Friday, January 11, 2013

Break Shot (11-Finale)

By: Andrey
Blog: oddsanduncertainties.blogspot.com


[11]
Nang pumasok ako sa bahay, sinalubong ako ng worried face ni mama. Bakit si mama lang? Dahil si papa'y nagliliyab ang mga mata habang nakatingin saakin.




"Matutulog na po ako..." i tried not to cry in front of them.



"Matutulog? Umaga na ah!" Tumayo si papa at lumapit saakin. "Wala ka na ba talagang galang samin ni Mama mo? Ha?!"



Dire-diretso naman ako sa kwarto at hindi siya pinansin. I locked the door and threw myself on the bed. Habang galit na kumakatok si papa sa pinto, iyak naman ako ng iyak sa kwarto. I was trembling as i recollect the words that kuya Liam said to me. Ngunit ang nangingibaw saakin ay ang takot na baka hindi na ako patawarin ni Kuya sa aking nagawa. If only he would listen to my explanation.



Ang sakit sakit ng nararamdaman ko as i bury my face on the pillows. Ayokong mawala saakin si Kuya Liam. He's all that matters now...I can't afford losing him. He has done too many good things for me...pero in return, lagi ko naman siyang sinasaktan. Parang mabibiyak ang puso ko. Gusto ko siya makita...gusto ko mag-sorry ng paulit-ulit. Gusto kong malaman niyang ayaw ko na nagagalit siya sakin...na para akong pinapatay kapag galit siya sakin...Ngunit ang tangi kong narinig ay ang mahihinang hikbi na bumalot sa aking silid.



At muling nakipaglaro ang tadhana saakin.



Lunes, pumunta ako ng maaga sa paaralan para makausap ko si Kuya Liam. Ngunit wala pa siya pagdating ko. nang pumasok siya sa room ay saktong time na kaya hindi ko na siya nakausap. Wala naman ako sa focus habang nakikinig sa aming guro. Lagi ako tumitingin kay Kuya. Pero hindi niya ako tinitingnan at laging lihis ang tingin saakin. Napaka-hirap makinig sa teacher when all i want to do is talk to Kuya Liam and explain.



I almost jumped noong marinig ang bell at dali-daling lumapit kay Kuya Liam. Nakaupo siya, ang mata'y diretso at nangangalit.



"K-kuya...mag-usap tayo please." Ang sabi ko habang nakatingin sakanya. "Kuya, makinig ka muna sa paliwanag ko..."



Ngunit wala siyang kibo. Nag-hikab pa nga siya na parang ipinapakita na wala siyang intensyong makinig.



"Kuya tumingin ka naman sakin..." I begged...Its really killing me that he's acting this way. Bigla siyang tumayo ngunit nakaharang ako sa daanan niya.



"Tabi!" He demanded in a cold voice. Para naman akong takot na batang tumabi upon hearing his voice. Natakot kasi ako sakanya dahil sa mga ikinilos niya noong isang gabi. Lumapit siya sa grupo ng mga babae at saka ngumiting nakakaloko, sabay akbay kay Leah. Nagtawanan ang mga babae at gustong-gusto naman ni Leah yung ginawa ni Kuyang pag-akbay sakanya. Nakipagharutan siya sa mga babae doon, lalo na kay Leah na dikit na dikit na sakanya, at noong hindi ko na nakayanan, lumabas na lang ako ng classroom.



Maghapon niya akong hindi pinansin. Parang tanga lang akong humahabol habol sakanya at nakiki-usap. Pero matigas talaga si Kuya at kahit anong gawin kong pagmamaka-awa ay hindi niya ako kinikibo.



Nagpatuloy iyon ng isang linggo. Iyon yung mga araw na halos lumuhod na ako sakanya sa pagmamaka-awang makinig muna sa paliwanag ko. Many times din sinubukan kong magsalita na lang sakanya pero lagi naman siya umiiwas at umaalis sa tuwing susubukan ko. Lagi niya din ako pinapagselos by flirting with other girls lalo na kay Leah. Pinapakita niya saakin na okay na okay siya kahit wala ako. Samantalang ako, halos mabaliw na kaiisip kung paano niya ako papatawarin. Hindi naman siya galit kay Matthew. Katunayan, parang super close na nga sila. Inaakbayan niya pa ito at naghaharutan sila. Saakin lang talaga galit si Kuya Liam. At sa tuwing naiisip ko iyon, hindi ko mapigilan ang aking mga luha sa pagtulo.



Kami naman ni Matthew, ginampanan niya ang napag-usapan naming 'act like strangers'. Hindi niya din ako tinitingnan, hindi ako pinapansin. Hindi ko rin tuloy alam kung dapat akong maging masaya doon. Oo siguro dahil kapag kinausap niya ako baka lalong magalit si kuya. Pero on the other side, i'm sad dahil feeling ko, talagang mag-isa lang ako.



Handa akong gawin lahat basta mapatawad lang ni Kuya. Kahit sabihin niyang lumundag ako sa isang bangin, o kaya magpalunod sa ilog, gagawin ko. I want to let him know na pinagsisihan ko ang ginawa kong 'pagtataksil' sakanya. But the fact that he wouldn't let me do so is killing me.



Maraming beses akong pumupunta sa kubo, nagbabaka-sakaling makita ko siya doon at makapag-usap kami. Ngunit there is no sign na nagpupunta siya doon. Many times din na gumagala ako sa bukirin sa pagbabakasakaling makita ko siya pero wala.



Nakahalata na din ang mga classmates namin sa room. Ang dating halos magkadikit daw ay napaghiwalay mysteriously for unknown reasons.



"I just woke up one day and realized na i shouldn't waste my time sa mga walang kwentang bagay. Nakaka-irita. Nakakasuka." Ang sabi niya isang beses nang may magtanong. His words were thrown to me like rocks and realized he hates me that much. Wala naman akong sinasabi kapag may nagtatanong saakin. Maging si Matthew ay na-iintriga din. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin saakin at parang nagtatanong. Pero hindi ko siya pinapansin.



Nang hapong iyon ay lumapit uli ako kay Kuya Liam.



"Kuya, magkita tayo bukas sa kubo. Maghihintay ako. Kahit abutan ako ng gabi, maghihintay ako." I said. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis na din.



Kinabukasan excited akong pumunta sa kubo. Pinaghandaan ko na kagabi ang mga sasabihin. Naghintay ako mula alas sais ng umaga hanggang dumilim. Pero ni anino ni Kuya Liam hindi ko nakita. Doon ako nagsimulang panghinaan ng loob. Saying sorry and explaining to him seems so hopeless. Kaya inalala ko na lang lahat ng ginawa namin ni Kuya sa kubong ito. Yung unang beses na dinala niya ako dito, yung pagtutulungan namin sa paggawa nito, yung pagkain namin ng buko, yung mga kulitan namin, mga pag-aalaga niya saakin, mga times na ninanakawan niya ako ng halik, mga araw na pinagsaluhan namin ang init ng pagmamahalan. And i found my self crying na lang habang inaalala iyon. Its breaking my heart so much...napakasakit na lahat ng iyon ay mapupunta sa wala dahil sa kapalaluhan ko.



Kaya isang beses lumuhod ako sa harapan niya sa loob ng room at naki-usap na kausapin niya. Hila-hila niya naman ako papunta sa likod ng room at saka marahas na tinulak.



"Ano bang gusto mo?!" bulyaw niya. "Nakaka-irita ka talaga. Pag ako hindi nakapag-pigil titigil ako sa pag-aaral para lang hindi na makita yang mukha mo! Pinagmukha mo pa akong masama sa mga kaklase natin at may paluhod-luhod ka pang nalalaman!" He said.



"K-kuya...patawarin mo na ako. Nagsisisi na ako. Hindi ko na kaya kuya na hindi mo ako pinapansin. Kuya, please, buksan mo uli ang puso mo...Hindi ko kaya na wala ka..." I begged habang lumuhod uli sa lupa. "Kahit ano kuya gagawin ko....kahit ano...patawarin mo lang ako."



"P**** naman oh! Ayoko na nga Andrey diba? Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sakin! Kahit pa anong mangyari, hinding hindi mo na maalis ang katotohanang kumalantari ka sa iba! Bakit, hindi pa ba ako sapat? Naghanap ka pa ng ibang lalabasan mo ng init mo? Well ngayon magpakasawa ka. Dahil hindi na kita pipigilan. Gawin mo na ang gusto mo. And get out of my life!" He shouted. Umiyak na naman ako sa mga narinig sakanya. I cursed myself many many times before sa ginawa ko, and hearing it coming from him again hurts so bad.



"Give me another chance kuya...To prove na nagsisisi ako sa ginawa ko...I will do anything you want para mapatawad ako. Sabihin mo lang kuya please..." Umiyak na talaga ako ng todo todo. Gusto kong may gawin. Ayokong maghintay na patawarin niya...gusto ko may gagawin ako so he can forgive me.



"Lahat? O sige, pagbibigyan kita. Pero wag ka umasa na mapapatawad agad kita.Then magkita tayo bukas sa kubo." He said sabay alis. Kahit papano'y nasiyahan naman ako sa narinig. At least, kakausapin na ako ni Kuya sa lugar na mahalaga saamin pareho.



Kaya naghanda naman ako sa muling pagkikita namin sa kubo. Labis ang kasiyahan ko nang makita siyang naghihintay doon. It reminded me of the good old days na ako ang sinusuyo niya. Pero ngayon, ako na ang sumusuyo sakanya upang patawarin. Nginitian ko si Kuya at halos maiyak na ako but he didn't smiled back at saka pumasok sa loob ng kubo. Siyempre sinundan ko siya, at nung pagpasok ko, nakahubad na siya ng t-shirt at naghuhubad na ng pantalon. At may nangyari ulit samin.



"Simula ngayon hanggang sa kaya mo pa, pumunta ka dito kapag ganitong oras. Bago ako magtrabaho sa bukid niyo, maglaro muna tayo. Malay mo mapatawad kita." Ang sabi niya habang nagbibihis. At saka iniwanan ako.



Paglabas niya naman ay tumulo ang luha ko. Nakatihaya pa rin ako sa kama, walang damit, at madumi gawa ng dagta niya sa likod ko. Iniwan niya ako doong nakatiwangwang, parang laruang matapos pagsawaan ay iiwan. What we did is absolutely not lovemaking, nagparaos lang siya. Ni Hindi niya ako hinalikan man lang. Wala siyang pakealam kung nasasaktan ako, nasasarapan o ano. Ang mahalaga sakanya ay maisakutaparan ang pansariling layunin. I was in a state of shock pa rin sa ginawa niya. It was no match sa kuya liam na nakasama ko sa bahay namin, gentle, passionate, at lagi ako pinapaliguan ng halik kapag nasasaktan.



Lagi niya iyon ginagawa saakin kapag sabado o kelan niya maisipan. Ginawa niya lang talaga akong parausan sa kahit anong posisyong maibigan niya. Walang emotional attachment. At pagkatapos ay iiwan akong parang walang nangyari. Dahil doo'y bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Feeling ko ang dumi dumi ko...like yun lang ang silbi ko kay kuya liam. Marahil ay pinaparusahan niya ako sa ginawa namin ni Matthew. Sa tuwing maiisip ko naman na marahil ay hindi na tama ang ginagawa niya sakin, i just imagine yung dating Liam na maalaga, gentle, at sweet. At kapag naalala ko ang dating Liam na iyon, lagi ako nagkakaroon ng bagong lakas para magpatuloy. Lalo ako nagpupursige na muling makuha ang tiwala at puso ni Kuya. Kahit sa paraang iyon man lang.



Isang araw sa discussion namin sa English, may dinusscuss kaming poem na ang main idea ay trust. Sa kasamaang palad, nung magtanong na si Ma'am ay isa ako sa natawag. At ibinigay niya pa saakin ang pinaka-bagay na tanong;



"In the poem, why is a broken trust compared to a broken glass?"



"A-ang t-trust ay...t-tulad sa isang salamin...N-na...kapag nabasag...m-mahirap nang ibalik. M-maibalik mo man...N-andoon po rin yung tanda na m-minsan, n-nabasag ito." Ang sabi ko...reflecting sa nangyayari samin ni Kuya Liam. At parang mga basag na salamin, tinusok nito ang puso ko.



"Let's clap our hands for our mighty prince talking about broken trust.....condom" Ang sabi ni Kuya Liam that sent roars of laughter sa klase. Namula naman ang tenga ko, at gusto ko maiyak. Pero tinatagan ko ang loob ko. Isina-isip ko na lang na kung gusto ko mabawi ang dating Liam, kailangan kong maging matatag at handa sa consequences ng pagkakamali ko.



Nang hapong iyon, naisipan kong ibigay kay Kuya Liam ang diary ko patungkol sa pagsasama naming dalawa. Nag baka sakali ako na mapatawad niya kapag nalaman niyang minahal ko din siya....at siya ang pinili ko kay Matthew. Marahil ay kapag nalaman niya kung gaano ako thankful sa pagdating niya sa buhay ko, mapapatawad niya ako. Kaya nang hapong iyon ay naki-usap ako sakanya na mag-usap kami sa likod ng room.



"Ano na naman? Hihingi ka na naman ng tawad? Hindi mo pa ba talaga makuha kuha? Hindi na kita mapapatawad!" bulyaw niya agad.



"k-kuya, s-sorry.'



"Taran**** ka talaga! Sinabi ko pa lang!" Umiyak na naman ako at saka kinuha ang diary sa bag at inabot sa kanya. Tiningnan niya lang ito ng matulin.



"Ano naman 'to?" Nayayamot niyang tanong.



"Y-yung diary ko tungkol sa atin...Diyan ko sinulat lahat ng nararamdaman ko para sayo...Basahin mo kuya..." Ang sabi ko habang nakatingin sa baba. Nanlaki naman ang mata ko ng hinulog niya ito, inapakan, at saka inikot-ikot ang paa para mas lalong masira yung diary. Agad ko namang kinuha ang diary pero hindi ko magawa dahil nga naapakan niya ito. Tumulo naman ang mga luha ko sa sapatos niya.



"Akala mo mapapatawad kita sa Diary na 'to? Wag ka umasa. Wala na akong pakealam kung ano pang naramdaman mo noon. Because do you know what i feel for you right now? I despise you Andrey! Isa ka na lang laruan para sakin. Tulad nga ng sinabi mo kanina, ang tiwala ay parang mga binasag na salamin. Mahirap na ibalik. Alam mo yan." Ang sabi niya sabay apak ng huling beses sa diary at saka umalis. Pero bago siya tuluyang maka-alis, nagsalita muna ako.



"Pero kahit mahirap kuya ibalik ang nabasag mong tiwala, I will try to collect the broken pieces. Kahit masugatan pa ako ng maraming beses habang ginagawa iyon, handa ako." Ang sabi ko, holding the diary close to me.



But he ignored my words and walked away.



Isang buwan na lang bago ang Christmas Vacation ay ganoon pa rin ang set-up namin ni Kuya Liam. Hindi niya ako pinapansin, Dikit na dikit kay Leah, Close sila ni Matthew, Strangers kami ni Matthew, at parausan ako pag Sabado. Minsan pakiramdam ko puputok na ang puso ko sa sama ng loob. But its not as if i have the right to feel so. Sa tuwing mararamdaman ko na lang na hindi ko na makayanan, i tell myself i deserve this. Dagdagan pa ng galit saakin si Papa.



Sa second grading period ay ako pa rin ang nag-first. Second si matthew, at third na si Kuya Liam. Ngunit parang wala na saakin ang karangalang natanggap. Ano pang halaga nito kung ang dalawang taong dahilan kung bakit ako nakatanggap ng ganoong parangal ay hindi ako pinapansin. At mas lalo pang tumindi ang galit saakin ni Kuya sa nakamit ko. Hindi ko din alam kung bakit siya nagalit doon.



Isang hapon, tumatambay ako sa may sea wall habang nagrereview nang marinig ko ang boses ni Kuya Liam at Matthew na papalapit doon. Agad akong nagtago sa may gilid ng bodega na katabi lang ng room. Naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nina Matthew at Liam.



"Anong bang problema tol? What's going on between you and Andrey?" Si Matthew.



"We're having the best time of our lives, bakit?" Sarcastic namang sagot ni Liam.



"Oh come on Liam...hindi ako manhid para hindi mapansing there's something going on."



"Meron nga. At dahil yun sayo!" bulyaw ni kuya liam. Gusto ko sila pigilan dahil baka kung ano manggyari pero pinigilan ko ang sarili. Nanlaki naman ang mata ni Matthew.



"A-anong....?"



"Ppsshh...don't deny it. alam kong may nangyari sainyo ni Andrey. And i hated him for that." Ngumiti si Kuya Liam. Muling tinusok ang puso ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit saakin lang siya nagagalit. Bakit ang bait niya pa rin kay Matthew? Para ano? Para mas lalong ipamukha saakin ang galit niya?



"P-pero...huli na yon. Andrey decided na ituring namin ang isa't-isang stranger..." Paliwanag ni Matthew. Lumakas naman ang tibok ng puso ko. Sana pakinggan ni Kuya Liam ang sasabihin ni Matthew. Baka makinig na si Kuya Liam sa totoong nangyari noong araw na iyon.



"Ganun pala...kaya pala hindi na kayo nagpapansinan..." Kuya Liam said at tumango tango. Ngumiti ako ng bahagya...nabuhayan ng pag-asang baka kahit papaano ay mapatawad niya ako.



"Mahal na mahal ka ni Andrey, Liam..." Ang sabi pa ni Matthew.



"Oo...nasukat yun nang magtabi kayo." Pamaktol niyang sabi. His face became dark and dangerous, just like the night na nag-away kami. (o inaway niya ako?)



"P-pero bakit sakanya mo lang ibinubuhos ang galit? Hindi ba unfair yun? may kasalanan din ako Liam...I was the one who triggered the gun...Nagmakaawa pa nga si Andrey na wag ko siyang gagalawin pero..."



"pero nangyari pa rin. I won't hate you because kung mahal talaga ako ni Andrey, hindi niya yun magagawa. Problem is, nasayo pa rin ang puso niya. Nung una, akala ko kaya kong ganoon lang ang set-up namin. Na kung ano lang ang kaya niyang ibigay para sakin, i'll humbly accept it. Pero napakarami na naming pinagsamahan at pinagsaluhan...at in the end, ikaw pa rin ang laman ng puso niya." Kuya Liam said with sadness. he turned back and motioned to leave.



"Until when mo balak gawin to kay Andrey? Aren't you being too much? Its not as if you have all the time of your life...before you'll even knew it, graduate na tayo."



Hindi muna sumagot si Kuya. Ang lakas naman ng kabog ng puso ko...until when nga ba akong maghihintay na patawarin niya?



"Until hindi maranasan ni Andrey ang mawalan. Ang mamuhay ng magsimula sa wala. I think he's having too much luck in living this life. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko...hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit ko. Pero ayoko nang maramdaman niya na narito pa ako para sakanya...I want him to learn that everything's not all about him. Gusto ko sanang maging parte habang natutunan niya iyon...but i think he should learn it on his own. Minsan, mas natututo ang tao kung nao-overcome niya ang mga struggles ng buhay ng mag-isa. I want Andrey to learn that. And i don't care if he would suffer in the process...Call me cruel, pero iyon lang ang alam kong paraan para maranasan niya ang sakit na naranasan ko."



Umalis si Kuya Liam at maya-maya pa'y sumunod si Matthew. I was left speechless sa sinabi ni Kuya. Its not about our love anymore...its about my personal growth na naman. Tulad ni matthew, sasaktan na naman ako ni kuya para may matutunan ako...A sasabihin in the end na para rin saakin ang nangyari, para sa ikabubuti ko. Ngunit hindi man lang nila iniisip kung gano ako nasasaktan habang ginagawa nila iyon. But do i really have the right para magreklamo? After all, nasaktan ko ng labis si Kuya. All i could do and should do is endure.



I'm tired of that game.



And besides, paano nga ba ang mawalan?



.........

Siguro'y dalawang linggo na lang ang natitira bago ang bakasyon. The pain i'm feeling is becoming too unbearable. I felt like i'm always standing at the edge of a cliff. I don't know kung saan na ba ang lugar ko sa buhay ni kuya. He bullies me at school at pinapaselos kay Leah. Para akong may sinusuong na malakas na hangin at ulan dahil sa galit niya. At isang Sabado, matapos ni kuya akong gamitin, he shattered all the remaining hopes in me.



"Andrey let's break up. Actually, we broke up that night na umuwi ka galing kay Matthew. But i'm saying this to make it all formal and official. Because i can see na umaasa ka pa rin. Reason? Sawa na ako sayo." He said coldly at saka lumabas ng pinto. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Parang nabingi uli ako, at hindi ko alam kung paano ko nagawang huminga matapos ang mga segundong lumipas ng lumabas siya sa kubo. Inilapat ko ang kamay saaking dibdib, hoping that my heart would stop from breaking. But it didn't.



The pain was so crucial, so intense that i wanted to shout, and keep shouting till all the pain is gone. At para akong namatayang humagulhol sa loob ng kubo, habang wala pa ring saplot. Grabeng awa sa sarili ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Infinity talaga. Gusto kong habulin si Kuya, gusto kong bawiin niya lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. I didn't stop crying myself out until i didn't have the strength to weep. I was wishing i was just dreaming...that when i wake up, everythings's fine...and i would be on Kuya Liam's arms again. But the terrifying pain i was feeling told me all of it are too real.



Umuwi ako sa bahay, hindi kumain, at nagkulong sa kwarto. If only sleeping can mend a broken heart, i could've slept for a very long time.



Lunes, i came to school feeling like every life force has been sucked out of me. I felt so sad inside that i can't even fake a smile. When my teacher called me for a recitation, i just stood there like a lifeless puppet. Lagi akong tulala, hindi nakikinig sa leksyon, at kahit pinapagalitan na, wala pa rin akong kibo. Sometimes i would just find tears rolling down my cheeks uncontrollably. My heart was crying out Liam's name...and it hurts me sooo much each time i realize he just ended up everything between us. I was stuck in our memories...i was playing back everything about us...from the very start when a sillhoute image of him appear before me until the very day he broke up with me.



I kept thinking of his sweet smile and his magical dimples...I keep thinking how he used to love me, care for me, and made me feel like i'm the only person that mattered. Ngunit asan na ba ang lahat ng iyon ngayon? I was left trying to collect the broken pieces...only to find out that even those pieces are torn into even smaller pieces, making it impossible to be mend and be whole again. Ngunit kung may nasasaktan ding tulad ko ng mga oras na iyon, si Matthew at Ella iyon.

They were the ones who were there when life is once again at its downest. Hinahatidan ako ng snack kapag break time, na kinakain ko naman habang umiiyak. Nagbibigay ng corny jokes, na iniiyakan ko naman kahit nakakatawa. Ngunit nasaan ba ang taong gusto kong makapansin ng lahat ng paghihirap ko?



Andun siya sa likod. Watching me as my whole world starts crumbling down.



At dahil nga pinabayaan ko na naman ang sarili, i collapsed one time in the classroom, and Matthew again carried me on his back and carried me on the clinic. When i woke up, si Matthew lang ang nandoon.



"Andrey...kumusta pakiramdam mo?" He asked in his most caring voice. I wished it was Kuya Liam's.



"Ayos lang...i guess wala nang use yung pact nating strangers na tayo..." I said weakly



"Andrey I'm so sorry you have to suffer all of this by yourself. Its my fault...I'm sorry." Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Tumayo siya at niyakap ang ulo ko, holding it closer to his chest. That's when the floodgates opened, and i was crying like a lost child.



"A....ayokong mawala si kuya...M-mahal k-ko siya...h-hindi ko kayaa...." I cried out. He was hushing me like i'm a little kid.



"Mahal ka ni Liam, Andrey. He told me that. He just want you to find yourself first. Gusto niya malaman mo muna sa sarili mo where your heart belongs. And until then, you have to be strong. Be strong Andrey...fight for this love...You can never find someone that will love you like liam did. So fight for it Andrey. But you have to be a lot stronger."



That gave me hope. Hearing na sinabi ni Liam na mahal niya ako gave me a surge of strenght. At tama si Matthew, Kuya Liam's love is one in a million. But if he loves me, magagawa niya naman akong patawarin diba? Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko...o baka...o baka naghahanap na lang siya ng dahilan para iwan ako...dahil ayaw niya na talaga saakin...dahil nagsasawa na siya saakin.



And carrying my newfound hope, pumunta ako sa bahay kubo the next day para kausapin si kuya liam at para humingi ng second chance. To save a love that was once so great, but now's in vain. Nandoon na ako sa clearing ng may marinig akong ingay na nagpakaba saaking puso. Hindi...hindi maari.



Lumapit pa ako sa kubo. At nang tuluyan ko nang marinig at na-register na sa utak ko kung ano ang ingay na iyon, i don't know if i should stay or run.



"Ahhh....ahhhhhh..." Mga ungol ng tao. At ang isa'y pamilyar na pamilyar saakin. Wala sa sariling binuksan ko ang pinto, at tumambad saakin ang hubo't-hubad na si Liam at isa pang nagtatrabaho sa bukirin naming si Kuya Jacob. Nakahiga sa kama si kuya jacob, hawak hawak ang dalawang binti paitaas samantalang nasa ibabaw niya ang kuya ko.



I swear i died during that moment.



Nanlaki naman ang mata ni jacob ng makita ako.



"A-andrey?" Kitang kita ko ang hiya sa mukha nito...namutla at nataranta. Si Kuya Liam naman, upon hearing my name, ay lumingon sa direksyon ko. Ngunit sa halip na hiya din ang makita ko sa mukha niya, galit pa ito, at libog na libog ang hitsura.



"Istorbo." Narinig kong sabi niya. Dali-dali namang kumilos si jacob at tatayo sana ngunit pinigilan ito ni kuya liam. "Wag ka nga...pabayaan mo siya manood kung gusto niya. Baka matuto pa siya sayo." Iyon lang at itinuloy ni kuya liam ang paglabas-pasok sa butas ni jacob. Umungal pa ito at nagsalita "Ang saraapppp...ahhhh...Ang galing mo tollll...." na parang wala ako doon. Marahil sa libog ay hindi na rin ako pinansin nung jacob at nagpatuloy sa ginagawa nila. Hinalikan siya ni Kuya Liam, na hindi niya na ginagawa saakin, at binilisan pa ang pag-ulos.



Hindi na ako nakatiis at nagtatakbong parang hinahabol ng rapist papuntang ilog. Doon ako umiyak ng umiyak. Ganoon pala ang naramdaman ni kuya noong malaman niyang may nangyari saamin ni Matthew. Doble nga lang saakin dahil nakita ng sariling mata ko. Ganun pa man i didn't hate kuya liam. Ngunit nakakuha na din ako ng bagong lakas...dahil ngayon, patas na kami. I won't have to feel guilty all the time dahil nagtaksil ako. Now, pareho na kami may ginawa. Only that wala na akong karapatang magselos dahil hindi na kami.



Pero napakasakit pala. Sobra. Parang pinaghihiwalay ang puso ko...marahil ay nagsasawa na talaga si kuya saakin kaya nagawa niya yun. O baka talaga mahal niya rin si kuya jacob. Hindi naman yun impossible. Okay naman ang hitsura niya, at dahil nga nagtatrabaho sa bukid, macho din ang pangangatawan. Katapusan na nga ba talaga para saamin ni Kuya Liam?



Hindi.





Ayoko.





Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si kuya.





Alam ko na kung papaano ko mararanasan ang mamuhay ng may wala. Gagawin ko ang gusto ni Kuya. I will prove to him that i don't think i'm a prince...but i still have to make one thing clear.



Nang hapon ding iyon, nakita ko si kuya liam na nagaararo para sa tatamnan ng mga pechay. Marami sila dun pero naglakas loob akong ipa-excuse muna si kuya. Siguro nahiya din siyang ipahiya ang may ari ng lupang sinasaka niya sa harap ng mga trabahador nito kaya nagmamaktol siyang sumama saakin.



"Ano na naman ba?!" Our first talk after i caught him doing 'it' with someone, and he's throwing tantrums at me.



"K-kuya, yung nakita ko kanina...kayo na ba?" I asked, trying to fight away my tears. Lagi na lang ako naiiyak kapag kausap siya.



"Hindi. Curious lang yun, at pinagbigyan ko."



At nagsasawa ka na sakin kaya sinusubukan mo sa iba.



I bit my lip to stop my tears from flowing.



"Yun lang kuya...i just want to know kung---" hindi na niya ako pinatapos at saka tumalikod para bumalik sa trabaho.



"K-kuya, aalis ako...pupunta ako ng---"



"Bahala ka kung sang langit mo gustong magpunta. Wala akong pakealam. Live the way you want to."



Tumango lang ako at saka pilit na ngumiti, despite the raging tears na kumakawala sa mga mata ko. "See you kuya...at pagbalik ko, mangako kang mamahalin mo ako ulit...gaya ng dati..."



Hindi na siya sumagot at pinagpatuloy ang pag-aararo.



Umalis na din ako, at pagdating sa bahay, kinuha ko yung mga luma kong damit at saka iniligay sa isang bag. Nagpaalam ako kina papa at mama ng maayos. Lumuhod ako sa harapan nila.



"Ma, Pa...pupunta ako ng Maynila. Doon ako magbabakasyon." I said habang nakayuko.



"Ganun ba? O sige doon na lang tayong tatlo magpasko kina tita---"



"Hindi ma...i will live alone...hahanapin ko ang sarili ko..."



At nagsimula ang madugong palitan namin ng mga salita ng aking mga magulang. Sinampal ako ni papa, pinagalitan, nanaghoy si mama, ngunit hindi ako nagpadaig.



"Hindi naman po ako humihingi ng kahit ano. Hindi din po ako humihingi ng permiso. Gusto ko lang po sabihin sainyo para hindi kayo mag-alala."



Sa huli'y pumayag din sila. Binigyan nila ako ng 5000 habang maski si papa'y umiiyak na din. Naki-usap ako sakanila na kapag may nagtanong kung nasaan ako, sabihin na lang na pumunta ako sa mga tita ko.



At nang gabi ngang iyon ay sumakay ako ng bus papuntang Maynila ng mag-isa. Natatakot ako, kinakabahan, ngunit kakayanin ko...gusto ko din namang matutunan kung paano ba ang mamuhay ng wala kang kahit ako. Umiyak ako habang nasa bus...napakarami kong nararamdamang emosyon. Ngunit kakayanin ko. Magpapakatatag ako para kay Kuya Liam...at marahil...para sa sarili.



.......................

Nang magising ako'y nagsisibabaan na ang mga tao sa bus. Ang babaan pa noon ay sa Ali Mall. Ignoranteng ignorante ako sa mga nagtataasang building. Napangiti ako nang makita ang mga iyon, at parang tangang natakot na baka mahulugan. Hindi din ako marunong tumawid sa mga malalaking kalsada, at takot na takot sa mga nag-uunahang sasakyan. Binili ko ng gamot na kakasya sa isang buwan ang perang ibinigay saakin. Nang sa gayon, magka-problema man ako sa pagkain, may gamot ako kapag inatake ng sakit.



Hindi naging madali ang buhay ko sa maynila. Katunayan, masaklap ito. Napakaraming gabing natulog ako sa gilid ng kalsada, at minsan, may nagagalit pa saakin dahil pwesto daw nila iyon. Unang gabi pa lamang ay naiiyak na ako dahil wala akong matulugan. Nagpagala-gala ako sa Quiapo. Nagustuhan ko ang ideya ng underpass sa Quiapo. Naisip ko kasi na, sa kabila pala ng mundo sa itaas, may ibang mundo sa ibaba. Matao, nagbebentahan ng kung anu-ano, nakawan, at kanya kanyang diskarte sa buhay. Napakaraming gabing natulog ako sa hagdanan ng underpass, kasabay ng mararaming matatanda at bata na kinahabagan kong tunay. Napakaraming kahabag-habag na bagay ang nakita ko sa Maynila. May isang pamilya na nakatira sa isang kariton, ang iba nama'y sa labas ng mga kainan tulad ng jolibee, at kung saan saan pa nagkalat ang iba. May mga batang paslit na nakikipagsapalaran na sa mga hamon ng buhay sa napakamurang edad. Sa mga gabing wala akong matulugan, umiiyak na lang ako sa hagdan ng underpass habang iniisip ang malaki at malambot kong kama. Na-miss ko na din ng masyado sina mama at papa.



Mga isang linggong palaboy laboy ako sa Quiapo, umaasa lang sa natirang pera na ipinambili ko ng gamot. Ngunit hindi rin nagtagal, naubos ang perang iyon at alam kong kailangan ko ng trabaho. Napaka-hirap maghanap ng trabaho lalo pa't para na din akong pulubi na may dalang bag. Minsan lang ako naliligo, at nagpapalit lang ng damit kung kailangan. Nakahanap din ako ng trabaho sa isang tindahan. Taga buhat ng mga panindang karton karton. Sobrang bigat ng iba, lalo na kapag bigas. Natatapos ang araw na ang sakit sakit ng katawan ko. Alisin na natin ang init, dahil baka mahimatay ako kaiisip lang kung gaano kainit sa Maynila. Umalis din ako sa trabahong iyon dahil napaka-baba ng sweldo. Sarili ko pa ang pagkain, wala pa akong natutulugan.



Minsan napag-tripan pa ako ng mga adict sa lugar. Sa tanang buhay ko amy nambugbod saakin, kinuha ang bag, pati ang mga gamot. Pati yung sweldo kong kakarampot, kinuha saakin. Nagmakaawa ako doon ng sobra, pero pinagtawanan lang nila ako at saka ginulpi. Hanggang umaga ako doon sa gilid ng kalsada, ngunit wala man lang nag-effort na tulungan ako. Basag ang labi ko, duguan ang mukha, masakit ang katawan, at mukhang pulubi. Dahil na rin marahil sa hitsura kong iyon kaya walang tumulong saakin. Nakipagsapalaran ako, nanlimos para may makain. Hindi na ako nakapag-papalit ng damit gawa nga ng ninakaw lahat ng ito. May mga araw na wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak...iniisip ang marangyang buhay sa bicol....ang masasarap na pagkain...mga napapakagandang tanawin...at ang maliit na bahay kubo ni Kuya Liam. Kapag iniisip ko naman si Kuya Liam, ngumingiti ako. At habang lumilipas ang araw, lalo akong na-eexcite na umuwi, at ipagmalaki kay kuya ang kawalang naranasan ko. Marahil ay masisiyahan siya kapag nalaman ang mga naging paghihirap ko.



Hindi rin nagtagal, may bitbit na akong sako sa aking likod. Palaboy-laboy sa España, Manila. Marahil ay nakita na ako ng ilan sainyo na palaboy-laboy...nag-iipon ng mga plastic para ipang kalakal. At sa hitsura kong maduming madumi, mabaho, may akay akay na sako, sino mag-aakalang nagmamay-ari ako ng malalawak na bukirin sa probinsya.



Maraming araw na nahimatay ako dahil sa pag-atake ng sakit. Minsan, kapag hinang hina na ako, umuupo ako sa hagdan ng overpass papuntang UST. Doon kusang nagbibigay ang tao kapag nakikita akong hinang-hina. may kasama ako doon, may tatlong bata at isang matanda. Kapag malakas naman ako, piangmamasdan ko ang malaking campus ng unibersidad. At nangako sa sariling doon ako mag-aaral ng journalism. Doon ko itutuloy ang pangarap na ipinundar ni Matthew, at pinagtibay ni Liam.



Nahabag din marahil ang tadhana saakin nang may minsang nag-iwan saakin ng isang buong hamburger at isang basong buko juice. Laking pasasalamat ko sa taong iyon. Pinasalamatan ko siya ng paulit-ulit, dahil sa ilang linggo kong pananatili sa Maynila, siya pa lamang ang nagpakita ng kabutihan saakin. Siya si Kuya Dylan. May hitsura din siya, at may katamtamang taas at pangangatawan. Nang araw ding iyon ay kinausap niya ako na labis kong ikinasiya. Dahil may tumuring saaking parang tao.



"Wala ka nang pamilya?" Tanong niya habang tinitingnan akong gutom na gutom na kumagat sa hamburger.



"Meron pa po. Sa Bicol. Katanuyan po, mayaman kami. Marami kaming lupain doon." Ang sabi ko sabay kagat. Nakita ko siyang ngumiti, at ngumiti din ako dahil sa hitsura kong ito, hindi nga naman siya maniniwala.



"Eh bakit ka napunta dito sa Maynila kung anak ka pala ng hasyendero?" Tanong niya habang nakangiti pa rin. Hindi naman ngiting nang-iinsulto, yung tipo ng nginiting ginagawa kapag nagsasalita ang mga baliw.



"Para hanapin ang sarili ko. Uuwi din ako kuya kapag natapos ang buwang ito. Anong petsa na?" Nangalhati na ang hamburger kaya tiniklop ko ito. Uminom ako ng juice.



"December 24."



"What?! You mean, it was Christmas Eve last night? Pasko ngayon? Improbable!" Ang sabi kong gulat na gulat. Kaya pala narinig ko ang tatlong batang iyon na binabati akong maligayang pasko kagabi. Hinang hina na lang talaga ako para magsalita.



Nga-nga siya sa English ko. Tiningnan ko naman siya at ngumiti.



"M-merry Christmas. Oo, kaya nga binigyan kita ng pagkain. Its the day of sharing."



"Thank you so much!..You are the kindest person i've met since the first day i stepped in this strange land." Ang sabi ko.



"Walang ano man. Sige, may bibilhin pa ako. Usap tayo mamaya ah. At saka dadalhan kita dito ng handa namin. hehe." At saka nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nang umalis na siya, dinala ko ang tirang burger at buko juice sa matanda sa kabilang hagdan. Binigay ko ito sakanya at binati ng maligayang pasko. Pinasalamatan niya naman ako.



Dumating nga si Kuya Dylan ng hapong iyon. May dala siyang isang plastic ng maraming pagkain.



"Ayan...para sayo at sa kaibigan mo dun." Ang sabi niya sabay nguso sa matandang binigyan ko ng burger. Marahil ay nakita niya na binigyan ko ito ng pagkain. Dinalhan niya ang lola samantalang sinit-sitan ko ang tatlong bata na kasama ko na tumatambay sa overpass at nagcelebrate kami ng pasko. Hindi naman magkamayaw sa ngiti si kuya Dylan habang tinitingnan kaming kumain.



"Gusto mo?" Pang-aaya ko sakanya ng puto. "Yoko nga." bawi ko naman. Tumawa si Kuya.



Nang matapos na kaming kumain, inilagay ko sa plastic lahat ng dumi at saka tinabi.



"Akin na yan. Itatapon ko sa bahay." Ang sabi niya. Binigay ko naman.



"Kwento ka sa buhay mo sa probinsya niyo. Busog ka naman, habaan natin."



Ikinwento ko sakanya ang buhay sa bicol. Ang masaganang taniman, mga nagtataasang puno, ang malamig at fresh na hangin, mga huni ng iba't ibang klaseng ibon, ang bulkang mayon at kung ano-ano pa. He was really enthralled on my storytelling...at nung matapos ako sa pagdescribe sa bicol...



"Bakit ka napunta dito at naging ganyan kung ganon kayo kayaman?" Kunot-noo niyang tanong. I guess he also get rid of the thought that i'm crazy.



"It all started with a person close to my heart named.....Matthew." Ikinwento ko sakanya, at naintindihan niya. Tumigil ako doon sa part na sila na ni Ella.



"So, you're...gay?" ang final opinion niya.



"Ang SLLOOOOW mo naman kuya Dylan. Tungkol san ba yung pinagusapan natin since 3 hours ago?"



Ngumit siya at saka nagpaalam dahil gabing gabi na. Tatlong araw, laging tumatambay si kuya dylan sa overpass habang pinakikinggan ang kwento ko. Minsan, nakikinig din ang tatlong bata, at saka sumiksik sa tabi ko. Naging close na kami dahil lagi ko isini-share ang mayroon ako sakanila.



"....at hayun, andito na 'ko, nakilala ang napa-kabait na si Dylan..THE END." Ang sabi ko. Nagpalakpakan ang mga bata, at nakita ko naman parang pinunas ni kuya ang luha sa mata.



"Halika na..." Ang sabi niya, at saka ibinigay ang kamay saakin. "Doon ka matulog sa bahay namin. Hanggang sa gusto mo na umuwi."



At iyon na nga. Umiiyak akong pumasok sa bahay nila. Mainit naman akong tinanggap ng pamilya ni kuya. Alam na nila ang istorya ko kaya nahiya naman ako. Kinuwento pala sakanila ni kuya dylan ang tungkol sa binatang nakaupo sa gilid ng hagdan ng overpass na may-ari ng malawak na lupain.



"Maligo ka na Andrey. Heto oh, gamitin mo muna ang damit ko. Mula ngayon, lahat ng akin, saiyo na rin." Ang sabi niyang may ngiti sa labi. An image of kuya liam flashed my head, at bigla akong nalungkot.



"Oh, anong problema?" Tanong niya.



"I miss Kuya Liam na, Kuya Dylan." Ang sabi kong maluha luha..."...si mama at si papa, si matthew, si ella....*sniff* miss ko na sila lahat."



Yayakapin sana ako ni Kuya Dylan but he stopped at saka pumunas sa ilong. "Maligo ka muna Andrey."



Tumawa ako at saka naligo naman. God, it felt soooo good. I think i could've stayed in the bathroom for ever para maligo. Buti na lang naalala ko na may bayad ang tubig sa Maynila.



Nang lumabas naman ako sa cr, naghahanda na sila sa hapagkainan, at parang natigil silang lahat nang makita ako. Wala pa akong t-shirt at suot ko ang basketball short ni Kuya Dylan.



"Waa...ang gwapo pala ni kuya andrey!" sabi ni theresa, nakababatang kapatid ni kuya dylan. Tinitigan naman ako ni kuya, namamangha ang mukha, kaya nag-blush tuloy ako at agad na isinuot ang t-shirt. Kumain kami ng gabing iyon na parang parte ako ng pamilya nila. Napa-iyak pa nga ako habang kumakain dahil sa pasasalamat. Pakatapos kumain, namilit akong ako na maghuhugas ng kinain kahit ayaw nilang lahat. Pero hindi ako nagpa-pigil.



Tabi kami ni Kuya Dylan sa kwarto. Para naman akong bata na tatalon talon sa higaan.



"Wooo....Ang saya ko kuya!!!...Makakatulog na din ako ng maayos...malambot pa...miss na miss ko na'to.." at saka nahiga naman ako sabay pikit. When i opened my eyes, nakatingin saakin si Kuya Dylan at ang lapit talaga ng mukha niya saakin.



"K-kuya..." nag-blush ako.



"Hmm...i still can't believe how much your looks changed just by a single bath. Parang ibang tao tuloy ang pinapasok ko...parang hindi yung pinulot ko sa may overpass." ang sabi niya, at saka piningot ang ilong ko.



"Aray!...ang sakitt..." Ang sabi ko, nagbu-blush pa din.



Kahit naiilang ako, nakatulog naman ako ng mahimbing ng gabing iyon. Mabait na mabait saakin ang pamilya ni kuya. At kaya naman pinagpapa-pala ang pamilya nila dahil napaka-bait nila. Si Kuya Ronny at may batang miguel pa doon, pinulot din pala sila ng pamilya ni kuya dylan.



Limang araw na ang lumipas na doon ako nakituloy sa bahay ni kuya. Nagsisimula na akong mangamba kung paano makakauwi. Malapit na kasi ang pasukan. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng pamasahe pero ng gabing iyon, bago kami matulog ni kuya, ay sinabi ko na sakanya na kailangan ko nang umuwi.



"Maraming salamat talaga kuya. Hinding hindi kita makakalimutan sa tanang buhay ko. You are my savior. Ikaw ang unang taong nagpakita saakin ng kabaitan sa magulong lugar na ito. Balang araw, kapag sa UST na din ako nag-aaral, ibabalik ko lahat ng naging tulong mo." Mangiyak-ngiyak kong sabi.



"Walang problema Andrey. Kapatid na ang turing ko sayo. Masaya ako't natulungan kita. Malungkot nga lang na uuwi ka na." Ang sabi niya habang pareho kami nakatingin sa dingding.



Nang sumunod na araw, naisipan kong ibenta na lang ang katawan kahit isang gabi sa mayamang bakla. Nang sa ganoon ay magkaroon ako ng pera. Nakita ko kasi na ito ang gawain ng ilan sa mga lalaki sa Maynila. At iyon nga ang ginawa ko. Nag sorry na lang uli ako kay kuya Liam na binali ko na naman ang pangako ko sakanya. Nagpaalam na din ako sa pamilya ni kuya dylan at isa-isa silang niyakap. Pumunta muna ako sa palengke at bumili ng munting regalo para sa pamilya ni Kuya Dylan. At kay Kuya naman, yung kwuntas na ibinili ko pa sa bicol para kay kuya liam. Tinago ko kasi iyon sa secret pocket ko para hindi mawala. Hindi rin ito nanakaw ng mga nangtrip saakin. Nilibre ko din ng pagkain ang tatlong bata na kasama ko sa overpass sa isang karinderya, at dinalhan ang lola saka huling beses na nagpaalam sakanila.



Muli akong nagpa-alam sa pamilya ni kuya sa huling pagkakataon. Inihatid ako ni kuya papuntang Ali Mall. Seeing the place made me remember the first day i came here. And i can't help but to feel a sense of fulfillment. After all ng pag-struggle kong maka-survive sa lugar na ito, ngayon ay pauwi na ako.



"Paano ba yan...Sana magkaayos na kayo ng kuya liam mo. I wish you all the best Andrey." Ang huli niyang salita. Niyakap ko siya ng huling beses.



"i love you Kuya...bilang kuya....hehehe" Piningot niya uli ako at saka pinasakay ako sa bus.



Napaka-rami kong naramdaman habang na sa loob ng bus. Kahit na marami akong mapapait na karanasan sa isang buwan kong pananatili sa lugar na ito, marami din akong natutunang aral at mga natatanging lihim ng buhay. And in my short stay here in Manila, i can say i have grown into a more mature and competitive person. Competitiveness. It's something you should have if you want to survive in the real world. You have to use this like sword and shield if you want to live in such a big battlefield like Manila. Pakiwari ko'y naghihilahan pababa ang mga tao roon. Kaya kung nais mong manatiling nakatayo, kailangan mong ipaglaban ang sarili mo. You have to learn how to play their games so that you could win it...or at least, so that you could keep playing.



Maari ko nang sabihin kay Kuya Liam na alam ko na ang buhay na magsisimula ka sa wala. Yung walang inaasahan kundi ang sarili mo. Maari ko nang ipagmalaki sakanya na alam ko na ang totoong buhay na nais niyang ipakita saakin. At sa lugar ng Maynila, i was not a prince...nothing revolved around me. I was just a speck of dust in the city...i didn't mattered. Everyone looked down at me, pinandirihan, kinaawaan...At marahil lahat ng experience kong ito molded mo to be a much better person who knows the different faces of the real world.



Dumating ako sa aking pinakamamahal na Bicol nang alas dose ng gabi. Dalawang araw na akong absent sa school dahil dalawang araw na ang nakalipas mula ng magbukas muli ang klase. I came home, hugged my parents as long as i could, and promised to love them as much as i can, as long as i can. I was indeed so lucky to be blessed with such wonderful parents. Napakaraming bata sa Maynila ang palaboy, at walang magulang na gumagabay...at nagmamahal. I'm born lucky dahil sa mga magulang ko.



That night, our house was filled with warmth, love, and longing as i share my experiences with my loving parents.



And the next day, i went to school. My entrance was grand, dahil nagtinginan uli yung mga kaklase ko habang nasa pinto ako. Nginitian ko sila lahat...parang artista lang...gusto ko ipagsigawan na na-miss ko silang lahat.



Ella approached me with a hug. When i was in Manila and i had no friends, i promised i will try to restore and treasure my friendship with Ella. And maybe with Matthew, who knows.



Most of all, i'll take my kuya liam back. Kahit hindi ko alam kung papaano. Dahil napakarami ko nang sinugal para dito...



"Ba't dalawang araw ka absent bhest?" She asked.



"Long story. hehe. Basta i was in Manila. Nagkaron ng complications kaya hindi agad ako nakauwi."



Nagpalitan pa kami ng kwento ni Ella. Pasimple ko namang hinahanap si Kuya Liam. Ngunit wala pa siya sa room.



"Well bhest, i have a chikka about your kuya Liam." Ang sabi niya noong wala na kaming mapag-usapan. Kinabahan naman ako.



"What is it?" I asked. I really miss him. Much.



"Well...this might surprise you. Well, alam mo naman na iisa lang kami ng barangay ni Leah..." Mas lalo ako kinabahan noong mabanggit niya si Leah. Anong koneksyon noon kay Kuya Liam?



"...nagtrabaho ako sa tindahan ng tita ko, which is sa gilid lang ng kalsada. I keep seeing kuya liam na bumaba sa jeep at may pinupuntahan. Siyempre naintriga naman ako, kaya one day, sinundan ko siya. Would you believe he was going at Leah's house? And, pumasok siya doon umaga, he left, gabi na. Ang alam ko nagtatrabaho ang nanay ni Leah sa bayan. So she's left with their yaya. I think pinapasok dun si Liam ng walang permiso sa nanay...i didn't expect that kay Leah ah. Kahit lukaret siya ng klase, i thought she was a conservative and never-the-easy type. Pero, i really doubt that na. Sayo ko lang sinabi 'to ah...And you know what's the rumor about them dito sa campus?"



The scars of my broken heart started bleeding uncontrollably. The pain was killing me softly.



"What?" I managed to ask. Just then, pumasok si Kuya Liam sa pinto habang naka-akbay kay Leah.



"It was a rumor that Leah and Liam are..." Tumigil siya dahil napatingin saamin si Kuya Liam. I looked at him, traced his faced, searched his eyes. I didn't stop my tears from flowing.



"...sila na Andrey...at marahil ay hindi na rumor...dahil officially sila na..." Ella managed to say.


[12]
I immediately stopped my tears from falling when the bell rang. It took me a little while before what Ella said had completely registered in my mind. Gusto ko mag-focus sa pakikinig saaming guro but my mind and my heart refused to do so. It keeps breaking inside...but i can't do anything but to endure and feel the pain as it flows through my whole being.





Didn't i told kuya liam to wait? Hindi ba sinabi kong kapag bumalik ako'y mangangako siyang mamahalin niya uli ako tulad ng dati?





Two periods had ended ngunit wala ni isang bagay na sinabi ng guro ay pumasok sa isip ko. My mind is having its own classes...I did alot of thinking...i wanted my mind to teach my heart how not to feel so bad so i won't hurt myself too much. Gusto kong maintindihin si Kuya...naghanap ako ng rason kung bakit, after all, nagawa niya pa rin akong saktan at ipagpalit sa iba. Gusto kong maintindihan kung bakit napakabilis niya nalimutan ang pag-ibig niya para saakin...at isa lamang ang dahilang pilit na sumisiksik sa utak ko: nasaktan ko ng labis si Kuya.



Ngunit hindi ba sapat na din ang paghihirap na naranasan ko habang mag-isa kong pilit na inaalam ang natatanging lihim ng buhay? Hindi ba pinaglaban ko naman ang nararamdaman ko para kay Kuya? Hindi ba ginawa ko naman ang lahat para mapatawad niya ang pagkakamali ko?





Marahil ay sapat na iyon.





Sa huli, hindi ko kailangan magsisi dahil alam kong ginawa ko ang lahat. Tulad ng ginagawa ko sa mga nagi kong karelasyon, ginawa ko lahat para sa huli ay wala akong regret. Sinubukan ko na lahat...kaya marahil, kung talagang ayaw na ni kuya, wala na akong pagsisihan at matatanggap ko na maluwag saaking puso. Iyan ang gusto kong matutunan ng puso ko. Iyan ang pilit kong sinasabi sakanya, na wag na siyang masaktan...na wag na siyang mabiyak...dahil hindi ko na makayanan ang sakit...the pain was crucifying...I keep seeing kuya liam's face in my mind. I keep missing his sweet smile, his caring voice, his sweet caress...everything about him that gave me reasons to love him. All of this makes it so hard to accept and let go.







Nang hapong iyon, pumunta ako sa likod ng room at naupo sa seawall. Doon ako nag-isip isip at naglabas ng sama ng loob sa pag-iyak. Maya-maya'y naramdaman kong may tumabi saakin. Si Kuya Liam.





"How's life in Manila with your tita? Have you been well?" He said in a rather friendly tone. Somehow, hearing his kind voice made me feel better. Ngunit hindi ko na napigilan ang sariling sabihin ang mga salitang i so long to hear.





"Liam I'm sorry. Forgive me." Ang sabi ko without looking at him. "This is the last i will say these things to you. I've had enough. I still love you. There's no use in lying and telling that i don't when i still do. I still crazily do. At ang sakit na nararamdaman ko ngayon ang nagpapatunay noon." Muli na namang tumulo ang luha ko. I burried my face in my palms.





"I already forgave you Andrey...Leah taught me how to. And i'm sorry to tell you this but..."





"Stop...I didn't came here to hear that...." I stood frantically, and then went down the seawall para umalis. Mabilis niya naman akong sinundan at hinili ako sa braso. Then he gently held my face, looked into my eyes, and said the words i never wished to hear.





"I love Leah. She's my everything now..."





"No...no...stop..." Humahagulhol kong sabi habang inaalis ang kamay niya sa mukha ko.





"I never meant to hurt you...And i want to say sorry for the devious things i've done...Now na wala na ang galit ko, i don't even think na worth pang patawarin ang ginawa ko saiyo...i was so inconsiderate. Masyado na akong nagpalamon sa galit ko. But when Leah came...."



Umiling-iling ako at saka niyakap si Kuya.



"Tell me that you still love me..." I begged. Isinantabi na ang lahat ng natutunang aral sa buhay at nagpaalipin sa pag-ibig na nadarama. "You said you love me even when i was just a kid...prove that to me then...say that you love me. If you have loved me for a very long time, i don't believe na basta na lang mawawala iyon. Tell me that you love me...please..."



"I'm sorry...but i really love Leah now. " was his reply. Inalis ko ang kamay nang marinig iyon, tumalikod, at wala sa sariling naglakad paalis. I just kept on walking habang tulala...pumunta ako sa munting santuaryo namin ni Kuya Liam at saka doo'y tuluyang bumigay sa kalungkutan. Pumasok ako sa loob ng kubo at humiga sa kama. I decided to sleep, knowing that in there, i won't feel any pain. At iyon nga ang ginawa ko.



Nang magising ako'y madilim ang paligid at halos wala akong makita. I heard nothing but the sounds of night time creatures. I felt my heart again, but the intensive pain is still there. I let a tear roll down my face, at saka pumikit ulit.



I woke up with the song of birds and the smell of an early morning. I know i'm late para pumasok. Tumayo ako, felt my heart, but the pain was still there. Naglakad lakad ako sa palibot ng kubo, sa may clearing, habang ini-isa isa ang lahat ng ala-ala namin ni Kuya Liam. I know it too much na hindi makakatulong ito saakin kung gusto kong mag-move on ngunit, kahit sa huling pagkakataon, gusto kong sariwain ang lahat ng pinagsamahan namin ni Kuya. Umupo ako sa terrace at inaninag ang mukha ni kuya. Nakangiti siya saakin...hinawakan niya ang mukha ko...at saka muling naglapat ang aming mga labi. But when i opened my eyes, he was gone. Pumasok muli ako sa loob ng kubo at saka padapang nahiga sa sahig. My mind was lost somewhere...in the past...where kuya liam used to love me with his all...but all of them now seems distant memories. Pending to be forgotten.



Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong ayos...hindi ko namalayang madilim na pala. Naramdaman ko na ang panghihina ng katawan...and suddenly realized i haven't eaten since yesterday night. But i didn't care.



"I'm sorry...but i really love Leah now. "



Nakatulog muli ako. And when i woke up, gabi na naman. Nahihilo na ako...nanghihina...ngunit inisip ko na lang na isa lamang ito sa mga araw sa Maynila na wala akong makain at nag-iisa. Doon ko natanong kung para saan ba ang sakripisyo't paghihirap ko sa Maynila kung ngayon, may iba na palang mahal ang taong dahilan ng lahat. Ang akala ko'y malakas na ako...i thought i have grown during my stay in Manila. Pero nasaan ba ako ngayon? Heto, nag-iisa...isinasara ang sarili sa mundo...feeling exiled...like i don't belong to any place in this world. At habang sinasakripsyo ko ang sarili, habang nag-mumukhang kawawa at nagdurusa, si kuya liam ay masaya sa piling ni Leah. It feels so unfair...But do i really have a choice? I'm left with missing piecess...at kahit subukan ko pang buuin ito, wala nang dahilan pa para gawin ko yun.



I closed my eyes.



And opened them when i felt the sun's warmth hit my face. Ngunit sa grabeng panghihina, all i was able to do was to slightly raise my head...and then everything's dark. I don't know how long i have been staying in the darkness. I was worried na hindi ako mahanap nina mama at papa. Marahil ay nag-aalala na sila ng lubusan. Isang tao lang ang maaring makahula kung nasaan ako...si kuya...but i guess he wouldn't even bother to search for me.



I saw a light in the far end of a dark tunnel. I came nearer towards the light...the light looked so comforting, so peaceful...i came nearer and nearer, until i myself have slowly been covered by the light.



Then I heard his voice. He called me by my name.



"Andrey! andrey...!" He keeps repeating my name...he sounded afraid...like he can't live without that name...



"Pls...open your eyes...Andrey!" He was crying...i'm sure he is...his tears were falling...



Suddenly the light disappeared. The darkness, too. Despite the weakness i feel, i opened my eyes...and saw his face.



"I'm sorry...." I said...before falling into another abyss of darkness. I heard his voice once more... He was frantic. He keeps calling my name...all over again.



---------------------------------



I woke up with the sounds of beeping machines. Even though i still feel weak physically, i can hear voices around me. It took me some time to recognize all of them.



"Gising na siya..." Matthew said with relief.



I opened my eyes at sinalubong ng mga matang nag-aalala at mapagmahal.



"Okay ka lang bhest?" Si Ella



"Anak, what do you feel?" si mama, siyempre



"Kumusta pakiramdam mo?" si papa...



Isa-isa ko silang tiningnan...Nanghihina pa rin ako ngunit isa-isa ko tinangnan ang kanilang mukha at nginitian. Before I knew it, umiiyak na pala ako. I felt so thankful that i have those people na nakapalibot saakin. Maraming nagmamahal saakin...and i realize na mali talaga ang ginawa kong pagpapabaya saaking sarili. I should spend my time with these people who love me instead of mourning on something na wala namang patutunguhan. At dahil nga nanghihina pa ako, i closed my eyes again and let the tears roll down my cheeks.



"The doctor said he needs more rest." Narinig kong sabi ni papa. My senses were much awake, but my body isn't.



"Saan mo ba siya nakita Liam?" tanong ni Ella.



I flinched. Nandito si Kuya Liam?



"S-sa b-baha-...sa bukid. Nakahiga siya sa may lilim ng puno..." Naintindihan ko naman kung bakit nilihim niya ang patungkol saaming munting bahay kubo. Ngunit masakit nang maalala ko na dinala niya dito si Kuya Jacob at doon tinugon ang curiousity nito.



"Takot na takot na kami ng papa ni andrey. Dalawang araw na siyang nawawala kaya nagpatulong kami kay Liam sa paghahanap. Hindi rin naman namin inisip na naglayas muli siya at pumunta sa Maynila dahil magpapaalam siya kung ganoon. Lubos kaming nabahala dahil bigla siyang nawala at hindi nagpa-alam. Mabuti na lang at nahanap siya ni Liam." Ang kwento ni mama. Gusto ko siyang pigilan sa pagkwento na pumunta ako ng Maynila. Ngunit alam ko na ang susunod...



"N-naglayas? Hindi po ba sabi ninyo pumunta siya sa mga tita niya?" Si Kuya Liam. I wanted to shout...i want to stop mama from telling them what a beggar had i been during that time...



"Ang totoo'y nagpa-alam siya saamin upang mamuhay ng mag-isa sa Maynila. Hahanapin niya daw ang sarili niya. Nagpalaboy laboy siya doon sa buong Disyembre. Hindi pa rin kami makapaniwala sa naging buhay ng anak ko doon...nagi siyang pulubi, nabubugbog at namuhay na mas mahirap pa sa daga. Maraming beses din daw siyang inatake ng kanyang sakit at nahimatay doon...maging siya'y hindi rin alam kung papaano pa siya nabuhay. Naaawa ako sa anak ko...hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya para gawin niya ang mga bagay na ito sa sarili niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magdusa at maghirap...Ngunit kapag naiisip kong gusto niya na malaman ang kahulugan ng buhay sa murang edad, parang binibiyak ang puso ko." Umiyak si mama...at tumulo din ang luha ko. Ang katahimikan sumunod ay nagpahiwatig na hindi makapaniwala ang mga kaibigan ko sa narinig.



"Ginawa po iyon ni Andrey?!" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya. Maya-maya'y narinig ko na lang na humagulhol siya at pilit na pinipigil ang sarili sa pag-iyak. Marahil ay nagtanong sina mama at papa kung bakit siya ganoon. Pero hindi ko na hinintay ang mga sumunod na pangyayari. Then i fell into another deep sleep. (Tulog na lang ako ng tulog)



---------------------------------------



Nagising ako ay gabi na. Naaninag ko kasi ang dilim sa labas ng bintana. May lakas na din ako, enough para igala ko ang ulo at tingnan ang paligid. Wala sina mama't papa doon. Ang buong akala ko'y iniwan nila ako nang makita si kuya liam sa aking bedside, nakayuko ang ulo at marahil tulog. Inilapat ko ang kamay sa buhok niya, hinaplos-haplos ito at hindi ko na naman napigilang tumulo ang aking luha. Marahil ay naramdaman niya ang kamay ko kaya iniangat niya ang ulo at nagising.



"Gising ka na?" He asked wearily. Ngunit nakita ko namang masya siya na gising na ako.



"Asan sina mama?" I asked in a gloomy voice. Inilapit niya naman ang mukha at hinalikan ako sa noo.



"Para saan naman iyon..."



"Hindi ko alam kung saan magsisimula sa paghingi ng tawad Andrey...Gusto ko saktan ang sarili ng paulit-ulit sa mga ginawa ko saiyo. I didn't even considered how weak your body is. I have been too cruel...and i ask for your forgiveness..." Ang sabi niya. Tumulo naman ang luha ko.



"Handa sana akong gawin lahat para mapatawad mo at maibalik ang nararamdaman mo saakin. Pero ngayong mahal mo na si leah, lahat ng ginawa ko mawawalan na ng halaga. Let's forgive each other. We started out as friends, so let's end this as friends." Matapang kong sabi. Kahit bawat salita ay dumudurog saaking puso.



Tumango lang siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sakanyang isipan.



"May i kiss you? For the last time?" He asked, his eyes pleading. I didn't answer at hindi ko rin siya tiningnan. Saying its the last hurts so bad. Pero kahit hindi ako sumagot, nilapit niya ang bibig saaking mga labi at padambi akong hinalikan. Pareho kaming tumutulo ang luha sa mata.



But it doesn't matter ayway.





He loves Leah now.





So it doesn't matter.



-------------------------------------------------



Lumipas ang mga araw at tuluyan na naming pinasok ni Liam ang friend zone. Ngunit wala namang ibang nangyari kundi nakakalokang plastikan at palitan ng mga kakatwang salita sa room. Nginingitian ko si Kuya, at ngumingiti din naman siya. Ngunit kapag gusto namin pag-usapan ang isang topic, pareho kami nauubusan ng salita para pag-usapan iyon. Minsan nga, tinanong niya ako kung bakit daw ginawang bilog ang buwan sa halip na parisukat...at ang sagot ko ay "oo" na totally unrelated. We tried rebuilding our friendship, but the awkwardness of the past at ang pagpapa-iral ng pride here and there made it all impossible. So, to say, we became less friends...parang acquiantance lang with simple hi and hello.



Hindi naging madali para saakin ang bagong setup namin ni Kuya. Labis ang ka-sweetan nila ni Leah sa loob ng classroom, which makes me feel terribly sad. Napaka-sakit. Ngunit natatanggap ko na rin kahi papaano. Isinisik-sik ko na lang saaking isipan na "this too shall pass."



Isang araw sa loob ng canteen, nag-share kaming tatlo nina Matthew at Leah sa isang table.



"Grrrrrrr!!!! yang si Leah, kung maka-lingkis kay Liam daig pa ang octopus!"



"Hayaan na natin sila...mukhang masaya naman si liam eh."



"Wehh. I don't believe you. I know it hurts so much inside, diba? Ikaw pa! Don't lie to meeee..."



"yeah....it hurts...so bad." malungkot kong sabi. Tumingin saakin si Matthew habang sinubo ang ang kinakaing burger.



"drama niyong dalawa. Kain na lang kayo. Sumasama ang lasa ng pagkain sa mood ng isa diyan." Pamaktol na sabi ni Matthew. Sumimangot ako at tiningnan siya. Fortunately, the magic each time our eyes meet is long gone.



"Oo na. Kumain ka lang....ayaw mo lang maistorbo." Ang sabi ko naman sakanya.



"Alam mo Matthew, palibhasa'y masaya ka lang na wala na ang Liandrey couple. Pabor na pabor ka dahil wala na sila. Anong gusto mo? AndRew? Ew." Nang-iinis namang sabi ni Ella. Hearing what she said, sabay kaming tumingin sa malayo ni Matthew. Talk about awkward. Matthew cleared his throat.



"Ano ba yan....Hindi na masarap yung pagkain....Well anyway, nasasaktan ka ba talaga Andrey?" Ang sabi ni matthew a few minutes later. Ngumiti ako dahil bigla niyang piniling sumali sa usapan namin ni Ella, which means hindi naman talaga niya gusto na wala na kami ni Liam.



"Oo......siguro...But i can overcome this over time. I just need time. Kaso mahihirapan ako dahil lagi ko sila nakikita." I replied, eating my burger.



"Mahirap talagang kalimutan ang taong mahal mo kung lagi mo siya nakikita...Akala mo nag-move on ka na tapos kapag nakita mo siya, hayun, your foolish heart would start beating fast again. I hate that feeling." Ang sabi ni Matthew sabay marahas na kinagat ang burger. "But then, seriously, kung nasasaktan ka talaga tol, let's make an agreement...the three of us."



"What it is it? Baka sabihin mo na naman magkopyahan tayo sa quizzes eh ang lalayo ng upuan natin." Ang sabi ko kahit alam kong ang agreement ay concerned saamin ni Liam.



"Nope. From now on, we would not talk about anything that concerns the L&L couple." Seryosong sabi ni Matthew.



"I AGREE!" Ang sabi naman ni ella na kanina pang tahimik sa pagkain ng kanyang burger.



"Ganun..." I said sadly. Ngunit alam kong makakatulong kung lahat kami ay magpapangap na wala si Liam at Leah. At walang ring Liam at Andrey. "Tama kayo Guys. We should move on na." Ang sabi ko.I should move on na.



At naging mag-bff kaming tatlo. Hindi ko na alam kung papaano. Pero natutuwa ako at napapangiti kung paanong ang conflict ng third year life ko ay saaming tatlo umikot, ngunit ngayon, nagtutulungan na kami, nagc-care, at nagmamahalan sa isa't isa.



Marahil ay isang buwan na ang nakalipas mula nang mag-usap kami sa hospital ni Kuya. For a reason i don't know, i heard from my classmates na rocky road daw ang relationship ni Leah at Liam. Hindi na sila laging magkasama at nakikita ko rin na nag-aaway ang dalawa. Ngunit dahil nga muted ang issue ng L&L sa circle of friends namin, hindi ko ito naibahagi sa kanila. Natanggap ko na rin kahit papaano na hanggang doon na lang ang story namin ni Kuya Liam...kahit mahirap.



Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan pa sabi ko sariling tanggap ko na, at handa na ako mag-move on, doo naman nagkaroon ng pagkakataon upang magtagpo ang aming mga naliligaw na puso.


[Finale]
*sighs* I have been extremely busy these days, and will continue doing so, until i finish all the things i have to settle in my preparation for college. That will take, uhmmm, one week. *smiles*


So, upang hindi na po maabala ang pag-update, i will proceed to the story and hindi na po magbibigay ng dedication like what i said in the last chapter. Pasensya na po. Ngunit hindi po ibig sabihin niyon ay hindi ko kayo pinapasalamatan, taos-puso pa din ang aking pasasalamat na ako'y inyong sinuportahan sa aking unang story. Maraming salamat po dahil kasabay ko, minahal natin ang BS...umiyak, ngumiti, kinilig, at na-inspired. Ngunit willing na willing pa din po ako na pasalamatan kayo at maka-usap. So, ibibigay ko sainyo ang aking facebook account. Doon na lang po tayo mag chit chat at magdramahan. hehe


http://www.facebook.com/andrey.orcales


Yung mga nagtatanong naman po kung kumusta ang aking bakasyon (hindi siya bakasyon eh,,, umuwi kasi ako sa home ko, kasi parang dito sa maynila ang bakasyon, pero soon,...ay ewan, basta sa pag-uwi ko), ahhhmmm, masaya na malungkot po ang mga nangyari. Hindi ko naman trip na ipaglantaran ang nangyari sa author's note na ito, kaya po, marahil, walang kasiguraduhan, wala muna makaka-alam ng mga nangyari. Ngunit i assure you, nag-enjoy din ako sa aking pag-uwi. Kailangan nga lang palayain ang mga pusong nagmamahalan na pinaglalayo ng panahon at pagkakataon upang matupad ang dapat matupad, at maabot ang dapat maabot. Sana'y sa aking pagbalik ay naroon pa din ang ipinangakong pagmamahal na magtatagal hanggang nananitiling bilog ang buwan . *sighs*


I would just like to tell you all about my upcoming story Mirror Fragments. The teaser is posted in MSOB also. If you have time, please spare some for reading it.


And also, I created my own blog, para po kung sakaling seryosohin ko ang pag-gawa ng story, doon ko na rin ipo-post. Please follow na lang yung may mga gmail accounts. Thanks alot!


http://oddsanduncertainties.blogspot.com/

Happy Birthday po pala kay sir Edwin Tabalanza. Maraming salamat po sa suporta at pagmamahal. hehe. :D


Thanks din kay Justin Shawn sa lahat lahat.


Kay KUYA MIKE din po sa pagbibigay ng opportunity na makapost sa MSOB ng story ko.

________________________________________________________________________




Unti-unti ko na ding natatangap ang mga nangyari saamin ni Kuya Liam.




Natatanggap...ngunit hindi pa din nalilimot. A love so strong and unselfish was the kind of love Kuya Liam gave me. It was unlike any other love. Definitely one in a million. Kung kaya't hindi din naman ako masisi nina Matthew at Ella kung may mga pagkakataon - madaming pagkakataon - na kailangan kong tumigil, huminga ng malalim, at tumingin sa malayo para balikan ang mga araw na busilak at wagas ang aming pagmamahalan. But those days were long gone, i guess...for him.




Tapos na ang Ikatlong Markahan at muli, sa araw na ito ay i-aanounce na ng aming adviser ang top 10. For a reason, the students seemed to lack interest in hearing the result. Para bang kahit hindi na sabihin, alam na nila ang resulta, with me being the first. Ngunit alam kong may pagbabagong magaganap kung kaya't i kept a close ear para makinig.




Halos walang nakikinig nang magsalita na si mam para simulan mula sa ikasampu....hanggang panglima. Seeing how the students are reacting, our teacher said something to grab our attention, and she succeeded in doing so.




"Class, may kauting pag-babago sa ating Top 5 rankings. Ngunit tulad ng aking laging sinasabi, they all deserve the place because it reflect their performance in the whole grading period. But the change i am referring will somehow shock you. I hope you will do your best in the next grading and claim your rightful places." Ang sabi niya.







"Fifth...Jason..." Wala namang naging reaction mula sa aking mga kaklase. Marahil ay expected na nila iyon.




"Fourth.....is Andrey." That brought grunts and exasperation throughout the classroom. Nagsilingunan saakin ang halos lahat ng estudyante, hoping to see my reaction. By way of contrast, i smiled at them. I already expected this result. Nilingon ko si Ella at Matthew, and they both showed worried faces. Ngunit i smiled a reassuring smile to say that i'm okay. Gusto ko sana makita ang reaksyon ni kuya ngunit naisip ko na baka abot tenga pa ang ngiti noon sa naging pagbagsak ko. Ngunit alam kong hindi naman ganoon kasama si Kuya para gawin iyon. It's just the nearest, safest way to think of para hindi na ako umasa pa na may pakealam pa si kuya saakin.




"Second, is Liam....First is Matthew."




Nagpalakpakan naman ang buong klase, kasama na ako dun. I don't care if lumalabas na martyr o plastic ang ginawa ko, ngunit galing sa aking puso ang kasiyahan na kay Matthew na muli ang parangal na dapat naman talaga sakanya. At siyempre, masaya din ako kay Kuya. Hindi na ako naghangad ng ano pa. Hindi rin ako nalungkot na bumaba ang ranking ko dahil...sinadya ko iyon.




To avoid further interrogation, i made my self busy the whole day. Laging nakayuko, nagbabasa kunwari, nagsusulat, tapos pupunta sa library para lamang matakasan ang mga nag-ooffer ng sympathy at nagsasabing bawiin ko na lang next grading. When the truth is, wala na akong planong bawiin pa iyon.




Parang sinag ng araw ay paunti-unting kumalat ang balitang hindi na ako first sa buong maliit na campus ng aming eskwelahan. At pagdating ng hapon, halos lahat ng makasalubong ko ay nagtatanong kung napano at nagkaganon ang resulta. At para muling takasan ang paulit-ulit na isasagot kong 'hindi ko din alam eh', pumunta na lang ako sa may sea wall, kahit ipinangako ko na sa sariling hindi na ako pupunta doon. Napakarami na kasing ala-ala naimbak sa munting lugar na iyon....ang ilan ay masasaya...ngunit ang ilan ay dumudurog pa rin sa aking puso sa tuwing aking maalala.




Ngunit maraming beses na ding naging refugee at takasan ang sea wall na ito saakin. Kay Matthew hanggang kay Kuya Liam, nagsilbi na itong takasan at 'pahingahan' sa tuwing napapagod na din ang aking puso o kaya kailangan ko lang mapag-isa. Kaya heto, kahit iwasan ko, narito pa din ako, nakaupo sa may seawall at, tumatakas sa mga bagay na naduduwag akong harapin.




"Buti nga sayo." Ang sabi ni Matthew sabay upo sa tabi ko. Nilingon ko siya at tiningan ng masama.




"Huh?!" Naguguluhan kong sagot. Is he reffering to the rank i just got?




"Haha. Para maiba naman. Itatanong ko sana kung okay ka lang. Pero baka ako na ang ika-sampu na magtatanong ng ganoon." Paliwanag niya sabay ngiti.




"Correction, ika-twenty ka na kung sinabi mo iyon." Ang sagot ko lang sabay ngiti. "Congrats ah. You deserve it. I deserve it too."




"Anong deserve deserve ka diyan. Alam ko mababawi mo yan. Masyado ka lang naging affected sa mga bagay bagay kaya nagkaganun. Don't worry, matatalo mo din ako sa susunod. Focus ka lang sa goal mo."




Hindi ako agad sumagot. Ngunit matapos ang ilang minuto, i decided na sabihin na sakanya ang aking dahilan.




"Matt, ang totoo ay hindi ko na susubukang maging first uli next grading. Sinadya kong ibaba ang aking ranking...para sa iyo." Ang sabi ko nang hindi siya tininitingnan. Siya naman ay napalingon saakin.




"I have achieved so many things. At ikaw ang nagtanim ng lahat ng inaani ko ngayon. Kung hindi ko ninanais na matalo ka, hindi ako makatatangap ng maraming parangal. Kung hindi mo sinabi ang masasakit na salitang iyon saakin, hindi ko sana gagawin ang lahat para patunayan na mali ka. At kung maalala mo, ang goal ko ay matalo ka....at nagawa ko na iyon. Panahon na para ibalik saiyo ang nararapat na saiyo." Ang sabi ko.




"P-pero...you deserve being the first Andrey. Kung talagang hindi mo deserve, hindi ka aabot sa point na ito. Ipagpatuloy mo ang sinimulan mo...bring honor to your family. Hindi mo kailangan mag back down dahil lang saakin." He said, nangungusap ang tono ng boses. Ibinaba ko naman ang kamay at saka huminga ng malalim.




"Ewan. Wala na din akong gana dahil wala na si Kuya Liam sa tabi ko." I said, sounding so lazy. "Pero ang totoo, kasabay sa plano ko ang i-give up ang place para saiyo. I promised myself noong araw na ipinangako ko saiyo na matatalo kita na ibabalik ko din saiyo lahat kapag nagawa ko na ang goal ko. Hindi ba sinabi mo saakin noong nasa kubo tayo na gusto mo maging valedictorian dahil sa scholarship grant na ibinibigay ng mga colleges...kaya ibibigay ko pa din iyon saiyo. Walang problema saakin dahil, hindi naman sa nagmamalaki, kaya naman akong papag-aralin nina mama at papa sa unibersidad na gusto ko. Siyempre naman hindi ko sasayangin yung pagpapa-aral nila sakin, pero, i still believe na para saiyo ang scholarship. Ikaw ang mas nangangailangan nito." Ang aking paliwanag. Mistula namang hindi makapaniwala si Matthew sa narinig.




"Hindi ko alam kung tatanggapin ko o sasabihin kong mali ka...p-pero, masaya ako dahil kahit papano, alam kong you cared for me despite ng mga ginawa at sinabi ko."




Tumango lang ako.




"S-salamat Andrey"




"Salamat din sa lahat. Isa ka pa rin sa mga taong hinding hindi ko malilimutan."




"Ikaw din naman. Tandaan mo na lagi kang narito sa puso ko." Ipinatong niya ang kamay sa akin at sabay naming hinintay na tumunog ang bell.




.................................




Hindi ko maintindihan ang sarili sa mga sumunod pang araw. Akala ko ay nakapag-move na ako kay Liam, ngunit hindi pa pala. May mga araw na bigla na lang ako nakararamdam ng matinding panlulumo o awa sa sarili. I can't accept na sa dami ng pinagdaanan ko, heto ako, nasasaktan pa rin. Hindi naglaon, even a simple sight of kuya liam and leah together makes it so difficult to breath. Hindi ako makahinga dahil sa sakit na nadarama ng aking puso. Hindi ko akalain na ganoon ang sakit na mararamdaman ko despite the fact na alam kong wala nang patutunguhan ang lahat na ito. Kulang na lamang ay masiraan ako ng bait.




I was desperately trying to move on. But in the end, i still found myself stuck in my memories of Kuya Liam's tender love.




The pain was extremely unbearable. May mga times na gusto ko sumigaw, gusto ko magwala...ngunit ang tanging nagagawa ko lamang ay ikuyom ang mga kamay hanggang sumakit na ito, o dumugo dahil sa sugat sanhi ng aking mga kuko. The pain i felt desperately needed an outlet...at someone...or on something...gusto kong i-share kahit sa isang tao ang sakit na nararamdaman ko despite my pretension na naka-move on na ako. Gusto ko sabihin kina Matthew at Ella ang impyernong pinagdaraanan ko sa ngayon. Ngunit dahil nga napag-kasunduang bawal namin pag-usapan ang kahit ano tungkol kay Liam, kinimkim ko na lamang sa sarili ang lahat ng sakit.




Nginingitian ako ni Kuya at kinakausap din naman kung minsan. Hindi ba dapat masaya ako doon? But its actually killing me na ganoon na lang ang sistema namin. Gusto ko sabihin sakanya na mahal na mahal na mahal ko siya...na hindi nagbago ang nararamdaman ko sakanya...na hindi ko siya ginustong lokohin...gusto ko ipagsigawan na nasasaktan ako kapag nakikita ko sila ni Leah...na hindi ko kayang mabuhay na wala siya sa tabi ko...at hindi ko matanggap na ganoon lamang kabilis naglaho ang pagmamahal niya saakin.




Parang lason na unti-unting pumapatay saakin ang ganoong pakiramdam. The poison crept through my whole being...slowly...and soon, isinasabuhay ko na ang sakit na dulot nito. Nagsimula na naman ang kalbaryo ng aking buhay. O marahil, lumala lamang.




Hindi ko na ulit pinapansin si Kuya Liam. I can't even fake a smile for him for doing so hurts alot. Minsan, whenever he's near, my eyes betrays me and i always find myself trying to fight away my tears.




At pati ang mga best friend ko ay dinamay ko na din. Hindi ko na din sila pinapansin and each time they try to offer a helping hand for me, i boldly decline it. Hindi ko na rin kayang makipag-plastikan sakanila...hindi ko na kayang makipag-usap sa kanila ng kung anu-anong topic samantalang ipinagsisigawan ng puso at isip ko na pag-usapan namin ang tungkol sa piangdaraanan ko. Minsan ay sinubukan ko na ring sabihin kay Ella, ngunit nayamot lang siya at sinabing nagpapakatanga ako sa ginagawa ko.




Inisip ko ng mga panahong iyon na pinagdaraanan ko ang lahat ng ito ng mag-isa. Walang gustong tumulong saakin, walang gustong kumalinga. Habang nagpapakasaya at nagpapakasarap si kuya sa piling ni Leah, heto ako't pinagdaraanan ang pinakamalaking dagok sa aking buhay.




Pinabayaan ko na din ang pag-aaral. Hindi na ako nagpe-prepare ng assignment, at hindi rin ako tumatayo kapag tinatawag para sa recitation. Nang mga panahong iyon ay nagla-layout na ang editorial staff ng aming school paper, ngunit lagi ako wala kapag pinapatawag sila. Nakikipagtigasan ako sa mga guro namin, sumasagot ng pabalang, at hindi nagta-take ng kahit anong quiz.




"May mga taong napaka-swerte sa mundong ito. Ipinanganak na nandiyan lahat ng opportunity, naghihintay lang sakanila. Dagdagan pa na pati ang talino at talento ay nasa kanila na din. Pero sinasayang lang ito ng iba...porke't nandiyan na lahat, porke't mayaman ang magulang, porke't matalino, wala nang respeto sa kapwa. Akala mo kung sino. Akala mo sakanya na lahat..." Ang sabi ng isa naming guro nang tawagin niya ako para mag-recite ngunit hindi ako kumibo. Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi niya dahil nag walk-out ako sa room. Iniwang nakanganga ang aming teacher at gulat ang mga kaklase.




Litong-lito ako paglabas ko ng paaralan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta...parang buhat buhat ko ang mundo at lahat ng problema nito. Kahit ang munting santuaryo namin ni Kuya...ang bahay kubo, ay hindi ko na rin magawang puntahan. It brings alot of memories that were too much for me to handle. Naglalakad ako na punong-puno ang isip. Sinariwa ko ang mga araw sa maynila, nang makita ko si kuya liam at jacob sa kubo, nang sabihin niyang mahal na niya si leah, nang ilang araw at gabi akong nagkulong ng mag-isa sa kubo, nang gabing sinigawan niya ako at marahas na itinulak dahil kay Matthew, pati na ang mga araw na ginamit niya ako at pinaramdam na para akong baboy. Lahat ng iyon, umikot sa utak ko, at sa sobrang sakit, halos mabiyak ang utak ko.




Huminto ako sa paglalakad at hinayang tumulo ang ilang luha. Marahil ay iyon na lamang ang natitira dahil sa dami ng iniyak ko nitong mga araw. Mula sa malayo ay may nakita akong truck na mabilis na nagpapatakbo. Isa lang ang pumasok sa utak ko - ang takasan ang sakit na nararamdaman ko. At alam kong magagawa ko iyon kapag wala na akong ulirat. Kapag wala na akong maramdaman. Kapag manhid na ako.




Pumunta ako sa gitna ng kalsada at hinintay ang papalapit na truck. Hinanda ko ang sarili sa nais kong mangyari.




Pumikit ako. At iisang mukha lamang ang nakita ko. Si Kuya.




Naglaho ang kanyang mukha, at pumalit ang mga mukha nina mama at papa. Umiiyak sila at nagmamaka-awa.




Bigla akong natauhan. At parang mahikang nagawa kong pumunta sa kabilang dulo ng kalsada at mailagtas ang sarili sa pagbangga sanang magaganap. Wrong timing naman talaga ang pagpunta ko sa gitna ng kalsada, malayo pa lamang ang truck ay pumunta na ako doon. That gave me enought time para maisip ang dalawang taong nagmamahal saakin ng tunay at buo. Doon ko naisip na andiyan pa din ang aking mga magulang who loves me unconditionaly...Mahal ako ng walang kapalit, at kahit ilang beses akong magkamali at dayain ng mga pagsubok ng buhay, nandiyan sila...laging handang saluhin ako mula sa pagkakabagsak.




And besides, i still have a dream to cling on. Kailangan ko maabot ang pangarap na iyon.




Pag-uwi ko sa bahay ay niyakap ko sila ng mahigpit habang umiiyak. Nagulat sila na umuwi ako ng ganoong oras, dahil may pasok pa. Tinanong nila ako kung ano ang problema.




"Ma, Pa...gusto ko lumipat sa Maynila. Doon ko na lang tatapusin ang pag-aaral ko. Okay lang kung uulit ako bilang fourth year. Basta po gusto ko na umalis dito." Ang sabi ko.




Escape. Ang takasan ang sakit na aking nararamdaman ay ang tanging solusyong naisip ko. Dahil doon sa Maynila, hindi ko na makikita ang mukha ni Kuya Liam. At marahil, sa paglipas ng panahon, magagawa kong limutin ang lahat ng sakit at paghihirap na aking naranasan sa lugar na ito.




Wakas.




Joke lang...hehe. Hinga muna kayo.




.............................................




Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa eskwelahan. Pinipilit ako ni mama na maayos na magpaalam sa mga guro at kaklase ko ngunit siyempre, hindi ako pumayag. Sa Lunes, lalakarin na ni mama ang paglipat ko ng paaralan.




Sabado ngayon. Naroon pa rin ang sakit, ngunit may bago akong lakas na nagmumula kina mama at papa at sa aking pangarap. Sila na lamang ang dahilan ko upang magpatuloy ang ikot ng aking buhay.




Naisip kong maglibot muli sa bukid at pagmasdan ang ganda ng lugar sa huling pagkakataon, bago ako pumunta ng Maynila. Iba ang ganda ng paligid sa araw na iyon. Naririnig ko ang mararahang pagaspas ng mga dahon habang bumubulong ang hangin. Matingkad ang kulay ng mga puno at bulaklak, dala na marahil ng sinag ng araw. I closed my eyes and and felt the warmth of the sun as it hit my face. Tila ay nararamdaman din ng paligid na kailangan ko na magpa-alam. O di kaya'y alam nilang ang nagbabadyang pagbabago at pagbabalik na mangyayari.




Iniwasan kong puntahan ang masukal na parte ng bukid kung saan sa gitna nito, naroon ang kubo namin ni Kuya. Ngunit sa huli'y nahanap ko pa rin ang sariling naglalakad patungo rito. Wala namang masama siguro kung pupuntahan ko din ito sa huling pagkakataon. Panahon na upang magpa-alam sa mga ala-alang mapapait at hindi kaaya-aya.




Malapit na ako sa kubo nang makita kong may tao sa may terrace. Si Kuya Liam. Nakatingin ito saakin na blangko ang expression ng mukha.




Aatras sana ako ngunit naisip ko na ayaw ko din namang tapusin sa ganoong paraan ang mga pinagsamahan namin ni Kuya. Gusto ko rin naman ng maayos na paalam.




"Ngayon na lang kita nakita rito. Mabuti naman napasyal ka. Bakit ka pala absent ng dalawang araw?" Sunod sunod na sabi niya. Hindi ko naman siya sinagot at saka humiga sa terrace. I want an honest hour with him. Ayoko muna maki-pag plastikan.




"K-kumusta ka na?" Ang tanong niya sabay upo sa sahig ng terrace.




"Sa ganyang tanong, alam mo na ang karaniwang sagot...okay lang. Kahit hindi." I said sabay hinga ng malalim.




"Kumusta na kayo ni Matthew?" Tanong niya, diretso higa tulad ko. Tumaas naman isa kong kilay sa narinig. Kami ni Matt? Kuya must've misunderstood something.




"You mean, kumusta na kami nina Ella, at Matthew?" Ulit ko.




"Hindi. Kumusta na kayo ni Matthew? Kayo, hindi ba?" Tanong niya ulit. I can sense anger in his voice.




"Okay naman kami." I lied. Marahil dahil sa sakit, kaya ko nagawa yun. Nararamdaman ko kasing nasasaktan din siya.




Tahimik.




"Kayo ni Leah, kumusta?" tanong ko naman.




"Hindi ka talaga marunong tumupad ng pangako." Nagdaramdam niyang sabi. Napa-kunot noo naman ako at tiningnan siya. Nakapatong ang isa niyang kamay sa kanyang mata.




"Hindi ko kailangan humingi ng tawad dahil hindi ko tinupad ang pangako ko. Nagpatawaran na tayo, hindi ba? At matagal ko na iyon pinagsisihan. Hindi mo lang alam kung ano ang mga pinagdaanan ko para lang panagutan ang kamalian ko." Matigas kong sabi.




"Nasaktan mo ako ng sobra Andrey nang may mangyari sainyo ni Matthew. Hindi ko matanggap. Alam mo kung bakit? Dahil gusto ko akin ka lang. Bago pa man may mangyari sainyo, para na akong pinapatay kapag naiisip kong may ibang taong pwedeng makagalaw sayo. Hindi ba sinabi ko na iyon sayo? Kahit nga blush man lang ayoko makita ni Matthew. Gusto ko ako lang. Umaga pa lang naghintay na ako ng araw na iyon sayo. Hanggang gabi. Habang lumilipas ang oras mas lalo akong nasasaktan at natatakot na may mangyari sainyo. Sa bawat oras na lumilipas para akong pinapatay thinking that you're on the same bed as Matthew. Hindi ko talaga kaya andrey. Hindi ko makaya ang sakit noon. Hindi mo tinupad ang pangako mo...at hindi ka na lubusang akin. Ang masakit pa, kay matthew pa mismo. Sa taong minahal mo ng sobra. Hindi ba insulto yon para sakin? Na sa kabila ng lahat ng pinagsamahan natin, sa kabila ng pagsisikap kong tuluyang maangkin ang iyong puso, sa huli'y siya pa din ang pinili mo." Ang sabi niya, puno ng hinagpis ang boses.




Bakit niya sinasabi ang lahat ng ito gayong paalis na ako.




"Alam ko na ang lahat ng iyan. Alam kong nasaktan kita at lahat lahat. Pero madami na din akong pinagdaanan Liam. Gusto mo din bang ikwento ko ang sakit na naranasan ko dahil sa pagmamahal sayo? Pero wala nang halaga kung patuloy tayong magsusumbatan...wala na rin itong patutunguhan." Ang sabi ko sabay tayo. Tumayo din si kuya at saka niyakap akong nakatalikod. Umiiyak ba siya?




"hindi kami ni Matthew. Pagkatapos ng araw na magkita kami, nagi na lang kaming magkaibigan. Sayong sayo na ang puso ko noon kuya. Pero ano pa't na kay leah na ang puso mo." Napatigil naman siya sa sinabi ko.




"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong niya, habang pinapaharap ako sakanya. Tinitigan niya ng maigi ang mga mata ko. Napaka-amo ng mukha ni Kuya. Streak marks of teardrops were visible in his cheeks.




"Oo, aalis na ako. Lilipat na ako ng eskwelahan sa Maynila. Malayo sayo kung saan hindi mo na ako makikita. At marahil, balang araw, malilimot ko na rin ang lahat tungkol satin at matanggap na hindi na ako ang laman ng puso mo. At kahit kailan----" Napatigil ako dahil he gently held my face with both hands, reminding me of our first kiss, and kissed me. Nagpumiglas ako at kumontra, ngunit hindi ko kaya ang lakas ni kuya. At hindi nagtagal, tuluyan na akong nagpaubaya.




"You can't leave. You can't simply leave me here like that." He whispered habang magkadikit ang aming noo. He kissed me again, gently and passionately. Next thing i knew, nasa loob na kami ng kubo ni kuya, and then he was making love to me again.




This time it was different. Napa-ka gentle niya at mas may control. Lagi niya ako pinapaliguan ng halik, at hinahanap lahat ng kiliti ko. Sino nga ba ang makakapalag sa ganoon. I can really feel his love and warmth during our love-making. Nag-uusap ang aming mga puso, at pinagsisigawan nito ang aming mga naguumapaw na damdamin. At noong nasa rurok na kami ng makamundong kaligayahan, he managed to say




"Mahal din Andrey...mahal na mahal kita...more than you'll ever know."




--------------------




We were still both naked at parehong nakatingin sa dingding ng kubo. We both realized how much we still love each other. At dahil doo'y abot langit ang aking kasiyahan. Hindi ko man alam ang mga mangyayari pa sa hinaharap, at least i have one thing that i'm sure of; mahal pa rin ako ni kuya.




"K-kuya....may dahilan pa ba para magtransfer ako't pumunta sa Maynila?" Ang tanong ko.




"Wala naman talaga. Whether you like it or not, hindi ka makakatransfer noh. Matatapos na ang school year, next month graduate na tayo. Sa tingin mo papayagan ka pa nilang mag-transfer? O kaya tatanggapin ka pa sa ibang school?" Sarcastic niyang sagot. Inilagay niya ang maskuladong-kanang-braso sa ilalim ng ulo ko para gawing unan.




"Ha?! Kung ganon, bakit...bakit hindi ka pumayag na umalis ako?" Tanong ko habang naka-kunot noo.




"Despite na alam kong hindi ka na magta-transfer, the idea na hindi na kita makikita awaken me. Alam kong after na mag-graduate tayo, maaring tuparin mo na ang pangarap mo sa malayong lugar...at naisip kong hindi ko kakayanin kung doon tayo magtatapos. Sa tagal na inibig kita, sa tingin mo ba gugustuhin kong basta ka na lang pakawalan?" He said, smiling.




"Bakit ngayon mo lang naisip yan?" Nagtatampo kong tanong. "Do i really have to undergo hell bago mo naisip na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal mo din si Andrey?"




Gumalawa siya papalapit saakin without removing his arms around me, at saka inilapit ang mukha sa mukha ko.




"Na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko si Andrey? Lalo na kapag naririnig ko nang umuungol siya?" He teased me. Nagblush naman ako.




"Wag ka nga. Ibig sabihin mahal mo lang ako kapag umuungol ako? Li*** mo naman kuya." Nagmamaktol kong sabi, gumulong ako para lumayo sakanya pero pinigil niya ako.




"After all this time, ngayon mo lang narealize na mal***** ako? haha! funny. Kaya ngayon, i would just remind you why, and how." He said sabay halik saakin bago pa man ako maka-protesta. (Ang tanong, po-protesta pa ba si ako? HINDI.)




At muli, iwinagayway ko ulit ang puting watawat at nagpaalipin sa kapangyarihan ni kuya. (Magtatanong kayo kung pang ilang round na? Wag na....nyahahaha*evil laugh*)




"Basta tandaan mo na mahal na mahal kita. Nabulag man ako ng galit at nakagawa ng masasama saiyo, this time, i will never let you go. Nagpaka-tanga ako and i was acting childish. So please forgive me and let's start anew." Ang sabi niya ulit bago kami umuwi.




Pagpasok ko nung lunes, nakita ko si kuyang naghihintay sa labas ng bahay saakin. He smiled so sweetly that i almost melted. Saka sabay kaming pumunta sa school.




Ilang araw pa ay kumalat na ang balitang break na si kuya at si leah. Hindi naman ito dinamdam ni leah at sinabing 'nakipaglaro lang daw siya.' Hindi ko alam kung cover up lang iyon o sadyang naglaro lang talaga sila ni kuya.




Inayos ko na ang pag-aaral, ngunit nahirapan na ako bawiin ang mga quizzes at recitation na pinalagpas ko. It was also difficult to win the teachers' hearts again, pero pinatunayan ko ulit sakanila na i deserve a second chance. Although its a little bit too late, i still managed to rank 6th on the 4th grading.




Ginawa naman namin ni kuya ang lahat upang lubos-lubusin ang mga natitirang araw bago ang graduation. Nagkakaroon din naman ng complikasyon kung minsan, ngunit sabay naman namin itong nalalagpasan at na-oovercome. Living life to the fullest ang naging theme namin ni kuya.




Sabay sabay naming tinnggap ang diploma noong ika-29 ng Marso. Si Matthew ang aming valedictorian, na pinasyang mag-aral sa Bicol University with the scholarship. Si Kuya Liam naman ang naging salutatorian, at ako'y pang-apat dahil sa pagpapabaya ko. Ngunit ganoon pa man, proud na proud pa rin saakin sina mama at papa.




"Life is a remarkable occasion. And after this remarkable occasion, I hope everyone of us will have a remarkable achievement." Was the last line on Matthew's valedictory speech.




Hindi naman namin mapigilan ang umiyak nang kantahin ang aming graduation song na "Today my Life begins" ni bruno Mars. Nag-flash back saakin ang lahat ng pinagdaanan ko at lahat ng mga memorable experience na nangyari saakin simula noong tumuntong ako sa paaralang ito. Iyakan at yakapan ang nangyari noong matapos na ang graduation ceremony. Group hug kaming tatlo nina Matthew at Ella. Nakita ko rin na umiiyak si Leah habang niyakap siya ni kuya.




"Maraming salamat Andrey. Kung hindi dahil sayo, hindi sana ako magpupursige na tapusin ang pag-aaral ko. Salamat sa oportunidad na ibinigay mo, at higit sa lahat, sa pagmamahal." Ang sabi din saakin ni kuya habang yakap yakap ako. "Isa ka sa pinakamagandang nangyari saakin sa mundong ito."




Habang suot suot namin ang aming mga puting toga, at isa-isa naming tinanggap ang aming diploma, it also marked the start of our journey as we face the challenges of the real world. The world outside the safe havens of our alma mater. Nagsisimula pa lamang ang totoong hamon ng buhay. Ngunit natutunan ko nang magpaka-tatag habang sinusuong ito.




That day's achievement may be forgotten, the medals and certificates may gather dust among our shelves, the loud applause may just become a distant memory. But everyone of us would be remembered for caring someone, for helping someone, and for making someone feel special.

________________________________________________________________




"Ang break shot..." ani ni kuya liam ilang araw matapos ang graduation sa isang billiard house sa aming barangay. "ay ang unang shot kapag naglalaro ka ng billiard when the balls would start rolling." Pinusisyon niya naman ang sarili para gawin ang break shot. "When the ball starts rolling, bahala ka na sa mga susunod na tira."




He smiled at me.



Oftentimes, the Break Shot in our lives are made by different people. Matthew made the first break shot in my life, when he made me fall for him. Nagsimula doon ang unang pagbabago sa aking pagkatao. Di naglaon, ako na ang nagdesisiyon kung paano ko ipagpapatuloy ang pagbabagong ginawa niya, the second and the following steps depended on me. He made another break shot in my life noong sabihin niya ang masasakit na salita saakin isang araw sa likod ng room, sa may sea wall. Dahil doo'y nagkaroon ng bagong direksyon ang aking buhay. At dahil sa break shot na ibinigay ni Matthew, nagawa kong magtagumpay at patunayan sa sariling 'kaya ko.' Kuya Liam also made significant Break Shots in my life. Tinulungan niya din akong ipagpatuloy ang break shot na ginawa ni Matthew. Dahil sakanya'y pinilit kong maging matatag, at matapang na harapan ang bawat hamon ng buhay.




The thing is, when those persons starts the random Break Shots, saatin na naka-depende kung paano natin ito ipagpapatuloy, tatapusin at pagtatagumpayan. Maaring ang bawat bola ng billiard ay mangahulugan ng mga pangarap at hangarin natin sa buhay, kung saan ginagawa natin ang lahat upang matupad ito. Some break shots are definitely life-changing. Some are optional. Mostly are inevitable.




After a month, nasa bus na ako papuntang Maynila upang simulan ang unang hakbang sa aking pangarap; ang mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas. I can't stopy my tears from rolling down my cheeks when i saw the trees swiftly passing as i rode the bus. I left with a heavy heart, dahil ayoko pa ring iwan si kuya at ang magulang ko, ngunit i can't be stuck there forever. I need to move on with life, and accept the changes it requires as time passes by.




Napag-desisyunan din ni kuyang mag-aral sa isang polythecnic college sa karatig bayan. Dahil nga salutatorian siya, mayroon siyang 50% discount sa tuition na malaking bagay na din. Agriculture pa din ang kinuha niyang course, ngunit masaya ako dahil ako ulit ang nagpumilit sakanyang mag-aral ng college. At pumayag naman siya. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay para saamin ni kuya sa hinaharap. Hindi rin namin alam kung ang mga nararamdaman ba namin ay pang habang buhay. Ngunit naroon ang pangako at magagandang ala-ala ng pagmamahalan namin sa isa't-isa. Isang pagmamahalan na sinubok din ng panahon at pagkakataon.




Balang araw, kung gugustuhin natin, maabot natin ang ating mga pangarap. Darating ang panahon na lahat ng paghihirap natin at pagsisikap ay magkakaroon ng kapalit. Magbubunga din ang lahat ng ating mga tinanim. At sa haba ng ating paglalakbay, darating din ang araw na masusumpungan din natin ang kaginhawahan at katuparan ng ating mga pangarap.




At kapag nasa rurok na tayo ng tagumpay, let us not forget the people who made significant Break Shots in our lives.




Like Matthew and Liam.







Totoong Wakas.

No comments:

Post a Comment