Friday, January 11, 2013

Tee La Ok Book 1

By: emray
Source: bulonghangin.blogspot.com
annexb.wordpress.com
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com


[01]
Unang Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/ Letter A “Bayan, bayan, bayan ko! Hindi pa tapos ang laban mo!” sama-samang kinakanta ng mga rallihista sa labas ng FabConCom. “Mga kasama, papayag ba kayong busabusin at ituring na tila hayop ng pamunuan ng FabConCom?” tanong ng tila lider ng mga rallihista. “Hindi!” korong tugon ng mga ito. “Ipaglaban ang karapatan ng mga inaapi’t inaalipusta!” sigaw pa ulit ng kanilang lider.
“Makibaka! Huwag matakot!” korong sagot ulit ng mga ito. “Huwag na huwag tayong papayag na api-apihin at pagkaitan ng karapatan!” biglang singit ng isang lalaki. “Ipaglaban ang karapatan ng mga mangagawa ng FabConCom!” sabi pa ulit ng lider nila. “Easy lang Rold! Huwag masyadong agit (agitated)!” sabi ni Sean sabay tapik kay Harold. “First time tol eh!” nakangiting tugon ni Harold dito. “May next time pa!” sabi pa nito. Mataas ang sikat ng araw na tila ba ay nagngangalit ito sa galit. Sa unang pagkakataon ay sumama si Harold sa mob (mobilization/rally) kasama ang mga kapwa niya kabataang mag-aaral upang tugunan ang hiling nga mga kasama nila sa loob ng Fabregas Construction Company. “Iitim ka na n’yan!” komento pa ni Sean sa kaibigan. “Ayos lang na umitim basta ba’t alam kong may maganda akong naitutulong sa ibang kasama.” sagot ni Harold. “Huh! Maniwala ako sa’yo! Malamang hindi ka na sasama ulit sa amin.” sabi pa ni Sean. “Gusto ko ngang maranasan iyong kinukwento ninyo dati eh!” birong tugon pa ni Harold. “Loko ka! Akala mo bang biro ang mabatuta at mabomba!” sabi ni Sean. “Basta para sa bayan! Handa akong masaktan!” punung-puno ng siglang saad ni Harold. “Ganyan nga boy!” nakangiting tugon ni Sean. Samantalang sa loob ng FabConCom – “Sir Gabby, hindi pa din po natitinag ang mga aktibista sa labas.” sabi ng Joel. “Naimpluwensyahan na naman ang mga aktibista ang mga utak ng trabahador natin.” sabi naman ni Gabby. “Halos wala na pong natira sa mga trabahador natin Sir.” pagbabalita pa ni Joel. “Tanggalin ang mga nalason ng mga aktibistang iyan then find new workers!” utos ni Gabby. “Pero Sir, papaano po iyong pamilya nilang sa kanila umaasa?” tanong ni Joel. “If they care for their families, then they should not involved themselves with those stupid activists.” konklusyon ni Gabby. “Pero Sir!” pagtatanggol pa sana ni Joel sa mga trabahador. “If you will question my decision, include yourself to those who will loose their job.” sabi ulit ni Gabby. “Sorry Sir!” paumanhin ni Joel sa amo. “Duon tayo dadaan sa likod.” utos ulit ni Gabby. “I don’t want to be late with my meeting.” sabi pa nito. “Yes Sir!” wika pa ni Joel saka yuko sa ama. “Hurry up!” pasigaw nitong utos. “Yes Sir!” tila natatarantang tinawagan ni Joel ang driver ng amo at mabilis na kumilos pababa. Samantalang sa labas – “Para sa ating pamilya, sa maayos na pamumuhay! Ipaglaban natin ang mataas na sahod na sasapat para sa araw-araw! Sahod na katumbas sa maghapon nating pagbibilad sa init, usok, alikabok at ingay! Huwag tayong papayag na mamatay sa gutom habang sila na mga ganid ay nagsasayang lang ng pagkain!” sigaw naman ng isang trabahador na kasama sa rally. “Ipaglaban!” koro ulit nitong tugon. “May inside scoop ako!” sabi ni Sean sa mga kasama. “Ano iyon?” tanong ni Kenneth na tumatayong lider ng kilusan. “Paalis na daw ang may-ari ng FabConCom at sa likod ang daan.” sabi pa ni Sean. “Saan ang likod?” tanong ni Harold sa mga kasama niyang nakakaalam. Hindi nga nabigo si Harold at patiuna siyang tumakbo papunta sa likod kasama ang grupo ng mga kabataan. “Mga kasama! Tatakasan na tayo ni Senyor Fabregas! Papayag ba tayong hindi marinig ang mga daing natin?” sabi ulit ng trabahador na nagsasalita. “Hindi!” sabi ng mga ito. Sa likod ng FabConCom – “Make sure na hindi ako maaabala sa lakad ko!” wika ni Gabby na punung-puno ng kapangyarihan. “Yes Sir!” sagot ni Nick, driver ni Gabby. Mga kasama, ayun oh!” sigaw ni Sean sabay turo sa papasibat ng si Gabby. “Paano na yan Sir! Andito na sila!” sabi ni Joel saka lingon kay Gabby. “Once na abutan tayo ng mga iyan, last day mo na ngayon.” madiing sabi ni Gabby. “Opo Sir!” takot na takot na sabi ni Nick saka lalong pinaharurot ang kotse. “Mga kasama, bilisan ninyo para hindi makalayo!” sabi pa ni Kenneth. “Saan kayo pupunta?” walang takot na hinarang ni Harold ang kotse kahit na anung bilis pa nito. Nang mapansin ng binata na paparagasa ito ng takbo ay agad siyang humiwalay sa hanay at saka naghintay na sapitin ang lugar na kanyang kinalalagyan upang duon ito harangin. Biglang napapreno si Nick dahil sa ginawang harang na iyon ni Harold. Halos mapasubsob si Gabby sa harapan dahil sa lakas ng impact. “Bakit ka huminto?” puno ng galit na sigaw ni Gabby kay Nick. “Sir! May humarang po kasi, baka makapatay pa ako.” katwiran ni Nick. “Hindi mo na kasalanan kung mamatay man iyang humarang na yan! It’s his choice! Hayaan mo siyang mamatay!” sabi pa ni Gabby. “Hindi kayo makakatakas!” sabi pa ng pawis na pawis na si Harold na walang mababakas na takot sa mga mata kahit na nga ba humaharurot ang kotse. Hawak na ngayon ng binata ang harapan ng sasakyan habang tumutulo dito ang kanyang pawis na agad din namang natutuyo sa tuwing malalaglag sa kotse. Puno ng determinasyon ang mga mata ng binata at tila ba nanghahamon pa ito. “Sino ba iyang humarang na iyan! Sagasaan mo na!” utos pa ni Gabby saka pinagtuunan ng tingin ang lalaking nasa harapan ng kotse nito. Nagbitiw ng isang mayabang na ngiti si Harold na lalong nagpasingkit sa mga mata nito. “What a beautiful eyes!” natulalang naisip ni Gabby nang makita si Harold. “Sir!” sabi ni Joel sabay tapik kay Gabby. “Bakit mo ba ako tinatapik!” galit na anas ni Gabby ng maputol ang pagtitig niya sa mukha ng binata. “Palapit na po iyong iba pa!” sagot ni Joel. “Get him!” utos ni Gabby kay Joel. “Ano Sir?” tanong ni Joel. “Tanga ka ba?” tanong ni Gabby. “Sabi ko get him!” nanggigil na utos ni Gabby. “Hay!” napabuntong-hininga pa ang binata. “Yes Sir!” saka lumabas si Nick at Joel at saka sapilitang isinakay si Harold sa loob ng kotse. “Hey! Bitiwan ninyo ako!” nagpupumiglas na tutol ni Harold. “Please makisama ka naman! Kami ang malilintikan nito!” pakiusap ni Joel kay Harold. “Saan ba ninyo ako dadalin?” tanong pa ni Harold habang patuloy sa pagwawala. Hawak ni Joel ang upper body ni Harold samantalang si Nick naman ay ang lower body. “Bilisan ninyo!” pasigaw na utos ni Gabby sa dalawa. “Please naman tol! Makisama ka! Tutal, ikaw naman ang humarang sa daan.” sabi pa ni Joel. “Shit!” mahinang naiusal na lang ni Harold at tuluyan na siyang naisakay sa kotse. “Mga kasama! Hinuhuli nila si Harold!” sigaw ni Sean na agad nabalisa para sa kaibigan. Mabilis na tumakbo si Kenneth na nakaramdam ng higit na pag-aalala para kay Harold. “Gago kang Harold ka!” mura ni Kenneth sa sarili. “Bilisan mo ang patakbo!” utos ni Gabby kay Nick. “Opo Sir!” tarantang sagot ni Nick saka pinaharurot ang kotse. “Harold!” sigaw ni Kenneth na hindi na naabutan pa ang kotse. “Harold!” sigaw pa ni Sean. “Sinong ka-buddy ni Harold?” galit na tanong ni Kenneth sa grupo. “Ako!” nag-aalalang taas ang kamay ni Sean. “Di ba may buddy system tayo at alam kong alam mo iyon?” tanong ni Kenneth kay Sean. “Sorry, hindi ko nabantayan si Harold!” paumanhin ni Sean. “Saan natin hahanapin si Harold ngayon?” tanong pa ni Kenneth. “Sorry talaga!” paumanhin ni Sean. “Kasalanan ko din ito! Hindi ko masyadong nasabihan si Harold! Naging kampante akong magtitino kasi.” paumahin din ni Kenneth. Sa kotse – “Shitness! Pwede ba pababain na ninyo ako! Malayo na naman kayo sa mga kasamahan ko ah!” inis na sabi ni Harold. Bagamat punung-puno ng takot ay pinilit niyang magkunwaring matapang para sindakin ang mga kasama niya sa sasakyan. “Alam mo bang pwede ka naming kasuhan dahil sa ginawa mo? Kaya please manahimik ka na lang muna!” pang-aasar na sagot ni Gabby kay Harold. Nasa gitna naupo si Harold. Sa may kanan niya si Gabby samantalang nasa kaliwa si Joel. “Gullible! First time ko na nga lang sumama mahuhuli pa ako ng ganito!” lalong kinabahan na wika ni Harold sa sarili. Kahit aircon ay nanlalagkit sa pawis ang binata at lalong pinawisan dahil sa sinabi sa kanya ni Gabby. “This is an expression of speech freedom! Kaya wala kang pwedeng ikaso sa akin! It is written in the Philippine Constitution revised during the term of President Cory Aquino and thus, I am rightfully and legally enjoying it!” sagot ni Harold na pilit pa ding nagmamatapang. “So, dapat alam mo na hindi na sakop ng sinabi mong freedom ang mangharang ng kotse at mandamay sa pagpapakamatay mo. Besides, nasa loob ka ng compound ng FabConCom ng walang permiso, it is a valid ground for trespassing bukod pa sa iba pang pwede kong ikaso sa’yo.” sabi ni Gabby. “Kainis! Ayokong magkarecord sa police station nito!” sabi ni Harold. “Remember, wala kang proof na pumasok ako sa loob ng compound ng FabConCom. Nakalabas na ang kotse mo sa gate ng harangin ko kayo, kaya trespassing is definitely invalid na.” katwiran pa ni Harold. “Hayst!” asar na tugon ni Gabby. “Pag hindi ka tumahimik papakulong talaga kita!” papalatak pang tugon ng binata. “Pasalamat ka nga hindi pa kita pinatuluyan! Pwedeng pwede ko namang sabihin sagasaan ka na! Ikaw naman kasing humarang at ayaw tumabi.” sabi pa ulit nito. “And it means pwede kang kasuhan ng homicide sa gagawin mo!” sagot ni Harold. “Don’t forget na aktibista ang mga kasama ko kaya hindi iyon papayag na hindi ka makasuhan.” sabi pa nito. “But I have the means para makalabas at pwede kong mapabaliktad ang kaso.” sagot ni Gabby. “Damn! Oo nga pala! He got the means, money, power, wealth.” bulong ni Harold sa sarili. “Pasalamat ka na lang at kahit nanlilimahid ka, sinakay pa din kita dito at kahit na nanggulo ka kanina, hindi kita kakasuhan.” sabi pa ni Gabby. “Pasalamat ka na lang at mayaman ka!” bulong ni Harold. “Are you saying something?” tanong ni Gabby. “By the way, I’m Gabby.” pakilala ng binata saka abot sa kamay niya. “Tinatanong ko?” sarkastikong tanong ni Harold sa binata. “Hayst!” napabuntong-hininga ulit na sabi ni Gabby. “Ako na nga itong nag-aaproach sa’yo tapos gaganyan ka pa. Dapat nga pasalamat ka pa kasi ang gaya kong ito ang naunang magpakilala sa’yo at nag-aabot ng kamay.” sabi pa ni Gabby saka sapilitang kinuha ang kamay ni Harold para makipagkamay sa kanya. “Naman! Baka mabahiran ako ng bacteria ng pagkaganid mo!” sabi ni Harold saka ipinunas sa damit ni Joel ang kamay. “Bakit ako nadamay!” kontra ni Joel na kanina pa nakatahimik. “Shut up Joel!” sabi ni Gabby saka muling nagsalita. “At ako pa ngayon ang may bacteria!” mataas na sabi pa ng binata. “Ano gusto mong gawin ko? Halik-halikan ko iyang kamay mo at magpasalamat?” sarkastikong sabi ni Harold. “Salamat Sir Gabby, pwede na akong mamatay kasi nakilala na kita nahawakan ko na ang kamay mo.” saad ni Harold na nasa himig ng pang-aasar kay Gabby. “Better! Bakit hindi? Pwedeng pwede, dahil sa mundo ngayon, karangalan na ang mahawakan ako.” mayabang na sabi ni Gabby. “Hindi ka Diyos para sa ganun!” pangwawakas ni Harold. “Aba at sasagot ka pa!” sabi ni Gabby. “Sino ba kasing maysabing isakay mo ako dito?” tanong ni Harold. “Ibaba mo na lang ako nang matahimik iyang mundo mo.” sabi pa nito. “Sorry, pero hindi ka makakalabas dito hangga’t hindi mo sinasabi ang pangalan mo.” sabi ni Gabby. “Ganun!” sabi ni Harold saka pinuwersa si Joel para mabuksan niya ang pinto. “Di gumagamit ng utak! Para naman kaya mong makalabas ng ganyan.” nang-aasar na sabi ni Gabby saka kinapa ang bulsa ni Harold. “Anung ginagawa mo?” tanong ni Harold. “Naghahanap ng ID mo.” sagot ni Gabby. “Ayaw mo naman kasing magsabi ng pangalan eh.” sabi pa ng binata. “Tigilan mo nga ako.” sabi ni Harold saka inawat ang mga kamay ni Gabby. “Nick! Iliko mo na nga lang sa pinakamalapit ng presinto. Malamang naman pag kinasuhan nay an duon magsasabi ng pangalan iyan.” suhestiyon ni Gabby na kita na ang pagka-inis nito. “Shit! Nang dahil sa pangalan makukulong ako.” sabi ni Harold sa sarili. “Napaka-illogical naman pag ganun!” “So, mamili ka na lang, sasabihin mo ba sa akin ang pangalan mo o sa presinto mo sasabihin?” tanong ni Gabby. “Bakit ba interesado ka sa pangalan ko?” tanong ni Harold. “Alam mo, huwag ka ng maarte, sa ibang tao wala akong pakialam sa pangalan nila, ni hindi ko na nga inaalam. Maswerte ka kasi tinatanong kita. Hindi mo ba alam na halos mamatay sila pag hindi ko matandaan mga pangalan nila. To think the fact na mga mayayaman sila.” sagot ni Gabby. “Out of context ka! Hindi mo sinagot tanong ko.” sabi ni Harold. “Hindi ko sasabihin pangalan ko pag hindi mo ako nabigyan ng three valid reasons.” saad pa ng binata. “Nick! Sa pinakamalapit na presinto.” utos ni Gabby kay Nick. “Joel, tawagan mo si Atty. Castro.” baling pa nito kay Joel. “Okay! I’m Christian!” sabi ni Harold. “Is that your real name?” tanong ni Gabby. “Oo naman!” pagsisinungaling ni Harold. “Then, bakit Harold iyong naririnig kong tawag sa’yo?” tanong ni Gabby. “Ah, eh…” hindi alam ni Harold kung papaanong sasagutin ang tanong ni Gabby. “Don’t fool me! What’s your real name?” tanong ni Gabby saka tiningnan sa mga mata si Harold. “Shit! Paano ako lulusot!” tanong ni Harold sa sarili. “Alam mo naman pala ang pangalan ko nagtatanong ka pa!” sabi ni Harold. “Just want to be sure, so, Harold nga ba?” tanong ni Gabby. “Sige, I’m Harold!” sagot ni Harold. “Nice meeting you Harold!” nakangiting sabi ni Gabby saka abot ng kamay kay Harold. “Pwede na ba akong bumaba?” tanong ni Harold kay Gabby. “Hay!” sabi ni Gabby saka inabot ang kamay ni Harold. “Ayan! Ganyan ang tamang pakikipagkilala.” sabi ni Gabby na hindi pinansin ang sinabi ni Harold. “Kay arte! Pwede na ba akong bumaba?” tanong ulit ni Harold. “Sige na pababain na si Harold.” utos ni Gabby kina Nick at Joel. “Yes Sir!” sabi ni Nick saka inihinto ang sasakyan at si Joel naman ay naunang bumaba para makababa si Harold. “Wait!” awat ni Gaby kay Harold. “Ano na naman!” asar na wika ni Harold. “I’ll take a picture.” sabi ni Gabby pagkaharap ni Harold saka kinuhanan ng picture ang binata. “Tsk!” napapalatak na lang si Harold saka bumaba sa kotse. “Sir! Parang kakaiba kayo ngayon ah.” komento ni Joel. “Sinabi ko bang pakialaman mo ako?” tanong ni Gabby. “Sorry Sir!” sagot ni Joel na labis na nagtataka. Samantalang – “Talaga nga namang pag-minamalas ka!” sabi ni Harold. “Nasaang lupalop ba ako ng daigdig?” tanong pa nito sa sarili saka kinapa ang cellphone niya. “Naman oh! Pagka nga naman tinamaan ka ng kamalasan!” usal ulit ni Harold. “Naiwan ko pa ata dun sa kotse ng mokong na iyon iyong cellphone ko!” sabi niya sa sarili. “Shitness all the way!” sabi pa ni Harold. Balikan ulit si Gabby – “Sir, todo ngiti ka po ata!” sabi ni Joel kay Gabby. “Tatahimik ka ba o tatanggalin kita sa trabaho!” asar na sabi ni Gabby kay Joel. “Sorry po Sir!” paumanhin ulit ni Joel. “C’mon hold my hand I wanna contact the living Not sure I understand This role I’ve been giving I sit and talked to God And he just laughs at my plans My heart speaks a language I don’t understand.” “Kaninong phone iyon?” tanong ni Gabby. “Hindi sa akin iyon Sir!” sabi ni Joel. “Baka po kay Nick.” sabi pa ni Joel. “Naku, hindi din sa kain iyon.” sabi naman ni Nick. “Di ba sir, kayo ang mahilig sa Robbie Williams song?” tanong ni Joel kay Gabby. “Hiningi ko ba ang opinyon mo?” tanong ni Gabby saka hinanap ang cellphone. “Sir, naiwan po ata ni Harold!” sabi ni Joel ng makita kung nasaan ang cellphone. “Ako na ang sasagot.” sabi ni Gabby. “Harold!” sabi ng nasa kabilang linya. “This is Gabby and not Harold.” mayabang na sagot ni Gabby sa cellphone. “Nasaan na si Harold?” asar na tanong ulit ng lalaking kausap ni Gabby. “I left him at Ayal Avenue.” sagot ni Gabby. “Bakit nasa iyo phone niya?” tanong pa ulit ng lalaki. “Sino ka ba?” tanong ni Gabby sa kausap na tila naiinis na. “Hindi ba nag-appear ang pangalan ko d’yan para hindi mo makilala?” sarkastikong tanong ng lalaki. “Sorry ah, pero I really don’t care sa kung sino ang kausap ko!” sagot ni Gabby. “Bakit nagtatanong ka pa?” tanong ulit ng lalaki. “You don’t care.” sabi pa ni Gabby. “Tangina! Pag may nangyaring masama kay Harold babalikan kita!” pagbabanta pa ng lalaki. “Well, malaki na iyon so malamang pauwi na iyon d’yan.” sagot naman ni Gabby. “Sana nga kung alam niya ang Ayala, pero I doubt kung makakauwi iyon.” sagot ulit ng lalaki saka binaba ang tawag. “Hayst!” napabuntong-hininga sa asar si Gabby. “Asar naman! Ang bastos ng lalaking iyon!” sabi pa niya saka tiningnan kung sino ang tumawag. “Kenneth pala ang pangalan niya.” sabi ulit niya. “Sir! Ayos lang kayo?” tanong ni Joel sa boss. “Sabi ko bang pakialaman mo ako?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Joel, please cancel my meeting and Nick, balikan mo si Harold! Hanapin mo pala!” utos na ni Gabby. Parehong nagtaka ang dalawa sa utos na nakuha kay Gabby. “Bilis!” sabi ulit ni Gabby nang makitang parehong tulala ang dalawa. Samantalang – “Sean, magsama ka ng isa para hanapin si Harold sa Ayala Ave at ako na sa may Buendia area.” sabi ni Kenneth sa mga kasamahan. “Iyong iba, ituloy lang ninyo mga ginagawa ninyo.” sabi pa nito. At si Harold – “Makita ko lang ang MRT Station masaya na ako.” sabi ni Harold na pagod na pagod at nanggigitata na ulit sa pawis. “Beeeeep!” natigilan si Harold sa narinig. “Harold!” habol ng lalaki kay Harold. “Sakay ka na, ihatid ka na namin pauwi.” sabi pa ng binata. “Ikaw!” nasabi ni Harold. “Please lang, trabaho ko nakasalalay sa’yo kaya sumama ka na ulit sa amin.” pakiusap ng lalaki. “Sige na nga, kung hindi lang ako naawa sa’yo kasi may demonyito kang boss hindi ako sasama.” sabi ni Harold saka payapang sumama kay Joel. “Here, eto iyong phone mo!” sabi ni Gabby pagkasakay ni Harold. “Salamat.” abot ni Harold. “You should pay me sa gagawin kong pabor. I cancelled my meeting with a very important client plus iyong gas na uubusin ko sa paghahatid sa’yo.” sabi ni Gabby. “Sabi ko na nga ba, lahat ng bagay may katapat ng pera sa mga kagaya mo.” sabi ni Harold. “Well, ikaw, sumakay ka kasi eh. So, responsibility mo nang bayaran ako sa utang mo.” sabi pa ni Gabby. “Bababa na ako!” sabi ni Harold saka sikad kay Gabby. “Awww” dagling reaksyon ni Gabby. “Do you really think na hahayaan kitang makababa? Laki na ng nalugi ko sa’yo. Kung tutuusin, para ka ng investment and this stupid na pagkaka-good Samaritan ko. I deserve more sa pagtulong ko sa’yo.” sabi pa ni Gabby na hawak ang binting sinikaran ni Harold. “Takte! Magkano ba at bayaran na kita?” may pagkayabang na sabi ni Harold. “The supposed to be meeting costs a deal of 20million pesos and iyong gas natin dahil traffic pagpalagay na nating 1thousands, I don’t really care about my gas expenses kaya hindi ko alam.” pagyayabang pa nito. “And do you think na mababayaran ko yan? Choice mo namang i-cancel ang meeting and the blame should not be put on me.” katwiran ni Harold. “Okay fine! Just give me 10thousand para sa total damage.” sabi pa ni Gabby. “10 thousand for that stupid gas and damage kuno?” sabi ni Harold. “Yeah! Kulang pa nga ang 10K para sa total damage.” sabi ni Gabby. “Pero kung wala ka namang pambayad, pwede ka ng maging staff ko. You will work for me.” sabi pa ni Gabby. “Wait lang!” medyo alangang sabi ni Harold saka kinuha ang wallet. “Pwede bang sa susunod na lang ang 4k?” tanong ni Harold. “6k na lang pala ang pera ko.” paliwanag pa ng binata. “Sige, akin na number mo para masigurado kong hindi mo ako tatakasan.” sabi pa ni Gabby. “Kakaiba ka din sa lahat ng businessman ano! Sa iba barya na lang ang 10k at hindi pinapansin pero ikaw kahit mamatay ata ako sisingilin mo pa ako.” sabi naman ni