Friday, January 11, 2013

Unbroken: Book 2 (11-14)

By: Unbroken
Blog: strangersandunbrokenangels.blogspot.com
Facebook: Iheytmahex632@gmail.com
Twitter: @roviyuno


[11]
Naging mabilis ang kanyang paghinga. Natataranta si FR. Mabilis syang lumapit kay Daniel na nawalan ng ulirat.

“Daniel?”

“Daniel?”

He touched his face. He saw how beautiful Daniel's face is. He saw how kissable his lips were. He look so angelic. He smiled. Napahinto sya sa daydreaming nang magsink-in sa kanya na walang malay ito. He tried patting Daniel's face. There was no response.


“Daniel?”

“Daniel?”

Mas natakot si FR. Wala pa ding sagot si Daniel. Hindi nya alam kung ano ba talaga ang nangyari dito.

Susmiyo. Humihinga pa ba to? He nervously thought

He placed his ears near his chest at pinakinggan nya ang tibok ng puso nito kung meron man. He was then relieved to hear that Daniel's heart was beating still. In fact mas mabilis ang heart beat nito, marahil ay nakulangan sa Oxygen, pero hindi rin sigurado si FR sa kanyang naisip. Hindi naman sya isang doktor o nurse.

Nakahinga sya ng maluwag pero may kaba pa rin sa kanyang dibdib.

Dahan-dahan nyang inangat ang katawan ni Daniel. Marahan nya itong hinatak papunta sa sofa dahil hindi nya ito kayang buhatin. Isinandal nya ang katawan nito sa may ibabang bahagi ng upuan, hindi pa nya magawang angatin ito dahil nangalay ang kanyang braso kakahatak.

Argh! Nanlalagkit na sya dahil naligo sya sa juice. Dapat mapalitan to ng damit kundi lalanggamin naman sya. FR chuckled

FR left Daniel for a moment at naglakad-lakad sa loob ng bahay. Nakita nyo kung gaano kaganda ito, may mga paintings na nakasabit sa walls, karamihan ay imahe ng babaeng nakatalikod at walang damit. He was amazed with what he saw.

Marahan syang nagmamasid sa loob ng bahay at naghahanap sya ng damit na pampalit kay Daniel nang biglang maramdaman nya ang paghapdi ng kanyang paa. Napatingin sya rito at nagulat sya nang makita ang dugo. Naapakan ni FR ang bubog ng basag na pitsel na nabitawan ni Daniel.

“Shit.” he said

“Kapag minamalas ka nga naman oh.” dagdag pa nito

Paika-ika syang bumalik sa kinalalagyan ni Daniel. Inayos nya ang kanyang paa at nakita nyang di naman kalaliman ang bubog dito. Sinubukan nyang alisin ito pero mukhang di pa nya nakakuha yung lahat ng bubog.

Napatingin sya muli kay Daniel. Magdadalawang minuto na syang unconscious. Naisip nyang si Daniel pala dapat ang inaasikaso nya at di ang kanyang sarili.

Kahit iika-ika, inayos ni FR si Daniel.

Hubaran ko nalang kaya sya? Errr. Nakakahiya, baka sabihin nya nagtake advantage ako sa kanya nung hinimatay sya. FR thought

Nagbuntong-hininga sya.

Dapat ko talaga syang hubaran ng damit at linisan. Kasi maglalagkit sya.

FR was then, shaking.

He was shaking with the thought of him stripping Daniel, for the first time. Nanginginig sya at natatakot na baka magising si Daniel at magalit sa kung ano mang ginagawa nya. Pero sa totoo lang, alam ni FR sa sarili na gusto nyang makita ang katawan ni Daniel, kahit di ito macho.

Napalunok sya.

“Fine! I can do this. Walang malisya to Daniel okay? Walang malisya. Inuulit ko, walang malisya.” parang tangang pagpapaliwanag ni FR kay Daniel na walang malay.

Dahan-dahan nyang hinawakan ang laylayan ng damit ni Daniel. Ang pagdampi ng kanyang balat sa tyan ng isa ay nagdulot ng kakaibang kiliti sa kanyang sistema.

Jesus Christ. Wag po. Wag po akong dedemonyohin. Please lang.

Muling napalunok si FR. Butil-butil ang pawis na namuo sa kanyang noo.

Marahan nyang inangat ang laylayan ng damit. Nabungaran nya ang makinis na pusod ni at tiyan ni Daniel.

Ayyy Lord. Makinis.

He did not take his eyes off his body.

He's on his way through his chest when he heard him groan. Napatingin sya agad dito ngunit nakapikit pa rin si Daniel.

Conscious na kaya to? Bakit parang umuungol na ewan?

“Daniel, papalitan kita ng damit kasi nabasa ka ng juice.” wika ni FR

Walang sagot si Daniel.

Nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa.

Inangat nya ang kanyang damit at maayos nyang natanggal ito. FR gazed at his face, he was so angelic. Pinukil ni FR ang kanyang mata sa kanyang katawan, makinis ito. He stood up and look at his totality, he's very gorgeous.

“Daniel, babasain ko nalang tong damit mo at ipapamunas ko sayo ha? Ang lagkit mo na kasi tignan eh? Baka langgamin ka.” sabi ni FR

Tumayo sya at paika-ikang naglakad papunta sa lababo. Binasa nya ang damit ni Daniel at pinigaan. Dahil na rin sa mga nakita, nakaramdam ng kakaibang init si FR.

Kailangan kong idivert to. I am committed. I really am. He thought.

Matapos mabanlawan at mapigaan ang damit ni Daniel na gagamitin nyang pamunas, naghilamos si FR.

Init lang ng katawan to. Kailangan kong maghilamos.

