Friday, January 11, 2013

Shooting Stars (11-20)



By: Jace ofcards
Blog: midnightchapter.blogspot.com
Tumbler: iamjcrockista.tumblr.com
Twitter: @iamJCshin
Source: darkkenstories.blogspot.com


[11]
“Parang namamanhikan lang no?!” sabi ni tita na biglang napatingin ako sa kanya.

“Ano po?!” sabi ko sa kanya na parang nabingi lang ako sa sinabi nya.

“Wala! Yun! I’m just joking!” sabi ni tita Margie sa akin at pumasok na ang tatlo.

Habang papaalis kami ng parking lot ay nagsimula nanamang magingay sa loob ng sasakyan at narinig ko si tito Polo ay kumakanta kaya sinabayan ko ang kanyang kinakanta.


[John Mayer: Your Body is a Wonderland]

Napatigil naman sa kulitan ang dalawa nang naririnig nilang sinasabayan ko si tito Polo na kumakanta.

“Whoa! Nice voice!” sabi ni Ace sa akin.

“Inaantok ako!” sabi ni Argel at binatukan ko ito.

Nagtawanan kami at nang nasa gate na ng subdivision ay agad kong pinababa ang bintana.

“Good Evening sir!” sabi nya sa akin.

“Kasama ko sila!” sabi ko sa guard.

“Okay po sir!” sabi lang nito at pumasok na kami sa subdivision, namangha sila sa subdivision kung saan kami nakatira dahil makulay ang mga post light at ang puno ay marami din, pinaliko ko si tito nang makarating kami sa 3rd street at tumigil sa bahay namin.

Pagkababa ko ay agad na akong nag door bell at nang pinagbuksan ako ni nay Elsa ay nakita nya ang mga bisita ko kaya madali syang tinawag si mommy.

Pagkalabas ni mommy ay agad na tumayo siya sa may gate.

“Welcome po sa bahay namin!” sabi ko sa kanila at napansin kong nakatingin sila sa bahay.

“Here’s my mom!” sabi ko.

“Good evening! You must be Ken’s classmates and your parents?” sabi ni mommy.

“I’m Ace po!” sabi niya kay mommy at nagbeso sila.

“I’m Argel po!” sabi din nito at nagbeso din sila.

“Hello! I’m Margaret! But call me Margie!” sabi ni tita at nagbeso sila.

“My name is Apollo! But call me Polo!” sabi ni tito at nagkamay sila.

“My name is Paula Ken’s mother, Tara na sa loob! Para ma-meet nyo yung ibang family members namin!” sabi ni mommy at nauna na ako para maligo at makapagbihis na.

Nang nasa hagdan ako ay nakita ko si ate Lea kaya tinawag ko muna ito.

“Ate Lea! Ano? Okay na ba ang susuotin ko?” sabi ko sa kanya.

“Oo kanina pa! at wag kang magtatatakbo! Hingalin ka pa! si Jiro nasa loob ng kwarto mo!” sabi nya at nagpunta ako sa room ko at nakita ko nga si Jiro na naghihintay sa akin.

“Kuya!” bati nya sa akin at niyakap ko sya.

“May pasalubong pala ako sayo!” sabi ko at binaba ang bitbit kong regalo sa kanya.

Nagtataka ito at nang binuksan nya ay nakita nya mga bagong gamit sa kwarto nya at damit na din.

“Salamat kuya! The best talaga kayo ni kuya Kino!” sabi nya at ngumiti lang ako.

“Mamaya na tayo mag usap okay! Maliligo muna ako at aayusin natin ang mga buhok natin!” sabi ko sa kanya at tumango lang ito.

Bago ako pumasok sa CR ay binuksan ko muna ang TV ko at pinaglaro ko muna si Jiro sa Xbox para hindi na sya mabored kakahintay sa akin.

Habang nasa CR ako ay binuksan ko agad ang shower at nilagay ang temperature sa medium hot, habang nasa CR ako ay naalala ko pala na andito din si Lexie at makikita na nya si Argel na crush pala nya since, pero kinalimutan ko muna yun at nagmadaling maligo, at nang nagbabanlaw na ako ay kumatok si Jiro sa akin.

“Kuya bilisan mo sabi ni Papa!” sabi nya at nagmadali na ako, nagpunas at nagbihis na at pinapasok ko si Jiro para ayusan muna ng buhok, nang matapos na sya ay inayos ko naman ang buhok ko, nang matapos na kaming mag ayos ay agad kong pinatay ang TV at Xbox at sinara ang pintuan.

Narinig kong nagtatawanan sila daddy at bumaba na ako sa sala, nakita kong nakaupo lang sila Argel at Ace sa isang tabi at nainom ng juice, sila tita Margie at tito Polo naman ay kasama nila daddy at mommy sa backyard kung saan andun din sila tito Philip at tita Emily pati na din si Lexie.

Napansin nilang pababa na ako at agad silang nagtayuan.

“Ken ang ganda pala ng bahay nyo!” sabi ni Ace sa akin.

“Salamat sa appreciation Ace!” sabi ko sa kanya at napatingin sila kay Jiro.

“By the way! This is my little brother Jiro!” sabi ko sa kanila at ngumiti lang si Jiro dahil nahihiya sya.

“I’m Argel!” sabi nya kay Jiro at inabot ang kamay para makipagkamayan.

Tumingin muna sa akin si Jiro at ngumiti lang ako sa kanya.

“Bunso, okay lang yan! Mababait sila! Hindi nangangain ng tao!” bulong ko kay Jiro at napatingin naman ito.

“Ako pala si Ace!” sabi niya kay Jiro at kinamayan nya ito.

“I’m Jiro! Sorry po kung mahiyain ako!” sabi nya at natawa ako sa sinabi nya, kaya inakbayan ko sya at pinakalma.

Habang nakatayo kami sa sala ay naisipan kong dalhin sila sa may lanai kung saan pwede kaming magbonding na apat.

At nang makapunta kami dun ay nakita kong napatingin sila sa kalangitan na punong puno ng bituin.

“Sino gumawa ng lanai nyo?” sabi ni Ace sa akin.

“Ah, si dad ang nag design nyan, paano kasi mahilig akong tumingin sa night sky kaya pinasadya nyang wag lagyan ng ilaw ang buong nasasakupan ng lanai para naman medyo dim ang ambience dito!” paliwanag ko at nakatingala pa din sila.

“Kuya, kuha muna ako ng juice natin ah!” sabi ni Jiro at hindi ko sya pinayagan dahil bisita ko yun, kaya ako na ang kumuha para sa aming apat.

At nang nasa kusina ay nakita ko sila nay Elsa na naghahanda na ng pagkain at dadalhin sa may garden para dun na kami kumain lahat.

Habang nilalagay ko sa tray ang juice ay nakita kong kakauwi lang ni kuya Kino galing sa trabaho.

“Bro! sila daddy at bunso?” sabi nya sa akin.

“Si Jiro nasa lanai kasama ng mga kaibigan ko, sila daddy naman andun sa backyard kausap ang mga parents ng kaibigan ko at sila tito Philip at tita Emily!” sabi ko sa kanya at tinulungan nya akong buhatin ang tray.

“Magpalit ka kaya muna!” sabi ko sa kanya at napansin nyang nakapang opisina pa ang attire nya, kaya umakyat sya sa kanyang room.

Nang makapunta na ako sa lanai ay naririnig kong nagtatawanan na sila at nakita ko na si Jiro ay nakikipagbiruan na sa mga kaibigan ko.

“Alam mo ba ang kuya mo ay ubod ng suplado?!” sabi ni Argel at napatingin sa akin.

Nakita nila ako at agad nang tinulungan akong ibaba ang mga baso at ang pitchel na may lamang juice.

“Oh bakit naman ako nasa usapan nyo?!” sabi ko sa kanya at natawa si Jiro.

“Paano kasi kuya sila Ace at Argel sabi sa akin na suplado ka! eh sinabi ko naman na hindi ka suplado!” sabi ni Jiro at natawa naman ako sa sinabi nya.

“Magkapatid nga kayo!” biro sa akin ni Ace at naalala kong may pangako ako kay Jiro kaya kinausap ko sila Ace at Argel.

“After ng dinner, punta tayo sa court! Laro tayo! Two on Two! Ano?” paanyaya ko sa kanila at nagtinginan lang sila.

“Ano?!” sabi ni Jiro na hinihintay ang sagot nila.

“Eh kasi...” sabi ni Ace.

“Wala kaming dalang extra shirt!” dagdag ni Argel.

“Don’t worry hihiram tayo kay kuya! Mas maraming jersey si kuya kaysa sa akin eh!” sabi ko lang at pumayag na silang makipaglaro sa aming dalawa.

Habang nagkukwentuhan kami ng kung ano ano ay biglang pumunta si kuya Kino sa amin.

“Mukhang masaya ang usapan nyo ah!” sabi nito at ginulo ang buhok namin ni Jiro at ngumiti ito sa amin.

“Kuya Kino, meet Ace and Argel mga classmates ko sila! Guys meet our big bro Kino!” sabi ko at tumayo sila at nakipagkamay sa kuya namin.

“Nice meeting you!” sabi ni kuya at binigyan ito ng ngiti sila Ace at Argel.

“Mukha kayong triplets no!” biro ni Argel sa aming tatlo.

“Loko! Baby face lang yan si kuya pero almost 7 years ang gap namin!” biro ko at natawa si kuya Kino sa sinabi ko.

“Kuya, pwede bang hiramin ang mga jersey mo?” sabi ko.

“Bakit?” sabi ni kuya Kino na paalis na sana parapuntahan sila mommy at daddy.

“Maglalaro po kami kuya!” sabi ni Jiro at ngumiti naman ito sa aming bunso.

“Sige! Pakuha mo na lang kay ate Lea alam nya kung nasaan ang mga jersey ko!” sabi nito at umalis na siya papunta kila mommy.

At nang ilang saglit pa ay biglang pumunta sa akin si ate Ghie dahil dumating na ang tropa ko kaya sinabi ko lang na pa puntahin na lang sa backyard para makita nila mommy at daddy, tapos papuntahin na lang dito sa lanai para makilala nila ang mga bagong kaibigan ko.

At nagtuloy kami sa kulitan.

“Alam mo ba yung itsura mo nung natamaan ka ng bola?” biro ni Argel sa akin.

“Ano?” sabi ko kay Argel.

At pinakita nya ang pagka komedyante nya, nagsitawanan kaming tatlo at maya maya pa’y may kumalabit sa aking balikat.

“Magandang Gabi!” sabi ni Troy.

“Hey Troy!” bati ko sa kanya at pinaupo ko sya katabi naming apat.

“So asan sila?” sabi ko at hinanap sa may gate.

“Ah hindi sila natuloy kasi may mga unexpected events na nangyari eh!” sabi nito at umupo na lang ako sa upuan ko.

“Ay teka lang pala! Ace, Argel, si Troy pala! Ang isa sa mga bestfriend ko sa manila!” sabi ko at nakipagkamay ang dalawa kay Troy.

“Kilala mo naman siguro na ito, diba?!” sabi ko kay Troy nang inakbayan ko si Jiro.

“He’s Jiro diba? Yung bunso nyong kapatid?!” sabi nito at nagkamay sila ulit.

Masaya ang naging oras namin at nagbonding kami kasama si Troy at si Jiro, at napag usapan namin ang laro mamaya.

“Okay yun! Tutal wala naman ang ibang tropa, ako na lang ang referee! Ayos ba yun?!” sabi ni Troy at biglang dumating si ate Lea.

“Magsipunta na kayo sa garden, hinihintay na kayo!” sabi nito at nakita kong naiilang sya kasi nakita nya si Troy.

“Tara na guys!” sabi ko at nagsitayuan kaming lima kasabay si ate Lea.

Kasama ko si Jiro at sila Ace at Argel naman ang magkasabay, si Troy... Hayun! Kinukulit si ate Lea na tabi na lang sila sa pagkain.

Nang makarating kami sa garden ay nagulat naman ako dahil punong puno ng bulaklak iyon at napatingin ako kay Jiro.

“Oh bakit kuya?” sabi nya at napangiti ito sa akin.

“Kayo ba gumawa nyan?” sabi ko lang.

“Ahh! Oo nga pala! Surprise!” sabi nya at ginulo ko ang kanyang buhok.

“Para kang si kuya Kino!” biro nya sa akin at pumunta na kami sa mga nakaupo sa may dining area.

“Oh anak, andito na pala si Troy!” sabi ni daddy at lumapit kay Troy at kinamayan nya ito.

“Asan ang iba?” tanong ni mommy.

“May kasalanan po sa kani kanilang magulang!” biro ni Troy at tumawa kami.

“Oh by the way, si Troy! Bestfriend ni Ken sa manila!” sabi ni mommy kila tito Polo at tita Margie.

“Troy meet Ace and Argel’s parents, and sila ang anak ng may ari ng school na pinapasukan ni Ken ngayon!” sabi ni daddy at kinamayan nya sila tito at tita.

“What a handsome boy!” pansin ni tita Margie.

“Thanks po!” sagot ni Troy at umupo na sya sa dulo.

“Teka po, asan po si Lexie?” sabi ko kila mommy at napatingin ito kila tito Philip.

“Ken actually, hindi na sumama si Lexie kasi may gagawin pa sya sa homework nya, she’s studying hard para sa nalalapit na contest!” sabi ni tito Philip at ngumiti lang ako.

Tinawag na ni mommy ang mga waiter na inarkila nya at pinakuha ang appetizer.

Nang mailagay na sa amin ang appetizer ay agad nang nagsikain kami.

“Wow! This is good!” sabi ni tita Margie.

“Who did this?” dagdag pa nya.

“Mam actually si Mrs Yoshihara po ang mga nagluto nyan!” sabi ng isang waiter na naka tayo sa kanilang likuran.

“Wow Paula! Alam mo your soup was so refreshing! What’s that it called?” sabi ni tita Margie.

“It’s Tomato and cream soup Margie” sabi ni mommy at ngumiti ito sa kanya.

“Ahh!” sabi nito at nagpatuloy kami sa pagkain.

“Alam nyo po mam si mama marunong magluto din!” sabi ni Argel at napatingin naman ako sa kanya.

“Tita na lang ang tawag nyo sa akin ah! Masyadong formal naman ang pagtawag mo kasi Argel!” biro ni mommy at nagtawanan kami.

“Argel hindi mo na dapat sinabi yan, kasi konti lang alam ko sa pagluluto eh!” sabi ni tita Margie.

“Don’t worry Margie! After this punta tayo sa sala at mag uusap tayo nila mareng Emily! Girl talk lang! No boys allowed!” sabi ni mommy na parang nagbalik teenager sila.

“Eh paano naman kami?” biro ni tito Philip.

“Tayo naman sa may lanai, usapang lalaki lang and no teenagers allowed!” biro sa amin ni daddy at natawa kami sa sinasabi nila.

“Mga anak, saan ba kayo?” sabi ni daddy sa aming tatlo.

“I’ll be at my room, magpapahinga po muna, medyo na stress po ako sa trabaho kanina.” Sabi ni kuya Kino.

“Pupunta po kami ng court, maglalaro ng basketball tito!” sabi ni Troy at tumango lang siya sa amin.

Nang matapos na namin ang aming pagkain ay agad kaming tumayo at pinuntahan ko si ate Lea as what kuya Kino said.

“Ate Lea! Andyan si Troy oh!!” biro ko sa kanya at hinampas nya ako sa balikat.

“Kahit kelan ka talaga palabiro!” sabi ni ate Lea na narinig naman ni Ace.

“Palabiro?” sabi nito sa akin at napatingin naman ako.

“Um... yan kasi nature ko dito sa bahay eh, ayokong nakakakita ng malungkot na tao, especially kapag napapagod na sila, kaya gumagawa ako ng paraan para mapagaan naman ang araw nila!” sabi ko sa kanya at tila namangha naman sya sa akin.

“I thought you were the serious one, and si Jiro is the naughty!” biro nya sa akin at natawa nanaman ako sa sinabi nya.

“Pasingit naman!” biro ni ate Lea at napatawa kami.

“Sino sasama sa akin para kunin yun?” sabi ni ate Lea.

“Ate Lea wag na! kami na lang ni bunso ang aakyat tutal magpapahinga lang naman ako saglit eh!” sabi ni kuya at bumalik na ulit si ate Lea sa pag aasikaso ng dessert para kila mommy at daddy.

Nang makaakyat na sila kuya at bunso ay nanatili kami sa may kitchen habang si Troy ay tinutulungan si ate Lea.

“Ako na kasi Lea!” sabi ni Troy at kinuha ang dala ni ate na tray.

“How sweet naman ni tropapits oh!” biro ko.

“Mang asar pa!” sabi ni ate Lea.

Nagtawanan kaming tatlo nila Ace at napakamot ng ulo lang si Troy.

“Pare! Mukhang busted ka na kay ate Lea!” biro ni Argel at tumingin ito sa amin.

“Hah?! Eh hindi ko pa nga tinatanong, busted agad?!” sabi ni Troy at binaba ang tray sa may contertop.

“Ken ito na gatas mo!” sabi saken ni nay Elsa at nagtawanan silang tatlo.

“Bakit?!” sabi ko habang nainom ng gatas.

“Baby pa kasi!!!” biro ni Troy at binatukan ko sya.

“Teka lang ha!” sabi ko sa kanila at nilinis ko ang countertop at umupo ako dun habang nainom ng gatas.

“Weird ka naman Ken!” sabi ni Ace habang pinagmamasdan ako.

Ngumiti lang ako at inubos ko ang gatas na binigay sa akin ni nay Elsa.

Nang nakababa na si Jiro ay agad nang binigay nya ang mga jersey kila Ace at Argel, kami naman ay nagpalit din at pumunta na sa court.

Walang tao nung mga oras na yun, at naglaro na kami nila Argel at Ace.

“Oh basta it’s only a game ah!” sabi ni Troy at pumunta sa akin.

“Ken baka naman...” sabi nya sa akin at pinatigil ko sya.

“Ayos na ako! Sabi ni Doc sa akin!” sabi ko at napangiti lang ako sa kanya.

“I’m just concern lang! Kasi last time fatal kasi ang nangyari sayo eh, kaya natakot kaming magtotropa sa nangyari sayo especially Lexie!” sabi nya at tinapik ko ang kanyang balikat.

“Yeah! I know! But what I said diba! I am okay!” sabi ko at agad na kaming pumunta sa court at naghanda na.

“Okay na ba ang lahat?” Tanong ni Troy at naging seryoso na ang mga mukha namin.

Pumito na si Troy at hinagis na ang bola.


To be continue...


[12]
Hinagis na ni Troy ang bola at agad nang tumalon si Jiro para kunin ang bola, pero natapik ito ni Argel at nakuha ni Ace ang bola.

“Sorry kuya!” sabi nya sa akin at ginulo ko lang ang kanyang buhok.

“Tara na kapatid!” sabi ko at dumipensa na kami.

Habang nadipensa kami ay nakita kong ipapasok ni Ace ang bola kaya hinabol ko ito, pero nagkamali ako at binigay nya ito kay Argel.

“Bunso!” sigaw ko at agad nang dumipensa sya.

Nahuli ni Jiro ang bola na hawak ni Argel at nilabas ito, habang dini-dribble nya ay nakita kong nagpaplano ng maigi ang magkapatid kaya nilapitan ko si Jiro.

“Ingat ka sa pagpasok, nagpaplano sila oh!” sabi ko at sabay tumingin din sya sa dalawa.

“Akong bahala kuya!” sabi nito at pumasok na ako para mag abang sa kanyang pasa.

Nang pasukin na ni Jiro ang half court ay dinipensahan sya ng dalawa at agad akong tumakbo papunta sa kapatid ko, nagulat ako nang biglang nakalusot sya sa dalawa, at naging statwa ako sa aking nakita.

“1-0!” sigaw ni Troy at napangiti si Jiro sa akin.

“Naks! May pinagmanahan ah!” sabi ni Ace at napangiti ako sa sinabi nya.

“Magaling bata!” sabi ni Argel at ginulo nya ang buhok ni Jiro.

“Oh! Bola nila Ace!” sabi ni Troy at lumabas si Argel para sya ang mag drive ng bola.

“Kuya!” sigaw ni Jiro sa akin at dumipensa naman ako.

Nang makapasok si Argel kay Jiro ay agad ko itong hinarangan.

“Kung nakalusot ako sa kapatid mo, makakalusot na ako sayo ngayon!” biro nya sa akin at napangiti lang ako sa kanya.

Nakita kong bumagal ang bagsak ng bola at hinablot ko ito.

“Jiro!” sigaw ko at binigay ko sa kanya para mag fake moves.

Habang nasa kapatid ko ang bola ay agad akong lumabas at naghanap ng malulusutan sa magkapatid.

“Alam ko na!” sabi ko at agad akong pumasok at dumikit kay Ace, nagulat naman ito at kumindat ako sa aking kapatid.

Nang mapatingin sa akin si Ace ay agad nang dumerecho si Jiro sa ring at nang malapit na sya ay biglang pinasa nya sa akin.

Nang ipapasok ko na ang bola ay agad nang sumabay si Argel at sinundot ang bola.

“Huli ka!” sabi nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya.

“Jiro!” sigaw ko at nagulat silasa ginawa ng aking kapatid.

“Patay!” sabi ni Ace at nakita ni Argel na kinuha ni Jiro ang bola sa kanyang kamay.

“Huli ka!” biro ni Jiro at nagulat si Argel sa ginawa nya.

Pumito si Troy at tumawag ng penalty.

“Jiro, foul yun!” sabi nya.

“Kuya Troy bakit naman ako foul?” tanong nya dito at lumapit si Troy sa kanya.

“Travelling ka kasi, naka ilang tapak ka! dapat dalawa lang!” sabi nito at napakamot ito ng ulo.

“Okay lang yan!” sabi ko kay Jiro at ngumiti lang ito.

“Ken ayos ka lang?” tanong sa akin ni Troy at ngumiti lang ako.

“Okay free throw kay Argel!” sabi ni Troy at binigay ang bola kay Argel.

Pumito si Troy at nakapasok ang unang shoot ni Argel.

“Tie na!” sabi ni Ace na napansin ko syang napangiti.

“One more shoot and lead na kayo!” sabi ni Troy at pumito ulit ito, nang pinasok ni Argel ay nag abang kami at dumipesa sila para sa isang rebound, pero pumasok ulit ang bola sa ring kaya agad kong kinuha ang bola at nilabas ito.

“Jiro!” sigaw ko para ipasa ko ang bola at dinipensahan sya ni Argel at sa akin naman si Ace.

Habang dini-dribble ni Jiro ang bola ay agad itong nag drive at nag fake shot, kaya agad kong kinuha at pinasok ang bola sa ring.

“2 all!” sigaw ni Troy at inakbayan ko si Jiro.

“Nice one bunso!” sabi ko sa kanya.

“Ikaw din kuya!” sabi nito sa akin at bumalik na kami sa laro.

Habang lumalalim ang gabi ay nakakaramdam na ako ng pagod.

Habang nasa akin ang bola ay napansin ni Troy na hinihingal na ako.

“Ayos pa ba?” sabi ni Troy at ngumiti ako sa kanya.

“Ano? Nabagal ka na ah!” biro ni Argel habang dinidipensahan ako.

“Kaya ko pa!” sabi ko habang hinahabol ko ang aking hininga.

Nararamdaman kong sumisikip ang aking paghinga, at nagdidilim dahan dahan na para bang nawawala ang liwanag.

“Ken!” sigaw ni Argel sa akin at bigla na lang na nawala ako sa ulirat, naramdaman ko na lang na napahiga ako sa lapag ng court at naririnig ko sila na tinatawag ang aking pangalan.

“Kuya!” ang huling narinig ko bago ako mawala ang aking ulirat.

Isang madilim na lugar ang aking natagpuan sa hindi ko alam kung anong tawag dun, nang makakita ako ng isang bata.

“Hindi ka pa pwede dito!” sabi nya sa akin na nagtaka naman ako.

“Bakit madilim?” sabi ko lang sa kanya.

“Dahil nasa hintayan ka pa!” sabi nya at biglang lumitaw ang mga alitaptap na lumiwanag sa aking paligid.

“Aaron pala ang pangalan ko!” sabi nya at ngumiti ito sa akin.

“Aaron?” sabi ko lang.

“Oo! Ako si Arron Jeffrey Casanova!” sabi nya at naalala ko ang sinabi nila Argel at Ace sa akin.

“Ikaw pala yun!” sabi ko sa kanya at tumungo lang ito.

“Andito tayo kung saan kami lagi nagpupunta nila mama at papa! Bago ako mamatay ay pinangako ko sa dalawa kong kapatid na makakakita sila ng isang bagay na pahahalagahan nila ng buong buhay nila, at syempre alam kong malapit na nila itong makita, kaso nga lang...” sabi nya at biglang humangin ng malakas at dumampi sa akin ito.

“Kaso ano?” tanong ko at nakita ko ang burol kung saan ako dinala ni Ace.

“Kaso sa kanilang pagsubok ay malalaman nilang iisa lang ang kanilang pinapahalagahan.” Sabi nito at nakita kong napayuko sya.

“Sino naman yun?” sabi ko at biglang gumalaw ang lupa na kinakatayuan namin.

Hindi sya nagsalita at napansin kong lumiliwanag na sya hanggang sa hindi ko na sya maaninag.

“Teka! Aaron! Saan ka pupunta?!” sabi ko at nakita ko ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa kanya.

“Pupunta na ako sa langit dahil tapos na ang misyon ko dito! Paki sabi na lang sa dalawa kong kapatid na mahal ko sila!” sabi nya at nawala ito kasabay na kinain ako ng liwanag at biglang nakarinig ako ng mga boses na pamilyar sa akin.