Harold. “Yeah!” sang-ayon ni Gabby. “Kakaiba talaga ako sa kanila ang I love being different.” sabi pa ng binata. “May naisip ako!” sabi ni Harold. “I will give you 10k without gaining anything from you. Parang napaka-stupid ko kung papayag ako sa ganitong deal.” sabi pa ng binata. “So?” nagtatakang sabi ni Gabby. “I should get something from you na worthy ang 10k ko dahil sa stupid damage na sinabi mo.” sabi ni Harold. “What is that?” tanong ni Gabby. “Simple! Ano ba ang dahilan at hinarang ko kayo? That’s my answer. You should listen to your workers then study their demands and that’s the deal.” sabi ni Harold. “You know what, kulang pa ang 10k sa gagawing pabor ko.” tutol Gabby. “At kulang ang 10k ko sa pagkakait mo sa kanilang mamuhay ng matino at maayos.” sagot ni Harold. “I should not be doing this, itong makipag-deal sa isang gaya mo lalo na sa ganitong matter. Pero dahil nga I need to pay you 10k for the reason I don’t know I should be getting something and this is one thing na alam kong mapapakinabangan ng mas madami.” sagot ni Harold. “Are you really sure na hindi sila nakakapamuhay ng matino at maayos?” tanong ni Gabby kay Harold. “How sure are you na maayos at matino silang nakakapamuhay?” balik na tanong ni Harold. “You will never understand their plea unless you experienced it and you will never know their hunger if you’re not in their place.” sabi ni Gabby. “Just to end this, sige payag na ako.” sabi ni Gabby. “Let me have your number first.” sabi pa ni Gabby. “Is this for real na ba?” paninigurado ni Harold. “Yeah! Kaya ibigay mo na sa akin ang number mo.” sabi pa ni Gabby saka kinuha kay Harold ang cellphone nito. “Please, sa ating dalawa na lang itong usapan na’to. For sure mapapagalitan ako pag nalaman nila ito. This is a challenge to our principles, nagkataon na lang na I haveno choice but to do this.” sabi pa ni Harold. “Joel, pakitawagan ang Presidente ng union na they will be having a meeting with me tomorrow.” utos ni Gabby kay Joel at agad naman itong sinunod. “Wait! Ihinto mo!” sabi ni Harold kay Gabby. “But why?” nagtatakang tanong ni Gabby. “Sina Sean ata iyon.” sagot ni Harold. “Nick, pakihinto na lang sa tapat nung tinuturo ni Harold.” utos ni Gabby. “Sean!” sabi ni Harold pagkababa ng window. “Harold!” masayang tugon ni Sean. “Sino iyang kasama mo?” tanong ni Sean sa binata sabay nguso kay Gabby na nasa kabilang dulo. “Mamaya ko na sabihin pagkababa ko.” sagot ni Harold saka nagpasintabi kay Joel na pagbuksan siya. “No!” tutol ni Gabby. “Hindi ka bababa at kami naghahatid sa’yo.” sabi ni Gabby. “Nick, paandarin mo na.” utos pa niya sa driver. “What the!” nasabi ni Harold. “Hayaan mo na akong bumaba!” sabi pa ni Harold. “Pag ba bumaba ka akal mo nababawasan ang utang mo?” tanong ni Gabby. “Hindi pero ayaw mo nun mawawala na ang maingay mong kasama.” sabi pa ni Harold. “Remember, ang usapan natin ihahatid kita hanggang sa inyo. Pag bumaba ka ngayon, sinira mo ang usapan and it means, pwede ko nang hindi ituloy ang meeting bukas.” pananakot pa ni Gabby. “Talaga nga namang napakamalas na araw ang mayroon ako!” sabi ni Harold saka nagkibit-balikat na lang para matapos ang usapan. Sa dorm inihatid ni Gabby si Harold. Dala ng traffic at rush hour, ay inabot din ng dalawang oras ang byahe ng mga ito. “Hindi mo ba ako patutuluyin muna?” tanong ni Gabby kay Harold. “Sorry! Bawal pumasok ang mga bwisit sa buhay ko dito.” sabi ni Harold saka pinagsarhan ng pinto si Gabby. “Hoy! Iyong usapan natin!” pasigaw na sabi pa ni Gabby. “Oo!” sumilip sa bintanang sagot ni Harold na nataon namang nakaakyat na sa second floor ng dorm niya. Ilang sandali pa at natahimik na ang buong paligid. “Hay nadali ang anim na libo ko dun ah!” sabi ni Harold saka kinuha ang ATM para mag-withdraw sa panggastos niya. Pagkatapos mag-withdraw ay diretso siya sa opisina ng organisasyong kinabibilangan. Duon ay inabutan niya sila Kenneth, Sean at iba pang mga kasama. “Sino bang may sabing harangin mo iyong kotse?” tanong ni Kenneth kay Harold. “Sorry!” paumanhin ni Harold na hindi alam kung papaanong haharapin ang kahihiyan at pag-aalalang naidulot. “Sa tingin mo ba iyang sorry nay an maririnig pa namin kung may nangyaring masama sa’yo? Paano na lang kung haling ang kaluluwa nun at sinagasaan ka? O kaya naman ay hindi ka na ibinalik dito o pinakulong?” tanong ni Kenneth. “Paumanhin mga kasama! Hindi ko na uulitin sa susunod.” sabi ni Harold. “Sige! Bilang ka-buddy mo at senior mo ako na ang magmomonitor at mag-oobserve sa disciplinary measure sa’yo.” sabi naman ni Sean. “Kasama ka Sean sa under ng disciplinary measures. Ikaw ang ka-buddy kaya may responsibility ka din sa pagkawala niya.” sabi ni Kenneth. “Ako na ang magmomonitor sa inyo.” sabi pa nito saka lumabas ng opisina. “Sorry Sean!” paumanhin ni Harold kay Sean. “Ayos lang yun tol!” sabi ni Sean saka akbay sa binata. “Guilty tuloy ako kasi pati ikaw nadamay.” sabi pa ulit ni Harold. “Hindi din yan! Basta sa susunod, pakatino ka na.” sabi pa ni Sean. “Sa susunod talaga!” pangako ni Harold. “Naiintindihan naman kita eh! Four years ka na din kasi sa samahan pero first time mong sumama ng mob sa labas.” pagpapa-alis ni Sean ng guilt kay Harold. “Basta, next time, huwag kang lalayo sa akin ah.” sabi pa ulit ng binata. “Alam mo naman kung gaano ka ka-espesyal sa akin!” habol pa nito saka nginitian si Harold. “Oo, alam ko!” sagot ni Harold. “Alam kong ako ang kapatid mo dito, sabay tayong nagsimula sa samahan, madami na tayong pinagsamahan, at ako ang tinuturing mo na bunso kahit magka-edad lang tayo.” litanya pa ni Harold na ginantihan ng ngiti si Sean. “Very good!” sabi ni Sean saka inakbayan ang kaibigan at hinatid na pauwi ng dorm nito. Samantalang si Gabby – Malalim na pag-iisip ni Gabby habang nasa veranda ng kanyang bahay at umiinom ng red wine. Sa isa niyang kamay ay hawak ang cellphone at nakatitig sa larawan ni Harold - “My little star that started shining out, Why did you open up my heart, For a stranger that’s not in my set, And he shines brighter than my cut.” sabi ng binata sa sarili. “Hay!” napabuntong-hiningang sambit ni Gabby. “Kainis!” sabi pa niya habang nakatitig pa din sa larawan ni Harold. “I know I’m not serious, And I can’t but to believe, That you and I were meant, To share this love til end.” bulong ulit ni Gabby sa sarili. “Alam mo naiinis na ako sa’yo!” sabi pa ulit ni Gabby saka dinuro ang picture ni Harold. “Bakit ba ginanito mo ako?” tanong pa ng binata sa waring nagsasalitang picture. “Yeah, I’m dual with my sexuality pero bakit sa tulad mo pa?” inis na tanong pa rin ni Gabby. Agad na di-nial ni Gabby ang cellphone at – “Harold!” sigang simula ni Gabby. “Naman! Dis oras ng gabi nang-aabala ka!” sagot ni Harold. “Magkita tayo bukas bago ako mag-meeting.” sabi pa ng binata. “Pero…” kontra sana ni Harold. “Pag hindi ka pumunta, walang meeting! 1pm, hintayin mo ako sa gate!” sabi pa ni Gabby saka pinindot ang end call. “Gagong Gabby!” sabi ni Harold saka muling ipinahinga ang pagod na pagod niyang katawan. “Harold! Harold! Harold! The man with golden wings, That I want to fly with, And soar outside the universe.” sabi pa ni Gabby pagkababa ng tawag.


[02]
“Alis muna ako guys!” paalam ni Harold pagkatapos kumain ng tanghalian.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Kenneth.
“Basta, d’yan lang sa malapit.” sagot ni Harold.
“Saan eksakto?” pamimilit ni Kenneth.
“D’yan nga lang.” pacute pa ding sagot ni Harold.
“Maraming d’yan lang.” kontra ni Kenneth.
“Okay, lalakad ako papuntang kanto, tapos sasakay ako ng jeep tapos baba ako, saka sakay ng bus tapos baba na ulit.” sagot ni Harold.
“Umayos ka nga Rold!” singit ni Sean. “Tinatanong ka ni Kenneth ng maayos.” inis na sabi pa ng binata.
“Sa Divisoria lang!” pagsisinungaling ni Harold. “May bibilin lang ako para sa Humanities class ko.” sabi pa ng binata.
“Eh bakit sasakay ka pa ng bus?” tanong ni Kenneth na hindi naniniwala sa sinagot ni Harold.
“Siyempre joke lang un!” sagot ni Harold.
“Basta bumalik ka lang kaagad para sa meeting natin.” sabi ni Sean.
“Salamat buddy!” nakangiting pasasalamat ni Harold saka kinuha ang gamit.
“Nasan muna patak mo?” awat ni Sean sa nagmamadaling si Harold. “Patak patak muna tayo bago ka umalis! Tatakas ka na naman!” sabi pa nito.
“Sandali lang.” sabi ni Harold saka kumuha sa bulsa ng pera at inabot kay Sean.
Sa gate ng FabConCom –
“Sir, pwede po ba kay Mr. Gabby?” magalang na pakiusap ni Harold sa guard.
“Di ba isa ka sa rallihista kahapon?” tanong ng guard kay Harold. “Anung kailangan mo kay Sir Fabregas?” tanong pa nito.
“Pinapapunta po kasi niya ako ngayon.” sagot ni Harold.
“Ay wala siya! Umalis! Hindi mo pwedeng abalahin!” sagot ng guard.
“Manong naman! Sinabi niya sa akin 1pm, sa gate.” sagot ni Harold.
“Huwag mo nga akong pinagloloko! Manggugulo ka lang ulit!” inis na sabi ng guard.
“Kung ayaw mo nga ako na lang ang tatawag kay Gabby!” nainis na ding sagot ni Harold. Mataas ang sikat ng araw at labag sa kalooban ng binata ang pagpunta kay Gabby at heto’s ibibilad siya sa labas habang tirik na tirik ang araw at pagsusungitan ng hindi kagwapuhang guard. Kinuha ang cellphone at saka akmang nagdi-dial.
“Sige! Asa ka namang kausapin ka ni Sir Fabregas! Lokohin mo na ibang tao, huwag lang ako!” mayabang pang sabi ng guard saka pagsasara na sana ng gate. “Tumawag ka hanggang gusto mo!” sabi pa nito.
“It’s none of your business!” sabi ng isang tinig mula sa likod ng guard bago maisara ang gate. “Harold! You don’t need to call me!” sabi pa nito.
“Good afternoon Sir!” natigilang wika ng guard.
“Who told you na bastusin mo ang bisita ko?” sarkastikong sumbat ni Gabby sa guard.
“Sorry Sir! Akala ko po kasi manggugulo lang!” sagot ng guard.
“Joel!” tawag naman niya sa sekretarya. “Call the agency that we need a new guard!” utos pa nito.
“Sorry po Sir!” paumanhin pa ulit ng guard. “Hindi na po mauulit!” pagmamakaawa pa nito.
“Come in Harold!” aya pa ni Gabby na hindi pinansin ang guard.
“Sir Joel!” medyo alangang tawag ni Harold kay Joel.
“Yes Sir Harold!” sagot ni Joel.
“Tell the agency that they trained this guard excellently and you don’t need a new guard!” kontra ni Harold sa utos Gabby kay Joel.
“Kinokontra mo pa ako ngayon!” asar na sabi ni Gabby saka hinatak papasok si Harold.
“I can’t see any reasons to fire him.” paliwanag ni Harold. “In fact, ginawa lang niya ang trabaho niya.” sagot pa nito.
“But, binastos ka niya.” sagot naman ni Gabby.
“And I deserve it!” sagot ni Harold. “Tama nga naman, kahapon nanggugulo ako, then kaaway mo ako, so, how do you think na magtitiwala sa kin si manong? Ano iyon? Kaaway mo kahapon, friends friends na ngayon? So unusual!” litanya pa ng binata.
“Okay! Fine!” sabi ni Gabby. “Joel, do what he said!” sabi pa ng binata kay Joel.
Napangiti na lang sina Harold, Joel at ang guard sa sinabing iyon ni Gabby.
“Pumasok ka na!” asar na sabi ni Gabby. “Hayst!” napabuntong-hiningang tugon pa ng binata.
“Galing mo! First time na sumuko si Sir Gabby!” bulong ni Joel kay Harold.
Sa loob ng opisina ni Gabby –
“Okay Joel, sa labas ka na muna.” sabi ni Gabby.
“Anung meron at pinapunta mo ako dito?” tanong ni Harold.
“Wala lang!” sagot ni Gabby.
“Pwede ba iyong wala lang?” tanong ni Harold.
“Gusto lang kita makita.” sagot ni Gabby. “So, kailan mo ibibigay iyong 4thousand?” tanong pa nito.
“Talagang wala kang palalampasin!” sabi ni Harold. “Wala pa akong pambayad ngayon sa’yo.” sagot pa ng binata.
“So, ibig sabihin, hindi ko muna itutuloy iyong meeting namin. Kasi wala ka pang pambayad.” sabi ni Gabby.
“Naman!” sabi ni Harold. “Wala sa usapan natin iyang ganyan.” sagot pa nito.
“Pero wala din sa usapan nating magpapameeting ako hangga’t kulang pa ang bayad mo.” sabi pa ni Gabby.
“Ang sinabi mo magpapameeting ka na ngayong araw and you did not mention na hindi mo itutuloy pag kulang pa ang bayad ko.” sabi ni Harold.
“Well, I’m just doing you a favor kaya ko magpapameeting ngayon. So, kung wala kang pambayad, wala ding meeting.” nakangising sabi pa ni Gabby.
Nalukot bigla ang mukha ni Harold. Nawala lahat sa isip niya ang mga dahilan at pangangatwiran.
“But, pwede ko namang ituloy ang meeting kung pipilitin mo ako.” nakangiting nakakaloloko si Gabby.
“Talaga?” umaliwalas ang mukha ni Harold sa sinabing iyon ni Gabby.
“Yeah!” sagot ni Gabby. “Hindi naman ginagawa ng mga businessman ang ganito eh. So may malaking kapalit ang pabor na ibibigay ko sa’yo.” sabi pa ni Gabby.
“Sabi ko na nga ba eh! Hindi ka papayag na walang kapalit. Tulad ka din ng iba na profit-oriented.” sabi ni Harold.
“Ikaw, bahala ka! Mag-rarally kayo pero hindi ko naman papakinggan iyong sinisigaw ninyo sa labas and worst tanggalin ko sa trabaho lahat ng sumama sa inyo or andito na! Abot kamay mo na. Ikaw na ang susi para kausapin ko sila. Sa isang napakadaling bagay, hindi na kayo maiinitan, magsisisigaw and makukuha mo na iyong gusto ninyo.” pagbibigay ni Gabby kay Harold ng isang palaisipan.
Nanatiling tahimik si Harold sa sinabing iyon ni Gabby.
“So, ano na?” tanong ni Gabby. “Baka mainip ako at iyong unang option na ang gawin ko.” sabi pa nito.
“Wait! Nagpoprocess pa ang utak ko!” sagot ni Harold.
“Okay!” sagot ni Gabby. “At the count of three! One…” simula ni Gabby sa bilang.
“Two…” sa kasunod.
“Okay! May desisyon na ako.” sagot ni Harold. “I know how illogical your arguments are pero sige, I’ll take the risk.” sabi ni Harold.
“Excellent decision.” nakangiting tugon ni Gabby.
“You know what! This is against our principles at for sure, isusumpa ako ng mga kasama ko pag nalaman nila ito. But for the sake of the many, I’m willing to sacrifice myself!” sabi ni Harold na walang kasiguraduhan sa tumatakbo sa isip ni Gabby.
“Meet me at 7pm sa lugar na’to.” sabi ni Gabby saka abot kay Harold ng isang card na may address.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Harold.
“Don’t ask any questions. Alam mo na ang nakasalalay sa’yo.” sagot pa ni Gabby. “You can go na!” utos pa nito.
“Pero…” tutol sana ni Harold.
“Sige na! Baka hindi mag-fit sa sched ko ang meeting kung hindi ka pa aalis. Basta pumunta ka d’yan mamaya.” sabi pa ni Gabby. “Saka nakita na kita kaya pwede ka ng umalis. Nakakasawa na kasing tingnan iyong picture mo sa cellphone ko eh.” sabi pa nito.
“Hay!” sabi ni Harold saka lumabas.
Sa eskwelahan nila Harold –
“Buddy!” sabi ni Harold kay Sean.
“Bakit?” tanong ni Sean.
“May pupuntahan kasi ako ngayon, emergency at very urgent lang.” sabi ni Harold. “Hindi ako makakapunta sa meeting natin.” sabi pa nito.
“Eh di magpaalam ka.” suhestiyon ni Sean.
“Alam mo namang kakalakalin pa ni Kenneth kung saan ako pupunta. Alam mo naman ding ayaw ko ng pagpapaliwanag ng detalyado at kay haba-haba.” sabi pa ni Harold.
“So, anung balak mo?” tanong ni Sean na tila naiintindihan si Harold.
“Pasabi na lang na masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpahinga para bukas sa mob. Tapos bahala ka ng mag-adlib.” sabi ni Harold.
“Mahirap yan!” sagot ni Sean.
“Please! Sige na buddy!” sagot ni Harold.
“Tsk!” napapalatak si Sean. “Sige na nga!” sang-ayon ni Sean.
“Salamat!” sabi ni Harold saka tapik sa balikat ni Sean.
“Malakas ka sa akin eh.” sagot ni Sean.
Isang ngiti lang ang pinakawalan ni Harold para kay Sean.
Kinagabihan –
“Nasaan si Harold?” tanong ni Kenneth kay Sean.
“Ah, nasa dorm, nagpapahinga.” sagot ni Sean.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Kenneth na lagi bang nagdududa.
“Kasi napagod ata kahapon tapos lumakad pa ngayon, ayun, medyo masama ang pakiramdam. Sabi niya kailangan niya ng lakas para may laban siya bukas.” sabi pa ni Sean.
“Okay, sige!” sabi ni Kenneth. “After ng meeting pupunta tayo kay Harold para kamustahin.” sabi ni Kenneth.
“Ay hindi, ayaw niya. Huwag nyo na raw siyang intindinhin.” tutol ni Sean na nahihirapang pagtakpan si Harold kay Kenneth. “Alam nyo na, mas kailangan niyang magpahinga.” sabi pa ni Sean.
“Umamin ka nga Sean, may tinatago ka bas a amin?” tanong ni Kenneth na pansin ang pagkabalisa kay Sean.
“Wala!” tanggi ni Sean. “Ano naman ang itatago ko.” sagot pa ng binata.
“Hindi ka magaling magsinungaling Sean kaya alam kong may hindi ka sinasabi sa amin.” sabi pa ni Kenneth.
“Naku! Mainit lang kaya ako pinapawisan.” sabi pa ni Sean saka pinunasan ang pawis sa noo.
“Aircon may pawis!” mahinang usal ni Kenneth. “Pag Sean nalaman kong may tinatago kayo ni Harold, lagot kayo sa akin.” sabi pa nito.
“Wala nga!” kontra ni Sean saka nakahinga ng malalim.
Si Harold –
“Nasaan ka na?” text ni Gabby kay Harold.
“Ewan ko sa’yo!” sabi ni Harold. “Kay aga pa naman.”
Ilang minuto pa lang at tumatawag na si Gabby kay Harold.
“Harold!” sabi ni Gabby.
“Bakit?” tanong ni Harold.
“Nasaan ka na ba?” tanong ni Gabby.
“Nasa dorm.” sagot ni Harold.
“Bakit andyan ka pa?” tanong ni Gabby.
“Maaga pa kaya.” sagot ni Harold. “For your information, 7PM ang usapan at 6pm pa lang.” sagot ni Harold.
“Basta! Pumunta ka na dito. May nakareserve for us.” sabi pa ni Gabby saka pinindot ang end call.
“Anung topak ba ang mayroong ang lokong iyon.” sabi ni Harold sa sarili saka umalis papunta sa sinabing lugar sa kanya ni Gabby.
Kaninang nagpunta siya sa opisina ni Gabby ay nakasuot siya ng school uniform, ngayon naman ay typical na jeans lang ang suot ni Harold, loose t-shirt na ordinary ang print, sandals, saka ang kanyang bag. Agaw atensyon si Harold pagpasok niya sa binigay na address sa kanya ni Gabby.
“Bistro pala to!” sabi ni Harold saka napayukong kakaiba at agaw pansin ang suot niya.
“Miss, reservation with Gabby Fabregas.” tanong ni Harold sa isang waitress.
“Here Sir!” sabi ng babae saka inihatid si Harold sa table ni Gabby.
Nakasuot si Gabby ng fitted na polo, dark colored jeans at black shoes na tinernuhan pa ng shades.
Unang nilapag ni Harold ang bag niya saka siya umupo sa katapat ni Gabby.
Biglang nalamukos ang kaninang nakangiting mukha ni Gabby sa nakitang bikas ng binata.
“Anung ayos yan?” tanong ni Gabby.
“Bakit? Anung mali sa suot ko?” tanong ni Harold.
Walang anu-ano ay hinatak ni Gabby sa balikat si Harold. Hinila niya ito palabas at sinakay sa kanyang kotse. Walang driver ang binata at walang Joel na kasama.
“Saan mo ba ako dadalin?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Wala ka bang matinong damit at ganyan ang suot mo?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Anung problema sa suot ko?” tanong ni Harold.
“So, nagpapanggap ka ngayong inosente?” tanong ni Gabby.
“Kay liit na bagay lang ang pinagpuputok ng butse mo.” asar na ding tugon ni Harold.
“Big deal na iyon Harold!” sabi ni Gabby. “Just imagine, a company president, makikipagdate sa isang gusgusin?” sabi pa nito.
“Date?” tanong ni Harold.
“Yeah! Manhid ka ba?” tanong ni Gabby. “Can’t you see, I’m attracted to you.” sabi pa ng binata.
“Tell me! Is this some sort of your joke?” tanong ni Harold.
“Do you think that I’m kidding?” balik na tanong ni Gabby saka hininto ang kotse. “Look Harold! Come to think of it! Bakit ako mag-iinvest sa’yo nang sobra kung alam ko namang malaki na ang lugi ko?” sabi ni Gabby na diretso ang mga mata niya kay Harold. “I’m attracted pero hindi ko sinabing, that I love you.” sabi pa nito.
“Come on!” hindi makapaniwalang sabi ni Harold.
Sa isang iglap pa ay inangkin ni Gabby ang mga labi ni Harold. Isang mainit na halik at mapusok na desisyon ang isinakatuparan ng binata. Naiwang tulala si Harold pagka-alis ng mga labi ni Gabby.
“Do you think my kiss will lie?” tanong ni Gabby saka muling pinaandar ang sasakyan.
Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa mata ni Harold. Hindi niya alam kung ano ang dahilan niyon, ngunit sigurado siyang malaki ang naging epekto sa kanya ng halik ni Gabby.
“Hindi ko alam Harold, pero mula pa kahapon, hindi mabakante ang utak ko. Lagi ka na lang sumusunod! Lagi ka na lang sumisingit! Naiinis na nga ako kasi lagi ka na lang pumapapel.” sabi pa ni Gabby.
