Friday, January 11, 2013

Breaking Boundaries (Prologue-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[Prologue]
Double cheeseburger, large fries, large coke at 6 pieces mc nuggets ang kasama ko sa hapagkainan ngayon, nito na lang ulit ako nakakain sa isang fastfood chain, di maikakaila ang tuwa na nararamdaman ko. Naramdaman kong gumalaw si Ivan sa aking tabi, siya ang aking assisstant maglilimang taon ko na siyang kasama, para na siyang kapatid para sakin. Kaya naman bawat kilos nito ay saulado ko na.




“Ivan, sige na lapitan mo na, baka mamya makawala pa yan.” sabi ko sabay hagikgik.



“Sir Marcus naman, alam niyo naman pong di ko kayo maiiwan dito magisa.” sabi nito, may himig ng pagkahiya sa boses nito.



“Tapos mo na lahat ng dapat mong tapusin, diba? Saka dito lang naman ako eh, uubusin ko ang fries ko.” pangungumbinsi ko dito.



“S-sige po, dyan lang po kayo, Sir Marcus ah, babalik ako agad.” nahihiya paring sabi nito.



“Ah eh, Ivan, siguraduhin mo lang na wala pang boyfriend yang lalapitan mo ah, kung sakaling magkaroon ng away di ko kayang sumaklolo sayo.” biro ko dito at sabay kaming napatawa. Pinisil ni Ivan ang balikat ko bilang tanda ng pasasalamat sabay tayo.



Masaya ako at nakawala rin ako sa wakas sa nakakasakal na mundo ng aking opisina, being a company's VP has it's perks pero it definintely has it's downside also, lalo na para sa katulad ko. Napansin kong umingay ang paligid, dumami ang tao dahil marahil tanghalian na at may mga estudyante na na naglabasan sa kanilang school para sa lunch break.



Sinubukan kong imaginin ang nangyayari ngayon sa aking paligid. Sinubukan kong ipinta sa aking isip ang mahabang counter kung saan kumukuwa ng orders ang mga crew at kung saan nagbabayad ang mga customers, in-imagine ko ang mga estudyanteng naghaharutan at nagkukulitan sa pila at ang mga crew na busy sa pagtratrabaho.



“Excuse me, Sir. Can I have this chair, kulang kami ng isang upuan eh.” pahayag ng isang babae. Naglaho ang mga imahe na aking ipininta sa aking isip. Bumalik sa madilim at blangkong itsura ang paligid.



“I'm sorry Miss, I'm blind and I don't know how many chairs are there alloted for this table, I have my assistant with me and I don't want him to stand the whole time while I'm finishing my fries in case I gave his chair to you.” magalang kong sabi sa babae. Natigilan ito saglit, suminghap atsaka nagsalita ulit.



“There are four chairs alloted for this table, sir.” magalang ding balik nito sakin.



“Oh, ok then, you can have two chairs.” sabi ko dito sabay ngiti.



“Tha-thank you.” sabi nito, tumango lang ako.



“Bu-bulag pala si-siya.” bulong ng babae sa kaniyang mga kasama, isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko.



Totoo ang sinasabi nila, isa sa mga senses ang mawala sayo and the other's will go on overdrive. I lost my eyesight and after sometime I mastered my other senses, I could hear well kahit na may isang dipa ang layo mo sakin at nabulong ka sa kasama mo, same with sense of smell and touch.



Of course, hindi naging ganitong kadilim ang paligid ko sa loob ng twenty eight years kong nabubuhay sa mundo. Naaalala ko ang itsura ng nakagisnan kong mundo. Magulo, siksikan at puno ng ingay pero sa kabila ng ingay, gulo at nagsisikang tao ay meron akong hindi napapansin na tahimik na nagmamasid. Ang matitingkad na kulay ng bulaklak, mga matatayog na puno at ang kalangitan na may mayamang kulay bughaw na may panakanakang kulay puti na ulap.



These are the simple things that I took for granted before. Ngayong wala na akong kakayahang makita pa ulit ang mga iyon saka ko naramdaman ang matinding pagsisisi. Nagsisisi ako kung bakit di ko pa nagawang saulohin lahat ng mukha ng mga taong kilala ko at ni hindi ko nagawang magbigay ng oras para pansinin ang magagandang tanawin at iba pang magagandang bagay.



“Excuse me.” basag ng isang lalaki sa aking pagmumuni muni, di ako sumagot sapagkat di ko alam kung ako nga ba ang kinakausap nito.



“ahm excuse me, Sir, pwede makishare ng table? Puno na kasi yung ibang lamesa eh.” paalam nito, medyo pamilyar ang boses nito, di ko parin ito pinansin.



“Sir?” tawag ulit nito sabay kalabit sakin.



“Oh, I'm sorry, didn't know you were talking to me.” paghingi ko ng paumanhin dito, tulad ng ibang tao na nakaalam ng aking pagiging bulag sa unang pagkakataon ay napasinghap din ang lalaking nagtanong sakin. Di mo kasi masasabi na hindi ako nakakakita, lalo na kapag nakasuot ng aking shades.



Pero mas matagal ang pananahimik ng isang ito, kundi ko lang nararamdaman na nakatingin ito sakin at naririnig ang mabibigat na paghinga nito sa aking tabi ay marahil naisip ko na na umalis na ito. Napasinghap ulit ito.



“Pwede kang umupo sa isang upuan, pero leave the other one vacant.” sabi ko dito.



“T-Thank you.” bulalas ng lalaki, may iba sa boses niya. Parang narinig ko na iyon dati, pero syempre naisip ko na pati ang boses ng mga tao ay may nagkakapareho rin.



Naamoy ko ang mga pagkain na nilapag nito sa lamesa. Double cheeseburger, large fries, large coke at 6 pieces mc nuggets, pareho kami ng inorder. Napangiti ako. Di ko mawari pero hindi lang iyon ang aking napansin, nararamdaman kong sakin ito nakatingin. Di lang basta tingin, nakatitig siya sakin. Di na ito bago sakin. Marami sa aking nakakasalamuha ang tumititig sa aking mukha, tila ba naniniguro kung bulag nga ako.



Mayamaya pa ay narinig ko ulit ito magsalita.




“In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen. God is good, God is great, Thank you Lord for all these grace. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen.”



Natigilan ako sa narinig kong iyon. Isang tao lang ang kilala kong ganoon magdasal ng before and after meals.



“Tara na Maki! Nagugutom na ako.”


“Eto na Jana!” sigaw ko sa aking bestfriend.


“Nagugutom na ako.” bulalas ulit nito, sa totoo lang ako din, matapos naming makipagbuno sa mga iba't ibang chemical reagents, flask at testubes ng tatlong oras ay sino nga bang di magugutom.



“Eto na nga eh pipila na!” sabi ko naman dito habang sinisiko ang mga nauna naming kaklase sa pila sa cafeteria.



Tatlong buwan na ang nakakalipas nang maging magkapartner kami ni Jana sa subject naming chemistry. Nung una ay nagaalangan akong kausapin ito sapagkat isa ito sa mga tinitingala sa aming batch, maganda, matalino at mabait, ang tatlong “M” na hinahanap ko sa isang babae, pero nang makasama ko ito sa isang seatwork saka ko na laman na napaka down to earth pala nito at simula noon ay halos araw araw na kaming magkasama.



“Oh ayan, favorite mo.” sabi ko dito nang abutan ko itong nakayuyok sa kaniyang libro.



“YEHEY!” sabi nito at tinulak sa isang tabi ang makapal niyang libro. Sinimulan ko ng ayusin ang aming kakainin at nang sa aktong susubo na ako ay...



“Hep hep hep!” pigil nito sakin.


“What?! Di ka pa ba nanlalambot dun sa ginawa natin kanina sa lab?” sabi ko dito.



“Di pa tayo nagpre-pray.” sabi nito at inirapan ako, mayamaya ay iniyuko na nito ang kaniyang ulo, nagantanda at pinagsalubong ang dalawang kamay na miya mo bata.



"God is good. God is great. Thank You Lord for all these grace."


Nakapikit ito, di ko mapigilan ang mapatitig sa maamo at napakaganda nitong mukha. Pagkatapos na pagkatapos nitong magadasal ay agad nitong kinuwa ang kutsara't tinidor at sumigaw ng...



“Chicken Nuggets, you're mine!” sabi nito saka nilantakan ang kaniyang chicken nuggets.



“Ganda ganda mong babae kung maka kain ka kala mo ka mauubusan.” bulong ko pero narinig ako nito at tumawa ng malakas.



Naramdaman kong nawala lahat ng kulay sa aking mukha. Di makapaniwala sa aking narinig, walong taon na ang nakakaraan pero parang napakalinaw parin itong nakaukit sa aking alaala na para bang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon.



“Chicken Nuggets, you're mine!” sigaw ng lalaki sa aking tapat. Lalo akong nanlumo sa narinig.



Naramdaman ko ang pagupo ng isang tao sa isa pang bakanteng upuan sa aking tabi na nakalaan kay Ivan. Wala na akong lakas pang makipagtalo sa taong nangahas umupo doon ng walang paalam.



“Sir, ok ka lang ba?” tanong sakin ni Ivan. Napabuntong hininga na lang ako ng malaman kong hindi pala kung sinosino na lang ang umupo doon. Tumango lang ako sa tanong niya.



“Di niyo pa po nauubos ang binili niyo.” sabi sakin ni Ivan. Di ko magawang sumagot dahil nararamdaman kong sakin nanaman nakatingin ang lalaking naki-share ng table sakin kanina.



“N-nawalan n-na ako ng g-gana eh.” bulalas ko kay Ivan.



“Nako, Sir, kailangan niyo pong kumain ng marami bago kayo uminom ng gamot niyo. Kahit ubusin niyo na lang po yung double cheeseburger niyo.” panungumbinsi ni Ivan sakin. Tumango na lang ako.



Tahimik. Ramdam kong sakin parin nakatingin ang lalaki.



“Pareho kami ng boss mo ng kinakain.” pabulong na sabi ng lalaki kay Ivan.



“Nako, tol, wag na kayong magatubili pang bumulong naririnig din kayo ng boss ko, diba Sir Marcus?” baling sakin ni Ivan, tumango lang ako at naramdaman ko ang pagpisil ulit nito sa aking balikat.



“S-sorry.” sabi ng lalaki.



“Di k-ko lang k-kasi mapigilang m-mapansin na pareho tayo ng hilig kainin.” sabi ulit nung lalaki pero di ko na ito pinansin.



“Siya nga pala, Jeffrey Gonzales.” pakilala nito samin dalawa ni Ivan.



Lalo akong kinabahan at nangilid na ang aking mga luha. Luha na hindi ko alam na meron pa pala ako sa loob ng walong taon.



“Ivan, pare at ito ang aking boss na si Marcus Tiangsan.” pakilala ni Ivan sa sarili at sakin.



Tahimik. Nagpapakiramdaman lahat. Naramdaman ko na lang na may umabot ng aking kanang kamay at inalog iyon. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang kamay papunta sa aking katawan. Lalo akong nanghina. Agad kong inalis ang aking kamay sa pagkakahawak ng lalaki.



“Ivan, we need to go, may tatapusin pa pala ako sa opisina.” sabi ko sa aking assistant, natahimik naman ito marahil ay nagtaka kung bakit biglaan.




“Ah s-sige po. P-pero Sir Marcus, pwede bang mag- CR muna ako?” kinakabahang tanong sakin ni Ivan, tumango lang ako.



“Excuse me, Jeffrey.” paalam ni Ivan bilang pagbigay galang sa aming bagong kakilala.



“Jepoy na lang, pare.” natigilan ako habang naramdaman kong umalis sa aking tabi si Ivan.



“Ok ka lang ba, Maki?” tanong sakin ni Jeffrey and again my senses went on overdrive.



“Maki this is Jepoy” pakilala samin ni Jana, iniabot ni Jepoy ang kamay nito sakin na malugod ko namang tinanggap kahit na taliwas ito sa aking gustong gawin.



“Torpe mo kasi eh!”sabi ng utak ko.



Halos tatlong taon na kaming mag bestfriend ni Jana at sa tatlong taon na iyon ay di ko maiwasang magkagusto dito, maganda, matalino at mabait, sinong hindi magkakagusto dito? Pero hindi ko rin masabi kay Jana ang aking tunay na nararamdaman.



“Marcus.” pagtatama ko kay Jana.



“Si Jana lang ang nagpangalan sa akin ng Maki.” sabi ko dito habang binabawi ko na ang aking kamay.



“Ok lang yun pare, di ka nagiisa, Jeffrey ang pangalan ko pero Jepoy ang pinangalan sakin ni Jana.” sabat naman ni Jepoy.



“Cute nga eh.” sabat naman ni Jana.



“Sir, are you ready to go?” tanong ni Ivan sa aking likod, tumango lang ako. Inalalayan ako nito patayo pero bago pa man ako maglakad palayo kasama si Ivan ay nagsalita ulit si Jepoy.



“How long are you going to ignore me? Till when are you going to shut me out of your life?” tanong nito.



Napatigil ako, ganun din si Ivan.



“Ivan, let's go.” bulong ko, di alintana ang nanginginig ko ng mga kamay.



0000ooo0000



“Sir, magkakilala po pala kayo nung Jeffrey?” tanong sakin ni Ivan habang nasa loob ng sasakyan. Tumango lang ako.




“Sir, di naman po sa pangengeelam, ho, pero kanina nung bago tayo umalis nung may tinanong siya sa inyo ay kitangkita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, sa tingin ko nga po iiyak na siya eh.” habol pa ni Ivan, agad kong ibinaling ang aking mga mata sa gawi ng bintana at hindi pinahalata kay Ivan ang tumutulo ko ng mga luha.


[01]
Halos ihiga ko na ang sarili ko a mahabang mesa na iyon ng National Library dahil sa antok, pinilit ko kasi talagang gumising ng maaga dahil ayaw kong may pinagiintay akong tao, kaya ang siste ako ang madalas na magintay para sa mga taong Ime-meet ko. Tumingala ako at hinanap kung saan maaaring nanggagaling ang malamig na hangin na siyang nagpapapaantok sakin.


Para akong tanga na nakatingala at medyo nakaawang pa ang bibig ng tumunog ang cellphone ko. May nagtext, agad kong inabot ang aking telepono at binasa ang kadadating lang na mensahe.


“Sorry, medyo tinanghali ako ng gising eh, andito na kami sa lobby.” sabi ng aking kausap para sa umagang iyon.



Kung ibang tao ito ay malamang nag-walk out na ako o kaya naman ay iintayin ko nga sila pero sisinghalan ko ng sisinghalan at sesermunan tungkol sa punctuality, pero iba itong kausap ko ngayon. Napamaang ako ng makita ang taong aking i-me-meet, si Jana. Ang bestfriend ko, ang pinakamagandang babae sa buong mundo, ang pinakamabait at pinakamatalino.


Habang pinapanood ko ito na naglalakad papalapit sakin ay di ko mapigilang lalong humanga dito, Para itong hindi lumalabas ng bahay sa sobrang puti na siya na mang lalong nagpatingkad sa kulay ng kaniyang buhok na kulay itim na siya ring straight na straight na ang haba ay hanggang bewang. Kahit anong isuot nito ay talaga namang bagay sa kaniya, pero ang pinakabagay sa kaniyang kulay ay ang kulay puti, lalo kasi itong nagmumukhang anghel, gaya ng itsura niya ngayon.


Nang makalapit na si Jana sa aking kinauupuan ay agad itong umikot papunta sa aking kinauupuan at humalik sa aking pisngi. Pinagmasdan ko ang mukha nito, napakaamo, walang kapintasan. Ang sarap titigan.


“Ahem. Drool alert!” sabi ng isang lalaki na asa tapat ng kinauupuan ko sa kabilang bahagi ng lamesa. Agad nasira ang araw ko.


Siya si Jeffrey Gonzales, ang pinakamahangin, may pinakamasamang ugali at ang may pinakamakitid na ulo na tao na nakilala ko sa tanang buhay ko, kung gaanong kalaki ng katawan nito ay siyang liit naman ng kaniyang utak. Kung gaano kagandang lalaki naman nito ay siyang bulok ng pagkatao nito. Siya si Jeffrey o mas kilala sa tawag na Jepoy ang aking arch enemy at ang taong umagaw sakin kay Jana.



“Goodmorning Jepoy.” sarkastiko kong sabi dito, agad namang umikot si Jana at tinapik ito sa balikat, tumawa lang si Jepoy.



“Tatanungin ko sana kung bakit ka na-late pero nang makita ko si Jepoy parang alam ko na agad ang sagot sa tanong ko.” sabi ko kay Jana, tinignan ako ng masama ni Jepoy saka ngumisi.


“Goodmorning, Marcus Tiangsan.” sarkastikong sabi sakin ni Jepoy. Inabot nito ang mukha ni Jana at hinalikan ito sa labi.


“Ano ka ba Jepoy! Nakakahiya kay Maki oh.” sabi ni Jana, pero walang galit sa sinabi nito, nangingitingiti pa nga ito na miya mo kinikilig.


“So, Jana, ito yung nakita kong mga mali sa thesis natin, nilagyan ko na ng highlights para magawan ng paraan. Ito na lang yung aasikasuhin natin ngayon.” pahayag ko dito.


“Pss! Show off! Patingin nga ako, baka makatulong ako.” may pagkamahanging sabi ni Jepoy. Inismidan ko ito.



“Wag na, baka magoverload ang utak mo at magcrash pag nabasa mo ang unang salita palang sa thesis namin.” nangaalaska kong sabi dito, agad namang bumawi si Jepoy at hinablot sakin ang aking kopya ng thesis.


0000ooo0000


“Bakit hindi na lang ibang theory ang gamitin niyo for your study, this theory is complicated, baka mahirapan pa kayo sa defense niyo.” mungkahi ni Jepoy, agad naman akong napamaang, tama siya halos lahat ng hinay-light-an ko na mga may loophole sa aming thesis na baka masilip ng mga panel ay kunektado sa aking piniling theory. Agad kaming nagkatinginan ni Jana habang si Jepoy ay kunot noo paring nagiisip tungkol sa aming theory.


Nginitian ako ni Jana, nagbuntong hininga naman ako.


“Ok. I think magandang idea na palitan nga ang theo...” di pa man ako natatapos magsalita ay agad lumatay sa mukha ni Jepoy ang ngiti, ang ngiti ng tagumpay ang ngiti ng pangaasar sakin.


“Wow! THE Mr. Marcus Tiangsan nag concede sa isang taong may maliit na utak tulad ni Jepoy Gonzales.” agad namang siniko ni Jana si Jepoy.



“Maki, wag mo siyang isipin. I think it would be better if I change the theory, tutal madami ka naman ng nagawa saka parang kailangang kailangan mo ng isang mahaba habang tulog.” sabi sakin ni Jana.


“Not just sleep, Hon. I think he also needs to get laid.” nangaasar na sabi ni Jepoy, agad naman itong siniko ni Jana. Ngumiwi naman ito.


“Ok lang naman sakin.” sabi ko kay Jana habang binibigyan ng masamang tingin si Jepoy.


“Ok, sige, tingin ko tapos na tayo dito. Maki may iba pa bang dapat ibahin?” tanong ulit ni Jana umiling na lang ako.


“Yehey! Makakapagdate narin kami! Haha!” sabi ni Jepoy sa tabi nito.


“Pero bago yun, pupunta muna ako sa CR.” sabi ni Jana saka hinalikan sa pisngi si Jepoy. Ngumiti naman si loko.


“Please don't kill each other while I'm gone.” natatawang sabi ni Jana bago umalis sa aming pwesto, sinaluduhan lang ito ni Jepoy, agad naman akong yumuko at halos isayad ulit ang sarili kong ilong sa notebook na aking sinusulatan.



Nagiisip ako ng magandang salita na pwedeng gamitin para sa aming thesis ng makaramdam ako na para bang may nakatitig sakin, agad kong tinignan si Jepoy, agad itong nagbawi ng tingin, halatang pinipigilan ang sarili na mapatawa. Agad kong ibinalik ang aking atensyon sa aking notebook at maya maya ay nakaramdam nanaman ako na para bang may nakatitig ulit sakin. Tinapunan ko ulit ng tingin si Jepoy, agad din itong bumawi ng tingin, iginawi ang tingin niya sa kabilang direksyon saka sumipol.


Di ko na ito pinansin pa, tumalikod ako dito at humarap sa katabing silya, nagiisip ulit ako ng magandang salita na pwede kong magamit ng biglang may lumagpak sakin na isang maliit na papel na binilog, kasing laki ito ng sago sa halo halo ng chowking. Alam kong si Jepoy iyon na nangiinis lang.


Mayamaya pa ay may tumama nanaman sa aking batok na binilot na papel, nagbuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang aking pagsusulat. Naging madalas na ang pagbato sakin ni Jepoy ng mga binilot na papel na halos mapuno na ng kalat ang aking kinauupuan. Naginit ang aking ulo at binaling ko sa kaniya ang aking tingin, saktong pagharap ko ay lumanding saking ilong ang isang binilot na papel, huling huli si mokong sa katarantaduhang ginagawa. Umiling lang ako at lumipat ng ibang lamesa.



Mayamaya pa ay naramdaman kong may tumabi sakin, si Jepoy, nangungulit parin. Sinimulan kong magsulat ulit. Maya maya ay nakaramdam ako ng pangangalabit, hinarap ko ito, bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Jepoy.



“Bakit?!” singhal ko dito. Umiling lang ito.


“Wala naman.” sagot nito, ibinalik ko ang aking atensyon sa pagsusulat ulit. Maya maya pa ay kinalabit nanaman ako ni Jepoy. Di ko ito pinansin pero naging panay panay na ang pangangalabit nito na medyo humahapdi na ang lugar na pinagkakalabitan nito.



“Bakit ba?!” halos pasigaw ko ng tanong dito, buti na lang at naalala kong asa library pa ako at napigilan ko ang sarili ko mula sa pagsigaw.



“Hehe. May binilot na papel ka kasi sa buhok mo.” natatawang sabi nito, agad kong pinagpag ng aking kaliwang kamay ang aking buhok at mula doon ay naglagpakan ang sandamakmak na binilot na papel, tinignan ko ng masama si Jepoy, pinipigilan nitong ngumiti. Inabot nito ang aking buhok at inalis ang ilang natira sa aking pagpapagpag, dun ko muling natitigan si Jepoy, gwapo talaga ito, malaki ang katawan, parang ang sarap yakapin.



“Yakapin?! Lalaki si Jepoy, may girlfriend siya, bestfriend mo pa nga! Saka di pwedeng magkagusto ka sa kaniya, lalaki ka, lalaki rin siya.” dikta ng isip ko, dun ko napansing magkatitig na pala kami ni Jepoy, nakaplaster parin sa mukha niya ang pangaalaska pero dun ko lang din napansin na masyadong magkalapit ang aming mga mukha. Agad akong umiwas dito, narinig kong humagikgik si Jepoy sa aking tabi.



Nang masigurong wala ng nakasabit na binilot na papel sa aking buhok ay ibinalik ko ang aking pansin sa aking notebook, marahas kong ipinikit ang aking mga mata tanda ng pagpipigil ng aking galit at kgustuhang yakapin si Jepoy. Habang nakapikit ay naramdaman ko nanaman ang pagkalabit ni Jepoy.



“Ano nanaman ba?!” di ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na. Humahagikgik si Jepoy matapos akong bulyawan ng librarian.



Sinimulan ko ng ayusin ang aking gamit, alam ko kasing mangungulit nanaman si Jepoy at kesa naman ma-ban na ako ng tuluyan sa library na iyon ay naisipan ko na lang na lumabas. Di na ako nagpaalam kay Jepoy, nabubwisit ako doon.



Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong napabuntong hininga, malakas ang ulan at wala akong dalang payong, wala naman akong sasakyan at lalong wala akong pang taxi. Nagiisip ako ng magandang paraan para makauwi ng makaramdam nanaman ako ng kalabit. Si Jepoy, nakangiting nakakaloko.



“Hehe, pinalabas ako ng librarian, nagkalat daw kasi ako, ibinuka ni Jepoy ang kaniyang mga palad at nandun ang mga binilot niyang papael na ginawang panginis sakin kanina.” di ko na siya pinansin at tumingin na lang sa kabilang direksyon. Nakakita ako ng isang bench kung saan pwede akong magpatila ng ulan. Agad kong inilabas ang aking notebook at nagsulat don.



“Pwedeng makitabi?” tanong nanaman sakin ni Jepoy, umisod ako ng konti. Maya maya pa ay naramdaman kong nakatingin ito sakin, tinignan ko siya saka nagbawi nanaman ito ng tingin, pinipigilan ulit ang sarili na mapangiti.



Di ko na ito pinansin pa at napabuntong hininga na lang. Saka nagtanong sa sarili kung bakit ang tagal ni Jana. Nasa ganito akong pagiisip ng kalabitin nanaman ako ni Jepoy. Tiningan ko ito, hinahanda na ang sarili na sabihin nitong... “Wala lang.” pero hindi, nakaturo ito sa aking kaliwang kamay.



“Kaliwete ka pala?!” sabi ni Jepoy habang nakaplaster nanaman sa mukha nito ang mukha ng isang inosenteng bata na miya mo noon lang nakakita ng taong kaliwete magsulat.



“Oh, eh ano naman ngayon?!” bulyaw ko dito. Ngumiti ito.



“Ako din eh, kaliwete!” sabi nito sabay agaw ng aking notebook at ballpen saka nagsulat. Di ko alam kung matutuwa o maiinis sa taong asa aking tabi.



“Bakit umalis kayo dun sa pwesto natin? Hinanap ko kaya kayo!” sabi ni Jana sa aming likod, napakamot naman sa ulo si Jepoy at yumuko ng ikinuwento ko ang kawalanghiyaan na ginawa sakin ng kumag.



“Hay nako, umuwi na tayo, ayaw ko ng magdate!” sabi ni Jana kay Jepoy ng matapos akong magkwento, pareho kaming nagulat ni Jepoy, di ko naman kasi akalain na maaapektuhan ng pagsusumbong ko ang date nilang dalawa.



“Hon, kinukulit ko lang naman si Marcus eh.” pagsusumamo ni Jepoy.



“Ayoko na Jeffrey Gonzales! Umuwi na lang tayo, parusa mo yan sa panggagalit kay Maki. Saka malakas narin ang ulan oh, ano pa makikita natin niyan sa Intramuros?!” nakatiklop kamay sa dibdib na sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend, agad namang sumimangot si Jepoy at tinignan ako ng masama.



“At hindi lang yan! Dahil napalabas si Maki ng library dahil sa pambabalahura mo, ihahatid mo siya pauwi sa kanila!” sigaw ulit ni Jana sa kaniyang boyfriend, lalong humaba ang nguso ni Jepoy.



“Di ko naman kasalanan na sumigaw siya eh, saka hindi naman siya napalabas. Lumabas siya, Hun.” katwiran nito sa kaniyang nobya, di ako makapagsalita at medyo naiinis ako sa dalawa dahil inipit pa nila ako sa pagitan ng pagaaway nila.



0000ooo0000



“Hun, di na ba talaga tayo magde-date?” tanong ulit ni Jepoy kay Jana ng bababa na sana ito ng sasakyan at papasok na sa kanilang bakuran.



“Ihatid mo si Maki. Tatawag ako kila Tita Chedeng kaya malalaman ko kung hinatid mo siya o hindi.” sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend.



“Hun, naman eh.” pangaaalo ulit ni Jepoy pero tumalikod na si Jana at tumatakbaong tinungo ang kanilang frontdoor. Nagbuntong hininga lang si Jana sabay tingin sakin ng masama sa rearview mirror nito.



0000ooo0000



“S-salamat.” bulong ko kay Jepoy ng maihatid na ako nito sa aming bahay, di ito sumagot, medyo nakokonsensya naman ako sa ginawa ko.



“J-Jepoy, gusto mo bang pumasok muna sa loob?” tanong ko dito, pampalubag loob na lang siguro, tiningan lang ako nito na para bang iniintay na sumigaw ako ng “joke.” Napabuntong hininga ulit ako saka inayos ang aking mga gamit at naghanda ng bumaba ng sasakyan.



“Pasensya ka na kung nasira ko ang l-lakad niyo. S-salamat ulit sa paghatid.” bulong ko at tuluyan na akong sumugod sa ulan.



0000ooo0000


“Nay, andito na ako.” tawag ko sa aking nanay pagkapasok ko ng bahay, sumagot ito, marahil nasa kusina. Maya maya ay nakarinig ako ng pagkatok sa front door, nagtataka akong tinungo iyon.



Nagulat ako ng pagbuksan ko ang kumatok. Si Jepoy.



“J-Jepoy?” tanong ko. Ngumiti ito.



“Ah eh, pasok ka.” aya ko dito. Pumasok naman ito.



0000ooo0000


“Anak, tamang tama ang dating mo, gusto sana kitang kausapin, tungkol sa tuition fee mo this coming sem, tutal isang sem nalang naman. Pwede bang gawin mo ulit ang pagstu-student assistant mo saka ang pagtu-tutor. Medyo made-delay kasi ang padala ng tatay mo eh.” daredaretsong sabi ng nanay ko nang makapasok kami ni Jepoy ng kusina, ipakikilala ko sana si Jepoy pero di ito napansin ng aking ina at tuloy tuloy na ito sa paglilitanya, pagharap ng aking ina ay nagulat ito sa presensya ni Jepoy.



“Ah eh, pasensya na, may bisita ka pala, Marcus, bakit di mo naman sinabi agad.” sabi ng aking inay saka pasimpleng inayos ang buhok pati na ang bestida. Napangiti naman si Jepoy at lumapit sa aking ina.



“Hello Tita, Jepoy po pala ang pangalan ko.” pakilala nito sa kaniyang sarili saka bumesobeso sa aking ina na ikinagulat naman naming magina.



0000ooo0000



“Aba eh nakakatuwa pala itong kaibigan mo.” pahayag ng aking ina matapos naming makapagkwentuhang tatlo. Tuwang tuwa ang nanay sa kakwelahan ni Jepoy.



“Ngayon lang yan, Nay, intayin mong magtransform at mangulit. Makakalbo kayo sa sobrang inis.” pabulong kong sabi, narinig naman ito ng aking ina na nagbigay ng matalim na tingin sakin, napatingin ako kay Jepoy, nangingitingiti ito.



0000ooo0000



“Sir, pinapatawag niyo daw po ako?” tanong ko sa DEAN ng department ng BSBA.



“Tungkol dun sa hiling mong mag tutor ulit. May lumapit sakin na gustong magpatutor sayo.” sabi nito sakin at iminuestra niya ang kaniyang kamay na nagsasabing umupo ako. Humarap ito sa kaniyang telepono at pinindot ang isang button nito.



“Malou, papasukin mo na yung bata.” sabi nito sa receiver ng kaniyang telepono. Agad na bumukas ang pinto ng kwarto at napanganga ako sa nakita kung sino ang aking tututor-an.



“Marcus Tiangsan meet Jeffrey Gonzales.” napanganga ako sa sinabi ng DEAN na iyon. Napangisi naman si Jepoy.



“Patay na.” bulong ko.



Itutuloy.


[02]
Tinitignan ko ng masama si Jepoy habang naglalakad kami palabas ng DEANS office, napaka-cool nito, para bang walag problema sa buhay, pagkalabas na pagkalabas namin ng pinto ng office ay nagsimula na itong pumito at maglalakad na sana papunta sa kabilang direksyon ng aking tatahaking hallway ng pigilan ko ito.


“Drop it, Jepoy. Anong pinaplano mo?” tanong ko dito, natigilan ito sa pagsipol at paglalakad masuyo itong humarap sakin at ngumiti.


“Plano kong makatulong sayo at tumaas ang grades ko para sa summer di ko na kailangang umattend na mga subjects na ibabagsak ko kung di mo ako tu-tutor-an.” natigilan ako sa sagot niya, marahil nakita niya ang pagaalinlangan sa mukha ko. Sa totoo lang di naman bobo itong si Jepoy, tamad lang, kaya di naman siguro magiging mahirap ang turuan siya.



“C'mon, Maki. It's a win win proposal. Kailangan natin ang isa't isa, lalo na ngayong wala akong sembreak just so I can catch up with those subjects na ibinagsak ko last sem.” pahayag ulit nito atsaka tumalikod na at naglakad palayo.


“It's Marcus, not Maki.” pagtatama ko dito, ngumiti lang ito at binalewala ang aking sinabi.


“Sabay ka ng umuwi samin ni Jana mamya. Dun tayo sa bahay namin, kailangan ko ng tulong mo sa accounting.” sabi nito, napailing na lang ako.


“Papa Lord, bigyan niyo po ako ng sign kung dapat ko pang ituloy ito.” sabi ko sa sarili ko sa sobrang kaba, kilala ko kasi si Jepoy, pwede akong inisin nito sa buong oras na tinuturuan ko siya at sa totoo lang wala pa akong pangarap na makalbo agad.



Wala pa mang ilang minuto ko hiniling kay Papa Lord ang sign ay agad na niya itong binigay, biglang bumukas ang pinto ng DEANS office na siya namang katapat ng kinatatayuan ko ang siste, sapul ako sa ulo nito. Napahiga na ako sa hallway sa sobrang lakas ng impact. Dumilat ako at nakita ang DEAN na naka dungaw sakin.


“Ano ba naman kasing ginagawa mo diyang bata ka?” tanong nito sakin saka ako tinulungan patayo.



0000ooo0000


Nanlulumo kong binasa ang mga report na nakaahin saking harapan ng bigla akong sikuhin ni Jana mula sa aking kaliwa, tinignan ko ito at nagulat ng makita ko itong nakasimangot.


“May hindi ka sinasabi sakin.” bungad nito sakin.


“H-ha? Di ko alam ang sinasabi mo.” pagmamaangmaangan ko, itiniklop nito ang kamay sa kaniyang dibdib sabay pout ng lips.


“Marcus Tiangsan! Nagsisinungaling ka na sakin ngayon?!”


“No choice, ayaw kong sabihin sayo na medyo gipit kami dahil alam kong manghihingi ka nanaman sa papa mo, nakakahiya, Jana. And don't worry about kay Jepoy, I backed out.” sabi ko dito sabay balik sa aking binabasa.


“Ano bang masama sa konting tulong? And I talked with the DEAN, sabi ko you'll be doing the tutorials for Jepoy.” sabi nito sabay tabi sakin.


“Ayoko na Jana, alam mo namang magkaka World War 3 kapag magkasama kami niyang boyfriend mo eh. Nagpasa na ako ng bio data for more student assistant jobs here sa campus.” paliwanag ko dito.


“Please, Marcus. Jepoy needs your help and you need the money.” sabi ni Jana sabay hawak sa kamay ko, ito ang ikinatatakot ko, sa tuwing gagawin kasi ito ni Jana ay hindi na ako makakahindi sa kaniya.



0000ooo0000



Nakangiting gago si Jepoy habang nagmamaneho, ako naman ay di mapakali sa likod, kinakabahan sa pantri-trip na gagawin sakin mamya ni Jepoy. Hinampas ni Jana ang braso ni Jepoy, tumigil naman ito sa kakangisi.



“Umayos ka mamya kapag tinuturuan ka na ni Maki ah?!” banta ni Jana, tumango lang si Jepoy, halatang nagpipigil sa tawa.



“J-Jana, wag na lang kaya?” tanong ko dito.



“Tss! Maki, wag ka nga! Kailangan niyong dalawa to!” sabi nito sabay ismid.



Nang maihatid na namin si Jana sa harap ng bahay nila ay dumungaw muna ito sa bintana at pinaalalahanan muli si Jepoy, tumango lang si Jepoy pero may kakaibang ngiti ito. Lalo akong kinabahan. Nang pumasok na si Jana sa loob ng bahay ay biglang lumingon sakin si Jepoy.



“Ano ako, Driver?! Lumipat ka na dito sa unahan!” utos nito, bumaba ako at ng aktong aabutin ko na ang handle ng pinto sa passenger seat ay bahagyang umabante ang kotse, nakita ko si Jepoy na humahagalpak ng tawa sa loob.



“Tagal mo naman!” sigaw ulit nito pero ng aabutin ko ulit yung handle ay umabante nanaman ito. Nagpintig ang tenga ko naglakad ako palayo dito, pauwi ng bahay.



“C'mon Maki, I'm just messing with you, sakay ka na.” saad nito at siya na mismo ang nagbukas ng pinto, nilagpasan ko ito, muli niyang isinara ang pinto at umabante, sinasabayan ang lakad ko. may kung anong kademonyohan ang pumasok sa kukote ko, naglakad ako papunta sa kabilang direksyon, umatras naman si Jepoy.



“Maki, sorry na.” sigaw ulit nito, sabay nito ay ang malakas na kalabog, naatrasan ni Jepoy ang isang malaking basurahan.



“Wag mo akong tawaging Maki! Marcus ang pangalan ko!” sigaw ko dito.



“Bakit kapag si Jana...?”



“Bakit?! Ikaw ba si Jana?!” balik ko dito, umiling lang ito.



Agad na bumaba si Jepoy para tignan ang damage sa kaniyang kotse, may gasgas sa bumper nito, pinandilatan ako nito ng mata saka naiiritang sinabunutan ang sarili at nagpapapadyak.



“Ang tagal mo naman?! Sakay ka na!” sigaw ko sabay sakay sa may passenger seat.



0000ooo0000



“Papatayin ako ni Dad.” bulong nito sabay iling.



“San ka ba kasi natutong magdrive?! Ga-bobo mo kasi, diba dapat kapag umaatras nakatingin ka sa likod, sa dalawang side view mirrors saka sa rearview mirror mo? Tatanga tanga ka kasi eh.” pangaalaska ko dito.



“Tarantado ka kasi eh! Kundi ka ba naman isang malaking drama queen edi sana di kita hinahabolhabol kanina!”



“Eh retarded ka pala eh! Ikaw tong unang nanggago nung abante ka ng abante habang inaabot ko yung handle ng kotse mo eh!” nagsisigawan na naming palitan ni Jepoy. Sasagot pa sana si Jepoy ng magring ang telepono niya.



“Hello, Jana?... oh, hun, Oo, ok lang kami pareho. Of course not di kami nagaaway ngayon... you don't have to worry, o sige, I love you too, bye.” habang kausap ni Jana si Jepoy sa telepono ay nakatingin sakin ng masama si Jepoy.



“Humanda ka sakin mamya.” pagbabanta sakin ni Jepoy.



0000ooo0000



“Kumain ka muna diyan, tignan ko lang yung nilalaro ko.” utos sakin ni Jepoy nung nakarating na kami sa kwarto niya. Binuksan nito ang kaniyang PC pagkatapos ay hinubad niya ang kaniyang polo at sando, tumambad ang magandang katawan nito.



“Bagay nga talaga sila ni Jana, ano naman ang panama ko sa isang 'to, mayaman na gwapo pa.” bulong ko sa sarili ko habang nilalantakan ang sandwhich na inakyat ng kasambahay nila.



“Saglit lang to promise.” sabi ulit ni Jepoy, nang silipin ko ang kaniyang PC ay naglalaro ito ng SIMS, napamaang ako.



Dalawang oras na ang nakakalipas at hindi parin tumitigil si Jepoy sa paglalaro.



“Jepoy, di ba masyadong nakakahiya sakin? Nagiintay ako o, may aaralin din akong lessons ko. magaalas diyes nadin kailangan ko ng umuwi!” pagpupumilit ko dito.



“Di yan, maaga pa naman eh!” sigaw nito. Napailing na lang ako.



Isinandal ko ang aking ulo sa tagiliran ng kama ni Jepoy, maya maya pa ay nakatulog na ako.



0000ooo0000



“Maki, Makii, Makiiiiii!” napabalikwas ako sa paggising sakin na iyon, tinignan ko ang orasan ko at nakitang alas dose na ng madaling araw, tinignan ko ng masama si Jepoy sabay tayo at kinuwa lahat ng mga gamit ko.



“Sabi na, di magandang idea to eh! Ayoko na! Maghanap ka ng ibang magtu-tutor sayo.” sigaw ko dito.



“Maki naman eh. Wag ka na munang umalis, nagpromise ako kay Jana eh.” sabi nito sabay hila sa bag ko.



“Sabi ng wag mo akong tawaging Maki! Bahala ka sa buhay mo! Mag aral ka magisa mo!” sigaw ko ulit.



“Pleassssseeee!” pagmamakaawa ulit nito. Napabuntong hininga ako at natigilan saglit. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagmamakaawa kita rin sa mata nito ang sinseridad, alam kong hindi ko ito mahi-hindi-an, nagbuntong hininga ulit ako.



“Bukas na lang ulit.” pagpapaubaya ko.



“Yes!” sigaw nito pero bigla din agad nalungkot.



“Pano pag tinanong ni Jana?” nagaalalang tanong nito.



“Ay, di ko na hawak yan, tsong.” sabi ko sabay labas ng kwarto niya.



“S-sige sige ako ng bahala kay Jana, pero hayaan mong ihatid kita. Wala ka ng masasakyan sa labas, makabawi manlang ako sayo.” alok nito, naningkit naman ang mata ko, alam kong may binabalak nanaman itong loko na ito.



“S-sige.” matipid at may pagaalangan kong sagot at lumatay nanaman sa mukha niya ang nakakalokong ngiti.



0000ooo0000



Bago pa man niya ma-i-start ang kotse ay pumasok na agad ako sa passenger seat para di na niya magawa ang kaniyang abante game sakin. Nakangiti paring nakakaloko si Jepoy. Nang makalabas kami ng village ay bigla itong tumigil sa isang convenient store, lumabas ito at nagpaalam sakin na may bibilhin lang.



Bumalik ito na may daladalang dalawang beer in can, nangunot naman ang noo ko.



“Eto oh, cheers tayo.” aya nito sakin sabay tulak ng isang bukas na beer in can sakin.



“D-di ako nain...” pero di ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay itinaas na ni Jepoy ang kaniyang beer at nagsalita.



“Para sa pagkakaibigan!” sigaw nito. Sabay tungga sa kaniyang beer, napansin nitong di ako umiinom kaya't itinulak nito ang beer sakin, pilit na pinainom pero masyadong napalakas ang tulak nito kaya't natapon sakin ang beer.


“Ooops.” sabi nito sabay tawa, binigyan ako nito ng isang box ng tissue.



0000ooo0000



Nang makarating kami sa aming bahay ay nagpumilit itong ihatid ako hanggang pinto, baka daw kasi kuwanin ako ng manananggal at mawalan siya ng bagong kaibigan, nagtataka man ako ay pinabayaan ko na ito sa gusto niya. Nang magbukas na ng pinto ang aking ina ay gegewang gewang naman si Jepoy sa pagkakatayo. Ngayon alam ko na ang gusto nitong palabasin.


“Hi, Mrs. Tiangsan! Ang lakas palang maginom nitong unico Hijo niyo, hik, aba eh dapat tu-tutor-an ako eh sa isang club ako dinala.” arte ni Jepoy sa harap ng nanay ko, naningkit naman ang mata ng nanay ko sabay tingin s beer in can sa kamay ko.



“Ah eh pasensya ka na Jepoy ah? Hayaan mo't pagsasabihan ko. K-kaya mo pa bang magmaneho?” tanong ng aking ina kay Jepoy, sumisinok kunwaring tumango naman si Jepoy. Tinignan ulit ako ng masama ng aking ina.



“O siya sige, Jepoy, sige na at magpahinga ka na, sigurado ka bang kaya mo pang magmaneho?” tanong ulit ng nanay ko sabay abot saking tenga para pingutin, mabuti na lang at nakaiwas ako.


“Sa totoo lang po, parang di ko na ata kaya, p-pwede po bang dito muna ako magcrash?” tanong ni kumag sa aking ina, tumingin sakin ng masama ang inay sabay pingot sa aking tenga, di na ako nakaiwas saka naman sumagot kay Jepoy.



“Sure, Hijo. Kaso wala kaming guest room, pwede bang sa kwarto na lang ni Marcus ikaw matulog?” tanong ng aking ina habang pasakit ng pasakit ang pingot nito sakin.



“No problem, tita.” sagot ni Jepoy, pinapasok na kami ni inay, nagpaalam naman na mag c-CR si Jepoy, nakahanap naman ng tyempo ang aking ina.



“Kailan ka pa natuto maginom?!” magdadahilan sana ako pero nagtanong nanaman ang aking ina.



“Por Diyos, por Santo, Marcus! Ngayon ka pa nagloko kung kailan gipit tayo! Makakarating ito sa ama mo! Hala akyat!”



“Pero, Nay!” pagdedepensa ko sana.



“AKYAT!” sigaw nito.



Nang makaakyat ako sa kwarto ko ay naabutan ko si Jepoy na pasipolsipol na nakahiga sa aking kama, nakaunan ang ulo sa dalawang kamay habang pinipigilang mapangiti.



“Bwisit ka!” sabi ko sabay pasok sa banyo at nagtoothbrush. Napatawa naman si Jepoy. Paglabas ko ay humihilik na si Jepoy, naglatag ako ng mahihigaan sa sahig ng kwarto ko.



“Magagantihan din kita.” sabi ko sa sarili ko at natulog na.



Masakit ang buong katawan ko at ang aking tenga ng magising ako, kahit tayo tayo pa ang aking buhok at puno pa ng muta ang magkabilang mata ay agad akong bumaba para kumain, nagugutom na kasi ako.



“Oi! Maki! Kain tayo!” sigaw ni Jepoy ng mabungaran ako nito sa may pinto ng kusina. Punong puno ng kanin ang bibig nito at may bahid pa ng tocino ang paligid ng bibig nito.


“Marcus nga sabi!” ngumiti naman ito ng nakakaloko.


“Tangna, sira nanaman ang araw ko.” bulalas ko at tinignan ako ng masama ng aking ina dahil sa narinig na pagmumura, nabulunan naman si Jepoy sa katatawa.


Itutuloy...


[03]
Barabara ang paglagay ng nanay ko ng kanin at ulam sa aking plato, di nito nagustuhan ang pagmumura ko habang si Jepoy naman ay pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Tinignan ko ito ng masama, nang sa wakas ay lumabas na ang nanay ko ng kusina ay sinuntok ko si Jepoy sa braso, di na nito napigilan ang pagtawa.



“Sama talaga ng ugali mo!” bulong ko dito pero di ko inalis ang pagkainis sa boses ko.



“Nagkakasiyahan lang naman tayo eh!” sabi nito. Pinandilatan ko ito ng mata.



“Fine! Di naman ako ang lugi dito eh, we'll have it your way! Kung gusto mo akong pagtripan tuwing tu-tutor-an kita, fine! Tandaan mo, binabayaran ako ng tatay mo para makapasa ka. Ngayon kung gaguhan lang naman din ang gagawin natin eh ok lang, bayad ako dun. Anong pakielam ko kung bumagsak ka? At least may pambayad ako sa susunod na Sem.” sabi ko dito, natahimik ito at nabura ang ngisi sa mukha.



“Bakit ganyan ang pagmumukha nyo?” bungad ng nanay ko, natigilan saglit sabay pingot sakin.



“Di mo naman siguro sinisisi si Jepoy at binuko niya ang katarantaduhan mo kagabi no?” sabi sakin ng nanay ko habang nangiwi sa sakit ng pagpingot sakin, tinignan ko ng masama si Jepoy, nang matapos na ang pagpingot sa akin ng aking ina ay agad akong tumayo at pumunta sa aking kwarto para maghanda na sa klase.



Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Jepoy na nakaupo sa gilid ng aking higaan.



“Maki, sorry sa mga ginawa ko.” bulong ni Jepoy habang nakayuko.


“Marcus, hindi Maki.” sabi ko sabay buntong hininga.


“Look, Jepoy, enough with the theatrics. You're a brat and I'm just a fucking toy to you and if you want to play with me, sabi ko nga kanina, I'm fine with it. Di ako ang talo dito. Ikaw.” saad ko sabay talikod at balik sa CR para magbihis na.



0000ooo0000



Tahimik kami nila Jepoy at Jana habang kumakain, di maikakaila ang namumuong tensyon.



“Kamusta ang naging kinalabasan ng pagre-review niyo?” tanong ni Jana, pero alam namin ni Jepoy na alam na nito ang kasagutan sa tanung niyang iyon.



“Ok lang.” walang gana kong sagot, napatingin sakin si Jepoy, halatang di inaasahan ang sagot kong iyon, marahil ay akala nito na isusumbong ko siya kay Jana sa ginawa niyang panggagago sakin.



“Magkakunchaba na kayo ngayon?” pamamaratang ni Jana. Nakatitig lang ako kay Jana habang si Jepoy ay nakatingin sakin. Ngayon ko lang nagawa to kay Jana, at inaamin kong di ako kumportable sa pagsisinungaling ko dito. Pero inisip ko ulit na kailangan ko ng pera pang tuition at kung isusumbong ko si Jepoy kay Jana ay malamang patitigilin ako nito sa pagtu-tutor sa boyfriend niya at baka ito rin ang maging sanhi ng paghihiwalay nila.



“Fine, maglihim kayo.”sabi ni Jana at natahimik na ulit ang lamesa.



0000ooo0000



Tahimik parin sa loob ng sasakyan, halos di rin ako kinibo ni Jana buong araw sa bawat klase na magkasama kami, di rin maipinta ang mukha ni Jepoy. Feeling ko nasa gitna ako ng isang nagbabagang gyera. Awkward, yan ang salitang tinutumbok ang aking nararamdaman ngayon. Tumingin na lang ako sa labas ng aking bintana, naramdaman kong may nakatingin sakin. Si Jepoy, tinitignan ako gamit ang rearview mirror.



Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Jana ay walang paalam itong bumaba agad naman itong sinundan ni Jepoy. Di pa man nakakapasok si Jana ng gate ay tinawag ito ni Jepoy at nakiusap na magusap muna sila, pinaunlakan naman ito ni Jana, mayamaya pa ay nagyakap na ang dalawa at sandaling naglapat ang mga labi, humarap ulit sakin si Jana at kumaway at pagkatapos ay pumasok na sa kanilang bahay.




Nakaramdam ako ng selos, matagal ko na kasing gawain ang pagaalo kay Jana sa tuwing di maganda ang araw nito, ako ang susuyo dito sa tuwing may bumabagabag dito, ako ang magpapaintindi dito sa tuwing nafrufrustrate siya, matagal ko naring pinangrap na halikan ito tulad ng ginawang halik sa kaniya kanina ni Jepoy, pero alam kong mahal nito si Jepoy. Wala na akong magagawa. Nagseselos ako, pero meron pa akong isang nararamdaman na hindi ko malaman kung ano.



“Maki, lipat ka na dito sa harap.” basag ni Jepoy sa pagmumunimuni ko.



“Marcus sabi eh!” bulong ko.


“Di na Jepoy, dito na lang ako, baka kasi i-abante mo nanaman yung sasakyan kapag sasakay na ulit ako.” malamig kong sabi dito at isinandal ko ulit ang aking likod. Nagbuntong hininga si Jepoy.



0000ooo0000



“Manang, paki dalhan kami ni Maki ng meryenda.” utos nito sa kasambahay ng buksan nito ang pinto.



“Ok po, sa kwarto ko na lang po ba dadalhin, sir?” tanong ng kasambahay kay jepoy.



“Ay hindi po, manang dito kami ni Maki sa sala magaaral ngayon. Baka kasi mawili nanaman ako sa computer eh.” sabi nito sabay takbo papuntang kwarto niya.



Nang dumating ang meryenda sa sala ay sabay namang baba ni Jepoy na naka basketball shorts at sando na lang. Ngumiti ito sakin, nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at tila ba mga paruparo sa aking tiyan nang makita ang ngiting iyon. Agad ko iyong ikinibit balikat at inismidan ko lang ito.



“Game!” sigaw nito sabay labas ng notebook niya at libro sa kaniyang bag. Umupo ito sa may carpet sabay kagat ng malaki sa nakahandang sandwhich.




0000ooo0000



“Maki tapos ko na.” nahihiyang sabi sakin ni Jepoy sabay pakita ng kaniyang ginawa sa notebook.



“Marcus sabi eh.” ngumiti lang si Jepoy sa sinabi kong iyon.



Simple lang naman ang accounting pero napakaraming terminologies dito saka nakakalitong numbers na dapat i-balance at sa tingin ko dito nahihirapan ng husto si Jepoy. Tinignan ko ang ginawa nito.



“Tama ba? Tama ba?” parang aso na nanghihingi ng dog food sa amo na tanong sakin ni Jepoy. Tumabi ako dito at umupo sa carpet.



“Mali.” malamig ko ulit na sabi dito. Nanlumo naman ito.



“Ganito kasi, kuwanin mo ulit yung notebook mo.” utos ko dito, malugod naman itong sumunod.



“Eto yung sundan mo, wag kang malilito sa cash in hand saka cash on hand.” paliwanag ko dito sabay turo sa notebook saka sa presyo na kaakibat dito.



“May pagkakaiba ba yun?” tanong nito sakin na nakakunot pa ang noo.



“Oo, kuwanin mo yung libro mo, kapag may di ka naiintindihan sa terminologies o kaya nalilito dito meron namang chapter sa libro tungkol sa mga iyan eh. Sige tignan mo muna ulit tapos try mo ulit i-balance lahat.” sabi ko dito, tumango naman ito. Nakita kong desedido si Jepoy matutunan ang ikinalilito niyang lesson sa Accounting, umayos ulit ako ng upo sa sofa at sinubukang aralin ang aking sariling lesson. Maya maya pa ay nakatulog na ako.



Nagising ako at nakitang nakayuko si Jepoy at ginagawang unan ang kaniyang notebook. Tulog. Nilapitan ko ang pinagawa ko dito at laking gulat na wala ni isang mali sa exercises na pinagawa ko sa kaniya, napangiti ako. Dahan dahan akong tumayo at pinuntahan si manang.


“Manang di ko na po ginising si Jepoy, paki sabi na lang po paghinanap ako na umuwi na ako.” tumango lang ito at hinatid ako pabalik ng sala, nagiwan ako ng note sa tabi niya, pero biglang naalimpungatan si Jepoy at tumingin sakin sabay haplos sa kaniyang batok.


“May mali ba, Maki?” tanong ni Jepoy sakin habang pupungas pungas pa. Natigilan ako, muli kong naramdaman ang kakaibang sensasyon sa aking tiyan nang ngumiti ito kanikanina lang.


“W-wala, tama lahat ng ginawa mo.” sabi ko dito sabay ngiti, ginantihan din ako nito ng ngiti.


“Papasa na ako bukas sa exam.” sabi nito sabay hikab.


“Goodluck na lang bukas.” sabi ko dito sabay lakad papunta sa pinto.


“Maki ay M-marcus pala, saglit, hatid na kita.” alok nito sakin pero tumanggi lang ako.


“I insist.” sabi nito sabay kusot sa kaniyang kaliwang mata. Wala narin akong nagawa.



0000ooo0000



“Hello, Tita!” bati ni Jepoy sa aking ina sabay beso ng pagbuksan kami ng pinto. Napailing na lang ako.


“Bati na kayo?” tanong ng matanda saming dalawa, napatawa si Jepoy sabay pasok sa loob ng bahay ako naman ay tumango lang.


“Akala ata ng nanay mo mga batang paslit pa tayo.” sabi ni Jepoy sabay upo sa aming sala, tumango lang ako at ngumiti.


“Nga pala, salamat kanina ah. Dami mong naitulong.” bulong ni Jepoy sabay yuko na kala mo nahihiya.


“cute.” bulong ko sa sarili ko.


“Aba, isang Jeffrey Gonzales nagpapasalamat.” loko ko dito para mawala ang kaninang iniisip. Tumawa lang ito.


“Oh, Marcus, Jepoy iwan ko na kayo diyan at matutulog na ako. Kung nagugutom kayo may pagkain dun sa ref.” bilin samin ng aking ina. Tumayo naman si Jepoy at bumeso ulit sa aking ina.


“Sipsip.” bulong ko narinig ata ni Jepoy at tinignan ako ng masama sabay lapit at umupo ulit sa sofa.


“Di ka pa ba uuwi?” tanong ko kay Jepoy, nagtaas naman ito ng kilay.


“Bakit pinapauwi mo na ako?” taas kilay parin nitong tanong sakin.


“Di naman...” simula ko.


“Yun naman pala eh, pwede mo bang kuwanin yung meryenda na hinanda ng nanay mo? Nagugutom ako eh, di kaya tayo nagdinner.” sabi nito sakin, tama siya, maski ako nakalam na ang sikmura ko. Tumayo na ako at kinuwa ang meryenda sa loob ng ref, pagbalik ko sa sala ay nakita ko si Jepoy na tutok na tutok sa pinapanood niya. Tinignan ko ang kaniyang pinapanood.


“Oh, pwede na yang ipalabas sa cable?” tanong ko kay Jepoy sabay upo sa tabi niya at inabot sa kaniya ang hinihinging meryenda.


“Oo nga eh, siguro dahil gabi na kaya pwede ng ipalabas.” sabi naman nito nang hindi inaalis ang mata sa TV.


Mayamaya pa ay sabay kaming napatalon ng biglang may bumulaga sa screen.


0000ooo0000



“Maki...Marcus...” nakapikit ang aking mata at tila ba naalog ang buong paligid. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.


“Mak-Marcus, sa taas ka na matulog.” sa sinabing ito ni Jepoy ay nagising ako bigla.


“Kanina pa ako tulog?” tanong ko dito sabay tingin sa orasan, tapos na ang pelikula at may dalawang oras nadin akong tulog.



“Di ka pa uuwi?” habol ko ulit dito.


“Dito na lang ulit ako matutulog.” sabi nito sabay hikab at kusot sa mata.


“Sige, ikaw bahala.” sagot ko naman sabay ligpit sa aming pinagkainan.


“Pwedeng humiram ng toothbrush?” tanong nito sakin, natawa ako.


“Bakit?” tanong ulit nito na kala mo walang mali o nakakadiri sa sinabi niya.


“Hiram?” tanong ko. Natawa narin ito nang makuwa ang aking ibig ipahiwatig.


“Dun sa kabinet sa may banyo may mga bagong toothbrush dun.” sabi ko dito, umakyat naman ito na nailing iling pa.


0000ooo0000



Pagakyat ko sa aking kwarto ay nandun na si Jepoy, nakatayo ito sa may paanan ng kama ko at nakangiting aso nanaman. May binabalak nanaman ito.


“Anong binabalak mo?” naniningkit mata kong tanong dito. Tumawa ito at may inilabas ang isang tela mula sa likod niya. Nanlaki bigla ang aking mga mata ko.


“Who would have thought, the strict, the smart, the snob and the well respected Mr. Marcus Tiangsan loves spongebob square pants for an underwear!” sigaw nito sabay wagayway ng aking underwear na bagong laba at itinupi ng aking ina at iniwan sa ibabaw ng aking kama. Tawa parin ng tawa si Jepoy, hinabol ko ito at sinubukang agawin ang iwinawagayway parin nitong underwear.


“Amina yan Jepoy!” sigaw ko habang paikot ikot kaming naghahabulan sa kwarto ko.


Nang sa wakas ay maagaw ko na ito ay itinago ko ito sa kasuluksulukan ng aking aparador at pumunta na sa CR para magtoothbrush. Paglabas ko ay nahilik na si Jepoy at kumportableng kumpotable na naka boxers na lang at nakahilata sa aking kama. Kinuwa ko ang isang unan at hinampas dito, agad naman itong nagising. Napatawa ako at humiga narin sa kama.


“Do you think your classmates would believe me if I tell them about your dirty little secret?” nangaalaskang tanong nito, pinatay ko na ang ilaw at napatawa na din.


“Mukhang walang maniniwala.” sagot ko dito. At natawa nadin siya.


“Goodnigt, Jepoy.” sabi ko dito at ipinikit na ang aking mga mata.


“Goodnight, Maki and thank you.”


Di ko na nagawa pang itama ang tawag nito sakin dahil nakatulog nadin ako.



Itutuloy...



[04]
Kahit sumasakit ang ulo ko ay dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Malakas parin ang hilik ni Jepoy sa aking tabi, halos oras oras ay nagigising ako sa hilik nito kaya sumakit ng todo ang aking ulo pero sigurado rin akong masakit din ang ulo nito dahil sa puyat, dahil sa tuwing nagigising ako sa malakas niyang hilik ay siya ring gising ko sa kaniya.



Nagising na lang din si JP sa pagkatok ng aking ina. Tumingin ito sakin at ngumiti sabay kusot ng mata gamit ang likod ng kaniyang mga palad na miya mo bata.



“Pasensya na sa paghilik ko ah.” bati nito sakin sabay ngiti, naramdaman ko na umaakyat ang lahat ng aking dugo sa aking ulo at tumitigil sa aking pisngi di ko na lang ito pinansin, agad akong nagpunta sa banyo para maghilamos, paglabas ko ay naabutan ko itong nagliligpit ng aming tinulugan.



“Oi, hayaan mo na yan, ako na ang magaayos niyan. Bisita ka dito. Hilamos ka na tapos kain na tayo.” saway ko dito, tumingin ito sakin saka ngumiti ulit muli akong napako sa aking kinatatayuan palihim na sinaulo ang itsura nito, tayu-tayo ang makapal na buhok nito at puno ng bakas ng unan ang pisngi pero sa kabila non...



“Cute.” sabi ko sa sarili ko pero agad ko iyong binalewala.



“Anong bisita? Baka bwisita.” sabi nito natawa naman ako, naglakad ito papunta sa banyo at naghilamos.



0000ooo0000



“Huwaw tita! Ansarap! Sigaw ni Jepoy nang matikman nito ang special tocino ng aking nanay.



“Sige, kain ka lang, baka sabihin ng mga magulang mo di kita pinapakain dito.” biro ng aking ina natawa naman si Jepoy.



“Tita, ang laki ng muscles kong ito, di na nila iyon mapapansin, saka wala namang pakielam ang mga iyon sakin.” biro rin ni Jepoy, napatingin ako dito.



Alam kong nalulungkot ito sa nasabi tungkol sa kaniyang mga magulang, abala ang mga ito sa pagtratrabaho, kaya naman di na ako nagtataka kung minsan ay idinadaan na lang sa biro ni Jepoy ang usapan tungkol sa kaniyang mga magulang. Siguro kaya madalas sa bahay nila Jana at ngayon ay samin natuloy si Jepoy ay dahil naghahanap ito ng kaunting atensyon, bagay na hindi niya nakikita sa sarili nilang bahay.



“Makatitig ka naman diyan!” saway sakin ni Jepoy habang puno pa ng tocino at sinangag ang kaniyang bibig sabay takip niya sa malaki niyang braso na akala niya ata ay tinitignan at pinagpapantasyahan ko. Napatawa naman ako at sinakyan na lang ito, pinisil ko ang braso nito.



“Ang laki ah.” biro ko, natawa narin si Jepoy pero napansin kong namula ang mga pisngi nito saka biglang yumuko na miya mo nahihiya.



“Cute.”


“Kaya ikaw kumain ka din ng marami para gumanda ng ganyan ang katawan mo!” singhal naman sakin ng aking ina na siyang sumira sa aking pagiisip.



“Sus, napuri lang ang luto niya eh, gusto na akong lunurin sa pagkain.” bulong ko pero di ito nakaligtas sa aking ina binigyan ako nito ng isang matinding pagbatok.



Tawa lang ang kumag na si Jepoy.



0000ooo0000


“So kamusta naman ang dalawang boys na pinaka love ko?” bungad ni Jana ng sumakay ito ng sasakyan ni Jepoy.


“uhhh...”
“errr...”



“Anong nangyari sainyo?” tanong ulit ni Jana, napansin marahil nito na pareho kaming wala sa sarili ni Jepoy dahil sa puyat.



“Puyat lang, Hon.” sagot ni Jepoy sabay gawad ng halik kay Jana, iniwas ko naman ang tingin ko. Selos? Di ko alam, pero di ko parin maatim na makitang nagpapalitan ng halik si Jana and Jepoy. Yung nga ba ang dahilan? Agad kong binalewala ang aking iniisip at di maintindihang nararamdaman nang magtanong ulit si Jana.



“Puyat dahil sa pagaaral o dahil sa kalokohan?” tanong sakin ni Jana.



“Pareho.” matipid kong sagot. Biglang lumatay ang pagaalala sa mukha ni Jana.



“Pero na perfect ko yung exercises na binigay sakin ni Maki.” pagmamayabang naman ni Jepoy, tinignan ako ni Jana para malaman kung totoo ang sinasabi ni Jepoy, tumango lang ako.



“Very good!” sigaw ni Jana sabay gulo ng buhok ni Jepoy. Napatawa naman ako.



0000ooo0000



“Tingin mo he'll pass his exams?” nagaalala paring tanong sakin ni Jana.



“Alam mo, you shouldn't worry about Jepoy that much, your boyfriend is smart, may pagkatamad nga lang.” sabi ko sabay tawa. Tumango naman si Jana.



“May pagaka immature din.” sabi ni Jana.


“Oo, pati underwear ko pinagtripan.” pagsangayon ko.



“Sensya na Maki ah, wala lang talagang makakulitan sa bahay yung si Jepoy eh, kaya naghahanap ng ibang makukulit, di naman niya magagawa sakin yun kaya siguro sayo binubuhos.” sabi ni Jana, tumango lang ako.



“Ok lang yun, basta ba wag sosobra ang pagkapilyo eh.” sabi ko.



“Hayaan mo papaalalahanan ko siya paminsan minsan.” sabi ni Jana, natawa na lang ako.



0000ooo0000



“Ho! Ho! Ho!” bungad ni Jepoy sa lamesa namin sa cafeteria.



“Kamusta ang exams?” tanong ni Jana. Ngumiti si Jepoy sa aking direksyon saka humarap ulit si Jana.



“Perfect!” pagmamayabang ni Jepoy. Nagpalakpakan naman kami ni Jana pabirong nagbow si Jepoy.



“At dahil dyan, I'll treat my new found friend to some sick party later.” sabi ni Jepoy sabay tabi sakin at akbay di nakaligtas ang pagdikit ng aming mga katawan at ang pagdampi ng kaniyang balat sa aking balat, muli kong naramdaman ang kakaibang sensasyon na noon ko pa pilit na inaalam.



“Ehe, di ko sure eh... uhmm... m-may gagawin ako...”



“Oh c'mon! Minsan lang yan, Maki!” hirit ni Jana. Wala na rin akong nagawa. Tinignan ko si Jepoy at nakangising aso nanaman ito.



0000ooo0000



“Yan ang isusuot mo?” tanong ni Jepoy sakin pagkababa ko galing sa aking kwarto.



“Oo, bakit may masama ba sa suot ko?” naiirita kong tanong dito.



“Wala, wala. Tara na malelate na tayo.” sabi nito sabay hila sakin papunta sa kaniyang sasakyan.



“Ingat kayo ah!” sigaw ng nanay ko bago sumara ang pinto.



“Opo Tita.” sabi ni Jepoy habang nagmamadali akong itinulak papasok sa kaniyang kotse.



0000ooo0000



“Dito tayo pupunta?” tanong ko habang tinitignan ang suot ni Jepoy mula ulo hanggang paa. Ngumiting aso si kumag.


Asa harapan kami ng isang kilalang gasoline station sa likod ng gasoline station ay isang convenience store at papunta doon ako hinihila ni Jepoy. Kumuwa ito ng anim na bote ng beer at apat na sandwiches pilit pinapakain sakin ang dalawa.


“Bakit? Akala mo ba san tayo pupunta?” tanong nito habang punong puno ng sandwich ang bibig.


“Sa isang club or something?” sagot ko sabay kagat sa binili niyang sandwich. Tumawa lang ito.



“Inisip ko kasi na baka di ka kumportable sa mga ganung lugar.” sabi nito sabay yuko at namumula ang pisngi, natigilan ako, ito ang unang pagkakataon na inisip niya ang maaaring maramdaman ko, noon kasi may pagka selfish ang kumag na ito.



“Dito na lang tayo, may gusto rin akong itanong sayo eh.” makahulugang sabi nito sabay tungga sa kaniyang inumin.


Kinabahan ako.



0000ooo0000


Nakakailang bote narin kaming dalawa ni Jepoy, paminsan minsan ay inaawat ko ito dahil kailangan niya kaming ipagmaneho pauwi, pero matigas ang ulo ni kumag. Di parin nito naitatanong ang sinabi niyang gusto niyang malaman mula sakin. Habang inuubos ko ang pangalawang sandwich ay saka ko napansin na nakatingin sakin si Jepoy.



“Maki sabihin mo sakin ang totoo. Nagka girlfriend ka na ba?” tanong nito sakin. Natigilan ako at bahagyang nangunot ang noo ko.


“Di pa, bakit mo naman naitanong yan?” balik ko dito.


“Pero may nagugustuhan kang babae diba?” tanong ulit nito, binabalewala ang aking tinanong.


“Oo, pero...”


“Si Jana ba yung nagugustuhan mo?”



Di na ako nakasagot, tila ba may nakaharang sa aking lalamunan para mahirapan ako sa paghinga at pagsagot sa tanong niya. Marahil napansin ni Jepoy ang aking pagaalinlangan kaya ngumiti ito sakin.



“Ok lang naman sakin na may gusto ka kay Jana eh. Ok nga iyon dahil alam kong pagwala ako may magaalaga sa kaniya pero wag mo na lang sana siyang susulutin ha?” natatawang sabi sakin ni Jepoy.



Di parin ako makakibo, di ko maintindihan kung bakit ganito na lang ka light kay Jepoy pagusapan ang pagkakagusto ko sa girlfriend niya. Ganito siguro talaga ang mga solong anak. Naglalarong sinuntok ni Jepoy ang aking braso.


“Huy! Hinga hinga!” sabi nito sabay tawa, medyo napangiti na ako.


0000ooo0000



“Alam mo nung una ang hinahanap ko sa babae yung tipong makakapagpabago sakin, yung makakapagpaalis ng katamaran ko.” simula ni Jepoy, wala na kami ngayon sa treats asa loob na lang kami ng sasakyan niya at nagpapahulas ng nainom.



“Ganun ba si Jana para sayo?” tanong ko sa kaniya, medyo kumportable na ako ngayon makipagusap kay Jepoy. Ngumiti si Jepoy.



“Di eh, si Jana kasi yung tipo na hindi ka pakikielamanan sa gusto mo. Para sa kaniya kung gusto kong magbago, magbago ako dahil gusto ko at di dahil gusto niya.” sabi nito, sa totoo lang ay wala akong naintindihan sa sinabi nito. Medyo nahihilo narin kasi ako.



“Mas binago mo nga ako eh. Ikaw na bestfriend ng girlfriend ko pa ang nakapagtulak sakin para magbago.” nangingiting sabi nito sabay buntong hininga. Biglang nawala ang hilo ko.



Natahimik ako.



“Buti na lang di mo na ako inaaway masyado kaya pakiramdam ko magiging malapit tayong magkaibigan.” sabi ni Jepoy. Napatawa naman ako pero parang kinilig din ako sa sinabi nito.


0000ooo0000



“Salamat, Jepoy ah! Nagenjoy ako!” sabi ko dito nang matapat na kami sa bahay.



“Wala yun, makabawi manlang ako sayo.” sabi nito.



“Di mo naman kailangang bumawi eh, binabayaran ako ng parents mo para pumasa ka.” sabi ko dito sabay suntok sa braso niya.



“Eh kung hindi mo naman ako pinagtyagaan saka sinungitan walang mangyayari don eh.” nangingiti na nitong sabi.



“Sige na, inaantok na ako.” paalam ko dito. Di na ito sumagot at tuloytuloy na ako sa loob ng bahay.



Di ko alam pero nakangiti akong nagpunta sa banyo para maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Matutulog na sana ako ng mapasilip ako sa bintana. Nangunot ang noo ko.



0000ooo0000



“Jepoy?” tawag ko dito sabay katok sa bintana niya. Tumunghay ito at nagdilat ng mata. Ibinababa ang bintana.



“Bakit dito ka natutulog?” tanong ko kay Jepoy, napayuko ito at muling namula ang mga pisngi.



“Tinatamad na kasi ako magdrive... ang totoo niyan nahihilo na ako sa nainom natin.” sabi nito, napatawa naman ako.



“Bakit di ka nagsabi? Sana pinaakyat na kita.”



“Eh, di mo naman ako inaya eh.” sabi nito na parang nahihiya.



“Ulol! Kailan ka pa nahiyang hayop ka?! Sarhan mo na yang kotse mo at umakyat ka na't maglinis ng katawan para makatulog na tayo.”


Ngumiti sakin si Jepoy, naramdaman ko ulit ang kakaibang sensasyong pilit kong binibigyan ng sagot. Tuloytuloy lang sa pagpasok ng bahay si Jepoy nang biglang may pumasok sa aking isip, bigla akong napatigil sa paglalakad.


“Imposible!” sabi ko sa sarili ko ng mahanap ko na ang sagot sa tanong na may ilang beses naring gumugulo sakin.


Itutuloy....


[05]
Nakatayo ako sa tuktok ng isang burol, masiglang nagiintay sa isang taong di ko pa kilala, ni hindi ko alam kung bakit ako nagiintay dun sa burol na iyon, ang alam ko lang ang taong iniintay ko dun ang nagbibigay sakin ngayon ng kaba at pagka excite at ang pakiramdam na tila may mga paruparo sa aking tiyan.


Napatalikod ako bigla ng makarinig ng pagkaluskos doon, noon ko lang din napansin na napupuno na ng fog ang paligid, nagsimula ko na ring marinig ang mga yapak palapit sa akin. Lalo akong naexcite at lalong tumindi ang aking kaba.


“Makikilala ko narin ang tao para sakin.” sabi ko sa sarili ko, may naaaninag na akong isang tao na papalapit sakin. Di ko na maitago ang ngiti sa aking mukha.


Isang kamay ang kumawala sa likod ng makapal na ulap, tila ba nangaanyaya na hawakan ko ang kamay niya at sumama sa kaniya. Inabot ko na dito ang aking kamay at nagsimula ng numipis ang ulap sa paligid namin.


“Makikita ko na siya!” sabi ko ulit sa sarili ko. Di pa man tuluyang nawawala ang ulap sa paligid ay naramdaman kong yumanig ang buong burol.



“Maki! Maki!” sigaw ng isang lalaki sa aking likuran nang humarap ako ay isang unan ang nakita kong papalapit ng papalapit sa mukha ko.



“HOY! GUMISING KA NA DAW SABI NG NANAY MO!” sigaw ni Jepoy sakin nang imulat ko ang aking mga mata.



“Tangina! Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh!” sigaw ko dito at hinampas din siya ng unan.



“Ano naman yang panaginip mo? Si Osang niyayari mo?!” sigaw nito sabay tawa, maya maya pa ay naramdaman ko ang kamay nito sa aking ari. Nagulat ako sa ginawa nito pero di ko narin maikaila sa sarili na nagugustuhan ko ang paghawak ni Jepoy na iyon.


“Haha! Tangina ka! Sabi ko na eh nag-we-wet dream ka kaya ka galit na galit nung ginising kita!” pangaalaska nito sakin.



“Gagu! Maghilamos ka na at kumain, uuwi ka pa para pumasok!” sabi ko dito habang itinatago ang aking morning wood. Umiling iling ito.



“Linggo ngayon, Maki. Walang pasok.” sabi nito sabay dive sa kama at dinaganan ako.



“Taena naman Jepoy! Ang aga aga pa! Sana pinatulog mo ako hanggang hapon!” sigaw ko dito sabay tulak na ikinahulog naman niya sa kama. Tawa ng tawa si gago.



Tumayo na ako at nagpunta sa banyo para umihi at maghilamos. Paglabas ko ay naabutan ko si Jepoy na nakaharap sa computer ko at naglalaro ng Counter Strike.



“Ito lang ba laro mo dito? Wala ka bang SIMS?” tanong nito habang nakataas pa ang isang kilay.


“Cute.”



“TSS! SIMS amp! Pang chic yung larong yun eh!” sigaw ko dito, binato ako nito ng isang ballpen.


“Pang chic ka diyan!” sigaw nito sabay simangot.


“Tigilan mo na yan at kumain na tayo.” aya ko dito, pero di ito natinag.


“Ilang araw na nga akong di nakapaglalaro eh.” sabi nito at nakasimangot parin. Nakaisip ako ng paraan para maaya si loko.


“Nay! Anong agahan?!” sigaw ko sa aking ina na naghahanda malamang ng pagkain sa kusina.


“Tocino!” sigaw ng nanay ko pabalik, di ako nagkakamali dahil agad tumayo si Jepoy para hilahin ako pababa sa kusina.


“Basta pagkain ang bilis mong hayup ka!” sigaw ko dito, tumawa lang si Jepoy.


“Anong balak mo mamya?” tanong sakin ni Jepoy habang kumakain.



“Matutulog.” napatawa ito sa sagot ko.


“Sama ka samin ni Jana, magsisimba kami.”


“Eigh! Magmumukha lang akong chaperone.” sabi ko dito, napatawa ulit ito.



0000ooo0000



Umalis na si Jepoy at nasolo ko na ulit ang kwarto ko, di na ako pinakielamanan ng nanay ko at hinayaan na akong magpahinga. Nasa kasarapan ulit ako ng tulog ng makaramdam nanaman ako na parang lumilindol, dahan dahan kong ibinuka ang mga mata ko at nakita ko si Jepoy na nakadungaw sakin, dikit ang kilay at kasing haba ng ilong ni Pinocchio ang nguso.



“B-bakit?” tanong ko sabay gulong pakabila at tinaklob ang kumot sa aking ulo.



“Bihis ka.” sabi nito sabay hila ng kumot.



“B-bakit nanaman?!” naiirita ko ng tanong dito.



“Basta!” sabi nito sabay hila sakin patayo ng kama.



0000ooo0000



Binabalak kong matulog habang nasa sasakyan ni Jepoy at habang tinatahak namin ang daan na hindi ko alam kung san papunta. Nagsisimula na akong makahanap ng tulog ng buksan ni Jepoy ang radyo at itinodo ang volume nito.



“Jepoy naman, gusto kong matulog! Gusto kong magpahinga!” sigaw ko dito. Inabot nito ang dial ng radyo at hininaan ang volume.



“Kausapin mo kasi ako eh. Tulog ka na lang ng tulog diyan!” singhal nito sakin.



“Kung gusto mo akong kausapin ka magtanong ka ng maayos!” sigaw ko dito, humarap ito sakin na namumula na, parang isang bulkan na malapit ng pumutok.



“Jepoy, pagod ako sa school, sa tutorials saka sa pag stu-student assistant, linggo lang ako nakakapagpahinga at nakakabawi ng konti! The least you can do is to ask me nicely! Kung gusto mo ng kausap, pwede naman ako pero sana naman intindihin mo rin na pagod ako and I'm not up to your bratty attitude!” sigaw ko dito. I hit home, dahil ngayon mukha na itong mananapak pero nagbuntong hininga ito at pinakalma ang sarili at tumingin ulit sakin.



“Maki, pwede ka bang makausap? I really need someone to talk to.” nakayuko ng sabi nito, halatang nahihiya sa inasal kanina.



“Pwede naman palang ganyan eh. Bakit? Ano bang problema?” tanong ko dito.



“Si Jana. Di ko na siya maintindihan. Kaninang umaga lang sabi magsisimba kami and after the mass we'll go on a date tapos nung nasa harap na ako ng bahay bigla niyang sasabihin na she's not up for it.” naiinis na ulit na sabi nito.



“Did you ask her why? Baka naman masama ang pakiramdam or something happened, napagalitan ng parents or something.” sabi ko dito.



“I never got the chance to ask. Tumalikod na lang siya bigla eh.” sabi nito. Tumango naman ako.



“Girls are unpredictable and besides baka this is the right time of the month for her, kaya intindihin mo na lang.” sabi ko dito sabay isinandal ulit ang aking ulo sa nakasarang bintana para umidlip.



“Matutulog ka nanaman ba?” tanong nito sakin, iminulat ko ang aking mata at nakita itong miya mo nagmamakaawa, tila ba sinasabing kausapin ko pa siya.




“Sabi ko nga gusto kong magpahinga diba?” tanong ko dito, di naman ako nagsusuplado pero pakiramdam ko talaga kailangan kong magpahinga kaya ipinikit ko ulit ang mata ko.



“Sorry nga pala ha? Di ko inisip na baka pagod ka or kailangan mong magphinga.” iminulat ko ang aking mata sa sabi nito, yumuko ulit ito, marahil dahil sa hiya.



“Di bagay sayo, wag kang maginarte ng ganyan!” sabi ko dito at ipinikit ko ulit ang aking mga mata. Maya maya pa ay naramdaman ko ang kamao nito na mahinang sinuntok ang aking braso pagkatapos ay narinig ko ang pagtawa ulit ni Jepoy.




0000ooo0000



Pinapanood ko ngayong magdrama si Jepoy sa aking harapan, nasa labas kami ng aming bahay umiinom ng ilang beer, di ko na naituloy ang aking iniisip na pagpapahinga. Nakalatay ang pagkabalisa at pagkalito sa gwapong mukha ni Jepoy.



“Minsan iniisip ko... what if di naging kami ni Jana?” pabulong na sabi nito sabay tungga sa bote ng beer.



“Is Jana your first Girlfriend?” wala sa sarili kong tanong dito. Tumango lang si Jepoy.



“Kaya naman pala.” sabi ko, napatingin sakin si Jepoy.



“What the hell are you talking about?” natatawang sabi nito.


“Common naman yan eh, mahirap talaga pag first time na pumasok sa relationship, kung baga lahat ng bagay first time.” sabi ko dito.



“Kailan ka pa naging expert sa relationships?” tanong nito sakin at nakangiting aso pa.



Pero di ko na ito nasagot. Bumuhos na ang malakas na ulan, tatakbo na sana ako para sumilong ng pigilan ako ni Jepoy.



“Tagal ko ng di nakakaligo sa ulan.” sabi nito sakin habang hawak hawak parin ang braso ko.



“Nung unang panahon kung kailan ka huling naligo sa ulan eh malinis pa nun ang ulan!” sigaw ko dito kasi medyo malakas na ang ulan at mahirap ng magkarinigan.



“Eigh! Ngayon na lang ulit, Maki!” sigaw nito at parang batang nagtatatalon sa ulanan.



Tumingala ito at pumikit. Tumabi ako dito at tumingala din.




“Anong tinitingala tingala mo diyan?” tanong ko dito, napatawa naman si Jepoy at tumingin sakin.



“Salamat ah.” sabi nito habang para kaming tanga na nakaharang sa kalsada at nakatingala.



“Salamat saan?” tanong ko dito habang magkadikit ang aming mga braso at naka tingala sa ulanan.



“Dahil kahit pagod na pagod ka na, kahit gustong gusto mo ng matulog, pinili mo paring tiisin ang pagiging brat ko.” sabi niya sakin, napatawa naman ako.




“What?! Seryoso ako!” sabi niya, tila ba naguguluhan sa pagtawa ko.



“Sinabi ko na sayo diba? Di bagay sayo ang ganyang kadrama!” biro ko dito, napatawa nadin siya, humarap siya sakin at inabot ang aking mukha at pianaandar doon ang likod ng kaniyang palad. Unti unting nabura ang aking ngiti, gayun din siya, nagkatitigan kami, di napigilan ng noo ko na mangunot dahil sa aking pagtataka sa mga kinikilos nito, agad akong humakbang palayo sa kaniya.



“Silong na tayo.” aya ko dito, tila naman nahimasmasan si Jepoy sa sinabi kong iyon at sumunod na ito sakin papasok ng bahay.




0000ooo0000



Di maalis sa isipan ko ang nangyaring paghawak ni Jepoy sa aking mukha habang nagpapalit ng damit, sa likod ko ay si Jepoy na nagpapalit din ng damit. Napansin kong nagva-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa aking lamesita, agad ko itong sinagot. Si Jana. Umiiyak sa kabilang linya.



“Jana?” agad na humarap sa akin si Jepoy.



“Hello, Maki, kasama mo ba si Jepoy? Di niya kasi sinasagot ang telepono niya kanina pa eh.” nahikbing sabi ni Jana sa kabilang linya.



“Oo, andito siya.” sabi ko sabay abot ng telepono kay Jepoy.



“Gusto ka raw niyang kausapin.” sabi ko dito, nagalangan pa saglit si Jepoy pero pinandilatan ko ito ng mata, agad na bumaba si Jepoy at pumunta sa aming terrace, sinundan ko ito.




0000ooo0000



Magiisang oras na si Jepoy sa telepono, mas pinapanood na nga namin siya ng nanay ko kesa sa palabas sa TV, kitang kita kasi ito sa bintana sa labas ng aming sala. Tinignan ako ng aking ina habang sumusubo ng popcorn.



“Akala ko boyfriend mo yang si Jepoy?”



It took me about five minutes to absorb what my mother said. Napatingin ako sa kaniya, tinitignan kung seryoso o nagbibiro ba ang aking nanay. Pero nang tignan ko ito ay walang bahid ng biro sa mukha nito.



“Ano namang naisip mo at nasabi mo yan?!” naeskandalo kong tanong dito.



“Wala lang, lagi kasi siyang nakikitulog dito, tapos para pa kayong magsyota kung umasta.” sabi ng nanay ko, ngayon kinikilabutan na ako sa sinasabi ng nanay ko.



“Si Jana ang girlfriend ni Jepoy, andito lang yang kumag na yan lagi dahil ayaw niya sa bahay nila dahil akala niya di na siya mahal ng mga magulang niya.” paliwanag ko sa aking ina, pero halatang di niya ito kinakagat.



“Eh bakit nung isang umaga papisil pisil ka pa sa braso niya?” Ngayon na eeskandalo na talaga ako.



“Biro lang yun, 'nay!” sigaw ko na dito, sumimangot naman ang nanay ko.



“Sayang. Gusto ko pa naman siya.” bulong nito.



“Gusto ko ri---” agad kong pinigilan ang sarili ko sa pagkakadulas pero huli na, alam na ng nanay ko kung ano dapat ang sasabihin ko, nakakaloko na ang ngiti nito sakin. “Bahala nga kayo dyan! Kung ano ano na sinasabi niyo!” bulyaw ko dito sabay tayo at tungo sa aking kwarto. Narinig kong tumawa ang nanay ko. Nakadapa na ako sa aking kama at nagiintay na makatulog ng pumasok sa kwarto ko si Jepoy.



“Maki, pwede bang makitulog ulit dito?” tanong nito sakin. Di ako makasagot dahil iniisip ko ang sinabi sakin ng aking inay.





Itutuloy...

No comments:

Post a Comment