod?" tanong ni Mico.
"Bakit?
Hindi ba ako welcome? Ikaw nga labas-pasok sa bahay namin eh."
Hindi
uli nakakibo si Mico. Pinagmasdan na lang niya ang ginawang pag-upo ni Ivan sa
sofa. Alam niyang naging interesado ito sa mga dvds na nasa center table.
"Alin
dito ang pinapanood mo?" tanong ni Ivan habang tinitignan isa-isa ang mga
dvds.
"Kunin
mo na lahat ang gusto mo diyan tapos umalis ka na."
"Ang
bilis mo namang magpalayas. Pero talaga? Pwede kong hiramin?"
"Oo
nga. Sige na bilisan mo." pinamamadali niya si Ivan dahil hindi pa rin
mawala sa kanya ang kahiya-hiyang nararamdaman.
"Sige
ito na lang." si Ivan pagkatapos maka-pamili. Tumayo na si Ivan at
naka-ngiti siyang tumingin kay Mico.
Hindi
naman maka-tingin si Mico ng diretso.
"Na-mimis
ka na ata ni Mama."
"Okey."
tipid niyang sagot na ikinalingon ni Ivan dahil akmang tatalikod na sana ito.
"P-pki sabi na lang kay tita na thank
you at okey lang ako."
"Makaka-asa."
sagot ni Ivan at tuluyan na itong lumabas.
"Ah-"
nagpapadyak si Mico sa sahig nang nawala na sa paningin si Ivan.
"Nakakahiya. Waaa"
-----
Tawa
ng tawa si Ivan nang maka-uwi sa kanila. Kanina pa niya pinipigilan ang pagtawa
sa naabutang ginagawa ni Mico kanina.
"Ah,
ganun pala ha? So, ako naman ang gaganti. Ewan ko na lang kung maka-porma ka pa
sa akin."
"Ivan,
ano yang binubulong mo diyan?" takang tanong ni Divina.
"Wala
po Ma. Linya lang yun sa pinapanood ni Mico sa bahay nila."
"Ah,
ganun ba? Okey ba siya roon?"
"Yes
Ma. Huwag ninyong alalahanin yon."
"Oh
sige na kumain na tayo."
-----
Kanina
pa si Mico nakaupo sa harapan ng t.v. pero hindi pa rin maalis ang nakakahiyang
pangyayari kanina. Nagkataon nga naman na kung kailan pa umaarte o nagiimagine
saka pa siya nahuli ni Ivan. "Mas lalong patay kung narinig niya ang mga
sinabi ko."
Pinatay
na niya ang pinapanood na bala dahil ayaw na niya iyon. "Pahamak kasi.
Nakaka-panggigil oh." Wala na siyang ibang magawa kundi titigan ang mga
nasa ibabaw ng center table kasabay ang pagbabalik tanaw sa pangyayari kanina.
Paulit-ulit lang siyang kinikilabutan.
-----
Hapon
na talagang wala nang magawa si Mico kundi tumulala. Naisipan niyang lumabas
naman dahil maghapon na siyang hindi nasisikatan ng araw. Tinawag muna niya si
Vani para may kasamang lumabas. Karga-karga niya ang alagang lumabas ng bahay.
"San
naman ako pupunta?" napa-tingin siya sa kaharap na bahay. "Hindi noh,
hindi ako pupunta diyan hmpt." Wala siyang balak mag-tuloy kala- Ivan.
Nagpasiya na lang siyang maglakad lakad.
Paliko
na siya ng matanaw niya sa di kalayuan ang isang lalaking pamilyar sa kanya.
"Tama siya nga yun." nang makilala niya.
"Hi
Rico." bati niya kahit malayo-layo pa ang agwat nila.
"Nice
to see you again." tuwa nitong sabi ng magkaharap na sila.
"Talaga?
Hmmm san ka papunta?" medyo pa-cute niyang tanong.
Natawa
ito. "Sa totoo lang, papunta ako sa inyo."
"Talaga?"
"Oo,
naghahanap ako ng kausap kasi. Maka-kwentuhan."
Namangha
si Mico sa narinig. "Bakit naman ako? Wala ka bang ibang-"
"Bago
lang ako dito. Sabi ko nga bakasyon lang ako."
"Nakakatuwa
talagang malaman na ako ang napili mong maka-kwentuhan."
Natawa
ito. "Okey lang naman diba?"
"Oo
naman."
"Ikaw
san ka papunta?"
"Naglalakad-lakad."
"Ah?...
Sige samahan na kita. Dala mo pa talaga ang alaga mo ha?"
"Para
may chaperon." sabay tawa. "San nga pala yung alaga mo?"
"Nasa
bahay."
Tumango
nalang siya. Naglibot-libot sila halos sa buong village. Ang dami nilang
napag-usapan tungkol sa lugar na iyon lalo na kapag nakakakita sila ng maaring
mapag-usapan. Tuwang-tuwa naman si Mico dahil may Rico na welcome
makipag-kwentuhan sa kanya.
Nakarating
sila sa harap ng bahay ni Mico halos padilim na.
"Dito
muna tayo." yaya ni Rico kay Mico nang nasa harap na sila ng bahay.
"Dito tayo ma-upo."
"Sige,
pero papasok muna ako sa loob. Ano bang gusto mo mainom?"
Nag-isip
muna si Rico bago sumagot. "Ikaw nalang ang bahala."
"Sige."
-----
"At
kasama na naman niya lalaking yun?" si Ivan na naka-silip sa bintana.
Tinitigan
niya ang lalaki. Hindi niya masyadong masilayan ang mukha nito dahil nakayuko
ito habang naka-upo sa harap ng gate.
"Mukhang
nasa edad 25 na. Ayos din mamili si Mico. Mahilig yata sa 10 years ang tanda sa
kanya." sabay tawa.
Maya-maya
pa ay nakita niyang palabas na muli si Mico dala-dala ang dalawang basong may
laman na likidong kulay kahel.
-----
"Rico."
tawag pansin ni Mico para maabot ang dala-dala niyang basong may lamang orange
juice.
"Salamat."
nang mahawakan na ni Rico ang baso.
"Welcome."
"Parang
walang tao sa bahay ninyo?"
"Oo.
Ako lang ngayon ang naandiyan."
"I
see."
Natahimik
silang dalawa habang unti-unting nilalasap ang lasa ng orange juice. Sa
pananahimik na iyon ay may nabuong katanungan si Mico para kay Rico.
"Pwedeng
magtanong?"
"H-ha?"
bahagyang nagulat si Rico. "Oo naman."
Ngumiti
muna si Mico. "Mmm naisip ko lang kasi na-" tinignan muna niya ang
mga mata ni Rico.
"Na-"
"Kasi,
nagtataka lang ako. ang ibang lalaki, pag nakikita ako, karaniwan
nagugulat." saglit siyang tumigil at tumingin kay Rico pagkatapos.
"Pero ikaw nung una tayong magkita, hindi kita nakitaan na nagulat kahit
kaunti." natawa siya sa ipinahayag.
"Ah-"
napa-ngiti ito.
"Yun
nga ang tanong ko. Bakit ikaw hindi?"
Napa-tingin
ito ng tuwid sa harapan. Naghintay naman si Mico.
"Siguro
dahil... dahil may kilala ako na tulad mo rin." nagbaba ng tingin si Rico.
"Pero magkaiba kayo. I mean, hindi siya tulad mo na ganyan... na
nagme-make up, mmm kumbaga, lantaran." sabay tawa.
Natigilan
si Mico. "Ganun lang. A-ang ibig kong sabihin eh, bakit parang hindi naman
ganoon lang yun. Kasi, may kilala ako na kahit may kilala talaga silang
b-bakla," muntikan niya pang hindi mabanggit ang huling salita.
"...pero ayaw talaga nila. Iniiwasan nila, ako." napabuntong hininga
siya. Nasa isip niya si Ivan. "Pero bakit ikaw gusto mo pa akong
maka-kwentuhan." napangiti siya. "Salamat ha?"
"Ano
ka ba? Para naman wala kang kaibigan?"
Meron
naman talaga siyang kaibigan na lalaki sa Manila pero ang tumatakbo kasi sa
isip niya ay si Ivan.
"Ako
kasi..." dugtong ni Rico. "Basta hindi naman sila bastusin,
nananamantala o kaya, mmm maayos namang kausap, okey lang. Bakit naman ako
magagalit sa kanila? Tulad mo."
"Ngek,
nagpapa-cute nga ako sayo eh."
"Understood
na siguro yun. Ang ibig kong sabihin, kapag sa una pa lang kita iba na agad ang
gustong mangyari. Alam mo na. Mas maganda kasi yung may respeto sa
sarili."
"Teka,
parang ang layo na ata. Paanong respeto sa sarili?" tanong ni Mico.
"May
iba kasi na pinipilit na maging babae. Wala naman masama, kaya lang gumagawa na
sila ng mga bagay na hindi na tama sa sarili nila. Meron naman-" natahimik
si Rico saka muling nagsalita. "nagtatago. Itinatago ang sarili."
Katahimikan
ang naghari sa dalawa. Sa totoo lang hindi masyadong ma-get ni Mico ang ibig
sabihin ni Rico dahil feeling niya may kwento sa likod ng mga sinabi nito. Ayaw
na niyang mag-ungkat dahil nalalaliman siya. Pangalawa, ayaw na niyang
mag-tanong dahil nararamdaman niya sa tono ng pananalita nito na may dinaramdam
ito. Hindi niya alam kung ano o kung bakit.
"Huwag
mo nang isipin yun." sabay tawa si Rico. "Ang mahalaga lagi mong
isipin at gawin na kahit ganyan ka dapat ka ring galangin. Siyempre,
matatanggap mo yan kung ipapakita mong dapat kang galangin. Ikaw, mukha ka
namang kagalang-galang."
Natawa
na rin si Mico. "Opo manong naget ko na." Napa-tingin siya sa langit.
"Ang dilim na pala. Hindi natin napansin ah."
"Manong
talaga ha?"
"Ilan
ka na ba?"
"25
na ako."
"Ang
laki pala ng tanda mo sa akin, dapat nga na manong." sabay tawa ni Mico.
Hindi
naman na-offend doon si Rico. Una pa lang niyang kita kay Mico ay bata pa ito.
"Kailangan ko na sigurong umuwi."
"Ganoon
ba?"
"Oo,
baka nag-aalala na sila sa akin." ang tinutukoy ni Rico ang mga kasama sa
bahay. "Ngayon lang ako uuwi ng gabi hehe."
"Sige
ingat na lang at salamat pala."
"Sure
at welcome. Salamat din dahil may may time ka."
Ngiti
ang kanyang sinagot. Tumango siya ng nagpahiwatig si Rico na aalis na.
-----
may
karugtong...
[06]
Kinabukasan,
nagulat si Mico na mababaan niya ang ina sa may sala.
"Ma?
Kailan pa kayo?"
"Kanina
lang 'nak." sagot ni Laila.
"Si
Dad?" tanong ni Mico at luminga-linga pagkatapos. Dad ang tawag niya sa
ama iba sa kanyang ina.
"Susunod
na lang daw. Busy pa daw siya. Mukhang walang balak magbakasyon dito."
"Ano
naman po kasi ang pupuntahan ni Dad dito?"
"Mico?"
sinaway ni Laila ang anak.
Pasalampak
siyang umupo sa tabi ng ina. Nang makita ang mga plastik sa tabi nito ay
kinalikot ang mga laman noon. Mga pasalubong, pagkain at damit.
"Oh
bakit parang wala ka sa mood? Wag mong sabihing kagigising mo lang, tanghali
na?"
"Kanina
pa po ako gising Ma."
"Oh
bakit nga?"
"Ma?
Bakit hindi tayo mag bukas nalang dito ng bagong botique?"
May
baby clothing botique kasi sila na pinamamahalaan ng kanyang ina. Iyon din ang
dahilan kung bakit si Laila biglaang bumalik sa Manila dahil may problema sa
factory.
Nagsalubong
ang kilay ni Laila. "Hindi madali yun. At sino naman ang mamahala?"
"Ako."
sagot niyang walang kagatol-gatol.
"Tapusin
mo muna ang pag-aaral mo. Isang taon nalang."
"Ma,
kahit hindi ko na siguro tapusin yun. Tutal, ako na naman ang head designer
natin." Kahit kasi hindi pa siya tapos sa kurso niya, mas naging mabenta
ang mga likha niya kumpara sa mga co-designers niya. Kaya kahit estudyante
palang ay kumikita na siya kahit papaano.
"Tigilan
mo nga yang iniisip mo. Mas magandang may diploma kang maihaharap. Lalo na sa
Papa mo."