Maya-maya pa ipinark na ni Gabby ang kotse sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Bumaba si Gabby saka ngayon ay hinahatak si Harold pababa.
“Bumaba ka d’yan.” pilit ni Gabby kay Harold.
“Aray! Sandali lang!” sabi naman ni Harold.
Sumakay ang dalawa sa elevator saka dinala si Harold sa isang boutique.
“Good evening Sir Gabby!” bati ng mga saleslady kay Gabby.
Walang sagot na galing kay Gabby at kita pa din sa mukha ng binata at pagka-asar kay Harold. Hatak ng isang kamay niya si Harold samantalang ang isa naman ay kumukuha ng mga damit at lahat ng magustuhan ay isinasakbit kay Harold.
“Ano bang drama ang alam mo Gabby!” anas ni Harold.
“Please shut up!” sabi ni Gabby. “Ipinahiya mo na nga ako kanina, so this time manahimik ka na lang.” sabi pa nito.
“Just to inform you, hindi kita ipinahiya kanina!” kontra ni Harold habang nakatayo lang malapit kay Gabby at hawak-hawak ang mga damit na pinapasa sa kanya ng binata.
“So, kung hindi mo kayang magsuot ng maayos na damit, pwes akong magbibihis sa’yo!” sabi ni Gabby saka patuloy pa ding hinahagisan ng damit si Harold.
“You’re making yourself a fool!” sabi pa ni Harold saka nasa aktong papalabas na.
“Dito ka lang!” naging maagap ang kilos ni Gabby para pigilan si Harold.
“Sir!” nag-aalalang awat ng saleslady sa kanila.
“Here’s my card! Kukunin ko lahat yan.” sabi pa nito saka abot sa card niya.
Pagkalabas ng mall –
“Ihatid mo na ako sa dorm!” utos ni Harold kay Gabby.
“Bakit hindi ka umuwi mag-isa?” tanong ni Gabby dito.
“Kung alam ko kung papaanong umuwi mag-isa sana kanina ko pa ginawa!” sabi ni Harold. “Mahirap maligaw, gabing-gabi pa naman.” asar na dugtong pa nito.
“Lalo kang nagiging cute pag galit ka!” nakangising sabi ni Gabby.
“Pwede lang Gabby, lubayan mo muna ako!” sagot pa ng binata.
“Ayan oh, nagsasalubong na naman ang mga kilay mo.” sabi pa ni Gabby.
Inilingon na lang ni Harold ang paningin sa labas ng kotse at minasdan ang daanan.
“Dito na lang ako!” sabi ni Harold kay Gabby.
“Ihahatid na kita sa dorm mo.” tutol pa ni Gabby.
“Dadaan pa ako sa loob! Hahabol pa ako sa meeting namin.” pagtutol ni Harold.
“Saan meeting na naman yan?” tanong ni Gabby. “Ganitong oras ng gabi?” tanong pa nito.
“May mob kasi bukas, kailangan kong makibalita sa napag-usapan.” tugon ni Harold.
“Mob? Ano un?” tanong ni Gabby.
“Mob, hindi mo alam?” nagtatakang tanong ni Harold. “Rally.” sagot pa nito.
“So, desidido ka talagang sirain ang buhay mo dahil sa pagsama-sama mo sa rally na iyan?” sarkastikong tanong ni Gabby.
“Hindi ko sinisira ang buhay ko!” sagot ni Harold. “Anyways, papaano mo ako maiintindihan eh wala ka naman sa kalagayan ko.” balik na tugon pa nito.
“Sinisira mo, I mean, hindi ka papasok bukas para lang makasali sa rally na iyan.” concern na tugon ni Gabby.
“For your information, wala akong pasok bukas and moderate ang pagsali ko sa rally. May qualifications akong ginawa bago ako sumama sa rally. Una, dapat isang matinding issue na nakakaapekto sa nakararami, pangalawa, free ang academic schedule ko or wala namang gagawin sa school kundi lecture, pangatlo, kung worthy naman ang ipinaglalaban.” sagot ni Harold.
“Kahit na!” tutol ni Gabby. “Sobra naman kasi iyang ginagawa ninyo. Nagkalat kayo sa kalsada, mabigat na traffic and pollution.” paliwanag pa nito.
“You know what, asa pa akong maiintindihan mo ako. Isa ka din sa napakaraming self-centered na taong nagkalat sa paligid. I think ikaw iyong walang puso para sa iba. Buti na lang iyong iba na ang concern eh umaabot pa sa puso kaso wala pa ding aksyon.” sabi pa ni Harold.
“Sige na! Ibaba mo na ang isang tulad ko na kalat sa kalsada at gumagawa ng pollution.” sabi ni Harold.
“No!” tutol ni Gabby. “Ihahatid kita hanggang dorm mo.” sabi pa nito saka lalong binilisan ang pagmamaneho.
Sa dorm ni Harold –
“Sige! Sana second to the last na nating pagkikita ito.” paalam ni Harold kay Gabby.
“Bakit second to the last?” tanong ni Gabby.
“Kasi, the next time na makikipagkita ako sa’yo, I’ll make sure makakabayad na ako para wala ng dahilan pang magkita tayo.” nakakalokong tugon ni Harold na may mga ngiting makahulugan.
“Then, prepare your 4thousand tomorrow!” sabi pa ni Gabby saka pinaandar ang kotse.
Sa kalagitnaan ng gabi sa bahay ni Gabby –
“Another day had passed by
Another memory to retain
Another you so insane
Another me to attain” bulong ng puso ni Gabby habang nasa veranda at nakititig sa mga bituin.
“Bwisit na Harold! Ang kulit! Sabing huwag na akong guluhin!” naiinis na saad ng binata saka kinuha ang cellphone at muling tiningnan ang picture ni Harold.
“Alam mo, napakakulit mo! Sabing patahimikin mo muna ako kahit ilang seconds lang. Please, kahit 10 seconds lang umalis ka muna sa isip ko.” naasar na pakiusap ni Gabby sa animo’y totoong-totoong Harold sa cellphone niya. Pagkasabi’y muling ibinulsa ang cellphone niya at pumikit.
“Bwisit!” sabi ulit ni Gabby saka muling kinuha ang cellphone at tiningnan ang picture ni Harold. “Sabi ko umalis ka muna sa utak ko kahit 10 seconds lang. Please, kahit 5seconds na lang pala.” pagmamakaawa pa ng binata.
“You’re the one that can’t be moved
And the one that cannot be removed
You’re the shiniest person ever told
From the narrowest door of cold. muling pagbulong ng puso ni Gabby.
“Harold!” bulong ni Gabby saka ipinikit ang mga mata.
Samantalang si Harold –
“Oh buddy! Ilang beses ka na bang nabibilaukan?” nag-aalalang tanong ni Sean kay Harold.
“Ewan ko.” sagot ni Harold. “Buti na lang talaga buddy dumating ka at may dala kang pagkain.” pasasalamat pa ni Harold sa kaibigan.
“Hinay-hinay lang sa pagkain buddy!” sabi pa ni Sean. “Sino ba kasi iyong nakakaalala sa’yo?” tanong pa ng binata. “Halos patayin ka na sa sobrang pag-alala sa’yo ah.” nakangising dugtong pa nito.
“Hay! Basta, gutom na gutom ako.” sabi ulit ni Harold. “Ano na iyong napag-usapan ninyo?” tanong pa niya dito.
“Tuloy na ang martsa bukas para sa mga magsasaka.” sabi ni Sean. “Ayaw ka nga nilang pasamahin na kasi masama nga di ba pakiramdam mo.” sabi pa ng binata.
“Buti na lang naniwala sila.” napabuntong-hiningang tugon ni Harold.
“Ayaw ngang maniwala ni Kenneth eh. Feeling ko hindi kumbinsido.” sabi pa ni Sean.
“Yaan mo na! Basta salamat talaga.” tugon ni Harold.
“Saan ka ba kasi galing?” tanong ulit ni Sean.
“May inasikaso lang ako.” sagot ni Harold.
“Ganun ba!” sabi ni Sean. Kabaliktara ni Sean si Kenneth. Kung si Kenneth ay angb tipong matanong at detalyado, si Sean naman ay sapat at kuntento na sa maiikling sagot at paliwanagan. Si Kenneth ay ang tipong hangga’t hindi kumbinsido ay hidi ka titigilan, samantalang si Sean naman ay tahimik na lang kahit may duda.
Ilang sandali pa at –
“Sige Rold! Alis na ako.” paalam ni Sean sa kaibigan.
“Ui, sige, salamat ulit sa pagkain.” pasasalamat ni Harold kay Sean.
Isang matamis na ngiti lang ang isinukli ni Sean dito.
Sa pagkakahiga ni Harold ay muli niyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Gabby.
“Seryoso kaya si Gabby sa sinabi niya kanina? Hindi naman halataing bakla siya, but why did he said that? Hay, I’m sure I’m not gay, pero bakit ba iniisip kong seryoso si Gabby? I’m sure I’m not gay pero bakit feeling ko affected ako sa sinabi niya? Am I sure na hindi nga talaga ako bakla? Baka naman denial lang ako? Anyways, hindi naman big deal sa akin ang sexuality ko, pero bakit ba dinedeny ko pa ang possibility if ever? Sobrang intellectual masturbation na’to, bakit ba naging interesado ako sa topak na yun?” laman ng isip ni Harold.
“Hay!” isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata.
“Pero may future nga kaya talaga kami? I’m not sure, pero sa tingin ko walang tumpak na tatahakin kung magiging kami nga. Posible nga bang maging kami talaga? Parang mahirap paniwalaan na may hahantungan kami.” laman ulit ng isip ni Harold.
“Hay!” yamot na sinabi ng binata saka ginulo ang buhok. “Kainis na!” sabi pa nito.
“Ano ba? Iyong ibang lalaki mag-iinarte pa, kokontrahin pa ang sariling hindi siya bakla, na straight s’ya, na lalaking-lalaki at barako siya kahit obvious na namang baliko na ang sexduality niya, pero ako, bakit iyong future with Gabby na ang iniisip ko? Try ko kayang mag-inarte din muna.” laman ulit ng isip ni Harold saka napapangiti.
“Shit! Gabby! Ikaw na naman! I really don’t know bakit ba winawalanghiya mo ang gabi ko!” sabi pa ulit ng isip ni Harold.
“Inhale! Exhale!” sabi at gaw ni Harold. “Excited ka lang na masabihang may nagkaka-crush sa’yo kaya ka ganyan!” sabi ni Harold saka unulit ang inhale-exhale exercise.
Kinabukasan –
“Sean, usap muna tayo!” aya ni Kenneth kay Sean.
“Bakit Kenneth?” tanong ni Sean dito.
“Please, ingatan mo si Harold! Huwag mong hahayaang nakakalat lang iyong bata.” sabi pa ni Kenneth.
“Sige ba!” may matipid na ngiting sinabi ni Sean. “Saka hindi ko na aalisin ang tingin ko sa lokong iyon!”
“Good!” nakangiti at napanatag na sagot ni Kenneth. “Alam mo naman di ba kung gaano kahalaga si Harold para sa akin.” sabi pa nito.
“Oo naman!” sagot ni Sean. “Di ba nga’t ako pa ang kausap mo nung naguguluhan ka?” tugon pa nito.
“Salamat pare! Sa ngayon hanggang tingin at sulyap lang ako kay Harold, pero alam mo naman kung gaano ko iniingatan iyong sira-ulong iyon.” sabi pa ulit ni Kenneth.
“Bakit hindi ka mag-akyat ng programa sa mga kasama para ligawan mo na si Harold?” tanong ni Sean na may sandaling kirot sa puso.
“Alam mo namang madami pa akong sinasaalang-alang.” sagot ni Kenneth. “Una, ngayon ko pa lang natatanggap na silahis nga ako, pangalawa, hindi ako sigurado kung papaano ako tatanggapin ng mga kasama natin, kung ano magiging reaksyon nila pag nalaman nilang hindi pala ako straight, pangatlo, may mas malaking hanay ang kailangang pagtuunan natin ng pansin, madaming tao at inaapi sa lipunan ang kailangan nating imulat at tulungan.” makahulugang sagot ni Kenneth.
“Naiintindihan kita Kenneth!” tanging nasabi ni Sean. “Pero kung hindi ko nalamang gusto mo din si Harold, malamang nag-akyat na ako ng programa para ligawan s’ya.” dugtong pa ng isip ni Sean.
“Sige na! Abangan mo na ang ka-buddy mo.” sabi ni Kenneth kay Sean.
Sa Mendiola, sa rally –
“Bayan, bayan, bayan ko!” sigaw ng lider.
“Hindi pa tapos ang laban mo!” sagot naman ng mga kasama sa rally.
“Ngayon ay lumalaban!” sigaw ulit ng lider.
“Iskolar ng bayan!” sagot nang mga kasama sa rally.
“Para sa mga magsasaka!” sabi ulit ng lider.
“Kami ay lumalaban!” sagot ng mga kasama.
“Para handugan tayo ng isang awitin, narito si kasamang Harold mula sa hanay ng mga estudyante!” sabi ng tila emcee ng programa.
Nagulat man ay taas noo siyang umakyat ng entablado –
Simoy ng bukid at hamog sa linang
Luntiang paligid ang aking kinagisnan
Mahal na magulang at mga anak ko
Dito isinilang sa lupang ito
Sa init na labis at salat na ulan
Dinilig ko ng pawis ang lupang tigang
Binhi ay sumibol, nag-usbong, nag-uhay
Nagbunga at bumuhay ng maraming buhay
Ngunit dumating ang araw
Ang lupa'y naagaw at nasiil
Ng mga dayuha't banyagang
May mahiwagang dokumentong papel
Ang aking paniwala magmula pa noon
Iba sa panukala na nakasulat doon
Ang sinabi ng pari ay di raw totoo
Na Dios ang may-ari ng lupang ito
Sa aking bulong at sigaw
Tangis at hiyaw at walang nakinig
Ngunit sa kataastaasan
Ang katotohanan kailanman'y di lingid
Ang Dios ng pag-ibig at kapayapaan
Dios din na hukom, Dios ng katarungan
Babalik na ang hari, magsusulit kayo
Sa tunay na may-ari ng lupang ito
(Ang Lupang Ito, by Gary Granada)
“Ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka sa lupa!” sigaw ni Harold bago bumaba sa stage.
“Ayos buddy!” sabi ni Sean na unang sumalubong sa binata pagbaba nito ng stage.
“Hindi mo naman sinabing may special song number pala ako dito.” sabi ni Harold sa kaibigan.
“Nalimutan ko lang kasi kagabi.” sagot ni Sean.
“Ihanda na ang combo (front ng mga aktibista pag may pisikalan nang laban, kadalasan mga lalaki ang bumubuo nito na kapit-bisig na lumalaban)!” biglang sigaw ni Kenneth.
“Buddy, dun ka na sa likod!” sabi ni Sean. “Sasama ako sa combo!” sabi pa nito.
“Hindi buddy!” tutol ni Harold. “Buddy tayo di ba? Sasama ako sa combo!” determinadong sagot ni Harold.
“Bago ka pa lang, hindi ka pa sanay sa sakit ng katawan.” sagot ni Sean.
“Walang baguhan kung may ipinaglalaban ka! Sa oras na’to, kailangan ng matibay na bisig para harangin ang sumasalag sa ating ipinaglalaban!” buong sinseridad na sinabi ni Harold.
Ngiti lang ang tinugon ni Sean sa sinabing iyon ni Harold.
Unang nagpakawala ng tubig mula sa bumbero ang dispersal unit, ngunit tila pader na hindi kayang tibagin ang lakas ng combo at patuloy nitong pinorotektahan ang pinaglalaban. Si Harold, kahit na nahihirapan ay buong lakas niyang sinasalag ang lamig ng tubig at pressure na humahampas sa kanyang katawan. Pinatibay ng paninindigan ang kanyang loob para harapin ang tubig na dinidilig sa kanila. Kasunod nito ay nakalapit na sila sa hanay ng mga pulis at matinding paluan ang naganap sa pagitan nila. Tinamaan si Harold sa braso na naging sanhi para maalis ang pagkakapit ng braso niya kay Sean. Ang unang tama ay sa kaliwang braso, sunod ay sa kaliwang kamay, sunod ay sa binti na nagin sanhi para mapadapa ang binata. Naging maagap naman si Sean kaya’t ang sumunod na palo ay kanya nang sinalo.
“Sean!” nag-aalalang sabi ni Harold.
“Sanay ako!” nakangiting sagot ni Sean habang patuloy pa din siyang napapalo.
Ilang sandali pa at nahinto na ang dispersal unit at nalinis na ang Mendiola. Masakit man ang katawan ay pinilit itago ni Harold ang lahat ng sakit.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Kenneth kay Harold na labis ding nabugbog saka tiningnan ang braso ng binata.
“Oo naman!” tugon ni Harold.
“Sorry Kenneth!” paumanhin ni Sean kay Kenneth.
“Wala iyon!” nakangiting tugon ni Kenneth kay Sean.
“Tara na! Balik na tayo ng eskwelahan.” sabi pa ni Kenneth sa mga kasama.
Samantalang –
“Sir Gabby, ano po ba ang ginagawa natin dito?” tanong ni Joel kay Gabby. “Baka po malate tayo sa meeting ninyo.”
“Do I tell you na pakialaman mo ang desisyon ko?” tanong ni Gabby kay Joel.
“Sorry Sir!” sabi ni Joel.
“Had you hear that? Did the host said Harold?” tanong ni Gabby saka binaba ang salamin ng kotse at sinilip ang pinagdadausan ng rally.
Napangiti na lang si Joel at Nick na makita kung sino ang pakay ng boss nila sa lugar na iyon.
“Maganda naman pala ang boses, kaso sinasayang lang niya.” komento ni Gabby.
Ilang sandali pa at –
“Sir! Nagkakagulo po!” sabi ni Nick at agad namang napatingin si Gabby sa mga nagrarally.
“Awtz!” reaksyon ni Gabby sa nakitang pagbomba ng tubig. “Masakit iyon for sure!” sabi pa ng binata. “Pustahan, aatras na yang mga iyan!” sabi pa ni Gabby.
“Ay hindi Sir!” tutol ni Joel. “Pustahan tayo Sir, may paluan pa iyan!” sabi pa nito.
“Really? As in papaluin sila?” tanong pa ni Gabby saka napatingin kay Joel na halos hindi makapaniwala.
Napatango lang si Joel bilang tugon.
“Sir! Paluan na po ata!” sabi pa ulit ni Nick.
“Aray!” napapangiwing sabi ni Gabby nang makita niya ang sinasabing paluan.
Ilang sandali pa at –
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Kenneth kay Harold na labis ding nabugbog saka tiningnan ang braso ng binata.
“Oo naman!” tugon ni Harold na nakasandal sa kotse ni Gabby.
“Sir, si Harold po ata!” sabi ni Joel kay Gabby.
“Alam ko, hindi ako bulag.” sabi pa nito.
“Tawagin ko na po ba?” tanong ni Joel.
“Mamaya na lang, hayaan mo na muna silang mag-usap.” sabi pa nito.
Paalis na sina Harold nang –
“Harold!” tawag ni Gabby pagkababa ng salamin ng kotse.
“Ikaw?” nasabi ni Harold.
“Di ba Rold, siya iyong boss nang FabConCom?” tanong ni Sean.
“Anung kailangan mo kay Harold?” agad na salag ni Kenneth nang marinig kung sino ang lalaki.
“Hindi kayo ang kausap ko!” sabi ni Gabby. “Wala akong interes na kausapin kayo, except kay Harold.” saad pa nito.
“Tinamaan ng lintik!” sabi ni Kenneth. “Kay yabang!” sabi pa nito.
“Kenneth, sige na mauna na kayo! Kakausapin ko lang itong topak na’to!” sabi pa ni Harold saka lumakad papunta kay Gabby.
“Sinong topak?” angal ni Gabby.
“Ikaw, sino pa nga ba!” sagot ni Harold saka muling isinandal ang katawan sa kotse ni Gabby.
“Sinabing umuwi na kayo di ba?” sigaw ni Gabby nang makitang palapit din sina Kenneth at Sean.
“Ang angas!” mahinang usal ni Kenneth.
“Kenneth, Sean!” baling ni Harold sa dalawa. “Mauna na kayo! Susunod na lang ako.” sabi pa nito.
“Pero, iyong mga tama mo?” nag-aalalang tanong ni Sean.
“Don’t worry! I can handle it!” nakangiting sabi ni Harold dito.
“Pero…” sabi pa ni Sean.
“Hayaan mo na si Harold Sean!” sabi ni Kenneth. “Nakaya nga niyang saluhin iyong mga pukpok.” awat pa ulit ni Kenneth kay Sean. “Basta alam mo kung anung oras ka nasa school.” baling naman ni Kenneth kay Harold.
“Salamat Kenneth!” nakangiting pasasalamat ni Harold.
Pagkaalis ng mga kasamahan ay binalingan naman ni Harold si Gabby.
“Anung ginawa mo dito?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Napadaan lang.” sagot naman ni Gabby.
“So, pwede na akong umalis?” tanong ni Harold.
“Hmmm!” isang mahabang hmmm. “Hindi pa!” kasunod nito.
“So, ano na!” sabi pa ulit ni Harold na nasa ilalim nang matinding sikat ng araw.
“Gusto mong pumasok sa loob?” tanong ni Gabby. “Well, mali pala! Pumasok ka sa loob!” ulit na utos ni Gabby.
“Inuutusan mo ba ako?” tanong ni Harold.
“Oo!” sagot ni Gabby.
Bubuksan na ni Harold ang pintuan ng kotse ng biglang matumba ang binata.
“Harold?” nag-aalalang sabi ni Gabby saka nilabas si Harold.
“Pupunta tayo sa ospital!” sabi ni Gabby nang makitang may dugo ang umaagos mula sa balikat ni Harold.
Sa ospital makalipas ang ilang oras –
“Okay ka na ba?” tanong ni Gabby kay Harold hindi pa man nito naimumulat ang mga mata.
“Bakit ako nandito?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Tanga ka ba? Siyempre dinala kita dito.” sagot ni Gabby.
“Nagtatanong ako ng maayos!” inis na sabi ni Harold.
“Sinasagot kita ng maayos!” tugon ni Gabby.
“Ewan ko sa’yo!” sagot ni Harold saka dahan-dahang bumangon.
“Bakit ba kasi nagpabugbog sa walang kwentang bagay?” tanong ni Gabby.
“Nabugbog ako para sa mga kasamang magsasaka!” sagot ni Harold. “Palibahasa kasi wala kang awareness sa ibang tao.” sabi pa ng binata.
“At least hindi martir na kagaya mo!” sagot naman ni Gabby.
“Kung hindi dahil sa mga mgasasakang iyon, sana, wala kang kanin sa pinggan.” sabi naman ni Harold.
“Well, I’m not eating rice. I prefer potato instead.” sagot pa ni Gabby.
“Hay! I’m talking with an alien!” napabuntong-hiningang tugon ni Harold. “Okay! I’ll take it slow para sa isang slow poke na kagaya mo.” sabi pa nito.
“Sinong slow poke?” kontra ni Gabby.
“Tumahimik ka na lang pwede!” utos ni Harold kay Gabby.
“I mean, you are enjoying the vegetables, rice, fruits and other crops but are you aware of the story behind it? Kung paano itinanim? Kung paano inani? Kung papaanong hirap at sakripisyo ang inilaan para d’yan? Aware ka ba sa ganuon?” tanong ni Harold. “Yeah! Stupid philosopher like you will say, it is through natural process, from seedlings to crops or through any other cycles available in nature. Kasi, iyon lang ang paliwanag na kaya ninyong intindihin! But, in deeper sense, iyon ang wala kayo, iyon ang madalas ninyong ma-left behind, iyon ang madalas na hindi ninyo naiisip!” sabi ni Harold.
“Anyways, I don’t really care about that! Buhay nila iyon, so wala akong pakialam!” sabi ni Gabby.
“Topak ka talaga!” sabi pa ni Harold saka dahan-dahang tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Uuwi na!” sagot naman ni Harold.
“Wait! Magkalinawan muna tayo.” tanggi ni Gabby. “I spent 10 thousand pesos for your bill kaya dapat bayaran mo din iyon.” sabi pa ni Gabby.
“10 thousand?” gulat na sinabi ni Harold. “Para sa bendang ito, tapos konting gamot 10k na agad.” paliwanag pa ng binata.
