Friday, January 11, 2013

Tee La Ok Book 3

By: emray
Source: bulonghangin.blogspot.com
annexb.wordpress.com
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com


[01]
Unang Bahagi: /oo - nang/ - /ba-ha-gee/ Titik A, Bilang 1 “Good Morning!” panimulang bati ni Gabby sa guard na nakabantay sa parking area. “Good morning Sir!” sagot nito. “Bago ka ba dito? Para kasing ngayon lang kita nakita.” tanong pa ni Gabby sa kaharap. “First day ko po ngayon!” sagot nito. “Sino po ba ang kailangan ninyo?” tanong pa nito. “Huwag mong ginaganyan si Sir Gabby!” biglang singit ni Joel. “Kung gusto mong magtagal sa
trabaho dapat irespeto mo siya.” pananakot pa ni Joel. “Hay!” inis na sabi ni Gabby. “I changed Joel!” tutol pa nito. “So, ibig sabihin Sir, pwede na namin kayong biru-biruin?” nakangising tanong ni Joel. “Well, honestly I’m doing this for Harold.” diretsang sagot ni Gabby. “Kaya kung gusto mong manatili sa trabaho better know your place at huwag mong samantalahin ang pagiging mabait ko.” habol pa nito saka pindot sa elevator. “Sir!” awat ng guard. “Sa entrance po kayo dumaan. Mga Executives lang po ang pinapadaan dito.” sagot pa ng guard. “I’m the President!” sagot ni Gabby. “Kaya nga papasukin mo na kami.” dugtong pa ni Joel. “Pero Sir, iyong president po kanina pa sa loob.” sagot nito. “Hay!” naasar nang sagot ni Gabby. “Just in time!” panimulang bati ng babaeng iniluwa ng elevator. “Ma!” nagtatakang saad ni Gabby. “Oo hijo!” sagot naman ng ginang. “Tell this guard that I’m the President.” saad ni Gabby. “Sorry dear!” paumanhin ng ginang. “You are not the president anymore. Remember, mas pinili mo si Harold kaysa sa akin.” sagot pa ng ginang. “But ma?!” tutol pa sana ni Gabby. “If you want this company back, alam mo na ang gagawin mo.” pangungundisyon pa ng ginang. “Joel! Come with me! Mula ngayon hindi na si Gabby ang sasamahan mo.” utos pa nito saka muling pinindot ang elevator. “Ma’am?!” naguguluhang wika ni Joel. “If you don’t want to go with me Joel, samahan mo na lang ang Sir Gabby mo at pareho kayong maghirap.” pananakot naman ng ginang kay Joel. “But ma!” tutol ulit ni Gabby. “Enough! Pinili mo ang hampas-lupang iyon kaya magsama kayo.” sagot pa ng ginang. “Anung alam ninyo ma sa pagpapatakbo ng kumpanya?” tanong ni Gabby sa ina. “It can be learned.” sagot ng ginang. “Pero ma, ngayon pa ninyo pag-aaralan? Aren’t you afraid na baka malugi ulit ang kumpanya natin? Ang daming competitors sa global market and agawan sa investments.” turan pa ni Gabby. “Akala mo ba ikaw na ang pinakamagaling na negosyante sa mundo? Ang dami d’yang pwedeng maging advisers at huwag mo akong minamaliit Gabby! Kaya kong hawakan ang kumpanyang pinagyayabang mo.” sagot ng ginang. Natahimik si Gabby – “Hoy!” tawag ng ginang sa guard. “Huwag mong papasukin iyan dito ng walang appointment sa akin.” bilin pa nito. “Joel, if you want your job follow me.” utos pa nit okay Joel. Napatingin naman si Joel kay Gabby. May pag-aalinlangan pa kay Joel kung sasama ito sa nanay ni Gabby o mananatili sa poder ni Gabby. “Sige na Joel, sumama ka na.” utos ni Gabby na agad namang sinunod ni Joel. Pagkasakay ng kotse ay unang tinawagan ni Gabby si Harold – “Good morning Rold!” bati ni Gabby kay Harold. “Good morning din! Ang aga mong napatawag?” tanong ni Harold. “May gagawin ka ba ngayon?” tanong ni Gabby kay Harold. “Wala naman. Bakit?” sagot na tanong ni Harold. “I really miss you! I’ll pick you up. Gayak ka na, I’ll be there in thirty minutes.” sabi ni Gabby saka pinindot ang end call. Sa pagsundo kay Harold sa bahay ng Tito Caretaker – “Anung pumasok sa kukote mo at naisipan mo akong puntahan? tanong ni Harold. “Di ba sinabi ko ngang miss na kita.” sagot ni Gabby saka napabuntong-hininga. “Alam mo, nagiging habit mo na ang pagbubuntong-hininga.” puna ni Harold sa binata. “So? What are you trying to say?” tanong ni Gabby. “It is unpleasant. Para bang napakalaki ng problema mo sa mundo.” sagot ni Harold. “I am used to it. It will be hard for me to change. Just accept the fact that your partner always breath deeply.” sagot ni Gabby saka inakbayan si Harold. “Hindi ba tayo magpapaalam kay Tito?” tanong ni Harold. “Nakapagpaalam na ako bago ka bumaba. That’s enough.” sagot ni Gabby. “Naku naman! Ganyan ba talaga ugali mo?” tanong ni Harold. “Sanay kasi akong sa akin nagpapaalam ang mga empleyado ko, plus I’m living alone kaya wala akong sinasabihan ng goodbye or ingat ka.” sagot ni Gabby. “Siguro ganito lang talaga ang mga mayayamang bachelors na nabubuhay mag-isa.” komento pa ni Gabby. “Well, ibahin mo na ngayon. Masanay ka na, kasi hindi ka na mag-isa.” sagot ni Harold. “That’s it! You got it right! You must now live with me. Sa bahay ko na ikaw uuwi mula ngayon.” pagbabalita ni Gabby. Napanganga naman si Harold sa sinabing iyon ni Gabby. “Hindi pwede.” tutol pa nito. “It’s my house and bahay mo na din.” nakangising tugon ni Gabby. “Pero…” tutol pa sana ni Harold. “No more buts!” madiing turan ni Gabby na punung-puno ng kapangyarihan saka inalalayan si Harold papasok sa kotse. Maghapong gumala sina Harold at Gabby. Pumunta sa Manila Ocean Park at nakipaglaro sa mga isda duon at duon na din nananghalian. Sila na nga ata ang nagbukas ng MOP dahil sa sobrang aga nilang nakabantay at nakatanod para sa pagbubukas nito. “See! Napakaaga naman kasi natin.” reklamo ni Harold habang nakatayo sa labas ng MOP. “Maupo ka nga muna!” saad ni Gabby saka hinatak paupo sa kanya si Harold. “Ano ka ba? Baka may makakita.” reklamo ni Harold habang nakakandong siya kay Gabby. “Loko ka din! Alam na ng buong Pilipinas na boyfriend kita kaya ayos lang iyan.” sagot ni Gabby saka pinulupot ang kamay sa katawan ni Harold. “Nakikiliti ako.” nangingiting reklamo ni Harold habang kumikinig na naging sanhi para lalong higpitan ni Gabby ang yakap sa binata. “Saan ka ba nakikilit? Sa yakap ko o sa sinabi ko?” tanong naman ni Gabby saka idiniin ang baba sa likod ni Harold. “Wala!” sagot ni Harold. “Wala pala!” reaksyon ni Gabby saka kiniliti sa likod si Harold. “Sige na! Sa pareho.” natatawang sagot ni Harold. Pagkatapos nilang mamasyal sa Manila Ocean Park ay diretso naman sila ng Star City at duon nagkulitan. Inisa-isa nila ang bawat rides at sinulit ang ride-all-you-can na bracelet sa kamay. “Alam mo bang huling punta namin dito nila Martin, nanuod pa kami ng ballet show. Ang galing ni Liza Macuja and malamang kung wala ako sa samahan nila Sean at Kenneth, nag-audition na ako sa Ballet Manila.” sabi naman ni Harold habang kumakain ng hotdog. “Very gay-ish!” komento naman ni Gabby. “Bakit naman? Hindi naman komo’t nagbaballet ay gay-ish na.” tutol ni Harold. “Guilty ka kaagad.” komento ni Gabby saka pinahiran ang dumi sa labi ni Harold. “Pwede bang labi ko na lang ang mag-alis ng dumi sa labi mo?” nakangiting banat ni Gabby. “Topak ka talaga!” komento ni Harold na napangiti ng lihim na sinabing iyon ni Gabby. “Sikaran kaya kita.” dagdag pa nito. “Hay!” muling napabuntong-hininga si Gabby. “Napakapakipot mo talaga.” komento pa nito. “Can’t you accept the fact that you’re mine and I am free to do whatever I wanted?” tanong ni Gabby dito. “Topak ka! Hindi mo ako pag-aari, I have my own freedom and hindi mo ako dapat ikumpara sa isang gamit o bagay na pwedeng angkinin. Hindi ako private property mo okay!” tutol ni Harold. “Hay! It’s not what I meant!” tutol ni Gabby. “Imagine, there are private properties, my intellectual property, and you are my heart’s property.” tugon ni Gabby. “Dami mong alam!” sagot ni Harold. “Yeah! Ang dami ko na ding nabola.” sagot ni Gabby na may yabang. “Meaning binobola mo lang ako ngayon?!” sarkastikong tanong ni Harold. “Paano kita bobolahin…” itutugon sana ni Gabby. “…hindi naman ako bola! Luma na yan!” kontra ni Harold. “…kung nagsasabi ako ng totoo!” sagot ni Gabby. “Ang hilig mo kasing umeksena!” dagdag pa ni Gabby. “Ewan ko sa’yo!” sagot ni Harold saka tumayo. “Bakit? Saan ka pupunta?” awat ni Gabby saka hinabol si Harold. “Sasakay ng rides!” tugon ni Harold na sa katotohan ay may kilig na nararamdaman. “Sama na ako!” suhestiyon pa ni Gabby saka umakbay kay Harold. Bago pa man umabot ng alas-dose ay inaya na ni Gabby si Harold na umuwi. Sa isang fine dining dinala ni Gabby si Harold para kumain ng kanilang late midnight dinner. Iba ang aura ng lugar, open-space ang lugar at aakalain mong nasa isang sinaunang panahon ka dahil sa vintage na itsura niyon. Sinundo sila ng isang vintage car mula sa parking lot na nasa labas ng gusali hanggang sa may entrance gate at pagkatapos ay sinakay sila ng kales. Habang nakasakay sa kalesa ay nalalanghap nila ang sariwang hihip ng hangin na tila ba may binubulong sa kanila. Ang kanilang daanan ay napapalamutian ng mga bulaklak ng iba’t-ibang kulay, hugis, laki, anyo at uri. Nang sapitin nila ang likuran ng gusali, habang madilim ang buong paligid ay may isang Aristocrat-themed table na nakaset-up sa gitna na nasa loob ng isang octagon-shaped kiosk na may nakakasilaw na liwanag. Pagkababa nila ng kalesa ay duon lang niya napansin na may mga tila guardia-sibil na nakapila sa harap nila ay ngayon nga ay itinaas ang mga espadang dala-dala. Duon siya inakay ni Gabby para dumaan papunta sa lamesang nasa gitna. Ramdam na ramdam ni Harold na isa siyang Aristokrato nuong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas. Pagkadating sa gitna ay biglang lumamlam ang ilaw at tumugtog ang isang awiting Europeo. May dumating na din para mag-serve sa kanila ng pagkain at mayroon din silang tagapaypay na may malalaking pamaypay. “Bakit? May ano?” tanong ni Harold kay Gabby. “I’ll try my best to be a gentleman Harold so please don’t act like stupid.” sarkastikong pakiusap ni Gabby kay Harold. “At nagpapaka-gentleman ka pa niyan?” tanong ni Harold dito. “Most apparently!” sagot ni Gabby. “Know what, that song is my grandma’s favorite. Nung bata nga ako, she always sing Granada for us or sometimes O Sole Mio.” nakangiting pagbabalita ni Harold. “It’s not my type actually. I just appreciate operatic songs and just to complete this set-up.” sagot ni Gabby. “My grandpa told me that Granada was his ex-lover’s favorite song kaya lagi din itong nag-paplay sa ancestral house namin.” saad pa nito. “Hindi ka ba nagtataka kung sino iyong may dahilan ng switching natin?” tanong ni Harold kay Gabby na humugot nang pag-uusapan mula sa kawalan. “Sometimes, yes! But it doesn’t matter for me anymore. What is important is that I have you.” nakangiti at simpatikong pahayag naman ni Gabby. “Kasi ako hanggang ngayon ay curious kung sino ba siya. He or She is not a stranger I think kasi imposibleng co-incidence lang na sa akin natapat para makapalit mo.” turan ni Harold. “What are you trying to say?” tanong ni Gabby. “This person might be common for both of us.” sagot ni Harold. “A common friend, a common relative, a common stranger.” dugtong pa ni Harold. “Yeah! A common stranger kaya pwede lang Harold, huwag mo nang pag-akasayahan ng oras iyong tao na iyon ngayong gabi. Let’s talk about him or her next time.” sagot naman ni Gabby. “This night is made for us kaya don’t waste it.” habol pa ni Gabby. Naintindihan naman ni Harold si Gabby kaya sinagot niya ito ng matipid na ngiti. Mahigit isang oras din silang nanduon nang mag-aya si Harold na umuwi na. “Sige na, ihatid mo na ako kila Tito Caretaker.” nakangiting pakiusap ni Harold kay Gabby habang bumibyahe. “Hindi ka na uuwi sa Tito Caretaker mo ngayon.” sagot ni Gabby. “Huh?!” tanong ni Harold. “You’ll be staying with me from now on.” pagbabalita pa ni Gabby. “And your Tito Caretaker knows about it so you don’t have anything to worry.” habol pa nito. “It seems planado mo na ang lahat.” sagot ni Harold na hindi magawang magalit kay Gabby dahil gusto din niya ang ideyang iyon. Sa labas ng bahay ni Gabby ay may nakabantay na madaming guwardiya. “Excuse me but what are you doing here?” tanong ni Gabby sa isang nakabantay duon. “Inutusan po kami ni Ma’am Fabregas na bantayan ang bahay.” sagot nito. “I’m here, you can go now.” pag-uutos pa nito saka akmang papasok. “Sir!” awat ng isa. “Bawal po kayong pumasok.” sabi pa nito. “This is my house!” katwiran ni Gabby. “Napag-utusan lang po kami.” sagot pa nito. Naiwan naman ang pagtataka kay Harold sa takbo ng mga pangyayari – “Please excuse me! I’ll talk to my mom!” madiing utos ni Gabby. “Hindi nga po pwede!” pigil nang isa pa. “Anung hindi pwede eh bahay ko nga ito!” galit na bulyaw ni Gabby. “I’ll call a police at ipapahuli ko kayo for trespassing.” pagbabanta pa nito. “Anung ingay to?” tanong nang papalabas na ginang. “Ma!” nausal ni Gabby. “Ikaw pala! Ipanabalot ko na lahat ng gamit mo, nandito ka ba para kunin lahat?” tanong pa nito. “Ma! Bahay ko ‘to.” sagot ni Gabby. “Not anymore dear! Di ba pinili mo si Harold? Face the consequences.” sagot ng ginang saka sinenyasan ang mga nasa likod niyang ilabas na ang mga gamit ni Gabby. “I bought this using my money ma!” katwiran ni Gabby. “You used FabConCom’s money at nakapangalan sa FabConCom and meaning, hindi mo ito property.” sagot ng ginang. “If you want this property back to you, alam mo na ang gagawin mo.” dugtong pa ng ginang. “Iyong kotse, di ba sa FabConCom din yan? Inilabas na namin iyong kotse mong nakapangalan sa’yo at iyan lang ang makukuha mo.” paalala pa nito. “Kahit gumapang man ako sa lupa hindi ko iiwan si Harold.” sagot ni Gabby saka hinatak ang natulalang si Harold. Wala siya sa kundisyon para makipagtalo sa ina at lalong sawa na siyang kausapin ito at paulit-ulit na tutulan ang pagmamahal niya kay Harold. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat kanina?” tanong ni Harold habang bumibyahe sila sa walang patutunguhan. “Para akong tanga kanina na walang alam.” “Sasabihin ko din talaga sa’yo pagkauwi, pero masyadong mabilis si mama.” katwiran ni Gabby. “Saan mo balak tumira?” tanong ni Harold na imbes na magalit ay mas naawa pa siya sa mahal na si Gabby. “Let’s stay at the hotel and we’ll find a condo unit tomorrow.” sagot ni Gabby. “I withdrew half of my money at the bank because I know this will happen at malamang i-hold din ni mama ang bank accounts ko lalo na at extension iyon ng FabConCom account. Dapat nga lahat na, kaso may policy sila kaya matatagalan pa bago ako makapag-withdraw ulit, pero at least kahit half may pang-simula na tayo.” pagpapanatag ni Gabby kay Harold na tila ba may plano na agad ito sa kanila. “Ayaw mong bumalik na lang sa mama mo? I’ll be fine and okay.” may pilit na ngiting suhestiyon ni Harold. “Harold!” wika ni Gabby saka inihinto ang kotse. “Ngayon pa ba kita isusuko? Now that I’m sure na ikaw ang kulang sa buhay ko. Remember what I told you? Ako na lang si Cinderella at nakahanda akong pasukin ang mundo mo. I don’t care kahit bumalik ako sa simula basta ikaw lang ang kasama ko.” puno ng sinseridad na pagpapakalma ni Gabby kay Harold saka hinawakan sa kamay ang binata. “Pero…” tututol pa sana si Harold kahit nba sa kaibuturan niya ay tuwang-tuwa siya. “No more buts! Basta, ikaw ang pinili ko at handa akong panindigan iyon hanggang sa huli.” pangako ni Gabby saka muling hinawakan ang manibela. “I love you Gabby!” tanging tugon ni Harold saka idinantay ang ulo sa balikat ni Gabby at niyakap ng isa niyang kamay ang dibdib nito. Napangiti na lang si Gabby saka hinalikan si Harold sa ulo. “Kung sa Tarlac kaya tayo magsimula? Then, kapag stable na tayo, saka tayo lumabas sa Manila.” suhestiyon ni Harold. “Sabi ng mahal ko!” sagot ni Gabby saka biglang u-turn ang ginawa at pinaharurot ang kotse. “Bakit ang bilis mo namang magdesisyon?” nagtatakang tanong ni Harold. “Actually, I am thinking the same, iyon nga lang naunahan mo na ako.” nakangiting tugon ni Gabby. “Hindi pa masyadong risky sa competition, di tulad sa Manila. There are more chances to extend our business.” sagot ni Gabby. “Business-minded ka talaga.” puna naman ni Harold kay Gabby. “Yeah! I am trained to be like this. There’s no doubt, namana ko sa lolo ko itong ganitong attitude.” sagot ni Gabby. “The worst thing, he almost killed his friends who betrayed him because of business.” sagot ni Gabby. “Wala na akong masabi! Ngayon alam ko na kung bakit ka ganyan.” napabuntong-hiningang nasabi ni Harold. “Ano ba ang akala mong sasabihin ko?” tanong ni Gabby. “Na gusto mong makatulong sa mga kababayan ko kaya sa Tarlac tayo.” sagot naman ni Harold. “Business po ito, hindi charity. Per part na din ng business ang charity.” pampalubag naman ni Gabby kay Harold. “Ewan!” tugon ni Harold. Hindi nga nagtagal at narating nila ang bahay nila Harold sa Tarlac. Salamat na lang sa SCTEX dahil naging mabilis kahit papaano ang byahe nila. “It seems that you’re from an Aristocratic family.” puna ni Gabby habang minamasdan ang kabuuan ng bahay. “My greater grandfather is the former General in Tarlac.” maikling tugon ni Harold. “Iyong lolo ni nanay at si nana yang may-ari nitong bahay.” dugtong pa ni Harold. Puno ng pagtataka ang mukha ni Gabby sa nalaman niya tungkol kay Harold. Pumasok na nga sila sa loob ng bahay at duon nakita ni Gabby na ang lahat ng bagay duon ay puro antigo. Sa tantiya niya ay matibay ang mga dingding at mahirap pasukin kaya kahit laging walang tao sa bahay ay panatag si Harold na walang mawawala. “Alam ko iyang itsura na ‘yan! May pinipilit kang intindihin.” pinangunahan na ni Harold si Gabby. “At nagtataka ka kung bakit ako naging hampas-lupa at patay-gutom.” pagsagot pa nito. “Yeah! Almost a week na tayong mag-boyfriend, but still, I don’t know half of your story.” komento pa ni Gabby. “Sapat nang malaman mong middle men kami nang pamilya ko at naging mahirap lang ako ng mamatay nga ang mga magulang ko.” sagot ni Harold. “Naikwento mo na iyan.” sagot ni Gabby. “Iyon lang naman ang kwentong alam kong i-share sa’yo.” sagot ni Harold saka inalis ang nakabalaot na maalikabok na plastic sa isang mahabang upuan. Inikot ni Gabby ang kabuuan ng bahay at talaga namang nakakamangha na makitang alaga at likas na maganda ang bahay ni Harold. Hindi din ito nakakatakot tirahan kung ihahambing sa ibang ancestral house dahil maaliwalas at maliwanag ang bahay. “Sino ito?” tanong ni Gabby habang tinitingnan ang isang lumang photo album sa nakalagay sa ilalim ng side table. “Sino?” tanong ni Harold saka nilapitan si Gabby. “Iyan ang lola ko.” sagot nito. “At iyan naman ang lolo ko.” sabi pa ni Harold saka tinuro ang kasama ng tinanong ni Gabby. “She looks familiar!” saad ni Gabby. “Black and white iyang pictures na’yan kaya malamang sa oo madaming kamukha kasi walang kulay. Kahit nga portrait minsan magkakamukha.” sagot ni Harold. “Siguro nga!” sagot ni Gabby saka inilipat sa kasunod na pahina ang album. Sa kalagitnaan ng album – “Lolo ko to ah!” biglang nasabi ni Gabby kay Harold. “Asan?” tanong ni Harold. “Sabi ni nanay iyan daw ang pinakamatalik na kaibigan ni lolo.” sabi ni Harold. “Natutuwa naman ako, kasi kung nagkataon tadhana talaga na pinaglapit tayo.” nakangiting komento pa ng binata. “Do you have any recent picture of your lolo?” namumutla at kinakabahang tanong ni Gabby kay Harold. “Wait!” sagot ni Harold saka kinuha ang isa pang medyo bagong photo album. “Ito oh!” sabi ni Harold saka pinakita ang latest picture nang lolo niya bago mamatay. “Siya ba…” nabibilaukang saad ni Gabby. “Kailan siya namatay?” tanong pa ng binata. “Bakit ka nagkakaganyan?” may pag-aalalang tanong ni Harold kay Gabby. “Just answer my question.” pamimilit ni Gabby. “Napoposes ka na naman!” nakangising komento ni Harold. “A year before I was born. Co-incidence nga eh! Kasi ang death anniversary niya ay ang birthday ko.” sabi pa ni Harold. “Are you sure?” hindi pa din mapanatag na tanong ni Gabby na lalong nakaramdam ng kaba sa katawan. “Oo naman!” sagot ni Harold. “Bakit naman ganyan ka kung makakilos na.” tanong pa ng binata. “Wala!” sagot ni Gabby saka niyakap si Harold. “Harold! Sana mapatawad mo ako pag nalaman mo ang katotohanan.” bulong sa isip ni Gabby habang inaalala ang mga naganap nuong September 27, 1989.” “Magpahinga na tayo at baka nasobrahan ka ng pagod.” suhestiyon ni Harold saka pinuntahan ang isang silid duon at kinarga lahat ng dala nilang gamit. Niyakap ni Gabby si Harold habang nakahiga at minamasdan niya ang maamo nitong mukha. Hinahaplos-haplos ang buhok saka minsan-minsan ay dinidikit dion niya ang pisngi sa pisngi ng binata. Nang masigurado niyang mahimbing na ang tulog nito ay agad siyang bumangon at umupo sa may bintana. “I thought everything is right, I believe we have a good fight, And this is something we might, Yet the future is dimming in sight.” tugmang ngayon ay naglalaro sa isipan ni Gabby. “Bakit ba Harold? Bakit ba sa pamilya mo pa nakagawa ng malaking kasalanan si lolo? Ano na ngayon ang mangyayari sa atin? Ayokong mawala ka! Ayokong kamuhian mo ako! Ayokong iwanan mo ako!” naluluhang saad ng diwa ni Gabby. “My strength is not enough to say goodbye, My courage is not enough for my last smile, My will is not enough leave you many miles, My soul will only rest, if you’ll be forever mine.” muling pinaglaro ni Gabby ang isip para bumuo ng panibagong tugma ayon sa nararamdaman. “I’ll do the opposite Harold! I wont say goodbye nor give my last smile nor to leave you many miles apart. Handa akong palambutin ka ulit kung sakaling kamuhian mo ako, handa akong amuin ka ulit kung sakaling isumpa mo ako at handa akong habulin ka kahit sa dulo ng mundo kung sakaling iwanan mo ako.” pagpapalakas ng loob sa sarili ni Gabby para sa isang pangyayaring hindi pa nagaganap. “Stars only shine in darkness, Soaps lather through rudeness, Rainbow comes out from sadness, Why will I give up for my happiness?” tugmang pilit na nagpapanatag kay Gabby. Ilang minuto din siyang nakatingin sa langit at nagmumuni-muni, ilang sandali din siyang nag-iisip kung panahon nang magsabi kay Harold o hindi at ilang minuto din siyang pilit pinapakalma ang sarili bago mapagdesisyunang tabihan si Harold na himbing na himbing na sa pagkakatulog. Dala na din ng pagod ay tinaghali ng gising si Gabby. Mag-aalas dos na nang hapon ng magising ang binata at ang una niyang hinanap ay si Harold. Nang hindi niya ito nakita sa loob ng silid ay agad siyang lumabas at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. “Gising na pala ang yum ko!” bati ni Harold kay Gabby. “What’s with you at yam ang tawag mo sa akin?” tanong ni Gabby na bagamat napangiti ay tinago ang sayang kumiliti sa kanya. “Napanaginipan ko kagabi na mayroon daw isang tao na tumatawag sa akin ng yum!” sagot ni Harold. “Feeling ko talaga totoo kasi kinilig ako.” dugtong pa ng binata. “So, if I will call you yam, kikiligin ka din?” tanong ni Gabby. “Maiinis!” sagot ni Harold. “Why?” may pagtatakang tanong ni Gabby. “Kasi pag ikaw na ang nagsabi, may pagkasarkastiko kasi. Ang lalabas niyan nang-iinis ka! Hindi naman kasi ako yummy para tawaging yum.” litanya naman ni Harold. “All the while you think yum is shortcut for yummy?” tanong ni Gabby. Tango lang ang itinugon ni Harold na napatawa naman si Gabby. “Bakit ka tumatawa?” tanong ni Harold. “It’s YAM and not YUM! Shorcut for you are mine!” paglilinaw ni Gabby. “I first notice YAM, duon sa isang favorite kong story writer sa isang blog. He uses DAK or dahil akin ka, I told myself na pag nagkaruon na ako ng bagong boyfriend or girlfriend, I’ll call him the same way but here comes YAM, mas pleasant sa tenga.” paliwanag pa ni Gabby. “Sorry naman!” inis na tugon ni Harold. “Ang Yum ko!” malambing na sabi ni Gabby sabay yakap kay Harold mula sa likod at inamoy-amoy pa ito. “Nag-iinarte pa!” dugtong pa nito. Iba ang naging reaksyon nang puso ni Harold sa ginawang iyon ni Gabby. Feeling talaga niya ay isa siyang yummy na tao na inaangkin ng isa pang yummy na binata, dahil ang YAM ay may dalawa nang kahulugan. Lihim na napangiti si Harold dahil sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang buong sinseridad siyang nilambing ni Gabby. “Ano na ang plano mo?” simulang tanong ni Harold kay Gabby. “To start my new life with you.” sagot ni Gabby na patuloy sa pagkain. “Ano ba yan, labas sa ilong.” kontra ni Harold. “Please stop contradicting my word especially when it comes to you! I really feel what I am saying. Hindi ako marunong mambola!” sagot ni Gabby. “Tama bang pangaralan pa ko.” napangiwing sagot ni Harold. “How’s your restaurant?” tanong ni Gabby. “And your land?” kasunod nitong tanong. “Kung gusto mo bisitahin natin iyong restaurant mamaya.” suhestiyon ni Harold. “Lalo na at hindi pa ako nakikita ni Luis sa loob ng isang taon.” “Luis?” napakunot na tanong ni Gabby. “Iyong kababata kong pinag-manage ko ng resto habang nasa Manila ako.” sagot ni Harold. “Saktong graduate siya nang mamatay si Tatay kaya ipinagpatuloy ko sa Manila ang pag-aaral.” sagot ni Harold. “Okay! Akala ko may something sa inyo.” sagot ni Gabby. “Wala!” tutol ni Harold. “Lalaki ako dito!” dugtong pa niya. Napangiti na lang si Gabby at mabilis na tinapos ang pagkain. Nalaman ni Harold na naging mahirap ang buhay ng kanilang restaurant habang wala siya at ang pinapadalang pera sa kanya ay sariling ipon na pala ni Luis. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” puno nang pag-aalalang tanong ni Harold kay Luis. “Alam ko kasing gagraduate ka na at ayokong mag-alala ka pa.” sagot ni Luis. “Alam mo namang ako na ang naging kuya mo mula pagkabata ngayon pa ba kita papabayaan.” sinserong turan pa nito. “Harold it’s enough!” awat ni Gabby kay Harold na nakatunog nang kung anung lansa kay Luis. “Hindi pa helpless ang restaurant, konting strategy lang.” sabi pa ni Gabby habang palinga-linga. “Ginawa na nga namin ang lahat.” tutol ni Luis. “Siguro hindi pa lahat, kasi kung lahat sana naisalba ninyo agad ang resto.” mayabang na tugon ni Gabby. “Ang yabang mo ah!” inis na sagot ni Luis. “I know!” sagot ni Gabby saka inakbayan si Harold. “Rold! Tara na!” aya ni Gabby na wari bang hindi nakikita si Luis. “Gabby ano ba?!” asar na tanong ni Harold. “Anung ano ba?” tanong ni Gabby. “Anung problema mo?” tanong ulit ni Harold. “I’m jealous!” direktang sagot ni Gabby. “Iyon lang pala!” tugon ni Harold na pumawi sa inis niya sa binata. “Next time maging mabait ka sa kanya and wala kang dapat ikaselos kasi natural na mabait sa akin si Luis.” dugtong pa nito. “I’ll trust you! Pero sa akin ka lang!” sagot ni Gabby saka muling umakbay kay Harold na tila ipinaghihiyawan sa buong mundo na sa kanya lang ang binatang iyon. “Don’t you trust me?” tanong ni Harold. “I trust you but not Luis!” sagot ni Gabby. “I smell something’s really fishy.” komento pa nito. “Huwag kang isip bata.” saad naman ni Harold na napapangiti dahil sa pagseselos ni Gabby tila bata. Isang buwan! Kita ang improvement ng Restaurant nila Harold at Gabby. Mula sa location, sa pangalan at sa ambiance ng lugar. Kung dati ay malayo ito sa bahay nila Harold at nasa highway, binili ni Gabby ang katapat na lupa ng bahay ni Harold at duon inilipat ang restaurant. Hind naman kasi liblib ang lugar ni Harold at tama lang para sa mga naghahanap ng somewhere to hang-out, mas relaxing, mas refreshing at mas astig. “It’s Gabhor!” ang bagong pangalan ng restaurant, pangit man pakinggan pero interesting pa din kung maririnig. Ginawang modern-aristocratic ang tema kung saan naghalo ang Colonial at modern touches. Hindi din problema ang parking spaces dahil sa bakanteng lote na katabi niyon at ng bahay nila Harold na malaunan ay mabibili na din nila. Ang lumang bahay nila Harold ay naging isa ding attraction, dahil may free tour sa loob kung buong pamilya na may sampung miyembro ang pupunta at kakain sa resto, samantalang may extra-fee kung irerequest lang. Ngayon naman ay pinaparenovate nila ang restraurant sa highway para maging isang establishment na paparentahan ang kada pwesto. Siyempre, dahil sa Construction Company galing si Gabby ay gumawa siya ng espesyal na disenyo para agaw pansin din ang structure ng building. Lalong na-utilize ang lupang sakahan na iniwan ng tatay ni Harold, dahil every inch, nagagamit at walang nasasayang na lugar. “Ang galing naman ng yam ko!” bati ni Harold kay Gabby. “Ikaw lang naman ang walang tiwala sa akin.” sagot ni Gabby. “Hindi din! Bakit ko naman ipagkakatiwala sa’yo ang puso ko kung wala akong tiwala di ba?” sagot ni Harold. “Natututo na ang yam ko!” sagot ni Gabby saka ginulo ang buhok ni Harold. “Ano nga ang gagawin mo sa Manila bukas?” tanong ni Harold. “I’ll be fixing our papers para makapag-extend na tayo na Manila.” sagot ni Gabby. “Itatapat ko ito sa FabConCom at sa subdivision ni mama! I’ll show them that I can stand on my own.” sagot pa ni Gabby. “Do you think it’s time to fix the gap between you and your mom?” tanong ni Harold. “Hindi pa Harold! Matatagalan pa tayo.” sagot ni Gabby. “But don’t worry, bibilisan ko para sa’yo.” paninigurado pa ni Gabby. Kinabukasan. Maaga ngang lumuwas ng Maynila si Gabby. Si Harold ang mag-isang naiwan para i-manage ang restaurant at makipag-kwentuhan na din sa mga nagtatrabaho para sa kanila. “Harold!” tawag ni Luis. “May humahanap sa’yo, nakaabang na sa pinto ng bahay ninyo.” pagbabalita pa ni Luis. “Sino daw?” nagtatakang tanong ni Harold. “Ewan ko! Basta puntahan mo na lang.” sagot ni Luis na napakibit-balikat na lang. “Ma’am!” natitigilang wika ni Harold nang makita ang panauhing nasa pintuan nang bahay nila. “Kamusta na Harold? Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” tanong pa nito. “Pasensya na po.” paumanhin ni Harold na labis ang kabog ng dibdib. Sa loob ng bahay – “Ano po ang sadya ninyo?” kinakabahang simulang tanong ni Harold. “Hindi na dapat tinatanong iyan Harold dahil it is obvious that you stole Gabby from me.” sagot ng ginang. “I am here to get him back.” sagot pa ng ginang. “Sorry Madam! Pero hindi ko po ibabalik si Gabby sa inyo.” matapang na sagot ni Harold. “Hindi ko po ninakaw o inagaw si Gabby. Siya po ang nag-volunteer na sa akin sumama at wala po akong magagawa kung ayaw niya sa inyo.” saad pa nito. “Matalas talaga ang dila mo!” sagot ng ginang. “Sa pagkakaalam ko isang bagsak na business ang mayroon ka at si Gabby lang ang nagpalago nun! Hindi naman kaya ginagamit mo lang si Gabby para sa sarili mong interes?” balik na tanong pa nito. “Well, I wont be surprised kung ganuon nga, kasi di ba lahi mo naman iyon.” komento pa nito. “Ma’am! Tandaan ninyo nasa pamamahay ko kayo! Wala kayong karapatang laiitn ako at ang pagkatao ko! Wala po kayo sa teritoryo ninyo o sa posisyon para maliitiin ang katulad ko.” nanggigigil na pahayag ni Harold. “I am here to offer you money of any amount plus a career better than this, but I guess paninindigan mong malinis ka at mahal mo si Gabby kaya you will refuse my offer.” direktang winika ng ginang. “Kahit anuman po ang sabihin ninyo hindi ko hihiwalayan si Gabby maliban na lang kung siya na mismo ang magsabi. Kahit na gumapang ako Madam sa putik, basta’t sabihin ni Gabby na hindi niya ako iiwan tama na sa akin iyon!” sagot ni Harold. “And you will let Gabby to suffer sa kahirapan?” tanong pa ulit ng ginang. “Kung mahal mo si Gabby dapat hindi mo hayaang mabuhay si Gabby sa hindi siya sanay.” wika pa nito. “You should ask your self similar question madam! Kung mahal mo po ang anak ninyo, hindi ninyo siya gigipitin ng ganito. Kung mahal mo po si Gabby, you will accept him whoever he is, kung sino ang mgat taong mahal niya at hahayaan siyang sumaya.” kalmadong pagbabaliktad ni Harold. “Gabby is willing to start again kasama ako, at nakikita ko pong determinado siyang patunayan ang sarili ninyo.” dugtong pa nito. Gulat na gulat ang ginang sa ginawang pagsagot na iyon Harold. “Matalino kang bata ka kaya hindi na ako magdududa kung napaikot mo si Gabby!” wika pa ng ginang. “Pero mamahalin mo pa kaya si Gabby pag nalaman mo kung sino ang pamilya niya?” tugon ng ginang. “Nakahanda po akong tanggapin ang nakaraan niya madam!” sagot ni Harold. “Listen to me first darling! Handa ka na bang kasuklaman si Gabby pag narinig mo ang kwento niya?” tanong ng ginang saka nagsimulang magkwento. Nanginig si Harold habang pinapakinggan ang kwento ng ginang. Hindi niya alam kung papaano sasagot o kung papaano ipapatigil ang kwento ng ina ni Gabby. Maluha-luha siyang sa bawat detalye ay nasasaktan siya. Umuusbong ang pagkamuhi para sa taong kaharap at halu-halong emosyon para sa taong pinakamamahal. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso na wari bang gusto niyang patayin ang taong kausap at ang mga pigil na luha ay nagbabadya ng isang malaking unos na dapat kaharapin. “And I’m sure, alam lahat ni Gabby ang mga nangyari dahil may isip na siya nuon.” pagwawakas pa ng ginang. Pilit na pinatatag ang sariling nagsalita si Harold – “Handa po akong tanggapin si Gabby kahit na anung klase ng pamilya meron siya!” “Matigas kang bata ka! Pero nakikita ko, naguguluhan ka!” sagot ng ginang saka lumabas ng bahay. “Tawagan mo ako pag handa ka ng ibalik sa akin ang anak ko.” sabi pa nito bago makalabas ng pintuan. Sa gitna ng pag-iisa ni Harold – “Gabby! Totoo ba ang lahat? Ang sakit, puro na ngayon sakit ang nasa puso ko! Hindi ko akalaing ganyang uri pala ng pamilya mayroon ka. Akala ko ayos na ang lahat bakit bigla na lang ganito!” naiiyak na bulong ni Harold sa sarili. “Hindi ko akalaing ang lahi mo pala ang may kasalanan ng lath. Hindi ko ala kung kasusuklaman ba kita, kung magagalit ako sa’yo, kung isusumpa ba kita, kung lalayuan kita. Ayokong isipin na magkakalayo tayo dahil nasasaktan ako, pero ngayon at naalala ko ang kahapon namumuhi ako sa pmilya mo. Ayokong iwanan ka, pero ikaw ang bagong magpapaalala sa akin ng bawat sakit at bawat kirot.” naguguluhang wika ni Harold sa sarili na patuloy pa din sa pag-iyak. Buong araw na wala sa kundisyon si Harold na nagkikilos at naggagagawa. Hindi niya magawang ituon ang buong atensyon sa pagtatrabaho. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Luis. “Ah, oo!” sagot ni Harold na medyo nagulat pa sa tawag ni Luis. “Wala ka ata sa kundisyon.” tanong ni Luis. “Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kagabi pa.” pagsisinungaling ni Harold. “Kilala kita Harold! Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling. Madali lang sa’yo ang umarte na parang wala lang pero hindi mo ako maloloko.” sagot ni Luis. “Ayos nga lang talaga ko.” katwiran ni Harold. “Wait lang, may tumatawag sa akin.” paalam pa ni Harold. “Gabby!” sagot ni Harold saka lumayo kay Luis. “Makakaluwas ka ba ngayon ng Manila?” tanong ni Gabby kay Harold. “Bakit?” tanong ni Harold. “Si Mama kasi, naaksidente kung pwede sana bantayan nating dalawa.” pakiusap ni Gabby. “Sige! Puntahan kita d’yan.” sagot ni Harold na mas inalalang kailangan ni Gabby nang kadamay. “Salamat yam!” sagot ni Gabby. Imbes na sumagot ay pinindot na lang ni Harold ang end call. “Sino iyon?” tanong ni Luis. “Si Gabby! Pinapasunod ako ng Manila.” sagot ni Harold. “Di ba masama pakiramdam mo?” tanong ni Luis. “Kailangan ni Gabby ng karamay ngayon. Naaksidente ang mama niya.” sagot ni Harold. “Samahan na kita.” suhestiyon ni Luis na kilala na si Harold na hindi ito papapigil. “Ako na lang.” sagot ni Harold saka nginitian si Luis at dumiretso sa bahay para kumuha ng ilang pirasong damit. Sa Manila – “Kamusta na ang mama mo?” unang tanong ni Harold kay Gabby na naghihintay sa kanya sa lobby ng ospital. “She’s fine. Sabi ng doctor she’ll wake up by tomorrow.” sagot ni Gabby na kita pa din ang pag-aalala. “Mainam.” sagot ni Harold saka tinabihan si Gabby sa upuan. “Bakit ang tamlay mo?” tanong ni Gabby kay Harold. “Kailangan ko bang maging masaya dahil naaksidente ang mama mo?” may pagkarkastiko sa tinig ni Harold. “Sorry!” napangiting tugon ni Gabby. “Ang yam ko talaga! Kung makaarte.” komento pa ni Gabby saka madiing inakbayan si Harold. “Tara na sa kwarto ng mama mo.” aya ni Harold kay Gabby. “Excited?” tanong ni Gabby. “Let’s eat first.” aya pa nito. Tumingin lang si Harold kay Gabby na tila ba gusto niya ang ideyang kumain muna dahil sa totoo lang ay hindi pa siya handing harapin ang ina ni Gabby lalo na at sariwa pa ang mga sinabi nito sa alaala niya. “Miss, please bring these bags to Room 517.” pakiusap ni Gabby sa receptionist ng hospital. “Okay Sir!” nakangiting tugon nito. “Thank you.” sagot ni Gabby saka umalis at binalikan si Harold. Sa may di-kalayuang kainan – “Kanina ko pa napapansin na ang tamlay ng timpla mo. It is something weird.” nag-aalalang tanong ni Gabby. “Nag-aalala lang ako para sa mama mo.” tugon ni Harold. “Please Harold! Alam ko may tinatago ka.” pakiusap ni Gabby saka hinawakan sa kamay si Harold. “Gabby!” tugon ni Harold na may pag-aalinlangan sa susunod na hakbang. “I’ll be true to you Harold! FabConCom and another family business lost its sales and declined on its stocks. Madaming investors ang nagback-out at still, nasa process na ng pagkalugi.” simula ni Gabby. “I want to help mama to run our business kasi I am in demand sa mga investors ng company. I can say, madali na din para sa atin ang tanggapin ni mama.” pagpapakalma ni Gabby kay Harold. “Alam mo Gabby! Ayoko sanang sumabay sa problema mo, but I think it is time for you to know na galling sa bahay ang mama mo.” simula ni Harold na hindi mapigilan ang sarili para magkwento kay Gabby. “Then?” tanong ni Gabby na biglang nakaramdam ng kaba. “As expected, she wants us na maghiwalay but is refuse to.” sagot ni Harold. “Salamat Harold!” sagot ni Gabby na napangiti sa sinabing iyon ni Harold. “But there’s one thing that bothers me!” madiing hugot ni Harold. “What about?” tanong ni Gabby. “Totoo ba na alam mo ang nangyari nuong September 27, 1989?” tanong ni Harold kay Gabby. Natigilan si Gabby at hindi alam kung papaano sasagutin si Harold. “I am asking you Gabby! Please magsabi ka naman ng katotohanan.” pamimilit ni Harold na unti-unting bumigay ang luha sa mga mata. Tumango lang si Gabby – “Thank you for your honesty.” nakangiting tugon ni Harold. “Galit ka?” napakalungkot na tanong ni Gabby kay Harold. “Alam ko dapat matagal ko nang sinabi sa iyo ang totoo kaso natatakot akong iwasan mo ako at malayo ka sa akin. I don’t want to live without you Harold. Lalo na at sa napakadaming tao sa mundo, sa napakadaming tao kong nakilala at kakilala, ikaw lang ang nagpalabas ng kung sino ako.” paliwanag pa ng binata. “I understand.” sagot ni Harold. “Of course! Iyon ang initial reaction ko pero mas matimbang pa din kung gaano kita kamahal.” sabi pa ulit nito. “Talaga?” napangiting tugon ni Gabby. “Oo!” sagot ni Harold. “Pero sana hayaan mo muna akong makapag-isip, magpalipas ng lahat at hayaan mo akong mapatawad ang buo mong pamilya.” “Harold!” tanging nasabi ni Gabby. “Sa ngayon, ang mama mo muna ang isipin at alalahanin mo. Mas makakabuti sa kanya kung medyo didistansya muna ako sa iyo. Unahin mo na ding asikasuhin iyong sa kumpanya ninyo kami na lang muna ni Luis ang bahala sa business natin.” pamimilit ni Harold. “Are you doing this for my mother and our company or you just need distance? Kasi kung si mama at ang kumpanya ito, you need not to do this. Pero kung kailangan mo ng space, willing ako para pagbigyan ka. Naiintindihan naman kasi kita.” paliwanag ni Gabby. “I’m doing this for both. Para ngang sobrang co-incidence di ba? I need some space saka nagkaroon nang ganito. Parang naniniwala na ako sa destiny na binigyan ako ng reason para makapag-contemplate.” sagot ni Harold. “Okay Harold! Pero sana hindi mabago ang tingin mo sa akin. Sana maging masaya pa din ang kwento ng buhay natin. Ayokong mawala ka, at ayokong mawala ang yam ko!” puno nang pag-aalalang sinabi ni Gabby. “Don’t worry! Sa’yo at sa’yo lang din ako babalik.” paninigurado ni Harold na may matipid na ngiti. Matapos kumain ay pinuntahan na muna ni Harold ang mama ni Gabby at saka nagpaalam – “I will wait for you kahit gaano katagal basta, hihintayin kita.” pakiusap ni Gabby. “Sabi mo yan yam ah!” sagot ni Harold saka yumakap kay Gabby, tumalikod at naglakad na palayo. Mabibigat ang mga paa ni Harold para sa mga hakbang na iyon. Ayaw niyang iwanan si Gabby, ayaw niyang mawlaay sa taong pinakamamahal, ayaw niyang lisanin ang taong nagbibigay sa kanya ng saya. Ang dami niyang ipinagpalit para kay Gabby, ang dami niyang iniwan at taong tinalikuran para sa pag-ibig niyang iyon. Kinalimutan niya ang dating paniniwala at isinakripisypo ang kapakanan ng marami. Naging makasarili siya para bigyang daan ang pagmamahalan nilang sa buo niyang akala ay may patutunguhan. Pero ngayon, kailangan niyiang talikuran ang taong sanhi ng lahat nang iyon dahil mas matimbang sa puso niya ang sakit na nararamdaman para sa sinapit ng pamilya niya sa lahi ni Gabby. Masakit man, pero kailangan niyang gawin, dahil muling nanariwa ang sugat nang nakaraan. Hindi niya alam kung kaya ba niyang mapatawad ang buong angkan nito o kung kayaq ba niyang pakiharapan pa ang mnga taong iyon. Kahit na nga ba walang kasalanan si Gabby, pero nabahiran na ang pagmamahal niya para dito ng mga duda at mantsang ang kanyang nuno ang may gawa. Samantalang – “Good evening Sir! Isa po akong concern citizen at gusto ko lang pong sabihing may kakilala akong NPA na gumagala sa Manila.” sabi ng mahiwagang tinig. “Sino ka ba at bakit ka namin papaniwalaan?” tanong ng commanding officer ng army na nakaduty. “See the pictures I sent to you! Di ba obvious para maniwala kayong NPA nga iyang tao na iyan?” sagot naman ng lalaki. “Ikaw pala ang nagpadala ng mg pictures dito? Anung pangalan mo? Gaano mo kakilala itong lalaki na’to?” tanong pa ng commanding officer. “He’s my friend and dahil nga sa nalaman kong sikreto niya, sa tingin ko dapat ninyong malaman para sa pagsugpo ng terorismo.” sagot ng tinig saka binaba ang tawag. “Hello!” sabi ng commanding officer. “Do you finished the research about this man?” tanong ng commanding officer sa mga kasamahan. “Yes sir! And napatunayan pong totoo lahat ng informations na binigay ng asset natin.” sagot naman ng isa. “So, tuloy na natin ang plano!” madiing utos nito saka naman tila mga langgam na nag-unahan ang mga sundalo sa pagpunta sa kanilang pwesto. “Siya ang pang-limang huhulihin ng grupo.” dugtong pa nito.


