Friday, January 11, 2013

Chasing Pavements: Book 1

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
Tama nga ang kasabihang “after every good news comes bad news.” February 22, 2009, I heard the first good news of the year, I passed the Nursing Licensure Exam, sure its no biggie but it means the world to me. But as expected after this great news comes bad news, all hospitals around the metro are man pooling so as call centers na tinatawag na naming mga nurses na “second home” waged war against nursing graduates, dahil ginagamit lang daw namin sila para yumaman. Resulta?




“Umuwi ka na daw sabi ni Dad.” sabi sakin ng kuya ko sa kabilang linya.



“Makakahanap ako ng tarbaho, give me few more weeks na lang kamo.” sagot ko naman.



“Di ka pa ba nahihiya kay Ron?” pertina ng kuya ko sa aking pinsan kung saan ako nakikitira sa Maynila. What Kuya said hit home.




Dahil sa pamatay ang schedule ko nung college at nagtataas narin ang presyo ng gas, ay napagispan kong makitira na lang sa pinsan ko na may apartment doon sa Manila. Wala namang problema ito sa aking mga magulang. Basta daw uuwi ako sa Cavite once a week, which I never did.



“Ayaw mo na bang umuwi? Nagsisimula ng magisip si Mommy na ayaw mo na siyang makita.” sabi ulit ng kuya ko. Matagal ako bago nakasagot.



“Di naman sa ganon kuya.”



“Yun naman pala eh, Edi umuwi ka na.” sabi ni kuya tapos dial tone na. Napabuntong hininga na lang ako.



Di naman sa ayaw kong makita ang mga magulang ko o ang mga kapatid ko, its just that everything back home suffocates me. Masyadong mahigpit, masyadong up tight, masyadong limitado ang kilos.




At may mga bagay lang talagang di na dapat balikan.


Left hand on the steering wheel and my right hand on the radio's dial. Naghahanap ako ng magandang stasyon mula sa radyo ng kotse ko, ang kotseng binigay sakin ng aking ama as a graduation gift back in highschool. Binigay niya yun para makasigurado siyang uuwi ako ng bahay araw araw. Pero taliwas sa gusto niya ang ginawa ko.



After almost five years na hindi umuuwi ng Cavite ay napagtanto kong wala parin itong pinagbago, traffic parin as usual sa katunayan magiisang oras na akong nakatunganga sa harapan ng manibela ng kotse ko. Napabaling ang mata ko sa isang matayog na billboard sa kanto ng Bacoor. Unti unitng binababa ng mga tagapangalaga nito ang mukha ni Piolo, at sa taas ng billboard ay napansin kong pinipinturahan nila ang ilan sa matataas ng bakal.



“Para di siguro kalawangin.” bulong ko sa sarili ko. Nakatingala parin ako at sinusubaybayan ang kilos ng mga manggagawa, nakita kong nasagi ng isa ang isang galon ng pintura at marahan itong tumaob, unti unting natapon ang laman ng galon na iyon, pula at malabnaw na likido na unti unting natatapon sa lupa. Kasabay ng pagtapon ng pintura ay ang pagkarinig ko ng kanta ni Adele, “Chasing Pavements” di ko na ito nagawang ilipat, napako na ang tingin ko sa pinturang tumutulo.



“Susunod ka sakin pagkatapos kong lumakad sa stage ah? Gusto ko ikaw ang kasunod ko.” sabi sakin ni Edward. Tumango lang ako bilang sagot. Nasa unahan ko ang aking bestfriend, naka amerikana at sisimulan ng rumampa sa entablado para makita ng mga hurado. Wala akong duda noon sigurado akong siya ang tatanghaling Mr. JS 2004. Natapos na siyang maglakad sa entablado at ako na ang susunod.



“And last but not the least. Mr. Salvador from class 2004.” hiyaw ng Emcee. Nagpalakpakan ang mga tao nakita ko ang iba na nagbulong bulungan at ang iba rin na tumayo pa talaga sa kanilang kinauupuan para lang makita ako ng maayos.



“Malapit na itong matapos.” bulong ko sa sarili ko habang kinakabahan at ngumingiti. Nakita ko na ang marka, ang letter “X” na asa sahig kung saan titigil lahat ang kalahok para makitang maigi ng mga hurado. Tumigil ako sa marka at ngumiti, narinig ko ulit na naghiyawan ang mga ka-schoolmates ko. sabay ng hiyawan nila ang pagtingala ko sa bubungan ng entablado. Narinig ko kasi ang isang malutong na snap. At unti unti nang tumapon sakin ang laman ng isang timba, pula at malagkit na likido.




“Kung alam mo lang kuya, pipiliin mo ng hindi narin bumalik.” sabi ko sa sarili ko sabay nagpakawala ng isang malalim na hininga.



Nang sa wakas ay nakalusot ako sa traffic na iyon hindi ko maiwasang kabahan sa kung anong pwedeng mangyari paguwi ko. Habang binabagtas ko ang daan papasok sa aming village di mapigilan ng diwa ko ang magbalik sa nakaraan.



“Hello! Asan ka na daw?!” tanong sakin ng kuya ko sa kabilang linya.



“Kakapasok pa lang ng village! Kailangan nasigaw?!” iritang sagot ko kay kuya habang mabingibingi sa bulyaw niya sa kabilang linya.



“Bilisan mo! Nagiinaty na si Mom!” sigaw ni kuya sabay baba ng telepono. Pero dahil sa inis ay lalo kong tinagalan, inikot ko ulit ang buong village isa o dalwang beses? Di ko na alam.



Ilang beses na nga ba akong nahulog sa tuwing aakyat kami sa mga puno ng accacia na nakalinya sa streets ng village namin. Ilan seesaw na ba ang nasira ang upuan dahil sa marahas naming paglalaro duon. Ilang swing ang napigtal ang tali kakasakay namin.



Kada liko, kada humps at kada apak ko sa preno sa tuwing may tatawid na aso, pusa o bata ay nakakapagpaalala sakin ng masalimuot kong buhay dito sa Cavite.




0000oooo0000



Lima, sampu o kinse minutos akong nakatunganga sa loob ng sasakyan ko na nakatigil sa harap ng bahay namin, di ko na alam, alam ko lang ay ayoko pang bumaba at parang gusto ko ng bumalik sa Manila. Gusto kong bumalik sa “Residences at P. Campa.”, gusto ko ang kutyon kong nakasalampak sa sahig, gusto kong makita ang mga taong naging bahagi na ng buhay ko sa Manila. Pero wala na akong magagawa.



“Di naman kita inoobliga magbigay ng share dito sa condo eh. Tawagan mo si tito at sabihin mo na ok lang sakin, walang problema ang pagstay mo dito.” sabi sakin ng aking pinsang si Ron nang magpaalam ako sa kaniya.



“Wala kuya eh. Pinapauwi na talaga ako.” sabay yakap ko sa aking pinsan.



“Salamat kuya ah?” bulong ko habang pinipigilang ang sariling wag mapaiyak.



Pabalang kong tinanggal ang susi sa tagiliran ng manibela pero bago bumaba ay pinagmasdan ko muna ang kahabaan ng street na kinabibilangan ng bahay namin, wala paring nagbago, andyan parin ang mga kinaiinisan kong mga tsismosa na akala mo giraffe na kung ilawit ang leeg sa kanilang mga bakod para lang makita ako ay talaga namang inam na, andyan din ang mga kabataang lalaki na naglalaro ng basketball sa kalye at ang kanilang mga girlfriend na nagme-make up at nagtetetext sa isang tabi.




“Wala paring nagbabago.” sabi ko sa sarili ko.



Walang gana kong kinalas ang aking seat belt at inabot ang aking duffle bag na punong puno ng aking gamit at damit sa back seat ng sasakyan, panandalian kong tinignan ang sarili sa rear view mirror at nagbuntong hininga. “Here goes.” bulong ko sa sarili ko. Lumabas na ako ng sasakyan, tinitigan ko ang aming gate di makapaniwala na after five years ay wala manlang itong pinagbago.



“Kuya Migs?” nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, isa siya doon sa mga naglalaro kanina ng basketball na nadaanan ko, tinitigan ko itong maigi pero di ko matandaan kung sino ang lalaking iyon.



“Kuya Migs, ako to si Albert.” Napanganga ako sa narinig kong iyon.



“Al?! Anlaki mo na!” sabi ko sabay aktong kakamayan ito, pero nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Al at niyakap.



“Malamang. Ikaw ba naman, limang taon kang hindi umuwi. Si kuya...” pagkasabing pagkasabi niya ng salitang “kuya” ay bigla akong napalingon at napatingin pa nga sa kaliwa't kanan ko.



“Relax. Wala si kuya, masyado ka namang tensed.” sabi ni Al sabay pakawala ng malungkot na ngiti. Binigyan ko siya ng isang kinakabahang ngiti.



“Eto pinabibigay ni kuya, dapat siya ang magbibigay sayo niyan, kaso antagal mo dumating.” naka yuko ng sabi ni Al.



“Salamat ah.”



“Nga pala, may inuman mamya sa bahay, punta ka ha?” di pa man ako nakakasagot sa tanong niyang yun ay naglakad na ito pauwi.




Napatingin ako sa inabot ni Al, isa itong maliit na sobre, may nakasulat sa likod na “To: Miguel Salvador.” kilalang kilala ko ang sulat na ito, ganun padin parehong pareho ang pagkakaslant at ang pagkakasulat ng bawat letra, pinaka gusto ko dito ay ang pagkakasulat niya ng letter “g”. Sulat ito ni Edward, ang isa sa mga taong dahilan ng hindi ko pag-uwi ng Cavite.




“Bakit ka ba ganyan mag sulat ng letter g, ayusin mo nga di ko tuloy maintindihan ang kinokopya ko eh.” maanghang kong sabi kay Edward.



“Aba kung ayaw mong kopyahin edi wag! Wag ka naring kokopya ng notes ko sa tuwing aabsent ka!” galit na sabi sakin ni Edward habang sinusubukang patayin ang kalaban niya sa counter strike sa PC ko.



“Eto naman joke lang.” natatawa kong sabi.



“Saka ano bang mali sa pagkakasulat ko ng letter g?” tumayo na si kumag, siguro'y di matanggap na sinasabihan kong pangit ang sulat niya.



“Wala nga ang kulit!” naiirita kong sabi, lumapit siya sakin at pinisil ang ilong ko.



“Miguel!” basag ng kuya ko sa pagmumunimuni ko. Agad ko namang binuksan ang gate at nang makita ko ang isang malaking basurahan itinapon ko doon ang sobreng inabot sakin kanikanina lang ni Al.



“Kanina ka pa kaya iniintay nila Mommy!” singhal nito sakin.



“Hello din kuya, ok lang naman ako, ikaw kamusta?” sarkastiko kong bungad kay kuya, di na lang ako nito pinansin at pumasok na sa loob ng bahay.



“Should've stayed in Manila.” bulong ko ulit sa sarili ko.



0000oooo0000



“SURPRISE.” matamlay na sabi ng aking Kuya pagkabukas ng pinto. Napanganga naman ako sa dami ng tao.



“I-susurprise ka sana namin, alam mo yun, magtatago kami tas pagbukas mo ng pinto sabay sabay kaming sisigaw ng surprise! Kaso isang oras ka ng late at nagugutom na ang mga taga sigaw ng surprise.” pagtalikod na pagtalikod ng aking kuya, di ko naman napigilang mapangiti. Sa totoo lang pinipigilan ko ang sarili ko na mapatawa.



Kung sino sino na ang nakita ko, mga tiyahin mga pinsan, mga pinsan ng pinsan ko at ang iba nga ay di ko na kilala. May ibang yumayakap, nakikipag kamay at nagsasabi ng “Congrats!”


Sunod kong nakita ang mga kaklase ko nung highschool, the queen bees and the jocks, alam kong di nila gusto ang magpunta dito at i-celebrate ang pagpasa ko pero alam kong pinilit sila ng nanay nila na mga amiga ng nanay ko.



“Great! Just the kind of people that I want to see.” bulong ko nanaman sa sarili ko.



Agad akong naglakad palayo sa kanila at nagpunta sa may den, nakita kong andun ang aking ina na asa sentro ng malaking pabilog na lamesa, nakapalibot din sa lamesa nito ang kaniyang mga amiga na kasama niya laging maglaro ng ma jhong.




“That kid has been our problem since day one. Di ko nga lang ba alam kung anong problema nung batang yun samin, he preferred living with his cousin on a very little space in Morayta rather than stay here with us! Manila is not that even far puwede siyang maguwian kung tutuusin, his father gave him a car so he can use it papasok at pauwi, kaya't di ko naman talaga maintindihan kung bakit ayaw na ayaw niya dito.” mahabang litanya ng nanay ko habang inaayos ang kanyang ma jhong characters.



“This family is perfect without me, Mom. I actually did you guys a favor by staying away. I know you're aiming for that TOO PERFECT FAMILY award. Hello Mom!” sabay halik sa pisngi niya.



“Hijo! Late as always huh?!” magiliw na sabi sakin ng aking ina, sabay yakap sakin ng mahigpit.



“As always, Mom.” pagsangayon ko sa kaniya.



“Oh siya, kumain ka diyan, nagpalechon kami. Congrats nga pala anak. I'm very proud of you!” sabay yakap ulit sakin ng mahigpit ng nanay ko.



“Pagod-tulog-room.” maikling paliwanag ko sa gitna ng mahigpit paring yakap sakin ng nanay ko. pumunta na ako sa kwarto ko.



Marami parin akong nakasalubong na kung sino sino na nakikipagkamay, ilan sa kanila sasabihing “tumaba”, “pumuti”, “gumwapo”, “nagmukhang bakla”, pagkatalikod sakin. Di ko na hinanap pa ang tatay ko, malamang nasa likod yun kasama ang mga kumpare niya na nagiinuman di ko narin hinanap ang iba ko pang kapatid dahil alam ko namang wala silang sasabihing maganda.



Pumasok ako sa kwarto ko at laking gulat ko sa laki ng pinagbago nito, yung mga posters na nakadikit sa pader ko nuong bago ako umalis ay wala na, napaltan na ng wall paper na kulay baby blue.



“Lame.” bulong ko sa sarili ko.



Na re-arrange na din ang buong kwarto, at ilan sa mga gamit ko ay nasa kahon na, nadagdagan nadin ng ilang work out equipment at ang lumang personal computer ay nakatambak nadin dito. Nagbigay na lang ulit ako ng isang mabigat na buntong hininga.



Humiga ako sa kama at natuwa ng makita ang mga glow in the dark na idinikit ko sa buong kisame ng kwarto ko ay nandoon parin.



“hindi siguro nila maabot.” bulong ko sa sarili ko.



Naibaling ko ang mata ko sa bintana sa aking kaliwa, nakasara parin iyon at tulad ng iwan ko ang kwarto na ito limang taon na ang nakaraan. Nakasara parin ang Venecian blinds na kalakip ng bintana.



“Migs!” tawag ni Edward sa labas ng bintanang iyon. Magiliw itong nakaway sakin at sumesenyas na papasukin ko siya sa kwarto ko.



“Sabi ni Dad, wag ka na daw tumawid sa punong iyan ah?! Masyado ng delikado baka mahulog ka pa diyan.” sabi ko habang inaakyat ni Edward ang bintana ko papasok ng kwarto.



“Di yan! Masyado kang nagaalala!” sabi ni Edward sabay pisil ng ilong ko.



Lumapit ako sa bintana at pagkatapos ng limang taon hinila ang tali ng venecian blinds at umangat ito, nakita ko ang alikabok na namuo sa bintana at naaninag ko mula dito ang puno ng santol sa pagitan ng bahay namin ni Edward at sa likod nito ang bintana papunta ng kwarto naman ni Edward. Di ko napigilang hindi mapaluha.




Itutuloy...


[02]
Everybody's laughing. Yung iba di pa nagkasya sa katatawa na lang, ang iba ay nakaturo pa sakin, na akala mo isa akong nakakaaliw na palabas sa isang perya. Popular kids vs. the schools resident loser, yun ang pamagat at yan ang entertainment sa buong campus nung gabi ng JS Prom.



Hinahanap ko ang taong inaasahan kong magtatanggol sakin. Napatingin ako sa inaakala kong magiging kakampi ko, ang taong akala ko ay tatayo sa tabi ko. pero sa tabi ng iba siya nakatayo, nakayuko ito, isang nangiinis na halik naman ang ibinigay ng isang magandang babae sa tabi niya. At duon ko napagtanto hindi ko siya magiging kakampi ngayon, siya pa nga ang naging dahilan ng pagkakapahiya ko ngayon.



“Kuya!” napauntag ako sa tawag ng aking nakababatang kapatid kong iyon, sabay nito ang pagkahulog ko sa kama.



