Friday, January 11, 2013

Ivan: My Love, My Enemy (21-30)

By: (ash) erwanreid
Source: bgoldtm.blogspot.com


[21]
Pasilip pang lumabas si Mico sa C.R. "Buti na lang umalis na rin sila. Baka sa loob pa ako ng C.R. abutan ng kamatayan sa sobrang kaba." nasabi ni Mico nang makalabas. "Teka, ang binilinni Tita, ang niluluto." dali-dali siyang pumunta sa niluluto. Nilasahan niya ito. Nasarapan siya. "Mukhang OK na ito."


"Masarap ba talaga?"

"Ay kalbong Ivan." sigaw niya sa gulat ng biglang may magsalita. Agad siyang lumingon para makita ang nagsalita. Laking gulat niyang nasa harapan na niya si Ivan. "Saan ka galing?"

Hindi sumagot si Ivan. Lumapit lamang siya kay Mico.

"Huwag kang lalapit. Ipapalo ko ito sayo." banta ni Mico. Ipapalo daw niya ang hawak na sandok.

"Sige ipalo mo."

"Hindi ka natatakot?" nanginginig na tanong ni Mico.

"Bakit parang takot na takot ka sa akin?"

"Da-dahil galit ako sa yo." tumakbo si Mico palayo kay Ivan. Nasa pagitan na nila ang lamesa.

Napa-buntong hininga si Ivan. Hindi niya masabing sorry dahil nahihiya na rin siya. Paulit-ulit na lang. "Ganyan rin ba ang gagawin mo sa akin kapag kumain na tayo?"

Biglang napa-isip si Mico. Imposible na siyang maka-iwas mamaya dahil kakain. Malamang na uupo sila sa harap ng lamesa at nakakahiya naman na bigla bigla siyang tatayo at kakaripas ng takbo kapag lumapit si Ivan sa kanya. "Basta huwag kang lalapit." nasabi na lang niya. "Natatakot ako sayo..." dugtong pa niya.

Muling napa-buntong hininga si Ivan. "Nagkaroon ba ng trauma sa akin si Mico dahil sa ginawa kong panggugulo noong nakaraang linggo?" napatitig na lamang siya kay Mico.

Napansin ni Mico ang malungkot na mukha ni Ivan. Nagulat siya ng biglang kumilos si Ivan. "sabi ko huwag kang lalapit eh."

"Pupuntahan ko lang si Mama para sabihing kumain na tayo."

"A-ah Ok. Sige, para maka-uwi na rin ako."

"Hindi ka pwedeng umuwi."

"Ano? Bakit?"

"Ang lakas ng ulan."

Saka napatingin si Mico sa may bintana. Madilim sa labas wala siyang makita. Pero naririnig niya ang hampas ng hangin doon. Ramdam na nga niyang umuulan. Hindi niya napansin kanina dahil tutok ang atensyon niya kay Ivan. "Uuwi pa rin ako. Imposible namang walang payong dito sa inyo."

Natawa si Ivan. "Hindi kita papahiramin."

"Ang damot mo naman. Kasama na rin ba iyan ugali mong masama?"

Natigilan si Ivan sa sinabi ni Micong masama ang ugali niya. "I deserve that, I think. Sino nga ba naman ang matutuwa sa gianwa ko." muli syang napa-buntong hininga. Hindi na siya sumagot pa roon bilang pagtanggap ng katotohanang tama si Mico. Pero tototohanin niya ang sinabi kanina. "Hindi talaga kita papahiramin ng payong para magtagal ka pa dito."

"Hindi pwede." matigas na tanggi ni Mico. "Dahil kung ganoon pala, ngayon palang uuwi na ako." sabay talikod para umalis.

Agad namang tinakbo ni Ivan si Mico para pigilan.  Sa bilis niya hindi na namalayan ni Mico na hinatak siya ni Ivan.

"Ano ba?" reklamo ni Mico nang mahawakan ni Ivan sa braso.

"Hindi ka aalis." matigas na pigil ni Ivan.

Napatingin ng masama si Mico kay Ivan. Pero ang ikina-bigla niya nang makita ang mga mata ni Ivan na salungat sa tono ng pagpigil sa kanyang umalis. May lungkot ang mga mata ni Ivan. Nararamdaman niya. Parang gusto niyang maawa. "H-hindi aalis na talaga ako." sabi niya sa mahinang paraan.

"Huwag ka na munang umalis. P-please."

Nagkanda-kumabog ang dibdib ni Mico dahil sa pagpigil sa kanya ni Ivan. Ang tono ni Ivan na nagmamakaawa dagdagan pa ng salitang "please" sa huli ang nagpahirap sa kanyang huminga. Nakaramdam siya ng bigat sa kanyang damdamin. Nararamdaman din niyang may bigat ding nararamdaman si Ivan.

"Sige na, dito ka na kumain pagkatapos pwede ka ng umalis. Pakiusap."

Napatalikod siya kay Ivan. Ayaw niya ang tono ng pananalita nito. Nadadala siya sa lungkot ng pananalita nito. Parang may kung anong babagsak sa kanyang mga mata na ngayo'y nakakaramdam ng pangangati.

Nagulat si Mico nang bigla siyang yakapin ni Ivan.

"Im sorry."

Tuluyan nang naluha si Mico.

"Sobra kitang nami-miss. Pakiusap huwag ka na munang umalis."

Hindi alam ni Mico kung paano siya sasagot at magsasalita. Napi-pipi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

"Pakiusap."

Naririnig niya sa kanyang likod ang pag-iyak ni Ivan.

"Pakiusap. Pakiusap."

"Sandali nga." unang nasabi ni Mico. Pabalya niyang inalis ang pagkakayakap sa kanya ni Ivan. "Akala mo siguro nakalimutan ko na ang mga ginawa mo." mahinahon pero may tono parin ng galit si Mico.

Hindi na naka-pagsalita si Ivan.

"Alam mo kasi ang problema sa'yo, Hindi masakyan yang biglaan mong pagiiba ng mood. Nasa loob ang kulo mo Ivan. Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot yang galit mo. Tinatanong naman kita ng maayos kung bakit ka nagkakaganyan? Ayaw mong sumagot."

Napa-yuko si Ivan.

"Ano?" napasigaw si Mico. "Hndi ka parin sasagot? Ganun na lang uli sorry tapos OK, na kalimutan na ang nangyari tapos may mangyayari na namang nakakagulat tapos magso-" Nanlaki ang mga mata ni Mico nang halikan siya ni Ivan.
-----

Saglit lang ang nangyaring paghalik ni Ivan kay Mico. Ang tanga mo naman IVan, bakit mo hinalikan si Mico?" Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para gawin iyon. Ang alam lang niya iyon ang nagawa niya. Iniwan niya ang labi ni Mico at nakita niyang gulat-na gulat ito. "Im sorry." hingi niya ng paumanhin. Tatalikod sana siya.

"Ba-bakit mo ginawa i-iyon?" nagkakanda-utal na tanong ni Mico pero hindi sumagot si Ivan. Nanatili lang itong nakayuko. "Sabi ko, bakit mo ginawa iyon?" sa pagkakataong iyon may lakas at tigas na ang kanyang tanong.

Bumuntong hininga muna si Ivan. "Dahil ma-" hindi naituloy ni Ivan ang dapat na sagot. "Dahil gusto ko lang." sa halip ang isinagot niya.

"G-gusto mo lang?" parang ayaw ni Mico na ganun lang ang dahilan ni Ivan. May gusto pa siyang marinig.

"Siguro... dahil na-miss lang kita ng sobra." patuloy na dahilan ni Ivan sa tingin sa malayo.

"Na miss mo lang ng sobra." nasabi niya ng pabulong. Napayuko siya.

Napansin ni Ivan ang ginawang pagyuko ni Mico. "Patawarin mo ako. Alam ko marami na talaga akong nagawang mali..." pagkatapos ay tumalikod na si Ivan.

Nararamdaman ni Mico na sincerity ni Ivan sa paghingi ng sorry nito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam takot nang tumalikod si Ivan. Takot na hindi na sila magka-ayos pa. Hinabol niya si Ivan at niyakap nya ito.

Humarap sa kanya si Ivan. "Ibig ba sabihin niyan, pinapatawad mo na ba uli ako?"

Bahala na ang nasa isip ni Mico. Basta ang mahalaga ang magkaayos sila ni Ivan. "Ikaw kasi eh."

"Yes. Halos dalawang linggo rin kitang hindi nakausap." gumanti siya ng yakap at nagpaikot-ikot sila ng kilang beses sa kasiyahan.

"Sandali ano ba? Ang ingay mo na nga ang gulo mo pa." natutuwang kasabay ng pagsigok-sigok na reklamo ni Mico.

"Natutuwa lang talaga ako." pinisil ng dalawang kamay niya ang pisngi ni Mico. "Namiss talaga kita, Mico."

Medyo nahiya siya sa ginawa ni Ivan. Ngumiti na lang siya. "Ayy.." tili niya nang ulitin ni Ivan ang pag-ikot. Hindi siya binibitawan ni Ivan sa pagkakayap. Natutuwa ang puso niya.

Napaupo si Ivan sa upuan sa harap ng lamesa. Dahil yakap niya si Mico napaupo naman si Mico sa kandungan nito.

"Ay ano ba yan..." tili ni Mico. "Parang ang sagwa naman."

Patuloy ang tawa ni Ivan. "Okey lang. Basta masaya ako ngayon."

"Ganoon? Talaga ok lang? Baka mamihasa ako niyan. Ulit-ilitin ko 'to" sabay hagikgik. Nakalimutan na ni Mico ang pagsigok.

"Ay ganoon? Sige na alis ka na." sabay tawa.

"Ay..."

Pareho silang nagkatawanan.

"Ano luto na ba?"

Biglang napatayo ang dalawa nang marinig ang tawag ni Divina. Buti na lang at hindi sila nakita sa ganoong ayos. Tumalikod si Mico at pasimpleng nagpunas ng basa sa mukha.

"Opo Ma. Natikman na ni Mico ang ulam. Tatawagin ko na nga dapat kayo." si Ivan nang lumitaw ang ina.

"O sige na at kumain na tayo. Para makauwi na rin si Mico."

"Ay hindi Ma. Hindi pa uuwi yan si Mico." pagkatapos ay kinilabit ni Ivan si Mico. "Di ba?"

"Ah-" gulat niya sa ginawa ni Ivan. "O-opo."
-----

"Hinalikan ako kanina ni Ivan... Tama ba na isipin kong dahil mahal na niya ako? Sana... pero natatakot naman din akong umasa. Baka sa huli mali lang ako. Ngayon pa lang kapag iniisip ko nakakaramdam na ako ng sakit. Paano pa kung hindi nga totoo? Maari ba talaga iyon? Na maging kami? Hayss... siguro meron na nga siyang nararamdaman pero kaunti pa. Kaunti pa para maniwala ako." Napatingin siya kay Ivan. Nakita niyang naka-tingin ito sa kanya habang sumusubo. Napa-ngiti rin siya ng ngumiti ito sa kanya.

Ang swerte ko kung totoosin. Haysss... ayoko nang magkagalit pa kami ni Ivan. Ang hirap ng matagal mong hindi nakakausap ang mahal mo. Mahal ko talaga si Ivan. Totoo. Maniwala kayo o sa hindi. Mahal na maha....l ko talaga siya. Sana... maulit uli ang halik niya sa akin." Napangiti siya. "Masaya ako ngayon ng sobra." Muli siyang napasulyap kay Ivan. Nahuli na naman niya itong naka-tingin sa kanya.
-----

Nasa harap na sila ng t.v. saka lang narinig ni Mico na nagsalita sa kanya si Ivan. Ang iniisip niya nahihiya lang ito dahil kanina ay naroon ang ina niya. Kaya ngayong wala na sunod-sunod naman ang mga tanong nito.

"Na-miss mo ko?" tanong ni Ivan.

Tinignan lang niya ito at pabirong inisnaban.

"Ah ganoon ah? Hmmm... hindi ka pa makaka-uwi."

"Titila na rin yan." sagot ni Mico habang naka-tingin sa t.v. pero wala doon ang isip niya. Na kay Ivan. Panay ang ngiti niya.

"Nangingiti ka diyan?"

"Wala naman." tumingin siya kay Ivan. "Na-miss kita."

Napangiti ng maluwang si Ivan sa hindi niya inaasahang pahayag ni Mico. "Sabi ko na nga ba. ako pa hindi pa ba ako mami-miss sa ganda kong lalaking 'to?"

"Ang kapal ha." sabay hampas ng throw pillow.

"Totoo naman ah?"

"Ha ha." pero bigla niyang naisip si Vani. "Ay si Vani... hindi ko pa naasikaso. Hala.. kailangan ko nang umuwi." tatayo na siya.

"Sandali." pigil ni Ivan. "Ang lakas pa ng ulan."

"Pero si vani..."

"Tatawagan na lang natin si aling Saneng."

Napatingin si Mico sa bintana. Malakas pa ang ulan. "Puntahan ko na lang kaya? Kasi, minsan hindi nakain si Vani kapag hindi ako ang naghanda ng pagkain niya eh."

Napa-tingin si Ivan ng diretso sa kanya. "Sige, diyan ka lang kukunin ko lang muna sa labas ang payong. Titignan ko kung naroon. Diyan ka lang muna."

"Sige."

Hindi na tinanaw ni Mico si Ivan sa pag-alis. Hinayaan na lang niyang nakatingin ang mata sa t.v. kahit ang isipan ay na kay Vani. "Kawawa naman si Vani."
-----

"Aling Saneng?" tawag ni Ivan habang kumakatok sa pintuan nila Mico. "ang lamig."

Mga ilang ulit ang pagtawag at pagkatok niya sa pinto bago siya pagbuksan ni Saneng.

"Oh bakit Ivan?"

"kukunin ko po si Vani. Nasa bahay po kasi si Mico."

"Yun nga ang iniisip ko eh. Halika pasok ka."

Pumasok si Ivan at agad-agad niyang hinanap si Vani. Agad naman niyang nakita itong nakadapa sa isang gilid. "Vani... si Kuya Ivan mo narito para kunin ka. Sabi yun ni Mico."

Agad namang lumapit sa kanya si Vani. Noong una natakot siyang tahulan nito pero nawala iyon nang agad itong lumapit sa kanya.

"Ivan, magpunas ka muna."

"Hindi na po, aalis na po agad kami."

"Ikaw ang bahala."

Pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Kaya ang lakas ng hangin. Wala namang bagyo pero hindi pangkaraniwan ang hangin. Alam niyang kapag sumugod siya mababasa sila ni Vani kahit may dala silang payong. May naisip siyang gawin.

Ipinasok ni Ivan sa t-shirt niya si Vani, masigurado lang na hindi ito mabasa. Kinuha niya ang payong at sinugod ang ulan.
-----

Nagtataka si Mico bakit parang ang tagal ni Ivan. Kaya naa-tingin na rin siya sa gawing pintuan kung saan pumunta si Ivan pero walang Ivan ang naroon. "Ano kaya nangyari doon?" Magbabalik na sana siya ng tanaw sa t.v. nang biglang bnumukas ang pinto. Lakign gulat niya ng makitang basang-basa si Ivan. Napatayo siya. "Iva-" hindi niy anaituloy nang makita niyang iniluwa sa loob ng t-shirt ni Ivan si Vani. "Ivan. Vani?" Lumapit siya roon.

Napa-tingin si Ivan kay Mico nang naka-ngiti. "Ayan na."

"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka pala sa bahay?" pag-aalala ni Mico.

Ramdam ni Ivan ang concern ni Mico. "Hayaan mo na."

"Basang-basa ka. Oh?"

"Oo, magpapalit na ako."

"Bilisan mo."

Muli nilang tinahak ang living room. "Magpalit ka na." utos ni Mico nang makita niyang naka-tayo pa sa harapan niya si Ivan.

"Sabi ko nga."

"Gusto pa yatang magpatuyo."
-----

Muling bumalik si Ivan na may dalang towel. "Punasan mo muna si Vani."

Hindi ang dala ni Ivan an towel ang naka-agaw pansin kay Mico kundi ang damit nitong basa. "Hindi ka pa nagpapalit?"

"Kinuha ko muna itong tuwalya para kay Vani." sagot ni Ivan.

"Pwede namang pagkatapos mo na eh."agad niyang kinuha ang towel at binalot si Vani. Pagkatapos ay binuhat ito. Wala sa loob niyang sinabing...  "Halika sasamahan kitang magpalit."

"Talaga sasamahan mo ko?" maghang tanong ni Ivan.

Biglang natigilan si Mico. "Oo nga bakit ko naman pala kailangan pang samahan si Ivan? Basta..." pinilit na lang niyang sumagot.

"Ok." tanging sagot ni Ivan.

Natuwa naman siya nang sumang-ayon si Ivan.
-----

"Palit na." utos ni Mico habang inilalapag si Vani sa sahig nang makapasok sila sa kwarto ni Ivan.

"Nakahubad na." sagot ni Ivan na kasalukuyang nakatalikod kay Mico.

Napatingin si Mico. Nakita niyang naka-hubad na nga ito ng t-shirt. Hindi kasi niya napansin dahil nakatingin siya sa baba nang ibinababa niya si Vani. "Sabi ko nga." Nakikita na niya itong kumukuha ng bagong damit sa aparador. "Mmm papalicious ang katawan ng papa Ivan ko. Ahihihi."

"Sandali lang..." paalam ni Ivan nang makahanap ng bagong damit. Papasok siya sa banyo para duon ipagpatuloy ang pagpapalit.

Naintindihan ni Mico ang ibig sabihin ni Ivan. "Hmpt..."  biro niya sa sarili nang sa banyo si Ivan mag-papalit. Naghintay siya habang naka-upo sa kama ni Ivan. Pinapanood niya si Vani na paikot-ikot sa lapag. Narinig niya ang pagpatak ng tubig sa loob ng banyo. "Nagbabanlaw siguro."


"Ok ka lang?" tanong ni Ivan nang makalabas sa banyo.

Napangiti si Mico nang makitang nakapajama na si Ivan pero wala pa rin itong suot na t-shirt. "Oo naman. Lalo na kung ganyan kaganda ang view?" pilyo niyang sagot.

Natawa si Ivan. "Ikaw may sabi niyan ah."

"Oo naman. Hindi ko naisip na kita pala sa bintan mo ang bahay namin." sabay tawa.

Napa-taas ang kilay ni Ivan. "Ganun? Malamang..."

"Oo."

"Akala ko pa naman..."

"Na..." nakangiti si Mico habang naghihintay sa susunod na sasabihin ni Ivan. Pero hindi na sumagot pa si Ivan. "Na ano?" giit ni Mico.

"Halika na baba na tayo. Pakainin mo muna si Vani." yaya ni Ivan.

"Hmpt. Ayaw sumagot ah. Sige na nga." Tumayo siya sa pagkakaupo at pinuntahan si Vani para buhatin. nauna na rin siya sa pagpunta sa pinto. Pero bago siya lumabas ng tuluyan sa pinto muli siyang tumingin kay Ivan. "Hindi mo talaga sasabihin?"

"Na ano?..." naka-simangot na si Ivan.

"Ay.. naka-simangot na agad." tumalikod siya kay Ivan at naglakad. "Sige na. Oo na, maganda ang katawan mo." sabay hagikgik. "Gusto nang pinupuri eh. Mag tshirt ka na nga. Baka makatunaw."

Hindi nakita ni Mico ang luwang ng pagkakangiti ni Ivan, imbes na ma-offend sa huli niyang pinahayag.
-----

Nasa dining area sila habang pinapanood si Vani na kumakain.

"Hindi pa ba tapos yang si Vani kumain?" tanong ni Ivan ng mapansing naka-tungo parin ang aso sa lalagyan ng pagkain nito.

"Gutom na gutom na talaga siguro."

"Mukha naman eh."

Pagkatapos ay tumingin si Mico sa katawan ni Ivan. "Hindi malamig no?" nakahubad pa rin kasi ito.

"Hindi." simpleng sagot ni Ivan.

"Sige ganyan ka na lang. Wish ko lang na wala kang sipon bukas."

"Hindi yan..." nangiti si Ivan.

"Masaya ka ah. Nagsssaya naman ang mga mata ko eh. HEhehe."

Binatukan ni Ivan si Mico. "Natawa ka?"

"Grabe naman to parang tumawa lang eh."

"Natawa ka kasi."

"Masama?" pagkatapos ay bumulong. "Magbibilad ka ng katawan tapos ayaw mong pinagpapantasyan. Charing."

"Ano?" narinig ni Ivan ang ibinulong ni Mico. "narinig ko yun."

"Ok. Nagtatanong ka pa."

"Ah ganun ah." hinila niya ni Ivan si Mico at sinakal ito sa pamamagitan ng kanyang braso.

"Ay..." tili ni Mico. "Huwag mo akong bibitawan ha? Pabor sa akin." sabay tawa.

Binitawan ni Ivan si Mico. "Masaya ka." natatawa siya sa hitsura ni Mico. Nagulo kasi ang buhok ni Mico.

"Oh bakit mo ako binitawan. Sakalin mo uli ako. Yung matagal ah... Hmpt."

"Masaya ka nga."

Gustong mag-galit-galitan sana ni Mico kaya lang bigla siyang natawa. Tumawa din ng malakas si Ivan. "Heh. ako lang ang pwedeng tumawa."

Tumahol si Vani. Napatingin silang dalawa sa aso.

"Hala, nagalit yata si Vani?" tanong ni Ivan.

"Hindi. Tapos na daw siyang kumain."

"Ah... akala ko kakampihan ka ng alaga mo."

"Naman..." sabay dila kay Ivan.
-----

Tinutungo na nila ang living room pagkatapos mailigpit nila ang pinagkainan ni Vani.

"San ka pupunta?" tanong ni Ivan nang mapansing padiretso si Mico sa paglakad.

"Pauwi na." sagot ni Mico.

"Naulan pa."

"Mahina na. Saka gabi na kailangan mo nang matulog. May pasok ka pa bukas."

Saglit na tumigil si Ivan. "Ok."

"Sige paalam na kami ni Vani. Pahiram nga pala ng payong ha?"

Tumango na lang si Ivan.

"Hindi mo kami ihahatid?" natatawang tanong ni Mico nang mapansing hindi kumikilos si Ivan.

"Ah oo nga pala."

"Tignan mo to absent minded."

"Halika na." yaya ni Ivan.

Sumunod si Mico kay Ivan sa pag labas. Nang nasa pintuan na sila, biglang humarap sa kanya si Ivan nang naka-ngiti.

"Huwag ka na lang umuwi. Dito ka na lang matulog."

Nanlaki ang mga mata ni Mico. "sigurado ka? Pabor."

"Halika ka balik na tayo." sabay tawa ni Ivan. Hinihila na niya si Mico pabalik. "Pabor pala. Nahiya pa akong sabihin kanina."

"Hala... kaya pala natutulala kanina..." natatawa si Mico. "WOW kilig....!"
-----

"Hindi ka talaga magdadamit?" tanong ni Mico nang maka-pasok na sila sa kwarto ni Ivan.

"Magdadamit na."

"Huwag na..." sabay tawa.

Napa-tingin si Ivan kay Mico. "Sabay ganun eh."

"Biro lang... Tama lang na magdamit ka para mapigilan ko ang sarili kong ma-rape ka." diretsahang pahayag ni Mico sabay tawa.

"He he. alam ko naman  na hindi mo gagawin yun." sagot ni Ivan habang nagsusuot ng t-shirt. "Sana noon mo pa ginawa."

"Siyempre naman." nauna nang nahiga si Mico pagkatapos ay muling nagbiro kay Ivan. "Higa na, mahal ko. Totoo yun mahal ko hihihi"


Lumapit si Ivan at hinila ang unan. Pagkatapos ay binato kay Mico. "Mahal ka diyan ah."

Natawa si Mico. "Yan... matawag ka lang na mahal nanghahampas ka agad ng unan. Paano pa kung ano... ano" nilagyan niya ng kaunting lambing ang huling salita niya.

"Yuck." natatawang angil ni Ivan. Tumatabi na siya kay Mico.

"Bakit naman yuck?"

"Bakit ano pa ba ang gusto mong palabasin?"

"Yun na nga..." sabay tawa. "na yakapin ka uli. Oh ano? Pumapayag ka naman na yakapin ka ah. Yun ang ibig kong sabihin. Hindi yang kung ano- anong iniisip mo. Bakit hindi ka ba papayag na magpa... mmm yakap?"

Muli siyang pinalo ni Ivan. "Manahimik ka na nga."

Tawa muna ng tawa si Mico bago tuluyang tumahimik. "Sige na matulog ka na. Tutulog na rin ako."

"Ge." maikling sagot ni Ivan.

Patalikod kay Ivan nang tuluyang ayusin ni Mico ang pagkakahiga. Habang nakatihaya naman si Ivan na nakatanaw sa kisame.

"Kanina... hinalikan ko si Mico. Nabigla din ako sa ginawa ko. Tama ba na sabihin kong dahil, dahil mahal ko siya? Hay... buti na lang at hinid ko nasabi. Mali iyon. Pero... ayoko na nga mag-isip." sinubukan niyang ialis sa kanyang isipan ang namumuong damdamin niya para sa kaibigang si Mico pero hindi niya nagawa. "Imposible. Lalaki si Mico. Imposibleng magkagusto ako sa kanya." hindi niya naiwasang pakinggan ang tibok ng kanyang puso. Napansin niyang ang lakas ng tibok niyon. "Ang ibig sabihin ba noon?... Bahala na nga... basta masaya ako ngayong maayos na uli kami ni Mico."

Ang sumunod ay paggalaw niya sa kama para tumagilid paharap kay Mico na naka-talikod sa kanya. Hind siya nag-dalawang isip na yakapin ang katabi.

Napa-dilat si Mico nang maramdaman niyang niyakap siya ni Ivan. Siyempre natuwa ang kanyang damdamin pero kasabay noon ang katanungang bakit siya niyakap ni Ivan? "Hindi naman malamig? Kanina nga naka-hubad pa siya. Di bale... ang mahalaga niyayakap niya ako." Bahagya pa siyang nagsumiksik kay Ivan. Masaya siyang hindi gumalaw si Ivan sa nang gawin niya iyon.

Nararamdaman ni Mico ang hininga ni Ivan sa tuktok ng kanyang ulo. Nakakatuwa sa kanyang pakiramdam. Komportable siya sa ayos niya sa pagkakahiga, sigurado nya pero parang pinabibilis ni Ivan ang tibok ng puso niya na nagiging sanhi ng hindi niya mapalagay. Wala sa isip niya pero nagawa ng katawan niyang umusog pasiksik kay Ivan ng isang beses pa. Muli, walang reaksyon mula sa likod niya.

Muling napadilat si Mico nang yakapin pa siya ng mahigpit ni Ivan. Saka niya napansin ang wall clock sa dingsding ng kwarto. "Alas nuebe palang pala. Mahaba pa ang gabi." tili ng utak niya.

Samantalang, nagsasaya naman ang pakiramdam ni Ivan sa pagkakayakap niya kay Mico. Hindi na niya naiisip na kanina lang ay todo tanggi nya para sa damdamin niya kay Mico. Ikinatuwa pa nga niya ang pagsiksik sa kanya ni Mico. Hindi lang damdamin niya ng natuwa. Kanina, bahagya pa siyang napadilat ng magkaroon ng epekto iyon sa kanyang katawan. Pero, hinayaan niya. "Hindi ko namang... hindi kami darating doon. At alam ko ring hindi gagawin sa akin ni Mico iyon. Hanggang ganito lang..."


Pero mali ang akala ni Ivan. Dinala ang kanyang labi, palapat sa ulo ni Mico.

Naramdaman ni Mico ang labi ni Ivan sa kanyang bumbunan. Kanina nararamdaman niya lang ang hininga nito, ngayon pati ang init ng hininga nito ay damang-dama na niya. Kasabay ang paglapat ng labi ni Ivan na para bang hinalikan siya nito. Hind na napatid ang ngiti niya.

Aminin man o sa hindi ni Ivan, nakakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan. Nagkakaroon ng epekto sa kanya ang pagkakalapat ng kanilang katawan. Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng tapang sa ginagawa niya ngayong paggalaw ng kanyang ilong sa buhok ni Mico. Nasisiyahan siya sa nararamdamang kiliti. Kasabay ang pagbilis ng tibok ng kanyang dibdib.

Nakapikit siya pero ang imahinasyon ay nagsisimula nang makita si Mico. Na para bang mga labi nito ang kanyang hinahalikan.

Kasunod ang paggalaw ng dalawang nilalang para mapagbigyan ang tawag ng kanilang damdamin.
-----

Hindi na alam ni Mico kung paano nagsimula, pero sa kanya na ang mga labi ni Ivan. Ramdam niya ang banayad na halik ni Ivan sa kanyang mga labi na kanya namang ginagantihan pagsunod sa inuutos ng kanyang damdamin.

Kapwa naka-pikit ng mga sandaling iyon habang halos ang kalahati ng katawan ni Ivan ay nakapatong na sa katawan ni Mico maging malaya lamang siya sa paghalik kay Mico. Nararamdaman niya ang nagbabandyang pag-hingal ngunit hindi siya kumbinso sa itatagal ng pagkakalapat ng kanilang mga labi.

Damang-dama ni Mico ang bigat ni Ivan kahit kalahati palang ng katawan nito ang nakapatong sa kanya. Lalo na nang tuluyan na niyang nararamdaman sa kanyang katawan ang kung anong bahagi sa katawan ni Ivan sa ilalim ng manipis nitong pajama.

Habang patuloy na nakikipagbuno sa pagahalik laban kay Ivan, ang isip niya ay tunguhin ang parte ng katawan ni Ivan na kung saan matigas na nakalapat sa kanyang harapan. Unti-unti bumababa, pagapang sa katawan ni Ivan maabot lang ang kanyang tinutumbok. Narinig nya ang mahinang ungol ni Ivan.


Halos isigaw ng utak niya ang salitang malapit na nang biglang bumitaw sa kanya si Ivan.


"Sorry."  mabilis na bigkas ni Ivan. At umayos siya ng pagkakahiga.


Nanlalaki ang mga mata ni Mico sa gulat sa ginawang pagkalas ni Ivan. Bigla siyang nakaramdam ng matinding hiya sa harapan ni Ivan nang ma-realize ang nangyari. Napa-talikod siya kay Ivan.

"Sorry." muli si Ivan. "Hindi ko napigilan." humihingal.

"Hindi niya napigilan?" rumihistro sa utak ni Mico. "Ibig ba sabihin noon, gusto niya talaga ang kanyang ginawa?" tanong niya sa ginawa ni Ivan. Pero nanatili siyang naka-talikod kay Ivan.

"Mico." tawag ni Ivan. "Ok ka lang?"

Tumango siya bilang sagot.

"Pasensiya na talaga."

Muli siyang tumango.

"Hindi na mauulit."

Napapikit si Mico nang mariin nang marinig ang salitang "hindi na mauulit." Tumatanggi ang kanyang isipan. Pero muli siyang napadilat nang biglang yakapin siya muli ni Ivan.

"Pasensiya na talaga."

Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Mico at tuluyan nang pumikit.


[22]
Nagising si Mico sa kalampag sa sahig.

Nang magmulat ng mata kasi si Ivan ay agad siyang tumayo at hindi naibalanse ang bigat ng katawan kaya napa-slide sa sahig. "Aray..." impit sa sakit ni Ivan.

Hindi alam ni Mico kung tatawa o maawa kay Ivan. "Ano ba kasing pinaggagawa mo?"

"Nadulas lang." paliwanag ni Ivan.

"Katangahan yata yun." biro ni Mico. Nanlaki ang mga mata ni Mico nang sa pagkatapos tumayo ni Ivan ay agad itong naghubad ng damit at pajama. Pagkatapos ay dali-daling tumakbo sa banyo. Narinig na lang niya na umaagos na ang tubig mula sa taas sa loob ng banyo. "Naliligo na."

"Ano ba ang tingin ni Ivan?" napa-isip siya. "Parang... ang ibig bang sabihin nun, hindi na naiilang sa akin si Ivan? Kahit maghubad pa siya sa harapan ko." natatawa ang utak niya. "Sana pati yung..." sabay tawa ng mahina. "sinabay na niya rin, para naman maganda ang nakita umaga palang. Ano ba yan Mico ang aga-aga, kung ano-ano na agad ang pumapasok diyan sa utak mo." sinaway rin niya ang sarili.

Bigla naman rumihistro ang nangyari kagabi. Pero, agad din niyang pinalis. Hinagilap ng kanyang mga mata si Vani kung nasaan, nakita niya itong natutulog pa sa isang sulok. "Lalabas na kami kapag nagpakita na si Ivan."

Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto ng banyo ni Ivan. Lumitaw ang kalahati ng katawan ni Ivan. "Huy, pakikuha naman ng tuwalya."

"Ano? Pumasok-pasok ka diyan tapos wala kang dalang gamit?"

"Sige na." sabay ngiti.

"Hmpt." pero sinunod nya si Ivan. Nang nakakuha na ng tuwalya agad niyang iniabot iyon kay Ivan. "Pwedeng papasok?" biro ni Mico.

"Pasok ka. Mamaya." sabay tawa.

Biglang napa-isip si Mico. Parang nagiging magaan na kay Ivan ang mga biro kong dati rati  naman ay ikinasisimangot ni Ivan. Masay akung ganoon. "Biro lang."

Saglit lang nang lumabas na si Ivan sa banyo. Nakatapis ito ng tuwalyang kaninang iniabot niya.

Kanina sabi ni Mico lalabas na siya kapag lumabas na si Ivan pero nagbago ang isip niya magpapakasaya muna ang kanyang mga mata. Sabay tawa ng kanyang utak.

"Nakahanda na ba ang uiniporme mo?" tanong ni Mico.

"Oo." naka-hanger lang sa aparador."

Hindi iyon napansin ni Mico nang kumuha siya ng tuwalya. "Ah..." naisagot na lang niya.

"Sabay na tayong bumaba." mungkahi ni Ivan habang binubuksan ang aparador.

"Oo ba." sagot ni Mico habang nakatingin sa harapan ni Ivan. "Hmmm... bumubukol oh. Pasimple lang ang tingin Mico. Ayyyy..." tili ng utak niya nang makitang hawak-hawak ni Ivan ang isang brief para suotin.

Tumingin sa kanya si Ivan na ikina-iwas ni Mico ng tingin. Natawa si Ivan dahil nahuli niya itong nag-iwas ng tingin. "Pinapanood mo ba ako?"

"Masama?" sagot ni Mico na hindi tumitingin kay Ivan.

"Baka kasi nalulugi na ako."

Napatingin siya kay Ivan sa sinabi nito. "Paanong nalulugi. Wala naman akong nakikita."

"Wala. Ito naman nasabi ko lang." muling natawa si Ivan.

Napa-ismid na lang si Mico. "Hindi ka naman malulugi sa akin Ivan... Magsasay ka pa nga eh. " nangingiti siya. Ibinalik na niya nang tuluyang pag mamasid kay Ivan dahil tapos na naman itong magsuot ng underwear. "Ang gwapo naman talaga oh." nang tuluyan nang naisuot ni Ivan ang kanyang uniporme.
-----

"Papasok na ako." paalam ni Ivan habang naka-upo ang ina at si Mico sa harap ng lamesa.

Napa-tingin si Mico sa orasan. Pagkatapos ay muling tumingin kay Ivan at tumango ng pagsangayon.

"Aalis na ako." muling paalam ni Ivan kay Mico.

Napa-kunot ang noo ni Mico sabay tango uli. Naisip niyang hindi siguro naintindihan ni Ivan ang ibig sabihin ng pagtango niya.

"Aalis na nga ako."

Lalong nagtaka si Mico. Sasagot na sana si Mico nang magsalita si Divina.

"Oo nga daw." si Divina.

Nilingon ni Ivan ang ina. "Ma... hindi ko narinig na nagsalita siya."

"Tumango na nga."

"Ayoko ng ganun." natatawang si Ivan.

"Ay kaya pala." nasabi na lang ni Divina.

Natawa naman si Mico. "Ganun ba. Sige, alis ka na."

"Ok." pagkatapos ay tumalikod na si Ivan.

Nagkatinginan sina Mico at Divina sa iginagawi ni Ivan. Bigla naman silang napatingin kay Ivan nang mapansing muli itong lumingon sa kanila.

"Hindi ninyo ako ihahatid?" tanong ni Ivan.

Nagkatinginan sina Mico at Divina. Pagkatapos walang sabi-sabing tumayo para gawin ang gustong mangyari ni Ivan.

Natawa si Ivan sa pagkakasabay ng dalawa. "First day uli kaya dapat lang medyo..." napatumpik muna si Ivan sa hangin. "medyo sweet kailangan."

"Nako..." banat ni Divina. "Ang arte naman ni Ivan."

Natawa si Mico sa sinabi ni Tita Divina. "Oo nga po." sang-ayon niya sa matanda.

"Ge na. Hahatid ka na." yaya ni Divina.

Bago tumalikod si Ivan, nakangiti muna siyang tumanaw kay Mico.

Nagsasaya naman ang puso ni Mico sa ipinapakitang lambing ni Mico.

Nang nasa labas na sila, muling nagpaalam si Ivan sa dalawa. "Pasok na po ako Ma, Mico."

"Sige ingat ka Van." si Mico.

"Ok."

Tinanaw ni Divina at Mico si Ivan na papaalis. Maglalakad muna kasi ito hanggang makarating sa kanto para maka-sakay ng tricycle palabas ng subdivision.

"Alam mo Mico." si Divina na ikinalingon ni Mico. "Ako na ina ni Ivan, nagtataka sa bagong ikinikilos ng anak ko." napangiti si Divina. "hindi naman yan dati. Malambing yan, pero hindi sa ganyang paraan. Lagi nga yang naka-simangot. Ngayon... akala mo prang nagbalik sa pagkabata. Hay nako. Pumasok na uli tayo."

"Sige po." sang-ayon ni Mico.

Pero hindi pa sumunod agad si Mico. "Dahil ba sa akin ang pagbabago niya?" natutuwa niyang tanong sa sarili. "Oo nga, ang laki ng pinagbago ni Ivan." napasinghap siya ng hangin. Tumitibok ang puso niya ng hindi pangkaraniwan.
-----

"Kapag lumitaw sila dyan, kailangan papalakpakan natin ah?" mungkahi ni Billy sa mga kaklase niyang sina Susane at Angeline.

Nasa labas kasi sila ng room naghihintay ng mga ka-close na classmate.

"Etong bading na 'to ang lakas mang-asar." natatawang si Angeline. "Buti Susane, hindi ka naaasar dito sa bestfriend mo."

Natawa si Susane ng mahina. "Hindi naman kasi ako inaasar niyan eh."

Pagkatapos ay napatingin sila sa bagong dating.

"Dali palakpak." sigaw ni Billy.

Agad namang pumalakpak si Angeline pero si Susane ay napilitan dahil kilala niyang hindi mabiro ang lalaking padating.

"Palakpakan si Ivan." sigaw ni Billy.

Nanlalaki ang mga mata ni Ivan sa salubong sa kanya. Agaw atensyon ang ginawa ng mga classmate niya sa iba pang studyante na nasa paligid. Napatingin siya, sa paligid kung ganoon nga ang nangyari. At tama, naka-tingin nga sa kanila. Biglang nahiya si Ivan.

Nangmakalapit. "Grabe naman kayo." bulyaw niya kay Billy na natatawa sa reaksyon niya.

"Si Billy ang may pakana nyan ah." si Angeline.

"Hayaan mo na Ivan, hindi naman bawas pogi points eh. Dagdag atensyon pa nga sa madlang pipol."

Samantalang si Susane ay tahimik lang na naka-ngiti.

"Ayos din ang trip ninyo ah." si Ivan. Nagkatawanan ang tatlong kaharap. "Sino pa ang hindi dumadating?" biglang tanong ni Ivan.

Nagkatingin ang tatlo. Si Billy ang sumagot. "Balak mong gumanti?" sabay tawa.

Tumawa si Ivan. "Siyempre lugi ako eh."

Muling nagkatinginan ang tatlo at nagngitian. HInid nila inaasahan na sasagot ng ganoon si Ivan. Kilala kasi nila si Ivan na siryosong tao. Umaalis sa grupo kapag napagkakatuwaan.

"Ano?" giit ni Ivan.

"Si papa Markky ko." sagot ni Billy.

"Ano? Papa Markky?" si Angeline. "Kailan mo pa naging papa yun ah." kay Susane tumingin. "Susane papayag ka sa narinig mo?"

Ngumiti lang si Susane. "Hanggang ganoon lang naman ang magagawa ng bestfreind ko sa boyfriend ko." at tumawa ng mahinhin.

"At kailan mo pa natutuhang tawagin si Mark na Markky?" si Ivan.

"Para maiba naman." natatawang si Billy. "Siyempre ang totoo kay Susane, ang ilusyon ang sa akin."

Si Angeline ang sumagot. "Buti alam mo na ilusyon lang." sabay kapit sa bisig ni Ivan. "Ivan, ako kaya, kailangan kaya magiging tayo?"

Natawa si Ivan.

"Ayaw niyan sayo." si Billy kay Angeline.

"Heh." sabay dila naparang bata si Angeline kay Billy.

Bigla silang napa-tingin sa may unahan ng lumabas si Mark.

"Palakpak." si Ivan pa mismo ang nagyayang gawin iyon.

Laking gulat naman ni Mark sa ginawa ng grupo niya. Agad siyang napatakbo sa kanila. "Ano yang giangawa ninyo nakakahiya." nang maka-lapit.

Si Ivan ang tawa ng tawa. "Gumaganti lang ako bro."

"Bakit ginawa rin ba nila yan sayo?" tanong ni Mark.

"Oo, mukhang ako yata ang unang nabiktima."

Biglang napaisip si Mark. "Parang masaya ka yata ngayon Bro."

"H-ha?" natigilan si Ivan.

Si Billy ang sumagot na nagpaparinig kay Angeline. "Baka may love na si Papa Ivan."

"Napatingin nang makahulugan si Angeline kay Ivan.

"W-wala ah." tanggi ni Ivan. Pero naisip niya si Mico. "Hindi, hindi totoo yun..." tanggi ng utak niya.

"Weh..." si Billy.

Tumawa na lang si Ivan.

"Masaya ka nga talaga Bro." si Mark. "Halata." sabay tawa. Pagkatapos ay tinungo niya ang girlfriend na si Susane. "Musta ka na mahal ko." palambing na salita.

Nang-asar si Angeline kay Billy. "Huwag kang umasa na ikaw ang sinasabihan Billy." sabay tawa.

"Hindi naman ah." naka-ngiting si Billy.

Napa-kunot ang noo ni Mark. Nagtataka sa asaran ng dalawa.

"Basta ako may Ivan." si Angeline pagkatapos hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ni Ivan.

"Asa ka Angeline, eh may girlfriend na yan noh. Halata ko." maarteng sabi ni Billy kay Angeline.

"Hindi ako naniniwala."

Napa-isip na lang si Ivan sa asaran ng dalawa. Naiisip niya si Mico. Napa-ngiti siya. Naisip din niyang bago siya umuwi bibili siya ng pasalubong sa kaibigan.
-----

"In-love na sa akin si Ivan mahal ko." paawit na sinasambit iyon ni Mico sa harapan ng kanyang salamin. "Hinalikan niya ako ng ubod ng tamis kagabi. Mwah mwah mwah." sabay tawa. "Mahal na talaga ako ni Ivan. " sinundan niya ng sigaw ng kasiyahan. "Grabe papaniwalaan ko na ito. Mahal ako ni Ivan. Period. Ay mali, mahal ako ni Ivan hindi bilang kaibigan bilang kai-bigan." sabay tawa ng malakas at nagpa-ikot ikot sa harap ng salamin.

Nahilo siya ng bahagya kaya ibinagsak niya ang katawan patihaya sa kanyang kama. Patuloy pa rin ang kanyang pagtawa dahil sa kasiyahan.

May naisip siyang gawin. Muli siyang bumangon at kinuha ang laptop. Bumalik siya sa kama at doon pinagana iyon at dali-daling binuksan ang file ng mga pictures ni Ivan.

Balak niyang i-edit ang picture ni Ivan na noong una ay ginawa niyang wallpaper ng kanyang desktop.

"Ayan... Bongga. I love it....!" tuwa niya. "Ay, may idadagdag ako. Sandali. Edit, edit edit." nilagyan niya ng ng pangalan niya. Na ang ibig sabihin ay si Ivan at Mico ay nagmamahalan sa salitang banyaga.

Nang maayos na at nailagay muli bilang wallpaper ay saka niya hinalikan ng ubod ng tamis si Ivan. Sabay tawa. Muli siyang tumihaya sa kama at ninamnam ang alaala sa nakalipas na gabi.

Hindi pa siya nakakalayo sa pag-alaala ay bumalik sa kanyang alaala ang pangyayaring kung kailan nakita ng kanyang ama ang picture ni Ivan sa laptop niya.

"Paano kung makita uli ni Dad?" napa-buntong hininga siya. Ang kaninang kasiyahan ay napalitan ng pag-aalala.
-----


"Saan ka pupunta Ivan?" tanong ni Angeline nang mapansing nagmamadali si Ivan sa pag-uwi. Tapos na kasi ang klase para buong araw.

"H-ha? Pauwi na." sagot ni Ivan.

"Ang bilis naman? Parang... parang may inuuwian ka na ah?" kunyaring nagtatampong si Angeline. "Paano na ako?"

Tumawa na lang si Ivan kahit ang gustong gawin ay mapakamot sa ulo sa naririnig kay Angeline. "Sige alis na ako."

"Tignan mo 'to. Aalis na nga talaga. Hmpt."

"Bukas na lang Angeline. Sige." paalam niya.

Bibili kasi si Ivan ng maipapasalubong kay Mico. Nangingiti siyang naglalakad-patakbo palabas ng campus. Sa labas ng unibersidad na pinapasukan niya, duon nakita niya ang isang pizza stall na kilala sa kanilang masarap. Iyon ang naisip niyang ipasalubong kay Mico.


[23]
Nangingiti si Ivan habang naglalakad sa loob ng subdivision pauwi sa kanila. Excited na siyang makita si Mico at maibigay ang kanyang pasalubong. Nang makarating sa harap ng kanilang bahay, napatigil siya. Nangingiti siyang pinakiramdaman muna kung nasaang bahay ba si Mico. Sa bandang huli, dumiretso din siya sa bahay niya.

"Sana nasa bahay si Mico." natutuwa niyang pahayag.

Kumatok pa siya sa pintong bahay bago pumasok. Nakangiti siyang pasilip na pumasok. Inaakalang may taong makikita sa pagpasok.

"Ay, wala?" naibulalas niya nang walang taong maabutan sa loob. "Nasaan kaya ang mga yun?" sabay tawag sa ina. "Ma?..." Walang sumagot. "Baka nasa kwarto."

Dali-dali niyang tinungo ang living room para ihagis doon ang gamit na dala. Pagkatapos ay tinungo ang kwarto ng ina.

Hindi na siya kumatok, agad na niyang binuksan ang pinto ng kwarot ng ina. "Ma..." nagpalinga-linga sa paligid. "Wala?" Muli niyang isinar ang pinto. "Umalis siguro. Di bale si Mico nalang ang pupuntahan ko."

Masaya niyang tinungo ang baba dahil pupunta siya sa kabila. Kala Mico. Masaya niyang gagawin iyon.
-----

Nakaharap si Mico sa harap ng waching machine na gumagana. Malapit na kasing humudyat ang washing machine para tanggalin ang lamang mga damit. Maya-maya nga lang ay inaalis na niya ang laman.

Ginagawa niya ito dahil nababagot siya. Dapt ang kasambahay niyang si Saneng ang gagawa pero dahil walang magawa nagpresenta nalang siya na maglalaba. Heto nga at tapos na siya at babanlawan na lang ang mga damit niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Naglalaba..." sagot niya sa taong nagtanong sa likuran niya. Bigla siyang natigilan. At lumingon. Ang iniisip kasi niya ay si Saneng ang nagtanong kasi kanina pa siya nito binibirong himala daw na maglalaba siya. Pero bakit hindi niya naiisip kaagad na iba ang boses ng nagtanong at sumagot pa talaga siya. "Ivan? Anogn ginagawa mo dito?"

"Kakauwi ko lang. Bakit ganyan ka magtanong parang nakakita ka ng multo." tanong ni Ivan dahil napansin niyang bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mico.

"Naka-uwi ka na pala." sa halip na isinagot ni Mico. Muli siyang humarap sa washing machine at tinaggal ang natira pang mga damit.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?"

"Nababagot kasi ako." sagot ni Mico. Pagkatapos ay humarap kay Ivan na basa ang damit banda sa tiyan at mabula pa ang mga braso.

Natawa si Ivan sa hitsura ni Mico. "Tingin ko nga. Wala kasi si Mama sa bahay eh."

"Kaya nga nabagot ako dahil walang tao sa inyo. Wala akong makausap."

"Ganyan ka pala mabagot, naglalaba. Parang may naisip ako." nangingisi si Ivan.

Tumaas naman ang kilay ni Mico dahil parang alam niya ang gustong tumbukin ni Ivan. "Ano naman iyon."

Biglang tumawa si Ivan. "Pwede bang pati damit ko labahan mo na rin kapag nababagot ka? Joke."

"Galeng..." saka napansin ni Mico ang dala-dala ni Ivan. "Ano yan?"

"Ah eto?" iniharap ni Ivan ang dala kay Mico.

"Pi..zza!" tili ni Mico.

"Yupp, pasalubong ko sayo."

"Talaga?" agad inabot ni Mico ang ang pasalubong ni Ivan. "Pwede ba mamaya na nating kainin tapusin ko lang itong banlawin. Hayaan mo bibilisan ko."

"Oo naman."

"Saglit lang." si Mico at inilapag niya ang box ng pizza sa isang upuan. "Saglit lang ha." pagkatapos ay hinarap nya ang banlawin. Ngumiti pa siya sa huling sulyap kay Ivan.

Nagbabanlaw na si Mico. Napapansin nga ni Ivan na nagmamadali si Mico. Natatawa siya sa ikinikilos ni Mico. Dahil sa kapamamadali, madalas na nagtatalsikan ang tubig sa mukha nito.

"Dahan-dahan lang naman." si Ivan.

"Ano ka ba? Kailangan bilisan noh. Naghihintay ka kaya."

"Okey lang ako."

"Doon ka kaya muna sa loob para hindi ka mabagot."

"Hindi ako nababagot."

"Bahala ka."

"Sa totoo nga, masaya akong pinagmamasdan kita."
-----


"Magpalit ka na. Basang-basa ka na."

Napatingin si Mico nang diretso kay Ivan. Nakaramdam siya ng pagaalala sa tono nito. "Sige."

Nakangiti si Ivan nang lagpasan siya ni Mico para makapagpalit. "Mico, bilisan mo ha?"

"Opo." masayang sagot ni Mico.

Pagkatapos sumagot ni Mico ay naging doble ang kanyang pagmamadali. "Mahal ko ang nagsabi. So, bilis bilis bilis Mico. Hehehe."
-----

Nakapagpalit na si Mico ng damit. Pero bago siya lumabas sa kwarto niya ay tinungo muna niya ang laptop sa ibabaw ang side table. "Naandito na si Ivan kaya, ikaw papatayin na muna kita. Mamaya na lang uli tayo magkita ha..." kinausap niya ang larawan ni Ivan na naka-post sa laptop.

Iyon kasi ang ginawa niya para kahit papano, habang wala si Ivan, nakikita pa rin niya ito. "Hindi kaya biro ang walong oras na wala siya. Talagang nakakabagot na hindi ko makita si Ivan sa ganoong haba ng oras."


Pagkatapos ay tinungo na niya ang pinto para lumabas. Laking gulat niya nang mapagbuksan si Ivan. "Bakit ka nandiyan?"

"Hinihintay ka."

Napatingin si Mico sa paligid ng kwarto niya. Kinabahan kasi siya lalo na nang mapatapat ang mga mata niya sa kanyang laptop. "Nakinig ka?"

"H-ha? Nakinig? Bakit, may kausap ka ba dito sa loob?" nagtatakang tanong ni Ivan pagkatapos ay bahagyang sinilip ang kwarto ni Mico.

"Wala." saway ni Mico. "Nagsasalita kasi ako mag-isa." alibi ni Mico pero may katotohanan.

"Nge." natatawa si Ivan.

"Halika na sa baba." yaya ni Mico. Nauna na si Mico para maiwasan ang usapin. "Kamusta pala ang pasok mo?" tanong niya para maiba ang usapan.

"Ah.. ang pasok ko? Okey naman." sagot ni Ivan habang bumababa sa hagdan kasunod ni Mico.

Hindi na muna nagtanong si Mico pagkatapos. Dumiretso si Mico sa kusina para kumuha ng maiinom. Lilingunin niya si Ivan para tanungin kung ano ang gusto nitong inumin kaso hindi na pala ito nakasunod. Tinanaw niya si Ivan at nakita niyang kinuha pala nito ang pizza na nailapag kanina sa center table sa living room. Hindi na niya ito tinawag dahil nakita niyang papalapit na ito sa kanya. Binuksan na lang niya ang ref at kumuha ng dalawang softdrink in can.

"Gusto ko yan." si Ivan nang makita ang hawak na inumin ni Mico.

Napangiti si Mico. "Ang galing ko naman mag-isip."

"Parang kabisado mo na ang lahat ng gusto ko, ha?"

"Hindi naman. Kaunti lang." sabay tawa. Nakita niyang binuksan na ni Ivan ang box ng pizza. "Mukhang dito na natin kakainin."

"Ganoon na nga. Ayaw mo ba?"

"Hindi naman akala ko mas gusto mo sa harapan ng t.v."

"Hindi Ok lang naman na dito." sabay ngiti.

Napakunot noo si Mico sa pagkakangiti ni Ivan. "Maka-ngiti ka parang may ibig sabihin ah?"

"Ngumiti lang eh. Ayan na, kain na tayo. Oy, ikaw ang dapat ang uubos niyan ah. Binili ko yan para sayo."

"Wow naman, nagdiriwang ang puso ko..." pagkatapos ay umupo na si Mico.

Umupo na rin si Ivan "Buti naman." sabay tawa si Ivan. "Hirap kaya mag-isip ng pasalubong."

"Nahirapan daw? Bakit naman kasi kailangan mo pa akong pasalubungan?"

"Gusto ko."

Natahimik si Mico. Bigla naman ang pagdating ni Saneng. Inalok niya ito nang pizza.

"Salamat. Pero mamaya na lang, kapag may natira." sagot ni Saneng pagkatapos ay kay Ivan nagsalita. "Alam mo ba kanina pa yan bagot na bagot dahil wala ka."

Napatingin si Ivan kay Saneng nang sabihin iyon. "Aha! Ibig sabihin na-miss mo talaga ako." tinapunan niya ng sulyap si Mico at kumuha ng slice ng pizza. "Hindi ko masyadong nahalata. Hehehe."

"Aling Saneng naman eh." saway ni Mico. Napansin niyang paalis na si Saneng may kinuha lang itong isang bagay.

"Sabi ko nga po, labahan na rin niya ang damit kapag nababagot siya." sabay tawa si Ivan.

Napatigil sa paglakad si Saneng. "Ay oo nga pala. Ginulat ako ng batang yan. Biglang naka-isip maglaba." tumawa rin pagkatapos.

Lihim naman na naiinis si Mico. "Nagkasundo kayo ah." Kumuha na lang rin siya ng isang slice ng pizza pagkatapos ay wala sa loob na dinampot ang sache ng sauce at ibinuhos sa sliced pizza sabay kagat. "Waaaaaaaaaaa...." sigaw niya. "A-a... ang-hang!" hot sause pala ang nilagay niya sa kanyang pizza.

Nagulat ang dalawa. Siyempre lalo na si Ivan na kaharap niya sa lamesa. Napatayo si Ivan habang si Saneng ay hinsi nakakilos sa gulat nang biglaang sumigaw si Mico.

"Mico, hot sauce yata yung nalagay mo." si Ivan. Agad niyang iniabot ang nabuksan na niyang softdrink in can kay Mico.

Kinuha naman ni Mico ang iniabot ni Ivan at tinungga. Ilang ulit pa rin niyang ginawa ang paglagok ng softdrink na minsan pa nga ay pinang-mumog pa niya.

Nakanga-nga naman si Ivan habang naghihintay ng resulta. "Ano?"

"Ang hapdi..." naiiyak na sagot ni Mico.

"Sige inom ka pa."

Saka naman nakapag-salita si Saneng na kanina ay tulala sa pagkakagulat. "Sandali kukuha ako ng asukal."

Umikot si Ivan papunta sa kinalalagyan ni Mico. Tumabi siya, pagkatapos ay hinimas niya ang likod ni Mico. Yun ang tanging naisip niyang gawin.

Nagkakanda-iyak si Mico nang magsalita. "Hindi naman ako nabulunan eh." tinutukoy niya ang ginawa ni Ivan na paghimas sa likod niya.

"Ay sorry." biglang inalis ni Ivan ang kamay. "Paano ba kasi yan matatanggal, eh binuhos mo yata lahat eh."

Naiyak na lang si Mico. Butong hininga naman kay Ivan.

"Heto, asukal. Sumubo ka tapos ibabad mo sa bibig mo." si Saneng.

"Effective po ba yan?" tanong ni Ivan.

"Oo naman. Sige na." at iniabot ni Saneng ang lalagyan ng asukal at kutsarita.

Si Ivan ang umabot at kumutsara para isubo kay Mico. "Nga-nga."

Agad namang ngumanga si Mico. Habang sisigok-sigok at impit dahil sa hapdi na nararamdaman, pinapaikot-ikot niya ang sinubong asukal sa bibig sa pamamagitan ng dila. Nakaramdam naman siya ng paunti-unting ginhawa.

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Saneng. "Sige na. Ok na yata." tumalikod na ito para tunguhin ang sariling kwarto.

"Ok na ba talaga?" tanong ni Ivan kay Mico.

Tumango si Mico. "Pa-parang nanga-ngapal ang labi ko. Namamaga yata..." pagkatapos ay kinapa-kapa pa ni Mico ang palibot ng labi.

"Hindi naman. Feeling mo lang yun. Ang tanong kung mahapdi pa?"

"Ok Ok na. Hindi tulad kanina... Ang sakit talaga sa labi. Parang, parang..." biglang natawa si Mico. "parang gusto kong tumalon sa maraming tubig hehehe."

Napa-ngiti si Ivan. "Ok ka na nga. Natawa ka na eh." Hinawakan ni Ivan ang baba ni Mico para suriin kung nagkaroon ng rushes.

Nanlaki naman ang mga mata ni Mico dahil nagkalapit ang kanilang mga mukha. Napatitig tuloy siya kay Ivan.

"Buti na lang hindi nagsugat yang labi mo sa sobrang init ng sauce." Pagkatapos ay napa-tingin siya sa mga mata ni Mico na sa sandaling iyon ay titig na titig sa kanya.

Hindi alam ni Ivan kung ano ang nagtutulak sa kanya para ilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Mico. Habang ang huli naman ay unti-unting lumalakas ang kabog ng dibdib at napapapikit sa alam niyang posibleng mangyari.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang naghinang ang kanilang mga labi. Damang-dama ni Ivan ang bahagyang init ng mga labi ni Mico. Pero iyon ay nakadaragdag para sa kanya ng kasabikan sa ginagawa.

Noong una, hindi kumikibo ang mga labi ni Mico dahil hindi pa niya napapaniwalaang nangyayari na naman ang pinapangarap niyang mangyari- ang mahilakan si Ivan. Gumanti na rin siya.

Saglit pa ang tumagal at inilayo na ni Ivan ang ang labi niya sa labi ni Mico. "O-okey ka na?"

Tumango na lang si Mico nang nakangiti. Hindi kasi niya nakita sa mukha ni Ivan na hindi nito gusto o hindi sinasadya ang paghalik sa kanya.

"Kainin na natin ang pizza." tumawa muna si Ivan. "Baka ayawan mo na ang pasalubong ko?"

Umiling si Mico nang todo saka nagsalita. "Hindi noh? Galing yan sayo eh."

"Mabuti naman. Go!" si Ivan ang kumuha ng para kay Mico saka niya muling kinuha ang sa kanya.

"Sarap naman. Kahit walang sauce."

"Oo. Yan nga ang naisip kong bilihin sa labas ng university. Kasi, kasi kilala na sa amin na masarap talaga 'to. Buti nalang hindi ako nagkamaling magugustuhanmo rin ito."

"Oo naman. Madalas rin kaya akong kumakain nito kaya lang walang hot sauce." sabay tawa.

"Ikaw kasi hindi mo muna tinitignan ung sauce."

Siniko ni Mico si Ivan. "Oo na. Huwag mo nang ipaalala, nahihiya ako sa nangyari. Pero thankful talaga ako dahil- dahil doon, muli ko na namang nadama ang mga labi ni Ivan. Mahal na niya ako... Mahal na niya ako. Kaunti na lang at magiging kami na. Naniniwala na ako. Kailan kaya niya sasabihing mahal niya rin ako. Hindi ako makapaniwala.."


"Natahimik ka." tanong ni Ivan nang mapansing natahinik si Mico.

"Wala naman. Ninanamnam ko lang ang sarap." sabay ngiti ng ubod ng tamis.

Gumanti naman si Ivan ng matamis ding ngiti.


[24]
"Anong ginagawe mo dyan?" tanong ni Ivan nang madaanan niya si Billy sa hagdanan.

"Hinihintay ko kasi si Markky ko at si BFF Susane. Wala pa eh. Ngyon lang na-late ang BFF ko kaya."

"Ang aga-aga pa. Halika na pasok na tayo sa room." hinila niya ang braso ni Billy.

Tumayo naman si Billy. "Teka nga. Ang ganda na naman ng araw mo ngayon ah?"

Natawa lang si Ivan. "Sigurado ka?"

"Oo naman. Nagbakasyon lang, ang laki na ng pinagbago mo. Dati, kahit ka-grupo niyo ako no pansin naman ako sayo. Suplado ka kaya..."

HIndi naman na-offend si Ivan mga huling sinabi ni Billy. "Ganon ba ako dati?"

"Nge, sarili mo hindi mo alam. Halika na nga. kakapit ako sayo ha? Kunyari ikaw si Markky ko." sabay tawa.

Naglakad na nga sila papunta sa loob ng room. "Buti hindi nagagalit si Susane saayo?"

"Magagalit?"

"Oo, dahil, dahil ipinapakita mong crush mo si boyfriend niya?"

"Ikaw na nga me sabi crush lang. Ano naman ang ikakagalit ni Susane?"

"Wala lang natanong ko lang. Magkaibigan nga kayo talaga."

"Correct."

"Hoy, bakit ka naka-pulupot sa Ivan ko?" sigaw ni Angeline. "Sino may sabi sayong papayag ako?"

Nagkatinginan sina Ivan at Billy. Si Billy ang unang nagsalita. "Kasi love na ako ni Ivan my love."

Natawa si Ivan.

"Yuck." tili ni Angeline. "Hindi ako naniniwala."

Hindi naman na-oofend si Billy dahil natural na lang silang mag-asaran ng kaibigan. "Yuck ka diyan. Tignan mo nga oh, hindi pumapalag si Ivan." sabay dila.

"Paano may kutsilyo kang hawak sa likod mo."

Muling natawa si Ivan sa sinabi ni Angeline. "Hoy kayong dalawa, parang tayong tatlo lang ang narito sa loob ah?"

"Hayaan mo sila Ivan my love." lumapit pa si Angeline para alisin ang braso ni Billy.

"Hep hep hep." saway naman ni Billy. "hindi pa ako nahahatid ni Ivan sa upuan ko. Napaka-ungentleman naman kung iiwanan ako rito." maarteng sabi ni Billy. "At huwag ka ngang maka-my love my love dyan."

"Grabe 'tong bading na 'to." pinilit ni Angeline na tanggalin ang braso ni Billy.

Inalis naman ni Billy ang braso. "Ayan na ayan na. Sayo na sayo na."

"Yan."  si Angeline na ang nakakapit kay Ivan. "Teka nga bakit ka nga ba nagmamadali kahapon?"

Napaisip si Ivan sa tanong ni Angeline. "Kailangan ko lang talaga umuwi."

"Nako, kunyari ka pa. Siguro may girlfriend ka na noh?"

"Hindi pa." biglang sagot ni Ivan. "Ay, este wala ah." tanggi niya.

"Hindi pa, ay este wala ah. Napaghahalataan. Halatadong nagsisinungaling. Dyan ka na nga nagtatampo na ako."

Natawa si Ivan sa pag-alis ni Angeline. Alam naman niyang nagbibiro lang ito pero alam niya rin kalahati noon ay katotohanan. Napa-tingin siya kay Billy na naka-upo na sa pwesto nito, ngingisi-ngisi. Napakamot nalang siya sa ulo.
-----

"Akala ko uuwi ka?" tanong ni Ivan kay Billy nang makita ito sa loob ng canteen sa loob ng kanilang campus. Napansin niyang malungkot ito at naka-tingin sa malayo na para bang may hinihintay kahit nasa harapan na nito ang pagkaing na-order.

"Hindi na. Nasabi ko lang naman yun kanina dahil naiinis ako eh. Sabi ko sayo, hindi nale-late si Susane. Hindi talaga siya pumasok."

"Ano naman."

"Hindi pangkaraniwan."

Nakita ni Ivan ang pag-aalala sa mukha ni Billy. "May alam ka ba kung ano ang dahilan?"

Natigilan si Billy. "Dapat ko bang sabihin? Hindi. Nagtitiwala sa akin ang bestfriend ko. Hindi ko alam. Mmm nagseselos lang ako kasi, hindi rin pumasok si Mark, kaya... kaya ano, baka nag-date ang dalawa." alibi niya. Sa totoo lang hindi niya rin alam ang tunay na dahilan kung bakit umabsent si Susane. "Huwag naman sana ang kinatatakutan ko."


"Ewan. Oorder muna ako."

Pagkatapos ay umalis na si Ivan para umorder.

"Si Ivan?" si Angeline tanong kay Billy.

"Saan ka naman galing bruha ka? Ang akala ko pa naman magkasama kayo? Humihiwalay din pala ang higad sa sariwang dahon eh noh." biro ni Billy kay Angeline.

"Tigilan mo nga ako. Gutom na ako kaya ayoko muna ng biruan. Baka ikaw ang makain ko."

"Yuck. No way. I dont like. Sa lalaki ako nagpapakain." maarteng biro ni Billy. Sabay tawa.

"Sabi ko nga. Saan si Ivan?" umupo na rin si Angeline.

"Ayun oh." itinuro ni Billy si Ivan na kasalukuyang nasa harap ng counter.

Napangiti si Angeline ng makita si Ivan. "Ok."

"Maka-ngiti ka diyan para namang ang tagal ninyong hindi nagkita."

"Heh." saway ni Angeline.

Maya-maya pa ay dumating na si Ivan dala ang pagkain nito.

"Oh Angeline akala ko sa labas ka kakain?" tanong kaagad ni Ivan nang makita niya ang kaklase.

"Hindi na. Naimbyerna ako sa kausap ko." maktol ni Angeline.

"Kausap?" pag-uulit ni Billy. "Lalaki?"

Napa-tingin ng matalim si Angeline kay Billy. "Si Ivan lang ang lalaki ko noh."

Napa-taas ang kilay ni Billy. "May tonong defensive ka day. Wala akong ibig sabihin."

"Heh." muling saway ni Angeline kay Billy.

"Order ka na lang kaya." si Ivan.

"No, ayoko." sagot ni Angeline.

"Akala ko ba gutom ka?" si Billy.

"Ay, oorder na lang ako ng french fries at drink." sabay tawa.

"Ang gulo mo."
-----

Tapos na silang kumain. Naka-tambay na lang sila. Halos dalawang oras pa silang maghihintay para susunod nilang klase. Si Billy ang nagbukas ng mapag-uusapan.

"Sa totoo lang, ayoko kayong dalawa maging partners ko sa project natin ngayon."

"Mas lalo ako." sagot kaagad ni Angeline.

"Bakit naman?" si Ivan.

Ngumiti muna si Billy. "Alam nyo naman kung bakit eh. Siyempre, tatlohan lang sa bawat grupo. Sigurado ako  na kukunin ako ni Susane sa grupo niya at dahil doon..." hindi naituloy ni Billy ang dapat na sasabihin sa sobrang kilig.

"Hala kinilig ang bading." si Angleine.

"Heh." saway ni Billy. "Di ba, magkakasama kami ni Markky ko hehehe. Kaso hindi sila pumasok. Ayun, sa inyo ako napunta."

NAtawa si Ivan. "Kasalanan ba namin?"

"Hindi naman. Kaunti lang." sabay tawa si Billy. "Ano pa ba ang magagawa ko. Alangan naman na doon ako sasama sa mga hindi ko ka-close."

"Tama lang na sa amin ka sumama, para hindi ako mahirapan." sabay tawa naman ni Angeline.

"Oo nga." sang-ayon namn ni Ivan. "Sigurado ako magaling ka doon sa pinapagawa ni Prof."

"Heh. Tigilan niyo nga ako. Ikaw Angeline, panindigan mo na iyang pagiging kuba mo kaka-drawing hehe. Huwag mo na iasa sa akin ang gawain mo ha."

"Kuba ka diyan?" napa-liyad si Angeline. Na-conscious siya sa sarili. "Bakit? Kuba na ba ako?"

Nagkatawanan si Billy at Ivan.

"Hindi naman. Niloloko ka lang niyan ni Billy." si Ivan kay Angeline.

Tumingin nang masama si Angeline kay Billy. "Ikaw talaga, ang lakas mo mang-asar."

"Weh... ayaw niya ng babaing kuba." sabay tawa si Billy. Kuba ang tawag ni Billy sa mga babaing archi. Madalas ito ang pang-asar nya sa bestfriend niya.

"Hindi noh. Like kaya ni Ivan ang mga arching babae."

"Sino may sabi sayo. E di sana niligawan na ako ni Ivan." sagot agad ni Billy.

Muling natawa si Ivan sa sinabi ni Billy. Mataman lang siyang nakikinig sa dalawa. Pero sa bandang huli, siya na rin ang nag-awat sa dalawa sa pamamagitan ng pagbubukas ng panibagong topic.

"Saan pala natin gagawin ang project?"

Natigilan ang dalawa sa pagbabangayan pagkatapos ay nagkatinginan. Para bang nababasa nila ang nasa isipan nila. Halos sabay pang sumagot sina Billy at Susane.

"Sa inyo!..."
-----

"Next month birthday na ni Ivan." paalala ni Divina kay Mico habang hinahalo ang nilulutong ginatan.

Nasa kusina sila Mico at Divina nang oras na iyon. Naisipan kasi ni Divina na magluto ng ginatan. Tinulungan naman ni Mico si Divina sa paghihiwa ng mga pansahog sa ginatan.

"Talaga po?" sagot ni Mico na nakaupo habang pinipiraso ang hinog na langka.

"Oo." pagkatapos ay sinabi ni Divina ang eksatong petsa ng kaarawan ni Ivan.

"Ay, eksaktong isang buwan nga po." nangiti siya. Naisip kaagad niya kung ano ang ireregalo niya. Wala pa siyang maisip pero halatang excited na siya para sa susunod na buwan.

"Kaya naisip kong maghanda. Tutal nandito ka, matutulungan mo siguro akong maghanda?"

"Oo naman po.Siyempre para sa mahal ko."


"Matagal-tagal na rin kasi na hindi nakakapag-invite si Ivan ng mga friends niya kapag birthday niya."

"Mmm ganoon po ba?"

"Kaya kung posible, gawin natin. Baka pwedeng pa-surprise natin kay Ivan." sabay tawa. "Sandali, tignan ko nga kung araw papatak ang birthday ni Ivan." tinungo ni Divina kung saan nakasabit ang pinaka-malapit na calendar. "Mico, biyernes." sigaw ni Divina.

"Magandang araw po." sagot naman ni Mico.

"Oo nga." si Divina nang makalapit.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Ivan.

Nagulat ang dalawang nag-uusap. Halos napalundag pa si Divina sa pagkakatayo sa harapan ni Mico nang magsalita si Ivan.

"Dyan ka na pala Ivan. Kanina ka pa?"

"Kakapasok ko lang po. Bakit anong meron?"

Napa-tingin muna si Divina kay Mico. Napansin nitong bahagya pa itong nakaka-nganga tanda ng nagulat din. "W-wala naman Ivan. Nagluluto lang kami ni Mico ng miryenda." sabay nngiting pilit.

"Parang may tinatago kayo ah?" nagtatakang tanong ni Ivan. "Magpapalit lang muna ako." pero bago tumalikod ay ngumiti muna siya kay Mico.

"Sige anak." paalam ni Divina. Nang mawala na sa paningin. "Mico, nagulat talaga ako doon kanina." sabay tawa.

Natawa na rin si Mico. "Ako din naman po. Bigla-bigla po kasing sumusulpot ang anak ninyo eh."

"Oo nga eh. Ay, teka! ang niluluto ko. Baka mamuo sa ilalim." sabay patakbong tinungo ang niluluto.

Hindi na nababahiran ng pagkagulat si Mico. Nangingiti na siya simula nang nginitian siya ni Ivan ng ubod ng tamis. Nagdiriwang ang kanyang puso. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagpipiraso-piraso sa langka ng may kasamang pagmamahal.

"Tapos na ba yan Mico?" tanong ni Divina kapagdaka. Ang tinutukoy ay ang langka.

"O- opo. Okey na po."
-----

"Tingin ko may pinag-uusapan kayo ni Mama kanina eh." tanong ni Ivan kay Mico nang matapos silang mag-miryenda at kaka-alis lang ng ina.

Kunyaring nagulat si Mico sa tanong ni Ivan. Ipinakita talaga niya ang pagtataka sa mukha. "Ano naman ang pag-uusapan namin?" pagkatapos ay tumayo na si Mico sa pagkakaupo sa harapan ng lamesa. Ilalagay na niya ang pinagkainan sa lababo.

Natahimik muna si Ivan ng saglit. Nag-isip. "Sigurado ka?"

Natawa kunyari si Mico. "Akala mo siguro, pinag-uusapan ka namin?"

"Ganoon na nga."

"Hindi no."

Tumayo na rin si Ivan at dinala ang pinagkainan sa lababo. "Ako na."

"Sige." sang-ayon ni Mico na si Ivan na ang maghugas ng pinag-kainan. "Sa sala muna ako ha?" paalam niya dahil gusto niyang umiwas. Napapansin kasi niya sa mukha ni Ivan na hindi ito kumbinsido sa sagot niya. Hindi sumagot si Ivan pero nakita niyang tumaas ang kilay nito tanda ng pagsangayon.
-----

Nasa harapan sila ng t.v. pagkaraan na walang kibuan. Pareho silang tutok sa palabas. Nang mag-commercial break saka lang nagsalita si Ivan.

"Siryoso tayo ngayon ah."

Napa-tingin si Mico kay Ivan saka natawa. "Pansin ko nga."

"Kahapon lang ang ingay natin, ngayon..."

"Oo nga noh."

"Oo nga... bakit ngayon walang kang kibo?"

"Ha? Hindi naman." ngumiti ng madiin si Mico. "Wala lang siguro akong maisip pang ikwento."

"Ang sabihin mo, may tinatago ka lang."

"Grabe ka naman. Ano naman ang itatago ko?"

"May lihim kayo ni Mama." tuwiran sagot ni Ivan.

"Ikaw, hindi parin yan nawawala sa isipan mo."

"Nahahalata ko kasi."

Napa-isip si Mico. Ganoon ba kahalata ang dapat niyang itago? "Hindi naman siguro, nanghuhuli lang siya."

"Oh, bakit ka natahimik? Nahuhuli ka na no?"

"Grabe ka naman... Hindi noh." maang ni Mico.

"Magagalit ako sayo."

Napa-tingin ng diretso si Mico kay Ivan. Tinatantiya niya kung nagsasabi ito ng totoo o kung nagbibiro lang. Pero, wala siyang masigurado sa ekspresyon ng mukha ni Ivan. "Wala naman akong tinatago." pinilit niyang ngumiti. Ang totoo, nagsisimula na siyang kabahan. "Ano ba yan. Simpleng sikreto lang naman siguro iyon, pero bakit parang matataranta na ako kay Ivan?"

"Okay." sagot na lang ni Ivan at pagkatapos ay muling sumiryoso sa panonood ng palabas sa telebisyon.

Muling umere ang palabas kaya muli silang natahimik. Naisip ni Mico na makakahinga na siguro siya ng napakaluwag. Matagal-tagal rin bago muling nagpatalastas. Pero saka niya lang naisip na mas mahirap palang huminga ngayong wala na silang kibuan.

Muling umere ang palabas at muling natapos. Muling bumalik at tuluyan nang natapos pero hindi na sila nagkikibuan. Pasimple si Micong tumingin kay Ivan. Siryoso itong nakatingin sa t.v. Bumuntong hininga siya.

"Sisiryosohin ba niya na magagalit siya? Wala naman akong ginagawa ah... Malay ba niya na kung may tinatago talaga ako. Ay... naman! ayokong magkagalit kami ni Ivan. Ayoko nang mangyari uli yung napaka-haba namin walang pansinan."

Muli siyang tumingin kay Ivan. Laking gulat niyang naka-tingin na pala ito sa kanya.

"Magugulatin ka na pala ngayon?" simpleng tanong ni Ivan.

"H-ha? Hindi naman." muli siyang tumingin sa t.v. Ayaw niyang tumingin sa mga mata ni Ivan. Para siyang napapaso. Alam niyang dahil iyon sa tinatago niya. Salamat na lang at hindi na kumikibo si Ivan. "Nakakaiwas nga sa mga tanong, hindi naman kami nagkikibuan. Haysss..."


[25]
"Sandali." sigaw ni Mico. Patayo na siya sa kama ng muli nyan gmarinig ang malalakas na katok sa pinto. "Ayan na nga. Sandali naman." reklamo niya. "Kung maka-katok, akala mo, wala ng bukas..." binuksan niya ang pinto. "Ba-?"

"Good morning." pasigaw na bati ni Ivan.

Nagulat si Mico. Ang buong akala niya ay si Saneng ang kumakatok. "B-bakit napadaan ka dito?" tanong niya pagkatapos mapansin na naka-suot ito ng uniporme.

"Magpapaalam lang ako."

Napa-ngiti si Mico. "Ah ganoon ba?"

"Gusto ko lang kasing sabihin sayong, kailangan mamaya sa bahay kita maabutan. Ok ba iyon."

Natawa si Mico ng mahina. "Asus ayun lang pala eh. Oo naman noh."

"So... aalis na ako. Mmm papasok na ako."

"Aba dapat lang. Baka ma-late ka pa. Sige na." ngumit ng ubod ng tamis si Mico.

"Bye."

"Bye. Ingat ka. I love you." hindi niya maisatinig ang tatlong huling kataga.

Ngumiti ng napaka-luwang ni Ivan bago tumalikod.

Isasara na sana ni Mico ang pinto nang mapansin niyang biglang humarap muli ito. "Bakit?"

"Mmm wala bang..."

"Wala bang, ano?" takang tanong ni Mico.

Saka inginuso ni Ivan ang labi niya.

Halos tumirik naman ang mga mata ni Mico sa sobrang kilig. "Ay ano ba yan? Sandali, hindi pa ako nagtu-toothbrush eh."

"Hindi na." sabay hila kay Mico at hinalikan niya ito sa pisngi.

Hindi na nakapag-react si Mico. Napa-hinga na lang siya ng malalim. Dinama ng todo ang halik sa pisngi ni Ivan.

"Ay baho nga." sabay tawa ni Ivan.

"Ano?" nanlaki ang mga mata ni Mico. Kasunod ang pag-taas ng kilay. "Ewan."

"Biro lang. Sige alis na ako. Basta mamaya ha?" dire-diretso na itong umalis.

Nawala na ang pagsisimangot ni Mico. Muli na siyang ngumiti ng maluwang. "Umagang kay ganda naman oh. Kiss na sa pisngi, almusal, suliiiiiiiiiiiiiit na." tumitili ang kanyang utak. "Mahal nga ako ni Ivan. Gosh, pag-ibig na, pag-ibig na."

Isinara niya ang pinto at doon sumandal habang patuloy na dinadama ang halik ni Ivan. Unti-unti niyang ibinabagsak sa sahig ang kanyang katawan. Kasabay ang pagtirik ng mata. "Mamaya, gusto ko na siyang tanungin. Gusto ko ng malaman ang pag-ibig niya sa akin." sabay hagikgik. "Promise."
-----

"Kahapon ka pa ganyan Billy?" tanong ni Ivan nang maka-labas ang prof nila. Bahagya pa niyang dinungaw ito dahil napapagitnaan nila si Angeline.

Si Angeline ang sumagot. "Kanina ko pa nga yan kinakalabit kung bakit walang ka-ene-energy, ayaw naman sumagot."

"Sabihin mo lang sa amin baka maka-tulong kami." tuwirang paalala ni Ivan kahit hindi niya alam ang talagang nangyayari kay Billy.

"Oo nga Billy." sang-ayon ni Angeline.

Saka nag-salita si Billy. "Wala naman." hindi niya maiwasang malangkapan ng lungkot ang sinabi niya.

"Basta, kung ano man iyon. Sisikapin naming maka-tulong." si Ivan.

Napa-buntong hininga na lang si  Angeline. At hindi naka-takas sa kanya pati na rin kay Ivan ang may ibig sabihin na buntong-hininga na ginawa ni Billy.
-----

"Tita Divina, ask ko lang po." tanong ni Mico habang nasa bakuran sila nila Tita Divina niya.

"Sige ano yun?"

"Kasi po, kung isi-secret natin yung birthday ni Ivan, kailangan po di ba na bago pa ang birthday kailangan na nating maipaalam sa mga kaibigan niya ang party?"

"Oo naman."

"Naisip ko lang po kung magiging madali kaya yun?"

Napa-tingin si Divina kay Mico. "Parang may point ka?" mamaya ay biglang tawa. "Hala, ikaw ang taya dyan ha?"

Kunyaring nagulat si Mico pero alam na niya na ganoon nga ang mangyayari. "Ay ganoon?" sabay tawa. "Sige na nga po."

"Salamat Mico."

"Wala po iyon tita."

"Teka nga. Maitanong ko lang ha. Kamusta na pala kayo ng Papa mo? Si Mama mo, kamusta na sila?"

"Si Mama lang po ang tumawag, okey naman daw po sila. Pareho daw po silang busy, pero Ok naman daw po." ngumit si Mico.

Tumango-tango si Divina at ngumiti. "Sana maka-attend sila sa birthday party ni Ivan."

"Ta-try ko po."
-----

"Siguro dahil hindi pa napasok si Susane kaya nagkakaganyan si Billy." nasabi ni Ivan kay Angeline nang makaupo sa pinaka-taas na baitang ng hagdan. Nagyaya kasi si Angeline na mag-tambay sila roon habang naghihintay ng susunod na magtuturo sa kanila.

"Hindi ang sa tingin ko." sagot ni Angeline at tumabi sya kay Ivan.

Napa-kunot noo si Ivan. "Alam mo na ang dahilan?"

Natawa muna si Angeline. "Si Mark kaya. Hindi pa rin pumapasok yun."

Umingos si Ivan. Ayaw maniwala sa sinabi ni Angeline. "Pero, bakit kaya hindi rin pumasok yun? Pangalawang araw na nila ngayon."

"Baka nagtanan na?" mabilis na sagot ni Angeline.

Agad napatingin si Ivan.

Saka naman ang tawa ni Angeline. "Gulat na gulat ka ah? Malay mo, ganun nga. Aba, ang saya naman nila." kinilig pa siya. "Tayo kaya Ivan?" pagkatapos ay humilig sa balikat ni Ivan.

Natawa lang si Ivan.

"Ikaw lagi ka nalang nakatawa." hinampas ni Angeline ang balikat ni Ivan. "...kapag ganyan ang ssabihin ko? Hmpt!"

"Nakakatawa naman talaga eh."

"Siya nga pala kanina, bago ka dumating napag-usapan na namin ni Billy na ngayon na natin sisimulan ang project natin."

"Ok. Ano?" biglang napatayo si Ivan. "Ngayon na? Mamaya?"

"O o, bakit?"

"Gusto kong umuwi ng maaga mamaya." naisip niya si Mico. "Pwedeng bukas na lang?"

"Ano ba naman yan Ivan? Bakit, ano bang problema? May lakad ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Angeline. "Excited na nga akong makarating sa bahay niyo eh."

"Sa bahay?"

"Oo, ano ba naman yan Ivan, parang hindi mo alam?"

"Alam ko pero, tutal sa bahay naman. Ok." sumang-ayon na lang siya.

Pagkatapos ay nagdiwang na si Angeline sa katuwaan.
------

Palabas na sila Ivan, Angeline at Billy unibersidad na pinapasukan nang maya-maya ay magsalita ang huli.

"Pwede bang out muna ako?"

"Ha?" si Angeline.

Napatingin lang na nagtataka si Ivan.

"Bakit?" tanong ni Angeline.

"May kailangan lang akong puntahan." ang dahilan ni Billy.

"Ganoon ba?" si Ivan ang sumagot. "Ikaw ang bahala."

"Salamat." sagot agad ni Billy sabay ngiti ng tipid.

"Pero..." maghahabol pa sana si Angeline nang sawayin ni Ivan.

"Hayaan mo na."

"Sige mag-iiba na ako ng daan paglabas natin." maagang paalam ni Billy.

"Sige ingat na lang." si Ivan.

"Mag-ingat ka." si Angeline.
-----

"Malapit nang dumating si Ivan ko."

Excited na si Mico sa pagdating ni Ivan galing school. Kanina pa siya naghihintay mula nang makita niya sa orasan ang eksaktong labasan ni Ivan sa paaralan nito. Halos magkakalahating oras na rin siyang naghihintay at nasisigurado niyang parating na si Ivan.

Pero lumagpas ang kalahating oras ay hindi pa rin dumadating si Ivan. "Nahirapan sigurong mamili ng ipapasalubong." natawa siya sa nasabi. "Ang kapal ko na naman ha?"

"Mico." tawag ni Divina.

"Tita, bakit po?"

"Halika muna rito. Tikman mo nga muna ito kung ok na ang tamis?" Nagluto kasi si Divina ng ginatan.

Tinikman ni Mico ang sabaw. "Kaunti pa po siguro tita." asukal ang tinutukoy ni Mico.

"Sige." Muling nagbuhos si Divina ng ilang kutsarang asukal. "Ok na siguro yan?"

"Titikman ko po uli." tinikman nga ni Mico. "Ok na po tita."

"Ayan. Sige, isang kulo pa at sakto sa pagdating ni Ivan." masayang si Divina.

Napa-ngiti rin siya.

Muling nagtungo si Mico sa sala para doon niya sasalubungin ang pagdating ni Ivan. Muli siyang napatingin sa orasan. Malapit na mag-quarter to 5. "Ay wala pa rin. Baka na-traffic." napa-ngiti siya.

Maya-maya pa hindi na siya naka-tiis at tinungo na niya ang pintuan para silipin kung naroon na si Ivan. Sa pagsilip niya, laking tuwa niya ng makitang naroon na si Ivan. Pero agad din siyang nagbawi ng makitang may kasama itong babae. At hindi lang iyon, magkahawak pa sila ng kamay. "Ouch." Biglang napatalikod si Mico at naglakad para iwanan ang pintuan.
-----

"Ano ka ba Ivan? Ano naman ang masama kung magkahawak tayo ng kamay?"

"Nandito na tayo sa bahay Angeline."

"Alam ko."

"Kanina pa kasi ang higpit ng kapit mo. Pati paghawak mo sa kamay ko parang balak mong durugin eh." natatawang pahayag ni Ivan.

"Sus, gusto mo rin naman."

Natawa lang si Ivan. "Pasok na tayo." saka binuksan ni Ivana ang pinto. Sa pagbukas niya nakita niyang nagmamadali si Mico papalayo sa kanila.

"Sino siya?" tanong ni Angeline.


[26]
"Mico." tawag ni Divina.

Napatigil si Mico sa paglalakad. Gusto pa naman niyang umiwas sa mga bagong dating pero hindi na makakapagtago dahil tinawag siya ni Divina. "P-po?"

"Hindi pa ba dumadating si Ivan?"

Hindi pa kasi napapansin ni Divina si Ivan na nasa pintuan.

Hindi naman alam ni Mico kung sasagot ng oo o hindi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa kanyang dibdib.

"Ma." tawag ni Ivan.

Napayuko si Mico. Hindi niya magawang humarap kay Ivan.

"Nandiyaan ka na pala... at may kasama ka?" napangiti si Divina.

"Ah opo. Classmate ko si Angeline, Ma." magiliw na pakilala ni Ivan sa ina.

Lumapit si Angeline kay Divina. "Nice to meet you po." nakipagbeso siya sa ina ni Ivan.

Gumanti naman si Divina. "Nakakatauwa naman. Hindi ko inaasahan na magdadala ang anak ko ng babae dito sa bahay."

"Ma?" saway ni Ivan.

"Bakit?" tanong ng ina. "Ah iha, angeline right? Huwag mong mapagkamali ha? Natutuwa lang akong may isinamang babae si Ivan dito. For the first time." sabay tawa ng mahinhin. "Tamang-tama may niluto kami ni Mico na miryenda. Mapapagsaluhan natin."

"Walang ano po, mmm" hindi alam ni Angeline paano tatawagin si Divina.

"Tita na lang." naintindihan ni Divina ang ibig sabihin ni Angeline. "Sana sa susunod mommy na." muling tumawa ng mahinhin si Divina.

Natawa rin si Angeline. "Walang ano po iyon tita. Maraming salamat po sa pagtanggap."

"Mico." tawag ni Ivan. Napansin kasi ni Ivan na walang kibong nakayukong patagilid na nakatayo si Mico sa harapan nila.

Ayaw nga sanang tumingin ni Mico sa mga bagong dating. Ewan ba niya  kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng hindi pagkapalagay. Parang gusto niyang wala muna sa eksena. Ngumiti siya nang tumingin kay Ivan.

"Dito na ako." nakangiting paalala ni Ivan.

Tumango lang si Mico. Napipi kasi siya.

Bahagyang napakunot ang noo ni Ivan. Hindi siya kumbinsido sa ganoong sagot lang ni Mico.

"Halika na kayo sa hapag-kainan. Doon na tayo magkwentuhan." yaya ni Divina sa lahat.

Kahit kaunti naka-hinga ng maluwag si Mico. May naisip siya bigla. "Tita, wait lang po. May kukunin lang ako sa bahay. Babalik po ako kaagad." Hindi na hinintay ni Mico ang pagsangayon ni Tita Divina. Pagkatapos ay pilit siyang ngumiti sa babae at kay Ivan. Nilagpasan niya ang tatlo.
-----

"Bakit naman bigla akong hindi mapalagay kanina? Bigla akong nakaramdam ng hiya. Nakakainis." reklamo ni Mico sa sarili habang pasalampak na umupo sa sofa sa loob ng sarili niyang bahay. "Angeline ang pangalan niya ha?" bigla siyang napakamot sa ulo.

"Bakit nagdala si Ivan ng classmate niya? At bakit babae? Hindi ko gusto ang sinabi kanina ni Tita Divina. Sana daw sa susunod mommy na? Hala, paano na kami ni Ivan ko? Waaaaaaaa..."
-----

"Parang ang tagal naman ni Mico?" tanong ni Divina kay Ivan habang naglalapag ng malalaking mangkok sa lamesa.

"Pupuntahan ko po." pagkatapos ay tumingin si Ivan kay Angeline na nakatalikod at tinitignan ang mga naka-display sa divider. Natutuwa ito sa mga collections ng mommy niya.

Hindi na nagpaalam pa si Ivan kay Angeline. Wala naman sigurong problema. Naisip niya.
-----

"Mico?" tawag ni Ivan.
Napatayo si Mico sa sofa ng marinig niya ang boses ni Ivan.

 Agad niyang inayos ang sarili at ngumiti. "Mmm bakit?"

"Anong bakit?" balik na tanong ni Ivan. "Ang tagal mo naman?"

"Ha? May ginawa lang kasi ako." alibi ni Mico.

"Halika na." hinawakan na ni Ivan ang kamay ni Mico.

"Teka, sandali sandali. May gagawin lang ako saglit na lang, tapos susunod na ako."

Napa-tingin nang diretso si Ivan. Nagtataka siya sa inaasal ni Mico. "may problema?"

"W-wala." maagap na sagot ni Mico.

"Wala naman pala eh. Halika na mamaya na yun." muling hinila ni Ivan si Mico.

"Saglit saglit saglit.... lang talaga. Promise. Susunod ako."

Napasinghap si Ivan ng malalim. "Bahala ka." siryoso itong tumalikod at iniwan si Mico. Pero bago siya tuluyang makalagpas sa pintuan ay nagpahabol pa ito ng paalala. "Bilisan mo."

Nakahinga ng malwang si Mico. Akala niya nagalit niya si Ivan. Ayaw na niyang mag-away pa sila uli ni Ivan. Pinilit na lang niya ang sariling sumunod kapag-daka.
------
"Oh nasaan si Mico?" nakaupo na si Divina sa harapan ng lamesa. "Naghihintay kami ni Angeline dito." tumingin si divina kay Angeline ng may pag-aalala dahil baka mabagot ang bisita na kasalukuyan gnakaupo na rin.

"Ok lang po ako tita." si Angeline.

"Pasunod na yun. Halika na simulan natin." yaya ni Ivan.

Isa-isa na silang nagsandukan ng ginatan sa isang malaking bowl sa gitna ng lamesa.

"Sana magustuhan mo Angeline. Luto namin yan ni Mico." masayang pahayag ni Divina kay angeline.

"Oo naman po sigurado akong magugustuhan ko ito. Pero sa totoo lang po..." sinigurado muna ni Angeline kung itutuloy niya ang gustong sabihin.

"Sige ano yun?" si Divina.

"Akala ko kasi kanina babae si Mico." sabay ngiti. "Sorry po. Kasi, una ko siyang makita, nakatalikod siya. Napagkamalan ko tuloy. Ang ganda ng kutis, talaga namang mas makinis pa sa akin. Naisip ko nga, talagang short-haired lang talaga kanina pero nang tawaging Mico nagulat ako. At... nung, magsalita-"

Natawa si Divina ng malakas. Pinipigil ni Ivan ang tawa pero naibulalas din niya.
-----

Papasok na sana si Mico sa dining area nang marinig niya ang bisitang nagsasalita. Napatigil siya ng malamang siya ang tinutukoy nito. Bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na tumuloy ng marinig ang tawanan. Muli niyang tinungo ang pinto papalabas.
-----
"Pero mabait na bata yung si Mico. Wala akong masabi. Kahit ganoon yun, humahanga ako doon." pakilala ni Divina kay Mico.

"Tama." sagot ni Ivan.

"Tama ka diyan?" bara ni Divina kay Ivan na natatawa. "Dati kung mag-away kayo para kayong aso't pusa."

"Dati na yun Ma."

"Teka si Mico? Akala ko ba susunod."

Biglang napatigil sa pagsubo si Ivan. "Sabi niya susunod na siya." Bigla siyang napa-tayo "Saglit lang Ma, Angeline."

Tama nga ang hinala ni Ivan, naroon si Mico at papalabas na ito ng pinto. "Mico." tawag niya. "Malamang narinig niya ang usapan kanina kaya... Mico" muli niyang tawag.
-----
Parang naninigas si Mico sa pagkakatayo habang papalapit si Ivan. Nilingon niya ito at napansin niyang salubong ang kilay nito.

"Halika ka na." hinila ni Ivan si Mico.

"Sandali."

"Sandali na naman. Gaano ba katagal ang sandali mo?" mahinahong tanong ni Ivan.

Hindi makapagsalita si Mico.

"Halika ka na. Alam ko na siguro ang dahilan." muling hinila ni Ivan si Mico. Sinigurado na niya ang pagsunod ni Mico.

"H-ha? Paanong alam mo na ang dahilan?"

Pero hindi na siya pinansin ni Ivan at hindi na niya napigilan ito.
-----

"Pasensiya na tita." humingi ng paumanhin si Mico nang makaupo sa tabi ni Divina.

"Wala iyon. Sige na kain na."

Nagsandok na si Mico ng para sa kanya.

Muling nagsalita si Divina. "Alam mo ba Mico ikaw ang ibinibida ko dito kay Angeline."

"Kaya pala po narinig ko kanina." pagtatampo ng isipan niya. Pero hindi niya iyon kayang isatinig sa halip, "ganoon po ba? Salamat po." pagkatapos ay ngumiti kay Angeline.

"Oo. Hindi mo kasi narinig kung paanong botong-boto sayo si Mama." pangalawa ni Ivan. Sinadya iyon ni Ivan dahil sigurado niyang naabutan sila ni Mico kaninang nagtatawanan.

"Oo nga Mico. Nice to meet you." si Angeline.

Muling ngumiti si Mico kay Angeline. "Same to you." pagkatapos ay tumingin kay Ivan ng saglit at iniwas din ang tingin. "Botong-boto, kaya pala kung makatawa ka kanina parang wala ng bukas Hmpt. Nagustuhan mo ba, Angeline, tama ba?" pinilit ni Mico maging kaswal sa bisita ni Ivan.

"Sobra, nag-eenjoy pa nga ako. Salamat pala."

"Wala yun. Si tita naman ang talagang nagluto niyan."

Hindi alam ni Mico na kanina pa pala siya lihim na pinagmamasdan ni Ivan. Pinakikiramdaman kung ano ang ginagawang reaksyon ni Mico.

"Tignan mo 'tong taong 'to. Marunong naman palang humarap sa ibang tao, may paalis-alis pang nalalaman kanina." si Ivan. Nangiti na lang siya.


[27]
"Kamusta kayo kahapon?" tanong ni Billy kay Ivan at Angeline nang makaharap niya ang dalawa sa loob ng room kinabukasan.

Napatingin pa ng may kaunting pagkagulat si Ivan kay Billy dahil nababakas sa nagtanong ang kasiyahan nito. "M-mukhang maganda ang araw mo ngayon?" kapagdaka'y tanong ni Ivan.

"Pansin ko nga rin." sangayon ni Angeline.

"Wala naman." sabay tawa. "Tama, masaya talaga ako ngayon kasi-" hindi naituloy ni Billy ang sasabihin ng mapansing pumasok rin sa kwartong ring iyon si Mark. "Si Markky ko, pumasok na."

"Ah kaya pala." si Angeline. "Masaya ka kasi pumasok na si Mark."

Napa-tingin si Billy ng diretso kay Angeline. "Ganoon na nga siguro..." nasabi na lang niya.

Natawa naman si Ivan. Binati na lang niya si Mark nang maka-tabi. "Kamusta pare? Dalawang araw ka ring nawala ah?"

Ngumiti ng maluwang si Mark.

Si Angeline ang sumunod na nagsalita kay Mark. "Alam mo ba Mark, ang iniisip namin ay magkasama kayo ni Susane."

"Hindi noh." mabilis na sagot ni Billy.

Napatingin si ang tatlo. Si Mark ang unang nagsalita. "Bakit? Hindi rin ba pumasok si Susane?Oo nga nasaan, bakit wala pa siya?" sunod-sunod na tanong ni Mark.

"So ibig sabihin ba noon na hindi kayo nag-usap ha?" tanong ni Angeline kay Mark. Nang tumango si Mark kay Billy naman siya tumuon ng pansin. "Ano nangyari sa bestfriend mo Billy?"

"H-ha?" bahagyang nagulat si Billy. Kahit hindi siya tumitingin sa tatlo alam niyang hinihintay ng mga ito ang sagot niya. "W-wala gusto lang niyang umabsent."

"Imposible." matigas na di pagsangayon ni Mark. "Hindi naabsent si Susane ng walang dahilan."

Lihim na napasinghap ng malalim si Billy. "Aba, malay ko kung ano ang dahilan niya. Teka, Ivan mamaya pala sasama ako sa inyo sa paggawa ng project natin." pag-iiba niya ng usapan.
-----

"Ibig sabihin, mamaya nandito nanaman ang babaeng yon." biglang pumasok sa isipan ni Mico si angeline. "Kaya pala kahapon kasama ni Ivan ang babaeng iyon kasi gagawa sila ng project. Buti nalang at hindi naituloy dahil napasarap sa kwentuhan sina tita Divina at Angeline. Hmpt, kainis naman." inihagis niya ang throw pillow sa kabilang sofa. "Ilang araw kaya sila gagawa ng project? Ayokong isang linggo. Hindi na nga kami nakakapagusap ni Ivan tapos, pati hapon, kukunin pa rin sa akin." ibinagsak niya ang katawan sa kahabaan ng sofa. "Si tita Divina... tuwang-tuwa na kausap si Angeline kahapon. E di, maiitsapwera ang ako nyan." napahawak siya sa ulo niya. "Ayok mangyari iyon." Gusto niyang sumigaw sa naisip.

Tumahimik siya saglit. Binalikan ang iba pang nangyari kahapon. "Pero atlist, hinila ako ni Ivan kahapon sa isang sulok." kinilig si Mico habang nakatitig sa kisame. Naghanap ang mga kamay niya ng pillow nang walang  makapam, ginamit niya ang mga paa niya nang magakalang nasa bandang paanan niya ang mga iyon. Pero wala siyang nakuha. "Ay, buwisit! Pinagtatapon ko pala sa kabila. Badtrip naman oh. Kinikilig na ako eh, naunsyame pa. Hmpt." Tumayo siya at kinuha ang isang throw pillow at bumalik sa pagkakahiga sa mahabang sofa.

"Kinikilig ako." nasabi niya nang muling makahiga. "Wala naman kiss pero, nag-sorry siya sa akin. Kasi nga..." para siyang may kinakausap. "...isinama niya si Angeline. Hindi rin naman dw niya ineexpect na kahapon na pala ang start ng pagawa ng project nila. So," natawa siya. "Si Ivan humihingi ng dispensa. Wow naman Mico, mahal ka na nga ni Ivan my love. Weeee." pumikit siya at dinama ng sobra ang kilig na nararamdaman. "Mas maganda na siguro iyong sa bahay nila Ivan na lang sila gumawa ng project, para mabantayan ko. Kesa naman sa bahay pa ng babaeng iyon noh." at malakas niyang binigkas ang mga katagang, "Huwag na uy! Hmpt."
-----

"Tita anong niluluto mo?" tanong ni Mico nang matagpuan niya si Divina sa kusina.

"Mico." natutuwang lumingon si Divina. "Miryenda uli para sa dalawang bisita ni Ivan. Alam mo na..."

"Yes tita. Pero, hindi ko po alam na magiging dalawa sila." takang tanong ni Mico. Hindi talaga niya alam na may isasama pa si Ivan.

"Ganoon ba? Kasi, paalala sa akin ni Ivan tatlo daw sila sa grupo nila. Malamang daw na kasam na niya yung isa pa ngayon, mamaya."

"Ah ganoon po ba? Mada-dagdagan pa pala ng isang babae. Hmpt."


"Oh tikman mo uli ito kung ok na?"

"Ano po ba yan tita?"

"Biko." sagot agad ni Divina.

"Kaya pala po, napansin kong madiin ang paghahalo ninyo." napangiti siya sa huli. "Sige po titikman ko." tnungo niya ang nakasalang na kawali kung saan doon niluluto ang "biko" ni tita Divina. "Amoy palang po mukhang masarap na."

|"Talaga? Sige na tikman mo na. Gusto ko nang matikman mo. Pag nasarapan ka e di pasado."

Natawa si Mico. "Tita naman, para namang ang galing kong magluto." pagkatapos ay tumikim ng kaunti gamit ang kutara.

Natawa rin si Divina. "May tiwala kasi ako sa panlasa mo. Totoo."

"Mmm masarap nga po. Parang..." mabilis din natumbok ni Mico ang gustong sabihin. "May halong gatas?"

Nangiti si Divina. "Imbes na gata kasi, condesnced milk kasi ang ginamit ko." sabay tawa. "Wala kasi akong time pumuntang market para bumili ng gata."

"Mas malinamnam nga po eh."

"O siya sige, hahanguin ko na."

Ngumiti si Mico saka muling nagsalita. "Tita, sa living room na po ako. Doon ko po sila hihintayin."

"Sige na. Salamat nga pala."

Pagkatapos noon ay umalis na siya para tunguhin ang living room. Nang makarating, ini-on agad niya ang t.v. para manuod. Sa oras na iyon isang panghapong teleserye ang naabutan niya.

"P-panong nangyaring... ako ang mahal mo di ba?" niyugyog ng babae ang balikat ng kaharap na lalaki. "Sabihin mo, ako ang mahal mo di ba?" napahagulgol ang babae.

"Siya ang mahal ko." tuwirang sagot ng lalaki.

Nanlalambot at parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ng babae ng marinig mula sa nobyo ang pahayag nito.  Bumitiw siya sa pagkakahawak sa braso ng kaharap na nobyo at wala sa sariling napa talikod. "H-hindi ko maintindihan... Para akong tanga. Naniwala ako sa mga nakikita ko." Muli siyang humarap sa nobyo. "Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko?"


Napabuntong hininga ang lalaki. "Last month. Im sorry."Sumunod ang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalaki.

Nanlalaki ang mata ni Mico sa napanuod. Nagpatalastas kaya pansamantalang nawala sa ere ang palabas. "Kawawa naman ang babae." naibulalas niya. "Hindi niya alam, niloloko na pala siya ng kanyang bf. Mmm mukhan gmahal na mahal pa naman niya yung lalaki. Haysss." Biglang pumasok sa isipan niya si Ivan. "Ako kaya mahal din ba ako ni Ivan?"


"Mico."

Narinig ni Mico ang tawag mula sa likod. Nabosesan niya kung sino ang nagmamayari noon. Si Ivan. Agad niyang nilingon si Ivan ng may ngiti. Ngunit napawi ang kaagad ang kanyang ngiti ng makitang naka-angkla ang  braso ni Angeline sa braso ni Ivan.

"Hi Mico." bati ni Angeline sa kanya.

Pinilit niyang ngumiti kahit naninibugho ang puso niya sa nakikita. "Musta?" Agad niyang tinignan ang kasunod ng dalawa masino kung sino ang bagong kasama ni Ivan. Saka lang niya napansin ang isang lalaking may dala-dalang materials na nasigurado niyang mga gagamitin para sa project ng mga dumating.

"Mico, si Mama?" tanong ni Ivan.

Dahil doon ibinalik ni Mico ang atensyon kay Ivan. "Nasa kusina, nagpeprepare."

"Siya nga pala..." nilingon ni Ivan ang kasama na nasa likuran nila ni Angeline. "Si Billy, classmate ko rin. Kasama ko sa grupo." pakilala niya kay Billy.

"Hi." bati ni Billy.

"Ang akala ko babae. Yun pala lalaki din na..." napangiti siya sa naisip. "Musta."

"Sandali." agaw atensyon ni Ivan sa lahat. "Angeline, Billy upo muna kayo. Pupuntahan ko lang si Mama."

"Sige." si Angeline.

"Mico, ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?"

Ngumit si Mico kay Ivan tanda ng pagsangayon.

"Ate ang ganda mo naman. Tama nga ang sinabi nitong si Angeline." maarteng pahayag ni Billy kay Mico nang makaupo.

Natawa si Mico.

"Pasensiya na Mico ha?" Si Angeline. "Naikwento kasi kita kay Billy habang nasa daan kasi kami eh."

"Ok lang." sagot ni Mico.

"Mabait ako." biglang singit ni Billy. "Ewan ko lang sa katabi ko."

Natawa si Mico sa sinabi ni Billy.

"Ano ka ba Billy." saway ni Angeline sa katabi.

"Biro lang." natatawang si Billy. "Mico, pwedeng magtanong?"

"Sige. Kung kaya ko bang sagutin." muli siyang natawa. Na-feel niyang ok sa kanya si Billy.

"May kasama ba kayong babae dito? I mean, dalaga, kaibigan na babae maliban sa mama ni Ivan."

Nagtaka si Mico. Nakita rin niyang nagtaka rin si Angeline sa tanong ni Billy. "Bakit kaya naghahanap ito ng babae dito? E ang naiisip ko lalaki rin ang hinahanap nito. Bakit mo natanong?"

"Mmm kasi-"

"Mico, Angeline at Billy, doon tayo." niyaya ni Ivan ang tatlo sa dining area.

Nabitin naman si Mico sa sasabihin ni Billy. Ewan ba niya kung bakit na-curious siya sa gustong sabihin nito. Nakakapagtaka para sa kanya ang katanungan nito. "Bakit naman kasi bigla na lang sumulpot itong si Ivan." Pero natitiyak niyang magiging Ok sa kanya ang mga sandaling iyon.


[28]
Nasa harapan ng bakuran ng bahay si Mico habang nakikipaglaro kay Vani nang maalala ang sinabi sa kanya ni Billy.

"Sabi sa akin ni Billy kahapon..." Biglang kinilig si Mico sa naalala.

Kahapon, curious na curious si Mico sa tanong ni Billy. Na kung bakit ito nagtatanong kung may iba pang babae sa loob ng bahay ni Ivan. Kahit masayang pinagsasaluhan ang inihanda ni Tita Divina na miryenda, siyempre bida na naman siya sa bibig ni tita Divina, patuloy pa rin ang pag-ikot ng katanungan iyon sa kanyang isip. Kaya naman nang pagkatayong-pagkatayo ng lahat sa harapan ng hapag-kainan ay pasimple at pabiro uli niyang inusisa si Billy sa tanong nito.

Nagbalik siya sa kasalukuyan ng maramdamang may banayad na kinagat ni Vani ang daliri niya sa paa. "Vani." pasigaw niyang tawag kay Vani. Sinasaway niya ang alaga dahil nawala siya sa inisip.

Sabay ngiti.

Sabay tawa.

Napa-tigil sa pagtakbo-takbo ang si Vani at pahilig ang ulong tumingin kay Mico. Para bang nagtatanong ang alaga ni Mico kung bakit bigla-bigla ay tumawa na lang ito.

Nadugtungan pa ang tawa ni Mico nang makita niya ang reaksyon sa kanya ng kanyang alaga. "Vani, my dear..." paglalambing niya. Nilapitan niya ang alaga. "Nagtataka ka siguro kung bakit bigla na lang akong tumawa noh."

Tumahol ang aso tila sagot sa tanong Mico.

"Kasi naalala ko ang sinabi sa akin ni Billy kahapon. Gusto mo ikwento ko sayo, ha?"

Muling tumahol ang aso.

"Sige, iku- kwento ko sayo." huminga muna ng malalim si Mico na para bang napaka-esklusibong eksplosibo ang kanyang ilalahad sa alaga. "Kasi kahapon, nagtanong ba naman si Billy na, ay hindi mo nga pala kilala si Billy. Si Billy 'yung classmate ni Ivan. Hindi si Angeline ah. Kilala mo na yun. Ok, sabi kasi niya sa akin na, ay, nagtanong pala hehe kung meron ba daw na ibang babae sa bahay ni Ivan." Sinabi niya ito sa alaga habang nakatingin sa gate nila Ivan.

"Hindi na ako nakasagot kasi wrong timing si Ivan my love eh. Bigla ba namang pumapasok sa eksena." sabay tawa.

Muling tumahol ang aso ng ilang beses.

Napa-tigil si Mico sa pagtawa. "Sandali naman Vani, atat ka naman sa buong istorya eh." hinimas niya ang alaga. "Ok ito na. Pero naka-usap ko uli. Ako na ang nagtanong kung bakit ba siya nagtatanong kung bakit siya naghahanap ng ibang babae? Alam mo ba ang sagot niya? Hindi siyempre. Sabi niya, simula daw nang magpasukan uli, nag-iba na daw si Ivan. Siyempre na-curious ako kung ano ang sinasabing pag-iiba ni papa IVan my love ko noh. Kasi daw, dati, laging serious mode daw si Ivan pero bigla na lang naging masayahin. At alam mo ba ang iniisip ni Billy kung bakit naging ganoon si Ivan? Tingin daw kasi ni Billy, inlove daw si Papa Ivan. Babae ang nagpa-iba ng takbo ng mundo ni Ivan." sabay tawa.

Nagpatuloy si Mico sa ikinu-kwento. "Siyempre, ang maganda dun Vani, ang babaeng pinaghihinalaan ni Billy ay ako. Oh di ba? Talaga namang nakakatuwang malaman ang ganun? Ibig sabihin hindi lang kami ni tita Divina ang nakakita sa pag-iiba ni Ivan, pati sa classmate niya."

Hindi masukat ni Mico ang nararamdamang katuwaan ng kanyang damdamin. Ang alam kasi ni Mico ang ipinapakitang pagbabago ni Ivan ay nang dahil sa kanya.

"Alam ko mahal na rin ako ni Ivan. Ayaw niya lang sabihin. Malamang, natatakot lang siya."

Pinipilit ni Mico na ganun nga si Ivan sa kanya tulad ng nararamdaman niya para sa kaibigan. Umaasa siyang magagawa niyang siya na mismo ang magtanong kay Ivan ng sa kung ano ang nararamdaman nila para sa isa't isa.

"Tama naman siguro ako sa mga ipinapakita sa akin ni Ivan?" sa pagkakataong ito ay naging siryoso siya. Kinapa niya ang kanyang puso sa mabilis nitong pagtibok. Muli niyang inalala ang sandalng nagsama sila sa isang higaan at sa puntong hinahalikan siya si Ivan. Kasunod ang mga sandaling naging caring si Ivan sa kanya. Ang mga tampuhan nila at kung paanong ilang beses na humingi ng tawad sa kanya si Ivan.

 "Mahal ako ni Ivan." naisatinig niya.

Biglang nagtatahol si Vani. Nakuha nito ang atensyon niya at tumingin sa kung ano ang kinakahulan nito. Sa di kalayuan ay napansin niyang naglalakad papalapit sina Ivan, Angeline at Billy. Parating na ang mga ito.

"As usual, project na naman." sa isip ni Mico. "Pero ok lang, tatlo naman sila." sabay ngiti.
-----

"Alam mo Ivan, gusto ko si angeline." sabay bungisngis si Divina sa anak nang magkita ang dalawa sa kusina. Kasalukuyang naglilinis ng kalat sa lamesa.

Bumaba si Ivan sa kusina para kumuha ng snacks para sa mga gumagawa ng project sa kwarto niya. Halos mag-aalas- siyete na ng gabi kaya minabuti niyang bumaba at kumuha ng makakain. At naabutan nga niya ang ina at ang saloobin nito para kay angeline. Pero hindi siya sumagot sa sinabi nito.

"ano Ivan? Ok ba sa iyo si Angeline ha? Alam mo eh sa akin kung siya ang ipapakilala mo sa aking babae eh ok talaga sa akin. Mabait namang bata si angeline. Ano?"

Dahil sa sunod-sunod na sinabi ng ina ay napilitan siyang sumagot. Pero hindi naman siya galit. "Ang bilis mo naman ma?" awat niya sa ina.

"Anong mabilis?" mahinahong tanong ni Divina sa anak. "Ga-graduate ka na 'nak, wala ka pa ring pinapakilalang girl. Aba, matanda na ako." sabay tawa.

"Ma?" napakunot ng noo si Ivan. "Biro? O, tinutulak niyo na ako."

"Ito naman, nasabi ko lang. Sige, iakyat mo na yan sa kanila."

"Sige po." pero sa loob-loob ni Ivan na tama nga ang ina. Ga-graduate na siya pero wala pa rin siyang naipapakilalang babae na girlfreind niya. "Grabe naman si Mama para namang mamatay na." napa-iling na lang siya habang binabagtas ang patungo sa kwarto niya.
-----

"Wala naman siguro silang gagawing kakaiba dun." ang tinutukoy ni Mico ay sina Ivan sa kwarto nito kasama ang mga kaklase. Padapang nakaharap si Mico sa laptop niya sa kanyang kama habang muling sinusuri ang mga imahe ni Ivan. "Ang tagal na sa akin ito pero hindi ko pa rin matapos tapos."

Biglang pumasok sa kanyang isipan si Angeline. "Ay teka nga." muli niyang sinuri ang mga kuha ni Ivan na may kasama. "Tama nga ako. Si Angeline nga ito." Nakita niya ang isang kuha na nakapulupot ang babae sa katawa ng kanyang Ivan. "Ang pangit ng kuha, ano ba yan. Nakaka wlang gana."

Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagsuri sa mga imahe. "Matutulog na lang ako ng maaga."
-----

"Bakit wala si Mico kanina?" tanong ni Angeline nang makalabas sila ng gate ng bahay ni Ivan.

"Ang gandang bahay ni Mico noh?" si Billy. "Ang swerte naman ni Mico ang yaman niya."

Natatawang nilingon ni Ivan si Billy nang matapos maisara ang gate. "Magkakaroon ka rin niyan balang araw."

Inalis ni Billy ang tingin sa bahay ni Mico at kay Ivan humarap. "Hindi yan ang pinapangarap ko." mataray niyang sagot kay Ivan.

"Lalaki ang pinapangarap niyan." si Angeline.

"Manahimik ka nga bruha ka." mataray na saway ni Billy.

"Sige, pero isa na lang..." sabay tawa. "si mark ang pinapangarap niyan."

"Aba naman talaga."

Natawa na lang si Ivan. "Halika na kayo. Ihahatid ko na kayo sa kanto para makasakay ng tricycle palabas."

"Tama papa Ivan. Halika ka na. Mauna na tayo at iwan natin ang bruha sa kadiliman." hinila ni Billy si Ivan palayo kay Angeline.

"Hoy!" sigaw ni angeline sabay habol. "Bitawan mo nga si Ivan." inalis niya ang pagkakahawak ni Billy sa kamay ni Ivan. "Ako dapat ang ka-holding hands niya."

Nagtatawa lang si Billy habang naglalakad papalayo.
-----

"Parang may tao sa labas?" naulinigan ni Mico ang mga boses na nagmumula sa labas. Kaya tumayo siya para alamin kung kanino galing iyon. Nang dumungaw sa bintana nakita niyang papalayo sina Ivan at mga kaklase nito. "Pauwi na ang dalawa." Naisip niyang hintayin si Ivan sa pagbalik nito. Pero hindi niya ipapahalatang inaabangan niya ito. Lihim siyang nakasilip, nakaabang sa kanyang bintana matanaw lang si Ivan sa pagbabalik nito.

Hindi naman nagtagal ay natanaw na niya si Ivan na pabalik na ito. Ilang saglit pa ay biglang kumabog ang kanyang dibdib ng makitang sa gate nila patungo si Ivan.


[29]
"Si Ivan nasa gate!" kasabay nito ang biglaang paglikod niya sa bintana. Bigla-bigla na lang bumilis ang kbog ng kanyang dibdib. "Ano naman kung naroon siya?" Muli siyang sumilip sa bintana. Sa pagkakataong iyon, wala ng Ivan sa harap ng gate nila pero napansin niyang nakabukas ng bahagya iyon.


Kung gaano kabilis at kalakas ang kabog ng dibdib ni Mico noong una halos dumoble iyon nang maisip na maaring pumasok nasa kanila si Ivan. "Sabi ko, ano naman?" Para siyang tangang pinaaalahanan ang sarili.

Dali-dali siyang umalis sa bintana at maingat na tinungo ang pinto ng kanyang kwarto. Doon ay pinakiramdaman niya kung may yabag ng mga paa papalapit sa kanyang kwarto. Pero wala siyang marinig.

"Bakit ba ako biglang kinakabahan? Eh, ano nga naman kung pumunta siya rito? Ginagawa naman niya iyon na dati pa ah?" huminga siya ng malalim bago muling idinikit ang tenga sa pintuan. "Bakit naman siya pupunta rito? Wala naman akong ginagawa. Wala naman kaming tampuhan. Katulad kanina, maayos naman akong nagpaalam na hindi muna sasabay sa kanila. Ok naman."

Ilang sanglit pa pero wala siyang maulinigan sa likod ng kanyang pinto. Wala rin namang tumatawag sa kanya para labasin si Ivan kung naroon nga ito. "Baka hindi naman tumuloy." Ewan ba niya ng biglang mapalitan ng lungkot ang kaninang matiding kaba na naramdaman niya.

Wala sa loob niya ng buksan niya ang pinto.

"Sakto." sinundan ng tawa. "Gising ka pa pala. Buti naman."

Gulat si Mico nang mabuksan niya si Ivan sa pinto. "Nandito ka nga." Muling nabuhay ang mabilis na kabog sa kanyang dibdib.

Napa-kunot noo si Ivan. "Parang inaasahan mo ako ha? Oo narito nga ako."

"Ha? Ano, wala nasabi ko lang iyon sa gulat."

"Ok ka lang?"

"Bakit ka pala napadaan?" sa halip ay nagtanong si Mico.

"Gusto ko lang malaman kung natutulog ka na. Yun lang."

"Ah, oo matutulog na ako. Tumayo lang ako para-" bigla siyang nawalan ng sasabihin. Saka lang niya napagtanto na nagsisinungaling na pala siya. "Ano, titignan ko lang si Vani sa baba. Tapos tutulog na ako."

"Ok ka lang ba talaga?" muling tanong ni Ivan.

"O-oo naman." muntikan ng pumiyok si Mico. "Bababa na ako." Binaba niya ang tingin.

Ihahakbang na sana niya ang kanyang paa pero hindi pa rin umaalis si Ivan sa harapan niya. Muli siyang tumingin kay Ivan. Napansin niyang nakakunot lang ang noo nito. "Mmm, bakit?"

Umiling lang si Ivan at nagbigay ito ng espasyo para makadaan si Mico.

Pero para kay Mico hindi sapat ang luwag na iyon. Makakalabas siya pero siguradong tatama ang buong tagiliran niya sa katawan ni Ivan. Nag-alangan siyang lumabas dahil alam niyang sa oras na mangyari iyon baka hindi lang matinding kabog ng dibdib ang kanyang maramdaman baka pati tuhod niya at lubusang manghina at bumagsak. "Ano ba kasi ang problema? Bakit kailangan kong makaramdam ng ganito?"


Pinilit ni Mico na ihakbang ang kanyang paa. Pero natigilan siya ng magsalita si Ivan.

"Huwag ka na siguro bumama."

"H-ha?"

"Huwag ka na siguro bumaba kasi napansin ko na si Vani na maayos namang natutulog sa baba."

"H-ha? Ah, eh ganoon ba? O.. ano sige, matutulog na lang ako."

"Siguro nga."

"S-siguro nga" paguulit niya. "Tama. Ano? May sasabihin ka pa ba?"

"Wala na siguro. Ikaw may sasabihin pa ba?"

"H-ha?" biglang binuhusan ng malamig na tubig si Mico. "Di ba may sasabihin ka kay Ivan. Gusto mo na niyang tanungin ang feelings niya para sayo. Di ba gusto mong marinig na may nararamdaman din siyang pag-ibig para sayo? Paano mo naman nalaman na may sasabihin ako sayo? Este, p-paano mo naman nasabi na... may gusto akong sabihin sayo?" napakagat labi siya sa mga nailitanya. "Patay. ano ba ang mga pinagsasabi ko?"


"Wala ba? Mmm o sige babalik na ak sa bahay. May pasok pa ako bukas eh."

"Dapat nga na matulog ka na. Sigurado pagod ka na." pinilit ngumiti ni Mico ng matamis.

Itinaas lang ni Ivan ang kanyang dalawang kilay tanda ng pagsangayon.

"Hahatid pa kita sa labas?" tanong ni Mico.

"Hindi na."

"Ok."

"Sara mo na."

"Ang?"

"Pinto."

"Ah." sabay tawa ng malumanay. "Sige. Ok ka na diyan ah?"

"Oo."

"Sarado ko na."

"Sige."

"Goodnight. Sabihin mo goodbye kiss." umaasa si Mico na magsasabi si Ivan ng ganoong kataga.

"Sige."

"Wala. Sayang." isinara niya ang pinto.
-----

"Tahimik ka yata ngayon Papa Ivan?" si Billy.

"H-ha?"

"Wala kang kibo. Ano ba yan. Parang gusto ko na namang manibago syo niyan. Anyway, gusto ko lang malaman mo na hindi ako makakasama mamaya sa inyo, dahil pupunta ako kay Susane."

"Sige."

"Wow. Ang tipid na naman niya. Basta Ok na ha?"

"Oo naman Ok lang yun."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Billy kay Ivan sa harap ng mahabang table sa loob ng canteen.

Kanina pa nga siya tahimik. Pero alam niya ang tumatakbo sa kanyang isipan. Iniisip lang niya ang isang malaking bagay na dapat niyang pagdesisyunan. At alam rin niyang mahirap na gawan ng desisyon iyon.
-----

"Sa totoo lang Mico, gusto ko si Angeline para kay Ivan."

Parang gustong mabilaukan ni Mico sa sandaling iyon. "P-po?" Buti na lamang at walang kung ano sa bibig niya sa sandaling iyon kundi pareho silang nanonood ng isang programa sa telebisyon.

"Oo. Eh sa tagal ba namang hindi nagdadala ng babae si Ivan dito, para bang sabik na sabik na akong magka-girlfriend ang anak ko." diretsahang sabi ni Divina.

Hindi naman makapagsalita si Mico.

Humarap si Divina kay Mico. "Ikaw Mico, anong tingin mo kay Angeline? Ok naman siya di ba?"

"Ah, O-opo. Ok naman po."

Muling humarap si Divina sa telebisyon. "Gusto ko pang makilala si Angeline. Sisiguraduhin kong pagkatapos ng project nila bibisita pa rin dito si Angelne palagi."

"Patay." sa isip-isip ni Mico. "Ang alam ko po ngayon daw ang huling araw ng paggawa ng project nila. Madali daw nilang matatapos." Lihim siyang napangiwi. "Akala ko pa naman, hindi na pupunta dito si Angeline."


"Ganoon ba?"

Napansin ni Mico ang bahagyang lungkot sa mga mata ni tita Divina niya. Isa lang ang naiisip niya. Sabik na ang tita Divina niyang magkaroon ng girlfriend si Ivan. "Paano ako?"  sigaw ng puso't isipan niya.
-----

"Kayo lang dalawa ngayon?" gustong mag-init ang tenga ni Mico sa narinig mula kay Angeline ng magtanong siya kung bakit wala si Billy.

"Oo. Bakit?" maang na tanong ni Angeline. "Na-miss mo ba agad si Billy?"

"Ha? Hindi naman. Kayo lang dalawa sa kwarto niya mamaya. Naku, masasabunutan kita kapag may ginawa kang kahibangan mamaya. ano ang gagawin ko?"


Dumating si Ivan mula sa taas. "Ano Angeline, ready ka na?" paalala niya para sa pagsisimula ng paggawa ng kanilang proyekto.


"Sure. Always." maarteng sagot ni angeline.

"Sure. Always." pag-uulit ng isip ni Mico. "Parang may binabalak kayong gawing iba ah."


"So halika na." yaya ni Ivan kay angeline.

Hindi na sumagot si angeline kundi tumayo na ito. "Sige, Mico."

"Sige." pero naggagalaiti ang kanyang mga ngipin sa inis, at selos. Bigla siyang may naisip. "Bakit nga hindi kaya? Ivan." tawag niya rito. "Baka may maitulong ako sa inyo? Libre ako."

Nagkatinginan sina Ivan at Angeline. Sasagot sana ni Ivan nang biglang unahan ni Angeline si Ivan.

"Hindi na siguro Mico. Kauti na lang naman ang gagawin namin. Pero maramign salamat ha?"

"ah ganoon ba?" tinignan ni Mico si Ivan. Nakita niyang ngumiti nalang ito sa kanya.
------

Kanina pa hindi mapalagay si Mico sa sala ng kanyang bahay. Alas singko palang ng hapon pero gusto na niyang mawala si angeline sa kabilang bahay.

"Baka kung anong ginagawa na roon nila. Waaaaaa..." napapapadyak siya kapag naiisip ang tagpong magkayakap sina Ivan at Angeline. "No!...." sigaw niya.

Naisip niyang bumalik sa kabilang bahay.
------

"Ivan, paabot naman ng lapis." walang tingi-tingin na hinihingi ni Angeline ang lapis kay Ivan na nasa tabi nito.

Nakadapa si Ivan sa kama habang may binabasa sa isang magazine. Narinig ni Ivan ang hinihingi ni angeline pero wala sa loob niyang hindi kaagad ito pansinin.

"Ivan,s abi ko paabot ng lapis." sa pangalawang pagkakataon.

"Ha?"

Napa-tingin si Angeline kay Ivan. Nagtataka. "Ano bang ginagawa mo? Magkalapit lang tayo parang hindi mo ako naririnig. Ako na nga."

Natawa na lang si Ivan.

"Ewan ko sayo. Ano ba kasi yan? Ano yang binabasa mo?"

"Ah ito? Wala lang na-curious lang ako sa isang article dito sa isang magazine."

"Patingin nga ako."

"Huwag na."

Napa-taas ang kilay ni Angeline. "Patingin."

"Wala ito." tiniklop niya ang magazine. "Ano bang maitutulong ko?"

"Wala. Ang gusto ko patingin naman ako. Sige na." Bahagya siyang tumayo sa pagkakaupo sa kama para abutin ang magazine pero nailayo na kaagad ni Ivan.

"Oops. Hindi pwede." natatawang inilayo ni Ivan ang magazine.

"Sa ginagawa mo Naku-curious tuloy ako." reklamo ni Angeline. "Patingin."

Tumawa lang si Ivan.
-----

"Oh Mico." bahagyang nagulat si Divina ng makitang nasa pintuan si Mico papasok. Balak sana niyang isara ang pinto.

"Magandang gabi tita." bati ni Mico. "Nababagot po kasi ako sa bahay eh. Wala akong magawa."

"Ay ganun ba?" nakangiting si Divina.

"Opo tita."

"Halika sa loob samahan mo akong manood ng telebisyon."

"Sige po." Pagkatapos ay sumunod na si Mico kay Divina. "ay, tita Divina, hindi pa po ba sila tapos?" Pakunyaring walang alam si Mico na hindi pa umaalis si Angeline.

"Oo. Nasa taas pa sila. sa anong channel ba ang gustong panoorin?"

"Kahit saan po. Basta malibang lang po." ngumit siya ng ubod ng luwang. Nagpasalamat siya ng lihim dahil hindi nahalata ni Divina sa mga tanong niya. "Ano kaya ang gagawin ko? Nakakahiya naman na bigla bigla nalang ako ng pupunta sa kwarto ni Ivan."


"Ay sandali Mico..."

"Po?"

"Pwede bang dalhan mo muna ng ilang makukotkot ang dalawa sa taas. Para hindi na bumaba si Ivan. Kung Ok lang ha?"

"Siyempre naman po tita." Lihim na nagdidiwang ang kanyang kalooban. Nagkaroon siya dahilan para makapanik sa taas. Kung alam lang ni Divina ang laking pasasalamat ni Mico. "Mache-check ko na sila."
------

"Dudukutin ko yan diyan, makikita mo." pagbabanta ni Angeline.

"Sige kung kaya mo." natatawang si Ivan.

"Pag hindi mo talaga ako pinagbigyan dadaganan kita diyan."

"Talaga?"

"Aba sinasabi ko sayo Hmm."

Tinawanan lang ni Ivan si Angeline.

"Talagang hinahamon mo ako ha?"

"Hindi naman."

"Makukuha ko rin yan tignan mo. Madudukot ko rin yan."

"Kung kaya mo." nilangkapan ni Ivan ng arte ang pagsasalita.

Wala nang sabi sabing lumapit si Ageline kay Ivan at kiniliti ito. Hindi inaasahan ni Ivan kikilitiin siya ni Angeline sa tagiliran kaya naman napatihaya siya at lumitaw ang magazine na dinaganan niya kanina.

Pero patuloy parin ang pagkiliti ni Angeline kay Ivan.

"Sandali. Tama na, nakikiliti ako." humahagikgik sa tawa si Ivan.

"Hindi kita titigilan hanggat gusto ko."

Bigla na lang silang natahimik ng maka-rinig ng kalabog sa pintuan. Sabay silang napa-tingin sa pinagmulan ng tunog.


[30]
Kakatok sana si Mico sa pintuan habang hawak ang tray, laman ang pinadalang miryenda ni Tita Divina nang makarinig siya ng tawanan sa loob ng kwarto ni Ivan. Mga naghaharutan. Sandali siyang nakinig. Hindi niya nagustuhan ang mga naririnig. "Anong ginagawa nila sa loob?" takang tanong ng kanyang isipan na may halong pagseselos. Biglang may kung anong nagtulak sa kanya para ibaba sa sahig ang hawak na tray at hawakan ang seradura at pabalya itong buksan na naglikha ng kalabog. Tumataas ang dugo niya.


Nang mabuksan ang pinto, kitang-kita ni Mico si Ivan na nakahiga sa kama habang nasa gilid nito si Angeline na tipong nakapatong kay Ivan. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa nakikita habang ang dugo niya ay tuluyan nang nasa umakyat sa kanyang ulo.

"Anong ginagawa ninyo?" pasigaw niyang tanong.

Dahil sa gulat, hindi kaagad nakasagot sina Ivan at Angeline. Para bang mga napipi dahil nahuli sa aktong may ginagawang kababalaghan.

"Bakit ganyan ang ayos niyo?" wala sa sariling tanong ni Mico.

Saka naman nakabawi si Ivan sa pagkabigla. Kumilos siya palayo kay Angeline. Sa dulo siya ng kama umupo paharap kay Mico na nasa pintuan. "Bakit bigla bigla ka na lang nagbubukas ng pinto?" may tonong tanong ni Ivan kay Mico.

"Bakit ko nga pala ginawa yun?" tanong ni Mico sa sarili. Saka lang niya na-realize na nakakahiya ang ginawa nya.

"Tinatanong kita." nayayamot na tanong ni Ivan dahil sa hindi pagsagot ni Mico. "Ano?"

Naiiyak si Mico sa nararamdamang kahihiyan. "A-akala ko kasi-"

"Ano?" giit na tanong ni Ivan.

"Baka ang iniisip niya may ginagawa tayo ritong kakaiba?" singit ni Angeline na nakabawi na rin sa pagkabigla. Saka tumalikod paharap sa ginagawa kanina.

Dahil sa sinabing iyon ni Angeline lalong nakaramdam ng pagkapahiya si Mico. Para bang nahulaan ni Angeline ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Muli siyang tumingin sa mga mata ni Ivan at matalim itong nakatingin sa kanya.

Walang sabi-sabi, tumakbo si Mico palayo.

"Mico." tawag ni Ivan.

Tumayo si Ivan para sundan si Mico.

"Hayaan mo na yun." pigil ni Angeline na ikinalingon ni Ivan.

Pero muling nagbawi si Ivan at ipinagpatuloy ang paglabas sa kwarto. Saka nya natagpuan ang isang tray sa lapag. Nalaman niyang magdadala dapat ng miryenda si Mico sa kanila.

Ipinagpatuloy niya ang pagbaba.
-----

"Mico bakit?" takang tanong ni Divina nang malingunang nagmamadali si Mico sa paglabas.

"Tita, babalik lang muna po ako sa bahay. Sige po."

Hindi na nakapagtanong pa si Divina nang mawala sa harapan ang kausap. Saka naman ang pagdating ni Ivan.

"Si Mico Ma?"

"Ha? K-kalabas lang." muling nagtatakang si Divina.

Pagkatapos marinig ang sinabi ng ina, tumuloy si Ivan sa paglabas.

"Ano ang nangyari sa mga yun?"

Ipinagpatuloy na lang niya ang panonood sa telebisyon.

"Tita si Ivan po?"

Nagulat pa si Divina sa nagtanong. Agad siyang napalingon. "Kalalabas lang. Sinundan yata si Mico. May nangyari ba?"

"Wala naman Tita." umupo si Angeline sa tabi ni Divina. "May kukunin lang po si Ivan kay Mico."

"Ah... Akala kung ano na, isa-isa kayong nagbabaan tapos naghahanapan." bahagyang nakangiti si Divina.

"Ganun po ba? Wala naman po iyon."

"Kamusta pala ang giangawa niyo?"

"Mmm ayun po tapos na rin po, nirerepaso lang po ang lahat."

"So hindi ka na makakapunta rito?"

Natawa si Angeline. "Kayo po tita kung gusto niyo po bang bumibisita ako rito, Ok lang po."

Saka ngumiti ng maluwang si Divina. "Yun nga ang gusto ko."

"Umasa po kayo tita."
-----

Kanina pa kumakatok si Ivan sa pintuan ng kwarto ni Mico. "Mico." tawag niya. Pero walang sumasagot. Sinubukan niyang buksan ang seradura ng pinto. "Hindi naman pala naka-lock." Agad-agad niyang tinulak ang pinto.

Ngunit walang Mico ang nasa loob ng kwarto. Dumiretso siya sa banyo ng kwarto. "Mico." tawag niya. Inulit-ulit niya ang pagtawag. Nang walang sumasagot, hinawakan niya ang seradura, saka lang rin niya nalamang bukas iyon. "Malamang wala sa loob si Mico." Gaya ng naisip, wala nga sa loob si Mico. "San nagpunta iyon."

Minabuti nalang niyang bumaba.

"Si Mico po?" tanong ni Ivan nang mababaan si Saneng.

"H-ha, si Mico? Mmm di ko yata na pansin. Wala ba sa kwarto niya?"

"Wala po." Pero parang ayaw niyang maniwala kay Saneng. "Sige po aalis po ako." medyo nilakasan niya ang pagsasalita.

"Sige."
-----

"Umalis na?" tanong ni Mico kay Saneng pagkaraan ng ilang sandali.

"Oo, lumabas na."

"Sigurado ka?"

"Lumabas na nga. Bakit ba?"

"Wala iyon. Gusto ko lang magtago."

"Sige na, pupunta na ako sa kwarto ko." paalam ni Saneng.

"Sige po."

Tinungo na rin ni Mico ang hagdan para umakyat sa kanyang kwarto. Patalikod na sana siya para tunguhin ang hagdan sa pagakyat nang makita si Ivan na nakatayo sa pinto.
-----

"Kakausapin lang kita."

"Bakit?" nahihintakutan si Mico. Nagulat talaga siya ng makita si Ivan sa pinto.

"Gusto kitang kausapin."

"S-saka na lang. May ginagawa ka pa. T-tapusin mo na lang kaya muna yung- yung project niyo."

"Tapos na 'yun."

"Ah, tapos na pala. Kaya pala iba na ang ginagawa ninyo."  gusto sanang maisatinig ni Mico. Pero alam niyang wala siyang karapatang ipakita ang kanyang pagseselos. "Ano bang gusto mong sabihin? Bukas na lang siguro kasi gabi na. Aakyat na ako. Sige." Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Ivan at agad siyang tumakbo paakyat.

"Mico." tawag ni Ivan.
-----

"Ihahatid na kita."

"Ha?" nagulat si Angeline nang sabihin iyon ni Ivan sa kanya.

"Ma. Mawalang galang na po. Kailangan na po niyang umuwi."

"Anong oras na ba?" Napa-tingin silang lahat sa orasan na nasa dingding. "Maaga pa."

"San ka ba galing, Ivan?" si Angeline.

Hindi sumagot si Ivan.

"nagkukwentuhan pa kami ni Angeline." si Divina.

Saglit na nagisip si ivan. "Sige kayo po ang bahala. Sa taas na po muna ako."

"Teka Ivan, paano yung ginagawa natin?" si Angeline.

"Ako na."

"Ikaw ang bahala." Pero may katanungan sa isipan ni Angeline.
-----

Tiim-bagang na pumasok si Ivan sa loob ng kwarto niya. Nang maupo sa kama, saka niya napansin ang tray na kaninang dala ni Mico. Muli niyang naalala ang nangyari kanina. "Akala siguro ni Mico na may ginagawa kaming iba ni angeline. Mali, hindi ganun yun." Napahiga siya sa kama sa inis.

Hihintayin niyang makauwi si Angeline para muling balikan si Mico at kausapin. Ayaw niyang palampasin ang gabing iyon nang hindi nakakausap si Mico. May gusto siyang sabihin.
-----

Kanina pa paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan ang eksenang nangyari kanina. Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa niya. Napapahampas siya sa kawalan kapag naaalala iyon. Pero may ikinatutuwa naman siya. "Atleast, napigilan ko ang gagawin sana nila.

"Sabi ko na nga ba. Aakitin ng babaeng iyon si Ivan ko. Nakakainis talaga. Kaya ayokong silang dalawa lang eh." naihagis niya ang unan sa sahig. "Pero paano yan ngayon baka kung anong isipin nila sa ginawa ko kanina.
-----

Nagmamadali si Ivan na makabalik nang maihatid niya si Angeline. Halos isang oras pa ang hinintay niya bago nagdesisyong umuwi na si Angeline. Nakaramdam siguro ang babae sa kanya nang paulit-ulit siyang bumaba para i-check ang kwentuhan nila.

Gusto niyang magpaliwanag kay Mico. Gusto niyang malinis sa isipan ni Mico na wala silang ibang ginagawa ni Angeline nagkataon lang na sa ganoong tagpo lang sila nakita ni Mico. Ayaw niyang matapos ang gabing ito na hindi maniniwala sa kanya si Mico.

Napa-tigil siya sa harapan ng gate nila Mico nang maisip na kailangan ba talaga niyang gawin iyon? Ang magpaliwanag. Bakit?"

No comments:

Post a Comment