Friday, January 11, 2013

Different Similarities: Book 1 (16-20)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[16]
Naka-higa na si Eric at inihanda na ang sarili para matulog, habang nagpapaantok ay hindi maiwasang sumagi sa isip niya si Alvin, hindi siya makapaniwala na ilang araw lang ang lumipas ay kinasusuklaman niya ito at ngayon ay malapit na silang magkaibigan, hindi rin maikakaila ni Eric sa kaniyang sarili na may nabubuo narin siyang pag-tingin dito pero ayaw niya muna iyong pangunahan katulad ng nangyari noon kay Ardi at muli nanaman siyang masaktan kaya't nakuntento na lang siya sa pambatang 'crush' na iyon.




Nasa ganitong pagiisip si Eric nang makarinig siya ng mahinang pagkatok sa kaniyang pinto. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa gawi ng pinto at nakita niya ang sumisilip na si Ted. Pabulong siyang tinawag nito na tila naniniguro kung tulog na si Eric.



“Hey.” tawag dito ni Eric.


“Hey, buddy, I was just making sure if you're OK, we haven't talked much this past few days.” sabi ni Ted sabay upo sa gilid ng kama ni Eric, umayos si Eric ng upo at sumandal sa head board ng kaniyang kama.



“I'm doing fine, Ted. Actually I'm doing great. I'm sorry kung medyo hindi rin tayo nakakapagusap masyado, busy sa work eh, andaming projects tapos kulang pa kami ng isang junior architect.” sagot ni Eric sabay ngiti, na-touch siya sa pagiging sweet ng kaniyang step brother.


“Is it work that you're busy with or are you busy with Alvin?” nangingiti-ngiting tanong ni Ted agad na namula ang pisngi ni Eric, lihim siyang nagpasalamat dahil sa medyo may kadiliman ang loob ng kwarto kaya't hindi makikita ni Ted ang pamumula niyang iyon.


“Asshole!” singhal na lang ni Eric na ikinahagalpak sa tawa ni Ted.


“No, seriously, He's hot, I can see how you look at him nowadays and I can say that you got it bad!” humahagikgik na sabi ni Ted.


“I don't know, maybe because I'm tired of getting hurt, I mean it's only been months after I got over Pat, actually di ko pa alam kung wala na nga sa sistema ko si Pat tapos it's only been weeks after Ardi and I broke it off--- I mean, what if Alvin turns out to be another Pat or Ardi? I'd rather have him as a friend than a lover and hurt each other after.”


“I can understand where you're coming from, you know what I think though?” tanong ni Ted, tumango lang si Eric.


“You were never in-love with Ardi---” simula ni Ted pero nang makita niyang sasabat si Eric ay itinaas niya ang kaniyang kamay para pigilan ito sa pagsasalita.


“I think you were never in-love with Ardi, I think that you were still holding to the memory of Pat when you met Ardi and you felt that kailangan mong bumawi sa relasyon niyo ni Ardi para mabura lahat ng nangyari sainyo ni Pat, but you were never in-love with him, hindi ko nakita sa mga mata mo yung kakaibang kinang kapag nandyan si Alvin, hindi kita narinig na nautal noon kapag nakikipag-usap ka kay Alvin, hindi ko nakita noon nung nakikipag- date ka pa kay Ardi yung pagliwanag ng mukha mo kapag nakangiti si Alvin. Iba ngayon, Eric, kitang-kita sa mukha mo na in-love ka kay Alvin.”


Napaisip saglit si Eric, katulad ng pag-amin niya kanina ay alam niyang may nararamdaman na siya kay Alvin pero kung hindi pa sinabi ni Ted na mukha siyang in-love kay Alvin ay hindi niya pa aaminin sa sarili niya na maaari ngang mas higit pa sa 'crush' ang nararamdaman niya dito.



“I think you're right pero hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman, what if kung one sided lang pala ito, pano kung ako lang pala ang in-love sa kaniya---”


“Yun lang, pero Eric ang sinasabi ko sayo wag mong limitahan ang mga nararamdaman mo, alam kong nasaktan ka noon pero kung lilimitahan mo ang mga nararamdaman mo maaaring hindi mo makita ang totoong para sayo at habang buhay kang makukulong sa past mo.” paliwanag ni Alvin, tumango naman si Eric, naiintindihan na niya kung ano ang ipinapaintindi sa kaniya ng kaniyang half brother.


“Sooo--- you still haven't answered my question.” humahagikgik na tanong ni Ted. Napangiti narin si Eric.


“I'm busy with work, not with Alvin you perve!” sigaw ni Eric sabay hampas ng unan kay Ted.


“Aw! I was just askin, I mean, he's hot I can use some details you know, for my imagination. Hihi!” sabi ni Ted.


“Ewwww! Pervert much? Anyways, why don't you ask Ardi? You guys seems to be friendly with each other nowadays and he's also hot!” ngayon si Eric naman ang humahagikgik.


“Ewww! Sino ngayon ang perve sating dalawa!”


“Whatever!”


“Whatever!” singhal pabalik ni Ted sabay hila kay Eric at yakap ng mahigpit dito.


“Eric?”


“Hmmm?”


“Can I kiss you?” tanong ni Ted na ikinagulat ni Eric.


“Wha---?” tanong ni Eric, saglit na lumayo si Ted sa kaniyang half brother at yumuko.


“It's just that I had this really big crush on you when we first met and I thought about kissing you all the time for like two straight days--- Uhmmm--- well I told Ardi about this 'crush thingy' and he said that I should ask you, you know so that whenever I look at you I wouldn't have this question floating in my head like 'How is it like to kiss Eric?' and stuff like that--- and uhmmm---” di na alam ni Ted ang sasabihin niya pero hindi parin siya makatingin ng daretso kay Eric kaya't hindi niya nakita ang isang unan na mabilis na hahampas sa kaniyang ulo.


“AWW! What'd you do that for?!” singhal ni Ted.


“You had a crush on me and you didn't tell me?! I could've let you rape me in the living room for gawsakes!” natatawang pag-amin ni Eric, hindi nagtagal ay tumawa narin si Ted, nakarinig si Eric ng isa pang paghagikgik pero hindi na niya iyon pinansin dahil alam niyang si Ardi lang iyon, nagtatago at nakikinig sa usapan nila ni Ted.


“Well I thought about it--- Hey! Enough with the pillow already! That dam thing hurts, you know?” sigaw ni Ted nang hahampasin nanaman si ni Eric.



“So...”


“So...”


“Can I kiss you now? You know, just to uhmmm clear my mind of all the questions that have been hunting me since day one.” nagaalangang tanong ni Ted, napangiti na lang si Eric at inilapat na ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Ted. Ilang saglit pa ay naging mapusok na ang halikan na iyon nang maghiwalay sila ay mapupula na ang paligid ng kanilang mga labi at halos humihingal na.


“Wow. So how was it?” sabi ni Eric.


“Lame.” balangkong sagot ni Ted.


“What?!” sigaw ni Eric, muli niyang narinig ang paghagikgik ni Ardi sa hindi kalayuan.


“It was lame. You kiss like a dog, you know, tongue and all.” humahagikgik na sabi ni Ted sabay tayo at lakad palabas ng kwarto.


“Asshole! Too bad! I was thinking of letting you rape me just to erase all your questions as you eloquently put it, but since you tease me about the way I kiss then---” nangingiti naring loko ni Eric kay Ted. Nakita ni Eric na napanganga si Ted at nanlaki ang mga mata nito, kung hindi rin siya nagkakamali ay napansin niyang may nabubuhay sa bandang ibaba nito, alam niyang nanalo na siya sa round ng pagiinisan nilang iyon ni Ted, lalong lumakas ang paghagikgik ni Ardi sa di kalayuan.


“---Oh, and I was going to let you watch or even participate, Ardi but since you are chuckling your ass out there thinking that I can't hear you then I'm afraid I'm going to put down that offer.” humahagikgik naring pagtatapos ni Eric, biglang tumigil sa paghagikgik si Ardi, iniisip ni Eric na nagulat din ito at kagaya ni Ted na buhay na buhay narin ang alaga. Di nagtagal ay sabay sabay na nagtawanan ang tatlo.


“It was nice talking to you like this again, Eric.” bulong ni Ted, napangiti naman si Eric. Sumigaw si Ardi sa may sala at nagsasabing napasaya nito ang gabi niya.


“Likewise.”



0000ooo0000



Nakakunot noong pumasok si Henry sa apartment ni Ted, narinig niya ang isang nakakapangilabot na pag-kanta, alam niyang ang anak niyang si Eric ang kumakantang iyon, ito lang kasi ang kilala niyang tone deaf na mahilig kumanta, at nang makarating siya sa pinaggagalingan ng nakakapangilabot na pagkantang iyon ay laking gulat niya ng mabungaran si Eric.



Ibang-iba ang Eric na pinapanood niya ngayong kumakanta habang nagluluto ng agahan kesa nung nagpasundo ito sa kaniya may ilang buwan na ang nakakalipas. May kakaiba sa ngiti nito pati narin sa mga mata nito, tila ba ang minahal ni Henry na bata noon na hilig siyang hilahin para maglaro ng habulan sa bakuran nila ay muling bumalik at ngayon ay nagluluto ng agahan.



“Daddy! Lalo!”


Napangiti si Henry nang maalala ang pagkabulol noon ng kaniyang anak, ang mga malalaki at magaganda nitong kulay dark brown na mata na madalas nilang tawagin ng kaniyang asawa noon na 'Eric's puppy dog eyes.'



“Anak it's la“R”o not Lalo.”


“lawo?” ulit ng batang si Eric na ikinahagikgik naman ni Henry.


“La-“R”o.” ulit ni Henry, nakita niyang nahihirapan ang kaniyang napaka-cute na anak na i-daretso ang bumabaluktot na dila, nakita niyang nangilid ang luha nito na lalo niyang ikinangiti.


“Hmpft!” pag-suko ng batang Eric.


“You know what, you can call it whatever you want. Lawo, Lalo or whatever, still, Daddy is going to play with his beautiful prince!” alo ni Henry sa naluluha ng si Eric, matapos sabihin ito ni Henry ay lumiwanag bigla ang mukha ng bata at ngumiti, hindi parin masanay si Henry sa kakaibang pakiramdam ng biglaang pagliwanag ng mukha na iyon ng anak na si Eric.


“Dad! Beautiful are for girls! I'm not a girl!” reklamo ng batang si Eric. Napahagikgik naman si Henry.


“OK, my handsome prince. There?”


“Yey! Mommy! Daddy called me handsome!”


“That's great, honey!” sigaw ng ina ni Eric sa loob ng bahay.


“Dad!” sigaw ni Eric na siyang gumising sa pagbabalik tanaw ni Henry, maaaring lumaki ng ilang pulgada si Eric simula noong mga alalala na binalikan ni Henry pero andun parin ang magagandang mata nito at ngiti na talaga namang nakapanglilimot ng kaniyang problema.



Hinayaan niya ang kaniya ngayong malaki ng anak na yakapin siya ng mahigpit, hindi niya mapigilang mapangiti.



0000ooo0000



Habang ibinabaliktad ni Eric ang itlog na kaniyang ipinipirito ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapakanta at mapangiti, pinagisipan niya kasing mabuti ang mga sinabi ni Ted sa kaniya noong nakaraang gabi. Naisip niya na may punto ang kaniyang step brother at bibigyan niya ng pagkakataon ang pagkakaibigan nila ni Alvin na lumago pa at iintayin na lang niya kung saan pa iyon tutungo. Alam niyang may kakaiba silang koneksyon at ngayon ay kuntento pa siya sa koneksyon na iyon at sa lagay ng kanilang pagkakaibigan.



Nasa panahon siya ng paglilipat ng naluto ng itlog galing kawali papunta sa plato nang maramdaman niyang may nanonood sa kaniya, nang lumingon siya ay tama siya sa kaniyang hinala, sa hindi kalayuan ay ang kaniyang ama na si Henry, nakangiti at tila ba masaya siyang pinapanood sa kaniyang bawat galaw. Napangiti si Eric.



“Dad!” sigaw ni Eric at tumakbo papalapit dito at niyakap ng mahigpit.



0000ooo0000



“She said what?!” hindi makapaniwalang tanong ni Eric sa kaniyang ama.


“She asked me for a second chance, Eric. She hasn't gone out of the house since you saw her with her boy toy, she basically transformed to a very loving wife since then and everyday without fail she would say sorry and she's sincere too! I mean, she hasn't called anyone except Ted and she seems sorry enough.” pagtatapos ni Henry, habang si Eric ay tumatango tango.


“Go for it, Dad. I mean, everybody deserves a second chance, I want you to be careful though---”


“Don't worry about, Mom, if she apologizes, that means she's changed. In my 27 years of living in this earth I haven't heard her say sorry and I'm his son. Oh, and she doesn't have the guts to poison you, Tito, I can asure you that, she may be the bitch from hell but she can't kill another person.” sabat ni Ted na hindi namalayan ng mag-ama na nagkakamot pa sa itlog na pumasok na pala kusina kasunod ang naniningkit at tayu-tayu pang buhok na si Ardi.


“Oh, that's good to know, I guess.” sabi ni Henry sabay tingin sa anak na humahagikgik.


“Coffffeeee.” parang zombie na gustong kumain ng utak na sabi ni Ardi.


“Is it always like this every morning?” pabulong na tanong ni Henry sa anak habang tinitignan ang dalawang bagong dating na nagkakamot-kamot sa kung saan saan habang boxers lang ang suot.


“You haven't seen the worst yet, Dad, maayos pa yan sa lagay na yan.” umiiling na sabi ni Eric habang humahagikgik.


“What are you two talking about?” tanong ni Ted habang nginunguya ang isang buong itlog na iniluto ni Eric.



0000ooo0000



“So you met someone that's why you were singing at dancing while cooking breakfast?” nangingiti-ngiting tanong ni Henry habang nagmamaneho papunta sa opisina ni Eric, namula naman si Eric at tumingin sa labas ng bintana para itago sa ama ang namumulang pisngi.


“Yes.” pabulong na sabi ni Eric, pilit itinago sa ama na si Alvin ang kaniyang tinutukoy.


“That's great! Will I meet him today?” may pagka-excited na sabi ni Henry, halos tumalon talon ito sa kinauupuan.


“Dad!”


“What?! I'm just happy that things are starting to look up for you.” nakangiti paring sabi ni Henry, proud na proud sa anak.


“I don't even know if he likes me like that too.” nahihiyang balik ni Eric.


“What's not to like?! Give him those puppy dog eyes you always do, tignan ko kung hindi ka nun halikan agad.”


“Dad!!” sigaw ulit ni Eric habang pinipigilan ang sarili na mapangiti si Henry naman ay muling humagigik.


“I'm not embarrassing you, am I?” nangingiti-ngiting tanong ni Henry.


“It's OK, just don't ask me to invite him for dinner and we're good.” wala sa sariling sabi ni Eric, katatapos niya palang sabihin ang mga iyon ay agad na siyang nagsisi lalo pa ng makita niya ang nakakalokong ngiti ng ama. Isang palatandaan na may hindi maganda itong binabalak.


“Why, that's a great idea!”



Agad na namutla si Eric.



0000ooo0000



“Hey!”



Agad na nagtaas ng tingin si Eric ng marinig niya ang boses na iyon ni Alvin nang bumukas ang pinto ng elevator na kaniyang sinasakyan. Nang makita ni Eric ang nahihiyang si Alvin ay agad lumatay sa mukha nito ang ngiti, nang makita naman ni Alvin ang pag-ngiting iyon ni Eric ay hindi niya na mapigilan na mapangiti din. Tanggap na ni Alvin na may kakaibang epekto sa kaniya ang mga ngiti at magagandang mata ni Eric pero hindi niya parin ito naiintindihan. Hindi niya parin naiintindihan kung bakit tila may kumikiliti sa kaniyang tiyan sa tuwing ngi-ngiti si Eric, sa tuwing magsasalita naman ito ay tila tanging boses lang nito ang kaniyang naririnig at ang ingay sa paligid ay ikinabingihan na niya at sa tuwing liliwanag ang mga mata nito sa tuwing na-eexcite ay tila nagliliwanag din ang buong kwarto.



“Hi!” medyo may pagka excited na sabi ni Eric. Bago matulog noong nakaraang gabi ay muling sumagi sa isip niya si Alvin, lahat ng mga nagawa nito sa kaniya at ang tila ba pagse-seryoso nito sa kaniyang papel bilang matalik na kaibigan ni Eric kasama ng pagiging natural na sweet nito at ang di mabilang na mga naitulong nito sa kaniya.


“Want to grab some breakfast?” tanong agad ni Alvin habang naglalakad sa tabi ni Eric.


“Actually, I cooked breakfast earlier at the apartment---” nakangiting sagot ni Eric, hindi nakaligtas dito ang pagbagsak ng mukha ni Alvin.


“Oh.” nanghihinayang na bulong ni Alvin sabay yuko, lihim na napangiti si Eric.


“But---” pambibitin ni Eric na siya namang ikina-angat ng tingin ulit ni Alvin at tila ba umaasa na sasamahan parin siya ni Eric.


“---I haven't eaten yet.” pagtatapos ni Eric na siyang nakapagpalito kay Alvin.


“I said, I cooked breakfast but I haven't eaten it yet.” paglilinaw ni Eric sabay itinaas ang isang bag na hugis lunch box at inalog ito.


“Is there enough for both of us?” nakangiting tanong ni Alvin habang nakabuntot kay Eric papunta sa lamesa nito.


“Yup. I made tuna sandwich and chicken sandwich, di ko kasi alam kung ano ang mas gusto mo.” nakangiti naring sagot ni Eric, tila ba proud na proud at nakuwa niyang mapa-impress si Alvin.


“I'm fine with both.” sagot naman ni Alvin habang inilalapag ni Eric ang kaniyang bag sa kaniyang lamesa, matapos iyon ay inaya na niya si Alvin para kainin ang kaniyang inihandang agahan para dito.


“Where do you want to eat them? I don't feel like eating it in the pantry with all those noisy bento machines.” tanong ni Eric habang tinitignan si Alvin na inaamoy amoy ang kaniyang bag na puno ng inihanda niyang sandwich, siniko niya ito sa tagiliran bilang pagpapaalala na kailangan nitong sagutin ang kaniyang tanong, nakita niyang nagisip saglit si Alvin at biglang lumiwanag ang mukha.


“I have an idea!”



0000ooo0000



“This is your idea?” nangingiti-ngiting tanong ni Eric habang iginagala ang mata, asa kalapit silang parke ngayon kung saan maraming nag-jo-jogging, may ilang inilalakad ang kanilang nagga-gandahang mga aso at may ibang nagpapalipad ng saranggola.


“Why?! What's wrong with it? You don't like it?” nagaalalang tanong ni Alvin at tumigil sa paglalatag ng isang malaking tela.


“Oh, NO! I love it! It's just---”


“Too mushy? I know, two guys eating breakfast in a park is too gay for you, right?” naka-frown na tanong ni Alvin.


“It's not that! I would love to eat like this with you, it's just that--- I –I think it's sweet--- ummm--- romantic, I only see this on a romantic flick and uhmmmm well---.” kinakabahang sabi ni Eric habang hindi mapakali habang inilalatag sa kanilang harapan ang kaniyang inihandang agahan, si Alvin naman ay nakatitig lang kay Eric, nakapaling sa kaliwa ang ulo nito habang nagtataka.


“--- people might think were in a relationship and I don't want to cause you t-trouble.” pagtatapos ni Eric na siyang gumising sa pagiisip ni Alvin, hindi alam ni Alvin kung ano ang iniisip niya pero tumabi siya kay Eric at iniakbay dito ang kaniyang kanang bisig.


“Let them think what they want to think. I like hanging out with you, romantic or not.” sabi ni Alvin sabay abot ng isang sandwich at kumagat dito habang si Eric naman ay nakatingin lang sa ngumunguyang si Alvin, hindi niya alam kung anong iniisip nito dahil hindi niya makita ang mga mata nito dahil naka-shades ito pero hindi na niya inisip pa iyon, inenjoy na lang niya ang pagkalapit ng katawan nilang dalawa.


“Shit! I'm falling fast! So freaking fast in love with this guy!” bulong ni Eric sa sarili.



Itutuloy...


[17]
Nakasimangot si Alvin habang pabalang na inililigpit ang tela na kanilang inupuan ni Eric habang kinakain ang sandwich na inihanda ng huli para sa kanilang agahan. Hindi niya kasi nakain ang huling piraso ng tuna sandwich na kaniya sanang lalantakan dahil may isang malaking aso na lumapit sa kanilang puwesto at sa isang kagatan ay kinain ang buong sandwich na kasama pa ang tissue.



“I'm really sorry.” paghingi ulit ng paumanhin ng lalaking may ari ng kinaiinisang aso ni Alvin.


“Hey it's OK---” sabi ni Eric sabay luhod para mapatapat sa mukha ng malaking aso. “Wow! He's one heck of a big but cute dog.” nangingiti-ngiti ulit na sabi ni Eric.


“He's a big ugly dog.” bulong ni Alvin, hindi naman iyon nakaligtas kay Eric at tinignan siya nito ng masamang tingin, hindi parin niya malimutan ang sandwich na isang subuang nilunok ng malaking aso.



“What's his name?” tanong ni Eric sabay kamot sa may bandang tenga ng aso.


“He's Joey.” sagot naman ng may-ari na aliw na aliw na nakatingin kay Eric habang pa-baby-talk na kinakausap ang malaking aso. Napansin ito ni Alvin kaya tinignan niya ng masama ang may-ari ng aso, hindi naman ito nakaligtas sa may ari ng aso kaya't agad nitong binawi ang may pagkaaliw niyang tingin kay Eric.


“You're one cutie wuggiie doggie, aren't yah?!” pa-baby talk na sabi ni Eric habang nilalamas na ang malaking mukha ng aso.


“Don't forget that he's a hungry and a rude dog also.” bulong ulit ni Alvin na muling narinig ni Eric, naningkit ang tingin ni Eric at tumayo na ng ayos.


“Kevin!” sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan.


“Wait up, Drei.” sabi naman ng lalaking may ari ng malaking aso na nagngangalang Kevin.


“Again, I'm sorry for the sandwich. I'm Kevin by the way and this is my boyfriend, Drei.” pakilala ni Kevin, napataas naman ang kilay ni Eric pero agad ding ngumiti.


“Hey, I said it's no biggie, it's just a sandwich---” simula ni Eric pero agad siyang natigilan nang muling bumulong si Alvin.


“'just a sandwich' that I happen to be enjoying.” singhal ni Alvin na agad namang siningitan ni Eric para hindi marinig ni Kevin ang sinasabi nito.


“---just a sandwich and we we're done eating it by the way. My name's Eric and this is my boss, Alvin.” pakilala ni Eric agad na nagpalitan ng kamayan ang apat.


“Well it was nice meeting you guys but we have to get back to the office.” may pagka-kaswal na sabi ni Alvin. Tumingin si Eric sa dalawa, nagmamakaawang bigyan ng dispensa ang pagka-rude ng kaniyng kasama.


“Bye, guys. See you later! Bye Joey!” sigaw ni Eric sabay kamot ulit sa likod ng tenga ng aso na dumamba sa kaniya at dinilaan siya sa mukha.


“Psss! 'see you later' my ass! I'm not going to get near that damn dog again.” singhal ulit ni Alvin, hindi na napigilan ni Eric ang sarili at sinuntok na si Alvin sa braso na hindi naman nakaligtas kila Kevin at Drei.



0000ooo0000



“I was enjoying that sandwich.”


“I know but you didn't have to be that rude.” balik naman ni Eric habang naglalakad sila pabalik ng opisina.


“I was not being rude, it's just that I was really, really enjoying that sandwich and thinking that you made it makes it even special and---” agad napatigil si Alvin nang maisip niya ang kaniyang sinabi, agad siyang tumingin kay Eric, nakita niya ang napakagandang ngiti nito at ang pag-blush nito.


