By: (ash) erwanreid
Source:
bgoldtm.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/BGOLDTM
[06]
"Ang
hirap din pala." Tipid ang ngiti ni Emman nang mamutawi ang mga salitang
ito sa kanya. Naglalakad siya patungong paaralan, umaga iyon. Hindi kasi maalis
sa isipan niya si Randy. "Akala ko, masabi ko lang kay Randy na mahal ko
siya, masaya na ako. Hindi pala." Napa-tigil siya sa paglalakad nang
natanaw na niya ang gate ng paaralan nila. "Akala ko walang katapusan ang
kasiyahan ko, nang malaman kong mahal din ako ni Randy." Muli siyang
napa-ngiti ng tipid, sa katotohanang may nararamdaman siyang kung anong
simpleng kirot sa kanyang puso. "Masaya naman ako ah." Pagbibigay
tatag niya sa sarili niya. "Mahirap lang talaga ang sitwasyon namin."
Saka muling may umudyok sa kanyang isipan. "May dahilan naman di ba?
Masyado ka kasing nagmamadali, Emman." Napa-singhap siya ng hangin saka
inilabas din niya ito ng maigi. "Ang hirap kasing makita sina Randy at
Selena na magkasama. Parang hindi ko makita ko sarili ko kay Randy."
"Nye-nye-nye!"
"Ay
butiki!" Agad ang lingon ni Emman nang magulat. Alam niyang si Rico ang
sumulpot bigla sa kanyang likuran. "Ikaw na naman." nang malingunan
niya.
"Hanggang
ngayon si Randy pa rin ang iniisip mo?" natatawang si Rico.
Mas
kumunot-noo si Emman. "Ano na naman ang pakialam mo?" pagtataray
niya.
"Naku!
Huwag kang ganyan. Napapaghalataan kang bading." saka ang tawa ni Rico.
Umingos
si Emman. "Tse." tinalikuran niya si Rico saka ipinagpatuloy ang
paglalakad.
"Hoy!"
habol ni Rico. "Baka nakakalimutan mong magkaibigan na tayo kaya dapat
lang na may pakialam na ako sayo."
Napatigil
si Emman. Tumitig. Para bang may binabasa sa mukha ni Rico. "Hindi pa
rin."
"Hindi
pa rin?" si Rico naman ang napa-kunot noo. "Anong ibig sabihin
mo."
Hindi
agad sumagot si Emman. Muli siyang naglakad. Saka niya inilabas ang ngiti sa
mga labi niya. Dahil sa katotohanan, natuwa siya nang sabihin ni Rico na may
pakialam na ito sa kanya dahil magkaibigan na sila. Ewan ba niya pero parang
may kung anong saya sa kanya na pilit niyang itinatago kay Rico. Alam niyang
nakasunod sa kanyang likuran si Rico. "Sigurado ka na kaibigan mo na
ako?" Tanong niya nang hindi lumilingon.
Hindi
agad sumagot si Rico. "Oo."
Muli
ang ngiti ni Emman. "Siguro, hindi naman masama na mag-share ako kay Rico
ng nararamdaman ko kay Randy. Tutal may alam naman siya sa nararamdaman ko sa bestfriend
ko. Malamang makakagaan sa akin kapag may nababahagian ako ng nararamdaman ko.
Tama!"
"Tama?"
Muli
siyang humarap kay Rico. Ngunit sa puntong ito, hindi na niya tinatago ang mga
ngiti sa kanyang mga labi. "Tama, magkaibigan na nga talaga tayo."
Napa-kunot
noo si Rico sa hitsura ni Emman. "Huwag ka nga pa-cute, napaghahalataan
kang bading."
Imbes
na mapikon si Emman, natawa siya sa sinabi ni Rico. "Ganun ba?"
"Pero
Ok lang. Wag ka lang pahalata baka pati ako mapag-isipan."
Natawa
si Emman. "Ikaw? Mapag-iispan? Parang imposible yata yun. Siga-siga ka
kaya."
Napa-ngiti
si Rico. Sasagot sana siya nang biglang mag-ring ang bell ng paaralan. Hudyat
para sa flag ceremony. Walang sabi-sabi agad silang napatakbo papasok sa
paaralan.
-----
Napansin
ni Emman ang nangingiting si Randy oras ng klase sa Geometry, ang huling
subject bago magtanghalian. Napakunot noo siya sa pagtataka kung ano ang
dahilan ng kinangingiti nito.
"Bakit?"
bulong niya kay Randy. Lumingon sa kanya si Randy at nagtaas ng noo. Hindi nito
naintindihan ang tanong niya. "Bakit nga?"
Napilitan
magsalita si Randy. "Anong bakit? Bakit mo ako tinatanong?"
"Kasi
nangingiti ka." sagot ni Emman. "Anong-" Hindi na naituloy ni
Emman ang sasabihin nang bahagyang natawa si Randy.
"Naisip
ko lang si Selena."
"Ha?"
Gulat ni Emman. Hindi niya inaasahan ang ang sagot ni Randy "S-si Selena?
