By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[01]
Nasa
harapan ko ngayon ang magandang double door ng elevator, nasa kaliwa kong kamay
ang aking libro ng Fundamentals of Nursing at nasa kanan naman ang aking iPod
classic, di ko parin mawari kung saan ako pupunta.
May
31, 2005, ilang araw na lang pasukan na ulit at sisimulan ko na ang pangalawang
taon ko sa pagaaral ng kursong nursing. Di ko parin maisip kung saan ako
pwedeng maglagi, napalingon ako ng marinig ang malalakas na halakhakan mula sa
unit na tinitirahan namin ng aking pinsang si Kuya Ron.
Kapag
sinubukan mong idikit ang iyong tenga sa pinto ng aming unit ay sigurado akong
maririnig mo ang malakas na sounds at ang malakas na dagundong mula dito, napa
iling na lang ako, gustuhin ko mang mag advance reading sa librong aking hawak
hawak ay hindi ko ito magagawa sa loob ng unit namin dahil may party doon na
pinasinayaan ng aking pinsan.
“Sigurado
akong puno ng mga estudyante na sinusulit ang natitirang bakasyon ang lobby.”
sabi ko sa sarili ko at nagisip ulit ng ibang lugar pa na pwedeng tambayan.
0000ooo0000
Nakalabas
na ako ng condo at tiningala ang matayog na building sa gitna ng P. Campa ang
Residences at P. Campa, kung saan kami nangungupahan ni Kuya Ron, maganda ito
pero punong puno ng mga estudyante mula sa iba't ibang unibersidad na
nakapaligid dito, ang siste tuloy ay walang ikinatatahimik ang lugar, napailing
ulit ako.
Napagpasyahan
kong pumunta na lang sa SM Manila at duon ipagpatuloy ang pagbabasa, tumawid ng
kalsada at sumakay ng dyip, naglakad ng konti at bumungad sakin ang building ng
SM Manila.
“Mali
ata ako ng desisyon.” sabi ko sa sarili ko ng makitang mas magulo, maingay at
jampacked ng tao dito, bumaling ang aking tingin sa Starbucks at nakitang
kakaonti ang tao doon.
Papasok
na sana ako ng starbucks ng maramdaman kong medyo namimigat ang aking pantog
kaya't nag CR muna ako. Napatapat ako sa salamin at tinitigan ko ang aking
sariling repleksyon. Bumaling ang aking tingin sa repleksyon ng aking katabi,
bata pa ito, siguro ay may apat na taon lang ang tanda nito sakin, kung ako ang
tatanungin ay papasa ito bilang isang model, mayamaya pa ay bigla itong
ngumiti. Nagulat ako, napansin pala nito ang pagtitig ko sa kaniya, sa sobrang
hiya ay agad akong tumalikod at humarap sa mga urinals.
0000ooo0000
“Caramel
Machiatto, grande for Migs.” sigaw ng barista, inabot ko ang resibo dito at
nagpasalamat, umupo na ako at nagulat ng mapansing andun sa katabing upuan ng
inuupuan ko ang lalaking kanina lang ay tinititigan ko sa CR.
“Pwedeng
maki-share?” tanong nito, napalingon ako at nakitang may bakante pang lamesa at
upuan sa aking likod, napakunot ang noo ko at humarap ulit sa kaniya, napakamot
naman ito ng ulo.
“I
was about to say na wala nang vacant na seats, pero nakita mo na na bakante sa
kabila, so sasabihin ko na lang na kaya gusto kong maki-share ay dahil gusto
kong may makausap habang nagkakape.” sabi nito, kumunot ulit ang noo ko,
ngumiti naman si loko sabay kamot ulit sa ulo niya.
Pinabayaan
ko na lang siya na umupo kasama ako, tutal mukha naman itong harmless, inilapag
ko ang aking kape at pinulot ulit ang libro na binabasa ko.
“BSN,
Second year, first sem?” tanong nito sakin, bahagya kong ibinaba ang libro para
makita siya. Kumunot ulit ang noo ko.
“Kozier,
I'm sure Kozier is for BSN sophomores entering first sem.” sabi nito sabay turo
sa aking librong binabasa, naintindihan ko na ang tinutumbok nito, bahagya
akong nagisip kung sasabihin ang totoo o hindi.
Itinago
ko ang highlighter na ginagamit ko pang highlight sa texts.
“Nope,
sa pinsan ko itong libro, wala kasi akong mabasa kaya't napagtripan ko, mukha
kasing interesting.” sagot ko na lang dito. Tumango lang ito.
“Ah
akala ko nursing ka. So anong course mo?” tanong ulit nito, na lalong
ikanakunot ng noo ko.
“I'm
sorry, I'm Alex.” pakilala nito sabay lahad ng isang kamay.
“Migs.”
sabi ko dito sabay abot naman ng kamay ko.
“I'm
sorry, gusto ko lang kasi ng kausap ngayon.” nahihiyang sabi nito sabay kamot
ulit sa ulo, napangiti naman ako.
“Architecture.”
sabi ko dito sabay lapag ng libro.
“I'm
sorry?” tanong ni Alex na halatang naguluhan sa aking sinabi.
“Architecture
ang course ko, froshie sa UST.” sabi ko dito sabay ngiti, napagpasyahan kong
magsinungaling dahil ang totoo di ko ito lubusang kilala at nagdududa parin ako
sa pakikipagusap nito sakin.
“Ahhh.”
sabi na lang ulit nito sabay kamot sa ulo. Napainom naman ako sa aking tumbler.
Tahimik.
Pinulot ko na lang ulit ang libro na tinatawag ni Alex na Kozier at nagsimula
ulit magbasa.
“Bakit
mo naman napagtripang magbasa ng isang nursing book?” tanong nito sakin na
ikinanganga ko naman. Oo nga naman anong pakielam ng isang archi student sa
isang nursing book.
“Ah
wala naman, mukha kasing interesanteng basahin eh.” tumango lang ito at humigop
ng kaniyang sariling kape.
“I
used to have a copy.” sabi nito sabay ngiti, tumango na lang ako.
“So
you're a nurse?” tanong ko dito.
“Yup,
pero magiiba na ako ng line of work starting next week.” sagot nito sabay inom
ulit sa kaniyang kape.
0000ooo0000
Di
ko alam kung anong nangyari pero mula sa nagkakahiyaang bagong magkakilala ay
bigla kaming parang magkaibigan na may ilang taon nang magkasama, di ko
matandaan kung pano nangyari na naging palagay agad ang loob namin sa isa't
isa.
“So,
Mr. Smart Ass Nurse, what is the purpose of Peri-care?” tanong ko dito na may
kasamang panghahamon.
“Sus,
yun lang? Is that the best you got?” tanong nito sakin na may halong pagka
ma-ere.
“Yabang.”
sabi ko tapos sinabayan ng ubo pagkatapos ay nginitian kong nakakaloko.
“Ah
ganun? Well Peri-care's purpose is to rid the perineum of secretions and odors
thus preventing infection.” sabi nito on a matter of factly tone.
“Ah,
madali nga ang tanong ko ano. Sige sa difficult round tayo, easy round palang
yun eh.” sabi ko dito at muli itong hinamon.
“Shoot.”
pagmamayabang nanaman nito sabay stretch ng dalwang kamay.
“Explain
the process of circulation.” sabi ko dito at ngumiti ito.
0000ooo0000
“Nakikinig
ka pa ba?” tanong nito sakin habang nage-explain siya at ako naman ay kumakain
ng tapsilog, umalis na kami sa starbucks dahil bigla kaming nakaramdam pareho
ng gutom. Napangiti naman ako, kung tutuusin napakagaling nito sa pagexplain
minsan nagdedemo pa ito at nagdra-drawing sa mga tissue para lalo kong
maintindihan, pero naisip kong pagtripan pa ito.
“Eh
ano naman kasing pakielam ko diyan. Archi nga ako diba?” sabi ko dito kumamot
naman kaniyang noo.
“Oo
nga ano, inuuto mo lang pala akong bata ka eh!” sigaw nito sakin at pareho
kaming napatawa.
““Manang
extra rice nga po.”” sabay naming sabi sa serbidora at nagkatinginan saka
tumawa ulit.
0000ooo0000
“Mahirap?
Nako sobrang hirap!” sabi nito sakin sabay tungga sa hawak na bote ng beer,
nagsara na ang tapa house at kailangan naming lumipat ng lugar, sakto namang
may bukas pa na establisyimento sa tapat ng tapahan kaya duon kami naglagi,
konti lang ang tao kasi Tuesday noon, wala masyadong maingay.
“Talaga?
May mga terror bang professor?” tanong ko dito saka uminom din sa beer na
nakaahin sa harap namin.
“Nako,
napakadami.” sabi pa nito sabay dampot sa tissue, di niya ata nakita na nadon
ang aking kamay kaya't nahawakan niya iyon, para akong nakuryente, pero di ko
magawang maialis ang aking kamay sa ilalim ng kamay niya. Sinimulan na akong
kabahan.
“Ah
eh, kailangan ko ng umuwi.” sabi ko dito sabay tayo at nagmamadaling lumabas.
“Boss
eto na yung bayad namin, keep the change.” sigaw nito sa aking likod at hinabol
ako.
“Huy!
Anong nangyari sayo?” tanong nito sakin sabay hawak sa braso ko ng maabutan ako
nito, sinubukan kong alisin ang mga kamay niya sa aking braso pero wrong move,
na out of balance ako at muntik ng mahulog sa imburnal, mabuti na lang at
nasalo ako nito, nagdikit ang aming mga katawan, dibdib ko sa matipuno niyang
dibdib, tinignan niya ang aking mga mata.
“Ang
cute mo palang magpanic.” sabi nito sabay iniayos ang aming pagkakatayo. Lalo
akong namula at kinabahan sa sinabi niyang yun.
“Uuwi
na ako, nice meeting you Alex.” paalam ko dito.
“Teka
hatid na kita. Dyan lang ako sa malapit sa FEU, may sasakyan ako, delikado na
sa oras na ito mamasahe.” sunod sunod na sabi nito, sa totoo lang pwede akong
sumabay sa kaniya dahil malapit na ang tinutuluyan ko sa FEU, pero natatakot
parin ako dito sa kabila ng pagiging malapit namin kanina habang
nagkwekwentuhan.
“Di
ako masamang tao, pero kung hindi ka talaga nagtitiwala, sige wala na akong
magagawa naiintindihan ko.” sabi nito ng makita siguro nito ang aking
pagaalinlangan sabay talikod at bagsak ng mga balikat.
“Alex
saglit.” sigaw ko dito, agad itong humarap at ngumiti.
0000ooo0000
“San
ka ba natuloy?” tanong nito sakin habang nagmamaneho.
“Dyan
lang sa P. Campa.” sagot ko habang pinaglalaruan ang stuffed toy na aso sa
dashboard ng sasakyan niya.
“Ahhh
malapit na lang pala eh.” sabi nito.
“Totoo
niyan, ayaw ko pang umuwi kasi may pa-party ang pinsan ko, ma- O-OP lang ako
dun saka malamang di ako makakatulog.” wala sa sarili kong sabi.
“Gusto
mo dun ka muna sa pad ko.” alok nito, di ko ulit maiwasang maghinala sa taong
ito.
“Di
kita rereypin, kahit gustong gusto ko na, saka kung may balak akong gawin
sayong masama, sana kanina ko pa ginawa diba?” sabi nito sakin na medyo
nakapagpanatag naman ng loob ko pero bigla din napaisip.
“Oh,
joke lang yun.” sabi nito sakin ng makita niya ang gulat sa mukha ko ng
maabsorb ko ang sinabi niya, tumawa ito at pinisil ang aking mga pisngi.
“Ang
cute mong bata ka!” sabi niya ulit sabay tawa, napangiti naman ako.
0000ooo0000
Nagising
na lang ako kinabukasan na medyo masakit ang katawan at biglang napabalikwas ng
makapang wala akong suot at ng maramdamang may nakayakap sakin, agad agad akong
gumalaw at nagising naman ang lalaki sa aking tabi.
“Goodmorning
Migs.” bati nito sakin sabay gawad sakin ng isang matamis na halik na ikinalaki
naman ng mga mata ko. Di ko na napigilan ang sarili ko nung maglaon at lumaban
narin ako sa halikan.
0000ooo0000
Ilang
araw pa ang lumipas at hindi na kami nagkita ulit ni Alex, araw na ng pasukan
at tanging si Kuya Ron lang ang sinabihan ko tungkol dito.
“Maraming
ganyan dito, Migs. Ang tawag diyan random fuck.” sabi niya ng sabihin ko dito
ang bagay na gumugulo sakin noong mga nakaraang araw. Pano kasi, ni text wala
akong natanggap mula kay Alex, sinubukan ko itong kontakin pero di ito nasagot
at ng maglaon ay not in use na ang number nito.
“Siguro
nga, I was just a random fuck para sa kaniya.” sabi ko sa sarili ko at
nagpaalam na sa pinsan ko at tumulak na papuntang school.
0000ooo0000
Unang
subject ay pamatay agad, di mapakali ang aking mga kaklase at kaniya kaniya rin
kaming dala ng aming mga makakapal na libro in-case na magparecite agad ang mga
prof. Nang pumasok ako ng room ay isang upuan na lang ang bakante, dalawang
stool lang kasi bawat lamesa at isang stool na lang ang bakante. Nginitian ako
ng lalaking nakaupo sa tabi ng bakanteng stool at tinanggal ang kaniyang
nakapatong na gamit doon, umupo na ako at inayos ang aking gamit sa mahabang lamesa
namin. Nagtinginan lahat ng kaklase ko sa gawi ng pintuan ng classroom ng
bumukas iyon at pumasok dito ang isang lalaki.
“I'm
Alexander Roxas, I will be teaching Fundamentals of Nursing. Mamya I'll give
you guys the course syllabus.” sabi nito sabay iginala ang tingin sa buong
kwarto.
Kinailangan
ko pang ayusin ang akin salamin para makasigurado sa nakikita ko at nang
masigurado na siya nga iyon ay inboluntaryong gumalaw ang aking kanang kamay at
nahulog ang aking makapal na libro ng Fundamentals of Nursing na siyang
nagbigay ng malakas na kalabog. Nagtinginan sa akin lahat ng andun kasama na
ang bagong pasok na propesor. Kumunot ang noo nito at bahagyang napanganga ng
makita ako.
Itutuloy...
[02]
Matagal
nagtama ang aming mga mata ni Alex, marahil ay sinisiguro niya ring ako nga ang
kaniyang nakikita. Bago pa man makahalata ang buong klase sa pagtitinginan
naming yun ay binawi na nito ang kaniyang composure at humarap na sa whiteboard
at isinulat ang kaniyang buong pangalan. “Alexander Roxas, RN, MAN.”
“Like
what I said earlier, I will be teaching Fundamentals of Nursing. I'll be
dictating your course syllabus so please listen carefully and take notes.” sabi
nito at umupo na sa kaniyang lamesa na nasa unahan ng classroom.
Habang
abala ang aking mga kaklase sa paglabas ng kanilang mga ballpen at notebook ay
muling ibinaling sakin ni Alex ang kaniyang tingin, nahuli ako nitong
nakatingin sa kaniya kaya naman agad ko itong binawi at kunwari na lang ay
naghahanap ako ng ballpen sa aking bag.
“Eto
bang hinahanap mo?” tanong sakin ng aking katabi habang iwinawagayway nito ang
aking ballpen na kanina pa asa ibabaw ng aming pinagsasaluhang lamesa.
“Ah
eh, salamat.” sabi ko dito at kinuwa na ang aking ballpen.
“Since
magiging seatmates na tayo hanggang katapusan ng semester, siguro tama lang na
maging magkakilala tayo diba? Ako nga pala si JP.” pakilala nito sakin sabay
lahad ng kamay.
“Migs.”
matipid kong sagot dito sabay abot sa kamay niya.
“Kilala
kita. Ikaw yung sinasabi ni Jen na katabi niya sa Microbiology. Sabi niya
humataw ka raw sa first recitation niyo eh.” sabi nito sabay ngiti, napakunot
naman ang noo ko at nagtaka kung bakit niya kilala si Jen na kaklase ko naman
sa Microbiology.
“Ah
eh, hindi naman.” nasabi ko na lang dahil nararamdaman kong sakin parin
nakatingin si Alex, at ang makipagdaldalan sa klase niya na ayon sa
pagsisinungaling ko ay di naman dapat ako nandon ay isang masamang ideya.
Atsaka wala rin akong masabi kay JP.
Napatunghay
na lang ako ng alisin ni Alex ang bara sa kaniyang lalamunan, kami na lang
palang dalawa ni JP ang iniintay nito para magsimula, binigyan kami nito ng
isang mapanuring tingin.
Inisaisa
na nito ang mga topic na dapat naming ma-i-lecture at ang takdang panahon para
matapos ang mga ito paminsan minsan ay nararamdaman kong sakin nakatingin si
Alex kaya kung pwede ko ng idikit ang mukha ko sa lamesa o kaya naman ay
lamunin na ng lupa ay ginawa ko na. Makatakas lang sa mapanuri niyang mata.
“Dude,
ok ka lang?” tanong sakin ni JP ng pabulong.
“Ah,
Oo, medyo masama lang ang pakiramdam ko.” pabulong kong sagot sa intrimitido
kong katabi.
“Sure
ka? Namumutla ka na eh tapos butil butil pa yang pawis mo sa noo tas di ka pa
mapakali sa pagkakaupo.” pagaaalala nito sakin.
Ang
totoo niyan di talaga ako kumportable na andun sa klase na iyon ni Alex, hindi
ko kasi talaga inaasahan na magiging propesor ko pala ito at ang malala pa sa
isang major subject. Pilit kong inalala yung mga nangyari nung gabing magkasama
kami.
“So
you're a nurse?”
Ipinikit
ko ang aking mata at inalala ang sagot niya sa tnong kong yun, bigla kong
iminulat ang aking mata.
“Yup,
pero magiiba na ako ng line of work starting next week.”
Bigla
akong tumunghay at muntik ko ng sampalin ang sarili ko, nun ko lang kasi
napagtanto na maaaring ito nga ang ibig niyang sabihin sa kaniyang sinabing
iyon, naiinis ako sa sarili ko kasi kung hindi lang siguro ako nagsinungaling
wala kami sa sitwasyon na ito ngayon.
“Ok
ka lang ba talaga?” tanong sakin ni JP. Marahil ay nagulat ito sa aking itsura
dahil sa hinuna ko ay mukha na ata akong iiyak.
Sinong
hindi maiiyak sa aking sitwasyon ngayon? Andaming consequence ng ginawa kong
pagsisinungaling na yun, kung hindi sana ako nagsinungaling malamang walang
nangyari saming dalaw ni Alex nung gabing yun, kasi malamang malalaman niyang
malaki ang posibilidad na maging estudyante niya ako.
Kung
walang nangyari samin, hindi sana ganitong ka awkward ang sitwasyon, malamang
nakakatingin ako sa kaniya ng daretso. Isa pa, malaki ang posibilidad na
ikatalsik ko sa eskwelahan ang nangyari samin kung sakaling may makaalam nito.
“A
lie that totally backfired!”
“Huy!
Ok ka lang ba talaga?” pabulong ulit na tanong sakin ni JP habang dini-dictate
parin ni Alex ang mga magiging topic namin sa loob ng isang buong semstre.
“Ah
eh, Oo.” sabi ko. nagkibit balikat na lang ito, marahil ay napansin ni Alex ang
pagdadaldalan namin I JP kaya't tinawag na nito ang atensyon naming dalawa.
“May
balak ba kayong i-drop tong subject ko?” tanong nito samin. Umiling lang si JP.
“Edi
makinig kayo sakin saka mag notes kayo, imbis na magdaldalan.” supladong sabi
nito samin.
Nang
matapos na ang dictation ni Alex ng aming mga magiging topic ay nagkwento naman
ito ng tungkol sa sarili niya, kung titignan mo siya ay hindi halatang baguhan
lamang ito sa pagtuturo. Confident ito na siya namang nakakuwa agad ng respeto
ng kaniyang studyante.
“Di
naman sa nangengeelam ako, pero magkakilala ba kayo ni Sir?” tanong ni JP
sakin.
“H-ha?
P-pano mo naman nasabi?” tanong ko dito.
“Patay
na! Nahalata pa ata ni JP.” sabi ko sa sarili ko.
“Kasi
yung reaksyon mo kanina nung nagpakilala siya eh, parang inalis lahat ng dugo
mo sa mukha, alam mo yun?” at sa sinabi niyang yun lalo akong kinabahan.
“Ah,
hindi m-medyo s-sumama kasi ang p-pakiramdam ko talaga.” sagot ko na lang,
nagkibit balikat na lang uli ito saka muling nakinig sa sinasabi ni Alex.
Nagbuntong hininga na lang ako.
“We
will be having our next meeting this thursday. Sa Thursday narin ang simula ng
regular class natin, so I want you guys to do some advance reading.” pagbibigay
tuon niya talaga sa mga salitang advance at reading.
Ibinaling
ko ang aking tingin sa direksyon ni Alex at nakangiting aso lang ito, malamang
nakita niya sa aking reaksyon ang nais niyang iparating sa patama niyang yun.
Siguro alam na niya na ang ginagawa ko talaga nung nagkita kami sa SM Manila
noon ay nag-a-advance reading at hindi dahil sa curious lamang ako dito,
katulad ng kasinungalingang sinabi ko sa kaniya noon.
Ibinaling
sakin ni JP ang kaniyang tingin dahil sa pagngiti ni Alex na yun papunta sa
aking direksyon. Sakto namang yumuko ako, marahil nakakahalata na talaga siya.
“Ngayon
gusto kong fill up-an niyo ang mga class cards niyo at kapag tinawag ko na ang
unang letra ng apelyido niyo pumunta kayo sa harapan at ipasa ito sakin tapos
ay pwede na kayong lumabas at umuwi.”
Madaming
natuwa sa magandang balitang yun, mahaba haba kasing break iyon pagnagkataon,
isa na sa natuwa si JP sa aking tabi. Minsan gusto ko ng mairita dito,
nakaksuka kasi ang pagkamasiyahin nito, lalo na ngayon na mukhang masisira na
ang buhay ko.
“All
surnames starting with the letter A, please hand me your classcards.” sabi ni
Alex, sa puntong ito di na talaga ako mapakali sa aking upuan at nagsimula ng
kumabog lalo ang dibdib ko.
“Bakit
naman kasi Salvador pa ang apelyido ko.” sabi ko sa sarili ko, ito ang unang
pagkakataon na ikinatutwa ko ang aking apelyido, hindi dahil napakaseryoso
nitong pakinggan kundi dahil ako ang pinakahuli kapag in-alphabetical mo ang
buong klase.
“This
is a really bad idea.” sabi ko sa sarili ko sabay iling.
Habang
isa isang nauubos ang aking mga kaklase, palakas naman ng palakas ang kabog sa
aking dibdib, lalo akong di mapakali sa aking kinauupuan.
“G.”
tawag ulit ni Alex, lumingon ito sa aking kinauupuan at ngumiti ulit ng
nakakaloko dahil tumayo na ang aking katabing si JP.
“Sige
Migs.” paalam sakin ni JP nang tawagin na ang letra ng kaniyang apelyido.
Tumango lang ako dito.
Hanggang
sa tatlo na lang kaming magkakaklaseng natira, lalong lumaki ang ngiti sa mukha
ni Alex.
“R.”
sabi ni Alex. Sabay na tumayo ang dalawa ko pang kaklase at ako na lang ang
natirang nakaupo, tumayo na ako dahil obvious naman na ako na ang susunod na
tatawagin.
Dahan
dahan akong lumapit sa kaniyang lamesa, nakalabas na ang dalawa ko pang kaklase
na ang mga apelyido ay nagsisimula sa letrang “R”. Ngayon kami na lang dalawa
ni Alex sa classroom. Inabot ko sa kaniya ang aking classcard pero nakayuko
lang ito at naiwan na nakaabot ang aking kamay hawakhawak ang aking classcard.
“Alam
mo, iniisip ko na nasa UST ka ngayon, having your first day at class sa
architecture department.” sabi nito sakin habang abala parin na inaayos ang mga
classcards na pinasa sa kaniya.
“Sorry,
di ko sina...”
“Di
mo sinasadyang magsinungaling?” pagtuloy nito sa aking sana'y sasabihin. Di na
ako nakaimik. Tumawa ito sabay iling. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtawa
niyang yun.
“Bakit
di mo sinabi sakin ang totoo?” tanong nito sakin nang makabawi na ito sa
pagtawa.
“Di
ko kasi alam kung...” simula ko ulit.
“Di
mo alam kung mapagkakatiwalaan mo ako?” pagtatapos nanaman nito saking dapat
sana'y sasabihin.
“And
yet at the end of the day you decided to sleep with me.” habol pa nito sabay
tawa, nagulat ako sa sinabi niya.
Nagulat
ako sa sinabi niyang yun. Alam kong galit siya, sinong hindi magagalit?
Nagsinungaling ako sa kaniya, ipinamukha ko sa kaniyang di siya
mapagkakatiwalaan kaya ko nagawang magsinungaling.
Halos
mamatay matay ako kakaisip ng lahat ng magiging kumplikasyon ng aming ginawa
nung gabing iyon, yun pala lahat naman ng iyon para sa kaniya ay laro lang.
Isang bagay na hindi dapat bigyan ng pansin. Sa puntong iyon di niya lang ako
ginawang katatawanan, ipinamukha niya rin sakin kung gaano ako kapathetic.
“Wala
lang talaga ako sa kaniya kundi isang random fuck.” sabi ko sa sarili ko,
ngayon naintindihan ko na.
Di
ko alam kung paano ko nagawang panatilihin ang aking sarili maging ganoon
ka-kalmado sa kabila ng panlalait at pagmamaliit na ginagawa sakin ni Alex.
Kalmado kong inilapag ang aking classcard sa lamesa niya at tumalikod na dito.
Di ko na inintay ang reaksyon nito at kung may sasabihin pa siya.
“Wohow!
Lumabas din!” sigaw ng isang lalaki sa likod ko na talaga namang ikinalundag ko
sa sobrang gulat.
“Whoah!
Easy, ako lang to.” sabi ni JP sakin habang pinipigilang tumawa.
“Antagal
mo naman ata dun sa loob? Matagal ba bago ka niya tawagin?” tanong nito sakin
habang hinahagod ang likod ko at tinutulungan akong makahinga ng maayos ulit.
“ah
eh, kinausap kasi ako ni Sir tungkol dun sa pagdadaldalan natin kanina.” sabi
ko na lang habang naaasiwa akong tinanggal ang kamay niya sa aking likod.
“Sus,
yun lang?” sabi ni JP at sinabayan na akong maglakad.
“Nga
pala, may gagawin ka ba ngayon?” tanong ulit nito sakin, natigilan ako at
nangunot ang noo sa tinanong niyang yun. Pero bago ko pa masagot yun ay biglang
bumukas ang pinto ng classroom na pinanggalingan namin ni JP at iniluwa non si
Alex.
“Migs
wait!” sigaw ni Alex, napatingin ito kay JP at si JP naman ay napatingin sakin.
Itututloy...
[03]
Nagmamadali
akong lumabas ng skwelahan, balak kong bumalik sa pad ni Kuya Ron at intaying
klumaro ang aking isip. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Alex sa loob
ng classroom nung kaming dalawa na lang ang natira doon.
“At
yung reaksyon ni JP nung habulin ako ni Alex. Shit! Buko agad!” sabi ko sa
sarili ko, lalo akong nagpanic.
Nasa
kalagitnaan ako sa pagmumunimuni kong iyon nang bigla akong napatigil saglit at
napalingon, nararamdaman ko kasing parang may nasunod sakin, di na bago sakin
ang ganito, minsan na akong na hold-up dito at sinumpa ko sa sarili ko na
magiging sensitibo na ako mula noon.
Nang
wala naman akong nakitang kahinahinalang tao malapit sakin ay nagpatuloy na ako
sa paglalakad at pakikipagtalo sa sarili ko, wala pa man ako sa ikasampung
hakbang mula nung tumigil ako ng maramdaman kong may sumusunod nanaman sakin,
lumingon ako at nahuli ko si JP na sinusundan ako.
“ARGHHH!
Bakit ba ngayon mo pa naisipang mangulit?!” sigaw ko dito at kumamot lang ito
sa ulo.
“Pasensya
na, wala kasi akong mapupuntahan eh. Nakakaboryo naman sa dorm ko.” sabi niya
sakin habang patuloy sa pagkamot ng ulo niya.
“Ah
kaya ginawa mong hobby ang pagsunod sakin?” sarkastiko kong tanong dito,
napangiti lang si loko.
0000ooo0000
“Sabihin
mo nga sakin yung totoo? Di ba talaga kayo magkakilala ni Sir bago tong una
nating klase sa kaniya?” tanong ulit sakin ni JP habang ngumunguya ng fries.
Wala na akong nagawa kungdi isama si mokong para lang wag na itong mangulit.
“Ang
totoo niyan...” simula ko at natigilan narin si JP, halatang halatang
interesado sa maaari kong ilahad.
Nanlaki
ng mata ni JP sa aking kinuwento, Ilang minuto ko ring pinagisipan kung
sasabihin ko nga ba kay Jp ang totoo dahil unang una di niya alam na napatol
ako sa kapwa ko lalaki, pangalawa ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman
niyang may nangyari na samin ni Alex na siya namang propesor namin. Pero sa
bandang huli...
“Tignan
mo kung ano nangyari nung huling beses na nagsinungaling ka?” tudyo ng sarili
kong utak sa akin.
Naisipan
ko ring sabihin kay JP ang totoo, nagulat ito nung una at hindi ko na inaasahan
na kausapin pa ako nito, pero nagulat lang ako ng ngumiti ito at sinabing...
“Ok
lang yan. O siya kumain ka na.” sabi nito sakin sabay bukas ng sachet ng
ketchup na kaninang kanina ko pa hindi mabuksan. Nagulat ako dahil taliwas sa
inaasahan ko ang reaksyon niya.
“So
anong plano mo ngayon?” tanong nito sakin.
“Mukhang
wala lang naman sa kaniya ang nangyari samin. Mukhang laro lang sa kaniya
lahat.” wala sa sarili kong sabi sabay tingin sa kaliwa para di makita ni JP
ang lungkot sa mukha ko. Bigla niyang hinampas ang lamesa na ikinagulat naming
lahat na nandun sa fastfood chain na iyon.
“Gago
ba siya?! Anong karapatan niyang paglaruan ang ibang tao?!” napalakas na sabi
ni JP. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at lumingon para makita kung ilang
tao ang nakarinig sa sigaw niyang yun.
0000ooo0000
“Ahhh
dun ka pala sa P. Campa.” sabi ni JP nang sagutin ko ang tanong niya na kung
san ako nakatira ngayon.
“Oo,
dun nga. Teka wala ka na bang klase?” tanong ko dito. Umiling lang siya at
ngumiti.
“Ahh
pareho pala tayo.” sabi ko naman dito, sabay pagsisisi ko dahil biglang
lumiwanag ang mukha nito na miya mo biglang may ideya na bumangga sa isip niya.
“Gusto
mo tambay muna tayo sa dorm ko?” aya nito sakin. Tinignan ko lang siya.
“Ay,
feeling close?” sabi ng utak ko.
“K-kung
gusto m-mo lang naman.” nahihiyang sabi nito sakin na kala mo nabasa ang
iniisip ko sabay yuko at inom sa float niya, para itong bata na sinsasaid ang
laman ng kaniyag baso sa pamamagitan ng straw at kapag wala ng mahigop ay
lilikha ng ingay.
“Ok
lang sakin.” sagot ko naman dito. Bigla itong tumunghay saka ngumiti ulit.
0000ooo0000
“Naku
sensya na, medyo burara kasi ako.” sabi ni JP habang isa isang pinupulot ang
mga damit na nagkalat sa sahig.
“Medyo
pa yan sa lagay na yan ah? Ano pa kung fully pledged burara ka pa.” sarkastiko
kong sabi dito, ngumiti ito sabay kamot sa ulo.
“Ano
gusto mong inumin?” tanong nito sakin sabay naglaho sa likod ng isang pinto.
Maganda
ang lugar ni JP, may kaliitan pero swak lang pang dalawang tao, may doubledeck
na nakadikit sa pader sa aking bandang kanan at isang mahabang sofa na
naghihiwalay sa tulugan at sala. May dalawang malaking aparador na
pinagigitnaan naman ng isang pinto na nung sinilip ko ay CR pala, makalampas ng
sofa at TV na nakadikit naman sa pader sa aking bandang kaliwa ay isang pinto
na naghihiwalay sa kusina at sala, asa kusina nadin ang kainan nito.
“Ano
to?” tanong ko kay JP nag iabot nito sakin ang isang baso na may kulay kalawang
na likido doon.
“C2.”
matipid nitong sagot.
“Ha?”
tanong ko ulit dito nang hindi ko nakuwa ang sinabi nito.
“Yung
green tea na drink, eto oh.” sabi ni JP sabay dampot sa isang plastik na bote
na may nakatatak na C2, tinikman ko ito at hindi nagustuhan ang lasa, tinignan
ko ang bote nito na may packaging na kulay green.
“Di
nga masarap yan kaso di kasi ako pwede sa lemon at apple gawa nasakit ang
lalamunan ko.” sabi nito sakin ng makita siguro ang pagngiwi ko nang malasahan
ko ang green tea na inalok niya sakin.
“Ano
gusto mong gawin?” tanong nito sakin.
“Ha?
Kahit ano.” sabi ko dito.
“Ah
teka may bala ako diyan ng diablo eh.” sabay dive nito sa ilalim ng double
deck, inilabas nito ang isang kahon na puno ng DVD, napahiling ang aking ulo
pakanan nang may makitang isang CD.
“Tarzan
X?” tanong ko dito na ikinauntog naman ng ulo ni kumag sa may double deck.
Natatawa ako dahil halatang porno ang nakita kong iyon na may tampok na hubad
na babae sa cover.
“Ah
eh. Akin na nga yan.” sabay hablot nito sa aking hawak hawak na CD at di na
maikakaila ang pamumula ng mukha nito.
0000ooo0000
“Ahahaha!
Nanalo ako!” sigaw nito.
“Malamang,
saulo mo na yang larong yan eh.” walang gana kong sabi dito. Dumungaw ito sakin
sabay tawa.
“Teka
lang, maiba tayo. Paano kung biglang magbago ang ihip ng hangin, pano kung
seryosohin ka ni Sir? Papatulan mo ba siya?” tanong nito sakin sabay yuko.
Natigilan
ako, sa totoo lang di ko iyon naisip at di ko talaga rin siguro inisip.
Masyadong magiging kumplikado ang lahat kung nagkataon. Propesor ko siya,
estudyante niya ako. Yung magkarelasyon ngang Lalaking propesor saka babaeng
estudyante, hindi na tanggap eh, yun pa kayang Propesor na lalaki at
estudyanteng lalaki. Ano iyon Combo meal? May spaghetti na may chicken pa at libreng
fries and drinks?
Napatingin
ako kay JP.
“Imposible
na sigurong magkagusto pa ako kay Alex. Masyadong kumpikado na lahat eh.” sagot
ko kay JP, ngumiti naman ito saka biglang sumeryoso ulit ang mukha sabay
nagisip ng maitatanong.
“Ah
eh pano naman kung... ahmmm di naman propesor ang magkagusto sayo pero lalaki
din, pagbibigyan mo ba ito?” kumunot ang noo ko sa tanong niyang yun.
“Ha?
Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito.
“Ah
eh, p-pano kung may magkagusto sayong kaklase nating lalaki...” namumula nang
sabi ni JP, halatang hindi kumportable sa tinatanong nito.
Napagtanto
ko rin, malamang, hindi nga magiging kumportable si mokong sa mga tinatanong
niyang tungkol sa kabaklaan dahil straight ito.
“Alam
mo JP, kung tinatanong mo lang yan para may mapagusapan tayo eh pwede mo nang
itigil lalo pa't nakikita kong hindi ka kumportableng pagusapan ito.” sabi ko
sa kaniya at nagkamaot lang ulit ito sa ulo, napangiti naman ako dito.
“Eh
anong gusto mong pagusapan?” tanong nito sakin.
“Kahit
ano.” sabi ko dito sabay kibit balikat, sinimulan ko ulti laruin ang diablo at
napagpasyahang tapusin na ang level na iyon.
0000ooo0000
“Di
lang kasi kami siguro para sa isa't isa.” sabi ni JP habang nainom kami ng
binili naming emperador sa baba ng dorm niya.
“Ah
ganun ba, sayang din yun si Jen, mabait pa naman yun saka maganda.” pertina ko
sa ex girlfriend niya na siya namang kaklase ko sa isang subject namin.
Sinuntok lang ako nito sa braso saka ngumiti.
“Oi
kay Sir ka na lang, wag mo nang punteryahin si Jen.” nagbibiro nitong sabi
sakin. Napatawa na lang ako.
Madami
pa kaming napagusapan ni JP, tungkol sa mga subjects namin sa mga propesor na
walang kwenta at sa mga kalait lait naming mga kaklase. Usapang brownout kung
baga.
“Alam
mo, nung unang kita ko pa lang sayo, sabi ko sa sarili ko, kakaibiganin kita.
Mukha ka kasing cool parati saka...” napatigil ito nang bigla akong humarap sa
kaniya.
“Cool
parati? Kanina lang naman tayo nagkakilala ah? Nagtaka nga ako sayo kanina nung
nagpakilala ka, sabi mo kilala mo ako, eh katra-transfer ko lang dito.” sabi ko
kay JP, namula nanaman ito.
“Nakita
kasi kita nung enrolment, nung sa pila palang alam ko nang transferee ka, pero
confident ka, saka di karin suplado, pag may nagha-hi sayo ngingiti ka, pag may
nagpakilala sayo kakausapin mo, di katulad ng iba... parang ang cool cool mo,
parang walang problema, ganun.” sabi ni JP.
Napatitig
na lang ako dito.
“Tapos
nung minsang manghihiram ako kay Jen ng calculator para sa statistics namin
nakita ko kayong magkatabi sa microbiology, sabi ko kaibiganin ka kasi mukha
kang mabait. Kaya nung nagkita ulit kami ni Jen para ibalik yung calcu niya,
tinanong ko sa kaniya pangalan mo, yun nga Migs daw, kaya sabi ko kanina kilala
kita.” sabi pa ni JP na kala mo nahihiya na di mawari.
“Ahhhh”
sabi ko na lang pero parang may kulang parin sa sagot niyang yun.
Tatanungin
ko pa sana ulit ito ng biglang mawalan ng kuryente, at dahil sa may angkin
akong kaduwagan ay napakapit ako sa braso ni JP, napahagikgik naman ito. Sa
isang lugar kung san napapaligiran ng matataas na building ang paligid ay
imposible nang lumiwanag ang paligid sa tulong ng buwan, kaya naman masasabi
mong pitch black talaga sa loob ng kwartong iyon ni JP.
Pinailaw
nito ang kaniyang cellphone at nagpaalam sakin saglit na kukuwa lang daw siya
ng kandila sa kusina, dahil sa nakakatakot ang nilaro namin kanina sa PC ay di
ko mapigilang ma-imagine na asa likod ko ang diablo at papatayin ako nito.
“Bakit
ganiyan ang itsura mo? Mukha kang papel sa sobrang pamumutla.” sabi ni JP sakin
habang pinipigilan ang sarili na tumawa.
“Ayoko
ng ganitong kadilim.” sabi ko na lang, lumapit na si kumag at ibababa na sana
ang kandila sa lamesa ng bigla itong matalisod at napadagan sakin. Nagtama ang
aming mga mata, malamlam ang mata nito na kala mo nakikiusap, maya maya pa ay
lumalapit na ang mukha nito sakin.
Itutuloy...
[04]
Medyo
matagal na din kaming nagkatitigan ni JP, nagtataka man ako at medyo naaasiwa
sa itsura namin ngayon ay di ko siya maitulak palayo, para kasing hinigop ang
aking lakas, sa katunayan parang wala na akong lakas pa na tumanggi sa susunod
na maaaring mangyari. Maya't maya pa ay dahan dahan nang lumalapit ang mukha ni
JP sa aking mukha pero bago pa man magdikit ang aming mga labi ay napapansin
kong lumiliwanag ang paligid at may mag usok na dumadaan sa pagitan ng mukha
namin ni JP.
Itinuon
ko ang aking tingin sa kaliwa at napansing nagsisimula ng magliyab ang sofa.
“SUNOG!”
sigaw ko, napaiktad naman si JP at agad na nilingon ang lumalaking apoy,
hinubad nito ang kaniyang polo at sinimulang apulahin ang apoy sa pamamagitan
nito.
0000ooo0000
“Hala
ka, anlaki ng nasunog.” sabi ko dito habang tinitignan ang malaking kulay itim
na butas na gawa ng apoy kanina sa may sofa.
“Hayaan
mo na yan.” sabi ni JP habang nakatingin parin sakin. Medyo nailang nanaman
ako. Dahil sa wala paring kuryente kaya't wala akong magawa kundi ang tumabi sa
kaniya.
“JP,
uuwi na ako.” paalam ko dito.
“Ha?
Ambilis naman.” sabi nito sakin sabay tingin sa bote ng emperador na kalahati
pa lang ang bawas.
“Baka
kasi hinahanap na ako ng pinsan ko.” sabi ko dito.
“Ah
edi sige.” sagot lang nito at akma nang magliligpit ng kalat namin, nagsimula
na akong maglakad papunta sa pinto, binuksan ko na ito at sumilip sa labas,
walang kailaw ilaw ang buong hallway.
“JP,
p-pwede mo ba akong ihatid palabas ng dorm mo?” nagaalangan kong tanong dito.
“Haha!
Akala ko di ka na magtatanong eh. Halika na nga.” pinatay nito ang kandila at
dinala ang kaniyang flash light.
“Sensya
ka na ah, duwag talaga ako eh.” amin ko dito, naramdaman ko lang itong
humagikgik sa tabi ko sabay akbay.
“Basta
ikaw.” sabi lang nito.
“Ano
ba ito, pinagtritripan ba ako ng lokong to?” tanong ko sa sarili ko pero
iniisip ko na lang na ok lang din naman, kasi nababawasan ang takot ko pag malapit
lang siya.
0000ooo0000
““YES!””
sabay sabay na sigaw ng mga tao sa mga nakapaligid pang ibang dorm ng
magkakuryente bigla.
“Ah
eh, ok na ako dito JP, salamat ah.” sabi ko dito.
“Hatid
na kita hanggang Campa.” sabi nito sakin sabay hila sakin sa isang kulay green
na kotse.
“Wag
na, nakakahiya naman.” sabi ko dito sabay kaway.
“Pssss!
Wag nang matigas ang ulo.” sabi nito sakin sabay ngiti at tulak sakin papasok
ng passenger seat.
0000ooo0000
“Sige
JP, dito na lang ako.” sabi ko dito nang itigil nito ang sasakyan niya sa harap
ng condo ng pinsan ko.
“Samahan
na kita hanggang makaakyat.” sabi nito sakin sabay turo pataas.
“Wag
na masyado naman nang nakakahiya.” sabi ko dito at di ko narin mapigilang
mailang.
“Tss!
Bakit mo ba to ginagawang kumag ka!” sigaw ng utak ko habang pinapanood si JP
na sinasarado ang pinto ng sasakyan niya. Lumapit ito sakin at sinamahan na ako
papunta sa elevator at paakyat sa condo namin.
0000ooo0000
“Psst!
Sino yan?!” tanong sakin ni kuya Ron habang minamata si JP at habang nagsasalin
naman ako ng coke para ipainom kay JP.
“Kaklase
ko.” sabi ko na lang dito tapos nginitian ako ng nakakaloko.
“Cute
ah.” sabi ni kuya Ron, pinandilatan ko lang ito ng mata.
“Ganda
pala dito.” sabi ni JP nang bumalik ako sa sofa at tumabi dito.
“Nga
pala, JP...” simula ko pero biglang umeksena si kuya Ron.
“So
JP, pinopormahan mo ba tong pinsan ko?” tanong ni kuya Ron na siya namang
ikinagulat ko talaga.
“KUYA!”
sigaw ko dito.
“Naku,
kung ok nga lang po ba dyan kay Migs eh, edi kami na niyan ngayon.” sabi ni JP
sabay siko sa aking tagiliran, tinignan ko lang ito ng masama.
“Ang
totoo po niyan may boy...” di na naituloy ni JP ang sasabihin niya dahil sa
pagsiko ko sa tagiliran niya.
“Ano
yun JP?” tanong ulit ni kuya Ron.
“Sasabihin
ko lang naman yung tungkol kay Sir Al...” baling niya sakin, di na niya ulit
natapos dahil binigyan ko nanaman ito ng isang siko sa tagiliran.
“Okay!
Tama na! uuwi na si JP.” sabi ko at pinilit nang itayo si JP, natatawa naman
ito at si kuya Ron naman ay nakakunot ang noo.
“Basta
JP, pag ayaw sayo ni Migs andito lang ako ah.” pabirong sabi ni kuya Ron na
ikinagulat naman ni JP.
Nang
maisara ko na ang pinto ng aming unit at tinutulak ko na si JP papuntang
elevator ay bigla itong humarap sakin na muntik nang ikasalubong ng aming mga
labi.
“Bakit
ayaw mong sabihin kay Kuya Ron yung tungkol kay Sir?” tanong nito sakin,
seryoso ang tono nito at mukhang gustong gusto talagang malaman ang dahilan ko.
“Bakit
ko kailangang sabihin?” tanong ko dito, napaisip ito saglit.
“Para
kapag naisipan ni Sir Alex na puntahan ka dito at makipagkilala kay Kuya Ron di
na magiisip pang bumoto ni kuya Ron sa hunghang na yun dahil siniraan ko na
siya.” sabi ni JP, iniintay kong ngumuting aso ito at sumigaw ng “JOKE!” pero
hindi, seryoso ang kumag.
“s-Seryoso
ka ba?” tanong ko dito. Tumango lang ito at hinawakan ang pisngi ko.
“Ngayon
pang mukhang botong boto sakin si kuya Ron.” bulalas nito.
“Gagu!”
sabi ko na lang.
“No
Joke!” balik nito sakin.
“Di
ko rin alam kung bakit saka bakit ganito kabilis. Pero ang alam ko gusto kita
and if you let me, I want to keep you.” literal na akong napanganga sa sinabi
niyang yun. Itinuloy na niya sa pagpisil ng aking magkabilang pisngi ang
pagkakahawak niya dito saka tumalikod at sumakay na sa kabubukas palang na elevator.
Kumaway ito sakin at magiliw na ngumiti.
“Ayos
sa trip tong kumag nato!” sabi ko sa sarili ko sabay iling.
0000ooo0000
Ikinundisyon
ko ang utak ko na nakainom lang si JP kaya ganun na lang ang mga kilos nito
kagabi. Halos di ako nakatulog sa kakaisip sa sinabi niya nung bago kami
maghiwalay, may parte ng utak ko ang kinikilig at may parte din na nagaalanagan
at dahil sa pagaalangan na iyon saka ko naisip na...
“Nakainom
lang kasi kami, kaya ganoon na lang ang pinagsasabi niya.” sabi ko sa sarili
ko, habang nagaalmusal na bago pumasok sa school.
Dahil
sa ikinundisyon ko na nga ang utak ko na wala wala lang ang sinabi ni JP ay di
ko rin inaasahan na makikita ko siya ngayon dahil sa huwebes pa ang klase namin
kay Alex. Masigla akong lumabas sa condo at naglakad na para sumakay papasok ng
school nang biglang may tumapat na kotse sa akin. Nilingon ko ito at nagulat sa
aking nakita.
“JP?”
sabi ko na lang, nakangiti lang ito sakin.
“Sabay
ka na sakin.” sabi nito. Wala na akong nagawa dahil mukhang di ako titigilan
nito kung sakaling tumanggi ako.
Pagkasakay
na pagkasakay ko sa sasakyan nito ay napansin kong parang kagigising lang nito.
Nakashades si kumag pero nakasando lang saka boxers, tayo tayo pa ang buhok
nito at kung hindi ako nagkakamali, mukhang may latay pa ng kama sa pisngi
nito.
“Huy!
Makatitig ka naman diyan.” saway nito sakin.
“Nasisiraan
ka na ba?” tanong ko dito, napatawa ito.
“Bakit
naman?” tanong niya.
“Kasi
mukhang di mo talaga balak na bumangon pa eh.” sabi ko dito.
“Haha!
Halata ba?” tanong nito sakin.
“Oo,
teka, anong oras pa ba ang pasok mo?” tanong ko dito.
“Mamya
pang after lunch, bakit?” binatukan ko ito sa sagot niyang yun.
“ARAY!
Bakit ba? Eh sa gusto kong makita ka pagkagising ko kanina eh!” sabi nito
sakin. Natigilan ako sa sagot niyang yun.
“Bullshit!
Ano kailangan mo sakin? Pinagtritripan mo ba ako?!” naiinis ko nang banat dito.
Nagbuntong hininga siya.
“Akala
mo ba lahat ng lalaki tulad ni Alex? Akala mo ba lahat ng aaligid sayo
lolokohin ka lang?” tanong nito sakin at sumeryoso na ang mukha nito.
“Di
kasi ito...” simula ko pero siya na ang tumapos ng aking dapat sasabihin.
“Ano?
Hindi tama? Eh sa ito yung nakakapagpasaya sakin eh. How can you say that
something that makes you happy isn't right?” sabi niya na lalo kong ikinagulat.
0000ooo0000
“Akin
na cellphone mo.” sabi sakin ni JP, seryoso itong nakatingin sakin.
“Ano
to? Hold up?” tanong ko sa kaniya, pinigilan naman nitong mapatawa.
“Basta!
Akin na.” sabi nito sakin, idinaretso ko ang aking kanang paa at dinukot sa
aking bulsa ang aking cellphone. May pinindot siya nang mapasakamay na niya ito
sabay ngiti bago niya ito iabot sakin.
“Ayan.
Andyan na number ko at alam ko narin ang number mo. Mamya itetext kita, para
sabay tayong maglunch. Sige na! Baba na! Baka malate ka pa!” sabi nito sakin.
Lumipas
ang buong araw na wala kong iniisip kundi ang mga sinabi ni JP, ni hindi ako
makapag concentrate sa aking lessons. “Physically present but mentally absent.”
sabi nga ng mga guro. Tigiisang sentence lang ang naisusulat ko sa aking mga
notes at madalas may mali pa.
Laking
tuwa ko nang magtext sakin si JP na hindi niya ako masasamahang kumain ng lunch
pero babawi daw siya sa uwian, ihahatid niya daw ako samin.
“Anak
ng tokwa.” nasabi ko na lang sa sarili ko. Lalo kasi akong nawala sa sarili
nang maalala ko ang text niyang babawi siya pag uwian na.
Agad
agad akong lumabas ng skwelahan at sinikap na umuwi na agad para kapag nagtext
si JP ay pwede kong sabihin dito na nauna na akong umuwi dahil di ko na siya
naantay.
“Sensya
na JP pero kailangan ko pa ng panahon.” pampalubag loob ko nalang sa sarili
nang makaramdam ako ng guilt dito.
“BEEP
BEEP!” tunog ng isang busina sa aking likod.
“Putangina!
Naabutan pa nga ako ni mokong!” sabi ko sa sarili ko.
“Migs!”
napatingin agad ako sa lalaking tumawag sakin.
“Alex?”
bulong ko sa sarili ko.
Itutuloy...
[05]
Tahimik
lang ako na nakaupo sa tabi ni Alex sa loob ng kotse niya, buti na lang malayo
na sa skwelahan nung businahan ako nito at walang nakakita sakin na sumakay sa
kotse niya. Di ko alam kung san ako dadalhin nito pero nakiusap siya sakin
kanina bago ako sumakay na kailangan daw naming magusap. Lagpas ang tingin ko
sa windshield, di ko alam ang sasabihin ko dito at hindi ko alam kung san
tungkol ang aming paguusap nang bigla nitong itigil ang sasakyan.
“Gusto
ko sanag humingi ng sorry.” simula nito.
“Ok
lang po yun, pareho naman po nating di alam eh.” sabi ko dito.
“Ang
totoo niyan, may isa pa akong pakay eh.” napatingin na ako sa kaniya sa sinabi
niyang yun, bahagyang kumunot ang aking noo, napayuko ito.
“Gusto
ko sanang mas makilala ka pa, yung higit sa pagiging estudyante ko lang.” sabi
nito sakin, pumintig ata lahat ng ugat sa ulo ko sa aking narinig na iyon.
“A-ano
pong ibig niyong sabihin?” tanong ko ulit dito, inabot nito ang aking kamay na
nakapatong sa aking hita at hinalikan iyon.
0000ooo0000
“Nako
Migs, mahirap yang pinapasok mo ah.” sabi sakin ni kuya Ron nang ikwento ko sa
kaniya ang mga nagyari kanina nung sunduin ako ni Alex.
Natahimik
ako, tama ang sinabi ni kuya Ron.
“Kumpikado
na ngang pareho kayong lalaki mas ginawa pang kumplikado dahil professor mo
siya.” sabi pa nito habang nanguya.
0000ooo0000
Nakapako
ang aking tingin sa kesame ng aking kwarto.
Tulad
ng sinabi ni kuya Ron kanina habang nakain kami, ganun din ang sinabi ko sa
sarili ko NUNG UNA. Pero ngayong nagiba na nga ang ihip ng hangin at ngayon ay
nagsabi na si Alex ng tunay niyang pakay sakin ay parang gusto kong kainin
lahat ng sinabi ko nung una.
“Teka
lang, maiba tayo. Paano kung biglang magbago ang ihip ng hangin, pano kung
seryosohin ka ni Sir? Papatulan mo ba siya?”
“Imposible
na sigurong magkagusto pa ako kay Alex. Masyadong kumpikado na lahat eh.”
“Tama,
mukhang kakainin ko nga lahat ng sinabi kong yun kay JP.” sabi ko sa sarili ko
at kinain na ako ng antok.
0000ooo0000
“Hello.”
inaantok ko pang sabi kay JP sa kabilang linya.
“Tulog
ka parin?” tanong nito saka ko narinig na parang nahagikgik ito sa kabilang
linya.
“Hindi
na, ginising mo na ako eh.” sabi ko dito na medyo naiirita na.
“Nako,
sleepy head talaga.” pa baby talk na sabi nito sakin na lalo kong ikinairita.
Binabaan ko ito at itinalukbong ko ulit ang unan sa aking ulo. Nagring ulit ang
aking telepono.
“Ano?!”
sigaw ko na sa aking kausap sa kabilang linya.
“Naistorbo
ba kita?” tanong ng aking kausap sa kabilang linya, kumunot ang noo ko nang
mapagtanto kong hindi na si JP ang kausap ko, inilayo ko sa aking tenga ang
telepono at tinignan ang screen.
“Naku,
sorry Sir, may nanginis lang kasi sakin kanina. Napatawag po kayo?” sabi ko
habang nabangon na sa higaan.
“Unang
una, drop the Sir, po and opo. Panagalawa, gusto ko kasing maging maganda ang
araw ko kaya tinawagan kita.” sabi nito.
“Ha?
Ano pong... este anong koneksyon sakin ng pagganda ng araw niyo?” tanong ko
dito habang naglalakad papuntang CR.
“Kasi
marinig ko lang boses mo ok na ako. Maganda na araw ko.” sabi nito sakin.
Napangiti ako.
0000ooo0000
“My
God! Migs, drop the cheesy smile! Magiisang oras mo nang ibinaba yung telepono,
kinikilig ka parin?” singhal sakin ni kuya Ron sabay tayo para iligpit ang
pinagkainan niya.
“Alam
mo, minsan kontrabida ka eh no?” sarkastiko kong sabi dito habang inuubos ko
ang inihandang almusal ni kuya Ron.
“Pano
na si papa JP?” tanong nito sakin, natigilan ako saglit saka nagkibit balikat.
“Sinasabi
ko sayo Migs, mahirap yang pinapasok mo.” sabi nito sakin habang iwinawagayway
ang scotchbrite na ginagamit niya panghugas sa plato. Napabuntong hininga na
lang ako.
0000ooo0000
Naglalakad
na ako sa kahabaan ng P. Campa habang pinagiisipan kung magco-commute ba ako o
dadalhin ko na lang ang sasakyan ko nang biglang may nagpiring sa aking mga
mata. Agad kong inisip na baka si Alex ito kaya wala sa isip kong sinabi ang
pangalan nito.
“Alex?”
Agad
inalis ng taong nagpiring sakin ang kaniyang mga kamay sa aking mga mata,
hinayaan kong masanay muna ang aking mga mata sa biglang pagliwanag ulit ng
paligid. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni JP.
“Akala
ko ba ayaw mo na kay Alex?” tanong nito. Natigilan naman ako at tila ba
nasasamid.
“Joke
lang yun! Ikaw naman! Alam ko namang ikaw yan eh.” sabi ko sa kaniya sabay
suntok sa kaniyang braso. Napangiti ito pero mukhang naghihinala parin ito na
nangsisinungaling lang ako.
“Andito
ka ba para sunduin ako? Tara sabay na tayo pumasok.” sabi ko dito sabay hila sa
braso niya.
0000ooo0000
Tahimik
lang kami sa sasakyan ni JP, halata kong tinutunugan pa ako nito kung totoo ang
sinabi ko sa kaniya kanina.
“Sabi
ko sayo kagabi i-text moko pag uwian mo na diba? Di ka na nga nagtext bigla ka
pang nawala. Akala mo ba talaga di ako seryoso?” tanong ulit nito sakin.
“Ha?
Ah eh nawala sa isipko eh.” palusot ko dito.
“Tapos
kanina, binabaan mo ako ng telepono.” pagmamaktol nito, sinuntok ko ito ulit sa
braso, ngumiwi ito pero ngumiti din agad.
“Aray!
Nakakarami ka na ah.” sabi nito habang hinihimas ang braso niya.
“Pinagtritripan
mo kasi akong gago ka eh!” sabi ko dito, umiling lang si kumag saka nagpakawala
ng isang malalim na hininga.
0000ooo0000
Pumasok
na si Alex sa classroom, nasa tabi ko ngayon si JP at nagbabasa ng Marvel
comics na itinago niya naman bigla nang pumasok si Alex. Nag goodmorning ito samin
na siya naman naming sinagot.
“Get
a ¼ sheet of paper and prepare for a 10 item quiz.” sabi nito samin, sabay
sabay naman ang reaksyon ng mga kaklase ko. Parepareho kaming nagulat.
Habang
nagtatanong si Alex sa ikalimang item ay biglang tumigil ang tinta ng aking
ballpen, sinimulan kong halughugin ang aking bag pero wala na akong makitang
extra, sinubukan ko nalang na alugin ito at nagbakasakaling gumana pa. Napansin
siguro ni Alex ang nangyayari sakin kaya't naglakadlakad ito kunwari.
Malaman
laman ko na lang na sabay nang nagaabot ng ballpen sakin si Alex at si JP.
Nagkatitigan pa sila saglit. Kinuwa ko ang ballpen na inaalok ni Alex, iniwan
naman ni JP ang kaniyang inaalok sa tabi ko. Tinignan ko siya saka tumango
bilang pagsabi na “Ok na, may nahiram na akong ballpen.” pero di niya pinansin
ang pagtango kong iyon. Kumunot lang ang noo nito.
0000ooo0000
“Ayaw
niya lang siguro na pati sagot ipapasa mo sakin.” sabi ko kay JP habang
nagaaral kami para sa aming kaniyakaniyang susunod na subject.
“Bakit,
nakasulat ba sa ballpen yung sagot?!” pasinghal saking sabi ni JP, kumunot
naman ang noo ko sa mga kinikilos nito.
“A-ayaw
ko lang kasi na makita kang masaktan saka...”
“Saka
ano? Saka gusto mo ikaw na lang piliin ko? Tsss! JP tigilan mo na nga ako dyan
sa pangtritrip mo.” inis ko nang sabi dito sabay tayo at lakad palabas ng
library.
“Migs,
wait!” sigaw nito, huling tingin ko dito ay nilapitan na ito ng librarian at
pinapagalitan.
Di
ko na ulit pa nakita si JP nung maghapon na iyon at kasabay nun ay di na
bumalik pa ang magandang mood saking tuktok. Tahimik lang ako sa bawat klase na
pinasukan ko, umiiwas sa mg a lugar na pwede kong makasalubong si JP at hindi
ko sinasagot ang mga text nito. Isang bagay lang ang nagpaganda ng hapon kong
iyon.
“Ba't
ka nakasimangot?” basa ko sa text na mula kay Alex.
“Bad
day.” reply ko dito.
“Please,
smile ka na. Ayaw kong nakikita kang nakasimangot. ;-) ” sabi nito sa kaniyang
reply. Napangiti naman ako. Muling tumunog ang aking telepono at binuksan ang
kararating lang na message.
“Ayan.
Cute mo kaya pag nakangiti, lalo na pagnakikita yang mga bakal mo sa ngipin.
Hihi!” sabi ulit ni Alex, napalingon ako at di ako nagkamali, andun nga si
Alex, nakatingin sakin. Parang nawala lahat ng tao sa hallway na iyon, ngayon
ay kami lamang dalawa ni Alex, huminto ang oras, tahimik. Ngumiti ito saka kumindat.
0000ooo0000
“Galit
ka ba?” tanong sakin ni JP habang nagmamadali akong umuwi. Sunod parin si
mokong.
“Di
lang tlaga ako pwedeng sumabay sayo gawa may pupuntahan pa ako.” sabi ko dito.
Pero makulit talaga si mokong.
“Sasamahan
kita.” bigla akong napaharap dito. Malamlam ang mga mata nito, tila
nangungusap.
“Bakit?”
tanong ko dito. Kumunot ang noo nito at bahagyang namula.
Napatahimik
kami sa kalagitnaan ng bangketa, madami sa mga tao na dinadaanan kami ay
naiinis na dahil nakaharang daw kami sa daanan lalo na ang mga nagmamadali.
“Sawa
na akong mapagtripan, JP. May gumawa na sakin niyan noon. Please kung di mo to
kayang ipaglaban, itigil mo na lang?” nanginginig ko ng sabi. Nanlaki ang mga
mata ni JP lalo na nung nakita niyang nangingilid na ang aking luha.
“Di
kita pinagtritripan.” mahinang sabi nito, pareho kaming nagulat ng biglang may
tumigil na sasakyan sa tapat namin.
“Halika
na, Migs.” sabi n Alex nang maibaba nito ang bintana.
Tinignan
ako ni JP, tila naguguluhan sa nangyayari. Nakita kong nagtense ang panga nito
at sumarado ang palad nito na miya mo manununtok nang nagsimula na akong
maglakad patungo sa kotse ni Alex.
[06]
Hindi
mapalagay ang isip ko sa kakaisip tungkol sa nangyari samin kanina ni JP, alam
kong sumama ang loob niya dahil sa sinabi ko sa kaniya noon na hindi ako
papatol kay Alex dahil kumplikado pag nagkataon. Alam kong masama ang loob niya
dahil wala akong isang salita, marahil iniisip niyang wala akong kwentang tao.
Nasa ganito akong pagmumunimuni at abala sa pagtingin sa windshield nang
maramdaman ko ang pagbalot ng kamay ni alex sa aking kamay.
Tumingin
ako dito, tumango ito sakin bilang pagsenyas na sumandal ako sa kaniya, kinalas
ko ang aking seatbelt at umurong palapit sa kaniya at isinandal ko ang aking
ulo sa kaniyang balikat.
“Kanina
pa masama ang tabas ng mukha mo ah.” may pagaalalang tanong sakin ni Alex.
“Oo
nga eh. Pero ok na ako ngayon.” sabi ko dito sabay ngiti, ngumiti rin ito.
0000ooo0000
“Alam
mo, una pa lang na kita ko dyan sa JP na yan alam kong patay na patay yan sayo
eh.” pabirong sabi sakin ni Alex habang nainom ito ng beer mula sa lata. Nasa
isang parke kami ngayon, isang parke sa isang burol, kita mula sa kinauupuan
naming bench ang atubiling mga tao sa lansangan at mabibilis na sasakyan.
“Tado!”
sabi ko dito napahagikgik naman ito.
“Bakit?
Ok din naman yung mokong na yun ah.” sabi nito habang patuloy parin sa
paghagikgik. Tumahimik na lang ako.
“Isa
pa, mukhang seryoso naman siya sayo.” sabi parin ni Alex habang prenteng prente
na pinapanood ang mga sasakyan mula sa kaniyang kinauupuan.
“Sawa
na kasi akong mapagtripan. Alam ko kasi ang mga tipo ni JP, sa una lang yan
habang gusto pa nila ang nararamdaman nila, pero habang pakumplikado na ng
pakumplikado ang sitwasyon saka sila bibitaw sa huli ako na lang ang matitirang
nakikipaglaban para sa nararamdaman ko.” mahaba kong sagot, daretso lang din
ang tingin ko. Hinwakan ulit ni Alex ang aking kamay at hinila ako palapit s
kaniya, isinandal ko ulit ang aking ulo sa kaniyang balikat.
“Pano
ka nakakasigurado na hindi ako ganon?” tanong sakin ni Alex. Napaisip ako sa
sinabi niya.
“Wala,
basta alam ko lang.” sagot ko dito at tinignan ako nito saka ngumiti.
Ibinalik
ko ang aking tingin sa abalang mga tao sa paanan ng burol pati narin ang iba't
ibang sasakyan na nadaan malapit sa burol.
0000ooo0000
Pagdilat
ko kinabukasan ay parang may iba akong nararamdaman. Alam kong dahil ito kay
Alex, napangiti ako sa aming simpleng pagtambay kagabi. Gumulon ako sa aking
higaan palapit sa aking alarm clock, tinignan ko ito. Maaga pa. Inabot ko ang
aking cellphone at napansing may message ako kasama nito ay isang picture.
Sa
picture na iyon ay si Alex, nakasandong puti lang ito, tayo tayo pa ang buhok
at halatang kagigising lang din. May hawak itong isang plato na may nakalagay
na pancake na may nakasulat naman na “Goodmorning kiddo!” at may heart sa tabi,
whip cream ang pinangsulat niya doon kaya naman kitang kita ang puti sa
mabrown-brwon na balat ng pancake. Napangiti ako at parang kinilig.
Nagulat
si kuya Ron nang lumabas ako sa aking kwarto na nanatakbo papuntang kusina,
agad kong binuksan ang isa sa matatas na kabinet at hinanap ang isang kahon ng
pancakes. Agad agad akong nagluto niyon. Naramdaman ko ang paglapit sakin ni
kuya Ron at tinitignan ang aking ginagawa.
“Kailan
ka pa natutong magluto....?” pero di na niya ito natuloy ng sprayan ko ng whip
cream ang kaniyang nakabukas na bibig.
Nang
makarating ako sa aking kwarto ay agad kong kinuwa ang aking cellphone at
kinuwanan ng sarili ng litrato kasama ang aking ginawang pancakes. Pinindot ko
ang send button at inintay ang senyales na napadala ko na ang sms. Maya maya pa
ay nagtext na si Alex.
“Cute.”
sabi sa text, napangiti ako. Pero maya maya pa ay nagtext ulit ito.
“May
pancake mix ka pa sa mukha.” sabi sa text, agad akong tumingin sa salamin at
nakitang totoo ang sinasabi ni Alex.
0000ooo0000
Nakanta
kanta pa ako habang naliligo, di makapaniwalang pwede pala akong maging masaya
ng ganito. Habang naliligo rin ay di ko maiwasang isipin kung ano ang gagawin
namin mamya ni Alex pagkauwi at kung makikita ko ba siya ngayon pagpasok ko.
Nakangiti
akong naglalakad sa P. Campa papunta sa aking sasakyan. Pinaandar ko ti at
binuksan ang radyo, sa unang pagkakataon di na ako nahirapan pang maghanap ng
stasyon dito dahil pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng radyo ay maganda na
ang pinapatugtog dito.
Kahit
traffic ay di parin mawala sa aking mukha ang ngiti. Di ko mawari kung bakit
ganito na lamang ang epekto sakin ni Alex, parang nang makilala ko siya ulit ay
parang umaliwalas ang paligid, at sa unang pagkakataon ay di ako nangungunti sa
aking paligid.
0000ooo0000
Pero
nang matapos ko ang pangalawa kong subject sa araw na iyon ay biglang nagbago
ang aking nararamdaman na iyon. Pagkatapos pa lang ng unang subject ay parang
may kulang na sa araw na iyon, amaganda man ito at masaya pero parang may
nakalimutan ako. Saka parang tahimik.
Nang
matapos ang pangalawang subject saka ko nalaman kung ano ang kulang na iyon sa
aking napakagandang araw.
“Uy
Jen, kanina ka p balisa dyan? May problema ba?” tanong ko dito habang inaayos
ko ang aking gamit na ginamit ko sa aming microbiology class.
“Si
JP kasi di pa nagrereply, tinatawagan ko di naman nasagot.” nababahalang sabi
nito.
“Ha?
Baka naman nag oversleep lang.” sabi ko dito.
“Hindi
eh, di naman ganyan dati yan, kahit nung nag break kami di pwedeng hindi
papasok yan basta basta, tinanong ko naman yung ka roomate niya kanina, sabi
naman ni Pong mukhang ok naman daw si JP at mukhang walang sakit. Saka sabi
niya sakin kagabi usap daw kami at may problema daw siya pero di ako pwede gawa
umuwi tatay ko sa Saudi.” mahabang sabi ni Jen habang patuloy sa pag contact
kay JP. Bigla naman akong nabahala.
“Nasa
kaniya panaman yung calcu ko, di ako makakapasok mamya sa statistics pag wala
akong clacu.” nagaalalang sabi ni Jen.
Inilabas
ko ang aking calcu at inabot ito sa kaniya.
“Ayan
gamitin mo muna.” sabi ko dito, nagpasalamat lang ito.
Agad
kong nilabas ang aking telepono nang wala ng matira sa loob ng classroom
maliban sakin. Nagdial ako ng numero ni JP, nung una ay nagri-ring ito pero
nang maglaon ay para bang naglow batt ang telepono nito at di na pumasok ang
aking tawag. Pero di ko rin mapigilang mapaisip na baka ayaw nadin akong kausap
ni JP.
Nakakunot
noo akong naglalakad papunta sa parking nang biglang may sumitsit sakin,
napalingon ako at nakita na nagtatago si Alex sa isang malaking puno sa parking
ng aming skwelahan, luminga linga ako at tinitignan kung may paparating. Nang
wala akong makita ay ngumiti ako saka lumapit dito.
“Eto
oh. Di kita maihahatid sa condo mo ngayon kaya naman babawi ako.” sabi ni Alex
sabay abot sakin ng isang sangha ng bougainvillea kung saan ma isang bungkos ng
putting bulaklak. Napangiti naman ako. Jologs alam ko pero kinilig ako. Inabot
ko ito saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti.
“Haha!
Joke lang, eto ibibigay ko sayo.” sabi nito sabay abot sakin ng isang bracelet
na gawa sa kulay brown na tela. Napangiti ako ng may makitang maliit na alibata
na nakasulat doon.
“Ano
ibig sabihin nito?” tanong ko sa mga alibata na nakasulat sa bracelet. Ngumiti
siya.
“Sasabihin
ko sayo soon.” sabi nito.
“Sige,
una na ako. Ingat ka mamya pauwi ah. Galingan mo sa pagtuturo.” sabi ko dito.
“Ops!
Di pa ako tapos.” sbi nito saka nagbigay muli ng isa pang maluwang na ngiti.
Hinila ako nito palapit sa kaniya at hinalikan sa labi. Smack lang yon pero
para sakin daig pa non ang kahit anong halik na naramdaman ko.
Nang
maghiwalay kami ay ngumiti ulit ito ng maluwag. Binalik ko lang ang ngiti na
iyon. Tumalikod na ako at sinimulan ng maglakad papunta sa aking kotse.
“Kailan
mo ba ako sasagutin?” tanong nito pero di na ako tumalikod pa para humarap ulit
sa kaniya. Humagikgik na lang ako.
Ilang
minuto pa ako sa harap ng aking manibela, tinitignan ko lang ang puting
bulaklak ng bougainvillea. Napangiti ulit ako at wala sa isip na inamoy iyon.
Saka ko na lang napagtantong wala nga palang amoy iyon, napahagikgik ako sa
aking sarili at sinimulan ng paandarin ang aking sasakyan.
Napatawa
nalang ako ng mapadaan ang aking sasakyan sa unahan ng school, nakahilera pala
sa pader nito ang bougainvillea na puti.
0000ooo0000
“Dungaw
ka sa bintana mo.” sabi ng isang text nung gabi din na iyon. Agad agad kong
nilaktawan ang nagkalat na libro sa aking kama at sahig at agad pumunta sa
bintana ko at dumungaw doon. Sa kalsada sa baba ay nakita ko ang isang kulay itim
na kotse na may nakasulat sa bubungan gamit ang whip cream.
“Goodevening
kiddo.” kasunod nun ay isang smiley na kala mo naka kindat. Alam kong kay Alex
ang sasakyan na iyon. Agad akong nagreply dito.
“Adik
ka.” sabi ko dito.
“Oo.
Adik na adik sayo.” reply nito at napangiti na lang ako.
Nakangiti
akong natulog nung gabing iyon.
0000ooo0000
Dahandahan
kong iminulat ang aking mga mata nang marining na tumunog ang aking cellphone.
May natawag, agad ko itong inabot at tinignan kung sino ang natawag. Maluwang
ang aking ngiti nang makitang si Alex iyon. Agad ko itong sinagot.
“Goodmorning
kiddo.” sabi nito na alam kong sa pagitan ng paghikab at pagkusot ng mata niya
sinabi. Agad nitong binaba ang telepono maski di ko pa siya nababati ng
goodmorning. Agad nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka.
Tumayo
ako at naginat saka inisip na hindi narin masama ang pagbati na iyon kahit pa,
binabaan niya agad ako ng telepono. Napangiti ulit ako at lalabas na sana para
kumain ng agahan ng tumunog ang aking telepono. Di lang isa kundi maraming MMS
ang natanggap ko.
Sa
unang picture ay may salitang “Good...” na nakasulat sa isang papel na
nakadikit sa kaniyang hubad na dibdib. Cute ni mokong sa picture na iyon dahil
kinukusot niya ang kaniyang mata at tayotayo pa ang kaniyang buhok.
Sa
pangalawang MMS naman ay ang salitang “...morning.” ganun din, may isang papel
din na nakadikit sa kaniyang dibdib, ngayon naman ay parehong kamay na ang
kumukusot sa kaniyang magkabilang mata at nakabuka ang bibig nito na kala mo
hihikab.
Sa
pangatlong MMS ay ganun dun may papel ulit na nakadikit sa kaniyang hubad na
dibdib nakasulat naman doon ang salitang “my.” nakatakip na ngayon ang isang
kamay sa kaniyang bibig, nahikab na nga si mokong.
Sa
pangapat na MMS ay ganun parin pero ang nakasulat na ngayon sa papel ay
“Kiddo.” at nakangiti na siya sa picture na iyon, may latay pa sa kaniyang
pisngi na tanda lang na kagigising lang nito. Napangiti na ako ng tuluyan. Agad
kong itong tinext at bumati na rin ng goodmorning.
“Hoy!
Ngingiti ngiti ka pa diyan! Maligo ka na kaya?!” sigaw sakin ni kuya Ron, pero
bago ako maligo ay agad akong pumunta sa aking PC at ikinunekta doon ang aking
cellphone at ipinrint ang mga MMS na padala sakin ni Alex.
“Goodmorning
my Kiddo.” basa ko nang mapagdikitdikit ko na ang picture. Idinikit ko ito sa
aking salamin.
“MIGS!
MALIGO KA NA!” sigaw ng aking pinsan.
Agad
akong pumasok sa banyo habang pakantakanta pa.
“I
think I'm inlove! I think I'm inlove with you...” kanta ko, agad akong
natigilan ng marinig ang sarili ko sa pagkanta.
“Putangina!
Inlove na nga ata ako.” sabi ko sa sarili ko.
Itutuloy...
[07]
Kaliwang
kamay sa manibela, kanang kamay sa dial ng radyo at isang matamis na ngiti na
nakaplaster sa aking mukha ang eksena sa loob ng kotse ko ngayon habang papasok
sa skwelahan. Para bang sa loob ng ilang araw na panunuyo sakin ni Alex ay para
bang ipinakita na niya sakin ang totoong pakiramdam kung pano ma-in-love.
Kanina
nang humarap ako sa salamin ay halos mapuno na ito ng mga print outs ng MMS na
pinapadala sakin ni Alex tuwing umaga pati narin tuwing kailan niya gusto. Ang
dating half body mirror ay para bang para sa mukha ko na lang. Halos magiisang
linggo pa lang yan, pano pag umabot pa ng taon, baka mapuno ko na ang buong
kwarto ko.
Para
akong batang pumasok sa Disney land. All smiles talaga. Ikinukunsidera ko kasi
na napakaswerte ko kay Alex pag nagkataon kaya naman kapag tinanong niya na ako
kung ano na ang status namin ay baka di na ako magpaligoyligoy pa.
Sa
ilang araw kasi na magkasama kami lagi ni Alex ay di ko mapigilang lalong
mahulog dito dahil sa ubod ng bait, maaalalahanin, understanding at matalino.
Kung baga nasa kaniya na lahat. Pero yun ay tuwing kami lang dalawa ang
magkasama, ngayon pa lang ang unang pagkakataon na magkakaharap kami sa klase.
Marahan
kong binuksan ang aking locker at napangiti ako ng may makitang isang
tupperware na puno ng gummy bears, sa ibabaw ng takip nito ay isang sulat.
“Goodluck
sa lesson natin today.”
Wala
mang pangalan na nakalagay sa sulat na iyon ay alam ko ng kay Alex galing iyon
dahil mi ultimo sulat nito ay kabisado ko na. Lalong lumaki ang ngiti ko.
“Mukhang
maganda ang araw natin ngayon ah?” biglang sulpot ni Jen.
“O,
Jen ikaw pala. Ah hindi naman.” kamot ulo kong sabi dito.
“Sasauli
ko lang sana itong calcu mo. Nga pala, nagtetext ba sayo si JP? Di parin kasi
nasagot sakin eh.” sabi ni Jen habang inaabot sakin ang aking calcu.
“Naku
hindi eh, hayaan mo may klase kami ngayon sa funda, kakamustahin ko siya para
sayo.” sabi ko dito, nagpasalamat ito at naglakad na papunta sa kaniyang klase.
0000ooo0000
Ilang
minuto na lang at oras na para simulan ang aming klase, bakante parin ang silya
sa aking tabi. Nagsisimula na akong mabahala para kay JP at sa mga ikinikilos
nito.
“Ano
kayang problema nun?” tanong ko sa sarili ko. Nagulat ako ng biglang bumukas
ang pinto ng classroom at pumasok si Alex at kasunod niya si JP.
“Ok
ka lang?” tanong ko kay JP nang makitang parang madilim ang mukha nito. Tumango
lang ito sakin saka nagpakawala ng malungkot na ngiti. May nagbago sa itsura
nito pero di ko maisip kung ano.
“Bagong
gupit lang siguro.” sabi ko sa sarili ko pero napagtanto ko rin na noon ko lang
ulit nakita si JP, magiisang linggo na simula nung huli kaming magkita at hindi
maganda ang huli naming paghihiwalay na iyon. Inilabas ko ang isang tupperware
ng gummy bears at inalok siya. Binigyan niya ulit ako ng malungkot na ngiti.
0000ooo0000
Habang
naglelecture si Alex ay umiikot ito sa buong classroom, mahaba ang paliwanag
nito sa mga tanong na ibinabato ng aking mga kaklase, sinulyapan ko si JP at
parang may sakit ito at nakatitig lang sa kaniyang libro, inabot ko ang
kaniyang balikat at pinisil iyon, tumingin ito sakin.
“Ok
ka lang?” tanong ko dito. Tumango lang ito at ngumiti, inabot ang aking kamay
na nasa kaniyang balikat at pinisil iyon. Binawi ko na ito matapos niyang
pisilin, narinig kong nagpakawala ito ng isang buntong hininga.
Naramdaman
kong naikot sa aking likod si Alex, dumaan ito sa aking tapat at dumukot sa
naka bukas na tupperware ng gummy bear at initya ang isang gummy bear papunta
sa kaniyang bibig, tumingin ito sakin saka kumindat. Napangiti ako.
Naramdaman
kong sakin nakatingin si JP kaya't tinapunan ko ito ng tingin. Nakakunot ang
noo nito at nakasimangot. Bigla siyang tumayo at nilikom ang nagkalat na libro
at notebook sa kaniyang harapan. Nagtaka ako sa ginagawa nito. Di pa kasi tapos
ang klase.
“Mr.
JP, what do you think you're doing?” tanong ni Alex sa naglalakad ng palabas na
si JP.
“Dropping
your class.” matipid na sagot nito, ikinagulat naman ng lahat ng tao sa
classroom na iyon ang sagot ni JP.
0000ooo0000
“You
know what, I think you should talk to your friend.” sabi sakin ni Alex nang
matapos ang aming klase at ako lang ang nagpaiwan doon.
“Bakit
naman?” tanong ko kay Alex.
“Tingin
ko kasi nagseselos siya.” sabi ni Alex at napangisi.
“Alam
mo, ikaw na nga itong nabastos, ikaw pa itong concern.” sabi ko dito.
“Ahem,
I'm St. Alexander Roxas.” pabirong sabi nito.
0000ooo0000
Di
ko na naabutan si JP sa labas ng school, hinanap ko na ito sa bawat sulok ng
school pero wala din. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage area ang
telepono nito at tanging operator lang ang sumasagot sakin. Tinanong ko ito kay
Jen pero wala rin itong alam patungkol kay JP.
0000ooo0000
“Wag
ka ng malungkot, di mo na kasalanan kung ayaw niyang magpatulong sayo.” sabi
sakin ni Alex sa kabilang linya habang pagulong gulong ako sa higaan kong puno
ng libro.
“Eh
kasi, feeling ko responsibilidad kong malaman kung anong problema niya...”
“Kasi...?”
singit ni Alex.
“Kasi
magkaibigan kami.” pagtatapos ko sa gustong puntuhin ni Alex.
“Di
ba talaga sumayad sa isip mo na baka ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganyan
yang kaibigan mo?” tanong sakin ni Alex, natigilan ako.
“Anong
ibig mong sabihin?” tanong ko.
“Na
baka nagseselos siya sakin.” sabi ni Alex sabay hagikgik.
“Tado!
Kaibigan ko lang yun saka straight yun no, ang mahal nun si Jen saka imposible
talaga.” tuloy tuloy kong sabi habang gumagawa ng draft ng isang Nursing Care
Plan. Natawa si Alex sa kabilang linya.
“Sabi
ko lang baka nagseselos si JP, andami mo na agad nasabi.” sabi ni Alex.
Natahimik ako.
“Saka
kung sakaling may gusto nga sakin si JP eh baka madissapoint lang siya sa
maaari kong gawin.” sabi ko kay Alex.
“Anong
ibig mong sabihin?” tanong nito.
“Di
ko kasi masusuklian ang binibigay niyang paghanaga sakin kasi may mahal na
akong iba.” sabi ko kay Alex.
“Ahhh,
sino?” tanong nito, nanlaki naman ang mata ko.
“Hindi
parin ba niya nahahalata na mahal ko na siya?” tanong ko sa sarili ko, hindi
makapaniwala sa pagkamanhid ni Alex.
“Secret.”
sabi ko na lang.
“Sige
clue na lang.” sabi nito.
“Kilala
mo siya.” sabi ko sabay hagikgik.
“Malaki
ba katawan ng taong ito?” tanong ni Alex na ikinataka ko naman.
“Bakit?”
tanong ko.
“Syempre
dapat malaman ko kung sino ang magiging karibal ko at kung malaki katawan, para
kung sakaling ipagpatayan kita sa kaniya eh alam ko kung magpapalaki pa ba ako
ng katawan o sapat na itong katawan ko.” sabi niya, iniintay ko ang paghagikgik
nito pero wala akong narinig na hagikgik.
“S-seryoso
ka ba?” tanong ko dito.
“Oo
naman, ang lagay eh ganun ganun na lang kita pakakawalan?” tanong niya.
Napatahimik ako, natameme sa kaniyang sinabi.
“Migs?”
tawag niya pero nakatanga parin ako, pilit na inaabsorb ang sinabi niya.
“Ay
tulog na ata. Haist.” sabi niya.
“Ah
eh, hindi andito pa ako.” sabi ko.
“Ahh,
bakit ang tagal mong sumagot?” tanong nito.
“Ah
eh kasi kinikilig pa ako este may pumasok na mga kuliglig sa bintana ko.”
biglang bawi ko, narinig kong humagikgik si Alex sa kabilang linya.
“O
siya, magbihis ka na!” sabi niya
“Ha?
San ako pupunta?” tanong ko dito.
“Basta!”
sabi niya. Nataranta naman ako.
“Huy!
Dapat pagdating ng 8pm andun ka na sa labas ng building niyo.” sabi nito sabay
baba ng telepono.
Ilang
minuto pa akong nakatanga sa aking higaan at nang silipin ko lang ang orasan
saka ako nagmadaling tumayo at nagbihis.
Saktong
alas otso na ng makababa ako ng lobby lumabas ako at tinahak ang P. Campa,
nakita ko ang kotse ni Alex na nakaparada sa di kalayuan.
“Late
ka.” sabi nito ng makapasok ako sa kotse niya, pero hindi ko na iyon naintindi
dahil natameme na ako sa kaniyang suot. Naka Amerikana si kumag, pero walang
neck tie bukas ang butones sa dibdib ng suot niyang long sleeves na puti.
“Ngayon
ka lang ba nakakita ng gwapong lalaki na naka amerikana?” tanong nito sakin.
Nakanganga parin ako.
“Tss!
Kayong mga bata talaga, Oo.” iiling iling na sabi ni Alex sabay abot sa pintuan
sa aking tagiliran at iniyakap sakin ang seatbelt.
Nakangisi
si Alex habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan, alam ko kung saan papunta ang
daan na aming tinatahak, pabalik ito sa kaniyang apartment. Tinapunan ko siya
ng isang nagtatakang tingin at ngisi lang ang ibinalik nito sakin. Nang nasa
harapan na kami ng kaniyang apartment ay binigyan ako nito ng isang kulay itim
na tela.
“Piringan
mo sarili mo.” utos nito sakin, nagtaas ako ng isang kilay.
“At
wag mong luluwagan o kaya yung makakasilip ka kundi hahalikan kita.” sabi niya
sabay hagikgik.
“Di
ako natatakot.” sabi ko pero ipiniring ko nadin ang tela sa aking mga mata.
Naramdaman kong naakyat kami ng hagdan parang naka apat na ata kaming palapag
nang tumigil kami. Di ko parin alam at nakikita kung asan kami basta ang alam
ko ay mahangin ang paligid.
“Sige
pwede mo ng hubarin yang piring mo.” sabi niya, dahan dahan kong iminulat ag
aking mga mata, nang masanay na ito sa pagkakatanggal ng piring ay nanlaki
naman ito sa gulat.
Nasa
rooftop kami, tumingala ako at nakitang nagkikinangan ang mga bituin sa langit
na nasa ulunan namin, ibinaling ko ang aking tingin sa lamesa na asa gitna ng
lugar, magara ang pagkakayos nito pero hindi naman yung katulad ng mga nakikita
sa mga mamahaling restaurant, yung tipong alam mong isang simpleng tao lang na
lubos na pinageffortan ang pagaayos nito ang itsura. Napangiti ako. Nagulat na
lang ako ng biglang yumakap sa likod ko si Alex.
“Can
you be mine?” bulong niya.
Itutuloy...
[08]
Iminulat
ko ang aking mga mata, medyo masakit pa ang aking katawan pero hindi nun
mapipigilan ang kagustuhan kong ngumiti.
“Can
you be mine?” bulong ni Alex sakin, mahigpit parin ang yakap nito sakin habang
iniintay akong sumagot. Dahan dahan akong kumalas sa kaniyang yakap at humarap
sa kaniya, tinignan ko siya diretso sa mga mata, inihawak ko ang aking kamay sa
kaniyang pisngi saka tumango bilang sagot sa kaniyang tanong, ngumiti lang siya
sabay aya sakin sa lamesa.
0000ooo0000
Inihatid
na niya ako sa unit namin ni kuya Ron, ipapakilala ko narin sana si Alex kay
kuya Ron nang ihatid niya ako nung gabing yun kaso wala pa ang aking pinsan.
“Wala
pala si kuya Ron.” sabi ko kay Alex habang lumalabas sa kwarto ni kuya Ron ng
silipin ko ito.
“Ah
ganun ba.” sabi ni Alex na halatang kinakabahan.
“Gusto
mo ba ng maiinom?” tanong ko dito, tumango lang siya.
Di
ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti habang ipinagtitimpla si Alex ng
maiinom. Halata kasing kinakabahan ito sa pagpapakilala ko sa kaniya at kay
kuya Ron. Nasa ganito akong pagiisip ng bigla kong maramdaman ang pagyakap ni
Alex mula sa aking likod.
“Anong
ningingiti ngiti mo dyan ha?” tanong nito sakin at napahagikgik naman ako.
Marahan
niya akong pinaharap sa kaniya at hinalikan. Sa tuwing nakakaramdam na kami sa
aming paghinga ay panandalian naming ititigil ang aming paghahalikan at sa muling
pagdikit ng aming mga labi ay mas mainit at mas puno ng emosyon ang aming
paghahalikan. Hinawakan niya ang aking kanang kamay at biglang kumalas sa aming
halikan. Itinaas niya ang aking kanang kamay at ipinakita sakin ang bracelet na
nakasabit sa aking kanang kamay na siya ang nagbigay.
“Alam
mo na ba ang ibig sabihin niyang alibata na iyan?” tanong niya sa akin. Umiling
lang ako. Ngumiti siya.
“Ibig
sabihin niyan ay 'mahalaga ka sakin'.” sabi niya sabay lapit ulit ng kaniyang
mga labi sa aking labi pero pinigilan kong magsalubong iyon.
“Bakit?”
tanong niya.
“Gusto
ko lang din sanang sabihin na mahalaga karin sakin at mahal na mahal kita.”
ngumiti siya at itinuloy na niya ang halikan na kaninay pinigilan kong
mangyari.
Naramdaman
ko na lang na unti unti ng hinuhubad ni Alex ang aking mga damit.
Para
akong tanga na nakatitig sa aking kisame, ayaw kong gumalaw at magising ang
aking katabi sa higaan, ang tanging alam ko ay masaya ako ngayon. Masayang
masaya. Sinubukan kong ibaling ang aking tingin sa aking katabi ng hindi gaano
nagalaw, hanggang sa narealize ko na lahat ng effort sa pagtahimik at hindi
paggalaw masyado ay wala lang rin palang silbi.
Napabalikwas
ako nanag mapansing wala si Alex sa aking tabi, ang kaninang masayang
pakiramdam ay untiunti ng nawawala ngayon at napapalitan na ng kaba.
“May
mali.” sabi ko sa sarili ko na tugma sa aking kutob.
Sinimulan
ko ng magsuot ng pambahay, tinignan ko ang paligid ng aking kwarto, wala ni
isang bakas na naggaling duon si Alex, tumapat ako sa salamin para makita ang
itsura ko at para maiayos nadin ang sarili kung sakaling di kaayaaya ang itsura
ko.
Napatigil
ako nang makaharap na sa salamin, hindi dahil halos wala na akong makitang
repleksyon ko dahil sa mga print outs ng MMS mula kay Alex kundi dahil sa isang
sulat na nakadikit doon.
Nagsimula
na akong manginig, di makapaniwala sa aking nababasa, nagsimula ng manikip ang
aking dibdib at nagbabadya ng tumulo ang aking mga luha. Unti unti nang bumilis
ang pagtibok ng aking puso at umikli ang aking paghinga.
“Hindi
ito totoo!” sigaw ko sa aking sarili at ilang masaganang luha ang tumulo mula
sa aking mga mata.
Nanginginig
ako, asa harapan parin ako ng aking salamin, paulit ulit na binabasa ang sulat
mula kay Alex, limang minuto, sampung minuto o isang oras na akong nakatitig,
hindi ko alam. Ang tanging alam ko ay nasasaktan ako ngayon. Wala paring tigil
ang pagpatak ng luha ko.
Di
ko na napigilan ang sarili ko, nagsimula na akong mag breakdown. Ang lahat ng
aking kinikimkim na sama ng loob nung umagang yon ay tuluyan na akong inalila.
Marahas kong tinanggal ang mga printouts ng MMS na nakadikit sa salamin sa aking
unahan. Dalawampu o maski na limampung litrato, di ko na nabilang.
Nang
sa wakas ay di narin kinaya ng aking mga paa ang bigat ng aking dibdib ay
marahas na akong napaupo sa sahig, nakapalibot sakin ang mga printouts ng MMS
na marahas kong tinanggal mula sa aking salamin. Nagsimula na akong umuga na
parang nababaliw na, itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha. Di
makapaniwala sa mga nangyayari.
“Ang
tanga tanga ko.” sabi ko sa sarili ko habang nagkukuyom parin ang damdamin ko
sa sakit na nadarama.
Tumayo
ako at tinungo ulit ang aking higaan at doon inilabas pa ang natitirang sama ng
loob.
0000ooo0000
Nang
magising ako ay halos malapit ng magdilim sa labas ng bintana. Magaalas sais na
ng hapon, matagal nadin ang naitulog ko pero nagtaka parin ako kung bakit hindi
manlang nabawasan kahit kapiranggot ang sakit na nadarama ko, umupo ako at
tinignan ang paligid. Pinagmasdan ang kalat na ginawa ko noong umagang yon.
Nagsimula
na akong tumayo at isa isang pinulot ang mga MMS printouts na nagkalat sa
sahig, pati narin ang mga sulat na natanggap ko kay Alex. Bigla kong naalala
kung pano niya hawakan ang kamay ko at halikan iyon. Napapikit ako.
“Gusto
ko sanang mas makilala ka pa, yung higit sa pagiging estudyante ko lang.”
“A-ano
pong ibig niyong sabihin?” tanong ko dito, inabot nito ang aking kamay na
nakapatong sa aking hita at hinalikan iyon.
Bigla
kong naalala ang tagpong iyon sa loob ng sasakyan ni Alex nang sabihin nito ang
kaniyang tunay na intensyon sa pangungulit niya sakin. Pero bigla din akong
napabuntong hininga at lalong nakaramdam ng pamimigat ng dibdib.
“Plinano
niya na pala lahat ng ito simula nung araw na iyon.” malungkot kong sabi sa
sarili ko ng sagiin ng realisasyon na iyon ang aking utak. Wala nanamang tigil
sa pagpatak ang aking mga luha.
“Naku,
sorry Sir, may nanginis lang kasi sakin kanina. Napatawag po kayo?”
“Unang
una, drop the Sir, po and opo. Panagalawa, gusto ko kasing maging maganda ang
araw ko kaya tinawagan kita.”
“Ha?
Ano pong... este anong koneksyon sakin ng pagganda ng araw niyo?”
“Kasi
marinig ko lang boses mo ok na ako. Maganda na araw ko.”
Pero
lahat lang ng iyon kasinungalingan. At lalong bumigat ang aking dibdib.
“Ba't
ka nakasimangot?” basa ko sa ilan sa mga mensahe ni Alex sa aking cellphone
inumpisahan ko ng burahin ang mga iyon. May pagaalinlangan at higit na sakit na
nararamdaman pero binura ko parin.
“Ba't
ka nakasimangot?”
“Bad
day.”
“Please,
smile ka na. Ayaw kong nakikita kang nakasimangot. ;-) ” sabi nito sa kaniyang
reply. Napangiti naman ako. Muling tumunog ang aking telepono at binuksan ang
kararating lang na message.
“Ayan.
Cute mo kaya pag nakangiti, lalo na pagnakikita yang mga bakal mo sa ngipin.
Hihi!” sabi ulit ni Alex, napalingon ako at di ako nagkamali, andun nga si
Alex, nakatingin sakin. Parang nawala lahat ng tao sa hallway na iyon, ngayon
ay kami lamang dalawa ni Alex, huminto ang oras, tahimik. Ngumiti ito saka kumindat.
Napahawak
ako sa aking ulo, para akong nahihilo na ano sa tuwing naaalala ang mga araw na
magkasama kami ni Alex. Sa tuwing naaalala ko kung pano niya ako niloko at
pinaikot.
“Alam
mo, una pa lang na kita ko dyan sa JP na yan alam kong patay na patay yan sayo
eh.” pabirong sabi sakin ni Alex habang nainom ito ng beer mula sa lata. Nasa
isang parke kami ngayon, isang parke sa isang burol, kita mula sa kinauupuan
naming bench ang atubiling mga tao sa lansangan at mabibilis na sasakyan.
“Tado!”
sabi ko dito napahagikgik naman ito.
“Bakit?
Ok din naman si yung mokong na yun ah.” sabi nito habang patuloy parin sa
paghagikgik. Tumahimik na lang ako.
“Isa
pa, mukhang seryoso naman siya sayo.” sabi parin ni Alex habang prenteng prente
na pinapanood ang mga sasakyan mula sa kaniyang kinauupuan.
“Sawa
na kasi akong mapagtripan. Alam ko kasi ang mga tipo ni JP, sa una lang yan
habang gusto pa nila ang nararamdaman nila, pero habang pakumplikado na ng
pakumplikado ang sitwasyon saka sila bibitaw, sa huli ako na lang ang
matitirang nakikipaglaban para sa nararamdaman ko.” mahaba kong sagot, daretso
lang din ang tingin ko. Hinwakan ulit ni Alex ang aking kamay at hinila ako
palapit s kaniya, isinandal ko ulit ang aking ulo sa kaniyang balikat.
“Pano
ka nakakasigurado na hindi ako ganon?” tanong sakin ni Alex. Napaisip ako sa
sinabi niya.
“Wala,
basta alam ko lang.” sagot ko dito at tinignan ako nito saka ngumiti.
Muli,
para akong tomba tomba, di parin makapaniwala na lahat ng magagandang alaala ay
pawang kasinungalingan lamang. Iginala ko ulit ang aking mata, napagdiskitahan
ko naman ngayon ang isang MMS printout. Si Alex ang tampok non at may hawak
siyang pancake kung saan may nakalagay na “Goodmorning Kiddo!” pinunit ko iyon
at itinapon ang mga piraso nito sa kalapit na basurahan.
Napatingin
ako sa aking kanang kamay, nandon ang bracelet na binigay sakin ni Alex. Lalo
akong nanlumo.
“Ano
ibig sabihin nito?” tanong ko sa mga alibata na nakasulat sa bracelet. Ngumiti
siya.
“Sasabihin
ko sayo soon.” sabi nito.
“Sige,
una na ako. Ingat ka mamya pauwi ah. Galingan mo sa pagtuturo.” sabi ko dito.
“Ops!
Di pa ako tapos.” sbi nito saka nagbigay muli ng isa pang maluwang na ngiti.
Hinila ako nito palapit sa kaniya at hinalikan sa labi. Smack lang yon pero
para sakin daig pa non ang kahit anong halik na naramdaman ko.
Hinubad
ko ang bracelet na iyon at initsa sa basurahan.
“Niloko
mo ako, walang pagpapahalaga na nangyari.” sabi ko sa sarili ko at wala
nanamang tigil ang mga luha ko sa pagtulo. Ibinaling ko ang aking tingin sa mga
natitira pang kalat sa aking sahig.
Dahandahan
kong iminulat ang aking mga mata nang marining na tumunog ang aking cellphone.
May natawag, agad ko itong inabot at tinignan kung sino ang natawag. Maluwang
ang aking ngiti nang makitang si Alex iyon. Agad ko itong sinagot.
“Goodmorning
kiddo.” sabi nito na alam kong sa pagitan ng paghikab at pagkusot ng mata niya
sinabi. Agad nitong binaba ang telepono maski di ko pa siya nababati ng
goodmorning. Agad nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka.
Napangiti
ulit ako at lalabas na sana para kumain ng agahan ng tumunog ang aking
telepono. Di lang isa kundi maraming MMS ang natanggap ko.
Sa
unang picture ay may salitang “Good...” na nakasulat sa isang papel na
nakadikit sa kaniyang hubad na dibdib. Cute ni mokong sa picture na iyon dahil
kinukusot niya ang kaniyang mata at tayotayo pa ang kaniyang buhok.
Sa
pangalawang MMS naman ay ang salitang “...morning.” ganun din, may isang papel
din na nakadikit sa kaniyang dibdib, ngayon naman ay parehong kamay na ang
kumukusot sa kaniyang magkabilang mata at nakabuka ang bibig nito na kala mo
hihikab.
Sa
pangatlong MMS ay ganun dun may papel ulit na nakadikit sa kaniyang hubad na
dibdib nakasulat naman doon ang salitang “my.” nakatakip na ngayon ang isang
kamay sa kaniyang bibig, nahikab na nga si mokong.
Sa
pangapat na MMS ay ganun parin pero ang nakasulat na ngayon sa papel ay
“Kiddo.” at nakangiti na siya sa picture na iyon, may latay pa sa kaniyang
pisngi na tanda lang na kagigising lang nito. Napangiti na ako ng tuluyan. Agad
kong itong tinext at bumati na rin ng goodmorning.
“Goodmorning
my Kiddo.” basa ko nang mapagdikitdikit ko na ang picture. Idinikit ko ito sa
aking salamin.
Isa
isa kong initsa ang mga printouts na yun sa basurahan. Nang makitang malinis na
ang sahig ay tumayo ako at inabot ang sulat na nakadikit sa aking salamin.
Binasa ko itong muli. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala.
Migs,
Had
a great night but I'm sorry to say that all of it was just to get even with
you. I have no feelings for you. What we had was just a boost for my torn ego.
You see, di kasi ako ang niloloko, ako ang nanloloko.
See
you around!
Alex.
Binayuot
ko ang papel na pinagsusulatan ng mensaye na iyon at ibinato ko na iyon sa
basurahan at walang lakas na bumalik sa aking higaan at doon muling umiyak
hanggang umabot ng magdamag.
Itutuloy...
[09]
Hindi
maikakaila na sa loob ng ilang araw matapos kong malaman ang panlolokong ginawa
sakin ni Alex ay malaki ang pinagbago ko, hindi na ako naglalabas ng condo,
hindi narin ako makausap ng maayos, sa skwelahan naman ay nawalan narin ako ng
gana. Di ko pa ulit nakikita si Alex, kung sabagay di mo naman talaga makikita
ang taong nagtatago. Mamya ulit ang susunod naming klase at sa totoo lang ay
ayaw ko na itong pasukan.
“Alam
mo Migs, kapiranggot na lang tatawagan ko na si Tita para masundo ka na dito.”
sabi ni kuya Ron sa aking harapan.
“Ha?
Bakit? May nagawa ba akong mali, kuya?” naluluha kong tanong dito, wala paring
kabuhaybuhay ang tanong kong iyon. Wala parin akong kabuhaybuhay.
“Yun
na nga eh, wala kang ginagawa! Para kang estatwa, para kang multo, para kang
nagaadik na hindi mo malaman dahil di ka na makausap ng maayos, di ka kumakain
ng maayos. Tignan mo nga yang ginawa mo sa pancakes mo.” sabi ni kuya Ron.
Napatungo
naman ako sa aking kinakainan. Pinirapiraso ko na ang pancake may surup akong
binuhos dito na sa sobrang dami ay pwede ng ipahid sa limampung pancake at ang
butter ay halos mahulog na mula sa plato. Tumayo ako.
“Pasensya
na kuya, wala lang talaga ako sa mood at walang ganang kumain.” sagot ko,
narinig kong nagbuntong hininga si kuya Ron pagkatalikod ko. Narinig kong
kumalampag ang silya na inuupuan ni kuya Ron kanina at ng tignan ko ito ay
bigla niyang dinakma ang aking kamay at hinila palapit sa isang malaking
salamin.
“Tignan
mo ang sarili mo Migs!” sigaw ni kuya Ron, hawak hawak nito ang aking panga at
pilit na pinapakita ang aking repleksyon sa salamin.
“Kung
ano man yang problema mo, di pa yan ang katapusan ng mundo. Mas marami pang tao
diyan ang may mas malalaking problema!” sigaw ni kuya Ron, nangingilid na ang
luha ko.
“Sinasabi
ko sayo Migs, kapag di ka pa umayos ipasusundo na kita kila Tita at sasabihin
ko ang sa tingin ko ang ikinagaganyan mo!” sigaw ni kuya Ron sakin, nang
pakawalan niya ako ay agad akong bumalik sa aking kwarto at naghanda na para
pumasok sa eskwela.
0000ooo0000
Pumasok
ako sa loob ng classroom, wala pa masyadong tao, walang gana kong inilabas si
Kozier mula sa aking bag at inilabas ang aking notebook pagkatapos nito. Di ko
parin alam kung anong katangahan ang pumasok sakin at nagpasya parin akong
siputin ang klase namin ni Alex. Ang alam ko lang ay makikita ko siya ulit
pagkatapos ng huli naming pagkikita nung gabing may nangyari ulit samin.
Nagsimula
ng magdatingan ang aking mga kaklase, napatingin ako sa bakanteng silya sa
aking kaliwa kung saan dating nakaupo si JP, bigla ko itong namiss. Biglang
bumukas ang pinto ng classroom at nagtayuan ang aking mga kaklase para batiin
si Alex. Napatingin ito sakin. Nagsimula nanamang malunod ang aking mga mata sa
luha.
“Mr.
Salvador. Explain the purpose why we get our patients vital signs.” tawag ni
Alex sa aking atensyon na noon ko lang napansin na wala pala sa klase. Tumayo
ako at hindi nakasagot.
“I
think Mr. Salvador is having a hard time concentrating. Baka kaka break lang sa
syota.” pangiinsulto pa ni Alex, nagtawanan ang mga kaklase ko pero mas tumatak
sakin ang mapanginsultong tawa ni Alex.
Natapos
na ang klase pero tulala parin ako, nagsimula ng maglabasan ang mga kaklase ko
pero andun parin ako nakatanga lang. Nang mapansin kong kami na lang ni Alex
ang natitira sa classroom ay agad akong lumapit sa lamesa nito.
“Di
ka ba uuwi at magiiiyak?” tanong nito habang nakayuko at inaasikaso ang
maraming papel sa kaniyang lamesa.
“Bakit?”
tiim bagang na tanong ko dito.
“Alam
mo na ang dahilan. Sige na umalis ka na.” pantataboy nito sakin.
“Hindi.
Di ako aalis dito hanggat di mo sinasabi...” pero di na ako nito pinatapos.
“Ginantihan
lang kita, yun lang yun!” sigaw niya at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto.
“Wala
ka bang naramdaman? Maski konti lang?” halos pabulong kong sabi pero narinig
niya parin yon dahil napatigil siya bago lumabas ng pinto.
“Wala
maski konti.” sabi niya at tuluyan ng lumabas.
Nawalan
ng lakas ang aking paa at napaluhod na sa maduming sahig ng calssroom.
0000ooo0000
Ilang
oras na akong nakahiga sa aking kama at nakatalukbong at patuloy parin sa
pagiyak, kanina parin ako kinakatok ni kuya Ron, di ko ito iniintindi at wala
narin akong pakielam maski sunduin pa niya ang nanay ko, ang gusto ko lang
ngayon ay umiyak.
Hagulgol
bata parin ako ng bigla kong narinig na sumigaw si kuya Ron, alam kong nagsawa
na ito sa kakakatok saking pinto. Maya maya ay narinig ko na lang ang isang
malakas na kalabog at parang ginigibang dingding.
“Putangina!
Ano bang ikinagaganiyan mo ha?!” sigaw ni kuya Ron ng sa wakas sa pangatlong
sipa niya sa aking pinto ay nasira na niya ito. Napatigil siya nang makita ang
luhaan kong mukha. Lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
“Sinabihan
naman na kita diba?” tanong nito sakin, tumango lang ako bilang sagot.
Sinuklian ko na ang kaniyang mahigpit na yakap.
“Ganito
pala kasakit, kuya.” bulong ko at naramdaman ko na lang ang paghagod niya sa
aking likod.
“Shhh.
Lilipas din yan.” sabi nito habang mahigpit parin akong niyayakap gamit ang
isang kamay at hinahagod ang aking likod.
0000ooo0000
Pero
ilang linggo pa ang lumipas at di na ako kinikibo pa ni Alex maski sa aming mga
klase. Ilang linggo palang ang lumilipas at tila ba atat na atat na akong
lumipas ang nararamdaman ko, sa sobrang atat ko ay humanap ako ng “shortcut”
para matapos na agad ang paghihirap ko.
Dahan
dahan kong ini-angat ang blade, iniisip ko ang napagaralan ko sa Anatomy. Kung
saan ko ba ihihiwa ang blade na yun para mas mapapadali ang pagkitil ko sa
buhay ko.
“Carotid.”
bulong ko sa sarili ko at kinapa ang malaking ugat sa aking leeg. Habang
kinakapa ito ay panandalian akong humarap sa salamin, nakita ko ang sarili ko.
Wala
ng kabuhay buhay ang itsura ko, maputla, malalaking eyebags, napabayaang buhok
at miya mo na kalansay sa sobrang payat. Nakita ko ang sarili ko at ang hawak
na blade, kinakapa ko parin ang aking leeg. Isang luha ang bumagsak.
Ibinato
ko ang blade sa basurahan.
“Pathetic.”
sabi ko sa aking repleksyon saka lumabas na ng banyo.
0000ooo0000
Di
ko alam kung anong ginagawa ko sa harapan ng apartment ni Alex. Para akong
tanga, sinabi na ngang ayaw sakin eh, pero tuloy parin ako sa paghahabol sa kaniya.
Inulit ko ang sinabi ko sa sarili ko kanina.
“Pathetic.”
bulong ko ulit sa sarili ko at umilingiling.
“Tama.
Kakausapin ko lang siya.” sabi ko ulit sa sarili ko.
Dahandahan
akong kumatok sa pinto ni Alex. Matagal bago may sumagot sa pinto. Nagulat ako
ng bumukas ang pinto at hindi si Alex ang iniluwa noon. Isang lalaki na
nakatapis lang at parang kalalabas lang sa shower. Tinitigan ako nito at
bahagyang kumunot ang noo.
“Sino
yan Rod?” tanong ng isang lalaki sa loob ng apartment, hindi maikakailang si
Alex yon. Sumilip si Alex at ng makita ako ay bahagya pa itong nagulat pero
agad ding ngumisi at yumakap sa lalaking nakatapis sa unahan ko, nakatapis lang
din si Alex. Nanginig at nanghina ang buong katawan ko.
“Yes
Mr. Salvador? Next tuesday pa ang sususnod nating klase diba?” nangiinis na
sabi ni Alex. Napatitig ako sa kaniya. Ngumisi ulit ito bilang dagdag sa
pangiinsulto niya.
Di
ko na kinaya ang sakit at tumalikod na ako, lakad takbo akong lumayo sa lugar
na iyon pero bago ko pa man maihakbang ang paa ko pasakay ng elevator ay
narinig ko ang nakakainsultong tawanan nila Alex at ng lalaking kasama nito.
Malamang ako ang pinagtatawanan nila.
Gulong
gulo ang isip ko habang nakasakay sa LRT pabalik sa condo namin. Ano nga ba
kasing naisipan ko at pumunta pa ako doon. Kung bakit ba kasi gustong gusto
kong masaktan maibalik lang yung dati samin. Kung bakit ba kasi naisip ko pang
ok lang na masaktan ako basta nasa tabi ko siya, na ok lang na masaktan ako
kahit hindi totoo yung pinapakita niya saking pagmamahal.
Nakaharap
ako sa bintana ng LRT nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking
balikat. Tinignan ko ang may ari ng kamay na iyon, di ko siya kilala. Isang
lalaki na may maamong mukha, inabot nito ang isa pa niyang kamay at inaalok
sakin ang kaniyang panyo. Tinanggihan ko iyon, inilabas ko ang sarili kong
panyo at pinahiran ang aking mga luha na noon ko lang napansin na kanina pa
pala natulo.
0000ooo0000
Lumipas
ang ilang buwan, sabi nga ni kuya Ron, kung dati para akong zombie, ngayon ay
para naman akong naka shabu. Hyper kung hyper. I-chinanel ko ang aking pighati
sa mga bagay na kapakipakinabang. Mga bagay na nakakaalis lahat ng sakit. Kung
sa paglilinis yan, sige, araw araw mo akong makikita maglinis, kung sa
pagbabasa yan, sige kada linggo may bago akong libro na babasahin, kung sa
pagaaral iyan sinisiguro ko sayo perfect ang bawat exam at masasagot ko ang
bawat recitation.
Panahon
na kung saan halos isang linggo kaming walang gagawin sa skwelahan. Foundation
week ang tawag namin dito at wala talagang klase. Paguwi ko sa condo ay agad
kong kinuwa ang aking pambahay at kinuwa ang panglinis ng banyo. Nagsuksok ng
earphones at pinatugtog ang paborito ko sa aking iPod. Kasalukuyan akong
naglilinis ng bowl ng makaramdam ako ng kalabit.
“Magbihis
ka, may pupuntahan tayo.” seryosong sabi ni kuya Ron.
Agad
agad akong nagbihis, di ko parin alam kung saan ako dadalhin ng aking pinsan.
Sumakay kami sa sasakyan niya. Sumulyap ako sa kaniya, nakakunot ang noo nito
at abalang abala sa pagmamaneho pero alam kong malalim ang iniisip nito.
0000ooo0000
“Andito
na tayo.” sabi niya, napatingin ako sa labas at napansing asa Glorietta na
kami.
“Anong
gagawin natin dito?” tanong ko.
“Basta!”
seryoso parin nitong turan sakin.
0000ooo0000
“Fix
him. Please.” sabi ni kuya Ron sa isang lalaki, ngayon lang ako nakapasok sa
isang bench fix, ngayon lang din ako magpapagupit sa isang kilalang lugar.
Lumabas
kami ng Bench na bagong gupit at bagong highlights ang aking buhok. Medyo
maikli at kakaiba ang gupit kesa sa aking nakasanayan pero ayon sa nag-gupit
sakin at kay kuya Ron ay bagay naman daw ito sakin.
0000ooo0000
“Doc,
please remove those awful bonds.” sabi kuya Ron sa isang dentista habang
tinuturo ang de kulay na mga laste na nakasabit sa aking braces. Pinaltan iyon
ng transparent bonds.
Di
pa doon natapos at pinalinis narin ni kuya Ron ang aking braces dahil ayon sa
kaniya, mukha na daw iyon nangangalawang.
0000ooo0000
“Eye
contacts.” abot sakin ni kuya Ron ng isang pares ng contacts sabay alis ng
aking salamin.
“Nakabraces
ka na nga naka eye glasses ka pa. Spell NERD.” nangaalaskang sabi sakin ni kuya
Ron, matapos niyang ibigay sakin ang contact lens ay agad ako nitong hinatak
para bumili ng mga bagong damit.
Pantalon,
t-shirt hanggang sa underwear bumili kami ng bagong gamit. Ayon kay kuya Ron ay
kakailanganin ko raw ito sa aming pupuntahan. Naguluhan naman ako sa sinabi
niyang yun.
“Di
ba ito yung pupuntahan natin?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi
no. O ayan boardshorts saka sando.” sabi ni kuya Ron sabay abot ng kaniyang mga
napili pang damit.
“Aanihin
ko ito?” tanong ko sa sando at boardshorts
“Magbe-beach
ka bukas.” sabi nito sakin sabay hagikgik. Napanganga nalang ako.
“Sige
na, isukat mo na iyan.” sabi ni kuya Ron at itinulak ako nito sa fitting room.
Nang
maisuot ko na ang kaniyang pinapasukat sakin ay tinignan ko ang sarili ko sa
salamin. Anlaki ng pinagbago ng itsura ko lalo na nang tanggalin ang aking
salamin. Ibang iba sa dating Miguel na mukhang nerdynerdnerd. Napangiti ako sa
aking nakikita.
“Simula
na ito ng bagong ako.” sabi ko sa sarili ko.
Itutuloy...
[Finale]
Pangatlo
at huling araw ko na ngayon dito sa Batangas, masaya ako dahil nakapagrelax ako
at nakapagmunimuni. Napagisipan ko lahat ng nangyari samin ni Edward at pati
narin ni Alex at ang iba pang mga kabaliwan pa na nangyari.
Nakatanaw
ako sa malawak na dagat na nakaahin sa aking unahan, nakatukod ang magkabila
kong kamay sa buhanginan. Maaga pa kaya di gaanong mainit ang sinag ng araw na
tumatama sa aking dibdib at tiyan, sa aking likuran ay ang mga kapwa ko
bakasyunero sa kabilang resort na nagjo-jogging.
Pinuno
ko ang aking mga baga ng sariwang hangin, sinuot ko ang aking shades at iginawi
ko ang aking tingin sa magagandang tanawin na nakaahin sa aking harapan.
“Lulubuslubusin
ko na ito. Mamya uuwi na ako sa totoong mundo. Sa realidad. Sa sakit.” sabi ko
habang pinagmamasdan ang alon na para bang inaabot ang aking paa mula sa
kinauupuan ko.
Naramdaman
kong kumalam ang aking sikmura.
“Tama!
Lulubusin ko na ito!” sabi ko sa sarili ko at agad agad na tumayo.
“Dude,
watch out!” sigaw ng isang lalaking nagja-jogging pero huli na, di ko na nagawa
pang iwasan ito.
Padapa
itong bumagsak sa buhanginan at ako naman ay patihaya, tama lang ang pagiwas ko
para di niya ako madaganan, agad agad akong tumayo at tinignan ang lalaki na
para bang may iniindang sakit at hindi agad makatayo.
“Sorry
talaga.” sabi ko dito at sinimulan siyang tulungan patayo.
“Ok
ka lang ba?” tanong ko dito.
“I
will be kung bibilisan mo ang pagtulong sakin patayo.” agad ko naman siyang
inakay patayo at iniupo sa pinakamalapit na bench.
“Sorry
talaga.” usal ko ulit habang pinapagpag ang aking damit.
“No
worries.” sabi nito habang pinapagpag din ang damit na puno ng buhangin.
“Wait
have we met before?” tanong nito, napatingin ako sa kaniya at dun ko lang
nalaman na pinagmamasdan ako nito.
Kumunot
ang noo ko at pilit na inalala ang lalaki na mukha ngang pamilyar sakin. Bigla
itong ngumiti at pumitik.
“Yup!
We've met alright! Sa LRT, you were crying...” di pa man nito natatapos ang
kwento niya kung pano kami nagkakilala ay agad ko naman itong naalala.
“Anyways,
I'm Marco, Marco Tan.” pakilala nito sabay lahad ng kamay.
“Migs,
Miguel Salvador.” sabi ko sabay shake ng kamay niya, napatitig ako sa mukha
niya at ganun din siya sakin.
Tahimik.
“Breakfast?”
pabulong nitong tanong sakin habang nakatingin parin sa aking mukha, tumango
lang ako.
0000ooo0000
“So
ngayon ok ka na?” tanong niya sakin habang nakain ng breakfast.
“Yup,
I think so.” sagot ko.
“You
look really sad that night, anyways, atleast ok ka na ngayon and I can say
you're doing good kasi you're looking good already.” sabi niya sabay subo ng
tapa, nagkatinginan kami.
“Nga
pala, till when are you going to stay here?” tanong niya ulit.
“Last
day ko na ngayon. Uwi na ako after this.” sagot ko.
Madami
pa kaming napagkwentuhan pero halos lahat yun ay kwentong brownout lang, ibig
sabihin walang sense pero masasabi kong nagenjoy akong kasama siya, pero sabi
ko nga kanina kailangan ko naring bumalik sa realidad. Nagpaalam ako dito
pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ng kaunti, kanya kanya kaming bumalik
sa aming mga cottages.
0000ooo0000
Bago
ako bumalik sa aking sasakyan ay pansamantala akong tumungo sa dalampasigan
kahit may kainitan na ang dala ng tanghaling sinag ng araw ay di parin ako
maawat sa pagsaulo ng magandang view. Nagbuntong hininga ulit ako nagulat na
lang ako ng biglang tumulo ang isang luha mula sa aking mga mata. Pinahiran ko
iyon.
“Hala,
san ka galing?” parang tanga kong tanong sa aking palad na pinangpunas ko ng
luha. Idinaretso ko ulit ang aking tingin.
“Hindi
na ako ulit masasaktan ng ganito.” bigay pangako ko sa sarili. Tumalikod na ako
at tinungo ang aking kotse, nagulat na lang ako ng makita si Marco na nakatayo
sa may gate ng resort. Nakangiti ito sakin.
“Uuwi
ka na ba talaga?” tanong nito, tumango lang ako. Nakita ko itong nagbuntong
hininga.
“Paheram
ako ng phone mo.” sabi niya sakin, inabot ko dito ang aking phone, hinila ako
nito padikit sakanya at itinalikod ang aking cellphone para kunan kami ng
litrato. Pagkakuwa ng litrato ay agad nitong nilagyan ng tag line ang litrato
sa aking cellphone. Tinignan ko ito, nagulat na lang ako nang makita na numero
ang nakalagay doon.
“Hope
to see you soon in Manila.” sabi nito sabay ngiti. Natameme na lang ako.
“Text
mo ako.” sabi niya at naglakad na palayo sakin.
Sumakay
ako ng aking sasakyan at pinaandar na ang makina nito, di parin ako
makapaniwala sa nangyari at hindi parin makapaniwala na uuwi na talaga ako.
Nagbuntong hininga ulit ako at nakangiting umuwi ng Manila.
0000ooo0000
Nagresume
ang klase, nahalata ng marami ang malaking pinagbago ng aking itsura at ugali.
Kinakausap ko ang mga tao sa aking harapan sa klase na inaamin kong nun ko lang
nalaman ang pangalan nang biglang pumasok si Alex, nagtayuan lahat para batiin
ito at nang sumenyas na si Alex na maupo na ang lahat ay saka ko naisipan na
lapitan na ito.
Nagtinginan
at nagbulungan ang aking mga kaklase habang naglalakad ako palapit sa lamesa ni
Alex. Nakatingin ako ng daretso dito at nakakunot lang ang noo nito na
nakatingin sakin.
“What's
this?” tanong niya sakin ng iabot ko sa kaniya ang isang sulat mula sa aming
DEAN.