Makaraan ang ilang minuto pagbabasa ng tubig, nakaramdam ng ginhawa si FR.

He went back to where Daniel was. Nakita pa rin nya itong nakapikit at tahimik. Lumapit sya rito.

“Daniel, pupunasan na kita ha? Ang lagkit mo na.” mahina nitong usal

He started cleaning his body. Inuna nya ang mukha, maging ang buhok nitong nasabuyan ng mango juice. Sinunod nya ang leeg, pababa sa dalawang shoulder blades at mga braso.

Napalunok muli si FR.

Dinampian nya marahan ang katawan ni Daniel. Hindi nya maatim na tignan ang mukha nito habang pinupunasan nya ang katawan. Alam nyang matutukso syang sunggaban ito ng halik. Ilang segundo pa at natapos na ni FR ang paglilinis sa katawan ni Daniel. Napangiti sya.

Sa wakas, tapos na ang paglilinis. Nasabi nya sa sarili

Inangat nya ang kanyang mukha to see Daniel's face. Namulagat sya ng makitang nakadilat na si Daniel at nakatitig sa kanya. Madali syang tumayo at biglang dinistansya ang sarili dito.

“Daniel, wala akong ginagawa. You fell tapos nabasag yung pitsel. Nabasa ka tapos nilinis ko yung katawan mo. Ang dumi-dumi mo kasi.” pagtatanggol ni FR sa sarili

Nakatitig lang si Daniel sa kanya. Wala itong imik. Fr was then scared when he saw his reaction, his eyes were sharp at parang walang emosyon.

“Daniel, believe me. Wag mo akong pagisipan ng masama. Wala akong ginagawang masama.” naiiyak na sabi ni FR

Binalot sila ng katahimik. Nagsimulang mahiya si FR sa kanyang ginawa pero ano ba ang dapat nyang gawin. Yumuko nalang sya at tumahimik. All of a sudden, bigla nalang syang humikbi.

Tears started falling like a fall. Natatakot syang magalit at pagisipan sya ng masama ni Daniel. Napatunayan nya, sa pagkakataong ito, regardless of the time spent together, mahalaga na nga si Daniel sa kanya.

“FR.” mahinang usal ni Daniel

FR slowly turned his face up and saw Daniel looking at him.

“FR, di ako galit.” mahina at malambing na sabi ni Daniel.

FR stopped sobbing.

“Itayo mo nga ako. Nanghihina pa rin ako, FR.”

Lumapit si FR kay Daniel at hinatak ito patayo.

Marahan nya itong inangat at dahan-dahan nyang itinayo si Daniel. Just when about to let go of Daniel's body, mabilis syang niyapos ni Daniel. Nagitla si FR. He was dumbfounded.

Hindi sya nagsalita, hinayaan nya lang na magkahinang ang kanilang mga katawan.

“Sabi ko sayo wag ka ng iiyak eh.” mahinang sabi ni Daniel

FR smiled.

“Natatakot kasi ako na pagisipan mo ako ng masama. Ayokong mangyari yun.” humihikbing sabi ni FR

He felt his hug tighter.

“No. I understand.”

Marahang pumiglas si Daniel sa pagkakadikit ng katawan nila ni FR.

Their eyes met. Nakaramdam ng kaba si FR sa mga titig ni Daniel. He wants to look away but for some strange, very strange reasons, hindi nya magawa.

Nakaramdam sya ng kakaiba sa mga titig na iyon. Daniel looked so vulnerable that added confusion to FR's mind. Hindi nya maintindihan ang inaasta ni Daniel. He looks like he wants FR so much at kinakabahan si FR sa t'wing maiisip nya ito.

At nangyari ang di inaasahan.

Daniel met FR's eyes. He didn't want to lose the contact. Banaag nya sa mukha ni FR ang kaba, hindi nya alam kung paano ito tatanggalin. He held FR's hands. He tried to curve a smile. He saw FR smiling.

Marahang nilapit ni Daniel ang kanyang mukha sa mukha ni FR. He felt FR tense dahil mas humihigpit ang grip nito sa kamay nya.

“Don't be nervous.” pabulong nitong wika

Ilang pulgada nalang ang pagitan ng kanilang mukha. Nagdikit na ang kanilang noo, marahang nagtama ang kanilang matatangos na ilong. Inaantay nalang ni Daniel ang paglapat ng kanilang labi.
Rinig nya ang irregular na paghinga ni FR. Mas mabilis ito at halatang natetense,he tried to look at FR's eyes ngunit nakapikit na ito, tikom ang mga labi.

“FR, relax.”

Ilang segundo pa, nagtama na ang kanilang mga labi. Marahang hinalikan ni Daniel ang ibabang labi ni FR. Wala pa rin itong sagot. Halatang natetense pa si FR.

Muling nilayo ni Daniel ang kanyang mukha kay FR.  Dinistansya. Nagtama ang kanilang mga mata, nakita nya ang mga tanong na nabubuo sa isip ni FR. Nagalala sya sa mga iisipin nito.

“FR, don't think too much. Nothing will change after this. Trust me.”

FR stared at him.

Hindi na sya nagaksaya ng panahon. Muli nyang inilapit ang kanyang mukha kay FR at agad na sinugpang ito ng halik.

Tila ba nakuryente si FR nang tumama ang mga labi ni Daniel sa kanya. Hindi sya makapaniwala sa nangyayari. Nagtama ang kanilang mga labi. Malambot ang mga labi ni Daniel, matamis ang kanyang bibig, mabango ang kanyang hininga. Ilang segundo pa, FR found himself kissing Daniel back.