“Anak!” isang tinig na narinig kong naghihinagpis sa lungkot.

Naramdaman ko naman ang aking katawan na dahan dahang nakakaramdam ng mga kamay na nakahawak sa aking magkabilang kamay.

Ginalaw ko ang aking kamay at naramdaman kong nagulat silang lahat.

“Kino tawagin mo ang doctor! Quick!” narinig ko si daddy at narinig kong may nagbubulungan sa aking paligid.

“Ken, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi mo minulat ang mata mo!” sabi ni Troy.

“Troy, wag mong sisihin ang sarili mo!” sabi ni daddy

“Dad! The doctor is here!” sabi ni kuya Kino at narinig kong lumapit sa akin ang doctor.

Naramdaman ko na dinikit ang stethoscope sa aking dibdib at naramdaman kong binuksan nya ang aking mga mata.

“He’s okay now sir! And ayon sa medical records nya last few years ay bawal syang mapagod, or kung maglalaro sya ay dapat may idle para maibalik ang nawalang lakas nito , and did he take his medicine everyday?” sabi ng doctor.

“Yes he did! Actually kahit na lumipat kami dito eh patuloy pa din ang pag take nya ng medicine!” sabi ni mommy.

“Ahh! Buti na lang at pinapainom nyo, dahil kasi na less ang risk ng kanyang sakit!” sabi ng doctor at narinig kong masaya sila mommy at daddy.

“Doc? Kelan po gigising ang kuya ko?” sabi ni Jiro.

“He’ll wake up soon enough, and I think his senses are stable so naririnig nya tayo!” sabi ng doctor at naramdaman kong may lumapit sa akin.

“Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na may sakit ka?!” sabi ni Argel na nararamdaman kong malungkot ito at kagagaling lang sa pag iyak.

Naramdaman kong may yumakap sa akin at naramdaman ko ang pagpatak ng luha na dumampi sa aking pisngi.

“Idilat mo na yang mata mo please?” sabi ni Ace at naririnig ko ang kanyang boses na umiiyak.

“Mga anak! Tahan na kayo! Hindi naman nawala si Ken, he just need to take a rest!” sabi ng kanilang magulang.

“Paula, Gino mauna muna kami ah!” sabi nila tito Philip at tita Emily at naramdaman kong humalik sila sa aking noo.

“Pare pagaling ka!” sabi ni tito Philip at umalis na sila.

“Uhm, kami din, mauuna na muna!” sabi nila tita Margie.

“Can we visit Ken?” sabi nila Argel at Ace.

Narinig ko ang katahimikan na para bang nag iisip sila mommy at daddy kung ano ang isasagot.

“Sure! Basta bawal ma stress si Ken ah! Only good things lang ang sasabihin nyo sa kanya! Understand?” sabi ni daddy at narinig ko namang nawala ang lungkot sa kanilang dibdib.

Nang umalis na sila ay biglang tumahimik sa loob ng kwarto, at naaaninag ko ang liwanag na dahan dahang nag-react ang aking isipan.

“Kuya!” sabi ni Jiro nang makita ko siya na namumugto ang mga mata.

“Ken! Ikaw talaga! Pinag alala mo kami!” sabi ni kuya Kino.

Napatingin ako sa buong paligid at napansin kong nasa loob pala ako ng ospital at nakita ko si Troy na nakaupo sa may sofa at napatingin sya sa akin.

“Ken!” sabi nya habang papalapit sa akin.

“Akala ko hindi ka na mumulat dyan eh! Sabi ko sayo na pagod ka na! tapos nagpumilit ka pa!” sabi nya at biglang niyakap ako.

“Tama na nga! Baka matuluyan mo na ako!” biro ko sa kanya at nagkalas kami sa pagyayakap.

Umupo ako sa aking kinahihigaan at tinignan ang aking sarili.

“Anong nangyari?” sabi ko at napatingin naman sila kuya Kino kay Troy.

“Umatake nanaman ang sakit mo! Ikaw kasi eh, masyadong pasaway! Yung nawalan ka ng malay, sila Argel at Ace hindi alam ang gagawin, kaya kami ni Jiro ay tinawagan ang bahay nyo at kinausap  ko si manang Elsa si Jiro naman ay nakausap nya ang kuya Kino nyo, kaya mga ilang minuto lang ay nakita ko sila na dala na ang sasakyan at hinatid na ikaw sa ospital na kakilala ng pamilya nila Ace at Argel.” Paliwanag ni Troy at naalala ko ang huling nangyari sa akin.

Hinawakan ko ang aking dibdib at napaluha, hinawakan ni kuya Kino at Jiro ang aking kamay at yumakap sila sa akin.

“Sila mommy at daddy?” tanong ko sa kanila at hinanap ko sila.

“Ah bumili lang ng inumin!” sabi ni kuya Kino sa akin at tinabihan ako ni Jiro.

“Kuya, okay ka na ba?” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Don’t feel guilty, okay! Nararamdaman kong nagui-guilty ka sa nangyari sa akin, wag kang mag-alala okay! Okay na ako ngayon!” sabi ko sa kanya at niyakap ko sya.

Ilang oras din akong nakaupo at nang marinig kong nagbukas ang pintuan ay sinundo ni kuya Kino sila mommy at daddy na may dalang makakain.

“Thanks God! Gising ka na anak!” sabi ni mommy at lumapit sa akin at yakapin ako.

“Ang tapang talaga ng anak ko! Pero next time wala nang magpapagod okay!” sabi ni daddy at niyakap ko ito.

“Papa...” sabi ni Jiro at napatingin naman sila daddy at mommy sa kanya.

“Oh wag nang maging malungkot anak! Okay na ang kuya mo, wag ka nang malungkot! Hindi naman kami galit ng mommy mo eh! tignan mo ang itsura mo, mukha nang kailangang lagyan ng dextrose!” sabi ni daddy at ngumiti lang si Jiro sa sinabi ni daddy at niyakap si Jiro ni mommy.

“Anak? Tara sumama ka kay mommy!” sabi ni mommy kay Jiro at lumapit ito.

Nakita kong binulungan nya ito at ngumiti lang ito sa kanyang narinig.

“Anak, aalis muna kami ni Jiro okay!” sabi nito at tumango lang ako.

“Bago pala umalis ang mga kaibigan mo, binigay nila ang mga regalo para sa amin! Salamat ah! Ang babait nila, at siguro naman madadala ka na!” sabi ni kuya Kino at ginulo nanaman ang aking buhok.

“Kuya naman! Lagi buhok ko ang pinagtitripan!” sabi ko at nagtawanan kami nila daddy.

“Troy may pagkain oh! Anong oras na! magpahinga na kayo! Ako nang bahala kay Ken!” sabi ni daddy at tinignan ko ang relo ni daddy at nakita kong alas-2 na pala ng umaga.

“Daddy, sabihin mo kila mommy na mamaya na  sila dumalaw, tutal linggo naman eh!” sabi ko kay daddy at tinawagan nya si mommy.

“Honey, mamaya na kayo dumalaw, ako na muna magbabantay kay Ken!” sabi ni daddy at nakita ko naman nagkasundo sila ni mommy at binaba nya ang kanyang phone.

“Sabi ng doctor na kailangan mo magpahinga kahit mga 3 days pa, so by Wednesday ka pa pwedeng pumasok” sabi ni daddy at ngumiti lang ako sa kanya.

Nagpaalam na sila Troy at kuya Kino para umuwi na muna sa bahay, at matulog dun.

“Anak magpahinga ka na! bukas baka andito ang mga classmate mo!” sabi ni daddy at agad nang humiga ako at nagpahinga.

Naramdaman ko ang katahimikan at inantok na ako...

Nagising na lang ako at nakita kong punong puno ng bulaklak ang kwarto ko, at napangiti naman ako.

“Surprise!” sabi ni Jiro at nakita kong pumasok sila Ace, Argel, Cheryl, Luke, at Abby sa kwarto.

“Sila mommy bunso?” sabi ko sa kanya.

“Kasama ni lola, nagsimba muna!” sabi nya sa akin at ngumiti naman ako.

“Friend kamusta ka na?” sabi ni Cheryl at nagtaka ako kung bakit nila nalaman.

“Okay na ako!” sabi ko lang sa kanya.

“Papa Ken! I miss you!” biro ni Abby at yumakap sa akin.

Nagtawanan kaming lahat at binigyan nila ako ng regalo.

“Hindi na dapat kayo nag abala pa!” sabi ko sa kanila habang nilagay ko ang mga regalo sa table.

“So kamusta ka na?” sabi ni Argel at umupo ito sa tabi ko.

“I’m alright! Don’t worry!” sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang braso.

“Ken sorry kung napagod ka ah, di na pala tayo naglaro ng basketball” sabi ni Ace at ngumiti lang ako sa kanya.

“Bunso, dito ka sa tabi ko!” sabi ko kay Jiro at tumabi sya sa akin.

“Kayong tatlo wag na nga kayong maging paranoid dyan! Okay na ako oh!” sabi ko sa kanila at ginalaw ko na ang aking katawan at nagtawanan silang lahat.

“Don’t worry friend, kami na bahala sa mga notes mo!” sabi ni Cheryl at tumango lang ako sa kanya.

“Nako, mamimiss ka namin sa campus! Kelan ka daw makakapasok ulit?” sabi ni Luke

“By Wednesday sabi ng doctor kay daddy, pwede na akong pumasok pero bawal ang mapagod” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Paano ba yan Argel! Wala nang basketball match up nyo!” biro ni Abby at siniko sya ni Cheryl.

“Okay lang yan! At least magaling na sya! By the way Cheryl can I talk to you in private?” sabi ni Argel at lumabas muna silang dalawa.

Habang kinukulit ako nila Jiro, Abby at Luke ay napansin kong nagbabalat si Ace ng orange.

“Oh kumain ka na muna!” sabi nya sa akin at inabot nya ang orange na nabalatan na.

“I smell something ha!” bulong ni Abby kay Luke na narinig ko at napatingin ako sa kanilang dalawa.


To be continue...


[13]
“I smell something ha!” bulong ni Abby kay Luke na narinig ko at napatingin ako sa kanilang dalawa.

Nakita kong kinalabit sya ni Luke at nagtuloy silang maglaro ng cards sila ni Jiro.

“Thanks Ace ah!” sabi ko sa kanya at tumabi ito sa gilid ko.

“Basta magpagaling ka ha! Dadalhin ulit kita sa burol!” sabi nya at ngumiti lang ako sa kanya.

Narinig kong pumasok na sila Cheryl at Argel at napansin kong lumayo si Ace sa tabi ko.

“We’re back! Ano yang nilalaro nyo? Sali kami oh!” sabi ni Cheryl at umupo sila at naglaro sila ng cards.

Habang naglalaro sila ay nakatingin lang ako sa cards ng kapatid ko, at pinapanood silang maglaro.

“Panalo nanaman!” sabi ni Jiro at narinig kong nag aangalan na sila.

“Pambihira naman oh! Pangalawang talo na namin!” sabi ni Luke at natawa kami sa sinabi nya.

“Magaling sa cards ang bunso mong kapatid ah!” sabi naman ni Abby at nakita kong namula si Jiro sa sinabi ni Abby.

“Ano ba yang nilalaro nyo?” sabi ko at parang naninibago lang sa laro nila.

“Rotation ang tawag dito!” sabi ni Cheryl habang inaayos nya ang cards.

“Paano laruin yan?” sabi ko sa kanila at tumingin naman si Jiro sa akin.

“Kuya ganito lang yan, yung Jack, King and Queen is equivalent to 10 tapos yung number from 2 to 7 ay real numbers, tapos yung 8 means reverse order in short from clockwise to counter-clockwise, tapos yung ace ng bawat cards ay equivalent to top cards na ibig sabihin ay 99 tapos yung number 9 na card ay equivalent to negative 9, ganun lang ang laro nyan!” paliwanag ni Jiro at agad akong tumabi sa kanya at naglaro kami.

Masaya ang naging laro namin, pero napansin kong si Cheryl ay hindi makapag focus kaya kinalabit ko ito.

“May problema ka ba Cheryl?” sabi ko sa kanya at umiling lang sya sa akin.

“Ken, it’s your turn!” sabi ni Ace na katabi ko.

“Oh Plus 10 ako! Ikaw na bunso!” sabi ko at nilapag ko ang king of spade.

“Reverse card ang nakuha ko! So ikaw ulit kuya!” sabi nya at napakamot naman ako ng ulo.

“Oh heto plus 10 ulit!” nilapag ko ang queen of hearts sa table at si Ace na ang magbababa.

“Negative 9!” sabi niya at nakita ko si Argel na seryoso sa pagtingin sa kanyang cards.

“Huy Argel!” sabi ni Abby at nagulat sya.

“Eto na! 99!” sabi nya at tumawa sya ng malakas.

“Ano ba yan! Wala akong maibabagsak! Kainis ka Argel!” sabi ni Cheryl at hinampas nya ang balikat nito.

Tumawa ako sa kanila at nakita kong nagngitian sila.

Habang naglalaro kami ay narinig kong nagsara ang pinto at nakita ko sila lola, mommy at daddy na may dalang pagkain.

“Aba! Ang daming bisita ng anak ko ah!” sabi ni daddy at ngumiti lang ako sa kanya.

“Good morning po!” sabi nila at ngumiti sila mommy at daddy sa kanila.

“Kamusta naman ang nurse ng kanyang kapatid?” sabi ni mommy kay Jiro at niyakap nya ito sa likod.

“Okay naman po ako! Yung pasyente natin okay naman din!” sabi nya at tumawa ako sa sinabi nya.

“Mabait naman ako eh! Kaya hindi ako lalagyan ng gamot!” biro ko kay Jiro at nagtawanan kami.

“Oh mga bata! May pagkain dito magsikain muna kayo ng miryenda!” sabi ni mommy at tinulungan sya ni lola Lisa na ilabas sa paper bag ang dala nilang pagkain.

Nilapag muna ang mga cards at nagsikain na kami, naamoy ko ang bagong lutong pancit na halatang luto ni lola Lisa.

“Ang sarap naman po ng pancit!” sabi ni Cheryl.

“Salamat hija! At nagustuhan nyo!” sabi ni lola Lisa at ngumiti sya sa mga bisita ko.

“Thanks lola!” sabi ko at hinalikan nya ako sa noo.

“You’re welcome apo!” sabi nya sa akin at umupo muna sila sa may sofa.

Naubos namin ang mga pagkain na dala nila sa amin at nagpahinga sila at dumating ang nurse para I check ang aking status.

“Sir you need to take medicine!” sabi nya at ngumiti ito sa akin.

Inabot nya sa akin ang medicine at agad kong ininom ito, at nagpahinga na ako, nakita ng mga kaibigan ko na nakahiga ako at lumabas muna sila.

“Anak, uuwi muna kami ah!” sabi nila mommy sa akin at nagpaalam muna ako kila mommy at kasama si Jiro.

Habang nagpapahinga ako ay biglang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto.

“Wala si Jiro?” sabi ni Argel sa akin.

“Sumabay umuwi eh, maaga pa lang kasi andito na sya” sabi ko sa kanya at lumapit ito sa akin.

“Ahh ganun ba?” sabi nya at nagtaka naman ako.

“Oh akala ko lalabas kayo?” sabi ko sa kanya.

“Eh ayoko! Gusto kong bantayan ka eh!” sabi nya sa akin at naalala ko ang sinabi ni Aaron sa akin.

Pinikit ko ang aking mga mata at nagpahinga ako, tumahimik ang lugar kahit nararamdaman kong nakaupo si Argel sa tabi ko.

“Ken, I will promise to you na walang mang aaway sayo! Ako ang magiging protector mo sa lahat ng bagay!” sabi ni Argel at pinakinggan ko lang ito.

Nang magising ako ay nakita kong nakatungo si Argel at wala pa din sila Cheryl, kaya ginising ko ito.

“Argel!” sabi ko at tinapik ang kanyang pisngi.

Hindi sya nagising at biglang gumalaw ang kanyang braso at nakita ko ang kanyang itsura.

Ang kanyang maamong mukha ay nakakabighani, hindi ko mapigilang tignan sya, at hinipo ko ang kanyang mukha dahan dahan, ang kanyang ilong, at ang labi nyang malambot, at biglang nagsalita sya.
“Anong tinitingin-tingin mo dyan?!” sabi ni Argel at minulat nya ang kanyang mga matang nangungusap.

“Ah...Eh! Kasi...” sabi ko at hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya.

“Kasi ano?” sabi nya at nilapit nya ang kanyang mga mukha sa aking mukha.

At nakaisip ako ng palusot sa kanya.

“Nagugutom na kasi ako! Hindi ako makatayo kasi nakaharang ka!” sabi ko sa kanya na naiinis.

“Oh! Chill lang! dapat kasi ginising mo ako, para ako na ang magpakain sayo!” sabi nito at namula naman ang aking mukha.

“Wag na nga lang!” sabi ko sa kanya at humiga muli ako, nakita kong dumikit sya sa akin at tinungo ang kanyang ulo sa aking braso.

“Ken?” sabi nito sa akin.

“Bakit?” sabi ko lang.

“Nagmahal ka na ba?” sabi nito sa akin at napaupo naman ako.

“Bakit mo natanong yan?” sabi ko sa kanya at tumingin lang sya sa akin ng blangko ang ekspresyon.

“Wala lang! Gusto ko lang malaman eh!” sabi nya sa akin at umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

“Bakit gusto mong malaman?” sabi ko sa kanya at nakita ko syang interesado sa bawat tingin na ginagawa nya.

“Gusto ko lang malaman!” Sabi nito sa akin at napabugtong hininga ako.

“Okay! Dahil makulit ka oh sige! Sasabihin ko sayo!” sabi ko na lang at napatingin naman ako sa malayo at naalala ang lahat.

“I had my first girlfriend, nung pumasok ako sa manila as a college student, actually magkasabay lang kami sa pag enroll nun, she with her friends and ako naman with nothing...” sabi ko at napayuko naman ako.

“She was the most beautiful girl I ever knew sa campus namin, after month passed by nakilala ko ang mga kaibigan ko, and one day nagkakilala kami ng formal!” sabi ko sa kanya at napangiti ako sa aking iniisip.

“Tapos?” sabi ni Argel na parang naghihintay ng kasunod sa aking kinukwento.

“After that, naging close kami... Then my friend tease me when she was around and a blush will answer to their tease, moments past at naging strong ang bonding namin, then when I was on her lap in the field after ng class namin ay tinanong ko na sya kung okay lang na manligaw sa kanya, and...” sabi ko at napatingin sa aking kamay.

“Oh? Tapos ano?” sabi ni Argel sa akin at napatingin naman ako sa kanya.

“Then she said yes! Kaya formal akong nanligaw sa kanya, pumupunta ako sa bahay nila para dalawin sya, gumagala kahit kasama ang kapatid nya, nagpapaalam na mag de-date kami, and I thought everything was going to a smooth ride, pero nagkamali ako... One day nung inter department competition namin ay nakita ko sya na may kasamang lalake!” sabi ko at biglang tumulo ang mga luha ko.

“Oh bakit ka naiyak?” sabi nya sa akin at naghanap ng tissue.

Binigay nya sa akin ang tissue at pinunasan ko ang aking luha.

“Kasi I thought na kaibigan nya yun, but she tricked me! Captain ng basketball team ang totoong boyfriend nya! But sinabi nila Troy sa akin na “it’s only a girl! There’s a lot of fish in the sea to catch!” kaya simula noon ay kinausap ko sya at tinapos na ang relationship namin...” sabi ko kay Argel at pumatak ulit ang mga luha ko.

“Oh tahan na!” sabi ni Argel sa akin at hinihimas nya ang aking likod.

“Masakit pa din kasi eh! Kaya nga sinabi ko sa aking sarili na kapag may makikita or makakaharap ako ng captain ng basketball team ay naaalala ko nanaman ang mga nangyari...” sabi ko kay Argel at lumapit ito sa akin.

“Kaya pala galit ka sa mga katulad kong basketball player? Kasi dahil sa past mo?” sabi ni Argel at tumango lang ako sa kanya dahil hindi na ako makapagsalita kakaiyak.

“If I say na mali ka sa sinasabi mo? Anong gagawin mo?” sabi nya at napatigil naman ako sa pag iyak at tumingin sa kanya.

“What?!” sabi ko lang at biglang ngumiti si Argel sa akin.

“You know Ken, kung ako tatanungin mo, hindi naman lahat ng tao ay katulad ng past mo, but sa sinabi mo kanina, napag isip-isip din ako na kung babaguhin ko ang pananaw mo sa sinasabi mo, malalaman mong masayang magmahal ulit!” sabi nito at nagulat naman ako sa sinabi nya.

“Teka! I don’t say magmahal! I only said na hindi pa din ako makarecover from what she do to me!” sabi ko sa kanya at napatingin naman ito sa akin.

“Ah... Sorry! Yun kasi ang perception ko sa sinabi mo eh! I’m only just a human that always do mistakes and learn to what they’ve experience to their past...” sabi ni Argel at ngumiti lang ako sa kanya.

“Okay lang! I understand what you are saying!” sabi ko na lang at bumalik na ulit ako sa pagkakahiga.

Pinikit ko ang aking mata para makapagpahinga ulit at naramdaman kong si Argel ay humawak sa kamay ko at tumungo sya.

Ngumiti lang ako at tuluyan nang makatulog, at nang magising ako ay naririnig ko ang ingay nanaman ng kwarto at naramdaman ko pa din na nakahawak pa din ng kamay si Argel at nakatungo pa din sa aking braso.

“Oh gising ka na pala!” sabi ni Cheryl at lumapit sila Ace, Abby at Luke at binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

“Bakit andito si Argel?” sabi ni Ace na nakitang nakahawak sya sa kamay ko, at tinanggal nya ito sa pagkakahawak.

“Binantayan ako?! Umalis kasi sila mommy eh, umuwi muna tapos dumating sya after na umalis sila mommy” pagdedepensa ko at nakita kong seryoso ang itsura ni Ace.

“Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?” sabi ni Ace na medyo naiinis at nabigla naman ako sa sinabi nya.

“Hey! Tama na yan! Ang mabuti pa ay kumain na tayo ng chocolate roll na binili mo!” sabi ni Cheryl kay Ace at nilapag ang bitbit nilang chocolate roll cake sa lamesa.

Agad nang tumayo si Argel at ako ay bumangon na din pero hindi na ako pinatayo nila at tinaas na lang ang kama ko para may masandalan ako.

“Oh!” sabi ni Ace nang binigyan nya ako, napatingin ako sa kanya at ngumiti lang.

“Ace galit ka pa din ba?” sabi ni Argel habang nakain kami.

“Sa tingin mo Argel?” sabi nya at tumingin ako sa kanilang dalawa.

“Oh bakit maiinit ang ulo?” sabi ni Luke at nagkalas ang mga tingin nila ako naman ay pinagmamasdan sila dahil naninibago ako sa kanila simula nang mag collapse ako sa court.

“Teka! Hindi ito basketball ah! Wala tayo sa court! Itigil nyo na nga ang mga ganyan!” sabi ni Abby at napatingin sila.

Hindi na sila nagkibuan at nagpatuloy kami sa pagkain, nang maubos namin yun ay napansin kong hindi pa din nagkikibuan sila kaya gumawa ako ng paraan.

“Luke, Abby, Cheryl pwede ko bang kausapin itong dalawa?” sabi ko sa mga kaibigan ko at nagpuntahan sila sa sofa na medyo malayo naman sa hinihigaan ko.

Pinalapit ko ang magkapatid at tumabi sa akin sila.

“Anong problema ba?” sabi ko at nagtinginan sila sa isa’t isa.

“Paano kasi—“ sabi ni Ace at hindi na nya naituloy dahil nahihiya syang sabihin ito.

“Alam mo Ace wag kang magagalit sa kapatid mo, dahil concern lang sya, alam kong nangako ako sayo pero hindi sa lahat ng bagay ay kailangan kasama kita, nagpapasalamat nga ako sa inyo dahil nawawala na dahan dahan ang nararamdaman kong sakit, tapos ngayon yung nakita mong kasama ko si Argel at napahawak lang sya sa kamay ko ay bigla kang nagkakaganyan...” paliwanag ko sa kanya at napatungo naman ito.

“Sorry na Ken, pinangako ko kila tito Gino na hindi ka namin bibigyan ng stress, pero eto ngayon, nagbigay kami ng stress sayo!” sabi ni Ace at inakbayan sya ni Argel.

“Bro, sorry din ah! Gusto ko lang talagang maging ka-close ang kaibigan mo din eh, promise di ko na ulit gagawin yun!” sabi ni Argel at tumingin kami parehas sa kanya.

“Sorry din bro, kung nagselos ako!” sabi ni Ace at inakbayan nya si Argel.

Nakita kong ayos na silang dalawa kaya ngumiti ako sa kanila at yumakap sila sa akin.

“Salamat ah!” sabi nila at tumango lang ako sa kanila.

“Asus! Si Ken lang pala ang magpapabati sa inyong dalawa!” singit ni Cheryl at biglang nagkalasan sila sa akin.

“Parang mga bata nga eh!” biro ko kay Cheryl at tumabi sya ng upo sa akin.

“Friend, promise us na magpapagaling ka ah!” sabi nya sa akin at hinawakan nya ang aking kamay.

“Oo naman Cheryl! Ako pa!” sabi ko at ngumiti lang ito sa akin.

Tumingin sila sa orasan at nakita nilang alas-3 na ng hapon kaya nagpaalam na silang tatlo at may pupuntahan pa sila.

Naiwan ako at ang magkapatid.

“Kayo anong oras pa kayo uuwi?” sabi ko sa kanila habang nagliligpit sila ng kinainan namin.

“Later, kapag andito na sila tita Paula at tito Gino!” sabi ni Ace at napangiti naman ako sa sinabi nya.

“Baka kasi matakot ka kapag wala ka nang kasama dito!” biro ni Argel at natawa naman ako.

“Loko! Hindi ako matatakutin!” sabi ko sa kanila at nagtawanan kami.

“Anong gagawin natin para malibang tayo?” sabi ko sa kanila at tumahimik ang buong lugar dahil nag iisip sila ng gagawin.

“Alam ko na!” sabi ni Ace at binuksan nya ang TV at nanood na lang kami ng comedy movie.

“Teka! Kailangan dito dapat may pagkain!” sabi ni Argel at bumaba muna sya para bumili sa may cafeteria.

“Gusto mo bang umupo?” sabi ni Ace at tumango lang ako, kaya tinulungan nya akong umupo.

Nang makaupo ako ay napatingin nanaman ako sa kanyang mga mukha at biglang naalala ko nanaman ang nangyari sa amin sa sasakyan.

“Is there anything on my face?” sabi ni Ace at umiling lang ako.

“Ace, pwede bang dun ako sa sofa para malapit ako sa TV?” sabi ko sa kanya at tumingin muna ito sa sofa.

Napansin nyang malapit ang sofa sa TV kaya nilayo nya ito ng konti at tinulungan na nya akong tumayo, nang makatayo ay naramdaman kong hindi ko pa kayang maglakad dahil na din sa gamot na iniinom ko, at nanghihina pa ako, pero pinilit ko pa din na maglakad.

“Grabe ang bigat mo talaga!” biro sa akin ni Ace habang nakasakbit ang aking kamay sa kanyang balikat.

“Parang nasa bahay nyo lang ako, diba?” sabi ko sa kanya at nagulat sya sa kanyang narinig.

Tumingin lang sya sa akin at nakita kong namumula ang kanyang pisngi at kinurot ko ito.

“Aray naman!” sabi nya sa akin at pinisil ang aking ilong.

“Aray! Wag sa ilong naman!” sabi ko at medyo naiinis ako sa kanya.

Pinaupo na nya ako sa sofa at binigay ang remote, narinig kong pumasok na si Argel at napansin nyang nasa sofa na ako.

“Oh?! Pwede ka na bang maglalalakad?” sabi nya sa akin at tumango naman ako sa kanya.

“Tara! Movie marathon na tayo!” sabi ko sa kanila at nanood kami ng movie.

Puro comedy movie ang napapanood namin at minsan naman ay horror at nakita kong nakatutok sila sa panonood, ako naman ay sumandal at nanood pero hindi ko kayang manood ng matagal dahil na din hindi pa naman ako nakakarecover at medyo mahina pa ang aking resistensya kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nanonood kami.

Pagkagising ko ay napansin ko si Argel at wala si Ace kaya napansin nya ako at ngumiti lang ito sa akin.

“Si Ace?” sabi ko kay Argel.

“May pinuntahan lang, babalik yun mamaya!” sabi nya sa akin at tumingin naman ako sa pinapanood ni Argel.

“Pwede mo ba akong ipunta sa higaan?” sabi ko sa kanya at tumayo ito at tinulugan nya akong tumayo.

“Tara! Dahan dahan lang ah!” sabi nya sa akin at inakbayan ko sya at naglalakad kami papunta sa higaan ko.

Hindi ko maiwasang ma out of balance at naramdaman ni Argel yun, bumagsak ako at sinalo nya ako ng buong lakas, nakita kong niyakap nya ako at binuhat na lang.

“Okay ka na ba?” sabi nya sa akin habang buhat pa nya ako.

Tumango lang ako sa kanya dahil nanghina ako sa mga oras na yun, hiniga na nya ako at inayos ang dextrose sa akin.

“Ken, oh! Kumain ka na muna ng prutas!” sabi ni Argel at kinuha ko, pero hindi nya binigay yun at siya na ang nagpakain sa akin.

Hindi na ako makatanggi kaya sinunod ko na lang ang sinasabi nya, nang makatulog na ako ay naramdaman kong hinaplos nya ang aking buhok at hinalikan nya ako sa noo.

“Sana gumaling ka na, namimiss na kitang kasama sa breaktime.” Sabi nya sa akin habang hinahaplos nya ang aking buhok.

Narinig kong bumukas ang pinto at narinig ko ang mga boses nila mommy na dumating.

“Oh Argel!” sabi ni mommy at minulat ko ang aking mata.

“tita Paula kamusta po? Lumabas lang po si Ace eh!” sabi nya at tumayo sya para kunin ang dala ni mommy.

“Ken, nagising ka ba namin?” sabi ni kuya Kino nang napansin nya akong minulat ko ang aking mata.

Umiling lang ako at binigyan sila ng isang ngiti at nakita ko si Argel na napatigil sa kanyang ginagawa.

“kuya Ken!” sabi sa akin ni Jiro at binigyan naman ako ng isang mahigpit na yakap.

“Anak! Baka naman hindi na makahinga si kuya nyan!” sabi nila mommy at kumalas si Jiro sa pagkakayakap sa akin at tumawa sila.

“Sorry po! Miss ko lang si kuya eh!” sabi ni Jiro at napansin nila mommy na wala akong lakas, kaya lumapit ito sa akin.

“Anak, anong nararamdaman mo?” sabi nya at tumingin lang ako sa kanya.

“Paano po kasi tita, nabigla po yata kanina!” sabi ni Argel at tumingin lang si mommy sa akin.

“Totoo ba yun?” sabi nya at tumango lang ako.

“Hay! Salamat sa inyong dalawa ah! At hindi nyo iniwan ang anak namin!” sabi ni mommy at nilapitan nya si Argel at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

“No problem po tita! Para po sa kalagayan ni Ken lagi kaming aalalay sa kanya!” sabi ni Argel at kumindat sya sa akin.

“Si Ace nga pala?” sabi ni daddy at nakita kong nilabas ni Argel ang kanyang phone para ma-contact si Ace.

“On the way na po siya!” sabi ni Argel at lumapit sya sa akin.

“Paano ba yan! Pauwi na kami! Magpagaling ka na lang ah!” sabi ni Argel at tumango lang ako sa kanya at nagpasalamat sa ginawa niya.

Bigla namang pumasok si Ace at kinamusta nila mommy at daddy siya.

“Oh bakit ngayon ka lang?” sabi ni kuya sa kanya.

“May binili lang po kasi ako eh!” sabi nya at napakamot sya ng ulo.

“Ace, nagpaalam na ako kay Ken, hindi ka ba sasabay sa akin pauwi?” sabi ni Argel at ngumiti lang ito sa kanya.

Lumapit sa akin si Ace at binigyan nya ako ng card at binulungan nya ako.

“Basahin mo na lang yan kapag mag-isa ka na lang!” sabi ni Ace at ngumiti lang ako sa kanya, nilagay ko ang card na binigay nya sa gilid ng table para basahin ko mamaya at nagpaalam na silang dalawa.

Habang naghahanda sila ng kakainin namin ay napansin kong may pinag uusapan sila.

“Mom, Dad, Kuya, Bunso...” sabi ko sa kanila at lumapit naman sila sa akin.

“Oh bakit?” sabi ni kuya at tumabi naman si Jiro sa akin.

“Anong pinag uusapan nyo?” sabi ko sa kanila at nabigla naman sila.

“Sabi ko sayo! Wag kang magpahalata!” sabi ni mommy kay daddy at hinampas nya si daddy sa balikat.

“Eh akala ko kasi na hindi naman nya nakikita!” sabi ni daddy at ngumiti lang ito.

“Wala yun! Kasi may napapansin lang kami sa mga bago mong kaibigan eh!” sabi ni mommy at nagtaka naman ako sa sinabi ni mommy.

“Ano kaya yun?!” sabi ko sa aking sarili at hindi na lang ako umimik.


To be continue...




[14]
“Ano kaya yun?” sabi ko sa aking sarili at hindi nalang ako umimik.

Naayos na nila kuya ang lamesa at hinanda na ang pagkain na niluto nila para sabay sabay kaming kumain, tinulungan akong tumayo at pinaupo sa aking kama.

“Oh! Favorite mo!” sabi ni kuya at inabot ang mashed potato sa akin.

“Ken, yung kaya mo lang ha! Alam kong di mo pa kasi kayang kumain ng marami!” sabi ni mommy at tumango lang ako.

“Bunso oh!” pinasa ko kay Jiro ang lalagyan ng mashed potato at kumuha din sya.

“Oh ano pa gusto mo?” sabi ni kuya Kino at ngumiti lang ako.

“Tara! Kain na tayo!” sabi ni daddy at sabay sabay kaming nagsikain.

“How’s work Kino?” sabi ni mommy at tumingin si kuya sa kanya.

“Maayos naman po!” sabi ni kuya at ngumiti lang ako sa kanya.

“Ikaw naman bunso? Kamusta ang flowershop?” sabi ni mommy at tumingin naman din sya.

“Marami pong customer, pero okay lang din po! Nakabenta po kami ng marami!” sabi nya at ngumiti naman sila kay Jiro.

“Ikaw anak?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako.

“Are you serious mom?” biro ko at nakita kong ngumiti lang sya sa akin.

“I mean you and your new sets of friends? Kamusta naman kayo?” sabi nya ulit at napatigil naman ako sa pagkain.

“Okay lang po! Going strong naman ang bonding namin!” sabi ko sa kanila at napatigil si daddy sa pagkain.

“May tanong pala ako sayo!” sabi ni daddy at napatingin ako sa kanya.

“Later na lang!” sabi nya at bumalik na kami sa aming pagkain.

Nang matapos na ang dinner ay pumasok ang nurse at tinignan ang aking status.

“Sir you need to take your medicine now!” sabi nya at binigay nya sa akin ang gamot.

“Uhm, ma’am! Pwede po ba kayong makausap ni doc?” sabi ulit nya at lumabas si mommy kasama ang dalawa kong kapatid kaya naiwan si daddy at ako.

Umupo si daddy sa tabi ko at huminga ng malalim.

“Ken how are you now?” sabi nya sa akin at nagtaka naman ako sa sinabi nya.

“Okay lang ako dad!” sabi ko sa kanya at natawa sa sinabi nya.

“Ken what I mean yung nararamdaman mo kay Argel at Ace!” sabi ni daddy sa akin at nagulat naman ako sa aking narinig.

“Dad, joke ba yun?!” sabi ko at nakita kong seryoso sya kaya inayos ko ang pananalita ko sa aking daddy.

“Anak, I know na may relasyon kayo ni Troy dati pa!” sabi ni daddy at nagulat naman ako sa aking narinig.

“Paano –“ sabi ko at ngumiti lang ito sa akin.

“I’m your dad, at kahit anong tago mo pa dyan sa true feelings mo ay alam na alam ko pa din, yung gala nyo dati sa manila ni Troy na sinabi mo na pupunta lang kayo sa mall, pinasundan ko kayo sa kuya Kino mo, and just what we expected!” sabi nya at nakita ko ang kanyang blankong expression sa mukha.

“Bakit nyo po sinasabi sa akin yan dad? It’s because na andito si Troy?” sabi ko sa kanya at lumapit ito sa akin.

“No, Troy is your bestfriend now! Nakita kong nagbago sya after you broke with him and set a new chapter as friends, nakita ko din na mas naging mature at hindi na sya yung bata na laging takot sa akin! What I mean is...” sabi ni daddy at napabuntong hininga sya.

“What I mean is, yung ways na pinapakita sayo ng magkapatid parang katulad din nung kay Troy, and I just thought that bakit ganun sila makitungo when it comes sa iyo!” sabi ni daddy at napatingin ako sa kanya at walang nasabi.

“Anak! We are your family! Kahit itago mo ang iyong sexuality, mapapansin namin yan! Jiro knows about that too! And anak one thing to remember!” sabi ni daddy at napaupo ako sa harapan nya.

“Always be at yourself!” sabi ni daddy at niyakap ko sya.

Bumuhos ang aking mga luha dahil sa mga narinig ko sa aking daddy, sa una pa lang ay nag aalangan na ako sabihin sa kanila about my sexuality but in the end akala ko ay magagalit sa akin si dad, yun pala nakakaintindi sya at minahal pa nila ako.

“Thanks daddy!” sabi ko habang nahikbi at hinigpitan ko ang aking pagyakap.

“Troy wants to give you this!” sabi ni daddy at binigay sa akin ang bracelet na naka-engraved ang pangalan ko.

“Sabi nya sa akin before he go, na matagal na nyang tinatago yan, kahit na magkaibigan na lang daw kayo ay mahal ka pa din nya as his baby...” sabi ni dad at sinuot nya sa akin ang bracelet.

“Sinabi nya yun dad?” sabi ko habang tinitignan ang bracelet.

“Yes, sinabi nya yun! Sabi ko lang sa kanya kung may maitutulong kami sa relation nyo, then he said na masaya na siya sa pagkakaibigan nyo, at ayaw na nyang isugal pa ulit yun.” Sabi ni dad at hinawakan nya ang aking mukha at pinunasan ang aking mga luha.

“Anak! Another thing na sasabihin ko pala sayo!” sabi ni daddy at tumingin ako sa kanya.

“Ano po yun?” sabi ko.

“Promise me that you’ll tell anything or everything! Para hindi ikaw mahirapan!” sabi nya at tumango lang ako.

Inayos na ni daddy ang aking suot at pinahiga nya ulit, hinahaplos nya ang aking buhok at pinatugtog nya sa aking iPod ang favorite song namin.

[The Script: For the First Time]

*********************************************************************************

Naalala ko nung unang nagkakilala kami ni Troy, he’s a transferred high school student nun at ibang section pa, lagi kaming pinaglalaban ng aming adviser sa mga competition sa loob ng campus, lagi kaming naghaharap sa finals at minsan pantay lang ang results ng aming mga grades, nakilala ko sya ng lubusan nung nakita ko sya sa garden ng school mag isa at umiiyak dahil sa problema nya sa kanyang girlfriend kaya ako ang naging sandalan nya at naging mas malalim ang aming pagkakaibigan, isa syang makulit at masayahing tao na lagi kong hinahanap, kahit anong oras at anong panahon ay andun kami sa isa’t isa nagtutulungan.

“Yosh! Bakit ka pala wala pang girlfriend?” sabi nya sa akin habang nasa tambayan kaming dalawa at magkatabi kami sa isang mahabang upuan dun.

“Eh kasi wala naman akong nagugustuhan eh!” sabi ko sa kanya at biglang pumatak ang ulan sa amin at nagtakbuhan kami sa may green house at pumasok para hindi kami mabasa.

Napatingin si Troy sa akin nun at nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya.

“Basa ka Yosh!” sabi nya sa akin at hinubad ang kanyang polo at binigay sa akin ito.

“Para saan naman ito?” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

Hinubad ko ang aking polo at sinampay muna sa may heater sa loob ng green house at sinuot ang kanyang polo, naamoy ko ang kanyang pabango at napatingin ako sa kanya.

“Bakit ang bait mo sa akin?” sabi ko sa kanya at nagtaka naman ito sa akin.

“What do you mean?” sabi nya sa akin.

“Sorry I feel awkward! Kasi hindi ako sanay na may magpahiram ng polo!” sabi ko sa kanya at tumawa naman ito.

Sa bawat patak ng ulan na bumabagsak sa bubungan ng green house ay ang ganda! Dahil nakikita namin ang mga ulap na lumuluha at sinasalo ito ng lupa.

“Alam mo ba na kapag kasama kita I feel secured?” sabi ni Troy at napatingin naman ako sa kanya.

[Up Dharma Down: Tadhana]

“Huh? Bakit naman?” sabi ko sa kanya at napatingin din ito sa akin.

Naramdaman  ko ang pagbilis ng tibok ng aking dibdib at hinawakan ito.

“Oh bakit?” sabi nya at lumapit sya sa akin.

“Wala! I just feel my heartbeat na lumalakas eh!” sabi ko sa kanya at hinawakan nya ang aking kamay at dinikit ito sa kanyang dibdib.

“Can you feel mine?” sabi nya sa akin at nailang naman ako sa kanya.

“Yeah... parehas lang pala tayo!” sabi ko sa kanya at naramdaman ko na hinawak nya sa kanyang mukha ang aking kamay.

“Ang init mo!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

Naramdaman ko ang kakaibang saya kapag hinahawakan nya ang aking kamay, at lumapit ang kanyang mukha sa akin at naramdaman ko ang labi nya na dumikit sa akin, hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nun at hinayaan sya.

Nagkalas kami at nakita kong nabigla din sya.

“Sorry!” sabi nya sa akin at hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.

Habang nabuhos ang ulan ay andun pa din kami sa green house at malayo sa isa’t isa, nakatingin ako sa malayo at ganun din sya, minsan nagtatagpo ang aming tingin at gusto ko syang lapitan, pero nauunahan ako ng pagkailang sa ginawa nyang paghalik sa akin.

“Ken! Andyan pala kayo!” sabi ng aming classmate at pinuntahan ako.

“Tara na! kanina pa kayo hinahanap eh!” sabi nya at napatingin naman ako kay Troy.

“Tara na?” sabi ko kay Troy at lumapit na sya sa amin.

Binigyan kami ng payong at nilusob na ang ulan.

“Oh kita kits na lang sa uwian ah!” sabi ni Troy na parang nakaramdam ako ng pagkalungkot sa kanyang sinabi.

Habang nagkaklase kami sa science ay napansin kong hindi ko pala polo ang gamit ko, dahil naaamoy ko pa din ang pabango ni Troy dito at napangiti lang ako nung naiisip kong hinalikan nya ako.

“Malayo ang iniisip!” sabi ni Terrence sa akin at nabigla naman ako.

Ngumiti lang ako sa kanya at napailing naman sya sa ginawa ko.

“Makikita mo naman sya mamaya eh!” sabi nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya.

Natapos na ang aming klase at walang pumasok na impormasyon sa isip ko, naglalakad kami at napansin kong wala si Troy sa amin, naalala ko pala na ibalik kay Troy ang polo kaya nagpaiwan na lang ako at agad na pumunta sa green house para kunin ang aking polo.

Pagdating ko sa green house ay agad kong pinasok yun at pumunta sa heater, nang makita ko yung heater ay wala yung polo ko at maya maya pa ay narinig ko ang boses ni Troy.

“Ito ba hinahanap mo?” sabi nya habang hawak nya ang aking polo.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang ngumiti kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan.

“Sorry?” sabi ko sa kanya at tumawa kami.

Niyakap nya ako at hinayaan ko syang yakapin ako, at nang magkalas kami ay nagkatinginan kami.

“Alam mo ba ikaw ang nasa isip ko kanina?” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Ako din naman! Ikaw din ang nasa isip ko, nagtataka nga sila bakit daw wala ako sa sarili!” sabi ko sa kanya at biglang napatahimik kaming dalawa.

“So anong ibig sabihin nito?” sabi nya sa akin habang nakatayo kami sa gitna ng green house garden.

“Hindi ko pa alam, pero when I’m with you iba ang saya na binibigay mo! Parang kumpleto na ako!” sabi ko sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit ulit.

Naging maayos naman ang pagsasamahan namin ni Troy sa lahat ng bagay at sa lahat ng kalokohan, at dun ko napagtanto na hindi na pala ako tunay na lalake, dahil nagmamahal ako ng isang lalaki, kaya nung holloween party namin sa school ay doon ko na pinagtapat sa kanya ang aking nararamdaman.

Hinanap ko si Troy at nalungkot ako dahil wala sya sa party, nakita ko sila Terrence at Chad na lumapit sa akin at hinablot ako.

“Teka, saan nyo ako dadalhin!” sabi ko sa kanila at hindi sila nagsalita, hinawakan nila ako sa magkabilang balikat at pumunta kami sa isang lugar.

“Piringan na natin!” sabi ni Terrence at nilagyan na nila ako ng takip sa mata.

Nagsisisigaw ako at natatakot kaya hindi ko na nakayanan ang emosyon at napaiyak sa galit, tinali ako sa kamay at pinalakad sa isang lugar na malayo sa ingay ng school.

“Dyan ka lang!” sabi ni Chad sa akin at tumayo lang ako.

Naramdaman ko ang hangin na humahaplos sa aking basang pisngi habang nakapiring at bigla akong nakarinig ng isang taong naglalakad at natakot na ako.

“Guys! Wala namang ganituhan oh!” sabi ko sa kanila at naramdaman kong walang sumasagot kungdi ang hangin na hinahaplos ang aking mukha.

Naramdaman ko na tumigil sya at napatigil naman din ako, kinalas nya ang mga tali sa aking kamay at tinanggal nya ang aking blindfold, sa una ay malabo ang aking nakita dahil na din sa pag iyak ko at pagpiring sa akin ng matagal.

“Natakot ka ba?” sabi ng boses na hinahanap ko kanina pa.

“Troy! Tarantado ka! ano bang pinaplano mo at tinakot nyo pa ako ng ganun?!” sabi ko sa kanya at lumapit ito sa akin at pinunasan ang aking mukha.

“Para kang bata! Ang dungis mo!” sabi nya sa akin at hinampas ko sya sa balikat.

“Eh paano kasi! Kanina pa kita hinahanap sa campus wala ka! ano bang ginagawa natin dito?” sabi ko sa kanya at napatingin sa isang madilim na burol.

“Tara humiga tayo, tapos wait tayo ng ilang minutes na lang!” sabi nya sa akin at humiga kami sa damuhan.

Nararamdaman ko ang lamig ng aming hinihigaan at ang dilim ng kalangitan ay nakadagdag sa aking paghanga sa kanyang ginawa.

“Ayan na!” sabi ni Troy at nakita ko ang mga bituin at dahan dahang nagsimula ang pag ulan ng bulalakaw sa kalangitan.

“Wow!” sabi ko sa kanya at naramdaman ko na hinawakan nya ang aking kamay.

“Alam mo parang bituin ang pag ibig, di natin alam na patay na sila dahil ang isang bituin ay umaabot ng thousands of lightyears bago mapunta ang liwanag sa atin!” sabi nya at napalingon naman ako sa kanya.

“So anong connection naman nun sa love?” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

“Wala! Nagustuhan ko kasi yung sinabi ng kaibigan ko eh!” sabi nya sa akin at lumapit sya sa akin.

Halos magkadikit na kami at nilagay nya ang kanyang braso at hinigaan ko ito.

“Mahal kita! Ken Yoshihara” sabi nya sa akin at napangiti ako sa kanya.

Hanggang sa magtapos kami ng high school ay naging matibay ang aming relasyon at nang isang araw...

“Tara laro tayo sa court!” sabi ni Troy at hinagis sa akin ang bola.

“Teka lang!” sabi ko at binalik sa kanya ang bola.

“Mahal kita!” sabi nya at hinagis nya ang bola ulit sa akin.

Tumingin lang ako sa bola at lumapit sa kanya.

“Mas mahal naman kita!” sabi ko at binigyan ko sya ng halik.

Nagkalas kami at lumabas sa kwarto nya, tinungo ang court sa likod ng bahay nila.

Naglalaro kami at nang biglang naramdaman ko ang kirot sa aking dibdib at nawalan ako ng malay, nagising na lang ako sa isang ospital at nakita ko sila mommy at daddy na namamaga ang mata.

“Si Troy?” sabi ko nang magising ako.

“Wala na sila anak!” sabi ni daddy at nakaramdam ako ng kirot ulit ay sumigaw ako sa sakit.

“Tawagin mo na ang doctor!” sabi ni mommy kay kuya Kino at agad nang tumakbo si kuya.

Ang sakit ng aking dibdib na parang tinutusok ng isang tinidor.

“Ang sakit!” sigaw ko at nakita ko sila mommy na nag iiyak.

“Dad! Andito na po ang doktor!” sabi ni kuya at nakita ko na kasama na nya ang doktor.

“Mam, dadalhin po muna namin sya sa ICU for immediate check, dahil hindi na po normal ang tibok ng puso ng inyong anak.” Sabi ng doktor at hinila ang aking kama.

Nilagyan ako ng respirator at strap para hindi ako makakilos, at tinurukan na ako ng pampatulog at naramdaman ko ang pag-ikot ng mga nakikita ko.

Nakapunta ako sa isang madilim na lugar at nakita ang isang bata na nakangiti sa akin.

“Kamusta?” sabi ko sa kanya.

“Ikaw dapat ang tanungin ko nyan!” sabi nya sa akin.

“Bakit?” sabi nya sa akin.

“Dahil alam kong matapang ka at maraming nagmamahal sayo! Wag kang pumunta dito dahil makukulong ka na dito!” sabi nya sa akin at naramdaman ko ang kuryente na pumasok sa akin.

“Doc he’s back!” sabi ng isang nurse at minulat ko ang aking mga mata.

“Glad you back!” sabi ng doctor at naramdaman ko na may nakapasok pa din sa akin na respirator.

Lumapit sila mommy, daddy, at kuya Kino sa akin, napansin ko ang mga malungkot nilang mukha at namamaga ang mga mata.

“Doc ano po talagang sakit ng anak namin?” sabi ni mommy at tumingin ang doctor sa kanya.

“He has a weak heart, bawal po syang mapagod or ma stress sa mga bagay, dahil na din sa last incident na nangyari sa kanya ay nag trigger ang puso nya at kapag nagpatuloy yan ay baka sa susunod ay lumala pa ang atake!” sabi ng doctor at umiyak sila mommy, daddy at kuya.

“Doc! Do everything!” sabi ni kuya at nakita kong sinusuntok nya ang aking higaan.

“May isang paraan lang po!” sabi ng doctor at tumingin sila.

“Ano yun doc?! Basta sa anak namin!” sabi ni daddy.

“He needs to take this medicine, dapat walang skip ang pag inom nya and take this therapy para lumakas sya” sabi ng doktor at lumabas sila, nakita kong pumasok si Troy at umiiyak.

“Wag kang bibitiw baby! Kaihit anong mangyari gagawin ko basta gumaling ka lang!” sabi nya at nakita ko lumabas si daddy.

“Troy kung mahal mo ang anak namin, itigil nyo na ang inyong relation, dahil ayokong makita ang anak ko na masasaktan.” Sabi ni daddy at nakita kong umiyak si Troy.

“Da—d” sabi ko na medyo husky ang boses.

“Sorry anak!” sabi ni daddy at nakita nyang tumulo ang aking luha.

“Okay! Para hindi maging malungkot ang anak ko, hanggang magbestfriend na lang kayo, ayokong makita talaga ang anak ko na maging malungkot.” Sabi ni daddy at ngumiti si Troy sa kanya.

“Sir! Promise po!” sabi nya.

“Tito Gino!” sabi ni daddy kay Troy.

“Po?” sabi ni Troy na hindi naintindihan ang sinabi ni daddy.

“Call me tito Gino, and welcome ka as our part of the family!” sabi ni daddy at niyakap nya si Troy.

Lumipas ang mga panahon ay naging magkaibigan na lang kami ni Troy hanggang sa lumipat kami.

*********************************************************************************

“Gising ka na pala!” sabi ni Daddy at napatingin naman ako sa bintana.

“Good morning daddy!” bati ko kay dad at napansin kong hindi sya pumasok.

“Gusto mo nang kumain?” sabi ni daddy at napangiti naman ako sa kanya.

Umupo ako at nilapag ni daddy ang dinala nila mommy sa amin.

“Oh kumain ka ng marami ah!” sabi ni daddy at tumango lang ako.

Biglang nag vibrate ang phone ko at agad binigay sa akin ni daddy ang aking phone, sinagot ko ito at narinig ang boses ni Argel.

“Good morning!”  sabi nya sa akin.

“Good morning din! Nakain kami ni daddy!” sabi ko sa kanya at agad syang sumagot.

“Ah ganun ba? Sige I’ll call you later!” sabi nya at binaba nya ito.

“Sino yun anak?” sabi ni daddy.

“Si Argel!” sabi ko at nakita kong ngumiti lang sya.


To be continue....


[15]
Nagtaka naman ako sa pinakita sa akin ni daddy at habang nagpapatuloy kaming kumakain ay naisip ko ang sinabi ni Aaron sa akin.

“Dad—“ sabi ko at napatingin naman ito sa akin.

“Ano yun anak?” sabi lang nya at pinunasan na nya ang kanyang bibig.

“I want to go home!” sabi ko at ngumiti ito sa akin.

“Pagdating ni Doc mamaya kakausapin ko sya!” sabi nito at tumayo na kami at pinunta na nya ako sa aking higaan.

Binuksan nya ang TV at saktong anime ang palabas kaya hindi na nilipat ni daddy ang channel.

“Whoa! Si Byakuran na pala ang kalaban nila!” sabi ni daddy at napatingin naman ako sa kanya.

“Paano kasi dad hindi ka na nakakasubaybay nyan! Buti pa ako complete attendance dyan!” sabi ko at nanood na din ako ng TV habang nasa kama ako.

“Binili mo ba yung isang season nyan kila Chelsea?” sabi ni dad at tumingin sya sa akin.

“Hindi lang yung isang season kungdi lahat! Tapos yang season na yan eh pinapakumpleto ko pa kay Chelsea!” sabi ko at nanood ulit sya ng favorite naming anime.

Habang nalilibang kami sa panonood ay di namin namalayan na pumasok na pala ang doctor at ang nurse.

“Mukhang malakas ka na ah!” biro sa akin ng doctor.

“Doc! Andyan pala kayo!” sabi ni daddy at tumungo kung asan ang doctor na nakatayo.

“Ito na po ang results, maganda na ang pinapakita nya within 30 hours! And the good news is pwede nyo na syang i-uwi, pero! Kailangan pa din nya magpahinga ah!” sabi ni Doc at ngumiti naman ako.

“Doc, kelan naman sya pwedeng pumasok sa school?” sabi ni daddy at tumingin sya sa akin.

“As we said last time, pwede na syang pumasok by Wednesday or rather next Monday na lang!” sabi ng doctor at ngumiti siya kay daddy.

“Oh! I almost forgot! Ito na yung medical certificate nya in case na maghanap ang school” sabi ng doctor at binigay na nya ang certificate kay dad.

“Thanks doc!” sabi ni daddy at kinamayan nya ang doctor.

“No sir! Magpasalamat po kayo kay Doc Polo!” sabi ng doctor at nagulat naman ako.

“Si tito Polo? Isang doctor?!” sabi ko sa aking sarili at napangiti lang ako.

“Saan po kami magbabayad ng bill?” sabi ni daddy at sumunod na sya kay doc.

Naiwan ako at ang nurse para bantayan muna ako, napatingin lang ako sa kanya habang nanonood ako ng anime.

“Ganda naman ng pinapanood mo!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.

“Favorite namin yan ni daddy!” sabi ko sa kanya at nakita kong kinuha nya yung medical board na nasa paanan ng aking higaan para tignan.

“Alam mo buti naka survive ka pa sa ganitong sakit! Alam mo ba ang mga kasabayan mo na may katulad ng sakit mo ay nasa ICU pa din! Pero ikaw ang tapang mo talaga! nakayanan mo ang mga medicine at therapy sayo!” paghanga ng nurse sa aking kalagayan at ngumiti naman ako sa kanya.

“Salamat po!” tanging nasagot ko lang at naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

“Kenpot! Ayos ka na ba?” sabi ni Lexie at napangiti ako.

“Yeah! Baka later makauwi na ako!” sabi ko sa kanya.

“By the way pupuntahan kita bukas! May sasabihin ako sayo!” sabi nito at bigla naman akong kinabahan.

“Okay! Hintayin kita!” sabi ko lang at hindi na sya nag reply.

Napatingin ulit ako sa aking pinapanood at kinausap ang nurse na tulungan akong tumayo para pumunta sa sofa, nang marating ko na ang sofa ay agad naman inayos ng nurse ang aking katawan.

“Sabihin mo lang kung gusto mong bumalik sa kama ah!” sabi ng nurse at binigay sa akin ang remote.

“Thanks!” sabi ko lang at ngumiti lang sya sa akin.

Nilipat ko ang channel dahil natapos na ang pinapanood ko, nakita kong inaayos ng nurse ang medical board at inalis na ito sa aking kama.

Habang nasa sofa ako ay nakaramdam ako ng pagkabored kaya nilipat ko sa music channel ang aking pinapanood, sumandal ako para maging komportable at pinikit ang aking mga mata.

Nanaginip ako na naglalakad ako sa isang lugar at biglang dumilim ang paligid, dahan dahang nag lalabasan ang mga bituin sa kalangitan at dahan dahang bumabagsak ito, napakaganda dahil may iba’t ibang kulay ito, pagtingin ko sa aking tinatapakan ay nakakita ko ng dalawang anino, yung isa ay malapit sa akin at yung isa naman ay malayo, narinig ko na sinabi ng isa.

“Mamahalin kita hanggang sa iyong huling hininga!”

At narinig ko ding nasalita ang isang anino, pero hinawakan nya ang aking kamay.

“Kahit anong mangyari ay ikaw pa din ang dahilan kaya ako nabubuhay dito, hindi kita iiwan at sabay nating tatahakin ang daan ng pagsubok.” Sabi nito sa akin at nagising na lang ako bigla at hinabol ang aking hininga.

“Oh what’s the problem?” sabi ni mommy sa akin.

Naging malabo ang aking paningin kaya pinikit ko ulit ito, kaya pinikit ko ito at dahan dahang minulat ulit.

“Mommy!” sabi ko na parang natakot sa aking napaniginipan.

Niyakap ko si mommy at pinakalma naman nya ako.

“Don’t worry we’re here!” sabi ni mommy at kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa paligid.

Nakita ko sila lola, Jiro, kuya, at daddy na nililigpit ang mga gamit.

Narinig kong bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Cheryl, Abby at Luke.

“Ano pong meron?” biro ni Abby at tumulong sila.

“As promise friend! Ito na ang mga notes!” sabi ni Cheryl at binigay nya sa akin ito.

“Mga bata! Dun na kayo kumain ng dinner!” paanyaya ni lola sa mga kaibigan ko at nakita kong tumutulong sila sa pagliligpit.

“Sige po!” sabi ni Luke at napangiti naman ako.

Habang nag liligpit at pinilit kong tumayo na walang kasama, pero hindi ko pa kayang tumayong mag-isa at nahulog ako sa aking pagpipilit.

“Ikaw talaga!” sabi ni kuya Kino at tinulungan akong tumayo.

“Sorry kuya, gusto ko lang tumulong eh!” sabi ko sa kanila at napatingin naman ang lahat sa akin.

“Kuya magpahinga ka na lang dyan! Kami nang bahala dito!” sabi ni Jiro at ginulo ko ang kanyang buhok.

“Para kang si kuya Kino!” sabi nya sa akin at ngumiti ako sa kanya.

“Para kang si Ken!” sabi ni kuya at nagtawanan kaming tatlo.

Tinulungan ako ni lola na tumayo at pumunta sa CR para magpalit ng damit, pagkapasok ko sa CR ay agad naman ako nagpalit na dala nila sa akin, at dahan dahang naglakad papalabas ng CR, pagkaupo ko sa tapat ng aking hinihigaan ay tinignan sila.

“Grabe ang dami mong gamit!” biro sa akin ni Luke habang dala nya ang mga unan ko.

“Lumipat ka ba ng bahay papa Ken?” dagdag na sinabi ni Abby at natawa naman sila mommy.

“Kayo talaga! ang kukulit nyo!” sabi ni kuya at natawa naman kaming lahat.

Tinulungan ako ni daddy na maglakad at nang makalabas na kami sa aking kwarto ay nakita kong maraming tao sa paligid na naglalakad, ang iba naman ay naka wheel chair pa.

“Makakauwi na din sa wakas!” sabi ko sa aking sarili at napangiti naman ako.

“Dad...” sabi ko lang at napatingin ito sa akin.

“Ano yun?” sagot naman nya.

“About last time na nag usap tayo?” sabi ko sa kanya at hindi na nya ako pinatapos.

“Tungkol kay Troy? O sa dalawa?” sabi lang nito at napangiti lang ako.

“Sa dalawa po!” sagot ko lang at tumigil muna kami saglit.

“Oh ano yun anak?” sabi nya sa akin.

“Wala daddy!” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.

“Basta kung ready ka na, sabihin mo na lang sa amin okay?” sabi nya at tumango lang ako.

“Bahala na daddy!” sabi ko sa kanya at napangiti naman si daddy.

Naglakad ulit kami at sumakay na ng elevator pababa.

Habang nasa loob ay naalala ko pa din ang napaniginipan ko kanina.

“Sino kaya yung dalawa na yun?” sabi ko sa aking sarili at napailing naman ako, nakita ni daddy ang ginawa ko kaya tinapik nya ako sa balikat.

“Wag mong isipin yan! Baka mabinat ka pa!” sabi lang nya sa akin na parang alam nya ang nasa isip ko.

Ngumiti lang ako at bumukas na ang pinto ng elevator at nakapunta kami sa carpark kung saan andun na sila naghihintay sa amin.

Binuksan ni daddy ang sasakyan at sila Cheryl naman ay sumakay kay kuya Ray kasama si mommy.

Sumakay na kami at pinaandar na ni daddy ang sasakyan.

Habang papalabas kami ay nakita ko yung dalawa kong kapatid na naghaharutan at si lola naman ay katabi ni daddy sa sasakyan.

“Oh baka mabinat ang kapatid nyo ah!” paalala ni daddy sa dalawa kong kapatid at ngumiti lang sila kay daddy.

“Gusto mo bang magpahinga?” sabi ni kuya at tumango lang ako, kaya sinandal ko ang aking katawan malapit sa binatana at tinignan ang mga dinadaanan namin.

Habang nasa kalye kami ay marami akong nakikitang tao na naglalakad at mga nagtitinda sa gitna ng daan, naisip kong paano sila nabubuhay sa ganung kalagayan, at biglang may kumatok sa bintana ko at tinaas ang mga sampaguita na binebenta, kaya napatingin ako sa kanila.

“Ito pambayad oh!” sabi ni lola at inabot nya sa akin, binaba ko ang salamin sa bintana at binili ang kanyang tindang sampaguita.

“Para saan naman po yan lola?” sabi ni kuya at kahit ako din ay nagtaka.

“Para sa simbahan mamaya! Pupunta kami dun ni Paula para magpasalamat!” sabi ni lola at napangiti naman kami.

Habang umaandar na kami ay nakita kong tumahimik ang dalawa kong kapatid at tinignan sila, nakita kong nakasandal si Jiro kay kuya at tulog silang parehas, kaya napatingin ako kay daddy.

“Excited kasi sila na umuwi ka na! kaya ang kuya mo ay hindi muna pumasok at si Jiro naman ay miss na miss ka na!” sabi ni daddy at tumabi na ako sa kanilang dalawa.

Nakatulog ako ng mahabang oras, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa aking paligid, pero naririnig ko ang katahimikan ng dalawa kong kapatid at ang tanging pag uusap lang nila lola at daddy ang aking naririnig.

Pagkagising ko ay nasa kama na ako, nakita kong nilinis nila ito dahil nagbago ang aking cover sa kama at ang aking kumot, kaya umupo ako at pinilit kong tumayo, kahit nahihilo ay dahan dahan akong naglakad papunta sa terrace.

Nang makapunta ako ay narinig ko sila na nagtatawanan sa may garden agad kong sinilip sila at nakita kong nakaupo sila Cheryl at sila kuya na nagkukulitan.

Napatingin si kuya sa terrace at nakita ako.

“Oh gising ka na pala!” sabi ni kuya at ngumiti lang ako.

“Sige puntahan nyo na ang bestfriend nyo!” sabi ni kuya at nakita kong ngumiti sila sa akin papasok ng bahay.

Umupo ako sa may upuan sa aking kwarto at narinig kong kumatok na sila.

“Pasok kayo!” sabi ko at binuksan nila ang pintuan.

Nakita kong namangha sila sa aking kwarto at nakita ko din si ate Lea na kasunod.

“Oh anong gusto mong kainin?” sabi nya sa akin.

“Ano po ba ulam?” sabi ko lang.

“Marami eh!” biro nya sa akin.

“Kahit ano na lang ate! At paki sabi kay nay Elsa na pagtimpla nya ako ng gatas!” sabi ko at ngumiti si ate Lea at lumabas na ng kwarto ko.

“Wow! Ang daming collection!” sabi ni Luke at napangiti lang ako sa kanya.

“Pwede mo namang hawakan yan eh!” sabi ko sa kanya at binuksan nya ang glass cabinet ko.

“Papa Ken! Alam mo ang kulang na lang dito?” sabi ni Abby sa akin at napatingin ako sa kanya.

“Ano?” sabi ko.

“Kitchen!” biro nya sa akin at natawa naman kami.

“Oh tama na! Tara tulungan natin si Ken na mag aral!” pagputol ni Cheryl at nakita kong niligpit ni Luke ang mga collection ko at pumunta kami sa terrace para mag aral.

“Sabi ni Sir Clarence na may special quiz ka sa kanya, at binigay nya sa akin yung notes para mapag aralan mo daw!” sabi ni Cheryl at napatingin naman kaming tatlo sa kanya.

“Teka? Paano?... Ikaw at si Sir Clarence?...” sabi ko na nalilito sa sinabi ni Cheryl.

“Hay nako papa Ken! Si Cheryl at si sir Clarence eh may something na talaga!” pagbuking ni Abby sa akin at napatingin naman ako kay Cheryl.

“Is... That... True?!!” sabi ko kay Cheryl at natawa lang ito sa amin.

“Basta!” sabi lang nya at natawa kami sa kanyang reaksyon.

“Oh eto naman sa Psych natin!” sabi ni Luke at binigay nya ang notes sa akin.

“Whoa! Ang dami!” sabi ko sa kanila at natawa naman sila sa akin.

“Hindi naman sa binibinat ka namin! Dahan dahan lang no!!” sabi ni Cheryl at sinara ang ilang notes.

Narinig kong may kumatok at binuksan ito ni Luke.

“Ate Lea!” sabi ni Luke at nakita nyang dala nya ang isang tray ng pagkain ko, at kasunod nya si ate Ghie na dala naman ang miryenda nila Cheryl.

“Oh bawal mapagod si Ken!” biro ni ate Ghie sa akin at napangiti lang ako.

“Kailangan kong humabol!” sabi ko sa kanila at ngumiti lang sila sa akin.

“Lakas talaga ng fighting spirit mo Ken! Kahit galing ka sa sakit ayan nag aaral ka na!” sabi ni ate Lea at binaba nya ang pagkain ko.

“Tawagin mo na lang kami kung tapos na kayong kumain ah!” sabi ni ate Ghie at tumango lang ako.

Lumabas na sila ate Lea at ate Ghie at niligpit ko muna ang mga notes at tinulungan naman ako nila Cheryl.

“Tara! Sabayan nyo akong kumain!” sabi ko sa kanila at lumapit sila sa akin at dun na nagmiryenda kasama ko.

“Parang nasa school lang tayo!” sabi nila sa akin at ngumiti lang ako.

“Oo nga pala ken, sa next, next Friday wala tayong class kasi may gaganaping Acquaintance Party sa campus, sabi nila na 6pm ang pasok natin!” sabi ni Luke at tumingin lang ako sa kanilang tatlo.

“Ay nako! Hindi pa ako nakakabili ng damit!” sabi ni Cheryl.

“Ano daw ba ang motif?” sabi naman ni Abby kay Luke na napatigil ako sa pagkain.

“Bakit may motif pa?” sabi ko sa kanila.

“Nung First semester kasi ang motif namin ay floral kasi nga maulan, kaya ang karamihan ay naka pang summer outfit, ngayon ang sabi ay futuristic monster, kasi nga malapit na ang holloween, and ang narinig ko sa administration ay may contest daw, ang mananalo ay may opportunity na mabigyan ng ticket to Japan!” paliwanag ni Luke.

“Whoa! Cool! Paano mo naman nalaman yan Luke?” sabi ko sa kanya at napatigil sila sa pagkain.

“Si Luke kasi ay anak ng dean pero sa ibang department!” sabi ni Cheryl.

“At si Luke ay isang gurl!” sabi ni Abby at kinurot sya ni Luke.

“WHAT!” sabi ko na nabigla sa sinabi ni Abby.

“Okay aminan na!” sabi ni Cheryl.

“What do you mean girl si Luke? Eh mas pogi pa sya sa akin ah!” sabi ko kay Abby.

“I’m discreet bisexual Ken!” sabi ni Luke at literal na napanganga ako sa sinabi niya.

“Yeah! Kaibigan na namin sya since 6th grade!” sabi ni Cheryl.

“I can’t believe it!” sabi ko at parang nailang si Luke sa akin.

“Sorry ah!” sabi ni Luke at tumingin naman ako sa kanya.

“Bakit? Para saan?” sabi ko sa kanya.

“Sa pagtatago ko ng aking totoong kasarian!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa kanya.

“Well kaibigan ko naman kayo eh! okay lang yun and beside ako din may aaminin?!” sabi ko sa kanila at nakita kong napatutok sila sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

“Parehas kami ni Luke!” sabi ko sa kanila at parang walang reaksyon ang mga mukha nila.

“Oh bakit hindi kayo nagulat?!” sabi ko sa kanila at umalis ang mga tingin nila sa akin.

“Akala ko naman kung ano na!” sabi ni Cheryl at nagtaka ako sa sinasabi nya.

“Akala ko naman tungkol sa dalawa!” dagdag ni Luke.

“Oo nga! Alam na namin yan no!” sabi ni Abby na ikinabigla ko.

“Teka? Paano nyo nalaman? Eh hindi ko pa naman sa inyo sinasabi?!” sabi ko sa kanila at ngumiti sila sa akin.

“Kay kuya Kino at Jiro! Sila nagsabi sa amin!” sabi ni Cheryl.

“Sa una nga hindi kami makapaniwala kasi talagang hindi kita naaamoy! Kaya pinagmasdan kita sa mga nagiging reaksyon mo sa magkapatid!” dagdag ni Luke sa akin.

“At kahit naman maging ganyan ka eh okay ka pa din! Kasi kami lang ang nakaka alam nyan! Walang makakalabas na secrets sa tropa natin!” sabi ni Abby at ngumiti naman ako sa sinabi nila.

Naramdaman ko ang pagpapahalaga nila bilang tropa ko at masaya ako sa ginagawa nila.

Natapos ang araw namin at nagpaalam na sila at babalik na lang bukas para sa ibang notes, at lumipas ang ilang araw ay nakapasok na ako.

Pagkagising ko kinaumagahan ay nakita ko si Jiro na nasa loob ng kwarto ko at hinintay nya akong magising.

“Good morning kuya!” sabi nya sa akin at ngumiti ako.

“Tara na hinihintay ka na namin kasabay kumain!” sabi nya sa akin at pumunta muna ako sa CR para magsipilyo.

Pagakalabas ko ay agad kaming bumaba ng sabay at pumunta sa dinning room, nakita kong kumpleto kami at kumain na kami sabay sabay.

Nang makatapos na ako ay agad akong umakyat para maligo at pumasok.

“Oh wag magtatatakbo!” sabi ni mommy at naglakad ako paakyat.

Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay narinig ko ang aking phone na tumutunog, kaya sinagot ko ito.

“Hello?” sabi ko.

“Si Ace ito!” sabi nya sa akin.

“Oh bakit?” sabi ko lang sa kanya.

“What time ka lalabas ng bahay nyo?” sabi nya at napakunot ang aking noo.

“What do you mean?” sabi ko sa kanya.

“Anong oras ka papasok I mean!” sabi nito at natawa naman ako.

“After kong magbihis! Bakit?” sabi ko sa kanya at naramdaman kong binaba na nya ang phone, nagtaka naman ako at pumasok na ako sa CR at naligo na.

Habang naliligo ay hindi ko pa ding makalimutan ang panaginip ko sa ospital.

“Sino kaya yun?” sabi ko sa aking sarili at nagmadali nang mag banlaw dahil sasabay ako kila daddy.

Nang matapos na ako ay agad kong kinuha ang uniform ko at sinuot na ito, hindi ko muna inayos ang buhok ko dahil baka malate ako.

“Dad?! Kuya?!” sabi ko pagkababa galing sa kwarto ko.

“Wala na sila!” sabi ni lola at nakita kong nakangiti ito sa akin.

“Huh?! Eh lola paano po ako? Iniwan nila ako?!” sabi ko kay lola at kinuha ang phone para tumawag pero pinigilan ako ni lola.

“May naghihintay kasi sayo kanina pa kaya hindi ka na sinabay ng daddy mo!” sabi ni lola at tinuro ang nasa sala na naghihintay sa akin.

Nang makita ko ay kaparehas ng aking uniform at tumayo ito.

Humarap sya sa akin at nagulat naman ako.

“Good Morning!” Sabi nya sa akin.

“A—RGEL?!” sabi ko at ngumiti sya sa akin.


To be continue...


[16]
“Good Morning!” Sabi nya sa akin.

“A—RGEL?!” sabi ko at ngumiti sya sa akin.

Nagtataka ako sa ginawa ni Argel at pati na din si Ace, kaya napangiti lang ako sa kanya.

“Bakit ka andito?” sabi ko sa kanya.

“Sabay na tayo pumasok!” sabi nito sa akin at nagulat naman ako.

“EH?!” sabi ko sa kanya at binigyan sya ng juice ni lola.

“Apo sige na! pumasok ka na kasabay siya!” Sabi ni lola at parang pinagplanuhan nila ito sa akin.

“Patay kayo sa akin!” sabi ko sa aking sarili at wala na akong nagawa at sumabay kay Argel.

“Marunong ka bang mag drive?” sabi ko sa kanya at tumingin ito sa akin habang papalabas kami ng gate.

“Oo naman! Bakit ikaw?” sabi nya sa akin.

“Hindi eh! takot akong mag drive!” sabi ko sa kanya at pinagbuksan nya ako ang pintuan.

Nang makapasok na kami ay agad nyang pinaandar ang sasakyan, at umalis na kami.

“Salamat manong!” sabi nya sa guard ng subdivision at binigay sa kanya ang school ID ni Argel.

“Sige! Ingat kayo!” sabi ng guard at umalis na kami.

“Oh mag seatbelt ka!” sabi nya at sinuot ko ang seatbelt.

Habang nasa daan ay napansin kong patingin tingin si Argel sa akin.

“May problema ka ba sa mukha ko?” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito.

Tumigil kami sa isang stoplight at nakita kong tumitig sya sa akin.

“Alam mo ba yung sinabi ko sayo sa ospital?” sabi ni Argel at naalala ko ang sinabi nya.

“Na ikaw ang poprotekta sa akin?” sabi ko at sabay tawa sa kanya.

Tumingin lang sya at napatigil ako sa pagtawa.

“Bakit naman?” sabi ko sa kanya.

“Dahil ayokong nahihirapan ka! Mahalaga ka sa akin Ken!” sabi ni Argel at natulala naman ako sa sinabi nya.

“Ano !?! Mahalaga ako sayo?!” paulit ko sa sinabi ni Argel at tumango lang sya sa akin.

“Ang awkward nga eh! iba itong nararamdaman ko pagdating sa iyo, parang may isang bagay na tumutulak sa akin na protektahan ka! at eto ang ginagawa ko!” sabi nya sa akin at natahimik ako.

Umandar na kami ulit at hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Argel, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at binasa ang text.

“Malapit ka na ba?” sabi ni Ace sa akin.

“Yep! Mga ilang minutes na lang!” reply ko sa kanya at agad na nagreply sya.

“Hintayin kita sa locker mo ah!” sabi nya sa akin.

“Okay!” sabi ko lang sa kanya at hindi na nagreply sya sa akin.

Nang makapasok na kami sa gate ng school ay agad nang pinark ni Argel ang sasakyan niya, at agad na akong lumabas.

“Ken!” sigaw ni Argel sa akin at tumingin ako sa kanya.

“Text mo ako kapag tapos ng class mo!” sabi ni Argel at ngumiti lang ako sa kanya.

Pagkapasok ko ay agad akong binati ng guard at napansin kong kakaiba ang mga kinikilos nila.

“Ikaw ba si Ken?” sabi ng isang estudyante.

“Yeah...? why?” sabi ko na parang awkward ang araw na yun para sa akin.

“I’m miko!” sabi nya at kinamayan ko sya.

“So san department ka?” sabi nito sa akin.

“Bakit?” sabi ko lang habang naglalakad kami sa loob ng campus.

“Uhm, wala lang! gusto ko lang kasing maging kaibigan kita, masama ba?” sabi nito sa akin at nagtaka ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Feeling ko ang lahat ng bagay ngayon ay may dahilan, pero ano yun? Para ba talaga sa akin yun?

Kaya tumigil ako at humarap kay Miko.

“Ano bang meron?” sabi ko sa kanya at nabigla naman sya sa sinabi ko.

“Uhm, wala lang naman!” sabi nito sa akin at nainis ako.

“Oh bakit ka pa makikipagkaibigan sa akin? Eh hindi nga kita kilala eh!” sabi ko na napataas ang boses at naglakad ng mabilis.

Naiwan si Miko sa lobby at umakyat na ako papunta sa locker ko.

Pagkadating ko dun ay nakita kong may mga nakasabit na cards at flowers, tinanggal ko ito agad at binuksan ang locker ko, pagkabukas ay napansin kong may card dun at binasa ko ito.

”Kung mababasa mo ito, ibig sabihin na nasa 4th floor na ako naghihintay sayo at gusto ko ulit makita ang iyong ngiti! –ACE”

Napabuntong hininga naman ako at tinignan ang oras sa aking relo, may ilang minuto pa bago mag umpisa ang klase namin at pumunta sa 4th floor para sunduin si Ace na naghihintay sa akin.

Nang naglakad na ako sa hallway ay napansin kong nakatingin sa akin ang mga estudyante at napansin kong isa isa silang binibigyan ako ng bulaklak at nagtataka naman ako.

Habang nasa hagdan ay nakita kong may nagbigay sa akin ng teddy bear at ngumiti lang ako sa kanya.

“Malapit ka na!” sabi nya at ngumiti lang ulit ako.

Habang nilalakad ko ang hallway sa 4th floor kung saan walang classroom at tanging auditorium, AVR, at Library ang mga room dun ay napansin kong may nagbukas ng pintuan sa Auditorium at pinapasok ako.

“Wait ka lang dito ah!” sabi ng isang estudyante at biglang namatay ang ilaw.

“Hey! Wala namang ganituhan oh!” sigaw ko at hinanap ang pintuan dahil sobrang dilim.

“Buti andito ka na!” sabi ng isang pamilyar na boses.

Napatigil ako at tumayo lang.

“Nakikita mo ba ako?” sabi nya at biglang natawa naman ako.

“Baliw ka ba? Paano kita makikita? Eh madilim nga!” sabi ko at bilgang dahan dahang nagkaroon ng mga maliliit na ilaw.

“Sundan mo ang ilaw!” sabi nito sa akin.

Sumunod naman ako at naramdaman kong nasa mataas na lugar ako.

“Ngayon pumikit ka muna at bumilang ng tatlo!” sabi nito sa akin at ginawa ko naman ito.

“Oh bibilang na ako ah!” sabi ko at wala namang sumagot.

“Isa!” sabi ko at naramdaman kong may mga nagtatakbuhan.

“Dalawa!” naririnig kong may nag aayos ng mga upuan.

“Tatlo!” at pagmulat ko ng aking mata ay nakita kong dahan dahang lumiwanag sa loob ng auditorium at nakita kong punong puno ng petals ang loob ng auditorium, at sa isang banda ay lumabas sa dilim si Ace na may hawak na bulaklak.

“Ace?!” sabi ko lang na nabigla ako.

Ngumiti lang ito sa akin at biglang tumugtog ang isang kanta.

[Cher Lloyd: Love me for me]

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero awkward talaga ang araw na ito sa akin.

Lumapit sya sa akin at binigay ang isang rose.

“Dahil sayo nabuo ang mundo ko! Dahil sayo ay natutunan kong ngumiti sa bawat umaga na naririnig ang iyong malambing na boses, at ngayon ay andito ka na sa aking harapan!” sabi nito at lumuhod ito sa akin.

Nagulat naman ako sa ginawa nya.

“Teka ano ito?!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang sya na parang hindi nya naintindihan ang sinasabi ko.

“Nang dahil sa halik na binigay mo sa akin, dun ko narealize na hindi lang kaibigan ang gusto ko sayo!” sabi nito at napakunot ang noo ko.

“Hoy Ace! Baliw ka na ba?!” sabi ko sa kanya at tumayo naman ito.

“Oo nabaliw ako sayo! Kaya tatanungin kita at sagutin mo ako ng Oo o Hindi lang.” sabi nya at napabugtong hininga ako.

“Pwede ba akong manligaw sayo?” sabi ni Ace at nakita kong lumabas isa isa ang mga tao sa dilim at nakita ko din si Miko dun.

“Ano ito? Set up!?!” sabi ko at ngumiti lang ito sa akin.

Hindi sya sumagot at nakita kong nagkakantyawan ang mga tao sa paligid namin.

“Ken! Sige na! sagutin mo na siya!” sabi ni Miko at natawa ako sa sinabi nya.

“Ano sagot mo?” sabi nya sa akin na parang hindi mapakali.

“Um... masaya naman ako ngayon dahil andyan kayo, gusto ko munang mag isip!” sabi ko sa kanya at binitawan ko ang kanyang kamay.

“KEN!” Sigaw ni Ace at nagtatatakbo ako papalayo sa auditorium at pumasok na sa classroom.

Pagkapasok ko sa room ay napansin kong walang tao.

Maya maya pa’y pumasok si sir Clarence.

“Oh Yoshihara nakapasok ka na pala!” sabi nito at ngumiti lang ako.

“Bakit po wala mga classmates ko?” sabi ko lang at napatingin ito sa akin.

Tumingin sya sa kanyang relo at tumingin sya sa akin.

“Siguro hinihintay ang bell!” sabi nito sa akin at agad syang nagsulat.

“By the way, kunin mo ito at sagutan na! dahil wala ka pang grade sa quiz.” Sabi ni sir Clarence at kinuha ko ang test paper sa kanya.

Habang nagsasagot ako ay narinig ko nagring ang bell at pinasa ko na sa kanya ang test paper at nakita kong nakatingin sa akin sila pagkapasok sa room.

Nakita ko sila Cheryl, Abby at Luke at tumabi sa kanila.

“Ano bang meron at parang awkward ang mga tao!?!” sabi ko sa kanila at ngumiti lang sila sa akin.

Habang nag aaral kami ay hindi ko napansin na pumasok si Ace sa class namin kay sir Clarence pero hindi ko muna sya iniisip, at biglang nag buzz ang speaker at tumahimik ang lahat.

“Paging Mr Ken Yoshihara of Finance department...
Please proceed to AVR immediately!” sabi ng isang babae at agad akong nagpaalam at pumunta sa AVR.

Nakita ako ng mga estudyante at napatingin sa akin, almost lahat ng nadaanan ko ay nakatingin at nakangiti.

Nang maka akyat na ako sa 4th floor ay agad akong pumasok sa AVR at nakita ko sila tita Margie at tito Polo dun!

“Buti naman magaling ka na!” sabi ni tito Polo at ngumiti lang ako.

“Ken! Ang pogi mo pa din!! I miss you so much! Kelan ka dadalaw sa bahay?” sabi ni tita Margie at napangiti lang ako sa ginawa nila.

Umupo kami at tinapatan ako nila tito Polo at tita Margie.

“Okay straight to the point!” sabi ni tito Polo na nagtaka naman ako.

Nakita kong tumahimik si tita Margie at bigla akong kinabahan.

“Sino ba mahal mo sa mga anak namin?” sabi ni tita Margie at nagulat ako sa sinabi niya sa akin.

“Ah!... Eh... Kasi po... Kaibigan ko lang po talaga sila!...” pagdepensa ko at ngumiti lang sya sa akin.

“Ken, tinuring ka naming part ng family kaya don’t hesitate to tell us kung sino? Kasi we know your secrets!” sabi ni tito Polo at nagulat naman ako.

Mukha akong binuhusan ng malamig na tubig at parang naligo sa espasol sa kaba at halatang namumutla sa mga pinagsasabi nila.

“Your dad tell me all! Kaya hindi naman kami nagagalit kasi alam namin na mabait ka! basta sabihin mo lang sa amin ng papa Polo mo kung sino ang mahal mo sa dalawa kong anak!” sabi ni tita Margie.

“Nabibingi ba ako o talagang totohanan ito? Papa Polo?!!! Bakit?! And why should I choose sa magkapatid? Eh hindi ko pa nga sila pinapayagan manligaw or whatsoever! Bakit ba ako ang pinagtripan ng tadhana? Nakakainis naman!!” sabi ko sa aking sarili.

Niyakap nila ako at naramdaman ko ang init ng pagkakayakap nila.

“Call us Mama and Papa!” sabi nila at ngumisi lang ako dahil hindi pa din napasok ang impormasyon na pinagsasabi nila sa akin.

“Oh bakit nag aalangan ka pa?” biglang pasok ng kanilang lolo na may ari ng school.

“Sir? Kasi po—“ tanging nasabi ko lang at pinutol nya ito.

“It’s okay lang! kahit wala kaming apo sa dalawa na yun ay nakita naman namin na masaya sila sa iyo, pero ikaw masaya ka ba sa nararamdaman mo?” sabi nito at umiling ako.

“Sir will you excuse me, I need to get some air!” sabi ko at umalis bigla para lumabas.

Tumakbo ako papunta sa rooftop at nagsisisigaw.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin at hindi ako pinakawalan.

“Tama na Ken!” sabi nito sa akin at biglang patak ng mga luha ko.

 “Ano bang nangyayari bakit kayo ganito?!” sabi ko lang habang nahikbi at nilalabas ang sama ng aking loob.

“Dahil mahal kita!” sabi nito sa akin at napatingin ako sa kanya.

“A...Argel?!” sabi ko nang makita ko sya at hinawakan nya ang aking mukha at pinunasan ang aking luha.

“Oo Ken ako nga ito! Si Argel James Casanova na nagsasabi ng kanyang damdamin!” sabi nya sa akin at natulala ako.

“Argel? Pwede bang itigil mo ang kahibangan mo! Dahil hindi ko kayo maintindihan magkapatid! Ano bang iniisip nyo? Ayokong masaktan na! takot na akong masaktan! Please lang okay na tayong magkakaibigan diba?!” sabi ko sa kanya at nakita kong lumapit sya sa akin at niyakap pa din nya ako.

Nagpupumiglas ako at hindi nya ako binibitawan, narinig kong umiiyak din sya at napatigil naman ako at tinignan siya.

“Bakit ba?! Ano bang meron sa akin at nagkakaganyan kayong magkapatid?!” sabi ko sa kanya.

“Dahil gusto kitang maprotektahan! Dahil mahal kita at wala akong pakielam sa mga tao na huhusga sa ating dalawa! Kahit anong mangyari andito ako at mamahalin kita hanggang sa iyong huling hininga!” sabi ni Argel at nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

“Argel?” sabi ko at tumingin naman sya sa akin.

“Pwede ba akong mag isip muna?” sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.

Bumaba ako sa rooftop at pumasok ulit sa AVR kung saan andun sila tito Polo, pagkapasok ko ay niyakap nila ako at nagsorry sa akin.

“Sorry kung nabigla ka!” sabi ni tita Margie.

“Okay lang po yun! Alam ko na po ang sasabihin ko sa inyo!” sabi ko sa kanila at agad silang tumingin sa akin.

“Pag iisipan ko po ng maigi dahil sinabi po ng anak nyong si Aaron sa aking panaginip ay makikita ko ang kasiyahan ko kaso nasa dalawang tao yun, at pinapasabi po nya na mahal nya po kayong lahat!” sabi ko at niyakap nila ako.

“Pati ang apo kong si Aaron ay gusto ka!” biro ni sir Casanova at nagtawanan kami.

Bumaba na ako at nakita ang mga classmates ko na papalabas na sa classroom.

“Friend!” sigaw ko kay Cheryl at nakita kong ngumiti ito.

“Magsabi kayo! May alam kayo dito no!” sabi ko sa kanilang tatlo at napakamot ng ulo si Luke at si Abby naman ay sumisipol.

“Sorry friend! Kasi sabi nila Mr Casanova na wag maingay sayo eh!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“So anong balita?” sabi ni Luke at nakita akong namumugto ang mata.

“Meet the parents ang eksena! Ayun! Kinausap nila ako then sabi kong pag iisipan ko muna!” sabi ko sa kanila at naglakad kami papuntang cafeteria.

Habang nasa cafeteria ay agad kong napansin na marami nanaman ang tao kaya bumili lang kami at bumaba sa locker area para dun kumain dahil may upuan dun.

Pagkababa namin ay napansin ko nanaman ang locker ko na puno nanaman ng cards kaya binuksan ko ito at pinasok ang mga cards sa loob, pagkasara ko ay nakita ko si Ace, at tinawag siya ni Cheryl.

“Dito ka na sumabay sa amin!” sabi ni Cheryl at napangiti lang ako.

Tumanggi si Ace at napatingin sa akin si Cheryl na sinasabing kausapin ko sya, kaya ginawa ko yun.

“Josef” sigaw ko at agad syang tumingin sa akin at nilapitan ako.

“Ano yun?” sabi nya na halata ang tono nyang nainis.

“Sabay ka na kasi sa amin! Tandaan mo hindi ko pa sinasagot ang tanong mo!” biro ko sa kanya at tumawa ito.

“Joke ba yun?” sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya.

“Sa tingin mo?” sabi ko sabay ngiti sa kanya at bumalik sa pwesto namin.

Napansin kong lumapit na sya sa amin.

“May alam akong lugar na pwedeng umupo!” sabi nya at agad naman silang sumunod kay Ace.

Wala na akong magawa kungdi sumunod sa kanila at umakyat kami sa cafeteria at pumasok sa loob para dun kumain, sa una ay nakakailang kasi para sa mga staff yun ng school, pero sila Cheryl ay parang wala lang sa kanila.

Tumabi sa akin si Ace at napangiti lang ako sa kanya, naging okay na ulit kami ni Ace kaya lang may konting ilang pa din sa kanya dahil sa kanyang sinabi sa akin.

Habang nagtatawanan kami ay may kumalabit sa akin sa aking likod at nakita ko si Argel.

“Pwede bang patabi?” sabi nito sa amin at tumango lang sila Cheryl.

Napatingin naman ako sa kanila at ngumiti lang ito sa akin.

“My God! Please naman!” sabi ko sa aking sarili at nagulat na lang ako nang tumabi sya sa kabilang part at napagitnaan ako ng magkapatid.

“Ken! Eto burger oh!” sabi ni Argel at binigay nya sa akin ang binili nyang burger.

“Thanks!” sabi ko lang.

Napatingin sila Cheryl kay Argel at nagtataka.

“Ken gusto mo ba ng spaghetti?” sabi ni Ace at binigay nya sa akin din ang spaghetti at napatingin naman sila Cheryl kay Ace.

Hangganag sa hindi na makayanan nila Cheryl ang dalawa kaya inawat nya ito.

“Teka nga lang!” sabi nito at hinarangan nya ako sa dalawa.

Napatingin ang dalawa at nagpasalamat ako kay Cheryl.

“Alam nyo, patatabain nyo naman si Ken eh! nakita nyong hindi na nya maubos ang mga binibigay nyo!” sabi nya at hinila ako papalabas ng cafeteria.

“Sorry Cheryl!” sabi ko sa kanya at tumigil sya.

“Ikaw naman! Pwede bang lumayo ka muna sa kanilang dalawa?! Kami nahihirapan eh!” sabi nya na medyo nainis sa ginawa ko.

Tumango lang ako at niyakap naman ako ni Abby.

“Naiintindihan ka namin! Wag ka nga dyang maging emo! Di bagay sayo!” sabi ni Abby at napangiti ako.

“At take note! Silang dalawa ang nanliligaw sayo! My God kung ako lang yan, siguro pinagsabay ko na sila!” biro ni Luke at binatukan siya ni Cheryl.

“Kahit kelan talaga kayo! Hindi kami nagagalit ken, ang amin lang ay dapat ilugar mo ang sarili mo! You’re a college student na! not a high school!” sabi nito sa akin at niyakap ko sila.

Natapos ang araw ko sa school at parang ang lahat ay ngayon pa lang pumapasok.

Nakita ko si daddy at sumakay na ako at umalis na kami.

“Oh anong nangyari sayo?” sabi ni daddy na medyo natatawa sa aking mukha.

“Bakit dad? May dumi ba?” sabi ko at pinatingin nya ako sa salamin.

Nakita kong puro pintura ako dahil nag paint kami sa humanities at hindi ko ito natanggal.

“Oh baka may gusto ka pang puntahan!” sabi ni daddy at umiling lang ako sa kanya.

Biglang nag ring ang phone ko.

“Chelsea!” sabi ko

“Bunsoy ano pala address nyo dyan? Hindi ko pa kasi napapadala yung binili nyo!” sabi nito sa akin at natawa naman ako sa kanya.

Binigay ko ang address namin at contact number.

“Thanks ah! Sino pala kasama mo ngayon?” sabi ni Chelsea at sinabi kong pauwi pa lang ako galing sa school.

“Paki sabi kamusta na lang ah! Sige may gagawin pa akong inventory!” sabi nya at binaba na nya ang phone.

“Oh bakit anong sabi ni Chelsea?” sabi ni daddy sa akin.

“Wala lang po! Yung gift ko kay Jiro hindi napadala kasi hindi alam ni Chelsea yung address natin!” sabi ko at ngumiti lang si daddy.

Nang makauwi na kami ay bumaba na ako at parang maingay ang bahay kaya nagmadali akong pumunta sa kusina kung saan andun si mommy at nagulat ako sa aking nakita.

“Good Evening!” sabi ni Tita Margie

“Oh my God! Ano nanaman ito?!” sabi ko sa aking sarili at ngumiti lang ako sa kanya.


To Be Continue...


[17]
“Good Evening Ken!!” bati sa akin ni tita Margie.

“Ano pong ginagawa nyo dito tita?” sabi ko at napatingin naman si mommy sa akin.

“Ah... eh... Kasi nagpapaturo ako kay Paula ng pagluluto!” sabi nya sa akin at napangiti lang ako.

“Mommy, akyat muna po ako sa kwarto, medyo napagod po ako sa school eh!” sabi ko at mabilis akong umakyat sa kwarto.

Sinarado ko ang aking kwarto at nagpatugtog ng malakas para mawala ang badtrip na nararamdaman ko sa mga narinig ko kanina.

Pumunta ako sa aking study table at nag aral, naramdaman kong hininaan ang speaker ko at napatingin, nakita ko si kuya ang pumasok.

“May problema ka nanaman ba?” sabi nito sa akin at lumapit sya sa akin.

Dati pa lang ay open na ako kay kuya Kino, kahit anong sikreto ko ay alam nya dahil simula pa nung bata pa ako ay sya na ang nag alaga sa akin, kaya alam nya ang mga nararamdaman ko.

Tinigil ko muna ang ginagawa ko at tumingin sa kanya.

“Oh may problema ka nga!” sabi nya sa akin at napatungo naman ako.

“Paano kasi sila—“ sabi ko at hindi na nya ako pinatapos.

“Sila Ace at Argel ba?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako.

“Wag kang mag alala ganyan din ang narinig ko sa pag uusap nila mommy at tita Margie!” sabi ni kuya sa akin at naging blanko ang ekspresyon ng mukha ko.

“Sabi ni tita Margie, yung dalawang anak nila ay laging nakikipag kompitensya sa isa’t isa, nung tanungin naman sila ay sinasabing wala namang problema, pero nung narinig nga nya one time na nag usap ang magkapatid, ay nalaman nyang ikaw nga ang dahilan!” sabi ni kuya at napatungo naman ako.

“Bunso! Wag kang mag alala, hindi ka sinisisi ni tita Margie, kung ako ang nasa kalagayan mo lalayo muna ako sa kanila at mag fo-focus sa pag aaral! Saka na yang usapang puso! Dahil makakasira yan sa pag aaral!” sabi nya sa akin at ginulo nya ang buhok ko.

“Okay kuya! Gagawin ko yang payo mo!” sabi ko sa kanya at tumayo na sya at pumunta sa kwarto nya.

Nag focus ako sa pag aaral nung gabing iyon at nang tinawag ako para kumain ay hindi na ako bumaba at pinadala ko na lang ang pagkain ko sa kwarto, naging routine ko na ang payo ni kuya kahit sa pagpasok ko sa school ay nagbago na din simula nang magkagulo ang magkapatid.

After two weeks ay akala ko nagbago na ang lahat pero nagkamali pala ako...

“Good morning!” bati ko kila Cheryl, Abby, at Luke na kakadating lang din.

“Oh natapos mo na ba yung report natin sa Anthro?” sabi ni Cheryl at tumango ako.

Pinakiusapan ko ang professor ko na makipagpalit at gawing partner si Cheryl pumayag naman sya at nakita ko naman si Ace na tumango sa pakiusap ko.

“Tara na pumasok!” sabi ni Luke at Abby na parang excited.

“Kinakabahan ako!” sabi ko at inakbayan ako ni Cheryl.

“Wag kang mag alala! Kaya natin yan!” sabi nito sa akin at ngumiti ako.

Pagpasok namin ay nakita kong nagbago ang ayos ng seat at nakita kong handa na ang projector para sa presentation namin.

“Okay class! Last topic ay kila Ace at Luke, now next presenter?” sabi ng Professor namin at tumayo na kami.

Nilabas ko ang laptop ko at kinabit sa projector, nararamdaman ko ang kaba sa aking dibdib at hinawakan ako ni Cheryl para pakalmahin.

“Good morning class me and my buddy have two topics to discuss, first is the language and culture and Language that influence the culture to be presented later by Ken Yoshihara!” sabi ni Cheryl at nagpalakpakan sila.

Walang napasok sa aking impormasyon nung mga oras na yun at habang binabasa ko ang aking script ay biglang nag vibrate ang phone ko.

“Galingan mo!” text ni Argel sa akin at napatingin ako sa pintuan at nakita ko syang nakatingin sa akin.

Binalewala ko na lang yun at nagpatuloy sa aking pagbabasa nang biglang may isa pang text na pumasok.

“Good luck Ken!” text ni Ace at napatingin naman ako sa kanya na katabi nya si Luke at Abby, pero hindi sya nakatingin sa akin kaya binalewala ko na lang yun at pinatay muna ang phone ko.

Nang matapos na si Cheryl magreport ay agad na nya akong tinawag.

“Good Morning Classmates! My topic is all about language that influence/affects the culture, now let’s look back what my buddy said earlier, that language is the primary source that a person could communicate, and now we take back to my topic which is the influence of language.” Sabi ko at nakita ko ang lahat ay nakatutok sa akin.

Nagsimula na ako magreport at napansin ko sila na napapangiti sa akin.

“Excuse me Mr Reporter!” taas ng kamay ni Ace at napatingin naman ang lahat sa kanya.

Nakita ko si Cheryl na sumesenyas na maging formal lang sa kanya.

“Yes?” sabi ko lang at tumayo ito.

“Sabi mo kanina na maraming pinang galingan ang language, my question is what about infatuation? Diba parang language din sya?” sabi ni Ace at natahimik ako ng ilang segundo.

“Well thanks for that nice question Mr Ace, well as a matter of fact infatuation means your mind or thought tell that you have an admiration to a person who makes every time important” sabi ko at parang ako ang natamaan dun kaya bumawi ako sa aking sumunod na explanation.

“For example your friends! Maraming klase ang pagkakaibigan, pero nung pinahalagahan mo ang isang bagay ay hindi na pagkakaibigan yun, admiration na tawag dun!” sabi ko at umupo na sya.

Natapos akong magreport at tumayo kami ni Cheryl para magpasalamat sa kanila, at binigyan kami ng applause at pati ang professor namin ay pumalakpak.

“Sabi ko sayo eh!” bulong sa akin ni Cheryl at ngumiti lang ako.

Nag ring na ang bell at napansin naming lunch break na kaya niligpit na namin ang mga gamit namin at tumulong sila Luke at Abby.

“Tara may alam akong bagong bukas na Resto!” sabi ni Luke at ngumiti kami.

“Para kay Papa Ken treat namin kayo!” sabi ni Abby at nagpasalamat ako.

Lumabas na kami ng classroom at naglakad na pababa, nakasalubong namin ang grupo ni Argel at napatigil kami.

“Pare kamusta?!” bati sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Argel.

Tumango lang ako at ngumiti at nang maglalakad kami ay naisip kong pumunta muna sa locker para ipasok ang mga report namin.

Nang makapunta kami ay nakita ko nanaman na may card dun pero parang kakaiba ito, kaya nilagay ko muna ang mga report namin at kinuha sya para basahin mamaya sa carinderia.

Habang naglalakad kami pababa ng lobby ay nakita ko si Vhin na captain ng tennis team ng school namin at lumapit ito sa akin.

“Yo Ken!” bati nya sa akin at nag apir kami.

“Oh kamusta?” sabi ko sa kanya.

“May meeting later! See yah!” sabi nito sa akin.

“Teka? Diba di pa ako kasali dyan? Trainee pa lang naman ako ah!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“May promotion na magaganap!” sabi lang nya sa akin at tumakbo na papalayo sa amin.

Tumingin sila Cheryl sa akin.

“Sasama ba kayo?” sabi ko sa kanila.

“Loko ka ba? Boses namin ang pinuhunan nung nag apply ka dyan! Tapos hindi kami sasama ngayon?” sabi ni Cheryl at ngumiti ako.

“At FYI wala kaming pakielam kung hindi ka makasali sa promotion! At least andun ka pa din sa tennis team na pinaghirapan mo!” sabi ni Abby at inakbayan ko ito.

“Kami kaya ang mga fans mo!” sabi lang ni Luke at tumawa silang dalawa ako naman ay napakamot ng ulo.

“Kayo talaga! super support sa akin ah!” sabi ko lang sa kanila at ginulo ang buhok ko.

Naglakad na kami sa pathway papalabas ng campus para puntahan ang sinasabi ni Luke na bagong bukas na carinderia.

Habang naglalakad kami ay biglang nagulat si Cheryl sa bola ng basketball dahil tumama ito sa pader na katapat namin at napatigil naman kami, napatingin ako kung sino ang gumawa at nakita ko ang mga baketball players at lumapit ang isa sa amin.

“Okay lang ba kayo?” sabi nito at naalala ko si Argel sa kanya.

“Oo muntikan lang!” biro ni Cheryl at umalis na kami.

Pagkalabas ng campus ay naglakad kami sa esquinita at pagkalabas namin ay nakita ko ang hale- halerang carinderia at resto na tumatawag sa amin para kumain sa kanilang tindahan.

“Tara dito tayo!” sabi ni Luke at sinundan namin sya.

Nagulat ako nung tumigil si Luke sa isang restaurant at nabasa ang pangalan nito.

“KENYOS Grill” sabi ko at napatingin naman kami kay Luke.

“Okay ano to?” sabi ni Cheryl kay Luke at nagtataka kami.

“Ahh... Heh Heh! Basta pumasok na lang tayo!” sabi ni Luke at pumasok na lang kami.

Ang ganda ng ambience dahil sa kulay, at ang design ng interior ay maganda din, may mga bonsai sa gitna ng mga lamesa na parang japanese ang sineserve nila.

“Good afternoon mga bata!” bati ng isang pamilyar na boses.

“Tita Margie!” pagkakagulat ko at nagtinginan ang mga kumakain sa akin.

“Hehe! Surprise!” sabi nya at napakamot lang ako ng ulo.

“Mare!” sabi ng isang pamilyar na boses na nanggaling sa aking likuran.

“Mommy!?!” pagkakagulat ko at ngumiti ito sa akin.

“Surprise?” sabi ni mommy at napatango lang ako.

“Kami ni mareng Paula ang nagmamanage dito! At tignan nyo ang menu namin!” sabi ni tita Margie at pinagmalaki ang menu nila.

Naghanap kami ng upuan at pinapunta kami sa taas at nakita kong may menu book dun kaya agad kong binasa ito.

“Ken’s Choc?” sabi ni Cheryl at natawa naman sila.

“Argel’s Burger?!” gulat na sabi ni Abby.

“Ace of Veggie?!” sabi naman ni Luke na natawa naman kami sa pangalan.

“Oh meron pa!” sabi ko.

“Cheryl and Lemon!” sabi ko nang mabasa ko ang drinks nila.

“Eto mas grabe oh!” sabi ni Cheryl.

Tumingin kami sa kanya.

“Abby’s Nightmare Heaven!” sabi ni Cheryl at naghagalpakan kami sa kakatawa.

“Meron akong bawi!” sabi ni Abby.

At tumahimik kami nang makita namin ang mukhang palabiro ni Abby.

“Lukeys and Cream!” sabi ni Abby at naghagalpakan kami sa kakatawa.

Umakyat sila mommy at tita Margie sa amin at nakitang nagtatawanan kami.

“Nagustuhan nyo ba ang concept?” sabi ni tita Margie at tumango lang kami.

“Oh alam ko na ang kakainin nyo! Geh dun muna kami ah!” sabi ni tita at sabay na bumaba sila mommy at tita Margie.

Habang naghihintay ay napansin ko si Argel at Ace sa isang banda ng carinderia kaya napatingin naman ako kay Luke.

“Teka lang guys ah! Kakausapin ko lang si Luke sa CR!” sabi ko at hinila ko si Luke.

Nang makapunta kami sa CR ay agad kong hinarap si Luke.

“Okay Luke! Sabihin mo ang totoo sa akin?!” sabi ko sa kanya at napangiti naman ito.

“Ken, sinabi sa akin ni Argel at Ace itong resto nila tita, kaya naisip namin na pagtagpuin kayong tatlo dito! And besides wala namang masama diba? Dahil wala ka pang napipili sa kanila?!” sabi nya sa akin at nahimasmasan ako sa sinabi nya.

“Tama ka nga wala pa naman akong pinipili sa kanila pero diba sabi ko sa inyo na iiwasan ko muna sila?” sabi ko at tinapik nya ang balikat ko.

“Ken it’s almost 2 weeks na simula nung iniwasan mo sila! And I am sure hindi naman sila tanga para hindi magets yun! Kaya alam namin na okay na ang situation! Tama na ang pagtakbo sa kanila! Face them!” sabi ni Luke at niyakap ko sya.

“Oh tama na ang powder ko sa mukha ko baka matanggal!” biro nya sa akin at agad naghilamos kami.

“Tara na ba?” sabi nya sa akin at tumango ako.

Lumabas kami sa CR at inakbayan ko sya na parang walang nangyari.

“So nalaman mo na?” sabi ni Abby at tumango lang ako, nakita ko naman si Cheryl na ngumiti sa akin at tinawag ang dalawa.

“Hi guys! We miss you!” sabi nila sa magkapatid at ako naman ay hindi makapagsalita.

“Kamusta naman ang buhay buhay after 2 weeks?!” sabi ni Cheryl na parang ako ang pinapatamaan.

“Okay lang naman! Narealize namin na hindi dapat kami magpadalos dalos sa mga desisyon kasi alam naming nahihirapan ang isang tao dyan!” sabi ni Argel at napatingin silang dalawa sa akin.

“Oh eto na mga order nyo!” singit nila mommy at tita Margie na parang alam na din ang mga ginawa nila sa akin.

“Another set up!” sabi ko at nagtawanan sila sa akin.

Habang nakain kami ay napansin ko ang pader na parang pamilyar sa akin, kaya tinapos ko ang pagkain ko at lumapit sa pader.

Nakita ko na pwedeng magsulat sa dingding at nakita ko ang mga nagsulat ng kanilang nararamdaman at ang mga galit, at biglang may nagsalita sa likuran ko.

“Pwede ka namang magsulat dyan eh!” sabi nito.

“Ace?” sabi ko at ngumiti ito sa akin.

Binigyan nya ako ng marker at lumayo muna sya sa akin, kumuha ako ng pwesto at nagsulat na.

“Dear Fate,
Ang saya ng buhay ko! Parang nasa isang pelikula! Pero bakit mali ang pasok ng mga character sa buhay ko?!

Masaya na nga eh! kaso bakit hinalo mo at ginulo mo ang isip ko? Ngayon hindi ako makatulog dahil sa iniisip ko ang mga sinasabi nila Ace at Argel!

Nilayuan ko na nga sila pero bakit pinapalapit nyo pa din sila sa akin? Ano ba ang gusto mong mangyari? Maging komplikado ang buhay ko?!

Sana naman maging okay na ang lahat!

                                                            KenYosh”

Bumalik ulit ako sa aking inuupuan kung saan pinapagitnaan ako nila Ace at Argel ulit, pero ngayon ay nakakapanibago dahil hindi na sila katulad ng dati na nagpapagalingan, ngayon ko lang namiss ang mga kakulitan nila.

“Oh eto na ang Ken’s Choc!” sabi ni tita Margie at binaba ang chocolate cake na gawa nila ni mommy.

“Wow! Sarap naman!” sabi ni Abby at ngumiti lang si tita Margie.

“Just like me!” sabi ko at napatingin sila sa akin.

“What?!” sabi ni Luke at napatingin naman ako sa kanila.

“Ito yung ginagawa ni mommy sa akin kapag may star ako nung preschool pa lang ako! Hanggang ngayon kapag may achievements ako ito ang ginagawa nya sa akin!” sabi ko at napangiti naman sila sa akin.

“Oh eto achievements!” sabi ni Ace at pinahid sa akin ang icing ng cake.

Nagulat naman ang lahat at gumanti ako sa kanya, pero natamaan ko si Argel kaya nagumpisa na ang rambulan sa icing!

Natapos kami at bumalik na ang mga sigla namin nila Ace at Argel bilang magkakaibigan, kaya kinuhaan kami ng picture ni tita Margie para ilagay sa resto.

“Oh maglinis na kayo ng mga mukha nyo! Malapit na kayong mag time!” sabi ni mommy sa amin at binigyan kami ng towel.

“Oh kayong apat dun sa boys room!” sabi ni mommy at pumunta kami dun.

Habang naglilinis si Luke ay nakita ko silang dalawa na nakatingin sa akin at natatawa.

“What?” sabi ko.

“Wala!” sabi ni Ace at natatawa pa din.

“Ang dungis mo!” sabi naman ni Argel at sabay silang natawa.

Natapos na si Luke at iniwan kaming tatlo sa loob.

Nauna akong naghilamos at nakita kong pumasok si Ace sa cubicle para magbawas ng tubig.

Naramdaman kong niyakap ako ni Argel at nagpumiglas ako, at humarap sa kanya.

“Bakit ba?” sabi ko sa kanya na medyo naiinis.

“Wala lang namiss lang kita eh!” sabi nya sa akin at natulala naman ako.

Lumabas si Ace at nakita ako, pinuntahan nya ako at tinignan si Argel.

“Sige na! maghilamos ka na dun!” sabi nya at tinapos ko ang paghihilamos.

Nang matapos ako ay lumabas na agad sa boys room at pumunta sa inuupuan namin kanina pa.

“Oh okay na ba?” sabi ni Chery habang inaayos nya ang kanyang make up.

“Penge ngang powder!” sabi ni Luke at binigyan sya ni Abby.

Habang nag aayos kami ng aming sarili nakita ko si Ace lumabas na din at naiwan si Argel sa boys room kaya nagpaiwan muna ako dahil bigla akong nakaramdam ng kaba.

Alam kong may class na ako ng mga oras na yun at hindi pa din lumalabas si Argel kaya pinuntahan ko ito sa room.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong duguan si Argel at agad ko syang tinulungan.

“Sino ang may gawa sa iyo nyan?” sabi ko habang tinatayo sya.

“Wala sinuntok ko lang yung pader!’’ sabi nya sa akin at pinaharap ito.

Hinawakan ko ang kamay nyang nagdudugo at narinig kong umaaray sa sakit si Argel.

“Wag ka kasing makulit!” sabi ko sa kanya at pinunit ko ang aking polo.

Nagulat sya sa ginawa ko at hindi na lang sya umimik pa, nakikita kong nasasaktan sya kapag nililinis ko ng tubig ang kanyang sugat, nang matapos kong linisin ang sugat ay agad ko syang binalutan ng tela na galing sa aking polo.

“Salamat ah!” sabi nito sa akin at tumingin lang ako sa kanya.

“Sabihin mo ano bang nangyari at sinuntok mo ang pader?” tanong ko sa kanya at umiling lang ito sa akin.

Kinuha ko ang phone ko at nagtext kila Cheryl na hindi ako makakapasok ng class.

“May problema ba friend?” reply sa akin ni Cheryl at agad akong tumawag sa kanya.

“Cheryl! Si Argel nanuntok ng pader kaya ayun! Dumugo ang kamay nya at ginamit ko ang polo ko para ibenda sa kanyang kamay!” sabi ko sa kanya.

“Ganun ba? O sige dalhin mo sya sa clinic pagpasok nyo sa school para magamot agad okay!” sabi ni Cheryl at binaba ko na ang phone.

Agad kaming lumabas at bumaba, sa likod kami dumaan para di makita nila tita Margie at mommy ang nangyari kay Argel.

Nang makapasok kami sa campus ay agad ko syang pinunta sa clinic at dun na ginamot ng nurse na naka duty dun.

“Oh sino ang nag first aid sayo?” sabi ng nurse kay Argel at tumingin lang sa akin.

“Buti na lang naagapan mo! Medyo malalim ang mga sugat nya sa kamay!” sabi nito sa akin at tumingin lang ako.

“Oh teka lang ah! Kukuha lang ako ng gamit!” sabi ng nurse at pumunta sya sa cabinet para kunin ang mga gamit.

Nang malapatan na sya ay narinig kong namimilipit sa sakit si Argel kaya pinahawak ko ang kamay ko sa kanya.

“Kapag masakit pisilin mo ang kamay ko!” sabi ko sa kanya at tumingin lang sya sa akin.

Habang nilalagyan sya ng gamot sa sugat ay naramdaman kong pinisil nya ng mahina ang kamay ko at nagsisisigaw sa sakit, nagtaka naman ako sa ginawa nya.

“Oh ayan! Tapos na!” sabi ng nurse at nakita kong nakabenda na ng maayos ang kamay ni Argel.

“Sige pagpahingahin mo muna sya!” sabi ng nurse at naramdaman kong hindi pa din bumibitaw si Argel sa akin.

“Pwede bang sya ang magbantay sa akin?” sabi ni Argel at hindi na makahindi ang nurse kaya pumayag ito.

Naiwan kami sa may clinic at hindi pa din ako binibitawan ni Argel kahit natutulog na ito.

Narinig ko na lang na nagsasalita sya habang tulog kaya pinakinggan ko ito.

“Hindi mo sya makukuha sa akin! Dahil ako ang magpoprotekta sa kanya!” sabi nito at napangiti lang ako sa kanya.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at nakita kong napangiti ito, at hinayaan syang matulog habang hawak nya ang kamay ko.

Maya maya pa’y narinig ko ulit syang nagsalita.

“Hindi kita mapapatawad Ace!” sabi lang nya at nagulat ako sa aking narinig.


To be continue...


[18]
“Hindi kita mapapatawad Ace!” sabi lang nya at nabigla naman ako.

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Argel, kaya napaisip ako.

“Anong kinalaman ni Ace dito?” sabi ko lang sa aking sarili at tumingin ulit sa kanya.

Ginising ko sya at minulat na nya ang kanyang mga mata.

“Okay ka na ba?” sabi ko at niyakap nya ako ng mahigpit.

“Oh teka!” sabi ko at kumalas naman sya sa pagkakayakap.

“Salamat ah!” sabi ni Argel at binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.

Tinignan ko ang aking relo at nakita kong malapit nang mag tapos ang class ko ng araw na yun, kaya inayos ko ang aking sarili.

“Argel, may meeting kasi kami eh!” sabi ko kay Argel at naramdaman kong humigpit ang kanyang hawak.

“Sasama ako sayo... Kung okay lang?” sabi nya sa akin at tumingin lang ako.

“No, magpagaling ka! kapag magaling ka na, pwede ka nang makapanuod sa training ko! And besides may practice kayo ngayon diba?” sabi ko lang sa kanya at nakita ko ang paglungkot ng kanyang mukha.

Agad ko syang tinulungang tumayo, narinig ko ang mahinang nag aray nya sa sakit ng kanyang sugat kaya dahan dahan kong inalalayan papalabas ng clinic.

Nang makalabas na kami ng clinic ay nakita ko sila Cheryl na nakaupo sa tapat ng clinic.

“Oh ano nangyari sayo Argel?” sabi ni Luke at tinaas ni Argel ang kanyang nakabendang kamay.

“Wala ito!” sabi nya at napansin kong napangisi sya at alam ko na masakit pa din ang kanyang kamay.

“Oh friend, tara na! baka ma late ka pa!” sabi ni Cheryl at pinaupo ko si Argel sa upuan, nang kinuha ko ang aking gamit kay Cheryl ay bigla namang hinawakan nya ako sa kamay.

Tinignan ko sya at nakita ko nanaman ang kanyang malungkot na mukha.

“Oh ano nangyari sa kanya?” biro ni Cheryl nang mapansin nyang hinawakan ang kamay ko ni Argel.

“Oh ano naman yan?!” sabi ni Abby at tumingin sa kamay naming magkahawak.

Hindi binitawan ni Argel ang kamay ko kahit na pinipilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak nya.

“Kasi ayaw nya akong pasamahin sa meeting nila eh!” sabi ni Argel at napatingin naman sa kanya sila Cheryl.

“Eh bakit nakahawak ka sa kamay nya?” sabi ni Luke.

“Kasi sya ang nurse ko!” sabi nito at nagtawanan ang lahat.

Namula naman ang tenga ko dahil nainis sa sinabi nya pinilit kong tanggalin ang kanyang kamay, nang makalas na ang kamay nya sa akin ay agad akong naglakad para pumunta na sa meeting.

Habang naglalakad ako ay napansin kong may sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang aking lakad at biglang nabunggo ko ang captain namin na si Vhin.

“Bakit nagmamadali ka?” sabi sa akin ni Vhin at tumingin ako sa likuran.

Ngunit sa pagtingin ko ay wala naman pala.

“Let’s go?” sabi ni Vhin sa akin at tumango lang ako, dinala nya yung bag ko at naglakad kami.

Habang kami ay naglalakad ay napatingin ako sa office ng director, at nakita ko syang tulala at hindi ko na lang ito pinansin.

“Ken dito na tayo!” sabi ni Vhin sa akin at pinagbuksan nya ako ng pintuan.

Nakita kong marami na sila at napatingin silang lahat sa amin kaya nakaramdam ako ng pagkailang sa mga kasama ko sa team.

“Good Afternoon guys! Ngayon may dalawang issues na kailangan nyong malaman” sabi ni Coach Mike.

Nagtinginan kaming lahat na parang inaabangan ang mga sasabihin ni coach sa amin.

“First may mga bagong regulars na tayo na eventually sasali sa rough training natin!” sabi ni coach at inikot nya ang kanyang mga paningin.

“As we call your name, please stand up and get this jacket!” sabi ni coach at nakita kong tumayo sila Vhin, Macky, Izza, at Lenny.

“Anthony Gallego” sabi ni coach at tumayo sya, binigyan namin sya ng applause.

“Drew Salvacion” sabi naman ni Macky at agad tumayo sya.

“And the last regular that will be my partner is....” sabi ni Lenny at hinintay namin sabihin nya.

Tumingin sya sa akin at ngumiti lang.

“Ken Yoshihara!” sabi nilang tatlo at nagpalakpakan ang karamihan ng ka-team ko.

Tumayo ako at kinuha ko ang jacket na binigay sa akin ni Vhin nakita ko sila Cheryl na biglang kumaway sa bintana at naghihiyawan dahil natupad na ang aking pinapangarap na maging Varsity player.

“Guys ito na ang tatlong regulars! Wish na makuha nyo ang gold sa inter school bukas!” sabi ni coach at nagulat kaming tatlo dahil hindi pa kami ready para sa inter school.

Narinig ko na lang na nagbubulungan ang iba kong kasama sa team kaya naging awkward ang mga oras na yun para sa akin.

Tinapik ako ni Vhin sa balikat at nagulat naman ako sa kanya.

“Oh bakit parang tulala ka?” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.

“Ah.. Kasi... Hindi ko alam kung kaya namin lumaban para bukas!” pagdadahilan ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

“Don’t worry si Len naman ang partner mo eh! walang problema sa iyo kapag si Len ang kasama mo!” sabi nya sa akin at inakbayan nya ako papalabas ng office para pumunta sa tennis court.

Pagkalabas namin ng office ay nakita ko sila Cheryl na lumapit sa akin.

“Sabi ko sayo! Pasok ka para maging regular!” sabi ni Abby sa akin at kinuha nya ang jacket ko.

“Salamat sa inyo ah!” sabi ko lang sa kanila at ngumiti lang silang tatlo, sumabay na sila sa amin papuntang tennis court.

Nang makapasok na kami ay nakita ko sila na umupo sa may bench at papanoorin ang training ko.

“Go Ken!!” sigaw ni Cheryl sa akin at kumaway lang ako sa kanila.

“Aba! May fans na ang aking bagong partner!” sabi ni Lenny sa akin at ngumiti lang ako.

“Oh tandaan mo, kapag di mo kaya tumigil ka lang para ako na ang gumawa ng plano ok?” sabi nito sa akin at tumango lang ako.

Lumaban kami sa iba pang regular na varsity player namin at nag practice kami para bukas.

Inabot na din kami ng alas-9 ng gabi kaya nang matapos kami ay nagmadali na akong pumunta sa locker ko para magpalit ng damit.

Nang matapos ay nakita kong naghihintay sila Cheryl sa labas ng CR ng boys at dala na ang mga gamit ko.

“Oh kami na! baka mapagod ka pa!” sabi ni Luke nang tangkain kong kunin ang gamit ko sa kanila.

Habang naglalakad kami ay naalala ko ang kalagayan ni Argel kung ano nang lagay nya, siguro napansin ako ni Cheryl at bigla syang umakbay sa akin.

“He’s Fine! Matapang din yun!” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.

Nang marating namin ang lobby ay naabutan pa namin ang mga basketball players na nagpa-practice pa at napatigil ako dahil nakita ko si Argel na naglalaro sa court.

Napatingin sa akin si Argel at kumaway, napangiti lang ako at hinawakan ako sa balikat ni Cheryl at ngumiti lang sa kanya.

Naramdaman ko ang aking phone na nag vibrate, agad kong kinuha yun at nabasa ko si daddy ang natawag.

“Dad?” sabi ko at narinig ko ang ingay sa bahay na parang nagtatawanan sila.

“Papasundo ka pa ba o sasakay ka na lang ng cab?” tanong sa akin ni daddy at nagtaka naman ako sa sinabi nya.

“What do you mean daddy?” sabi ko lang sa kanya at narinig kong kinukulit sya ni kuya.

“Ah... Eh kasi hindi ako makakapag sundo sayo, dahil may dumating ditong bisita, at kung magmamadali ka ay siguro magugulat ka din!” sabi lang nya sa akin at napakunot ang aking noo.

“Okay daddy, siguro cab na lang!” sabi ko sa kanya at hindi na sya sumagot at biglang pinatay ang phone nya.

Nilagay ko ulit sa bulsa ang phone ko at pinanood si Argel maglaro, habang kasama ko sila Cheryl, Luke, at Abby sa may pathway.

Nagpakitang gilas sya sa amin at napapangiti lang ako sa kanya, kahit na nakikita ko ang kanyang nakabendang kamay ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi nya habang natutulog sya sa clinic.

“Are you okay?” sabi sa akin ni Cheryl at ngumiti lang ako.

“Yeah I’m fine!” sabi ko lang at bumalik kami sa panonood.

Naririnig kong nagsisigawan sila Luke at Abby sa mga basketball players at napansin naman nila yun kaya nagpakitang gilas ang lahat nang nag cheer ang mga kaibigan ko.

“Whoo! Galing mo talaga Drei!” sigaw ni Luke at napangiti lang si Drei.

“Go! Lampasuhin mo sila Jan!” sigaw naman ni Abby at napatingin naman si Jan kay Abby at kinindatan nya si Abby.

Natawa lang kaming dalawa ni Cheryl sa ginagawa nila at narinig namin na pumito ang coach nila at nakita namin na papalapit sila Jan, Drei at Argel sa pwesto namin.

“Oh nurse! Kamusta ang training?” sabi ni Argel na hingal na hingal sa kanilang training.

“Thanks Abby sa pag cheer!” sabi ni Jan at hinalikan ni Jan si Abby sa pisngi.

Nagulat naman ako sa ginawa ni Jan kay Abby.

“What?” sabi lang ni Abby at inakbayan nya si Jan.

“Oh Drei! Pawisan ka!” sabi ni Luke.

“Paki punasan mo naman ako oh!” sabi ni Drei at binigay nya kay Luke ang towel.

“What the –“ sabi ko nung mapansin ko ito.

Natawa naman sila sa sinabi ko at inakbayan naman ni Drei si Luke nang matapos itong punasan ang pawis sa likod.

“Gulat ka ba?” sabi ni Cheryl at napatango lang ako.

“Masanay ka na!” sabi ni Abby at binigyan sya ni Jan ng tubig.

“Oo nga! Dahil ganito talaga kami!” biro ni Luke at tumawa silang apat sa akin.

Napatingin lang ako kay Cheryl at napataas lang sya ng balikat kunwari na hindi nya alam ang mga nangyayari.

“Nurse! Catch!” sabi ni Argel at hinagis nya ang isang bote ng iced tea sa akin.

“Thanks!” sabi ko lang at binuksan ito.

Tumabi sya sa tabi ni Cheryl at tumingin lang ito sa akin.

“So, hanggang tinginan lang ba kayo?” sabi ni Cheryl at napatungo naman ako sa sinabi nya.

“Wa... wala ka bang sundo ngayon?” sabi ni Argel at tumingin ako sa kanya.

“Walang susundo sa kanya!” pasingit ni Cheryl at kinurot ko sya sa tagiliran.

Napangiti naman si Argel sa sinabi ni Cheryl at tumayo sya.

“After the game ako na maghahatid sayo! Wag kang aalis ah!” sabi nito sa akin at napatingin lang ako sa kanya.

“Hey! Ken! Ano na sagot mo?” sabi ni Cheryl sa akin at tumingin lang ako sa kanya.

“Okay! But—“ sabi ko kay Argel at nakita ko ang kanyang ngiti na nakaka akit kahit pawisan na sya.

“But what?!” sabi ni Argel at tumitig ito sa akin.

“Ihahatid natin si Cheryl sa kanilang bahay!” sabi ko at nabigla naman si Cheryl sa sinabi ko.

“Wait... Wait! Ako ihahatid nyo?” sabi nito na parang biglang bigla sa mga sinabi ko.

“Yep!” sabi ko at tinitigan ko si Cheryl at ngumiti naman ito sa akin.

“Ahh... Oo nga pala! Wala na ding magsusundo sa akin at gabi na din para mag cab ako!” sabi ni Cheryl na parang nakuha nya ang ibig sabihin ng mga titig ko.

“Sure! Walang problema dun!” sabi ni Argel sa akin at ngumiti lang ako, narinig kong pumito ang coach nila at agad nang nagbalikan sila sa court.

Hindi na sila naglaro, pero nakita namin na nagmi-meeting na sila para sa gaganaping inter school bukas, inabot din ng ilang minuto ang meeting nila at nakita ko na silang dinala na ang mga gamit at pumunta ulit sa amin.

Tumayo na din kami sa aming kinauupuan at agad nang naglakad papalabas papuntang parking lot ng school.

“Akin na yang gamit ko!” sabi ko kay Luke habang naglalakad kami.

“Nako! Mamaya na! Feel ko pa itong bag mo na may raketa!” biro nya sa akin at nagtawanan kaming apat.

“Asus! Eh di yung kay Drei na lang ang kunin mo!” sabi ko at natawa naman sila sa akin.

“Huh?! Sya pagbubuhatin ni Drei?!” sabi ni Cheryl na pinipigil ang tawa.

“Bakit naman? Anong nakakatawa dun?” sabi ko at napailing lang si Cheryl.

“Kasi si Drei ay nanliligaw kay Luke!” sabi ni Abby at napatigil naman ako sa sinabi nito.

“What!” sabi ko lang sa narinig ko kay Abby.

“Actually, mahal ko talaga si Luke!” biglang singit ni Drei at napatingin naman ako sa aking likod at nakita ko ang tatlo na kasunod na pala namin.

“At si Abby naman ay Girlfriend ko na!” sabi naman ni Jan at natulala naman ako sa mga narinig ko.

“Hey!” sabi ni Cheryl at tinapik ang aking pisngi.

“Teka?! Parang ang bilis naman?!” sabi ko at natawa sila sa reaksyon ko.

“Paano kasi, kapag kasama ka namin hindi ka makausap ng matino! Puro books, review, at pagsusulat ang ginagawa mo, kaya hindi muna namin sinabi sayo!” sabi ni Cheryl at lumapit sa kanya si Argel.

“Actually, gusto kong maging legal kami kay mudak! Kaya ayan si Drei more effort, more Fun ang ginagawa kay mudak!” sabi ni Luke at napakunot ang noo ko.

“Mudak?” sabi ko lang at ngumiti si Cheryl.

“Yung mama ni Luke! Tawag nya ay mudak!” paliwanag ni Cheryl sa akin at tumingin naman ako kay Argel.

Nakita kong umiwas ito ng tingin sa akin at napansin nila ang pagtitig ko kay Argel.

“Tara na nga! Baka mapagalitan pa ang parents ni babe!” sabi ni Jan at kinuha nya ang gamit ni Abby.

Naglakad na kami sa parking lot at humiwalay na sila Abby, nagpaalam naman kami nila Cheryl sa kanya at sumakay na ito sa sasakyan ni Jan.

“Grabe ang lamig naman!” sabi ni Luke at napansin ko na binigyan sya ng jacket ni Drei, napangiti lang ako sa ginawa nila at nakita kong nakatingin sila Cheryl at Argel sa akin.

“What?” sabi ko sa kanila ngumiti lang si Cheryl sa akin at si Argel at umiwas ulit ng tingin.

“Oh guys see you tomorrow!” sabi ni Luke at sumakay na sya sa kanyang sasakyan, ganun din si Drei na sumakay din sa sasakyan nya.

Kumaway lang kami at kaming tatlo na ang naiwan sa parking lot.

“Get inside, baka magkasakit pa kayo!” sabi ni Argel at pumasok na si Cheryl, binuksan nya ang compartment at nang ilalagay ko na sana ang mga gamit ko nang biglang kinuha nya yun ni Argel.

“Ako na!” sabi nya sa akin at tumingin lang ako.

“May sugat ka, ako na lang maglalagay ng gamit ko!” sabi ko na lang sa kanya at hindi nya binitiwan yun.

“Ako na kasi!” sabi nito at hindi pa din ako nakinig.

“Ken!” sabi nya na parang naiinis sa akin.

“Ako na kasi Argel!” sabi ko at hindi din sya nakinig.

“Ano ba? Paglalagay lang ng gamit, mag uusap pa dyan?!” sabi ni Cheryl na biglang nilabas ang kanyang ulo sa bintana.

Binigay ko na kay Argel ang gamit ko at pumasok na sa sasakyan ni Argel.

“Oh ano?” sabi ni Argel nang makapasok na din sya.

Nagtaka naman ako sa sinabi nya at napansin kong tinutulak ako ni Cheryl papalabas para lumipat ng upuan.

“Dun ka daw sabi ni Argel!” sabi ni Cheryl at dahil sa gabi na ay hindi na ako nakipag away at tumabi kay Argel.

Pinaandar na nya ang sasakyan, habang nasa loob kami ng sasakyan ay nakaramdam ako ng antok, at pinipilit kong labanan ang aking antok para hindi nakakahiya kay Argel, pero hindi ko namalayan na bumagsak na ang mga mata ko.

Naramdaman ko na may umakay sa akin at naririnig ko ang mga boses nila mommy, kaya minulat ko ang mga mata ko.

“Oh gising ka na pala!” sabi ni mommy at nakita kong papalabas na ng kwarto si Argel.

Ngumiti lang ako kay mommy at tumayo.

“Argel!” sigaw ko at tumigil sya sa harapan ng pintuan ko.

Tumingin lang sya sa akin at nakita ko ang pagka seryoso nya.

“Dito ka na kumain!” sabi ko at nakita kong hindi sya umimik.

“Tara na dito sa kwarto ni Ken!” sabi ni mommy at nagtataka naman ako sa ginawa ni mommy.

Lumapit si Argel at pinaupo sya sa may terrace.

“Dun na kayo muna ah! Papadala ko na lang ang pagkain nyo!” sabi ni mommy at ngumiti lang ako.

Lumapit na din ako kung saan nakaupo si Argel at nakita kong nakatingala sya sa kalangitan.

“M... May problema ba?” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

Nakita ko ang kanyang seryosong mukha na mas lalong napapatitig ako dahil sa kanyang maamong mukha kahit seryoso na ito.

“Wala!” sabi nito sa akin at pinilit ko pa din syang tanungin.

“Ano nga?” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Wala nga kasi!” sabi nito at nainis na ako sa kanyang sinagot.

“Isa pang sagot na wala sasapakin kita!” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

“Kung papipiliin ka, sino ang mas matimbang sayo? Si Ace o Ako?” sabi nito at nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

“Ano?!” sabi ko na lang sa kanya at bumalik sya sa pagtitig sa kalangitan.

To Be Continue...


[19]
Hindi na lang kami umimik ng ilang oras kaya pumasok muna ako at binuksan ang player ko.

[Kung ako ba sya: Khalil Ramos]

Napansin kong tumingin sya sa akin at ngumiti lang ako.

“Alam mo hindi ko alam kung bakit nagustuhan kita!” sabi nito sa akin at tumingala ako.

“Palabiro ka talaga Argel!” sabi ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.

“Ano ito date?!” sabi ng isang boses na biglang sumulpot sa aking likuran.

Isang pamilyar na boses na biglang napangiti ako, dahil matagal ko na syang hindi nababalitaan.

“Tito Jed?” sabi ko at tumingin ako sa likuran ko at nakita ko nga siya kasama si Tita Lyn na dala ang mga tray.

Tumayo ako at nagtatakbo papunta sa kanya at niyakap sya.

“Oh teka lang chill! Matatapon ang pagkain nyo oh!” sabi nito sa akin at kumalas ako.

Nakita kong nakangiti si Tita Lyn at hinalikan ko sya sa pisngi.

Binaba na nya ang pagkain sa lamesa at pinaupo ko sila sa tabi ni Argel.

“Kamusta na ang alaga ko?” biro ni Tita Lyn sa akin at ngumiti ako.

“Nakita mo naman tita! Mas matangkad na ako sayo!” sabi ko sa kanya at tumawa ito sa akin.

“Ay nako! Matangkad nga! Pero antukin pa din!” sabi ni Tito Jed at natawa naman si Argel.

“Syota mo ba?” sabi ni Tita Lyn sa akin at nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi po! Magkaibigan lang po kami!” singit ni Argel para depensahan ako.

Napangiti lang ako sa sinabi ni Argel at tumingin naman ako kay Tito Jed.

“Kaibigan? WEH!” sabi ni Tito Jed at natawa naman si Tita Lyn sa sinabi ni tito.

“Last time sabi nyo ni Troy ay magkaibigan!” sabi ni tita Lyn at natamaan ako dun sa sinabi nya, kaya hindi na ako nakapagsalita.

“Ano brad? Manliligaw ka ba ng pamangkin ko?” sabi ni tito Jed at napakamot ng ulo lang si Argel.

“Ahh... Kasi po...” sabi ni Argel na parang nahihirapang magsalita sa tito at tita ko.

“Sabihin mo na para matulungan ka namin!” biro ni tita Lyn at natawa naman si Argel.

“Oh! Natawa! Confirm!! Manliligaw ka nga ng pamangkin ko!” sabi ni tito Jed at tumango na lang ito.

Tumingin lang ako sa kanila at ngumiti, nakita kong inakbayan nya si Argel at may binulong.

“Pwedeng mamaya na lang yan?” putol ni tita Lyn at tumingin sa aming dalawa.

“Ay sige pamangkin! Dito kami matutulog eh! nakilala ko na din si Jiro! Mas makulit sayo! Nako kailangan bumawi sa kanya!” sabi ni tito at sinara na nya ang pintuan ng kwarto ko.

“Sorry sa tito at tita ko ah!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Wala yun!” sabi nito at tumingin sya sa akin.

“Ano binulong sayo ni tito?” sabi ko na biglang naalala kong binulungan sya kanina.

“Ahh yun ba! Wala yun! Wag mong intindihin!” sabi nito sa akin at binigay ang kanin sa akin.

Nakita ko sila kuya Kino, Jiro at tito ay lumabas at pumunta ng garden, at naglatag ng carpet para humiga sila.

“Kayo talaga!” bulong ko sa aking sarili.

“Ano?” sabi ni Argel habang nakain kami.

“Ahh wala yun!” sabi ko na lang at nagpatuloy kami sa pagkain.

“Ang sarap talaga kapag si tita ang nagluluto!” sabi nito nang matapos na kaming kumain at niligpit na ang aming pinagkainan.

“Bolero ka talaga!” sabi ko sa kanya at tumawa naman ito.

Binuhat na namin ang tray ng pinagkainan namin at bumaba na para ilagay sa kusina at nakita namin sila mommy at daddy na nanonood ng TV.

“Oh anak! Argel!” sabi nila at tumayo si daddy sa kanyang kinauupuan.

“Tumawag ka na ba sa bahay nyo?” sabi ni daddy kay Argel at umiling ito.

“Tawagan mo muna!” sabi nya at binigay ang phone nito kay Argel.

“Salamat sa pagsundo kay Ken!” sabi ni mommy at ngumiti lang si Argel.

Kinuha ni daddy ang tray at sumabay na sa akin papuntang kusina para ibaba ang mga pinagkainan namin.

“Ken?” sabi ni daddy at napatingin naman ako sa kanya.

“Yes dad!” sabi ko at sumandal ako sa countertop.

“Ano na bang nararamdaman mo kay Argel? And bakit hindi ko na napapansin si Ace?” sabi ni dad at ngumiti lang ako.

“I dunno kay Ace, hindi ko na din po sya nakikita sa school eh, yung kay Argel naman siguro dad kapag nangyari ang mga signs!” sabi ko kay dad at napailing ito sa akin.

“Hay nako! Akala ko ba wala nang Troy?” sabi ni daddy sa akin at napatingin lang ako sa kanya.

“Dad, hindi ko mapigilan eh, and besides Troy was my last! Kaya hindi mo ako masisisi na hanapin yun sa isang tao.” Sabi ko kay daddy at binigay nya ang isang baso ng gatas sa akin.

Nilapag ko muna ang baso at umupo sa may countertop, kumuha naman si daddy ng upuan at umupo sa may harapan ko.

“Alam kong I have no rights para sabihan kita kung anong nararamdaman mo and ayoko kasing masaktan ka, kung magkaibigan kayo okay lang! pero kung magiging kayo, mahirap yan!” sabi ni daddy at napatigil ako sa paginom ng gatas.

“Daddy I have an idea!” sabi ko sa kanya at tumingin lang ito sa akin.

“Oh ano naman ang idea mo?!” sabi ni daddy sa akin at binaliktad ang upuan na parang maangas ang kinakausap ko.

“Para hindi ka mag isip ng malalim dyan, why don’t you be strict on them?” sabi ko sa kanya at napatingin lang ito sa akin.

“What do you mean strict on them?” sabi ni daddy sa akin at inubos ko ang gatas.

“Para makilala mo si Argel at Ace, try to know them! Mag bonding kayo! Isama mo sila kuya Kino, Jiro, at tito Jed! Tapos gisahin mo sila!” sabi ko kay daddy at natawa naman ito sa sinabi ko.

“Alam mo kakaiba yang plano mo, siguro sa influence na din ng entertainment yan sayo! Pero you have a point there! Good suggestion!” sabi ni daddy at bumaba na ako sa countertop at inakbayan nya ako sa balikat habang pabalik na kami ng sala.

Nang makabalik ako ng sala ay nagpaalam na si Argel kaya hinatid ko ito sa may gate.

“So see you tomorrow?” sabi niya sa akin.

“Yeah! See you!” sabi ko lang at ngumiti ako sa kanya.

Lumabas na sya ng gate at pumasok na sa sasakyan nya, binuksan nya ang sasakyan at kumaway.

Sinara ko ang gate at tumuloy na sa aking kwarto para mag aral, nilapag ko ang phone ko sa kama para walang sagabal sa pag aaral ko.

Naririnig kong nagkukulitan pa rin sila tito Jed sa garden at napapangiti ako kapag naririnig ko ang tawa nila.

Nang nakaramdam ako ng antok ay agad na akong nagpalit ng pantulog at agad nang humiga sa aking kama at hindi ko na nabasa ang mga text sa akin.

Nagising ako dahil sa aking phone na tumutunog paulit ulit, kaya sinagot ko ito.

“Good morning!” bati ko sa kabilang linya.

“How are you?” sabi nito sa akin.

“Kakagising lang... ikaw?” sabi ko lang sa kanya.

“I miss you so bad!” sabi nito sa akin na nagpagising ng buo kong sistema.

Tinignan ko ang caller id nito at nakita ko na si Ace ang natawag.

“Oh Ace bakit hindi kita nakikita sa school?” sabi ko sa kanya.

“Ah kasi nag home study na lang ako! Pero mamaya pupunta ako dahil laban mo eh!” sabi nito sa akin at napangiti ako sa sinabi nya.

“Ikaw talaga! pero alam mo bang kahit isang araw kang hindi nagparamdam sa akin after ng pag amin mo sa akin, namimiss ko din ang kakulitan mo!” sabi ko sa kanya at pakiramdam ko na napaupo sya sa tuwa.

“Weh? eh di sasagutin mo na tanong ko sayo?” sabi nito sa akin.

“Anong tanong?” biro ko sa kanya at tinignan ang oras.

Hindi na nakapagsalita si Ace at nakita ko ang oras kaya nagmadali na akong tumayo.

“Ace, opening kasi ng laban eh! so kailangan kong magmadali na! call time namin ay 6 am eh!” sabi ko sa kanya at sumagot lang ito at saka binaba ang phone.

Tinawag ko si ate Lea para ayusin ang mga gamit ko para sa opening ng inter school at mga gamit ko din para kapag wala akong laban ay makakapasok ako.

“Oh heto na Ken ang mga gamit mo!” sabi ni ate Lea nang makalabas ako ng CR.

“Salamat ate!” sabi ko sa kanya at lumabas na ito.

Habang dala dala ko ang aking gamit ay nakita ko  sila kuya Kino at Daddy na nakain kaya nakisabay na ako sa kanila.

“Oh may regalo kami sayo!” sabi ni daddy at binigay ang isang maliit na box.

“Whoa!” sabi ko na lang at nakita ko sa loob ng box ay isang susi ng sasakyan.

“Nasa carpark ang first car mo!” sabi ni kuya Kino sa akin at nagmadali na akong kumain at tumakbo papunta sa carpark namin.

Nakita ko ang bagong sasakyan ko, at kulay dark blue sya na gustong gusto ko.

“Oh automatic yan! For beginner like you!” sabi ni daddy at niyakap ko siya.

“Para hindi ka na ihahatid sa school!” biro sa akin ni kuya at niyakap ko din sya.

Pinalagay ko na ang mga gamit ko sa sasakyan ko at nakita kong pababa na sila lola at Jiro para magbukas ng flower shop.

“Good morning kuya!” sabi nito sa akin at yumakap sya sa akin.

“Morning din!” sabi ko lang sa kanya at umupo sya sa tapat ko.

“So nakuha mo na ang surprise ni daddy sayo?” sabi nito sa akin.

“Alam mo din yun?” sabi ko lang sa kanya at tumango lang ito.

“Jiro diba sabi ko sa iyo na tutulong ako sa pagtitinda!” singit ni tito Jed na nasa likuran ko na pala.

“Oh ano brad! Papasok ka na?” sabi nya sa akin nang tignan nya ako.

“Opening kasi ng inter school!” sabi ko sa kanya at nakita ko ang pag aalala nito sa akin.

“Don’t worry tito! I know when to stop!” sabi ko sa kanya at umupo na sya sa tabi ni lola.

“Are you sure?” sabi nito sa akin pagsisiguro na ayos lang ako.

“Yeah tito! Okay lang po ako!” sabi ko sa kanya at binigyan ko sya ng isang malaking ngiti.

Tumingin ako sa orasan at nakita kong 5:30 na ng umaga kaya nagpunta ako sa CR at nagsipilyo, pagkatapos kong magsipilyo ay bumaba na ako at nakita ko sila daddy na papaalis kaya tinawag ko muna sila.

“Daddy, convoy mo naman ako!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

Actually marunong naman akong mag drive kaya nga lang sa automatic ako sanay kaysa sa manual transmission, at nang makalabas na kami sa subdivision ay agad na tinuruan ako ni daddy kung saan ang mga shortcut papunta sa school ko, at ang mga lilikuan para hindi ako mawala.

“Oh anak, after this corner ikaw sa left ako naman sa right okay!” sabi ni daddy sa phone at sumagot ako pag sang ayon sa sinabi nya sa akin.

Nang makapunta na kami sa corner ay agad na nag signal si daddy na sa kanan na sya kaya ako naman ay nagsignal din sa kaliwa ang daan ko, at dumerecho lang ako at nakita ko na ang gate ng school, hinarang ako ng guard at nang maibaba ko ang window ay pinapasok nila ako sa carpark ng campus.

Pagkababa ko ay biglang may kumuha ng gamit ko na kinagulat ko naman.

“Argel!... Ace!” sabi ko nang makita ko ang dalawa na magkasama.

“Nice may sasakyan na si Ken!” biro ni Ace sa akin at nakita ko ang pagbabago nya kahit isang araw lang ang hindi namin pagkikita.

“Regalo nila daddy sa akin!” sabi ko sa kanila at nakita kong ngumiti sila pareho.

“Tara na baka ma late ka pa sa meeting nyo!” sabi ni Argel habang dala nya ang isa kong bag na puro gamit ko.

Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang mga estudyante sa campus ay pinagtitinginan kami, dahil ako lang ang obvious na walang dala at sila Ace at Argel ayun! Sila ang nagdala ng mga gamit ko.

“Heto na oh!” sabi ni Ace nang marating namin ang tennis court.

“Good morning sir Ace!” sabi ni Vhin na pinagtaka ko naman.

“Good morning din Captain Vhin!” sabi ni Ace at tumingin naman ako sa magkapatid.

Ngumiti lang si Ace at si Argel ay nakita kong naging seryoso ang mukha.

“Oh what time ka sa inyo?” tanong ko kay Argel at biglang binagsak nya ang mga gamit ko na parang napakagaan lang at nainis ako sa mga kinikilos nya ngayon.

Nakita kong naglalakad ito papalayo sa akin at papunta na ng court.

“See yah later Ken!” sabi sa akin ni Ace at umalis na din ito kaya kinuha ko ang mga gamit ko at pumunta na sa loob ng quarters namin para ilagay ang mga gamit ko sa locker.

“Kakilala mo pala yung magkapatid!” sabi ko kay Vhin at tumingin lang ito sa akin.

“Captain ng basketball team si Argel at Chief naman ng School paper si Ace, so sinong hindi makakakilala sa kanila? Maraming nahanga sa magkapatid lalo na kapag sa competition kasi sila ang nakakahakot ng mga awards!” sabi ni Vhin sa akin habang sinusuot ko ang aking uniform at university jacket na binigay nila sa akin.

“Ah! Ganun ba? Siguro almost lahat ng players ng bawat school ready na?” sabi ko sa kanya at natawa naman ito sa akin.

“Kinakabahan ka ba? Nako wag kang mag alala si Lenny ang kasama mo kaya walang talo kayo!” sabi ni Vhin sa akin at ngumiti lang ako.

Naglakad na kami papunta sa court kung saan hinihintay na ako ni Lenny para mag warm up kami.

“Oh opening game pa lang ito, kaya wag kayong magpapatalo okay!” payo sa amin ni coach at tumango lang kaming dalawa.

Nag match up kami ni Lenny sa isang one on one para malaman ng partner ko ang aking kahinaan, nang matapos na namin ang warm up drill ay agad na kaming bumalik sa bench at nagpahinga ng saglit.

“Galing mo pala!” sabi sa akin ni Lenny at napakamot lang ako ng ulo.

“Hindi ah! Mas magaling ka kaysa sa akin!” biro ko sa kanya at hinampas naman nya ako sa aking balikat at sabay natawa sa aming ginawa.

“Guys start na ang ceremony in 10 minutes! Hinihintay na tayo sa gym!” sigaw sa amin ni marty na isang senior player ng team namin.

Nagbihis na kami ng aming jacket at nilagay muna ang mga gamit namin sa loob ng office at sumabay na sa aming mga seniors.

Nang makarating na kami ay nakita kong hindi kami pumasok sa loob ng gym, at sinabi sa amin na hintayin ang pagtawag ng school namin para lumabas ang bawat team.

“My god! I miss this adrenaline rush!” sabi ni Vhin at nakaramdam din ako ng kakaibang excitement na parang naglalabasan ang energy ko sa buong katawan.

“Now here’s the last years over all champion and this years host for the 2012 inter school competition!” sabi ng announcer at pinag ready na kami.

“Now give it up for the University of St. Michael!” sigaw ng announcer ulit at narinig ko ang ingay sa loob ng gym.

Lumabas muna nag basketball team, sumunod ang volleyball, swimming, badminton at ang team namin ang huling lumabas.

Nang makalabas na kami ay nakita ko ang daming taong nanonood, parang hindi mahulugan ng karayom ang dami nito at dun na ako humanga dahil nakapasok ako as regulars at makakapaglaro ako.

Nang tumayo na kami sa gitna ay biglang narinig ko ang ingay at nakita ko ang banner na nakasulat ang pangalan ko dun, nakita yun ni Lenny at Vhin kaya kinalabit nila ako.

“Aba! Hindi ka pa naglalaro may fans ka na!” biro sa akin ni Vhin at siniko ko sya ng mahina at natawa naman sila sa akin.

Natapos ang ceremony at bumalik na kami sa aming office para gumawa ng isang game plan.

“Alright! Ken and Lenny kayo ang first game sa doubles! Vhin sa singles, Tony ang Izza kasunod kila ken, Macky singles after Vhin! Yun lang muna and the plan is to get this para hindi tayo madehado sa susunod na laban!” sabi ni coach sa amin at nagtaas ako ng kamay.

“Questions?” sabi ni coach at tumayo ako sa aking pagkakaupo.

“So, ilang panalo dapat para makasama sa semi finals?” sabi ko at umupo agad ako.

“Well, kailangan standards as usual! No loose!” sabi ni coach at nabuhayan ng dugo ang buo naming team.

Tumayo na kami ni Lenny nang marinig na namin na tinatawag na ang mga kasali sa first game, kaya sumama sila sa amin papuntang court.

“Ken, ganito ang plano, switching lang ang synchronisation natin para malito ang kalaban kung sino ang mag re-receive ng bola okay ba yun?” sabi ni Lenny at tumango lang ako pag sang ayon sa kanyang plano.

“And if all fails ako na ang bahalang gumawa ng quick plan okay” sabi ko sa kanya at tumango din ito.

Narating namin ang tennis court at nakita ko ang mga kaibigan ko ay nakaupo na sa may bench at sinisigaw ang pangalan ko, kumaway ako sa kanila at nagpalakpakan naman sila.

“Okay guys! Kayo ang unang lalaban, kaya ayokong matalo dito okay!” sabi ni coach at tumango lang kami ni Lenny.

Umupo na si coach sa bench kung saan nakalagay na ang mga jacket namin at gamit.

Nag toss coin muna kaya pinaubaya ko yun kay Lenny dahil hindi ako swerte sa mga ganyang bagay.

“Tail! St. Michael’s ball!” sabi ng referee at ako na ang pumuwesto sa service area para abangan ang mga long ball ng kalaban.

Pumito na ang referee at nag swing na kami, hindi ko na-control ang paghampas kaya muntik na itong lumabas, napatingin ako kay coach at nag thumbs up na ibig sabihin na ipagpatuloy ko ang ginagawa ko.

“Control lang! para may thrill!” biro sa akin ni Lenny at napangiti ako.

“15- love!” sigaw ng referee dahil inside ang call ng umpire sa service ko.

Pumito ulit ang referee at nag swing ulit ako, nagyon ay na- control ko na ang paghampas kaya nasalo ito ng kalaban namin, gumawa sya ng long ball kaya hinabol ko ito at hinampas para papuntahin lang sa malapit sa net dahil nakita kong nasa malayo ang isang kakampi nya sa net.

“30- love!” sigaw ng referee at naghiyawan ang mga schoolmates ko, kahit na naririnig ko ang hiyawan nila ay focus pa din kami ni Lenny dahil ayaw namin masira ang concentration namin.

Si Lenny na ang tumira at nang marinig ko ang pito ng referee ay agad na akong pumuwesto sa may harapan para mag abang kung may short ball na papasok sa aming depensa.

Nang makita ko ang bola na pabalik na sa amin ay tumingin ako kay Lenny at tumango lang ito sa akin, kaya tinalon ko ito at nag smash! Tumama ang bola sa net at pumasok sa kalaban kaya nagtayuan ang mga ka school mate ko at naghihiyawan.

“Whoo! Galing mo talaga Ken!” sabi ng isang babae na kaklase namin sa isang subject.

“Yoshihara!!!” cheer ng ibang estudyante sa amin at napatingin lang ako kay Lenny at ngumiti lang ito sa akin.
“40- love!” sabi ng referee at isang tira na lang ay panalo na ang first game namin.

Pumunta sa kabila si Lenny para sa kanyang serve, nang pumito na ang referee ay agad na recieve ng kalaban ang bola at nag long ball ito, nakita ko si Lenny na hinahabol ito dahil papasok yun, at nahampas nya pabalik sa aming kalaban, naging mahaba ang rally na yun dahil sa pinapakita nilang husay kahit first game pa lang yun.

“60- love! Change court!” sabi ng referee nang tawagin ng umpire na out ang ginawang smash ng kalaban namin.

Bumalik kami sa bench at umupo muna para sa isang briefing ni coach.

“Ken ikaw ang second service palit kayo ni Lenny, bantayan nyo ang isa’t isa okay?!” sabi ni coach at tumango lang kami dahil nainom kami ng tubig.

Pumito na ang referee at bumalik kami sa court, inayos ko na ang aking sapatos at nagsimula na ang laban.

“Love-15!” sigaw ng referee at hindi namin inaasahan ang serve ng kalaban namin.

“Paganahin nyo ung plano!” sigaw ng coach ng kalaban namin at napatingin kami sa isa’t isa ni Lenny, tumango lang ito para sa plano namin at ngumiti lang ako sa pag sang ayon.

Nag serve ulit ang kalaban namin at nag switch kami, nagpunta ako para sa long ball at si Lenny ay nag punta sa pwesto ko, nabigla ang lahat kahit ang coach namin dahil hindi nya alam ang gameplan namin.


To Be Continue...


[20]
“15 all!” sigaw ng referee sa amin nang hampasin ni Lenny ang bola at bumagsak ito sa gitna nila.

“Nice one you got there Lenny!” sabi ko sa kanya at sumaludo lang sya sa akin.

Naging mainit ang laban namin ng second game at nagpatuloy ito hanggang sa last game namin.

“Service by St. Micheal!” sabi ng referee dahil deuce kami sa last game namin.

“Ken make your move!” sigaw sa akin ni coach at tumingin ako sa aming kalaban at naghanap ako ng butas para pasukan ng serve ko.

Narinig ko na ang pag pito at nag serve na ako, nang makapasok ay nakita kong nahampas nila pabalik ito at hinabol ko, nang mahabol ko ay binalik ko ito sa kanila at nakapasok ang tira ko, dahil sa ginawa ko ay nagsigawan ang mga nanonood.

“15-0” sabi ng referee at tinaas ko ang aking kamay.

“One more!” sabi ni Lenny sa akin at kinuha nya ang bola para sya na ang mag serve.

Nang marinig na nya ang pito ay pinalo na nya ito at hindi na nahabol ng kalaban kaya kami ang panalo sa unang game namin.

Naririnig ko ang hiyawan ng mga ka schoolmate ko at ako ay ngumingiti lang.

Lumapit kami sa net at ganun din ang kalaban namin at nag shake hands para sa isang magandang laban.

“Good game!” sabi ng isa sa mga naging kalaban namin kanina.

“Thanks! Galing mo din actually!” bati ko sa kanya at ngumiti lang ito.

“John is my name!” sabi nya sa akin at nagtaka naman ako.

“Call me Ken!” sabi ko lang sa kanya at binigyan nya ako ng ngiti.

“Well good luck sa mga magiging kalaban nyo!” sabi ko sa kanya at pumunta na kami sa bench para ayusin ang mga gamit namin.

“Good job! Pinainit nyo ang laban ah!” sabi ni coach at ngumiti lang kami.

Habang nag uusap kami ay biglang lumapit sa amin si John.

“Ken?” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.

“John!” sabi ko lang sa kanya habang nagpupunas ako ng pawis.

“Could you be our assistant?” sabi lang nito sa akin at napakunot ang noo ko.

“Bakit?” sabi ko lang at ngumiti lang ito dahil nahihiya sya.

“Nagugutom na kasi ako, hindi ko alam ang cafeteria nyo...” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.

Pumayag ako at kinuha ang mga gamit ko sa bench at nagpaalam sa coach namin at lumabas na kami ni John sa court.

“Gusto mo bang magpalit muna?” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito pag sang-ayon sa akin.

Pumunta muna kami sa boys room sa third floor at dun na kami nagpalit ng damit.

Natapos na syang magpalit at ako din, kaya lumabas kami at nakita kong nakatingin ang karamihan sa amin at nakita ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa tambayan namin sa cafeteria.

“Galing mo talaga Papa Ken!” sabi ni Abby sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Panoorin mo kami mamaya ah!” sabi ni Drei na nakita kong katabi si Abby.

“May schedule din ba kayo?” sabi ko lang sa kanya.

“Oo! Hindi ba sinabi sayo ni Argel?” sabi ni Jan naman habang inaasikaso ang papel ni Luke dahil nagawa sila ng assignment.

“Eh... Hindi naman ako sinabihan nun! And busy yun alam ko!” palusot ko sa kanila.

Naramdaman kong kinalabit ako ni John at napatingin sa kanya.

“Guys! Si John nga pala! Yung nakalaban ko kanina!” sabi ko sa kanila at nakita ko ang pagbago ng mukha ni Cheryl.

Binati nila si John at nakipag kwentuhan lang, ako naman ay hinila ni Cheryl papunta sa cafeteria para bumili ng makakain.

“So sino naman yun?” sabi sa akin ni Cheryl at napatingin naman ako sa kanya.

“Si John! Nakalaban ko kanina!” sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagtaas ng kilay nya.

“Yeah! I know but my point is... sino naman sya sa buhay mo?!” sabi nito sa akin at napatigil ako sa pagpili ng pagkain.

“Wala! Nakilala ko lang dahil nagpasama lang sa cafeteria!” sabi ko sa kanya at nakita ko ang kanyang hilaw na ngiti na hindi naniniwala sa sinabi ko.

Nagbayad na kami at papunta na ulit sa tambayan namin nang biglang kinuha ni Ace ang tray ko.

“Ako na!” sabi nya sa akin at hindi na ako nakapagsalita.

Nang makarating kami sa tambayan ay nakita ko si John na parang nagulat sa kanyang nakita, kaya tumingin naman ako kay Ace at nakita kong napatigil ito sa paglalakad papalapit sa tambayan namin.

“Josef!” sabi ni John na parang nagyon lang nakita ang kakilala nya.

“John Christopher!” sabi ni Ace at nakita kong medyo awkward siya.

“Di ko alam na dito ka pala sa school ng lolo mo!” sabi nito nang makaupo na kami.

“Ahh... Eh... kasi yung teacher ko dito napasok at nasa home study program ako! Hindi naman ako napunta dito kapag walang event! Actually hinatid ko lang sya!” sabi ni Ace at inakbayan nya ako.

Nakita ko ang pagbabago ng itsura ni John kaya nagtaka naman ako sa ginawa ni Ace.

Lumapit si John sa akin at tumabi sa akin katabi nya si Ace at nakita kong biglang humina ang boses nya.

“So napalitan mo na pala ako!” sabi ni John at nakita ko si Ace na lumungkot.

“Walang tayo okay! Ilang beses ko na bang sinasabi sayo yan! Magkaibigan tayo dahil ayokong masaktan kita at gusto kong magtagal ang pagsasamahan natin bilang magkaibigan...” sabi ni Ace at nakita kong ngumiti ng pilit si John.

“Naiintindihan ko naman yun eh!” sabi ni John at sumingit na ako sa kanilang usapan.

“Actually hindi ko pa sinasagot yan!” sabi ko sa kanya at natawa si John sinabi ko.

Nakita ko si Ace na namula at napakamot ng ulo.

“Bakit mo naman sinabi!” sabi ni Ace at natawa ako sa ginawa nya.

“Dahil ayokong magsinungaling no!” sabi ko sa kanya at natawa si John sa pag uusap namin ni Ace.

“Bagay nga kayo!” sabi ni John sa akin at napatigil ako.

“Hindi nga marunong manligaw!” biro ko at natawa si John sa sinabi ko.

Narinig kong nag ring ang phone ni John at nagpaalam na ito sa akin, hinatid sya ni Ace at tumabi na ulit sa akin si Cheryl para magpakwento sa pinag usapan namin.

“You mean si John ay isang??!!” sabi ni Cheryl na gulat na gulat nung sabihin ko ang narinig ko sa dalawa.

“Ano ba yan! Wala na ba akong STRAIGHT na friends?!” sabi ni Cheryl at napailing lang ako sa biro nya.

“Baklang babae ka kasi friend!” biro ni Abby.

“And you’re too hot to have a boyfriend!” dagdag ni Luke.

“Ahh! So akala nyo wala akong boyfie?!” sabi ni Cheryl at nilabas ang kanyang phone para tawagan ang kanyang boyfriend.

Nagtatawanan kami at biglang may pumiring sa mata ko.

“Argel?” biro ko at tinanggal nya ito.

“Oh! How sweet naman!” biro ni Cheryl at hinampas ko sya.

“Syempre! Kakatapos lang ng subject kaya kailangan ko ng inspiration!” biro ni Argel at binatukan ko sya.

“Magkapatid nga kayo! Masyadong assuming!” sabi ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.

“Argel, suggest ko sayo na ligawan mo sya! Mag pa impress ka kagaya ko!” sabi ni Drei at inakbayan si Luke.

“Oo nga tutal naman ay ka-close mo na ang mga magulang ni Ken!” sabi ni Jan at natawa naman ako.

“Oh anong nakakatawa?” sabi ni Argel nang tignan nya ako.

“Wala! Lakas kasi ng mga topak nyo!” sabi ko sa kanya at natawa sila Cheryl sa sinabi ko.

“Oh sya! Tara na sa class natin!” sabi ni Abby at sumabay na ako.

Nang makapasok na kami sa room ay nakita ko ang mga classmate ko na nagpalakpakan sa akin dahil napanalo ko ang unang game ko.

Umupo na kaming apat at nag ring na ang bell, pumasok na si sir Clarence at nakita ko si Cheryl na ngumiti sa kanya.

“Good afternoon class!” sabi nito at sumagot naman kami.

Nang matapos na ang pag aattendance na ginawa namin ay nakita kong nakatingin ito sa lugar namin kaya napatingin ako kay Cheryl.

“Don’t say to me that your boyfriend is our professor!” bulong ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

“Mr Yoshihara ranked top two on our exam, and also he and his partner wins the first game earlier!” sabi nya at nagpalakpakan ang mga classmates ko sa akin.

Sa buong class namin kay sir Clarence ay nakita kong patingin tingin sya kay Cheryl, natatawa naman ako dahil sa expression ng mukha ni Cheryl kapag nag eexplain si sir sa second class namin sa kanya in social behavior.

“Kinikilig ka bakla!” biro ko sa kanya at hinampas naman nya ako ng ballpen sa balikat.

“Okay class next week is our Acquaintance night!” sabi ni sir Clarence at lumakas ang mga boses ng mga classmate ko.

Narinig ko ang bell at naglabasan na ang mga classmates namin, walang ibang pinag uusapan kungdi ang event para sa next Friday, nagpaiwan muna kaming apat dahil kasi si Abby ay inaayos pa ang kanyang mga gamit.

“Guys!” sabi ni Cheryl at nakita namin na pumunta sya sa harapan.

“Yep?” sabi namin sa kanya nang tumigil kami sa pagtulong kay Abby na ayusin ang kanyang mga gamit.

“I want you to meet my boyfie!” sabi ni Cheryl at hinalikan si sir Clarence sa pisngi.

Napatigil kami sa kanyang sinabi at parang tuod na hindi na makagalaw sa sinabi ni Cheryl.

“Yey! Congrats buti sinagot mo na sya!” biro ni Luke kay Cheryl at natawa kaming lahat sa biro ni Luke.

“Ang hirap ngang pasagutin eh! kailangan pang ligawan!” sabi ni sir Clarence at napangiti ako.

“Ano kayang feeling ng nililigawan?” sabi ko sa aking sarili at nakita nanaman ako nila na tulala.

“Ano ang iniisip mo?” sabi ni Abby sa akin at nagulat naman ako sa kanya.

“Wa... Wala naman! Heh heh!!” sabi ko sa kanya at tumayo na kami.

Nakita kong nagbubulungan ang mga kaibigan ko sa aking likod kaya hindi ko na natiis at sinabi ko na sa kanila ang iniisip ko.

“Guys gaano bang kasarap ang nililigawan?” sabi ko sa kanila at ngumiti ito sa akin.

“Parang nasa cloud 9 ang feeling!” sabi ni Cheryl sa akin.

“Secured and Contented with someone na alam mong may effort!” sabi naman ni Luke.

“Everything is nice walang makakapagsabi kung kelan ang mga pasabog na eksena! Yung tipong kilig to the bone marrow ang eksena hanggang sa pagtulog mo dala dala mo yun!” sabi ni Abby at napatingin kami sa kanya at biglang nagtawanan.

“Basta Ken, ang advice ko sayo, kung may maliligaw este manliligaw sayo wag mong isara ang puso mo, take it but not everything! Magtira ka para sayo!” sabi ni Luke at papunta na kami ng hallway.

Dahil wala nang class ang mga night shift ay maaga kaming umuwi, nang naglalakad kami sa hallway ay nakarinig kami ng mga estudyanteng nagsisigawan.

“Ay shoot! Ngayon pala laban nila Jan!” sabi ni Abby nang maalala nyang ngayon ang first game nila.

“Tara pumunta tayo! Tutal wala nang class!” sabi ni Cheryl at nagmadali kaming pumunta sa gym para mapanuod ang laban.

Nang makapunta kami sa tapat ng gym ay halos wala nang nakakapasok at sa monitor na lang nanonood ng laban, nakita ko ang laban nila sa monitor si Argel, Drei, at Jan na pala ang nasa court kaya nagsisigawan ang mga tao.

“Ken!” sigaw ng isa sa ka team ko sa tennis.

“Yo! What’s up!” sabi ko lang nang makalapit na ito sa akin.

“Pinapabigay ni Argel sa akin ito! Kapag nakita daw kita ibigay ko sayo!” sabi nito sa akin at nakita ko may hawak syang tag para makapasok sa VIP area.

Agad na nakita nila Abby ang tag at kinuha hindi ko na dapat kukunin pero pinilit ako ng mga kaibigan ko kaya napapasok ako.

Nang makapasok ako ay nakita ko ang laban nila halos dikit ang laban, walang nagpapalamang sa bawat team, nakita ko ang lolo nila Argel at ang mga magulang nito.

“Ken! Dito na kayo!” sabi ni tito Polo sa amin at pumunta na kami sa tabi nila.

“Aba! Nakarating na kayo!” sabi ni tita Margie at ngumiti lang ako sa kanya.

Nag time out muna ang kalaban na team kaya nakita kong nagbalikan sila sa kanilang bench.

Nakita ako ni Argel at napansin kong biglang sumigla sya.

Nakita ko naman si Ace na kumukuha ng mga pictures nila at napansin din nya ako, kaya kumaway ako sa kanya.

“Bakit kasi silang dalawa pa ang nagmamahal sayo!” bulong sa akin ni Cheryl at ngumiti lang ako.

Nakita kong lumapit si Ace sa akin at binigyan ako ng tubig.

“Salamat ah!” sabi ko lang sa kanya at nag thumbs up sya sa akin.

Umalis na si Ace at pumunta ulit sa likod ng ring para kumuha ng mga pictures.


“Ace!” sabi ni Luke

“Oh bakit ka andito?” sabi ko lang nang makita kong dala nito ang mga gamit nya papasok sa class ni sir Clarence.

“Gaano mo kamahal ang kaibigan namin?” sabi lang nya sa akin at wala naman akong maisagot sa kanya.

“Hindi ko alam! Pero kapag andyan sya sa tabi ko or yung nakikita ko sya at laging nakangiti okay na ako!” sagot ko lang sa kanya na parang hindi nakuntento si Luke sa aking sinagot.

“Paano kung nalalamangan ka na ng kapatid mo?” sabi lang ni Luke at may kakaibang naramdaman ako sa aking katawan.

“Ahh... Ehh...” tanging sagot ko lang at hinawakan ang aking ulo.

“Ace, suggestion lang ah! Kung gusto mong makuha ang isang bagay kailangan pagsikapan mo ito!” sabi ni Luke sa akin at parang nakuha ko ang ibig nyang sabihin.

“So you mean is manliligaw ako sa kanya?” sabi ko lang at tumango lang ito.

“And tip lang, kung gusto mong kiligin sya, make a surprise for him!” sabi nito sa akin at umalis na sya.

Pinag isipan ko yun sa loob ng publishing office at nakaisip ako ng idea, kaya nagmadali akong pumunta ng gym at nakita ko ang dalawang team ay andun na, kaya hinanda ko na ang mga tauhan ko at ang mga cameras namin para sa pagkuha ng scenes sa kanila.

Nang nagumpisa na ang game ay hinanap ko kaagad sila Ken at napansin kong wala pa din sya.

“Oh bro!” sabi ni Argel sa akin at napatingin ako sa kanya.

“Kakapasok mo lang?” biro ko sa kanya at tumawa ito sa akin.

“May kinausap lang ako sa labas!” sabi nya sa akin at pumunta na ito sa kanyang team.

Nang marinig na ang horn ay agad nang nagpakitang gilas ang mga kalaban sa team nila Argel.

Kaya kuha lang kami ng kuha ng pictures para sa publishing namin for the next week’s issue.

Lumipas ang ilang minuto at nakita ko na si Ken kasama ang mga kaibigan niya sa tabi nila mama at papa, nakita kong tinaas nya ang kamay nyaat lumapit ako sa kanya.

Kahit kabado ay nag isip ako ng paraan para mapangiti ko sya.

“Kuya, akin na lang ito ah!” sabi ko sa coach ni Argel at kumuha ng isang boteng tubig.

“Tubig oh!” sabi ko sa kanya at kinuha nya ang bote sa akin.

Grabe! Ngayon ko lang nahawakan ang kamay nito, malambot at hindi nakakasawang hawakan! Tapos ang mga ngiti nyang nakaka panibago sa akin, na biglang nagmamadali ang aking katawan kapag andyan sya.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako ganito sa kanya, kahit na nakalaban nya ang aking bestfriend na si John which to have a crush on me since high school.

“Wake up Ace! This is not a dream anymore!” sabi ko sa aking sarili nang makita ko si Ken na nagsisisigaw sa pag cheer sa aking kapatid, hindi ko maisip kung bakit nagseselos ako sa aking kapatid na parang kabiyak na ng aking katauhan.

“Don’t fall for him Ace! Magkaibigan lang kayo!” sabi ulit ng aking isip at napailing lang ako.


Habang naglalaro ang team nila Argel ay napansin ko si Ace na wala sa sarili, hindi ko alam kung bakit pero parang kakaiba sya sa mga oras na yun.

“Friend! Grabe ang ginawa ng team nila Argel oh! Lamang sila ng 5 points sa kalaban!” sabi ni Cheryl sa akin habang nagsisisigaw sila.

“Are you okay?” sabi ni Luke nang mapansin nya akong wala sa sarili.

“Yeah Okay naman ako! Siguro pagod lang ito kanina!” palusot ko na lang para hindi mahalatang nag aalala ako kay Ace na malaki ang pinagbago.

Habang umiinit na ang laban ay napapansin ko si Argel na tinataas nya ang kanyang kamay at tinuturo ako, medyo awkward kasi hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun para sa kanya parang special message or something that can be more interesting.

Sigawan at kantyawan ang tanging naririnig ko sa gym ng mga oras na yun, at nang dumating na ang fourth quarter ay napansin ko ang biglang pagsigla ni Argel.


“Okay guys fourth quarter na! kailangan nyong malamangan ang kalaban para safe tayo papuntang finals!” sabi ni coach sa amin at sumigaw na ako para mag umpisa na kami.

Binigay ng referee ang bola kay Den at pinasa ito kay Drei habang ako naman ay nag aabang sa loob para makahanap ng pwedeng malusutan at makapuntos ulit.

Nang tangkain kong kunin ang bola ay agad na dinepensahan ako ng dalawang players kaya gumawa ako ng move na alam kong mapapahanga ko si Ken.

“Whoa! It’s a fake move done by Casanova and he’s assisting Valdez to get into the ring!” sabi ng announcer at nakita kong napatingin si Ken sa akin, dahil alam kong ginawa nya sa akin yun nung unang paglalaban namin.

“It’s imposible to throw that in that defensive team!” sabi ng announcer, habang naririnig ko ang ingay ng drums at cheer ng mga kapwa student ay sinabi ko kay Den na i shoot na ang bola.

“It miss!” sabi ng announcer at tumakbo ako sa harap ng ring para mag rebound.

“Go Argel!” ang narinig kong sigaw sa di kalayuan at nakuha ko ito.


“Napansin mo ba yung moves nya kanina friend?” sabi ni Cheryl sa akin at napatingin naman ako sa kanya.

“What a stupid guy para kopyahin ang moves ni papa Ken!” biro ni Abby at nagtawanan kami.

“That’s impressive!” sabi ko lang at sa hindi ko alam na situwasyon ay napangiti ako at nagsisisigaw.

“Go Argel!” sigaw ko at nakita ko syang lumingon sa lugar namin.

“Shocks! Ang talas pala ng pandinig nya!” biro ko sa aking sarili at napatawa na lang.

Na shoot ni Argel ang bola at nagtayuan ang mga schoolmates ko, kahit ako din ay napatayo sa tuwa.

“Friend may naisip akong idea, let’s play bet sa team ni Argel okay!” sabi ni Cheryl at napatingin naman ako sa kanila.

“Kapag na shoot yan ni Argel, mahal ka nya!” sabi ni Luke at nagulat naman ako sa sinabi nito kaya nabatukan ko ito.

“Imposible! Eh hindi nga marunong manligaw yan eh!” biro ko sa kanya at tumawa sila.

“Oh sige ganito! Kapag na shoot nya sa 3 point area yung bola, papayag kang umakyat sya ng ligaw, pero kapag hindi, si Ace ang aakyat ng ligaw!” sabi ni Luke at tumingin ako sa kanya ng masama sabay nagtawanan sila sa akin.

“Ayoko nga!” sabi ko lang sa kanila at pinilit pa din nila ako.

“Sige na papa Ken!” sabi ni Abby sa akin at hindi pa din ako sumagot.

“Ay choosy ka pa?!” sabi ni Cheryl nang batukan nya ako sa aking kaartihan.

“It’s just hindi pa namin kilala ang isa’t isa okay!” sabi ko lang at tumigil na sila sa pang aasar sa akin sa magkapatid.

Natapos namin ang game at natalo ang team nila Argel ng one point, kaya nakita ko ang pagka disapoint ni Argel.

Nagtangka akong lumapit sa kanya pero pinigilan ako ni tita Margie.

“Mainit ang ulo nyan, baka ikaw pa ang pagbuntungan ng galit, later na lang kapag okay na sya.” Sabi ni tita Margie sa akin at tumango lang ako.

Lumabas na kami sa gym at dumerecho ako sa sasakyan ko para ilagay ang mga gamit ko sa compartment nang biglang may naramdaman ako sa aking likuran na nakatayo.

“Bakit ka umalis?” sabi nito sa akin at napatingin ako.

“Ace!” sabi ko lang nang makita ko syang hinahabol ang kanyang hininga sa paghahabol sa akin.

To Be Continue...

No comments:

Post a Comment