“Anak ng! Matt! Di ba pwedeng malumanay lang ang paggising niyo sakin?! Hobby niyo ba yan dito?!” naiinis kong bulalas kay Matt.



“Good evening din kuya!” sarkastiko nitong sabi.



“Ano ba yun?!” naiinis ko paring bulalas.



“May bisita ka.” sabi nito sakin at magiliw na nakangiti.



“Sabihin mo tulog, nasa CR o kaya mas maganda patay na.” sabay talukbong ng kumot.



“Di maniniwala si Albert sayo.” sabi nito sakin.




“Sabihin mo busy!” sabi ko pa habang nakatalukbong parin ng kumot. Kinapa ni Matt ang kamay ko saka hinatak.




“Nagpromise ka daw na pupunta ka sa inuman namin, bilis na! Di ako papayagan ni kuya Mark pag di ka kasama eh.” pamimilit sakin ni Matt.



“Ayown! Manggagamit ka talagang kumag ka!” sabi ko dito sabay batok.



“Kuya naman eh! Basta ha?!” sabay tayo at binato sakin ang isang short at t-shirt.



0000oooo0000



“Nakalimutan mo na agad, kuya?” sabi sakin ni Al nang makababa ako at marating ang sala.



“Kuya, pwede mong isara ang bibig mo.” maagap na sabi sakin ni Matt.



Panong hindi ako mapapanganga, hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito ka-gwapo ang batang nasa harapan ko ngayon, dati rati dinadaanan ko lang ito, binabatukan at pinapaiyak, pero ngayon...



“Halika na kuya!” sigaw nito sakin at hinila ang kamay ko.



Nakarating kami sa katabing bahay, di ko alam, pero kinakabahan ako. Alam na alam ko ang bahay na ito, kahit ito ay wala paring pinagbago, sa tabi nito ay ang puno ng santol, ang puno na nasa pagitan ng bahay namin at ng bahay na ito.




“Kuya, inom na!” bigay sakin ni Albert ng beer.




“Salamat.” bulalas ko at muli kong ibinalik ang tingin ko sa puno ng santol.




Pinapasok ko na sa bintana si Edward, may dala dala itong isang CD.



“Bakit ba dyan ka parin daan ng daan?! Meron namang front door diba?” maanghang na tanong ko dito.



“Eh kasi, bababa pa ako sa hagdan, tas bubuksan yung front door tas bubuksan yung gate tas maglalakad ng konti tas magdo-door bell sa gate niyo tas magiintay pa ako ng may magbubukas tas aakyat pa ako ng hagdan tas kakatok pa ako dito sa pinto mo tas bago ka pa magbukas...” mahabang salaysay ni Edward na ikinatawa ko naman.



“Andami mong alam!” sarkastiko kong sabi dito.



“Thank you.” sarkastiko rin nitong sabi sakin.



“Ano yan?” tanong ko dito sabay turo sa dala dala nitong CD at isinara na ang bintana. Ngumiti lang ito sakin.



“Gagu! Di yan pwede dito, baka mahuli tayo ni Daddy.” nangingiti kong sabi kay Edward.



“Tado, hindi ito porno!” sigaw nito sakin sabay haklit ng batok ko.



“Eh ano yan?” tanong ko ulit habang hinihimas ang parte ng ulo ko na nakatanggap ng haklit.



“Eto yung CD na bi-nurn ko para kay Essa.” sabi nito sakin.



“Ahhh, eh anong gagawin ko diyan?” sabi ko at hindi pinahalata ang sakit na nararamdaman.



“Panuorin mo, tas sabihin mo sakin kung ok na.” pautos na sabi nito sakin.



“Di ba makapagiintay yan?” naiirita ko ng tanong dito.



“Medyo gabi na oh, tas may pasok pa bukas.” habol ko.



“Saglit lang naman to eh.” pamimilit sakin ni kumag at isinalang na ang bala.




Di ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko, inggit ba ito o selos, basta hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, inggit dahil bakit ako hindi ako gawan ng ganito ni Edward at selos dahil alam kong may gusto siya kay Essa at ganun din ito sa babae. Ang alam ko lang matagal na kaming magkaibigan ni Edward at sa matagal na panahon na yun, napalapit na ang loob ko sa kaniya.




“Maganda ba?” tanong nito sakin ng matapos ang pinapanood namin.



Sa tinanong niyang yun, muling bumalik ang nararamdaman ko tulad ng naramdaman ko bago ko panoorin ang CD na iyon, panong hindi ko ulit mararamdaman eh nakalagay dun ang pinagsama samang picture nila ni Essa at ang mga salitang. “Happy Monthsarry.”



“Kayo na pala ni Essa?” tanong ko dito ng makita ko yung mga huling salita.



“Last month pa.” walang ganang sabi ni Edward at humiga sa kama.



“Bakit di mo sinabi sakin?” tanong ko dito habang ingat na ingat na wag ipahalata ang himig ng pinagsamang tampo at selos sa boses ko.



“Alam ko naman kasing di mo siya gusto eh.” sabi nito sakin. Di na ako sumagot at binuksan na lang ang application ng counter strike sa desktop ko.



Matagal kaming natahimik, ramdam ko na sakin nakatingin si Edward, pero patuloy lang ako sa paglalaro ng counter strike sa PC ko. Maya maya pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.



“Hala pano ako uuwi niyan?” tanong nito sakin.



“Edi dumaan ka sa front door.” malamig kong sabi dito.



“Eiiiiggggghhhh! Anlayo! Pwede bang dito na lang ako matulog?” tanong nito sakin. Di na ako sumagot, inihinto ko na muna ang paglalaro ng counter strike at pumunta sa banyo para magtoothbrush, pero bago makalabas ng pinto...



“Umuwi ka na, baka hanapin ka nila Tita.” malamig ko paring sabi, di na siya sumagot at bumuhos pa lalo ang malakas na ulan.



Pagbalik ko ay nandun pa din si kumag, himbing na himbing na sa pagtulog, bumalik ako sa naka pause na nilalaro at naglaro parin saglit ng biglang mawalan ng kuryente. Wala na akong nagawa kundi ang humiga nadin sa kama at nagpasya ng matulog. Naramdaman ko ang pagiba ng pusisyon ni Edward, pero di ko alam kung san na siya ngayon nakaharap dahil nakatalikod ako sa kaniya. Tahimik na, wala ng maririnig kundi ang pagpatak ng ulan sa bubong. Malapit na din akong makatulog ng bigla kong narinig na magsalita si Edward.



“Kaya ko lang naman di sinabi na kami na ni Essa dahil natatakot akong lumayo ka sakin eh. Alam kong ayaw mo kay Essa.” pabulong na sabi nito.




“Titig na titig ka diyan sa puno, kuya ah.” sabi ni Al sakin, dun ko na lang napansin na dumami na ang tao sa paligid at nakanta na sa videoke ang aking kapatid na si Matt.




“Eto pa oh.” sabi ni Al at inabutan pa ako ng isang bote ng beer.




“Matamis pa ba ang bunga niyan?” tanong ko kay Al sabay turo sa puno.



“Naku kuya, matagal ng di namumunga yan simula nung pinaputol ni Tito yung ilang sanga, saka simula nung...” pabitin na sabi ni Al, parang nahiya ito bigla, nagblush at napayuko.



“Simula nung ano?” pangungulit ko sa kaniya.



“Simula nung umalis ka.” napakunot ang noo ko sa sinabi niyang yun. Lalong namula ang pisngi ni Albert.




“Hahahahaha! Andami mong alam!” sarkastiko kong sabi dito.



“Thank you!” sarkastiko din nitong balik sakin.



Wala sa isip kong inabot ang ulo ni Al at ginulo ang buhok nito, ewan ko kung bakit biglang gumaan ang loob ko simula noong magsabi ito ng thank you na pasarkastiko, di ko maintindihan ang sarili ko, pero parang may naalala ako bigla.



“Kuya naman eh.” sabi ni Al sabay ayos ng buhok niya.



“Bakit? Nahihiya ka na makita ng girlfriend mo na ginugulo ko ang buhok mo na parang bata?” pangaalaska ko dito, natahimik ito at lalong namula., bigla ko tuloy naisip na baka allergic itong batang ito sa alak, kaya ganon na lang mamula.



“Wala akong girlfriend.” sabi nito, ngayon kung possible pa na mamula ang mukha nito ay lalo pa nga itong namula.




“Sus, sa gwapo mong yan.” wala sa isip kong sabi, bigla nitong ibinaling sakin ang kaniyang tingin.



“Pihikan yan kuya!” singit ni Matt sa paguusap namin ng kaniyang kababata.



“Shatap!” sigaw naman ni Al na ikinatawa naman namin ni Matt.



“Bakit ka nga pala nagpainom, Pare?!” nangaalaskang tanong ni Matt sa kaibigan na ikinakunot naman ng noo ko.



“Wa..wala na..naman.” nauutal na sabi ni Al at pinandilatan nito si Matt at inambaan ng suntok.



“Wag ka nga!” sigaw ni Al sa aking kapatid, umalis naman si Matt at bago tumalikod ay binelatan muna si Al.



“Ambabata niyo pa talaga.” sabi ko sabay gulo ulit sa buhok ni Al.



“Pupunta ka ba sa Alumni Homecoming, kuya?” tanong nito sakin na muntik ko ng ikasamid.




Ang pinaka huli ko kasing gustong mangyari ay ang makita pa ang mga kaklase ko nung highschool, ayaw ko na ring makita ang mga hinayupak kong teacher doon sa dati kong school, parang makita ko nga lang ata ang logo ng school namin, nahihirapan na akong huminga eh.



“Kailan yun?” tanong ko ulit dito, hindi pinapahalata na di ko gusto ang aming pinaguusapan.



“Sa isang isang linggo na.” sabi nito sakin. Na muntik ko na ulit ikasamid.



“Bakit? Iimbitahan mo ang kuya ko as your date?” pangaalaskang sabi ni Matt kay Al na ikinagulat naman nito.



“Pakyu ten times!” sigaw ni Al.



“Nye nye bunyenye!” dila ni Matt kay Al, biglang tumayo si Al at sinugod si Matt.



“Alberto!” sigaw ng isang pamilyar na boses.



Napatigil lahat.



“Diba sabi ko sayo, na wag kayo dito sa garahe maginuman?! Meron namang terrace eh! Pano ko ngayon maipapasok yung...sasakyan.” biglang bagal na sabi ng lalaki sa likuran ko.



“Migs, andito ka na pala.” sabi ni Edward sa akin.



Bigla akong nahirapang huminga.




Itutuloy...


[03]
Nang marinig ko pa lang ang boses ni Edward ay parang kukumbulsyunin na ako kanina.



At may mga bagay lang talagang di na dapat balikan.



Sabi nanaman ng utak ko habang nagmamaneho palabas ng village, di ko kinaya kahit mapalapit lamang sa presensya ni Edward, ibinabalik niya lahat ng sakit na matagal ko ng kinalimutan. Di ko maintindihan yung sarili ko, para akong isinilid sa isang malaking kahon na kung saan kulang ang supply ng oxygen kaya naman sumakit ang ulo ko at ang dibdib ko, di ko na nakayanan. Bigla kong itinabi ang sasakyan sa gilid ng highway ng makalabas ako ng village na siya namang ikinagalit ng sasakyan sa likod ko.



“USE YOUR DAMN SIGNAL!” sigaw ng driver nito ng makatapat ito sa bintana ko. Yumuko ako at ipinikit ang aking mga mata.




“Migs, andito ka na pala.”



“Ah eh, Oo, kaninang hapon lang.” kinakabahan kong sabi kay Edward habang naharap dito. Nginitian naman ako nito na siya ko namang sinuklian ng isang kinakabahang ngiti.



“O siya, una na ako. Al, salamat sa beer.” tawag ko sa nakakabatang kapatid ni Edward na ikinapanic naman nito at aktong hahabol sakin nang pigilan ito ng aking kapatid.



“Migs, teka kararating ko lang ah.” nawala bigla ang ngiti ni Edward sa mukha nito.



“Ah eh, nagpromise kasi ako kay Faye na bibisitahin ko siya pagbalik ko eh.” kinakabahan kong sabi dito.




“Samahan na kita, delikado papunta doon.” sabi nito sakin, na lalo ko namang ikina-panic.




“Ah eh, hindi na, nakakahiya naman sayo, baka mapagod ka lang.” sabi ko dito at nagmadaling, pumunta sa kotse ko at pinaandar na ito palayo.



Inuntog ko ang ulo ko sa manibela ng aking sasakyan. Di ko alam ang ikinagaganito ko, kahit naman kasi papano ay alam kong magkikita din kami pero di ko inexpect na ganon kabilis at ganon ka awkward. At bukod dun sa mga nauna kong nararamdaman ay nadagdagan pa ito ng sakit at galit.




“Eto na nga ang sinasabi ko eh. Babalik at babalik itong sakit na ito.” sabi ko sa sarili ko.




“Toy! Dagdagan mo naman ang bayad mo! Dinumihan mo na nga yung upuan ng tricycle ko eh.” sabi ng driver ng sinakyan kong trike mula sa skwelahan namin kung saan dinaos ang aming JS prom.



Iritable akong naglakad pabalik sa kinaroroonan ng trike at pabalang na ibinigay kay manong ang biente pesos na nasa bulsa ko. Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si kuya.



“Anong nangyari sayo?” gulat na tanong nito sakin, habang minamata ang tumutulo pang kulay pulang likido mula sa aking damit. Di na ako sumagot.




“Ikuwa mo na lang ako ng maisusuot galing sa kwarto ko, please?” makaawa ko dito.



“Sige saglit lang, sa likod ka na din dumaan at ibalot mo sa plastic yang damit mo, ako na magpapa laundry para di malaman nila Mommy.” nagaalalang sabi sakin ng aking kuya.




Nakapanhik na ako sa aking kwarto at humarap sa salamin, may ilang kulay pula pang likido ang di ko matanggal sa aking buhok, naaawa ako sa sarili ko kaya naman inialis ko na ang mata ko mula doon.




“Migs?” tawag ni kuya habang nakatok pa sa aking pinto.



“Bukas yan, kuya.” sabi ko habang pinapahiran ang aking luha.



“Andyan si Edward sa baba.” sabi ni kuya.



“Sabihin mo natutulog.” malamig kong sabi.




“Gusto ko lang siyang makausap saglit, kuya Mark. Please.” naririnig kong boses ni Edward mula sa naka awang kong pinto.




“Tulog na Edward eh.”




Agad kong narinig ang pagsara ng gate, napadako ang tingin ko sa bintana ko na katapat ng bintana ni Edward sa katabing bahay, agad ko iyong pinuntahan at sinara ang bintana, inabot ko ang tali ng venician blinds ng aking bintana, pero bago ko pa ito mahila upang sarhan ay nakita kong bumukas ang ilaw sa kabilang kwarto at nakita ko ding tumatakbo si edward palapit sa bintana niya, pero huli na, naisara ko na ang venician blinds.



Bumalik ako sa aking higaan at nagpasya ng matulog ng makarinig ako ng pagkatok sa aking bintana.




“TOK TOK TOK” iniangat ko ang aking ulo at sa labas ng aking sasakyan ay isang pulis.



“May problema ba, Sir?” tanong nito sakin nang maibaba ko na ang aking bintana.



“Ay wala naman boss, may iniintay lang.” sabi ko dito.



“Ah ganun po ba? Siguro po mas maganda kung humanap po kayo ng ibang paparadahan, kasi medyo nakakasikip po pag dito kayo paparada.” magalang na sabi sakin ng pulis.



“Ay sensya na po, boss.” sabi ko dito at pinaandar na ang aking sasakyan.



Ang totoo niyan di naman talaga ako pupunta sa bahay ng kaibigan kong si Faye tulad ng pagpapalusot ko kay Edward kanina, pinapapunta ako ni Faye, Oo, pero di ako pupunta dun sa kanila sa dioras ng gabi, unang una matalahib dun at nakakatakot dumaan, pangalawa di ko na ito masyadong kabisado.



Napansin ko na lang na sa isang gasoline station ako dinala ng sarili kong mga paa, bumili ng ilang ma-kukutkot at pagkatapos ay nagmuni muni sa loob ng aking sasakyan, sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na lang ulit ang sarili ko na naghahanap ng magandang stasyon sa radyo na kalakip ng aking sasakyan. Muli kong narinig ang kantang “Chasing Pavements.” at sa pangilang pagkakataon ako'y napapikit ulit.



“Tigilan niyo nga si Migs!” sigaw ni Edward sa aking mga kaklase na pinagkakaisahan nanaman ang aking mga gamit sa locker. Agad namang nagtakbuhan ang mga bully kong kaklase.



“Oh.” sabi ni Edward habang inaabot sakin ang aking notebook.



“Salamat.” sabi ko dito.



“Bakit kasi hinahayaan mo silang ganunin ka eh?!” nanggagalaiti parin nitong tanong sakin.



“Kung lalaban ako sa kanila, sino na lang ang gagawing katatawanan sa skwelahang ito?” nagbibiro kong tanong kay Edward.




“Tado ka talaga!” sabi nito sakin at ginulo ang aking buhok. Tumahimik na lang ako.



“Pano ka na lang kung wala ako?” seryosong tanong ulit nito sakin.



“Andyan naman si Faye, Pat atsaka si Dave. Ok lang ako maski mawala ka.” nagbibiro ko ulit na sabi dito.



“Ah ganun?!” sabi ni Edward saka nagpakawala ng isang matalim na tingin atsaka daredaretsong naglakad palayo.




Ilang araw din akong di pinansin ni Edward, ilang beses kaming nagkakasalubong pero maski ngiti di niya maibigay, hanggang sa di ko nadin natiis. Nakita ko si kumag na nakadapa sa kaniyang kama at nakatalukbong ng unan ang ulo nito habang tinatanaw ko siya sa aking bintana, nakaisip ako paraan para pansinin niya ulit ako, isa lang naman ang di niya kayang tanggihan eh.



“TOK TOK TOK” inialis nito ang pagkakataklob ng unan sa kaniyan ulo at inilingon ang kaniyag ulo sa direksyon ng pinto.



“TOK TOK TOK” pag ulit ko sa pagkatok sa kaniyang bintana. Sumimangot ito ng makita ako na nakaupo sa pinakamalaking sanga ng puno ng santol malapit sa kaniyang bintana. Nung una ay di ako nito pinansin at itinupi ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib atsaka tumalikod.



“TOK TOK TOK” pag ulit ko sa pagkatok sa kaniyang bintana, iwinagayway ko na ang isang basket ng macaroons, naningkit ang mata nito sa nakita at dahan dahang lumapit at binuksan ang bintana.



“Ano yan?” turo niya sa basket na daladala ko.



“Macaroons. Sorry na, bati na tayo.” sabi ko dito.



“Hmpft!” atsaka ibinalik ang pagkakatupi ng kaniyang mga kamay sa dibdib. Kumuha ako ng isang piraso ng macaroon at kumagat dito.



“Sayang naman to kung hindi mo tatanggapin, ako pa naman ang nagluto nito, ansarap oh, spesyal talaga to para sayo.” sabi ko habang tinatakam si kumag sa kinakain kong macaroon.



“Ikaw kasi eh! Kung ano ano pa sinasabi mo! Buti nga nagaalala ako para sayo eh! Sige dun mo na lang yan ibigay kila Pat!” sabi nito habang nakasimangot padin.



“Haist, sayang talaga tong mga macaroons, sige itatapon ko na lang, tutal ayaw naman ng pagbibigyan ko ng Miguels special macaroons eh.” kunwaring nalungkot kong sabi.



“Ah eh, sige na nga! Akin na!” sabi ni Edward at nagpakawala ako ng isang matingkad na ngiti.




Inimbitahan na ako ni Edward na pumasok sa loob ng kwarto niya at nagsusumbatan na kami tungkol sa katatapos lang namin na tampuhan.



“Napaka matampuhin mo kasi!” sumbat ko dito.



“Aba! Ako itong nagiisa mong bestfriend tapos magkakasya ka na sa proteksyon nila Pat, Faye at Dave?! Ako lang dapat na bestfriend mo ang magtatanggol sayo!” sabi nito habang sabay sabay na nginunguya ang tatlong macaroons.




“Nagbibiro lang kasi ako!” sabi ko naman.




“Saka sinong di masasaktan dun sa sinabi mong ok lang na mawala ako?!” may himig tampo nanamang sabi nito sakin, napatitig lang ako sa kaniya at nagtaka bigla, namula naman ito at biglang iniwas ang kaniyang tingin sakin.



“Miguel!!!” sigaw ng aking Ate mula sa aking kwarto.



“Kinuwa mo yung ginawa kong macaroons ano?! Humanda ka sa akin pag naabutan kita!” pahabol pa nito, dahan dahan kong ibinalik ang tingin ko kay Edward at nagulat ng bigyan ako nito ng naniningkit na tingin at isang haklit sa batok.




“Miguels special macaroons pala ah!” sigaw nito sa akin, saka dumampot ng ilang macaroons mula sa basket at isinalpak ito sa aking bibig saby akbay sakin at kurot sa pisngi.




Magdadalawang oras na din ako dun sa loob ng aking kotse sa harapan ng isang gasoline station. Di ko parin maisip ang sarili ko na haharap kay Edward, kaya naman sinadya kong tagalan bago bumalik.




“Di ko alam kung anong pwedeng sabihin, kung anong pwedeng gawin at kung anong pwedeng maramdaman pag kaharap ko na siya, kaya mabuti na ito, mas konti ang pagkakataon na makita ko siya, mas maganda.” sabi ko sa sarili ko.




Pero pagkatapos ang isa pang oras at nang maubos ang isang balot ng chichirya at 1.5L na coke naisipan ko na ding umuwi na.




“Uwi na.” sabi ng naiirita ng si Edward sa kabilang linya.



“Di pa pwede 'ward, tatapusin ko pa yung term paper ko, saka babasahin pa namin ni Pat yung sa social studies.” sabi ko dito habang nagtitipa ng mga salita sa keyboard ng PC ni Pat.



“Susunduin kita dyan.” sabi nito.



“Wag na. Kaya ko na ito.” sabi ko habang nakikipagbuno sa keyboard.



“Uwi na sabi eh.” pangungulit pa ulit nito sakin.



“Wag nang makulit.” seryoso ko ng sabi dito.



“Sige sige, ikaw bahala.” sabi ni Edward na parang may himig ng pagtatampo.



Habang papalapit ng papalapit ang sinasakyan ko may naaaninag akong isang tao na naka upo sa labas ng gate namin.



Nanginig ang buong kalamnan ko, di ko ineexpect na magiintay dito si Edward. Halos tatlong oras na akong nagtigil sa gas station, pero inintay parin ako nito.



“Bakit mo pa ako inintay? Diba sabi ko sayo kaya ko na ito? Dyan lang naman ako kila Pat galing ah? Tinapos lang namin yung term paper ko.” mahabang sabi ko dito nang bigla akong yakapin nito.



Itinigil ko sa harapan ng bahay namin ang aking sasakyan at nagulat ng biglang tumayo si Edward sa pagkakaupo nito at binuksan ang pinto ng kotse ko at kinalas ang seat belt na nakayakap sa katawan ko, bigla ako nitong hinila patayo at niyakap ng mahigpit.



“Wag ka ng aalis ah.” sabi nito sakin, nangilid naman ang luha ko.



“Namiss kita.” sabi pa ni Edward.





Itutuloy...


[04]
Magkayakap kami at walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa, di ko magawang ibalik ang yakap na binibigay niya sakin, pero kahit anong pagmamatigas na gawin ko, di ko parin mapigilan nag luha ko na mamuo sa paligid ng magkabila kong mata.




Nang sa wakas ay pinakawalan na niya ako sa mahigpit niyang yakap saka naman niya inihawak ang magkabilang kamay sa aking mga psingi, tinitigan niya ang aking mga mata at dahil sa pagtitig na yun, tumulo na ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.




Malungkot ang titig na binibigay niya sakin, unti unti na ring namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Pero ang pinakaikinagulat ko sa lahat ng ginawa niya ay ang pagsiil sakin ng halik.




“Wag mo akong tatakutin ng ganon?!” sigaw ni Edward sakin habang nakahiga ako sa isang stretcher sa isang ER sa malapit na ospital sa amin.




“Malay ko bang madudulas ako dun sa punong yun?” sabi ko dito habang nilalapatan niya ng yelo ang malaking bukol sa aking noo.




“Dapat kasi, di ka na dumaan dun eh!” galit parin nitong sabi sakin.



“Ikaw kaya may sabi sakin na wag makinig sa tatay ko?! Ikaw nga tatawid ka dun kahit gabi na para lang ipapanood sakin yung bi-nurn mong CD para kay Essa eh.”



“Ok lang na ako ang tumawid dun. Natatakot lang kasi ako pag ikaw ang tumatawid dun eh!” naiirita nang sabi sakin ni Edward.




“At bakit?! Ano tingin mo sakin, lampa?! Ngayon lang kaya nangyari na nahulog ako dun.” giit ko.



“Basta.” nagulat ako kasi biglang naging seryoso si kumag at biglang yumakap sakin.



Natigilan ako, buti na lang nakasara ang mga kurtina na nagse-seperate sa ibang stretchers kung hindi, naku baka pinagpyestahan na kami dun.



“Ano bang problema, 'ward?” tanong ko dito.



“Natakot lang ako kanina, akala ko mawawala ka na.” sabi nito habang nakayakap parin sakin, nakakapanibago talaga ang kumag. Bigla niyang kinalas ang yakap niya sakin, inihawak ang magkabila niyang kamay sa aking pisngi at tinitigan ako, mayamaya pa ay bigla niyang nilapat ang labi niya sa mga labi ko.




Bigla kaming nakarinig ng isang boteng nabasag sa aming likuran na siya namang ikinagulat namin, kaya bigla ring kaming naghiwalay sa halikan na iyon. Nakita namin si Albert na nakatayo malapit sa aking nakaparadang kotse, nakanganga pa ito at kitang kita sa mukha ang pagkagulat. Kumalas na ako sa pagkakalapit ng katawan namin ni Edward at tumalikod na dito.



“Migs, wait.” tawag nito sakin.




“Pagod na ako Edward.” malamig kong sabi dito.




Pagkapasok na pagkapasok ko sa front door ay parang nawalan ng lakas ang aking mga paa, agad akong napasandal sa nakasarang pinto at itinakip sa mukha ko ang magkabila kong palad at umiyak, umiyak na parang bata.




0000oooo0000



“Kuya!” narinig ko habang parang lumilindol.



“Matt, inaantok pa ako.” sabi ko dito.



“May mga bisita ka.” sabi nito sakin.



Agad akong napaupo at kinusot ang aking mga mata. Tiniganan ko ng masama ang aking kapatid, ngumiti lang ito na parang nakakaloko.



“Sino naman yan?” naniningkit ko paring sabi dito.



“Wag kang magalala, hindi siya yung tao na pinagtataguan mo.” nagulat ako sa sinabi niyang yun.


“Lumapit ka nga sakin nang makapagusap tayo ng maayos.” sabi ko dito at ng makalapit na ito sakin ay agad kong pinilipit ang kamay nito at dinaganan.



“Anong sinasabi mong pinagtataguan ko, ha?” sabi ko dito sabay kiliti. Tawa naman ng tawa si kumag.



“Wala, wala talaga.” sabi nito sa pagitan ng mga tawa.



“Siguraduhin mo ha?!” sabi ko dito habang patuloy parin sa pagkiliti dito. Tumayo na ako at maglalakad na sana papuntang sala ng pigilan ako ni Matt sa pamamagitan ng pagyakap.



“Kuya, kahit ano pa yang bumabagabag sayo, kahit ano pang piliin mong maging, tandaan mo mahal kita.” sabi nito sakin na talaga namang ikinagulat ko, nangingilid na ang luha ko.



“Oh siya siya bitiwan mo na ako, kung ano ano na yang sinasabi mo, alam ko, sa kakapanod mo yan ng telenovela eh, kalalalaki mong tao, ganyan ka magsalita.” sabi ko dito, naramdaman ko itong humagikgik habang nakayakap parin sa likod ko.



“Teka lang kuya, pwede bang, magbihis ka muna saka maghilamos? Samahan mo nadin ng toothbrush. Baka kasi nakakahiyang nakaboxers ka lang na haharap sa kanila, diba?” sabi nito sakin. Napayuko naman ako at tinignan ang sarili ko.



Kasabay kong bumaba papuntang sala si Matt, nakakaloko parin ang ngisi nito lalong lalo na ng sumigaw ang isang babae na ipinalangin kong hindi ko na makita pagkatapos na pagkatapos ng graduation ko noon sa highschool.



“MIGUEL!!!” sigaw ni Faye ang natatanging babae na kabarkada ko noong highschool.



“..susmaryosep.” sabi ko na ikinahagikgik nanaman ni Matt.



“Thanks pogi.” sabi nito sa aking kapatid at pinisil pa ang pisngi nito.



“Nga pala, ready ka na ba?” sabi sakin ni Faye na talaga namang ikinataka ko.



“Sabi ko sayo nakalimutan niya eh.” sabi ng isang lalaki sa may front door.



“Dave!” sigaw ko dito.



“Ay, bakit kay Dave excited ka? Bakit sakin hindi?!” nagtatampong sabi ni Faye. Agad ko itong nilapitan at niyakap, pero agad din akong nagsisi dahil naramdaman ko na lang ang mabigat nitong palad sa aking batok.



“Aray!” sigaw ko.



“Gago ka! Sabi ko sayo puntahan mo ako pagkauwing pagkauwi mo eh!” nakakairitang sabi sakin ni Faye.



“Nakalimutan ko na sainyo.” pagtatanggol ko sa sarili ko sabay tago sa likod ni Dave na isang malapad na lalaki.



“Makakalimutin ka pa din, Migs?” natatawang tanong sakin ni Dave habang hinaharangan si Faye na maabot ako, para kaming nagpapatintero.



“Oo nga di parin nagbabago. Tapos ngayon nakalimutan pa na alumni homecoming natin.” sabi ni Faye na siya namang ikinagulat ko.



0000oooo0000



“Ayoko ngang sumama eh.” sabi ko kay Faye at Dave pagkatapos kong maligo, habang silang dalawa ay siyang tuwang tuwa na tumutulong sakin sa paghahanap ng maisusuot.



“Eh basta!” sabi ni Faye, samantalang si Dave ay tuwang tuwa sa mga nakikitang action figures na basta basta ko na lang sinalpak sa aking aparador nung pagsawaan ko ito may ilang taon na ang nakakalipas.



“Wala namang kakausap sakin dun eh.” pagkasabing pagkasabi ko nito ay pinandilatan ako ng mata ni Faye, wala na akong nagawa kungdi ang pumayag sa gusto niya.



“Oy oh!” sabi ni Dave habang naka tuwad paring nakaharap sa aking aparador.


Napalingon kami ni Faye ng sabay at ng humarap si Dave na may hawak hawak na isang picture. Sadya namang nanlaki ang mata ko. Agad na lumapit si Faye at inagaw kay Dave ang picture, namutla ako at napaupo na lang sa aking kama at umiling iling. Lalo kong pinagsisisihan ang pag uwi ko sa Cavite.



“Ang taba mo pa dito Dave oh.” narinig kong sabi ni Faye sabay tumawa ang dalawa.



“Si Pat, uhugin pa!” sabi naman ni Dave.



“Oh shit si Pat!” sabi ni Faye saka nagmadaling bumaba.



“Migs si Pat nga pala nagiintay sa labas, tara na!” pinagmadali ako nito sa pagbihis at hinila palabas ng aking kwarto.



“Saglit lang Dave, papaalam lang ako.” paalam ko kay Dave.



Pumunta ako sa kwarto ng aking mga magulang at naabutan ang mga ito na nanonood ng Taebo tapes na niregalo ng aking tita.




“Oh anak, nasadya ka?” tanong ng tatay ko habang nakatitig sa babaeng nagtutuwad sa screen.



“Pupunta po sana ako sa school ko nung highschool para umatend ng homecoming.” paalam ko sa mga ito.



“Ahhh, edi sige, ingat na lang anak, may pera ka pa ba?” tanong sakin ng nanay ko na nakaupo sa harapan ng tv at nainom ng iced tea.



“Meron pa naman po.” sabi ko sa mga ito.



“Sige, wag masyadong magpagabi ah?” sabi sakin ng aking ama habang nakatitig parin sa TV. Tatalikod na sana ako ng bigla akong may naisip na sabihin.



“Oo nga pala, Ma, Dad. Binigay yang tape ng Taebo sainyo para gayahin hindi para panoorin.” natatawa kong sabi, nagkatinginan lang ang dalawa at nagkibitbalikat, napailing na lang ako.




Naglalakad na ako papunta sa may hagdan ng mapadako ang aking mata sa bukas na pinto ng aking kwarto, nakita ko sa sahig ng aking kwarto ang litrato na kanina lang ay tinitignan nila Dave at Faye.




Nilapitan ko ito at pinulot, limang tao ang andun sa picture na yun, si Fey ang nasa gitna sapagkat siya lang ang babae, sa kaliwa niya ay kaming dalawa ni Edward na magkaakbay pa sa kanang bahagi naman niya ay si Dave at Pat na magkaakbay din.


Dahan dahan akong tumayo at nilagay ang picture sa pinakatagong lugar sa aking aparador.



At may mga bagay lang talagang di na dapat balikan.



Bumaba ako at lumabas na ng frontdoor, marahan kong pinaglalaruan ang susi ng aking sasakyan habang tinatahak ko ang daan palabas ng aming bakuran. Napatigil ako ng bigla kong marinig ang dalawang boses na nagtatalo.



“Ang kapal ng mukha mo, after doing that awful prank kay Migs at pagiwan sa kaniya nung mga panahong kailangang kailangan ka niya, ngayon magpapakita ka sa kanya?!” sabi ng isang lalaki na pakiwari ko ay si Pat.




“Di ko siya iniwan, alam niyo yan.” pagtatanggol sa sarili na sabi ni Edward.



Everybody's laughing. Yung iba di pa nagkasya sa katatawa na lang, ang iba ay nakaturo pa sakin, na akala mo isa akong nakakaaliw na palabas sa isang perya. Popular kids vs. the schools resident loser, yun ang pamagat at yan ang entertainment sa buong campus nung gabi ng JS Prom.



Hinahanap ko ang taong inaasahan kong magtatanggol sakin. Napatingin ako sa inaakala kong magiging kakampi ko, ang taong akala ko ay tatayo sa tabi ko. pero sa tabi ng iba siya nakatayo, nakayuko ito, isang nangiinis na halik naman ang ibinigay ng isang magandang babae sa tabi niya. At duon ko napagtanto hindi ko siya magiging kakampi ngayon, siya pa nga ang naging dahilan ng pagkakapahiya ko ngayon.




Napapikit na lang ako sa aking mga naalala. Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad palabas ng bakuran at huminga ng malalim bago magpakita sa apat.



“Miggy boy!” sigaw ni Pat ng makita ako nito, di pa nagkasya sa pagsigaw at lumapit ito sakin at niyakap ng mahigpit, nakita kong siniko ni Fey si Dave at ininguso ang pagyakap sakin ni Pat. Napadako ang aking tingin kay Edward at nakita ko itong nakasimangot at masama ang tingin kay Pat.




Itutuloy...


[05]
Mahigpit parin ang pagkakayakap sakin ni Edward. Kanikanina lang matapos kong mahulog sa puno ng santol at isugod sa ospital nalaman ko na mahal pala din ako ng taong mahal ko.



“Natakot lang ako kanina, akala ko mawawala ka na.”


“Natatakot daw siyang mawala ako.” sabi ko sa sarili ko sabay pasikretong napangiti. Ayaw kong gumalaw sa aking kinahihigaan, baka kasi magising si Edward, lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kaniyang katawan at naramdaman kong lalong humigpit ang yakap nito sakin. Unti unti kong isinara ang aking mga mata at hinayaang kainin ng antok ang aking diwa.



Pagkagising ko kinabukasan wala na si Edward sa aking tabi, tumingin ako sa may bintana at nakitang may nakaipit na sulat doon.



“Di na kita ginising, alam ko namang puyat ka sa kakatitig sakin eh. Bilisan mo na ang pagbasa sa sulat na ito ah? Pihado ko late ka nanaman. Kita na lang tayo sa labas ng bahay niyo mamya.”



Di ko mapigilang mapangiti matapos basahin ang sulat.



“Migs! Gumising ka na at maligo! Male-late ka nanaman!” sigaw ng kuya ko sa labas ng aking pinto, nagmadali na lang ako sa pagligo at pagbibihis, di maiwasang ma-excite na muling makita ang aking bestfriend.



Paglabas na paglabas ko ng pinto namin bumungad sakin si Edward, nakangiti ito.



“Sabi na eh, malelate ka eh.” bungad nito sakin.




“Edi sana pala ginising mo na ako.” sabi ko na lang dito.



“Alam ko naman kasing pinagpapantasyahan mo pa ako kaya di na muna kita ginising.” nakangising sabi nito sakin, habang niyayaya akong sumakay na sa sasakyan niya.



Habang naglalakad sa harapan ng kotse ni Edward ay di ko mapigilang maexcite, pero ang nararamdaman kong iyon ay parang lobo na patuloy sa paglobo pero biglang pumutok nang makita ko si Essa na nakasakay sa passenger seat. Inirapan ako nito, kaya naman biglang pumangit ang araw ko.



0000ooo0000



“What?! Finally!” sigaw ni Faye ng ikwento ko dito ang pagamin sakin ni Edward.



“Finally what?” tanong naman ng bagong dating na si Pat.



“Wala, di concern dito ang mga basketball players ng school, kaya please fuck off?!” singhal ni Faye kay Pat.



“Hag!” iritang sabi ni Pat atsaka kinausap na lang si Dave na kanina pa nagprapractice tugtugin ang kaniyang flute.



“Pero kanina lang din sinundo niya sa bahay si Essa, kasabay pa nga namin sa pagpasok.” bulong ko ulit kay Faye sabay tingin sa kinauupuan nila Essa kung saan nandun din si Edward, na masuyo namang kumaway ng mapansing nakatingin kami sa kaniya.



“Nako, kailangan mong linawin yan sa kaniya, baka masaktan ka, ikaw din.” sabi ni Faye na talaga namang nakapagpatameme sakin. Tinignan ko ulit si Edward at napansing naka angkla ang kamay ni Essa kay Edward.



0000ooo0000

“Oh, bat andito ka pa, Miggy boy?” bungad sakin ni Pat nang maabutan niya ako sa labas ng gate ng skwelahan namin.



“Iniintay ko kasi si Edward eh.” sabi ko dito. Kumunot naman ang noo nito saka tumingin sa orasan niya.



“Mag-aalasyiete na Miggy boy, wala ng tao sa loob kundi ang mga varsity saka ang nasa CSG office.” sabi nito sakin na ikinagulat ko din.



Napaisip naman ako bigla, kasi simula noong mga bata pa kami ni minsan di pa ako binullshit nitong si Edward, saka ko din napagtanto na di parin ako pinagintay ni Edward, ngayon pa lang. Di ko naman napansin na matagal na pala akong natahimik at nagiintay pala ng sagot si Pat mula sakin.



“Gusto mo sabay ka na sakin pauwi?” alok nito sakin. Tumango na lang ako bilang sagot.



0000ooo0000


“Thanks, Tita.” habol ni Pat sa aking ina habang inihahatid siya palabas ng bahay.


“Sarap ng luto ng Mommy mo, parang gusto ko tuloy na i-hatid ka lagi pauwi.” nakakalokong sabi ni Pat.


“Ako lang ang maghahatid sa kaniya.”



Pareho kaming napaharap ni Pat sa may gawi ng gate, andun na pala si Edward at blangko ang mukha nito. Tinignan ko si Pat at naintindihan naman nito ang ibig sabihin ng tingin na iyon.


“Sige Miggy boy, una na ako.” sabi ni Pat.


“Salamat nga pala ulit, Pat.” sabi ko dito sabay tingin kay Edward, sumarado na ang mga kamay nito at handa ng umamba kay Pat.



“Sige ingat!” sarkastikong sabi ni Edward habang napasok si Pat sa sasakyan niya.



“Bakit nandito yung ulupong na yun?!” tanong ni Edward.



“Nakita niya kasi akong nagiintay sa labas ng school at 7pm kaya sinabay na niya na ako pauwi.” sabi ko kay Edward, nangunot naman ang noo niya saka biglang tinampal ang noo ng may maalala bigla.



“Shoot! Sorry, Migs.” sabi nito sakin.



“Kay Pat ka mag-sorry saka bakit ba ganun mo na lang kausapin yun?! Parang di ka namin kabarkada ah! Ay oo nga pala, sila Essa at Cyril na nga pala ang mga kabarkada mo ngayon.” sabi ko dito na ikinagulat niya naman.



“Sige na, dami ko pang gagawin na assignment.” sabi ko dito, kumunot ulit ang noo nito at may sasabihin pa sana ng ibagsak ko ang pinto sa mukha niya.



“Ma, pag hinanap ako ni Edward, sabihin niyo natutulog na ah?” sigaw ko sa nanay ko na nagliligpit padin sa may kusina.



Agad akong umakyat sa may kwarto ko para isara na ang bintana kung sakaling maisipan niyang duon dumaan, pinatay ko na din ang ilaw sa kwarto at nagtalukbong na ng kumot, maya maya ay narinig kong may kumakatok sa aking bintana pero di ko ito pinansin.



0000ooo0000



“Migs.”


Untiunti kong iminulat ang aking mga mata at nakitang nakatungo si kuya sakin at inaalog ako para magising, muli kong isinara ang aking mata sa sobrang antok.




“Migs, si Edward nasa labas parin ng bintana mo, kanina pa yan dyan, sabi ni Mommy kung hindi mo siya papapasukin baka mahulog pa yang timang na yun dun sa puno.” sabi ng kuya ko.




Sinimulan ko ng bumangon at naiinis na kinusot ang mata ko sa sobrang pagkairita. Lumabas na si Kuya ng kwarto ko na umiiling iling pa. Binuksan ko ang bintana, walang sinayang na panahon si Edward at dalidaling sumuot dito at niyakap ako ng mahigpit.



“Sorry na.”



“Matulog ka na.” sabi ko dito at sinimulan ng umakyat ulit ng higaan.



“Hindi. Hindi ako matutulog hangga't di tayo naguusap.” sabi nito na lalo kong ikinainis.



“Edi wag kang matulog.” sabi ko dito saka tuluyan ng pinikit ang aking mga mata. Naramdaman kong gumalaw ang aking kama miya miya pa ay naramdaman kong isinisiksik ni Edward ang sarili niya sa akin at niyayakap ako ng mahigpit.



“Sorry na sabi eh.” ulit nito.



“Alam mo ba kung gaano akong katagal na naghintay?” sabi ko dito, di ko maiwaglit ang galit.



“Sorry, sorry, si Cyril kasi, inaya akong mag Counter strike eh.” sabi nito at itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking batok, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga.




“Di na mauulit promise.” sabi niya.



0000ooo0000


Masaya akong nakikipaglaro ng chess kay Dave habang masaya namang nanonod sila Pat at Faye samin nang biglang dumating si Edward na kala mo pinagsakluban ng langit at lupa, hinila ako nito palayo sa aming grupo, agad na tumayo si Pat at Dave pero itinaas ko ang aking kanang kamay na nagsasabing ok lang.


“Bakit di mo ako ginising? Kanino ka nakisabay papasok?!” nanggagalaiting sabi sakin ni Edward.


“Isinabay ako ni Kuya papasok, saka bakit kita gigisingin? Sino bang may sabi sayo na magintay ka ng matagal sa labas ng bintana ko at sino bang maysabi sayo na sa kwarto ko ikaw matulog?” sarkastiko kong sabi dito, ibinuka na nito ang kaniyang bibig para makipagtalo pero nagring na ang bell bilang hudyat na oras na para sa unang subject.


0000ooo0000



Pagbukas ko ng aking locker nung hapon na iyon ay nagulat ako ng may makitang isang plato sa loob nun na may nakalagay na flat tops at sa bawat flat top ay may mga letra na nangsasabing “I'm Sorry.” di ko mapigilang hindi mapangiti. Biglang sumulpot si Edward sa aking likod.


“Mamya, ako ang maghahatid sayo pauwi.” sabi nito sakin ng nakangisi.



0000ooo0000


Saktong palabas na ako ng gate ng school ng mapansing nakaparada sa kabilang bahagi ng kalye ang sasakyan ni Edward, lalapitan ko na sana ito pero agad din akong tumigil ng makitang naka upo na sa loob si Essa. Agad agad akong umatras at sa gate na sa likod ng school dumaan.


Tahimik ang buong sasakyan ko habang tinatahak ang daan papunta sa skwelahan namin nung highschool. Walang imikan, nasa passenger seat ngayon si Pat habang si Fey ay napagigitnaan ni Dave at Edward sa likod.


“I can't believe na sinama pa natin yan.” iritableng sabi ni Pat kay Edward.



“Di naman nagrereklamo si Migs diba?” iritable ding sabi ni Edward.



“Di namin kailangan ng kaibigang nangiiwan at traydor.” sabi naman ni Dave.



“May I remind you na dalawang linggo na dito si Migs, at ni isa sainyo walang nagpakita sa party niya nung umuwi siya. So munch for friends na hindi nangiiwan.” mahabang sabi ni Edward. Natahimik lahat. Tinignan ko si Edward mula sa rear view mirror ko. Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya naman ibinalik niya ang tingin sakin.



Parepareho silang di nakapunta sa bahay noon, panong nalaman ni Edward na wala din ang apat na ito doon.



“Late ko na natanggap yung invitation and I was at work nung araw na yun.” sabi ni Pat.



“Kakauwi ko lang from SG” sabi ni Faye.



“Di ko type ang catering services na inarkilahan ni Tita, sorry Migs.” sabi ni Dave, tinignan ng tatlo ng masama si Dave. Napangiti naman ako, muli kong ibinalik ang aking tingin kay Edward mula sa salamin at kinindatan lang ako nito sabay ngisi.



“What?!” balik tanong ni Dave sa mga nagsisipagtingin sa kaniya ng masama.



Maganda ang pagkakagayak ng buong school, andyan ang pamosong kulay ng aming school na siyang ginawang kulay ng mga banderitas at ng matataas na flag sa buong school grounds. Andyan din ang drum and lyre at iba't ibang booth ng school organization, may mga tent para sa bawat batch kung saan may kaniya kaniyang pabonggahan ng catering at table setting.



Nagpunta na kaming lima sa aming tent, madami ng andun na batch 2004 ang ilan may dalang mga bata at ang ilan naman ay kaniya kaniya ang papicture at ilan ay masyadong busy sa kanilang pagkwe-kwentuhan.



Tahimik lang ako na umupo sa napili naming table nila Faye, di naman kasi talaga ako magaling sa mga ganitong pagtitipon. Kung tutuusin nga, talagang pinilit kong kalimutan na may Homecoming kami, isa pa, di ko na gusto pang makita ang ilan sa mga kaklase ko nung highschool. Nagulat na lang ako ng biglang may naramdaman akong humahawak sa aking mukha.



“Ibang klase talaga.” sabi ni Faye, habang nilalamutak ang aking mukha.




“Ano bang gusto mong palabasin, Faye?!” naiirita ko ng sabi dito, habang di paawat si Faye sa paglamas sa mukha ko.



“Wala lang, di kasi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago ng itsura mo.” sabi nito habang pinipisil pisil ang ilong ko.



“Contacts?” tanong nito uli sakin. Tumango lang ako bilang sagot.



“Marunong ka na ding gumamit ng wax ah? Pati pananamit ibang iba na.” sabi niya ulit. Habang umuupo si Edward sa aming pwesto, nagkatinginan si Faye at Dave si Pat naman ay sumimangot.



“Dati pa naman gwapo si Miggy boy ah.” sabi ni Pat, napatingin ako dito at kinindatan lang ako nito. Nagulat kaming lahat ng biglang nagkalansingan ang mga kubtertos sa pwesto ni Edward at masama ang tingin nito kay Pat.



“Teka, alam mo na ba yung...” bulong sakin ni Faye pero di na natuloy ang kaniyang sasabihin ng biglang sumigaw si Dave at itinuro na pwede ng pumila sa buffet.



“Saglit lang, maglalaho lang kami ni Dave pansamantala, i-save niyo itong table ha?” sabi ni Faye at naglaho na ito kasama si Dave sa likod ng mahabang pila para sa pagkain.


Nagkatinginan kaming tatlo nila Pat at tumahimik muli ang paligid.




Itutuloy...


[06]
Para akong pinaglaruan ng oras at bumalik ako sa nakaraan.



Nakasibanghot ang aking mukha habang naglalakad papunta sa back gate ng aming skwelahan. Halos magkadikit na ang aking dalawang kilay at ang nguso ko ay nauuna sakin ng isang kilometro sa pagkakasimangot.



“Ihahatid niya daw ako, yung pala ihahatid niya KAMING DALAWA ni Essa, parang hindi naman iyon paghahatid, parang nakikisabay lang naman ako sa isang school bus. Parang mas maganda pa nga ata sa school bus, kasi kahit papano hindi ako third wheel, di ako magmumukhang chaperone. Hindi ako mukhang tanga.” pagmumunimuni ko habang tinatahak ang daan papuntang back gate ng school para lang maiwasan ko sila Edward.




“Teka, di nga pala dapat ako nagagalit kay Edward, dahil wala nga pala akong dahilan. Walang kami. Hindi malinaw ang lahat samin.” sabi ko ulit sa sarili ko ng bigla akong sumubsob sa dibdib ng isang lalaki.



“Putang ka malas ko naman!” sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang aking salamin at pinupulot ang nagkandalaglag kong gamit.



“Miggy Boy! Bakit parang biyernes santo yang mukha mo? Bakit ka dito dadaan? Asan ang side kick mo?” sunod sunod na tanong sakin ni Pat habang ihinihiwalay ang isaw sa stick nito sa pamamagitan ng kaniyang ngipin.




“Wala. Nagpunta nang Dasma.” sabi ko kay Pat, tinitigan ako nito.



“Hinatid si Essa?!” tanong nito sakin habang nginunguya ang isaw.




“Oo eh. Ayaw ko namang magmukhang achoy dun sa dalawang yun.” sabi ko dito habang pahaba parin ng pahaba ang aking nguso.




“Sus! Halika nga dito, ako na lang ang maghahatid sayo, di hamak naman na mas maganda ang auto ko dun.” pagmamayabang ni Pat habang inaakbayan ako.




0000ooo0000



“Oha! Oha! Sabi ko naman sayo, ako ang pinakamagaling sa Counter Strike!” pagmamayabang ni Pat habang naglalaro kami sa PC ko ng Counter Strike.




“Yabang! Sabi sakin ni Dave, patayin ka daw eh.” pangaalaska ko dito.




“Sus! Asan yung baboy na yun?!” sigaw ni Pat habang nilalantakan ang isang bag ng ruffles sa pagitan namin.




Tahimik.





“Miggy boy, may itatanong ako sayo, sana wag kang magalit.” seryosong sabi sakin ni Pat.




“Ano yun?” tanong ko dito habang pinindot ang nararapat na key para ibato ang granada sa pinagtataguan ng character ni Pat sa nilalaro namin.




“Ano ba kayo ni Edward? I mean, di kasi usual yung pagiging malapit niyo eh.” sabi nito na parang nahihiya.



“FIRE IN THE HOLE!” sigaw ng aking character nang maibato na nito ang granada. Pinindot ko ang pause at hinarap ko siya.



“Ano bang sa tingin mo?” balik kong tanong kay Pat.




“Di ko alam, alam ko lang malapit kayo pero hindi tulad nung sa mag bestfriend.” sabi nito sakin habang nakatingin sa aking mga mata.




“Sa totoo lang, Pat, hanggang diyan lang din ang alam ko. Alam ko lang malapit kami sa isa't isa na masasabi mong mas higit pa sa matalik na magkaibigan pero pagkatapos nun. Wala na.” sabi ko dito, di ko namalayan na nangingilid na ang luha ko. tinignan ako ni Pat.




“Bakit di mo linawin sa kaniya?” tanong ulit nito.




“Natatakot ako. Baka kasi masaktan ako sa isasagot niya.” matipid kong sagot.




Tahimik.




“Di ka pa ba nasasaktan sa ginagawa niya ngayon sayo? Ano ka reserve? Kapag nakipaghiwalay si Essa sa kaniya saka ka papasok sa eksena? Kapag wala si Essa ikaw naman ang mahal niya?” sabi ni Pat sakin.




Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha, tama si Pat, sinasaktan ko ang sarili ko. tinitigan ako ni Pat, may kakaiba sa titig na iyon, hindi awa para bang gustong gusto niya ako tulungan pero wala siyang magawa, dahan dahan siyang lumapit sakin at niyakap ako.



Nakakagaang ng loob ang yakap na iyon, kahit patuloy parin ang pagtulo ng luha ko ay parang alam kong unti unti namang nababawasan ng mahigpit na yakap na binibigay ni Pat na yun ang sakit na aking nararamdaman. Nasa ganon kaming eksena ng biglang may nagsalita sa may bintana ng aking kwarto.



“Ano to?” mahinahong sabi ni Edward pero ramdam ko ang galit sa dalawang salitang yun, agad kong pinahiran ang aking luha at humarap na kay Edward si Pat naman ay tumayo narin at hinarap na si Edward.




“Ah, may naiwan kasi kanina sa school si Migs kaya bumalik siya eh sakto namang andun din ako kaya sinamahan ko na siya, paglabas niya wala na kayo ni Essa kaya nagprisinta na akong isabay siya pauwi tapos nawili kaming maglaro ng counter strike.” mahabang paliwanag ni Pat pero alam kong hindi yun kakagatin ni Edward.




“Ah tapos natalo si Migs sa laro niyo tapos umiyak siya kaya niyakap mo?!” sarkastikong tanong ni Edward.




Tahimik. Nagtinginan lang kaming tatlo.




“They're giving out batch shirts!” sabi ni Faye at ipinakita samin ang kulay pink na t-shirt na galing daw sa namahala ng aming homecoming.




“Lame right?” tanong naman ni Dave habang may nakasalpak na lumpia sa bibig nito.




“Edi hubarin mo!” sigaw ng isang babae sa likod nito.




“Patrick, eto ang sayo.” sabay bigay nito kay Pat ng isang batch shirt.



“Edward, eto naman sayo.” malandi nitong sabi sabay tingin sakin.



“Essa, musta ka na?” tanong naman ni Faye dito, umirap lang si Essa saka lumapit sa aking kinauupuan.



“Migs, kanina pa kita gustong i-congratulate eh, I can see that you've managed to look good. Very well done.” sabi nito sabay irap at ismid. Pinipigilan ko ang sarili ko na patulan si Essa pero sinagad nito ang pasensya ko nang sabihin nitong...



“I can see that Edward finally noticed you.” sabi nito sabay nguso sa puwesto ni Edward. Something inside me snapped.



“You know what Essa, kanina parin kita gustong i-congratulate eh.” sabi ko dito, tinignan naman ako nito ng masama at itinaas ang kaliwang kilay na miya mo nagsasabi na wag ko ng ituloy ang aking sasabihin. Nagsimula nang magbalikan ang mga ka-batch namin sa aming tent mula sa buffet table.



“And why is that?” tanong nito.



“Because you've managed to get fat and ugly at the same time. Nice multitasking, a first from you, I'm sure?” tumawa naman si Dave at Faye ng sabay at nagbulungbulungan ang mga tao sa paligid. Halatang napahiya si Essa sa aking sinabi pero alam kong nagiisip na ito ng mai-reresbak sakin.




Tumayo ako at naglakad palayo papunta sa aking kotse, at nang makarating ako sa tapat nito ay sinipa ko ang gulong nito at sumandal, nawalan nanaman ng lakas ang aking mga tuhod kaya't napadausdos ako hanggang mapaupo. Mali talaga ang desisyon kong sumama dito eh, alam kong may mangyayaring ganito, pero di parin ako nadala. Nasa ganito akong pagmumunimuni nang maramdaman kong may tumabi sakin.




“Huwag mo ng isipin yun.” sabi ni Pat, itinunghay ko ang aking ulo at nakita si Edward sa hindi kalayuan.




“Wag mo nga kong binubullshit Patrick!” sigaw ni Edward kay Pat matapos nito kaming mahuling magkayakap.



“Edward tama na, totoo ang mga sinabi ni Pat.” sabi ko kay Edward, tumigil naman ito pero masama parin ang tingin nito kay Pat.



“Magusap nga tayo, Migs.” sabi nito.



“Bakit andito sa kwarto mo yan?!” habol pa nito nang bigla nanamang sumabat si Pat.



“Teka nga, eh ano naman kung andito ako? Saka bakit mo ba siya pinagbabawalan?! Magkakaibigan naman tayo lahat dito ah?!” sigaw ni Pat. Tinignan ko si Edward at parang nabuhusan ito ng malamig na tubig.



“Alam mo Edward, bago ka magaasta ng ganiyan sa tabi ni Migs dapat nililinaw mo muna lahat, naguguluhan na kami lahat dito oh! Di namin alam kung pano kikilos sa paligid ni Migs, di namin alam kung hanggang saan ba dapat ang pinapakita naming concern. Ano ba talagang meron?!” mahabang sabi ni Pat, tameme parin si Edward. Nung alam niyang talo siya sa diskusyunang naming iyon ay nagpakawala ito ng isang buntong hininga.




“Fine. Sige Pat, maguusap na kami ni Migs.” nagulat si Pat sa sinabing yun ni Edward atsaka pabalang na lumabas ng aking kwarto.



0000ooo0000



“Ano nangyari sainyo kagabi?” tanong ni Pat sakin kinabukasan.



“Wala ganun parin, pinangako niya na magbabago na siya sa tuwing andyan kayo.” sabi ko kay Pat saka nagpakawala ng isang matamlay na ngiti.



“Yun lang?! Di niya sinabi kung ano meron kayo?” tanong ni Pat sakin, umiling lang ako, sinuntok niya ang locker sa aking tabi, nagtinginan ang mga tao sa paligid.



“Layuan mo na siya, Migs. Sinasaktan ka lang niya eh.” sabi nito sakin, tumango lang ako bilang sagot.



Pero taliwas nun ang aking ginawa.



“Balik na tayo sa loob.” aya sakin ni Pat. Di ko na ito pinansin, nakaupo kami pareho sa loob ng aking sasakyan, wala na si Edward, bumalik na sa loob ng school.



“Parang ayaw ko na.” sabi ko dito.



“Alam mo, wag mo na lang silang pansinin, lalo na yang si Essa, hindi lang kasi sila nagkatuluyan ni Edward kaya ganun ang ugali nun.” sabi nito sakin napasinghap naman ako dahil sa pagpigil ko sa aking tawa.



Tahimik. Ramdam kong sa akin parin nakatingin si Pat.



“Naaalala mo yung gabing sinabihan mo si Edward na linawin na ang lahat samin?” tanong ko dito. Tumango lang siya bilang sagot.



“Hanggang ngayon di naging malinaw yun.” malungkot kong sabi sa kaniya.



“Hindi ka lang niya naipaglaban...”



“At hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon para ipaglaban yun.” pagpapatuloy ko sa tinutumbok ni Pat.



“Di mo na yun kasalanan, Migs. Masyado kang nasaktan, di kita masisisi.”



“Yun din ang dahilan ko kaya hangga't maaari di ako umuwi dito sa Cavite. Alam ko kasi na binibigyan ko lang ng pagkakataon si Edward at alam ko rin sa pagkakataon na yun lalo lang akong masasaktan.” nilingon ko si Pat, sakin parin ito nakatitig binigyan ko ito ng isang malungkot na ngiti.



“Nga pala, alam mo yung sa kasal...” patuloy ni Pat, pero iniwasan ko na ito dahil masyado nang naging madrama ang araw na ito.



“Halika na, nagugutom na ako.” nginitian ko ito at hindi na nga niya pinagpatuloy pa ang sasabihin at pareho na kaming tumulak paloob ng skwelahan.




0000ooo0000



“Ayown naman! Sabi ko sayo Dave, babalik sila eh.” sabi ni Faye sa lumalantak parin ng lumpia na si Dave. Iginala ko ang aking tingin at siniguradong wala si Essa sa paligid bago kumportableng umupo sa aking upuan, di naman sinasadyang nadaan ng aking paningin si Edward, malungkot ang mga mata nito na nakatingin sakin. Parang may gusto itong sabihin sakin at ng masyado ng tumatagal ang aking tingin sa kaniya ay binawi ko na ito.



“Syempre naman! Di aatras tong si Miggy Boy! Kahit ano pang pasakit ang ibato mo diyan, diba Edward?” nagulat naman si Edward sa sinabing yun ni Pat. Tumango lang ito at ibinalik ang tingin sakin.



“Di na kita bibigyan pa ng pagkakataon Edward.” sabi ko sa sarili ko pero naramdaman kong tumanggi sa sinasabi kong yon ang aking puso. Alam kong tulad ng pinangako ko noon kay Pat na iiwasan na si Edward ay parang nararamdaman kong taliwas sa aking sinabi ang aking gagawin.


Napatitig ako kay Edward.



Itutuloy...


[07]
Nakatingin ako kay Edward habang nakain kami sa aming tent. Tahimik lang ito, nakakunot ang noo nito na kala mo may malalim na iniisip, halos di rin nito galawin ang kinakain niya, pinaglalaruan niya lang ito ng kaniyang tinidor.


Naka kunot ang noo ni Edward, kala mo pinagiisipang maigi ang patungkol saming lalaruin. Madalas kasi itong magisip ng parusa sa kung sino man ang matatalo sa aming laro, para narin hindi boring. Biglang nagliwanag ang mukha nito. Mukhang may naisip na magandang ideya si mokong.



0000ooo0000



Naniningkit ang mata ko habang tinititigan si Edward. Matatapos na ang school year, malapit na kaming grumadweyt sa higschool kaya naman wala na rin halos kaming ginagawa sa school, kaya ang madalas na siste namin ngayon ay ang maglaro gabi gabi ng Counter Strike sa PC ko hangga't sa magsawa kami.



“Ayoko. Maduga ka eh!” sigaw ko dito habang nakasingkit padin ang aking mga mata.



“Anong maduga? Saka hindi ka naman lugi sa pustahan pag nagkataon ah?! Baka masarapan ka pa nga.” pabulong ang pagkakasabi ni kumag sa huling limang salita.



“Ano yun?” tanong ko ulit dito.



“Wala, sabi ko, simple lang naman ah, sa bawat beses na mapapatay kita, may halik na kapalit at sa bawat tagal ng laro natin, let's say tumagal ako ng kinse minutos na hindi mo napapatay, ganun ding katagal ang kiss na yun, titigil lang saglit para huminga.” explain ulit nito habang namimili ng mga gagamitin sa aming digital war.



“Utot mo!” sigaw ko dito.



“Or I can just rape you here walang pakielam maski marinig pa ng kuya mo o ng nanay mo sa kabilang kwarto.” sabi nito sakin, lalo akong natakot dahil alam kong tototohanin niya iyon.



0000ooo0000



“Shit!” sigaw ko, nang sa ikalimang pagkakataon ay natalo nanaman ako ni mokong at ang malala pa bente minutos ang itinagal nito ng walang patayan.



“Sus kunwari ka pa, alam ko namang gustong gusto mo, nagapatalo ka nga ata eh.” sabi nito sakin sabay ngisi na nakakaloko.



Lumapit ito sakin, nagsimula na akong umatras, dahil kahit papano naman sa limang beses na pagkakatalo ko ay naaasiwa na din akong makipag laplapan sa kaniya. Pero iba ang dating niya ngayon, seryoso na ito at dahan dahan paring lumalapit sakin, seryoso ang mukha at ng maglapat na ang aming mga labi, sa ikalimang pagkakataon ay napapikit ako at isa nanamang maalab na halikan ang nangyari.



0000ooo0000



Umuwi akong badtrip na badtrip isang hapon dahil pinagintay nanaman ako ni Edward ng isang oras sa labas ng school para lang sabihin na hindi niya ako maisasabay pauwi, kung ano ano na ang inisip ko, andyan ang nakikipagmabutihan nanaman siya kay Essa o kaya ay lumabas nanaman kasama ang kaniyang mga bagong kabarkada, at sa iniisip kong iyon ay bigla akong napatigil.



“Wala nga pala akong karapatang magalit. Wala akong karapatang magselos. Wala nga palang linaw ang kung ano mang meron samin, ni hindi ko nga naiisip na may relasyon kami eh.” sabi ko sa sarili ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Binuksan ko na ang aking kwarto at biglang nagulat sa aking nakita, si Edward may kinukutingting sa loob ng aking kwarto at biglang napabalikwas ng bigla kong binuksan ang pinto.



“Shit!” sabi nito.


“Anong ginagawa mo?” sabi ko habang di ko napigilang matawa nang mapagmasdan ko ang suot suot nito.



“Asan ba si Matt?! Sabi ko, pigilan ka sa pagpasok dito kahit thirty minutes pa eh!” sabi nito habang kinakamot ang ulo.



“Ano to?” natatawa ko ulit na tanong.



“Malapit na ang JS diba? Eh since di ka naman papayag na makipagsayaw sakin sa harap ng buong junior class at senior class sa school at dahil hindi parin kita nailalabas para sa isang date, naisip ko na ipagluto ka at naisip ko din na dito kita i-date.” sabi nito na ikinagulat ko naman.



Inaya ako nitong umupo na at ipinakita sakin ang pinagmamalaki niyang luto, di ko mapigilang mapangiti sa nakita ko. Kumamot ulit sa ulo si kumag at ngumiti na kala mo kinakabahan.



“Yan lang ang alam kong i-luto eh.” tukoy nito sa mga hotdog na naka ahin sa lamesang sinet up niya sa loob ng kwarto ko. Pero di ko na inintindi yun, sinalubong ko na siya ng yakap.


Habang nakayakap ako dito ay naramdaman kong may inaabot ito, mayamaya pa ay narinig kong tumugtog ang stereo sa likod ko.



Some people live for the fortune
Some people live just for the fame
Some people live for the power, yeah
Some people live just to play the game
Some people think that the physical things
Define what's within
And I've been there before
But that life's a bore
So full of the superficial



Lalo kong hinigpitan ang yakap ko dito at ibinaon ko sa kaniyang dibdib ang aking mukha.



Some people want it all
But I don't want nothing at all
If it ain't you baby
If I ain't got you baby
Some people want diamond rings
Some just want everything
But everything means nothing
If I ain't got you, Yeah



Naiirita akong naglalakad pabalik sa parking lot at papunta na sa aking sasakyan. Sinusubukan kong takpan ang aking tenga mula sa kantang naririnig galing sa loob ng skwelahan.



“Yan pa talaga ang kanta?!” bwisit kong bulalas sa sarili ko.



“Inimbitahan tayo, Miggy boy.” sabi ni Pat sakin habang si Edward, Faye at Dave ay sumusunod saming dalawa.



“Di pa ba ok yung nagpunta tayo sa dito sa school?” naiirita ko ng sabi.



“May after party daw sabi ni Ace eh, nagpa-cater daw siya saka para makita narin natin yung resort niya.” sabi ni Faye.



“Edi kayo na lang, uuwi na ako.” sabi ko sa mga ito habang hinuhugot ko sa bulsa ng aking pantalon ang susi ng kotse at nang mailabas ko na ito ay siya namang agaw dito ni Pat.



“Ha! Ha! Ako ang magda-drive!” sigaw nito.


Hand me the world on a silver platter
And what good would it be
With no one to share
With no one who truly cares for me


“Fine! Maglalakad ako!” naiinis ko paring sabi. Habang pinipilit na takpan ang tenga ko mula sa bwisit na kanta.



“Di no!” sabi ni Dave sabay tulak sakin sa nakabukas na pinto ng kotse ko.




“Migs, nagtatanong na yung iba nating kaklase tungkol sa masyado niyong pagka-close ni Edward.” sabi sakin ni Faye habang nakain sa school cafeteria.



“Ha? Anong sabi? Ganito naman na kami dati pa ah.” depensa ko sa sarili ko.



“Oo nga pero di naman kayo sobrang close para magpahiran ng catsup sa labi, di rin kayo ganung ka-close para matagal na maghawakan ng kamay.” sabi ni Faye, napatulala ako.



“Maiba ako, malinaw na ba sayo kung anong meron sainyong dalawa?” sabi nito sakin.



Napatahimik ulit ako at napalingon kung saan madalas na tumatambay si Edward kasama ang kaniyang barkada, napansin ko din ang mahigpit na pagangkla dito ni Essa at saka mabilis na binawi ang aking tingin mula dito.



0000ooo0000



“Bakit ang tahimik mo ngayon?” tanong sakin ni Edward habang naglalakad palabas ng school papunta sa kotse niya sa may parking lot, bubuksan ko na sana ang pinto ng passenger seat ng pigilan ako nito.



“I-hahatid ko si Essa.” matipid na sabi nito, alam ko ang ibig niyang sabihin dito, ibig sabihin sa likod ako uupo ngayon dahil kasabay naming uuwi si Essa, napairap na lang ako at sinimulan ng lumakad papunta sa terminal ng dyip pauwi samin.



“Teka lang!” sigaw nito sakin sabay hawak sa braso ko. Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin.



“Bakit ba?” tanong nito sakin.



“Ano ba talaga tayo?” tanong ko sa kaniya nakita kong nagulat siya, pati ako nagulat sa sinabi ko pero nang may ilang minuto na siyang di makasagot at nagkasya na lamang sa pagyuko ay kumalas na ako sa pagkakahawak niya at naglakad na palayo pero naramdaman kong yumakap siya mula sa likod, buti na lang at walang tao doon sa parking lot.



“Di ko pa alam, basta ang alam ko gusto ko lagi kita kasama, ayaw kong wala ka sa tabi ko.” bulong nito sakin habang mahigpit paring nakayakap sakin.



“Edward?” sabi ng isang babae, biglang kumalas si Edward sakin saka humarap kay Essa, bahagya akong humarap dito pero gaya ng inaasahan ko naniningkit ang mata nito at hindi maiwaglit sa mukha niya ang pagtataka.



Patuloy na lang ako naglakad patungo sa terminal ng dyip.



“Migs.” tawag sakin ni Edward pero di ko na siya nilingon pa at hindi narin niya ako hinabol.



0000ooo0000



“Ngayon ka lang nag-aya maginom ah?” tanong sakin ni Pat.



“Oo nga, saka madalas sa bahay niyo tayo nagiinom.” segunda naman ni Faye, inintay ko ang sasabihin ni Dave pero puno ng pagkain ang bibig nito kaya naman tinanguan ko na lang ito at sinenyasan na ok lang na wag na siyang magsalita.



“May problema ba?” tanong ulit sakin ni Pat.



“Wala naman.” malungkot kong sabi dito. Bigla kaming napatingin ni Pat at Faye ng mabulunan bigla si Dave.



“Di nga?” tanong ulit ni Pat habang dinadagukan na ni Faye si Dave. Tinignan ko lang si Pat at ng makita niyang di ko na mapigilan ang aking mga luha ay niyakap ako nito, niyakap ng mahigpit.




0000ooo0000



“Oh, Mr. Salvador bakit kulang ng isang clearance? Ilang taon ng nagpapalakad sayo sila Ms. Solis, Mr. Sandoval, Mr. Ching saka Mr. Romero ah, bakit wala ata ang kay Mr. Sandoval?” tanong sakin ng librarian na kaibigan ng aking ina. Tumahimik na lang ako.


“Lakad kuwanin mo muna ang kay Edward at baka pag hindi ko nakilala ang maglalakad ng clearance nun eh baka di ko pirmahan.” pahabol nito at wala na akong nagawa kundi ang bumalik kila Pat.



Ilang araw na lang JS na tapos graduation na pero bago yun ay kailangan muna naming ayusin ang clearance sa bawat department ng school, simula elementary lagi nang magkakasabay ang aming clearance kasi marami akong koneksyon sa school, lalo na't halos lahat ng andon ay kaibigan ng nanay ko, kaya naman ngayong kulang ng isa ang nilalakad ko ay marami ang nagtataka.



“Di parin ba kayo naguusap?” tanong sakin ni Dave at iling lang ang sinagot ko.


“Gusto mo ako na ang kumuwa?” sabat naman ni Pat.



“Hayaan mo nang si Migs ang kumuwa.” sabi naman ni Faye na busy sa paglaro ng snake sa kaniyag cellphone. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad palayo, pinuntahan ko ang tambayan nila Edward at ng makita ito ay nagpasya na akong lapitan ang mga ito.



Di paman ako nakakalapit ay masama na ang tingin sakin ni Essa at nakayuko na din si Edward, nagbuntong hininga ulit ako.


“Hinahanap ni Ms. Sosa ang clearance mo, isabay mo nadin daw sakin.” sabi ko kay Edward, nagpalitan naman ng tingin ang magbabarkada at nang ibigay ni Edward ang clearance nito sakin ay nagsigawan ang mga ito.



“Uyyyyyyy!” sabay sabay na sabi ng mga ito, umalis na ako at patuloy parin ang mga ito sa pagkanchaw.



“Hoy Migs! Bakla ka ba?!” sigaw ng isang babae na hindi ko maikakailang si Essa, napatigil ako sa paglalakad pero di ako humarap sa kanila.


“Essa tama na.” sabi ni Edward.



“Kasi diba dapat ako ang gagawa niyan kay Edward, dapat mga girlfriend ang nagawa niyan sa mga boyfriend nila hindi ang bestfriend, hindi ang bestfriend na LALAKI.” sabi ni Essa na ikinahagalpak naman ng tawa ng barkada niya, humarap ulit ako sa kanila, tinignan ko si Edward, nagiintay at nagbabakasakaling ipagtanggol ako ngayon ni Edward, nagbabakasakaling ipaglaban naman niya ang meron kami, pero hindi ito gumalaw ni hindi ito nagsalita. Lumapit na ulit ako kay Edward at inabot ang clearance pabalik sa kaniya.



“Tama siya.” mahina kong sabi kay Edward saka naglakad palayo.


“Migs.”



“Miggy boy! Ok ka lang?” tanong sakin ni Pat mula sa drivers seat, napansin siguro na tahimik lang ako, tumango lang ako bilang sagot.



“Wag ka na kasing KJ, akala ko ba nagbago ka na?” sabi uli ni Pat na lalo ko namang ikinatahimik, marahil ay napansin ni Edward ito.



“Pat, drop it, ok? Sumama na nga yung tao eh.” tinignan ni Pat si Edward mula sa rearview mirror ng masama.



Pagdating na pagdating namin sa resort ng kakalase naming si Ace ay pare-pareho kaming nagulat sa laki at ganda nito at sabay sabay din silang napatingin sakin.



Parang ibinalik ako sa isang panahon na pilit kong kinalimutan ang pilit kong iniiwasan, ang panahon na ilang beses ko ring iniyakan.



Itutuloy....


[08]
Kung sa normal na pagkakataon ay malamang ay nagtatakbo na ako palabas ng resort na iyon, kinakabahan parin akong tinitignan ng apat, bumilis na ang aking paghinga, panandalian akong pumikit at nagpakawala ng isang malalim na hininga.



Biglang sumulpot ang aming class president at nilagyan ng korona si Edward.



“Ikaw ang Mr. JS diba?” sagot nito sa nagtataka naming mga tingin.



“Ito kasi ang naisip namin ni Ace na theme ng after party, JS prom.” sabat ulit nito ng walang nagsalita saming lima.



Ito ang dahilan ng pagpapanic ko, kuwang kuwa ang set up ng lahat ng bagay noong ginanap ang aming JS prom, limang taon na ang nakakaraan.




Malakas ang pagpapatugtog ng sound system, maganda ang pagkakaayos ng entablado, sa bungad ng lugar kung saan dinadaos ang aming JS ay meron pang nakalatag na red carpet. Bago pumasok ang mga Seniors at Juniors ay kailangan muna nitong tumigil sa isang spot kung saan kami kukuwanan ng litrato, parang awards night ang dating.




Maganda ang mga table setting, kala mo kami nasa mamahaling hotel o kaya ay restaurant pero ang totoo ay nasa open field lamang kami ng aming skwelahan, ang mga puno na nakapalibot sa basketball court ay sinabitan ng mga Christmas lights at iba't ibang kulay na parol. Mahaba ang buffet at sa gitna nito ay isang fountain. Pero sa kabila ng ganda ng paligid ay di parin ako mapakali at parang hindi ko parin gustong nandon ako.




“Tignan mo Migs, kung hindi ka pumunta edi na-miss mo lahat ng ito.” excited na sabi ni Fey sakin. Tinapik lang ni Pat ang likod ko at binigyan ng isang makahulugang tingin.



Sabay sabay na kaming naglakad papunta sa napili naming lamesa, di pa man kami nakakakalahati ay biglang humarang si Edward sa aming daanan.



“Sige Migs, intayin ka na lang namin sa table ha?” sabi ni Fey habang hinihila si Pat na mukhang ayaw akong iwan sa tabi ni Edward.



Nakayuko si Edward at di mapakali.



“May sasabihin ka ba?” tanong ko dito.



“G-gusto ko sanang mag-sorry.” nauutal na sabi nito.




“Wala yun, sige na balik ka na dun kila Essa, baka kung ano ano nanaman ang sabihin nun sakin.” sabi ko dito sabay nagpakawala ng isang malungkot na ngiti.




“Yaan mo yun, gusto ko ikaw ang kasama ko ngayon.” sabi nito sakin na ikinagulat ko naman. Sabay na kaming naglakad papunta sa aming lamesa ng umupo si Edward doon ay nagpakawala ng masamang tingin si Pat at Dave, di nalang ito pinansin ni Edward at umupo na lang sa tabi ko.




“And now lets do the cat walk.” sabi ng Emcee. Tinignan ko si Edward.



“Di ka ba rarampa?” tanong ko dito at tinignan lang ako nito, may nakita akong kaba sa kaniyang mukha.



“Ngayon ka pa kinabahan eh last year kung makarampa ka, saka sa pagkakatanda ko Mr. Junior ka noon diba?” sabi ko dito, kinakabahan parin ito at hindi mapakali, hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.




“Halika sasamahan kita.” at hinila ko na siya patayo, nung una ay ayaw nito.



“Migs wag na lang kaya?” sabi nito sa likod ko na kinakabahan pa rin at hindi mapakali.




“Ano ka ba?!” sabi ko dito.




“Si-sige pero ako muna bago ikaw.” sabi nito sakin, sabay tawag sa nangangasiwa ng event at sinabing nagpalit kami ng number.




“Susunod ka sakin pagkatapos kong lumakad sa stage ah? Gusto ko ikaw ang kasunod ko.” sabi sakin ni Edward. Tumango lang ako bilang sagot. Napakagaling rumampa nito, parang model, no wonder kung bakit siya nanalo last year. Wala akong duda noon sigurado akong siya ang tatanghaling Mr. JS 2004. Natapos na siyang maglakad sa entablado at ako na ang susunod medyo matagal ang pagtigil nito sa harapan ng mga hurado, sigurado kong technique niya iyon para makita siya ng maayos ng hurado, napangiti ako.




“And last but not the least. Mr. Salvador from class 2004.” hiyaw ng Emcee. Nagpalakpakan ang mga tao nakita ko ang iba na nagbulong bulungan at ang iba rin na tumayo pa talaga sa kanilang kinauupuan para lang makita ako ng maayos.




“Malapit na itong matapos.” bulong ko sa sarili ko habang kinakabahan at ngumingiti. Nakita ko na ang marka, ang letter “X” na asa sahig kung saan titigil lahat ang kalahok para makitang maigi ng mga hurado. Tumigil ako sa marka at ngumiti, narinig ko ulit na naghiyawan ang mga ka-schoolmates ko. sabay ng hiyawan nila ang pagtingala ko sa bubungan ng entablado. Narinig ko kasi ang isang malutong na snap. At unti unti nang tumapon sakin ang laman ng isang timba, pula at malagkit na likido.




Everybody's laughing. Yung iba di pa nagkasya sa katatawa na lang, ang iba ay nakaturo pa sakin, na akala mo isa akong nakakaaliw na palabas sa isang perya. Popular kids vs. the schools resident loser, yun ang pamagat at yan ang entertainment sa buong campus nung gabi ng JS Prom.




Hinahanap ko ang taong inaasahan kong magtatanggol sakin, napatingin ako sa inaakala kong magiging kakampi ko, ang taong akala ko ay tatayo sa tabi ko. pero sa tabi ng iba siya nakatayo, nakayuko ito, isang nangiinis na halik naman ang ibinigay ni Essa sa tabi niya.. At duon ko napagtanto, hindi ko siya magiging kakampi ngayon, at siya pa nga ang naging dahilan ng pagkakapahiya ko.




Agad na tumakbo palapit sakin si Pat, Dave at Faye at mabilis akong nilabas ng skwelahan.




Para akong estatwa na nakaupo katabi sina Faye, Pat and dave.




“Kasalanan ko ito eh.” sabi naman ni Pat.




“Oo nga kung hindi mo siya pinilit eh.” sabi ni Dave.




“Malay naman kasi nating eto ang tema ng after party, ang stage, table setting ang decors ng mga puno pati ang sound system parehong pareho nung JS natin.” sabi ni Faye.




“Ano ba kayo, ok lang ako.” sabi ko sa kanila sabay tungga ng beer.



Binigyan lang nila ako ng nagaalalang tingin.




“Ang o-OA niyo ah.” sabi ko sa mga ito saka ngumiti, habang si Edward naman ay nakayuko sa aking tabi.



“Mr. Senior?” tanong ng aming class president kay Pat, tumango lang ito bilang sagot, inabutan naman siya nito ng isang sash.



“Mr. Photogenic senior class and Ms. Senior?” tanong naman nito kay Dave at Fey, tumango lang ang mga ito at inabutan din ng sash.



“Mr. JS 2004?” tanong nito kay Edward, di ito sumagot pero inabutan parin ito ng sash pandagdag sa korona na isinuot sa kaniya kanina pa.




“Pupunta po tayo sa stage for the picture taking.” aya nito sa apat kong kasama, tinignan lang ako ng mga ito.




“Ok lang ako, go. Punta na kayo don.” nakangiti kong sabi sa kanila. Pagkalayong pagkalayo ng lima ay tumayo ako at tumalikod para magsindi ng yosi, kinabahan naman ako ng makitang palapit sa aking pwesto sila Essa at ang mga barkada nito.




“Great! Just great!” sabi ko sa sarili ko.




0000ooo0000




Bumalik ang apat at naabutan akong kino-combo nila Essa, tahimik lang ako at pinipigilan ang sarili ko na gumawa ng eksena tulad kaninang umaga noong bigayan ng batch shirts. Nagsimula ng maglapitan ang mga kaklase namin at nagsisimula ng makiosyoso sa mga sinasabi ni Essa. Halatang nakainom na ito saka ang kaniyang mga kabarkada.



“Eh guys, naaalala niyo nung clearance? Yung umasta si Migs na boyfriend niya si Edward at siya ang GIRLFRIEND! Asikasuhin ba naman ang clearance ng ex kong si Edward.” sabi nito sabay tawa, muntik na akong mapatayo at sapakin si Essa pero pinigilan ko ang sarili ko.




“Bago ka pa niya makilala, Essa ako na ang naglalakad ng clearance niya kada tapos ng school year...” simula ko pero sumabat ulit si Essa.




“Pssss! Palusot ka pa.” nangiinis na sabi nito.




“Di lang naman clearance ni Edward, pati ng kay Faye, Pat at Dave.” pagtatapos ko pero nagme-make face lang si Essa. Tumalikod na ako at sinabing uuwi na ako, nagpasya na ring sumama si Pat, Faye at Dave.



“Sige, walk out!” sabi ni Essa, hinarap ko ulit ito at nagpakawala ng isang matinding dirty finger.



“Eat this, pig!” sigaw ko sa kaniya sabay tinignan siya mula ulo hanggang paa, napanganga ito sa pagkapahiya dahil nagtawanan nadin ang mga tao sa paligid. Tinignan ko si Edward na nakayuko lang sa isang tabi, napa iling na lang ako.



“Hanggang ngayon, di mo parin talaga kaya ipaglaban ang kung ano man ang meron satin noon.” sabi ko sa sarili habang nakatingin kay Edward.



0000ooo0000



“Migs saglit!” tawag ni Edward bago ko pa man mapatakbo ang sasakyan, sumakay ito sa back seat katabi si Faye.



Tahimik lang akong nagmamaneho habang nagpapalitan ng kaniya kaniyang opinyon ang tatlo tungkol sa nangyari kanina samin ni Essa. Di ko sinasadyang mapadako ang aking tingin kay Edward sa rearview mirror, dun ko lang din napansin na pinapanood pala ako nito.




Una kong ibinaba si Dave pagkatapos ay si Faye, ayaw pa sana nilang umuwi pero sabi ko ay pagod na ako.




Ilang beses pang nagpumilit si Edward na makausap ako pagkatapos ng circus na nangyari sa JS prom, pero napagod na din ako, di ko narin kaya na makita ang sarili ko na kinakawawa, kaya sinabi ko sa aking mga magulang at kila kuya na sa tuwing magpupumilit na pumasok si Edward ay sabihin muna sakin.



“Ma, pwede bang dun ako sa condo ni kuya Ron mag stay? Ayaw ko nang maguwian eh.” sabi ko sa aking nanay, matapos ang ilang kumbinsihan ay nakumbinsi ko naman ang mga ito sa isang kundisyon.



“Uuwi ka dito kada sunday.”



“Opo, yun lang pala eh.” sabi ko pero alam kong hindi ko iyon gagawin at wala na silang magagawa pag hindi ako umuwi.



0000ooo0000



“Aalis ka na mamya, di mo pa ba kakausapin si Edward?” tanong sakin ni Pat, pero hindi ko na siya sinagot pa.



Tumalikod ako dito at pinagpatuloy ang pagaalsa balutan ko, ramdam kong nasa akin parin ang tingin ni Pat maya maya pa ay naramdaman ko na lang ito na biglang yumakap mula sa aking likod.



“Mamimiss ka namin. Mamimiss kita.” sabi nito sakin, humarap ako dito at niyakap narin siya ng mahigpit.




Hinatid ako ni Pat palabas ng bahay namin, wala na si Faye at Dave dahil lumipat na sila sa kanilang apartment si Pat naman ay sa isang araw pa aalis, kasunod ni Pat ay ang aking kuya at si Matt.



“Ingat ka doon, sabi ni Mama, tumawag ka lang daw pag may kailangan ka.” sabi ni kuya sakin.



“See you after five years.” naka ngiting sabi sakin ni Pat saka yumakap. Narinig kong umingit ang gate nila Edward at nagmadali na akong sumakay ng sasakyan ko na kareregalo lang sakin ng aking ama nung graduation.



Di ako nagkamali, si Edward nga ang lumabas sa gate na iyon at ng makitang unti unti ng lumalayo ang sasakyan ko ay humabol ito pero di ko na pinakinggan ang pagtawag nito sakin at tuloy tuloy lang ako sa pagmamaneho.




“Oh Miggy boy, dun ang street namin.” sabi sakin ni Pat ng magulat ito ng idaretso ko papunta sa street namin ang sasakyan.



“Si Edward muna ang ihahatid ko.” malamig kong sabi, alam kong nagulat sila pareho pero di ko na lang sila pinansin, itinigil ko ang sasakyan sa labas ng bahay nila Edward pero antagal nito bago bumaba.



“Edward, ihahatid ko pa si Pat.” malamig ko ulit na sabi dito.



“Fine!” sabi naman nito saka pabalang na bumaba.



Tinitignan lang ako ni Pat, di ko na nakayanan at itinigil ko saglit ang sasakyan nang makarating kami sa kabilang kanto, ibinalik ko ang tingin kay Pat at saka niyakap ito.



“Ansakit parin, Pat.” sabi ko dito at niyakap lang ako nito ng mahigpit.





Itutuloy...


[09]
Nandon ako at nakasalampak sa dibdib ni Pat, parang batang nahagulgol hinahagod lang nito ang aking likod, di ko alam, pero parang ang kinimkim kong galit, sakit at pagiyak ng limang taon ay binubuhos ko ngayon kay Pat. Para akong tanga. Parang may isang oras na ata ako sa dibdib na yun ni Pat at alam kong basang basa narin ito ng aking mga luha.



“Sorry, pati ikaw naabala pa.” sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha, nakatingin lang ito sakin at nagaalala.



“Nagtaka nga ako kung bakit si Edward ang una mong hinatid eh.” sabi nito habang pinupunasan narin ang aking mga luha.



“Kailangan ko lang kasi ng makakausap ngayon eh...” palusot ko dito.



“Di ba pwedeng si Edward? Di naman sa ayaw ko, pero diba si Edward ang bestfriend mo? Nung highschool nga, umabot pa sa point na nagseselos na kami nila Dave, nagseselos na ako kay Edward kasi masyado na kayong magkadikit noon.” sabi nito sakin at parang nahiya naman at biglang yumuko.



Tahimik.



“Minsan nga tinanong ko ang sarili ko... ano bang meron si Edward? Anong mali sakin? Bakit hindi ako? Nung mga panahong asa kaniya lang ang atensyon mo.” sabi ni Pat na nahihiya parin at napapakamot na sa ulo at nangingiti, halatang di komportable sa sinasabi niya. Napatitig lang ako sa kaniya.



Tahimik ulit.



“Pero di ako nangahas na sirain kung ano man ang meron sainyo ni Edward, di ko kayo pinakielamanan, kasi alam kong mahal na mahal niyo ang isa't isa.” sabi ulit ni Pat.



“Kahit di mo naman sabihin Miggy boy eh, halatang halata sa tinginan niyo, yung biruan niyo, kung pano kayo magusap at marami pa, nasaktan ako nung una pero tinanggap ko. Nung nangyari sayo yung sa prom, galit na galit ako, sa sobrang galit muntik ko ng magulpi si Edward, pero alam ko masasaktan ka kaya di ko rin nagawa, nung umalis ka gustong gusto kitang sundan pero pinigilan ko ang sarili ko, sabi ko sa sarili ko kung sa pagbalik mo hindi na si Edward ang tinitibok niyang puso mo, saka ako papasok sa eksena, pero hindi, unang kita ko pa lang sayo kaninang umaga, alam ko na si Edward parin ang nandyan.” mahabang sabi nito, habang tinuturo ang aking dibdib, wala akong nagawa kundi ang yakapin siya.



“Sana ganun din ang gawin mo ngayon, tanggapin mo sana, kahit na sa proseso ng pagtanggap na iyon ay masasaktan ka.” sa sinabing yun ni Pat ay lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.



“Siya nga pala, anong plano mo sa kasal...?” pero di na niya naituloypa ang sasabihin nang biglang tumawag si Matt, inilapit ko ang telepono sa tenga ko.



“Kuya, si Kuya Edward nasa labas ng bahay, di daw siya aalis dun hangga't di ka nakikipagusap sa kaniya.” sabi sakin ng kapatid ko sa kabilang linya.



“Pat...” umpisa ko pero nakita kong nakangiti na ito sakin.



“Si Edward, gusto kang makausap.” nanghuhulang sabi nito sakin napatango na lang ako bilang sagot.



“Sige na, uwi ka na, baka kung ano pa gawin nun na ikagalit nila Tita.” sabi nito sakin, pero bago ito lumabas ay niyakap ako ulit ito ng mahigpit.



“Basta, andito lang kami lagi.” sabi ni Pat sakin saka pinahiran ang natitirang butil ng luha sa aking pisngi.



0000ooo0000



Nagsimula na akong pumihit para makabalik na sa street namin, wala pa man ako sa kanto ay bumuhos na ang malakas na ulan, agad kong pinaharurot ang sasakyan. Nabungaran ko si Edward na nakatayo sa gitna ng kalsada, basang basa na ito pero daretso parin sa pagtingin sa aking sasakyan, ayaw nitong umalis doon, itinabi ko ang sasakyan at ng makalabas ako dito ay pinilit ko si Edward na sumilong sa terrace ng aming bahay.



Abala ako sa pagpagpag ng mga butil ng ulan sa aking buhok nang magsalita ito.



“Bakit ako ang una mong hinatid?” may tonong sabi ni Edward.



“Ha?” naiirita kong sabi dito.



“Ano? Para makasama mo ng mas matagal yang Pat na yan?!” sabi nito sakin madilim na ang mukha nito, lalo akong naguluhan sa kinikilos nito, tumalikod na ako at saka tuloy tuloy na pumasok ng aking kwarto, pero nakasunod pala ito at bago ko pa ma-isara ang pinto ay tinulak na niya ito kaya't nakapasok siya.



“Bakit di ka makasagot?!” sigaw nito pero napuno na ako sa mga akusasyon nito kaya't binigyan ko na ito ng isang malutong na suntok.



“Ano bang problema mo?!” sigaw ko pabalik dito, natahimik na lang ito, tila nahimasmasan atsaka umupo sa aking higaan.



“Kaya ko kayo hinabol kanina at pinilit ang sarili ko sa inyo ay para makausap ka, Ilang linggo ka ng nandito pero di pa tayo nagkakausap ng maayos, tapos kanina kada oras na lumalapit ako sayo at sinusubukan kang kausapin ay saka mo naman ako hindi pinapakinggan, tapos itong huli mas una mo akong hinatid kesa kay Pat, lalo akong nainis. Pasensya na.” sabi nito sakin habang hinihimas ang panga niya. Tumayo ako at pumunta sa pinto.



“Matt, paki kuwa mo naman ako ng yelo, paki durog nadin at pakibalot ng bimpo.” sigaw ko sa kapatid ko na nasa baba at nanonood ng TV, di na ito sumagot pero alam kong sumunod ito sa utos ko. Nilapitan ko si Edward at tinignan ang panga niya na tinamaan ng kamao ko.



“Hala! Ano ginawa mo, kuya?!” bungad ni Matt.



“Shatap! Bumaba ka na dun.” sabi ko dito at tinignan lang ako nito ng masama. Inilapat ko ang yelo sa pisngi ni Edward, nakayuko lang ito at basang basa parin maya maya ay inabot nito ang aking kamay, nabitawan ko na ang yelo parehong kamay ko na ang nasa magkabila niyang pisngi, malungkot ang mga mata nito.



“Ano bang nangyari satin, Migs? Dati close na close tayo, dati ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo, ano bang nangyari?” sunod sunod na tanong nito, di na ako sumagot pa at tinanggal ko na ang mga kamay ko sa pisngi niya tumalikod at kumuwa ng tuyong damit, nagpalit na ako at binigyan ko siya ng tuyong damit para makapagpalit narin.



Tahimik lang kami habang nagpapalit. Maya maya pa ay naramdaman ko na lang na niyakap ako nito.



“Sorry.” mahinang sabi nito sakin, di ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula nanamang tumulo ang aking mga luha.



“Di mo alam kung pano ako nalungkot nung gabi ng Prom, kung pano ako nalungkot nung umalis ka ng di nagpapaalam at kung pano ako halos mabaliw nung ni isang beses ay hindi ka bumalik sa loob ng limang taon, di ka nagtext o ano man.” lalong humigpit ang yakap nito sakin patuloy naman sa pagpatak ang luha ko at nakayukyok parin ako sa leeg nito, itinulak ko siya palayo sakin.



“Suntukin mo ulit ako, sampalin, pagtatadyakan, sigawan kung gusto mo patayin mo na ako, makita ko lang na ngagalit ka, malaman ko lang kung ano ang dahilan mo.” sabi nito sakin habang tinutulak ko parin siya palayo at habang mahigpit parin ang kapit nito sa aking mga braso. Hanggang pumutok na ang galit sa aking dibdib.



“Hindi mo ako pinaglaban!” sabi ko dito habang sinusuntok ang dibdib niya.



“Hindi ko alam kung pinaglalaruan mo ako o ano! Di naging malinaw ang lahat! Niloko mo ako! Iniwan mo ako sa ere!” sunod sunod kong sabi dito habang unti unting nauubos ang lakas sa aking mga tuhod, lumuhod nadin sa tapat ko si Edward.



“I'm sorry, naduwag ako, di ko maamin sayo, di kita magawang ipaglaban, I'm sorry na di ko manlang nasabi sayo na mahal kita.” sabi nito sakin saka ako niyakap ulit ng mahigpit lalo naman akong naiyak. Bahagya itong kumalas sa kaniyang pakakayakap sa akin at inilagay ang magkabila niyang kamay sa aking mga pisngi, sandali kaming nagtitigan at maya maya pa ay nagsalubong na ang aming mga labi, may pagtangis at pananabik ang halik na iyon.



Tahimik na kami ulit, magkatabi na kaming nakahiga ngayon sa aking kama, nakatalikod ako sa kaniya at siya naman ay nakayakap parin sakin. Malakas parin ang ulan sa labas. Di man namin nasabi pero alam kong nagkapatawaran na kami, maya maya pa ay pilit niya akong pinaharap sa kaniya at muling naglapat ang aming mga labi. Bahagya siyang kumalas sa aming halikan.



“Gaano mo ako kamahal, Migs?” tanong niya sakin, pero hindi na ako sumagot, inilapat ko nalang ulit ang labi ko sa mga labi niya.



0000ooo0000



“Kuya!” sigaw ni Matt, napabalikwas naman kami pareho ni Edward.



“Kuya, yung babaeng bakla nasa labas nanaman.” natatawang sabi ni Matt sakin di naman nito nahalata ang ayos namin ni Edward, bago ako bumaba ay inayos ko muna ang aking sarili.



“Miguel! Ano ba! Kanina pa kaya ako...” di na naituloy ni Faye ang sasabihin niya ng makitang kasunod kong bumababa si Edward ng hagdan.



“Kuya Edward sabi ni Kuya Marc, kain lang daw kayo dun sa kusina.” sabi nito kay Edward, sumunod naman ito kay Matt na hindi manlang tinatapunan ng tingin si Faye. Humarap ako sa babaeng bakla at hindi pagtaas ng kilay, hindi mapanuring tingin at hindi naniningkit na malisyosong tingin ang binigay nito sakin kundi nagaalalang tingin.



“Halika nga dito.” sabi nito at hinila ako palabas ng bahay at tumigil kami sa terrace.



“Alam mo namang ikakasal na siya diba?” tanong nito sakin, di ko agad ito na absorb at tumawa pa nga.



“Ha? Joke ba ito?” tanong ko sa kaniya habang unti unting napapalitan ng kaba ang pagtawa kanina. Unti unti ko ng nararamdaman ang pagsikip ng dibdib at ang panginginig ng aking mga kamay.



“Hindi, seryoso ako. Nakatanggap ako ng invitation, siya mismo ang nagbigay sakin, maliit na sobre yun.” bigla akong natigilan sa sinabing yun ni Faye ayon sa kaniyang pagde-describe ay parang nakakita na ako ng sinasabi nitong sobre. Agad akong napatingin sa basurahan malapit sa terrace. Agad akong lumapit dito at kinalkal ito na parang basurero.




Napatigil ako ng makita ang sobre na may nakalagay na “To: Miguel Salvador” sulat kamay ito ni Edward, halos nasa dulo na ng basurahan ang sobre, pero buti na lang ay andun parin ito.



“Migs?” tanong ni Faye sakin, para namang hinigop ang lakas ko at napaluhod na lang sa tabi ng basurahan. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Edward at Matt, napatingin sa hawak ko si Edward.



“Hala kuya! Bakit ka nagkalat!?” sabi naman ng kapatid ko.



Unti unti akong tumayo at bumalik paakyat ng aking kwarto, sumunod naman sakin si Faye at Edward para akong tumakbo ng ilang kilometro at basta ko na lang ini-upo ang sarili ko sa kama ko.



“Akala ko sinabi mo na sa kaniya?!” bulyaw ni Faye kay Edward.



“Pinabigay ko kay Al yung invitation, akala ko alam na ni...” natigilan si Edward.



“Kasalanan ko, di ko binasa, tinapon ko ito sa basurahan.” sabi ko at pareho silang napatigil.



“Faye, balik ka na lang bukas, please? Usap lang kami ni Edward.” sabi ko kay Faye, di na ito tumutol at tuloy tuloy ng lumabas ng kwarto ko.



“I'm so...” simula ni Edward ng makalabas na si Faye ng kwarto.



“Don't!” pigil ko sa sasabihin niya.



“Ano pala ibig sabihin nung nangyari kagabi?” tanong ko kay Edward, napayuko ito.



“Akala ko, pipigilan mo ako sa plano kong magpakasal, akala ko babalik ka na sakin, akala ko, ipaglalaban mo parin ako.” sabi ni Edward sakin habang patuloy paring nakayuko, nagpintig ang tenga ko at naibato ko sa kaniya ang invitation.



“Tignan mo ang picture ng magiging asawa mo. Tingin mo kung ipaglalaban ko kung ano tong meron tayo, tingin mo magiging masaya tayo? Hindi, Edward, walang mangyayari kung ako na lang ng ako ang lalaban. Kung itutuloy ko tong katangahan na to, magiging katulad lang din ito nung nangyari satin noon, magkakasakitan lang tayo.” sabi ko dito. Napaupo na din si Edward at tinakpan ng mga kamay niya ang kaniyang mukha.



Tahimik.



“Mahal mo ba siya?” tanong ko dito.



“Mas mahal kita.” sagot nito.



“Kaya mo bang ipaglaban yang sinasabi mo?” tanong ko ulit.



Tahimik.



0000ooo0000



“Malapit na ang kasal ni Edward ah, nagusap na ba ulit kayo?” tanong sakin ng tatay ko na ikinauntog ko naman sa hood ng aking kotse, bigla kasi itong sumulpot habang nagaayos ng makina ng aking kotse.



“Pa naman, bakit ba bigla bigla kang nasulpot?” humagikgik lang ito, pinagpatuloy ko ang pagkutingting ng makina ng aking kotse.



Tahimik.



“Alam mo nung lumipat yang sila Edward diyan sa kabila at nung nakipagkilala siya sayo, nun ko lang nakita ikaw na sobrang saya, nung una di ko ito pinansin pero nung magtagal mas lalo kong napapansin ito at napapansin ko rin na higit pa sa pagkakaibigan ang turingan niyo, pero ikinibit balikat ko lang ito.”



Tahimik. Patuloy parin ako sa pagkalikot ng makina ng sasakyan ko.



“Alam kong hindi mo kaya na wala siya, Hijo, alam kong ganun din siya pero alam ko rin na ikakasal na siya at yun ang tama, kung ano ang meron sainyo ay di pa tanggap ng lipunan, alam kong ito rin ang pangarap ni Edward, ang magkapamilya, pero di ko kayang nakikita kang nagkakaganiyan, Hijo.” Mahabang litanya ng matanda sa likod na tinatawag kong tatay. Medyo nangingilid na ang luha sa aking mga mata.



“Ikakasal siya pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kayo pwedeng maging mag kaibigan.” habol nito.



Tahimik ulit, nararamdaman ko ng namumuo na ang luha sa aking mga mata.



“Hijo, wag mong isara ang puso mo sa kaniya, wag niyong i-deny ang sarili niyo sa pinaka simpleng paraan ng pagmamahalan, ang pagkakaibigan.” sa sinabing yun ng aking tatay ay napaharap ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.



“Lakad na, alam ko magpapatahi na sila ng amerikana para sa kasal.” sabi nito sakin saka magiliw na ngumiti.


Itutuloy...


[Finale]
Kumalembang ang bell sa pinto ng shop kung saan nagtatahi ng mga pasadyang amerikana at gowns para sa mga ikakasal.



“Kuya Migs!” sigaw ni Al ng makita ako.



“Aray.. aray... aray.. aray.” bulalas ni Edward ng matusok ito ng aspili ng bigla itong humarap para makita ako.



“Ako po yung best man.” sabi ko sa nagsusukat, ngumiti naman si Edward sakin na sinuklian ko na lang ng isang magiliw na ngiti, lumapit ito sakin at niyakap ako.




0000ooo0000



Andito ulit ako, tulad nang sa simula paikot ikot ulit ako sa loob ng village, alam ko na hinahanap na ako sa simbahan dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasal ng aking bestfriend, pero di ko parin makita ang sarili ko na masayang nakatayo sa tabi niya habang naglalakad sa pasilyo ng simbahan ang magiging asawa niya. Bigla na lang nabasag ng pagring ng telepono ko ang aking pagmumuni muni.



“Hello?”



“Kuya, hinahanap ka ni Kuya Edward, gusto ka niyang makausap.” sabi ni Al sakin at agad naman akong pumunta sa simbahan.



0000ooo0000


Bumaba ako ng aking sasakyan at hinayaan ko ang aking mga mata na angkinin ang ganda ng paligid, para itong isang kapilya pero malaki ng kaunti, maganda ang garden na nakapalibot sa labas nito. Nagbuntong hininga ako, pero imbis na gumaang ang aking loob ay lalo itong bumigat. Hinanap ko sa bawat sulok ng simbahan si Edward pero sa side chapel ko ito nakita, nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy at nakatakip ng mga palad ang kaniyang mukha.



“Edward?” tawag ko dito, pero di ito tumunghay.



“Migs, tama ba itong gagawin ko?” tanong nito sakin ng maramdaman ang pagtabi ko sa kaniya.



Sanadali kaming napataimik.



“Mahal mo ba siya?” tanong ko ulit dito.



“Oo.” sabi niya, para namang may tumarak na kutsilyo sa aking dibdib, pero binale wala ko iyon. Naalala ko bigla ang sinabi sakin ni Pat.



“Tanggapin mo sana, kahit na sa proseso ng pagtanggap na iyon ay masasaktan ka.”



“Oh, yun naman pala eh, edi tama yan.” sabi ko na lang dito at pinatayo na siya, inayos ang kaniyang kurbatang kulay puti.



“Ok lang ba ito sayo?” tanong nito sakin.



“Kung san ka masaya dun ako, Edward.” sabi ko dito pero nararamdaman ko ang puso ko na tumututol sa sinabi kong iyon.



“You will make a perfect groom.” sabi ko dito nang matapos ko nang ayusin ang neck tie nito.



“Salamat.” sabi niya. Ngumiti lang ako.



“Pwede bang humingi pa ng isang favor?” tanong ulit nito sakin.



“Shoot.” sabi ko naman at hindi na siya nagsalita ulit.



Nagulat na lang ako nang inilapat na niya ang mga labi niya sa labi ko, masuyo ang halik na yun, hindi ring maikakaila na puno ito ng emosyon at ng humiwalay siya sa halik na yun ay pinanatili niyang nakadikit ang aming mga noo, nakapikit parin ito at parang ninanamnam ang aming nalalabing oras, iniyakap nito ang kaniyang mga kamay sakin, ganun din ang ginawa ko, magkadikit parin ang aming mga noo, unti unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Nagtama ang aming mga tingin.



“Dyan ka lang diba? Di mo ako iiwan diba?” parang bata na nagaalala ang tanong nito sakin.



“Oo, dito lang ako.” at isang luha ang tumulo sa aking pisngi.



0000ooo0000



“Perfect.”



Yan ang salitang namutawi sa aking mga labi, napakaganda kasi ng pagkakaayos ng simbahan, hindi man ito kalakihan pero ang pagkakagayak nito ay talaga namang nakakahanga, nagpaganda din dito ang mga bulaklak na magaganda ang pagkakaayos, pati na ang altar na pinuno ng puting mga rosas ay maganda din.



Tumayo na kami ni Edward sa may dulo ng pasilyo, iniintay ang kaniyang mapapangasawa. Nagsimula nang magprusisyon ang mga abay, di pangkaraniwan ang kasal na ito dahil walang mga bata, walang batang babae na magsasaboy ng bulaklak, isang dalagita ang siyang humalili sa pwesto nito. Sumunod ay ang ring bearer, si Matt ang aking nakababatang kapatid ang siyang gumanap dito.



Nagsimula ng tugtugin ng piyanista ang tugtog pangkasal, bumukas na ang malalapad na double door sa unahan ng simbahan, pumasok ang nakaksilaw na sinag ng araw sa labas ng simbahan at pumasok dito ang isang babae na nakaputi.




“Migs, ito nga pala si Mae, siya ang mapapangasawa ko.” pakilala ni Edward.



Bigla naman akong napatayo sa aking kinauupuan at itinigil bigla ang paglalaro ng dota sa PC nila Edward.



“Hi.” sabi ko dito at saka kinamayan ito. Napahagikgik naman si Al na siyang kalaban ko sa dota.



“Teka lang Migs ah, puntahan lang namin sila Mommy.” tukoy ni Edward sa kaniyang ina na nagluluto sa kusina.



“Pssss! Hi.” pangiinis na sabi sakin ni Al. Binatukan ko lang ito na lalo naman nitong ikinahagikgik.



“Matagal na ba silang magkakilala?” tanong ko kay Al habang busy sa paglalaro ng dota.



“Mga 3 years nadin.” sagot ni Al na tutok din sa paglalaro ng dota.



“Alam mo kuya kung nagstay ka lang, kung binigyan mo lang ng pagkakataon si kuya magpaliwanag, siguro wala yang si ate Mae sa eksena ngayon.” sabi nito, napatigil naman ako sa pagpipindot ng keyboard at napatitig lang sa screen ng computer. Narinig kong nagbuntong hininga si Al saka ako hinampas sa braso.



“Hoy! Yung nilalaro mo!” sigaw nito sakin.




Napakaganda ni Mae habang naglalakad sa pasilyong iyon, para itong anghel na bumaba mula sa langit, hindi eksaherado ang gown nito, tama lang, simple, pati na ang make up at ayos ng buhok. Hindi na nga kailangan nito ng make up. Maganda na siya maski wala ito.




Di ko mapigilan ang mapatitig kay Mae habang nakain kami sa hapag kainan nila Edward, maganda ito at sa kilos pa lang alam mong mabait ito, soft spoken at mahinhin, kaya't tuwang tuwa naman sila Tita habang nakikipag usap dito.



“...tanggapin mo sana, kahit na sa proseso ng pagtanggap na iyon ay masasaktan ka.”



Muli ko nanamang naalala ang sinabing iyon ni Pat atsaka maganang kumain at nagplaster ng isang totoong ngiti na hindi angkop sa aking nararamdaman.



Nang makarating na si Mae sa harap namin at ng ibigay ng ama nito ang kamay nito kay Edward ay parang namanhid na ang aking buong katawan maliban sa dibdib na bahagi. May parang nakasandal duon na isang gorilya. Mabigat sa damdamin. Pero pinilit ko paring ngumiti. Bago pa umakyat si Edward kasama ang kaniyang inaalalayang magiging asawa ay sumulyap ito sakin at nagbigay ng isang ngiti.


Nagsimula na ang seremonyas, tutok ang aking mata sa mga kinakasal pero lumilipad sa kawalan ang aking utak.



“Sana panaginip lang.” sabi ko sa sarili ko, pero may nakaplaster parin na ngiti sa aking mukha.



“I do.” sabi ni Mae sa tanong ni father. Muling nagsalita ang pari at binalingan ng tanong si Edward.



Matagal bago ito sumagot, bahagya kong ibinaba ang aking tingin at ng itaas ko ulit ito at nagpasyang ibalik ang aking tingin kila Edward ay nagulat nalang ako ng makitang nakatingin ito sakin. Mayamaya pa ay humarap ulit ito sa pari.



“I do.” sabi nito.



Lumipas na ang wedding ceremony at nakita ko na lang ang sarili ko na nagsasaboy ng butil ng bigas sa bagong kasal, nung ginagawad pa lang ang seremonyas ay parang inihagis ako sa isang nagyeyelong swimming pool, masakit, pero tiniis ko, hirap na hirap na ako sa kakangiti pero tiniis ko. Bigla kong naalala ang tanong nito sakin nung gabing umuwi kami galing sa after party ng alumni homecoming.



“Gaano mo ako kamahal, Migs?”



“Ganyan kita kamahal, Edward.” bulong ko sa sarili ko, umaasa na marinig niya ito habang abala ito sa mga nakikipagkamay sa kaniya palabas ng simbahan.



0000ooo0000



“Ok ka lang, kuya?” tanong sakin ni Al nang siguro ay mapansin nitong wala akong imik sa aking kinauupuan sa reception.



“Biruin mo si Kuya, kinasal na.” sabi nito na nakatingin sa akin na kala mo kinakabahan sa magiging reaksyon ko sa sinabi niyang yun.



“Kuya, tungkol nga pala dun sa nakita ko nung gabi na umuwi ka, hayaan mo di ko ipagsasabi.” sabi nito na ikinagulat ko.



Sa totoo lang ay nakalimutan ko na nakita nga pala kami noon ni Al na naghahalikan ng kuya niya nung gabing bumalik ako dito sa Cavite. Nagpakawala lang ako ng isang magiliw na ngiti saka ginulo ang buhok nito.



“Kuya naman eh!” sabi nito.



“Nga pala, bakit ka nagpainom nung gabing yun?” tanong ko dito, bigla naman itong namula.



“Uyyyy nagblush si utoy, siguro kaya ka nagpainom dahil sinagot ka na ng nililigawan mo ano?! Binata na si Utoy.” sabi ko dito sabay sundo't sa tagiliran niya. Bigla namang sumulpot ang kapatid ko na may dalang isang bandehado ata ng pagkain at sinisimulan ng lantakan ang lechon.



“Nako kuya, sino pa nga ba ang rason kung bakit nagpainom yan.” sabi naman ng kapatid ko habang nginunguya ang lechon.



“Sino?” tanong ko dito habang patuloy parin sa pagtusok sa tagiliran ni Al, napansin kong tinadyakan ni Al ang paa ng kapatid ko na ikinangiwi naman nito.



“Sino nga?” pangungulit ko.



“Tanga ka ba kuya o talagang manhid ka lang?!” sabi ni Matt habang hinihimas ang paananan niya, tinignan ko naman si Al, nagsisimula na itong magpanic pero pinisil ko lang ang pisngi nito sabay gulo ng buhok niya. Tumawa naman si Matt sa ginawa kong iyon.



0000ooo0000



Di ko na inintay pang matapos ang reception, nagmaneho na ako pauwi kasabay ang kapatid ko at si Al, di ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko, umakyat ako sa aking kwarto at hinila ang tali ng venecian blinds at binuksan ang bintana na matagal kong pinanatiling nakasara, humakbang ako palabas dito at umupo sa malaking sangha ng puno ng santol, napangiti ako sa sarili ko.



“Kuya, anong ginagawa mo diyan?” tanong sakin ng kapatid ko.



“Wala, gusto ko lang maramdaman...” napatigil ako, medyo nalungkot pero agad ding gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos magbuntong hininga at humarap sa kapatid ko at nginitian ito.



“Ahhh, gusto mo lang maramdaman ulit kung pano maging unggoy, gets ko na.” sarkastikong sabi nito saka umiling iling.



“Nga pala, may bisita ka sa baba.” nagtaka naman ako sa sinabi niyang yun, agad akong pumasok pabalik sa loob ng kwarto ko at bumaba papuntang sala, sinusundan ko parin ang kapatid ko, bago ako makababa ng hagdan ay narinig kong nagbukas ang frontdoor at narinig ang boses ni Al, tinatawag nito si Matt.



Napatigil akong bigla at muntik ng mahulog sa hagdan ng makita kung sino ang sinasabing bisita ng aking kapatid.



“Alex?” sabi ko.



“Bagay pala sayo ang amerikana, Migs.” sabi ng lalaking nakatayo sa may sala namin.





*-*-*- pagwawakas ng unang libro -*-*-*

No comments:

Post a Comment