Nanulis
ang kanyang labi. "Ma?"
"Mico,
mga gawa mo nga ang laging in-demand ang tanong, may kinalaman ba sa
pamamahala? HIndi ko ibig sabihing hindi mo kaya. ang gusto ko lang tapusin mo
ang pag-aaral mo. Mas maganda pa nga kung kukuha ka ng business
manegement."
"Ayoko
na po. Tatapusin ko nalang ito." tanggi niya ng marinig na balak pa pala
siyang pag-aralin ng management. Hindi naman sa ayaw niya kaya lang mas gusto
na niya ang ginagawa at kontento na siya doon.
"Bakit
nga ba biglaan yata ang pagdedesisyong mong yan?"
"Wala
naman po. Gusto ko lang na mag-stay na dito sa Batangas."
Napa-tingin
sa kanya ang ina na nagtataka. "Hindi mo na ba nami-miss ang Manila? Ang
dami mong friends na na iniwan doon. Sabi mo nga hindi nila alam na mawawala
ka. Teka, bakit hindi nagpapakabit ng internet connection? Dala mo naman ang
loptop mo."
Dahil
sa huling sinabi ni Laila biglang nabuhayan si Mico. "Tama." sigaw
niya sa kasiyahan.
"Ha?"
naguguluhang si Laila.
"Thank
you Ma." sabay kiss ni Mico sa pisngi ng ina.
"Saan?"
"Sa
pagpapaalala mo ng internet connection."
Dali-daling
bumalik si Mico sa taas sa kanyang kwarto para kunin ang isang bagay. Nang
makuha na iyon ay dali-dali rin siyang bumaba.
"Excited?
Sa connection?" si Laila.
"Ma,
thank you talaga. Punta muna ako sa kabila."
Hindi
na umimik si Laila dahil madali itong nawala sa pinto. Ipapaalala pa naman niya
ang mga pasalubong niya pati na rin ang pasalubong niya sa kanyang amigang si
Divina.
-----
"Tita
Divina?" tawag ni Mico. "Tita Divina?"
"Wala,
umalis." sagot ni Ivan na kasalukuyang pababa sa hagdan.
Parang
gusto na naman mag-init ang mukha ni Mico. Naalala niya ang nangyaring
kahihiyan kahapon. Gusto niyang mang-asar na naman. Pero agad niyang naalala
ang sinabi sa kanya ni Rico kahapon. "Kailan pala maging mabait na ako.
Para magustuhan ni Ivan. Ganoon ba?" sagot niya pagkatapos sa iniisip.
Napa-taas
ang kilay ni Ivan. "Nag-iba ang mood?" Bakit parang ang bait yata ng
tono ng pananalita mo ngayon ha?"
"Wala
naman. Happy lang."
"Weh.
Talaga lang ha?" sabay tawa. "Tignan natin kung magiging happy ka.
Ako naman ang sisira sa mundo mo. Ngayong may alam na ako. Hahaha."
"Oo
naman bakit?"
Hindi
na sumagot si Ivan. Umupo ito sa sofa at binuksan ang t.v.
"Anong
oras ang balik ni Tita Divina."
"Malay
ko." sinisimulan ni Ivan ang pang-aasar.
"Ganoon
ba?" pero hindi kumagat si Mico. Nanatili siyang naka-ngiti. Cool.
"Huwag
mo na ako istorbohin. Baka mapasa ka lang."
"Sige."
at umupo si Mico sa isang sofa.
"Huwag
mo nang hintayin yun. Hindi na dadating yun. Uupo ka pa diyan."
Medyo
tinamaan duon si Mico. Iba na yata yun, pagtataboy sa kanya. "Grabe ka
naman." nanatili parin siyang cool at naka-ngiti.
"Aba,
hindi gumaganti. Walang epekto. Mmm kung yung narinig ko kaya kahapon ang
gamitin ko?" pagsisintir ng isip ni Ivan pero hindi niya natuloy nang
biglang tumunog ang telepono na nasa tabi nito.
"Yes?"
sagot ni Ivan sa telepono.
Si
Divina ang nasa likod ng linya. "Ivan, hindi ako makakauwi ng
tanghali."
Napa-tingin
si Ivan sa wall clock. "Ma, 11:30 na, anong oras ka uuwi?" inaalala
niya ang kakainin sa tanghali.
"Yun
na nga eh, hindi ako makakauwi. Bahala ka muna sa kusina ha?"
"Ma?
Alam mo namang hindi ako marunong magluto."
"Ivan
naman. Ang laki muna. Marunong ka na naman sigurong magbukas ng stove."
"Naandito
si Mico hinihintay ka. Umuwi ka na Ma."
Napa-tingin
si Mico nang marinig nya ang pangalan nya.
"Naandiyan
ba? Pakisabi pasensiya na mamaya pa ako dadating."
"Ma?"
"Ay
nako Ivan, minsan na nga lang akong mayaya ng kaibigan ko eh-" hindi na
naituloy ni Divina ang sasabihin sa agad
na pagsagot ng anak.
"OK."
halatang dismayado si Ivan. "Ingat na lang po." sabay bawi rin sa
malumanay na salita. Takot din siyang magalit ng tuluyan ang ina.
"O
sige ibaba ko na ito ha. Magpatulong ka kay Mico. Samantalahin mo na habang
naandiyan pa siya. Magpakabait ka kay Mico ha?"
Pagkatapos
noon ay ibinaba na nga ang awditibo ng telepono. Pagalit namang sinalpak ni
Ivan ang awditibo ng telepono na ikinagulat ni Mico.
"Galit?"
reaksyon ni Mico sa ginawa ni Ivan.
"Pakialam
mo?"
Nagtaas
ng balikat ang isinagot ni Mico na nagpapahiwatig na wala lang naman.
"Bakit daw siya hindi makaka-uwi?" sa halip ay tanong niya.
"Pakialam
mo?"
"Ganoon
ba? Hinihintay ko kasi siya kaya baka akala ko lang na pwedeng malaman."
cool parin niyang pahayag.
"Basta
mamaya pa uuwi si Mama. Masaya ka na?
"Ah...
sige babalik na lang ako." at akma na siyang tatayo ng makarinig na
bubulong-bulong si Ivan.
Naiinis
kasi si Ivan dahil hindi pa siya nag-aalmusal tapos hindi pa uuwi ang kanyang
ina. May sinaing naman na nakahanda pero ulam lang ang wala. Hindi kasi sanay
kumain si Ivan ng galing sa de lata na hindi iniinit. Malay ba niya sa
pagbubukas ng tangke. Takot niya lang masabugan.
"May
sinasabi ka ba?" tanong ni Mico.
"Hindi
ikaw yon kaya wala kang pakialam."
Hindi
nakasagot si Mico. Nagtuloy-tuloy na siya sa paglabas.
Banas
na banas namang naiwan si Ivan sa bahay. Ngayon lang nagkataong hindi siya naipagluto
ng ina bago umalis. "Bakit naman kasi ang aga-aga umalis." Pero kahit
ganoon alam pa rin niya na wala siyang magagawa sa kagustuhan at kaligayahan ng
ina. "Magpatulong ba daw ako kay Mico. No way. Inaasar ko nga ang tao
tapos magpapatulong ako."
Bigla
na lang narinig niya ang kalam ng kanyang sikmura. "Ano ba ang gagawin ko?
Patay!" at nabuo ang kanyang desisyon. "Bahala na nga kung sasabog
ang bahay."
-----
"Ang
bilis mo namang nawala. Ipapadala ko nga sa iyo yung pasalubong ko sa kabila
eh." si Laila kay Mico nang kapapasok palang ng huli. Nasa salas sila.
"Ganoon
po ba Ma? Nasaan po ba iyon?" na-excite niyang tanong. Nabuo sa kanyang
isipan na maaring maka-balik siya sa kabila kahit hindi na ang una ang sadya.
May bago na siyang sadya. Natawa siya.
"May
mga dala akong short-cakes diyan diyan di ba? Pilian mo sila tita Divina mo at
Ivan."
Tinignan
niya ang isang plastik na alam niyang doon nakalagay. Nakita nga niya roon ang
mga naka-box na short cakes individually. Pumili siya ng tatlo. Nakangiti siya
ng tinitignan ang napili. "Ma." tawag niya sa ina na kasalukuyang
papuntang kusina. "Tatlo ang dadalhin ko sa kabila."
"Sige
lang." pasigaw nitong sagot.
"Yes."
sagot niya sa tuwa. "Sana magustuhan ito ni Ivan ko." sabay tawa.
"Ma. Babalik ako sa kabila. Ibibigay ko lang ito."
"Bahala
ka. Kahit wag ka ng bumalik." sabay tawa ng nagbibirong si Laila.
"Sige
po ba. May permiso mo na po ha?" ganiting biro ni Mico.
-----
Naghahanap
si Ivan sa loob ng ref ng maaring iprito. Iyon ang napagdesisyunan niyang
lulutuin. Wala siyang ibang makita kundi ang ilang preservative foods tulad ng
longganisa at hotdog. Pinili niya ang hotdog at kumuha siya ng limang piraso.
Isa-isa niya itong binalatan. Nang matapos balatan, hinarap naman niya ang
kalan para paapuyin. Ngunit, nagdadalawang isip siyang pihitin.
"Ivan."
tawag ni Mico na ikinagulat ng una.
"Bakit
ka na lang biglang tumatawag diyan?" nasabi ni Ivan nang magulat.
"Akala
ko kasi nasa living room ka pa rin kaya hindi na ako tumawag. Nakarinig ako
dito sa kitchen ng kaluskos kaya naisip kong narito ka."
Hindi
na kumibo si Ivan.
"Magluluto
ka?"
"Hindi
maglalaro ako ng apoy. Hindi ko lang alam kung paano buksan." pang-uuyam
ni Ivan.
"Sabi
ko nga." at napatingin si Mico sa lamesa. "Hotdog?"
Napakunot
noo si Ivan nang tumingin kay Mico. "Bakti anong masama?"
"Wala
naman. Nasabi ko lang kasi yan pala ang lulutuin mo."
Muling
itinuon ni Ivan ang sarili sa pagbukas ng kalan. Pero saglit pa naramdaman na
ni Mico na hindi magawa ni Ivan paapuyin ang kalan.
"Ako
na ang magbubukas." presenta ni Mico.
Hinayaan
na ni Ivan na si Mico ang magbukas ng kalan. Sa pagkakataong iyon inalis niya
ang pride. May takot talaga siya sa pagbubukas ng kalan.
"Ayan
bukas na. Lagay mo na ang kawali." si Mico.
Nang
mailagay na ni Ivan ang kawali ay agad-agad kinuha nito ang mga hotdog sa
lamesa.
"Teka,
huwag m o munang ilagay yan." saway ni Mico. Dahil doon napatingin si Ivan
sa kanya. "Lagyan mo muna ng mantika."
"Ay,
oo nga pala." saka hinanap ni Ivan ang bote ng mantika.
"Pero
huwag mo munang ilagay ha? Kasi, kailangan mainit na ang mantika para hindi
dumikit sa kawali ang hotdog." maya-maya lang ay itinapat ni Mico ang
palad sa kawali.
"Hoy,
anong gagawin mo?" nagulat si Ivan sa inakto ni Mico.
"tine-test
ko lang kung mainit na. Ikaw naman oh."
"Ganoon
ba iyon."
"Yan
mainit na. Ilagay mo na ang mga hotdog."
At
inihagis ni Ivan ang limang hotdog ng sabay-sabay na naging sanhi ng
pagtilamsik ng mantika. Dahil doon nagulat si Ivan at walang kamalay-malay na
napahawak siya sa magkabilang balikat ni Mico.
"Bakit
ka nakahawak sa akin?" si Mico na ngiting-ngiti.
Napa-tingin
si Ivan kay Mico at saka niya lang nalaman ang ayos niya. Iniwas niya ang
tingin at inalis ang mga kamay.
"Baligtarin
mo na yun. Madali lang iyon masunog." utos ni Mico. Ngunit napansin niyang
nag-aalangan itong ihipo ang dulo ng siyanse sa kawali. Natatakot. "Ako na
nga."
Hinayaan
ni Ivan si Mico. Hindi talaga siya tumanggi. Pinanood na lang niya ng mataman
si Mico habang binabaliktad ang bawat piraso ng hotdog. Nang matapos na ay
nasabi ni Ivan sa sariling madali lang palang magluto- ng hotdog.
"Okey
na ito. Teka, may kanin ka na ba?" kapagdaka'y tanong ni Mico.
"Oo."
"Ikaw
nagluto?" biglang tanong ni Mico. Naisip kasi niyang malamang na hindi rin
ito marunong magsaing.