“I'll make you more tomorrow, just chill, OK?” alo ni Eric, kinilig sa mga sinabi ni Alvin.


“And not only that, that Kevin dude? He's stripping you with that eyes---!”


“No, he's not!”


“Believe me, I know! I've been in a relationship with Ardi and became his best friend after, I know someone like Ardi if I see one!”


“You're stereotyping now?” nangi-ngitingiting tanong ni Eric.


“Kung hindi pa dumating yung boyfriend hindi ka pa titigilan--- and what's up with you flirting back? Is he your type? Kung ako sayo palitan mo na yang type mo sa lalaki, di ka pa nadala kay Ardi.”


“I was not flirting with him!” balik ni Eric.


“You're too!”


“Am not!”


“You're too!”


“Am not!”


“You're too!”


“Am too!” hamon ni Eric.


“You're not!” balik ni Alvin, huli na ng ma-realize niya ang panloloko sa kaniya ni Eric.


“Aha! Sa bibig mo mismo nanggaling na hindi ako nakikipag-flirt kay Kevin!” humahagikgik na sabi ni Eric, umiling na lang si Alvin at pinipigilan ang sarili na mapangiti, hindi inaasahan na maiisahan siya ni Eric.


“And besides, Kevin is not my type.” pahabol ni Eric sabay kindat kay Alvin, tatanungin na sana ni Alvin kung ano ang tipo nito nang saktong bumukas ang mga pinto ng elevator at dali daling lumabas si Eric.



0000ooo0000



Masaya si Eric dahil malapit na niyang matapos ang tambak ng trabaho na ibinigay sa kaniya noon ni Alvin, ilang araw na lang at tapos na niyang lahat ng ito, abala siya sa pagdra-drawing nang maramdaman niyang mag-vibrate ang kaniyang telepono.



“Hello.”


“Hey, how is my beautiful prince?”


“Dad?!”


“Who else calls you beautiful prince?”


“Haha! Tagal ko ng hindi narinig yan ah, anong meron?” tanong naman ni Eric habang inipit ang telepono sa pagitan ng kaniyang balikat at kaliwang tenga at nagpatuloy sa pag-gu-guhit.


“Wala naman, naalala ko lang kaninang umaga, so have you asked this mystery guy of yours for dinner? Your tita Shelly is already preparing for it.”


“What?! It's not even time for lunch yet, and no, I haven't asked my mystery guy for dinner, and I don't think it's a good idea.” sabi ni Eric habang tinutuktok ang kaniyang relos, nagbabaka sakaling oras na talaga para magtanghalian at tumigil lang ang kaniyang relo.


“Well ask him now---” pero hindi na narinig pa ni Eric ang sinasabi ng ama dahil biglang sumulpot si Alvin sa kaniyang likod na halos ikatalon niya.


“Ask who for dinner and what's not a good idea?” dikit kilay na tanong ni Alvin habang nakapamaewang, nagyon lang nakita ni Eric na kumilos na miya mo talaga boss si Alvin.


“Eric, are you still there?”


“Dad, I have to go. I'll call you later, bye!” sabi ni Eric sa kabilang linya habang nakatingin kay Alvin na nakataas parin ang kilay.


“Eric wai---!” sigaw ni Henry sa kabilang linya habang itinago ulit ni Eric ang kaniyang telepono sa kaniyang bulsa.


“Oh, uhmmm, Dad wants me to have dinner with them, tonight.” sagot ni Eric sabay tungo, pilit iniiwas ang tingin sa mapanuring mga mata ni Alvin.


“And who are you suppose to invite and why is it not a good idea?” tanong ulit ni Alvin.


“What's with the twenty questions?” kinakabahang balik ni Eric, natigilan naman si Alvin at lalo siyang nanigas sa kinatatayuan nang maramdaman niya ang paghawak ni Eric sa kaniyang braso pero agad din iyong nawala nang hilahin siya nito papunta sa mga elevator.


“Where are we going?” tanong ni Alvin.


“To have lunch.” kaswal na sagot ni Eric na tila ba normal lang ang paghila ng isang simpleng empleyado sa kanyang boss sa harapan ng kaniyang mga katrabaho.


“It's not even lunch time yet!” natatawang tanggi ni Alvin.


“I'm already hungry, so deal with it.” simpleng sagot ni Eric, wala na lang nagawa si Alvin kundi mapahagikgik. Ang totoo ay nagtagumpay si Eric dahil agad ng nakalimutan ni Alvin ang tungkol sa tinaranong nito.



0000ooo0000



“Here you go.” sabi ni Alvin nang itigil na nito ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ng ama ni Eric matapos nilang lumabas ng opisina nung hapon na iyon. Ayaw sanang magpahatid ni Eric pero nagpumilit si Alvin.


“Thanks for the ride.” kinakabahang sagot ni Eric, hinihiling sa sarili na huwag sanang magpumilit na pumasok si Alvin sa loob ng bahay ng ama. Alam niyang magagalit sa kaniya ang kaniyang ama dahil hindi siya nagdala ng kung sino mang pwede nitong idikit bilang 'mystery guy' niya pero handa siyang harapin ang galit na iyon kesa naman mabuko ng boss niya na may gusto siya dito.


“Aren't you gonna invite me in?” taas kilay na tanong ni Alvin.


“Oh please don't do this to me, Alvin.” bulong ni Eric sa sarili.


“I kinda need to take a leak, you don't mind do you?” tanong ni Alvin sabay labas ng sasakyan at lakad papunta sa front door.


“Oh Shit!” singhal ni Eric sa sarili, bago pa man niya hilahin si Alvin pabalik ng sasakyan ay naka-katok na ito sa pinto at agad namang nagbukas ito at bumulaga sa kanila si Henry.


“Good evening, Sir.” magalang na bati ni Alvin, nangangatog na ngayon si Eric at hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Alam ni Eric na dalawa lang ang pwedeng kalabasan ng gabing iyon kung hindi siya agad magiisip ng palusot, una, malalaman ni Alvin na may gusto siya dito at sasabihin din nitong pareho sila ng nararamdaman at magiging masaya sila habang buhay at ang panagalawa naman ay maaasiwa sa kaniya si Alvin at tuluyan ng masisira ang kanilang pagkakaibigan.


“Good evening, you're Ardi's friend, right? Uhmmm Alvin?”


“Shit! I have to think fast!” sabi ni Eric sa kaniyang sarili.


“Yes, sir.”


“That's odd I didn't know you were the mystery guy—-umf!” di na naituloy ni Henry ang kaniyang sasabihin dahil agad na siyang niyakap ni Eric at hindi iyon marahang yakap, pakiramdam niya ay tila nakikipaglaro siya ng basketball sa gitna ng balyahan.


“Errr---” nagtatakang simula ni Alvin pero pinutol ulit iyon ni Eric.


“I thought you're going to the restroom and then go home?” nanlalaking matang baling ni Eric kay Alvin.


“Eric! Alvin can stay for dinner, that's not the way you treat your boyfr---umpfh!” simula ulit ni Henry pero muli siyang pinutol ni Eric sa pamamagitan ng isa pang mahigpit na yakap na lalo namang ikinataka ni Alvin.



Nang pumunta na sa CR si Alvin ay agad na kinumpronta ni Henry si Eric.



“What's wrong with you, you have been nothing but rude to that boy—-” simula ni Henry pero pinutol nanaman siya ni Eric.


“He doesn't know that he's the reason I'm happy again, Dad. He doesn't know that he's the mystery guy and I'm afraid that if he finds out we will not be friends anymore.” paliwanag ni Eric, agad namang naintindihan ni Henry ang sinasabi ng kaniyang anak.


“OK, I will not talk about the mystery guy topic again, but son, please invite him for dinner. It's rude if we let him go home without food in his tummy.”



Napabuntong hininga na lang si Eric habang pinapanood ang ama na naglalakad papalayo. Tapos na ang problema niya kay Henry, ngayon naman habang pinapanood niya si Alvin pabalik sa kaniyang puwesto ay inisip naman niya kung ano ang magandang palusot para sa kaniyang ini-asal.



“What the hell's wrong with you? You're acting weird.” natatawang sabi ni Alvin. Sasagot na sana si Eric nang tawagin siya ni Henry.


“ERIC! Help your tita Shelly in the kitchen!”


“Yes, Dad!” sagot ni Eric saka humarap kay Alvin.


“I should get going then.” paalam ni Alvin.


“Uhmm, no, stay, have dinner with us.” aya dito ni Eric kahit na sa tingin niya ay hindi parin magandang ideya iyon.


“Uhmm are you sure? I mean, kanina kasi parang gusto mo na akong paalasin eh kulang na nga lang sipain mo ako palabas ng bahay.”


“Yeah, sorry about that, medyo uhmmm medyo---”


“I get it, medyo weird ka lang ngayon?” natatawang tanong ni Alvin, di naman mapigilan ni Eric ang mapangiti nadin atsaka sinuntok si Alvin sa braso nito.



0000ooo0000



Bago magsimula ang hapunan ay tila naman nabunutan ng tinik si Eric, hindi na nga nag-open pa ng topic ang kaniyang ama tungkol sa sinasabi nitong mystery guy. Nung pilitin ni Henry si Eric na tulungan ang kaniyang madrasta sa kusina ay agad siyang kinabahan pero naghanda narin sa isnag giyera kapag nagkataon nun lang ulit sila nagkita ni Shelly ay hindi niya alam kung ano ang dapat asahan nung gabing iyonm napuno ng pagaalinlangan ang buong paligid pero para sa ikasisiya ni Henry ay pinilit ni Eric na tanggapin muli at bigyan ng pangalawang pagkakataon si Shelly, nagulat siya sa mga nalaman tungkol dito.



“Eric, I want you to know that I would never hurt your father, ever again.” simula ni Shelly habang naghahanda sila ng makakain habang si Alvin at si Henry ay nanonood ng basketball sa may sala.


“That's all I'm asking from you, tita. He's all I got left. I don't want to lose him. If you're thinking that I will take all dad's money and leave you and the baby alone then you're wrong, I don't care about the money, tita, I just want to have my dad back and I want Dad to be happy, he deserves to be happy.” mangiyak-ngiyak na sabi ni Eric, ayaw sana niyang maging emosyonal sa harapan ni Shelly pero tila ba may nagsabi sa kaniya na hayaan niya lang na ipaalam kay Shelly ang tunay niyang nararamdaman.


“I'm sorry for pushing you away from your father. I lied, Eric, he wants you here, he's so excited when he learned that you want to stay with him again, that is when I got worried, akala ko maiichipwera na kami pero nung sinabi ko sa dad mo na ayaw mo dito it's as if I saw his heart break, akala ko nung una ayaw na niya sakin kaya siya naging cold, yun pala kasi namimiss ka niya at nalulungkot siya sa sinabi kong ayaw mo sa kaniya kaya ako naman tong si tanga naghanap ng makakalandian. Believe me Eric, I learned my lesson my evil plans backfired on me and I promise that I will never do it again.” paliwanag ni Shelly atsaka hinila si Eric para sa isang mahigpit na yakap.



0000ooo0000


Natapos ang hapunan na may ngiti na sa mukha ang magasawa si Eric pati narin si Alvin. Habang naglalakad ang dalawa patungo sa sasakyan ay hindi mapigilan ni Eric na mapansin ang walang katapusang pag-ngiti ni Alvin.



“What's wrong with you? It's like your face is stuck in smiling mode. It's kinda creepy so please stop it.” biro ni Eric.


“Shut up! I'm smiling because your dad told me something about me being this mystery guy who suddenly made you mad happy and permanently stamped a smile on your face.” humahagikgik na sabi ni Alvin saglit na natigilan si Eric at namula agad na umisip ng palusot at pambawi si Eric. Ayaw niyang mauwi ang kanilang pagkakaibigan sa pagaalangan.


“I m-made the mystery guy issue up.” halos pabulong na sabi ni Eric, natigilan naman si Alvin.


“What?” tanong ni Alvin may tinig pagkadismaya sa boses nito.


