Friday, January 11, 2013

Ivan: My Love, My Enemy (41-Finale)

By: (ash) erwanreid
Source: bgoldtm.blogspot.com


[41]
Halos lakad takbo na si Ivan sa pagmamadaling maka-uwi. Sa wakas ay nasa harapan na rin siya ng gate nila. Kanina habang naglalakad siya, nagdesisyon siyang dumiretso kala Mico pero nang malapit na siya, saka naman siya nagbawi. Pinili niyang dumiretso sa bahay at makapagpalit ng damit bago pumunta sa kabila. Naisip rin niyang maaring maabutan din naman niya si Mico sa kanila at doon sa kanyay naghihintay.



Kung susuriin ang mukha ni Ivan, mahahalata mong napakasaya niya. Excited sa kung ano mang dahilan. Maluwang ang pagkakangiti ng masalubong ang ina.

"Kamusta Ma?" masayang bati ni Ivan sa ina.

"O-ok naman. Ikaw? Kamusta ang late?" sinundan ni Divina ng biro.

"Ok naman po."

"Mabuti kung ganoon. Sige na magbihis ka na."

"Sige po Ma." nagmadali si Ivan sa pagpanhik sa hagdan. "Ay Ma." balik niya. "Kay Mico ako tatambay mamaya ha. Baka kasi hanapin mo ako."

Hindi maka-pagsalita si Divina. Pero mahahalata sa kanya ang pagkagulat.

"Ma?" napalitan ang ngiti ni Ivan ng pagtataka. Naitaas pa ni Ivan ang noo pahiwatig ng katanungan. "Bakit?"

"W-wala. Sige na. Wala naman akong iuutos eh." pinilit ni Divina na maging kaswal sa pagsasalita.

"Ok po." Umakyat na si Ivan.

Saka nakahinga ng maluwag si Divina. Ginugulo ngayon ang isipan ni Divina. "Sasabihin ko ba kay Ivan na pinaalis ko na si Mico. Ipagtatapat ko ba sa kanya ang nangyari kanina? Baka magalit siya sa akin. Hindi. Tama lang na hindi na niya malaman. Bahala na siya kung ano ang isipin niya kapag hindi niya nakita si Mico." Nakapa ni Divina ang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at alalahaning maaring masaktan ang kanyang anak kapag nalaman na nitong wala na si Mico.
-----

Nagtataka si Ivan kung bakit sarado ang gate. Dati lagi naman itong bukas o naka-awang ng kaunti. Pero bakit ngayon ay lapat na lapat sa pagkakasara ang gate nila Mico at naka-lock pa sa loob. Agad siyang kumatok.

"Mico." Ilang tawag lang ni Ivan ay nakarinig na siya ng yabag ng paparating. "Si Mico siguro." naexcite sabi.

"Ivan." pagkabukas ng pinto.

"Kayo po?"

Iniluwa si Saneng sa gate. "Parang nagulat ka pa yata. Ako lang namang tao rito."

"H-ha? Anong ibig po ninyong sabihin?"

"Bakit hindi mo alam?"

Napakunot ang noo ni Ivan ngunit naka-silay pa rin ang ngiti sa labi.

"Hindi ba kayo nakapag-usap ni Mico?"

"Magkausap po kagabi." walang kaalam-alam na sagot ni Ivan. "Sa totoo nga lang po, maraming nangyari kagabi." pagmamalaki ng kanyang isipan.

"Yun naman pala eh, alam mo ng wala rito si Mico."

"Po?" parang tumigil ang mundo ni Ivan sa narinig.
-----

Parang umiikot ang paningin ni Ivan habang nakatayo siya sa harapan ng pinto ng kwarto ni Mico. Sumasakit ang ulo niya sa paulit-ulit na tanong sa kanyang isip, ang kung bakit siya iniwan ni Mico at nang walang paalam.

Gusto niyang pumasok sa loob ng kwarto ni Mico. Naniniwala siya sa sinabi ni Saneng na wala na si Mico pero, para bang umaasa ang kanyang puso't isipan na nasa loob lamang si Mico at naghihintay sa kanya. Nakikinita-kinita pa nga niyang makikita niya itong ngingiti ng napakaluwang kapag nakita siyang pumasok sa loob.

Suminghap muna siya ng malalim para magkaroon ng lakas ng loob. Nanginginig ang kanyang mga kalamnan dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Para siyang matutumba kaya naitungkod niya ang kamay sa pader. Tumingala siya para mapigilan ang napipintong pagluha. Saka niya hinawakan ang seradura. Ramdam niya ang panginginig ng kamay at para bang walang lakas ng pihitin iyon.

Kasabay ng pagbukas ng pinto ang pagtawag niya ng pangalan ni Mico.  Nang maluwang nang nabuksan ang pinto saka tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi. "M-mico..." sa pangalawang pagkakataon.

Wala siyang Mico na nakita sa paligid kaya lalo lang siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang puso. Napayuko siya at saka tahimik na lumuha ng lumuha. Ayaw niya gumawa ng ingay. Pilit niyang nilalabanan ang sakit. Humakbang siya at muntikan na siyang mawalan ng panimbang. Buti na lang at mabilis siyang nakahawak sa kanto ng pinto. Muli siyang humakbang at pagkakataong iyon, pinilit niyang tatagan ang kanyang mga tuhod.

Narating niya ang kama ni Mico. Umupo siya roon at saka bahagyang hinimas ang kama. Para bang madarama niya si Mico sa ganoong paraan. Tumingin siya sa paligid. Naghahanap ng kakaiba na maaring makapagsabi ng tungkol kay Mico at higit sa lahat kung bakit ito biglaang umalis at iniwan siya. Pero wala siyang nakitang kakaiba.

Tumingin siya sa likuran niya at doon nakita niya ang laptop ni Mico. Agad siyang pumatong sa kama at para abutin ang laptop na nasa kabilang bahagi ng kama. Nang makuha, agad niya rin itong pinagana. Ilang sandali lang ay tuluyan ng nagbukas ang laptop.

Nandilat ang mga mata ni Ivan nang bumulaga sa kanya ang wallpaper sa screen.



"Ako 'to ah?" pero hindi siya nagalit o nainis man lang. Bumalik lang sa kalungkutan si Ivan. "Ginalit pala talaga kita." bumuntong hininga siya at ngumiti. "Pero ang alam ko Mico, napatawad mo na ako. Alam ko kahit hindi ko itanong at hindi mo sabihin, sa kilos mo, kahit sa mga sinasabi mo, alam ko..." nagpatuloy ang pag-agos ng kanyang luha. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang puso. Pero pinipilit niyang ngumiti. "...mahal mo ako. Hindi mo ako iiwan. Nagbago na ang isip mo di ba?"

Gumalaw ang kanyang mga daliri ni Ivan sa laptop ni Mico. Binuksan niya ang "paint" para i-edit ang kanyang picture.


Sinulatan niya ito ng  "I really miss you and love you, so sad si Ivan." Pagkatapos ay pinatay na niya ang laptop at maayos na inilapag sa kama. Naisip ni Ivan na ipapaalala niya kay Saneng na huwag kalimutan ang laptop ni Mico pabalik ng Manila.

Tumayo na si Ivan sa kama. Balak na niyang lumabas ng kwarto. Gusto sana niyang doon maglagi pero naisip niyang bumalik sa bahay at tanongin ang ina kung mayroon itong alam kung bakit biglaang umalis si Mico.
-----

"Aw, aw, aw." tahol ng aso pagkababa ni Ivan sa hagdan.

"V-vani?" bahagyang pumiyok pa si Ivan ng sambitin ang pangalan ng alagang aso ni Mico. "Vani, naiwan ka?" agad niyang nilapitan iyon at kinarga.

Para namang si Ivan ang amo ni Vani at dali-dali itong lumapit kay Ivan at kakakitaan ng kagaslawan sa pagkilos.

Napa-ngiti si Ivan. "Buti naman at close pala tayo." natawa si Ivan. "Iniwan na tayo ng amo mo. Ikaw masaya ka ba na iniwan ka ng amo mo?"

Tumaho ang aso.

Hindi naintindihan ni Ivan ang ibig sabihin ng tahol na iyon ni Vani. "Siguro gutom ka na? Halika sa bahay doon kita papakainin." sabay buntong hininga. Naisip kasi niya si Mico nang minsang pinagmamasdan niya ito habang pinapakain si Vani. Kitang-kita ang kalungkutan sa mukha ni Ivan. "Halika na Vani."
-----

"Ma, may alam ba kayo sa biglaang pag-alis ni Mico?" kaagad na tanong ni Ivan nang makapasok sa loob ng bahay. Naabutan kasi niya ang ina sa sala na nanonood ng t.v. Inilapag niya si Vani sa lapag.

Kunot-noong tumingin si Divina sa anak. Sinikap niyang itago ang pagbundol ng dibdib dahil sa nagi-guilty na may alam sa pangyayari. "A-anong ibig mong s-sabihin?" kunyaring tanong ni Divina.

"Wala na si Mico Ma. Bumalik na siya ng Manila. Hindi mo rin alam? Imposible naman yatang hindi siya magpaalam? Maayos kami ni Mico. Hindi kami magkagalit. Bakit bigla-bigla aalis na lang siya ng walang paalam. Kahit man lang sa inyo? Anong dahilan. Ma?" sunod-sunod na pahayag ni Ivan.

Bahagyang tumaas ang boses ni Divina. "Aba, malay ko. Wala akong alam. Ngayon ko nga lang nalaman na wala na pala si Mico."

"May nangyari na hindi ko alam."

Iba ang naging dating sa pandinig ni Divina ang sinabi ng anak. "Anong ibig mong sabihin Ivan? Na may kinalaman ako sa pag-alis ni Mico?"

Natihimik si Ivan.

"Ano Ivan? Bakit nakatitig ka lang sa akin? Pinag-iisipan mo ba ako? Wala akong alam sa pag-alis ni Mico."

Suminghap muna si Ivan ng hangin bago nagtanong sa ina. "Nagkita po ba kayo ni Mico kanina? Kaninang umaga?"

"O- h-hindi." nabulol si Divina.

"Ma?"

"Hindi nga?"

Parang pagsuko ang ginawang paghinga ni Ivan. "Ok." Pagkatapos ay kay Vani siya tumingin. "Vani, sumunod ka sa akin sa kusina. Kakain tayo." Nilagpasan niya ang ina.
-----
Tulala si Ivan habang nasa harap ng hapag-kainan. "Bakit si Mama ang laging pumapasok sa isipan ko na maaaring dahilan ng pag-alis ni Mico? Ahhh ewan." Muli niyang sinilip si Vani na kumakain. Nakikita niyang ganadong-ganado si Vani sa pagkain. "Buti ka pa. Balewala lang sa inyo kung iwanan kayo ng nag-alaga sa inyo. Kahit minsan hindi kayo bigyan ng importansya, hindi kayo apektado. Ako..." nangilid na naman ang luha sa kanyang mga mata. "... ang sakit dito." nakapa niya ang dibdib kung saan naroon ang kanyang puso. "Ang hirap tanggapin. Ang saya namin kagabi, tapos ngayon, wala na ang amo mo." Pilit siyang tumawa. "Nakakatuwa."

Tumahol si Vani.

"Tapos ka na ba?" Kinarga niya ito at itinapat ang mukha sa kanyang mukha. "Pwede bang hindi na kita ibalik kay Mico hmmm? Ako ang mag-aalaga sa iyo. Papatabain kita. Para kapag naalala ka ng amo mo at balikan ka, batchoy ka na." natawa siya sa nasabi. Pero bigla namang natahimik. "Pero kelan ka babalik Mico?"
-----
Sumasakit na ang ulo ni Ivan pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Kanina pa siya palipat-lipat ng pwesto pero hindi pa rin maka-tulog. Panay ang buntong-hininga na lang ang ginagawa niya. Patuloy na ginugulo ang kanyang isipan patungkol kay Mico. Miss na miss na niya ang naging katabi kagabi lamang.

"Parang hindi na ako sanay na wala si Mico sa tabi ko?"
----

Kahit puyat at hindi pa maasyos na naka-tulog, maaga pa rin si Ivan gumising kinabukasan. Nag-prepare para sa pag-pasok.

Naka-talikod si Divina ng mag-salita kay Ivan. Naulinigan kasi niya ang anak sa pagbaba ng hagdan. "Ivan, mag-almusal na." saka niya nilingon ang anak. "Oh, bakit namamaga yang mata mo?" Alam niya ang dahilan, pero nagkunwari siyang walang alam.

"Napuyat lang ho akong makipaglaro kay Vani." walang kagana-ganang sagot ni Ivan. Dumiretso si Ivan sa hapag-kainan. Nakita niya ang nakahaing spaghetti sa lamesa. Napa-lunok siya.

"Anak kain na ng paborito mo." masayang alok ni Divina.

Siyempre gusto ni Ivan kumain pero naisip niya lang si Mico. "Ano po ba ang favor niyo?"

"H-ha?" nagulat si Divina sa tanong ng anak. "Ah eh porke lang ba na pinagluto kita eh may favor na ako?"

"Akala ko lang ho. Ganoon po ba? Sige po, mamaya na lang po ako kakain. Parang busog pa po ako." Gusto niyang kumain bakit hindi, paborito niya iyon. Pero nang maalala niya si Mico, hinanap ng panlasa niya ang spaghetti ni Mico. Nawalan siya ng gana.

"H-ha? Ah sige. Papasok ka na?"

"Opo Ma." sagot niya at saka tumalikod.

Naiwan si Divinang natutulala sa naging malamig na pakikitungo sa kanya ng anak. Ngayon niya lang nakitaan ng ganoon ang anak. Alam niya ang dahilan at si Mico iyon pero paninindigan niya ang gusto niyang mangyari. Pero nararamdaman niya sa kanyang dibdib ang sakit sa ganoong klaseng pagtrato ng anak.
"Malungkot lang ang anak ko. Lilipas din yon at makakalimutan nya rin si Mico. Babalik din kami sa dati. Magiging masaya pagkatapos kakainin niya ang iluluto ko sa kanyang spaghetti."
-----

Nakayuko si Ivan habang naglalakad sa pasilyo ng building kung saan naroon ang kwarto niya. Nang mapatapat na siya sa hagdaan paakyat sa second floor ng building. Napa-tingala siya dahil sa sinag ng araw  tumatama sa kanya galing sa salaming bintana sa gawing taas. Saka niya nakita ang isang tao na nakatayo roon na tila bang naghihintay sa kanya. Bahagya pa siyang napapapikit nang aninagin ang taong naroon.

"M-mico?" anas niya.


[42]
"Mico?" ulit ni Ivan. Dinig na dinig ni Ivan ang tili ng taong nasa dulo ng hagdan sa taas.


"Ivan..."


"B-billy?" Nakilala na niya kung sino ang taong nasa harapan ng sinag ng araw. Napakamot siya sa kanyang ulo. "Halatang si Mico ang laging nasa isipan ko. Tama bang mapagkamalan kong si Mico si Billy." Saka niya napansing nagmamadaling lumalapit sa kanya si Billy.

"Ivan, ano ka ba?" natutuwang tanong ni Billy. Hind kasi siya makapaniwalang pinagkamalan siyang si Mico. "Ano bang nakain mo at pinagkakamalan mo akong si Mico?" saglit siyang tumigil. Naghihintay ng sagot mula kay Ivan. "Ay, pipi. Pero, natuwa ako doon ah, infairness. Pagkamalan ba akong si Mico. Well, ibig sabihin lang noon na kasing ganda ko si Mico." sabay tawa. "Siyempre naman, maputi lang si Mico at dyosa naman ako ng mga kayumangging kaligatan. Magkaiba lang ang mundo namin, pero pareho kaming dyosa." patuloy ang pagmamalaki at pangangarap ni Billy. Pumipikit-pikit pa siya habang feel na feel na pagkamalan siyang si Mico. "Kaya naman hindi na nakakapagtakang mapagkamalan mo akong si Mico." muling tumawa pero ng may pagmamayabang. Hindi na niya namalayang nilagpasan na siya ni Ivan. "Kaya naman-" tumingin siya sa kanyang harapan. "Kaya naman, Ivan? Ivan?" lumingon siya. "Ivan, wala ka na pala sa harapan ko hindi mo man lang sinasabi na aalis ka na pala. Tignan mo 'to hmpt." napalitan ng inis. Humabol na lang siya kay Ivan na kasalukuyang inaakyat ang hagdan. "Ivan, wait for me."
-----

Nasa loob ng canteen si Ivan kasama si Billy. Pareho nilang hinihintay sina Mark at Angeline na kasalukuyang nakapila sa mahabang pila para umorder ng makakain.



"Oy, kanina ka pa tahimik ah?" pansin ni Billy kay Ivan. Kanina pa kasi nito napapansing nakatitig lang si Ivan sa may bintana na para bang may hinihintay gayong nasa harapan na nito ang inorder na pagkain. "Nagpe-pray ka ba? Ang tagal ah." biro ni Billy.

Tumingin si Ivan kay Billy ng naka-ngiwi.

"Biro lang naman. May problema ka ba Ivan? Sa totoo lang kanina pa kita napapansing tahimik."

Bumuntong hininga lang si Ivan at kinuha ang tinidor pagkatapos ay pinaikot-ikot lang ito sa kanyang platong may lamang pagkain.

Napatitig lang si Billy sa ginagawa ni Ivan. Ayaw na niyang magtanong. Naisip niyang may problema nga si Ivan at wala ito sa mood na magsalita. Ayaw na rin niyang mangulit baka magsungit pa ito. Tanging ang mgataka na lang ang kanyang nagawa.

"Nagmahal ka na Billy?" siryosong tanong ni Ivan.

Nanlaki ang mga mata ni Billy. Hindi niya inaasahang magtatanong iyon ng ganoong klase at sa siryosong paraan. Muntikan pa siyang mabilaukan dahil kasalukuyang siya noong sumubo ng kinakain. "Siryoso ah?"

Hindi umimik si Ivan. Tumingin lang muli ito sa may labas ng canteen tulad ng kanina.

Napaupo naman si Billy ng maayos. Napansin niyang siryoso nga talaga si Ivan. At nagtanong na ito, maaring kailan nga yata niyang sumagot. "A-ah Ivan? Kailangan ko ba talagang sumagot?"

Tumingin ng diretso si Ivan kay Billy. "Kung gusto mo bang sagutin eh. Ikaw ang bahala."

Bumuntong hininga muna si Billy. "Kasi... Oo naman." gusto sana niyang ipaligoy-ligoy pero na diretso na niya rin. "Oo naman Ivan."