"Hindi.
Kaninang umaga pa iyan." sagot ni Ivan habang tinatanaw si Mico na
tinutungo ang rice cooker.
"Bakit
hindi bawas?"
"Hindi
talaga yan nagalaw kasi hindi ako nag-almusal."
"Ah...
ganoon ba? Mmm, gusto mo isangag ko? Kasi, nasasarapan ako sa sinangag na ulam
hotdog."
"Marunong
ka?"
"Sige,
gagawin ko ha?" nakita ni Mico na tumango si Ivan.
Mataman
lang na pinapanood ni Ivan ang bawat galaw ni Mico lalo na sa kung paano nito
niluto ang bawang. Pagkatapos ang paglalagay ng kaning lamig. Binuhusan ng
kaunting toyo at kaunting powder na nakalagay sa isang maliit na pakete.
Pagkatapos ay hinalo.
Sa
loob-loob naman ni Mico ay ang katuwaang nararamdaman. Kung alam lang ni Ivan
kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib niya sa kasiyahan ay malamang na mabingi
ito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa nangyayaring pagkakataon na
hindi sila nagkakagulo ni Ivan. At para bang hawak niya sa kamay si Ivan sa mga
oras na iyon.
Totoo
namang sa mga sandaling iyon nakalimutan ni Ivan ang war sa pagitan nila.
"Okey
na siguro ito." si Mico.
"Sigurado
ka na masarap yan?"
"Oo
naman. Sige kain ka na." anyaya ni Mico kay Ivan.
Aktong
kukuha si Mico ng plato para kay Ivan nang pigilan siya nito. "Sandali ako
na. Ikaw na nga ang nagluto tapos ikaw pa ang maghahain. Ako na lang."
Napa-ngiti
na lang si Mico. "Wow, totoo ba iyon. Yes naman oh." Pero biglang
nanlaki ang mata ni Mico nang makita ang dalawang plato na inilagay sa lamesa
maliban sa bandehado kaya imposibleng hindi para sa kanya ang plato na iyon.
"Oops. Huwag umasa Mico." saway niya sa sarili.
Nakaupo
na si Ivan habang nakatayo pa si Mico. "Ano? Hindi ka kakain?"
"H-ha?
Ako k-kain kasabay mo?"
Nagsalubong
ang kilay ni Ivan. "Bakit? Palagi ka namang dito kumakain ah?"
"A-ah!
Hindi naman ang ibig kong sabihin hindi ko lang inaasahang sasabayan kitang
kumain, eh pinagluto lang naman kita."
"Sige
na umupo ka na at saluhan mo na rin ako."
"Talaga
lang ha? Para kasing naninibago ako sayo." salita ni Mico pero hinihila
ang katawan paupo paharap kay Ivan.
"Kailangan
mo ding kumain kasi-" sumubo muna ito at saka kumuya. "Ang sarap
ha?" puri nito kay Mico nang malasahana ang sinangag.
Kanina
ay bahagyang nakanganga si Mico dahil nabitin siya sa sasabihin ni Ivan ngunit
napangiti siya ng mapuri ang niluto niya. "A-ano nga iyon yung dapat mong
sasabihin?"
"Kailangan
mong kumain kasi baka maging utang na loob ko pa it sayo."
"Ay!"
bigla siyang pabirong nadismaya. "Ganun pala yon."
Napangiti
ito. "Totoo naman eh. Di ba?"
"Aba
bakit alam mo?" natatawa si Mico sa tanong.
"Basta."
"Mmm
sige. Hindi na ako kakain. May hihilingin na lang ako sayo para hindi ka na
makatanggi." natatawa siya at nagpaalala. "May utang na loob
ha?"
"Sabi
na nga ba? Dapat hindi ko na lang sinabi." sabi ni Ivan habang nakayuko
dahil siryoso sa pagkain. "Ano ba ng hihilingin mo?"
"Mmm
makikigamit lang ako ng computer mo. Di ba may internet connection ka?
Kailangan ko kasing i-update ang facebook ko eh."
"Yun
lang pala eh. Akala ko kung ano na."
"Ibig
sabihin ba niyan na pumapayag ka?"
Hindi
sumagot si Ivan. Patuloy lang itong ngumunguya.
"Silence
means yes ha? YES! Teka may ipinabibigay si Mama sa inyo ni tita kaya ako
bumalik."
Napa-tingin
sa kanya si Ivan.
"Pasalubong
yun sana magustuhan mo. Sandali at kukunin ko. Iniwan ko kasi sa center table
sa living room eh." Saglit lang at naka-balik rin agad si Mico. "Sana
magustuhan mo. Short cakes."
Lumaki
ang mga mata ni Ivan. "How sweet naman ni tita Laila. Paki sabi thank you
na mrami."
"Ito
na ba ang simula?" kinikilig na si Mico.
----
may
karugtong...
[07]
"Ano?
Gagamit na ako ngayon ng computer mo?" si Mico.
"Nakain
pa ako."
"Kanina
ka pa eh. Halata namang binabagalan mo. Bilisan mo na kaya."
"Bakit
mas marunong ka pa? Eh ako ang kumakain, paano ko malalasahan ang pagkain niyan
kung dadalian ko."
"Malasahan...
So ibig sabihin talagang nasasarapan ka?"
Natigilan
ito. "Hindi no."
"Weh..."
"Weh
ka diyan. Pasalamat ka natuwa ako sayo dahil pinagluto mo 'ko."
"Talagang
kapalaran na ipagluto kita."
"Talaga?"
panguuyam ni Ivan. "Baka nakakalimutan mo-"
"Ano?
Na galit ka sa akin?"
"Buti
alam mo."
"Pero
may utang na loob ka kaya dapat mo munang bayaran."
"Babayaran
naman ah. Huwag ka ngang sabik diyan."
"Ewan."
pero naka-ngiti siya. "Ang galing no."
"Ang
alin?" takang tanong ni Ivan.
"Basta."
sabay tawa. Kinikilig si Mico. Natutuwa siyang nakakausap niya ng ganoon si
Ivan. "Dahil sa sinangag mahuhulog ang loob mo sa akin. Ay naman."
"Umayos
ka nga. Anong iniisip mo?"
"Wala."
sagot ni Mico pero ang totoo kinikilig.
-----
"Ang
gulo naman ng kwarto mo." reklamo ni Mico nang makapasok sa kwarto ni
Ivan.
"Huwag
kang magreklamo. Diyan ka." itinuro siya sa harapan ng kompyuter.
"Okey."
pagkatapos ay umupo na siya. "Ikaw san ka?"
"Bakit
tinatanong? Siyempre dito lang ako, babantayan kita. Baka kung ano ang gawin mo
sa kompyuter ko magka-virus yan."
"Grabe
ka naman. Magfe-facebook lang ako kay avirus ka agad diyan. Baka lang kasi
makita mo ang kahalayan ko." pagbibiro ni Mico.
Napatitig
si Ivan kay Mico. "Anong kahalayan?"
"Basta."
sa totoo lang gusto niyang lumabas si Ivan. Pero mukhang malabo dahil humiga
ito sa kama.
"Dito
lang ako."
"Grabe
ka naman. Kakakain mo lang higa ka agad. Eh kung maglakad-lakad ka muna.
"Sige lumabas ka na."
"Hindi
na kailangan. Pwede ba huwag mo akong pakialaman. Bilisan mo diyan dahil
gagamit din ako."
"Walang
balak bumaba. Bahala na nga." Gusto kasi ni Mico mabuksan ang files ni
Ivan na naglalaman ng mga pictures nito. Umaasa kasi siyang mabubuksan niya ang
folder ng "my pictures" kung saan maaring naroon ang mga pictures
nito. Marami na si Mico na naipong pictures ni Ivan galing sa facebook. gusto
niya ng bago.
"Sandali
bababa lang ako."
Sinagot
yata si Mico ng langit. "Bakit?"
"Kukunin
ko yung pasalubong ni tita Laila."
"Ah
sige, ingat."
"Sanay
na akong bumaba sa hagdan kahit nakapikit. Hindi na kailangang magingat."
"Sige.
Bilisan mo na."
Lumabas
na nga si Ivan. Dali-dali namang binuksan ni Mico ang "documents" at
hinanap ang "my pictures". Hindi nga siya nagkamali ang daming laman
niyon. Inilabas niya ang USB sa kanyang bulsa na kanina niya pa dala-dala.
Nanginginig pang isinaksak niya ito sa CPU. "Bilis, bilisan mo basahin
mona agad."
Agad-agad
naman ding nabasa. Agad niyang copy ang buong folder ng "my pictures"
at ipinaste sa kanyang hard drive.
Ang
kaso, ang tagal mag copying. Kaya naman, nagsimulang kabahan si Mico. Baka
maabutan siya ni Ivan na kumukuha ng kopya.
"Bilis,
bilis bago dumating si Ivan." napapakagat labi siya. Marami kasi ang laman
ng polder na iyon kaya mabagal din ang pagkopya. "Sige na. Matapos ka
na."
"Ang
sarap ha?"
Nagulat
si Mico nang may nagsalita sa kanyang likuran. Buti na lang madali niyang
napindot an gminimize ng button. Bahagya pa siyang napatayo. "H-ha?"
humarap siya kay Ivan habang pinipilit takpan ng katawan ang monitor.
"M-masarap? Oo naman." pinilit ngumiti maitago.
Napatitig
sa kanya si Ivan dahil nakaramdam siya na iba ang kinilos ni Mico.
"Bakit?" takang tanong niya.
"W-wala.
Bakit din?"
"Parang
kang nagulat diyan?" tanong ni Ivan habang tinungo ang kama at doon umupo.
"Siyempre
bigla kang nagsalita eh." umupo na uli si Mico dahil alam niyang hindi na
mapapansin ni Ivan ang ginagawa niya.
"Bilisan
mo diyan dahil gagamit din ako."
"Kakaumpisa
ko lang naman."
Katahimikan,
habang patuloy na kinakabahan si Mico. Si Ivan naman ay unti-unting inuubos ang
cake.
"Kailan
pala dumating si Tita Laila?" biglang tanong ni Ivan.
Nagulat
na naman si Mico. "H-ha? Si mama? A-ano-" hindi niya masunod-sunod
ang sasabihin. "kanina bago magtanghali." sa wakas ay natapos na rin
niyang sabihin.
"Bakit
ba parang nabibingi ka. Ano bang ginagawa mo diyan?"
Napalingon
si Mico kay Ivan dahil sa tanong nito. Baka kasi biglang lumapit si Ivan at
silipin kung ano ang ginagawa niya. "Nagbabasa kasi ako." pasimple
siyang napa-hinga ng malalim ng makitang hindi gumagalaw si Ivan sa pagkakaupo.
Muli niyang binalik ang pansin sa monitor.
Naramdaman
ni Mico na biglang tumayo si Ivan. Lumingon siya at ng lalapit ito ay napatayo
rin siya matakpan lang monitor. Nang sa pagtayo niya napansin niya ng isinaksak
niyang USB. "Patay baka mahalata niya. Huwag naman sana." parang
gustong matuluan ng pawis sa kanyang noo. Muli siyang tumingin kay Ivan
napansin niya ng mukha nitong lukot. "B-bakit?"
"Bababa
uli ako. Kukunin ko yung isa pang cake. Bakit para kang constipated
diyan?"
"Constipated
ka diyan? Nag-iinat lang ako." alibi ni Mico.
"Ewan."
at muli na itong lumabas.
"Hayss...
akala ko dito siya didiretso." pagkatapos ay muli niyang nilingon ang
monitor, umupo at sinilip ang ginagawang paglilipat ng files sa USB. "Yes.
Natapos din." dali-dali niyang inunplug ang USB. Hindi matanggal ang mga
nigiti sa kanyang mga labi habang madaliang nililinis ang maaring ibidensya ng
ginawa niyang pangongopya. Hanggang sa dumating si Ivan. "Tapos na
ako."
"H-ha?
Ang bilis mo naman?" takang tanong ni Ivan.
"Sabi
mo kasi bilisan ko." sagot ni Mico. Hindi sumagot si Ivan. "Hindi.
Wala naman kasing masyadong interesante sa mga kaibigan ko kaya hindi na ako
nagparamdam. So, aalis na ako."
"Buti
naman."
"Sige."
at lumabas na siya sa kwarto ni Ivan.
