Friday, January 11, 2013

Beautiful Andrew (Complete Story)

Glenmore Bacarro
By: gmore
Source: bulonghangin.blogspot.com


[01]
“Bakit sa akin pa nangyari ito?” tanong ni Andrea, dama sa kanyang mga mata ang hinanakit at ang tila ba ay panunumbat sa Diyos. Mariin siyang napapikit na wari ba’y ayaw niyang makita ang awa sa mga mata ni Nel habang nakatitig sa kanya.


Panlimang araw palang niya sa hospital pero mabilis ang mga pangyayari at nalaman na agad ang kanyang sakit, ang pagkumpirma ay galling mismo sa kanyang nurse na si Nel. Naging malapit ang loob niya sa kanyang nurse sa kadahilanang hindi niya naramdaman dito ang anumang panghuhusga sa kanyang pagkatao, bagkus ay ang masuyong pagtanggap bilang kung ano siya.

Andrew ang totoo niyang pangalan, Isa siyang cross dresser, retokada, kabilang sa third sex, mula pagkabata ay alam niyang hindi siya tulad ng iba. Pinanindigan niya ang kanyang nararamdaman, naging mapangahas siya, bukod sa pagdadamit babae, pagkilos babae at pagaayos babae ay nagpalagay din siya ng dibdib ngunit hindi kailanman sumagi sa isip niya na ipapalit ang kanyang pagkalalaki. Walang problema, natanggap nman siya sa mundong kanyang ginagalawan at naging masaya siya hanggang dumating ang araw na ito…

“May pag asa pa, marami naman ng makabagong paraan ngayon para masugpo ang kanser.” Pang aalo ni Nel. Sa isip niya ay ang panghihinayang sa isang taong hindi nakuntento kung sa anuman ang binigay ng Diyos sa kanya. Terminal stage, alam niyang bukod sa dasal ay may pag asa pa sa tulong ng mga makabagong teknolohiya, ayaw niyang magbigay ng maling pagasa, ngunit habang nakatititg sa taong ito ay hindi niya mapigilan na bigyan ito ng kahit katiting na pagasa. Bilang isang nurse ay hindi niya mapigilan na damayan ito sa kanyang paghihirap.

“Anong pagasa, nurse? Himala?” nagngingilid ang mga luhang tanong nito.

Hinagod ni Nel ang kanyang kamay at masuyo itong nginitian, “may pag-asa hanggat naniniwala ka” tinitigan niya ito at nakita niyang sumilay ang kislap ng pagasa sa kanyang mga mata, “handa kana bang maging si Andrew ulit?” nakangiting tanong niya ulit.

Napadako ang mga mata ni Andrea sa kanyang mga dibdib at di niya mapigilan ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang mga labi, tumango siya kay Nel, “sisimulan ko na rin magpatubo ng kilay” pagak siyang napatawa, “mabuti na lang pala nabura na lipstick ko” pagpapatuloy pa nito.

Nakahinga ng maluwag si Nel, parang nawala na ang kaninang may hinanakit sa mundo na kanyang pasyente.
---

Naging mabilis ang mga prosesong pinagdaanan ni Andrew, pinatanggal ang kanyang pinaoperang dibdib sa madaling panahon at sinimulan na rin ang kanyang mahaba habang gamutan.

“Kumusta na si Andrew?” bungad ni Nel sa pasyenteng nakahiga, wala na ang dibdib nito at nasasanay na rin siyang Makita ito na nakadamit pangospital o damit panlalaki ang sinusuot, meron din pala itong itinatagong angking kagwapuhan, dangan nga lamang ay maganda ito pag nagayos babae, itinatago ng mga kolorete ang kagandahang lalaki nito.

“Eto, pinapakapal na ang kilay at malamang magpapakalbo na rin” anitong tila may lungkot padin sa kaisipang mawawala na ang ilang taon din niyang pinahabang makintab na buhok, “mabuti ng ipakalbo ko na habang hindi pa naglalagas,…” tumingin siya kay Nel at naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin, “nagsimula na ang chemotherapy ko” wala sa sariling paglilinaw nito.

“Tutubo parin naman yan eh…”

“Oh, here’s my favorite nurse, I’ve been looking for you throughout the whole hospital!” Mula sa bumukas na pinto ay bumungad ang malamyos at masayang tinig, tila ba isang anghel na puno ng buhay, napadako agad ang tingin ni Andrew sa pinagmulan ng boses, at mula sa pinto ay nakita niya ang isang lalaking papalapit sa nakatayong si Nel, matipuno, maganda ang katawan, bumagay dito ang dilaw at hapit niyang polo shirt, maaliwalas ang kanyang mukha na animoy palaging bagong ligo.

Lumapit ito kay Nel at walang pagngingiming hinagkan niya ito sa labi, isang mabilis at tila ba mapanuksong halik, alam niyang halik iyon ng isang kaibigan dahil wala siyang nabasang kahit anong malisya sa pagitan nilang dalawa, ngunit hindi niya mapigilan ang panlalaki ng kanyang mga mata sa kanyang nasaksihan.

“Ooops!...sorry hindi ko napigilan, nakakagigil ka kasi eh” wika ng lalaki habang nakangiti at pinisil ang magkabilang pisngi ni Nel.

“Tarantado ka talaga!” Nakangiting hinampas ni Nel ang lalaki. “O bat ngayon ka lang? Diba dapat kahapon ka pa nandito? Nagkita nab a kayo ni Dr. De la….”

“Teka, di mo ba ko ipapakilala sa bago mong pasyente?” putol nito sa sasabihin ni Nel, at iginawi nito ang tingin sa nakahigang si Andrew.

Tila huminto ang ikot ng mundo ni Andrew, nakatingin sa kanya ang mala anghel na mukha ng lalaki, nakangiti at sumilay ang malalim na biloy nito sa kaliwang pisngi, mga matang tila ba nangaakit at puno ng buhay, bahagyang gumuguhit ang mga kunot sa noo nito sa pagkakangiti na siyang tila humihila sa singkitin nitong mga mata, na binagayan ng may katangusan nitong ilong. Malambot ang mga labi sa pagkakangiti na tila ba ay ayaw ipakita ang mga ngiping pantay pantay.

Hindi napansin ni Andrew na para siyang tangang nakatitig lamang sa mukha ng lalaki, hindi ito kagwapuhan, ngunit sa pagkakangiti nitoy lumabas lahat ng kanyang karisma. Narinig na lamang niya ang pigil na tawa ni Nel at ang pag ehem nito na tila ba may kung anong bara siyang tinatanggal sa kanyang lalamunan.

“Ehem..hmmm.. Carl, meet my favorite patient, Andea” nakakalokong ngumiti ito kay Andrew “An..Andrew, I should say,” tumingin ito uli sa kanya “and Andrew, this is Carl, my…”

“Hi Andrew, beautiful Andrew, nice meeting you” pagputol ni Carl kay Nel, tumitig ito ng may napakatamis na ngiti kay Andrew. Ngumiti lamang siya at muli ay hindi niya mapigilan ang pagtitig sa lalaking kaharap. Para bang kay sarap sa pandinig sa pagkakabigkas nito ng ‘beautifu Andrew’

“What’s his case?” baling ni Carl kay Nel.

“Ca..can…cer, breast cancer” pautal na sagot ni Nel “t..terminal stage, and he has a high chance of survival, especially if he continues his chemo as prescribed.”

“A high chance of survival,” natigilan ito saglit “good news then, ayt?” tumitig uli ito kay Andrew, saglit na nagtama ang kanilang mga mata, at sa pakiwari niya ay nabanaag itong takot sa mga matang kanina lang ay puno ng buhay.

“Anyway, Nel I’ll wait for you at the station, I’ll treat you for lunch…and name what you want to eat then I’ll buy it for you.” Iginawi niya uli ang kanyang tingin kay Andrew at kinindatan ito sabay ng napakatamis na ngiti. Tumalikod na ito at tinungo ang pinto.

Matagal ng wala si Carl pero nanatiling nakatitig parin si Nel sa pinto, tanging siya lamang ang nakakaalam kung anuman ang kanyang iniisip.

“S..sino sya?” tanong ni Andrew “I mean ano mo siya? Both of you seems to be so close?” paglilinaw niya sa tanong niya.

“Ah, si Carlos, kaibigan ko siya, palagi mu yan nakikita ditto pakalat kalat, at wag kang magataka kung ganun ang pakikitungo niya sakin dahil ganun siya sa lahat, sadyang makarisma at mabait ang taong yun…” natigilan siya habang nakatitig kay Andrew, “wag mong sabihing…nagkakagusto ka sa kanya?” wari ay nanunudyong biro niya ditto.

“Magagalit ka ba kung sakali?” balik tanong ni Andrew.

Natigilan si Nel, may kung anong agam agam at takot siyang nadarama. “H..hin..di, at alam kong walang magagalit sayo dahil wala akong alam na karelayon niya”

“Talaga?” kumislap ang mga matang bulalas niya, at hindi sya makapaniwala sa tinuran nito. Hindi niya sukat akalain na sa tono ng pananalita ni Nel ay okay lang sa kaibigan nito ang same sex relationship.

“At pwede pa kitang tulungan…” pambibitin niya at ngumiti ng nakakaloko, Masaya siya nang nakita niya ang kislap ng pag asa sa mga mata nito.

“P-promise?” parang batang nagsusumamo si Andrew.

“Of course Andrew…beautiful Andrew.” Humagalpak siya ng tawa pagkabigkas noon.
Natawa at sumabay nalang din si Andrew sa matutunog na halakhak ni Nel.

---

“Second operation!?” tila pinagbagsakan ng langit ang nadarama ni Andrew ng ipaliwanag sa kanya ni Dr. Santos ang gagawin nilang hakbang “tell me the truth doc, may pag asa paba ako?” tila siya batang humahagulgol. Hindi niya aakalain na hindi pa pala nawawala ang mga cancer cells sa kanyang katawan bagkus ay kumalat pa ito.

“That is the best choice para hindi lumala pa, we should remov ethose cancer cells bago pa mandin iinvade nito ang mga vital organs mo, there is a high chance for this second operation to be successful.”

“How about the risks doc, I know that there are possibilities that this operation will fail, and alam ko na pwedeng sa susunod ay baka hindi kayanin ng katawan ko…and ayoko ng buhay na patay doc, kung ikakamatay ko na lang din naman, why do such effort? No doc, ayoko na.”

“Mr. Tabuso, we just want you to know that we are doing the best we can do and we are offering the best choice for, hindi parin kami naggigive up, as soon as pumapayag kana, we’ll do the operation, I just hope that youll say yes sooner than later, pagisipan mo.”

Hindi na siya umimik at isinubsob niya ang mukha sa unan ng kanyang kama.


Kanina pa nakalabas ang doctor ng narinig niyang bumukas ang pinto, alam niyang si Nel iyon.
Naramdaman niya ang paglapit ng mga yabag sa kanyang kama, at ang pagupo nito sa katabing upuan.

“I need to be alone, Nel…” humihikbing wika nito. Hindi ito sumagot. Isa ito kung bakit napalapit ang loob niya kay nurse Nel, marunong itong making at hindi ito nagsasalita hanggat alam niyang hindi pa handing kausapin.

“Bakit ako pa?” patuloy niya “All I have wanted is happiness, i just needed someone to want me, to love me. I did things to satisfy their wants. To be accepted, ang gusto ko lang naman maging normal sa mundo ko. Pero bakit ito ang ibinigay niya? Wala ba akong karapatang lumigaya?”

Tahimik lamang siya, naramdaman ni Andrew na pinulot nito ang natanggal niyang bandanang pantakip sa ulo nito, masuyong mga kamay ang humagod sa kanyang likuran at batok, tila ba inaalalayang humarap sa kanya.

Dahan dahang humarap si Andrew, at nagitla siya sa taong kaharap. Si Carl.

Ngumiti ito, at dahan dahang isinuot ang bandana sa kanyang kalbong ulo, itinali niya ito, sakto ang pagkakahigpit na aimoy sanay sa paglalagay nuon. Dumako ang tingin niya sa mukha nito, naksilay padin ang maiklig ngiti sa kanyang mga labi, hinagod niya ang kanyang mukha, pinadaan ang mga daliri sa humpak na niyang mga pisngi, napapikit si Andrew sa ligayang hatid nito, naramdaman niya ang pagdantay ng mga daliri nito sa nakapikit niyang mga mata, at malamyos na pagdampi nito sa nangingitim na bandang ibaba nito. Pinahid niya ang mga luhang kanina pa ayaw tumigil, napamulat uli si Andrew, napatitig sa lalaking kaharap, itinaas ni Carl ang mga kamay at inayos niya ang bandana sa ulo nito,

“Tahan na Andrew, my beautiful Andrew” kasabay nito ay dinampian niya ng mahinhing halik ang pisngi nito.

Tulala, hindi maipaliwanag ni Andrew ang nararamdaman, dagli siyang bumitaw sa pagpapantasya at mahinang naitabig niya si Carl, lumayo ito ng bahagya at iniiwas ang paningin sa nuoy nakatitig paring si Carl.

“Na..na..saan si n,,nurse Nel?” mahina niyang sabi.

Imbes na sumagot ay ang nakakatulig na masayang halakhak ni Carl ang pumailanlang sa apat na sulok ng silid.

“Ahahaha! You’re blushing.” Tudyo pa nito na siyang lalong nagpamula sa kanya.

“Anong…” namimilog ang mga matang halos himatayin sa kahihiyan si Andrew.

“Oh common, you are blushing…” ulit nito at itinuro pa ang kanyang mukha. Sa inis ay isnubsob nalang ni Andrew ang kanyang mukha sa unan at nahiga uli.

Ilang sandal ding hindi natigil sa kakatawa si Carl, hanggang sa hindi na rin niya mapigilan ang mangiti at makisabay sa nakakahawang halakhak nito.

“Tarantado ka!” sabi nitong paharap sa kanya.

“yeah I know” sagot nito na nakaniti parin. “Now you’re more beautiful that you are smiling.”

“Hmmpp..” paiwas niyang sagot. “inaasar mo lang ako kasi retokado ako, ngayun pa na makapal na kilay ko, wala nakong dibdib…hmmp!”

“Sorry, I didn’t mean that…” Sumeryoso bigla ang mukha nito “you are beautiful in every single way, and…and you look better than the girl in that picture.” Nginuso nito ang larawan niya sa may side table, group picture iyon, sya kasama ang mga kaibigan, dinala iyon ni Zachie ng malamang magtatagal pa sya sa hospital.

“Hmmpp..!” napairap siya at lihim niyang sinumpa si Zachie sa pagdadala ng larawan na iyon.
bumalik uli ang mga ngiti sa kanyang mga labi. “wanna join me for lunch?” kumindat ito “treat ko wag ka mag-alala, baka sabihin naman ni Nel hindi ko inaalagaan ang paborito niyang pasyente.”

Napangiwi siya sa narinig “So utos lang pala ni nurse Nel kaya moko nilapitan ngayon?” ngumuso siya, nagkukunwaring galit “pati ba pagiging mabait mo utos din ni Nel?”

“Ahahaha! You are so beautiful when you’re doing that.” Napakatamis ng mga ngiti niya “halika na bago pa magbago isip ko.”

Tumayo siya at sumunod sa nauna nang si Carl, nawala na ang kanina ay takot at agam agam sa kanyang puso, tila ba nawala ang kanyang karamdaman sa mga ngiting iyon.


[02]
Naging malapit sina Andrew at Carl sa isa’t isa, halos lagi silang magkasama na nakikita sa kabuuan ng hospital, kung minsan ay nakakasama din nila si nurse Nel. Sweet at mabait sa kanya sina Carl at nurse Nel, at sa ilang araw nilang magkakasama ay hindi niya mapigilan ang mahulog ang loob kay Carl. Ang hospital ang naging tagpuan nila, matagal na ding hindi naka confine si Andrew, dumadalaw dalaw na lang din ito sa hospital para sa kanyang check up na kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya gagawin, kung hindi lang dahil sa kung minsan ay sinusumpong siya ng panghihina at pagsusuka, at higit sa lahat sa hospital lang niya lagi nakikita si Carl. Halos ginawang bahay na ni Carl ang hospital, hindi niya alam kung saan ito nakatira bukod sa isang kwarto sa hospital na kanyang pinagtatambayan pag naroon ito. Ang tanging alam lamang niya ay ulila na siyang lubos at ang namayapa nitong ama ay stock holder sa hospital na ‘yon.

Himalang wala itong cellphone, kahit halos lahat na yata ng tao sa mundo ay gumagamit nito, natanong niya minsan at tanging kibit balikat lang sagot nito sabay sabing aanhin niya pa ito? Ayaw man niyang aminin ay tuluyan ng nagagapi ng pag ibig ang lahat ng kanyang takot, hindi niya kayang ipagtapat kay Carl ang nararamdaman dahil sa tuwing nagbabalak siya ay parang lumalayo si Carl sa kanya, para bang nagtatayo ito ng pader sa pagitan nila kapag nagtatangka siyang ipadama dito ang lihim niyang pagibig. Ngunit alam niya, sa bawat salita at tingin sa kanya ni Carl ay mayroon din itong nararamdaman para sa kanya, kailangan lang niya itong paaminin, ngunit papaano?

---

 “But why Carlo?!...’di bat handa na ang lahat? Bakit ngayon umaatras ka?!” halos pasigaw na ang boses ni Nel, dinig na dinig ito ni Andrew habang papalapit siya sa pinto ng Conference Room, sinabi ni nurse Jamie na dito raw niya matatagpuan sina Nel at Carl.


“I told you my reasons, Nel… I just can’t.” mahinahon na sagot ni Carl.


“No, Carl... you should do it, please… for me, for all of us” tila nagmamakaawa na ang boses ni Nel.

“I changed my decision, I’m ready for the consequences… you can’t chance my mind Nel. I don’t want you to understand, I just want you to know.” Pagtatapos ni Carl.


“But Carl,” garalgal ang boses ni Nel, pagdakay halos pabulong itong nagsalita “it’s because of him, right? Its Andrew.”


Kumabog ang dibdib ni Andrew pagkarinig niya sa kanyang pangalan, pipihitin na sana niya ang pinto ng biglang may kung anong kirot ang sumirit sa kanyang dibdib, parang sasabog ito at waring gustong kumawala ng nagpupumiglas niyang puso, sisigaw sana siya para humingi ng tulong ngunit wala ng namutawing salita sa kanyang bibig dahil tuluyan na siyang nawalan ng ulirat, mabuti na lamang at makapal ang balabal na nakabalot sa kanyang ulo kaya hindi ganon kalakas ang hampas ng kanyang ulo sa sahig.


Pagdilat ng kanyang mga mata ay mukha agad ni Carl na alalang alala ang kanyang nabungaran.

“Are you okay beautiful?” nakangiti ngunit nagaalalang tanong nito, hinalikan niya ito sa noo.


Napangiwi si Andrew sa tinuran nito ngunit tumango na lamang siya at iginawi ang paningin sa dalawang taong naguusap sa may pintuan, sina Dr. Santos at nurse Nel.

Lumapit ang mga ito ng may pagaalala, “How’re you feeling Mr. Tabuso?” tanong ni Dr. Santos. Tahimik lang na nakamasid si Nel, idinako nito ang paningin kay Carl at dagling tumango.


Tumango din si Carl na naintindihan ang ibig sabihin ni Nel, masuyong hinalikan nito ang kamay ni Andrew, tumalikod at tinungo ang pinto.

Masuyo ang halik at ramdam niya na puno ng pagmamahal, ngunit bakit kung minsan ay umiiwas ito.
Naguguluhang itinuon niya ang paningin kay Nel, matipid na ngiti ang isinukli niya dito.


“Ahmm…Mr. Tabuso, we really have to do the operation” walang pasakalyeng paliwanag ni Dr. Santos, “base sa mga signs and symptoms mo, maaring lumala o kumalat na ang mga cancer cells”  dagling tumigil saglit ang doctor “Mr. Tabuso, you have a high chance of survival, kung papaya ka lang sana… we are just concern sa kalagayan mo, Andrew” lumambot ang boses na pagpapatuloy ng doctor.


“Give me time to think doc.” Ang tanging nasagot niya at tumalikod sa dalawa, ayaw na niyang magi sip, gusto niyang mapag isa.

Lumabas ng kwarto ang dalawa, iiling iling si Nel at may mapait na ngiti sa kanyang mga labi, sa isang saglit din ay napatiim bagang sya, tila ba may kung anong iniisip na nagpaparanas sa kanya ng galit at sakit.


[03]
“They told me, you’re still not in to it… Andrew, beautiful Andrew, they knew best.” mula sa pinto ay biglang sumulpot si Carl, nakatalikod siya dito at nakaharap siya sa bintana at nakatanaw lang sa kawalan.

Napapikit siya pagkarinig niya sa boses nito, nasasanay na siya sa pagtawag nito sa kanya ng Beautiful Andrew, at ang malamyos nitong boses ang tila ba nagbibigay lakas sa kanya kung kayat hindi pa sya tuluyang gapiin ng sakit niya gayung tinanggihan na niya ang ibang mga gamot at maging ang magpaopera, natanggap na niya ang kamatayan niya, ngunit sa bawat sandaling nakakasama niya si Carl ay sumusilay ang pagasa sa kanyang dibdib.


Lumapit siya sa tabi nito at itinuon din niya ang tingin sa kawalan, medyo mataas pa ang araw sa bandang kanluran, ang liwanag mula sa bintana ay dagling tumama sa pagod niyang mukha, wala ang sigla na dati rati ay laging nakasilay rito. Napabuntong hininga ito, malalim na tila ba ninanamnam ng bawat himaymay ng kanyang katawan ang hangin na kanyang nilalanghap, dinig na dinig ito ni Andrew.


“Ano ang pinaguusapan niyo kanina ni nurse Nel,” tanong nito na hindi parin nakatingin sa kanya “narinig ko ang pangalan ko…b-bago ako himatayin.” Sinulyapan niya ito.


“Nothing, it’s…it’s about…n-nothing. Wag mo nang isipin yon, may mga bagay kang dapat pagtuunan ng panahon kesa don.” Sagot ni Carl na iniiiwas nito na magtama ang kanilang mga mata.


Napabuntong hininga si Andrew, at hindi na nagsalita pa, tama si Carl may mga bagay na mas higit niyang pagtuunan ng pansin, itinuon niyang muli ang tingin sa malayo.


“Come, I’ll show you something” bigla ay bumalik ang sigla sa boses ni Carl, nakangiti ito at kita sa mga mata ang tila sorpresa na gusto niyang ipakita dito.

Tatanggi na lamang sya ng hilahin ni Carl ang kanyang kanang kamay at akayin siya patungo sa pinto.

Naglakad sila sa may pasilyo at tumigil sa harap ng elevator, nasa pangalawang palapag ang kanyang kwarto. Hindi parin mawala ang ngiti sa mga labi ni Carl, sumakay sila at pinindot niya ang number 5 ang pinakamataas na palapag.

Pagkalabas sa elevator ay inakyat nila ang ilang hakbang na hagdang bakal patungo sa isang makipot na pinto, tumigil sandal si Carl, humarap kay Andrew at ngumiti ng matamis.


“Ready?” tumango siya bilang tugon, “here we go…”

Binuksan niya ang pinto, sa una sinalubong sya ng nakakasilaw na araw, ilang sandali din siyang nagadjust ng paningin matapos ang ilang pagkurap, at unti unti ay tumambad sa kanya ang animoy mala harding tanawin, ang halos kabuuan ng rooftop ay puno ng halaman at bulaklak, isang landscape masterpiece sa isang lugar na hindi mo aakalain na pwedeng maging ganon.

Hindi niya akalain na sa itaas pala ng hospital na iyon ay may mala langit na lugar, sa hilagang bahagi ay nakapila ang mga bansot na kawayan na halatang alagang alaga, kasama ng mga ito ang manaka nakang halaman na mala cherry tree na nagsisimula palang mamukadkad ng mga matiting kad nitong bulaklak.

Sa isang sulok ay isang fountain na bagamat hindi umaandar ay mas nagbigay buhay sa paligid dahil sa kumakapal na mga lumot at ferns na nakakapit na ditto, sa kabila ay nakatayo ang isang maliit na nipa cottage na tulad ng sa mga de kalibreng resort, dahil na din sa nakita niyang nakausling aircon sa isang sulok nito.

Nakatayo siya mismo sa pathway na gawa sa bricks at pebbles, na tila ba isang hari na maglalakad patungo sa kanyang trono, sa magkabilang gilid ay sari saring mga bulaklak at halamang nakaayos na sobrang nakakaaya sa mata. Itinuon niya ang tingin sa kung saan patungo ang pathway at hindi niya napigilan ang mapangiti at mamangha ng makita niya ang isang maliit na gazebo, doon ay may bakal na swing na nakasabit sa dalawang poste ng gazebo na halos puluputan na ng puti at pulang vine roses na hitik na hitik sa bulaklak.

Sa tabi nito ay isang maliit na puno na wala ng mga dahon at may mga napakaraming sanga, parang patay ang punong iyon, ngunit mas nabigyan nito ng kakaibang buhay ang kabuuan ng tanawin.

Napakaromantiko ng lugar, at hindi niya mapigilan ang ihakbang ang mga paa at tinungo ang duyan, naupo sya doon at nilingon si Carl na seryosong pinagmamasdan sya.


“I never thought may ganitong lugar ditto…” iginala niya ang paningin sa paligid “bakit ngayon mo lang ako dinala ditto?” kunwari ay nagtatampong ingos niya rito. Napakamot lang ng ulo nakangiti at pailing iling ang papalapit na si Carl.

Naupo ito sa tabi niya, at itinuon ang tanaw sa nakakasilaw pang araw, napapikit siya at ninamnam niyang muli ang paghugot ng napakahabang paghinga.


Pinagmamasdan sya ni Andrew, at bumilis ang tibok ng kanyang puso, halos gusto niyang yakapin ito at haplusin ang maamo nitong mukha, napagmasdan niyang tila humumpak ng kaunte ang mukha nito, parang nagbawas ito ng timbang na syang lalong mas bumagay ditto dahil mas napansin ang prominente nitong cheekbones at panga.


“But this is not the thing I want to show you” putol ni Carl sa kanyang pangangarap.


“Huh? May mas maganda pa ba dito, saan?” aniyang luminga linga.


“Wait for me here” tumayo ito at tinakbo ang cottage sa bandang likod.


Naghintay siya ng ilang saglit, lumabas ito na may hawak na tabo na may lamang tubig.

“Come, fallow me.” Sumenyas ito sa kanya na sundan siya.


Naglakad ito patungo sa sulok kung saan ay nagtapos ang mga nakahilerang bansot na kawayan, huminto ito saglit sa may harap ng halamang parang cherry tree, hinawi niya ang isang sanga nitong halos mabali na dahil dami ng kulay peach na bulaklak nito.

Sinulyapan niya si Andrew at sinenyasang lumapit, “Come, I want you to see it.”

Lumapit siya, at hinanap ang anumang bagay na tinutukoy nito ngunit wala siyang Makita, napakunot siya ng noo at tiningnan si Carl ng may pagtataka.

“Ahaha…” pagak na tawa ni Carl, “there…there it is beautiful Andrew” at itinuro ito.

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito, at hindi niya naitago ang pagkadismaya sa nakita.

Sa sulok ng gusali, isang bahagi nito ang tila ba marupok sapagkat tila gumuguho na ang mga bato, at doon ay may isang halamang tumubo sa isang halos naka hung na bato, na kung hindi dahil sa mga ga-hiblang ugat nito na nakakapit sa mas matibay na parte ng pader ay gumuho na rin ang batong kinapitan nito na kung mangyayari man ay maaaring isasama din nito sa paguho pababa ang halamang nakakapit dito.

“I always see to it na hindi ito nagagalaw ni Nel o ni manong Jessy…yung taga pagalaga sa garden na ‘to, baka kasi pag sila ang nagalaga sa halamang ito ay baka tuluyang mahulog,” isinawsaw niya ang kamay sa tabo at maingat na pinapatak ang tubig sa mismong mga ugat ng halaman, kailangan pa niyang i-bend ang katawan upang maabot ito “imagine…five floors, wouldn’t that be a certain death?” tila tanong nito sa sarili habang ipinagpapatuloy ang pagdidilig. “hindi ko hahayaang mangyayari iyon sa kanya” aniyang may pagmamahal sa mga mata.

Nakaramdam ng tila pag kainggit si Andrew, mabuti pa ang halamang iyon at pinapakitahan ng pagmamahal ni Carl, pagmamahal ng parang sa isang kabiyak. May topak ba ang taong ito? Sa dinami rami ng halaman dito sa garden any yung suicidal pa ang trip alagaan? tanong ni Andrew sa sarili.

“You’re like this plant, you know?” bigla ay sabi nito.


“Huh?” naguguluhang tugon niya “Ako? Bat mu naman nasabi yan?” pag kuwa’y tila kinilg sa kaisipang ang halamang kinaiinggitan niya ay inihahalintulad sa kanya.



“That you still have a chance, that as long as your roots grasped this wall you won’t fall” seryosong turan nito. Patuloy lang ito sa matagalang pagdidilig.

“Ows? Then maybe you’re the stone kung saan ako nakatuntong?” may panunuksong wika niya.


“Bakit mo naman nasabi ‘yon, huh?” itinigil nito ang pagdidilig, ipinunas ang basang kamay sa laylayan ng kanyang damit.


“That as long as you’re there I wont fall?”


“Shouldn’t that would be the other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember your roots hold me.” Napakaseryosong turan nito, noon lamang siya nakita ni Andrew na naging ganon ang reaksyon.

Ngumiti lamang siya, gusto niyang sabihin dito na sya ang dahilan kung bakit sya masaya at syang dahilan kung bakit hindi pa sya tuluyang bumibitaw. Nais niyang iparamdam dito na mahal na mahal na siya nito. Gusto niyang ipagsigawan sa mundo na handa niyang gawin ang lahat maangkin niya lamang ito. Nakatitig sya sa mga labi niya at pinipigilan lamang niya ang sariling siilin ito ng halik.

“This plant will bloom orange, or perhaps yellow…yes, I like it yellow.” wala sa sariling pagiiba nito sa usapan.


“Tangek! Adik ka talaga, puti at at violet lang ang kulay ng bulaklak ng halamang yan.”

“Hahaha..I know, but I want this one to bloom in pale yellow, that’s why I think this one is special”


“E ano naman ibig sabihin niyan sayo pag namulaklak nga yan ng dilaw?”

“Sus..tinatanong paba yon? Syempre it means…” tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakloko “it means you are my Beautiful Andrew” sabay halakhak nito ng matutunog na tawa.

“Tarantado!” ngunit hindi niya din mapigilan ang matawa, “halika na nga, baka lamukin ka pa d’yan.”


[04]

“Do you believe in miracles?” walang anu ano’y tanong ni Carl habang naglalakad sila pabalik sa gazebo.

Napatigil saglit si Andrew sa paglalakad at tiningnan kung seryoso ito, “oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?” sagot niya.

“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…” sagot nitong malamlam ang mga mata “even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”

Ngumiti siya sa tinuran nito, “Have you found your miracle, Carl?” tanong niyan muli.


“Probably…” biglang lumungkot ang mukha nito at iniiwas ang tingin, “Have you seen my miracle?” halos kasabay din nitoy ang muling pagsaya ng kanyang boses.


“You have miracles, huh? Ano yun aber?”


“That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…” tumigil ito saglit at sumeryoso ang mukhang tinitigan siya nito, “Andrew, I want you to live… I want you to live and see my miracle.”
Naaaninag sa mga mata nito ang tila pa paghihirap ng kalooban.

Nais niyang yakapin ito sa mga sandaling iyon, nais niyang ipagtapat na dito ang nararamdaman, ngunit tulad ng dati ay parang naramdaman ito ni Carl at umiwas.


“Sa..sandali l-ang, ibabalik ko lang ‘tong tabo, at…at the cottage,”

“Sama na ko, isa pa gusto ko ring makita ang loob niyan,” inginuso niya ang cottage.

Sumunod sya rito, pinagbuksan siya ng pinto at pinatuloy


“Dito ako mas lumalagi pag wala ako sa kwarto ko sa 2nd floor, this is my resting place, when I want to unwind, to relax…”

Simple ang loob ng cottage,sa gitna ay may isang kama na kasya ang dalawa, sa tabi nito at side table na may lampshade, nakaharap ito sa isang tv at dvd set. Sa bandang kanan ay may pinto patungo sa isang maliit na cr. Sa kaliwa ay may isang malaking bintanang natatakpan ng malambot na puting kortina, nakaharap sa may kanluran kalinya sa may gazebo, kita ang halos buong garden, dito ay may maliit na mesang salamin at dalawang bakal na upuan na may dalawang kulay pulang throw pillow. Sa mesa ay may nakapatong na orchid sa isang maliit na paso, may pulang bulaklak din ito. Simple ngunit parang napakasarap tirhan kung masasabi na bang tirahan ang cottage na yon.


Lumapit siya sa may bintana at hinawi ang putting telang nakatabing, malapit ng lumubog ang araw, at halos anino na lamang ng lahat ng bagay ang naaaninag, napakaganda ng tanawing kanyang nakikita, hindi nakikita ng buo ang papalubog na araw dahil sa puno sa may gazebo ay natatakpan ng mga dahon nito. …mga dahon… napasinghap sya. Parang kanina lamang ay patay ang punong iyon.


Natawa si Carl, kanina pa pala ito sa tabi niya at pinagmamasdan siya, may hawak iton dalawang bote ng San Mig.Light. marahil ay nabasa nito ang iniisip niya, iiling iling na ipinahawak nito sa kanya ang isang bote at ipinatong ang sa kanya sa mesa, may kung anong inabot ito sa gilid ng bintana.

“Tirador?” manghang tanong ni Andrew, talagang may sayad na ata ang lalaking ito, sa isip isip niya.

Mula sa may mesa ay pinulot ni Carl ang tansa, niyupi niya ito sa gitna gamit ang mga daliri at walang imik na ibinala sa tirador, itinutok niya iyon sa puno at pinakawalan ang bala.

Parang sumabog ang paligid, dahil ang katahimikan kanina ay binulabog ng mga pakpak na nagpapagaspas, halos limampung ibon ang nagsiliparan mula sa patay na puno sa may gazebo. Hindi mapigilan ni Andrew ang mamangha, dahil bukod sa mga ibon ay tumambad sa kanya ang papalubog na araw na na-accentuate ng mga sanga ng patay na puno, na tila ba mga ugat na nananalaytay sa kabuuan ng papalubog na araw, mga aninong nagpabitak bitak sa araw, at tuluyang umagos ang maladalandang sinag nito sa kabuuan ng silid.

“Hindi talaga ako magaling na shooter, too bad not a single one fell” si Carl, abot tenga ang ngiti.


“It’s beautiful… the sun, the tree…”


“Yup, that was not intended, I used to watched the sunset d’yan sa gazebo kasi hindi ko nakikita ng buo mula rito, but when the tree died, ditto ko na lagi pinagmamasdan ang araw sa kanyang pamamalam…” tila may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng bigkasin niya ang mga salitang iyon, “then the birds came…”


“Yeah…the birds, unbelievable…and the tree.” ulit nito.


“Even death has its own beauty…” wala sa sariling sagot ni Carl, seryoso ang mukha nito at sa mga mata ay nagngingilid ang mga luha, iyon ang kauna unahang nakita ni Andrew ang lungkot sa mga mata ni Carl “that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.”

Mataman niyang tinitigan si Carl, “C-arl…” anas niya.

“I want you to live, Andrew” mahina ang salitang iyon, “be like those birds, they fly, they sing and they can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after sunset.”

Pumatak ang unang butil ng luha sa kanyang mga mata, hindi sya makaimik, tinanggap na niya na hindi na sya gagaling, tinanggap na niya na tanging himala lamang ang makakapagpagaling sa kanya. Paano niya sasabihin sa kanya na kaya ayaw niyang magpaorera ay dahil takot na siyang baka paggising niya ay magbabago ang lahat, paano kung hindi na sya magising at magiging pasanin na lang bilang lantang gulay?

Muntik na niyang ikamatay ang unang operasyon, mas nanaisin na laman niyang hayaang gapiin ng cancer ang kanyang katawan kaysa madiliin niya ang kanyang kamatayan.

Lumabas sa banyo si Carl at mukha na itong nahimasmasan, nakalahati na niya ang iniinom niyang beer sa kahihintay dito. Umupo siya sa isa sa mga silya, madilim na ng mga oras na iyon tanging ang liwanag galing sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa loob ng cottage. Sa garden nakabukas ang mga ilaw doon ngunit hindi parin ito kasing ganda sa tuwing umaga.

“Andrew, can you promise me one thing?” seryoso si Carl, at napakislot si Andrew sa tinuran nito, hindi na sya nasasanaw na tawagin ito sa pangalan lamang niya.

“Yes, Carl?” pagdidiin nito.

“C-can you promise me that you’ll never fall inlove with me?” tumitig sya sa kanya, binabasa ang kanyang reaksyon.

“Ah-..wha..t?...” pautal na tanong ni Andrew, gayong dinig na dinig niya ang sinabi nito.


“Promise me not to love me, that you won’t fall…”


Paano ba niya sasabihin kay Carl na nahulog na siya ng husto, na mahal naa mahal na niya ito. Heto sya ngayon at pinapapangako niya siya upang waag siyang mahalin, ngunit bakit? Bakit ayaw niyang siya ay mahalin, alam niyang nagsisinungaling lamang ito dahil ramdam niya mahal rin sya nito.

“What if I can’t?” mapaghamong sagot niya.


“Then perhaps, we should stop seeing each other…” seryosong tinitigan sya nito.


Sinalubong niya ang mga titig na iyon at sarisaring emosyon ang kanyang nararamdaman. Halos sumabog ang dibdib niya sa lakas ng kabog ng kanyang puso, at may kung anong pwersa ang nagtulak sa kanya upang ilapit ang mukha niya at dampian ng halik ang mga labi ni Carl. Malambot ang mga labi nito kahit hindi ito gumanti, bagkus ay napapikit lang si Carl at hinintay ang paglayo ng halik niya. Dumilat ito, sa kanyang mga mata ay nababanaag ang labis na paghihirap sa pagsikil sa kanyang damdamin.

“Promise me, Andrew…” halos pabulong na wika nito. “Don’t fall inlove to me…don’t love me, say it…promise me.” sa kanyang mga mata ay ang pagsusumamo.


Sa halip na sagutin ay nagtangkang halikan niyang muli ito ngunit umiwas si Carl.


“Say it… promise me.”

“P-pro…mise.” At iyon ang nagsilbing hudyat upang muli ay maglapat ang kanilang mga labi.

[05]
Sa simula ay matipid ang mga halik ni Andrew, maingat, tinatantya kung ano ang magiging tugon ni Carl.

Malambot ang mga labi ni Andrew, mainit, matamis...nang lumapat ang kanyang mga labi ay sandaling ninamnam niya ang ligayang dulot nito, at tulad ng sa isang ibong nakalaya, nagpaubaya sya sa dikta ng damdamin, dahan dahang kusang gumalaw ang kanyang mga labi upang tumugon sa mga nagaalab na halik ni Andrew.

Napapikt siya sa ligayang naguumapaw sa kanyang puso, nawala ang kanina’y agam agam sa kanyang puso, nawala ang takot at pangamba sa mga maaring mangyayari kinabukasan. Ang tanging alam niya ay nakakulong siya ngayon sa init at ligayang hatid na kanyang nadarama.

Naging mas mapusok ang mga halik ni Andrew na sinabayan na rin ng mga nagaalab na tugon ni Carl.

Ninanamnam ng bawat isa ang tamis at init ng kanilang mga halik, kusang nagtatagpo ang kanilang mga dila at tila ba yaw magpadaig sa bawat isa. Unang bumitaw si Carl, inilayo niya bahagya ang mukha at tinitigan si Andrew, pinadaan niya ang mga daliri sa mukha nito, sinundan ang bawat kanto na animoy iginuguhit niya ang mukha ni Andrew.
Ngumiti ito at sa mga mata ay nakadungaw ang mga pigil na luha, “You are so beautiful Andrew” anas nito.

Seryoso nitong pinadaan muli ang daliri sa kabuuan ng kanyang mukha, napikit si Andrew sa ligayang hatid nito, dama niya ang maiinit na daliri ni Carl, kusa niyang hinalikan ang mga ito ng napadaan ito sa kanyang mga labi. Halik na ipinagpatuloy niya sa kanyang palad, pataas hanggang sa nasumpungan nitong muli ang kanyang mga labi.

Hinila niya sii Carl palapit sa kama habang ang isang kama’y nitoy hinuhubad ang kanyang t-shirt. Naupo ito doon at umusog pumagitna, nakatigtig lamang ito sa kanya. Mula sa pagkakatayo ay hinubad ni Carl ang mga damit hanggang sa ang brief na lamang niya ang natira, ditto ay nakaumbok ang naghuhumindik na niyang pagkalalaki, sa kama ay nagtatanggal na din ng pantalon si Andrew.

Sumampa sa kama si Carl at hinanap nito ang mga uhaw na labi ni Andrew. Walang sawa nilang pinagsaluhan ang labi ng bawat isa, sa mga mumunting kagat at pagsipsip sa dila ng bawat isa na lalong nagpasidhi sa libog na kanilang nararamdaman. Ang kanilang mga kamay ay ginagalugad ang bawat teritoryong kanilang napupuntahan, mga himas na animoy noon lang naramdaman. Ang init ng kanilang mga palad ay dinadama ang bawat isa kaalinsabay ng mga mahihinang ungol ng kaligayahan.

Mula sa kanyang mga labi ay ibinaba ni Andrew ang halik sa leeg ni Carl, ang kiliting dulot nyon ang nagpasinghap sa kanya, ngunit saglit lang nagtagal ang mga halik na iyon sa kanyang leeg dahil lumipat ito sa kanyang dibdib, inilabas ni Andrew ang dila at duon ay pinasadahan ang itaas na bahagi ng dibdib ni Carl patungo sa kanyang utong.

Walang pagsidlan sa sarap ang nadama ni Carl ng maramdaman niya ang init ng dila ni Andrew sa kanyang utong, duon nagtagal ito, nilalaro laro ng dila nito ang nakatayong utong at manaka nakay sinisipsip ito, habang ang isang kamay ay patuloy sa paghimas at pa kuwa’y pagkurot sa kabilang utong niya, samantalang ang kabila naman ay ang paghimas pataas baba sa kanyang puson at sa nakaumbok niyang pagkalalaki.

“Oooohhhh….” Mga ungol na hindi mapigilan ni Carl.

Pagkadinig sa mga ungol ay lalong ginanahan si Andrew, mula sa salitang pasuso sa mga utong ni Carl ay pinadaan niya ang mainit niyang dila at mga halik pababa sa tyan nito, sinusundan ang mga linyang naghihiwalay sa mga abs nito. Hinalik halikan at kinagat kagat at pagdaka’y sinisipsip, ang kabuuan nito.

Halos hindi maipaliwanag ang nadarama ni Carl ng mga oras na iyon at tuluyan na siyang ginapi ng kanyang libog, sa sobrang sarap ay itunulak na nito ang ulo ni Andrew pababa sa naghuhumindig niyang ari. Naintidihan naman ito ni Andrew at nagpatianod ito sa kagustuhan niya. Dahan dahan nitong ibinaba ang huling saplot ni Carl at tumambad sa kanya ang galit nag alit na ari nito, at tila nanunuksong dinilaan niya ang pinakabutas nito at malasahan ang puting likidong naroroon. Napasinghap si Carl ng maramdaman niy ang pagdampi ng dila ni Andrew.


“Ooooohhhh…shit!...ang sarap moooohhh” hindi mapigilan ni Carl ang magmura ng naramdaman nitong tuluyang isunubo ni Andrew ang kanyang pagkalalaki, at ang dahang dahang pagsubo nito sa kabuuan niya, mainit…masarap.


“Ooohhhh…Andrew…shit!..Aaahhh..” tila asong ulol na nababaliw si Carl, habang tuloy ang paglabas masok nit okay Andrew. Masarap ang ginagawang pagsipsip at paghigop ni Andrew, mapaglaro ang dila nito sa kabuuan ng kanyang ari, wala itong kapaguran at tila ba sabik na sabik sa kanyang ginagawang pagpapaligaya kay Carl, habang nilalaro na rin nito ang sariling ari.

Ilang saglit pa nararamdaman na ni Carl ang kanyang nalalapit na pagsabog, kung kayat mas bumilis ang bawat ulos nito na sinasalubong naman ng mainit na si Andrew, mabilis at pabilis ng pabilis hanggang sa nanginig ang kanyang mga binti at pumulandit ang malapot at masaganang katas sa loob ng kanyang bibig, kasabay ng pagbulwak ng kanyang sariling tamod na tumalsik sa binti ni Carl at sa kubre kama.


“Oooohhhh…I’m cumminggg…ohhhh.” Sinalo lahat ni Andrew ang katas ni Carl hanggang sa mahimod niyang lahat. Wala siyang tinira, at hindi tulad ng nakagawian niya ay nilunok niya ito, matamis si Carl.

Nanlalatang nahiga sya sa tabi Carl, niyakap siya nito at natulog ng may mga ngiti sa labi.
Ang huling naramdaman na lamang niya ay ang masuyong halik sa kanyang noo at ang mala panaginip na pagbigkas ni Carl ng “I Love you, beautiful Andrew”, alam niyang hindi panginip iyon dahil dama niya ang pagmamahal.


[06]
Nagising siyang wala na si Carl sa tabi niya, mag aalas otso na ng umaga. Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa nagdaang gabi, magaan ang pakiramdam na bumangon siya at nagbihis. Sa loob loob niya ay nakapagpasya na siya ng kanyang desisyon, kailangan niyang mabuhay para kay Carl, para sa kanilang dalawa. Hinanap niya si Carl sa paligid ngunit wala ito, lumabas sya sa garden ngunit ni anino nito ay di niya nahanap.

Maghapon niyang hinanap si Carl sa buong hospital ngunit wala ito, nagtanong din sya kay Nel ngunit wala din itong ideya kung saan ito nagpunta. Nadismaya man sya sa kanyang maghapon ay hindi sya nawalan ng pagasa, umuwi sya sa kanilang bahay at nangakong aagahan bukas ang pagpunta sa hospital at baka sa kaling nandoon na ito, bukod pa doon ay nakapagpasya na siya, kakausapin niya si Dr. Santos at sabihing pumapayag na sya sa pangalawang operasyon, tiyak matutuwa ditto si Carl,, nais niya itong sorpresahin, tamang tama dahil nalalapit na ang Christmas party sa Hospital. Bukod kay Carl at sa kanya ay may mga piling piling bisita at pasyente na naimbitahan para sa munting salusalo sa pagdiriwang.

Kung hindi siya nagkakamali ay kasama pa si Carl sa mga nagorganisa sa party na iyon. Nabuo sa isip niya na sa gabing iyon din ay ipagtatapat na niya kay Carl ang lahat lahat, na mahal niya ito at wala siyang pakialam sa pangakong binitiwan niya kagabi lamang. Alam niyang mahal din siya ni Carl, ramdam niya sa mga halik at yakap nito kagabi, at hindi siya nagkakamali na narinig niya ito ng sinabihan sya ng I love you.

Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi niya parin nakikita si Carl. Halos araw araw na siya sa hospital kahit hindi pa schedule ng kanyang pagbisita ay pumupunta parin siya doon at nagbabakasakali na makita niya ito. Nalalapit na ang Christmas party, though si nurse Nel na mismo nagsabi na darating si Carl sa party ay hindi parin siya mapakali dahil hindi pa niya ito nakikita magmula ng gabing iyon. Halos magdadalawang linggo na ang nakalipas. Wala ding maitulong si Nel dahil ayon sa kanya ay hindi rin nito alam kung saan naglalagi si Carl.

“Hindi naba magbabago ang desisyon mo?” boses ni Nel, dinig ni Andrew habang palapit sa nakatalikod na nurse na may kung anong ginagwa sa nakaupong lalaki. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ito ng bulto ng katawan ni Nel.


“Hindi na.” sagot ng tinig, kumabog bigla ang dibdib ni Andrew, si Carl.

“Carlo, bat ba ang tigas ng ulo mo?”


“Ouch!..dahan dahan naman, baka mas lumala pa ang…”


“Carl?” excited na tawag ni Andrew, napalingon ang dalawa.


“A-nong..?!” natutop niya ang bibig ng makita ang mukha ni Carl, halos puno ito ng dugo.


“Don’t panic..,” agap nito “it’s just a bruise…” napatingin it okay Nel na tila ba humihingi ng kakampi.


“Ang mokong nakipagsapakan, ayan pinadugo nila ang ilong…tsk tsk tsk” susog ni Nel.


Napagmasdan nga ni Andrew ang mukha ni Carl, nosebleed nga lang ito, kumalat lang ang dugo marahil sa pagtutop nito sa ilong ng masapak…masapak? Ngunit bakit wala itong ibang pasa?


“Oh…I got just this one,” turo nito sa ilong “hindi na man ako nakisapakan, nasapak lang, hehehe” tila pagsagot ni Carl sa kanyang tanong sa sarili.


“Sorry for not brushing here for a while…may inasikaso lang ako, and.. I got sick for a week.” Hingi ng dispensa ni Carl. Naalala bigla ni Andrew ang tila pagiwas sa kanya nitong mg anakaraang lingo, sumimangot siya pero ng marinig niya ang sinabi nitong nagkasakit ito ay napalitan ng pagaalala ang kanyang mukha.


“Are you okay now?” lumapit siya dito at napagmasdan nga niya ito, pumayat uli ito, at medyo nagkakaroon ng kulay ang ilalim ng kanyang mga mata, medyo mahaba din ang mga buhok nito sa mukha na para bang ilang araw ng walang ahit.


“You still looked sick?”

“Don’t worry about me, Okay na ko…ang problemahin mo kung nao isusuot mo sa party,” ngumiti ito “remember bukas makalawa na yon” pagpapatuloy nito.


Napangiti siya, “youll be there, right?” tanong ni Andrew, tumnango lamang ito dahil abala si Nel sa paglilinis sa kanyang mukha.

Pagkatapos linisan ay tumayo ito at nagpaalam agad.


“What? Aalis kana?” nadismayang tanong ni Andrew.


“I have to, I’ve got work to do…hmmm see you at the party then”

Walang nagawa si Andrew kundi ang tumango, nasa pinto na ito ng hinabol niya,

“Promise me you’ll be there…at the part, I mean.”

Ngumiti ito at pinadaan niya ang mga daliri sa mukha nito, napapikit si Andrew sa ligayang hatid ng sensasyong iyon. “I’ll promise to be there, beautiful Andrew…” tumigil ito saglit “I know how to keep my promise and I just hope you do the same.” Seryoso ang mukhang simpleng paalala sa kanyang binitiwang pangako, ang huwag itong mahalin.

Sa likod ni Andrew ay napatiim bagang si Nel, kita sa kanyang mukha ang kirot at ang pagmamahal.

Mamyang gabi na ang party ngunit tulad ng mga nagdaang araw ay hindi niya pa nakikita si Carl. Nakahanda na ang kanyang isusuot, natawa pa siya sa sarili dahil kung dati ay mga damit pambabae at may kung anu anong kolorete ang ginagamit para magpaganda, ngayon ay pabalik balik siya sa salamin upang magpagwapo.

Dahil hindi formal ang party ay nakamaong pants lang sya na hapit sa maumbok niyang pwet at sa ngayoy magagandang hubog na binti, naka long sleeves sya ngunit inililis niya ang mahabang manggas nito hanggang taas ng kanyang siko. Noon niya napagtanto na magandang lalaki pala siya at may pagkahawig pa kay Paolo Ballesteros ng EB.

Ngumiti siya sa salamin at bahagyang inayos ang nagulong buhok, tumubong muli ang kanyang buhok mula ng itigil niya ang kanyang chemo. Tumagal pa siya sa salamin ng mga ilang minute bago niya napagpasyahang lisanin na ang kanilang bahay.


[07]
Madami ng tao ng dumating siya, hinanap niya Carl ngunit wala pa ito, nakita niya si Nel at tinanong, sinabi nitong nasa rooftop daw at malamang ay pababa na din ito.

Nagkakasayahan na ang lahat at maging siya ay hindi niya napansin ang pagdaan ng oras,nawala ang kanyang pag kainip sa paghihibtay kay Carl.

“Can I offer you a drink?” mula sa likuran ay tumambvad si Carl na may hawak na dalawang bote ng beer. Iniabot niya ang isa, napatitig siya ditto at natulala sa mala Adonis na mukha nito, bumagay ditto ang suot at naitago nito ang medyo namayat na katawan niya.

“Ang susunod na kakanta ay walang iba kundi si Carl!” palakpakan ang mga naroroon na syang gumising sa tila ba nananaginip na si Andrew.

Itinaas lang ni Carl ang hawak na bote at umiling iling habang nakangiti… “they know that I don’t know how to sing…” nangingiting turan nito, at walang anu ano’y bigla uli nito tinaas ang kamay at itinuro si Andrew.
“I think you can do it for me…” kumindat ito sa kanya.

Aayaw sana siya lalo na ng tinawag ang kanyang pangalan ngunit napag isip isip niya na iyon na ang kanyang pagkakataon.

Umakyat sya sa pinagawang maliit na stage at kinuha ang mikropono.

“Ehem…” panimula niya, nakita niyang nakatawa si Carl, “bago ako kakanta, ay nais ko lamang pong iparating sa inyo lalo na sayo…Carl, na…” pambibitin niya, nakita niyang bahagyang sumeryoso ang mukha ni Carl “na kinausap ko na si dr, santos at nakaiskedyul na ako para sa aking pangalawang operasyon.”

Ngumiti siya at dinig niya na may mga nagsipalakpakan, nguinit kay Carl lamang nakatuon an kanyang mga mata, nakita niyang tumango tango ito at ngumiti sa kanya ng napakatamis kasabay ng pagtaas nito ng kanyang bote.

Pumailan lang ang malamyos na melodya ng kanyang awitin mula sa sound system…

“There are times,
When I just want to feel your embrace…
In the cold night…
There are times…”

Nakatanaw sa entablado ay halos sumabog na ang dibdib ni Carl, sari saring emosyon ang kanyang nararamdaman, kasabay ng malamyos na tinig Andrew ay ang unti unti pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata.

Sa entablado ay nakatuon lang ang mata ni Andrew kay Carl, mula sa malayo ay nakikita niyang may kung anong gumugulo sa isipan nito. At sa bawat titig nito ay ramdam niya ang pagmamahal na kahit kalian hindi inamin sa kanya ni Carl.

“You were just the dream that I once knew,
I never though I would be, right for you…
I just can’t compare you with
Anything in this world…

You’re all I need..
To be with, forevermore…”

Hindi na makayang pigilin pa ni Carl ang damdamin, tumalikod ito at hahakbang na lamang palayo ng marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan mula sa mikropono..

“Carl, you have known from the very start that I love you. That you were the reason why I kept fighting at nangako sa sariling hindi kita bibiguin, na kaya kong labanan ang sakit na ito para sa iyo, para sa atin… Carl, I love it when you call me name, I love the way you touch me, the way you smile…everything about you..everything.” nangingilid na ang mga luhang nagpatuloy si Andrew, wala siyang pakialam na dinig ng lahat ang kanyang pagtatapat

“I’m sorry I can’t keep my promise, I just can’t live not loving you. Sorry dahil hindi ko kayang hindi ka mahalin, dahil sa simula palang alam kong minahal na kita. Carl, can we fight this illness together? Be with me, be my strength…I want you Carl…and I love you…”

Hindi na kaya pang pakinggan ni Carl ang mga sasabihgin nito, tuluy tuloy na ang agos ng luha sa kanyang mga mata, mabuti na lamang at nakatalikod siya, ngunit hindi niya mapigilan ang pagyugyog ng balikat sa mga impit na hikbi dahil sa sakit nanararamdaman.

Mabigat ang mga paang humakbang siya palayo, di niya alintana ang muli ay pagtawag sa kanya ni Andrew, ang nais lamang niya ay lumayo hanggat kaya pa niya.

Kitang kita ni Andrew kung paano hindi man lang sya nilingon ni Carl, nasaktan sya sa kaisipang hindi pinanindigan ni Carl ang kanyang nararamdaman. Sigurado siyang mahal din siya nito, hindi lang niya maintindihan kung bakit at kung ano ang pumipigil ditto upang kayaning tikisin ang kanyang damdamin.

Nakatulala siya sa stage at wala sa sariling bumaba siya, inalalayan siya ng isang lalaki at pinaupo, nakita niya na sumunod si Nel kay Carl. Sari saring tanong ang gumugulo sa kanyang isipan, tumulo ang mga luhang kanina pa ay gustong kumawala.

“Fuck Carl! This is what I fear the most!” sigaw ni Nel, “Kung nakinig ka lang sa akin noon pa edi sana hindi na umabot pa sa ganito?”

“I don’t need your preaching Nel, you know my reasons.”

“But he has the right to know!?” tila nanlalatang pilit ni Nel. “You should tell him the truth…”

“Masasaktan lamang sya.” sagot nito.

“Masasaktan? Ano sa tingin mo ang nangyayari ngayon Carlo? Hindi ba lahat tayo nasasaktan? Sinasaktan lang natin ang bawat isa, why not just tell him the truth?”

“What truth?” mula sa binuksang pinto ay sabad ni Andrew, sapat na ang kanyang mga narinig upang malaman niya kung anuman ang itinatago nina Nel at Carl.

Gulat at tila nabuhusan ng malamig na tubig ang dalawa.

“Ah..eh…its nothing.” Si Carl, kita sa kanyang mukha ang lubos na paghihirap.

“No its not nothing…I know may hindi kayo sinasabi sakin.” matigas ang boses na sagot ni Andrew.

“Andrew…please,..it’s just…”

“Carl and I are lovers.” Pagputol ni Nel sa pagpapaliwanag ni Carl.


[08]
“Carl and I are lovers.” Tila bombang sumabog sa kanyang pandinig, ayaw tanggapin ng kanyang utak ang katotohanang nahuhumiyaw sa kanyang harapan. Kaya pala, ang mga halik nila, mga yakap na ang buong akala niya ay yakap kapatid o halik kaibigan…kaya pala lagi silang magkasama…kaya pala…tila mga kutsilyong paulit ulit na tumutusak sa kanyang puso sa bawat kaisipang iyon.

“Carl and I are lovers, before even we met you.” Ulit ni Nel, matigas at walang emosyon ang kanyang boses. “we’ve been lovers for years, and we l-love..e-each other.”

Tila nabibingi si Andrew sa katotohanan, naguunahan ng bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

“L-lovers?...a-ahhh, i-is it t-true…C-carl? Tumingin siya ditto, nagsusumamo na sabihin s akanya na kasinungalingan lang ang lahat, na nagkakamali lamang si Nel, ngunit imbes na pagtanggi ay pagtango ang naisagot ni Carl.

Parang sumabog ang buo niyang pagkatao, hindi niya maipaliwanag ang sakit.


“You’re lying…” pagtatanggi niya sa katotohanang narinig “I know you’re lying Carl, you love me diba? Ako ang mahal mo…a-at papanong nagging kayo, di bat magkaibigan lang kayo?” palipat lipat ang tingin niya sa dalawa, nagsusumamo umaasang nagbibiro lamang ang mga ito.

“I-Im sorry Andrew, nagsasabi ako ng totoo… ang relasyon naming ang dahilan kung bakit sa simula palang ay hindi mu sya dapat mahalin” paliwanag ni Nel.

Hinuli niya ang mga mata ni Carl, napapikit ito ng magtama ang kanilang mga mata kasabay ng pagdaloy ng luha nito, puno ng paghihirap ang mga matang iyon at hindi makayanang tingnan ang mga nanguusig na mata ni Andrew.


Hindi na mapigilan ni Andrew ang pagdaloy ng mga sariling luha, kahit anong pagpipigil ay kusang sumungaw ang mga ito.


“Why Carl? Bakit mo ako pinaglaruan, bakit mo ako pinaasa?” hindi nawawala ang pait sa kanyang boses.

“S-sinabi ko na sa simula palang d-diba? Andrew you can’t love me, b-because I…I c-can’t love you the way you want me too.”


Tila isang malakas na samapal ang naramdaman ni Andrew sa mga salitang iyon ni Carl, “I can’t love you the way you want me too” sandali siyang napamaang, at bago niya nilisan ang kwartong iyon ay tiningnan niya si Carl na puno ng hinanakit, tila sumpang nanguusig sa kaibuturan ng kanyang kunsensya.

Pumasok siya sa kwartong dati ay kanyang inookupa, alam niyang walang pasyente doon ng mga sandaling iyon. Gusto niyang maramdaman ang tila’y protektang naibibigay ng kwartong halos inari na niya, dito niya nararamdaman na kanya ang mundo at ditto niya mailalabas ang lahat ng sama ng loob.

Hilam ng mga luha ay napasubsob siya sa kama, hindi niya aakalain na tatraidurin siya nina Nel at Carl. Sila na itinuring niyang mga kaibigan, pinagkatiwalaan…si Nel, kaya pala mabait ito sa kanya dahil alam niya ang panlalarong ginagawa sa kanya ni Carl…si Carl, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso maisip lang niya ang pangalan nito, si Carl na minahal niya, si carl na nagging dahilan upang lumalaban siya, siya na tanging lakas niya…bakit siya nito niloko, ano ang nagawa niyang kasalanan?

Impit ang pagiyak niya kahit gustuhin na niyang sumigaw at magwala.

“Is there anything I can do to lessen your grief?” mula sa likuran niya ay dinig niya ang isang boses, noon lamang niya napagtanto na hindi siya nagiisa sa kwartong iyon, inilinga niya ang paningin at laking gulat niya ng mapansing may mga gamit na hindi pagaari ng hospital sa paligid, may tao palang umookupa sa kwartong iyon.

“S-sorry…” aniyang humarap sa may ari ng boses at walang pakialam kung anuman ang itsura niya.

Tumayo siya at papaalis na sana ng hinawakan ng lalaki ang kanyang braso, napatingin siya ditto.

“I can listen if yu want to talk.” mahinhin ang boses nito, maamo at ramdam niya ang kabaitan ng puso nito.

Sa simpleng pagpapakita ng lalaki sa kanya ng pagpapahalaga ay sapat ng dahilan upang muli ay bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata.

Inakay siya nito pabalik sa kama at pinaupo, hinaplos haplos nito ang likod niya at nagpatianod na siya sa kabutihan ng lalaking ito. impit ang mga hikbi na ipinagpatuloy niya ang pagiyak, inaalalayan lang siya ng lalaki at lumipas pa ilang saglit ay halos niyayakap na niya ito dahil sa hindi parin siya tumitigil sa pagtangis.

Nakakagaan ng loob ang mga haplos at yakap na nito, ng mahimasmasan ay tumingala ito at natitigan. Maamo ang mukha ng lalaki, isang mukhang madaling mapagkakatiwalaan, mula sa bandang kanan ng kanyang noo ay may nakadikit na plaster at ang bakas ng dugo mula rito, doon niya napagtanto na maging ang isang braso nito ay naka cast at may mga ibang galos pa ito sa ibang bahagi ng kanyang leeg at braso. Iginawi niya ang tingin sa mga mata nito, kumabog ang kanyang puso dahil nakatitig sa kanya ang mga matang kawangis ng mga mata ni Carl, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay inilapat niya ang kanyang mga labi sa mga labi nito, “Carl…” anas niya, sabay ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ng lalaki. Masuyo ang halik na kanyang iginawad, pumikit siya at ang puso na niya mismo ang siyang bumihag sa kanyang kahibangan, alam ng utak niya na hindi si Carl iyon ngunit nagpupumilit an gang kanyang puso upang mapawi ang uhaw na kanyang nararamdaman.


Hindi gumalaw ang lalaki, hindi rin ito umiwas, nagparaya lamang siya ngunit hindi siya gumawa ng kahit na anong hakbang upang pagsamantalahan ang kahinaan ni Andrew.

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Andrew, bigla siyang lumayo at naipinta sa kanyang mga mga mata ang pagsisisi sa kapangahasang ginawa.


“It’s okay, naiintidihan ko.” ngumiti ang lalaki “…I am not Carl, and I can’t give you what you want.”


“I-I w-want not-thing,” pautal niyang sagot. “I’m sorry, I thought you for someone else.”


Ngumiti ang lalaki, at naramdaman niya ang sinseridad nito.


Sa corridor mula sa kwartong iyon ay nanlulumong naglalakad palayo si Carl, hilam ng mga luha ang mata sa panibagong sakit na kanyang nasaksihan. Sino ang lalaking iyon, halos magunaw ang kanyang mundo ng makita niyang naglapat ang kanilang mga labi, hindi na niya hinitay na makita pa siya, at ayaw niyang masaksihan ang maaaring mangyari sa pagitan ng dalawa. Isa lang siguradi siya, tagos sa puso ang sakit nanaramdaman niya ng makita niya si Andrew sa piling ng iba.


Mula sa dulo ng corridor ay nadoon si Nel, nakatayo at hinihintay siya. Nababanaag sa kanyang mga mata pagkalito at pagkaawa. Sumabay siya sa lulugo lugong si Carl, alam niyang may luha sa mga mata nito dahil umiiwas ito ng tingin, ng pumasok sil sa elevator ay hinawakan ni Nel ang kanang kamay niya at masuyong pinisil,yumugyog ang mga balikat ni Carl at dinig ang mga impit niyang hikbi.


[09]
Mula ng gabing iyon ay hindi na nakita ni Andrew si Carl, paminsan minsan ay nagkakasalubong sila ni Nel ngunit gumagawa siya ng paraan upang maiwasan ito.

Nawala ang dating pagkakaibigang naguugnay sa kanilang dalawa, nakakaramdam parin siya ng sakit sa tuwing nakikita niya si Nel at ang hindi maiwasang pagka sabik niya kay Carl. Natapos na ang Christmas at New Year, at halos mangangalahati na ang bwan ay wala siyang nagging balita kay Carl.

Si Ali ang kanyang naging laging kasama, sa konting panahon ng pagkakilala mula ng gabing iyon sa kanyang kwarto ay naging matalik silang magkaibigan, gayung hindi na kinailangan ni Ali na magtagal sa hospital ay lagi parin niyang sinasamahan si Andrew sa mga pagbisita niya, napagdesisyunan niya na ipagpatuloy ang pagpapaopera, kahit pa nawalan na siya ng dahilan para mabuhay. Napangiti siya sa kaisipang iyon, kung minsan ay tinatanong niya ang sarili kung aatras kaya siya ay magpapakitang muli si Carl? Ilang araw na lamang ay ooperahan na siya.

“Namimiss mu siya ano?” tukso ni Ali, tulad niya ay may pagkamahinhin din si Ali, at halos pareho sila ng lahat ng gusto, at ang lubos niyang ipinagpasalamat ay ng malaman niyang mas malambot pa pala ito sa kanya at hindi siya nito type, dahil kung nagkataon dahil sa mga matang yon ay baka maipagkanulo pa siya ng sariling init sa katawan.


“Alam mu namang, ikaw ang constant reminder niya…” na ang tinutukoy niya ay ang malaking pagkakahawig nila ni Carl ng mata “kung minsan pinagsisisihan kong nagging kaibigan pa kita, kung bakit ba naman sa dinami dami ng kwartong papasukin ko eh doon pa ako nation.” Pmbibiro niya sa kaibigan.

“Ahahaha…kung alam ko lang muntik mu na akong ginahasa ng gabing iyon.”


“Tarantado!” nahawa siya sa halakhak nito.


Sumeryoso bigla si Ali ngunit may mga ngiti parin sa labi “At least ngayon nakakatawa ka na.” aniya.

Napangiti siya pero bumakas parin sa kanyang mukha ang pangungulila.

“I miss him so much” bulong niya. Ilang beses na ba siyang umakyat sa rooftop ng hospital at nagbabakasakaling nandoon si Carl ngunit lagi siyang bigo hanggang sa tuluyan na siyang hindi pumupunta sa lugar na iyon dahil sa mga alaalang pilit niyang kinakalimutan.


Bukas makalawa na ang operasyon ni Andrew, bumisita siya sa hospital para sa mga final instruction ni Dr. Santos, at habang hinihintay ang doctor ay naisipan niyang magmeryenda sa cafeteria.

“Ali told me na umatras ka sa operasyon.” Boses ni Nel, napahinto siya sa pagnguya at hinarap ang nurse.


“Why are you doing this Andrew? Akala ko ba handa kana sa lahat, bakit bigla kang umatras?” pigil ang galit sa boses ni Nel.

Naguguluhang napatitig lamang si Andrew, alam niyang hindi under ni Dr. Santos si Nel pero imposibleng hindi nito alam na tuloy ang operasyon.


“Ali went hear yesterday, sinabi niyang pupunta ka ditto ngayon to call the operation off.”


Si Ali, ngayon ay naintindihan na niya, si Ali ang may pakana. Hindi siya nakapagsalita agad dahil kailangan niyang nguyain at lunikin muna ang punung puno niyang bigbig.

“Kung mahal mo s-sya, sundin mo kung ano ang gusto niya. Gusto ni Carl ang gumaling ka Andrew, gawin mo ang lahat para mabuhay ka…kung mahal mo siya, gawin mo ‘to” seryoso at nangingilid ng luhang turan ni Nel “a-at p-pagkatapos nito, handa akong m..m-magparaya” bumuntung hininga ito at pinunasan agad nito ang luhang papatak na sa kanyang kaliwang mata.

Napamaang si Andrew at hindi nakasagot, hindi niya nahanap angboses para klaruhin ditto ang maling akala. Haloi na niya marinig si Nel dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

“Handa akong magparaya Andrew, just live…stay alive, that’s what he wants.” Humakbang na palayo si Nel. Naiwang nakatulala si Andrew, nawalan na rin siya ng lakas upang habulin pa ito.


“I want you to live and see my miracle…” pumasok sa isip niya ang minsang tinuran ni Carl.

“be like those birds, they fly, they sing and they can make that tree spring to life again, every after goodbyes, every after sunset.”

May kung anong bikig sa kanyang lalamunan ng maalala niya ang mga salitang iyon ni Carl, napapikit siya upang hindi sumungaw ang mga luha sa kanyang mata, si Carl, siya lamang ang tanging laman ng kanyang puso, ang kanyang iniibig.


[10]
Succesful ang operasyon, ngunit kinailangan parin ni Andrew ang mag undergo ng chemo therapy. Ilang bwan din siyang pabalik balik sa hospital para sa kanyang check up. Alam niyang nakabantay lang sa kanya lagi si Nel kahit hindi parin sila naguusap bukod na lamang kung kinakailangan para sa kanyang gamutan, at bukod sa nalaman niya kay Nel na nagbasyon si Carl ay hindi niya parin ito nakikita mula noon. Napapansin din niya ang tila laging pagkawal ni Nel sa sarili, pumapayat din ito at halatang laging puyat, hindi na ito ang dating Nel na kilala niya para itong may sakit o may iniindang karamdaman dahil sa mga pagbabagong nakikita niya ditto, ngunit alam niya anghirap ng trabaho nito pinagsawalang bahala na lamang niya ang mga bagay na iyon.

Si Carl, sa tuwing naaalala siya ni Andrew ay hindi niya parin maiwaasan ang hindi mangiti, napatawad na niya ito, alam niyang mahal din siya nito. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban siya sa karamdaman niya, umaasa siyang kasabay ng kanyang paggaling ay ang pagbabalik nito sa kanyang piling. Si Nel lang ang tanging tulay upang Makita niya si Carl, ngunit ayon dito hindi pa ito handa upang harapin siya.

“Congratulations Mr. Tabuso, you are now cancer free” tila musiko sa tenga ang tinurang iyon ni Dr. Santos, nakangiti ito at bakas sa kanyang mga mukha ang saya.
Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang doctor ng mahigpit at hindi niya mapigilan ang maluha.
“Thank you doc, I owe you my life.”
“It’s my job, and you paid me for it” pagbibiro ng doctor,sabay na natwa sina Andrew at Ali.


Parang nasa alapaap ang kanyang nararamdaman, ngunit may kung anong kulang parin at nanatiling may bakas ng lungkot sa kanyang puso, si Carl. Pinuntahan niya si Nel agad agad ng malaman niya ang balita ng doctor ngunit hindi niya ito naabutan sa staion nila, ayon sa mga kasamahan ay pangatlong araw na daw nitong absent. Nagalala siya ngunit nawala din ito ng sinabi ng isang nurse na bukas ay baka papasok daw ito dahil may aasikasuhin ayon na rin rito ng makausap niya sa telepono.

Magaan ang loob na nilisan ni Andrew ang hospital, bukas babalik siya upang harapin na ang kanyang pangarap. Alam niya hindi sumisira sa usapan si Nel “magpaparaya ako…” tila ay narinig niyang muli ang tinig ni Nel, bukod dito ay ramdam niya na siya ang mahal ni Carl at gagawin niya ang lahat makuha lamang itong muli. Kay Carl lamang sya tunay na liligaya, isa pa sya lamang kanyang Beautiful Andrew.

----

You were just the dream that I once knew
I never thought I would be right for you…
I just can’t compare you with
Anything in this world…

Habang naglalakad sya papalapit sa nurse station ng umagang iyon ay dinig niya ang kantang pumapainlang sa paligid galing sa FM Radio na nakagawian nang pinapakinggan ng mga nurse sa 2nd floor station, napangiti siya at naalala niya si Carl.

Ang mga ngiti nito, mga halakhak na animoy pagaari niya ang mundo. Ang paraan nito ng pagsasalita lalung lalo na pag binibigkas nito ang Beautiful Andrew at hindi niya makalimutan ang napakaseryosong mukha nito ng minsang napagusapan nila ang paborito nitong halaman sa rooftop, “Shouldn’t that would be the other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember…. your roots hold me.”

Napangiti siya ng maalala niya ang kanilang nakaraan, ang pagibig na pinagsaluhan nila sa tuktok ng hospital kung saan siya naroroon ngayon.

…as endless as forever
you’re all I need to be with
forevermore….

Ilang minuto din siyang nakatayo at ninanamnam ang kanta sa FM Radio kaalinsabay ng mga alaala niya kay Carl, bago siya napansin ni Arlene, ang nurse na malapit kay Nel.

“Sir Andrew an gaga niyo naman ata, hinahanap niyo ba si Nel?” tanong nito sa kanya.
Tumango lamang siya bilang tugon, bahagya siyang nainis dahil pinutol siya nito sa kanyang pangangarap panaginip.

“Nandito na siya, kagabi pa…dumating siya bago ako mag out, sabi ni Leo hindi pa raw sya umuuwi dahil nakita niya kanina na bumaba galing dyan sa taas” sabay nguso na ang tinutukoy ay ang rooftop.

“Nasaan siya ngayon?” tanong niya.

“Hindi ako sigurado, pero baka nandyan sya sa kwarto ni Sir Carl” kumabog ang dibdib niya pagkarinig palang sa pangalan ni Carl. Aalis na lamang sya upang puntahan ang kwarto sa dulo ng 2nd floor ng nagtanong si Arlene.

“Sir Andrew, n-nagaway ba kayo ni Nel? O..o nagaway ba sila ni Sir Carl, dumating kasi siya dito at dumiretcho sa taas kagabi na mugto ang mga mata at halatang pagod na pagod…a-akala ko nga papasok siya para sa duty, pero tila wala sa sariling hindi pa ako pinansin.” nagtatakang tanong ni Arlene,

“Pinabayaan ko na lamang sya, siguro pagod lang talaga…at si sir Carl nga po pala, may balita ka sa kanya? Matagal ko na siyang di nakikitang kasama mo o ni Nel?” mahabang pagpapatuloy ni Arlene.

Nagkibit balikat na lamang si Andrew at bahagyang nagalala sa mga tinuran ni Arlene, “ano kaya ang problema ni Nel, problema kaya sa relasyon nila ni Carl” tanong niya sa sarili, at mula sa kawalan ay tila narinig niyang muli ang mga salita nito kamakailan “magpaparaya ako…” lihim na nabuhayan siya ng pagasa.  “alam na kaya nito na lubusan na siyang magaling, kung kayat tinupad lang nito ang pangakong pag-ibig sa pagitan nila ni Carl?” ayaw magpaawat ng kanyang puso sa mga bagay na kanyang inaasam asam, napamura siya at lihim na pinagalitan ang sarili.

Kakatok pa sana siya ngunit napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, tahimik na pumasok siya at sinalubong siya ng madilim na silid, mag aalas nuebe na ng umaga ngunit nakasara ang mga bintana at ang makakapal na kortina ay nakatabing dito, ang tanging ilaw lamang sa paligid ay ang bughaw na liwanag na nanggagaling sa naka stand-by na tv sa video mode.

Sa kama ay ang nakaupong si Nel, mula sa makulimlim na liwanag ng tv ay nababanaag niya ang mga matang mugto at ang walang kaparis na kalungkutan.

Binuksan niya ang ilaw, at bahagya siyang nagulat sa kanyang nakita, pinagmasdan niya si Nel, magulo ang buhok nito at hindi nakaahit ng ilang araw dahil sa mahahaba na nitong buhok sa mukha, pati ang pag ligo ay tila nakalimutan na nito puno ng tuyong putik ang mga kamay nito maging ang dilaw na damit ay nanililimahid, humpak ang mga pisngi at ang kapaguran ay nakikita sa mga nangingitim nitong ilalim ng mata, at ang kanayang mga mata… puno ng paghihirap at pangungulila.

Lalapitan na sana niya si Nel ng lingunin siya nito, nagtama ang kanilang mga mata at walang anu ano’y dumaloy ang luha sa mga mata nito.

“He loves you…m-more than anyone else,” mahina ang boses na humikbi ito “I’m sorry for everything Andrew, I want you to know that Carl never ceased to love you”

“A-anong…?” naguguluhang tanong ni Andrew, ngunit may kung anong bikig na ang bumamabara sa kanyang lalamunan at ang tila sasabog na niyang dibdib.

“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.


[11]

“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.

Nakakabingi ang kabog ng kanyang dibdib, alam niyang hindi nagsisinungaling si Nel, ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang narinig, para siyang tuod na nakatayo at nakatitig lamang kay Nel, sari saring emosyon ang gustong kumawala ngunit alam niyang sa isang salita lamang niya ay tuluyan siyang gagapiin kanyang emosyon.

Hindi rin niya napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng kanyang mga luha, “H-ho..how? pa-panong…?” garalgal na boses, nagmamakaawa ang kanyang mga mata upang sabihin sa kanya ni Nel na nagbibiro lamang ito. ngunit nanlulumong napayuko lamang si Nel dahil hindi niya kayang makita ang paghihirap ni Andrew.

“L-like you, he had been diagnosed to have a c-cancer… a tumor in his brain” panimula ni Nel, gayung hirap na hirap ito sa kanyang emosyon,

“…kinukundisyon lamang niya ang katawan para sa operasyon niya,” nilingon siya ni Nel at pag kuway sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi “remember the day when you first met him?” tanong nito.

Napapikit si Andrew sa alaalang iyon.


“He’s supposed to meet Dr. De la Cruz, para sabihing handa na siya sa operasyon…but,” muli ay sumilay ang mapait na ngiti “but he met you,” nababanaag sa mga mata ni Nel ang pait at pagsisisi, “he said he loved you at the very first time he laid his eyes on you, at the very moment he called you Beautiful Andrew” sandaling tumahimik si Nel, tanging mga hikbi na hindi niya mapigilan ang pumapailanlang sa katahimikan ng silid.

Nakagat ni Andrew ang pangibabang labi upang pigilan ang paghagulgol, ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit pinutol ni Carl ang sanay buong pagpapakilala sa kanya ni Nel, ayaw nitong malaman niya ang kanyang sakit. “Beautiful Andrew” sariwa parin sa kanya ang mga alaalang yon.
“But why?...bakit hindi niya itinuloy ang operasyon?” tanong ni Andrew, na para bang tinatanong niya ang sarili, dahil bukod kay Carl ay alam niyang siya mismo ang mas higit na nakakaalam sa pakiramdam ng kawalan ng pag asa…pag asa, natigilan siya dahil alam niyang kung inihahanda lang si Carl ay may tyansa itong magapi ang sakit nito.

Ang sagot sa kanyang tanong sa sarili ay nasumpungan niya sa mga sumunod na salita ni Nel.

“Wala kaming relasyon ni Carl bukod sa magkaibigan,” pinunasan nito ang basang pisngi, “bukod sa kanya ay ako at si Dr. De la Cruz lang ang nakakaalam ng kanyang sakit, ako na kanyang kaibigan at private nurse at si doc na matalik na kaibigan ng kanyang ama”  dagling tumatag ang boses ni Nel habang inilalantad niya ang katotohanan tungkol sa kanila ni Carl.
“when he met you, he suddenly called off the operation…”

“Why?” putol ni Andrew.


“Because of you, Andrew!” matigas ang salitang bigkas ni Nel, “because he fell in love with you, because he doesn’t want to forget you, he doesn’t want his memory of you to be lost forever…” humina ang boses niya at gumaralgal muli “the operation can take out part of his memory, maaring mawala ang mga alaala niya kapag naoperahan siya, and perhaps his eye sight too.” rebelasyon ni Nel.

Napamaang si Andrew, hungkag ang pakiramdam niya, hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

“Ilang bese ko siyang pinagsabihan, ilang beses kong sinubok na sabihin sayo, na ipagtapat sayo…because I knew, from that day minahal mo na rin siya. Andrew, forgive me but that’s what he wanted, ayaw niyang ipaalam sayo..d-dahil ayaw ka niyang masaktan, ayaw niyang mawalan ka pag asa upang lumaban sa sakit mo.”

Pilit inaalala ni Andrew ang mga sandaling nahuhuli niyang nagtatalo sina Carl at Nel, maging ang huling komprontasyon nila noong Christmas party nila.

“I’ve done my part, Andrew…now its your turn to do yours,” mula sa kanyang bulsa ay may inilabas itong putting sobre at iniabot sa kanya, “pareho nating minahal si Carl, magkaiba lang tayo ng pamantayan, ako bilang kaibigan at ikaw bilang umiibig…”

Pinihit ng mga maputik na kamay ni Nel ang door knob at humakbang palabas, ngunit bago ito tuluyang nakalabas ay lumingon itong muli kay Andrew at garalgal na tinig ay nagiwan ito ng mga salita na alam niyang galing mismo kay Carl.

“Andrew, when the stone falls…it doesn’t mean that the flower will fall too.” Isinara niya ang pinto at naiwang mag isa si Andrew sa kwartong iyon.


Pinindot ni Andrew ang play botton sa video cam na nakakabit sa tv, wala na si Nel at mula sa binigay nitong sobre ay ang video tape. Bago pa man pumailanlang ang boses ni Carl ay hilam na ng luha si Andrew habang nakatitig sa mukha ng taong minahal at minamahal niya sa screen.

Mula sa screen ay si Carl, kapansin pansin ang humpak ng kanyang mga pisngi, wala na ang dating buhay sa kanyang mga mata bagkus ay napalitan ng paghihirap at lungkot. Halatang hirap na hirap ito sa simpleng pagupo lamang at ang panginginig ng kanyang mga kamay ay sinusubukan nitong itago sa camera. Nang maayos na ito sa pagkakaupo mula sa kanyang kama ay tumitig ito sa camera at sa paos na boses na tila ba hindi kanya ay nagsalita ito.

“A-Andrew, Beautiful… Andrew.” panimula nito, sa pagkarinig nuon ay napasinghap at yumugyog ang balikat ni Andrew sa walang kapantay na sakit na nararamdaman.

“…before I start, I want you first to forgive me.” Tumigil ito saglit at tinitigan ang camera, na animoy tumatagos sa screen. “…forgive me for lying, forgive me for not showing you how much I love you.” pumatak ang unang luha sa kanyang mga mata, sa nanginginig na kamay ay pinunasan niya agad ito.

Nananatiling natitig si Andrew sa screen, gusto niyang yakapin ito ngunit alam niyang hindi na niya kahit kailanman mararamdaman ang init ng mga yakap nito.

“kapag napanood mo ito ay alam kong magaling kana, I asked Nel to give it to you when you’re free from your illness, even if I die first.” Alam niyang hindi ito sinunod ni Nel dahil hindi pa nito alam na magaling na siya.

“Andrew, hindi ko man nasabi sayo pero mahal na mahal kita…it’s ironic right na ayaw kong magpaopera pero ipinipilit ko sayo na gawin mo ito” pagak siyang natawa “life is beautiful, ngunit mas nanaisin ko pang mamatay na kasama ang mga alaala mo sa aking isipan… mga alaalang alam kong hindi ko kilanman pagsisihan…your face Andrew,” inabot ng kanyang kamay ang lens ng kamera, pinadaan niya ang mga nanginginig na daliri sa kabuuan nito, napapikit si Andrew, tila ba nararamdaman niya ang pagguhit ng mga maiinit na daliri ni Carl sa kanyang mukha tulad ng lagi nito ginagawa sa tuwing binibigkas niya ang Beautiful Andrew…nagpatuloy ito makalipas ang ilang saglit.

 “your beautiful face, how can I let them operate me and soon will forget the way you look? Everything about you, every single memory we’ve shared. They are not sure na babalik pa ang mga ito, papaano kung kapalit ng paggaling ko ay hindi ko na makikita ang iyong mukha at hindi ko na maalala na nakilala kita, maaring makalimutan ko rin na mahal kita at iyon ang hindi ko kayang ipagsapalaran..
Mas nanaisin kong mamatay kasama ang iyong mga alaala at mamatay na minamahal kita than to live yet we’re strangers towards each other…” ngumiti ito ng may kahalong pait.

“Remember the night of our Christmas Party, the night after you sung your song? If you could just know how how happy I am when you announced that youre going to do the operation…kung alam mo lang kung gaano ang pagnanais kong hagkan ng mga oras na iyon, but… but you broke your promise there and then… I don’t want you to love me Andrew, yes I am selfish… but I want you to continue life as beautiful as who you are…” huminto sandali si Carl at hinabol niya ang paghinga, hirap na hirap ito kahit sa simpleng pagpapakita lang ng emosyong hindi niya mapigilan.


“Nel asked me to reveal our secrets to you, but I’m afraid you’ll let yourself die too…” tila may kung anong inalala si Carl “remember when you equated me to that stone where that plant grow?” wala sa sariling napatango si Andrew bilang kasagutan sa tanong nito “it was then I knew that you love me, and that you’ll die too when that stone falls…but Andrew, when the stone falls, the flower wont have to die. Ipagpatuloy mo ang mabuhay at tuparin mo ang pangako mo sa akin…”

“When I saw you kissing that guy in ‘your’ room…” saglit na natigilan si Andrew, lingid sa kanya ay nakita pala ni Carl ang tagpong iyon. “I fallowed you there to tell you the truth, but when I saw you kissing him… when I saw you kissing him, it dawned on me that I can’t give you everything you want because I’m dying. Doon ko napagisip isip na may mas higit pang darating sa buhay mo, higit sa anumang kaya kong ibigay, na makaksama mo hanggang sa pagtanda… the thing that even in dream ay hindi ko maibibigay sayo… kaya ako lumayo, habang kaya ko pa.” hindi na mapigil ni Carl ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan “habang kaya ko pa, habang sariwa pa sa alaala ko ang mga bagay na nagpapatunay na hindi kita mapapaligaya, habang napipigilan ko pa ang sarili ko upang hindi sabihin sayo ang totoo.”

“Andrew… Beautiful Andrew, ipagpatuloy mo ang buhay…para sa akin, para sa atin.”

Ilang saglit pa ay blangko na ang screen ng tv, hilam ng mag luhang nakaluhod si Andrew sa harap ng screen, sapo ang kanyang dibdib ay impit ang kanyang pagiyak, pilit niyang pinipigilan ang paghagulgol kung kayat makailang ulit ang pagyugyog ng kanyang balikat. Tinitikis niya ang paghiyaw, walang boses na paulit ulit niyang binibigkas ang panglan ni Carl, at ang tila pagsabog ng kanyang dibdib dahil sa sakit nanararamdaman…

“Madaya ka Carl…” sa kaibuturan ng kanyang puso ay kinakausap niya si Carl “madaya ka…bakit mo ginawa ito sa akin? Bakit mo ipinagkait sa akin ang mga sandaling alam kong maaari pang gawan ng masasayang alaala… ikaw na nagbigay ng lakas ko upang labanan ang sakit na pareho nating iniinda, bakit sa atin pa nangyari ito, bakit? Mahal na mahal kita at baka hindi ko makayanang mabuhay ng wala ka…”


[Finale]
Hindi alintana ni Andrew ang gutom at pagod sa kakaiyak, ilang beses na niyang pinaulit ulit ang video ni Carl at paulit ulit parin siyang humahagulgol, ang boses ni Carl ang para bang nagaalo sa kanyang paghihirap, ngunit kasabay din nito ay ang bigat ng kanyang kalungkutan sa tuwing napagmamasdan niya ang taong minamahal.

Dapithapon na ng mahimasmasan ng kaunti si Andrew, tumayo at lumabas siya sa kwartong iyon ng may kasiguraduhang mga hakbang. Tila wala sa sariling umakyat sya sa hagdanan at hindi pinapansin ang mga taong bumabati sa kanya, hindi niya ginamit ang elevator dahil sa bawat hakbang paakyat ay tila ba lumalapit siya sa kung nasaan si Carl, na sa bawat tunog ng kanyang mga yabag ay nagbibigay ginhawa sa bigat na kanyang dinadala.

Narating niya ang makipot na bakal na pinto, pinihit niya ang hawakan at dahandahang binuksan, sinalubong siya ng kulay dalandan na sinag ng papalubog na araw, ni hindi siya kumurap ng tumama ito sa kanyang mata, mula sa di si kalayuan ay natanaw niya ang anino ni Nel na nakaupo sa swing sa may gazebo, nakayapos sa kanyang mga tuhod at nakatanaw sa papalubog na araw.


May mga ibong nagsisipagdapo sa patay na puno na tumatabing sa araw mula sa bintana ng cottage ni Carl, malungkot na napangiti si Andrew at mula sa kawalan ay tila ba narinig niya ang mga tinuran ni Carl “even death has it’s own beauty…that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.” Ngayon lang napagtanto ni Andrew na sa simula palang ay palihim ng ipinaparamdam sa kanya ni Carl ang kalagayan.

Pumasok siya sa cottage, tulad parin ito ng dati… sa bawat sulok nito ay buhay na buhay si Carl, mula sa nakabukas na bintana ay ang pakalat na sinag ng papalubog na araw dahil natatabingan ito ng mga ibon. Natigilan siya ng makita niya sa maliit na mesa sa tapat ng bintana ang isang urn, makinis ang kulay abong marmol na alam niyang naglalaman ng mga abo ni Carl, sa tabi nito ay isang papel na pinatungan isang halamang nasa maliit na paso. Kinuha niya ang papel at doon ay ang sulat kamay ni Nel

“He wished to be here to watch the sunset upto the day of his burial.”

Napatanaw siya kay Nel sa labas, hindi parin ito nagbabago ng pwesto, patuloy lang ito na nakatitig sa kawalan, napakagandang pagmasdan ang pagtama ng sikat ng papalubog na araw sa kanyang katawan, halos anino lang niya ang nababanaag niya at ang paligid ng katawan nito ay tila nagiilaw dahil sa tama ng liwanag nito. Napadako muli ang mata niya sa papel na hawak at doon ay napansin niya ang marka ng putik mula sa mga kamay ng nagsulat, kamay ni Nel. Napadako ang mata niya sa maliit na halamang nakapatong sa sulat kanina, may bulaklak itong kulay puti, bagong tanim… basa ang lupa, at bigla siyang natigilan ng mapagtanto niyang iyon ang halaman ni Carl.

“Andrew, when the stone falls…it doesn’t mean that the flower will fall too.” naalala niya ang sinabi ni Nel , ngayon naintindihan niya kung bakit puro putik ang mga kamay nito.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang puting bulaklak ng halamang iyon, sumilay ang matipid na ngiti ng kanyang maalala ang pagaalaga ni Carl sa halamang ‘yon at ang birong usapang hindi niya nakakalimutan.

“This plant will bloom orange, or perhaps yellow…yes, I like it yellow.”
“Tangek! Adik ka talaga, puti at at violet lang ang kulay ng bulaklak ng halamang yan.”
“Hahaha..I know, but I want this one to bloom in pale yellow, that’s why I think this one is special”
“E ano naman ibig sabihin niyan sayo pag namulaklak nga yan ng dilaw?”
“Sus..tinatanong paba yon? Syempre it means…” tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakloko “it means you are my Beautiful Andrew” sabay halakhak nito ng matutunog na tawa.
“Tarantado!” ngunit hindi niya din mapigilan ang matawa, “halika na nga, baka lamukin ka pa d’yan.”

…at ang kasunod na usapang kung saan una niyang nakitang naging seryoso ng ganon si Carl.

“Do you believe in miracles?”
“oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?”
“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”
 “Have you found your miracle, Carl?”
“Probably…Have you seen my miracle?”  “You have miracles, huh? Ano yun aber?” “That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…”

Napangiti si Andrew ng maalala ang kalokohang iyon, nakatitig siya sa mga puting talulot ng halaman.
“It’s white Carl, you lose… does that mean that I am not your Beautiful Andrew?” iginawi niya ang tingin sa marmol na urn, kinakausap si Carl. Wala ng luha sa kanyang mga mata dahil ramdam niya na buhay na buhay si Carl sa lugar na iyon, kahit papano ay naibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman kahit alam niyang pansamantala lamang ito.
“You should have been here, para makita mo na hindi ito kailanman magiging kulay dilaw o orange…sabi ko sayo eh, puti ang kulay ng bulaklak nito…p-parang ikaw, hindi kana kailanman babalik”
Sa pagkabigkas sa mga salitang  iyon ay may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ang namuo,
“Carl, If you’re here please give me some signs…tell me you’re happy now kung nasaan ka man ngayon, give me signs for me to let you go…” nangingilid na muli ang kanyang mga mata.

Mula sa bintana ay pumasok ang malamyos na ihip ng hangin at dumampi sa kanyang pisngi, napatanaw siya sa labas ng bintana kung saan ay biglang nagsiliparan ang mga ibon mula sa patay na puno, nakita niya si Nel na napalingon sa punong nasa likuran. Napakaganda ng tanawing iyon, nawala ang pagkakatabing ng mga ibon sa sinag ng papalubog na araw, bumaha ang liwanag nito sa kabuuan ng loob ng cottage.

Bumuntung hininga siya at ibinalik ang tingin kay ‘Carl’ at sa halaman…natutop niya ang bibig at namangha sa nakita. Tuluyang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata, sa nanginginig na mga kamay ay binuhat at niyakap niya si ‘Carl’, at ang unang patak ng kanyang luha ay sinalo ng mga talutot ng bulaklak…na sa tama ng sinag ng papalubog na araw ay tumingkad ang kulay nitong… kulay dilaw.

“I’ve seen you’re miracle, Carl…I Love You and I will always be… your Beautiful Andrew.”

oOo
WAKAS

No comments:

Post a Comment