Nagtunggali ang kanilang mga labi. Ramdam nila ang isa't-isa. Habang naghahalikan ay marahang dinadala ni Daniel ang kanilang mga katawan sa Sofa. Naihiga ni Daniel si FR sa kanyang Sofa set. Hindi nya alam kung anong nangyayari, basta ang alam nya lang ay dapat nyang gawin ito dahil gusto nya.

Di pa rin maipaliwanag ni FR ang nararamdaman. Bawat dampi ng kamay ni Daniel sa kanyang balat ay nagdadagdag sensasyon sa paso ng kanilang mga labing kanina pa magkahinang. Natutuwa sya sa twing hinahawakan ni Daniel ang kanyang mukha, nakakaramdam sya ng assurance.

Parang sobrang tagal na nilang magkakilala. Alam nila kung paano hahalikan ang isa't-isa. Kitang-kita sa mga mata ni Daniel ang saya sa kanyang ginagawa. Mababanaag naman kay FR ang anticipation.

Daniel started unbuttoning FR's polo. He looked like a veteran. He gave FR a quick kiss on the neck. Napaliyad si FR. Muling bumalik si Daniel sa labi ng isa. Muli, sila ay naghalikan.

Kasalukuyan nilang dinadama ang labi ng isa't-isa nang may kumatok sa pinto. Nung una ay hindi nila ito pinansin, pero napuna ni FR na parang lumalakas ata ang katok. FR instantly pushed Daniel away.

“Da-daniel, may kumakatok.” nagulat na sabi ni FR

“Ha? Wa-wala. Wala naman.” napahintong sagot ni Daniel.

Tumahimik silang dalawa. Pinakiramdam kung may kumakatok nga sa pintuan.

Tok! Tok! Tok!

Tok! Tok! Tok!

Mas lumakas ang katok.

“May kumakatok.”

“Shit. May tao nga, may kumakatok!”

Daniel immediately ran to his room and put some clothes on. FR was shaking nervously.

I T U T U L O Y . . . . .


[12]
“Ma? What are you doing here?”

Daniel gave the fine lady a kiss on the cheek.

“Hijo, weren't you happy to see me here?” malambing na sabi ng babae

Daniel smiled.

“Ofcourse, I do. Bakit naman hindi?

“Then why ask what the hell on Earth I was doing on my only son's pad?”

Muli itong ngumiti sa kanya at saka hinawakan ang kamay nito papasok sa loob ng bahay. Daniel was still in cold sweat that time. Ramdam na ramdam pa rin nya ang panginginig.

“Daniel, why are you shaking?”

Bingo! Nahuli sya ng kanyang ina.

“Mom, I ain't. Go and grab yourself a seat.”

Umupo ang ginang at nakita ang mga sandwiches sa mesa, maging ang juice.

“Daniel, are you okay?”

“Yes mum. Why?”

“Why did you prepare sandwiches? That's very uncommon of you, my son.”

Nangiti ang ginang. Alam nya kung gaano kabatugan si Daniel. Dahil may pera, walang alam gawin sa bahay. Sa halip ng gumawa ng sandwich ay lalabas nalang ito para bumili ng burger.

“I actually have a guest mom. He actually forced me to make him some sandwiches.”

His mom grinned.

“He might be someone close to you. Imagine? Nautusan ka nya?”

His mom then laughed. Oh, he missed his mom so much. And he must admit to himself that he missed the way she laughs.

FR was listening to their conversation sa likod ng pinto ng kwarto ni Daniel. He wants to actually look normal and not tensed dahil alam nyang ipapakilala sya nito kapag lumabas siya. Mabuti nalang at mabilis syang nakapagbihis.

“Ma naman!” giit ni Daniel

Napangiti si FR. Spoiled-brat nga talaga si Daniel.

“Ahh! I'll introduce him to you. He's a nice guy and a good friend.”

“I know he is. You won't let him in here if he's not. I know you, Daniel.”

Napaisip sya. Oo nga. Sobrang hirap sa kanya ang magtiwala pero dahil sa sobrang gaan ng loob nya kay FR ay naisip nya agad isama ito sa kaniyang tahanan.

“He is. Wait mum, i'll just call him in. He's in my room kasi, trying to nap dahil he's feeling a bit dizzy.”

“Sure.”

Marahan syang lumakad papalapit sa kanyang kwarto. Mabilis pa rin ang galabog ng kanyang dibdib. Mabilis na lumayo sa pinto si FR. Ayaw nyang isipin ni Daniel na nakikinig sya sa usapan nila ng kanyang ina.

Nakita nya ang pagbukas ng pinto. Itinapon noon si Daniel.

“Let's go. Mom wants to meet you.”

Napalunok sya sa narinig.

“Your mom? Why?”

“She just wants to. Don't worry mabait yun.”

Daniel gave him a reassuring smile.

“I'm nervous.”

“Don't.”

Bago pa man siya makapagsalita ay hinawakan na ni Daniel ang kanyang mga kamay. Hinatak sya nito papalabas ng pinto. Pinilit kumalas ni FR sa pagkakahawak ng kanilang mga kamay.

“Wag. Walang holding hands. Nakakahiya sa mom mo.”

“I just want to comfort you. You're shaking.”

Nagbuntong-hininga sila pareho.

“Thanks.”

Akmang aalis na sana si FR ng kwarto nang bigla syang hinatak ni Daniel papunta sa gilid ng kwarto. Rumehistro ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha.

“Wh-what are you doing Daniel?”

Daniel smiled.

“Making you feel better, I supposed.”

Binigyan sya nito ng isang makahulugang ngiti at bago pa man siya makagpagsalita ay nagtama na ang kanilang mga labi. Nanigas si FR sa kanyang kinatatayuan. Si Daniel naman ay naging mas aggresibo sa kanyang ginagawa. Hindi nila namalayan na naglalaban na ang kanilang mga labi. The kiss was actually really good for them to let it go. Bumitiw sila at nagtinginan. Kita ang saya sa mata ni Daniel, hindi naman maipinta ang reaksyon ni FR. Bagamat naguguluhan ay aminado syang nasarapan sya sa mga labing iyon.

“Thanks,” maiksing sabi ni Daniel.

Hindi nakapagsalita si FR.

“I'm not gonna let this go. I swear.”

Hindi man naintindihan ni FR ang tinuran na iyon ni Daniel ay tumango nalang ito. Hindi nya alam pero nakaramdam sya ng kakaiba nang magtama ang kanilang mga labi.

“Let's go.”

Naunang lumabas si Daniel ng kwarto. Kahit na nangingimi ay pinilit paring hatakin ni FR ang sarili patungo sa sala kung saan nakaupo ang nanay ni Daniel.

“Ma! He's already here!” rinig nyang bati nito sa ina.

Nakaramdam sya ng iba. Napalunok sya.

Shit. Meet the mother agad? Hindi ako prepared. Turan nya sa sarili.

Ilang segundo pa ay nasa sala na sya at nakatingin sa mag-ina.

“Mom, I'd like you to meet FR! FR, she's my mom,” turo ni Daniel sa kanyang ina

Nanatiling nakatingin si FR dito. Hindi sya makapaniwalang nanay ito ni FR dahil na rin sa taglay na kagandahan nito. She has round eyes. Hindi nya mapaliwanag pero may aura ni Cleopatra sa mukha nito. She has high patrician cheek bones at a smile that definitely could melt anyone's heart. She was unbelievably beautiful. Ngayon ay alam na nya kung kanino nagmana si Daniel.

Hindi na sya nakapagsalita. Nagulat nalang sya nang maamoy nya ang mild na perfume nito. Hindi sya makapaniwala na niyakap sya ng nanay ni Daniel.

“Hello Hijo! Kamusta ka ba?”

Nakatulala pa rin si FR.

“FR! Mom's talking to you,” pagkuha ni Daniel ng atensyon nito.

Naramdaman nya ang malamig na pawis sa kanyang noo.

“Good afternoon po Ma'am.”

Nakita nya ang paglubog ng biloy nito.

“Don't call me Ma'am.Tita nalang. Kamusta ka FR?”

“O-okay lang po.”

FR was shaking. He didn't notice that.

“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Daniel rito.

Umiling si FR. Napangiti ang nanay ni Daniel.

“Hijo, need not to be very nervous. Actually, masaya nga ako at may nadadala na si Daniel dito sa bahay. If you just know how aloof he is at school. Progress na to at may mga kaibigan na sya.”

“Mum! You don't have to tell him that. You're making me pahiya to FR!” bulyaw nito sa ina.

Napangiti si FR sa narinig.

“Daniel. You really are! You're such a spoiled brat! Palibhasa baby ka masyado ng mga lolo at lola mo kaya ka nagkaganyan,” sabi nito sa anak.

Muli itong nagtapon ng tingin kay FR.

“Have a seat, hijo! Oh dali magkwento ka. Paano kayo nagkakilala ni Daniel?”

Napalunok sya. Marahan syang umupo sa couch tapat ng nanay ni Daniel.

“Actually po Ma'am..”

“Tita,” pagputol nya kay FR.

“Actually po Tita, hindi ko po kaklase si Daniel.”

Nangiti ang ginang.

“Then how did you guys meet?”

“Mum, he sang sa isang convention sa Baguio. I heard him sing and I really got fascinated. Remember when I booked a reservation sa hotel for Carly?”

“And what about the reservation?”

Daniel sighed. FR was listening.

“She didn't come. I don't know why.”

“I never liked that girl for you anak.”

FR threw a look on Daniel's mom. Halatang nagulat sa narinig.

“The moment I knew she cheated on you, I started abhoring her. But since mahal mo sya, pinabayaan kita. Go on with your story, Daniel.”

Nagtama ang mga mata nila FR at Daniel. Biglang nagbalik sa gunita ni FR kung paano naglaban ang kanilang mga labi kanina. Hindi nya mapigilang hindi kiligin.

“I was very devastated then. Naisipan kong maglakad-lakad and then nakita ko yung isang hotel don. I went in and decided to get in.”

Napatingin si FR dito. Nagsisinungaling si Daniel. And yes, he looks and sounds very convincing. Alam na alam nya kung paano sila nagkakilala.

“And then you heard him singing there?” patungkol ng kanyang ina kay FR.

Daniel nodded.

“That's pretty interesting anak. Maybe we can have him kapag nagcelebrate kami ng anniversary ng daddy mo? Magkano ba ang rates nitong si FR?” magiliw na sabi nito.

“Ahh-Ahhmm wala po Tita.”

“That ain't possible FR. I have a feeling na raket mo yan. So you need to charge us, kahit magkano,” nakangiting sabi nito.

Daniel gave him a wink. He started panting again.

“Naku tita, kapag kaibigan po di ako naniningil. Since kaibigan ko naman po si Daniel, bakit ko pa po ba kayo sisingilin?”

The lady looked at Daniel. Daniel knew his mom likes FR.

“Mum, infact, working student yan si FR. He sings at a lounge somewhere in Pasay at night. Though I still haven't seen him sing there.”

Napangiti ang ginang. Halatang impressed sa mga pinagsasabi ng anak ukol sa bago nitong kaibigan.

“Daniel anak, let's have it scheduled. We will watch him perform.”

Napangiti si Daniel.

“Hear that FR? We're going to watch you?”

“I-I-I feel like fainting now. Pwede po ba akong himatayin?”

Nagtawanan nalang silang tatlo.

Lumipas pa ang ilang oras at naging mas kumportable si FR sa presensya ng ina ni Daniel. Napagusapan nila ang mga bagay ukol sa kanyang buhay. The lady was impressed to know how he works hard to support his studies, as well as family. Nakita nito ang malaking pagkakaiba ng anak nya rito at narealize nya na kailangan ni Daniel si FR para matuto ito ng mga bagay ukol sa buhay. Hindi rin nya mapaliwanag pero ang gaan ng loob niya rito. Alam nyang mapagkakatiwalaan nya ito pagdating sa kanyang anak. Lumisan na ang ginang dahil sa may pupuntahan pa raw itong meeting. Muling naiwan sa loob ng bahay ang dalawa.

“Mum really likes you a lot,” sabi ni Daniel.

“Do I really need to be liked by your mom?” tanong ni FR.

“Ofcourse, you have to. You'll be dealing with her for the rest of your life.”

“And why?”

“Because I will take you in my life and never let you go.”

Biglang nagseryoso ang mukha ni Daniel. Nakaramdam ng kakaibang kilig si FR. Hindi nya maipaliwanag pero parang gusto na nya talagang mahulog sa mga sinasabi nito. Pinilit nyang ibalik ang kanyang composure. Ngiti lang ang sinagot nya rito.

“Believe me, FR.”

Muli syang ngumiti rito.

“I think I better go, Daniel. Magkita nalang tayo soon.”

Napasimangot si Daniel.

“Bakit?”

“I have to make money. May raket ako mamaya. Kailangan ko ng baon bukas. If i'll just stay here, I won't be so productive.”

Daniel then reached for his wallet. Nagtaka si FR sa kinikilos nito. Maya-maya pa't inaabutan na siya nito ng isang libo.

“Para saan to?”

“Stay with me here. I'll pay for your company. Kahit wag ka na rumaket ngayon. Samahan mo lang ako. Gusto lang kita makasama.”

He was then surprised with the act. Aamin nyang nabigla sya pero mas nanaig sa kanya ang pagtataka, maging ang kilig.

He's acting really strange.

“No. I won't accept any amount from you. I was taught to earn everything. Kung maari hindi ako tatanggap ng kahit ano. Lahat ng pera ay dapat pinagpaguran ko.”

Daniel smiled. Hindi nya alam pero mas lalo nyang hinangaan ang prinsipyong taglay nito. Masaya sya dahil alam nyang hindi magiging dahilan ang pera para sila ay mag-away.

“Okay. I understand. But promise me one thing, FR.”

“Ano yun?”

“You'll see me often and you'll tell me kapag sobrang gipit ka.”

FR was touched. He then nodded.

Niyakap siya nito at naamoy nya ang pabangong kanina pa nagpapahumaling sa kanya.

“Ihatid mo na ko sa sakayan.”

Daniel nodded.




He's on his way to FR's school. Napangako nyang susunduin nya ito at sila ay lalabas. His eyes are glued on the road when he felt his phone vibrating. Mabilis nyang sinagot at nasilayan ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang boses ni FR sa kabilang linya.

“Doc!”

“Hello FR! Kamusta ka? Papunta na ako ng school mo. Saan kita susunduin?”

“Ahhh Doc. Wag ka ng dumerecho sa school. Nandito ako sa may Cubao ngayon. Hinatid ako nung barkada ko. Kung pwede sana ay dito nalang tayo magkita. Nasaan ka na ba?”

“Ha? Oh sige. Nasa V.Mapa na ako pero sige, antayin mo nalang ako dyan.”

The old guy suddenly made a U-Turn and hurried to see his confidante, his one and only love, his companion, FR.



Itutuloy...





[13]
FR waited there patiently. Kung tutuusin ay pauwi na sana sya ngayon pero naisip nya na may usapan pala sila ni Doc Erdie. Naisip nya na hindi pala sya nakakain ng sandwich kanina dahil sa kwentuhan nila ng nanay ni Daniel kaya sumasakit na ang tyan niya sa gutom.

Muli nyang tinawagan ang doktor pero hindi nito sinagot ang kanyang tawag.

Siguro nagdadrive.

Naglakad-lakad lang sya sa Gateway. Tila ba iniingit ang sarili sa mga materyal na bagay na hindi nya kayang bilhin ngayon. Nakita nya ang ilan sa mga magagarang damit na nakita nyang sinusuot ng kanyang mga kaklase.

Ayy! May ganun si Mars. Babagay kaya sakin yun?

Patuloy syang naglakad sa kalakihan ng mall na iyon. Nakita nya ang ilan sa mga gamit na gusto nyang makuha noon pa. Relos, Bag, T-shirt, Pantalon at mga bagong gadget. Pero dahil na rin sa kapos ay pinipilit nyang ilagay sa kanyang isip na hindi sya naiingit sa kung anuman ang meron ang kanyang mga kaklase. Mas mahalaga na may mailagay syang pagkain sa hapag.

He flashed a bittersweet smile.

Someday magkakaroon din ako ng ganyan. Kapag graduate na ako at nagwork.

Nakatitig sya sa ilan sa mga bagong labas na relo nang makaramdam sya ng bigat sa kanyang mga balikat. Mabilis syang lumingon rito. Nakita nyang nakangiti ito sa kanya.

“FR!” magiliw na bati nito.

“Hello Doc!” sagot niya rito.

Naramdaman nya ang pagpisil nito sa kanyang pisngi.

“Ang cute talaga nitong FR na to,” sabi nito sa kanya.

Ngiti ang sinagot nya rito. Tinignan nya ang suot nito. The old guy was wearing a printed polo, and a pair of jeans. Kahit na may edad na ito ay lumalabas pa rin ang kisig nitong taglay. Mataas ang ilong at bilugan ang mga mata. Hindi maikakaila ang edad dahil na rin sa mga pinong linya sa noo at mata.

“Ikaw talaga Doc. Nambola ka pa.”

Inakbayan sya muli nito.

“So where do you want to go now?”

“I don't know. Ikaw ang bahala.”

Napakamot sa ulo ang doktor.

“Ganyan ka naman lagi kapag umaalis tayo. Ako lagi ang bahala,” sagot nito sa kanya.

“Ofcourse, you know better.”

Pinisil nito ang kanyang ilong. Napangiti si FR.

Kung tutuusin ay dekada na ang tanda ni Doc sa kanya pero hindi nya alam kung anong mentalidad meron sya para masakyan ang mga trip nito. They often talk about music. Doc was surprised when he knew that FR likes American Standards. Marami pa silang mga bagay na pinagkakasunduan. Beyond that, sobra ang pagkagustong nararamdaman ng doktor kay FR.

“Do I?”

“You do.”

Inakbayan sya nito muli at naglakad sila para maghanap ng makakainan.

Si Doc Erdie ay isang balo. Nagkaasawa ito at nagkaroon ng mga anak. Nang makapagtapos na ang mga anak nito sa pag-aaral ay pumunta na ito sa Amerika para magtrabaho. He still practices his profession as a surgeon. Nakakatanggap rin ito ng padala galing sa mga anak kaya naman hindi naging problema ang pera rito.

“I just want to thank you for the companionship. I feel like I have found a friend and a confidante in you,” malambing na sabi nito kay FR.

Ngiti lang ang sinagot ng isa.

“Dahil dyan, I bought you something.”

Nagtaas ng kilay si FR. Napangiti ang doktor.

“I saw you looking at some, a while ago. I decided to buy this for you.”

Nakita ni FR ang isang box na may nakalagay na Swatch.

Relo?

Hindi makapaniwala si FR.

“But w-why?”

“I just want to.”

Inabot nya ang kanyang kamay rito at nakangiting isinuot ng doktor sa kanya ang itim na relo na binili nito para sa kanya.

“A-ang ganda.”

“You deserve even more than that.”

Namula ang mukha ni FR.

Sa tinagal-tagal ng pagsasama nila ay nakilala nya na ito. He has been so generous. Hindi nya pinabayaan si FR sa lahat ng naging problema nito. Kung tutuusin nga ay ayaw na nitong pagtrabahuin si FR sa lounge dahil kaya nyang suportahan ang mga pangangailangan nito. Ngunit matigas si FR. Ayos na sa kanya na lumalabas sila at paminsan-minsan ay nagaabot sya rito ng pangtuition. Alam ni FR sa sarili nya na hindi dapat ganun dahil dapat nyang pagtrabahuan ang lahat ng pera na kinikita nya.


“So what do you feel like having?”

“I don't know. Basta gutom na gutom ako.”

“Okay. Let's have pasta and pizza.”

FR grinned.





He kept on thinking about him. Hindi nya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman nya para rito. The way he responded when he kissed him was a big fascination on his part. He can kiss whoever he wants but never get that feeling of happiness. But with him, it was very different. Nung nagtama palang ang kanilang mga labi, para na syang kinukuryente. It was intense and passionate.

Why do you have to be so lovely, FR?

He bent over. Nakita nya ang mga hugasin sa kanyang lababo dahil na rin sa paghahanda nya ng sandwich kanina. Hindi nya namalayan na naglalakad na siya patungo rito. He opened the faucet and started washing the dishes.

What's wrong with me?

Wala pang 15 minutes ay natapos nya ang hugasing iyon. Isa itong accomplishment para sa isang batugang gaya nya. Bumalik sya ng sala at nagpasyang manuod ng TV. Hindi sya mapakali. Mabilis nyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si FR.

Walang sumasagot. Bakit kaya?

Muli syang bumalik sa upuan.

Don't go running on my mind FR. Baka mapagod ka eh. Mababasa ka ng pawis eh.

Napangiti sya after realizing that thought.

He's being too cheesy.

FR, if you were here, siguro i'll have you locked in my arms and ask you how does it feel.

He started giggling.

Kinuha nya ang kanyang cellphone at mabilis na nagtype ng mensahe para kay FR.

“It's nice having you here at home. I hope makatambay ka ulit next time. Mom really likes you.”

He pressed sent. Muli syang ngumiti.

Am I actually in love?

Napakamot sya sa tanong nyang iyon. Hindi nya alam kung ano ang kanyang nararamdaman pero alam nya ay kinikilig sya. Ramdam nya rin na magaan ang kanyang loob na kasama ito. Para itong isang matagal ng kaibigan.

Humiga sya. Nakaramdam sya ng gutom. Hindi nya alam kung bakit. Kung tutuusin nga ay marami na syang nakain na sandwich. Naisip nya na siguro ay dahil sa harot nya.

“Daniel. Open the door.”

Napatigil sya ng marinig ang boses na yon. Sya ay napabuntong-hininga.

Naging patuloy ang pagkatok. Ngayon ay mas malakas na.

“Daniel I know you're there. I saw your car sa parking. Please open the door.”

Naiirita man ay pilit pa rin nitong tumayo. Hindi nya alam kung ano ba talaga ang pakay nito. Gusto na nya itong layuan. Hindi nya alam.