Siya ang dahilan kung bakit na nangingiti dyan?"
"Oo.
Oo nga." labas ang mga ngipin at namimikit na mga mata ang pagkakangiti ni
Randy.
Napa-tingin
si Emman kay Rico. Para bang naghahanap siya ng kakampi dahil sa biglang selos
na naramdaman. Napansin niyang nanlalaki ang mga mata nito na para bang pareho
silang nararamdaman sa puntong iyon. Muli siyang tumingin kay Randy na
nangingilid ang mga luha sa mga mata. "B-bakit anong meron?"
Nakangiti
pa rin si Randy pero nakatuon na ang atensyon nito sa harapan. "Kami na
kasi."
"K-kayo
na?" parang sumabog ang utak ni Emman sa narinig mula kay Randy. Hindi
niya napigilan ang pagbagsak ng mga luha na kanina lang ay nangingilid. Hindi
pansin ni Randy ang luhang iyon.
"Ma'am."
tawag ni Rico sa harapan kasabay ng pagtaas ng kamay. Hinila niya kaagad si
Emman sa braso patayo. Nagtinginan ang mga kaklase nila at ang kanilang guro sa
kanila.
"Bakit?"
tanong ng kanilang guro sa Geomety.
"Masakit
po ang ulo ni Emman. Lalabas muna po kami." Saka hinila si Emman papalapit
sa pinto kahit wala pang pagsangayon ang
kanilang guro.
"Sige."
pagsangayon ng guro nang makita si Emman na lumuluha.
Dahil
sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ni Emman sa kanyang dibdib, na
alam niyang ang dahilan ay nang malaman niya mula sa kaibigan ang estado ng
relasyon nito mula kay Selena, ay nagpatinaod na rin siya sa paghila sa kanya
ni Rico. Alam niyang tama ang ginawa niyang pagsunod kay Rico sa puntong iyon.
-----
"Bakit
mo ako sinama?" Naiiyak na sabi ni Emman kay Rico habang naglalakad sila
papuntang grandstand.
"Ayusin
mo nga yang hitsura mo? Baka may makapansin sayo,mapag-isipan ka pang..."
"Bakit
ba?" Hinanap ni Emman ang panyo sa kanyang bulsa. "Totoo naman na
bading ako ah?" Saka niya pinunasan ang mukha.
Napa-buntong
hininga si Rico. "Doon tayo." Nang makita nito ang isang bakanteng
bench sa ilalim ng puno paharap sa grandstand. "O sige dito mo ibuhos yang
iniiyak mo."
Nauna
pang umupo si Emman. "Bakit kasi ganun?"
"Ano
yun?" Maang-maangan ni Rico. "Bakit, anong meron?"
"Si
Randy, sila na kasi ni Selena." diretsong at komportableng sagot niya kay
Rico. Hindi niya iyon napapansin. "Akala ko kasi ako lang ang mahal ni
Randy."
"Bakit
kayo na ba?" Saka umupo si Rico. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil
sa nakikita niyang nararanasan ni Emman gaya ng sa plano niya o maawa sa
nararamdaman niyang konsensya. "K-kayo ba?"
"Oo."
pasigaw na sagot ni Emman. Napansin niyang natahimik si Rico. Saka niya na-isip
ang pagiging open sa kausap. Napa-tingin siya sa katabi.
"Ok
lang. Di ba magkaibigan na tayo kaya Ok lang na sabihin mo sa akin kung ano ang
nararamdaman mo ngayon. Share ka lang baka matulungan kita sa problema
mo." si Rico nang mabasa niya sa mga mata ni Emman ang ibig sabihin nito.
Si
Emman naman ang napabuntong hininga habang tinatanaw ang dulo ng grandstand.
"Anong
iniisip mo?" tanong ni Rico.
"La."
tipid na sagot ni Emman.
"Wala?
Imposible."
"Wala
nga."
"May
iniisip ka Emman. Baka mabaliw ka nyan?"
Napa-kunot
noo si Emman paharap kay Rico. "Mababaliw? Natutulala lang ako."
"Hindi
ako naniniwala."
Muling
napabuntong hininga si Emman. "Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Hindi ko
alam kung ano ang totoo."
"P-paanong?"
"Kung
mahal ba talaga ako ni Randy. Kasi bakit kailangan pa niyang sabihin sa akin
kanina na sila na ni Selena na dapat alam niyang masasaktan ako." Hindi
makapagsalita si Rico. "Parang gusto kong kausapin si Randy ng personal,
ayoko na ng sulat-sulat."
"Ah..."
hindi naman alam ni Rico kung ano ang sasabihin. "S-siguro, huwag mo na
siyang kausapin ng personal."
"Bakit?"
tanong agad ni Emman.
Napalunok
si Rico sa tanong na iyon. Naiipit siya at kailangan agad niya ng paliwanag.
" Huwag ka muna magpadalos-dalos. Hintayin mo muna ang magiging sagot niya
sa sulat mo."
"Isusulat
ko na naman?" umikot ang mga mata ni Emman. "Ano, tatanungin ko ba sa
kanya kung ganoon ang pinarinig niya sa akin kanina?"
"O-oo."
Napa-buntong
hininga si Emman. Sumang-ayon na lang siya kay Rico. Tumingin siya sa kalayuan
at saka nagsalita. "Maraming salamat pala Rico. Gumaan naman ang
pakiramdam ko eh. Pwede na siguro tayong bumalik. Baka may sumunod sa klinik
tapos hindi tayo doon matagpuan, baka kung ano ang isipin."
"T-tama
ka. Saka wala yun, magkaibigan tayo di ba?"
Ngumiti
ng tipid si Emman kay Rico. "Oo naman."
"Tara
na."
-----
"Nge."
gulat ni Emman nang makasalubong ang mga kaklase sa bago pa sila ni Rico
makaakyat sa hagdan. "Labasan na?"
"Hindi.
Hindi pa. Lilipat lang kami ng kwarto." pagbibiro ni Patricia na kung
tawagin ay Pat na komedyante at ang malakas mangbara sa klase.
"Saan?"
tanong ni Rico.
Nagtawanan
ang ilan. "Naniwala." si Pat. "Siyempre labasan na. Ayaw nyo kumain?"
muli ang tawanan.
"Gusto
mo makatikim ng suntok?" naiiritang isip ni Rico. "Halika, Emman
kumain na tayo." Agad niyang hinila si Emman.
"Sandali."
si Pat. Pero hindi tumigil sina Rico at Emman sa paglayo. "Ok ka na ba
Emman?" sigaw niya. Hindi niya narinig ang sagot ni Emman.
-----
"Anong
baon mo?" tanong ni Rico nang maka-upo sa harap ng lamesa. Kinukuha niya
ang baon sa loob ng bag.
"Gulay,
kanin." Nagmamasid na sagot ni Emman. Hindi pa niya hinahanda ang baon.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako nagbaon ng tinapa."
Imbes
na sanggahin ang sinabi ni Emman, iniba ni Rico ang usapan. "Sabi ko
hahatian kita ng baon ko." Saka binuksan ni Rico ang baon.
"Ay
wag na. Ok na ako sa ulam ko."
"Patingin
nga? Ayaw mo ba nito. Menudo, marami 'to. Si Tita nagluto nito. Si Madam
principal."
"Nakakahiya.
Salamat na lang. Masarap naman itong ulam ko eh."
"Patingin
nga kasi. Ilabas mo na yan."
Inilabas
ni Emman ang baon. Nangamoy ang toyong may kalamansing sawsawan.
"Ito."
"Ano
yan?" kunot-noong tanong ni Rico.
"Ito?"
tinuturo ni Emman ang gulay. "Okra yan."
"Eee.
Yan yung malaway di ba?"
"Hindi
ka nakain nito?"
"Hindi
ako nakain ng gulay." Kinikilabutang sagot ni Rico.
"Grabe
ka naman. Hindi nga? Eh ano yan, patatas, karot saka..." sinisipat ni
Emman ang sangkap na gulay sa menudo ni Rico. "Gulay naman yan ah?"
"Yan
lang. Pero yang ganyan sayo, hindi ako nakain yan."
"Masarap
kaya 'to." pagmamalaki ni Emman. "Tapos isasawsaw dito sa toyo na may
kalamansi."
"Ayoko
talaga nyan. Oh, hahatian kita ng ulam ko."
"Ayoko
nga." tanggi ni Emman. "Salamat na lang at masaya na ako dito."
"Isa?"
"Sige,
hihingi ako nyan pero kakain ka ng okra?" natawa si Emman sa biglang
naisip. "Game."
"Sige,
pero hindi ko kakainin." natawa rin si Rico.
"'Wag
na."
"Kasi
sigurado akong masusuka ako kapag kinain ko yan eh. Hitsura pa lang madulas
na." muling tumaas ang balikat ni Rico dahil sa kaligkig.
"Wala
rin akong ganang kainin yan minudong ginawa ng tita mong principal hehe."
Kahit
alam ni Rico na biro lang ni Emman ang sinabi nito, nakaramdam siya ng
pagkapahiya. "Sige, hihingi ako ng okra mo."
"Hala."
natawang muli si Emman. "Seryoso ka? Kakainin mo?"
"Oo.
Pero huwag tayo dito."
-----
"Sabi
sayo. Hindi ko talaga gusto yan eh." Nagkanduwal-duwal si Rico sa damuhan
nang sinubukan niyang kagatin ang isang okra. "Kadiri talaga. Kaya nga
gusto ko dito sa grandstand kumain eh. Siguradong masusuka ako."
"Aha,
para walang makahalata."
"Oo."
Saka
ang malakas na tawa ni Emman. "Hmmm... Ok lang yan, naiintindihan kita.
Hindi ka kasi sanay kumain ng gulay."
"Ang
pangit kasi ng lasa." Pinupusan na ni Rico ang labi niya.
