Friday, January 11, 2013

The Things that Dreams are Made Of (Prologue-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[Prologue]
Masaya at wala ng mahihiling pa si Migs sa kaniyang buhay. Nasa tabi niya ngayon ang lalaking alam niyang mamahalin niya ng buong buhay, kalong-kalong ang isang magda-dalawang taong batang lalaki na tuwang-tuwa sa pagme-make face ng kaniyang ama. Oo, hindi naging madali ang buhay bilang mag-partner ni Migs at Ed, madaming kumutya sa kanila at hindi biro ang kanilang mga sinuong na problema, ang iba pa dito ay halos paghiwalayin silang dalawa. Pero kinaya nilang lahat ng iyon, idinaan lahat sa maayos na usapan at syempre sa tulong at suporta narin ng kanilang mga kaibigan. Matapos kayanin lahat ng unos na dumating sa kanilang pagsasama at nang mapatunayan sa kanilang mga sarili na para na talaga sila sa isa't-isa ay napagtanto nilang dalawa na isa na lang ang kulang sa kanilang buhay.


Magda-dalawang taon na ang nakalipas nang mapagpasiyahan ng dalawa na humanap ng surrogate na siyang magdadala ng magiging anak nila. Semilya ni Ed ang ginamit ng mga duktor at naging matagumpay ito, makalipas ang siyam na buwan ay miya mo na may “mini me” si Ed na hindi alam ni Migs kung ikatutuwa niya o ikababahala, pero sa kabila nito ay may isang pakiramdam na namumutawi kay Migs, ito ay ang pakiramdam ng pagiging kumpleto.


Masaya na siya sa ngayo'y hindi pa man itinuturing na normal ng sambayanan ay masaya naman niyang bagong pamilya.


“You're doing that creepy smile again, Migs.” nangingiting sita ni Ed kay Migs habang sinusubuan ng pinalambot at pinaghalo-halong pagkain ang batang si Joshua. Saglit na lumingon-lingon si Migs, sinipat ang buong restaurant lalo na ang kalapit nilang mga lamesa kung may nakarinig sa pasaring na ito ni Ed.


“I don't know what you're talking about! I don't have a creepy smile!” balik naman dito ni Migs habang pinipigilan ang sarili na ngumiti at habang pinapanood niya si Ed na ibinubuka at isinasara ang bibig kagaya ng ginagawa ng anak nilang si Joshua.


“You have that smile that says you're thinking about something either really good or really bad.” kaswal naman na balik ni Ed, sinulyapan saglit si Migs at muling itinuon ang pansin kay Joshua na nakanganga at pilit na inaabot ng maliit nitong dila ang piraso ng kinakain nito sa kaniyang baba.


“I'm just happy now that I have everything I could've asked for.” kaswal na sagot ni Migs sabay masuyong ngumiti at inabot ang libreng kamay ni Ed at pinisil ito.


“Dada! Dada!” sigaw ng batang si Joshua na ikinalaki ng mata nila Ed at Migs, iyon ang unang beses na narinig nila ang bata na tawagin ang isa sa kanila. Wala sa sariling tumayo si Migs sa kaniyang kina-uupuan at tumayo sa likod ni Ed, hinihiling na sana ulitin ng kanilang anak ang pag-tawag sa kanila nito.


“Dada!” sigaw ulit ni Joshua sabay abot ng magkabilang mabibintog na mga kamay kay Migs at Ed. Hindi na napigilan ni Migs ang sarili at iniyakap niya ang kaniyang magkabilang kamay sa leeg ni Ed at inabot ang kaniyang labi sa mga labi nito.


Sa sobrang galak ay nakalimutan na ng dalawa na asa isang pampublikong lugar nga pala sila at ang pag-iyak ni Joshua, dahil siguro sa hindi pag-pansin ng kaniyang mga magulang sa kaniya ang siyang gumising sa dalawa na hindi maitago ang saya sa mga mata. Hindi nagtagal ay bumalik na sa sariling upuan si Migs na may nakaplaster na ngiti sa mukha habang si Ed naman ay kinarga si Joshua at pinatahan ito.


Nakangiti paring tinititigan ni Migs si Ed at Joshua nang mabura ang ngiti na iyon dahil sa biglaang pagsagi sa kaniyang utak ng ilang nakakabahalang bagay.


“Pano kapag lumaki na siya at nagtanong kung bakit may dalawa siyang daddy imbis na isang mommy at isang daddy kagaya ng mga kaklase at kaibigan niya?”


“Pano kung gaya ng iba ay lumayo ang loob ng kaniyang anak sa kaniya dahil naisip nito na tama ang sinasabi ng ibang tao na hindi normal ang pagkakaroon ng dalawang ama, ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawang lalaki at ang pagpapalaki ng mga ito sa isang bata na parang isang anak?”


“You're doing that weird face again.” sita ulit ni Ed kay Migs nang makita niyang humahaba nanaman ang nguso nito at nangungunot ang noo bilang tanda na may bumabagabag dito.


“What weird face?” tanong ni Migs na ikinahagikgik ni Ed. Sa kabila kasi ng humahabang nguso at nangungunot na noo nito ay hindi niya parin mapigilang ma-cute-an sa kinakasama na siyang lalong nagiging dahilan ng pagka-in-love niya dito. Sasagutin na sana niya ang tanong ni Migs nang matamaan ng kaniyang tingin ang isang pamilyar na mukha.


“Don't look now but one of your ex's is back in town.” bulong ni Ed kay Migs na naglihis sa pagkabagabag na iniisip nito at agad na lumingon.


“Huh? Sinong ex?”

000ooo000


Masaya na si Ram at wala na siyang iba pang maihihiling. Asa kaniya ngayong tabi si Martin na mas mahal niya pa kesa sa sariling buhay at karga-karga niya ngayon ang magdadalawang taong gulang na bata na ipinanganak gamit ang isang surrogate. Tulad ng pagsasama nila Migs at Ed ay hindi rin nilulubayan ng pangungutya at problema si Ram at Martin pero katulad din nila Migs at Ed ay kinaya nila lahat ng ito.


“Oh shit.” bulong ni Ram nang makita niya sila Ed at Migs sa isang lamesa hindi kalayuan mula sa lamesa na ibinigay sa kanila ang hostess sa restaurant na iyon.


“Martin, can we eat somewhere else?” tanong ni Ram habang sumusulyap kila Migs na mataman ding nakatingin sa kanila na agad namang nagiwas ng tingin nang makita ang pagsulyap sa kanila ni Ram.


“What? I thought you like to eat seafood this time? This is the best seafood restaurant in town.” sagot naman ni Martin habang pinapasadahan ang menu bilang sabi na hindi na sila lilipat pa ng kainan.


“What about Igi?” tanong ni Ram, nakataas kilay naman siyang tinignan ni Martin.


“Didn't we bring baby food for him? C'mon, Ram. What is this all about?” taas kilay paring tanong ni Martin.


“Ahh—Uhmm--- My ex is here. Don't look now but they're on the third table to your left.” bulong ni Ram sabay itinago ag sarili sa menu, kunwari pumipili ng kakainin.


“I said don't look!” singhal ni Ram pero huli na dahil napansin na nila Migs at Ed ang pagtingin sa kanila ni Martin.


000ooo000


“I said don't look! Geez, Ed!” singhal ni Migs sabay punas sa mga imaginary pawis ni Joshua para mag mukhang may ginagawa siya.


“What?! You still have feelings for him? I thought you guys talked and decided that it's better for you guys to remain as friends?” naniningkit na tanong ni Ed kay Migs na tinignan siya ng mariin bago sumagot.


“We did talk and decided to remain just friends! But it's still awkward seeing him, you know! And NO! I don't have lingering feelings for him.” balik ni Migs, pilit na binabalewala ang naniningkit na tingin ni Ed.


“Good! We should say hello on our way out, then.” kaswal na balik ni Ed sabay senyas sa waitress para sa kanilang bill.


“No!” mariin ulit na balik ni Migs na ikinasingkit ulit ng mga mata ni Ed.


“Please?” pagmamakaawa ni Migs kay Ed habang binubuhat ng huli ang humahagikgik na si Joshua mula sa baby seat.


“Fine! Geesh, Migs. After all this time you still feel awkward seeing Ram? You dumped his ass, so what?” umiiling na pasaring ni Ed kay Migs habang pinipilit na hindi humagikgik.


“ASS! ASS!” sigaw ni Joshua sabay hagikgik na ikinalaki ng mga mata nila Migs at Ed.


“You're a bad influence to our son!” umiiling na saad ni Migs sabay mabilis na naglakad palabas ng restaurant upang makaiwas sa mga tingin ng tao na nakarinig sa mga sinabi na iyon ni Joshua.


000ooo000


“Is that the guy that made you sleep around?” tanong ni Martin kay Ram nang mapansin nitong hindi parin ito mapakali kahit pa umalis na ang sinasabi nitong ex. Tumango naman si Ram bilang sagot sabay pahid sa tumutulong laway ni Igi para lang hindi niya masalubong ang tingin ni Martin.


“I'm cuter than him.” saad ni Martin sabay subo sa soup na kaniyang in-order.


“What?” nangingiting tanong ni Ram, narinig niya ang sinabi ni Martin at alam niyang pinapagaang lang nito ang kaniyang loob pero hindi niya parin mapigilan na ipaulit dito ang sinabi para lalo pang mapagaang ang kaniyang loob.


“I said I'm cuter that your ex.” sagot ni Martin sabay mariin na tumingin kay Ram na hindi mapigilan ang sarili na mapangiti.


“Yes, you're defenitely cuter.” sagot ni Ram, tuluyan nang gumaang ang loob nito at wala sa sariling inabot ang mukha ni Martin at pinasadahan ng kaniyang palad ang makinis nitong mukha. Ngumiti narin si Martin lalo pa't alam niyang napagaang na niya ang loob ng kinakasama.


000ooo000


“I still don get why you're so fussed about this.” saad ulit ni Ed sabay make face upang mapatawa ulit si Joshua na kaniya na ngayong karga- karga habang si Migs ay di parin mapakali.


“Well you're not the one who broke his heart.” nakanguso nanamang sabi ni Migs sabay tingin ng mariin kay Ed, muling bumalik ang mga dinadala niya may ilang taon na ang nakakaraan nang saktan niya si Ram.


“Am I a bad person, Ed?” nangingilid luhang tanong ni Migs sa kinakasama, muli kasing bumalik sa kaniya ang paninisi sa sarili sa pagiging pakawala ni Ram matapos niya itong saktan at ang posibilidad na hanggang ngayon ay hindi parin siya nito napapatawad ay lalong nakapagpabigat sa kaniyang nararamdaman. Sinulyapan ni Ed si Migs, isang tingin niya lang dito ay alam niyang muling bumalik ang matagal na nitong nakalimutang hindi matapos-tapos na pagkabagabag patungkol sa pananakit nito kay Ram noong mas pinili siya ni Migs imbis na huli. Ang pagkabagabag na ito ni Migs ay nagtulak kay Ed na abutin ang kamay nito at pisilin.


“Hey. Stop beating yourself over nothing. He looks OK now. He looks happy. I'm sure napatawad ka na nun.” saad ni Ed, pilit na ina-alo si Migs at mukhang nagtatagumpay siya dito. Niluwagan na ni Migs ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ng kamay ni Ed nang lalong higpitan ni Ed ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. Tinignan ito ni Migs, bibihirang ipakita ni Ed ang kaniyang pagmamahal kay Migs sa ibang tao kaya't ang ginawang ito ni Ed, bilang sabi na andun lang ito sa kaniyang tabi ay tuluyang lumusaw sa pagkabagabag ni Migs.


000ooo000


Tuluyan nang nakalimutan ni Migs at Ram ang kanilang saglit na pagkikita sa restaurant nung tanghalian dahil narin sa kanilang kaniya-kaniyang mga minamahal na kinakasama at mga anak. Naalis na ang hindi pagkapakali ni Ram at ang pagkabagabag ni Migs at akala nila na ay magtutuloy-tuloy na iyon.


“Hold the elevator please.” nag-tense ang buong katawan ni Migs nang marinig ang tawag na ito si Ed naman dahil hindi niya nakilala ang boses na iyon ay pinindot ang hold button ng elevator.


Agad naman na namutla si Ram nang muling bumukas ang muntik nang magsarang pinto ng mga elevator at bumulaga sa kaniya ang pamilya ni Migs. Hindi napansin ni Martin na sila Migs pala ang laman ng elevator dahil abala ito sa pagtingin sa kaniyang humahagikgik na anak at pag-gabay kay Ram papasok ng elevator na hindi sana sasakyan ni Ram. Nalaman niya nalang ang dahilan sa biglaang pagtahimik ni Ram nang magsalita si Ed.


“Hi, Ram. Kamusta?” kaswal at nakangiting tanong ni Ed na lalong ikinabahala ni Migs.


“Ed! Migs. Kayo pala yan---!” arte naman ni Ram na parang nagulat at noon lang nakita ang dalawa.


““Kayo pala yan?” Wow, Ram! Nice bullshitting skills!” bulong ni Martin sa sarili at pinigilan ang sarili na mapatawa sa ipinapakitang ka-eng-engan ng kinakasama.


“---OK naman ako-- Kayo? Kamusta? Siya nga pala, si Martin, partner ko saka anak namin si Luigi.” kinakabahang sabi at pakilala ni Ram.


“OK naman kami.” kaswal na sagot ni Ed sabay abot ng kamay ni Martin.


“Nice meeting you, pare.” bulalas ni Ed.


“Same here.” kaswal na balik ni Martin. Pagkatapos nito ay saglit silang binalot ng katahimikan. Siniko ni Ed si Migs bilang sabi na sumagot din ito sa pangangamusta ni Ram at kamayan din si Martin upang hindi naman sila balutin ng nakakakilabot na katahimikan.


“O-Oo. OK naman kami. Kayo?” tanong ni Migs, hindi alintana na nasagot na ni Ram ang tanong na iyon, ikinairap ni Ed ang katangahan na ito ni Migs at katangahan rin na iyon ni Migs ang ikinahagok ni Martin dahil sa hindi mapigilang paghagikgik.


“Ah eh uhmmm OK naman kami.” sagot parin ni Ram sa inulit na tanong ni Migs.


Idinaretso na ng lahat ang kanilang tingin sa mga numero na nagfla-flash sa ibabaw ng pinto ng elevators na siyang nagsasabi kung anong floor na sila.


“19”

“20”


“Anak niyo?” basag ni Martin sa katahimikan.


“Yup. This is Joshua.” proud na pakilala ni Ed sa kaniyang anak kay Martin at Ram.


“Cute.” walang emosyon na bulalas ni Ram na siyang lumabas na pagiging plastik para sa tenga ni Migs, binigyan ng isang masamang tingin ni Migs si Ram pero agad niya itong binawi. Muling binalot ng katahimikan ang buong elevator.


Nang bumukas ang pinto ay sabay-sabay na nagbuntong hininga ang apat pero agad ding natigilan nang mapansing sa iisang floor lang ang destinasyon nila at ang sunod na nangyari ay nakapag-palamig sa dugo ni Migs nang mapansing sa katabing bagong upang unit tumuloy sila Ram.


“Shit.” bulong ni Migs na ikinahagikgik ni Ed.


“Well, this is going to be interesting.” humahagikgik na saad ni Ed sabay bukas sa pinto ng kanilang unit.


000ooo000


“They're our new neighbor?! Gawd, how twisted is that?!---” simula ni Migs nang maibaba na ni Ed si Joshua sa crib nito. Napa-irap na lang si Ed nang maisip na hindi na niya maririnig ang katapusan ng usapan na iyon.


“---And did you see their baby?! It's head is like shrunk or something---” pagpapatuloy ni Migs na ikinalaki ng mga mata ni Ed, hindi malaman kung matatawa o maiinis sa inaasta ng kinakasama.


“What the hell?! Their baby's head doesn't look like it shrunk, Migs! You're being mean!” nanlalaki paring mata na saad ni Ed.


“What?! I'm not being mean! I'm just saying what I see!” kibit balikat na saad ni Migs na naging dahilan upang padilatan siya lalo ni Ed.


“Fine! Their baby doesn't look like it's head got shrunk or something!” pagsuko ni Migs.


“Igi's kinda cute.” kibit balikat na balik ni Ed matapos sumuko ni Migs.


“Fine! Igi's cute but Joshua is cuter!” habol ni Migs sabay sunod kay Ed na noong puntong iyon ay tumuloy na sa kama upang matulog na.


“Hell yeah! My son's cuter!” saad ni Ed sabay biglang pumaibabaw kay Migs at siniil ito ng halik.


000ooo000


“Did you see their son? Gawd! That kid will grow up like his Dad! A player, a heart breaker and an asshole!” singhal ni Ram.


“Hey! Not in front of the kid.” saway ni Martin sa kaniyang kinakasama habang pinapalitan ng diaper si Igi.


“Wait. Who are we talking about?” tanong ni Edison na kumakain ng pansit sa may sofa katabi ang ga-higanti nitong teddy bear at si Jake na nanonood ng PBA.


““Migs.”” sabay na sagot ni Martin at Ram.


“That asshole who broke your heart?” tanong ni Edison sa pagitan ng pag-nguya at pagsubo.


“Hey, I said not in front of the kid!” saway ulit ni Martin.


“Is he cute?” tanong naman ni Jake kay Ram nang mag-commercial ang pinapanood nito na nagdulot kay Edison na mabulunan. Sinuntok ni Edison ang malaking teddy bear sa gitna nila ni Jake na siya namang mabigat na humilig kay Jake.


“Aww!” reklamo ni Jake nang humilig sa kaniya ang gahiganteng teddy bear.


“Yeah. He's cute.” wala sa sariling pag-amin ni Ram sa tanong ni Jake kung cute si Migs na ikinataas ng kilay ni Martin.


“I mean, he gained a lot of weight and his hair is thinning out, Martin is definitely hotter plus did you see their baby?! It's so fat it's not even funny!” bawi ni Ram nang makita niya ang pagtaas ng kilay ni Martin nang madulas siya at aminin na cute si Migs. Alam ni Martin na sinabi lang iyon ni Ram upang makabawi sa kaniyang pagkakadulas dahil sa nakita niya ay hindi naman mataba si Migs, ang totoo niyan ay maganda ang katawan nito at lalong hindi numinipis ang buhok nito pero hindi parin nun napigilan ang maglagay ng ngiti sa mukha ni Martin.


“That's mean, little brother.” umiiling na sabi ni Edison sa kapatid matapos nitong laitin ang anak ni Migs sabay lantak ulit sa kinakaing pansit at sumandal sa kaniyang teddy bear.


“Yeah that's mean.” sang-ayon naman ni Jake.


“Fine! Joshua is a cute little bugger!” singhal na pag-amin ni Ram na ikinahagikgik ng magkasintahan na si Edison at Jake.


“I'm beat! Martin, are you coming to bed?” tanong ni Ram sa kinakasama nang makitang nakatulog na ang kanilang anak na si Igi.


“Yes, Hon, coming!” pairap pero nakangiting sagot ni Martin.


“Good night guys!” sigaw ni Martin sa kapatid at kay Jake.


“Galingan mo, little brother.” humahagikgik na pasaring ni Edison bago pa makapasok si Martin.


“Shut up, Edison!” singhal ni Jake sabay suntok sa malaking teddy bear sa pagitan nila ni Edison na siya namang mabigat na humilig sa huli.


“Awww! It's not like you don't know they're going to do it!” balik ni Edison kay Jake.


“You should've kept it to yourself! It's not your damned business you know!” balik naman ni Jake. Sasagot na sana si Edison nang makarinig sila ng impit na ungol sa loob ng kwarto na pinasukan nila Ram at Martin. Nagkatinginan si Edison at Jake at sabay na humagikgik.


000ooo000


Pagod man matapos ang mahabang araw sila Migs at Ram ay hindi parin sila datnan ng tulog. Iniisip ang ilang mga bagay na natural lang na iniisip ng mga magulang. Ang hinaharap ng kanilang mga anak. Pero kahit pa abala sila sa pag-iisip sa hinaharap ng kanilang mga anak, may ilang mga bagay parin na sumisingit sa kanilang mga isip. Para kay Migs ay ang ginawa niyang pananakit kay Ram at kung pano mareresolbahan ang pangongonsensya sa sarili at para naman kay Ram ay ang pag-iisip patungkol kay Migs at kung paanong magiging katulad din nito ang anak pag-laki.


“I wish they won't become friends.” Tahimik na hiling ng dalawa sa sarili, iniisip ang maaaring maging pagkakaibigan ng kanilang mga anak na sila Joshua at Igi paglaki.


“My son is definitely cuter.” bulong ulit ng dalawa sa sarili. Matapos niyon ay pinasok naman ng mga “Paano kung” ang kanilang mga isip tulad ng...


“Paano pagnagtanong na siya kung bakit dalawa ang daddy niya? Anong isasagot ko?” pero kaakibat ng mga “paano kung” na mga tanong na ito ay mga blangkong sagot na lalong nagpa-gulo ng kanilang mga isip.


“I'll think about this tomorrow.” sabi ni Migs at Ram sa kanilang sarili at sabay na pinikit ang kanilang mga mata at yumakap sa kani-kanilang mga kinakasama.


“I Love you, Ed.” bulong ni Migs na sinagot naman ng inaantok na ungol ni Ed na ikahagikgik ng huli.


000ooo000


“I love you, Martin.” bulong ni Ram sabay yakap dito.


“I know.” kaswal naman na balik ni Martin at muling bumalik sa pag-tulog.


[01]
Muling tinignan ni Josh ang sariling repleksyon, pinasadahan ng palad ang kaniyang school uniform. Katulad ng kaniyang ama na si Ed, ang didisyete anyos na si Josh ay matangkad, kayumanggi at gwapo, perpektong halimbawa ng tinatawag nilang “Tall, dark and handsome”, tulad ng ama ay nagpa semi kalbo rin ito na lalong nagpatingkad sa maamo, makinis at napaka-gwapong mukha nito, katulad din ni Ed at Migs ay alaga rin nito ang kaniyang katawan sa gym at halos doon na tumira upang hindi bumalik ang dati nitong timbang na hindi man kabigatan ay lubos namang malaki para sa kaniyang height. Nang masigurong perpekto na ang lahat ay pilit nang inalis ni Josh ang tingin sa sariling repleksyon. Naka-ngiti siyang lumabas ng kwarto at binati ang kaniyang dalawang ama na nagkukuwentuhan habang kumakain ng agahan.

“Hey Dads!” magiliw na bati ni Josh kay Migs na may pagka OC-OC na nilalagyan ng butter ang kaniyang tinapay at si Ed na nagbabasa ng dyaryo habang pinag-uusapan ang kanilang maiiingay na kapitbahay.


“Hmmm.” “Mornin.” sagot ng kaniyang dalawang ama na ikinahagikgik ni Josh.


“Out of coffee again?” tanong ni Josh sabay pumunta sa tapat ng blender upang gumawa ng kaniyang protein shake.


“How'd you know?” tanong ni Ed sa anak na lalong ikinahagikgik nito.


“Because you guys are grumpy this morning.” naka-ngisi paring sagot ni Josh sa kaniyang ama.


“Yeah. Your Dad here forgot about the damn coffee yesterday.” saad ni Migs sabay irap.


“I was busy with the store, Migs. You know that, how the heck am I going to buy 'em if I was busy?” kaswal na sagot ni Ed, hindi parin inaalis ang mga mata sa binabasa sa dyaryo.


“Uhmm simple, you get out of the store when you're not busy anymore, take two steps to your right then enter the hypermarket and look for the shelf that holds the coffee--- You do know that the store is just two steps from the hypermarket, right?” sarkastikong balik ni Migs na ikinahagikgik lalo ni Josh. Hindi niya alam kung bakit pero simula noong bata siya ay wiling wili siyang pinapanood ang mga palitan na iyon ng kaniyang dalawang ama.


“Yeah, I think so.” kaswal paring balik ni Ed na ikinairita ni Migs.


“YOU THINK?! Your store has been there beside the hypermarket for the past ten years and still you're not sure that the hypermarket is just two steps away?! You're impossible! You know that?!” singhal ni Migs sabay tayo at nagtungo sa kanilang kuwarto hawak hawak ang minantikilyahang pandesal.


“Yep, I'm impossible!” balik ni Ed sabay ngisi na lalong ikinairita ni Migs. “But I know that you still love me kahit pa gano ako ka-imposible.” habol ni Ed sabay kindat sa wiling wili na si Josh. Nang hindi sumagot si Migs na abala sa pagbibihis sa kanilang kwarto ay malakas na inulit ni Ed ang kaniyng huling sinabi at ininis pa ito lalo.


“You do still love me even if I'm impossible, right? Because if not I can still hook up with some pretty girl---” simula ni Ed na ikinahagikgik lalo ni Josh habang inililipat ang kaniyang protein shake sa kaniyang tumbler.


“YES, EDUARDO SANDOVAL III, I STILL LOVE YOU EVEN IF YOU'RE ALWAYS IMPOSSIBLE!” sigaw ni Migs mula sa kanilang kuwarto na ikinahagikgik ni Ed at Josh sabay apir.


“You're so awesome like me, Dad.” mahanging sabi ni Josh na ikinahagalpak sa tawa ni Ed. Nakakaaliw man ay aminado si Ed na may problema ang kanilang anak sa pagiging vain at masyadong confident nito. Hindi alam ni Migs at Ed kung ano ang nangyari sa kanilang mahiyain at may inferiority complex na anak at bigla itong nagbago. Pero sa kabila ng nakikitang problema na ito ni Ed ay muli na lang niya itong ikinibit balikat katulad ng mga naunang beses na napansin niya ito, iniisip na hindi pa naman masyadong yumayabang ang anak at wala rin namang masama sa pagiging medyo vain.


“I'm ready! Let's go!” masiglang sigaw ni Migs na ikinagising ni Ed sa iniisip nito at ikina-kunot noo naman ni Josh.


“Wait? Diba graveyard shift ka ngayon, Dad? Where are you going?” tanong ni Josh.


“Oh. We forgot to tell you, Your Dad can't give you a ride to school because he has to talk to your grandma via skype and report some things about the business. So it's just me and you this morning, kiddo.” masigla at nakangiting sagot ni Migs na ikinamutla ni Josh.


“What?!” pasigaw na tanong ni Josh.


“Why, what's wrong. I'm not that bad of a driver, right?” medyo nasaktang tanong ni Migs pero itinagao niya ang sakit na iyon sa likod ng isang nagaalangang ngiti. Alam niya kasi ang totoong dahilan sa likod ng pamumutlang iyon ni Josh. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya o natatakot parin ito na may makaalam na may dalawa siyang ama.


Inasahan na ni Migs na dadating sila sa punto na ito, dalawang taong gulang palang si Josh ay iniisip na niya ang mga “Paano kung---” na mga tipo ng tanong na ito. Akala niya ay handa na siya kung sakaling dumating ang panahon na iyon, ngunit mali siya dahil makalipas ang labing apat na taon ay hindi niya parin nasagot ang tanong na “Paano kung ikahiya niya na may dalawa siyang ama, kesa sa pagkakaroon ng isang ama at isang ina?”


“Why? Anong masama kung Dad mo ang magda-drive sayo ngayon?” mariiin na tanong ni Ed na nagsabi kay Josh na huwag na siyang umangal pa at lalong saktan si Migs.


“Nothing.” nakasimangot na sagot ni Joshua sab lakad palabas ng front door.


“Aren't you going to say bye to your dad, first?” tanong ni Migs kay Josh na malapit ng maabot ang front door.


“Bye.” matipid at malamig na sagot ni Josh na nagdulot kay Migs at Ed na magpalitan ng tingin.


“We'll talk about this later, OK?” alo ni Ed sa naka-frown na si Migs sabay yakap dito ng mahigpit.


“I love you.” bulong ni Ed sabay dampi ng kaniyang labi sa labi ni Migs, agad-agad ay muling tumatak ang ngiti sa mukha ni Migs.


“I love you more.”


000ooo000


Nang dumating sa harapan ng elevator si Migs ay agad niyang nasabi sa sarili na mukhang hindi magiging maganda ang araw na iyon para sa kaniya matapos niyang mabungaran si Ram katabi si Igi na sinusupladuhan si Josh habang nakikipagbiruan kay Ram.


“Mr. Saavedra, It's Josh now, not Joshua, Joshua is too long.” humahagikgik na sabi ni Josh habang inaabot ni Ram ang buhok nito para guluhin, katulad ng pag-gulo niya dito nung mga bata pa sila Igi at Josh.


“Yes, dad. Joshua is-- I don't know--- too gay? You should stick with Josh or---Oh! I know! You could call him Ms. J. Sandoval!” nakangising pangaalaska ni Igi kay Josh.


“Igi!” saway ni Ram sa anak.


“What?! I'm just joking.” balik ni Igi sa ama sabay irap. Sa puntong iyon ay ipinaalam na ni Migs na andun siya sa likuran ng mga ito.


“Good morning.” plastik na bati ni Migs kay Ram atsaka tumingin kay Igi at nginitian ito.


“Hey, Igi! Nice shoes! Where'd you get 'em?” masiglang tanong ni Migs kay Igi na ikinangiti ng malaki ng bata.


“Oh! Aunt Cha got 'em for me for winning the MVP award. Aren't they neat?!” excited na sabi ni Igi na ikina-irap naman ni Josh.


“My son is so good at basketball it's not even funny anymore! What about you, Josh? Got anything from your Aunt Cha?” excited na singit ni Ram. Hindi naman nakaligtas kay Migs ang pasimpleng pagmamayabang nito na ikinakulo ng kaniyang dugo. Simula noong lumipat sila Ram sa katabing unit ay hindi malaman ni Migs kung bakit imbis na ma-resolba ang kung ano mang hindi naayos na gusot sa pagitan nila ni Ram ay mukhang lalo pa ngang bumigat ang loob nila sa isa't isa.


“Well, actually, Josh bagged the MVP in badminton, lawn tennis, swimming and volleyball and got too tired to get the MVP award for basketball so he decided to just give his best friend the award since he got most of them and Cha gave him three thousand worth of gift check, masyado kasing maraming napanalunan si Josh na awards nitong sports fest kaya hindi na niya alam ang ibibigay sa anak ko kaya minabuto na lang niya na gift check ang ibigay.” pagmamayabang na balik ni Migs na ikinangisi ni Josh at ikinalaki naman ng butas ng ilong ni Ram dahil sa galit habang si Igi ay hindi naman inintidi ang mga pasaring na iyon dahil abala siya sa pagte-text.


“So you're saying that my son---” mainit na simula ni Ram.


“TING!”


“Oh! The lift is here!” sigaw ni Migs, pilit na nilunod ang mainit na simulang sagot ni Ram. Nanlalaki parin ang butas ng ilong ni Ram na sumakay ng lift habang sila Igi naman at Josh ay nagbabatuhan ng masamang patagilid na tingin, hindi alintana ang palitan ng kanilang mga ama dahil para sa kanila ay normal na iyon at si Migs ay hindi mapigilan ang pagplaster ng isang malaking ngiti, tahimik na pinagdidiwang ang pagkapanalo niya sa munting iringan nilang iyon ni Ram.


“ROUND ONE: Migs! I'm so awesome!” pag-puri ni Migs sa sarili.


000ooo000


“Bye, Dad!” agarang sigaw ni Josh nang makarating sila sa tapat ng skwelahan niya habang lumilingon-lingon na miya mo may iniintay o tinataguan.


“OK. Have fun and learn something!” nakangiting sabi ni Migs kahit na nagtataka sa ikinikilos ng anak.


“Bye!” matipid na sagot ni Josh sabay halos tumalon palabas ng kotse. Papaandarin na sana ulit ni Migs ang kotse nang makita niya ang telepono ni Josh sa passenger seat.


“Dumulas siguro galing sa bulsa niya.” kamot ulong sabi ni Migs sa sarili sabay inalis ang susi at inilock ang pinto bago bumaba sa kotse at habulin si Josh.


000ooo000


“Joshua---!” sigaw ni Migs. Nanlamig ang buong katawan ni Josh at dahan- dahang humarap sa ama mula sa pakikipagusap sa kaniyang girlfriend at mga kaibigan. Ang pag-tawag na ito ni Migs kay Josh ay hindi naman nakaligtas kay Igi na nakatayo malapit sa may gate ng school kasama ang isa sa kaniyang mga best friend na si Neph, nakangiting nag-paalam si Igi kay Neph at nagsimula ng lumapit kay Migs, desedidong ipagmayabang pa ang kaniyang bagong sapatos dahil muhang gustong-gusto ito ng kaniyang kapitbahay. Hindi niya alam kung bakit pero magaang ang loob niya sa kapitbahay nilang ito.


“Joshua, you forgot your phone.” nakangiting sabi ni Migs sabay abot ng telepono kay Josh. Marahas itong hinablot ni Josh sa kamay ng ama na ikinataka at ikinasakit ng damdamin ng huli, ang tagpong iyon ay nakapagpatigil kay Igi sa paglalakad.


“Bye, Josh, I'll see you later.” malungkot at bagsak balikat na paalam ni Migs sabay talikod. Nang tumalikod na si Migs kay Josh ay sakto namang nakita ni Igi ang reaksyon sa mukha ng kapitbahay. Nangingilid ang luha nito at hindi maikakaila ang sakit sa mga mata.


“Who's that, Babe?” kunot noong tanong ng girlfriend ni Josh na si Desiree o mas kilala sa tawag na Des.


“Oh he's my tito.” sagot ni Josh, hindi alintana na hindi pa masyadong nakakalayo ang kaniyang ama.


Maliwanag na narinig ni Migs ang pagsisinungaling na iyon ng anak. Iniisip niya na ikinahihiya pala talaga siya ng anak upang ipakilala siya nito sa mga kasama nito bilang isang “Tito” at hindi “Dad”.


“Where's your Dad?” tanong naman ng isa pang kaibigan ni Josh na laging nakakakita kay Ed na hinahatid si Josh.


“Oh, he's in a meeting---” matipid na sagot Josh sabay sulyap sa ama dahil akala niya ay nakita niya itong malungkot na lumingon ulit sa gawi niya.


“Joshua, can I talk to you?” magaspang na tanong ni Igi kay Josh na tila ba nagsasabi na dapat lang ay pumayag ito sa gusto niyang mangyari.


“What is it, Igi?” naiiritang tanong ni Josh.


“Alone.” mariing balik ni Igi sabay tingin sa girlfriend at kaibigan ni Josh.


“Hi, Igi-- Josh, I'll see you later, OK” bati ni Des kay Igi at paalam naman sa kaniyang nobyo sabay halik sa pisngi nito. Inaya rin ni Des ang iba pa nilang kaibigan ni Josh upang iwan ito gaya ng gustong mangyari ni Igi.


“Bitch!” habol ni Igi na ikinamula sa galit ni Josh.


“Hey! Don't call her that!” sigaw ni Josh sabay tulak kay Igi na miya mo naman tinulak lang ng langgam dahil sa laki ng katawan.


“She's a bitch, Josh and you know it!” singhal ni Igi sabay balik ng pagsaling kay Josh na mukhang di rin naman natinag dahil ni hindi ito napahakbang patalikod.


“Is that what you want to talk about? My girlfriend's bitchiness?!” singhal pabalik ni Josh.


“No.” malambot at seryosong sabi ni Igi. Nangunot ang noo ni Josh, ngayon niya na lang ulit nakitang ganito si Igi. Madalas kasi kapag kaharap niya ito ay nakikipagpataasan ito sa kaniya ng ihi. Hindi papatalo sa kahit na anong bagay kahit alam niyang mali siya, kaya naman ang pag-lambot ng boses nito at pag-yuko na miya mo nahihiya ay tila nagbalik kay Josh sa nakaraan kung saan pareho lang silang limang taong gulang na mga bata ni Igi. Walang bahid ng kayabangan at tanging paglalaro lang kasama ang pinakamatalik na kaibigan ang nasa isip.


“Haha! Di mo ako maaabutan!” sigaw ni Igi kay Josh na humihingal na dahil sa katabaan.


“Andaya mo naman, Igi eh! Ambilis-bilis mong tumakbo!” nangingilid luha at nakanguso nang sabi ni Josh. Napatawa lang ng malakas si Igi habang pinapanood si Josh na nagpupumilit na makahabol sa kaniya. Lalakihan pa sana ni Igi ang agwat nilang dalawa ng matalik na kaibigan nang makarinig siya ng isang sigaw.


“ARAY!” sigaw ni Josh, agad na napaharap dito si Igi at mabilis na bumalik sa kinauupuan ng umiiyak na si Josh na sapo-sapo ang tuhod na dumudugo.


“Joshie, OK ka lang?” nagaalalang tanong ni Igi na galing sa kabilang dulo ng playground. Lumingon si Igi sa buong playground upang hanapin ang kanilang mga magulang pero hindi niya makita ang mga ito.


“Igi, ang sakit.” umiiyak na sagot ni Josh habang sapo-sapo parin ang kaliwang tuhod. Muling iginala ni Igi ang kaniyang tingin sa paligid ngunit hindi talaga niya makita ang mga ama.


“Shhh. Joshie. Wag ka ng umiyak.” sabi ni Igi sabay yakap kay Josh na hindi man nauwi sa pag-hagulgol ang marahang pag-iyak ay tila naman gumaang ang loob dahil nag-kasya na lang ito sa pag-hikbi.


“Bakit “Tito” ang pakilala mo sa Dad mo?!” singhal ni Igi na gumising mula sa pagbabalik tanaw na iyon ni Josh. Asa harapan na ngayon ni Josh ang masama, malaki at mayabang na bersyon ng Igi na kanina lang ay kasama niya sa kaniyang pagbabalik tanaw.


“You wouldn't understand even if I tell you, Igi.” pangiinis na balik ni Josh kay Luigi na ikinairap ng huli. Iniwas na ni Josh ang kaniyang tingin kay Igi at susunod na sana sa nobya at mga kaibigan nang magsalita ulit si Igi.


“I don't care if you call me stupid or whatever you want to call me today, Josh. I will not give in and have a word fight with you. All I want now is for you to realize how much you hurt your dad by telling your bitch of a girlfriend and your phony friends that he's only your “tito”! You should've seen his teary eyes, Josh. Your parents are too good to be treated that way!” ibinalik ni Josh ang tingin kay Igi. Nakita niya ang pinaghalo-halong galit, pagkadismaya, lungkot at pagaalala sa mga mata ni Igi na lubos niya ulit na ikinataka.


“N-narinig niya?” tanong ni Josh kay Igi. Tila naman dinudurog ang puso niya sa nalaman na ito mula kay Igi. Ayaw niya mang ikahiya ang kaniyang mga magulang ay hindi naman niya ito maiwasan dahil iniisip niya na hindi ito maiintindihan ng ibang tao at lalong hindi itataya ni Josh ang kaniyang magandang reputasyon sa school at kasikatan na matagal niyang pinaghirapan dahil lang sa pagkakaroon ng dalawang ama na kahit pa mahal na mahal niya ay hindi niya magawang ipagmalaki.


“Oo.” matipid na sagot ni Igi sabay iling at muling bumalik sa tabi ng kaibigan niyang si Neph.


000ooo000


“What's that all about?” tanong ni Neph nang makabalik si Igi sa kaniyang tabi.


“Nothing. It's just Joshie and his usual asshole-ishness.” naiirita paring sagot ni Igi sa humahagikgik na si Neph.


“What?” nangingiti naring tanong ni Igi.


“Wala lang. Tagal na kasi nung huli kong narinig na tinawag mong Joshie si Josh eh.” humahagikgik parin na sagot ni Neph.


“Yeah. Matagal- tagal narin.” tahimik na balik ni Igi sabay sulyap kay Josh na nakatayo parin kung saan ito iniwan ni Igi. Nagaalala ito at mukhang malalim ang iniisip.


“Yeah. That was before you guys decided to rip each other apart. I wonder what happened to him? He used to be so nice and always hangs out with us.” balik ni Neph sabay nood din sa nagaalala paring si Josh.


“Yeah. I wonder...” simula ni Igi habang pinapanood ang nangingilid luhang naglalakad palayo na si Josh. Pilit pinipigilan ang sarili na lapitan ito at aluhin.



Itutuloy...


[02]
Pilit na inia-alis ni Josh sa kaniyang isip ang ginawa niyang pananakit sa sariling ama nang itanggi niya ito sa kaniyang girlfriend at mga kaibigan habang ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang ibalik ang kulay dilaw na bola papunta sa kabilang panig ng tennis court. Mahaba-haba na ang rally ng bola sa pagitan nila ng kaniyang kalaban at hindi niya maaaring i-alis ang kaniyang isip sa bola kundi ay tiyak na ang kaniyang pagkatalo.

Maliksi at matalinong ibinalik ni Josh ang bola sa kabilang dulo ng court at hindi ito naabutan ng kaniyang kalaban. Halos maibato ni Josh ang kaniyang raketa at mapaluhod sa sobrang saya. Muli, siya ang tinanghal na panalo at isang kalaban na lang ang kaniyang haharapin upang masabi na siya na ang pinakamagaling sa larangan ng tennis sa lahat ng mga private school sa buong Maynila.


Nakangiti paring iginala ni Josh ang kaniyang tingin at nahagip ng kaniyang mga mata si Igi na naka-tiklop ang mga kamay sa dibdib at naka-ngisi. Hindi mapigilan ni Josh na burahin ang ngiti sa kaniyang mukha. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon sa mukha na iyon ni Igi, ito ay ang “You did great but you can do better and I'm still way better than you are!”


“What the fuck do I care about what he thinks?!” saway ni Josh sa sariling naisip at muling ibinalik ang mayabang na ngisi sa kaniyang mukha pero alam parin ni Josh na mahalaga ang bawat bagay na iniisip ni Igi para sa kaniya. Hindi ba't si Igi ang dahilan kung bakit itinatak ni Josh sa kaniyang sarili na dapat ay magaling siya sa lahat ng bagay at nagtulak sa kaniyang pagbabago, mula sa pagiging matabang si Joshie papunta sa macho at confident na si Josh.


“Hi Igi! Hi Neph!” pasigaw na bati ni Josh sabay kaway sa kaniyang dalawang malapit na kaibigan na si Igi at Neph nang makita niya itong naka-tambay sa tabi ng swimming pool ng condo na kanilang tinitirahan.


“Hi Joshie!” masayang balik ng dalawa. Lumapit sa mga ito si Josh at masiglang sinabi dito ang magandang balita na sinabi sa kaniya ng amang si Ed.


“Guess what?!” excited na bungad ni Josh nang makalapit siya sa mga ito.


“What, Joshie?” nakangiting tanong ni Neph.


“I'll be going to the same high school as you guys next school year!” excited paring sagot ni Josh na may pakumpas-kumpas pa ng kamay. Lalo namang lumaki ang ngiti sa mukha nila Igi at Neph nang marinig ang balita na ito.


Ngunit makalipas lamang ang isang linggo ay nagbago ang excitement na iyon sa isa sa pinakamasakit na naramdamang emosyon ni Josh. Rejection. Isang araw, habang masayang pinipili ni Josh ang kaniyang mga magiging bagong gamit para sa nalalapit na pasukan ay natamaan ng kaniyang tingin si Igi na masaya namang nakikipagkuwentuhan sa mga kaklase nito sa pinasukang skwelahan pang elementarya.


“Igi!” tawag pansin nito sa kaibigan.


“Josh.” matipid na bati ni Igi, nagtaka man si Josh sa biglaang pag-iiba ng tawag nito sa kaniya ay hindi na niya iyon pinasin dahil sa kagustuhan na makasama at makausap ang kaibigan.


“Excited ka na ba sa pasukan?! Sa parehong school na tayo papasok! Isn't that great?! Sabay tayo mag-lunch ah?!” nakangiting sabi ni Josh.


“Geez, Josh! The new school year wouldn't start until two months away! And about lunch uhmm I don't know, Josh, I mean I'm going to eat with my friends from my elementary school, maybe you can ask Neph?” nagaalangang tanong ni Igi sa nakakunot noo na ngayong si Josh.


“Oh. Yeah--- uhmm--- OK.” dismayado na balik ni Josh.


“Luigi! C'mon!” tawag ng isa sa mga kaibigan ni Igi na nagsisimula ng lumakad palayo, papunta sa kabilang bahagi ng mall.


“I'll see you later, OK?” tanong ni Igi sabay talikod at hinabol ang papalayo nang mga kaibigan.


“OK.” mahinang sabi ni Josh at tatalikod na rin sana katulad ni Igi nang maalala niya ang kabibili lang na DVD na gusto ring panuorin ni Igi.


“Oh shit! Igi, wait.” ngunit hindi ito narinig ni Igi dahil sa ingay ng iba pang excited na mamimili sa mall na iyon pero sa kabila noon ay hinabol parin ito ni Josh.


“Who's the fatso?” tanong ng isa sa mga kasama ni Igi nang makalapit si Josh, hindi alintana na ang tinatawag nitong fatso ay asa kanila na ngayong likod.


“Oh he's just some kid from our floor.” sagot ni Igi sabay kibit balikat. Napatigil sa paglalakad si Josh sa kaniyang narinig.


“Just some kid? I thought we're best friends?” tanong ni Josh sa sarili.


“Haha! Siya ba yung sinasabi mong nag-a-idolize sayo?” humahagikgik ulit na tanong ng kaibigan ni Igi, lalong hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig si Josh. Hindi siya makapaniwala na minamasama pala ni Igi ang pag-tingala niya dito at nakuwa pa niya itong ikuwento at gawing katatawanan sa kaniyang mga kaibigan.


Nangingilid luhang tumalikod si Josh at bumalik sa bookstore kung saan andun ang amang si Migs.


“Hey, Joshie. I saw this really cool binder--- Joshie? Why are you crying, baby?” nagaalalang tanong ni Migs sa anak sabay luhod upang mag-pantay ang tingin nilang dalawa.


“Dad, am I a bad kid?” tanong ni Josh sabay pahid sa kaniyang nangingilid na mga luha.


“Of course not! Where did you get that idea?” gulat na tanong ni Migs. Umiling lang si Josh at lalong nangilid ang mga luha.


“Joshua, look at me and I want you to listen. You're an awesome kid, don't let what they say make you think otherwise, OK?” mariing sabi ni Migs sa anak sabay pinahiran ang mga luha nito. Sa wakas ay muling sumilay ang ngiti sa mukha ni Josh at tumango na lang sa habilin ng ama.


Kinabukasan ay may bagong misyon si Josh. Sumama ito sa nakasanayang pag-punta sa gym ng mga ama at sinimulan ng bawasan ang kaniyang mabigat na pagkain. Hindi nagtagal ay bumaba na ang timbang ni Josh at nagsimula nang lumitaw ang mga nagsisimulang muscles nito, iniwasan narin ni Josh ang kaniyang mga kaibigan sa condo partikular si Igi dahil sa ayaw niya naring maliitin pa siya nito.


Sumapit ang araw ng pasukan at isang bagong Josh ang humarap sa lahat. Isang Josh na hindi magpapa-api at confident. Isang Josh na hindi magpapatalo kay Igi at mga kaibigan nito na walang ginawa kundi ang manliit ng kapwa.


Habang naglalakad sa hallway ng bagong skwelahan si Josh ay hindi niya mapigilang kabahan lalo pa't nakikita niya sa hindi kalayuan si Igi na nanlalaking mata na nakatingin sa kaniya. Napansin sa gilid ng mga mata ni Josh na nagbubulong-bulungan ang mga kababaihan na kaniyang nadaanan at agad ding hahagikgik na miya mo kinikilig. Agad-agad na nabura ang kaba sa sistema ni Josh at napalitan iyon ng tuwa at pandagdag sa kaniyang tumataas na confidence.


“Hi Joshie!” bati ni Igi kay Josh nang madaanan siya nito pero inirapan lang ito ni Josh at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.


Simula noon ay lagi ng nagpapataasan ng ihi ang dalawa. Hindi papatalo sa isa't-isa at ginagawang kumpetisyon ang lahat sa pagitan nila. Sa isip kasi ni Josh ay gagawin niya ang lahat upang ipamukha kay Igi na nagkamali ito sa pambabalewala sa kaniya, na masyado siyang magaling at importanteng tao para sabihan lang ng: “He's just some kid from our floor”


“Josh, bilisan mo! May gagamit pa ng shower!” sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Josh na ikinagising nito mula sa pagbabalik tanaw.


“OK!” sigaw ni Josh dito habang iniaalis ang kaniyang isip sa mga alaala na iyon. Inabot ni Josh ang twalya at sinimulang tuyuin ang sarili, habang ginagawa niya ito ay napagtanto niyang hindi lang pala dahilan ng kaniyang pagbabago ang ipinararating ng alaalang iyon kundi ipinapaalala rin ito ang sakit na kaniyang naramdaman nang baliwalain ni Igi ang kaniyang pakikipag-kaibigan, sakit na maaaring nararamdaman ngayon ng kaniyang ama nang sabihin niyang “Tito” niya ito imbis na “Dad” din.


“Magso-sorry na lang ako pagkauwi.” sabi ni Josh sa sarili habang nagbibihis.


000ooo000


“Hey. You've been in bed the whole day, babe. Is everything OK?” marahang saad ni Ed sa nakahiga pero hindi datnan ng tulog na si Migs habang inihihiga ang sarili sa tabi nito.


“Yes.” matipid na sagot ni Migs pero hindi ito kinagat ni Ed.


“That's bullshit! C'mon, Migs. What's bothering you?” tanong ni Ed habang mariing nakatingin sa mga mata ni Migs na hindi narin napigilan ang sarili na umiyak.


“Our son doesn't love me.” bulong ni Migs na sa puntong iyon ay hindi narin napigilan ang humikbi.


“What?” nagaalalang tanong ni Ed sabay pahid sa mga luha ni Migs at hinaplos ang pisngi nito para kahit papano ay mapagaang ang loob nito.


“Joshua, doesn't love me, Ed. He hates the fact that he has two dads. He said I was his “tito” when his friends asked who I am.” sagot ni Migs sa pagitan ng mga hikbi. Tila naman nadudurog ang puso ni Ed habang pinapanood masaktan ang tao na halos mas mahal pa niya sa sarili niya.


“Shhh. I'll talk to him, OK?” alo ni Ed kay Migs sabay yakap dito ng mahigpit.


“Do you want something to eat?” tanong ni Ed nang tumahan na mula sa pag-iyak si Migs. Umiling lang ang huli bilang sagot.


“So, I'll leave you alone to rest? Papasok ka pa mamyang ten diba?” tanong ni Ed.


“But I don't want you to leave yet.” parang batang sagot ni Migs sabay yakap ng mahigpit kay Ed na napahagikgik na lang.


“I'm not your teddy bear, you know.” humahagikgik paring sabi ni Ed.


“I know. But I love you and I need someone to hug right now.” parang bata ulit na sagot ni Migs. Wala na lang nagawa si Ed kundi ang mag-buntong hininga at yakapin ng mahigpit pabalik ang nasasaktang si Migs.


000ooo000


“Hold the elevator, please!” sigaw ni Josh nang makita niyang papasara na ang elevator pero nang makita niyang binuksan muli ng taong asa loob ang mga pinto ay nagmadaling naglakad si Josh papasakay ng elevator pero agad ding natigilan at muli na sanang lalabas ulit kung hindi lang nagsara ang pinto sa kaniyang likuran.


Walang nagawa si Josh kundi ang tiisin ang pinka-ayaw niyang tao sa buong mundo sa loob ng ilang minuto at itinuon na lang ang mga mata sa mga numero na nagfla-falsh sa ibabaw ng mga pinto ng lift.


“8”

“9”


Sa loob ng ilang segundo ay ilang beses narinig ni Josh na nagbuntong hininga si Igi na labis niyang ikina-irita, alam niyang hindi rin gusto ni Igi ang maiwan kasama siya sa isang maliit na lift pero hindi niya rin naman iyon ginusto kaya namang marinig niyang muling nag-buntong hininga si Igi ay hindi na niya napigilang sitahin ito.


“Stop that!” singhal ni Josh na ikinagulat ni Igi, hindi niya kasi napansin na napapadalas pala ang kaniyang pagbu-buntong hininga na ikinairita na ng huli pero hindi naman siya papatalo sa pagiging brat nito.


“What?! You want me to stop breathing?! Para nagbubuntong hininga lang!” balik singhal ni Igi.


“It's annoying!” balik naman ni Josh.


“Fine! I get it! You don't want me around but this elevator ride is just for a few minutes, Joshie, hindi mo ba kayang tiisin manlang ang kapiranggot na oras na iyon?!” naiinis na balik ni Igi na ikinairap naman ni Josh. Hindi na ito sinagot ng huli kaya't muling binalot ng katahimikan ang loob ng elevator.


“15”


“16”


“Nga pala, congrats kanina---” simulang saad ni Igi na ikinagulat ni Josh. Magpapasalamat na sana si Josh nang muling nagsalita si Igi.


“---but---” na ikinairap naman ni Josh. Iniisip na bakit hindi pa siya nasanay gayong hindi naman magbibigay ng papuri si Igi ng walang kasunod na panlalait.


“---but your serve is a little slow and your over head---” pagpapatuloy ni Igi na ikinakulo ng dugo ni Josh.


“Shut up---!” singhal ni Josh na ikinagulat ni Igi. Nagtama ang kanilang mga tingin, nun lang unang napansin ni Igi ang pinaghalong sakit at galit sa mga mata ni Josh.


“---I get it! You think I'm not good enough and I will never be good enough to be your friend and I'm fine with it! I'm already over it! So if you don't mind, I would like it if you just shut up and maintain the cold but quiet space between us! And for the record. I don't need your advise. I'm still going to be fucking amazing without it!”


“TING!”


Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay nagmamadaling lumabas si Josh gusto man itong sundan ni Igi ay hindi niya magawa sapagkat tila napako ang kaniyang mga paa sa sahig ng elevator dahil sa biglaang pagpapakita ng galit sa kaniya ni Josh.


“What the hell did I do?!” di makapaniwalang tanong ni Igi sa sarili atsaka lumabas na ng elevator at umiiling na pumasok sa kanilang unit.


000ooo000


“How's school?” bungad ni Ed sa anak na si Josh pagkapasok na pagkapasok nito sa kanilang unit.


“It was OK--- Oh and I won against St. George's School.” nakasimangot paring sagot ni Josh sa ama, hindi maialis sa kaniyang isip ang nangyaring pag-uusap nilang dalawa ni Igi.


“That's good, son.” matipid na balik ni Ed na hindi naman nakaligtas kay Josh na napa-buntong hininga na lang. Alam niyang nasabi na ng kaniyang amang si Migs ang nangyari noong umaga sa isa pa niyang ama at alam niya ring hindi natutuwa ngayon ang amang si Ed sa kaniya.


“I guess. Dad, where's Dad?” matipid ding tanong ni Josh sa ama na sa unang pagkakataon ay sinalubong ang kaniyang tingin.


“He's in our room. Sleeping.” mariing sagot ni Ed habang mariin paring nakatingin sa mga malungkot na mata ni Josh.


“Oh.” dismayadong balik ni Josh.


“Want to tell me what happened?” tanong naman ni Ed. Walang makitang galit sa mga mata ni Ed ang anak kaya't nagpasiya si Josh na sabihin na sa ama ang nangyari noong umagang iyon.


“I told my friends that he's my “tito” instead of “my other dad” I guess he heard it--- I'm really sorry, Dad. I'll talk to Dad later---” simula ni Josh habang nangingilid na ang mga luha.


“Why?” putol naman ni Ed sa pagpapaliwanag ng anak.


“Huh?”


“Why did you tell your friends that he's just your “Tito” and not your “Other Dad”?” tanong ni Ed.


“I-I'm afraid that my friends wouldn't understand it and that they will hate me.” naluluha paring pag-amin ni Josh.


“If they are really your friends, they will understand and accept everything that makes you, you.” makahulugang balik ni Ed sabay lapit sa anak at pinahiran ang mga luhang nagbabadyang pumatak.


“It's j-just that I worked hard for everybody to like me, to be awesome and be cool---”


“Josh, since the moment you're born you've been nothing but awesome. Before these muscles and all those awards you were always this cute and happy kid that makes everybody smile. You've always been so smart and funny that even Mr. and Mrs. Nocon who doesn't like kids wants to adopt you. Don't let other people tell you otherwise. It's bad enough that you've been busting your butt to look good for others and not for yourself that you also have to turn your back from your dad because of them.” mariin na pagmumulat ni Ed sa mga mata ng anak. Napaisip ng malalim si Josh at nabalot saglit ng katahimikan ang dalawa.


“I'm sorry, dad.”


“So you'd still rather have Migs as your tito?” malungkot na tanong ni Ed sa kaniyang anak. Marahas na umiling si Josh bilang sagot.


“No! I want him as my Dad!” humihikbing sagot ni Josh sabay yakap sa ama.


“Well, you have some serious apologizing to do for your Dad to still want you as his son.” balik naman ni Ed sabay kawala sa yakap ng anak at talikod dito at pasok sa banyo, iniwan si Josh na malungkot na malalim ang iniisip sa kinatatayuan nito.



Itutuloy...


[03]
Masakit ang ulo na umuwi si Migs galing duty sa Ospital. Akala niya noon ang pagiging chief nurse ay isang madaling trabaho kaya't laking gulat niya nang lalo siyang mahirapan sa pagiging chief nurse kesa sa simpleng head nurse o kaya staff nurse. Dumadagdag pa sa sakit ng ulo na iyon ang kaniyang anak na si Josh. Dalawang araw ng hindi nagkikita ang dalawa. Nung gabi matapos ipakilala ni Josh si Migs sa kaniyang mga kaibigan bilang “Tito” ay hindi na muli pang nagkaharap ang dalawa, lumabas na lamang si Migs sa kanilang kwarto ni Ed nang papasok na siya sa ospital. Naabutan niya si Josh na nakahiga sa may sofa, ayon kay Ed ay inintay siya nitong lumabas ng kwarto upang humingi ng tawad at nakatulog na nga sa kakaintay.

Hindi na ginising pa ni Migs ang bata at tuloy-tuloy na lamang na umalis para pumasok. Ganun din ng sumunod na araw. Umuwi si Migs galing ospital na wala na si Ed at Josh dahil pumasok na ang mga ito at nang oras naman na para pumasok ni Migs sa ospital nung gabi din na iyon ay naabutan niyang muling natutulog si Josh sa sofa at hindi na niya ulit ginising pa ito.


Pagka-apak na pagka-apak pa lang ni Migs sa loob ng bahay ay alam na agad niya na may mali sa set up ng condo nila sa umagang iyon, mas magulo ito kesa sa karaniwan. Halos mapatalon siya nang makarinig siya ng isang maliit na pagtawa, pamilyar ang pagtawa na iyon. Agad na tumalikod si Migs at nakita niya ang isang projector na nakapatong sa lamesita, sinundan niya kung saan ito nakatutok at nagulat siya nang bumungad sa kaniya ang mabilog na mukha ni Josh.


Alam niya ang video na nagpe-play na iyon, siya mismo ang kumuha noon noong limang taong gulang pa lang si Josh. Tuwang tuwa nitong inaabot ang video cam na hawak hawak ni Migs.


“Daddy! Daddy! I want to hold the mamera!” sigaw ni Josh saka humahagikgik.


“Say that you love me first and I will give the camera to you.” saad ni migs sa likod ng camera.


“I yab you! I yab you!” sigaw ni Josh sa ama sa pagitan ng mga hagikgik.


“It's not nice to trick our son like that, Migs. If he loves more, then you shouldn't trick him in loving you with fancy things.” nakangising pangaalaska ni Ed kay Migs.


“Haha! You're just jealous because our son loves me more.” sagot naman ni Migs kay Ed. “Here you go baby. I love you too.” dugtong pa ni Migs sabay abot ng camera kay Josh.


“I yab you, Daddy! And I yab you too daddy!” sigaw ulit ni Josh sabay yakap kay Migs at humiwalay dito upang yumakap din ng mahigpit kay Ed, tanging sa sahig na lang naka-tutok ang camera na noon ay hawak hawak ni Josh.


“Can I show it to my fwends?” rinig na tanong ni Josh sa mga ama habang sa katawan naman ni Ed naka-focus ang camera.


“OK. Just be care---” simula ni Ed sa background ngunit naputol iyon nang sumara na ang pinto, don na naputol ang video.


“I still love you. I'm sorry.” bulong ni Josh sa likod ni Migs na ikinagulat ng huli. Nang humarap ito kay Josh ay nakita ng bata na mamasa masa ang mga mata nito.


Simple pero ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Josh ang tumunaw sa lahat ng sakit at pagaalangan ni Migs patungkol sa kaniyang pagiging magulang. Nginitian niya si Josh at sinalubong ang yakap nito.


“I love you too, Joshie.” bulong ni Migs at niyakap ng mahigpit ang huli. Magkakasya na sana si Migs sa yakap na iyon para sa buong araw nang makaamoy siya ng tila ba may nasusunog.


“Nasusunog?!” tarantang sabi ni Migs sa sarili.


“What's that smell?” tanong ni Migs sabay pakawala sa yakap sa anak at halos patakbong tinungo ang kusina.


Napatigil siya nang maabutan ang magulong kusina at isang nangingitim at umuusok na na bagay na nakasalang. Agad na tumakbo si Migs papunta sa kalan at pinatay ito, inilagay ito sa may lababo at pinaandaran ng tubig.


“Shit!” sigaw ni Josh nang makita ang umuusok na pancakes na kaniyang niluto.


“Your dad is going to kill you, first, because you swore and second for burning the kitchen.” nangingiting sabi ni Migs kay Josh na tarantang binubuksan ang bintana upang palabasin ang nasusunog na amoy at manipis na usok.


“What are these supposed to be, Joshie?” marahang tanong ni Migs na hindi mapigilang mapahagikgik nang makita ang kaawa-awang mga pancakes.


“Those are supposed to be pancakes. I'm cooking a special breakfast for you.” nayuyukong sabi ni Josh na ikinangiti ni Migs dahil sa pagkaka-touch sa ginawang effort ng anak.


Ito ang isang ugali ni Josh na gustong- gusto ni Migs. Hindi ito mahilig magpaligoy-ligoy, di kagaya niya na bago pa masabi ang gustong sabihin ay aabutin sila ng siyam- siyam at kung ano-ano pa ang masasabi. Hindi rin ito natatakot na ipakita at gawin ang gusto nitong gawin. Agad niyang napagtanto na may isa pa siyang kakilala na may ugali na ganoon. Si Cha. Di na siya nagtaka pa dito sapagkat magkapatid naman si Ed at Cha at walang duda na doon nga nakuwa ni Josh ang ugaling iyon.


“I got it. Just take a seat and wait for me to finish, OK?” utos ni Migs sa anak sabay agaw sa panibagong non stick pan sa kamay ng anak.


“No! Suhol ko 'to para patawarin mo ako eh. Hehe. I'm going to cook it!” sigaw ni Josh sabay marahang tinulak si Migs papunta sa dining table at pinaupo sa isa sa mga upuan doon.


“Stay put!” utos ulit ni Josh sa umiiling na lang na si Migs.


Ilang minuto pa ay muling nangamoy sa buong unit ang nasusunog na pancake.


“Ano yung nasusunog?!” sigaw ni Ed na halatang kagigising lang, tatakbo na sana ito papunta sa kusina nang harangin ito ni Migs.


“You're son is just cooking some pancakes.” saad dito ni Migs sabay bigay ng isang ngiti sa labi.


“And you let him cook? Do you want the whole building to burn?” kalmado nang tanong ni Ed kay Migs.


“Of course not. But this breakfast is his peace offering to me and I can see that this is important to him so pinabayaan ko na lang.” nakangiting sagot ni Migs sabay yakap kay Ed.


“See. Josh loves you.” pagpapamukha ulit ni Ed kay Migs na ikinangilid ulit ng luha ni Migs.


“I know.”


000ooo000


Matapos ang sunog na agahan ay nagpaalam na si Ed at Josh na aalis na upang pumasok. Matapos magbigayan ng mahihigpit na yakapan at masisiglang “ingat!” ay tumuloy na si Migs sa kanilang kuwarto at natulog, ngunit bago iyon ay naisip niyang marami pang “paano kung” na tanong ang kanilang haharapin bilang ama.


000ooo000


“Hi Joshie!” sigaw ni Neph nang makita niya si Josh na papasok ng school habang iniintay si Igi.


“Hi Neph!” masigla at nakangiting balik ni Josh sa matagal na niyang kaibigan.


“Have you seen Igi? He's running late this morning.” tanong ni Neph sabay lingon sa kaliwa't kanan, umaasa na papalapit na sa kanila si Igi.


“Would I be smiling and greeting you like I own the world kung nakita ko siya?” nakangising tanong ni Josh na ikinahagikgik naman ni Neph.


“True. Di ko lang makuwa kung paano kayo naging mortal enemies from being best friends.” umiiling na tanong ni Neph na ikinailing din ni Josh.


“That's ancient history, Neph. Hey, are you still going to run for treasurer this school year? We will be seniors next year and the election will be held by the end of school year.” agarang pag-iiba ni Josh ng usapan na kinagat naman agad ni Neph.


“Yep. Igi already talked to me about it. He's planning to run as president.” matapos sabihin ito ni Neph ay agad-agad na namutla at sumara ang kamay ni Josh na miya mo manununtok.


“He's running for president and you're going to be on the same party?” pabulong na tanong ni Josh pero kahit pabulong ito ay halatang-halata naman sa boses nito ang galit.


“Uhmmm yeah. Hey, Josh are you OK? You're shaking.” puna ni Neph na agad naman niyang pinagsisihan.


“Oh. It's nothing. I'm running for president too and I was actually going to ask you to be my treasurer but I guess I'm too late.” nakayuko at nakasaradong palad paring sagot ni Josh.


“Oh.” gulat namang sabi ni Neph, nagaalala na lalo niyang pinalala ang awayan sa pagitan ng kaniyang malalapit na kaibigan.


“Hi Neph! Uhmmm Joshie, I mean Josh.” masiyang simula ni Igi pero agad ding sumeryoso nang makita niya si Josh na kasama ni Neph na madalas niyang kasama sa skwelahan.


“Sa lahat talaga ng bagay dapat ikaw ang magaling noh?! Pati student body presidency next year kailangan mong gawing kumpetisyon sa pagitan nating dalawa?!” singhal ni Josh sa kararating palang na si Igi sabay talikod at lakad palayo.


Kunot noo at naiiritang pinanood ni Igi si Josh na naglakad palayo kung saan sinalubong ito ni Des at magka-akbay na tumuloy sa bungad ng isang building, tila masama ang loob na ikinukuwento nito ang nangyaring pag-singhal kay Des at nang matapos ay lumingon ang babae at nag-bitiw ng isang tingin kay Igi na agad namang minasama ng huli.


“What did I do now?!” naiirita at naguguluhang tanong ni Igi kay Neph na hindi naman mapakali sa kinatatayuan nito.


“Well uhmmm--- baka kasi nasabi ko ang plano mong pag-takbo as student body president---” kinakabahang simula ni Neph.


“BAKA?!” sigaw ni Igi dito.


“He's asking me to run as treasurer at his party, Igi! I said I'll be running for your party, di ako makapagsinungaling sa kaniya dahil sa huli malalaman niyang asa party mo ako tapos ano? sakin naman nagtampo si Josh?!” pagdedepensa ni Neph sa sarili, napabuntong hininga naman si Igi.


“Tatakbo din pala siya? Di ko siya ma-gets! Asa kaniya na lahat ng award sa bawat sport at nasuungan niya na ako at lahat ng matatalino sa school sa academics, bakit pati student body presidency tatakbuhin niya pa? And I'm not competing with him in everything! Siya kaya 'tong ginagawang kumpetensya lahat!” bagsak balikat na sabi ni Igi sabay lakad papunta sa pinakamalapit na building ng kanilang skwelahan, agad naman itong sinundan ni Neph upang sabihin ang kaniya ring na-obserbahan sa kaibigan na si Josh.


“You know, you're right. He's basically the star of everything but still it's like he's trying to prove something to someone that's why he's still busting his butt to be good at everything.” kibit balikat na sabi ni Neph na ikinaisip naman ng malalim ni Igi.


“Do you think someone is pressuring him or something?” tanong ni Igi kay Neph, ang nararamdamang pagkairita ay napalitan na ng pagaalala. Pagaalala kay Josh.


“I don't know. Tito Migs and Tito Ed are both cool, I'm sure they're not pressuring Joshie--- Oh---” simula ni Neph pero natigilan agad nang may isang tao na maaaring nagpre-pressure kay Josh.


“Oh, what?” natigilang tanong ni Igi kay Neph.


“Do you think Des---?” simula ni Neph pero agad ding pinutol ni Igi ang kaniyang pagha-hakahaka.


“That bitch! I knew that she's up to something!” singhal ni Igi, muling bumalik ang hindi maipaliwanag na galit niya kay Des.


“Hey. We're still not sure, Igi. Calm down---” pag-aalo ni Neph kay Igi. Sasagot pa sana si Igi nang biglang nag-ring ang bell, hudyat na ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanilang klase. Mabilis na nagpaalam si Neph kay Igi dahil sa takot na baka siya ma-late habang si Igi naman ay malalim ang isip na naglakad patungo sa sariling klase.


Bago man makapasok sa silid aralan si Igi ay nakita niya si Josh at Des sa hindi kalayuan na magkahawak ang kamay at mariing nagtititigan na miya mo walang ibang tao sa kanilang paligid. Hindi maipaliwanag ni Igi kung bakit pero tila ba sa nakitang iyon ay lalong nabuo ang kaniyang paniniwala na si Des ang dapat sisihin sa pagiging perfectionist at vain ng kanilang kaibigan na si Josh sa kabila ng sinabi ni Neph na hindi pa sila sigurado patungkol doon.


000ooo000


“I'm sure he doesn't mean to run against your party, Josh, both have been your friends since you guys are five year olds and I'm sure Igi doesn't know that your going to run for student body president too. Wala ngang ibang nakakaalam na tatakbo ka kundi ako diba? So I'm sure hindi sinasadya ni Josh ang kalabanin ka.” pag-aalo ni Des kay Josh.


“But he's been competing with me---” parang batang simula ni Josh, hindi makapaniwala na ipinagtatanggol ng kaniyang girlfriend ang dating kaibigan.


“No, Josh. You've been competing with him, not the other way around. Remember when you suddenly joined the volleyball team?” putol ni Des, tumango lang si Josh bilang sagot sa tanong ng girlfriend.


“Igi was the first one to join and the coach is considering to give the MVP to him, alam mo bang tinanggihan niya yung award kasi alam niyang magagalit ka? Alam mo bang he's ready to give up the basketball MVP award nung nalaman niyang sa kaniya rin yun ibibigay para sayo? Kung hindi ka nga lang ba napilayan at hindi nakapaglaro ng huling game edi ikaw nga ang MVP. I'm sure Igi didn't mean to run against you, Josh. Baka nga inaatras na niya ngayon ang pagtakbo niya habang naguusap tayo eh.” pagmumulat matang saad ni Des sa kaniyang nobyo na nagsisimula nang magisip ng malalim.


“I—He---uhmmm---” simula ni Josh ngunit wala siyang ibang alam na pwedeng sabihin dahil hindi parin siya makapaniwala na ginawa ni Igi lahat ng iyon para sa kaniya.


“You don't have to say anything now, Josh, pero sana pagisipan mong maigi yung sinabi ko. Hindi mo kalaban si Igi, Josh.” makahulugang sabi ni Des sabay halik sa pisngi ni Josh at naglakad patungo sa sariling klase habang si Josh ay napako mula sa kaniyang kinatatayuan.


000ooo000


“C'mon, Igi, you can't be serious. Iaatras mo ang candidacy mo because of Josh? Di ako papayag.” mariin na sabi ng student body adviser sa skwelahan nila na si Mrs. Roxas.


“But---”


“No buts! You are a leader, Igi. Sure, Josh is a good kid but he's not a leader like you, Igi.” pagkasabing- pagkasabi na ito ni Mrs. Roxas ay agad na itong tumalikod bilang hudyat na wala ng diskusyunan pang magaganap. Napabuntong hininga na lang si Igi atsaka lumabas na ng student central board office.


Pagkalabas na pagkalabas ni Igi sa opisina ng student body council ay nagulat siya ng maabutan niya doon si Josh na nakayuko at tila malalim ang iniisip, Nang magtaas ng tingin si josh ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata na tila ba nagulat na andun na sa kaniyang harapan si Igi at nahuli siya nitong nakikinig sa usapan nila ni Mrs. Roxas.


Hindi mapigilan ni Josh at Igi ang kabahan nang makita nilang bumagsak ang isang scoop ng chocolate flavored ice cream sa maganda at mahal na mahal na sofa ni Ram. Kinakabahang tinignan ni Igi si Josh na katulad niya ay nanlalaki ang mga mata at humihingi ng tulong upang malaman kung ano ang dapat nilang gawin sa nagmamantsa ng ice cream sa sofa.


Agad na dinampot ni Igi ang nahulog na isang scoop ng ice cream at itinakbo iyon papunta sa kusina at itinapos sa lababo, pero huli na ang ginawang iyon ni Igi dahil may naiwang marka sa magandang sofa ni Ram.


“Anong gagawin natin, Igi?”


“Di ko alam, Joshie.”


“I'm BAACCCKKK!” sigaw ni Ram pagkapasok na pagkapasok nito sa kanilang pinto, may hawak-hawak itong isang bag ng marsh mallow na ilalagay sana nila sa kinakain nilang ice cream. Natigilan na lang si Ram sa masayang pagbati na iyon nang makita niya ang isang kulay black at malaking mantsa sa kaniyang paboritong sofa.


“It's my fault, Dad, sorry---” simulang pag-amin ni Igi nang makita niya ang nagsisimulang apoy sa mga mata ng kaniyang ama. Pero agad siyang pinutol ni Josh.


“It's my fault, Mr. Saavedra. Tinulak ko po kasi si Igi kaya nahulog yung isang scoop ng ice cream mula sa hawak niyang cone. Please wag po kayong magalit.” nakayuko at nangingilid luhang pagsisinungaling ni Josh sa nakatatanda na ikinagulat at ikinalaki ng mga mata ni Igi.


Alam ni Josh na hindi magagalit sa kaniya si Ram na tila ba paborito siya sa mga kaibigan ni Igi, pero hindi parin nun mapigilan ang kaniyang mga luha sa pangingilid na ikinatunaw naman ng resolba ni Ram.


“It's OK, Joshie. Ipapalinis ko na lang I'm sure it's not that hard to wash.” banayad na sagot ni Ram sabay tapik sa ulo ni Josh.


Hindi napigilan ni Josh ang sarili at patalon siyang tumayo sa sofa at iniyakap ang kaniyang mga mabibintog na kamay sa matipunong katawan ni Ram na hindi naman agad naipaliwanag ang kaniyang nararamdaman pero nagaalangan namang ibinalik ang yakap ng bata.


“Thank you and I'm sorry again, Mr. Saavedra.” bulong ni Josh na ikinangiti nila Ram at Igi.


“I-I w-would like to---” simula ni Josh na ikinagising sa pagmumuni-muni ni Igi. Ibinalik ni Igi ang tingin sa kaibigan, nakayuko parin ito at kinakabahan na nagpaalala sa kaniya ng araw na iyon nung mga bata pa sila. “--t-to apologize tungkol sa mga sinabi ko kanina, di mo na kailangang i-cancel ang candidacy mo for student body council.” pagtatapos ni Josh habang pilit na isinisiksik sa kaniyang utak na ginagawa niya lang iyon dahil narin sa ulok ng kaniyang girlfriend na si Des.


“I—I---” simula ni Igi pero hindi na siya pinatapos pa ni Josh dahil nagmamadali na itong lumayo sa kaniya.


000ooo000


Di parin makapaniwala si Josh na humingi siya ng tawad sa kaniyang mortal na kaaway at kalaban. Iniisip niya na malamang ay pinatatawanan na siya ngayon nito. Gusto niyang batukan ang sarili sa katangahan na ginawa. Habang inuusig ang sarili sa katangahang ginawa ay nagpatuloy lang si Josh papunta sa locker room ng kanilang skwelahan upang i-handa ang sarili sa huling laro para sa linggong iyon.


“How can I be sooo stupid!” singhal ni Josh sa sarili habang nagpapalit ng damit.


Pinakalma ni Josh ang sarili bago lumabas ng locker room at harapin ang kaniyang katunggali sa araw na iyon para sa larong tennis, pilit na ikinukundisyon ni Josh ang sarili, pilit na inaalis sa sistema ang paghingi niya ng tawad sa isang tao na hindi nararapat na hingan ng tawad.


Naiinis parin si Josh nang tumuntong na siya sa court. Iniisip na maling ideya talaga ang pag-hingi niya ng tawad kay Igi dahil kahit anong pilit niya ay hindi niya ito maialis sa kaniyang isip. Lalo pa itong tumatak sa kaniyang isip nang igala niya ang kaniyang mga mata sa manonood at nakita niya doon si Igi na seryoso siyang pinapanood. Katulad ng dati ay naka-tiklop parin ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib at miya mo isang hurado na nag-e-expect ng isang magandang performance sa kalahok na kaniyang huhusgahan.


“Damn you, Igi!” pabulong na singhal ni Josh.


Nagsimula na ang laro at ang galit sa sarili at ang galit kay Igi ang ginamit ni Josh na langis upang manalo siya sa palaraong iyon. Bawat serve, back hand at over head passes ni Josh ay tila nag-a-apoy sa bilis na hindi magawang habulin ng kaniyang kawawang kalaban. Nang itanghal ng panalo si Josh ay hindi niya mapigilang ma-hapo at habulin ang sariling hininga, kasabay ng pagpapakawala ng hininga na iyon ay ang pagkatunaw din ng kaniyang matinding galit na nararamdaman.


Muli ay iginala ni Josh ang kaniyang paningin sa mga nanonood ng laro na iyon. Nadaanan ng kaniyang tingin si Des na may malaking ngiti sa mukha nito pero wala siyang naramdamang tuwa sa nakitang iyon kaya't sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muli niyang iginala ang kaniyang tingin. Dumapo ang tingin na iyon sa papatalikod ng si Igi.


Walang mayabang na ngisi siyang nakita sa mukha nito, sa katunayan ay nakita niya itong nakangiti. Sinserong ngiti na tila ba nagsasabi ito na masaya ito para sa kaniyang pagkakapanalo at sa hindi parin maipaliwanag na dahilan, ang nakitang ngiti na iyon ni Josh ay nagbigay sa kaniya ng ibayong saya.


Itutuloy...


[04]
Sa mga sumunod na linggo ay naging abala pareho si Josh at Igi sa kanilang finals at pangangampanya. Andyan parin ang magkakasabay sila sa elevator pero hindi na sila pa nagpapansinan. Para kay Josh ay huli na ang ginawa niyang katangahan sa pakikipagusap at pag-hingi pa ng tawad kay Igi habang si Igi naman ay hinihintay ang muli siyang kausapin ni Josh kaya naman hindi niya mapigilang madismaya nang makalipas ang ilan pang araw matapos ang huli nilang paguusap ay hindi na siya nito pinansin.

Ilang araw pa matapos ang halalan ay hindi na umasa pang muli si Igi na magkakaayos silang muli ni Josh at si Josh naman ay hindi magkamayaw sa kakaiwas kay Igi pero nung araw na kung saan ihahayag na ang mga bagong officers ng kanilang skwelahan ay magkatabing hindi mapakali si Igi at Josh sa may auditorium, iniintay kung sino ang tatanghalin na bagong presidente ng Student Council. Para kay Igi ay ipinapanalangin niya na sana ay si Josh ang manalo upang hindi na magkalamat pa ang kanilang durog na durog ng pagkakaibigan at para si Josh naman ay tahimik ding nananalangin na siya ang manalo upang may ipandadagdag nanaman siya na pagkain para sa kaniyang confidence at ego.


Ilang minuto pa at lumabas na si Mrs. Roxas mula sa likod ng entablado. Tila parehong hinigop ang mga hangin mula sa mga baga ng magkaibigan. Tumapat na ang kagalang- galang na guro at nagsimula ng masalita na siyang lalong nagpakaba sa dalawa.


“Magandang umaga!” simulang pagbati ng guro. “Gusto kong iparating ang aking taus pusong pasasalamat sa mga estudyanteng tumulong para maging successful ang halalan na ito---” saglit na nilunod ng malakas na palakpakan ang buong auditorium. “---Bago ko i-anunsyo ang bagong halal na mga kasapi ng Student Council ay meron muna akong masamang balita para sainyong lahat. Ang pusisyon na bise presidente ay pupunan ng pangalawa sa may pinakamataas na nakuwang boto na kandidatong tumatakbo sa pagka presidente. Ang mga kandidato para sa pagkabise presidente ay napag-usapang diskwalepikahin dahil sa isang dahilan na hindi ko maaaring banggitin---” muling napuno ng ingay ang auditorium, hindi ng palakpakan kundi ng bulung-bulungan, maski si Josh at Igi na hindi nag-uusap ay muntik ng magbulungan upang magpalitan ng opinyon sa sinabing iyon ni Mrs. Roxas.


“Hindi naman kami nagkamali sa ginawang desisyon na ito dahil ang dalawang kandidato para sa pagkapresidente ay dalawa sa pinakamagagaling nating estudyante---” simula ulit ni Mrs. Roxas na bumasag sa pagbu-bulong-bulungan sa buong auditorium. “---ngayon ay itatanghal na natin ang bagong presidente ng student council! Mr. Luigi Martin Saavedra!” sigaw ni Mrs. Roxas na ikinagulat ni Igi at ikinabingi naman ni Josh.


Hindi niya matanggap na natalo nanaman siya ni Igi sa kabila ng kaniyang paniniwala na talo niya ito sa lahat ng bagay. Napansin ni Josh na kakausapin siya ni Igi kaya't agad siyang tumayo at lumabas ng auditorium. Hindi alintana ang nagtatakang tingin ng mga tao sa kaniyang paligid.


000ooo000


“There you are--- Josh, are you OK?” nagaalalang tanong ni Neph sa nakatulalang si Josh. Tinignan ito ni Josh at binigyan ng isang matipid na ngiti.


“Congrats.” pabulong na sabi ni Josh kay Neph.


“Oh---Thanks.” nagaalangang sagot ni Neph.


“I heard Mrs. Roxas shout your name as the new SC treasurer.” pabulong paring sabi ni Josh sabay pakawala ulit ng matipid na ngiti.


“I-I should also congratulate you, you know. Being the new vice president isn't bad---” simula ni Neph pero natigilan siya ng nabura sa mukha ni Josh ang ngiti. “---uhmmm, Mrs. Roxas sent me to find you, Josh. We're about to have our first meeting, do you think you could come?” nagaalalang tanong ni Neph, pilit na iniba ang topic. Marahan na lang na tumango si Josh at tahimik na naglakad papunta sa opisina ng SC.


000ooo000


Nasa kalagitnaan na ang meeting nang pumasok si Neph at Josh sa kuwarto, agad-agad ay napako ang bawat tingin ng mga bagong halal na officers kay Josh na namumula naman sa hiya, nun niya lang kasi na-realize na hindi nga pala naging maganda ang dating ng kaniyang biglaang pag-alis.


“Mabuti't nakarating ka sa ating unang pagtitipon, Joshua.” nakangiting bati ni Mrs. Roxas kay Josh nang makuwa nito ang kaniyang pansin.


“I'm sorry, Ma'am. Sumama po kasi kanina ang pakiramdam ko.” palusot ni Josh sabay sulyap sa kaniyang mga kapwa officer.


“It's OK, Josh. Alam ko namang na-stress kayo sa halalan na ito, kaya't hindi na ako nagtaka kung meron man ngang sumama ang pakiramdam sainyo.” nakangiti paring sabi ni Mrs. Roxas. Tumango na lang si Josh at lumingon-lingon at naghanap ng bakanteng upuan, ngunit muli siyang nanlamig nang mapansing nakuwa na ni Neph ang isa pang silya na bakante at ngayon ang silya na lang sa tabi ni Igi ang bakante.


“According sa pusisyon kung san ka nahalal ang seating arrangement, Josh.” kinakabahang bulong ni Neph sa kaibigan nang mapansin na tila ba ilang saglit na lang ay muli na itong magtatatakbo palabas. Napalunok ng sariling laway si Josh at marahan na lang na tumango sa sinabing iyon ni Neph.


“So ating ipagpatuloy ang ating pagpupulong---” nakangiti ulit na simula ni Mrs. Roxas nang makita niya ang pag-upo ng tila ba nagaalangan paring si Josh sa tabi ni Igi na tila naman naging kasing tigas ng plywood sa pagiging tense. “---Bilang dadating na ang bakasyon, naisipan namin ng ating principal na magkaroon ang ating mga bagong halal na officers ng team building---” Napuno ng bulungbulungan ang buong opisina habang si Josh ay hindi parin mapakali sa tabi ni Igi at ng kanilang sekretarya na si Roan at si Igi naman ay tila tense na tense parin, natatakot sa maaaring pagwawala ni Josh sa kaniyang tabi dahil sa pagkatalo nito sa kaniya.


“---quiet children---” humahagikgik na putol ni Mrs. Roxas sa grupo ng bagong officers at nang muling balutin ng katahimikan ang buong kwarto at nang makuwa na ulit ni Mrs. Roxas ang atensyon ng lahat ay muli itong nagsalita. “--- napagdesisyunan din namin na mas maganda siguro sa Batangas, sa farm na pagmamay-ari ng brothers of Saint Anthony---”


“Ma'am yun ba yung malapit din sa beach?” tanong ni Roan na hindi na mapakali sa sariling upuan dahil sa pagka-excite.


“Yes, Roan. In fact sa may beach house tayo ng mga brothers magste-stay at hindi sa retreat house sa gitna ng farm.” nakangiting sagot ni Mrs. Roxas.


Muling binalot ng bulong-bulungan ang buong kwarto ngunit nanatiling tahimik si Igi at Josh. Kinakabahang sinusulyap-sulyapan ni Igi si Josh at ilang beses ding sinubukang magsalita upang humingi sana ng tawad at magpaliwanag na hindi siya tumakbo sa pusisyon na iyon para talunin si Josh pero sa tuwing ibubuka niya ang kaniyang bibig ay walang lumalabas sa kaniyang bibig dahil nauunahan siya ng takot.


000ooo000


Hindi maintindihan ni Josh kung bakit hindi parin gumaang ang loob niya. Hindi na masama ang pusisyon ng pagiging bise presidente at alam naman niyang magiging magaling na presidente si Igi. Sumagi na lang sa isip niya na marahil ay dahil si Igi ang nakatalo sa kaniya, ang tao na kakumpitensya niya sa lahat kaya't sa kabila ng malaking posibilidad na maging magaling na presidente ito ay naiisang tabi iyon ng kaniyang sama ng loob dito.


“I'm sorry.” pabulong na sabi ni Igi na ikinagulat ni Josh. Humarap si Josh kay Igi na noon ay nakayuko at tila hindi mapakali.


Lalo namang nag-init ang ulo ni Josh dito, pasaring kasi ang dating ng paghingi ng tawad na iyon ni Igi sa kaniya kaya't habang abala sa pagdidiskusyunan ang kanilang mga kasamahan at si Mrs. Roxas ay pabulong na sininghalan ni Josh si Igi.


“You really have to rub it in my face, do you?!”


“What?! No! I'm apologizing, Josh---”


“Ha! Apologizing? O kating kati ka na maipamukha sakin na talo ako?!” singhal pabalik ni Josh na ikinakulo ng dugo ni Igi.


“I can't believe this! What the hell is your problem?! Lahat na lang ng bagay ginagawa mong kumpetisyon sa pagitan nating dalawa! Lahat ba talaga ng bagay dapat maging kumpetisyon para sayo?” pabulong na singhal pabalik ni Igi. Ngayon, pareho na silang namumula dahil sa pigil na galit at pareho narin nilang tinititigan ang isa't isa sa mata, pursigido na hindi magpatalo sa isa't isa.


“What is my problem?! YOU! You are my problem you---” simula ni Josh pero naputol iyon nang biglang umalingawngaw ang boses ni Mrs. Roxas sa buong kwarto na muling ikinatahimik ng lahat.


“So it's settled then?! May kaniya- kaniya na kayong mga partner.” nakangiting sabi ni Mrs. Roxas na napa palakpak pa sa sobrang galak.


“Excuse me, Ma'am. Ako po wala pang partner.” taas kamay na sabi ni Josh.


“Oh, I thought, since busy kasyong dalawa ni Igi habang namimili ang lahat ng partner ay napili na niyo ang isa't isa bilang partners.” nakangiti paring sabi ni Mrs. Roxas na ikinamutla ni Josh.


“Is there a problem, Josh?” nagaalalang tanong ni Mrs. Roxas nang hindi na umimik si Josh at nang mapansin nitong ang namumutlang mukha ng huli.


“Yes. Are you alright, Josh?” nakangising tanong ni Igi kay Josh na nagpakulo ng dugo ng huli. Umiling na lang si Josh na muling ikinangiti ni Mrs. Roxas.


“Good! So since everything is settled, we should call this meeting adjourned!” sigaw ni Mrs. Roxas sabay masayang lumabas ng opisina na masiglang sinundan ng iba maliban kay Josh na hindi parin makapaniwala sa kaniyang sinangayunan at si Igi na nakangisi parin.


“You're not going to get chicken shit now, are you? What?! You're afraid to see that I'm actually better than you kapag nagsimula na ang team building? Di mo ba masisikmura na ang katotohanan na ako ang nanalo at hindi ikaw? Na ako ang pinili nila at hindi ikaw---?” singhal at nakangisi paring tanong ni Igi kay Josh habang pinapanood ang huli na napipikon nang palabas ng opisina. “---I'm so fucking tired of dealing with your spoiled ass! I'm so fucking tired of feeling like I've done something wrong when all I do is be better at everything!” paglalabas ng sama ng loob ni Igi na ikinatigil ni Josh sa paglalakad palayo. Saglit itong humarap kay Igi.


“I don't back out, Igi, you of all people should know that. They might have voted you to be their president but it doesn't mean that you are better at everything and I will make you see that in our team building. I'm going to knock you off your pedestal and make you eat dirt. I'm going to make you realize that you are not better than anyone else and that make you see your own shit like the rest of us!” singhal pabalik ni Josh, hindi maikakaila ni Igi ang galit sa mga salita nito na ikinabahala ng huli. Alam niyang bugso lamang ng damdamin ang kaniyang mga huling sinabi dito at ayaw na niyang lumaki pa ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Susubukan pa sana niyang humingi ng tawad kay Josh pero mabilis ng nakaalis ang huli.


000ooo000


“Arggghhh! He's so fucking annoying!” sigaw ni Josh nang makarating siya sa bahay nila Des at nang makapasok ito sa kwarto nito at maabutan ang huli na nagfe-facebook. Agad namang naglakad pasalubong si Des sa kaniyang nobyo, higit na nagaalala dito.


“What happened? Who's annoying?” nagaalalang tanong ni Des sabay yakap kay Josh.


“That mother---” natigilan si Josh sa pagmumura nang makita niya ang isang matalim na tingin na ibinato sa kaniya ni Des. “---that butt face, Igi!” pagtutuloy na lang ni Josh. Muling iniyakap ni Des ang sarili sa nobyo at nang pakawalan ito ay nagbuntong hininga.


“What did he do now?” tanong ni Des sabay hila kay Josh paupo sa kama.


“Well, to start with--- he won the presidency and then he have the decency to rub it in my face and say cruel and bad things to me after, like, being spoiled and stuff.” malungkot na sabi ni Josh.


“Hey. You're not spoiled, a little vain maybe but not spoiled.” pang-aalo ni Des sabay halik sa labi ni Josh.


“Really?” parang batang tanong naman ni Josh nang maghiwalay ang labi nila ni Des.


“Yes.” sagot ni Des abay halik ulit sa labi ni Josh.


Sunod na naalala ni Josh ay maalab na silang naghahalikan ni Des at pareho na silang nakahiga sa kama ni Des.


000ooo000


Malaki parin ang ngiti sa mukha ni Josh nang makarating siya sa lobby ng kanilang condo at habang humahabol siya sa papasara ng mga pinto ng elevator. Tama ang kaniyang pasya matapos lumabas ng opisina ng student center at dumeretso na sa bahay ng kaniyang nobya na si Des dahil napawi nito lahat ng kaniyang sama ng loob. Nabura na lang ang mga ngiting iyon nang may tumawag sa kaniyang pangalan at nang lingunin niya kung sino iyon.


“Joshie! San ka galing?! Bakit gulo-gulo yang buhok mo?” nakangising tawag ni Neph na kasama ang tahimik na si Igi na mataman namang tinitignan ang lukot-lukot na damit ni Josh at medyo magulo nitong buhok.


“Hey Neph.” nakangiti ulit na bati ni Josh.


“Soo--- where have you been?” nakangiti paring tanong ni Neph sa namumulang pisngi na si Josh.


“Oh uhhmm diyan lang kila Des.” namumulang sagot ni Josh habang pinaplancha ng kamay ang lukot-lukot niyang damit at gulo-gulong buhok, iniisip na nahuli siya ni Neph sa kung ano ang maaaring ginawa nila ni Des.


“I see! You got lucky huh?” tanong ni Neph na lalong ikinamula ni Josh.


“Uhmmm---” simula ni Josh pero bago pa man niya maituloy ang sasabihin ay muli nng nagsalita si Neph, nakatuon ang pansin kay Igi.


“AWW! What did you do that for?!” sigaw ni Neph nang batukan siya ni Igi.


“Bababa ka na.” malamig na sabi ni Igi kay Neph habang bumubukas ang pinto ng elevator, sapo-sapo ang batok na lumalabas ng lift habang nakangising nakatingin kay Josh na namumula parin sa hiya.


Binalot ng katahimikan ang dalawa at ang mabibigat na pag-buntong hininga na lang ni Igi ang siyang naririnig sa loob. Hindi na ito pinansin ni Josh, iniisip na gusto lang ni Igi na sitahin niya ito at muling sumiklab ang isa nanamang awayan. Nang sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevator ay mabilis na lumabas si Josh kasunod si Igi.


“You should put something on your neck and close your zipper before going inside your unit.” pabulong na sabi ni Igi sabay buntong hininga at tila ba dismayadong dismayado bago pumasok ng sariling unit. Matapos isara ni Josh ang sariling zipper at dahil sa pagiging natural na vain ay kinuwa ang salamin sa kaniyang bag at tinignan ang kaniyang leeg upang malaman kung ano ang sinasabi ni Igi ay agad nanlaki ang kaniyang mga mata, nakita ang isang palatandaan na iniwan ni Des mula sa kanilang ginawa sa kuwarto nito.


“Shit!” mura ni Josh sa sarili sabay halukay sa kaniyang bag upang humanap ng band aid. Nang makita ito ay agad niya itong inilagay sa leeg, huminga ng malalim at tahimik na nanalangin na walang mapansing kakaiba ang kaniyang dalawang ama.


000ooo000


“And then there was this---” pagpapatuloy na kuwento ni Ed habang nasa hapag kainan silang mag-anak pero naputol ang pagkukuwentong iyon nang punahin ni Migs ang band aid na nasa leeg ni Josh.


“Josh, what's that on your neck?” tanong ni Migs na ikinatigil sa pagkukuwento ni Ed.


“Oh uhmm, nahiwa nung nag-ahit ako.” palusot ni Josh sabay yuko.


“Wala ka pa namang buhok sa leeg katulad ng sa dad mo ah?” naniningkit matang tanong ni Migs sabay abot sa band aid upang tignan ang sinasabing sugat. Agad namang umilag si Josh na lalong ikinataka ni Migs.


“Titignan ko lang baka malalim masyado at magpeklat.”


“H-hindi siya malalim, Dad.” nauutal na sagot ni Josh kaya't hindi niya nakita ang pag-abot ng kamay ni Ed sa band aid.


““What the hell?!”” sabay na sigaw ni Migs at Ed nang sa wakas ay matanggal ang bandaid.


“Asan yung hiwa?” “Sinong nagbigay sayo niyan?!” sabay na tanong ni Ed at Migs sabay nagkatinginan.


“Anong nagbigay? Sabi ni Josh nahiwa daw siya, ngayon asan yung hiwa?” naguguluhan na tanong ni Ed.


“Anong hiwa? Chikinini yan oh!” singhal ni Migs na lalong nagpayuko kay Josh at ikinalaki naman ng mata ni Ed nang maliwanagan at maintindihan ang sinasabi ni Migs.


“You mean our son is now sexually active?” tanong ni Ed.


“Dad!” nahihiyang tawag ni Josh kay Ed.


“Don't Dad me! Kapag ikaw nakabuntis o kaya nagkasakit diyan sa pinaggagagawa mo—-!” sigaw ni Ed.


“Did you use protection? Please, Josh tell me that you used protection.” nagaalalang tanong ni Migs.


“Dad!” tawag ulit ni Josh sa kaniyang mga ama.


“You're too young to engage---” “What if you got yourself some disease---” sabay na sabi ni Ed at Migs na talaga namang rumirindi kay Josh.


“I'm the new student council vice president are you guys going to tell me how great I am or are we just going to forget about that accomplishment and focus on my shityness?!” galit na sabi ni Josh na nakapagpatigil sa kaniyang dalawang ama.


“I get it OK. I'm too young to have sex but Des and I love each other, we know what the consequences are---”


“We're not going to give you shit about 'Sex and Marriage', Josh and we're not ignoring the good stuff you did, what we're saying is that you're too young to have sex, sure, you know the consequences, but do you guys know how to deal with them sa oras na mangyari ngang mabuntis mo si Des? This is not about counting all the bad things you did and ignoring all the good ones, we're trying to make you realize that you're not yet ready for this and all the consequences that comes along with it.” marahan, seryoso at mahabang balik ni Migs na siyang gumising sa nagtutumigas na ulo ni Josh.


“Naiintindihan mo na ba ngayon na hindi ka namin pinapagalitan kundi pinangangaralan ka lang namin?” naiiritang singhal ni Ed dahil sa panunubok ni Josh na baliktarin sila at sila pa ni Migs ang gawing masama.


“Yes. I'm sorry.” matigas na balik ni Josh sa mga ama. Nagkatinginan si Migs at Ed, alam nilang hindi pa tapos ang usapan na iyon at alam din nilang buwan pa ang bibilangin bago pa man nila malagpasan ang problema na iyon.


“Can I be excused?” magalang pero matigas na paalam ni Josh sa mga ama, balak pa sana itong kontrahin ni Ed pero nang maramdaman nito ang pagpisil ng malalambot na mga kamay ni Migs sa kaniyang braso ay nagbuntong hininga na lamang siya at pumayag sa gustong mangyari ng anak.


Mabilis na lumabas ng unit si Josh nang makita niya ang napilitang pagpayag ng amang si Ed sa kaniyang pamamaalam. Hindi niya alam kung san siya dadalhin ng kaniyang mga paa dahil abala ang kaniyang utak sa mga napagusapan nila kasama ang kaniyang dalawang ama. Hindi niya makuwa ang gustong mangyari ng mga ito. Para kasi kay Josh ay ang tangi lamang importante ay mahal nila ni Des ang isa't isa. Na sapat na ang pagmamahal.


000ooo000


Marahang isinasabay ni Igi ang kaniyang ulo sa tugtog na nagmumula sa kaniyang earphones na naka kunekta sa kaniyang iPhone, pero sa kabila ng may kalakasang tugtog ng kaniyang telepono ay nagulat parin siya nang biglang bumukas ang pinto palabas ng sky garden ng kanilang condo na kaniyang kinaroroonan. Nakita niya ang balisang balisa na si Josh, halatang malalim ang iniisip at tila na ilang minuto na lang ay iiyak na. Pinanood niya itong maglakad papunta sa railings, itinuon doon ang mga kamay at nagpalabas ng isang malalim na hininga.


Hindi alam ni Igi pero tila ba habang pinapanood niya si Josh ay para bang bumibigat din ang kaniyang loob. Parang gusto niyang sapakin ang taong dahilan ng pagkabalisa nito, gusto niyang iparamdam ang pinagdadaanan ngayon ni Josh sa taong may responsibilidad ng kalungkutan nito.


Sa ikalawang pagkakataon ay hindi muli alam ni Igi kung ano ang nagtulak sa kaniyang gawin ang mga susunod na nangyari.


000ooo000


Nagulat si Josh nang maramdaman niya ang isang mahigpit na pagyakap mula sa kaniyang likod. Hindi niya maipaliwanag pero tila ba gumaan ang kaniyang loob ng maramdaman ang pamilyar na pagyakap na iyon.


“Igi, ang sakit.”


“Shhh. Joshie. Wag ka ng umiyak.”


“What's the problem, Joshie?” mahinang tanong ni Igi na bumasag sa saglit na pagbabalik tanaw na iyon ni Josh. Marahang kumawala si Josh saglit sa mahigpit na pagkakayakap na iyon ni Igi at halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita na si Igi nga pala ang nagpapagaang ng loob niya sa mga oras na iyon.


Nagtama ang kanilang mga tingin. Iba't- ibang emosyon ang naramdaman ng bawat isa.



Itutuloy...


[05]
Ilang saglit pa ay bumawi na rin sa pagtititigan ang dalawa, tila ba isang de awtomatikong makinilya ay biglang napalitan ang mgagagandang pakiramdam noong nagtititigan pa sila ngayong nagiwas na sila ng tingin sa isa't isa, napalitan ito ng galit at hindi maipaliwanag na inis sa bahagi ni Josh habang hiya naman at hindi pagkapakali kay Igi.


“This is all your fault.” singhal ni Josh na ikinapintig ng tenga ni Igi, hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig.

“Ako nanaman?! Lagi na lang ako ang sinisisi mo! Ni hindi ko nga alam kung bakit paiyak ka na eh tapos ako parin ang may kasalanan?!” di makapaniwala at galit na galit na balik ni Josh, sa sobrang inis at hindi pagkapaniwala ay tumalikod na kay Josh at nagpasya na lang na lisanin ang lugar na iyon kesa palakihin pa ang away na hindi nanaman niya maisip kung pano nagsimula. Pero hindi na pala kailangan ni Igi na hulaan kung pano nagsimula ang away na iyon dahil ipamumukha sa kaniya ito ni Josh ilang saglit pa.


“Kung hindi mo ako inaway kanina hindi sana ako pupunta kila Des---!” inis na simula ni Josh dahil sa bastos na pagtalikod sa kaniya ni Igi habang naguusap pa sila.


Wala sa sariling inabot ni Josh ang malaking braso ni Igi at marahas itong pinaharap muli sa kaniya. Napa hakbang na lang siya patalikod nang makita ang galit sa mga mata ni Igi at nagulat nang may makita ding bakas ng lungkot sa mga mata nito.


“Huwag mong isisisi sakin ang kahalayan mo! Hindi ka nakapagpigil. Sarili mo ang dapat mong sisihin at hindi ibang tao!---” galit na simula ni Igi, huminga ng malalim at pinakalma ang sarili. Ipinangako niya sa sarili niya na hindi na muli pang mauuwi ang kanilang mga pagtatalo katulad ng pagtatalo nila noon sa student central board kaya naman kahit mahirap ay pinakalma parin ni Igi ang sarili.


“Kailan mo kaya matututunang huwag isisi sa iba yang mga problema mo na sayo rin naman mismo nagisismula?” mahinahon at puno ng pagkadismaya at sa pakiwari ni Josh ay puno rin ng sakit na sabi ni Igi bago ito muling tumalikod at lumisan sa lugar na iyon, iniwang nakatanga mag-isa si Josh na pilit isinisiksik sa kaniyang isip ang huling sinabi ni Igi.


000ooo000

Lumipas ang isang linggo at lalong lumala ang pananahimik ni Josh, alam ni Migs at Ed na hindi nagustuhan ng kanilang anak ang pangangaral nila dito at alam nilang lalo nitong hindi nagustuhan ang paglilimita nila sa pakikipagkita nito kay Des.


“You have got to be shitting me!” sigaw ni Josh nang sabihin ni Ed na hindi ito puwedeng magpunta sa bahay nila Des nang wala ang mga magulang nito sa bahay o kaya ay kung walang ibang kasama si Des sa bahay.


“Language, Josh.” saway ni Migs na lalong ikinainit ng ulo ni Josh.


“I said that we're not going to do it again. Don't you trust me?” naiinis na balik ni Josh kay Migs at Ed upang kunsensyahin ang mga ito pero hindi ito kinagat ni Migs.


“This is not an issue of trust, Josh. This is about what is best for the both of you.” paliwanag ulit ni Migs.


“Di niyo ba naisip na ito ang the best para sa akin. Yung makasama yung babae na mahal ko?!” singhal ni Josh.


“Bakit mo siya mahal?” tanong ni Ed na ikinatameme ni Josh at ikinadikit naman ng kilay ni Migs.


“What?!” pasinghal ulit na tanong ni Josh, hindi makuwa ang tinutumbok ng ama.


“I said why do you love her?” kalmado at seryosong tanong ni Ed.


“She's pretty, she's kind, she has everything I want for a girl.” simula ni Josh na agad namang siningitan ni Ed.


“Oo nga naman, maganda si Des.” simula ni Ed at magsasalita na sana si Migs at tatanungin ang pinupunto ng nobyo nang magsalita ulit ito. “Remember your tita Lei? Yung nagbigay ng PSP mo? Well, I love her, muntik na kaming ikasal pero alam namin na hindi pareho ang pagmamahal namin sa isa't-isa kaya naman nung humarap kami sa altar hindi namin magawang sumumpa sa harap ni God. Your tita Lei is also pretty, kind and has everything a guy would like for a girl but I only love her, I'm IN love with your Dad kaya kami ang magkasama ngayon matapos ang ilang taon. Ngayon, masasabi mo ba na pareho ang level ng pagmamahal niyo sa isa't isa ni Des o isang lang itong phase para sayo. A phase to satisfy your curiosity?” paliwanag ni Ed sabay tanong sa anak. Hindi nakasagot si Josh, bigla itong napaisip.


“Yan ang pinapaintindi namin sayo, Josh. Minamadali niyo ni Des ang lahat sa pagaakala na handa na kayo kahit pa ang totoo ay malayo pa ang tatakbuhin niyong dalawa. Bata pa kayo, hindi naman namin sinasabi ng Dad mo na huwag na kayong magkita kahit kailan ni Des, ang gusto lang namin ay hinay-hinayin niyo ang mga namamagitan sa inyo dahil hindi pa kayo handa kung sakaling may mangyari na hindi natin pare-pareho inaasahan.” pahabol na pagpapaintindi ni Ed sabay tayo at inaya na si Migs papasok sa kanilang kwarto upang hayaan si Josh na makapag-isip.



000ooo000


“I think your dad is right.” bulalas ni Des nang magkita ang dalawa upang sabihin ni Josh ang paglilimita ng kaniyang mga ama sa kanilang relasyon.


“WHAT?!” pasinghal na tanong ni Josh, hindi makapaniwala sa sinasabi ng nobya, hindi makapaniwala na mas aayunan pa nito ang kaniyang mga ama kesa sa kaniya na ipaglalaban ang lahat para sa kanilang relasyon.


“We're still too young, Josh. Marami pang pwedeng mangyari, hindi naman nila tayo pinipigilang mag-kita eh, ayaw lang nila na maiiwan tayong mag-isa para gumawa ng milagro.” balik ni Des kay Josh.


“Hindi mo ba ako mahal?” tanong naman ni Josh, hindi parin maintindihan ang sinasabi ng kaniyang nobya at mga ama.


“Mahal kita, Josh pero---” simula ni Des pero tila nabingi na si Josh matapos marinig ang salitang “Pero”. Sumagi tuloy sa isip niya ang sinabi ng ama, na maaaring may IN love nang sinasabi pagdating sa pakikipag relasyon, na maaaring hindi ito ang nararamdaman sa kaniya ni Des ngayon kundi ang pagmamahal lamang ng katulad ng kaniyang amang si Ed sa kaniyang tita Lei, kahit pa pawang sigurado siya na IN love siya kay Des.


Ngunit sigurado na nga ba si Josh sa kaniyang nararamdaman para kay Des?



000ooo000


“Joshie!” sigaw ni Neph sa bungad ng basketball court. Nagtaas ng tingin si Josh at nakita niya na may hawak-hawak ito na bola. Pumunta doon si Josh dahil sa kawalan ng mapupuntahan, nangako siya kay Des na pagiisipan niyang mabuti ang gustong mangyari ng kaniyang mga ama at ngayon ay pati ni Des at wala siyang ibang maisip na mapuntahan kaya't pumayag na lang siya kung saan siya gustong dalhin ng kaniyang mga paa.


“Hi Neph.” balik bati ni Josh kay Neph sabay pakawala ng malungkot na ngiti.


“What's wrong dude?” tanong naman ni Neph nang makita ang humahabang nguso ni Josh at ang tila ba may bumabagabag na mukha nito.


“Nothing. I'm just thinking about our team building. Being stuck with Igi isn't exactly my thing.” pagpapalusot ni Josh, hindi naman ito kinagat ni Neph pero naisipan niyang huwag na lang kulitin ang kaibigan tungkol dito kaya naman nagpakawala na lang siya ng isang malakas na tawa.


“I forgot about that.” nangingiting sabi ni Neph kay Josh na napa-irap na lang.


“Wanna play ball?” tanong na lang ni Neph.


“Su--” simulang pagpayag sana ni Josh sa alok ni Neph nang biglang may tumawag sa pangalan ng huli.


“Neph! You ass! Sabi ko sayo intayin mo ako sa lobby---!” sigaw ni Igi sa bungad ng basketball court ngunit agad din itong natigilan nang makita si Josh. Napansin niya agad nang tamaan ng kaniyang paningin ang mukha nito na may dinaramdam ito. Muntik na siyang mapatakbo ulit sa tabi nito at yakapin ito upang aluhin at pagaangin ang loob nito katulad ng kaniyang ginagawa noong mga bata pa sila at nung huli silang nagkita.


“I think I'll pass, Neph, thanks, though.” sabi ni Josh, hindi maikakaila ang sarkasmo sa boses nito na walang duda na ipinaparating kay Igi na lubos na ikinainis ng huli. Hindi parin kasi maintindihan ni Igi kung ano bang problema sa kaniya ni Josh at simula nung tumungtong sila ng high school ay nanlamig at nagiba na ang pakikitungo nito sa kaniya at tila ba ikinukunsidera na siya nito ngayon bilang isang mortal na kaaway.


“What? Afraid that I'll just beat your ass?!” singhal ni Igi, nawala na ang kagustuhan na aluhin at pagaangin ang loob ni Josh at ang pangako sa sarili na huwag na muli pa itong patulan at awayin.


“Not again.” umiiling na sabi ni Neph na sa ikailang pagkakataon ay naipit nanaman sa gitna ng kaniyang mga kaibigan.


000ooo000


“ENOUGH!” sigaw ni Neph sa pagitan ng malalalim na pag-hingal. Imbis kasi na katulad ng kaniyang gustong gawin na mag-alis ng stress sa pamamagitan ng masayang paglalaro ng basketball kasama ang kaniyang dalawang kaibigan ay lalo pa siyang na-stress sapagkat kada kibo ng dalawa ay halos iharang na ni Neph ang sarili sa pagitan ng mga ito para hindi ito magsapakan.


“We're supposed to be having fun not killing each other!” sigaw ulit ni Neph nang makuwa na niya ang atensyon ng dalawa niyang kaibigan.


Nung una ay natitiis pa ni Neph ang mga makamandag na tinginan ng dalawa at ang paminsan-minsang pagbubungguan ng mga ito pero nang maglaon ay nagpapatiran at nagsisikuhan na ito at halos magsuntukan na makalamang lang sa bola, ang masaklap pa, sa tuwing pumapagitna si Neph ay siya naman ang nasasaktan sa palitan ng dalawa.


“Both of you needs to grow up!” sigaw ulit ni Neph sabay talikod at lakad palayo sa dalawa na naiwang humihingal at nagulat sa paglalabas ng loob ng kanilang kaibigan na madalas ay walang kibo.


“This is all your fault!” sigaw ni Josh sabay bato ng bola kay Igi.


“HOW WAS THIS MY FAULT?!” sigaw namang balik ni Igi na talaga namang ikinakainis na ang paninisi ni Josh sa kaniya sabay bato ng bola dito.


“You're the one who pushed me first!” balik ni Josh.


“Losers are meant to be challenged so they'll know how much of a loser they're!” nakangising balik ni Igi kay Josh, hindi niya sana ito sasabihin pero pikon na pikon na talaga siya kay Josh. Natahimik saglit si Josh, nang makita ni Igi ang pagrehistro ng sakit sa mukha ni Josh ay agad niyang hiniling na hindi na sana siya nagsalita pa, nainis sa sarili kung bakit hindi niya tinupad ang pangako na hindi pagpatol sa kaibigan sa tuwing magkakainisan sila.


“And I care about what you think of me because---?” sarkastikong balik ni Josh kahit pa ang totoo ay nasaktan siya sa sinabi ni Igi. Wala na ang dating kaibigan na nag-iingat sa pagsasalita sa kaniya. “You've always treated me like shit simula nung tumuntong tayong high school. I learned to deal with it and now no matter what you say, no matter what you call me, stupid, fatso or just some kid who happens to know and idolizes you wouldn't matter anymore because I don't care! I played basketball today with you and Neph not because you challenged me but because your asshole-ness is really irritating and I'm trying to knock off some of it out of your system!” pasigaw na balik ni Josh kay Igi na agad namang natameme.


“What the hell?! Kailan kita tinawag na fatso or just some kid?!” sigaw na tanong ni Igi kay Josh pero nakita niya lang itong umiling atsaka tumalikod at naglakad palayo.


“Fuck you, Igi.” tahimik pero hindi maikakaila ni Igi ang galit sa sinabing iyon ni Josh bago ito makalayo sa court.


000ooo000


“Hey, diba ngayon yung team building niyo?” tanong ni Migs sa naka hilata parin na si Josh.


“I'm not going.” matipid na sagot ni Josh, hindi parin siya natutuwa sa mga ama matapos limitahan ng mga ito ang oras ng pagkikita nila ni Des.


“Akala ko required lahat ng bagong officers?” tanong ulit ni Migs kay Josh na nagsisimula ng mairita.


“I'm going to resign din naman kapag nagsimula na ang classes, so ano pang silbi ng pagpunta ko sa team building?” tanong ni Josh sa ama sabay talikod dito.


“Is this still because of what your Dad and I said about you not seeing Des without supervision?” naka kunot noong tanong ni Migs kay Josh na agad na umupo dahil sa tuluyang pagkairita.


“Can we stop talking about this? You guys won, OK? We don't see each other anymore. I don't want to go because I just don't want to. Period. Why can't it be that simple? Kailangan ba talaga may malalim na dahilan, hindi ba pwedeng dahil simpleng ayaw ko lang muna?” iritableng sagot ni Josh na ikinapintig din ng tenga ni Migs.


“Well unfortunately I'm not going to let you not join the team building. You've wanted to be an officer since you started high school and I'm not going to let you fuck it all up just because you're on a petty funk! Haul your ass out of bed or you're grounded till you're thirty!” sigaw ni Migs, ayaw niyang sinisigawan ang anak pero wala siyang magagawa, ayaw niyang masanay ang anak sa pambabale-wala sa mga bagay-bagay na gusto nito dahil lang sa hindi naging maganda ang mga nakaraang linggo para dito, gusto niya na sa hinaharap kapag humarap ulit ang anak sa mga bagay na hindi nito gusto o gustong mangyari ay hindi na nito babalewalain pa ang mga bagay na gusto nitong makamtan katulad ng sinisimulang gawin nito.


000ooo000


Nanlaki ang mga mata ni Igi nang makita niya ang nakasibanghot na si Josh pababa ng kotse ni Migs at may dala-dalang malaking bag. Matapos ang kanilang sagutan matapos ang paglalaro ng basketball ay hindi niya na nakita itong lumabas ng kanilang unit at lalong lalo na na hindi niya ito inaasahang sumama sa kanilang team building.


“Akala ko di siya pupunta?” tanong ni Igi kay Neph na nagkibit balikat na lang.


Tinignan maigi ni Igi ang kaibigan habang bagsak balikat itong naglalakad papunta sa kanila. Alam niya agad, pagkakita na pagkakita niya palang sa mukha nito na may hindi magandang nangyari o kaya naman ay may dinaramdam ito. Katulad nung maabutan niya itong malungkot na nakikipagusap kay Neph nung araw na naglaro sila ng basketball at nung bigla itong sumulpot sa sky garden ay gustong gusto nang salubungin ni Igi si Josh at yakapin ng mahigpit at pagaangin ang loob nito, pero hindi niya ito magawa dahil alam niyang galit parin ito sa kaniya kahit pa hindi niya alam kung ano ang maaari niyang nagawa. Napatunayan niya ang takot na iyon nang makita niyang lalo itong sumimangot at nangunot ang noo nang magtama ang kanilang mga tingin.


“Please don't start fighting again.” pagmamaka-awang sabi ni Neph nang makita niya ang palitan ng masasamang tingin ng dalawa sabay lakad palayo upang makaiwas narin sa alam niya ay napipinto ng awayan.


“Don't blame me. I don't even know why he hates me so much.” singhal naman ni Igi kay Neph na umiling na lang.


“Well I hope this team building fixes both your head they need some serious overhauling.” umiiling na sabi parin ni Neph habang patuloy lang sa paglalakad palayo na ikinairita naman ni Igi dahil para sa kaniya ay wala siyang kasalanan sa pagbabangayan nila ni Josh.


“JOSH! So glad you could make it!” sigaw ni Mrs. Roxas habang tinitignan ang listahan ng kanilang gagawin. “Kung maaari lamang ay tumabi na kayo sa inyong mga ka-partner para sa linggong ito upang masimulan na natin ang ating team building. Ang mga magkakapareha din ang magkakatabi sa sasakyan papunta at pabalik at mamya kapag dumating na tayo sa lugar ng paggaganapan ng ating team building ay saka ko naman sasabihin ang iba pang mga bagay na pagsasaluhan ng bawat magkakapareha.” nakangiti na sabi ni Mrs. Roxas na nagsimula ng ilang excited na bulung-bulungan ng lahat at ikinairap at ikinapalag naman ni Josh at Igi, hindi makapaniwala na sa sasakyan pa lang ay magsisimula na ang kanilang kalbaryo.


000ooo000


“I got here first!” sigaw ni Josh nang paalisin siya ni Igi sa upuan sa tabi ng bintana.


“I'm the president and you're my vice president. The president always have his way” pagpapaalala ni Igi kay Josh.


“Asshole!” singhal ni Josh nang wala na lang siyang nagawa.


“Watch it! You don't have to call me names. It's just a seat near the window---” naiiritang balik ni Igi.


“If it's just a seat then why don't you just let me have it?!” singhal naman pabalik ni Josh.


“Because I'm the president and I can do whatever I want.” nakangising balik ni Josh na ikinakulo ng dugo lalo ni Josh at ikinakuwa ng pansin ng lahat ng asa sasakyan.


“You son of a bi---!” simula ni Josh.


“CHILDREN! We're just waiting for Mr. Tomas to check all the tires for our trip. Kung maaari ay magsi-upo na kayo--- Josh, where are you going?” simula ni Mrs. Roxas ngunit natigilan din nang makita nito ang nakatayo na si Josh na galit na galit namang nakatingin kay Igi na nakangisi parin.


“I'm getting off this bus!” singhal ulit ni Josh na ikinagulat naman ni Mrs. Roxas.


“He's just being chicken shit.” nakangisi paring sabi ni Igi kay Mrs. Roxas na tila naman binunutan ng tinik sa dibdib at muling ngumiti. Hindi nakaligtas kay Josh ang gustong iparating ni Igi na tila ba isang hamon kaya't muli siyang umupo sa tabi nito.


“Igi, maaari bang huwag nating sanayin ang ating mga sarili sa mga ganyang uri ng pananalita?” nakangiting pangangaral ni Mrs. Roxas kay Igi na pilit pinipigilan ang sarili na umirap.


“Ready to go?” tanong ni Mr. Tomas kay Mrs. Roxas na excited na excited ng umalis.


Tinignan ng masama ni Josh si Igi pero lahat ng kaniyang nararamdamang galit ay agad ding nawala nang makita niya ang tuwa sa mga mukha ni Igi. Nakatingin ito sa labas ng bintana na miya mo batang aliw na aliw sa kanilang bawat madaanan. Tila naman hinatak ng oras si Josh pabalik kung saan mga bata pa lang sila ni Igi, kung saan ayos pa ang lahat, kung saan hindi pa sila laging nagaaway.


“COOL!” sigaw ni Igi at halos durugin ang braso ni Josh dahil sa biglaang paghawak, nakalimutan na si Josh ang hinahawakan nito sa braso nang makita nito ang isang kalabaw na hila-hila ang isang kariton na puno ng gamit na pwedeng ipagbenta. Napangiti saglit si Josh pero nang maalala niyang si Igi ito, si Igi na nagdulot sa kaniya ng maraming sakit, si Igi na lagi na lang siyang kinukumpitensya ay agad niyang binawi ang ngiti na iyon at suminghal.


“Wow. You do a really great job in acting stupid.” singhal ni Josh sabay hawi ng pagkakakapit ng kamay ni Igi sa kaniyang braso. Dahan dahan na nawala ang ngiti sa mukha ni Igi at dahan dahan ding tumingin sa kaniya, tumingin ng masama.


“Well, excuse me if I may seem a little shallow for you.” sarkastikong sabi ni Igi na ikinahagok naman ni Josh dahil sa pagpigil ng kaniyang tawa.


“Little shallow? Try super shallow You're not just shallow. You're also mean, you're rude and the asshole who likes to make my life miserable.” singhal ni Josh habang tinutusok ng hintuturo ang matipunong dibdib ni Igi na hindi naman mapigilang mapahagikgik dahil sa pagkakiliti na lalong ikinainis ni Josh. “You're also childish and the person I hate the most!” tuloy ni Josh na ikinatigil naman sa paghagikgik ni Igi.


“Well, let's describe you, then. Let's start with, mean, over competitive, rude and a friend who turns his back from his best friend the moment he became popular--- oh and let's not forget about being a self absorbed prick who also likes to make my life miserable!” balik naman ni Igi.


“Asshole! Ikaw kaya itong---” simula ni Josh, isusumbat sana ang mga sinabi ni Igi sa kaniya noong huling araw na ikinukunsidera ni Josh na banal pa ang kanilang pagkakaibigang dalawa.


“Brat!” singit ni Igi upang lalong inisin ang namumula ng si Josh. Sasagot pa sana ulit si Josh sa pasaring na iyon ni Igi at isusumbat na talaga sana ang mga sinabi ng huli nung naghiwalay sila noong hapon na iyon sa mall nang biglang umalingawngaw ang boses ni Mrs. Roxas.


“Quiet, children!” saway ng guro sa buong sasakyan na nagsisimula ng umingay dahil sa sabayang pagsasalita ng lahat. Hindi na muli pang itinuloy ni Josh ang sasabihin, ipinasak na lang niya ang earphones sa tenga at itinodo ang volume ng kaniyang pinakikinggan sabay pikit, pilit na binura ang mga sinabi ni Igi sa kaniya at pilit na iniisip na wala si Igi sa kaniyang tabi habang si Igi naman ay nagkasya na lang sa tahimik na pagtingin sa bawat madaanan ng kanilang sasakyan, malungkot na iniisip ang mga sinabi ni Josh.


Pero kahit anong pagbura ang gawin ni Josh sa mga sinabi ni Igi sa kaniyang isip ay hindi niya ito magawa lalo pa't si Igi ang nagsabi nito, kahit pa gaanong kalakas ng volume ng kaniyang pinakikinggang kanta ay boses at ang mukha ni Igi ang kaniyang naririnig at nakikita kahit pa malapat ng nakapikit ang kaniyang mga mata.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment