Friday, January 11, 2013

Tee La Ok Book 2

By: emray
Source: bulonghangin.blogspot.com
annexb.wordpress.com
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com


[01]
Unang Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/ Number 1 “Anung problema mo?” tanong ni Martn kay Harold pagkakita pa lang dito. “Wala.” tugon ni Harold. “Medyo pagod lang.” “Kasi sumama ka pa kahapon. Alam mo namang mag-aayos pa tayo ng graduation ngayong araw.” sabi pa ng binata. “Ganun talaga eh!” napangiting sagot ni Harold. “Alam mo, medyo weird ang feeling ko sa’yo last week.” banggit pa ulit ni Martin sa napuna niya.
“Mahabang kwento tol!” sagot ni Harold. “Tapos iisipin mo pang loko-loko ako kung malalaman mo iyong kwento.” dugtong pa nito. “Kung sa transcendental being nga naniniwala ako, saka ang astral body ng Indian Philosophy naniniwala ako, lahat ng extra super natural phenomena pwedeng paniwalaan.” sabi pa ulit ni Martin. “Hay Martin! Stupid lang talaga ako last week.” nakangiting tugon pa ni Harold na ayaw magkwento sa kaibigan. “Naku Harold! Sige, huwag kang magkwento!” may tampo sa himig ni Martin. “Last week para kang ewan, tipong hindi si Martin ang kaharap ko kung hindi isang na-trap lang sa katawan ni Martin, pero ngayon masyadong down ang spirit mo.” komento pa nito. “Hindi lang basta tamlay, kasi sobrang down ang energy.” dugtong pa ng binata. “Kulit mo din!” napapatawang sabi ni Harold. “Huwag kang gumanyan, hindi bagay sa’yo.” bati pa nito. “Kung ayaw mo akong makitang ganito mag-smile ka! Ayokong simangot na Harold ang kasama kong nakapila dito maghapon.” pangungundisyon ni Martin. “Sige na! Ayan na! Ngingiti na ako.” sabi ni Harold saka naglagay ng isang ngiti sa labi. “Good dog!” sabi ni Martin saka ginulo ang buhok ni Harold. “After ng mahabang pila na’to, aakyat pa tayo sa taas di ba?” paninigurado ni Harold kay Martin. “Yeah! Kasi iniintay tayo dun ng society para sa seminar. Alam mo na, nakasalalay sa fourth year ang pag-aasikaso nun.” sagot naman ni Martin. “Ayos din iyong third year no! Napayabang pa nung merge meeting tapos ngayong trouble shooting na ngangawa din ng tulong.” komento pa ni Harold. “Sabi nga ni Kuya Alfred, iyong third year maporma unlike sa batch nating magawa.” sabi ni Martin. Matapos ang isang mahabang pila at maibigay ang evaluation of grades ay umakyat na ang magkaibigan sa taas at tumulong para sa trouble-shooting ng seminar at nang katanghalian na ay mga nagsiuwi. “Guys, di na muna ako makakasama sa lakaran natin.” sabi ni Harold. “May bago?” may pagkasarkastikong tanong ni Martin. “Wala!” natatawang sagot ni Harold. “Ako din, may lalakarin din kasi ako.” paumanhin din ni Martin sa mga kabarkada. “Sige ayos lang iyon!” sagot naman ni Robert. “May kumakaway ata sa atin.” pansin pa ni Angelo. “Hoy Martin! May kumakaway sa’yo.” sabi ni Harold saka turo sa kotseng nasa di kalayuan. “Kuya Perry?!” nagtatakang pagkilala ni Martin. “Tinatawag ka ata nun.” komento pa ng kabarkada nila Harold. “Sandali lang mga dude.” paalam ni Martin sa mga kabarkada saka nilapitan ang lalaki. “That guy looks familiar!” sabi ni Harold sa sarili. “I can’t remember pero parang nakita ko na iyan somewhere!” komento pa nito. Maya-maya pa ay bumusina nang dalawang beses ang lalaking kausap ni Martin na agad tumawag ng atensiyon sa lahat. Napansin din nilang bumaba ang lalaki at kasunod ni Martin papunta sa kanila. “Hey guys! This is my Kuya Perry.” pakilala ni Martin sa kuya-kuyahan niya. “Kuya Perry, these are my buddies.” pakilala naman ni Martin sa barkada niya. “Call me Fierro!” paglilinaw ni Perry. “Only Martin can call me such annoying Perry name.” nakangiti nitong turan. “Nice meeting you.” sagot naman ng mga kabarkada ni Martin. “Guys, mauna na ako, sabay na kasi ako sa kuya Perry ko.” paalam naman ni Martin sa mga kabarkada niya. “Yeah! Tama! Fierro Gutierrez!” sabi ni Harold nang maalala ang taong kaharap. Samantalang si Gabby naman – “Joel!” simula ni Gabby. “I told you to prepare all the statistics and reports but look what you did? Instead of filling them, sabog-sabog ang files.” puna ni Gabby dito. “Sorry Sir!” paumanhin ni Joel. “You really know so much that I want everything to be in order pero ang gulo-gulo nito! Look, anung gusto mong mangyari? Iisa-isahin ko to?” sabi pa ng galit na si Gabby. “Sir! Sabi po ninyo last week ganyang ayos ang gawin ko.” sagot ni Joel. “I can’t remember na may ganuong order ako?” sagot ni Gabby. “Meron Sir!” sabi pa ulit ni Joel. “Tapos you treated me lunch and napakakalmado pa po ninyo.” sabi pa ni Joel. “Ako?” nagtatakang tanong ni Gabby. “Yes Sir.” sagot ni Joel. “Last week huh!” napaisip si Gabby at muli ay may sumagi sa isip ng binata. “I am in Harold’s body last week and malamang the order came from Harold. Harold! Kamusta ka na kaya? I miss you.” biglang lumungkot na sabi ni Gabby. “Is there any problem Sir?” tanong ni Joel. “Anung pakialam mo?” sarkastikong tanong ni Gabby. “So, dahil sa mabait ako last week sinasamantala mo na ngayon?” dugtong pa nito. “Hindi po Sir! Sorry na po talaga.” paumanhin pa ni Joel. “Ibalik mo sa dati itong arrangement ng files and by 10, we will meet Mr. Gutierrez.” saad ni Gabby. “Copy Sir!” sagot ni Joel saka mabilis na kumilos palabas ng opisina ni Gabby. After ng meeting at pirmahan ng deeds of sale – “Good Mr. Gutierrez!” sabi ni Gabby. “Well, excuse me for something, pero my senses keep on telling me that I am in front of different Gabby.” simula ni Fierro sa usapan habang palabas ng conference room. “Let’s talk business here.” sagot ni Gabby. “Sorry Mr. Fabregas.” paumanhin pa ni Fierro. “Saan na ang punta mo ngayon?” usisa naman ni Gabby kay Fierro. “Sa Philippine University!” sagot ni Fierro. “May susunduin lang ako.” dugtong pa nito. “Philippine University! Harold! Lalo kitang gustong makita. Bakit ba lahat nang marinig ang mangyari sa akin sa araw na’to laging may koneksyon at nagpapaalala sa’yo.” sabi ni Gabby sa sarili. “Sige Mr. Fabregas, I’ll go!” paalam ni Fierro saka patiuna nang lumakad. “Harold! May the wind carries this feeling I have for you. May the wind gently tell you how much I wanted to see you.” sabi ng diwa ni Gabby saka tumingin sa labas. Kinagabihan, tulad ng nakagawian na ni Gabby ay tatambay muna ang binata sa veranda ng kanyang kwarto habang umiinom ng wine at nagpapahangin. “If only the wind carries your breath, I will take every bit even up to my death, This sultry room that became so cold, When you left I turned out to be so mold.” mga tugmang pinaglalaro ni Gabby sa isipan habang nakatitig sa hawak na baso ng wine. “My heart shouted, cried and now will die, For I lost the part that will complete the pie, You leave me hanging and walked out my sight, Swollen life will never again smile and be bright.” saka dahan-dahang pumatak ang luha sa mga mata ni Gabby. “I don’t know what my tomorrow prepared for me Possibly incomplete knowing you’re away from me Ill, crying, bleeding, damaged, dying I can be Waiting is the greatest inspiration that pushes me.” huling tugmang pinaglaro ng diwa ni Gabby saka napagpasyahang matulog. Samantalang si Harold naman habang nakahiga at hindi makatulog – “Doble effort na akong kalimutan ka pero bakit ba lagi ka na lang nagsisiksik sa utak ko? I realized that I cannot smile kung may regrets pa akong nararamdaman. Hay! Bakit ba pilit kitang kinakalimutan pero always kang nagpapakita sa solemn moments ko?” mga bagay na naglalaro sa utak ni Harold. “I know, short term lang to. Wala ka naman sa buhay ko dati at masaya ako, thus, kaya ko ding maging masaya kahit wala ka. Wait, statement invalid! Kasi may regrets ako therefore hindi ko kayang maging masaya, pero I can be happy dahil wala ka sa buhay ko dati. If I cannot smile, therefore I cannot be happy kasi smiling means expression of happiness, except kung may topak o sintu-sinto ako, but I’m a normal kid with an I.Q. of 170. I cannot be happy or sad at the same time, thus, statement invalid.” naguguluhang pag-iisip ni Harold. “Letse! Fallacious na nga lang!” mapasigaw ang binata dala ng kaguluhan. “Kung talagang mahalaga ako sa kanya dapat man lang nag-text na siya sa akin kanina. O kaya naman hinabol niya ako kaninang nagpaalam ako sa kanya. Pwede ding ibabalik niya iyong pera ko, tapos sasabihin mahal kita o kaya naman iisip nang bagong utang na loob. Iyong tipong mga drama talaga sa T.V.” saad ulit ng diwa ni Harold. “Ayusin na ang buhay Harold! Harold! Harold! Harold! May bagong umaga bukas at ang dapat mong unahin ay ang paghahanda sa papapulang silangan! Gabby is just a small part of the universe at ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang mga bagay na mas mahalaga! Ang dapat mong bigyan ng atensyon ay ang mga bagay na papakinabangan ng marami.” diwang kikiwal-kiwal sa malikot na isip ni Harold saka pinikit ang mata para piloting makatulog. Kinaumagahan – “Rold! Musta na?” simulang bati ng nakangiting si Sean. “Nice morning buddy!” ganting bati ni Harold dito. “Bakit nadoble ang eyebags mo?” birong tanong ni Sean. “Namanget na naman ako!” sagot ni Harold saka kinapa ang sinabing eye bags ni Sean. “You’re still cute pa din kaya huwag kang mag-alala.” komento ni Sean. “You’re getting so konyo today buddy ah.” natatawang sabi ni Harold. “Coz you’re getting konyo din kasi eh!” ganti ni Sean. “Hindi ka pa ba sanay sa akin?” tanong ni Harold. “Sanay akong pag may klase at recitation straight English or Tagalog ka kung magsalita. Pag sa mga kaibigan mo at kaklase o ordinaryong tao, nagmimix ka ng English pero Tagalog pa din. Pag formal English kung English. Pag ako ang kaharap mo o si Kenneth o mga kasama natin, Tagalog na Tagalog at humahalukay kami sa baul ng mga alien tagalong mo.” sabi ni Sean. “Ganun pa din naman ako ngayon ah.” giit ni Harold. “Hindi kaya!” tutol ni Sean. “Konyo ka na ngayon at last week hindi ko mawari kung pang-asta mo lang ba ang straight English or way of life mo na.” pansin pa ni Sean. “Last week?” tanong ni Harold. “Si Gabby iyon! Peste! Wala na nga sa utak ko naalala ko na naman! Lord of the Rings naman! Please paki-alis si Gabby sa isip ko!”pakiusap pa ng isipan ni Harold. “Bakit umasim na naman iyang mukha mo? Lalo ka tuloy nagiging cute!” komento ni Sean saka inakbayan si Harold. “Kung makaakbay ka! Bakit ba ang hilig mong akbayan ako?” tanong ni Harold kay Sean. “Gusto kita eh!” biglang nasabi ni Sean. “Ano kamo?” tanong ni Harold. “Ah, eh, sabi ko gusto ko!” nangangatal na sagot ni Sean saka inalis ang pagkakaakbay kay Harold saka nagpatiuna sa paglakad. “Hoy! Hintayin mo ako!” habol ni Harold sa kaibigan. Samantalang si Gabby naman – “Ang dami ko palang nakatambak nang damit.” unang nasabi ni Gabby pagkabukas ng closet niya at sinunod ang isa pa at ang isa pa ulit at ang isa pa ulit na closet niya. Napangiti ang binata na tila ba may naiisip na kung ano. “Bakit ang tagal n’yo?” angil ni Gabby pagkadating nila Nick at Joel. “Sir! Maaga pa nga po kami ng thirty minutes!” paliwanag ni Joel. “Hindi ako humihingi ng opinyon mo!” sabi ni Gabby. “Nagtatanong tapos ayaw ng sasagot. Kay aga-aga irritable!” bulong ni Joel kay Nick. “May sinasabi ka?” tanong ni Gabby. “Wala po Sir!” maang na sagot ni Joel. “Sakay na Sir!” anyaya pa ni Joel saka pinagbuksan ng pintuan si Gabby. “Inuutusan mo ba ako?” tanong ni Gabby kay Joel. “Sorry sir! Hindi po.” sagot ni Joel. “Umakyat ka ng kwarto ko, tapos ibaba mo lahat ng bag na nasa may pintuan.” utos ni Gabby kay Joel. “Sige po Sir!” sagot ni Joel saka mabilis na sinunod ang utos ni Gabby. Pagkababa ni Joel – “Nick tulungan mo ako!” aya ni Joel kay Nick. “Ikaw lang ang kukuha!” nakangising sabi ni Gabby. “Hay!” reklamo ni Joel. “Nakakainis!” sabi pa nito. “May reklamo ka?” tanong ni Gabby. “Wala po Sir!” sagot ni Joel saka muling umakyat. Matapos ang labing limang akyat panaog ay nakapagbaba ng thirty bags si Joel. “Nick, here’s the key of my pick-up van.” sabi ni Gabby saka hagis kay Nick ng susi. “Joel, put all those bags inside the van.” utos naman ni Gabby kay Joel. “Hay Sir Gabby! Paborito talaga ninyo akong pahirapan.” reklamo ni Joel. “Ang paborito mo din kasing magreklamo.” sagot ni Gabby. Patung-patong at hindi magkasya ang mga bags sa likod ng pick-up dahil bukod sa malalaki ang bags ay namumutok pa ito sa laman. Matapos mailulan lahat ng bags ay – “Joel and Nick, drive these bags to this area.” utos ni Gabby saka ibinigay kay Nick ang location. “Make sure they will receive it especially the family of Carding Rodriguez.” utos pa ni Gabby. “Lahat to Sir?” tanong ni Joel. “Of course not!” sagot ni Gabby. “Find other places where you can donate those clothes.” sabi ni Gabby saka sumakay sa kotse niya. “After that, you can go home!” nakangiting utos pa nito saka pinaharurot ang kotse niya. “Minsan talaga may banto si Sir Gabby!” komento ni Nick pagkaalis ni Gabby. “Oo nga!” wika ni Joel. “Kung hindi lang talaga mabait at matinong amo si Sir matagal na akong umalis.” “Harold! I learned something from your life and I owe you so much for that!” nasa isip ni Gabby habang nagmamaneho papasok ng opisina. Pagkagat ng dilim – “Sunog!” malakas na hiyawan malapit sa unibersidad na pinapasukan ni Harold. Nakaramdam ng kaba si Gabby sa narinig niyang hiyawang iyon lalo na at ang usok ay nasa gawi kung saan nakatayo ang dorm ni Harold. Binilisan ni Gabby ang pagmamaneho papunta kay Harold dala ng pag-aalala sa binatang iniirog. Tama ang kutob ni Gabby, ang dorm ni Harold ay kasama sa nasusunog ngayon. Madaming truck ng bumbero ang nasa lugar at lahat ng taong nakapaligid ay umiiyak dala ng pagkawala ng ari-arian. “Manong!” tawag ni Gabby sa isang bumbero. “May tao po ba sa loob nuon?” tanong ni Gabby saka turo sa silid ni Harold. “Hindi pa namin nakikita saka wala namang sumisigaw pa.” sagot ng bumbero. I-dinial ni Gabby ang cellphone at tinawagan si Harold. Hindi mawari ni Gabby ngunit labis ang kaba niyang nadarama para sa binata. Samantalang si Harold – “Bakit ba ang ingay?” tanong ni Harold na pupungas-pungas pa. Unti-unti na ding nararamdaman ng binata ang init na tila pugon at nagliliyab ang kanyang silid. Kasunod pa nito ang usok na pumupuno sa loob. Idinilat ni Harold ang mga mata at sa kanyang pagkabigla – “Anak ng tinapa!” sabi ni Harold saka madaling bumangon at nagmamadaling bumaba. Gawa sa lumang kahoy ang dorm ni Harold, sa itaas siya natutulog samantalang sa baba niya ay ang tinutulugan ng caretaker. Dahil sa lumang kahoy ay madali para sa apoy na kainin ng buong-buo ang buong kabahayan. Biglang bumagsak ang kisame ng silid ni Harold na humarang sa daan niya palabas. Nagliliyab ang buong silid, ang mga apoy ay walang sinasanto na kahit saan ilingon ni Harold ang paningin ay puro apoy ang nakikita at makapal na usok. Muling tumakbo si Harold papunta sa higaan niya, kinuha ang kumot saka tumakbo papunta sa banyo para basain ang kumot. Sa kamalasan ay bumagsak na din ang sahig ng banyo ni Harold. Muling tumakbo papuntang bintana si Harold at pinilit itong buksan. Kahit na nahihirapan ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Unti-unting nahihirapang huminga ang binata, dala na din nang sobrang usok at ang sakit nitong asthma. Ganunpaman ay buong lakas niyang binubuksan ang bintana dahil iyon na lang ang tanging paraan para makahingi siya ng saklolo. Tila naglalaro ang kapalaran dahil kinain na din ng apoy ang sahig kung saan nakalagay ang higaan niya at madali na itong bumagsak paibaba. Malapit na ding kainin ng apoy ang tinutungtungan ni Harold at higit niyang ibinigay ang lakas para mabuksan ang bintana. Sa wakas, nabuksan ang bintana, nang dahil sa apoy ay kumalas ang capiz na bintana sa kinakapitan nito at buong lakas na humingi nang tulong. Ibinigay ang lahat ng hangin at sumigaw nang malakas - “Tulong!” sigaw ni Harold na nakakuha ng atensyon saka biglang nabuwal ang binata dahil sa kakapusan ng hangin. “Harold!” nasabi ni Gabby saka tinakbo ang mga bumbero. “Manong! Unahin po muna ninyo iyon!” pamimilit ni Gabby sa mga bumbero. “Sandali lang hijo!” sagot naman ng isa. “Manong kahit pakiulanan ng tubig iyong lugar na iyon!” pakiusap pa ni Gabby na kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata. “Hay!” sabi naman ng isa saka sinunod si Gabby. “Pahiram!” sabi ni Gabby saka kinuha ang helmet sa isang bumbero. May nakita si Gabby na isang hagdan na sa tantya niya ay aabot sa bintana para makuha si Harold. Dali-dali niya itong kinuha dahil busy pa ang rescue team sa isang part ng sunog na mas madaming kailangang iligtas. Walang pag-aalinlangang inakyat ni Gabby si Harold at kahit nahihirapan ay buong lakas niya itong hinatak pa-angat. Kitang-kita ng mga mata niyang ilang pulgada na lang at si Harold na ang kinakain ng apoy na iyon na lalong nakadagdag sa pag-aalala niya. Sa wakas, nakuha na din niya ang walang-malay na si Harold at ang ibang bumbero ay hinihintay siya sa baba at para iabot si Harold sa kanila. “Sa amin na iyan para maisakay sa ambulansya!” sabi ng isang bumbero. “Kaninang walang nagliligtas ayaw ninyong tulungan, ngayong nakababa na at nakita ninyong walang malay saka ninyo kinukuha!” sabi ni Gabby saka isinakay si Harold sa kotse niya. “Hijo! Hayaan mo nang masakay si Rold sa ambulansya!” sabi ng isang matandang may saklay. “Ako na po ang magdadala kay Harold sa ospital.” sagot ni Gabby dito. “Sumama na din po kayo.” sabi pa ng binata. “Labag sa batas iyang ginagawa mo!” sigaw ng isa ng makitang sinasakay si Harold sa kotse. “Then see me in court!” sagot ni Gabby na hindi papapigil sa mga ito. Kasama nga ni Gabby ang matandang caretaker ng dorm ni Harold at ang anak nitong kasama. Dinala niya sa pinakamalapit na ospital si Harold at agad din namang inasikaso dala ng panimulang panuhol nito. “Harold, please hold on! I don’t want to loose you!” napapaiyak na sabi ni Gabby. “Now I realized how much I love you. Mahal na mahal kita at hindi lang ito short-term dahil hindi ko kakayaning mawala ka sa akin.” at dumaloy ang saganang luha sa mata ng binata. “Hijo! Huwag kang mag-alala malakas si Harold at lalaban iyon dahil may isang bagay siyang gustong makuha.” pang-aalo naman ng matanda kay Harold. “Salamat po tito!” sagot ni Gabby. “Hindi pwedeng pataubin si Harold ng sunog na iyan dahil mas matindi pa ang pinagdaanan ng batang iyan.” sabi ulit ng matanda. “Alam ko po!” nakangiting sabi ni Gabby. “Huwag na po sana ninyong sabihin kay Harold na ako ang tumulong sa kanya.” paalala pa ni Gabby. “Bakit?” tanong nang matanda. “Ayoko po kasing madagdagan ang iniisip niya.” sagot naman ni Gabby saka tumayo at pumunta sa emergency room at sinilip ang kalagayan ng binata. Ilang sandali pa at – “He’s fine!” sabi ng doctor pagkalabas. “Inatake lang ng asthma saka sobrang usok ang nalanghap niya kaya ganuon pero okay na naman siya ngayon.” sabi pa nito saka lumakad palayo. Napabuntong-hininga ng malalim si Gabby saka napangiti. “Tito! Alis na po ako.” paalam ni Gabby sa matanda. “Sige hijo!” sagot ng matanda. “Mag-iingat ka.” sabi pa nito. Sa bahay – “I am broken, I am half I need part to be back I need smile in the gulf I need one from the sack.” ang tugmang nasa diwa ni Gabby habang nakaupo sa veranda. “Explosive emotions knowing that you will leave My heart says, missing piece has nothing to breathe To drift you safely, it is the best thing I can give I can offer you everything even if it means sleeve.” tugmang pinaglalaro ni Gabby sa isip bago napagpasyahang ihimlay ang pagod na katawan sa kanyang higaan. “I cannot watch your dying moment I cannot watch you fighting sentiment I have nothing but to ask for nothing Rather than seeing you forever lying.” huling tugmang nasa diwa ni Gabby saka tuluyang ipinikit ang mga mata. Matagal-tagal na din mula ng maganap ang sunog na iyon. Ito na ang araw na hinihintay ni Harold at ng buong batch nila – ang graduation. “Gabby?” tanong tila nangingilalang tanong ni Harold. Naging mabilis ang pagtibok ng puso ni Harold ng mga oras na iyon. Ang isang taong pilit niyang kinakalimutan ay ang taong patuloy na bumabalik sa kantang buhay. “Ako nga.” nakangiting sabi ni Gabby. “Bakit na nandito?” tanong ni Harold. “Sinabi sa akin nung caretaker ng dorm mo.” sagot pa nito. “Tapos? Bakit ka nga nandito.” tanong ni Harold. “I am here to escort you.” sagot ni Gabby. “Escort?” nagtatakang tanong ni Harold. “Tito caretaker told me that you approached him to attend your graduation rights.” sagot ni Gabby. “Then?” tanong ni Harold. “I asked him if I can do his part.” tugon ni Gabby. “At napapayag mo si tito?” tanong ni Harold. “Oo naman Rold!” sagot ng matanda mula sa likuran ni Harold. “Tito naman!” tila may tampo sa tinig ni Harold. “Aba! Don’t you forget, utang mo sa akin kung bakit ka buhay.” singit ni Gabby. “Ha?” tanong ni Harold. “I saved you in the middle of fire. I risked my life just to save you.” sagot ni Gabby. Nakaramdam naman ng kiliti si Harold sa narinig niya mula kay Gabby. “Weh! Di nga?” ayaw maniwalang kontra ni Harold. “Oo Rold!” sagot ng matanda. “Siya ang nagligtas sa’yo sa sunog at nagbayad ng hospital bills mo.” nakangitng tugon ng matanda. “Eh di thank you!” sabi ni Harold. “Ganun lang!” tutol ni Gabby. “Ano ba ang gusto mo pa?” tanong ni Harold. “Gusto ko ako ang kasama mong umakyat ng stage!” sabi ni Gabby. “Tito!” sabi ni Harold saka lingon sa caretaker ng dorm niya. “Wala na akong magagawa, siya ang nagligtas sa’yo.” sagot ng matanda. “Sige na nga! Nakakaawa ka naman!” napapangiting tugon ni Harold. “Di bali Harold! Ngayon lang naman to! Winning moment mo ngayon kaya bakit kailangan mo pang magmalungkot. Samantalahin mo na at makakasama mo ulit kahit isang araw ang taong mahal mo.” bulong ni Harold sa sarili. “Ako pa ang nakakaawa.” tutol ni Gabby. “Papasok na ako hijo!” paalam ng matanda. “Sige po.” sagot ni Harold. “Ayokong mawala ka sa akin Harold!” bulong ni Gabby kay Harold. Napangiti na lang ang binata sa tinuran na iyon ni Gabby.


[02]
Pagkatapos ng graduation –

“Harold!” turan ni Gabby saka hinawakan sa mga kamay si Harold.

“Huh?!” sagot ni Harold.

“Gusto na kita! Sa sobrang pagkagusto ko sa’yo, guto na kitang iuwi at ariin, sa sobrang pagkagusto ko sa’yo gusto na kitang ipagdamot sa mundo, gusto na kitang angkinin, gusto ko nang mapasaakin ka.” sabi pa ng binata saka tinitigan si Harold sa mga mata.

Nakaramdam nang kaba si Harold. Oo, gusto din niya si Gabby ngunit iyon ang mga bagay na ayaw niyang marinig mula dito. Magulo? Oo, sobrang magulo ang damdamin ni Harold. Sa sobrang kaguluhan ay ayaw nang mag-process ng utak niya, ayaw nang gumana ng matino at maayos. Sa sobrang gulo ay nais niyang patahimikin na lang ang mundo.

“Aano bba iiiyang sssinasssabi mo?” putol-putol na tugon ni Harold.

“Huwag kang tanga!” sabi ni Gabby. “Nanagalog na nga ako para romantic papakatanga ka pa.” inis na dugtong pa nito.

“I love you Harold! Ikaw lang ang nakagawang magparamdam sa akin ng ganito.” sabi pa ulit ni Gabby saka hinalikan sa kamay si Harold. “Please say you love me too!” saad pa nito.

“Pero…” katwiran pa sana ni Harold.

“Please say you do love me!” puno ng pagsusumamo ang mga mata ni Gabby. “Please be my Cinderella and let us make our own fairytale.” dugtong pa ng binata.

Walang sagot mula kay Harold bagkus ay bumitiw ito sa titig at hawak ni Gabby at tumalikod.

“Bakit?” tanong ni Gabby. “Ayaw mo ba sa akin?” nalungkot na tanong pa nito.

Nasa kalagitnaan sila ng gabi at tanging ang mga bituin at buwan ang piping saksi sa nagaganap sa pagitan nila. Ang malamig na simoy ng sariwang hangin, ang mga kuliglig, at ang lagaslas ng tubig na mula sa ilog na malapit sa kanila.

“Naniniwala ka sa fairytale?” tanong ni Harold. “Hindi totoo ang fairytale Gabby.” malungkot na habol pa nito.

“Totoo ang fairytale Harold at tayo ang isa sa tutupad nun!” sagot ni Gabby.

“Siguro nga, totoo ang fairytale sa mga katulad ninyong mayayaman na nakahiga sa ginto, pero sa katulad kong anak ng pawis at putik…” biting turan ni Harold. “Malabo!” habol pa nito.

“Kaya nga be my Cinderella!” sagot ni Gabby.

“Hindi totoo si Cinderella Gabby!” wika ng naluluhang si Harold saka lumingon kay Gabby. “Panaginip lang si Cinderella, dahil wala sa totoong buhay na Cinderella! Pangarap lang si Cinderella.” sabi pa ng binata.

“No! She is real! She is you! And I am going to be your prince charming!” sinserong tutol ni Gabby.

“Ayokong maging si Cinderella at ayokong makibagay o pumasok sa mundo mo!” tutol ni Harold.

“Pero mahal mo ako di ba?” tanong ni Gabby.

“Hindi kita mahal!” madiing sagot ni Harold.

“Tell me, straight to my eyes na hindi mo ako mahal!” sabi ni Gabby saka hinawakan sa balikat si Harold.

“Hindi kita mahal!” buo ang loob na sinabi ni Harold saka tumingin kay Gabby.

“It’s a joke! Your traitor eyes said it’s not true! You’re not good at lying Harold! It’s obvious na ipinagkanulo ka ng mga mata mo!” nakangiting saad ni Gabby.

Natahimik ang pagitan ng dalawa –

“How about your mom?” tanong ni Harold kay Gabby. “Sa kwento ni Cinderella, hindi tumutol ang parents ng prinsipe kay Cinderella.” sabi pa nito.

“She’ll sooner accept you!” sagot ni Gabby. “Don’t worry, pumayag ka lang na maging si Cinderella ko ako na ang bahalang gumawa ng paraan.” pangangako pa ng binata.

“Si Cinderella, isang aristocrat, isang elite, isang mayaman bago mamatay ang tatay niya at alilain ng stepmom niya!” sabi ulit ni Harold. “Ako? Mula pagkasilang hanggang ngayon ay isang mahirap na probinsyanong walang mga magulang o kamag-anak.” dugtong pa nito.

“It does not matter for me!” sagot ni Gabby.

“Please Gabby! Humanap ka na lang ng iba!” pakiusap ni Harold. “Huwag na lang ako.” dugtong pa nito saka lumakad palayo.

“Harold!” habol ni Gabby kay Harold.

“Bakit ba?” galit na tanong ni Harold kay Gabby nang mahawakan siya nito sa braso.

“Hindi ako titigil Harold!” detrerminadong sambit ni Gabby saka binitiwan si Harold at lumakad palayo.

Dahil nga sa nasunog ang dormitoryo nila Harold ay kinupkop na nang matandang caretaker si Harold at sa kanilang bahay na muna pinapatuloy. Kasama ni Harold ang buong pamilya ng matanda. Pagkauwi sa bahay ay agad nang nahiga si Harold at saka pinilit na matulog. Kahit na nga ba ipinaghanda siya ng pamilya ng kanyang Tito Caretaker ay pinili na lang niyang magpahinga. Pagkahiga –

“Shit na Gabby! Gusto pa akong maging tulad ni Cinderella! Oo nga, nag-gate crash ako nung first naming nagkita like Cinderella, isang party animal na party crasher din, pero hindi naman self-interest ang habol ko nun.” simula ni Harold sa laman ng isip niya. “Cinderella and I are both alone, iyong nga lang may stepmom and sisters siya na inggitera and animal friends, ako wala man akong ganun, may kaibigan naman akong kasamang nakikibaka. Higit sa lahat, ayokong umangat ng estado dahil sa makakapag-asawa ako ng isang prinsipe.” kasunod ang isang malalim na buntong-hininga. “Cinderella’s fortune will never be like mine! I don’t want to be Cinderella in that way!” sabi ni Harold.

Samantalang si Gabby –

“Harold! Napakaarte mo, ikaw na nga itong nilalapitan ng gwapong ako ikaw pa ang tumatanggi!” bulong ni Gabby sa sarili. “If you think I will stop, better change your mind! No one can stop me! Kaya prepare yourself sa mas matindi-tinding laban!” napapangiting turan ng isip ni Gabby.

“If you walk away, expect me to follow
If you run away, expect me running behind
If you ask stop loving, expect me to continue
If you tell me I cannot be the one for you,
I will tell you you’re wrong!
Because my future is heading to the place,
following the trail of your love.
Though sadness may come, yet I know
happy endings are true to exist.” tugmang muling naglalaro sa isipan ni Gabby.

Kinabukasan –

“Joel! Go to this address and look for Harold Aguilar and by any means, bring him here!” utos ni Gabby kay Joel.

“Sir?!” naguguluhang pahayag ni Joel.

“Why?” tanong ni Gabby.

“Bakit po?” tanong ni Joel.

“When is the time I allowed you to question my order?” tanong naman ng medyo asar nang si Gabby dahil gusto na niyang makita si Harold.

“Sorry Sir!” paumanhin ni Joel saka mabilis na sinunod ang utos ni Gabby.

“Harold! Wala ka ng kawala but to say yes and agree with my plans.” nakangising dikta ng isipan ni Gabby.

Samantalang sa bahay naman ni Tito Caretaker ay nakahanda na si Harold para makauwi ng Tarlac at makapagpahinga at maasikaso ang business na naiwan sa kanya ng mga magulang. Matagal-tagal na din siyang hindi nakakauwi ng Tarlac at tanging ang katiwala niya ang umaasikaso ng lahat.

“Good Morning! I’m Mr. Gabby Fabregas’s secretary and I want to talk with Mr. Harold Aguilar.” simula ni Joel nang pagbuksan siya ng pinto ng matanda.

“Ay hijo! Pilipit ang dila mo, huwag ka ng mag-english!” sabi naman ng matanda.

“Sorry po!” napahiyang sabi ni Joel.

“Harold! May humahanap sa’yo.” sabi ng matanda kay Harold.

“Sandali lang po tito!” sagot ni Harold saka maya-maya nga ay bumaba na.

“Harold!” sabi ni Joel.

“Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Harold.

“Ayos pala at nakabihis ka na! Tara na!” aya pa ni Joel.

“Anung tara na?” nagtatakang turan ni Harold.

“Tara na, pinapasundo ka ni Sir Gabby.” sagot ni Joel.

“Pasabi, hindi ako pupunta.” sagot ni Harold.

“Akong malalagot nito eh.” sabi ni Joel saka hinatak si Harold palabas.

“Ang kulit! Okay, sabihin mo nakauwi na ako ng probinsya.” sagot pa ni Harold.

“Hindi pwede iyon! Parang hindi mo naman kilala si Sir Gabby! Papasundan ka nun sa probinsya mo.” sagot ni Joel.

“Ayoko! Bahala kang mapagalitan.” sabi ni Harold.

“Sige na naman!” pamimilit pa ni Joel.

“Ayoko nga!” sabi ni Harold.

“Ayaw mo talaga?” tanong ni Joel.

“Oo!” sagot ni Harold.

“Nick!” tawag ni Joel kay Nick. “You know what to do!” sabi pa nito.

“Potek!” nasabi ni Harold na ngayon nga ay pinagtutulungan na siya ni Joel at Nick para maisakay ng kotse.

“Sid! Tulungan mo nga iyong dalawa para maisakay si Harold sa kotse.” utos ni Tito Caretaker sa anak.

“Sige po.” agad naman sinunod nito ang ama.

Pagkasakay ng kotse –

“Akin na iyong panali!” hingi ni Joel kay Nick bago pa man patakbuhin ang sasakyan.

“Anung gagawin mo?” tanong ni Harold.

“I-aabduct ka!” nakangising tugon ni Joel. “Alam mo naman by any means dapat madala kita sa harap ng hari namin!” habol pa nito habang pinagtutulungan nila ni Nick ang pagtatali kay Harold.

“Please naman! Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng kidnapping!” pananakot ni Harold.

“Oo naman! Pero bahala na si Sir Gabby sa amin.” sagot pa ni Joel.

“Lagot talaga kayo! Hindi ko palalagpasin ito!” sabi pa ulit ni Harold.

“Madaldal ka pala!” sabi ni Joel saka tinalian din ang bibig nito.

Pagkarating sa FabConCom –

“Hey! Tulungan naman ninyo kaming bitbitin ito kay Sir Gabby.” sabi ni Joel pagkababa ng kotse.

Tila baboy na binuhat nila si Harold paakyat sa opisina ni Gabby. May tali sa kamay at paa at may busal sa bibig. Agaw atensyon siyempre si Harold habang buhat-buhat nila Joel.

“Sir Gabby!” hingal na hingal na turan ni Joel saka pumasok.

“Where’s Harold?” tanong ni Gabby.

“Nick, dalin na ninyo sa loob si Harold.” utos ni Joel na agad namang sinunod at ipinasok sa loob si Harold na patuloy pa din sa pagwawala.

“Damn!” sigaw ni Gabby. “Are you using your head?” galit na wika ni Gabby saka pinuntahan si Harold at kinalag ang tali sa bibig. “Ano kayo? Kidnappers?”

“Kasi Sir…” paliwanag sana ni Joel.

“Get out!” madiing utos ni Gabby.

“Sorry Sir!” sabi ni Joel saka inaya lahat ng tumulong sa kanya palabas.

“I’m sorry Harold!” sabi ni Gabby saka inangkin ang mga labi nito pagkaalis ng tali.

Huminto ang mundo ni Harold dahil muli niyang natikman ang matamis na halik ni Gabby. Batid niyang puno iyon nang pagmamahal at pananabik.

“Sorry!” ulit na wika ni Gabby saka kinalag ang tali ni Harold sa kamay at sinunod sa paa.

Niyakap niya ng mahigpit si Harold, yakap na tila ayaw na niya itong pakawalan pa.

“Gabby!” nasabi rin sa wakas ni Harold pagkabitaw ni Gabby sa yakap.

Ilang minuto nang katahimikan nang may biglang pumasok sa loob ng opisina ni Gabby.

“So, it is true!” galit na galit na sinabi ng mama ni Gabby pagkapasok.

“Ma!” sambit ni Gabby. “What are you doing here?” tanong ni Gabby.

“I told you to throw that stupid man away in your life.” Nanggigigil na wika ng ginang.

“But ma! I love him!” katwiran ni Gabby.

“You’re heaven and he’s earth!” sabi ng ginang. “Ginagamit ka lang niyan para umangat sa buhay!” giit pa nito.

“He’s not like that!” tutol ni Gabby.

“Lahat ng hampus-lupa gagawa ng paraan para maka-angat sa buhay!” madiing paratang ng ginang. “Kahit na ang manggamit ng ibang tao, ang manloko ng kapwa, ang mang-uto para sa sariling kapakanan!” sabi pa nito.

“Ma!” tanggi pa ni Gabby. “Harold is different from them!” sabi pa ni Harold.

“He’s not a saint and I am sure he is not a good person either.” kontra ng ginang. “If he shouts in the streets definitely ang habol lang niyan manggulo ng buhay. Ano ba naman siya para pakawalan ka pa, eh kaya mong ibigay sa kanya ang malambot na higaan na matagal na niyang inaasam. Tulad lang din iyan ng mga patay-gutom na mga nakalawit ang dila para sa mga itatapon natin.” sabi ulit nito.

“Stop it ma!” awat ni Gabby sa ina.

“I won’t Gabby!” madiing turan ng ginang saka lumapit kay Harold. “Humanap ka ng bagay sa’yo Gabby!”

Labis ang pagpipigil at kaba ni Harold ng mga sandaling iyon. Pinipigil niya ang sariling makagawa ng hindi tama dahil sa maling paratang at pagtingin sa kanya ng ina ni Gabby.

“Alam ba ng mga walang-silbi mong magulang ang ginagawa mo?” simulang tanong ng ginang kay Harold. “O baka naman sinusulsulan ka na nila para manghuthot? Well, hindi ako magtataka kung ganuon nga ang gawin nila, dahil ang mga hampas-lupa at patay-gutom na gaya ninyo ay iyon lang ang iniisip. I am sure, mga basura din ang mga magulang mo kagaya mo.” madiing wika pa nito saka inilapit ang mukhang sinabi kay Harold.

“You don’t know my parents!” pigil na sabi ni Harold na may pagpipigil para maiyak. “They are not like what you think! Mararangal sila, ginagalang at nirerespeto. Oo, mahirap kami, dukha, hampas-lupa, patay-gutom, pero hindi kami katulad ng iniisip ninyo! May dangal kami at prinsipyo.” sabi ni Harold.

“Wala ng prinsipyo pag pera na ang usapan!” giit ng matanda.

“Shut up Madam!” sabi ni Harold.

“Harold tama na!” awat ni Gabby kay Harold.

“Wala kang galang!” sabi pa ng ginang.

“Ang galang at respeto kasi sa akin hindi binibili ng pera! Parang ang mga magulang ko, hindi na nila kailangang mamili ng respeto, hindi ninyo kagaya na may katumbas na halaga lahat ng bagay. Wala kang karapatang magsalita ng hindi maganda sa mga magulang ko, dahil sila itinuturing nilang tao ang lahat ng tao, hindi mo katulad na animal at hayop ang tingin ninyo sa mga mahihirap na kagaya ko. Ang tao lang para sa inyo ay mga kagaya ninyong matapobre at mukhang pera. Hindi kami ang basura! Ang kagaya ninyo ang basura!” nanggigigil na sabi ni Harold. “Wala kang alam kaya manahimik ka na lang madam!” sabi ulit ni Harold.

“Tigil na Harold!” awat pa ni Gabby kay Harold saka hinawakan sa balikat.

Walang anu-ano ay isang malutong na sampal ang dumampi sa mukha ni Harold.

“Walang-hiya ka! Walang modo!” galit na galit na sinabi ng ginang.

“Kulang pa!” sabi ni Harold saka iniharap ang kabilang psingi. “Masakit ba? Wait, papaano ka masasaktan, wala ka namang puso at kaluluwa! Pera lang ang meron ka!” sabi ulit ni Harold saka nagbigay ng mapanghamon at matalim na titig sa ina ni Gabby.

“I said shut up!” sigaw ni Gabby kay Harold.

“You don’t have any rights madam! Sabi ko sa’yo, maghintay ka lang at magsasawa din ang anak mong habulin ako. Kasalanan ko bang hinahabol at nagkakandarapa sa akin si Gabby?” sabi ni Harold saka lumakad palabas ng opisina ni Gabby.

“Sorry Harold!” awat ni Gabby kay Harold saka akmang hahabulin.

“Stay here Gabby!” madiing utos ng ginang kay Gabby.

Tila walang narinig si Gabby at tuloy lang sa paglakad.

“Harold! Wait!” sigaw ni Gabby.

Pagkalabas ng pinto ng opisina –

“Anung tinitingin ninyo?” tanong ni Gabby. “Back to work!” madiin pa nitong utos saka muling hinabol si Harold.

Hindi na inabutan ni Gabby si Harold dahil naging mabilis ang kilos nito. Hindi na din nagpatumpik-tumpik pa ang binata at dali-dali niyang pinuntahan si Harold sa bahay ng Tito Caretaker nito.

Si Harold naman ay walang sinayang na sandali para mabilis na makauwi sa bahay ng Tito Caretaker niya para kuhanin ang mga gamit at makauwi na sa probinsya.

“Good day Harold!” nakangiting pambungad sa kanya ni Gabby pagkapasok ng pintuan.

Wari bang walang nakita si Harold at patuloy lang ito sa paglakad. Agad na tinahak ang hagdan papunta sa silid na inilaan sa kanya.

“Sige Harold, huwag mo akong pansinin.” nakangising saad ni Gabby.

“Tito, nasaan na po iyong mga gamit ko?” tanong ni Harold pagkalabas sa kwarto.

“Alin? Di ba pinalulan mo na kay Gabby?” tanong nang matanda.

“Tito!” tila reklamo ni Harold dito.

“Hay naku, ang sabi niya ihahatid ka na daw niya.” sabi pa ng matanda. “Maloko pa lang talaga iyang si Gabby.” wika pa nito saka kumindat kay Gabby.

“Sige po tito! Sa akin na po si Harold.” saad ni Gabby saka nagbitiw ng isang kakaibang ngiti.

“Ingatan mo iyang bunso namin ah.” paalala pa ng matanda. “Ihatid mo ng maayos sa Tarlac.”

“Tito!” muling reklamo ni Harold nang maramdamang ipinagkakanulo na siya ng tinuring niyang ama sa loob ng apat na taon.

“Sige na Gabby! Ihatid mo na pabalik sa kanila.” sabi naman ni Sid.

“Ako na po ang bahala.” sagot ni Gabby saka ipinulupot sa baywang ni Harold ang kamay niya.

“Ano ba iyang ginagawa mo.” saad ni Harold.

“Ayusin natin ang gulo.” bulong ni Gabby kay Harold saka inakay papunta sa kotse ng binata.

Wala ng lakas pa si Harold para lumaban dahil tupok na ang tapang na mayroon siya. Masyadong emosyon na ang naibigay niya para ipagtanggol ang mga magulang laban sa nanay ng taong kasama kaya naman ang alam na muna niya ngayon ay magparaya magpatianod na muna sa pwedeng mangyari.

Mahabang oras din ang byahe nilang dalawa, pa-norte din ang daang tinumbok nila.

“Saan mo ba ako balak dalin?” tanong ni Harold kay Gabby na ipinikit na lang ang mga mata at dinama ang hangin na nagmumula sa bukas na bintana.

“Sa langit!” nakangiting tugon ni Gabby.

“Letse! Saan nga.” tanong ni Harold.

“You’ll like the place. So far, we need to solve the problems between us.” sagot ni Gabby.

“Gabby! Masakit pa, sariwa pa, huwag mo munang dagdagan lahat ng sakit at paghihirap ko.” sabi ng diwa ni Harold.

Inabot ng dilim ang byahe ng dalawa, at sa wakas nga ay narating nila ang lugar na sinasabi ni Gabby. Isa iyong private resort na pagmamay-ari ni Gabby, bunga nang kanyang pagtatrabaho ay lihim niyang naipatayo ang resort na iyon. Isang perpektong bahay bakasyunan na akmang-akma para magpagaan sa mga damdaming nabibigatan.

“Aren’t you afraid na baka magka-switching na naman tayo.” tanong ni Harold.

“There’s no rooster here to wake us early in the morning.” nakangiting sagot ni Gabby.

“Anung connection ng rooster sa switching natin?” tanong ni Harold na ayaw magpagan ng utak para sa logic.

“Remember the first time we switched? Di ba we heard clucks, and the day we switched back, clucks woke us.” sagot ni Gabby. “Saka tapos na ang sumpa, kulam or whatsoever, so there’s no reason to worry.” sagot pa nito.

“How sure are you?” tanong ni Harold.

“Hundred percent.” sagot ni Gabby.

“Come what may.” sagot ni Harold na wala pa din sa kundisyon para makipag-usap.

“We also slept together twice, with no rooster or any clucks but nothing happened, no switching.” paliwanag pa ni Gabby.

Matapos makakain ay nagpasya na ang dalawa para matulog. Kahit na malaki ang resthouse ay iginiit ni Gabby na tabi silang matulog ni Harold. Dahil nga sa wala pa sa kundisyon para magsimula ng away si Harold ay tiniyaga na niyang makasama ito sa silid.