"Ganyan
talaga, kasi nga hindi ka sanay. Pero kapag paulit-ulit mo nang kinakain
masasanay ka rin sa lasa. Saka bakit mo iisipin na pangit ang lasa eh kung mas
mainam nga ang gulay sa katawan kesa naman dyan sa puro karne, karne ka ng
karne dyan." sunod sunod na litanya ni Emman.
"May
potatoes naman." katwiran ni Rico.
"Kinakain
mo ba?"
"Oo.
Saka carrots"
"Kinakain
mo din ba?"
"Oo
naman. Ito oh..." pinakita ni Rico ang ulam na menudo. "Meron pang
raisins, tapos yan, bell pepper yan." pinagmamalaki ni Rico.
"Kinakain
mo?"
"Oo
nga." natatawa si Rico.
"Sige
nga, kainin mo."
"Maanghang
eh." sagot agad ni Rico.
Napa-kunot
noo si Emman. "Ang alin? Yang pula na yan? Bell pepper na yan?"
"Oo."
"E
di yung patatas na lang o kaya yung karots"
"Sigurado
ka?" tanong ni Rico.
Natawa
si Emman. "Anong sigurado ako? Bakit ganyan ang tanong mo, kakasabi mo
lang kumakain ka nyan. Dali na, kainin mo na."
"Hmmm..."
"Ano?"
Muling tawa ni Emman. Na intindihan na niya ang ngiti Rico.
"Nagsisinungaling ka sa akin." Napakamot si Rico sa ulo. "Hindi
nga?"
"Hindi
ka na mabiro." sabay tawa.
"Aha,
hindi ka talaga kumakain ng gulay. Grabe ka naman Rico."
"Kumakain
nga, patatas lang." sabay tawa. Pinakita ni Rico na kumakain siya ng
patatas. Kinutsara niya iyon at saka sinubo at pagmamalaking nginuya ito sa
harapan ni Emman.
"Lunukin
mo." paninigurado ni Emman.
-----
"Salamat
sa ulam ah..."
Natawa
muna si Rico bago sumagot. "Wala yun. Basta kapag may ulam ako, share
tayo."
"Ok."
tipid na sagot ni Emman. Napansin kasi sa di kalayuan si Randy. "Si Randy,
kausap na naman si Selena."
Agad
ang tingin ni Rico sa direksyon kung saan nakatingin si Emman. "Dito muna
tayo." Hinila nita si Emman sa isang espasyo.
"Bulaga!"
sigaw ng mga kaklase nila.
Nagulat
ang dalawa nang malingunan sina Patricia at ang iba pa nilang kaklase na doon
pala nakatambay. Hindi nila napansin kanina nang dumaan sila.
"Dito
pala kayo naka-tambay?" tanong agad ni Emman nang masino ang nanggulat.
"Hindi
hindi. Sobrang hindi. Kanina pa nga kami sutsut ng sutsut. Hindi kayo
namamansin. Ano ba ang pinaguusapan nyo at masyado kayong seryoso?"
Bahagyang
napatalikod si Rico. Si Emman ang sumagot. "Sorry hindi namin
napansin."
"Ok
lang. Pero ang lapit lang namin ah, hindi nyo talaga narinig. Sus, kayo na.
Kayo na mga bingi." sabay tawa ni Patricia. Napapangiti si Rico pero hindi
nagpapahalata. "Kayo na ba?"
Biglang
may kung anong bumara sa lalamunan ni Rico. Hindi niya inaasahan ang tanong ni
Patricia. Agad siyang napalingon sa kaklaseng biniyayaan ng maraming
cholesterol sa katawan.
"Joke
yan, Patricia." natatawang si Emman pero nakaramdam siya ng kaunting kaba.
Nabigla din siya sa tanong ni Patricia.
"Ikaw
Emman, kung gusto mo seryosohin ang tanong, pwede rin. Ano ba?"
"Kung
kami ba, anong mangyayari?" tanong ni Rico.
Natahimik
ang lahat kasabay ng magaang hampas sa balikat ni Emman kay Rico. "Ano
'yun?" Ilang saglit pa ang katahimikan ng grupo ni Patricia at ni Emman
habang titig na titig sa mga mata ni Emman, nagtatanong. Ingay lang ng mga
ibang naglalakad at tawanan ng mga ibang estudyante sa paligid ang maririnig sa
kapaligiran ng lugar na iyon.
"Sagot?"
si Rico kay Patricia.
Nagulat
si Emman sa biglang sigaw ni Patricia. "Siyempre, kailangan ng
blow-out." kasunod ang malakas na tawa.
"Wui."
saway ni Emman. "Ano ba yang pinagsasabi nyo?" nagsimula nang
mang-asar ang mga kaklase. "Tigilan mo nga yang biro ni Rico. Baka kung
ano ang isipin sa atin."
Sasagot
sana si Rico naunahan ito ni Patricia. "Ano naman ang masama."
"Oo
nga." si Rico.
Napa-labi
si Emman habang titig na titig kay Rico. "Balik na tayo sa
classroom." Tinangka niyang tumalikod pero saka niya napansin na hawak na
pala ni Rico ang kamay niya. Alam niyang hindi siya makakaalis sa pagkakahawak
sa kanya ni Rico. "Bakit."
"Dito
lang muna tayo."
Sigawan
ang mga kaklase. Si Patricia ang bumanat. "Hindi naman kayo nagpapakilig
nyan noh?"
"Si
Emman kasi, hindi marunong sumakay sa biro. Laging seryoso." sabay tawa ni
Rico.
Suminghap
ng hangin si Emman. "Hindi lang kasi ako sanay." Ngumiti siya ng
tipid.
"O
sige na nga. Balik na tayo sa room." yaya ni Rico. Hinila niya si Emman na
agad naman sumunod sa kanya. Sigawan pa rin ang mga kaklase na dahilan para
makuha nila ang mga atensyon ng kapaligiran.
"Parang
sila noh?" hirit agad ng isang kaklase nang makalayo sina Emman at Rico.
"Yuck!"
si Patricia. "No way! Lalaki sa lalaki?"
"Bakit?"
"Maka-bakit
ka pa. Mandiri ka nga." sagot ni Patricia habang nakataas ang kilay at
nakapamaywang.
"Nandidiri
ka sa relasyong lalaki sa lalaki pero kanina pinapakita mong gustong gusto mo
silang dalawa."
"Ano
ka ba, siyempre joke lang yun noh."
-----
"Para
kang sira kanina."
"Bakit?"
napatigil si Rico sa sinabi na iyon ni Emman. "Saan?"
"Na
sumakay ka dun sa biro."
Natawa
si Rico. "Biro nga lang eh. Hindi totoo."
"Kahit
na. Alam mo naman na..." natigilan si Emman.
"Sorry."
hingi agad ng pasensya ni Rico.
"Ok."
"Ok
ka lang?"
"Oo
ok lang ako. May kailangan pala akong gawin. Hindi ko natapos yung assignment
natin sa Science nawalan ng ilaw yung gasera kasi kagabi."
"Tutulungan
na kita."
Napa-ngiti
si Emman. "Ok."
-----
"Mamaya
kapag uwian na, lilibre kita." si Randy kay Emman habang gumagawa sila ng
assignment ni Rico.
"B-bakit
mo naman ako ililibre."
"Mmm
siyempre ikaw ang bestfriend ko kaya treat kita dahil kami na ni Selena."
Napa-lunok
si Emman. Napansin iyon ni Rico. "Emman, paano nga ito. Saan ito ginagamit?
Hindi ko alam kung paano ito nagfa-function eh."
Agad
tumingin si Emman sa tinutukoy ni Rico. Nagsimulang ipaliwanag ni Emman kay
Rico ang gusto nitong malaman.
"Ah,
Randy. Baka pwede mamaya sabay na ako sa inyo ni Emman kapag ililibre mo na
siya. Hwag kang mag-alala, hindi ako magpapalibre, gusto ko lang sumama para
makapagmeryenda mamayang uwian."
"Oo
ba." sagot agad ni Randy. "Ano, Emman?" kinalabit pa niya si
Emman sa tagiliran.
"Oh,
Oo sige lang. Mamaya." sagot niya kay Randy saka muling tinuon ang sarili
sa assignments. "Rico, makinig ka nga sa akin."
"Ay,
Opo Sir." natatawang sagot ni Rico. "Yun, naitawid ko na naman ang
mga kunyari." tuwa ng kanyang isipan.
-----
"Mayaman
ba yan si Randy?" tanong ni Rico kay Emman nang iwan sila ni Randy.
"Kasi pati ako nilibre kahit hindi naman ako nagpapalibre."
"Mmm
oo, kasi tatay nyan Brgy. Chairman."
"Ah..."
Inakbayan ni Rico si Emman. "Alam mo 'tol. Kung ako sayo, kalimutan mo na
lang yan si Randy."
"Ha?"
"Oo,
mahirap yung ganyan. Kunyarian." nilagyan ni Rico ng tawa. "Ikaw lang
ang nasasaktan, yun ang nakikita ko." Tinignan ni Rico kung anong reaksyon
mayroon si Emman. Napansin niyang tahimik lang ito at alam niyang pinagiisapan
nito ang mga sinasabi niya. "Mmm hayaan mo na lang siguro sila ni Selena.
Mukhang masaya naman sila."
"Eh
paano yung relasyon namin?" tanong ni Emman.
"Wala
naman kasi nangyayari."
"Kasi
nga sabi niya lihim lang muna namin."
"Kahit
na."
"Kahit
na?"
"Oo,
Emman. Huwag mo na isipin na may relasyon kayo. Kapag iisipin na meron kayong
relasyon tapos nakikita mo sila na laging magkasama lagi ka lang
masasaktan."
"Hmmm..."
"Pero
ikaw. Ah... gusto kong malaman kung saan ang bahay mo, pwede bang ihatid
kita?"
-----
"Pasensiya
na ha? Mahirap lang talaga kasi kami." nakangiwing sabi ni Emman kay Rico
nang makarating sila sa bahay niya.
"Papasok ka pa ba?"
"Hindi
ba pwede?"
"Huwag
na siguro, nakakahiya eh."
Natawa
si Rico. Sa totoo lang, hindi niya inaasahan na sa ganoon niya makikita ang
bahay ni Emman. Pero wala siyang ibang ibig sabihin. Masaya siyang malaman kung
saan nakita ang kaklase. "Ok lang ano ka ba?"
"Wala
ka kasing mapapala sa loob ng bahay namin eh."
"Bakit
may hinihingi ba ako? Saka kumain na tayo di ba? Busog ako, hwag kang
mag-alala. Sige na samahan mo ako sa loob ng bahay mo."
Napa-buntong
hininga si Emman. "Sige na nga."
-----
"Ayoko
na. Hindi ko na uulitin. Last na 'to. Ang sama ko. Hindi ko naiisip kung
nasasaktan ko ang mga kaibigan ko basta maging masaya lang ako sa ginagawa
ko." Kusang umagos ang luha sa mga mata ni Rico nang gawing iyon. Muli
niyang ginagamit ang kanyang type writer para sa isang sulat na ibibigay niya
kay Emman.
[07]
"Ito
na ang huling sulat na ginawa ko. Pagkatapos nito, wala na. Hindi ko na
lolokohin si Emman." May namumuong luha sa mga mata ni Rico habang iniipit
niya ang sulat sa bag ni Emman.
Umaga
iyon ng ika-3 ng Oktubre. Nasa grand stand ang lahat ng kaklase ni Rico, habang
siya ay saglit na nagpaiwan. "Hindi naman siguro malalaman ni Emman na ako
ang gumawa lahat ng sulat kung magka-bukingan."
Huminga
si Rico ng malalim matapos niyang mailagay ang sulat sa loob ng bag ni Emman at
saka tinungo ang pintuan para lumabas. "Basta, ang sisiguraduhin ko,
babawi ako. Papasayahin ko siya."
-----
"Ang
tagal mo ah?" Salubong ni Emman kay Rico.
"Tagal
mo mukha mo." sabay tawa ni Rico.
Napa-ngiti
ng maluwang si Emman. "Anong nakain mo at parang hindi ko mabasa kung Ok
ka o badtrip ka? Ano, baka may gusto kang sabihin sa akin?"
"Gustong
sabihin? Wala. At wala pa akong kinakain kaya sana maka-kain na tayo."
"Kain
na naman? Kaya ka lumalaki ng ganyan eh. Magbawas ka naman ng timbang."
binuntutan ni Emman ng malakas ng tawa.
"Magsipila
kayo ng maayos." sigaw ng kanilang P.E. instructor. "Emmanuel, anong
tinatawa-tawa mo dyan. Umayos ng pila."
"Opo,
Sir!" Bahagyang pasigaw na sagot ni Emman. "Ikaw kasi eh." tukoy
niya kay Rico.
Natawa
si Rico. "Ako pa talaga ha?" Sumunod siya sa likuran ni Emman nang
umayos ito sa pagkakapila. "Ako naman talaga eh."
Naka-ngiting
napa-lingon si Emman kay Rico. "Oo, ikaw talaga ang may kasalanan ng
lahat. Kung hindi mo kinakausap hindi sana ako tatawa." Sabay bungisngis.
"E
di ako na nga." Hinintay ni Rico na tumalikod si Emman saka sinabing,
"Ako na lang ang magpapasaya sayo."
"Ha?"
Nakatalikod na unas ni Emman. "Pakiulit nga yung sinabi mo?"
"Wala."
"Isa."
"Wala
nga."
"Dalawa,
naglilihim ka na ah."
"Ang
bingi mo kasi. Wala yun. Sabi ko, wag ka na muna magsalita baka mapansin ka na
naman ni Sir Dumawa."
"Wala
daw tas nagpaliwanag... Ewan ko sayo Rico."
"Galit?"
tanong ni Rico.
"Inis
lang."
Natawa
si Rico, kaya kinalabit niya ang tagiliran ni Emman.
"Ay
kambing." sigaw ni Emman sa gulat.
"Emmanuel!..."
sigaw sa kanya ng instructor.
"Ang
init ngayon ng ulo ni Sir." Takbo ng isip ni Emman. "Wala po
Sir." Saka niya lihim na inapakan ang paa ni Rico.
Muntikan
naman mapasigaw si Rico pero napigilan niya iyon.
-----
"Masaya
ka ngayon ah." salubong ni Rico kay Emman. Nauna kasi si Rico sa canteen.
Inaasahan kasi niyang mababasa na ni Emman ang sulat na inipit niya sa bag
nito. Nakakapagtakang masaya pa rin ang mukha ng kaklase.
"Oo,
nakatanggap na naman ako ng sulat kay Randy."
Napalunok
si Rico. "O-oh, kamusta?"
"Hindi
ko pa binabasa. Sa bahay ko na lang babasahin. Kain na tayo."
"Ah.."
napa nganga na lang si Rico. "K-kain na tayo."
"Adobong
manok ang ulam ko." Paalala agad ni Emman kahit hindi pa niya nailalabas
ang baon. "Pakpak." sabay ngiti.
"Beef
steak sa akin." naka-ngiti rin na sagot ni Rico.
"Kaya
nga huwag mo na ako bigyan ng ulam mo ha? Baka kasi ipagpilitan mo na naman
eh."
"Huh?
Hindi." si Rico. "Hindi ako papayag, usapan natin yun ah, na share
tayo sa ulam ko di ba."
"Masarap
na ulam ko."
"Hmmm...
marami kasi ang dinala ko, hindi ko 'to mauubos. Ganito na lang, kunyari may
celebration Emman."
Natawa
si Emman. "Ano naman ang ise-celebrate natin?"
"Mmm
siguro yung natanggap mong sulat. Iselebreyt natin yun." nilakasan ni Rico
ang tawa.
"Ang
babaw. Pero sige. Ok lang."
"Yown.
Kain."
-----
"Randy
akala ko ba, may practice ka ngayon?" tanong ni Emman sa bestfriend niya.
"Hindi
muna Emman, may pupuntahan muna ako ngayon. Nakapagpaalam na ako."
"Sayang
manonood pa naman ako."
Natawa
si Randy. "Ikaw talaga. Sobra talaga ang pagiging supportive mo sa
akin." Tinapik-tapik ni Randy ang balikat ng bestfriend. "Kaya kita
mahal eh, bestfriend." Ayaw ipahalata ni Emman ang kilig. "Gusto ko
kasing bisitahin si Selena. Hindi kasi pumasok dahil may sakit daw."
"O-oh."
Hindi alam ni Emman kung paano magre-react. "S-so, siya yung dahilan kung
bakit.-"
"Oo
Emman, dadalawin ko muna si Selena."
"O
s-sige. 'Kaw ang bahala." pigil ang paghinga ng malalim ni Emman. Kagat
labi.
"Sige
Emman, mauuna na ako."
"Ok.
I-ingat ka."
Tipid
na ngiti ang pinakawalan ni Randy bago tumalikod at umalis.
Napansin
ni Rico ang kuyom na mga palad ni Emman. Kanina pa niya minamatyagaan sina
Emman at Randy habang nag-uusap. Agad siyang lumapit at hinawakan ang braso ni
Emman hanggang sa dumapo iyon sa kamay nito. "Be happy." Pinapakalma
niya si Emman.
"Be
happy ka dyan."
"Yang
ganyang mukha alam ko na yan, kaya wag mong ipagkaila sa akin."
Simpleng
hampas ang iginawad ni Emman sa may siko ni Rico. "Ok lang ako."
"Hindi
ka pa uuwi?" tanong ni Rico.
"Pauwi
na rin. Akala ko lang makakapanood ako ng practice ni Randy."
"Ako
na lang ang panoorin mo maglaro."
Napa-ismid
si Emman kay Rico. "Ikaw papanoorin ko maglaro? Kailan ka pa
naglaro?"
"Basta
panoorin mo ako maglaro."
"Alin
ba? Ng basketball? Hindi ka naman naglalaro nun ah?"
"Naglalaro
din naman ako. Hindi lang halata." hinila na niya si Emman.
"Ano
ba laro mo?"
"Magpapraktis
lang ako."
"Ng
ano nga.?" umiinit lalo ang ulo ni Emman.
"Basta."
"Anong
basta? May surprise-surprise pa talaga?"
Natawa
si Rico. "Hindi naman."
"Eh
ano nga?" Bumitaw si Emman sa pagkakawak sa kanya ni Rico. "Kung
hindi mo agad sasabihin uuwi na ako. Wala akong gana."
"O
siya, maglalaro ako ng piko. Sali ka?"
-----
"Ang
corny mo." sagot ni Emman matapos ang katahimikan.
Ang
lakas naman ng tawa ni Rico sa reaksyon ni Emman ng magbiro siyang maglalaro
siya ng piko. "At least ngumiti ka na."
"Ang
corny mo talaga." hindi na naiwasan ni Emman na ngumiti ng tuluyan.
"Bakit ang corny mo talaga?"
"Ewan
ko din. Ang alam ko lang sa ka-kornihan ko eh may napapa-ngiti ako."
"Wow,
at sino naman yun?"
"Yung
kaibigan kong lagi daw broken hearted."
"Sabi
niya?"
"Kahit
hindi naman niya sabihin, halata naman sa mga mata niya."
"Weh?"
"Oo."
"Di
nga?"
"Sigurado
ako."
Nagbaba
ng tingin si Emman. Kahit ganoon ang usapan alam niyang siya ang tinutukoy ni
Rico. "Salamat."
"Wala
yun."
-----
Hindi
mabilang ni Emman ang tawa habang pinapanood ang kaibigang si Rico na
kasalukuyang naglalaro ng basketball sa court ng kanilang paaralan. Marunong si
Rico maglaro pero mapapansing hindi siya ganun kagaling sa loob ng court.
Marami ang times na naagawan siya ng bola at palpak na paghagis ng bola sa
kakampi at pag-shoot ng bola sa ring.
Ang
nakakatawa doon ang nakakatuwang reaksyong ng mukha ni Rico kapag may
nangyayaring kapalpakan. Alam ni Emman
na sinasadya ni Rico ang gawi na yun upang magpatawa na kinakagat naman ng mga
manonood. Hanggang sa hindi na lang niya namalayang naging seryoso na ang laro.
Doon talaga napansin ni Emman na may angking galing talaga si Rico sa paglalaro
ng basketball dahil sa maingat na nitong nahahawakan ang bola maihatid lang sa
ring. Maraming beses pa iyong nangyari bago tuluyang natapos ang laro. Nakagawa
si Rico ng pitong puntos sa huling minuto na nakapagtala para sa panalo ng
grupo nito.
Agad
ang tayo ni Emman sabay ang palakpak sa pagiging proud niya sa kaibigan. Hindi
niya naiwasang sumigaw. "Kaibigan ko yan! Kaibigan ko yan!... Wooo!"
Naka-ngiting
napakamot si Rico sa ulo papalapit sa kinatatayuan ni Emman. "Oo naman
kaibigan mo ako." sabay tawa. "Kailangan pa ba talagang ipagsigawan
ha, Emman na kaibigan kita."
Natawa
si Emman sa sinabi ni Rico. "Eh totoo naman na magkaibigan tayo. Saka,
sino ang hindi magiging proud na magkaroon ng kaibigan na marunong palang
magpatawa eh, magaling din pala sa basketball. Ang dami ko pa talagang hindi
alam sayo."
"Ganun?
Ano ba yan, papuri? Kung ganun eh. Maraming salamat."
"Wala
yun. Ah... mmm ako nga dapat ang magpasalamat kasi, ang bilis mong nabago ang
mood ko. Ang galing. Nakakagaan ng pakiramdam yung mga nakita ko kanina."
Napa-tapik siya sa balikat ni Rico.
Natawa
si Rico. "Parang gusto mo pang umiyak Emman ah. Natuwa ka lang sa pinanood
mong poging naglalaro ng basketball, para ka ng nakakita ng anghel."
"Hitsura
mo anghel." sabay tawa ni Emman. "Natatawa ako kasi hindi ko naisip
na yang taba mong yan eh nakakapaglaro ng basketball."
"Mataba
ba talaga ako?"
"Chubby."
"Pero
alam mo kanina, hinihingal talaga ako." sabay tawa ni Rico.
"Pansin
ko nga eh. Wala pa nga isang minuto nung nag umpisa, pawisan agad. Wooo."
"Nilalait
mo na ako."
"Hindi."
Sabay akbay ni Emman sa balikat ni Rico. "Ano ka ba. Concern pa nga ako
eh. Kasi baka mabawasan ang taba mo." sabay tawa.
"Aw,
ang lakas mo mang-lait ngayon ah." si Rico na natatawa.
"Hindi.
Concern nga ako. Ahaha. Halika na, magpalit ka na ng damit mo. Nangangamoy ka
na."
-----
"Maraming
salamat talaga Rico kanina ah. Sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko. Hindi na
ako naglilihim sayo. Alam mo naman kung bakit ako nagkakaganito."
"Basta,
kung magkaroon ka ng problema o kaya bigla ka malungkot, hanapin mo agad ako
ah. Bukas uli. Siguraduhin mong lalapitan mo ako ha."
"Oo
naman, parang sinabi mong may mangyayari bukas ah." naka-ngiti si Emman na
bahagyang tumalikod na kay Rico para harapin ang sarili niyang daan pauwi.
"Bukas uli."
"Oo,
mag-ingat ka."
"Ikaw
din Rico."
"Kwentuhan
mo ako sa sulat ni Randy ah. Ako muna agad ang hanapin mo."
Natawa
si Emman. "Sige."
"Sigurado?"
"Oo.
Sige na. Bukas na uli."
"Ingat
ka Emman."
"Ok.
Ikaw din uli. Ahaha paulit-ulit ka."
Napakamot
si Rico. "Nakalimutan ko lang."
"Ok."
------
Emman,
Bes,
maraming salamat sa lahat. Mananatili kang bestfriend ko. Hindi na magbabago
yun. Pero gusto ko sanang malaman mo na hindi na tayo tulad ng inaasahan natin.
Dahil natutunan ko ng mahalin si Selena.
Mahal
kita bilang bestfriend ko. Pero si Selena ang mahal ko ng totoo, dito sa puso
ko. Sana maintindihan mo bes. At yung lihim natin ay panatilihin na lang nating
lihim.
Umaasa
akong pakikinggan mo ako at iintindihin bes.
Randy.
No comments:
Post a Comment