Naiwan
si Ivan na nagtataka sa mga ikinilos ni Mico. Napa-iling nalang siya at humarap
sa kanyang kompyuter. "Ang gulo talaga ng bading na iyon. Dati, akala mo
kung umasta siga. Akala mo dito nakatira na laging nag-hahanap ng gulo. Tapos,
bigla na lang tatahimik na parang mabait. Tapos ngayon parang ewan? Constipated
nga siguro. Nagmamadali eh." natawa siya sa huling sinabi. "Pero, ang
sarap ng sinangag niya ha?"
At
may naiwang ngiti sa mga labi ni Ivan.
-----
"Yes,
yes yo." paulit-ulit na binibigkas ni Mico habang papasok sa bahay.
Walang
tao sa sala kahit ang kasambahay ay hindi niya nakikita sa paligid. Kaya naman
para siyang sirang sumasayaw-sayaw pa habang paulit-ulit na binabanggit ang
"Yes, yes yo." Kung may makakakita lang sa kanya posibleng ang unang
sabihin sa kanya ay "Nababaliw ka ba?"
Hanggang
sa pag-akyat sa hagdan ay tuloy-tuloy pa rin siya sa ginagawa.
"Ano
ba yan?" si Laila na iniluwa ng isang kwarto.
"H-ha?
Ay Ma." sabay tawa.
"Para
kang sira. Nagugutom ka na ata eh."
"Hindi
naman po. Masaya lang talaga ako ngayon."
"Bakit?"
"Basta
Ma. Diretso na po ako sa kwarto ko."
Naiwan
si Laila na naguguluhan sa kakatwang kinikilos ni Mico.
Pagkapasok
na pagkapasok pa lang sa kwarto ay napa-headbang pa siya sabay tawa. "Ang
galing-galing ko naman hahaha." Tinungo niya ang kanyang kama na kung saan
naroon ang kanyang loptop. "Makikita ko na. Makikita ko na. Kaunti na lang
na paghihintay." sabay tawa. Para siyang eng-eng na sabik na sabik makita
ang mga bagong pictures ni Ivan. "Ayan na."
At inumpisahan na mga niyang buksan ang
folder. Tumambad sa kanya ang napakaraming pictures ni Ivan. Inisa-isa niya
iyong tignan. Kaya lang medyo nadismaya siya nang makitang ang ibang pictures
na may kasama si Ivan. Mga kaibigan sa isang party, sa out of town at kung
ano-ano pa. Wala sanang problema kung si tita Divina lang pero naiinis siya kapag
nakakakita ng babaeng nakapulupot sa Ivan niya.
"Ang
dapat sa inyo ini-erase." nasabi niya dahil sa inis. Balak niyang
i-separate ang mga pictures ni Ivan na may ibang kasama sa kuha.
Pinagpatuloy
niya ang pagtingin sa mga pictures. "Ayyyyyyyyyy" napa-sigaw siya
dahil sa nakita. "Wow naman. Akin
na ito." tuwa niya. Nakita kasi niya ang isang pic ni Ivan ay
topless, na walang pang-itaas na damit kundi shorts lang. "Hotttttt."
sigaw niya sa sobrang kilig. "Meron pa?" dalangin niya na meron pa at
umaasahang mas grabe pa ang makikita. "Sana yung mas bonggang bongga pa.
Alam mo na." napahagikgik sa tawa.
Click.
At isa pa ngang kuha na topless na si Ivan sa iba namang posisyon. Talaga
namang todo ang tili ni Mico. Bahala na kung magtaka ang kasama sa bahay basta
magsasaya siya sa nakikita. Muli niyang pinindot ang next. Pero hindi na ganoon
ang muling tumambad. Maramihan na ang nasa kuha.
"Badtrip
naman itong tatlong babaing 'to oh.
Layas kayo diyan." at inilipat niya sa ibang folder ang picture na
iyon. Naisip niyang i-edit ang mga iyon. Tatanggalin niya ang mga babae sa
kuha. Natawa siya sa naisip. Muli siyang pumindot at isang close-up picture ang
nakita niya. "Ang cute ni Ivan dito. Alam ko na." may naisip siyan
gawin. "Gagawin kita sa background sa deskstop ko."
Sa
ilang saglit lang at nakita na niya sa deskstop niya ang picture ni Ivan as
wallpaper. "Sa oras na bubuksan ko ang loptop ko, ikaw lagi ang unang
makikita ko." napatihaya siya sa kama na kanina ay nakadapa niyang
nakaharap sa laptop niya. Ngayon, ipinatong niya ito sa kanyang dibdib habang
pinagmamasdan niya ang mukha ni Ivan sa deskstop ng kanyang laptop.
Hindi
na niya namalayang naka-tulog na pala siya.
-----
Narinig
ni Ivan na dumating na ang ina dahil sa tunog ng sasakyan. Agad-agad syang
tumayo para pagbuksan ang ina ng gate.
"Kamusta
anak?" tanong ni Divina nang makababang sasakyan. Tumango lang si Ivan.
"Paki-kuha sa compartment ang mga dala ko."
Sinunod
ni Ivan ang utos ng ina. "Ano ang mga ito Ma?" tanong ni Ivan ng
makita ang ilang puting malalaking plastic.
"Nag-grocery
na ako. Teka, paano ka kumain? Nakapag-luto ka ba?"
"Hindi
po. HIndi po ako nagluto."
"Ah
eh paano ka niyan naka-kain? Hindi ka pa ba kumakain?"
"Kumain
po. S-" hindi agad naituloy ni Ivan ang karugtong ng sasabihin.
"Paano?"
tanong agad ni Divina.
"S-si
Mico po ang nagluto." napa-buntong hininga siya pagkatapos.
Napa-ngiti
si Divina. "So, ibig sabihin ba niyan okey na kayo ni Mico?"
"May
kapalit naman kaya yun."
Natawa
si Divina sa kung paano sinabi iyon ni Ivan. Parang ang lungkot-lungkot kasi ni
Ivan habang nakikipag-usap sa ina. "Sige na ipasok mo muna yan."
Naipasok
na nga ni Ivan ang mga pinamili ni Divina.
"Ma.
Dumating na si Tita Laila kanina. May binigay pasalubong siyang short-cakes.
Nakain ko na ang dalawa." sabay ngisi.
"Ay
ganun ba? Salamat sa kanya." habang nakaupo si Divina sa sofa,
nagpapahinga.
"Nasa
ref yung cake ha?"
Tango
ang sagot ni Divina sa anak. "Teka, kamusta pala si Mico. Ang tagal ko rin
siyang hindi nakakausap. Kung kailan siya pumunta dito nagkataon namang wala
ako."
"Kahapon
lang naman iyon wala dito."
"Dalawang
araw kaya. Ano? Nag-away na naman ba kayo? Siguro naman hindi, dahil ipinagluto
ka niya. Makita mo namang mabait din naman si Mico. Ikaw lang 'tong
maarte."
"Ma?
Hindi ako maarte. Ipinagluto nga ako may kapalit naman."
"Anong
kapalit?"
"Gumamit
ng kompyuter ko."
"Eh
ano naman?"
"Basta."
"Basta.
Ikaw tigilan mo na si Mico ha? Ang iniisip ko nga kaya hindi yun pumupunta dito
dahil sa iyo eh."
Biglang
natahimik si Ivan. Totoo naman kasi na siya ang dahilan kung bakit hindi
pumunta si Mico ng dalawang araw sa kanila. Buo pa sa kanyang alala ang mga
sinabi niya kay Mico huwag lang itong pumunta sa bahay. Nap-buntong hininga na
lamang siya.
-----
"Mico.
Tumawag ang Papa mo. Pupunta na daw siya dito." pagbibigay inpormasyon ni
Laila sa anak habang nasa harapan sila ng hapg-kainan.
"Kailan
naman daw po?" walang kagana-ganang tanong ni Mico.
"Bukas."
Napatingin
siya sa ina. "Bukas na?"
"Bakit?
Mico... hindi ka pa ba sanay sa Papa mo.? Ganoon lang iyon."
Hindi
kasi sila close ng ama niya. Simula nang lantaran nang ipinapakita ni Mico ang
pusong babae niya ay lagi ng may sermon
siya sa ama niya. Minsan kapag kinakausap niya ito hindi man lang kumibo kahit
isang tango man lang. Ngayon na dadating din ang ama, hindi na naman siya
makakagawa ng mga bagay na gusto niyang gawin. Tulad ng pagpunta sa kabila,
kala Ivan. Ayaw ng ama niya na lumalabas siya ng bahay. Para kasi sa kanya
ikinahihiya siya ng ama niya. Kung indi nga lang siya nag-aaral baka namumuti
na ang mata niya sa loob ng bahay.
"Hanggang
kailan naman daw po siya dito?"
"Isang
linggo lang daw. Pero pinipilit kong magpaabot na ng katapusan para sabay-sabay
na tayong bumalik sa Manila."
"Ma,
huwag na ma. Hayaan mo na siyang one week lang dito."
"Mico?"
saway ni Laila.
Hindi
na kumibo si Mico.
[08]
Hindi
na nagulat si Mico habang pababa ng hagdan nang mabungaran niya ang ama sa
salas na nagpapahinga. Alam niya bagong dating lang ito. Hindi na siya
nag-abalang batiin ang ama dahil nakapikit naman ito habang nakasandal sa sofa.
Nagtuloy-tuloy lang siya sa dining room para mag-almusal. Doon ay naabutan niya
ang kasam-bahay na si Saneng.
"Ate
anong oras dumating si Dad?" tanong niya sa kasam-bahay na kasalukuyang
naglalatag ng plato sa lamesa nang makita siya.
"Kararating
lang ni Sir Dino." sagot ni Saneng at tinanaw pa nito ang wallclock na
balak sanang sabihin ang eksatong oras ng pagdating.
"Ganoon
ba? So, hindi pa siya kumakain?"
"Ganoon
na nga Mico."
"Tingin
mo kakain yun?" tanong niya. Ayaw kasi niyang maka-sabay ang ama baka
hindi kasi maging maganda ang pakiramdam niya at mawalan ng gana kapag
nagkaroon ng katahimikang walang imikan. Lagi naman kasing ganoon ang eksena.
Nahihirapan siyang kumain kapag tunog lang ng kubyertos at plato ang naririnig
sa hapag-kainan. Kulang na lang pati ang pag-nguya ng pagkain ay marinig.
"Oo
Mico, kasi siya ang nagpahanda nito." itinuro ni Saneng ang niluto na nasa
hapag-kainan na.
Saka
lang niya napansin. Napa-oo nga siya sa sarili niya ng makitang marami ang
nakahain. Tamang-tama sa may bisita. Napa buntong hininga na lang siya dahil
pagkadismaya.
"So
ibig sabihin, kailangan ko pa silang hintayin." nasabi niya sa kawalan.
Narinig
ni Mico ang yabag ng paa pababa sa hagdan. Naisip niyang malamang ang kanyang
ina iyon. Narinig nga niyang ginising ng ina ang ama at niyaya nitong dumulog
na sa hapag-kainan para makapag-almusal. Maya-maya lang ay narinig na nya ang
yabag papalapit sa kinaroroonan niya.
"Good
morning Ma, Dad." bati ni Mico habang hinihila ang upuan na para
puwestuhan niya.
"Good
morning." nakangiting bati ni Laila.
Pero
gaya ng inaasahan ni Mico walang reaksyon ang ama. Hinayaan na niya at maingat
na umupo. Ayaw niya maka-gawa ng kahit kaunting ingay.
Maya-maya
pa ay pare-pareho na silang kumakain. Gaya ng dati, pagtama lang kutsara't
tinidor ang pumapailanlang na tunog.
"Mmm
naalala ko... Mamaya pumunta ka sa kabila, Mico." si Laila.
Tumango
lang si Mico.
"Tapos
sabihin mo sa kanila na naandito na Papa mo. Papuntahin mo sila dito mamayang
gabi para magsalo-salo tayo kahit maliit lang. Okey ba iyon Dino?"
Hindi
umimik si Dino.
"Para
naman makapag-kwentuhan naman kayo ni Mareng Divina at makita mo si Ivan.
Naalala mo naman siya di ba?"
Saka
lang niya napansing kumilos ito.
"Oo
nga pala. Si Ivan, tama. Ang nag-iisang anak ni Divina. Kamusta na nga pala
siya." biglang naging interesante si Dino. "Kasing edad lang siya
ni-" biglang naputol ang sasabihin.
Alam
ni Mico na dapat ay ang pangalan niya ang babanggitin hindi lang naituloy ng
ama ng maalala. Hindi na siya kumibo at ni hindi rin siya tumingin sa kanyang
ina na nararamdaman niyang sumulyap sa kanya.
At
nagpatuloy si Dino sa pagtatanong. "Sige papuntahin mo sila dito."
Napa-tingin
si Mico sa ama sa sinabi nito. Ang akala niya siya ang snasabihan ngunit sa ina
ito nakatingin. Napahiya siya sa sarili niya sa pag-aakalang siya ang
kinakausap ng ama niya.
"Oh
Mico, mamaya ha?"
"Opo
Ma." sagot niya na pilit ang kasiglahan. Pero alam niyang hindi maitatago
ang pagiging matabang.
"Gusto
kong makilala si Ivan." biglang singit ni Dino. "Baka marami kaming
pagkakatulad ni Ivan." umaasa siyang mayroon siyang makita kay Ivan na
hindi niya nakikita sa anak niya.
-----
"Mico,
buti naman at dumalaw ka na uli dito. Na-miss talaga kita. Kamusta ka na?"
sunod-sunod na pahayag ni Divina.
"Okey
naman po ako. Ako din po namiss ko rin kayo."
"Eh
bakit parang malungkot ka?"
"Ay
wala naman po. Hindi po." tanggi niya. "Kaya po ako naandito kasi,
dumating na po si Dad. Gusto ni Dad na duon na daw po kayo magdinner sa bahay
mamaya. Para makapag-kwentuhan naman daw po."
"Ay
ganun ba? Sige. Pupunta ako."
"Si-"
bigla siyang natigilan. Bigla siyang nakaramdam ng selos. Tatanungin sana niya
kung nasaan si Ivan dahil kabilin-nilinan ng mama niya na sabihin din kay Ivan.
"Si
Ivan ba?"
Tumango
lang siya.
"Nasa
taas. Kakaakyat lang. Gusto mo tawagin ko?"
"Ay
hindi na po. Natanong ko lang po. Sige tita, balik na po ako sa bahay."
sinikap niyang huwag iphalata sa kausap ang nadaramang lungkot.
Ramdam
ni Divina ang kalungkutan ni Mico. Hindi niya lang mabatid kung bakit.
-----
"Mico,
nasabi mo na ba?" si Laila.
"Opo
ma."
"Bakit?"
tanong ni Laila sa anak dahil sa sagot nitong walang kagana-gana.
"Aakyat
na muna po ako."
Hinayaan
na lang ni Laila ang anak at hindi na niya kinulit ito.
Parang
gustong magdabog ni Mico habang binabagtas ang hagdan. Kung wala lang sana ang
ama na nakaupo sa sofa at tanaw siyang paakyat, aakyat sana siyang
nagpapa-padyak. Tinungo na lang nya ang kwarto ng walang imik.
Dahil
nasa malapit lang ang ama hindi muna makaka-punta si Mico sa kabila. hindi muna
niya makikita si Ivan. Magkakasya muna siya sa pagtingin-tingin sa nakuha
niyang picture ni Ivan na nak-save ngayon sa kanyang laptop. Binuksan niya ang
laptop agad-agad nang maka-tungtong siya sa kama.
Hindi
pa niya natatapos ang pagtingin sa mga picture ni Ivan. Nakatulugan niya kasi
kahapon. "Atlist kahit papaano may mapagkakaabalahan ako." napangiti
narin siya kahit papaano.
-----
Nakaupo
si Ivan sa harapan ng kanyang kompyuter. Nanonood siya ng mga latest music
videos sa youtube. Hindi niya namamalayang iniisip niya si Mico. Iniisip nya
ang nangyari kahapon. Nagustuhan niya ang ginawa ni Mico kahapon. Hindi niya
maitatanggi na nawala ang galit o inis kay Mico at nagawa pa niyang pahiramin
ng kompyuter niya ng hindi nakikipagtalo. Oo nga nagkaroon ng pilitan pero alam
naman niya sa sarili niyang nagpapapilit lang siya na ang sa ending papayag
siya dahil payag naman talaga siya.
Noong
una, nagpaplano siya kung paano niya gugunawin ang mundo ni Mico, maka-ganti
lang ngunit biglaang nagbago. Aminin man niya sa hindi pero dahil iyon sa takot
niyang magluto kaya si Mico na ang nagluto para sa kanya. Napangiti siya nang
maalala ang kinain niyang sinangag. Nasarapan talaga siya. Siguro dahil sa
hindi siya nag-almusal pero naubos niya ang nai-sangag ni Mico. Parang limang
plato yata ang nakain niya kumpara sa kakapiranggot na kinain ni Mico hindi
dahil sa inubusan niya kundi dahil diet na naman.
Natawa
siya sa naisip.
-----
"Mico."
tawag ni Laila sa likod ng kanyang pinto.
"Ma?"
sagot niya.
"Si
Vani paliguan mo muna. Nakikipagharot sa Papa mo eh alam mo namang ayaw nun
mabaho."
Napa-balikwas
siya. "Opo Ma." gusto niya sanang tumanggi. Hindi na niya narinig
pang nagsalita ang ina.
Hindi
naman niya pwedeng iutos kay Saneng ang pagpapaligo sa aso dahil hindi nito
kaya ang sobrang kalikutan ng alaga niya. Siya lang may kakayanang patahimikin
ang alaga niya. Pangalawa, ayaw niyang masilip siya ng ama niya. Nagbe-behave
nga siya eh.
-----
Dinig
na dinig ni Ivan ang pag-sigaw ni Mico. Kaya na-curious siyang tignan ito sa
kanyang bintana. Nakita nga niya si Mico sa bakuran nila na magpapaligo ng aso.
Kahit nasa taas siya at nasa baba naman si Mico kita parin niya na lukot ang
mukha nito. Muli niyang narinig ang pagtawag ni Mico sa alaga dahil tumakbo ito
a tlumusot sa ilalaim ng kotse na nakagarahe sa loob ng bakuran. Saka lang niya
napansin na dalawa na ang sasakyan sa loob.
"Sino
kaya ang dumating sa kanila?" takang tanong ni Ivan.
Nagbalik
ang kanyang atensyon kay Mico sa muli nitong pagtawag sa alaga. Bigla siyang
napa-urong nang makita niyang yumuko si Mico para silipin ang alaga sa ilalim
ng kotse dahil nakaharap sa kanya ang likuran nito. Kitang-kita niya ang
pagbanat ng tela na nakabalot sa pang ibaba ni Mico. Nakaramdam siya ng para
bang inaakit.
Muli
ay naalala niya ang nangyaring kamakailan lang habang natutulog si Mico sa
mahabang sofa sa baba. Buti na lang tamayo na ng tuwid si Mico dahil lumabas na
rin ang alaga mula sa ilalim ng kotse. Buti na lang at naka-bawi na rin siya.
Napa-singhap siya ng malalim.
Nangingiti
naman siya habang pinapanood ang pagpapaligo ni Mico sa alaga. Masasabi niyang
maalaga talaga si Mico sa aso niya. Minsan natatawa siya kapag iwinawagayway ng
aso ang buntot na nagiging sanhi ng pagtilamsik ng tubig sa mukha ni Mico.
Nakikita kasi niyang sumisimangot lalo si Mico.
Tumagal
pa ng ilang saglit nang paliguan ni Mico ang alagang aso kaya sa ganoong haba
ng oras din pinanood ni Ivan si Mico. Bigla na lang siyang nadismaya ng hindi
na niya nakikita si Mico dahil pumasok na uli ito sa loob ng bahay. Ilang
saglit din siyang naghintay na baka lalabas pa ito pero hindi na. Saka lang
niya na-realize na nasisiyahan siyang pinapanood si Mico.
Bumalik
na lang siya sa harapan ng kanyang kompyuter.
-----
Wala
pang tanghali pero bagot na bagot na si Mico.
-----
"Ivan,
wala ka yatang balak magtanghalian ngayon?"
Nagulat
pa si Ivan nang magsalita ang ina na nasa pintuan ng kanyang kwarto. Bahagya
siyang napabalikwas sa pagkakahiga.
"Mamaya
na lang po." sagot ni Ivan.
"Himala
sa mga himala ah? Siya nga pala kanina, pumunta dito si Mico."
"Nasa
baba siya?" bigla niyang tanong sa ina.
Napakunot
ang noo ng ina. "Himala na naman yata ang narinig ko?"
"Si
Mama... ano naman ang himala doon?"
"Dati
kasi pagnaririnig mo ang pangalan ni Mico, naka-kunot agad yang mukha mo.
Ngayon, maaliwalas na maaliwalas yang mukha eh. At himalang nagreresponse ka
na?"
"Hindi
kaya. Nagulat lang ako na pumunta na pala siya dito." alibi ni Ivan.
"Eh
kahapon lang magkasama kayo di ba? Paanong nagulat ka?"
Napaisip
si Ivan. "A-ano. Ang ibig ko ng sabihin-" natigilan. "Di ba Ma,
hindi pa kayo nagkikita? So, nagkita na pala kayo sa baba."
"Ay
naku! Convincing?" hindi kumbinsidong sagot ni Divina sa alam niyang alibi
ng anak. "Ano naman ang masama kung maging kaibigan mo na si Mico? Yun nga
ang maganda para naman hindi na kayo nagbabangayan. Malapit nang magpasukan,
hindi na naman kayo magkikita-kita."
"Tama
na po yung magkakilala kami."
"Ugali
mo Ivan ha?" hindi namang galit na saway ni Divina sa anak. "Siya nga
pala napansin ko kanina na malungkot si Mico. Ewan ko kung bakit."
"Napansin
ko nga po." ang tinutukoy ni Ivan ay nang makita niya kanina si Mico
habang nagpapaligo ng alagang aso.
"Ano?
Paano mo naman napansin eh hindi ka naman bumaba kanina?"
"H-ha?
K-kasi kanina ano-, kahapon pala malungkot na siya."
"Ang
gulo mong kausap. Ikaw siguro ang may gawa na naman?"
"Hindi
po Ma ah. Kahit itanong mo pa sa kanya."
"Hmpt.
Yung Dad niya dumating nga pala."
"Ah,
kaya pala may bagong kotse sa kabila."
"Napansin
mo na pala. Sige baba na ako. Teka, pupunta pala tayo sa kabila mamaya.
Inimbitahan tayong duon mag-dinner kaya nagpunta dito si Mico kanina."
"Sige
po."
Pagkatapos
noon ay tumalikod na ang ina.
Nakatulala
namang naiwan si Ivan. Maya-maya ay bigla niyang natampal ang noo. "Bakit
ba bigla-bigla yatang nagiging interesado ako kay Mico ngayon? Muntikan pa
akong mapagisipan ng kung ano-ano kanina ni Mama." Muli nanaman niyang
natampal ang noo nang maalala ang pag-aalibi niya sa ina kanina. "Teka
nga." Para siyang may gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung ano.
Napapakamot siya sa kanyang ulo. Nabubuwisit. Naguguluhan. Matutulog na lang
siya.
-----
"Ma,
malapit na po silang dumating. Okey na po ba?" tanong ni Mico sa ina.
"Oo.
Kaunting linis na lang sa paligid. Tulungan mo nga kami."
"Sige
po."
Tinulungan
na ni Mico ang ina at si Saneng sa pag-aayos ng hapag-kainan. Wala naman
masyadong kailangan pang ayusin. Pero napansin niya ang mga kalat sa ilalim ng
lamesa. Mga plastik na nagliparan. Umupo siya para makuha ang mga iyon. Medyo
nahirapan siya sa isang plastik na sa gitna talaga ng lamesa kaya kinailangan
pa niyang pumailalim ng husto.
"Handa
na ba ang lahat?" si Dino na kakadating lang sa dining area.
Dahil
doon, natigilan si Mico sa pagkuha ng kalat.
"Oo."
sagot ng ina.
"Gusto
ko maging maayos ha? Ayoko nang magulo." paalala ni Dino at bumalik na ito
sa harapan ng tv sa sala.
Nang
marinig iyon ni Mico, hindi na siya nakakilos. Feeling niya siya ang
pinaaalalahan ng ama. Maaring siya nga hindi lang nito maideretso sa kanya.
"Pero nakita ba ako ni Dad dito sa ilalim?" Nang matanaw na umalis na
ang ama, saka siya lumabas sa ilalim ng lamesa.
Nagulat
pa si Laila sa paglitaw ni Mico galing sa ilalim ng lamesa. Nakatalikod kasi
siya ng pumailalim si Mico kanina. "anong ginagawa mo-" hindi na niya
naituloy ng matanaw ang hawak-hawak nitong mga plastik. Napangiti na lang siya.
"Kinuha
ko po kasi sa ilalim."
"Naandiyan
ka ba ng pumunta dito ang Papa mo?"
"Opo.
Hindi naman po ako nakita?"
"Hindi.
Ako nga hindi kita nakita eh." at bumalik si Laila sa dirty kitchen.
Napaisip
si Mico na hindi siguro para sa kanya ang sinabi ng ama. Nagmasid siya kung ano
ang maaring ayusin pa pero wala na siyang makita. Maayos na ang lahat.
Tatalikod na sana si Mico nang tawaging ng ina.
"Mico,
bakit parang lungkot na lungkot ka? Parang pagod na ewan?"
"Ma,
alam mo naman ang sagot eh."
"Mico,
ama mo pa rin siya at asawa ko kaya hindi pwedeng kung ano ang gusto laging
masusunod."
"Bakit
naman po kasi-" hindi niya naituloy ang sasabihin.
"Mico."
tawag paalala ni Laila sa anak.
"Kaya
nga po ako nagpilit magbakasyon tayo dito para kahit papaano maging maganda
naman po at maiba naman ang pakiramdam ko sa inaraw-araw na pagiging
grounded."
"Marinig
ka ng Papa mo. Hayaan mo na, kailangan din naman ng papa mo ng pahinga."
Wala
na siyang sinabi. Ayaw niyang magalit ang ina sa kanya. Gayong ang ina lang
niya ang nagiging tagapag-tanggol niya.
[09]
"Good
evening." bati ni Divina, pagkapasok pa lang sa pintuan. Nasa likod niya
si Ivan.
Hindi
naman ngaulat ang mga naghihintay sa living room.
"Magandang
gabi rin." ganting bati ni Laila. Halatang na-miss ang isa't isa.
"Siya nga pala si Dino." ipinakilala niya ang asawa na katabi.
"Kamusta
ka na?" panganga musta ni Divina kay Dino.
"Mabuting
mabuti naman kami ng asawa ko." sagot ni Dino sa pangungumusta ni Divina
habang si Mico ay napangiwi ng hindi man lang isinama ng ama. "Teka, yan
na ba si Ivan?"
Lumingon
muna si Divina kay Ivan na bahagyang nasa likuran niya bago ipikalala ngunit
nagsalita na si Ivan para sa sarili.
"Opo
tito Dino." sabay ngiti ni Ivan.
"Kamukhang-kamukha
mo ang ama mo." sabay tawa ni Dino. "Patawrin niyo nga pala kami kung
hindi kami nakapunta nang-" hindi na naituloy ang sasabihin.
"Naku
wala yun. Ang mahalaga maayos na naman kami." si Divina na ang sumagot.
"Oh
siya, tulad ng dati. Duon na tayo sa hapag-kainan." anyaya ni Laila.
"Teka, nag-abala ka na naman ha." Napansin kasi niyang may bitbit na
naman si Ivan. Sigurado niya na nag-prepare na naman si Divina.
"Wala
yan." si Divina.
"Oh
Mico, ikaw na ang magbitbit ng dala ni Ivan." utos ni Laila sa anak.
"O-opo
Ma." magulat-gulat niyang pagsunod.
Habang
pasulong ang lahat ay hinintay naman ni Mico si Ivan na makalapipt sa kanya at
para makuha ang dala nito gaya ng utos ng ina. Hindi siya maka-tingin kay Ivan
ng diretso.
"Bakit
ang ganyan ang mukha mo?" tanong ni Ivan nang makalapit kay Mico.
"H-ha?"
takang tanong ni Mico. "Bakit anong meron sa mukha ko?"
Napa-conscious tuloy si Mico sa mukha. Maayos naman siya bago nilisan ang
salamin. Sigurado naman niya na maayos ang pagkakalagay niya ng bahagya ng baby
powder sa kanyang mukha.
"Nakasimangot
ka."
Napansin
pala iyon ni Ivan. Ang alam ni Mico pilit nga niya iyon tinatago pero hindi
pala naka-lusot kay Ivan. Napa-yuko siya ng marinig iyon.
"Wala
ah. Akala mo lang yun."
"Naiinis
ka siguro dahil pinabuhat sa ito ni tita Laila?" ang naisip ni Ivan. Ang
tinutukoy ang dala-dalang ulam na nasa tupperware.
"Hindi
noh! Bakit naman?"
"Ayaw
mong mabigatan."
"Kaya
kong dalhin iyan. HIndi ako nabibigatan."
"Ows."
Dahil
doon wala sa loob na nahampas ni Mico ng marahan si Ivan sa balikat. Hindi
naman nagalit ang huli. Ngumiti pa nga si Ivan.
"Mico,
Ivan nasaan na kayo?" sigaw ni Laila.
Saka
lang nalaman ng dalawa na kailangan pala nilang sumunod sa mga nauna sa
hapag-kainan.
"Ikaw
kasi eh. Akin na nga iyan." si Mico at tatangkaing kunin ang bitbit ni
Ivan.
"Huwag
na. Ako na."
Gusto
pa sanang tumanggi ni Mico sa mungkahi ni Ivan ngunit nagpatinaod na lang siya
sa gusto nito. Nauna na siyang naglakad.
"Oh,
sabi ko ikaw na ang magdala ng dala ni Ivan." hindi namang galit si Laila.
Sasagot
sana si Mico nang unahan siya ni Ivan.
"Hindi
na po tita. Ako po ang may gustong ideretso na dito." si Ivan.
"O
sige maupo na kayo." si Laila.
Sa
may dulo tahimik lang na nagmamasid ang naka-upo nang si Dino. "Ivan, dito
ka na maupo sa tabi ko. Gusto kasi kitang maka-kwentuhan."
"Ay
oo nga Dino mukhang magkakasundo kayo niyan ni Ivan ko." si Divina.
Napa-ngiti
si Dino. bahagya namang napa-kunot ang noo ni Ivan nagtataka kung bakit iyon
nasabi ng ina.
"Kasi
si Ivan ko, ga-graduate na iyan sa architecture." pag-papatuloy ni Divina.
"Sabi
na nga at magkakasundo nga kami nito ni Ivan." si Dino.
"Kung
hindi mo kasi natatanong Ivan, si tito Dino mo ay sa architecture din ang
field. Mahilig makipagkuwentuhan sa mga kagaya niya." si Laila na ang
nagbigay impormasyon.
"Ah
kaya pala, tita." natutuwang sagot ni Ivan. "E di kung ganoon po eh,
pwede akong magtanong sa inyo tito Dino kasi graduating na po ako eh."
"Oo
naman Ivan. Matutulungan din kita pag-graduate mo." si Dino.
"Talaga
po? Ma, may trabaho agad ako pagkadraduate."
Si
Laila uli ang nagsalita. "hindi lang iyon Ivan. Magandang kumpanya pa ang
maari mong pasukan sa Makati kung saan nagtatrabaho ngayon ang tito Dino mo.
Sigurado kahit baguhan ka pa lang makakapasok ka doo dahil bossy na iyang tito
mo." sabay tawa.
"Wow."
tanging nasabi ni Ivan sa katuwaan.
"Hindi
naman." si Dino na natatawa sa reaksyon ni Ivan.
"Pero
sigurado po iyon ha?"
"Oo
naman Ivan. Sisiguraduhin ko yon. Basta ipapakita mo lang na gusto mo talaga
ang ginagawa mo."
"Yes."
Halata
ng lahat na sa una pa lang na pagkikita ay magkasundo na sina Ivan at si Dino.
Ngunit sa kabilang banda hindi na yata maitago ni Mico ang pagngitngit ng
kalooban.
"Sigurado
na talaga iyon na magkakasundo kayo." si Mico.
Nagseselos
si Mico dahil never niyang naramdaman na
ganoon ang pagtanggap sa kanya ng ama kaya ganoon nalang ang nararamdaman ni
Mico.
Sa
mga oras na iyon ang kasiyahan ni Ivan at ng ama ang tanging naririnig niya.
Nasasakitan ang tenga niya kapag natutuwa si Ivan sa naririnig mula sa kanyang
ama. Habang pasulyap-sulyap naman siyang napapatingin sa kanyang amang masaya
sa kausap.
"Palibhasa
hindi achitecture ang kinuha ko noon. Kaya ganoon na lang pagkadismaya ninyo sa
akin." ramdam na ni Mico na nangangati ang gilid ng kanyang mga mata. Pero
pinipilit niyang itago iyon sa pangiti-ngiti. Ayaw naman niyang gumawa ng
eksena. Una, nakakahiya kung bigla na lang siyang aatungal sa gitna ng
hapag-kainan. Pangalawa, ayaw niyang masira ang gabi. Ang naririnig naman
niyang masakit sa kalooban niya ay karapatan naman ni Ivan at ng ama niya iyon.
Hindi
niya lang kayang tanggaping kay Ivan makukuha, ang hindi makita sa kanya ng
ama.
"Sige,
papadalhan kita na mga plano na maari mong pagkunan ng ideya." si
Dino."
"Talaga
namang angat na ako sa pasukan nito." masayang pahayag ni Ivan.
"Sige
na kayo na ang mag-ama." sa loob-loob ni Mico.
"Mico,
masyado ka namang tahimik diyan?" pansin ni Divina sa katabing si
Mico."
"P-po?
Nakikinig po kasi ako sa kanila kaya-"
Hindi
kumbinsido si Divina sa sagot ni Mico pero hindi na rin siya umimik kung ano
man ang nasa loob ni Mico.
"Kumain
ka nito." sumandok si Divina ng ulam na dala nila at inilagay sa plato ni
Mico.
"Salamat
tita." si Mico.
"Huwag
kang mag-alala." bulong ni Divina kay Mico.
"T-tita?
Ano po ang i-ibig ninyong sabihin?"
Natawa
si Divina. "Gagawan kita bukas ng chocolate cake. Alam ko na-mimis mo na
iyon."
"A-ah
opo." sang-ayon na lang ni Mico.
Pero
ang totoo may nabuo na sa isip ni Divina kung ganoon na lang pagiging malungkot
ni Mico. Lihim na lang siyang napa-buntong hininga para kay Mico.
Tumagal
pa ang usapan. Si Ivan at Dino ang madalas na nag-uusap tungkol sa larangan na
tinatahak nila. Minsan hindi na nila namamalayang silang dalawa na lang ang
nag-uusap habang ang dlawang magkumare ay may sarili nang topic. Minsan lang si
Mico makisali sa usapan ang ina at tita Divina niya. Kahit nakaka-relate naman
siya sa napg-uusapan ng dalawa hindi pa rin niyang maiwasang ma-bore sa
pinag-uusapan. Dahi ang atensyon niya ay laging nakukuha ng dalawang
nagtatawanan, nagkakasiyahan sa pinag-uusapan.
Nasa
living room na sila nagtuloy pagkatapos kumain.
"Swerte
mo naman Ivan. Magkasundong-magkasundo kayo ni Dad. Ako nga matagal ko nang
inasam na maging ganyan kami ni Dad. Kahit minsan lang." Gusto niyang
lumuha ngunit pinipigilan niya. Para lang hindi matuloy ang pagluha ay sinandal
niya ang ulo sa uluhan ng sofa.
"Bakit
Mico? Masakit ba ang ulo mo?" tanong ni Divina.
"Ah
h-" hindi naituloy ni Mico ang isasagot sana nang muling magsalita si
Divina.
"Sige
na magpahinga ka na. Okey lang kami dito. Huwag mo na kaming hintayin pang
umuwi. Baka lalo pang sumakit ang ulo mo."
Napatitig
naman si Mico kay Divina. Gusto niya ang mungkahi ni tita Divina niya pero
hindi naman totoong masakit ang ulo niya.
"Sige
na. Alam ko." pinipilit na ni Divina si Mico.
"Sige
na Mico. Kami na bahal ni Saneng mamaya." sang-ayon ng ina.
Wala
na siyang nagawa kundi sumunod. "Sige po aakyat na po ako." paalam
niya.
Sa
pagtayo ni Mico hindi niya alam na lihim na bumuntong hininga para sa kanya ang
tita Divina niya. Dumiretso siya sa harapan kung saan naroon ang ama at si Ivan
na solong nag-uusap.
"D-dad,
aakyat na po ako. Bigal po kasing sumakit ang ulo ko." paalam niya sa ama
pero walang reaksyon ang ama. Bahagya lang napatigil sa pagsasalita nang
magsalita si Mico. Pinilit ni Mico maitago ang pagkapahiya sa hindi pagsagot ng
ama sa kanya. "Mmm Ivan pasensiya na ha. Hindi ko kayo maihahatid ni Tita
Divina."
"Sige
lang Mico. Okey lang yon at magpahinga ka na." at ngiti ang huling tinuran
ni Ivan para kay Mico.
Dahil
sa ngiting iyon pasamantalang nawala ang pagkapahiya niya kanina. Pagkatapos
noon ay dumiretso na si Mico sa kanyang kwarto.
HIndi
lingid kay Ivan ang hindi pagpansin ni Tito Dino kay Mico sa paalam ng huli.
Nasa isip niya si Mico nang sandaling iyon at hindi namamalayang patuloy palang
nagsasalita sa kanya si Dino.
"Gusto
mo ba iyon? Ano?" si Dino.
"A-y
opo. siyempre naman." sang-ayon na lang niya kahit hindi niya sigurado ang
ibig sabihin nito. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa pakikinig.
----
Hindi
pa nakakapasok si Mico sa loob ng kwarto, hindi na niya napigilan ang lumuha.
Masakit talaga sa kalooban niya ang makitang naka-ngiti at humahalakhak ang ama
niya dahil sa ibang tao. Masakit din sa kanya kahit sa harapan ng iba lantarang
ipinapakita ng ama niya na hindi siya gusto nito.
Pagkatapos
maisara ang pinto, ibinagsak niya ang katawan sa kanyang kama at duon sinubsob
ang sarili sa pag-iyak.
-----
"Ivan."
"Ma,
bakit po?" tanong ni Ivan habang nagsasara ng gate nila nang maka-uwi.
"Kasi,
parang alam ko na kung bakit malungkot si Mico. Kung bakit siya ganoon
ka-tamlay. Alam mo na."
"Sa
totoo lang po Ma, kanina, hindi man lang siya pinansin ni tito Dino."
"Paanong
hindi pinansin?"
"Nagpaalam
kasi si Mico kanina dahil bigla daw sumakit ang ulo niya. Eh, si tito Dino pa
nga ang unang sinabihan pero hindi man lang kumibo."
"Baka
hindi lang narinig. Kasi nakikita ko kayong walang awat sa kwentuhan eh."
"Sana
nga Ma, pero tingin ko napa-hiya doon si Mico. Kaya noong sa akin na siya
nagsabi sumagot agad ako para hindi naman siya lalong mapahiya."
Tumango-tango
na lang si Divina sa sinabi ng anak.
"Ma.
Tingin ko, tingin ko lang ah. Hindi magkasundo ang mag-ama."
Napa-buntong
hininga muna si Divina bago sumagot. "Yun nga rin ang naisip ko eh. Sa
totoo lang ak ang nagsabi kay Mico na umakyat na dahil nararamdaman ko na hindi
na maganda ang mood niya. Pinilit ko na nga lang si Mico. Simula nang dumating
si Dino eh biglang tumamlay si Mico. Hindi naman siya ganoon di ba?"
"Opo
Ma."
"Nahihiya
nga lang akong magtanong kay Laila kung bakit eh."
"Sige Ma, pasok na tayo malamig ngayon ang simoy ng
hangin."
Sumunod
na si Divina sa anak sa pagpasok.
-----
"Good
morning tito Dino." bati ni Ivan.
Nakita
kasi ni Ivan si tito Dino niya na nagkakape at habang nagbabas ang dyaryo sa
loob ng bakuran. Kaya naman agad agad siyanng pumunta roon.
"Magandang
umaga naman din sayo Ivan." ganting bati ni Dino.
"Nakita
ko po kasi kayo na naandito kaya pumunta ako."
"Tama
lang yon. Gusto ko nga ng kausap. Sige upo ka dito"
"Si
Mico po?" tanong ni Ivan nang maka-upo.
"Alam
may gusto akong ipagawa sa iyo eh." sagot ni Dino na malayo sa tanong ni
Ivan.
""A-ah
ganoon po ba?" nahalata ni Ivan na iwas ito na pag-usapan si Mico.
"Sige po. Ano po ba iyon?"
Bumuntong-hininga
muna si Dino. "Matagal mo na bang kaibigan si Mico?"
"S-si
Mico po?" hindi niya inaasahan na magtatanong ito tungkol kay Mico.
"Itong bakasyon po nila dito, ngayon lang po uli kami nagkita. Kung
tutuusin kailan lang po. Malaki po kasi ang pinagbago niya. Kaya-"
Nakatitig
si Dino kay Ivan. "Ivan-"
"Po?"
naasiwa si Ivan sa tanong.
[10]
"Bading
ka ba?"
"Ay
hindi po." matigas na tanggi ni Ivan.
Natawa
si Dino. "Alam ko naman iyon. Gusto ko lang magsigurong galing mismo
sa'yo"
"Ga-ganoon
po ba? Bakit po ba ninyo naitanong."
"Hindi
ka ba naaasiwa sa anak ko? Alam mo naman na hindi siya tulad nating
tigasin." tuwiran salita ni Dino.
"H-hindi
naman po." pagsisinunggaling ni Ivan. Alam niyang hindi naging maganda ang
simula ng pagkikita nila ni Mico.
"Alam
mo bang mataas ang pangarap ko sa kanya, kaya lang binigo niya ako."
pahayag ni Dino.
Ngayon
alam na ni Ivan na hindi nga pinansin ni tito Dino si Mico kagabi. Bigla siyang
nakaramdam ng awa para kay Mico. Nakinig na lang siya.
"Hindi
ko pinalaki si Mico na ganyan. Hindi ko talaga gusto. Sa totoo lang hindi kami
niyan magkasundo. Hinahayaan ko siya, sige pero hindi ibig sabihin noon ay okey
lang sa akin. Pinaparamdam ko sa kanyang hindi magaan ang loob ko sa kanya.
Sinasadya ko." patuloy ni Dino.
Napa-buntong
hinga naman si Ivan sa mga narinig.
"Gusto
ko sanang kaibiganin mo siya." dugtong ni Dino.
"A-ah
wala pong problema doon." sagot agad ni Ivan.
"Gawin
mo siyang tunay na lalaki."
"H-ho."
bigla siyang nag-alinlangan.
"Oo.
Umaasa akong magbabago pa siya."
Nakita
ni Ivan sa mga mata ni tito Dino niya ang pag-asam nito. Pero parang mahirap
para sa kanya ang gawin iyon. Ang buong
akala lang niya ay maging malapit na kaibigan. "S-sige po susubukan
ko." nasabi na lang niya.
"Natutuwa
akong marinig iyan mula sayo. Hayaan mo, tatanawin kong utang na loob iyan sa
iyo."
Pinilit
ngumiti ni Ivan. Pero bigla niyang naisip, hindi ba kaya ni tito Dino ang
pinagagawa nito sa kanya?
"Tito
Dino, matagal niyo na po bang hindi pinapansin si Mico?" lakas-loob niyang
tanong.
"H-ha?"
at nag-isip si Dino. "Bata pa lang si Mico. Nang makitaan ko siya ng
pagiging mahinhin, nagbago na ang pakikitungo ko sa kanya. Bakit?"
"W-wala
naman po. Naitanong ko lang."
"Alam
mo, simula nang aminin niyang bading siya at hindi niya tinanggap ang alok ko
sa kanyang mag-architecture siya, doon ko na siya lubusang iniwasan. Dahil
ayoko."
"Pero
mahal niyo po ang anak niyo di ba?"
Napabuntong-hininga
muna si Dino. "Oo naman. Kaya lang..." tumigil ito "Ayoko."
Napa-tango
na lang si Ivan. Sandaling katahimikan, at pagkatapos ay pinilit ni Ivan na
gumawa ng ibang usapan para lang mawala lang ang gap sa kanila.
Nakapag-kwentuhan pa sila ng matagal-tagal at iniwan ang isa't isa
magtatanghali na. Niyaya pa ni Dino si Ivan na sa kanila na mag-lunch ngunit
tumanggi si Ivan at nagsabing sa susunod na lamang.
-----
"Ivan.
Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ha? Galawin mo naman yang pagkain mo. Di
mo ba gusto ang lasa?"
"Hindi
pa naman ako nakakasubo." paliwanag ni Ivan.
"Oh
kaya nga. Bakit hindi pa galawin? Ang tahimik mo naman."
"Naisip
ko lang po... Ma, tama ba na kaibiganin ko si Mico para isang dahilan?"
Napa-maang
si Divina. "Ano? Dahilan? Bakit? Anong meron bakit ka nagtanong ng ganyan
tungkl kay Mico?" sunod-sunod na tanong ni Divina.
"Si
Mama talaga, ma-curious lang sunod-sunod na ang tanong." reklamo ni Ivan.
"Oh
sige na, isa-isa lang. Oh ano?"
"Kasi...
naka-usap ko po si Tito Dino kanina. Sabi niya kung pwedeko ba daw kaibiganin
si Mico." unang pahayag ni Ivan.
"Oh
ano naman, yun lang pala eh. Bakit, hindi pa ba kayo magkaibigan ni Mico?"
"Mama
naman eh. Di pa ako tapos." muling reklamo ni Ivan.
"Bilisan
mo kasi."
"Kaya
lang sabi ni tito Dino, gawin ko daw tunay na lalaki si Mico. Ano sa tingin mo
Ma?"
Biglang
natigilan si Divina. "A-ah eh, ano. Mmm. Siguro ano. Ah.."
Napanganga
si Ivan habang naghihintay kung may karugtong ba ang sasabihin ng ina.
"Ano Ma?"
"Wala
naman sigurong masama. Kaya lang..."
"Kaya
lang Ma?"
"Paano
kung mabigo ka? Sa tingin ko, si Mico tanggap na niya ang sarili niya. Mahirap
na mabago yata iyon."
"Ganoon
ba Ma?"
"At
paano kung mabigo ka nga tapos malaman niya na kaya pala kinaibigan mo siya ay
dahil lang sa isang plano na baguhin mo siya? Hindi ba siya magagalit? Hindi ka
ba makokonsensiya sa ganoon?"
Napa-buntong
hininga siya. "Ganoon pala kahirap yun." nasabi ni Ivan sa sarili.
"Pero
dapat ang magulang ang dapat na gumawa noon para anak nila."dugtong pa ni
Divina. "Hindi ba nila kayang pangaralan... pasunurin, o pagsabihan si
Mico? Kasi kung ganoon ibig sabihin, si Mico, talagang ganoon na siya."
biglang tumingin ng diretso si Divina sa anak. "Ikaw. Kung kakayanin mo ba
eh." bigla itong natawa. "Hindi ko ma-imagine si Mico na macho."
"Ma.
Siryoso tapos biglang tatawa."
"Sorry
anak. Basta para sa akin kung sino Mico, doon ako. Hangga't alam kong mabuti
siyang tao."
Napa-isip
doon si Ivan. "Tama naman siguro si Mama. Kung hindi naman nakakasama,
bakit pa kailangan ng pagbabago? Masyado lang sigurong dismayado si Tito Dino.
Pero paano na ang favor niya sa akin? Bahala na nga." kasunod ng
buntong-hininga ay pag-subo ng kinakain.
-----
"Tita
Divina." tawag ni Mico.
"Yes,
Mico. Naandito ako."
Nakita
ni Mico na lumitaw mula sa kitchen si Tita Divina. Ngumiti siya. "Tita
sabi mo kagabi?" naglalambing siya.
"Oo
alam ko. Kaya nga ako naandito sa kusina eh."
"Talaga
po? Buti na lang hindi po nauubusan ng stocks kayo diyan ha?" napalitan
ang kaninang lungkot sa mukha ng ngiti.
"Oo
naman noh. At sak akung wala na naman eh, papatakbuhinko si Ivan diyan sa
grocery store."
"Wow.
Pero papayag ba iyon si Ivan na gawin iyon eh sigurado alam niyang para sa akin
ang bini-bak mo Tita?"
"Oo
naman uli. Yun pa. Kayo talaga. Hindi pa ba kayo nagkaka-ayos?"
"Ewan
ko po sa kanya? Siya lang naman itong laging galit eh."
"Ah
sige hayaan mo na. Tignan natin ang magiging desisyon niya."
"Po?
Anong desisyon?"
"H-ha?
Ay, ano siyempre desisyon niya kung kelan siya magpipigil na kaibiganin
ka." sabay tawa. "Susuko na rin iyon." akala ni Divina na
mahuhuli na siya.
"Ah...
Sana nga po."
"Oh
teka silipin ko muna."
"Sige
po."
Iniwan
muna ni Divina si Mico. Pumunta naman si Mico sa harapan ng t.v. na naka-bukas.
Na-curious siya sa palabas kaya tinutok muna niya ang kanyang atensyon doon
habang naghihintay kay Tita Divina. Hindi niya napansin na nasa likod na pala
niya si Ivan.
"Umupo
ka kaya."
"Ay
butiki." gulat ni Mico at humarap siya sa nagsalita.
"Hindi
naman ako payat na payat para sabihan mo ng butiki." walang reaksyong sabi
ni Ivan habang pasalampak na umupo sa sofa.
"Hindi
naman. Expression ko lang pagnagugulat. Pasensiya na."
"Ganoon?
Eh bakit noong nagde-daydreaming ka hindi ganyan ang sinabi mo? Di ba nagulat
ka rin noon?"
Napa-isip
si Mico. HInagilap niya sa kanyang alaala kung alin ang sinasabi nitong nagulat
siya. Saka niya naalala. Biglang lumaki ang butas ng ilong niya. "Siguro
may narinig kang iba no?"
"Ano
na naman iyon?" natatawang tanong ni Ivan nang makitang nanlalaki ang
butas ng ilong ni Mico.
"Kunyari
ka pa. Hmpt."
"Wala
talaga. Eh kung meron man bakit ko naman sasabihin sayong mahal mo si-"
sabay tawa.
Parang
lumaki ang ulo ni Mico at naramdaman niyang nag-init ang mga pisngi niya sa
narinig na pahayag ni Ivan. "E di may narinig ka nga?" paniniguro ni
Mico.
"Alin
ba doon ang gusto mong malaman?"
Biglang
napatigil si Mico. Sasagot sana siya pero bigla niyang naisip na mapapahiya
siya lalo kung ssagot siya sa tanong nito. "Ibig sabihin narinig niya ang
mga sinabi ko? Patay. Ano ba yan nakakahiya naman. Nakakahiyang alam niyang
pinag-pinagpapantasyahan ko siya." napakagat -labi siya. "Hindi totoo
yun. Nagbibiro lang ako noon. Wala lang akong maisip na ibang pangalan kaya
pangalan mo ang ginamit ko." pagsisinungaling niya.
Hindi
nagsalita si Ivan. Naka-ngiti lang ito.
"Hoy.
Narinig mo ba ako? Sabi ko-"
Hindi
naituloy ni Mico ang sasabihin nang humarap sa kanya si Ivan. Nakaloko ang
ngiti nito. "S-sabi ko nagbibiro lang ako noon."
"Wala
na kaya akong sinabi. Nagpapaliwanag ka diyan?" sabay tawa.
Gustong
mayamot ni Mico nang biglang tumawag si Tita Divina sa kanya.
"Opo
naandiyaan na po." sigaw ni Mico. "Biro lang talaga yun ha?"
nanlilisik pa ang mga mata ni Mico bago tinungo ang kusina.
Naka-ngiting
pinagmasdan na lang ni Ivan si Mico sa pag-alis. "Nakakatuwa ka naman
pagnaaasar." at isa pang maluwang na ngiti ang pinamalas niya.
-----
"Bakit
nakita ko na namang lumabas si Mico?" galit na tanong ni Dino kay Laila.
"Ano
naman? Diyan lang naman sa kabila? At wala namang iabgn tao sa paligid."
"Ano
ba ang kailangan niya bakit hindi siya mag-pirme dito sa loob ng bahay?"
"Nagpaalam
sa akin na kukunin niya yung promise ni Divina na cake sa kanya. Masama ba
iyon?"
"Bakit
hindi nagpaalam?"
Natigilan
si Laila. "Magpapaalam? Eh hindi mo nga pinapansin. At nasaan ka ba kasi
kanina?"
"Alam
naman niyang pumasok ako sa loob ng c.r. Kahit na hindi ako kumikibo alam
niyang kailangan pa rin niyang magpaalam."
"Ewan
ko sa'yo. Siya angpagalitan mo mamaya hindi ako."
Napatiim-bagang
si Dino. Hindi niya kasi gagawin iyon na pagsabihan ang anak mismo sa bibig
niya. "Ikaw ang magsabi."
"Oo
lagi naman."
Pagkatapos
noon ay umalis na ito.
-----
"Maraming
salamat po Tita." natutuwang si Mico.
"Walang
anuman Mico." sagot ni Divina. "Basta lagi ka na uli dadalw dito
ha?"
"P-po?
Mmm parang hindi po eh. Kasi, hindi ako pinapayagan ni Dad kapag wala namang
kailangan."
"Ganoon
ba?"
"Opo.
Ngayon nga po kay Mama lagn ako nagpaalam. HIndi ko na hinintay si Dad lumabas
ng c.r. para magpaalam."
"Sige."
malungkot na sagot ni Divina.
"Huwag
po kayong mag-alala isang linggo lang naman po dito si Dad."
"O
sige basta pag wala na Dad mo, araw-araw ka dito ha?" naka-ngiti na si
Divina.
"Sige
po."
"Sige
na umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Dino."
"Salamat
po uli sa cake."
-----
"Tawagin
mo na Dad mo sa labas para kumain." utos ni Laila kay Mico dahil nakahanda
na ang hapunan.
"Nasaan
po ba si Dad?"
"Nasa
labas na naman yata."
"Sige
po."
Pinuntahan
ni Mico ang ama niya sa labas. Nakita niyang naka-dungaw ito sa sa loob ng
kotse. Tila may hinahanap o nagliligpit. Pero naisip niya ring imposibleng
nagliligpit dahil madilim na at wala sa oras.
"Dad."
tawag niya. Nakita niyang natigilan ang ama ngunit hindi ito gumalaw para
lingunin siya. "Handa na po ang hapag-kainan." Gaya ng dati walang
reaksyon ang natanggap ni Mico mula sa ama. "Sige po." Naisip nalang
ni Mico na narinig naman siguro ng ama dahil sa ginawa nitong pagtigil sa
ginagawa. Alam naman niyang hindi siya papansinin nito kaya umalis na lang
siya.
"Ma.
Mukhang may ginagawa sa kotse." sabi ni Mico sa ina.
"Anong
ginagawa?" takang tanong ni Laila na nakaupo na sa harap ng mesa.
"Mukhang
may hinahanap po eh."
Tumayo
si Laila para puntahan ang asawa. "Dino, ano ba ang ginagawa mo
diyan?"
Nilingon
ni Dino ang asawa. Nakasimangot na sinagot niya ang asawa. "Hinahanap ko
ang mga papel na kailangan ko. Ang alam ko dinala ko yun dito. Bwisit. Kung
kailan ko kailangan hindi ko pa makita."
"Bukas
na yan para maliwanag. Kumain muna tayo."
"Mauna
na kayo. Kailangan ko iyon ngayon. Gusto kong pag-aralan."
Hindi
na nagpilit pa si Laila. Kabisado na niya ang asawa. Pag may ginusto itong
gawin, gagawin talaga. Hindi na pwedeng ipagpabukas pa. Kaya iniwan na niya
ito. "Ikaw ang bahala. Mauuna na kami."
Hindi
na rin kumibo si Dino. Pinagpatuloy niya ang paghahanap ng papel. Pero hindi
talaga nya makita. Napa-isip tuloy siya kung nadala ba niya iyon o hindi.
Napa-mura siya na mawalan ng pag-asa.
"Tito
Dino magandang gabi po." bati ni Ivan.
"Oh
ikaw pala Ivan." napansin ni Dino ang dala ni Ivan.
"Tito
pinabibigay ni Mama."
"Ang
Mama mo talaga simula pa noon ang hilig mag-abala. Pero salamat."
tinanggap ni Dino ang mangkok na dala-dala ni Ivan. Nang makuha na at nilagay
sa isang lamesa muli niyang nilingon si Ivan. "Ano Ivan? Magagawa mo ba
ang pinagagawa ko sayo?"
Natameme
si Ivan. Hindi pa siya nakakapag-desisyon. "Susubukan ko po."
Kita
sa mukha ni Dino ang pagkadismaya sa sagot. "Hindi naman siguro
mahirap-" hindi naituloy ni Dino ang sasabihin. "Sige ikaw ang
bahala."
"Sige
po." pagkatapos ay tumalikod na si Ivan. Sa pagtalikod ni Ivan parang
hindi siya kumbinsido. Parang may gusto siyang sabihin. Kaya ilang hakbang pa
lang ay muli na siyang humarap sa kinataayuan ni tito Dino.
"Tito
Dino." tawag niya.
"Bakit?"
Natigilan
siya bago magsalita. "Ano po kasi-" muli siyang natigilan.
"Ano?"
Gusto
niyang magsalita ngunit parang walang lumalabas na boses sa kanyang bibig.
"P-paumanhin po dahil-" sa wakas nasabi din niya. Kinakabahan siya.
Nagtaka
naman si Dino sa kung ano ang ibig sabihin ni Ivan. Pero meron na siyang naiisip
na dahilan.
Nagpatuloy
si Ivan. "Dahil po... kasi po gusto kong maging kaibigan si Mico pero
hindi dahil sa may dahilan. A-ang ibig ko pong sabihin, kakaibiganin ko si Mico
dahil iyon po siya." para siyang mapupugutan ng hininga. "Gaya ng
sabi ni Mama, wala naman pong nakikitang problema kay Mico na dapat baguhin.
Mabait naman po Mico. Siguro po desisyon na niya ang maging g-ganoon. Siguro
po, mag-aadvice na lang po ako sa kanya pero hindi ko po pipilitin na magbago
siya. Ayoko po kasing dumating ang araw
na pag nabigo ako sa layunin ko ay magalit siya sa akin. Sana po maintindihan
niyo tito Dino."
Katahimikan.
Hindi maka-tingin si Ivan kay tito Dino ng diretso dahil alam niyang sinusukat
siya ng paningin nito. Nang maramdaman niyang wala naman itong sasabihin.
Nagpaalam nalang siya. "Sige po tito Dino."
Nang
makalabas na ng gate si Ivan ay halos patakbo na niyang tinungo ang sariling
bakuran. Hingal na hingal siya gawa ng kaba, takot kay tito Dino niya. Ramdam
niya na kumakabog ang dibdib niya. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya
bago pumasok sa bahay. Kasabay ng pagpihit ng seradura ng pinto ang ngiti sa
kanyang labi na nagpapatunay na nakaligtas na siya nakaambang panganib.
-----
Nakita
ni Mico si Ivan na palabas ng bakuran nila na parang nagmamadali. Pinasilip
kasi ng Mama niya ang Dad niya at sa ganoong eksena niya nakita ang dalawa.
Nagtaka siya kung bakit ganoon na lang magmadali si Ivan. Bigla siyang nagtago
nang gumalaw ang kanyang ama. Dali-dali siyang bumalik sa hapag-kainan.
"Ma.
Kausap kanina si Ivan." balita ni Mico sa ina.
"Alam
mo ba kung bakit?"
"Hindi
po eh."
Hindi
na umimik si Laila pero nasa mukha nito ang nag-iisip.
"Dala
ni Ivan. Luto ni kumare mo." si Dino dala ang mangkok na may lamang ulam.
Napa-tingin
ang dalawa na nakaupo sa harap ng lamesa.
"Bigay
ni Divina?" si Laila. " Talaga ang kumare kong iyon oh."
natutuwa. "Sige na umupo ka na. Kakasimula lang namin ni Mico."
Umupo
na rin si Dino. Pinaghainan siya ni Laila.
Pasimpleng
tinignan ni Mico ang ama pero wala siyang mabasa sa mukha ng ama. Hindi niya
makitang masaya na dapat dahil nag-usap na naman sila ni Ivan. Pero wala rin
namang galit, o lukot sa mukha na naiinis ito na karaniwan ng hilatsa ng mukha
nito. Napa-maang nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.
-----
"Mico,
isoli mo muna ito sa kabila. Maaga pa naman kaya baka bukas sila." utos ni
Laila kay Mico. ang tinutukoy ang mangkok na pinaglagyan ng ulam.
"Sige
po Ma." nakangiti niyang sagot. Siyempre makakapunta na naman siya sa
kabila.
Nakalabas
na si Mico nang lumapit naman si Dino kay Laila.
"Laila,
dala ba ni Mico ang laptop niya?"
"Oo.
Bakit?"
"Hihiramin
ko. Gagawa na lang ako ng draft uli. Hindi ko talaga makita."
"Hintayin
mo na lang kaya siya?"
"Kunin
mo na ngayon. Hindi naman siguro iyon magagalit dahil minsan ko ng hiniram sa
iyo iyon."
"Sandali
at kukunin ko. Saneng ikaw muna dito ha?" paalam niya sa kasambahay.
Inakyat
nga ni Laila ang laptop sa taas, sa kwarto ni Mico. Hindi naman siya nahirapan
dahil nasa ibabaw lang naman ito ng kanyang kama. Ibinaba niya ito at iniabot
sa asawa.
Nasa
sala si Dino nang sandaling iyon. Agad niyang binuhay ang laptop. Hindi naman
nagtagal at tumambad na sa kanya ang ikina-tangis ng kanyang mga bagang.
Naningkit ang kanyang mga mata.
No comments:
Post a Comment