"Malamang sa kapwa mo lalaki." ngumiti si Ivan ng may ibig sabihin habang nakatingin ito sa ginagawang pagpapaikot-ikot ng tinidor sa plato.

"O-oo. Bakit? Para namang gusto kong matakot sa klase ng pagkakasabi mo?"

"Pasensiya na. Pero, mahal ka ba ng nagugustuhan mo?"

Biglang natawa si Billy. "Yun lang. Ako nga lang ang may alam na kami eh."

"Si Mark? Este si Markky mo." ngumiti si Ivan ng natural.

"Huwag kang maingay ah." Tumawa uli si Billy. "Pero alam ko na hindi posible yun mahal na mahal nun si Susane."

"Maliban ba sa kanya, wala ka ng ibang gusto o natitipuhan?"

Kumot noo si Billy. "Natitipuhan? Mmm marami pero crush crush lang yun hindi tulad ng pag-ibig ko kay..." pabulong niyang binigkas ang pangalan ni Mark. "bakit gusto ikaw? Huwag kang mag-alala..." sumubo muna si Billy at pabulol siyang nagsalita. "Nakalista ka na sa mga crushes ko." sabay tawa. Hindi naman siya nabulunan.

Natawa si Ivan. "Ito ah, kunyari lang. Kung sakaling ligawan ka ni Mark, o kaya naman, basta naging kayo, magagawa mo pa ba siyang iwanan." may naramdamang kirot sa puso si Ivan nang banggitin niya ang huling salita. "Oo, ganoon."

Pailalim kung tumingin si Billy sa pagkakataong iyon para bang nanantiya sa tanong ni Ivan. "Hay... kung mangyayari yun, itataga ko sa bato, hindi ko iiwanan si Mark noh."

"Mmm sigurado ka?"

"Oo naman noh. Aba, sa sitwasyon naming mga bading mahirap nang makahanap ng papa noh." sabay tawa ng bahagya. "Sa totoo lang. Yung iba nga ang iniisip, imposibleng magkaroon ng relasyong lalaki sa lalaki. Kaya ako, parang hanggang pangarap na lang siguro ako. Kaya ako, kung bibigyan ako ng pagkakataon na bigyan ng ganoong klase ng realsyon, pag-ibig. hindi ko talaga sasayangin. Oo."

Napayuko si Ivan. "Bakit si Mico, nagawa niya akong iwan. Kung mahal niya ako bakit niya ako iniwan." parang gustong maluha ni Ivan sa naisip niyang iyon.

"Ivan, bakit?" siryosong tanong ni Billy.

"H-ha wala. Sige kain ka na."

"Ok."
-----

Lulugo-lugo si Ivan nang umuwi sa bahay. Pasalampak siyang umupo sa sofa kaharap ang naka-on na t.v. Naabutan niyang bukas iyon kahit walang nanonood. Naisip niyang marahil ay nanonood ang ina at saglit na iniwan. Hindi nga siya nagkamali dumating ang kanyang ina.

"Ivan, anak. Kamusta?"

"Ito namimiss na si Mico." sagot ni Ivan habang nakakatitig sa mga imaheng lumalabas sa t.v. Lantaran niyang sinasabi ang pagka-miss nya kay Mico.

"Ivan," umupo si Divina katabi ng anak. Napansin ni Divina na bahagyang umusog si Ivan na para bang ayaw siya nitong katabi. "Siguro, mag-imbita ka ng mga kaklase mo rito para hindi ka mabagot na walang kausap. Tulad nila Angeline. Nami-miss ko na ang batang yun."

napa-ingos si Ivan ng marinig ang pangalan ni Angeline.

"Para naman siguro makalimutan mo si Mico, Ivan."

Napa- kunot noo si Ivan at tumingin sa ina. "Bakit ko kailangang kalimutan si Mico, Ma?"

"H-ha? Ang ibig kong sabihin, para hindi mo siya ma-miss. Kahit papaano, makalimutan mo naman siya, ah ang ibig kong sabihin par ahndi mo siya ma-miss. Ganoon. Kaya imbitahan mo mga kaibigan mo." hindi na alam ni Divina kung nakasagot ba siya ng maayos.

Pero lalo lang napaka-kunot noo si Ivan kasabay nito ang pagningkit ng mga mata. "Ma, pasensiya na po, pero parang may alam kayo sa pag-alis ni Mico?"

Naningkit din ang mga mata ni Divina. "Bakit ganyang ka kung magtanong? At bakit ganyan ka kung makapaghinala sa akin? Parang hindi mo ako ina ah."

"Para kasi kayong nagsisinungaling. Napapansin ko sa kung paano kayo magsalita."

Nakaramdam ng inis si Divina. Mukhang hindi niya naitatago ang lihim niya ng maayos. Nahahalata ni Ivan at ngayon at napaghahalataan na siya. "Eh kung meron, Ivan." lumakas ang boses ni Divina. "Ano ngayon?"

Napatayo si Ivan sa pagkaka-upo. Balak niyang umakyat na lang sa itaas dahil naramdaman niyang umiinit ang usapan nila. Mauuwi sa di maayos na pag-uusap.

"San ka pupunta Ivan?"

"Sa kwarto Ma, gusto ko ng magpahinga."

"Ang alam ko Ivan, may pinag-uusapan tayo pagkatapos bigla mo na lang akong lalayasan? San mo natutunan ang ganyan ugaling yan? Kay Mico?"

Napa-lingon siya sa ina. "Ma?" bigkas ng pangalang nagtatanong? "Paano ninyo naisip ang ganyan?"

"Tinataasan mo na ako ng boses ngayon Ivan?" nagsimula nang manlisik ng mga mata ni Divina sa anak. "Hindi ka ganyan dati Ivan pero simula ng makipag-igihan ka dyan kay Mico na yan nag-iba na ugali mo Ivan."

Nagulantang si Ivan sa ipinahayag ng ina. "Ma?" anas niya ng mahina.

"Oo Ivan, ako ang nagpaalis kay Mico. Dahil bilang ina, ayokong makita kayong ganyan. Para sa akin kababuyan ang ginagawa ninyo." nagsimula nang umiyak si Divina. "Kaya dapat lang na sa mas maaga pa, putulin ko na ang kung ano mang namamagitan sa iyo. Naintindihan mo Ivan? Ayokong magkaroon kayo ng relasyon ng higit pa sa magkapatid."

Natutulala lang si Ivan. Nabigla talaga siya sa naririnig mula sa ina. Pero agad siyang naka-bawi. "Kaya pala. Ngayon naiintindihan ko na." malungkot na tumalikod si Ivan at pinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan.

"Ivan?" tawag ng ina.

Tumigil si Ivan. "Bakit ma, may sasabihin ka pa ba?" Hindi sumagot ang ina. Nakayuko lang ito habang umiiyak. Hindi siya nakakaramdam ng awa para sa ina dahil mas masakit ang nararamdaman niyang tutol ang kanyang ina sa realsyon nila ni Mico. "Gusto ko lang pala ipaalam sa inyo na mahal na mahal ko si Mico. Aakyat na ako."

"Ivan?" tawag ni Divina. Nasa tono niya ang pagtutol sa sinabi ng anak. "Kalimutan mo si Mico." Pero walang sagot na narinig pa si Divina. Tuluyan na siyang iniwanan ng anak.
-----

Nang maisara ni Ivan ang pinto ng kanyang kwarto, hindi na niya napigilan ang kanina pa niyang pinipigilang emosyon. Gustong-gusto nang sumabog ng kanyang dibdib sa matindig sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang puso. Pasandal sa pinto niya siyang nagbuhos ng sama ng loob sa mga nangyayari.

"M-mico..." tawag niya sa pangalan ng minamahal. "siguro ganito rin ang nararamdaman mo. Ngayon, naiintindihan ko na. Sana, sinabi mo sa'kin Mico. Naipaglaban sana kita."
-----

"Anong naisipan ng anak mo at biglang bumalik dito? Ang akala ko doon na iyon maninirahan?" nakangising tanong ni Dante sa asawa ng lumapit na sa hapag-kainan. Kasalukuyan silang nasa harap ng hapag-kainan.

Binalewala ni Laila ang tanong ng asawa.  Hinarap na lang niya ang kasambahay na paparating at may hawak itong pitsel. "Mirna, paki-check mo nga si Mico sa kwarto niya. Pababain mo na siya, sabihin mong nakahanda na ang hapag." saka siya umupo.

"Sige po Ma'am." inilapag na ng may-edad na babae ang buhat-buhat na pitsel.

"Dino, gusto ko lang ipaalala-" hindi na natapos ni Laila ang sasabihin ngputulin ito ni Dino.

"Huwag kang mag-alala. Wala akong pakialam kaya wala akong sasabihin. Walang gulo." Nagsimula nangsumandok si Dino ng kanin.

Hindi na umimik pa si Laila pero nasaktan siya ng sabihin ng asawa na wala itong pakialam sa anak. Maya-maya pa ay dumating na si Mirna. "Ma'am, hindi muna daw po siya sasabay."

Napa-kunot noo si Laila. Nag-alala siya para sa anak. Pagkatapos ay napa-tingin siya sa asawa. Tinignan kung ano ang reaksyon nito sa narinig mula sa kasambahay. Tama ang hinala niya, nakangisi nga ito. Napa-ngiwi na lang siya sa inis.


[43]
Nakatitig lang si Mico habang nakaupo sa harapan ng kanyang malaking salamin, katabi ng kanyang kama. Panay ang buntong hininga niya habang minamasdan ang kanyang malungkot na mukha. Kinuha niya sa katabing table ang nakapatong na suklay at ginamit niya iyon para suklayan ang kanyang humahaba ng buhok. Isa na ring paraan niya para maabala niya ang kanyang sarili.


"Naalala ko, nang una kong araw sa Batangas..." napa-ngiti siya. "Hindi naman ganito ang buhok ko eh. Maikli lang. Pero ngayon, hindi ko na makita ang mga tenga ko sa haba." Sinuklay niya pataas ang kanyang buhok sa parteng taas ng noo. Gusto niyang makita ang buong mukha niya. Saka siya muling napa-buntong hininga. "Halata ang pamamaga sa ilalim ng mga mata ko." muli siyang napa-buntong hininga.

Itinigil niya ang pagsuklay. Kinapa niya ang kanyang mukha at napagtantong nananaba siya hindi tulad ng unang araw niya sa Batangas. "Grabe, hindi ko na namalayang nagkalaman na ako. Ang payat payat ko dati. Paano wala na akong ginawa kundi kumain ng kumain. Si Iv-."  hindi niya naituloy banggitin ang pangalan ni Ivan. Muli lang niyang nadama ang kalungkutan. "Hay... Kelan ba ako magiging maayos kung sa tuwing maiisip ko si Ivan, nararamdaman ko agad ang pangungulila. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Alam na siguro niya, malamang kahapon pa. Baka kung anong isipin niya dahil ako nagpaalam."

Muli  niyang kinuha ang suklay para suklayin naman pababa sa kanyang mukha ang bangs. "Gusto siyang makita pero natatakot ako at nahihiya kay tita Divina. Eh kung puntahan ko kaya siya sa school niya? Ang layo kasi ng Batangas, malamang hindi ako papayagan ni Mama. Kung hindi na lang ako mag-paalam? Baka magalit sa akin si Mama, siya na lang nga ang kakampi ko eh. Pero namimis ko na si Ivan."
-----
"Hindi ako uuwi ng tanghalian bukas." si Dino habang nakahiga na ito sa kanilang kama. Nasa harapan si Laila ng salamin nagsusuklay ng buhok. Gawain na kasi ng babae ang masuklay ng buhok bago matulog.

"Ako rin, ang dami kong gagawin sa office. Naiwanan ko kasi nang sunduin ko si Mico sa Batangas."

"Bakit ba kasi kailangan mo pang sunduin ang anak mo?" may diin ang pagkakabigkas ni Dino sa salitang anak.

"Anak mo rin." pag-uulit ni Divina.

"Ang tanda na ni Mico para sunduin pa. Marunong na 'yun sinusundo mo pa."

Ayaw pa apekto ni Laila sa pananalita ng asawa. "Matanda na si Mico?" sa halip tanong na lang niya.

"Anong tingin mo sa anak mo, nagaaral pa sa elementary? Eh kahit nga yata grade 4, 5 marunong ng sumakay ng taxi."

"Ok." pag-sangayon ni Laila. "Nililinaw ko lang naman na kung matanda na nga si Mico para sayo." Nakita ni Laila ang asawang napa-kunot noo nang tignan niya ito sa pamamagitan ng kanyang salamin. "So, dahil nasa edad na si Mico, ang anak mo, alam mo ng makakapag-desisyon na siya para sa kanyang sarili. Na hindi mo na pwedeng pakialaman basta basta ang kanyang mga ginagawang desisyon. Kung ano man ang piliin niya, siguro dapat na lang nating suportahan at bilang magulang alalayan natin siya sa mga gusto niya sa buhay." Nang sinasabi iyon ni Laila ang iniisip  niya ang napiling pagkatao ni Mico.

"Kaya lumalaking spoiled yang anak mo eh."

Hindi na kumibo pa si Laila. Para sa kanya tama na muna ang mga nasabi niya. Baka uminit lang ang usapan nila. Pasalamat nga siya at nagawa niyang makapagsalita nang hindi umiinit ang ulo ng asawa. Tinapos niya ang pagsusuklay. "Dino, pupunta lang muna ako sa kwarto ni Mico."
-----

"Mico, bakit hindi ka bumaba kanina?" nag-aalalang si Laila nang bisitahin niya ang anak sa kwarto nito.
Bumalikwas sa pagkakahiga si Mico at humarap sa ina. "Ma, wala po kasi akong gana." Ngumiti siya ng tipid.

"Baka mapaano ka nyan, Mico?"

"Ma..." sinikap ni Mico na lagyan ng tonong humihingi ng pag-unawa ang kanyang pagtawag sa ina saka ngumit ng maluwang. Sinikap niyang pasayahin ang kanyang tono sa pagsasalita. "Dati naman akong nagda-diet eh. Tignan mo po..." ipinakita niya ang kanyang braso sa ina. "Ang taba ko na. Ok lang po ako. Alam ko po nag-aalala kayo. Pasensiya na po."

"Naisip ko lang kasi baka kaya hindi ka bumaba dahil natatakot sa Dad mo. Siyempre, talagang mag-aalala ako kasi may iba ka pang pinoproblema, nak."

Sa sinabing iyon ng ina, muli na namang may kung anong sumundot sa puso ni Mico para makaramdam ng sakit at magbadya sa pagluha. "Ma..."

Lumapit ng maigi si Laila sa anak, pagkatapos ay ipinatong ng ina ang kamay sa likuran ni Mico at hinimas iyon. Inaalo ng ina ang kalungkutang nadarama ni Mico. Nauunawaan niya ang anak dahil naranasan din naman iyon noong nagsisimula pa lan sila ng asawa, ang tatay ng ani Mico.

Napayakap na si Mico sa ina. "Ma... ramdam ko pa rin ang sakit eh. Ang sakit sakit po. Nag-try na po akong kalimutan siya, kahit saglit lang, pero hindi ko magawa Ma."

"Naiintindihan ko Mico. Kaya nga nandito si Mama eh para alalayan ka sa dinadala mo."

Hindi sumagot si Mico bagkus mas hinigpitan niya ang kanyang yakap sa ina, para iparamdam ang pasasalamat niya sa ginagawa ng ina para sa kanya.

"Hindi mo pa sa akin kinu-kwento ang mga nangyari, Mico. Pwede mo na ba sa aking sabihin ang lahat?"

"Opo Ma. Pero baka may gagawin ka pa?"

Ngumiti ang ina ng ubod ng tamis. "Bakit? Mas mahalaga pa ba ang ibang gawain kung alam kong kailangan ako ng aking anak." sabay pisil ni Laila sa ilong ni Mico. Nagkatawanan sila. "Malungkot ang anak ko eh, kaya gusto ko sana mapasaya ko siya."

Ikinuwento nga ni Mico ang mga nangyari simula't simula kung bakit at papaano sila nagkamabutihan ni Ivan.  Hindi niya lang isinama ang nangyari noong huling gabi niya sa piling ni Ivan. Nahihiya siyang iditalye.

Sa nalaman ng ina sa mga ipinahayag ng anak, wala siyang naramdamang galit kundi pag-unawa sa damdamin ng anak. Ang hindi niya lang mabigyan ng matuwid na pagsang-ayon ay ang relasyon nito sa kapwa nito lalaki. Pero at least naroon na rin siya kaya lang may mga tao pang dapat tumanggap ng kalagayan ng anak. Katulad na lang ni Dino, ang tatay ni Mico. Si Divina ang nanay ni Ivan.

Ang maganda roon, natapos ang kwentuhan sa kahit papaanong magaang pakiramdam ni Mico.
 -----

"Mirna, mamaya ang dating ni Saneng galing Batangas, abangan niyo para matulungan ninyo sa mga dalahin niya." Pinapaalalahanan ni Laila ang kasambahay bago siya pumunta sa kanyang opisina. "Huwag ka na pala magluto ng tanghalian, ng marami ha. Kasi hindi uuwi si Dino mamaya, sa hapunan ka na lang magluto. Ako din hindi na uuwi. Pero huwag mong hayaang walang maabutan si Mico na makakain, siguradong gutom iyon dahil hindi pa iyon kumakain kahapon."

"Oho." magalang na sagot ni Mirna.

Hindi pa nakakatalikod si Laila sa kasambahay ay napansin na niya si Mico na pababa sa mataas nilang hagdan. "Mico." bahagyang nagulat pero masaya pa rin niyang tawag sa anak. Ngumiti ng maluwang si Mico.

"Paalis ka na Ma?" tanong ni Mico nang makalapit.

Pero bago sumagot sa anak ay sa kasambahay muna si Laila nagbigay atensyon. "Sige na Mirna, yun lang ang paalala ko."

"Sige po Maam."

Matamis na ngiti ang ipinakita ni Laila sa anak. "Oo Mico. Ano, nakatulog ka ba ng mabuti kagabi? Kahit walang kain?" biro ni Laila sa anak.

"Opo Ma." sagot ni Mico ng naka-ngiti.

"Sige, aalis na ako. Ibinilin ko na kay Mirna na ipagluto ka. Alam mo na naman na hindi kami uuwi ng Dad mo ngayong tanghali. Ikaw muna dito ha?" pagkatapos tinitigan ni Laila anak. Tinatantiya kung magiging Ok lang ba ang anak na maiwan. Hindi naman niya masyadong napapansing malungkot ang mukha ni Mico. Hinalikan niya ang anak sa noo. "Paka-bait ka ha? Kahit mabait ka na." natatawang biro ng ina.

"Opo Ma." natawa na rin si Mico. "Pero Ma..."

"Ano yun?"

"Balak ko po kasing lumabas mamaya. Na-miss ko na rin pala po dito."

"Sige. Maganda nga 'yang naisip mo."

"Salamat Ma."

"Mamaya pala ang dating ni Saneng. Sinabi ko sa kanya na silipin ang kwarto mo para madala ang mga gamit mo na naiwan. Hindi na kita tinanong kung ano ang mga dadalhin eh."

"Ok lang Ma."

"Mag-ingat ka na lang mamaya."

"Opo."
-----

Halos tatlong oras na si Micong wala sa kanilang bahay simula ng lumabas ito para mag-gala. Sinubukan kasi niyang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pagpunta sa mall, paglakad-lakad sa kung saan-saang lugar na alam niyang maari siyang maging masaya.

Nakaramdam na rin si Mico ng gutom. Napa-labi pa siya nang mapatapat sa isang kilalang restaurant. May pera siya kaya lang nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya o uuwi na lang. "Ayoko pa kayang umuwi." sabi niya sa sarili niya. Gusto ko pang magpunta sa mga tambayan naming magkaklase, baka makita ko sa school ang mga dati kong classmate." saglit pa siyang nag-isip. "Papasok na nga lang ako."

Agad siyang pumasok dala na rin ng nararamdamang gutom. Nang maka-pasok, tumigil muna siya para tignan kung saan may bakante. Ang mga pwesto sa kanyang harapan ay mga okupado na. Nang mapa gawi ang paningin niya sa bandang kaliwa niya, agad na napakunot ang noo ni Mico. Napatitig siya sa isang lalaking bahagyang nakayuko, nakapwesto sa gawing kaliwa paharap sa kanya na . "Parang kilala ko 'yun ah?"

Nanlaki ang mga mata ni Mico nang iunat ng lalaki ang mukha nito. "Siya nga!"


[44]
"Rico, ikaw ba yan?" paniniguro ni Mico. Nasa tono niya ang kasabikan na muling makita ang lalaki.


Nakakatitig sa kanya si Rico. Nabigla kasi ito nang mapansin niya si Mico. Naninigurado rin na tama ang kanyang nakikita. "Mico?"

Lumuwang ang pagkakangiti ni Mico nang banggitin ang pangalan niya ni Rico. "Ako nga, Rico." Agad siyang lumapit. Pero napatigil siya nang mapansing may kaharap pala itong lalaki. May kasama si Rico sa table na inuukupa nito. Nakatalikod ito kay Mico at hindi niya ito napansin nung una dahil titig na titig siya kay Rico.

Napa-tingin siya sa lalakibng naka-sumbrero. Napansin niyang may kalungkutan ang mukha nito pero hindi maitatanggi na may hitsura ito. Hindi lang masyadong pansinin dahil sa kulay nitong parang nababad sa init ng araw. Madali ni Mico napagmasdan nito ang lalaki. Napansin nga niyang naka-tshirt ito ng simple at maong na kupas. Naka-rubber shoes na halata ang alikabok habang may kung anong klaseng basket sa may paanan nito, sa ilalim ng lamesa.

Nang muling mag-angat ng mukha si Mico naabutan niyang nagpunas ng mabilis ang lalaki. Alam niyang nahiya ito sa harapan niya. ""May kasama ka pala." bawi niya.

"Si Emman, Mico." pakilala ni Rico sa kasama. "Emman si Mico."

Pansin na pansin ni Mico na hindi mapalagay ang kasama ni Rico na si Emman. "Nice to meet you Emman." HIndi na niya nagawang makipagkamay dahil binalingan agad niya si Rico. "Rico, masaya akong muli kang makita pero baka nakaka-abala lang ako. Wrong timing yata ako. Siguro next time na lang." Hinintay niyang magsalita si Rico pero napansin niyang hindi ito makapagsalita habang nakatitig kay Emman. "Sige." tumalikod na siya ng hindi sumagot si Rico. Agad siyang lumabas ng restaurant na iyon.
-----

"Mico, sandali." habol ni Rico sa labas ng reastaurant.

Agad na lumingon si Mico. Ngumiti siya ng makita si Rico. "Bakit?"

"Bakit ka agad umalis? Nag-uusap lang naman kami ni Emman."

"Para kasing nakakaabala ako. Saka hindi naman talaga ako kasama sa inyo at napadaan lang ako."

"Pero aalis ka na lang na hindi mo man lang binibigay kung paano kita makokontact."

Natawa si Mico. "Oo nga ano. Buti na lang at hinabol mo ako. Pasensiya na."

"Nandito ka na pala sa Manila?"

"Oo. Teka may dala ka bang ballpen dyan maisulat ko ang address ng bahay ko at telephone no."

"Ha, ballpen." napa-kunot noo ito. "Wala eh, wala akong dala, siguro dito na lang." inilabas nito ang dalang cellphone. Alam ni Mico na bagong labas ang uri na iyon ng cellphone na hawak ni Rico dahil hindi pa niya nakikita ang ganoong klase. Saka niya naisip ang kayang cellphone sa drawer sa kwarto niya. Matagal na niyang hindi nagagamit bago pa man siya pumuntang Batangas.

"Sige, dyan na lang."

"Wala ka bang cell number?" tanong ni Rico. "Imposibleng wala."

"Hindi ko lang sigurado kung Ok pa ang sim ko. Matagal ko na kasing hindi nagagamit. Baka expired na."

"Pero ibigay mo pa rin. Ta-try ko tapos bigay mo na rin ang address mo."

"Sige."

Nagkaayos silang dalawa sa iniwan ni Mico na cellphone number at address. Hindi na kinuha ni Mico ang kay Rico dahil wala siyang ballpen at papel na masulatan. Naghiwalay silang dalawa ng may ngiti sa labi sa muli nilang pagkikita. Ipinangako ni Rico kay Mico na bibisita siya kapag hindi niya nakontact si Mico sa cellphone nito.
-----

Minabuti na lang ni Mico na umuwi. Naisip kasi niyang dadating si Saneng kaya gusto na nyang makita ito at magtanong tungkol kay Ivan. Pangalawa, gusto na niyang makita si Vani ang alaga niya na nakalimutan niyang intindihin at dalhin dahil sa sama ng loob.

Papasok pa lang siya sa gate, dinig na dinig na niya ang ingay sa loob. Boses iyon ng kanyang ama. Maingat niyang tinulak ang gate para huwag masyadong makagawa ng ingay. Pero nakatayo pala ang ama niya sa may pinto na tila naghihintay.

"San ka galing?" tanong ni Dino kay Mico. Halatang galit ito.

"N-nag-gala lang po Dad."

"Parang naka-limutan mo nang hindi kita basta-basta pinapalabas ng bahay."

"Saglit lang naman po ako eh." pagsisinunaling niya. "N-nagpaalam naman po ako kay Mama." Muntikan na siyang mabulol kahit totoo ang sinabi niya.

"Wala akong pakialam." sigaw ni Dino. Pagkatpos ay tumalikod ito at nagtuloy sa loob ng malaking bahay.

Napa-buntong hininga na lang si Mico. Naririnig pa rin niya ang sermon ng kanyang ama kahit hindi na ito direkta sa kanya, siya pa rin ang tinutukoy nito sa mga lumalabas  sa bibig nito. Puro mga disappointment ng ama sa anak ang naririnig ni Mico sa ama.

"Mico, dumiretso ka na sa  hapag-kainan. Bilin kasi sa akin ni Ma'am na pilitin ka ng kumain."

"Sige po aling Mirna. Naandito na po ba si Aling Saneng?"

"Oo kanina, kanina lang. Hinahanap ka nga. Nasa kwarto niya ngayon nagpapahinga sa mahabang biyahe."

"Sige po. Mamaya ko na lang kakausapin. Kakain muna ako."

"Sige na Mico. Gutom na gutom ka na siguro."

"Si Dad pala kumain na ba?"

"Hindi daw siya kakain eh."

"Akala ko po ba hindi uuwi si Dad? Di ba?'

"Yun nga rin ang alam ko."

Ngumiti na lang si Mico.
-----

"Ano pong balita kay Ivan?" tanong ni Mico kay Saneng nang makaharap.

"Hindi pala alam ni Ivan na umalis ka na. Nalungkot 'yung tao. Nagpunta nga yun sa bahay, ang akala naroon ka. Ang saya pa naman ng mukha habang may bitbit na pasalubong. Eh ang kaso nga..." napa--labi si Saneng. "Wala ka na."

"Ano po ang sabi niya?"

"Nagtanong siya kung bakit ka umalis. Alam mo nang malaman niya na umalis ka na, kitang-kita ko ang mukha niya. Naawa ako Mico pero ano magagawa ko eh ayon ang katotohan na wala ka na."

"Tapos po?"

Huminga muna ng malalim si Saneng. "Nagpunta siya sa kwarto mo. Lulugo-lugo, hay... naawa talaga ako. Lilinisin ko nga sana yung kwarto mo eh, hindi ko na lang tinuloy kasi naroon nga siya."

Napangsinghap si Mico. Pinigilan niya ang sariling mapaiyak sa nalalaman. "Pero tingin niyo po ba na Ok siya? Hindi ba siya nagalit?"

"Siguro. Hindi ko alam eh. Pero hindi siya galit nagtataka lang si Ivan kung bakit ka hindi nagpaalam. Wala naman akong masagot sa mga tanong niya."

Ibinagsak ni Mico ang sarili sa sofa at pinadapo ang kamay sa noo. Parang sasakit ang ulo niya sa pag-aalala kay Ivan. "S-si Vani po?" naalala niya ang alaga.

"Ay si Vani. Kinuha ni Ivan, nasa kanya yung alaga mo. Siya na daw ang mag-aalaga kasi pati daw si Vani hindi mo na inalala."

Natameme si Mico sa nalamang iyon. Totoo naman na hindi na niya naalala ang kanyang alaga. "Sigurado naman akong aalagaan ni Ivan si Vani. Hindi ako mag-aalala."

"Pinapasabi pala ni Ivan na..." luminga-linga muna si Saneng sa paligid. Kahit wala namang tao sa paligid nauwi pa rin sa pabulong ang sasabihin ng makwentong si Saneng. "Huwag mo daw siyang kakalimutan..."

Dahil sa ibinulong na iyon ni Saneng, naluha si Mico. Lalo pa ng may idugtong ito.

"...mahal na mahal ka daw niya." dagdag ni Saneng.

Bumilis ang tibok ng puso ni Mico. Muli na naman niyang naramdaman ang pagkamiss sa minamahal. Pero nakaramdam din siya ng hiya sa kausap nang maisip niyang alam pala nito ang meron sa kanila ni Ivan. "S-sinabi po talaga niya iyon sa inyo?"

"Oo. Pero sa totoo lang matagal ko na rin napapansin na may pagtingin kayo sa isa't isa. Hindi lang ako nakikialam dahil ano naman ang karapatan ko at saka katulong lang naman ako."

Hindi na kumibo si Mico sa mga sinabi ni Saneng. Si Ivan ang tumatakbo sa kanyang utak. "Magkikita pa kami. Hindi imposible yun. Pero kelan?"

Kanina pa naka-alis si Saneng nang maulinigan ang ama na pababa sa hagdan. Agad niyang pinunasan ang bsang mukha dahil sa tumulong mga luha. Pinilit niyang ngumiti ng mapatapat sa kanya ang ama. Buti na lang at nakatalikod siya kanina sa hagdan kaya hindi halatang may dinaramdam siya.
-----

Nakaakyat na si Mico sa kanyang kwarto. Agad niyang naalala ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kanyang drawer para i-check kung Ok pa ang kanyang sim. "Ang tagal ko ng hindi nagagamit ito. Sana Ok pa." nang hawak na niya ang bagay.

Pero nang mai-on ang kanyang cellphone, wala na itong signal. Ibig sabihin paso na ang kanyang sim. Napa-buntong hininga na lang siya. "Inaasahan ko pa naman na makokontak ako ni Rico. Siyempre bibili na lang ako ng bago. Pero paano niya malalaman na ang magiging bago kong number?"

Saglit siyang natulala nang biglang may maisip."Tama, bibili ako ng bagong sim tapos ipo-post ko sa facebook ko ang number ko. Ipopost ko sa wall ni Ivan." Nanlaki ang kanyang mga mata sa katuwaan sa naisip. "Bakit hindi ko naisip yun, na maari pa rin naman kaming magkaroon ng communication."

Agad siyang bumaba para tanungin si Saneng kung nadala ba nito pabalik ang kanyang laptop. Naabutan niya si Saneng sa kusina.

"Nadala po ba ninyo ang laptop ko?"

"Oo. Nasa center table sa sala ah. Doon ko inilapag. Akala ko napansin mo noong naguusap tayo."

"Ay ganoon po ba?"

Excited si Mico na makuha ang laptop sa sala. Malayo pa siya ay napansin na niya itong naka-angat, tila may gumagamit. Agad siyang lumapit at nakita niyang nakapatay pa naman ito. Hindi pa napapagana. Nagtataka siya kung sino ang gagamit noon. Imposible naman si Saneng.

Agad niyang binitbit ang kayang laptop. Nakasalubong niya ang ama sa hagdan. Kahit malawak ang hagdan tumigil si Mico para magbigay daan sa ama. Pakita na rin niya ng pag-galang.

Nagulat si Mico nang magsalita ang ama.

"Gagamitin ko sana yan. Kaya lang nagbago na isip ko. Baka kung ano pa ang makita ko. Eh kadarating mo pa lang baka magkagulo na naman."

Hindi mawari ni Mico kung may pag-aalala ba ang tono ng ama sa kanya o tipong nang-aasar ito. Pero ang higit na naramdaman ni Mico ay ang matinding kaba nang malaman niyang ang ama pala niya ang gagamit sana ng laptop niya. Naisip niya ng niretoke niyang picture ni Ivan at ginawa pa niyang wallpaper. "Tama magkakagulo na naman kung nakita ni Dad ang picture ni Ivan sa screen. Buti na lang."

Agad siyang tumakbo pataas nang mapalgpasan ng ama pababa.
-----

Binuksan ni Mico ang laptop niya. Nagulat siya ng tumambad sa screen ng laptop niya ang mukha ang picture ni Ivan na inedit niya pero na may nakasulat na ibang salita.

Binasa niya iyon ng mabagal. "I really miss you and love you, so sad si Ivan." Doon muling tumulo ang luha niya. Ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Ivan nang iwanan niya ito nang paalam. "Patawarin mo sana ako, Ivan. Huwag ka sanang magalit sa akin. Hindi naman ako ang may gusto ng mga nangyayari sa atin ngayon eh. Ang mga magulang natin."

Napa-higa siya sa kanyang kama dahil sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Doon, ibinuhos niya ang sama ng loob sa mga nangyayari.
-----

"Magandang umaga po. Ako po si Rico, dito po ba naka-tira si Mico? Kaibigan po niya ako. Gusto ko lang pong dalawin siya. Matagal po kasing hindi kami nagkita kaya napag-pasyahan kong dalawin siya. Sana ay mamarapatin ninyo."

Kahit alam ni Rico na maayos siyang nagpapaalam sa kaharap at presentable ang kilos at pananamit niya, nakakaramdam pa rin siya ng kaba dahil sa matalim na panunuri ng mata ng kaharap.


[45]
Iniistima sa pamamagitan ng mga mata ni Dino ang lalaking nagpakilalang Rico na bumibisita kay Mico. Para sa kanya, ok naman ang lalaki. Maayos manamit sa suot nitong semi-formal dress. Magalang naman ang pagpapaalam sa kanya kahit hindi pa alam ng lalaki na kung sino siya sa bahay na iyon.


Nanatili si Dinong tahimik habang pinakikinggan ang paghingi ng pahintulot ng lalaki. Wala naman siyang nakikitang masama sa kaharap kaya nagsalita na siya. "Tuloy ka."

"Salamat po." Maluwang ang pagkakangiti ni Rico. "Maaari po bang magtanong?"

Kunot-noong napa-tingin ng diretso si Dino sa kaharap.

"Gusto ko lang pong makilala kayo. Maari po ba?"

"Ako ang ama ng gusto mong dalawin." diretsong sagot ni Dino.

"Maraming salamat po. Sabi ko na nga ba. Kamukha kasi kay ni Mico eh."

Hindi na pinansin ni Dino ang sinabi ni Rico. Tinawag nito ang isa sa mga kasam-bahay at inutusang pababain si Mico na agad namang ginawa.

"Hintayin mo na lang diyan si Mico." Pagkatapos ay tumalikod na si Dino.
-----

Pagka-alis na pagkaalis ng ama ni Mico, agad gumala ang paningin ni Rico sa buong kabahayan. "Maganda rin ang bahay ni Mico ah. Hindi ko inaasahang ganito rin kalaki ang bahay niya. " Hindi naman sa minamaliit niya, nakasanayan lang ng utak niya na ang bahay ni Mico ay kasing-laki ng bahay nito sa Batangas. Kung ikukumpara ang bahay na kinatatayuan ngayon ni Rico sa isang bahay ni Mico sa Batangas, tiyak na dalawang ulit ang laki nito. "Ang lawak ng salas. Pwedeng gawing function hall o auditorium para sa isang gathering."

Halos lahat kasi ng mga kwarto ay nasa second floor kaya halos ang buong ibaba ng bahay ay ginawang salas. Maliban na lang sa parte ng dining at dirty kitchen sa gawing kaliwa. Habang nasa parte naman ng kanan ang library at iba pang maliliit na kwarto para mga ibang mga bagay.

Napansin ni Rico ang hagdan na agaw pansin kapag nasa salas ka. Masyadong malawak iyon na kayang magsabay ang limang tao sa pag-akyat. Naisip niyang karaniwang bumababa sa ganoong klaseng hagdan ay isang prinsesa o di kaya naman ay reyna.

Napa-kurap si Rico nang may masilayang bumaba sa hagdan. "Mico." anas niya nang makilala ang bumaba. Napa-ngiti sa kasabikang makalapit ang kaibigan.
-----

Malayo pa lang si Mico ay maluwang na ang kanyang pagkakangiti. Nang marinig pa lang niya sa kasam-bahay ang pangalan ni Rico ay agad na siyang napatayo sa pagkakahiga at nag-ayos ng sarili. Pinili niya kaninang magsuot ng simple tulad ng dati at sa kung paano siya nakilala ni Rico.

"Nagagalak akong makita kang muli." si Mico nang makaharap si Rico.

Natawa si Rico habang kakamot-kamot sa batok. "Hindi kasi kita ma-contact eh."

"Maupo muna tayo."

"Sige."

"Oo nga eh, Pagkauwi ko nga, tinignan ko agad kung Ok pa ang number ko." napahagikgik si Mico. "Hindi na pala."

"Yun nga ang naisip ko nang hindi  nang hindi ko ma-contact." Ngumiti ng maluwang si Rico. "Kamusta ka na?"

Ngumiti si Mico. Pero hindi niya alam kung sasagot ba siya ng totoo. "Mmm, oo naman siguro." sabay tawa.

"Oo nman siguro?" pag-uulit ni Rico. "Sa totoo lang napansin ko nung isang araw na magkita tayo.. napansin ko talagang namamaga ang mga mata mo. Galing ka sa pag-iyak?"

Hindi makasagot si Mico. Natahimik siya at tanging pagngiti lang niya ang naging sagot.

"Pasensiya sa tanong ko, Mico. Ok lang kahit hindi mo na sagutin. Ibahin na lang natin ang usapan." bahagyang nal;ungkot si Rico. Nararamdaman niyang may dinadala ng kung ano si Mico ngayon.

Napa-buntong hininga si Mico. "Ano ka ba Ok lang yun. May naalala lang ako."

"Ah..." napangiti na muli si Rico. "Teka, paano ka pala napa-balik dito sa Manila?"

Sa pangalawang beses hindi na naman nakasagot si Mico.

"Mali na naman siguro ang tanong ko." pinilit ni Rico tumawa. Pero agad din siyang sumeryoso. "Mukhang may dinadala ka nga Mico, tandaan mo lang na kung kailangan mo ng masasandalan at malalapitan, kaibigan mo ako. Ako, pwede ako."

Napa-tingin ng diretso si Mico kay Rico ng namumungay ang mata dahil sa katuwaang marinig niya ang ganong pananalita sa isang kaibigang handang makatulong. Magsasalita sana siya ng dumating si Saneng dala ang isang tray na may lamang snacks.

"Ok lang ba Rico lipat tayo ng pwesto?" nang tumango si Rico, ipinagpatuloy ni Mico ang sinasabi. "Sa tabi tayo ng pool magkwetuhan. Gusto ko kasi ng mas maliwanag, at 'yung tipong makakahinga ako ng maluwang. Parang hindi ako makahinga dito eh."

Naiintindihan ni Rico ang ibig sabihin ni Mico. Pero nagawa pa niyang magbiro. "Maliwanag naman dito ah, maaliwalas. Sa laki ng bahay mo pwede ka ngang mag 400h meters run." sabay tawa. "Makakahinga ka pa ng maluwag."

"Sira." natawa rin si Mico. "Doon tayo."

"Ok."

Muli niyang tinawag si Saneng. Inutusan niya itong ilipat ang dinalang miryenda sa tabi ng pool.
-----

"Kamusta si Ivan?" Sinadya ni Rico na iyon ang itanong nang maka-upo na sila sa tabi ng pool.

"H-ha?"

"Alam mo Mico, ma-swerte ka nga eh."

"B-bakit?" hindi alam ni Mico ang tkinutukoy ni Rico.

"'Maswerte ka kasi, yung mahal mo matagal mo ng nakikita. Hindi mo na kailanang hanapin, maging malayo ka man, alam mo pa rin kung saan mo siya hahanapin."

Kitang-kita ni Mico ang maluwang na pag-ngiti ni Rico at muli, bahagya pa niyang nakita ang maganda nitong mga ngipin. Pero pansin na may pait na kasama ang pag-ngiti nito. "Bakit Rico?"

"Nraramdaman ko kasi na may problema ka. Hindi biro ang makita kang namamaga ang mga mata ah." natawa sya sa sinabi. Napayuko naman si Mico. "Hindi ka ganyan makipagusap sa akin noong nasa Batangas pa tayo. Tama?"

Napa-tango si Mico.

"Ang hula ko si Ivan?" saglit na tumigil si Rico, pinakiramdaman niya ang nakayukong si Mico. "Sana mali ako."

Umangat ng mukha si Mico at  tumingin sa paligid saka muling tumingin kay Rico kasabay ang pagbagsak ng mga luha. "Hindi naman si Ivan eh." pigil ang pag-iyak ni Mico. Ayaw niyang may maka-rinig sa kanya lalo pa't alam niyang naroon ang kanyang ama. "Ang mama ni Ivan, ayaw niyang maging kami. At sigurado akong tutulan din ng Dad ko kapag nalaman niya." Huminga ng malalim si Mico. "Gusto ko nga siyang makita eh, kaso natatakot ako." sisigok-sigok si Mico.

Bigla namang natigilan si Rico, hindi niya inaasahang ganoon pala talaga kabigat ang dinadala ni Mico sa ngayon. "Paano ba kita matutulungan?"

"Ang makita lang kita Rico, kahit papaano sumaya na ako. Salamat ha?"

"Wala yun. Teka, nasubukan mo na bang tawagan o kaya naman sa facebook, sa ym si Ivan? Doon maaari kayong magkaroon ng communication ng walang nakakaalam."

"Bibili pa nga lang ako ng bagong sim. Ang naisip ko nga pag meron na akong bagong number ipopost ko sa wall niya sa facebook. Ang kaso..."

Napa-kunot noo si Rico. "Kaso?..."

Nagsimula na namang maiyak si Mico. "Nang icheck ko yung profile niya, hindi ko na mabuksan. Wala nang lumalabas na exixting account ni Ivan. Hindi ko alam kung bakit. Nagpalit ba siya ng pangalan? Imposible kasi friend niya ako, kaya lang hindi niya alam na ako yun. Kaya dapat makikita ko parin siya sa friend list ko. O baka tinanggal na niya ang account niya."

"Ang hirap  namang  intindihin ang mga di magagandang pagkakataon sa inyo, Mico."

"Kaya  nga eh. Ang naiisip ko nga ngayon, baka galit na sa akin si Ivan. Umalis kasi ako ng hindi nagpapaalam."

Saglit na natahimik si Rico. Bunuo siya ng mga salitang makakapagpalubag-loob para kay Mico. "Kung mahal nyo talaga ang isa't isa, darating din ang araw na magkakaroon kayo ng pagkakataon..." biglang naisip ni Rico ang sarili. "Oo Mico, hindi imposible yun sa dalawang nagmamahalan. Ang kailangan mo lang ay magpakatatag at magpatuloy."

"Eh paano kung galit nga sa akin si Ivan?"

"Kung mahal ka talaga niya, maiintindihan ka niya, iintindihin ka niya."

Si Mico naman ang natahimik. "Sigurado akong mahal ako ni Ivan." bumuntong hininga muna siya bago nagtanong kay Rico. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin mo ngayon."

Napa-ngiti si Rico sa tanong ni Mico. Nakikita niyang nagsisimula na si Mico magpakakatatag. "Hindi ko hahayaang ipakitang mahina ako. Wala rin kasing mangyayari. Kung may gusto akong makuha, gagawa ako ng paraan. Hindi man pwede ngayon, maaaring bukas o sa makalawa. Mico, may mamaya pa, hindi mo kailangang maghintay pa ng bukas. Ibig kong sabihin, marami kang magagawang paraan. Ma-failed ka man sa mamaya..." biglang tumingin si Rico sa kanyang mamahaling relo. Saka nagbiro."Pwede ka naman magplano uli mamayang alas-tres ng hapon tas gawin mo ang nabuo mong plano sa alas kwatro. Alas-diyes pa lang naman ng umaga eh."

Dahil doon, napangiti ni Rico si Mico ng maluwang. "Although, sa pabirong paraan, Rico, tama ka... kung mahal ko si Ivan may magagawa akong paraan. Ngayon pang alam kong mahal din ako ni Ivan. Darating din ang araw na magkikita kaming muli at ipagpapatuloy namin ang aming nasimulan."

"Tama." pagsang-ayon ni Rico. Nasundan iyon ng tawanan.

"San ka nga pala galing?" ang kaninang malungkot na mukha ni Mico ay napalitan na ng kasiyahan. "Teka, s-si Emman ba yun?"

"Uhuh."

"Kaano-ano mo siya?" tanong ni Mico na tinawanan lang ni Rico. "Tama bang tawa ang isagot sa tanong ko?"

"H-ha? Hehe, mmm long lost friend ko siya. Kung alam mo lang na yung araw na iyon na nakita mo kami, kung kailan tayo aksidenteng muling magkita ay aksidenteng muli din kaming magkita sa loob ng mahabang panahon."

"Mahabang panahon?"

Ngumiti ng maluwang si Rico. "Yup, after 10 years muli ko siyang nakita."

Napansin ni Mico ang kasiyahan sa mga mata ni Rico. "Hmmm mukhang may naamoy ako." Biglang may naalala si Mico. "Uy, teka. Di ba noong nasa Batangas tayo, may lagi kang ibinibidang kaibigan? Na kung sinong nagturo sa iyo kumain ng gulay, tuyo, daing, at kung ano-ano pa na hindi mo naman kinakain."

"Siya nga yun."

"Wow, ang galing ah. Mmm sigurado mahalaga siya sayo noh?"

"Siyempre naman." sabay tawa.

"Mabuti ka pa nakita mo na ang matagal mo nang hindi nakikitang kaibigan."

"Mabuti, Oo. Pero nagsisimula pa lang ang lahat. Nasayo nga ang mas mabuti eh, kasi, kailan lang naman kayo nagkahiwalay ng mahal mo. Ako..."

Nanlaki ang mga mata ni Mico sa ipinahayag ni Rico. "You mean... kasi, sa pagkakasabi mo ng "nagkahiwalay kayo ng mahal mo... Ibig sabihin, mahal mo yung taong yun? Teka, parang ang labo yata ng tanong ko?" natawa si Mico.

Ngumiti lang si Rico.

Sa ngiting iyon, naintindihan na Mico ang ibig sabihin ni Rico.
-----




"Hindi ko talaga makita ang facebook ni Ivan. Nakakainis." halos pabalibag niyang itinabi ang laptop sa uluhan ng kanyang kama. "Ano ang gagawin ko ngayon?' saglit siyang nag-isip. "Kung tatawagan ko siya sa telepono? Baka si Tita Divina ang makasagot. Ayoko, natatakot ako."

"Mico." tawag mula sa labas ng kanyang kwarto.

Pagkalingon ni Mico sa pinto, nakita niyang iniluwa noon ang kanyang ina. "Yes, Ma?" todo ang ngiti niya. Sinasadya niyang ipakitang Ok na siya.

"Mukhang Ok na ang anak ko ngayon ah?"

"Mmm hindi naman Ma. Umaasa pa rin ako sa tinitibok ng puso ko." sabay tawa. "Pero, kailangan ko pa lang magpakakatatag para mangyari ang gusto ko. Ayoko na pong magmukmok, magpaplano na lang po ako para sa sarili ko."

"Tama yan anak. Ganyan nga. Hindi pa katapusan ng mundo. Dito lang ako para sumuporta sa'yo."

"Ma..." lumabi muna si Mico bago nagtanong. "Kung sakali bang magkita kaming muli ni Ivan, hindi ka tututol? Hahayaan mo ba kami?"

"Anak, kung iyon ang gusto mo, gusto ng puso mo, bakit kita tututulan? Basta sisiguraduhin mong mahal ka ng Ivan na iyon kasi kung hindi ikaw ang masasakta bandang huli. Malulungkot ako para sa iyo."

"Sigurado ako Ma, na mahal ako ni Ivan."

"Ok, kaya umasa kang nandito lang ako para magbigay ng suporta sayo at magpayo sa mga gagawin mong desisyon. Huwag ka lang magsisinungaling kay Mama para alam ko kung paano kita magagabayan."

"Yes Ma." Sabay yakap sa ina. "Maraming salamat po."

"Oh halika ka at bumama. Kakain na tayo. Huwag mong sabihing hindi ka pa kakain?"

"Kakain na po." parang batang kung sumagot si Mico. "Kumain naman na ako kanina eh."

Nagkatawanan sila.
-----

Nakapag-desisyon na nga si Mico. Hahayaan na lang niyang ang panahon ang makapagsabi kung kailan sila ni Ivan muling magkita. Ang mahalaga sigurado niya sa sarili niyang, hindi na magbabago ang tinitibok ng puso niya para kay Ivan. Maghihintay siya, kahit matagal. Umaasa siyang gagawa at gagawa rin ng paraan si Ivan para muli silang magkita.

Nakapagdesisyon siyang gawin muna ang para sa sarili. Muli siyang mag-aaral. Tatapusin niya ang kanyang kurso sa kolehiyo. Ipapakita niya sa pamilya niyang kaya niyang magdesiyon para sa sarili, lalo na sa kanyang ama. Sisikapin niyang maging maayos ang relasyon nilang mag-ama.

Naniniwala siyang darating ang araw, lahat ng kanyang plano ay mangyayari at mapagtatagumpayan dahil mayroon siyang bukod tanging inspirasyon, si Ivan.
-----

"Ivan, nakakapag-aral ka pa ba ng mabuti?" tanong ni Divina sa anak isang araw. "Wala ka ng binabalita sa akin tungkol sa pag-aaral mo. Aba, ilang buwan na lang ga-graduate ka na." Pero sa mga sinabi ni Divina hindi man lang kumibo si Ivan. Nanatili itong naka-tunghay sa telebisyon. Nagsimulang maging emosyonal si Divina. "Hindi ka na katulad ng dati. Hindi mo na ako kinikibo. Wala na ang mga lambing mo sa akin. Hindi na tayo madalas kumain ng sabay. Magkasabay man tayo, wala namang kibuan. Nawala na ang ingay natin sa hapag-kainan. Ivan..." tawag ni Divina sa anak ng may pagsusumamo. "Alam ko galit ka sa akin, pero sana naisip mo rin na ginagawa ko iyon para sayo. Para sa ikabubuti mo." Napansin ni Divina ang pagbuntong hininga ni Ivan. "Matanda na ako. Ayokong masira ang buhay mo. Gusto ko bago ako mamatay..." saglit na tumigil si Divina. Lumunok muna ito dahil sa nanunuyong lalamunan.

Pinipigilan naman ni Ivan ang napipinto niyang pagluha. Kahit pilit na itinutuon ang atensyonsa telebisyon, apektado pa rin siya sa sinasabi ng ina.

"...gusto kong makita kang nasa magandang katayuan. May marangal na trabaho, matatag. Ng may pamilya, mga anak, Ivan. Gusto kong magkaroon ng apo. Namimiss ko na ang dating Ivan. Kahit siryoso lagi, malambing naman, magalang, mabait na bata." sisigok-sigok si Divina nang magpatuloy. "Malaki ka na, hindi ka na bata. Dati, kahit saan ako magpunta, lagi kang nakabuntot. Hindi pwedeng hindi ka kasama sa mga lakad ko. Ngayon..." naging todo ang pag-iyak ni Divina. Nasapo niya ang dibdib. "Ganito pala ang pakiramdam ng inang may anak na gusto nang magdesisyon para sa kanyang sarili. Malaki ka nga Ivan. Mga gusto mo na ang gusto mong mangyari." Pinilit ni Divinang maging mahinahon. "Ok lang. Naging ganyan din naman ako noong kabataan ko. Pero, sana... Ivan siguraduhin mong hindi mo pagsisihan ang mga desisyon mo para sa iyong sarili." Pagkatapos noon ay iniwan na ni Divina ang anak at tumungo sa kwarto nito.
-----

Nang mawala ang ina sa kanyang likuran, saka hinayaan ni Ivan ang ikinukubling emosyon. Gusto niyang yakapin ang ina at sabihin ang kanyang paghngi ng kapatawaran sa mga sinadya niyang panlalamig sa ina. Pero mas pinili niyang maging tahimik para sa kanyang paninindigan.

Ngayon, sakit na sakit ang kanyang puso hindi lang sa pangungulila sa katauhan ni Mico pati na rin sa sama ng loob sa kanya ng kanyang ina.


[46]
"Woooooooooooooo!...."
Sigawan ang lahat lalo na ang grupo nila Ivan nang opisyal nang inanunsyo ang kanilang pagtatapos. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Mark si Billy.


"Ikaw Ivan, hindi mo rin ba ako yayakapin? Aba, pagkakataon ko na ito noh." maarteng si Billy kay Ivan. "Ano?" tumutiling tanong ni Billy. "Baka bukas hindi na tayo magkita, hala." sabay tawa.

Niyakap ni Ivan si Billy. Naiyak si Billy hindi dahil sa yakap ni Ivan. Naramdaman na kasi niya ang malapit na nilang paghihiwalay.

"Bakit ka naiiiyak dyan?" tanong ni Angeline. "Parang pangarap na natupad ang yakap ni Ivan at ni Mark eh noh?"

"Hindi ah, naisip ko lang kasi na maghihwalay na tayo." paliwanag ni Mico. "Mami-miss ko kay guys."

Dahil doon, muling nagyakapan ang grupo.

"Tama si Billy. Maghihiwa-hiwalay na tayo." sabi ni Mark. "Di ba Ivan?"

Natawa si Ivan. "Ganoon na nga ang mangyayari. Pero sanay na ako diyan." Dinugtungan ni Ivan ng biro ang sinabi niya. Ayaw niya kasing madagdagan pa ang salitang pangungulila. Pilit niyang nilalaban ang pangungulila sa mahabang panahon. Dahil para sa kanya ang mangulila kay Mico ng halos sampung buwan ay sobra-sobra na. At alam niya, madadagdagan pa iyon ng ilang buwan hanggang isang taon bago pa sila muling magkita.

"Saan ang handaan?" si Mark.

"Ako with my boyfreind." maagap na sagot ni Angeline.

"May boyfreind ka na?" manghang tanong ni Billy.

"Oo si Ivan." maarteng sagot ni Angeline. "Joke. Si Mark talaga ang boyfriend ko Billy."

"Ano?" nanlalaking mata ni Billy ang kasabay na nagtatanong.

"Joke." sabay tawa ni Angeline. "Joke lang Billy. Siguro yun na ang huli kong pang-aasar sayo dito sa loob ng campus. Mami-miss ko kayo guys. magdi-dinner kami ng parent ko after nito. Kayo saan kayo?"

"Ako din with my Mom." si Ivan.

"San?" tanong agad ni Angeline. "Baka pareho ang napili nating restaurant?" Sinagot ni Ivan ang lugar kung saan sila magseselebrate ng Mama Divina niya. Bahagyang nalungkot si Angeline nang malamang hindi sila pareho nang restaurant. North and south ang direksiyon nila. "Sayang. Pero ikaw Billy?"

"A-ako? Dapat ko bang sabihin? Inimbitahan kasi ako ng magulang ni Susane..." napatingin si Billy kay Mark. "So, didiretso ako doon tapos uuwi ako ng bahay para sa pa-party sa akin ng mga kuya ko." Nakita ni Billy ang lungkot sa mukha ni Mark. "S-siguro Mark, kung gusto mong sumama kala Susane, isasama kita. Para na rin siguro magkita kayo."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Mark. "Talaga? Sige ba." Muli niyang niyakap si Billy.

"Ay guys, tinatawag na ako ng parents ko." si Angeline.

"Sige. Ingat ka." si Ivan.

Nang maka-alis si Angeline, saka lang bumitiw si Mark kay Billy. "Ano? Aalis na ba tayo?"

Imbes na sagutin ni Billy si Mark kay Ivan siya nagtanong. "Ikaw Ivan?"

"Hinihintay ko lang na magpaalam din kayo." sabay tawa ni Ivan. Pagkatapos ay itinuro niya na naghihintay ang ina sa di kalayuan. "Naghihintay na sa akin si Mama."

"So, alis-alis na tayo." masayang si Mark.

"Excited ah." si Billy kay Mark.

"Oh sige. Keep in touch na lang sa inyo." si Ivan.

"Ge bro." si Mark.

"Paalam Ivan." naluluhang paalam ni Billy.

Natawa si Ivan. "Ano ka ba? Kasama mo naman ang Markky mo eh. Huwag ka ngang malungkot diyan. Ay siya nga pala, hihintayin ko ang love story niyo ha? Kung anong mangyayari." sabay tawa.

"Ano?" nagulat si Billy sa lakas ng biro ni Ivan. "Paano mo nasasabi yun?"

"Ivan naman. Walang ganyanan. Sasamahan lang ako ni Billy sa bahay ni Susane." si Mark.

"Ha?" Kunyaring walang alam na si Ivan. "Sige diyan na kayo. Baka, naiinip na si Mama."
-----
Sa loob ng isang restaurant...

"Congratulation uli Ivan anak." matamis ang pagkakangiti ni Divina sa anak.

"Salamat Ma."

Hinihintay nila ang pagdating ng kanilang inorder.
"Ivan..." panimula ni Divina. "Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako ng ganito..." Napatango si Ivan. "Ngayon kasing tapos ka na... maari ko bang malaman kung ano ang plano mo?"

Lumabi si Ivan. Halatang nag-iisip. "Balak ko po sanang sa Manila ako maghanap ng trabaho Ma."

"Sabi na nga ba." mahinang sagot ni Divina. "Sige lang anak. Gawin mo ang gusto mo. S-susoportahan kita." nag-alangan pa si Divina sa sinabing pagsuporta sa anak dahil alam niyang may plano ito kaya sa Manila gustong maghanap ng trabaho. Nalungkot siya.

Napansin ni Ivan ang lungkot sa mukha ng ina. "Ma... hindi pa naman mangyayari 'yun matagal pa naman 'yun."

Ngumiti si Divina. "Huwag kang mag-alala, may na plano na rin ako. May mga gusto akong gawin kapag naisipan mo nang umalis ng bahay."

"Umalis ng bahay?" napa-kunot noo si Ivan. "Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin Ma, na aalis na ako sa bahay. Kung sakali, magtatrabaho lang ako. Tayo pa rin naman ang magkasama."

"Alam ko naman yun. Kaya lang ang magtrabaho sa ganoong kalayong lugar... iisipin ko pa lang..." naiiyak si Divina sa posibleng mawalay sa anak.

"Ma.." pag-aalo ni Ivan. "Pwede ka na mang sumama eh."

Suminghap ng hangin si Divina. "Sabi ko nga syo Ivan, may plano rin ako. Kaya huwag kang mag-alala sa kin."

Napa-kunot noo si Ivan sa planong sinasabi ng ina. Hindi na siya nagtanong dahil dumating na ang kanilang inorder.

"Magsaya tayo ngayon, anak. Congratulations uli. May diploma ka na." sabay tawa ni Divina. "Pwede ka ng mag-asawa, ay-" biglang naputol ni Divina ang biro. "Pasensiya na anak. 'Yun lang kasi ang naisip kong biro sa mga kabataang may hawak ng diploma."

"Ok lang Ma. Wala sa akin yun." Pero nag-iisip ang utak ni Ivan. "Anong ibig sabihin ni Mama? Gusto ba niya akong paringgan? Sinasadya ba niya ang sinabi niya... o..."
-----

"Kamusta ang first day?" tanong ni Laila sa anak ng makita ang anak sa loob ng kayang opisina. Tinignan niya ang suot nitong uniform. Napa-ngiti siya. "Na-miss kitang magsuot ng school uniform."

"Ma..." nahiya si Mico sa pagtitig ng ina. "Nako-conscious tuloy ako. Para akong lalaki dito eh." sabay tawa.

"Bakit lalaki ka naman ah? Bagay nga sayo eh." sabay tawa.

"Talaga naman si Mama."

"Bakit? Totoo naman ah."

"Naisip ko ngang magpatahi ng bago, 'yung fitted sa katawan ko kasi medyo loose ang tabas eh."

"Pinasadya ko talaga yan. Saka matagal mo na yang nakita ah, bago mo pa gamitin ngayon. Bakit hindi mo na pinabawasan?"

"Hmmm." ngumiti si Mico. "Nagtry lang ako Ma." sabay tawa.

"O kita mo na,, gusto mo rin. Teka, pwede ko bang malaman kong bakit mo rin ginusto?"

Muling ngumiti si Mico. "Wala lang po. Mmm para hindi naman obvious na maganda ang anak niyo."

Natawa si Laila sa biro ng anak. "Sabi ko nga maganda ang unico hijo ko."

Tumingin si Mico sa relo. "Ma, mag-aalas onse na. Hindi ka pa ba magtatanghalian?"

"Hindi pa anak kasi hinihintay ko pa yung bagong design na ipapasa sa akin. Siguro after 1 hour pwede na. Ok lang."

"Oo naman po Ma."

"Paki-check mo na rin pala 'yung mga bagong design, tutal na rito ka na rin lang."

"Ok po." ngumiti si Mico. Saka niya naisip na bumabalik na siya sa dating normal na buhay. Noong hindi pa sila nagkikita ni Ivan. "Halos isang taon na ang nakakalipas. Kamusta na kaya si Ivan."
-----

Lumipas pa ang ilang buwan.

"Mico, sa susunod na linggo magkakaroon ng pa-party ang Dad mo." si Laila nang makapasok sa kwarto ni Mico. Nakita niyang nasa ibabaw ito ng kanyang kama habang nakaharap sa laptop nito.

Napalingon si Mico sa ina nang ibinalita nito ang tungkol sa party ng Dad niya. "Bakit po Ma?" Muling humarap si Mico sa kanyang laptop.

Umupo si Laila sa tabi ng anak. "Gusto niyang i-celebrate ang pagka-promote niya."

Gusto ring maggalak ni Mico pero pinili niyang ngumiti na lang maluwang. "Talaga po? Eh ano pong bagong position ang nakuha niya?"

"Di ba, project manager siya ng grupo niya ng firm nila? Ngayon, nadagdagan ang pangalan niya." sabay tawa. Dinaan ni Laila ang impormasyon sa biro. "Naging head project manager na siya. Meaning hindi lang sa grupo niya siya leader pati na sa buong teams, lahat-lahat na."

"Wow." nangilid ang luha ni Mico sa kasiyahan para sa tinatamo ng ama sa pagtatrabaho nito. "Ang galing naman ni Dad."

"Parang ikaw Mico. Wala ka pa ngang diploma eh inilagay ka na agad ng business natin bilang senior designer. At tatandaan mo, hindi ako ang naglagay sa'yo sa posisyong iyon. Iminungkahi sa akin ng mga kasamahan mo na kailangan mo ng promotion kasi mga designs mo ang naging mas in sa market."

"Ganoon po ba iyon." maang-maangan ni Mico sabay tawa.

"So si Dad mo, gusto niyang magpasalamat sa mga bosses niya. So, magkakaroon ng handaan dito. Sabi niya sakin invited ang lahat sa loob ng firm nila."
-----

"Pati po ako sasama sa..." gulat ang binatang sinabihan ni Dino na sasama ito sa celebration ng pagkapromote niya.
Dinaanan kasi ni Dino ang binata sa desk nito. Alam niyang katatapos lang ng grupo nitong mag-usap-usap sa ginagawang plano. Isang project na malaki. "Tama ang narinig mo."

"Pero, sir, bago lang po ako dito." Saka inisip ng binata kung ilang linggo na ba siya sa construction firm na iyon. "Sir, wala pa akong isang buwan."

"Tinatawag mo akong sir, di ba? Kailangan ko pa bang magpaliwanag?"

"O-ok po." napa-buntong hininga ang binata.

Pagkatapos ay pumunta sa harapan ang si Dino para opisyal na mag-anunsyo ng invitation niya. Palakpakan ang lahat ng matapos i-announce ni Dino ang invitation sa party nito. Lumipat ito sa kabilang room para doon naman personal na mag-imbita at mapasalamat sa pagkaka-promote niya.

Kakamot-kamot naman ang binatang unang pinagsabihan ni Dino.

"Parang nakakahiya naman. Kabago-bago ko pa lang may pupuntahan kaagad akong party sa bahay pa ng boss ko talaga. E di..." natigilan ang binata. "...parang wala pa sa plano ko. Hayss, ano kaya ang gagawin ko?"
-----

"Sa susunod na araw na ang pagdating ng mga bosses ko dito at ng buong construction firm." unang pahayag ni Dino sa harapan ng hapag-kainan. Kumakain sila ng hapunan. "Kaya ngayon pa lang pinaaalahanan ko na kayo... ayokong may masabi ang mga bosses ko."

Tahimik lang si Mico sa pakikinig. Kahit sa ina niya nakaharap ang Dad niya, feeling niya siya lang talaga ang pinaaalalahanan nito. "Ok po." sagot ni Mico.

"Pangalawa..."

Nagulat si Mico nang sa gilid ng kanyang mata nakita niyang sa kanya naka-tingin ang kanyang ama.

"Mico." tawag ni Dino sa anak.

"Po?" agad siyang tumingin.

"Gusto kong i-welcome mo ang mga bisita. So dapat, maging presentable ka sa ayos  mo lalo na sa kilos mo. Malalaking tao ang bibisita sa atin."

"O-opo." for the first time, tumalbog ang puso ni Mico sa kasiyahan. Wala na siyang natatandaang pinaaalalahan siya ng ganoon ng ama. Feeling niya belong na siya sa paningin ng ama. "Sige po. Sisiguraduhin ko po na magiging maayos ang lahat."
-----

"Handa na ba ang lahat Mirna, Saneng..." tanong ni Laila sa dalawang kasam-bahay. Pinatawag kasi niya ang dalawa sa kwarto nya. Hindi pa siya makalabas dahil kasalukuyan pa siyang nagaayos ng sarili.

"Opo Maam." sagot ni Mirna. "Kani-kanina pa dumating ang sa catering. Nakapag-ayos na po sila."

Sinundan naman ni Saneng. "Maayos na rin po ang decoration sa labas at sa salas po. Handa na po ang lahat. Hinihintay na lang po ang mga bisita."

"Good. Si Mico napansin niyo na bang lumabas ng kwarto niya?"

"Opo." si Saneng. "Nandun na po siya sa labas, mukhang naghihintay ng bisita."

Napa-ngiti si Laila. "Sige na. Bababa na rin ako."

"Sige po Maam" sagot ng dalawa.
-----

Isa-isa ng nagdadatingan ang mga bisita ni Dino. Talagang sinisikap ni Mico na gawin ng mabuti ang iniatang sa kanya ng kanyang ama. Dalangin niyang magtuloy-tuloy ang maayos na pakikitungo sa kanya ng kanyang ama.

"Welcome po." sabi ni Mico nang may pumasok na isang may edad na babae. Sa tingin niya ay isa sa mga boss ng dad niya dahil halata niyang mamahalin ang suot nito at ang gamit nitong mga alahas.

"Salamat." ang babae. "Kaano-ano ka ni Mr. Abena?"

Ngumiti ng maluwang si Mico. "Anak po."

"Ah!" gulat ng babae. "Ay, hindi man lang niya kinukwento na may anak pala siyang cute na katulad mo."

Sa sinabing iyong may edad na babae, nalungkot si Mico. Naisip niyang talagang walang amor sa kanya ang ama. "Ganoon po  ba?" pinilit niyang ngumiti sa kabila ng lungkot.

"Sige papasok na ako."

Bahagyang yumuko si Mico bilang pagsangayon at paggalang na rin.

Madami pa ang dumating. Marami pa si Micong nakausap, mga naiintriga sa kanya, kung sino nga ba siya sa pamilya ng Abena.
-----

Isang lalaki ang nasa di kalayuan ang nakamasid lang kay Mico.

"Ito pala ang bahay nila dito sa Manila. Hindi ko inaasahang ganito kayaman sila." napangiti siya. "Ang taas na ng pader halos dalawang tao na taas pero dito palang sa kinatatayuan ko, kita ko pa rin ang kalahati ng bahay. Sabagay, architect ang ama, nasa magandang katayuan sa trabaho, natural lang na kayang magpatayo ng ganyang kalaking tahanan." Saka niya muling tinitigan ang lalaking nasa gate. Ang sumasalubong sa mga bisita.

"Hindi pa siguro tamang panahon. Hindi na ako tutuloy." Saka tumalikod ang lalaki. "Ang mahalaga, nakita ko na siya. At nakikita ko naman na maayos naman siya. Babalik ako, ang sigurado ko."
-----

"Teka." parang namalikmata si Mico nang parang may nakita siyang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Medyo madilim kasi kaya hindi niya masigurado kung tao nga iyong nakita niya. Bilang kumabog ng mabilis ang kanyang puso. "Bakit?" tanong niya sa sarili. "Hindi naman siguro ako natatakot? Hindi naman siguro multo ang nakita ko? Guni-guni ko lang yun."

Nawala ang iniisip niyang iyon nang may pumasok  na mga bagong bisita. Iyon ang pinagtuunan niya ng pansin.


[47]
Patuloy ang kasiyahan sa loob ng tahanan ng mga Abena. Kanya-kanya silang pamilya ng grupo. May ilang may edad na kumakausap kay Mico pero karaniwan ay mga kabataan. Meron siyang kausap na anak ng isang Mayor ng lugar nila. James ang pangalan. Kaibigan kasi ng tatay niya ang mayor nila lalo pa at sa kabilang street lang nakatira ang ito. Ang iba pa ay mga kabataang empleyado rin sa trabaho ng ama.


Maganda ang pakikipag-usap ni Mico sa mga iyon dahil hindi niya nakikitaan ng kabastusan o kagaspangan ng ugali. Sa totoo nga lang ay nakakaramdam pa siya ng paggalang, dahil sa anak siya ni Mr. Dinomencio Abena.

Pero kay James siya nahiwagaan. Parati itong naka-ngiwi. Para bang inip na inip na at gusto nang umuwi. Pero patuloy namang nakikipag-usap sa kanya. Naisip ni Mico na siguro dahil walang makausap kaya pinagtityagaan siya. Natawa siya sa naisip. "Gwapo sana kaya lang laging naka-kunot ang noo." Bigla niyang naisip si Ivan noong una pa lang silang magkita. "May kalahi ka pala Ivan sa kaseryosohan ah. Hmmm." muli siyang natawa.

"Anong nakakatawa?"

Hindi nagsinungaling si Mico pero dinaan niya sa pabiro. "Ikaw kasi, parang amplaya na yang noo mo. Laging kunot na kunot." Napahipo si James sa noo. Nagpatuloy si Mico. "Pogi ka pa naman. Naku!"

"Naiinip na kasi ako eh."

"Bakit?"

Hindi sumagot si James. Tumingin lang ito kung nasaan ang ama at ina.

"Mico." tawag ni Laila. Kinawayan ni Laila ang anak na lumapit sa kanila.

Tumango naman si Mico bilang pagsangayon. "Ah, James maiwan muna kita. Tawag kasi ako ni Mama."

"Sige lang." sa unang pagkakataon, ngumiti si James.

Pagkatapos gantihan ng ngiti ni Mico si James ay agad siyang tumalikod para tunguhin ang pwesto ng ina. May kausap ang ina niya. Isang lalaki at babae na halos kasing edad ng kanyang magulang. Naisip ni Mico na mag-asawa ang dalawa dahil pareho itong naka-angkla sa isa't isa.

"Ma?"

Imbes na sagutin ni Laila ang anak, sa dalawang kausap nito siya pinakilala. "Ito ang anak kong si Mico."

"Oo, nakilala ko na siya kanina."

"Siya ang hinahanap mo, I think." si Laila.

Natawa ang babae. "Oo nga malamang."

"So magiging masaya na naman ang asawa ko." ani ng lalaki na asawa ng babae.

Nagtataka naman si Mico sa daloy ng usapan ng tatlo. Hindi niya magets kung saan patungkol ang mga sinasabi nila.

"Kasi Mico..." panimula ni Laila. "Bumisita si Mrs. Gofredo sa boutique, nagustuhan niya ang mga gawa mo. Kaya lang, walang pang-toddlers ang laki. Gusto niyang i-meet ka para magpagawa at masabi niya ang personal touch niya sa gagawin mo."

"Mico." ang lalaki. "Kahit ano, magkano magbibigay ako, basta masunod lang ang gusto ng asawa ko."

Napa-ngiti Mico sa mag-asawa. "Wala naman pong problema sa bayad Sir, Maam. Kailangan lang po na sa opisina po kayo magpa-sched pagkatapos mangyayari po ang serbisyo ko."

"So ibig sabihin na posibleng makuha kita para sa mga bagong damit?"

"Siyempre naman po." magalang na sagot ni Mico. Nakita ni Mico ang kasiyahan ng mag-asawa.

"Alam mo, Mrs Abena. Dapat kang maging proud sa kaisa-isa mong anak. Napaka talented naman niya. Sana ganyan din ka-talented ang anak ko paglaki."

Siyempre naririnig ni Mico ang papuri ng babae sa kanya habang kausap nito ang ina.

"Oo naman talagang proud ako sa anak ko." sagot ni Laila.

"At ang nakikita ko pa, mabait at magalang ang anak mo."

"Sinabi mo pa." may pagmamayabang na sagot ni Laila.

"Alam mo Mrs. Abena..." biglang kay Mico tumuon ang pagsasalita ng babae. "Iho huwag ka sa ma-offend sa sasabihin ko ha?" tumingin uli ito kay Laila. "Kahit ganyan ang anak mo na..." pinutol na ng babae ang gustong puntuhin. Alam ni Mico ang gusto sanang sabihin ng babae na ang pagiging bakla niya. ".. alam mo na, di ba, maipagmamalaki. Hindi pakalat-kalat."

Natuwa si Laila sa papuri ng babae. "'Yun nga ang lagi kong pinapangaral sa kanya, na kung maging sino man siya... na kung ano man ang pagkatao niya, basta lagi niyang unang iisipin, gusto niya, paninindigan niya, gagawa siya ng hindi niya ikapapahamak at gagawa siya ng hindi nakaka-argabyado ng iba. Para sa bandang huli, lagi... may ipapakita siyang dignidad bilang tao at kasapi ng lipunan."

"Kaya alam mo ba, nang malaman ko na anak mo pala ang may-ari ng mga design na nagustuhan ko, tapos nalaman ko pa na bading siya..." ngumiti ang babae kay Mico. Hindi naman nagpakita ng pagka-offend si Mico. "Aba, parang gusto ko na ring magkaanak ng katulad niya." sabay tawa tapos hipo sa tiyan.

Napakunot noo naman si Laila. "May laman yan?" pabirong sabi ni Laila.

Ang lalaki ang sumagot. "Oo. 3 months na. Pangatlo na namin."

"Oh eh ikaw gusto mo bang, magkaanak na katulad ng anak ko." hamon ni Laila sa lalaki.

"Alam mo, kahit ano pa maging ang mga anak ko, kailangan naming proud  pa rin sa kanila. Anak namin ang mga yun eh. Kaya kung maging katulad man ni Mico ang lalabas sa tiyan ng asawa ko, eh... So?" sabay tawa.

Nagkatawanan ang lahat. Lumulundag ang puso ni Mico sa mga naririnig sa pagtanggap sa kanyang kasarian.

"Pero, ang una kong dalawang anak, sigurado akong lalaking-lalaki yun ah. Ewan ko lang sa lalabas." anas uli ng lalaki. Muli na naman silang nagkatawanan.

Hindi namamalayan ng grupo nila Mico at ng ina niya na nasa bandang likuran lang nila ang ama na si Dino na may kausap na ilang mataas ang katungkulan. Kahit ang atensyon ng ama ni Mico sa mga kausap, dinig na dinig pa rin ng ama niya ang usapan nila kahit nakatalikod ang mga ito.
-----

"Bakit hindi ka nagpunta kagabi sa party ko, Mr. Villegas?"

Nagulat ang binata nang biglang may magtanong sa kanyang likuran. Kasalukuyan siyang naguguhit ng linya nang magtanong ang boss niya. Nawala rin ang pamumungay ng kanyang mga mata sa antok. Hindi kasi nakatulog nang makita ang mukha ng kanyang minamahal pagkatapos ng mahabang panahon.

"P-po, Sir?" napakamot siya sa ulo.

"Hindi mo na naman ako narinig?"

"Sir, narinig po." maagap niyang sagot. "Kasi po..."

"Tapusin mo na yang ginagawa mo. Mag-aalibi ka pa?" pagkatapos ay tumalikod na si Mr. Abena sa binata.

Napa-buntong hininga na lang ang binata.

"Naku naman," biglang singit ng lalaking nasa unahan niya. "Ang lakas mo talaga kay Sir ah?"

"H-ha? Hindi naman."

"Mr. Villegas... alam mo naman sigurong ang kompanyang ito ay bigatin. Hindi basta basta tumatanggap ng mga aplikante ang kompanyang 'to. Salang-sala ang mga makakapasok dito. Katulad ko, tatlong screening pa ang pinagdaan ko bago ako matanggap. Muntikan pa ngang maging apat." sabay tawa. Alam ng binata na biro na lang ang huling sinabi nito. "Pero ikaw, isang pasahan lang ng resume, pasok ka agad. Isa lang ang naiisip ko. Backer mo yang si Sir Dino eh. Magkakakilala siguro kayo?"

"H-ha? Hindi naman."

"Huwag kang mag-alala, hindi ako nagiisip ng masama. Natutuwa pa nga ako sayo dahil maganda ang kinalalagyan mo eh. Posibleng maging maganda ang katayuan mo dito. Saka, mabait talaga yang si Sir Dino lalo na kapag alam niyang kapareho ng pinag-aralan niya ang pinag-aaralan mo."

"Nasabi nga niya sa akin."

"Oh kita mo na, magkilala nga kayo."

"Hindi." maagap na bawi ng binata. "Nagkausap kasi kami noong nag-aaply ako. Sa kanya ko kasi naipasa ang resume ko."

Tinawanan na lang lalaki ang binata.
-----

"Gusto ko munang kunin ang atensyon ninyo." si Dino habang nasa harap sila ng hapag-kainan. "Magpapasalamat lang ako sa maasyos na party ko kagabi." saglit na tumigil si Dino. "Individually."

Hindi man direkta kay Mico, pero alam niyang pinatutungkulan rin siya ng pasasalamat ng ama patunay ang huling salita nito. Bumilis ang tibok ng puso ni Mico sa sobrang katuwaan. Napa-tingin siya sa ina. Naka-ngiti naman sa kanya ang ina. Alam din nito ang nasa isip niya.

"Dalangin kong magtuloy-tuloy na ang magandang pagtingin sa akin ni Dad bilang anak."
------

"Congratulations, anak." bati ni Laila sa anak nang magkaharap na sila nang matapos ang seremonya ng pagtatapos. "Ano? Hindi pa natin napag-uusapan kung saan tayo, magse-celebrate ng graduation mo."

"Kahit po sa bahay na lang Ma. Walang problema."

"Sabi na nga ba yan ang sasabihin mo sa akin eh." siniko ni Laila ang anak. "Ano ka ba, hindi pwedeng sa bahay lang tayo. Lalabas tayo. At alam mo ba kung sino pa ang kasama natin?"

Napa-kunot noo si Mico sa pagtataka. "Sino po?"

"Susunduin natin ang Dad mo sa opisina."

Nanlaki ang mga mata ni Mico sa katuwaan. "Talaga po?' pero bigla rin niyang ibinalik sa dati. "Baka nama po, hindi niya gustong sumama?"

"Sasama yun. Sigurado. Tumawag siya sa akin na, hindi siya makakapunta dito sa graduation mo dahil on going ang kanilang meeting. Hindi pwedeng hindi siya umattend. Kaya ipinapasabi niyang pagpasensyahan mo na daw siya kung hindi siya makakapunta. Kaya ang sabi niya, sunduin daw siya at siguradong sasama siyang lumabas."

"Ma?" naiiyak si Mico. "Hindi na ba galit sa akin si Dad?"

Humarap ng diretso si Laila sa anak. Pagkatapos ay magkabila nitong hinawakan ang balikat ni Mico. Masaya itong nagtanong sa anak. "Sa tingin mo?"

"Sana nga po..."

"Anong sana nga po? Talagang magiging maayos na kayo ng Dad mo. Kaya kung anong nakikita niya sa iyong magagandang bagay, mga napapatunayan mo... ipagpatuloy mo lang ha... Para laging bilib ang Dad mo sayo."

"Thanks Ma." nayakap niya ang ina sa kasiyahang nadarama.

"Hindi ka sa akin dapat magapasalamat. Lahat ng mga iyan ay dahil sa sarili mong kagagawan. Magpatuloy ka lang anak."
-----

Naghihintay sina Laila at Mico sa looby ng kumpanya. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Excited na rin si Mico na makaharap ang ama. Ganoon pa man, nakakaramdam din siya ng hiya. Nagtatanong nga ang isip niya kung paano niya babatiin ang ama.

Halos magkakalahating-oras na nang naglabasan ng sunod-sunod ang mga tao sa mga elevator ng kumpanya.

"Tapos na siguro ang meeting nila Dad." Sa pangalawang pagbukas ng elevator saka niya nakita ang ama. "Ma si Dad." Agad silang napatayo. Kinakabahan si Mico. Ramdam niya ang panginginig ng mga tuhod. Pinanatili niya ang ngiti sa mga labi bilang pagsalubong sa amang paparating sa kanila.

"Kamusta ang graduation mo Mico."

Hindi pa man nakakalapit ang ama ni Mico ay nagtanong na agad ito.

"O-ok po Dad. Graduate na po ako." sagot niya.

"So, this is my first gift ko for you anak." Niyakap ni Dino ang anak.

Sa sobrang pagkabigla, kasiyahan na nadarama. Hindi na napigilan ni Mico ang maluha. "Thank you Dad."

Sa likuran naman ay masaya lang naka-tingin ang ina.

Halos manlabo ang mga mata ni Mico nang laging napupunan ng mga luha ang kanyang mga mata. Lalo pang napalundag ang kanyang puso nang magsalita ang kanyang ama sa karamihan.

"Graduate na ang anak ko." anunsiyo ni Dino sa lahat ng tao sa looby.

Napayuko na lang si Mico sa sobrang tuwa nang ipagmalaki siya ng kanyang ama. Pero bigla na lang siyang napa-angat muli ng mukha dahil nang yumuko siya, parang may nakita siyang tao na kilala niya sa isang lagusan sa building na iyon. Agad naggala ang kanyang mga mata at kilalanin ang mga taong naglalakad sa looby ng building na iyon. Pero hindi na niya nakita ang lalaking pinaghihinalaan niyang kilala niya Kumakabog muli ang puso niya ng mabilis.

"Nararamdaman ko na naman ang kabog ng aking dibdib. Bakit ba parati na lang akong namamalikmata na para bang may nakikita akong kakilala ko, pero madali namang naglalaho. Minumulto ba 'ko?"

"Pwede na ba tayong umalis?" masayang yaya ni Dino.

Maagap na tumango si Laila. "Mico halika na, ano ba ang tinitignan mo diyan?"

"W-wala po Ma. Halika ka na po."
-----

May kausap si Mico sa cellphone niya. "Kamusta na kayo dyan?"

"Ok naman ang paggawa. Sabi ng engineer, dalawang linggo na lang daw ang itatagal ng paggawa." sagot ng nasa kabilang linya.

"Good. O sige, tatawag na lang ako bukas para mag-check uli." pinatay niya ang kanyang cellphone, saka siya bumuntong hininga. "Malapit na akong bumalik sa Batangas. Magkikita na uli tayo Ivan. Sana nasa puso mo pa rin ako. Dalawang taon na ang nakakaraan pero ikaw pa rin ang nasa puso ko Ivan. Hindi kita ipinagpalit sa puso ko, Ivan. Dahil hindi kita magagawang ipagpalit. Ikaw ang mahal ko, walang ng iba. Sana ako pa rin ang mahal mo, Ivan. Miss na miss na kita."
-----

"Yes!" sigaw ng isa sa mga kasama ni Mr. Villegas sa work room nila. "Dahil sa magandang kinalabasan ng project natin nabigyan ang team natin ng ilang araw na bakasyon. Ang galing kasi ng grupo ko  eh. Lalo na si..." kumindat kindat pa ang lalaki.

Natawa ang pinatutungkulan ng kindat na iyon. "Hindi lang naman ako ang masipag magpuyat sa proyekto natin eh. Ayan ang mga babae oh, ang tindi magpuyat." sabay tawa.

"Ay naku, Mr. Villegas, matanong ko lang sino ba ang inspirsyon mo bakit napapansin namin eh ganadong-ganado sa mga ginagawa. Ang alam namin binata ka pa pero kung umasta ka ikakasal ka na bukas."

Tinawanan lang ng binata ang sinabi ng ka-team project niya.

"Ang lihim talaga nitong taong ito." reklamo ng babae. "San nga pala ang bakasyon mo?"

Sasagot sana ang binata nang sumingit kaagad ang unang lalaki.

"Ako kasama ko ang girlfriend ko sa loob ng isang linggo."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko." pabirong pagtataray ng babae.

"Uuwi muna ako ng Batangas, dadalawin ko ang Mama ko." sagot ni Ivan.


[48]
Pinagmamasdan ni Mico ang ginagawang branch ng boutique nilang mag-ina doon sa Batangas. Napapa-ngiti siya habang pinagmamasdan ang pintor na nagpipintura ng wall ng boutique. "Kaunti na lang at matatapos na rin." masaya niyang bulong sa sarili.


"Mico, nakahanda na ang miryenda. Halika ka na."

Natigil ang pagmamasid ni Mico nang labasin siya ni Emman. "Oo, susunod na ako. Natutuwa lang kasi akong makitang ganito pala kabilis ang paggawa. Akala ko, aabutin pa ng ilang buwan."

"Oo nga mabilis ang paggawa pero sinisigurado kong maayos."

"Nakikita ko naman eh. Sige, pasok na tayo." Sumunod na si Mico kay Emman. "Teka, ikaw ba, Ok ka lang dito?"

"Oo naman, Mico." huminga ng may kasiyahan si Emman. "Salamat nga pala at tinanggap mo ako dito ah."

"Wala iyon. Mapaghihindian ko ba naman si Rico."

Nanlaki ang mga mata ni Emman. Nagulat ito sa narinig kay Mico.

Hindi iyon napansin ni Mico. Nagpatuloy lang ito sa pag-sasalita. Nakapasok na sila sa pinaka-opisina ng boutique. Iyon kasi ang pinasadya ni Micong unang gawin. "Siya nga pala, gusto kong samahan mo ako sa bahay. One way ride lang naman iyon dito."

"S-sure."

"Balak ko nga sanang doon ka na rin mag-stay muna para hindi ka nahihirapan sa biyahe. Ang layo kasi ng lugar mo."

"Nakakahiya naman Mico. Sobra na ang naitutulong mo. Salamat na lang siguro."

"Ano ka ba? Tutal wala pa namang tumutuloy doon, ikaw muna ang tumao. Para na rin makapag-ipon ka ng maayos."

"Sigurado ka ba talaga?"

"Hindi." biro ni Mico sabay tawa. "Ewan ko sayo Emman."

"Hmmm malaking tulong talaga iyon sa muli kong pagsisimula. Sige, tatanggapin ko. Salamat."

"Kaya sasama ka sa akin mamaya para malaman mo ang lugar na iyon. Magugustuhan mo doon, sigurado ako."

"Sige."

Pagkatapos noon ay natigilan si Mico. "Makikita kaya kita mamaya?"
-----

Hapon na ng puntahan nila Mico at Emman ang bahay na sinasabi ng una para matuluyan ng huli. Dahil wala namang dalang sariling sasakyan si Mico, nagcommute lang silang dalawa.

"Oo nga Mico, malapit nga sa boutique." Nang nakatapat na sila sa bahay ni Mico.

"Sabi ko sayo eh. So ito na nga ang bahay ko." pagkatapos ay nilingon niya ang bahay ni Ivan. "Naandyan kaya siya?" Bigla siyang kinabahan at dali-daling hinila si Emman sa loob ng mapansing gumalaw ang gate nila Ivan.

"Bakit?" takang tanong ni Emman.

"Wala." Sumilip si Mico sa siwang ng gate nila. Doon nakita niyang palabas ng gate si tita Divina niya. "Wala namang pinagbago kay tita Divina." Ang ipinagtaka niya nang makita niyang may buhat-buhat itong bata. "Sanggol pa nga yata eh."  naisip pa niya. "Tingin ko mga magdadalawang taon." nasabi niya. Bigla naman niyang natuptop ang bibig. Parang gustong sumabog ng utak niya sa naisip.

"May sinasabi ka Mico? Bakit ka ba nakasilip diyan?"

"W-wala." pagsisinungaling ni Mico. "Halika ka na, pasok na tayo sa loob para makita mo ang magiging kwarto mo."

Nakataas lang ang isang kilay ni Emman sa pagtataka. Parang ayaw niyang maniwala kay Mico. Pero naisip niyang sino nga ba siya para mag-usisa pa. Sumunod na lang siya kay Mico.
-----

Kanina pa balisa si Mico at pabalik-balik sa paglalakad. Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang tanong kung kaninong anak iyong dalang bata ni Tita Divina niya. "Hindi kaya, anak iyonni Ivan?" bulong niya.

"H-ha?" si Emman.

"Wala."

"Akala ko nabibingi lang ako eh. Nagugutom ka na ba? Hindi ka yata mapakali ngayon?"

"Huwag mo akong intindihin, may iniisip lang ako."

"Ok."

"Pero kanino naman? Kay Angeline." bigla siyang nagpapadyak sa sahig nang maisip iyon. "Hindi pwede hindi pwede." angil niya.

"Mico?" gulat ni Emman.

"Hindi talaga pwede." naiiyak na salita ni Mico sa harapan ni Emman.

"Anong hindi pwede?"

"Basta. Ayokong sabihin."

"Alin ba yung pagtira ko dito? Ok lang naman sa akin kung hindi talaga pwede eh."

Natahimik si Mico. " Sira, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Basta iba."

"Ewan ko sayo. Tutal ayaw mo naman sabihin, bahala ka diyan. Bibili na lang ako ng makakain natin sa hapunan. Nagugutom ka na yata eh."

"Sige, gutom lang nga yata ito."
-----

Palabas na si Emman sa gate ng habulin ni Mico ito.

"Emman, pag may nakakita sayo at magtanong tungkol sa akin, huwag ka munang sasagot ah. Dumiretso ka muna dito sa akin. Lalo na kapag ang nagtatanong sayo ay mga tao dyan sa tapat  natin. OK?"

"Ok na OK." Naguguluhan talaga si Emman kay Mico.

Si Mico pa ang nagsara ng gate para kay Emman. Gusto niya rin kasing maka-silip kung may tao ba sa labas. Pero napa-ngiwi lang siya sa kanyang dissapointment.
-----

"Mico, may tao sa labas."

Napalingon agad si Mico sa gulat. "Sino daw?" kabado niyang tanong.

"Babae eh, galing dyan sa tapat natin."

"Si Tita Divina?"

"Hindi namna kasi sinabi ang pangalan eh. Nagtatanong lang kung bakit ako narito. Sino ba daw ang nagpatuloy sa akin dito."

"Eh anong sinabi mo?"

"Sabi ko saglit lang po. Gaya ng sabi mo."

Saglit na nag-isip si Mico para gawing dahilan ni Emman. "Siguro sabihin mong, ikaw muna ang ginawang tao dito ni Mama. Wala kang kasama ha. Huwag mong sasabihing kasama mo ako. Sabihin mo ikaw lang mag-isa. Ok."

"Ok. Pero, naiintriga na ako ha?" tumalikod na si Emman.
-----

"Anong sabi?" tanong agad ni Mico nang bumalik na si Emman sa loob ng bahay.

"Wala naman. Napa-ahhh lang yung matanda nang sabihin ko ang dahilan kung bakit ako nandito."

"Ok. Sige na kainin na natin ang binili mong pagkain. Nainit ko na siya."

"Sige."
-----

Maagang nagising si Mico kinabukasan. Minabuti muna niyang maligo at magayos ng sarili. Saka bumaba. Naabutan niyang naka-upo si Emman sa sofa.

"Good morning." bati ni Mico.

Hindi kasi napansin kaagad ni Emman si Mico kaya naunahan nito ang pagbati niya. "Good morning din Mico. Hinihintay nga kitang bumaba eh. Lalabas na sana ako para bumili uli ng maaalmusal natin kaya lang baka gustohin mong sa boutique mo na lang tayo mag-almusal."

"Sige Ok lang, dito na lang tayo magbreak-fast. Pasensiya na ha, ikaw pa ang laging tumatakbo sa labas."

"Wala yun ano ka ba."

"Sige ihahatid kita palabas."

"Sige."

Hinatid na nga ni Mico si Emman sa gate. Pagkatapos ay inilock niya iyon. Hihintayin nalang niyang kumatok si Emman pag dating.
-----

"Ma, maganda ang araw ngayon. Ilalabas ko lang si Baby Nathan."

"Sige, Ivan. Paarawan mo."

"Lalabas na tayo Baby Nathan." masayang sabi niya sa karga-karga niyang magdadalawang-taon ng bata.

Gaya nga ng pagkakasilip ni Ivan sa paligid, nagustuhan niya ang sikat ng araw para paarawan ang bata. Habang nakatapat sa sikat ng araw, nilalaro-laro ni Ivan ang ilong ng bata na minsan ay ikina-ngingiti nito.

Sa tuwa niya sa bata, nagpa-ikot-ikot siya na para bang isinasayaw niya ang bata habang karga-karga. Bigla siyang napatingin sa bintana ng bahay ni Mico. "Teka, bakit nakabukas na yun? Huwag mong sabihing may tao na doon?" tanong niya sa sarili. "Eh kahapon lang nang matanaw ko ang bintana ni Mico nakasarado yun eh."

Kunot-noong tinungo niya ang gate ni Mico. Saka kumatok.
-----

"Ang bilis naman yata ni Emman. Ah baka siguro bumalik lang, may nakalimutan siguro." tinungo niya ang gate para pagbuksan ito. "Saglit lang Emman." Saka niya binuksan ang gate. "I-ivan?" Nakatitig lang si Ivan sa kanya nang pagbuksan niya ito. "Akala ko si Emman?"

"Kailan ka pa dumating?"

"K-ka-" hindi niya natapos ang pagsagot ng mapatingin siya sa dala-dalang bata ni Ivan. "A-ang cute ng baby mo."

Napa-kunot ang noo ni Ivan. "Kagabi ka lang ba dumating?" titig na titig pa rin si Ivan kay Mico.

"O-oo." nauutal si Mico sa tuwing sasagot kay Ivan.

"Masaya akong muli kitang makita, Mico."

"A-ah ok." Muli siyang napa-tingin sa batang dala ni Ivan. "A-anak mo?"

Muling kumunot ang noo ni Ivan.

Nagpatuloy si Mico. "Long time no see... hindi ko na nabalitaan na may baby ka na pala." sakit na sakit ang puso ni Mico sa akala. "Saglit lang ah. Papasok muna ako sa loob." Sinabi niya iyon para maitago ang kanyang emosyon.

"Hindi mo ako papapasukin man lang?" tanong ni Ivan.

"H-ha? May kasama kasi ako dito eh..." ang nai-alibi ni Mico.

"Boyfriend mo?" naka-ngiting tanong ni Ivan.

Nang makita ni Micong naka-ngiti pa si Ivan sa tanong nito, ay mas lalo siyang nasaktan. "Boyfreind? Hindi ko nga magawang ipagpalit ka kasi ikaw ang mahal ko."

"Hindi ka na sumagot. Sige, ibabalik ko lang itong baby kay Mama tapos babalik ako. Huwag kang aalis. Marami tayong dapat pag-usapan."

"M-marami tayong pag-uusapan?" nasabi ng mahina. Nakatalikod na si Ivan.
-----

"Emman, dumiretso ka na lang sa boutique." Kausap ni Mico si Emman sa cellphone. Sakay na si Mico sa isang jeep papuntang boutique. "Doon na lang tayo magkita. Please kung may magtanong sayo, huwag mong sasabihin kung nasaan ako. Kung pwede na rin sabihin mong boyfreind kita." agad niyang pinatay ang kanyang cellphone.

Naiiyak si Mico habang lulan ng jeep. Hindi kasi niya inaasahang may anak na si Ivan at harap-harapan pa talaga niyang nakita. "Sabagay sa loob ng dalawang taon, madali na talaga akong makalimutan ni Ivan." huminga muna siya ng malalim. "Hihintayin ko lang si Emman sa botique tapos, uuwina agad ako sa Manila. Saka na lang ako babalik dito."
-----

"Ang akala ko, magi-stay ka ng isang linggo sa Batangas?" tanong ni Laila sa anak nang makita niyang nakalatag ang katawan ng anak sa mahabang sofa. Napansin din niya ang kamay nito sa noo. "Mukhang masama ang pakiramdam mo?"

"Yes Ma. Pwero nakainom na po ako ng gamot."

"Oh kamusta naman ang pagbisita mo-"

Pinutol agad ni Mico ang sasabihin ng ina. "Ok lang Ma."

"Mmm mukhang kailangan mo muna sigurong magpahinga. Ok lang ba diyan?"

"Opo Ma."

"Sige maiwan na kita."

Nang makaalis na ang ina saka siya lihim na lumuha. "I hate you, Ivan."
------

"Tumawag sa akin ang Dad mo." si Laila makaraan ang isang linggo. "So, alam mo na?"

"Opo Ma. Ito nga po, ibinabalot ko na lang ang tanghalian ni Dad. Paalis na rin ako."

"Sige. Umaasa akong magiging maganda ang bonding ninyong dalawa."

Natawa si Mico. "Bonding ka diyan Ma? Maghahatid lang ako ng tanghalian ni Dad. Gaya ng utos niya. HIndi po kami magpi-piknic."

Natawa rin ang ina. "At least getting better and better ang relationship nyong mag-ama. Right?"

"Of course Ma." Tinapos na ni Mico ang pagbalot sa inihandang tanghalian ng ama. "Ayan tapos na. Ready na ako papunta kay Dad."

"Sige na. Mag-ingat ka."

"Salamat Ma." at ginawaran niya ng halik sa pisngi ang ina.
-----

Kumatok siya pinto ng inookupang opisina ng kanyang ama.

"Tuloy."

Narinig ni Mico ang pahintulot na maka-pasok siya sa loob ng kwartong iyon.

"Dad, dala ko na ang tanghalian." Nakita niyang msinalubong siya ng ama ng ngiti.

"Halika dito. Umupo ka."

"Sige po." umupo si Mico sa isang swivel chair na katabi ng inuupuan ng ama.

"Kumain ka na ba?"

"Balak ko po sanang kumain na lang pag-uwi Dad. Busog pa naman po kasi ako eh."

"Hindi. Nagbago ang isip ko. Ibalot mo uli itong dala mo tapos kakain tayo sa labas. Ok ba yun?"

"Oo naman po. Kaya lang Dad iniluto ko 'to para sayo..." pakunwari niyang pagtatampo.

Natawa si Dino. "Sinong may sabing hindi ko ito kakainin?"

Napangiti ng maluwang si Mico. "Ok. Let's go na?"

Biglang may pumasok na isang lalaki sa loob ng kwarto na ikina-antala ng sagot ng kanyang ama.

"Sir Abena, pa-abala muna. Pinapa-check kasi ito ni boss, nagmamadali. Paki-sign daw kung Ok na ba daw ito?" Inilapag ng lalaki ang ilang piraso ng papel at ilan rito ay malalaking sukat ng papel.

"Ah, Mico hintayin mo na lang siguro ako sa labas. Iche-check ko lang ito."

"Sige po Dad."

Tinungo niya ang pinto para lumabas. Nang maisara ang pinto pagkalabas, ay napasinghap pa si Mico ng hangin sa sobrang saya ng kanyang nararamdaman. Excited siya sa paglabas ng ama para makakain na sila sa labas. First time kasing mangyayaring makakasabay niya ang kanyang ama na sila lang dalawa.

Sa labas ng kwarto ng Dad niya may isang bench. Doon siya naghintay. Patingin-tingin siya sa mga taong naglalakad paroo't parito halatang abala sa mga ginagawa. Meron ding namang naglalakad na nagchi-chismisan lang. Naisip niyang tulad ng ama ay break din ng mga iyon. Minsan naman, nakukuha ang kanyang atensyon sa mga taong naglalabasan sa pinto ng ibang kwarto.

Napa-yuko siya at napa-tingin sa gawing kanan, saka siya napatayo nang makita ang taong nakatayo sa kanto ng pasilyo na di kalayuan sa kanya. Nakapamulsa pa ito habang nakasandal sa pader at nakatingin sa kanya. "I-ivan? Anong ginagawa mo diyan?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang gumalaw ito papalapit sa kanya. Ibinalik niya ang pagtingin sa mukha nito at napansin niyang siryoso ang mukha nito.

Hinawakan ni Ivan si Mico sa braso at hinila papunta lugar kung saan niya nakita si Ivan. "Bakit mo ako nilayasan noong isang linggo?" halata ni Mico na galit si Ivan. "Pangalawang beses mo nang ginagawa sa'kin 'yun Mico. Sabi ko, saglit lang, dahil mag-uusap tayo. Pero pagbalik ko, nawala ka na naman ng parang bula. At nangdamay ka pa ng nagkukunwari mong boyfriend."

Bahagyang nahintakutan si Mico sa pahayag ni Ivan. "Bitawan mo nga ako. Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

"Nagtatrabaho."

"Nag... Kelan pa?"

"Ang alam ko Mico ako ang nagtatanong sayo?"

"Wala ka ng pakialam doon." matigas na sabi ni Mico.

Natahimik si Ivan. Tinatantiya ni Ivan ang sinabi ni Mico. "Paanong wala na akong pakialam sayo?"

"Dahil may anak ka na." tuwirang pahayag ni Mico na ikinatawa ni Ivan.

"Sabi na nga ba."

"Oh anong nakakatuwa doon?"

"Basta, nakakatuwa ka." muling natawa si Ivan.

"Tigilan mo nga yang nakakainsulto mong tawa. Bitawan mo rin ako, pwede ba."

"Ayoko nga. Baka takbuhan mo na naman ako eh."

"Makita ka ni Dad."

"So?"

"Magagalit yun sayo. At ayokong magalit sa kin ang Dad ko ngayon OK na kaming dalawa."

"Mabuti. Masaya akong malaman kong Ok na kayo ni Dad mo."

"Bitawan mo na ako."

"Ayoko."

Lumingon si Mico sa gawi kung saan naroon ang pinto ng kwarto ng kanyang ama. At tamang-tama ang pag-tingin niya dahil iniluwa noon ang kanyang ama. "Bitawan mo na ako, dyan na si Dad." Binitawan na rin siya ni Ivan. "Takot ka rin pala eh." inirapan niya si Ivan at tumalikod paharap sa ama. Tatawagin sana niya ang ama nang maunahan siya ni Ivan.

"Sir, narito po Mico."

Napa-tingin si Mico kay Ivan. "Aba, mukhang close ang dalawa?"

"Ikaw pala Ivan. Nagkita na pala kayo ni Mico." naka-ngiting salubong ni Dino sa dalawa. "Magla-lunch kami ni Mico sa labas, sumama ka na kaya?"

Kumalembang ang tenga ni Mico sa narinig.

"Hindi na po muna Sir, kakatapos ko lang pong maglunch. Pabalik na nga po ako sa work room nang makita ko si Mico."

"Ah ganoon ba? Sige next time na lang. Pero hindi ka pa nakakabawi sa akin ha? Hindi ko pa nakakalimutan nang hindi ka pumunta sa party ko." sabay tawa.

"Pasensya na Sir." saka tumingin si Ivan kay Mico nang naka-ngiti.

"So ibig sabihin ang mokong na ito ang nakita ko sa dilim nung party si Dad. Hmpt!"


[49]
"Dad, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nagtatrabaho na pala si Ivan dito sa Manila at..." pinagkadiinan niya ang huling salita. "magkatrabaho pa pala kayo." sinadya niyang magtampo-tampohan sa harap ng ama. Kasalukuyan na silang nana-nanghalian sa isang restaurant malapit lang sa kumpanya.


Natawa ang ama ni Mico. "Siya ang may gusto noon."

Napa-iling si Mico. "Nalaman ko pa na inimbitahan mo pa siya sa party mo. Hindi nga lang dumating."

"Ewan ko sa kanya. Akala ko nga magkikita na kayo doon sa party ko." Uminom muna ng tubig si Dino. "Siguro ayaw magpakita sayo. Kaya hindi pumunta."

"Hmmm... sabagay!" biglang natigilan si Mico.

"Sabagay?"

"Wala Dad." ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa harapan ng ama. Pagkatapos ay pinilit niyang siglahan ang kanyang pananalita. "So, alam mo na Dad na may baby na si Ivan?" Mukhang masaya pero ang puso ay nagdurugo.

"Baby?" muntikan pang mabulunan ang ama. Pati si Mico ay bahagyang nataranta. Buti na lang at maagap na naka-inom ng tubig si Dino. "Anong ibig mong sabihing baby? Anak, o baby damulag?" binuntutan niya iyon ng tawa.

"Dad?" saway niya sa ama. "Siyempre anak."

"What anak?" nanlaki ang mga mata ni Dino pero sa naka-ngiting paraan. "Sa pagkakabasa ko ng application papers niya, single pa siya. Pero malay mo, hindi pa sila kasal ng babae kaya single ang status niya. Teka, ilang taon na ba ang bata?"

Parang gustong mahulog sa pagkakaupo ni Mico nang marinig ang mga sinasabi ng ama. "M-mga two.."

"Two days, two months o years? Baka two decades?" sabay tawa. "Anak naman, kumpletuhin mo naman, nabibitin si Dad eh."

Natawa rin si Mico. Pero higit na naging masaya ang puso niya nang ilitanya ng ama ang salitang "anak" na ang tinutukoy ay siya. "Two years po Dad." At least kahit masakit marinig ang mga posibilidad kay Ivan kung may anak na nga ito o wala, nakakaramdam pa rin siya ng saya sa pamamagitan ng ama.

"Ah... yan ganyan." saglit na nag-isip si Dino. "Kung two years na ang anak ni Ivan, ibig sabihin bago pa lang siya pumasok sa kumpanya, eh may anak na siya. Kasi, wala pa sa isang taon siyang nagtatrabaho doon."

Napa-kunot ang noo ni Mico. "Halos dalawang taon na ang nakakaraan ng maghiwalay kami Ivan. Kung nasa dalawang taon na ang bata, plus 9 months na pagbubuntis... ibig sabihin nandoon pa lang ako nagbubuntis na babae ni Ivan." bigla siyang napailing. "Mali, baka siguro mga isang taon lang ang bata, malaking bulas lang kaya ganoon kalaki?"

"Natahimik ka?" tanong ni Dino bago sumubo. "Alam mo, sa sinabi mo sa aking ganyan..."  tinapos muna ang pag-nguya. "nagtataka rin ako. Pero, walang kaso sa akin yun kung may anak na siya. Sa kaunting panahon pa lang niya sa kumpanya, naipakita na niya ang kanyang galing. Walang kaso..."

"Sa inyo Dad walang kaso... pero sa akin sobrang laki." Kung pwede nga lang umiyak sa harapan ng ama ay ginawa na niya pero nagpigil siya pinilit niyang maging kaswal. "Naghintay ako ng matagal tapos... may baby na sasalubong sa akin?"
-----

"Ano, ihahatid mo pa ba ako sa opis?" tanong ng ama nang makalabas sa sila sa restaurant.

Nagbiro si Mico sa ama. "Ay, nagpapahatid?"

Natawa si Dino. "Nagtatanong lang."

"Sige po." malambing at magalang niyang pagsangayon.

Habang naglalakad, patuloy na sumisiksik sa isipan ni Mico ang pagkakataong nakita niya si Ivan dala ang pinaghihinalaang anak nito. Napipicture out niya ng buong-buo ang mga sandaling iyon. Panay siya buntong-hininga at hindi na nga niya pinapansin kung napapansin ba iyon ng kanyang ama.

Nang makapasok sila sa loob ng building ng kumpanya, agad na naggagala ang mga mata ni Mico. Inaasam niyang makikita si Ivan na naglalakad sa mga pasilyo ng gusali.

Nakarating na sila sa 8th floor ng kumpanya kung saan naroon ang office ng Dad niya, wala pa ring Ivan siyang nakikita. "Kahit man lang ka-hawig wala man lang." himutok ng kanyang isipan.

"Papasok na ako." paalam ni Dino nang mapatapat sila sa pintuan ng kwarto nito.

"Sige po Dad."

"Mag-ingat ka sa pag-uwi." ginulo pa ni Dino ang buhok ni Mico bilang katuwaan.

"Salamat po." Nakapasok na si Dino sa office nito. Dahil nagulo ang buhok, sinuklay niya ito sa pamamagitan ng mga daliri sa kamay. Saka siya uli napa-tingin sa dakong kinatatayuan kanina ni Ivan. "ayun me kamukha na ni Ivan." biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang nakatayo doon. "S-si Ivan nga." Bigla siyang kinabahan.

"Bakit? Meron pa bang ganito ka-pogi sa iyong paningin, ha, Mico?" tanong na may kahalong pagmamayabang ni Ivan habang papalapit kay Mico.

Pinilit ni Mico na maging sarkastiko sa pananalita. "Oo naman, pero ang hangin na dala mo, wala ng katulad."

Natawa si Ivan. "Ang lakas mo namang mambanat."

"Hindi naman sing-lakas ng yabang mo, noh." sabay irap.

"Mayabang na pala ako ngayon?" tanong ni Ivan sa sarili. "Hindi ka ba kinikilig?" tanong naman kay Mico.

"Kinikilig?" sabay tawa. "Bakit naman ako kikiligin, nakikita mo naman sigurong kanina pa ako nakasimangot."

"Bakit ka naman nakasimangot? Ah alam ko na, siguro noong nalaman mong may baby na ako, tama?"

"Paki-alam ko naman sa baby mo? Dyan ka na nga." sabay talikod kay Ivan.

Hindi na pinigilan ni Ivan sa pag-alis si Mico. Alam naman niyang makikita at makikita niya rin ito. "Aminin mo na, nagseselos ka sa baby." sigaw ni Ivan kay Mico. Iyon ang naisip niyang pang-asar kay Mico. Tama nga siya, muling lumingon si Mico.

"I hate you!" sigaw ni Mico sa naka-ngising si Ivan. "Kahit kailan hindi ko pinagseselosan ang mga baby. Ikaw ang nakakainis. Ang sama mo." natuluyan si Mico sa pag-iyak.

"Buti naman at naiinis ka lang. Akala ko kasi mahihirapan ako kapag magpapaliwanag ako sayo." sabay tawa.

"Ang sama-sama mo talaga. Magsama kayo ng nanay ng anak mo." agad tumalikod si Mico at patakbo palabas ng gusaling iyon. "Ang sama-sama niya, ganun na nga ang ginawa niya sa'kin, tapos, parang wala siyang pakialam sa feelings ko, kung masasaktan ba ako o hindi. Nagagawa pa niyang tawanan ako." Nilakad niya ang hanggang kanto para makasakay ng jeep pauwi nang nagpapapadyak. Alam niyang nakakahiya ang ginagawa niya sa mga taong nakakakita pero wala siyang pakialam.
-----

Naabutan ni Mico ang ina sa sala na abala ito sa pagsasalita sa telepono. Halata niyang hindi maganda ang mood ng ina dahil sa mataas na tono ng pananalita nito. Tila may sinisigawan. Kaya, maingat siyang dumaan sa likuran ng ina. Ayaw niyang maabala ito at mapansin ang mukha niyang basang-basa ng luha.

Naka-hinga siya ng maluwag nang marating niya ang kanyang kwarto. Padapa niyang itinapon ang katawan sa kama. At doon muling humagulgol ng iyak.

"Mico?" maya-maya ang pagdating ni Laila sa kwarto ni Mico. "Bakit?"

"Ma?" gulat ni Mico nang makita ang ina sa loob ng kwarto niya.

"Bakit ka umiiyak? Akala mo siguro hindi ko napansin no?" Tumabi siya sa anak at hinimas-himas ang liod nito.

"Kasi po si Ivan.." hindi na siya nagsinungaling. "May anak na siya, tapos hindi pa niya inisip kung anong magiging feelings ko nang sabihin niya sa akin. Ma ang sakit sakit dito Ma." itinuro niya ang parteng dibdib kung saan naroon ang kanyang puso.

Bumuntong-hininga si Laila. "Paano ba kayo nagkita?"

"Nagtatrabaho siya kung saan nagtatrabaho si Dad Ma." Napansin ni Mico ang panlalaki ng mga mata ni Laila sa natuklasan.

"Kailan pa? Pero... sinabi ba talaga niya sa iyo na anak niya 'yun?"

"O-" bigla siyang natigilan. "May sinabi nga ba si Ivan na anak niya iyon, parang wala ah." pero pinagpatuloy pa rin niya ang pag-iyak.

"Alam mo, dapat mo na lang tanggapin ang lahat Mico. Desisyon niya iyon... wala kang magagawa. At naniniwala akong malalampasan mo rin ang mga ito Mico. Tulad ng ginawa mo ng magkahiwalay kayo ni Ivan."

Hindi na lang nagsalita si Mico. Humilig na lang siya sa balikat ng ina habang nagtatanong ang isip kung anak nga ba ni Ivan ang dala-dala nitong baby.
-----

Namamaga na naman ang mga mata ni Mico nang bumaba siya at tumungo sa dining area para mag-almusal. Alam niyang wala na ang mga magulang sa loob ng bahay kaya malakas ang loob niyang bumaba ng namamaga ang mga mata.

"Aling Mirna, anong inihanda mo?"

Napa-lingon si Mirna nang marinig ang boses ni Mico. "Ano kamo?"

"Tinatanong ko po kung anong meron sa lamesa ngayon?" Wala naman siyang intensyon pero nahahaluan ng tonong pagkairita ang kanyang pananalita.

"A-ah, ang ipinaluto ni Sir Dino, corned beef. Si Maam hindi na dito kumain. Magluluto ako, ano ba ang gusto mo?"

"Hindi na po siguro, marami pa ba ang natirang corned beef?"

Nilapitan ni Mirna ang lamesa para tanggalin ang cover ng pagkain sa gitna ng lamesa. "Ok na ba ito sa'yo?"

"Opo." nang makitang marami pa naman ang corned beef.

"Hindi na iinitin?"

"Ay sige po, paki-init na lang." Umupo na si Mico habang pinapanood si Mirna. Naisipan niyang kumuha ng isang slice ng tasty bread at kumuha ng piraso at inilagay sa bibig. Habang nguya-nguya ang tinapay ay naka-titig lang siya sa may kisame.

"Mico, mainit na." maya-mayang sabi ni Mirna.

"Ay, ok  na pala." nawala si Mico sa pagkatulala.

"Sige na kain ka na. Tawagin mo lang ako kung may kailagan ka pa. Sa kusina lang ako."

"Sige po."

Habang pinapalamanan ang tinapay, narinig niyang may yabag ng mga paa papasok galing sa labas ng bahay. Nang matapos ang pagpapalaman sa tinapay ay tinungo niya ang salas para tignan kung sino ang dumating. Ang naabutan niya ay si Mirna.

"Aling Mirna, sino ang dumating?"

"Dad mo, may nakalimutan daw. Sandali ah, papasukin ko daw 'yung lalaking naiwan sa labas."

"Sino?"

"Hindi ko alam ang pangalan eh. Sandali at lalabasin ko muna."

"Susunod ako." Na-curious si Mico kaya napasunod siya sa labas. "Ivan?" tawag niya sa pangalan nang makita niya si Ivan na papasok sa gate.

Biglang napabalik si Ivan sa labas nang marinig ang pagtawag ni Mico sa kanya. Natatawa siya sa ginagawang pag-iwas.

"Ivan." tawag uli ni Mico. "Aba't pinagtataguan pa ako?" Pinuntahan niya sa labas si Ivan. "Aling Mirna ako na po ang bahala."
-----

Don't worry there's more. -IVAN and MICO!


[Finale]
"Ivaaaaaaan..." muli niyang sigaw. Nakita pa niyang umikot si Ivan sa likod ng sasakyan salabas ng bakuran nila Mico. "Kasama ba yan sa mga pananakit mo sa akin?"


Biglang lumitaw si Ivan pero nasa pagitan nila ang unahan ng kotse. "Anong pananakit ka dyan?" natatawang siya. Kitang-kita niyang naglalakihan ang mga butas ng ilong ni Mico.

Tumaas pa ang kilay ni Mico. "Nagmamaang-maangan ka pa?"
Napa-kamot sa ulo si Ivan. "Nagmamaang-maangan naman ako ngayon. Kanina nananakit. Eh ang alam ko ikaw ang madalas manakit sa akin ah?"

"Aba!" napatingala si Mico sa sinabi ni Ivan. "Ako pa ang nananakit ah?"

"Oo. Di ba madalas mo akong hampasin ng unan?" sabay tawa. "Pananakit kaya 'yun."

"Namimilosopo ka ba? Hindi ako natatawa."

"E hindi naman ako nagpapatawa ah. Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan, na ikaw ang nananakit. Tama?"

"E hindi naman yan ang ibig kong sabihin eh."

Tumawa si Ivan ng malakas. "Ganoon ba? Hindi mo kasi nililinaw eh."

Nayayamot si Mico. Pakiramdam niya pinaglalaruan lang siya ni Ivan. Lahat ginagawang biro. "Galit na galit na talaga ako sayo."

"Hala. Ako na naman!"

"Ikaw naman talaga eh." naiyak na si Mico. "Ikaw naman talaga kasi eh..."

"Kaya ba namamaga na naman yang mga mata mo kasi dahil sa akin?"

"Nagtatanong ka pa. Oo ikaw na ikaw."

"Bakit ako?" maang-maangan na naman ni Ivan.

Todo naman sa paliwanag si Mico habang umiiyak. "Sabi mo kasi mahal mo ako eh..."

"Hindi ko pa nga nakakalimutan eh, na sinabi ko yun." pagmamayabang ni Ivan.

"E bakit nag-asawa ka na?" tumalikod si Mico at nagpunas ng mga luha.

Sumiryoso si Ivan. "Iniwan mo kasi ako."

Natahimik si Mico. Iniisip niya na kasalanan pala talaga niya. "E-eh kasi..." Muli siyang humarap kay Ivan. "Kaya kong magpaliwanag..."

Umiling-iling si Ivan. "Ay, hindi ko na kailagan Mico ang paliwanag mo. Sorry. Hindi mo na kailangan."

Napayuko si Mico. "So... h-hindi mo na ako m-mahal?" Naghihintay ng sagot si Mico pero wala siyang naririnig mula kay Ivan. Nagtataka siya, kaya napaangat siya ng tingin para makita kung ano ba ang reaksyon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang naka-ngisi lang si Ivan. "Nagtatanong kaya ako." sigaw niya. "Nakakainis ka."

"Bakit na naman?"

"Ewan." at muli na naman siyang tumalikod para tumakbo papasok ng bahay.

"Sandali." awat ni Ivan. Lumapit kaagad si Ivan kay Mico at hinawakan ito sa braso para pigilan. "Ako nga ang dapat magtanong sayo."

Umiwas ng tingin si Mico kay Ivan. "A-ano naman ang itatanong mo?"

"Tulad ng tanong mo. Kung ako ba, hanggang ngayon mahal mo ako?"

Sumagot si Mico nang hindi tumitingin kay Ivan. "Bakit kailangan mo pang malaman eh may asawa ka na."

Muling natawa si Ivan. "Asawa ka dyan."

"Bakit ka ba tawa ng tawa. Nakikita mo na ngang umiiyak na ako eh..."

"Eh sino ba kasing may sabi sayo na may asawa na ako?"

Napatitig si Mico sa mga mata ni Ivan. "B-bakit ka may baby?"

Napa-tingin sa taas si Ivan kasabay ng pagbuntong hininga. "May hawak lang na bata, nag-asawa na? Excited pa naman sana akong ipakita sayo 'yung baby. Kaya lang bigla mo akong tinaguan eh."

"A-anong ibig mong sabihin... hindi sayo 'yung baby? Kanino? Bakit nagkaroon kayo ng baby?"

"Sandali... ang dami mo namang tanong eh. Gusto ko ako muna ang magtatanong bago ko ipaliwanag. Ok?"

Tumango si Mico. "Sige."

Hinawakan ni Ivan ang magkabilang balikat ni Mico. "Mahal mo pa rin ba ako? Kahit mahigit sa dalawang taon na ang nakakalipas."

Kapansin-pansin kay Mico ang pagiging siryoso ni Ivan. At paunti-unti ang pamumungay ng mga mata nito. "Naiiyak ka ba?" Ewan ni Mico bakit bigla niyang naisatinig iyon.

"So? E namiss kita ng sobra eh." tuluyan na ngang naluha si Ivan. "Kung alam mo lang Mico kung gaano kasakit sa akin na bigla ko na lang malalaman na wala ka na. Asang-asa pa naman ako na makikita kita, galing ko sa school... ang akala ko, iniwan mo ako dahil hindi mo ako mahal. Parang... hindi ko maintindihan ang mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko, kung bakit mo ako iniwan. Dahil kung kelan ko sinabi sa sarili kong ikaw na ang mamahalin ko, kahit itakwil pa ako ni Mama, ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sayo." Huminga ng malalim si Ivan. "Saka ko na lang nalaman ang katotohanan kung bakit ka umalis. Nalaman ko rin mismo kay Mama na siya ang nagpaalis sayo."

"Gusto ko ngang magpaalam muna sayo pero pinigilan nya ako."

"Ang sabi ko hindi mo na kailangang magpaliwanag."

Napayuko si Mico.

"Pero, Ok na ang lahat. Hindi na tututol si Mama. Naisip niya sigurong pinaninindigan ko talaga ang mahalin ka Mico. Sinikap kong makatapos sa pag-aaral. Kung pwede ko nga lang hilahin ang mga araw gagawin ko para lang muli kitang makita."

"Bakit hindi mo ako pinuntahan dito?"

"Patawarin mo ako kung hindi ko yun ginawa. Kasi mas pinili kong maipakita muna kay Mama na makatapos ako sa pag-aaral."

"Sandali, pati pala yung facebook mo biglang naglaho..."

"Sinadya kong i-deactivate ang account ko. Alam ko kasi na yun ang gagawin mong paraan para magkaroon tayo ng contact."

Kumot ang noo ni Mico. "Ganun? E di ayaw mo akong makausap pala noon?"

"Hindi naman... sa sobrang miss ko kasi sayo baka hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan kita dito kapag narinig ko ang boses mo o mabasa ko man lang ang mga mensahe mo sa internet. Baka sa pagsunod ko sayo dito eh hindi ko maipakita kay Mama na deserving ako sa gusto ko, na mahalin ka."

Hindi naitanggi ni Mico ang kilig na kanyang naramdaman. Agad siyang nagbaba ng tingin at ngumiti.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Mico?" giit ni Ivan.

"Sobra."

"Sobra?"

"Sobra kitang mahal Ivan. Mahal na mahal kita. Sa tingin  mo ba, magagawa ko pang hindi ka mahalain, eh minsan lang sa buhay ng mga bading ang magkaroon ng tunay na nagmamahal? Never... Lalo pa at napaka-gwapo ng lalaking nagmamahal sa akin."

Natawa si Ivan sa sinabi ni Mico. Nayakap niya si Mico. "Talaga?"
Bumuntong hininga si Mico. "Sa totoo lang, nung nakita kita doon sa company, nasabi ko agad sa sarili kong, lalo kang pumogi."

"Siyempre naman. Pinaghahandaan ko kaya ang araw na muli tayong magkikita. Pero, nung nakita rin kita sa may gate nyo nung gabi ng party ng Dad mo, naluha ako."

"Bakit?"

"Sabi ko sa sarili ko, at last nakita rin kita. Ang hirap kaya maghintay ng dalawang taon."

"Hmpt..." kunyaring inis ni Mico. "Hirap maghintay ng dalawang taon pero si Dad ang una mong pinuntahan."

Natawa si Ivan. "Kasama kasi sa plano 'yun. Paano ako makakapaglagi dito sa Manila kung wala akong pera? Alangan naman naman na manghingi pa ako kay Mama? Siyempre, dapat magtrabaho na muna ako."

Napangiti si Mico ng maluwang. "Hanga naman ako sayo eh noh, ang lakas mo magplano at infairness nakukuha mo ah."

"Siyempre, may inspirasyon eh." mas hinigpitan ni Ivan ang yakap nya kay Mico.

"Sino? Yung baby?"

"Ikaw." tuwirang sagot ni Ivan. "Pag-iinitan pa yung baby alam naman nyang siya ang sagot."

"Oh saan nga pala galing yung baby na iyon?"

"Sa pinsan ko sa Laguna. Nalaman ni Mama kasi na kailangan ng mag-aalaga ng baby ng pinsan ko kasi magtatrabaho abroad kaya minabuti ni Mama na siya ang mag-alaga."

"Ah..." biglang napa-hagikgik si Mico. "Akala ko kasi..."

Bahagyang binatukan ni Ivan si Mico sa ulo. "Kung ano-ano kasi ang iniisip mo eh. Hindi muna nagtatanong. Basta-basta na lang tumatakbo."

"Hindi na po mauulit."

"So, tayo na uli?" paninigurado ni Ivan.

"Hindi naman tayo nagbreak ah?"

"Mmm... anong araw ba ngayon? Date?"

"Bakit mo tinatanong? Miyerkules, 25."
"Ano ba ang mas maganda 'yung dati o ngayon?"

"Ha?"

"Kunyari magseselebrate tayo ng monthsary o kaya anniversary, ano ang maganda, yung date na naging tayo o ngayon?"

Natawa si Mico. "Talagang ikaw pa ang na-iisip niyan ah. Hmpt dinaig pa ako. Ikaw, ano ba gusto mo?"

"Pareho."

"Ay nagtanong pa, pareho naman pala. Teka, parang magastos yata kung dalawa?"

"Eh ano..." tinignan ni Ivan ang bahay ni Mico. "Ang laki-laki ng bahay mo eh, pwede naman nating ibenta yan." sabay tawa sa sinabing biro.

"Sira, baka gusto mong magera ni Dad."

"Alam ko." siryosong sagot ni Ivan. "Dad mo na lang siguro ang problema natin."
Napatitig si Mico kay Ivan. "Ipaglalaban mo naman ako diba? Alalahanin mo, kakaayos palang namin ni Dad. Mukhang mahihirapan ka?"

"Sisiw lang 'yung Dad mo. Maniwala ka sa akin."

"Sabi mo yan ah?"

"Oo. Ako pa." sabay tawa. "Pero alam mo, napapansin ko sayo, parang hindi ka nagpagupit? Ang haba na ng buhok mo ah." hinawi ni Ivan ang bangs ni Mico. "Pero bumabagay sayo. Lalo tuloy akong nananabik... pwede bang pa-kiss naman diyan?"

"Sa noo?" biro ni Mico.

"Nge, siyempre sa lips." ngumuso pa si Ivan.

Hindi na sumagot pa si Mico. Siya na mismo ang humalik kay Ivan ng mariin.

"Mico!......."

Napa-tingin silang dalawa sa pinagmulan ng sigaw na iyon.

"Si Dad? Anong gagawin natin?" nanlaki ang mga mata ni Mico nang mapagsino kung sino ang sumigaw.

"Pwede naman siguro kitang itanan eh?" nagmamadaling magsalita na si Ivan.

"Tatakbo tayo?"

"Wala pa naman sigurong hawak na armalayt ang Dad mo? Pwede pa yata tayong tumakbo."

Natawa si Mico sa kabila ng kaba. "Bahala na."

"Mico!...." muling sigaw ng ama.

"WAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...." sigaw nina Ivan at Mico.
-----

MICO: Sandali lang Ivan, hindi pa tapos.

IVAN: Meron pa ba? Akala ko da-end na eh.

MICO: May Chapter 51 pa eh. Sabi ni awtor.

IVAN: Ano naman ang kwento doon?

MICO: Tayo pa rin yun sigurado. May ikukwento lang daw si awtor.

IVAN: Ano?

MICO: Untold parts daw.
IVAN: Ayan ang sinasabi ko eh, kaya ayaw kong magbukas ng ilaw kapag... hmmm simula ngayon papatayin ko na ang ilaw para walang makwento si awtor. Kelan ba nya ipopost sa Erwanreid Blog?"

MICO: Yun ang abangan nila. Kasi kahit ako hindi ko rin alam.

IVAN: Ah... ok. So, patayin mo na ang ilaw, Mico baka pati ito maidagdag ni awtor. Magwewelga ako.

MICO: Opo.
-----

MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!!!

(ash) erwanreid

No comments:

Post a Comment