He unhappily opened the door. Nakita nya muli ang mukha nito. He actually looked thinner. At parang namumugto ang mga mata.

“Pwede ba akong pumasok?”

“What if I say no? Aalis ka na ba?”

Tumingin ito sa kanyang mata.

“Nope. I won't.”

“Then get in.”

Napahinga nalang si Daniel nang malalim. Umupo ito sa sofa. Nanatiling nakatayo si Daniel sa pinto.

“I-I just want to clear things out.”

“At para saan pa Miguel?” kaswal na sambit nito sa kanyang matalik na kaibigan.

“With what ha-happened.”

“You need not to.”

“Makinig ka Daniel. Hi-hindi ko sinasadya.”

“You expect me to buy that crap now huh?”

“I didn't cheat on you. I-i love you still. Don't ever think that.”

Napailing si Daniel. Hindi nya alam if bibilhin pa nya ang mga linyang yun mula sa lalaking kanyang minahal. Alam nya kung gaano ka-gago ito. At alam nya na pwede na naman nitong ulitin ang mga ginawa niya. He eyed him. He saw despair in his eyes. Nakaramdam si Daniel ng awa. Pero pinilit nyang magpakatigas.

I'm not giving him any chances at all.

“No. Not this time. If you ain't got anything to say, you may go. I'm having my time alone here.”

Tumayo si Miguel at tinahak ang direksyon ni Daniel. Nakita nya ang pag-iwas nito at mabilis nya itong naagapan. He then grabbed Daniel's arms. Madiin nyang piniga ito.

“Let me go. I'm hurting.”

“Give me a chance.”

“I won't.”

Mas humigpit ang hawak nya sa mga braso nito. Ang huling natandaan nalang ni Daniel ay naglalaban silang dalawa. Sya na nagpupumiglas at si Miguel na ginagawa ang lahat para muli syang maangkin.

I t u t u l o y. . .


[14]
Patuloy ay pagsiil ng halik ni Miguel sa matalik na kaibigan habang ang isa naman ay patuloy sa pakikipagbuno para makaalis sa mga yapos at halik nito.

“Please Daniel,” there's plead in his tone.

Mabilis nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga braso ni Daniel at mabilis na ipinako ito sa pader na kanina pa sumasalo sa bigat ng kanilang mga katawan na patuloy sa pagtutungali. Hindi nga nagtagal, tuluyan na sya nitong nasakop.

Daniel doesn't really know what to feel nang mga panahong yon. The kisses were wet and warm. At aminado sya sa sarili nyang tinatamaan sya ng libog pero hindi nya alam kung bakit hindi nya magawa ulit ito sa kanyang kaibigan. Patuloy ito sa paghalik sa kanyang labi pero ni isa ay wala syang tinugunan. Sa t'wing tatama ang dila nito sa kanya ay napapaiwas nalang sya.

Alam nyang wala syang magagawa dahil lubos na mas malaki si Miguel sa kanya.

“Migs, stop it. I don't want to do it,” humihingal nyang sagot.

Wari'y hindi naintindihan ni Miguel ang pakiusap na iyon ni Daniel. Patuloy pa rin sya sa paghalik dito. Naramdaman nya ang pagtanggi ni Daniel sa kanyang mga halik, nakaramdam sya ng pagtataka.

“Alam kong galit ka sakin dahil sa nagawa ko. Pero di mo na ba ako kayang kausapin man lang?”

Nakaramdam si Daniel ng kurot sa sinabi ng kanyang matalik na kaibigan.

I must not buy that crap again. Kailangan kong maging matigas. Ayaw ko na sa ginagawa namin ni Miguel.

“Let me go,” seryosong sagot ni Daniel.

Nasaktan si Miguel sa narinig pero hindi nya ito kayang ipakita kay Daniel. He slowly let go of his hands. Feeling defeated, the only thing he could do was look in to his eyes. Nagtama ang mga mata nila. Nakita nya kung gaano kaganda at kamisteryoso ang mga matang iyon. Kita nya sa mga matang ito ang lungkot, pero mas banaag nya ang galit.

Marahan syang umatras. Isa, dalawang hakbang.

“Fine,” mahina nitong sambit.

“Thanks,” sagot ni Daniel.

Katahimikan.

“Are you still mad at me?” tanong ni Miguel.

Tinungo ni Daniel ang sofa. Isinalampak ang katawan dito at pinikit ang mga mata.

“Hey, Daniel. Are you still mad at me?”

“What do you think?” pangbabara nito rito.

“You are,” mahinang sagot ni Miguel.

“Just leave me alone,” sagot ni Daniel.

Naramdaman ni Daniel ang pagupo ni Miguel sa kanyang tabi. Pinilit itong kunin ang kanyang kamay at ni-lock sa kanya.

“I will explain.”

“I don't need it.”

“Please, Daniel. Magpapaliwanag ako. What you're thinking is wrong. Please,” naiiyak na sabi nito.

Napabuntong-hininga si Miguel. Alam nyang galit pa rin talaga sa kanya si Daniel.

Dinilat ni Daniel ang kanyang mga mata at nakitang lumuluha ang kanyang matalik na kaibigan. Alam nyang hindi nya ito natitiis pero hindi nya alam kung bakit ngayon, ay parang magagawa nya na itong tiisin at di kausapin.

“And what do you think I'm still interested to hear you out?”

Parang bombang sumabog ito kay Miguel. He knows that Daniel is a very nice and forgiving guy, but for him to say those words, it must mean na sobrang galit sya. Nangilid muli ang kanyang mga luha. Pinigil nyang ibalik ang kanyang composure. Pinilit nyang wag umiyak.

“Please. You need to hear me now,” pagmamakaawa nito.

Daniel threw him an odd look. He rose to his feet then headed to the kitchen. Kumuha si Daniel ng tubig at uminom. Makalipas nito ay bumalik sya kung nasaan ang kanyang matalik na kaibigan.

“Please Daniel. You need to hear me now. I mean now,” at tuluyang nagcrack ang kanyang boses.

“I don't need your explanation now. I needed your explanation months ago. I called you. I texted you. I sent you e-mails. I even went to your house. You were never there.”

Napahinga si Daniel, malalim.

“And what made you think I'm still interested to know what crap your reasons are? Kinailangan ko ang mga paliwanag mo noon pero kahit isa, wala kang binigay. I decided to go on with my fucking life, having the mindset na wala ka na sa akin. At eto ka ngayon, babalik na parang walang nangyari? Who do the hell you think you are?”

Mas lalong naging malakas ang pag-iyak ni Miguel.

“I know that I did the wrong thing. I know that I cheated. Alam kong mali ako for leaving you there. For letting you hang for so long, for months. But I did it for the best.”

Umiling si Daniel.

“I can't escape drugs. At ayaw kitang madamay. I got more addicted to the substance. At ayaw kong sirain ang buhay mo. I decided to go with him, I know he's an addict at masasabayan nya ang mga trip ko,” paliwanag ni Miguel.

“So that's for the best? Putangina ka! Nagaadik na rin ako. That depression made me crave for more substance. Buti nalang naagapan at nakapagparehab agad ako. Pinilit kong maging malakas. Nilabanan ko ang temptation na bumalik sa drugs. At sa pagkakaalam ko, nakaalis na ako.”

“I'm sorry.”

“Fuck you! If you really wanted the best for me, I mean the best for us, sana hindi mo na ako inimpluwensyahan at sana di na ako nagpaapekto sa mga sulsol mo. At sana, if you wanted the best, even just for yourself, nagparehab ka na agad. Look at you! I mean look at you! You're a junkie Miguel.”

“I'm here to make everything right. I'll be better. Tulungan mo ko magparehab. Please be supportive.”

Napabuntong-hininga si Daniel.

“I love you still, Daniel. Namali lang ako ng landas. I chose the wrong set of friends and I am regretting it now,” rinig ang sincerity sa boses nito.

“And for the record, I didn't cheat on you,” dugtong pa nito.

“Don't expect me to buy that crap now, Miguel. I saw you kissing him.”

“That's not really what it was.”

Tinuro ni Daniel ang pinto ng kanyang pad.

Umiling si Miguel.

“Please, get out of my house.”

“Forgive me.”

“Get out.”

Feeling so defeated, Miguel rose to his feet. He then decided to walk away. Palabas na sana sya ng pintuan nang bigla syang may naalala.

“Before I go, I wanted to give you this.”

He threw a small sachet that has something to Daniel. The reflexes of Daniel were really quick to catch the small thingy thrown at him.

“Bye.”

Daniel then was left alone. He looked at the sachet. Mabilis na kumalabog ang kanyang dibdib at nanghina ang kanyang tuhod. Hinigpitan nya ang pagkakahawak rito. Muli syang napabuntong-hininga. Muli nyang tinignan ang sachet.

“Shabu.”

Marahan syang bumalik sa kanyang kwarto, lumuluha.








“Nag-enjoy ka ba?”

“Oo naman Doc. Bakit mo naman natanong?”

“Wala naman, gusto ko lang na lagi kitang nakikitang nakangiti.”

Naramdaman ni FR ang sinseridad mula sa tinurang iyon ng doktor.

“Masaya ako. At sobrang thankful, Doc. Wag kang mag-alala don.”

Naramdaman nya ang pag-akbay sa kanya nito. Ilang segundo pa ay binuhay na nito ang makina ng sasakyan.

“Mabuti naman kung ganon.”

Ngiti lang ang sinagot nito. Naramdaman nya ang kamay ng doktor sa kanyang mga hita. Kita sa mga mata nito ang labas na kasabikan. Nakaramdam si FR ng kaba.

“I-I think I better get going, Doc.”

Ngumiti sa kanya ang matanda.

“Kinakabahan ka ba?”

Namutla si FR.

“Ha? Hi-hindi po,” pagpapalusot ni FR.

“You were stutterring.”

“I'm not.”

Naramdaman nalang nya ang pagtaas ng kamay ng doktor sa kanyang hita. Naging mas malikot ito at hindi maiwasan ni FR na hindi tablan sa ginagawa nito sa kanya.

FR quickly got back to his senses. Hindi sya bibigay this time. Alam nya kung paano ang tamang pakikipaglaro.

“Not this time. Still got some things to do, Doc,” sambit nya sabay alis ng kamay ng doktor sa kanyang mga hita.

The doctor gave a hearty laugh. Aminado syang matalino si FR at marunong itong mangbitin kaya nya ito mas labis na hinahangaan.

“I have always adored you, FR.”

Ngiti lang ang sinagot nya rito.

“I have to go Doc. Aalis na po ako at late na. May raket pa ako mamayang gabi.”

Nakita ni FR na dumukot ang doctor sa kanyang bulsa. The next thing he knew was the doctor was giving him an amount he couldn't resist. Dahil na rin sa kailangan nya ng pera ay tinanggap nya ito.

“I have to go.”

“Ingat.”

Before he got off the car, he gave the doctor a quick kiss on the cheeks. Doc Erdie got very surprised with the gesture but deeply felt touched and loved.

“Bye Doc.”

Mabilis na naglaho si FR sa karamihan ng kotse sa carpark.

“Kung alam mo lang FR, mahal na kita.”

I t u t u l o y . . .

No comments:

Post a Comment