“Permission
from the DEAN. Pinayagan niya akong magtransfer ng class, Sir.” sabi ko dito,
natigilan siya, di ko na inintay ang sagot nito at tumaikod na ako at naglakad
palayo.
0000ooo0000
“Hep!
Hep! Hep!” saway sakin ng aking kuya Ron nang mahuli niya akong nagsisindi ng
yosi.
“Wag
kang K.J.” sabi ko dito, umiling lang ito at wala ng nagawa.
Simula
ng bumalik ako sa Manila ay napagisipan kong lubusin na ang pagiging masaya
habang nabubuhay pa.
“Tama
na ang pagiging seryoso, oras na para maging teenager. Minsan lang ako maging
teenager.” Sabi ko sa sarili ko.
Maganda
ang aming napililing pag-gimikan ni kuya Ron, maluwag ang dance floor, mura ang
mga inumin at mababait ang mga taong nagpupunta doon. Tinignan ko si kuya Ron
sa kinatatayuan nito at may nakilala na kaagad itong isang lalaki. Tinignan ko
ang paligid.
“Di
naman ito gay bar ah.” sabi ko sa sarili ko. Nagkibit balikat na lang ako.
Ilang inom pa ng beer at nakaramdam na ako ng pamimigat ng pantog.
0000ooo0000
Pagkatapos
kong umihi ay agad akong nagpunta sa mga lababo at naghugas ng kamay, tinignan
ko ang sarili sa salamin at nag ayos. Bayolenteng bumukas ang pinto ng CR at
iniluwa noon ang tatlong lalaki ang dalawa ay nakaakbay sa nasa gitna nila na
mukhang lasing na lasing na.
“Baboy
mo tol!” sigaw ng isa, pamilyar ang boses na iyon kaya't tinitigan ko ito sa
pamamagitan ng salamin, naghugas ito ng kamay sa aking tabi, napatingin na ito
sakin. Una ay di ako nito nakilala pero agad niya ding ibinalik sakin ang
kaniyang tingin.
“Migs?!”
ngumiti lang ako nang tawagin niya ang pangalan ko.
0000ooo0000
Lumabas
kami ni JP ng bar na iyon, mas pinili naming magusap sa may parking lot at
kumain ng nilalakong tokneneng doon. Una ay tahimik lang kami at nagpapakiramdaman.
“Musta
na?” tanong ko dito.
“Ok
naman ako sa bago kong school.” matipid na sagot nito.
“Ikaw?
Musta na kayo ni Sir Alex.” tanong nito sakin. Napangiti ako ng pilit.
“Oh?
Bakit?” tanong nito nang mapansing nagiba ang aura ko.
“Di
naman naging kami eh.” malungkot kong sabi sabay tulo ng isang malusog na luha.
Di na ako tinanong pa ni JP, hinila na ako nito palapit sa kaniya at niyakap.
Niyakap ng mahigpit.
0000ooo0000
Third
year college nang muli akong magkaroon ng interes kay Alex, sa loob ng isang
taon tuwing makakasalubong ko ito ay ni hindi ko ito tapunan ng tingin o
sulyap.
“Tama
na ang mga luhang nasayang sayo.” katwiran ko.
Pero
kahit ano palang mangyari di ko maiaalis si Alex sa aking utak lalo na't naging
malaking bahagi siya ng aking buhay. Summer duty ko noon at kasalukuyang
nagaayos ng mga chart ng marinig ko ang kwentuhan ng mga second year students.
“Aalis
na daw si Sir Alex.” sabi nung isa, napatigil naman ako sa sinabi niyang yun.
“Oo,
sa States daw ata pupunta.” sabat nung isa.
“Sayang.
Magaling na teacher pa naman yun.”
Agad
agad kong iniwan ang mga metal charts sa aking unahan at pumunta sa nurses
lounge, napaupo ako, napaupo sa sobrang pagkainins sa sarili ko.
“Hanggang
ngayon ba may epekto pa sakin yung walang hiyang yun!” sigaw ko sa sarili ko.
Di
ako makapaniwala na kahit papano ay nalulungkot ako dahil aalis na siya at
maaaring di na kami ulit magkikita, at yun ang di ko mapaniwalaan sa sarili ko.
Sa kabila ng mga nagawa niya ay nakuwa ko paring malungkot at isang luha ang
pumatak sa aking kaliwang mata.
After
One Year
Di
rin marahil naging maganda ang nangyari kay Alex sa states, dahil pagkatapos ng
isang buong taon ay bumalik ito sa school at muling nagturo, nang makita ko ito
ay wala na ni kahit ano akong naramdaman pa para dito.
“Akala
ko asa States na yan?” tanong sakin ni JP habang nakatambay kami at
nagkwekwentuhan sa may parking lot, sakto kasing dumating si Alex.
“Akala
ko rin.” matamlay kong sabi pero masaya ako dahil sa wakas wala na akong
nararamdaman para dito, kapiranggot na kirot na lang, pero hanggang dun na lang
yun.
0000ooo0000
“Congrats!”
sigaw ni JP sa pagitan ng nanay ko at tatay ko. Nginitian ko lang ito.
“Pano
ba yan edi uuwi ka na ng Cavite?” malungkot na tanong sakin ni JP.
“Hindi
pa, may review pa kasi para sa board exams tas mahaba haba pa kasi november pa
ako magte-take.” sabi ko dito, sinadya ko itong lakasan para marinig iyon ng
aking mga magulang, nanlilisik ang tingin ng nanay ko sa aking sinabing iyon,
inawat lang siya ng tatay ko at inaya ng bumalik sa sasakyan.
“JP,
saglit lang ah, papapicture lang ako sa mga kaklase ko.” paalam ko dito,
tumango lang ito.
Sinimulan
ko ng tumawid sa dagat ng mga kaga-graduate lang na mga estudyante, may ilang
nagyayakapan, ang iba ay nagiiyakan at ang karamihan ay nagpapa-picture. Di pa
man ako nakakarating sa aking mga kaibigan ay bigla ng may humarang sa aking
daanan.
Nagtitigan
lang kami ni Alex, walang emosyon akong nararamdaman pa tungkol sa kaniya,
ngayon na lang ulit kami nagkaharap ng ganitong kalapit pagkatapos ng ilang
taon. Wala na ang kagustuhan kong sapakin ito at pagtatadyakan, wala na ang
sakit na idinulot niya kapiranggot na kirot na lang at wala na rin akong
nararamdaman pa ni katiting na pagmamahal sa kaniya. Para sakin ay isa na lang
siyang tao na nakilala ko sa kolehiyo.
“Gusto
ko sanang magso...” umpisa nito pero di ko na siya pinatapos pa.
“Wala
na iyon.” sabi ko.
“So
am I forgiven and the thing that I did was forgotten already?” tanong nito, di
ko alam pero parang may kirot akong naramdaman sa tanong niyang yun. Kirot at
pagkainsulto.
“Kirot
lang. Hanggang dun na lang ang magagawa niyang pananakit sakin.” sabi ko sa
sarili ko. nagbuntong hininga ako at nagbigay ng isang nakakainsultong ngiti.
Hindi iyon nakaligtas kay Alex.
“You're
forgiven but what you did will never be forgotten. After all nobody forgets
their First Fuck.” makahulugan kong sabi dito, nawala na ang ngiti sa mukha
nito. Biglang sumulpot ang school photographer namin at nagtanong kung
magpapakuwa kami ng litrato na magkasama, tumango na lang ako, nagbilang ang
photographer at isang nakaksilaw na flash ang bumulaga samin. Tumalikod na ako
sa kaniya at tinungo na ang aking mga kaibigan.
After
One Year
Di
ko na inintay pang matapos ang reception, nagmaneho na ako pauwi kasabay ang
kapatid ko at si Al, di ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko, umakyat
ako sa aking kwarto at hinila ang tali ng venecian blinds at binuksan ang
bintana na matagal kong pinanatiling nakasara, humakbang ako palabas dito at umupo
sa malaking sangha ng puno ng santol, napangiti ako sa sarili ko.
“Kuya,
anong ginagawa mo diyan?” tanong sakin ng kapatid ko.
“Wala,
gusto ko lang maramdaman...” napatigil ako, medyo nalungkot pero agad ding
gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos magbuntong hininga at humarap sa kapatid ko
at nginitian ito.
“Ahhh,
gusto mo lang maramdaman ulit kung pano maging unggoy, gets ko na.”
sarkastikong sabi nito saka umiling iling.
“Nga
pala, may bisita ka sa baba.” nagtaka naman ako sa sinabi niyang yun, agad
akong pumasok pabalik sa loob ng kwarto ko at bumaba papuntang sala, sinusundan
ko parin ang kapatid ko, bago ako makababa ng hagdan ay narinig kong nagbukas
ang frontdoor at narinig ang boses ni Al, tinatawag nito si Matt.
Napatigil
akong bigla at muntik ng mahulog sa hagdan ng makita kung sino ang sinasabing
bisita ng aking kapatid.
“Alex?”
sabi ko.
“Bagay
pala sayo ang amerikana, Migs.” sabi ng lalaking nakatayo sa may sala namin.
0000ooo0000
“Aalis
na ulit ako this coming week. This time for good na.” sabi ni Alex habang
magkatabi kaming nagduduyan sa kalapit na park ng aming village.
“I
should wish you luck then.” malamig kong sabi dito, tinignan ako nito saka
nagbuntong hininga.
“Gusto
ko sanang magsorry, Migs. I know what I did is...”
“What
you did almost killed me.” matigas kong sabi sabay apak sa buhanginan para
maitigil ang aking pagduduyan, tumayo ako at maglalakad na sana palayo ng bigla
itong lumuhod sa aking harapan at niyakap ang aking paa para mapigilan ako.
Namalayan ko na lang na wala ng tigil ang luha ko sa pagtulo.
“I'm
sorry... I'm sorry... I'm sorry...” tuloy tuloy na sabi nito, alam kong naiyak
nadin ito.
“Tumayo
ka diyan.” sabi ko.
“Hindi,
hangga't di mo tinatanggap ang sorry ko. Kaya ako bumalik nung una kong alis
dahil di ko nakayanan na may isang tao akong sinaktan at may isang taong di
parin ako napapatawad.” mahabang sabi nito.
“Sana
naisip mo yan bago mo ako gaguhin.” matigas ko paring sabi dito, tumayo na si
Alex at niyakap ako.
“Sana
dumating yung panahon na mapatawad mo ako.” sabi nito, ilang minuto pa ay
niyakap na ako nito, ramdam ko ang mga hikbi nito pati narin ang mabilis na
pagtibok ng puso nito. Kumalas na ito sa pagkakayakap sakin at naglakad na
palayo. Narinig kong tumigil ito sa paglalakad.
“Nga
pala, bagay sayo ang Amerikana. I mean it.” sabi niya at lalong tumulo ang
aking mga luha.
Malapit
na siya sa kaniyang kotse ng humarap ako. Di ko alam pero parang may sariling
utak ang aking mga paa. Tumakbo ako papunta kay Alex. Niyakap ko ito. Wala
paring tigil ang pagiyak ko, ngayon ako naman ang nahikbi.
“Shhh.
Tama na.” bulong nito.
“I
hate myself. I hate myself for not staying mad at you!” sabi ko dito at lalo
kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Alex, yung tipong madudurog na ang mga
buto niya sa higpit ng yakap ko.
“Kasi
mabait kang tao, Migs. Di mo ako katulad. Wala akong puso, pero binabago ko na
iyon and I'm starting by asking for your forgivenes. Kaya sana mapatawad mo na
ako.” sabi nito sakin, nararamdaman ko ulit ang paghikbi nito, tumango lang ako
bilang sagot. Sa huling pagkakataon, naglapat ang aming mga labi.
After
Three Months
“Yabang
mo! Palibhasa ikaw lang ang may trabaho!” sigaw sakin ni JP. Tinawanan ko lang
ito. Binigay na ng waiter ang pinadagdag kong isa pang bucket.
“Nga
pala, salamat sa paglibre mo sakin papunta dito sa pinagmamalaki mong resort.”
sarkastikong sabi ni JP.
Kasabay
na ng celebration ng pagpasa namin sa boards ang celebration ko sa pagkakaroon
ng trabaho at naisipan namin ng tropa namin nila JP na sa resort kung saan ako
pinatapon ni kuya Ron dati i-celebrate ito.
“Ganyan
talaga ang umaasenso sa buhay.” sabi ko sa tenga nito, malakas kasi ang
pagpapatugtog ng live band.
“Yabang!”
sabi nito sabay hagikgik, tinignan ko lang ito saka ako sinuklian ng isang
matamis na ngiti, bigla itong tumayo at tinungo ang live band. Nagkatinginan
kami ng buong tropa.
I
never thought that I could be so satisfied
Every
time that I look in your angel eyes
A
shock inside me that words just can’t describe
And
there’s no explaining
Something
in the way you move I can’t deny
Every
word from your lips is a lullaby
A
twist of fate makes life worthwhile
You
are gold and silver
I
said I wasn’t gonna lose my head
But
then pop! Goes my heart
(Pop!
Goes my heart)
I
wasn’t gonna fall in love again
But
then pop! Goes my heart
(Pop!
Goes my heart)
And
I just can’t let you go
I
can’t lose this feeling
Humahagalpak
ang buong tropa sa ginagawang panggagaya ni JP kay Hugh Grant, pati ang steps
at ang mga miyembro ng banda ay kinuntsaba nito, tinignan ako nito habang
parang tangang nagsasasayaw sa stage at nakanta sabay kindat.
“Bakit
ba kasi hindi na lang ako sayo nainlove?” tanong ko sa sarili ko.
I
said I wasn’t gonna lose my head
But
then pop! Goes my heart
(Pop!
Goes my heart)
I
wasn’t gonna fall in love again
But
then pop! Goes my heart
(Pop!
Goes my heart)
And
I just can’t let you go
I
can’t lose this feeling
“Ano
gusto mong gawin?” tanong nito sakin.
“Ha?
Kahit ano.” sabi ko dito.
“Ah
teka may bala ako diyan ng diablo eh.” sabay dive nito sa ilalim ng double
deck, inilabas nito ang isang kahon na puno ng DVD, napahiling ang aking ulo
pakanan nang may makitang isang CD.
“Tarzan
X?” tanong ko dito na ikinauntog naman ng ulo ni kumag sa may double deck.
Natatawa ako dahil halatang porno ang nakita kong iyon na may tampok na hibad
na babae sa cover.
“Ah
eh. Akin na nga yan.” sabay hablot nito sa aking hawak hawak na CD at di na
maikakaila ang pamumula ng mukha nito.
Napatawa
ako sa naalala kong iyon.
I
said I wasn’t gonna lose my head
But
then pop! Goes my heart
(Pop!
Goes my heart)
I
wasn’t gonna fall in love again
But
then pop! Goes my heart
(Pop!
Goes my heart)
And
I just can’t let you go
I
can’t lose this feeling
“So
JP, pinopormahan mo ba tong pinsan ko?” tanong ni kuya Ron.
“KUYA!”
sigaw ko dito.
“Naku,
kung ok nga lang po ba dyan kay Migs eh, edi kami na niyan ngayon.” sabi ni JP
sabay siko sa aking tagiliran, tinignan ko lang ito ng masama.
Napangiti
naman ako sa sarili sa sunod na naalala.
“Bakit
ayaw mong sabihin kay Kuya Ron yung tungkol kay Sir?” tanong nito sakin,
seryoso ang tono nito at mukhang gustong gusto talagang malaman ang dahilan ko.
“Bakit
ko kailangang sabihin?” tanong ko dito, napaisip ito saglit.
“Para
kapag naisipan ni Sir Alex na puntahan ka dito at makipagkilala kay Kuya Ron di
na magiisip pang bumoto ni kuya Ron sa hunghang na yun dahil siniraan ko na
siya.” sabi ni JP.
“s-Seryoso
ka ba?” tanong ko dito. Tumango lang ito at hinawakan ang pisngi ko.
“Oo
naman! Ngayon pang mukhang botong boto sakin si kuya Ron.” bulalas nito.
Nagba-bow
si kumag sa mga nagwawala ng manonood dun sa bar sa sobrang pagkaaliw sa
kaniya, bumaba na ito sa hagdan at dahandahang naglakad pabalik sa upuan niya,
tumingin ito sakin saka magiliw na ngumiti, biglang tumayo ang isang babae at
niyakap siya at masuyong hinalikan sa labi, gumanti naman si JP.
“Nai-inlove
ako lalo sayo.” sabi ni Donna na siyang kayakap ni JP. Umupo na si Donna at JP,
tumingin ulit sakin si JP saka ngumiti ulit.
“Alam
ko na ngayon kung bakit hindi naging tayo.” sabi ko sa sarili ko. Sinuklian ko
na lang ang ngiti nito.
Naglalakad
na kami ng mga barkada ko pabalik sa aming cottage ng bigla akong mapatigil
nang biglang may makitang isang lalaki na hindi ko na pinangarap pang makita
ulit sa tanang buhay ko. Napansin ko na lang na patakbo ko itong sinalubong at
pinagsasapak ang mukha.
“Migs
tama na!” awat ni JP at ng iba ko pang kabarkada sakin. Tumayo ang lalaking
pinaulanan ko ng sapak sa tulong ng kasama nitong lalaki.
“Ikaw!
Kung sino ka man umalis ka na dito!” sigaw ni JP. Agad namang naglakad palayo
ang lalaki.
“Ok
ka na ba? Bakit bigla bigla ka na lang nananapak?! Sino ba iyon?!” tanong ni JP
sakin. Wala sa isip akong napahawak sa aking kwintas na may dalawang singsing
na nagsisilbing pendant nito.
“Si
Marco...”
=-=-
Pagtatapos ng Pangalawang libro-=-=
No comments:
Post a Comment