“Youre not the mystery guy. T-there's no mystery guy. Dad noticed na naging masayahin ako nitong mga nakaraang linggo, he said that maybe I found a guy and that finally I'm happy, hindi ko na siya kinontra because the last thing I want to happen is for him to worry about me when he has his own life to worry about.” tuloy tuloy na pagsisinungaling ni Eric pero tila ba nababasa siya ni Alvin, tila ba alam nito na nagsisinungaling siya pero kahit na hindi ito nagsalita ay kitang kita ni Eric ang pagkadismaya sa mukha nito pero ikinibit balikat na lang ni Eric iyon at sumakay na ng sasakyan ng buksan ito ni Alvin.


“I was happy these past few weeks because I finally had dad back, I gained new friends and life is starting to look up for me not because there's a mystery guy who makes me happy. That's why I don't want you to go up the house earlier kasi baka mapagkamalan na ikaw ang mystery guy na sinasabi ni dad at ilagay ka niya sa spot light just like what he did tonight.” pagtatapos ni Eric saka pisil sa braso ni Alvin. Sa kabila banda ng pagsisinungaling na iyon ni Eric ay gusto niyang ipaalam na walang mystery guy pero gusto niya paring ipaalam kay Alvin na siya ang nagpapasiya kay Eric.


“I see.” bulong ni Alvin sabay start sa kotse.


“I'm sorry.”


“For what?” tanong ni Alvin medyo may edge sa boses nito na hindi malaman ni Eric.


“For all the things that my father may have said to you tonight.” paglilinaw ni Eric sabay pisil ulit sa braso ni Alvin, tila sa paghawak na iyon ni Eric sa braso niya ay tila ba nabalewala lahat ng kaniyang pagkalito sa mga nangyari nung gabing iyon. Nagtama ang kanilang tingin, may pagkabahalang nakikita sa mga mata ni Eric si Alvin at si Eric naman ay may nakikitang pagkadismya sa mga mata ni Alvin.



Matapos ang may kahabaang katahimikan ay si Alvin ang bumasag nito.



“Apology accepted as long as you bring more tuna sandwich tomorrow---.” nakangiti nang sabi ni Alvin.


“Sure, as many as you want.” pagpayag ni Eric.


“---and as long as you wouldn't flirt back with the big-ugly-sandwich-eating-dog-owner.” seryosong sabi ni Alvin sabay tingin sa nakahawak paring kamay ni Eric sa kaniyang braso, napatingin din doon si Eric at saglit na nagtama ang kanilang tingin.


“Promise me.” bulong ni Alvin habang mataman paring nakatingin kay Eric.


“I promise.” bulong din ni Eric at nakipagtitigan narin siya kay Alvin, pilit na ipinaparating sa tingin na iyon ang tunay niyang nararamdaman, sinasabi sa tingin niyang iyon na hindi totoong may mystery guy at si Alvin lang ang nagpapasaya sa kaniya, na si Alvin ang dahilan ng pagbuti ng kaniyang lagay kumpara sa ilang buwan niyang pagiging miserable.


“Let's go home then! I'm beat!” putol ni Alvin sa kanilang pagtititigan sabay bigay ng isang matipid na ngiti sa puntong iyon ay binitawan na ni Eric ang braso nito at ngumiti na lang din bilang pagsagot sa mungkahi ni Alvin.



Itutuloy...


[18]
“Where are we going? Why do we have to get in the car? The park is just minutes away by foot for krisakes!” naguguluhang tanong ni Eric kay Alvin kinabukasan nang dalhan ulit ni Eric ito ng agahan para kainin ulit sa park katulad nung nakaraang araw.


“We're going on a different park.” kaswal na sagot ni Alvin sabay start ng sasakyan niya para hindi na maka-hindi si Eric.


“But what about work---?”


“I'm the boss, Eric, I can do whatever I want and with whoever I want to do it with.” may pagkasiguradong sabi ni Alvin kay Eric, napairap na lang ang huli at pinipigilan ang sarili na mapangiti.




“Is this because of the promise I made?” naniningkit matang tanong ni Eric kay Alvin na agad namang hindi mapakali.


“What?” pagaanga-angahang balik ni Alvin na agad namang sinagot ni Eric.


“Are we changing parks for our breakfast thing-y because of my promise to you, you know the to-never-again-flirt-with-the-owner-of-the-big-ugly-dog-who-ate-your-sandwich-the-last-time-we-were-at-the-park-having-breakfast promise?” naniningkit matang paglilinaw ni Eric.


“Nooo.” pangaanga-angahan na sabi ulit ni Alvin.


“Whatever! If I've known better you're jealous of Kevin, you know the owner of the big ugly dog you so much despise, who by the way, is sooo cute if you ask me.” nangingiti-ngiting balik ni Eric, sinabi niya yun bilang biro pero nagulat na lang siya nang biglang inapakan ni Alvin ang preno ang na muntik namang ikauntog ni Eric sa windshield.


“What the hell?!” singhal ni Eric sabay sampal sa braso ni Alvin na seryoso ang mukha at parang namumula sa galit.


“Sorry. I think I saw a dog cross the street---” palusot ni Alvin sabay pinakalma ang sarili at muling iminaneho ang kaniyang sasakyan. “---I thought you said yesterday Kevin is not your type?” habol tanong ni Alvin.


“Oh, by saying cute I meant the dog not the owner, silly!” humahagikgik na paglilinaw ni Eric, hindi nakaligtas sa kaniya ang pagbuga ng hangin ni Alvin na tila ba nabunutan siya ng tinik sa dibdib.



Lihim na napangiti si Eric sa napansin na iyon.



0000ooo0000



“So why did you really want to change venues?” tanong ni Eric habang nguya-nguya ang kaniyang ginawang sandwich.


“I just got bored of the last one we last went to.” kaswal na sagot ni Alvin sabay kibit balikat.


“Already? You got bored at it already? We had breakfast there only once and you got bored already?” di makapaniwalang tanong ni Eric, nagulat na lang siya ng pahiran ni Alvin ang sulok ng kaniyang bibig agad siyang natigilan.


“Stop talking when your mouth is full, honey, you'll mess that pretty face of yours with ketchup.” napanganga si Eric sa sinabing ito ni Alvin na ikinahagikgik naman ng huli.


“You should've seen your face! Haha!” pangaalasja ni Alvin.


“Asshole!” nangingiti-ngiting sabi ni Eric pero hiniling niya rin na sana ay hindi biro ang sinabing iyon ni Alvin. Gagawin niya ang lahat maging totoo lang iyon pero ngayon, kuntento siya sa kung ano ang meron sila.


“Eric! Alvin!” sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan, kasama nito ang isang malaking aso at isa ring lalaki na masuyong kumakaway sa kanila ni Alvin.


“Bullshit!” singhal ni Alvin, hindi makapaniwala na nasundan sila sa bagong parke ni Kevin, Drei at ng malaki nitong aso, napahagikgik na lang si Eric sa hindi makapaniwalang reaksyon sa mukha ni Alvin.


“Hey Kevin, Drei and the biggest, cutest and cuddliest dog, Joey!” tila naman mas excited pa ang malaking aso na si Joey sa panibagong atensyon na nakukuwa mula kay Eric.


“What are you doing here?” pinilit alisin ni Alvin ang pagsinghal sa boses niya pero hindi rin yun nakaligtas kay Eric, Kevin, Drei at pati narin kay Joey na agad na inangilan si Alvin.


“Nice to see you again too, Alvin---” katulad ni Alvin ay sinubukan ni Kevin na alisin ang sarkasmo sa mga sinabi niya pero hindi rin siya nagtagumpay napataas na lang ang kilay ni Alvin sa sinabing ito ni Kevin. “---I'm a Veterinarian and my clinic is just around the corner, we we're visiting Drei's ex-wife yesterday that's why were at the park near your office.”


“Drei's ex-wife?” magkadikit kilay na tanong ni Eric habang palipat-lipat ang tingin kay Kevin at Drei.


“It's a long story.” humahagikgik na singit ni Drei.


“Well, we have plenty of sandwiches left and I'm sure my boss won't mind to spare some time for breakfast and chat time with new friends.” alok ni Eric kay Kevin at Drei na masuyong nagbalik ng ngiti habang si Joey naman ay hindi mapakali sa kakaikot.


“I guess it's OK, if it's OK with Alvin, of course---” nagaalangang sagot ni Kevin sabay tingin kay Alvin.



Sunod na tinignan ni Eric si Alvin, binigyan niya ito ng isang nagmamakaawang tingin na hindi pa kailanman na tanggihan ng kahit na sino. Tila naman natunaw lahat ng pagmamatigas ni Alvin sa ipinapakitang iyon ni Eric, tila isang bata na sumisipsip sa magulang para pumayag sa kaniyang gusto ang binibigay na tingin nito.



“Shit! How the hell am I going to say no with that face?” tanong ni Alvin sa sarili.


“I don't see a problem with sharing our sandwiches.” pagpayag ni Alvin sabay kibit balikat. Tila naman naintindihan ni Joey ang mga nangyayari dahil walang tigil sa kakakaway ang buntot nito at sa kakaikot sa apat na lalaking nagaabutan ng sandwich.



0000ooo0000



“Still think Kevin's after me, still think that I'm flirting back and that he's my type?” nanunubok na tanong ni Eric habang kumakaway sa tatlong bagong kaibigan na naglalakad na palayo sa kanila matapos ang masayang agahan, napataas naman ng kilay si Alvin bago sumagot.


“Yup.” kaswal na sagot ni Alvin saka tumalikod at naglakad papunta sa kaniyang sasakyan.


“What?! Haven't you seen the looks they give each other, damn I wish I could be in-love like that in the future! If you're thinking that Kevin would leave Drei then you must be losing it!” umiiling na sabi ni Eric, hindi makapaniwala sa sinabi ni Alvin.


“Hey! I just answered your question! And besides, you were flirting back, I think I saw Drei give you the evil look once or twice.” nangaalaskang balik ni Alvin na ikinamutla naman ni Eric, hindi kasi malaman ng huli kung nakikipag-flirt nga siya nang hindi niya nalalaman, magtatanong na sana siya kay Alvin upang kumpirmahin iyon nang sumagi sa isip niya na baka iniinis lang siya ni Alvin.


“I was not flirting with Kevin!” pagmamatigas ni Eric, napansin niyang nangingiti-ngiti na si Alvin.


“You're too!”


“Am not!”



At nagsimula nanaman ngang maginisan na parang bata ang dalawa.



0000ooo0000



“Sir, your nine o'clock is here.” sabi ng sekretarya ni Alvin.


“Oh shit! I forgot!” singhal ni Alvin sabay tingin sa relo.


“Is everything OK?” nagaalalang tanong ni Eric.


“I was suppose to talk with the new junior architect an hour ago.” umiiling na sagot ni Alvin.


“Wow, are you replacing Ardi?” nangaalaskang balik ni Eric, napahagikgik naman si Alvin.


“No, I saw how slow you work and with the amount of clients pouring in I decided to add a new competent architect to speed things up.” balik naman ni Alvin na ikinamula ng pisngi ni Eric.


“I haven't been slouching at work you know.” umiiling na sabat ni Eric.


“I was just joking. By the way the new guy is from your old firm, Fullerton.”



Agad na natigilan si Eric nang marinig ang pangalan ng dating kumpanya pinapasukan.



“Really?! What's his name Ms. Tammy?” tanong ni Eric sa sekretarya ni Alvin.


“I think it's Michael Panganiban or something.” sagot ni Tammy sabay kibit balikat.


“Michael Pangilinan.” pagtatama ni Eric sa sekretarya.


“Ah yes, it's Pangilinan. Michael Pangilinan.”


“Why are you here, Mike?” tanong ni Eric sa sarili niya habang iniisip kung bakit pilit na humahabol sa kaniya ang mga taong gustong-gusto na niyang kalimutan.


“Soooo--- do you know him?” tanong ni Alvin nang makitang agad na nagiba ang reaksyon sa mukha ni Eric.


“Yes.”



Base sa sagot na iyon ay naisip ni Alvin na hindi lang basta katrabaho ang Michael Pangilinan na iyon kay Eric at iyon ang gustong malaman ni Alvin.



“Can I talk to him first?” tanong ni Eric na bumasag sa pagiisip ni Alvin.


“Sure.” sagot ni Alvin habang nagdidikit ang kilay sa pagtataka.


“He's in the conference room.” singit naman ni Tammy na interesadong interesado sa papel ng bagong dating.



0000ooo0000



“Eric?!” tawag ni Mike nang makita ang pumasok sa conference room na may isang oras na niyang pinaghihintayan. Agad na sinalubong ni Mike si Eric at niyakap ng mahigpit.


“So this is where you've been all this time? Nagalala kami sayo nung malaman naming lumipat ka na! How are you?!” sunod sunod na sabi ni Mike nang maghiwalay sila sa yakapan na iyon, napangiti na lang si Eric, hindi niya inaasahan ang mainit na pagtanggap na iyon ni Mike, agad na niyang nakalimutan ang sama ng loob niya dito nung huli silang magusap nang makita niya ang pamilyar na ngiti na iyon ng isang dating malapit na kaibigan.


“I'm great actually! How are you? Biruin mong dito pa tayo magkikita!”


“Yup, well after you left Fullerton has never been the same since. The bastard couldn't cope with the humiliation and started throwing swear words at anybody he sees after his jaw braces were taken off, people couldn't take it anymore and began resigning, not individually but in groups.” umiiling na sabi ni Mike, agad namang naguilty si Eric sa mga nangyari sa dating kasamahan.


“I'm sorry.” pabulong na sabi ni Eric.


“It was not your fault.” alo ni Mike.


“Still, I'm sorry.” sabi ulit ni Eric, hindi na napigilan ni Mike na balutin ulit sa yakap si Eric, hindi maitatangi na namiss niya ito, nagulat naman si Eric sa hindi inaasahang pagyakap na iyon sa kaniya ni Mike.


“I missed you.” bulong ni Mike.


“Same here.” balik ni Eric sabay ngiti.



Naabutan ni Alvin na magkayakap si Eric at Mike, agad siyang naintriga kung ano naman ang naging papel ng bagong dating sa buhay noon ni Eric, agad niyang naisip ang sinabi sa kaniya ni Eric nung nakalipas na gabi, naisip niya rin na kung ang bagong dating na iyon ba ang tinutukoy ni Eric sa kuwento niya, kung ito ba ang nagtatak sa isip ni Eric na kasalanan nito ang pagkanda-leche leche ng relasyon nila. Pilit niyang itinatak sa isip niya na itanong lahat ng iyon kay Eric mamya.



“Ahem.” pagtatanggal bara sa lalamunan ni Alvin na ikinagulat ng dalawa na agad namang naghiwalay.


“Eric, I think it's time for me to interview Michael now. I'll see you at lunch?” sabi ni Alvin. Nahihiyang tumango si Eric bilang sagot sa paanyaya ni Alvin para sa tanghalian at lumabas na ng opisina ni Alvin.


“Good morning, Michael, you can take a seat.”



0000ooo0000



Lahat ng importanteng malaman ng bagong salta sa kumpaniya ay naipaliwang na ni Alvin, humantong na sa punto na si Mike na ang nagtatanong, masuyo man itong sinasagot ni Alvin ay hindi parin maalis sa utak nito kung ano nga ba si Mike sa buhay ni Eric. Napangpasyahan ni Alvin na i-isang tabi na muna ang pagiging propesyonal at tanungin na ang bagong salta.



“This question may be a little bit personal, I uhmmm I just can't help but be curious, you can refuse to answer, of course uhmmmm... are you and Eric close before?” nagaalangang tanong ni Alvin, agad namang nagtaka si Mike, tinignan niya ng daretso sa mata si Alvin.



Nagkibit balikat na lang si Mike at nagkuwento narin. Habang nagkukuwento si Mike ay hindi niya mapigilang mapabuntong hininga nang malamang hindi ito ang ex ni Eric, ang huli niya kasing gustong mangyari ay ang makita ulit si Eric na nagmumukmok katulad nung gaguhin ito ni Ardi. Habang nagkukuwento rin si Mike ay hindi rin mapigilan ni Alvin ang panibagong interes sa kausap.


0000ooo0000



Hindi parin makapagtrabaho ng maayos si Eric, sa sampung proyekto na ibinigay sa kaniya ni Alvin ay lima pa lang ang natatapos niya, pilit kasing sumisiksik sa isip niya si Mike. Alam niyang lumipas na ang galit niya para dito at handa na ulit siyang maging kaibigan ito. Bumukas ang pinto ng opisina ni Alvin at wala sa sariling nag-angat ng tingin si Eric.



Lumabas doon si Avin at Mike na may masusuyong ngiti sa kanilang mga mukha at tila ba may personal na pinaguusapan ang dalawa, tila ba may kakaibang koneksyon o bond agad ang dalawa kahit pa kakikilala pa lang ng mga ito. Agad niyang naalala ang nangyari noon sa kanila nila Pat at Jake. Agad na nakaramdam ng pagkabahala si Eric.



“Should I be threatened? Am I going to be in a middle of something again?” tanong ni Eric sa sarili habang nakatingin sa magkahawak na kamay ni Alvin at Mike. Sa palagay ni Eric ay medyo matagal na ang pakikipagkamayan ng dalawa sa isa't isa.


“Oh no, not again.” pahabol pa ni Eric nang mapagtanto niyang hindi na lang basta nagkukuwentuhan ang dalawa kundi ay nakikipagflirt na sa isa't isa habang wala sa sariling magkahawak parin ang mga kamay.


“...not again.”



Itutuloy...


[19]
Humihikab pang naglakad papuntang kusina si Eric, nadaanan niya si Ted at Ardi na nanonood ng T.V., parehong nakapaling sa kaliwa ang mga ulo ng mga ito habang pinapanood si big bird na kumanta, tila ba mga batang wiling wili sa panonood. Napangiti siya sa sarili, isang buwan na ang nakakaraan simula nung aksidente ni Ardi, sabi ng duktor ay magpahinga muna ito kaya't binigyan siya ni Alvin ng panahong makapagpahinga mula sa trabaho, pero pagkatapos ng pangalawang linggo ay hindi parin ito umuwi sa sariling condo.



Ngayon, tila ba nadagdagan pa ng isa ang umuupa sa apartment ni Ted. Sa umaga papasok ng opisina ay magkasabay si Eric at Ardi at tanging si Ted na lang ang naiiwan ulit sa apartment, tila naman wala lang kay Ted ang pag-extend ng pagtigil na iyon ni Ardi sa kaniyang apartment, sa totoo lang, sa palagay ni Eric ay ayaw naring pauwiin ni Ted si Ardi sa sarili nitong condo.








“You know, even after all these years I'm still wondering if big bird is male or female.” nakapaling parin sa kaliwang sabi ni Ted.


“Yeah, I think he's a guy though---” pabitin na sabi ni Ardi at sabay humagikgik ang mga kumag.



Agad na naputol ang paghagikgik na iyon nang matapos na ang segment ni big bird at napiltan iyon ng segment ni Ernie at Bert. Natahimik saglit ang dalawa masuyong pinapanood ang pagpapalitan ng linya ng dalawang puppet, sa puntong iyon ay pumaling naman sa kanan ang ulo ng dalawa. Lihim ulit na napangiti si Eric sa hindi kalayuan.



“These are the guys that made me gay.” bulalas ni Ardi na ikinahagalpak sa tawa ni Ted.


“They are not lovers! They're room mates for krisakes!” balik ni Ted sa pagitan ng mga tawa.


“Nuh-uh, the net says that sesame street producers claims that those two are lovers, in fact a gay magazine said in one of it's articles that Ernie and Bert are the most accepted gay couple in the world---.” biro ulit ni Ardi na ikinahagalpak nanaman sa tawa ni Ted, hindi narin mapigilan ni Eric ang mapahagikgik sa di kalayuan.


“---I mean, look at them, Ted! They argue like cats and dogs but says 'goodnight' to each other, sweetly I may add, at the end of the day! Only lovers do that, oh and look at their matching shirts!” tuloy ni Ardi habang si Ted naman ay nakahawak na sa tiyan dahil sa katatawa.


“Yeah that's right, Ernie and Bert is kinda like you guys, you always argue with each other to the point that it's already annoying and then be sweet with each other after, oh and Ardi you and Ted are also wearing matching shirts now.” hindi mapigilang pagsingit ni Eric na ikinagulat ng dalawa.



Saglit na nagkatinginan ang dalawa, habang si Eric ay hindi mapigilan ang mapatawa. Bago tumuloy si Eric sa kusina ay nakita niya ang biglaang pagbawi ng tinginan ng dalawa at ang pamumula ng mga pisngi ng mga ito.



“Ardi, you should start preparing for work or else we're going to be late... again.” humahagikgik parin sabi ni Eric.


“Yes, mother.” sarkastikong balik ni Ardi na ikinahagalpak ulit sa tawa ni Ted.



Magaayos na sana ng ibabaon si Eric ng makarinig sila ng pagkatok sa pinto, binuksan ito ni Ted at bumulaga dun si Henry at Shelly. Napangiti si Eric dahil sa loob ng isang buwan na halos araw araw niyang nakikita ang mag-asawa ay tila ba bagong kasal ang mga ito, tumupad sa pangako si Shelly at isinang-tabi na nito ang kaniyang mga insecurities at mas nag-focus sa pagiging may bahay at di kalaunan ay pagiging ina.



“Everybody's having their 'happy ever after' except me.” bulong ni Eric sa sarili at ipinagpatuloy ang pagaayos ng babaunin niya.



Simula nung nagumpisa si Mike sa opisina ay halos wala na silang panahon para magusap ni Alvin, tila ba na ichipwera na siya at si Mike na ang bago nitong best friend, hindi na iyon minasama pa ni Eric, alam naman niyang hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ni Alvin sa kaniya, pero nitong mga nakaraang linggo nang nararamdaman niyang unti-unti nang lumalayo ang loob ni Alvin sa kaniya ay saka niya lang na-realize na nahulog na ng todo ang loob niya dito.



Nagseselos siya sa ipinapakitang koneksyon ni Alvin at Mike pero isinang-tabi niya iyon dahil nadala na siya, una ay namagitan siya sa relasyon ni Pat at Jake at walang naidulot iyong maganda, ganun din nag mamagitan siya sa noo'y pagmamahal ni Ardi kay Alvin at wala ring magandang naidulot iyon sa kaniya, kaya ngayon, kung ano mang namumuo man kay Alvin at Mike ay hindi na siya mamamagitan doon dahil alam niyang masasaktan lang siya.



Pinipigilan niyang ipakita ang pagseselos, pinipilit niyang maging mabuti paring kaibigan kay Alvin sa tuwing lalapit ito sa kaniya para makipag-usap o kwentuhan pero ang totoo nun ay tila ba kinukurot ng isang daang beses ang kaniyang puso. Natuto na siya, kung alam niyang wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang kaniyang pagkatalo, masakit man ito ay tinatanggap na niya iyon, naging mabuting magkaibigan narin ulit sila ni Mike at iyon ang pinaghahawakan ni Eric para hindi magalit dito dahil lang sa isang bagay na hindi rin naman mapipigilan ni Mike o kaya ay ni Alvin.



“Making sandwiches again?” tanong ni Shelly kay Eric, ngumiti si Eric at yumakap kay Shelly at bumeso beso dito.


“Good morning, Tita. You want some?” tanong ni Eric sabay abot ng isang plato at lagay ng isang sandwich doon at inilagay iyon sa tapat ni Shelly.


“Thanks, I wish I could make sandwiches as delicious as yours, Eric.” balik ni Shelly sabay kagat sa ibinigay ni Eric.


“Sucking up on me, Tita?” humahagikgik na sabi ni Eric, hinampas naman siya ni Shelly sa braso.


“I thought that's your job?” balik pangaalaska ni Shelly na ikinahagalpak nilang pareho sa tawa dahil sa kakaibang meaning sa likod ng birong iyon. Saglit silang natahimik matapos kumalma sa pagtawa, matamang tinignan ni Shelly si Eric.


“Is there something wrong, Eric?” tanong ni Shelly, may pagaalala sa boses nito na ikinagulat ni Eric, hindi dahil sa nagsimula sila bilang magka-away kundi dahil sa madali siyang nabasa ni Shelly, isa si Eric sa pinakamahirap na basahing tao ayon sa kaniyang mga kaibigan at ilang tao lang ang nakakakita ng kaniyang totoong nararamdaman kahit pa gaano niya ito itago.



Tumango na lang si Eric bilang sagot. Niyakap lang siya ng mahigpit ni Shelly.



“Everything is going to be fine, Eric.” alo ni Shelly. Ngayon, may bagong respeto si Eric kay Shelly, imbis kasi na tanungin nito ang bumabagabag kay Eric ay inisang tabi na lang iyon ng nakatatandang babae. Ayaw kasi ni Shelly na lumabas bilang isang tsismosa at alam niyang masyadong personal ang dinadala ni Eric kaya't hindi na siya nangeelam.


“Thank you.” bulong ni Eric habang nangingilid ang luha, hindi makapaniwala na pagkatapos nang lahat ng nangyari sa kanila ni Pat at Ardi ay sa pangatlong pagkakataon ay nasasaktan ulit siya ng ganun. Ang masaklap pa, hindi alam ng taong rason ng sakit na iyon na nasasaktan siya.



0000ooo0000



“You didn't bring gazillion sandwiches again, did you?” tanong ni Ardi kay Eric habang minamata nito ang malaking bag sa kandungan ni Eric, namula na lang si Eric bilang patunay na madami nga siyang dinalang sandwich. Napabuntong hininga na lang si Eric nang mapatunayan ang kaniyang hinala.


“Eric, why are you doing this to yourself?” seryosong tanong ni Ardi.


“Wha---?”


“Don't play innocent!” singhal ni Ardi sabay tigil ng sasakyan sa gilid ng kalsada.


“Akala mo di ko napapansin? I'm one of those people who can read you right, remember? Akala mo hindi ko napansin na na-in love ka na kay Alvin at akala mo hindi ko nakikitang nasasaktan ka?” panunubok ni Ardi, sinubukan ni Eric na bumawi sa pamamagitan ng pagpapakawala ng isang biro.


“And you realized all these because of my sandwiches?” nakangiting tanong ni Eric, itinatago ang tunay na nararamdaman.


“Quit being a smart ass, Eric! Akala mo di ko napapansin yang pagbagsak ng mukha mo kapag nakalimutang puriin ni Alvin yang lintik na mga sandwich mong yan dahil abala siya sa pakikipagkwentuhan kay Mike---?” sinubukang sumingit ni Eric at itanggi lahat pero hindi siya hinayaan ni Ardi dahil tuloy-tuloy lang ito sa pagsasalita. “Hell! Kung hindi niya nakikita kung gano ka kabuti maski hindi bilang isang boyfriend kundi maski bilang best friend manlang then you don't have to beat your ass every morning just to prepare those gadam sandwiches so he can have something to eat and not appreciate it after!” singhal ni Ardi agad namang nangilid ang luha ni Eric.


“But I still have to be friends with him. I know that that's all were going to be, he can't be my boyfriend so I'm settling with us just being friends that's why I still hang out with him.”


“You can be friends with him even without the sandwiches, Eric! You can be friends with him and not be with him all the time, watching how he flirts with Mike and hurt yourself in the process! Haven't I given you enough pain that you're still willing to catch all of the hurt Alvin has been unconsciously throwing at you?!” singhal ulit ni Ardi, umiling na lang si Eric.


“Give me the sandwiches.” utos ni Ardi.


“What?” tanong ni Eric.


“GIVE. ME. THE. DAMN. SANDWICHES.” pagpupumilit ni Ardi wala nang nagawa si Eric kundi i-abot dito ang mga tinapay. Nagulat siya ng lumabas si Ardi at inabot ang mga iyon sa isang pamilya na nakatira sa isang kariton sa gilid ng highway na iyon.



0000ooo0000



“Hey! Ready for breakfast? I was thinking we should try the park near the---” simula ni Alvin, nagsimula ng hindi mapakali si Eric at lalo siyang hindi mapakali nang sumulpot na si Mike sa tabi nito, tila ba naramdaman naman ni Ardi ang pagkabalisa ni Eric at sumulpot ito sa tabi nito.


“Actually, Eric and I already had our breakfast on the way here.” singit ni Ardi, natigilan naman si Alvin at agad na nangunot ang noo.


“Oh.” dismayadong sabi ni Alvin habang matamang nakatingin kay Eric, tila naman inilagay sa ilalim ng spot light si Eric at nagsimula na siyang pawisan, hindi niya matignan ng derecho si Alvin.


“That's OK, we can eat at Rosalie's instead, right, Alvin?” tanong ni Mike sabay siko sa tagiliran ni Alvin.


“R-right. Well uhmmm--- yeah--- we should get going.” paalam ni Alvin sabay lulugo-lugong sumunod kay Mike.



0000ooo0000



Lumipas pa ang ilang linggo at hindi parin umuuwi si Ardi sa kaniyang condo, hindi naman ito alintana ni Ted at Eric, kaya't laking gulat ng dalawa ng magsalita tungkol sa kaniyang condo si Ardi.



“I think I should get back to my unit---” naputol ang sasabihin ni Ardi ng isang malakas na sigaw galing kay Ted.


“WHAT?!” na ikinagulat pati ni Eric.


“So that's it? You're just going to leave like that?!” naiinis na sabi ni Ted gayong hindi alam ni Eric at Ardi kung ano ang ikinasasama ng loob nito.


“Will you let me fucking finish first?!” mainit na balik ni Ardi, natameme naman si Ted at lihim na napangiti sa sarili si Eric. Isa si Ted sa pinakanakakatakot na tao kapag nagagalit pero wala itong sinabi pagda-dating kay Ardi, tila isang barakong barakong lalaki na under the saya sa kaniyang balingkinitang misis.


“As I was saying before I was rudely interrupted is that I think I should get to my unit and prepare it for you guys.” pambibitin ulit ni Ardi, nagdikit ang mga kilay ni Eric at Ted sa pagtataka.


“C'mon guys! You aren't that slow! I'm asking you guys to move in with me in my condo! Doon, kanya kanya tayo ng kwarto tas may dalawang banyo at may maayos na parking para sa tatlo nating sasakyan. Anong tingin niyo?” kinakabahan ng tanong ni Ardi, ayaw niya kasing ma-offend si Ted at natatakot siyang ma-reject ng dalawang kaibigan.


“Bakit ngayon mo lang sinabi?!” “Kailan tayo lilipat?!” sabay na tanong ni Eric at Ted na ikinabuntong hininga naman ni Ardi, hindi makapaniwala na ganung kadali makukumbinsi ang dalawa.



0000ooo0000



“Hey I hardly see you anymore.” sabi ng isang lalaki sa likuran ni Eric na ikinagulat naman niya. Magisa lang siya ngayong pumasok dahil um-absent si Ardi para ayusin ang condo kasama si Ted. Dahan-dahang humarap si Eric sa lalaking nagsalita.


“Hey, Alvin. I'm sorry I didn't see you there---” hindi nagsisinungaling si Eric, hindi niya talaga nakita si Alvin dahil abala siya sa pagaayos ng kaniyang mga design na naka-print out, na halos lunurin na siya sa dami. “I'm sorry if I don't hang out with you guys anymore, I have so much clients to work on, plus I'm still moving some of our stuff from Ted's apartment to Arid's condo.” pagtatapos ni Eric.


“Oh, I heard about that---” balik ni Alvin sabay frown, hindi iyon nakita ni Eric dahil narin sa kagustuhan nitong huwag tignan si Alvin.


“You and Mike can come to the party if you want. Ardi wants to welcome Ted and I with a bang.” umiiling na pagimbita ni Eric kay Alvin.


“Sure.” matipid na sagot ni Alvin sabay labas ng elevator, hindi na ulit sila nagusap ni Alvin habang naglalakad papuntang opisina si Alvin at si Eric naman ay sa kaniyang lamesa.


“See you lat---” simula ni Eric magpaalam pero naputol iyon nang magsalita si Mike sa di kalayuan.


“Alvin! It's about time you showed up, I'm starved, I can't wait to go to Rosalie's!” may pagka-excited na bati ni Mike. Napatingin si Alvin kay Eric.


“Do you want to come with us?” “Oh, hey Eric! Didn't see you there!” sabay na sabi ni Alvin at Mike, nagbigay ng pekeng ngiti si Eric, peke dahil kahit pa mukha siyang masaya ang totoong nararamdaman ay pagkadismaya at sakit.


“Hey, Mike! Oh I already had my breakfast, thanks for asking though. See you guys later!” may pagkamasayang sabi ni Eric pero nung oras na tumalikod siya ay agad na nangilid ang luha niya, narinig niya ang paghila ni Mike kay Alvin papunta sa mga elevator.



Ang hindi alam ni Eric at mataman paring nakatingin sa kaniya si Alvin habang hinihila ito ni Mike.



0000ooo0000



“Why are you still here, Eric, aren't you supposed to be at the party?” tanong ni Henry sa kaniyang anak ng maabutan ito saka si Shelly sa kusina, tinuturuan ni Eric na gumawa ng sandwich si Shelly.


“I was just about to leave, Dad.” nakangiting sagot ni Eric sabay beso kay Shelly bilang paalam at yumakap naman sa ama, ang totoo ay ayaw naman talaga ni Eric umalis, umaasa siya na makakapag-stay pa siya ng matagal sa mansyon ng ama dahil ayaw niyang pumunta sa party at makita si Mike at Alvin na nagkakamabutihan, pero hindi rin naman siya titigil sa mansyon pra tanungin siya ng tanungin ng ama, alam niyang may ideya na ang ama na may dinaramdam siya at ayaw niyang maiwan sa isang kwarto kasama ito para kulitin lang siya na magkwento.


“I'll see you guys later.” paalam ni Eric at mabilis na naglakad palabas.


“Thank you, hon---” simula ni Shelly pero narinig niyang sumara na ang front door at hindi na siya nag-abala na tapusin ang sasabihin, nagbigay si Henry ng nagtatakang tingin kay Shelly at nagkibit balikat lang ang huli.



0000ooo0000



Nang wala nang mapuntahan si Eric ay wala na siyang nagawa kundi ang tumuloy na sa party, medyo marami pa ang nandun pero kitang-kita niya rin na medyo lasing na ang iba sa mga bisita. Hinanap ni Eric si Ardi, natatakot na baka uminom ulit ang kaniyang kaibigan at mawalan nanaman ng control sa sarili. Nagulat na lang si Eric nang makita si Ardi na masayang nakikipagtawanan kay Ted, Ant at Mike.



“Hey! Kanina ka pa namin hinahanap!” sabi ni Ardi, agad na napangiti si Eric, alam niyang hindi lasing si Ardi at nang lumapit siya ay nakita niyang tubig ang laman ng baso nito.


“Sorry, got caught up with tita Shelly. Hi Mike, having a good time?” balik ni Eric at nagbaling ng tanong kay Mike.


“Yup, we were having fun right before Alvin puked on me.” umiiling na sabi ni Mike, nakita ni Eric na damit ni Ted ang suot ni Mike.


“I still don't know why he drank that much, I mean he's a light drinker---”


“Beats me.” sagot ni Ardi nagkibit balikat naman si Ted.


“Oh and he's looking for you.” habol ni Mike at ipinagpatuloy ang pakikipagkwentuhan kay Ted at Ant. Tumingin si Eric kay Ardi para alamin kung ano ang ibig sabihin ni Mike, nagkibit balikat si Ardi bilang sabi na hindi niya alam.


“You guys didn't let him drive home, did you?” tanong ulit ni Eric.


“Of course not! He's in your room.” sagot ni Ted sabay inom ng kaniyang inumin at balik sa pakikipagkwentuhan, napabuntong hininga na lang si Eric, sa totoo lang ay ayaw niyang pumunta sa kaniyang kwarto at harapin si Alvin, kung nung hindi nga ito lasing ay ayaw itong makausap ni Eric, ngayon pa kayang lasing ito. Napansin ni Ardi ang pagkabahala ni Eric kaya't nagtanong ito.


“Do you want me to go with you?” sa tanong na ito ni Ardi ay tumigil sa paguusap si Ted, Ant at Mike.


“Nope, I'll be fine, I think I'll just crash in Ted's room.” sagot ni Eric para hindi mahalata ng tatlo na may problema siya pagdating kay Alvin. Nang tumalikod siya upang tumuloy sa kwarto ni Ted ay siya namang iling ng apat sa may lamesa.


“I still can't figure their shit.” umiiling na sabi ni Ardi, tumango-tango ang tatlo pang kakuwentuhan. Habang si Mike naman ay inisip kung ano ang maaaring ibig sabihin na iyon ni Ardi.



0000ooo0000



Matapos mag-shower ni Eric ay saka niya naisip na kailangan niya parin pala magpunta sa kwarto niya para kumuwa ng malinis na damit pangtulog, ayaw na sana niyang tumuloy don para hindi makita si Alvin pero wala siyang magagawa, hindi siya makakahiram ng damit kay Alvin at Ardi dahil sa laki ng mga ito. Nang makapasok siya sa kaniyang kwarto ay hindi na siya nag-abala na buksan ang ilaw para hindi maistorbo ang humihilik nang si Alvin kaya't hindi niya nakita ang damit nito na parang basahan na nakadiskarga sa sahig.



Isang malakas na kalabog ang gumising kay Alvin, inabot niya ang ilaw sa tabi ng kama, hinayaan niyang luminaw saglit ang kaniyang mata.



“Shit!” singhal ni Eric, nagulat sa biglaang pagbalot ng liwanag sa buong kwarto.


“Eric?” tawag ni Alvin, agad na napaharap si Eric dito, buti na lamang at nakapagsuot na agad siya ng shorts.


“Hey, I've been looking everywhere for you. Where have you been?” tanong ni Alvin, nahalata agad ni Eric ang pagslang ng salita nito. Naalala niya ang sinabi ni Mike na nakainom si Alvin.


“uhmmm I've been with dad.” sagot ni Eric pero hindi na iyon narinig ni Alvin dahil nakatingin ito sa tuhod ni Eric na may konting dugo nang tumutulo.


“Hey, you're bleeding.” sabi ni Alvin sabay alalay kay Eric paupo ng kama.


“Yeah, I tripped, didn't see your clothes.” nahihiyang sagot ni Eric dahil sa katangahan, nagulat si Eric ng hugutin ni Alvin ang panyo nito sa nakatambak niyang pantalon sa sahig at marahang pinunasan ang sugat ni Eric.


“Sorry.” pabulong na sabi ni Alvin.


“Yeah, burara ka kasi.” biro ni Eric na ikinahagikgik naman ni Alvin, dahil sa kalasingan ay tinamaan ng pagkamaharot si Alvin at hinila niya ang gulat na gulat na si Eric pahiga ng kama at dinaganan ito saka kiniliti.


“I give up! I give up!” sigaw ni Eric sa pagitan ng mga pagtawa. Saglit na tumigil si Alvin, nagtama ang kanilang mga tingin. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Eric ng mapansin niyang papalapit ng papalapit ang mukha ni Alvin.



Nang magtama ang kanilang mga labi at nang marahang laruin ng dila ni Alvin ang dila ni Eric ay hindi mapigilan ng huli na mapaluha. Nakapikit parin si Eric ng humiwalay si Alvin, napansin niya ang paggalaw ng kama at pagkawala ng bigat ng katawan ni Alvin sa pagkakapatong sa kaniyang katawan kaya't inisip na lang niya na umayos na ng higa si Alvin sa kaniyang tabi. Nang iminulat na niya ang kaniyang mga mata ay nakita niya sa tagiliran ng kaniyang mata ang nakahigang si Alvin sa kaniyang tabi, tama ang kaniyang hinala, umayos na ito ng puwesto.



Hindi alam ni Eric kung ano ang iisipin, matagal ng natahimik si Alvin hindi alam kung nagsisisi ba si Alvin sa ginawang paghahalikan kaya ito tahimik, kung tuluyan na bang nasira ang kanilang pagkakaibigan o kung ginusto nito rin ang halikan na iyon. Naisipan niyang isugal na lahat, tutal iniisip ni Eric na ibinalik rin naman ni Alvin ang mga halik niya kaya malamang may ideya na ito tungkol sa kaniyang nararamdaman kaya't hindi na nagaksaya pa ng panahon at sinabi na ang kaniyang tunay na nararamdaman.



“I love you, Alvin.” bulong ni Eric. Muli siyang nagintay ng sagot pero may ilang segundo na ay hindi parin umiimik si Eric, tila pinupunit ang kaniyang puso, sumugal ulit siya at tumingin kay Alvin, nakita niyang nakatulog ulit ito, agad siyang napabuntong hininga.



Habang lumalabas ng kwarto si Eric ay ipinagdadasal rin niya na sana ay walang maalala si Alvin kinabukasan, na sana ay lasing na lasing ito para maalala lahat pero hindi niya rin mapigilang madismaya dahil inisip niya na kaya lamang siya hinalikan ni Alvin ay dahil lasing ito. Hindi nagawang matulog ni Eric nung gabing iyon, masyadong maraming bumabagabag sa kaniyag isip kaya't napagpasyahan niyang lumabas at magikot ikot na lamang. Naabutan niya si Ardi, Ant, Mike at Ted sa sala. Nakasalampak sa carpeted na sahig at kaniya-kaniyang hilik.



Saglit siyang napangiti sa nakita.



“Good night, guys.” bulong ni Eric sa sarili saka mabigat ang loob na lumabas ng unit.



Itutuloy...


[20]
Masakit ang ulo na bumangon si Alvin mula sa kama ni Eric, hindi niya alam kung bakit pero lumingon lingon siya na miya mo may inaasahan siyang makita pagkagising, ikinibit balikat niya na lang iyon at nagtungo na sa banyo para maghilamos at mag mumog. Nang makarating siya sa kusina ay naabutan niyang nagkakape si Mike, Ardi at Ted. Agad nagdikit ang kaniyang mga kilay nang hindi niya nakita si Eric.



Naalala niya nang magkausap sila nito nung party, nang makita niyang nagdududgo ang tuhod nito at ng magharutan sila kaya't nagtataka siya kung bakit wala doon si Eric gayong alam niyang andun si Eric nung nakaraang gabi.



“Hey guys!” bati ni Alvin sa mga kaibigang nagaagahan.


“Dude! Not so loud!” singhal ni Mike sabay takip ng kaniyang mga tenga, hindi makarekober si Mike sa kaniyang hang-over.







“Whatever.” naiiritang sabi ni Alvin sabay punta sa coffee maker at nagsalin ng kaniyang iinumin.


“Hey, where's Eric?” tanong ni Alvin sabay inom ng kape. Agad na natigilan si Ardi sa paglantak ng kaniyang agahan si Ted naman ay nagtaas ng tingin habang si Mike ay abala parin sa pag-hilot ng kaniyang ulo.


“What do you mean where's Eric? Isn't he in his room---with you?” tanong ni Ardi, natigilan naman si Alvin, wala na siyang maalalang iba pagkatapos ng paghaharutan nila nung nakaraang gabi. Hindi niya maalala kung may napagusapan pa ba silang iba o kung magkatabi ba silang natulog.


“Nope, he's not there when I woke up this morning.” balik ni Alvin.


“I'm sure he's fine---”


“Hey guys! Are you guys ready to clean this place?” tanong ni Eric pagkapasok ng front door na ikinagulat ng apat.



Simula nang umalis si Eric sa condo nung nakaraang gabi ay hindi manlang niya ipinikit kahit ilang minuto ang kaniyang mga mata para matulog. Pinagisipan niyang mabuti ang nangyari sa pagitan nila ni Alvin, kung anong paliwanag ang kaniyang gagawin kung sakaling magtanong ito tungkol sa nangyaring halikan nung nakaraang gabi sa kwarto niya.



Natigilan saglit si Eric nang tumama ang kaniyang tingin kay Alvin na umiinom ng kape.



“I can do this.” alo ni Eric sa sarili.


“Can we just clean the place after lunch?” tanong ni Mike habang sapo sapo prin ang ulo.


“You can lay for a while, I'm going to help Eric.” sabi ni Ardi na binigyan naman ng isang nagpapasalamat na ngiti ni Eric.


“I'll help.” sabat ni Alvin.


“Well, good luck guys.” balik ni Ted bilang sabi na hindi siya tutulong.



0000ooo0000



Habang nililigpit ni Eric ang mga bote ng beer sa sala ay hindi niya napansin ang lumalapit na si Alvin. Halos mabitawan niya ang tatlong bote ng beer nang magsalita si Alvin sa likod niya.



“Where have you been this morning?” tanong ni Alvin sabay humagikgik nang makitang halos mapatalon sa gulat si Eric.


“Uhmmm just went out for a drive.” kinakabahang sagot ni Eric, agad na napansin ni Alvin na parang may mali dahil ngayon niya lang nakitang ganun ka kabado si Eric, agad niyang naisip na baka nagalit ito dahil sa paghaharutan nila nung nakaraang gabi.


“Look, Eric, I would just like to apologize for what happened last night---” sabi ni Alvin na ikinatigil ni Eric sa paglilinis at biglang ikinabilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib kasabay nun ay ang pagliit ng daluyan ng kaniyang hangin kaya't nahirapan siyang huminga at lahat ng dugo mula sa kaniyang mukha ay tila ba nagpuntahan sa ibang lugar.


“I was drunk, alam kong hindi reason yun para harutin kita ng ganun. Kung nasaktan ka kagabi I swear I didn't mean it, kung medyo napalakas ang pagkiliti ko sayo or something---” hindi pa man natatapos ni Alvin ang kaniyang sasabihin ay tila ba nabunutan na ng tinik si Eric o nadismaya, hindi niya alam. Siguro ay pinaghalong tuwa at pagkadismaya ang nararamdaman niya ngayon.


“Hindi niya natatandaan.” alo ni Eric sa sarili pero kahit papano ay nasaktan din siya. Kahit papano kasi ay umasa din siya na sinsero ang halik na iyon ni Alvin sa kaniya, yun pala dulot lang iyon ng alak.


“Hey, no harm done.” balik ni Eric sabay ngiti pero hindi kumbinsido si Alvin sa sinabing iyon ni Eric, pati sa ngiting pinakawalan nito ay hindi kumbinsido si Alvin.


“Are you sure? I swear I didn't mean to hurt you, Eric.” nagaalangang sabi ni Alvin.


“Yup. Hey I'm almost done here, can you take care of the rest while I go and clean the balcony?” iwas ni Eric, lalong hindi napalagay si Alvin, hindi normal ang kinikilos ni Eric, pakiramdam niya ay may nangyaring hindi maganda kagabi at may tinatago si Eric sa kaniya pero tumango na lang siya bilang sagot sa tanong nito, ayaw pagkatiwalaan ang sarili na magsalita sa takot na may masabi pa siyang hindi maganda.


“You hurt me in a different way. Alvin.” sabi ni Eric sa sarili habang naglalakad papunta sa balcony ng unit nila, habang binubuksan niya ang pinto palabas dun ay hindi niya mapigilan ang mapaluha. Siguro kasi sa kasuluksulukan ng puso niya ay hinihiling niya na may naalala si Alvin tungkol sa halik at umasa siya na sabihin sa kaniya ni Alvin na pareho sila ng nararamdaman.



0000ooo0000



Hindi parin mapakali si Alvin, panay ang tingin niya sa lu-lugo-lugong si Eric na naglilinis sa may balkonahe, may kung anong bumabagabag sa kaniya sa mga kinikilos ni Eric. Nang mai-ayos na niy ang buong sala ay siya namang labas ni Mike na masuyong nakangiti sa kaniya.



“Hey, the place is looking good. Di ko alam na magaling ka rin pala maglinis.” sabi ni Mike sabay hagikgik, napangiti na lang si Alvin at pabirong sinuntok si Eric.



Nitong nakalipas na buwan, simula ng dumating si Mike sa opisina ay hindi niya napigilang mapalapit dito, tulad nila ni Eric ay nagkakasundo rin sila sa maraming bagay. Nung una ay na-intriga lang si Alvin tungkol sa kung anong naging papel ni Mike sa buhay ni Eric, kung ito ba ang nanakit kay Eric noon o kung magkaibigan lang ba sila, nito lang nalaman ni Alvin na hindi si Mike ang nanakit noon kay Eric, Oo, nag-date sila pero hindi si Mike ang tinutukoy ni Eric na nanakit sa kaniya. Simula noong magkalinawan na sila ay tila ba lalo silang napalapit, mabuti ring kaibigan si Mike.



Pero hindi lang pala pagkakaibigan ang hanap ni Mike. Dahil sa kakaibang bait ni Alvin ay hindi naiwasan ni Mike na mahulog ang loob niya dito, inaya niya itong mag-date na pinaunlakan naman ni Alvin. Si Alvin, bilang iniisip na wala nang mangyayari pa sa kanila ni Eric kundi bilang matalik na magkaibigan katulad nang ipinahiwatig nito sa kaniya nung asa bahay sila nila Henry at pinaguusapan ang pagiimbento ni Eric sa isang mystery guy ay nagpasyang subukang makipag-date kay Mike. Pero ramdam ni Mike wala sa pagde-date ang puso ni Alvin, na hindi man alam ni Alvin ay may iba nang nagmamay-ari ng sarili nitong puso, kaya't wala nang nagawa pa si Mike kundi ang makuntento na lang sa pakikipagkaibigan kay Alvin.



Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi siya pwedeng makipag-flirt dito.



“Since you're almost done here, how about we go on a date later, I'm thinking of watching this movie---” simula ni Mike saktong pumasok naman si Eric mula sa balcony at si Ted naman ay umupo sa noo'y kapapagpag lang na kutyon ng sofa ni Ardi. Natigilan si Ardi pagpagpag ng mga throw pillow sa tanong na iyon ni Mike at agad siyang tumingin sa gawi ni Eric.



Kitang kita ni Ardi kung pano lamunin ng sakit na nararamdaman si Eric, kung pano bumakas sa mukha nito ang sakit, kung pano nangintab ang mga mata nito dahil sa pangingilid ng luha at kung pano biglang lumalim ang paghinga nito. Hindi niya mapigilang maawa sa kaibigan, hindi niya ma-imagine kung ano marahil ang nararamdaman nito, gusto niya itong abutin ng mahigpit sanang yakapin.


“I didn't know you guys were dating.” singit ni Ted na gumising sa pagtitig at pagka-awa kay Eric ni Ardi. Napatingin na rin kay Eric si Ted at tinanong ito.


“Did you know they're dating?” umiling na lang si Eric sa tanong na ito. Tama ang kaniyang hinala na may namamagitan na nga kay Alvin at kay Mike at ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Alvin ay dulot lamang ng pagkalasing nito. Inasahan na ni Eric ito, binigyan na niya ang sarili ng ideya na walang nararamdaman sa kaniya si Alvin pero hindi ibig sabihin nun ay hindi siya masasaktan sa oras na mapatunayan niya ito.



Pakiramdam ni Eric ay sinapak siya ng ilang beses ni Alvin kahit pa alam niyang walang alam ito sa kaniyang tunay na nararamdaman, kahit pa alam niyang hindi nito kasalanan kung tanging pagkakaibigan lang ang tingin nito sa kaniya pero kahit man nagkaganun ay ibayong sakit parin ang nararamdaman ni Eric.



“We---” simula ni Alvin para pabulaanan ang sinasabi ni Mike at para linawin ang mga sinabi nito pero agad na sumingit si Eric.


“Oh hey, look at the time! I have to meet dad and Shelly at the mansion.” nagmamadaling sabi ni Eric dahil pakiramdam niya ay tutulo na ang nangingilid niyang mga luha. Agad na nagtaka ang tatlo sa kinikilos ni Eric, lalong lalo na si Mike.


“Oh shit!” tanong ni Mike sa kaniyang sarili nang maisip kung ano ang marahil na gumugulo sa kaibigan. Kailangan niya itong makausap upang malaman kung tama ba ang kaniyang iniisip.


“Eric---” tawag ni Mike pero huli na dahil nakalabas na ito ng pinto.



0000ooo0000



“Hey Dad!” bati ni Eric, sinubukan niyang takpan ang tunay na nararamdaman, akala niya ay nagtagumpay siya dahil masuyo siyang binati ng kaniyang ama pero nang dumating ang kaniyang madrasta ay agad siyang nabasa nito sa kabila ng kaniyang ipinapakitang maskara.


“Honey, what's wrong?” nagaalalang tanong ni Shelly na ikinagulat ni Henry, muli niyang tinignan ang anak at nun niya napansin ang mga nangingilid nitong luha.



0000ooo0000



“Son, you can't always run from your problems.” payo ni Henry sa anak matapos ikuwento ni Eric ang mga nangyari at ang planong layuan na si Alvin.


“B-but I can't take it anymore. It's like being with Pat. I don't want to go through that again, I don't want to hurt Mike like I hurt Jake before, I don't want to hurt Alvin like what I did with Pat, I- I just want---”


“You are not going to hurt other people, Eric.” alo ulit ni Henry.


“Believe me, dad, it's only a matter of time---” simula ni Eric. Sinabi ito ni Eric dahil agad niyang naalala ang sinabi sa sarili noon na hindi na siya mamamagitan kila Pat at Jake pero hindi niya rin napigilan ang sarili. At yun ang ikinatatakot niya ngayon, baka hindi niya ulit mapigilan ang sarili at katulad ng ginawa niya kay Pat at Jake ay masaktan niya rin ang mga ito. Gustong lumayo ni Eric kila Alvin dahil hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili, hindi siya makasisiguro na mapipigilan niya ang sarili na pumagitna kay Alvin at Mike katulad ng ginawa niya kay Pat at Jake noon kaya't bago pa man iyon mangyari ay iiwas na siya.



“OK, I'll see what I can do, but I still think that this is all a mistake, a misunderstanding.” saad ni Henry sabay punta sa kaniyang opisina sa loob ng mansyon para gumawa ng isang tawag.



0000ooo0000



“Hey Ardi, want to have lunch with us?” tanong ni Alvin nang makatapat sa lamesa ni Ardi saka sumulyap sa lamesa ni Eric na napansin niyang walang laman, napabuntong hininga na lang si Alvin.



Dalawang araw pagkatapos ng party ay halos di na niya nakikita si Eric, hindi parin sila nagkakausap nito ng maayos, malakas parin ang pakiramdam niyang may nagawa siyang masama nung gabi ng party pero kahit anong halughog ang gawin niya sa kaniyang utak ay wala talaga siyang maalala.



“Where's Eric?” tanong ni Alvin sabay harap kay Ardi, nagulat siya ng makitang may pagkairita siya nitong tinignan, marahil rumehistro sa mukha ni Alvin ang gulat kaya't agad na nagbuntong hininga si Ardi at inalis ang pagkairita sa boses ng sumagot kay Alvin.


“He said he's going to Jacobson in Ortigas.” malungkot na sagot ni Ardi.


“What? Why?” gulat na tanong ni Alvin. Alam ni Ardi na malilintikan siya kay Eric dahil nangako siyang hindi niya sasabihin kay Alvin ang binabalak niyang paglipat.


“He's going there for a job interview.” sagot ni Ardi, hindi nakaligtas sa kaniya ang sabay sabay na pagrehistro ng gulat, pagkalungkot at galit sa mukha ni Alvin.


“Kaaalis niya lang?” medyo may pagkamatigas na tanong ni Alvin, agad na kinabahan si Ardi, napaisip tuloy siya kung tama ba o mali ang kaniyang ginawang pange-ngeelam.


“Ardi?!” singhal ni Alvin.


“Kaaalis lang, mga five minutes ago.”


“Magdadala ba raw siya ng sasakyan?!” umiling bilang sagot si Ardi sa tanong na ito ni Alvin.


“Hindi---” hindi pa man natatapos ni Ardi ang sasabihin ay patakbo ng umalis si Alvin.


“Oh shit.” bulong ni Ardi sa sarili.


“Why is he running?” tanong ng kararating lang na si Mike, agad na sumimangot si Ardi hindi mapigilang ilabas ang pagkainis kay Mike.


“He's going after Eric.” singhal ni Ardi.


“Why?”


“What's with the questions? Are you going after Alvin and ruin everything for Eric again?” singhal ni Ardi na ikinagulat ni Mike.


“What the hell is your problem?!” balik ni Mike.


“You! You are my problem! What kind of friend are you?! Di mo ba napansin kung pano tignan ni Eric si Alvin? Kung pano siya magsalita kapag nandiyan si Alvin, ha? Kahit sino sa opisinang 'to ang tanungin mo, they will give you the obvious answer! Mike, Eric is in-love with Alvin! Ikaw lang ang tanging bulag dito na hindi nakita iyon!”


“I-I didn't know!” balik ni Mike. Matapos umalis ni Eric nung umaga pagkatapos ng party ay naisip na rin ni Mike na baka may gusto si Eric kay Alvin pero hindi niya inaasahan na ganun na pala kalalim ang nararamdaman ni Eric para kay Alvin. Gusto niyang kausapin ang kaibigan pero magdadalawang araw na niya itong hindi nakikita.


“Yeah, I guess you didn't, because you were busy drooling over Alvin.” ilang beses na bumukas at sumara ang bibig ni Mike para sumagot sa sinabing ito ni Ardi.


“And that stunt you did the morning after the party---?” umiiling na sabi ni Ardi, tinutukoy ang insidente kung saan naisipan ni Mike na landiin si Alvin.


“---That stunt shows how blind you really were. You should've seen Eric's face that morning.” umiiling na sabi ni Ardi, nangingilid narin ang mga luha, hindi mapigilang maawa kay Eric. Matapos Agad na tumayo si Ardi at lumakad papuntang C.R., palayo kay Mike.



Napako sa kinatatayuan si Mike. Hindi narin mapigilang mangilid ang luha at sisihin ang sarili sa mga nangyayari. Oo, nasaktan siya noon ni Eric dahil pakiramdam niya ay ginamit siya nito, pero pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila Pat at Jake ay hindi niya alam kung paano pa makakayanan ng kaibigan ang sakit at hindi niya pinangarap na dagdagan pa ang sakit na iyon. Sinimulan niyang sisihin ang sarili sa mga nangyayari at pinagduldulan sa sarili kung pano siya kasama bilang kaibigan.



0000ooo0000



Nagmamadaling umakyat ng stasyong ng MRT si Alvin, tinatalasan ang paningin sa mga nakapalibot na tao, umaasa na makikita si Eric na naglalakad kasabay ng mga iyon. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bkit pero tila ba may nagsasabi sa kaniya na kailangan niyang habulin ngayon si Eric at huwag ng iisang tabi ang pakikipagusap dito kung hindi ay tuluyan na itong mawawala sa kaniya.



Hawak ang ticket at ang walang tigil na pagkabog ng kaniyang dibdib ay nakita niya si Eric na panay ang tingin sa kaniyang relo at dumungaw sa platform ng stasyon na miya mo pinagmamadali ang tren.



“Eric!” tawag ni Alvin.


Agad na nanlambot si Eric pagkarinig ng boses na iyon ni Alvin, dumulas ang kaniyang sapatos sa platform ng stasyon na iyon. Nakita ni Alvin na nadulas si Eric at pahiga itong nahuhulog papunta sa riles ng tren. Tinakbo ni Alvin ang ilang hakbang na naghihiwalay sa kanila ni Eric.



Umaasa na masasalo niya ito bago pa ito tuluyang mahulos sa riles ng tren.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment