By: Jace ofcards
Blog:
midnightchapter.blogspot.com
Tumbler: iamjcrockista.tumblr.com
Twitter: @iamJCshin
Source:
darkkenstories.blogspot.com
[01]
Sa
isang burol kung saan maraming ala-ala ang binigay nya sa akin, isang ala-alang
hindi ko kailanman makakalimutan, masaya, mapait, at malungkot, pero dito sa
burol na ito nakatatak ang pangalan ko sa isang puno na nakatayo ng matagal na
panahon.
Iniisip
ko na parang isa din akong nakatayong puno, kahit anong unos ang dumaan ay
nakatayo pa din ito, pero hanggang kailan ako tatayo at lalaban para sa aking
kasiyahan? Kelan ako sasabay sa haplos ng hangin para makalimutan ang mga
nakaraan, na sa akin ay sobrang sakit?
Ito
ang aking storya, ito ang buhay ko bago ako makilala ang mga taong nagpasaya at
nagpaiyak sa akin.
Nagsimula
ito noong bagong lipat ako sa school...
“Good
morning class!” sabi ng aking professor
“Good
morning Mr. Castillon!” giliw na sagot ng aking mga bagong kaklase.
“Welcome
to your new semester, my requirement is your attendance and attention on my
class. Is that clear to all of you?” sabi nya.
“Yes
sir!” sagot lang nila, bilang bagong estudyante nakaupo ako sa likod kung saan
walang tao, tahimik, at nakakapag focus ako sa lecture.
“As
I call your name say present okay!” sabi ng aming professor at kinuha na nya
ang class cards namin sa kanyang libro.
“Arcilla?”
sabi nito.
“Present
sir!” sabi ng aking kaklase.
“Argame?”
“Present!”
“Bautista?”
“Here!”
“Caballero?”
“Dito
po!”
“Caceres?”
“Here
sir!”
“Casanova?”
“Present!”
At
nang tatawagin na ang pangalan ko, di mapaglagyan ang kaba sa aking katawan,
nagkakaroon ako ng butterfly stomach, nauutal, lahat na ng pagiging mahiyain
nasa katawan ko na yata.
“Yoshihara?”
“Present...”
sabi ko lang, at biglang napatingin sa akin ang aking professor at napakunot
ang kanyang noo sa kanyang nabasa.
“You
are new here, am I right?” sabi nito.
“Yes
Sir!” sabi ko habang napatingin sa akin ang mga kaklase ko.
“Would
you mind if you go here in front and introduce yourself to your new classmates”
paanyaya nya sa akin at ako naman ay tumayo agad para pumunta sa harapan,
napansin ko naman na lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin at ang iba ay
nakangiti, may iba din na nakatitig lang sa akin na parang namamangha sa aking
itchura.
Kabado...
Hindi
alam kung ano ang sasabihin, pero nilaksan ko ang aking loob at tumayo ng
maayos.
“My
name is Ken Yoshihara, 16 years old, came from International School for
Business and Arts and I transferred here because both of my parents worked now
here as branch managers...That’s all” sabi ko at nang napansin ko ang karamihan
ay nakangiti.
“Thanks
for that introduction Mr. Yoshihara, you may take your seat” sabi ng aking
professor at bumalik na ako sa upuan ko, sa oras na yun ay napapansin ko na ang
iba kong kaklase ay napapatingin sa akin, at binibigyan ko sila ng isang ngiti.
Hindi
naman talaga ako mahiyain, ako ay isang palabirong tao, masayang kasama, at
higit sa lahat hindi ako nang iiwan ng kaibigan, hanggang ngayon ay may mga
kaibigan pa din ako sa dati kong pinapasukan, at lagi silang nagbibigay ng
moral support sa mga ginagawa ko.
“Okay
class, for our topic for this week, you need to get your partner or a buddy and
seat next to them, para sa reporting natin about our lesson for the next week!”
sabi ng aming professor at agad naman naghanapan sila ng ka-partner para sa
reporting namin next week.
“Bahala
na ito!” sabi ko na lang sa aking sarili, at agad na akong tumayo para maghanap
pero pinuntahan ako ng aking professor.
“Don’t
you have any partner Ken?” sabi nya sa akin.
“I
don’t have yet!” sabi ko lang sa kanya at gumala ang kanyang mga mata
pakaliwa... pakanan... at biglang naramdaman ko nang may nakuha na sya.
“Wait
here okay!” sabi lang nya sa akin, at tumayo agad sya para puntahan ang kaklase
kong nakikipag kulitan sa may unahan, tinawag nya ito at pinalapit sa amin.
“He’s
Ace, and he will be your partner” sabi ng aking professor at tumayo ako.
“Nice
to meet you!” sabi ko sa aking kaklase at nilahad ko ang aking kamay para sa
pormal na pagpapakilala.
“Same
to you!” magiliw na sagot nya sa akin at inakbayan kami ng aming professor.
“Okay!
Guys I’ll wait the new tandem between you two!” sabi lang ng aming professor at
ngumiti lang kami pareho.
Umupo
na ako kasama si Ace, at nakinig na sa aming professor para sa lecture namin.
Awkward
ang situation namin, hindi kami nag iimikan hanggang matapos ang klase namin sa
oras na yun, agad na akong lumabas nung narinig na namin ang bell at agad na
akong pumunta sa locker ko para kunin ang susunod kong subject.
Nakita
ko ang aking locker at binuksan ito, nang makuha ko ang libro para sa susunod
na subject ko ay sinara ko na ang aking locker, pero biglang may nagsalita.
“Bakit
ka agad umalis sa classroom?” sabi ni Ace.
“Bakit?
Diba kapag nag ring na ang bell tapos na ang class?” sabi ko na lang, at
biglang tumawa sya sa akin na pinagtaka ko.
“Paano
ang topic natin para sa reporting? Hindi mo kinuha?” sabi nya sa akin.
“May
next meeting pa naman tayo dun, and besides pwede ko naman kunin yon later.”
Sabi ko sa kanya at tumawa sya ulit sa akin.
“Kayo
talagang mga transferees laging hinahabol ang oras! I just got our report for
your information, and ang schedule natin sa reporting ay Wednesday next week,
kaya we need to prepare that by weekend.” Sabi nya na para sakin ay ayos lang.
“Meet
tayo sa Robinson! And sa bahay tayo gagawa ng report.” Sabi nya saken na parang
excited.
“Okay!”
sabi ko sa kanya.
At
pagkatapos nya akong kausapin ay agad na akong dumerecho na sa classroom.
Nang
marating ko na ang classroom, napansin ko na konti pa lang ang mga estudyante
at agad na akong umupo sa dulo ulit, nang maring na ang bell at agad nang
nagpasukan ang iba kong kaklase at nagsiupuan na sila.
“Hi!”
bati sa akin ng isang estudyante.
“Hello!”
sagot ko sa kanya.
At
bigla nang pumasok ang aming professor at nag attendance, at nag umpisa na ang
aming lesson.
“Okay
guys, could you tell me the constitution?” tanong ng aming professor at walang
nagtaasan ng kamay kaya kinuha nya ang aming class card at bumunot ng pangalan.
“Ken
Yoshihara?” tawag nya sa akin, at tumayo ako para sagutin ang tanong.
“You’re
new here?” tanong nya.
“Yes
Ma’am!” sagot ko lang sa kanya.
“Could
you tell me the constitution?”
“The
Philippine constitution is revised and understand by the senate and the
congress dated February 1987 and approved by her Excellency Corazon Couangco
Aquino which stated that the people of the state has their rights from diplomat
to republic, I think there are 23 tittles which represents different roles in people,
education, and also to the government.” Paliwanag ko at nakita ko ang aking
professor na ngumiti at pinaupo na ako.
Marami
akong naririnig sa aking mga kaklase at hindi na lang ako umimik sa mga
sinasabi nila.
“Nice
one galing mo naman! I am sure na magiging maayos ang report natin nyan!” sabi
ni Ace na bigla biglang sumulpot sa tabi ko.
“Mr.
Casanova why are you there?” sabi ng aming professor.
“Sorry
Ms. Santos may tinanong lang po ako sa kapartner ko” sabi nya sa professor
namin.
“Partner?!”
sagot nya na natawa ang lahat.
“Yes
Ma’am may reporting po kami on our first class kanina, kaso itong si Ace medyo
excited yata dahil kapartner nya ang new student” Paliwanag ni Cheryl na ka
blockmate ko din.
“So
bakit dito nyo kailangang pag usapan yan? May break and lunch naman kayo later?
Parang nakakahiya naman sa subject ko!” inis na sabi ng professor namin at agad
nang lumayo sa akin si Ace.
“Next
time Mr. Casanova sana naman have the manners, this is a law subject one of
your majors so please lang ha! Focus on my class and don’t do unnecessary acts like that.” Dagdag ng aming professor at
napangiti ako dahil makulit talaga sya.
Nakinig
ako sa mga lessons na sinasabi ng aking professor kahit na ang karamihan ay
inaantok na sa inip at dami ng pinagsasabi, at nang mag ring na ulet agad kong
inimiss ang mga gamit ko at umalis na para lumabas ng campus at kumain.
Habang
nasa pathway ako ay biglang nag ring ang phone ko, hindi ko inaasahan na
maiisip pa ako ng dati kong bestfriend na crush ko simula bata pa kami.
“Lexi?”
“Hello
kenpot! Kamusta ka na? where are you now? Tara lunch tayo!”
“I’m
going out din eh, nasa school ako, san ka ba ngayon?”
“Here...”
“Saan
nga?!”
“Sa
likod mo!”
Nagulat
ako nung lumingon ako at nakita ko sya, napakaganda pa rin nya! Yung lexi na
bestfriend turn to be my crush is back! Grabe sexy na sya parang model na ang
katawan.
“Oh
bakit ka tulala?” sabi nito sa akin
“Ah...Kasi
nagulat ako! Dito ka pala nag aaral?” sabi ko lang sa kanya.
“Ah...
sorry di ko na pinaalam kila tito at tita na dito ako nag aaral! So tara na?
let’s lunch together and madami akong sasabihin sayo!” sabi nya at pinulupot
nya ang kanyang braso sa aking braso at naglakad na kami.
Habang
naglalakad kami papalabas, napapansin kong karamihan ng nadadaanan naming
estudyante ay nakatingin sa amin at kinikilig.
“Naninibago
ka ba?” tanong nya sa akin at napangiti lang ito.
“Sobra
Lexie alam mo bang kakapasok ko pa lang at ang dami nang nakatingin sa akin,
pero andyan ka na ulit ang aking bestfriend, kaya may makakasama na ako” sabi
ko lang sa kanya at naghintay na kami ng taxi papunta sa Mcdonald’s.
Nang
makasakay na kami, kinamusta kami at sinabing dadalaw sa bahay kapag may free
time na kami, at sa tagal na hindi kami nagkikita ay agad ko syang niyakap at
hindi naman sya tumanggi dito.
“Ken
I know you miss me so much, hindi mo nga ako natanong kung namiss kita eh!”
sabi nya sa akin.
“Okay
sorry! Namiss mo ba ako Lex?” sabi ko sa kanya.
Nang
marinig nya ang tanong ko, agad nya akong hinalikan sa pisngi at niyakap ng
sobrang higpit na para bang pipigain na ako sa tagal ng panahon na di kami
nagkikita.
“Is
that your answer to my question?” sabi ko sa kanya kahit namumula ang mukha ko.
“Yes!”
sabi nya sakin na ngiting ngiti.
“May
tanong ako sayo Lexie, hope you’d answer it honestly” sabi ko sa kanya.
“Okay
tell me!” sabi lang nya sa akin.
“May
boyfriend ka na ba?” sabi ko na nakatitig sa kanya, at napansin nya na seryoso
ako.
“Wala!
kahit manliligaw!” sabi lang nya sa tanong ko.
At
biglang nagning ning ang mga mata ko para sabihin sa aking sarili na may pag
asa pa ako, at nang makarating na kami sa Mcdonald’s agad kaming naghanap ng
mauupuan at ako naman ay pumila na para mag order.
“May
I take your order?” sabi ng babae na kumukuha ng order habang nakapila ako.
“Two
quarter pounder and large fries and drinks for dine”
“Is
that all sir? Any additional you wanna make?”
“Yeah!
Two chocolate sundae and pies and that’s all.” sabi ko.
“Here
your slip sir! Paki bigay na lang po sa counter!” sabi nya sa akin.
Nasa
counter na ako para ibigay ang slip at nagbayad na ako, at biglang napansin ko
sa kabilang pila si Ace at napansin nya ako.
“Here
we go again!” sabi ko sa aking sarili.
“Hey
Ken! Dito ka din? Pwede bang maki share sa table mo?” sabi nya sa akin habang
hinihintay ang order ko.
“Ace
pasensya ka na, may kasama ako ngayon eh!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ako
sa kanya.
Nauna
syang umalis sa akin at ako naman ay kakabigay lang sa akin ng order, habang
naglalakad nakita ko si Lexie na tinaas ang kamay at pumunta na ako bitbit ang
tray.
“Lexie
heto na oh!” sabi ko sa kanya.
“Ang
dami ah! Miss ko na bonding natin!” giliw nyang sinabi sa akin.
“I
hope this is a date!” bulong kong sabi sa kanya.
“What?!”
sabi nya na gustong ipaulit ang sasabihin ko.
“Nothing!
Nevermind that! Tara kain na tayo!” Palusot ko na lang at kumain na lang kami
parehas.
Habang
nakain, napansin kong nakatingin si Lexie sa akin at ngumiti lang ako, at nang
kakain na kami ng sundae biglang lumapit sa amin si Ace.
“Hey
Lex! How’s your day?” sabi nya kay Lexie.
“I
am great Ace! By the way si Ken pala! He’s new in our school, And magka course
kayo, I hope you see him active!” giliw nyang sabi kay Ace na naramdaman ko
naman ay may gusto sya sa aking classmate.
“Yeah
magkaklase kami actually pinakita na nya ang kanyang intelligence sa
constitution namin eh, and I saw him active listening to our class, pero ang
bilis umalis parang ninja kung gumalaw!” sabi nya at nagtawanan silang dalawa.
Naramdaman
ko ang pagka Out of Place sa pag uusap nila at dinerecho na lang ang pagkain ng
sundae ko.
“Ken
hindi mo ba alam si Ace naging MVP last year sa school intramurals?” sabi ni
Lexie sa akin at ngumiti ako sa kanila.
“And
Ace did you know that Ken is the consistent tennis player nung highschool kami
and syempre MVP din sya for four consecutive years namin!!” sabi ni Lexie at
namula naman ako sa sinabi nya kasi proud pa din syang sabihin yun.
“Whoa!
Talaga? I try to learn tennis hope Ken will teach me and even play with me!” parinig
ni Ace sa akin at hindi ko na lang sya pinansin kasi nagseselos ako sa
closeness nila ni Lexie.
“Yep!
He’s our batch Valedictorian and our School President for student affairs is my
bestfriend a great threat to you?” sabi ni Lexie at napatingin ako sa kanya
dahil nagulat ako sa sinabi nya.
“Hey
Lexie! Stop it would you? Ayokong makipag kompitensya kung magiging dean’s
lister ako eh di great! Pero okay lang as a normal student noh!” medyo nainis
ako sa sinabi ni Lexie, sya kasi yung taong kaya kang ipagmalaki kahit alam
nyang imposible at sya din ang nagpapalakas ng loob ko kapag may speech ako
nung mga high school pa kami.
“Hey
Ken chill lang! I am just kidding! Alam ko naman ugali mo kaya ayos lang yun
diba Ace?” sabi nya at tumingin ito kay Ace.
“Yeah!
Di naman ako nakikipag kompitensya eh! I just want to be close with you! Pero
medyo mailap ang isang transferee like you!” sabi nya.
“Okay!”
sagot ko lang.
At
natapos na kaming kumain ni Lexie at umalis na kami na walang paalam kay Ace,
alam ko namang kaklase ko nanaman sya sa klase namin.
Nang
makarating sa school ay agad nagtanong si Lexie.
“Galit
ka ba?” sabi nya sa akin.
“Well
to be honest yes! Nagalit ako kasi time natin yun eh, pero kinausap mo pa yang
Ace na yun! Ano tingin mo sa akin? Decoration lang?” sabi ko.
“Ace
is my friend since first year, may attitude sya na kaparehas ng sayo, dahil
namimiss kita!” sabi nya at ngumiti ito sa akin.
Hindi
ko tuloy alam kung kakompitensya ko si Ace o talagang nagpaparamdam lang na ako
sya, ang ugali at pakikitungo sa tao ay magkaparehas kami, habang naglalakad
kami sa pathway ni Lexie ay bigla naman ako nabunggo ng isang lalake.
“Di
ka kasi natingin sa dinadaanan!” sabi nya sa akin.
“Malawak
ang pathway para mabunggo ako, kung nagmamadali ka, dapat ginamit mo yung space
sa right part ko!” sabi ko at nilapitan nya ako.
“Bakit?
Ano ba ang problema mo?” sabi nya sa akin habang nakatitig sya.
“Ikaw
anong problema mo?! Ako wala!” sabi ko lang at hinila ako ni Lexie para lumayo
sa kanya.
“Ken!
Kilala mo ba yang nakabangga mo?” sabi ni Lexie sa akin na parang nag aalala.
“No!
And bakit kailangan ko pang kilalanin?! Eh mukha namang walang kwenta yun!”
sabi ko at biglang napatigil si Lexie.
“Sya
si Argel Casanova! Kapatid ni Ace!” sabi nya sa akin na parang ikakagulat ko.
“So?
Anong connect dun para katakutan mo?” sabi ko sa kanya.
“Connect
nun, sila lang naman ang mga apo ng may ari ng school! Walang pwedeng bumangga
sa kanila!” sabi nya sa akin at di ko na lang ito pinansin.
Nasa
tapat na ako ng aking locker at naririnig ko pa din ang mga sinasabi ni Lexie
sa akin, inaamin kong nagbago na ang pagtingin ko sa kanya hindi na bestfriend
ang turing ko sa kanya kungdi isang crush na, pero gusto ko pa ding lumugar at
itago ang nararamdaman ko kaya naman di ko sinasabi sa kanya at dinadaan ko na
lang ito sa mga biro ko.
“Ken
naiintindihan mo ba?” sabi nya sa akin na nagpabalik ng aking ulirat.
“Wa-what?!”
sabi ko sa kanya.
“You’re
not in yourself! Bahala ka na nga dyan! I am going now, mag ingat ka sa mga
kinakabangga mo! Baka mapadali ang buhay mo!” sabi nya na medyo naiinis sa
akin.
“I’ll
text you after my last class, and good luck!” sabi ko sa kanya at nilapitan nya
ako at niyakap ulit.
“You
too!” sabi nya at hinalikan nya ulit ako sa pisngi.
Hindi
ko maintindihan para saan ang halik na yun, para ba yun sa pag iingat? O namiss
lang nya ako? Pero isa ang alam ko, mahal ko si Lexie at di pwedeng may
humarang sa akin.
Habang
naglalakad ako patungo sa classroom ay alanganin pa din ako, kahit na ilang subject
ko nang kasama ang mga kaklase ko.
Naabutan
ako ni Cheryl sa aking paglalakad kaya sumabay na ito sa akin dahil ka
blockmate ko naman sya.
“Hey
Ken! How’s your first day here?” sabi ni Cheryl.
“Hi!
Okay lang! medyo nahihiya pa!” sabi ko lang sa kanya.
“Okay
lang yun! Ganyan talaga sa una! And pagpasensyahan mo na si Ace kanina! Medyo
weird ang pinakita sayo nun! Di naman sya ganun eh!” sabi nya sa akin na
ipinagtaka ko.
“I
understand, baka minsan lang sya makasalamuha ng mga katulad ko.” Biro ko at
tumawa si Cheryl.
“Pwede
kang tumabi sa akin mamaya! Wag ka na dun sa dulo! Hindi kami makapag focus
eh!” sabi nya at napangiti ako.
“Why?”
sabi ko sa kanya.
“Ang
pogi mo kaya! Almost kaming mga girls ay napapatingin sayo kahit na nagsusulat
ka!” at isang malakas na tawa ang narinig ko sa kanya.
“Marami
namang pogi din sa class natin ah! And besides kahit naman si Ace pogi din ah!”
sabi ko sa kanya at nahalata kong namumula ang kanyang mukha.
“Pogi?
Eh mga nalipasan na yun! Ikaw ang bago sa amin kaya ikaw ang pogi ng block
natin! Si Ace siguro nga, pero alam mo na mabait naman si Ace even yung kapatid
nyang si Argel sobrang bait nila.” sabi nya
“Argel
Casanova?” sabi ko.
“Yep!
Si Argel Joseph Casanova, ang apo ng may ari ng school!” sabi nya.
“Mabait
ba yun? Eh ang yabang nga nun eh!” sabi ko at napatingin sya sa akin, naputol
na ang pag uusap namin dahil papasok na kami sa classroom.
Nang
makapasok na ako sa classroom agad na akong tumungo sa may dulo para makapag
focus ako sa mga sinasabi ng aming professor, nang nag ring na ang bell ay agad
nang nagbalikan sa upuan ang mga classmates ko, yung iba kapapasok pa lang, at
pumasok na ang aming professor.
“Good
afternoon class I’m your new English teacher, and my name is Lizette Flores,
graduated in St. Uriel School of Education” sabi ng professor namin.
At
kinuha nya ang aming mga class cards at tinawag kami isa isa, at nagulat ako
nang tawagin ang taong nakabangga ko sa pathway kanina.
“Argel
Casanova?” sabi ng aming professor.
Walang
nasagot, hanggang sa pumasok ito sa class namin at ngumiti.
“Excuse
me?” sabi ng aming professor.
“Sorry
miss, I’m Argel Casanova” sabi nya at tumingin sa buong class.
“Ahh
okay! Buti nalang at nakahabol ka pa!” biro ng aming professor at nagtawanan
silang lahat.
“Sorry
po miss, may inasikaso pa kasi ako.” Sabi nya at napakamot sya ng ulo.
“Okay
next time ah! Sige you may take your seat.” Sabi ng aming professor at naglakad
na sya at napansin nya si Ace na sumesenyas para umupo sa tabi nya, pero di nya
ito pinansin.
Umupo
sya katabi ko at napatingin ako sa kanya.
“You
again?” sabi nya.
“What
a small f*cking world!” sabi ko sa kanya.
At
di na kami umiimik, habang nag tuturo ang aming professor ay nagfocus ako, pero
di ko kaya kasi si Argel nasa tabi ko.
“Ken!”
tawag ng Professor sa akin at nagtinginan ang lahat.
“miss?”
sagot ko sa kanya.
“Can
you go here in front and try some of these example” sabi nya sa akin.
Lumapit
ako sa professor at tinignan ang gagawin ko.
“Heto
oh!” sabi ng professor sa akin at tinuro ang gagawin ko.
At
nag umpisa na akong magsalita, ang lahat ay naktutok sa akin at ang iba ay
napahanga, nang matapos na akong basahin, agad na akong bumalik sa upuan ko.
Nagdaan
ang mga oras at natapos na din ang aming lesson sa araw na yun, agad akong
pumunta sa aking locker nang biglang may nag text ulit sa akin.
“Kenpot!
Sorry kanina” sabi ni Lexie
“It’s
alright! Ako naman din ang may kasalanan eh!” reply ko sa kanya.
“Hey!
Mayroong tennis club dito, wanna take a shot?” sabi nya.
“Tomorrow
sige try out ako! Basta andun ka din para mag cheer sa akin!” reply ko at hindi
na sya nagreply back.
Binuksan
ko ang aking locker at tinago ang aking gamit, napaisip ako at sinara ang
locker ko, umalis na ako sa kinatatayuan ko at naglakad na papunta sa gate kung
saan naghihintay na si Dad.
Malamig
ang hangin na parang niyayakap ako, napaka presko sa katawan at nakaka relax ng
isipan, nang biglang...
BLAG!!!
Hindi
ko namalayan na natamaan ako ng bola ng basketball sa ulo at bumalik ako sa
aking ulirat, nang tumayo ako sa pagkaka upo, ay agad akong tumingin sa court
at napansin kong naglalaro ang mga varsity players, napansin kong
pinagtatawanan ako at may lumapit sa akin para humingi ng paumanhin.
“Pare
ayos ka lang ba?” sabi nito sa akin.
Hindi
na ako umimik at kinuha ko yung bola, tinahak ko ang daan papuntang court
habang dinidribble ang bolang tumama sa akin, nagpapahayag akong gumanti sa
kanilang ginawa.
“Aba!
Parang may maiibubuga itong tao na ito ah!” sabi ng isang lalaki na sa tingin
ko naman ay kasali sa varsity team.
“Tara!
One on One!” sabi ng isang pamilyar na boses at tumingin ang lahat sa iisang
lugar kung saan nanggaling ang boses na yun.
Nang
nahawi ang mga taong nakatumpok sa lugar ay nakita ko ang mukha ng taong kanina
pa inuubos ang pasensya ko... Si Argel.
“Oh
ayan na si bossing!” kantsaw ng isang lalaki.
“Tara
manuod tayo! Kung sino mananalo!” sabi ng isa pang lalaki.
“Parang
baguhan lang ito sa school ah! Ngayon ko lang nakita mukha nya dito!” angas na
sinabi ng kanilang team captain.
“Dre!
Ako nang bahala dito! Kanina pa itong tao na ito sa akin eh! Gusto yatang
maturuan ng leksyon!” sabi ni Argel.
Habang
dinidribble ko ang bola ay sineryoso ko ang sinabi nya.
“Makikita
mo!” sabi ko sa aking sarili.
Nang
makalapit na ako ay agad syang dumipensa at naghihintay ng aking galaw.
“Bakit
ka ba suplado?” tanong nya sa akin.
Hindi
ako sumagot dahil sa naiinis ako sa kanya simula pa lang, napaka angas nya,
masyadong mahangin, at higit sa lahat di marunong lumugar.
Nang
makakita ako ng butas ay agad kong pinasukan yun at hindi nya napansin ang pag
drive ko ng bola.
Narinig
kong naghiyawan ang mga kasamahan niya at ngumiti ako sa kanya, at sa puntong
iyon ay sya na ang may hawak ng bola.
“Nang
iinis ka ba?” sabi nya sa akin at hindi pa din ako sumagot.
Napansin
kong may plano na sya at sumabay ako, hanggang sa maharang ko sya bago nya
bitawan ang bola at nakuha ko agad ito, at na shoot ulit.
Naghiyawan
ang mga kasamahan nya at kinantyawan si Argel.
“Dapat
lang sayo yan! Mayabang!” sabi ko sa aking sarili.
At
nang nag iinit na ang laban ay napansin kong dumarami ang mga nanonood, halos
mapuno ang bench sa mga estudyanteng nanonood kahit yung mga PE professors
nakinood na din.
“Ahh!
Alam ko na! Gusto mong gumawa ng pangalan ah! Pwes! Hindi mo makukuha yun!
Dahil ako lang ang sikat dito!” sabi nya sa akin habang nasa akin ang bola.
At
nang medyo dumilim na ang oras...
“Ken!
Okay! Suko na ako!” sabi nya sa akin habang naghahabol kami parehas ng hangin
sa katawan, binitawan ko ang bola at agad ko nang kinuha ang mga gamit ko na
nakapatong sa bench kanina pa, ang lahat ay naghihiyawan dahil sa ganda ng
laban naming pinakita, at higit sa lahat ngayon lang ulit ako naging masaya sa
paglalaro ng basketball, kahit hilig ko ang tennis.
“Ken!
Kanina pa ako andito, bakit hindi mo man lang sagutin ang phone mo?” galit na
sambit ng aking Dad.
“Dad,
may nakipaglaro lang po sa akin ng basketball eh, sorry hindi ko nasagot, next
time hindi ko na uulitin yun!” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa sasakyan,
nang bigla sa akin may tumawag.
Itutuloy...
[02]
“Hey
wait up!” sabi ni Ace na napalingon naman ako.
“What?!”
sabi ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.
“Ah,
kasi kanina napanood ko yung laban nyo ng kapatid ko, magaling ka din palang
maglaro ng basketball?” sabi nito at napakunot ang noo ko.
“Oo,
kapag may time kami ng mga tropa ko sa manila, lagi kaming naglalaro.” Sabi ko
sa kanya.
“By
the way, pwede bang malaman number mo? Para inform kita kung what time ang meet
up natin sa Saturday para sa reporting natin.” Sabi nito at binigay ko na ang
number ko sa kanya.
“Yun
lang ba?” sabi ko sa kanya at tumango lang ito.
“Okay
sige si dad naghihintay na sa akin eh, I gotta go!” sabi ko at binuksan ko na
ang pintuan ng sasakyan ni dad.
Nang
makapasok ako ay napansin kong nakatingin si dad sa akin.
“What?”
sabi ko sa kanya na may halong pagtataka.
“Barkada
mo?” sabi ni dad sa akin.
“Blockmate
ko po yun!” sabi ko sa kanya at pinaandar na nya ang sasakyan.
Habang
nasa daan kami ay nagtanong ulit si dad.
“How’s
school?” sabi nito sa akin.
“Great
dad! Parang dating school ko lang!” sagot ko naman sa kanya.
“Ayos!
Teka punta muna tayo sa flowershop, bibili lang ako ng bouquet para sa Mom mo.”
Sabi nito at tumango lang ako.
Habang
nasa daan ay di ko mapigilang ma-bored na, at binuksan ko ang player sa
sasakyan at pinasok ang cd na nandun sa may dashboard.
Habang
nag lo-load ang cd ay nakita ito ni dad.
“Favorite
mo talaga yang cd na yan ah!” sabi nito sa akin.
“Eh
theme song namin to ng mga kabarkada ko sa manila eh!” sabi ko at naisip ko
sila nung nagumpisa nang tumugtog ang player.
[The
Click Five: Just the Girl]
“Gusto
mo bang tawagan ko sila?” sabi ng dad ko.
“Talaga?!”
sabi ko kay dad.
“Oo
naman! And besides balita ko dyan din nag aaral si Lexie ah!” sabi ni dad na
biglang napatingin ako sa kanya.
“Nagkita
kami nila Philip at Emily sa isang convenient store, at sabi nila na dadalaw
sila this weekend sa bahay para magkamustahan.” Nakangiting sambit ni Dad at
ngumiti ako sa kanya.
“Baka
sa Saturday ang pagbisita nila.” Sabi ni dad na kinagulat ko.
“Dad,
eh may gagawin po ako nun eh, pupunta po ako sa bahay ng ka blockmate ko para
gumawa ng report.” Sabi ko sa kanya at napatingin naman si dad sa akin.
“Don’t
worry! Gabi naman yun eh! At kung gusto mo dalhin mo na din yang ka blockmate
mo, para makilala kami!” sabi nya sa akin at napasandal na lang ako sa
kinauupuan ko.
“Okay
dad!” sagot ko na lang at nang medyo malapit na kami sa tindahan ay agad na
itong naghanap ng lugar kung saan pwedeng mag park ng kanyang sasakyan.
Nakakita
na si dad at agad na itong pumarada, at nagtanggal na si dad ng seatbelt at
ganun din ako, lumabas na kami ng sasakyan at naglakad papunta sa flowershop na
malapit sa may simbahan.
Habang
naglalakad kami, ay napahanga ako sa ganda ng lugar! Dahil maraming ilaw sa mga
stall ng flowershop na hale-halerang bumabati ang mga tindera at nilalako ang
mga paninda nilang bulaklak, pero si dad ay dumerecho sa isang tindahan.
Nang
mabasa ko ang pangalan ay agad akong nagtaka.
“Jiro’s
Garden” sabi ko at napatingin si dad sa akin.
Nang
binuksan ni dad ang pintuan ay agad na sinalubong kami ng isang matandang babae
na kasama ang isang binatilyong kasing edad ko lang.
“Welcome
po ulit sir!” sabi nito sa dad ko at napatingin ito sa akin.
“Aba!
Ang laki na ng anak nyo!” sabi nito at ngumiti ako sa kanya.
“Ah!
Si Ken po pala!” sabi ni dad na tinitignan ko siya na parang kilala nya ang
matandang ito.
Nang
makita ako ni dad na nakatingin sa kanya ay agad naman ako tumingin sa matanda
at nagmano.
“Napakabuting
bata naman ito! Ay teka papakilala ko pala sa inyo yung apo ko!” sabi ng
matanda at lumapit sa amin ang binatilyong kasama nya.
“Aba!
Ang laki mo na ah!” bati ng dad ko na parang kakilala na nya ang binatilyo.
“Magandang
Gabi po sa inyo!” bati sa amin ng binatilyo at ngumiti ito sa akin nung makita
nya ako.
Bigla
naman naramdaman kong napakagaan ng loob ko sa kanya.
“Ay!
Ako pala si Jiro! Anak ng may ari ng flower shop!” sabi nito at inabot ang
kanyang kamay sa harapan ko.
“Ken...”
ang tanging nasabi ko sa kanya at ngumiti ulit ito sa akin.
Biglang
tumigil ang takbo ng oras at hindi ko maipaliwanag ang kaba na aking
nararamdaman.
“Apo!
Igala mo muna si Ken, para malibang naman! Mukhang pagod sa school.” Singit ni
lola at tumango sya.
Habang
naglalakad kami sa labas ng shop ay agad kong tinext si dad.
“Dad,
text me kapag uuwi na tayo.” Sabi ko at tumawag ito sa akin.
“Sige
anak! But for now maglibang ka muna, medyo matatagalan ako sa pagpili ng
bulaklak eh!” sabi nya sa phone.
“Okay
dad!” sabi ko at sabay baba ng phone ko.
Ang
gandang pagmasdan ang oras na yun! Mga tindahan ng mga bulaklak na nakahalera
sa iisang lugar at may iba’t ibang palamuti para gumanda ang tindahan.
“Ganda
ba?!” sabi nya at tinignan ko sya nakita ko syang nakatingin din sa akin at
iniwas ko ang mga mata ko.
“Magkahawig
pala tayo!” sabi nya sa akin at biglang napatingin ulit ako sa kanya.
Sa
totoo lang hindi ko din masabi kung anong meron kay Jiro, halos ang itchura
namin ay di nagkakalayo, meron din syang nunal sa kanang bahagi ng tenga.
“Oo
nga no! parang magkapatid lang!” biro ko sa kanya at napatawa ito.
“Imposible!
Mama at papa ko wala na, namatay sila nung baby pa ako Sabi ni lola, kaya
kaming dalawa na lang ang nag aalaga sa isa’t- isa.” Sabi nya na nahalata kong
biglang lungkot sa kanyang mukha.
“Ganun
ba? Sorry parang mali ang timing ko!” sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang
balikat nya.
“Okay
lang yun! 17 years na akong sanay dyan!” sabi nya.
“Teka
parehas lang tayo ng edad!” sabi ko sa kanya.
“Talaga?!
Kelan ka pinanganak?” sabi ni Jiro na halata ang excitement sa kanyang mukha.
“April
20, 1995 ikaw kelan ka ba pinanganak?” sabi ko sa kanya.
“June
15, 1995! Naks naman! Matanda ka lang sa akin ng buwan! Eh di kuya pala kita?!”
sabi nya at nagulat naman ako sa sinabi nya.
“Eh?!
Kuya? Bakit naman?!” sabi ko sa kanya.
“Kasi
wala naman akong kapatid!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.
Naglakad
pa kami ng naglakad hanggang makapunta kami sa simbahan.
“Wow!
What a nice place!” sabi ko at napatingin si Jiro sa akin.
“Dito
lagi ako napunta at nagdadasal” sabi nya sa akin, at naghanap ng mauupuan.
“So
ano naman ang pinagdadasal mo?” sabi ko sa kanya at napatingin ito sa akin.
“Pinagdadasal
kong makita ang taong makapagpapasaya sa akin!” sabi nito at nakita ko ang
pagkaseryoso niya.
Ang
oras na yun ay napakagaan, dahil hindi ko maisip kung anong meron kay Jiro at
nakikita ko yung ugali ko sa kanya.
“Oh
bakit ang seryoso mo?” sabi nya sa akin.
“Ah
wala! Nagdadasal ako!” sabi ko sa kanya.
“Ano
naman ang hinihingi mo?” sabi nya sa akin.
“Secret
na yun!” sabi ko at tumawa sya.
Sa
totoo lang naaawa ako sa kalagayan ni Jiro, hindi ko inaasahan na ganun ang
pakikitungo ko sa kaniya.
“Ano
gusto mo pang makita ang ibang lugar?” anyaya nya sa akin at di na ako
tumanggi.
Agad
kaming tumayo at lumabas sa simbahan, nakita ko ang mga nagbebenta ng bulaklak
at kandila sa gilid ng simbahan, siguro nga matagal na akong di nakakapasok ng
simbahan kaya ganun na lang ako humanga sa lugar.
Maya-maya
pa’y nakakita ako ng isang tindahan dun ng mga souveinir kaya pumasok kami at
naghanap ng mabibili.
“Alam
mo ba—“ sabi ko sa kanya at napatingin sya sa akin habang natingin kami ng mga
bagay bagay dun.
“Oh
ano?” tanging sagot lang nya at tumingin ako sa kanya ng seryoso.
“Magaan
ang pakiramdam ko sayo, hindi ko alam kung bakit pero may nag uudyok sa akin na
tanging sinasabi ng isip ko ay protektahan kita.” Sabi ko sa kanya at parang
nanlaki ang kanyang mata na parang nagulat sa sinabi ko.
“What!”
sabi nito sa akin at naging awkward ako sa sinabi ko kanina.
“Hindi
ako bading!” pagtatanggol ko sa aking sarili.
“Haha!
Tungek! Hindi ko naman sinasabi na bading ka eh! Pero alam mo bang parehas tayo
ng nararamdaman! Magaan din ang loob ko sayo!” sabi ni Jiro sa akin at ngumiti
ako sa kanya.
“Oh!
May napili na ako! Para sa’yo!” sabi nya sa akin at nakita ko ang hawak nyang
angel figurine.
“Teka
lang maghahanap ako!” sabi ko sa kanya at naghanap ako ng maireregalo para sa
kanya.
At
nakakita ako ng isang bagay na ibibigay ko sa kanya, kaya agad ko itong tinago
sa kanya at pumunta na agad sa counter para magbayad.
“Jiro!
Ito yung sa’yo, pero wag mo munang buksan hangga’t di pa kami nakaka alis!”
sabi ko sa kanya at inabot ko na ang paper bag na binili ko para sa kanya.
“Salamat!
Teka! Babayaran ko ito!” sabi nya sa akin.
Habang
nasa counter si Jiro ay agad nang nag ring ang phone ko.
“Ken,
tara na!” sabi ni Dad sa akin.
“Wait
lang Dad! Pauwi na din kami ni Jiro!” sabi ko sa kanya.
“Oh
sige! Hintayin ko kayo dito sa flower shop!” sabi ni Dad.
“Okay
dad! Bye!” sabi ko na lang at binaba ko na ang phone ko.
Nakita
kong papalapit na si Jiro na may dalang paper bag din at nakita kong nakangiti
ito sa akin.
“Oh
heto yung angel figurine! Lagay mo ito sa tabi mo, para may kasama ka kapag
natutulog ka!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa kanya.
“Salamat
ha!” tanging sagot ko lang.
At
lumabas na kami ng tindahan, naglakad lakad ulit hanggang sa magtanong si Jiro
sa akin.
“Oh
ano? Pagod ka na ba?” sabi nito sa akin.
“Hindi
pa eh, kaso si Dad tumawag kanina uuwi na kami!” sabi ko sa kanya at ngumiti
ito sa akin.
“Okay
lang yun! May next time pa naman!” sabi ni Jiro at naglakad na kami papuntang
flower shop nila.
Habang
naglalakad kami, nakapansin ako ng isang tindahan ng candy at pumunta muna kami
saglit para bumili dun.
“Ate!”
sabi ni Jiro at napatingin ito sa amin.
“Aba!
Ghie!(Pinaikli ng pangalan ni Jiro) may kasama ka ngayon ah! Natupad na ba ang
pinagdadasal mo?” sabi ng tindera habang nakatingin ito sa amin.
“Haha!
Ate naman! Anak ng suki namin ito!” birong sagot ni Jiro sa tindera.
“Ahh!
Kala ko kasi kapatid mo eh! Magkahawig kasi kayo! Oh ano bibilhin nyo?” sabi ng
tindera sa amin.
“Isang
balot ho ng beans” sabi ko sa tindera.
“At
potchi!” dagdag ni Jiro at napatingin ako sa kanya.
Nang
makakuha na ang tindera ay agad kong binayaran ang mga inorder namin, binigay
ko ang potchi kay Jiro at napatawa ito sa akin.
“Para
sayo yan! At sawa na ako dyan eh!” biro nito sa akin at tumawa ako sa kanya.
“Salamat
pala ah!” sabi ko lang at nang nasa harapan na kami ng flower shop nila ay
nakita kong papalabas na si Dad.
“Tara
na at baka naghihintay na sa atin ang Mom mo!” sabi ni Dad at tumango ako sa
kanya.
“Sige
po! Ingat po kayo sa byahe!” sabi ni Lola sa amin.
“Ingat
Ken!” sabi ni Jiro at nagpaalam din ako sa kanya.
Pinaandar
na ni Dad ang sasakyan at umalis na kami sa lugar, habang nasa daan ay agad
akong kinausap ni Dad.
“Kamusta
kayo ni Jiro?” sabi nya sa akin.
“He’s
just like...me” sabi ko lang at napansin ko si Dad na nagiba ang itchura.
“Really?”
sabi nya sa akin.
“Yeah!
And he knows what I’m thinking, nagkasundo agad kami sa mga bagay-bagay, and
he’s like a brother to me!” sabi ko at napansin kong si Dad ay pumatak ang
kanyang mga luha.
“Is
everything alright Dad?” sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.
“If
you need a pat on your back I’ll be here to do that! May problema ka ba Dad at
ngayon lang kita nakitang umiyak eh!” sabi ko sa kanya at ang mga titig ko ay
nakatuon pa din sa aking Dad.
Naging
tahimik ang byahe namin at hindi ko na muna kinausap si Dad ng buong oras na
yun, baka kasi magalit sa kakulitan ko, hanggang sa makarating na kami sa
bahay.
Sinalubong
kami ni Mommy at ni kuya Kino, napansin nilang bilasa si Dad at tinignan nila
ako.
“What’s
happening to Dad?” bulong sa akin ni kuya Kino
“I
dunno! We just go to a flowershop and buy a bouquet for mom and then when we
got here, he just starting to be emotional.” Paliwanag ko at inakbayan na ako
ni Dad papasok sa loob ng bahay.
“Kino
don’t worry!” sabi lang ni Mom at sumunod na si kuya papasok dala ang gamit ni
Dad.
“I’ll
just go to my room to change my clothes! Call me when dinner is ready” Sabi ko
na lang kay kuya at tumango lang ito sa akin.
Habang
umaakyat ako sa hagdan ay narinig kong kinausap ni Dad si Mom.
“You
brought Ken to that store?!” sabi ni Mom na medyo tumaas ang boses nya.
“Yeah!
And sorry for that! I know I don’t have the strength to tell the truth!” sabi
ni Dad at napansin nya ako na nakikinig sa usapan nila.
Nagtataka
ako sa mga sinasabi nila at di ko rin maiwasang magtanong sa aking sarili.
“Truth?
Bakit may tinatago ba sila mom at dad sa akin?” tanong ko sa aking sarili at
pumunta na ako sa aking room para magpalit ng damit.
Habang
nagpapalit ako ay biglang nag ring ang phone ko, isang unknown number kaya
sinagot ko ito agad.
“Yes?”
sagot ko.
“Can
I talk to Ken?” sabi ng nasa kabilang linya.
“Speaking...
who’s this?” sabi ko at hindi sumagot ng matagal ang nasa kabilang linya.
Papatayin
ko na sana ang phone nang biglang narinig ko na nagsalita sya.
“Hello
Ken!” sabi nito at parang hingal pa ang tono.
Itutuloy...
[03]
“Hello
Ken!” sabi nito at medyo hingal pa ang tono nya.
“Hi!
Who’s this?” sabi ko.
“It’s
Ace! Sorry medyo pagod naglaro kasi kami ni Argel eh!” sabi nito sa akin.
“Ah!
Okay! So bakit ka napatawag?” sabi ko lang.
“Wala
lang! Um... Yung ano pala! Yung report natin ah! Don’t forget sa Saturday na
yun!” sabi nito.
“I
know okay! Kaya don’t remind me!” sabi ko sa kanya.
“Okay!
Yun lang! Bye!” sabi nito na parang nagmamadali.
“Bye!”
sabi ko na may pagka sarkastiko.
Pinatay
ko na ang phone ko at kumuha na ng maiisuot, at nang makakuha ako ay biglang
pumasok si kuya Kino sa room ko.
“Bro!
Let’s eat na!” sabi nito at lumabas na sya ng kwarto ko.
Nang
matapos na akong magbihis ay agad na akong bumaba at tinungo ang dining area
kung saan andun na silang lahat.
“Ang
tagal naman ng bunso namin!” biro ng Mom ko.
“Sorry
po may tumawag eh!” sagot ko sa kanya.
“How’s
school?” sabi ulit ni Mom.
“It’s
great mom! Masaya pero naninibago pa din!” sabi ko at ngumiti si Mom.
“Ganyan
talaga sa umpisa, magiging comfortable ka naman kapag naka cope ka na sa new
school mo eh.” Singit ni kuya Kino.
“Ikaw
Kino how’s work?” sabi ni Dad.
“Stressed
Out!” sarkastikong sinabi ng kuya ko at tumawa sila Mom at Dad sa kanya.
“Ganyan
talaga kapag nag ta-trabaho na! you need to cope up fast, or else baka mapag
iwanan ka ng mga kasabayan mo!” biro ni Mom kay kuya.
Ngumiti
si kuya at tumingin sa akin, napansin kong sumesenyas syang maglalaro kami
after naming kumain pero pinigilan kami ni Mom.
“Kayo
talaga! Not now! Bago lang ang kapatid mo sa school! He need to study!” sabi ni
Mom at tumingin lang ako sa kanya.
Tahimik
at tanging ingay lang ang mga kutchara at tinidor na hawak namin ang ingay ng
mga oras na yun, at tinignan ko si Dad nang malapit na akong matapos kumain.
“You
need to tell me what’s the truth!” sabi ko sa aking sarili at nakita kong
tumingin sya sa akin.
“What’s
wrong Ken?” sabi nito sa akin.
“Nothing
Dad...” sabi ko lang at tinapos ko na ang aking pagkain.
Hindi
ko na ginalaw ang ginawang dessert ni Mom at umakyat na ako sa aking room para
magpahinga, binuksan ko ang desktop ko at nag online sa skype, pagbukas ng
window ng skype ay agad kong napansin na online ang mga kaibigan ko sa manila.
“How
are you?” sabi ni Mike.
“Ayos
lang parekoy! Kayo kamusta na kayo dyan? Dalaw naman kayo dito sa amin by
Saturday!” sabi ko sa kanya.
“Okay
parekoy! Sige text ko sila! Then we’ll inform you kung ilan kami pupunta” sabi
ng kaibigan ko.
“Okay!
Hintayin ko kayo ah!” sabi ko at binuksan ko ang aking facebook.
Hindi
na sumagot si Mike at pinasok ko na ang email para makapag log in sa facebook,
nang makapasok na ako ay agad kong napansin na may lima akong friend request
kaya tinignan ko ito, nabigla naman ako sa mga nag add sa akin, at nag PM sa
kanila.
“Thanks
classmate!” chat ko sa kanila, at biglang sumagot si Cheryl sa message ko.
“You’re
welcome Ken! Kumain ka na ba?” sabi nito at agad ko namang sinagot.
“Yep!
Thanks sa concern! Ikaw kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya at sumagot agad
din ito.
“Kakatapos
lang kumain! Hehe!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa nabasa ko.
“Haha!
Kalog ka pala!” sabi ko sa kanya.
“Oo
naman! Kung gusto mo bukas tabi na tayo eh!” biro nito at napangiti ako.
“Actually
naninibago kasi ako, kaya ganun ang pagsasalita ko, medyo bossy at straight to
the point! Sorry ah!” sabi ko sa kanya.
“Haha!
Ganun ba? sige simula bukas magkatabi na tayo at wag ka nang mailang sa new
classmates mo!” sabi nito sa akin at ngumiti lang ako.
Habang
nag ta-type ako ay narinig ko ang pintuan na bumukas, kaya nagpaalam muna ako
kay Cheryl.
“Oh
Dad! Bakit?” sabi ko nang mapansin ko si Dad na papalapit sa akin.
“May
sasabihin kasi ako sa iyo, and sana wag kang magagalit sa akin or sa kuya mo,
or even sa mommy mo.” Sabi nito sa akin na nagtataka talaga ako sa kanyang
tono.
“Teka
dad, bakit ganyan ka? kanina ka pa sa sasakyan eh, biglang tumulo ang luha mo,
tapos mukha kang malungkot ngayon, then the tone of your voice! It’s awkward!”
sabi ko at biglang niyakap nya ako.
“Let
me tell you a story...” sabi lang nya sa akin at nakita naman nyang nakikinig
ako.
“When
I was not married to your mom, I had a Girlfriend she was so beautiful and I
was that not-so-good person at that time, we bumped each other to a church and
her smile makes a thousand words for me, that time Mom mo ay bestfriend ko,
since childhood kami na ang tandem sa lahat!” paliwanag nya.
“So?
Anong meron dun Dad?” sabi ko lang.
“My
girlfriend ask me if I love her, and I said yes! Kaya pinakilala ko sya sa mga
lolo at lola mo, pero your lolo don’t like the girl, he wants your mom to be my
wife, and I was so confused at that time kaya pumunta ako sa bar, at nag inom
ng nag inom hanggang di ko na makayanan ang sarili ko.” Sabi nito sa akin at
nakita kong pumapatak ang luha nya.
“That
time I was there kasama ang mga kaibigan namin at nag ce-celebrate ng birthday
ng isa sa mga girl friends ko.” Sabi ni mom at nagulat naman si Dad, pero
humawak lang si mom sa balikat ni dad.
“It’s
okay honey!” sabi nya kay dad at ngumiti lang ito.
“Then?”
sabi ko sa kanila.
“Then
dad was drunk, and mom was there to help his bestfriend na lasing na lasing,
and then that night when dad was drunk, he kissed mom and...” singit ni kuya.
“Then
ano? Bibitinin nyo?!” inis kong tono sa kanilang tatlo.
“Then
me and your mom woke up in a motel and we are shocked and hindi muna kami
nagpansinan ng ilang months, pero bestfriend ko sya kaya hindi ko natiis at
hinanap ko siya at kinausap kung may nangyari sa amin and she said yes, after
two months napansin ko ang mom mo na nagkakaroon na ng signs kaya bumili kami
ng pregnancy test kit at nag positive ang results.” Sabi ni Dad at hindi pa din
ako kuntento sa sinasabi nila.
“Then
your dad get mad at me, pero naiintindihan ko yun at first kaya hinayaan ko
lang sya, pero nang mapansin na ito ng mga parents ko tinanong ako kung sino
ang ama ng dinadala ko...” sabi ni Mom at tumingin ito kay Dad.
“Then
I answered to your grandparents na si Dad mo ang ama ng dinadala ko, pero nung
mga oras na yun ay kasama nya ang girlfriend nya na si Grace at nabalitaan kong
nagtanan sila kaya nung pinanganak ko ang kuya mo ay pinalaki ko ito ng walang
galit sa kanyang Dad” paliwanag ni mom at naramdaman kong pumapatak na ang luha
ko.
“Nagtanan
kami for almost three years, pero nabalitaan kong nanganak na pala ang mom mo,
kaya pumunta ako kung saan sya nakatira noon, nang makapunta ako sa lugar kung
saan sila nakatira naabutan ko ang mga lolo at lola mo na andun din sa bahay at
hindi na ako tumuloy papasok, baka kasi makita pa ako nila at mapatay ng mga
lolo at lola nyo.” sabi ni dad sa akin.
“Bumalik
na ako kay Grace at sinabi ko ang balita sa kanya, kaya nagalit ito sa akin at
sinuyo ko naman siya, at hanggang sa maisipan kong sulatan si Paula na magkita
kami sa isang lugar at wag ipaalam sa mga magulang namin kaya...” sabi ni Dad
at huminga ito ng malalim.
Nakaupo
kaming lahat sa sahig ng room ko, ako, si kuya, si Mommy, at si Daddy na
nagiging emosyonal ang usapan kaya hinayaan ko na lang pumatak ang mga luha ko.
“Nagkita
kami sa kanto kung saan kami nagtapos ng college, at kinamusta ang isa’t isa.
Pero hindi pala dun nagtatapos ang storya namin at nagkaroon kami ng isang pag
iibigan na sobrang intimate at nabuo ka namin” sabi ni Mom at hinawakan nya ang
kamay ni Dad.
“After
that moment, kinabukasan ay umuwi na ako sa partner kong si Grace at nakita ko
sya at niyakap, nagmahalan kami at nang ilang bwan lang ang nakakalipas ay
nabuo ko ang isang bata sa kanya, masaya na ang lahat kaso natagpuan ako ng
lolo mo, at sapilitang kinuha kay Grace, kinulong ako sa bahay namin noon at
hindi pinapalabas, nalaman ni Paula ang ginawa ng mga magulang ko noon sa akin
kaya gumawa sya ng paraan para makatakas ako.” Litanya ni Dad habang nakikinig
kami ni kuya Kino.
“Kinuha
ko ang sasakyan namin, kahit buntis ako sayo noon Ken, ay pinuntahan ko ang dad
mo at ipunta sya sa taong nagpapasaya sa kanya, tawagin na akong tanga ng mga
lolo at lola mo, pero bestfriend ko yan noon, kaya kung saan sya masaya
kuntento ako. Sinabi ko lang nagagala kami ni Jino para makalimutan nya si
Grace pero pinunta ko sya sa lugar kung saan kami magkikita ni Grace.” Sabi ni
mom at hinaplos ni dad ang likod ni mom.
“Sabi
ni Mom noon, na nung pinanganak ka niya masaya sya kasi napansin nya ang mukha
mo ay kahawig talaga ni Dad, at nang malaman nyang namatay si tita Grace sa
panganganak ay nalungkot ito a pinuntahan si Dad para damayan siya.” Sabi ni
kuya Kino at napansin kong pumapatak din ang luha nito.
“So
what do you mean? Na may kapatid pa ako?” sabi ko sa kanilang tatlo habang
nangangatal ang boses ko.
Tumango
lang sila at napansin ko naman si Dad na ngumiti sa akin.
“Bakit
nyo sinasabi sa akin ito?” sabi ko sa kanila at nilapitan ako ni kuya.
“Dahil
gusto namin sabihin sayo ito ng maaga para hindi ka magulat!” sabi ni kuya sa
akin at niyakap nya ako.
“At
I know nakilala mo na sya!” dagdag ni kuya sa akin.
Isang
rebelasyon na parang sumabog ang buo kong pagkatao nung sinabi ni kuya yun.
“Si...Jiro?!
kapatid ko?” sabi ko sa kanila at nagpatuloy pa din ang mga luha kong pumatak.
“Kaya
nga Ken, I ask you kung anong pakiramdam mo kay Jiro, nung sinabi mong magaan
ang loob mo at komportable ka sa kanya ay nasabi ko na sa sarili ko na sabihin
na sayo ang lahat kasi ito na ang right time.” Sabi ni dad na nakangiti sa akin
at niyakap ako.
“Nung
nakilala ko din si Jiro parang ikaw lang din! Ang kulit at positive sa lahat ng
bagay! Kaya nga nung nalaman ko yun nung bata pa ako ay tinanggap ko sya ng
buong buo.” Sabi ni kuya sa akin habang pinupunasan nya ang kanyang mga luha.
“Kaya
nga tinutulungan namin sya para sa kanila ng kanyang lola, at alam ng kanyang
lola ang mga nangyayari kaya sinasabi lang namin na wag syang maingay kay Jiro
hanggang sa hindi mo pa alam ang lahat.” Sabi ni Dad sa akin at ngumiti si Mom
sa sinabi ni Dad.
“Ken
ano?” biro sa akin ni kuya Kino at inakbayan nya ako.
“Anong
ano?! Eh di syempre gulat pa din!” sabi ko sa kanya at ginulo nya ang buhok ko.
“Oh
Ken! So tanggap mo sya?” sabi ni Mom.
“Absolutely
mom! Gusto kong matupad ang kanyang wish kaya ako na ang gagawa ng set up para
sa kanya.” Sabi ko sa kanila at pinakita kong naabsorb ko ang sinabi nila sa
akin.
Hinalikan
ako ni Mom sa noo at ngumiti ako, si dad naman ay hinimas ang aking balikat at
niyakap ko sya.
“Dapat
kasi sinabi mo ng maaga para hindi na tayo nag da-drama ng ganito!” sabi ko kay
Dad habang nakayakap sa kanya.
“Pasensya
ka na at madrama ang mga parents natin! Bahala ka na kung ano ang plano mo,
basta tandaan mo dapat alam din namin yan ah!” sabi ni kuya Kino sa akin at
tumango ako sa kanya.
Lumabas
na sila ng room ko at dumerecho na ako sa CR para maghilamos at magsipilyo.
“Bukas
after class! Tutuparin ko na ang wish mo Jiro!” sabi ko sa aking sarili at
nagsipilyo na ako.
Nang
matapos ko ang paglilinis ng aking mukha sa CR ay nagvibrate ang phone ko.
“Good
night!” sabi ni Ace.
“Good
night too!” reply ko lang sa kanya at agad na akong humiga sa aking kama.
Kahit
ramdam ko ang sakit ng mata ko dahil sa kakaiyak sa kwento nila sa akin, ay hindi
ko pa din maiwasan maging excited para bukas.
Sumikat
ang araw na dumampi sa aking mukha, nakita kong binuksan ng kasambahay namin
ang kurtina ng aking room at lumiwanag ang buong room ko.
Agad
na akong bumangon dahil nakita ko na alas-7 na ng umaga, naramdaman ko ang mga
yabag sa labas ng aking kwarto at agad na akong pumunta sa CR para makaligo at
magbihis na ng uniform ko pamasok.
Ang
sarap ng mga patak ng tubig na dumadampi sa aking katawan dahil mainit ito at
nakaka relax sa balat, halos inabot ako ng 30 minutes sa loob ng CR at nang
matapos na akong magbihis ay agad na akong bumaba sa dining room kung saan ang
nadatnan ko na lang ay si manang Elsa at si kuya Ray na driver namin.
“Magandang
Umaga pilyo kong alaga!” bati sa akin ni manang Elsa.
“Magandang
Umaga din Nay!” sabi ko sa kanya.
Nasanay
na akong tawagin syang Nay kasi matagal na din syang nagsisilbi sa pamilya
namin, nagsimula siya sa mga lolo ko at nang sinabi ni Mom na wala syang
katuwang sa pagpapalaki sa amin ay binigay ni Lolo ang kanyang matapat na
kasambahay na si Nay Elsa.
“Kumain
ka na! at si Ray na ang maghahatid sayo papasok ng school!” sabi ni Nay Elsa at
tumingin ako kay kuya Ray at ngumiti lang ito sa akin habang hawak nya ang
tasang may kape.
“Kahit
kelan talaga! Hindi masarap ang pagkain!” biro ko kay Nay Elsa at tumawa ito.
“Kaya
pala ang daming tocino dyan sa plato mo! At yung sariwang gatas na galing sa
probinsya namin ay naubos mo!” sabi ni Nay Elsa at ngumiti lang ako.
“Bilisan
mo na sa pagkain bata ka! ang mommy at daddy mo nauna na! Sinabay na nila ang
kuya mo.” Sabi sa akin ni Nay Elsa at agad kong binilisan ang pagkain.
Nang
matapos ko ang pagkain ay tinungo ko ang CR sa may sala para magsipilyo na at
kinuha na ni kuya Ray ang mga gamit ko para ipasok ito sa sasakyan.
At
nang matapos na akong magsipilyo ay agad na akong lumabas at sumunod si Nay
Elsa.
“Baka
may nakalimutan ka pa?!” sabi ni Nay Elsa sa akin at naalala ko pala na may
surprise ako sa kanilang lahat.
“Oo
nga pala Nay Elsa, magluto po kayo ng mas masarap pa sa kinakain ko! May bagong
member tayo ng family!” sabi nito at ngumiti lang ito sa akin.
“O
sya! Sige magluluto ako! Mag ingat kayo ha!” sabi ni Nay Elsa at binuksan na
ang gate at umalis na kami ni kuya Ray.
“kuya
please tell dad na ikaw ang magsusundo sa akin, dumerecho na sya sa bahay kasi
may surprise ako sa kanila.” Sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.
Habang
nasa byahe ay parang ang sarap sa pakiramdam, siguro nga na na-absorb ko agad
ang mga sinabi nila sa akin na revelation kagabi, at siguro kasi si Cheryl ang
magiging new seatmate ko simula ngayon.
Hindi
ko namalayan na malapit na kami sa school kaya nagtaka ako bakit ang bilis
naman ng byahe.
“Wala
bang traffic?” sabi ko kay kuya Ray.
“Wala
pang traffic kasi dumaan ako sa mga short cut road para mapabilis ka!” sabi
nito sa akin at nagpark na sya sa harapan at binuksan ko ang pintuan habang si
kuya Ray ay kinuha ang bag ko sa compartment at ibinigay sa akin ito.
“kuya
Ray! Yung usapan natin ah!” sabi ko sa kanya.
“Opo!
Hindi ko makakalimutan yun!” sagot nya sa akin at bumalik na sya sa sasakyan at
umalis na ito.
Naglakad
ako papasok at napansin kong konti pa lang ang mga estudyante dito, napansin
kong nagpapractice ang mga varsity players at cheer dancers, at ang iba naman
ay pumasok ng maaga para makapag review sa mga subjects nila.
Habang
naglalakad ako sa hallway ay napansin ko yung bola ng basketball ay papunta sa
akin, kaya kinuha ko ito at hinanap kung sino ang nagmamay-ari nito.
Pero
wala akong nakitang may naghahanap ng bola kaya kinuha ko muna at pinaglaruan,
pumunta ako sa isang basketball court at planong maglaro ng shooting, binaba ko
ang aking bag at hinubad ko ang aking polo para di pagpawisan.
Habang
naglalaro ako ay hindi ko napansin na may mga estudyante pala na pinapanood
ako.
Napansin
kong nagbubulungan sila at ang mga babaeng estudyante ay nakangiti sa akin kaya
sinuklian ko ng isang ngiti din.
“Ang
gwapo talaga nya!” narinig ko sa isang babaeng estudyante at napailing na lang
ako, at nagpatuloy sa paglalaro hanggang sa tumalbog ang bola sa court na kung
saan nagpa-practice ang mga varisity players.
Agad
kong tinakbo ang bola at kinuha yun sa gitna ng court habang nag wa-warm up
sila, paalis na sana ako nang mapansin ako ng isa sa mga player.
“Teka!”
sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya.
Itutuloy...
[04]
“Teka!”
sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya
Tumayo
lang ako at nakatingin sa kanya.
“Diba
ikaw yung tumalo kay Argel?” sabi nito sa akin.
“Ye...ah?!
why?” sabi ko na may pagtataka sa sinabi niya.
“Sali
ka sa amin! Kulang kami ng players eh!” sabi nito sa akin at tinignan ko ang
grupo nila.
“Wala
akong rubber shoes!” sabi ko sa kanya.
“Um...
teka lang!” sabi nya at pumunta siya sa coach nila.
Nakita
kong kinausap nya yung coach at napansin kong tinuro ako kaya kinabahan ako, at
sa haba ng usapan nila ay nakita kong tumango ang coach nila, bumalik na sya sa
akin at kinausap ulit ako.
“Okay
lang daw sabi ni coach, and besides play lang naman ito eh! Kulang lang talaga
kami ng player!” sabi nito at nginitian ko lang siya.
“Wait
lang kukunin ko lang yung bag ko sa bench” sabi ko sa kanya at tumango lang
ito, pumunta ako sa bench kung saan nakalagay yung bag ko at pinasok ang
cellphone at ang necklace ko, at bumalik na sa court para sumali sa laro nila.
Nakita
kong wala si Argel sa practice game, naka pwesto na ang lahat ng kasali at
hinihintay lang ang pagsipol ng coach.
Hanggang
sa nagumpisa na ang laro, napunta sa amin ang bola at dinipensahan ako ang
katapat ko para hindi nya makuha sa kakampi ko yung bola, at nang makakita ako
ng butas ay agad akong sumenyas na ipasa sa akin ang bola, napansin naman ito
ng isa kong kakampi at nag lay-up ako, pumasok ang bola at narinig kong
nagsigawan ang mga babae na kanina pa nakatingin sa akin.
“Nice
one!” sabi sa akin at tinapik ako sa aking balikat.
“Great
move!” sabi ng isa ko pang kakampi at nagsitakbuhan na kami papuntang kabilang
court para depensahan.
“Pare
depensa lang! kami nang bahala sa rebound!” sabi ng isa kong kakampi.
Dinipensahan
ko lang ang may hawak ng bola at nang papasok na sya ay agad akong binalya at
napaupo, pumito ang coach para tawagin yun na foul.
“Sorry
pare!” sabi sa akin.
“It’s
okay!” sabi ko lang at agad akong tumayo.
“Kaya
pa?!” sigaw ng coach sa akin at tumango ako.
Nag
free throw ako ng dalawa at pumasok yon, narinig ko ang mga babae ay
nagsisigawan at napalingon ako, napansin kong mga kaklase ko pala yun at nakita
ko si Cheryl sa grupo nila.
Agad
nang nagtatatakbo ang mga kakampi ko sa kabila para makapuntos, napalingon ako
at nakita ko yung kakampi ko na nahihirapang makahanap ng papasahan kaya lumayo
ako at tinawag ko sya.
“Dito!
Libre ako!” sabi ko sa kanya at pinasa nya sa akin ang bola.
Habang
hawak ko ang bola ay agad akong naghanap ng pwedeng pasahan pero mahigpit ang
naging depensa ng kalaban namin kaya ako na lang ang nag drive nito, naghanap
ako ng pwedeng malusutan at ma-i-shoot ang bola, at nakakita nga ako, lumusot
ako sa kalaban na nakabantay sa akin at nag fake shot, pinasa ko ito sa kakampi
ko at pumasok sya para I lay-up ang pinasa ko, at pumasok ulit ang bola, nakita
kong nagsisigawan sila at pumito ang coach.
“Okay!
Substitution!” sabi nito at napatingin naman ako kung sino ang ipapalit, nakita
ko si Argel na nakabihis na ng jersey at pinalitan nya ang isa sa kalaban
namin.
“Game!”
sigaw ng coach at balik na kami sa court.
Si
Argel ang may hawak ng bola at dinepensahan sya ng isa sa mga kakampi ko,
naririnig kong dumarami ang nanonood ulit sa laro kahit alas-9 na ng umaga,
napansin ko din si Lexie na nanonood sa may bandang hallway kaya ginanahan
akong maglaro.
Habang
hawak ni Argel ang bola ay agad na akong dumipensa sa loob na malapit sa ring
para sa isang rebound, nag drive si
Argel at tumalon sa harapan ko, kaya sinabayan ko sya at naabot ko ang bola na
hawak nya, tinapik ko ito sa kakampi ko na walang dumidepensa at kinuha nya yun
at mabilis na nag drive papunta sa ring ng kalaban para I shoot, at nagawa nga
nya! Nagsigawan ang mga estudyante at narinig ko ang bell kaya pumunta na ako
sa coach ng basketball team para magpaalam.
“Salamat!
Ang galing mo talaga!” sabi ng coach sa akin at ngumiti ako.
“KEN!”
sigaw sa akin at lumingon ako kung saan yung boses na nagmula.
Nakita
ko si Argel na tinaas ang kamay at lumapit ako sa kanya.
“Babawi
ako sayo!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa kanya.
“Geh!
Hihintayin ko yun!” sabi ko lang at pinuntahan ko na ang bag ko na nasa bench
nakalagay.
Nakita
ko ang mga kaklase ko ay lumapit sa akin at kinausap ako.
“Nice!
Ang galing mo!” sabi ni Abby
“Ano
pa masasabi mo! Eh, galing sa International School!” sabi naman ni Luke
“Oh
Ken! Baka nauuhaw ka na!” sabi sa akin ni Cheryl at binigay sa akin ang bottled
water.
“Salamat
sa inyo! Haha!” sabi ko at naglakad kami.
Habang
naglalakad kami ay nalimutan kong magpalit kaya sinabi ko na pupunta ako ng CR
para magpalit at ngumiti lang sila sa akin, si Cheryl
naman
ay sasamahan nya daw ako.
“Ken!
Kanina nung pinapanood kita para kang professional na sa ginagawa mo! Ang
galing talaga!” sabi ni Cheryl.
“Thanks!”
ang sagot ko lang at pumasok na muna ako sa CR para magpalit.
Nang
makapasok ako ay agad na akong naghanap ng cubicle na pwedeng isabit ang bag ko
para kunin ang shirt na extra, nang maramdaman kong may pumasok sa CR din.
“Pare
ang galing talaga nung nakatalo kay Argel! Galing mag drive, pati na rin maging
shooting guard ang galing talaga!” sabi nito.
“Brad!
Hindi pa naman seryoso si Argel kasi! Kaya nasasabi mo yan! Hintayin mong
magseryoso sya at makikita nung baguhan na yon kung sino ang kinalaban nya!”
sabi lang nito at nagtawanan sila, narinig kong may pumasok din na isang
estudyante at nabigla ako sa pangalan na nabanggit ng dalawang estudyante na
nag CR.
“Ace!
Kamusta! Balita ko nasupalpal nanaman ang kapatid mo kanina ah!” sabi nito at
tahimik akong nakikinig.
“Ah
yun ba? Sino daw ang nakatalo?” sabi nito.
“Eh
di yung maangas na estudyanteng lumaban kagabi sa kanya.” Sabi lang nito at
narinig kong pinipilit nyang pinapatigil yung kasama nyang magsalita.
“Ah
si Ken!” sabi ni Ace at narinig ko ang sinabi nyang,
“Mahina
naman talaga si Kuya Argel! Kahit kelan hindi nya pinag aaralan ang kalaban!”
sabi ni Ace at nagtaka ako bakit ganun syang magsalita.
“Si
kuya Argel na lang, hindi ko kayang kalabanin ang taong kinikilala ko eh!” sabi
nito at napangiti ako sa kanya.
At
narinig kong lumabas na ang dalawang estudyante sa CR habang ako naman ay
nagmadali nang magbihis kasi naisip kong naiinip na si Cheryl sa akin.
Pagkalabas
ko ng cubicle ay nakita ko si Ace sa may sink na naghuhugas ng kamay at nagulat
ito sa akin.
“Ke..n!”
sabi nito na parang nakakita ng multo sa kaba.
“Oh
bakit? Parang nakakita ka ng multo ah!” biro ko sa kanya at napansin kong
tumungo sya kaya nilapitan ko ito sa may sink.
“Thanks
pala kanina ah! Narinig ko ang conversation nyo!” sabi ko sa kanya at
napatingin ito sa akin habang inaayos ko ang aking buhok.
“Ah...Yu...Yun
ba?! Wa...Wala yun! Hehe! Um, Sige! Mauna na ako sa classroom!” sabi nya sa
akin at tumango ako sa kanya, nagkakandaripas ng lakad si Ace at napailing lang
ako sa ginawa nya.
“Talagang
iba ang kinikilos nya ngayon ah!” sabi ko sa aking sarili at nang matapos akong
mag ayos ay lumabas na ako sa CR at nakita si Cheryl na nakaupo sa bench.
“Grabe
ah! Ganyan ka ba katagal magbihis?” biro sa akin ni Cheryl.
“Sorry
naipit ako sa mga naguusap eh! Di ako makalabas sa cubicle!” sabi ko sa kanya
at naglakad na kami papuntang classroom.
Habang
naglalakad kami ay naalala ko ang mga kinikilos ni Ace kanina, kaya natanong ko
si Cheryl.
“Cheryl,
pwedeng magtanong?” sabi ko
“Sige!
Ano ba yun?” sagot nya sa akin at tumingin ako
sa kanya.
“Napansin
mo siguro si Ace kanina, parang kakaiba ang kinikilos nya! Pansin ko lang...”
sabi ko sa kanya at napatigil kami sa paglalakad.
“Napansin
ko nga din eh, pero hayaan mo na yun! Ganyan talaga yun kapag may nararamdamang
masaya.” Sabi lang nya sa akin at parang naging interesado akong tanungin sya.
“Ahh
ganun ba?!” sabi ko na lang at nagpatuloy na kami sa aming paglalakad.
Nang
makapunta na kaming dalawa sa room ay agad naghanap ng bakanteng upuan si
Cheryl at nakakita sya sa may second row at umupo kami.
Nang
makapasok na ang professor namin sa Developmental Psychology ay agad nang
tumahimik ang mga kaklase ko, nakita ko si Ace sa harapan ko kaya napangiti
lang ako sa naiisip ko na nangyari kanina sa CR.
Hanggang
sa nag attendance kami at nag lesson na ang professor namin, astig ang
professor namin, hindi masyadong mahigpit dahil hindi naman namin major yung
subject na hawak nya kaya puro tawanan at recitation ang ginagawa namin ng
buong oras.
“Ken!
Tara na!” sabi sa akin ni Cheryl nang matapos ang aming unang klase.
Napansin
kong nakaupo pa din si Ace kaya tinapik ko ang balikat nya.
“Ace!
Parang tulala ka dyan!” sabi ko sa kanya at tumayo sya at naglakad na parang
nasa CAT training.
“Mukhang
Tuod naman yun!” biro ni Abby na biglang sumulpot kung saan.
“Oh
Abby!” gulat kong sagot sa kanya at hinawakan nya ang braso ko, maliit sa akin
si Abby kaya mukha kaming magkapatid.
“Hello!
Sabay na ako sa inyo ni Cheryl!” sabi nya at ngumiti lang si Cheryl pagpapayag
sa sinabi ni Abby.
Habang
naglalakad ay napansin ko ang isang grupo na tinititigan ng mga estudyante
habang naglalakad sa hallway, kaya kaming tatlo ay napatigil din, napansin kong
si Abby ay kinikilig nang makita nya ang isa sa kasama dun at si Cheryl naman
ay blanko ang mukha katulad ko.
“Hey!
What’s up!” sabi ng isang pamilyar na boses nang makalayo na sila.
Kaya
tinignan ko ito at si Argel nanaman ang nakita ko!
Grabe
hindi ko alam kung nang aasar ba sya o malakas lang mang trip kaya nang
makalagpas na sila sa amin ay agad kaming pumunta sa susunod na klase namin.
“Nginitian
ako ni Alfons!” sabi ni Abby at binatukan ni Cheryl.
“Baliw
ka talaga! Kahit kelan patay na patay ka kay Alfons!” biro nito at tinitignan
ko sila habang nag uusap.
“Eh
at least may inspiration ako! Ikaw sino? Si Errol na kasali sa swimming team!
Yuck! Mga dugyot!” biro nito at natawa ako sa sinasabi nilang dalawa.
Habang
naglalakad kami ay nakita kong nagtitinginan din ang mga estudyante sa akin, at
nang mapalingon ako, nakita ko si Lexie na nagbabasa sa room na nadaanan ko
kaya pinatigil ko silang dalawa at pinuntahan si Lexie.
Tahimik
akong pumasok at piniringan ko ang kanyang mata gamit ang kamay ko.
“Ken
Yoshihara! Itigil mo na nga yan!” sabi nito at ngumiti ako sa kanya.
“Paano
mong nalaman ako?” sabi ko sa kanya nang makapunta sa kanyang harapan.
“Yung
perfume mong Escape, ikaw lang ang meron nyan kaya kilalang kilala ko!” sabi
nito sa akin at namula ang aking mukha.
“Ahem!!”
singit ni Cheryl na nakatayo sa likuran ko at kasama si Abby.
“Ay
si Cheryl pala at si Abby mga classmate ko! Abby, Cheryl si Lexie pala” sabi ko
at napansin ako ni Abby na namumula.
“Yan
ba yung crush mo?” biro sakin ni Abby.
Namula
din ang mukha ni Lexie at ganun din yung akin kaya tinakpan ko ang bibig ni
Abby at napatawa sa mga kalokohan na sinabi nya.
“Teka
Kenpot, may free time ka ba later? Tara lunch tayo kasama ko ang mga classmates
ko din at si Ace!” at tumango lang ako sa tanong nya.
Nakita
kong pinipigilan nila Abby at Cheryl ang pagtawa sa narinig nila kay Lexie, at
hinila na ako ni Cheryl papalabas dahil nag ring na ang bell para sa second
class namin.
“Kenpot!!!”
sabi ni Abby at nagtawanan silang dalawa.
“Kababata
ko yan eh, at crush ko pa!, panget bang pakinggan?” pagdidipensa ko sa kanila
at tumatawa pa din sila.
Nang
malapit na kami sa room ay agad kaming pumasok at umupo humiwalay lang si Abby
kasi maliit sya kaya umupo sya sa unahan.
“Good
morning class!” bati sa amin ng professor na kadarating lang.
“Good
morning Sir Clarence!” sagot nila at umupo sya sa table nya.
“Okay
before we start, let me call your names and say present!” sabi nya at tinawag
kami isa isa.
“Everybody
is present, so let’s get this lesson more exciting!” sabi nya at tumingin sa
aming lahat.
Nakatingin
lahat kami at nakita kong si Cheryl ay nakatingin sa akin.
“What!”
bulong ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.
“Ang
pogi nya oh! Parang si fafa Errol lang!” sabi nya sa akin at napangiti ako sa
kanya, napansin kami ng professor namin at tinawag ang mga pangalan namin para
tumayo.
“And
what are you two talking about?!” sabi nya sa amin at nagtawanan ang buong
class namin.
“Sir
si Ken po tinanong ko lang po...” sabi nya
“And
Mr. Yoshihara what did she tell you?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako
kay Cheryl.
“That...
You’re so handsome and hot!” sabi ko sa aming professor at naghiyawan ang buong
class namin kay Cheryl.
“Okay
class! Tama na yan! Ms. Sy salamat sa appreciation!” at ngumiti ito kay Cheryl
na lumakas pa ang hiyawan ng mga kaklase ko, kahit ako din ay natawa sa ginawa
nya, nakita kong namumula sya sa hiya.
“Oy!
Cheryl patas na tayo! Kanina ako ang pinagtripan nyo, ngayon ikaw naman! And I
think he’s perfect to you!” sabi ko sa kanya at hinampas nya ako sa balikat.
Masaya
ang naging lecture namin sa kanya, kapag si Cheryl ang tinatawag ay
naghihiyawan ang buong class sa kanya, kaya nawawala ito sa focus.
Hindi
na namin namalayan na it’s almost time na, kaya nagbigay si Sir Clarence ng
homework, at nagsialisan na ang iba kong kaklase maliban sa amin nila Cheryl at
Abby na inaayos pa ang kanilang itchura.
“HoMay
Gawd! Cheryl iwasan mong magsabi dyan kay KENPOT! Baka ibuko ka lagi!” biro ni
Abby at nagtawanan kaming tatlo.
Naisipan
kong pumunta muna kami sa locker ko at ilagay ang mga gamit para hindi na ako
magdadala sa lunch break namin nila Lexie.
“Kaya
nga eh! Kainis ka Ken! Akala ko naman pagtatanggol mo ako! Yun pala ipagkakalat
mo!” sabi ni Cheryl at hinampas nya ulit ako.
Habang
naglalakad kami papuntang locker ay nakita ko na naglalakad si Sir Clarence
papunta sa amin, at hindi ko ito sinabi kay Cheryl.
“Nakakailang
hampas ka na ah! Buti nga alam ni Sir Clarence na nakita mo ang personality nya
eh!” sabi ko at naramdaman kong malapit na sa amin si Sir Clarence.
“Hey
Cheryl!” bati nito sa kaibigan ko at nakita ito ni Cheryl na biglang di malaman
kung ano ang gagawin.
“Hi
Sir!” sabi ni Abby at ngumiti lang ako.
“Hello
Abby at Ken! Mag lu-lunch na ba kayo?” tanong nya sa amin at napansin namin ni
Abby na hindi makasagot si Cheryl.
“Yes
sir! Sa Mcdo kami kakain with Ken’s childhood crush!” sabi ni Abby at
napatingin ako ng masama sa kanya.
“Why?!”
sabi ni Abby at nakita kong ngumiti si Cheryl.
“Ahh
ganun ba?! Sige! Ingat kayo sa pagbyahe! Cheryl puntahan mo ako sa faculty
after ng last class mo!” sabi ni Sir Clarence at tinignan namin si Cheryl na kanina pang hindi makapag salita
dahil nahihiya siya sa professor namin.
Kung
pagbabasehan mo, si Sir Clarence yung boy-next-door type na lalaki, makulit, at
syempre binata! Si Cheryl naman ay matanda sa akin ng 4 years pero mukhang
teenager pa din sya, si Abby naman ay ang masasabi kong “Big Things comes in
Small package!” maliit nga sya pero mas matalino sa akin yan, at mas makulit pa
sa amin!
Nang
makapunta na kami sa locker ko ay agad ko itong binuksan at nilagay ang
photocopied ng homework at ang binder ko.
“My
God! Grabe naman kayong dalawa!” sabi ni Cheryl at napatingin kami sa kanya.
“Aba!
Nagsalita na ang walang dila kanina!” biro ni Abby.
“Shut
up! Eh paano kasi kayo eh! Nakakainis!” sabi nito sa amin at nag Maria Clara
ang kanyang boses, at natawa kami ng natawa dahil sa ginawa nya.
“Whatever
Cheryl!” sabi ni Abby at tawa pa din kami ng tawa, at nang maisara ko na ang
locker ay nakita namin ang taong kanina pa kami naninibago ni Cheryl...
“Ace!”
pagtawag ko sa kanya at nagulat ito.
Paalis
na sana sya kaso hinarang sya ni Abby at pinapunta sa akin.
“I
am worried, kanina pa sa CR eh parang naiilang ka sa akin? May problema ba?”
sabi ko sa kanya.
At
tumitig sya sa akin ng matagal.
“Ken,
can I talk to you?” sabi nya sa akin at tumingin ako kila Cheryl at Abby at
tumango naman ito.
“Paki
sabi kay Lexie na hindi na ako makakapunta!” sabi ko kila Chery at Abby.
Tumango
lang silang dalawa at agad kaming bumaba papuntang lobby.
“Ano
ba sasabihin mo?” sabi ko sa kanya.
“Later
na lang kapag tayong dalawa na ang magkausap!” sabi nito at napa buntong
hininga ako.
Nang
makababa na kami sa lobby ay agad nang umalis sila Cheryl at Abby.
“Come
with me!” sabi nya sa akin at sumunod na lang ako sa kanya.
Habang
naglalakad kami sa parking lot ay pinapasok nya ako sa sasakyan nya.
“Teka!
Saan mo ako dadalhin!” sabi ko sa kanya at tahimik lang syang pinaandar ang
sasakyan.
“Oh!
God!” sabi ko na lang at umalis na kami sa parking lot ng school.
Itutuloy...
[05]
“Oh
God!” sabi ko na lang habang nakasakay sa sasakyan ni Ace.
Tinignan
ako ni Ace at nagtataka ako kung anong meron sa araw na ito.
Habang
nasa byahe ay napansin kong iba na ang dinadaanan namin.
“Okay
Ace! You’re creeping me out! Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” sabi ko sa
kanya at tumingin lang ito sa akin.
Wala
na akong magawa kungdi sumunod na lang kay Ace, at nang napansin kong bumagal
ang andar ng sasakyan ay agad kong tinignan si Ace.
“Just
wait okay!” sabi nya sa akin na medyo naiinis.
“Okay!”
sabi ko sa kanya at sinandal ko na lang ang sarili ko sa upuan.
“We’re
here!” sabi nya sa akin at bumaba sya ng sasakyan, nakita kong pinagbuksan nya
ako ng pintuan at lumabas na ako sa sasakyan nya.
Nabighani
ako sa aking nakita! Isang lugar na puro puno at ang sarap ng hangin! Sa isang
banda ay may burol dun at pumunta ako.
“Ace!
Ang ganda dito!” sabi ko sa kanya at nalimutan ko na ang dapat itatanong ko sa
kanya.
Ngumiti
lang si Ace at napansin kong binuksan nya ang likuran ng kanyang sasakyan,
kinuha nya ang isang backpack at sinara nya ito.
“Sorry!
Kung natakot ka! Hehe!” sabi nya sa akin habang nilalakad namin ang kulay
luntian na lugar.
“Tinakot
mo ako ng sobra alam mo ba yun?! Akala ko naman ay pagtitripan mo ako, kasi
natalo nanaman ang kapatid mo!” sabi ko sa kanya at napakamot ng ulo si Ace.
“Wala
yun! And hindi naman issue kay Argel yun eh!” sabi nito at binaba ang backpack
na dala nya.
Naupo
kami sa isang burol, sa ilalim ng anino ng puno na kung saan ang hangin ay
hinahaplos ka at napapangiti dahil ang sarap sa pakiramdam nito.
“Do
you like it?” sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya.
“Yes!
Absolutely!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito.
Napansin
ko syang pinagmamasdan ang lawak ng lugar, natatanaw ko ang lawa at naririnig
ko ang mga ibon na kumakanta, ang sarap sa pakiramdam at napansin ko nanaman na
binuksan nya ang backpack at nilabas ang pagkain na dala nya.
“I
just remembered, ano pala ang sasabihin mo sa akin?” sabi ko sa kanya at bigla
syang napahinto at tumingin sa akin.
“Eh...
kasi... nahihiya akong sabihin sayo eh!” sabi nya sa akin at nahalata kong
namumula ang kanyang tenga.
“Alam
mo, nung tumawag ka sa number ko kagabi ganun din ang naririnig ko! Ano bang
sasabihin mo?” sabi ko sa kanya at tinititigan ko sya ng seryoso.
“Kasi...
I want to tell you na...” sabi nito at naputol ang aming pag uusap nang biglang
nag ring ang phone nya.
“Hello?”
sabi nito at nakita ko sa mukha nyang nagulat sya sa kanyang narinig.
“Hindi
pwede yun! Teka saan ba kayo? Puntahan ko kayo!” sabi nito at agad nang inayos
ang mga pagkain at gamit.
“Tara
na Ken! Next time na lang ko sayo sasabihin! May importante kasing tumawag sa
akin!” sabi nito at tumayo na ako agad.
Mabilis
na pumasok ako sa sasakyan at nilagay nya ang kanyang mga gamit sa likuran at
sinara ito, napansin kong worried ang mukha ni Ace.
“Is
everything alright Ace?” sabi ko sa kanya at hindi ito tumingin sa akin at pinaandar
nya ang sasakyan.
Parang
lilipad kami sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nya ng sasakyan kaya ako ay nag
seatbelt at napansin yun ni Ace.
“Bakit
hindi pinagtatagpo ang oras natin! Damn it!” nasabi lang nya at narinig ko yun
na pinagtaka ko.
Nang
makita kong nasa highway na kami, ay matulin pa din ang pagmamaneho nya at
nakarating kami sa entrance ng school at bumaba na ako, napansin kong isa sa
mga staff ng school ang naghihintay kay Ace at pinasakay nya ito.
“What
happen kaya?” sabi ko na lang sa aking sarili at agad naman akong pumasok sa
school para dun na lang kumain ng lunch.
Habang
naglalakad ay nabunggo ako ni Argel.
“It’s
you again!” sabi nya.
Hindi
na lang ako umimik dahil medyo nag aalala ako sa kalagayan ni Ace, medyo balisa
pa sya at ang tulin ng kanyang pagmamaneho.
“Hey!
Hindi ka ba magsasalita?” sabi ulit nito sa akin at tinititigan ko sya sabay
alis sa harapan nya.
Hindi
ko naman namalayan na sinusundan ako ni Argel hanggang sa cafeteria kung saan
dun na ako umorder ng lunch ko.
“Ate
iced tea po at isang burger!” sabi ko at pumunta na ako sa counter para kunin
ang inorder ko at nagbayad na.
Naghanap
ako ng mauupuan kaso puno na ang cafeteria at naramdaman kong may humawak sa
balikat ko, napalingon ako at si Argel pala yun.
“Tara!
Dito tayo sa secret place ko kumain” sabi nito, dahil wala nang mauupuan ay
sumunod na lang ako sa kanya.
Pumunta
kami ng rooftop at natanaw ko ang buong school, ang laki talaga nito at
maraming puno kaya presko sa pakiramdam.
“Like
it?” sabi nya sa akin at tumango lang ako.
Naninibago
din ako kay Argel katulad din sya ni Ace na weirdo ngayong araw.
Naglakad
pa kami at nakita ko na may isang table dun at upuan na parang sa mga guard na
naka post sa gabi dun.
“Argel?”
sabi ko lang sa kanya at tumingin ito sa akin at ngumiti.
“Don’t
worry wala pa yung mga bantay dito! Mamaya pa yun darating!” sabi nya sa akin
na parang alam na nya ang aking sasabihin.
Umupo
na kami at ang oras na yun ay awkward para sa akin, dahil hindi ko pa
nakikilala ng lubos si Argel, bukod sa laban namin kagabi at kaninang umaga ay
wala na akong alam tungkol sa kanya kaysa kay Ace.
“Magkaiba
talaga kayo ni Ace?” tanong ko sa kanya.
Tumingin
sya sa akin at binaba ang kanyang kinakain.
“Si
Ace ay yung taong nag- iisip muna bago kumilos, ako naman kabaliktaran nun
mahilig akong gumawa ng challenged bago ko isipin ang nangyari.” Sabi nya sa
akin at bumalik na sya sa pagkain.
“By
the way, bakit ka pala naisipang lumipat dito? Eh balita ko kay Ace na taga
International School ka?!” sabi nito sa akin at napatigil ako sa pagkain.
“Nilipat
kasi ang parents ko ng branch eh, si kuya naman ay nakapasok as a consultant sa
isang company dito din kaya ako napilitang sumama sa kanila, mahirap naman kung
mag isa lang ako sa manila, even though I have my friends there.” Sabi ko sa
kanya at tumingin siya sa akin.
Tinititigan
ko sya habang nakatingin sya sa akin, ang itchura nya ay malayo kay Ace dahil
na siguro ay Player ng basketball kaya ganun, pero ang mga mata nya ay
kaparehas ng kay Ace mapungay ito at nang aakit, ang mga mapupulang labi na
parang mansanas at ang kanyang buhok na laging wala sa ayos... Hindi ko maisip
na sabihan ito na panget eh! Dahil ang lahat ng mga kababaihan at kabadingan
dito sa campus ay pinagtitilian sya kapag nadaan sya sa hallway.
Nagising
na lang ako sa aking pagmumuni muni nang tapikin nya ako sa pisngi.
“Ayos
ka lang?” sabi nito sa akin at nabigla ako.
“Ye..yeah!
I’m okay! Hehe!” sabi ko lang sa kanya.
“Wake
up Ken! You’re not a gay!” sabi ng konsensya ko at inubos ko na ang aking
kinakain.
“Saturday
na pala bukas! May gagawin ka ba?” sabi ni Argel sa akin habang nainom ako ng
Iced tea.
“Yeah...
meron akong gagawin!” sabi ko sa kanya.
“Ahh
ganon ba?” sabi nito at napansin kong yumuko ito at tumingin sa kanyang
kinakain.
“Yep!
Study first before gimik!” sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito sa akin.
“Kung
gusto mo dito, sabihin mo lang at papa ayos ko ito para kapag lunch break ay
dito ka na kakain!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.
“Ken?”
sabi nya sa akin at tinignan ko sya.
“Yes?”
sabi ko lang sa kanya at nakita kong hindi sya mapalagay.
Lumapit
sya sa akin at hinawakan ang aking mukha, bigla naman akong kinabahan sa
kanyang ginawa at iniwas ang aking mukha.
“What
the hell is that?” sabi ko sa kanya at natawa sya sa itchura ko.
“Kasi
may dumi ang pisngi mo! Ang takaw kasing kumain ng burger!” sabi nya sa akin at
agad kong nilinis ang aking mukha.
“Para
kang bata!” biro nya sa akin habang tinatawanan nya ako.
“Gago!”
sabi ko sa kanya at lumipat sya ng kinauupuan at tumabi sa akin.
“Teka!
Bakit dito sa tabi ko?” sabi ko sa kanya na medyo naiilang sa mga kinikilos
nya.
“Wala
lang! gusto lang kitang maging ka close, kaya tumabi ako sayo!” sabi ni Argel
at nanahimik akong bigla.
“Wala
namang masama kung magiging tropa mo sya...” sabi ng aking konsensya at
napatingin ako sa kanya.
Ang
haplos ng hangin na dumampi sa kanyang katawan ay naamoy ko ang kanyang
pabango, nanibago ako sa aking sarili na para bang may maliit na boses sa aking
utak na nagsasabing “Grabe ang bango nya!” pero nilabanan ko ito at hindi na
lang umimik.
“Alam
mo ba na dating ng parents namin ngayon?” sabi nya sa akin habang nakaupo sa
tabi ko at nakatingin sa kalangitan sya.
“Kaya
pala nagmamadali si Ace kanina! Now I know!” sabi ko sa aking sarili at
tinignan sya ng matagal.
“Ganun
ba? Eh di dapat masaya ka nyan?” sabi ko lang sa kanya at tumingin ito sa akin,
nakita ko ang ibang Argel sa mga oras na iyon, maamong mukha, ang mga matang
nang aakit, ang kanyang ilong na medyo matangos at ang mapupulang labi na
parang nakaka akit halikan...
“Hindi
kami masaya ni Ace!” sabi nya sa akin at wala na akong naisagot sa kanya,
napayuko lang ako at naramdaman ko naman sya na nakatingin sa akin kaya
tinignan ko sya at biglang inalis nya ang tingin at tinuon sa kalangitan.
“Alam
mo ba na ang mga clouds nagkakaroon ng hugis kapag sinasabi ng utak mo?” sabi
ko sa kanya at tumingala din ako sa kanya.
“Tignan
mo yung malaking parte na yun, mukhang entrance ng palasyo!” turo ko sa kanya
at tinignan nya ito.
“Hindi
naman eh! Mukha syang malaking wall na punong puno ng halaman!” sagot nya sa
akin.
“Eh
yung isa na mukhang malaking ibon?” sabi ko at tumingin sya.
“Mukhang
phoenix!” sabi nya sa akin at nakita ko syang ngumiti.
“Kitams!
Sabi ko sayo eh!” sabi ko sa kanya at tumingin ito sa akin.
Tinignan
ko ang cellphone ko kung anong oras na at nakita kong malapit nang mag ring,
kaya agad akong tumayo at nakita ni
Argel ang pag aayos ko ng aking sarili.
“Malapit
nang mag time! I need to go! Pupunta pa ako sa locker para kunin ang gamit ko!”
sabi ko sa kanya at biglang hinila nya ang aking braso at napalapit sa kanyang
katawan, naramdaman ko ang kanyang braso at bumalot sa aking katawan, dahilan
para di ako makagalaw.
“Ken!
Salamat ah! Pinagaan mo ang loob ko!” sabi nya sa akin at biglang kumalas ako
sa yakap na ginawa nya.
“Sige
I need to go! Thanks sa pagpunta mo sa akin dito!” sabi ko habang naglalakad
ako papalayo kay Argel.
“My
God! Magkapatid silang weirdo ngayon!” nasabi ko na lang sa aking sarili at
naglakad na sa hagdan pababa.
Habang
naglalakad ako ay di pa rin mawala sa isip ko ang mga bagay na nangyari sa akin
ngayong araw, si Ace na pinunta nya ako sa isang relaxing na lugar, at si Argel
na nagyaya sa akin sa rooftop, ngayon ay naguguluhan ako sa aking nararamdaman,
pero isasantabi ko muna ito dahil kailangan kong mag focus sa pag aaral ko.
Nang
makarating ako sa locker room ay agad kong binuksan ang aking locker at kinuha
ang binder at ballpen na nakalagay dun, nakita kong papalapit sila Luke at Abby
sa akin...
“Ken,
kamusta pag uusap nyo ni Ace?” sabi ni Abby sa akin at ngumiti lang ako sa
kanya.
Nagtinginan
sila Luke at Abby at sinara ko na ang aking locker, medyo hindi ko naintindihan
ang sinabi ni Abby sa akin kaya biniro nanaman nya ako.
“Ano
nga?! Ngiti ngiti lang?! wala ka bang dila para magkwento?!!” sabi ni Abby na
umangkla sa aking braso nanaman at naglakad kami papasok ng room.
“Ano
nga ba ulit tanong mo?” sabi ko sa kanya at natawa si Luke sa kinikilos ko.
“Sabi
ko sayo eh! May tinira yang si Ken!” biro sa akin ni Luke at ngumiti lang ako.
“Ano?
Panis na rugby?” sagot ni Abby at tumawa nanaman siya.
Napatawa
ako sa sinabi nya at nang makapasok na kami ng classroom ay napansin ko agad si
Ace kaya nginitian ko ito at sumagot naman din sya ng ngiti sa akin.
“Hmm...
maybe hintayin na lang natin si Ken na magsalita kapag nasa tamang oras na!”
sabi ni Abby at umupo na ako sa may gitna kung saan nakita ko si Cheryl at
tinapik ito sa kanyang likod.
“Kamusta?!”
bati nya sa akin at agad akong ngumiti sa kanya.
Magkukwento
na sana ako kay Cheryl nang biglang pumasok ang professor namin at parang
katulad pa din ng dati, attendance check muna!
“I
see na karamihan sa inyo ay present kaya mag umpisa na tayo sa ating aralin!”
sabi ng professor namin sa Filipino at nilabas na namin ang aming mga ballpen
para isulat ang mga importanteng notes.
Medyo
bored ang oras na yun! Hindi ko maintindihan dahil ngayon ko lang naramdaman
ang pagka bored sa class na yun at napahikab ako, napansin ng professor namin
yun at pinatayo ako.
“Nararamdaman
kong inaantok ka! okay Ken, sagutin mo itong nasa board!” sabi nya sa akin at
agad akong pumunta sa board at isulat ang sagot ko, nang matapos na akong
magsulat at agad kong binigay ang marker sa aming professor at ngumiti ito sa
akin.
“Mukhang
marami kang ikukwento sa amin ah!” sabi ni Cheryl sa akin at napatingin ako sa
kanya.
Nakita
ko ang kanyang mga ngiting aso na pinipilit akong magkwento, kaya di ko na
napigilan at binulong ko sa kanya...
“After
class ikukwento ko sa inyo, before na dumating yung sundo ko!” bulong ko sa
kanya at bumalik na kami sa pagsusulat.
Naging
mabilis naman ang oras nang pumasok na kami sa mga sumunod na klase at hindi
namin namalayan na tapos na pala ang araw namin kaya ang iba ay nagsisihiyawan
at ang iba naman ay nagtatakbuhan papalabas na ng campus.
Pumunta
muna kami ng locker at kinuha ko muna ang mga gamit ko, at nakita ko si Ace
kaya hinarang ko ito.
“Sinabi
saken ni Argel kung bakit ka nagmamadali kanina!” sabi ko sa kanya at nabigla
sya sa kanyang narinig.
“Ah...
ta...talaga! salamat kung nag aalala ka saken! At sorry kung di ako natuloy sa
sasabihin ko! May bukas pa naman eh!” sabi nya sa akin at naalala kong may
brainstorming kaming dalawa sa bahay nila at napangiti ako sa kanya at
nagpaalam na dito.
Bumalik
ako sa aking locker at napansin ko silang tatlo na nagtataka...
“So
hindi ka na magsasalita...” sabi ni Cheryl
“At
papakita mo na lang na...” dagdag ni Luke
“Magka
close na pala kayo ni Ace!” singit ni Abby at napakamot na lang ako ng ulo at
sinara ko na ang aking locker.
Bumaba
kaming apat at nang makadaan kami sa lobby ay nakita kong may nakapaskil na
announcement.
Nakita
din nila ang nakapaskil at tinignan ako...
“Sasali
ka dyan?” sabi ni Luke sa akin.
“Absolutely!”
sabi ko sa kanya na may confident ang tono.
“Talaga?!”
dagdag ni Abby sa akin.
“Oo
nga! Unli ka lang?! Kailangang paulit ulit ang tanong?!” biro ko sa kanila at
nagtawanan kami.
“Ken!
Sige! Pupunta kami dyan at susuportahan ka namin!” sabi ni Cheryl na napansin
kong may ka text.
“Thanks
mga new friends ko! Sinusuportahan nyo ako! Hayaan nyo kapag nakapasok ako
dyan, ililibre ko kayo!” sabi ko sa kanila at nakita kong ngumiti lang sila sa
akin.
Nang
makuha ko na ang number na nakalagay dun ay naglakad na kami papalabas ng
school.
Habang
nasa hallway kami ay nakita kong naglalaro ang basketball team, nakita ko din
si Argel at napansin nya ako.
Tumigil
sila Cheryl, Abby at Luke nang makita akong nakatingin sa mga naglalaro.
Nakita
kong nagpapakitang gilas si Argel sa akin at natatawa lang ako, kasi wala akong
time para sumali ulit sa laro nila, and besides may pupuntahan akong tao na
gusto kong idalaw sa bahay.
Naramdaman
kong lumapit ang mga kaibigan ko sa akin at napatingin sa mga players na
naglalaro, nakita nila si Argel na papalapit sa amin kaya tinignan ako nila na
may halong pagtataka.
Itutuloy...
[06]
“Pauwi
ka na?” sabi ni Argel sa akin.
“Yep!”
sagot ko lang sa kanya.
“Tara
isang laro lang!” paanyaya sa akin ng isa sa mga kasama ni Argel.
“No
thanks! Aalis na talaga ako eh! May importante akong lakad!” sabi ko lang sa
kanila at di na ako nito kinulit.
“Sandali
lang ah!” sabi ni Argel at bumalik ulit sa court.
Nagtinginan
sa akin ang tatlo at hinila ako, napasandal naman ako sa may bench at kinausap
nila ako.
“Okay
Ken! You need to explain what the hell happen!” sabi ni Cheryl at nakita kong
naghihintay sila ng aking sagot.
“Kasi
ganito yun...” sabi ko at biglang pinutol ni Abby.
“Wala
nang paligoy ligoy pa! Straight to the point! Parang di mo kami friend nyan?!”
sabi ni Abby at huminga ako ng malalim at nagkwento na ako.
“Sinama
ako ni Ace sa isang lugar, biglang nagkaroon ng problema sa kanila at bumalik
na lang ako sa campus, tapos nung nasa cafeteria ako para bumili ng makakain ay
nakita ako ni Argel, naghahanap kasi ako ng mauupuan kaso wala nang bakante
kaya sinabihan nya ako na sumunod sa kanya may alam daw syang lugar na wala
pang nakakaupo, at pumunta nga kami sa rooftop dun kami nag lunch ni Argel
tapos sinabi nya na gusto nya akong maging kaibigan so ayun! Pumayag naman ako
sa sinabi nya!” litanya ko sa kanila at nagkalasan silang tatlo nang nakita
nilang papalapit na ulit si Argel sa pwesto namin.
“Oh
heto!” sabi nya at hinagis ang jacket na gamit ng mga varsity players dun.
“Para
saan to?” sabi ko sa kanya habang hawak ko ang jacket na yun.
“Ipang
lampaso mo kapatid! Maganda yang gawing mop!” biro ni Cheryl sa akin at natawa
si Argel sa sinabi ni Cheryl.
Napatingin
ako kay Cheryl at nakita ko na nahihiwagaan din sya kay Argel.
“Obviously,
remembrance dahil tinalo mo sya!” sabi ni Abby sa akin at napatingin ako kay
Argel.
Nakita
kong napayuko sya at namumula ang tenga, kaya natawa ako dito at hinampas sya
sa balikat.
“You
don’t have to! Magkakaroon din ako nyan!” sabi ko sa kanya at binalik ko yung
jacket nya.
Napatingin
sya sa akin at sa mga kasama ko, kaya kinuha nya yung jacket at nilagay sa
kanyang balikat.
“Di
mo ba alam na si Ken ay sasali sa—“ pagsasabi ni Abby na biglang tinakpan naman
ni Luke ang bibig ni Abby.
“Hehehe!
Pagpasensyahan nyo na si Abby! Spoiled brat kasi eh! Marami nang nalalaman na
secrets kaya kailangan nang patahimikin!” biro ni Luke at natawa naman kami sa
ginawa nilang dalawa.
“It’s
okay! So kita kits sa Monday ah!” sabi ni Argel sa akin at tumango lang ako sa
kanya, bumalik na sya sa team nya at nag practice ulit.
Habang
kaming apat ay nagbibiruan papalabas ng campus, pinagtripan ni Luke si Abby
dahil muntik nang malaman ni Argel na mag aapply ako as a varsity player.
“Ang
bibig mo talaga Abby kailangan nang lagyan ng humps!” biro ni Luke sa kanya.
“Ay!
humps talaga?! Di ba pwedeng break na lang para maliit?!” sabi ni Abby at
nagtawanan kaming lahat.
Lumipas
ang ilang minuto ay dumating na ang Sundo ko kaya nagpaalam na ako sa kanila.
“Ken
sa Monday na lang ah!” sabi ni Abby sa akin.
“Gaga!
Diba friend mo sya sa facebook! Chat chat na lang after ng brainstorming nyo ni
Ace!” sabi ni Cheryl sa akin.
“Ingat
bro sa pag uwi ah!” sabi ni Luke at nagpaalam na ako sa kanilang tatlo.
Nang
makapasok ako sa sasakyan ay nabigla ako na si Dad pala ang sumundo sa akin.
“Pinasabi
ko kay kuya Ray na siya na ang magsusundo sa akin eh!” sabi ko sa dad ko habang
inaayos ang seatbelt.
“May
pinasundo lang ako sa kanya kaya ako na ang nagsundo sayo! At dadaanan pa natin
ang kuya Kino mo sa work nya!” sabi ni dad sa akin at ngumiti lang ako sa
kanya.
Nang
makalabas na kami ng campus ay agad kong sinalpak ang cd sa player ni dad kaso
pinigilan ako nito.
“Wag
ka nang mag play ng music dito sa player okay?!” sabi nya sa akin na
ikinalungkot ko.
“Check
mo yung nasa likod na gamit may kulay blue dyan na nakabalot paki kuha nga.”
Sabi ni dad sa akin at sinunod ko ang utos ni dad kahit malungkot ako kasi yun
na lang ang libangan ko kapag pauwi na kami ng bahay.
Nakita
ko yung bag nya at nakita ko din na may dalawang nakabalot isang pula at isang
blue kaya kinuha ko yung blue na sabi ni dad.
Binigay
ko ito sa kanya pero tinignan lang nya yun.
“Try
to open that!” sabi nya sa akin.
At
nang sinira ko ang nakabalot ay nanlaki ang mga mata ko!
“Thanks
Dad!” sabay yakap sa kanya.
“Nagustuhan
mo ba?” sabi nito sa akin.
“Yup!
Gustong gusto!” sabi ko sa kanya.
Ang
matagal ko nang wish na mabili, ay niregalo sa akin ni dad! Isang I-pod touch
4th Gen series! Pero nagtaka ako, bakit nga pala nya ako bibigyan nito, eh di
ko pa naman birthday?!
“Dad
bakit meron pala ako nito?” sabi ko sa kanya at tinignan nya lang ako at
ngumiti.
“Makikita
mo mamaya kung bakit!” sabi ni dad at sumandal na ako sa upuan at kinalikot ang
bago kong Ipod.
Habang
nasa byahe ay nag ring ang phone ni dad kaya ako na ang sumagot dito.
“Hello?”
sabi ko.
“Sir
Ken!” sabi ni Kuya Ray.
“Bakit
po kuya Ray?” tanong ko sa kanya.
“Pwede
bang kausapin ko si Sir Jino?” sabi nito at nilagay ko sa tenga ni Dad ang
phone nya.
“Oh
Ray bakit ka napatawag?” sabi ni dad.
“Yung
blue at red na lang ang kunin mo at yung dalawa kailangan isama mo sila okay!
Sabihin mo dun sa kanya na okay na ang lahat!” sabi ni dad na nagtataka naman
ako kung ano yung pinag uusapan nila ni kuya Ray.
“O
sige! Susunduin ko lang si Kino tapos direcho na kami sa bahay!” sabi lang ni
dad at pinababa na nya sa akin ang phone.
Habang
nasa byahe kami ay hindi ko na mapigilang magtanong kay dad.
“Dad,
ano yung pinag usapan nyo ni kuya Ray?” sabi ko sa kanya, ngumiti lang ito at
ginulo ang aking buhok.
“Basta
malalaman mo na lang kapag nasa bahay na tayo!” sabi lang nya sa akin at lumiko
na kami sa may kanto ng building kung saan nagtatrabaho si kuya Kino.
Agad
namang naghanap ng paparadahan si dad at nang makahanap kami ay agad nyang
pinasok ang sasakyan dun, bumaba kami at pumasok sa lobby ng company.
“Good
afternoon sir!” sabi ng attendant kay dad.
“Is
Kino Yoshihara there? Please tell him we’re waiting here.” Sabi ni dad at
tumawag na ang attendant sa office nila kuya Kino.
“Sir
pababa na po sya, please wait at the lounge area po!” sabi ng attendant sa amin
at pumunta na kami sa lounge.
Pagkaupo
pa lang namin ay nilapitan kami ng isa sa mga nagtatrabaho dun para alukin ng
maiinom kaya kumuha ako ng orange juice at si dad naman ay coffee, habang
hinihintay namin si kuya Kino ay nakita ko si dad na maaliwalas ang kanyang
mukha, parang may mangyayari mamaya ah!
Napatingin
ako sa cellphone ko at nakita kong naka alarm pala ito sa birthday ni Jiro!
Kaya agad kong hiniram ang phone ni dad para kunin ang cell number ng lola nya.
“Hello?”
sagot nito nang maka connect na ako.
“Lola
si Ken po ito! Si Jiro po?” sabi ko sa kanya at agad naman binigay kay Jiro ang
phone.
“Hello?!”
sabi ni Jiro.
“Huy!
Jiro Otanjobi Omendeto!” sabi ko sa kanya.
“Ano?”
sagot nya sa akin at natawa naman ako.
“Sabi
ko Happy birthday to you!” sabi ko sa kanya at tumawa ito sa akin.
“Akala
ko na kung ano! Wag ka ngang magsasalita ng ibang language! Wala naman akong
alam dun eh!” sabi nito sa akin at natawa ako sa sinabi nya.
“Oh
sige sana matupad na ang wish mo!” sabi ko sa kanya.
“I
hope so! Nasan ka ba ngayon?” sabi nito sa akin.
“Nasa
office ni kuya! susunduin namin sya ni dad eh!” sabi ko lang sa kanya at tumawa
ito.
Nakita
ko na papunta na sa amin si kuya Kino kaya nagpaalam na ako kay Jiro, at nang
makalapit na sa amin ni dad si kuya ay tinititigan nya ako.
“Welcome
pala sa company na pinapasukan ko!” biro nito sa akin at natawa ako sa ginawa
nya.
Lumapit
si kuya sa akin at kinuha ang juice ko at inubos ito.
“Ang
sarap talaga ng juice!” sabi nito sa akin at nagalit ako sa kanya.
“Dad,
si kuya inubos yung juice ko!” sumbong ko at natawa lang si dad sa inaasta ko.
“Hayaan
mo! Pagbalik mo dito papainumin kita ng isang galon!” biro sa akin ni kuya at
ginulo nanaman ang buhok ko.
“Dad!
Tara na!” sabi ni kuya at sabay na kaming tumayo.
Lumabas
kami sa company na pinapasukan ni kuya at pumunta sa sasakyan na nakapark sa
may kanto ng kanilang company, sumakay ako sa likuran at si kuya naman ay sa
harapan kasama si dad, napansin nyang may Ipod touch ako kaya tinignan nya ako.
“Naks!
May bagong Ipod si bro ah!” biro nya sa akin at hindi ko sya pinansin.
Habang
nasa daan ay lagi akong kinukulit ni kuya, kaya hindi ko na maifocus ang sarili
ko sa bagong Ipod na bili ni dad sa akin, naging mabilis ang byahe dahil maaga
kaming nakauwi sa bahay, nakita ko na din na andyan na ang isang sasakyan kaya
sinara na ang gate.
Nang
papalabas na kami ni kuya ay nagsalita si dad.
“Ken
magbihis ka na! si kuya Kino mo at ako ay may bubuhatin lang sa compartment at
ilalagay yun sa dining area.” Sabi ni dad sa akin kaya sinunod ko ang utos nya
at agad akong nagtatatakbo papasok ng bahay.
Nang
makapasok na ako sa bahay ay agad kong napansin ang magaan na pakiramdam,
nakita ko si Nay Elsa.
“Nay
magandang hapon!” bati ko sa kanya.
“Aba!
Dumating na pala ang makulit kong alaga! Umakyat ka na at magbihis! May bisita
kayong dadalaw ngayon!” sabi nito at sinuklian ko ito ng ngiti at umakyat na sa
aking room.
Habang
nagbibihis ako ay narinig ko ang aking phone, isang text message at agad kong
binasa ito.
“Kenpot!
Bakit hindi ka nagpakita nung lunch? Tampo na ako sayo!” sabi ni Lexie sa akin.
“Lexie
sorry! May ginawa lang ako, tinapos ko lang yung homework ko eh! Sorry talaga!
Promise babawi ako sayo!” reply ko agad sa kanya at bigla syang tumawag.
“Talaga?!”
sabi ni Lexie.
“Yup!”
sagot ko lang.
“Can
you do me a favor?” sabi lang nya sa akin.
“Ano
yun?” sabi ko habang papunta ako ng closet.
Hindi
nagsalita ng ilang minuto si Lexie at nagtaka ako.
“Hey!
Lex ano nga yun?!” sabi ko sa kanya.
“Kasi...”
nahihiyang sabi nya.
“Ano
nga yun?!” sabi ko na medyo naiinis.
“Diba
magbestfriend naman tayo?” sabi nya sa akin.
“Oh?
Ano ba gusto mo?” sabi ko sa kanya.
“Kasi
I have something to tell you...” sabi nya sa akin.
“What?”
sabi ko sa kanya na medyo tumaas ang boses ko.
“Kasi
I have a crush on Argel eh! Sana naman matulungan mo ako!” sabi nya sa akin.
“Yun
lang pala eh! Pinahaba mo pa!” biro ko sa kanya.
“Kasi
nahihiya ako sayo eh! Kaya mo ba yun?” sabi nya sa akin.
“Oo
naman! Sige na! I need to change my clothes! May bisita kasi kami ngayon eh!”
sabi ko lang para matigil na ang aking kaibigan.
Nang
makakuha ng damit, ay agad akong pumasok sa CR para magshower sandali.
Binuksan
ko ang Ipod ko at nagpatugtog dahil gusto kong malimutan ang sinabi ni Lexie sa
akin kanina.
[Bruno
Mars: Runaway]
Nararamdaman
ko ang lamig ng bawat patak na nanggagaling sa shower, bawat patak ay sumasabay
ang pagsabog ng aking nararamdaman kay Lexie, akala ko okay na! Pero hanggang
kaibigan lang pala kami! Nag assume ako na may mahahantungan ang pagkakaibigan
namin, yun pala ay tinuldukan nya dahil si Argel ang mahal nya.
[Zia
Quizon: Ako na lang]
Nang
matapos ko ang aking paliligo ay agad na akong nagpatuyo at nagbihis, habang
inaayos ko ang aking buhok ay biglang nag ring ang phone ko, inaakala ko si
Lexie ulit yun para mangulit.
“Lexie!
Sinabi ko na nga sayong gagawin ko yun! Wag nang makulit okay!” sabi ko nang
sagutin ko ang phone.
“Whoa!
Ang init ng ulo ah!” sabi ni Ace sa akin.
Nabigla
naman ako at nawala sa aking sarili.
“Oh
Ace...Na...Napatawag ka?!” sabi ko na para bang nakakita ng multo.
“Haha!
Mangangamusta lang! Pasensya ka na kanina ah! Hindi ko tuloy nasabi ang gusto
kong sasabihin eh! Dumating kasi sila Mama at Papa, bukas ah! Tuloy tayo dito
sa bahay!” sabi nya sa akin.
“Ah!
Nice... Sige... Tuloy tayo bukas!” sabi ko lang sa kanya at tinuloy ko ang pag
aayos ng aking buhok.
“Parang
may problema ka?” sabi nya sa akin at napahinto ulit ako.
“Okay
lang ako! Haha!” sabi ko lang sa kanya.
“Okay
sabi mo eh! Sige I have to go! May pupuntahan pa kami eh!” sabi nya sa akin at
binaba ko na ang phone.
Nang
matapos ko nang ayusin ang aking buhok ay lumabas muna ako sa CR at umupo sa
may sala sa loob ng aking room, halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa
araw na yun, dahil na din kay Lexie na hindi ko nasabi ang aking nararamdaman,
habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni muni ay pumasok si kuya Kino sa
aking room at lumapit sa akin.
“Ayos
ka lang ba?” sabi nya sa akin at tinignan ko sya.
Tumango
lang ako para sabihing ayos lang ang lahat, at ginulo nanaman nya ang aking
buhok na kakatapos ko lang ayusin.
“Tara
na! Bumaba ka na sa dining room! May surprise kami sayo!” sabi nya sa akin at
hinila nya ako sa may braso.
At
nang papalabas ako ng room ay narinig kong may nag uusap sa baba, kaya
nagmadali ako dahil pamilyar ang mga boses na narinig ko.
“Gino,
hindi naman sya nagalit, nalilito pa lang sya kaya hayaan na lang muna natin
sya” narinig ko ang boses ni Mommy.
“Paula,
paano ako babawi sa kanya? Kinakabahan ako eh, baka kasi manibago ang bata
dito” sabi ni Daddy na napansin nya akong pababa na sa hagdan.
“Dad...Mom...
ano yung pinag uusapan nyo?” sabi ko sa kanila at tumingin sila sa isa’t isa.
“Malalaman
mo na lang mamaya okay!” sabi ni Mommy at ngumiti ito sa akin.
“Tara
na nga! Ang kupad mong maglakad!” sabi sa akin ni kuya at humawak sya sa aking
balikat at tinulak nya ako para pumunta sa dining room.
Pagkapasok
ko sa dining room ay nakita kong naka ayos ito, may mga bulaklak sa lamesa, ang
vase na malapit sa lanai ay may magandang ayos din ng bulaklak.
“Nay
Elsa! Anong meron po?” sabi ko sa kanya na may halong pagtataka.
Lumapit
sya sa akin at binulungan ako.
“Pasensya
ka na, di ako pwedeng magsalita eh!” sabi nya sa akin at napakunot ang aking
noo.
At
nang makapunta na ang lahat sa lamesa ay umupo na kami, napansin kong may
dalawang upuan na nilagay at wala pang naka upo.
“Ken,
paano kung sabihin namin sayo na yung bisita natin ay may wish na makita ka?”
sabi ni kuya sa akin habang kumukuha ng pagkain sa lamesa.
“Ako?...
Gustong makita?!...” sabi ko kay kuya at tumawa ito.
Nakita
ko sila Mommy at Daddy na nakangiti, at biglang pumasok si Nay Elsa sa aming
pag uusap.
“Gino,
okay na sila!” sabi lang nya kay Daddy.
“Sige
po manang Elsa! Papasukin nyo na po sila!” sabi ni Daddy at umalis na si Nay
Elsa.
Habang
nakain kami ay nakikinig lang ako sa mga kinukwento ni kuya, minsan napapangiti
lang ako sa mga sinasabi nya at minsan din hindi, nang mga oras na yun ay
bumalik ulit si Nay Elsa at dala na nya ang mga bisita.
“Ken
papasukin mo na nga yung mga bisita” utos sa akin ni Mommy at tumayo ako at
pinuntahan sila sa may sala.
“Tara
na po! Kain na daw po kayo sabi ni Mommy” sabi ko sa isang babaeng nakatalikod
na may kasamang binatang lalake.
Humarap
sila sa akin at laking gulat ko, dapat ako ang gagawa ng surprise party, pero
ako pa pala ang nagulat sa aking nakita.
“Kayo!”
sabi ko na lang sa kanila at ngumiti sa akin si lola.
“Kuya!!!!”
sabi sa akin ni Jiro at niyakap nya ako.
“Kuya?!!
Bakit?!!” sabi ko sa aking sarili.
Itutuloy...
[07]
“Kuya?!
Bakit ako tinawag na kuya nito?!” sabi ko sa aking sarili.
“Namiss
agad kita kuya!” sabi sa akin ni Jiro at naalala ko pala na “kuya” nga ang
tawag nya sa akin bago kami umalis sa flowershop.
Niyakap
ko sya ng mahigpit at napansin nyang humigpit ang aking pagyakap.
“Aba
bata! Baka naman magutom na sila! Hindi mo ba sila papapapuntahin sa dining
room para umupo at makakain?!” singit sa amin ni Nay Elsa.
Nagkalas
kami at sinamahan ko na sila sa dining room para sumabay sa amin sa pagkain.
“Dad,
ito ba yung surprise mo sa akin?” sabi ko kay Dad at tumingin lang sya sa akin.
Habang
nakain kami ay napatingin ako kay kuya Kino at napansin kong tahimik sya sa mga
oras na yun, kahit si lola at sila Mom at Dad parang nasa library kami nung mga
oras na yun walang nag iimikan at binasag ko ang katahimikan na yun.
“Jiro,
mamaya pagtapos nating kumain, tumambay tayo sa room ko!” sabi ko sa kanya na
nasa harapan ko lang at napatingin naman si Dad sa akin.
Tumango
lang ako sa kanya at nagpatuloy kaming kumain, si Jiro naman ay ngumiti din
pagsasang ayon sa aking pag aanyaya sa kanya.
Medyo
awkward ang mga oras na yun, parang yung magkapatid na kanina lang ay hindi ko
din maintindihan, natapos na kaming kumain at hinawakan ko na si Jiro para
umakyat kami sa room, nakita ko naman na papunta sila kuya Kino, Mom, Dad at si
Lola sa lanai.
Mabilis
kaming umakyat sa aking room at pagkabukas ko ng pintuan ay napansin ko si Jiro
na humanga sa aking room.
“Like
it?” sabi ko sa kanya at tumango lang sya sa akin.
“Kuya,
ang ganda ng design ng room mo, tapos yung mini sala mo astig!” sabi nya at
ngumiti lang ako sa kanya.
Habang
humahanga sya sa kanyang nakikita ay pumunta naman ako sa may study table ko at
binuksan ang drawer para kunin ang regalo ko sa kanya.
“Andito
pala si St. Michael!” sabi nya sa akin ng puntahan nya ang tabi ng kama ko.
“Sabi
mo eh! Itabi ko yan, kaya dyan ko nilagay para may guardian ako!” sabi ko sa
kanya at yumakap ulit sya sa akin.
Gumanti
naman ako ng pagyakap ko sa kanya at tumingin ako sa kanyang itsura, nagkalas
kami at umupo sa may sala, tumayo muna ako para kunin ang mga magazines ng
anime at binigay ko sa kanya yun.
“Whoa!
Kuya, mahal ang mga ganito ah! Limited edition tapos yung iba parang hindi pa
nababasa!” sabi nya dito at lumapit ako sa kanya.
“Eh,
kinokolekta ko lang yan, wala naman kasi akong kasama kapag magbabasa ng mga
ganyan, si kuya Kino hindi mahilig dyan!” sabi ko sa kanya at tumingin sya sa
akin.
“Gusto
mo ako?” Napatingin ako sa kanya ng seryoso at nakita ko syang ngumiti.
“Huh?!”
sabi ko sa kanya.
“Magpupunta
ako dito lagi, para makasama kita at sabay nating babasahin yan!” sabi nya at
napangiti ako sa kanya, binuksan ko ang nakabalot pang magazine at binigay ito
sa kanya, ganun din naman yung magazine na kinuha ko.
Habang
nagbabasa kami ay naririnig kong tumatawa si Jiro at napapatingin ako sa kanya.
“Mukhang
gusto mo yang binabasa mo ah!” sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.
Habang
maganda ang aming bonding ay biglang may kumatok sa pintuan.
“Pasok
po!” sigaw ko lang sa kumakatok at pumasok sila kuya kasama si Lola at sila Mom
at Dad.
“Ken
anak, pwede bang maka istorbo kami sa inyong dalawa?” sabi sa akin ni Mom.
“Sige
po! Upo kayo dito sa may sofa kami ni Jiro dito na lang sa carpet.” Sabi ko kay
Mom at pumasok na silang apat.
Nagsiupuan
sila sa sofa at kami namang tatlo ay nasa carpet, binaba muna namin ni Jiro ang
binabasa namin at tumingin sa kanila.
“I
hope this is great!” sabi ko sa kanila at siniko ako ni kuya.
Nakita
ko sila mom at dad na humawak sa isa’t isa at tinignan ako at si Jiro.
“Jiro?”
sabi ni Dad.
“Bakit
po?” sagot lang ni Jiro na alam kong nagtataka.
“Itong
sasabihin ko sayo, hindi ko alam kung magagalit ka o matatanggap mo, pero sana
pakinggan mo muna ako, okay lang ba?” sabi ni Dad at nakita kong nakatingin
lang sya.
“Ako
ang papa mo...” sabi ni dad na walang takot, nakita ko naman si Jiro na nagulat
sa kanyang narinig, tinignan nya si Lola at nakita nyang ngumiti lang ito,
naramdaman kong pumatak ang luha ni Dad.
“I...ikaw?!
ang Papa ko?! Pero...” sabi ni Jiro na nalilito pa sa mga nangyayari.
“Oo
anak! Ako nga ito!” sabi lang nya at niyakap nya ito, pero nakita ko si Jiro na
lumayo at napansin kong umiiyak ito.
“Bakit
ngayon ka lang nagpakita?!” sabi ni Jiro na naramdaman ko naman ang kanyang
sinasabi.
“Anak,
matagal na kitang hinahanap! Sinusulatan ko ang address kung saan nakatira dati
ang mama mo bago kami maghiwalay, pinahanap kita sa mga private investigators,
at nang mahanap ko ang lola mo ay pinagawaan ko sya ng flowershop na
ipinangalan ko sayo, nung una galit sya sa akin, bakit ko daw iniwan si Grace
sa gitna ng paghihirap nya sa panganganak sayo, pero sinabi ko naman ang lahat
sa lola mo eh.” Paliwanag ni Dad habang naiyak sya at nakita kong umupo sya sa
harapan ni Jiro, at si Jiro naman ay tumingin sa kanyang Lola para
magpaliwanag.
“Apo,
kasi si Gino na din ang nagsabi na wag munang sabihin sayo, dahil hindi pa niya
kaya, pero pinangako nya na susuportahan ka, at lilipat sila dito para lang
sayo... Patawarin mo ako apo dahil tinago ko sayo ito.” Sabi ng kanyang lola at
nakita ko namang umiiyak siya kaya nilapitan ko ito at hinimas para kumalma.
“17
years! Wala akong nakilalang ama, tanging si lola lang ang gumagabay sa akin,
nung nagsimula akong maglakad, magsalita, pumasok sa school, at ngayon! Bakit
ka pa dumating sa buhay namin?! Bakit!!!” sabi ni Jiro na medyo tumaas ang
boses at humagulgol ng iyak.
Agad
naman syang niyakap ni kuya Kino at pinatahan, hinawakan ni Jiro ang braso ni
kuya at humagulgol pa din.
“Bunso,
ilabas mo lang yan! Sige lang! alam kong tinago ni Daddy sayo ang karapatan
mong makilala sya, pero ano ang gugustuhin mo? Ang hindi na talaga makilala ang
Daddy? O ang pakiramdam na hinahanap mo sya kapag natutulog ka?” sabi ni kuya
Kino kay Jiro at dahan dahang tumahan sya at tinignan si kuya.
“Eh
paano kasi kuya—“ sabi nya pero tinigil sya ni Mommy.
“Jiro,
kung ang iniisip mo na iba kami sayo, nagkakamali ka! kasi matagal ka nang
hinihintay ng pamilyang ito! Simula nung mawala ang mama mo, ako ang
hinabilinan nya na ingatan ka at si Gino, dahil mahal nya kayo! Kaya tinuturing
na din kitang anak ko! Nanggaling ka din sa aking laman kaya wag kang mag iisip
ng mali, kung gusto mo ng space para makapag isip mag isa, sabihin mo lang at
hihintayin ka namin sa bahay kasama si Nanay Lisa!” sabi ni mommy na napansin
ko ding umiiyak sa mga pangyayari.
“Tita,
salamat po!” sabi lang ni Jiro habang pinupunas nya ang kanyang mga luha.
“Call
me Mommy too! I know Grace will be happy kasi tinupad namin ang last wish nya!”
sabi ni mom at niyakap ni Jiro sila kuya at mom.
Nakita
ko si daddy na pinupunasan nya ang kanyang luha at pinuntahan si Jiro para
sumamong mapatawad sya.
“Anak?
Mapapatawad mo pa ba ako? Dahil iniwan kitang mag isa?” sabi ni dad at lumuhod
ito sa harapan ni Jiro.
“Tinuruan
po ako ni lola na magpatawad at bigyan sila ng pagkakataon para makabawi sa
kanilang kamalian... kaya pinapatawad ko na po kayo Papa!” sabi ni Jiro at
niyakap ni dad si Jiro at umiyak muli silang dalawa.
Hindi
ko na din mapigilan at pumatak ang luha ko sa mga balikat ni lola Lisa kaya
napansin naman nya ito at tumayo sya at hinaplos ako sa ulo.
“Mabait
talaga ang diyos! Kaya tayo nag iiyakan kasi natanggap natin ang mga kamalian
ng bawat isa.” Sabi ni lola Lisa at ngumiti lang kami.
Pinunasan
ko ang aking luha at ganun din sila dad at Jiro.
“Tama
na nga ito! Ang drama natin eh! Birthday pa naman ni Bunso! Kaya dapat magsaya
tayo!” sabi ni kuya at tumawa kaming lahat.
“Tara!
Gusto kong lumabas tayo bilang buong pamilya!” sabi ni Dad at ngumiti lang ako,
napansin ko sila lola Lisa at Jiro na hindi handa sa sinabi ni dad.
“Ken,
bigyan mo si bunso ng damit! Ayusan mo sya ah!” sabi sa akin ni kuya Kino at
tumango lang ako.
“nay
Lisa, don’t worry po may damit na kayo tara na po sa kwarto namin ni Gino!”
anyaya ni Mommy at lumakad na sila, naiwan kaming dalawa sa room ko at nakita
kong hindi pa rin makapaniwala si Jiro sa kanyang narinig.
“Welcome
to the family! Jiro Yoshihara!” sabi ko sa kanya at biglang niyakap nya ako ng mahigpit.
“Kuya
na talaga kita! Natupad na ang wish ko!” sabi nya sa akin habang nakayap pa
ito.
“Kuya
mo na nga ako, pero parang papatay ka sa inis!” biro ko sa kanya at kumalas ito
sa akin, ngumiti sya at ginulo ko ang kanyang buhok.
“Kuya
naman eh!” sabi nya sa akin at nagtawanan kami.
“Maligo
ka muna at ako nang bahala sa susuotin mo, okay?” sabi ko sa kanya at tumango
lang ito sa akin.
Nang
makapasok na sya sa CR ay agad kong tinawag si ate lea na isa din naming
kasambahay na tropa ko simula nung pumasok sya sa amin.
“Ate
lea, gusto kong maging pogi ang bunso namin ah!” sabi ko sa kanya at pumunta
sya sa closet ko.
“Drama
nanaman ba kanina?” sabi sa akin ni ate lea.
“Yep!
Naging emosyonal si Daddy!” sabi ko lang sa kanya habang nililigpit ko ang mga
magazine na binabasa namin at nilagay sa rack ko.
“Talagang
mabait si kuya Gino at syempre si ate Paula, biruin mo kahit kaming kasambahay
pinag aral nya!” sabi nito habang naghahanap ng mga susuotin namin.
“Nga
pala ate, nasabi mo ang pag aaral, kamusta ka na sa new school na nilipatan
mo?” sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga gagamitin namin.
“Ayun
nakakailang sa una, pero ayos lang! ikaw naman? Balita ko kay nanay Elsa na
nahirapan ka ah! Nakalaban mo pa daw yung anak ng may ari ng school! Nako! Kung
dun yun sa pinag aaralan ko, lagot na ang mga araw ko!” biro nya sa akin at
tumawa naman ako sa kanya.
“Ate
okay lang naman, nako! Bukas nga pala aalis ako pupunta ako sa classmate ko
para gumawa ng report!” sabi ko sa kanya at nakita ko naman sya na nilagay nya
ang mga damit na napili nya para sa amin.
“Ahh!
Ganun ba?! Eh di nagkakaroon ka na pala ng bagong mga kaibigan! Pero nakakamiss
pa din yung mga ugok mong kaibigan!” sabi nya sa akin.
“Sila
Terence, Paul, Beau, at si Troy ba? Don’t worry darating din sila bukas!
Pinapunta ni daddy eh!” sabi ko sa kanya at napakunot nanaman ang kanyang noo.
“Hay
nako! Aasarin nanaman nila ako lalo na si Troy! Ang lakas mang alaska nun sa
akin!” sumbong ni ate Lea sa akin at tumawa ako sa sinabi nya.
“Baka
may crush sayo yun!” sabi ko sa kanya at tumawa ng malakas si ate Lea.
“Si
Troy?! Magkakaroon ng crush sa akin!!! NO WAY!!!” sabi nya at napahagalpak ako
sa kakatawa.
Hinampas
ako ni ate Lea ng damit at napansin nyang lumabas na si Jiro sa CR.
“Wow!
Fresh!” biro ni ate Lea.
“Bunso!
Si ate Lea ang tropa ko dito sa bahay! Ate Lea si Jiro ang long lost little
brother ko!” sabi ko at ngumiti lang sila sa isa’t isa.
“Si
ate na bahala sayo ah! Maliligo na ako!” sabi ko kay Jiro at tumango lang sya.
Pumasok
na ako at naligo agad, ang sarap sa pakiramdam ng tubig na bumabagsak sa aking
katawan, agad na akong nagsabon at nag shampoo, at nang bikusan ulit ang shower
ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Lexie.
Paulit
ulit na parang player ang kanyang sinabi sa akin.
“Kasi...
I have crush on Argel” sabi ni Lexie kanina na paulit ulit sa aking utak.
“No
way! Bawal masira ang araw! And besides it was just a crush! Masaya ako dahil
kasama ko na ang bunso naming kapatid.” Sabi ko sa aking sarili.
Nang
makatapos na ako sa aking paliligo ay agad na akong nagpatuyo at nagbihis ng
bath robe, pagkalabas ko sa room ay nakita ko sila ate Lea at Jiro, nakita kong
naiilang pa si Jiro kaya sinabihan ko na lang si ate na okay na kaming dalawa,
kaya bumaba agad ito at nanood na sa kanilang kwarto.
“Kuya?”
sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.
“Bakit
bunso?” sabi ko lang sa kanya.
“Wala
lang! akala ko kasi nasa panaginip pa din ako eh!” sabi nya sa akin at tumawa
ako sa kanya.
“Tara
na nga at sabay tayong mag aayos ng itchura!” sabi ko sa kanya at dinala na
namin ang mga damit namin at pumasok sa CR.
Nang
nasa CR ay agad kaming nagbihis at tinignan kung okay ba ang mga suot namin.
“Kuya
ano okay na ba?” sabi sa akin ni Jiro at tumingin ako sa kanya.
“Teka
may kulang ka pa eh!” sabi ko sa kanya at binigay ko ang dog tag necklace ko,
at tinignan nya ang kanyang sarili.
Pagtingin
nya sa salamin ay natulala sya sa kanyang nakita kaya niyakap nya ulit ako.
“Teka!
May kulang pa! yung buhok natin! Panget kapag ganyan lang ang buhok mo!” sabi
ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.
Pinaupo
ko sya pagkatapos kong mag ayos at kinuha ang clay doh at hair spray at tumapat
sa kanyang likuran para ayusin ang kanyang buhok, at nang matapos ko na ay
bigla namang kumatok si kuya sa CR.
“Aba!
Ang tagal nyo ah! Tara na daw sabi nila daddy!” sabi ni kuya at tinignan nya si
Jiro.
“Naks
gwapo ng bunso namin ah!” sabi ni kuya kay Jiro at ngumiti lang ito.
“Walang
pagbabago pa din!” sabi nya sa akin at ginulo ang aking buhok at naiinis ako sa
kanya, nakita kong tumawa si Jiro at ngumiti lang ako.
“Mauna
ka na sa baba, aayusin ko lang itong buhok ko!” sabi ko kay Jiro.
“Sabay
na tayo kuya!” sabi nya sa akin at tumabi ito sa akin.
Habang
pinagmamasdan nya ako ay biglang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito at
sinagot ang unknown number.
“Good
evening!” sabi ko.
“Good
evening din po! Can I talk to Ken?” sabi ng nasa kabilang line.
“Speaking!
Who’s this?” sagot ko.
“Ken!
It’s Troy! Eto na new number ko save it okay!” sabi nito sa akin.
“Okay
Troy! Tutuloy ba kayo ng mga tropa bukas?” sabi ko sa kanila.
“Oo
tutuloy kami! Teka balita ko kay tito na may papakilala sila sa amin? Sino
yun?!” sabi sa akin ni Troy.
“Surprise
na lang yun!” sabi ko sa kanya at narinig ko syang tumawa.
“Mag
tatay nga kayo! Oh sige! Ikamusta mo na lang ako kila tita at kay ate Lea!”
sabi nya sa akin at napatawa ako.
“Okay
sige! bye!” sabi ko sa kanya at pinutol na nya ang tawag.
Nagpatuloy
ako sa pag aayos nang biglang nakita ko si Jiro na naiinip na, kaya binilisan
ko na ang pag aayos ng aking buhok.
Lumabas
na kami sa room ko at bumaba na para puntahan sila sa sala, nang makita kami ay
agad nang namangha sila mommy at daddy kay Jiro, ako naman ay namangha kay lola
Lisa na napakaganda nya talaga.
“Huhulaan
ko kung sino ang nag ayos ng buhok mo!” biro ni mommy kay Jiro at tumingin ito
sa akin.
“Ken,
you are the best brother to your little bro!” sabi sa akin ni daddy at tinapik
ang aking balikat.
“Tara
na!” yaya sa amin ni daddy at lumabas na kami.
Sumakay
sila kuya sa sasakyan ni daddy at kami naman ni Jiro ay sa isang sasakyan at
ang nag drive ay si kuya Ray.
Nang
makalabas na kami sa subdivision ay tahimik kaming parehas, kaya naisipan ni
kuya Ray na magpatugtog para gumaan ang pakiramdam namin.
“Ang
ganda naman po nyan!” sabi ni Jiro.
“Salamat
po!” sagot lang ni kuya Ray at ako naman ay tinititigan ko si Jiro.
“Kuya?”
sabi nya.
“Oh?”
sagot ko sa kanya.
“Inaantok
ako, pwede dito ka na lang sa tabi ko?” sabi nya sa akin at tinignan ko si kuya
Ray at tumango naman ito sa akin.
Tinigil
muna nya ang sasakyan sa gilid at lumipat ako sa likuran para tabihan si Jiro
na inaantok, pagkapasok ko ay agad nang umandar ang sasakyan at habang katabi
ko ang aking kapatid ay nakatingin ako sa may labas, hindi ko naman naisip na
nakatulog na si Jiro at kinuha ko ang kanyang ulo para isandal sa aking
balikat.
“Natupad
na ang wish nya?” sabi sa akin ni kuya Ray.
“Yep!
At ang saya ko din dahil may aalagaan na ako, hindi na ako ang inaalagaan!”
sabi ko kay kuya Ray at tumingin na sya sa daan.
Naramdaman
ko ang bigat ni Jiro at naramdaman kong
gumalaw sya at pinahiga ko sya sa aking lap para marelax ang kanyang leeg, nang
makahiga sa aking lap ay narinig kong nagsalita sya.
“Mahal
kita kuya ko!”
Itutuloy...
Editor's
note:
Sa
susunod na Episodes ay mayroon na tayong trailer para hindi na po mabitin ang
mga readers Y(^^.)Y
[08]
“Mahal
kita kuya ko!” sabi nya sa akin at napangiti naman ako sa kanya.
Hinaplos
ko ang kanyang buhok at biglang tinamaan din ako ng antok, na napansin ni kuya
Ray yun.
“Mukhang
mga pagod kayo ah!” sabi nya sa akin.
“Si
bunso kasi kakagaling lang sa iyak kaya inantok, ako naman galing school, medyo
pagod dahil maraming ginawa” paliwanag ko kay kuya Ray at ngumiti lang ito sa
akin.
Narinig
kong tumutunog ang phone ko kaya kinuha ni kuya Ray sa may dashboard ang aking
phone at ibinigay sa akin.
“Daddy!”
sabi ko
“San
na kayo?” sabi lang nya sa akin
“Dito
pa din sa may daan eh, tumigil muna kami dahil inantok si Jiro, tinabihan ko muna!”
sabi ko lang na naririnig ko sila lola Lisa at si mommy na nagtatawanan.
“Ahh!
Ganon ba? Sige! Sabihin mo kay Ray na dito kami sa may tapat ng by the bay,
okay ba yun Ken?” sabi ni dad sa akin.
“Okay
po! Sige daddy! Tawagan ko na lang kayo kapag nakapag park kami.” Sabi ko na
lang sa kanya at pinatay na nya ang tawag.
Nang
nakikita ko na ang mall ay ginising ko na si Jiro.
“Bunso
gising ka na!” sabi ko sa kanya habang tinatapik ko ang kanyang pisngi.
Nakita
kong minulat na ang kanyang mata at ngumiti ito sa akin.
“Good
morning bunso!” biro ko sa kanya at umupo na ito galing sa aking lap.
“Saan
na tayo kuya?” tanong nya sa akin habang inaayos ang kanyang sarili.
“Sa
MOA bunso!” sabi ko sa kanya at agad syang tumingin sa bintana.
“Ang
laki pala ng MOA!” sabi nya na hangang hanga sa laki at ganda ng mall.
“Parang
di ka pa nakakapunta dito ah!” sabi ni kuya Ray at napatingin naman si Jiro.
“Hindi
pa talaga!” sabi nito at kinamot ang kanyang ulo.
“Yaan
mo na yan bunso! Basta magpakasaya ka at birthday mo ngayon!” sabi ko sa kanya
at inakbayan ko sya.
Habang
nakasakay pa sa sasakyan ay nagtext si kuya Kino sa akin.
“Ken
saan na kayo?” sabi ni kuya Kino.
“Dito
na kami, paikot pa lang!” reply ko sa kanya.
“Baba
na kayo para maigala mo si bunso! Sabi ni lola Lisa na di pa daw nakakapunta
sya dito eh!” sabi nya sa akin at hindi na ako nagreply.
Nang
tumapat na kami sa may stoplight ay bumaba na kami at sinabihan si kuya Ray na
puntahan na lang sila daddy sa by the bay.
Nang
makababa kami ay nagsimula na kaming naglakad ni Jiro, nakita kong hindi
mapalagay ang kanyang paningin dahil sa paghanga nya dito, hinayaan ko lang
syang maglibang.
“Kuya
Ken, ang ganda pala dito sa gabi no?!” sabi nya sa akin.
“Oo
kaya gusto ni daddy na gumala kami sa gabi dito!” sabi ko sa kanya at inakbayan
ko sya habang naglalakad kami.
Napansin
ko na naiilang sya sa mga nakatingin sa amin dahil na naka akbay ako sa kanya
at naramdaman ko naman na tumigil sya sa isang anime shop.
“Gusto
mong pumasok?” sabi ko sa kanya at kahit nahihiya syang magsabi ay hinila ko
sya para pumasok.
“Good
Evening Sir!” bati sa amin ng isang salesman.
“Good
Evening din!” sagot ko lang at pumasok na kami sa store na yun.
Nakita
ni Jiro ang dami ng anime toys at pang costume kaya tingin dito, tingin doon
ang kanyang ginagawa, at pumunta lang ako sa isang mini museum dun at tumingin
ng mga bagong arrival na anime magazine.
“Wow!
Kuya Ken! Yun yung meron ka sa bahay oh!” sabi nya sa akin at tinuro yung
binabasa nyang magazine kanina.
Ngumiti
lang ako sa kanya at may biglang lumapit sa amin.
“It’s
nice to see you here again!” sabi ng isang babae.
“Oh!
Chelsea!” sabi ko sa kanya.
“Hello
friend! And who’s this cute guy?” sabi nya sa akin at tumingin sya kay Jiro.
“He’s
my little brother Jiro!” pakilala ko sa kanya at tumapat si Chelsea kay Jiro.
“Hello!”
sabi ni Chelsea.
“Hi!
I’m Jiro Rodriguez Yoshihara!” sagot ni Jiro at ngumiti lang si Chelsea.
“Call
me ate Chel! Dito lagi napunta ang kuya Ken mo after class nung dito pa sila
nakatira sa manila!” sabi nya kay Jiro at ngumiti lang ako sa kanya, lumapit na
ako at inakbayan ko si Jiro para hindi mailang kay Chelsea.
“Oo
nga pala Ken, asan ang kuya Kino mo? Tell him na may limited edition na kami ng
gundam, and para sayo wala pang magazine eh!” sabi nito sa akin.
Pinag
gala ko muna si Jiro sa loob ng store para makahanap ng gusto nya at biglang
hinila ako ni Chelsea sa braso.
“Alam
mo kung hindi ko kayo kakilala, magmumukha kayong mag jowa!” biro nya sa akin
at natawa naman ako sa sinabi nya.
“Ikaw
talaga Che! Senior kita since Highschool ngayon ikaw na ang nag mamanage nitong
branch nyo, at ganyan ka pa din mag isip! Straight kaya ako!” sabi ko sa kanya
at natawa naman sya.
“Asus!
I know that! It was just I am concerned pa din sa aming bunso ng campus! Teka,
Rodriguez ang middle initial nya, magkaiba kayo ng mother?” pansin nito kanina
sa sinabi ni Jiro.
“Yep,
magkaiba nga kami ng mother but he’s my full blood brother, and walang issue na
dun! He’s a Yoshihara, kaya he got our father’s bloodline to him!” sabi ko sa
kanya at tinignan nya ako.
“So
it means na walanghiya din sya like you and Kino?!” biro nya sa akin at tumawa
lang ako sa kanya, napansin namin ni Chelsea na lumapit na si Jiro at napansin
kong wala syang dala.
“Oh
diba sabi kong pumili ka?” sabi ko sa kanya at napakamot nanaman ito ng kanyang
ulo.
“Nahihiya
kasi ako kuya, at saka di ko naman alam kung ano ang pipiliin eh!” sabi nya at
narinig ito ni Chelsea.
“Okay
lang yan! Pick what you want, ang kuya Ken mo naman ang magbabayad nyan eh!
Teka sumama kayo sa akin, may papakita ako sa inyo, I hope you like this!” sabi
sa amin ni Chelsea at pumunta kami sa pinaka loob ng store nya kung saan
makikita mo yung mga complete die cast toys na medyo mahal.
“Whoa!”
paghanga ni Jiro na napangiti lang ako.
“Now
Baby boy! Pick what you want!” sabi ni Chelsea at hinila ko si Jiro para
makapili.
“Kuya
ang ganda nitong bleach collection!” sabi nito sa akin at agad nang humingi ng
assistant si Chelsea para sa aming dalawa.
“Here’s
Kevin to help you out! Okay ba yun Ken?” sabi nya sa akin nang dalhin nya ang
kanyang assistant at ngumiti lang ako sa kanya.
Habang
nililibot namin ni Jiro ang store ay agad akong kumuha ng cap na may design ng
konoha head protector at nilagay ko ito sa cart na dala ng assistant ni
Chelsea, nakita kong kanina pa hinahawakan ni Jiro ang isang set ng Bleach
action figure kaya nung maka alis na sya ay sumenyas ako na kukunin ako ang
complete set nun.
“Kuya
ito lang ang kinuha ko!” sabi ni Jiro at inabot sa akin ang keychain sa Fairy
Tail collection.
“Okay,
sabi mo eh! next time kapag lalabas tayo, don’t be shy na magsabi sa amin ni
kuya Kino!” payo ko sa kanya at tumango lang ito, pinauna ko na si Jiro sa
counter at sinabi sa assistant na kukuha din ako ng complete set ng fairy tail.
Nang
nasa counter na ay binayaran ko na ang binili namin at sinabi kong ipadeliver
na lang sa address na binigay ko yung mga gamit, kinuha ko lang yung dalawang
cap at yung keychain na gusto ni Jiro.
Pagkalabas
namin ng store nila Chelsea ay nag ring na ang phone ko.
“Anak
asan na kayo? Kanina pa namin kayo hinihintay ng daddy nyo!” sabi ni mommy sa
akin.
“On
the way na dyan mommy! Dumaan lang kami sa store nila Chelsea!” sabi ko sa
kanya.
“Okay
sige! Bilisan nyo na ha!” sabi lang ni mommy.
“Okay
po!” sabi ko at binaba ko na.
Habang
naglalakad kami ay napansin ako ni Jiro at kinuha nya ang isang bag na dala ko.
“Huy!
Akin na yan!” sabi ko sa kanya at kinuha ang bag na dala dala nya.
“Kuya
tig-isa na lang tayo! Ang panget naman ako walang dala ikaw meron!” sabi nya sa
akin at wala na akong nagawa kungdi hayaan syang magdala.
Nang
malapit na kami sa restaurant na sinasabi nila daddy ay namangha sa ganda si
Jiro, dahilan para bumagal ang lakad namin.
“Kuya
pwede ba tayong sumakay dyan?” sabi nya sa akin at tinuro ang MOA Eye.
“Pwede
kaso not now! Panget ang view sa gabi, maganda nyan sa hapon, kaya sige next
Saturday gagala tayo nila lola at sasakay dyan!” sabi ko sa kanya at nakita
kong ngumiti sya ng napakatamis at sinuklian ko ito ng pag gulo ng kanyang
buhok.
Nang
natanaw ko na ang restaurant na sinabi nila daddy sa akin ay agad na kaming
nagmadali, pagkapasok namin sa restaurant ay hinanap namin sila daddy at nakita
namin na umorder na sila at umupo na kaming dalawa.
“Aba!
Mukhang may regalo ulit si bunso ah!” sabi ni kuya Kino at tumingin sa akin.
“By
the way kuya Kino, sabi ni Chelsea na may limited edition na ng gundam!” sabi
ko sa kanya.
“Oh
bakit hindi mo man lang ako nilibre?” pagtatampo ni kuya sa akin at agad kami
ni Jiro na tumawa.
“Mas
may pera ka kaysa sa akin diba bunso?!” sabi ko at sumabay na din si Jiro sa
kalokohan naming tatlo.
“Ikaw
talaga! pati ba si bunso isasali mo pa sa pang aalaska!” biro sa akin ni kuya
at ginulo nanaman ang aking buhok.
Nagtawanan
sila lola at sila mommy at daddy sa kalokohan namin, at masaya kami dahil hindi
nahirapan si Jiro na mag cope up ng environment.
Nang
dumating na ang order ay agad naman akong umorder para sa amin ni Jiro.
“2
Juice and 2 Pasta” sabi ko sa waiter at umalis na ito.
“Teka
nga! Bunso dito ka na sa tabi namin ni Ken! Hayaan mo na dyan si lola Lisa kila
mommy.” Sabi ni kuya Kino at lumipat nga sya ng upuan.
Habang
nagkakasiyahan kami ay nakita ko si Troy sa kabilang table, kaya tinawag ko
ito.
“Classmate!
Kamusta na kayo?” sabi nito sa akin at tumingin kila mommy at daddy.
“Tito!
Tita! Kuya Kino! Kamusta po kayo? May kasama ako ngayon eh!” sabi nito sa amin
at biglang napatingin kay Jiro.
“Hello!”
sabi lang ni Jiro at nagtawanan ang lahat sa ginawa nya.
“Troy
si Jiro, my little bro!” sabi ko sa kanya at nagkamayan sila.
“Troy
pala! Classmate ng kapatid mong si Ken” sabi lang nito at ngumiti lang si Jiro.
Pumunta
na si Troy sa kanilang upuan at dumating na ang order namin ni Jiro, binigay ko
kay Jiro yung sa kanya at ganun din yung sa akin kaya sumabay na kaming kumain.
Nang
matapos na kaming kumain ay agad kaming gumala sa labas at nagpahinga saglit,
lumapit si daddy sa akin at binulungan ako.
“Good
job Ken! I am so proud of you!” sabi nito sa akin at niyakap ko si daddy.
Pinuntahan
nya si Jiro na umupo sa may breakwater at sumunod kami ni kuya Kino.
“Anak?”
sabi ni daddy.
“Bakit
po Papa?” sagot ni Jiro.
“Uhm,
Happy 17th Birthday anak!” sabi ni daddy at inabot ang regalo sa kanya nila
daddy at mommy.
Nakita
kong nanlaki ang kanyang mga mata nang makita nya na may bago syang phone, at
kaparehas pa namin ni kuya ang kanyang phone, sa ilalim nito ay isang kwintas
na may pendant na letter J, at sinuot ni daddy sa leeg ni Jiro ang necklace.
“Salamat
po, pero hindi naman po ako mahilig sa materyal na bagay eh, alam nyo po yung
pinaka special...” sabi nya kay daddy at nagtaka naman kami sa sinabi nya.
Tumingin
ito sa aming dalawa ni kuya at kay daddy.
“Yung
nakilala ko po kayo at ang aking dalawang kuya!” sabi nya at niyakap ni daddy
si Jiro, hindi din namin napigilan ang emosyon sa sinabi nya at yumakap din
kaming dalawa ni kuya sa kanya.
“Oh
ano? Drama nanaman?!” biro ni mommy nang bigla silang sumulpot sa likuran
namin.
“Si
kuya Kino mommy! Nagdadrama!” biro ko at ginulo ang aking buhok at tumawa sya
sa akin.
“Hindi
kami nagdadrama, binigay ko lang yung regalo kay Jiro!” sabi ni daddy na
nagpupunas ng kanyang mata.
“Asus!
Dad! Wala nang deny, we’re caught in the act!” biro ni kuya Kino at ngumiti
lang si daddy.
“Tara
na! at para makapag pahinga kayo!” yaya sa amin ni lola Lisa sa amin at agad na
kaming naglakad, nakita ko si kuya Ray at dun na kami sumabay sa kanya.
Malapit
lang naman pala ang pinaradahan ni kuya Ray sa pinuntahan namin kaya mabilis
kaming pumasok at si kuya Ray ay pinasok naman ang dalang gamit namin kanina sa
pamimili.
“Kuya
kurutin mo nga ako?!” sabi nito sa akin at kinurot ko sya sa pisngi ng matindi
pa sa kagat ng langgam.
“Whoa!
Hindi nga ako makapaniwala!” sabi nya at tumawa ako sa kanyang inasal.
Nang
umadar na kami ay agad na kaming umalis sa mall at bumiyahe pauwi na sa bahay,
habang nasa daan ay hindi ko napansin na nakatulog pala si Jiro sa aking
balikat at pinahiga ko ulit sya sa aking lap, dahil pagod si Jiro ay malalim
ang kanyang tulog, pinagmasdan ko ang kanyang itchura, tama nga ang sinabi sa
akin ni Chelsea kanina, mukha kaming “lovers” kung hindi kami kilala ng mga
taong nakakakita sa amin, ang kanyang mala anghel na itchura sa kanyang
mahimbing na pagtulog ay napapangiti ako, dahil na din na nakilala nya kami, at
mahal namin sya kahit anong mangyari.
Habang
nasa expressway kami ay nakaramdam ako ng antok kaya sinadal ko ang aking ulo
sa may upuan at pumikit, narinig ko ang pagbukas ng radyo dahil na din inaantok
na si kuya Ray, ang ganda ng pinapakinggan nya, at hindi ko na namalayan na
nakatulog pala ako.
Nang
magising na ako ay alas-7 na ng umaga at nagtaka ako kung sinong bumuhat sa
akin, at tinignan ko ang aking kama, wala si Jiro!
Kaya
agad akong bumaba kahit bagong gising at tinignan sila kung saan, narinig kong
nagtatawanan sila sa may dining room at pumunta ako dun.
“Good
morning Ken!” bungad sa akin nila.
“Sino
po nagdala sa akin sa room?” sabi ko sa kanila.
“Ako
lang naman ang nagbuhat sa inyong dalawa!” sabi ni kuya Kino at natawa naman
sila daddy at mommy.
“Ano
kala mo sa sarili mo kuya? Ikaw si Hulk?” biro ko sa kanya at nagtawanan sila.
“Hindi
naman! Syempre inuna na kita! At si bunso dun sa kwarto nya!” sabi ni kuya Kino
sa akin.
“May
kwarto na pala si Bunso?! Bakit hindi nyo man lang sinabi sa akin?” sabi ko
kila mommy at daddy.
“Don’t
worry! Wala pa naman yung pintura! It’s plain cream lang ang pinalagay ko dun,
alam kong magagalit ka kapag pinakielaman namin yun! Sige sa Wednesday gawin
nyong magkakapatid yun!” sabi ni daddy sa amin at ngumiti ako, bumalik na ako
sa room ko at agad nang naligo at nagbihis ng damit.
Pagkababa
ko ay nakita ko sila daddy at kuya na aalis na kaya humabol ako.
“Ken!
Next school year si Jiro at ikaw ay nasa iisang school na ha!” sabi ni daddy sa
akin at tumango ako, pumunta na ako sa dining room para sumabay kumain kila
Jiro, lola Lisa at kay mommy.
“Grace
magbubukas kami ngayon ni Jiro!” paalam ni lola Lisa.
“Oh
sige po! Kayo pong bahala, basta magpapadala ako sa inyo ng lunch para hindi na
po kayo lumabas!” sabi ni mommy at ngumiti lang si lola Lisa.
“Tita?
May sasabihin po ako sa inyo?” sabi ni Jiro at tumingin si mommy sa kanya.
“Diba
sabi ko sayo na anak na din ang turing ko sa iyo, so don’t call me tita okay!”
sabi ni mommy at tumango si Jiro.
“Oh
sige anak, anu yung sasabihin mo?” dagdag ni mommy.
“Kasi
po gusto ko po sanang lagyan ng tanim na bulaklak yung garden, okay lang po
ba?” sabi nito kay mommy at lumapit si mommy kay Jiro at niyakap ito.
“Alam
mo, ang dami mong naiisip na idea! Magkapatid nga kayo ni Ken!” sabi ni mommy
at sumingit si lola Lisa.
“Sang
ayon ako dyan Paula! Siya ang gumawa ng dingding namin dun sa tindahan eh!”
sabi ni lola
“Alin
yung mural paint ba yun?!” singit ko.
“Yes
anak ko! Yung mural pain na punong puno ng flowers!” sabi ni mommy at niyakap
nya ulit si Jiro, natawa kami ni lola sa ginagawa nilang kakulitan.
“Oh
sya sige! Basta anak, be careful! Ayokong masugatan ka!” sabi nya kay Jiro at
sinuklian naman ni Jiro si mommy ng ngiti.
At
nang matapos na kaming kumain ay
nagpaalam ako kay mommy na aalis ako later para sa brainstorming namin ni Ace
at pumayag si mommy.
Umakyat
muna ako sa room ko para ayusin ang mga gamit na dadalhin, nang biglang kumatok
si Jiro sa pintuan.
“Kuya
pwede ba kitang maistorbo?” sabi nya sa akin at tumigil ako sa aking ginagawa
at humarap sa kanya.
“Ano
yun bunso?” sabi ko sa kanya.
“Mamaya
pagkauwi mo, laro tayo sa room mo ulit ah!” sabi nya sa akin at ngumiti lang
ako sa kanya.
“Oo
naman! Gusto mo dun tayo sa may court maglaro eh!” sabi ko sa kanya at nakita
ko ang kanyang mukha na excited mamaya.
“Teka
nga pala!” sabi ko at agad syang tumingin sa akin.
“Kunin
mo na mga number namin, para kung may kailangan ka, tawagan mo kami!” sabi ko
sa kanya at nilabas ko ang phone ko at ibinigay sa kanya.
“Okay
na po kuya! Nakuha ko na mga numbers nyo nila Papa at Mama! Pati na din si kuya
Kino.
Tumango
lang ako sa kanya at lumabas na ito ng room ko, habang nag iimis ng gamit ay
nakita kong nag vibrate ang phone ko, tignan ko ito at si Ace ang tumatawag
kaya sinagot ko ito.
“Oh
Ace napatawag ka? ang aga pa para sa meet up natin ah!” sabi ko sa kanya.
“Eh
paano kasi nalaman na ni Argel na dito tayo gagawa ng report, kaya ayun! Kagabi
pa ako kinukulit na pagnatapos na tayong gumawa ng report eh maglaro daw kayo
sa backyard ng basketball!” sabi ni Ace sa akin na naririnig ko sa likuran nya
si Argel na kumakanta.
“Haha!
Sabihin mo matagal tayong gagawa!” biro ko sa kanya at tumawa din sya sa sinabi
ko.
“Ken,
before lunch dapat nasa mall ka na, kasi sinabi ko kila lolo na gagawa tayo ng
report!” sabi ni Ace sa akin.
“Ahh!
Ganun ba? Bakit naman ang aga!” sabi ko sa kanya habang nililigpit ko ang aking
mga gamit.
“Paano
kasi si lolo, gusto kang makilala...” sabi nito at nagulat naman ako sa kanyang
sinabi.
To
be continue...
Next
Episode Teaser:
Makakapunta
na si Ken sa bahay ng magkapatid; at maraming magaganap na kaabang-abang na
pangyayari kay Ken at sa magkapatid.
Ed's
Note:
Posting
my Episode 9 para mas maganda ang kwentuhan (^^,)v
Sincerely,
JaceofCards
[09]
Nagulat
ako sa sinabi ni Ace at hindi na ako nakapagsalita ng ilang segundo, bumalik
lang ang aking ulirat nang nagsalita si Ace.
“Huy!
Di ka na nagsalita dyan!” sabi nito sa akin.
“Ah...
So... Sorry! Hehe! Paano kasi... nabigla ako sa sinabi mo!” sabi ko lang sa
kanya.
“Ah!!
Hehe! Kahit naman ako eh! nagulat sa sinabi nya, kaya ayun! Oh sya! Maligo ka
na at ganun din ako, kung sino mauna sa mall, mag text na lang kung saan okay?!”
sabi ni Ace sa kanya at sumagot ako na okay, at binaba na nya ang phone.
Natulala
ako sa sinabi nya kaya agad akong pumasok sa CR at naligo na, nakita ko ang
orasan ko na alas-9 pa lang ng umaga kaya hindi ako nagmadali maligo.
Nang
binuksan ko ang iPod ko ay nilagay ko ito sa may speaker at pinatugtog, dahil
alam kong umalis na sila lola Lisa at Jiro para magbukas ng tindahan nila.
tumutugtog
at narinig kong may pumasok sa aking kwarto kaya napatigil ako.
“Kuya?”
sabi sa akin ni Jiro.
“Oh
akala ko naka alis na kayo?” sabi ko lang sa kanya habang inaanlawan ko na ang
aking katawan.
“Paalis
na nga kami! Magpapaalam lang ako sayo!” sabi nya at nagmadali akong maligo at
nagpatuyo ng katawan at lumabas sa CR.
“Ingat
kayo ah! Bantayan mo si lola Lisa! Sumakay na kayo kay kuya Ray ha!” sabi ko sa
kanya habang pinupunasan ko ang aking buhok.
“Eh
paano ka kuya?” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.
“Magpapatawag
na lang ako ng cab, at tsaka marunong na akong sumakay no! Don’t worry
makakauwi ako at maglalaro tayo mamaya sa court!” sabi ko sa kanya at yumakap
ito sa akin at gumanti naman din ako ng yakap sa kanya.
“Oh
basta bunso tawagan mo ako kapag may gusto kang ipauwi sa akin ah! Aalis na
kasi ako mamaya, at baka hapon na ako makauwi!” paalam ko kay Jiro at ngumiti
lang ito sa akin, nakita ko na nasa pintuan na din si lola Lisa at lumapit ako
sa kanya.
“Lola!
Ingat po kayo sa byahe ah!” sabi ko at ngumiti ito sa akin.
“Ano
ka bang bata ka! nasa bayan lang ang tindahan namin! Ikaw ang mag ingat kasi
malayo pa yata ang pupuntahan mo!” biro sa akin ni lola Lisa at yumakap naman
ako sa kanya.
Nang
makababa na sila ay agad na akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis at hindi ko
muna inayos ang aking buhok, kaya bumaba na ako at hinanap si Nay Elsa.
“Ate
Lea si nay Elsa nakita mo ba?” sabi ko kay ate Lea at umiling ito sa akin.
Hinanap
ko sya at natagpuan ko si nay Elsa sa may garden namin nagdidilig ng halaman at
pumunta ako sa kanya.
“Oh
ngayon na ba ikaw aalis?” sabi nya sa akin.
“Opo
eh! dun na din po ako magtatanghalian!” sabi ko sa kanya at binaba ni nay Elsa
ang hose.
“Eh
paano yan?! Wala na si Ray pinasama kila Jiro at ate Lisa!” sabi nya sa akin at
ngumiti lang ako sa kanya.
“Eh
di tumawag na lang ng cab!” sabi ko sa kanya at tumigil muna sya sa kanyang
pagdidilig.
Pumasok
kami sa may dining room at tinungo ang mini bar kung saan nakakabit ang
telephone namin, pumindot si nay Elsa at nang narinig nyang may sumagot na ay
nagsabi sya na magpapunta ng cab sa bahay namin.
“Oh
ayan bata! Hintay ka lang ng 10 minutes sabi ng guard at papunta na ang taxi!”
sabi nya sa akin at nagpasalamat ako sa kanya.
Habang
hinihintay ko ang cab sa sala ay nakaramdam ako ng pagkabagot, kaya binuksan ko
ang TV at nanood ng palabas.
“Sayang!
Hindi ko naumpisahan!” sabi ko lang nung paglipat ko sa isa pang channel.
Habang
relax akong nanonood ay narinig kong bumusina na ang taxi na pinakuha ni nay
Elsa at agad akong umakyat ng aking room para kunin ang bag na inayos ko
kanina, pagkababa ko ay nagpaalam na ako sa kanila at pumunta sa gate para
buksan ito at sumakay na sa cab.
“San
po tayo sir?” sabi ng driver ng cab.
“Sa
SM po manong!” sagot ko lang at umalis na kami sa tapat ng bahay.
Habang
nasa daan ay naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa
aking bulsa at binasa kung sino ang tumatawag.
“Hello?”
sabi ko.
“Hi?
Is this Ken?” sabi nito sa akin.
“Yes!
Sino po sila?” sabi ko lang.
“Ako
pala si Margaret mom nila Ace at Argel!” sabi nito at nagulat ako sa aking
narinig, kaya nagtaka ako kung bakit ito napatawag sa akin.
“Ahh!
Okay po! Nice meeting you po!” sabi ko lang sa mom ni Ace.
“Si
Ace parating na sa SM at napatawag kasi ako dahil na din sa inasal ng anak kong
si Argel, medyo mayabang yun, pero he’s a gentleman naman!” sabi nito sa akin
na dahilan para kumunot ang aking noo at magtaka talaga ng wagas.
“Hindi
naman po yun big deal! It’s only a part of our maturity po! We need to gain
experience from people we doesn’t know, and earn things from them that we know
it was good!” sabi ko sa mom nila Ace at Argel.
“How
sweet you are! Siguro hands on ang mga parents mo sa pagpapalaki sa iyo?!” puri
nya sa akin at napangiti lang ako sa sinabi nya.
“Slight
lang po, kasi both of my parents were working and also my kuya too! Kaming dalawa
ng bunso kong kapatid ang nag aaral!” sabi ko sa kanya at narinig ko ang boses
ni Argel kaya naramdaman kong nataranta ang mom nila Ace kaya bigla nya itong
pinatay.
Napa
buntong hininga na lang ako at nag focus sa mga nakikita ko sa daan, medyo tumagal
lang kasi nagkaroon ng traffic sa may crossroads na nadaanan namin, at nang
makarating na ako sa SM ay agad kong tinawagan si Ace.
“Hello?”
sagot nya sa akin.
“Dito
na ako sa SM, hindi pa ako nababa ng cab! Saan ka na ba?” sabi ko sa kanya.
“Dito
lang sa may DQ! Left wing entrance!” sabi nya at binaba ko na ang phone.
“Manong
sa left wing entrance po!” sabi ko kay manong driver at umandar na kami papasok
ng SM.
Nang
tumigil na ang cab sa entrance ng mall sa left wing ay binayaran ko na ito at
agad nang bumaba, pagkababa ko ay pumasok na ako sa entrance ng mall at hinanap
si Ace na nakatayo sa may isang ice cream parlor.
Naglakad
ako hanggang sa makita ko ang sinasabi ni Ace, nakita ko sya sa may gilid na
nakaupo at nainom ng chocolate milkshake.
Nang
makita nya ako ay agad syang kumaway at tumayo, pumunta ako sa entrance ng ice
cream parlor na yun at nakita ko syang nakatayo sa aking harapan.
“Kanina
ka pa ba?” sabi ko sa kanya habang inaayos ang aking bag.
“Nope,
mga 5 minutes before you see me!” sabi lang nya at ngumiti lang ako sa kanya.
“Gusto
mo ng drink? Or Ice cream maybe?” paanyaya nya sa akin at tumango lang ako sa
kanya.
“So,
ano ang gusto mo?” sabi nya sa akin at tumingin naman ako sa kanya.
“Maybe,
ako na ang bibili! Hintayin mo lang ako dyan ah! And by the way, nasa bag ko na
pala yung libro at nagdala na din ako ng spare shirt! In case of emergency
lang!” sabi ko sa kanya at tumawa ito sa akin.
Umalis
muna ako sa kinauupuan namin ni Ace at pumunta sa counter para mag order.
“Good
morning sir!” sabi ng babaeng counter at ngumiti lang ako sa kanya.
“What
is your order sir?” tanong nya sa akin at tumingin ako sa menu board.
“Can
you give me one Choco latte, and a slice of Oreo cheese cake and that’s it!”
sabi ko sa kanya.
“Your
name sir?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya.
“Call
me Yosh!” sabi ko lang at nagbayad na ako, napansin ko na kanina pa nakatingin
ang mga babae sa akin, kaya ngumiti ako sa kanila at narinig ko na nag “giggle”
sila.
“Here’s
your receipt sir! You may now take your seat and we’ll call your name!” sabi ng
babae sa counter.
“Well,
thank you!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.
Bumalik
na ako sa upuan at nakita ko si Ace na namumula.
“Bakit
ka namumula? May sakit ka ba?” sabi ko sa kanya at hinipo ang kanyang noo.
“Wa...
Wala akong sakit!” sabi nya sa akin at hinawi ang aking kamay.
“Okay!
You act so weird ah! Pwede ka naman magtanong sa akin!” sabi ko sa kanya at
napatingin ito sa akin.
Ngumiti
lang ako sa kanya at umiwas ulit sya ng tingin, habang tahimik kaming dalawa ay
narinig kong tinawag na ang order ko.
“Order
for Mr. Yosh?” sabi ng counter at lumapit na ako.
“Here’s
your choco latte and a slice of Oreo cheese cake!” sabi nito habang inaabot ang
order ko.
“Thank
you!” sabi ko lang.
“Enjoy
sir!” sabi nya sa akin at napatingin naman ako sa kanya at ngumiti lang ako.
Dahan
dahan kong hawak ang aking order at pumunta sa upuan.
“Tara!
Hati tayo dito sa cheese cake!” sabi ko kay Ace at binigay ko ang spare na fork
sa kanya.
“Do
you love chocolate?” sabi nya sa akin at napatingin ako sa kanya.
“Yep!
I do love chocolate! Kahit ano basta chocolate masaya na ako!” sabi ko sa kanya
habang nakita ko syang ngumiti lang sa akin.
“Ikaw
ano favorite mo?” tanong ko sa kanya.
“Anything!
Basta nakakain!” biro nya sa akin at tumawa ako sa aking narinig.
“You’re
crazy!” biro ko sa kanya ulit.
“You’re
dumb!” biro nya sa akin at halos hindi namin naramdaman ang oras.
Tumingin
si Ace sa kanyang orasan at nakita nyang past 11 na kaya umalis na kami sa ice
cream parlor at nakita kong tumawag sya sa kanyang phone.
“Hello?
Paalis na kami, asan ka na? Meet us up sa may entrance okay!” sabi nito at
napansin ko sya.
“Like
a boss?” sabi ko sa kanya at tumingin ito sa akin.
“Sorry!
Nasanay kasi ako sa amin eh!” sabi nya at napayuko sya habang naglalakad kami.
“Bakit
ka nagsosorry, I just tell you what I see!” sabi ko sa kanya at lumingon lang
sya sa akin.
Pagkalabas
namin ay naghintay muna kami sa service ni Ace at nang biglang may narinig ako.
“He’s
so cute!” sabi ng isang babae na nasa likuran namin at napalingon naman ako sa
kanya.
“Hi!”
sabi ko lang at narinig kong kinikilig silang magkakaibigan.
Nakita
ko naman si Ace na parang naiinip na kaya hinablot ko ang kanyang kamay at
hinila sya para maglakad muna kung saan konti lang ang tao.
“Dito
na lang tayo!” sabi ko sa kanya at napatingin ito sa akin.
“Oh?
Bakit?!” sabi ko sa kanya at umiwas ang kanyang pagtitig sa akin at nahalata
kong naging mapula ang kanyang tenga.
Nang
makita na ni Ace ang service nya ay agad na kaming pumunta at pumasok dun.
“Nice
car!” sabi ko sa kanya at tumingin naman ito sa akin.
“Thanks!”
sabi nya at tumingin naman sya sa bintana.
Nakaramdam
ako ng pagkabored kaya naghanap ako ng malilibangan, at nakaisip ako ng idea.
Bigla
kong kinalabit si Ace, at tumingin ito sa akin.
“Why?”
sabi nito sa akin.
“Wala
lang, nabo bored na kasi ako eh!” sabi ko at bumalik ulit sya sa pagtingin sa
may bintana.
Kinalabit
ko ulit sya at medyo lumapit ako sa kanya.
“What
now?” sabi nya sa akin nung tumingin ulit sya at ngumiti lang ako sa kanya.
Nang
makalapit na ako sa kanyang kinauupuan ay kinalabit ko ulit sya.
Gugulatin
ko sana sya pero hindi sya tumingin, kaya nagpatuloy ako sa pagkalabit sa
kanya, at nang humarap na sya..
“Nakakainis
ka na—“ sabi ni Ace at biglang nagdikit ang mga labi namin sa isa’t isa,
nanlaki ang mga mata namin sa gulat at lumayo agad sa isa’t isa.
Habang
nasa byahe pa din kami ay wala kaming imikan, para bang hindi kami magkakilala
at biglang nagpatugtog ang driver nila Ace.
[Jason
Mraz: You and I Both]
Tumingin
ako sa kanya at nakita kong nakatingin pa din sya sa bintana at hawak ang
kanyang labi, kaya ako na ang bumasag sa katahimikan namin.
“Sorry...”
sabi ko lang.
“Huh?!”
sabi nya na parang wala sa sarili.
“I
said sorry! Mabilis kasi akong ma bored eh!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang
ito sa akin.
“Asus!
It’s not a problem!” sabi nya at ngumiti ito sa akin.
“About
the kiss–“ sabi ko at biglang nagulat sya.
“Uhm,
kalimutan natin yun! We’re both straight okay! It’s an accident!” sabi nya sa
akin at ramdam kong pinapakalma lang nya ako para maging komportable ako sa
company nya.
“Sorry
again!” sabi ko ulit at napayuko ako sa kahihiyan na ginawa ko.
“Diba
sabi kong it’s not a problem, kaya don’t worry about that! Hindi naman big deal
yun! Basta asikasuhin natin yung report later after lunch!” sabi nya sa akin at
tumango lang ako sa kanya.
Nang
nasa harap na kami ng subdivision nila ay agad akong namangha dahil mas maganda
ito kaysa sa subdivision namin.
At
nang pumasok na ang sasakyan sa loob ng bahay nila ay nakita kong mayaman nga
sila dahil kumpleto ang mga tauhan nila, simula sa guard hanggang sa kasambahay
na naghihintay sa pag uwi ni Ace.
Nang
makababa kami ay kukunin ko na sana yung bag ko, kaso kinuha na ng isa sa mga
kasambahay dun at nilagay na sa kwarto ni Ace.
“Good
Afternoon Sir Ace” sabi ng isang matanda na parang sya ang head ng mga maids
dun.
“Good
afternoon din! Sya nga pala si Ken yung bisita ko!” sabi nya.
“Good
Afternoon Sir Ken!” sabi nya sa akin at nahiya naman ako sa sinabi nya.
“Just
call me Ken na lang po!” sabi ko sa head ng mga maids at tumingin ito sa akin.
“I’m
sorry po, hindi po pwede, kasi nasa house rules po ang pag galang ng mga bisita
at ang mga nakatira dito.” Sabi nya sa akin at tumango na lang ako sa
kamanghaan.
Nang
papasok na kami ay biglang bumukas ang pintuan ng bahay at lumabas ang isang
magandang babae at isang gwapong lalake na parang magkapatid lang.
“Oh
my God! Ace sya na ba si Ken?” sabi nito kay Ace at tumango lang ito.
“Nice
too see you hijo! I’m Tita Margie and he’s Tito Polo, Ace and Argel’s parents”
sabi nya at humalik sya sa aking pisngi at kinamayan naman ako ni Tito Polo.
At
biglang nakita ko naman na lumabas din ang lolo nila.
“So
you’re Ken! Welcome to our simple home!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako
sa kanya.
“Thank
you Sir Casanova!” sagot ko lang sa kanya.
“Pumasok
na kayo dito!” paanyaya nya sa akin at nakita kong si Ace na pinigilan muna
ako.
“Ano
yun?” sabi ko sa kanya.
“Ganyan
talaga sila! Kaya feel comfortable ha?!” sabi nya sa akin at inakbayan ko sya
at tumungo na kami sa sala.
Habang
naglalakad ay nakita ko ang ganda ng interior ng bahay nila, at nakita ko din
ang ibang maid ay nakapila sa isang hallway, sinamahan kami ng kanilang butler
at pumasok kami sa sala kung saan andun ang pamilya ni Ace, pero parang hindi
ko nakikita yung isang malakas mang alaska sa akin ah! Nasan na kaya yun?!
At
biglang lumapit na ang isang maid sa harapan ng butler para sabihin na okay na
ang lunch, kaya pumunta na kaming lahat sa dining room nila, nang naglalakad
kami ay napansin kong medyo antique na ang karamihan ng gamit dito at presko sa
mata dahil na din sa malalamig na kulay ng dingding.
“Ken,
have a seat!” sabi sa akin ni Tita Margie at umupo naman ako katabi ni Ace.
“Teka
bakit wala dito si James?” sabi ng kanilang lolo at nagtinginan silang lahat
kung saan.
“Sino
si James?” bulong ko kay Ace at tumingin ito sa akin.
“Makikita
mo na lang kung sino ang James na yun!” sabi ni Ace sa akin pagbibitin sa aking
tanong at wala na akong magawa kungdi maghintay.
“Sorry
I’m late!” sabi ng isang pamilyar na boses at napatingin ako sa kanya...
To
be continue...
[10]
“Sorry
I’m late!” sabi nya at napatingin naman ako dahil nasa likuran ko lang sya.
“James
where have you been? Nakita mong may guest tayo at ganyan ka!” sabi ng kanyang
lolo at ngumiti lang ito sa akin.
“Oh!
Saan na sya?” sabi nya at parang ang lakas talagang magbiro kahit andito sa
kanila.
Nakita
ko si tita Margie na tinuro ang aking kinauupuan at naramdaman kong lumapit na
siya sa akin.
Nang
makaupo na sya sa tabi ko ay nagulat sya sa kanyang nakita...
“YOU!”
sabi nya sa akin at ngumiti lang ako.
“Magkakilala
ba kayo ni Ken?” sabi ni tito Polo.
“Yeah!
Siya lang naman ang kauna unahang tao na nakatalo sa akin sa court!” sabi nya
at napatingin silang lahat sa akin... well except for Ace na talagang
nararamdaman nyang kinakabahan na ako.
Tahimik,
pagkatapos sabihin ni Argel yun at nag umpisa na kaming kumain ng lunch.
“So
Ken, san ka pala nakatira?” sabi ng lolo nila.
“Sa
South Forbes po!” sagot ko lang sa lolo nila.
“Ahh!
Not bad! So san naman nagwowork ang parents mo?” sabi saken ni tita Margie.
“My
dad is a branch manager sa isang restaurant, my mom is the head of financing
department sa isang company din po!” sabi ko sa kanila at nagpatuloy na kaming
kumain.
“Ilan
kayong magkakapatid?” sabi sa akin ni tito Polo.
“3
po kami! And I’m the second of the three sons” sagot ko at napansin kong
patingin tingin si Ace sa akin at tumango lang ako sa kanya na ibig sabihin na
“okay lang at wag syang mag alala” at natapos na din akong kumain.
“Thanks
for the food!” sabi ko at napatingin naman silang lahat.
“Sorry
po! Tradition na po kasi namin na kapag natapos kaming kumain ay magpapasalamat
pa din sa pagkain eh!” paliwanag ko at nakita kong ngumiti naman silang lahat
sa inasal ko.
Nang
matapos na din sila ay agad nang naglabas ang mga maid ng dessert, nakita ko na
may choco pudding kaya yun lang ang kinuha ko at juice.
Nakita
ako ni Argel na nakain at napatingin naman ako sa kanya.
“Is
there’s something on my face?” sabi ko sa kanya at umiling lang ito at biglang
napangiti.
“Weirdo!”
sabi ko lang sa aking sarili.
Nakita
ko naman si Ace na naubos agad ang kanyang dessert kaya pinunasan na nya ang
kanyang bibig at tumayo na.
“Papa,
Mama, Lolo, Can we go now? Kasi medyo marami pa yung gagawin naming report eh!”
sabi nya sa tatlo at tumango lang sila habang ako naman ay napatayo na din
kahit hindi ko pa nauubos ang kinain kong choco pudding.
“Ken
tara na!” sabi nya sa akin at umalis na kami sa dining room para pumunta sa
kanyang room.
Nang
naglalakad na kami paakyat ay napansin kong hindi kami sa kwarto nya pupunta at
parang sa rooftop nila.
At
tama nga ang aking hinala, pagkabukas ni Ace ang pintuan ay bumungad sa akin
ang tanawin at ang haplos ng hangin na nagpapangiti sa akin.
“Like
our rooftop?” sabi nya at ngumiti lang ako sa kanya.
“Parang
dun sa dinala mo saken!” sabi ko sa kanya at nakita kong ngumiti ito.
Ang
ganda ng rooftop namangha ako sa landscape na ginawa at yung mga gamit dito
maganda din! Nakita kong pumunta si Ace sa may upuan na malapit sa pool at
napansin kong andun din ang mga gamit ko, kaya sumunod ako sa kanya at umupo na
din dun.
Habang
nilalabas ko na ang mga gamit ko, ay nakita kong seryoso si Ace na nakatingin
sa akin.
“Oh
may problema ba?” sabi ko sa kanya at parang nabigla sya sa sinabi ko.
“Ah...
Eh! Wa..Wala namang prob..lema! Heh heh!” sabi nya at tinulungan na nya akong
gumawa ng report.
Masarap
kasama si Ace lalo na sa mga ganitong bagay dahil na din sa pagkahilig ko sa
mga libro, binabasa ko ang binili nyang libro tungkol sa irereport namin at
nagpaalam muna sya saglit para kumuha ng miryenda namin.
“Hindi
ko namalayan ang oras ah!” sabi ko na lang sa kanya.
“Ang
seryoso kasi ng mukha mo! Kaya kahit oras hindi mo na pinapansin!” biro nya sa
akin at tumawa ako.
Nang
makaalis na sya ay nilagyan ko ng bookmark ang libro at nagpatugtog muna ako sa
aking iPod, habang naghahanap ako ng maganda para sa mood ko ay naramdaman ko
ang hangin na dumampi sa aking pisngi.
“relaxing
talaga dito!” sabi ko sa aking sarili at napapikit ako, sa aking pagpikit ay di
ko na namalayan na nakatulog na pala ako, naramdaman ko na lang na parang may
bumuhat sa akin.
“ang
bigat mo!” sabi nya habang ang mga mata ko ay nakapikit pa din.
Naramdaman
ko na lang na hiniga nya ako sa kama at nagising na ako ng tuluyan, nagulat sya
at nahiya naman ako sa ginawa nya.
“Nakita
kasi kita na nakatulog eh, I just thought na buhatin ka at ipunta kita sa aking
room” paliwanag ni Ace sa akin at namula naman ang tenga ko sa hiya.
“Sorry
ha!” sabi ko at lumapit ito sa akin at tumabi.
“Alam
mo ba?” sabi nya sa akin at napaupo naman ako.
Tumingin
lang ako sa kanya at nakita kong nakatingin sya sa malayo.
“Hindi
ko ma explain bakit ako nagkakaganito, nagiging concern ako sa isang katulad
mo, Hindi ko alam kung paano, pero kapag nakikita kita or napapansin ko ang
presence mo ay nawawala ako sa pag iisip, minsan tinanong ko ang aking sarili
kung ano ba ang nararamdaman ko sayo, pero ayokong sumugal kasi hindi ko pa
naman alam ang totoong nararamdaman ko.” paliwanag nya at natulala ako sa
sinabi nya.
Hindi
ko naiintindihan ang sinabi ni Ace dahil na din na nabigla ako sa sinabi nya o
meron pang ibang kahulugan yun.
“Anong
pinagsasabi mo?” ang tanging nasabi ko at napatingin naman ito sa akin.
“Ah...
Eh... Wala! Hayaan mo na lang yun! At least magkaibigan na tayo! Basta promise
me one thing!” sabi nya at tumingin lang ako sa kanya.
“What?!”
sabi ko sa kanya.
“Promise
me na dapat lagi kitang nakikita, or napapansin na masaya and dapat ang secrets
ay sinasabi sa kaibigan para di tayo naiilang sa isa’t isa.” Sabi nya sa akin
at napakunot ang aking noo, dahil sa sinabi nya ay marami akong naiisip na ibig
sabihin dun.
“I
promise!” sabi ko lang at tinaas ko ang aking kanang kamay at tumawa naman sya.
“Teka
lang! yung miryenda mo!” sabi nya sa akin at lumabas muna ito ng room nya.
At
nang makalabas na sya ay agad akong tinignan ang buong kwarto nya, nakita ko
ang study table nya na katabi ang bookshelf na punong puno ng libro, napansin
ko din ang isang picture frame at parang may nag udyok na tignan yun, kaya
kinuha ko at tinignan yun.
Nakita
ko ang larawan at napansin ko na parang pamilyar ang lugar na kinuhaan dun,
nakita ko din si Ace at Argel na naka akbay sa isang batang lalake at nakangiti
sila at biglang...
“Si
kuya Aaron yan nasa gitna” sabi ni Argel na biglang sumulpot sa room ni Ace.
Nabitawan
ko ang frame at nahulog ito sa lapag, humarap ako sa kanya at napatingin dito.
“Oh!
Parang nakakita ka ng multo!” biro nya sa akin at kinuha nya ang frame at
pinunasan ito ng panyo.
“Paano
ka nakapasok?” sabi ko sa kanya na halatang gulat pa din ako.
“Bukas
kaya ang pintuan! Nakita kitang nakatayo sa study table ni Ace at napansin kong
tinitignan mo ang picture naming tatlo!” sabi nito sa akin at napatingin ako sa
bukas na pintuan at napakamot ako ng ulo.
“Ahh!
So...Sorry naman! Nililibot ko lang ang room ni Ace eh! So may kapatid pa pala
kayo?” sabi ko kay Argel at nakita kong pumasok na si Ace na may dalang tray.
“Ken,
miryenda mo! Oh Bro! may kailangan ka ba?” sabi ni Ace at binaba nya ang tray
sa mini table sa kwarto nya.
“Nothing!
Nakita ko lang si Ken kasi na tinitignan ang picture natin sa hill na kasama si
kuya Aaron.” Sabi nya kay Ace at tumingin ito sa akin.
Napatingin
naman ako sa dalawa na parang mali ata ang nagawa ko.
“Sorry
ah! my curiosity plays again!” sabi ko at napahawak ako sa aking batok.
“It’s
okay! Tutal nasabi na naman sayo ni bro si kuya Aaron eh.” sabi ni Ace habang
nakita ko si Argel na medyo nagiba ang expression ng mukha.
“Sorry
talaga! hindi ko naman sinasadya eh!” sabi ko sa kanila at hinawakan ni Ace ang
balikat ko at ngumiti lang sa akin ito.
Habang
kinukuha ko ang miryenda namin ay sumama na sa amin si Argel at napansin kong
nakatingin sya sa akin at kapag natingin ako sa kanya ay nakikita kong
napapangiti ito.
“Ace,
may gathering kami sa bahay, wanna come?” paanyaya ko at napatingin bigla si
Ace sa akin.
“Talaga?!”
sabi ni Ace sa akin at tumango lang ako.
“Hey!
Bakit si Ace lang?!” singit ni Argel at natawa naman kaming dalawa.
“Si
bro oh! Parang bata!” biro ni Ace at pinahiran si Ace ng icing ng chocolate
cake.
Natawa
ako sa bonding nila at biglang pinahiran nila ako ng icing kaya naghabulan kami
sa loob ng room ni Ace at nagpunasan ng icing sa mukha, nang mapagod kami ay
agad na akong umupo sa kama at ganun din ang dalawang magkapatid.
“Bakit
ka pala suplado sa akin?” tanong ni Argel sa akin.
“What
do you mean suplado?” sabi ko lang at tumingin silang dalawa sa akin.
“Nung
first day ng class, yung natamaan ka sa ulo ng bola, nagsorry naman ako nun ah!
Pero hindi mo tinanggap at nakipaglaban ka pa sa akin!” sabi ni Argel at
naalala ko na ang ibig nyang sabihin.
“Ahh!
Yun ba?!” sabi ko at tumango si Argel sa akin, tinignan ko si Ace at parang
naghihintay din sya ng sasabihin ko.
“Kasi,
hindi pa ako kumportable sa school kaya medyo suplado ako, and sorry ah! Kasi
naging ganun ako, especially to you Ace! Alam kong gusto mong makipag kaibigan
sa akin nun, pero nasanay ako sa manila at hindi pa ako nakakapag cope up nung
mga araw na yun, akala ko kasi kaya iniiwasan mo ako ay suplado pa din ako pero
hindi na kasi sinabihan ako ni daddy at mommy na kailangan kong mag cope up ng
new environment para na din magkaroon ako ng mga kaibigan!” paliwanag ko sa
kanilang dalawa at ngumiti naman sila sa akin.
“Okay
naiintindihan ka na namin!” sabi ni Argel at sumang ayon si Ace sa sinabi ng
kanyang kapatid.
“Pero
paano yung mga nagsabi sayo?” sabi ni Ace.
Napatingin
si Argel sa kanyang kapatid at napatahimik lang ako.
“Ano
yung nangyari?” sabi ni Argel sa kanyang kapatid.
“Don’t
mind that! Wala naman akong panahon para sa mga ganung tao!” sabi ko lang kay
Ace at napansin kong nagtataka si Argel.
“Pwede
naman ikwento ang pinagsasabi nyo?” biro ni Argel at natawa kami ni Ace.
“Kasi
bro, yung ibang student sinabihan si Ken na walang kwenta at papansin lang daw
si Ken dahil natalo ka nya, eh hindi naman ako nakasagot nun kasi alam ko naman
na hahayaan mo lang yung issue na yun!” paliwanag ni Ace sa kanyang kapatid at
tumingin ito sa akin.
“Sino
ba gumawa ng article na yun?” sabi nya na medyo nainis sa sumbong ng kanyang
kapatid.
“I
don’t know, basta ang sabi ko na lang sa kanila na hindi naman papansinin ni
Argel yun kasi talagang magaling si Ken sa sports!” sabi ni Ace at napangiti
lang ako.
“Hayaan
na natin yun okay! Basta ako, kung wala naman akong natatapakan na tao, bakit
ako magpapa apekto?!” sabi ko na lang sa kanilang dalawa at ngumiti ito sa
akin.
Habang
nagkakasiyahan kaming tatlo ay biglang nag ring ang phone ko, pagkakuha ko ng
phone ay narinig ko si bunso.
“Oh
bakit?” sabi ko sa kanya.
“Kuya
pauwi na kami ni lola! What time ka uuwi?” sabi nito sa akin at napangiti naman
ako sa sinabi nya.
“Tapos
na kaming gumawa ng report, malapit na din akong umuwi, and may kasama tayo sa
paglalaro, okay lang ba?” sabi ko kay bunso.
“Okay
lang kuya! Masaya yun! Para magkakampi tayo!” sabi nito sa akin at nagpaalam na
ako sa kanya at binaba ko na ang phone ko.
“Sasama
pa ba kayo?” sabi ko sa kanilang dalawa habang nakatingin sila sa akin.
Nagtinginan
ang dalawa at nagmadaling umalis si Argel para pumunta sa room nya at naligo,
ako naman ay pinauna ni Ace para hugasan ang mukha ko dahil na din sa icing na
natira, at nang matapos na ako ay pumasok naman sya at naligo na.
Habang
naghihintay ako ay naisipan kong bumaba na at pumunta na lang sa sala para dun
sila hintayin, pagbaba ko ay nakita ko ang butler nila at hinatid ako sa sala.
“Gusto
mo po ba ng maiinom?” sabi ng kanilang butler.
“Okay
na po ako!” sabi ko sa kanya at ngumiti lang ako sa kanya.
“Call
me kapag may kailangan po kayo!” sabi nya at tumango lang ako, at lumabas na
ito.
Habang
nanonood ako ng palabas sa TV nila ay narinig kong pumasok si tita Margie at si
tito Polo, napansin nila akong nanonood at tumabi sila sa akin.
“How’s
your report?” sabi ni tito Polo.
“Okay
naman po! Thanks po pala sa lunch kanina!” sabi ko sa kanila at ngumiti sila sa
akin.
“Hijo,
I like you as my two boys bestfriend!” sabi ni tita Margie.
“Thanks
po, and sa inyo din po! Ang babait nyo po!” sabi ko sa kanila at niyakap nya
ako.
Habang
niyayakap ako ni tita Margie ay narinig ko si tito Polo na tinawag ang kanilang
butler.
“Paghanda
mo kami ng makakain! And drinks too!” sabi nya at umalis na ang butler sa
harapan ni tito Polo.
“Hijo,
so pauwi ka na ba?” sabi ni tita sa akin nang kumalas sya sa pagkakayakap.
“Opo
eh, meron pong family gathering kami, nasabi po ni mommy na isama ko po daw si
Ace at si Argel para makilala daw po nila at makilala din po sila.” Sabi ko at
nakita kong nagtinginan silang mag asawa.
“Hijo...
pwede din ba kami sumama?” sabi ni tita Margie at napatingin naman ako kay tito
Polo at ngumiti ito sa akin.
“Wait
lang po, kakausapin ko lang po si mommy” sabi ko at kinuha ko ang phone ko sa
bulsa at tinawagan si mommy.
“Oh
anak! Napatawag ka? Tapos na ba kayong gumawa ng report? What time ang uwi mo?”
sabi nya at naririnig kong nagluluto sila sa kitchen.
“Mom,
natapos na po kami, and sasama ang dalawa kong classmates with their parents,
okay lang po ba?” sabi ko kay mom.
“Yan
ba yung apo ng may ari ng school na pinapasukan mo?” sabi nya sa akin.
“uh
yeah!” sabi ko at narinig kong pinagmamadali nya ang mga nagluluto sa kitchen.
“Sige
anak, padalawin mo sila para makilala namin ang mga parents ng classmates mo!”
sabi ni mom at binaba na nya ang phone at tumingin naman ako kila tita Margie
at tito Polo.
“And?”
sabi ni tita Margie.
“Okay
daw po!” sabi ko sa kanila at narinig ko si tito Polo na pinatawag ang butler
ulit.
“Wag
na kayong maghanda okay, please tell papa na dadalaw kami kila Ken” Sabi ni
tito Polo.
“Okay
sir! Anything else?” sabi ng butler.
“Yeah!
Paki handa ang sasakyan at ako ang magd-drive!” sabi ni tito Polo at ngumiti
ito sa akin.
Pagka
alis ng butler nila ay nakita ko si Ace na nakabihis na at ganun din si Argel
na nag uunahan.
“Akala
ko umalis ka na eh!” sabi nilang dalawa at natawa naman ako sa sinabi nila.
“Ma!
Pa! sasama po kami kay Ken, ininvite po kami sa family gathering nila eh!” sabi
ni Ace at hindi sumagot sila tito at tita.
“What
do you think? Kayo lang ang invited?!” sabi ni tita Margie at nakita kong
kinakabahan silang dalawa.
“Mama
naman! Nakakahiya kung sasama kayo! Hindi naman kayo invited ni Papa eh!” sabi
ni Argel at napatingin naman ang kanyang papa.
“What?
Kami?! Hindi invited! Sige! Hindi kayo sasama!” sabi ni tito Polo at natawa ako
sa kanila kasi ang galing nilang umarte at nakita ko ang mga mukha nila Ace at
Argel.
“Gotcha!”
biro ko sa dalawa at napatingin naman sila kila tito at tita.
Natawa
naman sila tito at tita at nakita kong nainis sila Ace at Argel sa ginawa nila.
“Madali
pala kayong mainis no!” sabi ko sa kanila nang nilapitan ko sila.
“Syempre!
Kaibigan namin ang nag invite eh!” sabi ni Ace.
“Tapos
akala namin na hindi kami papayagan nila Mama at Papa!” dagdag ni Argel at tawa
pa din ng tawa ang mga magulang nila.
Nang
makarecover na sila tito at tita ay pumasok naman ang kanilang butler.
“Okay
na sir ang sasakyan!” sabi nito.
“Okay!
Yung gamit ni Ken naipasok na ba dun?” sabi nito at tumango naman ang butler
nila.
“Tara
na sa house nyo!” sabi ni tita at lumabas na sila.
Inakbayan
ako ng dalawa papalabas at habang naglalkad kami papalabas ay narinig kong
nagpaalam na ang mga maids sa amin.
Pumasok
na si Ace sa sasakyan at sumunod ako at huli si Argel, pagkapasok namin sa
sasakyan ay naramdaman ko ang kasiyahan sa loob dahil na din na mga excited ang
apat na makapunta sa bahay, ako naman ay tinuro kung saan ang papunta sa amin.
Magaling
si tito Polo na magdrive, alam nya ang mga shortcut parang si kuya Ray lang, at
nang malapit na kami sa subdivision ay tumawag ulit ako.
“Hello
mom!” sabi ko kay Mom at naririnig kong may ginagawa pa sila.
“Oh
anak! Saan na kayo? Pinaligo ko na si Jiro eh! sabi ko na later na lang kayo
maglalaro ng basketball!” sabi ni Mom at napangiti ako.
“We’re
almost there, andyan na ba sila tito Philip at tita Emily?” sabi ko.
“Yes!
Nasa backyard lang, kinakausap ng daddy mo!” sabi nya at nararamdaman kong
nagmamadali na sila.
“Mom!
Take your time!” sabi ko sa kanya at nakita kong napatingin sila tita Margie sa
akin.
“Eh
anak sabi mo malapit na kayo, and besides sila ang parents ng mga classmates
mo! Kaya ayaw namin na mapahiya ang anak namin!” sabi nito at napangiti lang
ako sa kanyang sinabi.
“Okay
mom! Basta take your time ha!” sabi ko sa kanya at binaba ulit nya ang phone.
Napansin
kong biglang tumahimik ang sasakyan at nagtataka ako sa kanilang titigan.
“By
the way, dumaan muna tayo sa isang mall, syempre nakakahiya naman na walang
dalang regalo sa mga parents mo!” sabi ni tito Polo.
“Wag
na po tito! Okay na pong magkakilala kayo nila mom at dad ko! Okay na po yun!”
sabi ko sa kanila.
“We
insist!” sabi ni tita Margie at hindi na ako nagsalita.
“Okay
guys! Punta muna tayo ng mall ah! Pero saglit lang dapat!” sabi ni tito at
nakita ko sila na tumango pagsasang ayon sa sinabi ni tito Polo.
Nang
makarating kami sa isang mall ay agad
naghanap ng space si tito para magpark, at nang makapag park na si tito
ay agad kaming lumabas.
“You
two bumili din kayo!” sabi ni tita at tumango lang sila.
“Isama
nyo na si Ken okay!” dagdag ni tito at sumama na ako sa kanila.
Habang
nasa loob kami ng mall ay agad akong pumasok sa isang store at bumili ng gamit
ni Jiro, sila naman ay sumunod sa akin at tinignan ko sila nang matapos kong
bayaran ang binili ko.
“Ano
ba gusto ng mga kapatid mo?” sabi ni Argel.
“Si
kuya Kino he loves anime ganun din si Jiro and also me!” sabi ko sa kanila at
nagkunot ang kanilang mga noo.
“Yung
bagay na ma-a-apreciate nila!” sabi ni Ace.
“Okay!
Si kuya kasi he loves to take a picture, si Jiro naman he loves to paint!” sabi
ko at agad nang pumunta sila sa mga store para maghanap ng mareregalo.
“Okay
na ba ito Ken sa kanila?” sabi ni Ace sa akin.
“Yeah!
I’m sure na magugustuhan nila yan!” sabi ko at tumalikod na sa kanya.
“Ken!
Ito okay na ba?” sabi naman ni Argel sa akin at tinignan ko ang kinuha nya.
“Hey
that’s too much!” sabi ko sa kanya.
“Maganda
ba o hindi?!” sabi nito ulit sa akin.
“Maganda,
pero bakit parang ang dami naman?” sabi ko kay Argel at ngumiti lang ito sa
akin.
Pumunta
na kami sa cashier para bayaran nila ang mga kinuha nila, napansin kong parehas
silang madaming nabili at may greeting card pa silang binili.
Nang
mabayaran na yun ay agad na pumunta sa isa pang counter para ibalot ang
kanilang gift, sinabi nila sa akin na tumingin tingin muna kaya ginawa ko yun.
Nang
matapos na sila ay agad kaming pumunta sa sasakyan.
Habang
naglalakad ay nagring ang phone ko.
“Hello?”
sabi ko.
“Kuya!
Saan na daw kayo sabi ni mommy!” sabi ni Jiro.
“Teka
lang ha! Nag stop over lang kami kasi may binili ang parents ng mga classmate
ko eh!” palusot ko na lang at binaba na nya ang phone.
“Nahawa
na kay Mommy!” bulong ko at nang malapit na kami sa sasakyan ay agad akong
nagtext ka kuya.
“Kuya
paki sabi naman kay ate Lea na paghanda nya ako ng maisusuot!” text ko at
pumasok na kami sa sasakyan.
Naramdaman
kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at binasa.
“Kanina
pa handa ang damit mo! Inaamag na nga eh! at hindi pa ako makakauwi kasi
tatapusin ko ang report na ito eh! but I try to finish this okay!” biro nya sa
akin at natawa naman ako sa sinabi nya.
“Parating
na kami!” sabi ko na lang kay mom at nakita kong naglalakad na din sila tito at
tita papalapit sa amin.
Binuksan
ni tito ang sasakyan at pumasok na kami ni tita.
Napansin
kong mukhang marami ang binili nila at napansin ni tita yun.
“Parang
namamanhikan lang no?!” sabi nya at nagulat ako sa sinabi nya.
To
be continue...
No comments:
Post a Comment