“Gabby! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko at alam mo kung gaano kasakit at kung gaano ako nahihirapan, hindi mo na malamang gugustuhin na makita ang sarili mo. Kung nararamdaman mo lang ang kirot at pait, malamang isinumpa mo nang nagustuhan mo ang sarili mo. Kung ikaw lang sana ang nasa katayuan ko, malamang hindi mo na gagawin itong kahangalan na ito. Gabby! Nahihirapan na akong huminga, nawawalan na ako ng hangin, natupok na ako ng panlalait at pangmamaliit mula sa nanay mo.” saad ng diwa ni Harold saka unti-unting tumulo ang luha.

Samantalang si Gabby –

“The road we travel wasn’t easy,
There are challenges that are messy,
Rewards are few and sometimes busy,
And striking light is passing so lazy.” tugmang pinagmumunihan ni Gabby habang nakatitig sa nakatalikod na si Harold.

“You are my life Harold! Ngayon pa ba kita susukuan kung kailan sigurado na akong ikaw ang missing piece? Why would I give in if I can still take the pain and continue loving? I know, roads are getting rougher, but I swear, hindi ako titigil hanggang hindi ka pumapayag na makasama ko sa habang-buhay. I can face any challenges out there in nowhere but make sure you will be mine and I will be yours forever.” saad ni Gabby saka iniyakap ang kamay sa natutulog nang si Harold.

“You are my song,
Playing so softly in my heart
I reach for you
Though you’re near, yet so far” himig na pinaglalaro ni Gabby habang nahihimbing si Harold.


[03]
“Tiktilaok!” panggising nang pang-umagang hayop sa dalawa. “Tiktilaok!” ulit nito. “Naman!” reklamo ni Gabby saka bumiling sa pagkakahiga at niyakap si Harold. “Eeee!” reklamo ni Harold saka inalis ang kamay ni Gabby sa kanya. Muling ibinalik ni Gabby ang braso sa pagkakayakap kay Harold. “Ano ba!” sabi ulit ni Harold saka bumiling paharap kay Gabby. “Please!” pamimilit ni Gabby na lalong inilapit sa kanya si Harold. Dahan-dahang iminulat ni Harold ang mga mata at bigla itong nanlaki – “As expected!” asar na simula ni Harold sa umaga. “Too early para ma-bad trip ka.” sagot ni Gabby na may ngiti pa rin sa mga labi habang yakap ng mahigpit si Harold. “Subukan mo kayang dumilat para malaman mo kung bakit ako bad trip.” sagot ni Harold. “So?” tanong ni Gabby pagkadilat na may napakatamis na ngiti sa labi. “Anung so? Can’t you see, nagkapalit na naman tayo.” inis na tugon ni Harold na muling nasa katawan ni Gabby. “What’s the difference? Eh nangyari na naman sa’tin to.” sagot ni Gabby. “Walang problema, switch ulit tayo ng buhay.” nakangising suhestiyon pa ng binatang nasa katawan ulit ni Harold. “What’s the difference ka pang nalalaman!” inis na wika ni Harold saka bumangon.“Alam mo, isa kang malaking surot na ayaw kumawala sa silyang inuupuan ko! Mali, isa ka palang napakalaking garapatang sumisipsip at sumasaid ng pasensya ko!” dagdag pa ni Harold. “Let’s be happy that once again, may dahilan na para magkita tayo madalas.” simpatikong ngiti sa tugon ni Gabby. “And every time na kasama kita, kadikit kita, laging malas ang nangyayari.” sabi pa ni Harold. “Bakit kasi hindi ka pa pumayag na tumuloy kay Tito Ronnie last time.” sisi pa nito. “You know what; I can’t see any reasons para magalit ka. Consider this as blessings, kasi united ulit tayo.” di nawala ang pagkakangiti ni Gabby. “You’re acting pa parang sinadya mo’to!” sumbat pa ni Harold. “Akala ko ba walang manok or dahil sa tilaok to?” tanong ulit ni Harold. “I assure you, halughugin mo man ang buong paligid wala kang makikitang manok.” sagot ni Gabby. “Honestly, gusto ko itong nangyari ngayon, but swear, hindi ko ito sinadya.” masaya pa ding saad ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Hay!” inis na buntong hininga ni Harold. “Kung walang manok at dahil sa manok to bakit tayo nagkapalit?” tanong pa nito. “I admit, my hypothesis is wrong.” sagot ni Gabby. “But, I’m thankful that we switched again.” nakangisi pa din nitong dugtong. “Topak ka talaga!” sagot pa ni Harold. “Kung hindi dahil sa topak ko, hindi kita magugustuhan. Feeling ko nga sa bawat sandali kasama kita kahit hindi naman talaga. Para ngang lagi na kitang nasa imagination kasi kahit hindi kita nakikita, ang sabi ng mga mata ko, laging itsura mo.” sagot ni Gabby saka nilapitan si Harold at niyakap mula sa likod. “Tumigil ka nga!” sabi ni Harold saka pumiglas. “I won’t stop unless sabihin mong pumapayag ka ng maging si Cinderella ko.” pakiusap ni Gabby. “Kay aga Gabby gumagana na naman iyang topak mo.” tutol ni Harold na saw alas ay nakabitis sa yakap ni Gabby na nasa katawan niya. “I can do anything for you. I can give you anything you will ask, pero huwag lang na iwasan kita o layuan. You’re my life, my everything!” sabi pa ni Gabby. “Kaya please, pumayag ka na, let us start our story.” pakiusap pa nito saka lalong hinigpitan ang yakap kay Harold. “Gumising ka nga!” sabi ni Harold. “I don’t want to be your Cinderella!” habol pa nito. “You better change your mind!” sagot ni Gabby. “Dahil hanggang ang puso ko ay tumitibok ng dahil sa’yo, hinding-hindi ako titigil na mahalin ka.” paninigurado pa ng binata. “Alam mo, sa kundisyon natin ngayon, papaano ko pipiliting pumasok sa mundo mo at magpaka-Cinderella!” sagot ni Harold. “Mark my word! I can do anything! Trust me!” sinserong wika ni Gabby na tumingin kay Harold. “Mark your word, eh kahapon nga wala kang laban sa mama mo!” sumbat ni Harold na may pigil na luha nang muli niyang maalala ang naganap nang nakaraang araw. “Please Harold! Masaya ako kasi nagkapalit ulit tayo ng katawan, kasi alam ko, mas may pag-asang mahalin mo din ako.” nagsusumamong wika ni Gabby. “Mahal naman kita!” nadulas na sinabi ni Harold. “Do I heard it right?” lalong lumaki ang pagkakangiti ni Gabby. “You love me too!” pahayag pa nito. “Oo Gabby! Pero ayoko sa nararamdaman ko!” giit ni Harold. “Just say you do! I can remove all your worries.” saad ni Gabby saka hinawakan sa mga kamay si Harold. “Pero…” tanggi ni Harold. “Kung ayaw mong maging si Cinderella, let me do the part. Ako na lang ang papasok sa mundo mo. Just let me in and I promise, we’ll hold the greatest story of love.” paninigurado ulit ni Gabby nang buong katapatan. “Impossibleng makaya mo ang mundo ko. Para sa katulad mong laki sa yaman at sanay sa luho, hindi mo kakayaning iwan nang ganun-ganon ang lahat.” tanggi at katwiran ni Harold na buong kalungkutan ang makikita sa mga mata. “Just trust me!” madiin at makapangyarihang pahayag ni Gabby. “I am not asking for anything else, just your love. Kuntento na akong malaman na mahal mo ako at pumapayag kang makasama ko habang-buhay.” sabi pa ng binata saka walang anu-ano ay hinalikan sa mga labi si Harold. Naging mabilis ang pag-ikot ng mundo kay Harold. Pakiwari niya ay umiikot ang buong daigdig dahil sa kakaibang init na hatid ng halik na iyon. Iba ang pakiramdam, dahil sa tingin niya ang halik na iyon ay katuparan na ng kanyang inaasam-asam. “If you think my kiss will lie then say no.” wika ni Gabby. Isang nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa dalawa – “Okay!” wika ni Gabby na nasa katawan ni Harold saka tumalikod at sinimulang humakbang. Unti-unting pumatak ang luha ni Harold. Ang naguguluhang puso niya at higit at lalo pang naguluhan. Para siyang nilalatigo sa sobrang pait at sakit sa pagpili – pag-ibig ba o prinsipyo at pinaglalaban. Sapat na ba ang pagmamahalan nila ni Gabby para masabing mali ang una niyang teoryang hindi totoo ang fairytales lalo na si Cinderella. “Remember, hanggang humihinga ako, I won’t stop!” sabi ni Gabby na may pait at sakit na ding nararamdaman dahil sa ikatlong pagkakataon ay nabaliwala siya kay Harold. “Wait!” pigil ni Harold saka tumakbo papunta kay Gabby. “Wala naman sigurong masama kung susubukan natin.” dugtong pa ni Harold saka niyakap si Gabby. Isang napakalaking ngiti ang pumalit sa hirap at pighating nasa muha ni Gabby. Hinarap nito ang yakap ng binata at gumanti din ng yakap. Mahigpit na yakap saka muling hinalikan. Iba ang sarap na nararamdaman ni Harold na dulot ng halik na iyon. Sa wari niya ay mas matamis, may masarap ang halik na iyon kung ikukumpara sa mga naunang halik ni Gabby. Ito ang unang halik niya matapos pakawalan ang isang kipkip na damdamin at simulan ang bagong kwento ng pag-ibig. “I will not fail you!” nakangiting sabi ni Gabby matapos ang isang mapagmahal na halik. Kinabukasan ay bumalik na din sa Maynila ang dalawa – “May treat daw sa akin sina Sean at Kenneth.” sabi ni Harold kay Gabby. “Tapos?” nakangiting tanong ni Gabby. “Siyempre, ikaw ang pupunta kasi nasa katawan kita.” sagot ni Harold. “Hindi mo ako sasamahan?” tanong ni Gabby. “Malaki ka na! Saka di ba may gagawin ako sa opisina mo?” tanong ni Harold. “I will call Joel para sabihing hindi ako papasok nang isang lingo.” sagot ni Gabby na nakatuon ang paningin sa daan. “Bakit?” tanong ni Harold. “Gusto kong masulit ang isang linggo ko na ikaw lang ang kasama.” sagot ni Gabby. “Ang babaw mo naman!” nakangiting kontra ni Harold na sa totoo lang ay tila kiniliti sa salitang iyon ni Gabby. “Bukas puntahan na natin si Tito Ronnie mo para maayos na itong switching dilemma natin.” suhestiyon ni Gabby. “Sige ba, mas mainam nga kung ganun.” sagot ni Harold. Sa sinasabing treat - “Hoi Harold!” bati ni Sean kay Gabby na nasa katawan ni Harold. “Kasama mo na naman si yabang!” sabi pa nito. “You don’t have any rights to call him yabang!” madiing sabi ni Gabby. “Ano na naman iyang problema mo?” tanong ni Sean kay Harold. “Sorry Sean, may hang-over pa si Harold.” paumanhin naman ni Harold na nas akatawan ni Gabby. “Weird! Will this be another weird week?” tanong ni Sean. “Please remove your arms around my shoulder.” sabi pa ni Gabby saka inalis ang braso ni Sean sa balikat niya. “Oh!” nagtatakang tutol ni Sean. “May ano? Dati-rati ayos lang sa’yo.” nagugulumihanang sagot ni Sean. “Dati yun! Bakit, dati ba ang ngayon?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Umayos ka!” bulong ni Harold sa tenga ni Gabby. “Nakaayos naman ako.” sagot ni Gabby. “May pinag-uusapan kayo?” usisa ni Sean. “You don’t care.” sagot ni Gabby. “Sorry Sean, may tama lang si Harold. Multi-personality disorder.” may pilit na ngiting paliwanag ni Harold. “Next time huwag ka ng papayag na umakbay sa’yo itong lokong to!” madiing wika ni Gabby. “Pero buddy ko yan!” tutol ni Harold. “Buddy mo lang iyan at ako boyfriend mo ko.” sabi ni Gabby saka muling lumakad. “Ah Harold!” sabi ni Sean. “Bakit?” sabay na sagot nila Harold at Gabby. “Sorry! Akala ko akong tinatawag mo.” paumanhin ni Harold. Napangiti na lang si Sean sa itsura ng dalawa – “May nagtext sa akin, hindi ka daw niya makontak, pinapauwi ka na ng Tarlac kasi may aasikasuhin daw kayo.” simula ni Sean. “Sino?” nagtatakang tanong ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Si Harold ang kausap ko.” nakangiting tugon ni Sean. “Hindi ka naman di ba si Harold.” habol pa nito. “Aba at…” sabi ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Sorry.” paumanhin ni Harold saka pinigil si Gabby sa sasabihin. “Pinapauwi ka na ni Ka Abe bukas.” sagot ni Sean na may mapanuring titig. “I’ll call him back.” kumpyansadong sagot ni Gabby. Biglang napatakip sa mukha si Harold sa sagot ni Gabby at nakaramdam ng kaba. “Why are you acting like that?” tanong ni Gabby kay Harold. “Magsalita ka na Harold.” madiing utos ni Sean. “Eto na nagsasalita na.” sabi ni Gabby. “Iyong totoong Harold.” sabi pa nito saka nilapitan si Gabby. “I’m Harold and he’s Gabby.” giit ni Gabby. “Five years nang patay si Ka Abe and he’s your father.” sagot ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Papaanong hindi mo kilala ang tatay mo Harold?” tanong ni Sean kay Gabby na nasa katawan ni Harold. Nabigla, natahimik at natulala si Gabby sa sinabing iyon ni Sean. “Now Harold!” galit na sabi ni Sean saka tinuunan ng pansin si Harold na nasa katawan ni Gabby. “Tell me everything!” utos pa nito. “Sorry Sean!” paumanhin ni Harold. “Tinuring mo pa akong ka-buddy kung hindi mo naman ako pagtitiwalaan.” giit ni Sean. “Pare, let us explain.” sabi naman ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Please, huwag mong iharap sa akin ang mukha ni Harold!” pakiusap ni Sean kay Gabby. “Sige na Gabby! Ako na ang bahala kay Sean.” sabi ni Harold saka inaya palayo si Sean. “Hoy Harold, huwag mong ipapasuntok iyang mukha mo kay Sean.” sigaw ni Gabby. Sa may di-kalayuan – “Alam ko namang hindi mo kami papaniwalaan kapag sinabi namin sa iyo eh. kami nga hindi din kami makapaniwala. This is the second time na mag-switch kami. Please Sean, sorry na.” paumanhin ni Harold sa kaibigan. “Hay Harold!” napabuntong-hiningang tugon ni Sean. “Alam mo namang malakas ka sa akin eh.” sabi pa ng binata saka napangiti. “So, okay na tayo?” tanong ni Harold. “Oo naman!” sagot ni Sean. “Kahit medyo naninibago ako sa itsura mo ayos naman.” “Hay!” nakangiting tugon ni Harold. “Anung balak ninyo?” tanong ni Sean. “Pupuntahan sana namin si Tito Ronnie sa Banahaw para magamot na itong sakit na’to.” sagot ni Harold. “Samahan ko na kayo.” suhestiyon pa ni Sean. “Talaga?” napangiting turan ni Harold. “Oo naman!” sagot ni Sean. Maya-maya – “Gabby, sasama daw sa atin si Sean bukas kay Tito Ronnie.” pagbabalita ni Harold kay Gabby. Tiningnan muna ni Gabby mula ulo hanggang paa si Sean saka bumulong kay Harold – “Mapagkakatiwalaan ba iyan?” tanong ni Gabby dito. “Oo naman!” sagot ni Gabby saka tapon ng mapanghamong titig. Nagtataka man ang Tito Caretaker ni Harold dahil hindi na naman ito nakauwi ng Tarlac ay binaliwala na lang niya ito at pinayagang duon na lang din tumuloy si Gabby.


[04]
“Let me help you carrying your bag.” offer ni Gabby kay Harold. “Kaya ko na to.” nakangiting sagot ni Harold. “I said let me help you.” pamimilit ni Gabby saka hinablot ang bag na dala ni Harold. “Para backpack lang na may ilang laman.” reklamo ni Harold. “Ayaw kasi kitang nahihirapan, so it is my responsibility to make your life at ease.” tugon ni Gabby na may simpatikong ngiti. “Hay!” napabuntong-hininga si Harold. “Ikaw talaga.” dagdag pa nito saka tapon ng matamis na ngiti. “Kanina pa kayo?” tanong ni Sean na kararating lang. “Isn’t obvious?” sarkastikong turan ni Gabby. Tinitigan naman ni Harold si Gabby at sumagot ng maayos sa tanong ni Sean. “Hindi naman, mga 15minutes siguro.” sagot pa nito. Kibit-balikat lang si Gabby sa sitwasyon nilang tatlo ngayon. “Sorry kung na-late ako. Mahirap kasing magpaalam sa bahay.” paumanhin naman ni Sean. “Dapat hindi ka na sumunod. Do your home responsibilities and I am sure your parents need you more to help them or maybe your organization needs you today.” saad naman ni Gabby. “Let’s go?” suhestiyon ni Sean na tila hindi pansin ang presensya “Gabby tara na!” aya naman ni Harold kay Gabby. “Talaga bang isasama natin iyan?” tanong ni Gabby dito. “Naririto na di ba?” balik na tanong ni Harold saka sumakay sa kotse katabi ni Gabby. “Tara na dito sa likod!” aya ni Sean kay Harold. “Hindi!” pigil ni Gabby. “Sa harap si Harold. Ano akala mo sa akin, back seat driver?” sarkastikong turan pa ng binata. “Malungkot mag-isa kaya sa harap na din ako.” sagot ni Sean saka tinabihan si Harold sa harap. “Hay!” inis na napabuntong-hininga si Gabby. “Malamang matagal ka ng nahihirapan sa sitwasyon mo.” simula ni Sean sa usapan. “Honestly, Harold loves our situation.” singit ni Gabby. “Alam mo, namiss talaga namin iyong totoong Harold!” wika ulit ni Sean na hindi pinapansin si Gabby na may diin sa salitang “totoong.” “Sorry buddy kung hindi ko talaga nasabi sa inyo. Baka kasi isipin mong luko-loko na ako eh.” paumanhin ni Harold. “Ayos lang iyon. Pero sana sinabi mo na din, kasi iyong Harold na humarap sa amin, mayabang, maarte, maluho, maangas, mahangin saka self-centered.” wika ni Sean na tila hindi kaharap si Gabby. “That’s not true!” kontra ni Gabby na nasa katawan ni Harold dahil ramdam niyang siya ang pinapatamaan nito. “Parang may nagsasalita.” pang-iinis pa ni Sean kay Gabby. Napangiti lang si Harold na nasa katawan pa din ni Gabby. “Mamaya, maayos na ang lahat.” paninigurado ni Sean. “Matutulungan na kayo ni Tito Ronnie sa sitwasyon ninyo.” habol pa ng binata. “Sana nga.” maikling tugon ni Harold. “Basta, nakakamiss.” sagot ni Sean. “May problema ka ba?” tanong pa nito. “Kasi nakaka-conscious makipag-usap sa’yo. Feeling ko dapat pa ding mag-ingat kasi mabibisto mo ako.” sagot ni Harold. “Don’t worry buddy! Mamaya makakapag-usap na tayo ng matino.” sabi ulit ni Sean saka inakbayan si Harold. “Please keep quiet. I can’t concentrate in driving.” inis na sabi pa ni Gabby. “Tulog na lang tayo.” suhestiyon ni Harold. “That’s right.” sagot ni Gabby. Okay!” tugon ni Sean. Ilang oras din ang byahe at sa pangatlong pagkakataon ay binagtas nila ang parehong daan at iisang patutunguhan. Pagkababa ng kotse – “Where are you going?” tanong ni Gabby kay Harold saka ito hinabol. “Sabi ko na nga ba, very strange and unusual.” sabi ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “See Gabby! Sabi ko sa’yo hindi maganda ang feeling ko sa bahay na iyon.” sabi ulit ni Harold saka turo sa isang bakanteng lupa. “It’s just a vacant lot.” nagtatakang wika ni Gabby. “Di ba may bahay dito last time na pumunta tayo dito.” pagpapaalala ni Harold. “Anung ginagawa ninyo dito?” tanong ni Sean na bagong habol lang sa dalawa. “Please excuse us first.” sabi ni Gabby kay Sean. “Hindi ka kasi nakinig sa akin dati.” may himig nang paninisi kay Harold. “Di ba nag-sorry na ako sa’yo?” may pagka-inis nang sagot ni Gabby. “Sana last time tumuloy na tayo kay Tito Ronnie para hindi na tayo nagka-switch.” sabi pa ni Harold. “Think of it, kung hindi ba tayo nagka-switch magiging tayo ba?” bulong ni Gabby kay Harold. Natigilan si Harold sa narinig niyang iyon mula kay Gabby. Naging isang palaisipan sa kanya na kung hindi ba sila nagka-switch ngayon ay magiging sila ba? Lumakad pabalik si Gabby sa kotse at saka ito ipinark sa kung saan pwede. “Ayos ka lang Rold?” tanong ni Sean kay Harold. “Yeah, ayos lang ako.” sagot ni Harold saka sumunod kay Gabby. Pagkalapit kay Gabby matapos nitong makapag-park. “Sorry na Gabby.” paumanhin ni Harold. “Ayos lang iyon, dahil mahal kita pinapatawad na kita.” saad ni Gabby. “Talaga?” tanong ni Harold. “Oo!” sagot ni Gabby na may simpatikong ngiti saka kinalabit ang ilong ng binata. Habang paakyat – “Buddy gusto mo bang tulungan kita?” tanong ni Sean kay Harold. “Hindi buddy, kayo ko to.” sagot ni Harold. “Akin na nga iyang bag mo.” sabi naman ni Gabby saka kinuha ang bag na dala ni Harold. “Akin na yan. Baka mapagod ka lang.” tutol ni Harold. “Ako na lang!” sabi ni Gabby saka patiunang lumakad. “Hayaan mo na iyon.” sabi naman ni Sean saka hinawakan sa kamay si Harold na nasa katawan ni Gabby. “Hindi ka ba naiilang?” tanong ni Harold. “Saaan?” nauumid na tanong ni Sean. “Na ang kaharap mo ay si Gabby?” tanong ni Harold. “Iyon lang pala.” gumaan ang pakiramdam na sabi ni Sean. “Sa una hindi ako makatingin ng maayos sa’yo, pero mas kilala ng puso ko kung sino ang taong kaharap ko hindi base sa pisikal na anyo.” nakangiting tugon ni Sean. “So, nakakapagsalita pala ang puso?” tanong ni Harold. “Oo naman!” sagot ni Sean. “At sinisigaw pa ang pangalan mo.” sabi pa ni Sean sa sarili. “Hoy!” sigaw ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Bilisan ninyo.” utos pa nito. “Bilisan na nga natin, masyadong maligalig si Gabby.” nakangiting aya ni Harold kay Sean. “Sabi mo!” sang-ayon ni Sean saka inakbayan si Harold. “Excited na din akong bumalik ka sa dati.” saad pa ng binata. “I said hurry up!” sigaw pa ulit ni Gabby na may pigil na panggigigil. “Excited ka na bang bumalik sa dati?” tanong ni Sean kay Gabby pagkalapit nito sa binata. “It’s none of your business!” sagot ni Gabby saka hinatak sa gawi niya si Harold at nilagay sa beywang nito ang kamay niya. “Tara na Harold!” sabi pa ni Gabby kay Harold saka patiunang naglakad. Pagkarating nila sa bahay ni Tito Ronnie. “Tao po!” si Sean na ang tumawag para sa kanila. “Sean, ikaw pala!” masayang bati ng Tita Inday. “Harold!” bati pa nito. “Nasa loob po ba ang Tito Ronnie?” tanong ni Sean. “Buti at naabutan mo.” sagot ni Tita Inday. “Aakyat ulit ang Tito Ronnie ninyo sa tuktok ngayong araw.” sabi pa nito. “Kakausapin po sana namin.” nakangiting wika pa ni Sean. “Pasok kayo.” anyaya ni Tita Inday. Isang payak na kubo lamang ang tirahan ng Tito Ronnie kung tawagin nila Sean at Harold. Tito Ronnie kung tawagin nila ni Sean, Kenneth at Harold ang albularyo dahil ito ang tumulong sa kanila ng mahulog sa bangin si Harold at magkaruon ng malalang injury at mawala sila sa bundok Banahaw ng minsang umakyat sila duon. Pinatuloy sila at inalagaan nang halod isang lingo at mahigit kaya naman naging malapit sila dito at sa asawa nitong mangagamot din. Pagkapasok sa loob ay kitang-kita mo na ang nakatira duon ay isang mangagamot. Madaming mga kahoy na nakasabit, iba’t-ibang botelya na may lamang kung ano, mga anting-anting, mga imahe ni Kristo at kung anu-ano pa. “Nung huling pumunta dito si Harold parang may kakaiba sa kanya.” komento ulit ni Tita Inday nila pagkapasok nila sa loob. “Harold at Sean!” simulang bati ni Tito Ronnie sa kanila. Isang may katabaang lalaki na mahaba ang buhok at balbas ang itsura ng Tito Ronnie. Aakalin mo ding NPA dahil sa bikas at anyo nito. “Magandang hapon po!” bati ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Anung pangalan mo?” tanong ng Tito Ronnie nila. “Si Harold po.” sagot ni Gabby. “Huwag ka nang umarte Gabby!” singit ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Katawan iyan ni Harold pero ibang ispiritu ang namamataan ko kaya hindi ikaw si Harold.” paliwanag pa ng Tito Ronnie. Napahanga naman si Gabby ni Tito Ronnie dahil sinabi nito. “Tito, siya po si Gabby.” pakilala ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Siya po ang may-ari nitong katawan na’to.” habol pa ng binata. “Hijo! Ilang beses kong dapat sabihin na hindi mo pagmamay-ari ang katawang-lupa mo. Nakikigamit ka lang dahil pagmamay-ari iyan ng Diyos.” paliwanag pa ni Tito Ronnie. “Sorry po Tito!” napakamot sa ulong saad ni Harold. “Kaya po sila nandito para makabalik na sila sa dati.” singit naman ni Sean. “Sige, bago ako pumanhik paitaas ay susuriin ko muna kung ano ang naging sanhi nang pagpapalit-katawan ninyo.” sabi ni Tito Ronnie. “Salamat po!” sumiglang halos sabay na nawika nila Harold at Gabby. “Isalaysay muna ninyo kung papaano kayo nagkapalit.” tanong pa ni Tito Ronnie. Ikinuwento nga ni Harold at Sean ang nagyari sa kanila at hindi nila pinalampas ang bawat detalye. Pati na din ang mga teoryang naisip nila sa tuwing magkakapalit sila at ang lahat ng sitwasyong naisip nila. Pagkatapos niyon ay kumuha ng isang kahoy si Tito Ronnie at tubig. Inilubog niya sa tubig ang kahoy at mula duon ang malinaw na tubig ay magkaroon ng kulay kayumangging kulay. “Hindi iyan sumpa, kulam o parusa ng isang lamang-lupa o engkanto.” simula sa pagpapaliwanag ni Tito Ronnie. “Ano po?” tanong ni Harold. “Ang nangyayaring pagpapalit-katawan ninyo ay paraan na inilaan ng isang tao na malapit kay Gabby para matuto ng mga aral na nasa buhay mo Harold.” paliwanag ni Tito Ronnie. “What do you mean?” tanong ni Gabby. “Bakit ako?” tanong naman ni Harold “Isang tao na malapit kay Gabby ang nagnanais na mabago ng binata ang kapalaran niyang matulad siya sa lolo nito.” sagot ni Tito Ronnie. “At ikaw Harold, dahil malapit na malapit ka din sa taong ito at ikaw ang nakikita niyang susi para mabuksan mo ang bagong kabanata sa pag-iisip ni Gabby.” sagot naman nito sa tanong ni Harold. “Hindi lang basta sa tilaok nang manok nakabatay ang pagpapalit-katawan ninyo. Kahit na walang manok sa paligid, basta marinig ninyo ang tilaok nito sa umaga, siguradong magkakapalit kayo. Kahit sa panaginip lang may tumilaok, basta’t magkasama kayong matulog at sa iisang higaan, asahan na ninyo ang pagpapalit ninyo.” sabi pa ni Tito Ronnie. “I woke up hearing clucks the last time we switched.” sabi pa ni Gabby. “Napanaginipan ko nga ding may manok at tumilaok.” saad naman ni Harold. “Hindi lang iyon, may dalawang bagay pa, bukod sa tilaok, ano pa ang mayroon o magkakamukha na bagay sa tuwing magkakapalit kayo sa umaga?” tanong pa ni Tito Ronnie. Isang mahabang pag-iisip ang nangyari sa kanila – “As far as I remember the old man gave us food and offered us one blanket to use and we shared it. The old lady gave us slippers, soup and blanket and the last time, it is very typical.” sagot ni Gabby. “Tama!” naibulalas ni Harold. “Si lolo nagpahiram ng blue na kumot, at si lola isa ding blue na kumot at ang kumot mo sa bahay ay blue din. Parehong nag-share lang tayo that time.” naliwanagang sagot ni Harold. “Do you really think it is because of the blue blanket?” ayaw pakumbinsing kontra ni Gabby. “May kahulugan ang kulay, at ang kulay asul ay nangangahulugang pagpapayapa. Kumbinsido akong ang kulay asul na kumot ay isa sa dahilan ng pagpapalit ninyo.” sang-ayon ni Tito Ronnie. “Isang bagay na lang ang kailangan nating alamin.” habol pa ni Tito Ronnie. “Why do we need to know?” tanong ni Gabby. “Kailangan kasing mayroon nang mga bagay na iyon para maisagawa ang tuluyang pagpapawalang-bisa ng leksyon para sa’yo.” sagot ni Tito Ronnie. “The last thing na naiisip kong present sa tatlong sitwasyon na iyon ay…” sabi ni Harold saka inilabas ang kwintas na suot ni Gabby na nasa katawan niya. “Itong family pendant namin.” sagot ni Harold. “Yeah, I didn’t remove it. Iyan lang kasi ang alahas na mayroon si Harold and my day is incomplete without any accessory.” sabi ni Gabby. “But me, I can’t remember any. Everyday I am use to wear new ones or I assure to use things once a year.” sabi pa nito. “Yabang!” bulong ni Sean kay Harold. “Yaan mo na.” sagot ni Harold. “Mahihirapan tayong ibalik kayo sa dati hangga’t hindi natin nalalaman ang huling bagay na mayroon kayo pareho sa tuwing magkakapalit kayo.” paliwanag ni Tito Ronnie saka tumayo. “Akala ko ba tatlong bagay lang?” tanong ni Gabby. “Pang-apat na iyong hinihingi mo sa amin.” saad pa ni Gabby. “Unang bagay ay simbolo na kahit magkakaiba man sitwasyon at maaring pare-pareho lang ang dahilan ngunit iba-iba ang kahulugan at antas. Ang unang bagay na ito ay may malalim na kahulugang, pare-pareho man ng itsura, subalit may kakaibang katangiang tanging ang puso ang makakapagsabi kung ano ang pinagkaiba. Dahil ang malinis na puso ay may kakayahang kumilatis ng malinis at wagas na damdamin. Ang unang bagay din ay simbolo na iba-iba man ng katangian, subalit sa isang parehong bagay ay nagkakatulad. Dahil ang may mabuting kalooban, iba-iba man ng katangian ay kayang kilatisin kung saan bagay nagkakatulad.” paliwanag ng Tito Ronnie. “Sa kaso ninyo, ang asul na kumot ang unang bagay.” habol pa nito. “Ang ikalawang bagay naman ay simbolo naman ay taglay ninyong dalawa, magkaiba man ang mga ito subalit pareho ng halaga at antas dala ng nakaraan. Ito ay dalawang bagay na taglay mo at ni Harold na hindi ninyo magagawang maisantabi o makalimutan dahil ang halaga nito para sa inyo ay isang kayamanang hindi material. Simbolo ito ng isang kayamanang ikaw lang at sarili mo lang ang may kakayahang magbigay halaga.” paliwanag nang matanda. “Sa pagkakataong ito, ito ang bagay na kulang at dapat nating hanapin.” sabi pa ni Tito Ronnie. “Ikatlo ay ang bagay na ipinagkaloob ng naggawad ng aral. Ito ay bagay na tanging siya lang ang may alam at kung bakit ito at ipinagkaloob sa inyong tanda. Isang makahulugang bagay na tanging isang lihim na hindi maibubunyag.” sabi ulit ni Tito Ronnie. “Ang ikatlong bagay ay ang tilaok. Sa ordinaryong pagsasabuhay ang tilaok…” naputol na ang sasabihin ni Tito Ronnie nang biglang umeksena si Harold. “Nandito iyon!” sabi ni Harold saka inilabas ang wallet ni Gabby. “Ganid ka talaga sa pera!” komento ni Sean kay Gabby. “Don’t make accusations if you’re not ready to prove them!” sagot ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Pansin ko kasing laging nasa wallet ni Gabby itong sulat na’to na nasa loob ng supot. Sa tuwing matutulog kami laging isinasabit niya at ginagawang kwintas.” lahad ni Harold saka labas sa supot na sinasabi. “Isang basura lang naman iyan!” tutol ni Gabby sa sinabi ni Harold. “Sige, maaari na tayong magsimula.” sabi ni Tito Ronnie pagkakuha sa supot na iyon. Inilagay sa isang kulay itim na lalagyan ang mga bagay na nakuha niya sa dalawa. Matapos niyon ay kumuha ng tubig na dumampi sa mga bagay na iyon saka nilagyan at binabaran ng kahoy. Lumabas ang hugi ng krus sa gitna ng kahoy saka ito pina-inom sa dalawa. “Are you sure it’s safe to drink?” alangang uminom na tanong ni Gabby. “Nasa katawan kita kaya safe iyan!” anas ni Harold. Dahan-dahan at medyo asiwang uminom si Gabby. “Ang arte naman!” insulto ni Sean kay Gabby. Pinahiga ang dalawa at pinapikit – “Sabay na maglalakbay ang inyong diwa at duon ninyo makukuha ang ikatlong bagay. Sa oras na marinig ninyo iyon ay nangangahulugang tapos na ang aral at leksyong ipinatupad.” sabi ni Tito Ronnie. Ilang sandali din ang pinalipas at bumilang na si Tito Ronnie – “Isa…” simula ng bilang. “Dalawa…” kasunod na bilang. “Tatlo…” ang huling bilang. Samantalang tila isang mabilis na rewind and nagaganap kina Harold at Gabby hanggang sa umabot sila sa – “Hoy Gabby!” tawag ni Harold kay Gabby. “Bakit mahal?” nakangiting tugon ni Gabby. “We’re on our own body na!” pahayag pa nito. “Sira! Flashback ng ka-engotan mo oh.” nakangising pang-aasar pa nito. “For you information, this is not stupidity. Actually, I am thankful because I found a reason para mahalin ka.” tugon ni Gabby. “Ako pa ang mamahalin. Para sabihin ko sa’yo, ikaw ang naghahabol sa akin.” ganti ni Harold. “Yeah! Ako nga ang naghahabol kasi ikaw ang pakipot.” tugon ni Gabby. “Well, it’s not our problem kung sino ang naghahabol o kung sino ang humahabol, ang importante naging tayo na.” dugtong pa nito. “Asus!” tugon ni Harold. “Tara na, hanapin na natin iyong bahay ni lolo.” aya pa ng binata. “Huwag na!” kontra ni Gabby. “Dito na lang tayo.” dagdag pa nito. “Saan tayo papalipas ng gabi? Saan tayo matutulog?” tanong ni Harold. “Eh di yayakapin na lang kita buong gabi!” nakangiting turan ni Gabby. “Korni mo!” tutol ni Harold. “Nagugutom na din kaya ako!” sabi pa nito. “Bubusugin na lang kita sa pagmamahal ko!” sagot naman ni Gabby. “Alam mo ganitong-ganito iyong linya mo nung time na’to.” sabi pa ni Harold saka lumakad papunta sa bahay ni lolo. “Hey Harold!” awat ni Gabby. “May ilaw dun oh! Ayun na iyong bahay na hinahanap natin.” sabi pa ni Harold saka tinakbo ang sinabing ilaw na nakita. “Hintayin mo ako!” sabi pa ni Gabby. “Ah lolo!” bati ni Harold sa matandang naabutan niya sa labas ng bahay. “Ano iyon hijo?” tanong ni Harold. “Lolo, naliligaw po kasi kami eh.” simula ni Harold. “Saka maginaw sa labas, maari po ba kaming makituloy muna sa inyo?” magalang na tanong ng binata. “Ayos lang iyon! Natutuwa nga ako at nagkabisita ulit ako.” sabi pa ng matanda. “Salamat po lolo!” pasasalamat ni Harold. Hindi tulad nuong una nilang bisita, tinanggihan ng dalawa ang alok sa kanilang pagkain ng matanda. Sa silid na nilaan para sa kanilang dalawa – “Nakakagutom ah! Bakit ba tinanggihan mo pa iyong pagkain ni lolo?” tanong ni Gabby. “Loko ka ba! Malay mo may orasyon iyon para sa’yo!” sagot ni Harold. “Hay! Nakakaasar ka talaga!” sagot ni Gabby. “You should do me a reward for not eating.” sagot ni Gabby na may nakakalokong ngiti. “Hay! Umayos ka Gabby! Kakalbuhin kita pagbalik natin!” sagot ni Harold. “Mga hijo!” katok ng matanda sa dalawa. “Ano po iyon lolo?” tanong ni Harold. “Pagpasensyahan na ninyo, isa lang kasi ang kumot kong natatago.” sabi ng matanda saka abot sa kumot. “Salamat po lolo, pero ayos na po kami sa ganito.” sagot ni Harold. “Malamig na panahon saka baka magkasakit kayo kung titiisin ninyo ang lamig.” pamimilit pa ng matanda. “Sanay po kami sa ganuon!” nakangiting turan ni Harold. “Thank you lolo!” sabi ni Gabby saka kinuha ang kumot. “Actually, it is really cold here. This will really help us.” sabi pa nito. “Ano ba Gabby!” asar at nanlalaking matang turan ni Harold. “Ano?” tanong ni Harold. “Nakakahiya! Magtiis na lang tayo.” dugtong pa ng binata. “Actually, I’m not doing this in my common life. I always see to it that I will have anything I wanted. But as you said, and what I learned from your life, simplicity is the best. Nagagawa mong makapagtyaga sa kung ano ang available even it means sacrifice.” tugon ni Gabby saka ibinalik ang kumot sa matanda. “Lo, you will need this more than we need it.” sabi pa ni Gabby saka bumaling sa matanda. “Salamat hijo! Sa edad kong ito at sa lamig ng panahon kulang na ang isang kumot para hindi ako ginawin.” sagot ng matanda na may hindi mapantayang ngiti sa mga labi. “Welcome po lolo!” sagot ni Gabby. “Harold taught me about that because he is offering his self thinking the good of the many.” tugon ni Gabby. “Sige na, pahinga na kayo!” tugon ng matanda. Pagkaalis ng matanda – “Why are you smiling?” tanong ni Gabby kay Harold. “Wala lang!” sagot ni Harold. “Natutuwa lang ako sa mahal ko, kasi nagbago ka na nga.” sagot pa nito. “Rhetoric! I badly need it now.” sagot ni Gabby. “Lokohin mo lelang mo.” kontra ni Harold. “Eh bakit gusto mong kuhanin iyong kumot? Alam ko namang hindi ka slow para kuhanin iyon.” tanong pa ni Harold. “You know what,” simula ni Gabby saka tumingin sa mga mata ni Harold at buong sinseridad niyang sinabi na, “natatakot ako na sa paggising natin, hindi mo na ako mahal. Na baka paggising natin at bumalik na tayo sa dati ay mabago din ang pagtingin mo sa akin. Ayokong nang dahil sa tilaok ng manok mabago ang lahat ng mayroon tayo, mabago na mahal mo ako. Natatakot akong hindi mo na ako mahal pag-tumilaok ang manok at mabago itong tagpo na’to sa buhay natin.” sagot ni Gabby. Namula naman ang pisngi ni Harold nang mga sandaling iyon. “Nag-iinarte ka na naman!” pilit na sagot ni Harold. “Minsan na nga lang ako managalog just to be romantic, then you will answer me, nag-iinarte na naman ako.” turan ni Gabby. Sumeryoso bigla ang anyo ni Harold. “Alam mo, hindi na mababago nito ang pagmamahal ko sa’yo, kasi bago pa man tayo magkapalit ng katuhan ay may damdamin na ako para sa’yo.” sagot ni Harold saka niyakap si Gabby. “I love you!” wika ni Gabby saka hinalikan sa noo si Harold. “I love you more!” sagot ni Harold. Sabay nilang ipinikit ang mga mata at may narinig silang bilang… isa… dalawa… tatlo at… “Tiktilaok!” isang malakas na pagyanig saka sabay na dumilat ang dalawa. “Harold!” puno ng pag-aalalang tawag ni Sean kay Harold. “Sean.” sagot ni Harold. “Harold!” sigaw ni Sean saka niyakap ang nakahiga pang si Harold. “I miss you Harold! Welcome back!” saad pa ng binata. “I miss you too buddy!” sagot ni Harold saka niyakap din si Sean. “Totoo na ba talaga?” tanong ni Sean. “Ikaw ang nakakakita!” sagot ni Harold. “Si Gabby!” nag-aalalang tanong ni Harold. “Harold!” wika ni Gabby saka niyakap si Harold. “Gabby!” napaluha pang sabi ni Harold. We’re back!” sabi pa ni Gabby. Sapat na ang katahimikan para ipahayag nila ang damdamin para sa isa’t-isa. “Maari na kayong bumangon at tandaan ninyo na anumang oras maaring balikan kayo ng nagbigay sa inyo ng leksyon.” sabi ni Ka Ronnie. “Salamat Tito Ronnie.” pasasalamat ni Harold. “Thank you Sir!” pasasalamat pa ni Gabby. “Ayos lang iyon! Para ko nang tunay na anak si Harold.” sabi pa nito. “Sapat nang alagaan mo iyang batang iyan para sa amin.” makahulugang saad pa nito. Isang napakatamis na ngiti lang ang sinagot ni Gabby sa paalalang iyon ng Tito Ronnie nila Harold. Walang pagsidlan nang kasiyahan ang tatlo dahil sa wakas ay babalik na normal ang buhay nilang lahat. Hinatid na muna nila si Sean sa tapat ng eskwelahan dahil may kakatagpuin pa ang binata. Sa Maynila, matapos ang isang mahabang biyahe ay dumiretso naman sa bahay ng Tito Caretaker sina Harold at Gabby na nasa kanilang sarili nang mga katawan - “Tito Caretaker, pwede po bang dito na muna ulit matulog si Gabby?” tanong ni Harold sa Tito Caretaker niya. “Kung kahapon nga pinayagan ko, bakit hindi naman pwede ngayon.” nakangiting tugon nito. “Thank you Sir!” sagot ni Gabby. “Basta huwag lang mawiwili.” sagot ni Tito Caretaker. Napangiti lang si Gabby at si Harold naman – “Opo naman Tito! May sariling bahay naman po si topak.” saad ni Harold. “Kumain na muna tayo ng hapunan at magsabay-sabay na tayo.” anyaya pa ng matanda sa dalawa. Nagpa-deliver na din si Gabby nang pagkain sa isang fastfood chain para pandagdag sa kakainin nilang lahat sa bahay na iyon. Pagkakain ay nag-shower na muna sina Harold at Gabby at humiga na pagkatuyo ng buhok. “Bakit ka nakatitig sa akin?” tanong ni Harold kay Gabby. “Coz I want your face to be in my dreams. Kaya kinakabisado ko na lahat ng anggulo.” sagot ni Gabby. “Hanggang ngayon hindi mo pa kabisado eh mahigit isang linggo mo na ngang ikaw ang nasa katawan ko.” sagot ni Harold. “It’s really different when I’m looking at the mirror and seeing you close to me. I love you not because of your physicals but because of who you are. Iba na nakikita kita sa harapan ko sa nakikita ko sa salamin ang mukha mo.” sagot ni Gabby. “Sige, kunwari naniniwala ako.” nakangiting sagot ni Harold. “Hay! Ako na nga itong nagpapanggap na sweet gumaganyan ka pa.” inis na tugon ni Gabby. “If you only knew how much I really love you.” sabi pa ng binata. Isang malalim na katahimikan at titigan ang namagitan sa dalawa. “Ang gandang tingnan ng dimple mo.” pansin ni Gabby kay Harold. “Sa tuwing tititigan ko ang mukha mo lagi na lang akong may napapansing maganda sa’yo. Bukas kaya, ano naman ang makikita ko?” dugtong pa ng binata. “Tumigil ka na nga sa pambobola mo!” tugon ni Harold saka inilapit kay Gabby ang mukha. “No! I’m not!” kontra ni Gabby. “In fact, I am telling the truth. Nakakawili na ngang titigan ang mukha mo. I found my newest hobby and if I will be given a chance, I want to spend my lifetime just looking at you.” dugtong pa ulit nito. Isang ngiti lang ang sagot ni Harold sa tinurang iyon ni Gabby saka pumikit. “Tulog na tayo!” aya pa ni Harold dito. “Ayoko pa! Masarap ka kayang titigan.” tutol ni Gabby. “Sige na! Please!” pakiusap ni Harold saka niyakap si Gabby. “Sige na pagbigyan mo na ako.” tutol ni Gabby. “Gusto na kitang mayakap ulit.” sagot naman ni Harold saka inihiga ang ulo sa balikat ni Gabby. “Hay naman kasi!” sabi ni Gabby. “Tandaan mo, hindi mo ako pinagbigyan ngayong araw na’to.” sabi ni Harold na may himig pagtatampo saka tumalikod. “As you wish!” sagot ni Gabby. “Patampo-tampo pa oh!” sabi pa nito saka tumayo pinatay ang ilaw. Niyakap ni Gabby si Harold pagkahiga at ang mukha niya ay idinikit sa batok nito habang ang kanyang mga kamay naman ay nakayakap sa binata at isiniksik ang isang paa sa pagitan ng binti ni Harold. Kinabukasan – “Good morning!” panimulang bati ni Gabby saka hinalikan sa noo si Harold. “Magandang umaga.” nakangiting ganti ni Harold. “Uuwi muna ako sa bahay bago pumasok sa opisina.” balita pa ni Gabby. “Akala ko ba isang lingo kang hindi papasok?” tanong ni Harold. “Nakakahiya kasi sa Tito Caretaker mo kung papalipas pa ako ng maghapon dito. Saka may guato kong makapag-pahinga ka ng maayos.” sabi pa nito. “Hay! Ikaw talaga!” sabi ni Harold saka pinisil ang ilong ni Gabby. “Para saan naman iyong pisil na yun?” tanong naman ni Gabby. “Para maalala mo ako paghindi mo na ako kasama.” sagot ni Harold. “What is the connection huh?” tanong ni Gabby. “Ilong lang ang walang kapartner na parts ng mukha mo at ang sentro. Sa ilong ka din humihinga at nakakamoy.” sagot ni Harold. “Then?” tanong ni Gabby. “Sa tuwing mahahawakan mo ang ilong mo, maalala mong may naghihntay na ako na nag-iisa at walang kapartner. Dapat ako din ang maging sentro ng inspirasyon mo at ng araw mo, na mapapangiti ka sa tuwing maaalala mo ako. Gusto ko ding maging hangin na pumasok sa loob mo para masiguradong buhay mo.” sagot ni Harold. “So illogical at invalid argument. Pero palalampasin ko na sa ngayon.” sagot ni Gabby. “Bangon na.” utos naman ni Harold. “Ayoko pa, gusto ko pang yakapin ka.” tutol ni Gabby. “May next time naman di ba?” tanong ni Harold. “Kaso baka matagalan pa.” sagot ni Gabby. “Hindi iyan.” paninigurado ni Harold. “Hay! Ayoko pa nga.” tutol ni Gabby. “Nakakahiya kay Tito, malapit na kayang magtanghalian.” sabi pa ni Harold. “Hay!” sagot ni Gabby saka naiinis na bumangon. “Ayan na!” sabi pa nito. “Huwag ka ngang gumanyan! Hindi bagay sa’yo.” natatawang turan ni Harold. Dumaan na nga muna si Gabby sa bahay niya bago pumasok sa opisina. “What are you doing here ma?” tanong ni Gabby sa ina. “Kagabi pa akong nandito ang I am waiting for you.” tugon ng ginang. “Are you with Harold?” tanong pa nito. “What brings you here?” tanong pa ni Gabby. “Yeah, I’m with him.” sagot naman ng binata. “I told you to get rid of that Harold!” madiing wika nang ginang. “You’re not listening to me, narito at kadikit ka na naman ng baklang hampas-lupang iyon.” nanggigil pa nitong dagdag. “Ma! I said please, pabayaan na po ninyo kami ni Harold. We love each other.” sagot ni Gabby. “He doesn’t love you! He loves your money!” sabi pa ng ginang. “He loves your money at isa lang siya sa madmaing oportunistang patay-gutom na painan mo ng pera ar bibgay.” paratang pa nito. “Harold is not like what you think ma!” kontra ni Gabby. “Give time to know him better and I am very sure, you’ll love his personality.” paliwanag pa nito. “Find a girl that is right for you. I have many friends and they have daughters’ of well-educated, brilliant, smart, decent, socialite, very nice and very charming.” paliwanag pa ng ginang. “Ma! Hindi naman nalulugi ang kumpanya natin to do such action.” kontra ni Gabby. “Plus, Harold may not be as rich as us, but he is well-educated, brilliant and smart. In fact he is a summa cum laude candidate. He is very decent and holds his principles and ideologies very tight. He’s the nicest and most charming person I ever met! He may not be a socialite but his simplicity is the biggest factor I love about him.” paliwanag ni Gabby. “I don’t have time to listen with your stupidity!” pigil nang ginang sa susunod pang sasabihin ni Gabby. “I want you to attend my party this evening!” sabi pa nito. “Marami akong ipapakilala sa’yo na babagay sa’yo.” saad pa nito. “Kahit na anung mangyari ma, hindi ko ipapagpalit si Harold.” sabi pa ni Gabby. “This is for your own good!” paliwanag pa ng ginang. “Whether you like it or not, you will attend my party!” madiing utos pa nito. “But ma!” tutol ni Gabby sa papalabas na ina. “No more buts and whys!” sabi ng ginang. Napabuntong-hininga na lang si Gabby at tinawagan si Harold - “Hey Gabby!” sagot ni Harold sa kabilang linya. “Rold! I want to see you now.” sagot ni Gabby. “Ano?” tanong ni Harold. “Please be in FabConCom before 2pm.” pakiusap ni Gabby. “Pasalamt ka, miss na kita!” sagot ni Harold. “Sige, I’ll be there.” “Thanks!” sagot ni Gabby saka pinindot ang end call. “May topak na naman si topak!” nangingiting pahayag ni Harold pagkababa ng tawag. Samatalang si Gabby naman ay nahulog sa isang malalim na pag-iisip tungkol sa kalagayan nila ni Harold.


[Finale]
Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/ Number 5 2PM sa usapan nila Gabby at Harold – “May ano at pinapunta mo ako dito?” tanong ni Harold kay Gabby. “Coz I really miss you. I am afraid that I will die if I wont see you today.” sagot ni Gabby. “Tinotopak ka na naman!” sagot ni Harold. “Sabi ko sa’yo huwag masyadong titira ng goma kasi nakakasira ng ulo iyon.” biro pa nito. “Hay!” napabuntong-hininga muna ang binata. “If it’s a joke better change it. Masyadong gasgas na and wala ng appeal.” sarkastikong tugon naman ni Gabby. “Pamatay trip ka!” inis na tugon ni Harold. “Effort ang pagpunta ko dito tapos gaganyanin mo lang ako.” reklamo pa nito. Walang kaabog-abog at – “Is that enough payment for your effort coming here?” tanong ni Gabby kay Harold matapos ang isang mapagmahal na halik. Napangiti lang si Harold bilang pagsagot sa tanong ni Gabby. “Come on! Bilisan na natin.” aya pa ni Gabby kay Harold saka hinatak sa kamay ang binata. “Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Harold. “In heaven!” sagot ni Gabby na may pilyong ngiti. “Saan nga!” saka nagmatigas si Harold at huminto sa paglakad na wari bang naiinis kay Gabby. “Don’t’ you trust me?” madiin at sarkastikong tanong ni Gabby kay Harold. “Hindi naman sa ganuon…” tutol sana ni Harold. “Then why are you acting like that?” tanong pa ni Gabby. “Bakit? Kailan naging masama ang mag-inarte?” tanong ni Harold. “Ngayon!” madiing sagot ni Gabby. “Because you’re consuming lots of our valuable time.” dugtong pa nito saka muling hinatak si Harold. “Kung hindi lang kita mahal malamang naupakan na kita.” sagot naman ni Harold. “Sorry na lang sa’yo kasi mahal mo ako.” sagot ni Gabby saka nginitian si Harold. “Oo mahal kita kahit matindi ang topak mo sa ulo.” sagot ni Harold. Pamilyar ang lugar na iyon para kay Harold. Ito ang lugar kung saan kung saan naganap ang ikalawang banggaan nila at sa unang pagkakaton ay naramdaman niya ang panliliit mula sa iba. “Miss please shows us the best and latest men’s outfit.” may yabang na utos ni Gabby sa sales lady. “Angas ng dating ah.” bulong ni Harold kay Gabby. “Ganito lang siguro pag mayaman.” sagot ni Gabby. “Mayabang na mayaman.” sagot ni Harold saka patiuna sa paglakad. “Aba’t!” madiing tutol ni Gabby saka hinabol sa lakad si Harold. “Ano bang ginagawa ulit natin dito?” tanong ni Harold. “You’re not slow right?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Can’t you recognize the logic why we’re here?” sunod nitong tanong. “Tsk!” napapalatak naman si Harold. “Very obvious that we will buy you new clothes.” sagot ni Gabby. “Huwag ka ngang tanga!” singit pa nito. “Sinong tanga?” kontra ni Harold. “Ikaw!” sagot ni Gabby. “Ayan!” sambit ni Harold saka sinipa sa tuhod si Gabby. “Arayy!” napasigaw si Gabby sa sakit. “You’re so barbaric!” dugtong pa nito. “Sinong barbaric?” tanong ni Harold. “Gusto mo pantayin natin ang sakit?” tanong pa nito. “Wala akong sinabi.” pagbawi ni Gabby. “Sobrang makapanakit!” bulong pa nito sa hangin. “May sinasabi ka?” tanong ni Harold. “Wala!” tanggi ni Gabby. Maya-maya pa at – “Harold please fit this one.” suhestiyon ni Gabby kay Harold saka abot ng damit. “Bakit?” nagtatanong na sagot ni Harold. “We’re going to a party this evening and as my boyfriend, you’re my date.” diretsong turan ni Gabby na walang pakialam sa mga nakaplaigid sa kanila. “Ingay mo.” nahiyang wika ni Harold na sa totoo lang ay nakaramdam ng kakaibang kiliti at tuwa dahil sa nakikita niyang ipinagmamalaki siya ni Gabby. “Can you make it any faster?” tanong ni Gabby. “Alam mo namang may allergy ako sa mamahaling damit di ba?” kontra ni Harold. “Hay!” napabuntong-hiningang turan ni Gabby. “Your silly principles again.” sabi pa nito. “Tama!” sagot ni Harold. “Principles of truly dignified and noble men!” paglilinaw pa nito. “Anyhows, isukat mo na iyan.” pamimilit ni Gabby. “Alam mo naman di ba na hindi kaya ng konsensya kong magsuot ng damit na 10K para lang sa pamporma ko.” malambing na tugon ni Harold. “Rold, listen to me!” wika ni Gabby. “This does not mean na gawin mong responsibility ang pagsusuot nitong mga ganitong damit. What I intent to, ipakita mo sa lahat ng nangmamaliit sa’yo na you can be better than them and you are indeed better than them. Show them na sa presyo lang ng damit sila nakakataas sa’yo, pero pag ikaw ang binihisan ng mamahalin, magmumukha silang lahat ng trapo na pamunas. Give them slaps on their faces by being the person they never thought you can be.” paliwanag pa ni Gabby. “Pero Gabby!” malamlam na pagtutol ni Harold. “Do it for me!” pamimilit pa ni Gabby saka hinawakan sa kamay si Harold at itinapat iyon sa dibdib niya. Tinitigan sa mata at buong pagsusumamong nakikiusap sa binata. “Okay!” tanging nasabi ni Harold saka nag-iwan ng isang matipid na ngiti. Matapos makapamili ng damit at makapagpagupit ay handa na si Harold para maging date ni Gabby sa sinasabing party na iyon ni Gabby. Sa party – “Gabby!” gulat na bati ng mama ni Gabby sa kanya. “Why did you bring that boy here? He’s not invited.” tanong pa nito. “He’s my guest so please respect him.” pakiusap ni Gabby sa ina. “He’s not welcome and will never be welcomed.” madiing at pigil na sabi ng ginang. “Kahit na pagbihisin mo ng ginto iyang lalaki na iyan, mukha pa din siyang pulubing namamalimos at basura ng mundo.” dugtong pa nito. “Stop it ma!” matigas na pakiusap ni Gabby. “But son.” kontra naman ng ginang. “Let’s go Harold!” aya ni Gabby saka inakbayan ang binata. Sa kalagitnaan ng party – “Nahihiya na ako Gabby!” bulong ni Harold kay Gabby. “Why?” nagtatakang tanong ni Gabby. “Feeling ko kanina pa ako tinitingnan ng mga tao dito. Parang hindi ako welcome or what na kinikilatis nila ako.” sagot ni Harold. “Very natural, be glad that we’re the center of this party. First, you are with me. You know so much how popular I am in the business world. Grandson of Philippine’s richest man, handsome bachelor and most of all, having an IQ of 150.” tugon ni Gabby. “Yabang mo talaga!” asar na wika ni Harold. “Akala mo ba ikaw lang ang may IQ ng above average? 135 kaya IQ ko.” sagot pa nito. “I’m not finish.” tutol ni Gabby. “Look around, you’re the second handsome and cute here next to mine.” dugtong pa nito. “Yabang mo talaga kahit kailan.” sabi pa ni Harold. “Lakas ng topak mo.” komento pa nito. Biglang hinatak ni Gabby si Harold – “Anung ginagawa natin dito?” nakaramdam ng kabang tanong ni Harold. “Di ba sabi mo may topak ako?” tanong ni Gabby saka humarap sa mga tao – “May I have your attention please!” sigaw ni Gabby. “Please bring your wines.” utos pa nito saka lumuhod sa harap ni Harold. Agad na pumalibot ang press people sa gitna at pinaikutan ang dalawa habang kumukuha ng larawan. Walang pakialam si Gabby sa mga ito dahil mas mahalaga sa kanya ang gagawin – “Harold! Please accept me as your lifetime partner.” pakiusap ni Gabby nang buong sinseridad. “What are you doing?” tanong ni Harold. “Hay!” muling napabuntong-hininga si Gabby. “Panira ka ng moment! Huwag kang tanga please!” madiin ngunit mahinang sagot ni Gabby. Batid ni Gabby na may mga kumukuha sa kanila ng larawan at ang gagawin niya ay kakalat na sa buong bansa ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Mas may halaga sa kanya ang ipagmalaki sa mundo na may nag-iisang Harold na sa buhya niya. Naniniwala siyang hindi mahalaga ang sekswalidad para magampanan niya ang trabaho bilang isang businessman. Hindi din siya natatakot na baka mawalan sila ng investors dahil panatag siya at tiwala sa mga napatunayan na sa industriya. Napahanga niya ang buong business world sa ginawang pagsasalba sa tatlong negosyo ng lolo niyang papalugi na at kung papaano niya ito na-triple sa loob lang ng dalawang taon. Pakiramdam naman ni Harold ay napakainit nang buong kapaligiran. Naiilang siya sa mga matang nakatitig sa kanya. May kung ano sa puso niya ang nagtatanong kung handa nab a siya sa ganitong sitwasyon ngunit mas higit ang saya niyang sa waks ay ipapakilala siya ni Gabby sa buong mundo bilang taong mahal nito. “My little and brightest star from the north, My tender smooth road returing back forth, My mightiest prince to save my downfall, My loving missing piece to support my call. I’m knocking on thy heart to shelter my sweetness, I’m climbing on thy vein to rescue my selflessness, I’m walking on thy tongue to utter only attractiveness, I’m holding on thy hand to touch my being of humanness. Harold! Listen to my word, my music and my sound! Any moment I can be anyone and but I am only one, To love you forever and seething the wind’s rope, I will and will never be fired out of bliss to cope.” saad ni Gabby saka inilabas mula sa bulsa ang pares ng singsing. “Harold! Listen to my heart!” nakangiting sambit pa ni Gabby. Walang kamalay-malay si Harold na ang mga luha na pala niya ang sumasagot sa tanong ni Gabby. Luha ng kakaibang ligaya dahil sa unang pagkakataon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay magaganap ang isang bagay na hindi niya inakalang mangyayari sa buhay niya - “My heart responded and I know your heart knows the answer.” nakangiting tugon ni Harold. “Harold!” sabi ni Gabby saka tumayo at niyakap si Harold. Ang mga nakapalibot na press ay todo kuha ng larawan sa kanila. “Cheers for them!” sigaw ng isang bisita. “Cheers for Gabby’s courage!” sabi pa ng isa. “Cheers for Gabby’s bravery!” sabi naman ng isa. “Cheers for me and Harold!” sabi naman ni Gabby na natutuwa sa nakitang reaksyong ng karamihan. “Cheers!” tugon ng mga ito. Samantalang dahil sa ayaw masabihan ng mama ni Gabby na isang kontrabida ay nanggigigil itong nakatayo sa isang sulok habang minamasdan ang ginagawa ni Gabby. Sa sobrang panggigigil ay nabasag sa kamay nito ang hawak na kopita. “Everybody can go now! The party is over!” pagpapahinto ng ginang sa kasiyahan ng umpukan. “Ma?” tanong ni Gabby. “Let’s talk Gabby!” madiing utos nito sa anak. “I’m sorry madam!” paumanhin ni Harold na natatakot para kay Gabby at sa ginawa nitong kahangalan. “Shut up trash boy!” sigaw ng mama ni Gabby. “Harold let’s stay here!” anyaya naman ng isang bisita kay Harold. “Ace, ikaw na muna ang bahala kay Harold.” habilin ni Gabby sa kaibigan. “Sure Gabby!” sagot ni Ace saka inalalayan papasok sa loob para itago sa press si Harold. “Don’t’ worry Harold! Gabby knows what he’s doing.” pagpapakalma pa nito sa binata. Ang usapan ng mag-ina – “Are you really out of your mind?” simulang tanong ng ginang. “Maybe.” tugon ni Gabby. Isang malutong na sampal ang ginawad ng ginang sa anak. “Do you feel good?” tanong ni Gabby. At isa pang sampal ang muling dumapi sa pisngi niya. Ngunit isang Gabby na nakangiti pa din ang pilit na pinapakita ng binata. “Can’t you see ma, I’m happy, I feel satisfied, contented and very blessed.” nakangiting tugon ni Gabby. “Wake up Gabby! Wake up from your fantasy!” sabi ng nanggigil ngunit may pigil na luhang ginang. “Ma! Kung panaginip man lahat to, I won’t wake up! Basta, just to ensure my forever with Harold.” sabi ni Gabby. “But Gabby! Sige, I know, gumawa ka ng isang napakalaking kahihiyahan na ilantad sa buong mundo ang pagiging bakla mo and with what you did, hindi mo na pwedeng bawiin pa kung anuman ang nagawa mo. But please, humanap ka naman ng isang matino at galing sa disenteng pamilya.” paliwanag ng ginang. “You said it right ma! I declare how proud I am to be gay and how proud I am to be with Harold. There’s no reason at all para humanap ng iba. Can’t you see the logic ma?” balik na sagot ni Gabby. “Damn!” wika ng ginang saka muling sinampal ang anak. “You’re not open-minded Gabby! Ikaw ang hindi makakuha ng logic! Humanap ka ng taong babagay sa’yo! Iyong ka-uri mo! Iyong katulad mo!” sabi at paliwanag nito na labis na naggigigil. “Ikaw ma ang hindi open minded!” giit ni Gabby. “At first, only the gender classifies human!” simula ng paliwanag ni Gabby. “Walang social classes, stratifications and whatsoever mahirap and mayaman concept. Lalaki at babae lang ang uri sa lipunan. Logically, Harold and I we’re compatible as response with your statement humanap ako ng kauri ko.” wika ni Gabby. “You’re getting to the limit Gabby!” sabi ng ginang. “Ang mga uri ni Harold ay mga uring hindi babagay sa’yo! Ang uri ni Harold na patapon at dapat inaalila lang ng uri mo!” kontra ng ginang. “Ganyan ka na ba talaga ma mag-isip?” tanong ni Gabby. “Talaga bang ang mga mayayaman lang ang tinuturing ninyong tao? Samantalang ang iba, ang tingin ninyo ay mga hayop?” tanong pa nito. “I’m glad ma at habang mas maaga, I am able to know that even namumuhay man silang mga hayop, pero mas tao pa sila kung ihahalintulad sa inyo.” paratang ni Gabby. Isang malutong na sampal ulit ang ginawad ng ginang sa binata. “Humanda ka Gabby! Habang ipagpapatuloy mo itong kalokohan mo, you’re now not connected to the family.” banta ng ginang. “Hahayaan kitang humiga sa putik at kumain ng alikabok at darating ang araw na isusumpa mong kinalaban mo ako dahil sa Harold na iyan.” banta pa ng ginang. “Ma!” kontra ni Gabby. “Mamili ka! Ako, kasama ang mga luho mo at ang buong pamilya o si Harold?” tanong ng ginang. “You should not take the whole family here! Kayo lang ang may ayaw sa ganitong set-up!” kontra ni Gabby. “Mamili ka!” madiing giit ng ginang. Samantalang si Harold naman – “How do you feel?” tanong ng isang reporter. “Gaano na kayo katagal ni Gabby?” tanong naman ng isa. “Paano kayo nagkakilala?” tanong naman ng isa. “Hey guys! Please layuan na ninyo si Harold.” sabi ni Ace habang hinahawi ang mga tao. Sa loob – “Are you okay?” tanong ni Ace kay Harold. Isang matipid na ngiti lang ang sinagot ni Harold. “Don’t worry about Gabby! Kaya na niya ang sarili niya.” nakangiting tugon ni Ace. “Bilib ako kay Gabby! He deserves a gun salute dahil sa ginawa niya. He’s brave to do such thing. I can say, seryoso nga si Gabby sa’yo.” kwento pa nito. Nanatiling tahimik lang si Harold. “Magsalita ka naman.” pamimilit ni Ace. Wala pa ding imik si Harold. Pakiwari niya matapos ang isang masayang kaganapan sa buhay niya, ngayon naman ay isang malaking unos ang dapat niyang suungin. Hindi niya maunawaan kung bakit kumakabog ang dibdib niya. “Alam mo, lalo kong hinangaan si Gabby. Sa totoo lang kasi, katulad din niya ako. I have someone here in my heart kaso natatakot akong ipagtapat sa kanya ang lahat. Masalimuot kasi ang kwento namin.” kwento naman ni Ace na tila ba pinipilit ibahin ang mood ni Harold. Wari bang walang naririnig si Harold at pumatak na lang ang mga purong luha mula sa mata ng binata. “Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Ace. “Sabi ko naman sa’yo ayos lang si Gabby.” paninigurado pa nito. Biglang napatingin sa baba si Harold. “Iyong sapatos ko kasi, nawawala.” pagsisinungaling ng binata. “Sapatos lang pala!” pilit na tawang sabi ni Ace. “Akala ko naman kung ano.” dugtong pa nito ngunit batid niyang hindi iyon ang totong dahilan ng luha ng binata. “Kasi sa halaga ng sapatos na iyon kaya ko ng pakainin ang limang pamilyang nasa below poverty level ng isang lingo.” sagot ni Harold. “Hay!” napabuntong-hininga si Ace. “Alam ko na kung saan napulot ni Gabby iyang mga ganyang hirit!” saad ni Ace saka tumayo. “Dito ka lang, ako nang hahanap.” pagboboluntaryo pa nito. “Ako na lang.” sagot ni Harold saka tumayo at hinawakan si Ace. “Sure ka ba?” tanong ni Ace. “Kayo ko na’to. Wala na naman sigurong press sa labas.” sagot ni Harold saka lumabas. Napadaan sa isang kwarto si Harold na medyo nakabukas ang pintuan. Naulinigan niyang may nag-uusap duon. Pamilyar sa kanya ang dalawang tinig na angtatalo. May kung ano sa kanya na nagtutulak para pakinggan ang usapan ng dalawa. Kinakabahan, nanginginig at nanghihina ang mga tuhod – lalo niyang nilapitan ang pintuan at binigyan ng konsentrasyon ang usapan. “Humanda ka Gabby! Habang ipagpapatuloy mo itong kalokohan mo, you’re now not connected to the family.” banta ng ginang. “Hahayaan kitang humiga sa putik at kumain ng alikabok at darating ang araw na isusumpa mong kinalaban mo ako dahil sa Harold na iyan.” banta pa ng ginang. “Ma!” kontra ni Gabby. “Mamili ka! Ako, kasama ang mga luho mo at ang buong pamilya o si Harold?” tanong ng ginang. “You should not take the whle family here! Kayo lang ang may ayaw sa ganitong set-up!” kontra ni Gabby. “Mamili ka!” madiing giit ng ginang. “Please don’t do this to me! Ayaw kong mamili! I don’t want to loose all the things I earned and I deserve!” kontra ni Gabby. “Alam mo naman pala eh! So, you must choose now! Know your place!” giit ng ginang. “Ma!” tutol ni Gabby na tila naghihina sa narinig. “Mamili ka Gabby! Sa langit o sa impyerno!” madiin nitong utos. Samantalang habang nasa labas si Harold ay dinig na dinig niya ang usapan. Lalong naging masagana ang luhang dumadaloy sa kanyang mga mata. Lalong naging mabilis ang pintig ng kanyanhg puso. Umaasa siya na siya ang pipiliin ni Gabby. “Sa langit ma!” sagot ni Gabby. Napangiti naman ang ginang sa sagot na iyon ng anak. Samantalang nadurog na tila pamintang pino ang puso ni Harold. Ayaw niya ang naging sagot ni Gabby. Isang mabilis! Mabilis na mabilis tumakbo si Gabby palayo na tila ba wala ng bukas. Mabigat na mabigat ang dala ng kanyang puso at sa wari ba’y nasasakal siya at nahihirapang huminga. “Cinderella story is the greatest fantasy of Grimm’s and Disney’s! Nagba-brain-wash lang sila at nagbibigasy ng false hope sa mga tao!” bulong ni Harold sa sarili habang tumatakbo. “Yeta! Ang tanga mo Harold!” sisi niya sa sarili saka huminto. “Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!” malakas niyang hiyaw sa kalagitnaang ng dilim. Hinubad niya ang isang paa ng sapatos na nakasuot saka inihagis papunta sa lugar na pinaggalingan. “Pag nagka-rebolusyon ipapauna ko kayong sunugin!” naiiyak na sabi ni Harold. “Wala akong ititira sa inyo mga mayayaman kayo!” nag-aalab sa kalungkutang wika ni Harold. “Gabby! Sabi ko na nga ba, paasa ka lang din! Masyado akong naniwala sa’yo, akala ko talaga kaya mo akong ipaglaban.” saad ni Harold. “Gabby! Malaking isyu ba na mahirap ako at mayaman ka? Shit! Tanga! Oo Harold, malaking isyu nga iyon. Taragis! Sana nuon pa lang minulat ko na ang mata kong wishful thinking ang pangarapin ka. Dapat talaga hindi ako bumigay! Dapat talaga hindi ako nagpakaloko! Ang landi mo kasi Gabby! Sobra kang umakit. Ako naman si tanga, dahil akala ko kaya mo akong ipaglaban, ayon, nakipaglandian din sa’yo, at wala pang isang linggo iiyakan na pala kita. Shit! Two days lang pala akong magiging masaya dahil ang two decades na kasunod, iiyakan kita sa tuwing maaalala kong minahal kita. Yetang buhay yan!” pangiti-ngiti at pinipilit ni Harold na pasayahin ang sarili. Wala siyang panahong mag-emo o magmukmok. Samantalang si Gabby – “Very good son! Sabi ko na nga ba at hindi mo kayang ipagpalit ang lahat para sa hampas-lupang iyon.” sagot ng ginang. “You’re wrong ma!” sagot ni Gabby. “Langit ang pipiliin ko hindi dahil sa luho at yaman pero dahil sa makakasama ko ang taong pinakakamahal ko.” saad pa nito. “Gabby!” nabiglang sabi ng ginang. “Talagang itatakwil mo kami na pamilya mo para sa lalaking iyon.” saad pa nito. “Hindi ko kayo itinatakwil ma! Kayo ang nagtatakwil sa akin.” sagot ni Gabby saka humakbang patalikod. “Huwag mo akong hamunin Gabby!” sabi ng ginang ngunit patuloy lang si Gabby sa paglabas. Nakasalubong naman ni Gabby si Ace pagkalabas nito – “Nasaan na si Harold?” tanong ni Gabby dito. “I thought kasama mo na siya. Kanina pa kasi siya nakalabas.” sagot ni Ace. “Huh?” naguguluhang tanong ni Gabby. “See, ayun lang pala iyong hinahanap niyang sapatos.” sagot ni Ace saka kinuha ang isang paa ng sapatos. “Sige, hanapin ko na lang si Harold.” sagot ni Gabby saka lumakad na palayo kay Ace. “Nasaan kaya iyong kumag na yun?” tanong ni Gabby sa sarili saka napabuntong-hininga. “Harold is the star with unrevealed glam, Like pearl hiding inside a mysterious clam, Rough seawater in sunset until sunrise calm, You swam my life and never go out in balm.” napapangiting wika ni Gabby sa sarili. “Si Harold ba yun?” tanong ni Gabby sa sarili habang inaaninag ang lalaking nakaupo sa may dulo ng mga bulaklak. Dahan-dahang lumakad si Gabby at napulot din niya ang isang paa ng sapatos ni Harold. “Lokong Harold talaga! Sabi siya ng sabing kayang magpakain ng mahihirap ang presyo ng sapatos na’to tapos itatapon lang niya.” napapalatak na wika ni Gabby habang lumalakad papunta sa direksyon ni Harold. Samantalang si Harold – “Makaalis na nga at baka palayasin pa ako ni Gabby dito. Ayokong umabot pa sa ganun.” wika ni Harold nang biglang may yumakap sa kanya. “Bakit naman kita palalayasin?” tanong ni Gabby. “Gabby!” muling umagos ang mga luha sa mata ng binata. hindi niya inaasahang muling malalasap ang yakap ng binata at malalanghap ang amoy nito. “Ako nga mahal kong Harold!” sagot ni Gabby. Isang mainit na yakap na sapat na para muling maramdaman ni Harold ang pagkapanatag at pakiramdam ng kaligtasan sa mga bisig na iyon. “I love you.” wika ni Gabby. Nakiliti si Harold sa sinabing iyon ni Gabby. Ang mainit nitong hininga na dumaan sa tenga niya habang inuusal ang salita ng pagmamahal. “I love you?” tanong ni Harold. “Oo Harold! I love you! I really love you.” sagot ni Gabby saka hinalik-halikan ang batok ni Harold. “Hindi ka ba nagkakamali?” tanong ulit ni Harold na lalong naging ragasa ang mga luha. “Bakit naman ako magkakamali?” tanong ni Gabby na lalong hinigpitan ang pagkakayakap. “Mahal mo talaga ako?” tanong ni Harold. “Oo naman! Mahal na mahal at ikaw ang buhay ko.” sagot pa nito. “Gabby!” saad ni Harold na lalong nakaramdam ng sakit. Hinihintay na lang niyang sabihin ni Gabby sa kanya ang naging uspaan nilang mag-ina at kung papaano siya ipinagpalit nito sa kanyang luho. “Harold! Simula ngayon, hindi na tayo magkakahiwalay.” sambit ni Gabby. “Huh?!” naguguluhang tanong ni Harold. “Ikaw ang langit ko Harold at ayokong mabuhay na hindi kita kasama.” dugtong pa ni Gabby. Napalundag naman ang puso ni Harold sa tuwa. Hindi siya sigurado kung seryoso si Gabby pero alam niyang nagbubunyi ang buo niyang katauhan dahil sa narinig. “Sigurado ka?” tanong ni Harold. “Bakit ba kanina ka pa nagdududa? Kaduda-duda ba mga sinasabi ko?” tanong ni Gabby. Mga hikbi lang ang sagot ni Harold. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Gabby saka iniharap sa kanya si Harold. “Wala lang.” sagot ng binatang si Harold. “Pwede bang wala lang?” tugon ni Gabby saka pinahid ang mga luhang nasa pisngi ng binata. “Gabby!” saad ni Harold saka niyakap ang kasintahan. Alam na niya sa sarili kung sino ang pinili ni Gabby at isang katangahan ang maling pagkakaintindi niya sa sinabi nito. “Hay! Madudumihan ang damit ko.” reklamo ni Gabby. “Wala ka talagang sweetness sa katawan!” natatawang turan ni Harold. “Harold!” nakangiting tugon ni Gabby saka niyakap din si Harold. Pagkabitiw nila sa yakap na iyon ay pinaupo ni Gabby si Harold samantalang siya ay lumuhod sa harap nito. Pinulot ang sapatos na naiwan ni Harold at ang tinapon nito sa ka isinuot sa binata. “Sa susunod iingatan mo na ang sapatos mo o kung anumang bagay na mayroon ka. Kasi malamang sa oo, marami ang wala ng mga ganyang bagay.” paalala ni Gabby. “Opo!” sagot ni Harold. “Siguro nga totoo si Cinderella at ako iyon. Iyon nga lang, si Cinderella, nabuhay na mayaman at tanggap ng buong kaharian, samantalang ako, itinakwil ng pamilya ang Prince Charming ko at mabubuhay kaming naghihirap. Hindi ako makapaniwalang kaya ni Gabby na ipagpalit ang lahat para makasama ako. Ito na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko sa loob ng limang taon.” wika ni Harold sa sarili. “Salamat Gabby!” pasalamat ni Harold kay Gabby. “Walang anuman! Para sa mahal ko gagawin ko ang lahat.” sagot nito.

No comments:

Post a Comment