[02]
“Handa ka pa rin bang tanggapin si Gabby kung malalaman mong ang lolo niya ang dahilan kung bakit namatay ang lolo mo?” simula ni Mrs. Fabregas.
Kita ang pagkagulat kay Harold ng mga sandaling iyon. Oo, hindi niya nakita ang lolo niya, pero kung may anung sumingit para magngitngit ang damdamin niya sa narinig. Umiral pa din ang pananalaytay ng dugo sa kanya ng mga oras na iyon.
“You heard it right darling! Nang panahong iyon, nagtalo ang lolo mo at ang papa dahil sa kumpanya. Ang lolo mo naman kasi, masyadong mabait na gustong bahaginan ng shares ang mga matagal ng empleyado at salary increase ang mga trabrahador. Nagkaruon ng konting pagtatalu-talo. Sinabi pa nga ng lolo mo, kung hindi daw papayag si papa sa usapan nila, mag-quit ito at babawiin lahat ng shares niya and will do legal actions. He’s just 20% percent of the total company at inambon lang iyon ng papa sa lolo mo. Of course, galit na galit si papa!” simula ng kwento ng ginang. “Mang-aagaw na ang lolo mo tapos ngayon aariin pa niiya ang 20% ng kumpanya. He called his secretary to do the job. Pinasundan ni papa ang lolo mo and the plan is to ambush him. Pero ano ba at nakagawa ng madaling paraan ang papa, pinaalis niya ang break control sa kotse ng lolo mo para magmukhang aksidente ang lahat.” nakangisi at walang pagsisising wika ng ginang. “Gabby was there habang kausap ni papa ang secretary niya and alam kong at sigurado akong alam iyon lahat ni Gabby.” kwento pa ulit ng ginang.
“Kaya pala ng makita niya si lolo nabigla siya.” nasabi ni Harold na may pigil na luha dahil kaharap niya ang pumaslang sa lolo niyang hindi niya nasilayan.
“Oh! Alam na pala ni Gabby ang lahat! I pity you darling! Malamang itutulad ka lang din nuon sa lolo mo. Gusto mo bang maulit ang nakaraan? Apo laban sa apo? Hindi na ako magtataka kung gagamitin ka lang din ni Gabby at malay mo, one of these days itapon ka din niyang parang basura.” mapang-hamong wika ng ginang.
“May dahilan si Gabby kaya niya nilihim ang lahat sa akin! Alam ko na his love is pure kaya hindi niyia kayang gawin ang sinasabi ninyo.” sagot ni Harold na bagamat na-babrainwash na ay patuloy pa din ang pagtitiwala kay Gabby.
“What if malaman mong ang pagkamatay ng nanay mo ay kagagawan din ng pamilya niya?” tanong ng ginang.
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” nangagatal na tanong ni Harold.
“Hindi naman talaga namatay ang nanay mo dahil sa sakit niya. Honestly, it’s curable; pero si papa may naisip na paraan dahil nuong panahon na iyon, nalaman na ng nanay mo ang lahat ng nangyari. She had all the evidences she needed, pero mas maagap si papa! She told the doctor na nataong family friend to put some, just a little chemical na untraceable to poison your mother’s blood.” kwento pa ng ginang.
Natigilan si Harold, hindi niya alam kung papaano magsasalita. Naumid ang dila niya, nawala ang lakas ng loob niya. Gumuho ang mundo niya! Ang lalaking pinakamamahal ay apo ng taong pumatay sa kanyang mga mahal sa buhay.
“Kung balak mong magsuplong, prepare lots of money kasi kayang baliktarin ng pera ko ang sitwasyon at malamang na ikaw pa ang makulong.” pagbabanta pa ng ginang.
“Mama ka nga talaga ni Gabby!” napangiting komento ni Harold.
Ito ang laman ng isip ni Harold habang naglalakad patungo sa daang hindi niya alam kung saan papunta. Naluluha at mabigat ang dibdib dahil sa kaganapang biglang sumampal sa kanya. Hindi siya handa at lalong hindi siya magiging handa sa ganitong uri ng rebelasyon.
“Gabby! Sana ay makita ko pa ang daan pabalik sa’yo. Sana ay makita ko pa ang dahilan para balikan ka.” bulong ni Harold sa hangin.
Sa gitna ng paglalakad ay biglang kinutuban si Harold – biglang napahinto at sandaling nakiramdam. Sigurado siya, may nagmamatyag sa kanya at sinusundan siya – kanina ay akala niyang wrong impressions lang dahil sa laman ng isip niya ang usapan nila ng mama ni Gabby, ngayon ay nasisigurado niyang sinusundan siya.
Binilisan niya ang lakad dahil alam niyang hindi iyon si Gabby o kung sinumang kakilala niya. Ramdam niyang hindi ganuon ang aura ni Gabby para matakot siya nang ganuon at isa lang si Gabby kung ikukumpara sa mga matang pakiramdam niyang kanina pa siya pinapanuod.
Ang mabilis na lakad ay naging takbo at duon na nagsimula ang isa pang mas maaksyon na habulan. Sumuot si Harold sa mga magkakapatong na tosang para magtago at saka nag-isip nang plano kung papaano makakatakas.
“Shitness all the way! Sino ba itong mga ito!” bulong ni Harold sa sarili. “Don’t tell me makakauna pa ito sa puri ko kaysa kay Gabby! The hell! Papaano na!” maya-maya pa at – “got it!” tila may nagliwanag sa isip ni Harold saka tumakbo palabas ng tosang.
Binilisan ang takbo saka madaling tinumbok ang highway. Sa kamalasan ay madalang ang mga sasakyan at sa tingin niya ay liblib na bahagi iyon ng Maynila. Walang nagawa si Harold kung hindi wlaang-lingong tumakbo – palayo sa tahimik na lugar na iyon at pilit tinutumbok ang mataong lugar.
Sa kamamadali ay hindi niya napansing may nakaabang na sa kanya sa harap at dito siya nabunggo. Ang laki ng katawan ng mama ay nakapagpatumba sa kanya.
“Gullible!” nausal ni Harold saka tumingin sa nakabangga.
Naka-civilian ang lalaki, malaki ang katawan, bigotilyo at sa tantya niya ay nasa 6ft. isang tipikal na itsura ng isang sundalo. Walang pagdadalawang-isip na tumayo si Harold para tumakbo ngunit sa kamalasan ay madali siya nitong nahawakan sa buhok.
Pumalag si Harold! Kampay dito, kampay duon, suntok dito, suntok duon! Ngunit malakas ang lalaki, isang wasiwas lang sa kanya ay bumagsak siya kaagad sa dibdib nang isa pang lalaki. Matapos nuon ay naramdaman na lang niyang binuslaan siya sa bibig at pinagtutulungang isilid sa tila sako. Patuloy sa pagpalag si Harold at tila mga demonyong sinuntok siya sa sikmura ng isa pang lalaki. Hindi niya makita ang mga mukha nito, pero sigurado siya, walang laban ang kanyang lakas kung ikukumpara sa mga ito.
Hindi nawalan ng pag-asa si Harold, kaya naman patuloy itong lumalaban at pumapalag. Isang hampas sa ulo na lang ang naramdaman niya. Kaiba sa dinanas niya sa mob, mas malakas, mas may pwersa at mas may lakas. Pumanaw na ang ulirat ni Harold at agad na bumigay ang katawan niya, nawalan ng malay ngunit nakakaramdam pa sa paligid.
“Katapusan ko na ba?” tanong ni Harold sa sarili.
Samantalang si Gabby naman ay hindi mapanatag ng mga ora na iyon. Nakailang dial na din siya sa cellphone pero walang Harold na sumasagot. Ring lang ng ring hanggang sa tila nagsawa na ata at out of coverage area na kaagad. Hindi din nagawang makatulog ni Gabby ng gabing iyon, gawa na nga ng puno siya nang pag-aalala para kay Harold, pangamba at kaba. Hindi niya maipaliwanag, pero sa tingin niya ay na sa malaking kapahamakan si Harold. Walang kaalam-alam ang binata na tama ang kutob niya.
Kinabukasan –
“Joel, pupunta muna ako ng Tarlac.” paalam ni Gabby kay Joel.
“Bakit Sir?” tanong ni Joel.
“Dadalawin ko lang si Harold.” sagot ni Gabby.
“Hindi pa po kayo nakakatulog.” sagot ni Joel na tila ba natakot.
“It’s alright. Huwag mo lang sabihin kay mama kung saan ako pumunta.” sagot ni Gabby saka lumakad palayo.
Sa Tarlac –
“Where’s Harold?” tanong ni Gabby kay Luis na siyang sumalubong sa kanya.
“Di ba kasama mo?” balik na tanong ni Lusi.
“Hindi siya umuwi kagabi?” bumakas ang pag-aalalang tanong ni Gabby.
“Kung umuwi man siya kagabi sana alam ko!” sagot ni Luis. “Kagagaling ko lang sa bahay at walang tao.” habol pa nito.
“Well, thanks!” sagot ni Gabby saka tinawid ang kalsada papunta sa bahay ni Harold.
Gamit ang susi niyang binigay ni Harold ay binuksan ang naka-lock na pintuan. Unang pinuntahan ang kwarto nila ngunit hindi man lang nagulo ang ayos nito buhat ng umalis siya kahapon.
“Saan kaya nagsuot si Harold?” nag-alalang tanong ni Gabby na lalong nagpatindi sa kaba niiya.
Humanap si Gabby ng kahit na ano para makapagturo sa kanya kung nasaan si Harold subalit bigo ang binata.
“Kamusta ang sales kahapon?” tanong ni Gabby kay Luis.
“As usual, mas may hatak pag gabi. Getting larger na ang mga grupong pumupunta sa atin. Kahapon may nag-request na bisitahin ang bahay pero wala naman si Harold or ikaw para mag-assist. Willing daw siya magbayad ng kahit magkano just to see the whole house.” balita pa ni Luis.
“Bakit hindi mo i-nassist?” tanong ni Gabby.
“Walang iniwang susi sa akin.” sagot ni Luis. “Saka ayos na ding hindi nakapag-tour iyong manong kasi mukhang hindi gagawa ng mabuti.” komento pa nito.
“Paano mo naman nasabing hindi gagawa ng mabuti?” tanong ni Gabby.
“Sa itsura pa lang nakakatakot na. Tipong goons ang itsura.” sagot ni Luis. “Naka-camouflage na pants tapos black shirt, malaki ang katawan saka semi-kalbo.” paglalarawan pa ni Luis.
Nakaramdam ng kutob si Gabby base sa ginawang paglalarawan na iyon ni Luis.
“Hindi naman kaya napaano na si Harold?” tanong ni Gabby sa sarili. “No! Harold needs space and iyon ang dahilan ng pagkawala niya.” pilit na pinakakalma ni Gabby ang sarili kahit na nga ba sa loob niya ay may mga pagdududa na.
“I need to go now!” paalam ni Gabby kay Luis.
“So early.” komento ni Luis.
“Wala pa kasi akong tulog and I need to take some rest.” komento ni Gabby. “I’m in-charge to my mother’s this evening.”
“D’yan ka na lang matulog saka ka na bumalik sa mama mo.” suhestiyon ni Luis. “Malay mo umuwi na si Harold.” saad pa nito.
“Brilliant!” napangiting turan ni Gabby at natuwa sa ideyang makikita na niya si Harold.
“Don’t worry about the restaurant! Kami na ang bahala muna.” saad ni Luis saka nagbigay ng ngiti kay Gabby.
“Thanks dude!” sabi ni Gabby saka muling lumakad papunta sa bahay ni Harold.
Sa higaan ay amoy na amoy pa niya si Harold, ang katawan nito, ang mabangong pawis na kumapit sa higaan at ang amoy ng buhok nitong nasa unan. May pag-aalala man ay pilit niyang pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng simpleng kaligayahang naibibigay ng mga bagay na iyon. Itinakip din niya ang kumot sa katawan at sa pakiramdam niya ay yakap iyon ni Harold. May luhang unti-unting pumatak sa mata ng binata nang isiping malayo si Harold sa kanya at hindi niya alam kung babalik pa ito o hindi na.
Isang linggo na ang lumilipas –
“Luis! Hindi pa din ba umuuwi si Harold?” tanong ni Gabby kay Luis mula sa kabilang linya.
“Sorry Gabby pero hindi pa din eh.” sagot ni Luis.
“Are you sure?” tanong ni Gabby.
“Oo naman!” sagot ni Luis.
“Baka naman sabi ni Harold huwag mong sabihing nandyan na siya.” kontra ni Gabby.
“Alam mo namang ayokong may away kayo di ba?” sagot ni Luis.
“Sorry!” paumanhin ni Gabby saka pinindot ang end call.
“One week na walang paramdam? Hindi na contemplation iyon! Nag-iinarte na lang si Harold.” bulong ni Gabby sa hangin habang muling dumidial.
“Good afternoon, is this Sean?” tanong ni Gabby sa kausap sa kabilang linya.
“Yes, speaking.” sagot ni Sean.
“Do you know where’s Harold?” tanong ni Gabby.
“May I know who’s in the line?” tanong ni Sean sa kausap.
“Gabby! Gabby Fabregas.” sagot ni Gabby.
“Ikaw lang pala yan!” sagot ni Sean. “Tatawagan ka na nga din namin para itanong kung alam mo kung nasaan si Harold.”
“Meaning, wala din si Harold sa inyo.” sagot ni Gabby.
“Oo! Akala nga namin kasama mo eh.” sagot ni Sean. “One week nang hindi ma-contact, tapos kahit sino sa mga kakilala naming kakilala niya hindi din alam kung nasaan siya. Inactive ang Facebook na impossibleng mangyari at hindi din matawagan. Nag-aalala na nga kami kay Harold.” saad pa ni Sean.
“Same here!” sagot ni Gabby. “Thank you for answering. Matamlay na tugon ni Gabby saka pipindutin n asana ang end call nang –
“Wait Gabby! May ibabalita ata si Kenneth.” awat ni Sean matapos ay pinaghintay si Gabby sa kabilang linya.
Matapos ang ilang minuto at –
“Gabby! We’re not sure pero pumunta ka na lang dito sa headquarters namin.” sabi ni Sean.
Mabilis pa sa ipu-ipong kumilos at gumayak si Gabby papunta kay Sean at umaasa siyang makikita na niyang muli si Harold.
“So, where’s Harold?” tanong ni Gabby kay Sean at Kenneth.
“Sa kotse na lang tayo mag-usap. Sa ngayon, kailangan nating bumiyahe papuntang Nueva ecija.” sagot ni Kenneth.
“Why?” nagtatakang tanong ni Gabby.
“Basta Gabby! Sa kotse na lang.” sagot ni Sean.
Agad na ngang bumiyahe ang mga ito papuntang Nueva Ecija at –
“Now that we’re on our way, can you please tell me what happened to Harold.” irita at kinakabahang pamimilit ni Gabby.
“Alam mo na naman di bang aktibista si Harold.” simula ni Kenneth na may pigil na emosyon. “Kasama sa pagiging aktibista niya ang lahat ng banta ng panganib, sa military, sa mga pulis, sa mga mayayaman, sa gobyerno at hindi maiiwasang…” itutuloy pa sana ni Kenneth ng –
“Please be direct to the point!” may kaba man ay pilit niyang itinago iyon sa galit niyang pananalita.
“May nakitang sunog na katawan sa Nueva Ecija at ang initial description ay tumutukoy lahat kay Harold.” sagot ni Kenneth na pilit pinapatatag ang katawan.
“So, pinapunta ninyo ako para lang maging driver ninyo? Malamang hindi si Harold iyon.” sagot ni Gabby na bagamat lalong tumindi ang kaba ay pilit niyang itinatanggi na si Harold iyon.
“Madalas mangyari sa buhay namin ito Gabby! Mga desaparacidos kung tawagin sa amin ang kasong ito, political killings, mga aktibistang pinapaslang, iyong iba makikita lang after couple of years, iyong iba hindi na talaga kahit kailan. Wala kasing hustisya at bulag ang human rights sa mga katulad naming lumalaban sa gobyerno. Akala ng iba basta lang kami nag-iingay, pero hindi nila alam na ang bawat ingay namin, malaki ang patama sa mga nakaupo at buhay namin ang nakasalalay dahil mamaya, sa isang iglap, bigla kaming mawala at sa susunod na makita ay malamig ng bangkay. Kay Harold, iba pa din ang nakakasigurado.” paliwanag ni Kenneth. “Pero kung ayaw mong sumama, ibaba mo na kami ni Sean at hahanap na lang kami ng masasakyan.” suhestiyon pa ni Kenneth.
Ayaw sanang isipin ni Gabby na si Harold iyon, pero paano kung si Harold nga. Kaya mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan at hagibis niya itong pinalipad sa kalsada. Sabik na ang puso niya kay Harold pero ayaw niyang isang malamig na bangkay itong aabutan. Halu-halong emosyon ang naglalaro sa kaibuturan ni Gabby, ayaw niyang umiyak, ayaw niyang ipakitang naniniwala siya, ayaw niyang sabihing tinatanggap na niya ang ideyang patay na si Harold.
Wala, napalambot na ni Harold ang puso niya kaya naman kahit na anung pagtatago ng saloobin ay agad siyang pinagtaksilan ng mga luha sa kanyang mga mata.
“Harold! Akala ko ba hintayin ka? Pero bakit? Bakit ngayon, binigo mo akong babalik ka?” katanungan ni Gabby sa sarili.
Puno ng kalungkutan, pag-aalala at pangamba, iyan ang mababanaag sa mga mata ni Gabby. Hindi niya alam kung papaanong tatanggapin kung si Harold man nga iyong katawang iyon.
Ilang oras din silang bumiyahe at sa wakas ay nakarating na din sila sa laboratoryong sumuri sa bangkay –
Hindi magawang titigan ni Gabby ang bangkay na nasa harap. Mahirap nang i-identify iyon dahil sunog na sunog na at halos puro buto na lang ang nakikita. May pigil na luha ang nais kumawala sa kanya, ngunit ayaw tanggapin ng puso niyang si Harold nga ang kaharap. Iba ang damdaming nasa puso niya, kaiba sa damdmaing ang tunay na Harold lang ang may kakayahang magparamdam sa kanya.
“Doc, kamusta na po ang initial findings?” tanong ni Kenneth sa doctor.
“May nakita kaming mga bagay sa kanya na pwedeng magamit to identify the body. Iyong sa ngipin niya at bone structure.” sagot ng doctor.
“Yes dok! Kapareho nga po ang ngipin at bone structure ng hinahanap namin, pero pwede po bang makita namin iyong bagay na nakakabit sa kanya.” pakiusap ni Kenneth.
“Ito ang singsing na nakuha naman sa left ring finger niya.” pakita ng doctor sa singsing.
“Wala naman akong maalalang nagsusuot si Harold ng singsing.” komento ni Sean.
Biglang napalingon si Gabby sa sinabing iyon ng doctor, singsing. Maaari kayang iyon na ang hinihintay niyang ebidensya para makumbinsi siyang si Harold nga ang kaharap.
Nangingilid ang luhang kinuha ni Gabby ang singsing –
“Yeah! This is Harold’s” putol-putol na kumpirmasyon ni Gabby.
Nagsimula na ding kumawala ang mga luha kina Sean at Kenneth sa kumpirmasyong iyon ni Gabby –
“Papaano namang magkkaruon ng ganyan si Harold?” tutol ni Kenneth na bagamat may duda ay tila nasampal dahil sa kumpirmasyon ni Gabby.
“I am the one who gave him this ring.” tila patay na sagot ni Gabby, walang emosyon, tanging mga luha lang ang nagsasabi ng nararamdaman nito.
“Madaming may ganyang singsing.” kontra ni Kenneth na hinawakan pa sa kwelyo si Gabby.
“No! Ako sa si Harold lang ang may ganyan!” sagot ni Gabby saka pakita sa kapares na singsing sa kamay niya.
Lalong napadalas ang mga luha sa mata ni Sean. Walang pagdadalawang-isip na niyakap si Harold.
“Harold! Bakit ba ikaw pa! Pwede namang ako na lang ang magkaganya pero bakit ikaw pa?” tanong ni Sean sa bangkay ni Harold. “Shit naman Rold! Wala na akong ka-buddy, sino na lang ang sasaluhan ko ng pukpok ng mga pulis ngayon? Wala nang pipitik sa ilong ko, wala ng magsasabing, sabi nga ng kung sinumang Pontio Pilatong iyan! Wala nang tatanga-tangang papahuli sa papabugbog sa mga pulis, wala ng tatakas sa patak-patak system natin.” mga pag-alala ni Sean kay Harold. “Hoy gago! Bakit ka kasi nagpahuli? Akala ko ba mabilis kang tumakbo at magaling kang tumnakas? Ang yabang-yabang mo pa na hindi ka maabutan pag habulan na. At akala ko ba matalino ka? Kaya mong mabilis na makaisip na plano? Bakit nabobo ka at madali kang nahuli? Wala ka pala eh! Hanggang yabang ka lang pala eh.” paninisi pa ni Sean kay Harold.
“Nakita din ito sa may di-kalayuan sa bangkay.” sabi ulit ng doctor saka binigay ang nakita nilang kwintas dito.
“Si Harold nga!” saad ni Sean nang makita ang family pendant ni Harold.
Hindi magawang lapitan ni Kenneth ang bangkay ni Harold. Pakiramdam niya ay pinipilipitan ang puso niya ngayong kaharap si Harold – walang malay, walang buhay, isa nang bangkay. Isang malakas na suntok ang binigay ni Kenneth sa pader ng laboratoryo. Ang isa ay nasundan ng isa at ng isa pa kasabay ng mga luhang nasa mata. Pagpapahiwatig ng emosyong nararamdaman niya at nag-babadya sa isang paghihiganting binubuo sa isipan.
Samantalang si Gabby naman ay kinuha ang pendant at singsing, nilapitan ang bangkay, buo ang loob na tinitigan at inalala ang mga sandaling kasama ang binata. Sapat na ang katahimikan niya para malaman kung gaano siya nasaktan sa pagkawala ni Harold. May mga pigil na luhang pilit na kumakawala sa mga mata, may mga hikbi ng pangungulila, may mga mapapait na ngiting pilit binitawan. Ang puso ni Gabby ay tila ba ginapusan ng mga tinik, ng chicken wire, ng electric wire na may milyong boltahe. Buhay na patay ang pakiramdam ni Gabby, oo, buhay ang katawang lupa niya subalit piñata na naman ang puso niya. Buhay na buhay siya, pero pumanaw na ang diwa niya, ang damdamin niya, tinangay lahat ni Harold ang katinuan niya. “Sana, niyakap na kita ng mahigpit, hinalikan sa mga labi at sinabihan na kita kung gaano kita kamahal nung huling beses kitang nakita. Sana hindi ako naduwag nuon kung alam ko lang na iyon na ang huli nating pagkikita.” bulong ni Gabby sa sarili. “Mali pala! Sana hindi na ako pumayag na umalis ka, sana hindi kita hinayaang mawlaay sa akin, sana hindi nangyari ang lahat ng ito.” pagbawi ni Gabby.
“Doc, gaano pa po katagal i-aautopsy ang katawan ni Harold?” tanong in Kenneth sa doctor.
“Sa sobrang pagkasunog ng katawan niya, matatagalan pa tayo. Hindi din ganun ka-advance ang equipments namin dito.” sagot ng doctor.
“Prepare all the documents doc. Iuuwi na namin si Harold sa Tarlac.” wari ba isang hari n utos ni Gabby sa doctor.
“Hindi pa pwede, may procedure kaming sinusunod at may isa pang pamilya na pupunta dito para tingnan ang bangkay.” katwiran ng doctor.
“Tell the family that the body was identified.” sagot ni Gabby. “Tell them that the ring and pendant justified the identification. Parehas iyon na unique kay Harold.” habol pa ng binata.
“Hindi dok! Ituloy po ninyo ang autopsy sa katawan.” tutol ni Kenneth. “Gusto kop o talagang masiguradong si Harold yan!” paliwanag pa nito.
“Aren’t you pity Harold’s body? Imbes na mabigyan na natin siya ng maayos na pamamahinga, ipapalapirot mo pa ang katawan niya. Imbes na matahimik na ang katawan niya, ibubuyanyang mo pa.” kontra ni Gabby. “Have a little mercy for Harold! Four years niya kayong sinamahan at nakibaka para sa bayan. Apat na taon niyang ginagawa ang sarili niyang hukay para sa kamatayan n’ya ngayon.” paliwanag ni Gabby.
“Tama siya Kenneth!” sang-ayon ni Sean na sa wakas ay nakapagsalita na. “Papagpahingahin na natin si Harold Kenneth. Alam kong masakit pa ang katawan niya kaya naman hayaan na nating makapagpahinga.” paliwanag pa nito.
Muling pumatak ang luha ni Kenneth. “Kung alam ko lang na ganito sana itinago na lang namin si Harold sa headquarters.” sisi pa nito sa sarili.
“It’s not your fault!” pang-aamo ni Sean saka niyakap si Kenneth. “Walang may gustong mangyari ito kay Harold.”
“Doc, iuuwi na namin si Harold sa Tarlac.” muling pamimilit ni Gabby sa doctor na sinagot naman ng tango.
Sa Tarlac –
“Oh! Ano ito?” asar na usisa ni Luis sa humintong funeral service.
“Sir! Napag-utusan lang po kami.” sagot ng isa saka isa-isang binaba ang mga gamit.
“Wala naman kaming patay dito ah.” kontra ni Luis subalit tila hindi siya naririnig ng lalaki. Unti-unti nang nakaramdam ng kaba si Luis dahil tila siguradong-sigurado ang mga nagbababa ng gamit na tama ang bahay na hinintuan.
“Let them do their jod Luis.” malungkot na sabi ng tinig mula sa kotseng huminto.
“Gabby?” alinlangang tanong ni Luis. “May ano ba Gabby? Bagong promo ba ng Restaurant? Matagal pa ang Halloween di ba, saka hindi uso ngayon ang ganyan.” sunud-sunod na tanong ni Luis.
Walang sinagot si Gabby sa mga tanong at kumpirmasyon ni Luis – “Luis, I want you to meet Sean and Kenneth. They are Harold’s friends.” pakilala ni Gabby sa dalawa.
“Kenneth and Sean, he’s Luis, he serves as Harold’s older brother.” pakilala naman ni Gabby kay Luis.
“Nice meeting you!” wika ni Luis sabay abot sa kamay ng dalawa. “Nasaan si Harold?” tanong pa ng binata.
Nanatiling tahimik lang ang tatlo.
“Nasaan ka ko si Harold?” ulit na tanong ni Luis na lalong kinutuban sa kung sino ang laman ng ataul. “Don’t tell me na si Harold nga iyon?” nanginginig na tanong ni Luis.
Tango lang ang sagot ni Gabby na may kasamang tahimik na pagluha.
“Is this some sort of a joke?” nangangatal na tanong ni Luis.
“Sana nga!” sagot ni Sean.
“Pero totoo!” sagot naman ni Kenneth.
Mabilis na tinakbo ni Luis ang kabaong at pinipilit na pinapabuksan iyon sa mga bumubuhat.
“Sean, here’s the key! Buksan mo na ang pinto para maipasok na lahat ng gamit.” utos ni Gabby kay Sean. “Luis! Huwag mo nang pabuksan or else you will be dismayed.” sabi naman ni Gabby kay Luis saka inaya si Kenneth na sundan na si Sean.
“Hindi!” tutol ni Luis saka pinipilit na buksan ang kabaong.
“Buksan na nga ninyo.” utos naman ni Gabby.
Natulala si Luis sa nakitang sunog na katawan ni Harold. Hindi pa sana siya maniniwalang si Harold iyon kung hindi lang dahil sa kwintas nitong siya lang ay mayroon at sa singsing na nakita niyang suot nito lagi. Natahimik at hindi maigalaw ang buong katawan. Nanginginig, naluluha, umaapaw ang kalungkutan. “Harold? Ito na ang kinatatakutan ko. Akala sasamahan mo na ako pero bakit iniwan mo din ako kaagad? Ang daya mo naman, hindi ka marunong maghintay. Ang damot mo naman, sandali mo lang pinadama sa akin ang sayang makasama ka. Ang tanga mo naman! Namatay kang hindi mo alam na mahal kita.” bulong ni Lusi sa sarili na may matitipid at tahimik na pagluha.
Naikwento na nila kay Luis ang lahat ng opinion nila sa kamatayan ni Harold at naging napakaskit niyon para sa binata. Kinagabihan ng unang lamay –
“Bukas?!” tila may pagtutol na tanong ni Luis.
“Yeah! Bukas na natin ililibing si Harold. We’d talked about it and Sean and Kenneth agreed with my decision.” sagot ni Gabby.
“Sino ka ba sa buhay ni Harold para magdesisyon?” tanong ni Luis kay Gabby.
Iniangat lang ni Gabby ang daliri kung saan suot niya ang kaparehong singsing na gaya ng kay Harold. Natahimik na lang si Luis dahil alam na niya ang sagot sa katanungan.
“Maawa ka naman kay Harold kung patatagalin pa natin ang libing niya. Tinganan mo naman ang katawan niya, halatang matinding hirap ang pinagdaanan, tapos patatagalin pa nating expose.” katwiran ni Sean.
“Pero paano iyong iba niyang kakilala at kaibigan dito?” tanong ni Luis.
“We had informed them, kaya nga madami na ang nakadalaw mula kanina.” sagot ni Gabby na may pilit na mga ngiti.
“Iyong mga kaklase niya sa Manila?” tanong pa ni Luis.
“Malapit na din sila, kakatext lang sa akin.” sagot ni Sean.
“Pati ang ibang kasama, malapit na din daw sila.” singit naman ni Kenneth.
“Kaya pala kakaiba ang kaba ko nung may gustong mag-tour sa bahay.” simula ni Luis.
“Ano kamo?” pag-uulit ni Kenneth.
“Last time, nuong huli kong makita si Harold at lumuwas ng Maynila, may lalaking nagpupumilit na pumasok sa bahay na’to. Magbabayad daw siya kahit magkano makapasok lang. Kaso wala namang susi kaya hindi nakapasok.” sagot ni Luis. “Akala ko nga hindi gagawa ng mabuti, kasi ang bikas at itsura nakakatakot talaga. Ngayon, na-realize ko, mas mukha nga siyang sundalo.” kwento pa nito.
“Nasa list na talaga nila si Harold.” sagot ni Kenneth. “Talagang kasama na sa listahan nila si Harold kaya naman may nagmamanman na.” dagdag pa nito.
“Pero bakit si Harold?” tanong ni Sean. “Hindi mas expose tayo kaysa sa kanya?” tanong pa nito.
“Iyon nga din ang pinagtataka ko, kasi kung tutuusin, mas delikado tayo kaysa kay Harold.” komento pa ni Kenneth.
“Magandang gabi po!” bati mula sa pinto na nagpahinto sa usapan nila.
“Martin! Ikaw pala.” simulang bati ni Gabby. “Mr. Gutierrez!” bati naman niya sa kasama ni Martin.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Martin.
“Business partner kami.” si Fierro na ang sumagot.
Kasunod namang dumating nila Martin ang iba pang mga kaklase ni Harold, mga kabarkada ang mga kasamahan sa organisasyon. Walang natulog buong magdamag, naging maingay ang burol ni Harold. Tulad nang nakasanayan na sa probinsya ay may nag-aalay ng dasal kay Harold, mga nagrorosaryo, gumagawa ng kung anu-anong seremonya, mga pagtatangi at kung anu-ano pang tradisyon. Sa pagbubukang-liwayway ay ang grupo naman nila Kenneth ang nagsagawa ng parangal para kay Harold.
“Mga kasama! Gamitin nating halimbawa si Harold sa ating layuning palayain ang bayan. Huwag tayong susuko at bibitiw sa ating ipinaglalaban. Huwag nating biguin si Harold na katulad natin ay umaasang papasikatin ang araw sa kanluran, na umaasang patuloy pa ding mag-aalab ang ating damdamin para sa hinihintay na pagpula ng kalangitan. Malaking kawalan si Harold sa samahan, malaking bahagi nang ating mga katauhan ang mananatiling kapiling niya, marami siyang pangarap na kailangan nating bigyang nang katuparan. Natatangi si Harold mga kasama, dahil siya ay ang halimbawa ng may tunay na tapang at lakas, walang takot at handang ialay ang buhay para sa inaasam na kalayaan ng bayan. Huwag nating biguin si Harold na minsan nating nakasamang nangarap para sa malayang inang bayan!” emosyonal na pahayag ni Kenneth habang pinangungunahan ang seremonya ni Harold.
“Harold! Kami’y kasama mong naniniwala na may pag-asang mabago pa ang hugis ng lipunan. Kami’y naniniwala na hanggang sa mga oras na ito ay hindi ka bumitiw sa ating ipinaglalaban. Kami’y umaasa at humingi sa iyo ng patnubay para an gating mabuting hangarin ay mabigyan ng katuparan.” pagwawakas naman ni Sean na siyang naging ka-buddy ni Harold sa loob ng apat na taon.
Salitan sila Luis, Kenneth at Sean na nakatayo sa paanan ng ataul samantalang si Gabby ay hindi iniwan ang pwesto niya sa ulunan nito. ang restaurant naman ang nagpapakain sa mga bisita at kasamang umiistima ng bisita ang mga kabarkada, kaibigan at kaklase sa Maynila. Kinaumagahan ay lalong dumagsa ang tao kila Harold. Dumating ang mga nakasama nito sa iba’t-ibang mass integration at paglilibot sa mga mahihirap na lugar. Lahat sila ay may pabaong mensahe para kay Harold. Lahat ay emosyonal at umiiyak sa paglisan ng isang mabuting kaibigan. Wala nang mapaglagyan ang mga tao, animo’y isang artista si Harold na bagamat nakasara ang ataul ay napakahaba ng nakapila at nagnanais na makayakap sa ataul ng binata at makapag-alay ng dasal sa kanyang labi.
“Kuya Harold!” simula ng isang bata. “Naaalala mo pa po ba ako? Ako po si Rainier, ako po iyong madalas ninyong bigyan nang pagkain sa riles. Namimiss na po kita, kasi wala nang kumakausap sa akin, wala na ding nakikipaglaro ng habulan. Di po ba sabi mo gusto mong makilala sina Mama at Papa ko? Heto po dinala ko sila dito para makilala mo. Sige na kuya Harold, bangon ka muna d’yan! Sabi kasi ni Kuya Sean, iyong lagi mong kasama at nagdala sa amin dito natutulog ka lang daw. Huwag ka daw naming gigisingin kasi maiistorbo ka. Ang ingay ingay kaya nila kasi umiiyak sila sa harap mo. Kaya nga ako ayokong umiyak kasi baka magalit ka. Pero kuya Harold, pag punta mo ulit sa Maynila bisitahin mo kami dun ah.” pagwawakas nang bata saka hinalikan ang gilid ng ataul ni Harold.
Rinig na rinig ni Gabby ang mga sinabing iyon ng bata. Hindi niya alam pero dahil sa mga taong nakasalamuha ni Harold ay mas nakilala niya ang katipan. Nakilala niya ang Harold na hindi niya magagawang makilala sa loob lang ng isang buwan nilang pagsasama.
“Gabby! May parating pa daw na kasunod.” pagbabalita ni Sean kay Gabby. “Kahit kasi limitahan lang namin iyong pwedeng sumakay sa truck eh nakikigitgit sila para makita si Harold. I mean, nakikipag-away para lang makapunta dito.” dagdag pa ni Sean.
“Sige, I’ll take the expenses. Isama lahat ng gustong sumama.” sagot ni Gabby.
“Dapat pala sa Manila muna natin dinala kahapon si Harold.” suhestiyon ni Sean.
“Wala na! Saka mahihirapan pa si Harold sa byahe.” sagot ni Gabby.
“Idol, salamat sa’yo kasi hindi na ako addict sa solvent ngayon.” sabi naman ng isang binata. “Buti na lang pala at hindi mo ako tinigilan dati at kinulit para lumubay na sa solvent. Alam mo, idol talaga kita, kasi iyong iba iniiwasan kami, nilalayuan, pero ikaw hindi. Umaakbay ka pa sa amin tapos nakikipagkwentuhan ka pa. Idol, di ba may promise ako sa’yo dati? Sabi ko maghahanap ako ng matinong trabaho para hindi na ako magsosolvent? Idol, tinupad ko na iyon. Janitor na ako ng City Hall, tapos nagsisimula na din akong mag-aral ng high school. Idol kasi kita eh, iba pala ang feeling nang pumapasok sa school tapos naka-uniform. Buti na lang talaga idol hindi ka nandiri sa akin dati. Hindi ka natakot, idol, bakit isang kagaya mo pa ang namatay? Pwede namang iyong nandiri sa amin ang mamatay di ba? Bakit ikaw pa? Kawawa naman iyong ibang kailangan pa ng tulong mo, hindi ka na nila makikilala.” at humulagpos na ang pigil na luha sa binata skaa niyakap ang ataul ni Harold.
“Boss! Tama na iyan!” sabi naman ng nasa likod ng binata saka ito niyakap din na tila pinapakalma at pinapapanatag.
Ilang tao din ang nagdaan, pare-pareho ng nasasabi tungkol kay Harold, puro kabutihan, alaala, masasayang sandali, kabaitan ng binata at kung anu-ano pa. may isang umagaw ng atensyon kay Gabby, isang lalaki na naka-long sleeves, slacks at leather shoes. Madami din ang dumaang ganuon sa harap niya na nakapila, pero ang nakatawag sa kanya ng pansin ay ang sinabi nito tungkol kay Harold.
“Tol! Salamat sa payo mo sa akin! Walang madaling paraan sa taong wala ng pag-asa, nagamit ko iyon sa buhay ko at heto, tama ka! Hindi ko kailangang magbenta ng katawan ko para kumita. Alam mo bang nakakita din ako ng trabaho, naging factory worker muna ako tapos ngayon supervisor na ng maliit na kumpanya, ayos lang kahit maliit ang sahod, mas masaya naman ako. Akala ko talaga dati katawan ko ang habol mo kaya nga todo giling ako sa harap mo na nakabrief lang. Sinabi mo pa nga nuon na hindi ko kailangang gawin iyon sabay abot ng twalya kinulit pa din kita, kasi trip din kita. Pero hanga ako sa’yo, nakaresist ka sa akin! You affected me so much. Ipinakita mo sa akin na hindi lahat ng bagay sa madaling paraan nakukuha, dapat pinaghihirapan pero dapat masaya ka. Nalungkot nga ako nang malaman kong patay ka na. ayoko ngang maniwala pero iyong mga kasamahan ko dati, kinonfirm na patay ka na nga daw, ayun, napabyahe ako agad. Nag-file agad ako ng leave of absence kasi, gusto ko, kahit sa huling pagkakataon, makapagpasalamat ako sa’yo.” at bumigay na ang lalaki at napaiyak ito. “Alam ko ayaw mong umiyak ako, kasi gusto mo malakas ang lahat, matibay at matatag, pero sorry tol! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang sa muli nating pagkikita, sa pagkakataong makakapagpasamalat na ako sa’yo, hindi mo na ako naririnig at nakikita. Salamat talaga!” sabi pa ng lalaki at biglang umalis sa harap ng ataul ni Harold.
“Ito ba ang sinasabing respeto ni Harold? Respetong hindi nabibili pero kusang binibigay? Harold! Ngayon ko napatunayang mas mayaman ka pa kung ihahambing sa akin. Sa dami nang nagmamahal sa’yo, walang-wala ako na pera ko lang ang mahal nila at ginagalang nila. Sorry Harold dahil ngayon ko lang naintindihan ang sinasabi mo dati. Bakit kailangan mo pang mamatay? Salamat kasi kahit na sa huling pagkakataon, nililiwanagan mo ako sa tunay na kulay ng buhay. Salamat din Harold, kasi hindi ang pera ko ang tinaggap mo, kung hindi ako, kahit gaano ako kasama, minahal mo pa din ako. Salamat Harold, dahil tulad nila na nakapila, tinulungan mo din akong magbagong-buhay. Salamat Harold! Kasi pumayag kang maging Prince Charming ko at ipinakilala mo ako sa mundo mong makatao.” muling napaiyak si Gabby.
Kinahapunan –
“Ikaw, Harold Mark ay kapiling na nang ating Dakilang Maylikha, naging makabuluhan nag iyong buhay sa lupa at ngayon ay aming ipinapanalangin ang iyong matiwasay na paglalakbay sa kabilang ibayo ng buhay. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo. Amen!” pagbababasbas ng pari.
Isa-isang nag-alay ng bulaklak ang mga taong malalapit kay Harold, at kasunod niyon ay mga lupang itinabon. Matagal din bago nabawasan ng tao sa sementeryo kung hindi pa umulan ay malamang hindi pa din mahulugang karayom. Madami ang tunay na nakidalamhati, madami ang nakiramay at nakisimpatya.
“Sige na! Susunod na lang ako.” sabi ni Gabby kay Sean na inaaya na siyang umuwi.
“Sigurado ka ba? Umuwi ka din agad, kailangan mo na ding magpahinga.” sabi pa nito.
“Sandali lang ako, sige na, pagod din kayo kaya magpahingan na muna kayo.” sabi pa ni Gabby.
“Sige!” sagot ni Sean na batid na kailangan ng oras ni Gabby para kausapin pa si Harold.
Maya-maya pa at –
“Harold! Alam ko, matatagalan bago maghilom ang sugat sa puso ko, pero sana tandaan mo at bauunin mo kung gaano kita kamahal ikaw lang ang nag-iisang dahilan ng pagtibok ng puso ko. Ikaw lang ang bukod tangi kong mamahalin at pag-aalayan ng buong pag-ibig. Asahan mo din Harold, kakayanin ko ang bawat araw na hindi kita kasama. Kakayanin ko ang bawat araw na hindi kita nakikita. Para sa’yo, lalaban ako.” pangako ni Gabby na pinipilit nang ngumit kahit na sa katotohanan ay puro pa din sakit ang kanyang nararamdaman. “Asahan mo, pagbabayarin ko ang gumawa sa’yo nito. Pagdudusahin ko ang naglayo sa iyo sa akin. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang piñata ka niya.” turan pa ni Gabby.


[03]
Ikatlong Bahagi: /ee-kat-long/ - /ba-ha-gee/ Titik C, Bilang 3 “Where did you come from?” simulang tanong ng mama ni Gabby sa anak. Siyam na araw na ang nakakalipas mula nang ihatid nila si Harold sa huling hantungan at ngayon lang siya muling bumalik ng Maynila. Mabigat man sa kalooban ay kailangan niyang harapin ang umaga at magsimula ng bagong-buhay. Isang bagay lang ang pare-parehas nilang gawin, ito ay ang mag-move on. “I’m from Tarlac.” sagot ni Gabby. “So, it means you chose Harold more than I.” sagot ng ginang. “No Ma! Harold convinced me na balikan kayo. Hinintay ko lang na mag-siyam na araw si Harold. I just waited the ninth day of his burial.” may pigil na pagluhang sagot ni Gabby na muling nararamdaman ang kirot at sakit. Nakita ang pagkagulat sa anyo ng ginang – “Whhaaat do you … meean?” tanong ng ginang kay Gabby. “I said, the ninth day of his burial. Hindi kasi namin alam kung kailan siya namatay, we considered his death mula nuong makita siya sa Nueva Ecija.” sagot ni Gabby. “Whaaat’s the story?” tanong pa ng ginang. “You don’t need to know! For in the first place, paborable sa’yo ang nangyayari and I’m sure you’re very happy.” sagot ni Gabby. “Son.” sagot ng ginang. “I’m just here para tulungan ang kumpanya na makabalik sa dating pwesto. I don’t want my efforts be wasted dahil lang sa pride ninyo at lintik na tradition na iyan.” sabi pa ni Gabby saka lumabas ng opisina. “Si Harold namatay na?” nagtatakang bulong ng ginang sa hangin. “How come? Paanong nagyari? Hindi kaya…” biting wika ng ginang saka napatakip sa bibig. Makalipas ang dalawang buwan – “I’m Gabriel Fabregas!” pakilala ni Gabby sa kausap. “I’m Heidi Ayala.” pakilala naman ng dalagang paupo na sa kabilang side ng table. “Aren’t you going to pull my chair?” nagtatakang tanong ng babae. “I’m sure you can do it! You have your hands to move the chair.” sagot ni Gabby. Isang napakalalim na buntong-hininga lang ang sinagot ng dalaga saka umupo. “Waiter!” tawag ni Gabby sa waiter. “Yes Sir!” mabilis na tugon ng waiter. “Give her what she asked!” utos ni Gabby. “Give me your specialty.” sagot ng babae. Agad namang tumalima ang waiter at nag-serve kaagad sa table ng dalawa. Pareho lang ang binigay ng waiter kay Gabby at kay Heidi. Ang main course ay lamb spareribs marinated in rice and red wine na may kasamang tenderloin na steamed sa Worcester sauce. Ipinirito sa olive oil saka pinakatas at inirolyo sa malutong at manipis na crust kasama nang chopped cucumber, julienne cut na carrots at spring onion. Ipinatong ang binalot na spareribs sa relyenong tuna na nilasing sa pure grape wine. Tahimik lang ang pagitan ng dalawa habang kumakain – “Tapos ka na?” tanong ni Gabby kay Heidi nang makitang inilayo na nito ang pagkain sa harap. “Yeah!” sagot ng dalaga. “I’m on my diet and I’m not fond of eating meat.” saad pa ng dalaga. “Kung malaman ni Harold to malamang inaway na niya si Heidi. Kung si Harold man to, malamang simot na ang pagkain.” napangiting wika ni Gabby sa sarili. “Is there any problem?” tanong ni Heidi. “You should not waste. There are many people out there who cannot eat this evening. Aren’t you concern about them? Lots of them don’t have even a single coin to afford the cheapest food.” wika ni Gabby saka inilapit kay Heidi ang pagkain nito. “When did you pay concern for those people?” nagtatakang tanong ni Heidi. “Lately!” sagot ni Gabby saka nginitian si Heidi. “Well! As I said, I’m on a diet! Kaya hindi ko na kakainin yan.” katwiran pa din ni Heidi. “If Harold can see you, I’m sure he will say – kayo talagang mga mayayaman, napakamakasarili ninyo! Habang ang iba hindi kumakain dahil walang pambili ng pagkain, kayo naman hindi kumakain dahil ayaw ninyo ng pagkain.” muling napangiting laro sa diwa ni Gabby. “You should eat this!” pamimilit pa ni Gabby saka muling nilapit kay Heidi ang pagkain niya. “I said no!” sarkastikong sagot ni Heidi. “Ano ba?!” pasigaw nang giit ni Gabby. “Sabi ng ayoko di ba?” inis na sagot ni Heidi saka tulak sa pinggan. “Hay!” sabi ni Gabby saka buong lakas na itinulak ang pinggan kay Heidi. “Shit!” nasabi ni Heidi saka napatayo. “Look what you did! You ruined my night.” singhal ni Heidi saka lumakad palayo. “Hay! Kasalanan mo iyan!” bulong ni Gabby saka kumuha ng pera sa wallet at naglagay nang pera sa table at lumakad paalis. “She’s so numb, senseless, insensitive and, and, and! Kung makaarte akala mo helpless! Ugali nga naman ng mga mayayaman! They cannot appreciate the simplicity of life. They do whatever they wanted and so selective. Feeling nila kanila ang lahat sa mundo, feeling nila sila lang ang tama na sila lang ang may karapatan! Kung buhay pa si Harold malamang pinagsisigawan na niya si Heidi at sinundan kung saan man pumunta.” bulong ni Gabby sa sarili. “I really miss you Harold!” mga katagang biglang nausal ni Gabby saka muling pumatak ang luha sa mga mata. “No! Hindi na ako iiyak! I know Harold hates to see me crying! He wants me to be strong and alam kong kasama ko lang siya.” pagpapalakas ng loob ni Gabby sa sarili. “Tama! Harold and I will be together forever.” komento pa niya. Sa bahay – “Ano ka ba naman Gabby?!” galit na simula ng pangaral nang mama ni Gabby pagkapasok pa lang ng binata. “Tumawag na sa akin si Heidi and she’s very disappointed. Pinahiya mo daw siya sa mga tao and by simply having left-over inaway mo na ang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa.” pangaral pa ng ginang. “They’re just following our rank Ma!” kontra ni Gabby. “Kahit na kasunod lang natin sa ranking, if we want to establish our position in the society we need people like them.” sagot ng ginang. “Don’t worry ma! Alam ko naman ang responsibilidad ko bilang tagapagmana ninyo. Kailangan kong makapag-asawa ng mayamang babae para masigurado ang mas lalaong pagyaman natin. Why should I settle to the one least to us if I can have a girl richer than us? Kailangan kong mag-asawa para sa merging ng kumpanya at hindi dahil sa mahal ko. Kailangan kong mag-asawa kasi responsibilidad kong makapag-asawa ng mayaman para sa sinasabi ninyong status quo. Don’t worry ma! Mula ng mamatay si Harold, wala ng makakapigil sa gusto ninyo kasi hindi na tumutibok pa ang puso ko. Mag-aasawa lang ako dahil gusto ninyong yumaman at hindi dahil sa gusto kong lumigaya. Mag-aasawa ako at magkakaanak para magkaruon nang tagapagmana na muling sasakalin ng status quo at muling mag-aasawa para sa business. Mag-aasawa ako para magkaanak saka hahayaan at papanuorin kong mahirapan dahil hindi niya makasama ang taong mahal niya. Everything is measurable by money.” paliwanag naman ni Gabby. “Don’t worry ma! Magkakaapo kayo, pero hindi ko maipapangako kung matutulad ang kapalaran niya sa kapalaran ko.” habol pa ni Gabby saka diretsong lumakad papaakyat sa silid niya. Isang taon, dalawang taon, apat na taon, limang taon – napakahaba na nang panahon mula ng mamatay si Harold ngunit heto pa rin si Gabby, lagi at laging ang isang tulad ng kasintahan ang hinahanap. “Hi I’m Marissa!” pakilala ng isang babae kay Gabby saka abot ng kamay. “Alone?” tanong pa nito. “I’m Gabby.” pakilala ni Gabby. “Actually I’m waiting for my date here.” sagot pa ng binata. “I see!” sagot naman ng dalaga. “Riza! Come here, malapit na tayo.” tawag naman kay Marissa ng isang lalaki. Sinundan lang ng tanaw ni Gabby si Marissa at hindi na inalis ang mga mata sa stage. Ilang saglit lang at lumabas na si Marissa kasama ang kanyang banda. “When I was just a girl I made a list of things I wanted to be A pocket full of dreams And I could be the master of my destiny But apparently that was wrong I was meant to pick just one I couldn't understand Why I never fit in I was living in two worlds Full of contradiction If I didn't believe That there's a possibility for me to live the dream I couldn't see a purpose I wouldn't see the light I'd give up the fight I'd lay down and die There's too much wrong And so little right I've been spat on and rat on and tested With love and lies In a world full of anger and so much abuse I'd suit up for protection to cradle my youth And I could be a warrior Or a mermaid fighting sharks The Sugar Plum Fairy I could even be...a popstar If I didn't believe That there's a possibility for me to live the dream I couldn't see a purpose I wouldn't see the light I'd give up the fight I'd lay down and die” (Beatrice Dream, Siobhan Magnus) “She has a nice voice like Harold.” napangiting komento ni Gabby. “But Harold is way better.” kontra pa ng binata. “Did you enjoy my number?” tanong ni Marissa kay Gabby pagkababa nito ng stage. “Beautiful!” sagot ni Gabby. “Performer ka pala dito.” wika pa ng binata. “Yeah! Ayaw nga ng parents kong sumasama ako sa gig, pero ako, pasaway, madalas tumakas. May date nga ako ngayon sa isang fine dining restaurant kaso pinalipat ko dito. Alam mo na, pinagbibiyan ko lang din sila mama at papa.” sagot naman ni Riza. “Pareho pala tayo, waiting for our dates.” napangiting pahayag ni Gabby. “I really need to find my mate para sa merging ng kumpanya. Alam mo na, ganito nga talaga atang mag-isip ang mga mayayaman, pati ang kasal business.” komento pa ni Gabby. “I think I like you!” komento naman ni Riza. “Why?” nagtatakang tanong ni Gabby. “Similar lang ang sentiments natin, ako pinipilit magpakasal sa kahit kaninong nasa top 10 ng pinakamayaman sa bansa para lang sa stability ng stocks and sales.” sagot ni Riza. “It’s not a big deal naman para sa akin, kasi ako, I really don’t care kung makapag-asawa ako o hindi, mas importante sa akin ang magkaanak. So what kung broken family or hindi ko mahal iyong mapapangasawa ko? Ang mahalaga lang dito I can raise my children well.” dugtong pa ni Riza. “Iyon nga lang, selective ako, dapat good blood ang mapapangasawa ko.” biro pa ng dalaga. “Dapat iyong makakasundo ko din, kasi malay mo bigla akong madevelop, mauntog akong isang umaga na mahal ko na pala ang mokong.” kwento pa ni Riza. “Sure ka ba sa sinasabi mo?” tanong ni Gabby. “Yeah! Immoral ba?” tanong naman ni Riza. “Well, exaggeratedly liberated na nga siguro ako. Ganuon kasi ako kung i-describe ng mga kasamahan ko. I just need to prove one thing! It is about equality of man and women, iyong tipong gumagawa na ako ng sarili kong social field na kung saan ako ang hari.” lahad pa ulit ni Riza. “Bakit hari? Di ba dapat reyna?” tanong ni Gabby. “See, pag sinabing hari at reyna, mas mataas pa din ang hari kaysa sa reyna and thinking, lalaki lang ang pwedeng maging hari.” sagot ni Riza. “Basta, hindi ako immoral. Fighter lang ako.” nakangiting sabi pa ng dalaga. “You think very similar sa kaibigan ko.” sabi pa ni Gabby. “He’s so liberated na walang kilalang boundaries.” nakangiti pa nitong pahayag. “I want to meet him.” masayang sabi ni Riza. “What’s his name?” tanong pa ng dalaga. Biglang nalungkot ang mukha ni Gabby. “He’s Harold and he died five years ago.” malungkot na wika ni Gabby. “Sorry to hear that.” sagot ni Riza. “Well, change topic, what’s your date’s name?” tanong pa nito. “I’m waiting for Krista Ann Chavez. Pero sa tingin ko hindi na darating iyon.” sagot naman ni Gabby. “Ikaw? Baka hinahanap ka na ng date mo.” komento pa ni Gabby. “Gabriel Fabregas?” tanong ni Riza. “Ako nga.” sagot ni Gabby. “Meaning ikaw si Krista Ann Chavez.” paninigurado ni Gabby. “Oo, ako nga.” sagot ni Riza. “Biruin mo, ikaw pala ang ka-date ko.” nakangiting wika ni Riza. “Nabunutan ako ng tinik, kasi akala ko walang kwenta na namang mag-isip iyong ipapa-blind date sa kin.” komento pa ng dalaga. Napangiti na lang si Gabby kay Riza at naging mahaba ang gabi sa kanila. Sa tingin ni Gabby ay nakita na niya ang babaing hinahanap at sa wakas ay maisasakatuparan na niya ang responsibilidad na pilit ipinapatanggap sa kanya. Isang taon na, natutunan namang mahalin ni Gabby si Riza at ganuon din si Riza na hindi nahirapang mahalin si Gabby. Pareho sila kung mag-isip at ng pananaw sa buhay. Kakaiba sila sa mga karaniwang mayayaman. Gaya nang naging pangako ni Gabby ay tanging si Harold pa rin ang may-ari ng puso niya ngunit ngayon ay ipinagkatiwala na muna niya ang kalahati nito kay Riza. Tumibok ang puso niya sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi niya mapigilang mahalin ang isang tulad ni Riza na katulad ni Harold kung mag-isip. Alam din ni Riza ang buhay ni Gabby, ang katauhan ng binata at open-minded naman ang dalaga para tanggapin ang nakaraan ni Gabby. “Ano Gabby? Handa ka na ba bukas?” tanong ni Riza kay Gabby. “Siyempre naman!” sagot ng binata. “Sumama ka sa akin ngayon ah.” suhestiyon pa nito. “Saan naman?” tanong ni Riza. “Business to! Saka ipapakilala na din kita sa bagong kapartner ng kumpanya natin. I’m sure, iba pa din kung makikilala ka niya.” sagot ni Gabby. “Sana lang payagan ako ni Lola! Alam mo namang istrikto iyon sa pamahiin.” sagot ni Riza. “Asus! Di ba mahilig ka namang tumakas?” tanong ni Gabby. “Takas ka na lang.” pangungunsinti pa ng binata. “Kunyari ka pa, you will miss me and gusto mo lang ako makasama.” sagot ni Riza. “Hindi kaya!” namumulang tugon ni Gabby. “Sige na nga! Sasama na ako.” sagot ni Riza. “Basta after the wedding pupunta ulit tayo sa Tarlac para kumain dun sa restaurant ninyo ng ex mo.” pangungundisyon ni Riza. “Oo naman!” sagot ni Gabby. Samantalang sa Tarlac naman kila Luis – “Sir, paorder po ulit ako ng special chicken clucks ninyo saka ang fountain of youth soft tea.” order ni Joseph kay Luis. “Ibabalot pa ba ulit?” tanong ni Luis. “Opo!” sagot ni Joseph. “Six years na po kayong pabalik-balik sa amin halos lingo-lingo pero laging pabalot at ayaw bumaba ng boss mo.” komento naman ni Luis. “Very private po kasi na tao si Sir Collantes.” sagot ni Joseph. “Ganun ba? Siguro sobrang big time ng boss mo?” tanong ni Luis. “Opo! At favorite niya talaga ang chicken clucks at fountain of youth ninyo.” komento naman ni Joseph. “Ito na!” sabi ni Luis saka abot kay Joseph ng paper bag na pinaglalagyan ng order. Wala pang ilang minuto ay bumalik na si Joseph sa kanya. “Oh?” nagtatakang tanong ni Luis. “Pwede daw po bang malibot iyong ancestral house?” tanong ni Joseph kay Luis. “Kasi boss may package yan eh.” sagot ng lalaki. “Sir Collantes is ready to pay any amount para malibot iyong bahay.” pamimilit ni Joseph. “Ano kasi?!” napakamot sa ulo si Luis. “Name your price Sir!” sabi ni Joseph saka abot kay Luis ng blank check. “Interesado lang po talaga si Sir Collantes na malibot ang bahay. “Kasi mahigpit po ang policy namin sa bahay na iyan. Mula po kasi ng mamatay iyong huling taong nakatira d’yan we made an agreement na for consultation bago magpapasok sa loob.” paliwanag ni Luis. “Baka po magtampo sa inyo si Sir Collantes niyan.” sagot ni Joseph. “Mahirap magdesisyon mag-isa eh.” sagot ni Luis. “Di po ba kasama ninyong may-ari nito si Mr. Gabriel Fabregas?” tanong ni Joseph. “May business deal kasi sila ni Mr. Collantes mamaya, why don’t you try calling him para naman makapagbigay na ng approval.” pagsosolusyon ni Joseph. “Sige, please wait for a minute.” sagot ni Luis saka idinial ang cellphone. “Gabby!” simula ni Luis. “Bakit Luis?” tanong ni Gabby. “May gustong pumasok sa bahay ni Harold mapilit kasi.” sagot ni Luis. “Di ba may agreement tayo d’yan? We should give respect kay Harold kaya dapat matinding analysis muna ang gagawin natin.” sagot ni Gabby. “Mr. Collantes daw ang may request at may business deal daw kayo mamaya.” sagot ni Luis. “And he’s offering a blank cheque.” sabi pa ng binata. “Kahit na sino pa iyan.” sagot ni Gabby. “May business meeting nga daw kayo mamaya.” habol pa ni Luis. “Tell him na pag-uusapan pa natin mamaya.” sagot ni Gabby. “Pero Gabby six years na din siyang pabalik-balik dito. Siya iyong customer na mysterious na kinukwento ko sa’yo. Feeling ko nga di ba somehow kamag-anak nito si Harold at ayaw lang magpakilala.” sagot ni Luis. “So?” tanong ni Gabby. “Why don’t we let him in? Malay mo nga may missing link pa si Harold.” sagot ni Luis. “You have your point. Sige na nga, papasukin mo na pero make sure na mananatili ang lahat sa pagkakayos.” sagot ni Gabby. “Yes Gabby!” sagot ni Luis saka pinindot ang end call. “Sige daw!” sagot ni Luis saka sinamahan si Joseph papunta sa kotse. Pumasok si Joseph sa kotse samantalang naghihintay sa labas si Luis. “Mysterious masyado.” komento ni Luis pero may matinding kaba siya nararamdaman. “Ah Sir Luis!” simula ni Joseph pagkababa sa kotse. “May request po sana si Sir Collantes.” “Ano iyon?” tanong ni Luis. “Pwede daw po bang mag-isa lang siyang pumasok sa loob?” tanong ni Joseph. “Bakit?” tanong ni Luis. “Gusto daw po kasi niyang manatili ang privacy ng identity niya.” sagot ni Joseph. “Pero…” tutol pa sana ni Luis. “He promised not to take anything sa loob ng bahay.” sagot ni Joseph. “Sige na nga.” sagot ni Luis saka binigay kay Joseph ang kaisa-isang susi ng bahay ni Harold. “Sir Luis, balik na po kayo sa restaurant para makababa na si Sir Collantes.” pakiusap pa ni Joseph na agad namang sinunod ni Luis. Mula sa malayo ay pinagmamasdan ni Luis kung ano ang anyo ni Sir Collantes subalit bigo ang binata dahil sobrang ingat ang ginagawa ni Joseph para maitago ang identity ni Sir Collantes. Tanging likod lang nito ang nakikita niya, nakasuot ito ng coat at alam niyang kahit nakatalikod ito ay bata pa at sa tantya niya ay mas matanda pa nga siya dito. “Drew!” sabi ni Joseph pagkabukas ng pintuan. Diretso naman si Sir Collantes sa loob at may isang direksyong diretso niyang tinumbok. Pinihit ang pintuan subalit naka-lock kaya naman may kinuha mula sa bulsa at iyon ang pinambukas ng pinto. “Drew, ano ba ang kukuhanin natin dito?” tanong ni Joseph nang makasunod sa binata sa loob ng silid ni Harold. “Isang bagay na sa akin.” nakangiting tugon ni Sir Collantes. “Ang family pendant ko.” nakangiting saad pa nito saka sinuot ang kwintas na pag-aari ni Harold. “Tara na, makikipagkita pa tayo kay Mr. Fabregas.” wika ni Sir Collantes saka diretsong lumakad palabas. “Lock the door.” utos pa nito kay Joseph. Hinabol naman siya ni Joseph saka tinakpan para hindi makita. Agad na sumakay ng kotse at binalik ang susi kay Luis. “Salamat boss!” pasasalamat ni Joseph kay Luis. “Napasaya ninyo si Sir Collantes.” habol pa nito. “Sa uulitin.” nakangiting pasasalamat ni Luis. Habang nasa biyahe paluwas ng Maynila – “Nasa dyaryo na naman ang pagpapakasal ni Gabby.” saad ni Sir Collantes. “Natural lang iyan dahil isa siya sa pinakamayaman sa buong bansa at mapapangasawa niya ang isa pa sa pinakamayaman.” sagot ni Joseph. “Alam mo Joseph, kahit saan ko tingnan dapat bang paulit-ulit at araw araw nilang ipagsigawang magpapatali na sila? Ano iyon? Isang buwang countdown?” tanong ni Sir Collantes. “Hindi naman po Sir Collantes.” mapang-asar na wika ni Joseph. “Don’t call me that way.” kontra ni Sir Collantes. “Kinikilabutan ako.” nakangiting saad pa ng binata. “Kanina nga feel na feel mo ang Sir Collantes.” pang-aasar pa ni Joseph. “I had no choice.” sagot ni Sir Collantes. “Saka masyado ba akong bossy?” tanong pa nito. “Sobra! Grabe ang tindi!” sagot ni Joseph. “You have a choice, to reveal who you are or not. Kaso ang pinili mo iyong not.” sagot ni Joseph. “Alam mo naman di ba ang dahilan ko.” sagot ni Sir Collantes. “Yeah! At Drew, sigurado ka na ba mamaya?” tanong pa ni Joseph. “Oo naman! Nakahanda na ako.” sagot ni Sir Collantes. “Don’t call me Drew again coz I’m back.” sagot pa nito. “As you wish Mr. Harold Mark Aguilar.” sagot ni Joseph saka pinaharurot ang kotse. “Nice one Mr. Joseph Collantes.” sagot ni Harold. “Salamat sa pagpapahiram ng mabaho mong apelyido.” komento pa nito. “Gabby oras na para lumantad ako! Ayokong makasal ka ng hindi mo nalalamang buhay ako. Wala akong dahilan na sirain ang kasal mo, pero sa oras na magkita tayo, isasampal ko sa iyo ang katotohanan. Ipaparanas ko sa’yo ang sakit na naramdaman ko, ipaparamdam ko sa’yo kung paanong mamatay ng unti-unti. Ikaw ang may kasalanan ng lahat, ang pamilya mo ang may kasalanan kung bakti muntikan na akong mamatay. Dahil ngayon, mabubuhay ang matagal nang patay!” matatalim na sudsod ng isipan ni Harold. “Ito na ang pinakamatamis na pagbabalik ko sa buhay mo!” habol pa ni Harold.


[04]
Ikaapat na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ - /na/ - /ba-ha-gee/ Titik D, Bilang 4 Iminulat ni Harold ang mga mata at pinipilit na paganahin ang nahihilo pa niyang diwa. Sinusubukang alalahanin kung ano ang mga naganap at pinipilit tukuyin kung saan siya naparoon. May mga tinig siyang naulinigan kasunod ay mga hiyaw na wari bang nagmamakaawa at humihingi ng saklolo. “Umamin ka na kasi!” sigaw ng isang lalaking buong-buo ang boses na talaga namang katatakutan. “Hindi nga talaga!” impit ng isang paos nang tinig subalit sigurado pa rin siyang lalaki ito at nagdanas ng matinding hirap. Ang liyong diwa ni Harold ay pilit siyang pinapabangon at pinapatayo. Dahan-dahan niyang ikinilos ang manananhid niyang mga kamay at sa pakiramdam niya ay may kung ano ang sumasakal dito. Ngayon lang niya napansin na nakabitin pala ang kanyang katawan sa itaas ng puno at anumang oras o maling pagkilos ay sigurado ang pagbagsak niya. “Nagising ka din!” nakangising wika ng isang lalaki na buo din ang boses na sa wari niya ay nananakot kasunod niyon ay initsahan siya ng napakalamig na tubig. Nanginig ang buong katawan ni Harold sa lamig. Kalagitnaan nang gabi at kasalukuyang nagpapalit na ng araw, ramdam na ramdam ng kalamnan ni Harold ang ginaw at lamig. Tagos na tagos iyon sa kanyang buto na ngayon ay nangangalisag na din dala ng kaba at takot sa kung ano ang maaring mangyari sa kanya. Walang anu-ano ay bigla siyang nalaglag sa puno at nuon lang niya napagtantong hindi naman pala kataasan ang pinagtatalian sa kanya. “Aaanooong kaailangaaan nininyo sasasa aakin?” nanginginig na tanong ni Harold sa lalaki. “Huwag kang mag-alala, malalaman mo din.” nakakaasar na turan ng lalaki. “Isang tanong lang naman, answerable by yes or no.” mayabang pa nitong dugtong. Nanatiling tahimik lang si Harold at nahulog sa malalim na pag-iisip sa tunay na pakay sa kanya ng mga lalaki at kung bakti kailangan pa siyang dalhin sa masukal na kabundukan. Sigurado si Harold na nasa mataas sila na lugar, iba ang lamig dala ng maraming humidity ng hangin at naninibago din siya sa paghinga dahil sa mataas na altitude. “Iupo na ninyo iyan!” utos nang lalaking kausap kanina ni Harold saka turo sa isang tumpok ng lupa na may kaunting liwanag. Tila hayop siyang hinatak ng dalawa pang lalaki saka pilit na iniupo sa tumpok ng lupa. Naninibago pa ang mga mata ni Harold sa liwanag at medyo nasisilaw pa ang mga mata ng binata. “Saan nagtatago ang mga kasamahan mo?” tanong ng lalaki na ngayon ay nasilayan na niya ang mukha. Semi-kalbo ang lalaki na sa tantya niya ay nasa trenta na ang edad, malapad ang balikat at kita na banat sa training at physical exercise. “Anung saan nagtatago?” tanong ni Harold. “Mga kasamahan? Sinung mga kasamahan?” tanong pa ng binata. “Gago!” tutol ng lalaki. “Sumagot ka ng maayos.” galit na wika pa nito. “Please specify your answer!” nagmamatapang at inis na tugon ni Harold. Ang ayaw niya sa lahat ay masyadong generalize ang katanungan at pinipilit siyang sumagot ng hindi niya alam ang sagot. Baliwala ang takot at kaba na nararamdaman niya dahil mas umiral na naman sa kanya ang pagiging bata kung mag-isip at bugnutin. “Mayabang ka!” sagot ng lalaki. “Alam mo bang hawak ko ang buhay mo?” tanong pa nito. “Alam ko! Hindi naman ako tanga.” sagot ni Harold na wala man lang katakot-takot na mababakas. “Humanda kayo pag nakatakas ako! Isusumbong ko kayo sa Commission on Human Rights!” pagbabanta pa ni Harold sa sarili. “Matapang ka!” sagot ng lalaki. “Saan ang kuta ng NPA?” tanong pa nito. “Iyon lang pala!” nakahinga ng maluwag sa tugon ni Harold. “Malay ko! Bakit sa akin ka nagtatanong?” balik na tanong ni Harold. “Saka akala ko ba yes or no lang ang sagot ko?” kasunod pa nitong tanong. “Ulol!” galit na wika ng lalaki saka sinampal si Harold. Malakas ang pagkakasampal, napabiling nito ang mukha ng binata. Namumula, mahapdi, masakit, makapanginig ng laman. “Isusumbong kita sa CHR!” naibulalas ni Harold. Walang anu-ano ay ang kabilang pisngi naman ang sinampal ng lalaki. “Ang ingay mo! Sagutin mo na lang iyong tanong ko.” inis na tugon ng lalaki. “Bugnutin!” bulong ni Harold. “Ano ka mo?” tanong ng lalaki. “I know nothing!” sagot ni Harold. “Huwag mo akong ginagago!” madiing wika ng lalaki. “Sumagot ka ng maayos.” dugtong pa nito. “Sumasagot naman ako ng maayos di ba?” kontra ni Harold. “Hindi naman ako masokista para pahirapan pa ang sarili ko kung may alam ako.” dugtong pa ng binata. “Pahirapan iyan! Huwag titigilan hangga’t hindi kumakanta.” utos ng lalaki sa dalawan pang lalaki. “Kakanta lang pala!” wika ni Harold saka – “Through the fire, To the limit to the wall, For a chance of loving you I take it all the way.” kanta ni Harold. “Gago!” inis na wika ng lalaki saka binatukan si Harold. “Ibitin na iyang pilosopong iyan.” utos pa nito. “Sabi mo kumanta!” isip batang tugon ni Harold na pilit lang na inaalis ang kaba at takot sa maaring mangyari kaya naman kung anu-ano ang pumapasok sa kukote niya. “Gawin ninyo lahat para mapagsalita!” inis na turan pa ng lalaki. “Nagsasalita naman ako!” pilosopong tugon pa ni Harold. “Tingnan ko lang ko mapilosopo mo pa kami pagkatapos ka naming gutay-gutayin.” wika ng isang lalaki saka tinaliuan sa paa si Harold. “What are you doing?” tanong ni Harold na sa isang iglap lang ay nakabitin na patiwarik. “Hey! Ibaba ninyo ako dito!” maingay na tutol ni Harold. “Nasaan na sinabi ang kuta ng mga kasama mo?” tanong pa ng lalaki. “Hindi naman ako manghuhula para malaman ang sagot sa tanong mo.” mabilis at walang prenong tugon ni Harold. Biglang iwinasiwas ng lalaki si Harold na tila isang swing sa puno. “Magsalita ka na kasi. Umamin ka na.” pamimilit pa ng lalaki. “Shitness! Anung aaminin ko? Tang ina! Hindi naman ako NPA para malaman ang sagot sa tanong mo.” maingay pa ding tugon ni Harold. Kasunod nuon ay nilatigo ang nakabiting patiwarik na si Harold. “Ahh!” sigaw ni Harold na hindi magawang mamilipit sa sakit. Ang isa ay nasundan pa ng isa pa at nang isa pa, puro daing lang ang naririnig kay Harold, sakit, kirot, hapdi at pakiramdam nga niya ay nagsususgat ang bawat hampas sa kanya ng latigo. Ngayon lang niya nararamdaman ang takot sa mga nagyayari, kung kanina ay may yabang pa siya dala nang masamang pagkakagisisng, ngayon ay sinasampal na sa mukha niya ang realidad na wala na siyang takas pa. Nagsisismula na siyang balutin ng takot at pangamba para sa sariling buhay at sa kapahamakang maaari niyang maranasan. “Magsalita ka na.” pamimilit pa ng lalaki. “Wala kang makukuha sa akin.” matapang ngunit natatakot na tugon ni Harold. “Ganun!” walang pagdadalawang-isip na binagsak ng lalaki si Harold saka tila hayop na kinaladkad si Harold sa buhok. “Saan naman ninyo nakuha ang ideyang NPA ako.” tanong pa ni Harold nang makarating sila sa isang drum na puno ng maruming tubig. “Wala ka ng pakialam duon!” wika ng lalaki saka inilublob si Harold. Walang kamay na maikakampay si Harold dahil nakagapos ang mga ito at tanging katawan lang niya ang nagbibigay senyales na hindi na niya kayang manatili sa tubig. “Mali ang asset ninyo sa impormasyon!” komento pa ni Harold na muli ay nilublob sa maruming tubig. “Tumahimik ka na lang kung hindi mo sasagutin ang tanong namin.” madiing utos pa ng lalaki. “Anung sagot ba ang gusto ninyong gawin ko?” tanong ni Harold. “You’re not listening and believing.” komento pa ni Harold nang muling makaahon sa tubig. “You relied so much to your asset but how sure are you na tama ang sinasabi niya?” tanong pa ni Harold. “Madami ka pang satsat!” inis na tugon ng lalaki saka muling nilublod sa tubig si Harold. Habang nakalublob ay naramdaman ni Harold na para bang may gumagapang sa katawan niya, mga maliliit na paang lumalakad sa kanyang balat. Kumakati, humahapdi at nakakakiliti sa pakiramdam. Muli siyang inahon at itinulak ng dalawang lalaki. Napaupo ang kawawang si Harold na pilit lumalaban sa putikan. Binuhusan ng mas maraming hantik ang binata, mula sa likuran ng damit niya at sa loob ng pantalon na suot, nagkikisay si Harold sa kati at hapdi. “Magsasalita ka na ba?” tanong ulit ng lalaki. “Wala nga akong sasabihin.” sagot ni Harold na paikot-ikot sa putikan. “Ang tibay mo!” wika ng lalaki saka hinagupit muli ng tatlong ulit ang kawawang binata. “For heaven’s sake! Mga wala kayong puso!” naluluha at nahihirapan nang magsalitang sabi ni Harold na naubos na din ang lakas sa katawan. “Seph! Kunin mo na ang HV 4.” utos nang lalaki sa kasamahan. “Sigurado ka ba Joe?” tanong naman ni Seph. “Oo!” sagot ng lalaking tinawag na Joe. “Pero…” tututol sana si Seph. “Ako ang senior mo kaya sumunod ka na lang ng matapos na ang trabaho natin dito!” madiing utos ni Joe. Sandali lang ang lumipas at agad nang pumasok ang lalaki na may bitbit na tila maletang maliit. Pagkapasok nang lalaki ay muli siyang binitin ni Joe sa puno, binuhusan ng malamig na tubig at naramdaman niya ang kirot ng mga sugat at hapdi nang mga latay at kagat ng hantik. May ibinitin din sa paa niya at ramdam niya kung gaano iyon kabigat. Pakiramdam ni Harold ay para bang hinahatak siya pababa at ang mga buto niya ay magkakalagas-lagas dala ng bigat. Maluha-luha subalit buo pa din ang kumpyansa ng binata, wala nga siyang alam sa NPA at totoong hindi siya kasapi nuon, alam niyang sina Sean at Kenneth ang may kakayahang sagutin ang mga tanong sa kanya ng lalaki subalit ayaw niyang mapahamak ang mga ito kaya maingat siya sa pagsagot at umiiwas sa pagbanggit ng pangalan. “Ang hirap naman nito! Wala nga akong alam pero pinapahirapan pa ako!” usal ni Harold na bagamat natatakot na at nahihirapan ay pinipilit pa ding maging mayabang para paniwalaan siyang wala talaga siyang alam. “Tingnan ko lang kung makapagyabang ka pa!” wika ni Joe saka isang napakalakas na hagupit ang binigay kay Harold. “Arrghhh!” hiyaw ni Harold. “Sige na Seph!” utos ni Joe. Hindi na nakita pa ni Harold kung ano ang ginawa ni Seph at bigla na lang siyang nanginig. Nakaramdam siya ng kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan mula sa mga daliri sa kamay at paa. Literal na kinukuryente nang mahinang boltahe si Harold at halos sumuko na ang puso niya sa pahirap na iyon. “Ano?!” tanong ni Joe. “Wala nga.” isang walang pag-asang Harold na ang sumagot na nakaramdam ng panghihina. Ang tingin na niya sa kausap ay isang demonyong nagkatawang tao na walang puso para maawa at mahabag. Isang taong walang kaluluwa at walang kunsensya na may kakayahang tiisin ang nakikita. “Isa pa!” utos ni Joe kay Seph. “Baka nga wala talaga siyang alam.” tutol ni Seph kay Joe. “Lintik ka!” wika ni Joe saka tinabig si Seph at siya na ang gumawa ng pinapagawa. “Arghh!” hiyaw na Harold na ramdam ng buong katawan na mas mataas na boltahe na ang dumadaloy sa katawan niya. “Sige! Magmatigas ka!” natutuwang wika pa ni Joe na waring sayang-saya na nakikita si Harold na nahihirapan. Maluha-luha at wala nang mailabas na salita pa si Harold. Damang-dama ng buo niyang katawan ang panghihina at pamamanhid dala ng kuryente. Suko na ang katawang lupa ni Harold at malapit-lapit na siyang bumigay. “Gabby! Hindi ko na kaya!” puno ng kalungkutang bulong ni Harold sa sarili saka napapikit at dumaloy ang matipid na luha sa mga mata. Naramdaman niyang bigla siyang bumagsak at tumama ang katawan niya sa mabigat na bagay na nakakawit sa paa niya kanina pa. Naramdaman din niyang may mainit at mapanghing likidong umaagos sa likuran niya na lalong nagpahapdi sa mga sugat. Baliwala na lang iyon kay Harold, tinanggap na niya na ang gabing iyon ang tinakda para lisanin niya ang mundo. “Sige na Joe at Seph! Ako na muna ang bahala dito.” madiing utos ng lalaking kaninang kaharap ni Harold. “Yes Sir Vin!” sagot ng dalawa na sa wakas ay napangalanan na. Hinatak nito sa damit si Harold subalit dahil nga sa may pampabigat na nakabitin sa paanan ng binata ay napunit ang damit nito. Pakiramdam ni Harold ay daig pa niya ang baboy, baka at kalabaw na nasa slaughter house dahil siya ay unti-unting pinapatay. Tipong humihiwalay na ang kaluluwa niya sa katawang-lupa ngunit laging naiipit at muling bumabalik para damhin ang bawat sakit. Kinalag ni Vin ang pampabigat sa paa ni Harold saka ito muling hinatak nama sa buhok papunta ulit sa lugar na may ilaw. Nakahandusay na lang ang nagpapaubaya at kawawang si Harold, hinayaan na lang ang anumang kapalarang nakatakda sa kanya. Nagising na lang ang diwa ng binata dahil sa malamig na tubig na isinaboy sa kanya. “Magsasalita ka na ba?” tanong nito kay Harold. “Wala pa sa kalahati ang nararanasan mo.” dagdag pa nito. Nanatilnig tahimik lang si Harold. Naglalakbay ang diwa sa kawalan at tupok na ang pag-asang makakaligtas. Inaalala si Gabby na baka nag-aalala na ito sa kanya at ang nais niya ay mahagkan naman sana ang binata kahit sa huling pagkakataon. Dumaloy ang masaganang luha mula sa singkit na mata ng binata na hindi na magawang idilat dahil sa hirap at sakit. “Sir Vin! May tatlong tumatakas!” balita ni Joe na humahangos pa. “Habulin ninyo! Huwag ninyong hayaang makalayo! Lagot tayo niyan!” utos ni Vin. “Yes Sir!” sagot ni Joe. Agad namang tumayo si Vin at tinalian sa mga kamay at paa si Harold. Ngunit dala nang pagkataranta ay hindi niya nasigurado kung nahigpitan ba ito o hindi. Nagising ang diwa ni Harold sa mga kaluskos mula sa likuran niya, may isang kamay na nagkakalag sa mga tali niya sa katawan. “Ahh!” wika ni Harold. “Huwag kang maingay! Itatakas kita.” sabi ng tinig. Nabuhayan naman ng loob si Harold dahil sa wakas ay nakakita siya ng liwanag para makaligtas. Nang nakalag ang tali ay inalalayan ng lalaki si Harold para makatayo. Nakabawi na din naman ng lakas si Harold at tila may bagong lakas dala ng bagong pag-asa kaya mabilis at maliksi din itong nakakilos. Kasama niya ang binatang tumakbo sa gitna nang kakahuyan, nagtatago sa mga puno kapag may nakikita silang anino na tila hinahabol sila. “Harold nga pala pare!” pakilala ni Harold nang masiguradong nakalayo na sila sa kampo at kutang impyernong pinagdalhan sa kanila. “Jhey-Ehm!” abot ng kamay ng binata. “Dito na muna tayo magpalipas habang hinahabol pa nila iyong tatlo. Saka na tayo sumibat pag tahimik na ang lahat.” suhestiyon pa nito. Pakiramdam ni Harold ay mali ang plano dahil pag nagkataon ay mabilis at madali silang matutukoy kung nasaan, pero wala na sa plano pa ni Harold ang makipagtalo at makipag-away. Sinang-ayunan na lang niya ang plano nito dahil wala din siyang alam sa lugar at sa mga kaaway na pinagtataguan. “Sirang-sira si Sun Tzu sa sitwasyon kong ito.” nasa isip ni Harold. “Alam mo, kailangan na kailangan ako ng pamilya ko ngayon.” simula ni ng drama Jhey-Ehm sa kwento ng buhay niya. “May sakit ang mama ko at kailangang kumpleto kami. Alam ko, sobrang nag-aalala na sila sa akin pero hindi ko naman alam kung papaano makakatakas kanina.” lahad pa ni Jhey-Ehm. Niyakap na lang ni Harold si Jhey-Ehm na katulad niya ay tadtad na din ng sugat at galos ang buong katawan. “Ayun oh! Di ba ilaw na iyon nang kalsada?” sabi ni Harold na nakuha pang makisimpatya kay Jhey-Ehm. “Oo nga!” wika ni Jhey-Ehm saka maligayang napatayo. “Bang!!!!!!!!!” ingay na umalingawngaw sa kanila. “Lagot na!” wika ni Harold saka hinatak paupo si Jhey-Ehm. Kailangang magdesisyon ni Harold, kailangang may mabuhay kahit isa sa kanilang dalawa. Kailangang may magparating sa mga kaibigan niya kung anuman ang sinapit niya, wala na siyang pamilya at tanging mga kaibigan na lang ang babalikan. Isang bagay na lang nag naiisip niya, may isang taong dapat mabuhay at hindi siya iyon – “Jhey-Ehm! Iligtas mo na ang sarili mo, lilituhin ko sila, ilalayo ko sila dito sa pwesto na’to, magtago ka at hintayin mong makalayo sila saka ka dumiskarte nang pagtakas.” utos ni Harold. “Paano ka?” tanong ni Jhey-Ehm. “Kailangan mong makabalik sa pamilya mo. Kailangan ka pa nila at dapat mong isipin kung paano makakababa dito. Humanap ka ng resbak o tulong basta mahalaga may makababa dito at mabilis na makahingi ng saklolo.” pagpapayo ni Harold. “If ever na wala ka nang abutan, please pumunta ka ng Maynila, hanapin mo si Gabby Fabregas, pakibigay sa kanya itong singsing ko.” pakiusap pa ni Harold saka hinubad ang singsing sa kamay at ibinigay kay Jhey-Ehm. Hindi pa man natatapos ang dalawa ay may kasunod ng putok ngg baril ang narinig. “Pati itong kwintas.” sabi ni Harold sabay hubad sa kwintas, inilapag sa hita ni Jhey-Ehm at agad na tumayo at tumakbo at iniwan ang binatang tumulong. Tago dito, tago duon, lahat nang panlilinlang na alam ni Harold ay ginawa na niya para mailayo ang mga humahabol sa kanila. Akyat ng puno, gawa ng ingay dito at duon pero ang lahat ng paghihirap ni Harold ay mauuwi din sa wala dahil siya na mismo ang nakagawa ng daan para makabalik sa imyernong kuta. “Babalik ka din pala dito.” nakangising wika ni Vin. Ang plano sana ni Harold ay makababa din kung saka-sakali at makatakas, pero dala ng hindi niya alam ang tinatakbong lugar ay naligaw siya at kusang nakabalik sa lungga. Nakita ng dalawa niyang mga mata na mga nakadukdok sa lupa at nakahiwalay na ang dalawang kamay sa mga katawan ng iba pang nahuling kagaya niya samantalang ang isang pamilyar na kamay ay nakita niyang ginigilitan pa lang ang kanang kamay. “Jhey-Ehm?” tanong ni Harold nang makita ang singsing niya sa daliri ng binata. “Sorry Harold!” wika ni Jhey-Ehm. “Huwag!” nanghihinang tutol ni Harold. “Please, hayaan na ninyong attached ang kamay niya.” pakiusap ni Harold. “Ako na lang ang putulan ninyo ng kamay.” sagot pa ng binata. “Oh! Magpapakadakila ka na lang din bakit hindi mo pa lubusin.” tugon ng lalaki. “I know so much na hindi kayo magpapakawala kahit isa sa amin or kahit may makuha man kayong impormasyon siguradong matutulad kami sa kanilang naghihingalo na.” buo ang loob na wika ni Harold. “Magaling na bata!” wika ng Vin. “Sige na, putulan na ninyo ng daliri iyan. Unti-untiin ninyo hanggang siya na mismo ang magsabing patayin na siya. Pero dahan-dahan lang.” utos ni Vin. “Ihagis na iyan sa pagpiprituhan para mabawasan na tayo ng isa.” utos pa nito. Tinalian naman ng iba pang lalaki si Jhey-Ehm at si Harold ang unang hinarap ng mga ito. Hinawakan ang kamay at pilit pinaunat ang mga daliri. Idiniin ang kutsilyo at – “Stop that!” puno ng kapangyarihang utos ng isang tinig mula sa likuran niya. “At sino ka naman?” galit na tanong ni Vin. Hindi alam ni Harold kung ano ang mararamdaman pero matapos marinig ang utos na iyon ay agad na siyang binawian ng malay. Hindi na niya narinig pa ang sumunod na pangyayari. Basta, ang alam niya, kung mamamatay man siya ngayon, si Gabby ang pinaka-unang lalakbayin ng kaluluwa niya. “Tiktilaok!” maingay na pagbati ng mga manok. Dahan-dahang iminulat ni Harold ang mga mata, nakakasilaw ang liwanag, masakit sa mata na tipong binubulag siya. “Paumanhin apo ko!” wika ng isang tinig ngunit hindi niya makilala ang anyo nito. “Sino po kayo?” tanong ni Harold. “Hindi ko inaasahang ganito ang iyong kahihinatnan. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng katuparan ang kasunduan namin ni Philip at mabigyan ng liwanag ang apo niyang si Gabby. Paumanhin apo ko! Hindi ko inaasahang sa ganitong sitwasyon ka mapupunta.” wika pa ulit ng mahiwagang tinig na hindi sinagot ang tanong ni Harold. “Lolo? Kayo po ba iyan?” tanong ni Harold na patuloy na kinikilatis ang maliwanag at nakakasilaw na kapaligiran. “Oo apo!” pagsagot ng tinig na sa wakas ay nabigyan na nang mukha. “Lolo! Kayo nga.” sagot ni Harold saka niyakap ang lolo niya. “Sinusundo na po ba ninyo ako? Nasaan po sila nanay at tatay?” tanong ulit ni Harold. “Paumanhin apo! Sa akin ang punu’t dulo ng lahat. Nagkamali ako nang tantya at sukat sa mga pangyayari.” wika nang matanda saka nag-iwan ng ngiti kay Harold. “Teka lolo! Ano po ba ang sinasabi ninyo?” tanong ni Harold. Ngumiti lang ang matanda saka sinundan nang isang nakakbinging – “Tiktilaok!” “Lolo!” hiyaw ni Harold sa papalayo niyang lolo. “Lolo!” hiway ni Harold saka biglang napabangon mula sa isang malalim na panaginip. “Buhay ako?” tanong pa niya nang makita ang katawan at ang nasa paligid niya. “Kamusta na?” tanong ng pamilyar na tinig kay Harold. Iyon ang boses na narinig niya na nagpatigil sa pagputol sa kanya ng daliri. “Sino ka?” tanong ni Harold na nakaramdam ng takot. “Huwag kang matakot Harold!” nakangiting tugon ng lalaki. “Kilala mo ako?” tanong ulit ni Harold. “Oo naman!” sagot ng lalaki na unang beses lang nakita ni Harold. “Kilala ba kita?” tanong naman ni Harold. “Hindi mo ako kilala pero kilala ako ng lolo at lola mo pati na ang nanay at tatay mo saka ng tito at tita mo.” nakangiting tugon ng lalaki. “Huh?” naguguluhang tanong ni Harold. “Kapatid ako sa ama ng nanay mo at mula nang mamatay si ama hindi na ako muling bumalik sa Tarlac dahil itinuloy ko na ang pagsusundalo.” sagot naman ng lalaki sa katanungan ni Harold. “Tito kita?” naguguluhan pa ding wika ni Harold. “Oo Tito mo ako at siya naman si Joseph ang pinsan mo at anak ko.” pakilala naman ni Joseph kay Harold. “Di ba ikaw iyong…?” naguguluhang pagtatanong ni Harold. “Oo, ako nga! Kung sakali muntik ko na palang patayin ang pinsan ko.” sagot ni Joseph. “First time ko lang sumalang sa interrogation at hindi ko akalaing ganun pala ang ginagawa nila.” komento pa nito. “Sandali! Kailangan kong balikan si Gabby at ang mga kaibigan ko.” naisip agad ni Harold. “Kailangan ko ding pumunta ng CHR para magawan ng aksyon ang dinanas ko.” dugtong pa nito. “Sandali lang Harold!” pigil ng tyuhin niya. “Hindi mo pa alam ang kwento at ang lahat.” sabi pa nito. “Sapat na sa akin na malamang bergudo kayo at walang awa at patawad, pati iyong walang alam dinamay na ninyo.” singhal ni Harold. “Malaking dilemma sa mga interrogators iyon Harold. Kaya nga ako hindi ako tumagal at nagpapalit agad ako. Intindihin mo na kung papalayain iyong mga inosente kuno, malamang na mas malaking gulo ang harapin ng army. Be in there place.” sagot naman ng tito ni Harold. “It’s their choice! Pinili nilang magpabulag sa nasa pwesto. Imbes na paglingkuran ang mga mamamayan, iyong mga may katungkulan sila bumubuntot at buong giliw na inaamoy ang utot.” kontra ni Harold. “You should first listen sa kwento ko bago ka kumilos. Pag-isipan mo kung itutuloy mo ba o hindi ang plano mo.” pamimilit ng tyuhin ni Harold. “Okay!” sagot ni Harold na kahit papaano ay interesadong pakinggan ang naganap sa kanya. “Para sa mga kaibigan mo patay ka na! Inilibing ka na nila kahapon at alaala ka na lang.” simula ng tyuhin ni Harold. “Paano?” tanong ni Harold. “Iyong lalaking may suot ng singsing mo, buong akala nila ikaw talaga iyon at lalo silang nakumbinsi sa nakuha pa nilang kwintas mo malapit sa pinaghagisan sa katawan ng lalaki.” kwento naman ng tyuhin ni Harold. “Si Jhey-Ehm?” napuno ng awa ang damdamin ni Harold sa naging kapalarang ng binata. “Mga wala kayong puso!” sigaw ni Harold. “Kung ituring ninyo kami parang mga hayop na walang karapatan.” “Harold! Tungkulin nila iyon para mapanatili ang katahimikan.” sagot ng tyuhin ni Harold. “Mapanatili ang katahimikan o manatiling nang-aapi ang mga mayayaman at inaapi ang mga mahihirap?” tanong ni Harold sa tyuhin niya. “Ganyan ba talaga ang katahimikan sa inyo? Ang manatiling gutom at namamatay ang mga tao dahil walang makain? Iyan ba ang konsepto ninyo ng katahimikan? Ang pabayaang gumapang sa putik ang karamihan samantalang iilan lang ang nakakalakad nang may sapin sa paa? Ang matulog nang marurumi ang mga kamay samantalang ang iba ay nagpipilit maghugas ng kamay?” habol na tanong pa ni Harold. “We’re talking about NPA’s here hijo!” sagot ng tyuhin ni Harold. “Wala akong alam sa NPA dahil hindi ko sila kakilala o hindi ko alam ang pinaglalaban nila. Sabi nila komunista daw ang NPA pero ano naman ang masama kung ang hangad nila ay pagkakapantay-pantay ng lahat? Alam ko impossible iyong mangyari sa estado ng lipunan ngayon, alam ko marahas ang gusto nilang laban, pero ang para sa akin, bakit kailangang maging berdugo kayo at pati ang walang alam ay madamay?” tanong ni Harold. “You got it right! Wala ka ngang alam, alam mo ba na sila mismo ay mga berdugo din?” tanong kay Harold. “Tulad nga ng sinabi ko, malaking eskandalo sa military kung makakalabas lahat ng underground actions. Kaya nga masusi ang mga researches at sigurado sa bawat hakbang.” sagot pa ng tyuhin ni Harold. “Mga berdugo nga ba o pinapalabas nyo lang na berdugo para masira sila sa mata ng mga tao?” balik na tanong ni Harold. “Para sa akin, wala namang perpekto sa mundo, lahat may butas, may kamalian, basagan ng trip, paniniwala at kung anu-ano pa. Alam ko madami ding pagkakamali ang mga NPA kung sakali at alam ko din na may mas malaking pagkakamali ang military.” tugon ni Harold. “Matinding research pala! Eh bakit ako nadamay?” balik na tanong ng binata. “Sa dinanas ko, naunawaan ko na kung bakit masakit pala ang maging panig sa bayan, sa mga mahihirap at sa mga inaapi.” tugon ni Harold. “Kung binabalak mo talagang ituloy ang pagsusumbong sa CHR, hindi kita pipigilan, pero hindi ko kayang ipangako na matitigil ang ganito, dahil hangga’t may kaliwa at kanan, magpapatuloy ang madugong tradisyon nang pakikipaglaban. Pero unahin mo muna ang sarili mo Harold! Wala ka ng dapat alalahanin pa sa lahat ng militar na nanakit sa’yo at nagpatunay na NPA ka, they are all demoted and under probation dahil sa wrong information na nakalap at pinaniwalaan nila. Ang mahalaga ngayon, pakinggan mo muna ang kwento ko.” pamimilit na sinabi ng tyuhin ni Harold. Malalim na buntong-hininga lang ang sinagot ni Harold kasabay ang mga pigil na luha dala ng sakit na dinanas niya. Pisikal na sakit at ang pananabik kay Gabby. “Magpasalamat ka sa lolo mo dahil siya ang nagligtas sa’yo.” simula ng tyuhin ni Harold. “Will you believe na nagpakita siya sa akin sa panaginip? He told me that you need help, na nasa panganib ka at nataon naman na bumungad sa akin ang isang folder na may files at pictures mo. Naiwan iyon ni Joseph at sa tingin ko gumawa ng paraan ang lolo mo para masundan kita. Nakita ko ang picture mo, ang address ng bahay at lahat ng personal information. Kinutuban ako kaya agad akong pumunta sa interrogation camp. Tama ang hinala ko, ikaw nga ang nawawala kong pamangkin.” sabi ng tyuhin ni Harold. “Are you saying na some sort of magic ang nangyari? Baka naman co-incidence lang?” tanong ni Harold. “Yeah! Impossibleng co-incidence lang dahil literal na nakapatong sa dibdib ko iyong folder. To tell you honestly, matagal nang may usapan sa pamilya na marunong gumawa ng orasyon at gayuma ang ama, may mga kaibigang dwende at maligno, tumira sa Mt. Banahaw nuong kabataan at nag-train ng mga albularyo. He didn’t confirm kung totoo iyon o hindi, pero sa nangyari, pakiramdam ko totoo.” sabi naman ng tyuhin ni Harold. Naalala ni Harold ang sumpa sa kanilang dalawa ni Gabby, ang sinabi ng Tito Ronnie niya, ang kwento ni Gabby sa pagiging magkaibigan ng lolo nila, ang panaginip niya bago siya magising. Mahirap man paniwalaan pero nakukuha na niya ang nais sabihin ng lolo niya, at sa kwento ng tyuhin niya, pinagtibay nuon ang dati pa niyang hinalang lolo nga niya ang may kagagawan ng lahat. “Ipina-trace ko kung saan nanggaling ang tawag na nagsabing NPA ka.” simula ulit ng kwento ng tyuhin ni Harold. “Pero sa tingin ko hindi mo na nanaiisin pang bumalik sa dati mong buhay pag nalaman mo ang katotohanan.” Kinakabahang diretsong tinitigan ni Harold ang tyuhin niya sa mga mata nito – “The call was from Fabregas Construction Company and ang tumawag ay nagngangalang Joel.” pagbabalita pa nito. “What?” hindi makapaniwalang tugon ni Harold. “Ssii Joel?” tanong ni Harold. “We bring him here! Siya na ang bahalang magkwento sa’yo kung bakit niya nagawa iyon.” sabi pa ng tyuhin ni Harold saka naman lumabas si Joseph at agad na pinapasok si Joel. Malamlam ang mata ni Harold na tila nagtatanong sa binata kung bakit niya nagawa iyon sa kanya. Nahihiya si Joel na tingnan si Harold ng diretso lalo na at naawa siya sa sinapit nito. Siya ang naging dahilan ng muntikan nitong kamatayan. Tumutulo ang luha sa mga mata ni Harold habang nakikinig sa kwento ni Joel. Napuno nang galit ang puso niya sa mga nalamang pagtataksil ng kaibigan. Sakit, galit at paghihinagpis, mga magkakahalong emosyon na gustong sumambulat sa munti niyang damdamin. “Bakit Joel?” tanging katagang lamabas sa bibig ni Harold. “Sorry Rold! Sorry!” paumanhin ni Joel. “Your sorry will never heal the pain!” sagot ni Harold na lalong dumalas ang mga luha sa mata. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Naglalakbay ang diwa niya, blanko, tabularasa, bigla siyang nabobo at natanga dahil kahit anung pilit ay bakante ang nasa isip niya. Matagal-tagal ding nasa ganuon silang anyo, ay biglang may pumasok sa kukote niya. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, dahil sawa na siyang lagi na lang inaapi, kailangan niyang kumuha ng kapangyarihan, kailangan niyang gumapang paangat at paitaas. Papatunayan niyang makakaya niyang maging mayaman sa malinis na paraan. Papatunayan niyang hindi na kailangang mang-apak ng ibang tao at manira ng karapatan para lang makaangat. Isang bagay pa – papatunayan niyang hindi totoo ang kasabihan “the slaves of today are the oppressors tomorrow.” Pangunahing ibinabato sa kanilang mga aktibista. Unti-unti nang nabubuo ang plano ni Harold kung papaano siya babangon at magsisimulang muli. Sandaling kinalimutan ang iba at uunahin niyang ayusin ang mga plano sa sarili. “Ako nga pala si Jonas Collantes!” pakilala ng tyuhin ni Harold para naman matapos na ang katahimikan sa pagitan nilang apat. “Collantes?” tanong ni Harold. “Hindi ko ginamit ang surname ni ama na Oliveros, instead ginamit ko ang sa ina ko.” sagot ni Tito Jonas. “Tito, pwede po bang pagamit ng pangalan ninyo?” nakangiting pakiusap ni Harold. “Ayos lang Harold Mark Collantes.” sagot ni tyuhin ni Harold. “Andrew Collantes po tito.” sagot ni Harold na senyales nang pagsisimula ng kanyang pagbangon. Dahil na din sa pagpupursigi at sa pera ng kanyang tyuhin ay pinagtulungan nila ni Joseph ang pagtatayo ng negosyo. Labag man sa sariling paniniwala, tulad nang pagmamahalan nila ni Gabby, ay pinili niyang maging kapitalista, isang makabayang kapitalista. Pinagpatuloy niya ang pagiging freelance ghost writer at humanap ng mga publishing house na pwedeng mag-publish ng mga akda niya na nakapangalan lahat sa isang Andrew Collantes. Tanging si Joseph lang ang nagpapakita sa mga meetings, at kinakatawan at nanatiling pribado si Andrew Collantes. Naging mata naman niya si Joel sa FabConCom at sumusubaybay sa lahat ng kilos ng mga tao duon, si Joel din ang ispiya niya para kamustahin ang kalagayan nila Gabby, Kenneth at Sean, samantalang lagi naman silang bumibisita sa lumang bahay niya sa Tarlac at kinakamusta si Luis sa pamamagitan ni Joseph. Anim na taon na at oras na ng pagpapakilala at pagbabalik. Masakit para sa kanya na malamang ikakasal na ang taong pinakamamahal, ngunit wala siyang balak na sirain ang kasal nito. Ang gusto lang niya ay makita siya ni Gabby na buhay na buhay bago ito tuluyang magpatali sa babaing pinalit sa kanya. At ayon sa kwento ni Joel, masaya at mahal na mahal ni Gabby si Riza kaya naman wala siyang dahilan para pigilan ang kasal. Masakit man, pero dapat niyang tanggaping nakita na ni Gabby ang babaeng kauri niya. Gugulatin ang lahat sa muli niyang pagbangon at pagkabuhay. Ito na ang simula para makilala nila ang katauhan ni Andrew Collantes at ang bagong Harold Mark Aguilar na minsang inabuso ng lipunang pinatatakbo ng pera.


[Finale]
Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/ Titik E, Bilang 5 “Sigurado ka na ba Rold?” tanong ni Joseph kay Harold na nakatingin sa labas ng bintana ng opisina niya. “Kung hindi ngayon, kailan pa?” sagot ni Harold. “Six years! Sapat na naman siguro ang six years.” dugtong pa ng binata. “Handa ka na ba?” kasunod na tanong ni Joseph. “No choice na ako kung hindi maging handa.” sagot ni Harold. “May thirty minutes pa, pwede pang magbago ang isip mo.” komento ni Joseph. “Wala ng atrasan Joseph!” nakangiting tugon ni Harold. “Basta pinsan, pag kailangan mo ng tulong andito lang ako.” pagdamay ni Jospeh sa pinsan niya. “Salamat tol!” sagot ni Harold saka nagbitiw ng isang malalim na buntong-hininga saka muling lumingon sa bintana. “Gabby! Ang unang taong minamahal at pinag-alayan ko ng buhay, ng lahat. Tinalikuran ko ang sarili kong prinsipyo para bigyang daan ang akala kong happy ending na matutupad. Nabigo ako, nabigo tayo, nasira ang lahat ng plano natin ang lahat ng pangako mo, ang lahat lahat sa pagitan natin. Gusto kitang balikan, yakapin at sabihing buhay na buhay ako, pero anim na taong lipas iyon, natatakot na akong muling mamatay, masiraan ng bait at mapahamak dahil sa pagmamahalan. Hindi ko kayang mamahay sa puso ko ang galling sa pamilya nang taong walang awa at walang puso. Hindi ko na kaya pang ipaglaban ang pagmamahal ko para sa’yo. Mahirap man pero nakalimutan ko na kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal, salamat sa’yo at sa pamilya mo.” bulong ni Harold sa sarili. Samantalang – “Good afternoon Mr. Fabregas!” simulang bati ni Joseph kay Gabby. “Good afternoon Mr. Collantes.” tugon ni Gabby. “I heard you visited my restaurant at Tarlac.” tila pagsisimula ng kwentuhan ng binata. “And Luis told me that you’re his regular customer.” saad pa nito. “Yeah! My brother really loves your chicken clucks and fountain of youth soft tea.” sagot naman ni Joseph. “Honestly, it is my former fiancée’s recipe and he also loved it.” sagot ni Gabby na may matamis na ngiti dahil muli niyang naalala si Harold. “Speaking of your brother, will he come today?” pag-iiba naman ni Gabby sa usapan. “Yeah!” sagot ni Joseph. “He also requested for a closed door meeting.” tugon ni Gabby. “That’s okay with me! Only my fiancée and I will see you.” tugon ni Gabby. “Sorry to interfere on your plans but he wishes to meet only you and remain his privacy to others.” paumanhin naman ni Joseph. “Well…” nag-iisip na saad ni Gabby saka tiningnan si Riza na naka-kapit pa sa braso niya. “It’s okay with me.” sagot ni Riza. “I really wish Andrew Collantes to see my Riza.” malungkot na pahayag ni Gabby. “Well, one of these days. Maybe after your wedding.” sagot ni Joseph. Gumamit ng elevator paakyat saka huminto sa sixth floor at – “Future wife of Mr. Fabregas, you can stay inside our office with your staffs.” sabi ni Joseph saka binuksan ang opisina nila ni Harold. “Thank you Mr. Collantes.” nakangiting pasasalamat ni Riza pagkapasok. “Let’s go to the conference room!” aya naman ni Joseph kay Gabby. Hindi mawari ni Gabby ngunit naging mabilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay may isang hindi inaasahang mangyayari na gugulo at maghahatid ng pangamba at kaguluhan sa kanya. Lalong naging mabilis ang tibok ng puso ni nang pinihit na ni Joseph ang knob ng pinto. “You can seat wherever you wish.” saad ni Joseph. “To tell you honestly, my family owns the ancestral house in front of your restaurant.” simula pa nito ng usapan. “Oh!” nasabi ni Gabby. “For what I know, it is owned by my ex-fiancée named Harold and he legally inherited it from his parents.” sagot ni Gabby na medyo nabigla sa sinabi ni Joseph. “I forgot to tell you that Harold is my cousin. It only happened that my father is Harold’s mom’s half brother that’s why I don’t have same pendant Harold has.” sagot pa ni Joseph saka abot kay Gabby nang kape. “What a surprise?” nagulat na sinabi ni Gabby na hindi pa din kumbinsido sa sinabi ni Joseph. “Are you sure your brother will come? He’s fifteen minutes late.” komento pa ni Gabby na iniba na ang usapan dahil ayaw niyang pabola pa sa kausap. “I’m sorry I’m late.” pambungad ni Harold pagkapasok ng pinto. “Let’s start our business.” aya pa nito. “Harold?!” gulat na nasabi ni Gabby saka nabitawan ang hawak na tasa ng kape. Diretso tingin at wari bang nakakita ng multo, tulala, hindi makapaniwala. “What’s the problem Gabby?” tanong pa ni Harold. “I really thought you changed your mind Andrew!” pahayag ni Joseph. “Sabi ko sa’yo, Harold is back!” tugon ni Harold. “Tara na Gabby, simulan na natin ang meeting.” aya pa nito kay Gabby. “Harold? Is that really you?” ulit na tanong ni Gabby saka napatayo at lumapit kay Harold. Maluha-luha niyang hinaplos sa mukha ng binata at tinitigan ito sa mga mata. “Tell me, am I dreaming?” tanong pa ulit ng binata na may kakaibang ngiti sa nakita. “Oo naman!” sagot ni Harold saka bitaw sa haplos na iyon ni Gabby at iwas din sa titig nito. Muling nagbalik ang dating pakiramdam, ang nakaraan. Muling tumibok ang puso ni Harold, mabilis na mabilis at ngayon niya lang ulit ito naramdaman sa loob ng anim na taon. Pakiwari niya ay kinukuryente siya ng titig na iyon ni Gabby na nanunulay sa mga mata niya at kinikiliti ang kanyang kaibuturan. Ang haplos naman ng binata ay tila ba isang haplos nang hangin na nag-iiwan at nagdudulot nang kakaibang ligaya. Ito ang mga bagay na sa loob ng anim na taon ay ninais niyang maranasan muli, ito at ilan pang mga damdamin ang unti-unting nabubuhay ang gusto niyang ulitin at damhin, ito ang mga bagay na kinasabikan niya sa loob ng anim na taon na tanging ang isang Gabby lang ang may kayang gumawa. “Let’s start our meeting.” wika pa ni Harold saka tinalikuran si Gabby. “Harold!” masaya at nagagalak na wika ni Gabby saka niyakap si Harold mula likuran. “I miss you!” wika pa ng binata saka hinalik-halikan sa buhok ang binata. Tumalon sa tuwa ang puso ni Harold dahil muli niyang naranasan ang makulong sa bisig ni Gabby. Anim na taon siyang nangulila sa init ng ganuong yakap, humulagpos ang mga luha sa mata ni Harold, muling bumabalik ang dating pagmamahal na pinilit niyang kinalimutan. Hindi niya inakalang madali lang na bibigay ulit ang kanyang puso para kay Gabby. Naramdaman din niya ang pagluha ni Gabby dahil ramdam ito ng kanyang batok. Umaagos din ang luha ni Gabby at ito ay tumutuloy sa kanyang batok. “I’ll sign up the contract.” nakangiting balita ni Gabby saka humarap kay Joseph na may hindi maipintang ngiti. Iba ang kasiyahan ni Gabby, sa pakiramdam niya ay muli din siyang nabuhay, pakiramdam niya ay muli siyang nabuo, nakumpleto at bumalik ang dating sigla, ang dating siya. Iba – mas matimbang sa kasiyahang nararamdaman niya kay Riza at mas higit na pagmamahal pa kaysa sa dalaga. “Pero hindi pa natin napag-uuspaan iyong plans at deals.” kontra ni Harold saka pinahid ang luha sa mga mata. “There’s no need for that.” sagot ni Gabby saka pinirmahan ang kasunduan at ni hindi man lang binasa. “I won’t sign in it.” sagot ni Harold saka buong lakas ng loob na humarap kay Gabby, puno ng determinasyon. “Joseph, don’t sign in it yet.” pakiusap naman niya sa pinsan. “Harold, I trust your proposals and of course you.” sinserong sagot ni Gabby saka hawak sa kamay ni Harold. “Let us be professionals.” pakiusap ni Harold. “Joseph, paki-iwan mo naman kami ni Harold.” pakiusap pa ni Gabby kay Joseph. Hindi naman pinigil ni Harold si Joseph dahil iyon ang plano nila. Hayaang makapag-usap silang dalawa ni Gabby ng sarilinan. “Besides ang taong pinakamamahal ko ang makakasama ko sa project kaya wala akong dahilan para tumanggi.” sabi pa ni Gabby saka hinalikan sa labi si Harold. “Hindi ko na din kailangang maglatag ng proposal kasi mas mahalaga sa akin na makasama ka ulit Harold.” dugtong pa ng binata. Ramdam na ramdam ng puso ni Harold ang pagmamahal sa halik na iyon, subalit patuloy pa ding tumututol ang kanyang utak. “Wake up Gabby!” sabi ni Harold. “Ikakasal ka na bukas.” “Madali na iyong i-cancel.” mabilis na sagot ni Gabby na hindi naisip ang dilemma na kinakaharap. Isang sampal ang ibinigay ni Harold kay Gabby. “Ang selfish mo pa rin!” wika pa nito. “Harold.” tanging nasabi ni Gabby at tila ginising siya ng sampal na iyon ni Harold. Naguluhan na naman ang mundo niya dahil sa pagbabalik ni Harold. Naalala niya si Riza at ang kasal nila bukas, ang mga ngiti ng dalaga, ang kasiyahan nito at ang pag-asa sa isang pagsasamang habang-buhay. Pero mas nanaig sa kanya ang pagmamahal kay Harold. “Bukas na ang kasal mo at I don’t want to be part of Riza’s misery. Kaya lang ako nagpakita sa’yo just to let you know that I’m alive.” paliwanag naman ni Harold. “I love you more than Riza!” sagot ni Gabby. “But you love Riza right?” balik na tanong ni Harold. “Ayokong isumpa ka ulit ng mama mo pag nalaman niyang hindi mo itutuloy ang kasal dahil sa akin.” “Pero hindi na iyon tututol! Ngayon pa at isa ka na ding kilala sa business world.” kontra ni Gabby na patuloy na na-set aside si Riza. “I am here hindi dahil sa’yo o makipag-balikan sa’yo.” sagot ni Harold. “Gusto kong patunayan sa iyo na hindi totoo si Snow White na kayang alisin ang lason sa pamamagitan lang ng isang halik ng Prince Charming dahil hanggang ngayon patuloy akong pinapatay ng lason na kagagawan nang pamilya mo. Gusto kong patunayang hindi totoo si Aurora na ang pagmamahal ay natutulog lang at kayang mag-alis ng sumpa sa pamamagitan ng halik dahil sa pagmamahalan na natin mismo ay isang sumpa na pilit akong inihimlay sa walang-hanggang paghihirap. Gusto kong patunayan sa’yong hindi totoo si Ariel na kayang ipagpalit ang sarili niyang mundo, ang buntot niya para lang sa lalaking minamahal dahil ibinigay ko na sa iyo ang lahat at ipinagpalit ang sarili kong prinsipyo para mabigyang katuparan ang happy ending, pero mali, kabaliktaran ang nangyari. Gusto ko ding patunayan sa’yo na hindi totoo si Belle. Tama, kayang pagbaguhin nang pagmamahalan ang isang tao, pero sa pagbabago ko ng pananaw sa pag-ibig, hindi ako sa kabutihan dinala, sa kapahamakan. Pero higit sa lahat! Hindi totoo si Cinderella dahil ako, pinilit kong pakibagayan ang mundo mo dati, pero ang mundo mo ang nagsuka sa akin pabalik sa lusak.” pagpapatuloy ni Harold. “Kaya naman, hindi ako tumuntong sa lugar na’to para maging bagay tayo o makibagay sa’yo. Andito ako para patunayang kagaguhan ang fairytales. They are giving us false beliefs, illusions and a step back away from reality.” mabigat na sinabi ni Harold kay Gabby. “Pero Harold! Mahal mo ako di ba? Can’t it be enough reason para bumalik ka sa akin?” pamimilit ni Gabby na ayaw nang pakawalan ang tyansang makasama ulit si Harold at muling lumigaya. “Oo! Mahal kita Gabby!” sagot ni Harold. “But it does not mean na kakalimutan mo na ang kasal ninyo ni Riza and you love Riza right?” balik na tanong ni Harold. “But Harold…” pamimilit pa din ni Gabby. “It will be unfair for Riza kung papakasalan ko siya pero ikaw naman ang mahal ko.” “Mas unfair kay Riza na umaasang matutuloy ang kasal pero she’s waiting for nothing. Unfair kay Riza na minahal ka na at mahal mo din.” tutol ni Harold. “Are you sure na magiging unfair iyon?” tanong ni Gabby. “Kasi ginawa mo lang siyang panakip butas!” sagot ni Harold. “You’re only confuse Gabby! Confuse ka sa pagbabalik ko.” tugon pa ni Harold na pilit pinagtatabuyan si Gabby. “Minahal ko siya at hindi siya naging panakip butas. It’s not a big deal for her kung mamahalin ko siya or hindi. She’s taking marriage as part of business.” paliwanag naman ni Gabby. “Are you sure na hindi big deal iyon sa kanya?” tanong ni Harold. “Sabi niya dati.” sagot ni Gabby. “Dati! Pero hindi ngayon. Dati siguro hindi ka pa niya mahal, pero ngayon mahal ka niya!” pagtutumbok ni Harold. “Umamin ka nga!” wika ni Gabby saka hinawakan sa dalawang balikat si Harold. “What makes you think that way?” tanong pa nito. “Coz I’m concern for Riza!” sagot ni Harold. “Saka masaya ka lang kasi for a very long time akala mo patay na ako pero ngayon ay buhay na buhay. Akala mo mahal mo ako ng higit kay Riza dahil duon.” “Ironical ka na namang mag-isip. Be in my shoes so you will understand what I am feeling.” sagot ni Gabby. “Saka kung concern ka kay Riza, either or matagal ka ng nagpakita sa akin or hindi ka na magpapakita pa or maybe hahayaan mo muna kaming ikasal.” dugtong pa ng binata. “There is deeper reason Harold.” paniniyak ni Gabby. Natahimik si Harold, iniisip kung itutuloy ba niya ang orihinal na plano ngayong pinagtaksilan na siya ng sariling damdamin o papadala na lang sa agos nang pangyayari. “Kahit six years kang hindi nagpakita, kilala kita Harold! Alam ko kung kailan ka may tinatago o inililihim at sigurado akong may gusto kang sabihin na ayaw mong sabihin.” wika pa ni Gabby saka niyakap ang binata. Pinatatag ni Harold ang sarili, desidido na siya, itutuloy ang orihinal na plano at sasabihin niya ang buong katotohanan. “The truth is…” biting wika ni Harold na patuloy pa ding kumukuha ng lakas ng loob. “Tell me.” sinsero ang mga matang wika ni Gabby. “I really hate what I’m feeling right now!” madiing simula ni Harold. “Why?” napuno ng pangambang tanong ni Gabby. “Ayokong mahalin ang taong apo ng pumatay sa lolo ko, ayokong mahalin ang apo ng taong pumatay sa nanay ko at higit sa lahat ayokong mahalin ang taong anak ng taong dahilan ng muntikan ko nang pagkamatay.” litanya ni Harold. “What are you saying?” tanong ni Gabby na labis na natakot sa sinabing iyon ni Harold. “Sa mga nangyari sa lolo at nanay ko kaya kitang patawarin at umaasa akong magbabago din ang mama mo, but with what she did to me? Napatunayan kong she’s a hopeless case and helpless creature kaya kahit ang ipapatay ako ayos lang sa kanya.” tugon ni Harold nang buong tapang. “Pero di ba ang mga military ang humuli sa’yo?” tanong ni Gabby na ayaw tanggapin ang kwento ni Harold. “Militar nga!” sagot ni Harold. “Why don’t you try asking your mother?” balik na tanong ni Harold. “Maybe Joel is enough to prove you what I am saying.” dugtong pa ng binata. “Harold…” wika ni Gabby. “Your mom sent my pictures and personal information sa kampo ng military and according sa sulat na kasama, isa akong NPA. She asked Joel to deliver it at ang walang kaalam-alam na si Joel ay agad namang sinunod ang mama mo.” simula ni Harold. “But how will she know about it?” tanong ni Gabby. “And how will she know na ako ang apo ng pinatay na kaibigan ng papa niya?” balik na tanong ni Harold. “The answer would be, she hired a private investigator para sundan ako and to tell you, nahanap ni Tito Jonas iyon. “She grabbed the opportunity nang malaman niyang aktibista ako kaya naman she sentenced me na NPA ako. Madali nang palabasin iyon para sa may perang kagaya ninyo.” kwento pa ulit ni Harold. “But…” tutol pa sana si Gabby na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala. “To make sure everything is according to her plan, she asked Joel para tumawag sa army para i-confirm na NPA nga ako kahit hindi naman totoo. Pinagbataan si Joel na sisirain ng mama mo ang buhay ni Joel kung hindi siya susunod. Of course natakot si Joel ginawa na lang niya ang utos ng mama mo.” kwento ulit ni Harold. “Bakit hindi niya sinabi sa akin?” nanginginig na tanong ni Gabby sa sarili. “Because the time na ma-aksidente ang mama mo, si Joel ang kausap niya sa phone. Lalong natakot si Joel at sabi niya, hindi na siya nakapag-isip pa kaya naman sinunod na lang niya ang mama mo.” sagot ni Harold. Nanatiling tahimik ang pagitan nilang dalawa. Nagsimula ulit pumatak ang luha sa mata ni Gabby dahil sa isinawalat ni Harold. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya sa mga nalaman. Masakit iyon para sa kanya na ang ina niya ang dahilan ng muntikang pagkamatay ni Harold. “Wala na akong reason para mahalin ka.” wika ulit ni Harold saka tumalikod at nagpakawala ng mga pigil na luha. “I’m sorry Harold!” paumanhin ni Gabby. “Hindi ikaw ang may kasalanan!” sagot ni Harold. “Pero sana naiintindihan mo kung bakit hindi na pwedeng maging tayo.” dugtong pa ng binata saka humakbang palabas. “Please don’t leave me! Hayaan mo nang ang salitang mahal mo ako ay maging sufficient na para mahalin ako.” pamimilit ni Gabby. “Invalid argument! Iisa lang ang subject ng main at supporting argument mo.” sagot ni Harold. “Di ba illogical naman pag pagmamahal ang usapan.” tugon ni Gabby. “Can’t you understand? Galit ako sa sarili ko for making me feel this way! Galit ako sa sarili ko kasi pinipilit akong maramdaman ang kinaiinisan kong maramdaman.” sagot ni Harold saka bumitiw sa hawak ni Gabby at mabilis na lumabas ng pintuan at mabilis na tumakbo papunta sa opisina niya. Wala na duon si Riza dahil tulad ng plano ay aayain ni Joseph ang dalaga para kumain muna at sa baba na lang sila magkikita ni Gabby. Samantalang si Gabby naman ay naiwang walang imik sa conference room at patuloy sa pagluha. Hindi niya kayang tanggapin na muli siyang iniwan ng taong pinakamamahal. “I don’t know if life will be happier again, Or forever I will be in deepest pain: My solitude bets all the gain, My shadow respects all the vain, My weakness surrenders all the slain, My emotion turns out to be plain. Apparently I was lost in this seasons’ crazy change, Somewhere in the night, night so strange: Strange somehow to question, Strange sometime to talk on, Strange something to point out, Strange someone to smile out. I am someone who falsely, mistakenly got all, But you is the everything is am wishing for, Your eyes so admirable, Your nose so adorable, Your ears so lovable, Your lips so inviting, Your chick so charming, Your smile so alluring, Your touch so affectionate. You in a million faces Struggle for someone in somewhere, Struggle for something in sands, Struggle for signs for significant. Pearl of my shelter, Making my soul sings solidarity, Making my heart host humid, Making my creep crazier creek. I am alone! I am alone! I am alone! I am alone! Will never be home, for my home ran away from, Whole, pieces, part, portioned: my identity so poisoned, I am alone! I am alone! I am alone! I am alone! Alone with none to look upon, to hold on. My lullaby will never sing more. Good bye! This is for real, but my heart says, Goodbye! This is another test, new days ahead. Sadly, it will never be true.” ito ang tugmang pinaglalaro ni Gabby sa sarili na patuloy pa ding umiiyak sa pamamaalam ni Harold. Ilang sandali pa at inayos din ni Gabby ang sarili. Pinilit ngumit kahit nagmumukmok na ang kanyang puso sa pagkabigo. Hindi alam kung papaano haharapin ang mga tao, ngunit ang gusto niya ay lisanin na ang lugar dahil lalo at higit lang niya nararamdaman ang sakit. Bumaba at agad na inaya si Riza para umuwi. Umuwing mabigat ang loob at puso – Samantalang si Harold – “Tilaok: tee-la-ok, clucks in English, huni at tunog ng tandang na mas kilala nang mga Pilipino bilang unang sumasalubong sa araw. Tulad nang tilaok nang manok, ang pagmamahal ang unang bagay na sumasalubong sa dalawang taong pinagbibigkis nang panahon. Hindi mo alam kung kailan ngunit nasisigurado mo namang may panibagong araw na darating, parang sa bawat pagtilaok ng manok, ikaw ay magigising mula sa pagkakatulog para sumalubong sa bagong araw. Ang pagmamahal ay panibagong araw na nagtatakda para sa bagong kaligayahan at tulad ng tilaok nang manok ay kaya nitong gisingin ang matagal nang nahihimbing at nahihimlay na puso. May umagang maganda ang gising mo, at may araw na tila ayaw mo pang bumangon at pakalulong sa pagkakatulog, parang sa pagmamahal, isang araw ay puro sarap at tamis, may araw na nakakainis, ngunit madalas ang araw na ayaw mo nang bumangon dahil sa hinahanap-hanap na paggiliw. Ano pa man ang maganap sa buhay, tandaan laging andyan ang tilaok na nagsasabi sa ating bagong araw na para umibig.” lahad ng diwa ni Harold habang nakatitig sa bintana ng kanyang opisina. “Gabby! Paalam na! Salamat sa napakatamis na alaalang ibinigay mo sa akin, pero kailangan na nating gumising. Tapos na ang gabing nagdaan sa ating buhay, dapat na nating harapin ang umaga: ang umagang hindi tayo ang magkasama. Gabby! Maging masaya sana ang gising mo sa bago mong araw at bagong umagang pinagkaloob sa’yo.” bulong ni Harold saka tumulo ang luha habang pinagmamasdan si Gabby na nakatingin sa gawi niya habang si Riza naman ay nakakapit sa braso ng binata. “Harold! I am hoping that you will receive my message of love that can travel even in silence. I love you and I will always do. You’re the only one that my heart will shelter, pero ibibigay ko na muna kay Riza ang kalahati at hindi ko kayang ibigay ang buo, dahil sabi ng puso ko, hindi kita pwedeng alisan ng pwesto dahil ikaw and dahilan sa pagpintig nito.” bulong ni Gabby sa sarili habang nakatitig sa glass na opisina ni Harold sa sixth floor. Hindi man niya nakikita ng malinaw ay batid niyang lumuluha din ito katulad ng puso niyang nagdurugo. sa-bagong-umaga----tee-la-ok---END---tee-la-ok----sa-bagong-umaga

No comments:

Post a Comment