“Yeah!” sagot ni Gabby. “Alam mo, first class itong kwarto mo, tapos isang kilalang surgeon pa ang tumingin sa’yo, high quality ang mga gamot na pinalagay ko sa’yo. “Honestly, kulang pa ang 10thousand.” sabi ulit nito saka pakita sa bill.
“Sino bang maysabing dalin mo ako dito?” tanong ni Harold.
“At sino bang maysabing matumba ka sa harap ko?” balik na tanong ni Gabby.
“Hay!” anas ni Harold.
“Ano? So, kailan mo mababayaran ang 14thousand?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Maghintay ka lang!” sagot ni Harold saka mabilis na lumakad.
“Ihahatid na kita. Madilim na sa daan.” suhestiyon naman ni Gabby.
Walang nagawa si Harold kung hindi ang pumayag na ihatid siya ni Gabby. Hindi naman siya ganuong ka-martir para tanggihan na ang tulong na kailang niya. Sa dorm ni Harold ilang oras matapos siyang ihatid ni Gabby –
“Are we looking on the same night star? Why do you keep on playing with me? Alam mo Gabby, isang suntok sa buwan na maging tayo. Daig pa natin ang papasok sa butas ng karayom nito!” laman ng isip ni Harold.
“Assuming ka masyado Harold!” sabi ni Harold saka tinuro ang sarili.
“Hindi tayo bagay Gabby! Bukod sa same sex tayo, ikaw mayaman ako isang dukhang taga-nayon. Madaming bagay tayong pinag-iba, iba ang prinsipyo ko sa pinaniniwalaan mo. Iba ang mundo ko sa mundo mo. Isang fairytale kung magiging tayo man and fairytales don’t exists kaya hindi tayo magkakatuluyan in the end.” sabi pa ni Harold sa sarili.
“Masaya na ako Gabby! Masaya na ako sa buhay kong ito kaya huwag mo nang ipagsiksikan ang mundo mo sa mundo ko.” sabi pa ulit ni Harold sa sarili.
Samantalang si Gabby –
“Twinkle twinkle little star
Harold shines brighter than you are
Up above the diamond sky
Harold’s no wonder the farthest high.” bulong ni Gabby sa sarili.
“Hay! Harold na naman!” sabi ni Gabby. “Lagi nalang Harold!” inis pa niya sa sarili. “Wala ka bang ibang alam na isipin Gabby!” sabi pa ng binata habang nakatingin muli sa langit at mga bituin.
“Are we looking on the same star
And wishing for the same desire?
Does your heart beat same to mine
And thinking the same with my mind?” sabi pa ulit ni Gabby sa sarili.
“Hello!” simula ni Gabby pagkatawag kay Harold. “Saturday bukas and I know wala kang pasok, prepare your things at susunduin kita bukas ng umaga.” sabi ni Gabby sa kausap.
“Paano mo naman naisip na papayag ako?” tanong ni Harold.
“Simple lang!” sagot ni Gabby. “Kasi may utang ka pa sa akin at ang trabahador ng FabConCom!” sagot nito saka binaba ang cellphone.
“Hays!” inis na anas ni Harold pagkababa ng tawag.
Kinaumagahan –
“Saan mo ba ako balak dalin?” tanong ni Harold kay Gabby pagkasakay nito ng kotse.
“Sa Baguio!” sagot ni Gabby saka pinaharurot ang kotse.
“Sa ganitong panahon?” nagtatakang tanong ni Harold. “Kay lamig na dito sa Manila, tapos magba-Baguio pa tayo.”
Tanghali na silang nakarating sa Baguio –
“Ayan, iwan ko na muna dito itong kotse sa rest house namin! Bitbitin mo iyang gamit mo at magcommute lang tayo papuntang Mountain Province.” utos ni Gabby kay Harold pagkakain nila ng tanghalian.
“Ano bang balak mo talaga?” tanong ni Harold.
“Sawa na kasi ako sa Baguio kasi weekly andito na ako. So, gusto ko naman sa Mt. Province para masaya.” sabi pa ni Gabby.
“Pwede, dito na lang?” tanong ni Harold.
“Sabi ko sa Mt. Province! Whether you like it or not, sasama ka!” sabi ni Gabby.
“Alam mo, ikaw na lalaki ka! Ang gulo ng tumatakbo sa isip mo!” sabi pa ng binata.
“Talagang ganun!” sagot ni Gabby.
Sa Mt. Province –
“Sure ka bang dito talaga iyong babaan?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Oo naman!” sagot ni Gabby.
“Eh nasaan na iyon sinasabi mong palatandaan?” tanong ni Harold.
“Alam ko talaga nandito lang iyon.” paliwanag naman ni Gabby.
“Sabi kasing sa Baguio na lang eh!” sabi pa ni Harold.
“Sawa na nga kasi ako dun!” tutol naman ni Gabby.
“Sawa ka na nga pero atleast hindi tayo apat na oras palakad-lakad!” reklamo ni Harold.
“Four hours lang naman ah!” sagot naman ni Gabby. “Kung sa rally nga nakikipagpukpukan ka eh!”
“Loko ka ba?” saad ni Harold. “Madilim na kaya! Tapos wala pa akong makitang sasakyan na dumadaan. Saan tayo matutulog niyan?” tanong ni Harold.
“Eh di yayakapin na lang kita buong gabi!” nakangiting turan ni Gabby.
“Korni mo!” tutol ni Harold. “Nagugutom na kaya ako!” sabi pa nito.
“Bubusugin na lang kita sa pagmamahal ko!” sagot naman ni Gabby.
“Alam mo hinahangin na naman iyang utak mo!” sabi pa ni Harold saka lumakad pabalik.
“Hey Harold!” awat ni Gabby.
“May ilaw dun oh!” sabi pa ni Harold saka tinakbo ang sinabing ilaw na nakita.
“Hintayin mo ako!” sabi pa ni Gabby.
“Ah lolo!” bati ni Harold sa matandang naabutan niya sa labas ng bahay.
“Ano iyon hijo?” tanong ni Harold.
“Saan po ba dito ang papuntang Baguio?” tanong naman ni Harold.
“Malayo iyon mula dito.” sabi ng matanda. “Mabuti pa ay tumuloy muna kayo!” sabi nang matanda saka ipinaghanda ng makakain ang dalawang bisita.
“Sure ka bang mapagkakatiwalaan iyan?” bulong ni Gabby kay Harold.
“Kung mapagkakatiwalaan lang din naman, mas katiwa-tiwala ang itsura ni lolo kaysa sa’yo.” sabi ni Harold.
“Mabuti pa kung dito na kayo magpalipas ng gabi! Walang sasakyang dumadaan ng ganitong oras at mahabang lakaran pa para makarating kayo sa sakyan.” paliwanag ng matanda.
“Hindi po ba nakakahiya?” tanong ni Harold.
“Ayos lang iyon! Natutuwa nga ako at nagkabisita ulit ako.” sabi pa ng matanda.
“Salamat po lolo!” pasasalamat ni Harold.
Sa silid na nilaan para sa kanilang dalawa –
“Ayan kasi!” sisi ni Harold kay Gabby. “Masyado ka kasing maarte!” sabi pa nito.
“Ako na naman ang nasisi mo?” sabi ni Gabby.
“Oo, kasi naman kung pumayag kang sa Baguio na lang tayo sana hindi tayo maliligaw.” sabi pa ni Harold.
“Malay ko bang biglang mawawala iyong palatandaan ko?” tanong ni Gabby.
“So, isisi ba sa palatandaan?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Oo! Kasi iyong mga nag-alis nun ang may kasalanan talaga.” sagot ni Gabby.
“Kung hindi ko nakita si lolo, malamang sa labas tayo natutulog ngayon.” sabi pa ni Harold.
“Mga hijo!” katok ng matanda sa dalawa.
“Ano po iyon lolo?” tanong ni Harold.
“Pagpasensyahan na ninyo, isa lang kasi ang kumot kong natatago.” sabi ng matanda saka abot sa kumot.
“Nag-abala pa po kayo.” sabi ni Harold.
“Malamig kasi, naisip kong wala kayong panakip sa katawan.” sabi pa ng matanda.
“Salamat po!” pasasalamat ni Harold saka humiga na at nagkumot.
“Ang lamig!” reklamo ni Gabby saka nakisukob sa kumot ni Harold.
“Naku Gabby! Sa susunod bahala ka na lang mag-isa.” sabi ni Harold saka pinikit ang mga mata.
Kinabukasan –
“Tiktilaok!” pang-umagang bati ng manok sa kanila. “Tiktilaok!”
“Haaah!” hikab ni Gabby saka iminulat ang mga mata.
Sandali niyang tinitigan ang kaharap at – “Ang gwapo ko palang talaga kahit tulog!” komento pa niya sa nakikita. “Ngayon ko lang na-realize, ang ganda palang talaga ng labi ko, kissable palang talaga.” sabi pa ng binata.
Samantalang ang imaheng kaharap ay nagbukas na din ng mga mata – “ang ganda din ng mga mata ko!” komento pa ulit ni Gabby.
“Ano ba yan, may bago na naman akong pimple!” unang komento ni Harold nang makita ang kaharap saka hinawakan ang pimple na sinasabi. “Gwapo pala ako kahit papaano.” sabi pa ng binatang si Harold.
Sabay na bumangon sa higaan ang dalawa na tila ba mga repleksyon nila ang isa’t-isa. “Good Morning Harold!” sabi ni Harold na kasabay ang “Good Moring Gabby” ni Gabby.
Sa katahimikan ng umaga ay isang nakakabinging sigaw ang narinig –
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” sabay nilang hiyaw.


[03]
Ikatlong Bahagi: /ee-kat-long/ - /ba-ha-gee/ Letter C “Harold?” simula ni Gabby. “Gabby?” naguguluhan nitong ulit. “Harold?” sabi naman ni Harold. “I’m Harold pero what the!” anas ni Harold saka tumakbo palabas. “Oy! Saan ka pupunta?” tanong ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Ahhhhhhhhhhhh!” maya-maya pa ay sigaw ni Harold pagkakaita sa repleksyon sa salamin. “Taragis!” usal pa ni Harold saka nilingon si Gabby. “Harold! Este Gabby! O kung sino ka man!” sabi ni Harold. “Pakisapak naman ako.” utos pa nito saka kinuha ang kamay ng kaharap. “Move out my way!” utos pa ni Gabby saka siningitan si Harold sa salamin. “Haah!” sabi ni Gabby saka hinimas-himas ang mukha. “This is only a dream!” sabi ni Gabby saka inalog-alog si Harold na nasa katawan niya. “Oo, panaginip lang to!” sabi ni Harold. “Tulog na ulit tayo, para magising na tayo.” magulong suhestiyon pa ng binata. Muling bumalik sa higaan ang dalawa – biling dito, ikot duon, usad sa kabila at kung anu-ano pa. “It’s not working!” sabi ni Gabby na nasa katawan ni Harold saka bumangon. “Haah! Ang sama kasi ng ugali mo kaya ganito nangyari sa atin!” sabi ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Be careful with your words! Remember nasa katawan ka ng isang super gwapo at super yaman na bachelor!” paalala ni Gabby kay Harold. “Well, wala akong pakialam!” sagot ni Harold. “Ikaw ang may kasalanan nito!” sisi pa nito. “Paano ko namang naging kasalanan?” tanong ni Gabby. “Don’t make accusations without sufficient evidences.” habol pa ng binata. “Tigilan mo ako Gabby! Bakit naman pati ako dinamay mo!” sabi ulit ni Harold. “Pwede ba, wag nang magsisihan! Let’s find ways kung papaano babalik sa dati.” suhestiyon pa ni Gabby. “Tell me! Ano naman ang naiisip mo?” tanong ni Harold. “Si lolo!” biglang naisip pa ng binata. “So, do you think na papaniwalaan tayo ng matanda?” tanong ni Gabby kay Harold. “Malay mo, may alam si lolo!” kontra ni Harold saka tumakbo palabas. “Please don’t run like that! Ang sagwang tingnan! Hindi bagay sa katawan ko!” sabi pa ni Gabby na hinabol si Harold. “Lolo!” sigaw ni Harold. “Lolo!” mas malakas pa nitong hiyaw. “Parang wala na si lolo kaya tumigil ka na sa kahihiyaw mo!” komento ni Gabby. “So? Ano na ang balak mo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Harold kay Gabby. “For sure temporary lang to!” buong kumpyansang sagot ni Gabby. “Dahil sa hindi kapani-paniwala ang nangyari, malamang isang extra-ordinaryo din ang solusyon.” sabi ni Harold. “So what is that?” tanong ni Gabby kay Harold. “May kilala akong albularyo, for sure matutulungan tayo nun!” sabi pa ni Harold. “Malay mo nakatuwaan tayo ng mga maligno kagabi? Or baka may isang may galit sa’yo at pinakulam ka.” dugtong pa ng binata. “Ang laki-laki mo na naniniwala ka pa sa maligno at kulam! Hoy Harold! Nasa katawan kita kaya hindi bagay ang superstitious beliefs mo!” sabi pa ni Gabby. “Hay!” anas ni Harold. “Ang sama-sama kasi ng ugali mo! Mamaya isa sa mga kaaway mo o kaya sa mga trabahador mo ang may kagagawan nito.” sabi pa ng binata. “Ewan ko sa’yo Harold!” sabi ni Gabby saka tumawa ng malakas. “Sige nga! Paano mo ipapaliwanag itong nangyari sa atin? Ano sabi ng science dito? Ano ang sabi ng technology mo dito?” tanong ni Harold. “Ano ito? Instant transformation? Quick change? Di ba ang science puro process iyan? Long term process na hindi residual overnight?” paliwanag ni Harold. “So?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Malay mo naman isang extra-ordinary phenomena ang nangyari sa atin? Isang scientific process na hindi pa nadidiscover?” giit ni Gabby. “So, huwag mong sabihing iyong mga cells natin at atoms ay nagkaroon ng change of movements kaya tayo nagkaganito?” sabi ulit ni Harold. “Sa isang extra-ordinaryong phenomenang tulad nito, ay kailangang isang extra-ordinaryong solution!” giit nang hindi patatalong si Harold. “Okay! Fine! Got your point!” sagot ng binata. “So, may kilala kang albularyo?” tanong ni Gabby. “Slow poke ka talaga!” sabi ni Harold. “Nasa katawan kita kaya bawal ang slow poke!” sabi pa nito. “Kasasabi ko lang di ba kanina!” ulit ni Harold. “Sorry!” sagot ni Gabby sa mataas na tono. “So, kailan tayo pupunta sa albularyo mong kilala?” tanong pa nito. “As soon as possible!” sagot ni Harold. “Ayoko kayang ma-trap sa katawan mo habang-buhay!” sarkastikong habol pa ng binata. “Aba!” pikong tugon ni Gabby. “Do you think na gusto ko ding ma-trap sa katawan mo? Be thankful at ang gwapo ng nalipatan mo.” pagyayabang pa nito. “Kesa naman sa akin? Gusgusin!” sabi pa nito. “Yabang!” mahinang usal ni Harold. “Maliligo na ako!” sabi ni Gabby. “Wait!” naalarmang awat ni Harold. “Bakit?!” asar na tanong ni Gabby. “Huwag kang maliligo.” alangang utos ni Harold. Nakuha naman ni Gabby ang nais sabihin ni Harold kaya –“Don’t tell me magtitiis ako ng baho habang nasa katawan mo ako!” sabi pa ng binata. “Ito ba ang dahilan?” tanong pa ni Gabby saka sapo sa ari ni Harold. “To think the fact na mas malaki pa ang sa akin kaysa dito, tapos para ito lang ayaw mong makita ko pa!” sarkastikong sabi pa ni Gabby saka silip sa ari ni Harold. “Huwag sabi!” biglang awat ni Harold kay Gabby. “Wala na nakita ko na!” sabi ni Gabby. “So, ano pwede na ba akong maligo?” tanong pa ng binata saka pumunta sa banyo at ni-lock ang pinto. “Hoy!” sigaw ni Harold saka katok sa banyo. “Huwag mong aabusuhin iyang katawan ko!” utos pa nito. “Walang halong pantasya ang pagkakagusto ko sa’yo kaya huwag kang mag-alala!” sagot ni Gabby kay Harold sabay bukas sa pinto at hatak kay Harold sa loob. “Anung gagawin ko dito?” kinakabahang tanong ni Harold. “Nasa katawan kita kaya please! Maligo ka! Huwag kang bibyaheng hindi pa nakakaligo!” sabi ni Gabby saka binuhusan ng tubig si Harold. Matapos makaligo – “Anung ginagawa mo?” tanong ni Gabby kay Harold. “Gagawan ko muna ng sulat si lolo! Pasasalamat lang ako kasi tinulungan niya tayo kagabi!” sagot ni Harold. “Bilisan mo na lang at puntahan na natin iyong sinasabi mong albularyo.” aya ni Gabby kay Harold. Pagkaalis ng dalawa – “Lolo! Salamat po sa tulong ninyo kagabi. Mag-iingat po sana kayo lagi. Harold and Gabby.” sabi sa sulat ni Harold sa matanda na agad nitong binasa pagkaalis ng dalawa. “Pagpasensyahan na sana ninyo ako mga apo! Kailangan kong gawin ito para matutunan ni Gabby ang mabuhay ng simple at ng hindi na niya magawa pa ang nagawa ng lolo niya.” mahinang usal ng matanda. “Pagpasensyahan mo na ako Rold! Ikaw lang ang nakikita kong sagot para kay Gabby.” sabi pa ng matanda. Ilang oras din bumiyahe ang dalawa – “Bakit ang tahimik mo?” puna ni Gabby kay Harold. “Tsk!” tanging sambit ni Harold. “Pinag-iisipan mo na ba kung ano ang una mong gagawin sa katawan ko?” nakangising tanong ni Gabby kay Harold. “Sige! Iyong-iyo na muna iyan, gawin mong lahat ng gusto mo.” sabi pa nito. “Pwede ba Gabby! Wala akong oras para sa kalokohan mo!” sagot ni Harold. “Hay! Sa dami-dami naman ng katawan, bakit sa topak pa na’to.” angal ni Harold. “Huwag ka ngang magreklamo! Kung tutuusin mas may karapatan akong magreklamo.” sabi ni Gabby. “Hay!” napabuntong-hininga si Harold. “Bakit ba kasi ayaw mo akong tantanan! Ilang araw mo na ba kasi akong ginugulo!” sabi pa nito. “Huwag ako ang sisihin mo! Dapat ang sarili mo!” sabi ni Gabby. “Kung nakinig ka lang sa sinasabi ko sa’yong huwag kang maglaro sa utak ko sana hindi kita kinukulit!” sagot ni Gabby. “Huh?!” nagtatakang tanong ni Harold. “May topak kang talaga!” “Ang kulit mo kasi!” sabi pa ni Gabby. “Ilang beses kasi kitang pinigilan na maglaro sa utak ko pero ayaw mong tumigil.” reklamo pa ulit ni Gabby na animo’y alam na alam ni Harold ang pinagsasabi niya. Ilang oras din ang byahe hanggang sa makarating na sila sa pupuntahan. Pagkadating nila ng Banahaw ay siya naman nilang akyat sa bundok para mapuntahan ang bahay ng kakilala ni Harold. Si Gabby na nasa katawan ni Harold ay lawit na ang dila dahil sa mahabang paglalakad na iyon. “Tao po! Tita Inday!” tawag ni Harold habang kinakatok ang bahay sa taas ng bundok. “Sa wakas!” sabi ng nagrereklamong si Gabby. “Ayan kasi! Hindi ka kasi sanay sa akyatan! Lagi na lang kasi ang bulsa mo ang healthy!” komento ni Harold kay Gabby. “Sinong kailangan nila!” tanong ng babaeng nagbukas sa pintuan. “Tita Inday!” bati ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Nandiyan po ba si Tito Ronnie?” tanong ni Harold sa babae. “Sino ka hijo? Bakit mo ako kilala?” tanong ulit ng babae. Hindi alam ni Harold kung sasabihin ba niya sa babae o kung hahayaan na lang niyang ang Tito Ronnie na lang ang makaalam. “Sinabi po kasi sa akin ni Harold.” sagot ni Harold saka tulak kay Gabby na nasa katawan ni Harold. “Hello po!” pagod na pagod na sagot ni Gabby. “Ikaw pala iyan Harold!” nabiglang sabi ng babae. “Wala ka man lang pasabing dadalaw ka.” nakangiting sabi pa nito. “Wala ang tito Ronnie mo! Umakyat pa sa taas ng bundok, sa susunod na lingo pa ang balik.” sabi pa ng babae. “Ganuon po ba? Sige po alis na po kami!” si Harold na nasa katawan ni Gabby na ang sumagot. “Bakit aalis na agad kayo?” tanong ng babae. “Kasi po may lalakarin pa si Harold!” sagot ni Harold saka hinatak si Gabby. “Ingat kayo!” sabi pa nito kahit nagtataka sa kinikilos ng dalawa. Sa kotse habang pauwi na sila ng Maynila – “Bakit ba naman umalis tayo kaagad?” tanong ni Gabby kay Harold. “Baka kasi kung anung kalokohan ang gawin mo dun!” sagot ni Harold. “Hindi pwedeng malaman ni Tita Inday na nagkapalit tayo!” habol pa nito. “Bakit naman hindi niya pwede malaman? Di ba kilala naman niya iyong Tito Ronnie na sinasabi mo?” tanong ni Gabby. “Oo nga! Pero pag nalaman ni Tita Inday, baka magpumilit siyang siya ang gumamot sa atin eh lalo lang tayong mapasama.” sagot ni Harold. “Hayst!” inis na reaksyon ni Gabby. “Ano ng balak mo?” tanong ni Harold kay Gabby. “We have no choice but to switch lives!” sabi ni Gabby. “Dun ka matutulog sa bahay ko and ako sa dorm mo!” dugtong pa ni Gabby. “You will go in my office everyday, attend meetings and pretend that was me. Ako, will do your responsinbilities, school, dorm, school!” sabi pa ulit ng binata. “Huh?!” tanong ni Harold. “Kulang pa! Pag-aaral, pagkilos, pakikibaka at pagsamba!” paglilinaw ni Harold. “Hay!” tutol ni Gabby. “School, dorm, night out! Iyan lang ang dapat mong atupagin!” pamimilit ni Gabby. “Okay! Sige! Ako papasok lang ako sa office mo pero hindi ako aatend ng meetings and other commitments mo.” sagot ni Harold. “Hayst!” reklamo ni Gabby. “Sige! Gagawin ko na iyong sinabi mo!” walang magawang pagpayag ni Gabby. Napangiti lang si Harold sa sagot na nakuha mula kay Gabby. “Sa phone lang tayo pwedeng makipag-usap sa mga kaibigan at kakilala natin. Hanggang text lang, bawal ang tawag.” paglilinaw ni gabby. “Okay!” maikling tugon ni Harold. Inihatid na ni Gabby si Harold sa bahay niya at iniwan duon makalipas lang ang ilang sandali – “Iyong usapan!” sabi ni Gabby saka sumakay sa isa pa niyang kotse. “Opo!” sagot ni Harold. “Anung gagawin mo d’yan?” tanong pa nito. “Dadalin ko!” sagot ni Gabby. “Paano mo naman naisip na pwede mong dalin yan?” tanong ni Harold. “Nakita mo naman di ba iyong dorm ko! Saan mo isisiksik iyan?” tanong pa nito. “Hindi nagkokotse at walang pambili ng kotse si Harold!” paglilinaw pa ng binata. “Hayst!” reklamo ni Gabby at labag sa loob na ginarahe ulit ang kotse niya. “Dito na lang ako matutulog!” sabi pa ng binata. “Hindi pwede! May dadalaw sa’yo mamayang mga kasama! Kaya dapat nasa dorm ka!” sabi ni Harold. “Sabihin mo bukas na lang sila pumunta!” reklamo ni Gabby. “Hindi pwede! Tandaan mo ikaw na si Harold ngayon!” giit pa ni Harold. “Sige na!” anas na sabi ni Gabby saka lumakad palabas ng subdivision. Si Harold sa katawan at bahay ni Gabby – “Wow!” manghang-manghang reaksyon ni Harold sa nakikita. “Ang laki!” naibulalas pa nito sa paghanga habang nililibot ang buong bahay. Lalo siyang napahanga sa napakalaking library ng binata na punung-puno ng libro. “Oh! Reader din pala siya ni Marx, may Heidegger pa! Oy, at may Sartre pa! Pati si Schopenhauer! May Lenin pa!” sabi ni Harold na labis na humahanga sa nakikita. “Ayn Rand to ah!” sabi niya ulit saka hawak sa isang librong nakapatong sa table. “Binabasa din pala niya si Mao! Derrida naman to! Habermas, philosopher ko ta ah!” sabi pa ng binata. “Pati si Bourdieu at Voltaire!” labis na paghanga ni Harold. “Reader din pala ang mokong ng Nietszche, Levinas at Husserl.” “Halos pareho lang naman kami ng binabasa ah!” sabi ni Harold sa sarili. “Pero ibang-iba siya sa akin!” dugtong pa ng isip niya. “Malamang, may iba siyang interpretasyon at iba din ang pananaw niya sa mundo. Iba ang dinidigest niya at iba ang pinapaniwalaan niya base sa environment niya. Iba ang pag-unawa niya sa mundo dahil magkaiba kami ng kapalaran.” nasa isip pa ng binata. “Parang ako lang din siguro si Gabby. I find Ayn Rand na interesting but I hate his capitalist bias, tapos iyong hell is other people ni Sartre, iyong God is dead ni Nietzsche na hanggang ngayon hindi ko maintindihan, pati na din iyong pessimist view ni Schopenhauer na this is the worst possible world.” “Puro business books na ang ibang laman ng library niya ah.” sabi pa ni Harold. May isang pwesto sa library ang nakatawag ng pansin kay Harold, agad niya itong nilapitan. “Fairytales?” nagtatakang tanong ni Harold na may kung anung nagpangit sa kanya. “Si Cinderella!” sabi pa niya pagkakuha sa isang librong nakalabas. “Cinderella, may Cinderella kaya in real life? Parang impossibleng magkaroon ng Cinderella in real-life! Rich people socializes with rich people, kaya paano nila makikilala ang isang mahirap? Wala namang ability ang mga mahihirap na pumunta sa hang-out ng mga mayayaman and wala namang time ang mayayamang tumambay sa kuta ng mga dukha!” sabi ni Harold sa sarili. “Cinderella is extremely a fantasy! Impossible!” lahad pa din niya sa sarili saka muling inilapag ang libro. Pagkalibot sa bahay ni Gabby ay naligo si Harold at saka humiga sa malambot na kama ni Gabby. “Hay! Makakatulog kaya si Gabby sa higaan ko?” tanong ni Harold sa sarili. “Sanay kaya siyang mahiga sa higaan ng mga dukha?” tanong pa ni Harold. Bumalik na si Harold sa silid ni Gabby, nahiga at ipinikit ni Harold ang mga mata at pinilit namakatulog. Inaalala niya ang kalagayan ni Gabby kung makaktulog ba ng maayos ang binata kasama ang simple niyang buhay na malayo sa nakasanayan nito. Samantalang si Gabby – “Shit!” simulang nasabi ni Gabby pagka-akyat sa dorm ni Harold. “Dorm na ba talaga to?” tanong pa ng binata habang maingat na umaakyat sa makipot na hagdan. Dahan-dahan niyang inilapag ang gamit sa higaan at saka tila nandidiring umupo sa gilid nito. “Ito ba ang dorm na sinasabi?” tanong ni Gabby saka pinisil-pisil ang kutson. “Shit! Ang tigas! Parang tabla ang hihigan ko!” reklamo pa ng binata. “Ang liit, baka kaya mahulog ako nito mamaya.” “Awts!” sabi ni Gabby dahil sa biglang kirot ng mga pasa at sugat ni Harold sa katawan. “Bwisit na Harold iyon! Nagpabugbog pa kasi!” sabi ni Gabby na damang-dama ang sakit ng katawan. “Makaligo nga muna!” sabi pa ng binata saka pumasok sa maliit na kasilyas kung saan nakasabit pa ang mga pinaggamitang brief ni Harold. “Walang shower? Ang daming banderitas! Ano to? Paano ako maliligo?” tanong ni Gabby saka kinuha ang cellphone at tinext si Harold – “Hoy! Paano ako maliligo nito? Walang shower.” tanong ni Gabby sa text. “Gumamit ka ng tabo!” reply ni Harold kay Gabby. “Tabo?” agad na hinanap ni Gabby ang tabo at nagbuhos. Nanginig sa lamig si Gabby. “Wala bang hot bath?” reklamo ulit ni Gabby. “Bwisit namang buhay to! Bakit ba kasi nagtitiis si Harold sa ganitong buhay!” Matapos makaligo at magbihis, dumungaw sa bintana si Gabby at saka tumingin sa langit. “Harold! My brightest star from above! Your life is so plain and complicated That is so disastrous for elite like me Don’t know to handle you life so strained.” sabi ni Gabby sa isip. “Harold! Nasa katawan mo na nga ako pero ikaw pa din ang naglalaro sa utak ko!” sabi ni Gabby sa sarili. “Nang-iinis ka ba talaga? Bakit ba lagi mo akong ginugulo!” wika pa ng binata. “Harold! Harold! My simple Harold! I’m your knight in shining armor! Let me be the Prince in your world Let our own Cinderella be known! tugmang naglalaro sa isip ni Gabby. “Ay! Harold! Tinamaan na nga ata ako sa’yo!” komento pa ni Gabby saka umupo sa bintana. “Seryoso na nga atang talaga ako.” sabi pa ng binata. “I can go with struggles Experience so many pains Can climb any mountains Just to have a priceless you.” tugmang patuloy na umuukilkil sa isipan ni Gabby. Ilang sandali pa at nahiga na din ang binata, nakailang biling din siya subalit tila mailap na makatulog siya kahit na nga ba antok na antok. Hindi siya sanay sa mainit na silid na iyon, kulang sa kanya ang lamig na binigay ng electricfan at lalong nananakit ang likod niya sa tigas ng higaan. Kinaumagahan – “Walanghiyang Harold iyon! Sabi niya may bisita siya kagabi!” naiinis na wika ng walang tulog na si Gabby. “Gabby, me miting aq mamya w sean and ken aftr ng klase q. bwl ang l8, dhl nevr nalal8 c Harold!” text na bumungad kay Gabby. “Yeah! I know, nklgy s calendar mo. C joel ang nakalam lht ng lkd mo, so trust him. C joel nd nick k lng mgtiwla.” reply ni Gabby saka naligo. Sa eskwelahan – “Rold?” nagtatakang tawag ni Sean kay Harold. “Ikaw ba talaga yan?” tanong pa ni Sean kay Harold pagkadating niya sa sinasabing lugar ng pagmimitingan. “Yeah! Isn’t obvious?” asar na sagot ni Gabby. “Bourgeoisie na bourgeoisie ang bikas mo ah!” komento pa ni Sean. “I can’t think myself wearing my old-fashioned sluggish clothes so I bought new sets this morning.” nakangising sabi ni Gabby. “I spent 7thousands just for this pair.” sabi pa ng binata saka pakita sa suot niya mula ulo hanggang talampakan. “So, habang ang madami nagugutom at walang maisuot, ikaw naman gumastos nang napakalaki sa suot mo?” medyo naninibagong tanong ni Sean. “It’s my money!” tugon ni Gabby. “I can spend it anyway I want it. 7thousand is very cheap.” sabi pa nito. “Lalo mo lang pinalayo ang agwat ng mahihirap at naghihikahos sa ginawa mo!” singit ng nakikinig palang si Kenneth sa usapan ng dalawa. “It’s their destiny! Wala akong magagawa kung iyon ang nakalaan sa kanila.” tugon ni Gabby. “Iyon ang destiny nilang ipinaglalaban nating mabago.” giit ni Kenneth. “You can’t change it! Accept the fact that Marxist communism is impossible!” gigil na tugon ni Gabby. “Rold buddy ikaw ba talaga yan?” nag-aalalang tanong ni Sean saka hinipo si Harold. “Who do you think am I, if I’m not Harold?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Naninibago lang ako!” komento pa ni Sean. “Pinupuna kita kasama! Hindi na naayon sa pinaglalaban natin ang sinasabi mo!” pamumuna ni Kenneth kay Harold. (Pinupuna, ginagamit na salita para ilarawan ang pagpansin sa isang maling gawain upang maitama.) “Pinupuna?” tanong ni Harold na wari ba’y hindi maintindihan ang sinasabi ni Kenneth. “Iwan na muna ninyo kami ni Harold!” utos ni Kenneth sa mga kasama. “So, what’s your reason?” simulang tanong ni Gabby pagkalabas ng mga tao. “Ano ba ang nangyari sa’yo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Kenneth subalit hindi niya ito ipinahalata kay Harold. “Wala.” sagot ni Gabby. “Bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Kenneth. “Hindi mo ba kaya ang sakit nang mapukpok kaya nag-iba ka na ng paniniwala?” tanong pa nito. “I don’t know what are you saying.” sagot ni Gabby. “Please Harold! Magtapat ka! Anung tinatago mo sa amin?” tanong ni Kenneth saka hinawakan sa balikat si Gabby. “Magtapat ka nga!” sabi ni Gabby. “May gusto ka ba kay Harold?” tanong pa nito. “Este sa akin pala!” pagbawi ng binata. Natigilan si Kenneth sa tanong na iyon ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “Alam mo, siguro may pagkamanhid si Harold but not me! I mean, siguro manhid nga ako minsan pero this time I can sense it! Wala namang mawawala kung aamin ka!” sabi pa ni Gabby. “Well, I can appreciate it!” habol pa ng binata. “But, to tell you frankly, mukhang impossibleng may gusto din sa’yo si Harold! Ako pala, kaya sorry!” sabi pa ni Gabby saka lumabas ng opisina at naiwang natitigilan si Kenneth. Pakiramdam ni Kenneth ay isang malaking sampal sa kanya ang ginawa ni Gabby na sa buong akala niya ay si Harold talaga. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o hahabulin si Harold at aamin na sa tunay niyang nadarama. Sa labas – “Oh ano?” pangangamusta ni Sean na naghihintay sa paglabas ni Harold. “Ayun! Damayan mo na iyon!” suhestiyon pa ni Gabby. “Baka ikaw ang dapat damayan!” sabi ni Sean na natatawa. “Kamusta na ang sugat mo?” tanong pa nito. “Masakit pa din!” sagot ni Gabby. “Tara, lagyan natin ng gamot.” aya pa ni Sean dito. “May gusto ka rin ba kay Harold?” diretsang tanong ni Gabby. “Harold? Di ba ikaw si Harold?” nagtatakang tanong ni Sean. “Sorry, may gusto ka ba sa akin?” ulit na tanong ni Gabby. “Ano ba ang pumasok sa isip mo at naisip mo iyan?” tanong ni Sean. “Manhid nga siguro ako minsan pero minsan lang naman! Kaya nga tinatanong na kita ngayon!” giit ni Gabby. “Alam mo namang special ka sa akin di ba?” simula ni Sean. “I don’t need your story! Answer me directly!” utos pa ng binata. “Wala!” sagot ni Sean. “Paano naman ako magkakagusto sa’yo?” tanong pa nito. “Mabuti! Hindi din kasi kita type!” sagot ni Gabby saka iniwan si Sean. “Buddy!” habol sana ni Sean. “Hayaan mo na muna siya!” awat ni Kenneth. “Kenneth?” tanong ni Sean na pansin ang kakaibang lungkot sa binata. “Alam mo, may dalawang klase ng pakikibaka, para sa sarili at nakakarami. Madalas mo akong makita na lumalaban para sa iba kaya lagi kong naiisaisantabi na may sarili din akong laban. May sariling laban ang puso ko na hindi ko nabibigyan ng solusyon.” sabi ni Kenneth. “Pero hindi ko naman inaasahang ganitong kabilis na biglang magiging bangungot ang lahat.” pagwawakas ni Kenneth. “Kenneth!” tanging nasabi ni Sean habang tinitingnan ang palayong si Kenneth. Samantalang si Harold na nasa katawan ni Gabby – “Tara na!” nakangiting bati ni Harold kay Nick at Joel. “Aba si Sir Gabby! Nakabuti ata sa inyo ang bakasyon sa Baguio ah!” komento ni Joel. “Bakit? Hindi ba ako ganito dati?” tanong ni Harold dito. “Kasi Sir Gabby, laging salubong ang kilay ninyo pag-umaga. Tapos lagi kayong sumisigaw!” sabi pa ni Joel. “Ganuon ba ako?” tanong ni Harold. “Opo Sir! Tapos ayaw din ninyo ng may nag-uusap pag bumibyahe tayo.” sabi naman ni Nick. “Ganuon ba? Ang boring pala ng buhay ni Gabby.” bulong ni Harold. “May sinasabi po ba kayo Sir Gabby?” tanong ni Joel. “Wala.” sagot ni Harold. “By the way, nice tie!” sabi ni Harold saka inayos ang necktie ni Joel. “Salamat Sir!” tugon ni Joel. “Ano ang schedule ko ngayon?” tanong ni Harold kay Joel. “Kailangan po ninyo umatend nang meetings ngayong araw kay Mr. Aguirre this morning, Mr. Gutierrez this afternoon and kay Dr. Mendoza this evening.” sabi ni Joel. “Haay!” napabuntong-hiningang sabi ni Harold. “Ang dami ko pa lang gagawin.” reklamo pa nito. “Sir, kaunti pa nga po iyon compare sa naging lakad ninyo last week.” sabi ni Joel. “Hayaan mo na, basta remind mo na lang ako lagi.” pakiusap pa ni Harold kay Joel. “Si Sir Gabby, parang may sakit kayo ah!” birong tugon ni Joel. Sa meeting – “That’s our proposal!” sabi ni Cris, na presidente ng AGC Ice Cream Factory. “Well, pwede na.” sagot ni Harold. “But, can’t you make it simpler? Hindi na kasi realistic iyong gusto ninyong mangyari eh! Paano ninyo idedevelop iyong construction company sa Pulilan sa ganyang paraan?” tanong pa ni Harold. “Magastos masyado and sobrang bongga to think na madaming Pilipino ang nagugutom ngayon then so much accessories na hindi naman importante ang ilalagay mo.” komento pa ni Harold na hindi satisfy sa ginawa ni Cris. “But?” tutol sana ni Cris. “Better prepare a new plan!” sabi ni Harold. Pagkatapos ng meeting – “Sir, dati amaze kayo sa proposal ni Mr. Aguirre.” nagtatakang puna ni Joel kay Harold. “Ikaw ba maatim mo na habang maraming Pilipino ang namamatay sa kahirapan eh gagastos ka ng malaki para sa mga no use expensive materials? Masyadong unrealistic iyong development plans nila dun kaya bakit ko sa kanila ibibigay ang lupa and kontrata.” sabi ni Harold. “Pero pinakamataas ang bid nila Sir?” tanong ni Joel. “Kahit gaano kataas ang bid nila, kumita nga ako, madaming tao naman ang nalugi!” sagot ni Harold. Napangiti na lang si Joel sa inaasal ni Gabby ng mga oras na iyon. Sa buong akala talaga niya ay si Gabby ang kaharap. “Kain na muna tayo!” sabi ni Harold saka nagpababa sa isang fastfood chain. “Sure kayo Sir?” tanong ni Joel. “Nagugutom na ako eh.” sagot ni Harold. “Sure kayong dito tayo kakain?” paninigurado ni Joel. “Oo naman!” sagot ni Harold. “Okay!” sagot ni Joel. “Tawagin mo na si Nick para tayong tatlo na ang sabay-sabay na kumain.” Aya pa ni Harold. Ang utos na iyon ang labis na nagpakataka kay Joel dahil kabaligtaran ng Gabby na kilala nila ang kaharap. Sa meeting kasama si Mr. Gutierrez. “I flew away from states just to grab this opportunity of meeting you Mr. Fabregas.” simula ni Mr. Gutierrez. “I’m Fierro Gutierrez and I am really interested with your land at Pulilan.” sabi pa ng binata. “I’m Gabby Fabregas!” sagot ni Harold saka abot sa kamay ng binata. Matapos ang presentation – “Perfect!” nasabi ni Harold. “Very simple pero talagang ma-uutilize ang buong area. Hindi siya ganuong kagastos ang everything’s very unique and simple. Hindi na kailangan ng mga non-sense na bagay dahil ito na mismong use niya ang expanded!” komento ni Harold. “Thank you Mr. Fabregas.” sagot ni Fierro. “I think, you won the land and the deal!” sabi ni Harold saka abot sa kamay ni Fierro. At natapos nga ang maghapon kila Gabby at Harold. “ken, medyo weird b q neun? Pagpaxnhan mo nlng kasi bka matgalan pa aqng ganun.” text ni Harold kay Kenneth. “buddy, nagng weird nd s2pd b aq mghpon?” text naman ni Harold kay Sean. “Aus lang iyon!” unang nagreply si Kenneth kay Harold. “Salamat! Please, huwag na lang ninyo akong pansinin.” textback ni Harold kay Kenneth. “Sabi mo eh!” reply ni Kenneth. “Oo buddy! Sobra!” sa wakas ay reply ni Sean sa kanya. “Ganun b? Wg mu nlng aqng pancnin muna qng medyo s2pd aq, mattgln pa cgro aqng ganun.” reply ni Harold. “Lam mo bud, s2pd nd weird k nmn tlga, peo ibng levl k kanna.” reply ni Sean. “Ganun?! Bsta, extend ur patience nlng.” pakiusap pa ni Harold. “Lagi nmn! Ksi nga special ka skn!” reply ni Sean. “Asus! Opo na!” reply ni Harold. Inihiga muli ni Harold ang katawan sa malambot na higaan ni Gabby. “Hay! Kamusta na kaya si Gabby?” tanong ni Harold sa sarili saka tinawagan si Gabby. “Hello?” bati ni Harold kay Gabby. “Hay Harold!” simulang reklamo ni Gabby kay Harold. “Bakit na naman?” tanong ni Harold. “Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? Ang tigas ng higaan mo, tapos kadiri sa dorm mo!” reklamo ni Gabby. “Magtiis ka! Ikaw ang may kasalanan nito.” sabi ni Harold. “Ako na naman ang sinisi mo!” sabi ni Gabby. “Talaga naman kasi!” giit ni Harold saka pinindot ang end call. “Hay!” reklamo ni Gabby. “Binabaan na naman ako!” sabi pa nito saka nahiga sa matigas na kama ni Harold. “My sweet little serendipity that comes from the night so dark The glittering glory from your wonderful big bright spark Answer to my prayers for God sent by the high flying lark Got nothing to ask but to capture your fast beating heart.” muling paglalaro sa isip ni Gabby. “Your sweet caress that sleeps beside my fantasy You’re little nimble that quickly tease me unhesitantly Your breath-taking aroma that killed my spirit free You’re beautiful to touch, to embrace to hold on spree.” huling laman ng isip ni Gabby bago tuluyang maihimbing ang pagod niyang katawan. Samantalang – “Is there any chance na ang isang katulad kong sanay sa simpleng buhay ay masasanay sa buhay na mayroon si Gabby? Posible nga kayang mabago ang takbo ng buhay ko dahil sa kanya? Ang hirap, kung aaminin kong may gusto ako kay Gabby, parang umibig na ako sa kaaway. Feeling ko tatalikuran ko ang ipinaglalaban ko kung tatanggapin ko si Gabby sa buhay ko.” mga kaisipang gumugulo kay Harold habang nakahiga sa higaan ni Gabby. “Siya kaya? Maintindihan kaya niya ako pag nasa kalagayan ko na siya?” “Ay mali! Same sex na nga kami tapos Cinderella story pa! Anak ng tinalupang biik! Ang daming dilemma! Same sex, isang problemadong relasyon, tapos Cinderella story na isa pang ambisyosong kwento ng buhay. Pusang pagala-gala! Bakit pa ang hirap! Pwede naman si Sean o kaya si Kenneth, pero bakit kay Gabby pa!” sisi ni Harold sa sariling damdamin. “Nothing to worry! Lilipas din yan! Sa oras na bumalik ang lahat sa dati, make sure namabayaran mo na ang 14thousand at nang hindi na kayo magkita!” pagwawakas ni Harold saka pinilit makatulog. Kinaumagahan – “Ready ka na ba Harold?” masayang bati ni Sean sa kabuddy. “Saan?” tanong ni Gabby kay Sean. “Di ba may mass work tayo ngayon?” pagpapaalala ni Sean sa kaibigan. (mass work, ito iyong activity kung saan actual na nakikipamuhay sa mga mahihirap at sa iba pang mababang antas ng lipunan) “Huh?” naguguluhang tanong ni Gabby. “Basta!” sabi ni Sean saka hinatak si Gabby. “I don’t have any clothes.” tutol ni Gabby. “Hindi mo na kailangan ng mga damit! Bilis mo atang makalimot.” saad pa ni Sean. Nang katanghaliang iyon ay pumunta nga sila sa isang squatters’ area sa tondo kung saan kabila’t kabila ay puno ng basura at tagpi-tagping mga bahay. “Aw!” reklamo ni Gabby nang mababa sa sasakyan at unang naamoy ang baho sa paligid. “Are you sure we are staying here?” tanong ni Gabby. “Di ba mass work ang gusto mo sa lahat?” tanong ni Kenneth kay Harold na si Gabby naman talaga. “Sinabi ko ba iyon?” tanong ni Gabby. “Nagdududa na ako sa’yo.” pagtatapat ni Kenneth kay Gabby. “Ikaw ba talaga si Harold?” tanong ulit nito. “Oo naman!” sagot ni Gabby. “What the?” sabi ni Harold nang may nga batang hubo’t-hubad na madudusing ang nagtatakbo at paikot-ikot sa kanila. “Manong!” sabi ng isang bata saka hatak sa damit ni Gabby. “Don’t touch me! Do you know how much it costs?” sabi pa ni Gabby saka tumingin sa damit. “They don’t know the price but they are sure na mahal. Imagine, look at this place, walang nakasuot ng gaya sa’yo!” sabi ni Kenneth. “They all live simply, no not simply, they all live exaggeratedly simple. Sa piraso ng damit mo na iyan, they can have a year supply of food or 100 pairs of clothes.” sabi pa ng binata. “It’s not my fault! It’s theirs! Tatamad-tamad kasi sila!” pangangatwiran ni Gabby na kahit papaano ay may guilt na naramdaman. “Nope! Wala lang talagang opportunity na tugma sa kanila at sa buhay bang mayroon sila at sobrang pang-aabusong mayroon sa lipunan natin, come to think how can they fight the world if money is equivalent to power? Who are powerful in our society? Di ba the rich ones?” sabi ulit sa paliwanag ni Kenneth. “Pero hindi naman lahat ay oppressive.” pagtatanggol ni Gabby. “Yeah, may ilang hindi nga oppressive pero it’s no use kung sobrang ganid nung iba.” sagot ni Kenneth. “Ako ba? Isa ba ako sa sanhi ng kahirapan ng mga taong nasa harap ko?” biglang taong ni Gabby sa sarili. “Hey guys!” sabi ng isang hindi pamilyar na tinig. “Kamusta na?” tanong pa nito. “Harold!” naibulalas ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “I mean Sir Gabby!” paglilinaw ng binata. “Sino ka?” tanong ni Kenneth sa bagong bisita. “I’m Gabby! Harold’s friend. Ininvite niya ako para makasama sa inyo.” sabi ni Harold. “Hindi ah!” tanggi sana ni Gabby. “Nahihiya ka pa!” sabi ni Sean. “Ikaw, isasama mo pala iyong may-ari ng FabConCom hindi ka nagsasabi.” sabi pa ni Sean saka tapik kay Harold na si Gabby naman talaga. “Kamusta na?” tanong ni Sean. “I’m Sean!” pakilala pa nito saka abot ng kamay kay Harold na nasa katawan ni Gabby. “Ayos lang naman ako buddy!” sagot ni Harold na kita ang kagalakan na makita ang mga kasamahan. “Nice to see you again!” sabi pa ni Harold saka baling kay Kenneth. “Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Gabby kay Harold. “Free naman ang schedule mo ngayong araw di ba? Saka ito ang favorite ko sa lahat, ang mass work kaya hayaan mo na ako!” sabi pa ni Harold. “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong pa ni Gabby kay Harold. “Alam mo naman di bang squats area to!” sagot pa ni Harold na magpapaliwanag pa sana. “Pero tandaan mo presidente ako ng kumpanya tapos mukhang basahan ang suot mo.” sabi ni Gabby. “Wala sa damit ang paggalang ng mga tao dito! Nasa nagagawang tulong sa kanila ang binibigay nilang respeto!” sagot ni Harold saka muling binalikan ang umpukan nila Sean at Kenneth. Kinagabihan ay nagdaos ng programa ang grupo ni Kenneth – “Para bigyan tayo ng isang awitin narito si kasamang Harold.” tawag ni Kenneth kay Harold. “Anong gagawin ko?” tanong ni Gabby kay Harold. “Ako na lang ang kakanta para kay Harold!” suhestiyon ni Harold saka tumayo. “Sige nga! Tingnan ko kung gaano kagaling ang bagong recruit ni buddy!” nakangiting tugon ni Sean. “Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito Ay bahay Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito Ay bahay Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha Ay bahay” (Bahay, by Gary Granda) Isang malakas na palakpakan ang ibinigay kay Harold matapos ang awitin niya. Sa oras ng pagtulog – “Wala bang electricfan?” inis na tanong ni Gabby kay Kenneth. “Kailan pa nauso ang electricfan sa ganito?” tanog ni Kenneth kay Harold. “Ang init tapos malamok pa! Alam mo bang hindi ako kinakagat ng lamok sa bahay.” sabi pa ni Gabby. “Magtiis ka! Ganyan ang buhay dito.” sagot ni Kenneth. “Sino ba kasing may sabing isama ninyo ako?” asar na tugon ni Gabby. “Sorry Sir Kenneth!” paumanhin ni Harold na nasa katawan ni Gabby kay Kenneth. “Wala lang po sa tamang katinuan si Harold!” sabi pa nito saka hatak kay Gabby palayo kay Kenneth. “Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Gabby kay Harold. “Gago ka ba?” hindi naman ganyan si Harold.” sabi pa ni Harold. “Hay!” reklamo ni Gabby. “Bakit ba kasi ganitong buhay ang pinili mo!” reklamo pa nito. “Wala kang magagawa! Iyan ang gusto ko! Isang mapagpalayang buhay!” sagot ni Harold. “Gabby!” tawag ni Sean mula likuran. “Bakit buddy?” tanong ni Harold kay Sean. “Pwede ba taoyng mag-usap?” tanong ni Sean kay Gabby. “Sige ba.” nakangiti nitong tugon. Sa may di-kalayuan – “May alam ka bas a nangyayari kay Harold?” tanong ni Sean kay Gabby. “Bakit mo naitanong?” tanong ni Harold. “Kasi, sobrang weird ang kinikilos niya. Nag-aalala na ako.” sagot ni Sean. “Listen to me!” sabi ni Harold saka hawak sa balikat ni Sean. “Don’t be confused! Maayos din ang lahat!” saad pa ng binata. “Pero!” sabi ni Sean. “Baka malayo sa akin si Harold!” lumungkot na sabi ni Sean. “Hindi malalayo si Harold sa’yo!” tila paninigurado ni Harold kay Sean. Isang ngiti lang ang sinagot ni Sean sinabing iyon ni Gabby. “Alam ko naman kung gaano ka-espesyal si Harold sa’yo at espesyal ka din sa kanya kaya wala kang dapat ikatakot na baka lumayo sa’yo si Harold.” sabi pa ulit ni Harold. “Salamat Gabby!” sagot ni Sean. “May konting pagbabago lang kay Harold ngayon, pero don’t worry, babalik din ang lahat sa dati.” sabi pa ni Harold.


[04]
“Sige, dun ka na sa loob matulog.” suhestiyon ni Harold kay Gabby. “Samahan ko na sina Sean dito sa labas.” habol pa ng binatang nasa katawan ni Gabby.
“Pero…” tanggi sana ni Gabby.
“May electricfan dun sa loob, kesa dito sa labas na sa lupa ka hihiga at malamok.” sabi pa ni Harold.
“Remember you have my body so, dapat ingatan mo iyan sa mga kagat ng insekto and huwag mo masyadong pinapapawisan at pinapabaho.” paalala ni Gabby kay Harold.
“Anung pinapalabas mo?” tanong ni Harold.
“Tabi na tayo sa loob matulog.” diretsong sagot ni Gabby.
“Alam mo, sa lahat ng mga kasama, ikaw lang ang matutulog sa loob ng bahay. Paano mo naman naisip na kasya tayo sa loob? Ikaw nga ipapasiksik na lang kita duon tapos mag-iinarte ka pa.” sabi ni Harold.
“So, kung ayaw mo eh di sasamahan kita magdamag!” sabi pa ni Gabby.
“Bahala ka nga!” asar na sabi ni Harold.
Hindi nagawang makatulog ni Gabby sa buong magdamag. Kinabukasan ay maagang naghawalay sina Gabby at Harold, pumasok na sa opisina si Harold na nasa katawan pa din ni Gabby at si Gabby naman na nasa katawan ni Harold ay pumasok na sa eskwelahan.
“Kamusta na Harold?” simulang bati kay Harold pagkadating niya sa classroom. “Talagang nagiging socialite ka na dude!” sabi pa nito.
“Yeah! I really need transformation!” sagot naman ni Gabby.
“And look! Spokening dollar ka na ah!” komento pa ng binata na nakangisi.
Hindi alam ni Gabby kung bakit magaan ang pakiramdam niya sa kaklaseng ito ni Harold. Iba kasi ang dating at angas nito kung ikukumpara sa iba. Simple manamit pero may dating, calm ang personality at may itsura din naman.

“This is part of my transformation!” tugon naman ni Gabby na trap pa din sa katawan ni Harold.
“Part din ba ng transformation mo na makalimutan mo ang pangalan ko last day?” nakangising tanong pa ng binata dito.
“Sorry ‘bout that Martin! It was a joke.” paumanhin ni Gabby sa binata.
“Hay!” buntong-hininga ni Martin.
“For what is that?” tanong ni Gabby.
“Feeling ko hindi si Harold ang kaharap. Para kasing ibang tao ka, compare sa Harold na kilala ko.” pagpansin ni Martin sa kilos ni Gabby. “Tapos kung saan ka pa nauupo, eh dati, gustung-gusto mo akong katabi then discussion din tayo madalas.” paliwanag pa ni Martin.
“May anung namamagitan sa mokong na ito at kay Harold?” tanong ni Gabby sa sarili na nag-ngingitngit. “I don’t feel na fishy ang relasyon nila ni Harold, but I can’t help it na isiping may something dito sa dalawa.” sulsol pa ng diwa ni Gabby.
“Ayan na si Sir Amable!” sabi ulit ni Martin na pumutol sa pag-iisip ni Gabby.
“Aguilar, Harold Mark!” sabi ng propesor nila Harold.
“Rold! Gising!” tapik ni MArtin kay Harold. “Attendance na si Sir!” sabi pa nito.
“Present Sir!” sagot ni Gabby. “Corny naman! May roll call pa! I hate this part, attendance! And Harold Mark Aguilar pala ang pangalan ng mokong na iyon!” sabi ng diwa ni Gabby.
“Masungkal, Emartinio!” tawag sabi pa ng propesor.
“Present Sir!” sagot ni Martin.
“So, Emartinio Masungkal pala ang pangalan ni Maritn.” natatawang wika ni Harold sa sarili.
Pagkatapos ng klase –
“Don’t be surprised class to receive your last grade from me today, though we still have two more weeks in the university calendar but I guess five of you were running as cum laude. As expected, these five got a 1.25 grade, three got 1.75 and the remaining ten got 2.25 to 2.75.” pagbabalita pa ng propesor nila. “Harold Mark Aguilar, Simeon Inclino, Mark Francis Macatongtong, Emartinio Masungkal and Al Farwane Kate Rodriguez, congratulations and you excel in my class.” pagwawakas ng propesor saka iniabot kay Harold ang lahat ng classcard.
“Matalino pala si Harold!” komento ni Gabby habang inabot ang classcard.
“I told you, sana nag-file ka talaga ng honors nung nag-apply tayo sa graduation!” sabi ni Martin kay Harold.
“Hindi ba ako nag-file?” biglang napa-isip na tanong ni Gabby. “What’s in between Harold and Martin?”
“Hindi! Kasi sabi mo hindi na ako qualified kaya hindi ka na lang mag-apply.” sagot ni Martin. “Hoy Harold, wala ka na naman ba sa sarili mong katinuan?” pang-aasar ni Martin. “Your transcendental being, nawawala na naman!” komento pa ni Martin.
“Sorry ah.” sagot ni Gabby.
Lunchtime –
“What kind of place is this?”? tanong ni Gabby kay Sean.
“Anung arte yan ha?” nahihiwagaang tanong ni Sean kay Harold.
“So cheap, so…” sagot ni Gabby saka pinahid ng daliri ang isang mesa. “hay!” napabuntong-hininga pa niyag sabi. “This is not conducive for eating Sean! Look, tables are messy, there are so many flies and insects. This is not well-ventilated and I cannot eat in this kind of place.” reklamo ni Harold.
“You’re kidding right?” sabi ni Sean. “Lagi naman tayong dito kumakain ah.” sabi pa ng binata.
“I lost my appetite, kayo na lang ang kumain!” reklamo ulit ni Gabby saka lumakad palayo.
“Hayaan mo na si Harold!” pigil ni Kenneth kay Sean nang makitang hahabulin nito si Harold.
Kinagabihan –
“Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Harold na nasa katawan ni Gabby kay Gabby na nasa katawan niya.
“Bahay ko ito di ba?” balik na tanong ni Gabby kay Harold.
“Oo, alam ko!” sagot ni Harold.
“So, I have my rights to sleep here!” sagot ni Gabby. “Prepare me a dinner!” utos pa ni Gabby kay Harold.
“Remember, nasa katawan kita and you should live the life I have.” sagot ni Harold kay Gabby.
“But I am the real Gabby and not you! You may have my body but not my consciousness, identity and right!” sagot ni Gabby.
“You have the consciousness but not the rights and identity!” sagot ni Harold. “Remember, rights and identity were part of your physical existence and since this is our situation, meaning I have the rights and identity belonging to you. Besides sinung maniniwala na ikaw si Gabby at ako si Harold kung ang nakikita nila ako si Gabby at ikaw si Harold.” dugtong pa ni Harold.
“Okay! Fine!” sagot ni Gabby. “But the fact that we know our situation, I have all the rights and identity of Gabby and inuutusan kita, prepare me dinner.” utos pa ni Gabby. “Pero kung ayos lang sa’yo I will make a new identity for Harold kung talagang feeling mo ikaw si Gabby.” pananakot pa ni Gabby.
“Okay! Sige! Ipagluluto na kita, basta maintain Harold’s identity and personality.” sabi pa ni Harold.
Habang kumakain –
“You’re good at cooking.” komento ni Gabby.
“Simula kasi ng mamatay si nanay ako na ang nagluluto para sa amin ni tatay. Eight pa lang ata ako nun nung mag-start akong magluto. Magaling kasing cook si nanay at tatay so, parang inherited ko na.” sagot ni Harold.
“Sorry to hear that. Wala ka na palang nanay. Ang tatay mo?” tanong pa ulit ni Gabby.
“Si tatay? Five years na siyang patay.” sagot ni Harold.
“Sorry ulit!” paumanhin ni Gabby.
“Ayos lang iyon!” pilit ang ngiting sagot ni Harold.
“Sino ang kasama mo sa probinsya?” tanong ni Gabby.
“Wala! Kaya nga ayokong umuuwi sa amin kasi ako lang mag-isa sa bahay.” sagot ni Harold.
“Eh paano ka nabubuhay? I mean, source of income mo?” tanong ulit ni Gabby. “Ilang araw na ako sa katawan mo pero wala pa naman akong pinapasukang trabaho?” tanong ulit ni Gabby.
“Ah, freelance ghost writer kasi ako, tapos contributor din ako sa isang glossy magazine. Kasama ko si Martin, siya naman editor. Si Francis naman ang nagpasok sa amin dun.” nakangiting sagot ni Harold. “Saka si tatay, may naiwang business and lupa kaya na-uutilize ko din iyon para naman mabuhay ako.” sagot ni Harold. “High school pa lang ako isa na akong ulilang walang kahit isang kamag-anak na kilala at binubuhay mag-isa ang sarili. Maswerte na lang at may iniwang mana sa akin.” paglalahad pa ni Harold.
“Ano nga pala ang koneksyon mo kay Martin?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Best friend ko si Martin kaya please lang huwag mong wawalanghiyain iyon!” sagot ni Harold.
“As you wish!” nakangising sagot ni Gabby.
“Huwag mong gagalawin iyon! Lagot ka sa akin sa oras lang na malaman kong winalanghiya mo si Martin.” pagbabanta pa ni Harold.
“Oo nga po!” sagot ni Gabby. “Don’t you have any questions to ask?” tanong pa nito.
“Business?” balik na tanong ni Harold.
“Nope! Something personal.” sagot ni Gabby.
“Hindi naman ako interesado sa buhay mo at sa iyo so what’s the reason of asking you questions.” tugon ni Harold.
“Hay! Kahit ano!” sagot ni Gabby.
“Aha!” waring may naalalang pahayag ni Harold. “Why are you using Fabregas?” tanong nang binata. “Di ba, ang mama mo ang Fabregas? Ano ang surname nang Papa mo?” kabuntot na tanong ni Harold.
“It’s a long story!” sagot ni Gabby.
“Naguguluhan lang ako kaya kwento mo na.” pamimilit ni Harold.
“Akala ko ba hindi ka interesado sa kwento ko?” pang-aasar ni Gabby kay Harold.
“Kasi hindi ko lang ma-imagine na hindi ko kilala ang papa mo. Paano kung may magtanong?” tanong pa ni Harold.
“It’s a very long story.” tugon ni Gabby saka tumayo.
“Gaano kahaba? Short cut mo.” tuloy na pamimilit ni Harold.
“Kahit i-short cut ko o i-summary pa, mahaba talaga.” tugon ni Gabby na medyo naaasar na sa kakulitan ni Harold.
“I will listen! Ilang oras ba? Isa? Dalawa?” tanong ulit ni Harold na tipong sinasadya na ang pang-aasar dahil nangingisi pa ito.
“Hay!” napabuntong-hiningang turan ni Gabby. “Makulit ka din!” komento pa nito.
“Ikaw may sabing tanungin kita tapos maaasar ka? Pikon ka pala eh!” sabi ni Harold. “Ang galing mong mang-asar eh pikones malditos ka pala.” kantyaw pa nito.
“Hindi ako pikon!” kontra ni Gabby.
“Ikwento mo na iyong tanong ko.” pahayag ni Harold.
“Okay!” sagot ni Gabby. “I am using my mother’s surname kasi galing ako sa broken family.” simula ng kwento ni Gabby.
“So? Anung connection nang pagiging broken family mo sa surname mo?” tanong ni Harold.
“My mother married my father for business purposes. Feeling ko nga bato si mama kasi she never loved a man before she met my father, laging sunud kay lolo at sa gusto ni lolo nakabatay ang buhay niya. Lolo wanted my mother to marry my father kaya ayun, nagpakasal sila, then when she’s starting to fall in love sa papa ko, my father realized that he loves another woman. Duon nagsimula ang problema, laging nag-aaway until my father decided to leave my mom. Duon na din nagsimula ang downfall ng mga kumpanya ni lolo, malaki kasi ang naging lugi. Sa galit ni mama kay papa, she decided na papalitan ako ng surname, wala naman akong karapatang tumutol dahil I was fifteen that time, si lolo isinumpa din ang pamilya ni papa kay hindi ko na nakita pa si papa ulit, balita ko nga he flew to Europe kasi isinumpa din siya ng pamilya niya sa ginawa niyang pag-iwan kay mama. Duon nagsimulang isumpa ni mama ang salitang pagmamahal. Kaya nga I understand why she acts such way.” kwento ni Gabby na pilit pinipigil ang emosyon.
“Akala ko ba mahaba?” tanong ni Harold. “Fifteen minutes ka lang nagkwento ah.” pang-aasar pa ni Harold. “Alam mo, ganyan talaga ang buhay, hindi porke’t mayaman ka, iiwanan ka na ng problema.” dugtong pa ni Harold.
“Matulog na nga tayo!” suhestiyon ni Gabby.
“Kanina ko pa gustong gawin iyan.” sagot ni Harold.
Naunang humiga si Harold at ilang sandali pa ay tinabihan na siya ni Gabby. Walang pagdadalawang-isip na niyakap ni Gabby si Harold.
“Oh!” biglang reaksyon ni Harold.
“Pwede ba Harold! I just want to know what’s the feeling of embracing myself. I want to feel what others feel pag yakap nila ako.” sagot ni Gabby.
“Ang yabang talaga!” sagot ni Harold habang pumipiglas. “May topak ka talaga!” komento pa nito.
“Pwede ba?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Just imagine that you’re embracing yourself too! Huwag ka ng maarte!” matigas na wika pa din ni Gabby na lalong hinigpitan ang yakap kay Harold.
“Hay!” sagot ni Harold. “Umayos ka nga topak!” sabi pa ng binata.
Hindi pa man lumilipas ang ilang sandali at hinalikan ni Gabby si Harold. Biglang huminto ang mundo ni Harold sa halik na iyon ni Gabby. Pakiramdam niya ay tinupok ng halik na iyon ang isang damdaming nais na sanang kumawala at naghihiyaw para magsisigaw. Maalab, mainit, masarap, isang halik na nagpabago sa nararamdaman niya.
“I just want to feel my lips! Kaya huwag mong isiping lust ang reason kung bakit ko ginawa iyon. Pure and romantic pa din ang pagtingin ko sa’yo!” simpatikong turan ni Gabby saka lalong inilapit sa kanya si Harold.
Napipi si Harold at hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
“Tulog na tayo!” sabi ulit ni Gabby saka ipinikit ang mga mata.
“Bakit ba affected ako ng halik niya? I’m confused! Sobra! Mahal ko na ba talaga itong tao na kaharap ko? Is there any possibility na magkatotoo ang happy ending sa pagitan namin? This can’t be! Hindi pwede! Ayoko sa nararamdaman ko! Mali! Hindi tama! Katarantaduhan! Kalokohan! Kagaguhan! Kabaliwan! Insanity, yeah, love can drive anyone crazy, pero bakit naman ako tinamaan sa maling tao? Sa isang tao na hindi naman ako maiintindihan kahit kailan! Bakit ba siya pa ang may kakayahan to drive me to insanity? Why? I admit, bakla ako and I wont deny it and tanggap ko nang bakla ako, pero sa dinami-dami ng lalaki sa isang uri pa niya! Sa isang Cinderella story na in real life walang happy ending. Sa isang fairytale na tragic. I don’t know how to be in his world or does his world ready for me? Sa isang iglap lang pwedeng tsugi na ang love story namin but, all the shitness in this world, very ironical! I can’t and will never will!” bulong ng di mapanatag na diwa ni Harold. “Heaven! Please show me the light! I need your divine illumination!” pakiusap pa nito sa langit.
Samantalang si Gabby –
“Now that you’re in my arms, I have nothing else to ask
But to love me tenderly behind the shadows passed in blast
I can make you feel my love in this crazy sheet of untold sleet
To last resort that no one can take you away in the speed of bleat.” saad naman ng diwa ni Gabby habang yakap si Harold.
“Hay Harold! Kahit na yakap kita, still, I can feel the loneliness in my heart. When will you realize that you and I were meant to be? I do have all the richness in this world, but to have you is that precious and so hard to have. Para kang isang wild boar na kasing liit ng guinea pig. I can hunt you para makuha ko pero you’re so cute that my conscience cannot attain hurting you.” bulong pa din ni Gabby sa sarili.
“Strictly, you are no one
And you can’t be anyone
You will never be someone
For my heart you’re the only one.” nakangiting sabi ng diwa ni Gabby.
Kinaumagahan –
“Good morning Sir Gabby!” nakangiting bati ni Joel kay Harold.
“Good Morning Joel and Nick!” ganting bati ni Harold kay Joel.
“Why are you greeting them? You’re the boss and you should not be doing that!” sabi ni Gabby.
“Ihahatid na muna natin si Harold saka tayo pupuntang office.” tila walang narinig n autos ni Harold.
“Hay!” napabuntong-hiningang reaksyon ni Gabby. “How will they obey you if you’re too kind with them?” pamimilit ni Gabby. “You suppose to be very strict!” patigas na saad pa din ni Gabby.
“Just ignore this crazy man!” sabi pa ni Harold.
Lalong naguluhan sina Nick at Joel sa pagbabago ni Gabby at ngayon naman ay ni Harold.
“Hey Gabby! That’s not the kind of personality you have! You should act like Gabby!” madiing utos ni Gabby kay Harold.
“May hang-over lang itong si Harold. Pero mabait din naman itong lokong ito, may topak lang talaga ngayon!” paliwanag ni Harold nang makita ang punung-puno ng pagtatakang mga mata nila Joel at Nick.
Katanghalian –
“Sir Gabby!” katok ni Joel saka binuksan ang pinto ng boss.
“Ano iyon Joel?” tanong ni Harold kay Joel.
“May dapat po kayong pirmahan.” sagot ni Joel. “This is about sa deal sa lupa sa Pulilan.”
“Patay!” mahinang usal ni Harold. “Hindi ko pa nga pala nasasabi iyong sa lupa sa Pulilan.” sabi ni Harold sa sarili.
“I’ll read this later.” nakangiting tugon pa ni Harold.
“Nice song Sir!” bati pa ni Joel sa boss habang nakikinig sa pinapatugtog ni Harold. “Dati Sir ayaw ninyo ng maingay sa office, kahit music ayaw din ninyo.” sabi pa ng binata.
“Dito ko nahanap
Ang hanap ko na buhay
Dito nadalumat
Ang kabuluha’t saysay
Na pinatitining
At pinatitibay
Dinidilig, pinapanday
Ng pag-ibig na di mamamatay
Buhay kong kaisa-isa
Tanging kayamanan
Magmula nang makasama ka
Naging makasaysayan
Ang iyong mga anak
Laging patnubayan
Tungo sa paglaya mong ganap
O sinisintang bayan
Sa lupang sagana
Aba ang karamihan
Kung kaya kasama
Ng buong sambayanan
Sa digmang payapa
At digmang digmaan
Ilulunsad, iluluwal
Ang maunlad na bayang maydangal”
(Sinisintang Bayan, Gary Granada)
“It was from Harold!” sabi pa ni Harold. “Pinatugtog niya kasi kagabi and nagustuhan ko naman.” paliwanag pa ni Harold.
“Sige Sir! Labas na po ako!” paalam pa ni Joel.
“Okay!” nakangiting tugon ni Harold.
Samantalang si Gabby –
“Sean, let’s talk.” anyaya ni Gabby kay Sean.
“Ano naman iyon Harold?” medyo asar nang tugon ni Sean kay Harold. “Magrereklamo ka na naman ba?” tanong pa nito.
“So, I’m sorry for what I’ve done these few days. I just want to know one thing.” tanong ulit ni Gabby.
“Ano naman iyon?” tanong ni Sean.
“Have you ever been fall in love?” tanong ni Gabby. “I’m quite interested about your love life.” dugtong pa nito. Gusto talaga ni Gabby na makasigurado kung may gusto si Sean kay Harold dahil napansin nito na lumulungkot ang mga mata ni Sean sa bawat araw at nagiging apektado din ang binata sa pagiging iba ni Harold na siya naman talaga. Sa pakiwari din kasi niya ay iba ang dahilan ni Sean kung bakit laging ipinagtatanggol siya ni Sean sa tuwing may kakaiba siyang gagawin, gawaing hindi ginagawa ng totoong Harold.
“Oo naman! Siguro three times na din. Iyong dalawa natuloy sa relationship pero iyong pangatlo, going nowhere.” sagot ni Sean.
“Hmm! Okay!” maikling tugon ni Gabby.
“Di ba alam mo naman iyong kwento ko? Bakit itinatanong?” saad ni Sean. “Kung hindi ko lang nakikita ang mukha ni Harold sa’yo or kung may kakambal man si Harold, talagang sigurado akong hindi ka si Harold.” sabi pa ulit ng binata.
“Medyo ni-rerefresh ko kasi, alam mo na I want to know you more, kasi feeling ko these past days medyo nawawala ako sa sarili.” nakangiting tugon ni Gabby na pilit pinapa-sweet ang dating para maging kumbinsidong siya si Harold.
“That’s what I’ve missed!” nakangiting turan ni Sean saka inakbayan si Harold. “Tagal ko na ding hindi nakikita na ngumungiti ka.” saad pa nito. “Akala ko talaga mawawala na ang masayahin, mabait at matinong kausap na Harold.” dugtong pa nito.
“Iyong sa ngayon, bakit hindi pa natutuloy sa relasyon? Bakit kayo nagkahiwalay nung mga nauna?” curious na tanong ni Gabby.
“I feel the emptiness, iyong tipong kahit magkasama na kami, parang wala pa din iyong presence niya. I can say love really goes out and the only connection na nagbind sa inyo is iyong panghihinayang sa mga araw na pinagsamahan. Pero kahit na, darating din ang araw na kahit anung ingat, if you’re not meant to be magkakahiwalay kayo.” sagot ni Sean. “Iyong sa bago, alam ko kasing siya na iyong hinihintay kong bubuo ng kulang sa puso ko, kaso takot ako na siya na mismo iyong tumanggi na tulungan ako, natatakot din akong hindi pala kami pareho nang nararamdaman. Natatakot akong sa bandang huli, kung kailan okay na, saka naman siya biglang kuhanin ng iba.” sabi pa ni Sean na hindi magawang tumingin sa mga mata ni Harold.
“I sympathize!” tugon ni Gabby na medyo nabibigyan na ng linaw lahat ng tanong niya. “Had you tried telling this person?” tanong ni Gabby kay Sean.
“Hindi pa din! Alam mo iyong feeling na wala pa man, naduduwag ka na? Sa ngayon hanggang tingin lang ako, hanggang ngiti. Hindi ko nga din alam kung ano ang nararamdaman niya eh.” sagot ni Sean.
“How can your questions be answered if your afraid of telling this person what you feel?” tanong ni Gabby.
“It’s not important at all! May iba siyang focus at ako man, iba din ang focus ko. Besides, malamang sa oo, maka-apekto ako sa buhay ng iba ko pang mga kasamahan. Natatakot lang akong malamatan ang samahan natin sa partido at alam kong ayaw niyang malamatan iyon.” sagot ni Sean na napabuntong-hininga.
“Who is that lucky one?” tanong ni Gabby kay Sean na nakatanaw sa malayo.
“Ako na lang ang nakakaalam nun!” nakangising sagot ni Sean saka tumayo.
“Hoy!” pigil ni Gabby kay Sean. “Naturingang buddy tayo pero ayaw mong sabihin!” sabi pa nito.
“Read between the lines buddy! Huwag ka lang maging manhid!” sagot ni Sean.
“Now I’m sure!” sabi ni Gabby sa sarili. “With your expressions, actions and your story, I’m sure it is Harold!” saad pa ni Gabby sa sarili.
Sinundo ni Harold si Gabby sa dorm dahil nga sa usapang duon na matutulog si Gabby kasama niya. Pagkadating sa bahay ay nagulat na lang sila nang salubungin sila ng mama ni Gabby –
“What are you doing here ma?” tanong ni Gabby sa ina.
“Ma?” nagtatakang tanong ng mama ni Gabby. “At bakit ka nakiki-mama?” tanong pa nito.
“Sorry madam!” paumanhin ni Gabby nang maalalang nasa katawan nga pala siya ni Harold.
“And you Gabby! Sa dinami-dami ng babae na may class, socialite, at may magandang background, bakit sa isang hampas-lupang lalaki ka pa nakikisama?” galit na pangaral ng matanda sa anak.
“Ma!” awat sana ni Harold na nasa katawan ni Gabby.
“No! I wont stop!” sabi pa ng mama ni Gabby. “I wont hangga’t hindi mo pinapaalis iyang pulibing iyan sa bahay mo!” madiing utos pa nito.
“Ma! Hindi mo pwedeng paalisin dito si Harold.” sagot ni Harold.
“At bakit? Seryoso ka bang talaga d’yan sa hampas-lupa na iyan?” tanong ng ina ni Gabby. “Pera mo lang ang gusto n’yan! Ang mga taong katulad niya, manggagamit ng ibang tao para makaangat sa buhay!” sabi pa ng ina. “Malaking kahihiyanan na sa pamilya Gabby ang pagiging silahis mo kung silahis ka man! Pero sana huwag mo ang dagdagan pa, huwag mo nang sayangin pa ang natitirang dignidad na mayroon ka! Layuan mo na iyang pobreng mahirap na manggagamit na iyan! Bigyan mo kami ng kahihiyan!” sabi pa ng ginang.
“Ma! Hindi ganuong tao si Harold! Mabuting tao at may prinsipyo! Hindi siya tulad ng iniisip ninyo!” kontra ni Harold na nasa katawan pa din ni Gabby.
“Kung may prinsipyo, sana alam niyang wala siyang lugar sa mundo natin! Sana alam niyang hindi siya kayang tanggapin ng mundo natin! Sana alam niyang ang kagayan niyang hampas-lupa ay walang lugar sa mundo natin!” giit ng matanda.
“Pero ma! Mali ang…” katwiran sana ulit ni Harold.
“Tama na Gabby! Your mother is right and you cannot change her ideas that quick! She does not understand how love works and what the meaning of love is. I’m sure, she marries your father for the sake of business, kasi sa mundo ninyong mayayaman, marriage is a sacred investment. Marriage is simply to extend property, business matters most; love is equivalent to assets and mas mayaman mas malaking asset ang makukuha. Mas mayaman, mas malaking investment. Your argument about love is invalid dahil iba kayo ng definition.” sagot ni Gabby na nasa katawan ni Harold.
Isang malutong na sampal ang binigay ng ina ni Gabby kay Gabby na nasa katawan ni Harold.
“Wala kang alam! Isa ka lang latak ng lipunan! Isang baklang kaladkarin!” sabi pa ng nanggigigil na ginang. “Layuan mo na ang anak ko kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo!” banta pa nito.
“Wala ka bang ibang alam kung hindi manira ng buhay ng ibang tao?” tanong ng tunay na Gabby sa ina.
“Harold!” awat ni Harold kay Gabby.
“She’s right Harold! Sige, babalik na ako sa dorm ko! Sa dorm ng mga dukha, mahihirap at hampas-lupa!” sabi pa nito saka tumalikod.
Pagkaalis ni Gabby –
“Ikaw naman!” sabi ulit ng ginang. “Magtira ka naman ng kaunting kahihiyan sa pamilya natin! Pakalalaki ka naman! Ano na lang ang magiging reaksyon ng lolo mo pag nalaman niyang bakla ka? He’s not happy in heaven for sure! Huwag mo naman gawing kahiya-hiya ang pamilya natin dahil sa desisyon mo!” sabi pa ng ina.
“What’s with being gay? It’s not a big deal! Being gay is being myself! Being gay is being my own reflection, I don’t want to pretend to be someone whom you’re trying me to be. I cannot change myself just for your sake. I have my own will, my freedom, my consciousness, my life. It’s my choice and please, being gay doesn’t affect my performance as a businessman.” paliwanag ni Harold sa ina ni Gabby. “Anung gusto ninyong mangyari? Mag-role playing tayo na gaganap ako sa gusto ninyo sa akin? Aarte ako sa buong buhay ko? I’m not good in acting, and it means I will fail. I’m not created just to be your lazy puppet! I’m drawn up to this world not to be a puppet for others’ eyes, for their entertainment by playing the character I’m not. This is not imperfection but my struggle to be semi-perfect in ways I know.” sagot ni Harold. “I’m not sure kung ganito ako sa inyo dati pa, pero please try to understand my situation.” sagot pa nito.
“Gabby!” naluluhang sabi ng ginang. “I can’t imagine your doing this.” sabi pa nito.
“With regards to Harold…” putol na sabi ng binata saka kumuha ng isang malalim na hininga, “matatapos din ito! Huwag kang lang pong mainip, malapit na, konting panahon lang.” pagwawakas pa ni Harold saka umakyat sa taas ng bahay ni Gabby.
May mga pigil na luha sa mga mata ng binata. May isang damdamin ang kumikirot sa kanya, sakit at hirap na maaring makuha ng isang taong nasaktan at bigo, sakit na higit pa sa maari niyang makuha sa pukpok at palo ng mga pulis sa rally.
“Na-experience kaya ni Cinderella itong nangyayari sa akin? I bet hindi! Letseng Cinderella! Mahilig magpaasa na basta true love pwedeng magkatotoo, laging may happy ending. Does she know about classes in the society? Letse s’ya! Paasa!” ngitngit ng loob ni Harold. “Harold dear! You must now learn your lesson, Gabby and you together is really impossible. Wake up, dapat mapabilis na ang pagbalik sa dati para matuldukan na ang nararamdaman ko para sa’yo.” sabi pa ulit ng diwa ni Harold.
Diretso si Harold sa may veranda ng kwarto ni Gabby at duon niya nakita ang ina ng binata na paalis na.
“Bakla! What’s wrong being gay? I’m just being myself kasi ayokong magpanggap na straight kung hindi naman totoo. Mahirap piliting maging lalaki kung ang puso mo ay tumitibok para sa same sex. Kung pwede lang sanang alisin ang puso, then go kaya kong maging lalaki! Straight na straight! But heart is essential for living and removal of heart means death. Love and heart can be equated, therefore, removal of love means death. Death in a sense that ending what is oaght to be, the death of man’s freedom and expression of his desires and emotions. Being someone is typically the death of the nature of man. Pretending that I’m straight will mean death of my sexuality. I am free and being a gay, homo or bisexual is an expression of freedom.” bulong nang mapangahas na puso ni Harold.
Samantalang si Gabby, pagkabalik sa dorm ni Harold ay hindi na nakuhang mag-inarte dahil laman padin ng utak niya ang mga sinabi niya sa ina at sinabi ng ina sa kanya. Masakit, masakit na masakit ang lahat ng narinig niya mula sa ina, sa mababang pagtingin nit okay Harold at sa katotohanang sinabi sa kanya.
“I’m sure I love you, and I know I can stand strong
I doubt, if I can still be your prince this time so wrong
I realized that love is nothing if we cannot hold on.
I must face the reality of bridging the world I don’t own.” linyang naglalaro sa isip ni Gabby. Kinuha niya ang cellphone at saka tiningnan ang picture ni Harold.
“Harold, you give me reasons to continue
Fighting this stumbling irony of desperation
I know the winds will guide me to I don’t know
I’m sure it will lead me to where you stand below.” isang linya nang nagpapahayag ng pagbabalik ng pag-asa mula kay Gabby.
“Harold! I know, I can take all the pain, can carry all the troubles and every burden for the promise of you to be mine.” sabi ng diwa ni Gabby saka ipinikit ang mga mata.


[Finale]
Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/ Letter E “How’s your night?” text ni Gabby kay Harold kinaumagahan. “Lil unwel..” reply ni Harold. “Sory bout last nyt. I didnt expct dat.” kasunod na text ni Gabby. “Aus lng un. Tma nmn mama mo.” reply pa ni Harold. “Pls. dont wory. I asure u, evrythng wil b fine.” paninigurado pa ni Gabby. “J 4get about it. Gayak na, bka mal8 ka pa.” sagot ni Harold. “Take care Rold!” reply ni Gabby. Nang katanghalian – “Oh buddy! Bakit ganyan ang itsura mo?” nag-aalalang tanong ni Sean kay Harold nang makita niya ito. “I’m okay! I’m fine!” sagot ni Gabby. “Alam ko buddy, medyo weird ka talaga this past week. You’re being stubborn, mean, sarcastic, little bit konyo, pero ngayon, parang binalibag ka sa 6th floor tapos dinaganan ng pison.” saad pa ni Sean na pinipilit sumaya si Harold. “I said I’m okay! Do you think you can help?” galit na sagot ni Gabby kay Sean. “Okay!” paumanhin ni Sean na may mga ngiti sa labi. “Sinusubukan ko lang naman pasayahin ka eh.” saad pa ng binata saka akbay kay Harold. “If I were Harold, I better choose Sean than Kenneth! I can’t see any reasons to decline this man: so sweet, very manly, very mature, hunk and so good-looking. I need to work out! Sean will be my greatest enemy for winning Harold’s heart.” sabi ng isip ni Gabby. “May mob mamaya. Sama ka ba?” tanong pa ni Sean kay Harold. “I can’t come!” sagot ni Gabby kay Sean. “I have many things to do.” tugon pa ng binata. “Bakit? May ano? Dati, kahit bawalan ka namin nagpupumilit ka.” nagtatakang tanong ni Sean. “I said I can’t!” madiing sagot ni Gabby. “Please understand me first!” habol pa ng binata. “Okay!” nakangiting tugon ni Sean saka tumayo at iniwan mag-isa si Gabby. Ilang sandali pa at – “Gabby! May mob mamya. attend ka.” text ni Harold kay Gabby. “Cgeh!” sagot ni Gabby. “Tnx!” reply ni Harold. “May kapalit ang pagsama ko sa mob.” reply ni Gabby kay Harold. “Ayst! Sb q n nga b eh! ano nmn?” reply ni Harold. “Don’t think about it muna. Iicpn ko pdn ksi.” reply ni Gabby. “Cgeh! Bsta sumama ka.” reply ni Harold. “Okay!” reply ni Gabby. “He will not know about it, so I won’t attend the mob.” bulong ni Gabby sa sarili. Kinagabihan ay binisita ni Harold si Gabby sa dorm. “What brings you here?” nakangiting tanong ni Gabby. “Lier!” simulang sumbat ni Harold. “What do you mean?” tanong ni Gabby. “Sabi mo pupunta ka sa mob? Bakit iba ang sinabi sa akin ni Sean?” tanong ni Harold. “Sean?” nagtatakang tanong ni Gabby. “Yeah! Si Sean! Tinext ko siya using Joel’s phone kung sumama ka ba sa mob. And he said, sabi mo daw madami kang gagawin.” sagot ni Harold. “So, si Sean pala!” sagot ni Gabby. “You don’t have the right to dictate me what to do!” giit ni Gabby. “I have all the rights! Kasi katawan ko iyang nasa’yo!” sabi ni Harold. “May karapatan akong utusan ka kasi ako, sinusunod ko iyong usapan natin! Pinipilit kong maging ikaw, gawin lahat ng commitments mo para maging fair! Alam kong malayo sa alam mong buhay ang buhay ko, kaya naman ako, nag-eexert din ng effort para naman masabi mong I did my role fairly!” sabi ni Harold. “Let me explain first!” pamimilit ni Gabby. “No!” pigil ni Harold. “Anung sasabihin mo? Na makasarili ka? Hindi mo na isinaalang-alang kung ano ang gusto ko! Please! Alam ko namang against ka sa prinsipyo ko, pero sana isipin mo, may Harold nang nag-eexist bago ka pumasok sa katawan ko. Hindi ko naman gustong magkapalit tayo at ayokong mabuhay sa buhay na mayroon ka!” litanya pa ng binata. “Listen!” awat ni Gabby kay Harold saka hinawakan sa balikat ang binata. “Ano? Sige na itanggi mo nang selfish ka! Magmalinis ka!” sabi ni Harold. “Sige, I’m selfish!” sabi ni Gabby. “I am really selfish and I admit it! Let me explain first Harold.” saad pa ng binata saka kumuha ng isang malalim na hininga. “I did it not because of the pain I can get, but because I am afraid that in no time, we will be back in our own body. I don’t want you to feel the pain anymore! I don’t want you to have such bruises and wounds. I don’t want you to be in pain again.” sinserong paliwanag ng binata. “Ayokong masaktan ka Harold, kasi mas doble ang sakit na mararamdaman ko.” habol pa nito. “Ewan ko Gabby! Pwede ka namang sumama di ba? Hindi ko naman sinabing magpapalo ka!” sagot ni Harold. “Pero ang totoong Harold na nakikita ko, kayang isakripisyo ang sarili para sa prinsipyo at pinaglalaban.” tugon ni Gabby. “Pero alam ko namang hindi ikaw si Harold at alam ko namang magbigay ng konsiderasyon at konting limitasyon. Naiintindihan ko, kasi ako man, hindi ko kayang maging si Gabby at madaming bagay akong hindi kayang gawin na kayang gawin ng totoong Gabby.” paliwanag ni Harold. “Ang gusto ko sana, maging ikaw si kunyaring Harold na hindi mo maiiba ang Harold na kilala nila.” habol pa ng binata. “I understand and I am sorry!” paumanhin ni Gabby saka niyakap si Harold. “There are many ways to express your feelings and sympathy to others but why in that way? Why you prefer being hurt and in pain? I know you’re bright, brilliant, smart, wise and intelligent. Why don’t you fight in that way?” tanong pa ni Gabby. “You said the answer!” sagot ni Harold. “Prinsipyo! Dahil ito ang prinsipyong alam ko. Madaming paraan, pero mas masaya ako pag nagagawa kong ipagsigawan sa kanila ang nararamdaman ko. Yeah, alam ko namang hindi kami napapakinggan o nadidinig ng pinapatamaan namin. Pero mas mainam na ang ganito kaysa naman sa nakaupo lang at nanunuod. Sa ganitong paraan ako masaya, kasi sa ganitong paraan, pakiramdam ko isa akong hangal na naghahangad nang pagbabago kahit na ang ilan ay hindi naniniwala! Isa akong hangal dahil alam kong kahit masasaktan lang ako ay patuloy akong lumalaban habang ang iba ay umaaray lang kahit hindi nararamdaman. Isa akong hangal dahil pinili kong lumaban sa paraang kakaunti lang ang may lakas ng loob para gumawa. Isa akong hangal para sa isang pangarap na mahirap abutin. To clarify things, nagagamit ko ang utak at pinag-aralan ko dito.” sagot ni Harold. Lalong higpit ang ginawang yakap ni Gabby kay Harold na ngayon ay nagsisimula ng mapaluha dahil sa emosyong dala niya. Isang emosyong umaalab dahil sa pagpapahayag niya ng prinsipyo at pinaglalaban. “Pwedeng dito ako matulog?” pakiusap ni Harold pagkabitiw sa yakap ni Gabby. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Gabby. “I really miss my simple life.” maikling tugon ni Harold. Ngiti lang ang tinugon ni Gabby sa pakiusap ni Harold. Sa gitna ng malalim na gabi ay nakuha pa ni Gabby na tumanghod sa bintana at masdan ang mga bituin sa langit – “You Harold is a precious gift worthy to receive In doomsday’s a shadow giving me reason to believe Smiling back through the plains and mountains beneath Holding the most splendid and meaningful ace to achieve.” muling pinaglaro ni Gabby ang kanyang diwa. Tinitigan ni Gabby ang nakahiga nang si Harold. “Harold! We really are different and still, I can’t find the answer why I am so attached to you. I can’t think of a day without you smiling or without you frowning. I can’t imagine my life without you holding on or this kind of feeling very true, pure and loyal.” saad ng diwa ni Gabby habang nakatitig kay Harold. “In this speeding world and life of man I wonder why there’s a left piece of can Emptied and somehow broken in span But not until everything is being done.” muling paglalaro sa diwa ni Gabby. “I love you Harold! I can be your Romeo or your Anthony. I am willing to be your Florante or Don Juan. I can make fairytales come true and be better than Aladdin, Hercules and any other princes. You’re my priceless prince, my Jasmine, my mermaid, my Snow White, my beauty and my Cinderella.” muling sabi ni Gabby sa sarili na hindi inaalis ang mga mata kay Harold. “If I am Aladdin, I’ll ask the genie to touch your heart If I am Hercules, I’ll ask the Gods to provide your part If I am Eric, I’ll ask Neptune for a tail to follow your mark But I’m Gabby; all I can do is to watch you walk in the dark.” matapos nito ay napabutong-hininga ang binata saka tinabihan si Harold sa single size bed nito. Ang diwa ni Harold ay gising na gising pa ng mga oras na iyon. Ramdam niyang nakatingin sa kanya si Gabby kaya naman hindi niya magawang tumingin din sa gawi nito. “Tomorrow is something I don’t know and before it leads to tragedy, I better stop as soon as possible. Itong damdamin kong ito na tinatanggihan ko ay mismong pakiramdam na gustung-gusto ko. Itong damdamin na naglalaro sa puso ko ay isang damdaming nahihirapan na akong alisin, ngunit alam kong dapat at tamang kalimutan ko na at pigilan dahil isang mas masakit na pangyayari ang pwede kong kahantungan. Walang pag-asa, walang bukas, walang magandang maidudulot, masakit, malayong magkatotoo, mahirap!” sabi ng diwa ni Harold. Maya-maya pa ay yumakap si Gabby kay Harold. Hindi na nagbigay pa ng reksyon ang binata sa ginawang aksyon ni Gabby. “This could be the last time kaya dapat damhin ko na ang init at ang pakiramdam na mayakap ng taong alam kong mahal ko na. this could be the last dahil baka bukas, magbago na ulit ang kapalaran, bumalik na ang lahat sa normal. Harold, be brave! Be strong!” saad ng diwa ni Harold na hirap na hirap na sa isang dilemma ng pag-ibig na kailangan niyang harapin. Kinaumagahan – “If I am not mistaken, today is the seventh day.” simula ni Gabby habang kumakain sila sa isang fastfood chain malapit sa pinapasukan ni Harold. “Yeah!” sagot ni Harold. “Wala naman akong pasok, I mean, si Harold pala, tara punta na tayo kay tito Ronnie.” suhestiyon pa nito. “That’s the next thing I am going to tell you.” simpatikong dugtong ni Gabby saka tumitig sa mga mata ni Harold. Nahiya si Harold sa ginawang pagtingin ni Gabby sa kanyang mga mata kaya iniwas na lamang niya ito subalit hindi pa rin magagawang itago ang pamumula ng mga pisngi ng binata. “Okay! You must settle first your meeting with Mr. Gutierrez this afternoon then, we will go to you tito Ronnie.” sabi ni Gabby. Ngiti lang ang sinagot ni Harold sa sinabing iyon ni Gabby. Kakaibang tuwa ang nadarama ni Harold sa isiping malapit nang bumalik sa kanya ang tunay na katawan at babalik na ang dati niyang buhay. Kinahapunan – “Let’s go!” aya ni Gabby kay Harold pagkasakay niya ng kotse. “Sure! Ikaw na ang mag-drive.” suhestiyon pa ni Harold. “Huh?” nagtatakang tanong ni Gabby. “But why?” sunod na tanong pa nito. “Kasi pag-uwi natin ikaw na din naman ang magda-drive saka kotse mo ito.” sagot ni Harold. “You’re just lazy.” tugon ni Gabby saka lumipat sa kabilang side. “Anung ginagawa mo?” kinabahang tanong ni Harold nang pumaibabaw si Gabby sa kanya. “You told me to drive, so I’ll transfer in this seat.” sagot ni Gabby saka inilapit ang mukha sa mukha ni Harold. “Pwede ka namang bumaba.” sagot ni Harold. “You should transfer right now before I do something really nice.” nakangiting sagot ni Gabby. Naging mabilis ang kilos ni Harold sa paglipat sa kabilang upuan dahil na din sa takot sa kung ano ang sinasabi ni Gabby na gagawin niyang nice. Tahimik ang pagitan ng dalawa habang bumibyahe. Madilim na madilim na ang buong kapaligiran ng makapasok sila ng Quezon at tahimik na tahimik na ang buong paligid nang marating nila ang ibaba ng bundok Banahaw. “Come on!” aya ni Gabby kay Harold pagkababa ng kotse. “Sige mauna ka.” sagot ni Harold. “Aren’t you excited that finally we’ll be back in our body?” tanong ni Gabby kay Harold. “I’m excited, but are you sure you really want to climb? Hindi mo ba naririnig iyong ingay na yun?” tanong ni Harold kay Gabby. “Alin?” tanong ni Gabby saka pinakiramdaman kung anung ingay iyong sinasabi ni Harold. “There are many spirits, malignos, kapre, tikbalang and other supernatural creatures in our way.” paglalahad ni Harold kay Gabby. “It’s fifteen past nine and by this time, these creatures started their day. It will take us more than three hours bago makarating kay tito Ronnie.” kwento ulit ni Harold. “I do live here for almost a month and sanay na ako sa ganuon. Ewan ko lang sa’yo.” sabi ulit ni Harold. “If you wish let’s start walking.” dugtong ni Harold saka inihakbang ang mga paa para simulan na ang pag-akyat. “I actually don’t believe with supernatural but for your sake let’s find a place to sleep.” namumutla at nanginginig na sabi ni Gabby. “Hindi! You have nothing to worry bout me. Tara na! Lakad na tayo and be friendly with those na ma-eencounter natin.” lahad pa ni Harold. “I said let’s spend our overnight here!” madiing utos ni Gabby. “Sabi mo kasi…” tutol sana ni Harold. “Don’t make excuses.” sabi pa ulit ni Gabby na nanginginig na sa takot. Napangisi na lang si Harold sa naging reaksyon ni Gabby dahil alam niyang natakot ang binata sa kwento niya. Totoo na sanay na si Harold sa ganuong pangitain at ayos lang sa kanya na dumiretso paitaas pero inaalala niya si Gabby na baka maging problema niya pag-akyat. “Look! Harold!” sabi ni Gabby kay Harold. “I can see a light and I’m sure there’s a house to sleep.” sabi pa nito saka sumakay sa kotse. “Wait!” sagot ni Harold na labis na nagtataka dahil sa pagkakaalam niya ay walang bahay na malapit duon. Ilang saglit pa at – “Tao po!” katok ni Gabby sa bahay. “May tao po ba dito?” tanong ni Harold. “Siyempre naman may tao dito! Bahay to!” sagot ni Gabby. “Malay mo engkanto pala nakatira dito.” pananakot ni Harold kay Gabby. Biglang namutla si Gabby sa sinabing iyon ni Harold. “Tara sa kotse na lang tayo.” aya ni Gabby kay Harold. Ipit na napatawa si Harold sa naging reaksyon ni Gabby. “Why are you laughing?” tanong ni Gabby. “I said, let’s stay inside my car.” madiin pa nitong utos. “Nakakatawa ka kasi! Sa yabang mong iyan, duwag ka pala!” patuloy pa ding nagpipigil nang tawa si Harold. “Ano ba iyon?” tanong ng matandang nagbukas ng pinto sa dalawa. “Magandang gabi po lola!” bati ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Pwede po bang makituloy muna kami?” sabi pa nito. “We’re from Manila and we’re kind of trapped here…” hindi na naituloy pa ni Gabby ang sasabihin dahil tinakpan na ni Harold ng kamay ang bibig ng binata. “Aakyat po kasi sana kami ng taas ng bundok pero inabot po kami ng dilim.” sabi naman ni Harold. “Ganun ba hijo.” sabi ng matanda. “Tuloy na muna kayo dito.” dugtong pa nito. Pumasok naman sina Harold at Gabby sa loob ng bahay. Hinainan ng matanda ang dalawa ng isang mainit na sabaw saka binigyan ng kumot dahil sa napakalamig sa lugar na iyon. “Pagpasensyahan na ninyo mga apo. Iyan lang kasi ang niluto ko.” paumanhin pa ng matanda. “Wala po iyon. Sana po hindi na kayo nag-abala pa.” sagot naman ni Harold. Ngiti lang ang tinugon ng matanda sa kanila. “Are you alone here?” tanong ni Gabby sa matanda. “Ano ba!” awat ni Harold kay Gabby. “Bumaba lang sa bayan ang asawa ko, bukas pa makakabalik iyon.” sagot naman ng matanda. “Aren’t your afraid?” tanong ulit ni Gabby na nasa katawan pa din ni Harold. “Hindi naman. Sanayan lang din iyan hijo.” sagot ng matanda. “There’s something strange.” kinakabahang bulong ni Harold kay Gabby. “I can’t see any!” sagot ni Gabby. “Hayaan mo na iyon.” sagot ni Harold. “Sige na, magpahinga na kayo at maaga pa kayong lalakad bukas.” sabi ng matanda. “Salamat po lola.” sagot ni Harold. May dalawang silid sa bahay na iyon, dun sila pinatulog sa isang bakanteng kwarto. Hindi kalakihan pero malamig at maaliwalas tingnan “There’s something strange talaga akong nararamdaman.” komento ulit ni Harold pagkahiga nila sa papag na nilatagan ng manipis na kutson. “Hay! What is it?” tanong ni Gabby. “See the room?” tanong ni Harold kay Gabby. “Yeah!” sagot ni Gabby. “Parang expected nilang may bisita sila. See, malinis na malinis, may flower vase at may kurtinang bagong palit. Pati itong mga tsinelas natin parang isinukat sa paa at talagang bago pa.” salaysay ni Harold. “It’s very common in rural areas like this.” kontra ni Gabby sa sinabi ni Harold. “Saka wala akong naaalalang mga bahay sa baba nito. Kagagaling lang natin dito last week pero hindi ko nakitang may nakatayong bahay dito.” sabi ulit ni Harold. “Hay! Hindi mo lang napansin iyon.” kontra ulit ni Gabby. “Parang sinadya di ba? Kasi sa ganitong oras ng gabi karaniwan sa mga matatanda eh tulog na, pero si lola gising pa at bukas ang ilaw. To think na bukas pa uuwi ang asawa niya at wala naman siyang kapit-bahay. Tapos iyong sopas, as in mainit na mainit pa kahahango lang sa kalan pagkapasok natin.” sabi ulit ni Harold. “What are you trying to say? She’s a maligno or an enkanto?” sarkastikong tugon ni Gabby. “Free your mind to that idea. Please, let’s sleep.” sabi ni Gabby. “Weird!” sagot ni Harold saka pumikit. Kinaumagahan – “Tiktilaok! Tiktilaok!” ingay na gumising kay Gabby. “What a nasty sound!” asar na sabi ni Gabby saka niyugyog ang katabi. “Wake up Harold!” gising pa nito kay Harold. “Bakit ba? Ang sarap ng tulog ko.” sagot ni Harold na pupungas-pungas. “That nasty animal! It disturbed my sweet sleep.” sagot ni Gabby habang patuloy pa din sa pagyugyog kay Harold. “Ayan na!” sabi ni Harold saka bumangon. Dahan-dahang humarap kay Gabby at – “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” napuno ang buong kapaligiran ng hiyaw ng dalawa. Ang mga ibong nasa puno ay nagsiliparan dahil sa ingay na nakabulabog sa umaga nila. “Anung nangyari?” tanong ng matanda pagkapasok sa kwarto nila. “Nothing!” sagot ni Gabby. “Wala po lola!” tugon ni Harold. “Ganuon ba.” nakangiting tugon ng matanda saka lumabas ng silid. “Am I in my own body?” tanong ni Gabby sa kaharap. “Please isa pa! magsalita ka pa!” sabi ni Harold kay Gabby. “Is this real? Harold! Ikaw na ba iyang nasa katawan mo?” tanong ulit ni Gabby. “Totoo nga! We’re back.” masayang tugon ni Harold. “Yeah! We’re back!” sang-ayon ni Gabby. “I’m so happy to see we’re back!” dugtong pa ni Gabby. “I can’t imagine this! Finally nakabalik na ako.” masayang komento pa ni Harold habang sapu-sapo ang mukha at tinititigan ang kaharap. “Sa wakas nakawala na ako sa katawan mo at makakawala na ako sa mundo mo.” komento ulit nito. “I’m in my own body!” masaya ding saad ni Gabby. “In my my muscular and sexy body!” komento ulit nito na puno nang kayabangan. “Hay! Nagyabang na naman!” tutol ni Harold. Tumakbo si Harold sa labas at hinanap ang matandang babae na may-ari ng bahay. Niyakap niya ito pagkakita at nagpasalamat. “Para saan iyan hijo?” tanong ng matanda. “Basta lola! Masayang-masaya po ako.” nakangiting tugon nito. “Kita nga apo! Hulong, mag-agahan na kayo ng makauwi na kayo ng Maynila.” sabi pa ng matanda. Muling nagduda si Harold sa tinuran ng matanda dahil sigurado siyang alam nitong aakyat sila sa bundok subalit ang sinabi nito ay uuwi sa Maynila. Hindi na lang pinansin ni Harold ang sinabi ng matanda at ramdam niyang malaki ang kinalaman nito sa pagbabalik nila ng katauhan. “Kain na tayo!” aya ni Harold kay Gabby. “Para makaakyat na tayo ng bundok.” sabi pa nito. “There’s no need to walk more than hour. We have our own body and I can’t see any reasons to meet your tito Ronnie.” sabi ni Gabby. “Hay!” buntong-hiningang sabi ni Harold. “We still need to consult him! Kailangan nating masigurado na hindi na tayo magkakapalit ulit.” giit ni Harold. “As I said, everything is fine and back to normal. I think, that change-body whatsoever is just for a short period of time.” giit ni Gabby. “We need to be back in Manila, I need to fix the problems you made.” sabi pa nito. “Sunday nagyon! Papaanong may office work?” nagtatakang tanong ni Harold. “Walang pinipiling araw sa mga businessmen.” sagot ni Gabby. “Pero Gabby…” pilit ni Harold. “No more buts! If you want, you can go but I wont accompany you.” sabi ni Gabby. “Okay! Fine! Eh di hindi!” sabi ni Harold na naiinis na kay Gabby. “Pumunta man ako dun eh di baliwala din kasi ako lang mag-isa.” “Good!” sabi ni Gabby saka dinial ang phone. “Hello Joel!” simula ni Gabby. “Kayo pala Sir Gabby, kamusta na?” tanong ni Joel kay Gabby. “Ganyan ba dapat kinakausap ang boss?” madiing tanong ni Gabby. “Sorry Sir!” paumanhin ni Joel kay Gabby. “Pumunta ka ng office ngayon! Within fifteen minutes dapat andun ka na!” utos ni Gabby saka pinindot ang end call. “Ang sama mo talaga! Pahinga ng tao dinadamay mo sa pagkabwiset!” sabi ni Harold saka lumabas ng kwarto. Pagkakain ay nagpaalam na sila sa matanda saka masayang bumiyahe pabalik ng Maynila. “Sige! Ihatid na kita sa dorm mo, tutal Sunday naman and wala kang pasok.” sabi ni Gabby. “Ihatid mo ako sa school!” sabi ni Harold. “Sunday naman kaya pwede akong makasama sa mob.” sabi pa nito. “Don’t you have any plans taking rest?” tanong ni Gabby kay Harold. “Ah sige! Sa dorm na lang pala!” bawi ni Harold sa unang sinabi. “That’s my kiddo!” sabi ni Gabby saka ginulo ang buhok ni Harold. Sa dorm ni Harold – “D’yan ka lang ah!” sabi ni Harold. “Why?” tanong ni Gabby. “Basta!” sagot ni Harold. Todo naman sa pagkakangiti si Gabby sa sinabing iyon ni Harold. Maya-maya pa ay bumaba na si Harold mula sa itaas na may dalang malaking bag. “What is that?” tanong ni Gabby. “Eh di bag!” tugon ni Harold. “I know and I can see it’s a bag. But for what is that?” tanong ni Gabby dito. Bago magsalita at binuksan na ni Harold ang kotse ni Gabby at saka inilulan duon ang bitbit niyang bag. “Iyan iyong mga damit na binili mo! Hindi naman ako nagsusot niyan kaya dalhin mo na!” sabi pa ni Harold. “But I bought it for you!” tutol ni Gabby. “But I bought it for you!” pang-aasar na ginaya ni Harold si Gabby. “Eh di ibalik mo sa tindahan o kaya perahin mo na lang! Ibawas mo sa utang ko! Bahala ka sa gagawin mo!” sagot ni Harold saka pumanhik sa itaas. “Hey Harold!” sigaw ni Gabby kay Harold. “Wala ng hey hey! Uwi na!” sabi ni Harold pagkadungaw sa bintana. Pumasok na si Gabby sa kotse nang bigla siyang tawagin ni ulit ni Harold. “Hey Gabby!” tawag ni Harold. “Bakit?” inilabas ni Gabby ang ulo sa bintana na may napakatamis na ngiti sa labi. “Will you tell me I love you Gabby?” biro ngunit seryosong tanong ni Gabby. “May topak ka na naman!” sabi ni Harold. “Magkita tayo bukas bago ako pumasok, siguro 9am. Puntahan mo ako dito, tapos ihatid mo na ako sa school.” sabi pa ni Harold. “Ano to? Nagpapahatid ka na sa akin? Hindi ka na ba sanay na walang kotse? Or nagpapractice ka lang nang buhay mo para sanay ka na pag naging boyfriend mo na ako?” simpatikong tanong ni Gabby kay Harold. “Sira ulo!” kontra ni Harold. “Basta gawin mo na lang iyong sinabi ko sa’yo.” inis na tugon ni Harold saka sinara ang bintana. “Hay! Pakipot pa ang loko!” komento ni Gabby saka pina-andar ang kotse. Pagkarating sa opisina – “Ui Sir Gabby! Kamusta na?” tanong ni Joel kay Gabby saka tapik pa sa likod nito. “Late ka ng mahigit apat na oras!” sabi pa nito. “Why are you acting likne that?” tanong ni Gabby kay Joel. “Do you think that it’s the right way to treat your boss?” srakastikong tanong ni Gabby kay Joel. “Pero Sir…” katwiran sana ni Joel. “Dahil ba naging mabait ako sa’yo these past days that makes you think na pwede kang makipagbiruan sa akin?” tanong ni Gabby kay Joel. “Pwes, humanda ka ngayon!” pagbabanta pa ni Gabby. Natikom lang ang bibig ni Joel sa narinig niya mula kay Gabby. “Anung problema mayroon ang taong iyon?” tanong pa ni Joel sa sarili. “Show me all the reports and iyong minutes ng meetings ngayong linngo!” utos ni Gabby kay Joel. “Yes Sir!” sagot ni Joel. “Do it now!” madiin pa nitong utos. “Hay! Ang kupad!” komento pa nito. Si Joel naman ay aligaga at tulirong hinanap ang mga pinapakuha sa kanya ni Gabby. “Here Sir!” sabi ni Joel saka abot kay Gabby ng mga pinapakuha nito. “Ang bagal mo ngayon!” komento ni Gabby kay Joel. “Sorry Sir!” paumanhin ni Joel kay Gabby. “Next time, I don’t want you to be lazy.” saad pa ni Gabby. “Yes Sir!” tanging tugon ni Joel. Samantalang si Harold – “Nasaan na kaya sina Sean at Kenneth?” tanong ni Harold sa hangin habang hinanap ang dalwa sa gitna ng mga ralihista. “Hay! Grabeng siksikan to!” saad pa ni Harold na patuloy hinahagilap ang dalawa. Sa gitna ng paghahanap ay nagpatugtog nang isang awitin ang mga nagpoprogramang aktibista. Sinabayan ito ni Harold dahil alam na alam niya ito at kabisadong-kabisado. Wala nang trapik sa kalye Efficient ang bureaucracy Bumaba na ang poverty Restored na ang democracy Ang buhay natin nag-improve Dahil ang GATT ay na-approve Ang buhay natin gumanda Dahil ang EVAT napasa Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy ang totoo Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy Matagal ka na nilang niloloko Dumadami ang may kotse Dito sa university Tumataas ang tuition fee Bumababa ang quality Forget na lang the land reform Forget the debt moratorium Forget na rin the behest loan But don't forget the condom Oy alam ko na Eddie Oy alam ko na Eddie Oy alam ko na Eddie ang totoo Oy alam ko na Eddie Oy alam ko na Eddie Matagal mo na kaming niloloko Tres mil na passport at ID Tres mil sa visa't embassy Tres mil na special placement fee Singkwenta mil na pangkape Kung alam mo lang Violy... Si Violy ay inabuso Ng malupit niyang amo Si Violy ay nagkakaso Pinagtanggol ng gobyerno Natural, natalo At napugutan ng ulo Si Violy ay inilibing Malaon nang nahihimbing Si Violy ay huminlay na Ngunit hinukayhukay pa Kung alam mo lang Violy... Gumaganda't umuusad Daw ang ating economy Dahil sa dami ng tulad Na kwentong gaya kay Violy Tuloy-tuloy ang pag-unlad Ng ating movie industry Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang Violy ang totoo Kung alam mo lang Violy Kung alam mo lang VIoly Kayrami na nilang kinita sa iyo (Kung Alam Mo Lang Violy, Gary Granada) –read between the lines! “Hoy Harold!” sigaw ni Sean nang makita si Harold. “Sean!” masayang-masayang bati ni Harold. “Kenneth!” bati pa nito ng makita kung sino ang kasunod. “Akala ko ba hindi ka pwede?” tanong ni Kenneth kay Harold. “Namiss ko kayo!” sabi ni Harold saka niyakap ang dalawa. “Oi! Parang kahapon lang tayo huling nagkita ah!” sabi naman ni Sean na niyakap na din si Harold. “May lagnat ka ba?” tanong ni Kenneth na bimitiw sa yakap ni Harold. “I miss you buddy! Kung alam mo lang ang nangyari!” saad pa ni Harold na mas hinigpitan ang yakap sa kaibigan. “I miss you too!” nasabi ni Sean kay Harold. “Ito ang namiss kong Harold!” napapangiting sabi pa ng binata na hinigpitan din ang yakap. “Anung nangyayari sa’yo?” tanong ni Kenneth kay Harold. “Wala lang!” sabi ni Harold saka niyakap naman si Kenneth. “Miss ko na din ikaw Kenneth!” sabi pa nito. Napalambot naman ng yakap ni Harold ang nagmamatigas na si Kenneth kung kayat napayakap na din ito sa binata. “Kung sana Harold ang yakap na ito ay nangangahulugang aki ka na at ako’y sa’yo hindi na ako bibitiw hanggang huling hininga ko.” sa loob loob ni Kenneth. “Hay!” nasabi ni Harold pagkabitiw sa yakap kay Kenneth. “Akala ko ba hindi ka pwede ngayon?” tanong ni Sean kay Harold. “Mahabang kwento pero huwag na lang ninyong alamin.” tugon ni Harold. “Willing akong makinig.” sabi ni Sean. “Huwag na lang sabi.” nakangiting tugon ni Harold. “Huwag mo na lang pilitin si Harold. Mahalaga bumalik na sa dati ang utak niya.” nakangiting saad pa ni Kenneth. “Tama!” sang-ayon ni Harold kay Kenneth. Maghapong nagsama-sama ang tatlo at gabi na ng makauwi si Harold sa dorm. “I miss everything na meron sa lugar na’to!” bulong ni Harold. “Kamusta kaya si Gabby habang siya ang nasa katayuan ko?” tanong ni Harold sa sarili. “Kamusta na kaya siya?” tanong ulit nito saka kinuha ang cellphone. “Hoi Gabby! Kamsta n ang dtng buhy?” text ni Harold kay Gabby. “E2 ang dming binbgo!” reply ni Gabby. “Wg mu sbhn nasa opisna ka pa?” text ulit ni Harold. “Kkrtng ko lng sa bahay. Don’t tell me na miss m nq?” reply pa din ni Gabby. “YABANG!” reply ni Harold. “Magkkta nmn tayo buks kaya wag mo na aqng mamiss.” reply pa ni Gabby. Minabuti na lang ni Harold na huwag nang patulan pa si Gabby. Inihiga na niya ang pagod na katawan sa higaang mag-aapat na taon niyang kasama. “Tomorrow! Lahat ng bagay ang magbabago, I mean magbabalik na sa dati. Itatama ko na ang mga landas n asana nnuon pa man ay ginawa ko na. Bukas ay may isang kabanata sa buhay ko ang muling bubuksan at bagong kwento na ang aking isusulat. Bukas ay magtatapos na ang isang yugtong malabo ang katapusan, pero narito ang puso ko, lalaban para sa katotohanan ng buhay.” saad ng diwa ni Harold at ipinikit ang mga mata. “Bukas! Isang bagong Harold na ang pahaharapin ko sa mundo! Isang bagong Harold na ang makikta ng mga tao! Mas pinatapang, mas pinatibay at mas pinagaling na Harold.” saad pa ulit ni Harold sa sarili. Samantalang si Gabby naman – “Harold!” bulong ni Gabby saka napabuntong-hininga. Kumuha ng wine at saka dumungaw sa bintana gaya ng kanyang nakakagawian. “Feels good to be home!” napangiting wika pa ng binata. “Your youthful beauty that leaves my heart breathless, Your smarty and casual smile that take me ceaseless, Your sparkling cute eyes that shivery push me gritless, You’re adorable without a word, thousands pile to loss.” mga katagang naglalaro sa utak ng binatang si Gabby. “Harold! Ayan ka na naman! Nanggugulo ka na naman!” saway ni Gabby kay Harold na naglalaro sa kukote ng binata. “I said stop kasi magkikita naman tayo bukas!” saway ulit nito. “I can carry you in my loving arms, Put it around your tender shoulder, Touch your smile with colors and flavor, Soothing blow for your delicate charm.” muling pagpaparaya ni Gabby na maglaro sa kanyang isip si Harold. “Sweet child grown in silverwoods, Ready to join the gold plated moods, Of endless swings and oft to wonders, Amazing blast of strings and pearls.” isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Gabby saka pumasok sa loob ng kanyang silid at nahiga. “Harold, my little Harold! I can be the light to show your way, I can be the arms to carry you in rough steeps, I can be your strength to move on.” wika ni Gabby saka pinikit ang mga mata. “In my own story of love and graces, You will be the king of my kingliness, I am the shadow to fill the blank spaces, Without a trail, I am the one in nobodiness.” at pinikit na niya ang mga mata at nakatulog. Kinaumagahan ay maagang nagpunta si Gabby sa dorm ni Harold. Ang 9am ay naging 6am at binantayan niya hanggang sa magising ito. “I can’t wait to see you again Harold!” sabi ni Gabby pagkapark sa kotse niya. Sa loob ng tatlong oras ay nakatanghod lang siya sa bintana ng kotse at nakatitig sa bintana ng dorm ni Harold habang hinihintay ay pagbubukas nito. Saktong alan-nuwebe nang magbukas ng bintana si Harold. Nakagayak na ang binata at bihis na para pumasok. Napangiti na lang siya ng makita ang kotse ni Gabby na nakapark at nag-aabang sa paglabas niya. Madali siyang bumaba at ganuon din naman si Gabby na mabilis na bumaba ng kotse at inabangan ang pagbaba ni Harold. “Good morning my royal Harold!” simulang bati ni Gabby. “Ay topak!” sabi ni Harold saka patiunang sumakay ng kotse. “So, ano? Tayo na ba?” tanong ni Gabby bago paandarin ang kotse. “Ito na!” sabi ni Harold saka abot kay Gabby ng envelope na kinuha niya sa bag. “What’s this?” tanong ni Gabby pagkaabot sa kanya ng sobre. “Di ba kay kulang akong 14thousand sa’yo?” tanong ni Harold kay Gabby. Tango lang ang tugon ni Gabby na biglang nakaramdam ng kaba. “Ito na! Binabayaran ko na.” saad ulit ni Harold. “Seryoso ka?” nanginginig na sabi ni Gabby. Sa lahat ng pwedeng mangyari ay ito ang hindi niya inisip. “Oo, bilangin mo na, tapos ito na din ang huling araw na magkikita tayo. Wala na akong utang sa’yo kaya pwede mo na akong patahimikin. Wala ng utang na nagkokonekta sa ating dalawa.” malungkot na saad ni Harold. Nakatitig lang si Gabby sa hawak na sobre. Isang bagay lang ang gusto niya sa simula pa lang, ito ay ang makasama si Harold at magkaroon siya ng dahilan para masilayan ang mukha ng binata. Kung tutuusin ay pwede na niyang baliwalain ang utang nito ngunit ito lang ang nakikita niyang bagay na pwedeng panghawakan para magkita sila. “Ayan, wala ng dahilan para magkita tayo.” sabi ni Harold na tila ba labag sa kalooban ang ginagawa. “Is this really goodbye?” tanong ni Gabby kay Harold saka hawak sa kamay ng binata. “Yes!” maikling tugon ni Harold. “I will miss you Harold!” sabi ni Gabby saka pilit tinago ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata. Ngiti lang ang tugon ni Harold sa sinabing iyon ni Gabby. Walang anu-ano ay hinalikan ni Gabby si Harold. Isang maalab na halik, puno ng pagmamahal at pagsusumamo para sa isang gaya ni Harold. Kasunod niyon ay ang pagpatak ng luha niya sa mata. “Please stay!” pakiusap ni Gabby kay Harold habang nakadikit pa din ang mukha niya sa mukha nito. “Sorry!” sagot ni Harold saka lumabas ng kotse at sinimulang lumakad papunta sa eskwelahan. Dito na nagsimulang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata, isang luhang puno ng sakit at pait dahil sa pagpigil ng isang damdaming nais kumawala sa kanyang kaibuturan. “I want to hold you more, For you’re the one I adore, Deep within my exclusive core, But you walked my frowning door.” mga tugmang naglalaro sa isip ni Gabby habang nakatitig sa papalayong si Harold. TEE LA OK: ANG UNANG UMAGA ~~~~~END~~~~~

No comments:

Post a Comment